Download as txt, pdf, or txt
Download as txt, pdf, or txt
You are on page 1of 807

Table of Contents CHAPTER 1 - Prin Matsui

CHAPTER 2 - Obligation

CHAPTER 3 - His Shogun

CHAPTER 4 - I want be part of it

CHAPTER 5 - First Day of Training

CHAPTER 6 - Group Leader

CHAPTER 7 - Struggles of being a trainee

CHAPTER 8 - Missing Katana

CHAPTER 9 - Drunk

CHAPTER 10- My Baby Panda

CHAPTER 11 - Flag Fight

CHAPTER 12 - Indescribable Feelings

CHAPTER 13 - I'm here to Marry you

CHAPTER 14 - Live a normal life

CHAPTER 15 - Nosebleeding

CHAPTER 16 - Make-over 101

CHAPTER 17 - Your Boyfriend is Cally Han?

CHAPTER 18 - Best husband

CHAPTER 19 - Sweeter and Deeper

CHAPTER 20 - The twins got kidnapped

CHAPTER 21 - They thought Hans were simple

CHAPTER 22 - Practice makes perfect

CHAPTER 23 - Choosing a dress

CHAPTER 24 - Fearless and Courageous

CHAPTER 25 - This guy have the guts

CHAPTER 26 - She knew a lot of sports

CHAPTER 27 - You know how to?

CHAPTER 28 - Introducing Boyfriend

CHAPTER 29 - Racing Game

CHAPTER 30 - Racing Game Part 2


CHAPTER 31 - Cally's good show

CHAPTER 32 - Vacation?

CHAPTER 33 - Love Room

CHAPTER 34 - Perfect for Him

CHAPTER 35 - Romantic place

CHAPTER 36 - Mayor's first attempt

CHAPTER 37 - Failed attempt

CHAPTER 38 - Dream guy

CHAPTER 39 - Sicko Perv!

CHAPTER 40 - Returning Favor

CHAPTER 41 - The Man in the Photo

CHAPTER 42 - Popular Guy

CHAPTER 43 - Ana's Gift

CHAPTER 44 - Pay the Bill

CHAPTER 45 - Be responsible as a girlfriend

CHAPTER 46 - Bourbon effect

CHAPTER 47 - What's inside your heart?

CHAPTER 48 - Brainless Sean

CHAPTER 49 - You are the best

CHAPTER 50 - Boyfriend Material

CHAPTER 51 - A thousand followers

CHAPTER 52 - Provoked

CHAPTER 53 - Your recent boyfriend

CHAPTER 54 - Rebellious Child

CHAPTER 55 - Beach Volleyball

CHAPTER 56 - Biggest Fan

CHAPTER 57 - Punishment

CHAPTER 58 - Can't wait, My Angel

CHAPTER 59 - A mistress' child


CHAPTER 60 - Rich Boyfriends

CHAPTER 61 - Flower Delivery

CHAPTER 62 - Kidnapped

CHAPTER 63 - We will Play

CHAPTER 64 - Pizza Delivery

CHAPTER 65 - Tortured

CHAPTER 66 - Cut off his hands

CHAPTER 67 - Get out of this country

CHAPTER 68 - His Little Kitten

CHAPTER 69 - Her new mission

CHAPTER 70 - Work hard for you

CHAPTER 71 - Sweetest Reward

CHAPTER 72 - Secret Transaction

CHAPTER 73 - Suspects

CHAPTER 74 - Mystery

CHAPTER 75 - Have the same Dream

CHAPTER 76 - Couldn't bear to lose her

CHAPTER 77 - Where is Bella?

CHAPTER 78 - Hitomi is back

CHAPTER 79 - To rescue his Angel

CHAPTER 80 - A Beautiful Potion

CHAPTER 81 - Old Witch

CHAPTER 82 - His Angel

CHAPTER 83 - Matthew saved her

CHAPTER 84 - Anything for her

CHAPTER 85 - Cooking knowledge

CHAPTER 86 - Principles in Life

CHAPTER 87 - The Hacker

CHAPTER 88 - Stay by your side

CHAPTER 89 - White versus Dark Guards


CHAPTER 90 - Gon escaped

CHAPTER 91 - Do you hear my heart?

CHAPTER 92 - Where am I?

CHAPTER 93 - You've been marked

CHAPTER 94 - Puerto del Carmen

CHAPTER 95 - Gold plated dog tag

CHAPTER 96 - Sweet punishment

CHAPTER 97 - His Baby Panda

CHAPTER 98 - Wedding crashers

CHAPTER 99 - Wedding Night

CHAPTER 100 - Don't tell Shi

CHAPTER 101 - Finding the girl

CHAPTER 102 - She's pregnant

CHAPTER 103 - For Prin Matsui

CHAPTER 104 - Act like Jon Snow

CHAPTER 105 - Ecstacy

CHAPTER 106 - Guinea pig

CHAPTER 107 - Yummy and Delicious

CHAPTER 108 - Compatible

CHAPTER 109 - Donna, My Love

CHAPTER 110 - Be my girlfriend

CHAPTER 111 - Labour

CHAPTER 112 - Looking for Cassandra

CHAPTER 113 - Meant for each other

CHAPTER 114 - You are the guy

CHAPTER 115 - Talk to him

CHAPTER 116 - Love and Trust

CHAPTER 117 - Communicate all the issues

CHAPTER 118 - Unexpected Meeting


CHAPTER 119 - The capsule Bomb

CHAPTER 120 - Expediting

CHAPTER 121 - Final stage

CHAPTER 122 - Golden Time

CHAPTER 123 - Babysitting

CHAPTER 124 - Bad Day

CHAPTER 125 - Wedding day

CHAPTER 126 - She might be dead

CHAPTER 127 - Serious Engagement

CHAPTER 128 - Pagsubok

CHAPTER 129 - Challenge from Mayu

CHAPTER 130 - Bombs

CHAPTER 131 - A place to stay

CHAPTER 132 - Where are they?

CHAPTER 133 - Master Higo

CHAPTER 134 - Finding the terrorist

CHAPTER 135 - A sudden visit from Hans

CHAPTER 136 - Hakkaido Wolf

CHAPTER 137 - The girl

CHAPTER 138 - Made in France

CHAPTER 139 - Take care of yourself

CHAPTER 140 - Left out

CHAPTER 141 - Lured them

CHAPTER 142 - The traitor

CHAPTER 143 - Dearest friend

CHAPTER 144 - No more be friends

CHAPTER 145 - Princess Ghost Ship

CHAPTER 146 - I'm wrong

CHAPTER 147 - To capture Gon

CHAPTER 148 - Ai Shiteru Yo (I love you)


CHAPTER 149 - Strong for his baby

CHAPTER 150 - Her last smile

CHAPTER 151 - The New Yuna

CHAPTER 152 - Marry my sister

CHAPTER 153 - Don't go

CHAPTER 154 - Visitors

CHAPTER 155 - I want my Mommy

CHAPTER 156 - I saw a cockroach

CHAPTER 157 - I'm sorry

CHAPTER 158 - Like a wife

CHAPTER 159 - Kiss on her lips

CHAPTER 160 - Disaster

CHAPTER 161 - Goodnight Kiss

CHAPTER 162 - Pass out

CHAPTER 163 - Filled with fireworks

CHAPTER 164 - Let's keep it a secret

CHAPTER 165 - Secret fans

CHAPTER 166 - Can't keep secrets

CHAPTER 167 - Not a good Spy

CHAPTER 168 - Cally's Fans

CHAPTER 169 - You must explain

CHAPTER 170 - Her Onesie

CHAPTER 171 - Dare to use his name

CHAPTER 172 - Mommy with Antman

CHAPTER 173 - Whirlwind Romance?

CHAPTER 174 - Weird nicknames

CHAPTER 175 - Antman vs Snow White

CHAPTER 176 - No, she was Prin

CHAPTER 177 - Dark Guards are here


CHAPTER 178 - Double the price

CHAPTER 179 - How much is your life

CHAPTER 180 - Hard to conceive

CHAPTER 181 - Caught

CHAPTER 182 - Your Mom is Here

CHAPTER 183 - The Visitor

CHAPTER 184 - Mommy and Baby's Trouble

CHAPTER 185 - Si Askal

CHAPTER 186 - Piano competition

CHAPTER 187 - Nosejob

CHAPTER 188 - Sweet Revenge

CHAPTER 189 - Hide forever

CHAPTER 190 - Gon Peter is here

CHAPTER 191 - I'm afraid, Brother Khalid

CHAPTER 192 - Think Prin, Think!

CHAPTER 193 - How pathetic?

CHAPTER 194 - You are not a Peter

CHAPTER 195 - Surprise Visit

CHAPTER 196 - Hunger

CHAPTER 197 - The big surprise

CHAPTER 198 - I hate Mistresses

CHAPTER 199 - Love, Joy and Laughter

Description Warning: This novel is strictly for mature readers only. (With s*x and
violent content) COMPLETE/FREE Pitong taon ang nakalipas nang ipinagkasundo si Prin
at Cally ng mga magulang dahil ang dalaga ang best candidate para maging asawa ng
binata. Her cherry blossom scent made himfall in love with her. Namatay si Prin
matapos ang isang misyon, ang iligtas ang isang kaibigan. Ngunit paano kung matapos
ang pitong taon ay bumalik ito nang nagdadalang-tao at siya ang ama? Read this
rollercoaster story of Prin and Cally, the Master of Dark Lords.
NANUNUOT ang hamog sa buong kapaligiran sa lugar na iyon sa UK. Nasa loob siya ng
isang kulungan na gawa sa bakal na hinihila ng isang sasakyan papunta sa norte.

Dinukot siya ng pamilya ng Peters kaya alam ni Cally na nagsimula na ang laban sa
pagitan ng mga ito laban sa pamilya niya, ang Pamilya Kent.

Pinipilit niya na hindi makatulog sa nagaganap.

Hindi pwede na mawala ang malay niya dahil sa sobrang ginaw. Naisip niya ang Mama
niya, ang Daddy niya at ang tatlo pa niyang mga kapatid.

Isa pa, hindi maaari na mamatay siya doon. Sigurado siya na iiyak ang Mama niya.
Magdedeklara ng digmaan ang Daddy niya. At hindi matatapos ang laban sa pagitan ng
lahat.

Sa loob ng ilang taon, nagsikap si Cally na angatan ang kung anuman ang narating ng
magulang niya.

Kaya nga ilang taon din siyang nag-train. Dahil alam niya na noon pa man, siya ang
Prince of 'Dark Lords' na magiging Master sa buong samahan pagdating ng takdang
panahon.

Nagising sa kaisipan si Cally dahil bigla na lang may tumalon na babae mula sa kung
saan hanggang sa makasampa sa ibabaw ng kulungan.

"Gilid!" sabi nito.

Sinunod naman niya ang nais nito. May kinabit ito na kung ano sa rehas na bakal na
nakapagpatunaw sa bagay na 'yon.

Habang unti-unting umiinit at natutunaw ang rehas, napansin sila ng isang bantay
mula sa loob ng sasakyan.

"Hoy!" sigaw nito at nagmadaling lumapit sa kanila. Pero ilang dipa pa lang ang
layo nito sa kanila ay may inilabas nang animo'y karayom ang babae dahilan upang
maparalisa ng kaunti ang lalaking iyon.

Hindi nito naigalaw ang katawan na tinusukan ng bagay na iyon.

Ngumisi lang ang babae. Ilang minuto pa ay natunaw na nang tuluyan ang bakal at
agad na lumabas si Cally.

Noon lang niya nasuri ng mabuti ang babae sa malapitan.

Mahaba ang buhok nito na naka-pusod ng mahigpit. Wala ni isa man na hibla ng buhok
ang nalipat sa ibang pwesto.

Mata na maihahalintulad sa diyamante, maganda at kumikinang.

Sa height ni Cally na naglalaro sa anim na talampakan at higit pang pulgada, sa


tingin niya nasa limang talampakan at limang pulgada ang tangkad nito.

Makinis ang mukha, matangos ang ilong at manipis ang labi.

Napaisip si Cally na may mali sa sitwasyon.

Iniligtas ba siya ng isang prinsesa?


"Bago pa nila tayo mahuli, kailangan na nating umalis!" paalala nito sa kanya.

Doon lang nakabalik si Cally sa reyalisasyon.

"Who are you?" tanong niya dito.

"Cally, are you joking? Prin Matsui. Remember?" nagtaas ang kilay nito at parang
hindi makapaniwala sa kanya.

Agad din namang naglaho ang imahe at ang pangyayaring iyon nang bumalikwas ng
bangon si Cally.

Mabilis ang tibok ng puso niya. Nitong mga huling araw, madalas niyang
mapanaginipan ang babae.

Nasasaktan siyang isipin na namatay ito, ang asawa niya dahil sa kapabayaan niya.

"Prin…" usal niya sa pangalan ng babae.

BUMALIKWAS ng bangon si Cally dahil napanaginipan niya si Prin. Tumayo siya mula sa
kama at tumuloy sa kusina para kumuha ng tubig.

Matapos diretsong inumin ang tubig mula sa fridge, isinandal muna niya ang
magkabilang kamay sa magkabilang gilid ng ref.

Sinilip niya ang relo na nasa pader. Alas tres ng madaling araw.

Wala na siya sa mood na matulog kaya nagpalit siya ng running clothes saka lumabas
ng bahay. Nag-iisa siya sa bahay na nabili niya nang nakaraang taon nang
mapagdesisyunan niyang manatili sa Maynila para tumulong sa Daddy niya sa business.

Naisip niyang tumakbo na lang sa buong village.

Habang tumatakbo ay naisip niya si Prin, ang namatay niyang asawa.

Bumilis ang takbo ni Cally nang maalala ang babae.

*****

"Hindi ko na kaya Cally" umiiyak na sabi nito habang nakahawak ang kamay sa makapal
na tali. Nasa bangin ito dahil tinulak ng isang White Guard mabuti na lang at
naihagis niya kaagad ang tali para mahawakan nito matapos niyang baliin ang leeg ng
White guard na iyon.

May pilay sa kamay si Cally na nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang
katawan ng babae kaagad.

"Honey, please.. Please.. Hold on." sabi niya habang ginagamit ang buong lakas para
maiangat ito papunta doon sa itaas.

"Ahh!!!" hiyaw ni Cally. Dahil biglang may sumaksak sa braso niya.

Lalong lumakas ang iyak ni Prin dahil nakita nito ang nagaganap sa itaas.

Naramdaman nalang ni Cally na gumaan ang hawak niya dahil bumitaw na ang babae.
"Noooooo!!!!"

*****

*huff* *huff*

Hinihingal si Cally sa pagtakbo nang makabalik sa bahay. Nakayuko niyang hinawakan


ang tuhod. Hanggang sa mga oras na iyon, naaalala niya ang babae.

Tumuloy siya sa bahay. Uminom muna muli ng tubig at dumeretso sa mini Gym niya.
Meron siyang boxing punching bag, bike at kakaunting weights.

Sinimulan niyang suntukin ang punching bag para mailabas ang galit niya sa dibdib.

Naaalala niya ang nakangiting mukha ng babae habang sumusuntok sa punching bag.

Ilang suntok pa, umalingawngaw ang tunog ng telepono sa buong bahay kaya nalipat
ang atensyon niya.

"Yes?" sagot niya. Hindi siya sanay na sumagot ng "Hello" sa telepono dahil iilan
lang ang nakakalam sa numero ng landline na iyon.

Isa pa, tanging tauhan at mga kapatid niya ang nakakaalam ng numero na iyon.

"Master, pinatatawag ka ni Madam Lira. Kailangan niyong bumalik sa UK." sagot ng


nasa kabilang linya.

Binaba niya agad ang tawag. Kung ano ang responsibilidad ni Cally sa kompanya ng
MGM ay mas mabigat ang responsibilidad na meron siya sa samahan ng Dark Lords.

At hindi siya basta-basta papupuntahin doon ng Lola niya na si Madam Lira nang
walang dahilan.

Agad niyang inayos ang gamit. Tinawagan ang piloto ng personal niyang eroplano para
abisuhan ito.

Habang nasa sasakyan papunta sa airport, tinawagan niya ang Daddy niya na si Cloud
Han para ipaalam dito na mawawala siya ng ilang araw.

"Dad, I'm going to the UK."

Matagal na tahimik ang Daddy niya sa kabilang linya.

"I have never said I'm sorry in the past, I'm sorry if you became my son that you
were able to do these hard things." sabi nito sa kabilang linya.

Nalungkot siya sa sinabi nito. He will never question himself or his family being a
Kent or Han because he loves all of them.

Pero naiintindihan niya na lihim na nalulungkot ang pamilya niya dahil kung hindi
rin dahil sa responsibilidad na meron siya ay buhay pa sana si Prin.

"Dad, I like what I am doing. you don't have to say sorry."

Tahimik muli ito. "are you now ready to be the Headmaster of the Dark Lords?"
tanong nito sa kanya.

"Yes"
SINALUBONG siya ni Lorenz, isang shogun (head ng Dark Guards) pagdating sa airport.

Si Lorenz ang kasa-kasama niya at naging matalik na kaibigan simula pa noong nagt-
training siya sa UK. Kung palaging seryoso ang mukha ni Cally, mas seryoso ang
unang impresyon kay Lorenz.

Kasama niya ang lalaki simula pa ng magkakilala sila nito sa daan. Isang out of
school youth ang kaibigan niya na madalas magnakaw noon para makakain.

Sa una ay madalas niya lang makita ang lalaki mula sa sinasakyan tuwing uuwi siya
mula sa eskwelahan. Grade six siya noon. Palaging tumatakbo ito sa gilid ng
eskenita na may bitbit na kung anu-ano kada araw.

Hanggang sa makita niya na sinasaktan ito ng isang mama na napag-alaman niyang


tatay nito. Binubugbog si Lorenz at inuutusan na magnakaw ng mas kapaki-pakinabang.
Isang lasinggero at sugarol.

Inutusan niya ang chauffeur na tulungan si Lorenz. Pinagmasdan ng lalaki ang


chauffeur.

"Hmp! Tutal naman ay gusto mo siyang tulungan, kung gusto mo ay kunin mo na itong
anak ko kapalit ng singkwenta mil!"

Napataas lang ng kilay ang chauffeur.

Lumabas si Cally ng sasakyan. Naglabas siya ng dalawang Cash Card na naglalaman ng


tig-singkwenta mil.

"Here are the cards, pin is 1234. Isang daang libo ang kabuoan na laman niyan. I
don't want to see you ever again," matapang na sabi niya sa lalaki.

Halatang nagising ito sa katinuan at napangisi. Umalos ang lalaki na bitbit ang
cash card

"Get him in!" utos niya sa chauffeur.

Doon nga nagsimula ang pagkakilala nila ng lalaki. Malalim ang respeto nito sa
kanya dahil hindi ito magiging head ng dark guards o shogun kung hindi sila
nagkakilala.

Malamang ay tumulad ito sa tatay nito na lasenggero.

Ang 'Dark Guards' ay binuo ng uncle niya na si Rob na siya ring biyenan niya.
Nagsimula ang samahan sa henerasyon nila para mas mapagtibay ang samahan ng Dark
Lords.

Hindi tulad ng Dark Lords na sinasang-ayunan lang ng mga nakatatanda at head of the
families kung karapat-dapat ang Headmaster na magmumula sa Kent Family, sa Dark
Guards, lakas ang labanan. Kada ika-dalawang taon maglalaban-laban ang mga guards
sa mansion ng Matsui. Kung sino ang mananalo sa buong match, ito ang magiging
Shogun o ang pinuno.

Kasabay niya na nag-train si Lorenz. At dahil sa determinasyon nito na tulungan


siya. Sa loob ng sampung taon, ito ang nananatili na Shogun. Sa susunod na buwan
magsisimula muli ang match kaya kailangan nito na magsanay.

Sa mata lang sila nag-usap ng kaibigan. Hindi na kailangan pang magtanong ni Cally
na naabisuhan na ito ni Madam Lira kaya ito nandoon.

Binigay lang niya lang ang bitbit na gamit sa isang attendant. Umupo sila sa
komportableng lazy boy na nasa magkabilang side.

"Sa susunod na buwan ang simula muli ng match," sabi nito.

"Kung ganoon, kailangan mo nang magsanay muli."

"sisiw," mayabang lang na sabi nito.

Pinikit lang ni Cally ang mata niya dahil mahaba-haba ang byahe at binalikan ang
nakaraan sa kanila ni Prin.

HINDI isang simpleng babae si Prin.

Nabuhay siya sa mundo ng martial arts. Bata pa lang ay mahilig na siyang manood ng
mga nagp-praktis sa bahay nila.

Naiinis siya kapag binibihisan siya ng bulaklakin na kimono o yukata, isang


japanese traditional clothing.

Katorse anyos si Prin na alam na ang gusto na gawin sa buhay nang unang magkita
sila ni Cally.

Lihim siyang nagsasanay sa training room dahil dis-oras na ng gabi. ayaw ng Dad
niya na matulad siya dito.

Pumili siya ng katana sa gilid. Saka nagsimula na kumilos.

Ilang minuto na siya sa pag-aral ng maramdaman niya na may nanonood sa paligid.


Nabitawan niya bigla ang Katana.

"Hindi ganyan ang tamang paghawak at pagbagsak ng isang delikadong armas. Tsk tsk!"

KAUNTING-KAUNTI na lang mapuputol na ang paa niya ng katana nang mahulog iyon.
Napalingon siya sa binata na sa palagay niya ay iilang taon lang ang tanda sa
kanya.

Mestiso ang lalaki, baby face at matikas ang katawan. Nakasando lang kasi ito kaya
kita niya ang hubog at mga laman sa katawan ng lalaki. Idagdag pa doon na makinis
ang pisngi at balat nito, kaya bigla siyang nakaramdam ng hiya.

Never in her entire life na ma-conscious sa itsura niya. Nagkataon lang siguro na
para itong anak ng diyos na hinulog mula sa langit.

"S-sino ka?" tanong niya rito. Kilala niya kasi ang mga bantay sa buong mansyon at
alam niyang hindi ito basta guards lang.

Hindi siya nito sinagot.

Lumapit ang lalaki at dinampot ang katana at sinuring mabuti. "I'm a trainee. I was
here almost every year. Pero hindi kita nakikita. I think, ikaw ang anak ni Uncle
Rob," sabi nito sa kanya.

"This Katana was nice. But as a lady, you should be using a bokken (wooden sword)
instead."

Humalukipkip si Prin "I'm not a lady anyway!" ayos 'tong lalaking ito para manduhan
siya.

Seryoso lang ang mukha ng binatilyo na tiningnan siya mula ulo hanggang paa at
ibinalik muli nito ang tingin sa inosente niyang mukha.

"Yeah, you are right. Why and what are you doing here?" tanong nito.

"Where am I supposed to be?" Balik na tanong niya. Nainis siya dito lalo na nang
kumpirmahin nito na hindi nga siya mukhang babae.

"In your room." simple lang na sabi nito habang sinusuri pa rin ang katana.

"Well, this entire mansion is my home. Kahit saan pa ko magpunta is none of your
business. Ikaw nga diyan ang pakalat-kalat dito sa bahay namin."

"If this is your home, let's call a guard and let's see kung sino sa atin ang
pababalikin sa kwarto." sabi nito ng seryoso.

Iba naman ang dating nito sa kanya. Nayayabangan siya sa awra at sinabi nito.

"I'll count into three. They will be here for sure once I call them."

Naiinis si Prin. Sigurado kasi na pagagalitan siya ng Daddy niya kapag nalaman nito
na kinuha niya sa nakasalansan na mga matatalim na armas ang isang mabigat at
nakakasugat na katana. Hindi lang iyon, lihim siya na nag-eensayo.

At sa palagay niya, alam ng lalaki na pinagbabawalan siya doon.

Madalas kasi na nandoon siya sa kabilang wing kung saan lang siya pwede. Hindi siya
pwede sa training area.

"Makakaganti rin ako sa iyo!" sabi niya saka naiinis na umalis.

Naiwan si Cally na tinitingnan pa rin ang katana. May simbolo kasi ang hawak niya
at sa palagay niya ay hindi lang iyon basta-basta katana. Nagsimula pa iyon sa
Heian Period.

Hindi niya akalain na may ganoon doon sa panahon nila. Ilang daan taon na ang
katana na iyon at pinaglalaruan lang ng babae. Tsk!

Kaga-graduate lang niya ng high school at hiniling niya agad sa magulang niya na
magpunta doon at sumabak sa unang batch na binubuo ni Rob na Dark Guards.

Kailangan niyang mag-training muna sa Dark Guards sa loob ng isang taon. Isang
sikreto rin na anak siya ni Cloud Han para ma-protektahan ang sarili dahil maraming
nagmamasid sa kanya.

Nasabi na sa kanya ng Pamilya niya na nagsisimula na ang politikahan sa Samahan ng


Dark Lords. Nangyari ang lahat nang may ipapatay ang daddy niya at naging hudyat
ang pagkamatay ng mabagsik na si Master Kent.

Nahahati sa pitong Lider ang Dark Lords. Ang Kent ang pinakamataas kung saan
nabibilang si Cally.

Pamilya ng Jackson, Smith, Peters, Byrne, Park at ang huli ang Matsui. Bawat
pamilya ay may kanya-kanyang responsibilidad na kailangang gampanan at namumuno sa
magkakaibang syudad.

NAIINIS si Prin nang makabalik sa kwarto niya. Gusto niyang sipain sa mukha ang
lalaki na nakita niya sa training area sa kabilang wing ng mansyon.

Sigurado si Prin na hindi isang simple lang ang taong iyon. Naalala niya kung paano
kumilos ang lalaki. Kung paano nito suriin ang katana. Para bang aral ang kilos at
galaw nito.

'Hmp, feeling pogi'

Pinilit niyang pumikit at matulog. Dahil sa pagod sa pag-ensayo, nakatulog naman


kaagad si Prin.

Kinabukasan napag-alaman niya na may mag-eensayo sa mansion. Isang daan katao na


nagmula pa sa iba't-ibang bansa.

Pili ang lahat ng trainees, ang iba ay nag-iisa na lang sa buhay. Ang iba ay kusang
nag-rehistro para sa binubuo ni Rob na Dark Guards. Literal na guards ang mga magt-
training pero susweldo ng isang daan libo kada buwan matapos ang isang taon at
madadagdagan iyon muli ng singkwenta mil makaraan muli ng kada-isang taon kaya
naman marami ang nagrehistro.

Gayunpaman, hindi biro ang training dahil si Rob ang mamumuno. Hindi niya pipigilan
ang sino man sa trainee na sumuko dahil ibig sabihin lang din noon ay hindi
karapat-dapat na maging dark guard ang aalis.

Sa loob ng tatlong taon magkakaroon ng assessment, pero sisiguraduhin ni Rob na


makakapasa ang lahat sa training na gagawin nya.

HINANAP ni Prin ang Daddy niya dahil gusto niyang magtrain. Natagpuan niya ito sa
opisina.

"Dad, gusto ko magtrain sa Dark Guards." sabi niya dito. May mga babae rin kasi na
nagrehistro kaya alam niya na pwede siyang sumali dito.

Ibinaba ni Rob ang dyaryong binabasa. "Hindi pwede."

"Bakit?" malungkot na tanong niya.

"Prin, delikado ang training na ibibigay ko sa trainees bilang Dark Guards. Isa pa,
siguradong magagalit sa akin ang Mommy mo at ang lola mo kapag nalaman nila na
sasali ka sa Training." paliwanag nito.

Napayuko si Prin.

"Gusto ko sumali at mag-training. Dad, payagan mo na ako." parang nawawalan na siya


ng pag-asa.

Nalungkot si Rob. Sa palagay niya, namana ni Prin ang pagkahilig nito sa mundo niya
ay dahil din sa kanya. Pero katorse pa lang si Prin at sigurado na hindi pa talaga
nito alam ang gusto nitong gawin.

"Come here." tawag ni Rob sa anak niya. Lumapit si Prin, kumadong at niyakap niya
ang Daddy niya.
"Dad… gusto ko talaga na sumali sa training. Hindi ako mahilig sa manika, sa mga
bag na maraming burloloy at kung anu-ano pa. Noon pa man, gusto ko na ang ginagawa
mo."

Humugot ng malalim na hininga si Rob, mukhang malaki ang impluwensya na naibigay


niya sa anak. "kung ganoon pababantayan kita. Hindi pwedeng magreklamo."

Nasa ganoong posisyon sila nang magbukas ang sliding door na gawa sa kahoy at
bumungad si Cally.

"Uncle, Tapos na ko sa online course." kumukuha kasi si Cally ng online course sa


International University. Kailangan mataas ang marka bago payagan na 'no-show' sa
aktwal na klase.

Kahit tuwing exam lang siya pwedeng pumunta. Tulad ng Mommy niya na si Ginny Lopez,
lahat silang magkakapatid ay pare parehas na matatalino kaya siya ang nakakuha ng
pinakamataas na grado at score sa exam.

Nakakita naman ng liwanag si Rob. "Cally, may misyon ako na ipagagawa sa iyo sa
loob ng ilang buwan."

Hindi sumagot si Cally at hinintay lang ang sasabihin ni Rob.

"Tutulungan mo si Prin at kailangan na masiguro na ligtas siya sa training."

INILIPAT lang ni Cally ang paningin niya sa babaeng mukhang uhugin na nakakandong
pa sa kanyang Uncle Rob. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito pero hindi
mahahalata sa mukha niya.

Nanatiling seryoso ang tingin niya sa mga ito. Ganoon din naman ang mga ito sa
kanya.

Hindi rin siya sumagot para ibigay ang opinyon. Hindi rin naman kasi talaga isang
trainee si Cally bilang Dark Guards, naroon lang siya para magsanay kasama ng mga
iyon. At malaking pasalamat niya kay Rob.

Nagliwanag naman ang mukha ni Prin. Kahit pa pabantayan siya sa lalaki ay okay
lang. Ang mahalaga ay napayagan siya sa wakas.

Isa pa, may plano si Prin na makaganti rito sa lalaki.

"You can go ahead. Training will start at ten. Pwede ka nang magpalit ng damit."
sabi ni Rob sa anak.

"Yes! Thank you Dad, I love you so much!"

Lalong hindi nagustuhan ni Cally ang ginawa nito. Isang uhugin na bata talaga ang
tingin niya dito parang ang kapatid niyang kambal.

"He is Cally. Ito naman ang anak ko na si Prin." pakilala ni Rob sa kanila.

Lumabas si Cally nang walang reaksyon at sumunod naman sa kanya si Prin. Isa lang
naman ang mahihiling niya, huwag sanang gumawa ng hindi niya magugustuhan ang
babae.
"Hey, you!" sabi nito sa likod. Kinalabit siya nito. Lalo namang nakadagdag sa
pagkairita ni Cally ang sinabi at ginawa ng babae.

Nilingon ni Cally ang babae. "Marami pa akong plano na gagawin. Pero dahil
pinabantayan ka sa akin ni Uncle Rob, wala rin akong magagawa kundi ang sundin
siya. kaya naman isa lang ang mahihiling ko, 'wag ka sana maging pabigat."

Hindi makahanap si Prin ng isasagot dito. Mukha ba siyang pabigat? Sumimangot siya.
Hahanap talaga siya ng paraan para makaganti dito sa lalaki.

Nagpunta sila sa training area. Unang beses ni Prin na makita ang mga trainees.

Karamihan sa kanila ay nag-eensayo na. Ang iba ay nagk-kwentuhan.

"Hello, Cally! Who is this little girl?" tanong ng isang babae na may kasama na
matangkad din na lalake.

"Prin." simpleng sagot ni Cally. Tumuloy lang sila sa paglakad hanggang sa


makarating sa shower area. Kumuha si Cally ng damit sa mga nakasalansan sa isang
kabinet.

"Choose your size here. Then, magbihis ka na. Malapit na magsimula ang training."
utos ni Cally.

Pare-parehas kasi ang suot ng lahat ng trainees. Isang activewear na pinasadya para
makakilos sila pare-parehas ng maayos.

"I know what to do! Hmp!" ismid ni Prin. Pumili ng damit saka tumuloy sa ladies
area para magpalit.

Doon lang napansin ni Cally na nakasunod pala ang dalawang kaibigan. Si Donna at si
Lorenz.

Si Donna ay kaklase niya. Si Lorenz ay masasabi na ampon nila sa bahay sa loob ng


ilang taon.

"Who is that girl?" Tanong ni Donna.

"Prin Matsui. But don't tell anyone. Huwag mo rin sabihin sa kanya ang apelyido
ko." Naniniwala kasi si Cally, na baka ang anak ni Rob pa ang maging dahilan ng
ikapa-pahamak niya doon sa training.

Bukod kasi sa uhugin, clumsy ang tingin niya dito.

Tahimik naman si Lorenz.

Lumabas si Prin mula sa loob ng ladies room ng bagong bihis. Hindi ito sinilip ni
Cally, basta sa isip niya ay nakabihis na ang babae at sapat na iyon.

Humalo sila sa ibang trainees na nasa isang hall. Nag-indian sit lang si Cally sa
isang gilid saka pumikit.

Nagsimula naman na mag-ensayo si Donna at Lorenz. Nanatili si Prin na nagmamasid at


hindi alam ang gagawin. Sa hindi niya malaman na dahilan. Bigla siyang nagmukhang
tanga sa lugar.

"Hey! Anong gagawin ko?" kalabit niya kay Cally pero hindi siya nito pinansin.
INILAPIT ni Prin ang mukha niya sa tenga ni Cally at saka nagsalita.

"Hey! Anong gagawin ko?!"

Dumaloy ang mainit na hininga ni Prin sa pagkatao ni Cally. Para siyang nakuryente
sa ginawa nito. Halata ang pagkainis niya. Lumayo siya agad sa babae.

"I am starting to meditate. Pero sinira mo agad ang mood ko!" inis na sabi niya
dito.

"Why do you have to do that?!" hindi maintindihan na tanong nito sa kung bakit siya
naka-indian sit.

Hindi sumagot si Cally "Just sit here!" pinagpag ni Cally ang katabing pwesto.

"I don't like it! We have to practice before the training!" galit rin na sabi ni
Prin.

Lalong nainis si Cally sa aksyon nito. Pumikit muli siya at hinayaan ang babae sa
gusto nito.

Hindi naman talaga siya nagme-meditate na tulad ng sabi niya dito. He is just
trying to sleep and to clear his mind. Ganoon ang gawain niya tuwing magpapalit ng
gawain. Katulad na lang sa araw na iyon.

Isang madugong aralin ang kailangan niyang review-hin tapos ay sasabak siya sa
training na pisikal. Kailangan niyang iwaksi sa isip ang ginawa ng umaga para
makapag-ensayo ng mabuti.

Lumapit si Prin kay Cally at humarap sa lalaki. Nakapangalumbaba pa siya habang


sinusuri mabuti ang mukha ng lalaki.

"Go away." mahinang sabi ni Cally kahit nakapikit.

"Hmp! Can you please at least be kind to me? I am still a girl." Reklamo niya.

Nagdilat ng mata si Cally. "Am I not kind? Binitin ba kita patiwarik? Pina-squat?
Did I asked you to eat a cockroach?"

Napaatras naman siya sa mga sinabi nito sa kanya. Napalunok siya. Gusto niyang
itanong kung napagawa na ba nito ang ganon. Pero hindi pa man siya nagsasalita,
sinagot na nito ang tanong niya.

"Don't ever question kung nagawa ko na, dahil yes. I did all of them to teach
someone a lesson. So behave yourself!" inis na sabi nito sa kanya.

Sa buong buhay ni Cally, ngayon lang may nangungulit sa kanya bukod kay Christen.
Ang pagkakaiba nga lang bukod sa wala siyang choice dahil kapatid niya si Christen,
bata pa ito ng ginawa nito ang ganoon sa kanya. Hindi tulad ng babaeng kaharap niya
ngayon.

Humalukipkip lang si Prin. Makakahanap din siya ng ibang paraan para makaganti dito
sa lalaki.

Ilang minuto pa, pumasok si Rob na may bitbit na box at may kasamang tatlo pang
guro na pare-parehas expert sa magkakaibang field. Umayos naman ang mga trainees.

"Sa box na ito, nilalaman ang magiging code ninyo. Everyone of you ay magkakaroon
ng code. MB for boys GW for girls. Bukod pa doon, mahahati rin kayo sa apat na
grupo."

"Lahat ng bilang ng trainees ay isang daan at dalawa. Dalawang grupo ay mabubuo ng


twenty five trainees at ang dalawang grupo pa ay mabubuo ng twenty six trainees."

"You have to stick with your group kahit anong mangyari dahil kailangan niyong
magtulungan. Naiintindihan ba?" mahabang paliwanag ni Rob.

"Yes!" sabi ng sabay-sabay.

"Group names are.. Arcadia, Blade, Cobra and Dragoon. We have chosen your group
according to your assessment..."

"Remember, you have to stay in your group and help your team."

"You will stay in your group until your next assessment. Bawal ang magreklamo!
Naiintindihan ba?" paliwanag muli ni Rob.

"Yes!" sagot ng trainees.

Tinawag isa-isa ang mga pangalan ng trainees. Sa Blade Group napunta si Cally, MB8
ang code niya at siyempre bilang 'tagapag-alaga' ni Prin, napunta rin ang babae sa
Blade Group at may code siya na GW8.

Si Donna at Lorenz ay parehas na napunta sa Cobra group.

"Next, is Choose your Group leader! We will meet again after two hours to start the
actual training" Sabi ni Rob saka lumabas ng malawak na hall.

Nagmamasid lang si Cally. Lihim niyang pinupuna ang bawat kasama base sa ekspresyon
at personalidad ng mga ito para maging lider ng Blade.

"Who wants to be a group leader?" tanong ng isang kasama nila.

"Me! Me! I want to be a group leader!" boluntaryo ni Prin sa sarili. Ibinaba ni


Cally ang kamay niya.

Para naman siyang nakuryente sa paghawak ni Cally sa braso niya.

"You are not qualified to be a group leader." sabi ni Cally. Sa pagka-clumsy lang
ng babae, hindi na ito papasa na group leader.

"YOU are not qualified to be a group leader." Komento ni Cally. Bahagya siyang
napatigil sa sinabi at ginawa nito dahil bahagyang nakuryente ang braso niya sa
pagdikit ng balat nila ng binata.

Ilang saglit lang, nakabawi rin naman siya "everyone is qualified!" inis na sabi
niya dito.

"Do you think we will vote for you?" seryoso na tanong nito.

Lahat ng parte ng mukha ng lalaki ay seryoso at hindi nagbibiro na para bang


kinukutya siya nito. Pero iba ang totoong saloobin ni Cally. Dapat may patunayan
muna si Prin bago ang lahat.
Pinagmasdan ni Prin ang mga kasama niya sa grupo na lahat ay nakatingin sa kanilang
dalawa. Malakas kasi ang pagboluntaryo niya sa sarili. Napahinto na naman siya
dahil halos lahat ng kasama nila ay tulad ni Cally, mukhang ayaw ng mga ito sa
kanya.

Binulungan siya ni Cally. "Remember na saling pusa ka lang dito. You have to show
your ability in order to gain our trust." paliwanag ni Cally.

Natahimik si Prin kahit pa naiinis siya. Pero may punto si Cally.

"You are so cute to be our leader." nakangisi at komento ng isa.

"Yeah." sang-ayon ng isa pa.

Agad naman na kinalimutan siya ng mga ito at bumalik ang grupo sa usapan sa kung
sino ang mamumuno sa kanila.

"I would like to nominate MB5, Kai." komento agad ni Cally. Normal sa tao na kapag
ganoong seryoso ang usapan, mababaling sa taong iyon ang atensyon ng makakarinig at
iyon ang gusto ni Cally.

Simula nang makilala niya ang mga trainees doon ng nagdaang gabi, nagawa niya nang
pag-aralan ang mga kasama niya.

Kakaiba ang awra na binibigay sa kanya ni Kai. Alam niya na mapagkakatiwalaan ang
lalaki. At iyon ang hanap ni Cally. Hindi basta magaling lang, kung hindi marunong
sa estratehiya at mapagkakatiwalaan ng buong team.

Halatang nabigla ito sa pagboto niya. Sinang-ayunan naman ng ibang kasama niya ang
nais ni Cally.

Pero tulad ng normal na botohan, hindi lahat ay sang-ayon.

"I also wanted to be a leader." sabi ni Levan Hung na may code na MB16. Matikas ang
katawan nito at masasabi na hasa rin sa pisikal na aktibidad. Pero may problema
dito si Cally, sa palagay niya kasi gagamitin ng lalaki ang posisyon nito para
makapam-bully ng miyembro.

Hindi mahahalata sa mukha ni Cally na hindi niya magugustuhan kung ito ang mamumuno
sa Blade Team pero nanatili lang siyang tahimik.

"Let's vote." sabi ng isang kasama nila.

Sinimulan nila ang pagboto base sa pagkakasunud-sunod ng code name nila.

Hindi na nagsalita pa si Cally bilang siya ang nag-nominate kay Kai. Si Prin ang
sunod na pipili dahil parehas silang 8.

"I really wanted to nominate myself." nagtawanan ang mga kasama niya. Sumimangot si
Prin.

"But then, it's obvious that you don't like me, so I choose Kai." sabi niya sa mga
kasama. Medyo naiinis pa rin si Prin lalo na kay Cally na feeling pogi.

Pinili niya si Kai na maging lider dahil ayaw niya kay Levan. Isa pa, kahit naiinis
siya kay Cally naimpluwensyahan siya nito sa pagdedesisyon.

Matapos makaboto ng lahat, nagwagi rin naman si Kai na mamuno sa team nila.
Lumingon sa kanya si Cally. "Bakit si Kai ang binoto mo?" tanong nito sa kanya.

"I like him better than you. He is good-looking, hindi tulad ng iba diyan" sagot
niya.

"Pinariringgan mo ako?" tanong ni Cally. Hindi sarkastiko ang pagtatanong ni Cally.


Normal na tanong lang sa kanya na walang bahid ng pagkainis o pagyayabang.

'Like seriously this guy. Are you a human?'

Noon lang napansin ni Prin na simula nang magkakilala sila nito, walang ibang
emosyon na ibinigay sa kanya ang lalaki na para bang kinulam ito ng bata pa ito o
kaya napaglaruan ng duwende kaya lahat ng muscle sa mukha ay nakatigil sa kung
nasaan ang mga iyon.

'Hmp baka nanuno dahil sa sobrang sungit'

"You are choosing a leader because he is good-looking?" hindi pa rin makapaniwala


na reaksyon ni Cally.

Napakamot na lang sa ulo si Prin.

Napapa-iling na lang si Cally. Tama ang hula niya dito sa babaeng ito. Clumsy
talaga at walang decision making.

MAKALIPAS nga ang dalawang oras, binalikan sila ni Rob sa kasama ang iba pang guro.
Ipinaliwanag nito ang training na gagawin nila. Ang una ay kailangan na 'Fit' sila
bilang Dark Guards.

Kailangan nilang i-maintain ang sariling sukat at timbang, kokontrolin din sila sa
lahat ng pagkain at tubig na kakainin.

Umpisa pa lang ang sinabi ni Rob pero alam ng mga trainees na hindi birong diet ang
ipagagawa nito sa kanila.

MALAKI rin ang responsibilidad ng leader, dahil kailangan na parusahan nito ang
gagawa ng kasalanan at hindi pwedeng magreklamo ang trainee.

Ang pinaka-mahalaga sa training nila ay hindi ang pisikal na lakas, kung hindi ang
matibay na pag-sunod sa master. At magsisimula ang pagsunod nila sa napili nilang
leader.

Sa loob ng anim na buwan sasamahan ni Cally ang lahat ng trainees doon bago siya
magpunta sa UK para magpatuloy muli ng pag-aaral.

Walang nakakaalam sa mga trainee doon na siya ang magiging master ng mga ito
pagdating ng araw.

Tanging si Lorenz lang ang nakakaalam bilang ampon nila ito sa bahay. Hindi na rin
siya nabigla nang makuha nito ang posisyon bilang leader ng Cobra group.

MAAGANG nag-ensayo ang grupo ni Cally.

Alas kwatro ng madaling araw ang ibinigay ni Kai na oras para magsimula at
paruruhasan ang late.

Si Prin bilang katorse anyos at pasaway na bata, nahuli siya ng gising kaya na-late
siya ng limang minuto. May kasama pa siya na tatlong trainee sa hilera ng mga late.
Hindi naman makapaniwala si Cally na mahuhuli ito ng dating. Lalo pa siguro na
maisip na anak ito ng Uncle Rob niya.

"Do the planking hanggang sa matapos ang mga tumatakbo. Hindi pwedeng ibaba ang
katawan at siguraduhin maayos ang pagkakapantay ng braso." utos ni Kai.

Napalunok si Prin. Gusto niyang manghingi ng tulong kay Cally bilang pinabantayan
naman siya dito ng Dad niya pero siya rin naman ang may gusto na magtraining siya
kaya wala siyang choice kundi sundin si Kai.

"Leader MB5, Ilang ikot po ba ang gagawin niyo?" tanong niya dito. Kung isang ikot
ay pipilitin niya na mag-plank kahit mahirapan na ang braso niya.

"Limang ikot." sagot ni Kai. Nanlaki ang mata ni Prin.

"S-sino po ang bantay?" Tanong niya muli.

Hindi agad sumagot si Kai. "Ako"

Prin "...."

Pinasimulan na ni Kai na patakbuhin ang lahat bukod sa late.

Tulad ng magp-plank, walang tigil din ang mga member na tatakbo at bawal din na may
mahuli sa pila.

Simpleng panimula pero alam nilang lahat na sinasanay lang sila ni Kai sa
responsibilidad.

Parang maiiyak naman si Prin habang naka-plank. Ramdam niya na ang sakit ilang
minuto pa lang.

May anim na minuto kada ikot ang mga kasama niya sa field kaya alam niya na trenta
minutos sila doon. Pinilit niyang kalimutan ang sakit ng braso niya.

'Kasi naman Prin! Bakit kasi kinalimutan mong gumising ng maaga?!' sabi niya
sarili.

At least nagising pa siya, tama? Hindi niya pa rin kinalimutan na magising. Pero,
kailangan niya bang ipagpasalamat iyon?

Pinilit niyang isipin na nakadapa siya sa malambot na kama sa kwarto.

Naka-tatlong ikot na si Cally at ang mga kasama niya nang mapansin niya na halatang
nahihirapan na si Prin. Hula rin niya na namumula na ang braso nito.

Sa simento lang kasi naka-plank si Prin at ang tatlo pang late. Parang kumirot ang
dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos.

Ang ginawa ni Cally ay pinabilisan sa namumuno ang pagtakbo nila.

Pagtapos naman ng ehersisyo na iyon ay pwede na silang magsimula sa personal nilang


oras at training bago sila ipatawag ni Rob para sa klase ng alas sais.

Nang makabalik ay nilapitan niya agad si Prin at sinilip ang braso nito. Nagkagalos
nga ang braso nito dahil sa semento at halata iyon dahil maputi ang babae.

Hinila siya ni Cally at tumuloy sa pinakabahay ng mga Matsui.


"Get your medicine." utos nito sa maid.

Sumunod naman ito kay Cally. Ilang sandali lang inabot nito ang medicine kit sa
kanila.

"Don't move." pinahiran ni Cally ang braso niya na may galos ng ointment mula sa
medicine kit.

Napalunok naman si Prin dahil sobrang lapit ng lalaki sa kanya. Mas kita niya sa
malapitan ang butil-butil na pawis nito sa noo gawa ng pagtakbo nito, ang pilik-
mata ng lalaki, ang makapal na kilay nito at ang labi. Naaamoy niya pa ang lalaki
na parang hindi man lang ito bumaho sa mahabang pagtakbo.

Ipinilig niya ang ulo dahil hindi tama na pantasyahan niya ang isang kaalaban.
Tama, kalaban ang tingin niya kay Cally.

"Can you at least sit properly?" sabi nito sa kanya.

Ibinaba naman ni Prin ang tingin niya. Nakaangat kasi ang isang binti niya sa kung
saan siya nakaupo.

"Bakit kailangan ko pang isipin na maupo ng maayos? E, bahay ko naman ito. Uupo ako
sa paraan na gusto ko."

Napailing na lang si Cally. "Let's go. As your guardian, tuturuan kita kung paano
gumising ng maaga sa susunod. Hindi lang basta gumising, tuturuan kita na tumupad
sa usapan."

HINDI nila namamalayan na natapos na ang isang buwan ng training.

Nagagawa ni Cally na makapag-aral sa umaga o kaya sa gabi kapag natapos na ang


physical training nila.

Hindi rin maiwasan na magtanong ng mga kasama niya kung saan siya pupunta o galing
dahil kailangan niyang gumamit ng personal computer sa loob ng tirahan ng mga
Matsui. Kilala siya ng lahat ng nakatira doon kaya malaya siyang nakakalabas-masok.

Bawal din ang trainees sa loob pero pinapayagan ang mga leader nila. Pinipilit lang
niya na hindi makita ang kahit na sino sa mga kasama.

Sa camp ng bawat group ay walang telepono o computer. Binibigyan lamang sila ng


oras para makatawag sa pamilya o kaibigan.

Isang gabi, inabot ng dis-oras ang pag-aaral niya dahil kumuha siya ng ekstrang
aralin. Noon lang niya napansin si Prin na nasa kabilang computer.

"Kanina ka pa?"

Nilingon siya nito. "Oo. Kinakamusta ko lang ang Mommy ko." Isang business woman
kasi ang Mommy ni Prin na nakabase sa Pilipinas. Madalas na ang Daddy niya ang
umuuwi o kaya naman ito ang nagpupunta doon sa Japan para sa personal time ng mga
ito.

Naisip ni Prin ang Mommy niya na hanggang sa mga oras na iyon ay hindi alam na
nagt-train siya kasama ng Dark Guards.
"Are you done? Let's go back"

Nasilip ni Cally nang hindi sinasadya ang monitor nito at nakita niya na nasa
social media ang babae at may ka-chat na kung sino. "Who is that guy?"

"My classmate." simpleng sagot.

"I can tell he is not just a classmate. Tara na. Huwag na matigas ang ulo. Bawal
tayo na makipag-usap sa labas, di ba?"

"Hmp! Mr Sungit!" inismiran siya ni Prin at nagmamaktol pero sumunod ito sa kanya
na patayin ang computer.

Hindi sila nag-uusap at sabay na naglakad pabalik sa camp ng Blade Group.

Nabigla na lang si Prin ng hilahin siya ni Cally sa isang gilid paliko. Tinakpan
nito ang bibig niya at sumenyas na wag magsalita bago nito tinanggal muli iyon.

Napagigitnaan siya ng lalaki at ng pader dahil kailangan nilang gumilid. Nalipat


ang atensyon niya dito.

Sa sobrang lapit ng dibdib nito sa kanya, naaamoy niya ang cologne ng lalaki na
nakaka-adik. Para kasing nawala siya sa sarili. Tila ba nakalalasing ang amoy nito
na kayang magpa-mental block sa kahit na sino.

Inangat niya ang paningin para makita ito. Nakalingon ito sa kanan at parang may
hinihintay. Ilang segundo lang, mabilis itong kumilos.

Isang lalaki ang galing sa loob ng camp nila ang mabilis na sinunggaban ni Cally,
hinawakan ang kamay at inipit sa pader.

"Ah, ah, please. This is MB53" hiyaw nito.

Niluwagan naman ni Cally ang pagkakahawak sa lalaki.

Nakabawi naman si Prin mula sa nakaka-adik na amoy mula sa binata at agad na


kinuwestyon ang lalaki. "Where are you going in the middle of the night? Akala
tuloy namin napasok na ang Camp."

Napansin ni Cally ang bagpack nito. "Are you escaping?" tanong niya.

Nakayuko lang ito at hindi makatingin sa kanila.

"Tell me, what's wrong? Nahihirapan ka na ba sa training?" tanong ni Cally dito.


Bilang nakasama niya na ang binata sa loob ng isang buwan, ramdam ni Cally na hirap
ito sa environment nila. At masasabi niya na ito ang pinaka-mahina sa Blade Group.

"Nahihirapan na nga ako but my girlfriend was pregnant. Manganganak na kasi siya sa
susunod na linggo at kailangan kong makausap siya o mamamatay ako sa kakaisip. I
need to be with her."

"Idiot! Kung aalis ka dito at pupuntahan mo ang girlfriend mo, sinayang mo ang
pinaghirapan mo ng isang buwan. Saka hindi mo man lang ba naisip ang s-swelduhin mo
dito? You are jobless kapag umalis ka sa training. Samantalang after a year you can
earn millions after every year."

Natahimik naman ito dahil alam nito na may punto si Cally.


"I will give you one last chance. Kung nahihirapan ka sa training, we can help you
improve your skills"

Tinitigan ni Cally si Joen Sun or MB53 sa mata.

"Always remember why you started." payo ni Cally. Kung manganganak na ang
girlfriend nito, ang ibig sabihin lang ay ang babae at ang anak nito ang dahilan
kung bakit ito naroon sa training para maging Dark Guard.

Naglakad na si Cally papasok sa Camp nila. Agad naman na sumunod si Prin. May
awtoridad at pang-unawa ang paraan kung paano nito pagalitan si Joen. Natahimik
siya at napa-isip kung ano ang pagkatao ng lalaki.

"Please help me!" narinig nila na sabi ni Joen. Sabay nilang nilingon ni Cally ang
pabalik na si Joen.

"I can assure your girlfriend will be safe. I can asked someone to check on her
hanggang sa manganak siya. Regarding your skills… you should focus on your weakest
points. Try to learn how to dodge." sabi dito ni Cally. kung ang simpleng bagay
lang na iyon ay hindi pa nito kaya, paano pa ang mas mahirap pa doon.

NAKAPANGALUMBABA lang si Prin habang nakatingin kay Cally. Para siyang nagd-
daydream.

Nagsasanay kasi ito ng brazilian-jiu jitsu kalaban si Kai. Pinagmamasdan niya ang
galaw nito. 'Cally, who are you, really?'

Nawalan si Cally ng balanse at nagwagi si Kai pero agad din itong nakabawi para
patirin ang binti ng isa.

"Haaay…" napabuntong-hininga na lang siya habang nakatingin dito. Naramdaman na


lang niya na may tumabi sa kanya.

"Para saan ang buntong-hininga mo at sino ang tinitingnan mo?" Si Ana ang isa pang
Blade member. Hinanap nito kung saan ang tingin niya base sa pwesto niya.

Siniko siya nito. "Wow! You liked Cally?"

Napaatras siya. "Of-Of course not!" mariing tanggi niya.

Nakangisi ito. Nilapit nito ang mukha sa kanya para mas malapit na makita nito ang
namumula niyang pisngi. "Hmmm.. I can't blame you if you like him."

"Karamihan sa trainees ay gusto si Cally." sabi nito.

Napalunok si Prin at ibinalik ang tingin kay Cally na sabay din na napatingin sa
pwesto niya. Nakaramdam siya ng kaba kaya agad siyang tumalikod.

"Of course not! Baka ikaw diyan ang may gusto sa panget na iyon!" nagagalit na sabi
niya dito saka tumakbo papunta sa Tirahan ng Matsui.

Nagpunta siya sa kwarto niya na sobra ang kaba, tulad na lang ng nararamdaman niya
kapag nahuhuli siya na may ginawa siyang kalokohan.

Hinagis niya ang sariling katawan papahiga sa kama at tinitigan ang kisame. Parang
nakikita niya pa sa imahinasyon si Cally.

The way he looked at her kapag magkatabi sila. Kapag gumagamit ito sa computer room
at seryoso na nakatingin sa monitor. Tumatama pa sa pisngi nito ang liwanag na
nagmumula roon. Kapag seryoso ito na nag-eensayo, tulad na lang kanina.
Napabalikwas ng bangon si Prin at hawak ang dibdib.

'Sh*t!' Nagugustuhan niya na nga ba ang binata? Tanong niya sa sarili. Bumalik muli
siya sa higaan saka dumapa.

Para siyang baliw na inuutog ang noo sa malambot na kama

"Joo, are you there?" katok ng isang maid sa labas ng pintuan ng kwarto niya. (Joo
ang tawag sa kanya ng mga maid, bantay o ang mga nagtatrabaho doon na ibig sabihin
ay babaeng anak ng Master of the house)

"Yes."

"Kotaigo is here." sagot nito sa labas. Nagising sa katotohanan si Prin.

Nandiyan ang Mommy niya!

'Shet!’ Mura niya sa isip.

Hindi niya alam kung may ideya na ang Mommy niya sa training na ginagawa niya. Pero
alam ni Prin na malalaman nito ang bagay na iyon sa araw ding iyon.

Pinuntahan niya ito sa opisina ng Daddy niya na si Rob. Diretso lang siya na
pumasok at naabutan pa ang mga ito na magkayakap at naghahalikan. Sabay na
napalingon sa kanya ang dalawa nang marinig na bumukas ang pintuan.

Pero hindi nagustuhan ng Mommy niya ang ayos niya.

"Rob! Why is she wearing a trainee outfit?!" Lumayo agad ito sa Daddy niya na akala
mo ay may kayakap na kaaway, lumapit sa kanya at saka siya niyakap.

"Darling, minamaltrato ka ba ng daddy mo?"

Rob "...."

"Mom, 'wag ka magalit kay Daddy. Ako talaga ang may gusto na mag-train ako."
paliwanag niya dito.

Tiningnan siya nito, sinuri ang katawan kung may galos ba o kung ayos lang siya.

"Honey, huwag ka nang magalit... Si Prin talaga ang may nais na sumabak sa training
at napatunayan naman niya na kaya niya ang training. Isa pa, si Cally ang
nagbabantay sa kanya." paliwanag ni Rob

"Cally? Cally Han?" nanlalaki ang mata na tanong nito.

Ganoon din naman si Prin. Nagulat siya, lalo na ang marinig ang apelyido ng binata.

Nagkatinginan sila ng Mommy niya. Para namang nakakain ng kung ano ang nanay niya
at agad na bumaliktad ang mood nito.

"I-is he uncle Cloud's son?" tanong niya sa magulang. Normal na kilala niya ito
lalo at bestfriend ito ng Daddy niya.

"Oh Yes! I knew him since he was a baby." sagot ng Mommy niya.

"You are in safe hands darling! Galingan mo ang pag-akit sa kanya dahil ang gwapo
ng batang iyon." tinapik-tapik pa siya ng ginang sa balikat.
Prin "..." seriously, am I your daughter?

Rob "..." are you even the mother of your fourteen years old daughter?

Pero lihim na nag-isip si Prin. Kung si Cally ay anak ni Cloud, ibig sabihin ay ito
ang susunod na itatakda na maging Headmaster ng Dark Lords.

Bilang Matsui, hindi lihim sa kanya ang mundo ng pamilya niya. Isa ang pamilya niya
sa namumuno sa Dark Lords kaya marami siyang alam tungkol dito.

'Cally Han…'

Naiintindihan na ni Prin ang rason kung bakit parang prinsipe ang lalaki kung
umasta at kumilos.

INIMBITAHAN ng Mommy niya si Cally na sumabay sa hapunan nilang mag-anak. Tahimik


si Prin habang nasa tapat si Cally.

Sa hindi niya malaman na dahilan, na-iilang siya dito.

Nagpasalamat ang Mommy niya kay Cally.

"Tatapusin ko lang po ang quarter o ang group battle, at didiretso na po ako sa UK.
Pero huwag po kayong mag-alala dahil ibibilin ko si Prin sa iba naming kasama."
sabi nito sa Mommy niya.

Nakaramdam naman ng lungkot si Prin sa narinig. Bigla niyang inangat ang paningin
dito.

Hindi pa umaalis ang lalaki, nalungkot na siya at wala siyang magagawa dahil alam
niyang mas mabigat ang haharapin nito sa mga darating na panahon.

MAHIRAP ang training na ibinigay sa kanilang lahat. Pantay-pantay at walang


paborito. Ilan sa kanila ang sumuko na at hindi na nagpatuloy. Gayunpaman, mas
marami pa rin ang nanatili.

Mas nananaig naman ang kagustuhan ni Prin na maging magaling sa lahat ng trainees
doon. Bukod sa may dugo talaga siyang mandirigma dahil anak siya ni Rob Matsui,
gusto niyang pantayan si Cally balang araw.

Nang araw na iyon, plano ni Prin na lumabas ng mansion para magsanay ng Kendo gamit
ang isang wooden sword. Kailangan niya ang magsanay dahil nalalapit na ang group
battle.

Mahahati sa tatlong sukatan ang laban ng apat na grupo. At mauuna nga, ang Kendo.

Nakakapag-sanay naman si Prin gamit pa nga ang tunay na katana, kaya malakas ang
loob niya at alam niyang mananalo siya.

Napansin naman siya ni Cally na palabas ng main gate habang nagsasanay ito at si
Joen. Kumunot ang noo ng binata at nag-excuse sa huli.

Tahimik na sumunod si Cally na halos hindi marinig ang mga kaluskos na gawa niya.
Nasa isip ni Cally na dahil pinababantayan sa kanya ang babae, alam niya na may
pananagutan siya kung sakali man na may mangyaring masama rito.

Nakita ni Cally ang lahat ng kilos ni Prin. Kahit ang pagtigil nito sa ilalim ng
puno ng sakura hindi kalayuan sa mansyon. Tumigil din siya ilang metro mula rito,
sapat lang para makita ang mga kilos at galaw nito.

Kita niya kung paano humugot ng malalim na hininga ang babae para magsimula.

Ilang segundo lang ay parang naging kaisa nito ang hangin at para itong nagsasayaw
sa sarili nitong musika. Tumatama pa sa makinis at mala-porselanang balat nito ang
papalubog na araw na nakadagdag napakagandang tanawin para sa kanya.

Magaan at hasa ang pagkilos.

Natulala si Cally at halos hindi siya kumurap habang pinagmamasdan ang dalaga.
Hindi niya lubos akalain na humusay ang babae sa iilang linggo nila ng pagsasanay.

Hindi niya napapansin na ilang minuto na pala niyang pinagmasdan ang babae. Nagulat
na lang siya nang may pumalakpak sa tabi niya.

Hindi niya akalain na sumunod sa kanya si Joen. Kanina pa ba ang lalaki sa kanyang
tabi at hindi niya lang namalayan? O masyado siyang nabighani sa pagkilos ni Prin?

Nabigla si Prin na makita doon ang dalawa. Bigla siyang nakaramdam ng hiya.

"Wow! GW8 ang galing mo! Turuan mo ako!" sabi nito habang papalapit kay Prin.

Nakabawi naman agad si Prin dahil kay Joen. Pero hindi niya mai-alis ang paningin
kay Cally na papalapit din sa kanya.

"Sige na GW8, turuan mo ako!" pilit dito ni Joen hinawakan pa nito ang sleeve ng
damit ng babae.

"Ayoko! Tigil-tigilan mo nga ako!" singhal dito ni Prin.

Nakatitig naman si Cally sa paghawak ni Joen sa manggas nito. Kumunot ang noo niya.
Hindi naman siya nakaramdam ng inis pero gusto niyang ilayo si Joen dito.

"Huwag mo na siyang kulitin. Ako na ang magtuturo sa iyo." sabi dito ni Cally.

Natuwa naman si Joen sa nadinig. "Wow! Thank you Cally! Ikaw talaga ang master
ko!!!" parang wala sa sarili na sabi nito. Simula ng pigilan kasi ito ni Cally,
tinatak nito sa isip ang mga payo ng binata na huwag kalimutan kung bakit ito
nagsimula at mas pinaghisayan niya rin ang training.

Hindi na ito pinansin pa ni Cally.

"You've been good." puri ni Cally kay Prin na ikinatuwa niya ng lihim.

"Salamat." tumatagos sa kaloob-looban ng puso niya ang papuri nito. Tatandaan niya
ang araw na iyon dahil iyon ang unang araw na pinuri siya ng lalaki.

"Uhmm… Magdidilim na kaya bumalik na tayo sa Camp." naiilang na sabi niya sa


dalawa.

Habang pabalik, pinakikiramdaman niya ang lalaki. "Iilang linggo ka na lang pala
mananatili dito. Good luck sa pag-alis mo." hindi niya ipinahalata na nalulungkot
talaga siya.
"hmm…" simpleng sagot ni Cally. Makakasama niya naman muli ang lahat ng matitirang
trainees kapag lumipat ang mga ito ng training Camp sa UK.

Sakto naman ang pagbalik nila sa camp dahil pinatawag ang lahat ng trainees at
pinapunta sa general hall.

Nawawala kasi ang katana na ilang daan taon na at nagmula pa ng Heian period. Ang
katana na nakita ni Cally sa loob ng training room para sa personal guards sa loob
mismo ng tirahan ng mga Matsui.

Pumila sila ng maayos base sa normal na ginagawa kapag may pagsasanay mula sa mga
guro.

"Kung sino man ang kumuha ng Katana ay umamin na. Lilitaw din naman ang pangalan mo
bago sumikat ang araw kinabukasan, kaya payo ko sa kumuha na kung sino ka man, mas
mabuti pa na ilantad mo na ang sarili mo." sabi ni Rob sa lahat.

Tahimik ang lahat at walang nagsasalita sa loob ng minuto.

"Sisiguraduhin ko na hindi basta parusa ang igagawad ko kaya mas mabuti pa na


ilantad mo na ang sarili mo."

"Master, iilan lang naman ang nakakapasok sa loob ng tahanan niyo. Sigurado na isa
lang din sa kanila." si Levan Hung or MB16 ang nagsimulang sumagot kay Rob.

"Kung hindi ang mga Leader, siguradong si Cally dahil madalas namin siya na makita
na pumapasok ng lihim sa loob." sarkastikong sabi nito.

Seryoso lang si Cally na tiningnan ang kasama niya na si MB16. Sigurado siya na
maingat siya sa pagpasok at paglabas ng bahay ni Rob. Kaya paano siya nito nakita?

KUMUNOT ang noo ni Rob. "MB16, kailangan mong panindigan ang akusasyon mo"

Si Cally ang magnanakaw ng katana sa loob ng Matsui mansion? Nahihibang ba ang


batang ito? Para na rin nitong sinabi na nagnakaw si Cally ng sarili nitong pag-
aari.

Hindi alam ni Rob kung ano ang nangyayari pero base sa tono ng pananalita nito ay
inaakusahan nito si Cally, dahil tanging ito lang ang ordinary member na malayang
nakakapasok sa loob ng tahanan nila bukod kay Prin.

Tahimik naman at seryoso si Cally.

"Uulitin ko, bibigyan ko ng pagkakataon na lumabas na ang taong kumuha ng katana.


Hindi mo magugustuhan ang parusa na ibibigay ko." parinig ni Rob sa kumuha ng
armas.

Halatang kinabahan ang lahat sa paraan ng pananalita ni Rob. Isa pa, hindi pa man
nagt-train ang karamihan sa kanila, naririnig na nila ang pangalan ng lalaki bilang
isang malupit na tao, magaling sa pakikipaglaban sa underworld at kahit na wala
itong armas ay kaya nitong pumatay ng tao.

May ideya rin sila na hindi ito simpleng tao base lang ng pagtrain nito sa kanila
sa loob ng ilang buwan.

Tulad ng inaasahan, walang umamin sa lahat ng trainees.

Sumenyas si Rob sa mga guards para halughugin ng mga ito ang bawat camp ng apat na
grupo.

Ilang minuto lang, isang guard ang may bitbit na katana at inabot kay Rob. "Shukon
(my lord), nakita namin ang katana sa Blade camp. Nasa ilalim ng kutson ni Shi
Cally" pagbibigay-alam nito.

Tumingin ang halos lahat ng trainees kay Cally nang marinig ng mga ito ang pangalan
niya. Hindi naman nila alam o naiintindihan ang ibig sabihin ng 'Shi'.

Humugot ng malalim na hininga si Rob. "Uulitin ko sino ang kumuha ng katana at


inilagay sa ilalim ng higaan ni Cally?" matigas niyang tanong

"Master, hindi ba normal lamang na si Cally ang paghinalaan niyo, bakit kailangan
niyo pang itanong sa amin?" reklamo ni MB1 na Leader ng Dragoon team.

"Madalas ko nga na makita si Cally sa loob ng residente kaya may posibilidad na


siya talaga ang pumuslit ng Katana." dagdag pa nito.

"Imposibleng si Cally... kaya nga kung sino ang kumuha ay umamin na." matigas na
sabi ni Rob sa mga ito.

Si Cally naman na nakahalo sa trainees ay tahimik lamang at walang reaksyon.


Gayundin si Prin.

Halata naman ang pagtataka sa mga mukha ng trainees kung bakit ganoon na lamang
kung paboran ni Rob si Cally.

"Master, Si Cally ang kumuha dahil sa kanya nakuha ang Katana na nagmula pa sa
Heian period." pilit ni Levan.

Nagpipigil si Kai na Leader nila. Hindi niya makontrol ang sariling miyembro na si
Levan pero may punto rin naman ang lalaki. Mas ninais pa rin niya na manahimik
dahil naniniwala rin siya kay Cally na hindi nito kaya ang magnakaw.

"Cally…" sambit ni Joen na nasa tabi ni Cally. Halata sa binata na kinakabahan ito
sa resulta kung sakali man na maparusahan siya at umalis ng Camp.

Naalala ni Joen ang gabi na nakita siya nito at ni Prin. Halata na galing nga ito
sa loob ng mismong bahay ng mga Matsui kung saan sila pinagbabawal. Pero
nagpasalamat siya na nakita niya ang dalawa nang gabing iyon dahil nananatili siya
sa training. Natulungan din siya ni Cally na masiguro ang kaligtasan ng anak at ng
nobya niya.

"Imposibleng si Cally!" matigas na sabi ni Rob.

"P-pero.."

Bumaling si Rob kay Cally na tahimik pa rin sa mga oras na iyon. "Cally, ano ang
masasabi mo sa bagay na ito?"

Tumayo si Cally at nagpunta sa harapan. "I can say that someone is envy and wanted
me out in this training but I had never done stealing in my whole life."

"Furthermore, I can use this Katana whenever I want. Why would I need to steal it?"

Tumingin si Cally kay Levan. "I know MB16 is the one who did it." sigurado na sabi
ni Cally.

Agad na gumawa ng reaksyon ang huli.


"Ha! You are crazy! Why would I need to do that? Sa iyo nakuha ang katana pero sa
akin mo sinisisi? Master, parusahan niyo na ang magnanakaw na iyan!" pilit ni
Levan.

"I am sure you are the one." seryosong sabi niya.

Napalunok si Levan pero hindi niya pinahalata. Pinilit niya pa rin ang pagmamatigas
sa harapan ni Rob.

Hindi naman makapagsalita ang ibang trainees. Naniniwala sila na si Cally ang
kumuha dahil sa kutson ng binata nakita ang katana.

"You are trying to frame me. Alam mo ba kung bakit ko alam?" tanong ni Cally kay
Levan.

Hindi sumagot si Levan.

"Because you saw me inside the house. Leaders are not allowed to tell anyone kung
ano ang mga nakikita nila sa loob ng bahay. Siguradong ni isa sa kanila ay hindi
sasabihin na nakita nila ako sa loob."

"Aside from that, you knew that this Katana was made in the Heian period."

Tinakasan ng kulay si Levan.

"Yeah, paano mo nga nalaman na mula pa sa Heian period ang pinapahanap ko?" baling
ni Rob kay Levan.

MULA kay Cally, lumipat ang tingin ng lahat ng trainees kay Levan.

"I… I.."

"... You can't just accused me… Ikaw, Ikaw ang pumapasok sa tirahan ng Matsui kaya
ikaw ang kumuha! Huwag mong ibaling sa akin ang bintang!" nagalit ito.

Hinila ni Cally ng kaunti ang mahabang armas mula sa scabbard or sleeve nito.

"You knew because of this symbol, right?" tinuro ni Cally ang bilog na simbolo sa
blade ng katana.

Tuluyan nang hindi nakabawi si Levan.

"Guard!" Senyas ni Rob.

Lumapit ang Matsui Guards na nakaitim kay Rob.

"Palabasin si MB16. Ito na ang huling araw ng pagsasanay niya!" galit na galit si
Rob kay Levan.

Kung umamin lang sana ang lalaki ay baka parusahan niya lang ito. Pero nagmatigas
si Levan at gumawa pa ng ikapapahamak ng kasamahan. Isang maling pag-uugali na
dapat na wala nito ang Dark Guards.

He made sure at the very first day that everyone must protect their group. To
protect their brothers and sisters. Kasabay ng pisikal na training ang disiplina sa
sarili at sa kapwa.

"Master, bakit ako ang paalisin niyo at hindi si Cally?!" nagagalit si Levan.
Napupuno ng galit ang dibdib niya. Naiinis siya kay Cally dahil ibinoto nito sa
simula pa lang si Kai. Naiinis siya dito dahil natatalo siya nito sa match. At
naiinis siya dito dahil masyado itong magaling.

Akala ni Levan ay mapapatalsik niya na si Cally sa training kapag nilagay niya ang
napakahalagang katana sa ilalim ng kutson ng kama nito. Napupuno ng inggit at galit
ang dibdib niya.

"Kailangan niyong ipaliwanag sa akin bakit ako ang kailangan na umalis!"

Tumayo si Rob ng galit na galit. "Alam mo kung bakit? Because Cally will be your
Master and he doesn't need to steal his own Katana!" dumgundong ang boses niya sa
buong hall.

Bakas sa mukha ng lahat ang pagkagulat. Nagkatinginan pa ang mga ito.

"Huh, si Cally, Master?"

"Oo, tama. ganoon nga ang sabi ni Master Rob"

Nagkaroon ng kaunting ingay sa paligid dahil sa usapan ng mga trainees. Tanging si


Lorenz at Prin lang ang hindi nagkomento dahil alam nila ang tungkol sa bagay na
iyon.

"Tahimik!" sigaw ni Rob. Agad naman na nagbalik ang atensyon ng lahat sa pinuno
nila.

"Sobrang laki ng awang ng posisyon ni Cally kahit sa akin. Ngayon, sabihin mo kung
bakit hindi ikaw ang dapat kong paalisin?!" galit na sabi ni Rob kay Levan.

Hindi nakasagot si Levan. Hindi niya inaasahan ang bagay na iyon para siyang nawala
sa sarili. Agad siyang hinila ng guard na nakaitim. Hindi ito mangingiming patayin
siya kung sakaling mangungulit pa siya kay Cally.

"Ayoko nang mauulit pa ang ganito! Ayoko sa lahat ang maging tuso at mapanlinlang
na Dark Guard!" matigas na sabi ni Rob sa lahat matapos mawala sa paningin niya si
Levan.

"Pupugutan ko ng kamay ang sino man na gumawa ng katulad nito. Nagkakaintindihan ba


tayo?!"

"Yes, Master!" sabay-sabay na sabi.

"Balik sa kampo! Magsanay na kayo dahil magsisimula ang opening ceremony sa susunod
na linggo" pagkasabi ng nais ni Rob ay umalis na siya ng general hall.

Bigla naman nailang kay Cally ang lahat at ramdam niya iyon.

"Huwag kayong mahiya o mailang sa akin. I'm still a trainee." sabi niya sa lahat.

OPENING CEREMONY...

MATAPOS ang isang linggo nang maganap ang pagpapaalis kay Levan, magaganap ang
seremonyas eksakto alas sais ng hapon.
Pagtapos ng pag-aalay para pasalamat sa panginoon ay isang masayang salu-salo para
sa lahat ang magaganap.

Hindi sila pipigilan sa kung ano ang gusto nilang kainin at inumin. Literal na
fiesta.

Ang apat na Leader ang magsisindi ng torch na matatagpuan sa bungad ng bawat kampo
at manggagaling ang apoy mula sa malaking bonfire na matatagpuan sa gitnang bahagi
o sa general hall.

Bago mag-alas-sais, magkasama si Prin at Cally sa computer room dahil nagpadala ng


mensahe si Cally sa Mommy niya para ipaalam dito na tutuloy siya sa UK. He is just
18 and still needing his Mom's love after all.

He is missing his family pero bawal dumalaw ang pamilya kahit pa pwede naman siyang
dalawin doon ng mga ito bilang malapit na kaibigan ng mga Matsui.

Tinuring ni Cally ang sarili na kabilang sa mga kasamang trainees at hindi pwede na
paboran siya doon kaya mariin niyang sinabihan ang pamilya na huwag na huwag siyang
dadalawin.

Alam niya rin na busy ang Mommy niya sa opisina nila sa MGM at pagtuturo sa klase.

[CallyHan: Mommy, I miss you so much. Can I see you before going to the UK?]

[GinnyLopez: Baby boy, I miss you too so much! pagagalitan ko talaga ang daddy mo
kapag hindi ka umuwi dito sa bahay kahit tatlong araw lang. Please come home,
okay?]

Napangiti si Cally.

"Wow! you are smiling!" hindi makapaniwala na bulalas ni Prin.

Agad naman na nakabawi si Cally at sumeryoso muli. Nahiya siya ng kaunti. Hindi
kasi siya pala-ngiti. Literal na seryoso ang tingin sa kanya ng lahat.

Sinilip ni Prin ang monitor niya. Naisip niyang tudyuin ang lalaki dahil tinawag
itong 'Baby boy' ng Tita Ginny niya.

"Wag kang mag-alala baby boy, your secret is safe with me." sabi niya habang
tinapik-tapik ito sa balikat.

Sumimangot lalo si Cally.

EKSAKTO alas-sais nakahanda na ang lahat para sa hudyat.

Magkakasama ang lahat sa labas ng general hall. Sa tapat ng bukana nito naroon ang
bonfire.

Bilang hudyat, isang mini-gun na nakatutok sa kalangitan ang pinaputok ni Rob


bilang pinuno ng committee. Gumuhit ang asul na liwanag mula sa mini-gun ang
makikita hanggang sa marinig ang putok sa ere.

Matapos iyon ay kanya-kanyang sindi ng sulo ang lahat ng lider. Tumakbo ang mga ito
patungo sa kani-kanilang camp area at saka sinindihan ang dalawa pang sulo na nasa
bukana ng camp.

Isang fireworks ang sinindihan ng apat na lider bilang pagtatapos. Nagpalakpakan at


hiyawan ang lahat dahil oras na ng kasiyahan.
Inaabangan ni Prin kung ngingiti muli ang crush niya dahil masaya ang lahat. pero
nanatiling seryoso ang lalaki.

'Hmp! Seryoso talaga ang mokong'

"Baby boy, hindi ka ba masaya?" tinawag niya itong baby boy dahil baka iyon ang
dahilan kung bakit ngimiti ito nang magkasama sila sa computer room.

Kabaligtaran sa inaasahan, hindi nagustuhan ni Cally ang pagtawag niya dito ng baby
boy lalo at kasama nila ang halos lahat ng trainee.

"Hindi mo magugustuhan ang gagawin ko kapag tinawag mo ulit akong ganyan."


pagsusungit ni Cally.

"Sungit…" bulong niya.

Nakanguso lang si Prin habang sumusunod dito. Dumeretso sila sa loob ng hall kung
saan nakahanda ang napakaraming pagkain at alak.

Hindi lumayo si Prin kay Cally. Matapos kasi ang group battle alam niyang tutuloy
ang lalaki papunta ng Maynila para kitain ang pamilya nito. At posible na ilang
buwan pa bago niya makita muli ang lalaki.

"Cally, come here!" Tawag sa kanila ni Joen pagpasok nila ng hall. Nakapwesto ito
malapit sa mga pagkain kasama ng iba pang grupo.

Nakita niya si Lorenz na nakahalubilo rin sa iba pang mga kasama nito.

Tumabi rin si Prin dito.

