Aegis 1 - Seducing The Bad Boy They Are in A

You might also like

Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 640

Seducing The Bad Boy (AWESOMELY COMPLETED)

by HopelessPen

The boy is mine..

Akin siya..

Mamatay mang-aagaw..

Mainggit na lahat ng inggitera..

Pero sa akin pa rin ang bagsak..

Ni Stanley Montreal

=================

Seducing The Bad Boy

A.E.G.I.S First Installment: Stanley Philip Montreal (Seducing The Bad Boy)

By: Ace Domingo

Victoria Shayne Ocampo loved Stanley Montreal since eversince. Wala pa man siyang
ngipin, ang binata na talaga ang minahal niya. She doesn't care if she looks like a
stalker, or a moron for constantly tailing Stanley. Ito lang talaga ang ginusto
niya magmula pa noong nagkaisip na siya.

Pinangako niya sa sarili niya na kahit tamaan man siya ng kidlat, masagasaan man
siya ng pison at sumabit man siya sa eroplano, hindi niya isusuko si Stanley.
But Stanley hates her. He hates her guts. He hates the way she dresses. He hates
her. Kaya lumayo ito sa kanya noong mga bata pa lamang sila. And that broke her
young heart.

It was so painful but that pain made her stronger. Stanleys' goodbye became her
lifeline. She became Tori, a fearless, gorgeous lady and erased every bit of the
weird Toryang away. She prepped herself for their reunion.

So she promised herself na kapag nagkita na silang dalawa, Stanley will not see
Toryang Bungi, but Tori the gorgeous. She will seduce AEGIS' lead drummer and make
him fall for her. He will fall for her the way she fell for him. At kapag nangyari
iyon, it is game over.

She will seduce the badboy.

Itaga mo pa yan sa ngipin niyang natraffic.


LooneyBee, as requested yan ha?

*pen<3

=================

Prologue

Seducing The Bad Boy

By: Ace DomingoSEDUCING THE BAD BOY


“Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda
ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang.” Napanganga ako sa
sinabi nito. Tuloy tuloy iyon at punong puno ng panlalait.

“Tan tan--“

“Tigil mo na ang pagsunod sa akin Toryang. Kung hindi, makakatikim ka talaga.


Nakakairita na kasi eh.” Sabi pa nito habang kinakalabit ang gitara niya. Hindi ko
na napigilan ang mga luha ko sa pagtulo sa bawat salita niya.
“Tan..” napahikbi na ako. Nakita ko siyang huminga ng malalim bago inayos ang
salamin ko sa mata.

“Toryang, bestfriend kita. Pero hanggang doon lang yun. Alam mo namang wala akong
balak selyuhan agad ang sarili ko. Sa gwapo kong ito, may mahahanap pa akong babae
na higit sayo.” He said sweetly, pero parang kutsilyo ang pagtarak ng mga ito sa
dibdib ko.

Mahal ko si Stan. Noon pa man siya na. Pero ayaw niya sa akin dahil baduy ako. At
naiinis ako sa sarili ko dahil naniwala ako na makakaya niya akong tanggapin.
Ganoon naman kasi diba? Kapag mahal ka, tatanggapin ka kahit na ano ka. Pero mali
pala ako.

“Toryang, gutom na ako. Uwi na tayo.” Hinila niya ang kamay ko at pinatayo ako.
Huminga ako ng malalim at tiningnan ang kamay naming dalawa. I tried memorizing the
feeling of his hand intertwined with mine, dahil alam ko, ito na ang huling
pagkakataon na hahawakan ako ni Tan Tan sa kamay.

Masakit man, kailangan kong tanggapin na hindi niya ako magugustuhan dahil
kabaligtaran niya ako sa lahat ng bagay.

At kailangan kong magbago para mahalin niya. Hindi na pwedeng manatili si Toryang.
*pen<3

=================

The Bitter Queen

UNANG KABANATA

Make-up. Check.

Dress to kill. Check.


Killer heels. Check.

Huminga ako ng malalim ng makita kong handa na ako para sa pagbabalik ko sa


Pilipinas. It’s been a decade since I went away to study law in States. And to move
on.

Okay, I spent ten years trying to forget that guy. Isipin ninyo, sampung taon kong
pinilit ang sarili kong kalimutan si Stanley Philip Montreal. Kaya nga ako sumama
kay Tita at nag-aral dito para malayo ako sa kanya ng sa gayon ay mabura ko siya sa
sistema ko, but guess what? I am still a sucker and a failure pagdating kay Tan-
Tan. Siguro habangbuhay na akong ganito.

Kaya ngayon, babalik na ako. At babawiin ko ang akin.

To hell with Georgina. O sa iba pang babae. Ang akin ay akin. At kahit hindi akin,
aangkinin ko para maging akin. At akin si Stanley. Mula noong wala pa akong ngipin
hanggang ngayong kumpleto na ako, with matching boobs and all, akin na siya.
Kinuha ko na ang maleta ko at lumabas na ng apartment na tinuluyan ko magmula noong
sinubukan kong kalimutan si Tan Tan. Subok lang naman eh, hindi nagwork. Ganoon
siguro talaga ang life. Ang hirap magmove on.

Nakakatuwa. Twenty five na ako pero tulad pa rin ako ng batang bungi noon, patay na
patay pa rin ako sa kanya. Haay, ang hirap umahon sa lalaking iyon. Kahit sobrang
mainitin ang ulo niya, go lang ng go. Kahit ano pa yatang negative niyang
paguugali, wala na akong pakialam. Basta alam ko, siya na ang gusto ko noon pa man.

Mabilis akong nakarating sa airport. Agad na akong nag board para makatulog na ako
at maging fresh paglapag ko sa Pilipinas.

Dapat maganda ako pagkarating ko. I still have to seduce a bad boy.
______________________________

“TORYANG!!”

Napalingon ako sa sumigaw ng dati kong pangalan. Hello, ang baho kaya ng Toryang.
Umismid ako lalo pa at nakita ko na ang apat na itlog na naghihintay sa akin sa
NAIA. Tumakbo si Greg sa akin at agad niyang kinuha ang maleta ko.

“Bumili ka ng chocolates ko?” tanong niya habang kinakalkal ang maleta ko. Umikot
lang ang mata ko sa pinagagagawa niya.

“Maleta ko talaga ang sinalubong mo, hindi ako?”


“Oo naman. Maleta mo lang naman importante.” Walang pakialam niyang sagot.
Tinitigan ko lang siya habang isa isa niyang pinaglalalabas ang mga bra ko at
nighties, take note, sa tapat ng entrance ng NAIA, sa harap ng maraming tao.

“Gago ka talaga!” biglang sabi ni Iñigo kay Greg at inagaw ang pula kong bra at
inabot sa akin. Inis kong kinuha iyon at pinasok sa bag ko.

“Aray ko, lupit nito.”

“Baliw ka kasi eh.”

Nagtitigan lang ang dalawa. Napailing na lang ako sa inasta nila. Mga hindi pa rin
nagbabago.
“Toryang~” sabi ni Ethan sa akin habang nakaakbay. Tinitigan ko siya bago ko hinila
ang cap niya.

“Hoy! Ano ba, makikilala kami!” sigaw niya habang kinukuha niya ang cap sa akin.
Binalik ko naman agad, mahirap na. Baka dumugin pa kami ng fans nila kapag
nagkataon.

“Kamusta.” Athan greeted me. Siya lang yata ang kaisa isang matino sa kanilang
magkakaibigan. Suplado nga lang pero keri na.

Ngumiti lang ako sa kanya. Inalalayan na nila akong apat pasakay sa van. Ang ingay
ingay nila habang nasa byahe. Ang dami nilang tanong tungkol sa akin, namiss yata
talaga ako. Di yata sila nagkakasya sa skype lang namin.
“Hindi ka ba magtatanong tungkol sa Tan Tan mo?” pang-aasar sa akin ni Greg.
Tinitigan ko lang siya.

“Sa kasamaang paa, sila pa rin ni Georgina. Masaya ka ba doon?” dagdag ni Iñigo.
Bigla siyang sinapok ni Ethan.

“Loko ka talaga. Bakit mo sinabi kay Toryang?”

“Aray ko talaga ha! Bakit lagi ako ang nasasapok?” sigaw ni Greg. Napabuntong
hininga na lang ako sa kaguluhan na nangyayari sa loob ng van.

“Kasi tanga ka! Bakit mo kasi sinabi kay Toryang?” si Athan naman ang nagsalita.
Nanahimik silang tatlo bago tumingin kay Athan.
“Grabe pare, nagsasalita ka pala?” pang-aasar ni Iñigo.

“Gago.” Inis na sabi ni Athan bago lumiko. Napangiti na lang ako. Tiningnan ako ni
Greg.

“Sila pa rin hanggang ngayon. Ayos lang ba yun sayo?” diretsyo niyang tanong. Hindi
agad ako nakasagot. Ano naman ang sasabihin ko? Ayos lang ba sa akin?

“Oo naman. Kaya nga ako bumalik hindi ba? Babawiin ko si Tan Tan sa kanya.” Mariin
kong sinabi. Ngumiti ng malawak si Greg.

“Pero girlfriend nga niya si Georgina.”


“So? Asawa nga naaagaw, boyfriend pa kaya?” matapang kong sagot. Napatahimik ang
apat bago sabay sabay na nag-apiran.

“Sa wakas, bumalik na ang reyna.” Natatawang sabi ni Ethan bago yumuko sa akin.

Mga baliw talaga.

------------------------------------------------------------

Agad akong nakarating sa studio nila. Isinuot ko agad ang shades ko para mamaya
kapag tinanggal ko iyon, magugulat si Tan Tan at maakit siya tapos ending na ng
kwento namin. Hindi joke lang, nagmamaganda lang ako. Nakakaganda daw kasi yung
shades.

“Ready ka na?” tanong ni Greg sa akin. Hinawakan niya ang siko ko para alalayan
ako.

Napalunok ako. Kinabahan ako sa kaalamang ilang minuto na lang at makikita ko na


ulit siya ng personal. Grabe lang. Hindi ko naman siya ex, at maayos naman ang
paghihiwalay namin noong umalis ako, pero pakiramdam ko ay awkward ang susunod na
mga minuto kapag nakaharap ko na siya.

Pwede bang magbackout? Kinakabahan talaga ako.

Pumasok na kami sa elevator. Naghiwalay lang kami ng mga boys noong dumiretsyo sila
sa opisina nila. Ang sabi nila ay pwede daw akong pumunta sa dressing room. Kaya
doon ako dumiretsyo. Malapit na ako sa pintuan ng bigla akong mapahinto at
makarinig ako ng mga nag-uusap.
“Georgie. Why can’t you just say yes?”

Napatigil ako ng marinig ko ulit ang boses niya. Dahan dahan akong sumilip sa
pintuan. Nakita ko ulit siya at nahigit ko ang hininga ko. Pakiramdam ko ay nahulog
ang puso ko ng makita ko na naman ang nakakunot niyang noo.

“Paano naman ako papayag sa gusto mo Stanley? Kasal? Pwede ba, ang bata pa lang
natin.”

“25 na tayo. Anong bata doon?”


“Sinabi na nga kasing ayaw ko. Ano bang hindi mo maintindihan doon Stanley? Oo nga,
25 ka na, but you are still immatured. You act as if you are still a damn fifteen
year old!” sigaw ni Georgina. Napasinghap ako sa sinabi nito.

May narinig akong nabasag bago biglaang bumukas ang pintuan. Muntik pa akong tamaan
noon, mabuti na lamang at agad akong nakaiwas. Nakita kong tumakbo palabas si
Georgina. Tiningnan ko lang siya bago napangiti.

Hindi niya alam kung anong tinatapon niya.

Sumilip ako sa loob. Nakita kong nakasandal si Tan Tan sa sofa. Kumatok ako pero
hindi siya gumalaw. Tuloy tuloy na akong pumasok.

“Hoy.” Sabi ko. Hindi siya gumalagaw. Nakapikit pa rin siya. Kinuha ko ang bag ko
at binato sa kanya.
“Anong?”

“Mukha kang tanga Stanley. Tumayo ka nga diyan.” Nangaasar kong sabi. Nakatitig
lang siya sa akin bago niya pinunas ang kamay niya sa mukha niya.

“Sino ka?” tanong niya. Napataas ang kilay ko. Sabi ko na nga ba at hindi niya ako
makikilala. Lumapit ako sa kanya at ngumiti.

“Ako ang magiging ina ng mga anak mo.” Nakangiti kong sabi.Napanganga siya bago
umiling. Sinara niya ang pintuan.

“Paano ka nakapasok? Stalker ba kita? Wag muna ngayon ha? Brokenhearted ako.” Tuloy
tuloy niyang sabi. Nagkibit balikat lang ako bago umupo sa sofa na kinauupuan niya
kanina.

“Oo nga eh. Sakit naman mareject diba?” sabi ko. Bitter pa ako niyan. Ilang beses
ba niya akong nireject. Ngayon, siya naman ang nakararanas noon kay Georgina. Hay,
tadhana nga naman, parang gulong.

Tiningnan lang niya ako ng masama. May sasabihin pa sana siya ng biglang bumukas
ang pintuan at pumasok sila Greg.

“Stan, record na daw tayo.” Sabi nito bago tumingin sa akin. Nilahad ni Greg ang
kamay niya sa akin. Lumapit ako sa kanya bago niya hinalikan ang pisngi ko.

“Girlfriend mo yan?” tanong ni Stan habang kumukuha ng kape niya.


“Hindi.” Simpleng sagot ni Greg.

“Oh? Sino yan?”

“Si Toryang.”

Biglaang napatingin sa akin si Tan Tan. Nabitawan niya ang kape niya bago ako
tinuro.

“TORYANG BUNGI?!” sigaw niya habang nakaturo sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya.
“Hello Tan Tan.”

“I-ikaw yan? Ba-bakit...KAILAN KA PA UMUWI?! BAKIT HINDI KO ALAM?!” galit na galit


niyang sabi.

At natawa na lang ako sa sinabi niya.

--------------------------------------------------

Pakibasa muna ang special chapters nilang dalawa sa Vices bago ito. :)

Salamat. Bukas na lang yung kila Chance ha?

*pen<3

=================

The Bitter Plan

IKALAWANG KABANATA
Nakatitig lang siya sa akin kahit na nasa loob na silang lima sa studio. Hindi nga
siya makatugtog ng maayos dahil tinitingnan lang niya ako. Ilang beses na siyang
pinagalitan ng scorer nila at ng manager pero walang pakialam si Stanley. Kaya
ayun, nag break sila ng di oras.

“Toryang~” ngawa ni Ethan bago lumapit sa akin at ipinatong niya ang ulo niya sa
balikat ko. tinaas niya ang kamay niya at pinakita niya ang namumula niyang mga
daliri.

“Ang sakit ng gitara.” Parang batang sabi niya. Natawa na lang ako. Ethan is
childlike in nature. I like that about him. Kahit na ang bigat na ng pressure para
sa banda nila, considering how big they are now, wala lang iyon sa kanya. Nag-
eenjoy pa siya at yun ang maganda.

“Hahampasin kita ng gitara kapag di mo nilubayan si Toryang.”


Napatingala ako kay Stanley ng nagsalita siya. Ngumuso si Ethan at lalong
nagsumiksik sa akin.

“Doon ka kay Georgina. Alis. Moment namin ni Toryang ito. Tagal na niyang hindi
sinasagot tawag ko sa Skype!” nagtatampong sabi nito. Tumawa naman ako.

“Busy nga kasi ako.” Pagtatanggol ko sa sarili ko.

“Kahit na. Pati rin tawag ko hindi mo sinasagot.” Maktol ni Iñigo. Narinig kong
suminghap si Stanley sa gilid pero hindi ko na siya nasagot dahil sumabat naman si
Greg.

“Ang hina ninyo kasi sa reyna natin. Ako, sinasagot ako ni Toryang kapag tumatawag
ako.” Nakangising sabi ni Greg. Pinandilatan ko lang siya dahil nagwala ulit si
Ethan at Iñigo sa tabi ko.

“Ang daya mo! Favoritism!” akusa sa akin ni Ethan. Tumawa lang ako ng malakas when
Athan cleared his throat.
“Ang iingay ninyong lahat. By the way queen, salamat at pinatuloy mo ako sa
apartment mo noong binisita kita. Last christmas iyon hindi ba?” seryosong sabi
nito. Napanganga silang lahat.

“You let him sleep at your apartment?!” sigaw ni Stanley. Tumango tango naman sina
Ethan, Greg at Iñigo.

“Binisita niya ako. Alangan namang hayaan ko siyang maghotel, pwede naman siya doon
sa akin.” sagot ko.

“Anong pwede! Hindi pwede Toryang! At bakit nacocontact ka nila! Bakit ako hindi?!”

“Nagtanong ka ba?” sagot ko. Lalo siyang namula sa sinabi ko.

“Oo nga, nagtanong ka ba?” Si Greg.


“You should have asked.” Segunda naman ni Ethan.

“Anong--why would I ask? As a bestfriend I am entitled to know whatever is


happening to you! Akalain mo yun, wala akong balita sayo sa loob ng sampung taon!
Habang ikaw!! Habang sila, alam kung ano ng nangyayari sayo!” galit na galit na
niyang sabi. Ngumiti lang ako at pinaglaruan ang buhok ko.

“She’s our queen. Hindi siya obligadong ipaalam ang kahit na ano sa atin.”
Pagtatanggol ni Athan sa akin.

“Isa ka pa! Aaargh! Toryang!” sigaw niya. Tumaas na ang kilay ko.

“Ano ba kasing kinagagalit mo? Nagagalit ka kasi hindi kita kinontact? Nagagalit ka
kasi sila Greg alam nila habang ikaw hindi? Stan naman, hindi ba yun yung gusto mo?
Ayaw mo akong makausap kasi nagseselos si Georgina sa akin? Ginawa ko lang naman
yung gusto mo ah, bakit ikaw ngayon yung nagagalit?” mahinahon kong sabi. Nanahimik
na silang lahat habang si Stanley naman ay nakatitig lang sa akin.
Huminga ako ng malalim. Naramdaman kong humigpit ang hawak ni Ethan sa balikat ko.
Lumapit pa ang tatlo sa akin na para bang pinoprotektahan nila ako sa Montreal na
nasa harapan ko.

“Enough.” Si Athan na ang nagsalita. Stanley clenched his jaw at napailing na lang.
lumapit siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Naalerto ang apat but I smiled.

“Dito ka nga bungi.” Sabi niya. Lumapit ako sa kanya. Bigla niya akong hinila at
niyakap ng mahigpit. Pakiramdam ko ay nagrigodon ulit ang dibdib ko ng niyakap niya
ako. Niyakap ko rin siya pabalik.

“Miss na kita.” Bulong niya. Napangiti naman ako sa sinabi niya.

“Galit ako sayo. Sinigawan mo ako.” Sagot ko. He chuckled and hugged me tighter.
Huminga lang siya ng malalim.

“GROUPHUG! PARA SA REYNA!” sigaw ni Ethan at dinaluhong niya kami ng yakap. Sumama
na sina Greg at Iñigo. Naiwan si Athan sa gilid kaya tinignan ko siya.
“Di ka lalapit?” mataray kong tanong. Ngumisi lang siya bago umiling.

“Isa Athan! Utos ng reyna! Lumapit ka dito!” sabi ko. Natawa na lang siya ng
malakas bago yumakap din sa amin.

“Naman. Panira kayo ng moment!” sigaw ni Stanley bago ako hinila at niyakap ng
solo. Muntik pa akong matumba sa lakas ng paghila niya sa akin.

“Akin siya. Mamatay na mang-aagaw.” Suplado niyang sabi bago ako hinila palabas.
Hahabol pa sana sina Ethan pero mabilis na nasara nito ang elevator.

“Namiss talaga nila ako.” Sabi ko sa kanya habang natatawa kapag naalala ko ang
mukha ni Ethan kanina.

“They treat you as their queen. Noong umalis ka, nalungkot talaga sila.” Sabi niya.
Huminga ako ng malalim. Sila. Ang apat na itlog lang ang nalungkot. Sino ba naman
ako para ikalungkot ni Stanley?
“Nagpakulay ka ng buhok?” biglaan niyang tanong. I gathered my hair para mahawakan
ko iyon.

“Yes. Nakakaganda daw eh.” Sabi ko na lang. Ngumisi siya.

“Tingin mo niyan maganda ka na?” tukso niya. Ngumuso lang ako.

“Kailan ba ako naging maganda sa paningin mo, aber?”

Kumunot ang noo niya na para bang nag-iisip siya.

“Kailan nga ba? Bakit tinatanong mo? Nagpaganda ka ba sa States? Wala mang nangyari
eh.” Pang-aasar niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay.
“Hoy nag-aral ako sa States. Hindi ako nagpaganda. Pwede ba.”

“Pero nagkaboyfriend ka doon?” biglaan niyang tanong. Hala? Anong connect ng


nagpaganda sa boyfriend?

“Hindi. Wala. Busy ako.” Sagot ko na lang. alangan namang sabihin ko, ‘Hindi, kasi
ikaw yung gusto ko’. Ayaw ko ng ganoon, magmumukha lang akong desperada sa kanya.
Though desperada naman talaga ako.

“Toryang..” tawag niya sa akin. Tiningala ko siya.

“Ano?”

“Seryoso na ito. Gumanda ka.” Nakangiti niyang sabi. Napanganga naman ako at hindi
ako agad nakapagsalita. Kaya nung hinila niya ako palabas ay wala na akong nagawa.
------------------------------------------

“Seryoso ito?” takang tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya bago tumango.

“Oo naman. Kain na.”

“Puro canton! Stanley hanggang ngayon ba naman?!” sita ko sa kanya. Dinala niya ako
sa eat all you can. At lahat ng available na luto ng canton ay inorder niya.

“Wag kang magreklamo. Ikaw nga farm lang yang kinakain mo.”

“Veggies ang tawag dito. Vegetarian ako!”


“So? Cantonarian ako. Wag ka ng maingay, kain na!” inis niyang sabi bago pinasak
ang lettuce sa bibig ko. Nginuya ko ito habang nakatingin ng masama sa kanya.

“Alam mo, mamatay ka talaga ng maaga sa ginagawa mo. Ang alat kaya niyan!” sita ko
pagkalunok na pagkalunok ko pa lang sa lettuce.

“Ang taong gwapo, matagal mamatay. Paano pa ako? Baka imortal na ako sa sobrang
perpekto ng mukha ko.” walang pakialam niyang sabi. Napahinga na lang ako ng
malalim. Hindi siya nagyayabang niyan. Seryoso siya kapag kagwapuhan na niya ang
usapan.

And I must admit, gwapo naman talaga siya. Siya na yata ang pinakagwapong lalaking
nakilala ko. But then again, bias ako. Mahal ko siya eh.

“At isa pa. Andyan ka naman. Bumalik na diba? Aalagaan mo na ulit ako, katulad nung
dati diba?” naninigurado niyang sabi. Tiningnan ko lang siya ng masama.

Oo naman, aalagaan ko naman talaga siya. kung gusto niya habang buhay pa.
“Bigay mo muna sa akin apelyido mo.” Seryoso kong sabi. Naglagay lang siya ng toyo
sa canton niya.

“Paano ko naman gagawin yun?”

“Pakasalan mo ako.” Deretsyo kong sabi. Ngumisi lang siya at tinitigan ako.

“Asa ka pa. May factory ka na ba ng canton?” tanong niya. Napasimangot ako. Ganoon
pa rin pala ang batayan niya para mapakasalan ang isang babae.

“Bakit? Si Georgie ba mayroon?”

“Ibang kaso si Georgina Toryang.” Mabilis niyang sagot. Huminga lang ako ng malalim
at nagpatuloy sa pagkain.
“Alam ko. Noon pa man, ibang kaso na talaga si Georgina para sayo.” Inis kong sabi.
Natawa lang si Stanley sa akin.

“Selos ka na naman.”

“Bwisit ka kasi. Alam mo namang ayaw ko sa babaeng iyon.” Tuloy tuloy kong sabi.
Pwede ba? Sinong matinong babae ang magkakagusto sa karibal niya?

“Hindi ko talaga alam kung bakit di kayo magkasundo.”

“Tanong mo sa bruha mong girlfriend kung bakit. Baka sakaling sagutin ka niya.”
Binaba ko na ang tinidor at nagpunas ng bibig.

“Alis na ako. Maguunpack pa ako. Saka ko na bigay yung pasalubong ninyo ng mga
itlog ha?” paalam ko bago umalis kahit hindi pa siya sumasagot. Alam ko namang
hindi niya iiwanan ang canton niya--lalo pa’t eat all you can iyon.
I have to have a plan kung paano mawawala ang bruha na iyon.

Kailangan kong patayin sa sindak si Georgina.

Para kay Stanley.

_____________________________

#DaNce or #TorTan ??

*pen<3

=================

Bulsa ng Pantalon

IKATLONG KABANATA
This is the day the Lord has made. Nakaitim kaming lahat at may bahid ng lungkot
ang mga mukha. Paalam Georgina. Naway di ka na bumalik pa. Salamat at namatay ka
na.

HOW I WISH!! Aargh! Nakakairita! Nabibwisit na ako kay Georgina! Grabe! Kung hindi
ko lang talaga mahal ang mga kuko ko, papatayin ko na talaga siya para wala ng
hadlang. Naman eh!

“Problema mo?” tanong ni Athan. Nasa apartment niya ako ngayon dahil wala na silang
pagkain ng kambal niya at dahil sa dakila nila akong reyna, pinagluto ko silang
dalawa ni Ethan.

“Naiinis ako kay Georgina!”

“Anong bago doon? Noon pa naman, inis ka na sa kanya.” Walang pakialam nitong sabi.
Umupo siya sa sofa at sumunod naman ako sa kanya.
“A.”

“Ano nga?”

Tinitigan ko lang si Athan bago ngumuso. Naiinis na talaga ako. Naiinis ako sa
‘ibang kaso si Georgina’ ni Stanley.

“Pangit ba ako?” tanong ko. Tumaas ang kilay ni Athan. Sasagot sana siya ng biglang
bumukas ang pintuan ng apartment niya.

“Mahal na reyna!” sigaw ni Ethan at patakbo akong nilapitan. Nasa likod na niya ang
ibang Aegis, kasama si Stanley.

“Tsk. Wag mong yakapin.” Sabi ni Athan at hinila ang kakambal niya sa gilid. Umayos
ako ng upo.
“Bakit nandito ka?” tanong ni Stanley sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Tumayo ako
at inayos ang buhok ko.

“Pinapunta ko siya dito.” Si Athan na ang sumagot. Tiningnan naman siya ni Stanley.

“Nasa baba na si Georgina. May lunch date tayong lahat ngayon diba?” sabi niya.
Napatingin naman ako kay Athan.

“Akala ko ba dito ka manananghalian? Nagpaluto ka pa sa akin.” Akusa ko. Ngumiti


lang si Athan bago nagkamot ng batok.

“Nakalimutan ko. Sama ka na lang sa amin.” Sabi nito. Ngumuso lang ako pero hinila
na ako ni Iñigo at inakbayan.

“Tara na po kamahalan.” Nakangiti nitong sabi. Sinapak ko lang siya. Naiinis pa rin
ako. Sayang ang afritada ko.
Tiningnan ko si Stanley na nakatingin pa rin sa amin ni Iñigo. Tinaasan ko siya ng
kilay.

“Hindi ka sasama? Akala ko ba naghihintay na si Georgina mo?” tanong ko. He


clenched his jaw bago tahimik na naglakad papunta sa amin. Tinulak niya pa si Greg.

“Aray! Bakit lagi na lang ako yung nabubugbog?!” sigaw ng kawawang si Greg. Humarap
sa kanya si Stanley.

“Pangit ka kasi.” Inis niyang sabi bago naunang naglakad.

------------------------------------------

“Sino yan?” maarteng tanong ni Georgina pagkakita pa lang sa akin.

“Ang babaeng aagaw ng lahat sayo.” Sagot ko. Natawa si Ethan at Iñigo sa gilid ko.
“What?” she snapped. Kumalas ako sa pagkakaakbay ni Iñigo sa akin at lumapit dito.

“Sabi ko kawawa ka naman. Arte mo na nga, bingi ka pa. I’m Tori by the way.”
Pakilala ko. Stanley cleared his throat.

“Si Toryang yan. Kakauwi lang niya kahapon.” Sabi ni Stanley. Napasinghap si
Georgina bago ako tiningnan mula ulo hanggang paa. Sabi ko na eh, insecure yan.

“Bakit kasama siya? Akala ko ba tayo tayo lang ng AEGIS?” she whined. Tumaas ang
sulok ng labi ko.

“I don’t want to eat lunch with her Stanley!” dagdag niya pa. Natawa naman ako sa
inasta niya. Pero yung totoo naiinis ako sa kanya niyan. Ang arte, di naman
maganda.

“Then don’t eat. Mamatay ka sa gutom.” Sabi ko. Hinawakan ni Greg ang balikat ko.
Georgina looked at me.
“Look guys! She’s bullying me!”

“Ayos lang.” Iñigo said.

“She’s the queen. Normal lang na mambully siya.” si Ethan naman ang nagsalita.

“So you better shut up Georgie. Kung ayaw mong kumain kasama siya, then don’t. But
we will be having our lunch with the queen.” Si Greg naman ang nagsalita bago na
ako hinila palayo. Naiwan si Georgina sa hallway kasama si Stanley. Inis na inis
itong nakatingin sa akin. Ako naman ay inis na inis na nakatingin kay Stanley.
Bakit hindi pa siya sumusunod sa amin? Mas pinili niya si Georgina, ganun?

Ibang kaso si Georgina..

I just shook my head bitterly. Ibang kaso talaga.


Malapit na kami sa van ng AEGIS. Una akong pumasok sa loob, syempre, ako ang reyna
nila. At ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko na si Stanley na nasa loob at
tutok na tutok sa iPad niya.

“Oh, bakit nandito ka?” tanong ko habang tumatabi ako sa kanya.

“Gwapo ako eh.” Sagot niya. Tinitigan ko siya dahil walang connect ang sagot niya
sa tanong ko. Hanggang sa wala na siyang idinugtong. Nakatabi na si Ethan sa akin
at hindi pa rin nagsasalita si Stanley.

“Toryang. Pawis ako.” Sabi ni Ethan. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang polbo
at tuwalya para punasan ang likod niya.

“Ikaw lalaki ka! Ang tanda mo na po!” talak ko habang pinupunasan ko ang likod
niya. Hindi naman siya nagsasalita. Nakangisi lang siya sa akin.

Naalala ko pa kung paano ko sila nakilala noon. Transferee silang dalawa ni Athan.
Tapos nakita ko silang naggigitara. Nilapitan ko sila agad at inalok na kaibiganin
si Stanley. Malungkot kasi si Stan noon kasi akala niya namatay na si Nanay Phoebe.
Ilang linggo ko rin silang kinulit kulit noon para lang kausapin si Stan. Hindi na
yata nila nakayanan ang kakulitan ko kaya nilapitan na nila si Stanley.

Iba naman si Greg at Iñigo. Mga kaibigan ko na talaga sila noon pa. Madalas,
tutugtog ng piano si Iñigo habang kakanta naman kaming dalawa ni Greg. Naisipan
naming bumuo ng banda noong nagkalapit na ang kambal at si Stanley. Sumali na noon
sina Greg at Iñigo. At doon pinanganak ang AEGIS. Kaya ako ang reyna nila. Ako ang
bumuo sa kanila eh.

“Toryang..” napatingin ako kay Iñigo. May inaabot siya sa aking kahon.

“Ano ito?”

“Brownies. Kahit di mo sinasagot tawag ko sa Skype, binilhan pa rin kita.”


Nakangisi niyang sabi. Presko talaga nitong isang to. Ngumiti lang ako at
nagpasalamat.

Bumaba kami sa isang turo turo. Ayaw kong kumain sa isang mamahaling restaurant na
kakarampot lang ang servings pero libo libo ang babayaran. Mas masaya sa turo turo.
Bahala na yung mga kasama ko kung may makakilala sa kanila. Problema na nila yan.
“Toryang..” tawag ni Athan sa akin. Nakasuot na silang lima ng shades. Tumaas naman
ang kilay ko ng lumapit siya sa akin at hinawakan ang buhok ko. inipon niya iyon at
nilagay sa ilalim ng cap niya. Kinuha rin niya ang shades niya at sinuot sa akin
iyon.

“Salamat.” Sabi ko bago inayos ang cap na bigay niya. Tumango lang ito. Naglakad na
kaming dalawa ng may maramdaman akong humawak sa kamay ko. Tiningnan ko ito at
ganoon na lang ang gulat ko ng makita ko si Stanley sa tabi ko. Tinaas niya ang
kamay naming magkahawak.

Tumaas lang ang sulok ng labi niya habang nakatingin sa mga kamay namin. Binaba
niya iyon at ipinasok sa bulsa ng pantalon niya.

“Ano ba! Hindi ako makagalaw!” sita ko sa kanya para pagtakpan ang pamumula ko.
Tumingin lang siya sa akin.

“Ayos lang yan. Para wala kang takas.” Nakangisi niyang sabi. Hinila niya pa ako
palapit sa kanya bago ako inakay palayo.

“Sandali, sila Athan--“


“Hayaan mo sila. Nasolo ka nila sa loob ng sampung taon. Ako naman ngayon.” Sabi
niya. Halatang halata sa tono niya ang pagkainis sa apat na itlog. Napanguso ako.

“Possessive.” Tukso ko.

“Only to the things that I love.” Sabi naman niya. Nanlaki ang mata ko at tinitigan
siya. pero parang wala naman sa kanya ang sinabi niya.

Huminga ako ng malalim. Ofcourse, he loves me. Bestfriend niya ako. Umasa na naman
akong baka iba ang ibig sabihin niya doon.

“Toryang..” tawag niya sa akin. Tiningnan ko siya. Marahan niyang pinisil ang kamay
ko na hanggang ngayon ay nasa loob pa rin ng bulsa niya.

“Masaya ka ba? Nung nasa States ka, masaya ka ba?” he anxiously asked. Huminga ako
ng ng malalim.
“Oo naman. Alam mo namang matagal ko ng pangarap makapag-aral.”

“Pwede ka namang mag-aral dito. Pero umalis ka.”

“Kasi ayaw kong maghiwalay kayo ni Georgina dahil sa akin. Alam ko naman kung gaano
mo siya kagusto Tan. Ayokong dumating yung araw na sisisihin mo ako dahil iniwan ka
niya ng dahil sa akin. Ayokong dumating yung punto na kailangan mong mamili
Stanley. Alam ko naman kung anong magiging sagot mo kapag nangyari iyon.”

Sino ba naman kasi ako noon kung ikukumpara mo kay Georgina? Si Georgina ang
kabaligtaran ko. Si Georgina ang babaeng pinangarap ni Stanley at ang abbaeng
nababagay sa isang Montreal na katulad niya.

“Baliw ka talaga.” Naiinis niyang bulong. Tiningnan ko siya.

“Sige nga. Kung sakali, sino bang pipiliin ko?” nanghahamon niyang tanong.
Tiningnan ko siya.

“Si Georgina.” Walang gatol kong sagot.

Nagdilim ang mukha ni Stanley bago huminga ng malalim. Tinitigan lang niya ako bago
bumuntong hininga.

“Ikaw na rin nagsabi Tan. Ibang kaso si Georgina.” Sabi ko sa kanya. Hindi na siya
sumagot. Binitiwan niya ang kamay ko bago ako inakbayan at inilapit sa kanya.

“May sasabihin ako Toryang..” seryoso niyang sabi. Kumunot naman ang noo ko.
Hinarap niya ako sa kanya. Ngumisi siya at tinitigan ako.

“Isang beses ko lang itong sasabihin, kaya makinig ka ng maayos ha? Wag kang
tatanga tanga.”

“Nilait mo pa ako.”
“Tahimik nga sabi.” Naiinis niyang sabi. Tinikom ko na lang ang bibig ko. hinawakan
niya ang pisngi ko at nilapit niya ang mukha niya sa akin. napahakbang naman ako
palayo pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

“Du bist mein Toryang.” Bulong niya. Kumunot naman ang noo ko. binitiwan niya ako
at naglakad na palayo.

Anong..ANO DAW?! ANONG DUSTPAN?!

-------------------------------------

Wiieh! Ang saya ko kanina. Naging chatbox ang cb ng last chapter. Ang saya at
naguusap usap kayo mga tao about sa kanila Tan Tan! Nakakahappy lang. :)

Matagal ang susunod na UD.

*pen<3

=================

Cookies, Cookies

IKAAPAT NA KABANATA
“Eh naman eh!” inis ko ng sigaw habang nakatingin sa mga nakahilerang dustpan sa
department store. Ginulo gulo ko na ang buhok ko sa sobrang kalituhan ko.

Ano bang kulay ang gusto ni Tan Tan? Yung blue o yung green?

Bakit kasi sa lahat ng bagay na hihingiin niya, dustpan pa! Bwisit talaga yung
Montreal na yun. At dahil nabwisit ako, kinuha ko na ang purple na dustpan at
dumiretsyo na sa counter para magbayad. Pagkatapos ko ay dumiretsyo na ako sa
building ng AEGIS. Ang sabi ni Athan, may dance rehearsal daw sila at gusto kong
manuod. At kung papalarin, makikisayaw din ako. Ganda kaya nung rubber shoes ko,
sayang naman kung di maeexpose. Dagdag mo pang first time sasayaw ng mga itlog.
Puro lang kasi sila kanta at tugtog. Buti na lang at masisira na ang image nila sa
mga babaeng nahuhumaling sa kanila. Maganda na iyon dahil baka may magkainteres pa
kay Tan Tan.

Buhat buhat ko ang dustpan ng makapasok na ako sa building. Agad naman akong
pinatuloy at dumiretsyo na ako sa practice room nila. Hindi na ako kumatok. Reyna
nila ako. Hindi ko kailangang gasgasan ang balat ko para lamang papasukin ako---
“Toryang!! Kamahalan!” bungad sa akin ng pawis na pawis na si Ethan. Tumakbo siya
papunta sa akin at agad akong niyakap.

“May pagkain ka?” si Greg naman ang lumapit. Tinaas ko lang ang dustpan kong dala.

“Anong gagawin mo sa dustpan?” tanong niya. Tiningnan ko iyon.

“Ah eto? Nanghihingi si Tan Tan eh.” Sabi ko. Biglang napatingin si Stanley sa
akin.

“Ha?” tanong niya. Hinarap ko siya.

“Naghingi ka ng dustpan diba?”


“Talaga? Kailan? Bakit hindi ko alam?” takang tanong niya. Napanguso lang ako at
nagkamot ng batok.

“Kahapon. Noong bago tayo bumili ng fishball. Binulong mo sa akin iyon diba?”
nakalimutan na niya agad? Kahapon lang iyon ah.

“Anong binulong? Anong dustpan?! Bakit ba du--“ bigla siyang napatigil at tinitigan
ako. Maya maya ay namula ng todo ang mukha niya.

“Dustpan ang narinig mo?” manghang sabi niya. Tumango ako. Matagal akong tinitigan
ni Tan Tan. Tiningnan niya ang dustpan pagkatapos ay ako. Habang tumatagal ay
umaasim ng umaasim ang mukha niya.

“Dustpan naman ang sinabi mo.” Inosente kong sagot. Tinitigan lang niya ako na para
bang gustong gusto na niya akong sakalin.

“Ayaw mo ba ng purple?” sabi ko na lang. Baka yun ang kinagagalit niya. Dapat
talaga yung blue na lang yung kinuha ko kanina. Huminga ng malalim si Stanley bago
niya ginulo ang buhok niya.
“Haynako Toryang! Haaaay! Talaga naman oo, dustpan daw! Aaah! Haaay nako, asar ka!”

Napakurap kurap na lang ako ng nagsisisigaw siya. Galit na galit siyang nakatingin
sa akin. bigla niyang tinaas ang mga braso niya bago bumagsak sa rubber mat.

“Haay, ang layo layo ng dustpan sa--haaay!” pumadyak padyak siya sa rubber mat
pagkatapos ay hindi na siya gumalaw. Lumapit si Greg sa kanya at may binulong.
Tiningnan lang siya ni Stanley.

“Dito ka muna Toryang.” Sabi ni Iñigo sa akin bago ako inakay sa isang stool.
Tumango na lang ako. Nagsimula na rin silang magpractice.

Napapangiti na lang ako noong tumayo na silang lima at nagsimula na ang tugtog.
Nakatingin lang ako kay Athan na hindi gumagalaw. Wala siyang pakialam sa paligid
niya habang inaayos lang niya ang butones ng shirt niya.

“Bakit di ka sumasayaw A?” natatawa kong tanong. Para kasi siyang ewan na nakatayo
lang sa gilid. Tiningnan niya ako.

“Hindi ako marunong.”

“Sige na. Subukan mo lang.” pagpipilit ko sa kanya. Tiningnan lang niya ako.

“Para sayo, sige.” Ngumisi siya at nagsimula ng sumayaw. Tumitig lang ako sa kanya
habang nagsasayaw siya. Papalakpak na sana ako ng biglang namatay ang music.

“Uwi na tayo.” Pinal na sabi ni Tan Tan. Lumapit siya sa akin at kinuha ang dustpan
bago ako hinila patayo.

Tiningnan niya ako ng masama bago niya pinagsalikop ang mga kamay namin. Tinaas
niya ang dustpan at tiningnan.
“Akin lang itong dustpan Toryang. Binigay mo na, wag mo ng babawiin.” Seryoso
niyang sabi. Tumango na lang ako dahil hindi ko alam ang dapat kong sabihin. Hinila
na niya ako pero napatigil ako ng tinawag ako ni Athan.

“Bakit?” si Stanley ang nagtanong. Hindi sumagot si Athan. Yumuko lang siya at
kinuha ang sapatos ko.

“Yung sintas mo, hindi nakatali.” Sabi niya sa akin. Inayos niya iyon. Habang
ginagawa niya iyon, humihigpit naman ang hawak ni Stanley sa akin. Napatingin ako
sa kanya at nakakunot ang noo niya. Nakatitig lang siya kay Athan. Si Athan naman
ay nakatingin lang din sa kanya. Napanguso ako.

Crush ba nila ang isa’t isa?

“Toryang, daan tayo sa apartment mo. Diba sabi mo may pasalubong ka sa amin?” sigaw
bigla ni Ethan at hinila niya patayo ang kakambal niya.

“Ay, oo nga pala. Kunin na ninyo?”


“Doon na rin tayo kumain ng lunch. Magluto ka kamahalan.” Sabat ni Greg sa usapan.
Umakbay si Iñigo sa akin. Ngumiti siya at kinindatan ako.

“Adobo ha?” sabi niya sa akin bago ako hinila palayo kay Stanley. TTumabi sa akin
si Ethan at Greg. Tiningnan ko ang dalawang na nasa likod namin. Napasinghap ako ng
biglang ibinalya ni Tan Tan si Athan noong may sinabi ito.

Ngumisi lang si Athan bago napailing. Nagsalita ulit ito. Kinuyom ni Stanley ang
kamay niya bago ito tinalikuran.

“Wag mo silang pansinin.” Bulong ni Greg sa akin bago ako tinulak papasok sa
elevator.

Tumingin silang tatlo sa hallway bago sumunod sa akin. At hindi nakaligtas sa


pandinig ko ang nag-aalala nilang bunton hininga. Hindi ko nga lang alam kung para
saan iyon.

_______________________
“Dito ka nakatira?” sigaw ni Stanley pagkakita sa apartment ko. tumango lang ako
bago ko tinusok ng stick ang lock ng pintuan.

“Safe ba yan? Nag-iisip ka ba talaga? Mukhang hipan lang ito ng hangin, babagsak
na.” tuloy tuloy pa rin siya sa pagkatak.

“Sa dorm ka muna Toryang.” Sabi naman ni Athan. Sumangayon naman sa kanya ang
tatlo. Huminga ng malalim si Stanley.

“He’s right. Kunin mo na yung gamit mo. Sa dorm na tayo.” Sabi niya. Napatingin
naman ako sa kanilang lima.

“Bakit sa dorm ninyo? Akala ko ba ayaw ninyo doon? May kanya kanya naman kayong
apartment, bakit pa babalik--“

“To keep you safe.” Sabi ni Athan. Ngumuso ako.


“Stay there. Hanggang sa makahanap ka ng bagong apartment. Wag kang tumira diyan.
Para kang tanga talaga kahit kailan.” Sabi ni Stanley. Pumasok na silang lima at
kinuha ang mga gamit ko. wala na akong nagawa kung hindi ang sumunod sa kanilang
lima.

May magagawa pa ba ako? Nagdesisyon na silang lima eh. Ako ang reyna na sunod
sunuran.

___________________________

“Dito ka muna. From time to time, bibisitahin ka namin. For now, dito muna kami
matutulog.” Sabi ni Athan habang inaayos niya ang dorm. Nakatingin lang ako sa
kanya habang nakasandal sa may terrace. Yung apat naman eh nasa kusina at sala para
ipagluto at linisin ang bahay.

Sasagot sana ako ng bigla akong nanginig dahil sa lakas ng umihip na hangin.
Lumipad ang ilang hibla ng buhok ko. Pero kahit malamig ay nanatili pa rin ako sa
terrace. Ayaw kong lumabas. Baka utusan pa ako ng mga itlog.
Pinanuod ko na lang ang mga ilaw ng buildings sa Manila. Maya maya lang ay may
naramdaman akong tumakip sa balikat ko. Nakita ko si Athan na naglalagay ng kumot
sa akin. Ngumiti lang siya bago tumabi sa akin.

“Salamat.” Tumango lang siya habang nakatingin sa mga buildings na tinitingnan ko.
Napanguso ako ng maalala ko ang nangyari sa kanilang dalawa ni Tan Tan kanina.

“A..”

Tiningnan lang niya ako at kumurap kurap. Hindi talaga masalita itong itlog na ito.

“Anong nangyari kanina?” tanong ko sa kanya habang hinigpitan ko ang hawak ko sa


kumot. Tiningnan lang ako ni Athan bago ibiniling ang leeg niya pakaliwa.

“Ha?”

“Sa inyo ni Tan.. nag-away ba kayo? Diba sabi ko wag kayong mag-aaway?” sita ko sa
kanya. Tiningnan lang ako ni Athan.

“Ah. Wala lang yun. Wag mo ng isipin yun. Joke lang yun.” Balewalang sabi niya.
Huminga lang ako ng malalim.

“A.” tinawag ko siya. Ngumuso lang siya bago nagkamot ng batok. Alam na niya ang
ganitong tono ko. alam niyang kailangan niyang sabihin sa akin ang totoo dahil ako
ang reyna nila.

“Gusto kasi ni Stanley ng cookie. Gusto ko rin yung cookie. Parehas naming gusto
yung cookie.” Sagot niya. Napakurap naman ako.

Muntik na silang magsuntukan dahil sa cookie?

“Yun yung pinagwayan ninyo?” di makapaniwalang sabi ko. Tumango naman siya.

“Alam mo, dapat hinati niyo na lang yung cookie. Pinalalala niyo lang yung bagay.
Mga batang ito.” Inis kong sabi. Parang ako pa ang mas matanda sa kanilang lima!
Bwisit naman! Akala ko, anon ang pinagaawayan nila. Yun pala cookies lang.

“Hindi pwede Toryang. Mahal kasi yung cookie. Isa lang pwedeng makakuha nun.” Yun
lang ang sinabi niya bago umalis sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya nung pumasok na
siya sa loob.

Anong klaseng cookie ba iyon at hindi pwedeng mahati?

------------------------------------------------

*LUHANBYEBYE<3

=================

A Vs. S

IKALIMA
Nakatitig lang ako sa kisame ng kwarto habang pinagiisipan ko kung paano
pagbabatiin si A at si Tan Tan. Yung mga yun kasi, ang tanda na, cookie pa rin ang
pinagaawayan. Hay nako. Tiningnan ko ang relo sa may side table. Malapit ng mag
alas tres pero hanggan ngayon ay gising pa rin ako. Maaga pa naman ang appointment
ko bukas. Magsisimula na kasi ang training ko sa firm. Pero ito ako ngayon, mulat
pa rin dahil sa away nung dalawa.

Napatayo na lang ako sa higaan at lumabas ng kwarto. Tulog na ang mga itlog sa
kanya kanya nilang kwarto. Dorm kasi nila ito noong nagtatraining palang sila at
hindi pa nailalaunch ang AEGIS.

Napatingin ako sa oven sa may gilid noong nasa kusina na ako. Siguro, ipagbabake ko
na lang si A at Tan Tan ng cookie para hindi na nila kailangang mag-agawan. Bright
idea? Oh my gee, I’m so smart.

Pero mamaya ko na sila iisipin. Gusto ko muna ng gatas para antukin na ako.
Kinalkal ko ang ref nila at nakakita ako ng isang box ng fresh milk doon.

“Hindi ka makatulog?”
Napatingin ako sa nagsalita sa likod ko. Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko si
Tan Tan na nakatayo sa may bukana ng pintuan.

“Oo. Namamahay ako. Kapag ganitong panahon, nagsisimula ng mag snow sa US.”
Nakangiti kong sabi habang binubuksan ang box ng gatas. Ayaw namang makisama ng box
at halos maputol na ang kuko ko ay hindi ko pa rin nabubuksan. Inagaw iyon ni Tan
Tan sa akin at siya na ang nagbukas. Akala ko ay ibibigay niya sa akin pero siya
naman ang uminom.

“Tan Tan akin yan eh.” Maktol ko. natawa lang siya bago hinawakan ang baba ko at
dahan dahang ibinuka ang bibig ko.

“Papainumin kita.” Nakangisi niyang bulong bago ako pinainom ng gatas. Ako naman ay
halos malunod na sa sobrang dami ng inilalagay niya sa bibig ko. Ng matapos siya ay
pinunasan ko ang bibig ko. binaba naman niya ang kahon at ngumisi.

“Indirect kiss.” Sabi niya. Nilingon ko siya kasi hindi ko siya narinig.

“Ano?” tanong ko sa kanya. Napailing na lang siya bago tumalon at umupo sa may
lababo.
“Ang sabi ko, bingi ka.” Naiinis niyang sabi. Napanguso na lang ako.

“Tanda mo pa nun Toryang, nung nasa kotse tayo at inaway mo ako dahil sa ginawa ko
kay Greg? Sabi ko diba hahalikan kita kapag hindi mo ako kinausap?” natatawang sabi
niya. Pumunta ako sa harap niya at tinitigan siya.

“Oo naman. Tanda ko yun noh. Ako na dapat hahalik sayo kaso bigla mo naman akong
tinulak.” Maktol ko kahit nagtataka ako kung bakit bigla naming naging usapan iyon.
Ngumisi lang siya bago kinuha ang kahon ng gatas at uminom ulit.

“Bakit? Gusto mo bang halikan ako ngayon?” tukso niya. Pinamulahan naman ako ng
mukha.

“Manahimik ka nga!” sita ko sa kanya. Bumaba siya mula sa lababo at lumapit sa


akin.

“Oh baka gusto mo ako yung humalik sayo? Tutal ako naman naghamon noon diba?”
tanong niya habang lumalapit lalo sa akin. Napahakbang ako palayo.

“Huy, Tan Tan ano ba!” pigil ko sa kanya. Ang bilis na ng tibok ng puso ko sa
pinaggagagawa niya. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon sa pagitan naming
dalawa.

Nilapit niya ang mukha niya sa akin at amoy na amoy ko na ang hininga niya. Aynako,
pag ako hindi nakapagpigil, hahalayin ko talaga itong lalaking ito.

“Alam mo kung sana sa akin mo binigay yung bulaklak noon..” bigla siyang tumigil at
tiningnan ako sa mata. Hinawakan niya ang baba ko bago ako hinalikan..

Sa noo lang.. sayang. Chance ko na yun eh.

“Victoria Shayne.” Tawag niya sa buong pangalan ko na kahit kailan ay hindi niya pa
ginagawa. Napatingin ako sa kanya.

Ngumisi lang siya bago ako hinila ulit at niyakap.

“Akin lang ang dustpan Toryang. Papatay muna ako bago yun maagaw sa akin.” bulong
niya bago ako binitawan at umalis na sa loob ng kusina.

Ako naman ay sinusubukang kumalma. Ano ba naman yun. Nakakainggit naman yung
dustpan. Sana minsan maging possessive din si Stanley sa akin at hindi lang sa
dustpan na binigay ko.

_______________________________

“Dyaran!” tuwang tuwang sabi ko nung nilapag ko na sa harap ng lima ang cookies na
ginawa ko. Lima iyon at nakasulat ang mga pangalan nila sa bawat cookie.
“Para saan ito?” Tanong ni Greg habang kinukuha na niya ang sa kanya.

“Almusal. Hoy, ibalik mo muna yan sa pinggan G! May sasabihin muna ako.” Pagbawal
ko sa kanya. Ibinalik naman iyon ni Greg.

“Una sa lahat, salamat kasi pinatuloy ninyo ako dito sa dorm ninyo kahit pwede
naman ako doon sa apartment ko at hanggang ngayon ay nanghihinayang pa rin ako sa
downpayment nun--“

“Nagpapasalamat ka ba talaga kamahalan?” tanong ni Ethan sa akin. I just stuck my


tongue out.

“Pero okay na rin na dito na ako. Kasi kagabi, nalaman kong nag away si Tan Tan at
si A dahil pareho nilang gusto yung cookie.” Sabi ko. Biglang natigil ang lima at
tinitigan ako. Natawa na lang si Iñigo bago niya kinamot ang noo niya.
“Hay kamahalan. Sa lahat ng abogada ikaw ang pinaka sa lahat.” Natatawang sabi niya
at kinuha na niya ang cookies niya. Kumurap kurap naman ako dahil sa tinginan ng
lima.

“Hay, basta ang punto ko ay ganito. Magkakaibigan na kayo noon pa man. Kung may
gusto kayo, ayusin ninyo ng maayos. Wag kayong papadala sa init ng ulo ninyo.”
Tinignan ko ng mariin si Stanley noong sinabi ko iyon. Tumaas lang ang sulok ng
labi niya.

“Walang mangyayaring gulo kung walang mang-aagaw.” Sabi niya. Tumawa si Athan.

“Walang mangyayaring gulo kung may magpapakatotoo. Mahira kasi may pinaglalaruan
lang hindi ba S?” sagot niya. Tumikhim si Iñigo.

“Yan. Alam na natin kung paano hindi magkakagulo diba? Kain na tayo.” Sabi niya.
Tiningnan ko ang dalawa na hanggang ngayon ay nagtititigan pa rin.

“Ako ang nauna A.” madiing sabi ni Stanley.


“Bakit? First come first serve ba?” balik tanong naman ni Athan. Napatayo na ako at
sabay silang nilapitan.

“Pwede tama na? Para kayong mga bata!” inis kong sabi. Sabay naman silang
nanahimik. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang cookies nilang dalawa at binigay
iyon sa kanila.

“Ayan. Dahil hindi kayo pwedeng maghati, mag kanya kanya na lang kayo. Para walang
agawan. Ayos na?” masungit kong sabi bago ako nagwalk out sa dorm nila para mas
malakas ang effect ng galit ko.

Nakakainis sila. Kung kailan tumanda, saka naman sila nagkaganon. Parang mga itlog
talaga.

“Saan ka naman niyan pupunta?”

Napaharap ako kay Stanley na ansa likod ko na pala. Hindi ko siya pinansin at
dumiretsyo ako sa may rooftop.
“Hoy, saan ka kako pupunta?” pangungulit niya. Hinarap ko siya at tinitigan.

“Ikaw. Makipagbati ka na kay A.” utos ko sa kanya. Biglang nawala ang ngiti niya.

“Ayoko.”

“Tan Tan!” sigaw ko na. Totoong naiinis na talaga ako sa katigasan ng ulo nilang
dalawa.

“Kung gusto niyang umayos kaming dalawa then he needs to back off!” sigaw pabalik
sa akin ni Stanley. Biglaan akong napahinto.

Cookies pa rin ba ang pinaguusapan naming dalawa?


“Ano talagang nangyayari?” tanong ko na. Umiwas ng tingin si Stanley.

“Tan. Stanley!” tawag ko sa kanya. Hindi siya sumasagot. Tiningnan lang niya ako.

“Tss.” Yun lang ang sinabi niya bago ako nilampasan at mas lalo pang lumapit noon
sa railings.

“Stanley, wag ganyan. Lahat ng problema, napaguusapan diba? Magkaibigan kayo ni


Athan. Importante yun.”

“Mas importante ang bagay na inaagaw niya sa akin Toryang. Wala akong pakialam sa
pagkakaibigan namin o sa kahit na ano. Sasagasaan ko kahit na sinong mangagaw sa
akin.” galit niyang sagot. Napayuko naman ako.

“Stanley..”
Hindi siya sumagot. Pinanood lang niya ang pagsikat ng araw. Tiningnan ko lang din
siya.

Ano ba kasi yung pinagaawayan nilang dalawa ni Athan? Kinagat ko ang labi ko at
aalis na sana ng magsalita ulit si Stanley.

“Dito ka muna.” Sabi niya. Humarap ulit ako sa kanya.

“Ha?”

“Sabi ko dito ka muna.” Utos niya bago ako hinila palapit sa kanya. Idiniin niya
ako sa may railings at tinitigan.

“May sasabihin ulit ako Toryang. Ngayon, makinig ka na talaga ng mabuti. Kasi kapag
tumanga tanga ka ulit, hahalikan na kita at hindi na ako uurong pa.” sabi niya
bigla. Napalunok naman ako sa sinabi niya.
“U-uy.. ano b-ba. Tan..” pilit ko siyang tinutulak pero idiniin niya ako lalo sa
railing.

“Makikipaghiwalay na ako kay Georgina.” Bulong niya. Nanlaki naman ang mata ko sa
sinabi niya.

“Ano?”

Ngumisi siya bago napailing. Hinawakan niya ang pisngi ko at tinitigan ako.

“Tanga ka talaga. Diba sabi ko, hahalikan kita kapag naging tanga ka?” banta niya.
Napakurap kurap ulit ako lalo na ng bumaba ang tingin niya sa labi ko.

“Dapat noon ko pa ito ginawa. Dapat noon pa kita minarkahan Toryang.” Bulong niya
bago niya tuluyang sinakop ang labi ko.
At wala na akong nagawa kung hindi ang pumikit na lang.

__________________________

Finals po namin next week. At kasalukuyan akong depress. Matagal ulit yung susunod
na UD dahil malungkot ako.

*pen<3

=================

Halik

ANIM

Oh my gosh! Oh my gosh! Oh my---

Mamamatay na ba ako bukas? May mangyayaring masama na ba sa akin pagkatapos nito?


Itutulak na ba ako ni Stanley para mahulog ako sa rooftop? Bakit nangyayari na ito?
Ending na ba ng kwento namin?
Dahan dahan siyang lumayo sa akin bago niya idinikit ang noo niya sa noo ko.
Bahagya pa siyang hinihingal habang ako naman ay malapit ng himatayin sa sobrang
kilig at kaba. My brain stopped working. Pakiramdam ko ay mahihimatay ako o kaya ay
matutumba ako. Salamat na lamang at mahigpit ang kapit niya sa beywang ko. Para
bang takot na takot siyang lumayo ako sa kanya.At dahil sa simpleng hawak niya at
sa bonggang halik na binigay niya, alam kong ano mang oras ngayon ay mangingisay na
ako sa kilig na nararamdaman.

“Du bist mien Toryang.” Seryoso niyang sabi. Napakurap kurap ako. Ano daw yun?

Bakit alien language ang salita niya pagkatapos niya akong halikan? May problema na
ba sa labi ko?

Magsasalita na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang pisngi ko at tiningnan ako ng
diretsyo sa mata. Ngayon ko lang nakita na ganito kaseryoso si Stanley kaya hindi
na ako nagsalita. Nakakatakot naman kasi yung mata niya. Yung tingin niyang
tumatagos sa loob mo, pakiramdam ko ay matutunaw na ako sa titig niya. Siya ang
global warming ko. Dahil sa kanya, nanlalambot ako at nawawala sa katinuan.

“Akin ka Victoria. Tagalog na para maintindihan mo. Gets?” maangas niyang sabi.
Hinigpitan niya ang hawak sa pisngi ko. Ginalaw niya ang ulo ko para magmukhang
tumango na ako sa sinabi niya bago niya ako binitiwan at ngumisi.
“Tan--“

Naputol ang sasabihin ko ng hinila niya ulit ako para halikan. Napakapit na lang
ako sa kanya at nawalan na ng pakialam sa mundo. Basta ang alam ko lang ay masaya
ako, dahil natupad na rin ang pangarap ko magmula noong bata pa ako at bungi.

_____________________________________

“Iñigo! Ang bagal!” sigaw ni Stanley sa baba. Napatingin naman ako kay Iñigo na
hanggang ngayon ay nasa tapat pa rin ng salamin at nagsusuklay.

“Sandali lang naman S. Atat ka.” Inis na sagot nito. Sasagot pa sana si Stanley
pero pinandilatan ko lang siya.

“Ang aga-aga ang init na naman ng ulo mo. Dito ka nga.” tawag ko sa kanya. Lumapit
siya sa akin habang nakanguso. Natawa naman ako sa itsura niya.
“Tan Tan, 25 ka na pero batang isip ka pa rin.”

“Gwapo ako eh.”

Tiningnan ko siya habang inaayos ko ang kwelyo niya. Tinaasan ko siya ng kilay
habang siya ay nakangisi lang sa akin.

“Mayabang.”

“Gwapo naman. Saan ka pa?” sagot niya sa akin bago yumuko at hinalikan ang noo ko.
He grinned at me habang ako naman ay tulala pa rin sa ginawa niya.

“Hoy Iñigo! Late na tayo sa shooting!” sigaw niya bago ako kinaladkad palabas.
Habang naglalakad kami ay lihim siyang napapangiti. Mukha tuloy siyang tanga sa
ginagawa niya. Nilalaro lang niya ang daliri kong hawak hawak niya.
Papasok na ako sa van nila ng bigla akong mabangga kay Athan. Nginitian ko siya at
tumango lang siya sa akin. Napanguso naman ako sa inasta niya. Badtrip yata siya
ngayon? Ang daya naman. Ang saya ko pa naman kasi kami na ni Tan..yata? Hinalikan
na niya ako eh. Kami na ang ibig sabihin noon hindi ba? Diba?

“A.” tawag ko sa kanya pero hindi na niya ako sinagot. Sinuot na lang niya ang
earphones niya at tumabi na lang sa kambal niya.

“Toryang, pasok na.” tawag ni Stanley sa akin mula sa loob ng van. Tiningnan ko
ulit si Athan na nangangalikot lang sa phone niya. Lumapit ako kay Ethan at hinila
ang tenga niya.

“Aray! Toryang---“

“Doon ka muna sa tabi ni Tan Tan E.” utos ko. Tiningnan niya ako at mukhang may
sasabihin pa siya ng pinandilatan ko siya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya bago
napailing.

“Tss. Dense mo.” Bulong niya bago binuksan ang side ng van ni Stanley. Tiningnan ko
si Athan na nakatingin lang sa may bintana. Nakatalikod lang siya sa akin.
“A.” tawag ko ulit. Hindi siya sumasagot kaya dinutdot ko ang tagiliran niya.
Tiningnan lang niya ako.

“Uy, may problema?” tanong ko. Umiling lang siya bago binalik ang tingin sa
bintana. Magsasalita pa sana ako ng bumukas ang pintuan sa gilid ko at nakita kong
nakatayo si Tan doon.

“Ba--“

Hindi ko na naituloy ang sasabihin ko ng bigla niya akong hilahin bago niya tinulak
si Ethan palabas.

“Ano ba!” sigaw na ni Ethan. Hindi siya pinansin ni Stanley.

“Pasok.” Matigas niyang sabi. Nang makaupo ako ay agad niyang sinara ang pintuan sa
gilid niya. Hinawakan niya ang beywang ko at hinila ako palapit sa kanya. Tiningala
ko siya. Lapat ang ngipin niya at matigas ang panga niya. Hindi rin niya ako
tinitingnan. I poked his cheeks and smiled at him.
“Nakakunot na naman yung noo mo.” Biro ko sa kanya. Lumipat ang braso niya mula sa
beywang ko hanggang sa balikat ko.

“Hindi pa ba tayo aalis?” biglang sabi ni Athan. Ang taas ng tono ng boses niya
kaya napatahimik ako. Napailing na lang si Greg bago inutusan ang driver nila na
magdrive na. Napanguso ako.

Ang init ng ulo ng dalawang ito.

__________________________

“Dito ka lang.” utos ni Stanley sa akin. Inayos niya ang ID na nakasuot sa akin na
may nakasulat na VIP. Tumango na lang ako. Hindi na siya nagsalita at dumiretsyo na
lang siya sa stage kung saan gagawin ang interview nilang lima.

I smiled when I saw how great is the five of them. Hindi sumagi sa isip ko na
maabot nila ang ganitong pangarap while having their friendship solid. Masaya ako
na magkakapatid ang turingan nilang lima, at alam kong kahit na anong mangyari,
mananatiling ganun iyon.

“Last question.” Sabi ng interviewer habang bumubunot siya sa mga tanong na galing
sa fans nila. Ng makakuha siya ay agad niya iyong binasa.

“What makes AEGIS happy?” sabi nito. Napatingin ako sa bawat isa sa kanila. Agad
nagtaas ng kamay si Ethan.

“Volunteer E?” tanong ng host. Tumango lang si Ethan bago sumagot.

“Cotton candy.” Sabi nito bago humagikgik ng malakas. Natawa naman ako sa sagot
niya. Napailing na lang si Greg at Iñigo sa sagot nito.

“Ako, masaya ako kapag nagpeperform ako.” Sagot ni Greg. Nagtilian ang mga babae sa
likod ko. Kinilig naman daw ang mga ito. Kung alam lang nila yung tunay na ugali ni
Greg, baka mag iba na sila ng pananaw tungkol dito.
“Same lang.” sagot naman ni Iñigo sabay turo kay Greg. Napaingos na lang ako sa
sinagot nito. If I know, tamad lang mag isip itong itlog na ito ng sarili niyang
sagot.

Humarap naman si Host kay Stanley. Ngumiti muna ang mokong at kumindat sa camera
bago niya ako tiningnan sa mata.

“Doing my hobby.” He said simply. Napataas naman ang kilay ko sa sagot niya.

“Anong hobby?” Greg asked. Stan fixed his side burns before smirking.

“Kissing her.”

Nanlaki ang mata ko sa sinagot niya. Napalunok ako ng maramdaman kong umakyat na
lahat ng dugo ko sa mukha dahil sa sinabi niya. He even has the grace to look at me
in the eye. Bumilis na agad ang tibok ng puso ko, kung may ibibilis pa ba ito.
Kinagat niya ang labi niya at nakisabay sa palakpakan ng mga fans nila.
When the laughter died, nabaling ang buong atensyon ng mga tao kay Athan.
Pinaglaruan niya ang lapel niya bago siya tumikhim.

“Pwedeng hindi sumagot?” bulong niya kay host, pero dahil suot niya ang lapel niya
ay hindi namin naiwasang hindi namin iyon marinig. Girls started laughing at his
childish behavior. Namula naman si Athan ng mapatingin siya sa akin habang natatawa
ako sa ikinilos niya.

“Kailangang sumagot. Sumagot kaming apat!” sigaw ni Ethan. Napanguso si Athan at


huminga na lang ng malalim.

“Happiness ko ay..” huminto siya bigla habang nag-iisip ng matagal. Nanahimik ang
buong set habang naghihintay kami ng susunod niyang sasabihin.

“Just seeing my cookie with a smiling face.” Nakangiti na niyang sabi. Napanguso
ako habang inaalala ko ang ginawa kong cookie para sa kanila kaninang umaga. Kaya
siguro siya tahimik, ay tahimik naman lagi siya. Pero mas tahimik siya kanina. Ang
gulo ko na.

Siguro gusto niya ng chocolate crispies sa taas? Ethan likes chocolates. Maybe
Athan loves it too.
Kaya nakarating ako sa conclusion na gagawan ko ulit si Athan ng cookie na may
drawing ng smiley.

-------------------------------------------

“Naiihi ako.” Bulong ko kay Stanley. Tapos na ang interview nila at kasalukuyan na
silang nagtatanggal ng make-up. Hindi ko na siya hinintay sumagot. Tumakbo na ako
sa CR para masagot ang tawag ni Mother Nature.

Nang matapos ako ay nakita ko si Athan na naghihintay sa akin sa labas ng banyo. I


smiled at him and he smiled back.

“Masaya ka yata ngayon?” tanong niya. Ngumiti ako at naunang naglakad sa kanya.
Patalikod ang mga hakbang ko.
“Oo A.”

Ngumiti siya pero hindi iyon umabot sa mata niya.

“Bakit naman?”

Huminga ako ng malalim bago sumagot. Kinuha ko ang dalawang kamay niya at hinawakan
ng mahigpit. Tumalon talon pa ako.

“Kasi kami na ni Tan!” impit kong tili. Ngumisi lang siya.

“Paano naman nangyari yun?”


Ngumuso ako bago lumapit sa kanya. I tiptoed para magkapantay ang mga mukha naming
dalawa.

“Hinalikan niya ak--“

Nabigla na lang ako ng hilahin niya ang batok ko at hinalikan rin ako ng mariin.
Nanlaki ang mata ko at hindi ako kaagad nakagalaw. Ng bitawan niya ako ay
nakatulala pa rin ako.

“Hinalikan din kita Toryang. Ibig bang sabihin noon, tayo na?”

__________________________

Belated Happy Birthday Ate Sweet :)

*pen<3

=================

Carnival

PITO
Hindi ko na napigilan ang paglipad ng palad ko papunta sa pisngi ni Athan
pagkatapos ng sinabi niya. Nanginginig ang lama ko pagkatapos ng sinabi niya.
Minamaliit niya ba ako? Nilalait? Ganito ba talaga ang tingin niya sa akin?
Desperadang makuha si Stanley.

“Toryang.” Tawag niya sa akin. Sinubukan niya akong abutin pero humakbang ako
palayo.,

“Ikaw, higit sa amin ang nakakakilala kay Stanley Toryang. One moment he says yes,
the next he’ll say no. Sinabi na ba niya na gusto ko niya, sinabi na ba niyang
mahal ka niya? Halik lang yun Toryang. Wag kang umasa doon.” Matigas niyang sabi.
Hindi na ako sumagot. Tinalikuran ko na lang siya. Hindi ko na napigilan ang luha
ko ng tumulo na iyon.

He likes me. Hindi niya hihiwalayan si Georgina kung hindi niya ako gusto. He likes
me. Sigurado ako doon. Hindi totoo ang sinasabi ni A. Ginugulo lang niya ang isipan
ko. He was just playing the role of the devil’s advocate. He wants me to have
doubts about Tan’s feelings.
Napahinto ako sa paglalakad. Ano nga bang nararamdaman ni Stanley para sa akin?
Nakagat ko ang labi ko.Stan said he owns me, pero ako, pag-aari ko ba siya? He can
have all of me, pero hindi naman niya sinabing akin siya.

Halik lang yun Toryang. Wag kang umasa doon.

Napailing na lang ako sa naisip. Halik na yun. Sa unang pagkakataon, siya na ang
humalik sa akin. Hinalikan niya ako nang hindi ko siya pinipilit o ninanakawan ng
pagkakataon. Nasa akin na lahat ng karapatang umasa na may mas malalim pang ibig
sabihin iyon. I am a lawyer. I should give Stan the benefit of the doubt.

“Anong ginagawa mo diyan?”

Napatingala ako kay Stanley na nakatingin na sa akin ngayon. Umiling lang ako at
sinubukang lampasan siya pero hinawakan niya ang braso ko.

“Namumutla ka Toryang. Anong problema?” tinitigan niya ako na para bang binabasa
niya ang iniisip ko. Iniwas ko ang mata ko bago ko sinandal ang ulo ko sa may
balikat niya. Huminga ako ng malalim bago sumiksik lalo sa kanya. Binalot niya ako
sa braso niya at hinaplos ang pisngi ko.
“Pagod ka na ba? Gusto mong mauna na tayo? I can have the photoshoot tomorrow.”
Nag-aalala niyang sabi. Nakita ko sa likod niya ang papalapit na si Athan. Kumapit
ako lalo sa kanya.

Alam kong hindi ko naman kasalanan, pero naguguilty pa rin ako sa ginawang paghalik
ni Athan sa akin kanina. Ayaw kong malaman ni Stanley iyon. Ayaw kong magalit siya
sa isang halik na wala namang ibig sabihin para sa akin.

“Uwi na tayo Tan Tan.” Sabi ko sa kanya. Hindi na ako nagdalawang salita. Agad niya
akong hinila palabas.

Nilingon ko ulit si Athan pero hindi ko na siya nakita. Narinig ko na lang ang
malakas na bagsak ng pagsara niya ng pinto noong pumasok na siya sa dressing room.

________________________________

“Tan.” Tawag ko sa kanya habang pinapanood ko ang tanawin sa labas ng kotse. Nakita
ko ang isang ferris wheel sa may karnibal doon.
“Ano?”

“Punta tayo doon.” Sabi ko sa kanya habang tinuturo ang ferris wheel. Tiningnan
lang iyon saglit ni Stanley. Napanguso siya bago bahagyang namutla.

“Toryang naman. Iikot pa tayo eh. Saka na lang.”

“Sige na Tan. Please?” lambing ko sa kanya. Hinawakan ko pa ang braso niya pero
bahagya siyang lumayo sa akin. Agad kong binawi ang kamay ko at napayuko na lang.

“Stop sulking. Para kang bata.”

Hindi na ako sumagot. Tiningnan ko na lang ang ferris wheel na unti unti ng
nawawala sa paningin ko. Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni Stanley bago
siya nag u-turn. Napatingin naman ako sa kanya.
Hindi ko napigilan ang ngiti ko ng tahakin na namin ang daan papunta sa karnibal.

------------------------------

“Hindi ako sasakay diyan.” Madiin niyang sabi. Napanguso naman ako dahil lumakas
ang boses niya. Kahit naman nakasuot siya ng beanie hat at shades, may mga tao pa
ring mukhang nakikilala na siya. At hindi nakakatulong ang pagsigaw niya sa
pagdidisguise niya ngayon.

“Ssh. Wag kang maingay Tan.” Bawal ko sa kanya. Tumaas lang ang kilay niya. Kinuha
niya ang wallet niya at naglagay ng tatlong libo.

“Ayan. Bumili ka na ng ticket. Ubusin mo yan hanggang mahilo ka. Basta hindi ako
sasakay sa ferris wheel na yan.” Inis niyang sabi bago ako tinalikuran. Agad ko
siyang hinabol at hinawakan ang braso niya.

“Tan naman eh.”


“Toryang! Ang taas niyan! Gusto mo bang mamatay ako ng maaga?” inis na niyang sabi.
Hindi ko napigilang matawa.

“Takot ka sa heights?” tanong ko, kahit obvious naman ang sagot. Tumaas lang ang
sulok ng labi niya sa tanong kong iyon.

“Toryang, sa iba na lang. Wag diyan. Sige na.” pagsusumamo niya sa akin.

“Kahit saan ko gusto?”

“Kahit saan. Wag lang sa over size na gulong na yan.” Sabi niya sabay turo sa
kawawang ferris wheel.

Napangisi na lang ako sa sinagot niya.

--------------------------------------------
“TORYAAANG! LUMABAS NA TAYO!” sigaw niya habang nakakapit sa akin. Nasa pangatlong
course pa lang kami nitong horror house. May apat pa kaming dadaanan pero mukhang
mamamatay na si Stanley sa sobrang takot.

“AYAW KO NA! TORYANG!” sigaw ulit niya. Napanguso naman ako sa ingay niya.

“Toryang, sige na. Alis na tayo.” Pagmamamkaawa niya. Pawis na pawis na siya at
wala ng kulay ang mukha niya.

“May apat pa tayong course--“

“Wala akong pakialam! Lumabas na---AAAAH!” sigaw ulit niya ng may biglang lumitaw
sa harap naming white lady. Nagtago si Stanley sa likod ko at yumakap sa akin ng
mahigpit. Bahagyang natawa ang white lady sa aming dalawa bago bumaliksa pwesto
niya.

“Toryang, mamamatay ako ng maaga dito. Ayoko nang mga nakakagulat.” Bulong niya sa
akin habang nakakapit pa rin sa braso ko. Papasok na kami sa pang huling course ng
horror house.
“Toryaaaang~” he wailed. Napapangiti na lang ako sa tuwing kakapit siya sa akin at
yayakapin ako ng mahigpit sa sobrang takot niya. Hindi ko na rin mabilang kung
ilang beses na ba niyang tinawag ang pangalan ko habang nasa loob kami. I never
felt this needed. Pakiramdam ko ay kailangang kailangan ako ni Tan Tan ngayon.

“Hindi pa ba tapos? Malayo pa ba?” tanong niya sa akin habang naglalakad ng


nakapikit. Mabuti na lamang at mahigpit ang kapit niya sa akin kaya hindi siya
nadadapa.

“Ayun na yung exit.” Sabi ko sa kanya. Dahan dahan niyang tinanggal ang takip niya
sa mata. Agad niyang kinuha ang kamay ko at tumakbo na palabas.

“Grabe..haaaay.” hinihingal niyang sabi. Tinanggal niya ang cap niya at inayos ang
buhok niya.

“Sa ferris wheel na tayo.” Sabi ko sa kanya. Bumuka ang bibig niya para magprotesta
pero agad ko na siyang hinila.

“Toryang, sandali!” sigaw niya noong tinulak ko na siya sa loob ng cart. Agad kong
inilagay ang harness niya at sinara ang pintuan.

“Game?” sabi ko sa kanya ng naramdaman ko na ang pag angat ng cart. Kumapit siya sa
harness at pumikit ng mariin.

“Y-you’ll be the d-death of me..” nanginginig niyang bulong. Ngumiti lang ako at
kinuha ang kamay niya para hawakan.

Tumigil ang panginginig niya ng maramdaman niya ang kamay kong hawak siya. Dumilat
siya at nakita niyang nasa may tuktok na kami. Tumaas ang sulok ng labi niya na
para bang pinipigilan niya ang ngumiti.

“Hindi naman ganoon kataas Tan. Don’t be scared. Nasurvive mo ang horror house,
you’ll survive this one too.” Pag-aalo ko sa kanya. He smiled at me, a genuine
smile na matagal ko ng hindi nakikita. Ngumiti lang siya sa akin ng ganyan noong
nalaman niyang sa kanya pala ang drumsticks na binili ko noon kasama si Greg.

“Hindi ako takot sa matataas Toryang. Takot akong mahulog. Hindi ako takot sa
multo, takot akong magulat. Takot ako na baka wala ka na sa tabi ko pag labas natin
sa loob.” Sabi niya. Napanganga naman ako sa sinabi niya.
Gumalaw na ulit ang cart pababa. He sucked his breath at kumapit lalo sa akin.

“I’m falling.” Sabi niya. Tiningnan ko siya habang nakakunot ang noo ko.

“Bumababa na tayo eh.”

Huminga lang siya ng malalim at napailing na lang. Ano na naman? May nasabi ba ako?

Pinagbuksan kami ng Kuya ng cart. Inalalayan niya akong bumaba.

“Kamusta po ang rides namin Ma’am?” nakangiti nitong sabi sa akin.

“Ang ganda po. Galing ninyo Kuya!” excited kong sabi. Ngumiti lang siya sa akin
kaya ngumiti ako pabalik sa kanya. Nilahad niya ang kamay niya sa akin pero agad
naman iyong kinuha ni Stanley at hinila ako paalis. Tumigil siya noong nasa gitna
na kami ng karnibal.

Naihilamos niya ang kamay niya sa buong mukha niya bago tumingin sa Kuya kanina.

“Ilang beses ko bang kailangang ulitin sayo na akin ka? Walang pwedeng makipag usap
sayo, humawak sayo o kumuha sayo! Toryang naman!” inis na niyang sabi sa akin.
Hindi agad ako nakapagsalita dahil nakakatakot si Stanley kapag galit na siya.

“Montreal ako Toryang. At hindi ako marunong magbigay. At lalong lalong hindi ako
makikihati sa kahit na sino pagdating sayo.”

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Inuna na naman niya ang init ng ulo niya.

“Wala naman akong ginagawa ah.”


“Anong wala?! You’re talking to that guy!” turo niya ulit doon sa Kuya kanina.
Napanguso na lang ako habang pilit kong pinipigilang hindi mapasigaw sa
nararamdamang kilig. Sigurado ako, nagseselos si Stanley.

“Selos ka no?” natatawa ko ng sabi. Pilit ko siyang pinapangiti pero nakatitig lang
siya sa akin.

“Sige, wag mo nang sagutin. Gets ko naman eh, selos lang--“

“Oo.”

Napatingin ako sa kanya bigla at nawala ang ngiti sa mga labi ko.

“Nagseselos ako Toryang. Masaya ka na?” inis niyang sabi bago ako tinalikuran at
nauna ng umalis.

_______________________
*pen<3

=================

I Choose You

WALO

Hinabol ko si Stanley pagkatapos niyang mag-walkout sa akin. Diretsyo lang ang


tingin niya sa daan at hindi talaga ako pinapansin.

“Tan.” Tawag ko sa kanya. Hindi siya sumagot. Binuksan lang niya ang kotse niya at
hinintay akong pumasok. Ngumuso ako at tiningnan siya.

“Nakipag usap lang naman ako doon sa Kuya.” Pagtatanggol ko sa sarili ko. Tumaas
lang ang kilay niya. Sumandal siya sa kotse niya bago sumimangot lalo. Kinuha lang
niya ang cellphone niya bago nagpasak ng earphones sa tenga, trying to completely
shut me out of his system.
Napapadyak ako sa semento. Tinopak na naman si Stanley. Fifteen years old na naman
ulit ang utak niya. Damn Immature Montreal! Gumana na naman ang pagka Montreal
niya.

“Stanley.” Tawag ko sa kanya. Tumingin lang siya sa mga bata na naglalaro ng


bisikleta sa gilid namin. Nakagat ko ang labi ko sa inis sa kanya. He’s being
unreasonable. Nakaka-- haay. Pasalamat siya at patay na patay kahit ang split ends
ko sa kanya dahil kung hindi, iiwanan ko siya sa gitna ng karnibal na ito.

“I just talked to the guy. What’s the big deal about that?”

Tumingin siya sa akin bago niya tinanggal ang earphones niya.

“You talked to him. That’s the big deal Victoria.” He snapped at me. Pinakawalan
ko ang hininga ko at napailing na lang sa kanya. Sinubukan kong kalmahin ang sarili
ko dahil ayaw kong magsalubong ang inis at iritasyon na nararamdaman naming dalawa.
Tinaas ko na lang ang dalawang kamay tanda na ng pagsuko ko. Pumunta na ako sa
kotse niya at tinitigan siya sa mata. Hindi na ako nagsalita at pumasok na lang sa
kotse. Sumunod naman siya at agad niyang pinaandar iyon.

“Babalik ako sa Wave Records. May gagawin pa ako.” Bigla niyang sabi. Tumango na
lang ako at hindi na nagsalita pa.
“Kung gusto mo, magstay ka muna sa dressing room. May wifi doon. Or you can sleep
too while waiting for me.” dagdag niya. Tumaas naman ang kilay ko ng marinig ko ang
sinabi niya. Akala niya sa akin? Magdidiwang kapag may wifi na open ang connection
at walang password? Susuhulan niya ako ng tulog?

“Or you can watch while we do the album. Pwede ka naman doon. Gusto mo?”

Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagpatuloy lang siya sa pagsasalita at wala akong
ginawa kung hindi ang manahimik na lamang. Pasok sa kaliwa kong tenga, labas sa
kanan ko ang mga sinasabi niya.

“Toryang, bakit hindi ka nagsasalita?” hindi na niya natiis. Nagtanong na siya


tungkol sa pananahimik ko. Hindi ko siya sinagot. Bagkus ay nagkibit balikat lamang
ako. Huminga siya ng malalim bago inihinto ang sasakyan niya sa gitna ng kalsada.
Bumusina ang mga nasa likod namin pero wala siyang pakialam. Tiningnan lang niya
ako.

“Toryang.”
Huminga lang ako ng malalim bago tumingin sa labas.

“Because you don’t want me to talk.” Sagot ko. Hinarap ko siya at nakita kong
nakakunot na ang noo niya sa akin.

“Kailan ko sinabi iyon?”

“Kanina. Kaya ka nga nagalit kasi nakikipag usap ako kay Kuyang Ferris Wheel diba?”
inis kong sagot. Tumaas ang kilay niya bago napakamot sa batok niya. Tiningnan niya
ako gamit ang matatalim niyang mata. Ngumuso lang ako bago ko pinagkrus ang kamay
ko sa dibdib ko.

“I just don’t want you to talk with someone who isn’t me. Kung makikipag-usap ko,
gusto ko sa akin lang.” sabi niya. Napatingin naman ako sa kanya. Kinagat ko ang
labi ko bago ako naglakas loob na itanong.

Athan is wrong. Alam kong may nararamdaman si Stanley sa akin. Mali si Athan.
Hindi gagawin ni Stanley ang mga ginagawa niya ngayon kung hindi niya ako gusto. He
would not become this possessive kung kaibigan lang ang tingin niya sa akin.
Nararamdaman ko, may feelings na si Tan Tan sa akin.

“Why? Why do you act like that Stan?”

Please. Please say, it is because you have finally learned to like me, or love me.
Kahit alin sa dalawa, ayos lang. Sapat na sa aking malaman na sa wakas ay may
puwesto na ako sa buhay niya. That I am someone who is more than a bestfriend to
him.

Bumuka ang bibig niya para sumagot pero naputol ang sasabihin niya ng biglang
tumunog ang cellphone niya. Kinuha niya ang mouthpiece niya bago iyon sinagot.

“What?” he snapped. Muntik na akong matawa ng marinig ko ang katumbas ng hello ni


Stanley sa phone. Tinitigan ko siya habang mariin siyang nakikipag usap sa kabilang
linya.

“Papunta na ako diyan George.” And then he hang up. Nanlamig ako sa tinawag niya sa
kausap niya.
“Si Georgina yun?”

Tumango lang siya bago nagpatuloy sa pagmamaneho. I fiddled with my fingers.


Tiningnan ko siya. His jaw was clenched at mas mabilis ang pagpapatakbo niya. His
knuckles were white dahil sa higpit ng pagkakahawak niya sa manibela.

Nilayo ko ang tingin ko sa kanya at pinanuod na lang ang mga puno na nadadaanan
namin. Akala ko ba hiwalay na silang dalawa? Bakit may contact pa rin ang palaka na
iyon kay Tan Tan? Wala pa ba silang closure? Hinihintay ba nilang matapos ang three
month rule?

“Ayos ka lang ba?”

“Ibababa na lang kita sa Wave. May nakalimutan ako sa bahay, babalikan ko lang.”
imbes ay sagot niya. Tumango na lang ako kahit duda akong may babalikan nga siya sa
kanila. I have the feeling na may pupuntahan siya. And that it has something to do
with Georgina.
“You’ll see her.” sabi ko. Hindi ako nagtatanong. Sigurado ako doon. Pupuntahan
niya si Georgina. Tiningnan lang ako ni Stanley bago huminga ng malalim.

“Nagkaroon lang ng problema sa isa naming producer Toryang. Malapit na ang concert
namin. Georgina needs my help.”

“Your help? Your help? Lima kayong AEGIS Stanley, bakit ikaw lang yung hinihingan
niya ng tulong? Ang genius mo naman.” I said mockingly. Hindi na sumagot si Stanley
dahil nasa tapat na kami ng Wave. Agad akong bumaba at sinara ang pintuan niya.
Sumunod naman siya.

“If you don’t want me to go see her, then say it. Hindi na ako pupunta kung ayaw
mo.”

Hinarap ko siya at pinagtaasan na lang ng kilay.

“Puntahan mo na siya. Nakakahiya naman sa ex mong palaka.” At nagwalk out na ako


dahil mas maganda ako kay Georgina.
Naiinis ako. Needs help. Sus. If I know, manlalandi lang si Georgina. At walang
lalaking banal sa babaeng malandi, I am sure of that. Sigurado akong gumagawa na ng
paraan ang palakang iyon para maagaw ulit si Stanley sa akin. Akala niya, hahayaan
ko siya. Maghanda siya. Di pa siya nakakakita ng abogadang bitter at desperada.

Hindi na ako papayag na maging pangalawa sa priority list ni Stanley. Ako ang
bestfriend. Ako ang kababata. Ako ang nauna. Extra lang sa kwento namin si
Georgina, at kung patuloy siya sa pagpapel kay Stanley, sasabunutan ko na talaga
siya at ipaparada sa buong EDSA para hindi na tularan ng mga katulad niyang gandang
ganda sa sarili. And to hell with human rights! I know the law. Makakahanap ako ng
butas para hindi makasuhan. Ang ganda ko namang preso kung sakali.

Dumiretsyo ako sa dressing room nila. Pumasok ako pero napahinto ako ng makita kong
si Athan na lang ang nasa loob at nag-aayos. Tumalikod ako at lalabas na lang sana
ulit ng tawagin niya ako. Humarap ako sa kanya pero hindi ko siya nilapitan.

“Ano?”

“Tinanong mo na ba siya?” sabi ni Athan. I bit my lip and nodded.


“He loves me A. I can feel that.”

Umupo si Athan sa tapat ng salamin bago inayos ang tie niya. Nagpatuloy naman siya
sa pagsasalita.

“Feelings can fool you Toryang. Hindi mo lang alam, nagsisinungaling ka na sa


sarili mo in the hopes of having your love reciprocated.” Tumingin siya sa
repleskyon ko sa salamin. I kept my face straight.

“You’re a lawyer. Alam mo kung paano bumasa ng mga tao. But come to think of it,
pagdating kay Stanley nagiging tanga ka. Why would you assume something that is not
yet confirmed?” he challenged me.

“Bakit mo ba sinasabi yan tungkol kay Tan Tan? Ano bang pinaglalaban mo?” mataray
ko ng tanong. Humarap siya sa akin bago lumapit ng ilang hakbang. Hinawakan niya
ang baba ko at tiningala iyon.

“You. I am fighting for you Toryang.” He said huskily. Tiningnan ko siya sa mata. I
saw pain in his eyes kaya nilayo ko agad ang tingin ko sa kanya.
“Mahal niya ako. He gets jealous. He’s sweet. He’s caring. Hindi pa ba sapat yun?”
desperada ko ng tanong. Athan grinned before shaking his head.

“I can be sweeter Toryang. I care better. At kapag ako nagselos, sisiguraduhin kong
apelyido ko na ang dadalhin mo para wala ng magtangkang agawin ka. I won’t beat
around the bush. Hindi kita paasahin sa wala.” Seryoso niyang sabi. Huminga ako ng
malalim bago umiling.

Naiinis na ako. Magkaibigan sila. Pero bakit nagagawa ni Athan sabihin ang mga ito
tungkol kay Stanley. Stanley won’t do this to him. Hindi magsasabi si Stanley ng
masasakita na salita sa likod ni Athan. Siguro nga harsh si Stan, but he won’t
backstab a friend.

And I don’t care. I don’t care if Stanley is the worst person ever. I am not inlove
with his perfect I-am-a-drummer image. I love the real him. His flaws and
imperfections, tanggap ko lahat. Wala akong pakialam kung may mas nakahihigit pa sa
kanya. I just simple don’t care about other guys. Si Stanley ang gusto ko.

“Stop it Athan.” Mababa na ang boses ko ng sinabi iyon. Athan knows me. Alam niyang
galit na ako ngayon dahil kinokontrol ko na ang sarili ko.
“Toryang naman..” frustrated na niyang sabi. Nakakatuwa bang mafrustrate Athan?
Sige, push mo lang ang paninira mo kay Stanley at lalo ko lang isasara ang tenga ko
sa mga sinasabi mo.

“Si Georgina ang gusto niya Toryang.”

“Wala akong pakialam. Ako na ang gusto niya ngayon.” Kampante kong sagot. Inis na
ginulo ni Athan ang buhok niya bago humakbang papalapit sa akin.

“Haay!” napasigaw na ito sa sobrang galit na nararamdaman. Tiningnan ko lang siya


at hindi ako gumagalaw sa kinatatayuan ko habang inis na inis niyang niluluwagan
ang necktie niya.

