Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Pagsisiyam sa Mabathalang Awa

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

Nakatayo: Pambungad na Panalangin


Ako ay lumalapit sa Iyong awa, Mahabaging Diyos, na tanging Ikaw lamang ang mabuti.
Kahit ang aking mga mga paghihirap ay malaki at ang aking pagkakasala ay marami, ako
ay nagtitiwala sa Iyong awa sapagkat Ikaw ay Diyos ng Pagka-Awa at hindi narinig kalian
pa man, o natatandaan man ng langit o lupa na mayroon kaluluwang nagtitiwala sa Iyong
awa na Iyong tinanggihan.
O Diyos ng Awa, Ikaw lamang ang makapagbibigay tuwid sa akin at hindi Mo ako
tatanggihan kapag ako, nang may mataimtim na pagsisisi, ay lumalapit sa Iyong
Mahabaging Puso, kung saan wala pang tinaggihang sino man, kahit na siya pa ang
pinakamakasalanan. Pagkat ang Iyong Anak ay tiniyak sa akin: “Sa lalong madaling
panahon na mawala man ang langit at lupa ang Aking awa ay hindi makakalimot na
yumapak sa isang nananalig na kaluluwa.” Amen.
Hesus, Kaibigan ng mapanglaw na puso, Ikaw ang aking pahingahan, Ikaw ang aking
kapayapaan. Ikaw ang aking kaligtasan, Ikaw ang aking katahimikan sa panahon ng
aking pakikipaghamok at sa gitna ng karagatan ng pag-aalinlangan. Ikaw ang
napakaliwanag na sinag na Siyang nagbibigay tanglaw sa landas ng aking buhay. Ikaw
ang lahat sa mapanglaw na kaluluwa. Naiintindihan Mo ang kaluluwa kahit na ito’y
tahimik. Nalalaman Mo an gaming kahinaan at tulad sa isang magaling na manggagamot,
Ikaw ay nagbibigay ng ginhawa at lunas, nag-aalis n gaming paghihirap. Ikaw na Siyang
bihasa sa bagay na ito. Amen.

Panalangin sa Unang Araw


Nakaupo Lider: Winika n gating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw na ito dalhin mo sa Akin Ang Lahat ng Tao, Lalo’t Higit ang mga Makasalanan, at
sila’y ilubog sa karagatan ng Aking awa. Sa ganitong pamamaraan ay mabibigyan mo
Akon g kaaliwan sa harap ng matinding kalungkutan na idinudulot sa Akin ng mga
kaluluwang hindi nakaliligtas.”
Nakaluhod: Panalangin :
Lubhang Maawaing Hesus, na ang hangad ay magkaroon ng tunay at lubhang pagkaawa
at magpatawad sa amin, huwag Mong tingnan ang aming kasalanan kundi ang
pagtitiwala na aming inilalagay sa Iyong walang hanggang kabutihan. Tanggapin Mo
kaming lahat sa Iyong Napakamaawaing Puso, at huwag Mo kaming pabayaan makalayo
roon. Aming ipinag-aamo-amo sa Iyo sa pamamagitan ng Iyong pag-ibig na siyang
nagbubuklod sa Iyo at sa Iyong Ama at sa Mahal na Espritu.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo sa amin ang Iyong maawaing titig sa lahat ng tao
lalo’t higit sa mga makasalanan, na nabubuhay sa Napakamaawaing Puso ni Hesus.
Alang-alang sa Kanyang Mahal na Pasiyon, ipakita Mo sa amin ang Iyong awa, at nang
ang aming mapuri ang walang hanggang kapangyarihan ng Iyong pagka-awa
magpasawalang hanggan. Amen.
Panalangin sa Ika-dalawang Araw
Nakaupo: Lider: Winika n gating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Dalhin mo
sa Akin ngayong araw na ito Ang Mga Kaluluwa ng Maraming Pari At mga Relihiyoso at
ilubog mo sila sa di masayod Kong pagka-awa. Sila ang nagbigay sa Akin ng lakas na
batahin ko ang Aking mapait na Pasiyon. Sa pamamagitan nila, ang Aking pagka-awa ay
umagos sa lahat ng tao.”
Nakaluhod: Panalangin
Napakamaawaing Hesus, na pinagbubuhatan ng lahat ng kabutihan, dagdagan Mo ng
Iyong grasiya sa mga babae na konsagrado sa gawaing kabanalan nang sila’y makagawa
ng mga karapat-dapat na mga gawain ng awa; at nang lahat, ng makakita sa kanila, ay
magpuri sa Ama ng Awa na nasa langit.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga pinili Mo sa Iyong
bakuran lalo na sa mga pari at mga relihiyosos at relihiyosas; at pagkalooban Mo sila ng
lakas ng Iyong bendisyon. Dahil sa malaking pag-ibig sa kamahal-mahalang Puso ng
Iyong Anak kung saan sila ay nabibigkis, ibigay Mo sa kanila ang Iyong kapangyarihan at
liwanag, at nang sila ay makaakay at magturo ng paraan tungo sa kaligtasan at nang may
iisang tinig ay umawit ng papuri sa Iyong walang hanggang Awa ngayon at
magpasawalang hanggan. Amen.

