Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY

Autonomous Status – CHED


GRADUATE SCHOOL
Roxas Avenue, Roxas City, 5800, Capiz, Philippines
Tel No. (036) 6212-317 ; Fax No. (036) 6213 – 0725
Website: http://www.filamer.edu.ph

GRADUATE SCHOOL

Taga-ulat:
Shara Delfin
Mary Chiel Atong
Chin Chin Grace Villasis Ipinasa kay: Maribel Buenavides
Propesora

Katuturan ng Tula
Ayon kani:
Julian Cruz Balmaceda
Fernando Monleon
Alejandro G. Abadilla
Inigo Ed Regalado
Ongoc at Pineda

Tula
Ang TULA ay isang anyo ng panitikan na naglalaman ng damdamin ng tao. Ito ay
sumisimbolo sa nadarama ng isang tao. Ito ay nangangailang ng masusing pagpili
ng mga salita. Mula sa puso ang mga salita na ginagamit dito. Ang mga pantig ng
salita ay dapat may bilang at tugma upang mas maipahayag ng maayos at may
damdamin ang mensahe na nais ipahatid ng manunulat. Ito rin ay binuburo ng
taludtod at saknong.

Katuturan ng TulaAyon kay Julian Cruz Balmaceda, “Ang tula ay isang


kaisipang naglalarawan ng kagandahan, ngkariktan, ng kadakilaan, - ang tatlong
bagay na magkakatipon-tipon sa isang kaisipan upangmag-angkin ng karapatang
matawag na tula.”
Halimbawa:
Ang Magsasaka
Tula ni Julian Cruz Balmaceda
Sa maghapong singkad ikaw’y nasa-linang
Sulong mo’y ararong batak ng kalabaw.
Di mo pinapansin ang lamig at ginaw,
Ang basal ng lupa’y mabungkal mo lamang.
https://www.kapitbisig.com/philippines/poems-written-at-different-times-by-
various-authors-ang-magsasaka-tula-ni-julian-cruz-balmaceda_1106.html

Para naman kay Fernando Monleon, “Ang tula ay panggagagad, tulad ng


panggagagad ng isangpintor, ng isang manlililok, at ng isang artista sa tanghalan.”
Idinagdag din niyang “ang saklawng tula ay higit na malawak kaysa sa alinman sa
mga ibang gagad na mga tinig, kahitpagsasamahin pa ang mga iyon.
Halimbawa:
ANG TULA
by: Fernando Monleon
Salitang sanlipong sa hati at sukat
Ay bilang ang pantig,
Nang italatag na at isa-taludtod Nag-ibayong-dikit;
Lalo nang sa dulo ng-mga halayhay Nagtugma ang sambit,
Nagsilbing indayog na mula sa ubod
Ay mabuting pintig.
(https://www.scribd.com/doc/293138368/Ang-Tula-docx)

Ipinahayag naman ni Alejandro G. Abadilla na "ang tula ay kamalayang


nagpapasigasig.
Ito ay ang anyo ng tula na ipinakilala ni Alejandro G.Abadilla. Ayon sa kanya,
maaaring makalikha ng tula na walang sukat at walang tugma.
Ngunit dapat manatili ang karikatan, ito ay angpaggamit ng matatalinhagang
pahayag na ipinakilalaniya sa kanyang tulang “ Ako ang Daigdig”.
Halimbawa:
BAGONG TAON
ni: Alejandro G. Abadilla
Bagong sigla,
Bagong sigla ng pag-asang
Kung sa daho’y lantang dahon at tuyo na.
Bagong Taon,
Sa pagdatal mong mukha ay masaya,
Sumariwa itong pita
Pagkaraka!
https://dakilapinoy.com/2008/12/29/bagong-taon-ni-alejandro-g-abadilla/

Sinabi naman ni Iñigo Ed Regalado: “Ang tula ay isang kagandahan, dula, katas,
larawan, atkabuuan ng tanang kariktang nakikita sa silong ng alin mang langit.
Halimbawa:
DAMDAMIN
ni: Iñigo Ed Regalado
Simoy na mabangong kung saan nanggaling
nalik sa noo ko't nagos sa damdamin
ang kalikasan ko ay nabago mandin
at umaliwalas ang lahat sa akin.
https://books.google.com.ph/books?
id=h140HHrIIPIC&printsec=frontcover&hl=tl&source=gbs_atb&redir_esc=y#v=o
nepage&q&f=false

Ayon kina Ongoco at Pineda, ang tula ay madaling maipaliwanag bunga ng


kawalan ngkaalaman sa pagsulat at pagbasa at kailangan munang matutunan ng
mga tao upang magingmalinaw at maipabatid sa iba ang isang akdang tuluyan.
Ang mga akdang patula naman aymadaling maisaulo na maaring maipaulit sa iba
hanggang sa mga susunod pang salinlahi.Ang tula ay pagpapahayag ng
magagandang kaisipan at pananalita sa pamamagitan ng mgataludtod. Ang
kalipunan ng mga taludtod ay tinatawag na taludturan o saknong.

Sanggunian: http://arkongbatopanitikantula.blogspot.com/2017/02/ang-tula.html
https://www.coursehero.com/file/48034239/Katuturan-ng-Tuladocx/

You might also like