Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 33

La Sagrada Expedición

www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O


( Nuestra Señora de La O )
Pintakasi ng Bayan ng Pangil, Laguna

Pagsisiyam – DISYEMBRE 9 – 17
Kapistahan – DISYEMBRE 18

Pamilin:

Sa buong pagsisiyam araw-araw ay dadasaling mauna ang Santo Rosaryo ng Mahal na Birhen
Maria, ang ukol sa araw na iyon, bago isunod ang:

- Pambungad na Panalangin
- Papuri at Hibik sa Mahal na Birhen
- Pagninilay
- Dalit sa araw na iyon
- Paghahain
- Katapusang Panalangin

Ang PAPURI / PARANGAL sa MAHAL NA BIRHEN sa buong siyam na araw ay nasasalig sa:

Unang Araw – Nang Ialay sa Templo ang Birhen Maria ni Santa Ana na Kanyang Ina;
Ikalawang Araw – Inihanda ng mga Pari sa Templo ang Birhen Maria, na Ipinili ng Kasasamahin;
Ikatlong Araw – Hinirang ang Birhen Maria na Maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos;
Ika-apat na Araw – Ang Pagbati sa Birhen Maria ng Arkanghel San Gabriel;
Ikalimang Araw – Nang Batiin ang Birhen Maria ni Santa Isabel na Kanyang Pinsan;
Ika-anim na Araw – Dalangin ng Birhen Maria, Nawa’y Isilang na ang Mesias na Hintay ng Lahat;
Ikapitong Araw – Kasama ang Birhen Maria ni San Juan Apostol sa Pulo ng Patmos;
Ikawalong Araw – Nagbalik ang Birhen Maria sa Herusalem; at
Ikasiyam na Araw – Hiniling ng Birhen Maria, Kunin na Siya ng Kanyang Anak
(Pagkamatay ng Birhen Maria)

1
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

PAMBUNGAD NA PANALANGIN

Manalangin Tayo:
O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop, pintuan ng Langit na laging bukas, bituing maningning
na tumatanglaw at pumapatnugot sa mga naglalayag sa masigwang dagat ng buhay sa sanlibutang ito.
Saklolohan mo po kaming mga nasa kasalanan na naghahangad din namang makaligtas doon; ikaw na
hinahangaan ng buong kalikasan; naglihi ka at nanganak sa Lumalang sa iyo. O Kalinis-linisang Birhen,
bago at matapos makapanganak; tumanggap ng magalang na bati ng Arkanghel San Gabriel, mahabag ka
sa mga makasalanan, na dumudulog, nangangayupapa, at nasasakdal po sa iyo, na tulungan kaming
ipagmakaawa sa Kabanal-banalan at makapangyarihang Diyos, na patawarin kami sa aming mga
kasalanan; sambahin namin siya ng buong alab ng puso at kalooban, upang ipanatag kami sa kapayapaan
at mga biyaya ng langit. SIYA NAWA.

PAGSISIYAM SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O


UNANG ARAW ( Disyembre 9 )

NANG IALAY SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ANA NA KANYANG INA

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Itulot mo po mahal na Birhen De La O na purihin namin at ipagpasalamat ang ala-ala nang; Iaalay
ka sa Templo ng butihin mong Ina, sa pag-asang ikaw ay nakahanda sa mga gawang kabanalan at nakilala
ang taglay mong kalinisan ng puso; sapagkat ipinangako ng marangal mo pong Ina, na kung
mapagkakalooban ang Panginoong Diyos ng bunga, ay ilalagak sa Templo upang lubusang
makapaglingkod sa kanya na nagbigay, kaya naman isinagawa ang katuparan. Sadyang ang pangako ay
dapat yupdin, dapat nating tandaang magaling at alalahaning nakapangingilabot paglaruan ang
makapangyarihang Diyos, kaya banal na pagtatapat ang dapat iukol sa kanya, sapagkat siya’y totoo at
banal.

Hibik:
Wala nga kaming dapat pintuhin at pagsakdalan ng aming mga hinaing kundi ikaw po mahal na
Ina, hantungan ng amingpag-asa. Pahalagahan mo po itong aming pagtawag dalangin, ipagkapuri mo
pong ialay sa makapangyarihang Santisima Trinidad: Diyos Ama, Diyos Anak at Diyos Ispirito Santo, nang
lalong tumibay at maging dapat ang aming pagsampalataya at pag-ibig sa iisang Diyos na tatlong Persona,
na ito at diyan sa buhay na walang hanggan. SIYA NAWA.

Pagninilay:
Nilaynilayin mo, kaluluwa ko, kung gaano kahalaga ang pagpapasakit ng Ina ni Ginoong Santa
Maria, marangal na si Santa Ana, nang ihain na sa Templo ang bugtong na anak, maganda, mayumi,
2
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

mahinhin, at kaibig-ibig, ay pinaglabanang binata ang mawalay sa kanya, buong puso at kaluluwang
inihain sa Diyos ang kaisa-isang anak ng kanyang katandaan. Tularan nawa natin ang gayong kabutihan
katiningan ng loob ng isang ina, kapag alang-alang sa Diyos ay binabata ang bigat ng anumang hirap sa
pangungulila sa tanging ligaya ng buhay, kalianma’t sa Diyos nga ang pinag-uukulan.

Dalit sa Pagparito ng Mahal na Birhen de La O:

(Sagot)
Nuestra Señora De La O
Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Dakila ka pong larawan


ni Maria Birheng hirang,
De La O, iyo pong ngalan
pag-asa, ang kahulugan.
Dalangin mo po’y masasal Nuestra Señora De La O,
sa anyo mo nawawarian. Kami po’y idalangin mo.

Na, nawa ay isilang na


ang magliligtas sa sala,
mana kay Adan at Eba.
Hangarin mo’y pang lahat na
Sa Espanya ka nagbuhat Nuestra Señora De La O,
upang dito ay mahayag. Kami po’y idalangin mo.

Isang libo, pitong daan


apatnapu’t isa ang bilang
ng taon ka po dumatal
dito sa hamak na bayan,
Sadya ka ditong padala Nuestra Señora De La O,
ng haring Carlos ang badya. Kami po’y idalangin mo.

Kasabay ng idating ka
ay ang Setro at Korona,
Lubhang napakahalaga
mga ganting ala-ala.
Sapagkat dito’y nagtira Nuestra Señora De La O,
yaong mahal na Monarka. Kami po’y idalangin mo.

