Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 237

Dark Society 3- Clifford Buch...

A/N: [Dark Society 3- Clifford Buch...]

*** This book is a work of fiction. All names, characters, locations and
incidents are products of author's imagination. Any resemblance to actual person
living or dead and events is entirely coincidental.

***Third POV

***Maraming grammatical errors, spelling, loopholes, posibleng masirang event at


kung ano-ano pa. Aayusin ko po 'yan kapag may oras ako.

Enjoy reading gals!

Prologue [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"Alam mo ba na sa bahay daw na 'to namatay 'yong lola ni Estiel?"

Biglang tumayo ang balahibo ni Faith sa sinabi ni Dennia. Nakagat niya ang ibabang
labi habang nililibot ng tingin niya ang buong bahay, luma nang gusali 'yon at
napakadilim tanging flashlight lang ang dala nila. Sa pinaka-unahan siya habang ang
mga kasama niya ay nasa likod niya. Muntik pa siyang mahulog nang matapakan niya
ang semento ma parang dinurog. Sinipa niya 'yon.

"Are you ready Faith?"

Nilingon niya Dennia, nakangisi ang mga ito sakanya. She gulp.

"S-sigurado kayong hindi ako ma t-tsugi dito?" Tanong niya pa. Tumawa silang lahat.
"Don't be so stupid girl! gusto mong makuha ang ang necklace mo diba? then do what
i want!" Pagkasabi non ay tumalikod na ang mga ito. Kinabahan siya nang dumampi sa
balat niya ang malamig na hangin, niyakap niya ang sarili.

Kung hindi lang importante sakin ang necklace na 'yon edi sana kanina pa bumulagta
sa sahig 'tong mga kurimaw na 'to eh!

Nanginginig na umakyat siyang mag-isa sa second floor ng sirang gusali, hawak niya
ang flashlight na nagsisilbing ilaw niya.

"God! nakakatakot talaga dito!" Kinakabahang bulong niya, ang wild pa naman ng
imagination niya, nakakita niya ang isang upuan sa sulok. Lumapit siya don saka
umupo. Nililibot niya pa rin niya ng tingin ang buong paligid. Baka kasi biglang
may lumabas na babaeng mahaba ang buhok at gumagapang papalapit sakanya o kaya si
annabell na kinatatakutan niya. Marahas siyang umiling.

Hindi! ayoko ng imagination ko!

Tinignan niya ang orasang pambisig. Nakita niyang limang oras pa bago mag ala-sais
ng umaga , gusto kasi nila Dennia na mag stay siya sa lumang gusali ng halos anim
na oras.

Halos mapatayo siya sa sobrang gulat nang may marinig niya ang malakas na
kalampag .

"Sinong nandiyan?!" Sigaw niya, pero walang sumasagot.


"Dennia?!" Sigaw niya. Pero simoy lang ng hangin ang nararamdaman niya. Tumayo siya
at lumapit sa kinaroroonan ng ingay na 'yon. Na-curious siya kung ano ang ingay na
'yon. Pero ika nga curiosity kills the cat and she is the cat..

"Who are you?" She heard that baritone voice, napatingala siya sa tangkad nito. Oh
God! kapre! napaatras siya. Nanlalaki ang matang bumaba ang mata niya sa katawan
nito, Oh my..... Naka-topless lang ito ... hindi lang 'yon ang kinagulat niya.

Shemaayy! naka-brief lang siya!!

"Are you enjoying the view?"

Mabilis siyang nag-angat ng tingin sa mukha nito, nakangisi ito sakanya na para
bang natutuwa sa nakikitang reaksyon ng mukha niya

Hindi multo ang nasa harap ko! isang manyak na kapre!

"AAAHHHH!!!"

Chapter one [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"SIGE na! ikaw na ang pumalit sa pwesto ni Eros!"

Tinapon ni Clifford ang itim na necktie sa sulok saka tumingin kay Grey.
"Ayoko! Malaking AYOKO!! may sumpa nga 'yang tronong na 'yan! uupo lang ako diyan
kapag pinalitan niyo 'yan." Inis na sabi niya, hell! tatlong kaibigan niya na ang
umupo diyan at lahat sila nakatali na. Una, si Grey sunod si Sebastian, ngayon
mukhang si Eros naman ang tinamaan.

"Ang arte mo Clifford para kang timang, parehas kayong lahat. Hindi natin pwedeng
palitan ang trono dahil 'yan ang simbolo ng grupo simula no'ng una." Sermon ni
Grey, umismid siya dito saka nilaro ang hawak na susi.

"Grey... hindi na kami magugulat kapag isang araw hindi na underworld ang tawag
dito sa baba. Heaven underworld na!" Natatawang sabat naman ni Maxeau. Grey glared
at Maxeau.

"Isa ka pa, ikaw dito?"

Napangiwi lang si Maxeau. Napailing siya at tinalikuran ang mga ito saka siya
umakyat papunta sa bar.

Hindi ako uupo sa trono na 'yan! Tapos.

"Hey dude, what happened? hanggang dito rinig ang bunganga ni Grey eh." Sabi ni
Ellifard na nasa mini bar. Umupo siya sa tabi nito saka nagsindi ng sigarilyo.

"He want me to be a new King of the underground, ayoko. May sumpa 'yon eh." Sabi
niya habang humithit ng sigarilyo.

"Haha, why? You won't like it? You can control all the gang and supplies." Anito.
Matalim niyang tinignan ito.

"Hindi bale na lang." Sabi niya. Magsasalita pa sana ito nang bigla namang tumunog
ang cellphone niya, kinuha niya 'yon mula sa bulsa ng pantalon niya saka 'yon
sinagot.

"Clifford! hindi ka daw pumasok sabi ng tita mo!"

Medyo nailayo niya sa tenga ang cellphone dahil sa lakas ng boses na bumungad
sakanya. Muli niya 'yong binalik.

"Wala akong ganang pumasok isa pa wala naman akong matutunan doon eh." Sabi niya.

"Bastos ka talagang bata ka!" Sigaw na naman nito. In-off niya ang cellphone at
binalik sa bulsa.

"Hindi mo talaga makasundo si tito ha?" Nakangising sabi ni Ellifard.

"That old man.... he's pain in my ass!" Sabi niya saka siya tumayo at lumabas ng
club.

"Ha? ganon ba? sige kung hindi ka makakapunta ayos lang. Maybe, some other time?"
Natigilan siya ng marinig niya ang isang lalaki na nakatayo sa tabi ng kotse niya.
Mukhang may kausap ito sa cellphone habang nakasandal sa kotse nitong itim na
katabi lang ng kotse niya. Napansin niya ang isang bugkos ng bulaklak na hawak
nito. Nakita niyang yumuko ito habang hawak ng mahigpit ang bulaklak.

Napangisi siya.

Stupid.

Binuksan niya ang pinto ng kotse niya saka pumasok.

"No one can control my life... '

--------------***

"MAKIBAKA! WAG MATAKOT! MAKIBAKA! WAG MATAKOT!!"

Napahinto si Faith nang marinig niya ang mga sigaw na 'yon, nakita niyang nag ra-
rally ang mga taong 'yon sa tabi ng kalsada habang nasa harap ng mga ito ang ilang
ka-pulisan na pinipigilan ang mga nag-ra-rally.

"Hay.... the poor peoples, bakit ayaw kasi nilang umalis na lang para hindi na
masaktan, mga bobo."

Nanliit ang mata niya nang marinig niya ang komentong 'yon ni Criselda. Gusto
niyang sumagot ngunit pinigilan niya ang bibig.

"Hey ugly Faith, take my bag." Mataray na sabi nito, kinuha niya naman ang bag
nito. Bumaba na rin siya ng van at pinagbuksan niya ng pinto si Criselda. Tinabig
nito ang balikat niya nang makababa. Nagtitimping sinara ang pinto ng van nito
saka siya sumunod dito. Napapaismid siya habang pinapanood ang maarteng paglakad
nito.

Kumekendeng wala namang pwet!

Natawa siya sa naisip niya, nakataas ang kilay na nilingon siya nito.

"May sinasabi ka?"

Pinapormal niya ang mukha.

"Wala po maam." Tahimik na sabi niya habang nakayuko.

"Hmp!" Mataray na tumalikod ito.

"Edi shiin." Bulong niya. Nagulat siya nang bigla itong lumiko sa kung saan.

"Maam- - - -
"Wag kang magulo! Katulong ka lang!" Asik nito sakanya. Hindi naman na siya
sumagot.

Oo 'yon ang trabaho ko. Nagpapasalamat nga 'ko kay sir Edrick dahil pinag-aaral
niya 'ko eh ang problema nga lang kailangan kong bantayan ang anak niyang may
sampung sungay.

Sumunod na lang siya dito.

"Clifford baby!" Tili nito sa isang lalaki na mukhang kanina pa hinihintay si


Criselda. Nakita niyang ngumisi 'yong lalaki 'yon at hinalikan agad si Criselda.
Napangiwi siya.

"Kadiri, mga walang pakundangan." Bulong niya.

"I miss you baby, you miss me na ba?" Maarteng sabi nung bruha.

"Yes. Well, my 'friend' miss you too." Sabi nung lalaki. Anong friend? Don niya
lang nakumpirma ang 'friend' na tinutukoy nito nang bumaba ang tingin nito sa
pantalon. Nanlaki ang mata niya.

Ang manyak ng lalaking 'to!

"Goodness Criselda, hindi kana---hindi kana.." Hindi niya matuloy ang gustong
sabihin. Binalingan siya ng mga ito.
"So?" Mataray na sabi nito na mukhang nakuha ang gustong sabihin niya, nanliit lang
ang mata niya pero hindi na siya sumagot.

"Who is she?" Tanong ng lalaking manyak.

"Don't mind her.... she's my maid." Sabi ni Criselda.

"Oh.... hi."

Tumingin naman siya sa lalaking 'yon, nakangisi ito.

Pakiramdam ko sa taong 'to walang magandang ginagawa sa buhay. Hayy ano bang bago
sa mga mayayaman...

"Wait? nagkita na tayo ha?" Sabi nito, kumunot naman ang noo niya.

"Talaga? wala akong kilalang manyak sorry." Sabi niya. Nakita niya ang paglawak ng
ngisi nito.

"Wow.... just wow." Natutuwang sabi nito.

Wowwin mo mukha mo..

"San naman kayo nagkakilala?" Mataray na sabi ni Criselda.


"I don't remember the exact place. Pero alam ko nakita ko na siya" Sabi pa nito.

Ah basta! wala akong kilalang manyak period!

"Ahaa! ikaw!" Nakatawang sabi nito at tinuro siya.

Anong ako?!

"Yeah i remember you woman! Ikaw 'yong bakla sa lumang gusali"

Napanganga siya....

Ako?

Bakla?!!

Chapter two [Dark Society 3- Clifford Buch...]

Hah? Ako? Bakla?!!

"Yeah now, i remember you." nakangising sabi nito sakanya. Kahit sang sulok pa ng
utak niya hanapin kung saan niya ito nakita hindi talaga niya ito maalala.
Bwisit 'to ginawa pa 'kong bakla!

"Tinawag mo 'kong bakla?"

"Yeah, did you reme- - - -

"Wala akong naaalala bwisit ka!" Putol niya sa sasabihin nito, nakita niyang
natigilan ito pero ngumisi din agad. Napaatras siya nang lumapit ito at dahil pang-
kapre ang height nito ay bahagya itong yumuko saka namulsa para magpantay ang
mukha nila.

"Hmmm... not bad." Nakangising sabi nito habang nakatingin sa mukha niya, para
itong may hinahanap na kung ano. Inis na nilayo niya ang mukha nito.

"Lumayo ka nga naaalibadbaran ako sayo." Mataray na sabi niya, nakakalokong tumawa
ito at saka bumalik kay Criselda na namumula na sa sobrang galit. Inakbayan nito si
Criselda.

"C'mon babe, let's go to somewhere." Bulong ng manyak na lalaking 'yon pero


nakatingin sakanya. Dukutin ko 'yang mata niya eh!

"Maam papasok pa po kayo." Habol niya kay Criselda.

"Go to hell!" Mataray na sabi nito, aaayyy Grabe talaga!


"And don't you dare na sabihin mo 'to kay papa, you're dead!" banta pa nito. Huh!
hindi siya amo ko kaya hindi ko siya susundin! nakakalokong tumingin 'yong kasama
nito. Inismiran niya ito.

"Kung gusto mo babe pwede mong isama ang personal maid mo para may refferi tayo."
Sabi pa ng lalaking 'yon, nanlaki ang mata niya at dinuro ito.

"Alam mo ikaw! napaka manyak mo bwisit ka eh!" Inis na lalapitan sana niya ito.
Talagang makakatikim siya sakin ng Faith-Punch promise!! Pero humarang ang amo
niyang may onse ng sungay.

"Subukan mo?" Sabi nito na hinarangan pa ang boyfriend nito, nakakalokong nang-
aasar ang lalaking 'yon sa likod ni Criselda. Napapikit siya ng mariin saka
dumilat.

"God please, patient 'yon ang kailangan ko." Piping hiling niya, inirapan muna siya
ni Criselda-bruhilda saka ito tumalikod. Nakita niyang palingon-lingon pa ang
lalaking 'yon habang nakahalik sa buhok ni Criselda. Nakangisi ang hudyo sakanya!
inirapan niya ito saka niya kinuha ang cellphone na nasa bag.

"Hello sir! opo ako 'to si Faith, si maam Criselda po sumama sa lalaki. Opo! opo!
Sinuko na niya."

-----------------***

"I really hate my dad!!'

Napangisi si Clifford sa sinabi ng kasama. Magkakasundo talaga sila ni Criselda,


but like his past fling she's one of them.
"That's good baby." Nakangising sabi niya habang akbay ito. Am I demon? He already
knew that. He's a player act like angel, it's his mask to hook the girl that he
wanted to fuck. Muling sumagi sa isip niya ang babaeng 'yon na personal maid ni
Criselda.

Bakit nga ba hindi niya 'ko maalala? Dalawang taon lang namana ng nakalipas ha? At
isa pa Gwapo naman ako nang magkita kami no'ng gabing 'yon?

"AAAAAAAAAHHHH!"

Tinakpan ni Clifford ang tenga nang marinig niya ang malakas na tili na 'yon. Patay
talaga sakin 'to si Junie eh, sabi niya walang tao dito sa lumang gusali na
pagmamay-ari niya. Nakita niyang umatras ang babaeng 'yon habang nakatingala
sakanya. Nilapitan niya ito.

"Hey lady... HEY!" Sigaw na niya dahil kanina pa naririndi ang tenga niya sa tili
nito. Nakatakip ang dalawang kamay nito sa mata habang tumitili. May mga sinasabi
ito na hindi niya maintindihan.

"AAHH!! GOSH DENNIA! MAY SOMETHING HERE INFRONT OF ME , GEEERRSSHH! EMEGED!"


Patuloy pa ring tili nito. Napaismid siya saka nag naghalukipkip.

Ano bang sinasabi niya hindi ko siya maintindihan?

"Will you please shut up?!" Inis nang sabi niya.

'Di kaya bakla 'to?


"AHHH! MY GASH! YOU----" Anito saka tumingin sa 'ibaba' niya na natatakpan ng
maliit na saplot. Muli itong tumili saka nagtakip ng mata. "----MY EYES!"

"What's happening here hon?"

Nilingon niya ang may-ari ng tinig na 'yon. It's sylvia one of his flings nakabalot
ang katawan nito ng puting kumot , lumapit ito sakanya habang nakatingin pa rin sa
babaeng tili ng tili.

"Who is she?" Nakataas ang kilay na sabi nito. Good thing tumigil na rin ang
babaeng 'yon sa kakatili saka tinignan sila ni Sylvia na parang diring-diri.

"Shutanggaresh!" Hindi makapaniwalang sabi nito saka nagpalipat-lipat ang tingin


sakanila ni Sylvia. "Ano 'to? Gumagawa kayo ng kababalaghan dito?." Malaki ang
matang sabi nito, tumaas ang sulok ng labi niya.

"Obviously.."

"Urggh! " Inis na tumalikod ito hinabol na lang nila ito ng tingin.

"Ano 'yon?" Tanong uli ni Sylvia.

"Wala 'yon, baklang nag su-survey lang 'yon." Nakangising sabi niya kahit alam niya
namang babae ito.
Well, she's pretty...

"Hey a penny for your thoughts?"

Napakurap siya nang marinig niya si Criselda, ningitian niya lang ito.

"San mo gustong pumunta?" Bulong niya. Bago pa ito makasagot ay may huminto ng van
na itim sa harap nila.

"Criselda! pumasok ka dito!" Sigaw nang matandang lalaki na nasa likod.

Oh.... that's bad...

"Dad?!" Gulat na sabi ni Criselda.

"Wag mo 'kong sundin at makakatikim ka sakin." Banta pa nito, bumaba ang tauhan
nito saka hinila si Criselda, Hindi siya umimik. Tumingin sakanya si Criselda na
humihingi ng tulong. He just shrug, marami naman siyang babae kaya ang kawalan ni
Criselda ng isang araw 'di mahalaga. Nanlilisik ang matang tinignan siya ng ama ni
Criselda, ningisian niya lang ito.

Ngunit unti-unti 'yong nawala nang pag bukas ng salamin ng bintana sa passenger
side ay nakita niya ang mukha ng babaeng bakla na 'yon. Inirapan siya nito saka
tinaas ang tungki ng ilong na parang nang-aasar. Nanliit ang mata niya...
So childish...

Nang umandar na ang Van na sinasakyan ni Criselda ay nakasunod na lang ang tingin
niya..

Chapter three [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"BUT dad!"

"Wag mo 'kong subukan Criselda!"

"I hate you daddy!" Sigaw ni Criselda saka tumakbo paakyat sa kwarto nito. Patuloy
naman sa pagpupunas ng mga alikabok sa mesa si Faith pero ang totoo ay kanina pa
malaki ang tenga niya at nakikinig sa mag-ama. Lumapit naman sakanya si Sir Edrick.

"Iha..... thank you ha? hindi ka natakot na isumbong sakin ang kalokohan ng anak
ko."

Ngumiti siya dito.

"Wala ho 'yon, sainyo lang naman po ako dapat matakot. Malaki po kasi ang utang na
loob namin sainyo ni mama." Sabi niya. Kung hindi sila nito tinanggap noon sigurado
nasa kalye na sila ngayon at hindi siya makakapag-aral.

"Para na rin namang anak ang turing ko sayo. Sige, dito na muna 'ko at may gagawin
pa 'ko." Sabi nito, tumango naman siya. Nang tumalikod na ito ay pinag-patuloy niya
ang ginagawa.
"Anong feel na maging sipsip?"

Napalingon siya sa nagsalita, nakita niyang nakataas na kilay ni Criselda.


Nanahimik na lang siya at tahimik na pinagpatuloy ang ginagawa. Nakakahiya kay sir
Edrick kung papatulan niya ang demonyita nitong anak.

"Harapin mo 'ko sipsip." Sabi pa nito na mukhang naghahamon talaga. Hinarap naman
niya ito. Maganda sana si Criselda kaya lang pabaya sa sarili ang bait naman ni sir
Edrick para mag-iba ito ng landas.

"Ano po bang kailangan niyo maam?" Nagpipigil na sabi niya.

"Tigilan mo ang buhay ko , katulong ka lang dito at wala kang karapatan maghimasok
sa buhay namin. Dahil wala kang alam sa lahat ng nararamdaman ko." Galit na sabi
niya, nangingilid ang luha nito, bigla siyang natigilan at tinitigan ito.
Pakiramdam niya ay may tinatago ito ngunit hindi lang kayang sabihin. Bago pa siya
makapag-salita ay tinalikuran siya nito, nahagip pa niya ang luha nito. Nanahimik
naman siya, hindi niya naman intensyon na mangilam eh. 'Yon kasi ang trabaho niya
at alam niyang 'yon ang tamang dapat gawin.

"Mahabang pasensya ang kailangan ko para maintindihan si maam..."

-------------------***

NAISAMPAY na ni Faith ang huling damit nang makarinig niya ang kaluskos sa loob ng
mansion, kumakabog man ang dibdib niya sa kaba ay dahan-dahan siyang pumasok sa
loob ng mansion saka sumilip. Nagtago siya sa malaking vase na nasa gilid ng
malaking pinto, nanliit ang mata niya nang makita niya Criselda na parang tangang
payuko-yuko habang may hawak na sandals na may mataas na takong. Sisigaw sana siya
para tawagin si sir Edrick nang maalala niya ang mukha ni Criselda kanina.
Nakaramdam siya ng awa, nang makalabas ito ng pinto ay tahimik na sumunod siya.

Aalamin ko na lang kung ano ba 'yang pinagdadaanan niya.

Kahit naka maid uniform pa siya ay sinundan niya pa rin ito, nakita niyang pumasok
ito sa loob ng kotse. Siya naman ay mabilis na pumunta sa likod ng kotse nito at
tahimik na binuksan ang pinto. Mabilis siyang dumapa sa sahig ng kotse, buti na
lang at hindi siya nito napansin.

"Hello? yes i'm coming." Narinig niyang may kausap ito sa cellphone. Hindi lang
niya marinig dahil bumubulong ito. Ilang sandali pa ay narinig nya na ang pag-ugong
ng makina ng kotse pagkatapo ay umandar. Humingi muna siya ng gabay dahil bawat
lugar na pupuntahan ni Criselda lagi itong napapahamak. Kaya palagi siya nitong
kasama.

Mahigit isang oras din siguro nang maramdaman niyang huminto ang kotse. Nakita
niyang bumaba na ito. Siya naman ay umupo muna sa sahig saka sumilip sa labas ng
bintana. Nakita niyang may kausap si Criselda na malaking lalaking mukhang johnny
bravo ang katawan, tapos maliit ang binti wala pang balakang. Nilibot ko niya ang
tingin sa paligid , tinignan niya ang malaking karatula na umiilaw ng kulay pula sa
taas.

Dark Society Club...

Ah... so club pala 'to, nababasa ko lang kasi 'to sa wattpad at saka napapanood sa
t.v , ngayon lang ako nakakita ng club sa totoong buhay. Bahay-school-simbahan-
bahay-school-simbahan lang ang routine ko eh.

"Ah wait nandiyan ba si Clifford?"

Narinig niyang tanong ni Criselda kay Johnny bravo.

"Yes, maam kanina pa kayo hinihintay. Sumunod ho kayo sakin, may pagtitipon ho
ngayon sa ilalim." Sabi ni johnny bravo. Nakita niyang pumasok si Criselda kasunod
si johnny bravo. Siya naman lumabas na rin at saka tahimik na pumasok sa loob ng
club na 'yon. Halos mahilo siya nang makita ang dami ng tao sa loob.

'Gash! iba pala kapag sa totoong buhay mo 'to makita. Lahat sila parang nag ha-
harlem shake parang may mga sapi habang sumasayaw!'

Binabalot ang loob ng club na 'yon ng mga usok. Naiilang na pumasok siya dahil
nakatuon ang mga mata nito sakanya partikular sa suot niya. Nakita niya ang bulto
ni Criselda, mabilis siyang sumunod dito.

'Delifico Fudoshiko activate...'

Her jaws totally dropped. Pano ba naman yung sahig na may pabilog biglang umandar
pababa habang nakasakay sila Criselda at johnny bravo. Maya-maya ay napalitan 'yon
ng isa na namang sahig..
Wow! parang magic....

"Hey lady what are you doing here?"

Napalingon siya sa nagsalita. Isang matangkad na lalaki ang bumungad sa paningin


niya, tumuon ang tingin niya sa pierceng na nasa labi nito at ang matangos nitong
ilong. Kalat din ang ilang pekas na nasa mukha nito ngunit mas lalo lang 'yung
bumagay dito.

Shakmeen! ang gwapoo naman nito.

"Ngayon lang kita nakita..." Kunot na kunot ang noo nito pagkuwa'y natigilan at
tumiim ang tingin sakanya. "Asset ka dito no?" Dugtong nito saka nandilim ang
mukha. Napansin niya pa ang pagkinang ng pierceng nito sa dila. Kinabahan naman
siya nang biglang mag-iba ang aura nito.

"H-ha? s-si C-clifford...." Putek! bat ko ba nasabi 'yon?! Nakita niyang natigilan
ang kaharap. Unti-unting tumaas ang sulok ng labi nito.

"Si Clifford pala hinahanap mo?" Habang sinasabi nito 'yon ay pinapasadahan ng
tingin nito ang buong katawan niya. "...hmmm, nag-iba siya ng taste ha?"
Nakangising sabi pa nito saka nilagpasan siya. Tumingin ito sakanya.

"Halika, sumabay kana sakin. HIndi ka makakababa sa underground kung wala kang
miyembrong kasama."

Dumikit naman siya dito. Sa pwesto kung saan nakatayo kanina sila Criselda. Nagtaka
siya ng may dinikit ito sa sahig na kulay itim na card. Ilang sandali pa ay gumalaw
ang kinatatayuan niya saka 'yon umandar pababa.

'Ellifard Desconte activate..'

Narinig niyang sabi ng boses na 'yon na hindi niya alam kung saan galing.
Napanganga siya habang pababa sila, ramdam niya ang init sa paligid niya na hindi
niya alam kung san nagmumula. llang sandali pa ay naramdaman niyang lumapag na
sila. Unti-unting nanlaki ang mata niya nang makita ang lugar. Kung nakakatakot sa
taas ay mas nakakatakot sa baba, pula ang ilaw ng buong paligid niya. Nakita niyang
nauna ng naglakad sakanya ang lalaking 'yon ngunit nakatuon lang ang tingin niya sa
paligid. Nakita niya ang naglalakihang stereo sa gilid habang nasa tabi non ay
isang mini-bar. Nakita niya ang ilang sumasayaw habang may mga pintura ang katawan
ng mga ito, nababalutan din ng usok ang paligid niya at kakaiba ang amoy non.
Napasinghap pa siya nang makita niya ang dalawang naghahalikan. Napangiwi siya.

'Kapag nalaman ni sir na dito pumupunta sa klaseng lugar si maam Criselda


siguradong kawawa ang babaing 'yon.'

"Hey come on follow me.." Sabi nung lalaking 'yon na binalikan siya. Sumunod naman
siya dito kahit pa tinatambol ng kaba ang dibdib niya.

"HAYOP KA!!"

Pamilyar sakanya ang boses ng sumigaw na 'yon, nakita niyang nakatayo si Criselda
sa harap ng lalaking nakaupo sa itim na upuan. Nakangisi ang lalaking 'yon habang
hawak ang pisngi. Nanlaki ang mata niya nang makilala ang lalaki 'yon.
Si manyak!

Chapter four [Dark Society 3- Clifford Buch...]

Si manyak!

"YOU SAID THAT YOU NEED ME!" Sigaw ni maam Criselda habang umiiyak. Tumahimik ang
paligid dahil sa sigaw ni Criselda, nakita niyang lumaki ang ngisi nang lalaking
'yon. Sinabit nito sa leeg ang isang necktie na itim na may design na fire skull
saka komportableng umupo, hindi niya alam kung anong klaseng upuan 'yon.

"Yeah... my 'friend' need you'" Sabi pa nito, nanliit ang mata niya. Bwisit talaga
'tong hayop na 'to! Sinampal uli ito ni Criselda.

Nakuu! kung ako lang 'yan hindi lang yan ang aabutin niya! Sa sampal ko siguradong
kasama balat niya!

"I HATE YOU!! I HATE YOU! FOR MAKING ME BELIEVE THAT YOU LOVE ME! AKALA KO NAGBAGO
KANA!" Sigaw ni Criselda. Tumaas ang sulok ng labi nang lalaking 'yon na nauwi sa
malakas na tawa.

"Poor woman, i don't know what are you saying? love?" Nakakalokong tumawa ito.
"Oh c'mon babe! don't believe in fairy tales.... i'm a charming player and i love
games, pero wag mo 'kong ikumpara sa mga nababasa mo na magbabago dahil lang lang
sa isang babae ha? Now, get out of my world and say goodbye to my 'friend' alam ko
naman na nag-enjoy ka rin kaya 'yon na lang ang baunin mong ala-ala" Sabi pa nito,
umakyat ang dugo sa ulo niya.

"FUCK YOU PLAYBOY!!" sigaw ni Criselda saka tumakbo. Hindi siya nito napansin.

"Guys.... Let's party!" Nakangising sabi nito. Bigla namang pumailanlang ang
tugtog. Nakuyom niya palad habang nakatingin sa lalaking prenteng nakaupo.

"HUMANDA KAAAAAA!!!!" Sigaw niya at saka siya tumakbo papunta sa direksyon nito.
Nakita niya ang dahan-dahan nitong paglingon sa direksyon niya, maging ang mga nasa
paligid niya pero wala siyang pakialam ang mahalaga sakanya ay lumatay lang kahit
isang beses ang palad niya sa pisngi ng lalaking nakaupo na 'yon. Nanlaki ang mata
nito nang makita siya.

"What the- - - - -

Hindi na niya ito binigyan ng pagkakataon na magsalita, pinulupot niya sa leeg nito
ang itim na necktie na nakasabit sa leeg nito kanina pa. Sinakal niya ito.

"Hayop ka! para 'to sa pananakit sa amo ko! wala kang puso! mamatay ka na!" Gigil
na sabi niya habang dumidiin ang sa kamay niya.

"L-l-let-m-me g-go..." Hindi makahingang sabi nito habang hawak ang wrist niya.
Ganon siguro kapag galit ang isang tao lumalakas. Walang nagawa ang pag-palag nito
sa lakas niya. Maya-maya ay naramdaman niya may mga humawak sa balikat niya
papalayo dito. Nadala niya pa ang necktie nang mahila siya ng kung sino. Nakita
niya ang pamumula ng leeg at mukha ng kaharap niya, umubo-ubo ito habang hawak ang
leeg.

"Wala kang puso kang lalaki ka!" Galit na sabi niya dito. Namumula ang mukhang
tumingin ito sakanya.

"YOU!" Parang malakas na kulog na pumalibot sa buong lugar na 'yon ang boses nito.
Doon siya natauhan. Pag-tayo nito ay dahan-dahan naman siyang tumingala. Madilim
ang aura nito kaya napa-atras siya.

Hala! naaalala ko na siya.... siya 'yong lalaking naka-brief!

Unti-unti itong lumapit sakanya parang nakikita niya pa ang itim na ulap sa ulo
nito habang papalapit sakanya.

"He-he-he.....j-joke lang 'yon p-pwede naman natin 'tong daanin sa maayos na


usapan, h-hindi sa marahas na paspasan diba?" Sabi niya na naka-peace sign pa
habang nakatingala dito.

Ano ba 'tong pinasok ko? Nandilim lang naman paningin ko eh...


Unti-unti itong lumapit sakanya. Patindi ng patindi rin ang lakas ng kabog ng
dibdib niya.

"Alam mo ba ang ginagawa ko sa mga babaeng intrimitida ha?" Galit na sabi nito,
bahagya naman siyang yumuko habang nasa baba nakatutok ang mga mata. Alam niyang
hindi ito magdadalawang isip na saktan siya. Ilang sandali siya sa ganong ayos
habang napaka-tahimik naman ng paligid niya. But after a while she decide to look
up at him while her chin is down... She saw something in his eyes... hindi niya
naman alam kung ano 'yon. Nagulat siya nang hawakan nito ang kamay niya at hinila
siya sa kung saan.

"O-oh? san tayo pupunta?" Kinakabahang sabi niya. God! mukhang i tsu-tsugi ako nito
ha?! Hinawakan naman niya ang braso nito.

"A-ah.... manya- - - este k-kuya, usap tayo 'yong mahinahon. Kumalma ka, kakalma
din ako." Nanginginig ang ngiting sabi niya dito.

"Ay!" Tili niya. Bigla kasi siya nitong tinulak, napa-upo siya. Nakita niyang may
ginalaw ito sa gilid ilang sandali lang ay napahawak siya sa sahig nang gumalaw at
umugong 'yon. Tumingin siya dito.

"Ayokong makita uli 'yang pagmumuka mo dito." Banta nito. Naramdaman naman niya ang
pag-angat ng kina-uupuan niya. Hindi niya na naisip na tumayo dahil nanginginig ang
tuhod niya. Nakatingin lang ito sakanya habang umaangat siya, paliit na ito ng
paliit sa paningin niya. Ilang sandali lang ay bumalik na siya sa taas. Nangangatog
na tumayo siya saka tumakbo.
Ayoko na dito!!

Paglabas niya ng club na 'yon ay naabutan niya pa ang kotse ni Criselda. Naglakas-
loob siya na katukin ang salamin ng bintana nito. Nakayuko ito sa manibela.

"Maam Criselda.." Tawag niya. Gulat na nagtaas ito ng tingin saka takot na nilibot
'yong mata.

"Wag po kayong mag-alala ako lang ang sumunod sa inyo, hindi 'to makakaabot kay
sir." Senyas niya dito.

Nakahinga naman ito ng maluwag saka binuksan ang pinto ng passenger side.

"Hop in." Sabi nito. Nagmamadali naman siyang umikot sa kabila saka sumakay.
Humikbi ito nang makapasok siya, naaawang tinignan naman niya ito.

"Bakit ganon? p-parang walang nagmamahal sakin faith? hindi n-nila ako binibigyan
ng oras." Umiiyak na sabi agad nito.

Sabi ko na nga ba eh may problema siya sa kabila ng ugali niya.

"....N-nung maghiwalay sila mama at papa, hindi man lang nila naisip kung may
maaapektuhan ba? h-hindi n-nila naisip kung anong mararamdaman ko." Umiiyak na pag-
amin nito.

Gumapang ang awa sa puso niya. Ganon din kasi ang naisip niya nang iwan sila ng
kanyang ama at sumama sa ibang babae. Pero pinilit niya na lang na maintindihan ang
sitwasyon. Hinawakan niya ang kamay ni Criselda.

"Maam ganon po siguro talaga, na kahit anong pilit nating manatili satin ang taong
mahalaga satin, kung hindi naman matibay ang hawak nila satin may time talaga na
bibitaw sila. All we have to do is to accept at pahalagahan ang natitira pa.." Sabi
niya dito.

Well, base on my experience....

"Like Clifford?" Tanong nito. Napaismid siya ng maalala niya ang manyak na 'yon.

"You know what. Siya 'yong nagparamdam sakin na mahalaga ako. I thought from being
a playboy, magiging goodboy siya dahil sakin." Saka nito saka ngumiti.

"....You know, like fairy tales." Natatawang sabi pa nito habang tumutulo ang luha.
Tumingin ito sa labas ng bintana. Humarap naman ito sakanya saka ngumiti.

"I'm going back to Tokyo sasama na lang ako kay papa, Faith thank you kahit bitch
ako sayo." Nakangiting sabi nito. Ngumiti naman ako.
"Okay lang 'yon maam." Sabi niya pa.

"Sa halos tatlong taon na pakikipagrelasyon ko kay Clifford, hindi ko alam na sa


ganito mauuwi ang lahat." Mapait na sabi nito. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Faith pwede ba 'kong humiling sayo?"

Kahit nagtataka ay tumango siya.

"Please make Clifford fall inlove with you." Sabi nito, nakangiting tumango siya.

"Sige yun lang pal- - - - - -Ha?!"

Chapter five [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"Himala at sumama 'yang si Criselda sa papa niya?"

Nginitian lang ni Faith ang kanyang ina habang tinutulungan itong magtupi ng mga
damit.

"Okay nga po 'yon eh para magkaroon sila ng pagkakataong mag-usap nang hindi
nagbabangayan," Sabi niya saka nilagay sa drawer ang mga tinuping damit.

"Sa tingin mo anak kung hindi tayo iniwan ng ama mo magiging maayos kaya ang buhay
natin?"
Napabuntong-hininga siya, walang araw na hindi tinatanong nang kanyang ina ang
bagay na 'yan. Alam niya naman na hanggang ngayon ay mahal pa rin nito ang kanyang
ama. Tumabi siya dito at hinaplos ang braso nito.

"Ma, matagal nang wala si papa 'wag na natin siyang isipin ang mahalaga buo pa rin
tayong dalawa diba?" Nakangiting sabi niya, ngumiti naman ito sakanya at hinaplos
ang buhok niya. Thankful siya dahil naging mabuti ang turo sakanya ng kanyang ina
kaya wala puwang sa puso niya ang magtanim ng galit. Dahil kahit na baliktarin pa
ang mundo ama niya pa rin ito kahit pa pinili nitong iwan sila.

--------------****

"ANO 'yong nababalitaan kong gumagamit ka ng marijuana ha Clifford?!"

Fuck! Ang ingay talaga ng matandang 'to kahit kailan.

"Can you please shut up? Minsan na nga lang ako umuwi dito ganito pa ibubungad mo
sakin." Malamig na sabi niya habang hinihilot ang sentido. Binato nito sakanya ang
hawak na tungkod, nailagan niya 'yon ngunit natamaan pa rin ang braso niya. Matalim
ang matang tinignan niya ito.

"Napakabastos mo! hindi ka pinalaki ng mama mo- - - - - -

"Wag mong isali ang pangalan ng babaeng 'yan dito!" Hindi niya mapigilang sumigaw.
Huminto naman ito at tinitigan siya.
"At ikaw? ba't nandito kapa ba't hindi kana rin umalis?" Dugtong niya pa. Nanlisik
ang mata nito sakanya. Naiiling na tinalikuran niya ito at pumunta siya sa sariling
kwarto. Dumertso siya sa banyo at saka hinubad ang mga suot na damit. Kinuha niya
ang cellphone at kinontak ang numero ni Ellifard.

"I'm busy fuck yourself!" Nabibwisit na bungad nito sakanya. Kahit kailan talaga
'tong lalaking 'to masungit.

"Relax dude, can i borrow your S and W 500 mag, 50 caliber handgun with your
silencer." Sabi niya.

"At kanino mo naman gagamitin?"

"May tuturuan lang ako ng leksyon " Nakangising sabi niya, panandalian nawala ang
galit niya sa sagutan nila kanina ng ama niya nang maalala niya ang katulong ni
Criselda.

"Oh .... 'wag mong sabihin sakin na 'yung babaeng----

"Yes... Siyanga." Putol niya sa sasabihin nito. "....I don't like her attitude."
Dugtong niya pa.

Narinig niya ang bahaw na tawa nito sa kabilang linya.


"Okay copy that Player but devil, pero siguruhin mong malinis 'yan ha? nakapangalan
sakin ang baril na 'to and this is one of my favorite collection."

