Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Republic of the Philippines

Department of Education
Region IX, Zamboanga Peninsula
Division of Zamboanga del Sur
District of Ramon Magsaysay

San Fernando Elementary School

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 6

Learning Competencies: Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto. (F6SS-IIb-10)

I. LAYUNIN: Pagkatapos ng aralin ang mga bata ay inaasahang:


a. Nakapagtatala ng datos mula sa binasang teksto

II. PAKSANG ARALIN: Pagtala ng Datos Mula sa Binasang Teksto


Sanggunian: MELCS (F6-SS-1lb-10)
Kagamitan: Power point, manila strips , chart

III. PAMAMARAAN: EXPLICIT METHOD

A. Paghahanda
1. Panalangin: Arceli Cataraja
2. Pag-awit: “ Ako si Takure”
3. Balik-Aral

Panuto: Hanapin sa sa ilalim ng inyong upuan ang bunga na nakasulat sa strip at itambal ito sa tamang sanhi na
nasa hanay A.
Hanay A Hanay B
1. Nahuli sa klase si Irish A. kaya siya ang nagbabantay sa kanyang kapatid .
2. Nagpunta ang pamilya Santos sa Batangas B. kaya ang lahat ng mamamayan
3. Umalis ang nanay ni Andrea ay nagsusuot ng face mask.
4. Umuulan nang malakas C. kung kaya bumaha sa kalsada.
5. May Covid 19 sa Pilipinas D. kaya masayang-masaya si Lola Bella.
E. kaya pinagsabihan siya ng kanyang guro
4. Pagganyak
(magpakita ng pie graph, pictograph, line graph at bar graph na mga datos) – (Across Curriculum)
Itanong: Ano ang tawag sa mga larawan na inyong nakikita? – mga graph
Ano ang mga laman nito? - datos
B. Paglalahad sa Layunin
Ngayon ating pag-aralan kung paano magtatala ng datos mula sa binasang teksto.

C. Pagtalakay
Pag-aralang mabuti ang graph na nasa ibaba at sagutin ang mga tanong tungkol dito.
Mga Tanong:
1. Tungkol saan ang graph?
2. Anong bansa na nasa graph ang pinakamaraming gumaling sa Covid 19?
3. Anong bansa naman ang may pinakamaraming aktibong kaso ng Covid 19?
4. Anong bansa ang may pinakamaraming namatay dahil sa Covid 19?
5. Ano ang tawag sa mga impormasyon iyong nakuha mula sa graph?
6. Paano ba natin maiwasan ang hawaan ng Covid 19? – (responsive to the special education needs of
learners in difficult circumstances: * Chronic Illness)

Datos ay anumang uri ng kaalaman tungkol sa kahit anong bagay.


- ang koleksyon ng mga elemento o mga kaalaman na ginagamit sa mga eksperimento, pagsusuri, pag-aaral ng
isang bagay. Ito ay mahalagang parte ng anumang pagsusuri, dahil dito nakasalalay ang tiyak na resulta.
Mga hakbang sa pagtala ng mga datos mula sa binasang teksto.
1. Basahing mabuti ang teksto at unawain ito.
2. Sagutin ang mga tanong tungkol dito.
3. Balikang muli ang mga tanong at iyong mga sagot upang masiguro na naibigay mo ang datos na
hinihingi.

D. Modeling (I Do)

Panuto: Basahing mabuti ang balita sa ibaba at itala ang mga datos na iyong nakuha rito sa pamamagitan ng
pagsagot sa mga sumusunod na tanong.
COVID-19 cases sa Pilipinas nasa 1,418 na
Marso 29, 2020 05:20 PM

Umabot na sa 1,418 ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019
(COVID-19), sabi ngayong Linggo ng Department of Health (DOH).

Sa isang press briefing, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na 343 ang bilang ng
mga bagong kasong naitala ng ahensiya.
Umabot na sa 71 ang binawian ng buhay dahil sa sakit matapos makapagtala ng 3 bagong pagkamatay
habang 7 ang nadagdag sa mga gumaling para sa kabuuan na 42, ayon kay Vergeire.
Nagpatupad ang gobyerno ng lockdown sa buong Luzon, kung saan hinihikayat ang publiko na
manatili sa loob ng kanilang mga bahay, para maiwasan ang hawahan ng sakit.
Sa buong mundo, umabot na sa 665,616 ang nahawahan ng COVID19 habang 30,857 na ang namatay
dahil dito, ayon sa tracker ng Johns Hopkins University.

