Ap8 Q3 Module 2

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 28

8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Araling Panlipunan – Ikawalong Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikatlong Markahan – Modyul 2: Unang Yugto ng Kolonyalismo
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name,
tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay
nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang
makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at
mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay
kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Ronelo Al K. Firmo PhD, CESO V
Librada M. Rubio PhD

Bumuo sa Pagsusulat ng Modyul


Manunulat: Marcosa D. Deloria
Tagasuri ng Nilalaman: Angelica M. Burayag PhD / Salvador B. Lozano
Madonna R. Estacio / Alma G. Pineda
Tagasuri ng Wika: Neil Omar B. Gamos / Madonna R. Estacio
Tagasuri ng ADM Format: Raymart B.Guinto
Tagasuri ng Paglapat
at Pagguhit: Jeremy Daos / Jay Ahr Sison
Tagaguhit: Neil Omar B. Gamos / Rona DC. Dionisio
Tagalapat: Reynaldo B. Pacleta
Tagapamahala: Nicolas T. Capulong PhD, CESO V
Librada M. Rubio, PhD
Angelica M. Burayag PhD
Ma. Editha R. Caparas EdD
Nestor P. Nuesca EdD
Marie Ann C. Ligsay PhD / Fatima M. Punongbayan
Salvador B. Lozano / Arnelia R. Trajano PhD
Inilimbag sa Pilipinas ng Department of Education – Region III
Office Address: Matalino St. D.M. Government Center,
Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph
8

Araling
Panlipunan
Ikatlong Markahan – Modyul 2:
Unang Yugto ng Kolonyalismo
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:

Malugod na pagtanggap sa asignaturang Araling Panlipunan 8 ng Alternative


Delivery Mode (ADM) Modyul para sa araling Unang Yugto ng Kolonyalismo!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambuliko at pampribadong institusyon upang gabayan ka, ang
gurong tagapagdaloy upang matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang
itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa


mapatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga
pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang


kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Mga Tala para sa Guro


Ito’y naglalaman ng mga paalala, panulong
o estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

ii
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 8 ng Alternative Delivery Mode


(ADM) Modyul ukol sa Unang Yugto ng Kolonyalismo!

Ang kamay ay madalas gamiting simbolo ng kakayahan, aksyon at layunin.


Sa pamamagitan ng ating mga kamay tayo ay maaaring matuto, lumikha, at
magsakatuparan ng gawain. Ang kamay sa tulong-aral na ito ay sumisimbolo na
ikaw, bilang isang mag-aaral, ay may angking kakayahang matutuhan ang mga
kaugnay na kompetensi at kasanayan. Ang iyong pang-akademikong tagumpay ay
nakasalalay sa iyong sarili o sa iyong mga kamay.

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


Alamin
dapat mong matutuhan sa modyul.

Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung


ano na ang kaalaman mo sa aralin ng
Subukin modyul. Kung nakuha mo ang lahat ng
tamang sagot (100%), maaari mong laktawan
ang bahaging ito ng modyul.

Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral


Balikan upang matulungan kang maiugnay ang
kasalukuyang aralin sa naunang leksyon.

Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad
Tuklasin ng isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
Suriin matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
Pagyamanin
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

iii
Naglalaman ito ng mga katanungan o
Isaisip pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
Isagawa sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman
o kasanayan sa tunay na sitwasyon o
realidad ng buhay.
Ito ay gawain na naglalayong matasa o
Tayahin masukat ang antas ng pagkatuto sa
pagkamit ng natutuhang kompetensi.
Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong
Karagdagang panibagong gawain upang pagyamanin ang
Gawain iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.

Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang
marka o sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel
sa pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at
sa pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka
rin humingi ng tulong sa iyong mga magulang, sa nakatatanda mong kapatid o sino
man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa
iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!

iv
Alamin

Ang modyul na ito ay ginawa at isinulat para sa iyong kapakinabangan. Ito ay lubos
na makakatulong sa iyo bilang mag-aaral upang madagdagan ang iyong kaalaman tungkol
sa dahilan, pangyayari at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo sa kasaysayan.
Mapupukaw rin nito ang iyong pag-unawa at damdaming upang patuloy pang mag-aral at
magsaliksik ng mga datos tungkol sa kasaysayan ng daigdig. Lahat ng iyan ay
matutunghayan sa mga araling tatalakayin sa Araling Panlipunan Baitang 8.

Kaya halina at ating tuklasin ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng unang yugto
ng kolonyalismo.

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlong aralin:

• Leksyon 1 – Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo


• Leksyon 2 – Mga Nanguna sa Panggagalugad
• Leksyon 3 – Kahalagahan at Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

Kapag natapos mo na ang modyul na ito, ikaw ay inaasahang:


1. nasusuri ang mga dahilan at pangyayari ng Unang Yugto ng Kolonyalismo;
2. naiisa-isa ang mga bansang nanguna sa panggagalugad; at
3. napahahalagahan ang naging epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.

Mga Tala para sa Guro

Maraming pagbabago ang naganap sa kasaysayan ng


daigdig sa larangan ng politika, ekonomiko at panlipunan.
Malaki ang naging epekto ng kolonyalismo sa mga pagbabagong
ito.
Matutunghayan natin sa modyul na ito ang mga
kaganapan, dahilan at epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo.
Gumamit ng mga larawan sa araling ito upang maipakita ang
mga nanguna sa pagtuklas at panggagalugad.