Panalangin sa Ikatlong Araw


Nakaupo: Lider: Winika n gating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “ Ngayon
dalhin mo sa Akin Ang mga Banal at Matapat na mga Kaluluwa, at sila ay ilulubog ko sa
karagatan ng Aking malaking pagka-awa. Ang mga kaluluwang ito ang nagdala sa Akin
ng malaking kaaliwan sa pagdala Ko ng Krus. Sila yaong mga mumunting patak na
nagbibigay ng kagaanan ng loob sa kalagitnaan ng karagatan ng kapaitan.”
Nakaluhod: Panalangin
Napakamaawaing Hesus, buhat sa kayamanan ng Iyong pagkaawa ay Iyong ibinibigay
ang Iyong mga grasiya sa masaganang pamamaraan sa bawat isa at sa lahat. Tanggapin
Mo kami sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso at huwag Mo kaming pabayaang
makaalis doon. Aming hinihiling sa Iyo ang grasiyang ito sa pamamagitan ng Iyong
nakamamanghang pag-ibig sa Iyong makalangit na Ama na ang pag-ibig na ito ang
nagpapaalab ng matindi sa Iyong Puso.
Ama na Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga matapat na
kaluluwa, sa mga tagapagmana ng Iyong Anak. Alang-alang sa Kanyang
napakamalungkot na Pasiyon, ipagkaloob Mo sa kanila ang iyong bendisyon, at kubkubin
Mo po sila ng Iyong palagiang pangangalaga. Huwag sanang mawala ang kanilang pag-
ibig o mawala ang malaking kayamanan ng kanilang pananampalataya, at sa halip
kasama ang lahat ng makapal na mga anghel at mga santo, ay magpuri sana silang lahat
sa Iyong walang hanggang awa magpasawalang hanggan. Amen.

Panalangin sa Ika-apat na Araw


Nakaupo: Lider: Winika n gating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw na ito dalhin mo sa Akin Ang Hindi Naniniwala Sa Akin. Sila ay naala-ala Ko rin
noong sandali ng Aking Paghihirap at ang gagawin nilang pagkilala sa Akin sa hinaharap
ay ang siyang naka-aliw sa Aking Puso. Ilubog mo sila sa karagatan ng Aking pagka-
awa.”
Nakaluhod: Panalangin: Lubhang maawaing Hesus, Ikaw ang
Liwanag ng buong mundo. Tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso,
ang mga kaluluwa noong mga hindi pa naniniwala sa Iyo o nakakakilala sa Iyo. Bayaan
Mo na ang liwanag ng Iyong grasiya ang tumanglaw sa kanila at nang sila, kasama namin
ay magpuri sa Iyong kahangahangang awa; at huwag Mong pabayaan silang mahiwalay
sa Iyong tahanan na walang iba kundi ang Iyong Napakamaawaing Puso.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa kaluluwa noong mga
hindi naniniwala sa Iyong Anak, at sa mga kaluluwa noong mga hindi pa nakakakilala sa
Iyo ngunit sila’y nakalakip na rin sa Napakamaawaing Puso ni Jesus. Ilapit Mo sila sa
liwanag ng Ebangheliyo. Itong mga kaluluwang ito ay hindi nalalaman kung anong
napakalaking kaligayahan ang umibig sa Iyo. Ipagkaloob Mo sana, na sila rin ay
magpuiri sa kadakilaan ng Iyong awa magpasawalang hanggan. Amen.