3
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Nang siya pa ay prinsipe


anak ng Haring Felipe,
nagkasala, ay ang sisi
ma-destierro ay siya dine.
Dalawang taong singkad Nuestra Señora De La O,
bago siya pinatawad. Kami po’y idalangin mo.

Ang utos ng Haring Ama


sa Espanya magbalik na,
isasalin ang korona
at kapangyarihan niya.
Nang sa Espanya’y dumating Nuestra Señora De La O,
ganting loob dito’y Birhen. Kami po’y idalangin mo.

Mula na noon ay ikaw


Pintakasing minamahal,
pinupuri’t iginagalang
nitong buong sambayanan.
Kami po’y iyong tulungan Nuestra Señora De La O,
ng sa Diyos ay kaawaan. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:
Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod,
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:
Ihibik mo po kami Mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manariwa nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ng aming mga

4
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka
naming magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

5
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKALAWANG ARAW ( Disyembre 10 )

INIHANDA NG MGA PARI SA TEMPLO ANG BIRHEN MARIA, NA IPINILI NG KASASAMAHIN

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Pinupuri ka namin at niluluwalhati mahal na Ina ng aming pag-asa, alang-alang doon sa inihanda
ka ng mga Padre sa Templo na ipili ng kakasamahin, sa pag-asang ang dakila mong kalinisang itinatalaga
sa Panginoong Diyos ay siyang katuparan ng hula ng mga propeta sa napapangakong Mesias. Kahili-hili
ang mapapalad na nakatatalos ng mga niloloob ng Panginoon, wala pang nagpapahayag ng harapan ay
ang kutob ng loob ang sinusunod, natatamo ang pagkakaalam sa pamamagitan ng matamang
pananalangin, inihihingi ng tulong sa Panginoon upang mapatumpak sa Kanyang kalooban. Sinong mag-
aalinlangan na ang ating Panginoong Mananakop ay nanalangin? Idinaing ang Kanyang mithi, ngunit
pagkatapos ay sinabing: “Ama Ko mangyari ang Iyong kalooban at huwag ang sa Akin.” gayon nga ang mga
banal, siya nating tularan. Ang larawan nila at mga ginawa sa buo nilang buhay ay pag-aralan at gawing
huwaran. Iyan ang kung bakit ginagawa ang mga mahal na larawan at pinakasusuri ang kasaysayan ng
buhay banal upang maging ating uliran.

Hibik:
Papaging dapatin mo itong aming paninikluhod, nangangayupapa sa mahal mo pong harapan sa
pagsampalatayang gagantihing-loob ng Makapangyarihang Diyos; kaya kami’y ipagmakaawa tulad ng
hinahangad namin dito sa pagsisiyam na magkamit patawad sa aming mga kasalanan, maligtas sa
anumang panganib at kapahamakan ng kaluluwa at katawan kung ang gayon ay mangyayaring
ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos at ikagagaling naming sa buhay na ito sa ibabawng lupa at diyan sa
kaluwalhatian sa langit. SIYA NAWA.

Pagninilay:
Dili-diliin mo ang aking panimdim, ang mahalagang lihim na katalagahan ng Panginoong Diyos na
ang banal na Birhen Maria, may panata sa kalinisan, ay siyang inihanda ng mga Pari na ipili ng
kakasamahin. Ito’y sapagkat ang diwa ng banal na Panginoon ay nangungusap o nagpapahayag sa puso ng
mga may pananampalataya at itinuturo sa ating anghel na tagatanod kung ano ang dapat gawing
magaling, at kung tayo’y nakagawa ng masama, ay sapagkat ang sinunod natin ay ang hilig ng kahinaan at
napapadaig sa daya ng tukso; dapat sana ay ang tibok ng marangal na damdamin at di ang hindi
nakikilala ng ating bait, sa mga walang pananalig at nililimot ang pag-asa sa awa at katarungan ng
Panginoon. (Daing) Kahabagan mo po kami mahal na Ina ng Awa na lumakas ang aming pandamdam sa
pakikinig sa atas ng Panginoon na tanging hinding-hindi magkakamali. Itinatatak ng maliwanag sa ating
puso upang siya lamang sundin na isagawa iyong mabuti sa iyo at gayon din sa kapuwa mo tao. Maging
bingi nawa kami at mawalang kaya na gawin ang bulong ng kasamaan na siyang nagpapahamak sa
katawan at kaluluwa; katakutan nawa namin at iwasan ang ganito alang-alang sa walang likat na
kabutihan ng Panginoon na lumalang sa amin upang maging kanyang kampon. Huwag naming sayangin
6
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

ang sagana Niyang kaawaan. Ibigin namin Siya ng dahil sa paglalang sapagkat naglaan ng lahat na
kailangan natin sa buhay, at ipinaghanda rin naman tayo ng magliligtas, sapagkat alam Niya na marami
ang nagkakasala; ngayo’y magpasalamat tayo sa Mahal na Birhen Maria, na siyang itinalaga ng Panginoon
upang makatulong sa ikatitimawa nuong mga nagsisipanalig sa Kanya.

Dalit sa Paghingi ng Saklolo sa Mahal na Birhen De La O:

(Sagot)
Nuestra Señora De La O
Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Huwag naming malimutan


Katamis-tamisan mong ngalan
araw gabi’y tawagan
hanggang kami’y nabubuhay.
At kaming mga lingkod mo Nuestra Señora De La O,
sukuban ng Iyong manto. Kami po’y idalangin mo.

Ng huwag kumalat-kalat
kaming iyong mga anak
bakuran ng mahal mong lingap
na matipon sa iyong harapan.
Ang awa at tulong mo Nuestra Señora De La O,
pakamtan sa amin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ang habag mo, Inang Birhen


ay ilaganap sa amin
ng di kami maalipin
ng mga Espiritung suwail.
Ang mapagpalang kamay mo Nuestra Señora De La O,
magligtas sa amin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ikaw ang dinadaluyan


sa Diyos ng kapangyarihan,
kami nawa’y makinabang
hamog ng kapatawaran.
Yamang hirap ma’t saklolo Nuestra Señora De La O,
nagdaraan sa kamay mo. Kami po’y idalangin mo.

7
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Paghahain:
Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manaiwa nawa sa aming puso at kalooban
ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang makapanumbalik na
muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang mataimtim na pagsamba at
paggalang sa Kanyang mga kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan at kasaganaan,
pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno ng matapos na
ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin magpasawalang
hanggan. SIYA NAWA.

