Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Ang Dula – ito ay isang paglalarawan ng buhay na ginaganap sa isang tanghalan

Bahagi ng Dula

1. Yugto – ito ang bahaging pinanghahati sa dula. Inilalahad and tabing bawat yugto upang
makapagpahinga ang mga natatanghal gayon din ang mga nanonood.

2. Tanghal – kung kinakailangang magbago and ayos ng tanghalan, ito ang ipinanghahati sa yugto

3. Tagpo – ito ang paglabas masok ng mga tauhang gumaganap sa tanghalan

Mga Uri ng Dula:

1. Trahedya- nagwawakas sa pagkasawi o pagkamatay ng mga pangunahing tauhan

2. Komedya - ang wakas ay kasiya-siya sa mga manood dahil nagtatapos na masaya sapagkat ang
mga tauhan ay magkakasundo

3. Melodrama – kasiya-siya din ang wakas nito bagamat ang uring ito’y may malulungkot na bahagi

4. Parsa – ang layunin nito’y magpatawa at ito’y sa pamamagitan ng mga pananalitang katawatawa

5. Saynete – mga karaniwang ugali ang pinaksa ditto

Mga Elemento ng Dula:

A. Banghay – binubuo ng paglalahad kaguluhan at kakalasan ang banghay ng isang dula

1. Paglalahad – ay isng tuwiran o pakahiwatig na panimula. Sa bahaging, ito ipinapakilala ang mga
tauhang lugar, panahon, tunggalian at ang maaring maganap sa kabuuang aksyon

2. Ang Kaguluhan – sa bahaging ito lumilinaw at nababago ang pagkatao ng pangunahing tauhan
gaya rin ng kanyang pakikipagtunggali sa anumang balakid ng kanyang kinakaharap

3. Ang kakalasan – sa bahaging ito nagluluwag ang dating masikip, at matinding pagtatagisan ng
tauhan o ng mga pangayayari

B. Tauhan – kung babatayan ang pangkalahatang paghahati ng tauhan binubuo lamang ito ng
dalawa: ang tauhang nagbabago habang umuunlad ang aksyon sa dula; at ang tauhang walang
pagbabago mula sa simula ng dula hanggang sa matapos ito.

C. Diyalogo – ito ay may dalawang katangian: una, ito ay gunagamit upang maipaalam sa
manonood o mambabasa ang mga nangyayari na ang mangyayari pa at ang kasalukuyang
nagaganap sa isip at damdamin ng tauhan, ikalawa, ang pagbibitiw ng diyalogo ay kinakailangan
malakas kaysa normal na pagsasalita

Ano Ang Tula? Ang Tula is isang anyo ng sining o panitikan na naglalayong
maipahayag ang damdamin sa malayang pagsusulat.Binubuo ang tula ng saknong at taludtod.Ang
tula ay maaaring distinggihin sa tatlo na bahagi.

Mga anyo ng tula

o Malayang taludturan
o Tradisyonal
o May sukat na walang tugma
o Walang sukat na may tugma

Mga uri ng tula

o Liriko o pandamdaming tula ○


o Awit/Kanta - tungkol sa pag-ibig; hal.kundiman
o Dalit/Hymno - tungkol sa pagpapala sa Diyos, sa pagawit na pamamaraan.
o Elihiya - mapanglaw; tungkol sa kamatayan o kalungkutan
o Oda - matayog na damdamin o kaisipan (paghanga o pagbibigay parangal)
o Soneta - binubuo ng 14 taludtod o linya; nangangailangan ng mabigat o matinding
pagkukuro-kuro
o Nalalarawan - naglalahad ng pangyayari
o Naratibo o nagsasalaysay
o Padula/Drama
o Tulang may aral - nagbibigay ng pahayag kung anong dapat mong gawin;
halimbawa:bal agtasan
o Pampagkataon - may tiyak na pagdiriwang
o Balagtasan
o Duple
Mga sangkap ng tula o Elemento ng tula

o 1. Sukat
o 2. Tugma
o 3. Tayutay
o 4.Ritmo
o a. Pagtutulad
o b. Pagwawangis
o c. Pagsasatao
o d. Pagmamalabis
o e. Pagpapalit saklaw
o f. Balintunay
o 4. Karigtigan
o 5. Symbolo
o 6.Anyo
o 7.Tono
o 8.Persona
o 9.Saknong
o 10.Kaanyuan
o 11.Karikitan
o 12. Indayog

Marami naring depinisyon ang nailathala at naibahagi tungkol sa kahulugan ng tula at hanggang sa
ngayon ay may kalayaan ang kahit sino na magbigay ng personal opinyon o kahulugan ng tula base
na rin sa interpretasyon ukol dito.

Iilan ding magigiting na manunulat ang nagbigat kahulugan sa panunula o tula.Isa na dito ay si
Edgar Allan Poe na kilala sa buong sanlibutan dahil sa pagsulat ng nakagigimbal na mga maiikling
kuwento at mga tula.Ayon sa kanya ang tula ay masasabing ang maaliw-aliw na paglikha ng
namumukod na kagandahan.Sa isang banda naman, Ayon kay Dr. Rufino Alejandro, ang tula ay
nangangahulugan ng LIKHA at ang makata ay tinatawag na MANLILIKHA. Ang tula ay isang
pagbabagong hugis sa buhay. Sa tulong ng guniguni, ang buhay ay nabibigyan ng bagong anyo ng
makata. Kalikasan at buhay ang pinaghahanguan ng paksa ng makata at sa pamamagitan ng
larawang-diwa ay pinupukaw niya ang ating damdamin.

Ayon naman kay Amado V. Hernandez, "Ang tula ay hindi pulos na pangarap at salamisim, di
pawang halimuyak, silahis, aliw-iw, at taginting. Ang tula ay walang di nagagawang paksain. Ang
paham na si Plato ay nagturing na ang tula ay lalong malapit sa katotohanan kaysa istorya at ayon
din kay Alexander Pope ay higit na maringal ang katotohanan kung nakadamit sa tula"

Hindi lang sila ang maaaring magbigay kahulugan sa tula -maging kayo rin! Kaya maging malikhain
sapagkat sa aking palagay Ang tula ay isang pagpapahayag ng kung anong nais sambitin ng
puso na maitatanging obra maestra at siyang gabay na tiyak na kapupulutan ng aral tungo sa
buhay natin.

You might also like