“Hindi ba matalino ka? Hindi ka ba nagtataka Toryang? Girlfriend na ni Stanley si


Georgina bago ka pa man umalis para mag-aral. Ang dami na nilang pinagdaanang
dalawa. Sa tingin mo ganon lang kadaling bitawan yun?”

“Makinig ka naman! For the first time in your life, makinig ka naman! He doesn’t
like you, least of all love you! Wag kang tanga!”
Napanganga ako sa sinabi niyang iyon. Humigpit ang kapit ko sa bag ko habang
nakatingin sa kanya. Pabalik balik siyang naglalakad sa harapan ko na para bang sa
sahig niya hinahanap ang sagot kung paano niya ako mapapaniwalang hindi ako ang
gusto ni Stanley.

“Ang dami pang iba diyan Toryang. Bakit lagi na lang si Stanley?” napatingin na ako
sa kanya ng magsalita siya ulit. Hindi mapagkakaila ang hinanakit sa boses niya.
Diretsyo ko siyang tiningnan bago huminga ng malalim.

“Mahal ko si Stanley--“

“And damn it! I am inlove with you too!” sigaw niya. Nanlaki ang mata ko sa sinabi
niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig ko. Nanatili lang akong nakatitig sa
kanya. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang balikat ko.

“Toryang, sa akin hindi mo kailangang manghula. Ikaw lagi ang una. I won’t give a
fuck about anyone. Ikaw lang. Walang sideline na ibang babae. Ikaw lang. Toryang,
ikaw lang.” pagmamakaawa niya. Napayuko naman ako bago ko hinawakan ang kamay niya
at inalis iyon sa braso ko.

“Athan..”
“Please..”

Nakagat ko ang labi ko bago ko siya tiningnan. Dahan dahan akong umiling. His face
fell upon seeing my reaction.

“Wag mo akong papiliin Athan. Kasi kahit anong mangyari, hindi magbabago ang choice
ko. Palaging si Stanley ang pipiliin ko.”

Hindi na siya nakapagsalita pagkatapos kong sabihin iyon. Lumabas na lang ako sa
dressing room at hinayaan si Athan sa loob.

--------------------------------

As much as I would like to update my other on-going stories,hindi na kinakaya ng


powers ko dahil kailangan ko ng maraming brain energy para kila Daphne. Wala na rin
akong baklang hormones kila Diamond. Sorry po. Peace XD

Maguupdate ako kapag okay na ko.

*pen<3
=================

Tinkerbell

SIYAM

Tanga ka.

Yun ang paulit ulit kong sinasabi sa sarili ko sa tuwing maaalala ko ang mukha ni
Athan pagkatapos ng sinabi niya. Ang tanga ko. Paanong hindi ko napansin iyon? Kung
alam ko sana, hindi ko na hinayaang mahulog si Athan sa akin. Sana hindi ko na lang
siya pinayagan noong pinuntahan niya ako sa US. Hindi ko na alam kung anong dapat
kong gawin. Baka maging rason ito ng pag-aaway ni Stanley at Athan. Ayaw kong
masira ang AEGIS. Ayaw kong masira ang pagkakaibigan nila ng dahil sa akin.

Athan said that he loves me. Ilang beses ko bang hiniling na sana marinig ko iyon.
But Athan’s words did not give me any happiness at all. Iisang tao lang talaga ang
makakapagpasaya sa akin kapag sinabi niya ang mga salitang iyon. And it is not
Athan. I know it is not Athan. Whatever happens, it will always be Stan.

Tanga ka.
Ayaw kong saktan si Athan. Hell, I will never hurt him. Mahalaga siya sa akin. He
is a part of me. Nakasama ko na siya buong buhay ko at ayaw kong magkaroon ng lamat
ang pagsasama namin dahil lang sa hindi ko kayang tugunan ang nararamdaman niya.
But I can’t choose him over Stanley. Ngayon pa? Ngayon pang napapansin na ako ni
Stanley, saka ko siya bibitawan? Ayaw kong gawin siyang panakip butas. Ayaw kong
gamitin si Athan. He deserves a girl who can love him back, not a girl who only
stays with him because of an unrequited love. Ayaw kong mabuhay si Athan sa anino
ni Stanley. Ayaw kong sagutin ang nararamdaman niya dahil hindi sinagot ni Stanley
ang nararamdaman ko para sa kanya.

Tanga ka.

Ano nang gagawin ko? Ang tanga ko talaga! Naiinis ako sa sarili ko! What will
happen now? Ayaw kong masaktan si Athan pero ayaw ko namang iwan si Stanley. Hindi
ko na alam. Ano nang gagawin ko?

I have to choose. And I know I will hurt Athan with my choice, but I would rather
hurt him now than use him. Mas masasaktan lang siya kung gagamitin ko siya.

Hanggang sa makarating ako sa firm ay iyon ang iniisip ko. Hindi ko na nareview ng
maayos ang annulment case na ibinigay sa akin dahil sa problem akong iyon. Mukhang
napansin ito ng boss ko kaya lumapit siya sa akin.
“Anong problema?” tanong ni Judge sabay lapag sa harapan ko ng isang kape.
Tinitigan ko lang iyon. Hindi agad ako nagsalita pero matyagang naghintay si Judge
na magsabi ako.

“Alam po ninyo na may gusto po akong lalaki hindi ba Judge?” tiningnan ko siya
habang sinasabi iyon. Tumango ito bago sumipsip sa kape na hawak niya. Hindi ito
nagsalita kaya nagpatuloy ako.

“At sa tingin ko po, mahal na rin niya ako---well he didn’t say the words yet, pero
ramdam ko ho. He loves me. He said that he owns me--“

“Do you own him?” biglang sabi nito. Napatigil ako at tiningnan si Judge. She
smiled at me before drinking again at her cup. Hindi ako agad nakapagsalita kaya
lumawak lalo ang ngisi niya.

“Do you own him, Tori?”


Kimi akong tumango. Tinitigan niya ako na para bang hinuhulaan kung
nagsisinungaling ba ako sa harapan niya. And part of me is lying. Part of me is
having doubts about Stanley. But a bigger part of me still hopes that deep inside
him, there is a love that is meant for me. Siguro hindi lang talaga siya showy.
Ayaw niyang binobroadcast ang tungkol sa nararamdaman niya, and I understand that.

But I wish he can say that he loves me. Just like what Athan did.

“Do you love him?”

Napapikit ako. Bakit pakiramdam ko ay isang interrogation ang nangyayari? Dumilat


ako at nakita kong naghihintay si Judge ng sagot ko.

"I d-do.." sabi ko. Nakagat ko ang labi ko ng nabulol ako. Nanliit ang mata ni
Judge ng marinig niya ang sagot ko. Ibinaba niya ang tasa niya at diretsyo niya
akong tinitigan.

"I'll ask you again next time Tori. Be sure about what you feel.” Kinuha na ni
Judge ang tasa niya at iniwan na ako sa lamesa ko. Napasandal ako sa upuan ko and
closed my eyes tightly.

I am having doubts. Tinatanong ko ang sarili ko kung tama pa bang umasa ako kay
Stanley. Yes, he acts as if he is my man, but he never said the words. Athan acts
and says the words. Athan makes me feel the things I wanted from Stanley.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. I can’t work while thinking about A and Tan.
Siguro kailangan ko muna ng timeout. Yung malayo sa kanilang dalawa. Yung panahon
na para sa akin muna. Yung walang kahit na anong gulo. I need that.

Dumiretsyo ako saisang jewelry shop para humanap ng bagong kwintas. Nahagip ng
paningin ko ang isang maliit na silver tinkerbell sa gilid. Tiningnan ko iyon.

I can be sweeter Toryang. I care better. At kapag ako nagselos, sisiguraduhin kong
apelyido ko na ang dadalhin mo para wala ng magtangkang agawin ka. I won’t beat
around the bush. Hindi kita paasahin sa wala.

Naalala ko si Athan pagkakita ko sa pendant. Athan was there whenever I need him.
Kahit hindi na ako magsabi o humingi ng tulong, nandyan na siya. Nung mga panahong
nahohomesick ako, si Athan ang nandyan. He spent hours under the snow while waiting
outside my university. May exams kami noon kahit christmas season, nagsisimula ng
magsnow noon but he waited for me. He cooked for our christmas kahit na nanlalamig
pa ang kamay niya sa paglalagi sa ilalim ng snow. He sang for me hanggang sa
makatulog na ako. He’s always there. Just like Tinkerbell to Peterpan.

Kinuha ko na ang kwintas at binili iyon. Agad ko iyong sinuot. Tiningnan ko ang
repleksyon ko at ganun na lang ang tuwa ko ng makita ko ang maliit na tinkerbell
malapit sa dibdib ko. Paalis na sana ako sa mall when my phone beeped. Kinuha ko
iyon and saw atext message from Ethan. Nagpapabili ito ng pizza at pinapahatid niya
sa Waves. Agad akong dumiretsyo sa pizza parlor at umorder ng limang kahon.

Pagkarating ko doon ay pinadirestyo ako sa conference room na ikipinagtaka ko.


Sanay kasi ako na kung hindi sa dressing room ay sa practice room ako dinadala.
Pumasok na ako sa conference room at muntik ko ng mabitawan ang kahon ng pizza when
I saw Stan’s lips bleeding.Agad akong kinain ng pag-aalala. Patakbo akong lumapit
sa kanya.

“Anong nangyari?” kinakabahan kong tanong. Kinuha ko ang panyo ko at pinunasan ang
gilid ng labi niyang pumutok. Kumuha ako ng alcohol pero biglaan siyang tumayo.
Muntik na akong matumba sa ginawa niya.

“This is for the better Stanley--“

“For the better?! Hindi ako papayag!” dumagundong ang boses niya sa buong kwarto.
Napatingin ako sa apat. Nagulat ako ng makita kong gusot ang damit nila Greg at may
bahid din ng dugo si Athan.
Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang lima. Manager cleared his throat bago
ako tiningnan.

“Please, have a sit.”

Hindi pa man ako nakakupo ay nagsimula na itong magsalita. Inilapit niya sa akin
ang isang laptop. I gasped with what I saw.

“Kalat na sa internet Tori. The management can’t do anything about it. In fact,
AEGIS sales hiked for fifteen percent because of this news.” Nakangiti nitong sabi.
Napatingin ako kay Athan na nakatingin lang sa akin.

“To hell with the fifteen percent! Why did you kiss him Toryang?” baling nito sa
akin. hindi agad ako nakasagot. Napayuko ako. Pakiramdam ko, nagtaksil ako sa kanya
kahit wala naman kaming kahit na anong relasyon.

“Tan..”
“It’s not her fault. Ako ang humalik.” Sagot ni Athan. Napatingin naman ako dito. I
was about to talk when Stanley lunged at Athan. Pareho silang natumbang dalawa sa
sahig, with Stanley on top. Agad akong napatayo at tiningnan ang tatlo na nanunuod
lang.

“Awatin nyo!” sigaw ko. Umiling lang si Iñigo bago nagsuot ng earphones.

“Gago ka Nathaniel! What happened to the bro code?! Akala ko ba walang agawan?!”
sigaw ni Stanley. Tinulak siya ni Athan at tumayo ang huli. Pinunasan niya ang labi
niya.

“Hindi ko inaagaw si Georgina sayo.” Madiin niyang sabi. Nanlisik ang mata ni
Stanley bago muling sinuntok si Athan.

“Ano ba!” awat ko pero walang nakarinig sa akin.


“Labas si Georgina sa usapan na ito! Bakit mo hinalikan si Toryang?! Wala kang
karapatan!”

“Hindi mo siya pag-aari. She’ not yours.”

“She’s mine, damn you.” Mariing sabi ni Stanley. Tiningnan ko ang tatlo na
nagaabang lang ng pagkakataon kung kailan aawat. Sa nagmaakaawang mata ay sinabihan
ko silang paghiwalayin na si Stanley at si Athan bago pa sila magkasakitan ng todo.

“Sayo rin si Georgina. Ano ito Stanley, sabay sabay lang?” may pang uuyam na sabi
ni Athan. Napatingin ako kay Stan na hindi agad nakasagot.

“Hindi ko hahayaang saktan mo si Victoria, Stanley. Magkamatayan na. Wala na rin


akong pakialam sa AEGIS. Masira na lahat ng masira, pero hindi ko isusuko si
Toryang.” Buong loob na sabi ni Athan. Hindi pa rin nagsasalita si Stanley. Hinarap
ko siya.

Tiningnan niya ako at napayuko na lang.


“Tan..”

Walang nagsasalita sa amin sa loob ng kwarto. All I can hear is the sound of their
heavy breathing. Hinihintay kong sumagot si Stanley. Kahit na abutin ako ng gabi sa
paghihintay, ayos lang. Basta malaman ko lang kung ano ba talaga ako para sa kanya.

“Bakit hindi ka makasagot?” hindi ko na natiis. Tiningnan niya ako bago napakagat
sa labi niya.

“Toryang..”

“Laro lang ba ito Tan?” nabasag ang boses ko ng sinabi ko iyon. Napapikit si
Stanley ng marinig niya ang pagpiyok ko.

“Toryang, hindi--“
“Kung ganon, ano? Stanley naman eh! Alam mo naman estado ng utak ko hindi ba? Slow
ako, at hindi ko kayang manghula! Saan ko ba ipepwesto ang sarili ko sayo?”

Tumayo si Greg at hinawakan ako sa braso. Doon ko lang naramdaman na nanginginig na


pala ako.

“Kalma lang.” bulong ni G sa akin. pero hindi ko kayang kumalma. Lalo pa’t unti
unti ko ng nakikitang tama nga si Athan tungkol kay Stanley.

Tanga ka.

Napapikit ako sa naisip. Ilang beses ko na bang nasabihan ang sarili ko ng ganyan
ngayong araw? Ilang beses ko na bang ipinagdikdikan sa sarili ko na tanga ako. Pero
ngayon ko lang talaga naramdaman na tanga nga ako. Salamat kay Stanley, nalama ko
kung gaano ako kalaking tanga.

“Tan..” tawag ko sa kanya. Tiningnan niya ako.


“Toryang, please.” Pagmamakaawa niya. Hindi ko alam kung anong hinihingi niya.
Hindi ko rin alam kung bakit siya nag-mamakaawa.

“Tama ba si Athan? Lokohan lang ba ito Tan?”

“No!” sagot niya sabay iling ng mariin. Napangiti ako ng mapait.

“Kung ganun, ano ba si Georgina para sayo? Ano ba ako para sayo?” malamig na ang
boses ko. yumuko lang si Stanley sa tanong ko.

“Balik na naman tayo sa ganito Stanley. Pilian portion na naman oh. Ako ba o si
Georgina?”

Walang sagot. Nanatili lang siyang nakayuko. Mapait akong napangiti.


Pareho pa rin ang sagot niya. Si Georgina pa rin. Hindi ko na hinintay na may
sabihin pa siyang iba. Tumalikod na ako at pumunta sa pintuan ng bigla niya akong
tawagin. Humarap ako sa kanya at hinila niya ako palabas. Iniliko niya ako sa
bandang walang tao.

“Ikaw Toryang. Mula noon, hanggang ngayon, ikaw. And if Athan will kill for you,
then he’ll be damned. Because I won’t give you up. You’re mine.”

--------------------------------

*pen<3

=================

Sagot Sa Mga Tanong

SAMPU

Nakatiim ang bagang niya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tiningala ko siya dahil sa
tangkad niya. Nakadiin ang likod ko sa pader habang nakalagay ang braso niya sa
magkabilang gilid ko. Malalim at maiikli ang paghinga niya. Unti unti siyang
lumalapit sa akin.
“Malabo pa ba Toryang? Hindi ba’t sinabi ko na sayong akin ka?” madiin niyang sabi.
Napakurap ako at yumuko. Pakiramdam ko, isa akong aso na nahuling ngumangatngat sa
tsinelas ng amo ko. Alam kong nagalit siya sa nakita niyang ginawa ni Athan.

Lumapit siya lalo at tinaas ang kamay niya. Pinikit ko ang mata ko at hinintay na
saktan niya ako, pero napadilat ako ng may maramdaman akong pumapahid sa labi ko.
Tiningnan ko siyang nakafocus sa labi ko habang pinupunasan iyon.

“Walang may karapatan Toryang. Ni hawakan dulo ng daliri mo, walang may karapatan.”
Bulong niya sa akin. Tiningnan ko siya. Pinadaan niya ang hinlalaki niya sa labi ko
bago ako hinila at niyakap.

Napapikit na lang ako ng maramdaman ko ang higpit ng hawak niya sa akin. How I
wish, this is true. Sana totoo itong sinasabi at ginagawa ni Stanley. Sana totoong
nahulog na siya sa akin. Sana totoo na may nararamdaman na siya at hindi na niya
ako bibitawan pa.

Idinikit niya ang noo niya sa noo ko bago parang lasing na ngumiti.

“Do you like him?” tanong niya habang nakapikit. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi
niya. Tiningnan ko siya ng diretsyo dahil hindi ko gets ang tanong niya. Sinong
him? Siya? Siya ba?
“Sino?”

Mabilis siyang dumilat bago lumayo sa akin. Tiningnan niya ako bago tumaas ang
kilay niya.

“Si Athan. Gusto mo ba siya?” seryoso niyang tanong. Ilang beses akong napakurap.
Inipon ko ang hininga ko bago unti unting umiling.

“Sigurado ka?”

“Alam mong ikaw lang Tan. Bata pa tayo ikaw na ang gusto--“

“And yet you still gave that goddamn flower to Greg.” He hissed. Napatingin ako sa
kanya bago napangiti na lang ng wala sa sarili.
“Ang tagal na nun Stan.” Tukso ko. Ngumuso lang siya.

“Kahit na. Kung gusto mo talaga ako, dapat sa akin mo binigay iyon--“

“Sayo ko naman talaga binigay. Pinaabot ko kay Greg, sabi ko sa kanya ilagay na
lang niya sa locker mo. Diba sabi mo sa akin noon, mag-isip ako ng unique na paraan
kung paano ibibigay sayo yung bulaklak? Yun yung naisip kong paraan. I gave the
flower to Greg with a note with it Tan.” Tuloy tuloy kong sabi. Nanlaki ang mata
niya ng narinig niya ako.

“Sayo galing yun? Yung pink na letter, sayo galing yun?” nagtataka niyang tanong.
Tumango ako bago kinurot ang ilong niya.

“P-pero..” yumuko siya bago lumayo ng kaunti sa akin. Nagtaka naman ako sa ikinilos
niya. Nagngalit ang bagang niya bago niya tinakpan ang mukha niya.

“Georgina..” inis niyang sabi. Bigla siyang tumalikod at naglakad palayo. Hinabol
ko naman siya na nagmamadali sa pagpasok sa elevator.
“Stan..” tawag ko sa kanya pero nagsara na ang elevator. Tiningnan ko kung saang
floor siya tumigil bago siya sinundan. Hingal akong nakarating sa floor ng CEO ng
Wave Records. Tatlong hakbang pa lang ang nagagawa ko ng narinig ko ang sigaw ni
Georgina.

“So what?! Ano ngayon kung sa kanya galing yung sulat? You spent ten years with me,
wala lang ba yun sayo?”

Bitterness was laced in her voice.Pinakinggan ko ang boses ni Georgina, sigurado


akong siya iyon. Dahan dahan akong naglakad at gumaya sa mga empleyadong
nakikiusyoso sa away ni Stanley at Georgina.

“Hindi mo dapat inangkin yung sulat! Hindi mo dapat sinabi na sayo galing yun!”

Napatigil ako sa isinigaw ni Stanley. Inangkin ni Georgina na sa kanya ang sulat


ko? Pero..bakit naman niya gagawin iyon? Nakakahiya, ang pangit pa naman ng
penmanship ko noon. Baka wrong grammar pa ako. Nakakahiya talaga. Sana computerize
na lang ang sulat ko. Bakit ko ba kasi inisip na handwritten ang ibibigay ko?
“Dahil yun lang yung pag-asa kong mapansin mo ako Stanley! I know your obsessed
with the fact of being inlove! Alam ko ring naobsess ka sa sumulat noong letter! At
alam kong kapag nalaman mong si Toryang yun, hindi mo na ako mapapansin.” Humina
ang boses ni Georgina ng sabihin niya ang huli niyang mga salita. Nakita kong
natigilan si Stanley doon.

“Diba dapat liligawan mo na siya noon? Kaya mo nga siya pinilit magpunta sa prom
dahil nagbalak kang magtapat hindi ba? At dahil isa siyang dakila siyang tanga.
Ibinigay niya kay Greg ang bulaklak. Buti na lang, kasi kahit papaano, napansin mo
ako.” Pumiyok ang boses niya. Kitang kita sa mukha niya ang sakit sa bawat salitang
sinasabi niya.

Naglakad na ito palayo pero napatigil siya ng makita ako. Nanlisik ang mata niya at
bago pa man ako makagalaw ay naramdaman ko na ang palad niya na dumapo sa pisngi
ko. Malakas iyon at nakakabingi. Muntik na akong matumba, kung hindi lamang ako
nahawakan ng katabi ko.

“Happy now?” tanong niya sa akin. Ngumiti lang ako sa kanya bago lumapit.

“Kung sasabihin kong oo, anong gagawin mo?” balik tanong ko. Lalo lang tumalim ang
mata niya bago muling tinaas ang kamay niya. Isang beses pang samplain niya ang
mukha kong palagi kong pinapafacial, makikita niya. Sasampalin ko din siya.
Pero bago pa man niya nagawa iyon ay may kamay na na humawak sa kanya. Napatingin
ako kay Stanley na walang kaemoemosyon ang mukha. Hinigpitan nito ang hawak kay
Georgina at pinilipit ang kamay nito.

“Hurt her and I’ll hurt you twice. Try me Georgina.” Dahan dahan nitong sabi habang
lalong pinipilipit ang kamay ni Georgina hanggang sa mapasigaw na ito sa sakit.

Doon ko lang nakita na ganon si Stanley sa buong buhay ko. Nanlilisik ang mata niya
at parang papatay siya ng tao. Noong panahon na iyon, nalaman kong iba nga talagang
magalit ang isang Montreal. Anak nga talaga ni Tatay Sandro si Stanley. Walang
katapon. Mag-ama sila.

Hinila niya ako papasok sa elevator. Nagmamadali siya sa paglalakad at halos


takbuhin na namin ang labasan. Ako naman ay hirap na hirap na dahil sa suot kong
sapatos. Mataas ang takong nito at masyadong malalaki ang hakbang ni Stanley para
sa akin.

Pababa na kami sa hallway ng bigla akong matapilok. Napasigaw ako sa sakit at agad
humarap si Stanley sa akin.

“Toryang?” nag-aalala niyang tanong. Agad siyang lumuhod sa harapan ko at


inalalayan ako.
“Can you stand?” sabi niya. Sasagot pa sana ako ng tumalikod siya sa akin.
Hinawakan niya ang dalawang braso ko at pinulupot iyon sa leeg niya. Nang makakapit
na ako ay ang hita ko naman ang inilagay niya sa beywang niya bago siya tumayo.

“Tan..”

“Nevermind. I’ll carry you.” Sabi niya bago siya naglakad habang ako naman ay
nakapiggy back sa kanya. Kumapit ako ng maigi sa leeg niya kahit wala namang bakas
ng kahit na anong hirap sa ginagawa ni Stanley. Inilagay ko ang baba ko sa leeg
niya.

Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng atake sa puso sa lapit naming dalawa ni Tan


Tan. Hindi siya sweet, aaminin ko. Hindi siya yung kalse ng lalaki na mabulaklak
ang dila at palagi kang papakiligin sa bawat sasabihin niya. Hindi rin siya yung
klase ng lalaki na mangingisay ka sa kilig dahil madalas siyang magbigay ng
bulaklak at suportado ang pagpopromote ng diabetes dahil sa chocolates na binibigay
sayo.

Hindi ganung klaseng lalaki si Stanley. Harsh siya magsalita. Suplado siya.
Mayabang. Pero yung mga simpleng bagay na ginagawa niya, sapat na para mahulog ka
ng paulit ulit sa kanya.
Si Stanley ang klase ng lalaki na magpapatunay sa isang babae na walang perpektong
prince charming. Hindi ko alam, siguro nasasabi ko ito kasi nga, alam niyo na.
Mahal ko siya eh. Bias lang talaga ako.

Dahan dahan niya akong nilapag sa kotse niya bago inilagay ang seatbelt sa akin.

“Diyan ka lang. Wag kang aalis.” Sita niya sa akin. Napanguso naman ako. Paano pa
ako makakaalis. Nakaseatbelt na nga ako, pilay pa ang sakong ko. Si Tan Tan talaga,
oo.

“Saan naman ako pupunta?”

“Basta. Diyan ka lang. Kapag umalis ka, idederetsyo kita sa simbahan.” Pananakot
niya. Napakurap kurap naman ako sa kanya.

“Gusto mong magsimba?” tanong ko sa kanya bago ako napangiwi noong kumirot ulit ang
paa ko. Napabuntong hininga na lang si Tan Tan sa sinabi ko bago siya yumuko at
inilapit ang mukha sa akin.
“Gusto kong ikasal.”

Inilagay niya ang braso niya sa taas ng upuan ko bago lalong lumapit pa sa akin.
Halos magkadikit na ang mga ilong namin at amoy na amoy ko na siya.

“Sayo.” Bulong niya bago hinalikan ang noo ko at lumayo na. Umikot siya para
pumasok sa kotse at tuluyan ng nagmaneho. Ako naman ay parang tanga na hindi pa rin
gumagalaw sa kinauupuan ko.

Dumiretsyo kami sa isang bahay sa may subdivision sa Tondo. Malapit lang iyon sa
dati naming bahay noong mga bata pa kami. Dito rin lumaki si Tan Tan pero umalis
din sila noong naggraduate na kami ng highschool. Nang humimpil na ang kotse niya
ay bumaba kaagad siya at binuksan ang gilid ko. Tinanggal niya ng seatbelt ko bago
niya ako binuhat ulit.

“Tan..” bulong ko sa kanya bago tumingin sa mga taong nakikiusyoso.

“Ano?”
“Nakakahiya.” Sabi ko sa kanya bago nagsumiksik sa dibdib niya. Bumulong bulong
siya bago ako niyuko.

“Anong nakakahiya?” inis niyang tanong. Kinagat ko ang labi ko bago tumingin sa
kanya.

“Wag mo ngang kinakagat yung labi mo!”

“Ha?” tanong ko ulit. Tumaas lang ang sulok ng labi niya bago tiningnan ang mga tao
na nagsisimula ng kuhanan siya ng picture.

“Anong nakakahiya?” ulit niya. Yumuko ako bago ngumuso. Siyempre, nakakahiya ang
ganito. Baka akala ng mga tao, may kung ano na sa amin. Eh hindi naman ako sigurado
kung ano na nga ba talaga kaming dalawa.

“Pinagtitinginan tayo Tan Tan.” Bulong ko sa kanya. Humigop siya ng hangin noong
huminga siya. Alam kong kapag ganyan siya ay may nasabi na naman akong mali at
nainis na naman siya sa akin.
“Kinakahiya mo ako?” inis niyang tanong. Bigla akong napatingin sa kanya.

“Hindi--“ bigla siyang yumuko at inatake ang labi ko. Napahawak ako sa batok niya
dahil sa takot na baka mabitawan niya ako. Madiin ang halik niya at pilit niyang
binubuka ang bibig ko. Hindi pa siya nakuntento at kinagat niya pa ang ilalim ng
labi ko bago humiwalay sa akin.

“Ngayon mo sabihin nahihiya kang kasama ako Victoria.” Inis niyang sabi bago
hinigpitan ang hawak sa akin. Pinasok niya ang susi sa gate gamit ang isa niyang
kamay bago iyon sinipa. Ganun din ang ginawa niya sa pintuan. Maingat niya akong
iniupo sa sofa niya bago siya lumuhod sa harapan ko. Kinuha niya ang paa kong
natapilok at inilagay iyon sa hita niya. Pinisil niya iyon ng kaunti at napaigik
ako.

“Masakit ba?” masuyo niyang sabi habang unti unti niyang hinihilot iyon. Kinagat ko
ang labi ko ng makaramdam ulit ako ng panibagong kirot sa paanan ko dahil sa mga
pagpisil niya.

“Damn it Toryang. Don’t bite it.” Sabi niya habang nakayuko at nakatuon pa rin ang
pansin sa paa ko. Napanguso naman ako at magsasalita pa sana ng tumayo na siya.
“Kukuha muna ako ng hot pack. Diyan ka lang. Wag kang tatayo, baka lalong mamaga
yan.” Utos niya. Gusto kong iikot ang mata ko dahil na naman sa tono ng boses niya.
Napakadominante talaga.

Sinundan ko na lang siya ng tingin noong dumiretsyo siya sa kusina at nag-init ng


isang towel. Nang matapos siya ay bumalik siya sa dating pwesto niya at inilapat
ang towel sa paa ko.

Tinitingnan ko siya habang ginagawa niya iyon sa akin. Makikita mo ang pag-iingat
sa kilos niya. Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa nararamdamang pag-aalaga
niya. Hindi ko alam na posible palang maging mapag-aruga ang isang Stanley
Montreal.

“Here. Aantukin ka nga lang ng kaunti dahil sa pain reliever na yan.” Sabi niya
bago ako inabutan ng tubig at ng isang tablet ng pain reliever. Agad ko iyong
ininom.

“Ask it.” He said. Napayuko ako sa kanya sa sinabi niya. Tiningnan niya ako bago
dahan dahang inayos ang mga unan sa sofa bago niya ipinatong ang paa ko doon.

“Anong itatanong ko?” nagtataka kong sabi. Seryoso niya akong tiningnan bago
nagbuntong hininga.

“Si Georgina..” huminga siya ng malalim na para bang hirap na hirap siyang sabihin
kung ano man ang saloobin niya.

“Safe ako sa kanya. Safe ang AEGIS sa kanya. What I feel for her is not that
extreme. I don’t feel anything for her at all. Inalok ko lang naman siya ng kasal
para sa public display. Para lalong tumaas ang sales ng AEGIS sa merkado. Alam ni
Georgina na yun ang intensyon ko kaya hindi siya pumapayag sa alok ko.” ginulo niya
ang buhok niya at wala sa loob na pinisil ang mga daliri ko.

“Alam rin niyang tumatakas ako kapag may world tour kami para silipin ka.”

Napatingin ako sa kanya noong sinabi niya iyon. Nakita kong nakangiti siya sa
sarili niya na parang baliw.

“Hindi ka ba nagtataka na hindi talaga kita nicontact kahit minsan? Because I don’t
see the need to. Alam ko kung anong nangyayari sayo sa States Toryang. Alam kong
nagtatrabaho ka sa library kapag tapos na ang klase mo. Alam ko ring may kaibigan
kang mataba na pangalan ay Susie.” Nanlaki ang mata ko ng marinig ko ang pangalan
ng Amerikana kong kaibigan sa university noon. Ngumisi si Tan Tan ng makita niya
ang reaksyon ko.
“Maulan kasi noon pero hinihintay kitang lumabas sa City Library. Wala akong payong
dahil tumakas lang ako sa hotel noon. Isa pa, ayaw kong malaman ng iba na
binabantayan kita dahil ayaw kong magkagulo kami. Usapan namin na walang lalapit
sayo pero hindi ko natiis. Alam ko noon pa man na may gusto sila sayo.” He snorted
pagkasabi niya noon.

“SIla?”

Tumalim ang mata niya bago ngumuso.

“Oo sila. Bwisit. Lahat na lang may gusto sayo. Si Greg, si Iñigo, si Ethan.. lalo
na si Athan. Lahat sila.” Inis niyang sabi.

“Bakit hindi ka nagpakita sa akin?”

“Diba yun yung gusto mo? Bago ka umalis, yun ang sinabi mo sa akin. Gusto mo sa
susunod na nagkaharap na tayo, abogada ka na at may ipagmamalaki ka na sa akin.
Ayaw kong sirain yun, kaya nagtago ako. I watched you from afar, if you only knew.”
natatawa niyang sabi.

Hindi na ako nagsalita pagkatapos ng sinabi niya.

He likes me! He freaking likes me! Kung hindi niya ako gusto, ano ang tawag mo sa
ginagawa niya? Binantayan niya ako. He was there for me. ianwa niya ang mga bagay
na akala kong hindi niya kailanman gagawin para sa akin. He likes me.

“Gusto mo bang magpahinga? I can bring you to my room.” Alok niya. Para akong tanga
na tuwang tuwang umiling bago kinuha ang throw pillow at niyakap iyon. Humikab ako
at naginat.

“Can I sleep here?” tanong ko. Tumingin siya sa akin bago nagtaas ng kilay.

“Bakit nagpapaalam ka pa? Do whatever you want. Bahay mo rin ito.” Sabi niya bago
pumanhik sa taas. Tumagilid ako ng kaunti para hindi ko masanggi ang paa ko. Tinago
ko ang mukha ko sa gilid ng sofa bago paimpit na tumili sa sobrang kilig na
nararamdaman ko.
Grabe. Ang lakas ng tibok ng puso ko. ganito pala ang feeling kapag sobrang sobra
ang tuwa mo. Pakiramdam ko wala na akong mapaglagyan ng tuwa sa dibdib ko.

Hinikab ulit ako at tuluyan ng bumigat ang talukap ko. Naramdaman ko ang pagbalot
sa akin ng kumot pero hindi ako sigurado kung parte pa ba iyon ng panaginip ko.
Naramdaman kong may umayos sa unan ko at inalis ang mga hibla ng nagkalat na buhok
sa mukha ko.

“I love you.”

Napangiti ako ng narinig ko iyon. Sana hindi na ako magising sa panaginip kong ito.

--------------

It’s on! Ipaglaban na ninyo, A o S?

*pen<3

=================

Overdose

11
Nananaginip ng gising, nakatulala sa hangin..

Nagsusumudhing damdamin kahit halik mo ay akin..

Di ko na alam ang kasunod.Di ko rin alam kung tama ang lyrics ko.Di ko rin alam
kung bakit baliwan na naman ang peg ko dito sa chapter na ito. Di ko nga rin alam
kung bakit kinakanta ko ito. Siguro kasi ayaw ko ng magising sa panaginip ko
ngayon. Kung pwedeng ikulong ko na lang ang sarili ko dito sa loob ng pantasya ko
gagawin ko, Game na game ako, basta ba marinig ko ulit ang four words eight letters
ni Tan Tan.

Tan Tan! Grabe kinikilig ako. Haha, bulateng malandi! Gusto ko siyang pakasalan!
Gusto kong palitan na niya ang apelyido ko! Gusto kong angkinin na niya ako! Gusto
ko ng maging Mrs. Victoria Shayne O. Montreal!

Pero ang tanong, gusto din ba niya?


Bigla akong napadilat ng maisip ko ang naisip ng isip ko. Tumayo na ako mula sa
pagkakahiga ko sa sofa at nilingon ang paligid para hanapin si Tan Tan. Ginala ko
ang mata ko ng nakita ko siyang nakabaluktot sa single sofa habang may nakayakap na
libro sa bisig niya. Dahan dahan akong lumapit sa kanya at tinitigan siya.

Maraming nagsasabi sa akin, puppy love lang daw ang mayroon ako para kay Tan. Iyong
tipong mawawala pag lumipas ang panahon. Iyong tipong panandalian lang at walang
kasiguraduhan. What I feel for him was nothing but just a childish whim.
Infatuation. Yun ang ang term nila sa nararamdaman ko. But let me make this clear,
Mr. Webster defined infatuation, from the Latin word infatuatus, as the state of
being deprive of sound judgment. And I can therefore conclude, according to the
cons and bylaws of the human rights, that I was never deprived of my right to judge
when I chose to fall for Stanley Philip Montreal. Oo, it is my choice. Gasgas na
ang linya na kung may pagpipilian lang ako, hindi ko siya mamahalin chuchu na yan.
We have the say on who we will love. Hindi puso ang naiinlove, it is the
hypothalamus. At konektado ang hypothalamus sa utak, hindi sa puso. Nagkakaproblema
nga lang tayo when we let the irrational part of our brain--the hypothalamus--
choose a wrong person to love.

A girl should know how to weigh a guy. Dapat sa simula pa lang alam na niya kung
karapat dapat ba ang lalaki sa tibok ng hypothalamus niya para alam niya kung tama
na ba ang desisyon na gagawin niya. And I know Tan Tan is the right guy for me.
Magmula noong unang araw ko siyang nakita noong naglalaro ako ng piko sa may
putikan, alam ko nang siya ang tamang lalaki para sa akin. Sa akin. Akin. I did not
spend ten years upgrading myself in States para lang isuko si Tan Tan. Desperada na
kung desperada. Madamot na kung madamot. Malandi na kung malandi. Ako ang
nagmamahal at kahit na anong sabihin ng kahit na sino ay hindi ko papakinggan.

“Why?”

Napatingala ako kay Tan Tan ng bigla siyang magdilat. Pupungas pungas pa siya bago
niya inayos ang album at inilapag iyon sa lamesa.

“Ha?”

Kumunot ang noo niya bago nag inat. Napako ang tingin ko sa nagsusumigaw niyang
biceps bago ako napalunok. Ang muscles niyang nagfeflex na yata ang pinakamagandang
bagay na nakita ko sa buong buhay ko. Nakakapang init ang bawat himaymay ng muscles
niya. No wonder he is the hottest drummer in the whole Philippines. Biceps pa lang,
pwede ng pakasalan.

“Toryang..” tawag niya ulit sa akin. Sinagot ko siya pero nakasunod pa rin ang
tingin ko sa biceps niya habang inaayos niya ang throw pillow at ang pinaghigaan
ko. Narinig ko siyang bumuntong hininga.

“Stop staring at my arms Victoria.” Sita niya sa akin. Doon pa lang ako napatingin
sa kanyang mukha. Nakakunot na naman ang noo niya at hindi ko alam kung naiirita na
naman siya sa akin.

“Hindi ko tinitingnan ang braso mo.” Naglalaway lang ako, sabat ng konsensya ko.
Gusto ko sana siyang sapukin pero baka magtaka si Tan Tan kapag sinaktan ko ang
sarili ko.
Tumaas lang ang kilay niya sa sinabi ko bago gumapang papunta sa akin. Napasandal
ako sa armrest habang siya naman ay itinukod na ang dalawang braso sa likuran ko.

“Iba ang tinitingnan sa tumititig.” Bulong niya. Ngumuso ako sa sinabi niya. Bumaba
ang tingin niya mula sa mata ko papunta sa labi ko.

“Hindi mo alam kung anong epekto ng pagtitig mo sa balikat ko Toryang.” Dahan dahan
niyang sabi habang nakatingin pa rin sa labi ko. Napalunok na ako bago ko kinagat
ang bibig ko. Narinig ko siyang humugot ng marahas na hininga sa ginawa ko.

Gumapang pa siya lalo palapit sa akin habang umaatras naman akong palayo. Inilagay
ko ang dalawang kamay ko sa may dibdib niya pero napasinghap ako ng maramdaman ko
ang bilis ng tibok ng puso niya. Is he hyperventilating? Hala!

“W-wala naman akong ginagawang masama. Lumayo ka nga!” pilit kong pinatatag ang
boses ko pero ngumisi lang si Tan Tan sa sinabi ko. Gumapang pa siya ng isang beses
hanggang sa wala na halos natirang espasyo sa pagitan naming dalawa.

“T-tan Tan naman.. layo sabi.”


Umiling lang siya habang may mapaglarong ngiti sa labi niya. Inilapit niya ang
mukha niya sa akin hanggang sa halos maduling na ako sa sobrang pagkakatapat ng mga
mata namin.

“Ayaw ko.”

“Tan--“

“I want to be close to you. I always wanted to be this close to you.” Bulong niya.
Papugto pugto na ang paghinga ko dahil na rin sa mga sinasabi niya. Hindi ko alam
kung tulog pa ba ako at parte pa rin ba ito ng panaginip ko kanina. I am too afraid
that if I close my eyes and open it again, magigising lang ako at hindi pala totoo
ang lahat ng ito.

“Ten years Toryang. Pinanuod kita sa malayo. Hindi ako lumapit sayo because I
wanted you to grow and become the woman you are right now. Hindi ako lumapit sayo
dahil ayaw kong sirain ang pangako ko sa AEGIS. And now you’re here.”

Kumurap kurap ako ng narinig ko ang sinabi niya. I cocked my head sideways bago ako
nagsalita.

“Sinundan mo ako?”

Bigla siyang napatigil sa sinabi ko. Tumaas ang kilay niya na para bang nakakagulat
ang sinabi ko.

“Kakasabi ko lang hindi ba? Sinabi ko rin yan sayo kanina. Nakalimutan mo?” hindi
makapaniwala niyang sabi. Tumango lang ako bilang sagot.

“Aaaah Toryang..” ginulo niya ang buhok niya bago lumayo sa akin. Ngumuso lang ako
at tinitigan lang siya.

“Sinundan mo talaga ako? Sa States? Pero bakit noong pagbalik ko, hindi mo ako
nakilala? You even asked if I had any boyfriend diba?” paninigurado ko. Huminga
siya ng malalim bago sumandal sa sofa niya.
Tinitigan lang niya ako. Matagal siyang nanahimik. Akala ko ay hindi na siya
sasagot dahil kinuha na niya ang drumsticks niya bago tumayo.

“Dahil nainis ako ng nakita kitang niyakap ni Greg noong pinuntahan mo ako sa
dressing room. Nainis ako dahil ako, nagpipigil na huwag kang lapitan habang yung
apat nagawa kang sunduin sa airport. Gusto kitang inisin kaya nagpanggap ako na
hindi kita nakilala.Lalo lang akong nainis na kinocontact ka ng apat habang ako,
parang tangang nagmamatyag lang sayo. But guess what, ako lang ang nainis dahil
hindi ka nainis na hindi kita nakilala.” Sinasabi niya iyon habang tinuturo turo
niya ako ng drumsticks niya. Napako ang tingin ko doon at hindi ko na napigilan ang
ngiti na gumuhit sa mukha ko dahil sa sinabi niya at sa drumsticks na hanggang
ngayon ay gamit niya.

“Toryang!” tawag niya sa akin. Napatalon ako sa sofa at niyakap siya bigla. Muntik
pa siyang matumba noong sinalo niya ako pero wala akong pakialam. Masaya ako dahil
hanggang ngayon, ang regalo kong drumsticks pa rin ang gamit niya.

Ginantihan niya ako ng yakap habang napapahalakhak na lang siya sa kinikilos ko. At
wala akong pakialam kung nagmumukha akong tanga, basta ang alam ko lang, masaya
ako.

___________________________

“Canton lang ba talaga yung pagkain na alam mo sa mundo Tan?” taka kong tanong sa
kanya habang siya naman ay walang pakialam sa mundo. Nakatitig lang siya sa cup
noodles na hinihintay niyang maluto sa mainit na tubig.

“Alam mo ba yung kanin? Tsaka ulam?” sabi ko sa kanya. Hindi pa rin siya sumasagot.
Nakapangalumbaba siya sa lababo at hindi man lang ako pinapansin.

“Tan Tan.” Tawag ko sa kanya. Humarap siya sa akin at inilagay niya ang daliri niya
sa bibig niya.

“Wag kang maingay. Cherish the moment Toryang.” Seryoso niyang sabi. Ngalingali
kong ibato sa kanya ang upuan dahil sa sinabi niya. Anong ichecherish ko sa binabad
na noodles? Buhos ko yata sa kanya yung kumukulong tubig na iyan eh!

“Kailangan seryoso. Wag kang maingay. Baka mapressure yung canton, hindi magiging
masarap.” Parang bata niyang sabi. Tumabi ako sa kanya at tinitigan siya.

“Para kang shunga.” Bulong ko sa kanya. Tiningnan niya ako bago ngumisi.
“Wow ha? Sayo pa talaga nanggaling yan?” nangingiti niyang sabi. Binuka ko ang
bibig ko para magprotesta pero sinara ko lang ulit iyon. May punto kasi si Tan Tan
eh.

Shunga ba ako minsan? Di nga?

“Addict ka talaga sa canton.” Puna ko sa kanya ng sinalang na niya ang canton sa


bowl. Kumuha siya ng dalawang tinidor at binigay sa akin ang isa. Nilapag niya ang
bowl sa lamesa bago umupo doon. Umupo ako sa tapat niya. Inabot ko ang tinidor ko
sa bowl pero hinila lang niya iyon palayo.

“Hindi naman masyado. Dito ka nga Toryang.” Sabi niya at hinila ang upuan sa tabi
niya. Tumayo naman ako at umupo sa tabi niya. Inilagay niya ang mangkok sa gitna
naming dalawa.

Halos isang oras rin naming kinain ang isang buong mangkok ng ramyun. Hindi maubos
ubos ang pangungulit ni Tan Tan sa akin. Andoong isusubo niya ang kabilang dulo ng
noodles na kasalukuyan kong kinakain. Pagkatapos ay sisipsipin niya iyon hanggang
sa wala ng matira sa akin. Minsan naman ay bigla niyang kukunin ang tinidor ko at
siya ang magpapakain sa akin. Hindi ko alam kung anong sumanib sa kanya pero
pakiramdam ko ay bumalik siya sa pagiging bata, katulad na lang noon.

Nang matapos kami ay ako na ang nagligpit ng pinagkainan namin. Kumuha naman si Tan
Tan ng basahan at pinunasan ang lamesa at lababo. Hinugasan ko naman ang pinggan
habang winalisan naman niya ang sahig. In the middle of everything ay patuloy pa
rin kaming dalawa sa pagkukulitan. Bigla akong napatigil sa pagbabanlaw sa baso ng
marealize ko ang ginagawa naming dalawa.

“Para na tayong mag-asawa.” Natatawa kong sabi. Nilingon ko siya at patuloy pa rin
siyang nagwawalis.

“Tan..” tawag ko sa kanya. Tumingala siya bago ngumiti.

“I know.”

Ngumiti rin ako pabalik sa kanya ng biglang dumulas ang baso sa kamay ko. Nabasag
iyon at agad kong pinulot ang mga bubog sa lababo. Napatili ako ng masugatan ako.
Agad lumapit si Tan Tan sa akin at kinuha ang daliri ko.

“Napano?” tanong niya habang sinisipat ang nasugatan kong daliri.


“Dumulas yung baso--“

“Hindi ko tinatanong yung nangyari sa baso Victoria. Tinatanong ko kung napano ka?
Masakit ba?” tuloy tuloy niyang tanong sa akin habang tinatapat niya ang sugat ko
sa tubig. Napapikit ako ng makita ko ang dugo na umaagos.

“Tanga mo talaga.” Inis niyang sabi. Kumuha siya ng malinis na tuwalya at ibinalit
iyon sa daliri ko.

“Mababaw lang naman. Atsaka hindi naman masakit.” Katwiran ko. Tiningnan lang niya
ako bago siya ngumuso.

“Hindi masakit?” paninigurado niya. Tumango naman ako pero napatigil ako ng makita
kong kumuha na siya ng betadine at iilang piraso ng bulak. Agad kong tinago ang
daliri ko sa likod ko. alam kong mahapdi ang betadine at ayaw kong magpalagay.
Pwede na sa akin ang natural healing! Wala ng ganyan!

“Hindi talaga!”
“But it needs to be disinfected Toryang.” Katwiran niya. Hinila niya ang kamay ko
pero hinablot ko lang iyon pabalik.

“Tan--“

“Shut up or I’ll kiss you. I swear I’ll kiss you.” Banta niya. Napatigil naman ako
sa sinabi niya at tuluyan ng nagpahila sa kanya. Pinigil ko ang hininga ko ng
sinimulan na niyang dampian ang daliri ko. nalukot ang mukha ko ng maramdaman ko
ang hapdi.

“Masakit..” bulong ko sa kanya. Kinuha na niya ang band-aid at inilapat iyon sa


sugat ko.

“Amina, kiss ko masakit sayo.” Sabi niya at hinila ang daliri ko. Hinalikan niya
iyon bago hinipan. Ibinaba niya iyon at napayuko ako. Hinawakan naman niya ang baba
ko at pilit niya akong pinapatingala.

“Now I’ll kiss my addiction.” At hinila niya ako para halikan naman ang labi ko.
napapikit na lang ako.
It is truly addicting.

------------------------------

*pen<3

=================

Pabayaan Mo Siya

12

“Hindi ba pwede ang restraining order Toryang?” napatingin ako kay Iñigo ng sinabi
niya iyon. Ngumuso ako habang tinitingnan ko ang report na sinasabi ni Athan
tungkol sa babaeng nagsastalk sa kanya. Tinitigan ko ang litrato at lihim akong
nainggit. The girl is simply gorgeous. Hindi na niya kailangan ng kolorete para
lamang lumitaw ang ganda niya. She has this mischievous glint in her eyes. Ang
mukha niya ang perpektong halimbawa ng isang naughty and nice na diwata.

“Baka fan niyo lang.” sabi ko habang sinisipat pa rin ang babae. Tumikhim si Athan
bago umupo ng maayos.

“She’s not. Walang fan ang gagawa ng ginagawa niya.”


Tiningnan ko lang si Athan na seryosong nagsasalita. Kumunot ang noo ko bago siya
huminga ng malalim.

“She’s a damn stalker Toryang. Tight ang security sa condo namin ni Ethan pero
nagawa niyang pasukin ang unit naming dalawa. And the weird part is, alam niya kung
alin ang kwarto ko sa kwarto ni E.” nahihirapan niyang sabi. Tumango tango si Greg
bilang pag sangayon.

“Kaunti lang ang mga taong na kayang idistinguish kung sino si A at si E. Only
people who know them thoroughly can do that.” Sabi nito. Tumingin si Athan sa akin.

“Katulad mo.” Sabi niya sa akin. napanganga naman ako dahil sa lagkit ng titig niya
sa akin. Magsasalita pa sana ako pero pinili ko na lamang manahimik. Ayaw ko ng
magkagulo ulit. Malinaw pa rin ang mga bakas ng pasa sa mukha nilang dalawa ni Tan
Tan. Ayaw ko ng dagdagan pa iyon.

Nanahimik ang mga itlog ng maramdaman nila ang tensyon sa pagitan naming dalawa ni
Athan. Napayuko na lang ako at muling tinitigan ang babae sa litrato.
“She stole A’s underwear.” Sabi ni Ethan sa akin. Tiningnan ko si Athan na seryoso
pa ring nakatingin sa akin. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at umiwas na ng
tingin sa akin. Inipon ko ang mga papel at inilagay iyon sa folder.

“Sige. Ako ng mag-aayos nito.” Paalam ko. Tumayo na ako at inayos ang gamit ko ng
tumayo rin si Athan at tinulungan akong magligpit. Napahinto ako sa paggalaw at
tiningnan lang ito.

“Kakain ka na?” tanong niya. Kinagat ko ang labi ko ng makita kong pasimpleng
lumabas ang tatlo para iwanan kaming dalawa sa loob ng dressing room.

“Oo.”

“Sabay na tayo.” Alok niya. Tiningnan ko siya. Kitang kita ko sa mukha niya ang
pag-asam na sana pumayag ako. Pinaglaruan ko ang daliri ko bago ako sumagot.

“Kasi--“
“Sabay kayo ni Stanley?” matalim niyang sabi. Yumuko ako bago tumango.

“Athan.”

Tiningnan lang niya ako. Lumunok ako bago ko hinawakan ang kamay niya. Tinitigan ko
iyon bago ko siya nginitian.

“Sorry.” Inilapag ko sa kamay niya ang kwintas kong tinkerbell ang pendant. Sinara
ko ang palad niya bago siya tiningnan ng diretsyo sa mata. Hindi siya gumagalaw
habang nakatingin lamang sa palad naming dalawa.

“Sorry talaga Athan.” Sabi ko sa kanya. Lumayo siya ng kaunti sa akin bago niya
inihilamos ang kamay sa buhok niya. Huminga siya ng malalim bago mapait na ngumiti
na lamang.

Walang salisalitang tumayo siya at naglakad papunta sa pinto. Sakto namang bumukas
iyon at pumasok si Tan Tan. Nagkatitigan silang dalawa at agad akong naglakad para
pumagitna sa kanila. Mabilis na lumapit si Tan Tan sa akin at kinuha ang kamay ko.
Hinila niya ako palapit sa kanya bago hinalikan ang buhok ko. Nakita kong napatiim
bagang si Athan sa ginawa ni Tan Tan kaya siniko ko ang katabi ko.
“Excuse.” Sabi nito bago dali daling lumabas. Humigpit ang hawak ni Tan Tan sa
balikat ko bago ako hinila palabas. Naglakad kami sa hallway at nadaanan ulit namin
si Athan na papasok sa conference room. Tiningnan ko siya at tumango lang siya sa
akin.

“Stop it.” Sita ni Tan sa akin. Tumigil siya sa paglalakad at agad akong hinarap.
Nakataas ang kilay niya habang nakatitig sa akin.

“Stop looking at him. Huwag mo na siyang intindihin.”

“Stan--“

“Mas lalo lang siyang mahihirapan kung lalapit ka pa. Iwasan mo na siya para
masanay na siyang wala ka sa buhay niya. You’re mine, and I won’t share you just to
heal his brokeheart.” Matigas ang boses niya ng sinabi iyon. Kinagat ko ang labi ko
bago umiling.
“Kailangan niya ako.”

Tumaas ang kilay niya sa sinabi ko. Humakbang siya palapit sa akin bago yumuko para
magkatapat na kami ng mukha. Tinitigan niya ako ng diretsyo sa mata.

“I don’t care. Hayaan mo siyang maghanap ng ibang babaeng kakailanganin niya. Wag
na ikaw. Akin ka. Pag-aari na kita Toryang.” Inis na ang tono ng boses ni Stanley
noong sinabi niya iyon. Hindi na ako nagsalita pa dahil ayaw ko ng dumagdag sa
galit niya. Tahimik na lang akong sumama sa kanya palabas ng Wave Records.

Walang nagsasalita sa amin noong kumakain na kami. Tahimik lang kaming dalawa at
rinig ko lamang ang iilan niyang buntong hininga. Tumitingin siya sa akin pero
iniiwasan ko ang mata niya. Pilit kong pinagtuunan ng pansin ang pagkain ko at
hindi siya.

Hindi ko maintindihan si Tan Tan. Bakit ganon siya? Bakit ayaw niyang kausapin ko
si Athan? BAkit hinahayaan lang niyang masaktan ang kaibigan niya? Bakit ang
selfish niya? Hindi ba’t dapat walang iwanan? Bata pa lamang kami, motto na nilang
lima iyan. Wala pa man kaming relasyon, wala pa man kaming ganitong klaseng
komplikasyon, may AEGIS na. At hindi dapat sila pumapayag na masira ang samahan na
iyon ng dahil lang sa ganitong problema. Mas mapapadali ang lahat kung mag-uusap
usap kaysa sa pagpapairal ng pride. Mas maiibsan ang sakit kung may makakaramay
siya. Pero mas pinili ni Stanley na pabayaan na lang si Athan mag-isa. At yun ang
hindi ko maintindihan. Hindi ko maintindihan kung bakit nila kailangang bitawan ang
isa’t isa.
Ibinaba ko ang tinidor ko bago ko pinunasan ang bibig ko. Tumingin siya sa akin.

“Tapos na ako--“

“Are you mad at me?”

Napatingin ako sa kanya, hindi dahil sa tanong niya kung hindi sa kaba na narinig
ko sa boses niya. Napalunok ako bago umiling.

“Hindi.”

“Bakit hindi mo ako kinakausap?”

Hindi ako sumagot. Sumandal si Tan Tan sa upuan niya bago niya pinaglaruan ang
hikaw niya sa kaliwa niyang tenga. Napatingin na naman ako sa braso niya dahil sa
ginawa niya. Iniwas ko ang mata ko dahil malakas makadistract ang naghuhumiyaw
niyang biceps.

“Dahil ba kay Athan?” bakas ang iritasyon sa boses niya ng sinabi niya iyon.
Tiningnan ko siya bago umiling. Pinaglaruan ng daliri ko ang laylayan ko ng damit
bago huminga ng malalim.

“Stan, kailangan niya ako. Nasasaktan siya dahil sa akin.” katwiran ko. Tinukod
niya ang siko niya sa lamesa bago ako tiningnan ng diretsyo sa mata.

“Nasasaktan siya dahil ako ang pinili mo. Nasasaktan siya dahil tanga siya. Hindi
na dapat siya sumugal sayo dahil sa una pa lang, akin ka na. Sinabi ko na sayo noon
Toryang, kahit sino sasagasaan ko kapag may humarang sa ating dalawa. Wala akong
pakialam kung kaibigan ko man o hindi. At kung nasasaktan man si Athan, kasalanan
na niya yun. Humarang siya, sinagasaan ko siya. Simpleng bagay. Wala ka na dapat
pakialam.” Malamig niyang sabi. Hindi pa man siya tapos magsalita ay umiiling na
ako. Nakita ko siyang natigilan ng tumutol ako sa sinasabi niya. Tumaas ang kilay
niya at inis na binalya ang upuan. Tumayo na siya at nag-iwan ng pera sa lamesa
naming dalawa.

Napapikit ako ng iniwan ako ni Stanley sa kainan. Kinagat ko ang labi ko at


pinanuod siyang humalo sa mga tao. Tinitigan ko lang ang pagkain naming dalawa na
halos hindi man namin napangalahati. Pinalipas ko ang ilang minuto bago na ako
lumabas at umalis na rin. Dumiretsyo na lang ako sa firm para makapagtrabaho.
Kailangan ko pang asikasuhin ang tungkol sa babaeng nangugulo kay Athan at Ethan.
Kahit yun man lang magawa ko para sa kanya.
-------------------------------

Sinubsob ko ang sarili ko sa trabaho at hindi ko na namalayan na gabi na pala. Agad


kong iniligpit ang gamit ko para umalis na. Kinuha ko na rin ang report tungkol sa
stalker ni Athan para mapag-aralan ko mamaya kapag nakauwi na ako.

Nasa elevator na ako ng kinalkal ko ang cellphone ko. Ganun na lang ang gulat ko ng
makita ko ang mga missed calls at texts ko. Niscroll ko ang screen at nakita kong
puros iyon galing kay Tan Tan. Binuksan ko ang isa.

“I’m sorry I walked out on you. Can we talk?”

Pinindot ko ulit ang isa pa niyang text. Nakagat ko ang labi ko ng makita iyon.

“Alam mong mainitin ang ulo ko. Kasalanan ito ni Tatay. Sorry na. :(“
Hindi ko napigilang matawa sa text niyang iyon. Talagang si Tatay ang nasisisi
dahil sa ikli ng pasensya niya. Baliw talaga. Tiningnan ko ulit ang isa niyang
text.

“Fireworks show later. Punta tayo ha?” huminga ako ng malalim bago ko pinindot ang
reply button.

“Saan?”

Iilang segundo lang ang nakalipas ng tumunog ang cellphone ko. Hindi ko na
kinailangan pang icheck ang caller id. May sariling ringtone ang number ni Tan Tan
sa akin.

“Hello?”

“Hindi ka na galit?” narinig kong bungad niya sa akin. Lihim akong napangiti. Para
akong tanga na umiling kahit hindi naman niya ako nakikita. Bumukas ang elevator at
lumabas na ako.
“Saan kita pupuntahan?” tanong ko sa kanya. Napatigil ako sa paglalakad ng makita
ko siyang tumayo mula sa waiting shed. Agad kong pinatay ang tawag at lumapit sa
kanya. Naglakad siya papunta sa akin at kinuha ang kamay ko. kimi siyang ngumiti sa
akin bago niya ipinasok ang kamay naming dalawa sa bulsa ng jacket niya. Dinala
niya ako sa kotse niya pero hindi agad kami pumasok doon. Tumigil siya sa
pagbubukas ng pinto bago ako niyakap ng mahigpit.

“Sorry.” Bulong niya. Yumakap naman ako pabalik bago tumango. Binitiwan niya ako at
tiningnan.

“Alam kong naguguilty ka. Alam ko ring mahirap para sayo ito kasi kaibigan mo si
Athan. Pero Toryang, kailangan mong lumayo at pabayaan siya para makapag move on na
siya.” paliwanag niya sa akin. Napayuko naman ako sa sinabi niya.

“Pabayaan mo na siya Toryang.” Utos niya sa akin. Binuksan na niya ang pintuan ng
kotse niya bago ako pinapasok sa loob. Sumunod naman ako sa kanya. Umikot siya at
sumakay na sa driver’s seat.

“Nag-aalala lang ako sa kanya Tan.” Sabi ko dito ng nagsimula ng umandar ang kotse
niya. Nakita ko siyang lumingon sa akin bago nagngalit ang bagang niya.
“Andyan sina Ethan. They can take care of him.”

“Pero--“

Huminga ito ng malalim. Nakita kong humigpit ang hawak niya sa manibela. Tumigil na
kami sa isang parke na may maraming tao. Nagseset up na ang mga magsoshow ngayon.
Naglatag si Tan Tan ng kumot sa hood ng kotse niya bago umupo doon. Sumunod naman
ako sa kanya. Tumabi ako dito.

“Isang beses.” Narinig kong sabi niya. Nilingon ko siya habang may kinakalkal siya
sa bulsa niya.

“Anong?”

“Isang beses mo lang pwedeng kausapin si Athan. Pagkatapos noon, pabayaan mo na


siyang mag move-on Victoria.” Seryoso niyang sabi. Tumango na lang ako dahil ayaw
ko ng magbago ang isip niya. Tiningnan nya ako bago lumapit sa akin. may naramdaman
akong malamig na dumampi sa leeg ko. at dahil madilim, kinapa ko na lamang kung ano
iyon. Narinig ko ang pagclick ng lock sa likod ng leeg ko at doon ko naoagalamang
kwintas ang inilagay ni Tan Tan sa akin.
“But if you will talk to him, you have to wear that.” Sabi niya habang
pinaglalaruan ang pendant ng ibinigay niya. Hinawakan ko ang lace ng kwintas
hanggang mahanap ko ang pendant. Bilog iyon na may matulis na bato sa isang banda.
Kinuha ko ang cellphone ko para ilawan iyon at ng makita ko kung ano ang nandoon.

“Ano ito?” tanong ko sa kanya habang iniikot ikot ang bilog na bagay na iyon.
Inilapit ko ang ilaw at napasinghap ako ng makita ang pendant ng kwintas. Tiningnan
ko si Tan Tan na nakatingin lang sa akin. Hindi ko makita ang ekspresyon ng mukha
niya sa dilim pero rinig ko ang malalalim niyang paghinga.

Tiningnan ko ulit ang pendant. Kinagat ko ang labi ko ng matitigan ko iyon.

Binigyan ako ni Stanley ng singsing.

___________________

I’ll change their age. May book 2 rin ang Unwilling Groom.

Salamat po.

*pen<3

=================
Surrender

13

Walang sinabing kahit na ano si Stanley pagkatapos niyang ibinigay ang kwintas na
may pendant na singsing. Pagkatapos niyang inutos sa akin na huwag na huwag ko
iyong tatanggalin ay nanahimik na siya. Hindi na kami nag-usap dalawa hanggang sa
matapos ang pyrofest.

Ayaw ko namang magassume na may mas malalim pang ibig sabihin si Tan Tan sa
pagbibigay sa akin ng singsing na iyon. I know he is just putting his name on his
property. Isang malaking neon sign ang singsing na iyon kay Athan at sa iba pa.
Territorial si Stanley. I know him. Mula sa drumsticks niya hanggang kay Nanay,
pagdating sa pag-aari niya hanggang sa akin, basta kapag gusto niya ay aangkinin na
niya. Si Shana lang naman ang may kayang agawin ang kanya, at ayos lang iyon dahil
kapatid naman siya ni Stanley. Pero bukod dito, wala ng pwedeng kumuha ng sa kanya.

“Goodnight.” Sabi ko kay Tan Tan. Pinagbuksan lang niya ako ng pintuan ng kotse
niya bago ako inalalayang bumaba. Lumabas ako pero hinawakan niya ang braso ko.

“Pupunta ka bukas?” tanong niya sa akin. Tumaas ang kilay ko bago umiling. Kumunot
naman ang noo niya sa sagot ko.
“Bakit hindi?” inis niyang tanong. Ngumuso lang ako pero wala akong maisip na dapat
isagot sa kanya. Nakatitig lang siya sa akin.

Concert na nila bukas. Ito rin ang unang concert na mapapanood ko magmula noong
bumalik ako. Walang taon din akong nawala at hinintay ko talaga ang pagkakataon na
makapanuod ako kapag live na silang nagperform. Gustuhin ko mang pumunta, kailangan
ko pa ring bumisita sa firm bukas. May mga kaso na kailangan kong ireview dahil
malapit na ang hearing nila. Kailangan kong maipanalo ang kaso dahil kailangan ko
ng pera ngayon para kay Tatay. Hindi ko pa siya nakakausap pero sabi niya ay
sinisingil na daw siya ng pinagkakautangan niya at kailangan na daw niyang
makabayad.

“Toryang..”

“May hearing ako bukas.” Sagot ko. Namulsa siya bago sumandal sa kotse niya.
Pinaglaruan ulit niya ang hikaw niya habang nakakagat na naman sa labi. Kinamot
niya ang batok niya bago dumiretsyo ng tayo.

“Hindi ka ba makakahabol?” paninigurado niya. Kinuha ko ang memo ko at binuksan


iyon. Magsisimula ang hearing ng tanghali.
“Anong oras yung concert ba?”

“Six. You have to come Victoria.” Utos niya. Gusto kong iikot ang mata ko sa tono
ng boses niya. Alam naman niyang hindi ko hawak ang oras ko dahil na rin sa trabaho
ko. Gusto ko naman eh, pero hindi ko pwedeng unahin ang concert nila sa rape victim
na kailangan kong protektahan.

“Tan--“

“Kapag hindi ka pumunta, hindi ako magpeperform. Bahalang humanap ang AEGIS ng
drummer nila.” Banta niya. Nanlaki na ang mata ko at napailing.

“Tan naman.” I whined. Hindi niya ako pinapansin. Nakatitig lang siya sa kwintas na
ibinigay niya. Tinuro niya iyon bago ngumisi. Napabuntong hininga na lang ako sa
kanya. Kilala ko ang ngisi niyang iyan. Wala na naman siyang gagawing matino kapag
ganyan siya.

Lumapit na siya sa kotse niya pero tumingin ulit siya sa akin.


“You don’t come, then there will be no show. Maawa ka sa mga fans namin Toryang.
Nakasalalay sayo ang kaligayahan nila.”

Pumasok na siya at iniwan akong nakatunganga doon.Napabuntong hininga na lang ako.I


know he is serious. Gagawin niya ang sinabi niya sa akin. Montreal si Stanley, he
always gets what he wants. Wala siyang pakialam kung sino ang maapakan niya, makuha
lang niya ang gusto niya. Hindi ko na talaga alam kung anong gagawin ko.Hindi ko
naman pwedeng hindi puntahan ang hearing ko. Unang kasong hahawakan ko iyon. Bwisit
talaga!

-----------------------------------

“Guilty!”

Napapalakpak ang kapamilya ng biktima sa likuran ko. Tumakbo naman sa akin ang
kliyente ko at niyakap ako ng mahigpit habang nagpapasalamat. Nginitian ko siya at
pinangakuan na ako mismo ang titingin sa may sala. Sisiguraduhin kong makukuha nito
ang karapatdapat niyang parusa dahil sa ginawa nito.
Panalo kami. hindi ko mapigilang hindi maluha dahil sa nangyari. Ito ang unang kaso
ko. ito rin ang dahilan kung bakit bumalik ako sa Pilipinas. Ang sarap sa
pakiramdam na natulungan ko sila. Gusto kong bigyan ang sarili ko ng tapik sa
balikat ko dahil sa isang job well done na nagawa ko.

Tiningnan ko ang relo ko. its only 46 minutes after four. Marami pa akong oras para
makahabol sa concert nila. Siguro ay maganda kung maghahanda ako ng isang tarp o di
kaya ay magsuot ng isang customize shirt ng AEGIS. Matutuwa kaya sila? Hindi ko
mapigilang hindi maexcite sa naisip. Agad akong nagpunta sa pinakamalapit na
printing shop para magpaga na ng shirt at tarpaulin.

“Anong ilalagay?” tanong ng babae. Nakapokus siya sa piniprint na pamaypay.


Tinitigan ko iyon at napasinghap ng makitang puro mukha nila Tan Tan ang naroon.

“Fan ka ng AEGIS?” tanong ko. Tiningnan lang niya ako na para bang isa akong baliw.

“Pwede ba. Mga desperada lang ang nagkakagusto sa limang yun.” Sabi niya at kinuha
ang notepad. Ibinigay niya iyon sa akin at pinasulat ang order ko.

“Pakirush.” Sabi ko nalang. Tumaas lang ang kilay niya ng makita ang pinapagawa ko.
Huminga na lang siya ng malalim at nagsimula ng magtrabaho. Kalahating oras lang ay
natapos na niya iyon agad. Dali dali akong umalis at dumiretsyo na sa Araneta.
Kinakabahan ako. Unang beses ko silang makikita sa stage. Bata pa kami noong huli
ko silang napanuod. Hindi ko na rin gaanong matandaan iyon dahil matagal na iyon.

Dumiretsyo ako sa dressing room nilang lima. Binuksan ko iyon at si Ethan agad ang
unang nakakita sa akin. Lumayo siya sa PA niya at patakbo akong niyakap.

“Kamahalan! Buti na lang!” relieved na sabi niya. Tumaas naman ang kilay ko sa mga
salita niya. Tinulak ko siya at tiningnan.

“Bakit? Anong nangyari?”

“Si S kasi. Ayaw niyang magbihis hanggat hindi ka dumarating. Fifteen minutes na
lang magsisimula na yung show kamahalan.” Sumbong ni Ethan. Nilingon ko ang kwarto
at nakita ko si Tan Tan na nakaupo lang habang kinakalikot ang iPad niya. Pumunta
ako sa harapan niya. Tiningnan lang niya ako bago niya binalik ang tingin sa gadget
na pinaglalaruan niya.

“Tan--“
Tumayo lang ito at tinawag niya ang PA niya para ipakuha ang damit niya. Inalis
niya ang pagkakabutones ng shirt niya at agad niya iyong hinubad. Napanganga naman
ako ng makita ko ang likod niya. He’s hot. Damn it.

Humarap siya sa akin sabay ng pagkagat ng labi niya. Bigla akong natigilan sa
ginawa niya. Pinagpawisan ako ng malapot habang nakatitig lang sa kanya at wala ng
nagawa noong lumapit siya sa akin at hapitin ang beywang ko. He flashed his wicked
grin at me bago yumuko hanggang sa magkalapit na ang mukha naming dalawa.Fuck this
bad boy. Nangseseduce ba siya?

“You don’t get to hug Ethan. You don’t hug any other guys Toryang. You don’t wear
their faces on your shirt..” sabi niya bago niyuko ang shirt na kakapagawa ko pa
lang. Ngumuso ako pero tinaasan lang niya ako ng kilay. Kinuha niya ang shirt na
suot niya kanina at ibinigay iyon sa akin.

“Take that off. Ito ang suotin mo.” Utos niya. Lumayo siya sa akin ng kaunti. Doon
ko lang napansin ang kwintas na suot niya. Katulad ito ng sa akin. Wala sa loob na
napahawak rin ako sa akin. Nakita ko ang pagngisi niya bago ako tinalikuran at
nagsimula ng mag-ayos. Lalapit sana ako ng marinig ko ang pagbagsak ng pintuan.

Napatingin ako sa tatlo na nanunuod pala sa amin. Ikinibit lang ni Greg ang balikat
niya habang si Ethan naman ay kinuha ang gitara at sinundan ang kambal niya.
Tiningnan ko si Tan Tan na nakatingin lang sa akin. Huminga ako ng malalim bago ko
sinundan si Athan palabas. Tinakbo ko ang hallway na puno ng tao pero wala siya
doon.
Bumuntong hininga na lang ako ng may marinig akong tili sa may bandang kaliwa ng
hallway. Naglakad ako papunta doon at nakita ko si Athan na nakatiim ang bagang at
nakatingin sa isang babaeng pilit na yumayakap dito.

“Just sign it.” I heard the girl say. Itinaas niya ang suot niyang blouse at pilit
iyong pinapapirmahan kay A. Nakatalikod ito sa direksyon ko kaya hindi ko siya
nakikita. Hindi nagsalita si Athan. Tumingin siya sa akin bago niya binalik ang
tingin sa babae.

“Go.” Malamig niyang sabi. Tinalikuran siya ni A pero hinawakan siya ng babae. I
gasped ng makilala ko ito. Ito ang babaeng hinihingan nila Athan ng restraining
order.

“Please? Sige na.If you don’t want to sign my skin, then sign my shirt. Just put
your name on me Athan.” sabi nito habang inaabot kay Athan ang isang pentelpen.
Kinuha ni Athan iyon bago niya tinapon.

“Now go.” Mas lalong naging yelo ang boses niya. Lumapit na ako dahil baka anong
gawin ni A sa babae. Pero ganun na lang ang gulat ko ng makitang ngumiti lang ang
babae sa kanya.
“Don’t worry. Nabitawan mo ba? I have spare pens here.” Sabi nito at binuksan pa
ang bag. Tumiim ang bagang ni Athan at pabalya itong tinulak. Dumiretsyo si A sa
direksyon ko at agad akong hinila palayo. Naiwan ang babaeng nakangiti pa ring
nakatingin sa kanya.

“That was rude.” Sita ko sa kanya. Tiningnan lang ako ni Athan.

“I don’t care.”

Huminga ako ng malalim at tiningnan siya. Nakayuko lang ito at pinaglalaruan ang
gitara niya. Kinagat ko ang labi ko at tiningnan siya.

“Sorry.”

Tumigil ang daliri niya sa pagpitik sa string ng gitara niya. Nanatiling nakapako
ang mata niya sa sahig at hindi ako sinasagot.
“Magpapakasal na kayo?”

Natigilan ako sa tanong niya. Awtomatikong dumiretsyo ang kamay ko sa kwintas na


bigay ni Stanley sa akin. Sinundan ni Athan ng tingin iyon bago tumaas ang sulok ng
labi niya.

“A..”

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Gustong gusto ko siyang kausapin pero
ngayong nasa harap ko na siya ay wala akong masabi. Hindi ko alam kung paano ko ba
siya tutulungang mawala ang sakit. He deserves someone who can love him without any
reservations. Hindi ako ang babaeng iyon. Kahit kailan hindi ako ang babaeng iyon.
Pero kahit hindi ako ang babaeng magpapasaya sa kanya, gusto kong matulungan siyang
tuluyang maging masaya. Kaibigan ko si A. At hindi ko siya iiwanang mag-isa habang
nahihirapan siya.

“Masakit. Alam mo yun?” pagak siyang tumawa ng sinabi niya iyon. Tiningnan ko lang
siya at hinayaan siyang magpatuloy magsalita.

“Mahal kita. Mas mahal kita. Pero hindi ko alam kung bakit hindi mo nakikita yun.”
Umupo siya sa gilid ng hallway at tinago niya ang mukha niya sa tuhod niya.
Yumugyog ang balikat niya. Agad akong umupo sa harap niya at hinawakan ang pisngi
niya para matingnan siya. Nang maingat ko ang mukha niya ay nakita kong pulang pula
na siya dahil sa pag-iyak.

“Athan, wag kang ganyan.” Nabasag na ang boses ko habang pinupunasan ang luha niya.
Nakatingin lang siya sa akin na para bang ginuguhit niya sa alaala niya ang buong
detalye ng mukha ko. Natigil ako ng may pumatak na namang luha mula sa kanya. Lalo
lang nadurog ang puso ko ng hindi man lang siya kumurap ng nahulog ang luha niya.
Hindi niya iyon pinilit para lang maipakita kung gaano kasakit sa kanya ang
nagyayari ngayon. Napalunok ako ng hinawakan din niya ang pisngi ko.

“Wag mo akong iyakan.” Bulong niya. Natigilan ako. Doon ko lang napansin na basa na
rin ang pisngi ko ng luha.

“Wag kang umiyak para sa akin. Please, don’t do that.” Nahihirapan niyang sabi.
Lumong lumo ako ng napaupo na rin ako sa sahig. Tiningnan lang ako ni Athan sa
mata.

“Don’t cry for me. Don’t make me fall harder. Parang awa mo na Toryang.” Basag ang
boses niya ng sinabi niya iyon. Tumayo na siya at inalalayan na rin ako. Kinuha ko
ang kamay niya at ngumiti sa akin. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng tenga ko.
Huminga siya ng malalim bago ako tiningnan.
“Atleast you’re happy. Kahit yun man lang mapanghawakan ko, ayos na ako sa ganun.”
He smiled at me and bent down to kiss my forehead. Pumikit siya at parang
ninanamnam niya ang halik na iyon. Noong lumayo siya ay agad niya akong hinila para
mayakap ng mahigpit.

“This will be the last time I’ll say this Toryang.” Huminga siya ng malalim bago
niya lalong hinigpitan ang hawak sa akin. Naramdaman ko ang mabibigat niyang
paghinga.

“Mahal kita.”

Lumayo siya sa akin at inayos ang gitara niya. Ngumiti siya sa akin. Nginitian ko
siya pabalik. Patalikod siyang naglakad palayo. Nang makahakbang na siya ng tatlong
beses ay tumigil siya.

“At sumusuko na ako.”


-----------------------------

Yung nagcomment about kay LUHANBYEBYE<3 , walang masamang ibig sabihin yan.
Nadepressed ako diyan at hindi ako natuwa sa balitang yan. The “<3” is my
signature. I don’t end a chapter without that.

TUG book 2 and UD for How To Train A Guy tomorrow.

*pen<3

=================

AEGIS

15

*chapter na puro lyrics ang laman. Basahin ang mga kanta para maintindihan. Peace
yow XD

"GO AEGIS! GO STAN! I LOVE YOU!" sigaw ko ng magsimula na ang opening ng concert
nila. Pero parang bulong lang ang super effort kong tili kung ikukumpara sa lakas
ng mga boses ng ibang babae dito. Standing concert ito at halos magtulukan na kami
ng mga fans nila pero hindi ako magpapakabog. Ako ang kaunaunahan nilang fan, kaya
kahit magbuwis ako ng buhay ngayon, kahit mapunit ang vocal chords ko, go pa rin
ako para suportahan silang lima.

Huling lumabas si Stanley. Luminga linga pa siya na para bang may hinahanap.
Nakalapit na si Greg sa microphone pero hindi pa rin umuupo si Stanley sa drums
niya. Kahit si Iñigo ay nasa piano na habang ang kambal ay hawak na ang gitara
nila. Tinawag pa ni E si Stanley bago ito tumigil sa kung ano man ang hinahanap
niya.

"Hello." Bati ni Greg. As if on cue, nagsigawan ulit ang mga kababaihan. Napangiti
na lang ako sa reaksyon ng mga tao sa kanila. Ngumisi si Greg bago niya itinaas ang
kamay niya at nagheadbang.

Hey, hey, hey, hey

Hey, hey, hey, hey


Hey, hey, hey, hey

Hey, hey, hey, hey

Simmer down, simmer down

They say we're too young now

Toamount to anything else

But look around

We work too damn hard for this just to give it up now

If you don't swim, you'll drown But don't move, honey

You look so perfect standing there

In my American Apparel underwear

And I know now, that I'm so down

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrow heart

And I know now, that I'm so down (hey!)

Tinaas ni Greg ang kamay niya habang pumipikit. I raised my five fingers habang
sumasabay sa kanta nilang lima. The number five is their symbol. Napapikit ako
habang pinapakinggan si G. Greg's voice was beyond heaven. Malalim pero hindi
basag. Buong buo at lalaking lalaki.

You look so perfect standing there

In my American Apparel underwear

And I know now

That I'm so down


Tumingin si Stanley sa direksyon ko bago niya tinuro ang drumsticks niya. Napatigil
ako at tumingin sa likod ko bago ko binalik ang tingin ko kay Tan Tan. Nakita ko
siyang napangisi at umiling iling na lang. Nanatiling nakatitig si Tan Tan sa
direksyon ko at walang pakialam sa pagpukpok niya sa drums niya. Napakamot na lang
ako ng batok. Paano na lang kung magkamali siya?

Your lipstick stain is a work of art

I got your name tattooed in an arrow heart

And I know now

That I'm so down

Kitang kita ko kung paano ngumisi si Tan Tan sa akin. Tinatamaan pa ng spotlight
ang hikaw niya sa kaliawang tenga habang kagat kagat niya ang labi niya. Napahawak
ako sa dibdib ng inikot niya ang ulo niya para mailayo ang bangs niya sa tapat ng
mata niya. Tumingin siya ulit sa akin bago tumaas ang gilid ng labi niya.

Why is he so damn freaking hot? Illegal yan! Problema ko pa ay nakasando lang siya.
Naghuhumiyaw na naman ang biceps niyang walang patawad. Ngayon lang ako hindi
nandiri sa isang pawisang braso. With Tan Tan, sweaty muscles will never be an
issue.

"Hey, you! This is for you." sabi nito habang nakaturo pa rin sa akin ang
drumsticks niya. Tumaas ang kilay ko at kumunot ang noo ko sa inasta niya.
Tiningnan ko ang likod ko ng marinig ko siyang tumawa.

"Ikaw yung tinuturo ko, tanga."

Humarap na ako sa kanya ng marinig ko ang harsh na naman niyang pagsasalita. Inayos
niya ang mic stand bago niya sinimulan ang kanta niya.

Bright, cold silver moon

Tonight alone in my room

You were here just yesterday

Hindi ko napansin na nagpalit na sila ng vocals. Stanley stood at siya naman ang
tumapat sa mic stand. Si Iñigo ang pumunta sa drums at si Greg naman ang nagpiano.

Pinasada niya ang daliri niya sa buhok niya bago ako tinuro ulit. Pakiramdam ko ay
natigil ang hininga ko sa gitna ng lalamunan ko habang kinakanta niya ang bawat
lyrics ng set nila.

I need a little more luck

Than a little bit

With the perfect one word

No one's heard yet

But everytime that I try, I get tongue tied

I need a little good luck to get me by

Tinanggal niya ang mic sa stand at naglakad palapit sa mga tao. Nahigit ko ang
hininga ko ng umupo siya sa gilid ng stage kung nasaan ako. Hinawakan niya ang leeg
ko at napasinghap ako ng ilabas niya doon ang kwintas na kapares ng sa akin.
Ngumisi ulit siya at kinindatan ako. And I swear, my panties fell with that wink.

I need a little more help

Than a little bit

Cause everytime that I start the words won't fit

But everytime that I try, I get tongue tied

I need a little good luck to get me by

I need a little more luck

Than a little bit

With the perfect one word

No one's heard yet

But everytime that I try, I get tongue tied

I need a little good luck to get me by this time


Patalon siyang tumayo bago nagbow sa mga fans nila. Lumapit sa kanya si Greg at
sabay sabay silang nagpasalamt lima sa mga pumunta. The lights went off at
nagkaroon muna ng special number ang isang banda na bago pa lang sa industriya. I
was watching them when my phone rang. Agad ko iyong sinagot kahit na hindi ko pa
man tinitingnan kung sino ang caller.

"Hello."

"Ang gwapo ko diba?" mayabang niyang sabi. Natawa na lang ako sa kanya. Ikamamatay
talaga ni Tan Tan kapag hindi niya napuri ang sarili niya sa loob ng isang araw.

"And hot. I am really hot. Kahit ako, naiingit na sa sarili ko. I am too hot,
right?" natatawa na niyang sabi. I heard him chuckle on the other line. Hindi ko na
rin mapigilan ang parang baliw ko ng pagtawa kahit mag-isa lang ako.

"Oo na."

"What do you think sweetheart? Should I perform with my shirt off? Ang init ko
kasi." Pang-aasar niya. Natigilan ako ng marinig ko ang sinabi niya sa akin.

"What?"

"Ang sabi ko, I like to perform shirtless. But I need your permission first. Pwede
ba?" sabi niya. Hinigit ko ang hininga ko bago umiling.

"No. Hindi iyon. The one before that."

"Before that? I called you sweetheart, why?"

Kinagat ko ang labi ko ng maramdaman ko ang pagrarally ng dugo paakyat sa pisngi


ko. Hindi ko alam kung paano ko pipigilan ang tili ko ng marinig ko iyon mula sa
kanya.

"Ayaw mo ng sweetheart? Fine. Dustpan na lang?" natatawa niyang sabi. Hindi na ako
nakasagot ng marinig kong tinawag na sila ng stage director para bumalik na sa
stage. Noong lumabas sila ulit ay kaagd siyang tumingin sa akin. Pinapaikot niya
ang drumsticks sa daliri niya habang ang kanang kamay naman niya ay hinawakan na
ang laylayan ng sando niya. Ngumisi siya bago dahan dahan niyang itinaas ang damit
niya, showing his packs one by one. Tumili ang mga babae sa paligid ko at agad
namang binaba ni Stanley ang sando niya at tumalon na papunta sa drums niya.

Flirt.

"Oh my gosh! Abs yun ni S diba?" tanong ng isang babae sa akin. Kimi akong tumango
at binalik ang tingin sa kanilang lima. Panibagong tilian ang narinig ko ng si
Athan naman ang tumayo at lumapit sa mic.

You end up crying

And I end up lying

Cause I am just a sucker in anything that you do

And when the phone call finally ends

You say, "Thanks for being a friend."

Pinanood ko si A habang kumakanta siya. Nakayuko lang siya at tumitingin sa kahit


saan pwera lang sa direksyon ko. Nakagat ko ang labi ko ng magtama ang mata naming
dalawa.

I dedicate this song to you

The one who never sees the truth

That I could take away your hurt

Heartbreak girl

Hold you tight

Straight to your daylights

I am right here, how can you not realize?

That I am your cure, heartbreak girl

He smiled sadly bago napailing iling na lang sa sarili. Narinig ko ang pagsigaw ng
isang babae ng iwinagayway niya ang isang malaking poster ni Athan na may nakasulat
na "Marry me, A!". Tiningnan ko ulit siya at nakatingin na siya sa mga fans nilang
llima.

I bite my tongue

But I wanna scream out, "You could be with me now."


But I end up telling you what you want to hear

But you're not ready

And it's so frustrating

And I am stuck in friendzone again and again

Nakita ko kung paano nagngalit ang bagang ni Athan ng sabihin niya ang huling linya
ng kanta. Agad lumapit sa kanya si Ethan at siya na ang sumalo ng ibang lyrics.
Nagpatuloy na lang si Athan sa paggigitara niya hanggang sa matapos na si Ethan.

Nahulog ang confetti at sabay sabay silang lima na nagbow. Tinaas nila ang limang
daliri nila bago pinatay ang mga ilaw sa stage at tumakip na ang kurtina. Agad kong
kinuha ang VIP pass ko ng may humarang sa akin.

"Hi." The girl smiled at me. Tinitigan ko siya dahil madilim na at hindi ko siya
makilala. She giggled and poked my arm.

"So you're the girl."

Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya. Bumuka ang bibig ko pero tumawa lang siya ulit.
Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa, but I was not offended. She looks at me
sadly bago niya niyakap ang tarp ni Athan.

"I hope I am you." Malungkot niyang sabi. Inilahad niya ang kamay niya at inabot sa
akin iyon.

"Leria. But you can call me Ria, or Ri. Or Athan's wife, mas gusto ko yun." She
giggled. Ngumiti ako pabalik sa kanya.

"Tori."

"I know." She smiled again bago siya naglakad palayo. Pinanuod ko ang paglalakad
niya papunta sa exit. Hirap na hirap siya sa pagdadala ng tarp na yun at ilang
beses din siyang nabangga sa mga tao. Gusto ko sana siyang sundan pero biglaan na
lang siyang nawala at natakpan ng ibang audience na palabas na ng coliseum.

Dumiretsyo na ako sa dressing room nila at halos hindi pa ako makapasok sa dami ng
tao. It was Greg who saw me first. Agad niyang itinulak ang PA niya at lumapit sa
akin, shoving people on his way.

"Kamahalan!" sigaw niya. Tumawa ako at binuksan ang braso ko para salubingin ang
yakap niya ng bigla siyang nadapa. Sunod kong nalaman ay may humawak na sa beywang
ko. Hindi ko na kinailangan pang lumingon dahil amoy pa lang niya ay kilala ko.

"Masakit yun S!" parang batang sigaw nito. Tumawa lang si Stanley bago yumuko para
alalayan itong tumayo.

"Hindi ko kasalanan yan. Tanga ka kasi eh." Sagot nito. Natawa ang mga tao sa
sagutan nilang dalawa. Hinawakan ni Stanley ang kamay ko at hinila ako.

"Saan mo siya dadalhin?" Ethan asked. Tiningnan ko si Tan Tan na nakatitig lang sa
kanya. Ayan na naman yung titigan portion nila. Baka maging bromance na itong
kwento ko.

"Sa langit." Nakangisi niyang sabi. Tiningnan ko siya at hinampas. Ngumisi lang
siya at hinuli ang kamay ko. Nanlaki ang mata ko at agad kong hinila ang kamay ko
para takpan ang dibdib ko. Tiningnan ko siya ng masama at napahalakhak lang siya.

"Bastos ka--"

"Hot ako eh." And then he winked at me. Hinuli niya ang kamay ko at tuluyan na
akong hinila palayo sa mga tao. Lumiko kami sa isang pasilyo at sinandal sa may
pader doon. Agad niyang inilagay ang dalawang braso niya sa tuktok ng ulo ko bago
yumuko para magkapantay kaming dalawa. Napalunok ako sa sobrang lapit niya at hindi
ko na alam ang gagawin ko. Hinawakan niya ang baba ko at tinitigan ako.

"Toryang.." bulong niya. Putol putol na ang paghinga ko ng unti unti na siyang
lumalapit sa akin.

Mukhang totoo ang sinabi niya kanina. Dadalhin niya ba talaga ako sa langit? As in
now na?

"H-ha?"

Humigpit ang hawak niya sa baba ko bago siya ngumisi. Napatingin ako sa labi niya
na mapupula pa. Kinagat niya iyon bago pinadaan ang dila doon. Halos tumambol na
ang dibdib ko sa kaba ng dahan dahan siyang lumapit sa akin. Idiniin niya ang ulo
niya sa noo ko bago parang lasing na ngumiti.

"I want this mouth to say 'I love you' Toryang. Come on, say it. Gusto kong
marinig." Utos niya. Tiningnan ko siya bago ako lumunok.

"I love you."

Ngumiti siya na para bang nanalo siya ng ilang milyon sa lotto.

"That's better."
___________________

Songs used:

5SOS - "She looks so perfect"

Faber Drive- "Tongue Tied"

5SOS - "Heartbreak Girl"

A/N

Ngayon ko lang narealize, baligtad pala buhay ko noh? Chapter Title ang nilalagay
ko sa table of contents habang number naman sa opening ng chapter.. diba baligtad?
Ako lang ba o baligtad talaga? Baligtad ba?

Osya, di naman yun yung point ko eh. May nagtatanong kasi anong group natin sa FB,
Pen @ Wattpad po. Join na lang kayo ha? Mag send lang kayo ng request.

Last, tungkol sa heroine ni Athan, Leria po name niya. Actually, marami kasing
nagbigay sa akin ng suggestion ng name ng partner ni A, at ayaw kong madisappoint
ang iba kapag di sila ang napili ko. So, hindi na lang ako kumuha sa kanila para
wala ng usapin. Isipin na lang ninyo kayo si Leria sa Taming The Ice Boy. Opo lahat
ay may boy at gerund ang verb sa title ng AEGIS. Kung di po ninyo nakita ang tweet
ko, ito po ang titles: Bad Boy. Rude Boy. Lover Boy. Play Boy at Ice Boy.

Dagdag! NAPEPRESSURE PO AKO! Hahaha, hindi ko alam kung bakit. Nakakapressure si


Chance at Stanley. Sa lahat ng Montreal, sila ang hindi ko pinlano pero sa kanila
ako napressure. Di naman ganon karami ang reads at votes pero ewan ko ba.. hahaha..
naloloka na ako. Kinakabahan ako sa bawat UD ko dahil baka madisappoint ko kayo..
kkaepsseong T.T

Madalas ang update dahil di pa ako busy.

Saranghamnida :)

#10

*pen<3

=================
Maganda Yan, Gwapo Ako

15 ------------> totoo na to

Nagseselos na ako. Ako ang pinakagwapo sa AEGIS pero mas crush ninyo si Athan?
Nasaan ang hustisya doon? Tahimik lang yun. Ako gwapo. May abs ako, pakita ko pa sa
inyo. Gusto niyo? Gusto ko tuloy ipatawag si Tita Sweet para ipagtanggol ako.
Namiss na nga siya ni Pen mylabs so sweet. Nalulungkot na tuloy ang author ko. Di
na nga gumagana pangtasa niya, di pa siya makapagdrawing. Sobrang depressed na ang
mahal ko.