1
Subukin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin ang letra
ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Piliin sa sumusunod na pangungusap ang nagpapaliwanag sa paghangad ng


katanyagan at kapangyarihan bilang motibo ng eksplorasyong Europeo.
A. Upang makilala sa buong bansa bilang malakas na bansa.
B. Mangalap ng likas na yaman na kailangan ng kanilang mamamayan.
C. Makapamasyal at makita ang kagandahan ng daigdig.
D. Mamuhunan at makipagkalakalan

2. Isinunod sa kanyang pangalan ang pagkakatagpo ng Bagong Mundo o ang Amerika.


A. Amerigo Vespucci C. Hernan Cortes
B. Christopher Columbus D. Pedro Cabral

3. Ito ang nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo.


A. Bahay-kalakalan C. Salaping barya
B. Salaping papel D. Bangko

4. Alin sa sumusunod ang maituturing bilang pangunahing dahilan ng unang yugto ng


kolonisasyon?
A. Ang paghahangad ng mga Europeo ng 3Gs
B. Ang pagpapanatili ng mga Europeo ng kanilang katanyagan
C. Ang pagpapalaganap ng mga Europeo ng kalakalan
D. Ang paghahangad ng mga Europeo ng karangyaan sa buhay

5. Ang Portugal ang kauna-unahang bansang Europeo na nagkaroon ng interes sa


paggalugad ng lupain. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na dahilan nito?
A. Mga bansang gagawing kolonya C. Pagpapalaganap ng simbahan
B. Karangalan at katanyagan D. Makahanap ng ginto at pampalasa

6. Kasunduang pinirmahan ng Espanya at Portugal na nagsasaad ng pagkilos ng line of


demarcation patungong Kanluran.
A. Kasunduan sa Tordesillas C. Kasunduan sa Paris
B. Kautusan ng Papa D. Kasunduan sa India

7. Isang lugar o maliit na bansa na kontrolado ng isang makapangyarihang bansa sa


pamamahala
A. Sphere of Influence C. Teritoryality
B. Kolonya D. Buffer State

2
8. Ang dalawang bansa na nagpapaligsahan sa eksplorasyon at nabigasyon noong ika-14
hanggang ika-15 siglo.
A. Olandiya at Inglatera C. Espanya at Portugal
B. Olandiya at Alemanya D. Pransya at Inglatera

9. Narating niya ang Calicut, India.


A. Pedro Alvares Cabral C. Vasco da Gama
B. Ferdinand Magellan D. Prince Henry, the navigator

10. Ang Portuges na si Ferdinand Magellan ay naglayag para sa karangalan ng Espanya.


Sa kanyang paglalakbay patungong Asya, anong ruta ang kanyang hinanap?
A. Pa-Hilaga C. Pa-Timog
B. Pa-Kanluran D. Pa-Silangan

11. Ginamit ng mga manlalakbay na Europeo sa kanilang eksplorasyon na nakatulong


upang taluntunin ang kanilang destinasyon, maliban sa,
A. Caravel C. Astrolabe
B. Compass D. Hourglass

12. Alin sa mga sumusunod ang maituturing na di-mabuting epekto ng unang yugto ng
kolonisasyon?
A. Natuklasan ang mga lupaing hindi pa nagagalugad
B. Napukaw ang interes ng marami na makapaglayag
C. Nagkaroon ng pagbabago sa “eco-system”
D. Napalakas ang ugnayan ng mga bansa sa silangan at kanluran

13. Mahalaga para sa mga Europeo ang mga pampalasa na nagmumula sa Asya, alin sa
mga sumusunod ang hindi kabilang dito:
A. Cinnamon C. Nutmeg
B. Repinado D. Pepper

14. Bakit ibig ng mga Europeo ang mga spices?


A. Dahil ito ay ginagamit nila sa pakikipagdigma.
B. Dahil ito ay ginagamit nila bilang pampalasa at pagpepreserba ng mga
pagkain.
C. Dahil ito ay ginagamit nila pampreserba ng mga patay
D. Dahil ito ay ginagamit nila bilang pataba sa mga halaman.

15. Ang mga nabanggit ay nagpapakita sa mga Europeo sa kanilang kapangyarihan sa


kanilang nasasakupan MALIBAN sa .
A. Pagpataw ng mataas na buwis
B. Pagkilala sa kanila bilang kaibigan
C. Mababang pagtingin ng tao sa lipunan
D. Pagsikil sa kanilang karapatan

Mahusay! Natapos mo na ang panimulang pagtataya. Maaari mo ng simulan ang


mga paksang aralin. Para lubos mong maunawaan ang mga katanungan na hindi mo
nasagot mula sa panimulang pagtataya, atin itong lilinangin sa mga tekstong iyong
babasahin.
3
Aralin
Unang Yugto
1 ng Kolonyalismo

Nang umusbong ang Renaissance, namayani sa Europa ang kaisipan ng


pakikipagsapalaran na nagdulot ng pagyabong ng kaalaman. Ninais ng mga
Europeong ito na tumuklas ng mga bagong kaalaman na magsusulong ng
bagong paniniwala na taliwas sa kanilang nakagisnan.

Balikan

Halina at ating balikan ang ating nakaraang aralin sa pamamagitan ng isang


balangkas ng kaisipan. Punan ng tamang sagot ang mga kahon ayon sa hinihingi ng
mga katagang nakasulat sa labas nito upang mabuo ang kaisipan. Isulat ang sagot
sa sagutang papel.

Reinassance 1.
Isinilang

R
Nag-ambag sa Iba’t-ibang Larangan
r
2. 3. 4.
r
Sa katauhan ng mga mahahalagang personalidad
renaissance

5. 6. 7. 11. 12. 13.