"Seriously, are you guys secretly dating?" tanong ni Ana na nakasalampak sa tapat
niyang mesa.

Tinitigan niya ito ng masama. "Hell no! I'm just fourteen."

"Ehhh… you look good together. Anyway, okay lang naman dahil marami ang matutuwa."
komento nito.

Inikutan niya na lang ito ng mata.

May lumapit kay Cally mula sa ibang grupo. Inabutan nito ng maliit na shot ng alak
si Cally. "Shi, for you… tanda ng respeto…" sabi ni MB31

Alam na ng lahat ng trainees na ang ibig sabihin ng 'Shi' ay Master.

Tinanggap naman iyon ni Cally dahil wala naman itong masamang intensyon at agad na
nilagok ang alak.

Napalingon si Joen. "Shi… Ako din!"

Nagsalin din ito sa maliit na shot glass at inabot kay Cally. Kinuha din iyon ni
Cally at ininom.

Hindi niya napapansin na marami ang lumapit sa kanya para magbigay ng respeto.

Pansin ni Prin na namumula na ang pisngi ni Cally dahil sa alak hindi pa man
lumilipas ang oras simula ng umupo sila roon.
Sunud-sunod ang lagok nito ng alak mula sa kung kani-kanino. Wala kasi itong
tinanggihan sa lahat ng trainees.

"Hey, kumain ka muna!" saway niya dito. Gusto niya nang pigilan ang binata sa pag-
inom nito.

Humarap sa kanya si Cally at bigla nitong kinurot ang magkabilang pisngi niya. "My
baby panda, why are you so cute?"

'Baby panda?'

Namula rin ang pisngi ni Prin. 'Sheet, 'wag kang ganyan Big panda baka makalimutan
ko na maraming tao dito.'

"Baby panda, kuha mo ako ng desert." utos nito. Namumungay na ang mga mata nito na
halatang nakainom ng alak.

"Hey, MB53 kuha ka ng desert para sa iyong Shi!" pinasa niya ang utos kay Joen.

"Right away, princess!" Hindi siya nito tatanggihan lalo at tinuruan niya ito ng
tamang galaw at kung paano makakapuntos sa kendo battle.

"Hey, mind your image." bulong niya kay Cally.

Ngumiti ito sa kanya sa unang pagkakataon. Ngiting nakakaloko. "Woah!!! You… You
smiled at me!" masayang sabi niya.

Mukbang nagkabunga ang effort niya na samahan ito at sa wakas ay nginitian siya ng
lalaki. Hindi maipaliwanag ni Prin ang saya niya.

Dumating ang desert na dala ni Joen.

"Here… Kainin mo itong fruit salad para bumaba yung tama ng alak sa iyo." sabi niya
kay Cally habang inaabot dito ang pagkain.

Tiningnan lang nito ng bahagya ang ma-kremang pagkain at ibinalik sa kanya ang
paningin.

"Feed me…" utos nito. Nabigla si Prin.

"Sige na, baby panda… Feed me…" para itong bata na hindi pinakain ng magulang kaya
naglalambing sa kanya.

'Seriously, this guy! Tingnan natin bukas kung ano ang masasabi mo'

Hindi alam ni Prin ang gagawin. Tumayo si Cally inikot ang paningin sa buong hall
tapos umupo muli.

"Walang magpapakain sa akin…" parang nagtatampo na sabi nito.

"Mind your image!" parang masisiraan ng bait si Prin bigla siyang nagkaroon ng
alaga na baby damulag.

"Ihhhh…"

Prin "...."

Nasaan na ang masungit na Cally? Kung may cellphone lang siya sa mga oras na iyon
ay kinuhanan niya na ito ng video para ipakita dito at ipanakot kapag binu-bully
siya nito.

Walang nagawa si Prin kundi ang pakainin ang kanyang big panda.

"Hmmm… Masarap…" komento pa nito.

"Shi Cally, shot ka pa." sabi ng isang trainee mula sa Dragoon.

Ininom muli iyon ni Cally. Marami pa itong nainom kasabay ng pagpapakain niya dito
ng salad.

Hindi naman napapansin ng iba pa nilang kasama ang nangyayari sa binata dahil pare-
parehas silang nagkakasiyahan.

Bigla itong nag-pacute sa kanya. Hawak nito ang sariling mga pisngi. "I will
definitely miss you…"

Lalong namula ang pisngi ni Prin. Nagulat na lang siya ng biglang mag-pass out ang
binata sa tapat nitong table.

NABIGLA na lang si Prin nang biglang mawalan ng malay si Cally.

Hinayaan niya na muna ang lalaki na magpahinga saglit. Napansin naman ito ng ibang
kasama nila kahit ang lider nilang si Kai.

"What happened to MB8?" tanong nito.

"Ang dami niyo kasing nag-alay ng alak sa kanya, kaya iyan nawalan ng malay,"
reklamo niya dito.

"Oh.. If that's the case we can send him now sa blade camp. Tomorrow is the
beginning of the group battle," sabi nito.

"Hayaan na muna natin siya…" matapos niya iyong sabihin, nabigla siya nang i-angat
ni Cally ang ulo nito.

Inikot nito ang paningin sa lahat, tapos ay tahimik na tumayo at dumiretso palabas
ng hall.

"Leader MB5, susundan ko na si Cally," nagpapasensya na sabi niya dito.

"Hmm…"

Nagmadali si Prin sa pagkilos para mahabol niya ang palabas na si Cally.

Nagulat na lang siya nang tinutungo nito ang tahanan nila. Nagtataka siya kung ano
ang gagawin nito doon.

Maya-maya tumakbo ang binata. Hinabol ito ni Prin. Napapagod na siya kahahabol kay
Cally nang mapansin niya na iniikot lang nila ang buong compound.

"Hey!!! Please stop…" napapagod na ang mga binti niya lalo at nakaboots sila.

Sumalampak si Prin sa semento. "Ayoko na… hindi ko na kaya," hinihingal na sabi


niya.
Kailangan niya pang magpahinga dahil baka siya ang mapili sa kendo match
kinabukasan ng umaga. Paano niya magagawa iyon kung ngayon pa lang ay napapagod na
siya?

Napansin niya na huminto ang binata at bumalik sa direksyon niya. "I am looking for
my baby panda." Parang batang iniwan ito ng magulang sa paraan ng pagkasabi nito
n'on.

"uhmm… Your baby panda is here…" hinihingal pa rin na sabi niya. Itinaas niya pa
ang kamay. Wala na siyang magawa kundi umamin para huminto na ito sa pagtakbo.

Umupo ito sa harapan niya. Madilim ang paligid kaya inilapit nito ang mukha nito sa
kanya para mas malapitan siyang makita.

Napaatras naman si Prin dahil sa ginawang paglapit ng mukha nito. Pinisil-pisil


nito ang pisngi niya.

"Woah! You really are my baby panda!"

Prin "..."

"Y-Yes I am." hindi pa siya nakakabawi sa pagod. Kailangan niyang magpanggap para
makabalik na ito sa higaan nito.

"I'm tired.." sabi niya habang pinupukpok ang binti.

"Why?"

"It's your fault! I have to run because of you."

Hindi ito nagsalita at basta binuhat na lang siya. "Let me carry you."

Malalaki ang hakbang ni Cally at parang napakarami ng enerhiya nito para mabitbit
pa siya. Kumakabog naman ang dibdib ni Prin dahil naaamoy niya ang pabango ng
lalaki.

She is guessing kung ano ang cologne na gamit nito habang malapit siya sa dibdib ng
binata.

Para itong droga. Siguradong hahanap-hanapin niya kapag wala na ang binata sa
training.

Dahil sa sobrang pagkalango ni Prin sa amoy ni Cally, hindi niya napansin na


naipasok na pala siya nito sa training hall kung saan sila unang nagkita.

Inupo lang siya nito tapos ay humiga si Cally sa lapag. Napansin niya na lang na
nakapikit ito.

Hindi alam ni Prin ang sasabihin. She was speechless. Matagal niyang pinagmasdan
ang nakahigang anyo nito.

Nang hindi siya makontento ay tinabihan niya ito ng higa. Tumagilid siya at humarap
dito.

'Cally… Gagalingan ko dito sa training para mapantayan ka.' pangako niya sa sarili.

Ilang sandali lang, tumagilid din ito paharap sa kanya.


Mas malapitan niyang napagmasdan ang guwapong mukha nito. Pinagsawa niya ang mata
dahil hindi niya iyon magagawa sa normal na araw.

Wala man lang siyang makitang flaws sa lalaki bukod sa makulit ito kapag nalalasing
at masungit.

Dahan-dahan itong nagdilat ng mata at tumingin sa kanya kaya para silang


nagtititigan. Pero alam ni Prin na parang wala itong nakikita.

Parang tumigil ang oras ng mga sandaling iyon lalo na ng haplusin nito ang pisngi
niya.

Nanlaki na lang ang mata ni Prin nang ilapit nito ang mukha at hinalikan siya sa
labi.

Ilang segundo lang iyon pero parang gustong magtatalon lahat ng red blood cells
niya sa katawan.

Nagulat na lang siya nang matapos siya nitong halikan ay bumalik ito sa pagtulog.

Napaatras si Prin nang hawak ang labi. Saglit lang ang halik na iyon pero nabulabog
ang buong pagkatao niya.

Alam niya na siguradong hindi na nito alam ang mga pangyayari na iyon pagdating ng
kinabukasan pero naglulundag pa rin ang puso niya sa saya dahil nakapuntos pa rin
siya ng halik mula kay Cally.

Kinabukasan, alas-otso ng umaga ang match kaya lahat ng grupo ay maayos na


nakapila.

Binigay ni Rob ang rules.

"Itong apat na box ang naglalaman ng lahat ng codes niyo. Bubunutin ang pangalan ng
tatlong representative mula sa apat na grupo."

"Ang leader ang magdedecide kung sino ang ilalaban sa kada match sa ibang grupo."

"Unang laban, Arcadia group versus Blade, Cobra versus Dragoon. Kung sino ang
makakadalawang puntos o ang magwawagi sa dalawang laban, iyon ang papasok sa
susunod na round."

BINUNOT ang mga code ng mga pangalan at swerte si Prin na nabunot ang pangalan
niya. Lihim siyang nagdiwang. Nabunot din si Joen at ang isa pa nilang kasama na
hindi masyadong nag-aral sa pagkamit ng wooden sword.

Malakas ang loob ni Prin na mananalo siya. Agad silang pinulong ni Kai. "You can do
this okay?"

"Leader MB5, medyo kinakabahan ako dahil hindi ako ganoon kagaling," malungkot na
sabi ng isa nilang kasama.

Lumapit sa kanila si Cally.

"Are you guys, okay?" Nasa likod ito ni Prin at agad siyang nakuryente sa paglapit
ng binata. Ayaw niyang lumingon dahil baka magambala siya sa laban lalo at kapag
naisip niya ang ginawa nito nang nagdaang gabi.

"Shi Cally, medyo worried ako…" malungkot na sabi ng isa.


"Kaya mo iyan… Just do your best. Huwag mo masyadong isipin kung matalo ka.
Nandiyan si GW8 at MB53 para bumawi," sabi nito.

Mukhang guminhawa naman kahit papaano ang pressure na naramdaman nito.

Tumuloy sila sa wardrobe para magbihis ng pang kendo. Isang makapal na jacket at
trousers ang suot nila. At babalutan ng armor para protektahan ang mahahalagang
bahagi ng katawan. At ang pinakamahalaga ay ang shield sa ulo para proteksyon.

Hindi tulad sa normal na kendo match, ang rule nila ay sa ulo lang patatamain ang
shinai(1). Kailangan makalimang puntos kada match. At dalawang referees lang ang
bantay at iaangat nito ang kulay ng flag kung sino ang nakapuntos.

Mga samurai masters ang inimbitahan ni Rob para magpuntos para patas ang laban.

Sa unang laban, isinabak ni Kai ang kasama nila Prin na si MB20. Magaling ang
kalaban nito at napag-aralan agad ni Prin ang kilos nito na mula sa Arcadia team.

Talo sila.

"MB53, kailangan mong manalo, okay? Kung hindi ka mananalo sasabihin ko sa


girlfriend mo na namba-babae ka dito," pananakot niya kay Joen.

"Don't worry, mananalo ako dahil ikaw ang nagturo sakin sa loob ng isang linggo."

"Good."

Pumwesto na si Joen sa markang guhit para sa team nila. Inisip niya ang anak at ang
girlfriend niya kaya lalo siyang ginanahan na manalo. Nang ibigay ang hudyat, agad
siyang kumilos at pinatamaan sa ulo ang kalaban.

Inangat ng dalawang referee ang flag ng Blade.

'Apat na puntos na lang' sabi niya sa sarili

Pumwesto muli siya sa marka. Mas nahirapan siya kumpara sa una. Nang patatamaan na
nito ang kawayan. Agad siyang nakailag at binilisan ang pagkilos para makatama ang
shinai niya sa head armour nito.

Dahil sa sobrang seryoso niya sa match hindi niya namalayan na nanalo na pala siya.

"That's nice MB53, hindi man lang nakapuntos ang kalaban," puri ni Prin.

Malapad ang pagkakangisi nito at proud sa sarili. "That's because you helped me.
Thank you Prin!"

Nakagaan sa pakiramdam niya ang sinabi nito. Siya ang sunod. Nag-iba kaagad ang
awra niya. Pumwesto rin siya sa guhit na marka, nagbow sa kalaban na trainee at
hinintay ang senyas.

Nang ibigay ang senyas, kumilos agad ang kalaban niya, tumira ito pero agad na
nakaiwas si Prin. Masasabi na magaling ang kalaban niya mula sa Arcadia.

Nang tumira muli ito para patamaan siya ay agad na hinarang ni Prin ang shinai at
napukpok niya sa ulo ang kalaban. Itinaas kaagad ang flag ng blade. Nakapuntos
siya.

Balik siya sa markang guhit. "Hmp I will not let you win!" mayabang na sabi ng
kalaban niya.
Kahit papaano kasi ay nakakababa ng p*********i kung sakaling matalo ito ni Prin
kaya ginanahan ang kalaban niya.

Umabante muli ito para patamaan siya nang ibigay ang hudyat. Mabilis na kumilos si
Prin at natamaan niya muli ang helmet nito. Puntos muli para sa team nila.

Hindi na pinatagal ni Prin ang laban at agad siyang nakakapuntos. Matapos lang ang
limang minuto. Panalo ang Blade team sa match.

She felt proud. At sisiguraduhin niya na matatalo nila ang kung sino man na
mananalo laban sa match ng Cobra at Dragoon.

Matapos nga ang ilang minuto nagwagi ang grupo ng Cobra.

Pinulong sila ni Kai. "MB2's team was really good. Galingan niyo okay."

Sabay-sabay silang tumango. Napalingon pa si Prin sa direksyon ni Cally na sabay na


nakatingin sa kanya. Namula kaagad ang pisngi ni Prin. Naalala niya ang halik na
iginawad sa kanya nito nang nagdaang gabi.

Pinilig niya ang ulo. kailangan niyang magconcentrate.

Nagsimula ang laban sa pagitan nila ng Cobra team. Tulad ng pagkakasunud-sunod ng


laban sa unang laban nila, ganon muli ang pinagawa sa kanila ni Kai.

Natalo ang unang kasama at nanalo muli si Joen. Kaya si Prin na lang ang pag-asa ng
Blade team.

Huminga siya ng malalim matapos ang pag-bow. Nagsimula ang laban sa pagitan nila ni
MB19.

Mabilis ang kilos ng lalaki, gusto siya nitong linlangin sa galaw ng shinai nito.
Kanan, kaliwa at paulit ulit ang kilos.

Nang makakita ng tyansa ang lalaki para pukpukin siya sa ulo, para iyon nagslow-mo
sa paningin ng lahat nang mag-dock si Prin at nagpadulas sa ilalim ng braso nito na
may hawak na shinai.

Saka niya pinukpok ang ulo nito mula sa likuran. Puntos para kay Prin.

"Wow!!!!"

"Ang galing!!!!"

"that was an awesome move!"

Mga papuri sa kanya.

*****

Shinai - is made up of four bamboo slats, which are held together by leather
fittings.

Used in Kendo competition to represent katana or Japanese sword


SA HULI, si Prin din ang nanalo kaya nagwagi ang Blade Team sa Kendo Match.

Agad siyang nilapitan ng mga team members niya at masaya silang naghiyawan. Lahat
ay halos gusto siyang bigyan ng papuri.

Nagpasalamat at pinuri siya ng mga kasama niya sa team. Malapad naman ang pagkaka-
ngiti niya dahil sa una pa lang ay tiwala na siya na manalo siya sa Kendo match.

Ikalawang araw… Isang Mixed Martial Arts ang magaganap na laban.

Tulad ng ginawa sa Kendo, bubunot ng tatlong member sa bawat team para isalang sa
match bukod pa sa Leader. Dahil kailangan patunayan ng leader ang galing niya sa
pakikipaglaban.

Hindi kasama si Cally sa nabunot pero ayos lang sa kanya dahil sa mga oras na iyon
ay mas magaling siya sa planning and strategy.

Bubunutin kung sino ang maglalaban mula sa box. Nabunot ang Blade team at Dragoon.
Sinalang nila si Ana na kasama sa nabunot.

"GW10, galingan mo ha!" sabi dito ni Prin.

Ginanahan naman ito sa sinabi ni Prin. Nagbigay lang ito ng ok-sign. Babae rin ang
isinalang ng Dragoon team. Matapos ang ilang minuto ng laban ng mga ito, nakakuha
ng tiyempo si Ana para maipit ang mga hita at braso ng kalaban niya.

"Ah! Ah! Suko na! Suko na!" Sumenyas ng pagsuko ang representative mula sa Dragoon.
Panalo kaagad sila. Nadismaya naman ang Dragoon team.

Hanggang sa umabot nga ang laban kay Kai at Lorenz. Blade at Cobra muli ang
maglalaban sa match na iyon.

Interesado ang lahat lalo at alam nilang parehas na magaling ang dalawa. Ibinigay
ang hudyat.

Agad na pumorma ang dalawa para makatira. Umabante si Kai para bigyan ng suntok si
Lorenz pero agad itong nakaiwas. Sa halip isang sipa ang naibigay nito sa una.

Mas nanaig naman ang kagustuhan ni Kai na maibalik kay Lorenz ang binigay nitong
sipa. Nagawa naman niya dahil hindi nito naiwasan ang mabilis na pagkilos niya.

Halos pantay ang laban hanggang sa tila ba sinapian ng kung ano si Lorenz at nagawa
niya na magpatama ng maraming suntok sa mukha ni Kai. Pulang-pula ang mukha ng
leader nila pero hindi pa rin ito susuko.

Sa huli, tinuhod ni Lorenz ang mukha ni Kai dahilan para ma-K.O. ito.

Panalo ang Cobra team. Hiyawan din mula sa Cobra ang nanaig.

"Wow! MB5 is really awesome!" sabi ni Ana.

Biglang nagkaroon ng paghanga ang mga kababaihan kay Lorenz. Normal na reaksyon
lalo sa mga kabataan kapag magaling ang isang binata sa pakikipaglaban.

Lumapit si Cally kay Lorenz. "Tsk tsk! Hindi man lang kami binigyan ng
pagkakataon," sabi niya dito.

Ngumisi lang ito sa kanya. Kumuha ito ng tubig saka umupo at ininom iyon.
Tinabihan ito ni Cally. "Gusto mong sumabay muna sa akin umuwi kahit tatlong araw
lang? Uuwi ako sa amin sa Maynila sa susunod na araw tatapusin ko lang ang flag
fight," pagbibigay-alam niya dito.

"Wala naman akong uuwian." Matigas at may halong kalungkutan na sabi nito. Hanggang
sa mga oras na iyon ay masama ang loob ni Lorenz sa pamilya niya.

Huminga ng malalim si Cally. "If that's the case I will go alone. See you in UK."

"hmmm."

FLAG FIGHT…

Kinabukasan ng gabi ginawa ang Flag Fight. Kailangan makuha ang dalawa o tatlong
flag ng kalaban na grupo.

Arcadia, yellow flag. Blade, green flag. Cobra, orange flag at Dragoon, white flag
na matatagpuan sa bawat Camp. Kailangan protektahan ang flag na nasa bungad ng
Camp.

Si Ana at tatlo pa ang nakatoka na magbantay ng flag nila. Ang iba ay mahahati sa
dalawang grupo para kumuha ng flag ng ibang Team.

Si Cally at Prin ang nakatoka na kumuha ng flag sa Dragoon team kasama ng anim pa
nilang nakasama. Siya ang inatasan ni Kai na mamuno. At ang grupo ng mga ito ang
tutuloy sa Arcadia Team.

"Kapag nakuha na natin ang flag ng dalawang team saka tayo tumuloy sa Cobra Camp,"
paliwanag ni Kai.

"We don't know who is the flag guard but surely Lorenz will do his best to protect
his Camp and to get the flags."

"Do your best Ana," sabi ni Prin dito.

Pumorma na sila sa harapan ng Blade camp at hinitay ang asul na ilaw na hudyat na
papuputukin sa langit.

Ilang sandali lang, nakita na nila ang liwanag.

"Go!" sigaw ni Kai.

Kanya-kanya nang takbuhan ang lahat. May bitbit silang baril-barilan na gawa sa
kawayan at may bala na sumpit na pwedeng magparalisa sa parte ng katawan kung saan
ito tumama. Bawat baril ay tig-singkwenta ng bala kaya kailangan nilang gamitin
iyon ng maayos.

Mapaparalisa ang parte na iyon sa loob lamang ng dalawang oras.

Ilang metro na lang sila sa Dragoon camp nang makasalubong nila ang grupo nito
dahil may plano rin na pumunta ang mga iyon sa Camp nila.

Agad na nagpalitan ng bala ang grupo nila Cally at ng Dragoon Team.

Hinila ni Cally si Prin para umabante at hinayaan ang iba nilang kasama na humarap
sa mga ito. Gumilid sila sa magkakatabi at makapal na wooden box.

Nakita silang dalawa ng Leader ng Dragoon na si MB12 at agad silang tinira ng


sumpit nito pero nailagan ni Cally. Tinulak niya si Prin sa sumunod na box.

"Go!" senyas ni Cally kay Prin para siya ang humarap kay MB12. Umabante naman si
Prin kasama ng tatlo pang natira sa team nila patungo sa Dragoon Camp.

Nagpalitan sila ng bala ni MB12 habang nagtatago sa magkabilang wooden box.

Natamaan ni Cally ang braso nito kaya nahirapan ito na tirahin siya pabalik dahil
hindi nito naigalaw ng maayos ang braso.

"Thanks!" sabi lang ni Cally saka kinuha ang baril nito na gawa sa kawayan matapos
tirahin ng isa pa ang binti nito para hindi na ito makalakad. Saka siya sumunod kay
Prin.

DAHAN-DAHAN na lumapit si Prin at ang tatlo pa nilang kasama papunta sa white flag
ng Dragoon. Ilang metro na lang ang layo nila at natatanaw na nila ang puting Flag
na nagliliwanag.

Pinag-aralan ni Prin ang apat na nagbabantay doon at nagmamasid.

Lumingon siya sa mga kasama niya na nasa likuran at sumenyas na umabante. Maya-
maya, nakarinig sila ng mga tira ng sumpit mula sa Cobra na parehas ang layunin na
tulad nila -- ang makuha ang white flag. Nalipat dito ang atensyon ng mga
nagbabantay sa white flag.

"Go. go. go!" sabi ni Prin sa mga kasama habang nasa iba ang atensyon ng Dragoon
team.

Binaril din nila ng sumpit ang dalawang team habang umaabante patungo sa white
flag. Natamaan din ang isang kasama ni Prin dahil napansin sila ng mga ito.

She was determined to get the flag. Hindi niya napansin na may nakatutok sa kanyang
sumpit. Mabuti na lamang at nahila siya ni Cally na lihim na nakasunod din sa
kanila, sabay silang na out-of-balance kaya tumilapon siya sa ibabaw ng lalaki.

Parang tumigil naman ang mundo ni Prin dahil sa pagdikit niya sa katawan nito.
Hindi niya alam kung ilang segundo iyon na parang nilipad ng hangin ang diwa niya.

"Hey, get up and get the flag! Ako ang pro-protekta sa iyo," gising nito sa
nililipad niyang diwa.

Nakabawi naman siya agad.

'Mamaya na ang landi, trabaho muna' sabi niya sa sarili.

Tumayo siya na sakto lang na nakatago ang ulo niya sa crate saka diretso na tinakbo
ang direksyon ng white flag. Wala ng atrasan.

Kapag nakuha na nila iyon ay hindi na pwedeng bawiin ng Dragoon pero maaaring
makuha sa kanila ng Arcadia at Cobra team.

Habang tumatakbo siya, matalim ang paningin ni Cally na nagmamasid at pinatamaan


nito ng sumpit ang member ng Cobra na nagtatago hanggang sa makuha ni Prin ang
white flag.

"Yes!"

Kinurot nito ang pisngi niya.


"Mamaya ka na magsaya. Itago mong mabuti iyan. Let's go to Cobra camp!" sabi nito
sa kanya at sa isa pang kasama nila na si MB1 na wala pang tira ng sumpit. Tatlo
silang natitira sa grupo at tumakbo papunta sa camp ng Cobra.

Hindi natutuwa si Cally na nabawasan sila ng mahigit sa kalahati pero ayos na rin
at nakuha nila ang white flag.

Iyon nga lang, alam nilang tatlo na mas mahigpit na kalaban nila and Cobra. Hindi
pa man din nila alam kung nagwagi ang grupo ni Kai sa Arcadia Camp at kung ilan ang
natitira sa grupo nito.

Maingat silang tatlo sa pagsulong at hindi gumagawa ng ingay. Pinilit nilang


magtago sa mga crate na hanggang bewang ang taas.

"You should keep the white flag whatever happened, okay?" sabi nito sa kanya.

"MB1 go!" senyas ni Cally. Sinunod naman siya nito. Pinauna ito ni Cally habang si
Prin ang nasa gitna at siya ang nasa huli. Tatlo silang umabante ng tahimik.

Hindi inaasahan ni Cally na magbabantay si Lorenz at Donna sa flag ng mga ito. May
mga nakita siyang naparalisa na mga member ng Arcadia at Dragoon na malapit sa
pwesto ng dalawa niyang kaibigan.

'Tsk!' tama ang hinala niya na babantayan ng mabuti ni Lorenz ang flag nito kahit
na anong mangyari. Mas gugustuhin pa nito na manatili doon sa Cobra camp.

"Go!" senyas niya sa dalawang kasama.

Sakto naman na naroon din ang grupo ni Kai na nagpatira ng sumpit.

Dahil sa magkaibang direksyon sila nanggaling, nakalapit sila ng kaunti sa Orange


flag ng Cobra.

Tinira sila ni Lorenz ng sumpit nito pero agad silang nagtago kaya walang natamaan
sa kanila. Si Donna naman sa grupo ni Kai.

Panay lang ang tira ni Donna hanggang sa maubos ang bala ng sumpit nito.

"Sh*t!" hinagis nito ang baril na gawa sa kawayan sa sobrang inis.

Dahil doon, nakalapit pa ng kaunti ang grupo ni Kai. Hinagis ni Lorenz ang nakuha
niyang sumpit sa ibang team kay Donna. Dahil din doon kaya mas nakalapit ang grupo
ni Cally.

Umabante siya at pinatamaan si Lorenz.

Ganoon din naman ang kaibigan niya at natamaan nito si MB1. Dahil nawala ang
atensyon nito sa flag, nagkaroon ng tyansa na makalapit ang grupo ni Kai kay Donna.

Hindi rin basta papayag si Donna na makuha ang flag kaya inubos nito ang laman ng
panibagong baril na gawa sa kawayan, natamaan nito si Kai at ang isa pang kasama.

Tanging si Cally na lang din ang natitira at si Prin laban kay Lorenz at Donna.

Pinilit ni Cally na patamaan sa binti si Donna na nagawa niya habang nasa kanya ang
atensyon ni Lorenz.

"Go Prin, get the flag!" sigaw niya.


Napalingon dito si Lorenz at patatamaan sana ang dalaga pero nagkaroon ng tyansa si
Cally na patamaan din ang kaibigan sa braso dahil nawala ang pokus nito sa kanya.

"Sh*t" mura nito.

Nakuha muli ni Prin ang Orange flag.

"Yes! Whoooo!!!"

Tuwang tuwa naman si Kai kahit pa naparalisa ang braso at binti niya. "Go Prin! Get
the yellow flag here." masayang sabi nito kahit hindi maigalaw ng maayos ang
katawan.

"Tsk! Halimaw ka talaga Cally!" sigaw ng kaibigan niya. Gusto siyang murahin ni
Lorenz.

Tinapik niya lang ang kaibigan sa braso. "Com'on, I know you will do the same.
Kulang ka pa sa strategy." Sabi niya dito.

Alam ni Cally na pagdating sa pisikal ay hindi siya mananalo kay Lorenz pero
nakalimutan yata nito na sa patalinuhan, hindi ito mananalo sa kanya.

KASALUKUYAN

"Shi, we are here," gising sa kanya ni Lorenz.

Doon lang nakabalik si Cally sa reyalidad. Napanaginipan niya na naman si Prin.


Hinding-hindi niya makakalimutan ang mga unang buwan nila na magkasama ng babae.

Nami-miss niya ang panahon ng kabataan nila nito.

Nakakuyom ang palad at bakas pa rin sa mukha niya ang pagdurusa nang mawala ito.

Umupo muna ng maayos si Cally at hinintay na mag-land ang eroplano.

"May ideya ka ba kung bakit tayo pinatawag?" naisip na itanong ni Cally sa


kaibigan.

Hindi sumagot si Lorenz. Dahil kilala na niya ang binata, alam niya na may ideya
ito.

Tumahimik na lang si Cally at hinintay na makarating sila sa mansyon ng Kent


Family.

Malamig ang klima sa lugar at gabi na rin nang makalapag ang eroplano. Isang
limousine ang nag-aabang sa kanila pagbaba ng private plane.

Inabutan siya ng chauffeur ng isang makapal na jacket dahil nanunuot talaga sa


kalamnan ang lamig lalo at malapit na maghating gabi.

Sabay silang sumakay ni Lorenz sa itim na sasakyan.

Kinakabahan si Cally habang papalapit sa kanilang tahanan. Hindi niya alam kung
oras na ba ng pagboto ng mga pinuno para husgahan siya kung siya ba ay karapat-
dapat na pamunuan ang pitong pamilya.
Kumakabog ang dibdib niya sa hindi malaman na dahilan. Para maiwaksi ang iniisip
niya. Kinuha niya ang laptop upang tawagan sana ang Mommy niya para makausap ito,
makita at humingi ng payo. Pero para saan?

Agad niya rin namang iwinaksi dahil ayaw niya rin naman na mag-alala ito sa kanya.

"May balita ka ba sa Byrne Family?" tanong ni Cally sa kaibigan.

"Ang balita ni MB1, kinausap sila ng Peters para makipagkaisa sa kanila at sigurado
daw na magkakaroon ng posisyon ang Byrne kapag tinalikuran ang pamilya niyo at si
Gon Peter ang magiging pinuno. Katulad ng hinala mo."

"They really have the guts kapag tinalikuran nila ang Kent at sumapi sa Peters. I
have all the evidence to prove that they are corrupt and do tax evasion. Isang
pitik ko lang, Irish Government will come after them. Idagdag pa na Gray Guards
will backing me up."

Hotel kasi ang business ng mga Byrne. Malalaking hotel sa halos buong mundo pero
nakabase sa Ireland.

Naninimbang si Cally kung hindi siya tatalikuran ng Byrne Family dahil kapamilya ng
mga ito si Apolo na nagmahal sa Mommy niya noon. Pero isa rin iyon sa mga posibleng
dahilan kung bakit maaari sila nitong talikuran.

Huminga siya ng malalim. Noon niya lang napansin na papasok na ang sasakyan sa
bukana ng Kent Property.

Ilang ektarya ng lupain ang pag aari ng pamilya niya. Isang tagong lupain at
tanging gobyerno lang ang nakakaalam dahil sila ay sikretong sumusuporta sa mga
ito.

Ang malaking mansyon ay matatagpuan sa ibabaw o tuktok ng burol. Isang simpleng


mansyon kung titingnan pero mahigpit ang seguridad sa lugar.

Mas kabado si Cally habang papalapit ang sasakyan sa Mansyon nila.

Nang huminto ang limousine, bumukas kaagad ang malaking main door at iniluwa si
Madam Lira. Bahid sa mukha ng ginang ang pag-aalala. Halata ni Cally na inabangan
talaga siya nito.

Bumaba si Cally upang yakapin ang ginang.

"Mama Lira…" usal niya sa pangalan ng ginang.

Isang matikas at matapang na babae ang lola niya at nagawa nito na pamunuan ang
samahan nila sa loob ng ilang taon simula ng mamatay si Master Kent na tatay nito.

Niyakap lang siya nito ng mahigpit at hindi nagsalita. "Sabihin niyo po sa akin
kung ano ang rason at pinatawag niyo po ako."

Hindi nagsalita ang ginang at basta inakay na lang siya nito patungo sa isang
kwarto. Mas dumoble ang kaba niya.

May lumabas na doktor mula sa kwartong iyon. "She was safe Madam but still
unconscious," sabi nito saka umalis.

Kumakabog ang puso ni Cally. Hindi na kaba kung hindi excitement ang nararamdaman
niya. 'Anong ibig sabihin nito?'
Nilingon niya si Lorenz na tahimik pa rin na nakasunod saka siya nagpatuloy papasok
sa kwarto.

Hindi makapaniwala si Cally sa nakita -- Prin Matsui is lying on a wine colored bed
na parang walang buhay. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba.

"S-she was captured by a pirate and was in the sea for a couple of years Cally,"
nagluluha na paliwanag ni Madam Lira.

"They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld
dealings."

"He used his money and all resources to buy her. And he sent her here." mahabang
paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally.

Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas
ang ilang taon na nawala ito.

Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang
una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya
kapag nalaman nito.

"Not yet."

Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a
familiar and strange feelings. He really can't describe. He doesn't know what to
say.

He wanted to hold her and at the same time he was scared.

A TWENTY THREE-YEAR-OLD CALLY

He was captured again by Peters. Nangyari na ito noong apat na taon ang nakaraan
habang nag-t-training siya kasama ang Gray Guards.

Ang Dark guard ay nahahati ngayon sa Black at Gray. Ang Black Guards ay mas bihasa
sa espada, patalim, lason at halamang-gamot, literally like Samurai.

Samantalang ang Gray Guards ay sa baril, pagpapatakbo ng eroplano at kung ano pa


tulad naman ng sa Militar.

Isang taon makalipas ang training niya sa Japan kasama ang mga nakatakdang maging
Dark Guards, isang hindi kilalang lalaki noon ang dumukot sa kanya. He was nineteen
during that time. Isang Gon Peter ang humarap sa kanya.

Halos kasing edad lang din niya ang lalaki. Ang pagkakaiba lang nilang dalawa.
Maihahalintulad sa demonyo ang awra ni Gon.

Hindi rin naman ito nagtagumpay noon na dukutin siya dahil hindi nito akalain na
nakapagsanay siya ng pisikal.

Makalipas ang limang taon, heto na naman siya at dinukot na naman ng pamilya nito.
He was just hoping that either the Black guard or Gray guard help him or else hindi
niya alam kung ano ang kahihinatnan ng Dark Lords.
Ang Peters Family ay maihahalintulad sa isang blacksheep sa isang pamilya. They are
hiding in the dark and do evil things. Hindi nga alam ni Cally kung ilan na lang sa
pamilya nito ang nabubuhay.

Wala silang ideya kung sinu-sino ang sumusuporta sa Pamilyang ito at kung ano
talaga ang role ng pamilyang ito sa Dark Lords bukod sa adviser noong nabubuhay pa
si Master Kent.

Adviser noon ang matandang Peters nang panahon ni Master Kent na naging makasarili
at nagnais ng mas mataas na kapangyarihan.

Nang hulihin siya nito noong de sinuwebe anyos siya ay hindi handa ang mga ito,
hindi akalain ng mga ito na hasa si Cally sa pakikipaglaban.

Pero iba sa mga oras na iyon, pinaghandaan siya ng mga ito para mahuli. Isang
Charity event ang pinuntahan ni Cally kasama ang mga ordinaryong tao sa
organisasyon at doon nga siya nito dinukot dahil wala siyang kasamang guard.

Cally is praying na sana ay kahit na sino sa guards ang dumating. Pero nagulat siya
ng iniligtas siya ni Prin.

Natulala pa siya nang makita muli ang babae dahil hindi niya ito namukhaan. She was
turned into a beautiful young lady. Just like a butterfly. She was alone at nagawa
nito na iligtas siya just like a warrior princess.

Tumakbo sila nito sa kagubatan matapos niyang makaalis sa kulungan. Ilang araw na
walang kain si Cally kaya nanghihina siya at hindi masyadong naibigay ang inaasahan
na bilis at lakas.

Napaupo na lang siya sa lapag. Saka siya sumuka.

"Oh! I'm sorry. Here!" inabutan siya nito ng isang likidong nakalagay sa maliit na
bote.

"What is this?" tanong niya sa babae.

Inikutan siya nito ng mata. "It's a calorie and energy drink."

Ininom ni Cally ang likido. Halos masuka siya sa lasa. "F*ck!"

"Com'on, siguradong mamaya ay magpapasalamat ka sa 'kin. Kikitain tayo ni MB5 sa


bungad."

Nabigla si Cally. Kung kasama nito si Lorenz bakit wala sa paligid ang kaibigan
niya.

Hinawakan nito ang kamay niya saka siya hinila para bumalik sa pagtakbo.

Ilang minuto pa, nakikita niya na ang kalsada sa wakas. Halos nakalimutan na nga
niya na may pinainom ang babae na gamot sa kanya.

Ilang sandali pa, nakikita niya na si Lorenz na nakasandal sa pickup truck.

"Grabe, nauna pa ako sa iyo." nakangisi na sabi nito sa kanya.

Nakakunot ang noo niya. "Naroon ka kanina?"

"Yes."
Hindi niya napansin ang lalaki. "I never saw you."

"Tulala ka kanina kay Prin. Paano mo ako makikita?" tudyo nito.

Nilipat niya ang paningin sa babae. Walang bahid ng reaksyon. Matagal tagal din
sila na hindi nagkita nito kaya siguro nakatitigan niya ito ng matagal.

"Let's go bago pa ako maging third wheel dito," biglang aya nito sa kanila.

Nagmaneho si Lorenz at katabi nito si Prin habang nasa likod ng sasakyan si Cally.

"Anyway, why are you here?" baling niya kay Prin na nakaupo sa unahan ng sasakyan.
Hindi niya kasi inaasahan na nasa UK ang babae. Pagkakaalam niya ay nasa Japan ito
at nagsasanay kasama ng Black Guard.

"To marry you." simpleng sagot nito.

Napaatras si Cally. Halatang nabigla siya sa sinabi nito. Nilipat niya ang paningin
kay Lorenz. Tiningnan naman siya nito sa rearview mirror dahil nasa likuran siya ng
pickup truck.

"Your Uncle Rob, your Mom and your Dad are here nang malaman na kinidnap ka ng
Peters."

"And?"

"And they decided na kapag nailigtas ka namin ni Prin ay magpapakasal kayong


dalawa."

Cally "..."

Can you tell me what is the connection? Nais niyang itanong pero pinili niyang
manahimik. Inilipat niya ang tingin sa babae na nagligtas sa kanya.

"Hey! Huwag mo akong tingnan na para bang may nakakahawa akong sakit. Magpasalamat
ka nga at may magpapakasal pa sa busangot mong mukha."

"What?" parang gustong mag-init ng ulo niya sa sinabi nito.

"Busangot mong mukha." ulit pa nito.

"Say that again or else paalisin kita sa dito sa sasakyan." Nasanay si Cally na
sinusunod ng kahit na sino. Prin is nothing. Kahit pa anak ito ng tinuturing niyang
ikalawang tatay na si Rob Matsui.

"Mr. Grumpy old man, is that how you thanked your saviour?' Lumingon ito sa kanya
at nakahalukipkip.

"This truck is owned by my family, not yours. What right does you have para
paalisin ako sa sarili kong sasakyan?" mataray na sabi nito sa kanya.

Sa unang pagkakataon, hindi nakasagot si Cally. Hindi niya alam kung paano
sasagutin ang babae.

Isinandal na lang niya ang ulo sa upuan dahil ayaw niya ng kausapin pa ito.

Napangiti naman si Lorenz nang makita na sinandal ni Cally ang ulo nito at nakipag-
apir kay Prin. Unang beses niya na makita si Cally na natameme. Napailing na lang
siya.

PAGPASOK sa malaking pintuan sa bungad ng mansyon, nakita agad ni Cally ang Mommy
niya at ang Daddy niya na halatang naghihintay.

Niyakap niya agad ang Mommy niya na matagal niyang hindi nakita.

"Mom…"

Halata ang lungkot sa mukha nito. Ilang saglit pa, nagulat na lang siya nang bigla
siya nitong pinalo sa braso.

"You… Cloud Han! Bring Cally back to Manila!" galit na sabi nito sa Daddy niya.

Hindi naman sumagot ang Daddy na normal na reaksyon nito.

"Mom, I'm sorry," malungkot na sabi niya dito halos isang buong linggo kasi siyang
nawala.

"I agree with your Mom. You should be back to Manila for the meantime" sang-ayon ni
Madam Lira.

Bigla niyang naisip si Prin na matindi ang pagkakangisi sa gilid katabi si Lorenz.

"By the way, bakit kailangan kong pakasalan si Prin?" tanong niya sa magulang.

"This…" Napakamot ang Mommy niya.

"All of the elders wanted you to get married and Prin is the best choice," si Madam
Lira ang sumagot.

"Pero kung ayaw mo o hindi ka sang-ayon ay hindi ka namin pipilitin. As your Mom,
nag-aalala lang din ako sa lovelife mo at baka tumanda ka na katulad ni Rob bago
nag-asawa," tudyo nito sa kaibigan.

"Hey! Bakit ako nasali?" clueless na reaksyon nito.

"You are almost 32 nang una kang mainlove sa Mama ni Prin. May mali ba kong
sinabi?"

Nakasimangot lang si Rob at hindi na ito sumagot pa. Hindi rin naman ito mananalo
sa debatehan laban sa Mommy niya.

Si Prin sa gilid ay tamang nakikinig lang. 'Subukan mong tumanggi.' isip-isip nito.

"But Prin is still in her college, is she?" tanong ni Cally.

"So?" nakataas ang kilay na tanong ni Prin.

"So, I'm just worried. Marriage may affect your schooling."

"Wow! You are looking forward to getting her pregnant. That's good!" singit ng
Mommy niya.

Cally "..."
'Mom please… Masyadong advance ang iniisip mo. I am just talking about marriage'

Huminga ng malalim ang Daddy niya at sa unang pagkakataon ay nagsalita.

"What is your decision? Prin agreed. Hindi ka naman siguro mamba-basted ng dalaga
di ba?" sabad nito.

"You will return to MGM. Prin will continue her college. Both of you will live and
have a normal life. Mas makabubuti na tanggapin mo ito dahil kapag tumuntong ka sa
edad na trenta, babalik ka sa Dark Lords para husgahan. You should at least enjoy.
I want you to help me in MGM for a couple of years and enjoy your life with Prin,"
dagdag pa nito.

Nag-isip si Cally. Magandang ideya na babalik siya sa piling ng pamilya niya at


mamumuhay bilang normal na tao.

Nilingon niya si Prin na nakaupo sa gilid at parang barako kung kumilos. Naka-boots
na may bahid pa ng putik gawa ng pagtakbo nila sa kagubatan. Walang arte sa
katawan.

Nakasuit ito ng slim pants at fit na blusa na parehas na kulay itim. Normal na suot
ng Black guard. Nakade-kwatro na tulad ng sa tatay nito. Gusto niyang mapa-iling.

She was like a beautiful girl acting like a kanto boy.

"Alright!" nasabi niya rin sa wakas.

HINDI pa lumilipas ang tatlong araw ay pabalik na sila ng Maynila kasama ng


magulang niya at si Rob.

Si Lorenz ay naiwan sa lugar para magsanay kasama ng Gray guards. Inaaral na nito
ngayon kung paano mag-piloto sa isang plane bilang kauna-unahang Shogun.

Sa loob ng tatlong araw naikasal na nga rin siya kay Prin sa UK. Wala masyadong
seremonyas at tanging kontrata lang ang binigay sa kanila na pinirmahan nila.

Wala namang plano si Cally na ariin ang babae dahil kung sakali man na ma-inlove
ito sa iba, mananatili pa rin na malinis ito.

Kaiba sa plano ni Cally ang plano ni Prin. She is happy. Ilang taon niyang hindi
nakita ang binata at talagang masaya siya na muli sila nitong nagkita.

Kung may nagbago man sa binata, 'yun ay ang lalo nitong pagiging masungit. Saka mas
naging maskulado ang katawan nito dahil hasa sa physical activities. Mas nagmatured
ang mukha.

Ang tanging nanatili siguro ay ang pagkagusto ni Prin sa lalaki. She was determined
to get him kahit gamitin niya ang katana niya dito.

Pinilit niyang matulog habang nakaupo at katabi ang lalaki. Nagising lang siya ng
gisingin siya ni Cally.

"Hey!"

Noon niya lang napansin na nakasandal ang ulo niya sa dibdib ng lalaki.

"Basa na ng laway mo yung polo ko," iritableng sabi nito sa kanya habang nakatingin
sa mala-mapa na namuong laway niya sa itim na polo na suot nito.
Pupungas-pungas pa siya na tiningnan ang polo nito.

"Laway lang iyan. Kung makapagreklamo ka naman akala mo wala kang laway," katwiran
niya.

"Tss…" Tumayo si Cally at hinubad ang polo na suot.

"H-hey! B-bakit ka naghuhubad?" nanlalaki ang mata na tanong niya dito. Lumingon
siya sa paligid at natutulog din ang mga kasama nila. Gumagana ang utak niya na
baka pagsamantalahan siya doon sa eroplano.

"Gusto mo ba na manatili sa akin itong damit ko na may laway mo? Tsk!" tumalikod
ito saka tumuloy sa drawer na nasa gilid.

Sinundan niya lang ito ng tingin.

Pakiramdam ni Prin lalong tumutulo ang laway niya kahit hindi na siya natutulog.
Nakatitig lang siya sa hubad na katawan ni Cally.

Hindi pa man niya nahahawakan ang mga kalamnan ng lalaki, alam niyang matigas ang
mga muscle nito kahit sa likuran. Wala siyang makitang naliligaw ni isang pirasong
taghiyawat at pantay ang kulay kahit ang likuran nito.

Likod pa lang ulam na.

'Gosh lord! I need kanin please!'

DINALA ni Cally si Prin sa isang malaking bahay na nasa Maynila. Nakakunot ang noo
niya habang iniikot ang lugar. May tatlong kasambahay si Cally at limang guard sa
bahay nito.

Hindi niya masisisi si Madam Lira kung pabantayan mabuti ang apo nito dahil isang
mahalagang tao ang asawa niya sa pamilya at sa Dark Lords.

May tatlong palapag ang bahay nito at literal na elegante. Gold at emerald green
ang tema ng kulay ng halos buong kagamitan. Halata na pinag-isipan at pinaghandaan
ang pagtira nito sa bahay na iyon.

Palibhasa ay iba ang mundo niya sa Japan, hindi maiwasan na mamangha siya sa bahay.
Maihahalintulad sa bahay ng prinsipe ang bahay ni Cally na nababagay sa pagkatao ng
lalaki.

Ang bahay nila Prin ay tipikal na Japanese mansion, samantalang Tudor Architecture
ang style ng bahay nito.

Ayon dito, nabili nito ang bahay na iyon mula sa mga kinikita nito sa MGM na
ikinagulat niya. At nabili nito ang bahay na iyon tatlong taon ang nakaraan.

Nabigla siya dahil ang pagkakaalam niya ay inilaan ng lalaki ang buong oras nito sa
pagsasanay at paghahanda kaya laking gulat niya na nakapag-ipon ito sa edad nito na
bente anyos.

"I have 10 percent shares in MGM Corporation hindi pa man ako tumutuntong ng isang
taon gulang. Lahat ng kinita ko for twenty years ay dito ko ibinuhos," paliwanag
nito.

"Wow! I never thought na mayaman ka pala," namamangha na sabi niya dito.

Nakakunot ang noo nito. "Hindi naman. Nagkataon lang iyon na nagkaroon ako ng
mayaman na magulang. Even your parents are wealthy. Sila ang mayaman not us."

Bumuntong hininga ito matapos nitong sabihin iyon.

"Kaya nga we have to return the favor. You should focus on your studies and I have
to work in the company."

Napangiwi si Prin nang sabihin ni Cally na kailangan niyang pagbutihan ang pag-
aaral at napansin nito iyon.

"Why?"

Nakayuko si Prin. "Well.. I am not really good in studies…" nahihiya na sabi niya.

"No wonder, hindi na rin naman ako nabigla."

Umalma kaagad si Prin. "Hey! Are you saying na mukha akong bobo?"

"hmp! sabagay, tingin ko nga... kasi naging asawa kita e," sabi niya dito saka
tumakbo palayo kay Cally.

Naiwan si Cally na umasim ang mukha dahil naisahan na naman siya ni Prin.

KINAGABIHAN, kinakabahan si Prin dahil matutulog siya sa kwarto kasama ang asawa
niya.

Makatabi niya lang matulog si Cally ay sobra-sobra na ang saya niya.

Hindi naman siya umaasa na may magaganap sa kanila ng lalaki dahil sinabihan na
siya nito na kailangan niya na mag-pokus sa pag-aaral.

All she can do is wait for that night.

Kinuha niya ang iPad sa bag at saka nagtingin kung may mensahe siya mula sa mga
kaibigan.

Nakita naman niya na may mensahe siya mula kay Ana. Hindi na trainees ang mga ito
kaya nakakagamit na ang Dark Guard ng telepono at kung ano pa.

[AnaGW10 : Hey Princess! Congrats! Nabalitaan namin dito na asawa ka na ngayon ni


Shi Cally.]

Nag-reply naman siya dito.

[PrinGW8 : Salamat!]

[AnaGW10 : Dahil asawa mo na si Shi Cally. May ipapadala kami na regalo sa iyo.]

[PrinGW8 : kung ganoon, hihintayin ko na lang]

Isang 'like' emoji ang reply nito.

Nagkakamustahan pa sila ni Ana nang pumasok si Cally at naghubad ng suot na pang-


itaas.
"H-Hey! A-anong pinaplano mo? B-bakit ka nag-hubad?" namumula ang pisngi at halos
hindi siya makatingin dito.

Malapit na rin kasi siyang mag-collapse dahil mas kita niya ang dibdib at abs ng
lalaki. Hindi na gaya ng sa eroplano na hanggang likuran lang ang nakita niya dito.

"This room is also mine. May problema?" nagtataka na tanong nito.

"Kung hindi ka komportable, aalis na lang ako at lilipat sa ibang kwarto."

"N-no! Nakakahiya sa mga kasama natin sa bahay at saka baka pagtsismisan pa tayo,"
katwiran niya.

Hindi na sumagot si Cally at diretso sa closet para kumuha ng shirt, short at


towel.

Napapalunok si Prin at sinusundan ang bawat kilos ng asawa niya. Nakalimutan na nga
niya na ka-chat niya si Ana.

Nagulat na lang si Prin nang humarap ito at mabilis na naglakad patungo sa


direksyon niya. Akala niya ay susunggaban na siya nito at kung ano ang gagawin sa
kanya.

"Sh*t! Your nose is bleeding!"

Kumuha ito ng tissue at pinunasan ang tumutulo na dugo sa katamtaman na tangos


niyang ilong.

Hiyang-hiya si Prin at hindi makatingin kay Cally.

Sa pagtingin lang sa lalaki ay nag-no-nosebleed na siya. Paano pa kung may maganap


na sa kanila ng asawa niya?

"Tingin ko hindi pa nakakapag-adjust ang katawan mo sa klima dito. Malamig ngayon


sa Japan at malamig din sa UK."

Pinahiga siya ni Cally at pinunasan ang ibabaw ng labi niya.

Sa kakapunas ni Cally sa philtrum ni Prin ay hindi maiiwasan na mapatingin din siya


sa labi nito.

Why does he feel like he kissed those lips before? Iniwas niya ang tingin at
binigay ang box ng tissue kay Prin.

"Ikaw na ang magpunas. Maligo ka kasi para hindi ka naiinitan," sabi niya dito.

Dinampot niya ang mga gamit na kinuha niya sa closet saka tumuloy sa shower room na
nasa loob ng kwarto.

Naiwan naman si Prin na naiinis dahil kulang na lang ay sabihin nito na hindi siya
naliligo kaya siya nag-nosebleed.

SA LOOB ng ilang araw, maayos naman ang pakikitungo ni Cally kay Prin at wala naman
siyang problema sa lalaki bukod sa pagiging masungit nito.
Pumapasok ito sa opisina matapos siyang ihatid sa eskwelahan. Masasabi na maayos
ang samahan nila sa bahay ng lalaki kahit madalas siyang pagalitan ni Cally.

Kating-kati na ang mga kamay at paa ni Prin na magmaneho ng kotse pero ayaw nito na
isa sa mga gusto niyang iprotesta sa lalaki.

Madalas siyang sumali sa Race at nagpapanggap siyang lalaki bilang 'Aiden' noong
nasa Japan pa siya kaya hindi niya maintindihan si Cally kung bakit ayaw nito na
magmaneho siya ng sasakyan.

"How's your studies?" tanong ni Cally habang daan. May isang linggo na rin kasi si
Prin na pumapasok sa school.

"Okay naman, Filipino friends are cool and friendly. But I also have one classmate
na parang inis sa 'kin at lagi akong tinataasan ng kilay tuwing makakasalubong ko
siya sa hallway."

"Not everyone is good. But, how are your studies?" balik ni Cally sa tanong nito.

Napalunok si Prin at hindi alam ang isasagot. This guy never missed the chance
kapag may nais at gustong malaman.

"Huwag mo nang sagutin... I can read the answer all over your face," sabi nito sa
kanya.

Sumimangot si Prin. "yeah.. Because you are so intelligent," bubulong-bulong na


sabi niya.

Ilang saglit pa, huminto na ang sasakyan nito sa tapat ng gate ng school nya.

"I have to go," sabi niya sa lalaki.

"Come to my office later after your class," sabi nito bago pa man siya makababa.

Natuwa naman si Prin dahil unang beses siya na maimbitahan nito sa opisina.

"I will teach you in your lessons, kaya be ready."

Prin "...."

'Sabi na nga ba'. Bakit nga ba siya umasa-asa na inimbitahan siya nito para dalawin
ito kung kamusta ito sa opisina? Sigurado na ang dahilan ni Cally ay hindi simple.

Sumimangot siya saka binitbit ang bagpack, lumabas ng sasakyan at tumuloy na sa


pagpasok ng gate.

Nakita niya si Bella hindi pa man nakakaalis ang sasakyan ni Cally. Nakakunot ang
noo nito. Ito ang kauna-unahang kaibigan niya sa school.

Babaeng-babae ang dating nito. Madalas na naka-dress ang kaklase niya, naka-heels
at simpleng make-up kaya hindi makapaniwala si Prin na makakasundo niya si Bella.

"Wow! Who is that?" tanong nito habang nakatingin at nakaturo sa sasakyan ni Cally.

Nilingon niya pa ang sasakyan ng lalaki.

"Oh! That is my boyfriend," nakangiti na sabi niya. Ayaw niya kasi na iba ang
isipin ng bagong kaibigan sa kanya kung sasabihin niya na asawa niya ang may-ari ng
sasakyan.

Tiningnan siya nito mula ulo hanggang paa. "Boyfriend?"

Madalas kasi na naka-baggy clothes si Prin, naka-bagpack, snickers at naka-ponytail


ang mahaba niyang buhok.

"Are you sure it's a boyfriend?" hindi makapaniwalang tanong nito.

"Why?"

"It's just that... I can't believe you have a boyfriend."

Tiningnan niya ito ng masama. "At bakit naman?"

Tumuloy na sila papasok sa loob ng school habang nagk-kwentuhan

"Wala naman dear. No offense but… you are acting more of a teenager boy. So, I'm
curious. Tuwing lalabas kayo para mag-date, anong suot mo? Don't tell me that you
are wearing this jeans," sabi nito habang kinurot ang isang parte ng pantalon niya.

Napa-isip si Prin dahil hindi pa talaga sila nag-d-date ni Cally. Napakamot siya sa
ulo.

"You need a make-over, girl! Mabuti na lang at ako ang naging kaibigan mo."

Biglang naisip ni Prin na pupunta siya sa opisina ni Cally sa araw na iyon 'pag
natapos ang klase niya. Ayaw naman niya na mapahiya ang asawa niya kung sakali na
mukha siyang sanggano na dadalawin ito sa opisina nito.

"If that's the case, please help me after class."

Kinindatan lang siya nito bilang pagsang-ayon.

TUMULOY sila sa isang department store. Para mamili matapos ang klase.

"How much is your budget?" tanong ng kaibigan niya.

"Hmm… kahit magkano ay okay lang," sabi niya kay Bella. May debit card siya at
credit card na galing parehas sa magulang niya, iba pa ang ibinigay ni Cally.

Napangiti naman si Bella. May mga pinagkukuha ito na kung anu-ano. Tatlong dress,
sapatos at bag. Saka pinasukat sa kanya.

Isang mint green na dress na abot hanggang tuhod ang pinasuot nito sa kanya.
Sapatos na hindi kataasan dahil hindi pa siya sanay sa matataas na tinernuhan nito
ng kakulay na bag. Tinirintas nito ang buhok niya at nilagyan pa iyon ng maliliit
na bulaklak bilang disenyo.

"Wow!" nabighani sa kanya kahit si Bella.

"You know what my friend. Malapit na ko mainis kay Lord. Bakit mapa-tomboy-look ka
o pa-girl, bagay sa iyo?" hindi makapaniwalang sabi nito.

Medyo asiwa si Prin dahil iyon ang kauna-unahang beses na nagsuot siya ng bestida.
"Maganda.. ba?"

"Sobrang ganda my friend! Malapit ko na ngang isipin na hindi ako tunay na babae."
Napangiti si Prin. Nagtitiwala siya sa kaibigan na si Bella kaya sa tingin niya ay
magugustuhan din ni Cally ang suot niya.

"I will confiscate your old things, okay?" dagdag pa nito.

Medyo nag-aatubili si Prin pero tumango rin siya makalipas ang ilang minuto.

"Am I really pretty?" ulit pa niya.

"Yes. Bukas gusto ko suotin mo itong dress na nasa paper bag, okay?"

Tumango na lang si Prin. Sa totoo lang, kahit naman siya ay natutuwa sa kinalabasan
ng ayos niya at sana ay ganoon din si Cally.

HINDI mapalagay si Prin sa suot niya kaya hindi maganda ang paraan niya ng
paglakad.

Napapangiwi si Bella tuwing naglalakad si Prin sa normal niyang paraan.

"Alam mo my friend, okay na sana ang lahat kaya lang yung lakad mo day, para kang
may bitbit na isang sako ng bigas," reklamo nito.

"Binabawi ko na ang sinabi ko kanina na nagtatampo ako kay Lord. Not everyone is
perfect and you are one of the living proof," dugtong pa nito habang napapa-iling.

Nakayuko si Prin at hindi makatingin sa kaibigan. Bakit ba kasi hindi niya sinunod
ang Mommy niya dati na magbihis ng babae at kumilos bilang babae, ngayon tuloy ay
nagsisisi siya.

Kinuha nito ang cellphone at may hinanap na mga video ng runway. "Try to learn this
habang nasa byahe ka."

Pinakita ni Bella sa kanya ang mga video nito ng runway ng Victoria's Secret
fashion show.

"Habang nasaan daan ka, aralin mong mabuti iyan. I'll share it in your phone."

Pinasa nito ang files sa Cellphone niya.

Nag-abang sila ng taxi habang pinanonood ang runway. Sa tingin ni Prin ay madali
lang ang paglakad, iisipin na lang niya na naglalakad siya sa isang makitid na
ibabaw ng pader.

Nasabi niya na kay Bella na dadalawin niya si Cally sa opisina.

"Saan ba nagtatrabaho ang boyfriend mo?" tanong nito.

"MGM Corp"

Nanlaki ang mata nito. "Wow! Talaga?! Is he an actor? Or in a support team?"

Nag-isip si Prin kung ano nga ba ang tawag sa posisyon ni Cally. "I don't know… but
he manages the company."

"Oh! so, he is a Manager," nakangiti na sabi nito.


Nag-isip muli si Prin. "Not really. I think he is the President," simple at kaswal
na sabi niya.

Nanlaki na naman ang mata ng kaibigan. "You mean your boyfriend is Cally Han?"

Nagtaka rin si Prin.

"You know my boyfriend?" takang tanong niya dito.

"He doesn't know me, but I know him." Pinalo siya nito sa braso.

"I saw him in one of the magazines before. He is one of the youngest and richest
bachelors in the world. How come he became your boyfriend?" usisa nito.

"Naku Prin, I should really teach you on how to be a prim and proper girlfriend. or
else, baka maagaw siya sa iyo ng iba," nag-aalalang sabi nito.

Naisip ni Prin na imposible iyon dahil sa akto pa lang ni Cally na masyadong


masungit, imposible na maakit ito ng kung sino. Isa pa, paano pa itong maaagaw sa
kanya? E, samantalang asawa niya na ang pinag-uusapan nila.

Gayunpaman, hinayaan niya na lang din ang kaibigan niya sa iniisip nito.

May napadaan na taxi kaya sumakay na siya doon at nagpahatid sa opisina ni Cally.

Pinanonood niya pa rin ang video habang daan. 'Kendeng dito, kendeng doon .
masyadong malandi.'

Tumingin na lang siya sa gilid ng daan at pinanood ang mga babaeng naka-miniskirt
at pang-opisina. S apalagay niya ay mas okay silang gayahin sa unang stage ng
pagsasanay niya.

Nang huminto ang taxi sa tapat ng MGM building, dumoble ang kaba niya. Sinilip niya
ang relo sa cellphone at eksakto na alas singko ng hapon. Kaya marami na ang
magsisipag-labasan para umiwi.

Sinabi niya na pakay niya si Cally sa receptionist at tinawagan nito ang Assistant
ni Cally na si Xander.

Sinundo siya ni Assistant Xander doon sa lobby ilang minuto lang. Tapos ay dinala
siya nito sa opisina ng asawa niya.

"Miss Prin, may inasikaso lang si Master Cally pero pwede niyo po siyang hintayin
dito. May kailangan po ba kayo na inumin o kainin na meryenda?"

Dahil hindi sila kumain ni Bella, nanghingi siya ng meryenda na kahit ano kay
Assistant Xander. Binigyan naman siya nito ng isang piraso ng cookies, croissant at
saka wafer na nakalagay sa basket at saka pineapple juice.

Tinikman niya ang mga iyon.

"Wow! I think Xander is the best," puri niya sa lalaki.

Namula naman ang pisngi nito. "Hindi naman po Miss."

"I'm serious. They are so delicious!"

Natuwa naman ang Assistant ni Cally. "Kung ganoon, enjoy your meal po. Tawagan niyo
lang ako sa labas kung may kailangan po kayo," sabi nito.

Nagbigay lang siya dito ng 'Okay-sign' dahil may laman ulit ang bibig niya.

Matapos kumain ni Prin ng meryenda, naengganyo siya na silipin ang labas dahil
papalubog na ang araw.

Pumunta siya sa gilid at pinagmasdan ang tanawin sa labas. Nakagagaan sa pakiramdam


niya ang tanawin ng mga maliliit na sasakyan at ang papalubog na araw.

Nasa ganoong akto siya nang buksan ni Cally ang pintuan ng kwarto nito. Dahil hindi
niya narinig na bumukas iyon, nakatalikod lang siya sa lalaki at hindi siya nito
agad nakilala.

"Who are you?" narinig niyang tanong nito, saka siya lumingon.

Nabigla pa ito nang makilala siya. She looked differently. Mula sa maluwag na jeans
at blusa, isang mint green na bestida ang ipinalit niya kaya hindi niya masisisi si
Cally kung hindi siya nito agad nakilala.

Lumapit siya sa binata.

"Hi!" nakangiti niyang sabi. Matagal bago ito nakakilos.

"Where did you get your dress?” ito ang unang nasabi ni Cally.

"Oh! Nag-shopping," simpleng sagot ni Prin.

Nakatitig lang ito sa kanya.

"Is there... something wrong? You don't like my look?" tanong niya.

Parang nahimasmasan naman ito

"Oh no!" namula ang pisngi nito.

"Gusto ko lang sabihin na kung nakapag-shopping ka, I'm expecting na ready ka na


rin sa aralin natin."

Prin "...."

RAMDAM ni Prin na nakatitig sa kanya si Cally habang may pinapasagutan ang lalaki
sa kanya sa notebook (laptop) nito.

"I'm done!" sabi niya saka inabot ang notebook dito.

Kinuha nito iyon saka sinuri isa-isa.

"Come here," sabi sa kanya. Tumabi naman si Prin sa tabi nito.

Na-aamoy ni Cally ang pabango ni Prin pero pinili niyang iwaksi sa isip ang tila
amoy ng cherry blossom na nagmumula sa katawan nito. Kaunti na lang at mamumula na
ang pisngi niya.

Tinuro ni Cally isa-isa ang mga 'errors' ni Prin sa notebook.

"I think one day is not enough. You should come here after your every class,"
komento ni Cally.
Napakamot sa ulo si Prin. "Am I that bad?"

"Yes… Hindi na nga ako magtataka kung babagsak ka sa liit ng talino na meron ka."

Prin "..."

Tiningnan niya ito ng masama. Hindi man lang inisip kung masasaktan siya, basta
sinabi nito kaagad na mahina ang ulo niya.

"Hmp! Hindi ko kasalanan iyon. Kasalanan iyon ng Professors namin kung mahirap ang
mga tinuturo niya saka kung mahirap itong mga questions mo," katwiran ni Prin.

"*sigh* There is no problem with my questions. You will soon learn don't worry,
dahil tuturuan kita hanggang sa matuto ka. Though I will put a lot of effort,"
nang-iinis na sabi nito.

Gusto sanang matuwa ni Prin dahil tuturuan siya nito, araw-araw niya pa itong
makakausap at makakasama. In a way, bonding time niya na rin iyon with Cally.

Matindi nga lang ang lalaki kung laiitin siya.

"Hmp! Bakit ba naman kasi kailangan ko pa mag-aral ng kung anu-ano? There is


nothing in my lessons that could help me with my position in Dark Guards."

"You are my wife. Is that a simple reason?" tanong nito sa kanya.

Napaisip si Prin. Muntik niya nang makalimutan ang bagay na iyon. Dahil tinanggap
niya na maging asawa ang lalaki, she must do something about it.

"Let's go home." inayos na nito ang mga gamit para sa pag-uwi nila. "Come back
tomorrow"

"What do you want to eat?" tanong nito habang naglalakad sila patungong elevator.

"Sige, dahil tinuruan mo ko. Ako ang mag-t-treat sa iyo," nakangiti niyang sabi.

"Oh! If that's the case, I want you to cook for me."

Napalunok si Prin. Napansin naman ni Cally na parang na pressure siya. "Why?"

"H-hindi kasi ako marunong magluto," sabi ni Prin. sa Japan ay meron silang maids
na sumusuporta sa buong mansion.

"Yeah. with your intelligence, I really can tell."

Masama ang tingin na ibinigay niya dito. "How dare you kahit naman hindi ako
marunong magluto, magaling ako sa ibang bagay."

Tiningnan siya nito. "Tulad ng?"

"M-magaling ako sa pakikipaglaban... Is it counted?" Nakangusong sabi niya.

"It doesn't. Anong kinalaman ng pakikipaglaban sa buhay may-asawa mo. If ever na


magka-anak tayong dalawa. Is it helpful?"

Namula naman ang pisngi ni Prin nang mabanggit nito na magkakaanak sila.

"Yeah, bakit ko nga ba nakalimutan? tuturuan mo sila kung paano maging pasaway saka
basagulero." dagdag pa nito.
Pinalo niya sa braso si Cally.

Nangingiti naman ng lihim si Cally. He never expect na napaka-gaan ng usapan nila


ni Prin. It was as if there is no barrier between them.

"On weekends, cook for me okay. Try to learn things because you need it someday."

"Okay.." ang tangi niyang nasabi.

Nang makasakay sa sasakyan para makauwi, Naisip ni Prin na ihirit kay Cally na
magkaroon ng sariling kotse.

"I really wanted to drive my own car. Hope you can buy one for me," sabi niya dito.

Nilingon siya ni Cally. "Ayaw mo na ba na magpahatid sa akin?"

"Hindi naman. Nami-miss ko lang sobra ang magmaneho." sabi niya.

"Pero wala kang parking lot sa school," sagot nito.

Hinawakan niya sa braso si Cally.

"Husbie… sige na please… Your baby panda wanted to have her own car…" ungot niya
muli.

Napalunok naman si Cally because she acted cute at that moment and she called him
'Husbie'. May kung ano pa siyang nararamdaman habang hawak nito ang braso niya.

Nilayo ni Cally ang tingin kay Prin. "I should focus on driving. Huwag kang
makulit."

"Hmp! Sungit na naman," sabi ni Prin sa tumingin sa labas ng bintana na nakanguso.

Nagpapakiramdaman lang sila sa loob ng sasakyan habang pauwi.

"I'll buy you a car. Don't worry," nasabi rin sa wakas ni Cally.

Sumigla naman ang mood ni Prin sa nadinig.

"Pero… kailangan mong iwan ang sasakyan sa bahay."

Walang nagawa si Prin kung hindi ang sumimangot. Inisip na lang niya na concern
lang ang asawa niya kaya ito ganon. May advantage din naman ang payo nito dahil
madalas niyang makakasabay si Cally tuwing umaga at makakasabay din pauwi.

NAALIMPUNGATAN si Prin ng madaling araw na sinasakop na ang higaan ni Cally. Hindi


lang basta sinasakop, kung hindi sakop na sakop.

Madalas ay may nilalagay silang malaking bolster sa gitnang parte ng kama para hati
sila sa higaan. Iyon nga lang, parang wala rin iyong silbi dahil lagi siyang
nakadantay kay Cally tuwing magigising siya.

"Sa wakas nagising ka din. Kung nakukulangan ka sa higaan just let me know. Kulang
na lang ay sipain mo na ako palabas ng kama e," reklamo ni Cally.
"I'm sorry…"

Napansin niya na halos naka-gilid na si Cally sa pinaka dulong bahagi. Kaunti na


lang lalabas na talaga ito ng kama.

"kasalanan to ng bolsters masyado kasing malikot…" nahihiya na sabi niya dito.

Napapailing na lang si Cally sa katwiran niya.

Umayos si Prin ng higa at nakatulog muli. Si Cally sa kabilang gilid ay hindi


mapalagay sa higaan. Hindi kasi siya sanay na may unan na malaki na katabi at ilang
araw na siyang nagtitiis.

Tinanggal niya na lang iyon at hinagis sa kung saan dahil naiirita talaga siya.
Gumaan naman ang pakiramdam niya at nakatulog.

Parang nananaginip naman si Prin habang natutulog. Yakap-yakap daw siya ni Cally at
parang ayaw bitawan. She was happy even if it was just a dream.

Ang mga haplos nito sa balat niya ay para bang dinadala hanggang sa kaloob-looban
ng pagkatao niya at nagbibigay ng kiliti sa kaibuturan ng kanyang puso.

Dahan-dahan siyang nagmulat ng mata at unang bumungad sa kanya ang mukha ni Cally.
Dumadampi pa sa pisngi niya ang malakas na paghinga nito habang natutulog.

'Nasa dreamland pa ba ako?'

Tiningnan niya ang sarili at yakap-yakap siya nito sa pagtulog. Kinurot niya ang
sarili at nanlaki ang mata niya dahil totoong nangyayari ang nagaganap.

Parang gusto niyang maglulundag pero mawawala sa mood ang napakasayang eksena na
iyon kapag ginawa niya iyon.

Tinitigan niya na lang ang mukha nito saka niya dinampian ng halik sa labi ng ilang
segundo. Kumilos ng bahagya si Cally.

Nanlaki ang mata niya at saka pumikit muli at nagpanggap na natutulog.

Si Cally sa kabilang parte ay nagising sa nakaw na halik na iyon. He knew it was


real. Dahil kaunting kilos lang sa paligid ay magigising na siya.

It was one of his trainings.

Tiningnan niya si Prin na ilang sentimetro lang ang layo sa mukha niya na
nakapikit.

Dahil sa kaunting ilaw na nagmumula sa labas ng bintana, kita niya ang mukha nito
at nais niyang matawa dahil gumagalaw ang eyeballs nito na halatang gising ito at
nagpapanggap na natutulog.

He curled his lips for the first time at mas hinigpitan pa ang yakap kay Prin na
amoy cherry blossoms.

"HEY!" tapik ni Cally sa pisngi ni Prin kinabukasan.

"uhmmmm…" ungol ni Prin.

"Get up. You will be late," sabi ni Cally habang nakatingin sa relo.
Iniwasan niya ang tapik nito at rumolyo sa kabilang parte ng kama. Sinundan siya ni
Cally sa kabilang side.

"Bangon na! Ang mabuting estudyante kailangan bumabangon ng maaga."

"I'm not a good student, so I'm not one of them," katwiran niya.

Nakapamewang lang si Cally sa gilid ng kama. Parang anim na taong gulang kasi ang
asawa niya na ang hirap gisingin kapag papasok sa school.

"Oh yeah! I think my mom will start in your school to teach"

Nagising si Prin sa sinabi ni Cally at agad na bumangon at umupo. "What??? Mommy


Ginny will teach in my school?"

"Yes. Kaya nga... please give me some face. Ayoko na masabihan na hindi kita
tinuturuan at kinukunsinti na ma-late sa klase."

Namroblema bigla si Prin. Agad siyang bumangon at naghanap ng maayos na damit sa


closet.

Alisin na niya sa eksena si Cally, siya mismo ay mahihiya kung sakaling hindi
maganda ang tingin sa kanya ng biyenan niya.

"Is it today?" tanong niya habang iniisa-isa ang mga damit. Halata ang pagkataranta
niya.

"Not sure," sagot ni Cally habang naaaliw ng lihim kay Prin.

"augghh! I don't have a dress anymore," sabi ni Prin. Tatlo lang ang binili nila ni
Bella nung nakaraan at lahat iyon at nagamit niya na.

"Bili tayo mamaya. Sasamahan kita," sabi nito.

"Is it okay? Hindi ka ba busy sa trabaho?"

"I can finish them early if I want to. You don't have to worry."

"what should I wear now?" namomroblema na tanong ni Prin.

"Maligo ka na. I'll ask someone to bring something over," mungkahi naman nito.

Natuwa naman si Prin at nawala rin ang pagkataranta niya.

"Husbie is the best!" Kinindatan niya pa si Cally at nagbigay ng flying kiss saka
tumuloy sa shower room.

Naiwan si Cally na namumula ang pisngi dahil sa inakto ni Prin.

KUNG mayroon mang mabilis kay Cally iyon siguro ang pagpitik ng daliri nito at agad
na nandyan na ang kailangan o ang kahilingan nito.

Katulad na lang ng damit niya. Mga kinse hanggang bente minutos lang yata siya
naligo at ayan na nga ang request nitong damit na para bang pinadaan sa expressway.

Isang ternong blusa at palda ang laman ng paperbag na inabot nito sa kanya.

"Cool… this is pretty," sabi ni Prin.


Hindi naman nagsasalita si Cally. Nang tingnan niya ang lalaki ay nahuli niya itong
nakatingin sa dibdib niya.

Naka-roba lang kasi si Prin pero naka-suot naman siya ng underwear.

"Hey!" Tinakpan niya agad ang dibdib niya.

"Y-You… manyak you." Hindi na niya maisip ang sasabihin dito.

Kumunot naman ang noo ni Cally. "Bakit naman ako naging manyak?"

"Ba-Bakit ka nakatingin sa dibdib ko?" kinakabahan niyang tanong.

"I was looking at the cotton like how it ended up as a robe?" hinawakan pa ni Cally
ang manggas ng roba niya.

Sa tingin ni Cally ay iyon na yata ang pinaka-tanga na naging dahilan niya sa buong
buhay niya. Pero ang nakakaaliw, hindi man lang nakahalata si Prin.

"Oh! Syempre tinahi," sagot naman nito. Malapit na niyang isipin kung hanggang saan
ang common sense ng babae.

"Okay!" sabi ni Cally at tumakas na papunta sa shower room.

Hindi pa siya nasabihan ng manyak o bastos ng kahit na sino at tanging si Prin pa


lang ang kauna-unahan na nagsabi sa kanya noon kaya nakaramdam siya ng hiya.

Dahil pumasok na sa loob si Cally ng shower room, hinubad na ni Prin ang roba at
aktong isusuot na ang damit.

Nasa ganoong ayos siya nang lumabas kaagad si Cally sa shower room dahil
nakalimutan niyang kumuha ng towel sa closet.

Narinig ni Prin ang pagbukas ng pintuan kaya humarap siya paikot dito. Nakaangat pa
ang dalawang kamay niya para suotin ang blusa.

Nanlaki lang ang mata niya at hindi nakapagsalita at hindi rin siya nakakilos.

Napalunok lang si Cally saka dumeretso patungo sa direksyon ni Prin.

"H-Hey! H-hindi ko pa nasusuot ang damit ko," kinakabahan na sabi niya.

"Suotin mo. Do you want my help?" relax na tanong ni Cally.

"M-male-late tayo. We can do it later," katwiran ni Prin. Nasa isip niya kasi na
baka may gagawin sa kanya si Cally.

Nabigla na lang siya nang lumagpas ito sa pwesto niya at tumuloy sa closet. Nang
makuha ang towel, humarap muli sa kanya si Cally.

"Why? Hindi mo ba masuot ang tank top mo?"

Nahimasmasan naman si Prin. Sinuot niya ang lahat ng parte ng katawan niya sa mga
butas ng blusa sa loob ng isang segundo.

'Sheet Nakakahiya!' Parang gusto niyang maglaho sa harapan ni Cally.

"B-bakit ka kasi lumabas agad? You saw me almost naked." Bigla niyang naalala ang
palda na nasa ibabaw ng kama at agad na sinuot iyon.

"There is nothing to hide anyway. Bakit parang natatakot ka pa diyan? Akala mo


naman ay pinagsamantalahan na kita."

Sumimangot si Prin. Para na rin nitong sinabi na patpat siya kaya kahit iladlad
niya ang katawan ay okay lang.

"Saka, nakalimutan mo ba na asawa kita. I can do anything to you. Pero may ginawa
na ba ako sa iyo sa loob ng ilang araw?"

"I-It doesn't matter! Nagbibihis pa rin ako. Even married couples have their own
privacy," sabi ni Prin.

Kulang na lang ay sabihin ni Cally na hindi siya kaakit-akit.

Sa isang parte ay nakatingin lang si Cally sa kanya. He felt something, pero hindi
niya maamin kay Prin.

Nanuot ang init sa buong katawan niya nang makita niya si Prin na naka-underwear sa
unang pagkakataon pero mas pinili niyang tudyuin ito.

Naghubad si Cally ng pang-itaas. Napalunok naman si Prin. "Wh-what are you doing?"

"So, we are even. Nakita kita na naka-underwear. Hindi ba okay na makita mo rin ako
na naka-underwear lang din? Para patas na at walang sisihan." Hinagis na ni Cally
ang T-shirt na suot nito.