"Yeah... yeah basta ipadala mo na ASAP." Sabi niya saka pinatay ang tawag. Nilagay
niya ang cellphone sa tabi ng lababo saka niya binuksan ang shower. Napapagod na
tumingala siya at hinayaang tumama sa mukha ang lagasgas ng tubig, biglang lumitaw
sa balintataw niya ang mukha ng babaing 'yon.

Wrong move Mein Engel.... wrong move....

--------------***

HUMINGA ng malalim si Faith nang maisara niya na ang bintana ng kwarto ni Criselda
saka tahimik na lumabas siya ng kwarto nito. Tinahak niya ang mahabang pasilyo
papunta sa kwarto nila ng mama niya. Ngayong gabi ay hindi dito matutulog ang mama
niya. Dinala kasi nito ang bedsheet sa tiya Ampeng niya na binili sa divisoria.
Ayaw naman nito na siya ang maghatid dahil mag-uusap daw ang mga ito. Nakagat niya
ang ibabang labi nang makababa siya sa sala. Nilibot niya ng tingin ang buong
paligid.

'Ito ang nakakatakot sa malaking bahay eh....'

Kinapa niya ang switch ng ilaw saka pinatay yon. Mabilis siyang tumakbo paakyat
dahil kinikilabutan siya kapag madilim. Nang makadating naman siya sa second floor
ay kinapa rin niya ang switch ng ilaw na nasa tabi ng isang malaking antique vase.
"One... two..... three!! Ah!!" Sigaw niya nang mapatay niya na ang ilaw, kumalat
ang dilim non sa bawat sulok ng second floor. Kahit wala siyang makita sa mahabang
pasilyo ay tumakbo siya papunta sa kwarto nila ng mama niya. Mabilis niyang ni-lock
ang pinto saka nakahinga ng maluwag. Napatingin naman siya sa bintana niya na
nakabukas pa pala. Lumilipad ang puting kurtina ng balkonahe. Napapalunok na
lumapit siya don saka sinara ang pinto at kurtina. Iniwan niyang bukas ang ilaw sa
loob ng kwarto dahil takot siya sa dilim wala pa naman ang mama niya.

Ba't ba kasi ang laki ng bahay na 'to eh ilan lang naman ang nakatira?

Humiga na siya sa kama. Ang nagustuhan niya pa kay sir Edrick ay dahil dalawa lang
nama daw sila ng mama niya sa isang kwarto sila nilagay nito hindi sa maid
quarters. Ni-lock niya na ang pinto ng kwarto saka humiga. Papikit na siya nang
marinig ang pag-sara ng pinto. Nakiramdam siya habang nag-uumpisa na namang kumabog
ang dibdib niya.

'Sinara ko naman ang mga pinto diba?'

Nanlaki ang mata niya nang maramdaman niya ang paggalaw ng kumot niya. Parang may
humihila non, kasunod non ay ang paglundo ng kama sa likod niya. Naglumikot ang
mata niya, umawang ang labi niya nang maramdaman niyang malapit lang sa likuran
niya ang presensya na 'yon. Handa na sana siyang sumigaw nang marinig niyang
magsalita ito.

"Shut your mouth or i'll shoot you.." Pagkasabi non ay may matigas na bagay na
tumutok sa likuran niya. Parang naipon naman ang boses niya sa loob ng lalamunan
niya.

Familiar 'yong boses na 'yon.....


Nanlaki ang mata niya.

"I-ikaw?"

"Yeah it's me..... alam mong ayoko sa lahat ay 'yong intrimitida? Alam mo ba kung
anong ginagawa ko sakanila huh?" Sabi nito mula sa likod niya. Napapikit siya ng
mariin... God please help me!

"Yan dapat tahimik ka lang. Hindi kasi ako mahihilig sa mga babaeng maingay.."

Napaismid siya..

Parang 'yong ilalim nang club na 'yon hindi maingay ha?

Maya-maya ay may narinig siyang tumunog. Kumunot ang noo niya dahil alam niyang
banda 'yon sa likuran niya.

"Shit!" Bulong nito. Nanliliit ang matang nilingon niya ito at tinignan ang hawak
nito. Gumapang ang tingin niya papunta sa mukha nito. Tumaas ang sulok ng labi
nito..
"Hi... i'm Clifford, but you can me The ange- - -- "

Inis na sinipa niya ito ng malakas, nahulog naman ito sa kama. Sira-ulong 'to! kala
ko pa naman totoong baril pisti cellphone lang pala. Hawak nito ang balakang saka
na tumingin sakanya. Umupo siya sa kama.

"Ang sakit non ha?!" Inis na sabi nito, aba! siya pa naiinis! Kinuha niya ang unan
at pinag-hahampas 'yon sa ulo nito, panay naman ang salag nito.

"Bwisit ka so much! akala ko pa naman totoo walanghiya ka! " Inis na sabi niya
habang hinahampas ito. Hinablot nito mula sakanya ang unan at saka ito humiga sa
kama at inunan ang pinanghahampas niyang unan kanina. Aba't talagang!

"Lumayas ka dito tatawag ako ng pulis!" Banta niya, nakakalokong ngumisi ito.

"Okay.... makakatawag ba kahit putol ang wire ng telepono? siguro hindi no?"
Nakakalokong sabi nito. Nanliit ang mata niya. Talagang nang-aasar 'to eh.
Susuntukin niya sana ito nang makita niyang nakapikit ito. Nakaunan ang ulo nito sa
braso nito, nagkaroon siya ng layang pasadahan ang ayos nito. Simpleng black shirt
at faded jeans ang suot nito. Sa mukha naman nito siya napatingin, nakapikit ito.
Hindi niya napigilang hawakan ang mata nang makita ang mahaba nitong piliktmata.
Napaka-tangos din ng ilong nito. Bahagya siyang napangiti nang makita niya ang
medyo kulot nitong buhok na parang katulad nang kay Sto. nino.

Itong lalaking 'to gwapo sana.... malakas lang ang toyo eh....
Sabagay womanizer nga pala ang loko, and that handsome face is his weapon ..

"May bayad ang titigan ako.."

Napakurap siya nang magsalita ito. Unti-unti naman itong dumilat at binalingan
siya. Napatitig siya sa maamo nitong mukha.

'Kaya siguro iniyakan 'to Criselda eh... pero yuck! Ugali naman 'wag na uy..

"Baki kaba nandito? kung hinahanap mo si maam Criselda wala na siya dito." Sabi
niya para itago ang hiya.

Tumaas ang sulok ng labi nito saka tumagilid ng higa paharap sakanya.

"Mein Engel... hindi naman siya ang pinunta ko dito, kundi ikaw." Nakangising sabi
nito, nagtaka naman siya.
"Oh eh anong kailangan mo sakin?"

Nagulat siya nang bigla itong umupo at nilapit ang mukha sakanya.

"What do you think?" Tanong nito. Napangiwi naman siya, etong lalaking 'to
napakalandi!

"Kung balak mo 'kong idagdag sa mga collection mo well sorry Mr. Player spare me.
Ayoko sa mga katulad mo." Sabi niya dito. Tumawa ito ng mahina at tinignan ang
buong mukha niya.

"Matulog kana nga lang diyan.." Sabi nito saka muling nahiga.

"Pano ka nakapasok dito? Matibay ang security ng mansion nila sir." Tanong niya
pagkuwan.

"Hindi naman, kahit nga magnanakaw pwedeng makapasok dito." Sabi nito saka tinuro
ang balkonahe. "...kagaya niyan hindi naman matibay, diyan kaya ako dumaan."

Inirapan niya ito. "...umalis kana nga dito."

"Ayoko!"
"Isa!"

"Dalawa!" Hindi nagpapatalong sabi nito.

"Tatlo!" nang gigigil na sabi niya.

"Oh i love counting.... apat!"

Kuyom na kuyom na talaga ang kamao niya habang nakatingin dito.

"Oww... you love counting? oo nga pala no nagbibilang ka kasi ng mga babae." Sabi
niya, nakita niyang natigilan ito kahit nakapikit. Hindi na kasi ito umimik,
sinilip niya ang mukha nito. Bahagya palang nakadilat ang mata nito. Hindi niya
alam kung tama ba ang nakita pero mukhang nasaktan ito.

Hmp! Hindi siguro!

"Humiga kana lang diyan mamaya aalis na rin ako."Malamig na sabi nito saka
tumalikod ng higa sakanya. Aalis na sana siya sa kama para sa kabila na lang
matulog nang bigla itong magsalita.

"Stay....." Narinig niyang sabi nito, nilingon naman niya ito.

"Ano ako aso?!" Mataray na sabi niya.

"Humiga ka na lang diyan mamaya aalis na rin naman ako. I'm just tired." Sabi pa
nito. Iniisip naman niya kung susundin niya ito o lalabas na lang siya para sa
kabila matulog. Nagulat siya nang bigla itong dumilat at hawakan ang kamay niya.

"Ang kulit mo talaga, matulog kana sabi." Sabi nito at hinila siya pahiga. Tumama
ang ulo niya sa headboard ng kama.

"Aray tanga!"

"Oh shit! " Sabi nito sabay upo sa kamay. Hinawakan nito ang ulo niya.

"Okay ka lang ba? may masakit ba? ano? San masakit? Tanga naman kasi ba't nilulusob
mo yang kahoy wala kang laban diyan!" Sabi pa nito. Matalim niyang tinignan ito.
"Eh kung dukutin ko 'yang utak mo?! ikaw tong nang hihila diyan?!" Inis na sabi
niya. Tinap niya ang baba saka hinipan papunta kay Clifford.

"Ano 'yon?" Nagtatakang tanong nito sa ginawa niya.

"Para ikaw ang lumiit." Sabi niya saka hinila ang kumot.

"Kahit ano namang gawin mo hindi ka na tatangkad eh." Narinig niyang sabi nito.
Nilingon niya ito at hinampas ang nahawakan niyang unan. Tumawa lang ito saka
bumaba ng kama. Akala niya ay aalis na ito pero tumungo ito sa sofa na banda sa
sulok, dala nito ang unan saka ito umupo doon.

"Mamayang madaling araw na 'ko uuwi, tinatamad akong magmaneho eh." Sabi nito saka
nahiga sa sofa. Inirapan niya lang ito saka siya naghikab.

"Where's your father?" Tanong nito ilang sandali lang. Pumikit naman siya.

"Iniwan na kami.." Sagot naman niya, hindi naman ito sumagot. Kinusot niya ang
mata, hanggang sa unti-unti na siyang hinila ng antok.

Chapter six [Dark Society 3- Clifford Buch...]


"Anak! Gising na tanghali na!"

Unti-unting dinilat ni Faith ang mga mata nang marinig sunod-sunod na katok na 'yon
mula sa labas. Nag-inat muna siya saka muling pumikit.

Eh? Sandali lang? parang may mabigat? Hinawakan ni Faith ang bagay na nakadagan sa
tiyan niya saka 'yon pinisil.

Eh ano to? ba't ang masculine? Nanlaki ang mata niya.

Hala! ang kinis!

"Kung ako sayo titigilan ko 'yan."

Napasinghap siya ng malakas. Dumilat siya at napalingon sa gilid niya. Napatakip


siya ng bibig nang mabungaran niya ang maamong mukha na 'yon. Gulo-gulo ang medyo
kulot nitong buhok habang nakadapa paharap sakanya. Nanlalaki ang matang bumaba ang
tingin niya sa kamay nito na naka-dantay sa tiyan niya. Nakita niyang nakabukas na
rin ang kurtina na nakatabing sa balkonahe na bukas na rin, muli niyang tinignan
ang katabi.

'Panong napunta 'to dito?'

"Anak ! bubuksan ko na 'to" Sigaw ng ina niya mula sa labas. Pinalo niya ng malakas
ang katabi niya.

"Bumangon ka diyan! gago ka! patay ako kay mama nito eh!" Asar na sabi niya saka
tinanggal ang kamay nito sa tiyan niya.
"Tsk! natutulog pa 'yong tao eh!"

Aba siya pa ang naiinis ha?! Niyugyog niya ang balikat nito.

"Umalis kana! don ka sa bintana tumalon oh! magagalit si mama eh"

Hindi siya nito pinakinggan, kinuha nito ang unan saka tinakblob sa ulo nito. Inis
na sinipa-sipa naman niya ito.

"Anak kukunin ko 'yong susi... may kukunin kasi ako diyan sa loob."

Lalong tumindi ang kaba niya.

"Ma wait lang!" Sigaw niya pero mukhang wala na sa labas ng pinto ang mama niya at
tingin niya ay kumuha ito ng susi. Napahawak siya sa ulo saka nagmamadalung bumaba
ng kama.

"Naku pano ba 'to?!" Natatarantang sabi niya habang dino-double luck ang pinto.
Muli niyang nilingin si Clifford na tulog na tulog pa rin.

"Naku humanda ka talaga saking lalaki ka!" Duro niya dito. Tumuon ang mata niya sa
isang makapal na kumot.
Tama!

"Peste kang lalaki ka wag ka ng pumasok dito sa susunod punyemas ka!" Sermon niya
dito habang binabalot sa buong katawan nito ang makapal na kumot.

Ang laki naman kasi ng lalaking 'to!

"Ssshh bibig maaga pa." Saway niya, hmp! mukha niya! Kinuha niya naman ang unang
mahaba at pinatong 'yon sa ulo nito. Nang masiguro niya na hindi na makikita ito,
kahit papano. Lumpit siya sa pinto ang saka tinanggal ang pagkaka-double luck non.
Saktong bumukas ang pinto. Awtomatikong tumalon siya sa kama saka sumandal.

"Oh? anong ginagawa mo diyan? bakit parang mataas ata yang hinihigaan mo?"

"Ahh... wala po to ma nangangalay po ako eh." Kinakabahan ang ngiting sabi niya.
Nakuu! sana naman kagatin. Nagtatakang tumungo ang mama niya saka lumapit sa closet
ng damit. Naramdaman niya ang paggapang ng kamay ng animal mula sa batok niya.
Kinurot niya ang kamay nito.

"Tumigil ka diyan malilintikan ka!" Bulong niya. She heard his chuckled under the
blanket. Nakuu naman! panay pa rin ang kiliti nito. Binali niya ang daliri nito.

"Aray!"

"Aray!" Sigaw niya din. Biglang humarap sakanya ang ina niya.

"Ano 'yon ?" Tanong ng ina niya.


"Ah wala ma, yung ngipin ko nanakit uli eh." Sabi niya sabay hawak sa pisngi.

"Husay magpalusot ha?"

Ang tigas ng ulo niya ! Naiiling na pumunta na ang niya sa pinto at binuksan 'yon.

"Sige bumaba ka na din at gamutin mo 'yan bago pa lumala."

"Opo ma.." Sagot ng hudyo!

"Opo ma! ako 'yon." Salo niya bago pa ito magtanong, umiiling na lumabas na ito ng
pinto at sinara 'yon. Nanlisik ang mata niya saka binalingan ang lalaking 'yon.

"Alam mo ikaw- - - - AY!"

Bigla kasi itong umikot kasama siya dahilan para mahulog silang pareho sa kama.

"Umalis ka diyan. Manyak!" Pinanlakihan niya ito ng mga mata... sa pagbagsak nila
ay napailalim siya nito. Tinukod pa nito ang dalawang siko sa sahig para hindi siya
madaganan. Gumuhit ang nakakalokong ngiti nito.

"I like this position " Nang-aasar na sabi nito. Hinablot niya ang buhok nito at
nangigigil na winagwag 'yon.
"Aray! bitaw na! hindi na ayan na bibitawan kana nga eh! aray ha?!" Umalis ito mula
sa pagkakadagan sakanya at hinawakan ang sariling buhok.

"Ang bigat ng kamay mong babae ka! Alam mo bang mahal ang gel nitong buhok ko?!"
Pinandidilata ang mata na sabi nito sakanya.

"Wala 'kong pake! umalis ka dito bago pa bumalik si mama!" Sabi niya habang
nakatitig dito. Hindi niya maiwasang humanga dito habang nakatayo sa harap niya.
Tinatamaan ng sinag ng araw ang araw ang likod nito na mula sa balkonahe. magulo pa
ang buhok nito pero lalong bumagay naman 'yon dito. Napansin niyang may kulay 'yon
pero makikita lang 'yon sa tuwing natatamaan ng sinag ng araw. Gumapang ang mata
niya sa adam apple nito saka muling tumingin sa mukha nito. Unti-unti tumaas ang
sulok ng labi nito.

Nagtaka siya nang bigla itong mag-pose na parang model, medyo nakatingala ang mukha
nito habang nakalagay ang isang kamay sa batok nito at yung isa naman ay sa bulsa
nito.

"Ano hindi kapa satisfied? anong pose sabihin mo lang?" Nakangising sabi nito. Saka
ang siya natauhan kinuha niya ang unan at binato 'yon dito.

"Layas!" Sigaw niya. Naramdaman niya ang pamumula ng magkabilang pisngi.

"Ano ba 'yan... ganyan ba kayong mga babaeng pagkatapos mong pagsawaang titigan ang
kagwapuhan ko palalayasin mo 'ko? Ako ata dehado dito ha?" Sabi pa nito. Lalapitan
sana niya ito ngunit umatras lang ito sakanya.

"Ito na aalis na haha!" Natatawang sabi nito. Hindi lang siya playboy! mahangin pa!
ay nakalimutan ko magkapatid pala 'yong dalawa! Pumunta ito sa balkonahe saka
tumungtong sa mataas na bato. Bigla ginapang ng kaba ang dibdib niya.
"Uy, nag-aalala siya..."

Napatingin siya dito.

"Tatalon kana o ako pa ang tutulak sayo?!"

Natatawang naghanda na itong tumalon. Kinindatan muna siya nito bago ito tumalon.
Dumungaw siya sa ibaba, nakita niyang nagpapagpag ito ng kamay.

Aba! halatang bihasa sa matataas ha?

Tumingala ito sakanya.

"See you later baby!" Nakangising sabi nito saka kinindatan siya kasabay ng pag-
flying kiss sakanya. Talandi talaga!

Nakita niyang pumunta ito sa likod ng mansion, don siguro ito dumaan kagabi.
Naiiling na pumasok siya sa kwarto saka umupo sa gilid ng kama.

"Tumigil ka Faith 'wag kang papaano don, malandi 'yon!" Sabi niya sa sarili habang
sinasamapal ng mahina ang pisngi. Naiiling na tatayo sana siya nang makita niya ang
isang kumikinang na bagay na 'yon sa sahig. Kunot-noong dinampot niya 'yon.

"Paanong napunta dito dito?" Anas niya saka pumunta sa isang golden box na nasa
damitan niya. Binuksan niya 'yon.

"Oh? eh nandito naman?" Bulong niya, natigilan siya nang maalala si Clifford.
Meron din siya nito?

---------------***

"Uy? di ka lalaban?"

Iling lang ang sinagot ni Clifford kay Maxeau na nag-aayos ng gulong big truck.
Ilang buwan na ding hindi nila nabibisita ang Monstasc Dark Racing Venue. Ilang
taon na mula ng pinagawa ni Grey ang Monstasc racing para sa miyembro ng Dark
society , Si Ellifard lang ang halos active dito dahil na ka-focus ang iba sa
pagbebenta ng mga heroin. Tinignan niya ang malawak na lugar sa harap niya. 25
miles (0.40 km) ang haba ng venus.. with ground dirt. Pinaglaruan niya ang helmet
na hawak. Natigilan siya nang bigla niyang maalala ang babaeng 'yon.

'Kung balak mo 'kong idagdag sa mga collection mo well sorry Mr. Player spare me.
Ayoko sa mga katulad mo.!'

'Manyak!'

'Oww... you love counting? oo nga pala no nagbibilang ka kasi ng mga babae.'

Mahina siyang natawa nang maalala ang expression ng mukha nito.

"Hey!"

Napakurap siya nang marinig boses ni Ellifard, nilingon niya ito. He was wearing a
coverall Sparco KS-3 kart, color black, kinuha nito mula sa kamay niya ang helmet.

"Tulala ka ha? ah alam ko na.... ano ramdam mo na ba 'yong sumpa? umupo kapa kasi
don eh haha!" Nang-aasar na sabi nito.
"Fuck you." Bulong lang na sabi niya.

"Thank you!" Ngising sabi nito saka pumasok sa demo derby car na nasa likod na
kinasasandalan niya. Umalis naman siya don saka tinignan ang kaibigan. He and
Ellifard both avid fan of Monster Truck, Sumali na rin sila sa competition sa Las
vegas. Si Ellifard ay sa mud truck race freestyle, siya naman ay sa cart racing.
Ellifard always play a dirty and he's always play devious game in everywhere. Pero
kung titignan si Ellifard ang pinaka worst sa bawat laro, hindi mo mababasa sa
mukha nito ang susunod na plano. Maya-maya pa ay umalingawngaw na ang malakas na
makina ng mga demo derb car, kumalat ang mga usok sa buong lugar. Kita niya ang
maduming laro ni Ellifard.

"Fuck you Ellifard! I will fucking kill you I swear!" Galit na sigaw ni Grey nang
makalabas ito sa loob ng tumaob na sasakyan, nagtawanan ang mga grupo. Binangga
kasi ni Ellifard ang derby truck nito dahilan para bumaligtad ang sinasakyan nito,
kahit hindi pa nabubuhay ni Grey ang makina ng sasakyan nito.

Naiiling na tumalikod siya at hinubad ang suot na sparco. Hanggang sa kalahati lang
ng katawan niya hinubad 'yon, natira ang itim na t-shirt na suot niya. Natanaw niya
si Delifico na kinakausap ang babae sa info desk. Doon pumupunta ang mga magpapa-
register. Hinablot niya ang hawak nitong mineral bottle.

"Woah!!" Gulat na lumingon ito sakanya. Uminom siya sa bottle nito.

"Magsasabi ka nga pag lalapit ka!" Inis na sabi nito saka hinablot ang mineral
sakanya. Sa kanilang lahat hindi niya alam kung bakit magugulatin si Delifico
Tinignan niya si Ella. Naka-suot ito ng itim na sando, itim na itim ang kuko dahil
sa kulay ata 'yon, pinaghalong violet at pula ang kulay ng buhok nito. She is
Gothic lover, a wiccan witch who loves dark magic. Matagal na itong nagta-trabaho
kay Grey bilang assistant. Pero ngayong si Ellifard na ang namamahala ng venue ay
dito na ito nagta-trabaho.

"Ginugulo ka ba nito?" Nakangising tanong niya kay Ella.


"Hindi naman, tinatanong niya kasi kung may kakilala daw ako na babaeng papasa sa
panlasa niya." Sabi nito saka kinuha ang mahabang papel. May sinulat ito doon.
Tinignan niya si Delifico, nagkibit-balikat lang ito.

"Wala na kayo ni Julie?" Tanong niya dito.

"Kami pa 'no... wala lang gusto ko lang ng bago." Sabi nito saka tinaas ang kilay.
Napailing lang siya dito.

"Ewan ko sayo." Sabi niya saka tinapik ang balikat nito. "....alis na 'ko, ingat ka
baka kulamin ka ni Ella. Alam mo naman kapag naiirita na 'yan." Nakangising
kinindatan niya si Ella na umiling lang sakanya. Paglabas niya ng venue ay
dumeretso siya sa parking lot area. Sumakay siya sa kotse niya saka nag-isip kung
san pupunta, wala siyang balak pumasok. Tumaas ang sulok ng labi niya nang maalala
si Faith.

"Faith... faith... faith... faith." Pa ulit-ulit niyang bulong habang binubuhay ang
makina ng sasakyan.

Parang gusto kong mang-inis ngayon....

Chapter seven [Dark Society 3- Clifford Buch...]

LUKOT ang mukha ni Faith habang inaayos basang payong ang lakas kasi ng ulan, balak
nga muna niyang hindi pumasok dahil marami pa siyang pending na hindi nagagawa.
Pati na rin ang mga deadlines niya pero hindi naman niya pwedeng laktawan ang araw
na 'to dahil baka may importanteng ipa-discuss ang prof nila. Naisipan niya munang
dumaan sa library pero natigilan siya nang makita niya si Clifford na nakasandal sa
pader ng library, ngunit hindi ito nag-iisa. Kasama nito si Violet. Ito ang top 1
nila sa deanlist, parang seryoso ang pinag-uusapan ng mga ito. Nakita niya pang
naluluha si Violet.
'Pake ko ba sakanya? halata namang bago niya 'yan eh.'

Inayos na lang niya ang pagkakasukbit ng bag saka nagpatuloy sa paglalakad na


parang hindi nakita ang mga ito. Pero dahil sa library siya pupunta ay madadaanan
niya ang mga ito.

"Clifford naman...." Habang papalapit siya ay naririnig niya ang mga ito.

"It's your fault Violet. Masyado kang nag-expect ng higit pa don, sana una palang
dapat pinagana mo 'yang utak mo." Narinig niyang sabi ni Clifford. Muli siyang
huminto at tinignan ang dalawa. Mukhang seryoso nga talaga ang mga ito kaya hindi
siya napansin. Narinig niyang humikbi si Violet. Naguluhan naman siya dahil kilala
niya itong matapang, minsan pa nga ay nakikipag-debate ito sa prof nila. Ultimo
maliit na pagkakamali na nakikita nito ay tinatama pa rin nito.

'Pag nabaliw ka nga naman sa love wala ng matalino..'

Mas lalong bumigat ang loob niya kay Clifford. Kaya dapat ay maaga pa lang iwasan
niya na ito dahil hindi niya gustong mapabilang sa mga pinaglaaruan nito. Kahit nga
ang utos ni Criselda hindi niya ginawa eh, dahil alam niya na siya rin ang matatalo
sa huli.

"Y-yeah I know... i know and I'm sorry." Pabulong na sabi ni Violet saka pinunasan
ang luha sa pisngi nito. Kumakalat sa pisngi nito ang ilang hibla ng buhok nito.
Tinignan naman niya ang expression ni Clifford, parang baliwala lang 'yon dito
dahil nakangisi pa ito.

"You deserve it Violet." Sabi pa nito saka umayos ng tayo at tinalikuran si Violet.
Napahinto lang ito nang makita siya.
"Hey Mein engel.." Bakas sa mukha nito na natutuwang nitong nakita siya. Bahagya
lang niya itong ningitian saka siya nagpatuloy sa paglalakad papunta sa direksyon
nito.

"Ahm... may gusto lang sana akong ipaki-usap sayo." Sabi niya dito. Nagsalubong
naman ang makapal nitong kilay.

"Ano 'yon?"

Huminga siya ng malalim, mula sa gilid ng mata niya ay nakita niyang naglalakad na
palayo si Violet.

"Pwede bang 'wag ka ng lumapit-lapit sakin? I mean, kapag nagsasalubong tayo


kunwari hindi mo 'ko kilala. Wala lang. Just act like a stranger." Sabi niya dito.
Natigilan naman ito.

"Bakit naman?" Lalong nagsalubong ang kilay nito.

"Kasi hindi naman talaga kita kilala eh, EX ka ng amo ko. At isa pa..." Lumingon
siya sa paligid niya at muling bumaling dito. "...Ayokong malaman nila na
magkakilala tayo dahil nahihiya ako." Dugtong niya. Kung hindi siya nagkakamali ay
nakita niya ang daan na sumakit sa mata nito napalitan 'yon ng inis at pagka-
insulto. Binawi niya ang tingin dito.
"At bakit ka naman mahihiyang kasama ako?"

"Dahil ayokong isipin nila na isa ako sa mga pinaglalaruan mo. Ayokong isipin nila
na baka isa ako sa mga collection mo, alam mo naman siguro ang mga utak ng
studyante dito. At isa pa ayokong madugtungan pa 'yong pagkakakilala natin."

Hindi naman ito sumagot, basta lang itong nakatingin sakanya.

"Excuse me." Sabi niya saka nilagpasan ito. Dumeretso siya sa library pero bago
siya pumasok ay nilingon niya pa ang binata. Nakita niyang nakatingala ito, parang
pinapanood nito ang ulan. Naiiling na pumasok na lang siya sa loob at inignora ang
konsensya na nararamdaman niya.

'Gusto ko lang protektahan ang sarili ko. Yun lang'

-----------------****

"HAAAAYY sana hindi na lang pala ako pumasok kung wala naman pala ang prof natin
eh!" Inis na sabi ng katabi niya, si Rica. 'Yun nga din ang kinaiinis niya wala
naman pala ang prof nila dapat pala hindi na lang talaga siya pumasok. Kinuha niya
ang bag saka tumayo.

"Ah excuse me Faith."

Natigilan siya nang tinawag siya ni Froy.


"Pwede bang pahiram muna ng payong mo? Promise ihahatid ko lang muna sa sakayan si
Joy, galing kasi siya sa sakit eh. Promise ibabalik ko ngayon din kapag hinatid ko
siya sa sakayan niya." Paki-usap nito.

"Uy wag na... Ah Faith wag na okay lang ako." Sabi sakanya ni Joy. Napangiti na
lang sila sa dalawa dahil alam niyang may gusto si Froy dito. Napapailing na
binigay niya ang payong sa mga ito.

"Sige ayos lang ako, ihatid mo na lang si Joy sakanila. Ilalagay ko na lang 'yung
mga gamit ko locker room ko." Nakangiting sabi niya.

"Pano ka?" Tanong sakanya ni Joy.

"Ayos lang ako." Sabi niya saka inabot ang payong kay Froy.

"Salamat ibabalik ko rin agad 'to sayo."

"Bukas na lang. Sige ingat kayo." Nakangiting sabi niya sa mga ito saka siya
lumabas ng classroom. Dumeretso siya sa locker room niya saka nilagay lahat ng
gamit niya. Maaga na lang siyang papasok bukas, sa library na lang niya tatapusin
ang mga ginagawa niya. Mabilis siyang bumaba ng school. Pero napahinto siya sa
pasilyo pa lang kaharap ng office nang makita niyang malakas ang ulan. Malayo pa
naman 'yung gate. Siguradong hindi pa siya nakakapunta don basa na ang buo niyang
katawan. Medyo manipis pa naman ang suot niyang blouse. Malinis ang gitna ng campus
walang sino man ang naglalakas ng loob na sumulong sa malakas na ulan. Napakagat-
labi naman siya nang yakapin siya ng lamig ng hangin.
'Naku baka mamaya pa tumila 'to. Bahala na!'

Tinaklob niya ang dalawang palad sa ulo saka lumusob sa malakas na ulan. Pero kahit
anong bilis ng takbo niya ay nabasa pa rin siya.

"Ay palaka!" Tili niya nang basta na lang may humila ng kwelyo niya sa batok.
Napahinto siya sa pagtakbo, buti na lang at na-i-balanse niya ang sarili kaya hindi
siya bumagsak. Nakita niya ang dalawang pares ng paa sa gilid niya. Dahan-dahan
niyang nilingon para alamin kung sino 'yon. Nabungaran niya ang mukha ni Clifford,
naka-hood jacket ito.

"Stupid." Walang emosyon na sabi nito sakanya. Tumaas ang tingin niya, nakita niya
ang malaking payong na hawak ng isang kamay nito. Umawang ang labi niya nang
maglakad ito, dahil hawak pa rin nito ang kwelyo sa likod niya ay napasabay siya
dito.

"Aray dahan-dahan naman!" Angal niya dahil sa bilis ng paglalakad nito.

"Ayaw mong makita nila tayo diba? Kaya nga nagmamadali tayo eh." Sabi pa nito
habang bitbit siya. Hanggang sa makalabas na sila ng gate ay bitbit pa rin siya
nito. Tumigil lang sila nang makarating na sila ng parking lot area.

"Bitawan mo 'ko! Magco-commute lang ako!" Angal niya pero hindi siya nito
pinakinggan. Pinilit siya nitong pinasok sa loob ng sasakyan nito. Umikot naman ito
papunta sa kabilang side saka sumakay sa driver seat. Binato nito sa likod ng kotse
nito ang payong saka binaba ang hood ng jacket. Kumunot pa ang noo niya nang
hubarin nito ang jacket, binato rin nito 'yon sa likod. Natira ang uniform nitong
puti. Naka-bukas ang butones non hanggang dibdib nito kaya kita niya ang makinis at
maputi nitong dibdib. Binawi niya ang tingin niya.
"Diba malinaw 'yung usapan natin kanina?" Sabi niya dito.

"Yeah... so, what's the problem?" Tanong nito habang hinuhubad ang suot na G-Shock,
nilagay nito 'yon sa dashboard saka na nito binuhay ang makina ng sasakyan.

"So bakit ka pa rin dumidikit sakin? Pano na lang kung may nakakita satin ha?!"

"Kaya nga naka-hood ako kanina diba? Kaya sa tuwing magkasama tayo tatakpan ko ang
mukha ko. Tapos." Nakangiting sabi nito. Natawa siya ng mahina saka tumaas ang
kilay.

"Nang-aasar kaba? Gusto mong i-emphasize ko pa ang sinabi ko kanina? Hanggang don
lang 'yung pagkakakilala natin. Gets mo 'yon?" Naiinis na sabi niya. Palabas na
sila ng parking lot, nakatutok lang ang mata nito sa daan.

"Pano kung ayoko?" Natutuwang sabi nito. Nagpantay ang labi niya sa pagka-inis
dito.

"Ang tigas talaga ng mukha mo no Clifford?" Sarkastikang sabi niya. Nakita niyang
natigilan ito saka unti-unting ngumiti, 'yon lang ang ka una-unahang pagkakataon na
nakita niya itong nakangiti. Hindi ito nakangisi, o di kaya nang-aasar.

"Finally...." Usal nito. Kumunot naman ang noo niya.

"Anong finally?" Tanong niya. Umiling lang ito.


"Wala." Bahagya siya nitong nilingon. "...gusto mong kumain? May alam akong buffet
dito. Treat kita."

Bigla naman siyang nagutom.

"At hindi ka pwedeng tumanggi." Sabi agad nito. Tinitigan niya ito.

"Tanong ko lang Clifford, bakit ba ako ang ginugulo mo? Pandagdag ba ako sa mga
babae mo? Kagaya ni Criselda? ni Violet at iba pang napaiyak mo."

"Hindi ba pwedeng maki-pag kaibigan lang sayo? Bakit? gusto mo ba na maging tayo?"
Nakangising sabi nito. Inirapan niya ito.

"Ewan ko sayo." Tumingin siya sa labas ng bintana. Kaibigan? Si Clifford? Napailing


siya, mukhang malabo sa landi ng lalaking 'to.

Chapter eight [Dark Society 3- Clifford Buch...]

NANG huminto na ang sasakyan sa harap ng mansion ay binalingan niya na si


Clifford. Inaalis na nito ang seatbelt.

"Ah hanggang dito na lang ako Clifford, 'wag ka ng bumaba. Baka kasi nandiyan na si
mama." Sabi niya dito. Nilingon naman siya nito.

"Are you sure?"

Nakangiting tumango naman siya saka tinanggal ang seatbelt.

"Oo. Salamat uli sa treat ha?" Nakangiting sabi niya saka siya may naalala. Kinuha
niya ang bag saka may kinuha sa loob ng bag niya.
'Buti na lang nadala ko 'to.'

Inabot niya ang hawak kay Clifford. ".... Is it yours?"

Nakita niyang natigilan ito, kung hindi siya nagkakamali ay nakita niya ang sakit
na dumaan sa mata nito nang makita ang kwintas na hawak niya. Kinuha naman nito sa
kamay niya.

"Promising ring 'yang nakalawit diba?" Tanong niya pa dito. Mapait na ngumiti ito
saka tumango-tango. Gusto ko sanang sabihin na magkatulad ang naka-lawit sa
necklace namin kaya lang 'wag na lang.

"Yeah.... pano napunta sayo 'to?" Tanong pa nito.

"Actually nakita ko lang sa sahig 'yan bago ka tumalon sa balkonahe."

Tumango-tango ito habang nakatitig sa hawak nitong necklace.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya dito. Umiling naman ito saka pilit ang ngiting
tumingin sakanya.

"I'm fine. Thank you for this."

Tumango lang siya saka sinukbit ang bag.

"Sige dito na 'ko.... salamat ha?"

Tumango lang siya, binuksan nito ang pinto sa tabi niya saka muli siyang
binalingan. Walang buhay ang bukas ng mukha nito. Sinara niya naman 'yon at
tinignan si Clifford. Umandar na muli ang sasakyan nito at nasundan na lang niya
'yon ng tingin.

'Anong nangyari don?'

---------------****

"Ah nang ito po magkano?" Tanong ni Faith habang sinusuri ang sariwang isda. Marami
kasing ginagawa ang nanay niya ngayon kaya siya muna ang bahalang mamili ng mga
grocery.

"Bente isang tumpok lang neng"


"Sige ho bilin ko na..." Nakangiting inabot niya ang bayad saka siya lumipat sa
kabilang tindahan. Nang mabili niya na ang mga kailangang bilhin ay lumabas na siya
ng supermarket. Commute lang siya ngayon dahil malapit lang naman ang palengke
sakanila. Paglabas ng village may sakayan na papunta sa market. Patawid na sana
siya nang biglang may humintong kotse sa harap niya. Kumunot ang noo niya, maya-
maya ay bumaba ang salamin ng kotseng 'yon. Bumungad sakanya ang lalaking
nakasalamin, ngumisi ito sakanya at saka tinaas nito ang sunglasses. Itinungkod
nito ang siko sa bintana ng kotse nito.

"Hey Mein engel."

"Anong ginagawa mo dito?" Takang tanong niya. Tatlong araw itong hindi nagparamdam
sakanya. Akala nga niya ay talagang hindi na ito magpapakita sakanya.

"Papunta na 'ko sa inyo nang makita kitang umalis kaya sinundan kita. Halika na?"
Nakangiting sabi nito. Inirapan niya ito.

"Alam mo, hindi ka lang akyat-bahay stalker ka din pala." Sabi niya saka umikot
papunta sa isang side ng kotse nito. Kusa siyang pumasok sa loob.

"Fuck! Ano 'yan?!" Gulat na sabi nito pagpasok niya, napangisi siya.

Loko ka! ako naman.

"Tanga! isda to!"

"Ilabas mo yan! naka aircon ako oh? can you see?"

Hindi niya ito pinakinggan.

"Hindi pwede ulam namin to..."

Nakasimangot na binuhay nito ang makina ng sasakyan. Ano ka ngayon!

"Ay sandali ihinto mo muna!"

Kahit nagtataka ay huminto ito.

"Bakit?"

"Hawakan mo muna" Nakangiting binigay niya ang plastic na dala, kita niya ang
pagngiwi nito.
"Yuck. No way!"

"Wag kang maarte!" Pinandilatan niya ito ng mga mata

Halatang hindi sanay ang loko sa malansa eh!