8
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKATLONG ARAW ( Disyembre 11 )

HINIRANG ANG BIRHEN MARIA NA MAGING INA NG MAGKAKATAWANG TAONG DIYOS

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Pinaghahandugan ka namin ng matimyas na ala-ala, mahal na Ina ng Pag-asa, alang-alang sa:
hinirang kang maging Ina ng Magkakatawang Taong Diyos; walang ibang katangi-tangi na gaya mo;
nakasama sa buong buhay dito sa ibabaw ng lupa noong namatay sa Krus, bago nabuhay na mag-uli ng
ikatlong araw, lubos kang hirang na pinagkatiwalaan ng Banal na Amang nasa langit na sumaksi at
nangalaga ng buong ingat sa nagkatawang taong Diyos. Bagaman mahal namin Ina, hindi kami
nagkapalad na tulad mo sa gayong karangalan sa mata ng Makapangyarihang Panginoon, ay narito,
ipinakikidamay namin ang lubos na paniniwala sa mga himala o misteryo ng pagtubos sa pamamagitan
ng pagpapakasakit at mga hirap na tiniis at buong-buo ang pag-asa namin na dahil dito’y kakalingain
kami, alang-alang kay Hesukristo ring anak mo, na sa pagkabitin sa Krus ay isa sa mahalagang pitong
winika, ang: “Babae, Nariyan Ang Iyong Anak”, tinutukoy ang Apostol San Juan na kumakatawan sa
sangkatauhang may pagsampalataya at umiibig sa Kanya.

Hibik:
Patunayan mo po nawa kaibig-ibig na Ina ng aming Pag-asa, na kaming iyong mga minamahal na
anak, ay maging dapat sa walang likat na kaawaan at pagpapala sa lalong ikaluluwalhati ng Panginoong
Diyos at sa ikapagpapagaling naman ng katawan at kaluluwa namin ngayon at magpasawalang hanggan.
SIYA NAWA.

Pagninilay:
Pagbulay-bulayin mo ang aking isip, na ang Mahal na Ina ng Pag-asa ay siyang nagluwal sa
maliwanag na nagkatawang-taong Diyos; maingat na nangalaga at nakasaksi sa mga himala na patotoo ng
ka-Diyosan: ang pagtitiis ng hirap na katubusan sa mga taong nilikha na kumikilala at sumasamba sa
Kanya, na Siya’y namatay bago nabuhay na mag-uli at umakyat sa langit; ay paka-isiping walang pasubali
na pawang katotohanan, paniwalaang may lubos na pananalig, alang-alang sa tinupad ng Mahal na Birhen
Maria ang atas ng Panginoon ukol sa Manunubos. Sapagkat siya’y ganap na sumampalataya, kaya hindi
matatawaran ninuman ang dakilang karapatan ng Inang Birhen Maria; na maging tagapamagitan natin,
bukod pa sa kinikilala ng Diyos Anak ang hirap, puyat, pagod at luha na idinamay sa pinakasisintang Anak
sa pagiging tao. Papagningasin nga natin ng buong ala bang ating mga puso ng pagtawag sa Kanya ng
madalas at taimtim nang ikarangal niyang ilapit tayo o ipamagitan ang walang humpay na pagpupuri
natin sa Panginoong Diyos.

9
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O:

(Sagot)
Nuestra Senora De La O
Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa Diyos kami idaing


na dito’y nawa pawiin
kami’y binyaga’t ampunin.
Matimawa kami dito Nuestra Senora De La O,
sa madlang salot at tukso. Kami po’y idalangin mo.

Sa awa mong malaganap


sa taga-Pangil mong liyag,
sa Archivo’y nasusukat
himala mong ipinamalas.
Isang umaga ng sabado Nuestra Senora De La O,
naligo ang larawan mo. Kami po’y idalangin mo.

Ang salot na lubhang malakas


noo'y naghaharing ganap,
namamatay daming di hamak
mga gamot di makalunas.
Sa iyong awa sa tao Nuestra Senora De La O,
naligo ang larawan mo. Kami po’y idalangin mo.

Nang sa Kurang matalastas


at nang sambayanang lahat,
nanikluhod sa iyong harap
pinupuri ka Birheng mapalad.
Ang bata at matandang tao Nuestra Senora De La O,
nagsipagligong totoo. Kami po’y idalangin mo.

Dumalang napawing lubos


ang namamatay sa salot,
at ito’y kaya natalos
sa tulo ng iyong buhok.
Mula sa paso’y nasusog Nuestra Senora De La O,

10
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

hanggang sa Altar mong lubos. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:
Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno
ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

11
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKA-APAT NA ARAW ( Disyembre 12 )

ANG PAGBATI SA BIRHEN MARIA NG ARKANGHEL SAN GABRIEL

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Kalugdan nawa ng marilag naming Ina ng Pag-asa, na batiin ka namin ng buong pagpaparangal,
sapagkat binati ka ng Arkanghel San Garbiel at ibinalitang hinirang ka na siyang maglilihi at
manganganak sa Berbo. Sa iyong kahanga-hangang pagkamasunurin sa anumang ipagtalaga ng
Panginoong Diyos, ay buong kapakumbabaang tinanggap ang pagiging Ina, sa kabila ng iyong kalinisan,
ay lumaang mag-iwi sa Sugo ng Langit sa sangkatauhan na hindi mo po naman ipinagmalaki, ni hindi
ipinagparangalan, gayong walang katumbas ang katangian sa lahat ng uri ng pagkatampok, tulad ng
maging Ina ng nagkatawang taong Diyos.

Hibik:
Dahil sa lubos mo pong kababaang-loob, kami nama’y bahaginan ng kalinisan ng puso at
pagpapakababa, matutong manalig sa pangako ng kaligtasan at magpakatibay sa pananampalataya at
pag-ibig na gumagawa ng matapat sa Panginoong Diyos hanggang sa wakas. Kaya nga mahal na Ina ng
aming Pag-asa, kami’y iyong alalayan sa aming kahinaan upang lumakas. Tulad mo pong hindi nag-
alinlangan sa mga sinabi at ipinagtalaga sa iyo, tinanggap mong pagtiisan alang-alang sa Diyos na may
kalooban; kami nama’y nagmamakaawa ng tulong mo na matularan ka namin ng pananalig sa
Panginoong Diyos, upang pagpalain kami sa mga biyaya sa buhay na ito at diyan sa buhay na walang
hanggan. SIYA NAWA.

