Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

Ginawa ng Filipino 10 │Ikalawang Markahn

Ang tula ay isang anyo ng panitikan na may


matalinghagang pagpapahayag ng isipan at damdamin.
Mababasa sa mga tula ang mga kaisipang naglalarawan
ng kagandahan, kariktan, at kadakilaan.
Maitutulad sa isang awit ang tula. Nagsisilbi rin itong
pagpapagunita sa dapat na kaasalan ng mga bata at
kabataan, at naglalayong maipahayag ang karanasan,
damdamin, pananaw, kabayanihan at ang maigting na
pagmamahal sa sariling bansa.
Isa sa elemento ng tula ay ang kariktan. Ang kariktan
ang tumutukoy sa paggamit ng matatalinghagang salita,
mga salitang may malalalim na ibig ipakahulugan at mga
tayutay tulad ng pagwawangis, pagtutulad, at iba pa.

May apat na pagkalahatang uri ang tula: tulang


pandamdamin o tulang liriko, tulang pasalaysay, tulang
padula at tulang patnigan.
 Tulang Pandamdamin o Tulang Liriko
Ang kataga ng tulang liriko ay ngayon karaniwang
tinutukoy bilang ang mga salita sa isang kanta. Ito ay hindi
nagpapahayag sa isang kuwento na naglalarawan sa
karakter at aksyon. Ang makata ay direktang sinasabi sa
mambabasa ang kanyang sariling damdamin, iniisip, at
persepsyon
 Tulang Pasalaysay

Tula na may balangkas. Ito ay maaaring maikli o


mahaba, at ang mga kuwento na may kaugnayan dito ay
maaaring maging simple o kumplikadong pangyayari. Ito ay
karaniwang hindi madrama, nagkukuwentong tula gaya ng
mga epiko, ballad, idylls at lays.
 Tulang Padula
Ito ay mga piyesa o tulang itinatanghal sa mga dulaan
o teatro. Karaniwan itong binibigkas ng patula sa saliw ng
tunog o musika upang mas maging kagiliw-giliw sa mga
manonood.

 Tulang Patnigan
Isang uri ng tula na nakatuon sa pagbibigay ng
damdamin habang mayroong kapalitan ng opinyon o kuro-
kuro. Karaniwang tinitignan ito bilang isang tulang nasa
anyong padebate o pagtatalo. Ang kaibahan lamang nito
sa karaniwang debate ay gumagamit pa rin ito ng tugma,
ritmo, at taludturan.
(How Do I Love Thee-Sonnet XLIII ni Elizabeth Barrett Browning
Isinalin sa Filipino ni Alfonso O. Santiago)
Ibig mong mabatid, inig mong malaman
Kung paano kita pinakamamahal?
Tuturan kong lahat ang mga paraan,
Iisa-isahin, ikaw ang bumilang.

Iniibig kita ng buong taimtim,


Sa tayog at saklaw ay walang kahambing,
Lipad ng kaluluwang ibig na marating,
Ang dulo ng hindi maubos-isipin.

Yaring pag-ibig ko’y katugon, kabagay


Ng kailangan mong kaliit-liitan,
Laging nakahandang pag-utus-utusan,
Maging sa liwanag, maging sa karimlan.

Kasinlaya ito ng mga lalaking


Dahil sa katwira’y hindi paaapi,
Kasingwagas ito ng mga bayaning
Marunong umingos sa mga papuri.

Pag-ibig ko’y isang matinding damdamin,


Tulad ng lumbay kong di makayang bathin
Noong ako’y isang musmos pa sa turing
Na ang pananalig ay di masusupil.
Yaring pag-ibig ko, ang nakakabagay
Ay ang pag-ibig ko sa maraming banal,
Na nang mangawala ay parang nanamlay
Sa pagkabigo ko at panghihinayang.

Yaring pag-ibig ko ay siyang lahat na,


Ngiti, luha, buhay at aking hininga!
At kung sa Diyos naman na ipagtalaga
Malibing ma’y lalong iibigin kita.

You might also like