Kahit nakasimangot ay kinuha nito 'yon sa kamay niya gamit ang daliri. Nakangiting
lumabas siya at pumunta sa nagtitinda ng kwek-kwek sa tabi. Bumili siya ng bente
piraso na tig sampu ang presyo saka siya bumalik sa kotse.

"Ano na naman 'yan?!" Parang mauubusan ng hiningang sabi nito. Natawa siya ng
malakas saka niya ito kinurot sa pisngi. Kinuha niya mula sa kamay nito ang pastic,
buti na lang at may doble 'yon kaya hindi tumutulo ang lansa ng isda. Inumpisahan
niya ng kainin 'ang binili.

"Gusto mo?" Nakangiting tanong niya dito, diring-diri na umiling lang ito. Arte!
Tahimik lang sila sa buong biyahe. Si Clifford nag da-drive siya naman ay kumakain.
Tinapon niya ang plastic na pinakainan sa basurahan ni Clifford nang marinig niyang
na-ring ang cellphone nito.

"Hello?"

Lumaki naman ang butas ng tenga niya habang nakatingin sa labas ng bintana.

"Oh hi Jessica? oh---- i'm sorry Fenny.,Yes, how can you get my number?"

May sinabi siguro ang nasa kabilang linya kaya tumawa ang loko.

"Tss..." Bulong niya saka umirap sa hangin. Talantod talaga! Tignan mo ang landi sa
babae may girlfriend naman pala.

"Ah... Okay , in the cafteria you remember that place right? good, hintayin kita
don." Sabi nito. Umismid siya.

"Ah..... Faith?" Tawag nito sakanya. Pumikit lang siya at hindi ito pinansin.

-------------****

NAGTATAKANG sinilip ni Clifford ang katabi, kanina pa kasi niya tinatawag ang
pangalan nito pero hindi siya pinapasin.

'Bakit kaya? Kausap ko lang naman kanina si Fenny hindi na niya ako pinansin. Hindi
kaya.....'
Napangiti siya sa hinala niya, muli niya itong binalingan nakatingin ito sa labas
ng bintana.

Is she fucking jelous? wow....

Hindi niya alam kung bakit siya natutuwa samantalang dati kapag may pinagseselosan
ang mga babae niya ay naiinis siya. But when it comes to Faith......

Palihim niyang hinawakan ang kamay nito.

"No ba! kamay mo puputulin ko yan!"

Halatang inis nga ito. He chuckled.. sunod niyang hinawakan ang dulo ng buhok nito
habang nakatutok siya sa daan.

"Uy.... pansinin mo naman ako oh." Suyo niya. Nilayo nito buhok sakanya pero
laylayang ng mangas naman nito ang pinagtripan niya. Inis na lumayo ito.

"Ang kulit mo!" Pinandilatan pa siya nito ng mata. Tinawanan niya lang ito. Tinusok
tusok niya ang bewang ng dalaga.

"Uy.... nagseselos siya." Tudyo niya, nanlaki ang mata nito at bago niya pa
mahulaan ang gagawin nito ay hinila na nito ang buhok niya at winagwag 'yon..

"Wai-sandali! Sandali Faith! mababangga tayo!" Sigaw niya habang hawak ang kamay
nito na nakasabunot sa buhok niya.

'Hilig nitong hilahin ang buhok ko!'

"Alam mo 'di lang makapal yang mukha mo pati yang utak mo makapal na sobra!" Sabi
pa nito at sa wakas ay binitawan na ang buhok niya. Natatawang inayos niya ang
buhok.

"Huwag kang mag-alala kaibigan ko lang 'yon. Honest to promise."

Hindi pa rin siya nito pinansin. Hanggang sa maihatid niya na ito sakanila tahimik
pa rin ito. Padabog na bumaba pa ito sa kotse niya at malakas na binagsak pasara
ang pinto, binaba niya ang salamin ng bintana at sinilip ito.

"Faith!" Tawag niya pero hindi ito lumilingon.


"Faith!" Sigaw niya uli, tinawag uli niya ito pero wala pa rin. Ngumisi ako nang
maisip ko kung ano ang magpapabalik dito.

"Faith you have a nice ass!" Sigaw niya, ayun... huminto ito at madilim ang mukhang
lumapit sakanya.

Wew.... wrong move Clifford.

Alam niya na nasasampalin siya nito. Kaya nang lumipad ang palad nito ay hinawakan
niya ang pulso nito at hinila ito dahilan para mapayuko ito at mahalikan siya.
Lumawak ang ngit niya nang makita ang reaksyon ng mukha nito, nanlalaki ang mata
nito.

"Hmmm... taste of vinegar, i like it." Pang-iinis niya pa. Nakita niya ang unti-
unting pamumula ng pisngi nito.Hindi niya na ito bibigyan ng pagkakataon na
matauhan. Mabilis siyang umayos ng upo at binuhay ang makina ng sasakyan.

"MANYAAAAAAAAAKKKKK!!!"

Natawa siya ng malakas nang marinig ang boses nito. Mabilis niyang sinara ang
salaming bintana.

Hindi pa siya nakakalabas ng village nang ihinto niya ang sasakyan sa tabi ng
kalsada Kinuha niya ang cellphone sa bulsa saka kinontak si Fenny. Isa ito sa mga
past girlfriend niya. Ito ang nakipag-break sakanya at nang maging sila ni Criselda
saka ito nagparamdam na gusto nitong magkabalikan sila. Gusto lang niyang
makipagkita dito para linawin dito na wala na sila.

"Hello Fenny, hindi muna 'ko makikipagkita sayo. Kailangan kong suyuin ang
girlfriend ko bye." Sabi niya bago pa ito sumagot sa kabilang linya. Nag-send naman
siya ng message kay Maxeau saka niya nilagay ang cellphone sa dashboard. Binuhay
niya muli ang makina ng sasakyan at nag-U Turn pabalik kina Faith.

"Tsk. Bakit hindi ko matiis ang babaeng 'yon...." Anas niya. Alam niyang may mali
sakanya.... pero hindi niya alam kung bakit gusto niya ang maling 'yon.

Chapter nine [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"Kung nagsasalita lang yang papel na hawak mo kanina pa nagreklamo 'yan."

Nguso lang ang sinagot ni Faith sa ina habang patuloy pa rin niyang tinutusok ng
ballpen ang papel. Tumayo siya habang dala ang mga gamit.
"Ma' tulog na po ako." Sabi niya kahit pa hindi siya maaga matulog. Hindi niya alam
kung bakit wala siyang ganang kumilos ngayon. Basta masama ang loob niya. Mabigat
ang loob na pumasok siya sa kwarto. Padapa siyang humiga sa kama at nangalumbaba
saka tumingin sa terrace. Tumingin siya sa orasang nasa dingding.

'Ganitong oras umaakyat na siya sa terrace.'

"Kaasar! ayokong mag assume no?" Bulong niya

Kumunot ang niya nang makita na parang may flying object na bumabato sa terrace.
Inaninag niya ang bagay na 'yon na nasa sahig.

Teddy bear?

Muli na namang may bumato.

Eh? Plastic?

At ayun may bumato na naman.


Bulaklak?!

Akala niya ay may ibabato pa, pero nakita niya ang lumawit na braso kasunod non ay
ang sigaw mula sa baba.

"FUCK YOU CLIFFORD!! IBALIK MO LAHAT YAN! PARA SA MGA BABAE KO YAN, MAGNANAKAW KA!"

Hindi pa rin siya gumagalaw, nanatili lang siyang nakatingin dito. Maya-maya ay may
parang batang sumampa sa teresa, kumabog ang dibdib niya nang makilala niya ang
bulto na 'yon. Nakatingin ang taong 'yon sa ibaba habang may hawak na malaking
plastic na hindi niya alam ang laman.

"PARA KANG TANGA ! PAPALITAN KO 'TO MAMATAY MAN SI FAITH! PROMISE!"

Aba gago 'to ha?!

Maya-maya ay nakatapak na ito sa sahig saka humarap ito sa loob ng kwarto.


Natigilan ito nang makita siya.

"Oh? ikaw pala Mein Engel." Nakangiting sabi nito saka pumasok sa loob ng kwarto.
Inirapan niya ito saka siya umupo sa gitna ng kama. Nilapag nito sa harap niya ang
mga dala.

"Ano yan?" Tanong niya. Ngumiti lang ito saka umupo sa gilid ng kama, nakasampa pa
ang isa nitong tuhod sa kama. Binigay nito sakanya ang bulaklak at isang box.

"Oh... para mawala galit mo." Sabi nito, inismiran niya ito.

"Ano naman ikakagalit ko? At saka hindi naman sayo galing 'yan" Sabi ko.

"Hindi nga akin pinaghirapan ko namang kunin yan eh" sabi pa nito. Talagang tong
taong to laging may dahilan! May kinuha ito mula sa loob ng plastic. Nanlaki ang
mga mata niya nang makita ang nilabas nito. Puro undies at bra ang laman ng plastic
na 'yon. Nakita niyang namumulang binalik ni Clifford ang mga nilabas sa plastic.

"Shit... patay talaga tong si Maxeau." Bulong nito saka tumayo at pumunta sa
terrace dala ang plastic. Inismiran niya ito.

-------------****

"FUCK you Maxeau! hindi mo sinabing puro mga undies ng mga babae ang laman nitong
plastic! nakakahiya kay Faith." Gigil na sabi niya. Nakita niya ang expression ng
mukha ni Faith kanina kaya hindi niya alam kung paano dito magpapaliwanag.
"Yan ang napapala ng magnanakaw." Natatawang sabi ni Maxeau habang nakatungtong sa
taas ng puno. Handa na itong tumalon, mabuti na lang at mababa lang ang likod ng
mansion nila Criselda kaya madali lang 'yung akyatin. Nasa kabila nakaparada ang
kotse na dala ni Maxeau.

"Tss!" Naiiling na akmang tatalikod na siya para bumalik kay Faith.

"Sandali Clifford." Tawag sakanya ni Maxeau. Binalingan niya ito, nakakapit ito sa
sanga ng puno.

"Kailan kapa pala nahiya sa babae ha? hmmm... i smell something, di kaya gumagapang
na 'yang sumpa sa katawan mo Mr. Player?" Natatawang sabi nito. Natigilan naman
siya sa sinabi nito.

"Well I guess. Sabi ko na nga ba may sumpa ang trono na 'yon. I have to go! Ba-
bye!" Sabi nito saka tumalon.

Gusto ko na nga ba siya?

Napakurap siya at bigla niyang naalala ang mga ginawa niya nitong nakaraang araw.
Hinawakan niya ang necklace na nakasabit sa leeg saka tumingin sa taas ng teresa
nila Faith.

Fuck! Hindi ako nag-ingat!


Wala sa sariling umakyat siya sa puno saka tumungtong sa itaas.

I need to get out of here. I should be more careful next time. Hindi ko hahayaang
tuluyan siyang makapasok sa buhay ko...

----------------****

PANAY ang linga ni Faith sa paligid. Kanina niya pa hinahanap si Clifford pero
hindi niya ito nakita sa buong campus. Bigla na lang kasi itong nawala kagabi nang
sundan nito ang kaibigan. Nakasalubong niya si Violet.

"Ah Violet!" Tawag niya dito habang papalapit sa direksyon nito.

"Oh hi Faith." Nakangiting sabi nito.

"Ah.... nakita mo ba si Clifford?"

Natigilan naman ito.

"Magkakilala kayo?" Tanong nito, naiilang na tumango naman siya.


"May nakalimutan lang kasi akong sabihin sakanya." Pagsisinungaling niya. Tumango-
tango naman ito.

"Nakita ko siya kanina kausap si Sir. Ricardo. 'Yung dad niya." Sabi nito.

"Ama niya si sir. Ricardo?" Gulat na sabi niya, ngayon niya lang nalaman.

"Yeah. But they're not close. Nakipag-away na naman ata si Cliford kaya ayun
tinawag siya."

Napa-away? Pero bakit?

"Ganon ba? Salamat ha.." Sabi niya habang iniisip si Clifford. Nilagpasan niya na
si Violet, binalingan niya ito nang may maalala siyang sabihin.

"Nakita pala kitang umiyak Violet. Dahil ba kay Clifford?" Tanong niya dito.
Nakangiting umiling ito.

"No, of course not. Hindi naging kami ni Clifford." Natatawang sabi nito saka
huminga ng malalim. "....well, it's complicated. Pero hindi kasama si Clifford
dito." Anito. Tumango naman siya saka ningitian ito.

"Sige salamat uli, dito na 'ko."

Nang tumango na ito ay tumalikod na siya. Dumeretso siya sa pasilyo kung saan ang
office ni Sir. Ricardo. Ngunit pagdating niya don ay naabutan niya si Clifford
ngunit hindi ito nag-iisa. May kasama itong babae, napatingin siya sa mukha nito na
puro pasa. Nakita niyang hinila nito ang babae papalapit dito at hinalikan ang labi
ng babaeng 'yon. Napa-atras siya......

Ilang sandali siyang nanatili doon bago niya na-igalaw ang paa at tumalikod.
Tahimik siyang lumayo doon.

'Sabi na nga ba eh..... baka mas matindi pa ang maramdaman ko kung sinunod ko ang
gustong mangyari ni Criselda.'

Naramdaman niya ang pag-iinit ng sulok ng mata. Yumuko siya saka tumingala habang
kinukurap ang mga mata, binilisan niya ang paghakbang.

Chapter ten [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"GRABE 'yong ginawa niya kay Criselda no? Imagine he just dropped
Criselda's heart like a hot potatoe."

"Yeah true ka diyan! Take note, three years ang tinagal nila."
"Pero kasi kung ganyan ba namang ka gwapo ang lalandas sa'yo pakakawalan mo pa ba?
haha"

"True!"

Napapaismid si Faith nang marinig niya ang mga 'yon. Mga intrimitida!

Kinuha niya ang mga libro sa locker niya saka ni-lock 'yon. Panay pa rin ng
kwentuhan ng mga babaeng nasa tabi lang niya. Napailing na lang siya, walang ginawa
ang mga tsismosa kung hindi ang mangialam ng buhay ng iba. Nagtaka siya kung bakit
nanahimik ang mga ito, naramdaman din niya ang kakaibang vibes sa paligid niya.
Binalingan niya ang mga ito.

'Ah.... kaya naman pala. Nandiyan na kasi 'yung pinag-uusapan nila.'

Nakita niya parating na si Clifford, nakapamulsa ito habang kausap ang isang
lalaki. Binawi niya ang tingin dito saka siya tumalikod bitbit ang libro.

"Faith?"

Palihim siyang natigilan nang marinig ang boses na 'yon sa likuran niya. Binilisan
niya ang paglalakad.

"Sandali lang Faith!"


Napangiwi siya nang maramdaman ang kamay na 'yon sa braso niya. Huminga muna siya
ng malalim saka binalingan ito.

"Clifford! Bakit?" Nakangiting sabi niya. 'Wag lang sanang magmukhang peke.

"Are you okay? Bakit nagmamadali ka ata?" Tanong nito.

"Ah.... may kailangan pa kasi akong i-research eh. Bakit mo nga pala ako
tinatawag?"

"Sabay sana tayong mag-lunch ngayon eh. Kumain ka na ba?" Nakangiting sabi niya.

'Bakit hindi 'yung kahalikan mo kahapon ang yayain mo?'

"Oo, kumain na 'ko."

Nakita niyang siniko ng lalaking 'yon si Clifford.

"Girlfriend mo?" Tanong nito.


"Hindi!"

"Yes." Halos magkasabay na sabi nila ni Clifford. Ngumisi lang ang lalaking 'yon.

"Oh yeah..... sige, dito na 'ko. Hahanapin ko pa si Maam Jane." Sabi ng lalaking
'yon saka tumango lang sakanya at tinalikuran na sila.

"Eros mamaya ha?! Yung sinabi ko!" Sabi ni Clifford sa kaibigan. Tumaas lang ang
kamay ng lalaking 'yon.

"Ano 'yes' ka diyan! Baka mamaya iba isipin ng kaibigan mo eh!" Naiinis na sabi
niya dito saka tinalikuran ito.

"Sandali! Sorry na.... bakit ba mukhang badtrip ka ngayon ha?" Natatawang sabi ni
Clifford habang sumasabay ng lakad sakanya. Tinabing niya ang isang hibla ng buhok
na tumabing sa mukha niya.

"Anong badtrip? Hindi ah."

"Bakit nakasimangot ka?"

Nilingon niya ito. Nakita niya pang nangingitim pa ang ilalim ng mata nito.
"Bakit may pasa ang mukha mo?" Balik-tanong niya. Natigilan naman ito saka hinaplos
ang mukha.

"Meron pa? Halata ba?" Tanong nito. Inirapan niya lang ang binata.

"Nakipag-away ka no?" Sabi niya saka siya lumiko sa isang pasilyo. Nakasunod pa rin
sakanya si Clifford.

"Hindi ah..... hey? San ka pupunta? Halika kain na muna tayo!"

Bigla nitong hinila ang braso niya bago pa siya makarating sa library. Tinatamad na
binalingan niya ito.

"Kailangan kong mag-review ngayon Clifford." Sabi niya dito. Nilalayo na nga niya
sarili niya eh lapit pa rin ng lapit!

"Okay." Sabi nito saka binitawan ang braso niya. Pumasok na siya sa loob ng
library, akala niya ay umalis na si Clifford 'yon pala sumunod pa ang lanya!
Binalingan niya ito.

"Bakit?" Pa-inosenteng tanong nito. Tinignan muna niya ang loob ng library. May mga
studyante sa loob at classmate niya pa ang iba don! Sinapo niya ang noo saka
binalingan si Clifford.
"Halika, kumain muna tayo." Sabi niya at naunang lumabas ng library.

"Yes..." Narinig niyang bulong nito sa likuran niya. Napailing na lang siya.

---------------****

"ANO ba talagang nangyari sayo kahapon?" Tanong ni Faith, hindi talaga siya
matahimik. Hindi birong pasa ang nakita niya kahapon sa mukha ni Clifford. Kaya
kahit inis siya dito ay hindi pa rin niya mapigilang maawa dito.

"Napaaway kami ng kaibigan ko. Well, it's just a little misunderstanding don't
worry about it.." Sabi nito saka uminom ng tubig. Naiiling na pinagpatuloy niya ang
pagkain.

Nagulat siya nang makita niya ang kutsara malapit sa mukha niya. Nag-angat siya ng
mukha at tinignan ang kaharap.

"Ano 'yan?"

"Tikman mo 'to ang sarap." Nakangiting sabi nito habang dinuduldul sa mukha niya
ang kutsara.
"Manahimik ka baka upakan kita diyan." Sabi niya pa dito. Pero nilapit pa lalo sa
mukha niya ang kutsara.

"Please....please, please?"

Napairap siya sa hangin saka tumingin sa paligid. Buti na lang at wala pang gaanong
studyante sa cafeteria. Binuka niya na lang niya ang bibig.

"Diba masarap." Nakangiting sabi nito. Tumango lang siya kahit pa nakakaramdam ng
pagkailang. Napapansin niya na mahilig sa dark chocolate cake si Clifford. May
nakita pa nga siyang notebook nito na design ay dark chocolate. Nakita rin niya sa
loob ng bag nito na may dark chocolate.

"Naniniwala kaba sa indirect kiss?"

Tinignan niya uli ang mukha ni Clifford. Nakangisi na naman ito.

"Naniniwala ka rin ba na kapag pinukol ko sa ulo mo 'tong baso dudugo 'yang noo
mo?" Loko 'to! Naiilang na nga 'ko eh sasabihin pa....

Tinawanan lang siya nito saka uminom ng tubig habang nakatitig sakanya. Binawi niya
ang tingin dito.
"Oh ito tikman mo 'to..." Nakangiting sabi niya. Buti na lang at dinala niya ang
luto ng mama niya. Mahilig kasi itong magluto ng pansit malabon na may mga laman ng
baboy, gulay, pusit at hipon.

"What's that?" Lukot ang mukhang sabi nito.

"Pansit malabon 'to, niluto ng mama ko." Sabi niya. Unti-unti namang nawala ang
pagkakalukot ng mukha nito.

"Talaga?" Nakangiti pang sabi niya. Bakit kaya ngumingiti 'to?

Tinikman naman nito ang pansit. Tinignan niya ang expression ng mukha nito.

"Masarap diba? Mahilig kasi si mama sa mga pansit. Natutunan niya 'yon kay 'Tay
ipeng sa kabisayaan. Noong una nga failed pa-----Bakit?" Nagtaka siya nang makitang
namula si Clifford. Nagkamot-kamot pa ito sa leeg, sa braso.

"Ayos ka lang?" Nagtatakang tanong niya. Unti-unti niyang nakita ng mga pula na
'yon sa balat nito.

"May seafood na kasama 'yan?" Nanlalaki ang matang sabi nito habang nagkakamot.
"Oo bakit?"

Nagmamadaling kinuha naman nito ang isang baso ng tubig at tinungga 'yon.

"Fuck!" Bulong nito saka nagkamot ng nagkamot sa leeg.

"Hoy? anyare sayo?" Tanong niya pa.

"Allergic ako sa seafood." Sabi nito habang panay ang kamot at mura.

"Ha?! Ba't di mo sinabi? Shemay! Halika punta tayo sa clinic!" Nagmamadaling kinuha
niya ang bag saka hinawakan ito sa kamay. Panay pa rin ang kamot nito. Lumabas sila
ng cafeteria habang hila ang kamay nito.

"Bakit 'di mo kasi sinabi bobo naman nito!"

"Hindi mo rin sinabi sakin kung anong halo non." Nakasimangot na sabi nito.
Natigilan siya at binalingan niya ito.
"Ah so? Kasalanan ko pa?"

"Hindi kasalanan ko. " Sarcastikong sabi nito. Inirapan niya lang ito at muli niya
itong hinila papunta sa clinic.

"Bantayan mo 'ko sa clinic ikaw may kasalanan nito." Bulong nito. Napailing na lang
siya..

Chapter eleven [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"YAN gusto ko yan. Tapos 'yung grapes isama mo na rin, gusto ko din ng
orange pagbalat mo 'ko. Gawa mo na din ako ng gatas, Konting bilis naman pabagal-
bagal eh."

Pinanlisikan ng mata ni Faith ang hudyo! kanina pa ito utos ng utos sakanya, hindi
porke siya ang nagpasubo dito ng seafood na 'yon gagawin na siya nitong katulong.
Hindi nga niya alam na allergy ito don eh. Pagkalabas nila ng clinic ay nagpahatid
agad ito sa condo nito. Mayayaman nga naman afford na mag-condo anytime. Wala rin
naman siyang nagawa kung hindi ang ihatid ito dahil siya ang sinisisi nito!
Nagdadabog na lumapit siya dito at binigay ang mangkok na may lamang ubas at saka
binalatang orange.

"Ikaw magpakain sakin.." Utos nito, pinanliitan ko niya ito ng mata. Pasalamat ito
mahaba pasensya niya! kumuha siya ng isang piraso ng ubas at sinubo 'yon dito.
Nakangiti ito sakanya, inirapan niya lang ito.

"Masarap ba?" Sarkastikang sabi niya. Tumango naman ito.

"Sige ito oh.... isubo mo pa." Sabi niya habang sunod -sunod na pinakain dito ang
ubas sinamahan niya na rin ng orange para matuluyan na ito! namumula na ang mukha
nito kaya tinigil niya na. Masama ang tingin nito sakanya habang ngumunguya.
Nakakalokong ningitian niya ito. Loko ka!

"Diyan ka lang ititimpla kita ng gatas." Sabi niya, ngumiti na ito. Parang bata
eh! Lumabas siya ng kwarto nito saka bumaba at dumeretso sa kusina nito. Binuksan
niya ang ref at kinuha ang gatas, naglagay siya sa fiber glass. Sosyal lang....
Aakyat na sana siya sa kwarto ni Clifford nang mahagip ng tingin niya ang isang
picture frame na nasa tabi ng hagdan. Lumapit siya don, kiinuha niya ang isang
picture frame at tinignan 'yon. Isang babae at lalaki ang nandon habang nasa gitna
nila ay isang batang lalaki na naka-suot ng koronang laruan, may kapa rin ito na
kulay pula. Napangiti siya sa mukha ni Clifford doon. Larawan ang mga ito ng
masayang pamilya. Napatingin siya sa suot na kwintas nung babae. Yun din ang
kwintas na naiwan ni Clifford sa kwarto niya. Nagtatakang nilapag niya ang picture
frame at saka bumalik na sa kwarto ni Clifford.

"Ito na yu- - - - -

Tulog na.... Hindi niya maiwasang ngumiti, pano ba naman kasi para itong bata.
Nakayakap ang isang paa at kamay nito sa unan. Nilapag niya sa table ang gatas saka
kinumutan ko ito. Napatitig siya sa mukha nito.

'Ang gwapo talaga niya, he's a perfect definition of my dream man, well except his
attitude. When i was six years old , i believed in fairy tale and the happily ever
after.. Lagi akong nananaginip na may prinsipe ako at ako naman ang prinsesa. Pero
noong magdalaga ako at naiintindihan ko na ang lahat sa paligid ko. Parang naghalo
lahat ng 'yon.....'

Naiiling na tumungo siya sa sofa at saka umupo do'n. Napatingala siya sa kisame
saka pumikit.

-------------*****
KUNOT ang noong kinapa ni Clifford ang kama, dumilat siya at hinanap si Faith.
Natigilan siya nang makita ito na nakasandal sa sofa. Tinignan nito ang balat niya.
Buti naman at hindi na gaanong namumula 'yon. Naiiling na tumayo siya at bumaba ng
kama, lumapit siya sa dalaga saka pinantay ang mukha dito.

"Mangangalay ka diyan." Sabi niya at saka niya ito binuhat at dinala sa kama.
Inayos niya ng higa ang dalaga. Umupo siya sa tabi nito saka niya sinandal ang
likod sa headboard ng kama. Hindi niya alam pero nasasanay na siya sa presensya
nito. Kahit hindi niya aminin sa sarili alam niya na posibleng mahulog ang loob
niya sa dalaga. Natatakot siya na mangyari 'yon kaya binabaling niya ang tingin sa
iba, pero alam niyang talo pa rin siya. Naiiling na bumaba siya ng kama saka kinuha
ang cellphone sa mesa, napatingin siya sa isang baso ng gatas na nandon.
Nakangiting kinuha niya 'yon saka siya lumabas ng kwarto. Kinontak niya ang numero
ni Ellifard.

"Hey man." Bungad niya.

"Oh ba't napatawag ka?"

Huminga muna siya ng malalim.

"Nahulog na ba ang loob mo sa isang babae? I mean----oh crap. Nevermind."

"Oh man. Don't make me laugh Clifford the Player. Libog lang 'yan." Natatawang sabi
nito. Napailing siya.

"What if i tell her that i really like her? Ano bang magiging reaction niya? Pano
kung wala siyang gusto sakin?" Sabi niya. Natahimik ang nasa kabilang linya.
"Clifford, i know what you feels right now. Alam ko ang pinagdaanan mo kaya ka
naging ganyan... were bestfriend for a year at lahat ng 'yon nasaksihan ko. Why
don't you just let go of the past? alam ko na mahirap para sayo pero wala namang
mangyayari kung patuloy mo 'yong hahawakan hanggang ngayon diba?"

I sighed... yeah he's right. It's hard to let go pero para sa babaeng 'to pipilitin
niyang alisin ang takot na 'yon.

"Thank you." Sabi niya kay Ellifard.

"Oh wait, I have to go. May mga suppliers ako ngayon, at alam mo ba kung sino?"

"Sino?"

"Mr. Tan. Matagal ng target ni Grey at Eros ang retiradong 'yon but this is my
lucky day. I-enjoy mo na lang din ang sumpa na kumalat sayo."

Napailing na lang sya, alam niyang nakangisi na naman ang kaibigan. Pati ito ay
naapektuhan na rin ni Maxeau.

"Okay. Bye." Pinindot niya ang end button saka muling bumalik sa loob ng kwarto.
Natigilan siya sa ayos ni Faith. Nakatagilid na ito ng higa habang yakap ang
malaking unan. Nakanganga pa ito. Naiiling na pumunta siya sa sofa saka don humiga,
kinuha niya ang kwintas na laging suot saka 'yon tinitigan.
"I miss you mom...."

Chapter twelve [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"IKAW! lumayo layo ka!"

"Ayoko nga."

"Pipilipitin ko 'yang leeg mo!"

Hindi siya pinakinggan ni Clifford. Kinurot pa nito ang pisngi niya saka muling
dumikit sa kanya. Kanina pa kasi ito dikit ng dikit sakanya. Hindi niya alam na
may sapi pala ito kapag gumaling! Inumang niya dito ang tinidor.

"Gusto mong tusukin 'ko yang mata mo?!" Nanggigigil na sabi niya dito. Ngumiti lang
ito sakanya saka ngumiti at binitawan na siya. Sheemaay! parang naubusan ako ng
hininga don ha!

"Iuwi mo na pala ako baka nag-alala na si mama." Sabi niya, ngumuso lang ito. Hala!
para siyang bata eh..

"Hindi mo 'ko madadala diyan ihatid mo na 'ko kung hindi ako mag-isa ang uuwi!"
Sabi niya pa, nagkakamot ito ng ulo saka nito kinuha ang jacket sa sofa.

"Sige na halika na! wag ka ng kumain."


Aba! nagtatampo pa! Naka indian sit na umupo ito sa sofa habang naka cross arm.
Hindi niya maiwasang matawa sa itsura nito. Para kasi itong bata pero sheemaay! ang
cute tignan! lumapit siya dito. Hindi niya alam kung anong sapi na naman ang
nasinghot nito.

"Uy anong drama 'yan? para kang timang, halika na hatid mo na 'ko!" Sabi niya,
hindi pa rin siya nito pinansin. Nakangiti lang siya habang nakatingin dito. Sabi
ni Criselda, agresibo daw sa lahat ng bagay si Clifford, lahat ng bagay sa paligid
nito ay laro lang. Pero hindi niya akalain na may ganito itong side. Napatingin
siya sa labas ng pinto nang marinig niya ang malalakas na patak ng ulan.

"Hala umuulan na!" Sabi niya tumingin saka tumingin dito. Aba't! ngiting tagumpay
ang walangya! Hinila niya ang buhok nito.

"Siraulo ka kasi eh!' Inis na sabi niya at binitawan ito.

"Bukas kana kasi umuwi." Sabi pa nito at hinawakan ang kamay niya. Binatukan niya
lang ito at saka niya hinila ang sariling kamay.

"Malandi ka kasing walangya ka!"

Tinawanan lang siya nito at hinawakan uli ang kamay niya.

"Hmmm.... ang puti ng kamay mo." Puri nito. Ngumiti lang sya.
I know....

"Pero.. ang gaspang hawakan."

Nanlaki ang mata niya. Siraulo to ha! hinablot niya ang kamay at babatukan sana uli
ito ngunit nahawakan na nito 'yon.

"Joke lang!" Natatawang sabi nitoa saka tumayo. Unti-unti naman siyang napatingala
dahil napakatangkad nito.

"Sige na ituloy mo na yang pagkain mo.." Masuyong sabi nito at inakbayan siya
pabalik sa mesa.

"Busog na 'ko maliligo na lang ako." Sabi niya saka humiwalay dito. Buti na lang at
kapag pumapasok siya ay nagbabaon siya ng damit. Pumunta siya sa pinto at binuksan
'yon... Sumalubong sakanya ang simoy ng hangin. Napangiti siya.... Dati 'pag
ganitong umuulan silang dalawa ng papa niya naliligo sa labas at naglalaro sa
putik. Nakangiting lumabas siya habang nakataas ang dalawa niyang kamay.
Nakatingala siya habang nakapikit. Hinayaan niyang tumama ang ulan sa mukha niya.

"Faith pumasok kana dito baka magkasakit ka!"

Dumilat siya nang marinig niya 'yon.

Papa?
Tumingin siya sa direksyon na 'yon. Hindi ang kanyang ama ang nakita niya kung
hindi si Clifford.

"Halika na! magkakasakit ka niya!" Sabi pa nito. Ngumiti lang siya ng matamis saka
lumapit dito. Hinawakan niya ang kamay nito at hinila palabas ng pinto.

"Halika na wag kang KJ!"

Matigas na umiling ito at hinila ang kamay.

"Ayoko! Ayoko!" Galit na sabi nito. Natigilan naman siya habang nakatitig sa
madilim nitong mukha.

Ano? takot siyang mabasa ng ulan?

Hindi niya pinansin ang galit sa mata nito.

"Bahala ka! maglalakad ako pauwi!" Sabi niya at hinila pa rin ito. Buti naman at
nagpahila ito. Pero kita niya sa mata nito ang sakit. Hindi niya naman alam kung
san galing 'yon at kung anong iniisip ni Clifford. Tumingala ito sa kalangitan.

"Uy okay ka lang?" Takang tanong niya dito. Tumingin naman ito sakanya pero ang
malungkot ang bukas ng mukha nito. Hindi niya alam kung umiiyak ito o ano. Namumula
kasi ang mga mata nito. Umiling lang ito at mapait na ngumiti.

"Kapag tumila na rin ba 'tong ulan iiwan mo na rin ako?" Malamig na sabi nito.
Kumunot ang noo niya.
"Ayokong naliligo sa ulan na kasama ang mga taong importante sakin. Kasi sa tuwing
ginagawa ko 'yon nawawala na lang sila sa tabi ko. " Mapait na sabi nito. Hindi
niya alam pero parang piniga ang puso niya dahil sa sinabi nito.

"Pero sana kapag ginawa mo 'yon, iwan mo naman ako ng matinding dahilan. Hindi
'yung magmumukha akong tanga."

Kahit hindi nito sabihin mukhang alam niya na kung bakit ganon ang binata. Hinila
nito ang kamay mula sa pagkakahawak niya at saka pumasok sa loob ng kabahayan.
Habang tinitignan niya ito ay ginagapang ng awa ang dibdib niya.

"Clifford.." Bulong niya. Tumigil ito nang nasa pinto na ito saka muli siyang
binalikan. Hinawakan nito ang kamay niya.

"Halika na, magkakasakit ka niyan."

Natitigilang nagpahila na lang siya dito.

------------****

"Mama!! mama! 'wag mo 'kong iwan mama!"

Umiiyak ang labin-dalawang taong gulang na lalaki. Lumuhod ito at yumakap sa hita
ng ina.
"B-bitiwan mo 'ko.... sige na d-don ka na sa papa mo." Umiiyak na sabi ng ginang
habang pilit na inaalis ang pagkakayakap ng anak sa hita. Umiling ang binatilyo.

"Ayoko mama....s-sabi mo hindi ka aalis diba?!" Umiiyak na sabi nito habang


nakatingala sa ina. Parang dinurog ang puso ng ina sa nakita tumingin siya sa asawa
na walang emosyon na nakatingin sakanila. Lumapit ito at hinila ang binata. Umiiyak
na tumalikod ang ginang habang dala ang mga gamit.

"MAMA!! MAMA BUMALIK KA DITO!!""

Ngunit pinilit na maging bingi ng ginang, lumapit ito sa isang lalaking naghihintay
sakanya sa labas. Kinuha nito ang gamit na hawak saka inakbayan.

"Halika na.." Masuyong sabi nito at inalalayan pumasok ito sa loob ng kotse,
tinignan ng ginang ang binatang nakatulala at naguguluhang nakatingin sa dalawa.

---------------****

"GUSTO mo ng kape?"

Tanong ni Faith kay Clifford. Tulala kasi ito habang nakatingin sa kawalan. Dala
ang isang tasa ng kape ay lumapit siya dito. Inabot niya 'yon dito. Tumingin muna
ito sakanya saka kinuha ang hawak niya.

"I'm sorry for what happened." Sabi nito na ang tinutukoy ay yong nangyari kanina.
Naka-upo ito sa isang upuan habang nakaharap sa kawalan. Pumantay siya sa mukha
nito at hinawakan ang kamay nito. Nagulat ito sa ginawa niya saka tinignan siya.

"Wag kang mag-alala hindi ako ganong tao. Kahit naman minsan may sapi ka. "
Nakangiting sabi niya at niyakap ito. Alam niya na ang mga kagaya ni Clifford
kailangang intindihin at bigyan ng pansin. Siguro may nangyari sa nakaraan nito
kaya nagtanim ito ng galit. Hindi niya 'yon uusisain hihintayin niya na ito mismo
ang magsabi.

Chapter thirteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"WHAT do you think Clifford? Mas ayos ang idea ko kaysa kay Serionifo 'diba?"

Parang hindi naman narinig ni Clifford ang sinabi ni Maxeau. Nakatitig siya sa
cellphone na nasa harap niya.

'Tatawagan ko o hindi? Wag na lang kaya, baka mamaya ano pang isipin non. Wala
naman akong sasabihin sakanya.'

"Maxeau makinig ka sa gwapo ha? Mas ayos ang idea ko, sigurado ako na mas
magugustuhan 'to ng asawa ni Grey. Hindi ba Ellifard? uy Clifford."

'Tawagan ko na lang kaya? Baka may ginagawa naman siya ngayon?'

"Uy Clifford!"
Napakurap siya nang may pumitik sa harap niya. Binalingan niya ang mga kaibigan na
nakatingin sakanya.

"Bakit?"

Natawa ang mga ito.

"Ano ba kasi 'yon?" Inis na sabi niya sa mga ito saka kinuha ang cellphone.

"Bakit ba kasi titig na titig ka sa cellphone mo?" Natatawang sabi ni Delifico.


Hindi niya pinansin ito, inikot-ikot na lang niya sa kamay 'yon.

"May gusto kang tawagan no? Sino 'yan?" Sabat naman ni Maxeau.

"Wala pwede ba?" Inis na sabi niya dito. Napalabi naman ito na parang hindi na
niniwala sakanya. Si Ellifard at Eros naman ay nakangisi lang sakanya. Saka naman
dumating si Grey na may dalang banner.

"Hey how 'bout this guys!" Hyper na sabi nito saka binuklat ang dalang banner at
pinakita sakanila.

"My darling, my honey my everything. Happy 1st anniversary" Basa ni Serionifo sa


nakasulat saka natawa ng malakas. "..yuck! Kadiri Grey!"
"Anong kadiri ka diyan? Sweet na tao ang asawa ko kaya pabor sakanya 'to. Ayos
'diba? dagdagan ko pa kaya? Ah! .....my everything beloved wife."

Ngumiwi naman si Serionifo at Maxeau. Tumayo naman si Ellifard at pumunta sa


billiaran. Gayon din si Eros na dumeretso sa secret room.