Pagninilay:
Mataman mong gunitain aking puso, na maging ang Arkanghel San Gabriel na sinugo ng langit ay,
mapitagang bumati sa Mahal na Birhen, malumanay na sa paliwanag ng mapapaniwala; tayo namang
hamak na alabok, ay ano ang ating matuwid na hindi pintuhin ang pinarangalang hinirang ng Diyos na
maging Ina ng Tagapagligtas; ganyakin ang ating sarili na iluhog ng buong liwanang ang ating mga nasain,
ipagtapat ang mga hilahil upang sa kanyang pagkamaawain ay huwag tayong makaligtaan; lagi tayong
mag-alay ng papuri, hiyasan ng di paglimot kasama ang lubos na pagsisisi, patunayan sa madalas na
paglapit na pinaka-iibig natin siya at tinatanggap na lagi ang kanyang Bugtong na Anak sa pamamagitan
ng pakikinabang. Sa ganitong paraan maka-aasa na kalulugdan niya at tutulungan upang tayo’y
magkamagandang palad hanggang sa oras ng ating kamatayan hanggang sa kabilang buhay naman.

Dalit sa mga Himala ng Birhen de La O:

( Sagot )
Nuestra Señora De La O

12
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,


Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Patunay ng may katawan


nang siya pa ay nabubuhay
na taga Matikiw naman
Mariano Trabajo ang ngalan.
Ito’y laganap mong awa Nuestra Señora De La O,
O Birheng mapaghimala. Kami po’y idalangin mo.

May dalang kahoy at uway


sa Santa Cruz na bayan,
ang kanyang napagbilhan
kulang pa sa piso naman.
Iniisip na ipagsugal Nuestra Señora De La O,
kung manalo’y maragdagan. Kami po’y idalangin mo.

Napa-awa kay San Roque


na manalo’t mamimile,
pagkain nilang sarili
natalo’t walang nalabi.
Ang kulang palad na tao Nuestra Señora De La O,
uuwi ay litung-lito. Kami po’y idalangin mo.

Nang sa bangka sa aplaya


sakay na walang dala,
sa katatanaw ay nakita
bayang Pangil napagsiya.
Sa Mahal na Birheng de La O Nuestra Señora De La O,
nagmaka-awang totoo. Kami po’y idalangin mo.

Matapos ang pananalangin


ang naghari sa panimdin,
palengke siyang tunguhin
baka sakaling palarin.
Magbibigas ang natukoy Nuestra Señora De La O,
kahuhuo lamang noon. Kami po’y idalangin mo.

Lakas loob nakiusap

13
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

pautangin siya ng bigas,


may tinda’y di man nangusap
tiningnan siya at sukat.
Bago ang wika’y sumahod Nuestra Señora De La O,
tinakalang walang tuos. Kami po’y idalangin mo.

Sa takot at kahihiyan
niyong taong umu-utang
baka di na mabayaran
kung malaki ang maging utang.
Takal ay pinatigilan Nuestra Señora De La O,
tuloy namang nagpaalam. Kami po’y idalangin mo.

Nang sumunod na Huwebes


ang mangungutang ay nagbalik
bayad ay ipinipilit
sa babae’t namamanhik.
Ito namang magbibigas Nuestra Señora De La O,
ang bayad hindi matanggap. Kami po’y idalangin mo.

Sa magbibigas na tutol
walang umu-utang noon,
bigas niya’y di-natayong
nabiling hindi hinapon.
Pasubali ng umutang Nuestra Señora De La O,
kasalanang hindi bayaran. Kami po’y idalangin mo.

Walang hanggan ang awa mo


Nuestra Señora De La O,
naging panata noong tao
mag-novena kahit may bagyo.
Sa tuwing ipagdiriwang Nuestra Señora De La O,
ang iyong kapistahan. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:
Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong

14
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

Katapusang Panalangin:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno
ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

15
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKALIMANG ARAW ( Disyembre 13 )

NANG BATIIN ANG BIRHEN MARIA NI SANTA ISABEL NA KANYANG PINSAN

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Bayaan mo pong alalahanin namin ng may buong pagpaparangal sa iyo Mahal na Ina ng Pag-asa,
ng batiin ka ng iyong pinsang si Santa Isabel, na sinabi: “Mapalad ka at lalong kapaladpalaran ang sanggol
na nasa iyong tiyan, na siyang kaban ng tipan.”; lubhang mahalaga at lalong hindi ka naglikat ng
pagpupuri sa Diyos, nagpakatibay sa pag-asa na ang iyong magiging bunga na ipanganganak ay ang tunay
na Berbo ng Diyos, tagapagligtas at tanging kinalulugdan ng higit kaysa kaninumang ipinanganak pa sa
silong ng langit.

Hibik:
Marapatin mo pong tulungan kami at alalayan ng iwaksi namin ang pagsasalawahan,
magpakatibay sa pananalig na hindi mo pababayaang ampunin, at ihihingi kami ng kapatawaran sa aming
mga kasalanan ng mapakinabangan nawa kami ng mahal na Dugo ng nagpakasakit mong Anak,
Mananakop na si Hesus. Tulungan mo kaming mawili sa taos-puso na laging pananalangin, magpakatibay
sa pananampalataya na may kalangkap na gawang magaling, magpakalinis sa buong buhay namin,
magkawang-gawa sa kapuwa tao, tumulong sa mga salanta at nasa tunay na kagipitan, talikurang lubos
ang kapalaluan o pagmamataas at mga karangyaan, ng malubos ang pagpapala sa amin. SIYA NAWA.

Pagninilay:
Alalahanin mong masuri ng aking diwa, ang matimbang na kahalagahan ng pangungusap ni Santa
Isabel, palibhasa’y may wagas na pananampalataya at lagi sa pakikiulayaw sa pamamagitan ng malalim o
matining na pananalangin sa Panginoong Diyos, kaya nakaalam ng lihim katalagahan; saan di nga
pagpapahayagan sa pintig ng loob na ang bubukhin sa bibig ay pangungusap na mula sa langit. Iyo’y
ipinagtitiwala sa mga nilikhang lubos na umiibig at nakikipagtoto sa Kanya, doon sa mga may buong
kalinisan at sumasangguning mataimtim, nahahabag sa kapwa kalakip ang kawang-gawa at paglilimos sa
mga dukha. Magpakasikap nga tayo at ipagpasalamat na ipagmalasakit ang kapurihan ng Diyos upang
makamtan at makarating tayo sa Kanyang kaharian ng nakasamang magpuri at niluluwalhati Siya
magpasawalang hanggan.