Pero bago kayo magtaka kung bakit ako ang umeeksena ngayon, manahimik muna kayo.
Kwento ko ito. Title pa lang, angkin ko na. Bad boy diba? Sa parteng yan, hindi ako
masyadong sang-ayon. Mabait kaya ako. Hindi nga ako nagsasalita ng masakit at hindi
ko binubully si Greg.

Isa pa, may mga loyal sa akin diyan na nanghihingi ng POV ko. Natouch naman ako.
Akala ko nakalimutan na ninyo ako. Tatahimik na lang din kaya ako para magustuhan
ninyo ako? Si A na lang ang bad boy at ako na lang ang yelong naging tao? Pwede?
Pero ayaw ko. Kapag nangyari yun, magugustuhan ni Toryang si Athan.

Minsan gusto ko nang ipasalvage yung apat eh. Una si Greg, ngayon naman si Athan.
Nagkaroon pa kaming lima ng usapan na walang magpapakita kay Toryang habang nag-
aaral siya. Lahat sila may gusto sa kanya, hindi naman siya maganda. At lalong slow
siya. Kailangan muna niya ng six thousand nine hundred thirty four years para
maintindihan na pag-aari ko siya. At hindi ako nakikihati. Kahit kaibigan ko silang
lima, uupakan ko sila kapag hinawakan nila kahit dulo man lang ng daliri ni
Toryang.

Tanda ko pa noon kung paano umiyak si Toryang nang sinabi ko sa kanya na kami na ni
Georgina. Practice ng graduation namin noon at valedictorian ako---effortless.
Matalino kasi ako eh. Gwapo na, matalino pa, wala ka ng hahanapin. Ako na! AKO NA
ANG DABEST!

Mag flashback tayo ha? Sabi kasi ng iba kulang daw yung pagpapalaganap ko ng
kagwapuhan sa kwento ni Manong kaya magrecap tayo. Ganito kasi yun.

----------------------------

Badtrip ako ng sumunod na Monday. Hanggang ngayon inis pa rin ako dahil hindi sa
akin naibigay ang bulaklak ni Toryang. Naiinis ako dahil ako pa ang nag-effort
para kahit paano ay papagmukhain ko siyang tao, ako ang namili ng damit, ako ang
nag makaawa sa pinakamaganda kong Nanay na ayusan siya tapos kay Greg lang niya
ibibigay? Sinong matutuwa doon? Bwisit lang.

Inis kong binuksan ang locker ko para kunin ang drumsticks ko at tuluyan ng
saksakin si Greg sa pinakagwapong paraan na alam ko ng biglang may nahulog na pink
na sulat doon. May mga bulaklak pa iyon at butterflies sa gilid. May nakatape doong
rose at naalala kong iyon ang bulaklak ng mga babae nung prom. Agad kong binuksan
ang sulat at binasa.

Dear Stanley Philip Montreal,

I love you. Ilang oras akong nag-iisip ng creative na paraan para makapagconfess sa
iyo ng feelings ko. alam ko namang kasing maarte ka at gusto mong pasabog ang lahat
ng bagay na tungkol sayo. Pero habang nag-iisip ako, narealize kong mas maganda
kung sa pinakasimple at pinakadiretsyong paraan ako aamin sayo.

Gusto kita. Gustong gusto kita. Kahit gaano ka pa kaharsh magsalita. Kahit bilib na
bilib ka sa sarili mo. Kahit na ten thousand words ang nagagawa mo sa isang araw
lang, gusto pa rin kita. Bata pa lang tayo, ikaw na ang gusto ko. Hindi ko rin alam
kung bakit ikaw ang pinili ng hypothalamus ko. Basta ang alam ko lang, gusto kita.

Parang isang mathematical expression na mali ang solution. Kahit anong gawin mong
pagsosolve kung bakit ganon ang problem, wala ka pa ring makukuhang sagot. Ganon ka
para sa akin Stanley. Hindi kita kayang sagutan. Hindi ko kayang habulin ang takbo
ng utak mo o ang pagpapalit mo ng mood. Palagi na lang kitang pinapanood sa malayo
hanggang sa hindi ko namalayan, obsessed na pala ako. Kung may lalala pa nga sa
obsession, doon na siguro ako.

Gusto kita. Yun na ang nasa isip ko mula noong una kitang makita.
Pero gusto ko nang maglevel up.

Hindi na kita gusto.

Sumasaiyo,

Nagmamahal na Stalker

P.S

(6x2)2-1

Hindi ko mapigilang hindi mapangiti sa klase ng sulat na natanggap ko. hindi ko na


kailangan ng calculator para masagot ang expression na binigay niya. Binaligtad ko
ang sobre para hanapin ang pangalan ng taong iyon. Malay ko ba kung sino iyon? Baka
siya na yung babaeng kamihkang kamukha ni Nanay. Yung babaeng kaya akong
pakisamahan kahit na sobrang gwapo ko at pagkakaguluhan ako ng mga fangirls ko.
Hindi maalis ang ngisi ko sa sulat na nabasa ko. bakla man pakianggan pero kahit
paano ay gumaan ang pakiramdam ko ng malaman ko na may babae na may gusto sa akin
katulad ng pagkagusto ni Nanay kay Manong.

Lumipas ang ilang araw na ang babaeng nasa sulat lang ang iniisip ko. hinanap ko
siya para makausap at malaman kung sino siya. Hanggang sa nagpakilala na siya sa
akin.

Ganon na lang ang gulat ko ng si Georgina ang humarap sa akin at nagbigay ng


katauhan sa babaeng nasa likod ng sulat na natanggap ko. I was actually expecting
somebody else--at hindi ko napigilan ang pagbigat ng dibdib ko sa nalaman.,

Ilang araw lang ay sinagot ko na si Georgina. Gwapo ako, kaya ako ang niligawan.
Pero hindi pa man kami nagtatagal ay napapadalas na ang pag-aaway naming dalawa.
Gusto niyang layuan ko si Toryang dahil pangit daw tingnan. Grilfriend ko na siya
at hindi na raw ako dapat nakikisama sa ibang babae.

Aaminin ko, ayaw kong nauutusan ako. Si Manong nga, hindi man ako inuutusan, si
Georgina pa kaya? Pero kasi, siya ang sumulat ng sulat. Siya ang babaeng kamukha ni
Nanay. Ayaw kong mawala siya.
“Tan bakit?” takang tanong ni Toryang sa akin. Bumaba ako sa bike ko at hinintay
siyang maiparada din ang bike niya.

“Babalik na kami ni Tatay sa mansyon. Gusto kasi ni Lola na doon na si Shana.” Sabi
ko. Napatitig siya sa akin bago nawalan ng kulay ang mukha.

“Aalis kayo? Pero--“

“Isa pa, mas maganda na yun. Alam mo na, Yang, nagseselos kasi si Georgina sayo.”
Diretsyo kong sabi. Hindi siya agad nakapagsalita ng marinig niya ako. Pumula ang
mata niya habang nakatingin sa akin. kinamot ko ang batok ko bago huminga ng
malalim.

“Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda
ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang.” Tuloy tuloy kong
sabi. Sinadya kong bahiran ang boses ko ng panlalait para mas maniwala siya sa
akin.

Mas maganda ng masanay si Toryang na malayo ako sa kanya. Sa lalong madaling


panahon ay aalis na rin kami sa Tondo. Ayaw kong sa akin lang umikot ang mundo
niya.
“Tan tan--“ basag ang boses niya ng sinabi niya iyon. Yumuko ako dahil ayaw kong
makita ang ganyang reaksyon sa kaniya.

“Tigil mo na ang pagsunod sa akin Toryang. Kung hindi, makakatikim ka talaga.


Nakakairita na kasi eh.”

Pumatak na ang luha niya at gusto kong suntukin ang sarili ko noon nang makita ko
siyang umiyak. Pero kinuyom ko na lang ang palad ko at nagtiis na saktan siya. Para
rin naman sa kanya ito.

“Tan..” napahikbi na siya. huminga ako ng malalim at nilapitan siya. Inayos ko ang
salamin niya sa mata at pinunasan ang luha niya.

“Toryang, bestfriend kita. Pero hanggang doon lang yun. Alam mo namang wala akong
balak selyuhan agad ang sarili ko. Sa gwapo kong ito, may mahahanap pa akong babae
na higit sayo.”

Nakita ko ang pagguhit ng sakit sa mukha niya. Tinitigan ko siya. you have to be a
better woman Toryang. Yung klase ng babaeng hindi mangangailangan ng lalaki sa tabi
niya para maging malakas. Yung babaeng matalino, malakas ang loob at punong puno ng
sinseridad at galing. And you can’t do that if you will be stuck being obsessed
with me. okay lang sana noon, dahil wala pa si Georgina. Pero iba na ngayon. May
girlfriend na ako. Siya na dapat ang priority ko. Siya ang babaeng matagal ko ng
hinintay.

“Toryang, gutom na ako. Uwi na tayo.” Hinawakan ko na ang kamay niya at marahan
siyang hinila. Rinig ko pa ang paghikbi niya pero hindi na ako nagsalita.

I want her to become who she is now. Hindi para sa sarili ko kung hindi para sa
kanya. Ayaw ko ng babaeng tatayo lang sa likod ko at ngingiti sa mga kaibigan ko. I
want a woman who can make my friends succumb on anything that she will say. Gusto
ko ng babaeng hindi takot sabihin ang nararamdaman niya. Gusto ko ng babaeng
matapang. And with my eight years relationship with Georgina, hindi ko nakita sa
kanya ang mga bagay na iyon.

Pero ibang kaso si Toryang.

Ibang kaso rin si Georgina. Ibang kaso siya dahil hindi siya ang babaeng inakala
kong siya. akala ko katulad siya ni Nanay pero hindi pala. Sinubukan ko namang
hindi siya ikumpara sa Nanay, pero hindi ko talaga magawang magustuhan ang ugali
niya. She’s too passive. And I hate that.

Hindi ko napigilan ang sarili kong maging isang stalker kay Toryang. Kahit autumn
na nun at mababa na talaga ang temperature, hinihintay ko pa rin siya hanggang
matapos na siyang imemorize ang buong law book niya. Susundan ko siya pauwi.
Maglalakad ako sa likuran niya habang pinapakinggan siyang kumanta kasabay ng kung
anong pinapakinggan niya sa earphones niya.

“Sweetheart.”

Napadiretsyo ako ng tayo ng marinig ko si Nanay sa likod ko. Ngumiti siya sa akin.
Ang ganda ganda talaga ni Nanay. Lumapit ako sa kany nang may biglang humampas sa
aking unan.

“Aray! Shana!”

“Yan na ba yan Kuya?” excited nitong tanong habang kinukuha sa akin ang kahon kong
dala. Nilayo ko ito sa kanya at ngumisi lang.

“Patingin kasi.”

“Bawal sa alien ito.”


“Nanay oh!” sumbong ng ampon namin kay Nanay. Pinandilatan lang ako ni sweetheart
bago hinila si Shana.

“Ang sama mo Kuya.”

Yumuko ako para mapantayan ko ang mukha niya.

“Gwapo ako eh.”

“Kadiri ka! Aanhin mo yung gwapo, torpe naman. Indenial pa!” pambubuska niya.
Ngumuso ako at pinitik ang ilong niya.

“Alien.”
“Torpe.”

Dumiretsyo ako ng tayo at sinapok ang kapatid ko. Yung malakas. Very, very light
lang. Napasinghap si Nanay at agad hinawakan ang ulo ni Shana.

“Stanley naman!” sita nito sa akin. Tiningnan lang ako ng masama ni Shana bago
bumelat.

“Susumbong kita kay Tatay Kuya!” sigaw nito. Napatigil ako sa narinig ko. Kahit si
Nanay ay tiningnan ako.

“Miss ka na ng Tatay mo.” Sabi ni Nanay. Tiningnan ko lang siya bago nagkibit
balikat.

“Pakisabi po, ayos lang ako.”


“Stanley--“

“Nay naman. Pag-uusapan ba natin ulit yan?” inis ko ng tanong. Napakagat na lang si
Nanay ng labi at tumango. Humigpit ang hawak ko sa kahon na nasa kamay ko. Huminga
si Nanay ng malalim.

“Tatay mo dapat ang nandito para makausap mo tungkol diyan sa bagay na ganyan
anak.” Malambing nitong sabi. Nalukot ang mukha ko bago umiling.

Hindi na nagsalita si Nanay noong hindi na ako umimik. Lumapit si Shana sa akin at
pabalya akong inakbayan. Halos maputol ang leeg ko sa ginawa niya at wala naman
itong pakialam sa pananakit sa akin.

“Hoy--“

“Patingin na kasi Kuya.” Pamimilit niya. Bumuntong hininga na lang ako at binuksan
iyon. Nakita kong nagningning ang mata ni Shana at Nanay ng makita ang laman niyon.
“Ang ganda ng engagement ring!” sigaw ni Shana. Ngumisi na lang ako.

Maganda talaga yan. Gwapo ako eh.

-------------------------------

Tingin kayo sa side mga nagmamahal kay Athan ----->

*pen<3

=================

Version 2.0

16

Tiningnan ko ulit ang singsing na bigay sa akin ni Tan Tan noong nakaraang gabi.
Hindi ko iyon isinusuot sa daliri ko. I prefer to wear it as a necklace. Pakiramdam
ko kasi, mas komportable ako kung malapit ang singsing sa puso ko. Nabibigyan ako
ng isipin na iyon ng pag-asa na pareho na kami ng level ni Tan Tan. Malapit na ako
sa finish line. Tapos na ang seduction ko.
Napahinto ako sa paglalakad ng tumunog ang phone ko. Binasa ko ang text.
Nagtatanong ang bunso kong kapatid kung uuwi ba daw ako ngayon. I texted back at
sinabing doon ako kakain. Ipinasok ko ang phone ko sa bag at nag-abang na ng taxi.

Ang bilis ng panahon. Isang buwan na nga mula ng makabalik ako sa Pilipinas. It is
quite funny to know that I made a huge progress within those 30 days kumpara sa mga
panahong nakasama ko si Tan mula noong bata pa ako hanggang sa magdalaga ako.

Hindi ko mapigilan ang ngiti ko ng makita ko ang pangalang nakaregister. Kahit sa


text, napakasungit pa rin talaga.

From: Tan Tan

Where the hell are you?!

Agad kong pinindot ang reply button. Para akong tanga. Ako na nga ang nasigawan sa
text, ako pa ang natutuwa. Parang sira lang.

To: Tan Tan

Taxi. Why?
Hindi ko pa man naiilock ang phone ko, tumunog na naman ito dahil tumatawag na
siya. Inayos ko ang buhok ko kahit alam ko namang hindi niya ako makikita.

“Hello?”

“Nasaan ka?” inis niyang tanong. Natawa na lang ako sa paraan ng pagkakasabi niya.
Sumandal ako sa upuan at tinitigan ang billboard nilang lima.

“Sa taxi nga.”

“Damn it Victoria. Ilang libong taxi meron sa Manila. Saan nga?”

Naiimagine ko na siyang pinapaikot ikot ang drumsticks niya sa daliri niya. Habit
niya iyon kapag naiinis na siya eh. Parang sa drumsticks niya ibinubuhos lahat ng
inis niya.
“Uuwi ako sa Tondo. Miss na daw ako nila Tatay.” Sabi ko na lang. Narinig ko siyang
napabuntong hininga. Gumalaw siya ng kaunti at umungot ang upuan niya sa ginawa
niya.

“You’ll sleep there?” humina na ang boses niya nung tinanong niya iyon. Tumaas
naman ang kilay ko ng marinig ko ang pagkadismaya sa boses niya.

“Nope. Pero doon ako kakain ng hapunan.” Sagot ko. Umandar na ang taxi at nawala na
sa paningin ko ang lima.

“That’s good. Be home before 9 Toryang.” Utos niya. Hindi pa man ako
nakakapagsalita ay pinatayan na niya ako ng tawag. Napanguso na lang ako sa inasta
niya. Baliw talaga. Gusto talaga niyang nakasunod ko lahat sa bawat sabihin niya.
He never takes no as an answer.

Mahigit isang oras din bago ako nakarating sa bahay. Kahit na nagtaxi na ako ay
matagal pa rin ang byahe dala na rin ng bigat ng traffic. Mabuti na lamang at hindi
hearing ang pupuntahan ko dahil kung hindi, baka napagalitan na ako dahil sa
sobrang late ko.

“Oy, Toryang?” tawag sa akin ng isa naming kapitbahay. Ngumiti ako at nagmano dito.
Nagkamustahan muna kami sa daan bago niya ako binitiwan para makauwi na. Nasa gate
na ako ng mapahinto ako dahil sa isang kotseng nakaparada sa tapat namin. Kumunot
ang noo ko at tiningnan iyon. Kanino ito? Hindi naman sa AEGIS ito, kilala ko ang
kotse ng mga itlog na yun. Tuloy tuloy akong pumasok para tingnan kung sino iyon.
Agad napatayo ang kapatid ko ng makita ako.

“Ate.”

Napatigil ako sa paglalakad ng makita ko ang namumutlang mukha ng kapatid ko. agad
akong lumapit dito at hinawakan ang braso niya.’

“Anong nangyari?” nag-aalala kong tanong. Tumingin ito sa loob ng bahay. Hindi ko
na hinintay ang sagot niya. Pumasok na ako sa loob. Napatigil ako sa paglalakad ng
makita si Tatay na may kausap na isa ring matandang lalaki. Nagpapalit palit ang
tingin ko sa kanilang dalawa. Ngumiti ang lalaki sa akin at tumayo.

“You must be Victoria? The lawyer?” tanong niya. Ibinaba ko ang bag ko at tumingin
ako kay Tatay. Nakayuko lamang ito at hindi ako tinitingnan.

“George Morales. Boss ako ng Tatay mo.” Pagpapakilala ng lalaki sa akin. Tiningnan
ko siya. Nakangiti ito sa akin. Umupo ako at sumunod naman ito sa akin.
“Anak..” tinawag ako ni Tatay. Tiningnan ko siya at nginitian bago bumaling ulit sa
lalaki na may kinukuhang papeles sa attaché case niya. Ibinigay niya iyon sa akin.
Kinuha ko iyon at binasa.

“I own Wave Records Ms. Ocampo. Pamilyar ka ba doon?” tanong nito sa akin. Kumalat
ang lamig sa katawan ko ng makita ang mga nakasulat doon.

“Anak..”

“Hindi gagawin ni Tatay ito.” Sabi ko sa lalaki bago ibinalik ang folder sa kanya.
Ngumiti lang ito at kinuha iyon mula sa akin.

“Sa tutuusin, maliit lang ang kalahating milyon para sa akin Victoria. But as their
boss, I intend to maintain discipline in and out of Waves. Hindi ko naman pwedeng
pabayaan na lang ang Tatay mo kahit na nagnakaw siya--“

“Hindi ho gagawin ng Tatay ko ang sinasabi ninyo. Hindi ho siya ganyang klaseng
tao.” Madiin kong sabi. Ngumiti lang ang matanda sa akin bago ako tiningnan.
“Bakit hindi mo siya tanungin?” paghahamon niya sa akin. Tiningnan ko ang Tatay na
naiiyak ng nakatingin sa akin. Nang bumaling ako sa kanya ay nagyuko siya.

“Tay..” nabasag ang boses ko pero hindi niya ako nilingon. Umiling lang ito at
tinakpan ang mukha niya.

“Pasensya na Toryang. Akala kasi ng Tatay totoo iyong inalok sa aking titulo ng
lupa. Nagloan ako para mabayaran iyon pero tinakbuhan ako noong nakausap ko
pagkatapos kong makapagbayad. Nabaon na ako sa utang, anak. Hindi ko naman ito
ginusto.” Umiyak na ito habang nagkekwento. Naparalisa ako sa narinig ko mula sa
Tatay ko. Huminga ako ng malalim bago hinarap ang matanda.

“Babayaran ko--“

“Kailangan mo talagang bayaran iyan Victoria. You’re a lawyer. Alam mo kung anong
mangyayari sa Tatay mo kapag hindi niya naibigay sa akin ang pera hindi ba?”
kinuyom ko ang kamay ko ng makita ko ang ngiti niyang iyon na hindi maialis alis sa
labi niya.
Kinagat ko ang labi ko habang inililista ko na ang mga taong pwede kong hingan ng
tulong ngayon. I can ask for my colleagues help. Pwede rin akong magpatulong sa
AEGIS. They will help me--

“But I don’t like the payment to be in cash, Ms. Ocampo.”

Napatigil ako sa pag-iisip ng marinig ang matanda. Kahit si Tatay ay napatigil rin
sa pag-iiyak.Lalong lumawak ang ngiti ng matanda at kumuha ng bagong folder.

“That is a scholarship grant Victoria. Tanggapin mo yan. That is your payment.”


Alok nito. Tiningnan ko iyon bago napailing.

“I won’t.”

Tumango ito bago niya pinagkrus ang palad para saluin niyon ang baba niya.
Tinitigan niya ako at lalong lumawak ang ngiti niya.
“Hindi mo yata ako naiintindihan iha. You’re hitting three birds here.” Sabi nito
sa akin. tumaas ang kilay ko sa sinabi nitong three birds. Anong ibig niyang
sabihin doon?

“Kung hindi mo tatanggapin yan, I will terminate AEGIS’ contract. Makukulong rin
ang Tatay mo. Gusto mo ba yun?” hamon niya. Naramdaman ko ang pagtulo ng isang luha
sa pisngi ko. mabilis ko iyong pinunasan.

“Papag-aralin kita ng libre. Magpapatuloy ang kasikatan ng AEGIS. Lastly, your


father will still be free. Ano ba bang ayaw mo doon?”

Napatawa ako ng pagak sa sinabi niya. Kinuha ko ang scholarship na ibinibigay niya
bago iyon pinunit. Hindi man lang ito natinag sa ginawa ko. Sumandal pa ito lalo at
lumawak ang ngisi.

“Hindi babagsak ang AEGIS. Hindi nila hahayaan yun. Gagawa sila Tan Tan ng paraan
para ma--“

“Oh, surely, hindi mo naman iniisip si Alessandro hindi ba? I bet Stanley’s dad
will not help. Tutol ito sa pagtugtog ni Stanley, kaya bakit niya ito tutulungan?
It is Sandro’s advantage kapag tumigil na si Stanley sa AEGIS, hindi ba?”
Napatigil ako sa sinabi nito. Kinuha nito ang mga gamit niya at niligpit. Tumayo
ito at lumapit sa akin. Ngumiti ulit siya at tiningnan ako.

“I’ll be expecting your answer by tomorrow Victoria.” Sabi nito bago na nagpaalam
sa akin. Nanghihina akong napaupo sa sofa at tuluyan ng umiyak.

Lumapit ang Tatay at hinawakan ang balikat ko pero lumayo ako dito. Narinig ko ang
pangbuntong hininga niya sa ginawa ko.

“Pasensya ka na.” bulong niya bago ako iniwan. Doon na tuluyang tumulo ang mga
luhang kanina ko pa pinipigilan.

Napahawak ako sa dibdib ko at nakapa ko ang kwintas na ibinigay ni Tan Tan sa akin.
Lalong lumakas ang hagulgol ko ng matingnan ko iyon.

Kung bayad lang sa utang ni Tatay, makakaya ko namang magawan ng paraan. Pero ang
mawala ang AEGIS? Nang dahil sa akin? Ibang usapan na iyon. Nakita ko gamit ang
dalawa kong mata kung gaano kahalaga ito para sa lima. AEGIS became Tan Tan’s
lifeline noong mawala si Nanay Phoebe sa kanya. Bata pa lang sila, pangarap na nila
ito. Wala silang ibang pinangarap kung hindi ang tumugtog.

Sino ako para sirain iyon?

Kumuyom ang palad ko sa singsing. Ilang beses kong kinagat ang labi ko habang
nakatingin doon. Another batch of tears filled my eyes hanggang sa nakatulog na
ako.

-----------------------------

“Ate..”

Napadilat ako ng maramdaman ko ang pagtusok ni Vince sa pisngi ko. Dahan dahan
akong tumayo at nag-inat.
“Bakit?”

“May naghahanap sayo sa labas.” Sabi nito. Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang
daliri ko bago naglakad palabas. Binuksan ko ang pintuan at muntik akong mapapikit
ng masilaw ako sa ilaw.

“I told you to be home before 9.”

Napatigil ako ng makita si Stanley na nakasandal sa poste ng ilaw. Lumibot ang


tingin ko at nakita kong nandoon ang apat na itlog dala dala ang mga gamit nila.
Kumaway si Ethan sa akin habang tinanguan naman ako ni Athan. Ganun din ang ginawa
ni Greg at Iñigo ng makita ako. Ngumiti ako pabalik.

“Toryang. Sa akin lang. Mas gwapo ako, ako lang ang tingnan mo.” Utos ni Tan Tan sa
akin. nakita ko siyang may hawak na bulaklak at unti unting umuupo sa isang stool
doon. Isinabit niya ang isang gitara sa kanya at tinanguan ang apat.

“Manuod ka. This is Harana version 2.0 Toryang. Only for you.” Nanunuksong sabi
nito. Nagsimula na siyang magstrum at agad kong nakilala ang kanta.
Di ko man maamin

Ikaw ay mahalaga sa akin

Di ko man maisip

Sa pagtulog ikaw ang panaginip

Malabo man ang aking pag-iisip

Sana'y pakinggan mo ang sigaw nitong damdamin

Ramdam ko ang titig niya sa akin habang kumakanta siya. Pakiramdam ko ay unti unti
akong hinahati habang nakatingin ako sa kanya. Ilang beses kong pinangrap na gawin
ni Tan ito para sa akin. Ilang beses akong nangarap na maging ganito siya sa akin.
Ito lang ang ginusto ko magmula noong bata pa lamang ako.

Ako'y alipin mo kahit hindi batid

Aaminin ko minsan ako'y manhid

Sana ay iyong nariring

Sayong yakap ako'y nasasabik...

Tumayo siya at unti unti akong nilapitan. Hinawakan niya ang dalawa kong pisngi at
pinunasan iyon. Ngumiti siya sa akin pero nahagip ng mata ko ang takot sa mata
niya. Ilang beses siyang lumunok bago ako tiningnan.
“Alam kong delayed na ito nang dalawampu’t tatlong taon Toryang..” sabi niya.
Humugot siya ng malalim na hininga bago nagpatuloy.

“But I’ll say it now.”

Pumikit siya at idnikit niya ang noo niya sa akin. ramdam ko ang panginginig niya
habang magkadikit kaming dalawa. Humigpit ang hawak niya sa akin na para bang takot
siyang mawala ako.

“I am inlove with you.”

------------------------------------

WALANG MAGAGALIT SA AKIN! Peace yow XD

*pen<3

=================
Sorry

17

Pagkatapos nilang kumanta, kumain silang lima sa bahay. Todo estima si Tatay sa
kanila habang ako naman ay pinapanuod silang mag-away sa isang hita ng manok. Nauna
kasi si Greg na kumuha noon pero pilit na inaagaw ni Ethan iyon dahil paborito niya
ang parte na iyon. At dahil kambal sila, kinampihan ni A si E. Si Iñigo naman ay
pasimple ng inuubos ang ibang laman ng mangkok.

“Kamahalan oh.” Alok ni E sa akin habang hawak ang isang kutsara. Ngumiti lang ako
at lumapit para kainin iyon. Lumawak ang ngiti niya ng makita niyang kinain ko ang
bigay niya.

“Tubig.” Inilagay ni A sa harap ko ang isang baso bago kumain ulit. Nagpasalamat
ako sa kanya at bumalik sa pagkain ko ng makita kong nag-aagawan na si G at I sa
mangkok.

“Ako na nga kasi.”


“Mas matanda ako sayo. Ako na ang kukuha ng ulam ng kamahalan. Upo ka na lang diyan
Greg.” Utos ni Iñigo dito. Ngumuso na lang si Greg at wala ng nagawa kung hindi ang
sumunod sa utos.

“Bakit ang tahimik mo?” bulong ni Tan Tan sa akin. Napatingin ako sa kanya.
Nakakunot ang noo niya habang tinititigan ako. Hindi rin niya ginagalaw ang pagkain
niya at pinapanood lang ako.

“Ha?”

Lumapit ito lalo sa akin at hinawakan ang pisngi ko. Halos maduling na ako sa
sobrang lapit ko sa kanya. Ramdam ko na rin ang pananahimik ng mga itlog. Uminit
ang pisngi ko sa sobrang hiya habang wala namang pakialam si Tan Tan sa atensyon na
nakukuha naming dalawa.

“Hindi araw-araw na may gwapong nilalang ang nagtatapat sayo Toryang. Bakit wala ka
namang reaksyon?” nagtataka niyang sabi. Napatingin ako kay E at G na bigla na lang
natawa.

“Baka kasi hindi ka naman talaga gwapo para sa kamahalan.” Tukso ni I. Pinandilatan
siya ni Tan Tan. Kitang kita ko ang pamumutla sa mukha ni I nang matitigan siya
nito. Nakita ko pang napailing si Tan Tan.
“Ako? Hindi gwapo? Imposible.” Buong angas nitong sabi. Binalik niya ang tingin
niya sa akin at kinindatan ako.

“Gwapo ako hindi ba? Diba Victoria?” paninigurado niya. Pinilit kong ngumiti bago
tumango. Lumawak ang ngisi niya bago napailing na lang.

“Grabe talaga. Effortless ako.” Anas niya sa sarili. Pinasadahan niya pa ang buhok
niya bago nag-inat. Pasimple niyang inilagay ang balikat niya sa likod ng upuan ko.

“Paano ba yan? Officially, kayo ng dalawa?” tanong ni E habang tinuturo niya kami
gamit ang tinidor niya. Napatingin naman ako kay Tan Tan na nangangalkal ng
toothpick.

“Matagal na kaming dalawa. Ano bang officially pa yang pinagsasabi mo?” maang na
tanong ni Stanley dito. Tumingin siya sa akin na para bang hinihingi niya ang
pagsang ayon ko sa sinabi niya.
“Tayo na?”

He rolled his eyes at me. Nagtawanan na naman ang apat sa naging sagot ko. Totoo
naman talaga eh. Hindi ko naman alam kung kami na. Tama naman kasi si Athan noon.
Hindi ko naman alam ang pwesto ko sa buhay ni Tan.

“Bakit ang shunga mo?” tanong niya sa akin bago uminom ng tubig. Kumurap kurap lang
ako sa sinabi niya.

“Totoo naman. Wala ka namang sinabi na tayo na.” katwiran ko.

“Tama nga naman.” Si G ang sumagot. Binato siya ni Stanley ng saging.

“Shut up.” Inis na nitong sabi. Binalik niya ang tingin niya sa akin. Kinagat niya
ang labi niya habang pinaglalaruan ang hikaw niya sa kaliwang tenga.

“We kissed several times Toryang--“


“I kissed her too.” Athan said, grinning. Lalong kumunot ang noo ni Tan Tan sa
inis.

“That’s just once. Do the Math. Lamang ako sayo.” Mayabang nitong sabi. Tinaas na
lang ni Athan ang kamay niya tanda ng pagsuko. Tiningnan ko ito at nginitian lang
niya ako. Tumayo na ako at kinuha ang plato nilang lima.

“Ang iingay ninyong lahat.” Sabi ko na lang at nagpunta sa kusina. Naiwan silang
lima na nag-aaway habang ako naman ay naghugas na ng pinagkainan nila.

Pinapakinggan ko lang silang limang mag-usap. Iilang beses din akong napapangiti
kapag naririnig ko ang harsh na pananalita nila Tan Tan at I. Panigurado na naman
kasi, nabubully na naman si Greg sa kanilang apat.

“Toryang..” tawag ni Tan sa akin. Sumilip ako at nakita kong nakatingin silang lima
sa akin.
“May awards night bukas. Punta ka ha? Sigurado namang mananalo kami eh.” Seryosong
sabi nito. Tumaas naman ang kilay ko.

“Ang yabang nito.”

“Ako? Hindi mo pa nakikita ang mayabang Toryang. Masama na bang magpakatotoo


ngayon?” seryoso pa rin siya. Umirap na lang ako at hindi na sumagot sa kanilang
lima.

Hinatid ko na sila sa kanya kanya nilang sasakyan noong matapos na akong maghugas
ng pinagkainan nila. Naunang pumasok ang apat at naiwan si Tan sa labas.

“You haven’t answered me yet Toryang. Nagpapakipot ka ba?”

Tiningala ko siya at nagulat na lang ako sa sobrang lapit niya sa akin. Hinawakan
niya ang baba ko at pilit akong pinapatingin sa kanya.
“Say it.”

Tinikom ko ang bibig ko. Nanliit ang mata niya at humigpit ang hawak niya sa akin.
Lalo siyang lumapit at napasandal na ako sa pader ng bahay namin.

“T-tan--“

“Toryang, baka gabihin na sila Stan.” Narinig kong sabi ni Tatay. Lumayo si Tan Tan
sa akin at tiningnan ang Tatay ko. Tumango lang ako sa sinabi ni Tatay.

“Uwi ka na.” pagtataboy ko dito. Nanatili lang siyang nakatingin sa akin.

“Bukas. You have to say it. Kung hindi, makikita mo.” Pagbabanta niya bago
patakbong sumakay sa van nilang lima. Hinintay ko munang mawala sa paningin ko ang
sasakyan nila bago ako pumasok sa loob. Umupo ako sa sofa at kinuha ko ang mga
piraso ng scholarship na inalok sa akin kanina at pinagdikit iyon.
“Ate, magiging prosecutor ka na kapag tinanggap mo yan.” Sabi ni Vince. Tiningnan
ko siya at ngumiti ako ng mapait.

“Alam mo Ate, wala namang mawawala eh. Magkakaroon ka pa nga kapag tinanggap mo
yan. Maiintindihan naman siguro nilang lima kapag umalis ka ulit para mag-aral.
Naintindihan ka naman nila noon eh.” Dagdag pa nito. Huminga ako ng malalim bago
itinago ang scholarship.

“Ate, minsan kasi, hindi naman pwedeng kay Kuya Tan Tan lang umiikot ang mundo mo
hindi ba?” huling sabi nito bago na siya umakyat sa kwarto niya at iniwan ako doon.

----------------------------------

“GO AEGIS!!” rinig kong sigaw ng mga tao sa labas ng Galleria. Bumaba ako sa taxi
at agad may nagescort sa akin papasok sa venue ng awards night nila. Sa gabing ito
papangaralan ang mga artist sa Pilipinas. Nominado ang AEGIS bilang breakthrough
band.

“Toryang!” sigaw ni Ethan pagkakita sa akin. Iniwan niya ang mga reporters na
nakapaligid sa kanya at nilapitan ako. Dinala niya ako sa pangatlong hilera ng mga
upuan.
“Dito ka lang ha? Malapit na ring magsimula.” Paalam niya sa akin bago tumakbo
papasok. True enough, ilang minuto lang at nagsimula na rin ang programa. Nagulat
ako ng may biglaan na lang tumabi sa akin.

“Kanina ka pa?” bulong ni Stanley sa akin. Umiling ako at hindi na nagsalita pa


ulit. Hindi na rin nangulit si Stan dahil nagsimula na ang pagbibigay ng mga
awards.

“Panigurado, kami ang panalo.” Natatawang sabi ni Tan. Napailing na lang ako sa
kayabangan niya.

“Oo.” Si A naman ang nagsalita. Tiningnan ko ito at natawa na lang ako. Bumalik ako
sa pagkakasandal sa upuan ko.

“And for the best band of the year..” sabi ng emcee. Tinawag niya ang mga nominado
at isa na doon ang AEGIS. Agad silang tumayo at pumunta sa stage. Napaurong naman
ako sa upuan ko at halos mahulog ang puso ko sa sobrang kaba para sa kanilang lima.
“AEGIS!” anunsyo nito. Napatalon ako sa upuan ko sabay na rin ng mga tagasuporta
nilang lima pagkarinig ko sa pangalan nila. Napaluha ako sa saya ng malaman kong
nanalo sila.

Unang lumapit si Iñigo sa mic dala dala ang trophy. Sumunod ang apat sa kanya at
tumabi dito.

“Salamat.” Una niyang sinabi. Naghiyawan ulit ang mga tao ng marinig ang boses
niya. Tumawa ito ng mahina bago nagpatuloy.

“Gusto naming magpasalamat sa lahat ng bumoto sa amin. Salamat sa mga sumuporta sa


kanta namin at sa amin. Salamat sa tiwala. Sa Wave Records. Sa Manager namin. Sa
staff, salamat!” tinaas niya ang trophy bago yumuko.

“Pero higit sa lahat, gusto naming magpasalamat sa tao na nagpasimula ng AEGIS.


Kung wala siya, wala kami ngayon dito sa kinatatayuan namin. Siya ang bumuo sa
aming lima. Sa kanya itong panalo na ito.” Seryosong sabi ni Iñigo habang tinuturo
ako. Pinunasan ko ang isang piraso ng luha na tumulo sa mata ko. Huminga ako ng
malalim at nginitian ang lima.

“AEGIS loves you kamahalan.”


---------------------------------

“Congrats!” tuwang tuwang sabi ko noong bumalik na sila sa upuan. Lumapit ako sa
kanila para yakapin sila ng hilain ako ni Tan Tan.

“Handshake lang. Wag yakap.” Sabi nito. Napanguso na lang ako sa utos niya at
magsasalita pa sana ng biglaang lumapit ang apat sa amin.

“GROUPHUG!” sigaw ni Ethan at pinitpit kaming dalawa ni Tan Tan. Napasigaw na lang
ako sa sobrang tuwa ng yakapin nila ako. Ngiting ngiti pa ako noon sa kanila. Nang
maghiwahiwalay na kami ay tumingin ako kay Tan Tan.

“Bakit?”

“Say it.” Bulong niya. Natigilan ako ng maalala ko ang sinabi niya kagabi. Tumingin
ako sa mga tao na nakapaligid sa amin.
“Dito?” maang kong tanong. Tumango lang siya at hinawakan ang kamay ko.

“P-pero..”

“Why can’t you just say it? Noon, halos magsisisigaw ka kapag sinasabi mo yan.
Bakit ngayon nagaalalangan ka?” inis na niyang sabi. Nakakuyom na ang panga niya
habang patuloy pa rin akong tinitingnan.

“Tan..”

“Damn it Victoria! Why can’t you just say it?”

Yumuko ako. Hindi ko alam kung bakit pero hindi ko magawang sabihin na mahal ko
siya. With everything that is happening now, I know that saying ‘I love you’ will
only complicate things. Ayaw ko ng idamay pa ang AEGIS. Alam kong isang maling
desisyon ko, silang lima ang magbabayad.
“Sorry.” Sabi ko na lang bago siya tinalikuran. Patakbo akong lumabas ng Galleria
at agad ng sumakay sa pinakaunang taxi na nakita ko.

--------------------------

*pen<3

=================

Insecurities Kill

18

Kanina pa ako nakatayo sa tapat ng Galleria pero wala pa ring taxi na humihinto sa
harapan ko. Sumabay pa ang pagpatak ng ambon sa kapalaran ko. Gustuhin ko mang
bumalik sa loob, alam kong nandoon naman si Tan Tan.

Pinunasan ko ang luha na tumulo sa mata ko. Napapapikit na lang ako kapag naaalala
ko ang sakit sa mukha ni Tan Tan noong pinipilit niya akong magsabi sa kanya ng
nararamdaman ko. Kung katulad lang sana ako ni Georgina. Kung kasing yaman lang
sana ako ni Georgina, buong puso akong sisigaw na mahal ko siya. Pero hindi ko kaya
dahil ayaw ko na ng kumplikasyon. Hindi ko pa kayang ipaglaban si Tan Tan dahil
mahina pa ako. I can't even fight for my father, how can I fight for him? He is a
freaking Montreal. Kahit kailan, ang babaeng katulad ko, hindi babagay sa lalaking
katulad niya.

Pinagtitinginan na ako ng mga tao lalo na at malakas na ang buhos ng ulan pero
hindi pa rin ako sumisilong. Ramdam ko na ang panginginig ng tuhod ko sa lamig pero
nanatili pa rin akong naghihintay ng taxi. Biglang umihip ang hangin at nangatal na
ako.

"Are you trying to kill yourself?!"

Napatingin ako sa lalaking galit na galit nang nakatayo sa likuran ko. Tulad ko ay
basa na rin siya dahil sa ulan. Tinitigan ko siya at ganun na lang ang gulat ko ng
hinila niya ang pulsuhan ko at kinaladkad ako papasok.
Malalaki ang hakbang niya at halos hindi na ako makasunod sa bilis ng paglalakad
niya. Wala na ring lakas ang tuhod ko dahil sa pagkakababad ko sa ulan. Pumasok
kami sa elevator at tinulak niya ako papasok bago malakas na sinuntok ang pader sa
may bandang ulunan ko. Napatalon ako sa gulat sa ginawa niya.

"Ano bang problema mo?" nagiigting ang bagang niya habang sinasabi niya iyon.
Nagiwas lang ako ng tingin sa kanya.

"Toryang!!" sumigaw na siya. Hindi pa rin ako tumitingin sa kanya.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Ramdam ko ang lakas ng pagkalabog ng


dibdib ko sa sobrang kaba. Tumigil ang elevator sa susunod na florr at nabigla pa
ang dalawang babae na papasok sana. Tumingin si Tan Tan sa dalawa.

"Labas!" sabi niya dito. Namutla naman ang dalawa at halos kumaripas ng takbo.
Binalik niya ang tingin niya sa akin.

"Toryang naman.."

Napapikit ako ng marinig ko ang pagmamakaawa sa boses niya. Yumuko ako para hindi
ko makita ang mukha niya.

"Anong problema?" malambing na niyang sabi. Hinawakan niya ang pisngi ko at


pinagdikit ang noo naming dalawa.

I am not enough for you. Hindi tayo bagay. Ito ang problema ko Tan. Pakiramdam ko
wala akong lugar sa isang katulad mo. Ang pag-alis ko lang ang makakatulong sayo at
sa banda na mahal na mahal mo. Hindi ako sapat sayo kaya gusto ng mga tao sa
paligid mo mawala ako. Hindi ako sapat Tan.

"Toryang.." namamaos na ang boses niya ng tinawag niya ako. Inilagay ko ang
dalawang kamay ko sa dibdib niya at marahan siyang tinulak.

"Gusto ko ng umuwi Stanley." Bulong ko. Ni hindi man lang siya gumalaw sa sinabi
ko. Rinig ko na lang ang pagbigat ng hininga niya sa bawat segundo na lumilipas sa
pagitan naming dalawa. Dahan dahan siyang lumayo sa akin. Pinadaan niya ang daliri
niya sa buhok niya bago ako tiningnan ng matiim. Pakiramdam ko ay nanunuot ang
tingin niya sa akin. Kumunot ang noo niya bago siya tumalikod at lumabas na.
Napahinga na lang ako ng malalim at sumunod na rin palabas.

----------------------------------------

"When I grow up, I want to be a lawyer."

Madali lang sabihin ang pangarap na ito noong bata palang ako. Noong hindi ko pa
naiintindihan kung gaano nga ba kabigat ang pangarap na iyon. Gusto ko lang naman
kasing maisuot ang mga damit ng mga abogada at magbigay hatol sa mga masasamang
tao. Ganun lang kasimple. Ito lang ang pangarap ko. If I pursue the scholarship and
earn an additional degree in Law, wala nang makakapigil pa sa katuparan ng pangarap
ko. This is all I ever wanted.

Aside from being Stan's wife.

Umikot ako sa higaan ko at pinilit na makatulog. Pero madaling araw na ay hindi pa


rin ako madalaw dalaw ng antok. Napatayo na lang ako dahil hindi ko rin naman
mapipilit sa sarili ko ang pagtulog. Pumunta na lang ako sa sala at nagbasa ng mga
kaso na kailangan kong pag-aralan.

Palipat lipat lang ako sa mga pahina ng binabasa ko pero wala akong naiintindihan
kahit isa. Patuloy lang ako sa pagtatapik ng ballpen sa lamesa hanggan sa hindi ko
na namalayang nakatulog na pala ako.

----------------------------

Nagising na lang ako na nakabalik na ako sa kama. Tiningnan ko ang orasan sa tabi
ng kama ko at tumayo na. Agad akong nagbihis at ganun na lang ang pagtataka ko ng
makita ko ang almusal na nakaluto na sa hapag. Tiningnan ko iyon at wala namang
kahit na anong nakalagay roon. Iyon na lang ang kinain ko at nagpasyang umalis na
rin.

Habang nasa taxi ay binabasa ko ulit ang scholarship na ibinibigay sa akin ni Mr.
Morales. Sumandal ako sa upuan habang tinititigan na naman ang billboard nila Tan
Tan. Sa kanilang lima, siya lang ang nakataas ang sulok ng labi at mukhang may
gagawing masama. Wala sa loob na napangiti ako habang tinitingnan siya.

Noong bata pa kami, madalang lang ngumiti si Tan Tan. Lalo na noong namatay si
Nanay Phoebe. Mabuti na lamang at dumating ang apat na itlog, kahit papaano ay
naging masaya ulit si Tan. That started his dream. That started their dream.

Umandar bigla ang taxi kaya bumalik ako sa kasalukuyan. Binigyan ko ng huling
sulyap ang billboard bago ko itinago ang scholarship sa bag ko.

I have to explore all the possibilities. Ayaw ko namang sukuan at iwan ang AEGIS ng
ganun na lang. May isang tao pa akong kilala na pwede akong tulungan. At kahit
malabo na pumanig siya sa akin, susubukan ko pa rin.

Kinagat ko ang labi ko ng huminto na ako sa tapat ng main building ng mga Montreal.
Agad akong dumiretsyo sa receptionist para malaman kung maari ko bang makausap si
Tatay Sandro. Noong binigyan ako ng pahintulot ay hindi na ako nagsayang pa ng oras
para umakyat sa palapag ng opisina nito.

Pagkarating ko doon ay agad na akong kumatok sa pintuan ng Tatay. Narinig ko ang


boses niya na pinapapasok ako. Agad naman akong sumunod at agad niya akong binigyan
ng ngiti pagkakita sa akin. Ibinaba niya ang kung ano mang binabasa niya at tumayo
para salubingin ako.

"Kamusta ka na?" magiliw niyang tanong. Ngumiti lang ako at kinumusta rin siya.
Inakay niya ako sa sofa at umupo siya sa harapan ko.

"Nadalaw ka Toryang?"

Huminga ako ng malalim at tiningnan ito. Matiim ang tingin niya at hinihintay niya
akong magsalita.

"Gusto na po ng Wave na iterminate ang AEGIS Tatay, gusto ko ho sanang tulungan


ninyo sila. Malulungkot sina Tan--"

Tumawa ito ng marinig ang sinabi ko. Napamulagat ako sa kanya habang siya ay
pailing iling lang na pinapakinggan ako.

"Hindi ko na problema yan Toryang." Sabi nito na ikinabigla ko. Tiningnan niya ako
ng mariin. Inilagay niya ang dalawang siko niya upang ipatong iyon sa tuhod niya.
Pinagpantay niya ang mata naming dalawa bago muling nagsalita.

"You came here to ask me to help Stanley? Paano ang Tatay mo, hindi ka ba
magpapatulong tungkol doon?" tanong nito. Taka ko siyang tiningnan.

"Alam ninyo?"

Ngumisi lang ito bago tumango. "I know everything Victoria. I know things you don't
even know." Napayuko na lang ako ng marinig ko iyon. Huminga ako ng malalim at
nagpatuloy.

"Please, help them."

"What if I don't want to, anong gagawin mo?"

Napahinto ako sa itinanong niya. Ilang panahon na lang at alam kong tutulo na ang
luha ko. Tiningnan ko siya sa mata.

"Mahal ni Stanley ang AEGIS Tatay, masasaktan siya kapag nawala iyon." Katwiran ko.
Tumango ito bago sumandal sa upuan niya. I held my breath habang hinihintay ko ang
magiging sagot niya sa akin. Hindi ko mapigilan ang pagbilis ng tibok ng puso ko.
Nakalimutan kong si Alessandro Montreal pala ang nasa harap ko. He is ruthless.
Wala siyang sinasanto makuha lamang niya ang gusto niya.

"Walang permanenteng bagay sa mundo Toryang. Stanley ought to understand that


playing that damn drums will never be his life forever. Kung hindi mawawala ang
AEGIS sa kanya ngayon, kailan pa? Kailan siya magseseryoso?"
Wala akong naisagot sa sinabi ni Tatay. Naiintindihan ko naman ang pinupunta niya.
Every parent wishes for a stable life for his children. Hindi naman talaga habang
buhay ang AEGIS. Hindi habang buhay, pinapalakpakan silang lima. But this is their
dream. This is what makes them happy. Hindi naman kasi tanong kung ano ang
kailangan, ang tanong, saan ka masaya. Yun yung hindi naiintindihan ni Tatay.

Tumayo ito at may kinuha sa lamesa niya bago bumalik sa kinauupuan niya kanina. He
took the envelope at ngumiti ulit sa akin.

"I think the amount is enough for your Dad's debt. May pera ka na rin diyan para
pagbalik mo sa US." Sabi nito habang tinutulak papunta sa akin ang isang tseke.
Nanlaki ang mata ko pagkakita noon.

"T-tay.."

"Just accept the scholarship Toryang. Para rin sayo ito." Dagdag niya. Nanatili
lang nakapako ang mata ko sa tseke at scholarship na nasa harapan ko ngayon.

"Have you heard of the rule of a Montreal Toryang?"

Napatingin ako sa kanya at kumunot ang noo ko. tumaas ang sulok ng labi niya
pagkakita sa reaksyon ko.

"When a Montreal falls inlove, he gives everything that he has Toryang. Ikaw, ano
bang kaya mong ibigay kay Stanley? Oo, abogada ka, pero Montreal siya. There is a
huge difference between the two of you Victoria. And with you around, Stan will
never see possibilities ahead of him. Ikaw ang safe zone niya. He will never learn
how to mature hanggat nasa paligid ka niya. He is used to having you around. He is
used to things that are involving you. Gagalaw lang siya kapag tungkol sayo.
Gagawin lang niya ang isang bagay kung para sayo. His world revolves around you and
I don't want that for my son. He already gave you everything that he has. Are you
worthy of my son?It's time to give back. Ipagpatuloy mo ang pag-aaral mo at
patunayan mo sa akin na karapat dapat a kay Stanley."

"I don't have anything against you Toryang. Kung pagkatapos nito, ikaw pa rin ang
gusto ng anak ko, then fine. So be it. Pero hindi muna ngayon. You're both too
young. Ang laki ng mundo para sa inyong dalawa at masyado na kayong napako sa isa't
isa. Hindi ka pa handa para maging asawa ng isang Montreal Toryang." Paliwanag
nito. Bawat salita ay isang kutsilyo na tumatarak sa akin. masakit. Masakit marinig
lahat ng kakulangan ko para kay Tan Tan. Matagal ko ng alam na hindi ako sapat para
sa isang lalaking kagaya niya, pero masakit pa ring marinig iyon mula sa bibig ng
Tatay niya.

Hindi ako katulad ni Georgina. Bata pa lang siya, mayaman na siya. may ipagmamalaki
na siya kahit na wala siyang gawin. Samantalang ako, kailangan ko pang kumayod para
may mapatunayan sa iba. Mas maganda siya. Mas matangkad. Mas bagay kay Tan Tan.
Hindi ko na napigilan ang luha ko ng isa isa na silang tumulo. Nakita kong
nalalaglag ang panga ni Tatay at mabilis siyang lumapit sa akin para punasan ang
pisngi ko.

"All I wanted is for the two of you to grow Toryang. Gusto kong matutuo kayong
mabuhay para sa sarili ninyo at hindi para sa iba. Bata ka pang umikot na ang mundo
mo kay Stanley. You serve as Stan's reason for being in the AEGIS. Hanggat nasa
paligid kayo ng isa't isa, walang mangyayari sa inyong dalawa. Masisira lang kayo."

Tumango na lang ako sa sinabi niya dahil hindi ko na kaya pang magsalita. Kung
gagawin ko iyon ay paniguradong hahagulgol na ako.

"Naiintindihan mo ba ako iha?" masuyo niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko bago
tumango. Huminga siya ng malalim at hinawakan ang kamay ko.

"O-opo.." basag ang boses ko ng sabihin ko iyon. Nakita ko ang pagguhit ng ngiti sa
labi nito.

"Hindi ka magsisisi sa desisyon mo Toryang." Tinapik niya ang balikat ko bago


tumayo. inayos ko na rin ang sarili ko at naglakad na palapit sa pintuan.

"Toryang.." tawag niya sa akin. humarap ako kay Tatay. Nakatingin lang ito sa akin
bago lumapit at niyakap ako.

"Don't worry iha. Everything will be fine. It's all worth it." Bulong niya. Hindi
na ako nagsalita hanggang sa makaalis na ako.

-----------------------------------------

Favor, sino marunong mag-edit ng picture dyan? Paedit ako please?

*pen<3

=================

Decision

19

Huminga ako ng malalim noong matapos na akong magligpit ang kahulihuling kahon na
dadalhin ko pabalik sa US. Napaupo ako sa kama at wala sa loob na naluha na lamang
ulit.

You're not good enough.


Siguro magiging madali ang lahat para sa amin ni Tan Tan kung naging kasing yaman
na lang nila ako. Kung umabot lang sana ako kahit man lang sa kalahati ng estado
nila, siguro magiging sapat na ako. But damn it, kahit anong gawin kong effort para
maging karapat dapat para kay Stanley, kulang pa rin iyon.

Tumayo na ako at kinuha ang picture naming dalawa ni Tan Tan noong nagpunta kami sa
karnibal noon. Inilagay ko iyon sa isa sa mga maleta ko at sinara ulit iyon. I
smiled sadly when I looked at my bedroom. Wala na itong kalaman laman. Tanda na
malapit ng umalis ang may-ari nito.

I bit my lip as l stared at the room. Hanggang ngayon, hati pa rin ako. Alam kong
magandang oportunidad ang ibinibigay ni Tatay Sandro sa akin. He's making my dreams
come true. Pinapakita niya sa akin ang mundo. Pero alam kong kapalit ng pangarap ko
si Tan Tan.

Kinatatakutan ng taong umaalis kung may madadatnan pa ba siya kapag bumalik na


siya. Alam kong may makukuha ako kapag umalis ako, pero posible ring mas malaki ang
mawala sa akin kapag sinunod ko ang gusto ni Tatay.

I feel so helpless. Kahit anong piliin ko, may mawawala pa rin.

Napatingin ako sa cellphone ko noong tumunog iyon bigla. Kinuha ko iyon at


napasinghap ako ng makita ko na si Tan Tan ang tumatawag. Agad kong pinatay ang
tawag pero hindi ko pa man iyon naibababa ng tuluyan ay tumawag na ulit ito.
Nicancel ko lang ito ulit.

Tumayo na ako at kumuha ng bihisan ng tumunog na naman ang phone ko. kinuha ko iyon
at nakita kong si Athan na ang tumatawag. I bit my lip at sinagot iyon.

"Sasagutin mo lang ba kapag si Athan na yung tumatawag?" sigaw niya sa kabilang


linya. Napapikit ako sa lakas ng boses niya at halos mabitawan ko na ang phone ko.

"Busy lang ako." Katwiran ko. Narinig ko ang marahas niyang paghinga. MAtagal
siyang hindi nagsasalita sa kabilang linya. Akala ko ay ibababa na niya ang tawag
ng bigla na lang siyang may sinabi ulit.

"Ano bang problema mo Toryang? Iniiwasan mo ba ako?" galit niyang tanong. Tinakpan
ko ang bibig ko para pigilan ang hikbi ko.

"Bakit ko naman gagawin yun?" maang kong tanong. Kinagat ko ang labi ko para hindi
niya marinig ang pag-iyak ko.

"Bakit nga ba? Damn it Toryang, may hindi ka ba sinasabi sa akin?"

Hindi agad ako nakapagsalita noong tinanong niya ako. Tumayo ako at kumuha ng
maiinom.

Sumandal ako sa lababo. Alam kong hinihintay niya ang sagot ko. Tatay did not say
na bawal sabihan si Tan Tan right? Maganda na rin sigurong alam niya ang nangyayari
hindi ba? After all, lahat naman ito ay para rin naman sa kanya.

Mas mabuti na sigurong alam niya kung ano ang nangyayari hindi ba? Sa ganoong
paraan, hindi na siya masasaktan sa pag-alis ko.

"Toryang.."

"I'm leaving." Mabilis kong sabi. Napapikit ako at hinintay ko ang sasabihin niya.
Pabalik balik ako sa paglalakad ko dahil hindi pa rin nagsasalita si Stanley sa
kabilang linya.

"Damn you. Wag mo akong pinaglololoko." Inis niyang sabi. Huminga ako ng malalim
and gathered my strength.

"Babalik na ako sa US." Sabi ko. I heard his sharp intake of breath. Sunod ko na
lamang narinig ay ang dila tone niya. Tiningnan ko iyon at nakita kong pinutol na
nga niya ang tawag.

Inipon ko na ang mga papeles ko para sa pagbalik ko sa US. Ipinatong ko na rin doon
ang scholarship grant maging ang pera na ibinigay ni Tatay. Itatago ko na sana ang
mga iyon sa isa ko pang bag ng may sunod sunod na kalabog sa pintuan ko. Agad akong
napatakbo doon. Sinilip ko iyon at nakita ko ang galit na galit na si Tan Tan sa
labas.

"Open the damn door Victoria." Banta niya. Hindi ko agad mabuksan ang pintuan sa
takot ko sa kanya. Napatalon pa ako ng kalampagin niya ulit iyon.

"Toryang please..buksan mo na." pagmamakaawa niya. Napahinto ako ng marinig ko ang


pagkabasag ng boses niya. Sinilip ko ulit siya gamit ang peephole. Tanging noo na
lang niya ang nakikita ko.

Itinaas ko ang lock at marahan iyong binuksan. Napatuwid ng tayo si Tan Tan at agad
akong tiningnan. Hindi pa man ako nakakagalaw ay agad na niya akong hinila at
niyakap ng mahigpit.

"I'm sorry. Kung ano man yung nagawa ko, I'm sorry. Sorry Toryang. Sorry na."
bulong niya. Pahigpit ng pahigpit ang yakap niya sa akin habang nagsasalita siya.

"Tan.."

"Hindi na kita aawayin. Hindi ko na rin aawayin si Greg. O kahit sino sa AEGIS.
Magpapakabait na ako, pangako yan." Humiwalay siya ng kaunti sa akin bago niya
hinawakan ang pisngi ko. Tinitigan niya ako habang taas baba naman ang dibdib niya
sa bilis ng paghinga niya.

"Wag kang umalis. Toryang parang awa mo." Bulong niya. Kitang kita ko ang pamumula
sa mga mata niya ng sabihin niya iyon. Nag-iwas ako ng tingin sa kanya at marahan
siyang itnulak.

"Toryang.."

Hindi ko siya hinarap noong tinawag niya ako. Umupo ako sa sofa at pinanood siyang
nagpapanic na sa pag-alis ko. Naglalakad siya pabalik balik sa harapan ko habang
ginugulo niya ang buhok niya.

"Kailangan kong gawin ito Tan." Sabi ko makalipas ang mahabang sandali. Napatigil
ito sa paglalakad at tiningnan ako.

"Ano?"

"Kasi hindi ako enough para sayo Tan. Kaya aalis ako para kahit papaano, maging
karapat dapat ako--"

"Bullshit Victoria!" sigaw niya. Napapikit ako sa outburst niya. Pumula na ng


tuluyan ang mukha niya at halatang nagpipigil na lang siya ng galit. Any moment
now, maari na siyang magwala.

"And who told you you were not enough?" madiin niyang sinabi. Yumuko ako lalo para
hindi ko siya makita.

"Wala namang kailangang magsabi Tan. Matagal ko ng alam yun. Abogada nga ako, pero
hindi pa rin sapat yun. Kahit anong gawin ko, hindi sapat para sa kanila. Palaging
kulang Tan. Kahit anong effort ko para makaabot ako sayo, wala pa rin kwenta.
Tingin sa akin ng mga tao sa paligid mo, hindi karapat dapat sayo."

"Pakialam mo sa kanila?! Why do you care about other people Victoria?!" galit na
galit niyang sabi. Itinuturo niya pa ang kamay niya sa kung saan na para bang doon
niya ibinubunton ang galit niya.

"Sinong nagsabi sayo niyan? Sinong nagpasok sa utak mo niyan?"

Iniwas ko ang tingin ko sa kanya. Tumayo na ako at tatalikuran na sana siya ng


hinablot niya ang braso ko.

"Sinong nagpapaalis sayo?" madiin na niyang sabi. Tinitigan ko siya sa mata.

"Your Dad Stanley." Diretsyo kong sabi. Naramdaman ko ang pagluwag ng hawak niya sa
akin. He stepped back at sinuklay niya ang daliri niya sa buhok niya.

"Sabi niya--"

"Sabi niya?! Sabi niya, sabi niya?! Damn it! Pagod na ako sa kakadikta niya! Sabi
niya wala akong mapapala sa AEGIS! Sabi niya tinatapon ko lang ang sarili ko sa
banda! Sabi niya, ganito! Sabi niya ganyan! Toryang, hindi mo siya kailangang
sundin! He's just a damn, manipulative freak! Kinokontrol ka niya dahil hindi niya
ako makontrol!" tuloy tuloy nitong litanya. Umiling ako at nawalan siya ng kulay sa
reaksyon ko.

"I want to be worthy of you."

"You are Toryang. Trust me." madamdamin nitong sabi. Hindi pa man siya tapos
magsalita ay umiiling na ako.

"He offered me a scholarship Stanley. At ayaw kong palampasin ang pagkakataon na


iyon." Sabi ko dito. Hinigit ko ang hininga ko ng tinitigan lang niya ako.

"Opportunity na ito Tan, palalampasin ko pa ba? Chance ko nang ipakita na bagay


tayong dalawa." Nabasag ang boses ko pagkasabi ko nun. Napapikit si Tan Tan sa
narinig bago umupo na lang sa sofa.

"Nakapagdesisyon na ako Tan Tan." Pagpapatuloy ko. Hindi siya sumasagot. Nanatili
lang siyang nakayuko.

"Nakapagdesisyon ka na? Tangina Toryang, saan nakalugar yung desisyon ko doon?"


ramdam ko ang hinanakit niya noong sinabi niya iyon. Hindi man siya tumitingin sa
akin, alam ko namang punong puno na siya ng galit sa bawat palitan namin ng mga
salita.

"Aral ka ng aral, buti sana magagamot niyan yung pagkaslow mo. Pero hindi eh.
Ipagpapalit mo ako sa pangarap mo. Ipagpapalit mo ako dahil sa sobrang taas mong
pride, hindi ba?" inis niyang sabi. Hindi na ako dumagdag pa.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Hinihintay ko lang na may sabihin pa siya.


tanging ang pagbuntong hininga lang niya at pagmumura ang naririnig ko.

"Tama nga siguro sila. Akala mo lang mahal mo ako." Natatawa niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya noon.

"Tan.."

"Kung mahal mo ako, hindi ka magdedesisyong mag-isa. If you really love me, hindi
mo papakinggan kahit na sino. Pero ni isa sa dalawa, wala kang ginawa Victoria.
Paasa ka." Sumbat niya sa akin. Tumayo na siya at pinagpagan ang tuhod niya.
"Tan Tan naman.." samo ko. Hindi niya ako tiningnan. Inayos niya ang shirt niya
bago tiningnan ang mga gamit kong nakaempake na.

"Nakapagdesisyon ka na, may magagawa pa ba ako?" tanong niya sa akin. Tiningnan


niya ako at alam kong naghihintay siya ng sagot. Pero kahit anong gawin ko, wala
akong masabi.

"Ginagawa ko ito para sayo Tan." Bulong ko. Tumaas ang sulok ng labi niya sa
narinig.

"Wow." Natatawa niyang sabi. Hinarap niya ako.

"Kaya pala ang dali mo akong bitawan huh?"

"Hindi kita binibitawan!" katwiran ko. gusto ko na siyang sapukin dahil hindi niya
nakiintindihan kung bakit ko ito ginagawa. Para sa kanya ito. Para sa AEGIS. Para
sa Tatay ko. Hindi naman ito para sa akin eh. Para sa kanila.

"Bahala ka na."

Naglakad na ito papunta sa pintuan ng apartment. Pinihit niya ang doorknob bago ako
hinarap.

"Leave Victoria." Malamig niyang sabi bago niya isinara ang pintuan. Napaupo na
lang ako ng mawala na siya.

-------------------------------

Wuuu. Paedit ako ng picture ni Lay.. please? Love you po.

Happy birthday din kay Jen, Jen and Khit. Dalawang beses yung greetings ha?

*pen<3

=================

Passport

20
“Sigurado ka ba dito kamahalan?” tanong ni Greg sa akin habang tinutulungan niya
akong ilagay sa likuran ng taxi ang maleta ko. Tumango lang ako bilang sagot.
Tinitigan lang niya ako at hindi na nagsalita pa.

Tahimik lang kaming dalawa sa buong biyahe. Sa kanilang lima, si Greg lang ang
sumama sa akin paalis. Hindi na ako nagulat doon, considering how rude Iñigo was
when he learned about my decision. Hindi rin pumayag ang kambal sa gusto ko at
pinigilan pa nila ako. Hindi na ako nagsalita noong nagalit ang AEGIS sa pag-alis
ko.

“You know.. I kept my mouth shut dahil alam kong sobra na ang sasabihin ni Iñigo at
nung kambal. Pero kasi Toryang, sa tingin ko, mas maganda kung dito ka na lang.”
sabi nito. Tiningnan ko siya. Nagsasalita siya habang pinapanood niya ang video ng
performance nilang lima sa youtube.

“I need to go.” Katwiran ko.

“You want to go. We need you Toryang. Stanley needs you.” Diretsyo niyang sabi.
Tumingin ako sa labas ng bintana at hindi na sumagot pa.
“Ikaw ang kailangan niya Victoria Shayne. Not just a woman who is deserving of him.
He needs you. Ikaw lang.” ibinulsa niya ang cellphone niya at tiningnan ako.
Ngumiti lang ako ng mapait sa sinabi niya.

“Shut up Greg.” Sabi ko na lang dahil ayaw kong marinig ang mga sinasabi niya.
Surely, he is just doing that because he wants me to stay. But I can’t stay. Alam
kong marami ang maiiwanan ko dito kapag umalis ako, but they will survive. AEGIS
will survive without me. I know them.

“I don’t know T. Alam mo naman sigurong malaki ang posibilidad na wala ka ng


babalikan kapag umalis ka hindi ba? Stanley’s not the most forgiving person.”

Nakagat ko ang labi ko sa sinabi ni Greg. Alam ko naman yun. And that makes me more
afraid. I know Stanley, kilala ko siya kaya nga ginagawa ko ito. Tama si Tatay
Sandro. Kailangan nga naman talaga naming dalawa magmature. All my life, kay
Stanley lang umikot ang mundo ko. Ginawa ko ang lahat para mapansin niya ako.Naging
desperada ako at wala nang nakitang iba pa kung hindi si Tan Tan lang.

Sometimes too much is too much. I have to lie low. I have to let him go and find
myself. Yung Toryang na nabubuhay para sa sarili niya at hindi para mapansin ng
isang Stanley Montreal. If I want everybody to accept me as someone who is
deserving of that Montreal, then I have to accept myself first. I have to lose all
my insecurities. Kailangan kong gawin ito.
Siguro hindi nila ako maiintindihan ngayon. But I know, everything will fall right
into its place. Hindi man siguro ngayon, pero darating din ang panahon na hindi ko
na kakailanganing patunayan ang sarili ko sa lahat ng nasa paligid namin ni Tan
Tan.

“Mag-iingat ka.” Greg said. Tumango lang ako at pumasok na sa loob para makapag
board. I looked back at Greg and waved him goodbye. He just nodded at me. Tinitigan
ko lang siya habang kumakaway ako sa kanya. I bit my lips so hard para pigilan ang
luhang kanina ko pa pinipigilan. Pero nang maramdaman ko iyong tumulo ay agad na
akong tumalikod sa kanya. Halos takbuhin ko na ang daan papasok. Natatakot akong
baka magbago pa ang isip ko at mananatili na lang ako dito.

I have to be away from here. I have to grow. Para balang araw, I can be someone who
is worthy of Stanley.

---------------------------------

“You’re watching that again?” natatawang sabi ng roommate ko habang tumutok siya sa
screen ng PC ko. Ngumiti lang ako at pinagpatuloy ang pagplay ng video ng AEGIS.
Sumandal siya sa sofa at pinanuod din ang performance nila.

Apat na taon na mula noong umalis ako. For four years, I have severed all my ties
between the five. Tanging ang mga social networking sites na lang ang binibisita ko
para may makalap akong balita sa kanilang banda.

“Seriously Tori. I still can’t believe na you went here and made those guy iwan
because you wanted to be a lawyer. Grabe girl, kung ako ikaw, I would have stayed
with them.” maarteng sabi niya. Tiningnan ko lang siya at pinandilatan.

“Shut up Avvi.” Natatawa ko na lang sabi. Lumapit siya at halos itulak ako ng ang
kambal na ang pinakita. Her gaze glued against Athan. She pointed at him before
biting her fingers.

“God, he’s hot.” Sabi niya. Napailing na lang ako sa ginawi niya. Kinuha ko ang
tissue paper at hinampas siya.

“Go away. Nakakaistorbo ka.” Sabi ko dito. Ngumuso lang ito at kinuha ang tissue at
iyon ang niyakap.
“Come on. After graduation, I will sama to you when you go home ha? Huhuntingin ko
siya.” nagningning ang mata niya habang nakatingin kay A. Wala na akong nagawa kung
hindi ang tumahimik na lang.

“Hindi ka pa ba uuwi? I mean, were done with our electives. Tapos na rin yung exams
natin and we could wait there for the results.”

“Let’s just wait here.” Sabi ko na lang. Humiga ito sa kama at tiningnan ako.

“For sure, you’ll ace the test Tori. You’re a freaking genius a’ryt?”

Hindi na ako sumagot. Nagclick ako ng bago nilang mga video. Kakarelease lang ng
bago nilang album at madami na namang bagong music video silang nilabas.

“I’ll do everything to have Athan. He’s so cute diba?” patuloy na pangungulit ni


Avvi. Tiningnan ko na lang siya at napanguso dito.
“He’s..hindi kayo bagay.” Sabi ko na lang. Paniguradong ihahagis lang palabas ni
Athan si Avvi kung sakali. Napakaingay ng kaibigan ko and knowing Athan, hindi niya
ito matatagalan.

“Why? May girlfriend na ba siya?” tanong nito. Umiling ako at nagfocus na sa isa
nilang video.

“Wala naman pala eh. Then why hindi kami bagay?” sabi nito sa baluktot niyang
tagalog. Nipause ko muna ang video at humarap sa kanya.

“He’s into girls like you okay? Alam mo ba, he has a stalker back then. Kahit saan
siya pumunta, the girl chases him. Athan hates her. And he’s really rude to that
girl. Ayaw ko namang maging rude si A sayo.” Tuloy tuloy kong sabi. All throughout
ay nakangiti lang ito sa sinasabi ko hanggang sa natigilan na lang ako.

“You’re not listening to me.” I narrowed my eyes a her. Tumawa lang ito ng malakas
bago umupo at hinarap ako.

“Kasi naman Tori, I really like him okay? And when you like a person, whatever
shits they will say to you, hindi mo papakinggan. Just like that desperate girl
you’re talking about. I bet she really likes him kaya no matter how rude A is, she
still pushed her way in. And I’ll do the same thing the moment I’ll get my ass out
there in the Philippines.” She shrugged at bumaba na sa kama para kuhanin ang
suklay niya. Inayos niya ang buhok niya habang ako naman ay nakatingin lang sa
kanya.

“Gosh I’m so pretty talaga.” Sabi nito sa sarili habang itinataas ang buhok niya.
She popped her lips before putting her lipstick. Sinuot niya ang hikaw niya habang
kinakanta ang kanta ng AEGIS na kakapatugtog ko pa lang.

When you like a person, whatever they will say won’t matter. You will stay. Natawa
na lang ako sa naisip kong iyon. I bit my lip at agad ng tumayo. Kinain ako ng
panghihinayang sa mga huling ala-ala na mayroon ako. Hindi ko mapigilang hindi
maalala ang huling beses na nakita ko si Tan Tan noon.

-----------------------------

Luminya na ako para makapagboard na nang may biglang humawak sa braso ko at hinatak
ako paalis sa pila. Ganun na lang ang gulat ko ng makita si Stanley na hinihingal
habang galit na galit na nakatingin sa akin. Binuksan ko ang bibig ko para
magtanong pero agad siyang nagsalita.

“Sasama ako.”
Nanlaki ang mata ko sa narinig mula sa kanya. Ilang beses akong kumurap para
siguraduhing tama ang narinig ko. Baka isa na naman ito sa mga jokes niya para
inisin ako. Tiim ang bagang niya at mahigpit ang hawak sa braso ko. Doon ko
nasigurong seryoso nga siya sa sinabi niya. At para patunayan iyon ay itinaas niya
ang hawak niyang passport at pinakita iyon sa akin.

“Sasama ako.” Pag-uulit niya. Mas madiin na ngayon ang sinabi niya. Naramdaman ko
ang pait sa dila ko ng sinabi niya iyon. Pilit kong hinila ang braso ko mula sa
kanya pero hinigpitan niya ang hawak niya sa akin.

“Toryang..”

“Stay here.” Sabi ko. Hindi ito sumagot. Iilang beses siyang bumuntong hininga para
makapagtimpi. Tiningnan ko siya at napangiti na lang. Dahan dahan akong umiling at
tiningnan siya ng mata sa mata.

“Please don’t do this Stanley.” Bulong ko. Napasinghap siya sa sinabi ko.
“No. Don’t you do this Toryang.” May pagbabanta sa boses niya ng sabihin niya iyon.
Sinubukan ko ulit hilain ang braso ko at bumitaw na siya.

“Sasama ako. Yang, kahit saan. Just don’t leave. Please, I’m begging you.” Nabasag
ang boses nito at namula ang mata niya habang nakatingin sa akin. Napapikit ako
dahil hindi ko siya kayang makitang nagkakaganyan.Hindi ko kayang makita na
nagkakaganyan siya dahil sa akin.

“You made me fall for you Yang. I fell. Hard. Wag mo naman akong bitawan sa ere.”
Pagmamakaawa niya. Yumuko ako para itago ang luha kong nagbabadya na namang
bumagsak.

“We can run together. Hindi mo na kailangang isipin yung sasabihin nila Tatay.
Aalis tayo Yang. Kahit saan mo gusto.”

“Ayoko Tan.” Sagot ko. Napatigil siya sa pagsasalita at tiningnan ako.

“Gusto kong tanggapin ako ng Tatay mo Tan. Gusto kong tanggapin ako ng mga taong
importante sayo. Ayaw kong magtago. Kaya nga aalis ako, para pagbalik ko,
mapapatunayan ko ng pwede ako para sayo.” Paliwanag ko. Naningkit ang mata niya ng
marinig niya ako.
“I am inlove with you. Hindi ba sapat para sayo yun? Kailangan pa ba nang approval
ng lahat? This is between the two of us Yang. Tayong dalawa lang. Bakit pilit kang
nagpapasok ng extra?”

Tinitigan ko lang siya noong sinabi niya iyon. Nakatingin lang din siya habang
hinihintay akong magsalita.

“I won’t ask you to wait for me.” yun lang ang sinabi ko. I just wanted to be
accepted by everyone he loves. Alam kong mahirap intindihin ang rason ko pero
kailangan kong maging matatag sa desisyon ko. Ayaw kong darating kaming dalawa ni
Tan Tan sa punto na kailangan niyang mamili sa pagitan ko at sa pangarap niya, sa
pamilya niya.

We’re both not yet ready for this.

Tumalikod na ako sa kanya noong hindi na siya nagsalita pa. Naglakad na ako at
bumalik na para pumila. Hindi na ulit ako lumingon sa kinalalagyan niya.

------------------------------
*pen<3

=================

Smile,Though Your Heart Is Aching

21

“Oh my capital G! Look at me, Tori!” sabik na sabi ni Avvi habang iwinawagayway
niya sa akin ang diploma niya. Patakbo siyang lumapit sa akin at niyakap ako.

“Congratulations!” tuwang tuwa kong sabi. Ngumiti rin ito at lalong sumingkit ang
singkit na nga niyang mata dahil sa ginawa niya.

“Congratulations din! Top ten ka sa exams girl! You’re so great! Ako nga, I almost
failed eh.” Sabi nito habang nakanguso. Napailing na lang ako. Avvi’s a smart girl.
Ayaw lang talaga niya ang law kaya hindi niya sineryoso. Inuuna kasi ang kaartehan
eh.

“So, can we go home na sa Philippines nyan?” nagningning ang mata niya nung sinabi
niya iyon. Natigilan ako sa narinig ko at hindi agad nakasagot.
“Tori. You said diba right after graduation tayo babalik?” nakanguso nitong sabi.
Tinitigan ko lang siya habang tinatanggal ko ang toga kong suot. Nanatili siyang
nakatitig sa akin habang hinihintay ang sagot ko.

“Hindi ka ba maghahanap ng trabaho dito?” tanong ko sa kanya. Pinagtaasan lang niya


ako ng kilay sa sinabi ko.

“Naman Tori. I spent almost ten years na here. Gusto ko naman ng new environment
noh? A place where Athan lives. Gosh!” kinikilig nitong sabi.Yumakap pa siya sa
braso ko at humilig na doon.

“Isa pa, we can work there. I can tell my sperm donor to hire you na lang if you
want.” Alok niya. Hindi ako nagsasalita kaya tumingin siya sa akin. Lumipat siya
para makaharap ako bago niya inayos ang bangs ko.

“You don’t want to go back, do you?”


Napatingin na lang ako sa kanya noong sinabi niya iyon. Avvi just kept staring at
me, waiting for my answer. Kinagat ko ang labi ko at yumuko na lang.

“Tori..”

Huminga ako ng malalim at pinilit kong ngumiti. Avvi smiled back at me.

“Ofcourse gusto ko.”

“Then why ka malungkot?” seryoso niyang tanong. Sinipat niya pa ang mukha ko para
makita ang bakas ng sinasabi niyang kalungkutan. Pinilit kong tumawa para hindi
niya mahalata ang kaba na nararamdaman ko.

Am I already enough? Sapat na ba ang ginawa ko para maging sapat ako kay Tan Tan?
Am I worthy of him?

Ang daming tanong na naglalaro sa isipan ko ngayon. At natatakot akong baka sa


pagbalik ko, hindi ko magugustuhan ang sagot. Baka sa pagbalik ko, marami nang
nagbago at hindi na ako makakahabol noong nawala ako. Baka sa pagbalik ko, wala na
akong madadatnan.

Naramdaman ko ang pag-iinit ng mata ko ng sumagi sa isipan ko iyon. Hindi ko


namalayan na nahatak na pala ako ni Avvi hanggang sa labas ng university. Patuloy
pa rin siya sa pagsasalita at hindi niya napansin ang pag-aalala ko.

“You know, you can’t run away forever Tori.” Humarap siya bigla at inis na inis na
tumingin sa akin. She narrowed her eyes at me bago ako tinuro turo.

“May tinataguan ka ba there?” diretsyo niyang tanong. Yumuko lang ako at nauna nang
naglakad. Narinig ko pa ang pagtawag niya sa pangalan ko.

“You said you wanted to be enough to your special someone na iniwan mo there. Now
naman na you’re more than enough, ayaw mo naman bumalik. What’s wrong with you ba
ha?” her voice raised a tone higher than usual. Natawa na lang ako imbes na sumagot
pa sa tanong niya. Patakbo akong pumunta sa bus stop.

“Tori naman eh. Sige na. I want to be at the Pinas na.” patuloy niya sa pangungulit
sa akin. Ngumiti na lang ako at wala ng sinabi pang iba.
--------------------------------

“Kailan ka ba kasi uuwi kamahalan?” naiinis ding sabi ni Ethan sa kabilang linya.
Tumawa lang ako at inadjust ang camera ng PC ko.

“Miss mo na ako?”

“Tss.” Yun lang ang sinabi niya bago ngumuso. Pinitik niya pa ang camera na para
bang mapipitik niya rin ako kung ginawa niya iyon.

“Seryoso Toryang. Wala ka bang balak bumalik?”

Huminga ako ng malalim at nilingon ang mga maleta kong iniligpit ko na kagabi.
Kumpleto na lahat ng kailangan ko. I have my luggages, passport and everything that
I will need. Tinapik uli ni Ethan ang camera noon para makuha ang pansin ko.
“Babalik na po. Hinintay ko lang namang maggraduate ako.” Sabi ko. Tumaas ang kilay
ni Ethan habang tinititigan ako. Matagal siyang hindi nagsalita at akala ko ay
nagbuffer na ang Skype dahil hindi na siya gumagalaw.

“Are you scared?” biglaan niyang tanong. Napatingin ako sa kanya at tumawa ng
hilaw. Kahit ako ay napangiwi sa kinalabasan ng halakhak ko. Ang plastic pakinggan.

“Why would I be?”

“He’s different now.”

Napahinto ako sa pagpipilit ng tawa ko noong narinig ko ang sinabi nito. Kinagat ko
ang labi ko at pinaglaruan ang daliri. Hindi nagsalita si Ethan. Alam kong
hinihintay niya ang susunod kong sasabihin.

“What kind of different?”


“Very different T. I.. you see, nagalit talaga siya noong umalis ka. Hindi ko
maipaliwanag sayo eh. You have to see for yourself.” Paghahamon nito. Tumawa na
lang ako at napailing dito.

Biglaan akong tumigil noong napansin konghindi tumatawa kasabay ko si Ethan. Mas
lalo kong itinago ang mukha ko sa bangs ko bago sinabi rito ang kinatatakutan ko.

“God Ethan. May babalikan pa ba ako?”

Naihilamos ko ang kamay ko sa mukha ko habang pinipilit kong patatagin ang itsura
ko habang nakaharap kay Ethan. Hindi ko napigilan ang pagkabasag ng boses ko ng
sinabi ko iyon. Si Ethan naman ang yumuko nang marinig ang sinabi ko.

“He’s really mad Toryang. Not the normal angry Stanley we know. Iba Toryang.”

Napapikit ako ng marinig iyon. I expected that to happen, pero hindi ko alam na
masakit palang marinig iyon. Ano pa kapag nakita ko na ng harap harapan ang galit
ni Stanley sa akin. Makakaya ko kaya?
“To the point na kinalimutan niya lahat ng tungkol sayo. It is as if you did not
exist at all.”

Namanhid ako sa mga salita ni Ethan sa akin. Surely, kasalanan ko naman eh. Damn
insecurities. Ayaw ko lang namang mapahiya si Stanley kung sakaling ako ang piliin
niya. Gusto ko lang namang maging kapantay siya.

“So, in short, wala na akong babalikan?” tanong ko. Napalunok si Ethan sa sinabi
ko.

“Mayroon. Kami Toryang. AEGIS will wait for their queen.”

Napangiti ako sa sinabi ni Ethan. I can do it. I am a big girl now. Kaya ko nang
harapin ang mundo dahil malakas na ako. I can do it. I can do it, right?

-------------------------
“Tori! Ang bagal mong magwalk!” sigaw ni Avvi sa akin. Sa tantya ko, dalawampung
metro na ang layo niya sa akin dahil sa kakatakbo para lamang makaalis na sa
airport.

“Andito na.” natatawa ko na lang na sabi. Umirap lang ito sa akin at lumapit para
siya na ang humila sa luggage ko.

“I know you’re not as excited as I am, but don’t you dare delay my meeting with
Athan.” Pagsasabi sabi niya. Tinitingnan ko lang siya habang humahaba ang nguso
niya. Nakakatawa ang itsura niya ngayon.

“Isa pa, as if naman you can make iwas pa. We’re here na kaya oh. Any moment now,
we will make tapak na sa Manila. So don’t be maarte Tori.”

“Ako? Maarte?”

“Yes. Because you’re delaying everything!” pasigaw niyang sabi. Iilang beses pa
siyang pumadyak habang nakatingin sa akin. Natawa na lang ako at kinuha ang baggage
ko.

“Let me guess. You’re afraid you will see him again? Kaya ba you are so bagal?”
tanong niya. Napatingin ako sa kanya at huminto sa paglalakad.

“Ano bang sinasabi mo--“

“Or maybe you are afraid of the changes that you will see when you come back? Is
that so?” sabi niya habang hinihimas ang baba niya. Hindi agad ako nakapagsalita sa
akusasyon niya sa akin. Ngumiti lang siya at inayos ang buhok niya.

“I am right,right?” paninigurado niya. Hindi na ako sumagot.

“Silence means yes. Tama ako, right?” pangungulit niya. Binilisan ko na ang
paglalakad patungo sa exit at hindi na siya hinintay.
“But do you know the fact Tori?” tuloy tuloy pa rin niyang sabi habang umaagapay sa
paglalakad ko. Hinarap ko siya para patigilin na pero bigla siyang ngumiti sa akin.

“The more that you expect changes, the more the things that you left remain the
same.” malambing niyang sabi. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataon na sumagot
dahil nilampasan niya ako ng may makita na siyang taxi na naghihintay ng pasahero
nito.

Pumihit na ako patalikod para sumunod sa kanya noong mapahinto ako sa paglalakad.
Pakiramdam ko ay nalaglag ang puso ko noong makita ko si Tan Tan na nakatayo sa
harapan ko at nakangiti ng malawak. Muntikan na akong mawalan ng hangin noong
binuka niya ang mga braso niya na para bang handa na siyang yakapin ako.

“Welcome back!” he shouted. Sumilay ang malaking ngiti sa mukha ko at humakbang na


papunta sa kanya.

Humakbang din si Tan Tan papunta sa direksyon ko, pero ganoon na lang ang gulat ko
noong lampasan niya ako. Napatigil ako sa paglalakad at hinarap siya.

“I missed you Ria.” Sabi niya sa babaeng niyakap niya. Biglaan akong napatalikod.
Pumikit ako at huminga ng malalim.
“Welcome back din Victoria.” Malamig ang boses niya noong sinabi niya iyon.
Napahinto ako sa paglalakad at pinilit nang humarap sakanilang dalawa.

“Long time no see.” Nakangiting sabi nito. Pinilit ko ang sarili kong ngumiti.
Sinubukan kong balewalain ang pagkakaakbay niya sa braso ng babaeng kasama niya.

“Y-yes.”

Tumaas ang sulok ng labi niya at kinuha ang bag ng babaeng kasama niya.

“Kaya ko na yan.” She said. Ngumuso si Tan at hindi ito pinansin.

“Let me.” maangas nitong sabi. Hinuli niya ang kamay ng babae at hinila na ito.
Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paraan ni Tan Tan ng pagsulyap sa babae na para
bang ito lang ang tao sa paligid niya. Iniwas ko ang tingin ko lalo na noong
sumulyap si Tan Tan sa direksyon ko.
“Bye Toryang.” Sabi nito. Nginitian niya ako ulit bago hinigpitan ang hawak sa
kasama niya. Tumango na lang ako at naglakad na. Halos takbuhin ko na ang taxi
namin ni Avvi, mawala ko lang silang dalawa sa paningin ko.

Sana hindi na lang niya ako nginitian.

------------------------------------------

#10

*pen<3

=================

Banana Split

22

“Tori?” tawag ni Avvi sa akin. Napabaling ako sa kanya.


“Huh?”

“Ayos lang ba ikaw?” nag-aalala nitong tanong. Pinilit kong ngumiti pero base sa
ekspresyon ni Avvi, mukhang ngiwi ang kinalabasan ng ginawa ko. Umisod siya palapit
sa akin para titigan ako.

“What’s your problem huh?”

“Wala.” Pagsisinungaling ko. Ngumiti ako para pigilan ko ang tuluyang pagpatak ng
luha ko sa mata. Bago pa man ako tuluyang maiyak ay humarap na ako sa bintana.

Hindi na dapat ako bumalik. Kung alam ko lang, sana nanatili na lang ako sa US.
Dapat naghanap na lang ako ng firm o kaya nang public attorney office doon. Naiinis
ako sa sarili ko.

Wala akong karapatang manghinayang. Ako ang nangiwan. Mukha naman siyang masaya
kahit na wala ako. Masaya siya kasama ang babaeng iyon. Siguro, the girl is the
same level as him. Baka mayaman rin ang babae. Maganda ito. Sopistikada. Bagay na
bagay sa kanya.
Kinagat ko ang labi ko para hindi ako mapahikbi sa harapan ni Avvi. Huminga ako ng
malalim para makontrol ko ang emosyon ko. Hindi ako pwedeng umiyak na lamang dahil
sa nakita ko. Dapat nga ay masaya ako na masaya siya. Ayaw kong maging selfish.
Pero sa totoo lang, hindi ko gusto ang nakita ko. If Stanley will be happy with a
girl, I wanted to be the one who will do that.

Hanggang sa makarating kami sa hotel ay hindi ako nagsasalita. Alam kong


nararamdaman na ni Avvi na may mali sa akin, but being the good friend that she is,
hindi na siya mangingialam.

“Tori.” Usal niya. Tiningnan ko siya at nginitian lang niya ako.

“My Dad brought a place for me to stay. You want to make sama to me na lang?”

Tumango ako. Hindi na siya nagsalita pa noong nakita niya ang sagot ko. Tahimik
lamang kami hanggang sa tuluyan na kaming makaakyat sa kwarto naming dalawa.
Pinasok ko na ang card noong pinigil niya ako.

“Sorry girl.”
Kumunot ang noo ko at napatingin sa kanya. Yumuko ito habang pinaglalaruan niya ang
mga daliri niya.

“I should have known na the first time pa lang. You’re not comfortable coming back
here diba? I am sorry Tori. Your heart is masakit na tuloy.” Sabi niya sa baluktot
niyang tagalog. Hindi ko mapigilang hindi matawa sa pananalita niya.

“I’m fine Avvi.”

“No you’re not.” Pagpupumilit niya. Sumandal ako sa pintuan at pinaglaruan ang
buhok ko. Ngumiti ako sa kanya. Inilagay ko ang kamay ko sa balikat niya.

“I’ll be fine.”

Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Tinitigan lang niya ako bago siya malamyang
tumango.
---------------------------------------

Kasalukuyan kong kasama ang apat na itlog sa dressing room nila. Nagyaya silang
magmeryenda bago ang performance nila.

“May conceet kami next month. Punta ka ha?” Sabi ni Ethan sa akin. KInagat ko muna
ang banana split bago umiling.

“Busy ako.”

“Kakarating mo pa lang, busy ka na agad?” si Iñigo naman ang nagsalita. Itinulak ko


ang platito ko palayo sa akin.

“Maghahanap pa ako ng trabaho.” Katwiran ko. Tiningnan ko lang silang apat. Walang
nagsasalita sa kanila at hinihintay lang na may sunod pa akong sasabihin.
“Nagkita daw kayo.” Si Greg ang bumasag ng katahimikan. Tumingin ako sa kanya bago
tumango.

“Did he yell?”

“No Ethan.”

Tumaas ang kilay nito sa sagot ko. Tinukod niya ang siko niya sa lamesa at halatang
hindi naniniwala sa sinasabi ko.

“Hindi siya nagalit sayo?” paninigurado pa nito. Ngumiti ako ng mapait habang
pinaglalaruan ang tasa ko ng kape.

“Mas gusto ko pa kung magagalit siya eh. Hindi katulad ng reaksyon niya noong
nakita niya ako, parang kakilala lang niya ako. Parang walang kahit na ano na
namagitan sa amin noon. Nakakatawa lang.” lumunok ako nang maramdaman ang pait sa
dila ko noong sinasabi ko iyon. Huminga ako ng malalim at tiningnan ang apat na
itlog sa harapan ko.
“He’s with someone.” Bulong ko. Nanlaki ang mata nila at nagsitinginan. Si Athan
lang ang nanatiling nakapokus sa cellphone niya.

“Sino?”

“I don’t know her. Pero tinawag siya ni Tan Tan na Ria.” Sagot ko. Nabuga ni Ethan
ang iniinom niyang kape at tumingin sa kambal niya.