Lumitaw ang katawan nito sa paningin niya at natatakot si Prin na baka mag-
nosebleed na naman siya muli.

"Y-you…" Hindi na nakahanap pa ng sasabihin si Prin.

"Who wants to see you in underwear?" alma niya kay Cally.

"You."

"You are so Pervert! Palibhasa you are still a virgin and you don't know how to
release your load!"

Nagdilim ang paningin ni Cally dahil sa sinabi ni Prin.

"Oh! Is that so? So, do you want to release my load?" Nakangising tanong nito.

Nanlaki na lang ang mata ni Prin. Yumuko siya para makalusot dito, kinuha ang bag
at saka lumabas ng kwarto para tumakas. Bakit nga ba niya naisip na makipagtalo kay
Cally? alam naman niya na hindi siya mananalo sa lalaki.

"SEE YOU later!" sabi lang ni Cally saka inutusan na si Xander na paandarin ang
sasakyan nito.

Hindi siya nito pinansin buong byahe.

Umikot na lang ang mata ni Prin nang makaalis ang sasakyan. Alam niyang gusto
siyang tirisin ni Cally pero nagtitimpi lang ang lalaki matapos niya itong biruin
tungkol sa p*********i nito.

This guy's ego! Mas mataas pa sa Mount Fuji!

Pagpasok ng gate nakita niya si Evan na classmate niya.

"Hello Prin!" matamis ang pagkakangiti na bati nito.

Wala siya sa mood na kausapin ito dahil nilapit-lapitan lang naman siya nito nang
magsimula siyang magsuot ng bestida. Kaya hindi maganda ang impresyon niya sa
lalaki. Isa pa, nobyo ito dati ng isa pang kaklase niya na inis sa kanya -- si
Luna.

Nakwento niya si Luna noon kay Cally na hindi maganda ang relasyon niya sa babae at
lagi siyang tinataasan ng kilay.

Nabigla na lang siya nang may umakbay sa kanya -- si Bella. Galing din sa gate ang
babae at hindi niya lang napansin.

"Uy! Ikaw pala iyan," nakangiti niyang sabi.

"Yes my friend! I like your outfit today! Good job!" sabi nito.

"Thanks!" napangiti siya dahil kay Cally galing ang damit niya. Pero hindi niya
alam kung sino ang inutusan nito na magdala ng damit.

"You are learning and I'm happy sa kinalabasan," excited na sabi nito.

Napadaan sila sa bulletin board papunta sa klass at napansin ni Prin ang anunsyo
mula sa Volleyball team.

May paanyaya na kukuha ang team ng school nila ng tatlong members pa, kapalit ng
naka-graduate nang nakaraang school year.

Bigla niyang naisip na magtry pero baka masira ang oras niya sa klase at oras nila
ni Cally.

"Gusto mo magtry?" Napansin ni Bella na interesado siya dahil bigla silang huminto
sa tapat ng board.

"Siguradong hindi siya magaling kaya bakit siya magta-try?" singit ni Luna na nasa
likuran lang pala nila. Hindi nila napansin ang babae.

Hindi sumagot si Prin.

"Hindi ka ba magaling friend?" usisa ni Bella.

"I just know how to play. Wala pa naman akong nasalihan na team ng Volleyball,"
sabi ni Prin.

Pero sa Dark Guards ay isa sa mga libangan nila ang maglaro ng Volleyball at
Basketball. Those are just an example of their physical activities and hobbies at
the same time.

Gayunpaman, hindi naman sila matatawag na professional.

"I bet hindi ka naman talaga marunong," sabi ni Luna.

"Hey! That was rude!" sabi dito ni Evan.


Lalong sumama ang mood ni Luna kaya inirapan na lang siya nito at umalis na.

Tahimik lang si Prin. Kaysa pag-aksayan ang mga taong inis sa kanya na kahit wala
naman siyang ginagawa, mas makabubuti pa na ilaan niya na lng iyon sa pag-aaral
para hindi siya sungitan ni Cally.

MATAPOS ang klase dumeretso siya sa opisina ni Cally dahil may usapan sila nito.

Tinuruan siya ni Cally sa math problems na nagpapasakit ng ulo niya.

"Auggghh! Pakitingin yung ulo ko, baka may lamat na. It really hurts!" hiyaw niya.

Pinitik nito ang noo niya. "It's very simple."

"Why do I have to learn those things? It can't help me. These numbers are giving me
a headache instead of helping me. So tell me, why should I need to learn them?"
naiiyak na tanong niya dito.

Napabuntong hininga si Cally. "Fine! I guess hanggang dito na lang muna tayo. May
pupuntahan din naman tayo kaya papayagan kita na mag-enjoy kahit ngayon lang."

Papayagan daw siya nag mag-enjoy, pero isang session lang nila. Gusto niyang
magreklamo at huwag nang umulit ng mga isang linggo pero hindi niya magagawa.

"Pupunta tayo sa isang couturier."

Nakakunot ang noo ni Prin.

"My Mom's birthday would be next month. Aside from that, it's their renewal of
vows. After a couple of years, ngayon lang ako ulit pupunta sa kasal ng parents ko.
Kaya kailangan natin mag-prepare."

Naalala ni Prin na tuwing ganitong panahon nga nag-aayos ang magulang niya para
dumalo sa kasal ng magulang ni Cally.

"Okay! By the way, niloko mo lang ba ako kanina na magtuturo ang Mommy mo sa school
namin?" nakapamewang na tanong niya dito.

Matagal na tumitig sa kanya si Cally. "No! Bakit naman kita lolokohin?"

"Para inisin ako."

"I'm not going to do those childish acts. Come!" Sinundan niya ito hanggang sa
makarating sila sa table nito. May kinuha ito sa drawer at inabot sa kanya.

Isang susi na may tatak na "Mazda" ang inabot nito.

Natuwa si Prin.

"Wow! Ahhh!!!" Dahil sa sobrang saya ay nayakap niya si Cally.

"Oh my gosh Husbie! I'm so happy about this!"

Doon lang niya napagtanto na nakalingkis siya sa katawan ng lalaki. Agad siyang
bumitaw dito.
"I'm just excited," nakayukong paliwanag niya.

"If you are thankful and excited…" sabi ni Cally. Nilapit nito ang mukha sa kanya.

"Here is your payment…" saka nito inilapat ang labi kay Prin.

It was just a simple kiss. Nasa bulsa ang parehas na kamay ni Cally. Si Prin naman
ay nakakapit ang isang kamay sa mesa. Habang mahigpit na nakahawak sa susi ang isa.

Maihahalintulad sa halik na lihim niyang ginawad sa lalaki ang halik din nila na
iyon.

Ilang saglit lang iyon nagtagal pero kakaiba ang naging epekto sa kanilang dalawa.

Nakayuko si Prin matapos ang ilang saglit. Namumula na ang pisngi niya at hindi
siya makatingin kay Cally.

"Let's go…" aya niya sa binata.

Pero hindi kumikilos si Cally. Napilitan siyang salubungin ang mata nito.

Nabigla na lang siya nang kumilos ang dalawang kamay ni Cally mula sa magkabilang
bulsa nito. Ang isa ay para yakapin siya sa bewang at ang isa ay para hawakan ang
panga niya.

Then, he gave her the real meaning of kiss -- sweeter and deeper.

NANG yakapin ni Prin si Cally dahil sa sobrang pagkatuwa nito sa susi ng sasakyan,
may kung ano siyang naramdaman sa ginawa nito.

Napatitig na lang siya sa labi ni Prin nang mahimasmasan ito. Kaya hindi siya nag-
aksaya ng oras na gawaran ito ng halik.

But, he wanted more. Hindi siya kuntento sa simpleng halik na iyon. Tinitigan niya
ng mabuti ang mukha ni Prin at tila ba tumigil ang mundo nang salubungin nito ang
mata niya.

Idagdag pa na nanunuot sa ilong niya ang amoy ni Prin dahil sa ilang sentimentro
lang na layo nito sa kanya.

Hindi na siya nag-aksaya ng oras at panahon. Nilapit niya ang katawan sa babae,
hinaplos ang pisngi nito at ginawaran ng halik.

Walang sino man ang babae na lumapit sa kanya sa mga nakalipas. At kahit naiinis
siya kay Prin dahil sa mga pagsagot-sagot nito sa kanya, alam ni Cally na may
kakaiba siyang nararamdaman tuwing nasa paligid ang asawa.

Parang may nagpuputukang fireworks at stars sa paligid habang binibigyan ni Cally


si Prin ng halik. He wanted more, so he entered his tongue inside her mouth.

Napakislot si Prin sa ginawa ni Cally.

Kakaiba ang halik na binibigay na iyon sa kanya. Mas mainit, mas nakakatakam at mas
nakakabaliw. Nag-iiwan ang halik nito ng mensahe at kinukuha ang buong lakas niya
sa parehas na oras.

Hanggang sa parang mauubusan na siya ng hininga. Isinandal lang nito ang noo sa noo
niya ng ilang saglit at ginawaran pa muli si Prin ng isa pang maingat ng halik.
Parang huling tikim sa ibabang labi ni Prin.

Agad lang silang naghiwalay nang tumunog ang telepono ni Cally.

Hinihingal pa si Cally na sinagot ang tawag. "Yes?"

Napansin naman ng tumatawag sa kabilang linya na parang hindi maganda ang timing
niya. Pero importante ang rason ng tawag niya.

"Master Cally, na-kidnap po si Master Crayon at Miss Crayola. Dinukot sila mula sa
school. Your Dad and Mom want to see you," si Drake na assistant ng Daddy niya.

Kalmado lang si Cally. "Pupunta kami diyan."

Si Prin sa gilid ay pulang pula pa rin ang buong mukha sa kahihiyan. Hindi pa siya
nakaka-move on sa halik na pinagsaluhan nila ni Cally.

"The twins got kidnapped. They need our help," pagbibigay-alam ni Cally.

Kapatid nito ang tinutukoy kaya parang nakabalik sa reyalidad si Prin.

"What? Let's go kung ganoon," nag-a-alalang sabi niya.

Magkahawak-kamay sila na nagpunta sa elevator hanggang sa makapunta sa tapat ng


sasakyan ni Cally.

Hindi nila iyon intensyon. Pero parang human instinct na basta na lang ginawa.

Hindi maganda ang oras na iyon para mag-daydream si Prin, lalo at dinukot ang
kapatid ni Cally.

Si Cally naman ay nakaramdam ng tensyon. Normal na reaksyon na ma-tense siya


because his brother and sister were just ten years old. At alam niya na takot ang
mga ito sa oras na iyon.

Parehas na mahina ang dalawa dahil tanging school at bahay lang ang alam ng mga
ito. Iniwasan ng Mommy niya na mamuhay ang dalawa sa paraan kung paano siya
namuhay.

Sisiguruhin niya na kung sino man ang makapal ang mukha na dumukot sa dalawa ay
mananagot sa kanya.

Tumuloy sila sa bahay ng magulang niya. Naroon ang halos lahat bilang suporta.
Naroon si Anthony na pinsan niya at ang iba pa na kamag-anak. Hindi sila nag-usap o
nakipagkamustahan.

Lumapit siya sa Mommy niya na hindi mapalagay at umiiyak. Kayakap nito ang Daddy
niya.

"What happened?" tanong ni Cally sa magulang.

Naiwan si Prin sa isang gilid at hinayaan si Cally na lumapit at magtanong sa mga


ito.

"Hindi namin alam na nadukot ang dalawa kung hindi lang tumawag ang driver nila
para sunduin sila sa hapon. At sinabi na nagsipaglabasan na ang lahat ng estudyante
pero hindi pa lumalabas ng school si Crayon at Crayola."
"Tinawagan ko ang security ng school at sinabi na isang guard nila ang nagpatuloy
sa dalawang kidnappers na makapasok sa loob. Lunch time nang dukutin ng mga ito ang
dalawa kaya hindi napansin ng teachers."

"Did they call para manghingi ng kung ano?" tanong ni Cally sa Daddy niya.

"Yes. That's why I asked Drake to call you."

"They are asking 100 million. They will call again kung saan ang meeting place."
Matalim ang tingin at nakakuyom ang palad ng Daddy niya na halata na gusto nitong
manuntok.

Tumingin ito sa kanya.

"They will call again soon para magbigay ng detalye. Your Mom needs me that's why I
need you to go there and do 'something' about it," makahulugan na sabi nito.

Sa loob-loob ni Cally, hindi pa man sinasabi ng Daddy niya ang bagay na iyon ay may
plano talaga siya na turuan ang kung sino man na nagkalakas ng loob na gumawa ng
masama sa pamilya niya.

Nag-ring muli ang telepono at si Cally na ang sumagot. Mga iyak ng dalawang kapatid
niya ang naririnig sa kabilang linya.

"Mr Han, siguro naman ay handa na ang pera na hinihingi namin." Pinakikiramdaman ni
Cally ang boses. Sa palagay niya ay nasa edad kwarenta pataas ang edad nito.

GINUGUHIT na ni Cally sa isip ang pagmumukha ng lalaking nasa kabila ng linya. This
guy surely have the guts na galawin ang dalawang kapatid niya.

"Alam ko na walang tumatawag sa kapulisan kaya gusto ko na matuwa sa pamilya mo.


Ang anak mong babae ang gusto ko na maghatid ng pera sa address na ito." Binigay
nito ang lugar.

"Mamayang hating-gabi sa lugar na iyan. Dalhin mo ang pera. kung hindi, alam mo na
ang mangyayari." pananakot nito. Kalmado lang si Cally.

"Gusto kong masiguro na ligtas sila. Please let me talk to a boy," sabi niya na
tinutukoy ay si Crayon.

Humihikbi ito sa kabilang linya. "Daddy, sinabunutan at sinampal nila si Crayola.


Huhuhu."

Nagtangis ang bagang lalo ni Cally sa nadinig.

"This is your kuya. Huwag kang mag-alala dahil kukunin ko kayong dalawa. Sabihin mo
sa akin mamaya kung ano ang mga ginawa nila sa inyo. Please stop crying and be a
man Crayon. You will soon get your revenge," sabi niya sa bunsong kapatid.

Lumapit sa kanya ang Mommy niya "I want to talk to him, Cally…"

Pero naibaba na ang telepono sa kabilang linya.

"You stay here, Mom," sabi niya.


"What is happening Cloud Han?! Nung huli si Cally ang dinukot, ngayon naman ang
kambal?" natataranta na tanong nito.

"Gin, don't worry. Nang nakaraan si Prin at Lorenz lang ang humarap sa mga iyon.
This one is nothing. They are just a bunch of idiots." Tumingin sa mga mata niya
ang Daddy niya.

"Please make sure to bring those 'innocent men' in your home," sabi nito sa kanya.

Kumunot ang noo niya sa nadinig.

'Why in my home?' gustong magprotesta ni Cally sa Daddy niya.

Bahay nila iyon ni Prin.

"We will bring them in my Dad's home," suhestyon naman ni Prin. Matalim din ang
tingin niya. Nangangati na muli ang kamay niya na manuntok.

Nakahinga ng maluwag si Cally. Mas mahalaga na doon nga sa bahay ni Rob dalhin ang
mga kidnappers na iyon. "Please investigate the guard. I am positive that he is one
of them."

"Got it!" sagot ng pinsan niyang si Anthony na hawak ang computer tablet nito.

"Prin will bring the money using her car," si Cally.

"What?!" nagtaka si Prin.

"Why? You don't like it?"

"No, it's just that… we are using my brand new car?" bulong niya dito.

Hindi pa lumilipas ang kalahating araw sa mga kamay niya ang susi at iaalay na nito
ang sasakyan niya. Sino ang matutuwa?

Malalim ang tingin ni Cally sa kanya. "Oh! Ngayon natin susubukin ang talento mo sa
pagmamaneho," nakangisi na sabi nito.

"And, don't worry… kung sakali na masira mo yung sasakyan, we'll buy another one.
We have 100 million, remember?"

Lumipat ang tingin ni Prin sa ibang taong naroon na nakatingin din sa kanila.
Kailan pa naging mandurugas itong si Cally? Ang 100 million ay manggagaling sa
bulsa ng magulang nito, pero may plano ang asawa niya na kunin iyon at ibili ng
sasakyan?

"The money is nothing, Prin," malungkot na sabi ng Mommy ni Cally.

"We will save them, Mom." sabi ni Cally dito. Isang parte ng isip niya ang naiinis
sa mga kidnappers dahil sinira ng mga ito ang mood nila ng asawa niya sa opisina.

"Master, nandito na po ang sasakyan ni Miss Prin," sabi ng bagong dating na si


Xander.

"Dalhin mo si 'Bantay' sa bahay ng Matsui," utos niya kay Xander.

"Let's go!"

SA LUMANG warehouse na matatagpuan sa isang Parte ng kamaynilaan...


"Boss, sigurado ka ba na hindi tumawag ng pulis ang mag-asawa," sabi ng kalbo at
malaki ang tiyan sa Leader nila.

"Sabi ng kumpare ko, hindi pa nai-rereport sa opisina nila ang pagkawala ng


dalawang ito. Ibig sabihin ay masunurin ang mag-asawang iyon." Tumingin ang Boss ng
gang sa dalawang batang nasa gilid.

Matalim ang mga mata na ibinigay niya sa magkapatid.

"Crayon, I'm scared…" nagluluha ang mata na sabi ni Crayola habang nakakapit sa
braso nito.

Naalala ni Crayon ang sinabi sa kanya ng kuya niya. Kailangan niya na maging
matapang sa oras na iyon.

Dahil naroon ang kuya nila para iligtas silang dalawa, all he could do is wait for
his turn na ibalik sa lalaking nakapolo ang ginawa nito sa kambal niya.

Kinagat ni Crayola ang kamay ng Boss na iyon dahilan para sampalin nito ang kambal
niya at sinabunutan pa ng lalaking iisa ang ngipin sa harapan si Crayola dahil ayaw
nitong sumama papunta doon sa warehouse.

Nang una ay naiiyak pa siya, pero kailangan niya na maging matapang, katulad ng
sabi ng kuya nila.

Masama din ang tingin na ibinigay niya sa lalaki.

"Wow, bakit?" sabi nito kay Crayon.

"Natatangahan kaso ako sa iyo… iyon lang ang sasabihin ko."

Ngumisi ang lalaki. "Kung tanga ako, bakit ikaw ang nasa mga kamay ko ngayon?
Pagbibigyan kita sa sinabi mo dahil may isang daang milyon ako na makukuha.
Pagkatapos, papatayin ko kayong dalawa pati na ang ate mo pagkatapos ko siyang
reypin"

"I don't think that will happen," sagot ni Crayon. Umismid lang ang boss bilang
sagot.

Sa mga oras na iyon, anim na lalaki ang naroon bukod pa sa Boss ng mga ito.

Maya-maya, nakarinig na sila ng tunog ng isang sports car. "Wow! Ang ganda ng
sasakyan! Akin na ang sasakyan na iyon Boss ha." sabi ng isa.

"Gag*! Syempre kay Boss mapupunta iyon!" kontra ng isa.

Isang babae na naka black pants ang iniluwa ng sasakyan.

DALA ni Prin ang pulang Mazda MX-5 na binigay ni Cally. Dahil iyon ang unang regalo
ng asawa niya, wala siyang plano kahit magasgasan lang ang kotse na iyon.

Plano sana niya na huwag na magpalit ng pantalon, pero pinilit siya ni Cally na
palitan ang suot niyang palda.

Alam din kasi nito na kailangan niyang kumilos.

Pinag-aralan niya ang paligid. Naabandonang warehouse iyon na gawaan ng pipes, kaya
maraming kahoy at pipe ang nakakalat sa paligid.
May mga crate pa na gawa sa plastik, ang iba ay sa kahoy sa mga gilid-gilid ng
gusali.

"Boss, ang ganda ng chicks! Jackpot ka kay baby girl," sabi ng nanlilimahid na
tauhan nito.

Naghintay lang si Prin sa unahan ng Kotse. Sa tapat niya ay may pipe na gawa sa
bakal. Maliit lamang iyon, sakto lamang sa labasan ng tubig at ga-braso ang haba.
Sakto lang din iyon para suportahan ang sarili niya.

Lumapit ang boss ng mga ito sa kanya. Mas nagandahan ito sa kanya sa malapitan.

"Hindi ikaw ang anak ni Mr. Han," puna ng Boss kay Prin.

"I'm the daughter-in-law. Sinabi mo lang na anak na babae. I am considered as a


daughter."

Ngumisi ito. "Nasaan ang pera?"

Umikot si Prin at kinuha muna ang isang sports bag na may lamang pera. Inihagis sa
harapan ng lalaki.

"50 milyon iyan, narito sa likod ng kotse ang isa pang bag na may laman na 50
milyon din. I want to see the twins," sabi ni Prin.

Ngumisi lang ang lalaki. "Papatayin ko rin naman kayong tatlo, bakit kailangan mo
pa silang makita? Pero sige…" Pumalakpak ang boss ng tatlong beses at iniharap sa
kanya ang kambal.

Hawak ng dalawang tao nito ang tig-isa sa magkapatid. "Ouch!!! Get your filthy
hands off me!" sigaw ni Crayola.

Kinagat muli ito ni Crayola sa kamay.

Nakakita ng tyansa si Prin kaya sinipa niya ang pipe na gawa sa bakal, agad na
hinawakan iyon, pinalo ang ulo ng Boss ng mga ito at saka sinipa ang lalaki.
Tumilapon ang Boss sa pinagsama-samang crate sa gilid.

"Auggghhh!!!" ungol nito habang hawak ang sumakit na panga. Masakit din ang likuran
ng lalaki kaya hindi ito makatayo.

Tinutukan si Prin ng baril ng may hawak kay Crayon. "Huwag kang lalapit!" sigaw
nito saka ginalaw ng daliri ang gatilyo ng hawak na baril.

Pumutok ang baril nito pero sinalag lang ni Prin ang bala ng hawak niyang pipe.
Dumeretso ang bala nito sa braso ng kasama -- ang may hawak kay Crayola.

"Ahhhh!!" sigaw nito. Agad na dumaloy ang dugo sa braso nito. Nabitawan nito si
Crayola.

Agad na tinungo ni Prin ang lalaking may hawak kay Crayon at ubod ng lakas na
pinalo ang braso nito.

"Crayon! Get in the car!" sigaw ni Prin.

Kinuha nito ang kamay ni Crayola saka tumakbo sa kotseng pula. Agad silang nagtago
sa passengers seat.
"Close your eyes!" sigaw niya sa dalawa.

"Mga gag* kayo, babae lang iyan! Double time!" sigaw ng Boss habang hindi pa rin
makatayo sa sakit ng likuran at panga. Pakiramdam nito ay natanggal ang dalawang
ngipin nito sa gilid.

Lumabas ang apat pang lalaki mula sa loob ng gusali. Pero nagulat sila ng tumalon
mula sa ikalawang palapag si Cally sa likuran ng mga ito at agad na sinipa ang isa
sa pwesto ni Prin. Isang pipe na bakal ang sumalubong dito, saka sinipa ni Prin sa
pwesto ng Boss.

Nagsipaglingunan ang tatlo pang lalaki kay Cally. Pinaputukan ng isa si Cally na
nailagan ng lalaki.

"Tsk tsk! Missed!" Hinuli ni Cally ang kamay nito na may baril saka inipit iyon
habang sinipa ang isa pang lalaki patungo muli kay Prin.

Binali ni Cally ang mga daliri ng lalaking huling nagpaputok "Aughhhh!!" saka niya
ito sinuntok sa mukha. Sinipa patungo rin sa direksyon ng Boss.

Sa bilis ng kilos nilang dalawa, nanlaki na lang ang mga mata ng Boss.

Ang isang lalaki na natitira ay nabitawan na lang ang hawak nitong patalim. "Ha-
halimaw!" sabi nito na nanginginig sa takot.

Halos hindi kasi niya nakita ang mga pangyayari sa loob ng bente segundos at siya
na lamang ang hindi nasaktan sa mga kasama.

"Salamat sa papuri!" sabi ni Cally saka ito sinipa na parang bola patungo sa boss
nito. Nagsama-sama ang pitong lalaki sa iisang lugar.

"Boss! Gumawa ka ng paraan!" sabi ng kalbo.

Kinuha nito ang baril saka ang bomba sa likuran ng bulsa.

"Siguradong mamatay na kayo dito!" galit na sabi nito saka tinangal ang pin ng
bomba.

"Sa trenta segundos sasabog ito at bago mangyari iyon, ihahagis ko ito sa inyo!"

Pinaputukan sila nito. Tinalon lang ni Prin ang lalaki mula sa pwesto niya,
nataranta ang boss at agad siyang sinunggaban ng suntok pero tinuhod ito ni Prin at
pinigilan ang leeg nito gamit lang ang paa niya para maipit ito sa pader.

"*cough* *cough*" halos masuka ang leader dahil hindi ito makahinga sa pagpigil ng
paa ni Prin sa leeg ng Boss.

Nabitawan nito ang baril. Kukunin sana ng isa sa anim na lalaki ang nahulog na
baril dahil malapit lang ang mga ito sa pwesto pero tinuhod na ito ni Cally.

Her eyes are burning with hatred dahil nakita niya ang pasa sa pisngi ni Crayola.

Kinuha niya ang bomba na tinutukoy nito na na nanatili na hawak ng Boss.

Mas malaki lang ng kaunti sa bolitas at may ilaw na pula tanda ng pagbilang nito sa
trenta segundo.

"This one?" tanong ni Prin. Niluwagan niya ang paa na pumipigil sa leeg nito.
Dahil inuubo ang lalaki gawa ng paghugot sa hangin, mabilis na pinasok ni Prin ang
maliit na bomba na iyon sa bibig ng Boss na nalunok naman nito.

"oops! Sorry! Bakit mo nilunok?" saka niya tinanggal ang paa niya sa pagkaka-sakal
dito.

Nanlaki ang mata ng Boss lalo na ang mga kasama nito. Pinilit ng anim na lalaki na
makalayo sa Boss nila dahil anumang oras ay sasabog ang katawan nito.

Pinilit naman ng Boss na isuka ang bomba.

Sakto ang dating ng malaking van na minamaneho ni Anthony. Nilagyan lang ni Cally
ng posas ang anim na lalaki.

"Dadalhin ko na ang mga bata," sabi ni Prin, hinagis niya ang bag na may lamang
pera pabalik sa loob ng sasakyan. Nakita niya ang dalawa na magkayakap at
nakapikit.

Tinalon ni Prin ang driver seat at pinaandar iyon para makalayo na sa lugar.
Kailangan niyang ilayo ang dalawang bata para mabawasan ang takot ng mga ito.

HABANG nagmamaneho, narinig na lang nila ang pagsabog. Takot na takot si Crayola sa
likuran ng sasakyan.

Hininto niya saglit ang sasakyan nang makalayo sa warehouse. Nilingon niya ang
dalawa sa likuran at hinawakan ang parehas na kamay ng mga ito.

"You are safe… huwag na kayong matakot. Si Kuya Cally ang bahala sa mga nanakit sa
inyo, okay?"

Nagluluha pa din ang mata ni Crayola pero tumango ito. Mas kumalma na ito kumpara
ng nasa paligid pa sila ng warehouse.

Inuwi ni Prin ang kambal sa bahay kung saan naghihintay ang Mommy ni Cally.

"Mommy!!!" umiiyak na tawag ni Crayola sa Mommy niya na matyagang naghihintay sa


pintuan.

Sinalubong ang mga ito ng yakap ng Mommy Ginny niya.

"Thanks Prin!" nagpapasalamat ito sa kanya.

Hindi niya nakikita ang Daddy ni Cally kaya naisip niya na naghihintay na ito sa
Matsui Villa.

Parehas na nasa Japan ang magulang niya kaya malaya si Master Cloud Han, ang Daddy
ni Cally na gawin sa kidnappers ang gusto nito.

Lumuhod siya para tanungin si Crayon kung ano ang ginawa ng kidnappers sa mga ito.

"Ate Prin, sinampal ng tinatawag nilang Boss si Crayola tapos yung isa, sinabunutan
siya. Yung isa, tinutukan ako ng patalim tapos re-reypin daw nila si Ate Christen."
Isa-isa nitong inalala ang mga naganap at kinuwento sa kanya.

"You can calm down now. You did a great job kanina," sabi niya habang hinihimas ang
kulutan na buhok nito. Halata ni Prin na ginabayan nito ang kambal na babae.

"Mom, Tutuloy na ako," paalam niya sa Mommy ni Cally. Tumango lang ito habang yakap
pa din ang bunsong anak na babae.

Halata na hindi talaga ito napalagay at sinusuri ang pasa sa mukha ni Crayola.

Dumeretso si Prin sa Matsui Villa. Hindi niya alam kung ano ang gagawin ng magtatay
sa anim na kidnappers, pero alam ni Prin na hindi maganda ang gagawin dito ni Cloud
Han.

Everyone in Dark Guards and Dark Lords knew how ruthless is Cloud Han. Ilan sa
miyembro ng Dark Lords ang nakatikim ng bagsik nito. Ang pinaka-ayaw nito sa lahat
ay ang may masaktan sa pamilya.

Galawin at saktan mo na ang lahat, huwag lang ang pamilya nito lalo na ang Mommy ni
Cally.

A normal person like those kidnappers could see him as an ordinary businessman but
Dark Lords knew that he rules the world. Even her Grandmother, who is one of the
Yakusa leader ay malaki ang respeto dito.

Pinatawag pa ng mag-ama si 'Bantay', the leopard.

Napapailing na lang si Prin sa kahihinatnan ng kidnappers.

TINULAK ni Cally isa-isa ang anim na kidnappers sa harapan ng Daddy niya.

"C-CEO Han…" nangangatog na tawag ng isa sa pangalan ni Cloud.

Naka-ismid lang si Cloud. "Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niyo sa mga anak
ko," sabi nito saka sumipol.

Nagkatinginan lang ang anim. Ilang oras lang ang nakalipas, hawak nila ang anak
nito. They thought they rule the world.

Hindi pa lumilipas ang magdamag, sila na ngayon ang parang mga mababait na tuta na
nasa harapan nito. Napakabilis ng ikot ng mundo sa kanila. Naalala pa nila si Prin
na walang kahirap-hirap na sinalag ang bala gamit lamang ang isang piraso ng tubo.

"M-Master, CEO Han…" Hindi nito alam kung ano ang itatawag sa Daddy ni Cally.

Nanlaki ang mga mata nila nang lumabas mula sa kung saan ang isang leopard na
matalim ang tingin.

Nagyakapan ang anim na kidnappers.

Lumapit ang mabangis na hayop sa tabi ni Master Cloud at hinimas nito ang ulo ng
leopard.

"Ma..ma..Master… Nagkamali po kami, napag-utusan la..la..lang kami ni Labo (ang


lider) na du..du..dukutin ang kambal," nangangatog na sabi ng kalbo dahil diretso
sa paningin niya ang tingin ng leopard na nasa tabi ni Master Cloud.

Katulad ng amo nito ang tingin sa kanila. Kaya nakadagdag sa kaba nilang anim ang
kung ano man ang kasalanan nila.

Gusto nilang murahin ang lider at isumpa kahit na namatay na ito sa pagsabog. Hindi
nila akalain na hindi simpleng tao ang nagawan nila ng hindi maganda.
Naalala nila ang sinabi ng batang lalaki kay Labo ng sinabi nitong papatayin silang
magkapatid. 'it will never happen' ang sagot nito.

"Dumating sa akin ang balita na isa sa inyo ang sumampal kay Crayola." Matalim ang
tingin na ibinigay nito at pinag-aaralan mabuti ang reaksyon nilang anim.

"Si.. Si.. Si Labo po iyon master!"

"Kung ganuon, sino naman ang sumabunot kay Crayola?"

Tumalim ang tingin ng leopard at agad na tumalon at humarang sa daraanan ng isa na


may planong tumakas -- ang sumabunot kay Crayola. Umangil ito.

"Ahhhhh!!! Master!!!! Patawarin niyo na po ako."

"Bantay!" tawag ni Master Cloud sa leopard. Agad itong lumapit pabalik sa pwesto ni
Cloud. Inabutan ito ng isang hilaw na karne.

"Ma… Master.. Master, susuko na po kami. Magpapakulong na kami kahit manatili pa


kami sa kulungan habang buhay… Paki-usap lang po… patawarin niyo na kami!!!!"
hiling ng kalbo kay Master Cloud. Halos maihi na siya sa pantalon sa sobrang takot.

Huminga ng malalim si Cloud. "Mabuti at sa inyo na nanggaling iyan. Palalabasin ko


na kayo at hahayaan ko kayong sumuko sa kapulisan. Kapag hindi kayo tumupad, alam
niyo na ang mangyayari…" matalim ang tingin ng leopard sa kanilang anim habang
sinasabi nito ang mga salita.

"Walang sino man ang maaaring maglabas ng kung ano man ang nangyari dito,
maliwanag?!"

"Yes Master!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

Umangil pa ang leopard sa huling pagkakataon at saka nagsipagtakbuhan ang anim na


kidnappers palabas ng Matsui Villa.

NAKASALUBONG ni Prin ang anim na kidnappers na nagmamadaling tumakbo palabas ng


bahay nila.

Kasunod ng mga ito si Bantay na ilang dipa ang layo sa kanya.

Sinalubong nito ang tingin niya. Tulad ng dati ay matalim ang tingin ng berdeng mga
mata nito na tila ba ano mang oras ay lalapain nito ang kasalukuyang biktima.

Ilang sandali lang, tumakbo patungo sa kanya ang leopard saka siya sinunggaban.
Napaupo si Prin dahil sa bigat ng mabangis na hayop.

Inamoy amoy siya nito.

"Ah.. hahaha!!! Stop it!!!" Nakikiliti si Prin sa paraan kung paano siya nito
inaamoy.

Tinitigan ni Prin ang leopard. "You are so clingy!" Hinawakan niya ito sa pisngi at
hinimas ang leeg nito.

Dinilaan nito ang ilong niya.

Kapapanganak pa lang ng leopard na iyon nang una silang magkita ni Prin. May anim
na taon na rin itong nasa pangangalaga ni Master Cloud. Regalo iyon sa biyenan niya
ng isang Presidente mula sa Africa.

Mas matalino ang leopard na iyon kumpara sa ibang hayop. Hindi pa ito kumain o
kahit kumagat ng tao pero ganoon pa man nakakatakot ang tingin nito kaya hindi niya
masisisi ang mga kidnappers na nakasalubong niya na matakot habang tumatakbo
palayo.

Hindi niya napapansin na nasa gilid lang si Cally at nakamasid sa kanya.

"You are so careless. Madumi na ang pantalon mo."

Napangiti lang si Prin sa pagsusungit na naman nito sa kanya.

"Let's go home. Bye bye Bantay."

Umungol lang ito at parang ayaw na umalis siya. Tinawag ito sa loob ni Master Cloud
kaya nawala ang atensyon nito sa kanya.

Sumakay siya sa pulang kotse. "Sakay ka na, Husbie"

Tinapik tapik niya pa ang upuan sa tabi.

"Ikaw ang magd-drive?" tanong ni Cally.

"Malamang. Ano pa at binigyan mo ako ng sasakyan?"

Nakatitig lang sa kanya si Cally saka umupo sa tabi ni Prin. "I will give you
rules, bawal gamitin ang sasakyan sa kung saan-saan."

"Bawal magsakay ng lalaki."

"Bawal ang hindi sumunod sa batas-trapiko"

"Bawal gamitin sa oras ng klase."

"At bawal… makipag-race"

Sumimangot si Prin. "what is the use of having a sports car, then?" tanong niya.

"To satisfy your needs. Didn't you ask for it?"

She was speechless. Inikutan na lang niya ito ng mata.

Sa palagay ni Prin, si Cally ay isang boring na kwarenta anyos na nasa anyo ng


isang bente tres anyos na katawan ng lalaki.

"Siyanga pala, gusto kong magpasalamat sa pagtulong mo sa akin na mailigtas ang


kapatid ko kanina," sabi nito habang daan.

Nilingon niya si Cally. "There is no need to say thank you, We are family."

"Hindi na kita nasamahan na mamili ng gamit." Medyo nanghinayang si Cally dahil


hindi niya nasamahan si Prin.

"we can do that tomorrow."

He can't explain why his heart is full of excitement whenever he is with her.
Whenever she was alone with him in his office.
She is simply too beautiful in his eyes whenever she gives him an annoyed look
while answering his exam sheet. Or whenever she called him 'Husbie'. Or whenever
she is spouting nonsense.

Her scent is also different from other girls and he likes it so much.

She looked good in her pants, gorgeous in a dress and sexy in her lacey underwear.

Dahil hasa si Prin sa aktibidad, nasa tamang lugar ang mga dapat kalagyan ng mga
laman nito. Walang sinabi ang angels ng Victoria's Secret sa mata ni Cally.
Ipinilig niya ang ulo at baka sa iba pa mapunta ang iniisip niya.

Nilingon niya si Prin sa tabi.

He looked at her lips while she is driving carefully. He wants to kiss her more.
Gusto niyang maulit ang napagsaluhan nila na halik ni Prin.

Para iyong droga na hinahanap-hanap niya.

Nagising lang siya sa katotohanan nang huminto ang sinasakyan sa tapat ng bahay
nila.

Hinarap siya ni Prin.

"So, how's my driving?" Nakangiti at excited na tanong nito.

Nilapit lang niya ang mukha niya dito because he really misses her kisses. He gave
her a smack on her lips na ikinagulat ni Prin.

"Not bad. That is your reward."

Namula ang pisngi ni Prin dahil sa pagkabigla.

"Sigurado ka ba na ganito din ang pagmamaneho na ginawa mo sa kambal kanina? Baka


naman iningatan mo lang ngayon kasi alam mong minamarkahan ko ang pagmamaneho mo,"
tudyo ni Cally.

"Of course not! Why would I care about you?" alma ni Prin

"Para pasakayin ako ulit. Siguro, gusto mo na ipagmaneho mo ako araw-araw kaya
iningatan mo talaga ngayon para pumayag ako. Don't worry I can give you extra kiss
kapag naihatid mo ko sa opisina ng maayos."

"Who wants to do that? Alam mo Cally, kumakapal na ang balat mo." Namumula ang
pisngi niya sa pagkahiya.

Kahit pa sabihin na ganoon nga ang hiling niya, hindi niya iyon aaminin. she was
still a girl.

"Bakit naman? May mali ba akong nasabi? Hindi ba at ikaw ang humiling na magkaroon
ng kotse dahil sabi mo ay gusto mo na magmaneho? Ibinigay ko naman sa iyo. Malay ko
ba kung isang parte sa hiling mo ang ihatid talaga ako sa opisina tapos ay may kiss
na reward."

"Shut it!" nahihiya na sabi niya saka lumabas na ng sasakyan.


MULA sa kakaunting liwanag na nagmumula sa labas ng bintana, tinitigan mabuti ni
Prin ang mukha ng asawa niyang si Cally.

Tuwing gabi ay lihim niyang pinagmamasdan ang hubog ng mukha ni Cally.

Sa kanya ang lalaking ito, pero sa kabilang banda alam ni Prin na pinakasalan lang
siya ni Cally dahil sa obligasyon na meron ito sa Dark Lords.

Nakakatabi niya si Cally sa pagtulog, nahahawakan, nakakasama araw-araw but she


wanted more. Hindi pa niya naranasan ang maging makasarili sa buong buhay niya pero
gusto niyang ariin si Cally ng buong-buo.

Para itong isang pangarap na mahirap matupad. Bakit nga ba may mga lalaking
perpekto? Matalino ang asawa niya, mayaman, gwapo at magaling sa lahat ng bagay.

Kaya masisisi ba siya ng iba kung sakali na mahulog ang damdamin niya sa lalaking
ito ng sobra?

Hindi niya napigilan na isayad ang hintuturo sa bawat parte ng mukha ni Cally. Mula
kilay, pilik-mata, ilong, baba at sa labi. Para bang ginuguhit niya sa isip ang
bawat parte ng mukha nito.

Natigil ang daliri niya sa labi ni Cally. Pinaranas nito sa kanya ang kakaibang
halik sa opisina nito.

Parang regalo ng diyos ang napakasarap na halik na iyon.

Pakiramdam niya ng mga oras na iyon, mabait sa kanya ang langit at ibinigay nito
ang gusto niya.

Iyon nga lang… Hindi sapat. Isang parte ng pagkatao niya ang naghihintay ng
kasunod.

Binigyan niya muli ng nakaw na halik si Cally. Isang simple na katulad lang din ng
ginagawa niya tuwing sa kalagitnaan ng gabi.

Nang aalisin na niya ang labi niya dito, isang malapad na palad ang pumigil sa
batok niya. Nanlaki ang mata ni Prin.

Kumilos ang labi ni Cally at nilaliman ang sinimulan niyang halik. Napapikit muli
si Prin para mas madama and halik nito. The taste of his lips was far more than she
bargained for.

He is kissing her deeply. Sobrang lalim na halos makalimutan niya na kung ano ang
pangalan niya. Wala rin naman siyang pakialam sa ibang bagay dahil nakatuon sa
halik ni Cally ang buong pagkatao niya.

Natigil lang silang dalawa nang pakiramdam nila ay mauubusan na silang parehas ng
hangin.

"You don't know how to kiss," tudyo ni Cally kay Prin sa pagitan ng paghinga.

Pinalo niya sa dibdib ang lalaki. Nakakahiya na nga na nahuli siya nito, ang lakas
pa ng loob nito na sabihan siya na hindi marunong.

"Of course I don't! Kung makapagsalita ka akala mo ay marunong ka sa ganitong


bagay. At least, I found something that you aren't skilled enough. You are a lousy
kisser kaya kailangan kong tapatan ang paraan mo ng paghalik," sagot niya dito.
"Oh! Is that so? So are you telling me na kaya hindi ka marunong ay dahil hindi rin
ako marunong mag-guide? Don't worry, we will practice because practice makes
perfect. You should be ready because we will be having an assessment everyday."

Prin "...."

"Let's sleep.. Or do you want to continue the practice?" pangungulit ni Cally.

Namumula na ang mukha niya "Who wants to practice with you? I'm going to sleep,"
sabi niya saka pumikit dahil hiyang-hiya pa siya sa pagkahuli nito sa kanya.

Hinihiling na lang niya na sana ay hindi ito mag-isip ng masama sa kanya.

Cally pulled her closer to his embrace. Wala siyang pakialam kahit sabihan siya
ulit nito na makapal ang balat niya.

Ang alam lang ni Cally, hindi niya inaasahan na mas masarap matulog ng katabi si
Prin. Pinakakalma ang buong pagkatao niya ng amoy nito na maihahalintulad sa
bulaklak ng cherry blossom.

BOTH of them have a good mood pagdating ng kinabukasan. Siguro dahil parehas silang
nakatulog ng masaya at masarap.

"Be good," sabi ni Cally bago siya bumaba ng sasakyan nito.

"See you later," sagot ni Prin saka kumaway dito.

Nakangiti pa siya na pumasok sa loob ng school at parang nag-d-daydream habang


patungo sa unang klase niya. Parang pakiramdam ni Prin kahit ma-late siya ay okay
lang.

Napadaan si Prin sa open field kung saan may nagp-practice ng football. Napansin
siya ni Luna na isa sa mga nanood ng practice.

"Sean!" tawag nito sa Star player ng football team.

"Yes my dear?" nakangiti na sagot nito saka lumapit.

Binulungan ito ni Luna...

Sa lugar ni Prin, paliko na siya para papasok sa klase nang masilayan niya ang bola
ng football na mabilis na tinutungo ang pwesto niya.

Agad na gumana ang utak ni Prin sa tamang gagawin. Dalawang estudyante at isang
may-edad na guro ang malapit sa kinaroroonan niya kaya kaysa iwasan iyon, agad na
kumilos si Prin para umikot pailalim na parang cart-wheel at sipain pabalik ang
bola sa kung saan man iyon nanggaling.

Sigurado siya na sa bilis ng bola na iyon, sinadya iyon na tirahin patungo sa


pwesto niya. Hindi lang siya sigurado kung sino sa kanilang apat ang intensyon ng
bola na iyon.

"Muntik na kami ng bola na iyon. Thank you Miss!" pasalamat ng isa sa dalawang
estudyante.

"Sean!!!!" galit na sabi ng may-edad na guro.

Si Sean na tinawag ay hindi makapaniwala sa nakita. Parang bihasang football player


ang kilos ng babae. Agad siyang lumapit sa mga ito para kunwari ay manghingi ng
pasensya.

"Sorry po, Mrs Benett," kakamot-kamot ang ulo na sabi nito.

Masama ang tingin ni Prin sa lalaki na may pangalang Sean. Ganoon pa man tumuloy na
lang siya patungo sa kwarto.

Nangako siya kay Cally na hindi siya gagawa ng kalokohan o gulo sa school na iyon
kaya iiwasan niya ang lalaking ito ng mas maaga.

"MISS…" tawag ni Sean kay Prin pero hindi niya ito pinansin. Tuluy-tuloy lang siya
para makapasok sa loob ng klase niya.

"Hey! Hey!" hinarang nito ang sarili sa pintuan nang akmang papasok na siya.

Tinaasan niya ito ng kilay. Ngumisi naman sa kanya si Sean. "You are new. Ngayon
lang kita nakita."

"Iyan ba ang dahilan kung bakit gusto mo akong bully-hin?" sagot ni Prin.

"Hello Sean," sabi ng mga kaklase niya sa loob.

Pansin niya na natutuwa ang mga kaklase niya at halatang gusto ng mga ito ang
lalaki. Lumipat ang atensyon nito sa mga kaklase niyang babae.

"Hello, Girls…" kumaway pa ang binata sa mga kaklase niya na akala mo ay artista.
Nakakita ng tyansa si Prin kaya nalusutan niya ito nang hindi nito naramdaman at
nakapasok sa loob ng kwarto.

Tumuloy lang at umupo siya sa pwesto niya na parang walang nangyari.

Nabigla naman si Sean sa inakto niya. Para kasing magic na nawala siya sa harapan
nito kahit nakaharang ang binata sa pintuan.

"Hey! I'm talking to you," sabi nito at sinundan siya hanggang sa mesa niya.

Hindi ito pinansin ni Prin at nilabas ang cellphone para i-text si Cally at sabihin
sa asawa niya na maayos siyang nakarating sa klase.

'My Prince' ang pangalan ni Cally sa contact list niya at napangiti siya na makita
na may mensahe siya mula sa lalaki.

[Arrived at the office] iyon ang mensahe nito.

Hindi nakalusot kay Sean ang mga inakto ni Prin, katulad ng pang-iisnab niya dito.
Dahil nakaupo si Prin at matangkad ang lalaki. Nakita nito ang pangalan ng
nagpadala ng bagong mensahe na nagpangiti sa kanya.

My Prince.

Napangisi na lang si Sean. Hindi siya naniniwala na isang prinsipe ang kung sino
man na nag-text na iyon. Sa tingin niya ay endearment lang iyon ng babaeng nasa
harapan sa nobyo nito. Pero mas na-intriga siya kay Prin.

Popular siya sa eskwelahan na iyon at wala pa ni isang babae ang kumuha sa interes
niya bukod kay Luna.

Pansin ni Prin na nasa gilid niya si Sean at mukhang walang plano na umalis. "May
klase kami dito, ano ba ang kailangan mo?"

"Gusto kong malaman, kung paano mo ginawa yung pagtira mo sa bola kanina?"

Tiningnan ni Prin mula paa hanggang ulo si Sean.

"Hindi ko kailangan na magpaliwanag. Hindi ka naman siguro tanga para hindi alam
kung ano ang ginawa ko kanina. Football player ka 'di ba? Alam mo dapat iyon. Ako
nga ang dapat na magtanong sa iyo e."

Naging seryoso ang lalaki. Bukod din kay Luna, wala pang ibang babae ang sumopla sa
kanya.

"Hindi naman ako Bully. Nagkataon lang na patungo sa iyo ang bola ko," pagdadahilan
nito.

Hindi na ito pinansin ni Prin. Sakto naman ang dating ng Professor nila at napuna
nito si Sean.

"Mr. Sean!!! Anong ginagawa mo dito sa klase ko? Labas!" galit na sabi nito.

Binigyan pa siya nito ng huling sulyap bago lumabas na nakangisi sa kwarto.

GIGIL na gigil naman si Luna at pinagagalitan si Sean.

"Bakit hindi mo ginalingan sa pagtira ng bola kanina?"

Nakaramdam ng inis si Sean sa unang pagkakataon kay Luna. Sa hindi niya malaman na
dahilan, bigla siyang napangitan kay Luna.

"You know what, gusto kong sabihin na hindi mo ako utusan," sabi niya dito.

"Akala ko ba magaling ka sa football, hmp! Isang babae lang pala ang kayang
magpatumba sa iyo!"

Dumilim ang paningin ni Sean. Sa oras din na iyon, pakiramdam ni Sean ay napaka-
pangit ng ugali ng babaeng ito sa harap niya.

"Alam mo Luna, Ngayon ko lang napagtanto na hindi ka talaga maganda," pang-iinis ni


Sean.

"Bawiin mo ang sinabi mo!"

"Why? Now I know kung bakit inis ka kay Prin. Because she is definitely a beauty,
there is so much insecurity in your body. I just can't believe na nagpabola ako sa
isang tulad mo."

Lalong lumala ang pagka-gigil ni Luna sa binata.

"She is not pretty! Alam mo ba? I assumed she is a Mistress. I always saw a luxury
car na naghahatid sa kanya sa school tuwing umaga but that guy never showed himself
in public. Siguro isang mataba, matanda at uugud-ugod ang boyfriend niya kaya
ganoon," sabi nito.

Naalala ni Sean ang pangalan ng boyfriend ni Prin sa cellphone nito. 'My Prince'

"I saw the car. You could be the President of MGM bago mo makuha ang ganoong klase
ng kotse. Kahit ang kotse mo ay walang wala sa magarang kotse ng naghahatid sa
kanya. So tell me? Sino sa amin ang mas maganda?"
"She is just merely a mistress! Samantalang, anak ako ng Mayor!" galit na sabi
nito.

Napangisi si Sean. "Then, act like a mayor's princess dahil malapit ko nang isipin
na isa kang huwad na prinsesa," ang sabi saka nito iniwasan si Luna at iniwan na
ang babae.

"Let's see Prin, kung makaligtas ka sa susunod," sabi nito.

NAGING maayos naman ang maghapon ni Prin kahit pa muntik nang hindi maging maganda
ang umaga niya dahil kay Sean.

Hindi nakapasok si Bella kaya wala siyang makausap dahil mas pinili ng kaibigan
niya na mag-out-of-town kasama ng nobyo nito.

Naghihintay si Prin ng sundo, nasabihan na siya ni Cally na susunduin siya doon ni


Xander sa school.

Napansin siya ni Sean na papalabas ng school gamit ang sasakyan nito.

lumabas ito ng sasakyan at nilapitan siya. "Hello!" bati nito.

Hindi niya ito pinansin. Para itong hangin sa gilid na hindi niya nakikita.

Wala siyang plano na makipagkaibigan sa lalaki. Uubusin niya na lang ang oras sa
pag-aaral na ayaw niya kaysa sa lalaking ito na alam niyang mataas ang tingin sa
sarili.

Para mahalata nito na hindi siya interesado sa lalaki, kinuha niya ang cellphone
para mag-browse muna sa internet habang naghihintay.

"Pauwi ka na ba? Ihahatid na kita," nakangiti pa na sabi nito.

Sa gilid ng mata niya ay napansin niya ang tinuro nito na sasakyan na Nissan na
sports car. Gayunpaman, wala siyang plano na sumakay doon.

Sa parte ni Sean, naniniwala siya na kapag nakita ni Prin ang sasakyan niya, hindi
na ito mag-aatubiling sumama katulad na lang ng iba pang mga babae sa school kaya
nga malaki ang mga inggit ng mga ito kay Luna.

Nasa ganoong ayos sila nang dumating ang Maybach ni Cally na minamaneho ni Xander.

Lumapit sa kanya si Xander at masama ang tingin nito kay Sean. Malayo pa kasi ay
napansin na ni Xander na kinukulit nito ang Boss niya.

"Miss Prin," magalang na bati nito.

"Hi Xander!" masiglang bati ni Prin. Hindi niya pinansin si Sean.

Binuksan ng assistant ang pintuan sa likod at pinapasok siya.

Naiwan si Sean na nakakunot ang noo habang nakatingin sa assistant hanggang sa


makalayo ang sasakyan nito. Hindi biro ang halaga ng sasakyan na iyon.
Naalala niya ang sinabi ni Luna.

'She is definitely a mistress' sabi nito sa kanya nang umagang iyon. At katulad nga
din ng sabi nito, kailangan na may sinasabi ka sa buhay bago magkaroon ng ganoong
uri ng sasakyan.

Hindi naman siguro anak ng politician si Prin o isang business tycoon. Pumasok sa
isip ni Sean na baka mistress nga si Prin ng may-ari ng sasakyan na iyon.

Kailangan niyang alamin ang pagkatao ni Prin bago siya masiraan ng ulo.

Kita naman ni Bella ang lahat na nasa kabilang kanto. She is gritting her teeth.
Una pa lang, alam niyang hindi maganda ang dating ng Prin na iyon sa eskwelahan
nila.

DINALA si Prin ni Xander sa isang sikat na designer ng gown. "Hindi tayo pupunta sa
opisina?" tanong niya dito.

"Hindi po, Miss Prin. Naghihintay na po dyan si Master Cally."

"Oh! Okay." Tumuloy siya sa loob at natagpuan si Cally na naka-de-kwatro ng maayos


habang humihigop ng kape. Isang business Magazine ang binabasa nito sa harapan.

Hindi pa siya nito napansin dahil seryoso ang pagbabasa nito sa Magazine.
Nagliliwanag pa ang balat nito at ang buhok nito na kulay brown mula sa liwanag sa
labas ng french window.

Nababagay lang sa lalaki ang tawag niya dito na Prinsipe kaya bagay sila. Siya si
Prin at ito ang kanyang Prinsipe. 'Haaay!'

"Welcome po!" bati ng Staff kaya napalingon sa kanya si Cally.

"Hello," balik na bati niya sa staff. Lumapit naman sa kanya si Cally.

"Nag-promise ako sa iyo na sasamahan kita. Tingin ko natutuwa ka dahil wala tayong
session ngayon para sa review." pang-aasar nito.

Inikutan niya na lang ito ng mata.

"Wala ka na bang trabaho na naiwan?" tanong niya dito.

"Meron."

Medyo na-guilty si Prin pero nabigla na lang siya ng binigyan siya nito ng halik sa
labi.

"Ha’yan, wala na kong naiwan na trabaho," sabi nito saka bumalik sa couch kung saan
ito nakaupo.

Namumula ang mukha ni Prin sa hiya lalo at nabigla rin ang staff na nasa tabi niya.
Lalong tumatagal ay kumakapal ang balat ni Cally na nakawan siya ng halik.

"Tara na po," sabi ng staff nang makabawi.

Sumunod si Prin sa babae. Kinuha lang nito ang sukat ng katawan niya.

"Ma'am ang sexy niyo po, saka maganda pa! Bagay po sa inyo ang disenyo namin," puri
nito. Alam naman ni Prin na binobola lang siya ng Staff pero hindi pa rin maiwasan
na matuwa siya.
"Anong disenyo naman ang gagawin niyo para sa akin?"

"Sikreto po e," bulong nito habang nakatingin kay Cally.

Naisip ni Prin na mukhang personal na pinili ni Cally ang susuotin niya. May tiwala
naman siya sa lalaki na marunong ito sa halos lahat ng bagay. Kaya lang…sigurado ba
siya na maganda ang ipasusuot nito sa kanya? Maybe he is good at choosing his own
suit. He looked good in anything he wears. But they are talking about her dress.

Bumuntong-hininga na lang si Prin at wala na siyang magagawa kung hindi ang


magtiwala sa lalaki.

Ilang saglit pa, dumating ang designer.

"Naku! Master Cally. Pasensya na at na-traffic ako sa daan." Hinihingal pa na sabi


nito na halatang nagmadali sa pagpunta doon.

"No Problem! Ihatid mo na lang sa opisina ko ang gown," sabi ni Cally.

Hinarap siya ni Cally. "May naiisip ka pang gawin?"

"Hmmm. Husbie, gusto kong kumain ng kwek kwek saka ice cream tapos maglaro ng
badminton," ungot niya dito.

Kulang na sa ehersisyo si Prin dahil mas madalas siyang nakaupo lang sa eskwelahan
at nag-aaral. Namimiss niya nang ikilos ang katawan.

Tiningnan ni Cally ang oras. Alas kwatro pa lang naman ng hapon.

"Okay. kung sino ang matalo, may parusa," nakangisi na pagpayag ni Cally.

PATUNGO na sila sa uupahan na Badminton court nang makatanggap si Cally ng tawag


mula sa Daddy niya.

"Hindi sumuko ang mga kidnappers, you know what to do," sabi nito saka siya
binabaan ng telepono.

Napapailing na lang si Cally. Wala talagang makakagagawa sa kanya ng ganoon kundi


ang Daddy niya lang. Kahit ang Mommy niya ay hindi ginawa ang ganoon sa kanilang
magkakapatid.

"Tsk!" gusto sana niyang mainis dahil date-time nila ni Prin pero hindi niya
magawa. Importante rin naman kasi ang reputasyon ng pamilya at ang ginawa ng mga
ito sa kambal.

Dinala si Crayola at Crayon sa ospital dahil na-trauma ang dalawang kapatid niya.
Nagkapasa pa si Crayola kaya hindi niya masisisi kung bakit galit ang Daddy niya.

"What is it?"

"Hindi sumuko ang mga kidnappers," seryoso na sabi ni Cally.

Tumaas ang kilay ni Prin. "Mukhang hindi sila naniniwala sa Daddy mo. Sa weekend na
lang tayo tumuloy maglaro."

"Are you sure?" paninigurado ni Cally.

"Bakit naman hindi ako magiging sure?"


"Baka lang kasi you are expecting something in return.. Like a kiss?" tudyo ni
Cally.

"Kiss my ass!" sagot niya dito saka inilayo ang paningin. Namumula ang pisngi ni
Prin sa hiya.

Natutuwa naman ng lihim si Cally sa tabi. Naaaliw kasi siya kay Prin kapag
tinutudyo niya ito.

Dahil hindi tumupad sa usapan ang anim na kidnappers at ipinagpaliban pa ang date
ni Cally, tuturuan niya talaga ng leksyon ang anim na iyon.

"BOSS, sigurado ka ba na hindi tayo mahuhuli ni Master Cloud Han?" natatakot na


sabi ng kalbo sa bagong amo nila.

"May tigre silang kasama..." sabi ng isa pa dahil hindi nito alam ang pagkakaiba ng
tigre sa leopard.

"Sino ba ang mas nakakatakot? ako o si Master Han?" sabi nito.

Matagal na silang hinahanap ng bago nilang Boss dahil mailap sila sa kapulisan.
Dalawang taon nang pagki-kidnap ang trabaho nila at hanggang sa mga oras na iyon ay
hindi pa sila nakikilala sa publiko.

Magaling kasi at masamang-damo ang dati nilang Boss na si Labo.

"Heto ang pera. Gusto ko na dukutin niyo ang babaeng ito."

Nanlaki ang mata ng anim sa larawan. "'y-yan! Iyan yung gumulpi sa atin!" bulalas
ng kasama na iisa ang ngipin sa unahan.

"Paanong ginulpi? Tingin ko nabugbog kayo nung isang araw ng mga bodyguard ni
Master Cloud Han kaya kung anu-ano ang naiisip niyo!" sabi ng boss.

Ang mga kwento kasi nilang anim: Tumalon mula sa ikalawang palapag ang lalaki,
naiwasan ng babae ang bala gamit lamang ang tubo. May tigre si Master Cloud.

Kung pagsasama-samahin ang kwento, parang kwentong-bayan ang sinabi ng mga ito.
Pwera na lang kung Ninja ang dalawang tao na nagligtas sa kambal at naniniwala ang
bagong Boss na imposibleng mangyari.

Ang kwento naman ng mga ito ngayon, ang mahinhin na babaeng pinadadakip niya ay ang
babae sa kwento ng mga ito?

Napapailing ang bagong boss. "Mga inutil! Iharap niyo ang babaeng iyan maliwanag.
Kung may tigre nang araw na iyon sa palagay niyo ba buhay pa kayo ngayon? Malamang
ay nalapa na kayo at wala na kayo dito sa harapan ko!" singhal nito.

"Nakainom kayo ng alak ng isang araw kaya imposible ang mga kwento niyo."

Nagkatinginan ang anim. May punto ang bago nilang boss.

"Dukutin niyo ang babae at dalhin niyo sa address na ito." Inabot nito ang papel.

"Magsilayas na kayo sa harapan ko!"

Kakamot-kamot ang anim. "Taba, tingin ko may katwiran si Boss. Kung may tigre,
malamang kahit isa sa atin ay nilapa ng hayop na iyon."
Nag-usap-usap silang anim at naniwala sa bagong boss na hindi totoo ang nangyari
noong isang gabi.

PINAHANAP na ni Cally ang anim na kidnappers sa tauhan ni Rob na Daddy ni Prin, si


Zuki.

Naghintay muna silang dalawa sa isang coffee shop habang nagrereview si Prin ng
aralin sa notebook ni Cally.

Mabilis kumilos si Zuki at wala pang isang oras, may lead na sila kung nasaan ang
anim na kidnappers.

"Master, gusto niyo ba na kami na ang humuli sa anim na ugok na ito?" tanong ni
Zuki sa kabilang linya.

"No need." sabi ni Cally saka ibinaba ang tawag.

"Honey, let's go. Kukunin ko ang sasakyan, hintayin mo na lang ako sa tapat," sabi
ni Cally saka tumayo na at lumabas ng shop.

Natulala naman si Prin sa pagtawag sa kanya ng 'Honey' ni Cally.

Nang makalabas ang lalaki…

"Ahhh!!!" Halos hindi makalabas sa bibig niya ang tili dahil may ibang mga umiinom
ng kape sa shop. Tinawag siyang "Honey" ni Cally sa unang pagkakataon at pigil na
pigil ang kilig niya sa katawan.

Niligpit niya lang ang gamit saka lumabas ng shop para abangan si Cally nang hindi
nawawala ang kakaibang ngiti.

Parang may mga bulaklak sa paligid ni Prin kaya balewala sa kanya ang mga dumadaan
sa paligid.

Kaya hindi niya rin napansin ang itim na van na huminto sa tapat niya at agad
siyang hinila papasok doon.

NAKITA ni Cally ang pagkuha ng mga lalaki kay Prin. Humigpit ang hawak niya sa
manibela at tumalim ang tingin niya sa itim na van.

Sinundan niya ng lihim ang sasakyan.

Si Prin sa loob ng van ay kumunot ang noo nang makita ang mga kidnappers. Naisip
niya na hindi ba't ang mga ito rin ang dumukot din sa kambal?

Apat ang lang ang nasa van. Wala doon yung mataba at ang lalaking iisa ang ngipin.

Hawak siya ng dalawang lalaki sa braso. "Bakit lumakas yata ang loob niyo at
dinukot niyo ako?"

"Napag-utusan lang kami at doon ka namin dadalhin ngayon," sagot sa kanya ng


lalaking nasa likuran.

Tumalim ang tingin ni Prin. Sino naman ang magpapadakip sa kanya?


"Ikaw na nasa likod na naka asul, mamaya basag ang lahat ng ngipin mo. Kayong
dalawa na may hawak sa akin, siguradong hindi na kayo uulit. At ikaw na driver,
basag ang bungo mo mamaya," sabi niya sa mga ito.

Nagtawanan ang apat na lalaki. Tinutukan siya ng baril ng nasa kaliwa niya.

"Ano ba iyan? Bakit parang inulit niyo lang ito? Saka sino ang nag-utos sa inyo?"
tanong ni Prin.

Hindi siya sinagot ng mga ito. Huminto ang van sa isang 'di kalakihang bahay at
medyo masukal na lugar.

Hindi pa man pinabababa si Prin ng sasakyan, siniko niya ang lalaking nasa kanan at
diretsong sinuntok sa mukha ang nasa kaliwa.

Hinablot ang nasa likuran na naka-asul at pwersahang hinila at inuntog ang ulo ng
lalaking iyon sa ulo ng driver. Parehas nakaramdam ng hilo ang dalawa at halos
walang makita dahil parehas na nanlalabo ang paningin.

Nakabawi ang lalaking nasa kaliwa ni Prin at ibinalik nito ang pagtutok ng baril sa
kanya.

"Huwag kang kikilos!" angil nito.

Hinawakan niya ang kamay nito. Sa galit ng lalaki ay pinaputukan siya nito ng hawak
na baril. Pwersahang itinapat ni Prin ang kamay nito sa lalaking nasa kanan at
dumeretso ang bala sa noo ng taong iyon na kasalukuyang naglalabas ng patalim.

Dumaloy ang pulang dugo mula sa noo ng lalaking iyon. Tumalsik pa ang iilan ng dugo
nito sa pisngi niya.

Narinig ng lalaking mataba at ang kasama nito na iisa ang ngipin ang putok kaya
nagmadali ang dalawa na makalabas ng bahay.

Nanlaki ang mata ng lalaking may hawak ng baril.

"Ang tanga-tanga mo tumira, lagi na lang mali ang tira mo."

Nag-aapoy ang mata ni Prin sa galit na kinuha ang patalim ng lalaking nasa kanan at
diretsong isinaksak sa leeg ng lalaking nasa kaliwa. Idiniin niya pa iyon hanggang
sa handle na lamang ng patalim ang nakikita niya.

"Hayan! Hindi na talaga kayo uulit!" singhal niya sa dalawa na nawalan na ng buhay.

Nakabawi namang ang driver at ang naka-asul. Nang akmang hahawakan nito ang braso
ni Prin, bumukas ang pinto nito sa gilid at bumungad sa mata niya si Cally.

Hinawakan ni Cally ang braso ng driver at hinila ito palabas ng van at diretsong
sinipa sa mukha ang lalaking naka-asul. Sa lakas ng pagkakasipa ni Cally, bumukas
ang pintuan sa gilid nito at tumilapon ang naka-asul sa semento.

Tulad ng sinabi ni Prin basag ang ngipin ng lalaking naka-asul sa lakas ng


pagkakasipa ni Cally.

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito.

"Are you okay?" tanong sa kanya ni Cally.


Lumabas si Prin ng van at sinuri ni Cally ang katawan niya. Nagdilim ang tingin
nito nang makita ang galos niya sa braso at sa kamay, gawa ng pagkakasuntok niya sa
dalawang katabi.

Ilang saglit lang, may nagpaputok sa kanila mula sa loob ng bahay. Agad silang
gumilid sa van.

'Ginagalit talaga ako ng mga ito' isip-isip ni Cally.

Nagkatinginan lang sila ni Prin. Walang tigil silang pinapuputukan ng bala ng


dalawa na kalalabas lang. Kinuha ni Cally ang baril ng lalaking sinaksak ni Prin sa
leeg at pinaputukan sa binti ang dalawa mula sa ilalim ng van.

"Ahhhh!!!" hiyaw ng mga ito.

Tinakbo naman ni Prin ang dalawa at parehas na sinuntok ang mga ito sa mukha. Sabay
din na nakatulog ang dalawa

....

NAGISING ang apat na kidnappers sa Matsui Villa. Ang driver, ang naka-asul, ang
iisa ang ngipin at ang mataba na gumaganap na pinuno nila sa mga oras na iyon. At
mukha ni Bantay ang bumungad sa kagigising lang nilang diwa.

Agad na dumaloy ang kilabot sa apat na kidnappers. Lalo at may tama ng bala ang
dalawa sa kanila.

Mas matalim ang tingin ni Cally kay Bantay.

"Sino ang nag-utos sa inyo na ipadukot ako?" tanong ni Prin na nasa tabi nito. .

Hindi alam ni Cally ang tungkol sa bagay na iyon kaya lalong tumalim ang tingin
niya sa apat.

"Inutusan lang kami ng bago naming boss na si Marvin?" sagot ng mataba habang
pinipigil ang sakit sa binti na binaril ni Cally.

Nakakunot ang noo ni Prin "Ano ang motibo niya? Wala akong kilalang Marvin."

"Hindi namin alam." sagot nito.

Seryoso si Prin na iniisip kung sino ang Marvin na iyon. Halos mahigit isang buwan
pa lang kasi siya sa Maynila at may mga nagagalit na sa kanya.

Wala naman siya halos pinupuntahan kundi ang opisina ni Cally, ang bahay at ang
school.

Sino ang Marvin na iyon?

....

INISIP ni Prin kung may kilala ba siyang Marvin.

Napansin ng isa sa apat na kidnappers na lumalim ang iniisip ni Prin. Malapit ito
sa pwesto niya kaya naglabas ito ng maliit na patalim mula sa tagong bulsa at
sinugod siya nito --ang lalaking naka-asul.

Bago pa ito makalapit kay Prin, tinalon at sinakmal na ito ni Bantay sa balikat.
Nabigla pati ang tatlong kasama nito.

"Ahhhh!!!" takot na hiyaw ng tatlo pa nitong kasama. Lalo na nang kusang malaglag
ang katawan ng naka-asul sa harapan nila.

Napalunok sila sa nasaksihan.

Kita nila ang natapyas na laman, kaunting tela mula sa asul na T-shirt at ang
kakaunting buto ng lalaking naka-asul. Kumalat sa pulang carpet ang dugo nito.
Nanghihina ang taong iyon at anumang oras ay mawawalan na rin ng buhay.

Niluwa ni Bantay ang laman nito na naiwan sa bibig. Halatang hindi rin nito
nagustuhan ang laman mula sa lalaki. Umangil ito at mas matalim ang tingin na
ibinigay sa tatlo pa.

Kasabay ni Bantay ang paghila ni Cally kay Prin. Dumeretso ito sa mga bisig niya.
May mga kakaunting talsik ng dugo mula sa lalaking naka-asul sa braso, binti at
blusa ni Prin.

Nagsimula ang leopard na ikutan ang tatlong kidnappers na natira at anumang oras ay
mananakmal ito kung kikilos sila ng hindi kaaya-aya sa paningin ng mabangis na
hayop.

"M-ma-master, nakikiusap po kami na patayin niyo na lang po kami," naiiyak na sabi


ng matabang lalaki. Mas gugustuhin na nilang mamatay sa mga oras na iyon kaysa
manatili na buhay at mabaliw sa mga nagaganap.

Kasalanan ito ni Marvin. Masyado silang naniwala sa lalaki. Ngayon na kaharap nila
muli ang dalawa na nakita nila pati ang mabangis na hayop, gusto nilang magsisi.

Halata na bumabalot ang takot sa kanila.

"Akala ko pa naman, matatapang kayo. Dahil hindi kayo tumupad sa usapan na susuko
kayo sa kapulisan at ginawa niyo pang muli ang pagdukot naman sa asawa ko.
Pagbibigyan ko ang gusto niyo."

May kasabihan nga na 'once is enough, two is two much. The third is unacceptable.'

Sinenyasan lang ni Cally si Zuki na nasa gilid. Kinuha nito ang katana na
nakadisplay sa pader.

Galit si Cally. Kung hindi naunahan ni Bantay ang lalaking iyon, hindi niya alam
kung ano ang nangyari kay Prin.

Binuhat naman ni Cally si Prin at lumabas na sa kwartong iyon. Narinig na lang nila
ang hiyaw ng tatlo pa habang papalayo hanggang sa tila tumahimik sa kwarto na
pinanggalingan.

Bumalot ang malansang amoy ng dugo sa paligid ng villa.

Nakatitig lang si Prin sa galit na mukha ni Cally. Wala itong pakialam kahit humalo
dito ang damit niyang namantsahan ng dugo.

Sa lapit ng pisngi ni Cally, gusto niya itong halikan para mawala na ang kung
anuman na galit ang nararamdaman nito.

Tumitibok ng sobra ang puso ni Prin at parang slow motion ang paglakad nito habang
bitbit siya.
Dinala ni Cally si Prin sa kwarto niya noong dalaga pa siya at sinuri siya nito.
Halata ni Prin na galit pa rin ang asawa niya.

"Do you have a towel?" tanong ni Cally sa kanya.

Tinuro ni Prin ang drawers ng mga towel at bimpo. Lumapit si Cally sa cabinet,
drawers ng underwear ang bumungad dito.

"is this a towel?" tanong ni Cally habang hawak ang nakatupi na pink na panty niya.

"Hey!" Tumayo si Prin at hinablot iyon. Namumula ang pisngi niya sa hiya.

Kumuha siya ng bimpo sa sunod na drawer at inabot dito.

Binasa ni Cally ang bimpo sa restroom na nasa loob din ng kwarto.

Umupo naman si Prin sa gilid ng kama ng seryoso. Hindi niya mabasa ang mood ni
Cally.

Lumuhod ito sa harap niya at pinunasan ng tahimik ang pisngi niya na may talsik ng
dugo pati braso. Maingat ang pagpunas nito pero salubong ang kilay na halatang
hindi nito nagugustuhan ang nangyari sa kanya.

"Bakit galit ka? Galit ka ba sa akin?" nakayukong tanong ni Prin.

Parang nahimasmasan naman si Cally sa tanong niya.

"*sigh* I'm sorry… I just hate it! May galos ka na sa kamay at sa braso. Hindi ako
galit sa iyo. Nagagalit ako sa sarili ko dahil iniwan kita sa coffee shop. If I was
there hindi ka nagalusan," paliwanag ni Cally.

Ang dahilan kung bakit ito galit ay dahil sa kakaunting galos niya? Hindi alam ni
Prin kung ano ang magiging reaksyon niya.

"Husbie, I'm a Dark guard. Kaunting galos lang ito. This is nothing compared to our
training, remember?"

Natulala si Cally sa sagot ni Prin. He almost forgot that Prin is a Dark Guard. She
knows how to fight. He doesn't know why he acted that way either. Pero hindi niya
talaga naiwasan na magalit kahit ang makita ang pamumula ng kamao nito.

Sunod na pinunasan ni Cally ang binti niya na may mga bahid ng dugo.

Napalunok si Prin habang hawak ni Cally ang binti niya.

"Ma-magsh-shower na lang ako…" mahinang sabi niya.

"Oh! Do you want me to help you?"

Alam ni Prin na tinutudyo na naman siya nito na ibig sabihin ay nakabalik na ito sa
normal nitong mood.

"Help my ass!"

TATLONG araw na ang nakalipas, hindi binalikan ng anim na kidnappers si Marvin kaya
inalam niya ang mga kasalukuyang ginagawa ng mga kidnappers na iyon.

"Boss, hindi namin alam kung saan nagsi-puntahan ang anim na gag*. Ang van na gamit
nila ng isang araw ay nasa tapat ng bahay na nirentahan natin at may mga nakita
kaming mantsa ng dugo sa lugar… pero wala ang anim doon. Wala rin kaming makita na
kahit anong ebidensya. Bigla na lang silang nawala na parang bula. Walang CCTV kaya
wala tayong makuha na hint."

Naisip ni Marvin na baka marami ang nakalaban ng mga ito kaya pinatay ng kung sino.
Ilang taon na rin kasi na nagtatrabaho ang mga iyon ng masama.

Tumunog ang telepono niya na nasa ibabaw ng table, kumunot ang noo niya at sinagot
ang tawag.

"Yes po?"

"Marvin, ano na ang balita sa pinauutos ko? Ilang araw na at wala pa akong balita?
Gusto kong lumuhod sa akin ang Prin na iyon o sirain ang mukha niya. I am
desperately wanted to ruin her face! Binayaran na kita ng kalahati at wala pa akong
naririnig mula sa iyo?!" reklamo nito sa kabilang linya.

Gustong mag-init ng ulo niya sa pagmamando nito pero wala siyang magawa. Kayang
kaya siya nitong ipapatay kung gugustuhin nito.

"Nawala ang anim na inutusan ko. Kilabot na mga kidnappers ang mga iyon na isa sa
mga problema ko ngayon, hahanap na naman ako ng kidnappers para dukutin ang babaeng
sinasabi mo."

"Kailangan mong bilisan!" singhal nito saka pinutol ang tawag.

Naiinis si Marvin. Daig pa kasi nito ang totoong amo niya.

"Sa tingin ko ako na ang kailangan na gumawa para dukutin itong babaeng ito… Sorry
na lang Miss… You dared to offended the b*tch..." bulong ni Marvin habang
nakatingin sa larawan ni Prin.

....

NAKITA ni Sean na bumaba ng magarang sasakyan si Prin. Napag-alaman niya na sa CEO


ng MGM nakarehistro ang sasakyan na iyon at hindi maiwasan na ma-awa siya kay Prin.
Bakit ito pumayag na maging kabit ni Mr Cloud Han?

Normal na mag-isip si Sean na kabit si Prin dahil ayon sa napag-alaman niya ay nasa
50s na daw ang tao na iyon.

Ayon sa pinsan niya at kaibigan na parehas na aktor sa MGM, madalas daw na kasama
nito ang asawa nito sa opisina. Marami daw nagkakagusto kay Master Han kaya hindi
rin imposible na pumatol ang Big Boss nila.

May anak daw na babae si Mr Han at siguradong hindi si Prin iyon dahil nagdodoktor
daw ang anak nito at wala sa Pilipinas.

Nilapitan niya si Prin.

"Hello!" bati ni Sean.

Hindi ito pinansin ni Prin. Nakita niya si Bella na kabababa lang din ng sasakyan
at nakakunot ang noo nito habang nakatingin sa kanya na kasama si Sean.
"Hello dear!" nakangiti niyang bati dito. Medyo napahiya si Sean dahil nauna pa
nitong pansinin ang kabababa lang ng sasakyan na si Bella kesa sa kanya na popular
sa eskwelahan.

"Let's go! Male-late na tayo." nakangiti na sabi ni Prin kay Bella.

"uhmm , okay." sabi ni Bella kahit ang wirdo ng tingin nito kay Sean.

"Hey, Hey! Pansinin mo naman ako," si Sean. Patuloy lang si Prin na hindi pinansin
ang lalaki.

Nakaramdam ng inis si Sean. "Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?"

Walang plano si Prin na patulan ang lalaki.

"Prin… Hindi maganda kapag hindi mo siya pinansin. Kukulit-kulitin ka niya," bulong
ni Bella.

Napilitan si Prin na harapin si Sean. "Ano bang problema mo?"

"Gusto ko lang makipagkaibigan," sagot nito.

Tiningnan ni Prin ang binata mula paa hanggang ulo. Naglalaro sa anim na talampakan
ang lalaki at tatlong pulgada. Sa tingin niya kasing tangkad ito ni Cally. Gwapo
rin ang lalaki dahilan para maging popular ito sa school.

Pero walang pakialam si Prin dahil para sa kanya, walang makakatalo sa pagkatao ni
Cally. Kahit kay Lorenz yata ay hindi ito aabot sa pamantayan niya ng ibig sabihin
ng tunay na lalaki.

Sa palagay ni Prin, masyado lang malaki ang ulo nitong si Sean. Umaasa lang sa
magulang.

Samantalang si Cally, si Lorenz at ang mga kasama niya sa Dark Guard ay may
sariling kakayahan. Mayaman na ang mga ito sa kasalukuyan dahil sa mga kinita ng
ilang taon at hindi kailangan na umasa sa kung kanino.

"Puno na ang listahan ko ng kaibigan. Wala akong time na makipagkaibigan sa iyo,"


mataray na sabi niya sa binata saka nagpatuloy sa paglakad kasabay ni Bella..

"Bakit ba ang taas ng tingin mo sa sarili mo?" ismid na sabi nito. Napapahiya na
kasi si Sean dahil may mga estudyante na ang nakapukaw ng atensyon nila.