Dalit sa mga Himala ng Birhen De La O:

( Sagot )
Nuestra Señora De La O
Devota naming totoo Nuestra Señora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

16
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Minsan nama’y naisipan


Kura Paroko ng bayan,
ma-enkarna iyong larawan
sa ilog ka ipinalagay.
Walang ulan man o unos Nuestra Señora De La O,
ang baha biglang bumuhos. Kami po’y idalangin mo.

Sa awa mo Inang Birhen


pintakasing hirang namin,
ng sa ilog ika’y alisin
ang baha nama’y tumigil.
Maawain kang totoo Nuestra Señora De La O,
sa nananalig sa iyo. Kami po’y idalangin mo.

May iba ka pang himala


na lubhang kahanga-hanga,
taas mo’t kalakhang lubha
ibig kang gawing mababa.
Tumawag ang Kura dito Nuestra Señora De La O,
ng maalam sa grabado. Kami po’y idalangin mo.

Sa katawan ka babawasan
at nilalagaring tunay,
bahagya pa binabaunan
wika mo’y poco-poco lamang.
Eskultor natakot dito Nuestra Señora De La O,
sa narinig na sabi mo. Kami po’y idalangin mo.

Paghahain:
Papaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Espiritu Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Dasalin ang tatlong Ama Namin, Aba Ginoong Maria, at Luwalhati at isang Aba Po)

17
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Katapusang Panalangin:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon namin, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan ng banal na diwa ang aming mga Puno
ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

18
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKA-ANIM NA ARAW ( Disyembre 14 )

DALANGIN NG BIRHEN MARIA, NAWA’Y ISILANG NA ANG MESIAS NA HINTAY NG LAHAT

Dasalin ang Pambungad na Panalangin

Papuri:
Tunghayan mo po kami mapagpalang Ina ng Pag-asa, narito kami sa iyong mahal na paanan at
ipinagdiriwang ang iyong idinadalangin sa Panginoong Diyos, ang masigasig mong hinihiling; na nawa’y
isilang na sa mundong ito ang ilaw na magliliwanag sa nadidimlang sangkatauhan na nalilipos ng ulap ng
kasamaan. Walang atubili ang iyong pag-asa na ang ipanganganak mo’y yaong hinihintay ng lahat, ang
Mesiyas na napapangako; at sapagkat ang pinakamagaling sa lahat ng pinakamimithi mo ay hindi ang sa
sarili lamang, kundi ang sa tanang inianak ni Eba’t ni Adan; kaya karapat-dapat kang pakapurihin at
dakilain ng lahat. Sa kabutihang palad ay iilan ang hindi nagpapahalaga sa iyo at nawa’y dumating ang
araw na sila man ay kumilala rin at magparangal po sa iyo.

Hibik:
Mahal na Birhen De La O, tulungan mo po kami, tulad ng masidhi mong mithi na maano’y isilang
na sa sanlibutang ito ang Anak ng Tao, datapwa’t Diyos at Tao namang totoo; masigasig din namang
idinadalangin namin ang kaganapan ng dasal na “AMA NAMIN… Dumating nawa ang kaharian
mo”.Magluwalhati nawa ang Panginoong Diyos na Makapangyarihan sa lahat, na sa pamamagitan mo po
ay loobing dumating na at lumaganap ang Kaharian ng Diyos, upang Siya na ang makapangyari sa ibabaw
ng lupang ito na pinamamayanan ng mga tao. Maging dapat na po sa iyo na tanggapin itong aming
ipinakikiramay dahil sa kinalulugdan ka ng Panginoon ay akayin mo po kaming sumunod at maging
maluwag sa loob ang pagsang-ayon sa bawat ipagtalaga sa amin ng dakilang Ama sa langit; huwag kaming
maligaw sa landas na dapat lakaran upang matunton ang matuwid na katarungan ng Diyos, sa
ikapapanuto sa magandang kapalaran sa buhay na ito at diyan sa langit magpasawalang hanggan.

PAGNINILAY:
Pagtamanan mong alalahanin aking bait ang kadalisayan ng mataos na mithi ng Ina ng Diyos, na
itulot nawa ng langit na iluwal na sa mundo, na huwag ng magtagal pa ang Mesias sa sinabi ng mga
propeta. Hinihinging may pag-asa ng mapalad na Ina ang madali nang pagdating ng tutubos sa sala ng
sangkatauhan. Nagpapakilala lang ang ating Mahal na Inang Birhen Maria ay naliligayahang higit
kaninuman, na ang lahing tao ay magkamit patawad sa kasalanang minana. Kaya tayo nama’y
magmakaawa sa kanya upang ipagkapuring idaing sa Panginoong Diyos na iligtas tayo sa madlang sakuna
at mga salot; magtamong ginhawa sa mga tinitiis na kahirapan dahil din sa pagsasansang natin sa banal
Niyang kalooban; magkaroon nawa tayo ng tapang na itakwil ang hibo at pang-uupat ng mga walang
kinikilalang Diyos, tulungan tayo ng Ina ng Pag-asa na pagtagumpayang lubos ang mga kaaway ng
katawan at kaluluwa, gamiting matibay na kalasag ang pag-asa sa tangkilik at tulong ng Panginoon; tulad
ni Haring David na pagkabata na may katutubo ang umasa sa hindi magagaping lakas kapangyarihan ng

19
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Diyos; sa gayong ding tibay ng pananalig nagpakatimpi ang mahal na Birhen; ulirangin natin ang
nakahihiling katiningan ng loob sa pagsampalataya, paampung walang likat sa lahat ng sandali sa
maawaing Ina ng mananakop, Ina rin natin sa Panginoon, Inang malinis at tapat na loob sa sinumang
umuusal at nangangadya sa kanya.