“Ria? Athan’s Leria?” manghang sabi niya. Nilingon lang siya ni Athan bago ito
ngumuso.

“She’s not mine.”

“Yeah right. Pero kung makaangkin ka noon--“


“Shut the fuck up E.” banta nito. Tumahimik na si Ethan at uminom ulit ng
kape.Nilingon lang niya ako at naglaro ulit sa cellphone niya. Nagpabalik balik ang
tingin ko sa kambal.

What’s going on here? May hindi ba ako nalalaman. Nagtatanong ang tingin ko noong
nilingon ko sina Greg. Nagkibit balikat lang ang dalawa sa akin.

“You know her A?” tanong ko dito. Bumuntong hininga lang siya at hindi ako sinagot.

“Remember the girl who stole A’s underwear back then?” tanong ni Greg. Tumango ako.

“Yes. Yung obsessed mong stalker. Why?”

“Siya iyon. Si Ria.”


Napanganga ako ng marinig iyon. Ibinaba na ni Athan ang cellphone niya at kinuha
ang banana split ko at siya na ang kumain noon. Hindi na ako nakaangal sa ginawa
niya.

“But--“

“She moved on Toryang. Sila na ni Stanley. The end.” Matabang nitong sabi. Nakagat
ko ang labi ko sa sinagot nito sa akin. Tumango na lang ako at magsasalita pa sana
noong bumukas ang pintuan at pumasok roon si Tan Tan. Nahigit ko ang hininga ko
noong nagawi ang tingin niya sa akin.

“Kain.” Alok ni Ethan dito ng banana split. Tumango lang si Tan Tan at pumunta sa
gamit niya para kunin ang drumsticks niya.

“Prepare na kami Toryang.” Paalam ni Iñigo habang hinihila ang kambal. Tumango lang
ako. Sumunod naman si Greg sa kanilang tatlo. Nilinis ko na ang lamesa kung saan
kami kumain. Pinigil ko ang sarili kong lingunin si Tan Tan na naghahanda na para
sa performance nilang lima mamaya.

“Hindi kayo bumili ng canton?” tanong nito habang ikinakabit ang hikaw niya sa
tenga. Tiningnan ko siya bago umiling. Binaling niya ang ulo niya sa kaliwa at
tinitigan ako.
“Napipi ka ba?”

“A-ano?”

“Bakit hindi ka nagsasalita? Awkard ba?” natatawa niyang sabi. Yumuko lang ako at
pinagpapatong na ang mga plato.

“Don’t worry. Wag ka nang mailang.” Sabi niya. Umupo siya sa sofa at tinali ang
sintas ng sapatos niya. Nanatili akong nakatayo sa gilid.

“Stan--“

“Masarap ba yung banana split? Sana nagpaorder na rin ako.” Sabi nito habang
nakatingin sa natirang banana split na pinaghatian namin ni Athan. Kinuha niya iyon
at inamoy.
“Kanino ito?”

“Sa akin. S-sa amin ni Athan pala. Kinuha niya--“

Ibinaba niya ang platito at hindi na ako pinatapos magsalita. Tumaas ang sulok ng
labi niya habang nakatingin sa banana split.

“Ayaw ko pala ng matamis. Heck, I forgot.” Natatawa niyang sabi. Tumango na lang
ako at kinuha iyon. Dinala ko ang mga pinggan sa gilid at nilimas ang laman ng mga
iyon.

Bwisit naman. Bakit hindi ba siya lumabas? Akala ko ba ayaw niyang mailang ako?
Bakit nandito pa siya?

Pasimple ko siyang nilingon habang inaayos niya ang buhok niya sa harapan ng
salamin. Tahimik lamang kaming dalawa. Nagmamadali akong naghugas ng pinggan para
agad akong makalabas.
“Hello? Nasaan ka? Magsisimula na.” biglang sabi nito. Nilingon ko siya at nakita
kong nakangiti siya habang may kinakausap sa kabilang linya.

“Masyado kang workaholic Ri. I told you I can provide for you.” Inis nitong sabi.
Binagalan ko ang pagbabanlaw ng pinggan para pakinggan ang usapan nilang dalawa.

“Fine. Sige, sige. Basta pumunta ka. Kapag wala ka dito, hindi ako magpeperform.
Maawa ka naman sa fans namin.” Tumatawang sabi niya. Bigla akong natigilan ng
marinig ang linya niyang iyon. Sinabi rin niya iyon sa akin noon. Bigla kong
nakagat ang labi ko noong rumagasa sa akin ang panghihinayang.

“Okay. Bye. Take care.” Utos nito at pinatay na ang tawag.

“Will you stay here?” tanong nito. Umiling ako.

“Lalabas din ako. Tatapusin ko lang ito.”


“Sabay na tayo.” Alok nito. Tinitigan ko lang siya. Ilang beses siyang kumurap
habang nakatingin lang ako sa kanya.

“Why?” nagtataka niyang tanong. Iniwas ko ang tingin ko sa kanya at huminga ng


malalim.

“Victoria, may problema ba?”

Umiling ako at tinitigan siya. Kinagat ko ang labi ko at bago pa man magbago ang
isip ko ay nagsalita na ako.

“Hindi ka ba galit sa akin?” lakas loob kong tanong. Ilang segundo siyang nakatitig
sa akin. Maya maya lang ay natawa siya sa tanong ko.

“Seriously? Bakit naman ako magagalit sayo?” maluha luha niyang sabi. Napatanga ako
sa reaksyon niya.
“Iniisip mo bang mumurahin kita kasi iniwan mo ako noon Victoria?” hindi na siya
tumatawa ngayon pero malawak pa rin ang ngiti niya. Iniwas ko ang tingin ko sa
kanya.

“O-oo.”

“Damn. You don’t get it do you?” seryoso na niyang sabi. Napatingin ako sa kanya
noong sinabi niya iyon.

“Tama ka Victoria. Immatured ako. You made me see things noong umalis ka. You did
me a favor when you left.” Ngumiti siya ulit noong matapos niyang sabihin iyon.
Ginantihan ko ang ngiti niya kahit nagluluksa na ako sa sagot niya sa akin.

----------------------------------------

#10

*pen<3
=================

Human Heat

23

Inakay na ako ng manager nila palabas sa open ground para panoorin ang AEGIS.
Pinapwesto niya ako sa may bandang harap para makita ko ng maayos ang lima. Hindi
pa man sila lumalabas ay maingay na ang mga fans nila. Halo halo na ang mga sigaw
nila at hindi ko na maintindihan kung ano ba ang sinasabi ng mga ito.

Lalong humiyaw ang mga ito noong lumabas na si Iñigo at dumiretsyo sa piano niya.
Ngumiti muna siya sa mga fans niya bago niya inayos ang instrumento niya. Sumunod
naman ang kambal at si Greg sa kaniya. Huling lumabas si Stanley na mukhang aburido
na naman. Tumaas ang kilay ko noong siya ang pumunta sa microphone at si Greg ang
nasa drums.

Tinapik nito ang microphone bago niya nilingon ang apat na nasa likod
niya.Tinitigan ko siya habang pinaglalaruan ng kamay niya ang hikaw niya. Tumaas
ang sulok ng labi niya at ginala niya ang tingin niya sa mga tao. Huminto lamang
ang pag-iikot ng paningin niya noong magawi ang tingin niya sa direksyon ko.
Come up to meet you

Tell you I’m sorry

You don’t know how lovely you are

Inalis niya ang tingin niya noong nagsimula na siyang kumanta. Pumikit siya at
pinasadahan niya ang buhok niya gamit ang mahahabang daliri niya. Nakagat ko ang
labi ko habang tinititigan ko siya.

I have to find you

Tell you I need you

Tell you I’ll set you apart

Tell me you’re secrets

And ask me your questions

Oh, let’s go back to the start

People say, you will know the worth of someone the moment you lose him. But the
truth is, we know their worth. We just didn’t know that we will lose them. Hindi
natin pahahalagahan ang isang bagay kung alam nating mananatili ito sa palad natin.
Kasi sigurado ka. Kasi may pinanghahawakan ka. Alam mo ang magiging dulo dahil
hawak mo.
Nobody said it was easy

No one ever said it would be this hard

Oh, take me back to the start

Umasa ako na hihintayin niya ako. Umasa ako na kapag bumalik ako, magagagalit siya
sa akin pero magbabati rin kami at magkakaayos. Parang away bata lamang ang
mangyayari sa amin. Kaunting tampuhan pagkatapos ay magkakasundo na. Pero iba ang
dinatnan ko.

I’m going back to the start

Napapikit ako ng marinig ko ang lamig sa boses ni Tan Tan. Hindi ko napigilan ang
pagtulo ng luha ko ng marinig ko ang linya ng kanta. I want to go back to the
start. I want to experience how it felt noong ako pa ang nasa gitna ng mundo ni Tan
Tan. Gusto kong bumalik, hindi para baguhin ang desisyon ko, kung hindi para lamang
malaman ulit ang pakiramdam kung paano nga ba magmahal si Stanley.

Nagbago ang musika at tininggal ni Tan Tan ang microphone niya. Naglakad siya ng
kaunti palapit sa mga audience at yumuko sa kanila.
I’m still alive but I’m barely breathing

Just praying to a god that I don’t believe in

Cause I’ve got time and she’d got freedom

Cause when the heart breaks, no it don’t break even

Kailan naging ganito kakumplikado ang lahat? Gusto ko lang namang iiwas si Tan Tan
sa pamimili. Ayaw kong mamili siya sa pagitan ko at sa AEGIS. Ayaw kong mahati siya
kaya ako na lang ang gumawa ng hakbang. I don’t want him to choose so I took the
courage to choose myself.

I’m falling to pieces..

Oh, you got his heart and my heart

And none of the pain

You took your suitcase and I took the blame

Cause you left me with no love

And no love to my name

Naramdaman ko ang kakaunting pagambon sa mga balikat ko. Napatingala ako at


napansing nakikisama ang kalangitan sa nararamdaman ko ngayon. Hindi ko mapigilang
hindi mapangiti ng mapait noong pumatak ang ulan sa pisngi ko.

What am I gonna do when the best part of me

Was always you

I’m falling to pieces

I’m falling to pieces

“GO STAN! I LOVE YOU!” sigaw ng isang babae sa gilid ko. Dumilat ako at hinanap ko
ang sumigaw noon. Mga tatlong tao sa kaliwa ko, nakita ko si Ria na nagsisisigaw pa
rin. Nakuha niya ang atensyon ni Stan at tinuro siya nito bago kumindat. Tinitigan
ko si Ria na bahagyang namula sa ginawi ni Tan Tan. Ngumiti ito ng malawak at
kumaway kay Tan Tan.

Yumuko ako at binalik ang tingin kay Tan Tan na maganang naglalakad sa palibot ng
stage. Noong mapagod yata ito ay umupo siya sa tabi ni Greg at nagpalit na naman ng
kanta.

Ngayo'y aking inuunawang pilit

Mga pagkukulang kong iyong ginigiit

Sana'y malaman mo na tanging ikaw lamang


Ang aking iniintindi

“Tori!”

Napalingon ako kay Avvi na nagpupumilit na makalapit sa akin. Tinutulak niya ang
mga tao para lamang maabutan ako. Kumaway ako para kahit alam kong nakikita na niya
ako.

Nakatanim pa sa'king ala-ala

Pangako mong mananatili ka

Kaya't paglisan mo'y naiwan ang pusong ito

Na ngayo'y bitin na bitin

“Gosh. They made apak my shoes. Ang muddy na tuloy.” Reklamo nito habang hinihingal
pa rin siya. Umusog ako ng kaunti para makatabi siya sa akin.
“Dapat kasi kanina ka pa pumunta para hindi ka na sumiksik.”

“Hindi ko naman alam.” Pagtatanggol niya sa sarili niya. Hindi na ako sumagot at
binalik na lamang ang tingin kay Tan Tan na kumakanta pa rin.

“Siya ba yan?” tanong ni Avvi. Nilingon ko siya at kumunot ang noo ko.

“Siya? Siya ba yung iniwan mo back then?”

'Di mo na mababawi iniwang sakit

Sa mga salitang binitiwan mo

Hindi ba't ikaw na rin ang nagpasya, nagtakda

At siyang unang umiwas

Bakit nga ba ako 'yong pinaasa?

Hindi agad ako nakasagot sa tanong nito. Nanatili lang nakatitig si Avvi sa akin at
hinihintay akong magsalita. Hindi ko siya sinagot at binaling ko na lamang ang
tingin ko sa AEGIS.

“Maraming salamat sa pagpunta!” bati ni Tan Tan noong matapos nila ang kanta.
Pumalakpak ang mga tao at sinigaw ang pangalan nilang lima. Nakisigaw na rin kami
ni Avvi habang umaalis na silang lima sa entablado.

Sumigaw pa ako ng ilang beses bago ko nilingon si Avvi sa gilid ko. Ganun na lang
ang gulat ko noong sa paglingon ko ay wala na ito sa aking gilid. Inikot ko ang
mata ko para hanapin ito ngunit wala na siya. Kinapkap ko ang bulsa ko para kuhanin
ang phone ko at ng matawagan si Avvi. Ganun na lang ang panghihinayang ko ng
maramdaman kong walang laman ang aking bulsa at naiwanan ko ang aking cellphone sa
dressing room ng AEGIS.

Naglakad lakad ako para hanapin ang kaibigan ko noong tuluyan ng bumagsak ang
malakas na ulan. Napatakbo ako papasok sa building ngunit basang basa na talaga
ako.

Napangiwi ako noong mapansin kong bumakat ang blue kong bra sa aking puting tshirt.
Nanginig pa ako ng kaunti dahil sa lamig ng aircondition.

“Toryang!” tawag ni Greg sa akin. Kunot noo siyang lumapit at tiningnan ako mula
ulot hanggang paa.
“Bakit basa ka?”

“Naabutan ako ng ulan.” Paliwanag ko. Kinamot niya ang batok niya at tiningnan ang
suot niya.

“Nasa kwarto ang jacket ko.”

Tumango lang ako at ngumiti. Inakbayan niya ako para kahit papaano ay maibsan ang
lamig na aking nararamdaman.

“Dapat sumilong ka na lang doon at nagpasundo ka na lang. Hindi ka na sana


sumugod.” Kastigo nito sa akin. Hindi na ako nagsalita dahil tama naman siya.

“Baka magkasakit ka.” Nag-aalala nitong sabi habang pinagbubuksan ako ng pintuan.
Nagpasalamat ako at dumiretsyo na papasok. NApahinto naman ako noong makita ko si
Ria na inaayos ang nectike ni Tan Tan.
Umihip ang hangin sa aircon at lalo akong nanginig. Nanlambot ang tuhod ko at
muntik pa akong matumba. Mabuti na lamang at agad akong nilapitan ni A.

“What the hell Victoria!” galit nitong sabi. Napatingin ang ibang mga tao sa loob
ng kwarto sa lakas ng sigaw niya. Maging ako ay nagulat sa sinabi niya.

“Are you out of your mind?” galit na galit nitong sabi. Pumunta siya sa isang
drawer at kumuha ng tuwalya. Inilagay niya iyon sa ulo ko bagi niya hinubad ang
jacket niya at isinuot iyon sa akin.

“Hindi ka ba nag-iisip? You know you can’t tolerate the cold.” Malamig nitong sabi.
Yumuko ako dahil pakiramdam ko ay isa akong hayop na nahuling naninira ng gamit ng
amo ko.

“I’m fine.” Pagpupumilit ko. Tiningala ko ang ibang tao na nasa loob. NAkatingin
silang lahat sa amin. Nilinga ko si Tan Tan na pinaglalaruan ang daliri ni Ria.
Siya lang ang bukod tangi na hindi kami pinapansin ni Athan.
Nakagat ko ang labi ko. Kung noon ito nangyari, sa malamang ay nagwala na ito. Pero
ngayon, wala na talaga itong pakialam kahit sino pa man ang humawak sa akin.

“No you’re not. You’re freezing.” Inis na sabi ni A. Nizipper niya ang jacket bago
niya kinuskos ng tuwalya ang buhok kong basang basa.

“Why can’t you take care of yourself?” ngumuso ito habang pinipitpit ang sobrang
tubig sa buhok ko. Hinila niya ako sa sofa at pinaupo roon. Ikinawit niya ang kamay
niya sa beywang ko at hinila ako palapit.

“A!”

Nilingon ko si Tan Tan na nakatingin sa aming dalawa. Tumaas ang sulok ng labi niya
at inalis ang tingin sa amin ni A.

“Lumapit ka.” Utos ni Athan sa akin. Kumunot ang noo ko.


“P-pero..”

“Toryang.” Mas madiin nitong sabi. Nilingon ko ulit si Tan Tan na wala namang
pakialam sa aming dalawa ni Athan.

“Come on. I’ll hug you.” Sabi nito. NAramdaman ko ang pagakyat ng lahat ng dugo sa
pisngi ko sa sinabi niya.

“P-pero--“

Hindi na ako nakapagsalita noong hapitin niya ako palapit at niyakap ako. Nanigas
ako sa kinauupuan ko habang niyayakap ako ni A.

“Human heat Toryang.” Bulong niya. Inilapit niya ang bibig niya sa tenga ko kasabay
ng paglingon ko sa kanya. Laking gulat ko na lamang ng mapansin kong isang pulgada
na lamang ang layo ng mga mukha namin sa isa’t isa.
“Human heat. Effective ito.” Bulong ulit niya bago niya hinalikan ang noo ko.
Napapikit ako sa gulat sa ginawa niya.

-------------------------------------------------

Songs used:

The Scientist-Boyce Avenue

Breakeven- Script

Di na Mababawi-Sponge Cola

*pen<310

=================

Zipper

24

Ilang minuto ring hawak lang ni A ang kamay ko. Lumapit na rin si E para tumabi sa
akin at yakapin ako. Ramdam ko pa rin ang lamig na nanunuot sa balat ko. Mabuti na
lamang at nagpabili na sina I at G ng bihisan ko.
“Should I turn the airconditioner off?” concerned na tanong ni E. Patayo na sana
ito ng bigla ring tumayo si Tan Tan at lumapit sa aircon. Nilakasan niya pa ito at
halos mangatal ako noong umihip ang malamig na hangin mula doon.

“Ang init naman ngayon.” Sabi nito. Naglakad siya pabalik kay Ria at inihilig niya
ang ulo niya sa balikat nito. Huminga ng malalim si E at tiningnan si Tan Tan.

“Nilalamig si Toryang.” Madiin n sabi ni Ethan. Naramdaman ko ang paghigpit ng


hawak nito sa balikat ko.

“E-ethan..” I stammered. Nilingon lang ako nito bago niya muling binaling ang
tingin niya kay Tan Tan.

Tumingin lang si Tan Tan sa akin bago ngumuso. Lalo siyang sumiksik kay Ria.
Lumigid ng kaunti si Ria at may ibinulong dito. Nalukot ang mukha ni Tan Tan at
lalong nainis.

“Nilalamig ka?” tanong nito sa akin. Tumingin ako sa kanya bago ko nakagat ang labi
ko. Tumango lang ako dahil hindi ko na kayang magsalita sa sobrang lamig. Lumingon
ito kay Athan bago niya ibinalik ang tingin sa akin.
“Stanley.” Tawag ni Iñigo dito. NAglakad si Greg papunta sa aircon at pinatay
iyon. Habang ginagawa niya iyon ay nakatingin lang si Stanley sa akin.

“Halos mamatay na siya sa lamig Stanley. Ano bang ginagawa mo?” naiinis na tanong
ni I dito. Ngumisi lang si Tan Tan at pinaypayan niya ang sarili niya.

“Naiinitan ako.” Simple nitong sabi. Suminghap si Greg sa sagot nito.

“Pathetic. Para ka pa ring bata Stanley.”

“Ano na namang koneksyon ng pagiging isip bata ko sa aircon? Ang babaw mong kausap
Greg.” Ganti ni Stanley dito. Tumaas lang ang sulok ng labi ni Greg.

“Hindi mo ba nakikita, nanginginig siya--“


“Eh di umalis siya dito. She’s good at leaving. Lumabas siya kung hindi niya kaya.”
Tuloy tuloy nitong sabi. Parang wala lang sa kanya ang mga salita niya habang ako
naman ay napapangiwi na sa sakit noon. Tumayo ako para lumabas ngunit muntik akong
matumba dahil sa panghihina ng tuhod ko.

“Alam mong hindi kaya ni Toryang ang lamig Stanley.”

“She stayed in the US for four years. Nasanay ka na sa lamig hindi ba Victoria?”
nakangisi nitong sabi. Tiningnan ko lang siya.

“Lalabas na lang ako.” Sabi ko. Naglakad na ako diretsyo sa hallway kahit na
mabuway ang mga paa ko. Kumapit ako sa pader at pinilit maglakad ng tuwid.

Kung bakit ba naman kasi ako nagpabasa sa ulan at nanatili sa dressing room nila?
Tama naman si Stan. Dapat nag-isip muna ako bago ako pumasok doon. Ofcourse,
airconditioned iyon at paniguradong lalamigin ako. Kahit sino naman ay maiinis sa
ginawa kong katangahan.

Naglakad na ako palabas ng building. Tumila na ang ulan kaya dumiretsyo ako sa
sakayan ng taxi. Marami ang tumitingin sa akin, dala na rin siguro ng itsura ko.
Basang basa ako at--

“Ihahatid na kita.” Sabi ni Athan habang nakasunod sa akin. Humarap ako sa kanya at
nakita kong may hawak siyang malaking payong.

“Ha? Wag na. May after party pa kayo diba?”

“Hayaan mo na. Hindi na lang ako sasama.” Walang pakialam nitong sabi bago niya
hinuli ang kamay ko at hinila ako. Nang makalapit ako sa kanya ay kaagad niya akong
inakbayan.

“Athan..” tawag ko sa kanya. Tumingala ako para matingnan ko siya ng diretsyo.


Yumuko siya sa akin at tinitigan rin ako.

“Sorry.” Mahina kong sabi. Napatigil siya sa paglalakad at hinarap ako. Kumunot ang
noo niya sa sinabi ko. Huminga ako ng malalim at nagpatuloy.
“Toryang--“

“Gusto ko kasing maging enough ako para sa kanya A. Para sa inyo. AEGIS kayo. Sino
ba naman ako kumpara sa lahat ng mga babae sa paligid niyo? Sa paligid niya? Kaya
umalis ako kasi gusto ko may mapatunayan na ako. Pero hindi ko alam, ganito pala
ang mangyayari Athan. Hindi ko alam na masasaktan ko siya noong iniwan ko kayo.”

Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan niya iyong pinunasan. Doon ko lang
naramdaman na umiiyak na pala ako.

“If I can cry for you, I’ll do it Victoria.” Sabi nito. Inilapit niya ang noo niya
sa noo ko at halos magdikit na ang ilong namin dalawa.

“Athan!”

Napalingon kaming dalawa sa papalapit na si Stanley sa amin. Nahigit ko ang hininga


ko noong naglakad ito papunta sa amin habang nakasunod si Leria sa kanya.

“May after party pa. Saan ka pupunta?” masungit na tanong nito. Pabalik balik ang
tingin niya sa aming dalawa ni Athan. Naramdaman ko ang paghawak ni A sa siko ko at
inilapit niya ako lalo sa kanya. Napasinghap si Leria sa ginawa ni Athan.

“Hindi na ako pupunta. Nilalagnat si Toryang.”

Lumipat ang tingin ni Stanley sa akin. Lalong naglapat ang labi niya habang
nakatitig sa akin. Ilang segundo lang ay binalik niya ang tingin niya kay Athan.

“Hahanapin ka doon. Ngayon lang tayo magkakaroon ng after party na hindi tayo
kumpleto.” Katwiran ni Stanley. Hinawakan ko sa braso si Athan bago ito nginitian.

“Sige na. Papasundo na lang ako kay Avvi.” Sabi ko. Nakita ko ang pag-aalinlangan
ni Athan kaya hindi ko na hinintay na sumagot pa ito. Alam ko namang importante ang
after party nila at maraming media ang maghihintay sa kanila doon.

“Sumama ka na lang.”

Napaharap ako bigla kay Stanley noong sinabi niya iyon. Kumunot ang noo ko noong
narinig ko siya. Dahan dahan akong umiling bago ko tiningnan ang sarili ko.

“Adik ka ba? Hindi naman ako papayagan doon. Basa ako--“

“May extra akong damit. You can borrow it. Nasa kotse lang naman iyon ni Stan.”
Malambing na sabi ni Ria sa akin. Hindi lumagpas sa tenga ko ang pagkakasabi nito
ng tungkol sa damit niya na nasa kotse ni Tan. Ayaw ko man ay nakaramdam ako ng
selos sa nalaman.

“Pero--“ pagtutulo kong naputol lang din noong magsalita ulit si Stanley.

“Sumama ka na. Wag ka ng maarte.” Inis nitong sabi. Nilingon lang nito si Athan at
binangga ang balikat nito bago naglakad palayo.

“Tori? Tara na?” tawag ni Ria sa akin. Tiningnan ko si Athan. Lumapit ito sa akin
at hinawakan ang kamay ko.
“Wag ka mag-aalala. After the conference, ihahatid na talaga kita.”

“Ano ka ba. I’m fine.” Sagot ko dito. Alam ko naman kasing naguguilty siya dahil
hindi niya ako magawang samahan pauwi. Hindi naman niya kasalanan eh.

Tiningnan ko si Ria na diretsyo lang ang tingin sa daan na tinatahak namin. Nasa
kaliwa ko siya habang nasa kanan ko naman si Athan. Ramdam ko ang tensyon sa
pagitan naming tatlo habang naglalakad kami papunta sa kotse ni Tan Tan. Naunang
lumapit si Ria doon.

“Don’t make her wear slutty dresses Leria.” Malamig na sabi ni Athan habang
nangangalkal si Ria sa mga gamit niya sa likod ng kotse ni Tan Tan. Narinig ko ang
mahinang pagtawa ni Ria bago siya sumilip sa kotse.

“Bakit naman? Party yun. She needs to be beautiful.”

“She is beautiful. Hindi na niya kailangang manlandi.”


Napatingin ako kay Athan habang pinapasadahan niya ng tingin ang suot ni Ria.
Nakasleeveless lamang ito at leather na skirt. May blazer siya na hanggang kalahati
lamang ng dibdib niya.

Hindi na sumagot si Ria sa sinabi ni Athan. Bagkus ay kinuha na lamang niya ang
isang floral na dress at inabot sa akin iyon. Agad ko naman iyong kinuha.

“Samahan na kita sa CR.” Alok ni A. Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya.

“Ako na lang ang sasama sa kanya.” Si Ria naman ang nagsalita bago siya naglakad
pauna sa banyo. Tiningnan ko na lang si Athan at sumunod na kay Ria. Nakita ko pa
ang nagaalala nitong tingin sa akin habang papalayo ako.

“He really cares for you.” Sabi ni Ria habang pumapasok kami sa banyo. Napahinto
naman ako sa sinabi niya.

“Sino?”
Misteryosa siyang ngumiti at tiningnan ako. Sumandal siya sa lababo habang
hinihintay akong pumasok. Lumapit ako sa kanya ng nakakunot ang noo ko.

“Depende.” Sabi niya. Napanguso na lang ako at hindi na nagsalita. Ang labo kausap
ng babaeng ito. Parang sira. May sasabihin tapos hindi naman niya tatapusin.

Nakatitig lang ito sa akin gamit ang repleksyon ko sa salamin. Nakangiti pa rin ito
na parang wala sa tamang pag-iisip habang pinapasadahan ako ng tingin.

“Hindi ka pa ba magbibihis? Baka kalbuhin ako ni Athan kapag nagtuloy yung lagnat
mo.” Natatawa nitong sabi. Tiningnan ko siya bago ko kinagat ang labi ko. Huminga
ako ng malaim bago ko sinabi ang matagal ng tanong sa aking isipan.

“Akala ko ba si Athan ang mahal mo? Bakit si Stanley ang kasama mo?”

Tumaas ang sulok ng labi niya sa sinabi ko. Humarap siya sa akin at tiningnan ako
ng diretsyo sa mata.
“Iisang babae lang ang kayang mahalin ni Athan, Tori. Yes, we had moments. Pero
hanggang doon lang kami.” poker faced niyang sagot. Napalunok ako at yumuko.

“Magbihis ka na. Kanina ka pa hinihintay ni A.” sabi nito bago tumalikod ulit.
Nagpasya na akong pumasok sa cubicle at doon na nagbihis.

Iisang babae lang ang kayang mahalin ni Athan.

Hindi kaya? Agad akong napailing sa naisip. It’s been four years. Sigurado akong
kung ano man ang nararamdaman ni Athan para sa akin noon ay wala na ngayon.
Imposibleng mahal pa rin niya ako, hindi ba? Nag-usap na kami noon. He told me he
will stop.

Napatigil lang ako sa pag-iisip ng hindi ko mahila ang zipper ng dress ni Ria. Nasa
kalahati lang iyon ng likod ko at hindi ko na maabot. Binuksan ko ang pinto para
magpatulong kay Ria noong makita kong wala ng tao sa banyo. Napanguso naman ako
dahil iniwan niya na pala ako.

Humarap ako sa salamin para subukang isara ang damit ko noong nagclick ang pintuan.
Nilingon ko iyon at halos mapatili ako noong likod ng lalaki ang nakita ko.
Nilolock nito iyon at hindi na ako makagalaw sa kinatatayuan ko.
“O-oy!” nanginginig kong sabi. Humarap ito sa akin bago ako pinagtaasan ng kilay.

“Mukha kang tanga Victoria. Umayos ka.” Naiinis na sabi ni Tan Tan. Lumapit ito sa
akin. Humakbang naman ako palayo hanggang sa maidiin na niya ako sa lababo.
Tumunghay siya sa akin bago niya hinawakan ang braso ko. Itinalikod niya ako sa
kanya.

“A-anong--“

Hindi na ako nagsalita noong makita ko ang repleksyon naming dalawa sa salamin.
Nakatingin lang ako sa mukha niyang seryosong nakatitig sa likod ko. Napalunok ako
ng mariin noong naramdaman ko ang pagsara ng zipper sa aking likuran. Hinawi niya
ang buhok kong nakatabing sa aking leeg bago niya idinikit ang pisingi niya doon.
Muntik pa akong mapatalon noong malamigan ako sa balat niya.

“Tsk.”

Nilingon ko siya dahil sa inis niyang tono. Tinaas niya ang kamay niya at inilagay
niya iyon sa noo ko.
“Damn it. Nilalagnat ka nga.” mapanganib ang tono nito ng sinabi niya iyon.
Pinagdikit niya ang dalawa niyang kamay at inilagay iyon sa pisngi ko. Huminga ito
ng malalim bago pumikit ng mariin.

“Umuwi ka na. Ihahatid na kita.” Pinal na sabi nito bago niya hinubad ang jacket
niya at isnuot sa akin iyon. Nizipper na naman niya ang jacket niya hanggang sa
umabot na ito sa may leeg ko. Kinuha niya ang hood niyon at inilagay iyon sa akin.

“Let’s go.” Sabi niya at hinila na ako.

----------------------

UD Next Month na yata? Busy eh.

*pen<310

=================

My Turn

25
Tahimik lang kami sa byahe pabalik sa aking hotel. Hindi nagsasalita si Tan Tan sa
tabi ko habang nagmamaneho. Ako naman ay nakatingin lamang sa labas at pinipilit na
huwag bumaling sa kanya. Hinigpitan ko ang kapit ko sa kanyang jacket at inamoy
iyon. Pinikit ko ang mata ko at inisip na si Tan Tan iyon at niyayakap niya ako ng
mahigpit upang maibsan ang lamig na nararamdaman ko.

"Inaantok ka?" tanong nito. Nilingon ko siya bago umiling.

"Hindi."

Hindi na ito sumagot ulit. Tiningnan ko siya bago yumuko. Ang Stanley na kilala ko
ay hindi ganito. He is not a one word man. Palagi siyang masalita at ikaw na lamang
ang susuko sa kadaldalan niya. Maingay siya at maraming kwento sa akin dati, ngunit
ngayon, para lamang akong kung sino sa kanya. Ni hindi man lang siya nagsasalita.

Nipark niya ang kotse niya bago umikot at inalalayan ako palabas. Nagpasalamat
lamang ako sa kanya at hinubad na ang jacket niya. Inabot ko sa kanya iyon pero
pinagtaasan lang niya ako ng kilay.

"Wear that. Nilalamig ka pa." utos nito. Pinilit kong ibigay iyon sa kanya.

"May jacket naman ako sa kwarto."

"Pero malamig mamaya sa loob. Lalo na sa elevator." Katwiran niya. Umiling lang
ulit ako bago binato sa loob ng kotse niya ang jacket.

"Kaya ko na--"

"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!" sigaw niya. Nanlaki ang mata ko lalo na noong
marahas niyang pinadaan ang mga daliri niya sa buhok niya. Nanlilisik ang mata niya
noong bumaling ulit siya sa akin.

"Come on Stan. Don't act as if you care." Sabi ko sa kanya. Napanganga lang ito sa
sinabi ko at tumigil sa pagsasabunot sa sarili niya. Tinitigan ko siya at hinintay
ang magiging sagot niya.

"Do you still care?" tanong ko sa kanya. Dumiretsyo siya ng tayo bago niya ako
tiningnan. Hinigit ko ang hininga ko sa pag-aasam na sana ang sagot niya ay ang
sagot na inaaasahan kong marinig. Gusto kong sabihin niyang nag-aalala pa rin siya
sa akin.

"Of course. Kaibigan kita Victoria. At naguguilty ako dahil lumala ang lagnat mo ng
dahil sa akin." seryoso nitong sabi. Hindi agad ako nakahuma sa narinig ko.
Nanatili lamang akong nakatingin sa kanya.
"I'm just guilty Victoria." Mapait akong ngumiti at tumango na lamang. Yumuko ako
at tumalikod na.

"Victoria." Habol niya sa akin. Hinawakan niya ang braso ko kaya ko siya hinarap.

"Saan ka pupunta? Ihahatid na kita--"

"I'll be fine Stanley. Wag ka ng maguilty." Sabi ko na lang at hinila ang braso ko.
Tuloy tuloy na akong pumasok sa hotel namin at umakyat sa aming kwarto.

Pumasok ako sa kwarto at nakita kong papaalis si Avvi. Nagulat pa ito ng makita
niya akong nakatayo sa may pintuan.

"Grabe ka Tori! Where did you go ba?" inis nitong sabi. Nakita ko ang pagaliwalas
ng mukha niya noong makita ako.

"Akala ko you were kidnapped na. I just went to the comfort room and then wala ka
na. Where did you go?" tuloy tuloy na daldal nito. Hindi ko siya sinagot. Tumuloy
lang ako sa kwarto at kumuha ng pajamas. Nakasunod pa rin si Avvi sa akin.

"Are you alright?" nag-aalala nitong tanong. Nginitian ko lang siya bago ako
pumunta sa kama at humiga.

"I'm fine." Sabi ko bago ako pumasok sa ilalim ng kumot. Tumalikod na ako kay Avvi
at pumikit para makatulog.

Noong marinig ko ang pagsarado niya ng pinto ay dumilat ako. Hindi ko mapigilang
hindi maalala ang sinabi ni Tan Tan. Na inaalagaan lang niya ako dahil naguguilty
siya. Sinasamahan lang niya ako dahil sa obligado siya at pakiramdam niya ay
responsibilidad niya ako. Napipilitan lamang siya.

Suminghot ako sa naisip. Hinigpitan ko ang hawak sa kumot at inalis sa isipan ko


ang ideya na iyon.

----------------------------------

"Drink mo ito." Bigay ni Avvi sa akin ng ilang tabletas. Tumaas ang kilay ko at
umirap sa kanya.

"Lumabas ka? You should have stayed here. Hindi mo pa gamay ang Manila." Kastigo ko
dito. Ngumuso lamang siya at umupo sa harap ko.

"I did not buy that. May room service lang na nagbring dito niyan." Sabi niya
habang nakaturo sa mga gamot. Kumunot naman ang noo ko sa narinig.
"Pinaroom service mo ito?"

"Nope. Hindi ko naman kaya know na may fever ka. How can I ask for the room service
some meds?" katwiran niya. Tiningnan ko ulit ang mga gamot bago nagpasyang inumin
ang isa.

"Hey. May street dance sa weekend. Can we come? AEGIS will be there daw. Please
Tori, please. Make sama to me." Pagmamakaawa nito habang nilalagyan niya ng tubig
ang baso ko. Tiningnan ko lang siya.

"Akala ko ba maghahanap na tayo ng trabaho?"

"After natin maghanap ng trabaho. I want to see a Philippine street dance T."
nagpuppy eyes pa ito habang sinasabi iyon. Huminga ako ng malalim bago kinuha ang
gamot para naman sa sakit ng ulo.

"Magpeperform ba sila?"

"Hindi. Pero guests sila. Sige na Tori." Patuloy pa rin nitong pagpupumilit sa
akin. Wala na akong nagawa kung hindi ang pagbigyan na lang si Avvi sa gusto nito.

-------------------------

Mabilis lumipas ang mga araw. Nagsimula na kaming maghanap ni Avvi ng trabaho sa
mga Law Offices dito sa Manila. Naghiwalay lamang kami noong binisita niya ang Papa
niya. Ako naman ay dumiretsyo sa isang café dahil gusto ni Athan na makipagusap sa
akin.

Pagkarating ko doon ay agad akong luminga sa café. Nakita ko siya sa siang sulok,
nakasuot ng raybans at jacket. Nakayuko siya at hindi pinapansin ang mga babaeng
napapatingin sa kanya. Kahit naman kasi hindi siya nakikilala ng mga tao, malakas
pa rin ang hatak ni Athan.

Mukha yatang nakita na niya ako kaya tumayo siya. Lumapit ako dito at pinaghila
niya ako ng upuan. Pagkatingin ko sa lamesa ay puno na agad iyon ng pagkain.

"Nag order na ako para sayo." Sabi nito. Tumango na lamang ako at tiningnan ang mga
nakahain.

"Toryang."

"Hmmn?" sagot ko at binaba ang tinidor na ginamit ko upang tikman ang sansrival.
Nakatitig si Athan sa akin habang ngumunguya ako kaya napilitan akong itigil na
lamang ang pagkain.
"Magaling ka na ba?" nag-aalala nitong tanong. Ginagap niya ang kamay ko at marahan
iyong pinisil. Ngumiti ako at tumango.

"Yup. I'm fine."

Ngumiti lamang ito ng marinig ang sagot ko. Kumain kami habang hawak niya ang kamay
ko. Dahan dahan niyang pinaglalaruan ang mga daliri ko. Walang nagsasalita sa aming
dalawa habang kumakain.

"Toryang." Tawag ulit niya sa akin. Tiningala ko siya at nakita kong seryoso siyang
nakatingin sa akin.

"Bakit A?"

"Pupunta ka sa streetdance mamaya hindi ba? Gusto mo bang samahan na kita?" pag-
aalok nito. Napanguso ako.

"I'm with Avvi. Yung friend ko." sagot ko. Hindi nagbago ang ekspresyon ng mukha
niya sa narinig. Biniling lang niya ang ulo niya habang nanunuot ang titig niya sa
akin.

"Sasamahan pa rin kita." Pagpupumilit niya. Uminom siya ng kape habang hindi
inaalis ang tingin sa akin.

"You have to stay with the others. Paano na lang ang media?"

"Hayaan mo sila. This is my life. I will do whatever I damn well please." Maangas
nitong sabi. Natawa na lang ako sa sinabi niya. Ngumisi lang ito habang nakatitig
sa akin.

"Toryang."

Tiningnan ko siya at natigil ako sa pagtawa noong makita ang seryoso niyang mukha.
Ilang beses pa akong napakurap noon.

"Sinabi ko sayo noon na bibitawan na kita hindi ba? Because I want you to be happy
at alam kong kay S ka sasaya. Hindi ba't yun ang sinabi ko?" tanong nito. Tinitigan
ko siya at nagseryoso na rin.

"Yes. Pero bakit mo sinasabi--"

"Masaya ka ba ngayon?" pagpapatuloy niya. Hindi ko na naituloy ang naputol kong


pagsasalita sa tanong niya. Pinilit kong ngumiti sa kanya kahit alam kong hindi ko
naman maloloko si Athan. He knows me. Alam niya kung magsisinungaling lamang ako.
"Ano bang klaseng tanong yan A?" natatawa ko na lang na sabi. Kinuha ko ang aking
kape at pinaglaruan ang heart na nakadrawing doon.

"I want to..no, I have to break my word Toryang. Sa nakikita ko, hindi ka masaya."
walang gatol nitong sabi. Napatigil ako sa paglalaro sa kutsara at yumuko.

"All I wanted was for you to be happy Toryang." Masuyo nitong sabi. Lumamlam ang
mata niya at kitang kita ko doon ang pagmamahal na pilit kong hindi pinansin nitong
mga nagdaang taon. Kinagat ko ang labi ko at hinila ang kamay ko mula rito.

"A."

"He's not inlove with you anymore Victoria." Napapikit ako sa narinig. Huminga ako
ng malalim bago umiling.

"Athan.."

"Why can't you see anybody else Victoria? Ang dami pang iba diyan. Bakit lagi na
lang si Stanley?" may nginig ang boses nito ng tinanong niya iyon. Tiningnan ko
siya at napansin ko ang bahagyang pagkislap ng mata niya.

"May Leria na siya Victoria." Dagdag pa nito. Hindi ako sumasagot sa kanya.
Napaigtad ako ng hawakan niya ang kamay ko at hinila iyon.

"Sinuko kita noon and you end up being hurt Victoria. I am not going to do that
again. I won't give you up. Whatever happens, I won't. Hindi kita bibitawan."

Pilit kong hinihila ang kamay ko mula sa kanya ngunit hinigpitan lamang niya ang
hawak niya doon. Pinilit niya akong titigan siya. Iilang beses akong napalunok sa
bawat pagkalabog ng dibdib ko sa mga titig niyang nanunuot sa kaluluwa.

"Athan.."

"Enough is enough Victoria. Ako naman. My turn." Desidido niyang sabi. Hindi na ako
napagsalita lalo pa't alam kong kahit anong sabihin ko ay hindi na magbabago pa ang
isip nito.

--------------------------------

Eh, nadali nyo ako sa NEXT MONTH thingy ko.

*pen<310
=================

Walang Pinagbago

26

“Toryang.” Tawag ni Athan ulit sa akin. Nanatili akong nakayuko at hindi siya
tinitingnan. Heck, how could I look at him? Paano ko siya titingnan gayong alam
kong hindi ako papayag sa gusto niya. Masasaktan ko lang siya sa sagot kong hindi
na magbabago.

It will always be Stanley. Kahit na anong mangyari, walang magbabago. Nothing will
change, masaktan man ako ng paulit ulit, pareho pa rin ang magiging sagot ko.

Ofcourse, I want to give Athan a chance. Gusto kong subukan dahil pagod na rin
naman akong masaktan. But I just can’t bring myself into loving someone else. Hindi
ko kayang diktahan ang puso ko. Kung kaya ko lang, di sana’y matagal na akong
sumuko kay Stanley.

“A..”
Lumamlam ang mata niya pagkarinig pa lang sa tono ng aking boses. Lumuwag ang hawak
niya sa kamay ko hanggang sa tuluyan na niya iyong binitawan. Kinagat niya ang labi
niya habang nakatingin lamang sa akin.

“Tangina. Ang unfair.” Bulong niya. Hindi ako nagsalita at hinayaan lamang siya.
Umiling siya at tiningnan ako ng diretsyo sa mata.

“Nathaniel.” Madiin ang boses ko ng sinabi iyon. I held his stare. “Mahal kita,
alam mo yan. You were there for me at malaki ang pasasalamat ko doon. But I just
can’t. I love Stanley. So badly it hurts.”

Hindi pa man ako tapos magsalita ay umiiling na siya. May hinanakit ang mga mata
niyo noong sinulyapan niya ako.

“Nagbabago ang nararamdaman Victoria. Trust me. I saw it with my two eyes. Sinasabi
mo lang yan because you never gave anyone the chance to love you. Least of all, to
see your worth.”
“Stop it.”

“Whatever you damn say, hindi magbabago ang desisyon ko. I’ll fight for you now.
I’ll make you fall.” Pinal nitong sabi bago siya tumayo at iniwan ako sa
restaurant. Sinundan ko lamang siya ng tingin hanggang sa makasakay na siya ng
kanyang kotse.

Nang mawala siya sa paningin ko ay napasandal ako sa aking upuan. Hindi ko alam
kung tama ba ang naging desisyon ko. Basta ang alam ko lang, magiging unfair ako
kay Athan kung tatanggapin ko ang nararamdaman niya gayong mas maliwanag pa sa
sikat ng araw na si Stanley pa rin naman ang gusto ko. Ayaw ko lang naman siyang
maging rebound ko. Iyong panakip butas lang para makalimot. Mahal ko si Athan at
hindi ko gagawin sa kanya iyon.

I gathered my purse at tatayo na sana noong may umupo sa upuang nabakante pagkaalis
ni Athan. Nagtaas ako ng tingin at ganon na lang ang gulat ko ng makita ko si Leria
na nakatunghay sa akin.

“Anong--“

“I was at the back.” turo niya sa lamesa na nasa harapan namin. “Hindi ko
napigilang makinig sa usapan ninyo.” Paghingi niya ng tawad. Tumaas ang isang kilay
ko bago umayos ng upo.
“Seriously?” naiinis kong tanong. Anong karapatan niyang makinig sa amin ni Athan?

Hindi ito sumagot. Tiningnan lang niya ako na para bang may hinahanap na kung ano
sa aking mukha. Ilang segundo lang ay naasiwa na ako sa titig niya.

“He really loves you, alam mo ba iyon?” Sabi niya sa akin. Pinaglaruan niya ang
kulot sa dulo ng buhok niya bago huminga ng malalim.

“Ano bang sinasabi mo?” tanong ko sa kanya. Ngumiti lang siya sa akin at umiling.

“He loves you Tori. Hanggang sa puntong hindi na niya makita ang iba pang pwedeng
magmahal sa kanya. God knows I tried, I really tried. Pero ang tigas mo. Hindi kita
maalis sa sistema niya. To think na kinidnap ko pa siya para lang piliting
makalimutan ka. But guess what, it was all useless. Sa huli, sayo pa rin siya
babalik.” Mapait ang tono niyang sabi. Ilang beses akong napakurap sa narinig.

“Kinidnap mo siya?”
“Yup. Just for several months lang naman.”

“What the hell!” bulalas ko. Gulat dahil sa nagawa niya. Paanong? Nakanganga lang
ako habang tinitingnan si Leria. Sinusuklay lang niya ang buhok niya gamit ang
daliri niya. Bumilog ang bibig ko habang nakatingin lamang sa babaeng nasa harap
ko. Walang nagsasalita sa aming dalawa.

“You’re still inlove with him.” Sabi ko. Natigil siya sa pagsusuklay at tiningnan
ako. Nanlaki ang mata niya at iilang beses siyang napalunok.

“Nandito ka because you’re stalking him. You’re telling me these things to make me
back-off. Palagi ka sa mga gigs nila kasi gusto mong magkalapit kayo. You’re still
into him--“

“No.” simpleng sagot niya sa mga akusasyon ko. Kaagad niyang kinuha ang bag niya at
walang paalam na umalis. Sinundan ko siya ngunit nagmamadali siyang nakapasok sa
isang taxi. Ng makalabas na ako sa café ay nakaalis na ang kanyang taxi.
If Leria is still inlove with Athan, then Stanley is in a loveless relationship.
Tama ba ako ng naiisip?

----------------------------------

“Akala ko you will not come.” Sita ni Avvi sa akin pagkarating ko sa parke kung
saan gaganapin ang opening ng streetdance. Ngumuso pa siya habang tinitingnan ang
suot ko.

“Ang pangit naman ng outfit mo. You should have worn skirts or kaya shorts.” Dagdag
niya. Tiningnan ko ang pants ko at ang oversize shirt na suot ko bago ko nginitian
ang kaibigan ko.

“You know I am not comfortable with that.” Sabi ko na lang sa kanya bago siya
tinalikuran. Alam ko naman kasing hindi ito titigil sa pangungulit sa aking suot
hanggang hindi ko siya iniiwanan.

“Kamahalan!” sigaw ni Ethan sa pangalan ko. Umalis siya sa lupong ng mga fans nila
at pinuntahan ako. Sinalubong niya ako ng yakap bago siya tumingin sa likuran ko.
“Where’s my wife?” natatawa niyang tanong. Tiningnan ko rin ang likuran ko bago
siya binalingan ulit.

“Sino?”

“My wife. Your conyo friend. Kasama mo ba?” excited nitong sabi. Tumingkayad ako
bago siya sinapok.

“Hands off ka kay Avvi E. Playboy ka. You’ll just hurt her.” saway ko dito. Ngumuso
lamang siya at inakbayan ako. Pilit kong tinatanggal ang kamay niya ngunit hinatak
niya ako papasok sa tent ng AEGIS.

“I won’t. Sige na naman. Ilakad mo na ako.”

“No--“ naputol ang sasabihin ko ng may bulaklak na muntik ng tumabon sa aking


mukha. Nilingon ko kung sino ang nagbibigay noon ng makita ko si Athan sa kabilang
dulo ng bouquet. Napatahimik ang buong AEGIS ng makita kaming dalawa ni Athan.

“Para saan yan A?” nagtatakang tanong ni Greg. Palapit na silang dalawa ni I sa
amin. Nakagat ko ang labi ko at alanganing tinanggap ang mga sunflower na
ibinibigay ni Athan sa akin.

“Nililigawan ko siya.” walang gatol nitong sabi. Napasinghap si Ethan sa narinig


mula sa kambal. Sabay sabay pa ang pagtingin ng tatlong itlog sa akin na para bang
hindi makapaniwala sa narinig.

“You should have told us!” inis na sabi ni Ethan. Napamulagat ako dahil noon ko
lang nakitang nainis si E sa kanyang kakambal. Napatingin ako kay I at G na galit
ring nakatingin kay Athan.

“A-ano ba.” Natataranta ko ng sabi. Ibinaba ko ang sunflower sa isang lamesa at


hinila si Ethan palayo kay Athan.

“Dapat nagpasabi ka. Hindi iyong nagdedesisyon ka ng basta basta. For god’s sake
Nathaniel, its Victoria we’re talking about here!” si Iñigo naman ang sumigaw.
Pumagitna na ako sa kanilang apat.
“Bakit ako magpapaalam? Hindi naman ninyo siya pag-aari.”matapang na sabi ni Athan.
Napapikit na lang ako noong lalong tumalim ang tensyon sa kanilang apat. Nilingon
ko si Stanley na umiinom lang ng tubig sa isang gilid. Matatalim ang tingin na
ibinibigay niya sa akin kaya ibinaling ko ang pansin ko sa iba. Sa gilid ng aking
mata ay nakita ko siyang naglakad at kinuha ang mga bulaklak na ibinigay ni Athan.
Tinawag niya ang PA niya at ibinigay iyon dito.

“Throw it. Allergic ako sa pollen.” Marahas na utos nito. Napasinghap ako sa ginawa
nito habang siya ay walang pakialam habang pinaglalaruan ang hikaw niya.

“Gago ka!” sigaw ni Athan at akmang lalapit kay Stanley ngunit hinarang siya ni
Ethan. Tiningnan lamang siya ni Tan Tan bago nagkibit balikat.

“Hindi naman sayo ha?! Kung makautos ka parang iyo--“

“Sa akin Athan.” Maikli nitong sagot. Bawat salita ay may diin at talagang
ipinagdidikdikan.Gumawi ang tingin niya sa akin bago niya binalik ang tingin kay A.

“Ikaw. Wag kang umasta na para kang kung sino dahil lang sa nabigyan ka ng
pagkakataon. Bago ka gumalaw, manigurado ka muna. Wag kang mang-angkin ng hindi
naman sayo.” Banta nito bago na tumalikod at lumabas sa tent. Napaupo ako sa sofa
at tiningnan ang apat.

“S-sorry.” Bulong ko kay Athan. Lumambot ang mukha niya ng makita ang pamumutla ko.
Hinawakan niya ang kamay ko at doon ko lang naramdaman na nanlalamig pala ako.
Yumuko siya at lumuhod sa harapan ko.

“Bibilhan na lang kita ng bagong bulaklak.” Paninigurado niya. Hindi na ako


nakasagot lalo pa’t nagsimula na ang tugtog sa labas hudyat ng pagsisimula ng
streetdance. Hinila na ako ng AEGIS palabas at sumalubong sa akin ang makukulay na
ilaw sa stage. Lumapit si Athan at pinulupot niya ang braso niya sa beywang ko bago
niya inihilig ang baba niya sa balikat ko.

Give a little time to me

Or burn this out

We’ll play hide and seek

To turn this around

All I want is the taste

That your lips allow

My, my my hey
“Give me love.” Ibinulong niya ang huling linya ng kanta sa akin. Nanigas ako sa
kinatatayuan ko ng marinig ko ang boses niya.

“A..”

“Please. Ako naman.” Pagsusumamo niya. Hinarap ko siya at hinawakan ang pisngi
nito. Namula ang mata niya at tiningnan ako ng matiim. Huminga ako ng malalim bago
siya niyakap ng mahigpit.

Inihilig niya ang pisngi niya sa palad ko at pumikit. “I am fighting a losing


battle hindi ba? Hindi ko ba talaga kayang baguhin ang isip mo?” basag ang boses
niya noong tinanong niya iyon. Dahan dahan akong umiling bilang sagot.

“I can’t A. I’m sorry.” Ramdam ko ang paninigas ng katawan niya ng marinig niya ang
sagot ko. Umalog ang balikat niya at niyakap ako ng mahigpit. Tinapik ko ang
balikat niya at humiwalay sa kanya noong matapos na ang kanta.

Inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga bago siya naglakad palayo. Inayos
ko ang shirt ko at naglakad lakad sa mga booth sa gilid gilid. Napahinto ako ng
makakita ako ng isang wind chime na puro star ang disenyo. Itinaas ko iyon at
tiningnan ang maliliit na mga star na nakabinbin sa hangin.
“You like that?”

Muntik ko ng mabitawan ang wind chime noong biglang magsalita si Stanley sa likuran
ko. Ibinaba ko ang wind chime at hinarap siya. Nilampasan niya ako at nagbigay ng
isang libo sa tindera at kinuha ang windchime. Inabot niya iyon sa akin.

“Here.” Sabi niya. Kinuha ko ang windchime,nagpasalamat at pinaglaruan ulit ang mga
bituin nito. Nanatili lamang nakatitig si Tan Tan sa akin.

“Kayo ng dalawa?” seryoso niyang tanong. Napatingala ako sa kanya bago kumunot ang
noo ko.

“Kung makipagyakapan ka, parang walang ibang tao sa paligid ninyo.” Iritado niyang
sabi. Walang salitang lumalabas sa akin habang pinapasadahan lang niya ang buhok
niya.

“T-tan--“
“Ano? Kayo na ganoon? Sunod kong malalaman, ikakasal na kayo? Babalik ka na parang
walang nangyari, pagkatapos papatol ka kay Athan? Tangina Victoria. Wala ka pa ring
ipinagbago. Paasa ka pa rin.” Walang gatol niyang sabi. Hindi na ako nakapagsalita.

---------------------------------

Song used:

Ed Sheeran ft. Demi Lovato- Give Me Love

Nakita na ninyo teaser ng EXO? Feeling ko babalik sina Kris! Sana..

#GalawangS o #GalawangA

*pen<310

=================

Effortless

Boy27

"Ako pa ang paasa ngayon Tan?" napatigil siya sa paglalakad ng marinig niya akong
nagsalita. Nakatalikod lang siya at hindi ako hinaharap, pero alam kong nakikinig
siya sa akin. Lumapit ako sa kanya hanggang sa nakatayo na ako sa kanyang likuran.

"Hindi ako paasa."

Humarap siya sa akin at kitang kita ko ang lamig sa mga titig niya. Nag-aalab ang
galit sa mga mata niya at alam kong lahat ng iyon ay para sa akin. Sige Stan, galit
ka diba? Galit ka kaya ipagsigawan mo na kung gaano kalaki ang galit mo sa akin.
Say anything, just stop treating me coldly.
"Hindi nga ba? Don't fool me Victoria."

"I'm not. Tan--"

"Stop denying that fuck Victoria! Paasa ka! Iniwan mo ako kaya paasa ka! Ano masaya
ka na?" sigaw niyang hindi ko naman ikinagulat. Lumingon siya sa paligid niya at
napahilamos. Pumikit siya ng mariin at ng dumilat siya ay bumalik na ang malamig
niyang tingin.

"Umalis ka na." utos niya. Tinitigan ko lamang siya at napailing na lang.

"I'm sorry Stan. Kung may pagpipilian lang ako, hindi kita iiwanan." Nabasag ang
boses ko ng sinabi ko iyon. Napalingon ako sa kanya noong bigla siyang tumawa ng
pagak.

"May choice ka Victoria. You could have chosen me but you didn't. Ang dali lang
para sayo na bitawan ako hindi ba?" walangpakialam niyang sabi. Tumulo ang isang
luha sa mga mata ko sa sinabi niya.

"This is all just a game for you. Bumalik ka noon dahil kay Georgina. Nagkakaganyan
ka ngayon dahil kay Ria. Kasi ano? Kasi nakakathrill mang-akit hindi ba? You'll
seduce me everytime I have a girl. And when you succeed you'll dump me. Masaya ba?"
buong pait niyang sinabi. Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kanya habang umiiling.

Hindi ko na alam kung gaano kami katagal nakatayo doon sa gilid ng tindahan ng
windchime. Tanging naririnig ko lang ay ang mga kanta mula sa stage at ang
mabibigat na paghinga namin ni Stanley.

"Mahal kita Tan." Bulong ko sa kanya. Hindi siya gumalaw sa sinabi ko. Batid kong
hindi niya iyon narinig dala na rin ng lakas ng ingay sa paligid.

"Wag ka ng magsinungaling Yang. Di na uubra yan." Anas niyang ikinagulat ko. Hindi
na ako nakagalaw para sundan siya. Napako na lang ako sa kinatatayuan ko habang
inaalala ang sinabi niya.

"Tori! There ka lang pala." Tawag ni Avvi na nagpabalik sa akin sa kasalukuyan. May
suray suray ang lakad niya habang may hawak na dalawang baso sa kanyang kamay.

"Tori!" masaya niyang sabi at inabot sa akin ang isang baso. Tiningnan ko siya at
namumungay na ang kanyang mga mata. Pulang pula rin ang pisngi niya. Nanliit ang
mata ko sa itsura niya.

"Lasing ka?"

"Try mo yan. Really cool." Hagikgik niya habang ininom niya ang isa pang basong
dala niya. Huminga ako ng malalim at tinikman ang inumin niya. Ang inaasahan kong
mapait na lasa ay hindi dumating. The drink was unexpectedly sweet kaya hindi ko
napigilang inumin iyon ng tuloy tuloy.

"Sarap right?" bulong ni Avvi sa akin habang hinihila niya ako sa gitna. Ilang
beses pa kaming nabangga ng mga nagsasayaw. Diniretsyo ako ni Avvi sa isang booth
at kumuha ulit nung inumin. Kinuha ko agad iyon at diniretsyo ang inom. Inalog ko
ang ulo ko ng makaramdam na ako ng hilo.

"Sayaw tayo!" sigaw ulit ng kaibigan ko at nauna ng pumunta sa gitna. Inubos ko


muna ang laman ng baso ko bago sumunod rito.

Itinaas ko ang dalawang braso ko habang sumasabay sa kanta. Pinikit ko ang aking
mata dahil umaalon na talaga ang paningin ko. Patalon talon pa ako habang
sumasayaw.

Kailan ba ako nagenjoy ulit ng ganito? Eversince I came back, pakiramdam ko ay


hindi pa ako nagkakaroon ng panahon para sa sarili ko. Kahit ngayong gabi man lang
ay makalimutan kong halos isuka na ako ng lalaking mahal ko.

Bakit nga ba ako'y iyong pinaasa?

Natawa ako ng marinig ang linyang iyon ng kanta. Naalala ko pang isa ang kantang
iyon sa set nila Tan Tan noong bumalik ako. Nandoon na naman ang salitang kanina
lang namin pinagawayan. Sino nga ba sa aming dalawa ang paasa?

Ofcourse siya! sigaw ng isang bahagi ng isip ko. Natawa ako kahit walang
nakakatawa. Siya naman talaga ang totoong paasa. May Leria na siya. Nagagawa niyang
tumingin sa ibang babae kapag wala ako. Siya ang tunay na paasa.

May naramdaman akong humawak sa beywang ko kaya pinilit kong dumilat. May isang
binatang hindi ko kilala ang nakatayo ngayon sa harapan ko at sumasayaw rin.
Lumapit siya sa aking tenga.

"Hi!" sigaw niya. Tumawa lang ako at nagsayaw lang ulit. Pakialam ko sayo. Hindi
naman ikaw si Stanley. I will flirt if it's Stan and Stan only.

"Can I get your number?" dagdag niya. Tinapik ko ang pisngi niya.

"One, two, three, number ni Marie." Kanta ko. Tumaas ang sulok ng labi niya sa
sinabi ko. Tumaas ang hawak niya sa akin kaya napapitlag ako.

Dumilat ulit ako at ganon na lang ang gulat ko noong mawala ang lalaki sa harap ko.
Nagkibit balikat na lang ako at nagpatuloy sa pagsayaw. Tinaas ko ulit ang kamay ko
noong may naghatak pababa noon.
"Lumalabas ang tiyan mo."

Ilang beses akong napakurap noong imahe naman ni Tan Tan ang nakita ko. God! Am I
hallucinating?

Nakita ko ang pagtiim ng kanyang bagang habang inis na inis na nakatingin sa akin.
Lumapit siya lalo para magkadikit ang mga katawan naming dalawa. Ngumiti ako at
tinaas ulit ang mga kamay ko.

"Goddamn it Victoria!" bwisit niyang sabi. Hinila na niya ang laylayan ng aking
tshirt. Kinulong niya ang dalawang braso ko at pinaikot niya iyon sa kanyang
beywang. Nagmumukha tuloy kaming nagyayakapan sa gitna ng sayawan.

"Akala ko ba bawal makipagyakan?" natatawa kong sabi. Shit. Umiikot na talaga ang
paningin ko.

"Manahimik ka."

"Bakit bawal? Hindi naman illegal eh. Bakit bawal?" humagikgik ulit ako at pilit na
hinihila ang braso ko. Humigpit ang hawak niya roon.

"Ang tigas ng ulo mo Victoria." Pagbabawal niya sa akin. Tumawa ulit ako ng
malakas. Tinitigan niya ako.

"Are you drunk?"

"Bakit nga kasi bawal Stan? Kapag hindi mo ako sinagot, yayakapin ko lahat ng
nandito." Banta kong wala namang laman. Nagtagis ang bagang ni Tan Tan sa sinabi
ko.

"Wala akong sinabing bawal."

"Bawal kaya. Kakasabi mo lang." ngumuso ako at tinitigan niya ang labi ko. Come on
Stan, kiss me. Halikan mo ako.

"Hindi bawal. You just don't hug any other guy." Madiin niyang sinabi. Kinalas niya
ang mga braso ko bago niya ako hinila paalis sa mga tao.

"But Athan is not just any other guy. Isa pa, you don't care right?" daldal ko pa
rin habang hinahatak niya ako.

"Athan is the other guy. At sinong nagsabi sayong wala akong pakialam?" tanong
naman niya. Tumawa lang ulit ako. Grabe. Magpapakalasing na lang yata ako araw
araw. Atleast sa panaginip na ito nasasabi ko ang mga bagay na hindi ko magawang
sabihin kapag gising ako.
"You treat me as if you don't care." Ngumuso ako at nabangga pa sa dibdib niya
noong bigla siyang humarap at tumigil sa paglalakad.

"Tell me, do you still care?" tanong ko sa kanya. Tumingkayad ako at inikot ang mga
braso sa kanyang leeg. Naglapat ang mga labi ni Tan Tan sa ginawa ko.

"Do you treat your other guys like that Victoria? Do you flirt with them this way?"
mapanganib niyang sabi. Bumiling biling lang ako habang tumatawa.

"Nope." Sabi ko bago ko pinadulas ang daliri ko sa kanyang pisngi. Hinuli niya ang
kamay ko at inilagay niya sa kanyang dibdib.

"Liar." Bintang niya. Hindi ko siya pinansin. Pinaglaruan ko lang ang butones niya.

"Yeah. As if you care if I flirt. Wala ka namang pakialam." Bitter kong sabi.
Binuksan ko na ang isa niyang butones at pinaglaruan ang sunod.

"Wag mo nga akong hubaran!" inis niyang sabi at hinila ulit ang kamay ko. Tumawa
ako ng malakas.

"What? I'm flirting with you." Katwiran ko. Tumaas ang sulok ng labi niya.

"That's right. Flirt with me. Only me." utos niya. Hinila niya ako palapit sa
kanya.

"Pero wala ka namang pakialam sa akin." paguulit ko sa topic na hindi ko mabitawan.


Nakita ko ang pagnguso niya.

Inihilig ko ang ulo ko sa balikat niya. Sana hindi na lang matapos ang panaginip
kong ito. Sana ganito na lang lagi. Sana lagi na lang akong nakakulong sa kanya.

"Let's go home." Sabi niya. Hindi niya pa rin sinasagot ang tanong kong paulit
ulit. Hinatak niya ako pero hinihila ko ang braso ko. Noong mabawi ko iyon ay umupo
ako sa damuhan. Nagtatakang tiningnan niya ako.

"Anong--"

"Leave me. Wala ka namang pakialam sa akin." nagtatampo kong sabi. Pinikit ko ng
mariin ang mata ko dahil sa hilo.

"Tumayo ka nga!"
"Iwan mo na ako. You don't care right?" paghahamon ko sa kanya. Bumuga siya ng
hangin at naglakad palapit sa akin. Hinawakan niya ako sa ilalim ng aking kilikili
at pinilit tumayo.

"God! What am I going to do with you?" tanong niya. Ngumiti ako at pinilit siyang
yakapin ulit.

"You still care." Bulong ko sa kanya. Nanigas siya sa kanyang kinatatayuan.


Bumaling siya sa akin at halos mabangga na ng ilong niya ang aking ilong.

"You still care, Stanley Philip Montreal. You still care." Deklara ko sa kanya.
Tinitigan lang niya ako at hindi nagsasalita. Kumapit ako sa kanya noong bumigay
ang tuhod ko. Humigpit ang hawak niya sa aking beywang.

"What if I say no?" tanong niya. Tumawa lang ako at pinilit tumayo ng diretsyo.

"What if you just say the truth?" paghamon ko. Tumaas ang sulok ng labi niya at
kung hindi lang nanlalabo ang paningin ko ay iisipin kong ngumiti siya.

"Ikaw. Lagi mo na lang akong tinutulak palayo. Kung umakto ka parang wala lang ako
sayo. Kapag may kasama naman akong iba, nagagalit ka. Ano ba talaga Tan Tan? Ang
labo mo." Sabi ko sa kanya. Naramdaman ko ang pag-alog ng balikat niya sabay ng
marahan niyang paghalakhak.

"Nag-iingat lang ako." Sagot niya. Tinulak ko siya ng kaunti para tingnan.

"I won't hurt you. I can't." sabi ko. Ngumisi lang siya at tinanggal ang hibla ng
buhok na nakatakip na sa aking mukha.

"Yes, you can. Sa lahat ng tao, ikaw lang ang may kayang saktan ako Toryang. You
can crush me if you want. Effortless."

Binuka ko ang bibig ko para magsalita ulit ngunit kinabig niya ang batok ko at
mariin akong hinalikan. Pumikit na lang ako at hinayaan siyang sakupin ang labi ko.

--------------------------------------

Chance! Saniban mo ako please!

*pen<310

=================
Kapag Lasing, Nababaliw

28

Kumapit ako sa batok ni Tan Tan para mas lalong mapalalim ang halik niya sa akin.
Lumipat sa pisngi ko ang isa niyang kamay at hinawakan ang mukha ko para hindi ako
makagalaw palayo sa kanya. Naramdaman ko na lang ang pagsandal niya sa akin sa
kanyang kotse habang patuloy pa rin sa paghalik.

Tumigil lamang siya noong maghiyawan ang mga bisita sa streetdance. Dinikit niya
ang noo niya sa aking noo at tiningnan ako sa mata. Nakakalasing ang titig niya,
pakiramdam ko ay walang binatbat ang alak na nainom ko kumpara sa tingin ni Stanley
sa akin. Nakakapanlambot ang titig niya at nakalimutan ko na lahat ng sakit na
pinagdaanan ko nitong nakaraang araw dahil sa kanya. All I remember is him, his
wicked eyes, his sinful lips. Wala na akong ibang maisip kung hindi ang moment
naming ito. It is too perfect, too damn real, na kung pwedeng hindi na lamang
gumising sa panaginip na ito ay gagawin ko. I want to be trapped in this fantasy.

“Tan Tan.” Tawag ko sa kanya. Tumaas ang sulok ng labi niya bago bumaba ang ulo
niya at hinalikan ulit ako. Mababaw na lamang at mapangbitin na halik. Hindi ko
napigilan ang sarili kong habulin ang kanyang labi noong humiwalay siya.

“Come on Victoria.” He chuckled bago ako inalalayan papasok sa kotse niya. Ilang
beses pa akong muntik matapilok sa sobrang hilo ngunit nakaalalay naman siya sa
akin.
“Nahihilo ako.” Reklamo ko noong nakaupo na ako sa frontseat. Sumandal ako sa
headrest at mariing pumikit. Naramdaman ko ang paglapit ni Stan sa akin. Pinilit
kong idilat ang mata ko para tingnan siya sa kanyang ginagawa. Nakita kong inaayos
niya ang seatbelt ko noong may mapansin akong itim sa kanyang leeg. Itinaas ko ang
kamay ko at hinaplos iyon. Napapitlag siya sa ginawa ko at tiningnan ako.

“May dumi ka.” Wala sa sarili kong sabi habang pinipilit kong burahin iyon sa
kanya. Hindi siya sumagot, inayos lang niya ang kanyang kwelyo at bumalik sa
manibela.

“Tan Tan may dumi ka sa leeg.” Inabot ko ang leeg niya pero hinawakan lang niya ang
kamay ko at ibinaba iyon.

“Ang ingay mo.” Asar niyang sabi. Natawa lang ako sa kasungitan sa kanyang boses.
Come on Stanley, para nagtatanong lang. Sungit nitong gwapong ito.

“Hindi ka ba naliligo? Ang dumi talaga oh.” Pagpipilit ko pa rin. Doon ko lang
napansin na mahaba pala ang itim na linya sa kanyang leeg. Huminga lang ito ng
malalim at hindi na sumagot. Binuksan ko na lang ang bintana ng kanyang kotse at
inilabas ang kamay ko roon.
“Damn it. Ibalik mo nga yang kamay mo dito sa loob. Mamaya mahagip pa yan ng
kotse.” Inis na inis na siya sa akin. Tumawa lang ako at lalo iyong inilabas. Ang
sarap ng hangin eh. Isa pa, wala namang sasakyan. Hatinggabi na kaya. OA talaga ni
Montreal.

“Kakulit.” Bulong niya at hinila ang braso ko. Tumatawa ko siyang tiningnan.
Tumitig lang din siya sa akin habang napapailing na lang. Ibinalik niya ang tingin
niya sa daan at bumulong bulong.

Inayos ko ang upo ko bago sinidihan ang radio ni Tan Tan. Tiningnan niya pa ako ng
masama pero ngumiti lang ako. Napabuga na lamang siya ng hangin sa aking ginawa.

I’m all out of faith

This is how I feel

I’m cold and I’m ashamed

Lying naked on the floor

Sumabay lang ako sa kanta habang hinahayaan kong mahipan ng hangin ang buhok ko.
Umusog ako ng kaunti at lumapit kay Tan Tan habang kumakanta pa rin.
You’re a little late

I’m already torn

Hindi ko napansin na tumigil na pala kami ni Tan Tan. Inalis ko ang seatbelt ko at
muntikan na akong mahulog noong binuksan iyon ni Tan Tan. Natawa na lang ako habang
nakasalampak sa sahig ng kotse ni Tan Tan.

“Shit.” Mura niya at sinalo ako. Pinilit niya akong tumayo pero hindi ko na magawa
iyon sa sobrang hilo. Huminga na lang siya ng malalim at tumalikod sa akin. Nagtaka
pa ako sa ginawa niya noong umupo siya at kinuha niya ang dalawang braso ko para
ipulupot iyon sa kanyang leeg.

“Wrap your legs around me.” utos niya. Napasinghap ako sa sinabi niya.

“Victoria.” Tawag niya ulit sa akin. Hindi ako gumagalaw. Tinititigan ko lang ang
batok niya pababa sa leeg niya. Napanguso ako noong makita ko na naman ang itim na
mga linya roon.
“Ang tigas ng ulo mong babae ka.” Asar niyang sabi. Binitiwan niya ang braso ko at
kinuha ang mga hita ko para ipulupot sa beywang niya. Kumapit ako sa kanya noong
tumayo na siya at maingat akong kinarga.

“Nahihilo na talaga ako.” Bulong ko sa kanya habang nipipiggy back niya ako.
Narinig ko ang pagbuga niya ng hangin sa sinabi ko.

“Bobo mo kasi. IInom inom ka hindi mo naman kaya. And since when was the last time
you ate?” tuloy tuloy niyang sabi. Hinipan ko ang leeg niya at muntik na siyang
mapatalon.

“Damn! Victoria naman!” inis niyang sabi habang lalong hinigpitan ang hawak sa
akin. Tumawa lang ako lalo at hinampas hampas pa ang paa ko.

“Ang likot mo.” Reklamo niya. Sasagot pa sana ako noong nalaglag ang sapatos ko sa
hallway. Napanguso ako noong maiwanan namin iyon.

“Tan Tan, sapatos ko.” sabi ko sa kanya. NIlingon lang niya iyon bago bumalik.
Iniupo niya ako sa isang bench doon at kinuha ang sapatos ko.
“Wag ka na kasing magulo.” Pakiusap niya sa akin. Ngumiti lang ako at pilit na
inaagaw sa kanya ang sapatos pero inilalayo niya sa akin iyon. He took my ankle at
dahan dahan niyang isinuot iyon sa aking paa.

“I look like Cinderella.” Hagikgik ko habang inaayos niya ang sapatos sa paa ko.
Tiningala niya ako bago ngumuso.

“Kaso you’re too harsh to become Prince Charming.” Sabi ko sa kanya. Hindi pa rin
ito sumasagot. Tumalikod lang siya ulit at binuhat na naman ako.

“Ang daldal mo.” Reklamo niya. Pinaglaruan ko ang hikaw niya sa tenga. Doon ko lang
napansin sa malapitan na krus pala ang disenyo ng diamond na iyon. Napanguso ako
at pinitik pitik iyon.

“I love you Stanley Montreal.” Bulong ko sa kanya bago ko siniksik ang ulo ko sa
leeg niya. Naramdaman ko ang pagbuntong hininga niya sa narinig mula sa akin.
Pumikit na ako at hindi ko na namalayang nakatulog na pala ako.
--------------------------------------------------

Ang init. Ilang beses kong pinunas ang likod ng palad ko sa aking leeg dahil sa
basa na ako sa pawis. Hindi pa ako makagalaw sa bigat na nakapatong sa aking tiyan.

“Ang aga pa.” reklamo ng katabi ko. Humigpit ang yakap niya sa aking beywang at
hinila ako palapit. Napaungol naman ako noong kumirot ang ulo ko.

“Mainit.” Sabi ko. Napapapikit na naman dahil sa antok.

“Sorry. Hot talaga ako.” Sagot nito. Napangiti ako. He sounds so much like
Stanley--

Napadilat ako noong maisip ko iyon. What the hell! May katabi akong lalaki na
kamukha ni Tan Tan?! Oh my--
Dahan dahan akong tumayo para makita ang lalaking katabi ko. Ilang beses akong
napalunok noong makita ang puting tshirt nito.

“Victoria naman. Ang likot mo matulog.” Sabi nito. Kumunot ang noo ko ng marinig
ito. Tumaas ng bahagya ang ulo niya mula sa pagkakabaon sa unan. Muntik na akong
mahulog sa kama noong makita ko kung sino ang katabi ko.

“Oh fuck.” Sa kawalan ng masasabi ay iyon na lang ang lumabas sa aking bibig.
Ngumisi ito kahit nakapikit lamang siya.

“Oh yeah, fuck.” Pang-aasar niya. Hinila ko ang isang unan at hinampas iyon sa
kanya.

“Walanghiya ka Stanley! Bwisit ka!” naiiyak kong sabi. Tumayo siya at hinila niya
ang unan mula sa akin.

“Tulog na ulit tayo.” Parang bata niyang sabi bago siya humiga ulit. Ngumuso na
lang ako sa sinabi niya. Naiinis pa rin ako sa kanya.Bakit niya ako dinala sa bahay
niya? Hindi naman..
Pinagsamantalahan ba niya ako?

Takot na takot ko siyang tinitigan sa naisip. Surely, wala naman siyang gagawing
masama sa akin hindi ba? Oh my god.

Dahan dahan kong tiningnan ang sarili ko. Wala na ang pantalon ko at nakasuot ako
ng isang spongebob na oversize shirt at isang boxer. Napatingin ako kay Tan Tan na
tulog pa rin.

How..how could he..

Mabilis kong nilundag ang kama at narinig ko pa ang pagmumura niya noong umalog
iyon. Tumakbo ako sa banyo para icheck ang saril ko. Damn it! Oh, I’ll surely kill
Avvi! Paanong.. paanong wala akong maalala sa nangyari? Hindi dapat iyon nangyari.
Hindi pa dapat kasi hindi pa kami kasal. At wala pa akong maalala! Asar naman eh!

“Anong ginagawa mo?” takang tanong niya. Nakatayo siya sa may pintuan ng banyo at
nakatingin sa akin.
“Thank you for knocking.” Sarkastiko kong sabi. Hindi ko mapigilang hindi maiyak sa
naisip. I lost my virginity and yet, I can’t remember anything.

“Why would I knock? Bahay ko ito.” Mayabang niyang sabi. Tinitigan ko lang siya ng
matalim bago kinuha ang shaving cream niya at binato sa kanya iyon. Tinaas niya ang
braso niya para harangin ang bote sa pagtama sa kanya.

“Bwisit ka!” sigaw ko. Nilampasan ko siya at nagtuloy tuloy sa sala niya para
hanapin ang mga gamit ko. Hinalughog ko ang buong center table niya pero hindi ko
mahanap ang bag ko.

“Ano bang problema mo? Sinasaltik ka na naman.” Inis niyang sabi. Tinitigan ko siya
at napahikbi. Nanlaki ang mata niya sa ginawa ko.

“You virginity thief!” akusa ko sa kanya. Bumilog ang bibig niya sa sobrang gulat
sa sinabi ko. Hinintay ko siyang magsalita kaya ganon na lang ang gulat ko ng
tumawa siya ng malakas.
“Oh, it’s not funny Stanley!” frustrated ko ng sabi. Damn you Stanley Montreal!
Nakakafrustrate ka! Asar ka!

“It is.” Humahagalpak pa rin siya at napapaiyak na sa kakatawa.

“It’s not! Wala pa akong maalala! It’s my first!” sigaw ko ulit. Tumango tango siya
habang pinupunasan ang luha sa mga mata niya sa kakatawa.

“You really never fail to make me happy Yang.” Sabi niya. Hindi na siya tumatawa
pero nandoon pa rin ang mapang asar niyang ngiting gustong gusto kong burahin sa
mukha niya.

Lumapit siya sa akin at may inabot sa aking ilang aspirin. Ngumuso ako at tiningnan
iyon.

“Para kang baliw.” Tukso niya pa rin. Tiningnan ko lang siya ng masama.
“W-were you gentle?” nanginginig kong tanong. Humaba lang ang nguso niya sa
pagpipigil ng ngiti.

“Stop laughing at me Stan!” grabe kang Montreal ka! Nakakfrustrate ka sobra!

“I’m not. Nakakatawa ka lang kasi.”

“Seryoso ako.”

“I know. Kaya nga mas nakakatawa kasi seryoso ka. Did you really think I’ll make
love to you?” natatawa pa rin niyang sabi. Ako naman ay talagang uminit na ang ulo.
Hindi ba ako desirable para sa kanya? Damn you Stanley! Aah, naasar na ako sayo!
Bwisit ka!

“Walang nangyari Yang. Wala pa.” nangingiti niyang sabi. Napahinto ako at
napanganga sa kanya.
“Ano?”

“But if you’ll marry me, I’ll gladly do ‘it’.” Alok niya. Napanganga na lang ako sa
kanya.

--------------------------

Hate being sick. Need my unicorn now. Jinya-yo.

CHANCE! Nafufrustrate na rin ako.

*pen<310

=================

Good

29

Nakanganga akong nakatingin sa kanya pagkatapos kong marinig ang sinabi niya.
Nakabalatay pa rin sa mukha niya ang mapang-asar niyang ngisi habang tuwang tuwa
akong pinaglalaruan.

“Joke lang. Masyado kang seryoso sa buhay Victoria.” Natatawang sabi pa rin nito.
Umiling iling siya at tinalikuran na ako. Pumasok siya sa banyo at nagkulong doon.
Tinitigan ko lang ang pintuan na pinasukan niya bago napanguso. Pinagtitripan na
naman ako ni Montreal. Akala ko pa naman, inaalok na niya ako ng kasal. Parang
baliw talaga.

Mabigat ang loob ko ng kinalkal ko ang cellphone ko. Naiinis ako dahil akala ko
totoo na ang sinasabi ni Tan Tan sa kasal. Umasa pa naman ako, bwisit talaga.

Hindi ko pa man naunlock ang phone ko ay nagregister na ang pangalan ni Avvi sa


caller ID. Agad ko iyong niaccept.

“Hello?”

“Nasaan ka? We will make lipat na sa house today.” Reklamo nito sa kabilang linya.
Bigla akong napatayo sa kinauupuan ko ng maalala iyon.

“I’m sorry Avvi. On the way na ako.” Paghingi ko ng dispensa. Nagsabi sabi lang ang
kaibigan ko bago niya hinayaang ibaba na ang tawag ko. Lumapit ako sa pintuan at
kinatok si Tan Tan na nagkulong na yata at nagtayo na ng prayer vigil sa loob sa
sobrang tagal.
“Tan!!” sigaw ko muna sa labas. Narinig ko ang pagpatay niya ng shower.

“Bakit?”

“I’ll get my clothes.” Sigaw ko pabalik. I heard rustles sa loob. Hinintay kong
lumabas siya para mapagbuksan na niya ako.

“Bukas yung pinto. Pumasok ka na lang.” sabi niyang ikinabigla ko. Anong..ano daw?
Baliw na ba talaga itong Montreal na ito? Nasobrahan yata ng ligo at nalunod na ang
utak! Paano akong papasok eh nasa loob siya at naliligo?

“Ano--“

Hindi ko na natapos ang sasabihin ko noong biglang bumukas ang pintuan ang lumabas
si Stanley na nakasuot lamang ng bathrobe. Nakangisi siya sa akin habang ako naman
ay pinipilit na tumingin lamang sa mukha niya. Hindi naman nakatulong ang ginawa ko
dahil napako ang paningin ko sa butil ng tubig na tumutulo mula sa buhok niya
pababa sa dibdib niyang hindi masyadong natakpan dahil sa maluwag na pagkakatali ng
robe niya.
“Ang sabi ko, pumasok ka na lang. Bingi ka ba?” naiinis niyang tanong. Ramdam ko na
ang pag-akyat ng dugo sa mukha ko kapag nagagawi ang tingin ko sa katawan niya.

“Ah..uhm..yung damit ko.” uutal utal kong sabi. Gumilid siya at para bigyan ako ng
lugar nang makapasok na ako. Nanatili lamang akong nakatayo sa may pintuan at hindi
malaman ang gagawin.

“Victoria.” Tawag niya sa akin. His tone is impatient. Naiinis na si Montreal.

“Lumabas ka muna kasi.” Nahihiya kong sabi. Sumunod ang mata ko sa isang butil ng
tubig na dumaan sa labi niya pababa sa leeg niya. Pinilig ko ang ulo ko at
tiningnan siya ulit sa mata.

“Ang arte nito.” Bubulong niyang sabi bago tumalikod ulit. Hindi ko alam kung anong
ginagawa niya dahil natakpan siya ng pintuan habang kinukuha ang mga damit kong
nakasabit sa likuran ng pintuan.

“Oh.” Bwisit niyang sabi at binato sa akin ang pantalon ko at shirt. Kinuha ko iyon
pero ganoon na lang ang pagtataka ko noong hindi pa rin siya lumalabas.
“Magbibihis ako.” Mahina ang boses kong sabi. Umismid lamang si Stan at tuluyan ng
lumabas sa banyo. Agad na akong pumasok at nakita ko pa siyang sinusundan ng
tingin.

“Pasalamat ka..” hindi ko na narinig ang kadugtong ng litanya niya dahil dali dali
na akong nagbihis. Mahirap na, baka mainip si Tan Tan at bigla na lang pumasok rito
sa banyo. Nang makapagbihis ako ay agad na akong lumabas. Nakabihis na rin si Tan
Tan. Nakawhite siyang tshirt at blue jeans. Punit punit iyon sa may bandang tuhod
kaya tumaas ang kilay ko. Gwapo talaga nitong si Montreal kahit pa mukhang basahan
ang damit niya. Bwisit ito.

Nakita ko siyang nag-aayos sa salamin niya. Lumapit ako sa kanya at tiningnan ang
ginagawa niya.

“Aalis ka na?” tanong niya habang nagspray siya ng kanyang pabango. Kinuha ko ang
hairbrush niya at tumabi sa kanya sa salamin.

“Yup. Ngayon kami maglilipat ni Avvi.” Sagot ko. Kitang kita ko ang paglingon niya
sa akin gamit ang repleksyon namin sa salamin. Tumaas ang kilay niya at nag-isang
linya ang labi niya. Kumunot ang noo ko ng makita ang reaksyon niya. Napano na
naman siya? Bakit mukha siyang pikon?
“Bakit hindi mo sinabi?” halos pasigaw na niyang sabi. Napailing na lang ako.
Uminit na naman ang ulo niya. Patience will never be Stanley’s virtue.

“I don’t see the need to. Bakit ka ba nagagalit?” nagtataka kong tanong. Lalo lang
siyang namula at ibinagsak niya ang pabango niya sa tukador.

Hala! Ang suplado!

“Ihahatid kita. Saan ba yan? Safe ba diyan? Baka naman kung saang sulok yan ha
Toryang? Sana man lang nagsabi kayo para natingnan muna kung maayos ba yung
lugar--“

“Avvi’s dad made sure the place is safe Stan. Isa pa, busy kayong lima. Ayaw ko na
kayong abalahin.” Paliwanag ko. Tiningnan lang niya ako ng masama bago bumulong
bulong. Kinagat niya pa ang labi niya habang umiiling iling na lamang.

“Let’s go.” Madiin niyang sabi pagkatapos niyang isintas ang sapatos niya. Nagtuloy
tuloy siya sa pinto at sumunod ako sa kanya. Hindi siya nagsasalita hanggang
makarating na kami sa kotse niya. Hindi ko naman malaman ang gagawin ko dahil
bumalik na naman ang pagiging malamig niya sa akin. I don’t want to initiate the
conversation too. Baka hindi ako pansinin nitong Montreal na ito.
Nagsasalita lang siya kapag nagtatanong siya ng direksyon. Matyaga ko naman iyong
tinuturo sa kanya. Bukod doon ay wala ng naging pag-uusap sa pagitan naming dalawa
hanggang sa makarating kami. Nauna na si Avvi sa akin. Ang sabi niya ay
magpapatulong na lang siya para maibaba ang mga gamit namin. Hindi na rin naman ako
nag-alala dahil dalawang maleta lang naman ang dala ko noong umuwi kami. Ganoon rin
namin si Avvi.

“Kamahalan!”

Napalingon ako noong makita si Ethan na tumatakbo papunta sa akin. May dala dala
itong brush sa kabilang kamay habang may mga patak ng pintura ang tshirt niya. Nang
makalapit siya sa akin ay hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti.

“My wife hates blue kamahalan.” Reklamo nito habang nagpopout. Napangiti na lamang
ako sa sinabi nito. Hinila na ako ni E papasok. Napasinghap ako ng makita ang isang
pader na sinisimulang pinturahan ng yellow para matakpan ang blue. Nakakalat din
ang ilang wallpaper at mga vases. Luminga linga ako at napansin na nandoon rin ang
iba pang AEGIS at nag-aayos ng bahay.

“Nandito kayong lahat?” nagtataka kong tanong. Bumaba si Greg mula sa pagkakapatong
sa ladder at sinagot ako.
“Nagpatulong kasi si Avvi mag-ayos ng bahay.” Paliwanag nito habang tinitingala ang
maliit na chandelier na ikinabit niya.

“I don’t like yellow na. Let’s try pink kaya?” nilingon ko si Avvi na nakatingin sa
pader na pinipinturahan ni Ethan. Napanguso naman si E sa narinig.

“Pero--“

“Or orange? Diba mas lively yung color? What do you think?” excited niyang tanong.
Tumingin si Ethan sa akin na para bang nanghihingi ng tulong. Ngumiti lang ako bago
nagshrug. Bahala siya diyan. Ginusto niya yan.

Narinig ko ang pagtawa nila I at G habang inaayos ang iba pang mga ilaw. Napailing
na lang din ako sa lagayan ni E kay Avvi. Si Athan naman ay tahimik na nagtatanggal
ng plastic sa kama at sofa. Nilapitan ko siya at nginitian. Magsasalita na sana ako
noong tumabi si Stanley sa akin at inilagay ang braso sa sandalan ng sofa.
Napatingin doon si Athan.

“Avvi said hindi ka umuwi. Saan ka nagpalipas ng gabi?” seryosong tanong ni A sa


akin. Napatingin ako kay Stanley na tahimik na pinapanood ang paglalagay ni Avvi ng
mga vases sa center table.

“Uhm..”

“Nag-alala ako Toryang. Sana man lang naisipan mong itext ako kung nasaan ka.”
Kastigo niya sa akin. Ngumuso ako at pinilit ngumiti.

“Ano kasi eh..” hindi ako makaapuhap ng sasabihin. Hindi ko naman kayang ipaalam na
nalasing ako kagabi at wala na ako sa tamang katinuan para makauwi. Nakakahiya kung
malalaman niya.

“She stayed with me. May angal ka?” biglang sabi ni Tan Tan sa tabi ko. Gulat akong
napalingon sa kanya. Nakatingin siya ng diretsyo kay Athan. Binalik ko ang tingin
ko kay A na pansamantalang hindi nakagalaw sa narinig.

“Doon siya natulog.” Dugtong pa ni Tan Tan gamit ang mayabang niyang tono. Pinanood
ko ang ekspresyon ni A. Biglang naging matigas ang mukha niya at dumilim iyon.
“Bakit?” yun lang ang sinabi ni A. Sasagot na sana ako ng biglang humalakhak si
Stanley sa likod ko. Nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa na mukhang
nagpapatayan na gamit ang tinginan. Napalunok ako at hinawakan ang kamay ni A.
Pinisil ko iyon kaya tiningnan niya ako.

“I got drunk. Si Stanley ang kumuha sa akin.” pagpapaalam ko. Tiningnan lang ako ni
Athan at walang sinabi. Ilang segundo muna ang lumipas bago siya tumango.

“Akala ko ba nanliligaw ka? Hindi mo man lang mabantayan?” nanguuyam na sabi ni


Stan. Hinarap ko siya at pinanlakihan ng mata.

“Stan..”

Tiningnan lang ako ni Stanley. Tumaas ang sulok ng labi niya at bumalik ang mapang
asar niyang ngiti. Pero hindi niyon naitago ang inis sa mukha niya.

“You don’t take your eyes off to the things you possess A. Kasi laging may
nangaagaw.” Natatawang sabi nito. Napasinghap ako lalo pa noong walang sabi sabing
tumayo si Athan at hindi na ulit nagsalita. Hinarap ko si Stanley na walang
pakialam na nakatingin sa mga kasamahan niyang busy sa pag-aayos.
“What was that for?” mahina ngunit madiin kong bulong. Tiningnan lang niya ako bago
sumandal sa sofa. Hinintay kong sagutin niya ako pero walang kahit na anong salita
ang lumabas sa kanya.