Wala pa kasi siyang sinundan-sundan sa school kaya kakaiba ang tingin ng mga ito
lalo at patuloy siyang ini-isnab ni Prin.

"Isang uugud-ugud lang naman ang boyfriend mo at walang kwenta. Sigurado na hindi
ka niya kayang pasayahin. Nahahawa ka na ba sa pagka-boring niya?" sabi nito para
makabawi sa kahihiyan.

Napatigil si Prin sa paglakad. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito na walang
kwenta si Cally. At kahit pa sabihin na nag-aaral lang sila ni Cally madalas sa
opisina nito, walang karapatan itong si Sean na sabihin na 'boring' ang asawa niya.

"Alam mo Mr. Sean. mayabang ka din. Gusto ko na tigil-tigilan mo na ako! Ganito na


lang, kapag natalo kita sa sports, titigilan mo na ako," nakangisi na sabi ni Prin.

Ayaw niya nang makita pa ang pagmumukha ng lalaki dahil nasisira nito ang maghapon
niya.
....

HINDI nagustuhan ni Prin ang mga sinabi ni Sean tungkol kay Cally kaya hinamon niya
ito na maglaban sila sa laro.

Nagbulungan ang ibang estudyante na nasa paligid nang marinig ang hamon niya.

"Nababaliw na ba siya? Sikat na player si Sean, ang lakas naman ng loob niya na
hamunin si Sean?"

"Sinabi mo pa."

Pero meron din naman na na-aaliw sa hamon ni Prin.

"Hmm.. mukhang exciting ito."

"Panonoorin ko ito sigurado."

"Let's see kung matalo nga niya si Sean."

Napatingin si Sean sa paligid at napansin na naghihintay ang mga estudyante sa


isasagot niya. Wala pang humamon sa kanya na tulad ng ginagawa ni Prin sa oras na
iyon.

"Anong sports ang gusto mo?"

"Name it" sagot ni Prin.

"Are you sure baka naman jack en stone lang ang alam mo?" nang-iinis pa na tanong
nito.

"Prin, are you sure?" nag-aalala na tanong ni Bella sa tabi.

"1,000 percent sure. Kapag natalo kita, ayoko na kulit-kulitin mo pa ako dahil
sinisira mo ang umaga ko." naiinis na sabi niya dito.

"Sige. Pero kapag natalo kita…You will be my girlfriend."

Nagtaas ang kilay ni Prin. "Deal!"

Naisip ni Sean na Football ang laruin nila ni Prin pero nakita niya kung paano
tumira ang dalaga ng sipain nito pabalik ang bola nu'ng nakaraan.

"What about basketball? Pero i-shoo-shoot lang ang bola. Tig-sampung tira. Kung
sino ang makashoot ng madami, siya ang panalo," sabi nito.

"Shoot!"

"Meet me in basketball court at 4 PM. Pero gusto kong sabihin na unang laro pa lang
ang mamaya. Tatlong laro ang paglabanan natin para mas exciting!" sabi nito saka
umalis.

Hindi na pinansin pa ni Prin ang lalaki at tumuloy na sa klase.

"Prin, are you sure?" tanong ni Bella sa kanya.


"Of course!"

"Magaling siya sa Basketball. Kapag natalo ka niya, paano na si Cally?"

Hinarap ni Prin si Bella. "Huwag kang mag-alala, dahil hindi niya ako matatalo,"
determinadong sabi niya. Gusto niyang turuan ng leksyon si Sean sa pagsabi nito na
walang kwenta si Cally.

Gusto niyang gulpihin ang lalaki dahil sa sinabi nito pero nasa eskwelahan sila at
hindi siya pwedeng magpadalos-dalos.

Pagsapit ng alas kwatro ng hapon, maraming tao ang naghihintay na manood ng laban
ni Prin at Sean. Ang ibang manonood ay mga tagahanga ng lalaki, ang iba ay
nakikiusyoso lang, ang iba naman ay gustong malaman kung sino ang humamon kay Sean.

Nakasuot si Prin ng bestida at ni hindi man lang nag-aksaya ng panahon na magpalit


ng damit. Naniniwala siya na hindi dapat pag-aksayahan ng panahon si Sean para
bumili pa siya ng damit at mag-ayos ng sarili. Sapat nang pumayag siya na labanan
ito.

Eksakto alas kwatro, nasa bungad na siya ng basketball court. Nagsabi siya kay
Cally na mahuhuli lang siya ng kaunti para puntahan ito sa opisina.

Nakita niya si Sean na naka jersey, shorts at rubber shoes.

Kumunot ang noo nito na makitang naka-bestida pa rin siya. Pero ngumisi nang
makalapit siya dito.

"Mukhang hindi ka na nagsuot ng active wear. Suko ka na ba at gusto mo na akong


maging boyfriend?" sabi nito.

"Sorry but my answer is still 'No'. I am okay having this dress, no need to change
because shooting lang naman ang usapan," pang-babara naman niya dito.

Naintriga ang mga nanonood. Halos isipin na rin kasi nila na suko na si Prin at
pumapayag na ito sa gusto ni Sean.

"Bilisan na natin dahil naghihintay sa akin ang boyfriend ko."

"Sinong mauuna?" tanong ni Sean.

"Mauna ka na. Ako ang susunod," mungkahi ni Prin.

Ngumisi lang si Sean. "Sure! Pero ngayon pa lang sasabihin ko na sa iyo na magaling
ako sa basketball at hindi kita pagbibigyan kaya i-ready mo na ang sarili mo na
maging girlfriend ko."

Umupo lang si Prin sa bungad kasama ng audience.

Tumayo na si Sean sa free throw line. Nagbigay pa ito ng flying kiss sa mga
tagahangang babae.

Parang wala sa mood si Prin nakaupo at naghihintay ng turn niya. Nagsimula si Sean
na tumira ng bola. Una, Shoot. ikalawa, shoot. Ikatlo, shoot muli.

Nagtitilian ang mga babae sa loob ng court. Dumating si Bella mula sa klase nito.

"Naku Prin, wala pang 'missed' si Sean," nag-aalala na sabi nito.


Ikawalong shoot ni Sean, missed.

"May missed na siya," nakangiti na sabi ni Prin kay Bella.

"May missed, pero pang-walo na iyon dear…"

"It doesn't matter," sabi ni Prin.

Nawiwirduhan sa kanya si Bella pero hinayaan na lang siya nito. Ang ika siyam at
ika sampu na tira ni Sean ng bola ay parehas na shoot. Over-all, he got nine
points.

Lumapit ito sa kanya . "Paano ba iyan. Aasahan ko na ba na maging girlfriend kita?"

"Sorry na lang. Ayoko na maging boyfriend ka. Saka, akala ko ba unang laro pa lang
ito?" tanong ni Prin sa lalaki.

"You'd better think about our next game because I will win this round," mayabang na
sabi niya dito saka tumuloy sa free throw line.

Ginamit ni Prin ang kakayahan niya na gamitin ang paningin at pwersa para ma-shoot
ang bola. Sa totoo lang, napakadali ng laro na iyon sa kanya.

Shooting for Dark Guards? Kayang kaya nga nilang tumira ng bala sa noo sa malayuan.
Shooting a ball is nothing.

Unang tira, shoot. Pangalawang tira, shoot. Naghihiyawan na ang mga estudyante.
Naging interesado tuloy sa kanya ang karamihan.

Kinabahan si Sean nang makashoot si Prin hanggang sa lima hanggang sa umabot ang
lahat ng tira niya ng sampu. Tinira niya pa ang huli habang nakatingin sa lalaki.

She got perfect ten score! Nilapitan niya si Bella na natulala at saka inaya na
itong lumabas ng court na parang walang nangyari.

HINILA ni Prin si Bella palabas ng basketball court.

"My friend, that was super awesome!" puri ni Bella. Muntik na niyang maisip na
magiging nobya ni Sean ang kaibigan niya.

"Really? Wala pa nga ang bagay na iyon… Sisiw lang iyon sa akin. Madami pa kong
kayang gawin"

Nanlaki ang mata nito "Woah! You mean may iba ka pang sports bukod sa pagshoot ng
bola?"

"I know how to play basketball, volleyball, tennis, swimming, fencing and firing.
Hmmm.. What else..?" inisa-isa niya ang mga iyon at inisip pa kung ano pa ang
sports na alam niya.

"Woah!! Mayroon pa?" hindi makapaniwala na tanong nito.

"ah! Yes. I also knew karate," naalalang sabi niya.

"Wow! Grabe, kaya pala ang lakas ng loob mo na lumaban kay Sean."
"Prin!" tawag sa pangalan niya ng napahiyang si Sean kaya naputol ang usapan nila.
Nakakahiya na ang isang star player ng school nila ay natalo ng babaeng naka-
bestida kaya sino ang matutuwa sa naganap?!

Nilingon ni Prin ang binata. Inikot niya lang ang mata at hindi interesado na
kausapin pa ito.

"Bakit ba ayaw mo sa akin?" tanong nito. Hindi makapaniwala si Sean na darating ang
isang araw na maba-basted siya sa eskwelahan na 'yon.

Napakamot sa ulo si Bella, gusto niyang magsalita pero mas minabuti niya na
manahimik.

Kailangan pa bang itanong na ayaw niya sa iyo? Samantalang, isang Cally Han ang
kasalukuyang karelasyon ni Prin?

"Because my boyfriend is a heartthrob! He is super handsome in my eye! Rich, down


to earth at lalong-lalo na, hindi siya mayabang!" inirapan na lang ito ni Prin.

"Kung ganoon! Ang boyfriend mo ang gusto kong makalaban sa susunod."

"No need. Hindi ka pa ba nahihiya? sa akin nga eh talo ka. Sa boyfriend ko pa?"
natatawa na lang si Prin sa tangang si Sean.

Sumama lalo ang itsura ni Sean. "Baka kaya ayaw mo lang iharap kasi natatakot ka…
na uugod-ugod na talaga ang boyfriend mo…" sarkastikong sabi

Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya hayaan na makita si Cally ng kaharap.

"Alam mo, mas mabuti pang isipin mo na lang kung ano ang susunod na laban natin,"
sabi niya saka ito tinalikuran.

Mabilis na nag-isip si Sean. "Billiard!"

Nilingon niya itong muli.

"Meet me tomorrow at 4 afternoon!" at ibinigay nito ang address.

Madaming nakadinig na estudyante na maglalaban muli si Prin at Sean kaya aabangan


nila ang laban ng dalawa.

HINDI nakaligtas kay Cally ang laro ni Prin laban kay Sean.

Sa dami kasi ng nanonood na estudyante, madami ang kumuha ng video ng laban nila ni
Sean.

Bumilib kay Prin ang karamihan sa manonood. Inilagay ng ilan ang video niya sa
internet habang kalaban ang lalaki.

Sumikat si Prin hindi pa man siya nakakarating sa opisina ni Cally.

Pinaimbestigahan ni Cally ang nangyari kay Xander. Matapos lang ang sampung minuto
may sagot na ang assistant niya.

"Master, the guy is Sean Lucas. A popular student in Miss Prin's school. Naglaban
sila ni Miss Prin dahil kinulit-kulit po niya ang Miss. Hanggang sa mauwi po sa
hamon."
Kumunot ang noo ni Cally. Kinukulit ng lalaki ang asawa niya?

"S-sinabi po nitong Sean na kapag natalo si Miss… Prin, magiging nobya niya po ang
Miss," halos hindi masabi ni Xander lalo at nakakunot ang noo ni Cally.

Sinilip ni Cally ang larawan ng lalaki sa monitor. He is a heartthrob in the school


and Prin is just nineteen.

Kung titingnan ang dalawa, bagay ang mga ito. Iwinaksi niya sa isip ang bagay na
iyon dahil isang parte ng dibdib niya ang nasaktan.

Hindi niya kayang isipin kahit ang makatabi lang ni Prin si Sean.

Tumalim ang tingin ni Cally sa lalaking nasa larawan.

Paano kung natalo si Prin? She will end up being this guy's girlfriend! Mukhang
kailangan niyang turuan ng leksyon ang lalaking nasa picture.

"Husbie…" narinig niyang tawag ni Prin sa kanya mula sa pintuan.

Ibinaba niya ang screen ng laptop at inangat ang paningin kay Prin. Uunahin niya
munang turuan ng leksyon ang babaeng ito dahil pumayag ito na makipaglaro sa Sean
na iyon.

"Are you ready?" tanong ni Cally.

"Ready for?" takang tanong ni Prin.

"For your exam."

Nanlaki ang mata ni Prin. "Exam?! Bakit bigla tayong mag-eexam?"

Tinungo ni Prin ang pwesto ni Cally na nakaupo sa komportableng upuan nito.


Napansin niya na nakakunot ang noo nito at hindi maganda ang mood.

"Husbie… I don't like exams… please…" Lumapit siya kay Cally dahil mukhang mainit
ang ulo ng asawa niya at minasahe ang sentido nito.

Napansin niya si Xander na nasa gilid at hindi rin makagawa ng aksyon.

"Xander, bakit mainit ang ulo ng master mo? May ginawa ka sigurong hindi maganda,"
pambibintang niya dito.

Xander "..."

Halos mabilaukan si Xander sa gilid. Muntik niya ng sabihin na masama ang tingin ng
Master Cally niya sa larawan ni Sean Lucas kaya masama rin ang mood nito.

"Master Cally, lalabas na po ako", paalam ni Xander. Mas mabuti ng tumakas.

Patuloy lang si Prin sa pag masahe ng ulo ni Cally.

"Let's start!" Tumayo na si Cally at sinalubong ang sumimangot niyang mukha.

Sa lapit nilang dalawa sa isa't isa, naaamoy na naman ni Cally ang amoy ng asawa
niya na amoy-cherry blossom.

"Okay, Babawasan ko ang exam," sabi ni Cally kaya nagliwanag ang mukha ni Prin.
"But you have to compensate…" kinupkop nito ang malapit niyang mukha saka hinalikan
ng mariin sa labi.

HINDI rin makapag-pokus si Prin sa tinuturo ni Cally dahil lutang pa siya sa


binigay na halik nito sa kanya.

Ilang saglit kasi bago siya nito binigyan ng link kung saan siya magsasagot ng
bigay din nito na mga tanong, he kissed her like crazy.

His tongue slipped in her mouth, gentle and demanding. Na para bang nakadepende
doon ang lakas nilang dalawa. Halos magpalit na silang dalawa ng laway. Kakaiba sa
mga halik ni Cally noong mga nakaraan.

Napalunok si Prin habang binigyan ng nakaw na tingin si Cally. Diretso ang tingin
niya sa labi ni Cally. Tinakpan niya ng computer tablet ang mukha bago pa siya nito
mahuli.

Makalipas ang isang oras…

"Are you done?" Tanong ni Cally.

Nabigla si Prin sa tanong nito. Sinuri ang tablet niya kung saan nito binigay ang
link.

Apat na tanong pa lang ang nasagutan niya.

"Hi-hindi pa…"

Hinablot ni Cally yung tablet na hawak niya at sinuri iyon.

Masama ang tingin ni Cally sa mga sinagutan niya. Mukhang nasobrahan sa laro si
Prin kaya hindi rin nito masagutan ng maayos ang questionnaires.

"Tell me… bakit wala ka yata sa mood magsagot?"

Nakayuko lang si Prin. Hindi niya syempre aaminin na sa loob ng isang oras ay halos
panay ang sulyap niya sa lalaki habang may ginagawa ito sa laptop nito.

"Na-nagugutom na kasi ako…" palusot niya.

Sinilip ni Cally ang relo at nakita na mag-a-alas siyete na ng gabi.

"Hindi ka kumain sa school?" tanong ni Cally. Gusto niyang kutusan itong si Prin o
kaya naman ay pagalitan dahil mas inuna pa nito ang makipaglaro kay Sean kesa
kumain ng meryenda.

"Fine! Let's go!" Matapos sabihin iyon ni Cally ay tumayo na ito at niligpit ang
gamit.

"Saan tayo pupunta?" Nagtataka si Prin.

"Groceries," simpleng sagot nito.

Nagliwanag ang pisngi ni Prin. Sa unang pagkakataon, makakasama niya na mag-grocery


si Cally.

Isang grocery store na malapit sa bahay ni Cally ang napili nilang puntahan. Kumuha
lang ng big cart si Cally at nagsimula silang mag-ikot.
"Marami ba tayong bibilhin?" tanong ni Prin.

"Depende. May naisip ka bang lutuin?"

Halos maubo si Prin sa tanong na iyon.

Hindi pa kasi siya nakaranas na magluto ng pagkain. Sa Matsui Mansion kung saan
siya lumaki sa Japan, may mga maid na nagsisilbi sa kanya. Kapag nandito naman siya
sa Pilipinas, ang Mommy niya ang nagsisilbi sa kanya.

Kaya lumaki rin siya na walang alam sa kusina kung hindi ang kumain.

"Husbie, pwede ba akong sumakay dito?" tanong ni Prin na ang tinutukoy ay ang cart.

"Pagod ka na maglakad? sakay ka dito sa likod ko. Bubuhatin kita."

Napalingon si Prin sa paligid. Madaming tao sa lugar. Kaya lang naman siya sasakay
sa cart ay dahil parang ang cute n'on.

"Com'on, sakay ka na," yumukyok pa si Cally.

Sumakay si Prin sa likod ni Cally na para bang sa park sila maglalakad at hindi sa
Grocery.

"Mabigat ba ako?" tanong niya matapos siya nitong buhatin.

Hindi sumagot si Cally. Inikot nila ang grocery store nang nasa likod si Prin.

"I want hot dogs," sabi niya kay Cally.

"It's not good for your health."

"Eeh... Minsan lang, e."

"May hot dog naman ako, I will let you eat it if you want. It's a jumbo hot dog,"
tudyo nito.

"It is not!"

Pinalo niya si Cally sa balikat at halos itago ang pisngi sa likuran nito. Namula
ng sobra ang pisngi niya maisip lang na makita ang bagay na iyon.

"Then, let me show it to you so you'll know if it's big or not."

"ihh"

Nangingiti ng lihim si Cally sa inakto ni Prin.

Marami pa silang naikot at hindi man lang napagod si Cally kahit na bitbit siya.

She love being with him. Kahit ang maliit na bagay na iyon habang buhat siya ni
Cally sa likuran.

Kahit pa nga kakaiba ang tingin sa kanila ng ibang customer at promo girls. Unang
beses siya na i-piggy back ni Cally at isa iyon sa mga hindi niya kalilimutan.

Binaba lang siya ni Cally nang magbabayad na sila sa kahera.

"Prin?" narinig niyang tawag sa pangalan niya.


Nilingon niya ang tumawag at nakita si Bella pati ang boyfriend nito.

"My friend, you're here!" niyakap niya ang kaibigan.

Pero napansin niya na tulala ito na nakatitig kay Cally.

"Oops sorry, this is Cally. Cally, she is my best buddy in my school, Bella,"
pakilala niya.

Hinila siya nito sa gilid. "My friend… Nakakakilig yung boyfriend mo…" kinikilig na
bulong nito sa kanya.

Pinalo niya ito sa braso. "Ang landi nito. may boyfriend ka na uy. Bawal
pantasyahan si Cally, okay. Ang sa'yo ay sa iyo, ang akin ay akin," bulong niya rin
din dito.

"Ano ba yan?" reklamo nito.

Bumalik na siya sa tabi ni Cally. Bago pa tumulo ang laway ng kaibigan niya, mas
mabuti pang humiwalay na sila dito.

"Paano? We have to go… See you in school Bella," kaway niya sa kaibigan at hinila
na si Cally patungong parking.

"Your friend seems nice and adorable," komento nito pagkaupo nila ng sasakyan sa
parking.

"Yes. She's jolly."

Naalala ni Prin na may match siya ng billiard kay Sean. Nilapit niya ang sarili kay
Cally at hinawakan ito sa braso.

"Husbie… tomorrow, mag-eextend ako sa school with Bella," paalam niya.

Nilingon ni Cally ang nangungulit niyang hitsura.

"No problem. But you have to compensate again." Hinila siya ni Cally ng mas malapit
pa saka siya muli binigyan ng matamis na halik.

NAGB-BROWSE si Prin sa cellphone nang mapansin ang video niya ng pag-shoot ng bola.
Nanlaki ang mata niya. Agad niyang naisip si Cally na kasaluluyang naliligo sa loob
ng shower room.

Naisip niya kung nakita nito ang video na iyon.

'Lagoooot!'

Sinabihan kasi siya nito na huwag gagawa ng kalokohan sa school. Lumabas si Cally
ng naka-towel lang. Napalunok si Prin.

Iniwas niya ang tingin dito at nagpatuloy sa pag-browse. Ilang minuto pa napansin
niya na walang planong magpalit ng suot ang lalaki.

"H-hey! B-bakit naka-towel ka lang?" kinakabahan niyang tanong.


"Why?" maang-maangan na tanong nito.

Hindi niya masabi na baka mag-nosebleed na naman siya. "Y-you!"

"Eh, maganda sa katawan ang maghubad paminsan minsan. Presko at masarap sa


pakiramdam. You should try as well."

Prin "..."

"try my ass!"

Cally wants to tease her a little bit. Hindi niya akalain na mag-eenjoy siyang
asarin si Prin.

Umupo pa si Cally sa gilid ng kama para makalapit sa kanya. "You told me awhile ago
that you wanted to eat a hot dog."

"Y-you!" nanlalaki ang mata ni Prin.

Hindi siya ready na makita iyon. No! Baka kasi lalo siyang malango sa katawan ni
Cally.

Lumapit pa si Cally sa pwesto niya at napaurong si Prin sa headrest ng kama. Pigil


na pigil ang sarili sa paghinga dahil hindi niya alam ang pinaplano nito.

"A-anong pinaplano mong gawin?"

Kunwari ay clueless si Cally.

"Eh, kukunin ko lang ang cellphone ko…" ang sabi sabay abot ng cellphone na nasa
gilid ni Prin.

Iyon nga lang ay may problema. Dahil sa likot ni Prin na makaiwas sa kanya, gumalaw
ang suot nito na pantulog at nakita niya ng bahagya ang cleavage ni Prin. Sa
malapitan, naaamoy pa ni Cally ang amoy na naman ng asawa na amoy-cherry blossoms.

Napalunok si Cally.

He wanted to pin her down right there and then, but he couldn't. They have to
accept that they love each other before doing it.

Ayaw niya na magpadalos dalos kahit pa sabihin na mag-asawa na sila.

He doesn't know yet what his feelings for her are. What is the real meaning of love
for Cally?

Everyone knows he is smart. He can explain almost everything. He can identify


anything except… Love.

Bilang walang karanasan sa pakikipag-relasyon at sa babae si Cally, hindi niya alam


kung ano ang meron siya para kay Prin. All he knew was, he wants to give her all.

Did he already fall in love with Prin? Hindi niya pa alam at hindi siya sigurado
doon dahil hindi nga niya alam ang ibig sabihin ng 'pag-ibig'.

Did she love him? Hindi niya rin alam.

But her scent makes him like crazy. Lahat ng parte ng katawan niya ay nagsusumigaw.
Hinarap ni Prin ang titig ni Cally na ilang segundo na yatang napatigil sa harap
niya. Para itong si Bantay na anumang oras ay lalapain siya.

Nilakasan ni Prin ang loob niya, she reached his head and pulled him down to her.
Her lips met his. She will never get enough of Cally's kisses.

Maybe kissing is really one of the best gifts coming from the lord.

Her fingers grip his hair pulling him closer. The scent of his shaving cream,
shower gel, shampoo and that extraordinary scent coming from him filled her
nostrils.

Cally kissed her harder. Halos nakalimutan na nga nito ang sinumpaan, ilang segundo
lang.

Nabigla na lang si Prin nang maramdaman na nasa dibdib na niya ang labi ng asawa.

"Ca-cally…" napasinghap na lang siya. Halos hindi siya makahinga sa ginawa nito.

Hinarap ni Cally ang paningin ni Prin. He gave her one more gentle kiss. Kailangan
niyang pigilan ang sarili bago pa niya mabali ang sinumpaan. But how?

Humiga siya sa tabi ni Prin dahil biglang sumakit ang ulo niya at sumakit ang puson
niya. He count numbers in german baka sakaling bumaba ang init ng katawan niya.

Dahil naka-towel lang si Cally, nanlalaki ang mata ni Prin sa alaga nito.

"Ca-cally?!" tawag at unang reaksyon niya.

"Y-your thing," sabi habang turo pa ni Prin iyon.

Ibinaba ni Cally ang tingin. 'd*mn it!'

Huminga ng malalim si Cally. "You have to compensate for what you did. You should
help me"

Nanlaki lalo ang mata ni Prin. Bakit kailangan siya ang tumulong? Ano ang kasalanan
niya doon.

"You are just a pervert! Why do I have to compensate you?!" angil niya dito.

"Reality speaking, you are my wife. Did you forget? And you initiated the kiss.
Com'on, help me… that is the least you can do"

She never touched any man's thing before and now this guy has the audacity to ask
her?

"You know how to wipe katana's handle, right? You also know how to clean a 9mm
pistol with extra care. The only difference is, this will surely misfire while you
are polishing it.

That's how it goes."

Prin "...."

He pulled her soft hand and placed it on his body. Nakaramdam ng hiya si Prin. She
stroked her hands just like what he said.
Her hand is burning holding his big thing.

"hmmm… just like that…"

"Good girl…" mga bulong ni Cally.

She is blushing while doing it. Soon, he managed to release for the first time.

But Cally wanted more. "Just continue doing it…" hiling nito.

She followed her prince.

But it was almost god knows how long, nothing came out yet. He asked her to kiss
him until he released another batch.

"I want more…" sabi muli nito. Binitiwan na ito ni Prin.

"Do it yourself! I feel like my hands are no longer mine!" galit na sabi niya dito.

Naisip pa man din ni Prin na Billiard ang laban niya kinabukasan. Paano na siya
lalaban kung inubos na ni Cally ang lakas niya?

MATAPOS ang klase, magkasama si Prin at Bella patungong 'Awesome Billiard Bar' kung
saan gaganapin ang match niya kay Sean.

"Friend, malapit lang iyon. gusto mo bang maglakad na lang tayo?" tanong ni Bella.

Randam pa ni Prin ang ngalay ng braso niya at gusto niyang isumpa si Cally. Namula
ang pisngi niya matapos niyang maalala ang pinagawa nito sa kanya.

"Kung malapit lang, maglakad na nga lang tayo," suhestyon ni Prin.

Nagkukwentuhan pa sila na patungo sa bar kung saan ang usapan nila ni Sean nang may
humintong sasakyan sa gilid at agad na lumabas ang apat na lalaki.

Hinawakan si Bella sa magkabilang braso ng dalawang lalaki. Boy A at Boy B

"Ahhhh---!" Sigaw nito. Tinakpan ni Boy A ang bibig ni Bella.

Nang hahawakan si Prin ng dalawang lalaki pa, si Boy C at D, sinipa niya si Boy C.
Ang isa naman ay binigyan niya ng Judo's single-handed back throw at saka tinapakan
ng mariin ang lalaking iyon sa mukha.

"Ahhh!" Hiyaw nito sa sumakit na likod at mukha.

Lumabas si Marvin sa sasakyan at nakita ang kilos ni Prin.

Susuntukin sana siya ni Boy C sa sikmura, pero agad na hinawakan ni Prin ang braso
nito at leeg at binigyan naman niya ang lalaki ng Judo's body drop. Napahiga ito.
Saka niya ito sinuntok ng malakas sa mukha. Nawalan ng malay ang lalaki.

Walang nagawa si Marvin kung hindi itutok ang baril kay Bella.

"Huwag kang kumilos kung hindi, mamamatay ang kaibigan mo," ang sabi.

Isang matalim na tingin ang ibinalik ni Prin kay Marvin.

Agad namang dumaloy ang luha sa mata ni Bella dahil sa takot. May nakatakip pa din
sa bibig nito.
"Huwag kang matakot, Bella," sabi niya sa kaibigan saka hinarap ang lalaki.

"Ano ang kailangan niyo sa amin?" tanong niya dito.

Ngumisi si Marvin. "ikaw lang talaga ang kailangan namin."

Naalala bigla ni Prin ang anim na kidnappers. Ngumisi siya. "Your lackeys were dead
and now you are here again. Let me guess… ikaw si Marvin."

Tumawa ito ng malakas.

Susunggaban sana siya ni Boy D dahil nakabawi na ito pero agad siyang umiwas.
Yumuko siya at pinatid ang lalaking iyon at tinuhod ang maselan na parte ng
p*********i nito.

"Wraaaah!!!"

Agad na namilipit sa sakit ang lalaki. Napansin ni Prin ang maliit na patalim sa
likod ng bulsa nito dahil napadapa ang lalaki.

"Alam mo Marvin, nagsasayang ka lang ng oras sa akin. I will know who you are, what
are your backgrounds and other things. I just want one answer... Ano ang nagawa ko
para ipadukot mo ako ng paulit-ulit?"

Hindi naman naniniwala sa kanya ang lalaki na kaya niyang alamin ang mga bagay
tungkol sa pagkatao nito. Isang malaking tao ang sumusuporta sa kanya at naniniwala
siya na hindi isang Prin ang tatalo sa kanya.

Pero sumagot siya sa huling tanong ni Prin. "Someone you offended, asked for my
help."

Tumalim ang tingin ni Prin. "Who?"

Hindi siya nito sinagot. Nakangisi lang si Marvin.

Alas kwatro na ng hapon at late na si Prin sa match. "Let my friend go."

Normal na tao si Bella kaya umiiyak ito habang hawak ng dalawang lalaki. Hindi nito
pwedeng makita ang mga kaya niyang gawin sa tatlo pang lalaki. Posible na iwasan
siya nito sa susunod dahil natakot sa kanya o kaya naman ay ma-trauma ang kaibigan
niya.

Pero hindi siya pinansin ni Marvin.

"I said let my friend go!!!" sigaw niya dito.

Kinagat ni Bella ang kamay ni Boy A na tumatakip sa bibig nito at planong tumakbo
pero nahablot nito ang buhok ni Bella at inuntog ang kaibigan niya sa pader.
Nawalan ito ng malay.

Nagalit si Prin sa nakita kaya kinuha niya ang patalim sa likod ng bulsa ni Boy D
at hinagis iyon kay Boy A. Diretso ang patalim sa mata nito.

" Ahhhh!!!! " hiyaw nito habang hawak ang humapding mga mata.

Tinakbo ni Prin ang pwesto ni Marvin na nataranta. Nagpaputok ito ng bala sa pwesto
niya na agad niyang naiwasan dahil hinarang niya ang katawan ni Boy D. Hawak niya
ang lalaki habang papalapit dito bilang panangga.
Nang makalapit sinuntok niya ng ubod ng lakas sa mukha si Marvin at sinipa si Boy B
mula sa baba nito. Tumilapon si Boy B.

Hawak-hawak ni Prin si Marvin sa kwelyo at tuloy-tuloy na binigyan ng suntok ang


lalaki hanggang sa puro dugo na ang mukha nito.

"I told you to let my friend go!" sabi niya dito ng nagagalit saka ito binitiwan.

Nilapitan niya ang walang malay na si Bella. Kita ni Prin ang pasa sa noo nito.

Walang nagawa si Prin kung hindi ang tawagan si Zuki.

"Zuki, Marvin came today habang papunta kami ng kaibigan ko sa isang bar. Please
come here and get this guy. I need to bring my friend in a hospital." Binigay ni
Prin ang lugar kay Zuki. Kalmado pero mariin ang mga salita ni Prin.

Galit na galit siya dahil nadamay si Bella. Wala na siyang pakialam sa match dahil
may isa pa naman silang usapan ni Sean. Doon siya babawi.

Ilang saglit lang dumating si Zuki at ang iba pang tauhan ng Daddy niya na si Rob.

"Turuan niyo ng leksyon ang Marvin na iyan pati itong isa," tukoy niya sa nanakit
kay Bella.

"I also wanted to know who is his leader." Saka sumakay sa isang kotse na kasama si
Bella para magpahatid sa ospital.

SA BILLIARD Hall, nagkakagulo ang mga estudyante na manonood dahil hindi dumating
si Prin sa usapan.

Lumakas ang loob ni Sean dahil nagkaroon siya ng tyansa. Siguro natakot si Prin sa
laban nila. O kaya naman ay payag na ito na maging girlfriend niya.

Sa isang parte naman ng bar na iyon, natutuwa si Luna na hindi nakarating si Prin.
It only means one thing, nadukot na ito ni Marvin.

Tauhan ng Daddy niya si Marvin kaya alam niya na magaling ang lalaki sa paggawa ng
illegal.

Napag-alaman niya nang hindi sinasadya na malaking bahagi ng funds sa opisina ng


mayor ang binubulsa ng lalaki. Kapag nalaman iyon ng daddy niya ay siguradong
mapapatay si Marvin.

Iyon ang naipanakot niya para dukutin nito si Prin.

Sa opisina naman ni Cally…

Mainit ang ulo ni Cally dahil sobrang late na at hindi pa dumarating si Prin sa
opisina. Sinubukan niyang tawagan si Prin sa cellphone nito pero hindi ito
sumasagot.

Pinahanap niya kay Xander kung nasaan ang asawa niya sa mga oras na iyon. Ilang
minuto lang, bumalik na si Xander sa harapan niya.
"Ma-master, nasa ospital po si Miss Prin."

Nabitawan niya ang ballpen.

"What happened?" seryosong tanong niya habang binabasa ang body language ni Xander.

"Papunta po ng Awesome Billiard Bar na malapit sa school si Miss Prin at ang


kaibigan na si Bella nang may humarang sa kanila… Nasaktan po ang kaibigan niya
kaya kinailangan ni Miss Prin na dalhin sa ospital… Pi-pinatawag po ni Miss Prin si
Zuki para kunin ang mga taong humarang sa kanila."

Lalong nagdilim ang paningin ni Cally sa nalaman. Tumayo siya at niligpit ang
gamit.

Nagpahatid siya sa ospital kung nasaan si Prin.

SA OSPITAL…

Nagkaroon din naman kaagad ng malay si Bella pero masakit ang noo niya. Hawak ni
Prin ang icepack para hindi lumala ang bukol ng kaibigan.

"P-Prin? Nasaan tayo?"

"Nasa ospital tayo."

Bigla nitong naalala ang mga lalaking humarang sa kanila. Nakita ni Bella na
ginulpi niya ang dalawang lalaki. Nanlaki ang mata nito.

"Don't tell me binugbog mo silang lahat?!" Nanlalaki ang mga mata nito at hindi
makapaniwala.

"Ano ka ba? Babae ako noh. Saka may baril 'yung isa 'di ba. May dumaan na pulis
kaya tayo nakaligtas. Kaunting Judo lang alam ko saka nagkataon na mahina ang mga
iyon," pagdadahilan niya kay Bella.

"ahh…" tumango-tango ito. Napansin nito ang panyo na nakaikot sa kamay niya. May
kakaunting bahid ng dugo iyon kaya kapansin-pansin.

"Anong nangyari dito sa kamay mo?" tanong ni Bella

Napakamot sa pisngi si Prin. Hindi niya alam ang isasagot.

Nasa ganoon silang posisyon nang bumukas ang pintuan at iniluwa noon si Cally.
Kinabahan si Prin.

'Lagggoooot…' isip-isip niya.

Nakalimutan niya ang cellphone niya at sabihan ito na nasa ospital siya. Masyado
kasi siyang nag-alala sa kaibigan.

Tulad ng inaasahan, hindi maganda ang mood ni Cally. Tumingin ito kay Bella saka
kay Prin.

"I'll get Prin, I will ask my assistant to send you home," mas pautos kesa
nakikiusap na sabi ni Cally kay Bella.

Naramdaman kaagad ni Bella ang tensyon sa sinabi ni Cally. Para bang kinukuha ng
malamig na pagkatao nito ang enerhiya niya.
"No.. No problem, President Han." Nakangiti ng pilit si Bella.

Si Prin sa tabi ay hindi alam ang gagawin. Magtatago ba siya sa ilalim ng hospital
bed o pumasok sa loob ng medicine kit. Kahit ano, basta makaiwas lang kay Cally.

Nabigla na lang siya ng binuhat siya nito at inilabas sa ward ni Bella. Salubong
ang kilay na bitbit siya hanggang sa kotse.

Hindi siya nito kinausap at hindi rin niya alam ang sasabihin. Para kasi siyang
lalapain ni Cally anumang oras kapag gumawa siya kahit kaunting kaluskos.

Inuwi siya ni Cally sa bahay nila. Nanghingi ito ng medicine kit sa kasambahay.

Masama ang tingin nito na tinanggal ang panyo niya sa kamay at sinuri iyon. Tulad
ng inaasahan pulang-pula ang kamao niya. Halos matapyas na ang ibang parte sa balat
niya.

Inabot kay Cally ang medicine kit nang lumapit ang kasambahay at nagsimula na
linisin ang kamay niya.

Ramdam ni Prin ang galit nito pero maingat nito na nililinis at ginagamot ang sugat
niya.

"Ca-Cally…" tawag niya sa pangalan nito.

Hindi siya nito pinansin.

"Husbie…"

Galit na sinalubong nito ang tingin niya.

"I have medicine for wound… Hu-huwag ka ng magalit," mahinang sabi niya dito.

May mga maliliit na bote pa siyang dala mula sa Japan para sa mga galos na katulad
ng sugat niya sa kamay.

"You know why I am angry? Because of that stupid Sean Lucas! Kung hindi ka niya na-
provoke, walang laban na magaganap sa pagitan niyo. Walang masasaktan ni isa sa
inyo ni Bella. What more… ah Yeah! You called Zuki instead of me!"

Napayuko si Prin dahil guilty siya.

Hindi niya tinawagan si Cally dahil natatakot siyang malaman nito na may Billiard
game siya sa araw na iyon. Kaya mas pinili rin niya na tawagan si Zuki.

Mas nanaig ang kashungahan niya at takot kaysa sa tamang gagawin.

Wala na siyang choice kung hindi ang magpa-cute kay Cally. Hinawakan niya ito sa
braso at tinitigan sa mata.

"Husbie, sorry na please… my hand is hurt and you are angry…" sabi niya na parang
maiiyak.

Napansin niyang kumalma naman ito ilang saglit.

"Huwag ka na magalit," sabi niya saka ito binigyan ng smack sa labi. Effective
naman ang ginawa ni Prin dahil tuluyang kumalma si Cally.

"Get your medicine! Pupuntahan natin ang Sean Lucas na iyon."


Nanlaki ang mata ni Prin. Hindi siya papayag na harapin ni Cally ang lalaki. "Pero
husbie…"

"What?" parang nanghahamon ang tanong at titig nito.

"No..thing…" ang tangi niyang nasabi.

ALAS OTSO ng gabi nang makarating si Cally at Prin sa Billiard Bar kung saan
nanatili si Sean na uminom.

Ginamit ni Prin ang kotse niya na bigay ni Cally patungong Awesome Billiard Bar.
Ang pulang Mazda MX-5.

Pansinin ang sasakyan ni Prin dahil sa sobrang kintab at tingkad ng kulay pula ng
sasakyan niya.

Cally wanted to bring his Ford Mustang, pinigilan lang ito ni Prin. Sapat nang
nagdadala ito ng Maybach para ihatid siya sa school.

Bumaba si Prin. Nakasuot siya ng leggings na makapal at long sleeve pero off-
shoulder na blusa. All black. Mas kita ang maputi niyang leeg at balikat sa suot
niyang iyon.

Naroon pa sa lugar ang ibang mga schoolmate niya na nagplanong mag-inuman dahil
walang pasok kinabukasan. Napansin siya ng mga ito na nasa labas at nagyoyosi.

"Uy si Prin, dumating!"

"Exciting nito."

"Anong ginagawa niya dito. Tapos na kaya ang match," mga bulungan sa paligid.

Nanatili si Cally sa loob ng sasakyan. Nakasarado ang hood ng kotse kaya hindi ito
kita ng mga estudyante.

Hindi naman alam ni Prin kung ano ang ginagawa nila doon. Ayaw pang bumaba ni Cally
ng sasakyan. Sinilip niya ito.

"Husbie, what are we doing here? Baba ka na ng sasakyan."

Pero nakapikit si Cally sa loob habang nakaupo. Pakiramdam ni Prin ay iniinis lang
siya nito.

Ang hindi alam ni Prin sa parte ni Cally, mas gusto niya na lumabas ng lungga nito
si Sean. Aabangan niya ang lalaki na kusa itong lumabas ng Billiard Bar.

Hindi naman sila binigo dahil nabulungan kaagad si Sean ng kasama sa football team
na naroon si Prin.

Lumabas si Sean ng Billiard Bar habang pinipilit ni Prin na lumabas ng sasakyan si


Cally.

"Hello, Honey babe," nakangisi na sabi nito.

Inikot ni Prin ang katawan at hinarap niya ang lalaki. Gusto niyang bigyan ng
headshot sa noo ang lalaki sa pagtawag sa kanya ng honeybabe.

Bukod sa nilalagay siya nito sa alanganin, naghahanap din ito ng sakit ng katawan.
Inikutan niya ito ng mata. "Cut the crap! I'm not your honey!"

"So, bakit late ka ng dating?" nakangisi na tanong nito.

"Hulaan ko payag ka na maging boyfriend ako noh?" dagdag pa nito.

Naghiyawan ang mga ibang nakikiusyoso.

"No! As far as I know, we have one point each out of three matches," inis na sabi
niya dito.

Hindi niya na kailangan pang sabihin na may nangyari sa kanila ni Bella na hindi
maganda kaya na-late siya ng dating. Baka iba lang ang isipin ng mga tao doon at
isipin lang ng mga ito na nagdadahilan siya.

"Aside from that, I already have a boyfriend!" matigas na sabi niya.

Tumawa ito. "Alam mo honeybabe, lagi mo na lang sinasabi sa amin at kinukwento ang
tungkol sa boyfriend mo na uugud-ugod. I am her,e mas bata at mas pogi," mayabang
na sabi pa nito at parang hindi interesado.

Gusto niyang suntukin sa mukha ang lalaki sa pagsabi na uugud-ugod si Cally.

Bago pa magpatuloy sa pagsalita si Prin, bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas si


Cally.

Nagbigay ng kakaibang awra na hindi basta-basta at hindi maipaliwanag. Hindi


napigilan ng ibang mga kapwa niya babaeng estudyante na kiligin at magtilian.

"Gosh! Ampogi besh! Pasilip ng panty ko kung nakakabit pa."

"oh my gulay, san galeng si koyah?"

"Sa kotse na dala ni Prin" sagot ng isa.

"order ka ng kanin, tingin pa lang ulam na."

Lumapit si Cally kay Prin at inakbayan siya habang matalim ang tingin na pinukol
nito kay Sean.

Napalunok si Prin. 'ito na nga ba ang sinasabi ko e,'

"Honey, I never thought na uugud-ugod na pala ako," sarkastikong sabi ni Cally.

Nabigla si Sean at napatanong 'ito ang sinasabi ni Luna na boyfriend ni Prin?'

Napakuyom si Sean ng kamao lalo at napapansin niyang kinikilig dito ang karamihan
ng schoolmates at fans niya sa school.

"Si-sinabihan na kita noon! My boyfriend is a heartthrob! Kahit sa kuko, walang-


wala ka!" sabi niya kay Sean.

Kailangan niyang bumawi dahil kinakabahan siya kay Cally.

Bago pa sila magpunta doon ay mainit na ang ulo nito. At hindi niya alam kung ano
ang mood nito sa ngayon. Hindi niya rin alam kung natuwa ba ito sa pagpapakilala
niya dito bilang boyfriend at hindi asawa.
"Honey, bakit boyfriend lang ang pakilala mo sa akin?" mahinang bulong nito sa
tenga niya.

"Mamaya na ako magpapaliwanag," sagot niya.

"Siguraduhin mong maganda ang paliwanag mo, okay?" sabi nito habang mabigat ang
pagkakapisil sa balikat niya.

Nainis lalo si Prin kay Sean. Kung hindi siya nito nilagay sa alanganin, hindi niya
kailangan magpaliwanag. Siguradong parurusahan siya ni Cally kapag hindi ito natuwa
sa dahilan niya.

Si Sean sa kabilang banda ay nanonood lang sa dalawa na para bang walang pakialam
sa paligid at tila ba pag-aari ng mga ito ang lugar. Nakaramdam siya ng inis.

"How about this, Prin and I have one point each. Let's do the final match! Kapag
natalo kita.. Hihiwalayan mo si Prin."

Prin "..." Dude you are looking for a beating.

Gustong magtaas ng kilay ni Cally, wala pa kasing humamon sa kanya. Ayaw niya rin
sanang patulan ang dugyutin na si Sean.

"What game?" ang naitanong niya sa lalaki.

GUSTONG-GUSTO ni Prin na baliin ang leeg ni Sean sa mga pinagsasabi nito. Hindi ba
nito alam na siya itong nalalagay sa alanganin?

"What game?" tanong ni Cally kay Sean.

Ngumisi muna ang lalaki.

"May dala kayong sports car, why not let's do a car racing," hamon nito.

Tumaas ang kilay ni Prin.

"Sure. But I will let my girl do the racing," nakangising sabi ni Cally habang
nakaakbay kay Prin.

Ngumisi ito.

"Natatakot ka lang yata e. Hindi ka ba nahihiya na nagtatago ka sa saya ni Prin?"


pang-iinis pa nito.

Nabwisit si Prin sa sinabi nito. Akmang aabante na siya para turuan ng leksyon si
Sean nang pigilan ni Cally ang balikat niya.

"Honey, calm down… maraming nanonood dito." Matapos nitong ibulong iyon ay pinisil-
pisil ni Cally ang pisngi niya.

"Ako ba talaga ang natatakot? O natatakot ka na matalo ng isang babae?" ganti ni


Cally.

Halata na hindi nagustuhan ni Sean ang sinabi ni Cally. "Gusto ko lang ng patas na
laban."
"Kung ganoon… Bakit hindi tayong tatlo ang maglaban?" hamon ni Cally.

Naghiyawan ang mga nasa lugar. "Whooo!!!"

"Exciting 'to"

"Bet ko si Kuya na pogi, mukhang magaling!"

"Bet ko si Sean. Nakita ko na siya maglaro ng race. Nanalo na rin siya ng ilang
beses sa race. "

"Yes. Sa school marami talaga siyang alam."

Nagkakagulo ang mga ka-eskwela ni Prin. Nagpatuloy si Cally.

"Your bet is hiwalayan ko si Prin. Ang bet ni Prin ay tigilan mo na ang pangungulit
sa kanya. Now, my bet is.. You will post on your social media account 'I am the
biggest As*hole and idiot in my school'. Deal? I will also give you an Audi car as
an additional reward."

Lalong naghiyawan ang paligid.

Ngumisi si Sean. "Sure! Pero iisa lang ang sasakyan niyo," mayabang na sabi nito.

Inikot ni Cally ang mata niya sa paligid at may nakita siyang sports car na isa pa.
"Who is the owner of that car?" tanong niya.

Isang lalaki ang lumabas mula sa loob ng Billiard bar, Ang may-ari ng bar.

"Master Cally, sa akin po iyan," magalang na sabi nito.

"Oh Jacob! You are here!" nagulat pa si Prin na makita ang lalaki. Kaibigan ito ng
Daddy niya kaya kilala niya ang lalaki.

"Ikaw ang may-ari nitong bar?" nanlalaki ang mata ni Prin.

Kumamot sa ulo si Jacob. "Ahh yes.." medyo nahihiya na amin nito.

Inabot nito ang susi kay Cally. "You can use it kahit ilang araw pa," sabi nito.

Pinakita ni Cally ang susi kay Sean at winagayway pa ito.

"Oh look, we have another car now," nang-iinis na sabi ni Cally.

Tumiim ang bagang ni Sean lalo na at handang magpahiram ng kotse ang may-ari ng
bar. Mahina ang usapan ng tatlo at hindi nila nadinig dahil sa ingay ng paligid.
Hindi niya alam kung ano ang meron ito at parang nakukuha nito ang lahat.

"Now. choose any racing circuit," sabi ni Cally.

Mabilis na nag-isip si Sean.

"Hopper Racing circuit" nakangisi na sagot niya. Ilang beses na siyang nakapag-race
sa lugar kaya kabisado niya iyon. Malapit lang ang racing circuit sa Billiard Bar
kung saan sila naroon.

"Sure." Tinawagan ni Cally sa cellphone si Xander na nagbibihis na ng pajama nito


sa oras na iyon para matulog na. Si Prin sa tabi ay tahimik at pinagmamasdan ang
angilan ng dalawang lalaki.

"Please reserve Hopper Racing Circuit."

"Ke-Kelan po, Master?" tanong nito sa kabilang linya.

"Now." saka niya binaba ang tawag.

Assistant Xander "...."

Akala ni Xander ay ligtas na siya sa gabi na iyon dahil wala siyang naririnig kay
Cally simula ng ihatid niya si Bella sa bahay nito. Kaya nga nag-plano na rin siya
na matulog.

"We can all go now to Hopper Racing Circuit," deklara ni Cally.

Lalong nagkagulo ang mga estudyante.

SA UNA, walang plano si Cally na harapin si Sean. Nagkataon lang na hindi na niya
nagugustuhan ang pangugulo nito sa asawa niya. At tawagin pa nitong 'Honeybabe' si
Prin.

Ang plano ni Cally sa una ay puntahan ito sa bahay. Pero nalaman niya kay Xander na
nanatili ito sa bar, kaya sa Billiard bar sila tumungo.

Gusto rin niya na makita kung paano ito talunin ni Prin ng personal kaya pumayag
siya na makipag race dito.

Pagdating sa lugar, sinalubong kaagad si Cally ni Assistant Xander.

"Master, handa na po. You can use the race track overnight," pagbibigay-alam nito.

Halos buong laman ng Billiard bar ang tumungo sa lugar, hindi lang estudyante kundi
pati ang iba pang manginginom dahil curious sila. Isa pa makakanood sila ng race ng
libre.

Nagulat pa si Prin dahil sunud-sunod na kotse ang dumating sa lugar para makipag-
pustahan. 'Parang dumami yata?'

Ang hindi nila alam, kahit ang mga estudyante na nakauwi na ay pinilit na magpunta
sa lugar na iyon nang malaman na may laban sa pagitan ni Prin, Cally at Sean.

Halos magtriple ang manonood. Doble pa noong araw nang maglaban si Prin at Sean sa
shooting game.

Ang mga kotse na gamit nila; Gamit ni Prin ang Mazda MX-5. Kay Cally ang hiniram
niyang Toyota Supra GT4s mula kay Jacob at and Nissan 370z ni Sean.

"Here's the rule. Tatlong ikot ang gagawin sa track. Masyadong boring kung isang
ikot lang," sabi ni Sean.

"ang dami mong request pero Sige. Kahit tig-limang ikot pa ay okay lang," sagot ni
Cally.

Bago magsimula, lumapit si Prin kay Cally. Hindi niya alam kung marunong si Cally
sa racing. Wala siyang balita kung marunong ito doon. Di maiwasan na mag-alala siya
dito.

"Husbie, Are you sure about the race?"


Tinitigan ni Cally sa mata si Prin "Ehh... I think natatakot ka lang na hiwalayan
kita."

Prin "...."

"Kiss me. Malay mo baka gumaling ako bigla," sabi nito na tinuturo ang labi.

ANG HOPPER Racing Circuit ay hindi basta basta at kailangan ng Membership card bago
makapaglaro ang kahit na sinong racer.

Paano pa kung rerentahan mo ang buong lugar? Kailangan may sinasabi ka sa buhay
bago mo iyon magawa.

Iniisip ngayon ni Sean kung paanong mabilis na nakapag-desisyon ang kasama ni Prin
at narentahan nito ang buong lugar? Mali ang mga nakuha niyang impormasyon tungkol
dito kaya naiinis siya simula pa lang nang makita niya ang boyfriend ni Prin.

Ang race track ay may kabuuan na 3,200 meters. May lapad na 12 meters. Ang kabuuang
ikot ay may 14 turns, runs in a clockwise direction.

"Both of us have a bet against Sean. Pa'no yung sa ating dalawa?" tanong ni Cally
kay Prin.

"Hmmm. If I win against you, Let's skip the tutor session for one month,"
nakangising sabi ni Prin.

"What if I win?" tanong ni Cally sa kanya.

Napaisip bigla si Prin. Sa mga oras na iyon, walang kailangan si Cally, sa materyal
man, pinansyal o kung ano pa.

"Ano ba ang gusto mo?" curious na tanong niya.

"Kiss" tudyo nito.

Pinalo niya ito dibdib. "I'm serious!"

Hinawakan nito ang kamay niya at inikot ang isang braso sa bewang niya. "Oh Yeah,
bakit nga ba kailangan ko pang ipusta iyon 'di ba? Samantalang, nakukuha ko naman…"
matapos iyon ay hinalikan siya nito sa pisngi.

"My wish is… you cook something for me."

Nakatingin lang sa kanilang dalawa ang mga tao sa paligid. Hindi maiwasan na
mainggit kay Prin ng mga kababaihan lalo na't ang sweet nila tingnan malapit sa
'Start' lane.

Napapaisip si Prin kung bakit malaki ang pinagbago ni Cally. Dati rati ay tahimik
lang ang asawa niya, Seryoso at hindi maloko. Ngayon ay nagagawa na ni Cally ang
magbiro na katulad ng ginagawa nito sa kanya sa oras na iyon.

Si Sean sa isang gilid ay kasama ang mga ka-team niya sa football.

Naiinis siya sa boyfriend ni Prin. Sisiguraduhin niya na babawi siya sa race na


iyon para maghiwalay ang dalawa at makapasok siya sa eksena.

Sirang-sira na ang reputasyon niya sa mga ka-eskwela niya lalo na kapag natalo ulit
siya sa gabi na iyon.
Natalo siya ng isang babae sa shooting ng bola at kapag natalo muli siya ni Prin,
wala na siyang mukha na maihaharap sa school lalo at kailangan niyang mag-post sa
social media.

"Pare, upakan na lang kaya natin," sabi ng isa.

"Mga ugok, pansin niyo ba na hindi siya isang simpleng tao?" pinagalitan ito ni
Sean. kahit pa sabihin na basagulero ang mga kasama niya sa football team at pare-
parehas na may sinasabi sa buhay, hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos.

Ramdam ni Sean na hindi isang simple lang ang boyfriend ni Prin. Pumayag lang siya
na makipag-race dahil sigurado siya na hindi niya nakikita doon ang lalaki at
sigurado na mananalo siya.

"Makinig kayo sa akin, hindi niyo siya pwedeng galawin kung gusto niyo pa na
maglaro ng football," sabi niya sa mga ito.

Ang ipinagtataka lang niya, kung hindi si CEO Han ang boyfriend ni Prin, sino ang
lalaking kasama nito ngayon?

Hinihintay lang nila ang coordinator ng mismong Racing circuit para patas ang
laban.

Hindi naman nagtagal ay dumating ang coordinator na magbibigay ng signal para pwede
na silang maglaban-laban.

Sa kabuuan, halos sampung kilometro ang tatakbuhin nila sa race na iyon at maaaring
mapudpud o pumutok ang gulong kung hindi iyon matibay. Mabuti na lang at may mga
'sinasabi' ang sasakyan nilang tatlo.

Pinapunta na silang tatlo sa mga gagamitin nilang kotse.

"Honey, hindi mo pa ako na-kikiss, aalis ka na agad? Paano na ko mananalo?" reklamo


ni Cally sa kanya.

Nakaramdam ng hiya si Prin dahil halos puno ng audience sa lugar.

Hindi na siya naka-protesta dahil hinila na siya ni Cally at binigyan ng halik sa


labi. Saglit siyang natuliro sa ginawa nito.

This guy! Mas kumakapal ang muks sa paghalik-halik sa kanya kahit sa publikong
lugar.

"Good luck Honey!" sabi nito na para bang para sa kanya ang good luck kiss at hindi
para dito. Saka nito tinungo ang kotse na gagamitin.

Pulang-pula ang mukha ni Prin at halos gusto niyang magtago sa loob ng sasakyan at
huwag nang lumabas.

Nagready na silang tatlo sa kani-kanilang mga sasakyan.

Nag-focus si Prin at i-eenjoy niya ang laban na iyon habang kasama si Cally. Gusto
niyang manalo ng first place para kung sakali man na matalo si Cally, maipamumukha
niya pa rin ang pusta niya kay Sean.

Nakaready na rin ang coordinator na may hawak ng bandera bilang signal.

"Ready.. Get set.. Go!"


"READY... Get Set... Go!"

Pagkasenyas ng 'Go' ay sabay-sabay silang nagsipag-andaran. Habang nagmamaneho,


ina-aral na ni Prin ang kalsada na dinadaanan.

Halos magkakalapit lang ang sasakyan nila sa simula. Matapos ang dalawang kilometro
mula 'Start line', Si Sean ang nangunguna ng sampung metro kay Prin at nangunguna
naman si Prin ng limang metro kay Cally. Napangisi si Sean habang nagmamaneho.

Matapos nilang maikot ang buong track, nangunguna si Sean ng fifty meters kay Prin
at fifteen meters ang layo ni Cally mula kay Prin. Normal lang iyon dahil kabisado
ni Sean ang track.

Naghihiyawan ang mga tao sa paligid lalo na at may kanya-kanyang pusta ang mga ito.

Napangisi si Cally. Sa unang pag-ikot niya, nakabisado niya kaagad ang mga pagliko.
Alam niya kaagad kung ilang metro ang mga pagitan bago ang susunod na liko nila.

Ilang segundo lang matapos niyang maikot ang isang buong track, halos kasabay niya
na si Prin sa track. Pareho nilang binilisan pa.

Matapos ang ikalawang ikot, fifteen meters na lang ang layo ni Sean sa dalawa na
nangunguna pa din.

Maya-maya, nakaungos kaagad si Cally kay Prin ng sampung metro.

Mas binilisan ni Prin magmaneho dahil siya ang nasa huli. 'This guy!'

Akala kasi ni Prin ay hindi marunong si Cally sa car racing. Nag-aapoy ang mata
niya at mas determinado na makaabante pa. Okay lang na matalo siya kay Cally, pero
hindi niya hahayaan na matalo siya ni Sean.

Mas binilisan ni Cally at nakalapit siya sa kotse ni Sean dalawang kilometro na


lang ang layo sa 'finish line'.

Halatang ayaw siyang paunahin ni Sean kaya ang likot nito sa bungad.

Isang kilometro bago ang finish line, nakasunod na ang sasakyan ni Prin. Patuloy
ang likot ng sasakyan ni Sean. Kada kakanan siya ay kakanan din ito, kapag kakaliwa
ay kakaliwa rin ito at ayaw siyang palusutin.

Naniniwala si Cally na marunong talaga ang lalaki sa tricks.

300 meters…

200 meters…

100 meters…

Dahil alam na ni Cally ang galaw ni Sean, nagawa niyang lusutan ang sasakyan nito
sa 70 meters bago mag-finish line. Nangunguna si Cally sa track kaya mas binilisan
niya pa.

Mas matindi ang kaguluhan nang makita ng manonood ang ginawang paglusot ng sasakyan
ni Cally sa sasakyan ni Sean.

Sampung metro naman ang layo ni Prin kay Sean na nataranta dahil nalusutan ito ni
Cally. Nangigigil si Prin na pinilit din na ginilid ang sasakyan makalusot lang kay
Sean. Inangat niya ang parehas na kaliwa ng gulong sa pader sa huling liko.

Ang parehas na kaliwa ng gulong ng Mazda ay nasa pader. At ang parehas na kanan ay
nasa loob ng track.

Nakatagilid ang kotse niya sa pader malusutan lang ang kotse ni Sean.

Nanlaki ang mata ng mga manonood sa ginawa ni Prin na napaandar niya ang kotse sa
pagitan ng pader at sa track.

"F*ck what a move?!" hindi napigilan na magmura ng ilan.

Kahit ang coordinator ng Racing circuit ay napabilib ni Prin.

"Sh*t! I can't believe she can do that! Kailangan ng limang taon na praktis bago ko
'yun magawa."

Matapos niyang makalusot sa lalaki, mas lalong naghiyawan ang mga nasa paligid.

Matapos ang laban, nanalo si Cally na nangunguna ng 10 meters kay Prin, naungusan
naman nito ng 5 meters si Sean. Overall, panalo si Cally at second place si Prin.

Walang nagawa si Sean, kung hindi ang suntukin ang manibela ng kotse niya nang
makahinto. Hindi niya akalain na matatalo siya ng dalawa.

Natuwa naman si Prin na nanalo laban kay Sean. Lumapit siya kay Cally na kalalabas
lang ng sasakyan.

"Husbie, Hindi mo sinabi na marunong ka pala sa racing."

"I never said na hindi ako marunong. Though, this is my second time to join a
race," sabi ni Cally.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Second time mo pa lang ito? E, bakit nanalo ka na agad?"
hindi siya makapaniwala.

"'Wag mo nang alamin, hindi mage-gets ng mga may mahinang IQ na tulad mo," sabi ni
Cally.

Tinandaan niya ang labing apat na mga pagliko at kung ilang metro bago ang susunod
na lilikuan. Sa utak na meron si Prin, duda siya kung matatandaan nito ang mga
metro kahit ang ika-apat pa lang.

Napapa-iling si Cally.

Hindi naman niya minamata ang katalinuhan ng asawa, ayaw niya lang masabihan ng --
'Ano ba iyan? nagdudugo na utak ko sa mga sinabi mo' at parehas lang silang
maghihirap. Siya mahihirapan sa pag-explain at ito naman sa pag-intindi.

Naguluhan si Prin sa trick na ginawa ni Cally. "Tell me, so I can use the same
trick next time." pilit niya dito.

Tinitigan siya ni Cally sa mata. "Next time? There is no next time. Lalo at nakita
ko na delikado ang huling ginawa mo."
Nakanguso si Prin at humalukipkip. Umandar na naman kasi ang pagka-bossy ni Cally.

"Kaysa alamin mo kung paano ako nanalo, mas mabuti pa na isipin mo na kung ano ang
lulutuin mo para sa akin."

Napalunok siya. 'Hmp! Mas okay na magluto kesa makipaghiwalay kay Cally.'

"At saka, kailangan mo akong bigyan ng magandang dahilan kung bakit boyfriend lang
ang pakilala mo sa akin," dagdag ni Cally.

Nag-aapoy ang tingin ni Sean sa kabilang kotse nito, nakasilip ito sa mag-asawa sa
side-view mirror. Ayaw niyang lumabas ng sasakyan dahil wala na siyang maiharap na
mukha sa buong school na halos karamihan ng estudyante ay naroon sa lugar.

Ramdam ni Cally na walang maiharap na mukha si Sean kaya lumapit siya sa kotse
nito.

"Pa'no Mr. Sean Lucas? Aasahan ko na ba na titigil-tigilan mo na ang nobya ko? Isa
pa, hihintayin ko ang ipo-post mo sa social media account mo." Pagkasabi ni Cally
ng bagay na iyon, tumalikod na siya at sumakay sa pulang kotse ni Prin.

Naiwan si Sean na binalewala ang sinabi ni Cally. Umismid lang ito.

'Hmp! Sino ka para sabihan ako ng gagawin?'

ANG UNANG ginawa ni Prin at Cally pagdating ng kinabukasan ay pinuntahan si Marvin


na kasalukuyang nasa Matsui Villa.

Alas syete pa lang ng umaga ng mga oras na iyon.

Sa parte ni Marvin, hindi niya akalain na may koneksyon ang babae na pinadudukot sa
kanya sa mga Matsui.

Nang magising siya, mukha ni Zuki ang bumungad sa kanya nang nagdaang araw.

Kilala ang grupo ni Zuki dahil kay Rob Matsui. Alam niya na hindi kakayanin ng
isang tulad niya ang isang Zuki, lalo na ang isang Rob Matsui.

Kahit ang pinaka-talamak na gang noon ay napatumba ni Rob kaya nga hindi pwedeng
hindi nila kilala ang lalaki. Anak ito ng isa sa mga lider ng Yakuza group at hindi
pwedeng magpadalos-dalos sa lalaki.

Sa isang pitik kayang pumatay ng lalaki, Ano ang magagawa ng isang katulad niya na
utusan lamang ng Mayor?

Pumasok si Cally sa Main hall ng Matsui Villa kung saan ginagawa ang paghuhukom.
Doon din hinusgahan ang anim na kidnappers. Nagtagpo ang mata nila ni Marvin.

Nakatali ang mga kamay ni Marvin sa likuran at puro pasa ang mukha. Hindi niya
sinasabi sa mga ito kung sino ang nag-utos sa kanya na ipadukot ang babae dahil
siguradong papatayin din siya ng Mayor kapag tinuro niya si Luna.

Hindi pa man nakakaupo si Cally, lumitaw sa paningin niya ang babae na kakapasok
lang. Nanlaki ang mata ni Marvin.
Matalim ang tingin ni Cally na nakatingin kay Marvin.

"Sabihin mo sa amin, sino ang nagpapadukot sa asawa ko?" tanong niya dito.

Nagtaka si Marvin sa termino ng binatang lalaki na asawa nito ang babaeng katabi
pero hindi pa rin sumagot si Marvin. Ngumisi si Cally.

"Ang totoo, kahit hindi mo sabihin ay alam ko kung sino at dadalhin kita sa kanya
ngayon din mismo."

Nagsimulang magsalita si Zuki. "Magpasalamat ka at si Master Cally lang ang kaharap


mo, kung nandito sa Pilipinas ang tatay ni Miss Prin, malamang kagabi pa lang ay
nagsimula ka nang magsalita, wala na ang kamay na itatali sa iyo at wala ka na sa
harap namin ngayon."

Inangat ni Marvin ang paningin sa babae. Ang babaeng ito ang gumulpi sa kanya nang
nagdaang araw.

Naalala niya ang sinabi ng anim na kidnappers noon. Na nagawa ng babae na ilagan
ang mga bala gamit lamang ang isang tubo. Totoo nga kaya ang sinasabi ng mga ito?
Posible na ito rin ang dahilan kung bakit biglang nawala ang anim.

Napapikit siya at pinipigilan ang magsalita.

"Dalhin sila," utos ni Cally kay Zuki saka ito tumayo.

Dinala si Marvin at ang dalawa pang kasama nito sa isang puting Van.

"Kung ako sa inyo ay magdasal na kayo dahil hindi nagbibiro si Master Cally," banta
ni Zuki.

HUMINTO ang sinasakyan nila Prin sa tapat ng isang malaking bahay. Nilingon niya
ang asawa sa tabi.

"Ahm.. anong ginagawa natin dito?" tanong niya.

"For a good show." ang sagot ni Cally.

Nag-doorbell si Zuki. Binuksan ng isang guard ang maliit na gate sa gilid. Kumunot
ang noo nito.

"Sir Zuki?" nagliwanag ang mukha ng lalaki.

Tumaas ang gilid ng labi ni Zuki.

"Mabuti naman at hindi na ako magpapakilala. Pakisabi kay Mayor Villanueva na


narito si Master Cally Han at may hinanda kaming regalo para sa kanya," sabi ni
Zuki sa guard.

Ilang sandali lang silang naghintay bago binuksan ng todo ang gate para makapasok
ang sasakyan nila sa bakuran.

Nilingon siya ni Cally. "Are you ready for a good show? You must prepare my kiss,"
ang sabi nito.

Prin "...."

"Kiss your *ss!"


Nangingiti si Cally ng lihim. Pumasok ang Mayback niya sa bakuran ng malaking bahay
ng Mayor.

Inakay siya ni Cally na bumaba. Sinalubong kaagad sila ng may-edad na lalaki na


halatang bagong gising. Naka-roba lang ito. Alas otso lang kasi ng mga oras na
iyon.

"Master Cally, hindi ko inaasahan ang pagdating mo sa bahay ko. Pagpasensyahan mo


na kung hindi maganda ang kasuotan ko. Nagmadali kasi ako na harapin ka." Halatang
nahihiya ito na harapin siya.

"Tuloy… tuloy…" aya nito para pumasok sila sa loob.

May business kasi si Mayor Villanueva kay Master Cloud. Kakailanganin niya ng
dagdag na funds na magmumula sa MGM kaya kailangan nito na magpakabait.

Naririnig niya lang ang pangalan ni Cally na bata pa nga daw ito at marami na ang
naipasa na bid at alam ng Mayor na malaki ang tulong na ibibigay ng batang anak ni
Master Cloud sa kanya.

Nabigla siya na naghihilik pa nga siya ay ginising siya na asawa at sinabi na may
bisita sila at si Cally Han ang dumating. Halos mahulog pa siya sa hagdan dahil sa
pagmamadali.

"Hindi na kita aabalahin Mayor, saglit lang ako." Sumenyas si Cally kay Zuki.

Binuksan ni Zuki ang puting Van at hinila palabas si Marvin at ang dalawa pang
kasama. Naguluhan man ang Mayor, tumiim ang bagang nito.

"M-mayor…" usal ni Marvin. Natakot siya

Malakas ang loob ng batang si Cally para ihatid sa kanya ang mga tao niya na halos
hindi na niya makilala dahil sa mga bahid ng dugo at pasa sa mukha.

Diretso siyang tumingin kay Cally. "Ano pong ibig sabihin nito?"

"Kayo dapat Mayor ang dapat kong tanungin at dapat na magpaliwanag. Ano ang dahilan
para dukutin ng mga tao niyo ang asawa ko?" pailalim ang tingin ni Cally.

LUMAPIT ang ibang kasama ng Mayor nang mapansin na nilabas si Marvin sa puting
sasakyan at may hindi magandang nangyayari.

Nagulat si Mayor Villanueva sa nalaman na gustong dukutin ni Marvin ang asawa ni


Cally. Tiningnan nito si Marvin. Sinubukan nito na ilusot ang nangyari.

"Ahm... Master Cally, baka po meron lang hindi pagkakaintindihan sa nangyari." sabi
ni Mayor.

Ismid ang naging sagot ni Cally.

"Mayor, hindi ito isang pagkakaintindihan. Sinubukan niya noong nakaraang araw pa
na ipadukot ang asawa ko sa talamak na kidnappers, ang 'Wolf Wise Idiots Gang'. Too
bad they are now dead."

"Kahapon, sinubukan muli na dakpin ni Marvin ang asawa ko. So tell me Mayor,
mayroon ba akong hindi naintindihan?"

Kumuyom ang kamao ng Mayor. "Ano ang ibig sabihin nito Marvin?"
"M-mayor..." Bumalot ang takot kay Marvin.

Kinuha ng Mayor ang baril ng kasama at itinutok kay Marvin.

"Magsalita ka!" singhal nito.

"Mayor! Si Miss Luna siya po! Siya po ang nag-utos sa akin!" sagot ni Marvin. Wala
siyang ibang kinatatakutan kundi si Mayor Villanueva.

Naging seryoso ang mukha ni Prin nang madinig ang pangalan ni Luna.

Lalong kumuyom ang kamao ng Mayor. Wala si Luna sa bahay sa kasalukuyan kaya hindi
niya alam ang gagawin. Nagpaalam ito nang nagdaang gabi na pupunta sa kung saan.
Ngumiti ng pilit si Mayor kay Cally.

"Master Cally, baka naman po pwede na pag-usapan ang tungkol dito. Ako na po ang
humihingi ng paumanhin. Pakunswelo na lang po sa akin. Isang Prinsesa ang turing
namin sa anak ko at---"

"Too bad Mayor, because I am not joking." Kinuha ni Cally ang kamay ni Prin na may
galos.

"See this..? Maayos pa sana ang magandang kamay ng asawa ko. She was hurt."

Prin "..." yes dear, nasaktan ang kamay ko sa pag-gulpi kay Marvin.

"Marvin tried to shoot her and my wife's friend has been hospitalized. So tell me…
on what part should I acknowledge your sorry?"

Walang nasagot si Mayor kung hindi ang barilin sa ulo si Marvin. Bumagsak na lang
ang katawan nito at dumaloy ang dugo mula sa noo.

Matapos iyon ay tinutok ni Mayor ang baril kay Cally.

Hinarang kaagad ni Zuki ang katawan nito at tinutok din ang baril nito kay Mayor.
Tinutok ng mga kasama ni Mayor ang mga baril ng mga ito sa kanila.

Si Prin ay tahimik lang, sinabihan siya ni Cally na manood kaya wala siyang
ginagawa kung hindi ang manood.

Sigurado naman siya na walang gagawin sa kanila ang Mayor at kung mayroon man… ayaw
niyang isipin na mayroon dahil siguradong hindi sila ang dehado.

"Master Cally, mukhang nakalimutan mo yata na nasa loob ka ng teritoryo ko," banta
ni Mayor Villanueva.

"Oh, really? Mayor, do you know Rob Matsui?" tanong ni Cally.

Napalingon ang lahat ng kasama ni Mayor kay Cally nang madinig ang pangalan ni Rob.

"Unfortunately, he is my father-in-law. Sa palagay niyo, ano ang mangyayari kapag


nakarating sa kanya ang balita na ang prinsesa niya ay binalak na gawan ng masama
ng prinsesa ng Mayor?"

'Damn!' isip-isip ng mayor.

Tumingin ito kay Prin at ibinaba ang baril na nakatutok kay Cally. Sumunod ang
lahat na ibinaba rin ang mga armas.
"Ano ang gagawin ko para makalimutan mo ang nangyari na ito?" halos hindi masabi ni
Mayor.

Sumenyas si Cally kay Zuki. Pumasok si Zuki sa puting van at may kinuha itong isang
leather whip, isang bagay ng pagpaparusa at ibinigay iyon kay Mayor.

Tumaas ang kilay ni Prin nang makita ang bagay na iyon.

Napapikit ang Mayor at nagpipigil ng galit. "Pa'no Mayor, uuna na kami dahil iyan
lang ang sinadya ko dito. Aasahan ko ang magandang balita mula sa iyo," sabi ni
Cally at inakay na siya na bumalik ng sasakyan.

Nakatingin lang sa mga papaalis na sasakyan ang Mayor at agad na pinatawag si Luna.

PINAIMBESTIGAHAN ni Cally ang pagkatao ni Marvin at lumitaw ang pangalan ni Mayor


Villanueva.

Nang una ay may ideya na si Cally na ang anak nito ang may pasimuno ng lahat dahil
nasa parehas na eskwelahan si Prin at ang anak nito.

At hindi maglalakas ang loob ng Mayor na galawin ni isa sa mga Hans. Aabangan lang
ni Cally ang mga may utang sa kanila ni Prin.

Si Sean at Luna dawit si Mayor na tatay nito.

Ilang minuto na sila nagb-byahe nang napansin ni Prin na patungo silang probinsya
ni Cally. Hindi na nakasunod ang van ni Zuki.

"where are we going?" tanong niya kay Cally.

"Magbabakasyon."

"Wala kang trabaho ngayon?" Hindi makapaniwala si Prin. Madalas kasi na nasa
opisina si Cally.

"Meron. Being a husband is my Job during weekends."

Nilayo ni Prin ang mukha niya at tumingin sa labas ng bintana dahil alam niyang
namumula ang pisngi niya sa sinabi nito.

Napansin niya na hininto ni Cally ang sasakyan sa gilid.

"Bakit tayo huminto?"

"To get my reward" inangat ni Cally ang kaliwang kamay to caress her cheeks.

"See? You are too excited to give my reward."

Bago pa maka-alma si Prin, he leaned closer to meet her lips.

HABANG papalayo si Prin at Cally ay papalakas ng papalakas din ang ulan sa lugar na
dinadaanan nila.

May limang oras nang nagba-byahe si Prin at Cally, tila walang plano ang kalangitan
sa pagtigil sa masamang panahon. Mas lalong tumindi ang pagbuhos ng malakas na
ulan. Ma-traffic na din ang daan kung saan sila patungo.

"San ba tayo pupunta?" Nilingon ni Prin si Cally sa tabi.

"Sa isang resort na nasa tuktok na bahagi nitong bundok. Nasa gitnang bahagi na nga
tayo kung tutuusin."

"Wala kang ideya na uulan?" Hindi makapaniwala si Prin.

"meron" sagot ni Cally.

Tiningnan ni Prin ang asawa niya. "Why are we here then?"

"Ulan lang naman ito," katwiran nito. Inikutan ni Prin ng mata si Cally, sa taas ng
ego na meron ang lalaki alam niyang hindi ito aamin na nagkamali ito ng tantya sa
panahon.

"mukhang hindi ito isang simpleng ulan." Sa tingin ni Prin ay may bagyo at nasa
lugar ang pinakasentro nito.

Dahil nasa gitnang bahagi sila ng bundok. Kulay brown ang tubig na dumadaloy
pababa. Mabilis ang pagragasa ng tubig na halatang mas malakas ang ulan sa bandang
itaas na bahagi ng bundok.

Walang ideya si Prin na biglang uulan lalo na ang dalhin siya ni Cally sa malayo
kaya walang siyang dalang extra na pamalit o kahit na jacket na pwede niyang
gamitin.

Isang simpleng bestida lang ang naisip niyang suotin kaya ramdam niya na ang lamig
sa braso at binti. Napansin iyon ni Cally. Pinatay nito ng tuluyan ang aircon sa
sasakyan.

Yakap ni Prin ang sarili.

"Idiot, we have blanket at the back," sabi nito sa kanya.

Nilingon niya ang backseat at may nakita siyang nakatuping kumot na maliit. Kinuha
iyon ni Prin at pinantakip sa sarili. Napansin niya na isang polo lang ang suot ni
Cally.

"Hindi ka ba nilalamig?"

"I'm good. Unless... gusto mo lang makayakap sa akin. Walang problema, dagdagan mo
na rin ng kiss," tudyo nito.

Tiningnan niya ito ng masama. Sumosobra na itong lalaki na 'to sa pang-aasar sa


kanya.

Maya-maya pa ay may kumatok na enforcer sa sasakyan kaya binaba ni Cally ang


bintana niya sa gilid.

"Sir, atras na lang po kayo pabalik. Nasira po kasi ng tuluyan ‘yung tulay na nire-
renovate sa bungad," sabi nito kay Cally.

Hindi maiwasan na mapamura si Cally. Wala silang magawa kung hindi ang bumalik.
Pero bago pa sila makababa ng bundok pinigil silang muli ng rescue team sa lugar.

"Sir, pasensya na. Mataas po ang baha sa paanan nitong bundok at duda po ako kung
makakadaan ang sasakyan niyo."
Gustong mag-init ng ulo ni Cally. Nagkamali kasi siya ng tantya sa araw na iyon at
hindi pa sila nagtatanghalian ni Prin. "May matutuluyan ba kami na malapit kung
sakali?"

Napakamot ng ulo ang lalaki na pumigil sa kanila. "Saglit lang Sir, magtatanong
lang ako."

Umalis ito saglit.

Nagsimula naman na magtingin si Cally sa cellphone para i check kung may inn na
malapit o kahit na ano na pwedeng tuluyan. Nahirapan siya na magtingin dahil
napuputol pati ang signal niya.

Kinatok sila muli ng lalaki.

"Sir, dalawang kilometro mula daw dito… Akyat lang daw kayo saglit tapos kanan sa
maliit na eskenita," sabi nito sa kanila.

"Okay. salamat" Tapos ay tinungo nila ang tinuro ng enforcer.

Tahimik sa Prin na nasa gilid.

"Are you bored? I'm sorry, hindi ko kasi alam na matindi ang ulan. Iba ang binigay
sakin ng App kaninang umaga nang magtingin ako," pagpapasensya nito sa kanya.

Napabuntong-hininga na lang si Prin. Wala rin naman siyang magagawa. Ang mahalaga
kasama niya si Cally.