DALIT SA MGA HIMALA NG BIRHEN DE LA O:


( Sagot )
Nuestra Senora De La O
Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa Cuadrillerong Kapitan
na Protacio ang ngalan,
hinuli ng mga tulisan
Exequiel ang pamumunuan.
Dinakip ay napaampon
Hiningi ang iyong tulong. Nuestra Senora…

Sa Polvorista dinala,
luhod at magsisi na,
saka binaril pagdaka
sa leeg tinamaan siya.
Nabuwal dugo’y naglapaw
iniwan na ng tulisan. Nuestra Senora…

Itong himala mo Birhen


doon sa taong binaril,
dalangin ay walang tigil
iligtas mo po’t ampunin.
Sa sidhi ng tawag sa iyo
ginawa mo ang saklolo. Neustra Senora…

PAGHAHAIN:
Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

20
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA
PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

KATAPUSANG PANALANGIN:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga
Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

***

21
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKA-PITO NA ARAW (Disyembre 15)


KASAMA ANG BIRHEN MARIA NI SAN JUAN APOSTOL SA PULONG NG PATMOS

MANALANGIN TAYO:
O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:
Kadangal-dangal Birhen De La O, ituloy mong purihin ka na namin sa mga gawang kabanalan at sa
mahalagang tulong na iniabuloy mo sa buong taon na kasama ka ni Apostol San Juan, ng sinulat ang
dakilang Ebanghelyo ng Panginoong Hesukristo, na naglalarawan, hindi lamang sa pagkakatawang-tao ng
Diyos Anak, kung di ang mga tanda ng mahahalagang katotohanan na si Hesus ay ang tunay na ikalawang
Persona ng Santisima Trinidad, siyang sinugo ng langit, ang Tagapagligtas. Buhay na buhay ang iyong
pananalig na di magkaulap munti mang alinlangan na Siya nga dili iba ang Mesias na ipinangako.

HIBIK:
Sa katibayan na paniwala mong hindi magmaliw ay maano po kaming bahagian ng tapang at lakas
na huwag humina angaming loob, huwag lumamig kaunti man sa pag-asa sa iyong pamamagitan at
magkamit ng hamog ng langit na magpapasariwang lagi sa marupok at lanta naming puso, nang sa gayo’y
makinabang ng kapatawaran sa kawalan namin ng utang na loob doon sa batis ng katarungan at mga
biyaya; ng sa tuwina’y matutong magpuri sa Panginoong Diyos angaming labi sa lubos Niyang
ikaluluwalhati at sa ipagkakamit ngaming katawan at kaluluwa ng lubusang lingap mula sa Panginoon.
SIYA NAWA.

PAGNINILAY:
Pakalining-ningin mong magaling aking budhi ang kahalagahan ng Ina ng Diyos, hindi lamang sa
pagkapangalaga sa banal na Diyos Anak, kung di ng sinusulat na San Juan Apostol ang banal na
Ebanghelyo ng ating Panginoong Hesukristo, ay gaano kalaki ang naiabuloy niyang tulong sa
paglalarawan ng mga ginawa at winika ng Vervo.Nagpakalingid siya sa pula at pag-uusig ng mga
umuupasala, niyong ang mga kinikilalang Diyos ay ang palalo, ang pumapatay ng kapwa-tao, ang nagtitira
sa Palasyo at ang mga nahihiga sa banig na ginto.Kahabag-habag na kamalian ng mga imbi na pinalalo pa
ng sakim sa kapangyarihang pangkalupaan. Mahal na Ina ng Awa, huwag mo nawang bayaang kami ay
mahulog sa bangin ng kawalang-pag-asa, kung di matuwaran ka namin na lumigpit, lumayo sa palalong
singaw ng pagkakatawang lupa, magpakaliit at magpakayupapa sa mahal na harapan mo po
nanapakamapagkumbabang Birhen, abuluyan din kami ng lingap upang buksan mo po sa amin ang pinto
ng langit, upang makasama ng mga banal na magpuring walang humpay sa Santisima Trinidad
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

22
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LA O:


( Sagot )
Nuestra Senora De La O
Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sa poot man ng Maykapal


ng sa taong kasalanan,
ikaw po ang inaasahang
magpapalubag na tunay.
At sa iyong pamamagitan
ang parusa’y nahahadlangan. Nuestra Senora…

De La Ong lubhang dakila


De La Ong pinagsasadya,
De La Ong hingian ng awa
ng sinumang may dalita.
Sa kapangyarihang taglay mo
nanginginig ang impiyerno. Nuestra Senora…

Ang malabis na kasagwaan


sa ugali’t pananamit man,
masaklap na kapalaluan
pagsisihan naming tanan.
Ng mapayapa ang bayan
kaluwalhatia'y magdiwang. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:
Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA
PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

23
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

KATAPUSANG PANALANGIN:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga
Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

24
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKA-WALONG ARAW (Disyembre 16)


NAGBALIK ANG BIRHEN MARIA SA HERUSALEM

MANALANGIN TAYO:
O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:
Ikaligaya nawa ng mairuging Ina ng Pag-asa na ikaw po’y aming parangalan sa pamamagitan ng
pagsisiyam na ito, upang alalahanin ang pagbabalik mo sa Herusalem mula sa pulo ng Patmos, na doo’y
namuhay kang lingid sa marami, nagbalik ka nga sa Herusalem na wala anumang karangyaan, walang
kaaliwan kung di ang pag-asa na Makita at makaharap ang mga minamahal na Alagad nang umakyat sa
langit ang mahal mo pong Anak. Magdalita ka Ina namin na pakimatyagan ang taos na ala-alang iniaalay
namin sa iyong kawalang-malay sa kapalaluan, matuto nawa kaming umalinsunod sa kalinisan mo’t
kawalang imbot sa mga papuri noong nakikipamuhay ka pa dini sa bayan ng hapis na pinamamayanan ng
mga taong nagtataglay ng nakahihiyang ugaling kasaganaan, nakaririmarim na pag-uupasala at
paninirang puri sa kapwa.

HIBIK:
Tulungan mo po nawa kaming idalangin sa Panginoong Diyos na kasuklaman na namin ang lahat
ng kasamaan, mabuhay ng malayo sa karangyaan at pagpapanggap, na makalugdan nawa kami noong
puspos, karunung-runungan at gumagawa ng walang pagmamalaki, datapwat nakayayari ng maayos at
makatutugon sa mga pangangailangan at hangarin ng nangabubuhay sa katuwiran. Tulungan mo rin po
kaming gumawa at magpasakit magpagal sa paraang magiging marapat sa aming Diyos at Panginoon at
maging sa aming kapwa-tao; mga gawang makasisiya sa kailangan namin, na buong sambayanan at lahi
lalo pa ng sangkatauhang marangal, kung mangyayaring yaon ay pawang sa ikaluluwalhati ng Panginoon
at sa ikapagbabalik-loob na ng mga naliligaw, ng mga nalilihis sa matuwid na landas. SIYA NAWA.
PAGNINILAY:
Paglimiing aking pagdamdam, itinitingi at ipinakikimatyag, ang malalim na kahulugan na
pagbabalik sa Herusalem ng nangungulilang Ina, mula sa liblib na pulo ng Patmos; hindi baga marapat na
pagbalik-balikin natin ng walang sawa, lapitang muli’t muli, pagpahayagan ng ating mga hinahangad,
hingan ng awa sa araw at gabisa buong panahon ng ating buhay ang mapag-andukhang Ina, na siya ang
lalong higit naghahangad na makita tayo’y nabibilang sa mga nagpapasakop sa mga pinakakasakitan ng
Mahal niyang Anak, makita ng may kaluguran ng napakamahabaging Ina na tayo’y kasama sa hanay ng
mga may tanda sa noo ng banal na pangalan ng maluwalhati niyang Anak na si Hesus sa araw ng
paghuhukom… Ito’y walang salang pagtatalikan natin ng ligaya kung sa kanya tayo sumunod;
makaagapay nawa tayo sa mga pinagpala kung hindi tayo maglulubay ng pagsamo at pagmamakaawa,
paligayahin natin siya na kagiliw-giliw nating Ina, sapagkat ang kasiyahan niya ay ang siya’y ating sundin,
luwalhatiin at umasa sa kanyang pag-aampon.