8. 9. 10.

Ang mga wastong kasagutan sa isinagawang pagbabalik-aral ay sapat


na upang magpatuloy sa susunod na bahagi ng pagtuklas na kung saan ay
aalamin mo ang iyong kakayahang tukuyin ang paksang tatalakayin.

4
Tuklasin

Sa bahaging ito, iyong tutuklasin ang bagong aralin sa pamamagitan ng


pagsuri sa sitwasyon. Matapos na masuri ang sitwasyon, sagutin ang mga
katanungan at isulat ang sagot sa sagutang papel.

Minsan, napagkasunduan ng inyong pamilya na magkaroon ng


swimming dahil nagkataon na summer at masarap maligo sa dagat. Nang
ikaw ay naroon na, nabigyan ng tuon ng iyong mga mata ang mga barkong
nagyayao’t parito. Natimo ang iyong paningin sa barkong papalayo sa
pampang. Ano ang iyong napansin habang ang mga barkong ito ay papalayo
sa iyo o papalayo sa pampang?
Noong panahon ng panggagalugad, may mga kuwentong
nakakatakot ang naririnig. Naroong sa kabila ng karagatan ay may
halimaw, maraming mga barko ang lumulubog. Subalit sa kabilang banda,
may kayamanang naghihintay sa iyo sa kabila nito.
Kung ikaw ay nabubuhay noong mga panahong iyon, nanaisin mo
bang makipagsapalaran sa paglalakbay?

5
Marahil, may sumagot na para bang nahulog sa kabila ng karagatan ang
mga barko habang papalayo sa iyo o papalayo sa pampang na ang katotohanan ay
patuloy lang siya sa paglalakbay dahil ang mundo ay pabilog. Ito ay maaari mong
ikatakot upang sumama sa paglalakbay bukod pa sa paglubog ng mga barko at
may halimaw sa karagatan.

Suriin

Sa sitwasyong ating sinuri, ito ay mga kaganapan noong panahon ng


panggagalugad na kung saan ang mga tao ay takot maglakbay dahil sa paniniwalang
panganib ang kanilang daranasin sa paglalayag. Matutunghayan natin sa ating
aralin kung ano ang dahilan ng kanilang pagkatakot sa paglalakbay na kalaunan ay
maliliwanagan ang kanilang kaisipan at mapapakinabangan ang kanilang
paglalakbay.

Pinagbatayan ng mga Midyibal na iskolar ang kanilang mga teorya sa mga


prinsipyo at ideya ng mga Klasikal na pilosopo tulad nina Aritotle, Ptolemy at Galen.
Pinaniniwalaan nila na ang mundo ay patag at kapag ang isang maglalakbay sa
karagatan ay nakarating sa dulo nito ay maari siyang mahulog sa pinakadulo.
Maging ang katuruan ng Simbahan ay pinalaganap na ang mundo ay sentro ng
Sansinukob. Ang patunay dito ng Simbahan ay batay sa pagsasabing ang mundo
ay tirahan ng tao kaya ito ang sentro ng Sansinukob.

Unang Yugto ng Kolonyalismong Kanluranin


Simulan natin ang ating aralin, sa paglilinaw ng kahulugan ng salitang
Kolonyalismo. Ano nga ba ang Kolonyalismo? Ano ang pagkakaiba nito sa
Imperyalismo? Ang Kolonyalismo ay mula sa salitang kolonya na nagmula sa
salitang Latin na “colons” na ang kahulugan ay magsasaka o “farmer.” Ang
kolonyalismo ay ang direkta o tuwirang pananakop ng isang malakas na bansa sa
iba pang mahihinang bansa upang makamit ang mga layunin o mga interes nito
tulad ng pagkuha ng mga kayamanan. Kolonya ang tawag sa mga teritoryo at
mamamayan na napasailalim sa kapangyarihan at pagkontrol ng bansang
mananakop, samantalang ang kolonyalista ay ang tawag sa mga bansang
mananakop. Ang Imperyalismo naman ay paraan ng pamamahala kung saan ang
malalaki o makapangyarihang mga bansa ang naghahangad upang palawakin ang
kanilang kapangyarihan sa pamamagitan ng pagsakop o paglulunsad ng mga
pagtaban o kontrol na pangkabuhayan at pampolitika sa ibabaw ng ibang mga
bansa. Ang mga bansang sakop nito ay tinaguriang kanilang Imperyo. Tatlong bagay
ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga Europeo:

• Paghahanap ng kayamanan;
• Pagpapalaganap ng Kristiyanismo; at
• Paghahangad ng katanyagan at karangalan.

6
Mula ika-15 hanggang ika-17 siglo, naganap ang unang yugto ng
Imperyalimong Kanluranin. Ang pagbabagong naganap sa Europa sa Panahon ng
Renaissance ang nagsilbing inspirasyon sa mga manlalakbay at nabigador na
maglakbay sa ibat-ibang bahagi ng daigdig.

