Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:

Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa pambulikong paaralan upang gabayan ang gurong
tagapagdaloy na matulungang makamit ng mag-aaral ang pamantayang itinakda
ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan ang pansarili,
panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Ang tulong-aral na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa mapatnubay


at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan. Naglalayon
din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang mga kasanayan sa ika-
21 siglo habang isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at
kalagayan.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang mag-


aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan at
itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang mga sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:

1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat.


2. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
3. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain
at sa pagwawasto ng mga kasagutan.
4. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang
pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito,
huwag mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy.
Maaari ka rin humingi ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong
kapatid o sino man sa iyong mga kasama sa bahay na mas nakatatanda sa
iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng


makahulugang pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa
kaugnay na mga kompetensi. Kaya mo ito!
Alamin Natin

Mapapag-aralan sa araling ito ang mga bagay na dapat isaalang-alang sa


pagsisimula ng pag-aalaga ng tilapiya. Matutunan din dito ang tamang
paraan ng pag-aalaga ng tilapiya at kabutihang naidudulot nito.
Layunin
1.Nasasabi ang tamang paraan ng pag-aalaga ng tilapiya.
2.Nakagagawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan na dapat
ihanda upang makakapagsimula sa pag-aaalaga ng hayop/isda.

Subukin Natin

Tukuyin ang mga kasangkapan at kagamitan sa pag-aalaga ng tilapya.


Lagyan ng tsek (√) ang larawan sa loob ng kahon.

1. 2. 3.

4. 5.

1
Paggawa ng Talaan at
Kasangkapan at Kagamitan sa
Pag-aalaga ng Isda

Balikan Natin
Kilalanin kung anong uri ng isda ang nasa larawan.Piliin ang tamang sagot
sa loob ng kahon.

bangus tilapya karpa


gurami hito dalag

1. 2. 3.

4. 5. 6.

Tuklasin Natin
Sagutin ang mga tanong:
1. Anu-anong pakinabang ang dulot ng pag-aalaga ng tilapiya?
2. Paano inaalagaan ang mga tilapiya upang matiyak na pakinabangan
ito ng husto?

2
3. Nakakatulong ba sa pag-unlad ng pamilya ang pag-aalaga ng
tilapiya? Paano?

Talakayin Natin

Ang tilapiya ay isang isdang madaling alagaan at masarap kainin. Nagtataglay


itosustansiyang kailangan ng ating katawan gaya ng protina. Karaniwang
pinalalaki ito sa mga palaisdaan sa likod bahay. Kung may anyong tubig tulad
ng ilog, sapa, lawa o dagat na malapit sa inyong pamayanan, maaari ring
alagaan ang tilapiya rito. Magagawa ito kung mayroong nakalutang na
kulungan para sa tilapiya. Ibinababad ang kulungan sa ilog o sapa at dito
pinalalaki ang alagang tilapiya hanggang handa na itong kainin o ipagbili.
Kung sa bakuran mag-alaga ng tilapiya, maaaring gumamit ng bariles o
kongkretong semento na paglalagyan sa mga ito. Makapag-aalaga ng 250
hanggang 500 binhi ng tilapiya sa isang metrong kubikong kulungan.

Maraming pagkain tulad ng lumot, kiti-kiti at mga kulisap ang makukuha ng


mga tilapiya sa ilog. Bukod dito, dagdagan pa ng darak at fishmeal ang
pagkain ng tilapiya upang lumaki ito agad. Ang dami ng pagkaing ibibigay sa
tilapiya ay naaayon sa laki at timbang ng alaga. Maaari ng anihin ang alagang
tilapiya sa loob ng dalawang buwan.

Pagyamanin Natin

Gumawa ng talaan ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng


tilapia.

Kasangkapan Kagamitan

1. _____________________________ 1. _____________________________

2. _____________________________ 2. _____________________________

3. _____________________________ 3. _____________________________

4. _____________________________ 4. _____________________________

5. _____________________________ 5. _____________________________

3
Tandaan natin
,

Ang tilapiya ay isang isda na madaling alagaan at masarap kaiinin.


Karaniwang Pinalalaki ito sa mga anyong tubig. Maaari rin itong alagaan
sa likod-bahay. Nararapat na ihanda ang lahat ng materyales na kailangan
upang maisakatuparan ang pag-aalaga ng tilapiya.

Isabuhay natin
Gumuhit ng mga kagamitan at kasangkapan sa pag-aalaga ng tilapia.

Tayahin Natin
Isulat ang T kung ito ay nagsasaad ng tamang kaisipan o M kung mali.

______1. Kung may anyong tubig tulad ng ilog, sapa, lawa na malapit sa
inyong pamayanan, maaari ring alagaan ang tilapiya rito.
______2. Karaniwang pinalalaki at inaalagan ang tilapya sa laot.
______3. Ang darak at fishmeal ay pinapakain sa tilapiya upang lumaki ito
agad.
______4. Kung sa bakuran mag-alaga ng tilapiya, maaaring gumamit ng
bariles o kongkretong semento na paglalagyan sa mga ito.
_______5. Ang tilapiya ay isang isdang madaling alagaan at masarap kainin.

Gawin natin
1. Magsaliksik tungkol sa pagsasapamilihan ng alagang hayop na isda.

4
Sanggunian

Makabuluhang Gawaing Pantahanan 5


Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran 5
DepEd LM
Development Team of the Module
Writers: JAIME M. RAFOL Jr.
Editors:
Content Evaluator: MARYBETH Q. CORPUZ
Language Evaluator: SHIRLEY T. RANOT
Reviewers: PRINCISITA B. PIMENTEL – MT1

Illustrator: AMAPOLA C. ESPOS (ESVES)


Layout Artist: AMAPOLA C. ESPOS (ESVES)
Management Team: DR. MARGARITO B. MATERUM, SDS
DR. GEORGE P. TIZON, SGOD Chief
DR. ELLERY G. QUINTIA, CID Chief
VIRGINIA LLORCA EBOÑA - EPS - EPP/TLE Coordinator
DR DAISY L. MATAAC, EPS – LRMS/ALS

For inquiries, please write or call:

Schools Division of Taguig city and Pateros Upper Bicutan Taguig City

Telefax: 8384251

Email Address: sdo.tapat@deped.gov.ph

You might also like