“Stanley!” frustrated ko ng tawag sa kanya. Nanatili lang na nakapikit si Montreal


at hindi ako pinapansin.

“Hindi mo dapat sinabi kay Athan yun. Naooffend tuloy yung tao--“

“Bagay lang sa kanya iyon.” Nakapikit pa rin nitong sabat sa akin. Nahilot ko ang
sentido ko sa kunsumisyon. Huminga ako ng malalim at pilit na kinakalma ang sarili
ko.

“Kaibigan mo siya. You should not--“


Dumilat siya at tiningnan ako gamit ang malalamig niyang mga mata. Napahinto ako sa
pagsasalita dahil sa takot sa kanya. Pumikit lang siya ulit.

Napakamot ako ng ulo. Ang tigas talaga ni Stanley. Pambihira talaga ang ugali niya
lalo na kapag nagalit na siya. And he is really pissed right now. Kitang kita ko
naman sa paggalaw ng panga niya, galit siya.

“Go. Ganyan ka naman talaga eh. Comfort him. Bahala ka na.” bulong nito. Napanganga
ako at hindi malaman ang sasabihin. Tiningnan ko lang siya bago ko nakagat ang labi
ko.

“Stanley..” I whined. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa utak niya.
Ang hirap niyang habulin. This moment he is nice, the next he is pissed. Daig niya
pa ang babaeng may dalaw. Ang bilis niyang magpalit ng ugali.

Lumapit ako sa kanya at niyugyog ang balikat niya. Dumilat siya ng kaunti.

“Oh? Akala ko ba pupuntahan mo ang A mo?” mapanguyam niyang sabi. Ngumuso lang ako
at umiling. Nakita ko ang paggalaw ng labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti.
“So you’ll stay here?” paninigurado niya. Mabigat man ang loob ko ay tumango ako.

“Good. Buti na lang hindi ka na pa-fall.” Sabi niya bago pumikit ulit. Bumilog ang
bibig ko sa narinig.

-------------------------------

*pen<310

=================

Last Kiss

30

“What happened there?” usisa ni Avvi sa akin noong masolo niya ako habang gumagawa
ng meryenda ng lima. Nakatitig lang siya sa tuna sandwich na ginagawa ko.
“Anong ‘what happened’?” pagkakaila ko. Tumaas lang ang kilay ni Avvi bago ngumiti
ng parang baliw sa akin. Napabuntong hininga na lang ako dahil alam kong talo na
ako. Hindi nito ako tatantanan. Mangungulit at mangungulit siya hanggat hindi ko
siya sinasagot sa tanong niya.

“Nag-away kayong tatlo kanina? I saw it. Parang S and A will kill each other na
kanina. Tapos you’re in the gitna looking back and forth. Para kang ewan then.”
Natatawa niyang sabi. Ngumuso lang ako at kinuha ang isang lettuce at binato sa
kanya iyon. Umiwas siya habang humahalakhak pa rin sa akin. Kumuha ako ng tuna at
pinapak iyon.

“Stop laughing. Hindi naman nakakatawa.” I whined. Pinunasan niya ang luha niya at
nangalumbaba akong tiningnan.

“It is kaya. Why don’t you choose na kasi. If you will make patagal pa, you’ll only
hurt them more.” Ngumuso siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Umiling na ako bago
pa man siya matapos magsalita.

“They are both important to me. Different level of importance. But still,
importante sila. I don’t see the need to choose.” Katwiran ko. Tumigil sa pagtawa
si Avvi at seryoso akong tiningnan.

“Alam mo, the more that you hold on to the two of them, the greater the odds na
pareho silang mawala sayo. Stanley is too possessive and Athan is not the type who
will give up easily. The more that you prolong this, mas lalo silang mag-aaway. The
next thing you knew, sira na yung friendship nila. Sira na yung banda nila.
Everything that you tried to protect then will all fall apart because you were just
so afraid to choose.” Madiin niyang sabi sa akin. Hindi agad ako nakapagsalita sa
narinig. Avvi makes so much sense. I know I have to choose. And I know my choice is
obvious.

Hindi ko na namalayan na nakaalis na pala si Avii sa harapan ko at mag-isa na


lamang ako sa kusina. Lumamig na ang kape na tinimpla ko para sa lima sa sobrang
tagal ko na palang nakatanga. Hindi ko mapigilang hindi malungkot sa narealize
ngayon lamang. Can I take it? Kaya ko bang saktan si Athan..ulit?

“Matagal ka pa ba diyan? Gutom na ako.”

Hinarap ko si Tan Tan na inip na inip ng nakatingin sa akin. Inilang hakbang lang
niya ang pagpunta sa pwesto ko at kinuha ang isang tuna sandwich doon bago
kinagatan. Tinitigan ko lang siya bago napalunok.

I kept staring at Stanley who is eating at the tuna na para bang bibitayin na siya
bukas. Mahirap habulin ang takbo ng isip ni Montreal. He is too moody. At kahit
masaya akong ayos na kami at hindi na malamig ang trato niya sa akin, natatakot
naman akong baka magbago na lang iyon sa isang iglap.

Sinaktan ko siya noon. What if this is just his way of building his ego back? Paano
kung naglalaro lang siya at hindi naman pala ito seryoso? Saan ako pupulutin kapag
nangyari iyon?

Montreal siya. Iilang beses ko ng nakita kung ano ang nagagawa nila kapag nagagalit
sila. It scares me more dahil ang inaasahan kong pagbaha ng galit ni Stanley sa
akin noong bumalik ako ay hindi nangyari. I am more afraid that he just kept it all
inside him. Parang bulkan na ano mang oras ay sasabog at wala akong kahit na anong
magagawa kung hindi ang saluhin ang buong galit niya.

“Why?” tanong niya noong tumigil siya sa pagnguya. Tiningnan niya ako habang ako
naman ay nagkibit balikat lamang sa kanya.

“May problema ka.” Madiin niyang sabi. Tinukod niya ang kamay niya sa island at
tinitigan ako sa mata. Hinawakan niya ang pisngi ko at bahagya akong inilapit sa
kanya.

“You tell me what is wrong.” Utos niya. Ngumiti ako ng pilit bago lumayo.

“Uhm..”
Natatakot akong sabihin kay Tan Tan ang nasa isip ko dahil baka totoo iyon. I don’t
want to burst my happy bubble. Kakabati lang namin kahapon.

Iniiiwas ko ang tingin ko sa kanya. Narinig ko ang pagbuntong hininga niya habang
hinahabol naman ang mata ko. Agad akong bumaba sa stool at kinuha ang tray.

“Hatid ko na sa kanila--“

Hindi agad ako nakapagsalita noong makita ko ang unti unting pagdilim ng mukha ni
Tan Tan. Humakbang siya papunta sa akin kaya napasandal ako sa pader. Hinigit ko
ang hininga ko ngunit tiningnan lang niya ako bago umiling. Nilampasan niya ako at
bumalik sa sala ng walang sinasabing kahit na ano.

--------------------------------------

May party ang AEGIS ngayon dahil sa pagkakaroon ng platinum na album. Kahit na ayaw
kong pumunta magmula noong nagwalk out si Tan Tan at hindi pagsagot ni Athan sa
tawag ko, napilit pa rin ako ni Ethan na umaattend. Kasama ko si Avvi sa pagpunta.
“Geez. They’re really big.” Manghang sabi ni Avvi ng makita ang pulutong ng media
sa paligid. May iba ring talent na galing sa Wave ang nandoon. Kasalukuyan namang
nagpeperform ang isang soloist ng Wave sa stage habang ang buong AEGIS ay nowhere
to be seen pa rin hanggang ngayon. Hinatak ako ni Avvi sa isang lamesa at doon kami
umupo. Hindi ko pa man nailalapat ng maigi ang sarili ko sa upuan ay may waiter na
na lumapit sa akin at nag-abot ng tissue paper. Nagtataka man ay kinuha ko iyon.
Nakatupi ito sa dalawa at ng binuksan ko ay may sulat na nasa tissue.

‘Fire Exit.

-A’

Tiningnan ko ulit ang waiter na naghatid pero wala na siya sa likuran ko. Nilingon
ko si Avvi na busy sa pagvivideo sa mga nagpeperform kaya hindi na ako nagpaalam sa
kanya at umalis na rin ako. Dumiretsyo ako sa fire exit at agad iyong binuksan.
Nasa may pintuan pa lang ako ay natiglan na ako. Hilera ng mga kandila ang
nakakalat sa sahig. May kasama iyong petals ng rosas at iilang confetti. Nilingon
ko ang dulo ng hallway at doon nakatayo si Athan na nakangiti sa akin.

“Hi.” Malamig ang boses niyang sabi. Nilingon ko ang likuran ko at napansin kong
ako lamang ang tao doon. Nilahad niya ang kamay niya sa akin kaya lumapit ako.

“Anong..” I’m out of words. Iilang beses akong kumurap para masigurong totoo ito.
“Surprise.” Binuka niya ang braso niya at pinakita ang buong lugar. Napalunok ako
ng ilang beses habang inililibot ko ang tingin ko. Noong bumalik ang titig ko kay A
ay nawala na ang ngiti niya.

“Hindi mo ba gusto?” mahina ang boses niyang sabi. Naalarma ako sa tampo na
nakabahid sa boses niya kaya ako umiling kaagad.

“No. Gusto ko.” sabi ko. And it is true. I love all the flowers and the candles.
Alam ko ring nag-effort si A para rito. But..

“Toryang.” Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinawakan. Napanganga ako at
agad iyong binawi. Kita ko ang pagsimangot niya sa ginawa ko.

“Athan.” Madiin ang boses ko noong sinabi iyon. Athan brushed his hair using his
fingers. Huminga siya ng malalim at hinila na lang ako bigla para yakapin.

“Toryang.” Tawag niya sa akin gamit ang basag niyang boses. Napapikit ako sa
narinig kong sakit doon. Maybe Avvi is right. Nasasaktan ko na nga siya ng sobra sa
ginagawa ko.

Tinaas ko ang kamay ko at tinapik ang likod niya. Hinagod ko iyon ng ilang ulit.
Humigpit naman ng humigpit ang yakap niya sa akin.

“Let go now A.” mahina kong sabi. Nanigas ang katawan niya sa narinig.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Yakap lang niya ako habang ako naman ay
hinahayaan lamang siya. Ilang beses siyang bumuga at huminga ng malalim na para
bang hirap siyang kumuha ng hangin. Noong nagtagal na ay ako na ang kusang bumitaw
sa kanya.

I still remember the look on your face

Lit through the darkness at 1:58

The words that you whispered

For just us to know

You told me you loved me

So why did you go away?


Away

Napapikit siya noong marinig namin ang kanta mula doon sa entablado sa labas.
Yumuko siya pero kitang kita ko pa rin ang pamumula sa mata niya. Huminga siya ng
malalim at tiningnan ako.

“It’s my fault.” Mahina niyang bulong. Kumunot ang noo ko sa narinig mula sa kanya.

“Ano?”

But now I'll go sit on the floor

Wearing your clothes

All that I know is

I don't know how to be something you miss

I never thought we'd have a last kiss

Never imagined we'd end like this

Your name, forever the name on my lips


Hindi ko alam kung tama ba ang narinig ko mula kay Athan. Ilang beses siyang
kumurap at tiningnan ako. Hinawakan niya ang pisngi ko at pinagdikit ang noo naming
dalawa.

“I am a bad, bad person Victoria. I’m sorry.” Bulong niya. Naramdaman ko ang
pagtulo ng luha niyang pumatak sa pisngi ko.

“Ano bang sinasabi mo A?” nag-aalala ko ng tanong. Hindi ito sumasagot sa akin.

So I'll watch your life in pictures like I used to watch you sleep

And I feel you forget me like I used to feel you breathe

And I keep up with our old friends just to ask them how you are

Hope it's nice where you are

“Lahat ng nagawa ko, ginawa ko lang kasi ayaw kong masaktan ka. But it turned out
wrong.” Nabasag ang boses niya at tuluyan ng humagulgol. Ako naman ay gulong gulo
na sa sinasabi niya.
And I hope the sun shines

And it's a beautiful day

And something reminds you

You wish you had stayed

You can plan for a change in weather and time

But I never planned on you changing your mind

“Athan, you’re scaring me.” sabi ko sa kanya. Lumayo siya nga kaunti sa akin at
inayos ang buhok kong nagulo sa yakap niya.

Abot abot ang kaba ng dibdib ko sa susunod niyang sasabihin. Huminga siya ng
malalim at tiningnan ang surpresa niya sa akin bago napangiti ng mapait.

“It’s all my fault. Madamot ako Toryang. Sa lahat ng mayroon ako, ikaw lang ang
hindi ko kayang isuko.” Madamdamin niyang sabi. Yumuko siya at pinaglaruan ang mga
petals gamit ang paa niya.
Hinintay ko ang susunod niyang sasabihin. Kitang kita ko ang paghihirap sa mukha ni
A. Gusto ko iyong burahin at tuluyan na lang tanggalin. He suffered a lot because
of me. Because I can’t reciprocate. Ako dapat ang humihingi ng tawad dito.

So I'll go sit on the floor

Wearing your clothes

All that I know is

I don't know how to be something you miss

Never thought we'd have a last kiss

Never imagined we'd end like this

Your name, forever the name on my lips

“When Ria took me, we had an agreement. I’ll do my part in exchange of something
awful.” Pagsisimula niya. Nahigit ko ang hininga ko sa susunod kong maririnig.

Iniwas niya ang tingin niya sa akin at huminga ng malalim. Tinitigan niya ako bago
parang bomba niyang sinabi ang mga salitang kahit kailan ay hindi ko inaakalang
maririnig ko mula sa kanya.
“Leria’s father owns Wave.Gusto kong iterminate ng Wave ang kontrata namin. I want
AEGIS to be disbanded. And I want you to know that. Kasi alam kong gagawin mo ang
lahat para sa AEGIS. Gagawin mo para kay S. Alam kong aalis ka kung yun lang ang
paraan para maisalba ang banda. With Ri’s Dad and Mr. Montreal’s help, umalis ka.
Nagtagumpay ako. Gusto kitang ilayo kay Stanley. Gusto kong magkaroon ng
pagkakataon Toryang. Pero hanggang ngayon pinagdadamot mo pa rin yung pagkakataon
na hinihingi ko.”

Just like our last kiss

Forever the name on my lips

Forever the name on my lips

Just like our last...

-------------------------------------

Song Used:

Boyce Avenue ft. Megan and Liz Nicole - Last Kiss

*pen<310

=================

Hurt

31
Hindi agad ako nakapagsalita sa narinig. Ilang segundo muna ang dumaan bago ko
nagawang ibuka ang bibig pero wala pa rin akong masabi. Tinititigan ko lang si A,
iniisip na isang impostor ang nasa harap ko, at hindi talaga ang Athan na kilala ko
ang nakikita ko ngayon.

“Toryang.” Tinaas niya ang kamay niya at akmang hahawakan ako pero agad akong
umiwas. Parang lantang gulay na ibinaba ni A ang kamay niya sa naging reaksyon ko.
Pinanatili ko ang tingin ko sa sahig. Ayaw kong makita si Athan. Hindi ko kayang
paniwalaan ang narinig.

May tiwala ako sa kanya. Sa lahat ng tao sa paligid ko, ang AEGIS ang
pinagkakatiwalaan ko. Higit sa kanilang lahat, si Athan. Siya ang pinakamature.
Siya ang levelheaded. Siya ang kalmado at hindi gumagawa ng kahit na anong desisyon
na makakasakit sa iba.

Hindi ko na napigil ang luhang tumakas sa pisngi ko noong tinaas ko ang tingin ko
sa kanya. Namumutla siya at hindi niya malaman ang gagawin. Dapat lang sayo yan.
Sinaktan mo ako A.

“Kausapin mo ako Toryang.” Basag ang boses niyang pagmamakaawa. Pinaglapat ko ang
labi ko. Ang dami kong gustong sabihin pero wala akong magawa kung hindi ang
manahimik. Hindi ko magawang ayusin lahat ng gusto kong isumbat sa kanya. Hindi ko
alam kung anong uunahin. Pupunto ko ba kung paano ako naging kamiserable noong alam
kong wala akong magawa kung hindi ang sumunod sa gusto nila Tatay? Sasabihin ko ba
kung gaano naging kasakit sa akin ang iwan si Tan Tan sa kabila ng pagsusumamo niya
sa aking wag ko siyang talikuran? Ipapaalam ko ba kay Athan lahat ng pinagdaanan
ko, lahat ng pasko at birthday na ako lang mag-isa dahil mas pinili ko ang AEGIS
kaysa sa sarili kong kaligayahan?

“S-sorry.” Nanginig ang boses niya. Nalasahan ko ang pait sa bibig ko noong marinig
ko siya. Ilang beses akong kumurap at sa pinakamalamig na boses ay nakapagsalita na
ako.

“Was it worth it Nathaniel?” buo ang boses ko at hindi nanginig. Kitang kita ko ang
pagpikit ni Athan ng marinig ako.

“Toryang..”

Tinitigan ko siya. Gusto kong magalit at sigawan siya. Gusto kong iparamdam lahat
ng frustrations ko magmula noong umalis ako pero hindi ko magawa. Habang nakatingin
ako sa kanya, wala akong ibang maramdaman kung hindi panghihinayang. Nanghihinayang
ako dahil nagawa ni Athan kalimutan ang sarili niyang prinsipyo para lang sa akin.

Tinaya niya ang lahat. Ang AEGIS. Ang pagkakaibigan nilang nabuo mga bata pa lang
sila. Ang pangarap niya, ng buong banda. Itatapon niya lahat ng mayroon siya para
lamang sa akin.
But it did not work. It will never work.

Napapikit ako. Ano pa ang kailangan niyang sirain para lamang malaman niyang wala
na siyang magagawa? Everything that he is doing is worthless. This is not healthy
for him.

“Saktan mo ako. Murahin mo ako kung gusto mo. W-wag lang ganyan Toryang.” Lumapit
siya sa akin at hinawakan ang braso ko. Tumingala ako para matingnan siya.
Nangingislap ang mata niya sa luha. Ilang beses siyang lumunok bago muling
nagsalita.

“Kung gusto mo, magpapaliwanag ako. I’ll accept if Stan wants me out of AEGIS. Wag
ka lang magalit sa akin Toryang. I’ll take all the blame.”

Huminga ako ng malalim bago ako umiling. Nakita ko ang pagtakas ng kulay sa kanyang
mukha. Kinagat ko ang labi ko.
I won’t let him do it. I won’t let him ruin everything for me. I won’t make him
break AEGIS.

“Just shut your mouth. Wala kang pagsasabihan ng ginawa mo Athan.” Madiin kong
sabi. Kumunot ang noo niya at magsasalita pa sana pero umiling ako.

“Kung ayaw mong tuluyan akong magalit.” Dagdag ko. Hindi agad siya nagsalita.
Humigpit lamang ang hawak niya sa aking braso.

“Wag mo na silang idamay. If they will know, hindi lang si Stanley ang magpapaalis
sayo sa AEGIS. Nandiyan pa si Iñigo.” Malamig ang boses ko ng sinabi ko iyon.
Yumuko siya at tumango.

“Do you hate me?” takot niyang tanong. Nagiwas ako ng tingin bago nagkibit balikat.

“To be honest A, hindi ko na rin alam.” Sabi ko sa kanya. Humalukipkip ako pero
hindi niya pa rin ako binitawan. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya bago parang
tanga na napangiti na lamang.
“Gusto kong magalit sayo, gusto kong isisi lahat sayo, but just like what you said,
ginawa mo iyon dahil gusto mong magdesisyon akong umalis. You’re right. Desisyon ko
iyon. The only person who deserves the blame is me.” mahinahon kong sabi.

Inayos niya ang buhok ko at tumango na lamang. Hindi pa rin nakaligtas sa paningin
ko ang pagkislap sa gilid ng mga mata niya. Huminga siya ng malalim habang
nakatingin sa akin.

“Lahat ng ginawa ko, ginawa ko kasi mahal kita Victoria.” Bulong niya. Tumango na
lamang ako at hindi na sumagot. Tumingin siya sa may bandang likuran ko. Lilingon
na sana ako ng hinapit niya ang batok ko at binigyan ako ng dampi sa labi. Hindi
agad ako nakagalaw sa sobrang pagkabigla. Noong mahanap ko na ang balanse ko ay
agad ko siyang tinulak.

“What was that for?” galit kong sigaw habang pinupunasan ko gamit ang likod ng
palad ang aking bibig. Malungkot na ngumiti si Athan bago nagkibit balikat.

“Last shot?” sabi niya na ikinalito ko. Naglakad na siya at nilampasan ako. Pinauna
ko muna siyang lumabas habang nasa isip pa rin ang sinabi niya.

Marami ng tao at nagsisimula na rin ang party noong makabalik ako sa hall. Agad
kong hinanap si Avvi at nakita kong kausap niya ang iilang press. Hindi ko na siya
nilapitan dahil mukhang abala siya. Naglakad lakad na lamang ako sa buong hall at
hinihintay ang performance ng AEGIS.

Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin malubos maisip na nagawa ni Athan iyon. I mean,
he is Athan for pete’s sake. Hindi niya kayang manakit. Wala sa kanilang lima ang
may kayang mandaya para lamang makuha ang gusto nila.

AEGIS is their name. AEGIS means the power to protect, to defend and secure the
people you love. This is their principle. Ito ang paniniwala nila pero sinira ni
Athan iyon dahil sa akin.

All is fair in love and war. Maybe. I get Athan. Naiintindihan ko. Ako higit sa
lahat ang dapat na nakakaintindi. Though I never did any cheating para lamang
makuha ko si Tan Tan noon kay Georgina, may mga bagay pa rin naman akong ginawa
para mapansin niya ako. Nagpakadesparada ako. I made myself look like an idiot para
kay Stanley. And if all is really fair in love and war, wala na sanang katulad
namin ni Athan na nagpapakatanga.

Natigil ako sa pag-iisip ng makita ko si Stanley na nakaupo sa sofa at may hawak na


baso. Luminga ako at nakita kong wala ang ibang AEGIS sa paligid niya. May tatlong
bote na sa harapan niya at mukhang marami na rin siyang nainom dala na rin sa
pagkakapula ng mukha niya. Hindi na ako nag-isip at agad ko siyang nilapitan.

“Stan.”
Tinaas niya ang tingin niya bago nanliit ang mata niya ng makita ako. Sumandal siya
sa sofa bago niya ibinagsak ang likod niya roon.

“What are you doing here?” matalim ang boses niya noong sinabi niyo iyon. Hindi
niya ako hinintay. Agad siyang tumayo at naglakad palayo. Muntik na siyang matumba
sa ginawa niya kaya hinabol ko siya. Nakarating kami sa hallway papuntang kusina.

“Stan!” tawag ko sa kanya. Binuksan niya ang isang pinto at hinila ako papasok
doon.

“Anong problema mo?” nag-aalala kong tanong. Tumataas baba ang dibdib niya habang
tinitingnan ako.

“Ikaw? Anong problema mo?”

Hindi ko agad nakuha ang ibig niyang sabihin. Magsasalita pa sana ako ng bigla
niyang hinampas ang pader sa likuran niya. Napatalon ako sa gulat sa ginawa niya.

“You! You act as if...as if you are inlove with me! Tangina! Kung makaasta ka
parang ako lang! why can you just tell the truth huh? Si Athan naman talaga hindi
ba? I am just a big, fat challenge for you, am I right?” sigaw niya bigla.

“Hindi ako naniwala! Noong sinabi ni Athan na kaya ka umalis kasi nalilito ka sa
aming dalawa, hindi ako naniwala Toryang! Iniisip ko, baka nga gusto mo lang talaga
akong magmature! Na baka gusto mong mag-aral lang! Kaya hinabol kita, pero ano,
pinagtabuyan mo ako! Kasi totoo hindi ba? Nalilito ka sa amin ni Athan? Hindi ba?”
paniniguro niya pa. Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya.

Ginulo niya ang buhok niya bago niya ako muling tiningnan. Ako naman ay nanginginig
lamang na naghihintay sa susunod niyang sasabihin.

“I saw you..the two of you..sa fire exit.” Mahina niyang sabi. Pakiramdam ko ay
binuhusan ako ng malamig na tubig sa narinig.

Last shot.
Napapikit ako ng marealize ang sinabi ni Athan. Nakita niya si Stan. He kissed me
so Stan will see it. That is his last shot?

“Stan.. that was nothing. Walang nangyari--“ nagkukumahog kong paliwanag pero hindi
ako nito pinanpansin. Umiling lang siya bago tumayo na.

“We were nothing Toryang. From the start, I was nothing for you.” Basag ang boses
niya noong sinabi niya iyon. Nilagpasan niya ako pero hinawakan ko siya sa braso.

“Tan..hindi mo naiintindihan. Athan--“ napatigil ako noong muntikan na akong


madulas tungkol sa ginawa ni Athan sa amin ni Tan Tan. Kinagat ko ang labi ko lalo
na noong makitang hinihintay ni Tan ang karugtong ng sasabihin ko.

“Ano?”

Hindi ako nakasagot. Dahan dahang dumulas ang kamay ko sa braso niya bago umiling.
Seems like it was yesterday when I saw your face

You told me how proud you were but I walked away

If only I knew what I know today

Ooh ooh

“Maybe you’re right. Immatured ako pagdating sayo. Kaya siguro si Athan lagi ang
pinipili mo.” Natatawa niyang sabi. Hinawakan niya ang doorknob pero hindi naman
niya iyon pinihit.

“And your just here because I am just a challenge. Iyong tipong kailangang mahabol
para may mapatunayan ka hindi ba? Ako yung tipong mahirap abutin kaya sinusundan mo
ako.

I would hold you in my arms

I would take the pain away

Thank you for all you've done

Forgive all your mistakes


“It was just a kiss. Stan, kung nandoon ka lang, kung nagtagal ka lang, makikita
mong tinulak ko siya.” I am desperate. My voice is laced with desperation. Nakikita
kong kahit anong sabihin ko ay nakatanim na sa isip ni Tan Tan ang sinabi ni Athan.
Kaya may lamat silang dalawa noong bumalik ako. Kaya hindi sila naguusap. Kaya
mainit ang ulo ni Tan.

Kaya malamig ang trato niya sa akin. Kaya niya ako tinawag na paasa at pafall.

“I don’t know.” Nalilito niyang bulong. Umiling siya at binuksan ang pinto.

“Stan please. If you will just listen--“

“Stop okay? I get it! Noong una pa lang, alam ko na. Bata pa lang tayo, alam ko na!
I am just your puppy love Victoria! I am nothing but a childish whim.” Galit niyang
sigaw. Napapikit ako at tuluyan ng bumuhos ang luha ko.

Why can’t he listen? Nasasaktan din naman ako. Kung alam lang niya, para na akong
dinudurog sa lahat ng sinasabi niya. Masakit para sa akin na marinig na may duda
siya sa pagmamahal ko.
There's nothing I wouldn't do

To hear your voice again.

Sometimes I wanna call you but I know you won't be there

“Stanley..please..” nabasag na ang boses ko. Ngumiti siya ng mapait bago umiling.

“I’m sick of you. I’m sick of your games.” Maanghang niyang sabi bago ako
tinalikuran. Naiwan ako sa hallway na umiiyak. Hindi ko mapiglang umiyak dahil
hindi niya ako binigyan ng karapatang magpaliwanag.

Hindi ko alam kung gaano na ako katagal doon. The weight of the night is so heavy.
Una kong nalaman ang pagtataksil ni Athan, then, Stanley hates me now because of
the kiss. Ni hindi man lang niya ako hinayaang magexplain. Hindi man lang niya ako
pinakinggan. Sarili lang niya ang pinaniniwalaan niya.

And I am tired of this. Pagod na akong habulin siya. magmula noon ako na lang ang
nag-effort. And it is all useless for him. Ako na lang lagi ang umaabot sa kanya.
Nakakapagod nang masaktan. I am so damn tired of everything.
Oh, I'm sorry for blaming you for everything I just couldn't do

And I've hurt myself by hurting you

I'm tired.

_____________________________

Song Used:

Cristina Aguillera -Hurt

*pen<310

=================

About Time

32

Hindi ko alam kung paano ako nakauwi sa bahay namin ni Avvi. Namalayan ko na lamang
na nakahiga na ako sa aking kama at nakadungaw sa bintana, pinapanood ang mga ilaw
sa bawat building na nasa malayo. The world seems too big for me. Hindi ko na alam
kung ano ba ang susunod kong gagawin ngayon. After everything that happened,
pakiramdam ko ay nawala ako at hindi ko na alam kung saan ba hahanapin ang sarili
ko.

This is not healthy anymore. Hindi na dapat ganito Toryang. Yes, you can love with
all your heart, but you should not lose yourself in the process.Magmula noong
natuto akong magmahal, kinalimutan ko na ang sarili ko. My world revolved around
Stan. Minahal ko ang mga bagay na mahal niya. Iningatan ko lahat ng mahalaga para
sa kanya. Ginawa ko ang lahat dahil sa pagmamahal ko. Everything that I did, it was
all for him. And in the process, I lost myself. I lose the young girl who used to
believe I need to find myself. Kailangan kong hanapin ang sarili kong naiwala ko
noong nahanap ko si Tan Tan.

“Tori?” mararahang katok ang gumising sa diwa kong natutulog. Tumayo ako at
pinagbuksan si Avvi. Ngumiti siya sa akin pero agad din iyong nawala ng makita ang
aking itsura.

“Anong nangyari?” nag-aalala nitong tanong. Nagkibit balikat lang ako bago siya
tinalikuran. Dumiretsyo ako pabalik sa kama ko at ramdam ko pa rin ang pagsunod ng
kaibigan ko sa akin. Umupo ako sa aking higaan at niyakap ang mga binti ko.

“Hindi sila nagperform. I thought pa naman they have a new song. Bakit kaya?” tuloy
tuloy pa ring sabi ni Avvi. Nakatingin lang siya sa akin at hinihintay ang sagot
ko.
“And Ethan was yelling at Athan. Hinanap kasi kita eh. Tapos I saw the two of them
fighting.” Pinakatitigan niya ako ng para bang hinihintay niyang magwala ako sa
dala niyang balita. Huminga ako ng malalim at umiling na lang sa kaibigan ko.
Gumapang siya papunta sa akin at hinawakan ang kamay ko.

“What the hell happened Tori?” seryoso na ang boses ni Avvi noong tinanong niya
ako. Kinagat ko ang labi ko bago siya tiningnan. Hindi ko namalayan na tuluyan ng
tumulo ang luha ko habang nakatingin ako sa aking kaibigan.

Sinabi ko kay Avvi ang lahat, magmula sa ginawa ni Athan hanggang sa lahat ng
salitang binitawan ni Stanley. Habang ginagawa ko iyon ay nakikinig lamang sa akin
si Avvi at hinihintay akong matapos. Sa huli ay halos hindi na ako makahinga sa
sobrang luha ko. Tiningnan ko si Avvi na nakayuko lamang.

“Where did everything go wrong Avvi? Noong bata pa lang kami, ang simple lang ng
bagay eh. Hindi ko alam kung paano kami napunta dito.” Basag ang boses kong sabi.
Lumapit si Avvi sa akin at inihilig niya ang ulo niya sa balikat ko.

“You know, your problem is in here Tori.” Sabi nito at inilagay niya ang kamay niya
sa dibdib ko. Umayos siya ng upo at tinitigan ako.

“Naover-use kasi yan eh. Nakalimutan mong meron pang isang parte mo na mas marunong
gumawa ng desisyon.You forgot to use this Tori.” Itinuro naman niya ang sentido ng
aking ulo. Ngumiti siya bago nagkibit balikat.
“Forget about the people who say follow your heart for it will lead you to your
happiness. That’s bullshit Tori. Hindi sa lahat ng oras, tama ang puso. Sometimes,
we have to learn how to listen to what our mind says. Ikaw, ano bang sinasabi ng
utak mo ngayon?” tanong niya. Tumingin ako sa malayo at hindi sumagot.

“I bet your mind wants you to take a rest.” Marahan nitong sabi. Tiningala ko siya
bago nagkibit balikat. Humiga na ako at tinalikuran si Avvi. Huminga ako ng malalim
bago pumikit na lamang.

I don’t want to cry. I’m tired of crying for the same old reasons. Pero hindi ko
magawang pigilan ang mga luha ko kapag naiisip ko ang lahat ng nangyayari ngayon.
Maybe Avvi is right. Maybe I should take a rest. Legal naman ang mapagod hindi ba?

Ilang araw ko ring iniwasan ang AEGIS. Hindi ko sinasagot ang tawag nila E at kapag
bumibisita sila ay nagkukulong lang ako sa kwarto ko. Alam kong nagtataka na ang
tatlo pero hindi ko pa sila kayang harapin. Everything is still fresh for me, at
ayaw ko ng idamay ang tatlo sa gulo.

This is better. Distance will help me heal. Maganda na rin na kapag bumibisita ang
AEGIS, wala rito si Stanley at Athan. I bet the two of them is nowhere to be found
too.
Mararahang katok ang nagpagising sa halos patulog ko ng diwa. Hindi na ako tumayo
dahil nagbukas na rin naman iyon at sumilip si Avvi. Alanganin siyang ngumiti sa
akin bago niya tinuro ang likuran niya.

“Ethan wants to talk.” Alanganin niyang sabi. Napaupo ako sa kama at tiningnan ang
bukana ng pinto. Nakita kong nakasandal si Iñigo sa may hagdanan habang si Greg at
Ethan naman ay nakasilip sa may pintuan. Hindi nila hinintay na pumayag pa ako.
Sabay sabay silang pumasok. Napasinghap ako ng sa may pinakalikod ay pumasok rin si
Athan. Nanigas ang panga ko ng makita ko siya. Agad kong kinagat ang labi ko para
wala akong masabing kahit na ano.

“Kamahalan.” Lumapit si Ethan sa akin at umupo sa tabi ko. Tiningnan ko lang siya
at pilit na ngumiti.

“Ilang araw mo na kaming pinagtataguan Toryang. May problema ba?” nagtataka namang
tanong ni Greg. Hindi ako sumasagot. Nanatili lamang akong tahimik. Tumikhim si
Athan at lumapit sa akin. Tiningnan ko lang siya at ako na rin ang naunang nag-iwas
ng tingin.

“I’m sorry.” Mababa ang boses niya noong sinabi niya iyon. Napangiti ako ng mapait
bago umiling.
“Victoria, I’m sorry. I didn’t mean to--“

Napatigil siya noong tumulo ang luha ko. Nagmamadali ko iyong pinunasan bago pa
magunahan ang mga ito sa pagtulo. Narinig ko pa ang mga pagsinghap noong makitang
umiiyak na ako.

“Umalis ka na.” sabi ko. hindi agad nakagalaw si Athan sa narinig niya. Namutla ito
bago dahan dahang lumapit sa akin. Umupo siya sa sahig na para bang lumuluhod lang
sa akin. Nagulat ako sa kanyang ginawa pero sinubukan kong ipinakita na walang
epekto sa akin ang ginawa.

“What the hell is happening here?” mataas na ang boses ni I noong magsalita siya.
Hindi kami sumasagot dalawa. Nakayuko lang si Athan sa gilid ng kama ko at hindi
gumagalaw.

“He’s not the one for you.” Mariin niyang sabi. Natawa na lang ako sa narinig ko sa
kanya. How can he say that to me? Wala siyang karapatan!

“Victoria..”
“Shut the fuck up Nathaniel.” Malamig na sabi ni Ethan. Tumingala si Athan dito.
Ganun na lang ang gulat ko ng makita ko ang seryosong mukha ni Ethan na nakatingin
sa kakambal. Umiling si Ethan dito bago niya ako tiningnan. Ng dumako ang tingin
niya sa akin ay malungkot siyang ngumiti.

“I won’t tolerate this Nathaniel. Tumigil ka na.” madiin nitong sabi. Tumigas ang
mukha ni Athan at natawa na lang.

“I’m sorry. Toryang..” tuluyan ng pumatak ang luha nito. Lumapit si Ethan sa kanya
at hinila ito palayo sa akin. Umupo silang dalawa sa gilid habang si G at I ay
nagtataka lamang na nakatingin sa kanilang dalawa.

Hindi na nakapagpigil ang dalawa na walang alam sa nangyayari. Ethan was the one
who told them everything. Nagulat na lamang ako ng malaman na alam rin pala iyon ni
Ethan. Tiningnan niya ako at nagkibit balikat.

“Narinig ko yung pag-uusap niyo sa fire exit.” Simple lang niyang sabi. Matagal
walang nagsasalita sa aming lima. Abot abot ang tibok ng dibdib ko sa sobrang kaba.
Sinulyapan ko si Iñigo, sa lahat sa kanya ako pinakakinakabahan. Iñigo is rude. He
can be a devil, lalo na kapag nagalit siya at nasagad ang pasensya.
“I want him out.” Si Greg ang nagsalita. Napausog ako sa kama sa narinig.

“Greg--“

“Hindi na natin kailangang magbotohan. Umalis ka na.” si Iñigo naman ang sumunod.
Namutla ako at napatingin kay Ethan. Yumuko lang ito at wala sa loob na napatango.

“Iñigo, Greg, please.” Nagmamakaawa kong sabi. Tumingin lang silang dalawa sa akin.
Huminga ako ng malalim bago ko pinunasan ang luha ko.

“Please don’t do this. Wag ninyong sirain ang AEGIS. Wag ninyong takpan ng isa pang
pagkakamali ang nagawa ni A.” seryoso kong sabi. Umigting ang panga ni I sa
narinig.

“Tanga ka ba talaga Victoria? Pagkatapos ng ginawa niya--“


“Tapos na nga kasi I. Okay na. Isa pa, I should be thankful. Kung hindi niya ginawa
yun, hindi ko malalaman na ganun lang pala kababaw ang tingin ni Tan sa akin. Okay
na. Please, ang tagal na ninyong pangarap ang AEGIS. Hindi ako papayag na masira
lang yan dahil sa gulo sa pagitan naming tatlo.” Pagpupumilit ko. Kinagat ni I ang
labi niya bago niya inihilamos ang kamay sa mukha niya.

“Bahala ka sa buhay mo.” Galit niyang sabi bago lumabas. Binagsak niya ang pintuan
at walang lingon likod na umalis. Sumunod sa kanya si Greg at Ethan at naiwan
kaming dalawa ni Athan sa loob.

“Sana hinayaan mo na lang sila.” Bulong nito. Tiningnan ko siya. Nakayuko lang siya
sa gilid at hindi malaman ang gagawin.

I can’t blame him. Gustuhin ko man, hindi ko kaya. Nakikita ko ang sarili ko kay
Athan. Alam ko kung ano ang pakiramdam ng pagiging desperado sa pagmamahal. Alam ko
kung gaano kasakit iyon. At ayaw kong talikuran pa siya ng AEGIS. Ayaw ko ng
dagdagan kung ano man ang sakit na nararamdaman niya ngayon.

“Layuan mo na ako.” Pinal kong sabi. Tiningala niya ako at bumuka ang bibig niya.

“Toryang..”
Ngumiti ako at umiling sa kanya. Pinunasan ko ang luha ko bago nagkibit ng balikat.

“Wag na wag mo na akong kakausapin. Wag mo na akong iisipin. Mag move on ka na.”
sabi ko sa kanya, pero alam kong sarili ko lamang ang pinagsasabihan ko. Iniiwas
niya ang tingin niya sa akin.

“And when the time comes, na hindi mo na nararamdaman ang sakit. Na kapag
nakalimutan mo na ako. Kapag nagmahal ka na ulit, balikan mo ako A. And we will
start again. As friends.” Nakangiti ko ng sabi. Huminga ng malalim si Athan at
tumango na lamang.

“As friends.”

Pinunasan ko ang luha ko at tumayo na para lapitan siya. Tinapik ko ang balikat
niya at tiningnan siya sa mata.
“Someday, you will find a girl who can love you with all that she have A.” naluluha
kong sabi. Ngumiti si Athan ng malungkot bago tumango na lamang.

-----------------------------------------

Pagkatapos ng usapan namin ni Athan sa apartment ay hindi na siya muli pang


nagpakita. Siguro ay abala sila sa nalalapit nilang comeback concert na gaganapin
sa bisperas ng pasko. Ilanga raw na lang rin at pasko na. Hindi ko mapigilang hindi
maexcite sa naisip.

Maybe I should get something for Avvi. Pasko ang pinakapaborito niyang okasyon. A
pair of earrings or a bracelet will do. Agad na akong pumasok sa isang kilalang
jewelry store para maghanap ng ireregalo kay Avvi noong mapahinto ako sa pintuan.

“Toryang? Ikaw na ba yan?” salubong sa akin ni Nanay Phoebe. Nakangiti ko siyang


nilapitan. Lumayo siya sa estante at naglakad sa aking direksyon.

“Kamusta ka na?” masaya niyang tanong. Sinagot ko lamang siya. Inakay niya ako sa
isang sofa bago niya hinawakan ang aking kamay.
“Oh dear. Alam mo bang ilang linggo kaming nag-away ni Alessandro noong malaman
kong siya ang nagpaalis sayo. That guy. Napakadominante talaga.” Inis na inis
nitong sabi. Napatingin lamang ako sa kanya.

“Alam niyo po?”

“Of course Toryang. Asawa ko si Sandro. Hindi siya nagtatago sa akin.” nagkibit
balikat siya at inayos ang alon alon niyang buhok. “I understand him. Natakot kami
para kay Stanley Toryang. Ginagawa niya ang mga pagkakamali ni Sandro noon. And he
is a father. He will do everything just to shield his child from hurt. He knew you
were not both ready. Stanley’s not ready. Ginawa lang niya iyon kasi yun ang
iniisip niyang makabubuti sa inyong dalawa.”

Kinuha niya ang kamay ko at marahan iyong hinawakan. Inipit niya ang buhok ko sa
likuran ng aking tenga.

“Pasensya ka na Victoria.”

Hindi agad ako nakapagsalita. Phoebe Montreal is apologizing. To me?


“Nay..”

“Akala ko kayo na talaga ni Stan. He even planned to propose. Sayang nga lang at
hindi natuloy.” Malungkot niyang sabi. Ngumiti siya sa akin habang bakas ang
panghihinayang sa kanyang boses.

“Nanay, I think Ria will like this.”

Lumingon ako sa likod ko at nakita si Stanley na naglalakad palapit sa amin. Hindi


niya ako napansin dahil nakatutok ang tingin niya sa singsing na hawak.

Nawalan ako ng hangin sa nakita. Stan is holding a ring. Leria’s ring. Iniiwas ko
ang tingin ko at huminga ng malalim. They’re getting married.

People come and go. You just have to learn to live with that. Sometimes, being
selfless is a sign of idiocy. Learn to love yourself. You can't lose who you are
because you fell. There is a time for everything. There is a time when everything
is enough.

This is a sign. I should stop this. I should stop the chase. I should love myself
more. Hindi na pwedeng kay Stanley na lamang iikot ang mundo ko.

----------------------------------

Prelims ko po.

*pen<310

=================

Badboy

33

Tumayo agad ako at tumalikod kay Nanay bago pa man niya makita ang pagtakas ng luha
sa aking mata. Narinig ko ang pagtawag niya sa akin kaya nagmamadali kong pinakalma
ang sarili ko para harapin siya ulit.

"May problema ba iha?" nag-aalala niyang tanong. Humarap ako sa kaniya. Ramdam ko
ang paninitig ni Stanley sa akin pero nag-iiwas ako ng tingin. Marahan lang akong
tumango bilang sagot.

"Uhm..titingin lang po ako ng ireregalo."paalam ko. Malumanay itong ngumiti sa


akin.

Agad na akong tumalikod at dumiretso sa estante kung saan nakalagay ang mga hikaw
at bracelet. Napapikit ako ng mariin habang kinakalma ko ang sarili ko. Mabibilis
pa rin ang tibok ng puso ko kahit alam kong nakalayo na ako kay Stan. Damn the
effect of that Montreal on me.

"Sinong reregaluhan mo?"

Marahas akong napaharap kay Stanley noong nagsalita siya sa aking likuran. Nasa
kamay pa rin niya ang singsing a pinaglalaruan niya iyon.

"S-si Avvi." Geez Victoria! Bakit nauutal ka? Wala ng epekto si Stanley sayo. Wala
ka ng pakialam. You're moving on.

"Uhhuh." Malamig niyang sabi. Lumapit siya sa estante at tiningnan rin ang mga
nakadisplay roon. Nilapag niya ang singsing sa may tabi ko bago niya inutusan ang
saleslady na kunin ang isang set na nakadisplay doon. Napako ang tingin ko sa
singsing ni Leria bago muling napalunok. Bumabalik na naman ang mga luha kong
makukulit at laging sinasamba si Montreal.

"It's beautiful." Wala sa sarili kong sabi habang nakatingin sa singsing.


Sinulyapan ako ni Stanley bago nagkibit balikat.

"Alam ko. Hindi ko naman pipiliin yan kung pangit." Mayabang niyang sabi. Inalis
niya ang kwintas sa lalagyan at tinaas iyon para matitigan. Ilang beses akong
napakurap kurap habang tinititigan kong pinaglalaruan ni Stanley ang bato sa
kwintas.

God, he's gorgeous. He's so gorgeous he makes my heart ache. But I can't let that
gorgeousness in my heart again. I've had enough. Natuto na ako. Bibitaw na ako.

Iwinagayway niya ang kamay niya sa harapan ng mukha ko. "Why?" taka niyang tanong.
Napakurap pa ako dahil hindi ko namalayang nakatingin na pala siya sa akin. Umiling
lamang ako at hinarap ang saleslady bago ituro ang hikaw na napili ko.

Ibinigay iyon sa akin ng saleslady. Tiningnan ko muna iyon bago tuluyang binili.
Habang inaasikaso niya iyon ay muli akong hinarap ni Stanley. Itinapat ni Stanley
sa leeg ko ang kwintas at nagpalipat lipat ang tingin niya sa mukha ko at sa
kwintas.

"Anong ginagawa mo?" sita ko sa kanya. Hindi siya sumasagot.

Magsasalita pa sana ako noong tinaas niya ang kwintas at inutusan ang saleslady na
ibalot na iyon. Tumaas ang kilay ko sa ginawi niya. Tatanungin ko sana siya noong
tumunog ang cellphone niya. Agad niya iyong sinagot.

"Yes?" nakangiti niyang sabi na para bang makikita siya ng nasa kabilang linya.

"Why? Yes..ito na nga po." Humalakhak siya ng kaunti. Kinagat ko ang labi ko at
kinuha ang binili ko.
"I'll be there okay. I won't miss it for the world Leria." Malambing niyang sabi.
Napahinto ako sa paglalakad noong marinig ko ang pangalan ng kausap niya. Nagbadya
na naman ang mga luha kong tanging si Stanley Montreal lang ang sinasamba. Huminga
ako ng malalim bago nagmamadaling lumabas ng shop.

Darating ang araw na hindi mo na ako mapapaiyak Stanley. Darating ang araw na iba
naman ang pipiliin ng mga luha kong sambahin.

_______________________

"Tori,like mo ng pancakes?" nakangiting sabi ni Avvi sa akin habang namimili siya


sa dalawang pancake mix. Tiningnan ko ang mga iyon bago pinili ang original na mix.

"Okay. I'll buy. You cook." Makulit niyang sabi bago inilagay sa cart namin ang
mix. Tinulak ko iyon habang siya naman ay tumitingin tingin sa mga bilihin.

Si Avvi na ang pinapila ko para makapagbayad. Ako na ang nagprisinta na kumuha ng


baggage namin para mas mabilis kaming matapos. Pumila na ako noong may napansin
akong lalaking tumatakbo sa direksyon ko. Nakasuot ito ng hood at shades habang may
humahabol sa kanyang ilang grupo ng mga teenagers na may hawak na camera. Kumunot
ang noo ko. Sino ba itong--

Biglang hinawakan ng lalaki ang braso ko at sinama ako sa pagtakbo.

"H-hoy!!" sigaw ko sa kanya habang bumababa kami sa escalator. Ilang beses pa


kaming may naitulak habang tumatakbo.

"Ano ba!" sigaw ko sa kanya. Tinatahak na namin ang direksyon ng fountain na nasa
gitna ng mall. Tumingin siya sa likod niya maging sa magkabilang gilid niya.

"Shit." Mura niya noong makita namin na nagkalat na ang mga teenagers na humahabol
sa kanya. Mabilis siyang tumalon sa fountain at hinila ako.

"No!" sigaw ko dahil nakasindi iyon at mababasa ako kapag lumusong ako. Pero wala
na akong nagawa noong hinawakan nito ang kilikili ko at binuhat ako. Sabay kaming
tumakbo sa gitna ng tubig ng mga fountain hanggang sa makarating kami malapit sa
exit. Nakita kong humahabol pa rin ang mga babae pero nakalayo na kami. Lumiko kami
papunta sa exit at patago sa isang pader doon.

Nagsiksikan kami sa masikip na pader na iyon. Matatalim ang tingin ko sa lalaking


nanghila sa akin sa gulong iyon. Nakangiti lang ito sa akin. Tinanggal niya ang
shades niya at ang hood niya bago muling ngumiti sa akin.

"Gus!Gus!Gus!" narinig kong sigaw ng mga babae. Sumilip ako pero bigla niya akong
hinila.
"Baka makita tayo." Bulong niya. Inis ko siyang hinarap bago ko hinila ang braso
kong hawak niya.

"Baliw ka ba?!" tumaas baba ang dibdib ko sa sobrang pag-kainis sa lalaking ito. At
ang mas nakakapangalit pa ay ang ngiti niyang hindi ko mabura bura sa bibig niya.

"Hindi pa. Ikaw naman miss. Sakit mo magsalita." Natatawa niyang sabi. Inalog niya
ang ulo niya kaya tumilamsik sa akin ang tubig mula sa buhok niya.

"Isa--"

"Ang sungit mo po." Humalakhak siya sa akin. Umirap lang ako at humalukipkip.

"Girls are scary." Natatawa niyang sabi. Nilingon ko siya at nakita kong yumuyuko
siya habang inaalis niya ang sapatos niya.

"Sino ka ba ha?"

Tiningala niya ako at napanganga.

"Hindi mo ako kilala?"

"Gosh. Tatanungin ba kita kung kilala kita?" pagsusungit ko. Tumaas ang sulok ng
labi niya sa pagsusungit ko.

"May babae pa palang hindi nakakakilala sa akin?" mayabang niyang sabi. Nanliit ang
mata ko sa kanya.

Hindi ko mapigilang hindi mairita sa kanya. Tiningnan ko ang labas at nakitang wala
na ang mga babaeng humahabol sa kanya. Iniwan ko siyang nakasiksik doon sa maliit
na pader at naglakad palayo sa kanya.

"Sandali lang po." Sigaw niya. Hindi ko siya pinansin. Hirap na hirap ako sa
paglalakad dahil bumigat ang pants ko dahil sa tubig na nasipsip.

"Sandali lang." sabi niya pa at hinawakan ang braso ko. Pinilit niya akong humarap
sa kanya. Napabuga ako ng hangin noong ibinalya niya ako para matingnan ko siya.

"I'm sorry. Uhm.. I didn't mean to be rude--"

"No you're not! Bigla bigla ka na lang nanghihila ng kung sino! You're not rude! My
god!" sarkastiko kong sabi. Nag-isang linya ang labi niya at inis na rin akong
tiningnan.

"I'm trying to apologize here miss. Hinila kita dahil ayaw kitang itulak. Come to
think of it, you should be thankful na gentleman ako. Bakit ba ang sungit mo?
Period?" natatawa niyang sabi, trying to keep the situation light. Pero alam kong
naiinis na rin ito sa asta ko. Tinitigan ko lang siya bago ko pinagtaasan ng kilay.

"Hindi ko kailangan ng apology. Bitawan mo nga ako!" hinatak ko ang kamay ko. Sa
wakas ay binitiwan na niya ako. Nagsimula na akong maglakad palayo ngunit nakasunod
pa rin siya sa akin.

"Alam mo, there's this online site where you can watch videos for free. And it's
called Youtube miss." Pabaliktad siyang naglalakad sa aking harapan habang
nakapamulsa. Tiningnan ko lang siya bago nagkibit balikat.

"I do covers of songs. Sikat ako doon. Siguro alam mo naman yung bandang AEGIS
hindi ba?" tanong niya. Napatigil ako noong marinig ko ang banda nila. Kinagat ko
ang labi ko at pinilit pakalmahin ang sarili.

"Mga kanta nila yung ginagawan ko ng cover." Dagdag pa niya. Hindi ko siya
pinapansin sa pagsasabi sabi niya. Bigla siyang ngumuso at tumigil sa harapan ko.
Mabuti na lamang at agad akong nakapagpreno sa paglalakad dahil muntik na akong
mabangga sa kanyang katawan.

Yumuko siya ng kaunti para magkapantay kaming dalawa. Ngumisi siya kaya lumitaw ang
napakalalim niyang dimple sa kanan niyang pisngi. Pakiramdam ko ay umakyat lahat ng
dugo ko sa mukha sa sobrang lapit niya sa akin.

I won't deny. He is rugged alright. Yung tipo ng lalaking walang gagawing tama? Sa
paraan pa lng niya ng pagngisi, alam mo ng puro kapilyuhan lamang ang gagawin niya.
He's the typical badboy-- geez, hanggang dito ba naman Toryang, naiisip mo pa rin
si Stanley?

"Hindi mo talaga ako kilala?" namamangha niyang sabi sa akin. Bumalik ang diwa ko
ng muli siyang nagsalita. Umiling ako at tiningnan lang siya. Dumiretsyo siya ng
tayo at ngumiti ulit sa akin.

"Hi." the boy grinned at me before extending his hand. Nakasabit pa rin sa mga
daliri niya ang sapatos niyang tumutulo pa rin ang tubig. Tiningnan ko lang siya,
his hair dripping wet but still looking so sinfully handsome.

"I'm August. You are?" pacute niyang sabi. Ngumuso lang ako bago ko tinanggap ang
kamay niyang nakalahad.

"Tori. Victoria." anas ko bago tuluyang ngumiti. Sumilay rin ang ngiti sa mga mukha
niya at lalong humigpit ang hawak niya sa kamay ko.
"You do smile." Natatawa niyang sabi. Nawala ang ngiti ko sa sinabi niya.

"You should do that always. Maganda ka kapag ngumingiti." Aniya. Napanganga ako at
wala ng nasabi. Tumakbo siya palayo sa akin bago muling nagwave.

"Bye miss!" pagkatapos ay kumaway lang siyang muli. Tinaas ko rin ang kamay ko at
nagpaalam sa kanya. Natawa pa ako noong matapilok siya at muntikan ng madapa.
Sayang, gwapo pa naman sana. May pagkatanga nga lang.

Noong mawala siya sa paningin ko ay naglakad na ako pabalik sa mall. Bumalik ako sa
department store para kunin ang mga baggage namin. Pinagtitinginan ako dahil
basang basa ako ngunit hindi ko na sila pinansin. Binalikan ko ang pila ni Avvi.
Malapit na siya sa counter. Christmas rush kasi kaya ang daming mamimili. Nanlaki
ang mata niya noong pinsadahan niya ako ng tingin. Ganun na lang ang gulat niya ng
makita ang itsura ko.

"Tori?" nagtataka niyang tanong noong makalapit na siya sa akin. Agad niyang
hinubad ang blazer niya at isinuot sa akin iyon.

"We should buy you clothes girl. Baka you'll get fever. Magpapasko pa naman." Nag-
aalala niyang sabi. Hinigpitan ko ang kapit sa kanyang blazer.

"Ayos lang ako." Katwiran ko. Pinandilatan lang niya ako ng tingin. Tinulak niya
ang cart namin habang tinitingnan ako.

"Ano ba kasing nangyari?"

Ngumiti lamang ako at napailing na lang habang naalala ko ang lalaking baliw na
nakilala ko. Tiningnan ako ni Avvi at halatang nagtataka siya sa ginawi ko.

"What happened na nga kasi?"

Tinitigan ko ang kaibigan ko bago nagkibit balikat na lamang.

"Mahabang kwento." Anas ko bago siya kinindatan.

______________________

5 days to go! Maligayang pasko!

*ACE DOMINGO

=================
Ang Taho Ni Badboy

34

“Avvi, labas lang ako ha?” sigaw ko mula sa baba ng aming bahay. Sumilip lang ito
bago tumango. Inayos ko na ang sintas ng sapatos ko at lumabas na para
makapagjogging.

Sumalubong sa akin ang malamig na hangin pagkalabas ko ng bahay. Kakaunti pa lang


ang mga tao sa daan at tulad ko ay mga magjojogging lang ang mga ito. Sinuot ko ang
earphones ko at nagsimula ng tumakbo papunta sa parke.

Napahinto ako sa pagjojog noong makakita ako ng isang batang babaeng bungi na
nagbibigay ng bungkos ng santan sa katulad niyang batang lalaki rin. Hindi siya
pinapansin noong batang lalaki kaya napapanguso na lang ang batang babae.

Lihim akong napangiti. Pamilyar sa akin ang eksena. Ganyang ganyan din ako noong
mga bata pa kami at hinahabol habol ko siya. Naalala ko na naman---
“Ang cute nila noh?”

Halos mapatalon ako noong may humila sa earphones ko at bigla na lang bumulong sa
aking tenga. Agad kong tiningnan iyon at ganun na lang ang gulat ko noong makita ko
ang makulit na binata sa mall kahapon.

“Dito ka rin pala nakatira?” tuwang tuwa niyang sabi. Pinasadahan ko siya ng
tingin. Nakapatong sa balikat niya ang skateboard. Bakas sa tshirt niya ang muscles
na halatang galing sa pagwoworkout. Basa rin ang buhok niya sa pawis niya at
tumutulo pa iyon. Ngumiti siya ulit sa akin at lumabas na naman ang dimples niyang
malalalim. Lalong sumingkit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

“Kanina pa kita tinatawag sungit. Nakaearphones ka pala kaya hindi mo ako


naririnig.” Daldal niya pa. Napanguso ako at sinuot ulit ang earphones ko at
hinarap ang dalawang bata kanina. Ganun na lang ang pagkadismaya ko noong ang
batang babae na lang ang naiwan doon.

Ibinaba niya ang skateboard niya at sumakay doon. Pinagtaasan ko siya ng kilay at
maglalakad na sana noong hinarangan niya ako. Inis kong tinanggal ang earbuds sa
tenga ko at sininghalan siya.

“Lumayas ka nga diyan.”


Ngumisi lang siya. “Ang aga-aga ang sungit mo po.”

Tinitigan ko lang siya. Lalong lumawak ang ngisi niya sa reaksyon ko.

“Sabi ko sayo ngiti ka lagi diba?” humalakhak siya at hindi pa rin umaalis sa
kinatatayuan niya. Naglakad na lang ako palayo sa kanya pero sumakay na naman siya
sa kanyang skateboard at humarang na naman.

“Ano bang problema mo?” gigil ko ng sabi.

“Nakikipag kaibigan lang po ako.” Sagot niya. Umismid ako at tinanggal ang ponytail
ko sa buhok. Gustong gusto ko na siyang sabunutan sa kakulitan niya.

“Wag ka ngang mag-po! And I don’t need your friendship.” Masungit kong sabi.
Humakbang ako pero pinagulong ulit niya ang skateboard niya sa direksyon ko.
“Eh sa maginoo ako eh. Isa pa, hindi ako nagpapaalam sungit. Kakaibiganin kita sa
ayaw mo o sa ayaw mo, at kahit ayaw mo, okay lang. Walang babaeng immune sa mukhang
ito.” Kumindat siya sa akin bago ginulo ang buhok ko. Hinawakan ko ang kamay niya
at tinaggal iyon sa ulo ko.

“Aaah!”

“Ang cute mo magsungit.” Dagdag niya pagkatapos ay humalakhak lang siya ulit.
Pinandilatan ko siya pero hindi naman niya ako pinansin. Ngumuso na lang ako at
naglakad pauwi.

“Habit mo ba talagang magsungit?” tanong niya habang nagseskate siya ng pabaligtad.

“Hindi ako masungit. Nakakairita ka lang talaga.” Natatawa kong sabi. Napanganga
siya at bumilog ang bibig niya. Maya maya ay hinawakan niya ang dibdib niya at
umaktong parang nasaksak.

“Ang hard mo magsalita miss. Ouch.” Sabi niya pa. Yumuko siya at hinawakan ang
tuhod niya pangbalanse. Hindi ko mapigilang hindi matawa ng malakas sa
pinaggagagawa niya.

“Para kang tanga.” Natatawa kong sabi. Napailing na lang ako at nilampasan siya.
Dumiretsyo siya ng tayo at umagapay sa paglalakad ko.

“Magrerelease na yung AEGIS ng bagong album sa bisperas. May bago na naman akong
icocover.” Masigla niyang sabi. Malawak pa ang pagkakangiti niya habang
nagkekwento. Bakas sa mukha niya ang pilyong ngiti, simbolo ng kanyang pagiging
badboy.

“Gusto kong pumunta sa concert nila kaso sold out na yung ticket.” Daldal pa rin
niya. Napangisi ako sa narinig.

“May ticket ako.” Bigla ko na lang nasabi. Napatigil siya sa paglalaro ng


skateboard niya at tumingin sa akin.

“Akala ko ba hindi mo sila kilala? Taong bundok ka diba?” pangaasar niya pa. Agad
tumaas ang kamay ko para sapakin siya pero agad siyang nakaiwas.
“Baliw.” Natatawa kong sabi. Tinitigan niya ako kaya nawala ang ngiti sa labi ko.
Bigla akong napahawak sa mukha ko dahil baka may dumi iyon kaya ganun na lang ang
paninitig sa akin ni August.

Ilang beses siyang napakurap at may tinuro sa likod ko. Nilingon ko iyon at
nakakita ako ng nagtitinda ng taho. Tiningnan ko siya. Hindi ko mapigilang hindi
maexcite sa taho. Ang huling beses kong nakakain noon ay noong high school pa
lamang ako.

“Bili tayong taho panget.” Sabi ko sa kanya at nauna ng tumakbo papunta sa tindero.

“Sandali lang sungit! Nagmamadali?” pasigaw niyang sabi. Sunod ko na lang narinig
ay ang gulong ng skateboard niyang hinahabol ako.

------------------------------

“Hmmmn. Ang sarap.” Tuwang tuwa kong sabi habang nilalagok ang pangatlo ko ng baso
ng taho. Nakatitig lang si August sa akin na para bang tinubuan ako ng isanglibong
mata. Agad kong nilunok ang taho at tiningnan din siya.
“Problema mo?”

“Ilang taon kang hindi kumain? Ginugutom ka ba?” seryoso niyang sabi. Tumaas agad
ang kamay ko pero hinawakan niya iyon.

“Tsk. Tsk. Bad yan. Wag ganyan.” Humahalakhak pa niyang sabi. Binaba niya ang kamay
niya habang ako naman ay tinitingnan siya ng masama.

“Bwisit ka. Panget!”

Ngumiti lang siya at ginulo ang buhok ko. “Ikaw naman. Sungit.”

Natawa ako sa tinawag niya sa akin. Ngumiti din siya at inabot sa akin ang
panibagong baso ng taho.
“Kung alam ko lang, sana dinala ko na lang yung buong alkansiya ko.” pangaasar pa
rin niya. Nililibre niya kasi ako sa taho. Ang problema ay 50 pesos lang ang dala
daw niya. Ipinipilit ko namang may pera ako pero maginoo daw siya kaya hindi niya
hahayaang gumastos ako.

“Mayabang ka kasi. Nanlilibre ka, wala ka namang panlibre.” Pangaasar ko rin.


Humalakhak lang siya at ginulo niya ang buhok niya. Sumipsip ulit ako sa taho at
tumahimik na lamang.

Pakiramdam ko ay gumaan ang pakiramdam ko. Ngayon lang ulit ako nakatawa ng ganito
magmula noong umuwi ako. Yes, I smile, but I don’t laugh anymore. Sa sobrang tagal,
nakalimutan ko na ang pakiramdam kapag sumasakit ang tiyan mo sa kakatawa.

“Hoy August.” Tawag ko sa kanya. Nilingon niya ako at hinintay ang susunod kong
sasabihin.

“Bakit hindi ka mag-audition sa Wave?”

“Hindi naman tumatanggap yung AEGIS ng bagong member, bakit pa ako magaaudition?”
mabilis niyang sagot. Pinaglaruan niya ang isang bato sa paa niya at tinitigan ko
iyon.
“Gusto mo sa AEGIS?”

“Yup.” Simpleng sagot niya. Napangiti ako. Kaya pala gumagawa siya ng cover ng mga
kanta nila. He really likes them that much?

“Don’t get me wrong. Hindi ako bakla. Masyado kang judgmental.” Bigla niyang sabi.
Napatingin ako sa kanya at nakita kong nakangisi siya. Pinagtitripan na naman ako
nitong baliw na ito.

“Passion. Alam mo yung kilabot na nararamdaman ko kapag nakikita ko sila sa stage?


Yung passion nila sa musika. Yung pangarap nila. That’s what makes me like them.
Kasi sila yung patunay na pwede ko ring maabot yung naabot nila.” Seryoso niyang
sabi. Naramdaman ko ang pagmamahal niya sa musika kaya hindi ko na napigilan ang
sarili kong tapikin ang balikat niya.

“I’ve spent 27 years of my life looking for another dream. Pero wala eh, musika
lang talaga ang pangarap ko.”
Tumango ako at tiningnan siya. “I understand.”

Kumislap ang mata niya at tumango tango na lang.

“That’s new. Konti lang ang nakakaintindi sa musika ko.” natatawa niyang sabi.
Inabot ulit niya ang panglima kong baso ng taho. Agad ko iyong kinuha.

“Tara na? Mataas na yung araw. Baka lalo kang mahigh blood.” Panloloko niya ulit.
Napanguso ako. Tusukin ko yung singkit mong mata dyan eh!

Bumaba ako sa swing at sinundan siya. Kinuha niya ang skateboard niya at hinintay
akong makalapit sa kanya.

“Hatid na kita sungit.” Sabi niya. Tinaasan ko lamang siy ng kilay.


“At bakit?”

“Para kapag nagcarolling ako alam ko yung bahay mo.” Nakangisi niyang sabi bago
humalakhak. Inirapan ko siya at tinali ulit ang buhok ko.

“Ang kapal ng mukha mo panget.” Ganti ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya at
sumakay muli sa skateboard niya.

Tahimik lamang kaming naglakad pauwi sa bahay. Ang tanging naririnig ko lamang na
ingay ay ang mga batang naglalaro.

“Sungit.” Tawag niya sa akin mula sa likuran ko. Hinarap ko siya. Umaakyat siya sa
fence ng aming kapitbahay. Napatakbo ako sa kanya.

“Hoy! Bawal yan!” sita ko sa kanya. Niyuko lang niya ako bago hinila ang gumamela
sa tangkay nito. Tumalon siya at pinagpagan niya ang shorts niyang nadumihan.
“Ang totoong badboy, hindi natatakot sa bawal. Oh.” Pagyayabang niya bago inabot sa
akin ang gumamela. Tiningnan ko iyon bago napanguso sa kanya.

“Baliw nito.” Natatawa kong sabi bago kinuha ang bulaklak.

“Totoo yung sinabi kong magkacarolling ako sa inyo ha?” sabi ulit niya. Nilabas ko
ang dila ko at binelatan siya.

“Ito naman. Sungit mo na nga, kuripot mo pa.” parang bata niyang sabi. Natawa na
lang ako ng malakas pero natigilan ako ng makitang may puting BMW na nakaparada sa
harap ng aming bahay.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng hangin noong dumiretsyo sa pagkakatayo si Stanley


at tiningnan kaming dalawa ni August. Dahan dahan siyang lumapit sa aming dalawa.

“Sino yan?” malamig niyang sabi habang tinitingnan si August.


-----------------------------------------------

Ang kulit niya!

#SungitPangit

#TanYang

*pen<310

=================

One

35

“Sino yan?” malamig niyang sabi habang tinitingnan si August. Hindi agad ako
nakapagsalita dahil sa galit na nakabalandra sa mukha ni Stanley. Nilingon ko si
August at muntik ko na siyang mahampas sa itsura niya ngayon. Nakanganga siya at
may malaking ngisi sa mukha niya. Inirapan ko siya at muling hinarap si Stanley.

“Stan, si August.” Pakilala ko. Tiningnan lang ni Stanley si August at hindi pa rin
gumagalaw sa kinatatayuan niya. Tumikhim si August at humakbang papunta dito.
Nilahad niya ang kamay niya kay Stanley.

“August,pare.” Nakangiti niyang sabi, may bahagyang nginig pa sa boses niya.


Tiningnan lang ni Stanley ang kamay niya at hindi gumalaw. Lumapit ako at hinila si
August sa kwelyo niya.

“Anong--“protesta niya. Pinandilatan ko lang siya kaya nanahimik na ito.

“Bakit nandito ka?” tanong ko kay Stan. May kinapa siya sa jacket niya at ibinigay
sa akin iyon.

“Demo CD namin.”

Tumaas ang kilay ko at tinanggap iyon. Nagtatanong ang tingin ko sa kanya. Nagkamot
lang siya ng batok bago tumingin kay August.
“Walang galang na, pwedeng lumayas ka muna.” Maangas niyang sabi. Napasinghap ako
sa sinabi niya.

“Stanley!”

Humalakhak lang si August at sumakay ulit sa kanyang skateboard. Nagbow muna siya
sa akin bago ako kinindatan.

“Una na ako sungit.” Paalam niya bago nagpagulong palayo. Kumaway pa siya sa akin
hanggang sa tuluyan na siyang lumiko sa sunod na kanto.

“That was rude!” naasar kong sabi kay Stanley. Nagkibit balikat lamang ito.

“Don’t worry. I’m good with being rude dustpan.” Nakangisi niyang sabi. Tinitigan
ko lamang siya at napapailing na lamang na pumasok sa bahay. Sumunod ito sa akin
hanggang sa loob. Umupo siya sa stool sa kusina at pinanood ang pagtimpla ko ng
kape.

“Sino na nga kasi yun Yang?” bumalik sa boses niya ang pagkairita. Tiningnan ko
lang siya at hindi siya sinagot.

“Isa Victoria--“

“He’s my friend okay?” pasigaw ko ng sabi. Hindi ko namalayan na nabagsak ko na


pala ang creamer sa sobrang inis ko sa kanya.

Natigilan ako sa naramdaman. Nainis ako. Naiinis ako sa kanya. Naiinis ako kay
Stanley?

“Your friend? Bakit hindi ko siya kilala?” taas kilay niyang tanong. Napabuga na
lamang ako ng hangin sa mga tanong niyang walang kwenta. Binalik ko ang creamer,
asukal at kape sa lalagyan bago ibinigay sa kanya ang tasa niya.

“As far as I remember, wala akong obligasyon ipakilala sayo lahat ng mga kaibigan
ko.” sagot ko. Nanliit ang mata niya sa sinabi ko. Pinadaan niya ang daliri niya sa
bibig ng tasa bago huminga ng malalim. Tumingin siya sa kanyang orasan bago niya
inayos ang sarili.
“Pakinggan mo ha?” malambing niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sa
akin kaya napahakbang ako patalikod. Ngumisi lang siya noong mapansin na wala na
akong uurungan.

“Salamat Toryang.” Bulong niya. Hinawakan niya ang pisngi ko at yumuko. Nanlaki ang
mata ko at agad kong inilagay ang kamay ko sa pagitan naming dalawa para harangan
siya.

Idinikit niya ang labi niya sa aking noo at hindi na ako nakagalaw. “Sorry.”
Ngumiti siya at lumayo na sa akin. Hindi ko na siya naihatid sa labas ng bahay
namin dahil sa sobra kong pagkakatulala.

Oh god Montreal! Umayos ka!

-----------------------------------

Sa may bahay ang aming bati

Merry christmas na malwalhati

Agad kong binuksan ang bintana ko at nakita si August sa baba. Ngumisi siya sa akin
at kumaway.

“Namamasko po.” Sigaw niya. Lumapit si Avvi sa akin at nakisilip na rin.

Pasko na sinta ko

Hanap hanap kita

Bakit nagkaganito?

Iniwan ako

“Namamasko ba siya or nanghaharana?” natatawang tanong ni Avvi sa akin. Napanguso


lang ako at binalik ang tingin kay August na sumasayaw na ngayon sa gitna ng daan
habang hawak hawak ang gitara niya. Lumapit sa kanya ang ilang bata at nakisabay sa
kanta niya.

Whenever I see boys and girls

The girls and boys see me

I remember the child

And the child remembers me

Napahalakhak ako ng malakas sa ginawa niyang pagpapalit ng lyrics. Lalong lumawak


ang ngisi niya kaya lumitaw ang lalim ng dimples niya. Hindi ko na rin halos makita
ang mata niya sa sobrang singkit niyon. Hinila na ako ni Avvi pababa para puntahan
si August na nagpapasimula na ng streetdance sa block namin.

Wherever there are people

And the people are everywhere

I believe in christmas

And christmas believes in me..

Nilingon niya ako ng makababa na ako. Ngumiti lang ako at napailing sa kanya.
Nagtaas siya ng kamay at tinuruan ang mga bata ng lyrics ng kanta niya.

Let’s sing Merry Christmas

Merry Christmas sing with me!

This season may we never forget

May we never forget this season

Lumapit siya sa akin at hinila ako palapit sa kanya. Pinalibutan ako ng mga bata na
patuloy pa rin sa pagkanta ng lyrics na tinuro niya. Ngumuso ako at tiningnan siya.
“Mali yung kanta mo.” Sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat lamang siya.

“Basta parehong tono, ayos na.” mayabang niyang sabi. Maya maya ay binitiwan niya
ako at nilahad niya ang kamay niya.

“Namamasko po.” Sabi niya. Nanlaki ang mata ko at tumawa lang siya ng malakas.

“Babayaran kita?” gulat kong sabi. Pilyo siyang tumango bago niya kinagat ang labi.

“Kuripot mo talaga.” Natatawa niyang sabi noong naglagay ako ng bente sa kamay
niya. Sunod sunod na lumapit ang mga bata sa akin at nanghingi na rin ng pera.
Pinandilatan ko lang si August. Kinapa ko ang bulsa ko at binigyan sila ng
tigpipiso. Nilabas na rin ni Avvi ang mga cookies at candies sa bahay at binigay
iyon sa mga bata.

“Aaaah. I love christmas.” Nakangiting sabi ni August habang kumukuha na sa bote ng


cookies. Pinalo ko ang kamay niya at inagaw iyong hawak niya.

“Sa mga bata yan pangit!”

“Isa lang. Damot mo.” Parang bata niyang sabi. Hinati niya ang cookies at sinaksak
sa bibig ko ang kalahati noong nakita niyang magsasalita na naman sana ako.

“Ayan, chew. Para manahimik ka. Ingay mo eh.” Natatawa niyang sabi habang
hinahawakan ang pisngi ko. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay at agad na lumunok.

“Pangit mo.” Natatawa kong sabi. Pinitik niya ang noo ko sa sinabi ko. Kumuha ulit
siya ng cookies at sinubuan ako.

“Sungit.” At kinindatan niya ulit ako.

--------------------------------------

Dis oras nang umuwi si August mula sa pagcacarolling ‘daw’ niya. Kung matatawag man
ngang caroling iyong ginawa niya. Nanggulo lang naman yun sa amin at nakikain ng
cookies. Niligpit ko na ang nagkalat na balat ng cookies sa kusina at doon ko
napansin ang demo CD nila Stanley. Kinuha ko iyon at binuksan. May nalaglag na
papel doon at pinulot ko iyon. Napangiti ako noong mga christmas greetings iyon sa
akin ng AEGIS. Kahit si Athan ay nagsulat doon.

Kamusta na kaya sila? Matagal tagal na rin noong huling kita ko sa kanila. Isa pa,
abala sila kaya wala na rin silang panahon para makalabas.
Lumapit ako sa DVD namin at inilagay ang CD doon. Hinintay ko iyong magplay. Kumuha
muna ako ng inumin ng pumailanlang na ang musika sa buong sala namin. Napatingin
ako sa DVD player na para bang doon nanggaling ang kumakanta. Naglakad ako palapit
doon.

Tell me that you turned down the man

Who asked for your hand

'Cause you're waiting for me

And I know, you're gonna be away a while

But I've got no plans at all to leave

Napalunok ako ng makilala ko kung kaninong boses ang kumakanta. Parang lantang
gulay akong napaupo habang pinapakinggan si Stanley sa CD.

And would you take away my hopes and dreams and just stay with me?

Stay with him? How can I stay with him kung siya naman ang nagtulak sa akin palayo?
Ilang beses kong sinubukang abutin siya pero anong nangyari? Tinulak lang niya ako.
Hindi niya ako kayang pakinggan. Wala siyang tiwala sa akin. Hindi niya ako
maintindihan.

All my senses come to life While I'm stumbling home as drunk as I Have ever been
and I'll never leave again 'Cause you are the only one

Just promise me, you'll always be a friend 'Cause you are the only one
Lumapit ako sa DVD at pinatay na iyon bago pa man ako tuluyang malunod sa
pakikinig. I’m moving on. Hindi na dapat ako nagpapaapekto sa mga ganitong bagay.
Lagi namang ganyan si Stanley. Today, he will pursue me, tomorrow he will dump me.
it has been and endless cycle. Ganito talaga siya maglaro. But now, I won’t play
his games. I’m done being a toy.

“Bakit mo pinatay?”

“Ay kabayong palaka!” napatalon ako sa gulat noong biglang may nagsalita sa likod
ko. pinandilatan ko si August na nakaupo sa may tapat ng pintuan namin.

“Kanina pa ako dito. Hindi mo man lang ako napansin?” natatawa niyang sabi. Tumayo
siya at lumapit sa akin. Tiningnan niya ang lalagyan ng CD bago siya umupo sa sofa
namin.

Take my hand and my

Heart and soul, I will

Only have these eyes for you

And you know, everything changes but

We'll be strangers if we see this through

You could stay within these walls and bleed

Or just stay with me

Oh lord, now

Natigilan ako noong marinig kong tinuloy ni August ang kanta ni Stanley. Nabigla
ako sa lamig ng boses niya. Tatapat iyon sa boses ni Greg. Baka nga malampasan pa
niya. Pwede rin siyang maging bokalista ng AEGIS kung sakali.

“Anong ginagawa mo?” nagtataka kong tanong. Nagkibit balikat lamang siya at
pinatong niya ang paa niya sa center table.

“Pinutol niya eh. Tutuloy ko na lang.” seryoso niyang sabi. Umindak pa ang paa niya
at nagpatuloy sa kanta.

All my senses come to life

While I'm stumbling home as drunk as I

Have ever been and I'll never leave again

'Cause you are the only one

And all my friends have gone to find

Another place to let their hearts collide

Just promise me, you'll always be a friend

'Cause you are the only one

Nanatili lang akong nakatitig sa kanya hanggang sa matapos ang kanta niya. Noong
tumigil siya ay tiningnan niya ako. Ngumisi siya kaya nakita ko na naman ang dimple
niya sa pisngi.

“Payag ka bang ako naman ang magtuloy Sungit?”

---------------------------------

Song Used:

Ed Sheeran - One

*pen<310
=================

Oh! Victoria

36

Merry Christmas! Spread the love ladies!

----------------------------------------------

“Tinapos mo na nga yung kanta. Ano pang itutuloy mo dun?” masungit kong tanong sa
kanya. Ngumisi siya bago niya pinagkrus ang binti sa sofa.

“Malapit na yung concert nila. Sa 24 diba? Bukas na yun.” Nakanguso niyang sabi
habang pinaglalaruan ang throw pillows namin.

“Alam--“ hindi ko naituloy ang sasabihin ko noong bigla niyang binato sa akin ang
isang throw pillow. Pinandilatan ko siya at pinulot ang ibinato niya.
“Bakit hindi mo naiwasan?” natatawa niyang tanong. Sumingkit na naman ang mata
niya. Gustong gusto ko siyang lapitan at kurutin ang pisngi niyang may dimple para
magflat na iyon.

“I didn’t expect you to do that!”

“Yeah. You really can’t avoid the unexpected.” Ngumisi siya at humiga sa sofa
namin. Tumaas ang kilay ko. napakafeel at home nitong badboy na singkit na may
dimple na baliw na ito. Ang haba.

“Hoy Sungit.” Tawag niya sa akin. Tumingala siya at pinanood akong nagpupulot ng
mga unan niyang ibinato sa akin.

“Ano?”

“Naging kayo ni Stanley.” Madiin ang pagkakasabi niya. Hindi iyon patanong at alam
kong sigurado siya sa konklusyon niya. Natigilan ako sa pagpupulot ng mga unan kaya
umupo muna ako sa sahig.
“Hindi.”

“Sus, wag ka nang magdeny.” Umupo ulit siya at tiningnan ako. Ngumuso ako at binato
sa kanya ang unan na binato niya sa akin kanina.

“Hindi ako nagdedeny. Bago pa naging kami, umalis na ako.” Sagot ko. Tinitigan lang
ako ni August bago nagkibit balikat.

“Kanina, parang papatayin na niya ako. Nakakatakot.” Nagkunwari pa siyang


nanginginig habang inaalala ang pagkikita nila ni Stanley kanina. Tumawa na lang
ako sa reaksyon niya. Tinitigan ko siya habang gumagawa siya ng mga aksyon na pang
bata.

“Alam mo ba kung bakit kita hinila noong isang araw?” seryoso niyang tanong. Umikot
siya sa sofa at nangalumbaba. Pinagpantay niya ang mukha naming dalawa para
matingnan niya ako ng maayos.

“Sabi mo ayaw mo akong itulak.”


“Hindi. Maling sagot.” Ngumiti ulit siya at ginulo ang buhok ko. Lumayo ako sa
kanya para malubayan niya ang buhok ko. Bwisit talaga itong si August. Gumapang
siya ng kaunti kaya halos magkadikit na ang mga ilong naming dalawa sa ginawa niya.

“Ang cute mo kasi. Kaso mukha kang malungkot.” Parang tanga niyang sabi. Pagkatapos
ay umupo na siya ng maayos habang hinihintay niya ang reaksyon ko sa sinabi niya.
Cute ako? Mabilis umakyat ang dugo sa pisngi ko dahil sa sinabi niya kaya agad
akong nag-iwas ng tingin sa kanya. Malulutong na halakhak ang pumuno sa sala namin
dahil sa kanya.

“Siguro kaya ka malungkot kasi dahil kay S.” tumatango tango pa niyang sabi.
Tinitigan ko lang siya ng matalim pero hindi siya sa akin nakatingin. Pinaglalaruan
niya ang remote control ng TV kahit hindi naman niya sinindi iyon para manuod.

“Alam mo Sungit, humanap ka ng lalaking papaiyakin ka sa kakatawa, hindi yung


papaiyakin ka sa kakaiyak. There is a thin line between tears of joy and tears of
sadness. So you have to choose wisely. Kasi kapag nagkamali ka, masakit.” Pangaral
niya. Naiwan akong nakatitig lamang sa kanya at pinakikinggan ang mga salita niya.
Maya maya lang ay ngumiti na naman siya.

“Wag mo akong masyadong titigan, kinikilig ako.” Kinindatan niya ako pagkatapos
niyang sabihin iyon. Pinulot ko ang unan at malakas siyang hinampas sa ulo.
“Pangit mo.”

---------------------------------------------

“Kamahalan!” tawag ni Ethan sa akin. Bahagya siyang lumayo sa kanyang PA at tumakbo


papunta sa akin. Tinaas ko ang panyo ko at pinunasan ang noo niyang may pawis na.

“Takbo ka ng takbo.” Pagalit ko sa kanya. Ngumiti lang siya pero hindi iyon umabot
sa kanyang mata.

“Toryang, miss na kita.” Malungkot niyang sabi. Napahinto ako sa pagpupunas sa


kanya sa narinig.

“Ako rin. Miss ko na sarili ko.” pagbibiro ko bago humalakhak. Pero agad din akong
tumigil noong napansin kong nakatitig lang si Ethan sa akin at hindi tumatawa sa
joke ko.
“I’m glad to see you happy again Victoria.” Masayang sabi nito. Hinaplos niya ang
pisngi ko bago iyon biglaang kinurot.

“Aaaw! Ethan!” tumawa lang ito bago umalis at bumalik sa kanyang PA. Hinanap ko ang
ibang AEGIS para masabihan ng goodluck. Nakita ko si Athan na nag-aayos ng kanyang
gitara. Kumaway lamang ako sa kanya at tinanguan lang niya ako. Ilang beses akong
lumingon para hanapin sila Greg pero hindi ko sila makita. Lumiko na ako papunta sa
backstage ng mabangga ako sa isang solidong bagay. Tiningala ko iyon at nakita ko
si Stanley na nakatayo sa harapan ko, hawak hawak ang kanyang drumsticks.

“Akala ko hindi ka na pupunta.” Relieved niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko noong
maramdaman ko ang pamilyar na pagtambol ng dibdib ko noong nahakarap ko siya.
Unlike others, nakasando lamang siya para mas madali ang pagtugtog niya ng drums.
Kitang kita ko na naman ang braso niyang nagsusumigaw sa ganda, idagdag mo pa ang
hikaw niyang naglalaro sa kanyang kaliwang tenga.

Stanley Montreal is a freaking god.

“Concert ninyo. Imposibleng hindi ako pupunta.” Malamig kong sabi. Tinangka ko
siyang lampasan pero hinawakan niya ang braso ko.
“Yang..”

Hinarap ko siya at hinintay na magsalita. Ilang beses muna siyang bumuga ng hangin
bago ako tuluyang hinarap.

“I’m sorry.” Mababa ang tono niyang sabi. Nagiwas lang ako ng tingin bago ko hinila
ang braso ko sa kanya.

“Ayos lang.” wala sa loob kong sabi. Huminga ng malalim si Stanley bago niya
hinawakan ang pisngi ko para pilitin akong makatingin sa kanya.

“It’s not. I’ve been an asshole to you. Ikaw yung sinisi ko sa lahat kahit wala ka
namang kasalanan--“

“Ayos na nga!” tumaas ang tono ng boses ko sa pag-asang titigil na siya sa


pagpapaalala sa akin ng lahat ng nangyari. Ayaw ko ng umiyak. Nangako ako sa sarili
kong hindi na ako iiyak. Hindi na sasambahin ng mga luha ko si Stanley. At kung
hindi siya titigil sa ginagawa niya ngayon, sigurado akong papatak pa rin ang mga
iyon. And the last thing that I want to happen is to cry infront of him.
“Tapos na yun Stanley. Ayaw ko na kayong guluhin ni Leria lalo pa’t ikakasal na
kayo.You bought her a ring. I saw it..” yumuko ako at iniwas ang tingin sa kanya.
Ayaw kong makita niyang nasasaktan pa rin ako kapag naiisip ko ang pagpapakasal
niya.

“Isa pa, I’m moving on.” Halos pabulong ko ng sabi. Lumuwag ang hawak niya sa akin
hanggang sa dumulas na iyon sa braso ko.

“Oh, hell no.” natatawa niyang sabi. Tiningala ko siya at nakita ko ang
determinasyon sa mga mata niya.

“Subukan mo Victoria. Tingnan natin kung kaya mo nga akong kalimutan. But trust me
sweetheart, I won’t make it easy for you. Hell I will make it impossible.” Seryoso
niyang sabi. Ilang beses akong napakurap sa narinig ko.

“AEGIS! Standby na!” sabi ng kanilang stage manager. Humakbang na palayo si Stanley
sa akin. Nasa hagdan na siya ng backstage ng bigla niya akong hinarap.
“Just so you know, birthday ni Leria kaya binilhan ko siya ng singsing.” Nakangisi
niyang sabi bago tuluyang umakyat para makapagsimula na sa kanilang concert.
Nabigla ako sa sinabi niya pero hindi ko na iyon masyadong pinakinggan. Agad
lumiwanag ang buong stage kaya nagpasya na rin akong lumabas para hanapin sina Avvi
at August.

Nagsimula na sila sa greetings nila bago ako nakarating sa mga kabigan ko. Agad
akong hinila ni Avvi at inilagay sa gitna nilang dalawa ni August. Tiningala ko si
Pangit at kinindatan lang niya ako.

“Uhm..” boses ni Stanley ang pumailanlang sa buong stage. Agad nagsigawan ang mga
tao kaya hinintay niya munang tumahimik ang mga ito. Maya maya lang ay nagsimula na
siyang mag-paikot sa drumsticks niya.

“Into my arms baby. Don’t let me die for the second time.” Malamig ang boses niyang
pagkakasabi. Nagsintidigan ang balahibo ko sa narinig. Nanahimik ang buong coliseum
sa sinabi nito. Hindi pa man nakakarecover ang mga tao ay nagsimula na siyang
tumugtog.

Victoria, you’re breaking my heart You’re shaking my confidence daily

Narinig ko ang marahang pagtawa ni August sa gilid ko. Tiningnan ko siya at siniko.
“Akala ko ako lang ang nagpapalit ng lyrics para mapansin. Si Stanley rin pala.”
Natatawa niyang sabi. Kumunot ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang sinabi niya.

“You don’t know the song? Vamps?” tanong niya na para bang isang malaking krimen na
wala akong alam sa kinakanta nila Stanley ngayon. Umiling na lamang ako at nalaglag
ang panga niya sa naging sagot ko.

“Taong bundok.” Bulong niya sa sarili bago humarap ulit sa stage.

Put your hands up You’re surrounded The whole love thing I clowned it Then who’s
the joker? I guess I’m it ‘Cause I let it right go when I found it

Tiningnan ko lamang si Stanley na patuloy pa rin sa pagkanta kahit na nasa tapat


siya ng drums. Doon ko lamang napansin na apat lang sila. Wala si Greg roon.

Time has never been my best suit Now I’ve got everything except you You moved out
of my heart, still got the bruise I’d give it all back to be next to you
Agad kong tiningnan ang mga tao. Marami na rin akong naririnig na bulungan tungkol
sa pagkawala ni Greg. Tiningnan ko ulit silang apat na patuloy pa rin sa pagtugtog.

“Where’s Greg?” malakas na tanong ni Avvi sa akin sa kabila ng sigawan ng mga tao.
Nagkibit balikat lamang ako kahit kinakain na ako ng kaba. Nasaan si G? Kung tama
ang pagkakaalala ko ay wala rin siya kanina noong nasa backstage ako.

Cecilia, you’re breaking my heart You’re shaking my confidence daily Oh Cecilia,


I’m down on my knees I’m begging you please to come home

Tinitigan ko si Stanley. Kitang kita ko ang hirap sa kanya habang tumutugtog at


kumakanta ng sabay. Hindi rin normal ang pagkilos ng tatlo. Lalo na si I. Bakas ang
pagkabalisa sa kanila at alam kong dahil iyon sa pagkawala ni Greg.

Muntik na akong matumba noong may babaeng bumangga sa akin dahil sa kakatalon niya
habang kumakanta. Mabuti na lamang at nahawakan ako kaagad ni August sa beywang at
napigilan ang pagkahulog ko.

“Okay ka lang?” malakas niyang tanong. Tumango lang ako. Hinapit niya ako palapit
sa kanya at isinandal ako sa kanyang dibdib.
“August--“

“Diyan ka lang. Masasaktan ka kapag binitiwan kita. Ang daming tao eh.” Sabi niya
malapit sa aking tenga. Hindi na ako nakipag-away. Hinintay ko na lamang na matapos
nila ang kanta nila.

Cecilia, you’re breaking my heart You’re shaking my confidence daily Oh Cecilia,


I’m down on my knees I’m begging you please to come home

Nagpalakpakan ang mga tao noong matapos na nila ang kanta. Isa isa silang tumayo at
naglinya para bumati. Si Ethan ang kumuha ng microphone at nagkamot ng batok.

“Kaninang umaga..excited ho kami para sa comeback namin ngayon. But while we were
rehearsing, something bad happened to one of our members. Greg’s vocal chords were
pushed to the limit. Kanina, he broke down. Mabigat ho ang pressure ng comeback
naming ito at hindi na niya nakayanan.” Tumigil siya at nanahimik na ang mga tao.

“We were sorry to say..but Greg will never..”


Pumatak na ang luha ko at humigpit ang hawak ko kay August. Naramdaman ko ang
pagkapit niya sa akin lalo.

