Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Yunit 1

Pagkilala sa Aking
Sarili
Aralin 1
Ang Mga Pagbabago sa Aking Sarili

Layunin

a. Natutukoy ang mga pagbabagong nagaganap sa panahon ng


pagdadalaga/pagbibinata
b. Nakapagbibigay ng mga sariling halimbawa ng mga paraang makatutulong sa
pagpapalago ng mga pagbabagong nararanasan
c. Nakabubuo at naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin
d. Naisasagawa ang mga hakbang na makapaglilinang sa mga pagbabagong
nagaganap sa sarili

Activity: “Aktibong Pagtuklas”

Gawain 1

Ano-ano na ba ang mga napansin mong pagbabago sa iyong sarili mula nang ikaw ay
nakatapos ng ikaanim na baitang? Kompletuhin ang Mind Map ng mga napansing pagbabago
gamit ang unang halimbawa sa ibaba.

pisikal

tumangkad ako

Ang Aking Mind Map

1
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
Gawain 2

Punan ang tsart sa ibaba. Lagyan ng tsek ang mga katangiang sinasang-ayunan mo ayon
sa iyong nararanasan at magbigay ng katibayan ukol sa iyong sagot.

Mga Katangian ng Oo Hindi Hindi ko Katibayan


Pagdadalaga/Pagbibinata alam

May pagbabago sa aking boses

Kilala ko nang lubos ang aking sarili

Lagi kong alam ang dahilan ng aking


nararamdaman

Madalas akong mayamot

Alam ko na ang kukunin kong kurso


sa senior high

Mataas ang pagtingin ko sa aking


sarili

Tumitingin ako sa antas ng


pamumuhay, hitsura, o lifestyle ng
tao sa pakikipagkaibigan
Mahilig akong magbasa

Ako ay aktibo at puno ng ideya

Madalas akong malito sa mga


sinasabi ng matatanda tungkol sa akin

1. Ano-ano pagbabagong nararanasan ng isang kabataang tulad mo sa panahon ng


pagdadalaga at pagbibinata?

2
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
2. Ano-anong maling gawain o paniniwala tungkol sa yugto ng pagdadalaga at pagbibinata
ang dapat mong iwasan at baguhin?

3. Bakit dapat mong maunawaan ang iyong sarili sa panahong ito?

4. Bakit mahalaga ang mga nakatatanda sa panahong ito?

5. Paano ka makapipili ng mga kaibigang tapat sa iyo nang hindi nawawala ang iyong
sariling indibidwalidad?

6. Paano mo mapamamahalaan ang mga pagbabago sa iyong sarili?

Dalaga/Binata Ka Na…
Minsan may isang kuwento ng binatilyo na nagpaalam sa magulang upang lumabas
kasama ng mga kaibigan upang pumunta sa isang party para sa kanyang ikakasal na tiyuhin.
Hindi siya pinayagan dahil bata pa raw siya para sa ganoong pagtitipon. Kinabukasan, nang
tanghaliin siyang gumising ay kaagad siyang pinagsabihan ng kanyang ina na matanda na siya
para malaman na tanghali na at kailangan na niyang bumangon. Natanong tuloy niya, “Ano ba
talaga? Bata pa raw ako pero matanda na rin? Ang gulo!”

Maraming pagbabago ang nararanasan mo ngayon at maaaring naguguluhan ka sa ilang


mga bagay. Madalas kang naiinis o nagagalit agad o nagiging moody o kaya naman ay nagugulat
ka kung bakit minsan ang bilis mong matuto at minsan di mo agad makuha ang mga leksiyon sa
klase. Ikaw ay nasa yugto nang pagdadalaga/pagbibinata kung saan pinagdaraanan mo ang
bahagi ng buhay patungo sa pagiging matanda (adulthood). Gayon pa man, bago mo marating
ang tamang gulang ay kailangan mo munang malagpasan ang hamong dulot ng yugto ng
3
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
kabataan. Kailangan mo ring matutunang pangasiwaan ang iyong damdamin upang maging isang
mapanagutang bata. Una mong mararanasan ang mga pagbabagong pisikal.

Ano ang mga pagbabagong psisikal ang iyong naitala? Alin sa mga sumusunod ang
nararanasan mo na? Lagyan ng tsek ang kahon.

 Pagbabago ng taas
 Pagbabago ng timbang at hubog ng katawan
 Pagbabago sa sekondaryang katangian (balahibo sa katawan, tubo ng dibdib, at
iba pa)

 Panloob na pagbabagong pisikal (buto, leeg, at iba pa)