Mga Motibo at Salik ng Kolonyalismo


Naging kaakit-akit ang Asya sa paningin ng mga Europeo. Ang tangi lamang
nilang kaalaman tungkol sa Asya ay mula sa tala ng paglalakbay ng nabigador na
sina Marco Polo, at Ibn Battuta. Naakit sila sa mayamang paglalarawan kaya
naghangad silang marating ang lugar ng Asya. Ang aklat ni Marco Polo, “The Travels
of Marco Polo” ay naging mahalaga sapagkat ipinaaalam nito sa mga Europeo ang
yaman at kaunlarang taglay ng Tsina. Hinikayat nito ang mga Europeo na marating
ang Tsina. Naitala naman ng Muslim na manlalakbay na si Ibn Battuta ang kanyang
paglalakbay sa Asya at Aprika. Malaki rin ang naitulong ng dalawang instrumento
na natuklasan para sa mga manlalakbay, ito ay ang “compass” na nagbibigay ng
tamang direksyon habang naglalakbay at ang “astrolabe” na gamit naman upang
sukatin ang taas ng bituin. Naging dahilan din ng pananakop na ito ang
pagpapasimula ng paglalayag at pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa
sa Europa – ang Portugal at Espanya. Nanguna ang Portugal sa mga bansang
Europeo sa katauhan ni Prinsipe Henry “the Navigator” na naging inspirasyon ng
mga manlalayag sa kanilang panahon. Hinikayat niya ang mga dalubhasang
mandaragat na magturo ng tamang paraan ng paglalayag sa mga tao. Masidhi ang
kanyang pagnanais na makatuklas ng mga bagong lupain para sa karangalan ng
Diyos at ng Portugal. Nakadepende ang mga Europeo sa paggamit ng mga pampalasa
o “spices” na matatagpuan sa Asya lalo na sa India tulad ng paminta, cinnamon at
nutmeg.

Mga Nanguna sa Panggagalugad


Pinangunahan ng Portugal ang panggagalugad sa karagatan ng Atlantiko
upang makahanap ng mga pampalasa at ginto. Sa pagitan ng 1320 hanggang 1528,
nakapaglayag ang mga mandaragat na Portuges hanggang sa kanlurang bahagi ng
Aprika upang hanapin ang daang katubigan patungo sa Asya. Natagpuan ni
Bartholomeu Dias noong Agosto 1488 ang pinakatimog na bahagi ng Aprika na kilala
sa tawag na Cape of Good Hope. Ang paglalakbay na ito ni Dias ay nagpapakita na
maaaring makarating sa Silangang Asya sa pamamagitan ng pag-ikot sa Aprika.

Noong 1497 ay apat na sasakyang pandagat ang naglakbay


na pinamunuan ni Vasco da Gama mula sa Portugal hanggang sa
Calicut, India. Taong 1500 sinakop ng manlalayag na si Pedro
Cabral ang Brazil. Pinangunahan ng mga Heswita ang pagbuo rito
ng mga pamayanan na naging destinasyon ng pandarayuhan ng
mga Portuges. Sa kalagitnaan ng ika-16 na siglo, ang mga
Portuges ay nangailangan ng mga manggagawa sa kanilang mga
taniman ng tubo sa America, kung kaya ito ang naging dahilan
Vasco da Gama ng malawakang pagluluwas ng mga aliping Aprikano. Naging

7
malaking negosyo para sa mga Portuges ang kalakalang ito ng mga alipin sa
malaking bahagi ng Amerika.

Ang Paghahangad ng Espanya ng Kayamanan Mula sa Silangan

Hindi nagpatalo ang mga Kastila sa mga Portuges


sa panggagalugad. Sa ilalim ng pamamahala nina Haring
Ferdinand at Reyna Isabella ng Castille, naging dahilan
ito upang maghangad din ng yaman sa Silangan. Sa
kanilang pagsasanib pwersa, nagpadala rin sila ng
ekspedisyon sa Silangan sa katauhan ni Christopher
Columbus na isang Italyano manlalayag na unang
namuno sa paglalayag patungong India. Binigyan siya ng
titulong “Admiral of the Ocean Sea”, “Viceroy” at
“Gobernador” ng mga islang kaniyang natagpuan sa
Indies. Tatlong ekspedisyon ang kanyang pinamunuan
Christopher Columbus
bago siya namatay nooong 1506. Narating niya ang mga
isla sa Carribean at sa Timog Amerika nguni’t di siya nagtagumpay sa paghahanap
ng bagong ruta patungo ng silangan.

Sa panahong yaon, hindi pa maunlad ang mga gamit sa paglalakbay. Noong


1507, isang Italyanong manlalakbay na si Amerigo Vespucci ang nagpaliwanag na si
Columbus ang nakatagpo ng Bagong Mundo. Ang lugar na ito nang lumaon ay
isinunod sa pangalan niya kaya nakilala ito bilang Amerika at naitala sa mapa ng
Europa kasama ang iba pang mga bagong diskubre na mga isla. Isinunod kay
Amerigo Vespucci ang pangalan ng Amerika.

Paghahati ng Mundo

Naging mahigpit ang tunggalian ng Espanya at Portugal sa panggagalugad ng


mga lupain. Upang malutas ang suliranin ng Espanya at Portugal sa kanilang
tunggalian sa panggagalugad isang kasunduan ang napagpasyahan sa pagitan ng
Portugal at Espanya noong 1493 sa bisa ng isang kautusang pinalabas ni Pope
Alexander VI na naghahati sa lupain sa mundo na maaaring tuklasin ng dalawang

8
bansa. Nagtalaga ang Papa ng paghahati o “line of demarcation” na magmumula sa
gitna ng Atlantiko patungo sa Hilagang Polo hanggang sa Timog Polo.
Nangangahulugan ito na lahat ng mga matatagpuang kalupaan at katubigan sa
Kanlurang bahagi ng guhit ay para sa Espanya at para naman sa Portugal ang
Silangang bahagi ng linya. Hindi nasiyahan ang Portuges sa ginawang paghahating
ito ng Papa kaya naghain ito ng petisyon upang baguhin ang naunang linya na dapat
mapunta sa kanila at sa Espanya. Nakita nila na baka lumawak ang panggagalugad
ng Espanya sa kanluran at maaaring maapektuhan ang kanilang mga kalakalan sa
silangan. Sa bisa ng Kasunduan sa Tordesillas noong 1494, nagkasundo ang
magkabilang panig na baguhin ang “line of demarcation” pakanluran. Ipinakikita
rito na noong panahong iyon ay pinaghatian ng lubusan ng Portugal at Espanya ang
bahagi ng mundo na hindi nararating ng mga taga-Europa.

