Ap 7

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan 7

Pangalan: Puntos:
Baitang:

Panuto: Bilugan ang letra ng tamang sagot.


1. Anong agham ang pag-aaral ukol sa paglalarawan sa ibabaw ng daigdig?
A. Heograpiya B. Kasaysayan
C. Kultura D. Sibika
2. Sa anong rehiyon nabibilang ang Tsina na pinakamalaking bansa sa Asya?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya
C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
3. Alin sa sumusunod na pahayag ang di tumutukoy na paglalarawan at
paghahambing ng sukat at laki ng Asya sa ibang kontinente ng mundo?
A. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa at Antartica
B. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Hilaga at Timog America
C. katumbas nito ang pinagsamang sukat ng Europa ng apat na beses ng laki nito
D. katumbas nito ang ikatlong (1/3) na bahagi ng kabuuang lupain sa
mundo
4. Ano ang batayan ng Eurocentric view na paghahating heograpikal ng Asya?
A. ayon sa nakapalibot na mga katubigan
B. distansya mula sa kontinente ng Europa
C. pagkakahawig ng mga kultura ng mga bansa
D. lokasyon ng mga bansa sa latitude at longhitud
5. Anong bansa ang hindi kabilang sa rehiyon ng Timog-Silangang Asya?
A. Indonesia B. Pilipinas
C. South Korea D. Vietnam
6. Anong rehiyon sa Asya ang tinaguriang Farther India o Little China?
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
7. Ilang bahagdan ng kabuuang lupain sa mundo ang saklaw ng buong sukat ng Asya?
A. 1/3 B. 1/8
C. 1/4 D. 1/2
8. Ano ang kahulugan ng salitang Asu sa mga Asyano?
A. hilaga B. kanluran
C. silangan D. timog
9. Ano ang kasalukuyang ang kabuuang bilang ng pagkakahati ng rehiyon sa Asya batay sa Asyanong pananaw?

A. 3 B. 4
C. 5 D. 63
10. Ano ang tawag sa pinakamalaking dibisyon ng lupain sa mundo?
A. kapatagan B. kapuluan
C. kontinente D. rehiyon
11. Ilang sub-regions ang pagkakahati ng Timog-Silangang Asya?
A. 2 B. 3
C. 4 D. 5
12. Ilan ang kontinente ng mundo?
A. 4 B. 5
C .6 D. 7
13. Anong rehiyon sa Asya matatagpuan ang bansang India?
A. Hilagang Asya B. Kanlurang Asya
C. Timog Asya D. Timog-Silangang Asya
14. Sa anong rehiyon nabibilang ang mga bansang dating bahagi ng USSR?
A. Hilagang Asya B. Silangang Asya
C. Silangang Asya D. Timog-Silangang Asya
15. Ilang bansa ang bumubuo sa kontinente ng Asya?
A. 48 B. 49
C. 50 D. 51
16. Isang katangiang pisikal ng kapaligiran sa Hilaga o Gitnang Asya ay ang
pagkakaroon ng malawak na damuhan o grasslands. Alin sa mga uri ng
grasslands ang may damuhang matataas at malalalim ang ugat na nasa ilang
bahagi ng Russia at Manchuria?
A. prairie
B. savanna
C. steppe
D. tundra22
17. Kung ang Kanlurang Asya ay bihira ang ulan at sa Hilagang Asya naman ay mahaba ang taglamig at maigsi ang tag-init, ano
naman ang katangian ng klima sa Timog-Silangang Asya?
A. Ang mga bansa sa rehiyon ay nakararanas ng tag-init, taglamig, tag-araw at tag-ulan.
B. May mainit na panahon sa ilang bahagi at may mga bahagi ng rehiyon nanababalutan ng yelo.
C. Mahalumigmig, taglamig, tag-init at tagtuyot ang nararanasan sa rehiyong ito sa iba’t ibang buwan sa loob ng isang taon.

D. Sobrang lamig sa rehiyon at hindi kayang panirahan ng tao.


18. Ang China ay kilalang nagtataglay ng malalawak na lambak-ilog na pinasasagana pa ng Huang Ho River at Yangtze River.
Alin sa mga sumusunod na gawain ang maaaring nakatulong sa paglinang ng ekonomiya ng bansa?

A. agrikultura B. pangingisda C. pagmimina D. pagtotroso


19. Ito ay ang karaniwang panahon o average weather na nararanasan ng isang lugar sa loob ng mahabang panahon.

A. Klima B. Temperatura C. Hangin D. Monsoon


20. Ano ang kontinenteng may pinakamalaking sukat?
A. Africa B. Europa C. Asya D. Australia
21. Bakit tinawag na “orient” ang kontinente ng Asya ng mga sinaunang manlalakbay?
A. Sapagkat ito ay nasa gawing silangan ng Europe
B. Sapagkat ito ay nasa gawing kanluran ng Europe
C. Sapagkat ito ay nasa gawing timog ng Europe
D. Sapagkat ito ay nasa gawing hilaga ng Europe
22. Paano nababago ng pagsabog ng mga hanay ng bulkan ang kapaligiran na matatagpuan sa Pacific Ring of Fire?