"Ikaw Delifico? Mas okay ba 'to? Basahin mo nga." Tanong pa ni Grey na hindi
pinansin ang pag-alis ng iba. Naiiling na tumayo si Delifico.

"Ewan ko sayo." Natatawang sabi nito saka tumalikod at pumunta sa mini bar.
Tumingin naman si Grey kina Maxeau at Serionifo.

"Ah.... natatae ako eh. Sige dito na 'ko!" Nagmamadaling sabi ni Serionifo saka
tumalikod. Akmang tatayo si Maxeau nang hawakan ito sa balikat ni Grey.

"Wag mo 'kong iiwan dito! Kayo ni Serionifo ang nag-presinta na tulungan ako sa
first anniversary namin ng asawa ko diba?" Nakangising sabi ni Grey.

"Ang bantot naman kasi ng nakasulat diyan sa banner mo!" Nakangiwing sabi nito.

"Anong mabantot? It's romantic Maxeau, maiintindihan mo ang lahat kapag nag---
"Ah ewan! Ano ba kasing idea gusto mo? Wala na 'kong mapiga sa utak ko eh."

"Wala ng ipipiga sa utak mo Maxeau, wala ka naman niyan eh." Natatawang sabat ni
Ellifard habang naglalaro.

"Fuck you po!" Ani Maxeau. Tinatamad na sumandal na lang si Clifford habang laro pa
rin sa kamay ang cellphone.

"How about bring her in to a romantic place? I'm sure na magugustuhan ni Sen-Sen
doon lalo pa't hopeless romantic ang asawa mo. Plus the fact na talagang pareho
kayo ng gusto, palitan mo ang nakasulat diyan sa banner mo ng isang love quotes.
Simple is much better Grey. The most important is your presence. Thats all. Problem
solve. Hindi naman maluho ang ibang babae eh." Sabi niya habang nakatitig pa rin sa
cellphone. Napansin niyang tumahimik ang paligid niya. Nagtaas siya ng tingin.

"What?" Nagtatakang tanong niya nang makitang nakatingin ang mga ito sa direksyon
niya.

"Are you----are you inlove?" Tanong ni Grey. Natigilan naman siya.

"Wow. Sabi sainyo! May sumpa 'yang trono na 'yan eh." Natatawang sabi ni Maxeau.
Napailing na lang siya saka tumayo, tumingin siya sa screen ng cellphone.

'Tawagan ko na lang.'
Hinanap niya ang numero ni Faith sa phonebook saka kinontak ang numero ng dalaga.

"Oh diba! Tatawagan niya 'yung babae niya." Narinig niyang sabi ni Maxeau.
Binalingan niya ito.

"Fuck you po.." Sabi niya dito saka siya tumalikod at iniwan ang mga ito. Narinig
niyang nag-uusap ang mga ito, hindi na lang niya pinansin 'yon. Nagtaka siya nang
panay lang ang ring ng cellphone ni Faith. Muli niya itong kinontak.

"Fuck! Nasan ba ang babaeng 'yon?" Bulong niya pagkuwa'y natigilan. Napangiti siya
sa naisip at binilisan ang paglakad.

----------------****

"TALAGA po ma?" Nanlalaki ang matang sabi ni Faith.

"Oo kaya nga sa makalawa baka umuwi na sila eh kasama na rin 'yong asawa niya."
Sabi ng kanyang ina habang tinitiklop ang mga bed sheet na binili sa divisoria.

'Nakakatuwa naman..'

Tumawag kasi si Criselda, kinasal na pala ito noong nakaraang linggo lang. Masaya
siya nang sabihin ng kanyang ina na masaya naman si Criselda. Hinahanap nga daw
siya nito.

"O sige na, dadalhin ko lang 'to sa kabilang bahay. Nagpabili kasi si Melba. Saglit
lang ako don" Paalam ng kanyang ina pagkatapos ay tumalikod. Napapalakpak naman na
tinapos niya ang pagpupunas ng alikabok sa mga mesa
Happily married na siya! Sheeemaayy!

Natutuwang umakyat siya sa taas ng kwarto para kunin ang mga labahin. At dahil
natutuwa siya ngayong gabi lalabahan niya ang lahat ng labahin nila sa mansion.
Nawala ang ngiti ko nang makita niya ang lalaking nakaupo sa gilid ng kama.

It's Clifford. Tumikhim siya siya para kunin ang atensyon nito.

"Nandito ka na naman.." Sabi niya saka sinara ang pinto sa likod. Ngumiti lang ito
sakanya, naiiling na tumayo ito at lumapit sakanya.

"Halika sumama ka sakin." Nakangiting sabi nito sakanya at hinawakan pa ang kamay
niya.

'Ako? sumama? Shemay! Ano itatanan niya na ako? Hindi naman kami ah!'

Nagulat siya nang pitikin nito ang noo niya.

"Aray ha!" Reklamo niya saka kinapa ang noo na pinitik nito.

"Kung iniisip mong itatanan kita hindi no? Maliban na lang kung gusto mong
magpatanan para may thrill 'diba?" Nakangising sabi nito. Hinila naman niya ang
buhok nito.

"Thrill-in mo mukha mo."


Nakangiting hinila naman nito ang kamay niya papuntang terrace.

Teka? balak niyang dito kami dumaan?

"Sandali sa hagdan na tayo bumaba wala naman si mama eh." Sabi niya at siya na ang
humila sa kamay nito papunta sa pinto.

"Anak nandiyan kaba? may nakalimutan akong kunin sa loob ng kwarto."

Napanganga siya nang marinig ang boses ng kanyang ina.

Hala!

Humarap sakanya si Clifford.

"Mukhang wala tayong choice kundi ang tumalon " Nasisiyahang sabi nito. Kaya nang
hilahin na naman nito ang kamay niya patungong terrace ay nagpahila na lang siya.
Sumampa ito at binitawan ang kamay niya. Binalingan siya nito.

"Hihintayin kita sa baba ha?" Sabi nito. Nanlaki ang mata niya bago pa siya
makapagsalita ay tumalon na ito. Dumungaw siya sa ibaba.
"Sira ka! hindi ako marunong tumalon" Sabi niya pa dito.

"Sige na talon na sasaluhin kita!" Sabi nito mula sa baba. Maya-maya ay narinig
niyang umikot ang doorknob. Nanlaki ang mata niya

Hala naman! Nagkakasala ako kay mama eh!

"Pag ako nabalian dudukutin ko yang utak mo!" Inis sabi niya, tinawanan lang siya
nito. Nanginginig na sumampa siya, panay rin ang buga niya ng hangin habang
nakatingin sa ibaba.

"Sige na talon na!" Utos nito.

"Sandali nga lang diba?!" Galit na sabi niya. Siraulo to!

"Ang tagal naman." Sabi nito na nagkakamot ng ulo nagtaka siya nang biglang nanlaki
ang mata nito.

"Hala! may babaeng nakaputi sa likod mo!:" Turo nito Lalo siyang nanginig, walang
sabi-sabing tumalon siya. Mariin niyang pinikit ang mga mata

Shemay!! wag naman sana mukha mauna sakin!

Inaasahan niya ang malakas na pagbagsak ng katawan sa damuhan pero wala siyang
naramdaman.
"Uy dumilat kana.."

Dumilat naman siya nang marinig 'yon. Bumungad sa paningin niya ang natatawang
mukha ni Clifford, napatingin siya sa paligid. Nasalo siya nito? Wow ang galing...

Sabay silang napatingin sa taas. Napanganga siya nang makita ang ina na dumungaw.

"Halika dito muna tayo!" Sabi ni Clifford saka tumakbo papunta sa puno habang buhat
siya.

"Ibaba mo na 'ko." Bulong niya dito. Ngumisi lang ito sakanya pero ibinababa na rin
siya. Nakita niyang dumungaw ang kayang ina mula sa terrace. Nagkakamot na
tumalikod ito at muling pumasok sa kwarto.

"Naku sorry po ma." Sabi niya. Naramdaman niyang inakbayan siya ng katabi ko.

"Halika na may pupuntahan tayo.." Sabi nito sakanya at saka hinila ang kamay niya
papunta don sa kabilang side. Nakita niya ang makitid na hagdan non sa gilid. Nauna
siyang umakyat dito, pagdating nila sa kabilang pader ay walang security guard.
Meron ding hagdan doon kaya hindi na niya kailangang tumalon. Nang makatawid na
siya ay natanaw naman niya ang isang ducati sa 'di kalayuan. Binalingan niya si
Clifford na tinatanggal ang hagdan na mukhang ginawa lang saka 'yon tinapon sa
likod ng basurahan.

"Teka? may lahi ka bang akyat-bahay gang? Hilig mong umakyat eh no? Saka sigurado
ka bang walang makakakita niyang hagdan na 'yan?' Nakataas ang kilay na sabi niya
dito. Kinindatan lang siya nito.
"Trust me."

Umismid lang siya pero agad ding natigilan.

"Teka iyo 'yan?" Tanong niya sabay turo don sa ducati.

"Yup..." Sabi nito saka hinila siya papunta don. Kinuha nito ang isa saka sinuot
sakanya. Nahagip niya pa ang nakasulat sa likod ng helmet na 'yon.

'Clifford...'

Sinuot naman nito ang isa pang helmet. Kumunot ang noo niya nang mabasa niya ang
pangalan niya sa likod ng helmet nito.

'EH? anong trip nito?'

Nagulat siya nang bigla siya nitong buhatin paupo sa ducati nito.

"Yumakap ka sa bewang ko." Sabi nito nang makasakay na.

"Ayok- - - -Ay!" Napayakap siya sa bewang nito nang bigla na lang nitong pinaandar
ang ducati. Siraulo to! pano kung mahulog ako?! Buti naman at smooth lang ang
pagpapatakbo nito.
"Siraulo ka mababangga tayo!" Saway niya dito, ang isang kasi nitong kamay ay
nakahawak nakayakap sa braso niya at ang isa naman nag-da drive. Naiiling na
pinagsiklop na lang niya ang kamay.

Chapter fourteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"DO you like this place?"

Nakakaloko ang ngiti na binalingan ni Faith si Clifford.

"Oo naman. Alam mo hindi pa 'ko nakakapunta sa ganitong lugar. Wala nito sa
mansion." Sarkastikong sabi niya, akala naman niya ay kung san siya nito dadalhin.
'Yon pala sa likod lang ng bahay nito. Pero aaminin niya mas maganda ang tanawin sa
likod ng bahay nila Clifford. Hindi niya alam na may isa pang balkonahe na naka-
extend sa mansion ng binata, mula don ay tanaw na tanaw ang ganda ng siyudad. Ang
likod kasi ng mansion nila Criselda ay bahay lang.

"Don't worry sa susunod may pupuntahan pa tayo." Sabi nito, dumako ang tingin niya
sa kamay nito. May hawak na naman itong dark chocolate.

"Ano 'yan? 'Di ka rin mahilig diyan no?" Sabi niya dito. Kinindatan muna siya nito
saka siya hinatian ng dark chocolate. Tinanggap naman niya 'yon.

"Paborito kasi namin 'to ni mama."

Natigilan naman siya at napatitig dito.


"Nasan nga pala ang mama mo?"

Tumingin naman ito sa malayo.

"Ewan ko. Pero ang alam ko masaya na 'yon sa pamilya niya." Sabi pa nito at
mahinang natawa saka bahagyang tinaas ang hawak.

"...... kapag nagtatalo sila ni papa pumupunta kami dito. Pagkatapos non hahatian
niya 'ko nito. But everything was change."

Naalala niya 'yung araw na naligo sila sa ulan. Biglang gumapang ang awa niya dito
pero hindi niya 'yon pinahalata. Huminga siya ng malalim saka inubos ang chocolaite
na hawak pagkuwa'y kinuha niya ang hawak ni Clifford.

"What the---- Isa! Faith Luwain mo 'yan!"

Pero hindi niya ito pinakinggan, inubos niya ang kinuha dito.

"Aba't! Akin 'yan eh!" Nanlalaki ang matang sabi nito saka lumapit sakanya.
Natatawang lumayo naman siya dito.

"Eh sha nagugutom ako eh. Meron ka pa naman diyan ha?" Pa-inosenteng sabi niya
habang puno ang bibig. Tumalim ang tingin nito saka mabilis na hinakbang ang
pagitan nila. Sinapo nito ang panga niya.

"Iluwa mo 'yan! Isa! Idura mo, hindi mo mapapakinabangan 'yan."

Tinikom niya ng mariin ang bibig saka umiling. Nanlaki ang mata niya nang masagi
niya sa likod ng paa ang halaman kasunod non ay ang matigas na bagay sa bewang
niya. Mukhang napasandal siya sa balkonahe. Hawak pa rin siya ni Clifford.

"Isa Faith, ihuhulog kita sa ibaba." Sabi pa nito pero nakikita niya na sa bukas ng
mukha nito na natatawa ito. Mabilis niyang nilunok ang kinakain.

"Wala naaa.." Pang-aasar niya dito. Gusto lang naman kasi niyang pagaanin ang
dinadala ni Clifford. Kahit hindi kasi nito sabihin alam niyang may tampo pa rin
ito sa sariling ina. Natigilan siya nang mapansing nakatitig pala ito sakanya.

"Oh bakit? Wala na nga oh! Wala na...." Sabi niya habang ngumanganga. Nakatitig pa
rin ito sakanya, saka lang niya napansin na malapit pala ito sakanya. Napakurap
siya nang unti-unti itong yumukod.

'Shemay hahalikan niya 'ko!'

Umawang ang labi niya, binawi niya ang tingin dito saka siya napatingin sa bandang
likuran nito.

"Pulling star!" Sigaw niya sabay turo langit. Mabilis siyang lumayo dito.
"Shemay, did you see that pulling star Clifford?" Kunwari'y gulat na sabi niya.
Nilingon niya ito, nakasandal ito habang nakahalukipkip.

"Pullig star o falling star?" Nakangising sabi nito. Unti-unti siyang ngumanga.

"Ah... ay binago na?" Natatawang sabi niya pa. Umiling lang ito saka tumingin uli
sa siyudad. Nakangiting tumabi naman siya dito saka tumanaw sa malayo.

"May naging girlfriend kana ba Clifford? I mean, 'yung naramdaman mong seryoso ka
sa taong 'yon?" Tanong niya dito.

"Meron." Sabi nito habang nakatingin sa malayo. Nakatingin lang siya sa nakatagilid
nitong mukha.

"Grade six kaming dalawa nang umpisahan ko siyang ligawan, pero sinagot niya 'ko
third year highschool na."

"Talaga? Napagtiyagaan mo 'yon?" Manghang sabi niya dito.

"Seryoso nga kasi ako sakanya.... tumagal naman 'yung relasyon namin ng mahigit
dalawang taon. She's party-goer, a traveler pero naiintindihan ko naman lahat ng
hilig niya. At isa pa sa bagay na 'yon magkasundo kami, pagka-graduate namin ng
highschool non napag-pasyahan naming 'wag munang pumasok sa College. Kaya isang
taon din naming nilibot ang halos buong lugar."
"Pagkatapos?" Atat na tanong niya.

".... naalala ko ang huling lugar na pinuntahan namin ay sa Cloud9 resort sa


Antipolo. Maganda sa lugar na 'yon, kaya lang bigla namang sumama 'yung panahon.
Kaya imbes na two nights sana kami don, umuwi na lang kami agad. Pero kinabukasan,
iiwan din pala niya 'ko."

Gulat siyang napatitig dito.

"After a months nalaman ko na lang na ikakasal na pala siya. Kaya masakit para
sakin na hindi ko man lang alam kung bakit nila ako iniwan. Kaya sabi ko sa sarili
ko na hindi na uli mangyayari 'yon, hindi ko na hahayaang gawin pa nila sakin 'yon
o kahit na sino." Seryoso ang tinig na sabi niya, ni hindi nga ito tumitingin
sakanya.

"Clifford---

"Clifford? Nandiyan kaba?"

Mabilis siyang binalingan ni Clifford.

"Si Dad!" Sabi nito at mabilis na hinila ang braso niya. Napasunod naman siya dito
dahil bigla din siyang kinabahan. Baka mamaya kung anong isipin ng ama nito. Lumiko
sila sa isang napaka-kitid na space sa sulok ng balkonahe na 'yon. Napangiwi pa
siya nang maramdaman niya agad ang kagat ng lamok. Napatingin siya kay Clifford,
nasa harap niya ang binata. Bahagya niyang tinagilid ang mukha, ramdam niya ang
pagkakadikit nilang dalawa dahil isang tao lang kasya sa espasyo na 'yon. Nahigit
pa niya ang hininga nang hawakan siya nito sa magkabilang braso.
"Asan na 'yong batang 'yon? Nandiyan 'yung big bike niya ah?" Narinig niya ang
boses babae na 'yon. Don siya napatingala kay Clifford.

"Sino 'yon?" Bulong niya dito.

"Si Tita Claire, kapatid ni mama." Natitigilang sabi nito.

"Mukhang iniwan niya lang. Halik ihahatid na lang kita, susubukan ko na lang uling
tawagan ang batang 'yon."

"Pero Ricardo kailangan na nating sabihin sakanya. Hayaan mong ako ang magpaliwanag
sakanya." Sabi ng babaeng 'yon na sa tingin niya ay nasa 30's ang edad. Nakatingala
pa rin siya kay Clifford na humihigpit ang hawak sa braso niya. Unti-unting
nandilim ang mukha nito.

"Claire sa susunod na araw na lang. Baka hindi pa handa ang batang 'yon."

"Kaya nga hayaan mong ako ang magpaliwanag diba? Sakin makikinig ang batang 'yon.
Matatanggap naman siguro niya ang lahat eh, afterall he's old enough."

Tumalim ang mata ni Clifford at akmang aalis sa harap niya. Mabilis niyang hinila
ang braso nito.
"Wag na Clifford." Anas niya dito, pero hindi ito nakinig sakanya. Isa lang ang
naisip niya, ayaw niyang masaktan na naman ito. Buong-lakas niyang hinila ang braso
nito at hinila ang kwelyo ng manggas nito.

"Faith bi----

'Bahala na!'

Pinikit niya ang mga mata at hinalikan ang labi nito....

----------------****

"Anong nagyayari sayo?"

Napaigtad si Faith nang marinig ang boses ng kanyang ina. Tarantang pinunasan niya
ang salamin.

"Wala ma' grabe palang dumi nitong salamin oh! Naku ano ba 'to!"

Nakagat niya ang ibabang labi nang maramdaman niyang papalapit sakanya ang ina.

"Anong madumi eh kapupunas ko lang niyan kanina. Saka kanina pa talaga kita
napapansin, nakatulala ka diyan sa salamin habang hawak mo 'yang nguso mo, ano bang
nangyayari sayong bata ka?"

Naku naman kasi ang tanga-tanga ko!!

Nagmamadaling kinuha niya ang timba na may kalahating laman ng tubig.

"Wala ma'! Naku ano ba 'to na-eebak pa 'ko!" Sabi niya saka tumalikod.

"Anong nangyari sa batang 'yon...."

Yun ang huling narinig niya habang tumatakbo papunta sa storage room. Nilagay niya
sa loob ang timba saka basahan na maliit. Saka siya nagmamadali na umakyat sa
hagdan. Pagdating niya sa itaas at mabilis niyang ni-lock ang pinto ng kwarto.

"Kinakabahan ako baka malaman ni mama 'yung ginawa ko.." Bulong niya habang sapo
ang dibdib. Duma-usdos naman siya paupo sa sahig habang nakasandal pa rin sa likod
ng pinto. Bigla na namang lumitaw sa balintataw niya ang ginawa kagabi. Maging ang
nanunuksong ngiti sakanya ni Clifford.

'Sheyt!! Erase! Erase!'

Halos sabunutan niya na ang buhok. "Ano ba kasing pumasok sa isip ko at hinalikan
ko ang loko na 'yon?!"
Sinapo niya ang magkabilang ulo.

"Ay palaka Clifford!!" Halos mapatalon siya sa kinauupuan nang biglang may kumatok
sa pinto. Sinapo niya ang bibig.

"Anak papasok kaba?" Tanong ng kanyang ina sa labas. Medyo nakahinga siya ng
maluwag buti na lang at mukhang hindi nito narinig 'yon.

"Opo ma!" Kahit alam niyang posibleng magkita sila ng binata. May kailangan siyang
tapusin ngayon lalo't malapit na naman ang midterm nila.

"Sige, magpapasabay ako sayo mamaya. Bumili ka ng mga chocolates alam mo naman na
kailangan makita 'yon ng Maam Criselda mo sa loob ng ref."

"Opo ma!" Sabi niya habang naka-salampak pa rin sa sahig.

"Saka nga pala! 'wag mong kakalimutan 'yung Hershey, lalo na 'yung Kisses!"

Kisses....Kisses.... Kisses...

Umawang ang labi niya nang maalala ang ginawa niyang paghalik kay Clifford. Parang
nararamdaman niya pa ang labi nito. Sinapo niya muli ang ulo.
'Ba't ko ba kasi ginawa 'yon?!'

Chapter fifteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

PANAY ang kutkot ni Faith ng kuko sa kamay habang palinga-linga sa paligid.


Kaninang pumasok siya ay punong-puno ng kaba ang dibdib niya dahil alam niyang
susulpot na naman sa harap niya ang binata. Iniwasan na rin niya ang hagdan kung
saan ito dumadaan.

"Hutaena! Para akong kriminal na may pinagtataguan." Bulong niya habang papunta sa
gate. Humigpit din ang hawak niya sa dalawang libro na hawak na hiniram niya lang
sa library.

'Sana naman hindi na siya pumasok... sana naman please....

Halos mapangiti na siya nang makatapak na siya sa labas ng malaking gate nang
walang tumatawag sa pangalan niya.

'Aym free!!'

"Saan ka naman pupunta?"

Natigilan siya sa paglalakad at dahil nakayuko siya ay kita niya ang dalawang pares
ng paa sa harap niya. Kilala niya ang may-ari ng sapatos na 'yon. Pati na rin ang
nagsalita na 'yon!
Unti-unti naman siyang nag-angat ng tingin.

"Mukhang may pinagtataguan ka ata.." Nakataas ang sulok ng labi na sabi nito.
Bahagya itong nakayuko sakanya, nakalagay ang isang kamay nito sa bulsa at ang isa
naman ay hawak ang bag. Umayos naman siya ng tayo at iniwas ang tingin dito.

"Wala no? Sino namang pagtataguan ko?" Tanong niya dito habang naka-iwas ang tingin
dito.

"Bakit hindi ka tumitingin sakin?"

Kinagat niya ang dila saka tumingin dito.

"Oh 'yan nakatingin na 'ko sayo." Sabi niya dito pero sa pisngi siya nito
nakatingin. Napailing naman ito.

"Kailangan ko kasing pasukan ang subject ko ngayon kaya hindi kita masasamahan
pauwi."

Hayy... mas mabuti nga 'yon. Nang makahinga naman ako ng maluwag.

"Pero mamaya! Pupunta ako sainyo ha?" Nakangiting sabi nito saka kinindatan siya.
Hinawakan nito ang tutok ng ulo niya saka ginulo ang buhok niya.
"Dito na 'ko, baka ma-late ako. See you later Faith." Hindi pa rin nabubura ang
ngiti nito saka siya nilagpasan.

Ano ba naman 'to.... mababaliw na nga ako mukhang natutuwa pa siya nangyari!

Nanlaki ang mata niya nang maramdaman ang pagpulupot ng braso sa leeg niya kasunod
non ay ang mainit na presensya mula sa likuran niya

"And don't try to avoid me Faith, I will always find you."

Halos tumayo ang balahibo niya sa bulong na 'yon. Maging ang malambot na labi nito
na dumampi sa pisngi niya.

"Bye..."

Kahit pa naramdaman niya na ang pag-alis nito mula sa likuran niya ay nanatili pa
rin siyang nakatayo. Hinawakan niya ang pisngi saka bunaling sa likuran. Nakita
niyang pumasok na ito sa gate habang naka-sukbit sa balikat ang bag nito.

"Aha!!"

"Ay palaka!" Tili niya. Matalim ang mata na nilingon niya ang sumigaw na 'yon. Pero
agad din siyang natigilan nang makita na hindi niya kilala ang lalaking kaharap.
"Ikaw.." Sabi pa nito saka tinignan siya mula ulo hanggang paa. Pinag-aralan niya
din ang mukha ng kaharap, mukhang hindi naman ito nag-aaral don. Naka-suot ito ng
white shirt at isang faded jeans, naka-Nike din ito at tanging G-shocks lang ang
suot sa kamay. Kulot ang clean-cut nitong buhok. Mukha itong anghel sa paningin
niya. Pero hindi niya maiwasang pansinin ang nakakalokong ngiti nito sakanya.
Masyadong maamo ang mukha nito at mukhang palaging gagawa ng kalokohan.

"Ikaw pala ang dahilan kung bakit malamig ang aking gabi..." Sabi nito, kita niya
pa ang malalim nitong dimple sa magkabilang pisngi nito. Kumunot ang noo niya.

"Sorry hindi po kita kilala..." Sabi niya at akmang lalagpasan ito.

"Ooops! Sandali lang." Humarang ito sa daraanan niya. Tinignan niya ito ng masama.

"Tabi sisipain ko 'yang gitna mo." Banta niya dito. Nanlaki naman ang mata nito at
mabilis na tinakpan ang gitnang bahagi ng katawan nito.

"Wag ito na nga lang kaligayahan ng mga naghahabol sakin. Ano bang pangalan mo?"

"Bakit ko naman sasabihin sayo pangalan ko eh hindi naman kita kilala?"

Napanguso naman ito. "Taray naman... okay let me introduce myself first. Ako nga
pala si Maxeau Cannibara ang lalaking mas gwapo at hot kaysa kay Clifford."
Pagpapakilala nito. Ah so kaibigan pala ito ni Clifford, mukhang mahangin.
"Ako 'yung ninakawan ni Clifford ng gamit natatandaan mo 'yon? Yung puro panty at
bra n---Hmmpp!"

Mabuti na lang at mabilis niyang sinara ang bibig nito. Bigla kasing tumingin
sakanila ang ilang dumadaan.

"Hinaan mo nga 'yang bibig mo!" Inis na sabi niya saka tinanggal ang kamay sa bibig
nito.

"Naalala mo na?" Natutuwang sabi nito. Inirapan niya ito.

"Oo, kaya please Maxeau aalis na 'ko may kailangan pa 'kong gawin eh. Bye." Sabi
niya at nilagpasan na ito. Mukhang hindi siya makakatagal sa isang 'yon. Mukhang
malakas ang tama sa utak eh.

"Sandali lang babae ni Clifford!"

Napangiwi na tumigil siya sa paghakbang saka binalingan ang lalaking 'yon. Lumapit
ito sakanya.

"May paki-usap lang sana ako sayo... mamayang gabi attend ka ha? Birthday party
kasi ng isang kaibigan ko."

"Ano namang ganap ko diyan?" Nagtatakang tanong niya. May kinuha ito mula sa likod
ng bulsa at saka inabot sakanya. Binasa niya ang nakasulat don.
'Dark Club Society..'

"Diyan gaganapin 'yung party, alam mo naman ang lugar na 'yan diba? Nakapunta kana
diyan nang sundan mo si Criselda. Pupunta mamaya diyan si Clifford at alam mo ba?
Maraming babae don." Natutuwang sabi nito. Tumaas ang kilay niya.

"Pake ko naman eh kaibigan ko lang 'yan si Clifford."

"Ganon? Bahala ka... ikaw din. Marami kasing gustong pumikot diyan sa kaibigan ko.
Pero kung pupunta ka mamaya sabihin mo lang sa guard na Maxeau Cannibara ang
pinaka-poging nilalang, papasukin ka na non. Sige alis na 'ko." Nakakalokong ngiti
nito saka tumalikod habang sumisipol. Nakalagay pa sa likod ng ulo nito ang
dalawang kamay nito. Napatingin siya sa hawak.

"Sabi niya pupunta siya sa bahay mamaya.." Bulong niya saka muling tumingin sa
lalaking 'yon na mukhang tangang sumasayaw habang naglalakad.

"Bahala siya.." Umirap siya sa hangin saka tumalikod pero itinabi niya sa bulsa ang
card na binigay ng lalaki.

Chapter sixteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"CLIFFORD!! Clifford!"

Kunot-noong nilingon ni Clifford ang tumatawag sa pangalan niya. Mula sa dikalayuan


ay nakita niya si Maxeau, nakataas ang sulok ng labi nito habang nakasandal ito sa
kotse nito. Inismiran niya ito at hindi pinansin. Lumiko siya ng ibang daan. Alam
niyang may kalokohang gagawin ang kaibigan kapag ganitong nakangisi ito.
"Clifford! Ay! Isa! Haharap ka o hindi."

Natawa lang siya ng mahina saka tinaas ang gitnang daliri habang naglalakad palayo
dito. Ibinaba niya ang kamay at sinuksuk sa bulsa. Balak muna niyang dumaan sa
grocery para bumili ng kakainin nila Faith mamaya. Muli siyang napangiti nang
maalala ang dalaga.

"Clifford! Ito naman!"

Patuloy pa rin siya sa paglakad kahit pa naabutan na siya ng kaibigan. Umakbay pa


ito sakanya.

"Ito naman! Hindi mo ba 'ko na-miss?" Paglalambing nito, hinaplos-haplos pa nito


ang balikat niya sa likod. Siniko niya ito ng malakas.

'Parang bata eh!'

"Ano ba kasing kailangan mo? At ano bang ginagawa mo dito? Bilisan mo at pupunta pa
'ko kina Faith." Tinatamad na sabi niya dito.

"May sasabihin kasi ako sayo.... At saka si Faith? Faith Salvez?"

Natigilan siya sa paghakbang at binalingan ang kaibigan.

"Bakit kilala mo siya?" Matiim na tanong niya dito. Wala siyang natatandaan na
sinabi niya ang pangalan ni Faith dito. Hinaplos-haplos nito ang baba saka ngumisi.
"Basta kasi gwapo matalino." Walang direksyon na sagot nito. Hinila niya ito sa
kwelyo.

"Oo na! Oo na! Ito na!" Mabilis na sabi nito saka tinanggal ang kamay niya sa
kwelyo nito. Binitawan naman niya ito.

"Ito naman, parang wala tayong pinagsamahan noon kung ganya----Ah kanina kasi
nakasalubong ko siya. May kaibigan pala siya dito na isang customer natin sa Dark
Society club." Sabi agad nito. Nagsalubong naman ang kilay niya at matamang
tinitigan ang kaharap.

"Oh tapos?"

"Ngayon inimbitahan niya si Faith mo sa gaganaping Anniversary party mamaya."


Natutuwang sabi nito. Lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Anniversary party? Walang binanggit sakin si Grey ang alam ko birthday lang ni
Eros."

"Eh pano hindi kana pumupunta sa club." Sabi naman nito. Natigilan naman siya. Wala
namang sinasabi sakanya si Faith?

"Wala naman siyang binabanggit sakin ha?" Sabi niya pa dito. Nakita niyang lalong
lumawak ang ngiti ng kaibigan.

"Bakit kayo ba?" Anito. Mas lalo siyang natigilan.

"Sige dito na 'ko. Sinabihan lang kita baka kasi hindi mo alam. Oo nga pala,
mamayang 6:30 pm ang start ng party. You should be there dude, ikaw din maganda pa
naman si Faith at maraming lalaki sa club." Nakangising sabi nito saka tinap pa ang
balikat niya pagkuwa'y tumalikod. Hindi naman siya gumalaw mula sa kinatatayuan.
Sinilip niya ang relong pambisig. 5:45 na ng hapon. Halos magpantay naman ang linya
sa labi niya.

"Faith... faith.... faith..." Madiing bulong niya saka niya binilisan ang
paghakbang.

----------------****

NATITIGILANG tinignan ni Faith ang labas ng club. Mukhang may pinagbago 'yon
kumpara noong pumunta siya nang sundan niya si Criselda. Panay ang buga niya ng
hangin habang iniisip kung papasok ba siya o hindi. Nakita niya pa ang ibang taong
pumapasok na sa loob. Naririnig na rin niya ang pag-iingay sa loob.

'Baka ano naman kasing isipin sakin ng lalaking 'yon....'

'Marami kasing gustong pumikot diyan sa kaibigan ko'

Napasimangot siya nang maalala ang sinabi ng Maxeau na 'yon.

"Pake ko kung magpa-pikot ka! Na sayo naman 'yan eh. Saka hindi naman tayo no?!"
Naiinis na sabi niya habang nakatingin sa club na 'yon. Tumalikod siya pero
nakailang hakbang pa lang siya nang muli siyang matigilan. Pumikit muna siya ng
mariin saka matalim ang matang tumingin sa club na 'yon. Padabog siyang pumunta
don.

"Mahirap na baka mapariwara siya no." Bulong niya habang papalapit sa bantay na
nasa labas. Pamilyar sakanya ang bantay na 'yon. Si Johny Bravo.

"Welcome to the Dark Society club ma'am. We would like to----


"Nandiyan ba sa loob si Maxeau?" Putol niya sa sasabihin ng babaeng katabi ni Johny
Bravo.

"Si Mr. Cannibara po ba?" Tanong pa nito. Tumango siya.

"Nasa loob na po maam. Kailangan niyo munang pirmahan 'to bago kayo makipagkita
sakanya." Sabi nito. May kinuha itong maliit na papel sa bulsa nito saka inabot
sakanya.

"Ha? May eche-bureche pa? Ang higpit naman ng club niyo." Salubong ang kilay na
sabi niya. Ngumiti ang dalawang kaharap niya.

"Si Mr. Cannibara lang po."

Binasa naman niya ang papel na hawak.

Maxeau Flexio Cannibara

Pogi?

Yes or no?

NOTED: (If your answer si No. Labas)

Signature under your printed name.

Napairap siya sa hangin. Ang tindi ng tama non! Nakasimangot na nilagyan niya ng
tsek ang No saka pinirmahan ang papel. Inabot niya 'yon sa babae saka siya
nagmamadaling pumasok sa loob. Sumalubong sakanya ang nakakapuwing na usok, ang
amoy ng mga alak. Maging ang kakaibang amoy na 'yon. Napangiwi pa siya nang lumukob
sa pandinig niya ang nakakabinging tugtug na 'yon. Nilibot niya ng tingin ang buong
paligid. Nakita niya pa ang nakasulat sa dingding ng naturang club na 'yon. Do what
you want, don't give a fuck.
Napailing siya. Buti na lang at may mahigpit siyang nanay kaya hindi siya kagaya ng
iba.

"Excuse me po.... excuse me lang.." Nakangiwing nakipagsiksika pa siya sa mga taong


nandon. Hinanap ng mata niya si Clifford pero hindi niya makita ito doon. Nakita
niya ang mga VIP room na nasa gilid. Sa harap nito ay isang mini Bar. Nakita niya
ang ilang umpukang lalaki na nandon. Nakita niya si Maxeau. Lumapit siya sa mga
ito. Wala doon si Clifford.

"Excuse me...." Tawag niya sa mga ito. Hindi siya nilingon ng mga ito.

"Excuse me!!" Sigaw niya. Nakita niyang halos mapatalon sa pagkagulat ang isang
lalaking nakatalikod sakanya. Galit na bumaling ito sakanya. Nakagat niya ang labi.

"S-sorry... m-malakas kasi 'yung music kaya sumigaw na 'ko hehe." Sabi niya dito.
Tinambol ng kaba ang dibdib niya nang mapansin niyang nakatingin ang mga ito sa
direksyon niya. Sinuri pa ng mga ito ang mukha niya hanggang sa paa. 'Yon pa naman
ang pinaka-ayaw niya.

"Faith?" Natutuwang sabi ni Maxeau nang makita siya. Lumapit naman ito sakanya.

"Wow... pumunta ka pa rin?"

"Ikaw 'yung kasama ni Criselda noon 'diba?" Tanong ng lalaking nagulat niya kanina.
Tumango naman siya saka binalingan si Maxeau.

"Nasan siya?" Nag-aalangang tanong niya. Lumawak ang ngiti nito.


"Nasa VIP room may kasama eh. Mamaya lalabas din 'yun." Ngiting-ngiting sabi nito.

'VIP room?'

Pasimple siyang tumingin sa VIP room.

"Bakit? Sinong nasa VIP room?" Tanong ng isang lalaki na hindi niya kilala. Umakbay
sakanya si Maxeau.

"Ah siyanga pala guys! Si Faith Lanohan Salvez. Bestfriend ni Clifford."


Nakangiting sabi ni Maxeau na hindi pinansin ang tanong ng kaibigan nito.

"Oh...." Halos sabay-sabay na sabi ng mga ito.

"Hi. I'm Serionifo Fenxh Suenaro. Ang pinaka-pogi." Pakilala sakanya ng isang
lalaki na nasa dulo nakaupo. Nahihiyang ngumiti siya dito.

"I'm Delifico Fudushiko." Pakilala naman ng lalaking nagulat niya kanina.

"Hi... sorry uli kanina." Sabi niya. Ngumiti lang ito sakanya.

"It's okay."

"Ellifard." Tipid na sagot naman ng lalaking katabi ni Serionifo. May hawak itong
tequila. Nakita niya na ito noon.
"Hello sainyo." Nakangiting sabi niya sa mga ito. Siya namang may lumapit
sakanilang dalawang lalaki. Kilala niya ang isa, nakita niya nang kasama ito noon
ni Clifford sa school.

"Oh Eros? Aalis kana?" Tanong ni Maxeau.

"May pupuntahan kasi ako." Sagot naman nito saka dumako ang mata sakanya. Kumunot
ang noo nito.

"Ikaw 'yung girlfriend ni Clifford 'diba?" Tanong nito. Mabilis namang umiling sya.

"Hindi, kaibigan ko lang siya." Sagot niya agad. Napalabi naman ito saka nagkibit-
balikat.

"I have to go... someone's waiting for me." Anito saka tumalikod.

"Uy! Bornday mo ngayon diba? Ano? Hindi ka man lang makikisaya?" Sabi ni Maxeau.

"I'm bored." Sabi lang nito saka mabilis na umalis. Para pa ngang nagmamadali ito.
Umupo naman ang isang lalaking matangkad na kasama ni Eros sa tabi ni Ellifard.

"Aray naman Grey!" Reklamo ni Serionifo. Tinabig kasi ito no'ng lalaking bagong
dating.

"Grey nakita mo ba si Clifford?" Tanong ni Maxeau. Tumingin naman sakanila ang


lalaking 'yon.
"Sa loob pa siya kausap si Nikka." Sagot nito. Napakurap naman siya, hindi rin niya
alam kung bakit bumigat ang pakiramdam niya.