Ang Paglalakbay ni Ferdinand Magellan


Taong 1519, naglayag ang Portuges na si
Ferdinand Magellan para sa karangalan ng Espanya. Sa
ilalim ng bandila ng Espanya, inilunsad niya ang
kanyang paglalakbay upang maghanap ng rutang pa-
Kanluran patungo sa Asya. Natagpuan niya ang
silangang baybayin ng Timog Amerika o ang Brazil,
natagpuan din niya ang isang makitid na daanan ng
tubig na tinawag na “Strait of Magellan,”
pagpapangalan sa malaking karagatan na Karagatang
Pasipiko, at hanggang sa marating nila ang
kasalukuyang bansa ng Pilipinas.

Sa haba ng paglalakbay, nakaranas sila ng pag-aalsa ng mga kasamahan at


pagkagutom. Nalagpasan nilang lahat ng ito at nakatagpo sila ng malaking
kayamanang ginto at pampalasa. Nagawa nilang binyagan sa Katolisismo ang
maraming mga katutubo. Sa nasabi ring ekspedisyon, nagpakilala ito na maaaring
ikutin ang mundo at muling bumalik sa dating pinanggalingang lugar ng ang
sasakyang Victoria ay makabalik sa Espanya kahit napatay si Magellan ng isang
katutubong Cebuano na si Lapu-lapu. Ito ang unang “circumnavigation” o pag-ikot
sa mundo. Itinama nito ang dating lumang paniniwala ng mga taga-Europa na ang
mundo ay patag, naitala sa mapa ng Europa ang iba pang mga kalupaan sa Silangan
at lalong nagpakilala ng yaman na mayroon sa Silangan.

Kolonisasyon ng Espanya sa America


• Hernan Cortes – Kastilang mananakop na nagtungong Mehico noong 1519
upang maghanap ng yaman at ginto.
• Francisco Pizarro – noong 1532, sinakop at pinabagsak niya ang Kaharian ng
mga Inca sa Peru.
• Francisco Vasquez de Coronado – noong 1540, pinangunahan niya ang
pagsakop sa Arizona, New Mexico, Texas, Oklahoma at Kansas na ngayon ay
mga estado ng Estados Unidos. Natuklasan din niya ang Grand Canyon.

9
• Hernando de Soto – Kastilang nagpatuloy ng paglalayag at pananakop para
humanap ng mga ginto noong 1541 na nakarating sa Ilog Mississippi sa
Amerika.
• Vasco de Balboa – matagumpay niyang naitayo ang permanenteng
panirahanan sa Amerika sa silangang baybayin ng Ishmus ng Panama noong
1510 at noong 1513, siya ang unang nakatagpo sa “Great South Seas,” na
ngayon ay Karagatang Pasipiko.
• Juan Ponce de Leon- napasakamay niya ang Florida noong 1513 sa
paghahanap niya sa “Fountain of Youth,” na pinaniniwalaang
nagpapanumbalik ng kabataan sa sinumang maligo rito.

Panggagalugad at Pananakop ng Iba pang Bansang Europeo


• Henry Hudson – isang manlalayag na Ingles na naglingkod sa karangalan ng
Olandes na nakarating sa Ilog Hudson na ipinangalan sa kanya noong 1609.
• John Cabot – noong 1497, naglayag siya mula sa Inglatera sa baybayin ng
Atlantiko at narating nito ang lugar na ngayon ay nakilala bilang Canada.
• Francis Drake – noong 1577, isa sa kinilalang mahusay na manlalayag dahil
siya ang unang kapitan na lumibot sa buong mundo ng tuloy-tuloy at tumalo
sa “Spanish Armada”, na naging hudyat ng paghina sa kapangyarihan ng
Espanya sa Europa.
• Giovanni da Verrazano – noong 1524, isang Italyanong manlalakbay na
naglingkod sa pamahalaang Pranses upang hanapin ang rutang pandagat
mula Hilagang Amerika patungo sa Karagatang Pasipiko. Subalit, hindi niya
ito narating, bagkus natuklasan niya ang kinaroroonan ngayon ng New York
harbor.
• Jacques Cartier – narating niya ang bahagi ng Montreal, Canada noong 1534.
• Samuel de Champlain- natagpuan niya ang Quebec noong 1608 upang
magtatag ng unang pamayanang Pranses.
• Robert Cavalier – inangkin niya ang buong Ilog Mississippi para sa Pransya
noong 1682.
Epekto ng Unang Yugto ng Kolonyalismo
Maraming pagbabago ang naging hatid ng Unang Yugto ng Kolonyalismo. Katulad
ng sumusunod:

• Lumawak ang teritoryong nasasakupan ng mga bansang Kanluranin sa labas


ng Europa.

• Nakatuklas ng mga bagong ruta ng kalakalan na siyang nagbigay wakas sa


mga Italyano sa pagmamanopolyo ng mga kalakal sa Europa. Naging sentro
ng kalakalan ang mga daungan sa baybay-dagat ng Atlantiko mula sa
Espanya, Portugal, Pransya, Flanders, Olandya at Inglatera.

