Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Binakoe, Lamang-tiyan sa Aklan.

Kahit saang parte ng Pilipinas pa man tayo mapadpad, hindi mawawala ang mga pagkaing tingin palang,
nakabubusog na. Siyempre hindi papahuli ang Aklan pagdating sa usapang pagkain. Kompleto ang
probinsya sa samu't saring mga pagkain, nandyan ang eangkuga, tinumkan, inubaran, latik at siyempre
ang pambato ng Aklan, ang binakoe.

Ang Binakoe o Binakol ay isang luto sa manok na ginagawa sa tradisyunal na pamamaraan. Ito ay
niluluto sa kawayan kaya't kailangan ang mahabang pasensya sa pagluluto nito. Ang pinagkaiba ng
pagkaing ito ay imbes na tubig ang hinahalo para sa sabaw, tubig ng niyog ang kanilang ginagamit na
nagbibigay ng kakaibang lasa sa manok. Isa pang dahilan kung bakit lamang-tiyan ito sa Aklan ay dahil
dito mismo nagmula ang orihinal na Binakoe.

You might also like