Mga Natatanging Diskurso Sa Wika at Panitikan

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Mga Diskurso sa Wika at Panitikan

Komunikasyon

- Paraan ng pagbibigay, paglilipat o pagsasalin ng impormasyon, ideya, kaalaman, pilosopiya,


prinsipyo, opinion, katalinuhan, balita at iba pang kaalamang pangkaisipan, pandamdamin
at niloloob ng tao sa anumang paraan nan ais gamitin.

Konteksto – elemento o komponent upang magkaroon ng komunikasyon

Kontekstong Pisikal

Kontekstong Sosyal

Kontekstong Pangkasaysayan

Kontekstong Kultural

Kontekstong Sikolohikal

Kalahok- Tumutukoy sa mga taong kasali sa komunikasyon

Mensahe- Tumutukoy ito sa pinag-uusapan o paksa ng mensahe, ideyang gustong ilipat sa pamamagitan
ng wasto at tamang wika at kilos.

Midyum o Daluyan- Ito ay tumutukoy sa daluyan o daanan ng inihahatid na mensahe

Fidbak o Tugon- ito ay tumutugon sa sagot o tinaggap na mensahe

Ang ingay- may epekto sa komunikasyn.May mga panlabas at ang panloob na ingayS.

Note:Mabisa ang komunikasyon kapag tiyak ang layunin at may malinaw na dahilan, tiyak na gamit ng
salita upang malinaw na maihatid ang mensahe sa isang komunikasyon.

S- Setting- Saan nag-uusap?

P- Participants- Sino ang kausap?

E- Ends – Ano ang layunin sa pag-uusap?

A-Act of Sequence – Paano ang takbo ng usapan?

K- Keys – Pormal ba o impormal ang usapan?

I-Instrumentalities- Ano ang midyum ng usapan?

N-Norms- Ano ang paksa o topic ng usapan?

G- Genre- Kailangan mabatid ng kausap kung siya ay nagpapaliwanag o nakikipagtalo o nagsasalaysay.

* Kakayahang Komunikatibo

* Antas at Uri ng Komunikasyon

Berbal na Komunikasyon- gumagamit ng makabuluhang tunog at sa pamamagitan ng pagsalita o


tumutukoy sa pagpaparating ng mensahe o ideya sa pamamagitan ng salitang nagpapakita ng mga
kaisipan

- Gumagamit ng salita o wika sa pagpapahayag ng kaisipan, damdamin o saloobin, paraang


paslita man o pasulat.

Denotatibo – tumutukoy sa pangunahing kahulugan ng isang salita

Konotatibo – maaaring magtaglay ng pahiwatig ng emosyon o pansaloobin


Simbolong Verbal:

Referent- mga bagay o ideyang kinakatawan ng isang salita, tiyak na aksyon at ugnayan ng bagay sa
isang bagay.

Komong Referens- tumutukoy sa parehong kahulugang ibinigay ng mga tao

Kontekstong Berbal - ang kahulugan ng isang salita na matutukoy ayon sa kaugnayan nito sa ibang
salita.

Paralanguage- magbigay ng kahulugang konotatibo

Di-Berbal na Komunikasyon – tumutukoy sa pagpapalitan ng mensahe sa pamamagitan ng kilos ng


katawan at ng tinig na inaaangkop sa mensahe

- Komunikasyon na hindi naipapahayag sa pamamagitan ng wika o salita ngunit


naipapahayag ang damdamin o gusto sa pamamagitan ng senyas, ekspresyon ng mukha,
simbolo at iba pa.

Kinesics- tumutukoy sa pagpapalitan ng kilos at galaw ng katawan sapagkat may ibinibigay mna
kahulugan ito.

Pandama

Mata

Awit o Musika

Pananamit

Tunog

Sayaw

Expresyon ng mukha- nagpapakita ng emosyon

Galaw ng Mata- nagpapakita ng katapatan ng isang tao

Kumpas- tumutukoy sa galaw ng kamay, maaari itong regulatibo, deskriptibo o empatiko

Tindig o Postura- ito ay nagpapapkita kung anong klaseng tao ang nakikipag-usap sayo.

Proksemika- tumutukoy sa komunikasyon gamit ang distansya

Intimate- hanggang sa 1 -1/2 ft. Publiko- ½ ft. o higit pa Sosyal – 4-12 ft Personal- 11/2-4 ft.