"Ganon ba? Okay." Nakangiting sabi ng katabi niya, hindi niya 'yon pinansin. Umupo
na lang sya don. Kita niya mula sa gilid ng mata na nagse-senyasan ang mga ito.

"Gago ka talaga kulot..." Narinig niya pang sabi ni Delifico. Hindi niya alam kung
para kanino 'yon.

"Hi..."

Natigilan siya nang may tumabi sakanya. Nakita niya ang isang babae. Mukhang lango
na ito sa alak.

"Ikaw ba ang bagong girlfriend ni Maxeau?" Namumungay ang mata na sabi nito.
Lumingon siya kay Maxeau na lumapit sa babae.

"Ah... Carla lasing kana." Sabi ni Maxeau. Tumalim pa ang mata ng babaeng 'yon.

"Bakit ba?! Pake mo?" Galit na sabi nito kay Maxeau saka nakangiting humarap
sakanya.

"Bigyan mo nga kami ng matapang na alak." Nakataas ang kilay na sabi nito habang
nakatingin sakanya.

'Patay.... mukhang napagbintangan pa 'ko nito ah.'

"Ah miss mali ka ata ng----


"Don't talk to me." Mataray na sabi nito sakanya. Napatingin siya kay Maxeau.

"Kausapin mo 'to." Gigil na bulong niya dito. Napakamot lang ito sa ulo.

"Carla hindi naman 'yan ang bago ni Max-----

"I don't care! Alam niyo? Magkaibigan talaga kayo! Pinagtatakpan niyo pa ang
lalaking 'to!"

Nanahimik na lang siya. Baka kasi magkagulo lang. Ilang sandali pa ay nilapag ng
bartender ang dalawang baso sa harap nila. Napalunok naman siya. Binalingan niya si
Maxeau.

"Hindi ako umiinom." Madiing sabi niya dito. Sana pala hindi na lang siya pumunta.

"Sorry Faith... isang inom lang iu-uuwi na kita." Bulong nito.

"Inom!" Utos sakanya ng babae. Napatingin naman siya dito.

"Hindi ako umiinom miss." Sabi niya dito. Ngumisi naman ito saka tumalim ang tingin
sakanya.

"Talaga? Ah kaya.... kaya ka siguro niya nagustuhan dahil matino ka. Hindi kagaya
ko na halos gabi-gabi nasa bar! Tama ba Maxeau?!" Tili na nito. Napangiwi naman
siya.
"Asan na ang lalaking 'yon?!" Sigaw pa nito. Nang lumingon siya ay wala na nga don
si Maxeau.

'Anak ng!'

"Yan ang alam mo! Magtago sa brief ng mga kaibigan mo!" Sigaw pa nito. Mukhang
konti na lang at sasabog na ito at natatakot siya na baka madamay siya sa galit
nito. Isa pa mukhang gusto niyang maki-simpatya dito. Sa mukha pa lang ng Maxeau na
'yon alam niyang mukhang kalokohan lang ang ginagawa sa buhay. Kinuha niya ang baso
saka tinungga ang laman non. Napapikit siya nang malasahan niya 'yon.

'Shit pait! '

Naramdaman niya ang mainit na dumaloy na 'yon sa lalamunan niya.

"Isa pa!" Sabi nito sa bartender. Mukhang wala na siyang takas dito. Lumapit na
dito ang isang matangkad na lalaki.

"Carla tama na 'yan. Hindi 'yan ang girlfriend ni Maxeau." Sabi nang Grey na 'yon.

"Wag mo 'kong pigilan Grey mage-eskandalo ako dito!" Pananakot pa nito. Tinignan
niya si Grey saka inilingan.

"Ayos lang." Sabi niya dito. Bumuga naman ito ng hangin saka lumapit sakanya.

"Don't worry tinawag na nila Maxeau at Ellifard si Clifford." Sabi nito. Ngumiti
lang siya. Kaya nang dumating na ang order ni Carla ay wala siyang ibang nagaw
kundi ang inumin 'yon. Four shot pa lang ata nang makaramdam siya nang pagkahilo.
"Hangkapal ng mukha ng lalaking 'yan! Kashing kapal ng mukha ng pinagpatong-patong
na mukha ng mga kaibigan niya!" Galit na sabi ni Carla. Tahimik lang siya dahil
nahihilo na siya.

"Alam mo? Kung ako shayo... 'wag na 'wag kang magkaka-gushto isha man shakanila,
ikaw ang kawawa. Kashi magka-kaibigan 'yan eh, kahit may kashalanan ang kaibigan
nila pinagtatakpan nila! Shi Clifford? Alam mo bang girlfriend niya si Crishelda at
shaka Rhea? At hindi alam 'yon ni Crishelda kahit na nang maghiwalay shila. Hindi
niya alam na pinag-shabay shilang dalawa at pinagtatakpan lang ng mga kaibigan
niya" Lasing na nasabi nito. Hindi niya alam alam kung bakit parang hiniwa ang
dibdib niya dahil sa narinig. Deretso niyang ininom ang alak.

"Hindi ah!" Tutol ng katabi niya.

"Wag kang shumagot Delifico! Dalawa girlfriend mo kala mo ah!" Sabi ni Carla.
Sinapo niya ang ulo.

"Ayos ka lang Faith?" Tanong sakanya ni Grey. Papikit-pikit naman siya.

"Ayosh lang.... kaya pa.." Halos pabulong ng sabi niya. Pero ang totoo ang umiikot
ang paningin niya.

"Anong nangyari dito?"'

Pamilyar sakanya ang boses na 'yon kaya lang ay wala siyang lakas para lingunin
'yon.

"Ayan oh si Maxeau ang may kasalanan."


"Anong ako?! Hindi kaya.."

Papikit-pikit na nilingon niya si Carla. Nakayuko na ito.

"Uy! uy.... inom pa tayo!" Pangungulit niya dito.

"Gago ka Maxeau.... patay ka talaga sakin!"

Patuloy niyang kinakalabit si Carla. Maya-maya ay naramdaman niyang may humawak sa


magkabilang balikat niya sa likod.

"At ikaw, ano namang ginagawa mo dito?" Narinig niyang sabi ng galit na boses na
'yon.

"Shi Clifford nandito daw eh." Lasing ng sabi niya. Napapikit siya nang maramdaman
niya ang pag-angat ng katawan.

"Uy Maxeau ikaw bahala dito kay Carla oh!"

"Ano ba.... ibaba mo 'ko, umiinom pa 'ko eh." Sabi niya habang pilit na bumababa.

"Wag kang magulo itatapon kita. Hindi mo sinabi sakin na pupunta ka dito!" Sabi ng
galit na boses na 'yon. Hindi na lang siya umimik. Kumapit na lang siya sa leeg ng
taong may karga sakanya saka sumiksik dito.

Chapter seventeen [Dark Society 3- Clifford Buch...]


'ASAN ako?!'

Nagtatakang napabalikwas ng bangon si Faith ngunit sumigid naman sa kirot ang ulo
niya. Sinapo niya 'yon at ilang beses siyang pumikit-pikit.

"Ouch...." Bulong niya saka dinilat ang mata. Muli niyang nilibot ng tingin ang
buong paligid. Parang pamilyar sakanya ang kwarto na 'yon, muli niyang inalala ang
nangyari kagabi. Pero wala naman siyang matandaan.

"Ay bwisit!" Naiinis na sabi niya saka bumaba ng kama habang inaalala niya sa isip
niya kung kanino bang kwarto 'to. Pumasok siya sa banyo saka nagmumug at
naghilamos. Tinignan niya ang sarili sa salamin. Namamaga ang ilalim ng mata niya,
patuloy pa rin sa pagpintog sa sakit ang ulo niya. Sapo ang ulo na lumabas siya ng
banyo at saka umupo sa gilid ng kama.

"Ano bang ginawa ko kagabi? Ang alam ko pumunta ako sa club na 'yon dahil nandon
si...." Nanlaki ang mata niya.

'Si Clifford!'

Nagulat siya nang biglang bumukas ang pinto.

"Oh, gising ka na pala." Nakangiting sabi ni Clifford pero agad ding sumimangot.
Hindi naman siya nakapagsalita lalo't natatandaan niya na ang ginawang kabaliwan
kagabi. Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang lumapit sakanya si Clifford. Kinuha
nito ang isang upuan na nasa sulok saka 'yon nilapag sa tapat niya.
"A-ano..... Clifford." Tawag niya sa pangalan nito. Umupo lang ito sa upuang nasa
harap niya saka malamig ang mata na tinignan siya.

"Anong ginagawa mo don kagabi?" Tanong nito habang matiim ang tingin sakanya.
Nakangusong iniwas niya ang tingin dito.

"Faith.... ano sabing ginagawa mo don. Hindi ba may usapan tayo na pupunta ako sa
sainyo?"

Doon na siya tumingin dito.

"Anong usapan ka diyan? Sabi nga ng kaibigan mo may party don sa club niyo at
pupunta ka daw." Nakataas ang kilay na sabi niya.

'Teka? pake ko ba?!'

"Sinabi ba sayo ni Maxeau? Hindi ako pupunta don Faith at saka isa pa matagal na
rin akong hindi pumupunta don."

"Talaga lang ha? Kaya pala nang pumunta ako kagabi nasa VIP room ka kasama 'yung
sino ba 'yon?----

"----Si Nikka." Tuloy nito.


"Yun si Nikka! At ito pa, hindi mo sinabi na pinagsabay mo pala si Criselda at
ibang babae mo. Hindi tamang ugali 'yan Clifford, wala kang karapa----Bakit?!"
Inis na tanong niya, napansin kasi niya ang sinusupil na ngiti nito.

"Wala..." Tipid na sagot nito pero nakangiti. Inirapan niya ito.

"Sige ano pa?" Anito.

"Wala na!" Bwisit 'to!

Umayos ito ng tuyo saka lumapit sakanya bitbit ang upuan. Natigilan naman siya.

"Ano 'yan?" Nakataas ang kilay na sabi niya. Ngumiti lang ito. Hanggang sa
makalapit na ito sakanya ay hindi siya gumagalaw sa kinauupuan. Magkatapat sila
habang magkadikit ang tuhod nila. Hinawakan nito ang dalawang kamay niya.

"Wala kaming ginawa do'n Faith." Malumanay na sabi nito. Nag make-face siya dito.

"Talaga lang ha..." Sarkastikong sabi niya. Lalong lumawak ang ngiti nito.

"At hindi lang naman si Rhea ang naging babae ko habang kami pa ni Criselda. May
iba pa." Seryoso ng sabi nito. Natigilan naman siya naramdaman niya ang paninikip
ng dibdib. Iniwas niya ang tingin dito.
"Wala akong sineryoso isa man sakanila."

Umirap siya dito pero hindi siya nagsalita.

"Pero wala na ang lahat ng 'yon Faith. Nang maghiwalay na kami ni Criselda kasama
na doon sila Rhea." Paliwanag pa nito.

"Dahil isang babae lang ang gusto kong kasama.."

Doon siya tumingin dito.

"At ikaw 'yon Faith."

Napakurap naman siya sa sinabi nito. "....a-anong sabi mo?"

"Kumain muna tayo. Baka nagugutom kana." Nakangiting sabi nito saka tumayo habang
hawak pa rin ang kamay. Hindi naman siya gumalaw sa kinauupuan.

"Faith halika na.." Sabi pa nito. Tumingin siya dito saka siya unti-unting tumayo.
Hawak nito ang kamay niya habang palabas sila ng kwarto.
"A-anong oras na?" Tanong niya dito kahit pa ang totoo ay nakakaramdam siya ng
pagka-ilang sa sinabi nito.

'Sheyt! 'Wag kang assuming Faith!'

"Tanghali na mamaya ihahatid na lang kita sainyo." Sabi pa nito habang nauunang
lumakad sakanya. Tinitigan niya ito pagkatapos ay ang kamay naman nito na hawak ang
kamay niya. Hanggang sa makababa sila ay hindi pa rin nito binibitawan ang kamay
niya.

"Ah Clifford sandali lang." Pigil niya dito. Binalingan naman siya nito.

"Bakit ano 'yon?"

Kinagat muna niya ang dila saka nagsalita.

"W-wala bang nangyari sainyo kagabi no'ng kasama mo?"

Ilang sandali siya nitong tinitigan. Hinila niya ang sariling kamay na hawak nito
saka 'yon kinumpas sa harap nito.

"Oh never mind 'wag mong pansinin 'yung sinabi ko hehe." Bawi niya agad.
'Ano ba naman Faith!'

"Walang nangyari samin ni Nikka at isa pa pinsan 'yon ni Grey kaya hindi kami talo.
Nag-usap lang kaming dalawa. At saka babae ang gusto non." Sabi nito. Natigilan
siya.

"Talaga?" Paniniguro niya. Tumango ito saka unti-unting tumaas ang sulok ng labi.

"Oo.... Pero sa ating dalawa pwedeng may mangyari. Tsk. Hindi ako makapaghintay.."
He said while biting his lips. Nanlaki ang mata niya saka hinampas ito sa dibdib.

"Kapal mo manyak!" Pinandilatan niya muna ito saka ito tinalikuran. Pero agad ding
siyang huminto at binalingan ito.

"At isa pa wala akong pakialam ha! Baka mapikot ka kawawa naman ang babae sayo!"
Sabi niya pa dito at muling tumalikod pero muling hinarap ito.

"At hindi ako nagseselos!" Sabi niya at mabilis ng humakbang palayo.

"Obvious nga eh!" Narinig niyang natatawang sigaw nito. Kinagat niya ang labi.
'Ano ba naman Faith! Ano bang nangyayari sayo!'

----------------****

KAHIT pa nasa loob na sa sila ng sasakyan ay naiilang pa rin si Faith. Lalo na


kapag nagtatama ang mata nila ni Clifford. Ito naman ay tinatawanan lang siya.

'Bira-bira ka kasi Faith!'

"Wala ka bang bibilhin muna?" Tanong sakanya ni Clifford. Umiling lang siya habang
nakatingin sa labas ng bintana.

"Wala." Tipid na sagot niya. Nagpatuloy naman ito sa pagmamaneho. Palihim niyang
sinilip ito.

"Bakit ka nakangiti ka diyan?!" Mataray na sabi niya.

"Wala." Tipid na sagot nito na nakangiti lang. Inirapan niya ito saka hinampas sa
balikat.

"What the----Faith!" Singhal nito nang muntik na nitong mabitawan ang pagmamaneho.
Tinawanan niya lang ito saka siya umayos ng upo at tumingin sa labas ng bintana.
Natigilan siya nang makitang unti-unting bumabagsak ang ulan.

"Ah Clifford... pwedeng ihinto mo muna?" Sabi niya sa katabi.


"Ha? Bakit?" Tanong nito. Bumaling siya dito.

"Basta." Sabi niya, kahit nagtataka ay sinunod naman siya nito. Inihinto nito sa
gilid ng kalsada ang kotse.

"Oh? San ka pupunta? Nakita mong umuulan 'diba?"

Ngumiti lang siya dito.

"Maliligo ako eh." Sabi niya lang saka binuksan ang pinto sa tabi. Pumunta siya sa
harap ng kotse nito. Buti na lang at nasa isang road pala sila at walang gaanong
sasakyan na dumadaan. Nakangiting pumunta siya sa gitna.

"Faith! Faith ano ba bumalik ka nga dito!" Galit na sigaw ni Clifford. Nilingon
niya ang direksyon nito, nakadungaw ito sa bintana ng kotse nito.

"Lumabas ka kaya diyan at samahan mo 'ko dito." Natatawang sabi niya. Tumalim ang
tingin nito sakanya.

"Pumasok kana!" Galit na sabi nito.

'Para namang matatakot ako sakanya...'


Pero naisip niya na ang lalim talaga ng sakit na iniwan nila kay Clifford.
Naramdaman niyang unti-unting lumakas ang ulan.

"Fuck! Comeback here Faith!"

"Alam mo ba? 'yong papa ko bago niya kami iniwan.... naligo muna kami non sa ulan.
Naglaro ng putik.... parang 'yon ang pinakamasayang araw ng buhay ko kasama siya."
Nangingilid ang luhang sabi niya. Nakita niyang natigilan ito.

"Kaya kagaya mo, napakasakit din sakin na pagtapos non aalis na lang siya nang wala
ding dahilan. Alam mo 'yong malalaman na lang namin sa iba na sumama na pala siya
sa iba.." Naramdaman niya ang pag-iinit ng mga mata. Buti na lang at basa na ang
mukha niya kaya hindi nito kita ang pagluha niya.

"Pero hindi ko naisip na magtanim ng sama ng loob. Itong ulan?" Nakangiti nang sabi
niya saka inangat ang kamay.

"Ini-enjoy ko kahit alam kong naaalala ko lang si papa."

Mula sa gilid nang mata ay nakita niyang bumaba ito. Bumaling siya dito.

"Pagbibigyan kita pero ngayon lang." Sabi nito saka sila nagtinginan. At sabay din
silang natawa. Lumapit ito sakanya at hinawakan ang kamay niya.
"Maligo tayo hanggang gusto mo." Nakangiting sabi nito. Ngumiti siya dito at saka
niya sinipa ang likod nito.

"Anak ng!---Faith!!" sigaw nito. Natatawang tumakbo siya palayo dito. Parang bata
na hinahabol siya nito. Pakiramdam niya ay bumalik siya noon kung saan kasama niya
ang kanyang ama.

Pareho sila ni Clifford ng pinagdadaanan. Ang kaibahan lang pinili niyang umunawa
at tanggapin ang lahat...

Pero si Clifford.... malaki ang pitak na iniwan dito hindi lang isa... kundi dalawa
pa.

Kaya ngayong siya ang nasa tabi nito...

Bumaling siya sa direksyon ni Clifford. Nakatingala ito habang tumatama sa mukha


nito ang ulan. Napangiti siya habang pinapanood ito.

Hindi niya ito iiwan....

Chapter eighteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

PANAY ang linga ni Clifford sa paligid. Tumuon ang mata niya sa mini-bar
ngunit wala don ang hinahanap. Tumingin naman siya sa stage ngunit staff at si DJ
Nixx lang ang nakita niya.
'Nasaan na ang gagong 'yon?'

Maya-maya ay nakita niya na lumabas mula sa isang itim na pinto si Delifico.


Lumapit siya dito.

"Nasa ibaba ba si kulot?" Tanong niya dito. Kumunot naman ang noo nito.

"Ah oo.. nag-uusap sila ni Grey. Bakit?" Anito.

"Wala. Sige dito na 'ko." Sabi niya at tinapik ang balikat nito saka nilagpasan
ito. Pumasok siya sa loob, narinig niya pa ang malakas na ugong na 'yon. Saktong
pagkapasok niya ay ka-aakyat lang nila Grey. Kasama nito si Maxeau at Ellifard.

"Maxeau...." Tawag niya sa pangalan ng kaibigan. Nakita niyang natigilan ito nang
makita siya saka unti-unting nagtago sa likod ni Grey. Ngumisi naman si Grey saka
gumilid. Mukhang alam na nito ang pakay niya. Sa likod naman ni Ellifard nagtago si
Maxeau pero kagaya ni Grey ay gumilid lang ito saka sumandal sa pader.

"Ano.... ano... Clifford ganito kasi 'yon hehe."

Inisang hakbang niya ito at saka hinawakan ang batok nito.

"Aray! Aray! Grey tulong!" Saklolo nito. Kinaladkad niya ito palabas ng pinto saka
binalibag. Napasandal ito sa mesang nandon, bahagya pa nitong nahulog ang isang
basong nakapatong don.
"Aray naman! Mag-kaibigan tayo 'diba? Parang hindi tayo noon ha?" Pagda-drama pa
nito. Pinaligiran sila ni Grey.

"Anong nangyayari dito?" Tanong ng kadarating lang na si Eros.

"Ano pa nga ba? Alam mo naman si Maxeau, nagpa-plano pero palpak." Natatawang sagot
ni Delifico.

"Hindi ah!" Angal ni Maxeau. Nakapamulsang lumapit siya sa kaibigan.

"Alam mo bang hindi umiinom si Faith?" Sabi niya pa sa kaibigan. Napanguso naman
ito.

"Alam ko, saka wala naman 'yon sa plano ko eh! Tanong mo pa kay Serionifo."
Nakangusong sabi nito.

"So, pinagpa-planuhan mo pala kaming dalawa ganon ba?" Sabi niya.

"Aprobado naman kay Grey ah!" Parang batang sabi nito.

"Tadyakan kaya kita diyan kulot ka!" Natatawang sabat ni Grey.


"Pano kung may lalaking nagyaya sakanya ha? At talagang siniraan mo pa ako sakanya
ha..." Nakangising sabi niya pero ang totoo ay gusto niya ng sakalin ang kaibigan.
But. At the same time, parang gusto niya pang pasalamatan ito dahil sa ginawa nito.

"Eh halata namang nagkakagustuhan kayo non ni Ms. Salvez. Masyado lang kayong
pakipot dalawa." Nakangusong sabi nito. Tinagilid niya ang ulo saka dinuro ang
kaibigan.

"Alam mo tama ka. Pero dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit may hangover sya
ngayon kailangan mo 'kong tulungan." Nakangising sabi niya.

"Naku kay Maxeau pa talaga siya nanghingi ng tulong." Natatawang sabi ni Eros.

"Ano naman 'yon?"

Ngumisi siya. "Sumama ka sakin."

----------------****

"PWEDE na po kayong pumasok sir."

Tumayo naman siya mula sa pagkaka-upo saka sinundan ang nurse. Dala nito sa kanang
kamay ang puting chart habang nakatabing ang mukha ng puting mask.

"Kumusta naman ang kalagayan niya?" Tanong niya habang tinatahak nila ang mahabang
pasilyo.

"Ganon pa rin po Mr. Vienos, walang pinagbago. Kinaka-usap pa rin ho niya ang
sarili niya." Sabi nito saka tumigil sa paglalakad. Hinubad nito ang puting mask
saka humarap sakanya.

"Pero ano?" Takang tanong niya.

"Palagi niya pong binabanggit ang senyorito, senyorito Clifford." Sabi nito.
Natigilan naman siya.

"Sa tingin ko may isang bagay siyang gustong sabihin pero hindi niya alam kung
paano 'yon ilalabas. As of now, patuloy pa rin ang medicine niya. Palagi ko rin
siyang pinupuntahan dahil last week nagwala na lang siya bigla habang may sinisigaw
na pangalan."

Natigilan naman siya. Muli nilang pinagpatuloy ang paglalakad, hindi niya alam
ngunit nag-iiba na ang pakiramdam niya. Nang makarating na sila sa nag-iisang pinto
sa sulok ay ilang beses muna siyang nagpakawala ng hininga. Noong isang araw ay
galing sila dito ngunit hindi naman niya ito naka-usap ng matino. Binuksan ng nurse
sakanya ang pinto. Tumambad sa paningin niya ang babaeng nakapamuluktot habang
yakap ang tuhod. Dahan-dahan siyang pumasok sa loob. Binalingan niya ang nurse.

"Iwan mo na lang ako dito." Nakangiting sabi niya.


"Sige ho, tatawag lang ho ako ng makakasama para magbantay sa labas."

Tumango lang siya at muling binalingan ang babae. Nakatulala ito habang nakatingin
sa kawalan. Huminga siya ng malalim saka kinuha ang isang upuan na nasa sulok at
na-upo sa harap nito.

"Ano bang nangyari sayo Matilda?" Malumanay na tanong niya dito. Hindi niya alam
kung bakit sa kabila ng lahat ay naroon pa rin ang pag-nanais niya na tulungan ang
babae.

Kagaya noon ay hindi siya sinagot ng kaharap. Nakatulala lang ito habang nakatingin
sa kawalan. Napakasakit para sakanya na nakikita ang asawa sa ganitong kalagayan.

"Mahal." Tawag niya dito ngunit hindi pa rin siya nito pinapansin. Nanatili lang
itong nakatulala.

"Ano bang nangyari sainyo ni Guiller?" Muli ay tanong niya. Huminga siya ng malalim
saka tumayo at lumapit dito. Pinantay niya ang mukha dito habang nakaluhod ang
isang tuhod niya.

"Alam mo bang miss kana ng anak mo? Alam ko na kaya nagkaka-ganon si Clifford dahil
hinahanap ka niya." Nakangiting sabi niya saka ini-angat ang kamay. Hinaplos niya
ang buhok nito.

"Sana malaman na rin naming dalawa kung bakit mo kami iniwan."


Wala pa rin itong reaksyon. Huminga siya ng malalim saka tumayo.

"Aalis na 'ko... sana, sana maalala mo kami. Kami ng anak mo." Sabi niya at ilang
sandali itong tinitigan bago siya tumalikod. Akmang bubuksan niya ang pinto nang
marinig ang tawa ng asawa.

"Hindi ko naman anak 'yon eh... kinuha ko lang siya. Kashii ayoko sa magulang
niya."

Nagtatakang binalingan niya ito, pinaglalaruan nito ang sariling buhok. Ngunit ang
nakatawag sa atensyon niya ay ang sinabi nito. Inisang hakbang niya ang pagitan
nila at hinawakan ito sa magkabilang balikat.

"Ano bang pinagsasabi mo?!"

"Hindi ko naman anak 'yong batang 'yon eh... hindi ko siya anak. Kinuha ko lang
siya dahil ayoko sa magulang niya." Tumatawang sabi nito.

Nanlumo siya at napayuko. Parang mas lalong dumagdag ang bigat ng dibdib niya sa
narinig mula dito. Kahit pa hindi nito direktang sinasabi alam niya kung sino ang
tinutukoy nito.

Parang gumuho ang mundo niya...

Chapter nineteen [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"HALA ang ganda naman dito...."


Nilibot ni Faith ang buong hardin. Nagkalat sa buong lugar ang mga nag-iilawang mga
puno, may mga romantic candles pa sa damo at ang nakatawag ng atensyon niya ay yung
simpleng mesa na nasa gitna at napapalibutan ng mga candles. Humarap siya kay
Clifford, nakatingin ito sakanya habang nakangiti.

"Ano to? birthday mo ba?" Tanong niya, umiling lang ito at lumapit sakanya habang
nakapamulsa. Everytime na lumalapit ito sakanya ng ganon ay lumalakas ang kabog ng
dibdib niya.

Huminto ito sa harap niya at ilang hakbang na lang ang pagitan nila sa isat-isa.
Tumikhim muna ito saka nagkamot ng batok.

"Hindi ko alam kung pano uumpisahan eh. Alam mo naman hindi ako mahilig sa mga
ganito " Sabi pa nito saka tumitig sakanya.

"....pero mukhang makakatulong 'to." Seryosong sabi nito. Tahimik naman siyang
nakipagtitigan dito at hinintay ang sasabihin.

"Pero sasabihin ko pa rin 'to kahit nahihiya ako.."

Hindi niya napigilang matawa ng mahina sa sinabi nito pero nanatili pa ring tikom
ang bibig niya at hinintay ang sasabihin nito.

"Kahit na sinong babae hindi ko hinayaang makapasok sa buhay ko. They're just my
flings. Lahat ng nasa paligid ko laro lang para sakin. Ni wala akong sineryosong
bagay man o mga tao, i live on my own, i can do what i want. I sell drugs, i have a
gangs. Marami rin akong sinaktang tao kung gugustuhin ko. " Sabi nito.

Hindi niya alam kung bakit nito sinasabi sakanya ang mga bagay na 'yon pero nakinig
pa rin siya.

"Then, i met a girl named Faith. Nung una pa lang nakaramdam ako ng interesado sa
babaeng 'yon, sabi ko aakitin ko siya. Pero kapag inaakit ko siya napakasadista
niya. She's always gave me a Faith-punch, she always hurt me physically. Laging
nanlilisik 'yong mata niya sakin na para bang nagsisisi siya at pinanganak pa 'ko."

Napangiti siya nang maalala niya ang mga araw na nag-aaway silang dalawa ni
Clifford. Ay hindi siya lang pala ang nang-aaway dito.

"But at the same time.... she makes me happy with just a simple smile. Hindi ko
naramdaman na mali ang lumapit pa sakanya ng husto ng walang kahalayang ginagawa
kasi sigurado akong makakatikim ako ng bugbog." Natatawang sabi nito.

Hindi niya mapigilang matawa dito.


"Pero muntik na 'kong matauhan nong gabing 'yon. I choose to run away from her,
natatakot akong mapalapit sakanya pero natatakot din akong mapunta siya sa iba.
Kaya mas pinili kong dumikit pa rin sakanya kahit alam ko ang magiging kahihinatnan
non. Sabi ko nga eh 'Tangina! masama 'to ha!"

Nagpatuloy pa rin siya ....

"I want to be a perfect man for her... gusto ko isipin niya na mabait ako, na wala
akong inaagrabyado, na wala akong sinasaktan kahit alam kong nakita niya na ang
lahat ng 'yon sakin. Halos tatlong na taon ang pinagsamahan namin ni Criselda pero
wala naman sakanya ang puso ko. Sabi ko kay Criselda nung huli, na kung inaakala
niya na nabago niya 'ko gaya ng mga nababasa niya nagkakamali siya, pero para kay
Faith gusto kung kong malaman niya na kaya kong baguhin ang lahat ng ayaw niya
sakin, well, maliban sa pagiging manyak."

Nag-init ang sulok niya sa mga sinasabi nito.

"I know i'm not perfect, i'm a devil incarnate to man but for my angel i want to be
an Archangel for her."

Humakbang ito ng isa papalapit sakanya.

"Because I....."

Humakbang pa uli ito ng isa pa...

"Love....."

At isa pa ...

"You....." sabi nito na ngayon ay nasa harap na niya. Napatingala siya dito.
Hinawakan nito ang kamay niya at masuyong pinisil 'yon.

"Can i court you?"

Kumurap siya ng ilang beses, hindi niya alam kung anong isasagot sa pinagtapat
nito. Yumuko ito at nilapit ang mukha sakanya. Napatitig siya sa mukha nito.

"Faith, can i court you?" Tanong uli nito. Napalunok naman siya.

"S-siguro...." Parang gusto niyang batukan ang sarili sa sinagot.

Eh malay ko ba! ang simple lang ng tanong yes or no lang pero ang hirap sagutin!
"Aray! Hindi pala siya sure ikaw lang pala ang naga-assume diyan Clifford." Narinig
niyang sabat ng boses na 'yon. Binawi niya ang tingin kay Clifford saka hinanap ang
nagsalita na 'yon. Nakita niya si Maxeau na nasa tabi ng puno, mukha itong prinsepe
sa paningin niya dahil sa suot nitong armani suit na bumagay dito. Bagay na bagay
talaga dito ang kulot nitong buhok. May hawak itong tatlong bulaklak. Nilapag nito
'yon sa gitna ng mesa saka humarap sakanila. Yumukod pa ito.

"Goodevening Miss Salvez." Nakangiting sabi nito. Mula sa gilid ng mata ay umayos
ng tayo si Clifford. Binalingan nito si Maxeau.

"Alis na." Pagtataboy nito sa kaibigan.

"Ouch." Parang nasasaktang sabi nito habang nakahawak sa dibdib. "....ganyan kana
ba? Pagkatapos mo 'kong pakinabangan itatapon mo na lang ako."

Minsan iniisip niya kung may sayad ba ang kaibigan ni Clifford o talagang kulang-
kulang lang.

"Maxeau..." Halata na sa boses ni Clifford ang pagbabanta.

"Ah oo nga! Sabi ko nga aalis na 'ko." Natatawang sabi nito saka may kinuha sa
likod ng suot nitong pantalon. Nakita niya ang maliit na bagay na 'yon na pinindot
nito.

"Enjoy!" Sabi nito saka tumalikod. Saka naman pumailanlang ang tugtog na 'yon na
kahit luma na ay masarap pa ring pakinggan. Nilingon niya si Clifford. Nanlaki ang
mata niya nang unti-unti nitong hapitin ang bewang niya papalapit dito. Naiilang na
binawi niya ang tingin dito saka humawak sa dibdib nito. Ngunit muli siyang
tumingala dito at nakipagtitigan dito.

When we turn out the lights


The two of us alone together
Something's just not right
But girl you know that I would never ever let another's touch
Come between the two of us
Cause no one else will ever take your place

Gumuhit ang ngiti sa labi niya habang nakatingin dito.

No one else comes close to you


No one makes me feel the way you do
You're so special girl, to me
And you'll always be, eternally
Everytime I hold you near
You always say the words I love to hear
Girl with just a touch, you can do so much

No one else comes close

Noon ay natatakot siya na kapag dumating ang panahon na ibigay niya kay Clifford
ang buong tiwala ay masaktan lang siya. Naalala niya kasi ang niluha ni Criselda
dito at natatakot siya na baka maging isa siya sa mga pinaluha nito.

And when I wake up to


The touch of your head on my shoulder
You're my dream come true
Oh, girl you know I'll always treasure
Every kiss, every day
I love you girl in every way
And I always will cause in my eyes

Ngunit nang malaman niya ang dahilan nito at unti-unti niyang nakikilala ito ng
lubos, alam niyang nakapasok na rin ito sa sistema niya. Isang bagay na hindi niya
maipaliwanag sa tuwing kaharap si Clifford.

No one else comes close


No one else comes close

Damn I love you

At ang bagay na 'yon ang pumipigil sakanya para hindi mahalin ang binata. At kung
ano man ang pagsisihan niya sa huli.... bahala na. Ang mahalaga isang beses sa
buhay niya ay minahal siya nito.

-----------------****

"KAMUKHA mo 'yon Faith oh.."

Nilingon naman ni Faith ang tinuturo ni Clifford. Hinahanap niya ang tinuturo nito.

"Saan? Wala naman ah?" Nagtatakang sabi niya.

Umakbay ito sakanya saka muling may tinuro.

"Ayan oh!" Natatawang sabi nito. Kumunot ang noo niya pero unti-unti siyang
natigilan nang makita ang tinuturo nito. Malakas na siniko niya si Clifford.

"Nang-aasar ka?! mukha ba 'kong mataba ha?" Pinandilatan niya ito ng mata. Balloon
na hugis baboy na dala ni manong ang tinuturo nito. Kaninang pagkalabas niya ng
gate ay hinila agad siya nito. Sabi nito ay may pupuntahan lang daw sila. Sumama
naman siya dito, 'yon pala ay dadalhin siya nito sa Luneta Park. Kahit hapon na ay
marami-rami pa ring tao, 'yung kumukuha ng litrato sa damuhan 'yung iba naman
tumitingin sa mga rebultong nandon. Mas pinili nila ni Clifford na tumingin sa
fountain habang naka-upo sa bench na nandon.

"Gusto mo?" Alok niya dito ng burger na binili nila sa labas. Kumagat naman ito sa
pagkaing hawak niya.

"Halos ubusin mo na eh!" Reklamo niya nang makitang malaki ang kinagatan nito.
Nagulat siya ng agawin nito ang hawak niya saka kinain 'yon. Nanlaki ang mata niya.

"Isa! Clifford iluwa mo 'yan!" Sabi niya dito. Nang-aasar lang na ngumuya ito.
Tumalim ang mata niya saka hinawakan ang panga nito.

"Kaya ayaw kitang bigyan eh uubusin mo lang! Isa! Iluwa mo 'yan hindi mo
mapapakinabangan 'yan." Sabi niya habang dinidiinan ang pisngi nito. Natatawang
nilayo lang nito sakanya ang mukha.

"Wala naaa!" Natatawang sabi nito saka ngumanga. Nakasimangot na hinila niya ang
buhok nito.

"Hindi na kita aalukin sa susunod kala mo!" Naiinis na sabi niya dito. Kasi naman
ang layo ng bilihan. Tinawanan lang siya nito saka hinawakan ang kamay niya.

"Eto naman parang pagkain lang ang damot mo." Natatawang sabi nito. Inirapan niya
ito.

"Ang layo kaya ng bilihan! Saka nagugutom ako, sana bago mo 'ko dalhin dito
pinakain mo muna ako ano!"

Nagsalubong ang kilay nito. "Hindi kapa kumakain?"


"Hindi pa!" Nakasimangot na sabi niya.

"Tsk. Ano ba 'yan dapat hindi ka nagpapagutom." Sabi nito saka may kinuha sa bag.
Nanlaki ang mata niya nang makita ang dark chocolate bar na hawak nito.

"Oh..." Nakangiting abot sakanya, kukunin na sana niya 'yon nang bigla naman nitong
ilayo 'yon sakanya. Tumalim ang mata niya.

"Isa Clifford 'pag gutom pa naman ako nakakatakot akong magalit!" Banta nito.
Nanlaki ang mata nito.

"Hala! Nakakatakot nga!" Parang tangang sabi nito. Umirap siya saka pilit na kinuha
ang chocolate dito ngunit tinaas lang nito ang kamay.

"Ay! Isa!"

"Tsk. Ang sarap pa naman nito..." Nang-iinis na sabi nito habang nakataas ang
dalawang kamay at binubuksan ang chocolate bar. Kung alam niya lang na gugutom-in
siya nito edi sana kumain na lang muna siya sa caferia sa school eh. Halos maglaway
naman siya ng kagatan nito 'yon.

"Hmmm..." Pang-iingit nito sakanya. Inirapan naman niya ito pero natigilan siya
nang may maisip siyang idea. Humawak siya sa balikat nito saka tumingkayad at
hinalikan ang sulok ng labi nito. Napangiti siya nang maramdamang napahinto ito at
unti-unting binaba ang hawak. Mabilis niyang inagaw ang hawak nito saka bahagyang
umusog palayo.

"Nakuha ko na!" Natatawang sabi niya. Nakatulala pa rin ito. Tinulak niya ito sa
balikat.

"Uy? ayos ka lang ba diyan?" Nagtatakang tanong niya dito. Tumingin ito sakanya
pero mabilis ding nag-iwas ng tingin.
"Ubusin mo na 'yan uuwi na tayo." Sabi nito. Natigilan naman siya saka pasimpleng
inamoy ang hininga.

'Grabe naman.... kapag siya naman humalik ayos lang sakin ha! Pero 'pag ako galit
siya?'

Doon niya na unti-unting naramdaman ang hiya. Bakit pa kasi niya ginawa 'yon?!

Pasimple siyang tumingin sa katabi. Nakatingin ito sa malayo. Napanguso naman siya.

'Galit siya dahil hinalikan ko siya? Edi shin!'

Hindi na niya inubus ang hawak, itinabi na lang niya sa bag ang natirang chocolate
bar dahil nawalan na siya ng gana. Muli niyang nilingon si Clifford.

"Halika na?" Aya niya dito. Akala niya ay magpapapigil pa ito pero tumayo na rin
ito saka kinuha ang bag niya.