10
• Dumami ang mga kalakal na nagmula sa Asya, tulad ng “spices.” Mula sa
Hilagang Amerika ang kape, ginto at pilak; sa Timog Amerika galing ang mga
asukal at molasses; sa Kanlurang Indies ang mga indigo, at sa Aprica galing
ang mga kahoy, ivory, ginto at mga ostrich.

• Lumawak at lumaganap ang mga salaping ginto at pilak na galing sa Mehico,


Peru at Chile dahil sa pagdami ng mga produkto.

• Pinasimulan ang pagtatatag ng mga bangko dahil sa dumaraming salapi ng


mga mangangalakal, kinakailangan nilang may paglagyan ng kanilang mga
salaping barya.

• Nang ginamit at ipinakilala sa mga mangangalakal ang salaping papel, ito ang
nagbigay daan sa pagtatatag ng kapitalismo, ang sistema kung saan
mamumuhunan ng kaniyang salapi ang isang tao upang magkaroon ng tubo
o interes.

• Lumaganap ang relihiyong Kristiyanismo partikular ang Katolisismo ng


Espanya at Portugal.

• Sa larangan ng wika at kultura, nanatili hanggang sa ngayon sa lahat halos


ng maraming bansa sa Gitna at Timog Amerika ang wikang Espanyol, wikang
Pranses sa ilang bansa at pulo na nasakop ng Pransya sa Caribbean, at
Portuges sa Brazil. Maging sa Pilipinas, ilang wika natin ay mula sa mga
Espanya.

• Nagkaroon ng pagbabago sa sistemang ekolohikal sa daigdig na nagresulta sa


pagpapalitan ng mga hayop, halaman, at maging mga sakit na dala ng mga
Europeo.

• Nagkaroon ng malawakang kalakalan ng mga alipin na naging mahalagang


bahagi ng komersiyo sa Europa bunga ng kakulangan ng mga manggagawa
sa mga minahan at plantasyon sa Amerika.

• Nagkaroon ng malawakang pagkakatuklas sa mga lupaing hindi pa


nagagalugad at mga sibilisasyong hindi pa natutuklasan. Naging daan din ito
sa nagpalakas sa ugnayang silangan at kanluran.

• Nakahikayat din ito ng interes sa mga makabagong pamamaraan at


teknolohiya sa heograpiya at paglalayag.

• Nagsimula rin ang paglaganap ng sibilisasyong Kanluranin sa silangan.

• Nagdulot din ito ng maraming suliranin sa mga bansang nasakop tulad ng


pagkawala ng kararinlan, paninikil, at pagsasamantala sa kanilang likas na
yaman.

11
Pagyamanin

Matapos mong suriin ang unang yugto ng Kolonyalismo, masusubok


ang iyong kakayahan sa pagpapayaman ng kaalaman hinggil sa natapos na
aralin sa pamamagitan ng pagsagot sa mga pagsubok na inihanda para sa iyo.

A. Mapa-Nakop

Panuto: Tukuyin sa mapa ang mga nasakop na bansa ng mga sumusunod na


Europeo. Piliin ang sagot sa loob ng kahon at isulat sa sagutang papel.

MANANAKOP BANSANG NASAKOP


1. Bartholomeu Dias
2. Ferdinand Magellan
3. Vasco da Gama
4. Vasco de Balboa
5. Pedro Cabral

Brazil Pilipinas Calicut, India


Cape of Good Hope, Aprika Canada Mehiko

12
C. Kasama Ko, Hanapin Mo!
Panuto: Suriin ang mga magkakahanay na manggagalugad. Isulat sa sagutang papel
ang hindi kabilang sa grupo.
1 2 3
Francisco Vasquez de Coronado Hernan Cortes Aristotle
Hernando de Sotto Francisco Pizarro Ptolemy
Juan Ponce de Leon Vasco de Balboa Copernicus
Hernan Cortez John Cabot Galen

4 5
Vasco da Gama John Cabot
Pedro Cabral Samuel de Champlain
Bartholomeu Dias Robert Cavalier
Amerigo Vespucci Jacques Cartier

D. Timeline ng Paglalakbay, Sundan mo!


Panuto: Piliin ang tamang datos sa loob kahon upang mabuo ang timeline. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1609 1519 1513 1541 1532


1500 1488 1492 1497 1510

1.Bartholomeu Diaz 6.Juan Ponce de Leon

2.Christopher Columbus 7.Ferdinand Magellan

3.Amerigo Vespucci 8.Francisco Pizarro

4.Pedro Cabral 9.Hernando de Soto

5.Vasco de Balboa 10.Henry Hudson

E. Truth or Bluff
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahayag hinggil sa epekto ng Kolonyalismo.
Isulat sa sagutang papel ang salitang Truth kung may katotohan at Bluff kung
wala.

1. Nagkaroon ng malawakang 2. Lumawak at lumaganap ang


pagkakatuklas sa mga lupaing mga salaping ginto at pilak
hindi pa nagagalugad. galing sa Espanya, Portugal at
Olandiya.

13
3. Pinasimulan ang pagtatatag
4. Lumaganap ang Relihiyong
ng mga bangko, dahil sa
Protestante.
dumaraming salapi ng mga
mangangalakal

5. Lumawak ang mga teritoryong


nasasakupan ng mga bansang
Kanluranin sa labas ng Europa.

F. Like or Dislike!
Panuto: Basahing mabuti ang bawat pahayag. Iguhit sa sagutang papel ang thumbs
up sign kung ikaw ay sumasang-ayon at Thumbs down sign kung hindi.