“Greg will never be a part of AEGIS. His health will be our priority. Hindi ho
namin isusugal ang kaibigan namin.” Matatag na sabi ni Ethan. Agad akong tumalikod
at niyakap si August.

And he was there, holding me firmly.

------------------------------

Song Used:

The Vamps - Oh! Cecilia

*pen<310

=================

Beads And Diamonds On Christmas Day

37

Agad akong tumakbo sa backstage pagkatapos ng kanilang concert. Hinanap ko agad ang
AEGIS at nakitang nagpupunas sila ng kanilang mga pawis. Tumayo sina Stanley
pagkakita sa akin. Lumapit siya at hinawakan ang magkabila kong braso.

“What happened?” basag ang boses kong sabi. Kinakain ako ng takot para kay Greg.
Not Greg. Hindi pwede. Ano na lang ang mangyayari sa AEGIS ngayon?

“He’s fine. Kailangan lang niya ng pahinga.” Alo ni Stan sa akin. Tinitigan ko siya
bago lumipat ang tingin ko sa kambal.

“Gusto ko siyang puntahan. Nasaan siya?”

“Sa ospital kamahalan. He’s still unconscious. His vocal nodules are rubbing
together. Kinailangan munang operahan. Maayos namkan siya. Kailangan nga lang niya
ng pahinga.” Sabi ni Ethan habang hinahawakan ang kamay.

“Makakakanta pa naman siya Toryang. Tatanggalin namin siya sa AEGIS because we


value him more than our career. Makakabalik pa naman siya and our doors will be
open for him. But as of now, kailangan muna niya ng pahinga. Hindi namin alam kung
gaano katagal iyon and I know Greg will not like it kung titigil ang banda dahil sa
pagkawala niya. We already had an agreement. Hahanap kami ng isa pang vocals para
matulungan siya. Habang wala siya, the new one can take his place for the mean time
habang nagpapagaling siya.” dagdag ni Athan. Tiningnan ko s Stanley na nakatingin
lang sa akin. Tinaas niya ang baba ko para matinginan siya ng diretsyo.
“Magiging maayos din ang lahat Yang. Please don’t worry yourself, hindi
makakatulong kay Greg yan.” Malambing niyang sabi. Pinadaan niya ang daliri niya sa
pisngi ko at pinunasan ang luhang hindi ko naman napansin.

“I don’t want you crying sweetheart. Not again.”

“Isa pa pasko ngayon. Papatayin kami ni Greg kapag gumaling na yun at nalaman
niyang pinaiyak ka namin ngayon. Alam mo namang protective sayo yun.” Nakangiting
sabi ni Iñigo sa akin. Tumango na lamang ako at pinilit na ngumiti.

“Come on. Umuwi ka muna at magpahinga. Pasko na mamaya. Be happy for Greg.” Stanley
said. Inipit niya ang buhok ko sa likod ng aking tenga bago siya yumuko at
hinalikan ang noo ko.

“Merry Christmas dustpan.”


----------------------------------------------

“August!” pagbabawal ko sa kanya sa isang daang beses na. Tumawa lang siya at
pinagpatuloy ang paglalaro ng feather sa ilong ko. Hindi ko mahiwa ng maayos ang
sibuyas at mushroom para sa spaghetti dahil sa gulo niya.

“August naman eh!” pinandilatan ko siya. Lumawak lang ang ngisi niya at binaba na
ang feather bago lumapit sa akin.

“Okay ka na nyan?” tanong niya sa akin habang kinakain ang mga brownies na binake
ni Avvi. Tiningnan ko siya at naintinidhan kong ang issue tungkol kay Greg ang
tinutukoy niya.

“I guess so. Kapag sinabi nilang lima na ayos lang, ayos lang. May tiwala ako sa
kanila. And Greg will not turn his back on AEGIS. Magpapahinga lang siya.” dagdag
ko. Kinuha ko ang mantika at asin at inilagay na iyon sa pagpapapakuluan ko ng
noodles.

“Hahanap sila ng isa pang vocals.” Bigla kong sabi. Tiningnan ko si August na
napapangalahati na ang brownies. Agad akong lumapit at inagaw ang kahon sa kanya.
“Oy! Sungit naman! Kumakain pa ako eh!” atungal niya. Tiningnan ko lang siya.

“Humahanap sila ng isa pang vocals.” Paguulit ko. Ngumuso lang siya.

“Mag-audition ka kaya.” Sabi ko sa kanya. Nagpaikot ikot siya sa upuan bago tumigil
noong makaharap na niya ako.

“Ayoko. Kinakabahan ako.” Natatawa niyang sabi. Inirapan ko lang siya at


tinalikuran. Nicheck ko ulit kung kumukulo na ba ang tubig.

“Sungit.”

“Ano?”
“Matagal pa ba? Gutom na ako.” Sabi niya. Lilingunin ko sana siya noong makita kong
nakatingin na rin siya sa niluluto ko. Ang ulo niya ay halos nakapatong na sa
balikat ko habang pinapanood niyang kumulo ang tubig.

“Bakit kasi nandito ka? Umuwi ka na nga.” sabi ko sa kanya para pagtakpan ang
kabang bumalot sa akin sa pagkakalapit naming dalawa. Nilingon niya ako at ngumisi.

“Ayaw ko sa bahay. Ako lang mag-isa.” Anas niya bago ako kinindatan. Lumayo siya sa
akin at bumalik na sa upuan niya. Sumipa sipa siya sa hangin habang parang batang
ngumunguso.

“Yung family mo?”

“Huh? Nasa malayo. Ako lang mag-isa dito.” Nakangiti niyang sabi. Nakagat ko ang
labi ko at hindi ko na napigilan ang aw ako noong malaman na mag-isa lang pala
itong pangit na ito dito.

“Okay, you can spend your christmas here.” Seryoso kong sabi. Nanlaki ang mata
niya sa narinig. Para siyang batang nasabihan na totoo si Santa Claus dahil sa
kasiyahan na bakas sa mukha niya.
“Sinasaniban ka ba Sungit? Ang bait mo yata?” natatawa niyang sabi. Nilabas ko lang
ang dila ko at binelatan siya. Humalakhak lang siya at tumayo. May kinalkal siya sa
bulsa niya at inilabas niya iyon bago inabot sa akin.

“Akin ito?” tanong ko habang tinitingnan ang kwintas na hawak niya. Makukulay iyon
at nylon ang ginamit para pagkabitkabitin ang beads.

“Hindi. Pakihawak lang.” natatawa niyang sabi. Ngumuso ako at inirapan siya.

“Ganda mo kapag nagsusungit ka na.” bulong niya. Tiningnan ko siya at nanlaki ang
mata ko sa narinig.

“Of course sayo yan. Ibibigay ko ba kung hindi?” nangaasar pa rin niyang sabi.
Kinuha niya iyon ay nistretch bago niya iyon sinuot.

“Wag mong tatanggalin ha? Kapag nalulungkot ka, ibulong mo lang sa mga beads,
darating ako nun para pasayahin ka.” Ngising aso niyang sabi. Umismid lamang ako at
tiningnan ang kwintas.
“Yabang.”

“Gwapo eh.”

Tumawa lang ako at sasapukin na sana siya noong nagring ang doorbell namin.
Nagpaalam ako at tiningnan kung sino iyon. Ganun na lang ang gulat ko noong makita
ko si Stanley na nakatayo sa labas. May hawak siyang ilang Tupperware at paperbags.
Tinaas niya iyon at ngumiti sa akin.

“Merry christmas.” Aniya. Ilang beses pa akong napakurap kurap sa imahe niya. Anong
ginagawa niya dito?

“Uy pare, nag-abala ka pa!” boses ni August ang bumasag sa katahimikan naming
dalawa. Agad siyang lumapit kay Stan at kinuha ang mga dala nito. Pinandilatan ko
siya pero hindi niya ako pinansin.

“May hamon? Gara ha?” daldal pa rin niya at iniwan na kaming dalawa ni Stanley sa
labas.
“Anong ginagawa ng unggoy na yan dito?” maangas na sabi ni Stanley. Nilingon ko
siya at nagkibit balikat.

“Dito siya magpapasko.”

“Bakit?” masungit niyang sabi. Hinarap ko siya at napatigil siya sa paglalakad


noong makita akong nilingon siya.

“Bakit hindi? Stan, kaibigan ko siya.” madiin kong sabi. Nanliit lang ang mata niya
habang nakatingin sa akin. Kinagat niya ang labi niya at huminga ng malalim.

“Pinaparusahan mo ba ako?” frustrated niyang sabi. Bumilog ang bibig ko at hindi


agad nakapagsalita.

“Ano?”
“I already told you I am sorry. Kung hanggang ngayon ay galit ka pa rin, then I’ll
apologize again. Kung gusto mo, magpapapresscon pa ako.” Naiirita na niyang sabi.
Bumuka ang bibig ko para magsalita pero naunahan na niya ako.

“But please Victoria. I am not good at sharing. Wala na ang si Athan, unggoy naman
yung papalit. Ilang beses ko bang kailangang magselos ha? Maawa ka naman.” Pagod na
pagod niyang sabi. Sa dami ng mga salita niya ay wala akong naintindihan ni isa.
Ang alam ko lang ay nagwewelga na ang mga paro paro sa dibdib ko at nagigising na
para suportahan si Stanley.

Ang gulo mo Montreal.

“Hindi kita pinapagselos.” Madiin kong sabi, sinusubukang kalmahin ang sarili ko.

“Hindi mo kailangang pagselosin ako para lang magselos ako. Karapatan ko iyon.”
Masungit niyang sabi. Kinuha niya ang kamay ko at pinagkrus niya ang mga daliri
namin bago niya ako hinila papasok sa bahay.
“Sungit, luto mo na yung hamon.” Utos ni August sa akin. Napahinto siya noong
makita niya si Stanley na hawak ang kamay ko. Sinubukan ko iyong hilahin pero
humigpit lang ang hawak niya sa akin.

“Bakit hindi ikaw ang magluto? Ikaw na ngang nakikikain, nanguutos ka pa.” sabi
nito. Nanlaki ang mata ko sa narinig. Tiningnan ko siya ng masama.

“Makikikain ka rin naman ah. Ang arte mo. Hindi ibig sabihin na binili mo ito,
magyayabang ka na.” ganti ni August. Siya naman ang binalingan ko. Ilang beses
nagpabalik balik ang tingin ko sa dalawa. Inirapan ko sila at humigpit ang hawak ko
kay Stanley, tahimik na inuutusan na tumigil na siya.

“Isa pa, bestfriend ako ni Sungit. Diba sungit?” parang bata nitong sabi. Nawalan
ako ng hangin sa narinig. Naramdaman ko ang paninigas ni Stanley sa gilid ko.

“Bestfriend? I am your bestfriend right?” tanong niya sa akin. Napanganga na lang


ako dahil naguguluhan na ako. Anong nangyari sa hamon? Bakit napunta sa kung sino
na ang bestfriend ko?

“Hindi ka niya boyfriend?” tanong ni August. Nilingon siya ni Stanley bago ako
inakbayan.
“Hindi pa.” seryoso nitong sabi. Nagkakatitigan sila ni August at matagal na walang
nagsasalita sa kanilang dalawa. Bumuga ako ng hangin at inalis ang pagkakaakbay ni
Stan sa akin. Nilampasan ko si August na nakaupo sa taas ng sofa at kumakain na
naman ng brownies.

“Ako rin. Hindi niya pa ako boyfriend. Unahan na lang ha, pare?” narinig ko pang
sabi ni August. Napahinto ako sa paglalakad at hinintay ang sasabihin ni Stanley.
Tiningnan ko ito at nakita ko ang pagngisi niya. Sa ibaba ay kumuyom ang palad niya
na nagbabalak na yatang manuntok ano mang oras. Lalapit na sana ako dahil ayaw kong
magkagulo sa loob ng bahay. I can’t handle a brawl between two badboys. Napahinto
lang ako noong lumapit si Stanley kay August at tinapik ang balikat nito.

“Asa ka pa.” mayabang niyang sabi. Naglakad na ito at binangga ang balikat ni
August na muntik ng mahulog mula sa kinauupuan niya. Sumunod siya sa akin.

“That monkey.” Naiinis niyang sabi habang kinakalkal ang jacket niya. May inilabas
siya doong maliit na box at iniabot sa akin iyon.

“Anong--“
“Regalo ko. Buksan mo na.” utos niya. Tiningnan ko muna siya bago inangat ang lid
ng kahon. Napasinghap ako ng makita ang kwintas na tinitingnan niya noon sa jewelry
store. Binili niya iyon?

“Kwintas?” paninigurado ko. Tumaas lang ang sulok ng labi niya.

“Malamang Toryang.” Nangiinis niyang sabi. Kinuha niya ang kahon sa akin at
inilabas ang kwintas. Kuminang ang diamond sa dulo ng kwintas. Tinanggal niya ang
lock niyon at lumapit sa akin.

“Sa susunod, singsing na ibibigay ko sa iyo. Kapag ibinigay mo na sa akin lahat ng


karapatan ko, uunahin kong palitan ang apelyido mo. Itatali na kita sa akin sa
lahat ng paraan na alam ko. Gagawin ko lahat para wala ng magtangkang agawin ka. Sa
simula pa lang, akin ka na Victoria.” Seryoso niyang sabi. Hinawi niya ang buhok ko
at natigilan siya noong makita ang kwintas na binigay ni August sa akin.

“Tanggalin mo yan.” Sabi niya. Umiling ako at hinawakan ang kwintas.

“No.” protective kong sabi. Tinitigan lang niya ako bago huminga ng malalim.
Kinagat niya ang labi niya at hinila ako palapit. Isinuot niya rin ang kwintas sa
akin at ipinatong iyon sa kwintas ni August. Nagkahalo ang beads at ang diamond.
Nakagat ko na ang labi ko habang tinititigan iyon. Hinaplos ni Stanley ang kwintas
na bigay niya bago huminga ng malalim.

“I’ll endure. For the mean time.” Nakangiti niyang sabi. Yumuko siya bago niya
hinalikan ang pisngi ko.

“Merry Christmas Sweetheart.”

-------------------------------

Merry Christmas daw mula sa dalawang badboy!

*pen<310

=================

Kay Stanley Lang

38

“Ano ba kasing ginagawa natin dito?” nagtatakang tanong ni August sa akin. Nilingon
ko lang siya bago hinila papasok sa elevator. Ngumuso siya at tiningnan lamang ako.
“Sungit--“

“May audition ang AEGIS ngayon. And you will join. Sa ayaw mo o sa ayaw mo,
magaaudition ka, kuha mo?” mataray kong sabi. Bumuka ang bibig niya at ambang
magsasalita na sana noong tinaas ko ang isang daliri ko. “August, kakanta ka lang
sa harap nila. No more no less. After that, it’s up to Greg and the others decide
whether they will take you or not. At kung hindi ka man makuha, atleast you tried.”
Mahaba kong litanya sa kanya. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at pinaglaruan
iyon.

“Wala akong alam kantahin. Wala pa akong dalang kahit na anong CD.” Reklamo niya.
Ngumuso lang ako at namulsa.

“Edi kumanta ka ng bahay kubo kung wala kang alam kantahin.” Pagbibiro ko. Tumango
si August at hindi na nagsalita pagkatapos niyon. Nauna siyang lumabas ng elevator
at sinundan na lamang ang mga signs papunta sa audition room.

Nasa hallway pa lang kami ay ganun na lang ang pagkamangha ko sa mga lalaking
nakalinya sa gilid. Aabot hanggang dulo ang pila at tantya ko ay meron pa sa labas
dahil naglalagay pa sila ng mga upuan sa kabila.
“Alis na tayo.” Sabi ni August at biglaan na lang tumalikod. Nabangga ako sa braso
niya. Mabuti na lamang at nahawakan niya ang siko ko dahil muntikan na akong
matumba sa lakas ng pagkakabangga ko. Tiningala ko siya at pinandilatan.

“Uwi na tayo.” Nanginginig niyang sabi bago lumingon sa hilera ng mga lalaki.
Pinandilatan ko siya bago pinameywangan.

“August, umayos ka.”

“Ayoko na nga kasi. Kinakabahan ako. Atsaka, andami namin. Sa tingin mo makukuha
ako? Kahit anong gawin ko hindi ko mapapantayan si Greg. Baka nga may mas magaling
pa sa akin dito.” Aniya. Tiningnan ko lang siya at hinintay kumalma. Ng matapos na
siyang magsalita ay hinila ko na siya at pinaupo sa dulo. Tumabi ako sa kanya at
tinitigan siya.

“I grew up with Greg. I heard you sing. Kilala ko ang AEGIS. Just trust me August.
Kung may gusto man akong dumagdag sa kanila, ikaw na yun. Hindi mo kailangang
pantayan si Greg. You have your own signature Pangit. They all have their own. That
is what makes you perfect for them.” mahaba kong sabi. Huminga lang siya ng malalim
bago niya sinandal ang ulo sa pader.

Matagal walang nagsasalita sa amin. Kinailangan ko na rin siyang iwan noong


dumating ang mga susunod na batch ng autionees na uupo sa lugar kung saan ako
nakapwesto. Nilingon ko si August bago kumaway. Alanganin siyang ngumiti habang ako
naman ay dumiretsyo sa stage kung saan ginaganap ang audition. Hindi naman ako
nagkaroon ng problema dahil kilala na ako sa Wave. Madali lang akong nakapasok.
Dumiretsyo ako sa likod at pinanood ang ginaganap na audition. Nandoon ang apat at
kasalukyang bored na nanonood sa lalaking sumasayaw sa gitna. Napataas ang kilay
ko.

“AEGIS don’t dance.” Natatawang sabi ng katabi ko. Nilingon ko siya at nakitang si
Leria pala ang nasa gilid ko.

“Hi.” Nakangiti niyang sabi sa akin. Pinasadahan ko siya ng tingin. Nakasuot lamang
siya ng shorts na may shortage sa tela at blouse na see-through ang bandang tiyan.
Napaismid ako sa itsura niya. Well, hindi naman sa naiinggit ako. I have a body to
die for too. It’s just that, I don’t see the need to flaunt it the way Leria is
flaunting hers.

“Hello.” Bati ko na rin. Binalik ko ang tingin ko sa stage kung saan nagpalit na ng
nagaaudition.

“Kamusta na kayo ni Stan?” aniya. Nilingon ko siya bago nagkibit balikat.

“Inaway niya ako noong birthday ko. Nalaman na pala niyang ako ang nagpaalis sayo.”
Sabi niya habang bahagyang natatawa. Inis ko siyang nilingon. Pinandilatan ko siya
sa abot ng aking makakaya. Hindi ko mapigilan ang pagkulo ng dugo ko sa inaasta
niya.

“Sa tingin mo nakakatawa yun? You cheater!” I hissed. Nilingon niya ako bago niya
hinawi ang mahaba at tuwid na tuwid niyang buhok.

“Kung ikaw ang nasa posisyon ko noon, gagawin mo rin ang ginawa ko. No need to act
as if you are a fucking saint Victoria.” Malamig niyang sabi. Napanganga ako at
magsasalita pa sana noong tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay
umiling na lamang siya.

“You’re not even worthy of him.” bulong niyang narinig ko naman. Agad siyang
naglakad palayo at pumunta sa lamesa ng AEGIS. Umupo siya sa tabi ni Iñigo at
nakinood na rin. Nakita kong may binulong siya kay I na natawa na lang. Nilingon
ulit ako ni Leria at ngumiti na para bang wala siyang sinabing kahit na ano sa akin
kanina. Napanguso na lang ako sa inasta niya.

Bitch.

Inayos ko ang buhok ko at muli na lang nanood. Hindi ko talaga lubos maisip na
pinagsalitaan ako ni Leria ng ganun. What happened to the sweet girl I met before?
Iyong babaeng nagkakandahirap sa pagdadala ng tarp ng AEGIS? Hindi ako makapaniwala
na naging sila ni Stanley. With her attitude, I will bet my ass that Stan would
have thrown her the moment she opened her mouth. Napakaarte.
Napadiretsyo ako ng tayo noong makita kong si August na ang pumapanhik sa stage.
Pinukpok niya ng marahan ang microphone bago tumingin sa paligid na para bang may
hinahanap. Tinaas ko ang kamay ko at kinawayan siya.

“AUGUST!” sigaw ko. Napalingon lahat sa akin, pati na rin ang AEGIS ng marinig ako.
Nanahimik ang buong kwarto at napako ang tingin sa akin. Nabasag lamang ang
katahimikan noong tumawa si Leria at pinalo ang balikat ni Stanley.

“God Stan, look at your face.” Natatawa niyang sabi. Hindi siya pinansin ni
Stanley. Nanatili lamang ang matatalim niyang titig sa akin kaya nagbaba na ako ng
kamay. Nagsitindigan ang balahibo ko sa mga titig niyang iyon. Napalunok ako at
pinilit na ibaling na lamang kay August ang buong atensyon ko.

“Goodafternoon. August Yturralde here.” Ngumisi siya pagkasabi niyon. Nagtilian ang
ilang mga babae noong lumitaw ang dimples niya. Umirap ako sa nakita. Kanina lang
kabadong kabado siya, ngayon naman ang landi landi na niya. Baliw talaga.

Si Ethan ang nagsabi rito na magsimula na. Tumango lamang si August bago niya
hinubad ang jacket niya at iniwan ang puting shirt niya. Tinanggal niya ang
microphone sa stand at umupo sa gilid ng stage.
“Bahay kubo, kahit munti, ang halaman doon ay sari-sari.”

Nalaglag ang panga ko ng marinig ko ang kinanta niya. Ngumiti siya at tinuro ako
bago siya nagsimulang tumalon talon sa stage na para bang rock ang kinakanta niya.

“Puno ng linga! Yeah!” pagtatapos niya. Aaminin ko, magaling talaga si August.
Nakaya nga niyang kantahin ang bahay kubo sa ganong paraan at nagmistulang concert
lang niya ito. Pero baka isipn ng mga itlog na nagloloko lang ito. Sa lahat naman
kasi ng kakantahin eh.

Umalis na siya sa stage at nagpatawag muna sina Stanley ng break. Umalis silang
apat sa lamesa nila, nakasunod si Leria sa kanila. Kumaway si Ethan sa akin at
nginitian ko siya. Naglakad sila papunta sa akin.

“You know him?” si Athan ang nagtanong. Kumunot ang noo ko at napagtantong si
August ang sinasabi nito. Ngumiti ako bago tumango.

“Kaibigan ko.” magiliw kong sabi. Tumango lamang ito.


“Aw, selos ka A? Nagseselos rin si Stanley.” Natatawang sabi ni Leria sa akin.
Kumindat pa siya noon.

“Shut up Ria.” Pagbabawal ni Stanley dito. Ngumisi lang si Ria at nagkibit balikat.

“If you’re done with the audition, I’ll tell my Dad about the results. Ako na rin
ang pupunta kay Greg para sabihan siya.” anas niya. Tumango lang sina Ethan dito.

“Ciao!” maarte niyang sabi bago tuluyang umalis. Bumaling ako kina Athan.

“Tapos na? May mga tao pa sa labas.” Nagtataka kong sabi. Ngumiti lamang si Ethan.

“We already saw what we want. Si August.”


“Sinabi ko ng ayaw ko sa kanya.” Matigas na sabi ni Stanley. Nagpabalik balik ang
tingin ko sa kanila ni Ethan. Namulsa lamang si E at natawa.

“Apat kami, isa ka lang. S, that’s pure talent out there dude. He’s the perfect
match for Greg’s voice. Magandang blending ang mangyayari kapag sabay na silang
kumanta.” Katwiran ni Ethan.

“Isa pa, pumayag na si Leria sa kanya.” Dagdag ni I. Napanguso si Stanley at inis


akong tiningnan.

“This group is too small for two badboys.” Iritado niyang sabi. Tinapik lamang siya
ni Ethan sa balikat bago ako tiningnan.

“Malay mo, one can become a good boy. Wala pa ang AEGIS ng ganun.”

Inis na inalis ni Stanley ang pagkakaakbay ni Ethan sa kanya bago tiningnan ang mga
ito. Lumapit siya sa akin at hinawakan ang pulsuhan ko bago ako hinatak palayo sa
mga tao. Narinig ko na lamang ang malalakas na halakhak nila Ethan sa ginawa ni
Stanley.
“Selos lang yan S!” sigaw pa nito bago tuluyang sumara ang pintuan. Nagmamadali
niya akong ipinasok sa isang utility room at sinindi ang ilaw roon.

“What the hell was that?!” nangggalaiti niyang sabi habang nakaturo sa labas.
Kumunot naman ang noo ko dahil hindi ko nakuha ang ipinupunto niya.

“What what?”

“Tangina Victoria! Sinisigaw mo yung pangalan niya! Sa harap ko!” sigaw niya.
Napuno ng kulay pula ang mukha niya. Mukhang konting tulak na lang ay titirisin na
niya ako sa sobrang galit na nakabakas sa mukha niya.

“You told me you will not make me jealous.” Nanghihina niyang sabi. Tumingin siya
sa akin na para bang pagod na pagod na. Lumapit siya sa akin kaya napahakbang ako
paatras.

“H-hindi..no..” natataranta kong sabi habang naglalakad palayo rito. “H-hindi ko


sinasadya.” Nagmamadali kong sabi. Napasinghap ako noong tumama na ang likod ko sa
pader. Agad niyang inilagay ang kamay niya doon, eventually trapping me.
“Talaga lang huh?” nanguuyam niyang sabi. Tinitigan ko siya at napasinghap na lang
ako sa lapit niya sa akin.

“You enjoy this. You enjoy seeing me like this, aren’t you?” bulong niya.
Pinaglandas niya ang daliri niya sa pisngi ko. “Gustong gusto mo kapag nakikita mo
akong nababaliw dahil sa selos, hindi ba?”

“Stanley..” tanging nasabi ko. Hindi na kayang gumana ng utak ko dahil wala na
itong naririnig kung hindi ang tuloy tuloy na kalabog ng dibdib ko. Inilagay ko ang
kamay ko sa dibdib niya at pilit siyang itinutulak palayo pero kinuha lamang niya
iyon at hinawakan ng mariin.

“You are so ruthless Sweetheart.” Lumapit siya sa akin at idinikit niya ang bibig
niya sa aking tenga. Nanigas ako sa kinatatayuan ko ng maramdaman ko ang pagdampi
ng labi niya sa aking leeg. Nanginig ako ng maramdaman ang halik niya sa akin.

“Kahit wala kang gawin, magseselos pa rin ako. Tumingin ka lang sa iba, nagseselos
na ako. Ngumiti ka lang, kumaway ka lang, makipag-usap ka lang sa iba, para na
akong namamatay Yang. Gusto ko akin ka lang. Gusto kong ako lang.” marahan niyang
bulong. Naipon ang hangin sa aking dibdib sa narinig. Hinawakan niya ang pisngi ko
at pinilit akong tumingin sa kanya.
“You have so much power over me Victoria. Kayang kaya mo akong durugin. Tumingin ka
lang sa iba, masisira mo na ako. You won’t even sweat Sweetheart.” Natatawa niyang
sabi. Dumaan ang hinlalaki niya sa labi ko at parang lasing iyong tiningnan.

Bumaba ang ulo niya at binigyan ako ng dampi sa labi. Bumuka ang bibig ko para
magprotesta pero hinalikan lamang niya ako ng mas malalim. Hinawakan niya ang batok
ko at mas lalo akong idiniin sa pader.

“Fuck you--“ sabi ko noong humiwalay siya sa akin. Galit na galit ko siyang
tinitigan. Pilit na pinagtatakpan ang epekto ng halik niyang iyon sa akin. No, I
won’t let him see it. Kinakalimutan ko na siya. Hindi na ako papayag na makapasok
ulit siya. He can’t knock on my door as if he has every right to do it. Sinaktan
niya ako. Inaayos ko pa lang ang mga sir ako na mula sa kanya.

Lumayo ako ng kaunti sa kanya. Agad kong pinunasan ang bibig ko at nanlalaki ang
mga matang tiningnan siya. Ngumisi lang siya at hinila ulit ako.

“Not yet. Wag kang excited.” Maangas niyang sabi at sinara ang distansya ng mga
labi namin. Ungol na lang ang lumabas sa aking mga protesta. Kinuha niya ang mga
kamay ko at inilagay iyon sa ibabaw ng aking ulo at mas lalo pang pinalalim ang
halik. Dumaan ang labi niya sa gilid ng aking bibig bago niya muli iyong sinakop.
Kapwa kami hinihingal noong humiwalay siya sa akin. Idinikit niya ang noo niya sa
noo ko bago muling nagsalita.

“Hindi mo na ulit isisigaw ang pangalan ng unggoy na yun Victoria. O kahit na


sinong lalaki. Pangalan ko lang. Ako lang. Akin lang.” anas niya. Humiwalay siya ng
kaunti sa akin at tinitigan ako gamit ang nakakalunod niyang mata. Napalunok ako at
nag-iwas ng tingin ngunit hinawakan niya ang leeg ko.

“Kay Stanley Philip Montreal lang Sweetheart.” Pinal niyang sabi bago siya yumuko
at muli akong hinalikan.

---------------------------------

*pen<310

=================

Nakakapagpagaan

39

Parang hilo ako noong lumabas na ako sa utility room. Hindi pa ako hihiwalayan ni
Stanley kung hindi pumasok ang isang janitor para kumuha ng mop. Nang makaalis kami
ay kinailangan na rin ni Stanley na mauna dahil may guesting pa sila sa isang TV
show.

Agad kong hinanap si August pagkaalis ni Stanley. Ilang beses kong ginustong
sabunutan ang sarili ko sa nangyari. Shit. Damn.

Ilang mura pa ang nakuha ng sarili ko. Ang tanga ko. Naiinis ako. Hinayaan kong
halikan niya ako. Nang dalawang beses. Sinong matutuwa doon? Anong klaseng
pagmomove on itong ginagawa ko? Nanakainis! Nakakafrustrate kang Montreal ka!

“Anong nangyari sayo?” takang tanong ni August. Hindi ko napansin na nasa harap ko
na pala siya at nagattaka kung bakit ko hinihila ang kulot kong buhok.

“Ha?”

Humakbang siya papunta sa akinbago yumuko. “Kinagat ba ng bubuyog yang bibig mo?
Namamaga ah.” Tanong niya habang nakatingin sa aking labi. Inalis ko ang kamay niya
at umirap.

“Baliw.”
“Nagsusungit ka na naman.” Natatawa niyang sabi. Lumapit siya lalo at inakbayan
ako. Pagkatapos ay huminga siya ng malalim.

“Ayos lang ba yung kanina? Pakiramdam ko nagkalat ako.” Aniya. Ngumuso lang ako at
pinandilatan siya. Kung alam mo lang. Mas pa sa ayos yung nagawa mo. Pero ayaw kong
ako ang magsabi na pasok na siya. Bahala siya sa buhay niya.

“August!”

Napalingon kami noong may tumawag sa kanya. Nakita ko ang manager ng AEGIS na
papalapit sa amin. He smiled before extending his hand to August. Ngumiti rin siya
sa akin kaya tinanguan ko lang siya.

“The President wants to talk to you.” Aniya. Nilingon ako ni August at napanganga
siya. Tumingkayad ako ng kaunti at bumulong.

“Hala ka, ipapakulong ka na nila. Binastos mo kasi yung bahay kubo.” Pagbibiro ko.
Tumaas lang ang kilay niya bago niya hinawakan ang kamay ko.
“Isasama ko po siya.” biglaan niyang sabi. Bumuka ang bibig ng manager pero
inunahan siya ni August.

“Moral support lang po.” Parang bata niyang sabi bago niya ipinulupot ang kamay ko
sa braso niya at hinigpitan ang hawak sa akin. Sinundan namin si manager bago kami
pumasok sa opisina ng presidente. Nahigit ko ang hininga ko noong makita si Leria
na nakaupo roon at nagbabasa ng mga papeles.

“Paano yung pelikula ni Sunshine? Diba nagkaroon na ng usapan roon?” tanong niya sa
sekretarya niya habang nakapokus sa mga binabasa niya. Tumikhim si Manager kaya
tumingala ito. Nanliit ang mata niya habang nakatingin sa akin bago lumipat ang
mata niya kay August. Tumayo siya at lumapit dito.

“Leria Morales.” Pagpapakilala niya kay August. Binigyan niya ito ng matamis na
ngiti at kulang na lang ay halikan pa ito sa pisngi. Hindi ko mapigilang hindi
kumulo ang dugo ko. Ang landi.” Napuntahan na ba si Greg?” baling niya ulit sa
sekretarya niyang tumango lamang. Pinaupo niya kaming dalawa bago may kinuhang
folder.

“Usually, our talents undergo workshops. How they talk, act, speak, how they bring
their selves in public. We train them to become artists with talents and
confidence. Pero sa kaso ng AEGIS ngayon, kailangan ka naming madaliin. If you will
sign the contract, magsisimula ang training mo ngayong linggo rin. While you are
having your training, you will also have to join several interviews and
appearances. Hindi ka muna sasama sa AEGIS. Ibibuild up ka namin bilang individual
artist. At the end of the month, isasama ka na sa AEGIS. You will star in their MV
for their carrier single. Papalitan mo muna si Greg for the mean time.” Tuloy tuloy
niyang sabi. Nakatitig lang ako sa seryosong mukha ni Leria habang nagsasalita.
Clearly, she is the president. But still, bitch pa rin siya.

“T-tanggap ako?” hindi makapaniwalang sabi ni August. Natawa si Leria bago niya
pinagkrus ang kamay sa dibdib niya. Hindi ko alam kung sinasadya ba niya pero
lumitaw ng bahagya ang cleavage niya at napalingon si August doon.

“After singing bahay kubo that way, tanga na lang ang hindi tatanggap sayo babe.”
Malandi niyang sabi. Biglang bumukas ang pinto at pumasok si Athan doon. Napatingin
siya kay Leria bago nanliit ang mata niya.

“Why are you here? May interview kayo hindi ba?” masungit niyang sabi kay Athan.
Nilingon lang niya ako bago niya binalik ang tingin niya kay Leria. Namulsa lamang
ito bago siya lumapit sa amin. Nilahad niya ang kamay niya kay August. Tumayo naman
si Pangit at tinanggap iyon.

“Welcome sa AEGIS.” Tipid niyang sabi.

“Gwapo mo pala sa malapitan.” Parang tanga niyang sabi. Napapalo na lang ako sa
noo. Geez, August, way to go.
“Athan, bumalik ka na nga sa studio!” naiinis na sabi ni Leria. Tiningnan lang siya
ni Athan bago nagkibit balikat.

“Naiinip na ako.” Simpleng sabi niya bago tinapik si August sa balikat. Nginitian
niya ako bago umupo sa sofa.

“Damn it! Ang tigas ng ulo mo.” Frustrated na sabi ni Leria bago muling bumaling sa
amin ni August. “We will have the shooting for the music video after christmas,
will that be okay?” tanong niya ulit.

“Sama ka na rin Toryang. Doon na tayo mag New Year” sabat ulit ni Athan.
Pinandilatan lamang siya ni Leria bago napailing na lang.

“Okay lang.” masayang sabi ni August. Ngumiti si Leria bago niya kinuha ang
kontrata at binigay iyon kay August.

“Nandito na rin naman si Tori, she can help you with the contract. Same contract
lang yan with the other members. But you can still review it. We will expect the
contract before new year sana. Kapag ready ka ng pumirma, I can arrange a
conference for the signing.”

“Sure.” Nakangiting sabi ni August. Kinamayan niya si Leria bago kinuha ang
kontrata.

“Welcome to AEGIS.”

--------------------------------------

“Sungit, libre kita. Gusto mo?” masayang sabi ni August habang nakasakay na naman
sa kanyang skateboard. Ngumuso lang ako at tiningnan siya ng matalim.

“May pera ka?”

“Kumuha ako sa alkansya. Tara, fishball.” Sabi niya bago hinila ang kamay ko at
dinala ako sa tindahan ng turo turo. Kumuha agad siya ng baso at binigay sa akin
ang isa.
“Halagang thirty pesos lang ha? 100 lang dala ko. Bibili pa tayong inumin.”
Natatawa niyang sabi. Tumingkayad ako at sinapok siya.

“Pangit, ang kuripot mo.” Natatawa kong sabi. Ngumuso lang siya bago ako
kinindatan.

“Ganyan talaga ako manligaw.”

Napanganga ako sa sinabi niya pero bago pa man ako makapagtanong ay tumalikod na
siya at kumuha na agad siya ng kwek kwek at Betamax.

Tinitigan ko lang ang likod niyang abala sa pagkain ng tusok tusok. Napahinga ako
ng malalim habang nakatingin sa kanya.

August is not that bad. Masaya siyang kasama. Kwela. Mabait. And if I want to fall
inlove again, pipiliin kong siya ang sunod na mahalin. Nasa kanya na lahat ng
katangian na gugustuhin ng isang babae sa isang lalaki. He is perfect.
At kung gusto kong magmove on, kailangan kong magmahal ulit.

“August!”

Humarap siya sa akin at pinagtaasan ako ng kilay. Ngumiti lang ako at lumapit sa
kanya. Nilagyan niya ng laman ang baso ko habang binibilang kung magkano na ang mga
iyon.

“Salamat.” Nakangiti kong sabi.

“Bait mo yata ngayon?”

“Ayaw mo? Sige, magsusungit na lang ako.” Paghahamon ko. Tumaas ang sulok ng labi
niya kaya lalong lumalim ang dimple niya.
“Mas gusto ko yun. Nanginginig ako kapag sinusungitan mo ako. Ganda mo kasi
magtaray.” Parang wala lang na sabi niya. Agad kong naramdaman ang pamumula ng
pisngi ko sa sinabi niya.

“Baliw.” Sabi ko na lang para mawala ang awkwardness. Humalakhak lang siya at
hinila ako papunta sa ilalim ng punong mangga. Umupo kami roon habang kumakain ng
fishball.

“Salamat ha?”

Tiningnan ko siya.

“Saan?” tanong ko pero ngumiti lang siya. Kumain ulit siya ng fishball bago
sumandal sa puno. Pinaglaruan niya ang isang fishball gamit ang stick.

“Kinakabahan ako Sungit. Alam mo na, beterano silang lima. Sabay sabay silang
lumaki. Kaya nilang gawin lahat ng kaya ko. Sa tingin mo, matatanggap nila ako?”
nanginginig niyang tanong. Ngumiti lang ako at tumango.
“Ofcourse. Mabait ang AEGIS..well..sort of.” Natawa ako sa sinabi bago nagseryoso.
“Lahat sila may moments naman. Madalang lang magsalita si Athan, Ethan is his
opposite. Iñigo is really rude, pero mabait yun at sweet, pinakasweet sa kanilang
lima. Si Greg ang pinakamabait at pasensyoso. And Stanley..” natigilan ako sa
pagsasalita at nagkibit balikat.

“Hindi niya ako gusto.”

“Well, I am their queen. And when I like someone, they will have to learn to like
him too.” Madiin kong sabi. Bahagya siyang namula sa narinig.

August? Blushing?”

“You like me?” hindi makapaniwalang sabi niya. Hindi ko mapigilang irapan siya.

“Kahit pangit ka, gusto kita. Kaibigan kita hindi ba?” natatawa kong sabi. Nalaglag
ang panga niya bago hinawakan ang dibdib.
“Ouch. Friendzoned ako kay crush.” Parang baliw niyang sabi. Napahalakhak ako ng
malakas sa itsura niya.

“Akala ko pa naman, may pag-asa na ako sayo.” Natatawa niyang sabi. Tinitigan ko
siya bago ko kinagat ang labi ko. Huminga ako ng malalim at tinitigan siya.

“Seryoso ka ba sa sinasabi mo August? O pinagtritripan mo ako?” seryoso ko ring


tanong. Ngumiti si August at ginulo ang buhok ko.

“Sa tingin mo Sungit?”

Inalis ko ang kamay niya at ngumuso.

“Baliw ka talaga Pangit.” Naiinis kong sabi. Tumayo siya at bigla na lang akong
hinila patayo. Hinawakan niya ang magkabila kong braso at seryoso akong tiningnan.
“Basta ang alam ko lang, kapag nandiyan ka, napapagaan mo lahat ng bagay sa paligid
ko.” aniya. Napanganga ako at hindi na nakapagsalita.

Tahimik lamang kaming naglalakad pauwi sa amin. Hinatid niya ako at katulad ng gawi
niya, kumukuha siya ng gumamela sa kapitbahay at binibigay iyon sa akin.
Napapanguso na lang ako sa tuwing ginagawa niya iyon.

Nang makarating kami sa bahay ay nagpaalam na ako sa kanya. Kumaway lamang siya
bago sumakay sa kanyang skateboard. Hinintay kong mawala siya sa paningin ko bago
ako tuluyang pumasok. Pagkabukas ko ng pintuan ay ganun na lang ang gulat ko ng
makita ang mga bulaklak na nakakalat sa sala.

“Anong?” nagtataka kong tanong habang tinitingnan ang mga Stargazers na nakalagay
sa centertable. Kunuha ko iyon at hinanap kung may card ba iyon. Nang makakita ako
ng isa ay agad kong binuksan.

‘Have a nice day Sweetheart.’


Napabuntong hininga na lang ako at agad ng binaba ang bulaklak. Nakagat ko ang labi
ko ng di oras. Ginulo ko na naman ang buhok ko habang nagtataka na talaga sa
ikinikilos niya. Hindi ko na talaga alam ang nangyayari.

Ang gulo mo Montreal.

-------------------------------

Jersey number ni Lay yung 10 :)

*pen<310

=================

Leria Morales

40

Wala po UD bukas.

----------------------------------
Garden na ang bahay ko. Chocolate factory na ang buong kusina ko. Hindi ko alam
kung anong trip ni Stanley sa buhay niya. Hindi ko rin alam kung ano ang
pinaglalaban niya sa ginagawa niya ngayon. Basta ang alam ko lang, naiirita ako sa
pangungulit niya. He is playing again damn it. Hindi ako tanga. Alam ko namang sila
ni Leria, at kahit hindi sila ikakasal, may relasyon pa rin sila. And that doesn’t
help anything now. Mas lalo lang lumalalim ang galit ko sa kanya.

“Ready ka na?” excited na tanong ni Avvi sa akin. Lumapit siya sa akin bago
nangalumbaba sa lamesa.

“Gusto kong sumama. Si Daddy kasi eh.” Maktol niya. Napangiti na lamang ako. Avvi’s
Dad did not agree on the trip. Gusto kasi nitong makasama si Avvi sa bagong taon.

We will go to Baguio today. Sa resort nila Leria gagawin ang shooting para sa Music
Video ng AEGIS.Itong music video na rin ang gagamitin nila para ipakilala ang
bagong myembro ng AEGIS.

“Kekwentuhan na lang kita.” Sabi ko. Ngumuso lamang siya at tinulungan ako sa
pagaayos ng gamit. Maya maya lang ay may nagdoorbell na sa amin. Agad kong
hinalikan ang pisngi ng kaibigan ko bago lumabas. Nakita ko agad si Ethan na
dumiretsyo kay Avvi.
“Misis!” sigaw niya at tinakbo ang kaibigan ko. Nilingon ko silang dalawa at natawa
na lang ng makita kong inirapan lang ni Avvi si E. Bumaba si August sa van at
kinuha ang bag ko. Ngumiti siya sa akin bago niya tinapik ang ulo ko.

“Gwapo ko diba?” panloloko niya. Tinaas taas niya pa ang kilay niya. Napailing na
lang ako at sumakay na sa van nila. Napahinto ako sa pagpasok noong makita ko si
Stanley na nakasakay na roon at ang tanging bakanteng pwesto ay sa tabi niya.

Nilingon niya ako bago niya tinanggal ang earphones niya. “Sit Victoria.” Utos
niya. Umirap lang ako at umupo sa tabi niya.

Bumukas ulit ang pintuan at pumasok roon si August. “Usog ka Sungit.”

Agad gumalaw si Stanley at tinulak ako para mawalan na ng lugar si August.

“Doon ka sa likod.” Matigas niyang sabi. Tumaas ang sulok ng labi ni August at
tinulak ako para magkaroon siya ng mauupuan.
“Asa ka pa.” matapang na sabi ni August. Ngumiti siya lalo, iyong mapangasar na
ngiti na nakakapagpakulo talaga ng dugo ng kahit na sino.

“Aba’t---“

“Will the two of you just shut up! Itatapon ko kayo sa labas!” inis na sabi ni
Leria. Nanahimik na ang dalawang lalaki. Lihim akong nagpasalamat sa kasungitan ni
Ria dahil napatigil niya ang dalawa. Umusog ako ng kaunti at pinandilatan si
Stanley. Napailing na lang siya at nagbigay ng lugar kay August. Napahinga na lang
ako ng maluwag dahil akala ko ay makikipag away pa itong Montreal na ito. Mabuti na
lamang at hindi.

“Dito ka.” Bulong niya bago niya ipinulupot ang kamay niya sa beywang ko.
Napasinghap ako at tiningnan siya.

“Stanley! Ano ba.. nandito si Leria..” naiinis kong sabi. Tumaas lamang ang kilay
niya bago niya kinagat ang labi niya at napangiti na lamang. Tiningnan niya si Ria
at sinundan ko ang titig niya. Leria was watching us at the rearview. Agad akong
pinamulahan ng pisngi. Geez, Montreal.

“Yung mga galawan mo Badboy. Kung sanang dineretsyo mo na lang.” sabi ni Ria.
Nilingon ko siya at nakita kong natatawa lamang siya sa aming dalawa ni Stanley.
Wait.. hindi siya galit?

“You’re not mad?” Biglaan kong nabulalas. Nilingon niya ako bago nagkibit balikat.

“Why would I be?”

“Stan’s your boyfriend, right?” tanong ko. Natahimik ang buong AEGIS sa naging
tanong ko. Ngumiti lamang si Leria at inayos ang shades niya.

“No. He’s just my friend Victoria. And I don’t do boyfriends.” Sagot niya bago
pumikit. Tiningnan ko si Stanley na nakatingin lang sa akin. Inayos niya ang buhok
ko at ngumiti. Tinitigan niya ang mukha ko na para bang minememorya niya ang lahat
ng naroon.

Umiwas ako ng tingin at kinuha ko na lamang ang phone ko at earphones. Nagbrowse


ako sa mga kanta ko noong sumandal si Stanley sa akin.
“Du bist mien dustpan.”

----------------------------------

Nakatulog ako sa buong byahe namin sa Baguio. Nagising na lamang ako at nakita kong
nakasandal pa rin si Stanley sa akin habang ako naman ay nakasandal kay August na
katulad ko ay tulog rin. Ginising ko silang dalawa at sabay sabay kaming bumaba.
Agad akong nanginig noong umihip ang hangin.

“Ang lamig..” nanginginig kong sabi. Agad lumapit si Athan sa akin at nilagyan ng
jacket ang balikat ko. Ngumiti ako at hinigpitan ang kapit roon.

“Salamat A.” nakangiti kong sabi. Ngumiti lang siya at inayos ang buhok niya.
Luminga siya sa paligid na para bang may hinahanap.

“Una na ako.” Paalam niya bago nilapitan si Leria at hinila ito palapit sa kanya.
Nakita ko pa kung paano siya itinulak ni Ria at naglakad palayo. Napanguso naman
ako sa nakita.
“Sungit!”

Humarap ako kay August na lumalapit sa akin. Maya maya ay yumuko siya.

“Uy--“

“Yung sintas mo nakalas. Madadapa ka niya eh.” Naiirita niyang sabi. Tinali niya
iyon bago siya tumayo. Ngumiti siya pagkatapos at inayos ang buhok ko.

“Una na ako ha? Magbibihis pa ako. Start na daw kami.” paalam niya. Tumango lamang
ako at sumunod na sa kanya. Nakita ko ang ilang mga tent na nakaset na sa gitna ng
garden ng resort. May isa ring stage roon. Tantya ko, doon kukuhanan ang parte ng
buong banda. Nilingon ko ang buong lugar at doon ko nakita ang AEGIS na nagbibihis
na. Nilalagay na rin ang mga gagamitin nilang instrumento. Mahigit isang oras rin
silang inayusan bago sila pumunta sa make-shift stage na iyon. Agad pumwesto ang
apat sa mga instrument nila habang naninibago naman si August noong siya ang tumayo
sa mic stand.

“Just the refrain.”pagbibigay direksyon ng kanilang director. Sabay sabay tumango


ang lima. Sinenyasan lang ni August si Stanley at nagsimula na itong tugtugin ang
drums niya.
I was there for you

In your darkest times

I was there for you

In your darkest nights

Ang akala kong mabilis na take ay umabot hanggang sa paglubog ng araw. Ilang beses
silang nagkamali sa pagtugtog, mostly. May mga panahon naman na mismong si Leria at
nagpapatigil dahil hindi siya satisfied sa facial expressions at sa koneksyon ng
AEGIS. Hindi na ako nagulat roon. LAhat sila ay nagaadjust kay August. Sa huli ay
walang nagawa si Leria kung hindi patigilin muna ang shooting at papagpahingahin
ang lima. Inakay niya kami sa hallway at pinakain ng dinner.

“Sungit, pahinging juice.” Bulong ni August sa akin. Kinuhanan ko siya habang siya
naman ay abala sa paglalagay ng gulay sa aking plato. Agad akong natigilan sa
ginawa niya.

“Hindi siya kumakain ng gulay.” Si Stanley ang nagsalita at kinuha niya ang plato
ko at pinalitan ng bago.
Si Stanley na ang naglagay ng ulam sa aking plato bago niya iyon inabot sa akin.
“May gusto ka pa ba?” tanong niya. Inabot ko iyon bago umiling na lamang. Tinitigan
ni Stanley si August bago napangisi na lamang. Siniko ko si August at nakita kong
napangisi na lang siya.

“Naiinis na ako diyan.” Mariin niyang bulong. Nilingon ko siya at natawa pero agad
din iyong nawala noong makita ko ang seryoso niyang mukha.

“Hindi pala ako naiinis. Sungit, nagseselos ako.” Seryoso niyang sabi bago
nagpatuloy sa pagkain. Hindi na ako nakapagsalita at nanahimik na lamang.

Naunang natapos si August sa pagkain. Habang hinihintay niya akong matapos ay


pinaglalaruan niya ang buhok ko. Tinitirintas niya iyon pagkatapos ay kakalagin
niya ulit. Nang mainip siya ay bigla siyang yumuko at hinalikan ang pisngi ko.
Gulat akong napatingin sa kanya.

“AUGUST!”pagista ko sa kanya. Ngumisi lamang siya at pinaglaruan muli ang aking


buhok.

"Nanglalambing lang Sungit." sabi niya ulit bago ako hinalikan sa tungki ng ilong.
Hindi na ako nakagalaw dahil sunod kong narinig ay ang pagbagsak ng upuan ni
Stanley sa sahig.
“Fuck.” Mura ni Stanley bago tumayo. Tiningnan ko ang ramyun niyang hindi man lang
nangalahati ang laman. Tuloy tuloy siya sa paglayo at iniwan kami roon.

napatahimik ang buong lamesa. Tanging ang tunog lamang ng pagbalibag ni Stanley sa
pintuan ang naririnig.

“Hala ka.” Natatawang sabi ni Leria habang tinuturo ako ng tinidor. Tinaas ko naman
ang kilay ko at nagtatanong siyang tiningnan.

“Oh dear. You never make a Montreal jealous honey.” Dagdag niya. Tumikhim siya bago
tumayo. Kinuha na rin niya ang pinggan ng iba at inipon iyon.

“Ano bang sinasabi mo?”

Ngumiti lang siya at sininop ang mga pinggan bago umalis.Nagpaalam ako sa apat at
sinundan si Leria. Nasa kusina siya at inaayos ang mga pinggan para mahugasan.
“I am not making him jealous. Wala naman akong ginagawang masama.” Sabi ko. Hinarap
niya ako at pinagtaasan ng kilay. Nilingon niya ako mula ulo hanggang paa bago
pinameywangan. She bit her lip at parang diskumpyado talaga ang tingin sa akin.

Hindi ko mapigilang mangati ang kamay. Nakakairita na siya. She's too bitchy. Kung
makatingin siya sa akin ay parang isa akong maruming babae na karapat dapat
pandirihan.

“You really are a selfish bitch.” Matalim niyang sabi. Napasinghap ako sa narinig
ko sa kanya.

“You--“

“Ikaw na ngang nilalapitan, ikaw naman yung lumalayo. Really Tori? Hanggang kailan
mo ba siya balak saktan ha? Ang arte mo, alam mo yun?” iritado niyang sabi. Hindi
ko napigilang matawa sa naririnig ko sa kanya.
“Geez, ako pa ngayon ang maarte? What about you? You are nothing but a desperate
bitch. Too bad, huh?” ganti ko. Sandali siyang natigilan sa naging sagot ko bago
napailing na lang. Inayos niya ang buhok niya bago huminga ng malalim. Pinadaan
niya ang daliri niya sa kanyang buhok na para bang doon kumukuha ng pasensya.

“Look Victoria, I know we're not friends, and I don’t want to befriend you because
I really despise you so much. But, Stan is my friend. He protected me then and I
want to do the same thing now. He was hurt, damn you! Noong umalis ka..” tumigil
siya sa pagsasalita at pumikit.

“If you’ll just hurt him again, then you better stop now. Kung kaya ka sumama kay
August dito ay para ipamukha kay Stanley na wala na siyang halaga sayo then you
really are a pathetic bitch.” Galit at madiin niyang sabi sa akin. Lumapit siya sa
akin at tinitigan niya ako.

Hindi ako nagpatalo sa tinginan. “That’s so sweet dear. Pero baka hindi mo alam, si
Stanley ang nanakit. Hindi ako.” Pagtatanggol ko sa aking sarili. Napapikit ako ng
maalala lahat ng ginawa niya sa akin. Iyong pagtataboy. Iyong panlalamig niya.
Iyong panghuhusga niya. Kung may nasaktan man sa aming dalawa ay ako iyon, hindi si
Stanley.

This bitch infront of me doesn’t know anything.


“I am really wondering, ano nga bang meron ka at ang daming nagmamahal sayo? Other
guy would kill for you. Others will throw anything for you. But looking at you
know, I only see a trash. A selfish, pathetic trash.” Nang-uuyam niyang sabi.

Tumawa siya at nilagpasan ako bago muling lumingon.

“Kung iniisip mong ikaw lang ang nasaktan dito Victoria, then think again. Hindi
lang sayo umiikot ang mundo. You did not witness the things I saw back then. And
when I told you, you are not worthy of Stanley, I meant it. Pwede kang mabuhay ng
paulit ulit, but you will never deserve his love.” Madiin niyang sabi bago ako
tuluyang iniwan. Hindi ko mapigilang matawa sa mga pinagsasabi niya.

Magkaibigan nga talaga sila ni Stanley. Parehong pareho sila.

Napailing na lang ako at dumiretsyo sa kwarto ko. Binuksan ko iyon at halos


mapasigaw ako noong makitang nakaupo roon si Stanley.

“A-anong--“
Tumayo siya at lumapit sa pintuan. Nilock niya iyon at hinawakan ang siko ko.
Dinala niya ako sa may pintuan ng banyo at muli akong hinarap.

“Undress yourself. Now.” Utos niya. Napasinghap ako at agad kong tinakpan ang
sarili ko.

“Stanley--“ nagtataka kong sabi habang pilit niya akong kinakaladkad.

“Undress now or I swear to god I’ll fucking rip your clothes off Victoria Shayne
Ocampo!” sigaw na niya. Napaatras ako sa galit sa mga mata niya. Hindi agad ako
nakagalaw habang nakikita ko ang titig niyang sobrang talim.

------------------------------

Naaalala ko si Sandro.

*pen<310

=================

Markado

41
HAPPY NEW YEAR!

-----------------------------------

I stared at him for a moment. Ilang beses pa akong kumurap para masigurong seryoso
siya sa kanyang sinasabi. Tinitigan lang din naman niya ako bago siya napapikit na
lamang. Humakbang siya at lumapit pa sa akin bago niya ako niyakap ng mahigpit.

“If you’re doing this to hurt me Yang, then congratulations. Masaya ka na ba?”
basag ang boses niyang sabi. Hindi agad ako nakagalaw sa aking kinatatayuan.
Hinawakan ko ang braso niya para alisin ang pagkakayakap niya sa akin pero
hinigpitan lang niya ang kanyang kapit.

“I’m sorry..”

Ginalaw ko ang ulo ko para matingnan siya. Hindi siya natinag sa kanyang
kinatatayuan.
“Stan..”

“The day you left, I almost died Victoria. Paulit ulit kong naririnig ang boses ni
Athan, that you are torn between me and him. That you are not sure about your
feelings for me. That you don’t want me enough for you to fight for me. Pero
tangina Victoria, kung ayaw mo akong ipaglaban, then fine. Ako ang lalaban para sa
atin. Ako na lang ang ibala mo sa Tatay ko, basta wag mo lang akong iwan.
But.You.Still.Left.” mapang-akusa niyang sabi. Nanatili lang akong nakatayo at
pinapakinggan siya. Hindi ko namalayang tumulo na pala ang luha sa aking mga mata
sa narinig ko.

“You.Still.Left.” binitiwan niya ako at tiningnan sa mata. Hinawakan niya ang


pisngi ko at dahan dahan iyong pinunasan.

“Sabi ko sa sarili ko,kakalimutan kita. Madali lang naman yun. Buburahin kita sa
buhay ko. I will act as if you did not exist at all. Apat na taon Toryang, nabuhay
ako na wala ka dito and everything was fine. So, I thought I was successful. Wala
ng Toryang na nakaukit sa pagkatao ko, but I was wrong. I was so damned wrong.”

Huminga siya ng malalim at bumuka ang bibig niya na para bang may gusto siyang
sabihin. Ginawa niya ulit iyon pero muli lang niyang tinikom ang bibig niya at
hindi nagsalita. Tumaas baba ang dibdib niya na para bang nahihirapan na siyang
huminga.
“One look at you and everything just went back. Everything. Mula sa simula
hanggang noong nagmakaawa ako sayo sa airport na wag akong iwanan, Yang, bumalik
lahat. And when I saw you smile then, I started feeling anger for you. How can you
smile like that? How can you do that? How can you even act like that habang ako,
miserable noong wala ka? It was so fucking unfair Victoria. I spent four years
trying to erase you, pero isang ngiti mo lang, bumalik lahat.”

Yumuko ako at napailing na lamang. Naramdaman ko ang tuloy tuloy na pagtulo ng luha
ko at halos hindi na ako makahinga sa luha ko. Huminga ako ng malalim at nanatili
pa ring tahimik.

“Montreal ako Victoria. And no one has the right to hurt us without our permission.
You left me, then you suffer the consequences of what you did. Pero hindi ko
ipapakita sayo na galit ako. Ayokong malaman mo na apektado ako sa pag-alis mo.
Hindi ko na ulit ibibigay sayo ang ganong pribilehiyo Victoria.” Tumigil siya at
muling hinaplos ang pisngi ko. Nanginginig na ang kanyang kamay habang hawak hawak
ang aking pisngi.

“So I acted cold towards you. I wanted you to feel that you are nothing to me.
Gustong gusto kong saktan ka. Na maramdaman mo kahit kalahati man lang ng
naramdaman ko noon.” Madiin niyang sabi. Kinagat ko ang labi ko at bahagyang lumayo
sa kanya.

“Nasaktan mo na ako. Ilang beses kitang hinabol Stanley. Ginusto kong magpaliwanag
pero hindi ka nakikinig.” Akusa ko sa kanya. Tumango siya at natawa na lamang.
“Hindi ko kailangan ng paliwanag mo Victoria--“

“Kung ganon, anong kailangan mo?! I told you I am trying to forget about you!
Stanley.. 27 years.. ngayong lang ako napagod mahalin ka. So please don’t mess this
up. I want to forget you..please..” pagmamakaawa ko. Agad siyang lumapit at
hinawakan ang baba ko.

Sunod ko na lamang nalaman ay ang pagsakop ng labi niya sa aking labi. Nabasa na ng
luha ko ang kanyang pisngi pero hindi pa rin siya tumitigil sa paghalik. Ang unang
dampi lang ay mas lumalalim na. Madiin ang pag-angkin niya at nalalasahan ko na ang
alat at bakal mula sa aking labi. Bahagya siyang lumayo at tiningnan ang aking
bibig. Pinadaan niya ang hinlalaki niya roon at parang lasing na tumingin.

“I need you. Ikaw ang kailangan ko. No fucking explanations about the past
Victoria.” Aniya. Nanatili pa rin ang titig niya sa aking labi at napalunok siya.

“You’re bleeding.”
Hinawakan ko ang labi ko at naramdaman roon ang pamamasa. Tiningnan ko ang daliri
ko at nakita roon ang dugo. Tiningnan ko si Stanley na nakatingin lang din sa bibig
ko. Muli siyang lumapit sa akin at hinilang muli ang bibig ko.

“Let me.” bulong niya sa pagitan ng aming halikan. Dahan dahan niyang sinipsip ang
dugo sa aking labi para maampat iyon. Napaungol ako at kinuha ni Stan ang
pagkakataon para mas mapalalim ang aming halikan.

Hindi ko na maintindihan ang tibok ng aking puso. Ramdam ko na ang mabilis na


pagkalabog niyon sa aking dibdib. Parang may sariling isip ang aking mga braso at
kusa na iyong pumulupot sa leeg ni Stanley.

Mahal ko siya. Mahal ko pa rin siya. Ilang beses na kaming nagkasakitan, pero nasa
pareho pa rin akong posisyon. Hindi ko na yata talaga matatakasan ang pagmamahal ko
kay Stanley Montreal.

“I don’t want you to forget.” Bulong niya habang itinutulak ako papunta sa kama.
Hinimas niya ang dalawang braso ko. Napasinghap ako sa sensasyong naramdaman sa
ginawa niya.

“I don’t want to be hurt.” Sagot ko. Bumagsak kaming dalawa sa kama. Nasa may
ibabaw ko siya at tinitingnan lamang ako. Hinawakan niya ang pisngi ko bago
hinalikan ang noo ko.
“I don’t want you to leave me.” nangislap ang mata niya at doon ko lang nakita ang
takot roon. Takot na baka umalis ako at iwan siyang muli. Takot na mawala ako sa
kanya. Natatakot siya. Pero sa likod ng takot na iyon ay isang damdamin na dapat
matagal ko ng nakita.

I was so blinded by my anger. Nasaktan ko siya kaya nagbingi bingihan siya sa mga
paliwanag ko noong umalis ako. Nasaktan niya ako kaya nagbulag bulagan ako noong
pinapakita niya sa akin na mahal niya ako.

Hindi ko nakita. But he is hurting too.

“Stan--“

Yumuko siya at hinalikan ang aking leeg. Bumaba na rin ang kamay niya at pinadaan
iyon sa hita ko. Marahan niya iyong pinisil kasabay ng pag-iinit ng aking
pakiramdam. Bumilis na ang paghinga ko sa kanyang ginagawa at hindi ko na malaman
kung saan ko ibabaling ang aking ulo sa nararamdaman.
Humiwalay siya ng kaunti bago niya ako tiningnan muli. “Please forgive me
Sweetheart.” Aniya. Napalunok ako habang ginagantihan ko ang kanyang tingin.

Dumaan ang kamay niya sa tungki ng ilong ko bago dumilim ang kanyang mukha.

“Why do you let that guy kiss you?” inis niyang tanong. Napanguso ako sa tanong
niya bago umiling.

“Hindi ko naman alam na hahalikan niya ako--“

“You’re too naïve for your own good Sweetheart. Kaya maraming nahuhulog sayo.”
Diniin niya ang katawan niya sa akin. Naramdaman ko siya sa gitna ng aking tiyan.
He wants me. God, Stanley wants me.

Pinunasan niya ang ilong ko ng ilang beses bago niya iyon hinalikan.
“Akin ka lang Victoria Ocampo. Mula noong wala ka pang ngipin, hanggang ngayon, sa
akin ka.” Anas niya. Dumako ang halik niya sa ibaba ng aking tenga at marahan
niyang kinagat ang puno niyon. Napaarko ang likod ko ng maramdaman iyon.

“Stan..”

“Who owns you Victoria?” his husky voice filled my ear. Itinaas niya ang blouse ko
at pinasok roon ang kamay. Pinaglaruan ng daliri niya ang tiyan niya at nawawala na
ako sa aking sarili.

“Answer me.” madiin ang boses niyang sabi. Pinaghiwalay niya ang binti ko at mas
lalo niyang ipinaramdam sa akin kung gaano na siya kahanda na angkinin ako. Marahan
niyang pinisil ang dibdib ko bago niya marahas na pinunit ang aking damit.

“Stanley!” sigaw ko noong nagliparan ang mga butones sa paligid.

“Told you I’ll rip your dress Sweetheart.” Pilyo ang ngiting sabi niya bago bumaba
ang tingin niya sa halos hubad ko ng katawan. Naramadaman ko kaagad ang pagpula ng
aking pisngi kaya niyakap ko ang aking dibdib.
He chuckled before taking my hands. Tinanggal niya iyon at muli akong tinitigan.

“I want you to take a bath a while ago. Gusto kong burahin ang marka ng unggoy na
yun sayo. I don’t want anyone kissing my property. Kahit sa ilong lang iyon.”
Nakangisi niyang sabi. Hinaplos niyang muli ang pisngi ko bago napangiti na lamang.

“You want me to t-take a bath?” gulat kong tanong. Tuluyan na siyang natawa sa
sinabi ko.

“Opo. Sinabi ko na sayo, I can be a little possessive Toryang.” Kumindat siya at


muli na naman akong hinalikan sa labi. Napapikit na lamang ako at dinama ang
ginagawa niya sa aking katawan. Umangat ang katawan niya at bumalik ang bibig niya
sa aking tenga.

“I own you, right?” hinihingal niyang sabi. Ang kamay niya ay tuluyan ng ibinababa
ang aking pantalon.
Kinagat ko ang labi ko at napapikit ng mariin. Kinalabit niya ang aking bra at
tuluyan na iyong natanggal.

“Answer me.” tanong niya. Bumaba ang halik niya mula sa aking leeg pababa sa
pagitan ng aking dibdib. Nanginig ako ng paulanan niya ako ng halik pababa.

“You. All of me. You own me Stan.” Hinihingal kong sabi. Ngumisi siya at pumwesto
sa gitna ng aking binti. Sinubukan kong isara iyon ngunit hinawakan niya ako at
pinigilan.

“And you own me too Victoria.” Sabi niya bago niya tuluyang hinubad ang huli kong
saplot. Hinalikan niya ako roon at wala na akong nagawa kung hindi ang mapapikit na
lamang sa nararamdaman.

Stan has a wicked tongue. Hindi pa yata sapat ang pagiging badboy niya, he also has
a very, very bad tongue.

Pinaikot ikot niya iyon sa gitna ko. He was playing at the depths of me at wala na
akong nagawa kung hindi ang mapasabunot sa kanyang buhok. Tumulo ang luha ko noong
maramdaman ko ang panginginig ng aking katawan sa kanyang ginagawa. Pakiramdam ko
ay dinala ako sa langit at muling ibinagsak pababa.
Humiwalay siya sa akin kaya nagpilit akong dumilat. Dahan dahan niyang tinanggal
ang shirt niya at muli ko na namang nakita ang biceps niyang naghuhumiyaw sa akin.
His muscles were flexing with his every move at hindi ko maiwasang hindi mamangha.

Stanley Montreal. You are a freaking god.

Inabot niya sa akin ang kamay niya. Nagtataka man ay kinuha ko iyon. Nakaupo kami,
magkaharap, sa gitna ng kama. Inipit niya ang aking buhok sa likod ng aking tenga
bago niya ako hinalikan sa aking noo. Kinuha niya ang kamay ko at inilagay iyon sa
may dibdib niya. Sinundan ko iyon ng tingin at doon ko lang napansin ang dumi
malapit sa kanyang dibdib. Kumunot ang noo ko roon. Akala ko, namamalikmata lang
ako noong makita ko iyon noong malasing ako.

“Yang.” Masuyo niyang tawag sa akin. Tinaas ko ang tingin ko at nakita kong
nakatitig siya sa aking mukha.

Napalunok ako sa intensidad ng kaniyang titig. Ngumiti siyang muli sa akin.

“I am sorry. For everything that I have done. Kung nasaktan man kita, I am sorry
Victoria. I have the tendency to hurt the people that I love. I want you to get
hurt because you left me then. Because you did not have the spine to fight for me,
for us. Binitiwan mo ako sa ere at lumagapak ako Victoria. You seduced me and then
dumped me. I told you I love you, and the next thing I knew, you’re leaving me. I
wanted to hurt you so much. So damn much.” Napapaos niyang sabi. Umusog ako palapit
sa kanya at niyakap siya.

“I am sorry for leaving Stanley. I wanted to be enough. Ayokong dumating ang araw
na magsisisi ka dahil ang isang katulad ko lamang ang pinili mo. Ayokong mawala ang
pagmamahal mo sa akin dahil hindi ako sapat sayo.” Anas ko. Naramdaman ko ang
pagtugon niya sa aking yakap. Marahan niya akong hiniwalay sa kanya bago niya
hinawakan ang aking pisngi.

“A Montreal falls inlove only once Victoria. Isang beses lang. You stole my heart
the day you stole my first kiss. At magmula noon, hindi ko na nabawi pa iyon. It
doesn’t matter if everybody thinks you are not enough for me. I don’t care about
anyone. I only care about us. Whatever they will say, you will always be worth it.
You are the only one who is worth it.” masuyo niyang sabi. Isa isang tumulo ang
luha ko at napatango na lamang. Pinunasan niya iyon at hinalikan ang tungki ng
aking ilong.

“Will you be my girl Sweetheart?” nanginginig niyang sabi. Tumango ako at ngumiti
kahit basang basa na ang aking pisngi ng luha.

Yes, it was long. The journey was long. It took us so much pain before we arrived
here. Ilang beses akong nagduda, natakot, nasaktan. Stanley also experienced that.
But no matter how long the journey is for the two of us, the moment came so fast.
Realizations dawned on me.
We both love each other.

Dahan dahan siyang tumalikod sa akin. Napasinghap ako ng makita ang likuran niya.
Tumigil ang luha ko pero muli lang iyong nalaglag.

“Oh my god, Tan.” Nabasag ang boses ko bago ko hinaplos ang marka sa kanyang
likuran. Ang akala kong dumi ay hindi pala dumi.

It is a tattoo.

“V-Victoria Montreal’s.” naiiyak kong sabi habang binabasa ang pangalan kong
nakaukit sa kanyang balikat. Ang mga letra ay halos sinakop ang ang espasyo ng
kanyang upper back. Umabot pa ang disenyo hanggang sa puno ng kanyang dibdib.

Humarap siyang muli sa akin bago nagkibit balikat.


“I told you. You own me. Markado mo ako Victoria.” Pilyo ang ngisi niya ng sinabi
niya iyon. Tumawa na lang ako pero agad din iyong naputol noong hinapit niya ako at
muling hinalikan ng mariin. Bumagsak kaming dalawa sa kama pero patuloy pa rin siya
sa paghalik sa akin. Dahan dahan niyang ibinaba ang kanyang pantalon bago ang
kanyang boxers. Pinanonood ko siya habang ginagawa niya iyon. Napanganga ako ng
tuluyan na niyang mahubad ang kanyang damit.

“Oh my god Stan.” Tangi ko na lamang nasabi noong makita ko ang pinagmamalaki niya.
Ngumisi lamang siya at muli niya akong hinalikan.

“Trust me Sweetheart?” marahan niyang bulong habang pinaghihiwalay ang binti ko.
Napalunok ako ng maramdaman ko siya sa aking gitna. Kinuha niya ang dalawa kong
kamay at hinawakan iyon ng mahigpit. Hinintay niya ang aking permiso. Tumango ako
at naramdaman ko ang dahan dahan niyang paggalaw. Napapikit ako sa unang pagragasa
ng kirot.

Hinanap niya ang aking mata at tinitigan ako. “I am so inlove with you.” Sabi niya
habang gumagalaw. Butil butil na ang kanyang pawis at halatang maging siya man ay
nahihirapan. Pinilit kong ngumiti sa kanya.

“Don’t leave me again.”


Tinaas ko ang kamay ko at pinunasan ang pawis niya sa noo.

“I won’t.” anas ko. Lumawak ang ngiti niya at muli akong hinalikan sabay ng kanyang
paggalaw para tuluyan akong maangkin.

-------------------------------------

HAPPY NEW YEAR!

*pen<310

=================

Si A at S

42

Ilang beses kong pinalo ang gumagapang na insekto sa aking likuran. Maaga pa at
gusto ko pang matulog nang mas matagal. Napadilat ako ng maramdaman ko na naman ang
paggapang sa aking batok kaya hinampas ko na naman iyon. May narinig akong tumawa.
Doon ko lamang nalaman na hindi naman pala insekto ang gumagapang sa aking likuran.

Those were kisses.


“Namamalo ka ha?” natatawang sabi ni Tan Tan bago siya humalakhak ng kaunti. Hinuli
niya ang kamay ko at hinila iyon. Napilitan akong humarap sa kanya. Hindi pa man
ako tuluyang nakakaikot ay niyakap na niya ako.

Walang nagsasalita sa aming dalawa. Pareho lamang kaming tahimik habang


pinapakiramdaman ang isa’t isa. Si Tan Tan ay pinaglalaruan lamang ang buhok kong
nakakalat sa aking likuran.

“Yang.”

Tiningala ko siya. Umusog siya ng kaunti para magkapantay ang mukha naming dalawa.
Pinadaan niya ang daliri niya sa aking pisngi bago niya hinalikan ang aking noo.

“Are you sore?” diretsyo niyang tanong. Naramadaman ko ang mabilis na pagpula ng
aking pisngi sa tanong niya. Napalunok ako.

Geez, Victoria. The man already saw everything. Baka nga mas alam pa niya ang
katawan ko kumpara sa akin.

“Yes. Your fault.” Dagdag ko para mapawi ang hiya ko. Lalong lumawak ang ngisi niya
ng marinig ang sinabi ko. Siniksik niya ang sarili niya sa aking leeg bago niya
kinagat ang aking noo.

“Congratulations Sweetheart. Markado ka na.” humiwalay siya sa akin at hinalikan


ang tungki ng aking ilong. Ngumiti ako at tumango. Yes, I am marked. Ramdam ko iyon
sa gitna ng aking hita. I can still feel the pain, but as I said, it is worth it.

Sa lahat ng sakit na naramdaman ko, this pain is the most worth it.

Bumaba ang kamay niya sa aking katawan. He cupped my butt bago iyon malakas na
pinalo.

“Stan!” sigaw ko dahil sa gulat sa ginawa niyang pagpalo. Ngumisi lamang siya bago
tuluyang umupo.
“Dammit. I remembered you screaming my name last night.” Pilyo niyang sabi. Umakyat
agad ang dugo ko sa aking pisngi. Hinila ko ang kumot para takpan ang sarili ko at
bumaba sa kama.

“Shut up.”

“Tangina, namumula ka pa.” hirap na hirap niyang sabi. Natawa ako sa kanyang
itsura. Dumapa ulit siya sa kama at huminga ng malalim. Parang kinakalma niya ang
kanyang sarili.

“Tan--“

“STANLEY MONTREAL! ANONG PETSA NA!” sigaw ni Leria mula sa labas ng aking kwarto.
Kumunot ang noo ko. Paano niyang nalaman na dito si Stanley nagpalipas ng gabi.

“PAIMPORTANTE KA TALAGANG LALAKI KA! LUMABAS KA DIYAN!”


Napabuntong hininga si Stanley bago niya pinulot ang damit niyang nagkalat. Lumapit
siya sa akin at hinalikan ako. Pinasadahan niya ako ng tingin kaya napahigpit ang
hawak ko sa kumot na siyang tanging nagtatakip lang sa akin. Tumaas ang labi niya
sa ginawa ko.

“Gotta work first Sweetie.” Kinindatan niya ako bago niya binuksan ang pintuan.
Nakita ko si Leria na galit na galit ng nakatayo roon.

“IKAW NA LANG HINIHINTAY! ABA’T--“

“Lalabas na nga oh. Ang init na naman ng ulo mo.” Natatawang sabi ni Stanley dito.
Nilingon ako ni Leria. Hindi man lang siya nagulat noong nakita ang estado ko.
Tumaas lang ang sulok ng labi niya na para bang nagpipigil ng ngiti. Ngumuso na
lang siya at huminga ng malalim.

“Mag-almusal na kayong dalawa. Pagkatapos dumiretsyo kayo sa golf course, doon kayo
magtataping. God, Stanley, anong oras na.” inis niyang sabi bago tinalikuran si Tan
Tan. Narinig ko lang ang halakhak ni Stan habang nakatingin sa papalayong si Leria.

“Kiss lang ni A katapat mo!” sigaw nito. Nagmura lang si Leria bago niya ibinagsak
ang pintuan. Napailing na lang si Stanley bago siya bumalik sa kwarto.
“Bihis ka na.” masuyo niyang sabi. Tumango lamang ako at agad na bumaba sa kama.
Pero ng maramdaman ko ang hapdi sa gitna ng hita ko ay agad lang din akong napaupo.
Agad na lumapit si Stanley sa akin at nag-aalala akong tiningnan.

“Anong nangyari?”

“N-nothing. Masakit lang.” sabi ko at sinubukan ulit tumayo. Inalalayan niya ako at
dinala sa banyo. Naligo na ako at nagbihis bago kami sabay na bumaba para mag-
almusal. Mabilis lang kaming natapos, considering that Stan is in a hurry. Alam ko
ay ngayon na nila tatapusin ang shooting para sa music video nila. Siya na lang ang
kulang kaya naiintindihan ko ang pag-aalburoto ni Leria kanina. Agad niyang kinuha
ang isang golf cart at dumiretsyo na sa set.

Masama ang tingin ni Leria kay Stanley pagkarating namin. Tinaas lang ni Stan ang
kamay niya bago lumapit sa kanyang make-up artist para maayusan. Tawa lang ito ng
tawa habang kinukuhanan ang mga scenes na hindi naman siya kailangan.

“Ginalit mo yata si Leria.” Sabi ko dito. Kinuha lang niya ang kamay ko at
pinaglaruan iyon. Ngumuso siya habang tinititigan ang daliri ko.
Tinaas niya ang palasingsingan ko at tiningnan ako. “Maybe I should put my ring
here.” Nakangisi niyang sabi. Nanlaki ang mata ko sa narinig.

“Tan..”

Magsasalita pa sana siya pero kinailangan na siya sa set. Kinuha niya ang
drumsticks niya at lumapit sa crew. Binigyan siya ng direksyon ng director habang
ang iba naman ay nagpahinga sa tent.

“Sungit, bati na kayo?” nakangiting sabi ni August habang tumatabi sa akin. Tumango
ako bago bahagyang lumayo sa kanya. Nakita ko na naman ang talim ng titig ni
Stanley sa amin kaya nagbigay ako ng distansya sa pagitan namin ni August.

“Oo.” Simple kong sagot. Lumawak ang ngisi niya bago uminom ulit.

“Ano ba yan. Ang bilis naman. Hindi pa ako nag-eenjoy.” Nakanguso niyang sabi.
Nilingon ko siya at nagtaka sa kanyang sinabi.
“Nag-enjoy saan?” kunot noo kong tanong. Ngumisi lang si August bago niya tiningnan
si Stanley.

“Pagselosin yan.” Sagot niya. Napanganga ako sa narinig. He did what? Kaya ba niya
ako biglaan na lang hinahalikan? Pinagseselos lang niya si Stanley?

“Don’t get me wrong Sungit ha? Gusto kita. I really do. But only as a friend. And
since I am your friend, at nakwento mo sa akin na minsan kang nasaktan nang
lalaking iyon, idagdag mo pang banas ako sa kanya kasi ang yabang niya. Akala mo
kung sinong gwapo.” Tumigil siya sa pagsasalita bago niya pinadaan ang daliri niya
sa kanyang buhok. “Gusto ko lang naman siguraduhing malinis ang intensyon niya sayo
Sungit. Kaya tiningnan ko kung magseselos ba siya kapag inangkin ko ang kanya.”
Tumawa siya pagkatapos niyang sabihin iyon. Tumayo siya at pumunta sa harap ko.
Yumuko siya para magkapantay kaming dalawa.

“One thing is for sure Victoria, he loves you. Taga mo man yan sa gwapo kong
mukha.” Maangas niyang sabi bago tumayo ng maayos. Natawa na lamang ako sa ginawi
niya bago tumango.

“Thank you Gus.” Buong puso kong sabi. Nag bow siya sa akin at tinalikuran
ako.Ngumiti lang siya bago niya ginulo ang buhok ko. Hindi na ulit siya nagsalita.
Bumalik na siya sa set at kinuhanan na ang huling eksena ng kanilang music video.
------------------------------------------

“So, we will just edit the video, titingnan ko kung may dapat bang ulitin doon.
Pero habang wala pa, magpahinga muna kayo. The whole day tomorrow is yours.” Anas
ni Leria. Pinatay niya sa ashtray ang sigarilyo niya bago niya kinuha ang kanyang
alak.

Pinaikot ko ang tingin ko sa buong AEGIS. Tahimik na sila, maging si Ethan, dala na
rin siguro ng sobrang pagod. Si Stanley ay nakasandal na sa aking balikat. Alam
kong kaunti na lang ay makakatulog na ito.

“You want a drink?” alok ni Ria sa akin. Inabutan niya ako ng baso pero tinanggihan
ko lang. Umupo siya malapit sa amin bago niya tinaas ang kanyang paa.

“You know you should celebrate. You got rid of your virginity dear.” Natatawa
niyang sabi. Naramdaman ko ang pamumutla ng aking mukha noong walang pakundangan
niya iyong sinabi sa harapan ng AEGIS. Maging si Stanley ay napaupo ng diretsyo.

“Leria, you’re drunk.” Sabi ni Stanley. Ngumuso lang si Leria bago siya tumingin sa
buong paligid. Napayuko na lang ako pero marahang pinisil ni Stanley ang kamay ko.
“I’m sorry. Hindi ko alam na gusto ninyo palang pribado lang ang balitang iyon.
Though I don’t know why you want to keep it private. Dapat nga matuwa ka kasi kay
Stan mo naibigay yan.” Tuloy tuloy pa rin niyang sabi. Napasinghap na lang ako at
tiningnan siya. Nagsindi siya ulit ng sigarilyo bago niya ibinuga ang usok niyon.

“Geez, atleast Stan has the decency to be with you right after he took your V.
Maraming lalaki diyan na tatakbuhan ka kapag nakuha na nila ang gusto nila.” Tumawa
siya ulit at humithit. Tumingin siya sa akin bago niya tinukod ang siko sa kanyang
tuhod.

“You are really a one lucky bitch. Nakakainggit kayong dalawa.” Lumamlam ang mata
niya noong sinabi niya iyon pero agad din iyong napawi. Ngumiti siyang muli.
“Remind me to get a boy pagbalik natin sa Maynila Stan. I miss sex so much
already--”

“Morales!”

Dumagundong ang boses ni A. Napalingon ako sa kanya na tumayo na. Inagaw niya ang
baso ni Ria bago niya kinuha ang sigarilyo nito at pinatay.
“Ano ba! Fuck you!” pagmumura ni Ria dito. Nanlisik ang mata niya bago niya kinuha
ulit ang baso niya pero iniiwas lamang iyon ni Athan.

Nilingon ko si Stanley. Nakatitig lamang ito sa dalawang halos magpatayan na.


Huminga lang siya ng malalim bago niya ipunulupot ang kamay sa aking beywang.

“A, patulugin mo na yan. Lasing na yan.” Utos ni Stan dito. Napanganga si Leria at
biglaan siyang tumayo. Muntikan na siyang matumba ngunit sinalo siya ni Athan.
Kaagad naman tinulak ni Leria si A bago siya dumiretsyo ng tayo.

“Damn you Stanley.” Inis na sabi nito. Kinuha niya ang isang bote ng alak at
nagmartsa palayo. Sinundan lamang siya ng tingin ni Athan bago ito napabuntong
hininga.

“Hindi mo ba siya susundan?” si Ethan ang nagsalita. Umiling lang si Athan bago
niya kinuha ang kanyang gitara. Tinitigan ko si A habang nakatingin ito sa upuan ni
Leria kanina. Tagos ang tingin niya roon na para bang may malalim na iniisip. Maya
maya ay napangiwi na lamang siya bago niya pinunasan ang kanyang mukha.

Nakagat ko ang labi ko. He looks as if he is in pain. Tiningnan ko si Stanley na


tahimik ring nanunuod sa kaibigan namin. Pinisil ko ang kamay niya at ngumiti rito.
“I see myself in him.” Bulong niya. Tiningnan ko ulit si Athan na wala sa sariling
pinaglalaruan ang kanyang gitara. Napangiti na lamang ako at tumango. I get him. I
really do. Tiningnan niya ako bago siya ngumiti.

“AEGIS is really good at messing things up with their girl, right?” natatawa niyang
sabi. Pilit siyang ngumiti pero hindi iyon umabot sa kanyang mata. Huminga siya ng
malalim.

“You should sleep too A.” sabi ni I at tumayo na. Sumunod sa kanya si Ethan bago
niya tinapik ang balikat ni Athan. Tumango lamang ito at hindi tiningnan ang
dalawa. Naiwan kami nila August roon na nagkibit balikat lamang at nauna ng
naglakad.

“Toryang..” tawag nito sa akin. Bumitaw ako kay Stanley at nilapitan si Athan.

“I’ve found her.” ngumiti siya ng mapait ng sinabi niya iyon. Bumigat ang dibdib
ko sa narinig. Naalala ko ang sinabi ko kay Athan noon. I promised him that there
is a girl who can love him the way he wants to be loved. Nangako ako na may babaeng
handang mahalin siya ng buo.
Nilingon niya ako bago niya tiningnan si Stanley.

“I’m really sorry. Sa inyong dalawa. It’s my fault. Naging madamot ako at hindi ko
naisip na masasaktan kayo. Pasensya na talaga.” Mapagkumbaba niyang sabi. Lumapit
si Stan sa amin bago niya ako inakbayan.

“I won’t forgive you.” Matigas nitong sabi. Napatingin ako sa kanya pero nakita ko
ang ngisi niya.

“Not unless you get Ria back asshole.” Nakangising sabi niya. Nilahad ni Stanley
ang kamay niya kay Athan and the shook hands. Tumayo si Athan at niyakap ako.

“Thank you T.” bulong niya. Tumikhim si Stanley sa likuran niya. Natawa na lang ako
bago humiwalay dito.

“Wag kang nangyayakap. Hindi na yan virgin.” Maangas niyang sabi. Nanlaki ang mata
ko at hinampas si Stanley.
“Tan Tan!” gulat kong sabi. Humalakhak lang silang dalawa ni Athan bago ito
nagpaalam sa aming dalawa. Ngumisi lang si Tan Tan at binigyan ako ng malutong na
halik. Wala na akong nagawa kung hindi ang manahimik na lamang.

----------------------------------

Posted na po si A. Kung gusto ninyong basahin, pakitingnan na lang sa works ko. :)

*pen<310

=================

Phone

43

Wala ng naging problema sa kanilang music video. Kinuhanan lang sila ng ilang shots
para sa cover ng kanilang album. Pagkatapos non ay pinayagan na kami ni Leria na
makabalik na sa Maynila. She actually gave the guys a three day break bago nila
irelease ang album nila.

"Sungit."

Bahagya kong nilingon si August. Nasa likuran siyang parte ng van habang kami naman
ni Tan Tan ay nasa gitna. Nakahilig si Tan sa aking balikat kaya hindi ako
makagalaw ng maayos. Gumalaw lang siya ng kaunti at kumapit sa upuan namin.

"Tingin mo, tanggap nila ako?" bulong niya. Nilingon ko ang ibang AEGIS na
mahimbing ang tulog. Napangiti ako sa tanong ni August.

"I'm sure. Isa pa, wala na rin silang magagawa kung sakali mang hindi ka nila
tanggap. Three days from now, you will be introduced in the public." Pagpapaalala
ko. Nawalan ng kulay ang mukha ni August sa narinig. Bigla akong kinabahan sa
kanyang itsura.

"Wag mong sabihing kinakabahan ka?!"


"Eeeeh.."

Umusog pa ako ng kaunti para mas makaharap ko siya. Tinaas ko ang dalawa kong
daliri at pinitik ang noo niya.

"Aray! Sungit, wag mo akong gasgasan! Maawa ka sa mga babae." Anas niya bago
ngumuso. Natawa ako sa itsura niya.

"Baliw. Wag ka ngang kabahan, para kang tanga." Naiinis kong sabi. Hindi na ito
nagsalita. Ngumuso lang siya lalo kaya napahalakhak na lamang ako. Bumalik siya sa
upuan niya bago ako tiningnan. Inirapan niya ako kaya napailing na lang ako.

"Sinong nagsabing kinakabahan ako?" ngumisi siya bago nagpogi sign sa akin.
Napailing na lang ako sa kanya.

"Sige, deny pa Pangit."

Bumuntong hininga siya bago niya tiningnan ang bigay niya sa aking kwintas. "Baka
himatayin ako sa release. Pahiram mo sa akin yung kwintas mo ha? Pang moral support
lang." seryoso niyang sabi. Natawa na lang ako habang umiiling iling sa kanya.

"Ang baliw mo talaga August."

-----------------------------------------

"Greg!"

Tumakbo ako sa kama niya. Agad niyang ibinaba ang librong binabasa niya at
sinalubong ang yakap ko. Napaungol siya ng kaunti dahil sa lakas ng impact ko but I
just couldn't care less. Ngayon lang ako pinayagan nila Tan Tan na makita si G, at
excited ako dahil doon.

"Kamusta ka na?" tanong ko noong bumitaw na ako sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Eto, masakit na ang pwet sa kakahiga." Medyo paos niyang sabi. Tinitigan ko lang
siya bago ko inabot ang kamay niya.

"Magpagaling ka na ha?"

"Oo naman. Isa pa, Shana's taking a good care of me." sabi niya bago tiningnan si
Shana na nagbabalat ng orange sa kabilang gilid. Ngumiti lang siya bago tumayo at
lumapit sa akin.
"Ate Toryang." nakangiti niyang sabi. Niyakap ko siya at tinitigan. Napasinghap ako
ng makita siya. halos kasingtangkad ko na siya. At maganda. Halata ngang kapatid
siya ni Montreal.

"Laki mo na."

"Punta ka sa birthday ko ha? Hindi na ako teenager Ate!" tuwang tuwa niyang sabi.
She'll be turning 20 this Sunday. Hinawakan niya ang kamay ko bago humilig malapit
sa akin.

"Kasama mo si Kuya?"

"Nasa labas. Bumili sila ng kape." Sagot ko. Ngumuso siya bago niya ibinagsak ang
orange sa sidetable ni Greg.

"Nakakainis siya. I heard from Mom hindi niya tinuloy yung proposal sayo--"

"Shana." Tawag ni Greg dito. Nagpabalik balik ang tingin ko sa kanilang dalawa.
Nanlaki ang mata ko sa narinig sa kapatid ni Stanley.

"Proposal?" Bumilis ang kabog ng dibdib ko sa nalaman. Napahawak si Shana sa bibig


niya at tumingin kay Greg. Maya maya ay ngumiti siya at pinaspas ang kamay niya sa
harapan ko na para bang mabubura niya ang nasabi niya.

"Eeh.. erase erase. Joke lang Ate. Hehe." Natatawa pa rin niyang sabi. Tinitigan ko
lang siya bago tumikhim si Greg.

"Sabi nila, may nahanap na silang kasama ko? Sinong nadagdag?" tanong nito. Hinarap
ko siya bago sinagot ang tanong niya. Hindi pa rin mawala wala sa isip ko ang
sinabi ni Shana.

Proposal? Pero nung isang araw lang kami nagkabati. Sigurado ba si Shana doon? O
hindi kaya, hindi kaya kay Leria niya balak mag-alok? Hindi. Hindi rin yun. Leria
said Stan is not her boyfriend.

Alam kong hindi si Leria ang babaeng iyon. And if it is not her, then.. is it me?

------------------------------

"I'll call later." Sabi ni Tan Tan habang pinagbubuksan ako ng pintuan. Tumango
lang ako. Sinara niya ang pintuan at tinulak ako para makasandal roon.

"You know, I have been thinking." Pagsisimula niya. Itinukod niya ang kamay sa
pintuan ng kanyang kotse kaya mas lalo akong napasandal roon.
"About what?"