"Halika na." Sabi nito saka hinawakan ang kamay niya. Nakangusong sumunod naman
siya.

"Uy.... babayaran ko na lang chocolate mo 'wag kang mag-alala." Sabi niya dito.
Nagpatuloy lang ito sa paglalakad habang hila-hila siya.

"....basta bayaran mo 'yung burger ko." Halos pabulong na sabi niya. Mukhang hindi
naman siya nito narinig patuloy pa rin ito sa paghila sakanya. Hanggang sa
makarating sila sa kotse nito ay hindi pa rin siya nito pinapansin. Inalalayan siya
nitong pumasok sa loob, sinuot naman niya ang seatbelt. Inamoy niya ang hininga
habang hindi pa pumapasok si Clifford sa loob ng kotse.

"Wala namang amoy ha! Halos ubusin ko nga 'yung listerene sa bahay arte talaga
nitong kumag na 'to." Reklamo nito. Nang makapasok na ito ay tumahimik na siya saka
niyakap ang bag. Tahimik naman itong nagmaneho habang siya ay nakatingin sa labas.
Malapit ng dumilim at kahit papano ay nawiwili naman siya dahil bukas na ang poste
sa paligid. Natutuwa siya sa mga ilaw na nakikita niya ngunit nandon pa rin ang
pagkainis niya kay Clifford. Arte kasi eh!

Kumunot ang noo niya nang ipasok ni Clifford sa isang parking lot ang kotse nito,
katabi pa 'yon ng isang restaurant at Sogo hotel. Bumaling siya dito.

"Uy? San tayo?" Tanong niya dito. Hindi siya pinansin nito dahil may ka-usap itong
guard. May inabot itong card doon at muli itong nagmaneho papasok sa loob. Ilang
sandali pa ay pinark na nito ang kotse nito sa pagitan ng BMW car. Tinanggal nito
ang seatbelt saka bumaba ng sasakyan. Hindi na niya hinintay na pagbuksan siya
nito, pagkahubad niya ng seatbelt ay binuksan niya na ang pinto sa tabi.

"San ba tayo pupunta?" Tanong niya uli dito. Ngumiti ito sakanya.

"Basta may pupuntahan tayo." Sabi nito at akmang hahawakan ang kamay niya.
Natigilan naman siya.

"Sandali lang Clifford.." Sabi niya saka natigilan. Nanlaki ang mata niya at
binalingan ito. "Wag mo sabihing iso-Sogo mo 'ko?!" Gulat na sabi niya. Nagsalubong
naman ang kilay nito.

"Ha? 'Diba sabi mo hindi kapa kumakain?" Sabi nito. Nanlaki ang mata niya saka
hinawakan ang bibig. Naiiling na pinitik nito ang noo niya.

"Aray ha!"

"Ang dumi ng isip mo. Kakain tayo sa restaurant na katabi nito okay na? Sogo agad
iniisip mo eh." Natatawang sabi nito. Bigla naman siyang namula.

'Sorry naman....'

"Oh bakit na naman?" Takang tanong niya nang mapansing titig na titig ito sakanya.
Umawang ang labi niya nang bahagya siya nitong itulak.
"Aray ha..." Sabi niya pero muli siya nitong tinulak. Napasandal naman siya sa hood
ng kotse nito.

"Sa susunod kung may balak kang halikan ako sabihin mo sakin." Nakataas ang sulok
ng labi na sabi nito. Kumunot ang noo niya. Nanlaki ang mata niya nang bigla nitong
hapitin ang bewang niya habang ang isang kamay nito ay nasa gilid niya.

"....para naman makaharap ako sayo.." Anito. Napatitig siya sa mata nito, tinakpan
niya ng kamay ang bibig saka iniwas ang tingin dito.

"Edi sorry..." Bulong niya. Tinanggal nito kamay sa bibig niya kasabay non ay
sinakop nito ang labi niya. Akala niya ay simpleng halik lang 'yon. That kissed
lasted not just one second... two second....

Napapikit siya nang maramdaman ang paghagod ng labi nito sakanya. Ang masuyong
paggalaw ng labi nito ay ginaya niya. Bahagya niyang nilayo ang sarili dito para
sumagap ng hangin ngunit muli nitong sinakop 'yon. Napahawak siya sa dibdib nito
habang nakayakap ito sakanya. Wala siyang pakialam kung nasaan man sila ngayon.
Napapikit siya ng mariin nang madiin siyang sinandal nito. Naramdaman niya pa ang
init ng katawan nito.

Natigilan lang siya nang biglang tumunog ang tiyan niya. Unti-unti namang tumigil
sa paghalik sakanya si Clifford. Nilayo niya ang mukha dito.

"Mukhang kailangan mo munang kumain." Natatawang sabi nito. Muli na namang tumunog
ang tiyan niya. Sabay silang nagtawanan.

"Mukha nga." Sabi niya, kumalas naman sa pagkakayakap si Clifford saka hinawakan
ang kamay niya.

"Halika na." Nakangiting sabi nito at dinampian ng halik ang labi niya saka siya
hinila. Binawi niya ang kamay mula sa pagkakahawak nito.

"Bakit?" Baling nito sakanya. Nakangiting yumakap siya sa braso nito.


"Halika na..." Nakangiting aya niya at sabay silang naglakad.

Chapter twenty [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"SIGE na umalis kana bago kapa makita ni mama." Pagtataboy ni Faith kay
Clifford. Nakasandal ito sa kotse nito.

"Ayaw mo ba non? Para naman makilala ako ng mama mo?" Nakangiting sabi nito.

"Hindi pa pwede, saka isa pa. Ma-uumbagan ako non oh! Aral daw muna bago landi."
Sabi niya. Natawa naman ito ng mahina saka hinila ang braso niya papalapit dito.
Mabilis siyang lumingon sa paligid dahil baka may makakita sakanila.

"Ano kaba!" Pinandilatan niya ito ng mata saka binawi ang braso dito.

"Maaga kang pumasok bukas ha? May pupuntahan tayo." Anito.

"San na naman?" Sabi niya.

"Basta. Sige na pumasok kana, anong oras na oh." Utos nito. Nanliit ang mata niya.

"Ikaw? Sigurado bang uuwi kana?" Tanong niya dito. Unti-unti tumaas ang sulok ng
labi nito.
"Saan paba 'ko pupunta?"

Napangiti naman siya. "Sige na umuwi kana." Taboy niya dito.

"Anak?"

Nagkatinginan sila ni Clifford nang marinig ang boses na 'yon. Mabilis siyang
lumingon.

"Mama!" Gulat na sabi niya nang makita ang ina. Nakasalamin ito habang
nagpapalipat-lipat ang tingin sakanilang dalawa ni Clifford.

"Anong oras na nandito kapa rin sa labas?" Sabi nito pero nakatingin kay Clifford.

"Magandang gabi ho maam..." Bati ni Clifford. Pasimple niyang tinignan ito.

"Sige na mag-paalam kana!" Anas niya dito. Kinindatan lang siya nito at sa
pagkagulat niya ay lumapit pa sa kanyang ina.

"Magandang gabi din sa'yo iho...." Kunot-noong sabi ng ina niya.


"Ako nga po pala si Clifford Vienos." Pakilala ni Clifford saka muling nagsalit.
"Nanliligaw po ako sa anak niyo."

Nanlaki ang mata niya sa sinabi nito. Anak ng!

"Ah m-ma! ano kasi..." Kinabahan siya na baka magalit ito sakanya.

"Ganon ba?" Sabi ng ina niya saka hinagod ng tingin si Clifford.

"Sige pasok ka.."

Nagulat siya sa sinabi nito. Kaya nang tumalikod na ang kanyang ina at kinurot niya
sa tagiliran si Clifford.

"Buang kaba?! Mapapagalitan ako ni mama sayo eh!" Bulong niya dito.

"Mukhang hindi naman eh." Nakangising sabi nito saka inakbayan siya. Sabay silang
pumasok sa kabahayan habang unti-unting kumakabog ang dibdib niya sa kaba. Pangako
kasi niya sa ina na magtatapos muna siya ng pag-aaral bago siya tumanggap ng
manliligaw. Sinundan nila ang ina sa Sala.

"Sandali lang at kukuha lang ako ng maiinom mo iho." Nakangiting sabi ng ina niya.
'Wow.... hindi niya ako bebenggahin?'

"Hey relax..." Natatawang sabi ng katabi niya at hinawakan pa ang kamay niya. Ilang
sandali pa ay dumating na ang kanyang ina na may dalang isang tray. Nilapag nito
'yon sa harap nila saka na-upo sa isang silya na malapit lang sa mesa.

"Alam mo ba na ikaw ang ka-una unahang lalaki na manliligaw sa anak ko?"


Nakangiting sabi ng kanyang ina saka tinignan si Clifford.

"Kaya nga nagulat ako na may bumisita sakanyang lalaki. Wala kasing manliligaw
'yang anak ko." Ngiti-ngiting sabi ng kanyang ina. Napanguso naman siya.

"Si mama naman. May nanliligaw din kaya sakin." Nakangusong sabi niya. Tinawanan
lang siya nito maging ang katabi niya. Inirapan niya sa si Clifford.

"Naku pasensya na ha? Nabanggit ba sayo ni Faith kung ano kami dito?" Tanong ng ina
niya.

"Oho maam, actually magkakilala kami ni Criselda." Sabi ni Clifford, napakagat-labi


siya. Baka kasi anong isipin ng ina niya pag nagkataon. Nakinig na lang siya sa mga
ito.

"Talaga? Kaibigan mo ba siya?" Tanong ni mama. Lalong dumiin ang kagat niya sa labi
saka tinignan ang katabi.
Tumikhim si Clifford bago nagsalita. "...Ex-girlfriend ko po si Criselda."

Nanlaki ang mata ng ina niya saka binalingan siya. Napaayos naman siya ng tayo.

"Pero bago pa po siya umalis wala na kami." Sansala agad ni Clifford.

"Ah.... ganon ba?" Natitigilang sabi ng ina niya saka ngumiti. "...Kung ganon hindi
naman pala masama. Kasi ayokong ma-agrabyado ang anak ko. Nag-iisang anak ko 'yan
at kahit sinong ina ayaw masaktan ang anak nila. Kaya 'wag mo siyang sasaktan."

Binalingan siya ni Clifford saka ngumiti at hinawakan ang kamay niya at muling
bumaling sakanyang ina.

"I will maam."

Sumupil ang ngiti sa labi niya. Nakangiting tinignan sila ng kanyang ina.

"Kung ganon, may basbas ka sakin. Tutal naman ay nasa tamang edad na kayo, alam
niyo na ang tama at mali. Pero sana tapusin niyo muna ang pag-aaral niyo.."

"Opo mama. May pangako pa 'ko sayo 'diba?" Nakangiting sabi niya. Kinindatan naman
siya nito. Nagkatawanan sila.
"Siyanga pala? Ano nga uling pangalan mo iho?"

"Ah Clifford Vienos po." Sagot ni Clifford.

"Anak siya ng may-ari ng school ma'. Si Mr. Ricardo Vienos po." Sabat niya. Nakita
niyang natigilan ito saka napatitig sa mukha ni Clifford.

"Anak ka nila Matilda?" Gulat na sabi ng ina niya. Salubong ang kilay na binalingan
niya ang katabi. Natigilan din ito.

"Opo..." Pilit ang ngiting sabi ni Clifford. Muli siyang bumaling sa ina niya.

"Kilala mo ma?" Tanong niya. Umilap ang mata nito saka binawi ang tingin sakanila.

"Ah...k-ka batch ko si Ricardo noon." Nakangiting sabi nito pero hindi niya alam
kung bakit parang pakiramdam niya hindi totoo ang ngiti na 'yon. Sakto namang
napatingin siya sa orasang nakasabit sa dingding.

"Uy! Anong oras na bi-biyahe kapa." Paalala niya kay Clifford. Bumaling ito
sakanya.
"Pinapa-uwi mo na 'ko?" Salubong ang kilay na sabi nito. Natatawang hinila niya ang
buhok nito.

"Baka gabihin ka sa daan baliw."

Ngumiti naman ito saka tumayo.

"Uuwi na ho ako maam." Paalam nito sa nanay niya. Tumayo naman ang ina niya.

"Sige ihahatid na kita sa labas."

"Naku ma' ako na lang." Sabi niya sa ina saka bumaling kay Clifford. "....halika
na?"

Tumango naman si Clifford saka tumango sa ina niya.

"Ingat ka iho..." Pahabol ng ina niya. Hinatid naman niya palabas si Clifford. Nasa
gate na sila nang bumaling ito sakanya.

"Oh bakit? Alis na..." Pagtataboy niya dito. Tumaas ang sulok ng labi nito saka
ngumuso. Kumunot ang noo niya.
"Ha? Anong hmm.." Panggagaya niya din dito. Ngumiti naman ito saka lumapit sakanya.
Unti-unti na siyang napatingala dito.

'Ang tangkad naman kasi!'

Nakapamulsang huminto ito sa harap niya. "...Wala ka bang nakakalimutan?" Sabi pa


nito. Lalong nagsalubong ang kilay niya.

"Ano ba kasi 'yon?" Nagtatakang tanong niya dito. Wala naman itong iniwang gamit
sakanya?

Natigilan siya nang unti-unting yumuko ito. Napapikit siya dahil akala niya ay sa
labi siya nito hahalikan ngunit naramdaman niya ang labi nito sa noo niya.
Napadilat naman siya. Nakangiti ito sakanya.

"Baka kasi makita tayo ng mama mo magalit kapa sakin." Sabi pa nito saka umayos ng
tayo.

"Sige na umali-----

Nanlaki ang mata niya nang bigla siya nitong halikan. Ilang beses nitong dinampian
ng halik ang labi niya bago ito lumayo ng bahagya sakanya.
"Joke...." Nakangising sabi nito. "...alis na 'ko Mein engel. Bukas ha?" Sabi pa
nito saka tumalikod. Nasundan na lang niya ng tingin ito. Hinawakan niya labi saka
napapailing na pumasok na sa loob. Hindi pa rin nabubura ang ngiti niya habang
papasok sa loob.

"Umalis na ba 'yung kasama mo?"

Natigilan siya nang makitang nasa sala pa ang ina.

"Ah opo ma..." Nakangiting sabi niya.

"Pwede bang mag-usap tayo anak?"

Natigilan siya nang maramdaman ang seryosong tinig ng ina. Tumalikod ito.

"Bakit kaya? Baka galit..." Bulong niya saka sumunod sa ina.

----------------****

NATIGILAN si Clifford nang makita sa sala ang ama. Hindi ito nag-iisa, kausap nito
ang tita Claire niya. Nagtiim ang bagang niya habang nakatingin sa mga ito. Parang
seryoso pa ito sa pinag-uusapan kaya hindi naramdaman ang presensya niya. Bigla
namang lumingon sa direksyon niya ang kanyang tiyahin.
"Clifford!" Mabilis itong tumayo. Walang emotion na tumalikod siya sa mga ito at
akmang aakyat ng hagdan.

"Clifford sandali lang!"

Bumaling naman siya dito. Patakbo itong lumapit sakanya.

"Ano ba 'yon tita?" Tinatamad na tanong niya. Kahit papano ay may paggalang pa rin
siya sa mga ito.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Sabi pa nito. Malamig ang tingin na tinapunan niya ang
kanyang ama na nasa likod ng tiyahin.

"I'm tired." Sabi niya at akmang tatalikod ngunit mabilis nitong nahawakan ang
braso niya.

"Mahalaga 'tong pag-uusapan natin Clifford." Halos pagmamakaawa na ng tiyahin niya.


Tumalim ang tingin niya sa mga ito.

"Ano bang pag-uusapan natin? Tungkol sainyong dalawa? Labas na 'ko diyan at wala
naman akong pakialam." Sabi niya pa saka binawi ang braso dito. Mabilis siyang
umakyat ng hagdan.
"Clifford! Clifford tungkol 'to sa mama mo!"

Napahinto siya nang marinig ang sinabi nito.

"Iho.... nakita na namin ang mama mo."

Mas lalo lang tumiim ang bagang niya.

'Sigurado ako na kasama niya ang pamilya niya...'

"At sigurado ako na hindi mo magugustuhan kung anong sitwasyon niya ngayon."

Tuluyan na siyang natigilan. Lumingon siya sa ibaba ng hagdan.

"N-nasan si mama?" Tanong niya at muling bumaba.

Tumingin ang tiyahin niya sa ama niya saka muling bumaling sakanya. Tumingin siya
sakanyang ama.

"A-anong nangyari kay mama?" Tanong niya dito. Kahit anong pigil niya sa sarili na
magalit sa ina ay hindi niya magawa. Mas nangingibabaw sa puso niya ang pag-aalala
dito. Hindi niya gusto ang nakikita sa mukha ng mga kaharap.
Huminga ito ng malalim. "....bukas pupuntahan natin siya. At sana..... maka-usap mo
siya anak." Sabi pa nito. Unti-unting bumagsak ang balikat niya. Hindi niya alam
pero parang mas lalong bumibigat ang nararamdaman niya.

Chapter twenty-one [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"A-ANONG ginawagawa natin dito?" Nagtatakang tinignan ni Clifford ang


gusali na nasa harap niya.

'.....Mental Instituition.'

Binalingan niya ang tiyahin.

"Tita?" Nagtatakang tanong niya sa tiyahin na tumingin lang sa ama niya.

"Pumasok na muna tayo iho..." Sabi ng kanyang ama at naunang pumasok sakanya.
Sinenyasan siya ng tiyahin.

"Halika na iho.." Sabi nito na humawak sa braso niya. Kahit pa marami pa siyang
gustong tanungin dito ay tumahimik na lang siya. Kahit pa may namumuong konklusyon
sa isip niya ay hindi na niya magawang tanungin ang ama at tiyahin. Pagpasok sa
loob ay sinalubong sila ng isang nurse.

"Magandang araw po Mr. Vienos." Bati nito sa ama niya.


"Pwede ba kaming bumisita sakanya ngayon?" Tanong ng ama niya. Ngumiti naman ang
nurse sakanila.

"Pwede ho." Sabi nito saka humugot ng hangin. "...Kagabi ho pala nagwala na naman
siya, ang mas malala sinasaktan niya na ang sarili niya."

Parang may kung anong bagay na humalukay sa sikmura niya. Nanginginig na kumuyom
ang kamao niya.

Huminga ng malalim si Mr. Vienos at binalingan ang anak. "Halika na iho...."

Tahimik na sumunod naman siya sa mga ito. Punong-puno ng katanungan ang isip niya,
hindi niya akalain na sa loob ng ilang taon mula nang iwan siya ng ina ay muli niya
itong makikita.

'...sinasaktan niya ang sarili niya...'

Nag-init ang sulok ng mata niya.

Mabilis na kumabog ang dibdib niya nang makita niya ang isang puting pinto sa dulo
ng mahabang pasilyo. Habang papalapit sila don ay tumitingin siya sa iba pang
pintong nandon. Natigilan siya sa paglalakad nang makita ang isang babae sa isang
kwarto. May karga itong batang sanggol na manika.

"Baby.... tulog kana ha? Nagugutom kana ba? Hindi na kita iiwan anak." Paglalaro
nito sa manika. Binawi niya ang tingin dito at muling nagpatuloy sa paglalakad.
Habang papalapit sila sa pinto na 'yon ay may kung anong bagay na pumipisil sa puso
niya.

Binalingan siya ng Tita Claire. "...Are you ready Clifford?" Tanong nito nang
tumapat na sila sa tapat ng pinto. Humugot muna siya ng malalim saka tumango.

"G-gusto ko siyang makita." Parang may bikig sa lalamunan niya. Binuksan naman ng
nurse ang pinto. Naunang pumasok sa loob ang kanyang ama at tiyahin.

"Iho..." Tawag sakanya ng ama. Dahan-dahan naman siyang humakbang papasok sa loob.
Natigilan siya nang makita ang isang babae sa sulok. Yakap nito ang tuhod habang
bulong ng bulong. Lumapit dito ang kanyang ama.

"Matilda.... matilda. Nandito ang anak mo."

Bumaling sakanya ang tiyahin."...Lumapit ka sakanya Clifford, baka maka-usap mo


siya."

Sandali niyang tinapunan ng tingin ito pagkuwa'y binalik ang tingin sa babaeng nasa
sulok. Kalahating mukha nito ang kita niya ngunit natatandaan pa rin niya ang
mukhang 'yon.....

'Clifford! Magkakasakit ka niyan sa ulan! Pumasok kana dito!'


Nakangiting bumaling ang bata sa ginang. Buong tamis na nakangiti ito sakanya
habang kumakaway.

'Mama saglit lang po ako!' Sabi niya dito. Nakangiting umiling na lang ito.

'Sige bilisan mo ha? Mamaya 'pag hindi kapa pumasok pipingutin ko na 'yang tenga
mo.' Natatawang sabi nito.

Napakurap siya nang maalala 'yon.

"Nakita na lang daw siyang pagala-gala kung saan saan. Isang araw daw napadpad siya
sa ilalim ng tulay muntik pang mapag-tripan ng mga tambay. Buti na lang at nakita
siya ng isang baranggay tanod at dinala siya dito. Nakuha naman sa mga gamit niya
ang numero ng papa mo kaya tinawagan ito." Huminga ng malalim ang tiyahin niya.
"...hindi ko alam kung anong nangyari kay Matilda."

'Nasan ang lalaking kasama niya?!'

Namuo ang galit sa dibdib niya dahil sa lalaking 'yon.

"Matilda? Matilda nandito si Clifford oh." Nakangiting tawag ng kanyang tita


Claire. Bahagya naman itong gumalaw at tumingin sakanila. Napakurap siya nang
makita ang buong mukha nito.
"S-si Clifford?" Halos pabulong na sabi nito. "....C-clifford..." Sambit pa nito
saka tumawa.

"...A-ang gwapo kong anak..."

Namasa ang mata niya sa sinabi nito. Ilang beses siyang kumurap.

"Iho... lumapit ka sa mommy mo. Dito na muna kami sa labas." Sabi ng kanyang ama.
Lumunok muna siya at saka lumapit dito. Panay pa rin ang hagikgik nito habang
paulit-ulit na binabanggit ang pangalan niya. Pumantay siya sa mukha nito habang
nakaluhod ang isang tuhod niya. Tumingin siya sa kamay nito, halos lumitaw na ang
ugat nito sa kamay tanda ng sobrang kapayatan. Ngumiti siya ng mapait saka
hinawakan ang kamay nito. Narinig niya ang pagsara ng pinto sa likod.

Tumingin siya dito. "...t-tignan mo... ang payat mo na." Garalgal ang boses na sabi
niya dito. Hindi niya ininda ang nanlalabong mata maging ang mainit na likido na
gumulong sa pisngi niya.

'Fuck this!'

Tinabing niya ang buhok nito sa mukha at ningitian ito. "Kilala mo ba 'ko ma? Ako
'to si Clifford. C-clifford baby.." Halos na pabulong niya. Tumitig naman ito
sakanya, tinignan nito ang buong mukha niya.
"C-Clifford? A-ang gwapo kong anak..." Sabi nito. Iniwas niya ang tingin dito at
bahagya siyang yumuko. Pinigilan niya ang sarili na hindi humikbi. Pagkalipas ng
ilang taon hindi ito ang inaasahan niyang makikita. Unti-unti siyang lumuhod sa
harap nito. Magkasiklop ang kamao niya sa tuhod habang nakayuko. Hindi niya ininda
ang luhang tumulo sa sahig. Natigilan siya nang unti-unti itong humawak sa kamay
niya. Nag-angat siya ng tingin.

"A-anak ko... ma-mahal na mahal kita."

Kumibot-kibot ang labi niya. Hindi niya napigilan ang sarili na yakapin ito.

"I-i'm sorry m-mama... so-sorry ma..." Humihikbing bulong niya dito. Parang dinala
ng hangin ang bigat sa dibdib niya habang yakap ito. Kumalas siya dito.

"Don't worry ma, p-pag lumabas tayo dito. Patatabain uli kita...." Nakangiting sabi
niya dito, hinawakan niya ang mukha nito.

"Diba sabi mo? 'Wag akong magpabaya sa katawan? I-ikaw naman 'yon pakakainin ko ng
pakakainin." Nakangiting sabi niya. Nakatingin lang ito sakanya. Bagsak ang katawan
nito, malaki din ang itim sa ilalim ng mata nito na mukhang hindi pa nakakatulog.
Putlang-putla at namamalat ang labi nito.

"A-anak.... p-pagod na si m-mama." Sabi nito. Parang hiniwa ang dibdib niya sa
sinabi nito. Umiling siya dito.

"U-uuwi na tayo ha? A-ako ang mag-aalaga sayo."


Kumibot-kibot ang labi nito. "Patawad.... p-patawad anak. S-sinira ko ang buhay
mo.."

Nakita niya ang luhang gumulong sa pisngi nito.

"S-sinira ko ang buhay mo senyorito C-clifford... p-patawarin mo s-sana ako."

Kumunot ang noo niya.

"Anong ibig mong sabihin ma?" Nagtatakang tanong niya dito.

"Pa-patawarin mo 'ko senyorito.." Halos pabulong na sabi nito habang nakatingin


sakanya. Patuloy pa ring gumugulong ang luha nito sa pisngi. Natigilan naman siya.

"Iho...."

Hindi siya gumalaw. Nakatitig siya sa kaharap.

"Iho para sayo 'to... nakita 'to sa gamit ng mama mo."

Natigilan siya nang makita ang sobreng luma na inaabot ng tiyahin. Napatitig siya
don. Tinapunan niya ng tingin ang ina saka kinuha ang sobre. Napatitig siya sa
nakasulat sa likod.

'Señyorito Clifford Buchebber....'

-----------------****

PARANG wala sa sarili na tumitig sa kawalan si Faith. Unti-unti niyang tinignan ang
hawak na kwintas na kapareha ng kay Clifford. Mas lalong namigat ang loob niya nang
muling maalala ang pinag-usapan ng ina.

Uminit ang sulok ng mata niya. Kumibot-kibot ang labi niya habang pinipigilan ang
sarili na 'wag mapahikbi. Natigilan siya nang marinig ang sunod-sunod na pag-
doorbell sa ibaba. Tumingin siya sa orasan. Alas-onse na ng gabi at tiyak niya na
tulog na ang ina. Tumayo siya at saka lumabas ng maid quarters. Bumaba siya ng
hagdan saka pumunta sa pinto. Tinahak niya muna ang pababang daan papunta sa
malaking gate.

"Sir bawal na nga ho! Isa pa wala sila maam Criselda dito."

"Saglit lang naman eh. Saka si Faith ang pinunta ko dito." Narinig niyang sabi ng
boses na 'yon mula sa labas.

"Sir! Magpapatawag na ho ako ng pulis, 'wag niyong pindutin 'yang doorbell!"

Binuksan niya ang maliit na gate saka sumilip sa labas. Nakita niya si Maxeau.
"Faith!" Sabi nito nang makita siya saka lumapit sakanya.

"Kilala mo 'yan Faith?" Tanong ni manong guard. Tumango naman siya.

"Saglit lang ho siya." Sabi niya dito saka bumaling kay Maxeau.

"Anong kailangan mo?" Tanong niya dito.

"Sumama ka sakin. Si Clifford kasi..."

Kumunot ang noo niya. "...bakit anong nangyari sakanya?" Tanong niya dito.

"Ahm... sama kana lang sakin."

Huminga siya ng malalim saka umiling.

"Busy kasi ako Maxeau, sabihin mo sa susunod na araw na lang." Tinatamad na sabi
niya at akmang babalik na sa loob.
"Bumalik na 'yung mama niya..."

Natigilan siya sa sinabi nito.

"At sa tingin ko kailangan ka niya ngayon Faith..."

Chapter twenty-two [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"BLOD! Wo ist red mantel!"

Nakayukong kinuha ni Matilda ang makapal na mantel na tinapon ng amo sa sahig saka
yumuko.

"I'm sorry maam.."

"Geh raus!" Sigaw nito, mabilis siyang umalis sa kwarto nito. Tinahak niya ang
mahabang pasilyo na may pulang carpet. Napapaligiran siya ng kulay gintong mga
dingding, antique na mga kagamitan at naglalakihang kurtina. Ngunit ang ka-
elegantihan ng lugar ay hindi niya alintana dahil sa galit. Naalala niya ang mga
magulang na naiwan sa pilipinas pati na ang lalaking mahal.

"Kung hindi lang ako pinipilit nila mama ikasal sa iba Guiller mahal ko, hindi sana
ito ang buhay ko. Magkasama sana tayo.." Bulong niya, pinili niyang talikuran ang
lahat ng karangyaan sa pilipinas para matakasan ang lalaking napipisil na ikasal
sakanya. Ngunit hindi niya inaasahan na magiging ganito pala ang buhay niya sa
ibang bansa bugbog dito at kung minsan ay kinukulong pa siya dahil sa mga maling
ginagawa lalo't wala naman siyang alam sa pagta-trabaho.

"Matilda halika nga dito.."


Pumasok siya sa nadaanan niyang kwarto nang makita siya ng kapwa pilipinang
katiwala ng malaking mansion. Karga nito ang senyorito.

"Napagalitan ka na naman no?" Sabi nito, napayuko lamang siya.

"Sige at kargahin mo muna 'to si senyorito. Kukunin ko lang ang mga gamit ni
Gnadige Frau." Sabi nito na ang tinutukoy ay ang amo nila. Binitawan niya ang hawak
na mantel at dahan-dahang kinuha ang bata mula sa bisig nito. Nang umalis na ang
mayordoma ay napatitig siya sa batang nasa bisig. Natigilan siya ng may pumasok sa
isip niya... hindi niya na kayang magtagal sa lugar na 'to.

Unti-unting gumuhit ang ngiti sa labi niya. Hinaplos niya ang mala-mais na buhok ng
bata na suot ang marangyang kasuotan. Inosente ang ngiti nito habang pinilipit na
inaabot ang mukha niya.

"Akin ka na lang senyorito Clifford ha? Kakailanganin kita..."

----------------*****

"NAHIHIBANG ka na ba Matilda?!"

Hindi pinakinggan ng babae ang sigaw ng ama. Tumayo ito mula sa silya habang karga
ang sanggol.

"Totoo ang sinasabi ko papa... Anak namin ni Guiller ang batang 'to." Umiiyak na
sabi nito saka lumapit sa ama.
"Kaya pakiusap.... siya ang ipakasal mo sakin."

Tumaas ang kamay ng Don at tumama 'yon sa pisngi nito, buti na lamang at hawak niya
ng maigi ang sanggol kung hindi ay nabitawan niya na ito. Hawak ang pisnging
lumingon siya sa ama.

"Irrespetuoso! Alam kong sa ibang lalaki galing ang batang yan! sabihin mo ang
totoo Matilda kung sino ang tunay niyang ama!" Halos maputol na ang litid ng Don sa
sigaw.

"Mahal tama na 'yan..." Pumagitna sakanila ang kanyang ina. Matalim ang mata na
tumingin siya sa ama.

"Si Guiller ang ama ng batang 'to bakit ba ayaw niyong maniwala!" Sigaw niya,
biglang umiyak ang sanggol na hawak niya.

"Huwag mong sirain ang lalaking 'yon anak.... matagal ng kasal si Guiller. Simula
nang maglayas ka pina-imbestigahan namin ang lalaking 'yon dahil ang hinala namin
ay doon ka sumama." Sabat ni Donya Juinata. Bumakas sa mukha ni Matilda ang labis
na pagkagulat.

"H-hindi! hindi totoo yan! Gusto niyo lang siyang siraan sakin!" Sigaw nito,
tumahimik ang mga nandon. Lumapit naman si Ricardo sa babae.

"Huwag mo 'kong lapitan!!" Sigaw nito saka tumalikod. Tinatawag siya ng mga
magulang ngunit hindi niya pinakinggan ang mga ito.
"Maam Matilda." Sabi ng driver nila.

"Dalhin mo 'ko kay Guiller!" Asik niya dito saka siya pumasok sa loob ng kotse.
Hinihingal siya sa samu't-saring emosyon na pumaloob sa dibdib niya.

------------****

"GUILLER! Guiller!"

Malakas na kinalampag ni Matilda ang munting gate ng bahay nito. Patuloy na umiyak
ang batang nasa bisig niya.

"Manahimik ka!" Asik niya dito na mas lalong lumakas ang pag-iyak.

"Guiller lumabas ka! mag-usap tayo!!"

Maya-maya ay bumukas ang gate, bumungad sakanya ang mukha ng lalaki. Nagulat ito ng
makita siya.

"Matilda...." Sambit nito sa pangalan niya pagkuwa'y napatingin sa dala niyang


sanggol.

"Guiller mahal ko.." Umiiyak na lalapit sana siya dito nang marinig niya ang tinig
na 'yon.

"Mahal sino yan?"

Biglang sumulpot ang isang babae sa tabi ni Guiller. May dala itong sanggol na
mukhang ilang buwan pa lang. Nagulat siya nang makilala ito.

"Anastacia." Sambit niya sa pangalan ng babae. Nagulat ito ng makita siya.

"Matilda.."

Tinignan niya ang dalawang kaharap pati na rin ang hawak nitong sanggol. Nanlisik
ang mata niya.

"Hayop ka! ahas!" Sigaw niya at lulusubin sana ito ngunit naagapan ito ni Guiller.

"Anong ginagawa mo dito Matilda?" Sabi ng lalaki. Parang wala sa sarili na humarap
siya sa lalaki..

"Bumalik ako sayo Guiller..... ito oh.. anak natin 'to!" Pagmamakaawa niya dito.

Nagulat si Anastacia at napatitig sa kanya, alam nito na ibang Matilda na ang


kaharap.
"Matilda naririnig mo ba ang sinasabi mo? pano kong magiging anak 'yan dalawang
taon kang nawala!" Gulat na sabi ni Guiller. Umiling si Matilda.

"Totoo ang sinasabi ko! Anak mo 'to! Anak natin 'to!" Pagpupumilit pa ni Matilda.
Umiling ang lalaki at nilingon si Anastacia.

"Pumasok muna kayo sa loob. Ako na ang bahala dito." Sabi nito sa asawa. Umahon ang
galit ni Matilda nang tumuon ang tingin niya sa babae.

"Hayop ka! Pinagkatiwalaan kitang ahas ka!" Sigaw nito pero tumalikod na ang babae
habang dala ang anak, Hinarap siya ni Guiller.

"Umuwi kana Matilda, wag kang gumawa ng eskandalo dito." Sabi ni guiller. Umiling
ang babae.

"Nangako tayo diba? Sabi mo mahal mo 'ko." Umiiyak na sabi nito, umiling ito saka
tumingin sa batang karga niya.

"Kung sino man ang ama ng batang 'yan ibigay mo na lang siya sa ama niya. Wag mong
sirain ang buhay ng sanggol Matilda para lang may maidahilan ka na magsama tayo.
Matagal na tayong wala Matilda at mahal ko ang mag-ina ko..."

Sunod-sunod na pumatak ang luha nito.


"Guiller.."

"Matilda!"

Lumingon si Guiller sa likod niya.

"Ricardo." Sabi nito, maya-maya ay may humawak sa braso niya pero nakatingin lang
siya sa kaharap.

"Halika na." Sabi ng nasa likod niya. Nanghihinang sumunod siya sa lalaki pero
nanatili ang mata niya kay Guiller. Napapikit siya ng mariin. Umaasa siya na
kakausapin siya ni Guiller ngunit nawalan siya ng lakas nang isara nito ang gate.

Ang mga sumunod na araw ay naging sunod sunuran na lamang siya sa gusto ng mga
magulang. Natuloy ang kasal niya. Inalagaan at minahal ni Matilda na parang tunay
na anak ang sanggol. Ngunit para sakanya. Hindi sapat 'yon, hindi siya makukumpleto
kung wala ang lalaking pinakamamahal.....

--------------****

NATIGILAN si Faith nang makita ang ayos ni Clifford. Naka-upo ito sa sahig habang
nakasandal sa kama. Nakatungtung ang dalang siko nito sa tuhod habang nakayuko.
Naka-bukas ang lampshade nito at bahagyang malamlam ang bukas ng liwanag non.
Binalingan niya si Maxeau.

"Anong nangyari sakanya?" Nagtatakang tanong niya dito. Huminga ito ng malalim saka
nag-kibit balikat.

"Hindi ko rin alam eh. Sabi ni Grey uminom na lang daw 'yan sa club ng walang
dahilan. Tapos parang wala daw sa sarili niya kaya pinasundan na lang sakin ni
Grey." Sabi nito. Muli siyang bumaling kay Clifford. Biglang gumapang ang awa sa
dibdib niya.

'Alam na kaya niya?'

"Hey?"

Napalingon siya sa bagong dating. Nakita niya si Grey, kasunod nito ang ilang
kaibigan nito.

"Nandito kana pala Faith." Sabi nito saka may inabot sakanyang plastic. Kinuha niya
'yon.

"Aspirin saka pagkain. Ikaw na bahala sakanya, ayaw namang sabihin samin kung anong
problema niya. Baka maka-usap mo siya."

Ningitian niya ito.

"Sige ako na ang bahala.." Sabi niya kay Grey.


"Anong nangyari? Baka hindi mo sinagot Faith kaya gusto kong magbigti." Sabat ng
isa. Naalala niya ang pangalan nito ay Seniorifo.

"Gago!" Asik dito ni Delifico.

"Halina kayo... dito lang kami sa baba." Sabi ni Grey. Tumango siya sa mga ito.
Sinara naman ni Maxeau ang pinto. Muli siyang lumingon kay Clifford. Ilang sandali
niya muna itong tinitigan saka siya lumapit. Lumuhod siya sa harap nito at saka ito
hinawakan sa braso.

"Clifford?" Tawag niya sa pangalan nito. Unti-unti naman itong gumalaw saka dahan-
dahang nag-angat ng tingin.

"Hmmm.... Faith?" Pupungas-pungas ang mata na sabi nito nang makita siya. Naamoy
niya ang alak sa hininga nito.

"Bakit uminom ka?"

Ngumiti ito ng mapait saka muling yumuko.

"Wala... masaya lang ko." Sabi nito saka natawa ng mahina. Pero walang buhay ang
tawa na 'yon. Gumilid siya ng upo saka hinawakan ang mukha nito.
"Ayos ka lang ba? Nabanggit sakin ni Maxeau na bumalik na daw 'yung mama mo?"

"Si mama?" Nakatawang sabi nito saka umiling. "...w-wala naman akong ina eh."
Mapait na sabi nito.