Panalangin sa Ikalimang Araw


Nakaupo: Lider: Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw na ito dalhin mo sa Akin Ang mga Kaluluwa ng mga Kahiwalay Na Kapatid at
ilubog mo sila sa karagatan ng Aking pagka-awa. Noong sandali ng Aking Paghihirap
sinira nila ang Aking Katawan at Puso, iyan ang Aking Simbahan, ang Aking mga sugat
ay naghilom at gumaling, at sa ganoon ay nabawasan ang Aking mga paghihirap.”

Nakaluhod: Panalangin: Napakamaawaing Hesus, ang Kabutihan, mismo hindi Mo


itinatanggi ang liwanag sa mga humihingi nito sa Iyo. Tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong
Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga kahiwalay naming mga kapatid.
Tawagin Mo sila sa pamamagitan ng Iyong liwanag sa pagkakaisa ng Iglesia, at huwag
Mo silang pabayaang mahiwalay sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso; loobin
sana Ninyo na sila rin ay magpuri sa kadakilaan ng mapagkaloob Mong awa.
Ama na Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwa ng mga
kahiwalay naming kapatid, lalo’t higit yaong mga nag-aksaya ng iyong mga biyaya at
hindi ginamit sa wastong paggamit ang mga grasiya na ibinigay Mo sa patuloy nilang
paggawa ng kamalian. Huwag Mong tingnan ang kanilang kamalian at sa halip ang Iyo
pong tingnan ay ang pagmamahal ng Iyong Anak at ang mapait na Pasiyon, na Kanyang
dinaanan alang-alang sa kanila, yaman din lamang na sila ay nakalakip na rin sa
Kanyang Napakamaawaing Puso. Loobin Mo sana na sila rin ay magpuri sa Iyong
napakadakilang awa magpasawalang hanggan. Amen.

Panalangin sa Ika-anim na Araw


Nakaupo: Lider: Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw na ito dalhin mo sa Akin Ang mga Kaluluwang Maamo at may Mababang Kalooban
at ang mga Kaluluwa ng mga Bata, at dahil sa Aking napakalaking pagka-awa. Ang mga
kaluluwang ito ang tunay na kawangis ng Aking Puso. Sila ang nagpalakas sa Akin sa
sandali ng Aking napakapait na paghihirap. Nakita Ko sila na kawangis ng mga Anghel
sa lupa, na sila ang magtatanod sa Aking mga altar. Ibinuhos Kos a kanila ang
napakarami Kong grasiya. Tanging ang mga kaluluwang may mababang loo bang
makatatanggap ng Aking grasiya. Tinatangkilik ng Aking pagtitiwala ang mga
kaluluwang may mababang kalooban.”
Nakaluhod: Panalangin: O lubhang Maawaing Hesus, Ikaw mismo ang nagsabi, Mag-aral
kayo sa Akin sapagkat Ako’y maamo at mababang loob. “Tanggapin Ninyo sa tahanan
ng Iyong Napakamaawaing Puso ang lahat ng may maamo at mababang kalooban na mga
kaluluwa at ang kaluluwa ng mga bata. Itong mga kaluluwang ito ang nagbibigay ng
matinding kagalakan sa buong kalangitan at sila ang itinatangi ng makalangit na Ama.
Sila ay nakakatulad ng mabangong pumpon ng mga bulaklak sa harapan ng trono ng
Panginoong Diyos; ang Diyos mismo ang naliligayahan sa kanilang mabangong samyo.
Ang mga kaluluwang ito ang may pampalagiang tahanan sa Iyong Napakamaawaing
Puso, O Hesus, at sila ay patuloy na umaawit ng himno ng pag-ibig at pagka-awa.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwa na
maamo, sa mga kaluluwa na may mababang kalooban at sa mga bata na kasama sa
tahanan na walang iba kung hindi ang Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ang mga
kaluluwang ito ang nakakahambing ng Iyong Anak. Ang humahalimuyak nilang bango
ang pumapaitaas buhat sa lupa at nakararating sa Iyong trono. Ama ng Awa at ng lahat
ng kabutihan, hinihiling ko po sa Inyo alang-alang sa pag-ibig Mo sa kanila at sa
kaligayahan na rin na Inyo pong nakukuha mula sa kanila, bendisyunan Mo ang buong
mundo, nan gang lahat ng kaluluwa ay samasamang umawit ng mga papuri sa Iyong awa
magpasawalng hanggan. Amen.

