Baldicantos MaiklingSanaysay

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Baldicantos, Jelaika C FIL102 A8-1

2021-1236 November 06, 2023

“Tayo ang Tagapagligtas ng Kalikasan”

Napakahalaga ng pahayag ni Robert Swan, "The greatest threat to our planet is the
belief that someone else will save it." Sa kasalukuyang panahon, marami sa atin ang naniniwala
na ang iba ang dapat magsagawa ng hakbang upang iligtas ang ating mundo mula sa
kinakaharap na mga suliranin lalong-lalo na ang mga epekto ng pang-aabuso sa kalikasan.
Subalit, ito ay isang mapanlinlang na paniniwala. Tila ba't isa itong malalim na pagnanasa na
ilipat ang responsibilidad sa iba. Ang ideya na ito ang nagdudulot ng malupit na epekto sa
kalikasan. Nagiging dahilan ito ng kawalan ng aksyon mula sa bawat isa sa atin. Ito ay isang
malupit na pag-aalinlangan, isang pagnanais na magkaroon ng "kabawasan" sa ating mga
obligasyon.

Sa halip na maghintay at umasa sa mga sektor ng gobyerno na magsasalba sa ating


kalikasan, tayo ay dapat na kumilos sa ating sariling paraan. Ang maliit na hakbang na
ginagawa ng bawat isa ay may malalim na bisa sa pangmatagalang kalusugan ng ating mundo.
Maaari nating simulan sa pamamagitan ng wastong pagsasagawa ng pagtapon ng mga basura,
at pagsuporta sa mga proyektong pangkalikasan katulad ng “tree planting”. Hindi natin dapat
asahan na ang iba lamang ang magsasagawa nito. Bawat isa sa atin ay may papel na
ginagampanan sa pagpapahalaga sa kalikasan.

Ang paniniwala na tayo ang pangunahing tagapagligtas ng ating mundo ay nagbibigay


sa atin ng kapangyarihan at responsibilidad. Hindi natin maaaring isantabi ang mga suliraning
pangkalikasan at umasa na lamang sa iba. Kailangan nating maging proaktibo at magsikap na
maging bahagi ng pagbabago. Sa ganitong paraan, maaari nating mapanatili ang kagandahan
at kalusugan ng ating mundo. Hindi natin dapat asahan na iba lamang ang gumawa at kumilos,
dapat tayo mismo ang kailangang maging mga tagapagligtas ng kalikasan.

You might also like