SA BAHAY ng Mayor…

Dumating si Luna ilang oras lang nang makaalis ang sasakyan ni Cally. Isang sampal
ang sumalubong sa kanya mula kay Mayor.

"Honey!" Lumapit kaagad ang Mommy niya sa kanya.

Dumaloy ang luha sa pisngi ni Luna at namula ang isang parte ng pisngi. "Why did
you hit me?"

Yumakap siya sa Mommy niya.

"Magpasalamat ka nga at isang sampal lang ang inabot mo sa akin! Why did I hit you?
Marvin is now dead because of you! Hindi ko maintindihan kung bakit may tanga akong
anak na katulad mo!"

Umiyak si Luna hababg nasa bisig ng Mommy niya.

"Why? Because you dared to touch Matsui's child!" Akmang lalapit ito muli nang
pigilan ng Ginang.

Wala naiintindihan ang asawa ng Mayor sa ginawa ng anak at hindi rin niya alam kung
sino ang Matsui na sinasabi ng Mayor dahil isang simpleng babae lang ang Mommy ni
Luna.

"Don't you dare touch my child!" galit na sabi nito. Si Luna sa isang banda ay
natigilan nang madinig ang apelyido ni Prin.

Dinuro siya ng Mayor. "Dahil sa ginawa mo, pati ako ay nalagay sa alanganin! Wala
akong nagawa kun'di patayin si Marvin na isa sa mga pinagkakatiwalaan ko!"
"Ano bang nangyayari?!" singhal ng ginang, patuloy lang sa pag-iyak si Luna sa
tabi.

"Inutusan lang naman ng magaling mong anak na dukutin ang anak ng isang Rob Matsui!
A grand-daughter of Yakuza leader! What else? She is Master Cally Han's wife!"

"Dahil sa iyo, ilang milyon ang mawawala sa pamilya natin!" Halatang nanggagalaiti
sa galit ang Mayor at gustong tapusin na ang anak.

Napatigil ang mag-ina. Si Luna sa mga nalaman tungkol sa pagkatao ni Prin, ang
ginang naman ay hindi makapaniwala na makakagawa ng ganoon ang anak.

NAKASALAMPAK sa sahig si Luna habang hawak ang pisngi na sinampal ng Mayor at


umiiyak.

"Dad.. What do you mean Cally Han's wife?" tanong ni Luna.

"Cally Han, President of MGM! Idiot!"

Lalong tumiim ang bagang ni Luna. Mayabang pa naman siya kay Sean at sa mga
kaibigan na isang cheap si Prin at sinabi na kabit ito.

Sinong matutuwa na malaman na asawa ito ng isang Presidente ng MGM?

"He even asked me to punish you!" Galit na galit si Mayor. Hindi niya kasi akalain
na sa isang bente tres anyos lang siya susunod.

"Hon… W-what are we going to do?" tanong ng Unang Ginang. Nakaramdam ito ng takot
para kay Luna.

Natahimik sila ng ilang saglit.

"May naiisip ako," sabi ng Mayor.

"Isang paraan lang... Luna, kailangan mong akitin si Master Cally!"

ISANG hindi kalakihan na resort ang tinuro kay Cally at Prin.

Paglabas nila ng sasakyan halos hindi na makilala ang kotse ni Cally dahil putikan
ang gilid ng pintuan nito.

Halata ni Prin na nagpipigil ng inis ang asawa niya.

"Kasalanan mo iyan. Tara na sa loob at nagugutom na talaga ako," reklamo ni Prin.

Pumasok na siya at iniwan si Cally na sinusuri ng mabuti ang kotse nito. Mukhang
tama ang kasabihan nila na 'Mas mahal ng mga kalalakihan ang kotse ng mga ito kaysa
sa babae.'

Si Prin na ang kusang nagtanong sa babaeng nasa bungad na sa hula niya ay ang
tauhan ng resort na iyon. Tingin ni Prin disisais lang ang babae o kaya disisyete
ang edad.

"Hello, magb-book sana kami ng asawa ko," sabi ni Prin.


Hinanap nito ang sinasabi niyang asawa. Sakto naman na pumasok si Cally. Natigilan
ito at titig na titig kay Cally na akala mo ay nakakita ng artista.

"Ahm Miss?"

Binalik nito ang paningin sa kanya. "Sori po Mam!" Kumamot ito sa ulo.

Ngumiti lang si Prin.

"E, ilang araw po kayo dito, Mam?" tanong nito.

"Magpapatila lang kami saglit," nakangiting sagot ni Prin. Halatang nalungkot ang
babae.

"Anong klase pong hotel room Mam?"

Nag-isip si Prin kung mayroong suite doon sa lugar, tinanggal niya din sa isip
dahil duda siya doon.

"‘Yung may maayos na kama, ‘yung malambot at masarap."

Nag-isip kaagad ang babae ng hindi maganda sa kanila. "Mayroon pa po?"

"’Yung malawak, ‘yung makakaikot kami kahit saan."

Si Ate "...."

Kumamot ito sa ulo. Sa tingin ni Ate ay hindi talaga sila mag-asawa ni Cally at
naghahanap lang ng init ng katawan dahil umuulan.

Meron silang kwarto para sa mga katulad nitong dalawa. Saktong-sakto sa deskripsyon
ni Prin. Sakto na kalilinis lang nito nang umaga ng araw na iyon.

Kinuha nito ang mga susi. Pumili ito ng isa. "Ito po Mam, 3,500 lang po ang bayad
kada araw."

"D-do you accept credit card?" Kinuha ni Prin ang wallet niya.

"Naku Mam wala po, e."

Nakita niya na kaunti na lang ang cash na laman ng pitaka niya. 500 lang. Madalas
kasi na puro credit card ang gamit niya. Nakita iyon ni Cally.

Kinuha ni Cally ang sariling pitaka. Kinuha ang lahat ng lilibuhin at mabilis na
sinuksok sa pitaka ni Prin habang nakabuka pa iyon ng todo.

Nagulat si Prin sa ginawa ni Cally. Binilang niya iyon 25 piraso lahat. Ibig
sabihin binigyan siya nito ng 25 thousand. Bigla siyang nahiya pero ayaw niyang
pag-usapan ang pera sa tapat ni ate.

Hindi rin naman nakaligtas kay ate ang inakto ni Cally kaya lalo itong nakaramdam
ng inggit kay Prin.

'Hindi lang mukhang prinsipe si Koya. Kung umakto, parang si Prince Harry sa yaman.
Haays' isip-isip nito.

Kinuha ni Prin ang apat na libo. "Ito ate, keep the change. kapag, maganda ang
service mo dadagdagan ko pa iyan." Sabi ni Prin.
Natuwa ang babae.

Sa unang pagkakataon, nagsalita si Cally. "May restaurant ba kayo dito? Sigurado na


nagugutom na ang Honey ko."

Isang malamig na boses ang narinig ni Ate parang boses ni James Reid. Para itong
maiihi na ewan.

"May cook po kami Ser. Pwede niyo po sana kainin sa mga kubo sa labas, kaya lang
umuulan. Pwede rin po namin ipahatid sa kwarto Ser," sabi nito.

"Sa kusina kami kakain. Pwede ba doon?" tanong ni Prin. Alam niya kasi na ayaw ni
Cally ng kumakain sa kwarto. Ayaw nito ng makalat.

"Mainit po doon e."

"Dalhin mo na lang sa kwarto kahit anong pagkain na masarap sa inyo." Si Cally

"Sige po!" Natuwa ito dahil makikita muli nito si Cally kapag hinatid ang pagkain.
Nakita nito na inakbayan ni Cally si Prin at tinungo ang kwarto.

'Haay excited agad sila' napapailing si ate.

Hinanap ni Prin at Cally ang kwarto.

Pagbukas ng pintuan, nanlaki ang mata ni Prin dahil sa gulat kung anong klase ng
kwarto ang binigay sa kanila ng babae.

Pulang-pula ang kwarto na maihahalintulad sa red room ng 50 shades of gray. May


disenyo pa na mga rosas ng wallpaper sa isang parte. Nasa gitnang bahagi ang kama
na mukhang malambot nga at masarap tulugan. May lacey curtain sa paligid ng kama na
kulay red orange.

May bathtub na nasa loob ng kwarto na tanging liguan dahil isang maliit na ihian
lang talaga ang meron sa loob.

Isang coffee table sa pinakagilid na may dalawang silya. Maluwag ang buong kwarto.

Nakaramdam ng hiya si Prin habang tinititigan ang kulay fuschia pink na bathtub.
She has an idea that this is what they called 'love room' para sa nagha-honeymoon.

WALA PA man nangyayari sa pagitan ni Prin at Cally, kinakabahan na siya ng sobra.

"Ahm… Husbie, I think this is not the room for us. Mukhang nagkamali si Ate."

"Hmm..? I think this is perfect," pang-iinis ni Cally.

Lumapit sa kanya si Cally para biruin siya. Napaatras naman si Prin hanggang sa
nadulas siya sa sinelas na nasa tapat ng kama at bumagsak siya sa ibabaw nito.
Nahila niya ang braso ni Cally para sana kumuha ng suporta pero kapwa silang
bumagsak doon.

Parang napunta sa kawalan ang training niya bilang Dark Guard.

Nakakilos sana siya ng maayos kung gumagana lang sana ang lahat ng sistema niya.
Puma-ibabaw si Cally sa kanya.

Tumaas ang isang parte ng gilid ng labi ni Cally.


"See how excited you are?" dagdag nito sa pang-iinis sa kanya dahil nahila niya
ito.

"Who is excited? You are the one who's excited!" angil ni Prin.

Ginilid ni Prin ang mukha niya at nilayo ang paningin dahil sa hiya.

She doesn't know that she look seductive at that moment. Nakadagdag pa ang lamig ng
paligid sa labas pati ang ambiance sa loob ng kwarto.

"G-get up!" utos niya kay Cally.

"I won't. Why should I? E, alam ko na manghihinayang ka." Hinaplos ni Cally ng


hintuturo ang pisngi niya. It was just a light touch but still sent shivers through
her nerves.

Napalunok si Prin.

"g-get up…" Halos hindi niya alam kung naibigkas niya ba ang mga salita.

"Hmm? Are you saying something?" Cally teased her.

Sobrang lapit na ng mukha nito kay Prin at halos ramdam na niya ang init ng hininga
ni Cally sa pisngi niya.

"If you want me to stop, tell me now," pang-iinis pa ni Cally but deep inside, his
heart beats faster and faster. He is waiting for Prin's reaction.

He started to twirl her black hair around his finger.

Parang dinala sa kawalan ang pag-iisip ni Prin sa mga kinikilos si Cally. Soon, she
felt something hard on her belly.

Mas namula ang pisngi ni Prin. Wala siyang nagawa kun'di iharap ang mukha na
nakaiwas sa lalaki.

Her lips brushed slightly on his. She looked straight into his eyes.

Both of them are waiting. Tila naghihintayan kung sino ang unang susuko at kikilos.

Cally knew if he started to kiss this girl, he would never have enough; it was as
if Prin dominated his whole senses.

How many senses are there in the books? Five?

Kung ganoon, saan napapabilang si Prin sa lima?

Bakit pakiramdam niya anim lahat kung si Prin ang pag-uusapan?

Number one on the list is Sight, she was always beautiful right before his eyes.
Pinasadahan niya ang bawat parte ng mukha ni Prin. Her Japanese eyes, her nose, her
brows, her cheeks turned red at that moment, her lips that are always ready to give
him a wide smile and are ready to give him a kiss.

Second, Hearing. He felt happy whenever she calls him husbie, para bang dinadala
siya sa langit tuwing maririnig niya ang boses ni Prin, kahit pa sabihan siya nito
ng 'Kiss my a*s!'
Third, Smell. Prin is always smells like cherry blossoms na para bang dinadala siya
sa Japan. Even her breath scent is always good and ready for kissing. Smells like
green apple.

Fourth, Taste. The taste of her mouth is unexplainable and delicious.

Fifth, Touch. Her soft skin was really nice. Kapag kaakbay niya si Prin, kapag
magka-hawak-kamay sila nito. Kapag kayakap niya si Prin sa pagtulog, parang
hinehele siya nito tuwing gabi dahilan para makatulog siya agad.

Sixth is… Indefinable. He couldn't explain the exact explanation. No book in the
world can explain. Sobrang saya kapag nasa paligid si Prin. Para bang may manipis
na tali na nag-uugnay sa kanilang dalawa.

Sa tingin niya kahit ang pinakamatalinong tao ay hindi rin alam. Does any polymath
in the world who can explain what it is?

She is like a Yamashita's treasure and he is her hunter. Hindi maihahalintulad si


Prin sa lahat ng yaman na meron siya.

Hindi rin maihahalintulad ang asawa niya kahit kanino. Ang nararamdaman niya tuwing
makikita si Prin ay maihahalintulad noong panahon na unang beses na nakita niya ang
Mommy niya sa Korea noon.

His heart is beating very fast looking at her, feeling her.

Hindi man lang naramdaman ni Prin na umikot na ang braso ni Cally sa bewang niya
kaya nabigla na lang siya nang umikot silang dalawa sa ibabaw ng kama.

Siya naman ang nasa ibabaw ni Cally.

His one hand gently brushed her face. While the other one embraced her whole body.

Parang nililipad ang diwa ni Prin habang nakatingin lang ng diretso kay Cally. She
is wishing that he can soon open his heart and ready to love her back.

Parang inaakit si Cally ng mainit na hininga ni Prin kaya unti-unti niyang inilapit
ang labi niya sa asawa.

Soon, his lips met hers, mashed against hers as if trying to destroy her mouth.
Their tongues battling back and forth like two fencers.

Cally wanted her so much. He is starting to lift her white dress nang biglang may
kumatok sa pintuan.

Parang binuhusan ng malamig si Prin na agad na humiwalay kay Cally at tinungo ang
pinto dahil bigla siyang nahiya.

Bumungad sa kanya si Ate na receptionist na may bitbit ng tray ng pagkain.

NANG binuksan ni Prin ang pintuan, bumungad si Ate na receptionist.

"’Y-yung pagkain niyo po Mam. S-sorry po kung naistorbo ko kayo ni Sir." Hiyang
hiya si Ate dahil kakaiba ang hitsura ni Prin.
Lukot-lukot kasi ang bestida niya. Gulo-gulo ang buhok. Hindi maiwasan na mag-isip
ito ng masama sa kanila ni Cally pero walang ideya si Prin.

'Hindi na sila nakapaghintay' isip-isip nito.

Kinuha lang ni Prin ang tray at nagpasalamat. Namumula ang mukha niya at hindi
makatingin kay Cally.

"L-let's eat!" Nilapag niya ang tray ng pagkain sa mesita. Nakatingin lang sa kanya
si Cally at pinagmamasdan siya.

Prin looks cute habang hindi mapakali sa pagkilos, sa mata ni Cally. Tumayo na siya
at umupo sa coffee table.

Gutom na si Prin kaya kain siya ng kain. Parang nilipad din agad ng hangin ang hiya
niya kay Cally. Pinanonood lang siya nito ng tahimik habang kumakain siya.

Masasarap din naman kasi ang hinanda sa kanila ng hotel. Mainit na sabaw at saka
chicken barbeque ang hinanda nito bagay sa malamig na panahon. Napansin niya na
parang hindi kumakain si Cally.

"Is there… something wrong? Bakit hindi ka kumakain?" tanong ni Prin.

Nilagpasan nito ang mesita at inilapit ang mukha sa kanya. Dinilaan nito ang gilid
ng labi niya na may naiwan na butil ng kanin. Namula na naman ang pisngi ni Prin.

"May mumu ka, masarap pala kapag galing sa iyo... Saka, parang kulang pa kasi sa
iyo ang pagkain natin," puna ni Cally dahil halos mauubos na niya ang lahat.

"Nagutom kasi ako," katwiran niya.

"Tingin ko din. Pero sana pakainin mo din ako. Lapit ka dito pakakainin mo ako
bilang bayad sa pagiging makasarili mo..."

Tiningnan niya ito ng masama. Sumunod din naman siya kay Cally. Nilapit niya ang
silya, tinabihan ito at sinimulan na subuan ang kanyang prinsipe.

Cally is enjoying na sinusubuan ni Prin. He is enjoying his life with her, hindi
lang sa oras na iyon at sana ay habang-buhay sila na ganoon.

Kumidlat sa labas kaya napatili si Prin at nabitawan ang kutsara na may pagkain,
kumalat iyon sa bestida niya.

Napakapit siya kay Cally.

"Husbie…" natatakot na usal ni Prin.

Maya-maya pa ay nawalan ng kuryente ang buong hotel. Cally is cursing.

"Isoli natin ang pinagkainan at tanungin na rin sila kung bakit walang kuryente,"
mungkahi ni Cally. Napansin niya na nakapikit pa rin si Prin at mahigpit ang kapit
sa braso niya.

"Prin? Are you okay?"

"Ta-takot ako sa kidlat," sabi nito.

Patuloy nga ang pagkidlat sa labas. Naaliw naman si Cally dahil hindi niya akalain
na may kinatatakutan din pala ang asawa niya. Hindi ito takot sa masasamang loob na
kriminal kun'di sa kidlat?

"Doon ka lang muna sa kama. Ako na muna ang lalabas para magtanong sa kanila okay?
Saka kukuha ako ng pamalit sa likod ng sasakyan," sabi sa kanya ni Cally pero hindi
bumibitaw si Prin sa braso nito.

"Saglit lang ako, promise." Binuhat siya ni Cally hanggang kama at maingat siyang
nilapag doon.

"3 minutes lang," sabi nito saka lumabas ng kwarto.

Nakapikit pa rin si Prin. Patuloy ang pagkidlat sa labas. Ilang saglit lang,
nakabalik na si Cally nang may bitbit na bag.

"Mukhang natamaan daw ang kable ng kuryente. Malabo rin na makakauwi tayo agad
dahil sa mga daan." Sabi sa kanya ni Cally.

"Take a shower," sabi ni Cally. Biglang nagdilat ang mata ni Prin.

"Shower?" tanong niya at nakatingin sa malaking bathtub doon na nasa loob ng


kwarto.

Mukhang nabasa naman ni Cally ang iniisip niya. Kahit papaano ay nakaramdam din ng
hiya sa kanya si Cally lalo at hindi pa ito nakakakita ng babaeng naliligo.

"Ahm… pipikit na lang ako. Isa pa madilim naman," suhestyon nito. Hindi satisfied
si Prin sa sagot nito.

"Magtatakip ako ng mata." Nilabas nila ang mga laman ng bag. Kinuha ni Prin ang
isang panyo nito at nga mga susuotin niya. Maswerte na rin at naghanda sa kanya ng
gamit si Cally. What a perfect husband?!

Siya ang naglagay ng panyo dito.

"Bawal makulit ha," sabi niya kay Cally.

Nagsimulang maghubad si Prin habang nakasilip kay Cally. Kahit pala nakapiring ito,
iba pa rin ang pakiramdam kapag naghuhubad habang nakatingin kay Cally. Namumula
ang pisngi ni Prin.

Rinig ng tubig at mga pagkilos ng asawa ang nadidinig naman ni Cally habang naka-
piring.

Hindi niya akalain na mas doble pala ang parusa kapag ganoon. Sana pala ay
nagmungakahi na lang siya na lumabas. O kaya nagmungkahi siya na siya na ang
magpaligo kay Prin.

'D*mn it!'

Maya-maya pa, kumidlat muli. "Ahhhh---!" takot na tili ni Prin.

Unang gumana ang utak ni Cally na baka may nangyari na masama sa asawa kaya
tinanggal niya ang piring.

Kapwa sila nanlaki ang mata.

"Y-y-you! Hooligan!!" Nanlalaki ang mata ni Prin habang takip ng magkabilang braso
ang magkabilang dibdib niya.
NATULALA si Cally. Napatigil siya sa pagkilos. Parang isang diwata si Prin sa
paningin niya na nasa loob ng fuchsia pink na tub, gustuhin man niya na manghingi
ng paumanhin ay hindi niya magawa. She is mesmerizing.

She is covering her chest, just enough to show off her pale and beautiful
shoulders. Her legs are showing. Her private part is hiding under the water. He
couldn't see for sure from his angle, but he knew that her ass is round and curvy.

Based on her exposed body, her stomach was quite flat, kahit pa si Prin ang halos
kumain ng pagkain nila.

As he studied her, he suddenly realized how intently he had been staring. Wala
siyang plano na umatras.

Nakatitig lang din si Prin habang kagat ang ibabang labi. Inaabangan niya ang
gagawin ni Cally. They are husband and wife anyway. Kumidlat muli sa labas at
napapikit lang siya saglit dahil sa takot.

Lumapit si Cally at napalunok.

Soon, he closed the remaining distance between their faces.

Placing his hand gently on her cheek, his lips met hers.

Parang tinatakam lang sa una. He increased slowly his kissing to be more passionate
hanggang sa parang gusto na siya nitong kainin ng buhay. Parang leopard na
nagugutom ang akto ni Cally kung paano siya nito halikan.

Kumikidlat pa sa labas ngunit hindi na iniintindi ni Prin. Keeping their lips


together, nilipad na ang diwa niya sa sistema ni Cally.

He ran his hands down from her cheek to neck to her chest

All of his touch sent shivers to Prin's nerve. Hiniwalay ni Cally ang labi kay
Prin, sighing in complete contentment.

Their eyes locked kasabay ng mga paghinga, tila kapwa sila naubusan ng hangin.
Pinag-aaralan ni Cally si Prin. Will she agree?

Kinuha ni Cally ang isang kamay niya at pinatong sa ibabaw ng dibdib nito habang
nakatitig pa rin sila sa isa't isa. His heart is beating fast looking at her.

Ilang saglit lang, binuhat ni Cally si Prin mula sa tub at maingat na pinunasan ang
basang katawan.

She is naked right before his eyes. He is so thankful for having Prin as his wife.
Not just her face is beautiful, all of her part is mesmerizing.

Pulang-pula ang pisngi ni Prin. She doesn't know what are the things on Cally's
mind. Did he find her sexy?

Dinala muli ni Cally si Prin para ipatong sa ibabaw ng kama at pinagsawa ang mata
niya dito. Madilim na ang paligid sa labas dahil hapon na ng mga oras na iyon at
madilim pa ang kalangitan.

Gayunpaman, hindi nakahadlang ang kakaunting liwanag para masilayan niya ng mabuti
ang asawa.

He felt excited. He wants to own her, the whole part of her.


He was an idiot in terms of love. It took time for him to understand the real
meaning of it. Indeed, he will never find it in any dictionary because the real
meaning is the person behind his eyes.

"C-cover me… nahihiya ako," utos ni Prin. she covered her face using her hands.
Nakakahiya dahil iba ang paraan ng titig ni Cally sa kanya.

"Walang dapat ika-hiya." Tinanggal ni Cally ang palad ni Prin na tumatakip sa mukha
nito. He bend down. Bumaba ang labi ni Cally at tinagpo ang labi ni Prin.

Hot breath mixed together.

His hands soon gently roam over her, squeezing and admiring how soft and smooth her
body is. Halos mamaga na ang labi ni Prin dahil simula ng pumasok sila sa kwarto na
iyon ay hindi nito tinigilan ang labi niya.

He bent down and took her hard n****e into his mouth running his tongue around it.
He gently sucks it as his hand caresses her other breast.

Wala nagawa si Prin kun’di ang isabunot ang kamay sa buhok ni Cally.

Soft moans escaped from her mouth.

Kung gaano kalamig ang paligid sa labas, mainit ang tagpo nila ni Cally sa loob ng
kwarto na iyon.

"You're a Dark Guard, right?" he asked while he unbuttoned his gray polo.

Hindi naintindihan ni Prin ang ibig sabihin ni Cally.

"Just making sure… I know you can handle the pain," sabi nito na ikinapula ng
pisngi niya. She saw his toned body. She wanted to touch it.

Ilang saglit lang, wala nang sagabal sa mga katawan nila.

Hinihiling ni Cally na huwag kumatok si Ate Girl dahil baka ihagis niya na ang
babae sa bangin.

His hand rans down again while kissing her, slipped between her thighs. Encircling
his fingers na para bang may sinusukat ito doon.

A small sound escaped her mouth. Wala siyang nagawa kun’di kumapit sa likod ni
Cally. Halos bumaon na ang kuko niya sa likuran nito.

Hunger was all over his senses. All Cally thought was -- Prin is so perfect against
him.

He soon pulled her gently against his hardness.

NAGISING si Prin na sobrang dilim ng paligid. Pero hindi siya natatakot dahil nasa
tabi niya si Cally. Malakas pa rin ang ulan at hangin sa labas na humahampas sa
bintana.

Inalala niya ang mga naganap sa kanila ni Cally ilang oras ang nakalipas.
She was happy. Inalalayan siya nito ng mabuti para hindi siya masyadong masaktan sa
kanyang unang 'pagsubok'.

Kinapa niya ang pisngi ni Cally sa tabi. Iniisa isa niya ang bawat parte ng mukha
nito dahil sobra ang dilim.

"Huwag mong lamukusin ang mukha ko." Bigla itong nagsalita.

Hindi alam ni Prin na nauna pa itong magising sa kanya at tila dinadama ang mainit
niyang katawan.

"Sorry… Anong oras na?" tanong niya.

"Sa tingin ko may alas nuwebe na ng gabi," sagot nito.

Alas nuwebe? Ilang oras siya na nakatulog kung ganoon?

"Hindi ka nagugutom?" tanong ni Prin kay Cally. Kahit pa mas gusto niya na
magpahinga dahil sobrang sakit ng katawan niya.

"Okay lang ako. Pinakain mo na ako di ba?"

Pinalo niya sa braso si Cally. "Puro ka biro… ang manyak mo," sabi niya na namumula
ang pisngi.

"Bakit? Hindi mo ba ako pinakain kanina? Sinubuan mo pa nga ako ‘di ba?" Nangingiti
ng lihim si Cally.

Tinalikuran niya na ito dahil nahihiya talaga siya kahit pa sobrang dilim. Hinila
siya muli ni Cally.

"Malamig sobra sa labas kaya kailangan nating magyakapan."

Prin "...."

KINABUKASAN. Maliwanag na sa labas nang magising silang dalawa. Wala pa ring


kuryente sa kwarto nila.

Sinilip ni Prin ang cellphone niya. Sa wakas ay may signal na, kaya marami siyang
mensahe na nakita sa 'Unread inbox'.

Hinahanap sila ni Cally ni Assistant Xander, ang Mommy niya pati ang iba pa.
Mukhang nag-alala sa kanila ang lahat sa Maynila dahil halos 24 hours silang nawala
ng asawa niya.

Nakalimutan ni Prin na may bitbit nga pala siyang mahalagang tao sa pamilya. Mawala
lang ito ng tatlong oras nang hindi alam sa kanila, sigurado na nag-aalala na kahit
si Madam Lira na nasa UK.

"Husbie, hinahanap na nila tayo sa Maynila," pagbibigay-alam niya sa asawa.

Nakatingin lang sa kanya si Cally. Sa loob ng bente kwatro oras, naganapan nila ang
pagiging mag-asawa ng walang ibang iniisip. Nasa mundo lang sila ng isa't isa.
Walang iniisip na problema sa Maynila. Hindi man lang pumasok sa isip ni Cally ang
mga problema sa opisina. Nakalimutan din nila ang role nila sa pamilya.

Nasa loob sila ng hindi kilala at kalakihang resort pero masyado siyang nasiyahan
sa pagtigil nila ni Prin doon. As much as he wanted to have their very first in a
very nice place, mukhang tinulungan na sila ng pagkakataon.

Walang kuryente ang lugar, hindi ganoon ka-lambot ang kama, masikip ang C.R., ang
shower ay naliligaw na napunta sa iisang bathtub at hindi pa maganda ang panahon sa
labas.

Gan'on pa man, he enjoyed his time with Prin. Yesterday was one of the best days of
his life.

Nilapitan niya si Prin at sinakop ang labi nito.

Nabigla si Prin sa biglaang pagkilos ni Cally. Natutuwa naman siya kahit papaano
dahil kampante na sila sa isa't isa.

"I'll bring you to a nice place next time."

"To... what place?"

"To Paris? I don't know…" napakamot sa ulo si Cally.

Walang alam si Cally pagdating sa mga romantic na lugar. Tutulungan ba siya ng mga
romantic places sa stocks ng MGM? What about being a Dark Lord member? The answer
is 'no'.

Iyon ang dahilan kaya hindi siya interesado noon.

He doesn't care about those things before. Ngayon niya lang narealize na hindi
lahat ng bagay sa mundo ay alam niya. Para siyang babalik sa Grade 1 'pag usaping
pag-ibig.

"May naiisip ka ba na puntahan? Though we can do it kahit saan, sa kama, sa kotse,


sa kusina, sa opisina kahit sa school pwede rin."

Nanlaki ang mata ni Prin at ini-imagine ang mga binanggit na lugar ni Cally.

"What the heck are you thinking?!" galit at namumula ang mukha niya sa hiya.

"Bakit, may masama ba sa sinabi ko? Ano ang iniisip mo na masama? What I am saying
is all about kissing."

Prin "...."

TULAD NG dati, hinatid ni Cally si Prin sa school.

"See you later," sabi nito na haplos ang pisngi niya at binigyan siya ng mabilis ng
halik sa labi.

Nahihiya si Prin kay Xander na nagmaneho para sa kanila dahil kita niya ang
pamumula ng pisngi nito. Pero patuloy na nagpapanggap na walang nakikita sa
backseat. Hasa si Xander bilang chauffeur kaya kunwari ay wala itong nakikita.

"Thank you sa paghatid, husbie…" tanging nasabi ni Prin. Kinuha niya ang mga gamit
at lumabas na ng sasakyan.

Nang makabalik sila nang nagdaang araw, nakahinga ng maluwag ang pamilya nila.
Hindi kasi alam ng mga ito kung saan sila tumungo at wala pang signal ng telepono
sa probinsya na pinuntahan nila.

Ang luko-lukong si Cally naman, kinatwiran na kailangan din nila na mag-solo na


dalawa paminsan-minsan na walang istorbo. Walang nagawa ang pamilya nila dahil may
sarili rin naman silang mundo na dalawa at dapat gampanan bilang mag-asawa.

Napailing na lang si Prin. Wala talagang makakabali sa kung ano talaga ang gustuhin
ni Cally.

Napansin agad siya ng mga kaeskwela pagbaba pa lang niya ng sasakyan.

"Hello, Prin!" Binabati siya ng mga ito kahit na hindi niya kaklase o kakilala.

Iba ang tingin na ipinupukol sa kanya ng mga estudyante sa school. Ang iba ay
inggit. Ang iba naman ay paghanga. Pansin ni Prin na mas mabait sa kanya ang mga
ito kumpara ng mga nakaraang araw.

Kada maglalakad siya patungong kwarto kung nasaan ang klase niya, may bumabati sa
kanya o kaya naman ay bigla siyang pag-uusapan.

Instant popular si Prin sa school dahil sa match na ginawa niya kay Sean. Lalo na't
tumatak sa kaisipan ng mga ito ang ginawa niya sa Race.

Nang maalala si Sean, hindi niya alam kung tinuloy nito ang pagpost sa social media
account nito na tulad ng pusta ni Cally. Wala siyang nadidinig kay Bella.

Nagkibit-balikat din siya agad dahil wala na rin naman siyang pakialam doon. Ang
mahalaga ay hindi na siya istorbuhin ng lalaki.

Pagpasok niya ng pintuan, napansin agad niya ang balloons na nakakabit sa upuan
niya at may bouquet pa ng rosas sa ibabaw ng table. Naisip agad niya kung nagkamali
ba siya ng kwarto na napasukan. Pero pamilyar ng mukha ng mga kaklase niya.

Kinikilig ang mga kaklase niyang babae. Tumuloy si Prin sa paglakad patungo sa
pwesto niya sa klase at nakita ang card.

[I'm sorry - Sean].

Tumaas agad ang kilay niya. Mukhang naghahanap talaga ng sakit ng katawan ang
lalaki.

"Mga classmate sino ang may gusto ng bulaklak?" tanong niya sa mga ito.

"Ayyy! Ako! Ako! Ako!" isa-isang nagsipagtaasan ng kamay ang mga kababaihan.

Inabot niya sa katabi niya ang bulaklak. "okay, get one and pass!" sabi niya sa mga
ito.

Kinuha niya ang nakakabit na limang piraso ng pink na lobo, lumabas at pinalipad
iyon sa kawalan.

Hindi lang ito tumupad sa bet ni Cally, kahit sa nais niya ay hindi rin sumunod ang
binata.

Pumasok muli si Prin sa loob ng klase. At nagsimula na magtingin sa internet kung


paano gumawa ng cake.

Iyon naman kasi ang pusta nito, kailangan niyang ipagluto si Cally dahil natalo
siya dito sa race.

Habang busy siya sa pag-browse dahil wala pa naman ang instructor nila para sa oras
na iyon, may mga nagsipasukan na grupo ng limang kalalakihan. Ang iba ay may bitbit
na gitara at ang iba ay kumakanta.

Hindi sana niya papansinin pero huminto sa harapan niya ang mga ito. Clueless siya
sa nangyayari nang biglang nagsitilian ang mga kaklase niyang babae. Pumasok si
Sean sa loob ng kwarto.

"Miss Prin, sana ay nagustuhan mo ang harana ko."

Prin "..."

Gusto niyang bigyan ng upper cut ang lalaki nang mga oras na iyon.

Huminga ng malalim si Prin at pinipigil ang inis na nararamdaman niya. "Ano ang
ibig sabihin nito?" taas-kilay na tanong niya.

"Nanliligaw ako."

"May usapan na tayo na hindi mo ako guguluhin," sita niya sa lalaki.

"Sabi nga ng matatanda, kapag tumibok ang puso, hahamakin ang lahat. Pasensya na,
makulit ako kaya itutuloy ko ang nais ko," sagot nito.

Hindi alam ni Prin kung nasaan ang utak ng lalaki. Hindi lang mayabang si Sean,
wala din isang-salita ang lalaki.

"Alam mo Sean, kung mahal mo pa ang buhay mo, mabuti pa na itigil mo na ito. Have
you seen my boyfriend? Sorry, pero hindi ka papasa kahit sa daliri niya sa paa,"
prangka na sabi niya at halatang naaalibadbaran kay Sean.

Dumating ang Instructor nila na pinagpasalamat niya.

"Ma'am ginugulo po nila ako," sumbong niya dito.

"Mr. Sean, labas!" singhal nito.

Nagpasensya ang mga lalaki na nangharana sa kanya sa instructor.

Inangat lang ni Sean ang gilid ng labi nito. "Hindi pa ito ang huli, Prin."

Inikutan niya ito ng mata. Kapag nalaman ni Cally na nililigawan siya doon, hindi
lang ang lalaki ang mananagot. Siguradong pati siya ay parurusahan nito.

KAPAG nangulit pa ang lalaki kay Prin, sigurado na bibigyan niya na talaga ng
leksyon ang lalaki na parang hindi naman nag-aaral sa school nila.

Sa parte naman ni Sean, kinapalan talaga nito ang mukha na pumasok sa araw na iyon
dahil kumalat na ang video nito sa social media. Hindi lang ang laban nila ni Prin
sa shooting, kung hindi pati na rin ang racing.

Tila kinalimutan naman ng mga kaeskwela niya ang naganap.

Iyon nga lang, mas sumikat si Prin sa school. Kaya mas lalong nagkainteres si Sean
sa babae. Kung magiging girlfriend niya ito, sa tingin niya ay babalik ang
reputasyon na meron siya sa school.
Sa klase naman, nagtataka si Prin kung bakit wala pa si Bella. Absent ito sa unang
klase. Natapos na ang unang klase at hindi niya nakita ang kaibigan. Lumabas siya
para pumunta sa susunod na class.

Nakita niya doon si Bella. Nakangiti niya itong nilapitan pero seryoso lang ang
kaibigan niya. Halatang malalim ang iniisip.

"Okay ka na, Dear?" pangangamusta niya dito. Mukhang wala na ang bahid ng pasa at
bukol nito sa noo. Pero napansin niya na may pasa ito sa braso.

"Gawa ba ‘yan ng masamang loob nung nakaraang araw?" tanong niya.

Bigla nitong tinakpan ang braso. "Uhmm.. wala ito"

Halata ni Prin na may hindi tama sa kaibigan niya. Nagduda si Prin sa sagot ni
Bella.

"Anong nangyari d'yan? Sabi mo sa'kin, I'm your best buddy here," pagtatampo niya
habang turo ang pasa nito.

Nakita na lang ni Prin na lumuluha ang kaibigan niya.

"‘Yung boyfriend ko kasi nahuli ko kagabi na may babae kaya nakipaghiwalay ako sa
kanya. Ang gag*, ayaw akong tigilan. Huhuhu," sabi nito habang umiyak.

Nilapitan niya ito at niyakap. Naisip ni Prin na maswerte siya kay Cally. Hindi
babaero ang asawa niya. Bigla niyang naisip kung hindi nga ba talaga babaero si
Cally.

Biglang sumulpot sa isip niya ang matalim na tingin ni Cally. 'Sorry na master'

'Hmmm. So far, wala naman siyang naging girlfriend' iyon ang pagkakaalam ni Prin.

"Mabuti naman at nakipaghiwalay ka na. Huwag ka nang umiyak. Marami akong kaibigan
na lalaki, lahat sila macho at pogi pa. Irereto kita sa kanila."

"Kaya lang my friend, kagabi nung nakipag-hiwalay ako, sinaktan niya ako," nakayuko
na sabi nito.

'Aba't---' nanggigigil si Prin sa nobyo nito. Natapik niya ng biglaan ang mesa ni
Bella.

Nakita niya ang lalaki nung magpunta sila ni Cally sa supermarket. Gwapo ito pero
hindi guwapong-guwapo na tulad ng mga kasama niya sa Dark Guards.

"Kapag sinaktan ka ulit ng mokong na iyon, isumbong mo sa akin," sabi ni Prin sa


kaibigan. Kumalma naman si Bella.

"Tama ka my friend, isusumbong ko talaga siya sa iyo. Feeling pogi, Panget naman!"
biglang sabi nito.

SA OPISINA ni Cally…

"Master, iniimbitahan kayo ni Mayor Villanueva na kumain sa isang restaurant,"


pagbibigay-alam ni Xander.

Kumunot ang noo ni Cally. Umismid siya mukhang hindi sinunod ng Mayor ang usapan
nila. Ang lakas ng loob ng anak nito na saktan si Prin pero walang lakas ang Mayor
na saktan ang anak.
Dahil maganda ang mood ni Cally resulta sa mga naganap sa kanila ni Prin ng
nagdaang araw, hahayaan niya na lang ang Mayor na iyon. Basta siguraduhin lang nito
na hindi na ito pwedeng umulit pa.

Hinarap niya si Xander. "Hindi ba dapat alam mo ang sagot?"

Kinabahan kaagad ang binata. Kumamot ito sa ulo. "Ahmm… Master, makulit po kasi.
Gusto pong humingi ng paumanhin sa inyo."

"Xander, I don't want to see him. I don't care kung hindi na siya tumupad sa
usapan. I don't want to see his face." He gave an annoyed look.

"Yes Master... May afternoon meeting nga po pala kayo master sa project ng bagong
Movie ng opisina. Sa chinese restaurant po magaganap."

Naisip niya si Prin. "Gan'on ba? Pasunurin mo na lang doon si Prin."

Napansin naman ni Xander na gumaan muli ang pakiramdam ng master niya. Mukhang si
Prin lang ang sagot kapag umiinit ang ulo nito sa kanya. Ibang iba ang mood ng
master niya nang pinag-usapan nila si Mayor Villanueva, sa mood nito nang si Miss
Prin na ang paksa nila.

Sa tingin niya ay in-love talaga ang master niya sa asawa nito.

"May itatanong pa nga pala ako muli Master."

Hinilot ni Cally ang sentido niya. Hindi pa kasi nilahat ni Xander ang sasabihin
nito.

"Nagtatanong ang kambal kung pwede daw nila makasama si Miss Prin sa weekend sa
bahay niyo po--?"

"Hindi pwede. " Matalim ang tingin na pinukol ni Cally kay Xander. Kinabahan naman
si Xander at tuluyan nang lumabas na opisina niya.

Nagsisimula pa lang sila ni Prin, may gusto nang umagaw ng oras nito. No way!

NAKATINGIN lang si Luna kay Prin at pinag-aaralan niya ito.

Hindi siya makapaniwala na magiging asawa ito ng Presidente ng MGM na si Cally Han.
Sa tingin niya, isang bluff lang iyon sa Daddy niya. Ang pakilala ni Prin ay nobyo
lang nito si Cally na nakita sa Billard Bar nang mga nakalipas na gabi ng mga ka-
eskwela niya. She is gritting her teeth.

Sa isang iglap, masyado ng sumikat si Prin sa school.

Wala pa ngang dalawang buwan doon ang kinaiinisan niya na si Prin, pumalo agad ang
pangalan nito bilang nangunguna na popular sa eskwelahan nila. Samantalang siya,
inabot ng anim na buwan bago niya nakuha ang posisyon na iyon.

Meron kasi silang online poll sa school site na gawa-gawa lang ng kung sino. Ganoon
pa man, hindi maiwasan na makaramdam siya ng inis sa babae.

Ang buwisit na si Sean, lalo lang pinaiinit ang ulo niya. Nagawa pa nitong
mangharana sa babae na hindi nito nagawa sa kanya.

Wala siyang ibang naiisip kun'di sundin ang utos ng Daddy niya. Wala pa ni isang
lalaki ang umayaw sa ganda niya kaya tiwala siya na mapapa-amo niya si Cally Han.
Hindi lang ang Daddy niya ang sasaya, kun’di pati na rin ang pangalan niya.
Naiimagine niya na ang sarili na hinahatid araw-araw ng Maybach ni Cally.

Tahimik lang siya sa school at walang sinasabi sa mga nalaman niya tungkol sa
pagkatao ni Prin dahil parang tinulungan na rin niya ang babae sa popularity nito.

'Hmp! Kapag nakuha ko ang loob ni Master Cally, paaalisin kita sa bahay niya.' Sabi
niya sa sarili.

May plano na sila ng Daddy niya. Malaki ang sinuhol ng pamilya niya sa bagong
production na gagawing movie ng MGM Corp. Isa siya sa na-pilit na ipasok bilang
kasama sa 2nd lead kahit wala pa siyang karanasan sa pag-arte. Sabi nga, kapag may
pera at ganda, madali na makuha ang lahat.

SINUNDO si Prin sa eskwelahan ng sasakyan ni Cally. Akala niya ay naroon ang asawa
niya sa loob ng sasakyan nito, ngunit nabigo lang siya na hindi ito nakita.

"Where is your Master?" tanong niya sa chauffeur.

"Nasa isang restaurant, Miss. Doon po kayo pinatutuloy ni Master," sagot nito.

Ngisi lang ang naisagot ni Prin. She is excited to see her husband.

Nagpatuloy lang siya sa pag-review hanggang sa huminto ang sinasakyan sa tapat ng


isang Chinese restaurant. Mag-isa si Prin na lumabas ng kotse at tanging cellphone
lang ang bitbit papasok sa loob ng chinese restaurant.

"To reservation room B," sabi niya sa receptionist.

"This way po." Nagsimulang maglakad ang babae. Sumunod dito si Prin.

Nakita niya si Assistant Xander na hindi mapakali sa hallway. Base sa akto nito,
sigurado na may hindi magandang nangyayari sa reservation room B.

"Anong nangyayari?"

Nanlaki ang mata nito nang makita siya. Hindi nito sigurado kung maganda ba ang
timing niya o hindi.

"M-miss Prin!" Kagat-kagat nito ang hinlalaki sa kamay.

"Ma-mabuti pa Miss Prin uminom muna kayo ng tubig sa main hall… tingin ko po
nauuhaw kayo," payo nito.

Naghinala agad si Prin na may hindi magandang nagaganap. Pwede kasi siya nitong
painumin ng tubig sa reserved room. Bakit kailangan niyang bumalik sa main hall?

"Anong meron sa loob?"

"Wala Miss Prin, hindi lang tapos ang meeting," katwiran nito.

"Ahhh okay." Tinalikuran niya si Xander at nagsimulang ipakita dito na pabalik na


siya. Nang mapansin niya na nakampante si Xander, umikot si Prin muli at mabilis na
nabuksan ang pintuan ng Room B.

Kumunot ang noo niya sa nakita. Si Cally at si Luna lang sa loob, wala na ang iba
pang kasama ng mga ito. Sakto ang pagbukas niya ng pintuan sa pagbuhos ni Cally ng
tubig sa mukha ni Luna.
Lumingon sa kanya si Luna na halatang natatakot. Kita niya na nakabukas ang ilang
butones sa blusa nito, sakto lang na nakalitaw ang cleavage at Bra nito.

Ang unang reaksyon ni Prin ay takbuhin si Cally at ipiring ang mata gamit ang
dalawang palad niya.

"Husbie, close your eyes! Come on! close your eyes!" utos niya kay Cally kahit pa
tinakpan na niya ang mata nito.

"Mabuti pa na lumabas ka na dahil dumating na ang asawa ko. Pakisabi nga pala kay
Mayor na hindi makakalusot sa akin itong ginawa niyo," banta ni Cally kay Luna
habang nakapiring ang mata.

Takot na takot ang hitsura ni Luna. Si Xander sa labas ay hindi alam ang gagawin.
Nagpasalamat na lang siya at mukhang hindi naman galit si Prin sa nakita nito.

Iyon nga lang, kakaiba magbanta ang master niya sa oras na iyon dahil nasa likod
nito ang asawa at pinipiringan ang mata.

Kakaiba sa mga paraan ng banta ni Cally sa mga nakalipas.

Tinawag ni Xander si Luna. "Miss Luna, mabuti pa na ayusin mo na ang sarili mo at


umuwi ka na."

NAGPUNTA si Cally sa chinese restaurant dahil kailangan niyang umattend doon bilang
suporta sa Pelikula. Iyon ang sinimulan ng lolo niya na si Master Han kaya isa ito
sa magaling na businessman dahil pinahahalagahan nito ang mga empleyado at tao sa
opisina.

Mula sa mga Board of Directors hanggang sa pinaka-maliit na trabaho ay mahalaga sa


Pamilya nila.

Binati siya ng Drektor, Managers at kung sinu-sino pa nang pumasok siya sa kwarto
na pinareserba ng opisina para sa meeting na iyon..

Maayos naman ang lahat at wala siyang napapansin na kakaiba bukod kay Luna. Hindi
kasi akalain ni Cally na makikita niya sa lugar ang babae.

Panay puri ng Direktor sa babae na siyang pinaghinalaan niya. Akala siguro ng


Direktor ay pumapatol siya sa kung kani-kanino lang. Dalawang buwan pa lang siya
nang magbalik sa opisina at hindi naman bago sa kanya ang akto ng Direktor.

Ang pagkakaiba nga lang sa akto nito sa iba ay masyado kung pabanguhin ng direktor
ang pangalan ni Luna sa kanya. Mukhang hindi nito naiintindihan na hindi lang siya
basta isang businessman, alam niya kung kailan masama ang intensyon ng isang tao at
basura para kay Cally ang mga sinasabi nito.

Sikreto siyang nagpadala ng mensahe kay Zuki para mabilisan nito na madiskubre ang
lahat.

[I need answers as soon as possible] ito ang ipinadala niyang mensahe kay Zuki.

Sakto na natapos ang afternoon tea sa mga staff nang makatanggap si Cally ng
mensahe mula kay Zuki. Ayon dito, isang kahina-hinalang transaksyon na
nagkakahalaga ng kalahating milyon ang natanggap ng Direktor at nanggaling ang pera
mula sa opisina ng Mayor.

Nakaramdam ng suklam si Cally nang mabasa niya iyon.

[Gather all the evidence] pinadala niya kay Zuki. When he said 'all', he meant all.
Pinahahanap niya ang lahat ng transaksyon ng Mayor na ikababagsak nito.

Sinusubukan talaga siya ng Mayor. Binigyan niya ito ng pagkakataon nang nakaraang
linggo pero mukhang ipapain pa nito ang anak sa kanya. Hindi lang iyon, ginagamit
pa nito ang pera na hindi naman nito pag-aari.

Isang kasuklam-suklam na gawain para kay Cally.

Si Luna naman ay hindi makapaniwala na parang hangin lang siya sa mata ni Cally.
Nagsuot siya ng sexy pero sakto lang na magmumukha pa rin siyang mahinhin sa mata
nito.

Nang makita niya si Cally, nagkaroon siya ng lakas ng loob na ipusta ang lahat sa
hapon na iyon. Hindi lang dahil sa kagustuhan ng Daddy niya, kun'di gusto niya
mismo.

Sa palagay ni Luna, ang presidente ang pinaka-angat sa lahat ng lalaking nakita


niya.

Kahit sinong babae ay mabibighani kay Cally. Aral at may sinasabi ang bawat
pagkilos nito. Ni isang kurap ay hindi niya magawa sa harapan ni Cally.

Nainis lalo siya kay Prin. Kung sana ay mas nauna niyang nakilala si Cally,
malamang na siya ang nasa tabi ng lalaki.

Nagpaalam na ang ibang crew sa meeting. Naiwan ang Direktor at si Luna. Pinilit ni
Cally na magpaka-cool sa harapan ng dalawa.

"Direktor, you wait outside," utos niya dito.

Abot hanggang tainga naman ang pagkakangiti ng Direktor hanggang sa makalabas siya.
Iniisip niya na mukhang kinagat ni Cally ang pain niya. Usapan nila ng Mayor na
kapag nagtagumpay ang plano nito, ibibigay nito ang kalahating milyon pa.

Sino ang hindi tatanggi sa pera?

Bumungad sa Direktor si Assistant Xander sa hallway at inabot sa kanya ang isang


tseke.

"Ito na ang huling araw mo sa opisina, Tanggapin mo rin ito bilang huling sweldo
mo. Salamat," pagbibigay-alam ni Xander.

Nanlaki ang mata ng Direktor. "A-assistant Xander, ano pong ibig sabihin --?"

Umismid lang si Xander. "Alam mo ang ginawa mo kaya hindi na ako magpapaliwanag."

Matapos nitong sabihin ang bagay na iyon ay hindi na siya pinansin.

Parang maiiyak naman ang Direktor nang makita ang laman ng Tseke. Limang daan? Ang
kotse na gamit niya ay pag-aari ng MGM. Kaya parang binayaran lang ni Cally ang
pang-taxi niya, sabihin na umuwi na siya sa bahay at huwag nang bumalik sa opisina.

Sa loob ng kwarto, nakangiti si Luna na lalapit sana kay Cally pero pinukulan siya
ng lalaki ng matalim na tingin. Kinilabutan siya sa tingin pa lang nito.

Napalunok si Luna pero hindi siya tumigil. Sinimulan niyang tanggalin isa-isa ang
butones ng blusa niya.

"M-master, maybe we can.. You know." Tinangka ni Luna na lapitan ang lalaki.

"Huwag kang lumapit sa akin, kung hindi ay baka itapon kita sa bangin," banta ni
Cally.

Napahiya si Luna. pero sinubukan niya pa rin na tumayo para lapitan ito. Kinuha ni
Cally ang kopita nito ng tubig at itinapon sa mukha ng babae. Iyon ang nabungaran
ni Prin.

Nakaramdam ng lunod at lamig si Luna. Kasabay ng takot sa lalaki.

Agad naman lumapit si Prin sa asawa niya at tinakpan ang mata nito. Naaliw si Cally
sa kinilos ni Prin pero pinilit pa rin niya ang sarili na takutin ang babae.

"Miss Luna, wala ka bang nadinig sa sinabi ko? halika na!" sabi dito ni Xander.

Nang tuluyan na makalabas si Luna, doon lang tinanggal ni Prin ang piring sa mata
ni Cally.

"Anong nangyari? My golly! Ganoon na ba ang fashion sa Pilipinas ngayon? Kailangan


nakalitaw na ang bra?"

Cally "..."

Xander "..."

NATATAKOT si Luna matapos lumabas ng restaurant. Hindi niya matanggap ang nangyari.
Anak siya ng Mayor na isa sa mga malalaking syudad sa bansa kaya hindi niya
matanggap na hiniya siya ni Cally Han.

Kasalanan ito ng Prin na iyon! Malamang kung anu-ano ang sinabi nito kay Cally.
Hindi siya papayag na alipustahin ng kung sino.

Hiyang hiya siya na ginawa niya pa ang halos maghubad sa harapan ng lalaki, pero
hindi man lang siya nito binigyan ng halaga o kahit ang mukha niya bilang anak ng
Mayor.

Sinira niya ang ibang parte ng damit niya at saka tumuloy sa loob ng bahay nila.

Umiiyak si Luna na pumasok ng bahay. Agad niyang niyakap si Mayor na kasalukuyang


nag-hihintay ng magandang balita.

"Huhuhu… Daddy…"

"What happened?" tanong ng Mayor.

"Pinagsamantalahan ako ni Cally." Patuloy lang sa pag-iyak si Luna.

Natuwa naman ang Mayor. Si Luna ay isang mabait na anak sa paningin niya. Kaya
kahit pa gumawa ito ng kalokohan na ipadukot ang anak ni Rob Matsui ay naniniwala
ito na hindi magsisinungaling si Luna.

Sa tingin ni Mayor ay may hindi talaga maayos na pagkakaunawaan sa nangyari na


iyon.
"Okay lang iyan anak! Kakausapin ko si Master Cloud at hihingi ako sa kanya ng
tulong para panagutan ka ni Cally."

"Pero Dad, paano kung hindi nila pagbigyan ang hiling mo."

"Luna, nakalimutan mo ba na Mayor ako. Kung hindi nila tayo pananagutan, humanda sa
'kin ang Cally na iyan dahil sisiguraduhin ko na ilalabas ko sa media ang ginawa
niya sa iyo."

Nakuntento naman si Luna sa sagot ng Daddy niya.

Tumuloy siya sa kwarto at naniniwala na sooner or later mapupunta rin sa kamay niya
si Cally Han.

KINABAHAN si Xander dahil inisip niya na baka nag-isip na ng masama si Prin sa


naganap. Lumabas muna siya ng kwarto at iniwan si Prin at Cally sa reserved room.

Biglang hindi napakali si Prin.

"What am I going to do?" bulong ni Prin sa sarili pero sakto lang para marinig ni
Cally.

Hinila ni Cally ang kamay niya at pinaupo siya sa binti nito.

"Why?" tanong ni Cally.

Tinitimbang ni Prin kung dapat ba niyang sabihin kay Cally ang nasa isip. Napakamot
siya sa ulo. "Nothing… Sa tingin ko na-pollute iyong mata mo dahil nakakita ka ng
boobs," nakayuko na sabi niya dito.

Naaliw si Cally sa katwiran ni Prin. "hmm..? I didn't see anything."

"Are you sure?" tanong niya. Nakita niya ang dibdib ni Luna pati ang pulang bra ng
babae. Imposible na hindi iyon nakita ni Cally.

Nagdududa ang tingin na pinukol ni Prin kay Cally.

"If that really concerns you, show me your boobs to purify my eyes."

Prin "..."

"C’mon, show me."

"I- I'm not gonna show you anything!" Nahihiya si Prin na nagtakip ng mukha.

Natutuwa naman si Cally sa reaksyon niya. Naabutan na siya nito na inaakit ng ibang
babae pero nagawa pa rin nito na mag-isip ng simple. Ang tanging ginawa lang ni
Prin ay piringan ang mata niya at nag-aalala pa ito na baka nadumihan ng masama ang
paningin niya. Her actions are unique. Kahit papaano ay nakakaaliw ang common sense
ng asawa niya.

"Gusto mong kumain?" tanong ni Cally.

"Sa bahay na lang."

"Okay, Let's go home," aya ni Cally.

"Wala ka nang gagawin?"


"Wala na dito sa restaurant. Unless, you want to show your boobs."

"Shut up… Masyado kang bully… l-last time, you only wanted a kiss. Bakit nag-u-
upgrade ang mga gusto mo?"

"Bakit? Ano ba ang gusto ko?" kunot-noo na tanong nito.

Pulang-pula ang mukha ni Prin. "I don't want to talk to you!" tinangka niya nang
tumayo para iwasan ito pero hinila muli siya pabalik sa kandungan at siniil ng
halik sa labi.

Nilipad ng hangin ang diwa ni Prin. Hindi na nga nila namalayan na nagbukas ang
pinto. They are kissing nang papasok sana sa loob si Xander para ipaalam na
pinahatid nila sa crew si Luna.

"ah Master ahm--" nanlaki ang mata nito at nagmadaling lumabas muli nang makita
kung ano ang ginagawa ng mag-asawa sa loob.

Ang hirap maging Assistant may 'psychological damage' sa pagkatao niya.

Kanina lang ay natatakot siya na baka hindi magkasundo ang mag-asawa. Hindi pa man
nagtatagal ang sampung minuto, gumagawa na ng kamilagruhan ang dalawa. Ito ang mga
nasa isip ni Xander.

PAUWI na si Bella nang makasalubong niya ang dating nobyo sa daan. Hinawakan siya
nito bigla sa braso.

"Hey!" angil niya.

"Babe, sorry na. Ikaw naman ang may kasalanan kung bakit ako pumatol sa iba e. Kung
pumapayag ka lang sana na may mangyari sa atin. E'di sana walang iba."

Nakaramdam ng pagkasuklam si Bella. Bakit ba ngayon niya lang nakita ang ugali ng
lalaking nasa harapan niya? Tama ba na sa kanya pa isisi ang dahilan.

"shut up! Bitiwan mo ko! May boyfriend na ako!"

Ngumisi lang ang lalaki at humigpit ang hawak sa braso niya. "Ipakita mo muna sa
akin ang kung sino man ang boyfriend mo na iyan! Ang bilis mo naman yata akong
palitan. Hindi ako naniniwala na may iba ka agad."

'Aba't!' Tiningnan niya ito ng pailalim. She really felt disgusted.

"Ipapakita ko talaga sa iyo! Mas gwapo ng 'di hamak kaya na-inlove ako sa kanya.
Lamang sa iyo ng sampung paligo!"

Tumiim ang bagang nito. Hinigpitan pa lalo ang hawak sa braso niya. Akmang sasaktan
muli siya nito pero tinuhod niya ang bayag nito. Iyon ang turo sa kanya ni Prin.

Namilipit sa sakit ang dati niyang nobyo. Binelatan niya lang ito saka tumakbo
pauwi.

Dahil hinahanapan siya nito ng boyfriend, sinimulan niyang maghanap sa internet.


'Handsome guy' ang nilagay niya sa search bar.
Madami ang lumitaw na larawan ng kung sinu-sino. Karamihan ay celebrities. Ang
hinahanap ni Bella ay ‘yung tipo na hindi sikat, ma-appeal, matapang ang mukha para
matakot ang walang hiya niya ng ex-boyfriend. ‘Yung tunay na lalaki.

Nakahiga na siya sa kama at inabot na siya ng gabi, wala pang pumapasa sa


pamantayan niya ng tunay na lalaki. Matapos ang ilang oras, nakita rin niya sa
wakas ang hinahanap.

Pinagmasdan niya ang mukha ni kuyang pogi kahit naka-sideview ito ng bahagya.
Makapal ang kilay, may pamatay na tingin, had an imposing - romanesque nose, at
labi na para bang napakasarap i-kiss at kayumanggi ang kulay. overall mukhang
papasa sa kategorya niya ng tunay na lalaki.

Hanggang dibdib lang ang larawan kaya nakaramdam siya ng pagkadismaya. Sa tingin ni
Bella, matangkad ang lalaki. Isang halimbawa ng tall, dark and handsome.

Hindi na siya nagdalawang isip pa na ilagay ang larawan ng lalaki sa kanyang


timeline. 'My new boyfriend. Goodnight my loves!' ang nilagay niya sa caption.

How she wished na makita sa personal ang lalaking nasa larawan.

PATULOY na nagtatrabaho si Cally kahit nasa bahay.

Nakayukyok lang si Prin sa braso niya na nasa ibabaw ng office table nito sa bahay
at pinanonood ang seryosong mukha ni Cally na nasa kabilang bahagi ng mesa.

"Hindi ka pa matutulog?" tanong ni Cally sa kanya kahit pa nasa monitor ng laptop


nito ang mga paningin at nagtitipa sa keyboard.

"Gusto mo na bang lumabas ako?" paninigurado ni Prin.

Inangat ni Cally ang paningin sa kanya. "Hmm… Sit here para ma-inspire ako at
bumilis ang trabaho ko para masamahan na rin kita matulog." Pinagpag ni Cally ang
binti.

Nag-aatubili si Prin kung susunod kay Cally. "Gusto mo ba ako na ang magbuhat sa
iyo?"

Napatayo bigla si Prin at sumunod kay Cally. Umupo siya sa binti nito. Nagpatuloy
si Cally sa pagtrabaho.

Hindi maiwasan na mapagmasdan niya ang ginagawa nito na nasa screen. Puro graphs at
kung anu-ano na hindi niya naiintindihan. Isa lang ang sigurado siya sa ginagawa
nito. Boring!

"What are those lines?" Nasa isip ni Prin kung puro linya-linya lang pala ang
ginagawa ni Cally pwedeng pwede siya na mag-apply sa MGM.

"Those blue lines represent MGM's revenues. Those red lines are expenditures. Huwag
mo na ring alamin, I am sure you wouldn't understand," sagot ni Cally na
napapailing.

Pinukulan niya ito ng masamang tingin. Sinuri niya pa ng mabuti ang chart para
patunayan dito na naiintindihan niya rin ang ibig nitong sabihin.

"3 thousand? Three thousand lang ang kita niyo?"


Nagtaas ang kilay ni Cally. "What do you mean by three thousand lang?"

Tinuro ni Prin ang mga numero. "This one."

Pinitik ni Cally ang noo niya na agad niyang hinipo.

"That is not three thousand, the chart is talking about billions. Do you see the
word here? It says, in millions. Meaning lahat ng numero dito ay million. 3
thousand in a million, how much is it?"

"Why would I care about that? Nandyan ka naman para intindihin," ang naging sagot
ni Prin para makaiwas. Tulad ng inaasahan ni Cally, siguradong hindi nito
naiintindihan.

"Ang sabihin mo, hindi mo talaga nage-gets." Napapailing si Cally sa kanya.

Umirap lang si Prin.

"By the way, kamusta ang school?" biglang tanong ni Cally.

Naisip bigla ni Prin si Sean na sinimulan na naman siyang guluhin. Napakamot sa ulo
si Prin at hindi makatingin kay Cally.

"Akala ko ba bibilisan mo magtrabaho?" iwas niya dito.

Too bad she is talking to Master Cally. Humalukipkip si Cally at pinag-aaralan ang
mukha niya.

Kinuha nito ang Cellphone na nasa tabi ng laptop. Pinindot lang ang isang numero sa
keypad. "Xander, please investigate what happened to your miss today," iyon lang
ang sabi at binaba na nito ang tawag.

Prin "...."

Sa sobrang bilis ni Cally, hindi man lang siya naka-alma.

Sinara ni Cally ang laptop nito at hinarap siya. "Hihintayin ko ba ang balita ni
Xander."

"Well, wala namang iba bukod kay Sean. h-he gave me flowers and balloons," sabi
niya.

Naging seryoso bigla si Cally. Mukhang kailangan niyang i-level up ang 'proteksyon'
ni Prin.

PAWIS na pawis ang lahat matapos mag-eensayo ang Dark Guards ng jiu jitsu. Nasa
Senior Black Team na ang mga kasama ni Prin noon na si Kai ang pinuno at kada taon
may mga nare-recruit na bagong trainees.

Hinihingal si Kai na umupo sa harap ng maliit nilang kubol. Dalawang tao ang
lumapit sa kanya. Si Ana at si Tom na bagong miyembro na ang code ay MB002.

"Leader MB5!" sabay na sabi.

"Sige, ladies first," mungkahi ni Tom.

"Nah! You first," sabi ni Ana dito. Hindi naman ganoon ka-importante ang sasabihin
niya kay Kai kaya nagpaubaya siya.
"Leader, May email kayo mula kay Shi Cally," pagbibigay-alam nito. Trabaho kasi ni
Tom ang magmonitor sa emails nila.

Kumunot ang noo ni Kai. Bibihira na padalhan siya ng mensahe ng Master nila. Pwera
na lang kung importante.

"Sige titingnan ko mamaya," sagot ni Kai. Hinarap naman nito si Ana.

"Ikaw naman, ano ang kailangan mo? Tsk! may bitbit ka na namang cellphone." Kita sa
mukha nito ang disgusto. Ayaw na ayaw kasi ni Kai na ipakita sa mga trainees ang
mga cellphone ng mga Dark Guards lalo na sa training area bilang respeto na rin sa
mga ito.

"Sorry Leader, na-excite lang ako. Itatanong ko lang kung bakit hindi mo sinasabi
na may girlfriend ka na pala."

Tumaas ang kilay ni Kai. "Girlfriend?"

Tinapat ni Ana ang cellphone sa harap ng mukha niya. "Hindi ba ikaw 'to?" Tinuro pa
ang larawan.

[My new boyfriend. Goodnight my loves!] ang nakalagay sa caption. Picture niya iyon
sa Profile nila sa Dark Guards. Paanong napunta iyon sa internet?

Naalala niya na parusa nga pala niya iyon kay Lorenz ng nakaraang buwan sa pustahan
nilang dalawa. Ginamit ni Lorenz ang larawan niya at pinadala sa social group sa
internet na 'Mr. Pogi'.

Puro larawan ng kung sinu-sino ang nasa group na iyon. Gumanti lang talaga ito sa
kanya dahil pinarusahan din ito ni Cally at gano’n din ang ginawa dito ng master
nila.

Nagtaas ang kilay ni Kai. Sinuri niya ang profile pic ng babae. Naka-bun at may
headband pa na bulaklakin ang nakapatong sa buhok nito na kulay light brown,
bilugan ang mata na kumikinang na parang bituin, wala man lang eyebags, maganda,
makinis ang mukha at ang kinaaayawan niya sa lahat --mukhang pabebe!

"Hindi ko siya kilala," simpleng sagot niya at binalik kay Ana ang cellphone.

"Ahem… Sigurado ka na hindi mo girlfriend 'to? Maganda 'yung babae," nakangisi na


sabi ni Ana.

"Nah! Not interested."

PATUNGO si Prin sa susunod na klase nang makasalubong niya ang Mommy Ginny niya.
Napatunayan niya na mukhang hindi nagbibiro si Cally na magtuturo ito doon sa
school nila. Mapagkakamalan ng kahit na sino na nasa trenta mahigit lang ang Mommy
Ginny niya pero malapit na talaga itong mag-fifty.

"Mommy Ginny," masayang bati niya dito at nakipag-beso sa pisngi.

"Prin, how are you? Kamusta ang pag-aaral mo?" pangangamusta nito.

Napakamot sa ulo si Prin. Matatalino kasi ang mga anak nito kaya nakaramdam siya ng
kaunting hiya. Pakiramdam niya tuloy ay hindi siya 'belong' sa pamilya nito.
"Mommy Gin, Hindi po ako ganoon katalino pero pasado naman po ako. Everyday
nagkikita kami ni Cally para mag-aral sa opisina niya," nakayukong kwento niya.

Ngumiti ito sa kanya. "Huwag ka nang mahiya." Bigla itong tumawa.

"Look at your Dad and your Daddy Cloud, they were the most pasaway during our
college days but look at them now. Your Dad owns hundreds of 'White Devil Bars' in
the world. Your Daddy Cloud is the MGM chairman." Tinapik siya nito sa balikat.

"Kaya wala kang dapat alalahanin, you are doing your best. Kung tutuusin hanga ako
sa iyo, at the age of fourteen alam mo na agad ang pangarap mo sa buhay. And you
are one of the best Dark Guards" kumindat pa ito sa kanya.

"You are doing great… Punta ka na sa klase mo at baka ma-late ka pa. Samahan mo ako
na mag-shopping sa weekend ha."

Natuwa naman siya sa imbitasyon nito.

"Sure. Sige po"

"O siya, umuna ka na at may klase ka pa," sabi nito.

Nakangiti si Prin na nagpaalam. Bigla niyang namiss ang Mommy niya na nasa HongKong
sa kasalukuyan dahil sa business.

Tumuloy siya sa klase, ang totoo ayaw niya sa klase niya na iyon dahil hindi niya
gusto ang professor na mukhang manyak.

Iyon nga lang, ayaw niya na sabihin ni Cally na sumusuko siya sa mga klase kaya
patuloy lang siyang pumapasok. Professor niya ang lalaki sa Literature subject na
isa pa sa mga ayaw niya, si Mr. Torres.

Nababalitaan niya sa ibang estudyante na madalas manghipo ang lalaki na nasa edad
kwarenta pataas ang edad. Wala pa naman ginagawa sa kanya ang lalaki kaya kalmado
lang siya.

Saka subukan lang nito, hindi siya magdadalawang isip na pakainin ito ng whiteboard
eraser.

Ito pa lang ang nasa isip ni Prin na hindi niya akalain na susubukin agad siya sa
araw na iyon ni Mr. Torres.

MATAPOS ang klase, pinatawag siya ni Mr Torres sa table sa bungad habang isa-isang
nagsisilabasan ang mga kaklase niya.

"Kunin mo ‘yung silya at umupo ka dito sa harap." Sinunod naman niya ito.

"Gusto kong ipaalam sa iyo na mababa ang grado mo," panimula nito.

Nadismaya si Prin. Madalas kasi na puro subjects nito ang pinapaaral sa kanya ni
Cally. "Naku Sir, ginagawa ko na po ang magreview."

Tinanggal nito ang salamin sa mata at tumayo mula sa kinauupuan. Lumapit sa kanya
at hinawakan siya sa balikat.
"Alam mo Miss Matsui, pwede naman kitang ipasa..." sabi nito na pinilit na
lambingan ang boses. Ang mga palad nito ay humagod mula balikat niya hanggang sa
braso. Nakaramdam ng pandidiri si Prin sa ginawa nito.

"Kailangan mo nga lang galingan. Magkita tayo sa tapat ng isang motel mamayang
gabi," nakangisi na sabi nito. Pinisil pa nito ng bahagya ang braso niya.

Nag-init agad ang ulo ni Prin dahil sa ginawa ng Professor niya pero pinilit niya
ang magpaka-cool. "Ano pong ibig niyong sabihin, Sir Torres"

"Ano pa nga ba, alam mo na iyon..." makahulugan na sabi.

"Alam niyo Sir, may nadidinig na kasi ako tungkol sa inyo. Pasensya na po pero,
hindi po ako payag." tanggi niya.

"Miss Matsui, maganda ka. Tsk! Sigurado na sakto ang ganda mo sa manoy ko,"
diretsahang sabi nito. Doon na tuluyan na hindi napigilan ni Prin ang sarili kaya
inikot niya ang kamay nito na nakahawak sa braso niya at pinilipit iyon.

"Ahhh!" hiyaw nito. May mga nakarinig na estudyante sa labas ng kwarto kaya sinilip
sila ng mga ito.

"Tulong! Tulungan niyo ako! Sinasaktan niya ako!" sabi nito sa mga estudyanteng
nasa labas. Nagsipasukan naman ang mga ito para tulungan ang professor nila.

"Huwag kayong lalapit!" banta niya sa mga ito.

"Prin, huwag mong saktan si Sir." Hiling ng mga ito na gumilid at takot na lapitan
siya.

Hindi niya pinansin ang mga ito.

"Alam niyo Sir, kulang pa ‘yan!" singhal niya dito. Binali niya ang hinliliit ng
daliri nito. Rinig ng lahat ang lagutok ng daliri ng Professor nila.

Nanlaki ang mata ng mga estudyante. Naisip ni Prin kung ilang babae na ang
namolestya ng lalaki sa school kaya sa pananaw niya kulang pa ang hinliliit ng
lalaki. Dapat niyang pantayan ang mga basag na buto ng daliri nito sa mga
namolestyang babae. Nabigla naman ang iba niyang kaeskwela kahit hindi alam ng mga
ito ang nangyari. Tumawag ng guard ang mga ito.

"Ahh saklolo! Saklolo!!!" hiyaw nito dahil nasa ikalawang daliri na nito ang binali
ni Prin.

Tila demonyita ang hisura ni Prin ng mga oras na iyon. Hanggang sa dumating ang
guard at ang Dean. Doon lang siya nahimasmasan kaya binitawan niya ang lalaki.

"Miss Matsui, anong nangyari? Bakit ka nananakit ng Professor mo?" tanong ng Dean.

"Sinaktan niya ako, Dean! Tingnan niyo masakit ang mga daliri ko. Nakita niyo?
nakita niyo ang ginawa niya, di ba? Paalisin na sa school ang babaeng iyan!"

Kilala siya ng Dean bilang asawa ni Cally kaya kalmado lang ito sa harapan niya.
Lalo at naroon sa eskwelahan si Ginny na Mommy nito.

"Miss Matsui, binibigyan kita ng pagkakataon na magpaliwanag," kalmadong sabi nito.

"Dean, huwag niyo nang alamin pa! Aw! aw !" sabi pa nito na tila nasasaktan sa
nabaling mga daliri at hinihingi ang simpatya ng lahat ng tao sa paligid.
Nakaismid lang si Prin. "Tama lang iyan sa kanya, Dean"

Napasinghap ang mga ka-eskwela niya.

"Grabe, ang laki agad ng ulo niya!"

"Siya na nga itong nakasakit, siya pa ang matapang."

"Mukhang masakit ang ginawa niya kay Sir" ilan lang ito sa mga bulungan sa paligid.

Napansin naman ni Mr. Torres ang reaksyon ng mga estudyante. Dinuro siya nito
"tingnan mo Dean, kung gaano ka-walanghiya ang babaeng iyan."

"Magtigil ka, Mr Torres! Kung ako sa iyo ay gugustuhin ko na magtigil!" singhal ng


Dean.

"Kung ganoon dadalhin ko sa hukuman itong ginawa mo!" pananakot ni Mr. Torres

Isang bulto ang lumitaw mula sa pintuan at agad na lumapit sa kanya. "Anong
nangyari, Prin?" tanong ni Ginny.

Narinig nito ang pangalan ni Prin na may sinasaktan na professor sa loob ng kwarto
kaya bigla itong tumakbo papunta sa kalapit na classroom.

Naluha naman si Prin nang makita ang Mommy Ginny niya. Nahiya kasi siya dito. Nag-
aalala siya na baka isipin nito na pasaway siyang estudyante at daughter-in-law.
Nagkita lang sila nito ilang oras ang nakalipas pero masama na agad ang pinakita
niya.

"Sinaktan niya ako, Miss Ginny!" galit na sabi ni Mr. Torres. Kilala si Ginny ng
mga professor doon at hanga sa kanya ang mga ito. Isa pa, asawa ito ni Master
Cloud.

"Anong dahilan kung bakit ka niya sinaktan?" usisa ni Ginny.

Napatigil ito saglit. "Hindi ko alam sa kanya, pinag-uusapan lang namin ang grades
niya tapos bigla niya akong sinaktan." pagsisinungaling ni Mr. Torres. Galit na
galit ito.

"Tatawag ako ng pulis, irereklamo kita dahil malinaw na pananakit ang ginawa mo!"
dagdag pa nito.

Tahimik lang si Prin na lumuluha.

"Sige, mabuti pa nga na tumawag ka ng pulis!" hamon ni Ginny.

Kilala nito si Prin mula pa bata. Isa pa, may prinsipyo ang lahat ng Dark Guards at
naniniwala si Ginny na hindi basta-basta mananakit ang daughter-in-law niya.

NABIGLA si Mr Torres sa hamon dito ni Miss Ginny pero hindi nito pinahalata. Halata
kay Mr. Torres na desidido ito na idemanda si Prin. Ilang saglit lang, hinimatay
ito dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Prin sa dalawang daliri nito.

"Ahhh--!" Hindi mapigilan na mapatili ang ilan sa mga kaeskwela niya dahil sa
bigla.

Nagkagulo ang mga nasa loob at labas ng kwarto.


"Dalhin niyo siya sa ospital." utos ng Dean sa mga estudyante at sa guard. Hinarap
siya nito pagkatapos.

"Miss Matsui, sumama ka sa akin sa opisina ko."

Hinahagod naman ni Ginny ang likuran niya. "Come… Let's go sa office ng Dean.
Sasamahan kita okay."

Tumango lang si Prin. Tama ang ginawa niya kay Mr. Torres pero nakaramdam pa rin
siya ng hiya sa harapan ng biyenan niya.

Habang naglalakad patungong opisina ng Dean, kakaiba ang tingin sa kanya ng mga
estudyante sa paligid.

Ang iba ay nagtataas ng kilay. Ang iba ay nagtataka kung bakit kasama siya ng Dean.

Sa classroom kung nasaan si Bella, nagtataka siya kung bakit wala pa si Prin sa
klase.

"Classmates, please check at the school forum online. Prin was there again!" sigaw
ng isa na kapapasok lang ng kwarto.

Narinig ni Bella ang sinabi nito. Kinuha niya ang cellphone dahil na-intriga siya
sa sinabi ng kaklase niya. She checked the School's online forum.

[PRIN MATSUI HARMED MR. TORRES!!!] at may nakaakibat pa na larawan sa ibaba ng


posted forum. Hawak ni Prin ang isang braso at daliri ni Mr. Torres sa larawan. Ito
ang post ng isang ka-eskwela nila na agad na kumalat hindi pa man lumilipas ang
isang oras.

"Oh my god! Anong nangyari? Bakit niya sinaktan si Mr. Torres?"

"Narinig ko na dinala siya sa opisina ng Dean!"

"At saka dinala daw sa ospital si Mr. Torres. Bago pa lang si Prin pero andami niya
ng kalokohan na ginawa dito sa school."

"Masyado kasing nagmamaganda."

Hindi napigilan ni Bella na magalit sa mga nadidinig.

"Magsitigil nga kayo! Malamang may ginawa ‘yang si Mr. Torres sa kanya!" nagagalit
na sita niya sa mga ito.

Lumabas siya para sundan si Prin sa opisina ng Dean. Si Bella ang nagkwento sa
kaibigan ng mga nakalipas na araw na may mga minamanyak ang lalaki at isa siya sa
mga muntikan ng maging biktima nito. Tinawagan niya lang ang Daddy niya noon at
nagpasundo siya sa sa school. Matapos iyon, iniwasan niya na ang Mr. Torres na
iyon. Sa opisina ni Dean, Kinausap nito at ni Ginny si Prin kung ano ang talagang
nangyari.

"Kasi po Dean, sinubukan niya po ako na pagsamantalahan. Sinabihan niya po ako na


mababa ang Grades ko na pwede naman pong tumaas kung papayag ako na makipagtalik sa
kanya," nakayukong kwento ni Prin.

Nabigla naman si Ginny sa sinabi niya. Tahimik lang ang Dean. Naririnig niya lang
mula sa iba na may ginagawa ngang kabastusan si Mr Torres sa mga estudyante nito
pero kapag tinatanong naman niya ang mga estudyante na kasangkot, pilit na
tumatanggi ang mga ito na magsalita.
"Kung ganoon kulang pa ang ginawa mo sa kanya! Dapat binali mo pati daliri sa paa,"
galit na sabi ni Ginny.

"Kaya ka ba naiyak ay dahil natatakot ka na idedemanda ni Mr. Torres? Huwag kang


matakot," sabi ng Dean.

"Hindi po ako natatakot Dean. Hindi po iyon ang dahilan kung bakit ako naiyak."
Tumingin siya kay Ginny. "Nahihiya po ako kay Mommy Ginny, kaya ako naiyak."

Natouch naman ito sa sagot niya. Niyakap siya nito.

