Panalangin Kay San Padre Pio NG Pietrelcina

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN KAY SAN PADRE PIO NG PIETRELCINA

Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.


Mahal na Padre Pio, tumatawag ako sa iyo ngayon kasama ng
maraming nagmamahal at namimintuho sa iyo.
Alang-alang sa mga sugat na iyong tiniis nang maraming taon
bilang pakikiisa sa pagpapakasakit ni Jesus, naging kalugud-lugod
ka sa Panginoon at tinawag ka upang mapabilang sa kasamahan ng
mga banal.
Naniniwala akong dinidinig ng Panginoon ang iyong pagtawag para
sa mga humihingi ng paggaling at pinatatawad din niya ang iyong
mga pinatawad.
Ang paggaling ng maysakit ang katibayan na hindi ka binibigo ng
Panginoon.
Sumasamo ako sa iyo na tulungan akong ilapit sa Diyos ang aking
kahilingan.
(Banggitin ang kahilingan.)
Huwag mo sana akong pabayaan at pagpalain mo ang lahat ng
aking mga mahal sa buhay. Amen.
Dasalin ang isang Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Papuri.
San Padre Pio ng Pietrelcina ………… Ipanalangin mo kami.
Sa ngalan ng Ama, at ng Anak, at ng Espiritu Santo. Amen.

You might also like