Panalangin sa Ikapitong Araw


Nakaupo: Lider: Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw dalhin mo sa Akin ang mga Kaluluwa ng mga Gumagalang at Nagpupuri sa Aking
Malaking Pagkaawa at sila ay ilubog sa Aking awa. Ang mga kaluluwang ito ang
nalungkot ng labis sa Aking Pasiyon at nakatuloy ng ganap sa Aking espiritu. Sila ang
mga buhay na imahen ng Aking Napakamaawaing Puso. Itong mga kaluluwang ito ang
sisikat na may natatanging liwanag sa aking buhay. Wala isa man sa kanila ang
mahuhulog sa apoy ng impiyerno. Ako Mismo ang magtatanggol sa bawat isa sa kanila sa
oras ng kamatayan.”
Nakaluhod: Panalangin: Lubhang Maawaing Hesus, na ang Puso Mo ang Pag-ibig mismo,
tanggapin Mo sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang mga kaluluwa ng mga
tanging nagbibigay puri at gumagalang sa kadakilaan ng Iyong pagka-awa. Ang mga
kaluluwang ito ay makapangyarihan sa tanging kapangyarihan na rin ng Diyos. Sa gitna
na lahat ng mga hirap at mga balakid tuloy pa rin sa pagsulong, hindi nawawalan ng pag-
asa sa Iyong awa; at kaisa sa Iyo, O Hesus, dinadala nila ang sangkatauhan sa kanilang
mga balikat. Ang mga kaluluwang ito ay hindi huhusgahan ng mahigpit, at sa halip ay
ang Iyong awa ang yayapos sa kanila pagpanaw nila sa buhay.
Amang Walang Hanggan, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwang
nagpupuri at gumagalang sa Iyong pinakadakilang katangian, at iyan ay ang Iyong
walang hanggang awa, na sila rin ay nakapaloob sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ang
mga kaluluwang ito ang buhay na Ebanghelyo; ang kanilang mga kamay ay puno ng mga
gawain ng awa at ang kanilang mga puso, na nag-uumapaw sa kaligayahan, ay nagsisi-
awit ng mga awitin ng awa sa Iyo, O Diyos na kataas-taasan! Aking isinasamo sa Iyo, O
Panginoon Diyos! Ipakita Mo po sa kanila ang Iyong awa nang naayon sa pag-asa at
pagtitiwala nila sa iyo. Matupad nawa sa kanila ang ipinangako ni Hesus, na nagsabi sa
kanila na sa buong buhay nila lalo’t higit sa oras ng kamatayan, ang mga kaluluwa na
gagalang sa Kanyang walang hanggang awa Siya mismo ang magtatanggol bilang
Kanyang kaluwalhatian. Amen.