25
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

DALIT SA KAPURIHAN NG MAHAL NA BIRHEN DE LE O:


( Sagot )
Nuestra Senora De La O
Devota naming totoo Nuestra Senora De La O
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Ikaw ang devota namin


lubhang mapagpalang Birhen
sa langit po’y paabutin
taimtim naming dalangin.
Madaling magagawa mo
ang awa at tulong sa tao. Nuestra Senora…

Magkaisa nawang damdamin


Balian, Sulib at Pangil,
mag-ibigang mataimtim
tanang binyaga’y gayon din.
Ng magtagumpay sa mundo
ang aral ni Hesukristo. Nuestra Senora…

Pagmamahal at mga biyaya


sa kamay mo Ina nagmula,
magbatis nawang sagana
Birheng wagas magpala.
Kami’y ipamagitan mo
sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:
Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA
PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

26
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

KATAPUSANG PANALANGIN:
Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga
Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

***

27
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

IKA-SIYAM NA ARAW (Disyembre 17)


HINILING NG BIRHEN MARIA, KUNIN NA SIYA NG KANYANG ANAK (PAGKAMATAY NG BIRHEN
MARIA)

MANALANGIN TAYO:
O lubhang mapalad na Ina ng Mananakop…

PAPURI:
Ikaw at ikaw rin po karilag-rilag na Ina ng Pag-asa, ang saan mang dako, kalian mang sandal at
maging nasa anumang kalagayan sa buhay at pamumuhay ay ikaw po ang dinaraingan, sa iyo kami
lumalapit, nagmamakaawa; lalo na sa mga kagipitan namin ay walang iba kung di ikaw nga, na sa walang
maliw na pag-asa, ay, hiningi mo na kunin ka na ng Makapangyarihang Diyos, ng kagalang-galang mong
Anak upang mapanood mong lubos pananabik na walang kapantay at wagas na kaluwalhatian ng
Kanyang pagka-Diyos, na sapagkat hiling ng pinakagigiliw na Ina, ay kinuha ka, na anaki’y natutulog
lamang sa paningin ng mga Apostol na nangakapaligid sa kanya. At sa lihim talaga ng langit ay
pinakahuling nakipagtipon sa Herusalem ang isa sa labing-dalawa, si Santo Tomas. Ito’y niloob ng langit
upang may pagkaalaman na hindi lamang ang dalisay mong kaluluwa kung di ng mga Anghel. Sinunod ng
mahal na anak mong Diyos na totoo at tao namang totoo na kunin ka sapagkat Siya man ay nananabik na
ring makita ka at magantimpalaan sa mga pinuhunan mong pagod, puyat at luha na idinamay sa Kanya;
na ang pinakagantimpala sa iyo ay putungan ka ng korona at itanghal na Reyna ng buong sangkalangitan
at sangkatauhan, iluklok sa trono ng kaluwalhatian, purihin ng Santisima Trinidad, dakilain ng mga
Anghel at higit sa lahat ay ng giliw mong Anak sa pagkakatawang-tao, doon sa karurukan ng langit.

HIBIK:
Mahal na Ina namin, yamang nariyan ka na sa maluwalhating bayan, mula diyan ay maawa kang
tanggapin ang pagbibigay dangal namin sa iyo sa pamamagitan nitong pagsisiyam; lingunin mo po kami
at iluhog na tunghayan kami upang makalasap ng di-mapapantayang likas na kaaawaan; ng Diyos na lalo
sa lahat, ipatawad na ang aming mga kasalanan, alang-alang sa mga hirap na dinalita ninyong Mag-ina,
ituwid kami sa landas ng mga gawang kabanalan, maiwasan kami sa mga kamalian nuong mga
nanghahawak sa masamang kailangang mapaglabanan nawa ang kahinaan sa mga tukso; papagbaliking-
loob nawa ang mga kusang tumatalikod at nagtataksil sa maka-Diyos na pagpapala; tawagin ang
maraming inililigaw ng masamang mga taga-akay at may budhing tungo sa pagkapahamak; abutin nawa
ng liwanang ng katotohanan ng banal na Espiritu upang kaming lahat ay magkasama-sama na magpuri sa
walang kapantay na Hari at Banal na Sangkalangitan, magpasawalang hanggan.

PAGNINILAY:
Pagmuni-munihin mong mataman, o tao, na kung ang Santisima Trinidad, ang mga Anghel, mga
Serapines at Kerubines, at ang lahat ng kapangyarihan sa langit, sampu ng mapapalad na mga bana ay