A. Ang paglindol at paggalaw ng lupa ay nagbubunsod ng pagbabagong


pisikal ng anyong lupa at tubig.
B. Ang pagbaha sa tabing dagat ay dahilan para lumikas ang mga tao
C. Ang pagbitak ng mga lupa ay dahilan ng pagkamatay ng mga puno
D. Ang paglakas ng hangin ay dahilan ng pagkasira ng mga tahanan23
23. Alin sa mga sumusunod ang HINDI KABILANG sa pagkakaroon ng kaugnayan ng vegetation cover sa pamumuhay ng mga
tao sa Asya?
A. Kung ang mga tao ay nakatira sa pinagsamang damuhan at kagubatan,
sila ay nakatuon sa pagpapastol na pinagkukunan ng karne at gatas.
B. Kung ang mga tao ay nakatira sa may mainam na klima, sila ay nakatuon sa pagtotroso.
C. Kung ang mga tao ay nakatira sa malamig at nagyeyelong lugar ay marami makakapagtanim sila para sa pagsasaka.

D. Kung ang mga taong nakatira sa kagubatan, sila ay nakatuon sa pagkuha ng mga halamang gamot.
24. Ang mga sumusunod ay mga kilalang bulkan sa Asya MALIBAN SA
A. Mt. Mayon ng Pilipinas B. Mt. Fuji ng Japan C. Mt. Krakatoa ng Indonesia D. Ural Mountain
25. Si Nash ay nakatira malapit sa dagat, ano sa palagay mo ang kaugnayan ng dagat sa buhay niya?
A. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangingisda.
B. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangtotroso.
C. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay magsasaka.
D. Ang pamumuhay ni Nash at mga kapitbahay niya ay mangangalakal.
26. Si Rey ay may planong mamasyal kasama ang pamilya sa Bakas River,Norzagaray ngunit nakita niyang makulimlim ang
kalangitan. Ano ang kaniyang
gagawin?
A. Sabihin sa pamilya na ipagpaliban na lang dahil may parating na malakas na ulan.
B. B. Itutuloy ang balak dahil wala ng ibang panahon.
C. Aalis ng maaga at uunahan ang ulan sa lugar na pupuntahan.
D. Pupunta sa lugar at habang umuulan ay makikipagselfie na lang sa
pamilya.
27. Si Albert ay nakatira malapit sa Angat Dam, Norzagaray. Alin sa mga
sumusunod ang hindi niya pwedeng gawin sa kanilang lugar?
A. Maligo araw-araw. B. Uminom ng malinis na tubig
C. Maglaba araw-araw. D. Manguha ng halamang gamot.
28.Ang Pilipinas ay binubuo ng humigit-kumulang na pitong-libong mga pulo. Paano ito nakakaapekto sa paghubog ng ating
kultura bilang Pilipino?
A. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
nakabuo ng iba’t-ibang kultura.
B. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay hindi naging hadlang para magkaisa ng paniniwala.

C. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay


dumami rin ang mga nasasakupan ng kanilang teritoryo.
D. Dahil sa layo-layo ng mga pulo at ng mga taong naninirahan dito ay
nakakapamasyal ang mga tao sa iba’t ibang lugar.24
29. Ang mga halimbawa ay nagpapakita ng magandang ugnayan ng mga Asyano sa kanyang kapaligiran MALIBAN SA
A. Nakakapamasyal ang mga turista sa iba’t-ibang bansa sa Asya dahil sa karagatan.