Panalangin sa Ikawalong Araw


Nakaupo: Lider: Winika ng ating Panginoong Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayong
araw na ito dalhin mo sa Akin ang mga Kaluluwang Napipigil sa Purgatoryo at ilubog mo
sila sa kailaliman ng Aking pagkaawa. Bayaan na ang dumanak na Dugo Ko ang
magpalamig at siyang magpahina ng apoy na nagbibigay ng pahirap sa kanila. Lahat ng
mga kaluluwang ito ay minamahal Ko rin ng lubos. Sila ay nagbabayad sa kanilang
pagkukulang sa Aking hustiya. Nasa inyong kapangyarihan ang ikagigihawa nila. Tipunin
ninyo ang lahat ng indulhensiya sa kayamanan ng Aking Simbahan at ialay alang-alang sa
kanila. O kung nalalaman lamang ninyo ang tinitiis nilang hirap, kayo ay laging mag-
uukol sa kanila ng lahat ng bagay na magagawa ninyo matulungan lamang ninyo sila na
makabayad ng utang ng Aking hustisya.
Nakaluhod: Panalangin: Lubhang Napakamaawaing Hesus, ikaw mismo ang nagsabi na
hangad Mo ang awa; kaya dinadala ko sa tahanan ng Iyong Napakamaawaing Puso ang
mga kaluluwa sa Purgatoryo, mga kaluluwa na mahal sa Iyo, subalit, kinakailangang
magbayad sa pagkukulang sa Iyong hustisya. Haringa’t ang mga agos ng Dugo at Tubig
na dumaloy mula sa Iyong Puso ang siyang pumatay sa apoy ng Purgatoryo, at nag doon,
din, ang kapangyarihan ng iyong awa ay maipagdiwang.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga kaluluwang
naghihirap sa Purgatoryo, na kasama sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Isinasamo ko
sa Iyo, alang-alang sa napakalungkot na Pasiyon ni Hesus na Iyong Anak, at alang-alang
sa napakalungkot na Pasiyon ni Hesus na Iyong Anak, at alang-alang na rin sa lahat ng
kapaitan na nag-umapaw sa Kanyang kamahal-mahalang Kaluluwa. Ipakita Mo ang
Iyong awa sa mga kaluluwa na nasa Iyong makatarungan at masusing paghuhusga.
Tingnan Mo po sila sa walang ibang pamamaraan kung hindi sa pamamagitan ng mga
Sugat ni Hesus, ang Iyong pinakamamahal na Anak; sapagkat kami ay naniniwala na
walang hanggan ang Iyong kabutihan at awa. Amen.

Panalangin sa Ikasiyam na Araw


Nakaupo: Lider: Winika ng ating Panginoon Hesukristo kay Sor Faustina, “Ngayon araw
na ito dalhin mo sa Akin ang mga Kaluluwa na Nanlamig at ilubog mo sa kailaliman ng
Aking malaking pagka-awa. Ang mga kaluluwanhg ito ang lubhang nagpapasugat sa
Aking Puso at nagbibigay ng matinding pasakit. Ang kaluluwa ko ay lubhang nagtiis ng
kasindaksindak na kamuhian sa Halamanan ng mga Oliba dahil sa mga nanlamig na mga
kaluluwa. Sila ang dahilan kung bakit nawika Ko: ‘Ama Ko kung maaari’y ilayo Mo sa
Akin ang saro ng paghihirap na ito.” Para sa kanila ang kahuli-hulihang pag-asa ng
kaligtasan ay ang tumakbo sa Aking awa.”
Nakluhod: Panalangin: Lubhang Napakamaawaing Hesus, Ikaw mismo ang
Pagka-awa. Dinadala ko ang mga nanlamig na kaluluwa sa tahanan ng Iyong
Napakamahabaging Puso. Dito sa apoy ng Iyong dalisay na pag-ibig bayaan Mo na ang
mga nanlamig na kaluluwang ito, na parang mga bangkay, na siyang nagdulot ng
matinding kamuhian sa Iyo, ay muling mag-alab. O lubhang Napakamaawaing Hesus
gamitin mo ang kapangyarihan ng Iyong pagka-awa at tawagin Mo sila sa kataimtiman
ng Iyong pag-ibig, at ibigay Mo sa kanila an gala-ala ng banal na pag-ibig, sapagkat
walang bagay ang hindi sumailalim sa Iyong kapangyarihan.
Walang Hanggang Ama, ilingon Mo ang Iyong maawaing titig sa mga nalamig na
kaluluwa na kasama rin sa Napakamaawaing Puso ni Hesus. Ama ng Awa, isinasamo ko
sa Iyo alang-alang sa Kanyang tatlong oras na paghihirap sa Krus ay Iyong ipahintulot
na, sila rin ay makapagpuri sa kalaliman at sa di masayod na hiwaga ng Iyong pagka-
awa. Amen.