"Wala kang dapat ika-hiya sa akin… Dean, iuuwi ko na po si Prin," paalam ni Ginny.

"Mabuti pa nga Miss Ginny." Huminga ito ng malalim. "Prin, nakahanda ka ba kung
sakaling idedemanda ka niya?" tanong nito.

"Nakahanda po ako Dean," sabi ni Prin. Sa pananaw niya, wala siyang maling ginawa.
Lumaban lang siya bilang babae.

Lumabas na sila ng opisina nito. Nabigla si Prin na napakadaming estudyante sa


labas ng opisina ng Dean. Mukhang nakikiusyoso ang mga ito sa kanya. Nakita niya si
Bella na nasa bungad pati si Sean na nasa isang gilid.

"Why are all of you here? Hala! Balik sa Klase!" sita ng Dean. Agad na nagsipag-
alisan ang mga ito dahil sa takot. Lumapit agad sa kanya si Bella at hindi pinansin
and Dean kahit pa natatakot din ito.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong nito.

"Okay lang ako. May klase tayo ah. Bakit nandito ka? Tumuloy ka na sa klase. I am
okay"

"Basahin mo ang school forum. Chat with you later," sabi lang nito saka nagpaalam
na babalik na din sa klase, lalo at masama ang tingin ng Dean kay Bella.

Si Ginny naman at si Prin ay nagpatuloy na sa paglakad hanggang Parking. Pero hindi


akalain ni Prin na makikita doon si Cally na naghihintay sa tapat ng sasakyan nito.

NAGMAMADALI agad si Cally patungong school ni Prin nang mabalitaan niya mula kay
Xander ang nangyari dito. Nitong mga huling araw ay napag-alaman niya na laging
laman si Prin ng online forum sa school website nito kaya pinababantayan niya ang
forum na iyon.

Nagsimula ang lahat nang makita niya ang posted forum ng tahasang panliligaw ni
Sean sa asawa niya na siyang pina-block niya sa pinsan na si Mat-mat na nasa
Amerika sa kasalukuyan.

Hindi mapalagay si Cally lalo na nang mabasa niya ang mga komento sa forum na iyon.
They are cursing his wife. Gusto niyang ipasara bigla ang online site ng school.

Ngayon, wala siyang ideya sa nangyari na lalong nakadagdag sa tensyon niya. Hindi
siya mapakali habang daan kaya kahit si Assistant Xander na nagmamaneho ay tahimik
at halos bilisan na ang pagmamaneho mapuntahan lang nila si Prin.
Kapag ganoon si Cally, mas nakakatakot ito kumpara sa mga awra nito na nagpapakita
ng disgusto.

Tinatawagan ni Cally si Prin pero hindi ito sumasagot sa kabilang linya. He called
his Mom too, pero hindi rin ito sumasagot.

Nang huminto ang sasakyan sa parking lot ng school ni Prin, mas dumoble ang tensyon
ni Cally at hindi niya alam ang gagawin. Ayaw niyang gumawa ng eksena sa loob, kaya
si Xander ang pinapasok niya sa loob ng gusali para alamin sa Dean kung ano ang
nangyari.

Naghintay siya sa tapat ng sasakyan. Ilang saglit lang, nakita niyang lumabas si
Prin at ang Mommy niya.

Tila lumundag ang puso ni Prin nang makita si Cally na nakasandal sa sasakyan nito.
Siguradong pinuntahan siya doon ng asawa niya dahil nabalitaan nito ang nangyari sa
kanya. That small gesture really matters to her.

Tinakbo niya agad ang asawa kahit pa ilang metro ang layo niya dito. Agad siyang
yumakap sa leeg ni Cally, tumingkayad at hinalikan ito sa labi.

She doesn't care about the world nang mga oras na iyon. Wala siyang pakialam kahit
pa nasa paligid ang Mommy Ginny niya o kahit may mga estudyante na nakatingin pa sa
kanila sa mga oras na iyon. What she needed that moment is Cally's embrace.

Kahit na nabigla si Cally sa inakto ni Prin, nagustuhan niya ang ginawa nito.
Sinuklian naman niya ng yakap ang inakto ni Prin. Tila nakalimutan niya ang dahilan
kung bakit siya sumugod sa eskwelahan nito nang biglaan.

Para bang kinokontrol ni Prin ang lahat ng diwa na meron siya. Ang mainit na halik
nito, ang yakap nito sa leeg niya na sinuklian niya rin ng mainit na yakap at ayaw
niya na itong pakawalan pa.

Wala ni isa sa kanila ang gustong magtapos sa sandali na iyon. Gustong masigurado
ni Prin na hindi isang panaginip si Cally.

Hindi akalain ni Prin na ang inakto niya na iyon ay matutuloy sa loob ng kwarto.
Sinindihan niya ang apoy na namamagitan sa kanilang dalawa.

Pagbukas pa lang ng pinto, agad na siyang tinulak ni Cally sa pader at agad na


pinagpatuloy nito ang naputol na halik sa parking lot ng eskwelahan.

Hindi na nakapag-isip ng maayos si Prin, gusto niyang banlawan ng yakap at halik ni


Cally ang paghaplos na ginawa sa kanya ni Mr. Reyes sa braso niya.

He lifted her up at dinala siya nito sa king-sized bed. Masyadong mabilis ang mga
pangyayari at hindi na namalayan ni Prin kung ano ng mga sumunod na naganap.

Pinuno ng mga pag-ungol ang kwarto na iyon hanggang sa kapwa sila napagod. Cally is
so sweet in her heart. His movement was sweet.

All she did was kiss him back while lying on the bed. He is kissing while thrusting
her slowly as if he wanted to enjoy every moment and every inch of her.

Sino ba ang hindi mai-inlove sa kanyang Prinsipe? Habang nagtatagal mas napapalagay
ang loob ni Prin at mas lumalalim ang pagmamahal niya kay Cally.

He ended their physical activities with a kiss on her forehead.


NAGISING si Prin dahil hinahaplos ni Cally ang pisngi niya.

"hmmm…" ungol niya at pinilit na sumiksik sa dibdib nito.

"ehh, mukhang hindi mo ako titigilan hanggang sa wala na akong mailabas." tudyo ni
Cally sa kanya.

Inangat ni Prin ang mukha niya dahil sa nadinig. "Excuse me, all I want is to
sleep. Ikaw diyan ang manyak tapos sa akin mo isinisisi."

"Honey, did you forget what happened earlier? You are the one who initiated the
fire. You hugged me and kissed me. You kissed me like a jellyfish in the sea. You
see this?" tinuro ni Cally ang namumula nitong marka sa dibdib.

"As a gentleman, I just wanted to return the favor."

"Favor your *ss!" nahihiya na singhal niya saka siya tumalikod.

Niyakap siya nito muli. "That Mr Torres sure have the guts" narinig niyang sabi ni
Cally habang yakap siya nito mula sa likuran.

"Sisiguraduhin natin na makukulong ang manyak na iyon."

KINUHA ni Prin ang Cellphone niya at binasa ang forum sa school. Karamihan ay kung
anu-anong mga panget ang sinasabi tungkol sa kanya.

Hindi naman niya pinansin ang mga ito dahil naniniwala siya na lalabas din ang
totoo.

Sa halip nagsimula siyang magtipa sa keyboard.

[PrinMatsui: Binali ko ang mga buto ng daliri niya sa kamay. So what?!] then, she
posted it in her own profile.

May mga nag-react kaagad at kung anu-ano muli ang reply sa kanya hindi pa man
lumilipas ang dalawang minuto. Puro masasama ang mga sinasabi sa kanya at karamihan
sa mga ito ay puro fans ni Sean.

[Gosh! you are so bold! Get out in our school!]

[Hindi na kami magtataka kung sa susunod ay estudyante na ang saktan mo]

[He is one of the best teachers, samantalang ikaw? Hmp! Good luck!]

Noon niya lang nakikilala ang tunay na mga ugali ng mga estudyante sa school, pati
ang mga kaklase niya mismo ay nagagalit sa kanya nang hindi man lang inalam ang
sinimulan ng pangyayari at katotohanan.

'idiots!'

Balewala naman kay Prin ang opinyon ng mga ito.

"Mamaya ka na mangulit diyan sa cellphone mo. Kumain ka muna" sabi ni Cally na nasa
tapat na mesa.

Binaba niya ang cellphone sa gilid at sinimulan niyang kausapin si Cally dahil wala
siyang gana.

"Anong plano mong gawin kay Mr. Torres?" usisa niya kay Cally.
"Nasabi na sa akin ni Xander na 15 students ang mga namolesya at napilit ng manyak
na 'yon na makipagtalik sa kanya. Most of them are minors. Iba pa ‘yung mga umayaw
sa kanya. Sa ngayon, masarap siyang natutulog sa bahay." Tumalim na naman ang
tingin nito ng mapag-usapan si Mr Torres.

"I am gathering evidence kaya may mga kasama kang iba pa na magrereklamo sa kanya.
Hindi pa man nagsisimula ang Mr Torres na iyon na balikan ka, mauunahan mo na
siya." sabi nito.

Tumango si Prin.

"Salamat kahit na naiinis ako. Dinamihan ko dapat ‘yung binali ko sa mga daliri
niya!" matigas na sabi niya.

"Don't worry! Just sit and relax tonight. All you have to do is to be sure making
me happy"

Inirapan niya ito.

"Tomorrow morning, sigurado na nakaganti ka na sa kanya." makahulugan na sabi nito.

May pagtataka sa mukha ni Prin na tumingin kay Cally. "What did you do?"

"We are using his wife. Binigyan ni Xander ng ebidensya si Mrs Torres."

Kumunot ang noo ni Prin. "I don't understand"

Huminga ng malalim si Cally at napailing "Hindi na bago na hindi mo naiintindihan,


mas magugulat ako kung bigla mong na-gets"

Mabilis na binato ni Prin ng mansanas ang asawa niya. Sinalo naman ni Cally agad.
"See? even my reflex is faster than yours."

Inikutan niya na lang ito ng mata. Ilang saglit lang, lumapit sa kanya si Cally.

"W-what is it?" tanong niya.

"Just wanted to know kung saan ka hinawakan ng Mr Torres na iyon."

Napayuko si Prin. Tama ba na tanungin ang bagay na iyon sa asawa na na-molestya?

"S-sa Braso"

Halata na hindi nito nagustuhan kahit pa sa braso lang siya nahawakan ng Prof na
iyon. "where else?"

"Wala na…"

"Halika. Baka nag-iwan ng bacteria ang kamay noon at magka-galis ka pa" inakay siya
nito at dinala sa sofa sa sala. Kumuha si Cally ng alcohol.

Just what the heck is happening? Sa isip ni Prin.

Wala siyang nagawa kun'di panoorin ito na pinaliliguan ang braso niya ng alcohol.

KINABUKASAN, naging laman ng balita si Mr. Torres.

Nakatali ito sa puno, nakabusal ang brief nito sa bibig, nakahubad at tanging
placard lang ang nagtatakip sa maselan na p*********i nito 'Huwag niyo po akong
tularan. Manyak po ako'

Tanging ungol lang ang maririnig sa Professor.

May bahid ng dugo ang binti nito na nagmumula sa pinaka-maselan na parte ng


katawan. Nireport ng mga mamamayan sa lugar si Mr Torres sa mga pulis.

Dinala ito sa ospital at nakita na pinutol nga ang 'pag-aari' nito. Naging
katatawanan siya kahit sa loob ng ospital.

Sa sobrang kahihiyan ni Mr. Torres wala na itong maipakitang mukha sa kahit na


kanino.

Makalipas ang isang araw, isang bisita ang hindi niya inaasahan. Si Cally, kasama
si Xander na nasa likuran. Hindi nito kilala si Cally o kahit namumukhaan.

Matalim ang tingin ni Cally sa lalaki.

Unang binagsak ni Cally ang larawan ni Prin sa harapan nito. May pagtataka sa mukha
ni Mr. Torres.

"Gusto kong tandaan mo ang mukha ng babaeng iyan. Dahil sigurado na masasabi mo sa
sarili mo na nagkamali ka ng huling nabiktima."

Dumaloy ang kilabot sa ugat ni Mr Torres sa paraan ng pagsasalita ni Cally. Lalo at


dinurog ng babaeng ito ang dalawang daliri niya.

"S-sino ka?" halata na kinakabahan ito. Sa awra ni Cally, may ideya si Mr Torres na
hindi isang simple ang lalaki.

"You don't deserve to know. You have plans to sue her right." umismid lang si Cally
at sumenyas kay Xander.

Inilapag ni Xander isa-isa ang mga larawan sa harapan ni Mr. Torres at habang
tumatagal ay mas dumodoble ang takot nito.

Student A, 16 yrs old

Student B, 17 yrs old

Student C, 16 yrs old

Hangang sa mapakita sa lalaki ang lahat ng larawan.

May mga takip ang mata ng mga kababaihan. Gayunpaman, kilala ni Mr Torres ang lahat
ng mga larawan doon na mga na-molestya niya.

[Feibulous :May pagkamaselan po ang isang parte sa chapter na ito, kaya kung kayo
po ay nasaktan o hindi komportable, humihingi na po ako ng pasensya]

Matalim at pailalim ang tingin na binibigay ni Cally kay Mr. Torres.

"Too bad you messed with my girl. What exactly did you say to Miss Matsui?" tanong
ni Cally.
Nakausap ni Xander ang ilan sa mga biktima ni Mr Torres at halos pare-parehas ang
sinabi nito sa lahat ng mga estudyante nito. Kaya kahit hindi pa alamin ni Cally
kung ano ang sinabi nito kay Prin, may ideya na ang Master niya.

Hindi sumagot si Mr. Torres dahil sa takot. Just what kind of person is the man in
front of him? What kind of person is Miss Matsui?

"Sorry… I thought she was simple. Hindi ko na... uulitin"

"Talagang hindi ka na uulit." makahulugan na sabi ni Cally.

Nakuha naman nito agad ang ibig sabihin ni Cally. Hindi na makita sa awra niya ang
mukhang matalino at matapang na Professor. Takot at pagkailang ang awra nito sa
harap ni Cally.

Pinainom ito ng pampatulog ni Mrs Torres saka ito pinutulan ng ari dahil sa sobrang
galit. Hindi lang kasi mga estudyante ang lumitaw sa imbestigasyon ni Xander. Pati
ang pamangkin ni Mrs Torres ay hindi pinalagpas ng lalaki.

Ang grupo ni Zuki ang tumulong naman para itali ang lalaki sa isang puno habang
walang itong malay.

"See you in court then." huling banta ni Cally.

NANG mabalitaan ng buong eskwelahan ang nangyari kay Mr. Torres bigla silang
nakaramdam ng hiya kay Prin. Kumalat kasi sa mga dyaryo at online news ang ginawa
na katarantaduhan ng Professor nila.

Sobrang detalyado ang mga nasa balita, hindi nilabas sa publiko ang mga pangalan ng
mga biktima dahil mga bata pa ang mga ito.

Nalaman na din sa wakas ang dahilan kung bakit ito sinaktan ni Prin. Kanya-kanyang
pasensya ang lahat ng estudyante sa kanya.

Habang hindi pa nagsisimula ang klase, nilapitan si Prin ng mga kaklase niya.
Binigyan siya ng kung anu-ano. Tulad ng lipstick, wallet, gift card, burger at
juice.

"Humihingi kami ng sorry, Prin... Masyado kaming nagpaniwala sa mga nakita at


nabasa namin. Sorry…" sabi ng isa sa mga nagbigay sa kanya ng regalo.

Isang tipid na ngiti lang ang naisagot niya. Natutuwa si Prin dahil bukod sa
nasagot ang isyu, may mga nakukuha pa siya na libreng regalo.

Nang dumating ang hapon...

"Prin, someone is looking for you outside" pagbibigay-alam ng kaklase niya.

Nagtaka si Prin. Wala kasi siyang ibang kaibigan sa school bukod kay Bella na nasa
tabi niya. Kung si Sean muli ang bisita, bibigyan niya na ng isang malakas na upper
cut ang lalaki dahil masyado nitong ginagalingan ang pang-i-stalk nito.

Nangingiti naman si Bella at iniisip na baka si Cally ang naghahanap kaya sumunod
ito sa kanya sa pintuan.

Nabigla si Prin na makita si Kai na nakasandal sa gilid ng pinto.

"MB5?! Woi! Ahhh!!!" Agad siyang yumakap dito. Natuwa siya na makakita ng Dark
Guard kahit pa nagtataka siya kung bakit ito nasa loob ng eskwelahan nila.

"Hey! 'wag masyado malapit sa akin!" Sita nito. Kapag nalaman ni Cally kung paano
ito dumikit sa kanya, ewan na lang niya.

Nagulat siya kung anong klaseng email ang sinabi sa kanya ni Tom, iyon pala
pababantayan sa kanya ni Cally ang asawa nito. Gusto niyang magprotesta pero wala
siyang magawa.

Kailan pa nangyari na magbantay ang isang Dark Guard sa kapwa Dark Guard? Ang
pinaka-ayaw niya pa sa lahat ay kailangan na mag-enrol din siya doon sa school ni
Prin para magawa ng maayos ang mission niya.

Habang nag-iisip, doon niya lang napansin ang babaeng nakasunod kay Prin.

"Anong ginagawa mo dito?" masayang tanong ni Prin.

Hindi sumagot si Kai dahil sinusuri nito ang babae na nakanganga sa likod ni Prin.
Sa personal ay mas maliit ang babae. Nasa limang talampakan lang ito at dalawang
pulgada kung tatanggalin ang heels na suot nito. Katulad ng nasa larawan, makinis
ang mukha at kumikinang ang mata. Nakaayos ang bangs nito at naka headband na puro
puso ang disenyo. Nakasuot ng pulang blusa at jeans na palda na sakto lang ang haba
sa pamantayan ni Kai, hindi malandi, at hindi pa-manang.

Natulala si Bella na makita sa harapan ang aktwal na lalaki na ginamit niya bilang
boyfriend. Hindi napigilan na mapanganga siya. Mas gwapo kasi ang lalaki sa
personal kumpara sa larawan. Napalunok si Bella dahil sobrang gwapo ni kuyang pogi
sa personal.

Ngumisi ito sa kanya na ikinapula ng pisngi niya.

"Tingnan mo nga naman o at napakaliit ng mundo." sabi ni Kai.

"No! No! That's not me! I am not the one who used your photo as my boyfriend" pilit
na tanggi ni Bella.

Huli na ng maisip niya na nahuli siya sa sarili niyang dila. Bigla niyang pinukpok
ang sariling ulo.

NAKAGAT ni Bella ang labi niya dahil sa sobrang kadaldalan.

"Huh? ginamit mo ang picture ni Leader MB5 bilang boyfriend mo?" hindi makapaniwala
na tanong ni Prin.

"MB5?" ulit at tanong ni Bella.

Tinuro ni Prin si Kai. "This guy? Oh! Sorry, he is Kai Jeon Jang" pakilala ni Prin.

Biglang natutop ni Bella ang bibig nito at halatang nagpipigil ng tawa nang madinig
ang buong pangalan ni Kai "Pfft!"

Ilang segundo lang, hindi nito kinaya at bigla na lang bumunghalit ng tawa.

Nakaramdam ng inis si Kai. Ginamit na nga nito ang larawan niya, malakas pa ang
loob na pagtawanan siya.

Akmang lalapitan niya ito upang turuan ng leksyon ngunit pinigilan ni Prin.

"Hep! hep!" hinarang niya ang katawan kay Kai.


Parang balewala naman kay Bella. Patuloy lang ito sa pagtawa.

"Are you done?" inis na tanong ni Kai.

"Ha Ha Ha! Sorry…" maluha-luhang paghingi ng tawad ni Bella. Pinunasan pa niya ang
namuong luha.

Seryoso lang si Kai at binalingan siya. "Kaibigan mo ba ito? Sinungaling na nga,


ako pa pinagtawanan. No wonder na pabantayan ka ni Cally! Tingin ko, isa ang
babaeng ito sa mga dahilan. Kaya payong kaibigan, layuan mo 'to" sabi habang turo
si Bela.

Nag-init ang ulo ni Bella. "Hoy Mr. Kai Jeon Jang! Hindi ako masamang kaibigan--!"

"Bella, 'yan ‘yung bago mong boyfriend' di ba?" sabi ng kaklase niya na papasok sa
parehas na classroom.

Doon lang napansin ni Bella na madaming estudyante sa paligid nila dahil kinikilig
ang mga ito kay Kai.

Dumilim na naman ang tingin ni Kai nang tanungin kung siya ba ang boyfriend ng
maliit na babae.

"Hindi--" naputol ang sasabihin dapat nito dahil mabilis na lumapit si Bella para
takpan ang bibig ni Kai. Nabigla si Kai sa pagkilos.

"Yes, schoolmate, classmate and everyone. H-He is my boyfriend!" nakangiwing sabi


ni Bella.

Tumaas naman ang kilay ni Prin.

Dumating ang guro nila sa oras na iyon kaya nagsipasukan na sa loob ang mga kaklase
nila na nakikiusyoso.

"Talk to you later!" paalam ni Prin kay Kai saka hinila na si Bella sa loob ng
kwarto.

Ang ibang estudyante ay nanatili sa harapan ni Kai. Wala namang pakialam ang lalaki
at nakahalukipkip lang na maghihintay kay Prin na nakasandal sa pader.

Binigyan ni Prin ng papel si Bella sa tabi niya dahil wala siyang naintindihan sa
usapan nito at ni Kai.

[please explain.]

Sa gilid ng mata ay nakikita niya na nagsusulat ito.

[Ikaw ang dapat mag-explain kung bakit hindi mo alam. Are you not following me on
my social media account?] sagot nito sa papel na pasimple niyang inabot habang
nagka-klase.

Napakamot siya sa ulo dahil guilty siya. Bihira kasi siyang magbrowse sa social
media.

Hindi na muna siya sumagot sa kaibigan at nakinig sa presentation ng Professor


nila.

Si Kai na nag-aabang ay hindi makapaniwala sa misyon niya. Nakapikit lang siya


habang naka-sandal sa pader at pinakikiramdaman ang paligid. Ilang oras ang lumipas
na ganoon lang ang ginawa niya.

Alam ni Kai na may mga babae na nakaupo na sa harapan niya kahit nakapikit pa siya.

Napapaisip tuloy siya kung anong klaseng eskwelahan itong pinapasukan ni Prin.
Parang walang disiplina. May sinungaling, may bulakbol sa klase.

Lihim siyang naiinis dahil kailangan niya pang mag-aral sa eskwelahan na iyon.

Tila nasa dreamland ang limang babae na pinagmamasdan si Kai na nakapikit.

Nakita siya ng grupo ni Sean habang naglalaro ng Football. Lima rin sila na nagpa-
praktis ng mga oras na iyon.

"Pre, mukhang may bagong Mr Pogi dito sa school natin a'." Tudyo nito kay Sean.

Umismid lang ang lalaki. Kinuha ni Sean ang bola at sinipa ng malakas sa direksyon
ng nakapikit na si Kai.

"Hindi ka na pogi ngayon!!!" sigaw pa nito habang sinipa ang bola.

Naramdaman ni Kai ang pressure ng papalapit na bola.

Nagulat na lang ang lahat ng nakatitig sa kanya nang biglang inipit niya ang bola
ng dalawang kamay.

Hindi man lang sumayad sa mukha ni Kai ang bagay na iyon. Inikot niya ang tingin
kung saan galing ang bola at nakita ang grupo ni Sean.

Napangisi si Kai ng nakakaloko. Hinagis niya sa ere ang bola, kasabay ng pagtalon
ng pagkataas-taas at saka sinipa pabalik sa mga ito ang bola.

Sa sobrang bilis ng tira niya ay hindi nakakilos ang limang lalaki. Tinamaan ang
isa sa tiyan. Napaatras ito at nadamay ang dalawa pa.

'Fuuu*k!' mura ni Sean at agad na nagtama ang mata nila ni Kai na kasalukuyang
nakangisi.

Hindi naman napigilan ng mga babaeng nangangarap sa harapan niya ang mapalakpak,
mapatili at makiusap kung pwedeng magpa-picture.

"Kuya, celebrity ka noh! Kamukha mo si Sehun ng Exo. Hindi ba ikaw iyon?" sabi ng
isang babae.

"Gaga! Macho si Kuya. Hindi iyon ang kamukha niya kun'di si Wallace Huo"

Nagsilapitan pa sa kanya lalo ang mga ito. Ayaw na ayaw ni Kai ng mga ganoong
babae. Sa gigil niya, sinuntok niya ang pader. Kita agad ng mga ito na nag-crack
ang pader.

Nakaramdam ng takot ang mga ito at mabilis na nagsipag-alisan.

MATAPOS ang klase ay dumeretso si Prin, Kai at Bella sa isang Bubble Tea House na
nasa tapat ng school.
"Naguguluhan ako. Bakit bigla mong naging boyfriend si MB5? I mean, si Kai?"
Panimula ni Prin kay Bella habang inutusan niya si Kai na umorder ng Milk Tea.

Nakayuko si Bella at hindi maiangat ang ulo. "‘Yung ex-boyfriend ko kasi Prin.
Ginugulo pa rin ako. sinabi ko na pinagpalit ko na siya sa iba. Naghanap ako ng
picture sa internet at nagustuhan ko ‘yung picture niya." Bulong nito sa kanya
habang nakatingin kay Kai na naiinip sa pila.

Halatang iritable ang lalaki dahil ang babagal ng crew.

Makahulugan naman ang tingin ni Prin kay Bella. Nginisian niya si Bella. "Oh! So,
nagustuhan mo?"

"Y-yung picture." Mariin na sabi nito.

"Yes. I am talking about the picture." Nakangisi si Prin.

Lumingon si Kai sa gawi nila na matalim ang tingin at agad na nagtakip si Bella ng
mukha at halos magtago sa mesa.

Naaaliw si Prin. "Huwag kang matakot kay Kai. Ako na ang nagsasabi sa 'yo na bukod
sa walang girlfriend iyan, lamang iyan ng sampung paligo sa ex mo"

"Kaya lang mukhang masungit!" Sagot ni Bella. Naniniwala siya na lamang na lamang
ang lalaki sa ex niya. Kaya nga ito ang napili niya na maging 'boyfriend'

Napaisip si Prin. Noon niya lang napansin na masusungit ang mga kasama niya sa Dark
Guards. Si Cally na nangunguna sa listahan ng masungit, si Lorenz ay masungit din.
Si Kai ang pumapangatlo sa kasungitan.

"Alam mo Dear, naniniwala ka ba na si Master Cally ang pinaka -masungit? pero napa-
amo ko siya..." Tinapik-tapik niya ito sa balikat.

"...Kaya kapit lang, maiinlove din iyan sa iyo"

"S-sinong mai-inlove?" Biglang namula ang pisngi nito.

Nakabalik na si Kai na may bitbit na tray. May laman itong tatlong baso ng milktea.

"Mga order niyo mga prinsesa." Tila hindi interesadong sabi nito.

"You?!" Hinarap ni Kai si Bella.

"Anong palabas 'yung kanina?" Matigas na tanong ni Kai.

Napalunok si Bella. Hindi niya pwedeng i-delete ang picture dahil siguradong
hahanapin iyon ng ex-boyfriend niya. Mas maganda pa nga na aktwal na nasa harap
niya ang lalaki sa larawan para hindi isipin ng iba na gumagawa siya ng kwento.

Bukod pa doon, napakilala niya na ang lalaki bilang boyfriend. Wala siyang choice
kun'di pakiusapan ito na ipagpatuloy kung ano ang nasimulan niya.

Nagsinungaling man siya, okay na iyon kaysa naman bwisitin siya ng ex-boyfriend
niya.

"M-magpasalamat ka nga na natipuhan kita bilang boyfriend ko."

Nagtaas ang kilay ni Kai. "Ah! at kailangan magpasalamat ako?"


Naputol sila sa usapan dahil may lumapit na dalawang babae dito na halatang sa
parehas na school nila nag-aaral.

"Kyah! Pahingi naman ng number mo, o" sabi ng isang babae na halatang kinikilig.

Hindi ito pinansin ni Kai.

"Kyah na pogi, sige na" sabi ng isa.

Pinukulan ni Kai ng nakakatakot na tingin ang dalawa kaya bigla itong napaatras at
umalis na.

"Sungit pala" bubulong bulong na sabi habang palabas ng tea house.

Humarap sa kanya si Kai.

"Alam mo Prin, what kind of school is this place? 'Yung mga babae, parang ngayon
lang nakakita ng lalaki. ‘Yung mga lalaki naman, bully." Tumingin ito kay Bella.

"And don't forget that we have a liar here." Halata sa mukha nito ang disgusto.

Iniisip ni Kai kung paano niya ma-eenjoy ang pagtigil niya sa Maynila kung unang
araw pa lang ay gusto na niyang bumalik sa Camp.

Natawa si Prin sa aksyon ni Kai. Hindi pa rin nagbabago ang leader nila. Nasanay
kasi ito sa Camp nila at walang ginawa ang lalaki kun'di mag-training ng mag-
training. Hindi uso dito ang salitang girlfriend o babae lalo na pahinga.

Hindi ito nakaranas ng panliligaw. kahit pa maraming Dark Guards, lalo na mga
baguhan ang may gusto kay Kai. Halong Taiwanese-Korean ang lahi nito at hindi rin
basta-basta ang background ng lalaki. Hardwares ng computers at Cellphones ang
business ng pamilya ni Kai na nakabase sa Hsinchu City sa Taiwan.

Ang Lolo nito ang nagpumilit na ipasok si Kai sa trainees ng Dark Guards noon.

May lumapit na namang babae kay Kai. "F*ck off!!!!" Angil nito agad.

Natatawa si Prin. Bibihira kasi na makalabas ng Camp nila ang lalaki. Akala siguro
nito ay puro trainees nito ang nasa paligid kaya ganoon na lang kung mag-sungit.

May lumapit muli na bagong pasok.

"Kuya, artista ka ba? Pa-picture po." sabi ng bagong pasok na babae na kanina ay
napapansin niya lang sa tapat ng tindahan.

'Iba na gwapo!' Napapailing si Prin. Wala na silang maayos na kwentuhan dahil sa


mga lumalapit kay Kai.

"Kung gusto mo magpa-picture, magpaalam ka sa girlfriend ko!" Singhal nito habang


turo si Bella.

PINATAWAG si Cally ng Daddy niya sa opisina nito kaya naroon siya sa Building B ng
MGM kung saan niya ito matatagpuan.

He met his Mom sa elevator habang paakyat sa palapag kung nasaan ang opisina ng
Chairman.

"Ma, hindi ka ba pinapagod ni Daddy? Busy ka na sa bahay, nagtuturo ka pa sa school


tapos kailangan mo pang magpunta dito." nag-aalala na sabi niya.

Halata naman na hindi pagod ang Mommy niya at mukha pa ngang energetic kumpara sa
iba na nagtatrabaho doon. Hindi niya lang talaga maiwasan na mag-alala.

Makahulugan ang ngiti ng Mommy niya. "Nag-aalala ka sa akin pero kay Prin, hindi?
Imagine your wife… Busy rin sa bahay sa pag-asikaso sa 'yo, nag-aaral sa school
tapos kailangan din na puntahan ka dito sa opisina to continue your 'love
session'." sabi na hindi nawawala ang matamis na ngiti.

"Tsk tsk! What's strange is that you also have this clueless expression around your
face. Yes my dear! Namana mo sa Daddy mo ang pagiging possessive niya with his
wife." napapailing si Ginny.

"By the way babyboy, your Dad and I will be going to Africa this weekend.
Pababantayan ko sa inyo ‘yung kambal. Sa bahay mo muna sila."

Tatangihan sana ni Cally pero inunahan na siya nito agad.

"Oh look! We are here!" sabi nito saka lumabas ng elevator.

'Damn!' hindi na siya nakatanggi dahil umiwas agad ang Mommy niya. Ibig sabihin ay
wala siyang choice kung hindi ang patuluyin ang dalawang kapatid sa bahay.

Nakasunod lang siya sa Mommy niya na lumabas ng elevator.

"Hello Drake, tapos na ang meeting ng Master mo?" tanong ni Ginny pagkalapit sa
table ng Assistant ng Daddy niya.

"Yes, Miss Gin. Tuloy na lang po kayo sa loob"

Sa hindi malaman na dahilan, ramdam ni Cally na mukhang hindi maganda ang balita ni
Master Cloud.

Tumuloy sila ni Ginny na pumasok sa loob. Inangat agad ng Daddy niya ang mukha nito
mula sa binabasang mga dokumento nang marinig nito ang pagbukas pintuan.

Lumapit ang Mommy niya dito at hinalikan ito sa pisngi. "Cloud Han, bakit
nakasimangot 'yang mukha mo? I'll get you some water mukhang pagod ka na sa
trabaho"

Kinuha ni Ginny ang tasa na nasa gilid ng malapad na office table, lumayo muna ito
at sinalinan ng tubig mula sa water dispenser na nasa loob ng kwarto. Seryoso ang
Daddy niya na nakatingin lang sa kanya.

"Why are you calling me Dad?" tanong ni Cally. Sigurado na importante ang kailangan
nito base lang sa ekspresyon na binibigay nito sa kanya.

"I asked you to come here because of Mayor Villanueva." panimula ni Cloud Han.

Halata agad na hindi siya interesado na marinig kahit ang pangalan ng Mayor.

"Ilang beses na siyang pabalik-balik dito sa opisina at humihingi ng oras na


makausap ako. He said you did something to her daughter."

"Pft!" naibuga ng mommy niya ang tubig na iniinom nito sa kasalukuyan.

Nabigla si Cally sa impormasyon ng Daddy niya. Akala niya ay wala na sa eksena ang
Mayor na iyon, hindi niya akalain na hindi pa pala tapos ang panggugulo nito sa
kanya.

"Ano ang kwento niya?" halatang iritable at kaunting pagkabalewala kay Cally ang
narinig.

"Wait there Cloud Han! and you actually believed it?" tanong ni Ginny na kababalik
lang sa table. Ibinagsag nito ang tasa na may tubig.

"Just to clarify, hindi ako naniniwala doon. I just called your son so he can do
something about it and to know what exactly happened during that afternoon."

Alam ng Dad niya na pinatanggal niya sa trabaho ang direktor ng binubuo nilang
pelikula dahil nakipag-sabwatan ito sa Mayor.

"Her daughter said you molested her."

Tumiim ang bagang ni Cally. Mukhang hindi siya titigilan ng babaeng iyon.

"Mabuti pa Dad, huwag mo nang pansinin pa ang mag-ama na iyon. Prin was there
because I invited her. I can also provide a video for whatever happened in that
room. That girl sucks, ni dulo ng daliri niya ay hindi nakalapit sa akin even if
she tried to seduce me."

"Good. Posible kasi na madamay ang kumpanya kaya kita pinapunta dito. Alam mo naman
kung gaano ka-tuso ang Mayor na iyon. It's not surprising kung ilabas niya sa
publiko that you raped her daughter or something…" paliwanag ni Cloud.

"You already knew that she did something to Prin. I am gathering evidence for all
of his criminal activities. Hihintayin ko na lang ang kung ano ang gagawin ng Mayor
na iyon at sisiguraduhin ko na babalikan ko siya ng sampung beses."

"Ngayon pa lang ay sasabihin ko na Dad na madadamay talaga ang stocks ng kumpanya


but I'll make sure to doubled the income afterwards" makahulugan na sabi ni Cally.

"BY THE way Kai, can you tell me kung bakit ka nandito sa Pilipinas?" interesadong
tanong ni Prin. Nag-excuse si Bella na magpupunta muna ng restroom.

"To simply monitor you. Your husband asked me to enrol in that stupid school."
tinuro nito ang school sa tapat.

"Sabi niya sa 'kin bantayan kitang mabuti dahil may makulit kang manliligaw at saka
may manyak na Professor."

Natahimik si Prin. Hindi niya akalain na pababantayan siya ni Cally. Naawa siya
bigla sa lalaki.

Sa isang banda, may ideya siya kung ano ang dahilan at kung bakit ito ang
magbabantay sa kanya. Bukod kasi sa malakas at magaling si Kai, mayaman at gwapo
din ang lalaki. Tingin niya gusto lang ipamukha ni Cally kay Sean na wala talaga
itong sinasabi.

"Hindi mo naman kailangan na bantayan ako. Wala na ang manyak na Professor na


sinasabi mo." Naisip niya na mahirap para kay Kai na umalis ng Camp at iwan ang
trainees doon.
"Huwag kang mag-alala, gagawin kong makulay ang buhay mo dito sa Maynila. We can
play basketball, bolleyball, tennis and so on." sabi niya.

Napansin niya na mukhang nakuntento naman si Kai nang mabanggit ang mga laro na
gustong-gusto nito. Sakto na nakabalik si Bella sa pwesto nila.

Halatang nag-retouch ng pulbo at lipstick ang kaibigan niya kaya ito natagalan.
Nilipat ni Kai ang tingin kay Bella at huminto ang tingin nito dito.

"Bakit? Nagagandahan ka sa akin noh?!" niliyad nito ang dibdib at tila nanghahamon
ng away.

Hindi naman makapaniwala ang hitsura ni Kai. Napapailing at tinuro nito ang gilid
ng labi ni Bella. Namula agad ang pisngi nito. Akala kasi ni Bella ay nanghihingi
ng kiss ang lalaki.

"Tsk!" inis ni Kai.

Lumapit siya kay Bella para punasan ang lumagpas na lipstick sa labi nito. "I just
don't get it. Bakit kailangan mo pang mag-lipstick kung lagpas-lagpas naman?"

Natigil si Bella sa pagkilos nang sumayad ang hinlalaki ng lalaki sa gilid ng labi
niya. Ang lapit pa ng mukha nito habang tinatanggal ang pink na lipstick doon.

"Ehem! Sa susunod, magpasintabi muna kayo ha. Pakiramdam ko ay third wheel ako
dito." nakangising sabi ni Prin.

Hindi nawawala ang pagkapula ng pisngi ni Bella. Doon lang naisip ni Kai kung ano
ang ginawa niya. Inilayo niya agad ang kanang kamay kay Bella. Binalik niya ang
tingin kay Prin at tila balewala ang kung ano ang ginawa niya.

"May regalo ka pala mula kay GW10, hinatid ko sa bahay niyo kanina" pag-iiba nito
sa usapan.

Biglang na-excite si Prin. "Talaga?" naalala niya na may pangako nga pa lang regalo
ang kaibigan na si Ana.

"Yes. Hindi ako sigurado kung ano ang laman ng box. Isang kahon iyon."

Naputol sila sa usapan nang mag-ring ang cellphone ni Prin. Tumatawag si Cally.
Nagliwanag agad ang mata ni Prin.

"Yes, Husbie?"

"Where are you? Nandito ako sa tapat ng school. Sa bahay na tayo mag-aral." sabi
nito sa kabilang linya.

"Okay… Kasama ko si Kai at si Bella. Nandito ako sa tapat na Bubble tea House.
Lalabas na ako."

Tiningnan ni Prin ang dalawa.

"Pakihatid si Bella. May stalker siya na ex-boyfriend. Nandito na si Cally para


sunduin ako, kaya pinapasa ko kay Bella ang pagbabantay mo. Bye!" sabi lang ni Prin
at mabilis na lumabas. Excited na kasi siya na makita si Cally.

Nakaramdam ng inis si Kai. Akala niya kasi ay tapos na ang pagbabantay niya sa araw
na iyon. May naiwan pa pala na 'sabit'.
"Let's go!" tila iritableng sabi nito saka tumayo at tinalikuran si Bella.

Umakto ng pang-aamba si Bella sa masungit na si Kai. Biglang lumingon muli ang


lalaki at nahuli siya nito na nasa ere ang kamao.

Umakto agad si Bella na nag-iinat inat at kulang na lang ay umaktong mag-exercise.

Napapailing na tumuloy na si Kai sa paglabas ng Tea House.

NANG makarating ng bahay, excited si Prin na hinanap sa mga kasama sa bahay ang box
na iniwan ni Ana.

Nagtataka si Cally kung bakit tila parang bata si Prin na hindi mapakali at unang
hinanap ang regalo ni Ana. Gaano ba ka-importante ang regalo na iyon para pag-
aksayahan nito ng panahon?

Tiningnan niya si Prin na abot tenga ang ngiti.

'This is not right!' Nakaramdam ng pagkainis si Cally.

'Why is she happy over Ana's gift?'

"Ito na po, Miss Prin." nilapag ng kasambahay ang isang box sa harapan niya. May
isang talampakan ang taas ng box.

Inalug-alog muna bago binuksan ni Prin ang box. Nakiusyoso naman si Cally kung ano
ang mga binigay ni Ana. Nanlaki agad ang mata ni Prin nang makita ang laman at agad
na sinara iyon.

"what are those?" usisa ni Cally.

"No-nothing…"

Inagaw agad ni Cally ang box at binuksan. Sinuri nito isa-isa ang makukulay na
laman. Inangat pa ni Cally ang isang piraso ng lace na underwear.

"are these... sex toys?" tanong ni Cally.

Napakagat-labi si Prin, pinipigil ang sarili na mag-react at minumura niya sa isip


si Ana.

Ngumisi si Cally. "Oh! then, let's go and use them all."

"U-use your ass! I'm not gonna use them!" angil niya at pulang-pula ang pisngi
dahil sa kahihiyan.

"Ehh, earlier, I saw how excited you are. I'm sure it's because you want to try
them all." nilabas pa ni Cally ang isang piraso ng green na d***o at winagayway
iyon sa harap ni Prin.

Hiyang-hiya naman si Prin. 'Anaaaaaa!!!!'

"DITO KA muna, kukunin ko ang sasakyan ko." paalam ni Kai kay Bella. Ramdam niya na
inis pa rin ang lalaki.

Inirapan lang ito ni Bella. 'Parang pinaglihi sa init ng ulo. Mabuti at marunong pa
magpaalam. Hmp!'

Pinagmasdan niya ang nakatalikod na bulto ng katawan ni Kai habang naglalakad ito
papalayo. Napapansin niya pa na pinagtitinginan ito ng ibang estudyante lalo na ang
kababaihan. Mga kinikilig.

Napansin niya rin na may lumapit na naman sa lalaki at hindi nito pinansin.

'Tsk! Hirap maging girlfriend neto' dahil sigurado na magseselos ang kung sino man
na girlfriend nito. Isip-isip ni Bella.

Matyaga siyang naghihintay kay Kai nang biglang may humawak sa braso niya, si Josh
ang ex-boyfriend niya.

"Hey! Let go of me!" singhal niya dito.

Umismid lang ang lalaki. "Ang swerte ko na natagpuan kita agad. Siguro talagang
inaabangan mo na ako agad dito."

Masyadong mahigpit ang pagkakahawak ng kamay nito sa braso ni Bella kaya


napapangiwi siya.

"Hinihintay ko ang boyfriend ko kaya ako nandito." Dahilan niya.

"sino? ‘yung nasa picture? gagawa ka na nga lang ng kalokohan. ‘Yung hindi pa
makatotohanan." Nagagalit na sabi nito sa kanya.

Ayaw gumawa ng eksena ni Bella kaya binubulungan niya ang lalaki.

"Bitiwan mo ako!" Mahina pero matigas na sabi ni Bella.

Nabigla na lang si Bella nang may magtanggal ng kamay nito sa braso niya at hinila
siya sa likuran, si Kai.

"Back off!" Matalim ang tingin na binigay ni Kai kay Josh. Pinag-aaralan ni Kai ang
lalaki. Mukhang pipitsugin ang lalaki at hindi maiwasan na mapa-isip siya kung
bakit at paanong naging boyfriend ito ni Bella.

Nabigla naman si Josh na makita sa akwal ang 'boyfriend' ni Bella. "Ikaw ang bagong
boyfriend ni Bella?"

Tumingin ng pailalim si Kai. "Ako nga"

Akmang tatalikod na ito pero agad ding humarap para suntukin si Kai sa mukha.
Nailagan naman agad ni Kai ang lalaki nang yumuko siya. Nasa magkabilang bulsa pa
ang kamay nito at parang nabo-boring-an kay Josh.

"Walang kwenta" sabi pa ni Kai.

Nag-init ang ulo ni Josh, sinubukan ulit nito na sumuntok pero nakailag muli si Kai
at gusto na niyang pagtawanan ang lalaki.

"Missed again!"

Si Bella sa tabi ay napabilib kay Kai. Gusto niya nang bigyan ng award ang lalaki.
'Most-impossible-Boyfriend Award.'

Dahil sa pagka-inis ni Josh, sunud-sunod ang suntok na ginawa nito kay Kai,
nailagan naman nito ang lahat ng iyon. Dumeretso ang huling suntok nito sa mukha ng
kalalabas lang na kainan, katabi ng tea house --si Sean.

Dumilim ang tingin ni Sean at ginantihan din ng suntok si Josh sa mukha bilang
ganti.

Nag-init din ang ulo nito, hanggang sa ang dalawa na ang nagpalitan ng suntok sa
isa't-isa.

Tila hindi na interesado pa si Kai kaya hinila niya si Bella at pinapasok sa nag-
aabang na sasakyan.

Namangha si Bella sa sasakyan ni Kai, lalo na sa loob nito. Isang Lotus Elise cup
250 iyon. Bigla niyang nilingon si Kai. Akala niya kasi ay ordinaryo lang ang
lalaki.

"You owned this car?" Hindi makapaniwala na tanong ni Bella.

"Why?" Tanong ni Kai saka sinimulan na paandarin ang kotse.

"No-nothing…" pinigilan niya na magsalita. alam ni Bella na mahal ang kotse na


iyon. Naintriga tuloy siya sa pagkatao ng lalaking katabi.

"Saan kita ihahatid?" Tanong ni Kai.

"Blue City Condo Tower. I owned a unit there." Simpleng sagot ni Bella.

Naging seryoso ang mukha ni Kai, paano kasi ay doon din siya nakatira sa
kasalukuyan.

Hindi siya pwedeng tumira sa bahay ni Prin at Cally, pero pinapili siya ng huli
kung saan niya gustong tumira at napili nga niya ang Blue City Condo Tower.

Pagdating sa lugar, nagtaka pa si Bella kung bakit paakyat sila sa parking ni Kai
pero hindi siya nagtanong.

"Siguro naman ay safe ka na dito." Sabi nito sa kanya.

Ayaw pa sanang lumabas ni Bella ng sasakyan nito na sobrang bango. Kung pwede nga
lang na doon na siya tumira sa loob ng sports car nito.

Napilitan siyang lumabas at nagpasalamat dito. Nararamdaman niya na sumusunod sa


kanya si Kai.

'Gosh baka gusto niyang malaman kung saan ako nakatira.' Sabi niya sa sarili. Kung
anu-ano ang naiisip ni Bella

Hanggang sa makatapat na sa elevator at pati sa palapag kung saan siya nakatira.


Binubuksan niya na ang susi ng pinto, pinakikiramdaman pa rin niya ang lalaki sa
likuran.

Naisipan niyang lingunin ito para sabihin sana na maayos na siyang nakarating sa
tinutuluyan niya at maaari na itong umuwi.

"Kai Jeon Jang, you don't have to do… this." Agad na umatras ang dila niya dahil
nabuksan na nito ang pintuan sa tapat na unit.

"D-d'yan ka nakatira?" Tanong ni Bella na halatang hindi makapaniwala.

"I don't accept visitors. Thanks!" Masungit na sabi lang nito sa kanya at saka siya
sinaraduhan ng pintuan.

Naiwan si Bella na nakanganga.


ALAS syete ng gabi…

Nasa White Devil Bar si Luna kasama ang kaibigan niyang babae na bagong dating mula
sa Amerika. Inaya siya nito na mag-unwind dahil bukod sa namimiss na nito ang
Pilipinas, nabalitaan din nito ang nangyari kay Luna.

"I heard from Uncle Mayor na kailangan mo nga daw ng kasama." Sabi nito bago
sinipsip ng kaunti ang margarita nito sa harapan.

"Yes, I am so happy that you are here, Janice…"

"...There is a new girl in my school na masyadong pabibo. I really hate her dahil
halos inagaw niya sa akin ang lahat. I am a Mayor's daughter, the one and only
Princess in this City and she was just a commoner." Halata pa rin kay Luna ang
galit kapag naaalala ang maamong mukha ni Prin.

Nang mga nakaraan ay inaabangan niya na paalisin si Prin sa school dahil sinaktan
nito ang Professor ng school. The students are cursing Prin and they want her to
leave the school.

Kaya matiyaga siyang naghihintay na mabura ang pangalan nito sa school registry
nila.

Pero sa hindi niya malaman na dahilan, dumoble pa ang mga estudyante na bumait sa
dalaga. Hindi nakaligtas sa kanya ang mga regalo na binibigay ng mga ito kay Prin.

Samantalang siya, si Luna na anak ng Mayor ay ni hindi man lang nakaranas ng ganoon
sa mga ito. Kaya lalo siyang nagagalit kay Prin.

Ano pa, ni hindi man lang pinansin ni Master Cloud ang hiling niya na makausap ang
pamilya nito. Pakiramdam niya ay natapakan masyado ang ego niya.

Katulad ng sabi ng Daddy niya, aabangan nito ang sagot ni Master Cloud. Kapag wala
pa rin silang makuhang sagot, ilalabas nila sa media ang nangyari.

Naghanap na siya ng tao para burahin ang CCTV sa restaurant nang araw na iyon at
sinabi nga nito na deleted na ang file ng CCTV at maari na siyang makahinga ng
maayos.

Kaya alam niya na walang magagawa ang pamilya ni Cally kung hindi ang panagutan
siya. Dalawa lang silang tao sa kwarto na iyon kaya walang witness. Isa pa, laging
nasa babae ang pabor kapag usaping pangmo-molestiya.

Nakikini-kinita niya na ang sarili na makasama si Cally sa bahay nito. Ayos lang sa
kanya kahit hindi muna siya mahalin ng lalaki, pasasaan ba at magugustuhan din siya
nito.

Ngayon lang kasi siya nagkaroon ng interes sa lalaki. Isang pangarap kasi si Cally
sa pananaw niya. Ang awra nito na parang Prinsipe. Sa paglakad, sa pagsasalita,
kahit sa pag-upo at pagsubo ng pagkain. Lahat-lahat ng kilos ay aral.

Sa gilid ng mata niya ay natanaw niya si Prin na bagong pasok sa White Devil.
Ngumiti ito sa Waiter at kinausap iyon. Sa tingin ni Luna ay iinom din doon si
Prin.
"Look who's here? That is the girl we are talking about." Nakangiti si Luna na
parang maldita habang turo sa kaibigan na si Janice ang kapapasok lang na babae.

Napangiti rin si Janice at nakaisip ng hindi maganda.

Kinuha nito ang kopita ng margarita na limang libo ang halaga at sinalubong si Prin
na papuntang opisina ng Daddy niya. May pinapakuha kasi na files si Rob, ang
Monthly report sa Bar na iyon. Nagpahatid siya kay Cally na kasalukuyang
naghihintay sa kanya sa sasakyan nito.

Nagulat si Prin dahil binangga siya ng babae, agad siyang nakaiwas dito. Pero
tumapon pa rin sa mamahalin na damit nito ang inumin na bitbit.

Nagtataka si Prin sa reaksyon nito. Inisip niya na baka lasing na ang babae kahit
alas syete pa lang ng gabi.

"Miss, Are you okay?" Tanong niya dito. Nagulat siya nang bigla siya nitong
sininghalan.

"You are so idiot!!! Alam mo ba kung gaano kamahal itong suot ko? Hindi mo ito
basta-basta mababayaran!" Galit na sabi ni Janice.

Manghihingi sana ng paumanhin si Prin pero nakalapit na si Luna dito. "Janice are
you okay?"

Hinarap agad siya ni Luna at halata ang disgusto sa mukha nito. "You are so
clumsy!"

Tahimik lang si Prin at clueless sa nangyayari. Gusto niyang manghingi ng sorry


pero galit na galit sa kanya ang dalawa.

Tiningnan siya ni Janice mula ulo hanggang paa. Isang simpleng babae at naniwala
ito kay Luna na isang ordinaryong mamamayan lang si Prin. Nakashort lang kasi si
Prin, snickers, simpleng puting Tshirt at naka Cap pa ng Mickey mouse.

"Bayaran mo ang damit ko pati ang alak na ininom ko. Hmp! Siguradong wala kang
pambayad."

Lumapit si Zico sa kanila, ang manager ng White Devil branch na iyon at kakambal ni
Zuki.

"Miss, ano pong nangyayari?" Tanong nito kay Janice. Mabuti at hindi pa ganoon
karami ang customers dahil medyo maaga pa.

"Paalisin mo ang babaeng iyan, sigurado na wala siyang pambayad dito. Look at her,
kailangan na pabayaran mo sa kanya ang bill namin! Tinapon niya ang mamahalin na
alak na iniinom ko tapos nasira pa ang damit ko! Maglabas ka na ng pera at bayaran
mo ang Bill ko!"

Napatanga si Zico sa pahayag ng babae.

"Yes, Get out of this place kung wala ka namang pambayad!!!" dagdag pa ni Luna.

Napangiti si Prin. May ideya na siya na mukhang binu-bully siya ng dalawang babae
kaya wala siyang nagawa kung hindi ang makisakay sa mga ito.

NAGULAT si Zico sa mga pahayag ng dalawang babae na gusto ng mga ito na paalisin si
Prin.
"Miss, she doesn't need to pay" sagot ni Zico.

"No! she has to pay my dress and our bill!!! Kung hindi siya magbabayad, tumawag
kayo ng pulis dahil wala siyang perang pambayad dito sa Bar niyo!" Galit na sabi ni
Janice. Magsasalita pa sana si Zico, pero pinigilan ni Prin.

"Paano na iyan? Wala talaga akong pera. I don't have any cash or credit cards in
me. I remember na nagpupunta lang ako dito. Then, wala pa akong nabayaran ni piso
sa mga nainom ko na wine or champagne." Napapaisip si Prin.

"See? Siya na mismo ang umamin na tinatakbuhan niya ang bill niya dito, Mr.
Manager." Isang simpleng babae lang kasi talaga ang tingin ni Janice kay Prin.
Karamihan ng nagpupunta sa lugar na iyon ay may sinasabi sa buhay.

Napatulala si Zico at hindi alam ang sasabihin. Kailangan ba na magbayad si Prin sa


mga iniinom nito kung anak ito ng Boss nila na may-ari? Nakagawa na sila ng
atensyon sa ibang mga parokyano.

"Pay the Bill ang get out of here!!! Siguro, you are trying to seduce someone,
‘yung mayaman at mapera kaya ka nandito. You are slut!" punong-puno ng pangmamaliit
ang tono ni Janice.

Nag-iinit na ang ulo ni Zico dahil sa pahayag ng babae.

"Miss, I think you should go." mahinahon na sabi ni Zico.

Iritable na siya sa dalawang babae. Bukod sa umaagaw na sila ng atensyon sa ibang


parokyano, sinisigawan pa ng mga ito si Prin. Kapag nalaman ni Rob ang ginawa ng
mga ito, siguradong pati siya ay mapaparusahan.

Akala naman ni Luna at Janice ay si Prin ang tinutukoy nito kaya natuwa ang
dalawang dalaga. Wala namang makita na emosyon sa mukha ni Prin at tamang
naghihintay lang na umalis ang dalawa.

"Narinig mo iyon? Get out of this place at huwag ka nang babalik pa!" sabi muli ni
Janice.

"I'm not talking about her. I am talking about you two!" inis na sabi ni Zico.

Nagulat ang dalawang babae. Never pa silang nakaranas na paalisin ng kahit sa anong
Bar.

"Gumagawa kayo ng eksena dito at nadadamay ang business namin kaya mabuti pa ay
umalis na kayo." dagdag ni Zico. Tumawag na siya ng bouncer para paalisin ang
dalawa.

"Bakit kami ang aalis? May pambayad kami! Siya itong walang pambayad!!!" galit ni
Janice. Paanong nangyari na ang mukhang naliligaw lang sa lugar na iyon ang
pinapaburan ng Manager.

"It doesn't matter if she doesn't have any pennies. Tulad nga ng sabi ng Miss, wala
pa siyang nabayaran kahit piso."

"See? See? Wala siyang pambayad! Kami ang meron!!! Bakit kami ang aalis?" si Luna.

Nakakahiya sa mga customer lalo at may mga nagvi-video pa. Kapag pinaalis sila
doon, wala na siyang mukha na maihaharap dahil bilang anak ng Mayor, sigurado na
laman siya ng balita kapag pinaalis siya doon sa White Devil ng Manager nito.
"it's because she owns the place, you idiots!" naiinis na si Zico.

Nanlaki ang mata ng dalawang babae lalo na si Janice. Ang simpleng babae sa harapan
niya ang may ari ng White Devil? Ilan ang White Devil na meron sa buong mundo at
pag-aari nito ang lahat ng iyon? Napag-alaman niya noon pa man na hindi nagbebenta
ang White Devil Bars kahit na shares lang nito, kaya lahat ng White Devil na meron
sa buong mundo ay iisa lang ang nagmamay-ari at nagpapatakbo -- si Rob Matsui.

Masama ang tingin na pinukol niya kay Luna na halatang nagulat din. Hindi napakali
si Luna lalo at mas masama ang tingin na ipinupukol sa kanilang dalawa ni Janice
mula sa ibang mga umiinom sa lugar.

"Gosh… I can't believe these two girls"

"True, para na rin nilang pinapaalis sa loob ng bahay ang may-ari talaga ng bahay."

"si Ateng girl, akala mo naman mahal talaga ‘yung damit, mukhang imitation naman."

"Looks like she is Mayor Villanueva's daughter."

"Really? Masama pala ang ugali ng anak ni Mayor." Nagtatawanan pa ang iba habang
nakatingin kay Luna at Janice.

"J-Janice…" nakaramdam ng panliliit si Luna mula sa ibang tao doon, lalo't puro
socialites at celebrities ang umiinom sa lugar na iyon.

Inis na lumakad papalabas si Janice. Mukhang banned na siya sa kahit saang White
Devil Bar.

"Hey! You two!" tawag ni Prin. Napatigil ang dalawang babae at muli siyang
nilingon.

"Ehh.. Zico, nagbayad na ba iyang dalawa?"

"Hindi pa Miss"

Hinarap ni Prin ang magkaibigan.

"O, hindi pa daw kayo nagbabayad. Wala rin ba kayong pera kaya aalis na lang kayo
ng walang bayad? Zico, Exclusive member ba ang dalawang iyan para umalis na lang
basta?" pang-iinis ni Prin.

"No, Miss Prin" sagot ni Zico.

Kapag exclusive member kasi sa White Devil . Monthly billing ang bayad sa Bar.
Unlimited drinks and snacks kapalit ng sampung milyon na bayad kada buwan at kada
member. Matalim ang tingin na ibinalik sa kanya ng dalawang babae. Kinuha ng mga
ito ang mga wallet at naglabas ng lilibuhin.

"Keep the change!" galit na sabi ni Janice at taas noo na lumabas ng lugar.

Natatawa si Prin ng lihim. Hinarap niya ang ibang customers.

"Sa ibang customers, pasensya na kayo sa istorbo. We will give two bottles of beer
every customer ng libre bilang pasensya."

Natuwa at nag-palakpakan naman ang mga parokyano. Nakanood na sila ng magandang


palabas, may libre pang alak.
PAHIYA na lumabas si Janice at Luna ng Bar.

Luna is gritting her teeth. Hindi niya alam kung ano ang talagang background ni
Prin, para na rin siyang lumaban sa giyera nang hindi inaalam kung sino ang
kalaban.

Nang makalabas, nakita niya si Cally na nakasandal sa pintuan ng sasakyan nito.


Sandali niyang nakalimutan ang nangyari sa loob. Maging si Janice ay saglit na
natulala kay Cally.

Nang makita ni Cally si Luna, nakaramdam agad siya ng pagka-alibadbad. Nag-alala


siya na baka may ginawa ang babae sa asawa niya.

Naglakad siya at nilagpasan ang dalawang babae para makapasok sa loob ng Bar at
sundan si Prin sa loob.

Hindi pa alam ni Prin ang tungkol sa pambibintang ni Luna sa kanya na minolestya


niya ito. Parang hangin lang ang dalawang babae na tulala sa paningin niya nang
lagpasan niya ang mga ito.

"He is Cally. The one I was told you about." sabi ni Luna sa kaibigan.

"What?! That is the one who molested you?" takang tanong ni Janice.

"Y-yes"

Nagdududa ang tingin ni Janice kay Luna. Dinaanan nga lang sila ng lalaki na parang
hindi sila nito nakita. Halata rin dito na hindi interesado kay Luna. Tiningnan
nito ng kaduda-duda ang kaibigan.

Samantala, sa loob ng bar, nakita ni Zico si Cally na bagong pasok.

"Shi!" bati nito kay Cally.

"Did something happen here?"

"‘Yung dalawang babae, gumawa ng eksena at pinapaalis sa amin si Prin." Sabi ng


iiling-iling.

Umismid agad si Cally. Tama ang hula niya na may ginawa si Luna kay Prin. Ano kaya
ang pakiramdam nito kapag naubos ang kayamanan ng mga Villanueva? Tutal naman ay
madalas nitong ipagyabang na anak ito ng Mayor at mayaman sa siyudad. Hihintayin
niya lang ang aksyon ng mag-ama bago nila ilabas ang kanyang Ace card.

Naputol siya sa naiisip nang lapitan siya ni Prin.

"Husbie, I'm done."

Cally looked at her with adoration in his eyes. Natutuwa si Zico na makita na
maayos ang samahan ng dalawa.

"Shi, baka gusto niyo na uminom muna." Paanyaya ni Zico.

Nagliwanag ang mata ni Prin sa nadinig.


"Yeah! Let's drink! Sige na please." Pakiusap ni Prin habang hawak ang isang braso
ni Cally at hinahatak 'yun upang makiusap.

Naisip ni Cally na ihahatid sa kanila ang kambal kinabukasan kaya gugulo ang
tahimik na mundo nila ni Prin sa bahay. Tutal naman ay kapwa sila walang pasok
kinabukasan kaya siya pumayag.

"Okay…"

"Papupuntahin ko si Leader Kai, saka si Bella." masayang sabi ni Prin saka mabilis
na nagtipa sa cellphone.

Kumunot ang noo ni Cally. Akala pa naman niya ay silang dalawa lang. Kapag dumating
ang kaibigan nito, sigurado na sa kaibigan na nito ang buong atensyon nito. Agad
siyang nagprotesta.

"Huwag mo na silang papuntahin dahil uuwi na lang pala tayo."

Nagbago agad ang mood ni Prin. "Huh? Bakit naman? Nakapagtext na ko sa kanila e.
Saka pumayag ka na di ba" nalungkot ang mukha ni Prin.

Napabuntong-hininga na lang si Cally. Gusto niya na dalawa lang sila na magkasama


pero ayaw naman niya na malungkot ang asawa niya.

"Fine! Dito na lang tayo sa baba uminom. Hindi pwede sa iyo ang matapang na alak
ha." Inokupa nila ang isang table habang hinihintay si Kai at Bella.

Natuwa si Prin kaya ninakawan niya ng halik sa pisngi si Cally.

NAGKASABAY sa paglabas si Bella at Kai mula sa kani-kanilang mga unit. Naka-jacket


ng itim si Kai na nakapatong sa puti nitong T-shirt. Naka-loose pants. Halata ang
badboy image ng lalaki.

Napatigil si Bella sa pagsara ng pintuan at nakatitig sa lalaki.

Napansin din siya nito. "Baka may pumasok na langaw sa bibig mo sa sobrang nga-
nga." puna ni Kai.

Naisara bigla ni Bella ang bibig niya. Sinarado niya ng mabuti ang pintuan ng unit
niya at nagsimulang maglakad papuntang elevator.

Pinansin siya ni Kai na nakasunod sa likuran. Sa ayos ng babae mukhang makikipag-


date pa yata ito. Naka-bestida kasi si Bella. May bitbit na sling bag. Gabing-gabi
na at makikipag-date pa?

Magkatabi silang naghihintay sa elevator. Kumakabog ang dibdib ni Bella. Aminin man
niya o hindi, sobrang naapektuhan siya ng lalaki.

Bumukas ang elevator. Isang binata ang laman nito.

"Bella!" masaya at nakangiti na bati nito kay Bella.

"Ken!" yumakap agad si Bella sa lalaki. Lihim na nagmamasid si Kai sa dalawa.


Iniisip niya na baka ito ang ka-date ni Bella.

Kababata ni Bella si Ken na nagpunta ng abroad para doon mag-aral. Hindi niya alam
na nakabalik ito. Sa sobrang surpresa niya nayakap niya ang kaibigan.
"Gosh! I miss you!" sabi ni Bella dito.

"Aw! I miss you too! I miss you so much!" niyakap pa ng mahigpit ni Ken si Bella.

Nakaramdam ng inis si Kai. Hindi niya alam kung saan mauuwi ang dalawa sa gabi na
iyon sa sobrang pagkamiss sa isa't isa.

Pakiramdam ni Bella, lumamig ang elevator. Doon niya lang naalala ang isa pa sa
loob ng elevator na halatang iritable. Nang bumukas ang elevator sa floor ng
parking, hinila ni Kai palabas si Bella.

"Hey mister! Saan mo dadalhin si Bella?" nagulat si Ken.

"She's my girlfriend! Wala ka na doon kung saan kami pupunta!" sagot ni Kai habang
hila ang maliit na babae.

"Hey! S-saan mo ako dadalhin?" tanong ng nabiglang si Bella. Malapit na sila sa


sasakyan nito.

"To Prin, kaysa makipag-date ka kung kani-kanino. Nakalimutan mo na ba na boyfriend


mo 'ko? Kailangan mong panagutan ang ginawa mo at umayos ka na panindigan iyon."
naniningkit ang mata ni Kai sa sobrang pagkadismaya.

Maisip lang niya kung paano magyakapan ang dalawa sa loob ng elevator, parang
sumasapi sa kanya ang Bulkang Mayon na puputok ang init anumang oras.

HINIHINTAY nila ng mga oras na iyon si Kai at Bella.

Nasabi na sa kanya ni Bella na kasama na nga daw nito si Kai dahil sa parehas na
building nakatira ang dalawa.

"Husbie, bakit mo nga pala naisip na pabantayan ako kay leader Kai?" Tanong ni Prin
habang kumakain ng chicken wings.

Nilingon siya ni Cally sa tabi. "Ayaw mo ba na bantayan ka ni Kai?"

"Hindi naman kasi ako kailangan na bantayan. Naaawa pa nga ako sa kanya kasi
gustong-gusto niya ang Camp."

Naalala ni Prin bigla ‘yung araw na bagong dating si Kai sa school nila. Grabe kung
magsungit ang lalaki sa kahit kanino. Kulang na lang sakalin nito ang mga babae na
lumalapit dito. Kung ibebenta nga lang niya ang picture ng lalaki, sigurado na
kikita si Prin mula sa mga ka-eskwela niya sa 'pa-picture'.

"Honestly, it's not my choice alone. Kinausap ako ng Lolo niya. We knew that Kai
also did an online courses. But some of his subjects need his actual presence.
There is also a possibility that he will manage their family business. Kaya
kailangan niyang pumasok at mag-aral na tulad mo."

Napatango si Prin.

"Hmmm… bakit naman kailangan niya pang pumasok sa business nila? e, malaki naman
ang sweldo niya sa Dark Guards" bilang Leader ng Senior Black Team, sigurado si
Prin na kumikita ng milyon si Kai kada taon.
Kumuha ng tissue si Cally at pinunasan ang malangis niyang labi dahil sa chicken
wings.

"Hindi sa lahat ng bagay ay mahalaga ang sweldo o ang pera. Madalas obligasyon
din." makahulugan na sabi ni Cally.

"Sabagay… Siguro kung hindi dahil sa obligasyon mo, hindi mo ako naging asawa.
Sigurado na isang Irish o kaya British ang mapapangasawa mo kung hindi mo sinunod
sila Madam Lira."

Alam ni Cally na nagsasalita lang ng walang katuturan si Prin, pero di pa rin


naiwasan na masaktan siya kapag naisip na sakaling iba ang mapapangasawa niya.

Tinanggal na sa isip ni Prin ang ideya niya tungkol sa kasal nila ni Cally. Wala
man lang maayos na seremonyas iyon at basta lang sila nagpirmahan dahil sa
obligasyon ng asawa niya. Nakaramdam siya ng kirot.

"Do you really like the ideya na magpakasal ako sa iba?"

Halata na hindi mapakali si Prin sa tanong ni Cally. "No…"

"Mabuti naman, at least gumagana paminsan-minsan ang utak mo"

Tiningnan niya ng masama si Cally.

"Balik tayo kay Kai. Hindi ka ba natatakot na baka ma-inlove ako kay Kai kapag
magkasama kami palagi?" Interesado niyang tanong

Tumitig sa kanya si Cally, ibinaba nito ang mukha sa kanya at kinagat ng bahagya
ang labi niya.

"Ouch!" Reklamo ni Prin.

"Subukan mo pang magsalita ng bad words, may kagat ka ulit sa akin." Banta ni
Cally.

"I'm just stating a possibility."

Binaba muli ni Cally ang labi nito sa kanya at kinagat muli ang labi niya.

"Ouch!" Nasapo niya ang labi niya na sa palagay niya ay bahagyang namaga dahil sa
ginawa nito.

"Anyway, I don't believe na mai-inlove ka sa iba" mayabang na sabi nito na


ikinapula ng pisngi ni Prin. Iyon ang nabungaran ni Bella at Kai.

"What are you talking about?" Kunot-noo na tanong ni Kai.

"N-nothing" kaila ni Prin.

"Oh! Then, why are you kissing?" Nakangisi si Bella.

Lalong namula ang pisngi ni Prin.

Hinila niya na lang si Bella sa tabi para maka-iwas at nagsimula silang mag-
kwentuhan. Ganoon din naman si Kai at Cally. Nagsimulang mag-report dito si Kai
kung ano ang mga nangyayari sa Camp bago ito umalis.

Agaw-atensyon sila sa ibang customers dahil nasa iisang table ang dalawang matikas
at gwapong lalaki na may kasamang mga binibini. Para silang nasa double date kaya
walang nagtatangka na lumapit sa kanila.

Nang wala nang mapag-kwentuhan ang dalawang lalaki, tuloy pa rin sa bungisngisan si
Prin at Bella. Tinunga ni Cally ang iniinom niyang bourbon.

Tulad ng inaasahan ni Cally, nakalimutan na siya ni Prin nang dumating ang kaibigan
nito.

Hindi napapansin ni Cally na madami-dami na siyang naiinom.

"Baby Panda, uwi na tayo…" naglalambing na aya nito maya-maya.

Nilingon ni Prin ang namumulang mukha ni Cally. Tiningnan ni Prin ang tapat nito at
halata na madaming shots ng bourbon na ang naiinom ng asawa niya.

"Bakit madami kang ininom?"

"Hmm… Ayaw mo kasi akong pansinin e." tila nagtatampo na sabi.

"Haay, mabuti pa umuwi na kayo ni Shi Cally. At ikaw…" tawag ni Kai kay Bella.

"...Halika na't umuwi na din." wala nang nagawa si Bella ng hilahin na siya ni Kai
mula sa pagkakaupo.

Naiwan si Prin at Cally. "Baby Panda, nagugutom ako. Lutuan mo ako sa bahay." sabi
na para bang iniwan ng magulang.

Natigil si Prin. Ano naman ang lulutuin niya? Napakamot siya sa ulo. "W-wala akong
alam na lutuin e."

Tumayo si Cally at inikot ang paningin sa paligid.

"Walang magluluto para sa akin…" malungkot at tila batang paslit na sabi ni Cally.

Prin "...."

Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na senaryo nang mga panahon na kapwa sila
trainees ni Cally. Tulad din noon, parang sinapian ng isang grade six na estudyante
si Cally.

Nagulat na lang si Prin nang bigla itong tumayo at mabilis na naglakad papalabas.

"Sh*t! Sh*t! Sh*t!"

"Zico, huwag mong palalabasin si Master Cally!" sigaw niya pero huli na, dahil
nakatakbo na palabas si Cally ng White Devil

LUMABAS agad si Prin para hanapin si Cally. Hindi tulad sa mansion nila sa Japan,
mas malawak at mas ma-tao ang Maynila. Bukod pa sa maraming kalye at eskenita.

Kapag nawala ito sa paningin niya, siguradong lagot na!

Nang makalabas si Prin, natanaw niya si Cally na paliko na sa kabilang kanto.


Nilingon niya ang guards sa tabi.

"Guys, this is red alert! Tawagan niyo si Zico or Zuki, we need to find your Shi
Cally. You and you, doon kayo sa kabila umikot. Dito ako." Sabi niya sa dalawang
tauhan ng White Devil.
Tumakbo si Prin sa tinungo ni Cally. Tinawagan niya ulit si Kai dahil siguradong
hindi pa nakakalayo ang dalawa. "MB5, I need your help! Tumakbo si Shi Cally palayo
sa White Devil. Please go to Antonio Flores St. Papuntang Bocobo. Dito ako sa Del
Pilar." Plano ni Prin na ma-corner si Cally.

Sa kasamaang palad, hindi niya makita si Cally.

'Sh*t!' Napamura si Prin. Dineretso lang niya ang kalye. Inikot niya na pati ang
ibang kalye, hindi niya pa rin makita ang anino ni Cally. Nakaramdam na ng pagod si
Prin.

Matapos ang tatlumpung minuto kahahanap sa asawa niya, tumawag si Kai.

"Nakita namin siya Prin, paliko ng Arquiza St. Hindi nga lang ako makaikot dahil
one way ang kalye dito." Sabi ni Kai sa kabilang linya.

Binilisan ni Prin ang pagtakbo para makapunta sa likuan ng Arquiza St. tulad ng
sabi ni Kai. Pagliko niya, nakita niya si Cally sa di-kalayuan. Na-corner na ito ng
dalawang guard ng White Devil sa kabilang dulo ng kalye.

Makaka-hinga na sana siya ng maayos nang mapansin na ginugulpi na ni Cally ang


dalawang guard. Sigurado si Prin na hindi lalaban dito ang dalawa. Kaya mas
binilisan niya na mapuntahan ito. No! Kapag na-ospital ang dalawang guard, lagot
na!

Binilisan niya ang pagtakbo kahit nakaramdan na siya ng pagod.

"You two, I'm not done with you yet" sabi nito at akmang susuntukin na naman sa
sikmura ang dalawa.

"Husbie! Stop! Stop!" sigaw niya.

Nilingon siya ni Cally. Parang mahihilo na si Prin. Nakaramdam siya ng pagsusuka


kaya gumilid siya sa eskenita kung saan sila naroon. Saka niya inilabas ang sama ng
pakiramdam. Naalala niya na madami nga pala siyang nakain na chicken wings tapos
diretso agad ang walang sawang pagtakbo. Idagdag pa na ilang linggo na siyang
walang exercise.

Natigil naman si Cally at nilapitan siya nito, kapwa sila pinagpapawisan dahil sa
haba ng tinakbo nila parehas. Halata na nag-aalala ito sa kanya.

"Baby Panda, are you okay?" Tanong nito.

"I'm not okay… my stomach hurts. It's all your fault!" sagot ni Prin.

"Why is it my fault? Ikaw ang kanina pa nawawala, hinahanap kita sa kung saan-
saan."

Prin "...."

Ayaw nang makipagtalo pa ni Prin kay Cally. Sigurado na wala sa tamang huwisyo ang
asawa niya.

"Husbie, Let's go home" sabi niya dito. Nag-aalala naman ang tingin niya sa
dalawang guards na kapwa maiiyak ang mga hitsura.

Ibinaba ni Cally ang sariling katawan at pinasakay siya sa likod. Para talagang
panda si Prin na bitbit ng magulang sa likod ni Cally.
Dahan-dahan lang na naglakad si Cally habang karga siya nito pabalik sa White Devil
at pinakikiramdaman nila ang isa't isa.

NAGULAT si Zico sa hitsura ng dalawang guard na kapwa may pasa sa mukha.

"Sorry Zico, binugbog ni Cally yung dalawang tao mo" paghingi niya ng paumanhin. Si
Cally na suspek ay tila walang pakialam na nakapamulsa sa pantalon habang hawak
niya ang isang braso nito.

Wala namang magagawa si Zico.

Pinaupo niya ito sa passenger seat at siya na ang kusang nagmaneho.

"Look what you've done!" nagagalit na sabi niya kay Cally saka nagsimulang
paandarin ang sasakyan.

Habang nagmamaneho si Prin, nabigla siya nang halikan ni Cally ang leeg niya.
Inayos pa nito ang buhok niya na nakaharang sa leeg niya para magawa nito ng maayos
ang trabaho. Nawawala siya sa focus ng pagmamaneho.

"Hey, I-I am driving." Pigil niya dito.

"Then, continue to drive." Tila balewalang sabi nito.

Nang huminto sa stop light ang kotse. Sinakop naman nito ang labi niya. Nakalimutan
ni Prin na nagmamaneho nga pala siya, narinig na lang niya ang potpot ng kotse sa
likuran dahil green light na muli.

Tinulak niya si Cally at nagpatuloy sa pagmamaneho. Kaunti na lang at nasa harapan


na sila ng bahay.

Nagulat siya na parang lumuwag ang bra niya, doon lang niya napansin na tinanggal
na ni Cally ang hook ng bra niya sa likuran.

"H-hey! Nasa sasakyan tayo. Huwag kang makulit." Sabi niya dito.

"Parusa mo iyan, dahil kinalimutan mo ako kanina."

Nilingon ni Prin si Cally dahil pinasok na ng kamay nito ang blusa niya.

"H-husbie…" halos hindi lumabas sa bibig niya. Binilisan niya ang pagmaneho dahil
tino-torture siya ni Cally.

Nang ma-park niya ang sasakyan sa bahay nila, hinarap niya si Cally. "You are so
bad! Paano kung napahamak tayo kanina?"

"It only means, you are not a good driver." Katwiran nito.

Prin "...." tama bang sa kanya pa isisi?

TAHIMIK silang dalawa at parang walang gustong lumabas ng sasakyan.

Hinawakan ni Cally ang magkabilang pisngi ni Prin at tinitigan siya ng diretso.


Tila ayaw nitong ilayo kahit isang segundo lang ang paningin mula sa pagtitig sa
kanya at ilipat sa ibang bagay.

Nakahawak lang ng mahigpit si Prin sa suot na pang-itaas ni Cally na para bang


kumukuha doon ng suporta.

Hindi alam ni Prin kung ano ang mga nasa isip ni Cally ng mga oras na iyon. Parang
nakikipagsagupaan ang mata nila parehas at walang gustong mag-baba ng tingin.

Nakatitig si Cally kay Prin at gusto niyang sabihin dito ang lahat ng nasa puso
niya but he doesn't know where to start. He never confessed to anyone before. He
wanted to create the sweetest confession.

He then followed what's inside his heart and mind. But then, no word can express
his real intentions.

'Prin, I think I can't live without you.'

'Even in my dreams, can't live without you in it. I dreamt of you, clothed in a
lacy white dress.'

'You were like a warrior ready to fight for me,'

'A Star who filled my heart with Joy,'

'A true Queen in my Kingdom'

'Who will try to find me whenever I am lost in the city?'

'Who will smile for me every morning?'

'Who will give me a warm embrace every night?'

'Who will drive me home whenever I am drunk?'

'Is there anyone who I accept that can call me 'Husbie' aside from you?'

'Is there anyone who can be worthy of my heart aside from you?'

'What about you… What's inside your heart?'

He knew Prin was the only one for him. He wants the best for her. He wants to spend
his life with his Prin. His warrior Princess.

He pecked her lips.

