Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Reflection Paper

Pagpupursigi at disiplina ang kailangan tungo sa ikauunlad ng ating bayan. Totoong kailangan pa
itong mas pakinggan lalo na dahil maraming tao pa rin ang hindi disiplinado. Ang pagpupursigi
ay ang tawag sa pagsikap na gawin ang isang bagay hanggang magtagumpay Ang pagkakaroon
ng disiplina ay ang pagkaroon ng pagkaka-alam kung ano ang tama o mali. Mayroong mga taong
alam ang tama at ginagawa ang tama, alam ang tama ngunit mali ang ginagawa o alam ang mali
subalit ganoon pa rin at pinapatuloy ang masasamang gawain, meron ring alam ang mali kaya’y
nagbabago na para sa ikabubuti niya para sa sarili at sa mga taong naaapektuhan. Mahalaga ang
disiplina at pagpupursigi para sa pag-unlad ng ating bansa sapagkat ito ay ang pagsunod ng
walang pagtutol at pag-ayos sa sarili upang maging maayos, angkop at maging kagalang-galang.
Kailangan ang disiplina, kahit anong edad pa man yan, matrahil lahat ng taong nakakasalamuha
natin ay apektado. Bata pa lamang ay dapat isinasabuhay na ang pagiging mapagpursigi at
dispilinado dahil nga sa kasabihan na “Ang kabataan ay ang kinabukasan,” para sa kanilang
paglaki ay di na sila kailangan sabihan kung ano ang tama o mali dahil alam na nila iyon para sa
sarili nila. Alam ng mga disiplinadong tao ang kanilang mga kilos ay dapat angkop sa kanilang
edad o kasarian. Kasama na doon ang mga kababaihan upang kayo ay igalang, dapat ang inyong
kilos at pananamit ay may disiplina at kagalang-galang sa mga karapatang tinatamasa.
Pagsisikap at pagpapasensya rin ay kailangan lalo na kung di natin alam ang buong istorya o
naganap. Ang pagiging disiplinado ay siyang nagpapaunlad sa bansa kabalikat ang
pagtutulungan, uunlad ang ating bayan. Ang mga kaso tungkol sa mga pag-gahasa o rape, human
trafficking, pagnanakaw, at drug addiction ay di nakakatulong sa nilalabang disiplina sa
Pilipinas. Mayroong gusto gumanti, at may gusto naman ng hustisya sa mga problemang ganito
na nagdudulot ng poot o matinding galit patungo sa isa’t-isa. Minsan ay tinatagong galit at
minsan naman ay galit na di nahihiyang harap-harapan ipakita. Nakakalungkot dahil imbis na
magtulungan tayo ay nangyayari pa ang mga ganito. Maaring maisakatuparan ang adbokasiyang
ito sa pagiging isang disiplinado at mapursiging ehemblo na pwedeng magaya ng iba. Kailangan
ng disiplina para malaman kung tama at kung maganda ba ang madudulot nito sayo at sa mga
taong pwedeng maapektuhan at ang pagpupursigi naman ay nandiyan kung tama ang paraan ng
iyong paggawa.

You might also like