Banghay Aralin (Salitang Tugma)

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

De La Salle Andres Soriano Memorial College

Don Andres Soriano, Toledo City, Cebu, Philippines 6038


Telephone #: (032) 316 0099 | info@dlsasmc.edu.ph

BANGHAY ARALIN SA
PAGTUTURO SA
ELEMENTARYA
(SALITANG TUGMA)

IPINASA NILA NI:

Abanes, Nicole Angela C.

Plarisan, Hanileth

IPINASA KAY:

Gng. Lorcyn Ruiz

I. BAHAGI
Kasanayang Pagkatuto

II. LAYUNIN

Pagtapos ng aralin, inaasahang ang mga mag-aaral ay:

1. nagtutukoy ang wastong paggamit ng mga salitang magka tugma ngunit makaiba
ang kahulugan
2. napipili ang mga salitang tugma
3. naipapakita ang pagpapahalaga sa mga salitang tugma sa isang tula

Kahalagahang Moral: Atttentiveness (Communion in Mission)

LGP #: 4

III. NILALAMAN

Paksa: Salitang Tugma

Sanggunian: https://youtu.be/3h6a8o-sCu4?si=_bfMXJhs543TQazH

Kagamitan: Powerpoint Presentation

IV. MGA GAWAIN

A. PANIMULANG GAWAIN

Gawain ng Guro Gawain ng Mag-aaral

1. Panalangin

Magsitayo ang lahat para sa panalangin.


Maaring magsimula ang itinalagang pinuno (tumayo at nagdasal)
ng panalangin.

2. Pagbati
Magandang umaga sa lahat. Magandang umaga po Bb. Abanes at Bb.
Plarisan.
Ikinagagalak po naming makita kayo sa sa
araw na ito.

3. Pagtatala ng lumiban
May lumiban ba sa araw na ito? Ikinagagalak po naming ipaalam sa inyo na
wala pong lumiban sa aming klase

4. Pagbibigay ng alituntunin sa klase


Bago tayo magsimula ay narito muna ang
mga alituntunin na dapat ninyong sundin at
palatandaan habang tayo ay nasa klase.

1. Makinig ng mabuti sa klase


2. Iwasan ang pakikipag-usap
3. Kung may katanungan, pakitaas ng
kamay.
4. Makilahok sa mga gawain.

B. Pagsasanay

Gawain ng guro Gawain ng mga mag-aaral

Nakikita niyo ba itong dalawang kahon na Opo Bb.


hawak ko?

Okay, mga bata, ang laman ng mga kahong


ito ay mga hugis na may nakasulat na mga
salitang magkatugma. Pero ang mga hugis
sa bawat kahon ay kalahati lang. Hahanapin
niyo ang kalahati sa kabilang kahon upang
mabuo ang mga hugis.
Nauunawaan ba? Opo Bb.

Ngayon, kailangan ko ng sampung bata dito


para bumonot sa dalawang kahon na ito.
Pagkatapos hanapin Ninyo ang inyong mga
kaparehas upang mabuo ang mga hugis.

(tatawag ng sampung bata) (kukuha ng mga kalahating hugis ang mga


mag-aaral at hahanapin ang kanilang
kaparehas)
Ngayon ay maari na ninyong idikit ito sa (magdidikit ang mga mag-aaral sa pisara)
pisara para makita ng inyong kaklase ang
inyong ginawa.

C. BALIK ARAL

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


Bago tayo dadako sa panibagong paksa ay
magbalik – aral muna tayo.
Ano ang tinalakay natin nung nakaraang - Ang tinalakay natin nung nakaraan ay
araw? tungkol sa salitang magkasalungat

- Ang mga salitang magkasalungat ay


Ano nga ba ang salitang magkasalungat? tinatawag na antonyms sa wikang Ingles. Ito
ay ang mga salita na kabaligataran ang
kahulugan.

D. PAGLALAHAD NG LAYUNIN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL


Pagtapos ng aralin, inaasahang ang mga
mag-aaral ay:
1. Nagtutukoy ang wastong paggamit
ng mga salitang magka tugma ngunit
makaiba ang kahulugan
2. Naiguguhit ang mga larawan na
nagpapakita ng mga bagay na magka
tugma ngunit magkaiba ang
kahulugan
3. Naipapakita ang pagpapahalaga sa
mga salitang tugma sa isang tula

E. PAGGANYAK

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG-AARAL


Bago natin talakayin ang ating bagong aralin
ay sagutan ang aming katanungan.

1. Ano-ano ang mga bagay, hayop o maging


lugar na makatugma ngunit magkaiba ang
kahulugan - Aso, baso
- Lata, bata
2. Ano-ano ang mga salitang
magkatugma na makikita sa loob ng
silid paaralan? - Pisara, maestra
- Upoan, pintuan
- Babae, Lalake

F. PANIMULANG PAGTATAYA

bago ang Pagkatapos ng


leksyon leksyon
Panuto: Isulat ang TAMA kapag ang mga
sumusunod ay nagpapakita ng mga salitang tugma at
MALI kapag hindi makatugma.

1. Sakit – init Tama


2. Unan – kumot Mali
3. Alaga – mataba Tama
4. Mahanda – masungit Mali
5. Ganid - Manhid Tama

G. PAGTATALAKAY SA PAKSA

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG - AARAL


Ang ating aralin ngayong araw ay tungkol sa mga
salitang magkatugma o magkatunog

Ano nga ba ang salitang magkatugma?

Sino ang nais sumagot? (tataas ang kamay ng batang nais


sumagot)
(tatawagin ang nagtaas ng kamay)
Ito ay ang mga salitangng
magkapres at magkatunog.
Tama! Ang mga salita ay magkatugma kung
magkakatulad ang huling tunog ng mga ito.
Karaniwang ginagawang batayan sa pagtutugma ang
tunog ng mga huling patinig ng mga salita.

Ang mga salita na may magkaparehong tunog sa dulo


ay tinatawag na mga Salitang Magkatugma.

Tignan natin nag pares ng mga saliting ito. Sabay –


sabya basahin.
1. Kutsilyo – sipilyo Kutsilyo – sipilyo
Ang huling tunog ng mga salitang ito ay nagtatapos sa
patinig na o.
Ano ba ang mga patinig? a, e, i, o, u

Karaniwang ginagawang batayan sa pagtutugma ang


tunog ng mga huling patinig ng mga salita.

Tingnan rin natin ang pares na mga salitang ito. Sabay


– sabay muling basahin.

2. Tangis – langis Tangis – langis

Ang pares naman ng mga salitang ito ay magkatunog


ng mga huling patinig ng mga salita. Ang mga salita ay
magkatugma kung magkapareho o magkasintunog ang
mga huling patinig ng mga ito.

Ngayon ay may inihanda kaming tula tungkol sa lapis.

(pagtula)

LAPIS

Ako’y isang lapis,


dulo ko’y matutulis
Naiguguhit ko,
ang mga bawat maisip.

Nabubura ko rin,
ang bawat sulatin,
Ako’y baligtarin,
ulo ko’y gamitin.

Tungkol saan ang tula? Tungkol po sa lapis

Ano ang itsura ng lapis ayon sa tula? Ito ay Matulis

Ano naman ang mga nagagawa ng lapis? Nakakaguhit at nakakabura

Magaling! Naunawaan niyo nga ang tula.

Ngayon ay tukuyin Ninyo kung anu – ano ang mga


salitang magkatugma sa Tulang inyong napakinggan.

(tatawag ng mag-aaral) Sagot:


1. Lapis – Matutulis
2. rin – sulatin
3. baligtarin – gamitin
Magaling!

H. PAGTATAYA

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG - AARAL


Panuto: Hanapin ang dalawang salita na
may tugmaan at isulat ito sa isang kapat na
papel

Batang Magalang

Ang batang magalang


Kinatutuwaan
Ng mga magulang
At maging sinuman

Ang po at opo
Laging nasa puso
Lalo na’t kausap
ng mga kaanak.

I. PAGBUBUOD

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG - AARAL


Paano nga natin malalaman na ito ay Basahin at unawain po ang salita, sa dulo po
salitang magkatugma? nito ay makikita ang magkapares na letra at
tunog sa huling salita.

Ano ang natutunan Ninyo sa ating aralin sa ( nakadepende ang kanilang mga sagot)
araw na ito?

Magaling!
Ating tandaan na ang mga salita ay
magkakatugma kung magkakatulod ang
huling tunog ng mga ito. Karaniwang
ginagawang batayan sa pagtutugma ang
tunog ng mga huling patinig ng mga salita.

Ang mga salita na may magkaparehong


tunog sad ulo ay tinatawag na mga Salitang
Magkatugma

Ang mga salita ay magkatugma rin kung


magkapareho o magkasintunog ang mga
huling pantig ng mga ito.
J. PAGBABALIK SA PANIMULANG PAGTATAYA

Bago ang Pagkatapos ng


leksyon leksyon
Panuto: Isulat ang TAMA kapag ang mga
sumusunod ay nagpapakita ng mga salitang tugma
at MALI kapag hindi makatugma.

1. Sakit – init Tama


2. Unan – kumot Mali
3. Alaga – mataba Tama
4. Mahanda – masungit Mali
5. Ganid - Manhid tama

K. PAGBABALIK SA LAYUNIN

GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MGA MAG – AARAL


Pagtapos ng aralin, inaasahang ang mga
mag-aaral.

1. nagtutukoy ng wastong paggamit ng


mga salitang magka tugma ngunit
makaiba ang kahulugan
2. napipili ang mga salitang
tugma
3. naipapakita ang
pagpapahalaga sa
mga salitang tugma sa isang
tula

V. TAKDANG ARALIN

Para sa inyong takdang aralin sumulat ng limang (5) pares na salitang


magkatugma na makikita sa loob ng iyong tahanan. Gawin ito sa inyong
kwaderno.

You might also like