"Prin Matsui…" bulong ni Cally sa pangalan niya. Nabigla si Prin sa biglang


pagtawag ni Cally. He touched her lips.

"...I think I love my wife so much!" sabi nito habang nakatitig sa kanya na akala
mo ay hindi siya nito nakikita.

Nagluha agad ang mata ni Prin sa mga binigkas ni Cally. How long had she waited for
him to tell her those words?

Parang nilipad ng hangin ‘yung pagod na naramdaman niya sa buong gabi kakatakbo.
Siya na ang kusang lumapit sa labi ni Cally para sagutin ang pagmamahal nito sa
kanya.

Matapos ang ilang sandali, napansin ni Prin na hindi na kumikilos si Cally. Hindi
na rin ito gumaganti sa halik niya. Nagulat na lang siya nang biglang bumagsak ang
ulo ni Cally sa dibdib niya. Cally passed out!

Bigla niyang naisip kung lasing lang ba ang lalaki kaya biglang nag-confess sa
kanya? Kung iisipin niya ng mabuti, kung anu-ano ang ginawa nito. Nang-manyak at
nang-gulpi pa.

"Oi Husbie! You should wake up! Next time you confessed make sure na hindi ka
lasing!!! Gising! kung hindi pababayaan kita dito." inalog-alog niya ang balikat ni
Cally.

"Sabihin mo ulit ‘yung sinabi mo kapag nasa maayos na huwisyo ka! Oi Gising!!!"

Hinila siya nito at niyakap.

"So noisy" in-adjust nito ang upuan ng sasakyan para makasandal sila ng maayos.

"Let me rest for awhile." sabi nito habang yakap siya saka pinagpatuloy ang pag-
idlip.

Hindi tuloy alam ni Prin kung magpapasalamat siya sa Bourbon o hindi. Nakatulog si
Prin na may ngiti sa labi.

Nagising siya na nasa ibabaw na siya ng kama. Napangiti siya nang maalala ang
naganap sa kanila ng nagdaang gabi.

Cally confessed!!! Para siyang mababaliw habang pangiti-ngiti na mag-isa at


nakatingin sa kisame.

Napalingon si Prin sa direksyon ng pintuan nang bumukas iyon at pumasok si Cally.

"Bangon na, susunduin natin ang kambal"

"Hindi ako babangon, hangga't hindi mo inaayos ang sinabi mo kagabi." sabi niya
dito.

Nakakunot-noo si Cally. "Ano ‘yung sinabi ko?"

Sumimangot si Prin, saka niya ito tinalikuran.

'Hmp! Sabi na nga ba at wala siya sa tamang pag-iisip. Malamang ginaya niya lang sa
pelikula ‘yung sinabi niya kagabi.'

Hindi maiwasan na masaktan siya. Naramdaman niyang lumundo ang katabing pwesto sa
kama. Pahulog na ‘yung luha niya sa mata nang lumitaw sa harapan niya ang tatlong
pulang namumukadkad na rosas.

Kinuha ni Prin iyon.

"Did I say… Prin Matsui, bayaran mo ang utang ko?"

Biglang nilingon ni Prin sa Cally. "Hindi iyon!"

"Did I say… Prin Matsui, hindi ka pa naliligo?" pang-iinis nito.

Matalim ang tingin na pinukol niya dito. Ang aga-aga mukhang may planong inisin
siya. "Hindi rin iyon" sabay irap dito.

"Did I say, Prin Matsui, mababa ang grades mo at galingan mo mag-aral?"


Namumula na ang mukha ni Prin sa pagka-inis.

"I don't want to talk to you!" singhal niya dito

Plano na niyang itapon ang bulaklak na hawak sa basurahan. Tumayo na siya at


tinungo ang trash bin.

"Prin Matsui!" tawag nito sa kanya.

"I think, I love my wife so much!" napatigil siya sa paglakad nang marinig muli
iyon. Pinihit niyang muli ang sarili paharap kay Cally at may hindi maipaliwanag na
ngiti.

"Looks like you are satisfied but I am just joking right now." pang-aasar nito.

Binato niya dito ang mga bulaklak. Tawa ng tawa si Cally. Unang beses na makita ni
Prin na tumawa ang lalaki. Hinila siya nito para makaupo siya sa gilid ng kama.

"I love you so much, Baby Panda." Seryoso na sabi bago sinakop ang labi niya.

MASAYA si Prin na makita muli si Crayon at Crayola. Nagpunta sa Africa ang magulang
ni Cally kaya sa kanila muna ang kambal.

"Ate Prin, I have to buy a book. Let's go out" hiling ni Crayon.

"Yes, ate Prin. I am going to buy colored pens too." sabi naman ni Crayola.

Napakamot sa ulo si Prin. Umalis kasi si Cally dahil may biglaang inasikaso sa
opisina. Bilang wala ang Daddy nila kailangan ang presensya ng asawa niya sa MGM.
Hindi siya makapagdesisyon kung isasama niya ang dalawa.

"Ate Prin, wala ka pang regalo sa amin" pangungulit ni Crayon.

"Yes. I want a gift too."

Sumakit bigla ang ulo ni Prin. Bigla niyang naisip na kahit kay Cally ay wala pa
rin naman talaga siyang regalo. Tiningnan niya ang dalawang bata.

"Sige, isasama ko kayo. Mag-sh-shopping tayo. Alam niyo ba kung ano ang gusto ng
kuya niyo?"

"Bakit kay kuya lang?" may pagtatampo sa boses ni Crayola.

"Yes, we want something from you too."

"And.. I want to eat ice cream."

"I love banana splits."

Hindi akalain ni Prin na ganito mangulit ang kambal. Halos parehas ang nasa isip ng
mga ito. Wala siyang nagawa kung hindi ang pasakayin sa sasakyan si Crayola at
Crayon, at magpunta sa pinakamalapit na Mall.

Sinabihan niya ang dalawa na huwag masyadong maglilikot at huwag lalayo sa kanya.
Pagdating sa bookstore, napansin nila na may Quiz Bee na magsisimula sa sa loob ng
kinse minutos.

Nakatitig si Crayon sa maliit na stage na naroon sa gitnang bahagi ng malaking Book


Store. Pwedeng manalo ng limang libro kung sakali na mananalo sa Quiz Bee.

"Ate Prin, sali ka." biglang sabi nito sa kanya.

"Yeah, sali ka sa Quiz Bee. para may libre kaming book."

Prin "...."

'Please spare my life. Kung nasa digmaan tayo ay okay lang. My dearest babies… iba
na lang hilingin niyo please.' nagmamaka-awa si Prin sa isip niya.

Bigla niyang napansin si Sean sa loob ng bookstore "Oh! Look it's Prin!" masayang
bati nito.

Lalong sumimangot si Prin.

"Who are these kids?" tanong nito at hindi siya interesadong sagutin. Masama naman
ang tingin ni Crayon sa lalaki, sa tingin niya ay hindi maganda ang intensyon nito
sa ate nila.

"Who are you?" tanong nito kay Sean.

"Manliligaw niya." makapal ang mukha na sagot nito.

Pinukulan ni Prin ng matalim na tingin si Sean. Tama ba na sabihin na manliligaw


niya ito sa harapan ng in-laws niya? "Hey! May I remind you, you are not even an
acquaintance?"

Nakangisi lang si Sean at hindi pinansin ang pagsusuplada niya.

"Hey Mister! Papayagan kita na manligaw sa ate namin kung matatalo mo ako sa Quiz
Bee" sabi ni Crayon habang turo ang stage.

Tinimbang ni Sean ang batang lalaki na nakasalamin. He's a college student at hindi
rin naman siya bagsak sa klase. Napangisi siya sa batang lalaki na mukhang nasa
elementary.

"Sure! Kapag natalo kita may kiss sa'kin ang ate Prin mo" mayabang na sabi nito.

Naka-isip ng nakakaloko si Prin pero nagpanggap siya na kunwari ay natatakot siya


para kay Crayon. Matatalino ang magkakapatid na Han at alam lahat ng malalapit na
pamilya iyon. Simpleng bata lang si Crayon at Crayola at matindi mangulit pero
advanced ng dalawang taon sa klase ang mga ito.

"Are you sure Crayon? He is a big guy. For sure he knew a lot. Paano na si kuya
Cally mo?" kunwari ay malungkot na sabi niya.

"Ako ang magpapaliwanag kay Kuya Cally kapag natalo ako."

Hinarap nito si Sean. "Kapag nanalo ako, you have to buy us 20 books." hamon ni
Crayon.

Nakangisi si Sean. naisip niya na mukhang kapatid ni Cally ang dalawang bata. Oras
na para makaganti siya sa mga ito.
"Sigurado ka na lalabanan mo ako?" Mayabang na tanong ni Sean.

"Ganito na lang, how about isama mo ‘yung kapatid mo, para dalawa kayo ang
magtulungan. Nakakahiya naman kasi baka sabihin bully ako ng bata."sabi pa ni Sean.

Natatawa ng lihim si Prin, kahit kailan talaga ay alam ni Sean kung paano ilalagay
sa alanganin ang sarili at may pagka-mayabang din.

"What about you, My darling? Pumayag silang dalawa na maka-score ako ng halik sa
iyo kapag nanalo ako sa Quiz Bee. Siguro naman ay papayag ka at hindi mo ipapahiya
ang mga kapatid ni Cally."

"Naku.. pa'no na iyan Crayon, sigurado magagalit sa akin ang kuya mo kapag natalo
ka."

"'Wag kang mag-alala Ate Prin. I will definitely win against this Big guy!"

SABAY na nagrehistro si Crayon, Crayola at Sean sa Quiz Bee. At hiniling nila na


kung maaari ay silang dalawa lang ang maglaban. Si Sean laban sa kambal.

Pumayag ang coordinator, pero nag-aalala ito kay Crayon at masama ang tingin kay
Sean. Sinabi ni Sean na hindi siya interesado sa premyo ng Bookstore pero gusto
niyang talunin ang batang si Crayon.

"Kasali naman po ‘yung kambal niya." sabi ni Sean.

"He will give me 20 books as a reward. I want you to prepare your most limited
edition books." utos ni Crayon. Nabigla ang coordinator sa utos ng batang lalaki.
Isang may-edad na nakasalamin ang pumukaw sa atensyon ni Crayon. Dahil sa paraan ng
pag-utos nito.

Sisiguraduhin ni Crayon na tatalunin niya ang lalaking makapal ang mukha na balak
manligaw sa ate Prin niya.

Kalmado lang si Crayola sa tabi ni Crayon at tila inosente ang tingin ni Sean dito.
Naka tirintas ng maayos ang buhok nito na si Prin ang gumawa. Kaiba sa hitsura ni
Crayon ang hitsura ni Crayola.

May awra si Crayon ng tunay na Kent kapag seryoso. Samantalang tila inosente at
walang alam si Crayola, mukhang madaling utuin.

Tulad sa normal na Quiz Bee, mayroon ding buzzer na pipindutin. At sasagot ang
makakapindot.

"Okay, we have 20 questions. First ten question is one point each. Then, two points
on the last ten questions. Posible na hindi na matapos ang lahat ng questions kung
sa palagay natin na wala nang pag-asa ang kalaban. Okay?" sabi nito.

Nilingon pa ni Crayon ang ate Prin niya bago sa nakangising si Sean. "Crayon and
Crayola, tuturuan ko kayo ng Karate kapag nanalo kayo. Kaya galingan niyo, okay!"

Nagsimula ang laban. "Okay, first question. What is the smallest Province in the
Philippines?" tanong ng gumaganap na host. Unang pumindot si Sean.

"Camiguin." sagot nito.

"Correct!"

Binelatan ni Sean si Crayon. Inismiran lang ito ni Crayon dahil mukhang natutuwa na
ang lalaki sa one point. Nasa easy questions pa lang sila, niyayabangan na siya
nito?

"Second question. A handheld tool used to strike another object and most common
tool in carpentry."

Naunang pumindot muli si Sean. "Hammer." tulad ng nauna binelatan muli nito si
Crayon.

Naiinis na si Prin sa lalaki, pero kalma lang ang kambal.

"The group of Filipino fighters that opposed the Japanese occupation during 1940."

Pumindot muli si Sean. "Hukbalahap."

"Who is the first Marvel Avenger?"

"Captain America."

Nakaramdam na ng inis si Prin. inabot na kasi ng sampu at nasagot ni Sean ang


lahat.

Pati ang ibang manonood ay naiinis na kay Sean sa pagiging mapagpatol nito sa
dalawang bata. Nagkakataon lang na mas mabilis si Sean sa pagpindot.

Nagsimula ang second round na 'di hamak na mas mahirap kumpara sa naunang sampung
tanong.

"Who is the main antagonist in the animated film Moana?"

Pumindot muli si Sean. "Te Feti" sagot nito.

"Wrong!"

"Te Kā" sagot ni Crayon.

Sa unang sagot nakadalawang puntos agad si Crayon.

"What metal constitutes most of a penny?" ikalawang tanong sa second round.

"Tin!" sagot ni Sean. "Wrong!"

"Zinc" si Crayon.

"Correct!"

"Who is the person who is often called England's national poet and the 'Bard of
Avon?"

Ramdam ni Prin na pinagpapawisan si Sean. Dahil hindi alam ng lalaki ang sagot, si
Crayon ang pumindot. "William Shakespeare"

Hanggang sa sunud-sunod na nasagot ni Crayon ang tanong.

"Which one of Snow White's seven dwarfs most likely suffers from aphasia?"

"Dopey"

"An orthopedic doctor treats what part of the human body?"


"Bone" sagot ni Sean.

May 12 points si Sean at eight ang kambal.

"Who is the three-year-old bengal tiger in the movie 'Life of Pi'?"

"Richard Parker" sagot ni Crayon.

"Hey! Madaya! Hindi pa sumasagot ‘yung babae." sabi ni Sean. Hindi niya kasi
akalain na matalino ang batang lalaki. Sa tingin niya mas mahina si Crayola.

"Dahil dalawa kayo, dapat lang na ‘yung isa naman ang sumagot" reklamo ni Sean.

"Are you sure Mister?" tanong ni Crayola.

"Of course!" sigurado si Sean.

"Doon ka na sa baba." pambu-bully pa nito kay Crayon.

Kusa namang sumunod si Crayon para tumabi kay Prin. Nakangisi lang si Prin. Akala
siguro ni Sean ay makakalusot na ito kay Crayola.

May 10 points na ang kambal at 12 points si Sean.

"what is the first book printed in the philippines?"

Sean "...."

"Doctrina Christiana, printed in 1593" sagot ni Crayola.

"Correct!"

Parehas na silang naka12 points. Tinaas ni Crayola ang kamay "I have a suggestion"

"How about we ask each other one last question? Whoever got the correct answer will
win. Deal?" mungkahi ni Crayola.

"Deal! Pero gusto ko na ako muna ang magtatanong" mayabang na sabi ni Sean. Nasa
isip ni Sean na mas maganda kung sa kanya manggagaling ang tanong.

"Deal"

"How much does the earth weigh?" tanong ni Sean.

"Are you sure that is your question?" parang hindi makapaniwala si Crayola.

Nasa isip ni Sean na walang bigat ang earth kaya sigurado na hindi iyon masasagot
ng batang babae na mukhang inosente. "I'm sure!"

Binigyan siya ni Crayola ng are-you-an-idiot kind of look, kaya nakaramdam siya ng


inis.

"The earth weighs 5.972 x 10^24 kg, or around 6,000,000,000,000,000,000,000,000


kg." mahabang bigkas ni Crayola.

"Correct!"

Nagulat si Sean at hindi siya makapaniwala.


"Now it's my turn. tell us the digits of Pi. You should continue until where it
stops." hamon nito.

Sean "...."

WALANG nagawa si Sean kung hindi ang gumastos ng singkwenta mil sa 20 books na
hiling ni Crayon.

Bukod pa doon, binigyan din siya ng unlimited pass sa Library ng Book store na
matatagpuan sa penthouse ng main building kaya masayang masaya siya.

Nakita kasi siya ng may-ari na kasalukuyang nanunuod ng laban nila ni Sean. Natuwa
ito kung gaano ka-cool si Crayon at Crayola at kung gaano sila kahilig magbasa ng
libro.

Walang nagawa si Sean kung hindi ang umalis ng mainit ang ulo dahil gumastos siya
ng malaking pera.

Who wants to spend on books na halos kasing mahal na ng air ticket niya papuntang
Amerika?

'Serves you right!' gustuhin man ni Prin na patulan ng lalaki. Sayang lang ang
effort niya dito. Pasasaan ba't mananawa rin ito sa kalokohan nito. Tutal mukhang
hobby na nito na ipahiya ang sarili.

Dinala niya si Crayon at Crayola sa isang Ice Cream House. Natutuwa si Prin sa
dalawang kapatid ni Cally. Mabuti at hindi siya ang kalaban ni Sean dahil aamin na
siya na posibleng talo siya sa lalaki.

"Sabihin niyo sa akin kung ano ang gusto niyong regalo, ibibili ko sa inyo." ganado
si Prin na magshopping sa araw na iyon.

Nag-isip ang dalawang bata.

"hmm.. I want the katana in your house" sagot ni Crayon.

"Ah! Yes yes! I want that too!" ang katana na nasa General Hall sa Matsui Villa ang
tinutukoy nito.

Napakamot si Prin sa pisngi. Sigurado na hindi niya iyon pwedeng ibigay sa dalawa
dahil bukod sa pag-aari iyon ng Daddy niya, matalim at nakakasakit ang bagay na
iyon para sa sampung taong gulang na bata.

"Saka ko na kayo bibigyan kapag naka-graduate na kayo okay? Sa ngayon, enjoy your
time as a kid. Naiisip ko na ibigay sa inyo ay Treehouse. Gusto niyo ba ng
Treehouse sa bahay niyo? You can play there, read books, rest and accept friends or
visitors."

Napalitan ng excitement ang mukha ng dalawang bata.

"Oh! Yes I like it!"

"I like it too! You are the best, Ate Prin!"


Matapos nilang kumain ng meryenda, nagpunta sila sa bilihan ng relo. Wala pa siyang
nabiling regalo kay Cally. Dalawang relo ang binili niya. Isa kay Assistant Xander
at Isa para kay Cally.

Kailangan niyang magpasalamat kay Xander bilang maaasahan nila ito.

Dahil hindi niya alam ang pipiliin, parehas na lang ang relo na binili niya para sa
dalawa.

Binilhan niya rin ng hairpin si Bella. Magandang ballpen at hand wrap naman para
kay Kai.

Masaya silang tatlo hanggang sa makauwi ng bahay ni Cally. Sakto naman na


kararating lang din nito mula sa opisina.

Masaya na nagtatakbo ang dalawang bata papasok sa loob. Nakakunot-noo na nilapitan


siya ni Cally.

Inabot niya dito ang mga paper bags ng mga pinamili, hinalikan ito sa pisngi at
saka sumunod sa dalawang bata papasok sa bahay.

"Honey, what are these?"

"Gifts. Halika. I bought something for you" hinila niya si Cally papasok sa loob ng
bahay.

Nagliwanag ang mukha ni Cally nang sabihin niya na may regalo siyang dala para
dito.

Nakasunod lang si Cally habang pinanunuod si Prin na parang bata na nakasunod din
sa mga kapatid niya. Inutusan niya ang kambal na maghilamos bago sila maghapunan.

Sumalampak si Prin sa sahig at nilabas ang mga laman ng mga paper bags. Inabot dito
ang dalawang box ng relo.

"This one's for you, this one is for Xander." inabot ni Prin ang parehas na relo
kay Cally.

Gusto sanang matuwa ni Cally dahil may natanggap siyang regalo mula kay Prin. Iyon
nga lang, bakit parehas sila ni Xander? Parang sinabi na rin ni Prin na parehas
lang ang tingin nito sa kanila ng assistant niya.

Nakikita niya sa mukha ni Prin na masaya ito sa nabili kaya gumaan kahit papaano
ang kalooban niya. Inisip niya na baka mayroon pa para sa kanya.

"give me your hand." utos ni Prin. Inabot naman ni Cally ang kaliwang braso.

Noon lang napansin ni Prin na may nakakabit na relo na sa kamay ni Cally. Galing
iyon kay Master Kent at sigurado na hindi iyon basta-basta tapos ay papalitan niya
lang ng pitpitsugin na relo.

"Uhm… husbie, mukhang kailangan kong bawiin ang relo"

Cally "...."

Parang maiiyak si Cally sa sinabi ni Prin. Mas okay nang parehas sila ng assistant
niya kaysa wala talaga siyang makuha na kahit na ano mula dito. Para na rin nitong
sinabi na mas mataas ang tingin nito kay Xander kaysa sa kanya.
"Mayroon pa bang… iba for me?" tanong ni Cally.

Napakamot sa ulo si Prin. "Wala na e"

"Then, bakit dalawa ‘yung kay Kai?" reklamo ni Cally.

Hindi naisip ni Prin ang rason. Basta nakita niya lang ang mga bagay na iyon at
natuwa siya kaya binili niya. Hindi niya akalain na magiging issue iyon kay Cally.

"Is there anything you want?"

"You. I want you…"

MALE-LATE na si Bella sa school. Nag-aabang siya ng taxi para sa pagpasok nang


mapansin niya ang sasakyan ni Kai. Nilagpasan lang siya nito na akala mo ay hindi
siya nito nakita.

'Hmp! Tubuan ka sana ng butlig sa kili-kili, ‘yung madami!' Nakaramdam siya ng inis
dahil alam niya na sa school din naman ang punta nito. Inabot pa siya ng ilang
minuto sa paghihintay, wala pa rin siyang maarkilang taxi.

Inis na inis siya lalo na kay Kai. Ilang saglit pa, huminto sa harapan niya ang
isang dilaw na sasakyan. Bumaba ang bintana nito at nakita niya si Ken na driver.

"Bella, sakay na!" sabi nito.

Nagliwanag ang mukha ni Bella.

"Ken!" masayang bati niya dito saka niya binuksan ang pinto at pumasok.

Sa kabilang sasakyan, Nagdadalawang-isip si Kai kung babalikan si Bella na mukhang


naghihintay ng sasakyan sa tapat ng building ng condo nila.

Ayaw niya sana ng pasakayin ang babae dahil parang namimihasa na ito sa pagsakay-
sakay sa sasakyan niya. Gayunpaman, sinunod niya ang kung saan siya mapapalagay.

Umikot ang sasakyan niya para balikan ang babae. Pero hindi pa siya nakakalapit
dito isang dilaw na sasakyan na ang pinasukan nito. Nakakunot-no si Kai kung sino
ang may-ari ng dilaw na sasakyan.

Nakaramdam siya ng inis. Nag-alala pa man din siya na baka walang masakyan ang
babae kaya niya ito binalikan. Iyon pala, nag-aabang ng sundo.

Nilagpasan niya ang dilaw na sasakyan at dahil hindi naman tinted ang sasakyan
nito, nakita niya na tumatawa si Bella pati na ang lalaki sa elevator ng nakaraang
gabi. Mas dumoble ang inis ni Kai. Nasabihan niya na kasi si Bella na mag-ingat ito
sa mga pagkilos nito bilang girlfriend niya.

Pinaharurot na lang niya ang kotse hanggang sa eskwelahan.

Napansin ni Bella ang sasakyan ni Kai na nag-overtake sa sasakyan ni Ken. inambaan


niya ang sasakyan ni Kai mula sa likuran.

Napansin siya ni Ken. "Is that your boyfriend's car? LQ kayo ngayon?" nakangisi na
tanong nito.

"Hindi kami LQ dahil hindi naman talaga kami." sabi niya dito. Naikwento niya na sa
kaibigan kung ano talaga ang status nila ni Kai.
"But I can really tell na gusto ka niya."

Napalingon si Bella bigla sa kaibigan. Si Kai may gusto sa kanya? No Way! Baka
gustong sakalin pwede pa.

"Hay naku friend, I don't believe you. kasing-tigas ng bato ang puso ng taong iyon.
Halos kulang na nga lang sabihin sa akin na burahin ko yung picture niya sa
timeline ko. Hmp!"

Ayaw niyang umasa. Mahirap nang mainlab tapos masasaktan sa huli. Pansin niya na
mabenta si Kai sa kababaihan at sigurado na magkakaroon lang siya ng sakit ng ulo.

"Hindi ko siya nakikita right now but I can feel that he is jealous."

"Haay, kanina ang ganda ng usapan bakit biglang napunta sa kanya?" reklamo niya.

Tumawa si Ken. "Let's bet? Sigurado ako na may gusto sa iyo ang boyfriend mo, tulad
nga ng sabi mo kasing tigas siya ng bato kaya hindi pa siya umaamin."

Inikutan niya ito ng mata. Kilala niya bilang babaero ang kaibigan pero tanging
kapatid lang ang turingan nila sa isa't isa. Noon pa man alam niya na may gusto ang
lalaki kay Maya, ang kapatid niya sa ama pero hindi naman ito sinusuklian.

Isang kilalang aktor ang Daddy ni Bella pero hindi alam sa publiko na anak siya
nito. Tanging ang Pamilya lang ng Daddy niya ang nakakaalam tungkol sa pagkatao
niya bukod sa Mommy niya na may asawa na rin na iba at kasalukuyang nasa ibang
bansa. Ang unit na tinitirhan niya ay pag-aari ng Daddy niya na binigay nito sa
kanya ng lihim sa pamilya nito.

She learned about Cally because MGM manages her Dad.

Naputol sa isipin si Bella nang huminto ang sinasakyan niya sa tapat ng school.
"Pa'no, uuna na ako. See you later." sabi niya kay Ken.

Isang saludo ang sinagot nito sa kanya bago umalis.

Tumuloy lang siya hanggang sa klase. Late na siya. "Sorry Ms. I'm late."

Nakasimangot ang instructor niya pero pinatuloy pa rin siya nito. Pagpasok niya sa
klase hindi akalain ni Bella na may bago siyang problema. Kampante kasing nakaupo
si Kai sa tabi ng upuan niya. Nilingon niya si Oscar na talagang katabi niya na
napunta sa likuran malapit sa basurahan.

Kumunot ang noo niya at nilipat ang paningin kay Kai. Pinaalis kaya nito si Oscar
sa upuan? Umupo siya sa pwesto niya sa tabi ni Kai. Sabay ng pag-upo niya ang
paglapag nito ng notes nito.

"Simulan mo nang mag-take ng notes for me."

"Why?" bulong niya dito.

"Because you are my girlfriend. Nakalimutan mo na?"

"Hmp! Kabago-bago, Bully" bubulong-bulong sa sarili si Bella.


MATAPOS ang klase binalik ni Bella ang notebook ni Kai. "Eto na ang notes mo. Wala
ka namang ginawa kung hindi ang matulog sa klase, tapos ako taga-sulat?"

"Hindi ako basta nakapikit lang. Ninanamnam ko ang sinasabi ng instructor natin.
That's how I learned things. I feel the lessons through his voice."

Bella "...."

Maghapon niyang pinakiramdaman ang binata at alam niyang natutulog lang ito, tapos
sasabihin sa kanya ninanamnam ‘yung lesson? Edi sana lahat ng estudyante tulad ni
Kai di ba? Sana all!

Inikutan niya ito ng mata saka nagbrowse sa cellphone. Bigla niyang nakita na
showing na ‘yung palabas na 'The Story of Me and You'

"Ahhhh!!!!" tili niya. Paborito niya kasi ang aktres na si Megan Da at aktor na si
James Red.

"Hey anong nangyari sa 'yo" nabigla si Prin sa pagtili niya.

"Samahan mo ako manood ng sine! My friend! Showing na! Showing na ‘yung palabas ni
James Red na The Story of Me and You!" halatang fan ito ng kung sino man na artista
na iyon.

Gusto sanang sumama ni Prin kaya lang nasa bahay pa ang kambal at nangako siya sa
mga ito na tuturuan niya ang dalawa ng karate. Bigla niyang nakita si Kai na
seryosong nakatitig sa excited na si Bella.

"My friend, hindi ako pwede eh may plano na kasi ako ngayong hapon. Si Leader MB5
na lang ang sasama." mungkahi ni Prin.

Biglang natigil si Bella sa sayang nararamdaman at napalingon kay Kai na walang


makitang emosyon.

"Tutal boyfriend mo naman iyan di ba? Sakto at mag-date kayong dalawa." nakangising
sabi ni Prin.

"Alam mong hindi totoo iyon, 'di ba?" bulong ni Bella kay Prin dahil may mga
estudyante pa sa loob ng kwarto.

"Okay lang iyan. MB5! Pinapasa ko ang obligasyon mo ngayong hapon kay Bella."
tinapik pa niya ng dalawang beses sa balikat si Kai na biglang sumimangot.

"Ayokong mag-alaga ng fan girl!" reklamo nito.

Pinukulan ito ni Bella ng matalim na tingin. "Okay lang! Huwag na Prin. Itetext ko
na lang ‘yung kaibigan kong si Ken" sabi niya saka nagsimulang magtype sa
cellphone. Inagaw agad iyon ni Kai.

"Matagal na akong hindi nanonood ng sine. Simula nang magpunta ako ng Japan, hindi
na ako nakakanood ng sine. Kaya huwag mong isipin na gusto kong sumama sa iyo. Isa
pa ikaw ang sasagot ng ticket dahil gusto mong manood ng pelikula ni James Bond at
saka gusto mo akong isama na manood." mahabang litanya nito.

Prin "...."

Bella "...."

"James Red!" pagtatama niya.


Saka Teka! Kailan niya sinabi na gustong-gusto niyang isama ang lalaki na manood ng
sine?

Sa haba ng litanya ni Kai, wala siyang maisip na isagot dahil naipamukha na nito sa
kanya na gusto niya itong isama na manood ng sine kaya siya ang sasagot sa ticket.
No more buts!

"O siya bye guys!" paalam ni Prin.

"Tara na, baka gabihin pa tayo" sabi ni Kai sa kanya na wala ng 'pero-pero' o
'bakit, ngunit at datapwa't'. Saka nito sinauli ang cellphone niya.

Sumunod na lang siya dito hanggang sa makarating sila ng sinehan dahil mukhang wala
na siyang magagawa.

Parang nasa alapaap ang pakiramdam ni Bella dahil mapapanood niya na ang inaabangan
niyang pelikula ni James Red at Megan Da. Nagniningning ang mata niya. Si Kai sa
tabi niya ay iritable na naman dahil nakapila na naman sila.

'Hmp!' Hindi niya na lang ito pinansin.

Nakareserve naman na sila ng ticket. Iyon nga lang, kailangan pa rin nilang pumila
dahil sa dami ng customers.

Pinagmamasdan ni Kai ang mga manonood na sweet, may bitbit pang popcorn at soda.
Naglalampungan kahit maliwanag. Unang beses niyang manonood ng sine kung tutuusin
at 'romance' pa ang tema kaya mas lalong wala siyang ideya. Sa Taiwan ay sa mini
theater ng bahay lang nila siya nanonood, wala siyang ideya sa big screen. Medyo
naiinis siya ngayon dahil ayaw niya ng mga pabebe na katulad ng mga nakikita niya
sa mga magnobyo na nagyayapusan.

"Bumili ka ng popcorn!" utos niya kay Bella.

"Ano? Ililibre na naman kita?!" angil ni Bella dito. Namimihasa na ang lalaki sa
palibre sa kanya.

"Natural! Dahil gusto mo ng kasama. Kaya lubus-lubusin mo na dahil hindi ko kilala


si James Bond"

"James Red!"

"Whatever..." balewala na sagot nito.

"Heto ‘yung cellphone ko para sa QR. Kapag naglock 1234 lang ang password."

"1234? Nag-password ka pa!"

"Wala kampake!" angil ni Bela. Saka inabot dito ang cellphone niya.

Naiinis na siya kay Kai. Talagang sa social media niya lang ito boyfriend kasi
hindi siya BOYFRIEND MATERIAL sa totoong buhay!

NANG umalis si Bella sa tabi ni Kai, may nagpa-cute agad sa binata.

"Kuya, may kasama ka?" tanong ni ate girl.

Hindi niya ito pinansin dahil obvious naman na hindi siya manunuod ng sine ng mag-
isa. Tingin niya dito ay nagtatanga-tangahan. Tinitigan niya ito ng matalim kaya
ito umalis sa harapan niya. Nabigla si Kai nang tumunog ang cellphone ni Bella. May
tumatawag sa babae. Kumunot ang noo niya na makita ang pangalan ng caller --si Ken.

'Hindi ba ito ‘yung Ken na kaibigan ng maliit na babae?'

Naalala niya pa ang ngitian ng dalawa sa loob ng sasakyan nang umaga ng araw na
iyon. Sinagot niya ang tawag.

"Yes?"

Halatang nagulat ang kausap niya sa kabilang linya. "Sino ito? Nasaan si Bella?"

"Boyfriend niya. Bumibili siya ng popcorn dahil manunuod kami ng sine" halata ang
pang-iingit sa boses niya.

"Oh? Kung gano’n enjoy kayong dalawa. Malamig sa loob ng sinehan kaya dapat naka-
ready ang braso mo para yakapin siya. Naka-ready na rin ang panyo mo dahil sigurado
na iiyak iyon sa loob. saka--."

"Alam ko ang gagawin ko kasi ako nga ng boyfriend di ba? Bye!" sabi niya saka
binaba ang tawag. Nakaramdam siya ng inis dahil kailangan pa siyang turuan ng kung
sino man na kihote na ito.

Matapos makuha ang ticket, sinilip niya si Bella na naka-pila sa bilihan ng snacks.
Binuksan niya ang cellphone nito gamit ang password na 1234. Bumungad sa kanya ang
magandang selfie ng babae sa wallpaper. Aminado naman siya na maganda talaga ang
babae.

Ang ginawa ni Kai, nag-selfie din gamit ang cellphone ni Bella.

"Anong ginagawa mo?" nilingon niya ang nagtatanong na si Bella, tapos na palang
bumili ng pagkain nila ang babae.

"Obviously, I am doing a selfie" tila wala siyang paki-alam kahit pa si Bella ang
may-ari ng cellphone.

"Why? Sa huling pagkakatanda ko ako ang may-ari ng cellphone na iyan" mataray na


sabi pero hindi man lang naapektuhan si Kai.

"Because you are going to post it on your social media na nanonood tayo ng sine."

Natahimik si Bella dahil natural na maganda ang ideya ng binata. Kung magkasama pa
silang dalawa sa picture mas kapani-paniwala. Mukhang narinig din nito ang iniisip
niya.

"Come here. Mas kapani-paniwala kung dalawa tayo." sabi nito. wala na siyang nagawa
dahil inakbayan na siya nito at idinikit ang mukha sa kanya.

"Say cheese!"

Sa bigla ni Bella, napalingon siya sa mukha ng lalaki saka niya nadinig ang shutter
ng cellphone. Ayaw man niya pero dumaloy ang kilig sa buong pagkatao niya. Ang
bango kasi ni Kai. Sa lapit ng leeg nito sa ilong niya, hindi nakaligtas ang
mabangong amoy ng cologne nito. Napatigil siya bigla.

"Ayan... Perfect! you really look like a girl in love with her boyfriend in this
photo." tila nasisiyahan na sabi nito saka binalik ang cellphone sa kanya.

Namumula ang pisngi ni Bella lalo na ng makita niya ang 'obra' ni Kai. tulad nga ng
sabi nito mukha siyang in love doon sa lalaki.

"P-pasok na tayo…" sabi niya saka nagsimulang maglakad para makaiwas dahil hindi-
hindi niya iyon ilalabas sa public. Agad siyag nakabawi sa day dream.

"Hindi mo pa pino-post ‘yung picture natin." puna pa rin nito.

"Bakit kaya hindi ikaw ang mag-post sa social media mo?! Bakit sa’kin?" angil niya
dito.

"Dahil wala akong account. Share it with me, then" hinablot nito ang cellphone niya
at ito ang kusang nagpasa ng picture sa sarili nitong phone.

Nakatitig lang si Bella sa lalaki hanggang sa isauli ulit sa kanya ang cellphone.
Hindi siya pwedeng ma-in love sa lalaki. Ito ang nasa isip niya habang nakatitig
dito.

"Perfect!"natutuwa na sabi nito.

BUKAS pero dim ang ilaw sa loob ng sinehan dahil hindi pa nagsisimula ang palabas.
Hinanap nilang dalawa ang upuan na nireserba ni Bella.

Yakap-yakap ni Bella ang malaking lagyanan ng popcorn pati na ang dalawang soda.
Ang walang hiyang Kai hindi man lang siya tulungan sa pagbitbit. Napapa-isip tuloy
siya kung saan banda ang nakakakilig sa pagkatao ng lalaki at bakit marami sa ka-
eskwela niya ang may gusto dito.

'Hmp! Kung alam niyo lang!'

Nagmamatyag lang si Kai sa loob ng sinehan dahil unang beses niya na makanood ng
sine. Hanggang sa matapos ang palabas. Unang napuna niya ang kilig ng kasama niya
sa bidang lalaki at hindi nag-iisa si Bella. Napansin niya na madami ang kinikilig
sa lalaki..

Napapansin niya rin na naghahalikan na ang ibang couple sa paligid. Madilim doon
pero hindi iyon nakaligtas sa kanya dahil isa siyang Dark Guard. Ang totoo hindi
naman kailangan na makita niya iyon, sa pakiramdaman lang alam niya kung ano ang
ginagawa ng mga tao sa paligid. Napapailing na lang siya.

Nang malapit na matapos ang pelikula, napansin niya na umiiyak na si Bella sa tabi
tulad ng sabi ni Ken sa kanya. Sumisinghot-singhot ang kasama niya na halatang
umiiyak na ito.

'Geez!' hinubad niya ang suot na Jacket, kinuha ang panyo doon at pinaharap niya
ang babae. Pinunasan niya ang luha nito.

Natigilan naman si Bella sa inakto ni Kai. Sa kakaunting liwanag mula sa screen,


kita niya ang seryosong mata nito habang seryoso rin na pinupunasan ang luha niya.
Maya-maya, pinatong sa balikat niya ang jacket na suot nito kaya pakiramdam niya ay
niyakap siya ng lalaki dahil nakaramdam siya ng init.

'Punyemas talaga!' Paano niya susundin ang sarili na huwag ma-inlove sa lalaki kung
ngayon pa lang nahuhulog na siya dito?

NAKATITIG si Kai sa mamasa-masang mata ni Bella. He is confused.


"Sa susunod huwag ka nang manonood ng Romance Drama kung iiyak ka lang din naman
pala." Reklamo ni Kai habang pinupunasan ang luha niya.

"Sayang ang pera mo, lalo na kay James Bond. Ikaw na nga ang nagbayad, may luha pa
na binigay sa iyo."

"Dahil nilibre mo ako ng sine ngayon, ako ang sasagot sa susunod. Pero hindi
Romance, okay? Action ang panonoorin natin para walang iyakan." dagdag pa nito.

Wala naman nagawa si Bella kun'di ang tahimik na makinig kay Kai. Halos hindi nga
niya naintindihan ang sinabi nito dahil nakatitig lang siya sa lalaki.

Nakikiramdam lang si Bella hanggang sa makabalik sila ng condo.

Nang makauwi sa kani-kanilang bahay ang dalawa, ilang minuto lang may 'new
follower' agad si Bella at si Kai ang tao na iyon.

Nakalagay sa activity nito na kagagawa lang ng account nito ilang minuto lang.
Nabigla pa siya na makita na siya lang ang kaisa-isang nakalagay sa 'Following' ng
binata.

At ang picture nila sa sinehan ang kauna-unahang post nito.

Alam ni Bella na mali pero nakaramdam siya ng saya. Binawi niya rin naman agad nang
maisip na kagagawa lang ng account ni Kai.

Malamang, hindi pa ganoon kalawak ang circle of friends nito sa social media dahil
bagong account lang iyon.

Humiga siya sa kama na sinasakop ni Kai ang buong diwa niya hanggang sa makatulugan
niya iyon.

Kinabukasan, habang nagkakape, unang napansin ni Bella na daan-daan na ang


followers ng lalaki at karamihan ay schoolmates niya.

'iba na wafu!'

Pero siya lang ang katangi-tanging nasa 'following' nito. Medyo proud si Bella sa
sarili niya. Madaming nakasunod sa lalaki pero siya lang ang nag-iisa na sinusundan
nito.

Ayaw man niya, pero kinilig siya doon.

'Haay Bella, wala na! Talo ka na sa taguan ng feelings'

Nagpatuloy pa siyang mag-browse nang mapansin ang isang hashtag na may kinalaman
kay Cally. Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang mabasa na pinagsamantalahan nito
si Luna.

Hindi siya makapaniwala sa nabasa dahil sa lamig ng awra ng taong iyon. Kaya isa
lang ang masasabi niya - Imposible!

HINDI nakaligtas kay Prin ang kumalat na balita dahil kung sinu-sino ang nagta-
tagged sa kanya.

Pinagsamantalahan daw ni Cally si Luna.

Hindi niya alam ang tamang reaksyon pero nasaktan siya para kay Cally. Kung anu-ano
kasi ang sinasabi ng mga tao sa asawa niya tulad ng:

"Gwapo pero manyak sa totoong buhay"

"Minolestya mo ang anak ng Mayor namin, dapat mong panagutan ang ginawa mo!"

"I heard she's crying at hindi makatulog dahil ayaw siyang panagutan ni Cally Han"

May mga positive comments din naman tulad ng:

"Kilala ko si Luna dahil schoolmate kami, Primadona at masama ang ugali. I don't
buy this post."

"Tingin ko nangangarap lang ang anak ni Mayor hahaha."

Nasa ganoong ayos siya nang lapitan siya ni Cally.

"What is it?" tanong ni Cally kay Prin. Seryosong tingin ang isinagot ni Prin sa
asawa niya. Walang makitang emosyon kay Prin bukod sa lungkot.

Tumayo si Prin ay yumakap kay Cally.

Sunud-sunod ang tao na pumasok sa bahay nila. Si Zuki, si Xander at ang iba pang
tauhan ng Daddy ni Prin.

"Shi!" bungad ni Zuki.

Nakuha agad ni Cally ang dahilan ng pagpunta ng mga ito doon. "Hintayin niyo ako sa
labas."

Sumunod sa master nila ang lahat. Sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin gamit ang mga
daliri. At inipit pa ang ilang hibla ng buhok sa tenga niya.

"Huwag kang mag-alala, Inabangan ko talaga ang araw na una silang kumilos laban sa
akin. Kahit dulo ng hibla ng buhok niya ay hindi ko pinangarap na hawakan." sabi
nito.

"I believe in you. Ayoko lang na kung anu-ano ang sinasabi nila tungkol sa iyo."
malungkot na pahayag ni Prin.

Cally felt proud to have a wife like Prin.

"Wala akong pakialam sa sasabihin nila. Mas importante sa akin ang sasabihin at
mararamdaman mo."

"Alam mo naman na hindi ako basta-basta maniniwala." nakanguso na sabi niya dito.

"Ehh, malay ko ba. Sa intelektwal na mayroon ka, hindi natin masasabi. Malaki ang
tyansa na maniwala ka sa fake news"

Pinalo niya ito sa dibdib. Ibinalik siya nito sa sariling bisig nang natatawa.

"I'm happy that you knew me well"

'Of course! Di pa ko tinutubuan ng boobs, pinag-aralan na kita. Hindi isang


malditang Luna ang titibag sa akin.' isip-isip niya.

Hinalikan siya ni Cally sa labi. Magaan at parang may mensaheng nakalakip sa bawat
paghalik nito.
"By the way, may account na sa social media si Kai" balita ni Cally.

"Ow! Did he followed you? Wala pa akong narereceive na notif." nagtataka si Prin.

"Well, looks like he created the account only for his girlfriend." sabi nito saka
pinakita kay Prin ang tinutukoy sa cellphone.

"Woah!" nanlaki ang mata ni Prin. Kai has two thousand plus followers pero isang
numero lang ang nakalagay sa following nito na sa tingin niya ay si Bella.

MABILIS na bumaba ang stock market ng MGM dahil sa issue ni Cally. Pansin ni Prin
na parang hindi man lang apektado ang asawa niya. Maganda pa nga ang mood nito kung
tutuusin.

Tulad pa rin ng dati, hinatid ni Cally si Prin sa eskwelahan na para bang walang
nangyari.

Habang naglalakad papasok, iba-iba ang klase ang tingin na pinupukol ng mga ka-
eskwela kay Prin at alam niyang ang dahilan ay si Cally. Mabuti na nga lang at
pinanganak siyang 'deadma' sa bagay-bagay.

Nabigla siya nang lumitaw si Sean sa harapan niya pero tuloy lang siya sa paglakad
na para bang hindi niya ito nakikita.

"Sige lang, ituloy mo lang na huwag akong pansinin. Kaya ka niloloko ng boyfriend
mo e."

Hindi pa rin ito pinansin ni Prin.

"Haaay, babaero ang boyfriend mo Prin at mukhang hindi kuntento sa iyo. Luku-luko
at tanga dahil pumatol siya kay Luna."

Sa bigla ni Sean sinuntok siya ni Prin sa mukha. Tinulak niya ito sa pader at
pinigil ng braso ang dibdib.

"Woah! Easy dear…" nakangisi ang lalaki ng nakakaloko at tinaas ang kamay.

Ngumisi din si Prin kahit pa naa-alibadbad-an siya sa pagmumukha nito. Nakakailan


na ang lalaking ito sa kanya at hindi pa rin siya tinitigilan.

"Too bad, you said something bad about my Cally."

Susuntukin ulit dapat ito ni Prin pero isang kamay ang pumigil sa braso niya, si
Kai.

"It's not worth it…" sabi ni Kai saka siya hinila. Kapag nagsugat ang kamay ni
Prin, parurusahan siya ng kanyang Shi bilang siya ang baby-sitter ni Prin sa
kasalukuyan. That Master of him is a pervert. He doesn't want any bruises on every
part of his wife's body.

"Haaay, ito pa ang isa. Gumawa ng social media account para lang magpa-cute sa
kababaihan. Babalikan din ni Bella ang ex niya kaya huwag ka nang mag-eff--" bago
pa nito matapos ang sasabihin, isang malakas na suntok mula kay Kai ang tinanggap
ni Sean.

Pakiramdam ni Sean, nadurog ang wisdom tooth niya na papatubo pa lang. Nagdugo ang
labi at bibig niya.
Matalim ang tingin na pinukol ni Kai sa binata. At gaganti rin sana ito pero isang
sigaw ang tumigil sa kanila.

"Prin, Kai and Mr Sean! To my office!" sigaw ng Dean.

Doon lang napansin ni Prin na maraming estudyante sa paligid kaya mabilis na


nakarating sa Dean ang gulo nila. Nangigigil si Prin dahil sigurado na makakarating
kay Cally na binalik na naman siya sa Dean's office.

'This idiot guy!' kung nakakamatay lang ang mga titig, baka iniembalsamo na ang
lalaki.

Sa opisina ng Dean, kausap nito si Sean sa loob ng maliit na opisina nito. Si Prin
at Kai ay magkatabi sa couch sa labas ng opisina na matiyagang naghihintay kung
kailan sila nito kakausapin.

Ngingiti-ngiti si Prin kay Kai na nagpa-conscious sa huli.

"What?!" hindi na ito naka-tiis.

Tumawa ng malakas si Prin na para bang wala siyang pake kahit nasa opisina sila ng
Dean.

"Tell me, in love na ba ‘yung leader namin?" naka-ngisi na tanong niya dito.

Hindi siya nito sinagot na normal sa leader nila. Naisip niyang subukan ito.

"Follow me on your Twit Twit account. Where is your phone?"

"Shut it! okay? I created the account para bantayan si Bella. Ikaw ang nag-utos sa
akin d'yan na pinapasa mo ang pagbabantay ko sa kanya." sagot nito.

Napangiti ng nakakaloko si Prin. Tulad ng inaasahan niya, hindi siya nito i-f-
follow sa social media account nito because he created that account only for his
beloved. Tsk!

"So, you don't have a plan to follow anyone in Dark Guards?"

"No! Bakit ko kayo kailangang i-follow? You guys knew how to protect yourselves.
And, may I remind you that no cellphones are allowed in Training camp?"

"Ahhh… So, you only want to protect Bella?"

"what? Is that a crime? She's my girlfriend anyway"

Natahimik si Prin pero binigyan niya ito ng makahulugan na ngiti. Mukhang seryoso
ang leader nila sa kaibigan niya. Ang nakakatawa, puro reklamo ang natatanggap
niyang mensahe kay Bella tungkol kay Kai.

Kesyo, inuutus-utusan ito ni Kai. Nanood sila ng sine, pero hindi man lang magawang
alalayan ang kaibigan niya at ito pa ang nagbayad sa lahat ng gastos. Masungit ang
lalaki at kung anu-ano pa.

"MB5, kung ako sa iyo, manligaw ka ng maayos. nandito lang ako para i-guide ka"
sabi pa niya habang tinapik ang sariling dibdib ng dalawang beses na lalong
kinainis nito.

Sasagot pa sana ito pero bumukas na ang opisina ng Dean at sabay silang pinapasok.
Lumabas si Sean na nakasimangot. Tinabig pa nito ang balikat ni Kai na hindi man
lang natinag.

Akala ba ni Sean ay matitinag si Kai sa pagdanggil lang sa balikat? Pati si Prin ay


napipikon na rin kay Sean. Gusto niyang pakuluan ng buhay ang lalaki para magtigil
na ito sa mga naiisip na kalokohan. Sabihan ba naman na babaero si Cally, luku-luko
at tanga.

Kung hindi nga lang dumating si Kai para pigilan siya, malamang na tinuloy sa
ospital ang bwisit na lalaki.

HINDI mapakali si Bella sa silya niya. Wala sa klase ang buong kaisipan niya dahil
na kay Prin at Kai ang lahat ng brain cells niya.

Wala siyang maintindihan sa klase. Nasa online forum na naman kasi ang dalawa at
nasabihan na rin siya na pinatawag nga daw si Prin, Kai kasama si Sean ng Dean.
Napaaway kasi ang dalawa sa huli.

Pasunod na sana siya sa mga ito nang dumating ang instructor nila sa klase, kaya
wala siyang choice kung hindi ang tapusin at manatili sa klase.

Ilang oras ang lumipas, humugot siya ng malalim na hininga nang sa wakas ay matapos
ang klase, inayos niya agad ang mga gamit saka lumabas. Hinihiling niya na sana ay
magkita-kita silang tatlo sa susunod na klase niya.

"Guys, have you heard? Si Prin at Kai. Kailangan na sumali sa Volleyball league
bilang parusa mula kay Dean." narinig niyang sabi ng isang estudyante.

"Woah! Talaga? Exciting ito"

"Basketball at Volleyball to be exact at magsisimula sa weekend. Kung saan kalaban


ang kabilang school. And guys I am talking about beach Volleyball. Ngayon pa lang
ay naglalaway na ko kay Papa Kai"

Nakahinga ng maluwag si Bella. Mabuti at maliit na parusa lang ang natanggap ng


dalawa.

"Pst!" tawag ng isa pa sa dalawang tsismosa.

"Andiyan ang girlfriend, huwag kayong makulit." sita nito.

"Nakita niyo na ba? 12 thousand na yata ‘yung 'Follower' ni Kai pero iisa lang ang

'Following' niya at ‘yun ay walang iba kun'di si Bella na girlfriend." bulong nito.

Nakaramdam naman ng panghihinayang at selos ang dalawa pa.

Curious si Bella kung totoo ang narinig niya kaya binuksan niya ang app ng Twit
Twit. Nabigla siya sa nakita na siya nga lang talaga ang sinusundan ng lalaki. It
was as if he created the account for her.

Namumula ang mukha ni Bella dahil sa kilig. Tumuloy lang siya sa paglakad hanggang
sa makarating ng second floor.

Natagpuan niya si Kai na nakasandal sa pader sa labas ng kwarto ng sunod nilang


klase at halatang naghihintay. May mga babae pa sa paligid na kilig na kilig habang
nakatingin lang sa lalaki. Nilapitan niya ito.

"Ahmm… bakit nandito ka sa labas? Baka mag-init na naman ang ulo mo. Nasa'n si
Prin?"

"She has to go to MGM Office. May nangyari kasi kay Shi Cally." sabi ni Kai habang
nakatitig sa mga mata ni Bella.

It made her conscious. Lalo na at may mga tao sa paligid nila.

"I was waiting for you para magpaalam. Susunod ako kay Prin to check the situation
and I will be busy for a couple of days" sabi nito.

Hindi naman maintindihan ni Bella kung bakit kailangan pa siya nitong hintayin at
magpa-alam, e hindi naman siya nito girlfriend sa totoong buhay. Parang hinaplos
tuloy nito ang kaloob-looban ng damdamin niya. It was like a small gesture with a
big impact in her whole being.

"Ano ba guys, masyado kayong pa-sweet sa hallway. Magkiss na kaya kayo kaysa
iniinggit niyo kami." sabi ng estudyante na mukhang kanina pa nanonood sa kanila.

Namula ang pisngi nila parehas.

"Hindi kita mahahatid papauwi but I will try my best to fetch you. Message me
whenever you need help okay" tila nagdadalawang-isip si Kai kung aalis na ba sa
harapan niya o hindi.

"Have to go!" ang huling sabi saka nagmadaling lumakad papalayo.

"Haaay Kai, kapag ganyan ka ng ganyan mahuhulog ako lalo sa iyo" bulong niya sa
sarili.

Ngumiti siya ng mapait. Alam ni Bella na wala lang ang lahat ng iyon kay Kai.
Sinabihan lang din siguro siya nito tungkol sa paghatid at pagsundo dahil may mga
nanonood sa paligid.

O kaya naman inutusan lang ito ni Prin na magpaalam sa kanya. Nalungkot si Bella.

Tumunog bigla ang cellphone niya habang nasa malalim na kaisipan. May notification
siyang natanggap.

Ang nakaka-aliw, hindi lang ang cellphone niya ang tumunog, kun'di halos karamihan
ng nasa paligid niya. Para bang galing ang mensahe sa NDRRMC at may mangyayaring
sakuna sa sunud-sunod na beep mula kung kani-kaninong cellphone. Sinilip niya ang
cellphone.

[Your friend KaiJeonJang recently posted a status]

Kinakabahan na pinindot niya iyon at tila dinala siya sa kalangitan sa nabasa.

[KaiJeonJang :Wait for me, My Angel…]

Kung gaano siya kasaya, ganoon naman kalungkot ang mga tao sa paligid habang
nakatingin sa kanya at binabasa ang post ni Kai. Halata ang inggit sa mga ito at
parang pinagsakluban ng langit kung saan dinala si Bella.

"Wala na, may nanalo na!" usal ng isa habang iiling-iling


NABIGLA si Prin na makita si Xander sa labas ng opisina ng Dean.

"Miss Prin." bati nito. Kinabahan si Prin hindi pa man nagsisimulang magsalita si
Xander. Hindi kasi pupunta doon ang assistant ni Cally ng biglaan kung walang
nangyari sa asawa niya.

"Anong… nangyari?"

"May mga nangulo kasi sa opisina na sa palagay namin ay supporters o binayaran ng


Mayor para guluhin si Shi Cally." seryosong sabi ni Xander.

"May mga nambato ng itlog sa sasakyan namin at kung anu-ano pa--"

"Bring me to your Master" Nag-aalala na sabi ni Prin, lumakad na siya papalayo


kahit hindi pa alam ang sitwasyon.

"Sasama ako." Pati si Kai ay hindi maiwasan na mag-alala. Kailangan nilang


masigurado ang kaligtasan ni Cally sa oras na iyon.

Hinarap ni Prin si Kai.

"Sumunod ka na lang, alam ko na hindi mo matitiis na mawalay sa iyong Bella.


Magpaalam ka man lang sa girlfriend mo." tinapik niya ito sa balikat.

"Huh? Ah ahm e--" Sinubukan pa nitong magkaila sa kanya.

"Manligaw ka ng maayos. Hindi ‘yung sa online lang kayo official. Bye leader!"
Huling sabi niya sa natulalang si Kai.

Iiling-iling si Prin at inaya na si Xander na umalis para tumungo sa opisina ni


Cally.

Habang daan, tinanong niya si Xander sa kung ano ba talaga ang nangyari sa opisina.
Ayon dito, wala naman talagang nangyari kay Cally. Hindi kumilos ang asawa niya
dahil simpleng mga mamamayan ang nanggulo sa kanila.

Pinatawag siya ni Cally para masiguro ang kaligtasan niya.

Seryoso si Prin na nakikinig. Nakaramdam siya ng pagkainis sa Mayor at sa anak nito


na si Luna. Hindi niya alam kung ano ang naging hudyat para magalit sa kanya ang
babae.

Dahil sinusubukan siya nito, ilalabas niya sa lahat ang totoong ugali nito. Wala pa
naman talagang nasabi si Luna at mula sa kung kani-kanino lang ang balita. May
interview si Mayor pero gusto niyang manggaling ang lahat kay Luna. Gusto niyang
magsalita ang babae sa publiko kung ano ang ginawa ni Cally para kainin nito ang
mga sinabi nito.

Malayo pa ang sasakyan, pansin na ni Prin na madaming tao sa tapat ng entrada ng


MGM Office. May mga plakard ang karamihan at kung anu-ano ang nakasulat tulad ng:

'Panagutan mo si Miss Luna Villanueva'

'Rapist'

'Bastard'

'Luna is a sweet child'


Napapailing na lang si Prin. Ganito ba talaga ang mga tao? Kahit hindi alam ang
totoong nangyari, basta susugod na lang doon dahil lang sa mukhang mahina at sweet
si Luna?

"Stop the car!" Pinahinto niya ang sasakyan sa harapan ng mga nangugulo.

"Miss Prin delikado po" pigil ni Xander. kapag may nangyari kay Prin, malalagot
siya kay Cally.

"I'm okay." Sabi niya saka binuksan ang pintuan. Noon niya lang napansin na may
reporters din sa paligid. Nagsipaglapitan sa kanya ang lahat ng mga ito at may
dala-dalang mic para hingin ang saloobin niya.

"Miss Prin, anong masasabi mo sa ginawa ng boyfriend mo?" Tanong ng isa.

Tinitigan niya ito ng masama dahil sa tanong nito na para bang sigurado ito may
ginawa si Cally. Hindi na siya nagpaliguy-ligoy pa at sinabi ang saloobin.

"Gusto kong magsalita si Luna kung ano ba ang ginawa ni Cally. After that, saka ko
sasagutin ang mga tanong niyo. Wala pa naman talaga siyang sinasabi kung may ginawa
ba si Cally or wala. Karamihan ng lumabas ay sabi-sabi ng kung sino." hinarap niya
ang Camera at tumitig doon na para bang iyon ang bilugang mata ni Luna.

"Hinahamon ko si Luna. Babae sa babae. Sabihin mo sa'min kung ano ang ginawa sa iyo
ni Cally." iyon lang ang mga huling binitawan niyang salita saka tumuloy sa loob ng
opisina.

Hindi na siya nagawa pang harangin ng mga tao dahil may punto ang sinabi ni Prin.
Hindi pa nagsasalita si Luna sa kung anuman ang reklamo nito.

NANG mapanood ni Luna ang interview ni Prin. Nanggagalaiti siya sa galit. Wala
siyang plano na magsalita sana dahil wala naman talagang ginawa si Cally sa kanya.
Hindi sila makapagdemanda dahil gusto ng Dad niya na sagutin muna ni Cally ang
akusasyon niya.

Kinatok siya sa pintuan ng isang kasambahay nila. "Senyorita, Pinapatawag ka ni


Mayor"

Halata sa mukha ni Luna ang pagka-inis dahil sa interview ni Prin at hindi nawala
ang pagka-iritable niya hanggang sa harapin niya ang magulang sa sala ng bahay.

Napansin niya na may kasama ang magulang niya sa sala at pansin niya na taga-media
ang mga ito.

"Personal ka namin na iinterview-hin." sabi ng mga ito.

"Fine!" sabi niya.

"Tell us what happened" ang sabi ng isang babae na nakasalamin.

Nagsimulang magkwento si Luna. "Kinuha nila ako bilang supporting actress sa bagong
movie ng MGM." simula ni Luna.

Kinuwento niya dito ang lahat ng naganap tulad ng kung paano siya purihin ng
direktor kay Cally at kung anu-ano pa.

"Tingin ko naging trigger ‘yon sa kanya para pagsamantalahan niya ako." Sabi niya
ng lumuluha.
"Tapos, pinaalis niya ang direktor para maiwan kaming dalawa sa loob ng kwarto.
Tapos, tapos, ayun na… hu hu hu"

TUMULOY si Prin nang walang bahid ni kalmot hanggang sa maka-akyat sa opisina ni


Cally. Natagpuan niya si Cally na nakapamulsa at nakatingin sa maingay at makulay
na siyudad sa labas. Nilingon siya nito nang madinig ang pagbukas ng pintuan.

Nilapitan niya si Cally. "Are you okay?"

Kinuha nito ang kamay niya, hinila siya saka niyakap mula sa likuran. Pinatong ni
Cally ang ulo sa bumbunan ni Prin.

"Are you sad?" pangungulit niya kay Cally.

"Why would I? Samantalang, You are the person I was thinking before you came in"

"Just checking" napangiti siya sa sagot nito.

"You did a great job kanina. You provoked Mayor's daughter. Now, we have to wait
kung ano ang sasabihin niya. Saka…" bago pa nito ituloy ang sasabihin, kinagat siya
nito sa tenga.

"Ow ow ow!" hinawakan niya ang tenga at halatang may iniwan itong maliit na marka
ng ngipin doon. Hindi naman talaga masakit ang kagat ni Cally.

"Para saan iyon?" reklamo niya.

"Sa pagiging makulit mo, Akala mo ba hindi ko alam na nanuntok ka kanina sa school"

Napakagat ng labi si Prin.

"Sorry…" alam niya na makakarating ang balita na iyon kay Cally.

Binuhat siya ni Cally at dinala sa upuan sa likod ng malapad na mesa ng Presidente.


Nakakandong lang siya dito at mukhang wala itong plano na pakawalan siya. Nagsimula
itong magtrabaho nang nasa ganoong ayos sila. Nakikitingin lang siya sa ginagawa
nito na wala siyang maintindihan ni isa.

Maya-maya, bumukas ang pintuan at lumitaw si Kai. Nakakunot ang noo nito na makita
sila sa ganoong ayos.

"Kamusta Shi?"

"I'm okay. Walang dapat alalahanin." sagot ni Cally. Halatang kalmado ito at hindi
man lang makitaan na apektado sa nangyari.

"Inutusan ako ni Master Rob na bantayan kayong dalawa." sabi nito saka umupo sa
nag-iisa at malapad na couch. Halata ang dis-gusto sa hitsura nito habang
nakatingin sa kanilang dalawa.

"Seriously, nasisikipan ba kayo dito sa couch kaya nagkakasya kayo sa iisang


silya?" reklamo nito.

Tumawa si Prin. "Ha ha ha. A single like you wouldn't understand."

"Well, he has his Angel now." makahulugan na sabi ni Cally kahit hindi pa nito
tinatanggal ang paningin sa trabaho.

Namula ang mukha ni Kai.


"Go to your Angel, then." nakangisi si Prin kahit pa alam niya na hindi ito aalis.
Uunahin ni Kai ang obligasyon nito bilang Dark Guard bago ang lovelife nito.

Hindi na lang sila pinansin ni Kai. Nilabas nito ang laptop saka nagsimulang
magbrowse. Nagsimula rin itong mag-report kay Rob kung ano ang mga nangyayari sa
Maynila. Inabot ng ilang oras bago nito napansin ang isang video ni Luna.

"Guys, come here! May video na si Lu--" inangat nito ang paningin kay Prin at Cally
na kasalukuyang nag-ngingitian at nagpapalitan ng halik sa isa't isa.

"What the f*ck! Are you guys for real? Hello?! I'm still here. Are you guys trying
to make me your third-wheel?"

Tumawa si Prin. Naisip niyang inisin at inggitin si Kai para subukin ang self-
control nito. At tulad ng inaasahan maiinis ito sa kanila ni Cally.

Inikutan siya nito ng mata. Tumayo ito at binitbit ang laptop sa harapan nila.

Pinindot ang play button sa harap nilang dalawa. Walang makitang emosyon kay Cally
at Prin hanggang sa matapos ang video. Si Kai naman ay napangisi.

Kinuha ni Cally ang cellphone at tinawagan si Zuki. "Naglabas na ng interview ang


anak ni Mayor, huwag mong hahayaan na mawala ang video na iyon sa internet. Ilabas
mo mamayang alas dose ng hatinggabi ang CCTV para totoong naganap sa restaurant."
sabi nito saka binaba ang tawag.

"You can now go to your Angel." utos ni Cally.

Namumula ang pisngi ni Kai na kinuha ang laptop. Saka bumalik sa couch. Halata na
hindi pa rin ito matitinag.

Naisip ni Prin na dagdagan ang pang-aasar dito. "Oh right, I remember na mukhang
may usapan sila ni Ken. Mukhang dadalawin siya ni Ken sa unit niya ngayon, husbie."

Nakisakay naman si Cally. "Oh! Ken, her childhood lover? Really?"

Napansin niya na niligpit ni Kai ang gamit.

"F*ck you guys!" ang sabi saka lumabas ng opisina ni Cally.

Tawa ng tawa si Prin. Hindi pa kasi umamin at manligaw ang mokong sa kaibigan niya.

ALAS otso na ng gabi nang makalabas si Kai ng opisina ng MGM. Ang bwisit na si Prin
at Cally parang pinaglaruan siya ng mga ito sa opisina.

Tumatak sa isip niya ang sinabi ni Prin na pupunta si Ken sa bahay ni Bella kaya
lalo siyang nagmadali na makauwi ng condo.

Matapos mag-park ng sasakyan, nag-iisip siya ng dahilan para kumatok sa pintuan ng


unit ni Bella. Mag-aalas nueve na kasi ng mga oras na iyon.

Seryoso lang siya na nag-iisip kahit na nang huminto ang elevator at makasakay siya
sa maliit na box na iyon. Pinindot niya ang floor kung nasaan ang unit nila ni
Bella.
**ding!

Lumabas si Kai at naglakad patungo sa tinitirhan. Sinilip niya pa ang pintuan ng


unit ni Bella. Tahimik ang kwarto nito kaya inisip niya na baka tulog na ang babae
kahit mag-a-alas nuwebe pa lang. Tumigil muna siya sa pagkilos at saka nakikiramdam
at nag-iisip ng idadahilan para katukin ang babae.

'Ayain ko kaya siyang kumain.' humakbang siya para kumatok. Kikilos na sana ang
kamao niya para katukin ito nang bigla siyang nakaramdam ng kahihiyan.

'F*ck!' humugot siya ng malalim na hininga. Saka bumalik sa pintuan ng unit niya.
Nanatili siya doon at hindi alam ang gagawin.

Maya-maya, nakarinig siya ng nagtatawanan sa pasilyo. Rinig niya ang papalapit na


tawa ni Bella at tulad ng sabi ni Prin mukhang si Ken ang kasama nito.

Sinusian niya na ang pinto. Malamig ang mata ni Kai na binuksan ang pintuan saka
malakas na sinara iyon matapos niyang makapasok sa loob.

Sa kabilang banda, alam ni Bella na nagsara ang pintuan ng unit ni Kai. Mukhang
nakauwi na ang binata.

Sakto sa pagsara ng pintuan nito ang pagliko nila ni Ken sa pasilyo. Natigil siya
sa pagtawa.

"Do you think he's back?" tanong niya sa kaibigan habang bitbit ang take-out ng
pagkain. Huminto sila sa tapat ng unit niya.

"I think so… o siya aalis na ko. siguro naman ay safe ka na dito."

"Bye! Sabihan mo na lang ako kung kailan ang alis mo, okay." pabalik na kasi ng
abroad si Ken.

"Yep! Bye bye sugar!" hinalikan siya nito sa pisngi saka tuluyang umalis.

Biglang naging tahimik ang maingay na mundo ni Bella kanina. Binuksan niya na ang
pintuan pero nakatingin lang siya sa hawak na take-out na pagkain at hindi
tumutuloy sa pagpasok.

Nagpasama siya kay Ken na bumili ng pagkain sa labas dahil alam niyang nasa paligid
pa rin ang ex niya.

Huminga si Bella ng malalim. Saka tumapat sa pintuan ng unit ni Kai. Kinatok niya
ang pintuan nito.

Rinig niya ang papalapit na yabag bago nagbukas iyon. Nagtama ang mata nilang
dalawa ng binata kahit pa malamig ang mata nito habang nakatingin sa kanya.

"Ahmm… may dala akong pagkain. Gusto mong sumabay na kumain?" sabi niya at inangat
pa ang supot ng take-out.

Doon niya lang napansin ang mga tulo ng dugo mula sa kanang kamay nito.

"Oh my god! What happened?" bigla niyang ibinaba ang supot at kinuha ang kamay
nito. Sinuri iyon. May mga naiwan na kakaunting bubog sa kamay ni Kai. Hindi niya
alam kung ano ang nangyari.

"Do you have a first aid kit?" tanong niya.


"Yes"

"ahmm, halika na gamutin natin ‘yan." sabi niya na kusang pumasok sa unit ng
tinitirhan nito. Nahimasmasan din naman siya agad nang makahakbang papasok sa loob
ng unit ni Kai.

"Ahhm.. Sorry I forgot to ask you kung… okay lang na pumasok ako."

"No problem" sabi nito.

Kinuha ni Bella ang pagkain at nilagay sa table na naroon. Hindi tulad ng ibang
kalalakihan, maayos ang unit ng tirahan ni Kai. Walang kalat o bahid ng alikabok.
Very musculine ang awra ng paligid. May purifier pa sa gilid at lavander ang amoy.
Hindi maiwasan na mainggit siya sa unit nito.

Pinaupo siya ni Kai sa sofa na nandoon saka umalis saglit para kunin ang medicine
kit.

Nakita ni Bella ang nabasag na baso sa gilid pati na ang wine bottle na nasa mesa.
Sa palagay niya umiinom si Kai bago siya kumatok. Ano naman kaya ang dahilan kung
bakit umiinom ang binata?

Natigil lang siya sa naiisip nang iabot sa kanya ni Kai ang medicine Kit.

Kinuha niya ang braso nito na nasugatan at saka niya sinimulan na linisin. May
maliliit na bubog pa sa kamay nito.

"Ano bang nangyari dito? Why are you so clumsy? Iinom ka na ng lang hindi ka pa
nag-iingat."

Nakatitig lang si Kai sa nakayuko niyang mukha. Kita pa nito ang mahahaba niyang
pilik-mata habang seryosong inaalis at nililinis ang mga sugat sa kamay.

Pinakikiramdaman lang siya ni Kai. Normal naman kay Bella na tahimik ang lalaki o
kaya masungit.

"Do you want to eat? " tanong ni Bella para makaiwas.

Tumango lang si Kai. Nagugutom na rin naman talaga siya. Nakaramdam lang siya ng
sakit sa dibdib nang marinig na nakikipagtawanan si Bella sa ibang lalaki kaya
napainom tuloy siya.

Inabot ni Bella ang binili niyang pagkain kay Kai. Tig-isa sila saka siya
nagsimulang sumubo. Nakakalahati na siya nang mapansin na hindi pa kumikilos si Kai
at nakatingin lang sa bibig niya na puno ng pagkain.

"Y-you don't like my food?"

"I don't know how to use my left hand. Subuan mo ko." hiling nito.

HINDI alam ni Bella kung ano ang tamang reaksyon sa sinabi ni Kai. She has this
confused look around her face.

"Nagugutom na ko… hindi man lang ako pinakain ng mga walang awang si Prin at Cally"
parang bata na reklamo nito sa kanya.

Walang nagawa si Bella kung hindi ang subuan si Kai. Kumakabog ang dibdib niya
habang ginagawa iyon. Iyon ang unang beses niya na magpakain at hindi maiwasan na
mapatitig siya sa manipis na labi ng lalaki.

Halos lahat sa parte ng mukha nito ay perpekto na aakalain mo talaga na finished


product ni Belo. His Korean black eyes is distracting, parang mata ni Sehun ng Exo.
Madaling mabasa sa mga mata na iyon ang totoong saloobin nito. His Jaw, his nose at
kahit hugis ng mukha ni Kai ay nakakagambala sa pagkatao niya.

Napapalunok siya tuwing susubuan ito ng pagkain. Ang walang hiya, parang ninanamnam
pa ang bawat pagkagat sa dala-dala niyang yangchow.

"Pwede bang bilisan mo para makauwi na ko!"

"D'yan ka lang naman sa tapat nakatira. As if naman na gagabihin ka at mayroon kang


curfew" katwiran nito sa kanya.

"Kahit na, gabi na, saka hindi pa ko inabot ng dis-oras ng gabi sa bahay ng kahit
na sinong boyfriend ko. O mas tamang sabihin na hindi pa ko nakarating sa bahay ng
kahit sino sa kanila" namumula ang pisngi at halos bulong na sabi niya.

"bakit? Ilan ba lahat ng ex mo?" interesadong tanong nito.

Nahihiya na inangat ni Bella ang lahat ng daliri niya. Nanlaki ang mata ni Kai.

"Ten? You have 10 exes?!" nalukot ang mukha ni Kai. Samantalang siya ay wala pa ni
isa. Ganito na ba ang mundo ngayon? Bakit huli yata siya sa ikot ng mundo?

Tumango naman si Bella bilang sagot. Napakamot siya sa pisngi at pinilit na


magdahilan.

"Well, you see? Halos lahat sila ay tipong sinagot ko lang because I thought it was
love. I started dating since I was… ten"

"The first person is Ken… it was not actually dating, it's more of puppy love.
Nagstart ang talagang pakikipag-relasyon ko when I was 17 because he is my first
ever crush but I learned that he was not really into our relationship. Ang mga
sumunod ay pa-isa-isang linggo. Until recent na maging boyfriend ko si Josh na
umabot ng three months…" halos hindi niya tingnan sa mata ang lalaki.

Masama ang tingin na pinukol ni Kai kay Bella kaya nakaramdam siya ng panlalamig sa
katawan.

Humugot ng malalim na hangin ang binata. Madami pa pala siyang kakainin na bigas
'pag dating sa pakikipag-relasyon. He is twenty two and has never experienced
dating.

Saan siya magsisimula at paano?

"Gabi na, kaya uuwi na ako." paalam ni Bella. Tumayo na siya at tinungo ang
pintuan. Kinakabahan kasi siya sa lamig ng pagkatao ni Kai.

Binuksan niya na ang pintuan ng unit niya. Hindi niya alam na nakasunod pala sa
kanya si Kai sa likuran.

"Kapag natapos ang issue ni Cally, gusto mo bang sumama sa akin sa Taiwan?" narinig
niyang sabi nito sa likuran.

Nilingon niya ang lalaki kasabay ng pagbukas ng pintuan. "Why?"

"Because, it was beautiful out there. And… I want you to meet your future in-laws
because I will make sure that your recent boyfriend would be your last."

"Ahm… Wait lang!" pumasok si Bella sa loob ng unit niya at tila tumili ng walang
tunog. Pinapagaspas pa sa hangin ang dalawang braso niya at parang kiti-kiti na
hindi mapakali sa sobrang kilig. Kinalma niya rin agad ang sarili.

Binuksan niya muli ang pintuan at natagpuan si Kai na seryosong naghihintay doon sa
pintuan nito.

"*cough* I was just checking my passport kung hindi pa expired." dahilan niya.

"Okay. See you tomorrow, I think pwede na akong pumasok bukas." may plano na kasi
si Cally sa buong gabi na iyon kaya alam niyang ilang araw na lang tapos na ang
problema nito sa mag-amang Mayor at Luna, pati sa opisina.

"Okay! Goodnight!" sabi ni Bella saka dahan-dahan na sinara ang pintuan.

Para siyang nasa langit at wala sa sarili na inihulog lang basta ang katawan sa
kulay pink niyang kama.

Gusto niyang tumili ng totohanan para mailabas ang kilig.

Maya-maya, nagbeep muli ang cellphone niya sa bag. Kinuha niya iyon at nakita ang
notification na may bagong post ulit si Kai.

Isang larawan ang post nito. Larawan niya habang nililinis niya ang kamay nito na
may sugat at bubog. Hindi niya akalain na ninakawan siya nito ng picture. Nakayuko
siya doon at umagaw sa atensyon niya ang mensahe ng lalaki.

[KaiJeonJang :Good night, My Angel]

HABANG nag-aagahan ang Mayor, ang unang Ginang at si Luna. Isang grupo ang kumatok
sa tahanan nila. Hinarap ito ng tumatayo bilang kanang-kamay ng Mayor na pumalit
kay Marvin. Matapos malaman ang pakay ng grupo, dali-dali itong nagpunta sa dining
area.

"Mayor, may problema!" tumingin ito sa mag-anak na tila may ngiti pa sa mga labi.

Nakakunot ang noo ni Mayor Villanueva na hinarap ang Assistant niya. "Siguraduhin
mong importante ang kailangan mo sa akin."

"Mayor, walong attorney ang nasa labas at kinakasuhan si Miss Luna." Sabi ng kanang
kamay ng Mayor.

Nagkatinginan ang tatlo sa pamilya. Napalunok si Luna.

"Anong ibig mong sabihin?!" Agad na tumaas ang boses ni Mayor.

"Walong mga kilalang abogado po ang mga nasa labas Mayor at nais lang na sabihin sa
inyo ng personal na dinedemanda ni Master Cally Han si Miss Luna."

Nanlaki ang mata ng tatlo. "Ang kapal ng mukha ng lalaking iyan. Si Luna na nga ang
agrabyado, siya pa itong magdedemanda?! Hala, sige papasukin mo iyan?!" galit na
sabi ni Mayor.
Napalunok si Luna. Bumalot ang takot sa katawan niya at inalala ng mabuti ang mga
ginawa. Ginawa niya lang ang sa palagay niya ay tama kahit hindi pa siya nag-iisip.

"Dad anong gagawin ko?" nanginginig ang labi na tanong niya.

"Anong gagawin mo? Walang iba kung hindi ang idemanda din ang Cally Han na iyan!
Mukhang kulang ang mga tao na binayaran ko para guluhin siya! Ha! Pwes,
magkakasubukan na kami." Agad na hinarap ni Mayor ang walong Attorney.

Kilala niya ang pinuno sa walo, isang babae iyon na ilang kaso na ang naipanalo, si
Attorney Becky. Dito lang sa abogado na ito ay siguradong kakabahan ka na, bukod pa
sa pito pa na nakasunod dito. Napalunok si Mayor sa grupo ng Abogado na meron si
Cally.

"Hindi na kami magpapaliguy-ligoy Mayor. Kinakasuhan ni Master Cally si Miss Luna


ng Grave Slander dahil sa mga kasinungalingang pinahayag niya ng nakaraang araw. At
dahil din doon, nalugi pati ang stocks ng MGM sa nangyari. Kalahating bilyon ang
hinihingi ng MGM bilang danyos." may awra ang babae na walang kinakatakutan at
diretso ang pakay sa kanila.

Nanlaki ang mata ng Mayor.

"Anong ibig mong sabihin. Ang anak ko na nga ang namolestiya, kami pa ang
magbabayad?!" galit na sabi.

Ngumisi ang Abogado at nagtaas ng kilay. "Mukhang hindi nanonood ng balita si


Mayor? O kaya naman walang wifi dito sa bahay niyo?" nang-iinis at makahulugan na
sabi nito.

Tumingin ito kay Luna na nakayakap ng mahigpit sa Mommy niya. Tinanggal nito ang
salamin sa mata at pinunasan pa iyon.