28
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

pawang nagbigay puri sa Maharlikang Reyna, Birhen Maria; narito ang kailangan ng mga tao, mga bayan o
mga bansa ay lubhang napapanganib mapahamak sa makatarungang poot ng Diyos na Panginoon, dahil
sa mga mananalansang ay hindi nakatitiis na di dumalaw dito sa lupa, pakita at makiulayaw sa napipiling
dumog sa mga gawang kabanalan at walang malay sa kahalayan, upang magbigay ng babala at magpayo
naman ng ikaliligtas, kung susundin lamang ang mga banal na tagubilin at ipinapayo. Ay anong tigas ng
loob mo, o tao, lumalapit na sa iyo dahil sa walang hanggang pagkaawa ay ayaw mong paniwalaan. Ibig
mo bagang ikaw na kulang-palad dahil sa karumal-dumal mong kasalanan, ikaw na hamak na alabok ng
lupa… hindi baga nais mong laging malinis at tuyo ang damit mong isinusuot… hindi baga hangga’t
maaari ay nilalayuan mo ang marumi at hindi matiis ang masamang amoy, nakaririmarim?... ay bakit
hahangarin mo, na basa at nakukulapulan ng nakapandidiring kasalanan, ikaw na masangsang ang baho
sa kalupitan, sa pagkawalang kawang-gawa, mapanumbat at taksil, napakarungis sa pagwawalang-bahala
sa mga biyaya ng langit, ikaw na ang buong paniniwala ay siyang pinakamagaling, ngunit mayabang.
Magdili-dili ka nga, o tao, magbagong loob at magsisi. Halina at manumbalik, tularan ang Ina ng Diyos na
Mananakop na hindi sumuway sa anumang ipinagtalaga; noong pinaaalis sa sariling bayan, tumahak sa
mapanganib na disyerto, hindi natakot sa malulupit na mga berdugo na nagpaparusa sa kanyang
pinakamamahal at banal na Anak, sa lahat ng iyan ay malumanay at buong pagtitiis na sumunod ng may
buong pananalig sa awa at pagkalinga ng Diyos na Panginoon. Wala na ngang iba na marapat kung di ang
magsagawa ng mga pagpapasakit sa lahat ng kaparaanang naaayon sa banal na matuwid na niloob ng
Diyos upang magtamo ng ganap na gantimpala sa buhay na ito at doon sa kabilang buhay.

DALIT NA PAPURI SA MAHAL NA BIRHEN DE LA O:


( Sagot )
Nuestra Senora De La O
Devota naming totoo Nuestra Senora De La O,
Tanggulan ka namin dito. Kami po’y idalangin mo.

Sapagkat hirang kang Ina


ng Mananakop sa sala,
hindi matitiis Niya
na hindi pagbigyan ka.
Kami’y ipagmakaawa mo
sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

Puyat, hirap, mga luha


dinamay mo sa dalita,
na tiniis niyang pawa
ng mga tao’y matimawa.
Kami po’y idalangin mo
sa Panginoong Hesukristo. Nuestra Senora…

29
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Sa lubos mong karapatan


sa pagiging Inang tunay,
kami’y walang alinlangan
na ikaw po’y pakikinggan.
Kaya kami’y ipamagitan
ng sa Diyos kaawaan. Nuestra Senora…

PAGHAHAIN:

Pagpaging dapatin mo pong tanggapin kalinis-linisang Ina ng Diyos, ang aming paninikluhod;
ihandog mo po na maging mabangong suob sa harapan ng kabanal-banalang Diyos Ama, Diyos Anak at
Diyos Ispirito Santo, na naghahari sa kaluwalhatian ng langit at sa tanang nilikha; ipagkapuri mo pong
ialay itong aming pagsisiyam, nakalugod nawa sa kanila at masanib sa walang humpay na pagpupuri ng
mga anghel at mga banal na lubos na ikaluluwalhati ng Panginoong Diyos. SIYA NAWA.

(Magdasal tayo ng tatlong AMA NAMIN… ABA GINOONG MARIA… AT LUWALHATI…At isang ABA
PO… upang kaawaan at pagpalain ang mga halamang ating ikinabubuhay.)

KATAPUSANG PANALANGIN:

Ihibik mo po kami mahal na Ina ng Awa, tulungan kami Birhen De La O na mapagpala, ipag-amo-
amo mo kami sa Bugtong mong Anak, Hesukristong Panginoon naming, Diyos na totoo at tao namang
totoo, na patnubayan kami sa pag-uwi sa amin-aming tahanan, manawari nawa sa aming puso at
kalooban ang walang humpay na pag-ibig sa Kanya, bigyan pa kami ng buhay at lakas upang
makapanumbalik na muli sa ganitong pagkakatipon na taglay sa diwa ng bawat isa sa amin ang
mataimtim na pagsamba at paggalang sa Kanyang kalooban, mabuhay nawa kami sa kanyang kapayapaan
at kasaganaan, pagpalain nawa ang aming kalayaan, patnubayan nawa ng banal na diwa ang aming mga
Puno ng matapos na ang kaligaligan, magkasundong tahimik ang buong Pilipinas at luwalhatiin Ka namin
magpasawalang hanggan. SIYA NAWA.

30
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

AWIT SA NUESTRA SEÑORA DE LA O

I Oh! Devota naming De La O


Bulaklak ng langit dito.

CHORUS: Nuestra Senora De La O


Kami po’y kaawaan mo.

II Huwag naming malimutan


Kagalang-galang mong ngalan
Araw gabi ay tawagan
Hanggang kami ay nabubuhay
At kami mga lingkod mo
Sukuban ng iyong manto

Nuestra Senora…

III Nang huwag kumalat-kalat


Kaming iyong mga inanak
Bakuran ng iyong lingap
At palaguin ng gatas
Ang awa at paglingap mo
Kaming puwing sa mata mo

Nuestra Senora…

IV Ang mata mo Inang Birhen


Iyong ilingap sa amin
Nang di kami alipin
Nang demonyong taksil
At agawin ng kamay mo
At ng mahal na ngalan mo

Nuestra Senora…

V Ikaw ang binahagian


Sa D’yos ng kapangyarihan
Kami nama’y subugan
Hamog ng kapatawaran

31
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

Hirap man O saklolo


Magdadaan sa kamay mo

Nuestra Senora…

VI Sa D’yos iyong idaing


Na dito ay paalisin
Yaong masamang hangin
Kaming iyong kampo’y tinawain
Sa naggalang yaon dito
Na nakasasalot sa tao

Nuestra Senora…

VII Sa awang lubhang laganap


Sa aming mga ovejas
Sa presibo’y nasusulat
Milagro mong mapagmalas
Madaling araw ng Sabado
Naligo ang iyong rebulto

Nuestra Senora…

VIII Ng sa kurang matalastas


At ng sambayanang lahat
Ginawa ang misa agad
Sa iyong Birheng mapalad
Bata at matandang tao
Nagsipaligong totoo

Nuestra Senora…

IX Ng naisipan ng kura
Rebulto mo’y ma-encarna
Sa ilog ibinatad na
Umugong baha pagdaka
Ipinaahon kang totoo

Nuestra Senora…

32
La Sagrada Expedición
www.lasagradaexpedicion.wordpress.com

X Sa awa mo Inang Birhen


De La Ong devota namin
Ang baha’y agad tumigil
Sakit ng baya’y gayon din
Maawain kang totoo
Sa tumatawag sa iyo.
Nuestra Senora…

33

You might also like