Panalangin sa Araw-araw sa Ating Panginoon Upang Makamtan ang mga Biyaya sa


Pamamagitan ng Alagad ng Diyos na si Sor Faustina

O Hesus, na pinuspos Mo ang Iyong alagad, na si Sor Faustina , ng mataimtim na


paggalang sa Iyong Walang Hanggang Awa, loobin mop o sana, kung ito ay naaayon sa
Iyong banal na kagustuhan, na ipagkaloob sa akin, sa pamamagitan niya ang mga biyaya
na aking hinihiling. (Sabihin ang mga kahilingan.)
Ako ay hindi karapat-dapat tumanggap ng Iyong Awa dahil sa aking mga kasalanan,
ngunit alalahanin po Ninyo Panginoon na si Sor Faustina dahilan sa kanyang sakripisyo
at pagkakait sa kanyang sarili, ay gantimpalaan po sana Ninyo ang kanyang mga
kabutihang loob sa pamamagitan ng pagkakaloob sa akin ng aking mga kahilingan na, sa
Iyong harapan ay aking idinudulog nang may buong pagtitwala na tulad ng pagtitiwala
ng isang bata, sa pamamagitan na rin ni Sor Faustina.

Magdarasal ng Isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati.

Pangwakas na Panalangin sa Mabathalang Awa (Nakatayo)


O Napakadakilang Mahabaging Diyos, Walang Hanggang Kabutihan, ngayon lahat ng
tao ay tumatawag buhat sa kalaliman ng kanilang kahirapan sa Iyong pagka-awa, sa
iyong Pagkamahabagin, O Diyos; huwag sanang tanggihan ang panalangin ng mga
naririto sa mundong ito! O Diyos, Kabutihan na lampas sa aming pag-unawa, na ganap
nan aka-aalam n gaming mga kahirapan, at nakakatalastas din sa aming sariling
kapangyarihan hindi kami maaaring makapaitaas sa Iyo, kami ay nagmamaka-awa sa
Iyo. Paunahan Mo po kami ng grasiya at laging dagdagan ang Iyong pagka-awa sa amin,
nan gaming matapat na magampanan ang Iyong banal na Kagustuhan sa buong buhay
namin at sa oras ng kamatayan. Bayaan ang walang hanggang kapangyarihan ng pagka-
awa Mo ang siyang magsanggalang sa amin sa mga palaso ng mga kaaway ng aming
kaligtasan, at nang kami nang may buong pagtitiwala, bilang mga Anak Mo. Ay hintayin
ang Iyong huling pagdating ang araw na iyon na Ikaw lamang ang tanging nakakaalam.
At aming inaasahan na makakamit ang lahat na ipinangako sa amin ni Hesus sa kabila ng
lahat ng aming kasamaan. Pagkat si Hesus an gaming Pag-asa: sa pamamagitan ng
Kaniyang Maawaing Puso tulad ng sa pamamagitan ng bukas na pinto kami daraan
patungo sa langit. Amen.

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at Espiritu Santo. Amen.

You might also like