Sanggunian: https://news.abs-cbn.com/news/03/29/20/covid-19-casessa-pilipinas-nasa-1418-na

1. Ilan ang kabuuang bilang ng mga pasyenteng nagpositibo sa coronavirus disease 2019 ayon sa Department of
Health (DOH)?
2. Ilan ang bagong kaso ng Covid 19 na naitala ng ahensiya ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario
Vergeire sa isang press briefing?
3. Ilan ang binawian ng buhay dahil sa sakit?
4. Saan ipinatupad ng gobyerno ang lockdown?
5. Ilan ang nahawahan at namatay sa buong mundo dahil sa Covid 19 ayon sa tracker ng Johns Hopkins
University?

E. Guided Practice (We Do)

Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Magtala ng apat (4) na mahalagang datos/impormasyon na makikita
rito.

Sa bayan ng San Dionesio, marami ang naospital dahil sa pagkain ng tahong at talaba. Sila’y biglang hinimatay
at ang iba’y natuluyang namatay matapos kumain ng sariwang tahong at talaba. Iisa lamang ang sinasabi ng
nakaalam na ito’y epekto ng red tide; dahil sila’y nagsusuka at nanginginig ang katawan. Ito ay dulot ng
maruruming tubig dahil sa maling pagtapon ng basura sa dalampasigan.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________

F. Independent Practice (They Do)

Panuto: Basahin nang mabuti ang teksto. Magtala ng limang (5) mahalagang datos/impormasyon na
makikita rito.
Ang Pagtatag ng Katipunan

Gabi noong ika-7 ng Hulyo, 1892, itinatag ni Andres Bonifacio ang KKK. Isinagawa ito sa isang bahay sa
Tondo. Katulong niya ang kanyang dalawang kaibigang sina Teodoro Plata at Ladislao Diwa. Ang katipunan ay
isang lihim na samahan ng mga Pilipinong Makabayan. Ang KKK ay nangahulugang Kataas-taasan, Kagalang-
galangang Katipunan ng mga Anak ng Bayan. Maari ring tawaging Katipunan lamang. Ang layunin nito ay
mapag-isa ang damdaming Pilipino at magkaroon ng Kalayaan sa pamamagitan ng paghihimagsik.

1. __________________________________________________________
2. __________________________________________________________
3. __________________________________________________________
4. __________________________________________________________
5. _______________________________________________________

G. Application (Pangkatang Gawain)

Batayan sa
Kapasyahan 5 3 1
(Criteria)

Pakikipagtulunga Lahat ng miyembro sa 1 - 2 miyembro sa 3 o mahigit pang


n (Cooperation) pangkat ay lumahok sa pangkat ay hindi miyembro sa pangkat ay
gawain. lumahok sa gawain. hindi lumahok sa gawain.
Kawastuhan Lahat ng sagot ay wasto. May isang sagot na May dalawa o higit pang
(Correctness) hindi wasto. sagot na hindi wasto.
Pagiging Maagap Unang nakatapos sa Pangalawang nakatapos Pangatlong nakatapos sa
(Timeliness) gawain. sa gawain. gawain.

Pakikipagtulu-ngan Kawastuhan Pagiging Kabuuhan


Maagap
Group 1
Group 2

Group 1
Kayamanan ng Pilipinas

Ang Pilipinas ay isa sa mga bansa sa buong mundo na may pinakamalaking populasyon. Ito ay
itinuturing na isang kayamanan, ang yamang tao (human resources). Noong 1570, tinatayang kalahating milyon
ang populasyon ng bansa na noo’y nasa ilalim ng pananakop ng mga Kastila. Noon namang 1591, naitala ang
populasyon sa 667,612 batay sa bilang ng mga nagsisipagbayad ng buwis sa mga encomienda. Tinatayang
1,502,574 ang naging populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng madla.
Noong 1896, ibinatay ang muling pagtataya sa populasyon sa ginawang census ng mga Kastila buhat
noong taong 1877. Sa kabuoan, ang populasyong nakuha ay mahigit anim na milyon na may taunang paglaki sa
bilis na kalahating bahagdan mula noong census ng 1887.
Bumilis ang paglaki ng populasyon dahil sa naranasang pagbuti ng kalusugan ng nakararami. Napigilan
ang pagkalat ng mga epidemya ng kolera, bulutong at salot nang itatag ang Kawanihan ng Kalusugan at
Paglilingkod Kuwarentenas. Ang mga mamamayan ay natuto ng wastong pangangalaga sa kalusugan at
kalinisan. Sa pag-alis ng mga Amerikano noong 1948, tinatayang 19,234,182 ang dami ng mga Pilipino.
Lumaki ang populasyon ng Pilipinas habang lumilipas ang panahon. Mula noong 1970, ang populasyon nating
36.7 milyon ay umabot sa 48.39 milyon noong 1980. Ang antas ng pamumuhay noon ay tumaas din.