1.Masidhi ang pagnanais ni Prinsipe Henry na makatuklas ng mga bagong


lupain para sa karangalan ng Diyos at ng Portugal.

2. May tatlong bagay ang mahalagang dahilan ng pananakop ng mga


Europeo – Kayamanan, Kristiyanismo at Katanyagan at Karangalan.

3. Naging dahilan din ng pananakop ang pagpapasimula ng paglalayag at


pagtuklas ng mga bagong lupain ng dalawang bansa sa Europa - ang
Portugal at Olandiya

4. Malaki ang naitulong ng dalawang instrumento na natuklasan para sa


mga manlalakbay tulad ng “compass” na nagbibigay ng tamang direksyon
at ang “astrolabe” na sumusukat sa taas ng bituin.

5.Ang aklat na “the Travels of Marco Polo,” ay naging mahalaga sapagkat


ipinaalam nito sa mga Europeo ang yaman at kaunlarang taglay ng Tsina.

14
G. Palaisipan
Panuto: Isulat sa sagutang papel ang sagot sa palaisipan.

PAHALANG

5. Narating niya ang Mehiko

PABABA

1. Pinabagsak niya ang Kaharian ng Inca sa Peru


2. Narating niya ang Ilog Mississippi
3. Nagtatag ng permanenteng panirahanan sa Panama
4. Natagpuan niya ang Florida

15
Isaisip

Tanong Ko, Ipaliwanag Mo!


Panuto: Isulat sa sagutang papel ang mabuti at di-mabuting epekto ng Kolonyalismo.

Mabuting Epekto ng Kolonyalismo Di-Mabuting Epekto ng Kolonyalismo

Isagawa

Pagpapahalaga Mo, Iguhit Mo!


Panuto: Gumuhit ng isang poster na nagpapakita ng pagpapahalaga sa pagbabago
sa larangan ng paglalayag dulot ng teknolohiya. Gawin ito sa isang malinis na papel.

16
Rubrik para sa Poster

Natamong
Pamantayan Indikador Puntos
Puntos

Nilalaman 1.Naipakita at naipaliwanag nang 5


maayos ang ugnayan ng lahat ng
konsepto sa paggawa ng poster

Kaangkupan ng Maliwanag at angkop ang mensahe 5


konsepto sa paglalarawan ng konsepto

Pagkamapanlikhain Orihinal ang ideya sa paggawa ng 5


(Originality) poster

Kabuuang Malinis at maayos ang kabuuang 5


Presentasyon presentasyon

Pagkamalikhain Gumamit ng tamang kombinasyon 5


(Creativity) ng kulay upang maipahayag ang
nilalaman, konsepto at mensahe

Kabuuan 25

Tayahin

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pahayag o pangungusap. Piliin


ang letra ng tamang sagot at isulat ito sa sagutang papel.

1. Bakit malaki ang naidulot ng paglalakbay ni Marco Polo upang mamangha at


mahikayat ang mga adbenturerong Europeo na makarating at makipagsapalaran
sa Asya?
A. Dahil kinalugdan siya ni Kublai Khan at itinalagang maglakbay sa ibat-
ibang bansa sa Asya.
B. Dahil narating niya ang mga lugar ng Tibet, Burma, Laos, Java, Japan,
pati na ang Siberia.
C. Dahil inilahad niya sa kanyang aklat ang mga nakita niyang
magagandang kabihasnan sa mga bansang Asyano lalo na sa Tsina, na
inilarawan ang karangyaan at kayamanan nito.
D. Dahil naglakbay at nanirahan siya sa Tsina at naging tagapayo ni
Emperador Kublai Khan.

17
2. Ang kolonyalismo ay nagmula sa salitang Latin na colons na ang ibig sabihin ay
magsasaka. Alin sa sumusunod ang namumukod tanging tumutukoy sa salitang
kolonyalismo?
A. Nangangahulugang dominasyon ng isang makapangyarihang estado sa
aspektong politika, kabuhayan at kultural ng mahina at maliit na estado.
B. Isang sistema kung saan ay namumuhunan ng kaniyang salapi ang isang
tao upang magkaroon ng tubo o interes.
C. Isang patakaran ng isang bansa na namamahala ng mga sinakop upang
magamit ang likas na yaman ng mga sinakop para sa sariling interes.
D. Isang prinsipyong pang-ekonomiya na kung may maraming ginto at pilak,
may pagkakataon na maging mayaman at makapangyarihan ang isang
bansa.

3. Nakatulong ng malaki sa mga ______________ ang imbensyon at pagpapaunlad ng


compass.
A. Marino C. Sundalo
B. Negosyante D. Siyentipiko

4. Sino ang nanakop at nakatuklas sa kaharian ng mga Inca sa Peru?


A. Balboa C. Pizarro
B. Cabral D. Soto

5. Bansang inangkin ni Pedro Cabral para sa Portugal.


A. Brazil C. India
B. India D. Mexico

6. Kanino nagmula ang pangalan ng Amerika?


A. Christopher Columbus C. Amerigo Vespucci
B. Ferdinand Magellan D. John Cabot

7. Kautusang ipinalabas ni Pope Alexander VI na naghahati sa lupaing maaaring


tuklasin ng Portugal at Espanya.
A. Inquisition C. Papal Bull
B. Interdict D. Presidential Decree

8. Si Prinsipe Henry ang nanguna sa pagtataguyod ng mga paglalayag sa


pamamagitan ng ________________
A. Pagbibigay ng libreng pag-aaral sa gustong maglayag.
B. Pag-aanyaya sa mga mandaragat.
C. Pagbibigay ng pabuya sa sinomang gustong maglayag.
D. Pagpapakulong sa sinomang ayaw tumalima.