Kronemika- tumutukoy sa oaras

Teknikal- ang oras na ginagamit para sa laboratoryo

Pormal- kung paano binibigyan ang kahulugang kultura at paano itinuturo

Impormal- ito naman ay medyo maluwag dahil hindi eksakto

Sikolohikal- ang kahalagahan ng pagtatakda ng oras sa nakaraan

Haptiks- ang pinakaprimitbong anyo ng komunikasyon na nagpapahiwatig ng positibong


emosyon

Katahimikan- nagbibigay oras na mag-isip ang tagapagsalita

Kapaligiran- ang lugar na gagamitin sa anumang pulong

Simbolo- ang mga makikita sa paligid na nagsasaad ng mensahe

Kulay- nagpapahiwatig ng emosyon

Bagay- ang paggamit ng bagay sa pakikipagtalastasan

ANG DISKURSO

KAHULUGAN NG DISKURSO

 Tawag sa paggamit ng Wika bilang pagpapahatid ng mensahe.


 Berbal na komunikasyon tulad ng kombersasyon
 Pormal o sistematikong eksaminasyon ng isang paksa pasalita man o pasulat.

KATANGIAN NG DISKURSO
 SISTEMATIKO- ang Diskuso ay organisadong estruktura at pagkasunud-sunod ng mga
impormasyon.
 MALAWAK- ang diskurso ay maaaring magtakda ng mga pagsasaayos ng impormasyon,
pagsusulat at usapan tungkol sa isang paksa o isyu.
 NAPAPANAHON- ang diskurso ay hindi lamang naglalaman ng mga impormasyong
pangmatagalang may bisa kundi maaari rin itong magbigay ng mga kasalukuyang datos o
impormasyon.
 LIWANAG NG PAGSASALITA-ang diskurso ay dapat maunawaan ng mga tagakinig o
mambabasa .
 MAAARING PASULAT O PASALITA- ang diskurso ay maaaring ipahayag sa pamamagitan ng
pagsasalita o pagsulat.

DALAWANG ANYO NG DIKURSO

 PASULAT-mas nakatuon ang atensyon ng pagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang


matiyak na malinaw niyang maipahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil
maaaring iba ang pakaunawa ng tatanggap nito.
 PANANALITA- mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipagusap ngunit minsan ay
naaapektuhan ang kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang
nagaganap ang diskurso kung kaya`t mahalaga rin ang kakayahang komunikatibo.

KONTEKSTO NG DISKURSO

 A. INTERPERSONAL- usapang magkaibigan o malapit ang kasangkot sa isa`t isa


 B. PANGGRUPO- ang mga kasapi ay mag kaugnayan dahil bahagi sila ng isang pangkat tulad ng
isang klase.
 C. PANG-ORGANISASYON- ang mga kasapi ay bahagi ng isang organisasyon o samahan tulad ng
isang kompanya, sa pagitan ng pamunuan at ng mga empleyado
 D. PANGMASA- sa harap ng malaking grupo ng tao tulad ng pangangampanya
 E. INTERKULTURAL- ang mga kasapi ay nabibilang sa magkakaibang kulturalna pangkat.
 F. PANGKASARIAN- ang mga kasapi ay nabibilang sa isang partikular na kasarian tulad ng
usapang lalaki.

MGA ANYO O PAMAMARAAN NG DISKURSO:

Pasulat- mas nakatuon ang atensyon ng nagsusulat sa kanyang kakayahang pangwika upang matiyak na
malinaw niyang maipapahayag sa kanyang isinulat ang kanyang mensahe dahil maaaring maging iba ang
pagkaunawa ng tatanggap nito.

Pananalita – mahalaga ang kakayahang pangwika sa pakikipag-usap ngunit minsan ay naaapektuhan ang
kahulugan kung hindi bibigyang-pansin ang kalagayang sosyal habang nagaganap ang diskurso kung kaya’t
mahalaga rin ang komunikatibo.

Paglalahad o Ekspositori – madalas gamitin na anyo ng pagpapahayag sapagkat agagamit ito sa pang-araw-
araw na pakikipag-ugnayan sa kapwa dahil sa paraan na ito naipapahayag ang kanyang saloobin.

You might also like