Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

ANG HARIBON

Ang Haribon ang pinakamalaking agila sa Pilipinas. Tinatawag din itong Banog. May
sukat itong isang metro ang taas at nasa 2 metro ang lapad ng pakpak kapag
nakabuka. Maaari itong mabuhay mula 30 hanggang 60 taon. Unang nakilala sa tawag
na Monkey-Eating Eagle ang haribon dahil kumakain ito ng unggoy. Ngunit kumakain
din ito ng butiki, musang, manok, paniki, usa, lawin, daga, at ahas. Sa kasalukuyan, isa
ang Haribon sa mga endangered species dahil sa malawakang pagkasira ng
kagubatang pinamumugaran nila at pinagkukunan ng pagkain. Dahil sa ganitong
kalagayan, ipinasa ang Republic Act No. 6147 upang protektahan ang Haribon laban sa
mga panganib. Ang pagpatay sa Haribon ay may parusang 12 taong pagkakabilanggo
maliban pa sa pagbabayad ng malaking multa.
Ang Philippine Eagle Foundation (PEF) sa Davao City ang nag-iisang organisasyong
nangangalaga at nagbibigay ng proteksiyon sa Haribon at sa kagubatang tinitirahan
nito. Matagumpay na nakapagpalahi ng mga Haribon ang PEF sa loob ng mahigit sa
isang dekada. Sa kasalukuyan, mayroon itong inaalagaang 36 na mga agila sa
Philippine Eagle Center (PEC), 19 dito ang napalahi habang nakakulong sa center.
Noong 1992, ipinanganak si Pag-asa na ngayon ay kinikilala bilang simbolo ng
paglaganap ng pangangalaga sa kalikasan. Sa bisa ng Proclamation No. 615,
idineklara noong 1995 ang Haribon bilang pambansang ibon ng Pilipinas. Si Pag-asa
ang unang Haribon na napisa sa Philippine Eagle Center sa Davao noong Enero 25,
1992. Ang kanyang mga magulang ay ang mga agilang sina Diola at Junior. Napisa
naman ang kapatid niyang si Pagkakaisa noong Oktubre 25, 1992.
Noong Pebrero 2013, sa pamamagitan ng artificial insemination, napisa si Mabuhay.
Sina Pag-asa at Zoom I ang kanyang mga magulang. Nabuo rin at napisa sa
pamamagitan ng artificial insemination sina Lourdes (2000) at Geothermica (2004), sina
Kahayag at Junior ang kanilang magulang.
Napisa naman noong Nobyembre 23, 2002 si Kabayan. Si Kabayan ang sinasabing
unang ibon sa Asya na pinisa at pinalaki sa kulungan at saka pinalipad sa kagubatan.
Namatay siya noong Enero 8, 2005 dahil nakoryente nang dumapo sa isang high-
voltage cable.
Nagkaroon din ng anak sina Pitha at Junior noong 2002 na pinangalanan namang
Scout Binay. Ang anak nina Dawan at Jag na si Mindanaw ay namatay ilang oras
pagkapisa noong Nobyembre 9, 1995.
Ang iba pang mga agila na inaalagaan ng PEF ay sina Kalayaan, Robinhood,
Pangarap, Kaibigan, Pagmamahal, Maginoo, Sambisig, Enchanging, Kagitingan, LDI,
Tsai, Magilas, Dakila, Pin-pin, Bighani, Kalabugao, at Imbulog.
Ipinanganak din si Hinelaban ngunit nawala siya isang buwan matapos siyang
malayang pinalipad sa Bundok ng Kitanglad. Ang nakita na lamang ay ang bulok na
katawan ng isang agila na pinaghihinalaang si Hinelaban.

You might also like