B. Nakakapagtanim ng mga palay ang mga Pilipino tuwing tag-ulan.


C. Nagiging tanyag ang Asya sa magagandang tanawin dahil dulot ng
pagputok ng mga bulkan sa Pacific Ring of Fire.
D. Pananatili ng mga tao sa loob ng bahay bunga ng Covid 19 pandemik.
30. Ano ang magandang epekto ng kaugnayan ng kapaligiran sa iyo bilang isang mag-aaral?
A. Nagiging masayahin sa araw-araw.
B. Nagiging mabait sa kapitbahay.
C. Nagiging masunurin sa magulang.
D. Nagiging mapanuri sa mga nangyayari sa kapaligiran.
31. Ang India ay katatagpuan ng malawak na taniman dahilan upang ito ay maging isang agrikultural na bansa. Ano ang
pinakamahalagang likas na yaman sa nasabing bansa?
A. yamang lupa B. yamang tubig
C. yamang gubat D. yamang mineral
32. Ang mga ilog sa Timog-Silangang Asya ay pinagtatayuan ng mga dam na maaaring pagkunan ng kuryente na tinatawag
na__________________________.
A. solar electricity B. hydroelectricity
C. static electricity D. current electricity
33. Ang pagkakaroon ng _________ na klima ng mga bansa sa Timog-Silagang Asya ang dahilan upang maging masagana
ang rehiyon sa mga likas na yaman.
A. tropikal B. humid continental
C. monsoon climate D. nagyeyelo
34. Ang bansang Afghanistan ay kilala sa pagtatanim ng __________ ngunit ang hindi tamang paggamit nito ay makasasama sa
kalusugan ng tao.
A. sugar beets B. tabako
C. jute D. opyo
35. Pangunahing tagapagluwas ng mga produktong petrolyo ang Kanlurang Asya. Anong uri ng likas na yaman sagana sa
rehiyon?
A. yamang lupa
B. yamang tubig
C. yamang gubat
D. yamang mineral19
36. Ang Timog-Silangang Asya ay mayroong malawak na katubigan kung saan matatagpuan ang iba’t ibang uri ng isda at
shellfish. Bukod sa pagsasaka, anopa ang pangunahing ikinabubuhay ng mga Asyano na naninirahan dito?

A. pagmimina B. pag-aalaga ng Hayop


C. pangingisda D. pagtotroso
37. Alin sa mga sumusunod na karagatan ang napagkukunan ng iba’t ibang yamang tubig sa Timog Asya?
A. Indian Ocean B. Pacific Ocean
C. Arctic Ocean D. Atlantic Ocean
38. Ang rehiyong ito sa Asya ay kakikitaan ng malalawak na taniman ng mgapananim na agrikultural. Ano ang pinakamahalagang
pananim na agrikultural ng Timog Asya?
A. palay B. gulay
C. opyo D. tubo
39. Mayaman ang Asya sa iba’t ibang anyong tubig tulad ng mga karagatan, lawa at mga ilog na lubhang napakahalaga sa
pamumuhay ng tao. Anong mga ilog ang matatagpuan sa India na gumanap ng malaking tungkulin sa kasaysayan ng Timog Asya.

A. Ilog Huang Ho at Yangtze B. Ilog Indus at Ganges


C. Ilog Tigris at Euphrates D. Ilog Panuco at Santiago
40. Mahalagang produkto ang dagta ng rubber tree. Anong bansa sa Timog Silangang Asya pangunahing prodyuser ng rubber
sa buong daigdig?
A. Indonesia
B. Pilipinas
C. Thailand
D. Myanmar
41. Anong rehiyon sa Asya ang may pinakamaliit na populasyon?
A. Gitnang Asya
C. Kanlurang Asya
B. Timog Asya
D. Silangang Asya
42. Anong bansa ang itinuturing na may pinakamalaking bilang ng populasyon sa
Asya at maging sa buong daigdig?
A. India
C. China
B. Saudi Arabia
D. Iraq
43. Ilang bahagi ng populasyon ng Daigdig ang matatagpuan sa Asya?
A. kulang sa kalahati
C. lagpas sa kalahati
B. kalahati
D. kabuuan
44. Anong terminolohiya ang tumutukoy sa kapal ng tao sa isang lugar o bansa?
A. land area
C. population growth rate
B. fertility rate
D. population density
45. Ang mataas na _______________ ng populasyon ay indikasyon na maraming tao
ang may kakayahang bumasa at sumulat. Alin sa mga sumusunod ang
kukumpleto sa pahayag na ito?
A. life expectancy
C. unemployment rate
B. migrasyon
D. literacy rate
46. Alin sa sumusunod ang nakakapagpabago sa populasyon dahil sa
magkakaibang bilang ng mga taong pumapasok at lumalabas sa isang bansa?
A. life expectancy
C. unemployment rate
B. migrasyon
D. literacy rate
47. Kapag mataas ang literacy rate ng isang bansa mas may malaking tsansa na
makahanap ng trabaho ang mga tao rito. Alin sa mga sumusunod na panukat
ang bababa ayon sa pangungusap?
A. life expectancy
C. unemployment rate
B. migrasyon
D. literacy rate
48. Sa Timog Asya, may mataas na _______________ ang populasyon kaya naman
mahaba ang inaasahang itatagal ng buhay ng mga tao roon. Alin sa mga
sumusunod ang tinutukoy ng pahayag?
A. population density
C. fertility rate
B. literacy rate
D. life expectancy
49. Kung ang populasyon ay may mataas unemployment rate, ano ang direktang
epekto nito na lubos na magiging suliranin ng ekonomiya ng isang bansa?
A. kahirapan
C. kriminalidad
B. kakulangan sa pagkain D. pagtaas ng presyo ng bilihin
50. Alin sa sumusunod ang mabilis na makapagpapadami ng populasyon ng isang
lugar o bansa?
A. kapag mababa ang life expectancy
B. kapag mataas ang fertility rate
C. kapag mataas ang GDP
D. kapag mababa ang growth rate

You might also like