Lumapit siya lalo sa akin bago niya hinaplos ang aking beywang. Kuminang ang mata
niya ng makitang ang kwintas na bigay niya ang suot ko. Tinanggal ko na ang kwintas
ni August at inilagay na lamang sa treasure box ko.

"Susunduin kita sa linggo. Birthday ni alien." Nakanguso niyang sabi. Kumunot ang
noo ko. Hindi iyon ang inaasahan kong magiging sagot niya. Ngumisi lang siya ulit
bago ako hinalikan.

"Mamaya ha? Wag mong isilent ang phone mo." Bilin niya sa akin bago ako
hiniwalayan. Umikot na siya at sumakay sa kanyang kotse. Kumaway na lamang ako at
pinanood ang sasakyan niyang papalayo. Maya maya lang ay tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko iyon at napailing na lang ng ang pangalan ni Stanley ang nagregister.

'I miss you already. Is this a bad thing?'

Agad kong pinindot ang reply button at nagtipa ng isasagot.

'Don't text me. Nagmamaneho ka.'

Binulsa ko na ang phone ko at hindi na inasahan na sasagot pa ito. Kaya nga ganun
na lang ang gulat ko noong hindi pa ako nakakapasok ay muli itong tumunog.

'I'm trying to be sweet here. Hindi ka ba kinikilig?'

Natawa na lang ako. Hindi ako kinikilig Montreal. Hindi pa nga ako nangingisay dito
sa kinatatayuan ko. Naku, talagang badboy na ito. Hindi na lang ako nagreply sa
kanya. Baka kasi patuloy lang siya sa pagsagot.

Avvi new something is up to me. agad niya akong tinanong kung bakit ang lawak ng
aking ngiti. Ilang beses pa niya akong kinulit na sabihin sa kanya kung anong
nangyari sa Baguio pero hindi na lang ako nagsalita. I am too happy I don't even
know where to start.

"So, kelan ang kasal?" tanong niya habang kinakain ang strawberries na dala ko.
Napanguso na lang ako at nagkibit balikat.

"Hindi pa namin napaguusapan eh." Sagot ko.

I sighed. Alam kong ayos na kami ni Tan. We settled our issues. Pero nandyan pa rin
ang Tatay niya. I am not quite sure if Sandro Montreal will already approve of me
as his daughter. Hindi ko alam kung sapat na ba ang nagawa ko para matanggap na
niya ako.
Yun ang nasa isip ko buong gabi. Hanggang sa makahiga ako ay iyon ang iniisip ko.
Sa linggo ay muli ko siyang makikita sa birthday ni Shana. Ayaw ko man ay
kinakabahan pa rin ako kapag nakaharap ko na siya.

Nasa malalim akong pag-iisip noong tumunog ang phone ko. Agad ko iyong kinuha at
sinagot ang tawag.

"Hello?"

"I love you too."

Napatayo ako ng marinig ang sagot niya. Napailing na lang ako at umupo sa may
windowsill.

"Uuy, kinikilig na ang Yang ko." tukso niya. Narinig ko pa ang paghalakhak niya sa
kabilang linya. Damn. Wag ka ng magchuckle Stan, please! Your chuckle is so damn
sexy. Shit.

"Baliw ni Montreal ah." Tangi ko na lang nasabi. Hindi na gumagana ang utak ko sa
sobrang saya na nararamdaman. Tumikhim siya bago muling nagsalita.

"Sinong baliw? Ikaw?"

"Huh? Sino bang Montreal dito? Diba ikaw?" tanong ko. Tumawa lang siya ulit.
Narinig ko ang pagbagsak ng isang katawan sa kutson. Mukhang matutulog na rin siya
ah.

"Montreal ka rin naman ah. Ang tanga mo talaga." Naiinis niyang sabi. Napangiti ako
ng marinig ulit ang ganyang klase niyang pananalita. Ang harsh nitong lalaking ito.

"We're not married Stan." Katwiran ko. Pero pasimpleng pagsasabi na rin iyon na
alukin na niya ako. Magpropose ka na kasi Montreal!

"Yet. Nagmamadali ka yata?"

Napanguso na lang ako. Ang manhid mo! Pakasalan mo na ako!

"Hindi naman sa ganun..pero.."

"Aaah.. ayaw mo ng maagaw ako ano? Sweetheart, alam mong habulin ako ng babae, you
can't help that." Sagot niya. "But you don't have to worry. Nakatatak ang pangalan
mo sa balat ko." pakunswelo niya. Tumayo na ako at pabagsak na humiga sa kama.
Narinig ko ang pagsinghap niya sa kabilang linya.
"Are you in bed?" bumaba ang tono ng boses niya. Bumilis ang tibok ng puso ko sa
klase ng pananalita niya. Agad akong pinamulahan ng mukha.

"Yes." Sagot ko. Ilang sandali siyang nanahimik. Naririnig ko rin ang mabibilis
niyang paghinga.

"Damn. I'm turned on." Bulong niya. Napasinghap ako sa narinig. Agad akong napaupo
sa sinabi niya. Napahawak ako sa aking dibdib at pilit na kinakalma ang protesta ng
mga paruparo sa tiyan ko. Mga avid fan ni badboy!

"Stanley--" narinig ko ang pagtayo niya. Ilang kaluskos ang tumunog sa background
bago ko narinig ang langitingit ng kanyang kama. Humiga ulit ako at hinintay siyang
magsalita ulit.

"Sleep now. Bago pa ako pumunta diyan. Hindi ka na makakatulog nun." sabi niya sa
kabilang linya. Sunod kong narinig ang tunog ng gitara niya. Humiga ako at
pinakinggan siya.

Tell me that you turned down the man

Who asked for your hand

'Cause you're waiting for me

And I know, you're gonna be away a while

But I've got no plans at all to leave

Hindi agad ako nakalagalaw ng marinig ko ang kanta. Pamilyar sa akin iyon dahil
iyon ang kanta na nasa demo CD ni Stan. Hindi ko tinapos ang pakikinig noon dahil
masama pa rin ang loob ko sa kanya ng mga panahon na iyon.

And would you take away my hopes and dreams and just stay with me?

All my senses come to life

While I'm stumbling home as drunk as I

Have ever been and I'll never leave again

'Cause you are the only one


Tuloy tuloy pa rin siya sa pagkanta niya. Napangiti na lamang ako habang
pinapakinggan siya. Stan could be the vocalist of AEGIS. Kaya naman niya eh. But
come to think of it, if he is the vocals, then he will be in the front line. Mas
maraming babae ang hahanga sa kanya. Ayaw ko naman yun.

I should be the only one.

Tumigil na siya sa pagtugtog. Pumikit na rin ako dahil dumalaw na ang antok sa
akin.

"I love you Stan." Bulong ko at tuluyan na akong ginupo ng antok.

---------------------------------------

Song Used:

Ed Sheeran- One

TAMING THE COLD BOY po iyong kay Athan

*pen<310

=================

Ang Batayan

44

Sinikop ko ang laylayan ng dress na pinahiram ni Avvi sa akin. Mahaba ang likuran
niyon pero hanggang tuhod lang ang harapan. Sinulyapan ko ulit ang sarili ko sa
harap ng salamin bago huminga ng malalim.

Alright. This is already my best look.

Kinakabahan talaga ako. I want everything to be perfect. Gusto ko kapag nakita ako
ni Tatay Sandro, wala na siyang iba pang masasabi sa akin. He will just smile and
accept me. Ayaw ko ng maulit ang nangyari noon. Lalo pa ngayong ayos na kami ni
Stanley.

Alam kong kahit na ano pa ang sabihin ng Tatay, hindi na magbabago ang isip ni Tan
Tan tungkol sa akin. Matigas ang ulo ng Montreal na iyon. Hindi siya makikinig sa
Tatay niya. But then again, Tatay niya iyon. Ayaw kong mahati si Stanley sa pagitan
naming dalawa. Ayaw kong mamili siya.
Kinuha ko na ang purse ko bago bumaba sa naghihintay nang si Stanley. Agad siyang
tumayo ng makita akong pababa sa hagdan. Kumunot ang noo niya pagkakita sa suot ko
kaya napatigil ako sa pagbaba.

"Why?"

Lumunok ito at lumapit sa akin. Inalalayan niya ako pababa kaya sumunod na lang
ako.

"Bakit Tan?"

Tinitigan lang niya ako bago nagkamot ng batok. Nilingon niya ang kwarto ko sabay
nguso.

"Wala ka bang ibang damit?" naiinis niyang tanong. Tiningnan ko ang dress ni Avvi.
Maganda naman ang tabas ah? Ano na namang ikaiinit ng ulo nito? Sumpungin talaga.

"Pangit ba?" balik ko. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. Maya maya ay
hinubad niya ang jacket niya at isinuot iyon sa akin. Napanganga na lang ako pero
binigyan lang niya ako ng matalim na tingin.

"Wag mong tatanggalin yan." Utos niya. Hindi na niya ako binigyan ng pagkakataong
makatanggi. Agad na niya akong hinila para makaalis na kami papunta sa birthday ni
Shana.

Habang nasa daan ay hindi ko mapigilang hindi kabahan. Lalo pa noong pumasok na
kami sa mansyon ng mga Montreal. Sa daan pa lang papasok ay kitang kita ko na ang
kaibahan ng pamumuhay ni Stanley sa akin. Kahit saan man ako tumingin, karangyaan
ang isinisigaw niyon. I just know I don't belong here. Isang babaeng naghiram lang
ng masusuot para sa okasyon na ito. Sino ba naman ako--

Pinikit ko ng mariin ang mata ko. hindi pwede ito. Hindi pwedeng muli na naman
akong magpakain sa insecurities ko. I have been there, I have done that. Napahaba
lang nito ang proseso. Lalo lang akong nasaktan, lalo lang kaming nasaktan ni
Stanley dahil binababa ko ang sarili ko.

Naramdaman ko ang paggapang ng kamay niya sa hita ko. Agad niyang hinuli ang kamay
ko at marahan iyong pinisil. "You don't have to be nervous." Aniya. Ngumiti lang
ako bago tumango.

Marami ng tao pagkapasok namin. Una kong nakita si Nanay na nakakapit sa braso ni
Tatay. Nahagip kami ng kanilang tingin. Lumawak ang ngiti ni Nanay pagkakita sa
amin ni Stanley. Agad niyang hinila si Tatay papunta sa amin pero naharang sila ng
iilang lalaki. Napahinga ako ng maluwag dahil doon.

Hinaplos ni Stan ang braso ko bago ako hinila palapit sa kanya. "Victoria, relax."
Bulong niya. Inakay niya ako sa lamesa kung nasaan nakaupo ang ibang AEGIS.

"Happy birthday." Bati ko kay Shana na nakaupo sa tabi ni Greg. Tumayo siya at
niyakap ako. Humilig siya ng kaunti sa akin.

"Ang sweet ninyo ni Kuya." Tukso niya. Agad akong pinamulahan ng mukha sa sinabi
niya. May sasabihin pa sana ako noong bigla na lang siyang lumayo sa akin.

"Aray! Kuya!" sigaw niya habang hinahatak ni Stanley ang buhok niya. Napanganga
naman ako sa inasta ni Tan Tan sa kapatid niya.

"Tss."

"Ang sama mo talaga! Isusumbong kita kay Tatay." Asar nitong sabi. Tumawa lang ang
mga nasa lamesa sa inasta ni Shana. Nakakuha kami ng atensyon dahil doon kaya
nanahimik rin agad ang AEGIS. Nilingon ko si August na tumatawa rin kasama namin
kanina. Kumaway siya sa akin at nginitian ko siya. Umupo ako sa tabi niya habang si
Stanley naman ay pinagkukuha ako ng pagkain.

"Sungit, ang cute niya ano?" sabi nito. Nilingon ko ang sinasabi niya. Napasinghap
ako ng makita na si Shana ang tinititigan niya.

"Si Shana? Hindi yan pwede. Si Greg gusto niyan eh. Atsaka baka patayin ka ni Tan
Tan." Sagot ko. Ngumuso lang siya bago niya hinawakan ang dibdib.

"Naman. Saklap nun dude. Di pa nga nagsisimula lovestory ko, natapos na agad."
Pagdadrama niya. Hindi na ako nakasagot noong tinawag ni Shana ang buong AEGIS at
naghingi ng performance mula sa kanila. Nag-aalalang tiningnan ko si Greg, pero
mukhang ayos na ito.

Sabay sabay silang anim na umakyat sa stage roon. Dalawang micstand ang nilagay at
pumwesto sa tig-isa noon ang mga vocalists nila. Tumayo ako at nilitratuhan silang
anim. I can say that they're complete now. Gumilid ng kaunti si Greg at may
ibinulong ng kaunti kay August. Tumango lamang si Pangit kaya sabay silang humarap
sa apat.

Nagsimula na silang tumugtog, mostly si August lang din ang kumakanta. HAlatang
nahihirapan pa si Greg at hindi pa ganoon kayos ang timbre ng boses niya, but he's
getting there. Konting pahinga na lang ay maari na silang bumalik sa dati.

"Victoria."

Nilingon ko ang tumawag sa akin. Nakita ko si Tatay na nakapamulsa sa likod ko at


pinapanood rin ang AEGIS. Agad akong tumayo at nagmano dito.

"Follow me." utos nito. Nilingon ko si Stanley na abala sa pagtugtog. Walang kiming
sumunod ako kay Tatay. Abot abot ang tibok ng dibdib ko habang naglalakad kasunod
nito. Binuksan ni Tatay ang isang pintuan at pinauna akong pumasok.

Umupo ako sa sofa pero tinitigan lang ako ni Tatay ng matalim kaya agad akong
napatayo.

"You should not sit without my permission Victoria." Matalim nitong sabi. Tumango
na lang ako at yumuko na lamang. Umupo siya sa kanyang swivel chair at tinitigan
ako. Hindi ko alam kung saan koi ibabaling ang tingin ko habang si Tatay ay hindi
matinag sa pagtingin sa akin.

"So," huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang drawer sa kanyang lamesa.
Inilabas niya roon ang isang tseke bago niya iyon pinirmahan. "Ilagay mo na lang
kung magkano ang gusto mo--"

Natigagal ako noong maintindihan ko ang pinupunto ni Tatay.

"Ano?"

"Name your price Victoria. Ibibigay ko. Just leave my son alone." Madiin nitong
sabi. Napasinghap ako at abot abot ang pag-iling sa kanya.

"Tatay--"

"Mr. Montreal, Victoria." Seryoso nitong sabi. Huminga ako ng malalim. Ang kaninang
kaba ay napapalitan na ng galit. Anong karapatan niya para ipahiwatig na pera lang
ni Stanley ang kailangan ko? He knows me. Nakita niya kung paano ako lumaki. Ganon
lang ba talaga kababa ang tingin niya sa akin?

"Blanko na ang tseke iha. You can take several thousands..millions if you like.
Mabibili mo na ang kahit na anong gusto mo. You can buy a house or start your own
law firm. Name it. Ang gusto ko lang, iwan mo si Stanley."

Tinitigan ko lang siya. Hindi ko maisip na si Tatay Sandro nga ang nasa harapan ko.
Pakiramdam ko ay demonyo ang nakatayo at nakikipagusap sa akin ngayon.

"I told you to come back if you are worthy of my son, if you are worthy of being a
Montreal. But seeing you now, hindi ka pa rin sapat Victoria." Madiin niyang sabi.
Kumirot ang dibdib ko at naramdaman ko ang pananakit ng lalamunan ko. Pero hindi
ako iiyak. I'm not a little girl anymore.

"Ano bang batayan ninyo ng sapat Mr. Montreal?" tanong ko. Ramdam ko ang
panginginig ng kamay ko sa aking gilid. Ngumiti lang ito pero nakikita ko sa mga
mata niya ang panganib sa likod niyon.

"Have you seen my wife, Victoria? Siya ang batayan ko. Kaya mo bang gawin ang
nagawa niya para sa amin ni Stanley? She fought for us. She gave everything that
she has for us. Nagtiis siya sa lahat ng sakit na dinanas sa kamay ko.
Nagsakripisyo siya para sa amin Victoria." Tumigil siya at umikot sa lamesa.
Lumapit siya sa akin hanggang sa magkatapat na kaming dalawa.

"Bukod doon, maganda siya. Mabait. Matalino. Kayang kaya niyang sabayan lahat ng
mga tao sa paligid ko. She is not insecured. May tiwala siya sa sarili niya. She
knows how to handle a life being a Montreal. Lastly," yumuko ito para magkapantay
kaming dalawa. "Hindi niya kami tinalikuran. Hindi niya ako iniwan." Dumiretsyo
siya ng tayo at namulsa.

"Sapat na bang batayan yun Victoria?" paghahamon niya sa akin. Sa mukha niya ay ang
ngiting gustong gusto kong burahin.

I am no Phoebe Montreal. Mabuhay man ako ng ilang beses, hindi ko mapapantayan ang
isang tulad ni Nanay. Pero hindi sapat na dahilan iyon para gawin ko kung anong
gusto ni Tatay.

Inilahad nito sa akin ang blankong tseke. "Wag mo ng pahirapan ang sarili mo
Toryang. Tanggapin mo na ang tseke and you can rest in peace." Aniya. Tinitigan ko
siya bago kinuha iyon. May kung anong dumaan sa mata niya bago siya malamyang
ngumiti.

"I see--"

Nilukot ko ang tseke bago pa man niya matapos ang litanya niya. Hindi pa ako
nakuntento, binato ko iyon sa sahig at inapakan. Habang ginagawa ko iyon ay
nakatingin lang ako ng diretsyo sa mga mata niya. Look at me Alessandro Montreal.
I'm grown up now.

"Tama ho kayo Sir. Marami ho akong hindi maibibigay kay Stanley. Unang una na ang
ganito." Sabi ko at nilahad ang kamay sa buong lugar. "Wala akong pera. Hindi ako
kasing yaman ninyo. I can't even pronounce the names of the foods in your menu, but
then to tell you frankly, I don't even care. Mas mababa nga siguro ako sa ibang
babae dito. May mas matalino sa akin, mas maganda, mas mabait, mas bagay kay
Stanley, pero wala ho akong pakialam. Mahal ko ho ang anak ninyo at sigurado ho
akong mahal din niya ako." Matapang kong sagot. Tinaas ko ang noo ko at hinamon
siya gamit ang tingin.

"Wala ho akong balak pantayan si Nanay. She's one of a kind Tay. Pero hindi sapat
na rason iyon para bitiwan ko ulit si Stanley. I made that mistake then, I won't
repeat it now. In case you haven't notice, nagkasakitan lang kami ng anak mo."

Tumaas ang sulok ng labi nito at agad niyang tinakpan ang kanyang bibig. Kung hindi
lang talaga ako galit, iisipin kong napapangiti siya sa mga sinasabi ko.

"You made me leave then. Pumayag ho ako dahil insecured ako. Natakot ako sa hamon
ng pagiging Montreal. I wanted to be enough.." humina ang boses ko at napayuko na
lamang ako. Tinitigan ko ang sapatos ko bago huminga ng malalim.
"But then,sino nga ba tayo para diktahan si Stanley ng kung anong sapat para sa
kanya? Yes, you may be his father and I am his girlfriend, pero hindi ibig sabihin
noon ay may lisensya na tayong pangunahan ang desisyon niya. Tapos na ako sa ganon
Tatay. Kung aalis man ako, si Stanley ang magpapaalis sa akin. if he wants me to
stay, then I'll stay. Hindi na ho ako makikinig sa kahit na anong sabihin ninyo."

"Pwede ninyong isampal paulit ulit sa akin ang pera ninyo. But I won't go. Hindi na
ho ako ulit luluhod sa mga utos ninyo." May diin kong sabi. Tuluyan ng kumawala ang
ngiti niyang kanina pa niya pinipigil.

Hinihingal ako ng matapos akong magsalita. Matagal na katahimikan ang namayani sa


amin bago bumukas ang pintuan. Agad may mga brasong bumalot sa akin at halos
matumba ako noong maramdaman ko ang presensya ni Stanley. Nakahinga na ako ng
maluwag ng maramdaman ko siya sa tabi ko.

"Ano ito? Are you asking her to leave again?!" sigaw ni Stanley. Tiningnan lang
siya ni Tatay bago niya ibinalik ang tingin sa akin. Inilagay ako ni Stanley sa
likuran niya at hinarap niya si Tatay.

"Hindi pa ba kayo natuwa noon? Ano bang problema mo ha?" tuloy tuloy nitong tanong.
Lumapit si Nanay sa amin at hinawakan niya si Stanley sa braso.

"Sweetheart." Pag-aalo ni Nanay dito pero hindi natinag si Stanley. Patuloy pa rin
ang matatalim nitong titig sa kanyang Tatay.

"There is a rule in our family Victoria. When a Montreal falls inlove, he gives
everything he has. Come what may, a Montreal fights for his love."

Nilingon ko siya. Hindi ko makuha ang kanyang sinasabi. Nakita ko rin ang kalituhan
sa mukha nina Nanay at Stanley.

Ngumiti siya at lumapit sa akin. Ginulo niya ang buhok ko bago niya hinawakan ang
magkabila kong braso.

"Sa wakas, natuto ka rin." Masaya niyang bulong. Napanganga na lamang ako sa
narinig. Niyakap ako ni Tatay bago niya tinapik ang aking likod.

"Wag mo na ulit siyang iwan Toryang. Never doubt yourself. Never let your
insecurities rule over you. Kahit gaano pa yan kasungit, wag mo siyang bibitawan.
That is all that I want for my son."

Tumulo na ang luha ko pagkarinig sa mga salita niya. Yumuko ito at pinunasan ang
aking pisngi.

"You're enough back then. You're more than enough now. I'm glad." Aniya.
-------------------------

*pen<310

=================

Not A Dog

45

Wala na pong regular UD. May pasok na po ako.

Magpopost na lang ako kung kailan meron.

-----------------------------------

Hindi ako makapaniwalang maririnig ko iyon mula mismo sa bibig ng isang Alessandro
Montreal. Ilang sandali pang prinoseso ng utak ko ang mga salita niya. Tuloy tuloy
pa rin ang luha ko habang nakatingin sa kanya.

“I don’t need someone who has fame, money or power Victoria. Hindi sa nagmamayabang
ako, pero punong puno na ang pamilya ko ng ganyan. What I want for Stanley is a
woman, not a girl.” Marahan niyang hinaplos muli ang pisngi ko bago lumayo sa akin
ng kaunti. Humarap siya kay Stanley at nagkibit balikat.
“Alam kong mali ang pamamaraan ko. Pero ginawa ko lang yun dahil mayabang ka.Akala
mo kung sino ka, wala ka namang kayang ipagmalaki sa akin kung hindi yang banda mo.
You are immatured. Nakakahiya naman kay Toryang kung ang katulad mo lang ang
mapapangasawa niya.”

Nga nga akong napatingin kay Tatay na sobra kung makapanglait kay Tan Tan.

“Alessandro!” saway ni Nanay rito. Maging si Stanley ay hindi agad nakapagsalita


dahil na rin sa talim ng mga sinasabi ni Tatay.

“I saw it Stan. Magkamukha tayong dalawa--“

“Kapal mo Manong. Si Nanay ang kamukha ko. Ampon ka kaya.” mayabang na ganti ni
Stanley. Nagkatinginan na lang kami ni Nanay. Lumapit si Nanay kay Tatay at may
ibinulong rito.

“Ikaw ang makapal Tol. Walang kahit na anong parte mo ang may bakas ni Phoebe.
Mahiya ka naman sa Nanay mo. At alam mong bukod sa mukha ay namana mo rin ang ugali
ko. Yun ang ibig kong sabihin.” Ganti ni Tatay. Napangiti na lang ako habang
nakatingin sa dalawa.

When we were kids, laging sinasabi ni Stanley na ayaw niya sa Tatay niya dahil
inaagaw nito si Nanay sa kanya. Na gusto lang niya si Tatay Sandro dahil nabibili
nito ang mga action figures na gusto niya. But I knew better. Stanley loves Tatay
so much. When others think that Alessandro Montreal can walk in the water, Stanley
believes that his father created the water itself. Ito na ang naging idolo niya
mula bata pa lang kami. Hindi na ako magtataka kung maging sa ugali man ay
magkapareho silang dalawa.

And I think, Tatay knows that.

“There are millions of mistake in the world Stanley. Pero ginagawa mo ang nagawa ko
sa Nanay mo noon. You made Toryang your world, masyado kayong nakulong sa isa’t
isa. I saw it Stan. You controlled every aspect of her decisions. Pinagalaw mo siya
ayon sa gusto mo. Trust me son, that is not a good thing. I did that to your Mom at
sa maniwala ka o sa hindi, naloko lang ang lahat dahil doon.” Umiling ito bago
natawa na lamang.

“You were so caught up with each other that you did not see the possibility of
more. Kung hinayaan ko iyon, balang-araw masasakal kayo--“

“That won’t happen. I love her.” matatag na sabi ni Stanley. Tumaas ang sulok ng
labi ni Tatay.
“Sinasabi mo bang hindi ko mahal ang Nanay mo?” mapanghamon na sabi ni Tatay. Hindi
agad nakasagot si Stanley sa tanong na iyon. Matagal walang nagsalita sa kanilang
dalawa bago tuluyang umiling si Tatay.

“Love is not enough Stanley. Yes, it will make the relationship stronger, pero
hindi iyon sapat. There are other things to consider. Maturity, mutual
understanding, trust, compatibility,the list is endless Stan. And I think that is
the beauty of loving. Bawat araw, you learn something different, because you are
aware of the possibilities, and you use that learning to become a better person for
your love.” Madamdamin nitong sabi. Habang nagsasalita si Tatay ay inabot na niya
ang kamay niya kay Nanay at hinatak ito palapit.

“Alam kong handa na kayong dalawa. At kung magkakaanak kami ulit ni Phoebe, gusto
namin si Victoria iyon.” Masaya nitong sabi. Pakiramdam ko ay hinaplos ako sa
dibdib noong marinig sa kanya iyon. Ngumisi si Tatay bago ako kinindatan.

“Do you understand Stanley?”

Hinintay ko ang pagsagot ni Stan. Ngumisi lamang siya bago tumango. “I do. Salamat
Tay.”
Lumapit si Tatay sa akin at inakbayan ako.

“Gusto ko ng pitong apo Victoria.” Natatawa niyang sabi. Nagpakita pa siya ng pito
gamit ang daliri niya. Napasinghap ako lalo pa’t narinig ko ang pagtawa nila Nanay
at Stanley. Maya maya lang ay hinila na ako ni Tan Tan palapit sa kanya.

“Uwi na kami..po.” Paalam kaagad ni Stanley.Natawa na lang ako noong marinig ko ang
pahabol niyang po. Tumango lang si Tatay pero si Nanay ay humabol.

“Maaga pa Sweetheart.” Pagpipigil nito. Tumingin si Stanley sa akin at binigyan ako


ng pilyong ngisi.

“Gagawa pa kami ng apo ninyo Nay. Maawa kayo. Pito yun. Pauwiin na ninyo kami.”
sagot nito. Pinalo ko ang braso niya pero hindi man lang siya natinag.

“Stan naman!” nahihiya kong sabi. Tumawa lang ang mga magulang niya at wala na
akong nagawa kung hindi ang sumunod kay Tan noong hinila na niya ako palabas.
----------------------------------

Halos isang buwan na rin noong narelease ang bagong AEGIS. It was so overwhelming
seeing na mas dumami pa ang tagasuporta ng kanilang banda. Hanggang ngayon ay nag-
aadjust pa rin si August, habang si Greg naman ay paunti unti ng bumabalik.
Everything is perfect now.

Kami naman ni Stan? Ito, mas pa kami sa ayos na. Wala na akong mahihiling pa.
Madalas ay busy sila dahil sa kanilang mga appointments, pero lagi naman siyang
tumatawag sa akin kapag nasa byahe sila. It became a habit na kakantahan niya ako
over the phone, the usual song. One by Ed Sheeran. I don’t know why, baka paborito
niya iyon.

Kapag wala naman siya sa trabaho ay magkasama kaming dalawa. Desidido kasi siyang
mabuo ang pitong apo na hinihingi ni Tatay. Ako naman ay desidido nang mabuntis
para makasal na kami. Hindi na namin kailangang patagalin itong in-a-relationship
na status namin hindi ba? Kilala na namin ang isa’t isa. Hindi ko talaga alam kung
ano ang hinihintay niya. Baka nga ako na lang ang mag-alok. Tingin ninyo?

Hindi naman sa nagmamadali ako. Pero nagmamadali na talaga ako. Geez, 27 na ako.
Hindi na ako bata. Baka mauna pa si Shana at Greg sa amin ni Stan, ano ba yan.
“Wear these.”

Gulat akong napatingin kay Avvi na may hawak na itim na stiletto. Hindi ko
namalayan na nandito pa rin siya sa kwarto ko at hinihintay akong makapag-ayos.
Magkikita kasi kami ni Stan dahil matagal rin silang nawala noong pumunta sila sa
Visayas at nagroad show doon.

“Pinapatay mo ba ako?” nagtataka kong tanong kay Avvi habang tinitingnan ko ang
sapatos. Six inches yata ito?

“No.” natatawa niyang sabi. Wala na akong nagawa kung hindi ang suotin iyon kasabay
ng damit na siya rin ang pumili. Inayusan ako ni Avvi at nang makuntento siya ay
pinicturan pa niya ako.

“Kapag talaga hindi pa nagpropose iyang lalaking yan mamaya, ewan ko lang.” tuloy
tuloy niyang sabi. Natawa ako dahil hindi na pilipit ang dila niya sa kanyang
tagalog.

Hindi na ako nakasagot dahil tumunog na ang aming doorbell. Agad akong bumaba sa
kwarto at pinuntahan si Stanley.
“Ready ka--“

Napangiti ako ng makita ang reaksyon niya ng makita ako. I opted for a red
sleeveless dress. Simple lang ang cut niyon pero tinernuhan ni Avvi ng kwintas at
hikaw na makakapagemphasize daw sa aking mukha. Noong una ay hindi ako naniniwala,
but looking at Stanley now, Avvi is right.

“Let’s go.” Natatawa kong sabi bago hinalikan ang pisngi nito. Nauna na ako sa
kanyang kotse at pumasok agad roon. Nakita kong tulala pa rin siyang nakasunod sa
akin. Kinatok ko ang bintana ng kanyang Maserati at agad iyong binaba.

“Sweetheart, gabi na. Maghohotel pa tayo, hindi ba?” natatawa kong sabi. Napalunok
siya bago tumango. Umikot siya at sumakay na rin.

Daldal ako ng daldal buong byahe pero hindi ito nagsasalita. Tumatango lamang siya
sa bawat sasabihin ko. Noong nagpark na siya ay doon lamang ako nagtanong kung ano
bang problema niya. Yumuko lang siya at inalalayan akong makalabas.

“Pagod lang ako. May concert na naman kami sa susunod na buwan, sabi ni Ria.” Sagot
nito. Tumango na lang ako dahil alam ko kung gaano kahectic ang sched nila kapag
may nalalapit silang concert. Kaliwa’t kanan ang appointments nila at mga guestings
para sa promotion. Idagdag pang kagagaling lang nila sa roadshow.

“Tara.” Alok niya sa akin. Agad naman kaming pumasok sa restaurant.

“Stan--“ tawag ko sa kanya pero natigil ako ng maramdaman ko ang marahang ambon.
Lalo kaming nagmadaling pumasok dahil unti unti na iyong lumakas. Mabuti na lamang
at nagpareserve na itong si Stanley kaya hindi na kami naghintay ng table.

Ilang beses kong kinamusta ang araw niya pero puro tango lamang at iling ang naging
sagot niya. Hanggang sa makalahati ko na ang pagkain ay nagpasya na lamang ako na
manahimik na lamang. Baka nga pagod talaga siya ngayon at nandito lang siya dahil
naoobliga siya. He knew dating his girlfriend os one of his duties. Narito lamang
siya dahil iniisip niyang responsibilidad niya ito.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkain noong tumunog ang kanyang telepono.

“Excuse lang.” sabi niya. Tumayo ako at pinigilan siya.


“Saan ka pupunta?” tumaas ang tono ko pagkasabi niyon. Hindi ko naman ginustong
gawin iyon, pero ngayon lang niya ginawa ito. Kahit kailan ay hindi siya nagtatago
ng tawag sa akin.

Bumuntong hininga siya at sinagot iyon. “Ria?” sabi niya. Napasinghap ako ng
marinig ang pangalan niyon. NJag-iwas ng tingin sa akin si Stan habang
pinapakinggan si Leria sa kabilang linya.

“Okay. I’ll pick you up. Diyan ka lang.” utos nito bago binaba ang tawag. Nagpunas
siya ng bibig at tiningnan ako. Inayos niya ang kanyang jacket at tumayo na.

“I have to go. Ihahatid na kita--“

“Pupuntahan mo si Leria?” tanong ko. Hindi ko napigilan na nabahiran ng selos ang


boses ko. Nakita ko ang pagtiim ng bagang niya sa klase ng boses ko.

“She needs me Victoria.” Iyon lang ang sinabi niya. Tumayo ako at sumunod sa kanya.
“Sasama ako.” Pinal kong sabi at nauna nang pumunta sa kotse nito. Narinig ko na
lamang ang pagbuntong hininga nito at walang salitang sumama sa akin.

Habang nasa daan ay panay ang tingin niya sa akin. Hindi ko siya pinapansin.
Tinititigan ko lang ang ulan sa bintana ng kanyang sasakyan. Walang nagsasalita sa
aming dalawa. Naiinis ako. Naiinis ako dahil ang bilis lang niya akong iniwan para
kay Leria. Naiinis ako dahil hindi niya ako kinakausap. Naiinis ako dahil hanggang
ngayon ay hindi pa rin siya nagaalok ng kasal.

Nakarating kami sa isang park. Ganun na lang ang pagtataka ko dahil malakas ang
ulan. Walang sabi sabing lumabas si Stanley roon at sumugod kahit pa mababasa siya.
Naghintay na lamang ako sa loob habang nag-aalala sa kanya. Ano bang iniisip niya?
Ang lakas ng ulan.

Bumalik siya dala dala ang basang basa na si Leria sa loob. Binuksan niya ang
backseat at pinaupo roon si Ria habang umiiyak.

“What happened?” nag-aaala kong tanong. Nilingon lang ni Stanley sa Leria bago
umiling. Alam kong may nangyayaring hindi maganda ngayon pero hindi masabi ni
Stanley.

“Saan mo siya dadalhin?” tanong ko. Pumasok na si Stanley sa kotse bago sumagot.
“Sa unit ko. Hindi ko yan pwedeng iwan mag-isa.”

“Sa condo mo? Kayo lang dalawa doon. Ayoko.” Madiin kong sabi. Tiningnan niya ako
bago huminga na lang ng malalim.

“Victoria naman! I can’t leave her alone.” Aniya. Bakas ang pagod sa kanyang boses.
Tinikom ko ang bibig ko hanggang sa makarating kami sa building niya.

“You stay here. Dadalhin ko lang siya sa taas.” Utos nito. Lumabas ako at narinig
ko ang pagmumura niya.

“Ano na naman?” inis na niyang tanong. Nameywang ako at huminga ng malalim.

“Bakit hindi mo na lang siya ihatid sa bahay niya?!”


“I can’t leave her alone!” pasigaw na niyang sabi. Nagtaas ako ng noo bago umiling
na lamang. Noong nakita niyang hindi na ako nagsalita ay kinuha niya si Leria at
pinangko papasok.

“Stanley!” tawag ko ulit. Humarap siya sa akin at tiningnan ako ng matalim.

“YOU STAY VICTORIA!”

Tumulo na ang luha ko sa sigaw niyang iyon. Kinagat ko ang labi ko at hindi na siya
hinintay pang magsalita. Bahala siya sa buhay niya! Stay?! Damn you Stanley, I’m
not your dog!

Sumakay ako sa pinakaunang taxing nakita ko. Kumukulo ang dugo ko. Umiikot ang
paningin ko. Nahihilo ako! Ang gulo mo Montreal!

--------------------------------

Kinabahan ako sa inyo! akala ko nabura ang buong STBB :)

*pen<310
=================

Errors and Reasons

46

Agad akong sinalubong ni Avvi sa tapat ng bahay, nagtataka kung bakit maaga ang uwi
ko at kung bakit basang basa ako ng ulan. Hinanap rin niya si Stanley pero hindi na
ako nagsalita. Hindi ko na kayang magsabi ng kahit na ano dahil alam kong babagsak
na lamang ako kapag ginawa ko iyon.

Nafufrustrate ako. Iritasyon. Inis. Tampo. Pinagsasama sama lahat ngayong gabi.
Hindi ko alam kung anong nagyayari kay Leria, at wala rin akong ideya kung bakit
malamig ang trato ni Stanley sa akin. Sa dulo ng lahat ng nararamdaman kong galit,
alam kong nakatago roon ang takot. Takot na baka nakahanap na ng iba si Stanley.

She's Leria Morales. Siya ang babaeng, katulad nga ng sinabi ni Tatay, na papantay
kay Nanay Phoebe. Paano na lang kung nakapagisip isip si Stanley at mas piliin niya
si Ria? Ito ang kasama niya noong wala ako. Si Ria ang nasa tabi niya noong
nasaktan ko siya ng husto. Maari naman iyon hindi ba? Na mawala ang pagmamahal
dahil sa sobrang sakit? Na sumuko sa isang taong hindi ka naman ipinaglaban?

Gumapang ako sa kama at hindi na nagabala pang magbihis. Pinabayaan ko na lamang na


nakasuot ako ng basang damit. Tuloy tuloy lang ako sa pagiyak habang iniisip ang
nangyari ngayong gabi.

She needs him? Oh, you don't give me that shit Stanley! Eventhough she needs you,
it is still your choice if you will be there for her. Sana man lang ipinaliwanag
niya kung bakit niya kailangang puntahan si Ria, maiintindihan ko naman eh. Hindi
naman ako clingy o selosa. Pero maging iyon ay pinagdamot niya. Pinagdamot na nga
niya ang atensyon niya sa akin ngayong gabi pati pa ang paglilinaw kung bakit mas
pinili niya si Ria ay kinuha na niya.

"Magkakasakit ka niyan Tori."

Nilingon ko si Avvi na nakatayo sa may pintuan ng aking kwarto. May hawak hawak
siyang gatas at dahan dahang lumapit sa akin. Nilapag niya iyon bago niya ako
inabutan ng tuwalya. Pinilit niya akong maligo at magtuyo ng sarili bago niya ako
hinayaang bumalik sa kama.

"You drink this na." nakangiti niyang sinabi. Inabot niya sa akin ang gatas pero
wala talaga akong gana. Amoy pa lang nito ay nahihilo na ulit ako. Damn it, mukha
nga talaga yatang magkakasakit pa ako sa ulan na iyon. Ganito rin ako noon sa New
York, migraine at hilo ang nararamdaman ko kapag malapit na akong lagnatin.

Humiga lang ako at hinayaan si Avvi sa tabi ko. Hindi naman siya nagsasalita, basta
lamang niya akong sinamahan. Hindi rin siya nagtanong kung bakit ako umiiyak,
tahimik lamang niya akong dinamayan. Nagbabasa lamang siya ng libro sa gilid ko
noong tumunog ang telepono ko. Tiningnan ko iyon at muntik ko na iyong binalibag ng
makita ko ang pangalan ni Stanley sa screen.

Hindi pa man ako nakakahuma ay inagaw na ni Avvi ang cellphone ko at siya ang
sumagot. Niloudspeaker niya ito at binati si Stanley ng malutong na mura.

"Nasaan siya?" imbes ay sagot ni Stan sa kaibigan ko.

"She's sleeping na!Go to hell asshole--" sigaw ni Avvi sa kabilang linya. Napapikit
na lamang ako sa lakas ng boses nito. I am sure as hell she is pissed. Sumisigaw na
ito at namumula na ang pisngi sa inis.

Huminga ng malalim si Stanley, halatang nagtitimpi. "Look, I really have to talk to


her Avvi. Pakigising siya." pagmamakaawa nito. Tiningnan ako ni Avvi. Umiling ako
at tumalikod na lang.

"Ayaw ko. Sorry Stan. Bye." Mapang asar na sagot nito bago niya tuluyang pinatay
ang tawag ko. Maya maya ay narinig ko ang kaluskos sa gilid ko kaya tiningnan ko
kung anong ginagawa niya. Napanganga na lang ako noong kinalas niya ang phone ko at
tinanggalan ng battery.

"This is the reason why I don't want to fall inlove." naiirita niyang sabi. Inisa
isa niyang tinanggal ang parte ng phone ko habang nagkakandatulis tulis na ang
bibig niya sa pagnguso. Natawa na lang ako sa kabila ng mga luha ko.

"It sucks diba?" binagsak niya ang phone ko sa sidetable bago nagpadulas at pumasok
sa ilalim ng kumot ko.

Tinitigan ko lang siya bago pinunasan ang luha ko. "Oh? You're not inlove with E?"
tukso ko. Nanlaki ang mata niya bago umiling.

"No! God, no. Ano ba." Natatawa niyang sabi. Hinila niya ang kumot at nagtalukbong
na. Hindi na ako nagsalita at natulog na lamang.

Nagising ako kinabukasan na mabigat ang pakiramdam. Noong tiningnan ko ang


repleksyon ko ay hindi na ako nagulat sa itsura ko. Mugto ang mata ko mula sa
kakaiyak at walang kulay ang mukha ko. Naghilamos lamang ako at pinusod ang buhok
ko bago bumaba.

"Yang."

Napahinto ako sa gitna ng hagdanan noong makita ko si Stanley na nakaupo sa gitna


ng sala. Naroon pa ang buong AEGIS, maging si Ria. Hinanap ko kaagad si Avvi. Noong
makita ko siya ay nagkibit balikat lamang siya at nginuso si Stanley.
"Ang agang bisita naman." Ngumiti ako at pumunta sa island ng kusina. Agad akong
kumuha ng tasa at nagtimpla ng chocolate.

Sumunod si Stanley sa akin at siya na ang nagtuloy ng pagtimpla. Sumandal lamang


ako sa lababo at pinanood siya sa kanyang ginagawa. "Let's talk." Madiin niyang
sabi. Kinuha ko ang jar ng cookies at kumain mula roon.

"Toryang." Frustrated niyang sabi. Inabot niya sa akin ang tasa at kinuha ko lamang
iyon.

"I'm sorry--"

"No. It's fine. I understand." Sansala ko sa sasabihin niya. Kumunot ang noo niya
pero ipinagwalang bahala ko lamang iyon. Kumuha ulit ako ng cookies at tinitigan
siya ng malamig.

"No, you don't. Last night, I was just.." kinagat nito ang labi niya at hindi niya
magawang ituloy ang sasabihin. Dumako ang kamay niya sa jacket niya at namulsa
roon.

"Kapag umuulan, naghihyperventilate si Leria. She needed me Victoria. I was, well,


I am the only person who knows that secret. Ako lang ang makakatulong sa kanya. I
thought you will understand." Paliwanag niya. Nilingon ko si Leria na nanonood sa
aming dalawa. Ngumuso lang ako bago ko pinagpagan ang kamay ko. Kinuha ko ang tasa
at ang jar bago pumunta sa sala.

"Toryang." Tawag niyang muli sa akin. Hinawakan niya ang braso ko at pinilit akong
humarap sa kanya.

"Akala ko ba may tiwala ka sa akin?" nag-igting ang panga niya sa tanong niya.
Tinitigan ko lang siya bago ko pasimpleng pinalis ang kamay niya sa braso ko.

"Sayo meron. Pero sa babaeng yan, Stan wala! And you made it clear last night. You
chose her over me." mas madiin kong sabi. Huminga siya ng malalim bago napapikit na
lamang.

"Victoria." Nagsusumamo niyang sabi. Tinalikuran ko na siya at tumabi na lamang kay


Iñigo. Tumaas ang kilay niya habang nakatingin kay Stanley.

"Ayos ka lang?" tanong niya. Napangiti ako sa tono ng boses niya. Over-protective
talaga.

Sumiksik ako kay I at humilig sa dibdib niya. Umakbay siya sa akin habang ako naman
ay pinaglalaruan ang daliri niya. Tiningala ko siya at natatawang hinila ang pilik
mata niya.
"Kamahalan!" saway niya sa akin. humagikgik lang ako at tuluyang binitiwan na ang
tasa ko at ang cookies. Pinaglaruan ko ang mukha ni Iñigo habang ito naman ay
umiiwas.

"Toryang!"

Napatigil ako noong dumagundong ang boses ni Stanley sa sala. Napatahimik kaming
dalawa ni I habang ang iba naman ay tumigil sa kanilang pag-uusap. Tumikhim si Greg
at nilapitan si Stanley.

Nagkatitigan lang kaming dalawa ni Stan at ako na ang naunang nag-iwas ng tingin
dito. Binalingan ko si Iñigo at lumayo ng kaunti dito. Lumapit na lang ako sa
kambal at tumabi kay August, habang ginagawa iyon ay nakatitig pa rin ako kay I.

"Tugtugan mo ako." Hiling ko rito. Nanlaki ang mata niya bago tumingin sa likuran
niya. Tinuro pa ni I ang sarili niya na para bang sinisigurong siya nga ang
tinutukoy ko. Tumango lamang ako. Bumuntong hininga ito at tumayo na. May ibinulong
lang siya kay Stanley bago lumapit sa organ.

Kung ano ano lang ang tinugtog niya. Hindi ko naman siya pinakinggan masyado. Gusto
ko lang makita si I na nagpapiano ulit. Maya maya ay sumama na ang kambal, si Greg
at si August sa kanya. Tumigil lamang sila noong nagtawag na si Avvi para sa
pananghalian. Agad na akong tumayo at pumunta sa lamesa.

Muntik ko ng itapon ang plato ko noong makita si Stanley na tumabi sa akin. Kinuha
niya ang kanin at ulam at nilagyan niya ang pinggan ko. Pinanlakihan ko lang siya
ng mata pero hindi siya natinag. Nakipagtitigan lamang siya bago ngumisi. Lumapit
siya ng kaunti sa akin hanggang sa tumapat ang bibig niya sa tenga ko.

"Ganda mo kapag nagsusungit ka."

Binelatan ko lang siya at nagsimula ng kumain. Sa gitna ng mga subo ay tinititigan


ko si Ria at Stanley na kaswal na naguusap sa hapag. Tumaas ang kilay ko at
kumulong muli ang dugo. Hindi pwede ito. Nakakairita silang dalawa.

"A."

Nagtaas ng tingin si Athan at sa nagtatanong na mata ay nilingon ako.

"I miss your cookies. Pagbake mo ako." Paglalambing ko. Pasimple kong nilingon si
Leria na patuloy pa rin sa pagkain. Lalo lamang akong nainis dahil nanatili pa rin
ang walang ekspresyon niyang mukha. Hinarap ko ulit si Athan na sinundan ang aking
tingin. Tumaas lang ang sulok ng labi niya at mukhang naintindihan niya kung ano
ang gusto kong mangyari.

"If that's what you want" magiliw nitong sabi. Narinig ko ang pagbagsak ng kutsara
at tinidor sa plato. Tumayo si Leria at lumapit sa water dispenser.

"So, remember your stalker back then? Yung girl na nagnakaw ng boxers mo? Diba
nanghihingi ka pa noon ng restraining order? Kamusta na siya?" natatawa kong sabi.
Sinusundan ng tingin si Ria bago sinusulyapan si Stanley at bumabalik ang titig kay
Athan. Napapikit ako ng mariin. Nakakahilo pala ang ganito.

"Stan, pahinging ulam." Boses ni Leria ang narinig ko. Malamig pa rin ang mukha
niya. Pero hindi nakaligtas sa paningin ko ang higpit ng hawak niya sa kutsara
niya. Lihim akong napangiti. Huli ka bakla. Selos ka ano?

"Hinahanap ko pa." simpleng sagot ni Athan bago lumingon kay Leria. Napasandal ako
sa upuan ko at nagpunas ng bibig. Kitang kita ko kung paano magpalipat lipat ang
tingin ng iba sa aming apat na para bang may hinihintay na mangyari.

"That's so sweet Athan. Alam mo, bihira na lang sa lalaki ang maging sweet. Madalas
kasi, tinetake for granted ka na lang. Hindi ba Ria?" masuyo kong sabi. Tiningnan
lang niya ako bago nagkibit balikat.

"Stan never took you for granted Victoria. Hindi siya katulad ng ibang lalaki."
Ganting sagot nito. Nawala ang ngiti ko at tiningnan si Stanley na matalim na ang
tingin sa amin ni Athan. Ngumisi ako at huminga ng malalim.

"You will only be taken for granted if you are an option, not a priority. Sa kaso
mo, ikaw lagi ang nasa taas ng priority ni Stanley, o ng ibang tao diyan." Simple
niyang sabi. Umiling na lamang ako at hindi na nagsalita.

Ako? Priority? Iba ang nakita ko kagabi.

Natapos ang pagkain namin na wala na ulit nagsalita sa amin. Tinulungan ko na


lamang si Avvi sa pagliligpit habang si Ria at ang AEGIS ay dumako sa sala para
tumugtog ulit. Pero ganon na lang ang pagtataka ko noong humiwalay si Ria at
Stanley bago lumabas. Agad akong sumunod at nagtago sa isang gilid.

"It's my fault then?" naiiritang asik ni Ria kay Stanley. Narinig ko ang pagmumura
ni Stanley.

"Dapat kasi agad mo na lang binigay iyon!"

"Aba? Kasalanan ko bang hindi mo alam ang sukat niya? Isa pa, you should have
checked the weather forecast. Ikaw lang naman ang bobo rito."

Halos mapatalon ako ng marinig ang pagsipa ni Stanley sa gulong ng kanyang


sasakyan.

"Kinabahan ako okay?! Hindi ko na naisip lahat yan! Narealize ko na lang na nasira
na dahil sa ulan. Pagkatapos ikaw..I'm really sorry Ria. Hindi ko talaga alam na
uulan."

Kumunot ang noo ko habang nakikinig sa kanilang dalawa. Wala akong maintindihan sa
kahit na anong sinasabi nila.

"Forget about me. Kailangan ko lang ng therapy. Ang isipin mo, siya. She won't say
no Stan.Pupusta akong hinihintay pa niya iyon."

Matagal walang nagsalita sa kanilang dalawa. Mauuna na sana ako sa pagpasok ng


marinig ko si Stanley.

"I just want everything to be perfect Leria. Para wala na siyang rason na umalis
ulit." Nanginginig nitong sabi. Bakas ang takot sa boses niya habang sinasabi iyon.
Perfect ang ano? Ano ang kinakatakot niya?

"Girls don't need glitters, flowers or whatever shits Stanley. Ang kailangan lang
namin ay assurance. Pero sa ginagawa mo ngayon, kahit konting assurance wala kang
naiibibigay sa kanya." Mataray na sagot ni Leria. Napahakbang na ako palayo pero
hindi nakatakas sa tenga ko ang huling sinabi nito.

"Kung sanang hinayaan mo na lang ako at nagtanong ka na lang, wala ka na sanang


problema."

---------------------------------

SHAIRA BANAG!

Kay Chance bukas, pramis!

Nipatayan nila ako ng wifi eh.. nitulog na daw ako :(

Labyou :*

*pen<310

=================

Ang Pulang Maserati

47
Nagising ako na mataas na ang sikat ng araw sa bintana ko. Tiningnan ko ang orasan
ko at doon ko lang napansin na ala-una na pala ng tanghali. Kumakalam na ang
sikmura ko kaya nagdesisyon na akong bumaba at hanapin si Avvi.

Tiningnan ko ang ulam namin. Avvi cooked Tinola. Inamoy ko iyon ngunit nangasim
lang ako ng makita ang sayote kaya muli ko na lang iyong sinara. Kinuha ko na lang
ang cookie jar at iyon ang kinain. Habang ginagawa iyon ay nagbabasa lang ako ng
mga kaso na kailangan kong pag-aralan. Nakaschedule ang isang hearing ko sa susunod
na linggo.

Pumasok si Avvi sa bahay at nagulat ng makita akong nakaupo sa sofa. “Ang aga mo
nagising.” Tudyo niya. Tinaasan ko lang siya ng kilay habang siya ay ngumiti naman
sa akin.

“Napagod yata ako kahapon.” Anas ko. Kinuha niya ang cookie jar at sinamahan akong
kumain. Nang matapos kong pag-aralan ang trabaho ko ay sinindi na niya ang TV at
nanood na.

“Stan’s here pala. Nasa labas siya.” aniya. Nilingon ko siya bago napatingin sa
relo. Mahigit kalahating oras na rin kaming kumakain rito sa loob.
“Iniwan mo siya sa labas?”

“I told him to wait there. Isa pa, you’re asleep pa kaya.” Katwiran nito. Napanguso
na lang ako bago tumingin sa labas. Mataas ang araw at pupusta akong mainit na
roon.

“May dala siyang kotse?” tanong ko. Sana naman ay meron. Kahit yung man lang ay
makapagbigay ng kaunting lamig sa kanya. Langya naman kasi itong si Avvi eh,
nagmamaldita na naman.

Pilya siyang ngumisi bago umiling.“None. He’s bringing his Ducati.”

Napanganga ako sa narinig ko. “What the hell Avvi. Ang init sa labas!” gulat na
gulat kong sabi. Nagkibit balikat lang siya at hindi ako pinansin. Tumayo ako at
maglalakad na sana noong tinaas ni Avvi ang binti niya at hinarang ang daraanan ko.
“Girl, try mo kaya isearch meaning ng ‘pakipot’.” Natatawa niyang sabi. Inirapan ko
lang siya at umikot para lumabas na.

Nakita ko si Stanley na nakasilong sa ilalim ng punong mangga namin. Ilang beses


niyang tinaas ang shirt niya at nagpunas ng pawis. Napakagat na lang ako ng labi
habang pinapanood siyang pawisan ng todo dahil sa init. Namumula na ang balat niya
at hindi na siya mapakali sa kinauupuan. Bumaba ang tingin ko sa kanyang braso. I
really love his arms. Lalo na kapag nakasando lamang siya o di kaya ay kapag wala
na siyang suot--

Biglaan akong umiling para putulin ang takbo ng isip ko. Pinaypayan ko na rin ang
sarili ko dahil maging ako man ay naiinitan na. Siguro ay hahayaan ko muna siyang
magbabad sa araw kahit sandali pa. kahit ganon man lang ay makaganti ako sa kanya.
Hinayaan niya akong mabasa ng ulan, bahala siyang mangitim dahil sa araw.

“Matunaw.”

Napatalon ako sa gulat noong bigla akong kinalabit ni Avvi. Umingos lang ako at
tiningnang muli si Stanley na naghihintay pa rin na papasukin siya ni Avvi. Ilang
beses niyang pinaglaruan ang lupa bago tumayo. Napahinto siya sa paglalakad ng
makitang nakatayo ako sa may pintuan namin. Naglakad ako at binuksan ang gate.
Nagakma siyang papasok ngunit hinarangan ko lang siya.
“What do you want?” masungit kong sabi. Kinagat niya ang labi niya bago huminga ng
malalim.

“Yang naman. Hanggang kailan mo ba ako hindi kakausapin?” napapaos niyang sabi.
Pinagkrus ko lamang ang kamay ko sa tapat ng aking dibdib bago siya tinitigan.

“Ewan.” Simple kong sagot na nagpabagsak sa panga niya. Pagkatapos ay dumilim ang
mukha niya bago humakbang papasok. Ako naman ay humakbang palayo sa kanya.

“Anong klaseng sagot yan? I already told you yesterday, hindi ko maiwan si Ria.”
Paliwanag niya. Ngumuso lang ako at inilagay ang kamay sa aking beywang. Tinaas ko
ang noo ko at hindi nagpatinag sa matatalim niyang tingin. I won’t back down
Montreal. Wag kang magsuplado, bwisit ka.

Huminga ako ng malalim ng makaramdam ako ng pagulo ng dugo. Wala pa man siyang
ginagawa ay naiirita na ako. Idagdag mo pang mainit at naalala ko na naman ang
ginawa niyang pagabandona ay lalo lang akong naiinis sa kanya.

“Then be with her! Hindi naman kita pinipigilan!” sigaw ko na. Kumunot ang noo niya
sa biglaang pagbagsak ng galit ko. Humakbang ulit siya pero agad akong umiwas.
Umupo ako sa swing na naroon at hindi siya tinitingnan.
Lumapit siya sa akin at yumuko sa harapan ko. Hinawakan niya ang tuhod ko at pilit
na hinuli ang paningin ko. “I don’t want to be with her.” bulong niya. Inirapan ko
lang siya at iniwas ang aking balat sa kanya. Napakagat ako ng labi ng maramdaman
ang marahan niyang pagpisil sa tuhod ko. Ramdam ko ang kuryenteng dumaloy mula sa
kanyang kamay.

“Weh?” parang bata kong sabi. Lumipat ang kamay niya sa aking palad.

“Yang ko.” frustrated na niyang sabi. Napatitig ako sa mukha niya at hindi na
nagsalita. Huminga siya ng malalim at wala sa sariling pinaglaruan ang mga daliri
ko.

“Ilang araw na akong hindi nakakatulog Victoria. Isipin ko pa lang na galit ka sa


akin..” tumigil siya at hindi niya nagawang ilabas ang mga salita sa bibig niya.

“Ano bang gusto mong gawin ko ha?” nagmamakaawa na niyang sabi. Tinitigan ko ang
paa ko habang nag-iisip ng ipapagawa sa kanya. Ano bang gusto ko ngayon? Bigla ay
napanguso na lang ako sa naisip. Tinitigan ko ulit siya. Baka hindi naman niya
ibigay sa akin iyon. Alam ko ang ugali nitong si Montreal. Madamot yan.
“Yang..”

Matagal akong hindi nagsasalita. Wala akong pakialam kung nakaluhod siya sa damuhan
at nananakit na ang tuhod niya. Masama mang pakinggan pero natutuwa ako na malapit
siya sa akin ngayon kahit nakakairita ang itsura niya.

“Iñigo..” bulong ko at agad yumuko. Naramdaman ko ang daliri niya sa baba ko.
Sumalubong sa akin ang kunot na kunot, as in sobrang kunot, na noo niya.

“Anong--“

“Gusto ko si Iñigo!” pumadyak ako at natamaan ko siya sa tyan. Natumba siya ng


kaunti at napahawak sa kanyang tiyan. Tumayo na ako at iniwan siyang nakahiga roon.
Hindi ko pa man napapangalahati ang daan ay may humawak na sa braso ko.

“Bakit si Iñigo?” madiin niyang sabi. Tinitigan ko ang mata niyang nagaalab na
ngayon sa galit. Agad nangilid ang luha ko sa mata kaya napahinto siya roon.
“Galit ka sa akin?” nanginginig kong sabi. Lumuwag ang hawak niya sa akin noong
marinig niya ang basag kong boses. Napalunok siya at hindi na malaman ang gagawin.

“Of course not! Victoria naman.” Mas lalo siyang nafrustrate. Nasabunutan pa niya
ang kanyang sarili. Pinunasan ko ang isang takas na luha bago huminga ng malalim.
Pinaglaruan ko ang daliri ko at yumuko.

“Hindi mo na ako mahal? Hindi mo na ako mahal, hindi ba? Sinigawan mo ako noong
tinulungan mo si Ria. Tapos ngayon galit ka sa akin. Masama bang gustuhin kong
makita si I?” humikbi ako ng kaunti. Ang galit na nararamdaman ko kanina ay muling
bumabalik. Sumikip ang dibdib ko sa pagpipigil ng luha. Nakita ko ang paa niyang
humkabang papunta sa akin bago ko naramdaman ang kamay niya sa aking pisngi.

“Victoria,” dumiin ang hawak niya sa pisngi ko. Iniwas ko ang paningin ko sa kanya.
“ Dustpan, tingin ka nga sa akin.” utos niya. Umiwas pa rin ako pero hinuli niya
ang mga mata ko.

“You don’t have to call I. Ano bang gusto mo? Ako na lang ang gagawa.”
Pagpiprisinta niya. Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.
“Ayaw ko sayo. Gusto ko si Iñigo nga kasi!” pumadyak na ako sa sobrang inis.
Sumimangot si Stanley habang nakatingin sa akin. Tinulak ko siya bago ko pinagkrus
ang braso ko.

“Sinabi na nga kasing hindi pwede. Andito naman ako. Why do you have to look for
another guy?”

Hindi ko siya sinagot. Pinanood ko lang ang pagpula ng mukha niya. Taas baba ang
dibdib niya habang pinapanood ang bawat galaw ko. Alam ko, ramdam ko, galit na si
Montreal.

“Ang damot mo.” Bumigat ulit ang mata ko sa luha. Huminga ako ng malalim para hindi
iyon muling tumulo.

Pumikit siya ng mariin at tumango. “I know. Toryang, I can’t help it. Pagdating
sayo, madamot talaga ako.” Pagsuko niya. Kinuha ko ang tsinelas ko at lumapit sa
kanya. Pinukpok ko iyon sa ulo niya ng puno ng pangigigigil.

“Bwisit ka! Ikaw, pwede mo akong pagdamot habang ako!!” nanginginig ang kamay ko
habang sinasabi iyon. Wala na akong pakialam kung saan man siya tamaan ng tsinelas
ko.
“Habang ako, pwede mo na lang iwan kapag may babaeng nababasa sa ulan! Anong klase
yun Stanley?!” napapaos ko ng sabi. Hinihingal ako pagkatapos kong pagpapalu-paluin
siya. Hinuli niya ang braso ko pero pumalag ako.

“Toryang!” inabot niya ulit ang tsinelas pero iniwas ko iyon.

Kinuha ko na rin ang isa ko pang pangtapak at sabay iyong pinalo sa kanya. “Ang
sama mo! Sinigawan mo pa ako! Ang sabi mo, hindi mo na ako sasaktan, pero ano ito?!
You ignored me damn you! Tapos ngayong nagagalit ako ay saka ka naman manunuyo?!
Fuck you Stanley! Fuck this push and pull of yours!” pagod na pagod kong sabi.
Tumigil lamang ako noong nahuli na niya ang kamay ko. Agad niya akong hinila at
niyakap.

“Ayaw ko na sayo. Break na tayo.” Bulong ko. Naramdaman ko ang paninigas ng katawan
niya at hindi agad siya nakagalaw. Kinuha ko ang pagkakataon na yun para kumalas sa
kanya at layuan siya. Narinig ko pa ang pagmumura niya at hinabol ang papasara ko
ng pintuan.

“Victoria Montreal!” kalampag niya. Hindi ko siya pinansin at binalik ang pansin ko
sa cookie jar.
Bahala ka sa buhay mo, Montreal.

-----------------------------------------------

“Saan ka pupunta?” nagtatakang tanong ni Avvi sa akin habang sinusuot ko ang rubber
shoes. Inayos ko ang pagkakapusod ng buhok ko bago siya hinarap.

“Jogging lang.” sagot ko. Kumindat lamang ako sa kaibigan ko bago tuluyang
lumabas. Hinigpitan ko ang jacket ko bago tumakbo palabas. Malamig na ang simoy ng
hangin kaya sinuot ko ang aking hood. Pinasok ko na rin ang earbuds sa aking tenga
bago nagsimulang maglakad.

Naalala ko ang ginawa ko kay Stanley noong isang araw. Pagkatapos ng ginawa kong
pamamalo sa kanya gamit ang tsinelas ko ay hindi na siya muling nagpakita. At mas
lalo akong naiirita dahil doon.

I miss him. So much. Gusto ko siyang makita kapag wala siya. Pero kapag nandyan
naman siya ay naalala ko ang ginawa niya sa akin. I am being irrational, but I just
couldn’t help it. Hindi ko ugali na magtanim ng galit o ang magalit ng walang
dahilan. But with Stanley around, nagbabago ang mga pinanghahawakan ko.
And they’re friends, for pete’s sake. Paano kung napamahal na sila sa isa’t isa.
Leria’s there beside him noong wala ako. Marami siyang alam tungkol kay Stanley na
hindi ko alam. Paano na lang kung nagkalapit na silang dalawa?

Napalingon ako sa likuran ko. Hindi ko napansin na napunta na pala ako sa parte ng
subdivision na puro bakanteng lote pa lang ang laman. Walang gaanong tao, kung
mayroon man ay madalang ko lang nakikita. Bukod sa akin ay tanging pulang Maserati
lamang ang nasa daan.

Nagkibit balikat lamang ako at naglakad na lamang ulit. Stan said he wants to be
with me. Pero noong gabing iyon ay si Ria ang sinamahan niya. Maiintindihan ko
naman kung sikreto ba talaga ang rason ni Ria sa takot niya sa ulan. Hindi naman
nila kailangang sabihin sa akin. Kung sanang sinama lang niya ako hanggang sa unit
niya para ihatid si Leria. Kahit yun man lang sana ibinigay ni Stanley.

Ginulo ko ang buhok ko at lumiko na para bumalik sa amin. Napahinto ako noong
mapansin na tumigil rin ang Maserati sa daan. Bumangon ang kaba sa dibdib ko pero
hindi ko iyon pinansin. Yumuko ako at mas binilisan ang lakad.

Lumagpas ako sa kotse bago iyon nilingon. Umandar ang makina nito kaya muli akong
napaharap roon. Sinalakay na ako ng kaba pero pinilit kong kumalma.
Just breathe. I have to breathe.

Nagbilang ako hanggang tatlo bago kumaripas ng takbo. Umalingawngaw ang Maserati at
sigurado na akong hinahabol ako niyon. Bago pa man ako makaliko ay humarang na ito
sa daraanan ko. Napahinto ako at gulat na gulat na tumingin sa kotse.

“Anong--“

Bumukas ang pintuan at dalawang lalaking nakatakip ang mukha ang lumabas. Ang isa
ay hinawakan ang braso ko habang ang isa naman ay tinakpan ang mukha ko gamit ang
isang panyo. Ilang beses akong naglaban pero nanuot na ang amoy sa akin.

“Dahan dahan lang G!” narinig kong sabi ng isa sa kanila. Malabo na iyon sa
pandinig ko. Bago ko pa man mabukang muli ang mata ko ay sumalakay na sa akin ag
dilim.

-------------------------------------
*pen<310

=================

So Inlove

48

‘Yeah I know that it’s cheap

Not like gold in your dreams

But I still hope

You’ll wear it’

It is raining. Malalamyos at mahinhing mga patak ng ulan ang tangi mong maririnig.
Pinanood ko ang mga patak ng ulan habang hinihintay ang paghinto nito.

Bumukas ang pintuan at pumasok si Avvi roon. Ngumiti siya sa akin habang nakasunod
sa kanya si si Vince at si Tatay. “Ready?”
Tumango ako at lumapit sa kanilang tatlo. Hinalikan ni Tatay ang aking pisngi bago
ako hinayaang makaupo na sa tokador. Nagsimula na si Avvi na ayusan ako. Hinayaan
lamang niyang malaglag ang ilang hibla ng kulot kong buhok bago niya isinuot sa
akin ang belo. Niladlad niya iyon sa harap ng aking mukha bago nito natabunan ang
kabuuan. Tumayo ako at tiningnan ang sarili ko.

The dress is big. The church is full of people. Montreal ang ikakasal, idagdag mo
pang ang drummer ng AEGIS at ang buong AEGIS ang narito sa simbahan ngayon para
tumugtog. Nasusuka na ako sa sobrang kaba. Malamig ang panahon at nanginginig na
ako. But aside from being nervous, I am excited. Alam kong paglabas ko sa kwarto na
ito, kapag sumakay na ako sa kotseng maghahatid sa akin sa simbahan, kapag naglakad
na ako sa altar, makikita kong nakatayo si Stanley sa may dulo noon, naghihintay sa
akin.

ISang beses ko pang nilingon ang sarili kong repleksyon bago ako naglakad palabas,
hawak hawak si Tatay para pumunta sa simbahan.

Nagising ako na para akong dinuduyan. Ilang beses akong kumurap noong maramdaman ko
ang paglindol sa paligid ko. Umaalon ang buong lugar at ramdam ko na ang
pagbaligtad ng sikmura ko. Agad akong napatayo noong malasahan ko ang pait sa bibig
ko. Luminga linga ako at pinilit ang sarili na pigilan ang hilo ko. Tumayo ako at
tumakbo sa unang pintuan na nakita ko. Agad akong pumasok at dumiretsyo sa toilet
at doon na nagsuka. Halos ilabas ko na ang lalamunan ko ngunit tanging mapait na
likido lang ang naroon.
Nanghihina ako noong matapos ang nararamdaman ko. Niflush ko ang inidoro at
lupaypay na napaupo roon. Kinalma ko ang sarili ko at doon lang ako muling dumilat.
Kumunot ang noo ko ng mapansing hindi ito ang banyo ko. Mabilis akong tumayo at
doon na sumalakay ang kaba sa akin.

Halos manlambot ako ng maalala ang pulang Maserati kaninang umaga. Bigla na lamang
akong hinila ng mga taong nakasakay roon!

Lumabas ako ng banyo at kinalampag ang pintuan. Walang sumasagot kaya tiningnan ko
ang bintana. Sumampa ako roon pero napahinto lang ako ng makita kung gaano iyon
katas. Tantya ko ay anim na palapag itong kinaroroonan ko at nasa pinakataas ako.

Kinagat ko ang labi ko. Suot ko pa rin ang sinuot ko bago mag-jogging kanina.
Kinapa ko ang cellphone ko pero wala na iyon sa bulsa ko. Tumingin ulit ako sa
bintana at doon ko lamang nalaman na nasa liblib kaming lugar. Puro damo lang at
puno ang nakikita ko. Umihip ulit ang hangin at tinangay nito ang buhok ko.

“Wag mong sabihing tatalon ka?”

Marahas akong humarap sa pinanggalingan ng boses. Halos malaglag ang panga ko ng


makita si Stanley na nakasandal sa may pinto habang pinapanood akong nakaupo sa may
bintana. Nakakrus ang braso niya sa dibdib niya habang pilyong nakangiti sa akin.
“Ikaw?” gigil kong sabi. Isang parte ko ang masaya na siya lang ang kumuha sa akin.
Kalahati ko ay nais na siyang patayin dahil sa pakulo niyang ito.

Lumapit siya ng kaunti sa akin. “Ako.” Nakangisi niyang sabi. Humigpit ang hawak ko
sa bintana at agad na bumaba roon.

Tinikom ko na lang ang bibig ko at binuksan ang pinto. Lumabas ako roon para
mapahinto lang ng makita na walang katao tao sa paligid. Muli kong hinarap si
Stanley. Umuusok na ang ulo ko sa sobrang galit! Damn it! Siya naman ay parang
natutuwa sa aking reaksyon.

“Chill Yang. Init ng ulo mo.” Natatawa niyang sabi habang lumalapit sa akin. Agad
niyang pinulupot ang kamay niya sa beywang ko bago niya ako hinapit palapit sa
kanya.

“Stanley!” bwisit kong sabi habang tinutulak siya. Umungol lamang siya at lumayo ng
kaunti.
“Nabibiwisit ako sayo! Akala ko may kumidnap na sa akin!” sigaw ko. Tumaas lang ang
kilay niya habang hinihimas niya ang kanyang baba.

“Kinindnap naman talaga kita. Though the whole AEGIS helped.” Dugtong niya.
Napanganga ako sa narinig. Noong makahuma ako ay agad akong lumapit sa kanya at
agad siyang sinapok.

“Walanghiya ka talagang badboy ka! Pinapatay mo ba ako sa kaba?!”

Tumawa lang siya at niyakap ulit ako. Sunod kong nalaman ay binuhat na niya ako at
binagsak sa kama. Agad akong pumalag pero hinawakan niya ang dalawang braso ko.

“Victoria!”

“Baliw ka! Bakit mo ako dinala dito?! Wala ka talagang modo! Sinabi ko na diba!
Break na tayo!” daldal ko. Hinihingal na pero hindi pa rin ako tumigil. Pilit kong
hinihila ang kamay ko at ang binti kong inipit niya sa kanyang binti pero hindi
siya natinag.
“In your dreams Yang. Hindi tayo magbebreak!” mapwersa niyang sabi. Dumiin ang
hawak niya sa pulso ko habang kinokontrol ang pagpalag ko.

“Paki ko kung ayaw mo!” paglaban ko. Hindi ko alam kung bakit pero ang dali ko
talagang mairita sa kanya. Nabibwisit ako sa pagmumukha niya.

“Oh you shut up! We will talk!”

Dumulas na ako at halos nakatapat na ang mukha ko sa dibdib niya. Lalo niyang
idiniin ang katawan sa akin para hindi na ako makagalaw habang ako naman ay
nagpupumilit na makatakas sa kanya.

“Damn Toryang! Wag ka ng malikot.” Paos niyang sabi. Bigla akong natigilan at
tiningnan siya. Yumuko siya sa akin habang hinihingal.

“Gusto kong mag-usap tayo. Wag ka ng gumalaw, please.” Nagmamakaawa niyang sabi.
Napasinghap ako ng maramdaman ko ang kanya na nagigising na habang nakadiin sa
akin. Nanlaki ang mata ko at tinitigan siya.
“I’m already turned on Victoria. Wag mo ng sagarin. Hindi na talaga tayo makakapag-
usap.” Banta niya. Napalunok ako ng maramdaman ko ang pagdaloy ng kuryente sa aking
katawan. Tinitigan ko lamang siya bago huminga ng malalim. Bumaba ang tingin ko sa
labi niya at nanuyo ang loob ng aking bibig.

Tinaas ko ang ulo ko at dinampi ang labi ko sa labi niya. Bahagya pa siyang
natigilan at umungol sa ginawa ko. Humiwalay siya ng kaunti pero hinabol ko ang
kanyang bibig.

“Stan..” hinihingal kong sabi. Tiningnan niya ako. Ilang sandali lamang ay siya na
mismo ang sumakop sa labi ko at hinalikan ako ng malalim.

Bumaba ang halik niya sa aking leeg habang naglalaro na ang daliri niya sa zipper
ng aking jacket. Dumako ang labi niya sa likod ng aking tenga at marahan iyong
kinagat.

“Please, be pregnant. I want that.” Bulong niya. Nanindig ang balahibo ko ng


maramdaman ko na ang kamay niyang naglalaro sa dibdib ko. Hindi na ako
makapagsalita sa sobrang kuryenteng nararamdaman. Noong binaba na ni Stanley ang
huling piraso ng aming damit ay tuluyan na akong nawala sa sarili.
“Damn. Sabi ko na nga ba’t hindi tayo makakapagusap.” Piyok niyang sabi habang
gumagalaw. Napapikit na lamang ako at hinayaan siyang kontrolin ang aking katawan.

----------------------------------------

“Bati na ba tayo?” tanong niya habang hinahalikan ang braso kong nakaexpose.
Tinitigan ko lamang siya bago huminga ng malalim.

“What about Ria?” paghamon ko. Ngayon siya naman ang bumuntong hininga. Great god,
maghingahan na lang tayo Montreal.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Akala ko ay nakatulog na siya noong


bigla na lang siyang tumikhim.

“Ria’s sister died because of a car accident. Umuulan ng araw na iyon kaya ganun na
lang ang takot niya. Look, Toryang. I know you won’t understand it, pero ako lang
kasi talaga ang nakakaalam nun. Ayaw ni Ria na may iba pang makaalam ng nangyari
kay Georgina.” Malungkot niyang sabi. Ilang beses pa akong napakurap sa narinig.
Napaangat ang katawan ko habang nakatingin lang kay Stanley.
“Georgina’s dead?”

“Oo. Three years ago. Mahabang kwento Toryang.” Pinal niyang sabi. Nanatili akong
tahimik. I just couldn’t wrapped the thought of Georgina’s death. Noong makarecover
ako ay tiningnan ko ulit si Stanley.

“But you were so cold that night.” Dagdag ko. Tumaas ang kilay niya na para bang
nagtataka sa sinabi ko.

“Talaga?” hindi makapaniwala niyang sabi. Ngumuso lamang ako bago tumango. Ngumiti
lang siya ng malungkot at hinila ako palapit sa kanya.

“Well, let’s just say, kinakabahan ako noon. Maraming tumatakbo sa isipan ko noon
Toryang, and the night did not turn out well dahil sa ulan. May mga plano akong
nasira, idagdag mo pa si Ria. Hindi ko lang kasi siya maiwanan noon Victoria.
Nagpatulong kasi ako sa kanya.” Paliwanag niyang lalo lang nagpagulo sa utak ko.
Kinagat ko ang labi ko at sumiksik sa kanya.

“You took her to your unit. Inalagaan mo siya. Kayong dalawa lang sa pad mo, anong
gusto mong isipin ko noon Stanley? You even shouted at me.” naluluha kong sabi.
Yumuko siya at pinunasan ang luha ko. Tumawa siya ng walang laman bago ako
tiningnan.

“Sinabi ko na Toryang. May mga plano ako noong gabing iyon. I actually have a
surprise for you at my pad at that time kaya hindi kita inayang pumasok. Less ang
manatili sa labas lang ng pad ko. Alam kong pakialamera ka at baka masabotahe pa
ang nasabotahe ko na ngang plano.” Natatawa niyang sabi. Tumango lamang ako at
yuyuko na sana ulit noong hinawakan niya ang baba ko. Pinilit niya akong tumingin
sa kanya.

“You don’t have to be insecured of anybody.” Aniya. “ Kung may dapat man
mainsecure, ako iyon. I don’t deserve you.”

Napanganga ako sa sinabi niya. Ilang beses pa akong kumurap sa kanya.

“I know I had girls back then. I used Georgina for publicity. Si Leria naman..well,
we’re just friends, pero nakiusap siya sa aking ilayo ko siya kay Athan at naisip
ko namang magandang pagkakataon na iyon para saktan ka kaya pumayag ako.” Tumigil
siya at inipit ang buhok ko.

“I see it Yang. Kapag tumitingin ka sa iba ay kinukumpara mo ang sarili mo sa


kanila. And I am telling you this, you don’t have any reason to be insecured. Ayaw
ko ng magaaway tayo dahil iniisip mong hindi ka sapat para sa akin. Because you are
enough Yang.” Anas niya. Hinaplos niya ang pisngi ko at hinila ako palapit.
“As long as you are my Victoria, then you are more than enough.” Bulong niya sa
akin. Naramdaman ko ang pagkawala ng agam agam sa dibdib ko sa narinig mula sa
kanya. Humiwalay siya ng kaunti sa akin at tinignan ang mata ko.

“Bati na ba tayo?” umaasam niyang tanong. Kinuha niya ang kamay ko at nilagay iyon
sa kanyang dibdib.

“Yes.” Sagot ko. Lumawak ang ngiti niya sa narinig. Napahinga na lang siya ng
malalim sa aking sagot.

Matagal walang nagsasalita sa aming dalawa. Niyakap lang niya ako at nakuntento na
sa sandali na ito. I admit, namiss ko talaga siya nitong mga nakaraang araw na nag-
away kami. Alam kong may mga panahon na hindi kami magkakaintindihan, but we can
make it through. He has his temper and I need tons of time.. as in oras para
maintindihan ang isang simpleng bagay. I can be slow and Stan is impatient, but we
will survive.

Mahaba nga siguro ang prusisyon namin. Maraming detour at U-turn, pero sa tingin
ko, hindi kami mapupunta sa pwesto namin ngayon kung hindi namin pinagdaanan ang
lahat ng pinagdaanan namin.
“Yang ko.” tawag niya sa akin. Tiningala ko siya at hinintay ang sasabihin niya.

“Hmmn?”

“I really don’t want to kill my friend. Alam mo naman. Minsan seloso ako.” Bulong
niya sa akin. Tumaas ang kilay ko sa kanyang sinabi.

“Minsan Stan? Natatawa kong sabi. Ngumuso lang siya at tiningnan ako.

“Ipapasalvage ko si I kapag hiningi mo siya ulit. I told you already Victoria. I


own every inch of you. Ayokong mas gusto mong makasama si Iñigo sa akin.”
nagtatampo niyang sabi. Natawa na lamang ako at yumakap sa kanya.

“Please tell me you won’t see him again.” Pagmamakaawa niya. Tumawa ako at tumango
na lang.
“Opo.” Sagot ko. Humigpit ang hawak niya bago ako tinitigan.

“I am so inlove with you Victoria Montreal. So much.” Bulong niya at muli akong
hinalikan sa labi.

Proposal na lang talaga ang kulang. Bukas na bukas, bibili ako ng singsing.

--------------------------------

Maraming salamat sa suporta!

The drummer’s done, proceed na tayo sa lead guitarist.

*pen<310

=================

Endlessly

49

Last chapter then epilogue. Maraming salamat.


Suportahan pa rin sana ninyo ang TTCB.

---------------------------------

“Hey.” Bati ko kay Ria. Tinaas niya ang tingin niya mula sa damit na sinisipat niya
bago ako hinarap. Agad siyang ngumiti sa akin bago niya binalikan ang puting damit
na tinitingnan.

I told you I’ll buy a ring for Stan right? Narito ako ngayon sa mall para hanapin
ang perpektong singsing para kay Montreal. Uunahan ko na siya. Bahala na ang
pagiging tradisyunal. Wala na akong pakialam. Somebody needs to make a move.

Habang naglilibot ay doon ko nakita si Leria. Balak ko rin kasing bumili ng bagong
damit para mamaya.

“Hey. Can you try this for me?” tanong niya. Hindi na niya hinintay ang sagot ko.
Agad niyang pinakuha ang damit sa saleslady at hinila ako sa isang dressing room.

Sinubukan ko ang damit. Umabot iyon hanggang sa aking tuhod. Wala itong manggas
pero may lace ito hanggang sa aking leeg. Umikot pa ako sa harap ng salamin habang
tinitingnan ang aking repleksyon. Napanguso ako dahil nagustuhan ko ang damit pero
mukhang si Ria ang bibili niyon.

“Ria. Bibilhin mo ba ito?” tanong ko sa kanya. Tumaas ang tingin niya bago umiling.

“Gusto mo ba? Sakto lang sayo?” sunod sunod niyang tanong. Tumango lang ako at
napakagat sa labi. Lumapit siya sa akin at inayos ang neckline. Tinitigan ko lamang
siya bago ngumiti.

“I’ll buy that for you.” Aniya. Nanlaki ang mata ko at bago pa man ako
makapagsalita ay inunahan na niya ako. “Sorry. Nag-away kayo ng dahil sa akin. Just
get the damn dress para wala na akong utang sayo.” dagdag niya.

“Fine.” Pagpayag ko. Lumawak ang ngiti niya bago tinawag ang saleslady at binigay
ang card niya. Sabay kaming lumabas dalawa sa boutique bago naghilay. Dumiretsyo
ako sa jeweler at naghanap na ng perpektong singsing.

Iilan rin ang nakakuha ng atensyon ko. Pero nagustuhan ko ang isang singsing na may
dalawang parang vines na nakatali sa isa’t isa. Sa taas niyon ay isang emerald na
nakalagay sa gitna. Hindi na ako nagdalawang isip at agad na iyong binili.;
Pagkatapos niyon ay dumiretsyo na ako sa apartment namin ni Avvi para maghanda sa
pagkikita namin ni Stanley mamaya.
May performance sila ngayon sa Open Grounds ng Galleria. Ngayon na ang balik ni
Greg sa AEGIS. Ito rin ang unang pagkakataon na haharap ang AEGIS na magkakasama.
Gusto kong gawin ang hinahanda kong proposal kapag tapos na ang kanilang set.

Hindi na ako nagpasundo kay Stanley. Ayaw ko na siyang balahin dahil alam kong
nahahanda rin siya. Gusto ko rin kasing masorpresa siya kapag nakita na niya ako
suot ang puting damit na bigay ni Leria sa akin.

Marami ng tao sa Open Grounds noong makarating ako. Nasa stage na rin ang anim at
naghahanda na sa kanilang performance. Humalo na ako sa mga tao at nagpasyang
panuorin na sila. Agad kong hinanap si Stanley at napangiti na lamang noong nakita
ko na siyang umupo sa harap ng kaniyang drums.

Kagat niya ang labi niya habang sumusubok ng ilang nota sa drums niya. Inikot niya
ang mata niya sa mga audience bago muling tumingin sa banda. Tumango siya sa
dalawang bokalista at nagsimula na ang unang kanta nila.

‘You lift my heart up when the rest of me is down

You, you enchant me even when you're not around

If there are boundaries, I will try to knock them down

I’m latching on, babe, now I know what I have found’


Ang malamig na boses ni August ang agad kong narinig. Nakapikit siya habang
kinakanta ang mga linya. Naririnig ko ang ilang sigawan ng mga babae sa paligid na
para bang matutunaw sila sa bawat salitang binibitiwan ni Pangit.

‘Now I’ve got you in my space

I won’t let go of you

Got you shackled in my embrace

I’m latching on to you’

Sumunod si Greg at muntik na akong mapaluha ng marinig ulit ang boses niya. Ngumiti
siya sa mga fans niya bago sila binigyan ng kindat. Geez, lover boy. Ang daming
natutunaw sayo.

Mabilis lang natapos ang unang kanta nila. Nakita ko ang pag-alis ni Athan at Ethan
sa kanilang mga gitara at pumalit naman sa kanila sina Greg at August. Ang kambal
ang tumayo sa mga microphone at tumugtog ang mas mabilis na beat ng kanta.
Naghiyawan ang mga tao noong nakita ang pagngiti nila Ethan.

I stared at Athan. Nakatingin siya sa direksyon ko. Kuminang ng bahagya ang mata
niya at napangiti ako. Kakaway na sana ako ng may humawak sa aking braso. Hinarap
ko kung sino man iyon at napangiti na lamang ng makita si Leria sa aking likod.
Tiningnan niya ang suot ko bago niya pinagkrus ang braso sa tapat ng dibdib niya.
Nilingon ko ulit si Athan at doon ko lang napagtanto na hindi naman pala ako ang
tinitingnan niya kanino.

“Maglalaway si Stanley.” Natatawa niyang biro. Umirap lang ako bago nagpose.
Humalakhak lamang siya at napailing na lang.

“Thank you.” Anas ko. Nilingon niya ako bago nagkibit balikat.

Namulsa siya sa jacket niya at ngumiti ng malalim. “It’s really rare to witness a
fairytale Tori. I am glad I am able to participate in yours.” Masaya niyang sabi.
Hindi na ako sumagot dahil bumaling na siya sa AEGIS.

‘Everybody wanna steal my girl

Everybody wanna take her heart away

Couple billion in the whole wide world

Find another one 'cause she belongs to me’

Tahimik lamang kaming nanuod ni Ria habang ang iba ay halos mapilay na sa
kakatalon. Nilingon ko ulit siya na nakakatitig lang sa AEGIS. Lumapit ako sa kanya
ng kaunti at inakbayan siya. Gulat siyang napalingon sa akin.

‘Everybody wanna steal my girl

Everybody wanna take her heart away

Couple billion in the whole wide world

Find another one 'cause she belongs to me’

“Why do you have to participate in mine when you can have your own fairytale
Leria?” tanong ko. Hindi pa man ako nakakatapos ay tumatawa at umiiling na siya.

“Oh geez bitch. That will never happen.” Sagot niya. Agad niyang iniwas ang kanyang
tingin at muling nanuod na lamang. Naiwan akong nakatingin lamang sa kanya. Binalot
ng awa ang buong puso ko ng maisip na namatay ang kapatid niya. I have a brother
too. I know how important family is.

Siguro kaya bitter si Ria sa mga bagay sa paligid niya dahil sa nasaktan siya ng
sobra noon. Maybe I did hate her then, but now, all I want is to her friend. Every
bitch has a story behind her.
Namatay ang mga ilaw hudyat ng pagtatapos ng una nilang set. Nanatili lamang ako sa
pwesto ko habang pinapanood ang mga bituin na nasa langit. I smiled and put my hand
inside my purse. Pinakiramdaman ko ang singsing roon at napangiti ng pinadaan ko
ang daliri ko sa hulma nito.

Sumindi ulit ang ilaw sa stage at nakita ko silang anim na nakatayo at may kanya
kanyang micstand. Si Iñigo lamang ang tanging walang hawak na mic at nanatiling
nakatapat sa kanyang keyboard. Napailing na lang ako sa nakita. Hindi pa rin
nagbabago si I. Hanggang ngayon ay hindi pa rin siya kumakanta.

“Goodevening.” Boses ni Greg ang narinig ko. Umalingawngaw ang sigawan ng mga fans
nila at hinintay muna niya iyong matapos bago nagpatuloy. “Maraming salamat sa
pagpunta. Sa suporta. AEGIS will never be AEGIS without you. We’re thankful.”
Madamdamin niyang sabi. Pumalakpak ako sa kanyang mga salita. Sumunod ay ang
pagtugtog ni Iñigo.

‘It’s her hair and her eyes today

That just simply take me away

And the feeling that I’m falling further inlove

Makes me shiver

But in a good way’


Tumigil si I sa pagtugtog at naglakad ang apat paalis sa stage. Naiwan si Stanley
at Iñigo sa gitna. Nagtataka kong sinundan ang iba na mabilis na nawala. Nilingon
ko rin si Leria sa tabi ko na naglaho rin na parang bula.

Tinapik ni Stan ang mic niya bago ako tinitigan. Ilang beses akong napalunok sa
klase ng tingin niya. Malalim iyon at punong puno ng mga emosyon na hindi ko
mapangalanan. Naramdaman ko ang pagbilis ng tibok ko at hindi binibitiwan ang
titigan naming dalawa.

“Hanggang dito ba naman, nagpapakatanga ka pa rin.” Nangaasar niyang sabi.


Humalakhak siya ng kaunti bago nagseryoso. “Nakikita kita. Wag ka ng magtaka.”
Aniya. Hindi ko napigilan ang ngiti sa aking pisngi.

Nagkamot siya sa kanyang batok at kinuha ang gitara niya at sinensyasan si I na


tumugtog ulit.

‘There's a shop down the street

Where they sell plastic rings,

For a quarter a piece,

I swear it.‘
Napalunok ako ng magsimula siyang kumanta. Hindi ko alam kung bakit pero alam kong
narinig ko na ang tinutugtog nila ngayon. Sa akin lamang nakapako ang tingin niya
habang sinasabi ang bawat salita. Maya maya ay iilang spotlight ang umilaw sa iba’t
ibang gilid namin at sa bawat isa ay may nakatayong AEGIS roon. Tumigil si Stanley
sa pagkanta at sinalo ng apat ang mga linya niya.

“Hindi na siguro uulan?” natatawa niyang tanong habang tinitingala ang langit.
Natawa ako kahit hindi ko naman maintindihan kung ano ang nangyayari. Nilingon niya
ulit ako at nagkibit balikat. Tumayo siya at, katulad ng nasa mga pelikula, nahawi
ang mga tao sa gitna at binigyang daan siya.

Yeah, I know that it's cheap,

Not like gold in your dreams,

But I hope that

You'll still wear it.’

Huminto siya sa harap ko at hinawakan ang baba ko. Ngumiti siya at doon ko lamang
naramdaman na nanginginig siya.

“Fuck it. KInakabahan ako.” Natatawa niyang sabi. Napahalakhak lamang ako at
niyakap siya. Lumayo siya sa akin at hinawi ang buhok ko na nakatabing sa aking
mukha.
“I’ve seen it Victoria. Fairytales do exist. Sina Nanay. Sina Lolo. Ang buong
pamilya ko. Nakita kong totoo sila Toryang. Alam kong totoo, pero hindi ko
naintindihan.” Aniya. Kumunot ang noo ko pero pinadaan niya ang nanlalamig niyang
kamay roon para burahin ito.

“Ilang beses kitang tinulak noon. I got scared, alam mo ba yun? Kasi ayaw kong
ibigay sayo ang sarili ko. I don’t want to fall for you because we only fall once
Toryang. Ang daming tanong sa sarili ko noon. Are you worthy of that one chance? Am
I ready to fall for you? Magiging katulad ba ng kanila ni Tatay ang atin? Mahal mo
ba talaga ako? Hindi kaya dala lang yun ng kapogian ko. You know, I am damn
irresistible? I am just your puppy love. Na mawawala rin iyon kasi hindi ka naman
seryoso?.” Sabi niya. Tumawa ako at hinampas ang braso niya. Nagyayabang na naman
siya.

Tinaas niya ulit ang kanyang mic at tiningnan ako.

‘Yeah, the ink may stain my skin,

and my jeans may all be ripped.

I'm not perfect, but I swear,

I'm perfect for you.’