"Tsk. Clifford naman, mama mo pa rin 'yun kahit iniwan----

"Hindi ko siya tunay na ina Faith..." Walang emosyon ang mukha na sabi nito.
Kumunot naman ang noo niya.

"Hindi ko tunay na kadugo ang mga nakasama ko ng matagal. Hindi ko sila tunay na
magulang." Malamig na sabi nito. Natigalgal siya sa sinabi nito. Nakita niya ang
kumislap na bagay sa pisngi nito.

"....Ilang taon ko siyang hinintay, kahit na nagtanim ako ng galit sakanya hindi ko
magawang magalit sakanya ng ganon katagal. I've wait for her for a long time." Sabi
nito saka tumawa ng pagak. "...pero kung alam ko lang pala na doon sasabog sa mukha
ko ang totoo sana pala hindi na lang siya dumating dahil hindi pa 'ko handa."

Gumuhit sa mukha nito ang sakit at mas nasasaktan siya dito.

'Pano kung malaman niya pa na papa ko ang kasama ng mama niya noon?'

Mas lalong namigat ang paghinga niya sa naisip. Muling gumitaw ang luha sa gilid ng
mata niya. Hinawakan niya ang dalawang kamay ni Clifford saka siya pumaloob ng
yakap dito. Naramdaman niya ang pagpulupot ng dalawang braso nito sa katawan niya.
"Wag kang mag-alala nandito lang ako Clifford." Nakangiting sabi niya. Naramdaman
niya ang pagyuko nito sa pagitan ng balikat niya maging ang mabining haplos nito sa
buhok niya.

Chapter twenty-three [Dark Society 3- Clifford Buch...]

Grey POV

"Sir Grey pinatatawag po kayo ni Mr. Samson."

Kumunot ang noo ni Grey. Kapag ganitong gusto siyang kausapin ng tiyuhin ay may
importanteng sasabihin ito. Sa tingin niya ay tungkol na naman ito sa negosyo.
Nilapag niya ang dyaryo sa maliit na mesa sa tabi niya saka sumunod sa mayordoma.
Pagtapat nila sa harap ng pinto ay iniwan na siya ng mayordoma. Tatlong katok ang
ginawa niya bago niya narinig ang boses ng tiyuhin sa loob.

"Pasok."

Pinihit niya ang doorknob saka siya sumilip sa loob. Nakita niyang nakatayo doon
ang tiyuhin habang nakatingin sa malayo. Pumasok naman siya saka timikhim para
kunin ang atensyon nito. Dahan-dahan naman itong lumingon sa direksyon niya,
bumungad sakanya ang malaking peklat na nasa sentido nito.

"Pinatatawag niyo daw po ako tiyo?"

Humugot ito ng malalim na hininga saka lumapit sa mahogany table nito. May kinuha
ito mula sa tabi ng computer.
"Can you do me a favor?" Nakangiting tanong nito. Nagsalubong naman ang kilay niya.

"Ano naman ho 'yon?" Tanong niya dito. Ni minsan ay hindi ito huminga ng kahit
anong pabor mula sakanya. Palaging ito ang gumagawa. Kaya nga ito ang
pinagkatiwalaan ng kanyang ama sa paghahawak ng negosyo nila. Wala namang kaso 'yon
sakanya dahil may sarili naman siyang kumpanya. Isa pa, nandiyan naman ang step-
brother niyang si Nick.

"Alam mo naman siguro na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin kilala ang sarili ko
'diba?" Sabi nito. Natigilan naman siya saka namulsa.

"Bakit niyo ho natanong?" Tanong niya. Ini-angat nito ang isang litrato sa harap
niya.

"Para kasing kilala ko 'to... hindi ko alam parang pakiramdam ko ito ang
makakatulong sakin."

Napatitig siya sa litratong nasa harap niya. Lumapit siya sa tiyuhin at kinuna ang
hawak nito.

"San niyo nakuha 'to?" Takang tanong niya dito.

"Nahulog mula sa wallet ng kaibigan mo. Si Clifford." Sabi nito. Napatitig siya sa
larawan, nakangiti ang isang babae doon habang katabi ang kaibigan niya.
"Kagabi nanaginip din ako. May tinatawag akong pangalan, may mga mukha din akong
nakita. Tapos isang babae na umiiyak sa harap ko. Pero hindi ko sila kilala. Hindi
kaya bumabalik na ang memorya ko?"

Kumunot ang noo niya. "Is it possible? Sabi ng doctor permanente na ang pagkawala
ng ala-ala mo?"

Huminga ito ng malalim at saka sinuksuk ang kamay sa bulsa. "Kung makikita ko ang
batang 'yan. May posibilidad na may koneksyon siya sa nakaraan ko."

Tumango-tango lang siya.

"Ito ba 'yung pabor na hinihingi mo tiyo?" Tanong niya, tumango naman ito at
banayad na ngumiti.

"If you don't mind. I really need your help iho, kahit ngayon lang."

Ngumiti naman siya saka sinuksuk ang larawan mula sa likod.

"Maasahan mo 'ko tiyo." Nakangiting sabi niya.


---------------****

NAKANGITING hinabol ng tingin ni Faith si Clifford habang nakikipaglaro sa mga


kaibigan nito. Nakita niyang ipinasa ni Clifford ang bola kay Ellifard. Hinabol
naman ito ni Maxeau. Nakita niya ang pagngisi ni Ellifard, nag-aktong ishu-shoot
nito ang bola kaya agad na tumalon si Maxeau sa pag-aakalang ibinato na ni Ellifard
ang bola ngunit umikot lang pala ito para maka-iwas kay Maxeau.

"What the-----

Nai-3-point shoot 'yon ni Ellifard.

"Tangna! Ang daya mo!" Sigaw ni Maxeau na tinawanan lang nila Ellifard. Two-versus-
three ang laban, magkakampi si Ellifard at Clifford. Si Maxeau, Serionifo at
Thartarus naman ang magkakampi.

"Asa kang matino 'yang si Ellifard. Ubod ng daya 'yan sa katawan!" Natatawang sigaw
ni Tunaco, napansin niya kanina pa na may pagkakahawig ito kay Inuyasha. Actually
bagong mukha lang ang iba sakanya. Muli silang bumalik sa laro. Two points ang
lamang nila Clifford sa laban, ang alam niya kung sino ang mananalo ay siya ang
magti-treat. Napailing na lang siya dahil parang bata kung umasta ang mga ito.

Nakita niyang nahagip ng kamay ni Thartarus ang bola sa kamay ni Clifford at saka
mabilis nitong binato kay Serionifo.

"Salo!" Sigaw nito pero napanganga siya nang biglang umiwas sa bola si Serionifo.
"Anak naman ng!" Nanlalaki ang matang sabi ni Thartarus nang makitang tumakbo lang
sa tabi ni Maxeau si Serionifo. Mabilis namang tumakbo si Ellifard sa kinaroroonan
ng bola at mabilis itong ibinato sa ring ang bola. Nakita niya ang inis sa mukha
nila Thartarus at Maxeau nang ma-shoot na naman nito ang bola sa ring. Nagtawanan
ang mga kaibigan nila sa sulok.

"Tanginamo naman Serionifo hawak mo na eh!" Gigil na sabi ni Maxeau habang pilit na
hinahablot ang braso ni Serionifo.

"Ikaw kaya?! Ang lakas bumato ng bola ni Thartarus eh! Mababasag pa mukha ko
diyan." Sabi nito habang lumalayo kay Maxeau. Hinabol naman ito ni Thartarus at
Maxeau. Napailing na lang siya nang maghabulan ang mga ito sa court. Nakita niyang
patakbong lumapit sakanya si Clifford. Mabilis naman niyang kinuha ang mineral
water at towel.

"Oh..." Abot niya dito nang tumabi ito sakanya. Pinunasan nito ang buhok at mukha.

"Hindi kapa nagugutom?" Tanong nito sakanya habang nagpupunas ng pawis. Umiling
lang siya saka kumuha ng isa pang extra towel.

"Mamaya na. Tapusin mo muna 'yang laro niyo." Sabi niya, ini-angat niya ang
laylayan ng damit nito sa likod saka pinunasan ang likod nito.

"Bukas papasok ka pala? Malapit na ang exam natin ha?" Sabi niya dito.

"Oo naman..." Nakangiting kumindat ito sakanya. "...sabay tayong mag-review bago
pumasok ha?"
"Eh kung hilahin ko 'yang buhok mo? Last time na mag-review tayo puro kalandian
lang ang pina-iral mo eh."

Natatawang umakbay lang ito sakanya.

"Clifford!"

Sabay silang napalingon sa sumigaw. Nakita niyang tumatakbo papalapit sakanila si


Maxeau.

"Bakit wala si Eros? Sabi niya maglalaro tayo ngayon diba?"

Nagkibit-balikat lang si Clifford.

"Ewan. Hindi daw siya pinapansin ng babae niya eh."

Nanlaki ang mata ni Maxeau.

"Pati siya pinagtataksilan na 'ko?!" Gulat na sabi nito saka napahawak sa dibdib.
"...Pastilan!"
Natawa na lang siya nang tumalikod na ito habang hawak ang dibdib.

"Gwapo sana siya kaya lang mukhang sinto-sinto." Natatawang sabi niya kay Clifford
habang sinusundan ng tingin si Maxeau.

"Mas gwapo kaya 'ko." Narinig niyang sabi ng katabi niya. Nakangiting lumingon
naman siya dito.

"Oo na mas gwa----

"Hey...."

Sabay silang napatingin ni Clifford sa bagong dating.

"Oh? Ba't ngayon ka lang?" Tanong ni Clifford kay Grey. Tumingin muna saglit
sakanya si Grey saka bumaling kay Clifford.

"Pwede ba tayo----

Hindi nito natuloy ang sasabihin nang biglang mag-ring ang cellphone nito. Mula sa
likuran naman nito ay nakita niyang nagsisilapitan na ang mga kaibigan nito.
"Excuse me." Sabi ni Grey sakas sinagot ang tawag.

"Hello hon?" Nakangiting sabi ni Grey. Nagulat naman siya nang biglang sumigaw sila
Serionifo.

"URGH! WEYT BABE ISA PA!" Ani Serionifo.

"OY SHOT MO NA PRE!" Si Maxeau.

"BABE FASTER! FASTER!" Ani Thartarus.

Napailing na lang siya dahil sa mga pinagsasabi nito. Masasabi niyang magkaka-
ugali ang tatlo.

"Fuck!" Anas ni Grey saka tinakpan ang cellphone. Matalim ang matang tumingin ito
kina Serionifo.

"Patay talaga kayo sakin!" Sabi pa nito saka bumaling sakanila.


"...can we talk for a minute?" Sabi nito sakanila saka binalik ang cellphone sa
tenga.

"Ah.... wala 'yon hon. Nasa mental kasi ako ngayon binibisita ko lang sila Maxeau."
Narinig niya pang sabi ni Grey habang papalayo. Bumaling naman siya kay Clifford.

"Tayo ba 'yon kakausapin niya?" Takang tanong niya kay Clifford. Hinawakan naman ni
Clifford ang kamay niya saka inalalayan siyang makatayo.

"Halika sundan natin siya."

Nagtataka man ay sumunod na lang siya kay Clifford.

Chapter twenty-four [Dark Society 3- Clifford Buch...]

NAGTATAKA namang sumunod sila Faith kay Grey. Saglit niyang sinilip ang
katabi saka siya tumingin kay Grey na ngayon ay papasok na sa loob ng isang kwarto.

"Ano bang sasabihin mo Grey?" Tanong ni Clifford nang makapasok na sila sa loob.
Huminga muna ng malalim si Grey saka humarap sakanila.

"Actually I want to talk Faith." Anito. Kumunot naman ang noo ni Clifford.

"Bakit? Magkakilala kayo?" Nagtatakang tanong ni Clifford. Umiling lang ito saka
ngumiti sakanila.

"I've just wanna ask something." Sabi nito saka tumingin sakanya. ".... anong
pangalan ng ama mo Faith?"
Nagtaka naman siya. Saglit siyang tumingin kay Clifford pagkuwa'y bumaling kay
Grey.

"Guiller Salvez.." Nagtatakang sabi niya.

"Naalala ko nabanggit ni Criselda na wala ang ama mo hindi ba? Alam mo ba kung
nasaan siya ngayon?" Tanong pa nito. Natigilan naman siya at binalingan si
Clifford. Iniwas niya ang tingin dito saka tumingin kay Grey.

"H-hindi ko alam..." Halos pabulong na sabi niya.

"Sandali lang, bakit mo nga pala tinatanong?" Tanong ni Clifford.

Humugot ng malalim na hininga si Grey saka tumingin kay Faith.

"May gusto akong ipakilala sayo Faith. Pwede kaba ngayon?" Anito. Biglang kumabog
ang dibdib niya, malakas ang pakiramdam niya na kilala niya ang gusto nitong
ipakilala sakanya. Pero pano si Clifford? Pano kung malaman nito ang lahat?

"S-sige.." Halos hindi 'yon lumabas sa bibig niya.

"Sasama ako."

Tumingin siya sa katabi.


"O-okay lang ako Clifford. Magpapahati----

Bumaling ito sakanya. "No, i'm come with you."

Wala siyang nagawa kung hindi ang tumango.

---------------****

HABANG papasok sila Faith sa loob ng isang malaking mansion ay panay naman ang
kabog ng dibdib niya. Hindi niya alam kung ano ang dapat na i-akto niya kung
sakaling maging totoo ang hinala niya. Kung paano niya pakikisamahan ang
nararamdaman lalo't kasama niya si Clifford.

"Good morning sir." Bati ng mga katulong na sumalubong sakanila.

"Si Tito Samson?" Tanong ni Grey.

"Nandoon po sa kwarto niya."

Sinenyasan naman sila ni Grey na umakyat. Sumunod sila dito. Mahigpit ang
pagkakahawak sa kamay niya ni Clifford nang maramdaman nito ang nginig niya. Habang
naglalakad sila sa kahabaan ng pasilyo ay may kung ano ng bumabalot sa puso niya.
Tumapat sila sa isang malaking pinto kung saan napapalibutan ng kulay abo at itim
na kulay. Pinihit ni Grey ang doorknob saka ito pumasok sa loob. Sumunod uli sila
dito. Nakatawag pansin sa mata niya ang isang itim na piano sa sulok katabi ng
malaking flower vase. Naglalakihang mga kurtinang mamahalin sa bawat sulok. Ang
malawak na tanawin na nasa harap niya ay hindi sapat para mawala ang kaba niya.

Natigilan siya sa paghakbang nang makita niya ang isang lalaking nakatayo sa harap
ng bintana. Agad na kumabog ang dibdib niya....
'Papa!!'

Nakangiting bumaling ang matangkad na lalaki sa may-ari ng munting boses na 'yon.

"Papa tignan mo 'to oh! Ang ganda diba? Bigay ni mama. Sabi niya bibili pa daw tayo
sa divisoria." Nakangiting sabi ng dalaga habang pinapakita sa lalaki ang teddy
bear. Natatawang lumapit naman ito sa anak saka ginulo ang buhok nito. Alam niyang
may pagka-isip pa ang anak, isa pa 'yon ang gusto niya dahil hindi niya gustong
matulad sa ibang kabataan ang anak.

"Sige sa birthday mo, malaking teddy bear na ang bibilhin natin ha? Yung kasing-
laki mo. Gusto mo ba 'yon?" Nakangiting sabi nito. Nanlaki naman ang mata ng babae.

"Talaga po?! Sige po papa!" Tumalon-talon pa ito.

"Sige na halika na pumasok na tayo at mukhang naghahain na si mama." Sabi nito at


akmang papasok na sa loob ng kabahayan. Napatingin sa ulap ang dalaga. Bumitaw ito
sa ama.

"Faith!"

Natatawang tumalon-talon siya. Ilang sandali pa ay unti-unti ng bumuhos ang ulan.

"Faith pumasok kana dito baka magkasakit ka!"

Nakangiting bumaling lang ang dalaga dito.


"Saglit lang ako papa! Ligo muna ako." Nakangusong sabi ni Faith. Napailing na lang
ang ama saka sumulong na rin sa ulan. Kumuha ito ng putik na humalo sa damuhan saka
lumapit sa dalaga at nilagyan ang mukha nito.

"Papa marumi 'yan!" Tili nito saka tumakbo palayo. Natatawang humabol naman ito
sakanya.....

Napakurap siya nang biglang lumitaw sa balintataw niya 'yon. Mabilis na nag-init
ang mata niya habang papalapit sila sa lalaking 'yon na nakatalikod sa gawi nila.
Mabilis niyang kinurap ang mga mata.

"Are you okay?" Tanong ni Clifford. Pilit siyang ngumiti dito saka tumango.

"Tiyo..." Tawag ni Grey dito. Nahigit niya ang hininga nang unti-unti itong
bumaling sakanila.

"Oh? Naparito ka?" Nakangiting sabi nito kay Grey.

"Ah... may gusto kasi akong ipakilala sainyo tiyo." Sabi ni Grey saka humarap sa
gawi nila. Tumuon naman ang mata ng lalaking 'yon sakanya.

'Papa....'

Parang may bikig ang lalamunan niya habang nakatitig dito.

Ngumiti ito sakanya. "Good day iha.."


Napakurap siya habang hindi pa rin mapigil sa pagkabog ang dibdib niya.

"M-magandang araw po." Pilit niyang sabi dito.

'Papa? Hindi mo ba 'ko namumukhaan?'

Lumapit ito sakanya. Saglit siyang bumitaw sa pagkakahawak ni Clifford.

"By the way, let me introduce myself first. I'm John Samson."

Saglit siyang sumagap ng hangin. "A-ako naman po si F-faith..."

Kumunot ang noo nito. "Faith?"

'Papa ako 'to...'

"Kaya kita sinama dito dahil baka kilala mo si Mr. Samson Faith." Ani Grey habang
nakatitig sa expression ng mukha niya. Nagtatakang tumingin siya dito.

"Eight years ago nang makita namin sa gilid ng bangin ang kotse niya. Mabilis
siyang sinaklolohan ni dad, buti na lang at naihabol pa namin siya sa hospital.
Pero ang masamang balita lang, nabura ang ala-ala niya. Sabi ng doctor, permanente
na 'yon dahil sa tindi ng pagkakatama ng ulo niya."

Napakurap naman siya saka tumitig sa kaharap.


'Walong taon na mula ng iwan mo kami papa..'

"Kaya kita sinama dito dahil may pakiramdam siya na kilala ka niya. Mukhang posible
pang maka-alala siya."

Ilang sandali siyang tumitig sa kaharap pagkuwa'y iniwas ang tingin dito.

"S-sorry..... hindi ko ho kayo k-kilala." Parang may bikig sa lalamunan na sabi


niya saka tinalikuran ang mga ito.

"Faith!" Narinig niya ang boses ni Clifford ngunit nagpatuloy lang siya sa
pagtakbo. Halos nanlabo na rin ang mata niya habang tumatakbo palayo.....

"Papa! papa! 'wag mo kaming iwan papa!"

Mahigpit na kumapit sa tuhod ng lalaki ang dalaga. Ngunit binaklas lang nito 'yon
saka pumantay sa mukha ng anak.

"Babalik ako ha? Babalik si papa... may kailangan lang akong gawin ngayon anak."
Sabi ng lalaki dito, hinalikan muna nito sa noo ang anak pagkuway muling tumalikod.
Ngunit humabol pa rin ang babae dito.

"Papa! Papa!" Humahagulgol na humabol ito sa lalaki ngunit malalaki ang hakbang na
lumayo ito. Nakita niyang pumasok ito sa loob ng isang sasakyan.

"Papa! Papa!!" Patuloy na sigaw nito habang pilit na humahabol sa sasakyan.....


Napahikbi siya nang muli niyang maalala 'yon. That was a year ago, pero nanatiling
nakatanim 'yon sa utak niya. Tanggap niya ang lahat, tanggap niya kahit walang
dahilan kung bakit sila nito iniwan. Ngunit masyadong nilukob ng kung anong emosyon
ang dibdib niya. At hindi niya kayang tumagal sa harap nito. Namalayan na lang niya
na nasa labas na siya ng mansion ng mga ito. Hindi niya pinansin ang nagtatakang
tingin ng guwardiya sakanya.

'...permanente na ang pagkawala ng ala-ala niya..'

Napapikit siya ng mariin habang patuloy pa rin sa pag-agos ang luha niya. Madiing
pinunasan niya 'yon habang malalaki ang hakbang na lumalayo sa lugar na 'yon.
Naramdaman niya ang pag-ihip ng malamig na hangin. Natigilan siya nang maramdaman
na parang may tumapong munting tubig sa pisngi niya. Mabilis siyang tumingala sa
itaas. Nakita niyang madilim ang ulap, ilang sandali pa ay pumatak ang tubig mula
sa itaas.

"Faith!"

Kinusot niya ang mata saka tumingin sa likod. Nakita niya ang humintong kotse doon.
Mula sa loob no'n ay bumaba si Clifford at patakbong lumapit sakanya.

"Halika na baka magkasakit ka." Sabi nito at hinawakan ang braso niya. Umiling
siya.

"Ayokong bumalik don." Sabi niya dito. Tumitig ito sakanya.

"Don't worry ihahatid na kita sainyo..." Malumanay na sabi nito. Kaya nang hilahin
na siya nito ay sumunod siya...

Chapter twenty-five [Dark Society 3- Clifford Buch...]

KINUSOT ni Faith ang ilong pagkuway bumahing ng malakas. Binalot niya sa


katawan ang malaking kumot habang panay ang singhot. Napatingin siya sa pinto nang
bumukas 'yon.
"Oh... inumin mo muna 'to saka 'tong gamot mo." Sabi ni Clifford habang nilalapag
sa munting mesa ang tray. Umupo naman siya sa gilid ng kama saka humigop ng sabaw.
Na-stranded sila sa daan kaya kailangan muna nilang himinto pansamantala. Buti na
lang at malapit lang ang condo ni Clifford nang abutin sila ng baha sa daan.
Narinig pa rin niya ang malakas na pagpatak ng ulan sa labas.

"Ayoko na." Nakangiting sabi niya kay Clifford. Tumabi naman ito sakanya.

"Oh ito inumin mo na." Inabot nito sakanya ang isang tabletang gamot. Kinuha niya
'yon saka ininom.

"Salamat ha.." Aniya dito. Inipit nito sa likod ng tenga niya ang buhok na tumabing
sa mukha niya.

"So, kilala mo nga si Mr. Samson?"

Hindi naman siya umimik.

"Okay lang kahit mo muna sabihin." Nakangiting sabi nito. Tumingin siya sa mata ni
Clifford.

"S-siya ang papa ko Clifford." Pag-amin niya dito. Nakita niyang natigilan ito.
Binawi niya ang tingin sa binata.
"Siya 'yung taong iniwan kami ng walang dahilan." Mapait na sabi niya. Naramdaman
niya ang kamay ni Clifford na humawak sakanya.

"How does it feel?" Anito. "...ngayong nakita mo na uli siya."

Nakangiting tumingin siya kay Clifford.

"Ikaw? Ano bang naramdaman mo noong makita mo uli mama mo?" Balik-tanong niya dito.
Bahagyang tumaas ang sulok ng labi nito.

"Happy, confused, mix emotion. I don't know what kind of feeling is this." Sabi
nito saka tinignan ang buong mukha niya.

"...pero mas nangibabaw ang saya ko dahil sa wakas kasama ko na siya. Parang lahat
ng galit ko nawala, pero ang masakit para sakin. Yung makita ko ang sitwasyon
niya.." Natawa ito ng mahina. "...at nang malaman ko na hindi pala niya ako anak."

Tumitig siya dito.

"Sino daw ang mga magulang mo?" Tanong niya dito. Umiling lang ito.

"Ayokong malaman kung sino. Siya na ang nakalakihan ko, ayoko ng malaman pa kung
sino ang tunay na magulang ko. She's very important to me. Saka sa tingin ko hindi
na ako hinahanap ng mga tunay kong magulang."

Tumango-tango naman siya. Pinisil niya ang palad nito. Bumaling ito sakanya saka
sinalat ang leeg niya.

"Hindi kana ganon kainit. Naligo kapa kasi sa ulan eh!" Sermon nito sakanya.
Ngumiti lang siya dito saka siya sumampa sa kama.

"Matutulog kana?" Tanong nito sakanya. Tumango naman siya saka humiga.

"Bukas mo na ako ihatid tutal malakas pa ang ulan. Diyahe naman sayo." Nakangiting
sabi niya dito. Ilang saglit siyang tinitigan nito saka ito tumayo at kinuha ang
kumot sa paanan niya. Binalot nito 'yon sa katawan niya.

"Salamat Clifford..." Sambit niya dito. Tumitig ito sakanya, bumaba ang tingin niya
sa mapupulang labi nito. Bahagya siyang kumurap nang bumaba ang labi nito.
Napapikit siya nang dumampi 'yon sa noo niya, ilang sandali itong nagtagal doon
pagkuwa'y bumaba ang halik na 'yon papunta tungki ng ilong niya. Bahagyang umawang
ang labi niya nang maramdaman niya ang pagdampi ng labi nito sa gilid ng labi niya.

"Clifford...." Anas niya ngunit sinakop na nito ang labi niya. Naramdaman niya ang
pagpatong nito sa ibabaw niya ngunit hindi niya 'yon pinansin. Ang mahalaga lang
sakanya ay ang init na nararamdaman niya sa katawan ni Clifford.

Kusang gumalaw ang labi niya para tumugon sa halik nito. Ini-angat niya ang braso
payakap sa leeg ni Clifford at mahigpit na niyakap 'yon. Naramdaman niya ang pag-
galugad ng dila nito sa loob ng labi niya.... ang paggagad ng labi ng binata maging
ang paghigpit ng yakap nito sakanya. Bahagya niyang ini-hiwalay ang labi dito upang
sumagap nang hangin ngunit mabilis ding sinakop 'yon ni Clifford.

Nadarang siya sa ginagawa nito. Napaigtad siya nang maramdaman ang palad nito sa
isang dibdib niya. Bahagya pa siyang natigilan sa pagtugon sa halik nito nang
maramdaman niya ang sensasyon na lumukob sa pagkatao niya. Tinangay ng hangin ang
lahat ng pag-aalinlangan sa katawan niya.

"Faith..... i love you." Anas ng binata sa pagitan ng paghalik nito sakanya.


Natigilan siya at tinitigan ito.

"Mahal din kita Clifford.." Nakangiting sabi niya. Hindi na niya kailangan pigilan
ang sarili pa. Dahil 'yon naman talaga ang nararamdaman niya kay Clifford. Nakita
niya ang paglawak ng ngiti nito.

"Bakit?" Natatawang sabi niya nang basta lang itong tumitig sakanya habang
nakangiti.

"You said you love me?" Anito. Tumango naman siya.

"Gusto mo bawiin ko?" Nakatawang sabi niya. Siniil siya nito ng halik sa labi na
agad niyang tinugon. Naramdaman niya ang pag-angat ng katawan. Tumigil siya sa
paghalik dito at tinignan ang posisyon nila. Nakakandong kasi siya dito habang
nakaupo ito sa kama. Pero hindi niya alam kung bakit hindi siya nakakaramdam ng
hiya doon.

"Baka naman mahawa ka ng sakit ko?" Sabi niya dito. Umiling lang ito saka hinawi
papunta sa likod niya ang buhok na tumabing sa mukha nito.
"Ayaw mo non, para couple-sick?" Nakangising sabi nito. Inirapan niya ito.

"Eh kong bigyan kita ng Faith-punch diyan?"

Ngumiti lang ito habang pinapaliguan ng tingin ang buong mukha niya. Hinaplos niya
ang may kakapalan nitong kilay.

"Nag-pierceng ka dati?" Tanong niya nang makita ang bakas ng butas sa taas ng kilay
nito. Tumango naman ito.

"Yeah... you know. Highschool life."

Ngumiti lang siya dito. Bahagya siyang nagulat nang bigla siya nitong ipahiga sa
kama. Nakita niyang hinubad nito ang pang-itaas pagkuwa'y pumatong sakanya.
Ipinulupot niya ang braso dito. At nang muli nitong sakupin ng halik ang labi niya
ay nagpa-ubaya siya. Kung ano man ang mangyayari sakanila ng binata ay buong puso
niya 'yung tatanggapin.

"Faith...." He moaned. Napadaing siya nang maramdaman ang haplos ng dila nito sa
ibabang labi niya. Kasunod non ay ang bahagya nitong pagkagat sa ibabang labi niya.
Halos kapusan siya ng hangin nang maramdaman ang pag-angat ng laylayan ng mahabang
t-shirt na suot niya na pinahiram nito. Bahagya pa siyang napaigtad nang dumampi
ang palad nito sa gilid ng dibdib niya.

"Clifford... please.." Anas niya habang nakatingala. Hindi niya alam kung ano ang
gusto niyang gawin nito. Napapikit siya ng mariin nang maglakbay ang labi nito sa
gilid ng leeg niya. Sinipsip nito ang balat sa leeg niya na mas lalong nagpa-init
sa katawan niya. Mabilis naman nitong hinubad ang pang-itaas niya, sumunod ay ang
suot niyang bra. Nailang siya nang tignan ni Clifford ang dibdib niya.

"Wag kang tumingin shemay! Sisipain kita!" Namumula ang mukhang sabi niya dito.
Nag-angat naman ito ng tingin sakanya.

"You're beautiful mein engel." Nakangiting sabi nito at pa ulit-ulit pang dinampian
ng halik ang labi niya. Napaungol siya nang pisilin nito ang dibdib niya. Namalayan
na lang niya na bumaba na ang mga labi nito sa dibdib niya.

"Oh.... shemay Clifford!" Gulat pang sabi niya nang maramdaman niya ang mainit
nitong labi sa dibdib niya. Namungay ang mata niya habang ninanamnam ang sarap na
ginagawa ng binata. Banayad nitong hinaplos ang dalawang dibdib niya habang
palipat-lipat ang halik sa bawat isa.

"Please Clifford... stop. Hindi, 'wag kang tumigil! Oh shemay!"

Narinig niyang natawa ito. Halos mawalan siya ng hangin nang bumaba pa ang labi
nito papunta sa sikmura niya. Napaliyad siya nang maramdaman ang palad nito sa
magkabilang hita niya at pa ulit-ulit na hinaplos 'yon. At dahil hindi na niya abot
ang buhok nito ay ang gilid ng unan niya ang hinawakan niya ng mahigpit.

"Hmmm... Clifford. A-anong bang ginagawa mo?" Halos hindi 'yon lumabas sa labi
niya. Pumunta naman ang labi nito sa hita niya at nag-iwan ng munting kagat sa
balat niya. Napasinghap ang dalaga nang maramdaman ang pagdapo ng palad nito sa
'ibaba' niya. Mas lalong lumiyab ang nararamdaman niyang init sa ginawa nito.

"You like it Faith?" He said in seductive tone. Pa ulit-ulit nitong hinaplos 'yon
at pinipisil ang pinaka-sentro. Nakagat niya ang ibabang labi, kahit natatakpan pa
ng manipis na tela 'yon ay damang-dama niya ang init na nagmumula sa loob niya.
Bumababa 'yon sa pagkababae niya at may kung anong naiipong init sa 'ibaba' niya.
She want more.... she badly want more. At hindi niya alam kung ano 'yon.

Bahagyang umangat ang katawan niya nang pumasok ang kamay ni Clifford sa loob ng
panty niya.

"Just tell me if it hurts mein engel ha?" Anito. Hindi naman niya naintindihan ang
sinabi nito. Napadilat siya nang maramdaman ang pagpasok ng isang daliri nito.

"C-clifford..." Anas niya habang napapaigtad. Naramdaman niya ang pagragasa ng


kiliti na 'yon sa 'sentro' niya. Pa ulit-ulit 'yon ginawa ng binata. Naramdaman
niya pa ang munting kirot na 'yon ngunit mas nangibabaw sakanya ang sarap na
nararamdaman. May kung anong lumabas na mainit na bagay mula sa pagkababae niya
ngunit nagpatuloy pa rin si Clifford sa ginagawa. Mas lalo pang dumiin ang daliri
nito sa kaloob-looban niya habang panay ang ungol niya.

"Clifford... p-please don't stop." Daing niya habang hinahabol ng kanyang katawan
ang daliri nito. Pumatong sakanya ang binata at sinakop ang labi niya na agad
niyang tinugon. Patuloy pa rin sa paggalaw ang daliri nito.

"Ahhh... please. Oh Clifford!" Binasa niya ang labi nang maramdamang nanuyo 'yon.
Bumibilis na kasi ang galaw ng daliri nito. Bahagyang lumayo sakanya si Clifford at
mabilis na ibinaba ang panty niya pagkuwa'y muling bumalik sa ibabaw niya.

"Open your legs mon engel.." Anas nito sa tenga niya. Sinunod niya ang sinabi nito.
Napahawak siyang mariin sa braso ng binata habang sunod-sunod ang paggalaw ng
daliri nito sa loob niya. Halos mangilid ang luha sa gilid ng kanyang mata dahil sa
samu't-saring nararamdaman. Mas lalo niyang ibinuka ang hita, sinilip niya ang
ginagawa nito.
"C-clifford please make it fast.."

Sinunod naman nito ang sinabi niya. Mas lalo 'yung bumilis habang labi nito ay
panay ang halik sa leeg niya pababa sa dibdib niya. Ilang sandali pa ay naramdaman
niyang tumigil ito sa ginagawa.

"Ba-bakit?" Tanong niya nang lumayo ito sakanya. Nilabas nito ang daliri sa
pagkakababae niya. Kinuha nito ang kumot saka 'yon binalot sa katawan niya sunod ay
niyakap siya.

"We just have to take it slow my angel. I respect you, kahit na ramdam kong handa
kana hindi ko pa rin 'yun pwedeng gawin sayo lalo't hindi pa alam ng mga magulang
mo ang tungkol sa'ting dalawa."

Parang hinaplos ang puso niya sa narinig dito. Hindi niya akalain na masasabi 'yon
ni Clifford. Akala niya ay normal lang para dito ang bagay na 'yon sa mga nagiging
girlfriend nito. Nakangiting niyakap niya ang leeg nito.

"Thank you Clifford... thank you."

Hinalikan nito ang labi niya at saka sumiksik sa pagitan ng leeg at balikat niya.

"I love you mein engel..." Bulong nito habang inaamoy ang leeg niya.
Ngumiti naman siya at hinaplos ang buhok nito.

"I love you too Clifford.."

Chapter twenty-six [Dark Society 3- Clifford Buch...]

NAPANGITI si Faith nang makitang tulog na tulog pa si Clifford. Dahan-dahan


niyang tinanggal ang braso nitong nakayakap sakanya saka siya bumaba sa kama.

"San ka pupunta?"

Napatingin siya dito, nakapikit pa rin 'to.

"Iinom lang ako ng tubig Clifford." Sabi niya dito saka niya kinuha ang t-shirt sa
sahig. Sinuot niya 'yon saka siya lumabas ng kwarto nito. Napatingin siya sa
orasang nasa dingding. Alas-kwatro pa lang pala ng umaga.

"Hindi pa 'ko nakapag-paalam kay mama.." Bulong niya habang pababa ng hagdan.
Natigilan siya nang makita ang isang sobreng luma na nasa mesa sa tabi ng hagdan.
Naka-ipit ito sa flower vase. Lumapit siya don at kinuha 'yon.

"Senyorito Clifford Buchebber...." Basa niya sa nakasulat doon.

"Buchebber?" Bulong niya. Ilang sandali muna niyang tinitigan 'yon saka niya
binuksan. Mukhang hindi pa binubuksan ni Clifford ang sulat na 'yon. Sana nga lang
hindi ito magalit sakanya. Binasa niya ang mga nakasulat doon. At habang binabasa
niya ang bawat letrang nakapaloob doon isa lang ang tumatak sa isip niya.
Hindi basta-basta lang si Clifford..... pakiramdam niya ay mas lalo itong lumalayo
sakanya. Nanghihinang nilapag niya 'yon sa mesa.

"Faith?"

Ilang sandali siyang kumurap nang marinig niya ang boses ni Clifford. Bumaling siya
sa binata.

"Ang tagal mong umakyat kaya sinudan na kita eh. Bakit?" Kunot-noong tanong nito.
Dumako ang tingin nito sa sulat na nasa harap niya. Kinuha niya 'yon saka siya
lumapit dito.

"Bakit hindi mo binasa 'to?" Tanong niya dito. Ilang sandali itong tumayo doon saka
muli itong umakyat sa hagdan.

"Wala na nga akong pakialam diyan hindi ba?" Malamig na sabi nito. Sumunod siya
dito.

"Sandali lang Clifford! Malay mo hinahanap kapa rin nila!" Sabi niya dito ngunit
mas bumilis lang ang lakad nito pabalik sa kwarto nito.

"Clifford sandali lang!" Pigil niya sa braso nito. Humarap ito sakanya.
"Bakit kailangan ko pang malaman kung sino ang magulang ko Faith? It's useless.
Ilang taon na ako at kung sino man ang mga taong kinalakihan ko sila ang kinikilala
kong magulang." Sabi nito saka ito pumasok sa loob ng kwarto nito. Sumunod siya sa
loob.

"Pero Clifford pano ang mama mo? Hindi mo ba alam na baka hanggang ngayon
hinihintay kapa rin niya?" Sabi niya dito. Kinuha nito ang t-shirt saka sinuot
'yon.

"Wala akong pakialam." Malamig na sabi nito. Ilang sandali niya itong tinitigan.

"Magluluto muna ako ng almusal natin." Sabi nito. Hindi naman siya gumalaw sa
kinatatayuan.

"Alam mo naman siguro 'yung pakiramdam na iniwan ka ng mahal mo nang walang dahilan
'diba Clifford?" Sabi niya dito. Tumingin naman ito sakanya.

"Hindi ka basta basta lang Clifford. At hindi ka rin nila basta-basta kalilimutan
ng ganon lang. Walang inang nakakalimot ng anak kapag nawala ito sakanya."

Ilang sandali silang nagkatitigan nito. Huminga ito ng malalim saka ito humakbang
papalapit sakanya.

"I know... i know.." Bulong nito saka nito hinawakan ang kamay niya. Inabot niya
ang sulat dito.

"Hindi ka naman nila pinabayaan Clifford eh. Naging malupit sila kay tita Matilda
kaya naisipan ni tita Matilda na kunin ka sakanila. At nakakuha din siya ng dahilan
para hindi matuloy ang kasal nila ni Mr. Ricardo." Sabi niya dito. Napatingin ito
sakanya.

'Kailangan ko ng sabihin sakanya ang tungkol din samin.... panahon na para sumaya
naman si Clifford.'