Mula sa: https://lrmds.deped.gov.ph/detail/6807

Panuto: Itala ang datos na hinihingi sa talahanayan mula sa binasang teksto.


1. Ano ang itinuring na kayaman ng Pilipinas?
2. Mga naitalang populasyon sa mga sumusunod na taon
 1570 :____
 1591 :____
 1948 :____
 1970 :____
 1980 :____
Group 2
Basahin ang teksto at itala ang datos o impormasyong hinihingi.
Masaya si Liza nang makita niya ang naging pagbabago ng kaniyang marka sa matematika noong
nakaraang anim na buwan mula Hulyo hanggang Disyembre ang marka niya sa Hulyo 85, Agosto 87,
Setyembre 90, Oktubre 90, Nobyembre 92 at Disyembre 95.

A. Asignaturang binanggit sa talata


____________________________________

B. Batang tinutukoy
____________________________________

C. Buwang 90 ang marka si Liza


____________________________________

D. Buwang siya may pinakamababa na marka


_____________________________________

E. Buwang siya ay may pinakamataas na marka


_____________________________________

H. Paglalahat
Ano ang mga hakbang sa pagtala ng mga datos?
I. Pagtataya
Panuto: Basahin ang teksto at itala ang mga datos ng makikita rito ayon sa kahilingan.
Benepisyo ng Luya

Luya, isang halamang may halong dilaw at berde na kulay ngunit mas kilala sa ugat nito o ginger root
sa Ingles ay karaniwang ginagamit bilang sangkap sa pagluluto. Kilala ito sa kakaibang binibigay na lasa at
pantanggal ng lansa sa pagkain.
Subok din ang luya sa usaping pangkalusugan. Ito’y hinihiwa ng pinongpino upang gawing tsaa o
salabat. Ayon sa United States Department of Agriculture National Nutrient Database, mayaman sa
carbohydrates, fiber, at protein ang luya. Maliban dito taglay rin nito ang potassium, magnesium, phosphorus, at
sodium. Kasama pa ang bitamina C, B5 at folate. Marami rin itong anti-inflammatory at antioxidants.
Nakatutulong ang luya sa paggamot ng sakit tulad ng ubo, sipon, at makating lalamunan. Sa panahon
ngayon ng pandemya na dala ng COVID-19 ito’y sinusubok ng karamihan. Sa kadahilanang inaatake ng virus
ang respiratory system kabilang ang ilong, lalamunan, at hanggang baga na may sintoma ng ubo, sipon at
makating lalamunan.
Bagama’t maraming nagsasabing ito ay nakatutulong sa paggamot o paglaban sa naturang virus, hindi
pa ito napapatunayan scientifically.
Sariling akda: Susan J. Quistadio

Tanong:
1. Ano ang gamit sa luya sa pagluto?
2. Itala ang sampung taglay ng luya ayon sa kanilang natuklasan.
a. __________________________________________
b. __________________________________________
c. __________________________________________
d. __________________________________________
e. __________________________________________
f. __________________________________________
g. __________________________________________
h. __________________________________________
i. __________________________________________
j. __________________________________________
J. Takdang Aralin
Gamit ang internet, magsaliksik nang mga datos na confirmed active cases sa Pilipinas mula sa buwan
ng Setyembre hanggang Disyembre taong 2021, ilagay sa start gamit ang MS Word at i-print ito – (ICT
integration)

(Pamagat)
_________________________________________________

Buwan Active cases Deaths Recoveries Total

Setyembre

Oktubre

Nobyembre

Disyembre

You might also like