 Pagkakaroon ng taghiyawat
Pangalawa, ikaw ay nakararanas ng pagsidhi ng damdamin dahil sa pagbabagong
pisikal at glandular. Nadaragdagan pa ang kalituhan at sidhi ng damdamin dahil sa ekspektasyon
sa iyo ng mga tao tulad ng mga inaasahang kakayahan at kilos, marka sa paaralan, barkada, at
pagkagusto sa katapat na kasarian. Madalas tuloy naitatatanong mo kung paano mo
pangangasiwaan at magagampanan ang mga inaasahan sa iyo bilang kabataan.
Ayon sa mga eksperto, ang tanda ng mabuting pangangasiwa ng emosyon ay naipakikita
sa mga sumusunod:
Pagpigil ng emosyon sa tamang panahon at tamang lugar
Pagsangguni sa nakatatanda o nakaaalam bago ang pagdedesisyon
Pag-iwas sa pagmumukmok kapag may suliranin
Pakikipag-usap nang mahinahon, bukas, at may layunin
Pagiging kuntento at masaya sa katayuan sa buhay
Pagkakaroon ng tiyak na layunin at pangarap sa buhay
Ang pangatlong pagbabagong nararanasan mo ay ang sosyal o panlipunang aspeto.
Kung napupuna mo, napakalakas ng impluwensiya ng iyong barkada sa buhay mo ngayon kaya
mahalagang maging mahusay ka sa pagpili ng kaibigan dahil marami ang napapahamak dulot ng
maling impluwensiya ng barkada. Huwag mong kalilimutan ang mga payo ng iyong mga
magulang at pati na rin ang karanasan ng ibang kamag-anak o kakilala dahil sa maling barkada.
Tandaan mo na ang pagrerebelde ay isa ring maling paraan ng paglutas ng problema dahil ito ay
bunga ng masidhing damdamin na maaaring makaimpluwensiya sa maling pagpapasya.
Nariyan na rin ang pagbabago sa pakikitungo sa kasalungat na kasarian, ito ay natural na
proseso sa panahon ng kabataan. Magkakaroon ka ng hinahangaang artista, kaklase, o
nakatatanda ngunit dapat malaman mo muna ang damdaming makapagdudulot ng inspirasyon at
ang mga taong maaari mong maging kaibigan. Sa pakikisalamuha sa ibang kabataan ay
lumalawak ang pakikitungo mo at humuhusay ang interaksiyon at samahan na maaaring
magdulot ng tagumpay pagdating ng panahon.
Ang pang-apat na pagbabago ay ang pagkakaroon ng kaalaman at pang-unawa sa
moral na aspeto. Hindi man lubos na pang-unawa ang nararanasan mo, alam mo kung ano ang
tama o mali. Sa bahaging ito ay nakadarama ka na ng tawag ng konsensiya, nakadarama ka na ng
pag-aalala sa kapakanan ng iba, at natututo ka nang magtimbang ng mga pagpapasiya. Mahalaga
4
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
ang pagsangguni sa nakatatanda at ang pagdarasal upang mapalawak ang ating pagmamalasakit
at pang-unawa sa ating kapwa.
Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng tamang pamamahala ng emosyon at
pagtanggap ng mga pagbabago sa panahon ng kabataan? Lagyan ng tsek ang kahon.

 Pagbulyaw sa nakatatanda
 Paghingi ng paumanhin kung nagkasala
 Madalas na pagpupuyat sa pagbisita sa mga social networking sites (SNS)
 Paggawa ng mga takdang-aralin sa tamang oras
 Pakikipagkaibigan lamang sa katapat na kasarian
 Palagiang paglilinis ng katawan
 Pagsasabi ng totoo sa lahat ng pagkakataon
 Pagsunod sa nakatatanda
 Pamimintas o paninira sa ibang tao
 Pagdadabog o pagmumukmok kapag napagsasabihan
Gawain 3

Isulat sa kasunod na graphic organizer ang mahalagang konseptong naunawaan mo sa


araling ito.
Ngayong natutunan mo na ang ilang mga pagbabago sa yugto ng
pagdadalaga/pagbibinata, ano-ano ang naunawaan at natuklasan mo sa iyong sarili? Isulat ang
mga ito sa ibaba.

Ako
Ako Noon Ngayon

5
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili

Aking bagong natutunan (Learned):

Aking pahahalagahan (Appreciate):

Aking lilinanging kakayahan (Skills):

“Pagtataya”

A. Isulat ang TAMA sa patlang kung ang pahayag ay wasto. Kung mali, salungguhitan
ang maling salita o parirala at itama ito. (2 pts. each)

__________ 1) Kailangan munang malampasan ng kabataan ang mga pagbabago at hamong dala
ng pagbibinata/pagdadalaga upang maging mapanagutang bata.

__________ 2) Ang isa sa mga paraan ng tamang pamamahala ng emosyon ay ang


pambubulyaw sa matatanda.

__________ 3) Ang pagdama ng tama at mali ay pagkaunawa at pagkaalam ng kabataan na wala


siyang konsensiya.

__________ 4) Isa sa mga dahilan ng pagsidhi ng damdamin ng isang kabataan ay dahil sa


pagbabagong pisikal at maskular.

6
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
__________ 5) Ang pinakahamon sa yugto ng kabataan ay ang pangasiwaan ang kanyang pag-
aaral.

B. “Aktibong Paglalapat”

Gumawa ng tsart ng My Everyday Resolution to a Changed Me para sa isang linggo.


Pumili ng apat na developmental tasks upang baguhin ang mga negatibong gawi. Ang tsart na
ito ay ipapasa sa iyong guro. Lagyan mo ito ng karampatang desisyon kung nagawa mo o
kailangan mo pang paunlarin. Lakipan ng mga larawan ang developmental tasks na nais
paunlarin.
 May nabuong hakbang sa paglilinang ng mga pagbabago sa panahon ng
pagdadalaga/pagbibinata (5 puntos)
 Makatotohanan ang mga naitalang suhestiyon sa paglinang ng mga negatibong
katangian (5 puntos)
 May kalakip na patunay ng pagsasakatuparan ng mga hakbang sa paglinang ng
naitalang inaasahang kakayahan at kilos (5 puntos)

Self -Talk to a New Me

Mga Katangian na nais Bakit Dapat Baguhin Resolusyon o


Baguhin Ayon sa Dapat Gawin
Developmental Tasks Sariling Ayon sa Ayon sa
Pananaw Kaibigan Magulang
1.

2.

3.

7
Yunit 1
Pagkilala sa Aking
Sarili
4.

You might also like