9. Ang mga sumusunod na mga bansang Europeo ay nagkaroon din ng iteres na


sumali sa paligsahan ukol sa panggagalugad, maliban sa:
A. Netherlands C. Pransya
B. Inglatera D. Gresya

10. Sino ang mananakop na nagpabagsak sa Kaharian ng mga Aztec?


A. Bartholomeu Diaz C. Hernan Cortes
B. John Cabot D. Vasco da Gama

18
11. Sinong Kastila ang conquistador na sumakop sa Imperyo ng mga Inca na kung
saan ay pinatubos at pinatay rin ang pinuno ng mga ito.
A. Hernan Cortes C. Hernando de Soto
B. Francisco Pizarro D.Francisco Vasques de Coronado

12. Ang mga sumusunod ay ilan lamang sa maraming suliranin sa mga bansang
nasakop ng mga Kanluranin, maliban sa
A. Pagkawala ng kasarinlan
B. Napilitang kumain ng mga pagkaing hindi nila nakagisnang kainin
C. Pagsasamantala sa kanilang likas na yaman
D. Paninikil sa karapatan ng mga katutubo

13. Alin sa mga sumusunod ang naging salik ng paglalakbay ng mga Europeo sa
malalawak na karagatan noong ika-15 siglo?
A. Pagkatuklas at pagpapaunlad sa mga instrumenting pangnabigasyon at
sasakyang pandagat.
B. Pag-amuki ng mga hari na masipaglayag ang mga mamayan upang
makahanap ng pagnenegosyohan.
C. Paghahanap ng matitirahang lupain dulot ng paglaki ng bilang ng
populasyon.
D. Pag-iwas sa kalupitan ng mga Monarkiya.

14. Noong panahon ng panggagalugad, karamihan sa mga pampapalasa ay


matatagpuan sa ________.
A. Moluccas C. Sumatra
B. Timor D. Java

15. Anong aklat ang nakapanghikayat sa mga Europeo na marating ang Tsina?
A. Turn Right at Machu Picchu
B. The Life and Voyages of Christopher Columbus
C. The Rise and Splendour of the Chinese Empire
D. The Travels of Marco Polo

Karagdagang Gawain

Pangalan mo, I-akrostik mo!


Panuto: Gamit ang mga letra ng iyong pangalan, bumuo ng AKROSTIK gamit ang
mga kataga mula sa napag-aralang paksa. Isulat ang sagot sa sagutang papel

19
20
Pagyamanin
Subukin Tayahin
A.
1. A 1. Aprika
1. C
2. A 2. Pilipinas
2. A
3. B 3. India
3. A
4. A 4. Canada
4. C
5. D 5. Brazil
5. A
6. A B.
6. C
7. B 1.Hernan Cortez
7. C
8. C 2.John Cabot
8. B
9. C 3. Copernicus
9. C
10. B 4. Amerigo Vespucci
10. C
11. D 5. Robert Cavalier
11. B
12. B C.
12. B
13. B 1.1488 6.1513
13. A
14. B 2. 1492 7.1519
14. A
15. B 3. 1497 8.1532
15. D
4. 1500 9. 1541
5. 1510 10 1609
D.
1.True
2. Bluff
3. Truth
4. Bluff
5. Truth
E.
1. Like
2. Like
3. Dislike
4. Like
5. Like
F.
5. Hernan Cortes
1.Francisco Pizarro
2. Hernando de Soto
3. Vasco de Balboa
4. Juan Ponce de Leon
Susi sa Pagwawasto
Sanggunian

Bibliographic Entry:

Blando, Rosemarie C., et.al., 2014. Araling Panlipunan: Kasaysayan Ng Daigdig. 1st
ed. Reprint, Pasig City: Vibal Group, Inc., 2014.

“K To 12 Gabay Pangkurikulum Aaling Panlipunan Baitang 1-10”. Department of


Education, 2014. https://ww.deped.gov.ph/wp-
content/uploads/2019/01/AP-CG.pdf.

"LR Portal". Deped LR Portal, 2020. https://lrmds.deped.gov.ph/grade/8.

“Most Essential Learning Competencies (MELCs)”. Learning Resource Management


and Development System, 2020. https:lrmds.deped.gov.ph/pdf-
view/18275.

Perry, Marvin, and Daniel Davis. History of The World. Reprint, Boston,
Massachusetts: Houghton Mifflin Company, 1989.

“Project EASE: Araling Panlipunan II – Panahon ng Eksplorasyon at Paglawak ng


Teritoryo

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/f/f9/Christopher_Colu
mbus10.jpg/200px-Christopher_Columbus10.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/c/c3/Ferdinand_Magel
lan_by_Crispijn_van_de_Passe_1598.jpg/576px
Ferdinand_Magellan_by_Crispijn_van_de_Passe_1598.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/e/ea/Galleon-
spanish.jpg/1029px-Galleon-spanish.jpg

https://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/5c/Vasco_da_Gama.
jpg/200px-Vasco_da_Gama.jpg> [Accessed 3 September 2020].

21
Para sa mga katanungan o puna, sumulat o tumawag sa:

Department of Education – Region III


Learning Resource Management Section (LRMS)
Diosdado Macapagal Government Center
Maimpis, City of San Fernando, Pampanga 2000
Telefax: (045) 402-7003 to 05
E-mail Address: region3@deped.gov.ph

22

You might also like