Ngumiti siya habang sinasabi ang linya ng mga kanta. Maya maya ay lumuhod siya sa
harap ko kaya agad ng nagtambulan sa puso ko ang mga paru paro kong avid fan ni
Montreal. May kinalkal siya sa kanyang bulsa habang nakatingin pa rin sa akin.
“I found all the answers now. It took time for me, for us. Pero sigurado na ako
Toryang.” Anas niya. Kinuha niya ang kamay ko at naglabas ng singsing roon.
Pakiramdam ko ay nanigas ako at hindi na malaman ang gagawin.

Oh my goddamn freaking geez! Nagpopropose na ba siya?!

‘And there's no guarantee,

That this will be easy.

It's not a miracle ya need, believe me.

Yeah, I'm no angel, I’m just me,

But I will love you endlessly.

Wings aren't what you need, you need me.’

“Hindi ako mangangako na hindi kita masasaktan. O hindi ka iiyak sa akin. I won’t
even say we won’t fight. Damn, kung may isang bagay mang magaling tayong dalawa,
yun ay ang pag-aaway diba, Yang? I won’t say shits like that because I don’t want
you to live a life thinking this is some kind of a fairytale or a dream.”
Tumulo na ang luha ko habang pinapakinggan siya. Malabo na ang paningin ko at halos
hindi ko na siya makita. Ramdam ko lang ang paghawak niya sa akin at ang mga salita
niyang kumukumpleto sa aking pagkatao.

Yes, I know this is not perfect. Our relationship will never be perfect. Do I have
a problem with that? Hell to the no! Masaya ako sa ganitong klaseng relasyon. We
may be far from perfection, but atleast there is no pretention.

‘And there's no guarantee,

That this will be easy.

It's not a miracle ya need, believe me.

Yeah, I’m no angel, I'm just me,

But I will love you endlessly.

Wings aren't what you need, you need me.’

“Nagsulat ako ng speech. But then, it all boils down to two things Victoria.Una, I
am inlove with you, dustpan. Mula ulo ko hanggang paa, pag-aari mo ako ng buong
buo.” Sabi niya habang isnusuot na sa aking daliri ang singsing.
“I may not be the man in your dreams, but I want to be the man who will be in your
reality. I’m not perfect. Wala akong pasensya, maintin ang ulo ko. Bossy ako.
Matatanggap mo ba yun? Kasi ako, kahit gaano ka pa kaslow, tanggap na tanggap
kita.”

Pumikit siya at nagusal ng maikling dasal bago ako tiningnan.“Please, Sweetheart.


Will you be my wife?”

Pumatak ang luha ko at ramdam ko ang takot niya sa kanyang tanong. Hinila ko agad
siya patayo at niyakap ng mahigpit.

“Yes.” Bulong ko sa kanya. Sinagot niya ang yakap ko at napasigaw na lamang.


Binitiwan niya ako at nakita ko ang pangingislap sa mga mata niya.

“I forgot. Pangalawang rason Toryang..” tumigil siya at kinindatan ako. Hinila niya
ang beywang ko at nilapit ako sa kanya.

“You have successfully seduced the bad boy Yang. And you have to pay the price. Be
my wife.” Nangingit niyang sabi.
Sometimes, iniisip kong masyadong mahaba itong pinagdaanan naming dalawa. Ang
daming nasaktan at ang daming nabitawan. But I think, the process made us stronger.
Hindi lang namin minaha ang isa’t isa. We learned to grow, to mature. To know the
difference between a dream and a reality.

We learned it together.

Hindi nga naman naging madali. Ilang beses akong sumuko. Maging si Stan ay napagod
din. But I guess, that is the thing about love. If it is easy, it is not worthy of
a fight. Kung madali ay wala kaming natutunan. Kung sumuko kami ng tuluyan at hindi
na lumaban ulit, then it is us who is not worthy.

And I know, whatever happens now, we will hold hands. Kahit gaano kahirap, wala ng
bibitaw sa amin. No, this will not be easy. Love is a battle. We fought hard.
Panalo kami.

I finally got the bad boy.

=WAKAS=
-----------------------------------------

Songs Used:

Hannah Trigwell and Nick Howard -Latch

One Direction - Steal my Girl

Stephen Speaks - Out of my League

The Cab- Endlessly

Maraming salamat po!

*pen<310

=================

EPILOGUE

EPILOGUE

“She’s late.”

Pinandilatan ko si Leria sa tabi ko. Inikot lang niya ang mata niya bago tumayo sa
pwesto nito. Inayos ko ulit ang suit ko at tumingin sa orasan.
Naalala ko pa noon. Nawalan ng trabaho si Nanay sa Makati kaya lumipat kami sa
Tondo. Doon ko siya unang nakita. Naglalaro siya ng patintero at punong puno ng
putik ang paa niya. Nakalugay ang kulot na kulot niyang buhok habang
nakikipaghabulan sa mga kalaro niyang puros lalaki. Unang kita pa lang ay nairita
na ako sa kanya. Siya lang ang kaisa isang babae at hindi pa kumpleto ang ngipin
niya. Paano na lang siya kung may mang-away sa kanya?

Napansin niya ako noon at siya mismo ang lumapit sa akin. Ngumiti siya at wala
akong nakitang kahit na isang ipin sa bibig niya.

“Anong pangalan mo?”pacute niyang tanong sa akin. Tumaas lang ang kilay ko at hindi
siya pinansin. Pangit siya. Wala siyang ngipin. Pogi ako. Hindi kami bagay. Kadiri
siya.

Nilagpasan ko lang siya at niyakap ang binti ni Nanay. Pero hindi pa man kami
nakakapasok sa maliit na bahay namin ay tinapik na naman niya ang balikat ko.

“Anong pangalan mo nga?” pagpipilit niya. Nilabas ko lang ang dila ko at tiningnan
siya ng masama bago siya tinalikuran.
“Lagot ka dude. Di na yun darating. Nagbago na isip ni Sungit.” Natatawang sabi ni
August habang pinaglalaruan ang mic niya. Lumapit ako sa kanya at kinuha ang
drumsticks ko bago siya tinusok sa gilid.

“Fuck off.” Banta ko. Humalakhak lang ito at umupo na habang hinihintay si Toryang.
Kinuha ko na ang cellphone ko at sinimulan na siyang tawagan.

“Kapag hindi siya dumating, ako na lang papakasal sayo.” Dagdag ni August. Uminit
na talaga ang ulo ko at ambang hahampasin na sa kanya ang gitara ni Athan kung
hindi lamang ako napigilan.

Pumikit na lamang ako at nagdasal. Pilit na pinapakalma ang sarili kong nanginginig
na sa tagal niya.

“Happy birthday.” Bati niya sa akin bago tumakbo. Napahawak ako sa labi kong
ninakawan niya ng halik. Damn that girl. Ang lakas ng loob. Montreal ako, pero
inunahan niya pa ako sa mga galawan na ganito.

Sa sobrang kabwisitan ko ay hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya magmula noon.


Naiinis ako kapag napapalapit siya sa ibang AEGIS. Alam kong gusto siya ni Athan.
Nakikita ko kung paano siya sundan ng kambal kapag uwian na. Alam ko ring malapit
siya kay Greg at madalas silang magkasamang dalawa. At sa lahat ng AEGIS, si Iñigo
ang pinakaprotective sa kanya.

Hindi pwede ito. Hindi ako pwedeng maagawan. Ako ang nauna. Noong putikan pa lamang
siya at wala pang ngipin ako na ang nauna sa kanya. Hindi pwede ito. Hindi ako
papayag.

Akala nila. Ako ang pinakapogi sa buong AEGIS. Sa akin si Toryang.

Pero kaya ko ba? Isang beses lang ang pagkakataon naming magmahal. Ang mga Montreal
ay isang beses lang nahuhulog. Is she worthy? Is she the one? Katulad ba siya ni
Nanay? Hindi ba niya ako iiwan? Can I take this one chance with her?

Hindi ako naging handa. Masyado pa kaming bata. Masyado pa siyang bata. Sa akin
umikot ang mundo niya. Ako ang inilagay niya sa gitna ng mundo niya. Natakot ako.
Natakot ako na baka panandalian lamang iyon. Natakot ako na baka binibitawan niya
ang oportunidad dahil sa akin. Natakot ako na baka bitawan niya ako sa huli kapag
nalaman niyang may mas pa na maibibigay ang mundo kesa sa makukuha niya kung
mananatili siya sa paligid ko.

“Ang pangit mo. May braces ka. Ang laki ng salamin mo sa mata. Feeling mo maganda
ka kasi sabi ng Nanay ko maganda ka? Naniwala ka naman Toryang.” Tuloy tuloy kong
sabi. Sinadya kong bahiran ang boses ko ng panlalait para mas maniwala siya sa
akin.
Gusto kong saktan ang gwapo kong mukha noong makita kong nasaktan siya sa sinabi
ko. Hindi naman siguro masamang gasgasan ko ang pinakagwapong lalaki sa buong mundo
hindi ba? Naiinis ako pero kailangan kong gawin ito para kay Toryang. Kailangan
niyang matutong mabuhay na wala ako. Kailangan kong masiguro na kaya kong mabuhay
na wala siya.

I’m scared. Natatakot ako na baka hindi na siya bumalik. At kailangan ko ng masanay
na wala siya sa tabi ko. Hanggat maaga pa. Hanggat hindi ko pa naiibigay ang lahat.

Hindi na ako mapakali. Pumunta na ako sa kwarto kung saan siya nagbibihis. Wala na
akong pakialam sa matatalim na tingin ni Nanay sa akin. Una kong nakita si Avvi sa
may pintuan ng banyo. Nanlaki ang mata niya ng makita ako at agad na tumabi.
Hinanap ko si Toryang na nakasalampak sa sahig habang yakap yakap ang inidoro.

“Lumilindol ba Avvi?” hinihingal niyang sabi. Hindi pa man siya nakakapagsalita


ulit ay umatake na naman ang kanyang pagsusuka. Agad akong lumapit at hinawakan ang
buhok niya bago hinaplos ang likod niya.

Sumandal siya sa lababo at pumikit ng mariin. “Late na ako sa kasal.” Naiiyak


niyang sabi. Suminghot siya at pumatak ang isang luha sa mata niya.
“Magagalit si Tan Tan.” Anas niya bago tuluyan ng umiyak. Agad akong pumunta sa
harap niya at niyakap siya ng mahigpit.

“Hindi ako magagalit. Tanga nito.” Sagot ko. Dumilat siya at napaiyak na naman ng
makita ang mukha ko. “Stan--“ hindi niya natapos ang sasabihin niya at bigla na
naman akong tinulak at muling nagsuka.

“Anong..” natigilan ako ng matitigan siya. Nagsusuka siya? Kanina akala niya
lumilindol, nahihilo din ba siya?

Hindi ko napigilang hindi magmura sa naisip ko. Nanginig ang buong pagkatao ko at
agad kong tinawag si Nanay na tumatakbo namang pumasok.

“Stanley, nagtatanong na yung mga tao. Matagal pa ba si Tori?” tanong ni Ria na


hindi ko naman pinansin. Hinawakan ko ang braso ni Nanay at tiningnan siya sa mata.

“Buntis siya Nay.” Bulong kong lumalakas yata sa bawat salita. Narinig ko ang pag-
ubo ni Toryang sa banyo bago natawa na lamang.
“Para kang baliw Stanley. Paano naman ako mabubuntis?” aniya. Tumaas ang sulok ng
labi ko. Ano ba namang klaseng tanong yan.

“May simptomas ba?” tanong ni Nanay. Sinabi ko sa kanya ang mga nakita ko. Idagdag
pa ang mood swings ni Toryang nitong nakaraang araw. Tangina, sigurado ako. Buntis
na siya. May bago ng Montreal.

“Here. Patry mo.” Sabi ni Ria at naglabas ng isang kahon. Tiningnan ko iyon at
nakitang Pregnancy Test Kit iyon. Nagtataka man ako kung bakit mayroon siya noon ay
hindi na ako nagsalita. Agad kong pinuntahan si Toryang at pinagamit sa kanya ang
kit.

Sabay kaming naghintay ng resulta. Pinagtatawanan lang niya ako dahil sa naisip ko.

“Hindi ako mabubuntis Tan.” Dagdag niya pa. Tumaas lang ang kilay ko bago nagkibit
balikat.

“Anong hindi? I made love to you countless times Victoria. Ni minsan hindi ko
hinugot ang akin sayo.” Mayabang kong sabi. Bahala ka. Basta ako sigurado ako.
Isang pagkakataon lang meron ang isang Montreal para magmahal. Ibinigay ko sa kanya
iyon. Sinugal ko ang nagiisa kong pagkakataon para lamang iwan niya ako.

Sinabi ko sa kanyang mahal ko siya. Fuck, nangharana pa ako. Pinagmukha ko ang


sarili kong gago para lang maintindihan ng mabagal niyang utak na seryoso ako sa
kanya. Na kahit naging kami ni Gerogina ay siya lang naman talaga. Kaya nga ganon
na lang ang gulat ko noong nalaman kong iiwan na niya ako.

“She’s leaving you.”

Napaharap ako mula sa drums ko patungo kay Athan na naglalaro sa kanyang gitara.
Tumaas ang sulok ng labi niya bago nagkibit balikat. Agad akong tumayo at
kinwelyuhan itong gagong ito.

“Ano? Hanggang ganyan ka lang naman Montreal! Kung makaangkin ka parang iyo! Hindi
mo ba alam kung bakit siya aalis ha? Dahil sayo. Kasi nalilito siya, gago! Kasi
iniisip niyang mahal ka niya pero hindi na siya sigurado. Hindi siya sigurado dayo
kaya aalis siya.” mapanguyam niyang sabi. Hindi ko na napigilan ang kamao ko. Agad
iyong lumipad patungo sa pisngi ni Athan na nagpatumba rito.
Hindi na ako nag-isip. Kinuha ko na ang gamit ko at sinundan si Toryang sa airport.
I don’t give a fuck. Kung kailangan kong lumuhod, gagawin ko. Wag lang niya akong
iwanan. Hindi pwede. Ngayon pa? Ngayon pang ibinigay ko na ang pagkakataon ko sa
kanya? Tangina lang.

“Sasama ako.” Desperado ko ng sabi. Kitang kita ko ang gulat sa mukha niya
pagkakita sa akin. Humakbang ako papunta sa kanya pero humakbang naman siya palayo.
Para akong sinilaban ng mga panahon na iyon. Hindi ako makapaniwalang lalayo siya
sa akin.

Maybe Athan’s right. Nalilito siya sa akin? Hindi siya sigurado?

Pinilit ko siyang isama ako. Kung kailan kong lumuha ng dugo ng mga panahon na
iyon, gagawin ko. Wala akong pakialam kung magmukha akong tanga. Mas gugustuhin ko
iyon kesa ang maging miserable kung wala siya.

“I won’t ask you to wait for me.” tanging sabi niya bago tumalikod. Hindi na ako
nakagalaw sa kinatatatayuan ko ng naglakad na siya palayo. Wala na akong lakas na
habulin siya noong mga panahon na iyon. Hell, I can’t even feel anything.

Pagkatapos ng sakit, galit ang naramdaman ko para sa kanya. Kung kaya mo akong
talikuran Victoria Shayne, kayang kaya ko ring gawin iyon. Akala mo, ikaw lang ang
babae sa mundo ko? Think again. Kayang kaya kong magmahal ulit. Ako ang unang
Montreal na babasag sa tradisyon namin. I can fall inlove again. Hindi ako kay
Toryang babagsak.

Ilang buwan akong nawala sa sarili noon. Hindi ako makakatulog nang walang alak.
Hindi na rin ako makapagtrabaho ng matino dahil kumukulo ang dugo ko kapag nandyan
si Athan. Hindi ko na rin kinausap si Tatay at hinayaan ko na lamang ang sarili
kong maging mag-isa.

“Darating na daw siya.”

Napatingin ako kay Ria na nasa may facetime. Kinakagat niya ang kuko niya habang
nakatingin lamang sa akin. Nagkibit balikat ako at walang pakialam siyang
tiningnan. Kinuha ko ulit ang brandy at tinungga iyon.

Ofcourse, alam kong babalik na siya. Hindi ko mapigilan eh. Sinusundan sundan ko pa
rin siya. Kahit wala siyang pakialam sa AEGIS, kahit wala siyang pakialam sa akin,
hindi ko pa rin natanggal sa sistema ko ang bantayan siya.

“You’re a sucker.” Bulalas nito. Muntik na akong mapabuga ng alak ng marinig ang
galit sa boses niya. Nilingon ko si Leria at tumaas ang sulok ng labi niya.
“Well, guess what. We’re in the same flight. You know.. connections. I learned na
iisa lang pala ang eroplano namin. Isn’t that lovely.” Natatawa nitong sabi.
Napahinto ako at nag-isip.

Well, I guess this is it. Ipapakita ko sayo Victoria. Hindi mo na hawak ang leeg
ko. Kayang kaya na kitang kalimutan. May babae na na higit sayo. Binitiwan mo ako,
ngayon matuto kang magsisi.

Pinapanood ko ang reaksyon niya habang kausap ko si Leria. Napapangiti na lang ako
kapag bumabalatay ang sakit sa mukha niya. Nagseselos ka na ba? Masakit diba?
Kasalanan mo yan Victoria. Tinatanong mo kung galit ako sayo? Hell no. I am not
angry Yang. I am furious, damn you. Pero hindi ko ipapakita sayo ito. I will act as
if I don’t care anymore. Bahala ka na sa buhay mo.

But everything backfired on me. Tanginang banana split yan. Naloko lahat nang dahil
sa dessert na yan. Gusto kong patayin si Nathaniel ng malaman kong naghati sila ng
Toryang ko sa saging na iyon. Kung pwede lang manakit ng tao, gagawin ko. Bwisit.
Akin lang siya.

Ako na ngang naiwanan, ako na naman ba maghahabol sa kanya? Ano ito? Laro lang?
Paasa ka talaga Victoria. Babalik ka dito na para bang wala kang ginawa. Palibhasa
ikaw ang nangiwan. Ikaw, sigurado kang may babalikan. Habang ako, parang tangang
naghihintay sayo. Kung hindi dahil sa pride, susundan na sana kita kung saang
lupalop ka nagpunta. Pero pride na lang ang meron ako. Ikaw ang umalis, kailangan
ikaw ang bumalik mag-isa. Hindi na ako gagapang papunta sayo.
Kinuha ko ang stick at tinitigan iyon. Kinakagat ni Toryang ang kuko niya at
lumapit sa akin. Nalaglag ang panga ko ng makita ang resulta. Inasahan ko na ito,
pero ang malaman na totoo nga ay parang milagro pa rin kung papakinggan.

“You’re pregnant.” Bulong ko. Agad ko siyang hinarap at niyakap ng mahigpit.


Kinakalampag ang buong pagkatao ko at hindi ako makahinga ng matino.

“Am I? I am?!” masaya rin niyang sabi. Binaba ko siya at agad na binuksan ang suot
niyang robe para makita ko ang kanyang tyan. Hinaplos ko iyon at sumikip ang dibdib
ko. Pinigilan ko ang emosyon pero tumulo na ang luha ko bago ko pa man mapunasan
iyon.

“Fuck. Tatay na ako?” natatawa kong sabi. Yumuko ako at hinalikan ang kanyang
abdomen bago tumayo at inayos ang buhok ni Toryang.

“Get dressed. Now. Hindi na ako makakapaghintay Yang.” Utos ko. Inayos ko ang robe
niya at hinila siya palabas. Niyakap ko ang kanyang beywang bago bumulong.

“Thirty minutes. Magbihis ka na. I want to have my wife.” Nangingiti kong sabi.
Para akong tanga na wala ng ginawa kung hindi ang ngumiti at tumawa. Hinalikan ko
ulit siya bago tuluyang lumabas ng kwarto niya at bumalik sa simbahan.
Noong nakita ko siyang hinalikan si Athan, nawala ako sa huwisyo. Naalala ko lahat
ng rason kung bakit siya biglaang umalis noon. Na nahati siya sa akin at kay Athan.
Na madali lang para sa kanya na bitawan ako. Nauulit ba iyon? Mangiiwan na naman ba
siya? Pinaasa lang niya ako, hindi ba?

Nasaktan ako. Walang ibang babaeng kayang makapanakit sa akin katulad ng nagagawa
ni Toryang. Hawak niya ako. Kahit gaano ko pa ipagpilitan na nakawala na ako sa
kanya, bumabalik pa rin ang katotohanan. She can ruin me. Kayang kaya niya pa rin
akong durugin.

Nasaktan ako kaya may mga salita akong nasabi na hindi na tama. Noong makita kong
umiyak siya, noong naglakad siya palayo, kinain ako ng takot. Wala na akong
pakialam kung masaktan man ako ulit. Hell, bahala na si Athan. Sisiguraduhin kong
hindi na siya ulit tatalikod sa akin. Gagawin ko ang lahat. Kahit noong nalaman ko
ang totoo, kahit noong sinabi niya sa aking magmomove on na siya ay hindi pa rin
ako tumigil.

Asa ka pa Toryang. Akala mo magiging madali para sayo ang kalimutan ako? Imposible
sa akin iyon. Dapat sayo rin.

Bumukas ang pintuan ng simbahan at nagsimula na siyang maglakad. Pakiramdam ko ay


mapupunit ang pisngi ko sa ngiti ng tumugtog na ang AEGIS. Sa tabi ko ay tinapik
ako ni Greg, ang aking bestman, at sabay naming pinanood ang papalapit na si
Toryang.
‘All I am,

All I’ll be

Everything in this world

All that I’ll ever need is in your eyes

Shining at me

When you smile I can feel

All my passion unfolding’

Lumunok ulit ako ng maramdaman ko ang paninikip ng lalamunan ko. Bwisit. Naiiyak
ako. Hindi ko alam na ganito pala ang pakiramdam. Para na akong mababaliw sa
sobrang saya. Hulog na hulog ako sayo Victoria. Hulog na hulog.

“Hi.” Nakangiti niyang sabi. Binigay ng Tatay niya ang kamay niya sa akin bago kami
sabay na humarap sa pari.

Tinaas niya ang kamay niya at pinunasan ang pisngi ko. Tumaas ang kilay niya at
natawa na lamang.
“Umiiyak ka?” tanong niya. Tiningnan ko lang siya ng matalim kaya humalakhak lang
siya. Asar, umiiyak ako dahil sayo. Umiiyak ako kasi sa wakas, sa akin ka na.
Montreal ka na. Hindi ka na makakaalis sa akin.

I do, Cherish you

For the rest of my life,

You don’t have to think twice

I will, Love you still

From the depths of my soul

It’s beyond my control

I’ve waited so long, to say this to you

If your asking do I love you this much,

I do—-

Hindi ko siya sinagot. Maya maya ay tumingkayad siya at may kinabit sa leeg ko.
Napanguso ako bago iyon tiningnan. Ganon na lang ang gulat ko ng makitang isang
singsing iyon.
“I bought that. Akala ko kasi hindi ka na magpopropose sa akin.” natatawa niyang pa
ring sabi. Suminghot ako at niyakap siya ng mahigpit. Gumanti siya at sinagot niya
ang yakap.

“I love you Stanley. Sobra. Pakiramdam ko ay sasabog na ako sa sobrang pagmamahal


ko sayo.” Bulong niya. Humiwalay ako sa kanya at inalalayan siya sa pag-upo.

‘In a world torn by change

Still with all my heart

Until my dyin’ day’

“And I am too. I love you so much Victoria Montreal.” Napahinto ako at kinuha ang
kanyang kamay.

“You promised me then, kapag kumpleto na ang ngipin mo, papakasalan mo ako.” Anas
ko. Namula ang pisngi niya at hinampas ang aking dibdib.

I do, Cherish you


For the rest of my life,

You don’t have to think twice

I will, Love you still

From the depths of my soul

It’s beyond my control

I’ve waited so long, to say this to you

If your asking do I love you this much,

I do—-

Tumawa kaming dalawa bago ko hinaplos ang kanyang pisngi. Punong puno ng pagmamahal
at adorasyon. Lumapit siya sa akin at pinanood ako.

“Are you ready? To take a bad boy as your husband?” paghamon ko. Tumaas ang sulok
ng labi niya at kumindat sa akin. Lumawak ang ngiti niya bago nanglambitin sa aking
leeg.

“I’ve always been ready bad boy.”


-WAKAS-

-----------------------------

Song Used:

98 Degrees- I do

Yan na po talaga.

Walang Book 2. Makikita naman ninyo sila sa TTCB at sa iba pang installment ng
AEGIS.

Special chaps. Hindi ko alam. :) Busy eh.

Maraming maraming salamat po. Si Athan naman ang sunod. Sana same pa rin ng suporta
sa STBB ang makukuha nila Ria at Athan sa TTCB.

Maraming maraming salamat po!

*ACE DOMINGO

=================

Married To The Bad Boy SC #1


Ang AEGIS

Hindi ito Book 2! Special Chapter lang.

------------------------------------------------

“Toryang! Bakit wala na namang tissue sa banyo?”

Napailing na lang ako sa isa pang sigaw ni Stanley mula sa banyo. Ibinaba ko ang
children’s book na binabasa ko at dahan dahang tumayo. May kalakihan na rin ang
tyan ko at nahihirapan na ako sa paglalakad. Pero kailangan kong puntahan iyong si
Montreal na nagwawala na dahil late na siya sa kanilang photoshoot.

“Hindi ko kasi abot Tan. Ang taas kaya ng lalagyan ng mga tissue roll.” Sagot ko
noong makarating ako sa banyo. Nanliit ang mata niya habang nakatingin sa akin.

“Bakit naglalakad ka? Yang naman. Sira ka ba?” nag-aalala niyang sabi. Agad siyang
lumapit sa akin at hinawakan ang beywang ko. Huminga siya ng malalim bago ako
pinaupo sa may toilet bowl.
“Wag mo na akong pansinin. Maligo ka na nga. Late ka na.” utos ko na lang.
Tinitigan lang niya ako bago siya umupo sa harapan ko.

Hinaplos niya ang umbok ng tiyan ko. “Ayaw ko ng pumunta sa photoshoot.” Nakanguso
niyang sabi. Tumawa lamang ako bago siya pinitik sa ilong.

“Hindi pwede. Gusto mong sunugin ka ni Leria ng buhay?”

“Hayaan mo siya. Galit naman yun sa mundo.” Dagdag niya. Tumawa na lang ako sa isip
bata niyang pagsasalita. Inayos ko ang buhok niya bago siya tinitigan.

“Photoshoot para sa album ninyo Stan. Hindi pwedeng wala ka dun.”

“Tsk.” Iritado niyang sagot. Tumawa lang ako at tinulak na siya para maligo.
Nagprotesta pa siya pero hindi ko siya pinansin. Pinilit ko na siyang pumasok sa
shower at iniwan na doon. Dumiretsyo ako sa kwarto at inayos ang susuotin niya.
Pagkalabas niya ng banyo ay agad na siyang nagbihis. Ilang beses bumusina ang van
nila sa labas bago niya ako tuluyang iniwanan.

“Anong oras darating si Avvi? Walang magbabantay sayo.” Tanong niya noong nasa gate
na kami. Inirapan ko lamang siya at hinimas ang tiyan ko.

“Hindi pa lalabas ang anak mo Stanley.” Nakangisi kong sabi. Tumalim lang ang
tingin niya sa akin.

“Masama bang mag-alala? Pakiramdam ko, mahihimatay ako bago pa makalabas yang
batang yan.” Seryoso niyang sabi. Natawa lamang ako at sumabay sa kanya sa
paglabas.

“Kamahalan!”

“Toryang!”
“Sungit!”

Sabay sabay bumaba ang AEGIS at lumapit sa akin. Isa isa nila akong niyakap habang
binabati ako.

“Laki na ah.” Biro ni Greg sa akin. Pinandilatan ko lang siya bago hinampas.

“Bwisit ka.” Sagot ko. Tumawa lang si I bago inakbayan si Stanley.

“Pustahan tayo. Ako kamukha ng anak mo dude. Sa akin naglihi ang kamahalan eh.”
Mayabang niyang sabi. Agad siyang binatukan ni Stanley bago siniko sa tagiliran.

“Ouch dude. Haras mo.” Natatawang sabi ni August habang inaalalayan si I.


“Ikaw bang sinaktan ko?” masungit na tanong ni Stanley. Sumandal ako sa pader at
pinanood sila.

“Masama bang makisimpatya? That is what you call empathy dude. EM-PA-THY.”
Pandagdag ni August. Agad lumapit si Stanley sa kanya para suntukin siya pero agad
nakatakbo sa likod ni Leria si Pangit.

“Ang gulo nyo.” Natatawang sabi ni Ria kay Pangit. Ngumisi lang si August bago niya
niyakap ng mahigpit si Ria.

“Athan, tingnan mo, kikiss ko si Ria!” sigaw ni August bago hinalikan sa pisngi si
Ria. Nakita ko ang pandidilim ng mukha ni Athan na tahimik lang na nagmamasid sa
amin.

“AUGUST!” sigaw ko. Dumiretsyo ng tayo si Athan at lumapit kay August.

“Gago!” galit na galit na sabi ni Athan. Agad humarang si Ethan at Greg sa kanya.
Si August naman ay tumatawa lang sa isang tabi. Humarap siya kay Stanley bago
nagkibit balikat.
“See Stanley? Ganyan ka din noon kay Toryang. That is empathy dude.” Tumatawang
sabi niya. Napailing na lang ako lalo na noong tinulak ni Athan ang kakambal niya
at pumasok na sa van. Naglakad ako papunta kay Ria at hinalikan siya sa pisngi.

“Pasensya ka na kay August.” Sabi ko. Ngumiwi lang siya bago nagkibit balikat.

“Kausapin mo yan minsan. Mukhang may problema.” Sabi niya. Kumunot ang noo ko at
tiningnan si Pangit na tumatawa pa rin sa gilid.

“Kailan ka manganganak?” tanong niya. Tiningnan ko ulit ang bukol sa tyan ko bago
napangiti na lang.

“End of the month.”

“I’ll clear their schedule. Kailangan kumpleto kami kapag lumabas na yang Montreal
na yan.” Sabi niya habang kumikindat. Tumawa na lamang ako at tumango.
“Oh, by the way. Mauuna na kami ha?” paalam niya. Yumuko siya ng kaunti at hinaplos
ang aking tyan. Dumiretsyo siya ng tayo at nagpaalam na sa akin.

“Bye.”

May yumakap sa aking beywang at agad na hinalikan ang pisngi ko. Tiningala ko si
Stanley na nakatunghay sa akin.

“Alis na ako.” Sabi niya. Halatang malungkot ang mukha.

“Sige. Ingat ka.”

“Alis na nga ako.” Pag-uulit niya. Humagikgik lang ako at kinurot ang ilong niya.
“Oo nga. Sige na. Hinihintay ka na doon.” Anas ko. Ngumiwi lang siya sa sagot ko.

“Alam mo, ang slow mo pa rin. Pigilan mo naman ako Yang.” Nagtatampo niyang sabi.
Napatawa na lang ako ng malakas sa klase ng pananalita niya.

“Ang gulo mo.”

“Wag kang magreklamo. Ang totoong gwapo, magulo.” Mayabang niyang sabi. Tinaas baba
niya pa ang kilay niya bago ako tuluyang binitiwan. Yumuko siya at hinalikan ang
aking noo.

“Alis na ako.” Sabi ulit niya. Inirapan ko na lamang siya bago kumaway.

“Alis na.” natatawa kong sabi. Pumasok siya sa van pero hindi niya isinara ang
pintuan.
“Yang, aalis na ako--“

“STANLEY PHILIP MONTREAL! ISARA MO NA NGA YANG PINTO!” sigaw ni Ria. Natawa na lang
ako sa gulat na ekspresyon ni Stanley bago nagmamadaling isinara ang pintuan.
Umandar na ang makina ng van nila at binaba agad niya ang salamin ng bintana.

“Yang! Aalis na ako!” sigaw niya. Nasapo ko na lang ang ulo ko at napailing sa
kanya.

Ang kulit talaga.

-----------------------------

May kasunod pa yan.

*pen<310

=================

Hindi Ito SC

So, ganito yan.

Nababasa ko po LAHAT ng messages ninyo at posts sa MB ko. Hindi ko lang nasasagot


kasi busy ako. Naappreciate ko po iyon. More than you know. At kapag hindi na ako
busy, sasagutin ko naman kayo. Okies?
Nagmamakaawa po akong magbasa kayo ng AN ko. May thesis po ako at busy ako. Wag po
kayong magalit o bombahin ang inbox ko ng hate messages ninyo. Kung ayaw nyo ng
bitin, hintayin ninyong matapos. Kung ayaw nynng maghintay, sana intindihin ninyo
na busy ako. Kung naghintay naman kayo at hindi nasatisfy ng STBB ang inaasam
ninyong ending, pasensya na lang po ha? Hindi po ako propesyunal at hindi ko naabot
ang perpekto ninyong expectations sa kwento. Sorry kung, I'll quote,
"Boo,pinaghintay ko kayo sa wala."

Hindi po ako nagdadamot ng soft copies. May mga humingi na sa akin noon pero hindi
ko mabigyan kasi hindi ako marunong gumawa ng soft copies okay? Hindi ko naman
ipagdadamot. Kung meron kayo at gusto ninyong ishare, go lang ng go. Basta sana
magpaalam kayo. Hindi yung nabibigla na lang ako. Please, infprm ninyo muna ako

Hind naman ako mangangagat.

Panghuli. Alam kong sinabi ko na sa VXV ito, inisip kong hindi na mangyayari sa
akin ito but then, nangyari ulit so here we go again.

Kwento ko ang STBB. Wag niyo kong diktahan. Wala na rin naman kayong magagawa kasi
tapos na. Nagagalit kayo kasi hindi si A yung nakatuluyan ni Toryang? Then fine.
Bahala kayo. Pangit na para sa inyo kasi ayaw ninyo si Stanley? Okay. Geez guys.
Nakakapagod yung ulit ulit na lang. Kung ayaw ninyo sa kwento ko, di wag ninyong
basahin. Simpleng bagay lang, wag na ninyong gawing kumplikado. Ultimo playlist ko
ibabash ninyo? Kesyo hindi akma sa kwento? I accept suggestions, alam yan ng mga
readers ko sa group. Yung ibang kanta galing sa kanila.

Special Chapters na nga lang ng STBB, magkakaganyan pa.

Kung ayaw nyo yung mga kanta. Wag ninyong pakinggan.

Kung ayaw nyo si Stanley, pasensya na lang. Gumawa kayo ng sarili nyong kwento para
masaya.

Kung ayaw nyo ang STBB, burahin nyo sa library ninyo at wag ng basahin.

Kung ayaw nyo ko i-unfollow nyo ko.

Yung softcopies, please, magpaalam muna kayo.

Simpleng bagay lang hindi ba? Walang mahirap dyan.

Salamat.

=================
Married To The Bad Boy SC#2

Empathy Daw, Sabi ni August

Nagising na lang ako na parang lumulutang. Sa sobrang antok ko habang hinihintay si


Stanley ay nakatulog na ako sa sofa. Sunod ko na lamang nalaman ay ang pag-akyat
niya habang kinakarga ako papanhik sa aming kwarto.

Noong nilapag niya ako at kinumutan ay doon na ako dumilat. Ilang beses akong
kumurap para masigurong hindi na naman ito panaginip.

“Hi.” Ngiti ko noong makita ko ang pagod niyang mukha na nakatunghay sa akin.
Ngumiti siya pabalik at agad na pumasok sa ilalim ng kumot. Hinila niya ako palapit
sa kanya at niyakap ng mahigpit.

“Leria’s a monster.” Parang bata niyang sabi. Lumayo ako ng kaunti para makita ko
ang mukha niya. Nakanguso siya habang bakas sa kanyang mukha ang pagod at inis.

“Ano na namang ginawa niya?” tanong ko habang hinihilot ang kanyang sentido. Kahit
medyo nahihirapan na akong kumilos dahil sa laki ng tiyan ko ay pinilit kong maupo
para matanggal ko ang medyas niya at ang t-shirt niya.

Tumayo ako at kumuha ng pajama at sando niya. Noong bumalik ako ay mahimbing na ang
tulog niya at hindi na niya naituloy ang kanyang kwento sa akin tungkol kay Ria.
Nang matanggal ko na ang pantalon niya ay marahan ko siyang tinapik para maisuot
niya ang kanyang pantulog. Bahagya lamang siyang nagising at agad ding nakatulog
ulit noong maisuot na niya ang inihanda kong pantulog. Tumabi ako sa kanya at agad
kong pinulupot ang mga braso ko sa paligid ng kanyang beywang at natulog na rin
ulit.

----------------------------------

Nagising ako nang makaramdam ng ingay sa ibaba ng aming kusina. Dahan dahan akong
tumayo at bumaba para makita kung anong gulo ang nangyayari.

“Mauuna nga kasi muna yung patatas. Mga tanga.”

Napahinto ako ng marinig ko ang boses ni Iñigo noong nasa hagdan pa lamang ako.
Sumilip ako at napapikit na lamang ulit ng makita ko ang estado ng kusina namin.

Nakaapron silang anim. Oo silang anim, ang buong AEGIS, habang ang kusina ko ay
mukhang nasalanta ng giyera. Basang basa ang sahig mula sa umaapaw na tubig galing
sa lababo. Nakakalat ang pinagbalatan ng mga gulay sa buong lamesa habang ang buong
counter ay puno ng harina, asukal at kung ano ano pa.

“Wag mo kasi akong pinipressure!” sigaw ni August habang inaabot ang sandok na
nakasawsaw sa binabaran ng karne nila. Napangiwi ako sa nakita.

“Wala namang nangpepressure sayo.” Malamig na sabi ni Athan habang sinusubkang


linisin ang kalat na mula kay August. Ngumuso lang si Pangit at kinuha ang toyo at
suka bago iyon binuhos sa sabaw na hinahalo.

“Anong?! August! Anong ginawa mo?!” sigaw ni Stanley noong makita niya ang ginawa
ni August. Agad kinuha ng asawa ko ang kaldero at tinanggal sa stove.

“Baliw ka talaga.” Natatawang sabi ni Ethan habang kinakain ang apple sa mesa.
Sinapok siya ni Athan dahil nagkakalat na naman ito ng balat.

“Atleast, tumutulong ako.” Katwiran ni August. Napailing na lamang ako at tuluyan


ng bumaba. Si Greg ang unang nakapansin sa akin. Mabilis siyang tumakbo at
nilapitan ako.
“Kanina ka pa diyan?” nakangiti niyang tanong. Tumango ako at lumapit sa mga lalaki
na nangugulo sa aming kusina. Lahat sila ay tumahimik noong nakababa na ako at
pinagtaasan sila ng kilay.

“Bakit ang kalat?” masungit kong tanong. Isa isang kumuha ang anim ng kanilang
basahan at nilinis ang mga dumi. Pinilit kong itago ang ngiti ko habang nagmamadali
silang maglinis.

So much for being their queen.

Dahan dahan akong umupo sa stool at hinintay na matapos ang anim. Nilagyan pa ako
ni Stanley ng isang baso ng gatas bago niya hinalikan ang aking noo.

“Sungit mo.” Tukso niya. Pinandilatan ko lang siya habang nagmomop ng sahig.

Kinuha ko ang baso at uminom roon. Ibaba ko na sana ang gatas noong maramdaman ko
ang kirot sa aking tiyan. Pumikit lang ako ng mariin dahil sa biglaang pagsalakay
ng contractions. Tiningnan ko ang AEGIS at mukhang wala namang nakahalata.
Nasanay na ak sa biglaang paghihilab ng tiyan ko. Pero si Stanley ay hindi pa. Sa
bawat pagkakataon na sumakit ang tiyan ko ay agad siyang namumutla at mukhang
mauuna pang mahimatay kesa sa akin. And I know, the other AEGIS won’t help. Malala
na silang anim.

Kinagat ko ang labi ko noong tumindi ang sakit. Lumapit si August sa akin pero
napatigil siya ng makita ang sahig sa ibaba ko.

“Stan, akala ko ba nag-mop ka na? Basa pa rin yung sahig. Baka madulas si Sungit.”
Nagtatakang sabi ni August. Napasinghap ako at tiningnan ang paanan ko. Basa na ang
pink kong pajamas. Nanlalaki ang mat akong tumingin kay Pangit na nagpupunas lamang
ng lamesa.

“Namumutla ka.” Si Athan ang pumansin sa akin. Pinilit kong kumalma pero umatake
ulit ang sakit.

“S-Stan!” sigaw ko. Lumapit ito sa akin pero natigilan siya ng makita ang pagngiwi
ko.
“Anong ginawa mo?!” sigaw ni Stanley kay Athan na mabilis na lumayo sa akin.

“Wala akong ginawa. Si August yung huli niyang kausap.” Depensa nito. Si August
naman ang napanganga.

“Hala? Ako?” turo niya sa sarili niya. Kung hindi lang talaga masakit itong
nararamdaman ko ay matatawa na sana ako.

“Stan..” tawag ko. Kumapit ako sa braso ni Athan dahil sa kirot.

“Manganganak ka na ba kamahalan?” tanong ni Ethan. Katulad ng inaasahan ay agad


namutla si Stanley sa narinig. Ngumiwi ako at huminga ng malalim.

“Stan..manganganak na yata ako.” Pabulong kong sabi. Narinig ko ang pagmumura ni


Iñigo sa gilid. Sunod ko na lamang nalaman ay ang maingay na gulo ng AEGIS sa
paligid habang isinasakay ako ni Stanley sa kotse.
“Sama ako!” sigaw ni August at sumiksik sa backseat. Sumunod si Ethan at Greg sa
kanya habang si Athan at Iñigo ay nasa kanikanilang mga sasakyan.

“Stanley!” sigaw ko na noong hindi niya pa rin mapaandar ang kotse. Nanginginig ang
kamay niya sa sobrang kaba habang ako ay hindi na makagalaw sa sakit.

“Stan!” sigaw ko ulit. Napaluha na ako noong hindi ko na nakayanan ang sakit.

“Akina nga yang susi.” Si Ethan na ang nagsalita at dumukwang para magdrive.
Nagpalit sila ng pwesto at nasa likuran ko na si Stanley.

“Hirap ng napepressure no?” tanong ni August kay Stanley. Pinandilatan lamang siya
ni Tan Tan.

“Empathy dude.” Natatawang sabi ni August at hinawakan ng mahigpit ang balikat ni


Stanley.

------------------------------------
Kumpleto na ang AEGIS. Pakicheck na lang po sa profile ko. :)

*pen<310

=================

Married To The Bad Boy SC#3

Stanley

Kinakabahan ako. Pakiramdam ko ay nasusunog ako habang tumatakbo kami papunta sa


delivery room. Alam kong gwapo ako, pero kahit na perpekto ang mukha ko, hindi ko
pa rin kayang kontrolin ang pagkalabog ng kaba sa dbdib ko.

Normal pa ba ito? Tangina, natatakot ako.

“Stan..”

Naalarma ang mukha ni Toryang noong binitawan ko na siya at pinasok na siya sa loob
ng DR. Pinagbawal akong makapasok sa loob kaya naiwan ako, kasama ang limang ungas
sa labas para hintaying makalabas ang anak ko.

Pabalik balik ang lakad ko sa gitna ng hallway habang hinihintay ang doktor na
lumabas. Hindi ako mapakali at gustong gusto ko ng pumasok sa loob.

“72, 73, 74..”

Tiningnan ko si August na mariing nakatitig sa akin kaya napahinto ako sa


paglalakad. Tumigil rin siya sa pagbibilang at nginitian ako.

“Tumigil ka na nga S. Pipilayan kita. Ang likot mo.” Bwisit na sabi ni I sa akin.
Nakapamulsa lamang siya habang nakasandal sa pader ng ospital. Tinaasan ko lang
siya ng kilay at ngali ngaling sapakin. Bwisit itong lalaking ito.

“Lumayas nga kayo.” Sigaw ko at tinalikuran sila. Naglakad ulit ako ng pabalik
balik para mawala ang kaba na nararamdaman sa dibdib ko. I am nervous but shit, I
am excited too.
“77, 78, 79--“ pagpapatuloy ni August. Tumigil lamang siya noong sinapok siya ni
Ethan.

“74 pa lang kanina.” Natatawang sabi ni Greg at nagbasa ulit ng dyaryo sa gilid.
Noong napagod ako au umupo na lamang ako sa sahig at muntikan na talagang
mapasabunot sa sobrang kaba ko. Nanginginig na ang kalamnan ko. Idagdag mo pang
sobrang tagal lumabas ni Toryang at ni baby mula sa delivery room.

Pumikit ako at pinatong ang noo ko sa aking tuhod. Alam kong hindi ako dapat
nagkakaganito. Hindi rin naman ako matatakuting tao. Pero hindi ko alam, pagdating
kay Toryang ay tumitiklop ako. Siya lang talaga ang nakakapagpanginig sa akin ng
todo.

Isang braso ang pumatong sa balikat ko kaya napatingala ako. Doon ko lamang
napansin si Athan na umupo rin sa sahig.

“She’ll be alright.” Simple niyang sabi. Tumango si Greg at lumapit sa amin.


Hanggang sa maya maya ay kaming anim na ang nakaupo sa sahig kahit naman may steel
benches sa kabilang gilid ng hallway.

“Malamig sa pwet itong semento.” Reklamo ni Ethan habang naglalaro ng pacman sa


kanyang cellphone. Ngumuso lamang ako at hindi sumagot.

Nabawasan ng kaunti ang kabang naramdaman ko noong nakaupo na kaming anim sa sahig
at hinihintay si Toryang. Kahit papaano ay nakalma ang rumaragasa kong kaba habang
nakikinig sa pag-aaway ni August at Iñigo tungkol doon sa babaeng bumasag sa
salamin ng BMW ni I.

“Destiny dude. Sa ilang kotse sa parking lot, sayo pa talaga yung nabasag noong
babae.” Katwiran ni August. Umiling lang si Iñigo sa sinabi nito.

“Destiny your ass Gus.”

OA na suminghap si August at bahagyang lumayo kay I. Nanlalaki ang mata niya habang
nakatingin pa rin dito.

“My ass?! Pinagnanasahan mo ba ako Iñigo Shaw?” seryosong sabi ni August.


Nagkatinginan na lamang kami ni Athan sa katangahan ni August. Sa totoo lang, sa
aming anim, si August ang pinakatanga. Hindi ko naman siya masisisi. Siya ang
pinakabata sa amin.

But I am still the cutest--no. Gwapo pala ako. Hindi ako cute. Para sa aso lang ang
cute. Si August, aso yan. Ganon ang tawag ng kapatid kong alien sa kanya eh.

“Ang iingay.” Saway ni Athan at nagsuot lamang ng earphones. Sinandal niya ang ulo
niya sa pader at pumikit na lamang. Ginaya ko siya at inisip kung ano ang magiging
itsura ng anak namin kapag lumabas na sila ni Toryang.

Pupusta akong kamukha ako ng anak ko. Aba dapat lang. Sa gwapo kong ito, tiyak
akong pinagpala ang anak ko kung magiging katulad niya itong perpekto kong mukha.
Kung babae naman siya ay papasa na ang mukha ni Toryang. Maganda naman siya. Wag
nga lang sana magmana yung bata sa pagkaslow--

“Stan..”

Muntik na akong mapamura noong sinira ni August ang pagmumuni muni ko. Binigyan ko
siya ng matalim na tingin pero hindi siya natinag.

“Ninong ako ha?” nakangisi niyang sabi. Tumaas lang ang kilay ko at hindi siya
pinansin.

“Asa ka pa. Wala kang matuturong matino sa anak ko.”

“Sakit naman dude. Wag ganyan, masamang magsalita ng ganyan. Tsk.” Umiiling niya
pang sabi. Siniko ko lamang ang pisngi niya at pumikit muli.

“Wag kang mag-alala. Swerte nga ang anak mo dahil magiging Ninong niya kami.”
mayabang niyang sabi. Tiningnan ko ang lima na nakatingin na rin sa akin. Umiling
lang ako at natawa na lamang.

“Sige na Stan. Hindi ko pagtataguan ang anak mo sa pasko.” Dagdag ni August. Tumawa
lamang ang iba habang ako ay napailing na lamang.

Umakbay si Greg sa akin at tinitigan akong muli. Noong sasagot na sana ako ay
bumukas ang pintuan ng DR at lumabas na roon ang doktor. Nilingon niya kami bago
ngumiti. Ako naman ay nahigit ang aking hininga habang hinihintay ang kanyang
sasabihin.

“It’s a boy Mr. Montreal.” Anunsyo niya. Sabay sabay na tumalon ang lima habang ako
ay hindi na nakagalaw sa sobrang tuwa. Hindi ako makapaniwala.

Tatay na ako?

-----------------------------------

*pen<310

=================
Married To The Bad Boy SC#4

More Than A Band

“She almost fucking died!”

Napamulat ako ng marinig ko ang malakas na boses ni Stanley mula sa labas ng kwarto
ko. Dahan dahan kong binuka ang mata ko pero masyadong maliwanag. Wala rin akong
maramdaman at halos manhid ang buong katawan ko sa nangyari.

“Hindi pa naman siya patay Kuya. Ang OA nito.” Boses naman ni Shana ang sumagot.
Napalunok ako at pinakiramdaman ang dalawang Montreal na nag-aaway sa labas.

“Ikaw. Kapag nanganak ka na, pagdadasal kong maCS ka din, bwisit kang alien ka.”
Pagdadabog ni Stanley. Narinig ko ang ilang pagtawa sa paligid at doon ko lang
napansin na hindi lang pala silang dalawa ang narito.

“S naman. Hindi pa ako sinasagot nitong si Halimaw, buntisan agad ang labanan?”
natatawang tanong ni August.
“Asa ka pa! Bwisit ka!” ganti ni Shana kay August.

“Gago. Maawa kayo sa mga anak ninyo kung sakali.” Sagot ni Stanley. Tumawa lang
ulit ang mga tao bago ko naramdaman ang paghawak niya sa kamay ko.

“Thank you for Shawn.” Bulong niya sa akin. Huminga ako ng malalim at binuka na ng
tuluyan ang mata ko. Una ko siyang nakita at pinilit kong ngumiti sa kanya. Bumilog
ang mata niya sa gulat noong makita ang paggising ko.

“Yang..” nagmamadali niyang sabi. Hinaplos niya ang buhok ko at hinalikan ang noo
ko bago niya tinawag ang iba.

“Kamahalan.” Bati ni Ethan sa akin. Nasa tabi niya si Avvi na naluluha habang
nakatingin sa akin. Tinapik ni Athan ang kabila kong kamay at nagbigay ng daan kay
Greg para malapitan ako. Yumuko si G at hinalikan rin ang puno ng ulo ko bago
lumayo.
“Nanay ka na.” natatawang sabi ni I sa akin. Ngumiti ako at tumango sa narinig.

“Sungit, kapag Ninong ako, kapogian na lang regalo ko ha? Wala akong pera eh.”
Nakangusong sabi nito. Tumawa ako pero agad ding natigilan noong kumirot ang
bandang abdomen ko.

Hinawakan ni Tan Tan ang balikat ko. “Yang.”

“Ayos lang ako.” Pilit kong sinabi. Nilingon ko si Stanley at ngumiti.

“Nasaan si Baby?” tanong ko. Nilingon niya ang likuran niya at doon ko lang
napansin si Leria na may kinukuha sa crib doon. Maya maya ay lumapit siya sa akin
at inilapag si baby sa balikat ko.

“Nandito na si Mama mo baby Shawn.” Sabi ni Ria. Agad lumapit si Shana at Avvi para
maalalayan ako sa pag-upo. Ilang beses akong napapangiwi habang gumagalaw pero wala
akong pakialam. I want my son now.
Noong nakarga ko siya ay hindi ko napigilan ang pagpatak ng aking luha. Hinaplos ni
Stanley ang pisngi ko at ngumiti sa akin.

“Shawn Joaquin Montreal. Sinunod ko sa pangalan ni Lolo.” Aniya. Hinaplos ko ang


maliit na ulo ni baby Shawn at tumango.

“Shawn Montreal. I like that.” Nakangiti kong sabi. Bahagyang dumilat si baby Shawn
at pumikit ulit. Lumapit si Stanley sa akin at inabot si Shawn pero umiyak agad
ito.

“Hala, hala. Ayaw kay Papa?” natatawang sabi ni Greg. Lumapit siya sa amin at
hinaplos ang bata. Sumunod si August at ang ibang AEGIS at doon lamang natahimik si
Shawn.

Lumapit na naman si Stanley at hinawakan ang ulo ni baby noong umiyak na naman ito.
Natawa na lamang ng malakas ang iba habang ako ay nangingiti na lamang sa bawat
pagnguso ni Stanley.

“That’s unfair child. Ako ang Tatay mo. Don’t be a bad boy.” Aniya. Napahagalpak na
lamang ang AEGIS sa sinabi nito.
“Wala eh. Mas gusto kami ni Shawn.” Natatawang sabi ni Ethan habang sumasang-ayon
naman sa kanya si Athan.

“Tahimik!”

“Pikon naman to.” Si I ang dumagdag. Lumapit si Stanley dito at sasapukin na sana
siya noong umiwas ito at si Greg ang tinamaan ng kamao ni Stanley.

“Aray! Wala naman akong ginagawa!” reklamo ni Greg. Tumawa ang mga babae sa gilid
ko habang nanunuod. Umakbay si August kay Greg.

“Masakit talaga yan dude. I can feel you. Empathy.” Pang-aasar nitong sabi kay G.
nag-away away na ang anim at naging maingay na sa kwarto.

Nilingon ko ang anim na naglolokohan kaya napangiti na lamang ako. Hinaplos ko si


Shawn at hiniling na sana ay makakilala rin siya ng mga kaibigan na katulad ng
AEGIS.
Because AEGIS is more than a band. It is a brotherhood.

---------------------------------------

*pen<310

=================

MARRIED TO THE BAD BOY LAST SPECIAL CHAPTER

To Be Continued

“Mama! Si Seven oh!”

Napapikit na lamang ako ng marinig ang sigaw ng unica hija namin ni Stanley. Tumayo
na ako at binitiwan ang mga kaso na binabasa ko para puntahan ang anak ko.
“I told you to call me ‘Kuya’ Serise.” Nakalabing sabi ni Seven. Inirapan lamang
siya ni Serise at suminghot. Niyakap niya ng mahigpit ang manika na bigay ni Mama
sa kanya bago sumalampak sa sahig.

“Ano na namang ginawa mo Seven?” seryosong tanong ni Seth habang nilalapitan na at


inaalo si Serise na malapit ng umiyak sa sobrang inis sa kapatid.

“Kuya! Inaaway ako niya!” sumbong nito at lumambitin sa leeg ni Seth. Tumingin si
Seth kay Shawn na walang pakialam na nanunuod lamang ng Anime sa gilid.

“Shawn, tulong naman. Pause mo muna si Erza.” Nahihirapang sabi ni Seth habang
tinatapik na ang likod ni Serise na hindi pa rin tumitigil sa kakaiyak.

“Ano bang ginawa ni Kuya Seven--“

Lalong nalukot ang mukha ni Serise. “He’s not my Kuya nga kasi eh! Ikaw lang Kuya
ko tsaka si Kuya Shawn. Si Seven ampon.” Ngumuso lalo ang bunso ko at tiningnan si
Seven na natatawa lang sa gilid. Napabuntong hininga na lamang ako sa nangyayari.
When I thought Shawn will be the carbon copy of Stanley, doon ako nagkamali. Shawn
is more of Tatay Sandro. Tahimik lang, pero matalino. He’s really smart eventhough
he is just eight. Mahilig rin siya sa business at mas madalas siyang tumatambay sa
kumpanya ng Montreal kesa umaattend sa summer camp na pinupuntahan nila Seth at
Seven.

Seth was more of the neutralizer sa apat. Kung gaano katahimik si Shawn, at kung
gaano naman kaingay si Seven, Seth is on the middle part. Sa kanilang apat ay si
Seth na rin ang nagpapakaita ng interes sa musika. But he more into singing rather
than drums. Kaya nga mas lalong naiinis si Stan kapag lumalapit si Seth kay August
o di kaya’y kay Greg. Siya ang voice of reason ng magkakapatid. Sa kanilang lahat,
siya ang hindi namana ang ugali ng mga Montreal na nagpapadalos dalos sa isang
desisyon. Don’t get me wrong. He is still ruthless. Dumadaloy na yata talaga sa
ugat nila ang ugaling yan.

Seven. God. Kahit yata ipatapon namin sa Timbuktu iyang si Seven, maibabalik at
maibabalik pa rin siya sa amin ni Stanley dahil sa sobrang pagkakahawig ng mag-ama.
Hindi lang sa mukha, which lahat yata ng mga anak ko ay kamukha ni Stanley, pati
ugali, sa pagkamainitin ng ulo hanggang sa pagiging alaskador ay kuhang kuha ni
Seven. He is,ehem, a bad boy. Need to say more?

And Serise. The flower among the thorns. Ang kaisa isang babaeng Montreal. No
wonder her brothers are too protective of her. She’s a living joy in the house.
Kapag wala si Serise ay tahimik ang bahay. Sa kanya umiikot ang mundo ng tatlo.
Sunod lahat ang gusto niya dala na rin ng sobrang pagmamahal ng mga kapatid niya sa
kanya. She’s carefree, fearless and feisty. She had her brothers, including her
father, wrapped around those little adorable fingers.
“What did you say to her Seven?” masungit na tanong ni Shawn. Inalis na niya ang
mata sa binabasang libro at nilingon na ang nakababatang kapatid.

“Well--“

Pinutol ni Serise ang sasabihin ni Seven. “Sabi niya pangit ako kasi wala akong
teeth! Diba hindi naman Kuya? DIba maganda pa rin si Serise diba?”

And then she did that pouting plus beautiful eyes. Alam ko na ang kasunod niyan.

“No PSP for you Seven.” Maawtoridad na sabi ni Shawn sa kapatid. Sumama naman ang
tingin ni Seth kay Seven.

“Ikaw rin ang gagawa ng homeworks ni Serise for one week.” Dagdag ni Seth.
Napanganga si Seven at aalma pa sana noong sabay lamang siyang tinitigan ng mga
kuya niya.
“Walang hustisya!” sigaw ni Seven at sumalampak sa sofa. Humigpit ang hawak ni
Serise sa leeg ni Seth bago pasimpleng bumelat kay Seven. Napailing na lamang ako
bago nagpasyang lumapit sa apat.

“Ano na naman yan?” bungad ko sa apat. Agad ngumiti ang mga anak ko at mabilis na
lumapit sa akin.

“Mama karga!” pacute ni Serise sa akin. Ngumuso lamang si Seven.

“Spoiled.” Bulong nito. Madiin siyang sinapok ni Shawn sa ulo.

“Aray.”

“Stop.” Utos ni Seth sa kapatid. Tumaas lang ang kilay ni Seven habang ako naman ay
binubuhat na si Serise.
“Darating na si Papa niyan diba Mama?” tanong ni Seth sa akin. Tumango lamang ako
at hinaplos ang buhok nito. Sabay sabay kaming lumabas apat para antayin ang pag-
uwi ni Tan Tan.

Over the years, huminto na rin ang AEGGIS sa pagbabanda. Noong nagsipag-asawa na
sila at nagkaanak, nagpasya na ang anim na bitiwan na ang industriya at magfocus na
lang sa pamamalakad ng Wave Records. Kumakanta pa rin naman sila, lalo na kapag
nag-away ang isang AEGGIS at ang asawa niya. Tulong tulong ang anim kapag
nanghaharana sila sa mga Misis nila. It’s really funny and sweet kapag naiisip ko
lahat ng pinagagagawa nila.

Tatay Sandro is right, as usual. Hindi habang buhay yayakapin ng entablado ang
AEGGIS. Mawawala rin ang kasikatan na meron sila. But I think, we all think, that
fame is not the sole thing that makes the six of them stick together. Sa AEGGIS
nakahanap ng pamilya ang anim. They found brothers who would stay with them no
matter what. The found women who will love them with all their hearts. They found
people who share the same passion over their dreams and their music. Sa huli,
nawala man ang kasikatan na meron sila noon, they still have each other. We still
have each other.

Looking back eight years ago, masasabi kong hindi naging madali ang pinagdaanan
namin ni Stanley. Walang naging madali para sa ibang AEGGIS. But I think that is
what made the ride worthwhile the magic of the story is in its ups and downs.
Natuto ako na lampasan ang insekyuridad na meron ako habang si Stanley naman ay
natutong magpahalaga ng mga bagay na mas importante pa sa pera. We both learned
something. Hindi namin pinaikot ang mundo namin sa isa’t isa that is why we grew to
what we are now.

Bumaba agad si Serise mula sa balikat ko. “Papa!” naguunahang tumakbo ang apat
papunta sa kotse ni Stanley na papasok sa gate ng bahay. Noong bumukas iyon ay
bumungad sa amin ang nakangiting mukha nito.
“Papa ko!” si Serise ulit na agad yumakap sa binti ni Stanley. Inakbayan naman ni
Stanley si Shawn habang si Seth ay agad ng kinuha ang gamit ni Stan at siya na ang
nagbuhat nito.

“Hey dude!” si Seven ang nagsalita. Napasinghap ako sa narinig mula rito.

“Saan mo naman natutunan yan, ha, Seven?” seryosong tanong ni Stanley dito. Ngumisi
lamang si Seven bago nagpeace sign.

“Kay Ninong August po.”

Tumawa na lamang ako at doon pa lang tumingin si Stanley sa akin. Maingat niyang
binitiwan si Serise at inutusan ang mga bata na pumasok na sa loob ng bahay. Noong
nawala na ang mga anak namin ay agad siyang lumapit sa akin. Niyakap niya ang
beywang ko at hinapit ako sa kanya.
“Missed me?” mayabang ang ngisi niyang sabi. Tumaas lamang ang sulok ng labi ko at
niyakap ang kanyang leeg.

Loving a Montreal is not easy. But it is worth it. hindi lamang ang pag-ibig ni
Stan ang nakuha ko. I learned lessons, lessons that even a Ph.D degree will never
teach in schools. And I gained friends. I gained memories.

I gained strength.

Even now I know we will still experience bumps along the road. Pero hindi ako nag-
aalala. With Stan beside me and the support of the whole AEGGIS, nothing is
impossible.

Hindi ako sumagot sa tanong niya kaya mabilis na kinagat ni Stanley ang ilong ko.
Napatili ako at tinampal ko ang kanyang pisngi.

“Bad boy.” Natatawa kong sabi. Kumislap ang mata niya sa narinig.
“Ako yun.” Mayabang niyang sabi.

“Alam ko. And I love you.” Malambing kong sabi. Ngumisi lamang siya at inipit ang
takas na buhok sa likod ng aking tenga.

“Du bist mien Toryang bungi. I am, completely, hopelessly, gorgeously inlove with
you too.”

So this story is not yet finished now. But this is where I will stop narrating.
Let’s not wait for a ‘the end’ but rather, watch out for a ‘TO BE CONTINUED.’

=fin=

A/N
Ang hard nilang bitawan. Pero kailangan na. makikita pa rin naman natin sila sa
ibang installments ng AEGGIS (ayan nadagdag ko na si August. He’s the other G.
Sadya kong tinabi kay Greg dahil pareho naman silang vocalists).

Maraming maraming salamat sa suporta. Nag-enjoy ako habang sinusulat ang STBB. This
is the lightest among the stories that I wrote. Chill chill lang.

Sana na-enjoy rin ninyo.

May playlist rin pala ang STBB sa Spotify *thank you Aisa*, pakinggan ninyo or
download ninyo :)

Maraming salamat po sa lahat ng suporta!

*ACE DOMINGO

=================

01

Ang Bra

Yo! Ano, ah, sabi ni Papa dude tinatamad si author kaya aaliwin ko siya. Pero hindi
ko naman alam kung paano ko siya aaliwin kaya baka pwedeng striptease na lang? Kaso
baka naman mahimatay kayo. Sabi kasi ni Papa dude, kapag gwapo ka wag mong
ipangangalandakan kasi delikado. Eh, gwapo naman ako. Mas gwapo pa nga ako kina
Kuya Shawn. Mafeeling lang naman yung mga kapatid ko. Nagmana silang lahat kay Papa
dude, ako mana ako kay Mama kaya gwapo ako ng one hundred times sa kanila.
Ah, hindi ko na alam sinasabi ko. Naiinip na kasi akong magtago dito sa banyo kasi
baka bugbugin ako ni Serise. Sinuot ko kasi yung pink niyang bra, yung may
strawberry tapos papakita ko sa crush niya—

"SEVEN! GET OUT! NOW!" sigaw ni Serise sa pintuan ko. Napangiti lamang ako at
lumabas, iyong strap ng bra niya ay inadjust ko pa sa bandang dibdib ko.

"Bagay ba?"

"Bakla ka talaga!" naiiyak niyang sabi. Tumawa lang ako at tumakbo pababa. Nakita
ko kaagad si Caius na nakahiga sa may sofa. Tinititigan niya iyong snow globe.

"Alugin mo kasi para gumalaw yung snow." Advise ni Noah. Ngumuso lang si Caius bago
umiling.

"Ayaw ko. Itataas ko pa yung kamay ko, nakakapagod." Sagot niya. Napailing na lang
ako at bababa na sana noong hinila ni Serise yung kwelyo ko.

"STOP WEARING MY BRA!" naiiyak na niyang sabi. Tumawa lang ako at bababa na para
harapin ang mga kaibigan ko.

"SEVEN!" sigaw niya. Tumingin lang ako sa kanya bago ko hinila iyong pigtails niya.

"Bakit ka nagbabra? Wala ka namang dibdib?"


"Bwisit ka talaga!"

Natawa na lang ako. Ang bratinella talaga ng kapatid ko. Tumakbo na lang ako at
hindi na ako nahabol ni Serise. Agad akong lumapit kina Noah na gulat na gulat na
tumingin sa akin.

"Bakit nakabra ka?" tanong ni Rome sa akin. Ngumisi lang ako.

"Kay Serise ito. Hawakan mo, may foam." Sabi ko. Namula lang si Rome pero pasimple
pa rin niyang dinutdot iyong bra.

"Ang lambot." manghang sabi ni Rome. Bigla siyang napaaray noong lumapit iyong si
Illea sa kanya at pinitik ang noo nito.

"Ang pervert mo." Biglang sabat ni Illea. Umupo siya sa tabi ko at ngumuso sa
likuran ko.

"Ayan na si Serise." Aniya habang tinitingnan iyong kapatid kong may hawak na
Baygon. Agad na akong tumayo pero hinawakan lamang ni Matthew iyong binti ko.
Mabilis niya akong dinaganan kaya hindi na ako makalayo sa kapatid ko.

"Matt! Alis!" anas ko. Tumawa lamang ang mga kaibigan ko habang nakatingin kay
Serise.

"Pasensya na Seven. Boss namin si Serise eh." Sagot ni Matthew. Hindi na ako
nakaangal noong naramdaman ko ang pagpukpok ng Baygon sa ulo ko.

"My bra. Seven." mataray niyang sabi. Ngumuso na lamang ako at inalis iyong bra
niyang puro foam at may strawberry design pa.

——————————————-

*pen<310

=================

02

Circus

I really don't get it when Papa invites the other AEGGIS for a family day. I mean,
like duh, family day nga hindi ba? If I have the liberty of choosing, I rather
spend a family day with my family, minus Seven ofcourse.

Tapos everytime na magfafamily picture kami, dapat nandoon rin sina Noah and yung
mga friends niyang kutong lupa. Even Illea is like them. Kahit na girl siya ay wala
siyang kahit na anong etiquette sa katawan. I wonder, naliligo kaya siya? She's not
fond of braiding her hair beautifully or wearing a bow headband. Kaya siguro hindi
siya napapansin ni Rome dahil tomboy siya.

And now I am here, stuck in the waiting shed of Music Academy, waiting for our
parents. Naiinis na ako kay Noah dahil pinagkakaguluhan siya ng mga babaeng hindi
naman maganda sa likuran namin. Tapos siya ay walang pakialam sa tabi ko habang
naglalaro ng COC.

"Those girls are looking at you." Bulong ko. Tumango lamang siya bago ngumisi.

"I know. Can't help it though." Mayabang niyang sabi bago muling naglaro ng kanyang
phone. Napaikot na lamang ang mata ko dala na nga rin ng kagaspangan ng ugali niya.

Illea is playing with her rollerblade shoes. Noong unang kita ko ng sapatos niya ay
talagang napangiwi na lang ako. Who in their right mind will choose putting wheels
on her shoes instead of heels? And for pete's sake, lampas tuhod ang skirt ng
uniform namin sa MusicA. Ang pangit kayang tingnan na para siyang lalaking kumilos
habang nakapalda. Mukha siyang baklang nagcrossdress para magmukhang tomboy.
Matt on the other hand, kept on playing with his drumsticks gamit ang trolley bag
ni Caius. Kung saan saan niya pinupukpok ang mga sticks niya habang kumakanta ng
kung ano ano. Kung saan saan na siya sumubok tumugtog hanggang sa napatigil siya.

"Wanna try?" he asked. Tumaas ang kilay ko bago tiningnan si Noah na nasa tabi ko.
Ako ba ang kinakausap ni Matthew?

"What?"

"Do you want to try drumming?" pagkaklaro niya sa sinabi niya kanino. Lalo lang
akong napangiwi bago siya sinamaan ng tingin.

"Duh Matthew." Naiinis ko ng sabi. Ngumisi lang siya bago ako tinitigan.

"Sa ating lahat, ikaw ang anak ng drummer ng AEGGIS. Hindi ba dapat ay marunong ka
rin magdrums katulad ni Ninong Stan?" aniya. Natawa lamang ako bago siya hinarap.
Itinaas ko ang dalawa kong palad at ipinakita sa kanya ang aking kuko.

"See this? These are expensive nails, done by an expensive manicure artist, with an
expensive nail polish, in an expensive parlor. Sa tingin mo ba ay hahayaan kong
masira ang kuko ko ng dahil sa drumsticks? Use your brain sometimes Matthew, hindi
yan pang display." Iritado ko ng sabi. Nilingon lang kami ni Caius at hinila iyong
trolley bag niya.

I shook my head. Caius Falcon is really motivated to accomplish nothing in his


life. Kahit yata paghinga ay kinatatamaran niya. During class hours, palagi lang
siyang natutulog sa gilid. Minsan pa nga ay magtatago siya sa gilid ni Rome para
lamang hindi mahuli ng teacher namin.

"Pagod na ko." Sabi niya bigla. Sakto ay may dumaan ng nagtitindang ice cream sa
harapan namin. Siniko niya si Rome bago tinuro iyong tindero na nasa may kabilang
kalsada.

"Libre." Aniya. Nasamid si Rome habang tinititigan si Caius.

"Bakit hindi ka bumili ng sarili mo?"

Huminga siya ng malalim habang tiningnan ang distansya ng tindero sa amin.


"Maglalakad pa ako papunta sa kanya, tatawid pa ako, kapag tumawid ako ay
masasagasaan ako, tapos mamatay ako. Kapag nangyari iyon ay malulungkot si Mama.
Ayaw kong maghiwalay sila ni Papa kapag namatay ako ng dahil sa ice cream. Kaya mas
magandang bilhan mo na lang ako Rome, tapos ako, maghihintay na lang dito." Mahaba
niyang paliwanag. Nakita ko ang pagkakalaglag ng panga ni Rome habang tinitingnan
ang ilang dipang pagitan namin sa tindero.

"Isa pa, tinatamad akong tumayo. Masakit yung kilay ko." Dagdag pa niya. Napabuga
na lang ako ng hangin at sumandal sa pader. Tumayo si Rome at walang nagawa kung
hindi sundin na lang si Caius.

Habang bumibili si Rome ng ice cream ay biglang sumigaw si Illea dala na rin ng
sobrang init. Iyong blazer namin ay agad niyang tinaggal kaya lumabas ang kanyang
braso at ang undershirt ng aming uniform. Si Rome ay ngangang napatingin sa kanya
habang tinititigan ang kanyang dibdib. Bigla ay ngumisi na lamang siya at iyong
mata niya ay dumako sa binti ni Illea na lumabas noong sumalampak siya sa semento.

Pervert.

Huminga ako ng malalim at hinanap ang pasensya ko. Hindi ko akalain na masasama ako
sa mga weirdos na ito. Pakiramdam ko ay nasa zoo ako at napapalibutan ako ng mga
extinct na hayop.

Dahil mga anak kami ng AEGGIS ay maraming umaasa na magtatayo rin kami ng bagong
banda. But I will never let that happen. Maaga akong mauubusan ng dugo kapag
nakasama ko lahat sila.

Ako na lang yata ang nag iisang matino sa amin.

--------------------------

Thanks for the greetings :)

*pen<310

=================

03

The Frog Prince

There are two kinds of women: those who marry princes and those who marry frogs.

All my life, I know that I will be married to Noah Festines. And it is unfair. Kung
may isang bagay man akong inaayawan, iyon ang kaalaman na kailangan kong makisama
sa isang taong kahit kailan ay hindi ko naman gusto. I cannot understand my Dad's
logic. Hindi ibig sabihin na isa sa matalik niyang kaibigan si Ninong Greg ay sapat
na iyon para makasal kami. I just hate Noah so much I want to vomit when he is
around.

He is beyond annoying. Mayabang siya, conceited, mataas ang tiwala sa sarili, at


higit sa lahat, walang pakialam sa mundo. Pakiramdam ko ay impyerno ang
kahihinatnan naming dalawa kapag nagsama kami. I just couldn't take him. I cannot.
I swear, I cannot.

Gusto kong magpakamatay na lamang sa nalaman. Noah is well.. haay. Noah never falls
under the category of my soon-to-be-husband. I have sixteen rules to consider and
he never passed any thing. Not even one.

He is not:

1) Charming. Kadiri ang ugali ni Noah. Mahilig mangulangot yan. Charming ba yun?

2) Sweet - Eew, end of the world na kung magiging sweet si Noah. And like duh, baka
magsuka ako kapag binanatan niya ako. Babatan ko din siya if ever lang.

3) Funny, kinda shy - Oh, he is funny, trust me. Bobo kasi siya. Mas masaya pa siya
sa COC kaysa sa buhay. And shy? Really? Mahihiya ang pader sa kakapalan ng mukha ni
Noah.

4) Has a nice voice - okay, this one I have to give to him. Maganda naman ang boses
niya, anak siya ng bokalista ng AEGGIS eh. But I hate him so much I won't count
this one.

5) Wala ng five, tinatamad na ako. Saka na lang kapag nagsimula na ang kwento ko.
But trust me, Noah will not be my Prince.

If I can just turn back time or switch bodies, gagawin ko. Maybe I can take Seven's
body para siya na lamang ang magpapakasal kay Noah. Tutal naman ay parehas silang
mga bakla. Bagay na bagay sila.

Basta wag lang ako. Wag lang talaga ako. I cannot marry him. I cannot. I will die.
There are two kinds of women: those who marry princes and those who marry frogs.
And soon, kapag hindi ako nakagawa ng paraan, I will marry someone who looks like a
prince but acts like a frog.

Serise Victoria Montreal will never ever marry Noah . I cannot marry a frog
prince.

=================

04

Karinderya

Due to insistent popular demand nandito po ulit ako. Hindi niyo naman ako
kailangang irequest. Napapaghalataan kayong masyadong excited sa akin eh. Kalma
lang po, bata pa ako. Matagal pa kami magkakakwento.

Pero yun nga, dumadaldal na naman ako. Yung totoo niyan, nagcutting kami nila
Serise at nung iba pa. Hindi namin kasama sina Kuya Shawn tsaka Kuya Seth.
Pinatapon na sila ni Papa sa Europe. Dun na sila nag aaral. Kapag ako niyang nag
fifteen na rin, papatapon na rin ako dun. Kakaloka.

Anyway highway, kanina pa kami lakad ng lakad. Ito kasing si Matthew nilabas
pagiging Shaw niya. Binugbog niya daw yung syota nung babaeng nambully daw sa
kapatid ko tsaka kay Illea. Nung una nga ayaw kong maniwala. Hello, si Serise
Montreal papabully? Asa pa sila.

Pero nalaman namin na kinuha nung gunggong na boyfriend nung palaka yung
rollerblades ni Illea tsaka yung violin nung kapatid ko kaya ayun, wala silang
nagawa dalawa. Buti na nga lang dumating sina Matthew. Hihi. Ayun, nabubugbog tuloy
yung kawawang adik.

"Nagugutom na ako." reklamo ni Cai. Tumingin tingin kami sa kalsada. Eh...


Ganito pala sa pangmahirap na mundo? Ang usok ah.

"Sissy, dala mo card mo? Kain tayo." Tawag ko sa kapatid ko. Tumaas lang ang kilay
ni Serise bago niya kinapa iyong vest niya.

"Wala. Nakalimutan ko sa bag. Wala ka bang dala Kuya?" tanong niya sa akin. Kinapa
ko ang bulsa ko. Yehey! Woah, dala ko wallet ko. Hihi, ang smart ko talaga.

"Kayo may dala kayong pera?" si Noah ang nagtanong. Sumilong muna kami sa ilalim ng
puno. Kinuha ko ang wallet ko at binuksan.

"Oy may bente ako!" sigaw ko at tinaas pa ang pera. Si Matthew naman ang naglabas
ng kanya.

"Uh, twenty... ten...ito pa piso. Thirty one pa pera ko." Aniya. Napanguso ako. Ang
daya naman ni Baby Matthew. Bat mas madami siyang cash?!

"May one hundred ako." si Noah ang nagsalita. Waaah!!

"Baby ang dami mong pera!" tuwang tuwa kong sabi. Inakbayan ako ni Noah.

"Syempre baby, marami akong binubuhay." Sagot niya. Ngumiti lang ako tapos tinapik
ko pisngi niya. Ang cute, sarap sapakin eh.

"Inaantok na ako." sabi ni Caius. Hindi ko siya pinansin. Gulo gulo ng taong yan.
Puro tulog lang alam. Bwisit.

"Here." Si Rome naman ang nag abot ng pera niya. Limang bente iyon atisang 50 pesos
na bill.

"Waah! 150!" tuwang tuwa kong sabi. Tiningnan ko si Illea. Siya na lang kasing
hindi nagbibigay. Si Serise di niya dalayung card niya. Si Caius di ko na aasahan
na may dala yan. Hindi na din ako magtatanong, mababadtrip lang ako.
Pinagkakalkal ni Illea yung bulsa niya pero wala siyang makapa. Sabi ko na eh.
Dapat di na rin ako umasa sa pinsan ko. Wala din yatang pera eh.

"Eh.. wala. Nasa bag ko yung wallet." Aniya. Napanguso na lang ako. Paasa. Kaya
talaga masakit umasa eh. Ayoko ng umasa. Palagi na lang akong nasasaktan.

"So we have three hundred lang?" si Serise na nacompute na agad ang pera namin.

"And one peso pa. May piso pa ako diyan ha." Si Matt. Akala mo naman may malaking
tulong yunh piso niya. Hmmn... pito kami. Saan naman kayang restaurant kami
makakakain sa pera namin na ito?

"Doon oh. Karinderya siguro yun." Sabi ni Illea habang nakaturo doon sa isang
bahay. Maraming tao doon at pagkaing nakalatag.

"Ano yun?" Si Serise ang nagtanong. Oo nga noh? Ano ba yung karinderya.

"Hmmn, restaurant!" Proud na sabi ni Illea. Di na kami nakaangal noong tumawid na


siya at pumunta doon sa karinderya daw.

"Inaantok na ako." Reklamo ni Cai. Isa pang beses na sabihin niya yan papatayin ko
na talaga siya. Bwisit talaga.

Pinagbubuksan ni Illea yung mga lalagyanan ng pagkain. Tapos yung mga tao doon
pinagtitinginan kami. Ganito ba talaga sa karinderya? Walang privacy pumili ng
ulam?

"May chowder ba? Or shrimp na lang." Tanong ko. Gutom na rin pala ako.

"Ate tigmagkano po isang order?" Tanong ni Noah doon sa babaeng nakatayo at


nakatingin sa amin.

"Ha?"

"Bibili po sana kami." Si Rome sabay ngiti doon sa babae. Kita mo to, ang tanda
tanda na noong babae nilalandi pa niya. Baliw ata to eh

"Eh hindi namin binibenta yan iho." Sagot noong babae. Napatingin ako kay Illea.

"Po? Magsasara na po ba kayo ate? Ang dami mo namang customers ah." Sabi ng pinsan
ko. Tumawa iyong babae.
"Hala... hindi naman sila customers ah. Kamag anak ko sila. Birthday ng asawa ko
ngayon. Handaan ito iha. Ano bang iniisip mo?" Natatawang sabi noong babae.
Napatanga ako.

Birthday?

Ah...kapag pala karinderya kailangan may birthday muna. Ang weird pala.

Paano kung walang birthday? Eh di wala ring karinderya?

"Totoo po?!" Tanong ni Illea. Tumango lang yung babae.

"Eh pasensya na po. Akala ko karinderya ito ate. Hindi ko alam na handaan pala."
Sabi ng pinsan ko. Nauna na siyang naglakad habang kami ay nakasunod lang.

Di pa kami nakakalayo tinawag na kami nung ate. Lumapit kami ulit.

"Hala, pumasok na kayo at kumain muna kayo." Sabi noong ate.

"Waah totoo po?! Ang bongga naman!" Tuwsng tuwa kong sabi. Hindi na ako naghintay.
Pumasok na agad ako sa karinderya.

Kapag nagbirthday ako gusto ko karinderya. Pwede na siguro dun sa hotel namin sa
may Cebu noh?

------------------

Wag po muna kayong umasa sa pairings niyo ha? Masakit po yan.

*pen<310

=================

05

Full Name

"I don't like pink. Make it red." Utos ko doon sa manikurista na pinapunta ni Papa
para ayusin ang kuko ko. Today I will celebrate my birthday. Well, kasama ko si
Illea sa party. Birthday niya kasi two days from now. Last year ako ang nakisabay
sa kanya kaya siya naman ngayon ang sasabay sa akin.

It has been a family tradition na sabay naming icecelebrate ang birthday namin ni
Illea. I was born two days earlier. At para daw makatipid kami, palaging
pinagsasabay ang birthday party namin, as if the need for 'pagtitipid' is really
true. My family is like, the richest ever.

I took my gown and wore it, making sure that my hair was not messed up. My gown
hovers between purple and blue, with ocean green satiny curls that fan its way
until the bottom. Naiimagine ko na si Seven kapag nakita ang suot ko. Paniguradong
magwawala yun kasi hindi pink.

I just hate pink. Nagmumukha akong kawawa at babyish. I don't like that. I want
everybody to treat me seriously. Because I am Serise Victoria Montreal.

Bumaba na ako sa hagdan. Naghihintay na si Seven sa akin sa ibaba para iescort ako
sa may reception. Nakaupo siya sa tapat ng chocolate fountain habang hinihintay
mapuno iyong baso ng chocolate.

"EH?! Bakit ganyan yung gown mo?" reklamo niya nasa may kalahati pa lang ako ng
steps. Pinagtaasan ko lang siya ng kilay. Pakialamero talaga.

"Shut up." I told him. Kinuha ko iyong baso ng chocolate niya at inilapag sa kung
saan.
"Stop stealing the chocolate Seven. Mukha kang patay gutom." Asik ko. Nakakainis
naman kasi itong kapatid ko. Ngumuso lang siya bago inayos iyong necktie niya.

"Para kang si Baby Matthew magsalita." Reklamo niya. Kinuha niya ang kamay ko at
isinabit iyon sa braso niya. I flipped my hair before sighing. May dumaan na waiter
sa harap namin na may dalang finger foods. Kumuha si Seven ng strawberry dipped
chocolate at inipit lang iyon sa bibig niya.

"Seven!" sigaw ko na. Tumawa lang siya. Sa inis ko ay pinalo ko ang bibig niya para
mapasok ang strawberry at ng machoke siya. Bakit ba ako nagkaroon ng kapatid na
abnormal? How I wish Kuya Shawn and Kuya Seth are here. Atleast them I can
tolerate.

"Stop calling the boys baby! And stop acting as if you're gay Seven." I told him.
Sumeryoso lang siya bago ako pinitik sa noo.

"Bummer. Ang boring mo." Aniya. I smiled before pinching his cheeks.

Well, Seven is always bored. Kaya nga umaarte siyang bakla para pagtripan yung mga
tao sa paligid namin. Even Papa and Lolo were quite nervous about him. Akala nila
kasi magkakaroon na ng baklang Montreal. Hindi nila alam abnormal lang yung kapatid
ko.Muntik na ngang maheart attack si Lolo noong ninakaw na naman ni Seven yung bra
ko. Sayang nga hindi natuloy eh.
The party was already starting. Si Illea ay kasama si Tita Shana at Uncle August.
Kausap nila yung ilang stock holders ng Wave. My cousin saw me and she immediately
smiled. I smiled back at her. Boring ba? Well, I'd rather die than listen to the
oldies talk about the stock market.

Illea was taken away when Noah came. Dinala siya ng kababata ko sa dance floor at
isinayaw. My hand tightened around Seven's shoulders as I stare at the two of
them.

"Happy birthday Boss." Matthew greeted me. Pinaghila niya ako ug upuan kaya agad
naman akong umupo. Rome was talking with girls near our table while Caius was just
staring at nowhere. Pupusta akong inaantok na naman yan.

"Anong oras matatapos itong party?" tanong niya sa akin. Napanguso si Matthew.

"Kakastart pa lang Cai. Tae, inaantok ka na naman ba?" he asked. I just shook my
head before standing. Naririnig ko ang bahagyang pag aaway nina Noah at Illea kung
nasaan ako nakatayo.

Hindi ko napigilan ang mainis. Noah is well aware of the fact that we are engaged
to be married. Once I turn 25 we will be wed. Alam kong pareho naming ayaw iyon
pero hindi namin magawang tumutol. But then, he should not act like that in front
of people. Ano na lang iisipin ni Papa at ni Ninong Greg?

"Wanna dance?" preskong tanong ni Rome sa akin. Inakbayan pa niya ako habang
nakatingin naman kina Illea.
Hindi na ako nakaangal noong hinila niya ako sa dancefloor. Hinawakan ni Rome ang
beywang ko at nagsimula ng sumayaw. I glared at him when I felt his hand tightening
around my body.

"I'm telling you Falcon, i will surely kill you kapag lalong humigpit yang hawak mo
sa akin." I told him. Tumawa lang si Rome and I almost rolled my eyes. He glanced
at Noah and Illea who are still dancing.

"Noah likes Illea." Aniya. I nodded. As if I am unaware of that fact. Alam ko iyon.
Alam naming lahat iyon. Si Illea lang ang manhid na hindi nakakapansin na gusto
siya ni Noah.

"But Noah is engaged to you." Dagdag niya. Bumitaw kaagad ako kay Rome at humakbang
palayo sa kanya. His brows knotted. I fixed my gown before staring at him.

"I won't listen to your whines Rome. I don't want you to feel bad for me because my
fiancé is dancing with my cousin instead of me. Huwag mo akong itulad sayo na
palihim na nagseselos." I said. I clenched my fists as I turned my back away from
him. Dumb ass. Kung nagseselos siya kay Noah ay hindi na niya ako dapat isinayaw.
Palagay ko ay dinala lang ako ni Rome doon para mapagselos si Illea.

Jerk.

Bumalik ako sa table namin. Matthew's gone while Seven was at the chocolate
fountain again. I sat at my chair before staring at the party.
"Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Caius sa akin. Tiningnan ko lamang siya bago
umiling.

"Umuwi ka na kung gusto mo. Walang pumipigil sayo." Mataray kong sagot. Naiinis na
talaga ako. naiinis ako kasi patay gutom si Seven. Naiinis ako kasi jerk si Rome.
Naiinis akong insensitive si Noah. Naiinis ako sa kanilang lahat.

'I know that the bridges that are burned along the wayHad left me with these walls,
and these scars that won't go awayAnd opening up has always been the hardest thing
until you came'

Lumapit si Rome kina Noah at Illea na nagsasayaw. I saw how mu cousin blushed when
Rome asked her to dance. Tapos tiningnan ko si Noah na mukhang inis na inis pero
wala ding nagawa noong kinuha ni Illea ang kamay ni Rome.

I breathed hard. Hindi ba talagang marunong mag isip si Noah? Nasa paligid ang
pamilya namin pero lantaran niyang ipinapakita na gusto niya si Illea. Hindi ba
niya inisip na nagmumukha akong kawawa sa ginagawa niya---

"You're overthinking Serise." Narinig kong sabi ni Caius. I just glared at him.
Nakatiklop ang braso niya at nakapatong roon ang baba niya habang pinapanood din
sina Rome at Illea.

"Shut up." I hissed. Hindi ko na mahanap si Noah habang si Illea at Rome ay mukhang
nagkakatuwaan na.
"Noah likes Illea." Aniya. Napahigpit ang kapit ko sa tinidor na nasa may tapat
ko.

"Alam ko. Your cousin already rubbed it in my face Cai. You don't have to do the
same thing too." Sagot ko. Umayos si Caius ng upo bago pinaglaruan iyong baso.

"Alam mo naman pala, bakit may engagement pa rin huh?"

"You know I can't do anything about it. Gusto ni Papa na makasal ako kay Noah."

"Pero yun ba yung gusto mo?" he asked. Lumuwag ang hawak ko sa tinidor bago
yumuko.

'So lay here beside me, just hold me and don't let goThis feeling I'm feeling is
something I've never knownAnd I just can't take my eyes off youI just can't take my
eyes off you'

"I don't want to marry Noah." Sagot ko. It's true. Ayaw kong maikasal sa kanya
dahil kaibigan ko siya at parang kapatid na. Isa pa, he doesn't even pass my
standards of a boyfriend. Paano pa ang asawa hindi ba?

And most of all, he likes my cousin.


Caius stared at me. I bit my lips before staring at Rome and Illea dancing. "But I
don't want to disappoint my father Caius. Making him proud is my priority." Dagdag
ko. Sakto kong nakita si Noah na may hinihila ng kung sino at isinasayaw. Pero
iyong titig niya ay nakay Illea at Rome pa rin.

"And besides, I still have nine years. Siguro naman makakapag move on si Noah kapag
narealize niyang si Rome ang gusto ni Illea at hindi siya."

Ngumuso si Caius bago nangalumbaba. "So you'll just settle for that? The second
choice? The forced option?" aniya. Sumandal siya sa upuan niya at pumikit.

"That's not the Serise that I know." Dagdag pa niya. and for the first time, in my
sixteen years of existence, I was speechless. Wala akong naisagot sa kanya.

"I know you're hoping to have what our parents have Serise." He said after moments
of silence. I looked at him calmly. Nakapikit na siya at mukhang patulog na. Sinuot
na rin niya sa kaliwa niyang tenga ang earphones niya.

"I don't know about love or what it is supposed to mean. I don't know how it exists
or if it is even true. But what I know is that you always deserve more. You deserve
more than what you settled for Serise." Dahan dahan niyang sabi. Humikab siya ng
bahagya. Niluwagan na niya yung necktie niya habang ako ay nakatitig lang sa
kanya.

"It doesn't matter if you disappoint Ninong just because you stood up for yourself.
Anak ka niya kaya tatanggapin ka niya." I opened my mouth to speak. Siguro nasasabi
niya iyan dahil walang expectations sa kanya ang mga magulang niya but I am
different. My father expects things from me.
He opened his eyes and looked at me. "It's worse when you disappoint yourself
Serise."

I just shook my head. Natawa ako ng bahagya habang tinitingnan siya. "Bakit may
sense ka kausap ngayon?" tanong ko na lang para maiba ang topic. Caius won't
understand me. Yes, he is my bestfriend, but he doesn't have any idea how hard it
is for me to disappoint Papa.

"Palagi akong may sense kausap Serise. Masyado lang mababa yung mga standards ninyo
kaya hindi ninyo ako naiintindihan." Nakapikit niyang sabi. I pouted. Bwisit.
Binabawi ko na. Wala siyang kwentang kausap.

Umayos ako ng upo at umusog para tumabi sa kanya.

"Do you really think I deserve more?" tanong ko sa kanya. He opened one of his
eyes.

"Ewan ko. Bakit ako ba tinatanong mo?" masungit niyang sabi. Kita mo ito.

"Nakakainis kang kausap Caius Ezekiel Falcon, alam mo yun?" iritado kong sabi.
Ngumisi lang siya.

"Alam ko Serise Victoria Montreal. Alam ko." Natatawa niyang sabi. Yabang!
-----------------------Song Used:

Can't Take My Eyes Off You - Lady Antebellum

*pen<310

You might also like