"....n-nagkaroon siya ng dahilan para makipagkita kay...." Saglit siyang sumagap ng


hangin at muling nagsalita. "...p-papa.."

Nakita niyang natigilan ito.

"I'm sorry Clifford... h-hindi ko sinabi sayo ang lahat. Noong araw na
nakipagkilala ka kay mama, doon siya may inamin sakin tungkol sayo. Na-natatakot
ako na pangunahan ka lalo't nalaman mo na hindi ka tunay na anak ni tita Matilda."
Nag-unahang tumulo ang luha sa magkabilang pisngi niya. Mas nasasaktan siya para
kay Clifford. Dahil nadamay lang ito sa away ng mga magulang niya.

"S-si papa ang lalaking s-sinamahan ni Tita Matilda." Pinilit niyang 'wag humikbi
sa harap nito. Ngayon ay unti-unti niyang nakikita ang sakit sa mata ni Clifford.
Mabilis niyang pinunasan ang luha.

"I'm sorry Clifford..." Bahagya siyang yumuko. Ilang sandali siyang humikbi,
natigilan siya nang hawakan nito ang dalawang kamay niya. Tumingin siya dito.

"Bakit ka magso-sorry sakin?" Nakangiting sabi nito. Napakurap siya.


"H-hindi ka galit sakin? Hindi ka galit samin?" Tanong niya. Hindi ito sumagot,
umupo ito sa paanan ng kama habang hila siya. Pina-upo siya nito sa hita nito.
Pinulupot naman niya ang braso sa leeg nito.

"Natutunan ko sa paglipas ng ilang taon na lahat ng bagay may dahilan. Lalo na


noong makita ko ang sitwasyon ni mama..." Tumitig ito sakanya.

"...at ng papa mo. Sigurado ako na may dahilan kung bakit nila nagawa 'yon."
Dugtong pa nito. Niyuko niya ang sulat saka pinakita dito.

"Ang mga magulang mo Clifford..." Sabi niya. Ngumiti lang ito.

"Don't worry, makikipagkita ako sakanila."

Parang nawala bigla ang bigat ng loob niya. Pero natigilan din siya nang may
maalala.

"But you're not ordinary man Clifford." Sabi niya saka inabot ang sulat dito.
Kumunot naman ang noo nito.

"...You're a prince of buchebber. Sa Germany ka kinuha ni Tita Matilda kung saan


siya nagta-trabaho noon. Isa kayo sa mga kilalang tao sa lugar na 'yon."

Tumingin naman ito sa sulat. Nagulat nga siya nang mabasa niya 'yon. Kung mayaman
si Clifford dito, mas may i-aangat pa pala ito. Tumango-tango naman si Clifford
saka tinapon ang sulat sa tabi at ngumiti sakanya. Pumulupot ang kamay nito sa
bewang niya.

"Hindi ko na pala kailangang makipagkita sakanila."

"Tsk. Clifford naman.."

Nagsalubong ang kilay nito. "...gusto mo ba 'kong umalis?"

"Hindi naman sa ganon.... ang akin lang sana makita ka ng mama mo. Nadamay ka lang
sa gulo ng pamilya ko Clifford, now it's your time to be happy." Paliwanag niya
dito.

"Sino bang nagsabi sa'yo na hindi ako masaya ha?" Nakangising sabi nito, naramdaman
niya ang paggapang ng kamay nito sa katawan niya. Biglang namula ang magkabilang
pisngi niya nang maalala ang nangyari kagabi. Saka lang niya naramdaman ang matigas
na bagay sa pang-upo niya. Mas lalo siyang namula.

"Susuntukin kita." Babala niya dito. He chuckled.

"I love you Faith and thank you for everything. Siguro hanggang ngayon wala pa rin
akong pakialam sa lahat. Hindi pa rin ako makikinig kahit kanino."

Hinaplos niya ang pisngi nito. Hindi siya makasariling tao para pigilan si Clifford
na makita ang mga magulang nito. Handa naman siyang maghintay. Hinaplos nito ang
gilid ng leeg niya.....

"And I love you too Clifford.."

Napatingin ito sa kwintas na nasa leeg niya. Bigla niyang naalala ang sinabi ng
kanyang ina. Hinubad niya 'yon at pinakita kay Clifford.

"Sabi ni mama. Ito daw 'yung promising ring nila Tita Matilda at papa. Yung isa na
sa'yo.." Sabi niya dito. Hinaplos nito ang singsing na nandon.

"Wait mein engel." Sabi nito. Umalis naman siya sa pagkakandong dito nang tumayo
ito. May kinuha ito sa drawer nito. Nakita niya ang hawak na singsing nito. Lumapit
ito sakanya.

"Akala ko nga magkamukha lang eh. Pero sabi ni mama, pinasadyang gawin 'yan ni papa
para kay Tita Matilda. But they did not end well. Binigay ni papa sakin ang
singsing na 'yan." Sabi niya dito. Lumapit naman sakanya si Clifford. Nakita niyang
tinanggal nito singsing sa kwintas saka kinuha ang kamay niya.

"Tingin ko para talaga satin 'to...." Nakangiting sabi niyo habang sinusuot sa
daliri niya ang singsing. Napangiti naman siya at kinuha rin niya ang singsing na
nasa kwintas.

"That's what I thought." Sabi niya habang sinusuot ang singsing sa daliri nito.
Hinapit nito ang bewang niya papalapit dito. Hindi siya pumalag nang ihiga siya
nito sa kama.
"Don't worry... babalik agad ako." Sabi nito sakanya habang hinahaplos ang buhok
niya. Bumaba ang labi nito at pa ulit-ulit na dinampian ng halik ang sulok ng labi
niya.

"...can you promise me one thing Faith?" Anas nito habang tinutudyo ng halik ang
pisngi niya.

"Ano 'yon?"

"Kapag bumalik ako... sumagot ka ng oo."

Bahagya niya itong tinulak.

"Bakit naman?" Takang tanong niya. Ngumiti lang ito.

"Basta.... maliwanag ba?"

Kahit nagtataka ay tumango siya. "Sige..."

Pagkasagot niya non ay sinakop na nito ang labi niya na agad niyang tinugon.
Sinundan niya ang bawat paghagod ng labi nito, mahigpit siyang humawak sa braso
nito nang haplusin nito ang gilid ng baywang niya. Bahagya itinaas ni Clifford ang
t-shirt niya pagkuwa'y gumapang paitaas ang palad nito papunta sa dibdib niya.
Kumawala ang ungol sa bibig niya, ang isang kamay naman nito ay naglakbay pababa sa
hita niya.

"Clifford..." Anas niya nang muling sakupin ng kamay nito ang 'ibaba' niya na
walang suot na tela. Napatingala siya sa kisame nang mag-umpisang bumaba ang labi
nito sa leeg niya.

'Shemay! Yung take it slow niya parang gusto ko ngayon na!'

Gusto niyang matuwa sa iniisip. Ilang hangin ang kumawala sa lalamunan niya nang
maramdaman niya ang daliri nito sa kalooban niya. Ilang beses itong naglabas-masok.
Humaplos ang kamay niya sa buhok nito.

"C-clifford.... parang may naririnig akong mga boses." Bulong niya dito nang
marinig ang pagkaka-ingay sa ibaba. Bahagya naman itong lumayo sakanya at itinigil
ang ginagawa.

"Talaga?" Sabi nito saka nakiramdam.

"Tanga! Baka nandito siya natutulog lang!"

Shemay!
Mabilis na hinablot ni Clifford ang kumot at binalot sa katawan niya. Sakto namang
bumukas ang pinto ng kwarto nito.

"Sigurado ako nagmumukmok 'yon dahil hindi sinagot ni----FAITH?!" Gulat na sabi
nang Maxeau na 'yon nang makita siya. Namumulang nagtago siya sa balikat ni
Clifford. Shemay! Nasa ibabaw niya pa si Clifford! Baka isipin nito na may milagro
silang ginagawa kahit meron naman talaga!

"Ha? Faith asan?" Lumitaw naman ang ulo ng isang kaibigan nito.

"FUCK! GET OUT MAXEAU AND SERIONIFO!" Sigaw ni Clifford habang hawak ang likod ng
ulo niya.

"Ah...sorry---" Mabilis na sinara ni Maxeau ang pinto.

"Manyak ka kasi hayop ka eh!" Narinig niyang natatawang sabi ng boses na 'yon.

"Malay ko ba nag-e-exercise sila!" Boses ni Maxeau.

"Shemay! Shemay talaga!" Nahihiyang sabi niya. Binalingan naman siya nito.

"Hey.... 'wag ka munang bababa ha? Palalayasin ko lang 'tong mga 'to." Sabi nito.
Tumango naman siya. Humiwalay naman ito sakanya saka bumaba ng kama.
"We should continue this later." Nakangising sabi nito saka lumapit sa pinto.

"Clifford bwisit ka!" Tili niya dito. Natatawang lumabas lang ito. Binalot niya ang
sarili sa kumot saka gumilid ng higa.

Chapter twenty-seven [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"NASAAN ang ina mo ngayon iha?"

Tumitig siya sa kaharap. Sinabi niya dito ang lahat, kung ano sila ng kanyang ina
sa buhay nito. Kung paano ito umalis sakanila. Lahat ng bagay na natatandaan niya
sa ama ay sinabi niya. Wala rin namang silbi kung itatago pa nila ang lahat dito,
baka sakali sila pa ng kanyang ina ang makatulong dito.

"Nasa bahay po ngayon." Nakangiting sabi niya. "....mabait po ang kumupkop samin.
Kami ang naging bantay sa mansion habang wala pa po ang mag-ama."

Nakita niya ang pagbagsak ng balikat nito.

"Napakasama kong ama..." Bulong nito. Hinawakan niya ang kamay nito.

"Wag mong isipin 'yon pa... ang mahalaga samin ngayon nandito kana. Kung ano man ho
ang nangyari kalimutan na lang ho natin 'yon. Ang mahalaga gumaling kayo."

Tumitig ito sakanya.


"Naalala ko sa mukha mo ang dalagang babaeng umiiyak sa harap ko.... " Nangilid ang
luha nito. "...i-ikaw ba 'yon iha?"

Kumibot-kibot ang labi niya saka tumango.

"O-opo papa. Grade 5 pa lang ako nang umalis ka.." May bikig sa lalamunan niya
habang sinasabi 'yon.

"Faith...." Banggit nito sa pangalan niya. Bumagsak ang isang luha sa gilid ng mata
niya. Sinugod niya ito ng yakap.

"I'm sorry anak... i'm s-sorry.."

Ngumiti lang siya habang nag-uunahan nang tumulo ang luha niya. She miss him so
much. Napatingin siya sa lalaking nasa pinto habang nakatingin sakanila. Masaya ang
ngiti nito habang nakatingin sakanila. Gumanti siya ng ngiti dito. Kumalas siya sa
yakap ng ama.

"Papa, gusto mo bang makita si mama?"

Biglang nag-alinlangan ito.


"H-hindi kaya magalit siya kapag makita ako?"

Umiling siya dito. "Ako ang bahalang magpaliwanag sakanya papa."

Ngumiti ito at niyakap siya.

Naramdaman niyang kumpleto na siya... at tila bumawi sakanya ang ilang taong nawala
ito sakanya....

-------------****

"MAMA... magpagaling ka doon ha? Sana sundin mo si papa, hihintayin kita dito."

Napangiti lang si Clifford nang wala siyang makuhang sagot mula sa ina. Nanatili
lang itong nakatulala sa kawalan. Aalis ang mga ito papuntang states, baka sakaling
mapadali ang recovery nito doon. Umayos siya ng tayo at tinitigan ang ina. Hanggang
ngayon palaisipan pa rin sakanila kung anong nangyari dito at sa ama ni Faith.

"Iho...."

Napalingon siya sa tumawag sakanya.

"Hey dad... aalis na kayo?" Nakangiting sabi niya. Tumango ito saka tinapik ang
balikat niya.

"Ikaw? kailan flight mo papuntang Germany?" Tanong nito sakanya.

"Next week pa. May mga aasikasuhin pa ako dito. Isa pa, tatapusin ko muna 'tong sem
na 'to."

Tumango-tango ito saka huminga ng malalim.

"I'm sorry.... ako na ang humihingi ng tawad sa ginawa ng mama mo. Nasira ang buhay
mo dahil sa gulo namin."

Iyon nga ang sinabi ni Faith. Pero hindi 'yon ang iniisip niya.

"You don't have to say sorry dad. Ako ang dapat na humingi ng tawad sainyo. Sa
ilang taon hindi ko kayo ginalang dahil akala ko wala kayong pakialam sa pag-alis
ni mama." Finally, ito ang matagal na niyang gustong sabihin dito ngunit hindi siya
nagkakaroon ng pagkakataon.

"I really love your mother Clifford. Kaya kahit masakit sakin hinayaan ko siyang
lumayo. Noon pa man nararamdaman kong habang tumatagal ang pagsasama naming dalawa,
mas lalo siyang lumalala. At si Guiller ang alam kong makakatulong sakanya."
Paliwanag nito saka ito natawa ng mahina.

"...and that was a biggest mistake. I'm so stupid and martyr, hindi ako gumawa ng
paraan para manatili siya sa tabi natin. Hindi sana siya nagkakaganyan ngayon."
Tumango siya saka tumingin sa ina.

"Do you still love her despite everything?" Tanong niya sa ama.

"Yes. Yes Clifford. Mahal ko ang mama mo."

Napangiti siya at muling binalingan ito.

"Ihahatid ko na kayo sa airport. Baka ma-late kayo." Sabi niya dito. Tumango ito
saka lumapit sa kanyang ina.

"Matilda... aalis na tayo ha?" Sabi ng kanyang ama dito habang hinahaplos ang
pisngi nito.

Ngunit hindi ito umimik.

"Hihintayin ko kayo sa baba dad." Sabi niya dito. Tumango naman ito. Lumabas siya
ng kwarto at tinahak ang daan papuntang hagdan. Tumingin siya sa paligid. Wala na
ang dating galit at sakit na nararamdaman niya sa tuwing naalala ang ina.
Pakiramdam niya ay nag-uumapaw ang saya sa puso niya. Natigilan siya nang makita si
Faith sa ibaba. Nakatingin ito sa portrait ng kanyang ina na nakasabit pagkuwa'y
sisilipin ang suot na singsing. Walang ingay na bumaba siya ng hagdan.

"Kapag nambabae siya don, 'kala niya maghahanap din ako ng lalaki dito."
Nakangusong sabi nito habang nakatingin sa singsing na suot. Naghalukipkip siya.

"Anong sabi mo?"

Napaigtad ito nang marinig siya. Mabilis itong lumingon sakanya.

"Ay... hehehe. Kanina kapa diyan?" Nakatawang sabi nito. Humakbang siya papalapit
dito.

"Ulitin mo nga uli 'yong sinabi mo."

Kumunot ang noo nito. "..ano don? 'Yung kanina kapa diyan?"

Pinanliitan niya ito ng mata. Sinuksuk niya ang dalawang kamay bulsa nang nasa
harap na siya nito. Unti-unti naman itong umatras. Akmang lilihis ito sa gilid ng
humarang siya.

"Kapag nambabae ako maghahanap ka ng iba? Tama ba?" Nataas ang sulok na sabi niya.
Umiwas ito ng tingin sakanya.

"Hindi no... wala naman akong pakialam kung mambabae ka don eh." Bubulong-bulong na
sagot nito. Lumawak ang pagkakangisi niya dito.
"Ano nga? Wala nga 'kong pakialam 'diba?" Nakairap na sabi nito. Nakangiting
tumitig lang siya dito...

'She can never failed to amused me...... Fuck. I really love this girl.'

------------***

"WAG mo 'kong titigan diyan Clifford malilintakan ka sakin!" Mataray na sambit ni


Faith dito. Wala naman talaga siyang pakialam eh! Naisip lang naman niya ang
sitwasyon ngayon. Iniisip kasi niya kanina na pano kung maudlot din ang meron
sakanila ni Clifford ngayon? Pano kung ayaw pala sakanya ng mga magulang nito?
History repeat itself ika nga 'diba?

Nakita niyang tumingala ito. Nang sundan niya ang tinitiganan nito ay napangiti na
lang siya. Sigurado siya na masaya na si Clifford ngayong kasama na nito ang
pamilya nito.

"Faith.."

Napatingin siya kay Clifford. Nagulat siya nang makitang malapit na ito sakanya.
Halos gasinulid na lang ang pagitan nilang dalawa.

"Clifford baka bumababa na sila nakakahiya!" Sabi niya habang tumitingin sa taas ng
hagdan. Ngunit pumulupot lang ang braso nito sa bewang niya at mas lalo nitong
nilapit ang katawan sakanya. At dahil nakasandal siya sa mesang nasa likod niya at
bukod don ay matangkad ito ay hindi siya nakagalaw. Napahawak siya sa dibdib ni
Clifford.
"Just forget the past Faith. Hindi mangyayari sating dalawa ang nangyari kina mama.
Hindi ako papayag na mapupunta ka sa iba." Seryosong sabi nito. Napatitig siya sa
mata nito. Kinuha nito ang palad niya at hinaplos ang daliri niya kung saan
nakasuot doon ang promising ring na galing sa ina nito.

"....i don't accept break-up, cool-off or nonsense reasons. Kung may problema man
tayo, aayusin natin 'yon. Maliwanag ba Faith?"

Napatitig siya sa mata nito.

"Faith do you understand?"

Unti-unti naman siyang ngumiti.

"Faith... answer me." Ungot nito, hinaplos niya ang pisngi nito saka tumingkayad at
hinalikan ang labi nito.

"Yes boss." Nakangiting sabi niya. Lumiwanag naman ang mukha nito.

"No... you're my boss." Anito at akmang hahalikan siya.

"PRINSEPEEEE!!"
Mabilis siyang humiwalay kay Clifford. Nakita niya na papalapit ang mga kaibigan
nito. Nanunuksong nagpalipat-lipat ang tingin sakanila ni Maxeau.

"Ayieh..." Pang-aasar nito saka pa-baklang hinampas sa balikat si Clifford.


Natatawa na lang siya sa kabaliwan ng isang 'to.

"Ikaw ha?" Maarteng sabi nito. "...hindi mo sinabi na bonggasush ka!"

Napailing na lang siya.

"Oo nga, akalain mo 'yon dugong bughaw ka rin pala katulad ko." Sabi naman no'ng
Thartarus.

"Mga sira! Anong ginagawa niyo dito?" Tanong ni Clifford.

"Sasama kami sa paghatid niyo kina tita Matilda." Sabat ni Serionifo.

"Ngayon na pala ang alis nila? Buti hindi na nagwawala si Tita Matilda?" Tanong ni
Ellifard.

"Hindi naman, tahimik lang siya nitong nakaraan simula nang iuwi na namin siya. Isa
pa may kasama naman silang nurse kung magkaroon man ng problema."
"How about you Faith? Okay na ba ang papa mo?" Tanong ni Delifico sakanya. Kahit pa
sa maikling panahong nakilala niya ang mga ito masasabi niyang mababait naman ang
mga ito. Tumango siya.

"Medyo awkward lang sila mama ngayon." Nakangiting sabi niya.

"Hey... punta tayo sa club. May pa-treat si Grey." Aya ni Maxeau.

"Teka? Hindi ako invited?" Sabat ni Thartarus. Pinandilatan ito ni Maxeau.

"Bawal daw pangit don eh." Sabi ni Maxeau. Inakbayan naman siya ni Clifford.

"Hindi kami pwede, maglilipat kasi ng bahay sila Faith bukas kaya kailangan kong
tumulong."

"Talaga? Sige sama kami!" Prisinta ni Serionifo. Nagkatinginan sila ni Clifford.


Nakita niyang ngumisi ito, mukhang may kalokohan itong gagawin sa kaibigan.

"Sure. Kayo Ellifard, Delifico?"


Umiling si Ellifard. "...hindi bale na lang, hindi pa 'ko nasisiraan ng bait."
Nakangising sabi nito.

"Pupunta ako kina Julie bukas." Kibit-balikat na sabi ni Delifico.

"Ako sama ako!" Ani Thartarus.

"Ako din ah." Sabi naman ni Maxeau. Napailing na lang siya. Napatingin sila sa
hagdan nang makitang pababa na sila Tita Matilda at Mr. Ricardo. Naka-alalay ito sa
asawa na tulala lang. Tumingin ang mga ito sakanila nang makababa na sa hagdan.

"Oh? Anong meron dito?" Nakangiting sabi nito.

"Sasama daw sila." Sagot ni Clifford.

"Oh... thank you. Ah sige, mauuna na kami sa kotse. May mga gamit kami doon sa
itaas pasuyo na lang." Sabi ni Mr. Ricardo saka nauna ng lumabas. Nakita niyang
sumunod na rin sila Ellifard at Delifico.

"Come on mon engel." Bulong sakanya ni Clifford.

"Kunin niyo raw 'yung mga maleta sa taas." Sabi ni Clifford nang dumaan sila sa mga
kaibigan nito.
"Ha?! Oi ba't kami? Bisita kami dito ha?!"

"Kunin mo daw Thartarus!"

"Tanga ba't ako?! Si kulot na lang!"

"Bawal magbuhat ang pogi!"

Hindi nila pinansin ang pagtatalo ng mga ito...

Chapter twenty-eight [Dark Society 3- Clifford Buch...]

"ARAY naman pre! paa ko natapakan mo!"

"Nakita ko? Nakita ko? Nakita mong ang bigat ng dala ko diba?"

Napapailing na lang na pinanuod ni Faith ang pagtatalo ng mga kaibigan ni Clifford.


Speaking of Clifford? Nasaan na ang lalaking 'yon? Nilibot niya ng tingin ang
paligid saka hinanap ang binata. Pumunta siya sa harap ng truck.

Anak ng!
"Clifford anong ginagawa mo diyan? Tulungan mo 'yung mga kaibigan mo don!" Sita
niya dito nang makitang natutulog lang ito sa driver seat.

"Hayaan mo sila mein engel. Sumama sila eh." Nakangising sabi nito saka nito
binuksan ang pinto sa tabi nito.

"Hindi dahilan 'yan Clifford tumigil ka! Nag-aaway lang sila doon oh."

Bahagyang nagsalubong ang kilay niya nang hawakan nito ang baba niya. Nakita niyang
yumuko ito papalapit sa mukha niya. Napapikit na lang siya nang halikan nito ang
labi niya.

"Ehem!"

Mabilis niyang iniwas ang mukha kay Clifford nang marinig niya 'yon.

"P-papa..." Nanlaki pa ang mata niya nang makita ang ama. Napahawak siya sa bibig
nang hilahin nito ang kwelyo ni Clifford pababa ng truck.

"Tumulong ka dito at hindi puro kalandian sa anak ko ang ginagawa mo!" Sermon nito
kay Clifford.

"Aray papa! 'Wag naman kayong ganyan!" Angal ni Clifford. Inakbayan ito ng kanyang
ama saka binitbit papunta sa likod ng truck. Napailing na lang siya dito. Tinignan
niya ang malaking bahay na nasa harap niya. Kahit papano ma-mimiss niya si
Criselda, kahit pa mas lamang ang kasamaang ugali na pinakita nito sakanya. Bukas
ay uuwi na ang mga ito. Sinabi niya na rin dito ang tungkol sa namagitan sakanila
ni Clifford, nagulat ito ng una at nag-alala sakanya pero nang sabihin niya dito
ang tungkol kay Clifford ay naunawaan siya nito.

"Excuse me..."

Napalingon siya nang marinig ang boses na 'yon. Natigilan siya nang makita ang
isang matangkad na lalaki na nasa harap niya, nakangiti ito sakanya. Umayos naman
siya ng tayo.

'Ang gwapo naman nito..'

Maamo ang mukha nito habang nakatingin sakanya.

"Bagong lipat lang kayo dito?" Nakangiting sabi nito. Tumango naman siya.

"Ah oo..." Sagot niya. Nilahad nito ang kamay sa harap niya.

"Ako nga pala si Nyx Santallian. Diyan lang ako sa harap niyo nakatira."

Nanlaki ang mata niya.


"Ay sayo pala 'yung malaking bahay diyan? Magandang araw sayo.." Nakangiting sabi
niya saka tinanggap ang kamay nito.

"Ako nga pala si Faith Salvez."

Binitawan naman niya ang kamay nito.

"Tamang-tama, may makaka-u----

Natigilan ito sa pagsasalita. Lilingon na sana siya para alamin kung sino ang
tinitignan nito nang may umakbay naman sakanya. Nakagat niya ang ibabang labi.

'Naku naman.... nakalimutan ko si Clifford.'

Unti-unti niyang nilingon ito. Matiim ang tingin nito sa lalaking kaharap nila.

"Kumain na daw muna tayo sabi nila mama." Malamig na sabi nito habang
nakikipagtitigan kay Nyx. Napangiwi siya ng pisilin nito ang balikat niya.
Binalingan niya si Nyx na nakangiti lang.

"Ah... sige dito na kami ha?"


Tumango naman ito. Binalingan niya uli si Clifford.

"Halika na..." Bulong niya dito nang wala pa itong balak na umalis. Sumunod naman
ito sakanya ngunit tinanggal na ang pagkaka-akbay sakanya.

"Uy Clifford.. nakipagkilala lang naman 'yon eh." Paliwanag niya dito. Umirap lang
ito habang nakatingin sa daan.

"Diyan nag-uumpisa 'yan." Malamig na sabi nito. ".... hindi pa nga ako umaalis may
pumo-porma na." Sabi pa nito saka naunang pumasok na sa loob ng bahay.

"Uy Clifford! Tignan mo 'tong lalaking 'to." Natatawang sabi na lang niya. Sumunod
siya dito sa loob. Nakita niyang umakyat ito ng hagdan.

"Anong nangyari anak?"

Napalingon siya sa sala. Nakita niya ang mga kaibigan ni Clifford na naka-upo sa
sofa. Ang papa naman niya ay may buhat na karton.

"LQ kayo?" Natatawang tanong ni Maxeau.


"Saglit lang pa, pupuntahan ko lang 'yung taong 'yon." Sabi niya saka umakyat ng
hagdan.

"Bumaba na kayo maya-maya ha? Nakapag-luto na ang mama mo." Habol ng papa niya.

"Opo pa!" Sagot niya nang nasa taas na siya. Binuksan niya ang mga kwartong nandon
dahil baka doon pumasok si Clifford pero wala naman ito doon. Natigilan siya nang
mapatingin siya sa kwarto niya. Dahan-dahan siyang humakbang papunta don at saka
pinihit ang doorknob. Sumilip siya sa loob. Napailing na lang siya nang makitang
nakadapa sa kama si Clifford. Hawak nito ang sariling cellphone.

"Clifford...." Tawag niya dito. Pumasok siya sa loob at sinara ang pintong nasa
likod. Humakbang siya papunta sa kama saka umupo sa gilid non.

"Uy... para namang shunga 'to." Sabi niya dito, sinilip niya ang ginagawa nito.
Panay lang naman ang scroll nito sa phonebook nito. Naiiling na sumampa siya sa
kama saka tinapik-tapik ang likod nito.

"Clifford... nakipagkilala lang naman 'yung tao eh. Isa pa kapitbahay pala nami----

"Kapitbahay niyo pa pala ganon?" Supladong sabi nito. Nakagat niya ang labi.

'Ano ba naman Faith, lalo tuloy nainis!'


Nilapag nito ang cellphone sa katabing mesa saka umikot sa kama.

"Clifford naman.."

Nakatihaya ito ng higa habang nakaunan sa likod ng ulo nito ang isang braso.

"Wag na lang kaya akong umalis?" Sabi nito. Inirapan niya ito.

"Tumigil ka nga diyan----

"Gusto mong matuwa ako na kapitbahay mo pa pala 'yung lalaking 'yon na


nakipagkilala sayo?" Salubong na salubong ang kilay na sabi nito.

"Nakipagkilala lang naman 'yung tao Clifford." Pinandilatan niya ito. Mas lalong
sumimangot ito.

"Diyan nag-uumpisa 'yan. Kapag magkakilala na kayo palagi na 'yang dadalaw dito."

"Uy napaka-advance mo naman!"


Inirapan siya nito saka ito tumalikod ng higa. "...kilala ko 'yang ganyang lalaki."

Naiiling na yumakap siya dito.

"Hindi kaba nagtitiwala sakin Clifford?" Tanong niya dito.

"I've trust you.... but not that fucking guy."

"Tignan mo nagmura kana!"

Huminga ito ng malalim saka muling tumihaya ng higa. Naramdaman niyang pumulupot
ang braso nito sa katawan niya.

"I love you Faith... pero wala akong tiwala sa mga ganyang lalaki."

Napangiti na lang siya. Inabot niya ang labi nito at hinalikan 'yon. Akmang lalayo
na siya nang hawakan nito ang likod ng ulo niya. Napaungol siya nang mapusok nitong
halikan ang labi niya. Inipit nito ang mahabang buhok niya na tumabing sa mukha
nila. Napapikit siya ng mariin nang pumihit ito paibabaw sakanya. Tumigil ito sa
paghalik sakanya.

"Ayokong malaman na lumalapit sayo ang lalaking 'yon. Pababalian ko siya ng buto
kina Grey." Matiim na sabi nito sakanya. Ngumiti siya dito saka niya pinisil ang
tungki ng ilong nito.

"Napaka-seloso mo!" Natatawang sabi niya. Hinawakan nito ang kamay niya at muli
nitong sinakop ang labi niya. Siguradong ma-mi-miss niya ito kapag umalis ito. Pero
kailangan niyang maghintay uli, alam niyang mas maku-kumpleto si Clifford kung
makikita nito ang tunay na mga magulang.

Naramdaman niya ang paghaplos nito sa bewang niya. Tumaas-baba ang haplos ng palad
nito sa katawan niya habang patuloy sa paghalik sakanya. Gumapang ang kamay niya
papunta sa buhok nito. Bahagya lumayo ang labi nito.

"I love you mein engel.." Anas nito. "....and I want you..."

She want him too. Bahagya niyang nakagat ang ibabang labi ni Clifford nang
maramdaman niya ang mga kamay nito sa zipper ng suot niyang short. Ngunit sabay
silang natigilan nang marinig ang sunod-sunod na katok na 'yon.

"Anak? Anak? Nandiyan kaba? Kakain na tayo lumabas na kayo diyan ni Clifford."
Boses ng ina niya!

"Opo ma! Lalabas na!" Namumula ang pisnging naitulak niya si Clifford. Natatawang
umupo naman sa gilid ng kama si Clifford.

"Tumatawa kapa diyan!" Pinanlakihan niya ito ng mata saka niya inayos ang sarili.
Bumaba siya sa kama, mabilis siyang lumapit sa pinto.
"Halika na at baka magalit sakin si ma----Ay!" Napatili siya nang may pumihit
sakanya paharap at malakas na isinandal siya sa pinto. Napasinghap siya nang
buhatin siya ni Clifford, mabilis na pumulupot ang mga hita niya sa bewang nito.
Hindi naman siya nakatanggi nang muli na naman nitong halikan ang labi niya.

"Susunod na lang ako sa baba." Bulong nito sakanya habang hinahalikan ang sulok ng
labi niya. Bumaba naman siya dito.

"Ha? Sabay na tayong bumaba." Sabi niya dito. Panay pa rin ang halik nito sakanya,
hinapit nito ang bewang niya saka binuksan ang pinto sa likuran niya.

"Sige na... susunod na 'ko." Nakangiting sabi nito. Nagtatakang lumabas naman siya
ng kwarto.

"Sige sumunod ka ha!" Sabi niya dito.

"Yes boss!" Nakangiting sabi nito saka sinara ang pinto. Napapailing na tumalikod
naman siya. Hinawakan niya ang labing hinalikan ni Clifford. Nakangiting nagpatuloy
siya sa paglalakad.

---------------****

"MAG-iingat ka don prinsepe ko!"

"Padala ka sulat sakin ha?"


Napailing na lang si Faith sa mga kaibigan ni Clifford. Mabilis na lumipas ang
araw, ngayon na agad ang alis ni Clifford. Pinagtatapik nito ang balikat ng mga
kaibigan.

'Parang hindi ko kayang makitang umaalis siya...'

Natigilan naman ito nang tumingin sakanya. Nakangiting lumapit ito at hinawakan ang
kamay niya.

"Oh ba't naiiyak ka? Sabi mo hindi ka iiyak 'diba?" Natutuwang sabi nito. Inirapan
niya ito saka niya kinusot ang mga mata para pigilan ang luha.

"Pwede ba 'yon?" Bulong niya. Malambing na hinila siya nito papalapit sa katawan
nito. Awtomatikong pumaloob siya sa yakap nito. Doon na tumulo ang luha niya.

"Pwede naman akong hindi umalis eh." Sabi nito habang hinahaplos ang buhok niya.
Pasimple niyang pinunasan ang luha saka tiningala ito.

"Sira!" Natatawang sabi niya. "...ma-mimiss lang kasi kita."

Ngumiti naman ito at dinampian ng halik ang labi niya.


"Babalik din ako Faith. 'Wag kang mag-alala ha?"

Tumango naman siya.

"Basta 'yung sinabi ko sayo ha? Na kapag dumating ako sabihin mo lang Oo." Anito.
Kahit pa nagtataka pa rin sa sinabi nito ay tumango siya.

"Sige na pumasok kana sa loob." Bahagya niyang tinulak ang dibdib nito. Ilang
sandali siya nitong tinitigan.

"Bebe baka gusto mo ng pumasok?" Pabaklang sabat ni Maxeau. Napailing na lang si


Clifford. Muli itong yumukod at inabot ang labi niya.

"Aalis na ko." Sabi nito. Tumango naman siya. Nang tumalikod na ito ay nabura ang
ngiti niya. Nag-init din ang sulok ng mata niya habang hinahabol ng tingin si
Clifford. Naramdaman niya ang pag-akbay ng kung sino.

"Babalik din 'yan si Clifford don't worry." Sabi ni Serionifo. Tumango naman siya.
Lumingon sa direksyon nila si Clifford, nagsalubong ang kilay nito.

"Ay! Sorry naman..." Inalis ni Serionifo ang kamay nito sa balikat niya. Doon na
nawala ang pagkakakunot ng noo ni Clifford. Tumitig ito sakanya. Kumaway siya dito
at pilit ang ngiti ang ibinigay niya dito. Bahagya lang tumaas ang labi nito saka
muling tumalikod. Hinawakan niya ang singsing na suot.

Alam niya na kailangang buuin ni Clifford ang sarili. Ilang taon ang nasayang sa
buhay nito upang makapiling ang mga tunay na magulang. He deserve more. At kung
kinakailangan na maghintay pa siya uli ng matagal sa pagbabalik nito. Nakahanda
siya.

Muling lumingon si Clifford saka bumulong.

"I love you..."

Napangiti siya. Kahit hindi niya rinig ang sinabi nito alam niya ang ibig sabihin
nito.

"I love you too..." Bulong din niya. Hindi nakatakas sa paningin niya ang lungkot
sa mata nito. Tuluyan na itong tumalikod. Napangiti siya nang mawala na ito sa
paningin niya.

'Sana... sa pagbabalik tuluyan ka ng nakalaya Clifford.'

---------------------****

BADEN-WURTTEMBERGE, GERMANY

"HALLO?" Bati ni Clifford sa matandang nadaanan niya. Humarap naman ito sakanya,
hawak nito ang tungkol at pormado ang suot nito.
"Ja?" Tanong nito sakanya. Buti na lang at kahit papano ay may alam siyang wika ng
Germany. Ngumiti siya dito. Nakita niyang natigilan ito at pinaliguan ng tingin ang
buong mukha niya.

"Wo ist Jungingen?" Tanong niya rito, nakita niyang inayos pa nito ang suot na
salamin sa mata at tinitigan siya ng mabuti.

"Don Agidius?" Gulat na tanong nito, nagtaka naman siya sa sinabi nito. Nabasa niya
ang pangalan na 'yon sa sulat ng kanyang ina. Nanlaki ang mata nito.

"Oh God.... Senyorito Clifford!" Halos pasigaw na sabi nito, nagulat siya nang
bigla nitong hawakan ang kamay niya at saka siya hinila.

"Hey! old man wait!" Tawag niya dito ngunit sige pa rin ang hila nito sa kamay
niya. Lumiko sila sa kanang daan na pababa. Hindi niya maiwasang humanga sa lugar
at kahit saan siya lumingon ay puro mga mukhang palasyo ang nakikita ng mga mata
niya.

"Gnadïge Frau! Gnadïge Frau!" Sigaw nito, huminto sila sa harap ng malaking gate.
Napatingala siya sa sobrang taas non.. kulay ginto pa ang gate na 'yon. Tanaw niya
ang mahabang daan at sa gitna ay may isang malaking fountain ng anghel. Natawag
din ng pansin niya ang ganda ng hardin mula sa loob. Mansion din naman ang bahay
nila sa pilipinas ngunit hindi ganito kalaki ang inaasahan niyang makikita.
Kinausap ng matandang humila sakanya sa isang naka-uniform na babaeng mataba.
Tumingin ang babaeng 'yon sa direksyon niya at nanlaki ang mga mata. kagaya ng
matanda ay sumigaw din ito. Napabuga siya ng hangin.

"Tsss..."
Tinawag siya nito papasok sa loob, sumunod naman siya at tinahak nila ang mahabang
daan. Nasa likod niya ang mga ito at nag-uusap, hindi na lang niya pinansin ang mga
ito. Nang makarating na sila sa nakabukas na malaking pinto ay napahinto siya.
Hindi niya alam kung anong magiging reaction ng mga ito kung makikita siya.

'Tatanggapin kaya nila ako? Wala naman akong maipapakita sakanila na katunayang
anak nila ako.'

Pumasok ang matabang babae sa loob, naghintay siya doon ng ilang segundo bago may
lumabas na may katandaan ng babae. Naka gown ito ng makapal at mahaba. Kulay krema
'yon at elegante ang pagkakagawa. Ilang sandali nitong tinitigan ang mukha niya.
Pinakiramdaman naman niya ang sarili habang nakatingin dito. Biglang bumilis ang
daloy ng kanyang dugo.

"Mein sohn, mein prince Sohn!" Gulat na sabi nito. Hawak ang mahabang damit ay
lumapit ito sakanya. Hinawakan nito ang kanyang mukha.

"You really look like your Padre." Sabi nito at niyakap siya. Napangiti na lang
siya, mukhang hindi niya na kailangang magpaliwanag pa. Pakiramdam niya ay may kung
anong nabuo sa pagkatao niya.

'Yes... She's my mother and i can feel it.'

You might also like