Professional Documents
Culture Documents
LP in AP (Kalamidad)
LP in AP (Kalamidad)
Unang Markahan
Petsa: Hulyo 26, 2017
Narra 8:20-9:00
I. Layunin
Natutukoy ang iba’t – ibang uri ng Kalamidad na
nararanasan sa sariling Lalawigan at Rehiyon
Nakagagawa ng mga hakbang ng pagtugon bilang paghahanda sa mga posibleng sakuna sa sariling
Lalawigan at Rehiyon
Pagpapahalagang Isasanib:
III. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik – Aral
Anu – ano ang mga katangiang pisikal ng mga lungsod sa NCR?
B. Panlinang na Gawain
1. Pagganyak
a. Hayaang Hulaan ng mga bata ang idea mula
sa apat na larawan (4 Pic – 1 Word).
2. Pagbubuo ng Tanong
Anu – ano ang iba’t - ibang uri ng kalamidad
Banghay Aralin sa Araling Pamlipunan 3
Unang Markahan
na iyong nararanasan sa inyong lalawigan?
3. Paglalahad
Paano tayo magiging ligtas mula sa iba’t – ibang
Kalamidad na ating nararanasan?
4. Pagtatalakay
Kalamidad
Isang masamang pangyayari na hindi inaasahan.
Ito ay galing sa ating kapaligiran.
Ang “Hazard Map” ay isang uri ng mapa kung saan nagpapakita ng mga lugar na maaaring maapektuhan
at mapinsala ng mga kalamidad tulad. Ginagamit ito upang matukoy ang mga lugar na maaring manganib
sa iba’t-ibang uri ng kalamidad.
Malaki ang epekto ng kalamidad sa ating kaligtasan, kalusugan, hanap – buhay at pangaraw –araw na
pamumuhay kaya dapat tayo ay laging handa sa anumang oras.
5. Pangkatang Gawain
a. Hatiin ang klase sa apat o limang pangkat
b. Ipaalala ang pamantayan sa paggawa
c. Ipagawa sa bawat pangkat :
Pangkat 1 – 5
Magtala ng mga paraan upang maging ligtas sa iba’t – ibang uri ng kalamidad.
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalapat
Bakit kailangan nating maging alerto / handa sa mga
kalamidad na maaari nating maranasan?
2. Paglalahat
Ipaulit sa mga mag-aaral ang nasa loob ng kahon.
Kalamidad
Isang masamang pangyayari na hindi inaasahan.
Banghay Aralin sa Araling Pamlipunan 3
Unang Markahan
3. Pagpapahalaga
Noong nakaraang linggo, tayo ay nakaranas ng masamang lagay ng panahon. Sa mga balitang
ipinalabas sa telebisyon, may mga batang naliligo sa tubig baha at ang ilan naman ay ayaw lumikas
sa kanilang mga tahanan kahit alam nila ang pinsalang maidudulot ng pagbaha. Kung ikaw ang tatanungin,
gagawin mo ba ang mga bagay na ito? Bakit
IV. Pagtataya
Tama o Mali
_____ 1. Magkalap ng ilang mahahalagang impormasyon patungkol sa iba’t – ibang uri ng kalamidad na
iyong maaaring maranasan.
_____ 2. Huwag sumusod sa mga taong kinauukulan kung kayo ay sakaling pinalilikas sa oras ng mga
kalamidad sa inyong lugar.
_____ 3. Ang Kalamidad ay dumadating sa oras na ating inaasahan.
_____ 4. Kinakailangang hindi maging handa sa oras ng kalamidad
_____ 5. Ang mga balita sa radyo, telebisyon, tsismis at pahayagan ay nakakatulong sa atin upang
maging handa tayo sa anumang kalamidad na ating pwedeng maranasan
V. Kasunduan
Gumawa ng isang scrapbook patungkol sa iba’t – ibang uri ng kalamidad. At itala ang ilang mga
hakbangin upang mapanatiling ligtas sa mga sakunang ito.
Banghay Aralin sa Araling Pamlipunan 3
Unang Markahan
Remarks: