Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION XI
SCHOOLS DIVISION OF DAVAO DEL NORTE
NEW CORELLA DISTRICT
MANGGUANGAN INETGRATED SCHOOL
SCHOOL ID:501661

BANGHAY ARALIN SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 7

Pangalan: Jezza Mae V. Alconera


Petsa: November 11, 2022
Iskedul ng Klase: Grade 7-Narra (7:30-9:30)

A. Pamantayang Pangnilalaman: Naipamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa isip at kilos-loob.

B. Pamantayan sa Pagganap: Naisasagawa ng mga mag-aaral ang mga angkop na kilosupang pukawin
ang kamalayan ng kapwa Pilipino tungkol sa mga nasaksihan, naobserbahan, o napanood na paglabag sa
mga karapatang pantao sa pamilya, paaralan, barangay/ pamayanan o lipunan/bansa.

C. Mga Kasanayang Pampagkatuto:


A. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. EsP7PS IIa-5.1
B. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob.EsP7PS IIa-5.1
C. Nakagagawa ng video clip na nagpapakita na ang isip at kilos-loob ang nagpapabuklod-
tangi sa tao.

I. LAYUNIN:

1. Natutukoy ang mga katangian, gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob.


2. Nasusuri ang isang pasyang ginawa batay sa gamit at tunguhin ng isip at kilos-
loob.
3. Nakagagawa ng video clip na nagpapakita na ang isip at kilos-loob ang
nagpapabuklod-tangi sa tao.

II. NILALAMAN: ISIP AT KILOS-LOOB


A. Kagamitan: Batayang Aklat, Laptop, LCD, chart
B. Sanggunian: Batayang Aklat Pahina: 50-58
C. Iba pang kagamitan panturo: video clips

III. PROSESO NG PAGKATUTO


A. AKTIBITI
 Panimulang Gawain:
Panalangin
Pag tsek nang attendance
Balik aral:

1. Anu-ano ang tugkulin bilang nagdadalaga at nagbibinata?


2. Ano ang magiging kahihinatnan ng pagiging matapat sa pagtupad sa tungkulin bilang
nagdadalaga/nagbibinata?
 Pagganyak
Pagpapakita ng Video Clip (Integrating ICT) “I didn’t like my father”
Mga Tanong:

1. Anong nararamdama mo habang pinapanood ang video?


2. Anong part ng video ang nagpaantig sayo?
3. Sa tingin mo, totoong nangyayari ito sa ating lipunan sa kasalukuyan?
4. Kung ikaw ang tauhan sa video, ano ang magiging reaksyon mo nung nalaman mo kung
sa napunta ang pera mo?

B. ANALISIS: Mga Tanong:


1. Ano ang pagkakatulad ng tatlong larawan na ipinakita?
2. Ano ang pagkakaiba ng tatlong ito?
3. Alin sa tatlong ito ang nakahihigit sa lahat?

C. ABSTRAKSYON:
1. Pagpapakita ng video clip hinggil sa Isip at Kilos-loob (Integrating ICT)
2. Pagtatalakay ng videong napanood at ng sanaysay hinggil sa “Isip at Kilos-loob”
3. Talakayan sa mahalagang konsepto tungkol sa Isip at Kilos-loob.

Sagutin ang mga Pamprosesong tanong:

1. Ano ang tatlong mahahalagang sangkap ng isang tao?


2. Bakit sinasabing ang tao ay nilikhang “kawangis ng Diyos”?
3. Paano nagpapanukod-tangi sa tao bilang nilikha ang isip at kilos-loob?
4. Paano naipakikita ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa pang-araw-araw na kilos?
5. Ano ang inaasahan na dapat magawa ng tao dahil siya ay nilikhang may isip at kilos-loob?

D. APPLIKASYON:
Gawain: Pangkatang Gawain
1. Hahatiin ang klase sa tatlong pangkat
2. Bawat pangkat ay may ibat-ibang sitwasyon upang makagawa ng isang maparaang rason o pamamaraan
na nagpapakita ng isip at kilos-loob.
3. Bawat pangkat ay bibigyan ng sitwasyon sa pamamagitan ng pagbunot.

Pangkat 1___________
Pangkat 2___________
Pangkat 3___________

Sitwasyon sa 1. Bahay 2. Canteen 3. Classroom

Rubriks:

Nilalaman 5
Pagkamalikhain 3
Teamwork 2
Total 10

IV. EBALWASYON: Multiple Choice.


Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat lamang titik ng napiling sagot sa
aktibiti notebook.

1. Ano ang pangunahing gamit ng isip ng tao?


A. Mag-isip b. umunawa c. magpasya d. magtimbang ng esensya ng mga bagay

2. Paano tunay na mapamamahalaan ng tao ang kanyang kilos?


A. Sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kontrol sa sarili o disiplina
B. Sa pamamagitan ng tamang paggamit ng kalayaan at kilos-loob
C. Sa pamamagitan ng pagdaan sa mahabang proseso ng pag-iisip at pamimili
D. Sa pamamagitan ng pagsangguni sa mga taong nakaalam at puno ng karanasan.

3. Ang tao ay may tungkuling _______________, ang isip at kilos-loob.


A. Sanayan, paunlarin at gawaing ganap
B. Kilalanin, sanayin at gawing ganap
C. Kilalanin, sanayin, paunlaruin at gawing ganap
D. Wala sa nabanggit

4. Paano nagkakaroon ng ugnayan ang isip at kilos-loob?


A. Gumawa ng tamang pagpapasya
B. Gumawa ng ayon sa iyong kagustuhan kahit may ibang nasasaktan
C. Tutulong na may hinihintay a kapalit
D. Magtiwala sa sarili lamang at wala ng iba

5. Bilang mag-aaral, paano ka gagawa ng pagpapasya batay sa gamit at tunguhin ng isip at


kilos-loob?
A. Sasama ka sa iyong mga kaibigan na mamasyal ng hindi nagpapaalam sa mga magulang.
B. Gagastusin mo ang sukli na hindi naman sa iyo
C. Ibabahagi mo sa iyong kaklase ang iyong baon
D. Kukunin mo ang gamit ng iyong kaklase na walang paalam

Inihanda ni: Binigyang Pansin ni:

JEZZA MAE V. ALCONERA ROSE ANGELIE C. CENTINA


Grade 7 Class Adviser School Head

You might also like