"Kung ako sa iyo Miss Luna, magsimula ka nang magbilang ng pera dahil hindi lang
pangalan ni Master Cally ang sinira mo, pati ang pangalan ni Mayor. Find your best
Lawyer on the planet or else you have to pay 500 million because the truth is
always behind your back." Iyon ang huling mensahe nito saka isa-isang
nagsipaglabasan.

"Anong ibig sabihin nito? Anong truth?!" habol ng Mayor sa mga Abogado.

"Bye Mayor!" ang huling mensahe ni Attorney Becky.

Inabot ng kanang-kamay niya ang bagong nagtrending na balita sa internet. "M-mayor,


i-ito po ang sinasabi ni Attorney.."

Pinindot nito ang play button sa cellphone para mapanood ni Mayor ang video. Video
ng CCTV sa restaurant.

Matapos mapanood ang lahat, natulala si Mayor. Galit na tumingin siya kay Luna.
Hinila niya si Luna na nakayakap sa asawa.

"Mapapatay kitang bata ka!" saka sinampal ang nag-iisa niyang anak.

"Nagtiwala ako sa iyo! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally!
Kung hindi ka niya nagustuhan sana sinabi mo na lang ng maaga kaysa nagsinungaling
ka!" tila sinapian ng demonyo ang Mayor. Nagkikiskis ang ngipin nito sa galit na
halos madurog na iyon.

Nasapo ni Luna ang pisngi niya at agad na dumaloy ang luha sa mata.
"Dad…"

Sasampalin pa muli ni Mayor si Luna ngunit napigil na ito ng unang ginang.

"Please, please Honey!!! stop it!" pigil ng asawa niya. Dumadaloy na rin ang luha
sa mata nito.

"Hindi ko maintindihan kung saan ka nagmana ng katangahan?! Alam mo ba ang ibig


sabihin kung hindi mo mababayaran ang danyos na hinihingi ni Cally? Ha!" isang
sampal muli ang pinakawalan nito sa pisngi ni Luna.

"Honey.."

"Makukulong ka! Sinabihan na kita noon na hindi isang simpleng tao si Cally kahit
ang asawa niya ay hindi simple!!!" halos mawarak na ang gilid ng labi nito sa
sobrang galit at singhal.

"Dahil sa ginawa mo! Nasira ang reputasyon ko bilang sinungaling na Mayor sa


mamamayan dahil nagtiwala ako na hindi magsisinungaling ang anak ko sa'kin!"

Iyak lang ng iyak ang mag-ina. "Hala! Sige! Ako mismo ang maghahatid sa iyo sa
kulungan!"

Napapailing si Luna. "No… Dad… Ayoko... A-Ayokong makulong."

"Kung ayaw mong makulong, magpakasal ka kay Mr. Sy dahil siya lang ang may
kakayahan na magbayad ng danyos na ginawa mo!"

Natigilan si Luna. Kilala niya ang sinasabi ng Dad niya. Matanda na ang lalaking
iyon. Hindi pa siya naikakasal, kinikilabutan na ang buong pagkatao niya.

"Dad, ayoko!"

"Gaga ka! Kalasanan mo kung ano man ang kahihinatnan ng buhay mo! Kung naging
matalino ka lang sana!"

"I-I paid someone para madelete ang CCTV sa kwarto na iyon, I never thought na
nakuha pa rin ni Cally." pagdadahilan ni Luna.

Umismid ang Mayor. "Pinatunayan mo lang na bobo ka talaga! Kahit bayaran mo pa ang
lahat ng hacker na meron sa bansa para mabura ang files na iyon, makukuha at
makukuha ni Cally iyon dahil pinsan niya lang naman si Matthew Lopez!" napapailing
si Mayor.

"Mahina ka mag-isip pero malaki at mataas ang kinalaban mo! Boba!" singhal ng
Mayor.

Sa mga panahon na iyon, isang genius si Mat-mat sa larangan ng computers. Isang


kilalang hacker na nakabase sa Amerika. Walang mukha si Mat-mat sa publiko dahil sa
sobrang mailap ito sa mga tao at tanging pamilya lang ang talagang may larawan ng
tunay na anyo at itsura ng binata.

Simula pa lang ang laban ni Cally kay Luna dahil alam niya na ang kalaban niya
talaga sa huli ay si Mayor Villanueva.

Matapos mailabas ng grupo ni Cally ang video, bumalik na muli ang stocks ng MGM sa
normal at nakatanggap pa ng regalo si Cally at Prin mula sa kung kani-kanino.
Madami ang nagtaas ng kilay kay Cally lalo na mula sa mga shareholders nang lumabas
ang isyu ni Luna.

Sino ba naman ang may gusto na bumaba ang stocks ng kumpanya di ba? Ang alam lang
ng mga ito ay kung paano kikita. Ngayon, pilit na naman na dumidikit sa kanya ang
mga ito dahil hinihingan niya ng malaking danyos si Mayor at ang anak nito.

Habang kumakain sila ni Cally ng agahan, naalala ni Prin ang tungkol sa parusa ng
Dean. Ang totoo, hindi masasabi na parusa dahil gusto nila ni Kai ang gagawin.

"Husbie, 'nga pala, I forgot to tell you that I need to compete in Beach
Volleyball"

Biglang angat ng tingin sa kanya si Cally mula sa kinakain "Beach Volleyball?"

"Yes. Dalawa kami ni leader MB5" sabi niya saka sinubuan ito ng isang hiwa ng
mansanas.

Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya. "Choose other sports. Not the beach
Volleyball" simpleng sabi nito.

Kumurap-kurap ang mata ni Prin. Dahil wala siyang naintindihan sa sinabi ni Cally
kung bakit hindi siya pinapayagan.

"Aha! I got it! You don't even understand.."

Parang pinagsakluban siya ng langit sa nadinig.

"Volleyball is my favorite!" alma niya

"Yes, Volleyball wearing a bikini. Choose tennis, sipa or jack en stone, or


whatever. Not the beach volleyball."

"Should I have to wear a bikini in beach volleyball?" nagtaka si Prin. Nanlaki pa


nga ang mata niya.

Napapailing si Cally. "Haaay, don't tell me you wore abaya tuwing may laban kayo sa
Japan."

Pinukulan niya ito ng masamang tingin. "Not Abaya! But I always wear comfortable
clothes. Why do I have to wear a bikini? Does my boobs size matter? Does it help me
get a score? Do I have to flaunt my boobs to get a score? It's not as if I'm a
beauty queen holding a ball"

Cally "...."

Napapailing si Cally. That is his Prin's way of thinking.

"Basta 'No' and that's final. Kapag sinuway mo ako, ipadadala kita sa arctic ocean.
so you could wear your bikini."

Prin "...."

'No, I don't have the guts'

Hindi na siya sumagot. Nakasimangot na nginuya na lang niya ang pagkain na naiinis.
Sa kanilang dalawa ni Cally, mas 'batas' ang sasabihin nito kaysa sa kanya.

"On your semestral break, let's go to Dubai for SkyDiving" suhestyon nito.
Nagliwanag ang mukha ni Prin sa nadinig. Pagkatapos kasi ng league, semestral break
na nila sa eskwelahan.

"Oh! I love my husband so much! He's so handsome and loves his wife so much!" sabi
niya na nayakap si Cally.

"Basta, No to beach Volleyball!" huling banta nito.

Nakangiti si Prin pero sa loob-loob ay nagdadalawang-isip na sumuway kay Cally.

UNANG napansin ni Prin nang makapasok sa loob ng school ay ang tingin na pinupukol
sa kanya ng mga tao. Pinabayaan na lang niya ang mga ito dahil siguradong tungkol
sa isyu nila ni Luna ang nasa isip ng mga ka-eskwela niya.

Tumuloy siya sa klase at natagpuan si Bella na nagb-browse sa cellphone nito. Iba


ang klase ni Kai sa mga oras na iyon.

"How are you, my angel?" tudyo niya at binigyan ang kaibigan ng nakakalokong ngiti.

Inangat nito ang paningin sa kanya nang namumula ang pisngi.

"Kamusta kayo ni Cally?" pag-iwas nito.

"Kayo ni Leader Kai, kamusta?" akala ba nito ay mananalo ito sa asaran laban sa
kanya.

"Ihhh!!!" nagtakip ito ng pisngi na halatang nahihiya.

"May kiss na bang naganap?" dagdag niya pa.

"K-kiss my Ass! Hindi pa nga nanliligaw 'yung tao sa akin. Kiss ka diyan!" Bulong
nito pero may pagbabanta.

Tumawa si Prin. "Ikaw na ang mag-first move! Never been kissed pa si Leader Kai."
dagdag na tudyo niya dito.

"ehh, I won't! I will never do that!" halata na ang pagkapula ng mukha ni Bella na
maihahalintulad sa kamatis.

Nilabas ni Prin ang cellphone.

"So, what's with this photo..? My... Angel" sabi niya ng may pang-iinis. Binigyang
diin niya pa ang salitang 'My Angel'

Namumula ang mukha ni Bella dahil karamihan sa school, ang tawag na sa kanya ay 'My
Angel'.

Tulad na lang ng bumili siya ng ensaymada sa canteen ng nagdaang-araw. Tinawag


siyang Angel ni ateng tindera. ‘Yung guard sa gate at mga ka-eskwela na
nakakasalubong niya sa daan.

Pati ang bilihan ng Milk Tea ay 'Angel' ang tawag sa kanya.

Naaaliw si Prin na tudyuin si Bella. Halatang kinikilig ang kaibigan niya. Ang
kailangan na lang niyang gawin ay bigyan ng kaunting 'push' si Kai para maging
official na ang dalawa.

"So, Bella my dear, dinala mo ba ‘yung request ko?" tanong ni Prin matapos ang
klase.

"Yeah! Here!" at inabot sa kanya ang paper bag na may laman na sports bra, bikini
at puting short.

"Thank you!"

ALAS KWATRO ng hapon ang laro ni Prin at Kai sa Sand by the Bay kung saan gaganapin
ang competition ng school nila laban sa Green Lanterns.

Sakto naman na may isa't kalahating oras pa sila para mag-byahe. Kinita niya si Kai
sa sasakyan nito na nakahalukipkip at naghihintay. Nakasimangot ito na makita siya
pero nagliwanag ang pisngi nito nang masino ang nasa likuran niya.

Napapa-iling si Prin. Kahit hindi pa ito umamin ramdam niya na seryoso na talaga
ang binata sa buhay-pag-ibig. "Salamat sa paghihintay, MB5."

Inikutan siya nito ng mata "kapag nalaman ni Shi Cally itong gagawin mo, labas ako
dito ha. O siya, Pasok!" pinindot nito ang button ng susi ng kotse.

Isang ngisi ang sinagot ni Prin. Alam niyang love na love siya ni Cally, nakuha
niya na ang bertud ni Master kaya hindi siya nito dadalhin sa malamig na Arctic
ocean para mag-bikini kasama ng mga penguin.

"P-pwede akong sumabay?" tanong ni Bella sa binata.

"Wushuuu, nagtanong ka pa? Of course! He needs inspiration" tudyo ni Prin. Sabay na


namula ang mukha ng dalawa.

"D'yan ka na sa tabi ni MB5 para hindi mawala ang closeness niyo sa isa't isa."
sabi niya bago pinilit na isakay ang sarili sa likuran ng kotse.

Habang daan, Pansin ni Prin na hindi nag-uusap ang dalawa na para bang may anghel
na nakapagitan sa mga ito. Naisip niyang tudyuin ang dalawa habang nasa likod siya
ng sasakyan.

"MB5, where do you plan to get your first kiss? Girls love beautiful scenery. We
like to have our first kiss to happen in a place that will give us an impression of
L.O.V.E. Example, under a thousand cherry blossom trees or beside--" pangungulit
niya.

Hinarap siya ni Kai dahil nag-pula ang kulay ng stoplight. "Tell us, does your
first kiss happened under your cherry blossoms tree?" balik nito.

"Ahh…" Napakamot siya sa ulo.

"See?" Iiling-iling si Kai. Kahit siya na lalaki ay walang makitang ka-sweet-an sa


pagkatao ni Cally. kaya maiisip ba niya na nagkaroon ng first kiss ang dalawa sa
lugar na tulad ng payo ni Prin. Utot niyo Blue!

Gayunpaman, tumatak pa rin naman sa kanya ang sinabi ni Prin. He believes that his
first kiss must happen in a beautiful scenery. There are a lot of places to
consider. Sinopla niya lang si Prin para magtigil na ito sa naiisip nitong
panunudyo. Napansin niya kasi si Bella na nasa tabi na pulang-pula na ang mukha
dahil sa torture ng kaibigan nito. At may palagay siyang nagsimula pa ang panunudyo
nito simula pa nang magkita ang dalawa sa klase.

Matapos ang ilang minuto, huminto ang sinasakyan sa parking ng 'Sand by the Bay' .
Sinalubong sila ng Team Captain ng school nila, si Ronald kasama ang isang dalagang
assistant ng Dean.

"Hey guys! Nakapagdala ba kayo ng uniform?" tanong nito.

"I just brought midnight blue plain sports bra, a bikini and a white short." sagot
niya. Nasabihan na kasi siya na walang stock sa school ng uniform. Biglaan kasi ang
pagsali niya sa league. Hindi tulad ni Kai na may available na beach short.

"Sorry ha." hingi ng paumanhin ng Assistant.

"Okay, napakiusapan ko naman na ang Committee at pumayag sila dahil naka green
naman ang kalaban niyo." Sagot ni Ronald.

Doubles ang laban nila. Silang dalawa ni Kai laban sa isang babae at lalaki rin
mula sa Green Lantern.

Tumuloy na sila sa shower room. Sinuot ni Prin ang bikini pati na ang sports bra.
susuotin na sana niya ang puting shorts nang makita na may bahid ng mga itlog ng
ipis ang puwitan ng shorts.

Nang tanggalin niya iyon, kumalat ang kulay brown sa puting tela na para bang
nagpupu siya kung susuotin niya iyon.

'Shocks!'

"Bella…"

"Yes my friend?"

Binuksan niya ang pintuan ng cubicle. "May mantsa ‘yung shorts" reklamo niya.

"Oh! Shoot! Sorry hindi ko kasi tsinek" nakangisi na sabi. Tiningnan nito ang awra
niya. Wala namang nakikita na cleavage sa katawan ni Prin pero kitang kita ang
kahubugan ng buong katawan.

Noon niya lang nakita na may maliliit na abs si Prin. Bilugang hita at matambok na
puwitan na sasambahin ng kahit na sinong kalalakihan. Makapal naman ang bikini ni
Prin at siguradong hindi lalabas o lilitaw ang 'palitaw' .

"My friend, you are soooo sexy, no need the shorts! Maganda nga iyan ng
makadistract ka ng kalaban" sabi nito.

Kagat ni Prin ang labi.

'Bahala na!'

Tinawag na sila ng kasama sa team kaya hinila na siya ni Bella patungong court kung
saan naroon ang laban.

Habang daan hindi maiwasan na may mapalingon at ma-pasipol sa kanya. May mga ka-
eskwela na rin sila na napasugod sa lugar dahil kay Kai. Gustong makita ng mga ito
ang katawan ng lalaki.

Naghihintay na si Kai sa kanila doon at kausap si Ronald. Halata ang kilig ng mga
kababaihan sa binata pero hindi nito pinapansin ang kahit na sino sa mga ito.
Kita ang pagka-maskulado ng katawan nito dahil sa suot nitong beach shorts.
Pumuputok pa ang abs ng lalaki kaya halos tumulo na ang laway ng mga 'fans' nito.

"Kai, hubarin mo na ang shorts mo for us please!!!" sigaw ng isa.

"Hoy! Palalabasin ko kayo dito kapag nangulit pa kayo!" sigaw ng isang committee.

Lumapit si Bella kay Kai para bigyan ito 'Goodluck' habang si Prin naman ang kausap
ni Ronald.

"Magaling na ba ang sugat mo sa kamay?" nag-aalalang tanong ni Bella.

"Hindi pa. Pero okay lang… My hands are still ready to hold you kahit magkadurug-
durog pa… saka My Angel is watching, kaya I'll do my best to win." Nakaiwas ang
tingin na sabi nito.

Nakagat ni Bella ang labi para pigilin ang kilig. Pinaupo siya nito sa isang silya
saka sumunod kay Prin. Nakasunod lang sa kanila ang mata ng mga naiinggit niyang
kaeskwela.

Bago magsimula ang laban, tumunog muli ang cellphone niya. At tulad ng mga
nakaraan, sunud-sunod ang beep mula kung kani-kaninong cellphone sa paligid.

Nakita niya na may bagong post na naman si Kai. Nang silipin niya ang lalaki,
kasalukuyan nitong ipinasok sa bag nito ang cellphone nito.

Pigil ang hininga na pinindot niya ang notification.

[KaiJeonJang :I will definitely win today, my Angel]

Nagsipaglaglagan na naman ang mga balikat ng mga kababaihan na ka-eskwela niya.

"Wala na, uwian na may nanalo na!"

"M-M-MASTER, si Miss Prin… Naglalaro ng volleyball sa Sand by the Bay." Pigil ang
hininga ni Xander habang binabalita kay Cally ang sitwasyon ni Prin.

Natigilan saglit si Cally at para bang bumaba ang temperatura sa loob ng kwarto.
May mga pinindot si Cally sa laptop nito at lumitaw ang kasalukuyang larawan ni
Prin.

Nakasports bra ang asawa niya ng kulay midnight blue. Kakulay ng tatsulok na bikini
nito na hindi niya nagustuhan sa lahat. Kita niya pa ang paglitaw ng bilugan na
pwitan ni Prin sa ibang mga larawan.

Halata pa ang kasiyahan sa mukha ng asawa niya sa mga kuha nito.

"P-pangalawang set na nila ngayon, Master" dagdag pa ni Xander.

Biglang binagsak ni Cally ang screen ng laptop. Mukhang hindi nakuha sa banta niya
ng umaga na iyon si Prin. Tinawagan niya ang Piloto niya at pinahanda ang private
plane.

Tinawagan niya rin si Mat-mat para burahin ang lahat ng larawan ni Prin sa
kasalukuyan na makikita nito sa kahit na kaninong computer.

"Geez, it's not as if she was naked in this photo" nag-uusap pa lang sila, may
kopya na agad ito ng picture. Ganoon kabilis pumindot ang pinsan niya.
Hindi sumagot si Cally at nakuha naman nito ang signal. Mainit talaga ang ulo niya.

"Fine! Fine! I'll send all these pictures inside your safe file. For your eyes
only!" saka nito binaba ang tawag.

"ATE ANGEL!" Kalabit kay Bella ng nasa likod kaya nilingon niya ito. Namumukhaan
niya ito bilang freshman sa school nila.

"’Yung buhok mo 'te, inaapakan na namin sa sobrang haba" Tudyo nito.

Pinukulan niya ito ng nakamamatay na tingin saka inirapan. Tulad ng dati, naka-bun
ang buhok niya at may headband pa na tela sa ulo kaya alam niya ang ibig nitong
ipahiwatig. Tinutudyo siya nito kay Kai.

Binalik ni Bella ang tingin sa laro at nanlaki ang mata niya sa kalaban na lalaki
ni Prin at Kai.

Nagsimula na ang laban. 'Doubles' ang tema ng laban. Isang babae at isang lalaki.
Nagkamayan muna sila Prin pati ang kalaban. Nagtaas ang kilay ni Kai nang humigpit
ang pakikipagkamay ng lalaki sa kanya. Hindi niya alam kung ano ang gusto nitong
ipahiwatig.

Hindi naman siya madadaan sa mga ganoong pagkilos. For him, it was a childish act.

Unang nag-serve ang kalaban ni Prin at Kai. Tinira nito ang bola at braso ni Kai
ang sumalubong doon. Sinalo agad ni Prin para i-set ang bola at saka nagpakawala ng
isang malakas na spike si Kai. Diretso sa libreng space at bumagsak ang bola sa
sahig. Puntos para sa kanila.

"ahhhhhh!!!" tilian ng mga kababaihan na halatang fans ni Kai. Nag-apir si Kai at


Prin.

"yes!" pati si Bella na nakaupo ay na-excite.

Si Prin ang sumunod na mags-serve. Nang marinig niya ang signal ng referee, tinira
niya ang bola sa space na sa palagay niya ay libre pero nahabol ito ng kabilang
team. Matapos ma-set at magbigay ng spike na tira, isang 'block' mula kay Prin at
Kai ang sumalubong sa bola.

Nasalo rin naman ng pulsuhan ng kalaban ang bola, iyon nga lang hindi maganda ang
pagkakatira nito kaya tumalsik ang bola papagilid at hindi na nahabol pa ng kakampi
nitong babae.

Puntos muli para kay Prin at Kai. Nagsitilian na naman ang mga estudyante.

Matapos nga ang isang set nanalo ang school nila.

"Good Job guys! Mukhang tama ang desisyon ko na makinig kay Dean." masayang sabi ni
Ronald.

Inabutan sila ng tig-isang bote ng tubig ni Bella. Naiiling na lang si Prin dahil
kakaiba ang tinginan ng dalawa. Para bang may sariling mundo ang mga ito at hindi
sila nakikita.

Tinabihan ni Kai si Bella." I told you, I will definitely win"

"Hmm. Hindi pa nga tapos eh."


Nilingon ni Kai si Bella. "yeah.. You are right!"

Naputol sila sa usapan nang may mag-abot kay Bella ng maliit na note mula sa
kabilang team. Nakakunot noo si Kai.

"Pinapaabot ni Carter" sabi nito saka tumakbo na muli papalayo.

[Hello My Loves, long time no see! - Carter]

Inikot ni Bella ang paningin para hanapin ang lalaki. Nagtagpo ang mata nila nito
saka pinakita dito ang pag-punit niya sa maliit na note nito. Natawa pa ito saka
siya binigyan ng flying kiss, ang lalaking kalaban ni Prin at Kai.

Kita naman ni Kai ang ginawa nito kay Bella. "Who is that guy?" usisa niya.

"Naalala mo ‘yung sinabi ko na my first ever crush, that's Carter. Ang kalaban niyo
ni Prin." sabi ni Bella na naiinis.

"Your first ever official boyfriend?" tanong nito bago nilingon ang nakangisi na si
Carter sa kabilang parte ng court.

"Yes…" nahihiya si Bella. Sino ba naman ang may gusto na makita ang ex na makulit
at mukhang may plano na mangulo rin?

Inayos ni Kai ang bangs niya dahilan para mapakislot si Bella.

"Don't worry. Your current boyfriend will still definitely win against your ex"

Lalong nagsipagbagsakan ang mga balikat ng mga kababaihan sa paligid sa nakikita na


sweetness ng dalawa.

Pigil naman ni Bella ang kilig.

"Hoy! Leader Kai, Ano na? Ano? Inspirasyon muna bago trabaho?" reklamo ni Prin
dahil naroon na siya muli sa gitna ng court.

Umalis si Kai sa tabi ni Bella na matalim ang tingin sa kalaban nila na lalaki.

"Ate Angel!" Tawag muli ng freshman sa likod niya.

"yung buhok mo hanggang EDSA na!"

NAGSIMULA na ang ikalawang-set ng laban.

Naiinis si Kai sa pagmumukha ng lalaking Carter ang pangalan. Hindi niya agad
naintindihan ang mensahe nito nang higpitan nito ang kamay niya. Iyon pala, may
nais ipamukha ang lalaki sa kanya.

Akala siguro nito ay madadaan siya sa mga galawan nito na simple.

Si Kai ang nag-serve ng bola. Pinalo niya ito ng malakas diretso sa pagmumukha ni
Carter. Hindi naman nagpatalo ang lalaki. Natuwa pa nga ito sa reaksyon ni Kai.
Iyon din naman talaga ang plano nito ang inisin talaga siya para mawala siya sa
focus ng laro.
Sinalubong ng braso nito ang bola at alerto ang kasama nito na pinasa ang bola saka
umatake ng spike.

"Block, Kai, Block!" sigaw ni Prin. Ginawa naman ng lalaki.

Bumalik ang bola at nasalo muli ng kalaban. Isang spike muli ang pinatira nito at
nasalo ng braso ni Prin. Pinasa, nag-serve at umatake ng spike si Kai. Sumobra
naman ang tira niya at lumagpas sa court. Puntos sa kalaban.

"Ahhhh!!!" hiyawan sa paligid.

Prin "...."

Mukhang manalo o matalo madami pa ring fans ang leader niya. Ang mahalaga sa mga
ito ay ang pagkilos ni Kai.

Maganda ang ngisi ni Carter kay Kai. Katulad ng laban nila sa Green Lanterns kaya
seryoso ang lahat ng nanonood. Masasabi ni Prin, na nabigyan sila ng patas na
laban. At iyon ang gustong-gusto niya. Mas ginanahan siya sa paglalaro.

Tuwang-tuwa naman ang mga nanonood sa halos hubad na katawan niya habang kumikilos
sa gitna ng court. Sumisilip na kasi ang puwitan niya sa bikini na suot.

Nagpatuloy ang laban. Nagpalitan ng serve, pass, set, spiking at blocking ang
dalawang team.

Pati tilian ng mga nanonood ay umiikot sa buong court.

Pare-parehas na magaling ang mga players at halata na gusto talaga na manalo. Nag-
aapoy na ang mata ni Kai at halata na gusto nang tapusin ang laban.

Pigil ang hininga ng lahat dahil isang puntos na lang ang parehas na team,
malalaman na ang magwawagi sa ikalawang set.

Tinira ni Carter ang bola mula sa kabilang net.

"Go go go Leader! Tapusin na natin ito" sigaw ni Prin para wala ng ikatlo pang set.

Sinalubong ni Kai ang bola. Napasa kay Prin. Nagserve si Kai at saka siya
nagpakawala ng isang atake. Na-block ng kalaban pero nahabol muli ni Kai. Nagserve
na naman ang binata para makatira muli siya ng masarap ng Spike.

"Heto'ng sa inyo!" hiyaw niya kasabay ng muling pag-atake.

Ang maganda sa tandem ni Prin at Kai, mayroon silang pagkakaunawan at koneksyon sa


gagawin kahit hindi sila nag-uusap.

Na-block ng kalaban pero tumalsik sa kamay nito. Napalayo ang bola mula sa kamay ni
Carter pero nahabol ng isa sa halos kaduluhan na ng court. Nasalo ng braso nito ang
bola pero alanganin na kay Carter. Mukhang nawala rin sa sarili si ate at tinira
muli ang bola. Foul!

At dahilan para manalo si Prin at Kai.

"Ahhhhh!!!!" tilian ng mga ka-eskwela nila.

Masaya si Prin at ganoon din si Kai. Nagtatalon siya sa tuwa. Tinakbo sila ng mga
kasama sa Volleyball at nag-group hug kasama ng assistant ng Dean.
Tinawag niya si Bella na naiwan na nakaupo. Tumakbo ito sa gawi nila at sumali sa
group hug.

"I told you My angel, I will definitely win" sabi ni Kai. Masaya ang ngiti ni
Bella. Hindi na nga napapansin ng dalawa na tanging silang dalawa na lang ang
magkayakap.

Galit naman ang grupo ni Carter. Lalo at nakatingin ito sa gawi ni Bella at Kai na
nagyayakapan.

Si Prin naman ay kinikilig sa tabi. Panay ang talon niya dahil sa saya. Nagawa niya
pang damputin ang bola na nasa lapag at nagtata-talon na parang bata.

Nag-iikot siya at nagtata-talon ng mahagip ng mata niya ang naka-polong lalaki sa


kabilang dulo ng court. Nakahalukip-kip ito at nag-aapoy ang mata sa galit.

Nanlaki ang mata ni Prin at nabitawan niya ang bola na makita si Cally.

"Shiiit! I'm dead!"

Narinig siya ni Kai at napalingon ito sa gawi ng tinitingnan niya. Napalunok pati
ang binata.

"Sh*t! I told you! Labas ako dito!" paghuhugas-kamay nito.

WALANG nagawa si Prin nang abutan siya ni Cally ng isang trench coat. Mabilis ang
mga hakbang nito na halos iwan siya pabalik ng sasakyan.

"Got to go guys!" paalam niya sa mga kasama at mabilis na sumunod kay Cally.

"Husbie…" habol niya. Naabutan niya na ito sa sasakyan. Umupo ito sa likod.

Binati niya si Xander na nakaupo sa driver seat na nakangiwi. Saka siya maayos na
umupo sa likuran.

"Husbie…" Sinubukan niyang suyuin ito pero parang may maitim na usok ang
nakapaligid sa asawa niya.

"H-honey, sweetheart, my loves so sweet…" nakangiwi na sabi niya. Pero wa-epek sa


lalaki.

Natahimik na siya. Sinesenyasan siya ni Xander sa unahan na 'wag Miss Prin'. Panay
ang iling nito ng lihim, nagsesenyasan silang dalawa dahilan para manahimik na lang
siya.

Kinuha na lang niya ang cellphone. Nakita niya ang selfie ni Bella at Kai. Namumula
pa ang mukha ng kaibigan niya sa larawan.

Narinig niya na may tinawagan si Cally sa tabi.

"Suspended si MB5, please send him to his family ng isang buwan." utos nito sa
kabilang linya na sa tingin ni Prin ay si Lorenz, bilang ito ang pinuno ng Dark
Guards.

Nabigla na lang si Prin nang huminto ang sinasakyan sa Airport at nagtataka na


sumunod kay Cally.

TAHIMIK at sabay na naglalakad si Bella at Kai papuntang sasakyan ng binata.


Katatapos lang ng match. Inaasahan na nila na susunduin talaga ni Cally si Prin
kaya dalawa sila ni Bella ang naiwan.

Nakatingin si Kai sa kamay ni Bella at halos aabutin niya na lang iyon nang mag-
ring ang cellphone niya. Bigla niya tuloy binawi ang kamay at kinuha sa bulsa ang
cellphone.

'Shogun' ang nakalagay sa screen. Napasimangot siya na makita ang pangalan na iyon,
siguradong tungkol kay Prin ang dahilan nito.

Napatigil din si Bella sa paglalakad at nilingon siya.

"Shogun..." sagot ni Kai sa cellphone nito.

"MB5, you are suspended for one month! Kailangan mong umuwi sa Hsinchu at hindi ka
pwedeng lumabas ng Taiwan ng isang buwan. Ako ang tatawag sa iyo kapag tapos na ang
parusa mo o kapag napa-aga."

Napapikit si Kai sa parusa niya. "Isang buwan?"

"Yes, dahil hindi mo nagawa ang trabaho mo na mabantayan ang kalokohan ni Prin.
Seriously, anong nangyari at pinayagan mo ang isang iyon sa kalokohan niya?"

"It's as if I have a choice. Alam mo naman ang isang iyon, kapag ginusto niya ay
walang makakapigil. Si Shi Cally nga ay nagawa niyang suwayin ano pa ang isang
tulad ko na hamak na taga-bantay?" Reklamo niya.

Malakas ang tawa ni Lorenz sa kabilang linya. Naiintindihan kasi nito si Kai.

"Huwag kang tumawa diyan. Mag-abang abang ka lang dahil sa susunod na match kukunin
ko sa iyo ang Shogun position." Pagbibiro niya.

"Well, come and get it!" Napangisi ito sa kabilang linya.

"By the way, I saw your 'Angel'. Good luck na lang dahil mawawalay ka ng tuluyan sa
kanya." Pang-aalaska nito sa kabilang linya.

"Pakyu kayo ni Shi!" Singhal niya dito.

Tawa ito ng tawa "Check your e-ticket in your email box, napadala ko na. Tonight is
the night" saka binaba ang tawag.

Nanlaki ang mata ni Kai. Ganoon kabilis?! Tinitigan niya ang cellphone at nag-iisip
ng gagawin.

"M-may problema ba?" Nagtataka si Bella na lumapit kay Kai.

Inangat ni Kai ang paningin sa magandang mukha ni Bella. Gumaan ang pakiramdam niya
na makita ang kumikinang nitong mga mata na mas maganda pa sa mga bituin. "Let's go
home..."

Tumango ito. "Yep. Di ba pauwi naman na talaga tayo?"

"Nope, not that home. I mean, my home in Hsinchu"

Agad na namula ang pisngi ni Bella.

"I'll ask permission to your Mommy or your Daddy na isasama kita." Seryosong sabi
ni Kai.
Tila dinala sa alapaap ang pagkatao ni Bella. "My Dad is super busy and my Mom is
in Venice."

Napakamot si Kai na para bang bigla itong nagkaproblema. "I need to go home
tonight" paalam nito.

Umangat ng kaunti ang labi ni Bella at gusto niyang magtanong pero nagdadalawang-
isip siya at nahihiya na rin. Inakay na siya nito patungong sasakyan.

Tahimik lang siya sa byahe. Hindi maiwasan na mag-isip si Bella kung bakit ang
sweet ng binata sa kanya. Ayaw niyang masabihan pagdating ng araw na namis-
interpret niya lang ang mga pinakita nito.

Baka sa huli, sabihin ni Kai na pinatulan lang nito ang sinimulan niyang
pagpapanggap. Nakaramdam ng lumbay si Bella habang nakaupo sa passenger seat.

Mukhang naramdaman ni Kai na nalungkot siya hanggang sa tumigil ang mga paa nila sa
tapat ng unit niya.

"Bella, sama ka na sa 'kin tonight" narinig niyang sabi nito.

"Kai Jeon Jang." Tawag niya sa pangalan nito habang nakatalikod sa binata at
nakaharap sa pintuan ng unit niya.

"Why are you like this? Why are you so… sweet?" Mahinang tanong mula kay Bella.

Kumunot ang noo ni Kai. "It's because you are my girlfriend. Is that a crime?" Na-
tense siya sa mga sinabi ni Bella. Bigla siyang nag-panic. Hinarap niya ang dalaga
at tinitigan ito sa mata.

"Please go with me… I'll give you more answers in the future. Ahh... wait!" Nilabas
ni Kai ang cellphone nito at mabilis na nagtipa. Inabot din ng ilang minuto.
Nakatitig lang si Bella sa lalaki sa buong oras na iyon.

"There you go! See? you have now an airline ticket kaya 'di ka na pwedeng umatras.
Hindi ako mapapalagay kapag iniwan kita dito." Paliwanag ni Kai.

Pinakita ni Kai sa kanya ang lahat ng detalye at napasinghap siya na alam nito ang
mga ilalagay na bagay tungkol sa kanya. Full name, birthday, address at kahit
passport number. Nagbago bigla ang mood niya.

"Alam mo ang lahat... kahit ang birthday ko? Saka, passport?" Hindi makapaniwalang
tanong ni Bella. Daig pa kasi ng binata ang stalker.

"Are you my stalker?"

"Nooo" tanggi nito. "I am your biggest FAN."

"Ahmm.. wait lang!" Sabi niya sa binata. Binuksan ni Bella ang pintuan ng unit
niya, pumasok sa loob at sinara iyon ng mahina. Nagkakakawag na naman ng parang
kiti-kiti si Bella sa loob sa sobrang kilig. Para siyang maiihi na hindi
maintindihan. Isang salita lang nito ang nakapagpabago sa mood niya at iyon ay ang
sabihin nito na fan niya ang lalaki.

Parang hinaplos nito ang puso niya lalo at nang maalala na ilang libo ang
sumusubaybay sa binata pero nag-iisa lang siya sa sinusundan nito kaya naniwala
siya na 'biggest fan' talaga niya ang binata.

Kinalma niya muli ang sarili bago muling binuksan ang pintuan.
"*cough* okay, dahil mayroon na akong ticket. Mukhang wala na akong choice kung
hindi ang sumama." Kalmado at iniiwasan niyang maglabas ng kahit kapiranggot na
ngipin sa pag-ngiti.

Nakahinga naman ng maluwag si Kai.

"That's good! See you in an hour."

KASALUKUYAN (eight years after.)

Hindi makapaniwala si Cally sa nakita -- Prin Matsui is lying on a wine colored bed
na parang walang buhay. May nakakabit na dextrose dito, bukod doon ay wala ng iba.

"S-she was captured by a pirate and was in the sea for a couple of years Cally."
Nagluluha na paliwanag ni Madam Lira.

"They never let her escape until Aidan Park saw her in one of his underworld
dealings."

"He used his money and all of his resources to buy her. And he sent her here."
mahabang paliwanag ni Madam Lira pero wala ni isang naintindihan si Cally.

Ang tanging nakatatak sa isip niya ay nagbalik si Prin sa harapan niya makalipas
ang pitong taon na nawala ito sa piling niya.

Nakatitig lang siya sa mukha nito na sobrang putla. "Did you call my in-laws?" ang
una niyang naisip na sabihin. Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya
kapag nalaman nito.

"Not yet."

Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a
familiar and strange feelings. He really can't describe. He doesn't know what to
say.

He wanted to hold her and at the same time he was scared. He is questioning...
Bakit buntis si Prin ngayon na nakabalik sa piling niya makalipas ang pitong taon?

(END OF "THE DARK GUARDS AND THE PRINCE". TO BE CONTINUED...)

Please follow VOYAGE MEMORIES for Book 2

SUMUNOD lang si Prin kay Cally hanggang sa makasakay ng private plane nito.
Ikalawang beses niyang makakasakay sa eroplano ng asawa niya. Ang unang beses ay
noong bagong kasal silang dalawa na pabalik ng Pilipinas mula UK.

"Husbie…" tawag niyang muli kay Cally.

"Sit!" utos nito. Halatang mainit pa ang ulo nito.

Nakanguso siya na sumunod. Nanlilimahid pa ang pakiramdam niya dahil hindi na niya
nagawang magshower matapos maglaro. Basta na lang siya sumunod kay Cally nang
makita niya ito na parang anak ng apoy dahil sa galit. Sumunod siya kahit pa puro
buhangin ang katawan niya.

"Honey…" tawag niya.

"Honey, I need to take a shower.” parang maiiyak na pakiusap niya.

Hinarap siya nito sa unang pagkakataon. "You don't have a right to make any kind of
request." Pagtatapat nito.

Natameme si Prin. Halata kahit sa boses ni Cally na galit talaga ito. Hindi niya
alam kung paano susuyuin ang asawa niya dahil mukhang hindi ito madadaan sa
pagpapa-cute niya.

Hindi niya alam kung saan siya nito dadalhin. Nagpasalamat pa rin naman siya at
nagawa siyang bigyan ng pagkain. Tahimik lang si Cally habang sumusubo ng pagkain.
Siya naman ang nakaramdam ng inis kaya nangigigil ang paraan ng paghiwa niya sa
steak na kakainin.

Kinuha ni Cally ang plato niya at ito ang naghiwa ng steak sa maliliit na cut bago
binalik sa kanya ang plato. Kahit pa natuwa siya sa simpleng gesture na iyon,
naiinis pa rin siya.

Matapos niyang maubos ang kinain, tumingin lang siya sa labas ng bintana na halos
puro ulap ang nakikita. Nang mapagod ang mata o mas tamang sabihin na na-boring
siya ay nahiga siya sa nag-iisang kama at nakatulog. Nagising lang siya na
nakayakap sa kanya si Cally.

Hmp! Nagagawa pa siyang yakapin samantalang pinarurusahan pa siya nito.

'Hindi tayo bati!' isip-isip niya habang nakatingin sa nakapikit na si Cally. Gusto
niyang ahitin ang kilay nito sa mga oras na iyon dahil binibigyan siya ng cold
shoulder.

Matapos matitigan ang mukha nito, wala siyang nagawa kung hindi ang gantihan ang
yakap ni Cally. Ganoon yata talaga ang buhay, nakakalimutan niya ang lahat makita
lang ang mukha ng asawa.

Nagtataka lang siya dahil parang napakahaba yata ng biyahe nila. Saan sila papunta
ni Cally?

Siniksik na lang niya ang sarili kay Cally saka natulog muli.

Nagising muli si Prin na nakatigil ang eroplano sa isang ma-snow na lugar. Inikot
niya ang paningin para hanapin si Cally at natagpuan niya ang asawa na nagtatrabaho
na sa lazyboi at nasa ibabaw ang laptop nito.

Sinimulan niya muli itong kausapin.

"Husbie… I'm sorry na kung ano man ang kasalanan ko." parang maamong-tupa na sabi
niya dito.

"So, hindi mo alam ang kasalanan mo?" sabi nito habang patuloy na nasa screen ang
mga paningin. Ni hindi man lang siya tapunan ng tingin. Napakagat-labi siya.
Nilapitan sila ng co-pilot. "Master, may gusto ba kayong kainin o request bago tayo
lumipad patungong Ilulissat?" tanong nito.

"Honey, do you have a request?" malambing na sabi nito.


"ah--"

"She doesn't have a request. Thanks!"

Prin "...."

Nalukot ang ilong ni Prin sa inaakto ni Cally. "May request ako. Gusto kong bumaba
at maligo!" pilit niya. Napilitan si Cally na iangat ang paningin sa kanya.
"Dadalhin kita sa Ilulissat at doon ka pwedeng maligo,” sabi nito.

"Ilulissat?" ulit niya. Where the hell is it?

"Okay lang na hindi ako maligo basta hindi mo 'ko pwedeng yakapin!" mataray na sabi
niya sa lalaki saka ito inirapan. Nakanguso na humiga muli siya. Papayag ba siya na
maamoy nito ngayon na mabaho siya?

Ang suot ni Prin ay tanging trench coat at ang suot niya ng match. Nangangarap siya
na maligo samantalang hindi nga siya sigurado kung may pamalit siyang damit. Ilang
oras pa silang nagbyahe sa ere at sa totoo lang ay sumasakit na ang puwit niya
kauupo at kahihiga sa kama nang sa wakas ay magdeclare ang Piloto na naroon na sila
sa destinayon.

Puro yelo ang nasa paligid at alam niya na nasa malamig na parte sila ng planet
earth. Kinumpiska ni Cally ang mga gamit niya kaya wala tuloy siyang paraan para
macheck ang lugar kung nasaan sila.

"Are you ready?" seryosong tanong ni Cally.

"Where are we?"

"Ilulissat.” Nakakunot-noo siya at hindi alam kung saan ang lugar na iyon.

"...Greenland," dugtong nito.

Nanlaki ang mata ni Prin. Bigla siyang natuwa. Unang beses niya kasi na makapunta
ng Greenland kahit hindi niya alam kung saan parte ng mundo iyon. It sounds good to
her ears at alam niyang maganda ang lugar. Inilapit niya pa ang sarili sa braso ni
Cally sa sobrang katuwaan. Inangat lang nito ang gilid ng labi ng lihim.

Pagbaba nila ng eroplano, nanuot agad ang lamig sa buong katawan ni Prin.
Inalalayan siya nito na makasakay sa naghihintay na itim na kotse. She was excited
kahit pa hindi niya alam kung saan sila patungo.

Alam niya na maraming trabaho si Cally sa Maynila kaya paano nito naisip na
magbakasyon. Maisip lang na makakasama niya ng ilang araw si Cally ay sobra-sobra
na ang tuwa niya.

Nakadagdag pa sa tuwa niya ang maisip na hindi talaga siya matitiis ng lalaki at
nagawa pa siya nito na dalhin sa Greenland. Abot hanggang tenga ang pagkakangiti ni
Prin hanggang sa huminto muli ang itim na kotse malapit sa karagatan. She was
excited dahil mukhang mags-sail sila sa dagat.

"BRRR… BRRR.. H-h-hus.. bie.. I.. I'm cold..." Nangangatog ang katawan ni Prin na
yakap-yakap ang sarili at nakikiusap ang paningin niya kay Cally. Nagbago na ang
isip niya na hindi siya kayang tiisin ni Cally. Maling-mali ang nasa isip niya
dahil kayang kaya siya nitong parusahan.
May apat na minuto pa lang ang nakalipas nang magulat siya nang tanggalin nito ang
suot niyang trench coat. Ginamit nito ang pogi looks para maihubad sa kanya ang
suot ng hindi siya makakapalag. Hindi niya akalain na tototohanin nito na parusahan
siya na mag-bikini sa Arctic ocean.

Kitang-kita niya pa ang mga iceberg sa paligid. Nagh-hello ang mga ito sa Master
Cally nila na pinuno ng mga Yelo. Ganoon kabilis siya nitong pinarusahan. Hindi man
lang siya nakapagpalit ng suot suot na bikini. Nakangiti lang si Cally habang hawak
ang manibela ng bangkang gamit-gamit nila.

Silang dalawa lang ang laman ng bangka na mukhang inarkila ng lalaki o kaya naman
ay binili nito. Ayaw nang isipin pa ni Prin kung alin sa dalawa dahil mas gusto
niyang hanapin ang trench coat na hindi niya alam kung saan tinago ni Cally.

Zero degrees ang lamig sa lugar o kaya naman ay mas mababa pa at idagdag pa ang
hangin na yumayakap kay Prin kaya pakiramdam niya ay ipinasok siya sa freezer.
Hindi na niya maramdaman kahit ang sariling kamay at paa. Pakiramdam niya ay isa
siyang karne na maninigas ano mang oras.

Alam ni Cally na kayang-kaya ni Prin ang parusa niya dahil nagawa nito noon na
maligo sa ilalim ng falls ng madaling araw na may lamig na 5 degrees noong panahon
ng training nito. Isang oras na nanatili ang lahat ng Dark Guard sa ilalim ng falls
na halos maging yelo na ang buong pagkatao nila.

Iniiwasan niyang tumingin sa katawan ng asawa na parang nag-aaya na kainin niya ito
ng buhay. She was so sexy in that small pieces of clothing. Nakadagdag din iyon sa
init ng ulo niya dahil ilang oras na tiningnan ng mga kalalakihan ang katawan nito
sa ganoong kasuotan. The picture he saw is understated. Mas nakakauhaw ang katawan
nito sa personal kaya mas lalo siyang nag-aapoy sa inis.

Naiiyak na si Prin. "H-h-husbie, m...mamatay na ako sa lamig… brrrr… brr.."

"Honey, konting kapit na lang at nasa destinasyon na tayo." malambing pa rin na


sabi. Wala namang plano si Cally na patagalin ang asawa niya sa lamig. Gusto niya
lang talaga na turuan ito ng leksyon. Kailangan niyang putulin ang namumuong sungay
ni Prin.

"H-hindi na ako uulit, p-promise!!!" nagkakakawag na si Prin para makakilos kahit


papaano ang mga laman niya sa lamig. Punong-puno ng pakiusap ang mata ni Prin pero
tila walang epekto kay Cally ang lahat. Wala siyang magawa kung hindi ang pumikit
at isipin na nasa Pilipinas siya na mataas ang araw.

'Mind over matter...'

'Mind over matter…' sabi niya sa sarili.

Kailangan niyang mag-meditate at paganahin ang utak na kaya niya ang lamig kahit
nakabikini lang. Matapos lang ang sampung minuto, naramdaman niya na lang na sinuot
sa kanya ni Cally ang suot-suot nitong makapal na jacket.

Daig pa niya ang dinala sa kalangitan nang balutin siya nito ng suot na jacket.
Gumaan kahit papaano ang pakiramdam niya pero kulang pa din. Nagyeyelo na ang binti
niya. Nangangatog siya ng sobra.

Binuhat siya nito at bumaba sila ng bangka. Noon niya lang napansin na nasa land
area na pala sila. Buhat-buhat lang siya nito hanggang sa pumasok sila sa nag-
iisang log house na may maroon na pintura. Agaw pansin ang bahay dahil nasa gitna
ito ng mayelong lugar. Inupo siya nito sa malapad at malambot na sofa saka nito
binuksan ang chimney.
'Hallelujah!'

Maya-maya, nagagawa niya nang sumimangot sa lalaki na tila walang pakialam kung
magrereklamo siya. May kinuha itong isang makapal na fleece sa isang cabinet at
ibinalot sa katawan niya. Sa wakas ay naka-bawi ang katawan ni Prin mula sa sobrang
lamig. Matalim ang tingin na pinukol niya dito na sinalubong naman nito.

"Yes Honey? What is it?" tila nang-aasar pa na tanong nito.

"I want a divorce!"

Nagtaas ang kilay ni Cally. "Oh really? Kanina lang ay nakikiusap ka at sabi mo na
hindi ka na uulit. Why the sudden change of heart?"

Inirapan niya ito. Nilapit niya ang sarili niya sa chimney para mas mainitan pa ang
katawan.

"I hate you! You don't love me anymore,” sabi niya.

Hindi siya nito pinansin. "Binantaan na kita na dadalhin kita sa Arctic Ocean kapag
nangulit ka na maglaro ng Beach Volleyball. Magpasalamat ka at hindi kita dinala sa
norte kung saan makakasama mong naka bikini ang mga penguin."

At talaga naman na kailangan pa siyang magpasalamat? Maya-maya, lumapit sa kanya si


Cally at niyakap siya nito mula sa likuran. "Lumayo ka sa akin dahil mabaho ako."

Inamoy-amoy nito ang leeg niya. "Wala akong naamoy na mabaho. Saka kahit mabaho ka
pa ay a-amoyin pa rin kita. I have to accept my wife kahit amoy-penguin pa siya.”

Aminado naman siya na nakatulong si Cally para mas lalo siyang mainitan kaya
hinayaan niya na lang ito na yakapin siya ng mahigpit.

BITBIT ni Kai ang lahat ng gamit ni Bella. Hindi niya alam kung dinala ba nito ang
lahat ng gamit sa buong unit nito. Isang malaking luggage at dalawang bag ang dala
nito papuntang Taiwan.

"Bella, bakit parang madami yata itong dala mo?"

"Madami ba iyan? Kulang pa nga yan for my 5 days trip.” halatang excited na sabi
nito.

Nabigla si Kai. Sa dami at bigat ng tatlong bag, kulang pa? Hindi niya naintindihan
ang rules ng kababaihan. Napabuntong hininga na lang siya at nagtiyaga na bitbitin
ang lahat ng iyon.

Alas dos na ng madaling araw sa lugar. Isang itim at makintab na kotse ang sumundo
kay Kai at Bella sa airport. Walang tatak ang sasakyan o kung ano man. Inisip ni
Bella na ordinaryo lang iyon.

Walang ideya si Bella sa background ni Kai. Ang alam lang niya ay simpleng kasama
ni Prin ang binata sa isang samahan na naka-base sa Japan. Bukod pa sa isa itong
Korean-Taiwanese. At ang pamilya ng binata ay nakabase doon sa Taiwan.

"Second Young Master!" bati ng chauffeur sa salitang chinese. Palagay ni Bella ay


ilang taon lang ang tanda ng edad nito kay Kai.

Hindi naman naiintindihan ni Bella ang sinabi nito. Nakangiti lang siya dahil baka
ma-offend ang binata sa kanya. Wala siyang ideya kung kamag-anak o kung kaanu-ano
ni Kai ang lalaking sumalubong sa kanila. Para hindi siya mapahiya, ngumiti siya ng
pagkatamis-tamis.

Nagpalitan ng salita si Kai at ang chauffeur nito sa salitang chinese.

"Pahatid kami sa Royal Hotel,” utos ng binata habang nilalagay sa likod ng sasakyan
nito ang mga bagahe na dala. Tumulong ang lalaki

"Second Young Master, hinihintay po kayo ni Master Chen."

"Masyado pang malalim ang gabi. Ayokong putulin ang pahinga ng matanda. Bukas ng
umaga kami pupunta ng girlfriend ko sa Villa."

Lumingon ito kay Bella na pinipilit ang ngumiti. Hindi niya kasi alam kung sino ang
kaharap at kausap ni Kai. Wala siyang naintindihan sa palitan ng usapan ng mga ito.

Matapos siya nitong mapag-aralan, basta na lang sumakay ang lalaki sa Driver's
seat.

"Hey, w-what did you guys talked about?" usisa niya. Parang ang suplado kasi ni
Kuya na Driver.

"Nothing, he just said that you are pretty.” nakangiting sagot ni Kai.

Agad na namula ang pisngi niya pero hindi maiwasan na magduda. "Are you sure?"

"Trust me. Are you not pretty? Com'on." hinila na siya nito at pinasakay sa likuran
na pwesto ng kotse.

"Hey, does your family knew how to speak english?" bulong niya kay Kai habang
nakatingin sa driver ng kotse.

Nilingon siya na Kai at bahagyang namula ang pisngi ng binata dahil sobrang lapit
niya dito. Inangat ni Bella ang paningin at doon niya lang napansin na malapit ang
mukha nito sa kanya. Agad siyang lumayo.

"*cough* m-maganda ang lugar," Pag-iiwas niya.

"It's dark outside. How did you know?"

Hindi siya makahanap ng isasagot. 'Shet! Oo nga, it's dark outside'

"I just feel that… it's beautiful outside, bakit ba?"

"Okay… I will bring you to a lot of beautiful places. Your five days would be very
exciting."

Alam ni Bella na nakikiramdam lang at nakikinig ang binatang nagd-drive sa unahan.


Hindi naman siya makapagtanong kung sino ang taong iyon sa buhay ni Kai.

KINABUKASAN, nagkita sila ng binata sa lobby na ng hotel. Papunta na sila sa


restaurant para mag-agahan nang lapitan sila ng lalaking nakita ni Bella ng
nagdaang araw.
"Second Young Master,” bati nito.

Bumuntong-hininga lang muli si Kai. "Ang aga mo namang manggulo," reklamo niya.
Halata ang disgusto niya na makita muli ang chauffeur.

"Second Young Master, Malalagot ako kay Master Chen kapag hindi ko kayo nasama
pabalik, kaya nakiki-usap po ako na sumama na kayo,” sabi ng binata na halata na
ang pagkahabag at tensyon sa mukha nito.

Si Bella sa tabi ay pilit pa rin na nakangiti kahit pa wala siyang naintindihan sa


palitan ng usapan ng mga ito kung hindi…

'Sheng wo shudinge, shing wo bu hu, shu shu mu ai shak tu lang.. Ai Ewan!'

Pakiramdam niya ay mas nakaka-nose bleed ang salita ng mga ito kaysa sa english.
Tingin niya ay malapit niya nang hingin ang tulong ng red cross para masalinan siya
ng dugo.

Simula kasi ng dumating sila ay puro salitang intsik ang nadidig niya.

"Second Young Master, nasa Villa rin po ang Madam para makita kayo."

Bumagsak ang balikat ni Kai. At kinakabahan na napatingin sa nakangiti ng pilit na


si Bella.

"Fine! Tutal ay hindi pa kami nag-aagahan." sa wakas ay nasabi ni Kai. Saka sumunod
sa chauffeur sa sasakyan.

Sa totoo lang, kinakabahan siya na malaman na nasa Villa nila ang Mommy niya dahil
siguradong tututol ito kay Bella at baka may masabi ito sa dalaga.

Kahit pa, hindi pa siya nagsisimula na gawing opisyal ang relasyon nilang dalawa.
Plano niyang gawin ang bagay na iyon sa araw na iyon kaya pinilit niya itong
isinama sa bansa.

'I can't wait, My angel…'

NAKATINGIN lang si Bella sa labas ng bintana sa loob ng itim na kotse. Inaaliw niya
ang sarili habang byahe . Hindi maiwasan na kabahan siya dahil papunta daw sila ni
Kai sa bahay ng pamilya nito.

"Kai, w-wala akong dala for your family,” bulong niya sa binata. Nakakahiya na
bibisita siya na wala man lang bitbit na kahit na cake o prutas.

"No worries." Madaming pumapasok sa isip ni Bella tulad na lang ng magugustuhan


kaya siya ng pamilya ni Kai? Ok ba ang suot niya bilang bisita ng lalaki? Maliit
lang ba ang pamilya ni Kai? at kung ano pa.

Napansin na lang niya na binuksan ang isang napakalaking gate matapos magpot-pot ng
binatang driver. Mas dumoble ang kaba ni Bella. Tapos ay dumaan ang sasakyan sa
paikot na kalye paakyat ng burol. May malalaking puno na nakahilera sa magkabilang
gilid hanggang sa huminto iyon sa pinakatuktok.

Kinakabahan si Bella lalo na nang huminto ang sinasakyan sa napakalaking bahay.


Tila isa iyong mansyon. Napa-nganga siya ng bahagya ng lumabas sa sinasakyan.
'I-ito ang bahay nila Kai?'

Inakay siya ni Kai sa pagpasok sa malaking bahay. Hindi pa nga siya nakaka-move on
sa labas, may pasabog na agad na surpresa sa loob. Mas maganda kasi ang mga
kagamitan sa loob ng malaking villa at alam ni Bella na hindi basta-basta ang mga
presyo ng mga iyon.

"Second Young Master!" bati ng dalawang maid na may hawak na maliit na bowl.

Nagtataka si Bella kung para saan ang tubig na laman na tila inaabot sa kanya ng
chinese na naka-maid's uniform. Inisip niya na baka welcome drinks iyon. Iinumin na
sana niya ang laman nang kunin iyon ni Kai at binalik sa maid. Kinuha ng binata ang
kamay niya at ikinawkaw doon sa tubig. Pulang pula ang mukha ni Bella sa kahihiyan.

"Is this your home?"

"Sa lolo at lola ko." simpleng sagot nito. Hindi akalain ni Bella na ganito kayaman
ang pamilya ng lalaki. Naalala niya pa na nagpalibre ng sine sa kanya ang binata
kaya hindi niya naisip na may kaya sa buhay ang pamilya nito.

No, hindi lang basta may kaya. Mayaman talaga ang pamilya ni Kai. Isang may-edad na
babae na naka suot pa ng cheongsam ang bumungad sa kanila. Mala-kutis porselana ang
balat nito, maganda at halata ang aral sa mga pagkilos. Wala man lang ni katiting
na ngiti sa mga labi na parang aristokrata.

"Mom!" bati ni Kai. Lumapit ang binata sa ginang at binigyan ito ng halik at yakap.
Hindi nito tinatanggal ang paningin kay Bella kaya lalo siyang na-conscious sa mga
titig nito.

"Bella, she's my Mom,” sabi ni Kai sa kanya.

"H-hello po,” sabi niya kasabay ng pagkaway. Napangiwi siya dahil inirapan siya
nito at hinarap si Kai. Nag-usap na naman ang mga kaharap niya sa chinese kaya wala
siyang naintindihan.

"Honey, how are you? Lingling is here at hinihintay ka sa dining area. Sinabi niya
na hindi siya kakain kung hindi ka kasabay."

"Lingling? Who is that?"

Pinilit ng ginang na ngumiti. "Lingling, your future wife." diretsahang sabi nito.
Katulad ng inaasahan ni Kai ang bubungad sa kanya mula sa Mommy niya, kaya tinapat
niya na agad ito.

"Sorry Mom but I will never accept the girl you chose for me,” sabi ni Kai.

"As you can see, I have a girlfriend now." dagdag pa ng binata.

Tiningnan siya ng ginang mula ulo hanggang paa.

"I investigated her and I don't like her.” mukhang ayaw din nito na magpatalo.

"Well, you liking her is your problem. And me, loving her is another story. Kung
ganito lang ang magiging usapan natin maghapon might as well na umalis na lang
kami."

Nakangiwi na si Bella dahil wala siyang naiintindihan sa palitan ng salita ng mga


ito. Pero ramdam niya ang tensyon at halata ang pagtatalo ng mag-ina.
NAGPUMILIT pa rin ang Mommy ni Kai sa gusto nitong sabihin "Kai, you will stay at
hindi ka na aalis pa. Bumalik ka na dito sa bahay. Mas maganda na pumasok ka na sa
opisina at magsimulang mag-trabaho. Walang mangyayari sa iyo kung mananatili ka
lang na Dark Guard at--"

"Su-Wei!" putol dito ng isang matanda na sinusuportahan ng isang goldstick na


tungkod.

Nilingon ito ng mag-ina pati si Bella. Natahimik ang Mommy ni Kai.

"Ngayon lang nakauwi ang anak mo at sinimulan mo na naman na ipilit ang gusto mo."
matigas na sabi nito. Lumingon ito kay Bella.

Napatuwid ng tayo si Bella dahil sa mga mapanuring tingin na ipinupukol sa kanya ng


matanda.

'Gosh! Ganito ba talaga ang mga pamilya ni Kai?' Wala kasing ngumingiti sa kanya ni
isa.

"H-hello…" sinubukan niya rin na kumaway.

"You must be Kai's friend,” sabi nito. Nakahinga ng maluwag si Bella na nagsalita
ang matanda sa ingles.

Nakahinga siya ng maluwag. "Yes, I'm a friend."

"Come in! let's have a breakfast.” lumapit ito sa kanya at hinawakan siya nito sa
braso para ayain na magtungo sa dining area.

Lalong sumimangot ang Mommy ni Kai. Nilingon naman ni Bella si Kai para manghingi
ng saklolo sa binata. Hindi man siya nakakaintindi ng salitang intsik ramdam ni
Bella na ayaw sa kanya ng Mommy ng binata. Ang lolo naman nito ay mukhang mabait at
pansin niya na ito ang may huling salita sa lahat.

Pagdating sa Dining area napansin ni Bella ang isang magandang babae na nagts-tsaa
sa mesa. Itim at diretso ang buhok na parang model ng shampoo sa ganda. Sa paraan
lang ng paghigop nito ng tsaa, masasabi na aral din ang kilos nito.

Halata na nagliwanag ang mukha nito nang makita si Kai na nakasunod sa kanila.

"Second Brother!" napatayo pa ang babae at nataranta pero hindi ito pinansin ni
Kai. Parang tulad lang din ng ibang mga babae sa school nila.

Inalalayan siya ni Kai na makaupo sa dining chair na nasa tapat na silya ng


magandang dalaga.

"Mag-aalmusal lang kami at aalis papuntang Taichung. Since nakita niyo na ang
kagwapuhan ko, magsisimula muna akong magbakasyon. Tutal naman ay isang buwan niyo
akong makikita dito,” sabi ni Kai habang nilalagyan ng butter ang isang tinapay at
nilagay sa plato ni Bella.

"Honey, dalawang taon tayong hindi nagkita tapos aalis ka na?" nalungkot ang Mommy
niya.

"Mom, as you can see, mayroon akong bisita,” paliwanag ni Kai. Sumimangot ang
ginang nang mabanggit siya.

Ramdam ni Bella ang tensyon sa hapag. Masama ang tingin ng babae sa kanya sa tapat
at halos hindi niya malunok ang pagkain.

Nilapit niya ang mukha kay Kai at bumulong.

"Hey, mukhang hindi ako gusto ng pamilya mo.” nag-aalalang sabi ni Bella dito.

Nilingon siya ng binata. "Huh? Of course not! Masama lang ang loob ng Mommy ko
dahil wala ka kasing dalang regalo."

"Ganun? Sabi ko na nga ba dapat talaga dumaan tayo sa bakeshop para magdala kahit
na cake."

Napangiti si Kai. 'What a sweet little child?!' samantalang, ang Mommy niya halos
ayaw patuluyin si Bella sa bahay na iyon.

Isang palo sa mesa ang gumising sa kanilang dalawa. Galit na galit ang Mommy niya
dahil sa sweetness nilang dalawa kahit naroon sila sa hapag at nag-aalala ito kay
Lingling na nasa tapat at parang maiiyak.

Diretso itong tumingin kay Bella. "I will never accept a mistress' child." mabigat
na sabi.

"I'm. full!" mabigat ang mga katagang sabi nito saka tumayo at umalis sa hapag.

Natigilan si Bella at nakagat ang ibabang labi. Alam sa bahay ng binata ang
background niya.

Para siyang maiiyak at gusto na niyang bumalik na sa Pilipinas. Sapol na sapol ng


Mommy ni Kai ang emosyon niya. Sino nga ba ang magkakagusto sa isang tulad niya na
anak sa labas? Anak ng bastardo.

Napakuyom ang kamao ni Kai dahil napansin nito na parang napahiya si Bella.

"Yeye, aalis na kami." paalam nito sa matanda.

"Bumalik kayong dalawa." sagot ng lolo ni Kai.

"Iha, don't mind her. Enjoy your vacation." sa unang pagkakataon ay ngumiti ang
matanda kay Bella.

But that damage has been done. Masama na ang loob niya.

DALA ni Bella ang sama ng loob hanggang sa sasakyan ni Kai. Tahimik lang siya na
nakaupo habang nagmamaneho ang binata.

Nagpapakiramdaman lang sila nito sa loob ng sasakyan. May isang oras yata silang
nag-byahe hanggang sa huminto ang sasakyan nito sa isang maaliwalas na lugar.

Humarap si Kai sa kanya. "I'm sorry… huwag mong alalahanin ang Mommy ko. She will
accept you sooner."

Natigilan si Bella. Paanong nagagawa ni Kai na isipin na ayos lang ang lahat?
Ramdam niya sa mga binitawan na salita ng may-edad na babae na hindi siya nito
magugustuhan kahit kailan. Inakay siya nito palabas ng sasakyan. Napansin niya na
madami ang turista na nagrereklamo kung bakit 'closed' ang lugar.

Nagtataka lang siya na sumunod kay Kai.

"Nasaan tayo? Ahmm… Closed pa yata 'to,” sabi ni Bella. Pero tuluy-tuloy lang ang
binata papasok sa loob at kung sinu-sino ang bumati dito. Halata ang pag-galang ng
mga nakakasalubong nila kay Kai.

Agaw-pansin silang dalawa, lalo na ng mga turista dahil tanging silang dalawa lang
ang pinapasok sa loob.

"Are you ready?" tanong ng binata.

"What… do you mean?"

Hindi ito sumagot. Hinawakan lang ni Kai ng mahigpit ang kamay niya at tumuloy sila
sa loob. Napasinghap siya sa magandang tanawin. May ilang libong klase ng bulaklak
ang nasa paligid.

Parang tinanggal ng tanawin ang lumbay na namuo sa puso niya ilang oras lang ang
nakalipas.

They walked slowly habang mahigpit na nakahawak ang kamay sa isa't isa. Talagang
ninanamnam nila ang ganda ng tanawin sa lugar. Huminto sila sa gitna ng mga tanim
na sunflower.

Hinarap siya ni Kai. Nang-aakit ang mga mata nito na nakatitig sa kanya dahilan
para ma-conscious siya. Walang salita na lumalabas sa bibig niya pero nag-uusap ang
mga mata nila ng binata.

Nasa ganoon silang posisyon nang may mga nagsipagliparan na daan daan na paru-paro
na nagmula sa kung saan. Napasinghap si Bella at lumitaw ang saya sa mukha niya. Sa
palagay niya ang tanawin na iyon ang pinakamaganda sa lahat ng nakita niya sa buong
buhay niya.

"Are you happy?" tanong ni Kai. Pinahanda niya ang lahat ng iyon sa lugar kahit ang
daan-daan na paru-paro. He wants to give the best for Bella. Hindi niya akalain na
may kapalit din na saya sa parte niya na makita na masaya ang dalaga.

Tumango si Bella. Ganoon kabilis na nabago nito ang mood niya. Mula sa sobrang
lungkot napalitan ng saya ang kalooban niya. Biglang sumeryoso ang binata.

"Bella, hindi ko pa naranasan na manligaw. Hindi ko rin naranasan pa ang maging


mabuting boyfriend sa kahit na kanino. I mean, hindi pa ko naging boyfriend ng
kahit na sino."

Pansin ni Bella na namula ang mukha nito. "If you are willing… I want you to be my
first ever girlfriend. 'yung totoong girlfriend,” sabi nito na hindi makatingin sa
kanya. Namula ang pisngi ni Bella at pigil na pigil ang kilig. Kinagat niya ang
ibabang labi para pigilin ang sarili.

"I almost thought na tatanda ako na mananatiling bato sa lahat. Hindi ko alam kung
paano maging sweet dahil nabubuhay ako sa seryosong pamilya at halos pulos
pagsasanay lang ang alam ko. Akala ko, masaya na ako sa buhay na ganoon. But, I
never thought that I would feel something special for you."

Mas dumoble ang pagkapula ng pisngi nila parehas. Lumapit pa lalo si Kai sa kanya
at mas nilapit ang mukha nito.
"I like you so much, my Angel." halos hindi masabi ng binata.

Natulala lang si Bella. Dahil doon binigyan siya ng lalaki ng smack sa labi.
Nanlaki ang mata ni Bella. Inikot niya ang paningin sa paligid dahil nakakahiya na
mag-PDA sa lugar. Pero wala siyang makita ni isang anino at tanging libo-libong
bulaklak lang ang nakikita niya sa paligid.

"Ahmm.. Wait lang!" tumalikod si Bella.

"eeeehhhh!!!!" pigil na pigil na parang gusto niyang maglupasay sa kilig. Unang


beses na may magpropose sa kanya sa napakagandang lugar. Sinong hindi kikiligin
doon? Natatawa naman si Kai sa inakto niya. Dahil naririnig siya nito.

"*cough*" si Kai na ang umubo, hindi tulad ng mga nakaraan.

Humarap si Bella sa binata na nananatiling seryoso ang mukha. Hinila siya nito
dahilan para mayakap siya ni Kai sa unang pagkakataon.

"Kailangan nating sundin si Prin, we must share a kiss in a beautiful scenery."


hindi pa siya sumasagot nang ibaba nito ang mukha sa kanya at ilapat ang labi nito.
Parang nagkaroon ng invisible na fireworks sa paligid. kumakabog ng sobra ang
dibdib ni Bella at ganoon din ang binata. Parang dinala sa kawalan ang pagkatao
niya.

They are literally kissing in a field of flowers. parang tinalo ni Kai ang mga
halik na naranasan niya sa mga ex-boyfriend niya. His kiss is the sweetest kiss on
earth.

"I like you too, Kai Jeon Jang,” bulong niya sa binata.

DINALA ni Cally sa ospital si Prin. Bakit? Dahil napunit masyado ang kanyang
'kemper'. Nag-alala siya dahil nasa ibang bansa sila at kailangan na mag-bangka
muli at sumakay ng kotse para makarating sa ospital.

Hindi napigilan ni Cally ang sarili at masyado siyang nagpadalos-dalos sa


nararamdaman. Marami pa naman siyang plano para sa bakasyon na iyon. He can't help
it! He thought they owned the world.

He admitted that he's been so rough, dahilan para dalhin niya si Prin sa ospital.
Plano nila na manood ng whales sa arctic ocean. Mag-ski at sumakay ng sled habang
hila-hila ng puti at malalaking aso o kaya ay mag hiking pero nasira ang lahat ng
plano.

Pulang-pula ang mukha ni Prin habang maingat siyang hiniga ni Cally sa hospital
bed.

"What happened?" tanong ng doktor na babae.

"Please check her… vaginal area,” utos ni Cally.

Nagtaas ang kilay ng doktor.

"Oh! Let me see then." pinabuka nito ang mga binti ni Prin na tanging natatakpan
lang ng isang makapal na fleece. Halos itago na niya ang mukha niya sa sobrang
kahihiyan. Unang beses niya na maospital at iyon pa ang naging dahilan.
Pwede naman siyang ma-ospital dahil sa sobrang lamig na dinanas niya ng nakaraang
araw. Pero sa kamalas-malasan, na-ospital siya dahil sa sobrang kapusukan.

"I'll get some medicine. You kids are doing too much sex. Be gentle next time,”
sabi nito saka lumabas.

Prin "...."

"I-i-it's your fault! Y-y-you are so rough!" sobra-sobra ang kaba niya at halos
ayaw niyang pag-usapan ang tungkol doon.

Mabuti na rin na nasa ibang bansa sila at wala sa Pilipinas. Siguradong pagchi-
tsismisan siya ng mga nurse at kung sinu-sino pa sa buong ospital.

Habang gumagawa ng kapusukan, basta na lang siya napahiyaw at nagulat si Cally na


nagdugo ang parte na iyon. Nang silipin ng lalaki ang bagay na iyon, alam niya na
may mali. Tila sabay silang binuhusan ng malamig na yelo ng iceberg at sabay na
nataranta.

Mas matindi pa na nagsugat ang bagay na iyon kumpara ng first time nila o ng mga
nakaraan.

"it's not my fault, you are just too tight.” katwiran ni Cally.

"Y-you! How did you know I'm tight? It's as if you have a lot of experience!"

Napakamot sa ulo si Cally. Dalawa lang naman ang pwedeng maging dahilan. It's
either he was too big for her or she was too tight for him.

"Masakit pa ba?" Nag-aalalang tanong nito. Minasahe ni Cally ang puson niya.

"I'm sorry… I just can't help it. It's been a long time since the last time we did
it and I was overly excited."

Nagbalik ang doktor at inabutan sila nito ng isang ointment. "Here's the medicine.
Rest for a few days. And… NO SEX in a month.” ang sabi saka umalis ng iiling-iling.
diniinan pa nito ang pagkakasabi na bawal silang magtalik.

Hiyang-hiya si Prin, at masama ang tingin niya kay Cally.

"Honey, don't look at me like that. I know, you really want to do it. Hindi mo ba
narinig ang doktor? No sex for a month. You can endure this!" sabi pa na tinapik
tapik siya sa braso.

Prin "...."

How come na nabaliktad ng asawa niya ang sitwasyon?

"Y-y-you! Who wants to do it with you?!"

"Definitely you.” sagot ni Cally.

"I hate you! Nakita ko ang post ni Kai sa account niya. He and Bella are kissing in
a middle of thousands of sunflowers! How come I ended up in a hospital?!" nagagalit
si Prin lalo na kapag iniisip na naganap ang first kiss niya na parang ninakawan
lang siya ng halik ni Cally. At lasing pa ang asawa niya n'on.

"Kahit ang first night natin ay brown out, walang ilaw! You better think of
something sweeter than Kai or else I will definitely divorce you!" nagagalit na
rant niya.

Cally "..."

BIGLANG nakaramdam ng awa si Cally kay Prin matapos niyang marinig ang mga reklamo
nito. Malay ba niya na imbes na parusa ang ibigay kay Kai ay nagawa pa nito na
makapag-bakasyon kasama ang 'Angel' nito.

"I'm sorry Honey. I promised that I will take care of you lalo na ngayon na bawal
kang maglikot. Huwag ka ng magalit. Makakaganti ka rin kay Kai dahil maghihiwalay
din sila ng 'angel' niya."

Sinuntok niya sa dibdib si Cally. "See how bad are you?! Y-y-you and your little
monster! I don't want them to separate! Do you think it's just because I am having
a nightmare vacation, I want to curse his relationship with Bella?"

"My little monster?" ulit ni Cally. Tinitigan niya sa mata si Prin.

"Now he is a monster? Porque ba suspended ka rin ng isang buwan at bawal makipag-


meet sa kanya, tinatawag mo na siyang monster? May I remind you what happened
earlier? Gumanti lang ako sa ginawa mong kapusukan at--"

Tinakpan ni Prin ang bibig ng asawa niya dahil sigurado na hindi siya mananalo sa
debatehan laban kay Cally. Hahanap at hahanap ng lusot ang lalaki at siya ang
lalabas na kawawa.

Isang nakamamatay na irap ang sinagot dito ni Prin. "I don't want to talk to you. I
have to accept that I am the most miserable wife in the world!Hmp!"

Bumuntong hininga si Cally. Magaan at malambing na niyakap niya si Prin. Kahit


naman panay ang tudyo niya sa asawa, ayaw niyang masabihan na naging miserable ang
buhay nito sa piling niya.

"I am sorry from the bottom of your husband's heart. Honestly, marami akong plano
for this vacation. I really wanted to give you the best and sweetest honeymoon.
Mangisda ng salmon para masarap ang dinner natin. Whale watching. Kayaking. to
watch a midnight sun while cuddling or anything na dapat gawin ng bagong mag-asawa.
I wanted to give you a simple yet a sweetest vacation… not a miserable one."

Natahimik si Prin. Maybe Cally is the most annoying person pero alam niya na
binibigay nito ang lahat para sa kanya.

Alam niya na hindi magp-plano si Cally na bigyan siya ng matamis na halik sa gitna
ng libo-libong bulaklak na tulad ng ginawa ni Kai at Bella dahil hindi naman talaga
iyon ang gusto niya.

What she wanted was to share a kiss on the sky while skydiving or in the middle of
a wall climbing.

"Honey, let's stay for a couple of days and let's enjoy this vacation, okay? You
need to rest and I will be taking care of you."

Napangiti si Prin habang nakasandal ang ulo sa dibdib ni Cally.


NAIINIS si Luna habang nakaupo siya at kumakain sa isang hotel restaurant. Hinarap
kasi siya ng Daddy niya sa matandang si Mr. Sy, isang chinese tycoon na
napapabalitang Drug Lord sa lugar.

Hindi niya alam kung gaano katotoo na isang masamang damo ang matanda at hindi
matanggap ng kalooban niya na iaalay siya ng magulang sa taong ito. Pinagsuot pa
siya ng isang sexy na pulang bestida para lang makipag-date dito.

Ilang linggo na ang nakalipas nang halos wala na siyang mukha na maiharap sa
publiko dahil sa eskandalo nila ni Cally.

At ngayon, tinitikis siya ng MGM Corporation na magbigay ng danyos na nagkakahalaga


ng kalahating bilyon para sa ilang araw na nasira niya ang reputasyon ni Cally at
pagbagsak ng stocks ng opisina nito.

Maganda ang pagkakangisi ng matandang intsik habang nakatingin kay Luna. Para bang
isa siyang litson manok na inihanda sa hapag at halata ang pagkatakam sa mga mata
ng matanda sa kanya.

Nakakuyom ang isang kamao niya habang mahigpit na nakakapit sa armrest ang isang
kamay niya na para bang pinagkukuhanan niya iyon ng lakas.

"Luna, I'll give you everything. Money, house or anything you'd wish to have,” sabi
nito.

Pinag-isipan mabuti ni Luna ang hihingin. Gusto niyang gumanti kay Prin at kay
Cally. Dahil gustong protektahan ni Cally ang asawa nito, pwes, itotodo na niya ang
paghiganti kay Prin. Wala nang atrasan!

Tutal naman, kahit ang magulang niya ay parang gusto na rin siyang ipakain sa
buwaya na nakanganga at naghihintay na lang na pumasok siya sa bibig nito para
kusang loob na magpakain.

Mangyayari lang ang lahat ng paghihiganti niya kapag pumayag siya sa gusto ng
matandang intsik.

"Well, I want power Mr. Sy. Can you give me that?" nakataas ang kilay na sabi niya.

Napangiti ng matamis ang matanda. "My people is also yours. You can tell them
anything you want."

"Anything?" paninigurado niya.

"Yes. As long as you accepted me as your man." at saka siya binigyan ng isang
malapad na ngiti.

"if that's the case I want eight of your people to follow me,” sabi niya dito.

Inikot-ikot nito ang wine na nasa kopita "Darling, as I've said... as long as you
accepted me as your man."

Halata na tuso ang matanda at hindi basta-basta papayag ng walang kapalit. Inabutan
siya nito ng isang key card sa hotel na iyon. Dahilan para mapalunok si Luna.

"Come to me and I'll give you anything you want right after you gave me what I
want."
MATAPOS lang ang isang linggo, nagbalik si Prin at Cally sa Maynila.

Naging masaya siya sa loob ng mga araw niya sa Ilulissat dahil inalagaan talaga
siya ni Cally habang nandoon sila sa lugar.

Katulad ng plano, namangka sila at sinubukan nilang mamingwit ng salmon. Halos


magreklamo na lang si Prin na puro isda ang kinakain nila sa loob ng ilang araw.
Nanood din sila ng mga balyena na naglalanguyan at nag-kayak.

Pinaglingkuran siya ng kanyang prinsipe sa loob ng ilang araw. Ang asawa niya ang
halos kumilos sa lahat habang nagbuhay-prinsesa lang siya sa maliit na bahay na
tinuluyan nila. Dahil malayo ang bahay na iyon sa ibang tahanan, halos isipin na
lang nila na nasa dulong bahagi sila ng mundo, walang iniisip na problema.

Sa loob din ng ilang araw, hinayaan siya na mag-aral ni Cally at tapusin ang exam
niya online. Habang busy rin ang lalaki sa laptop nito at alam niya na nagtatrabaho
pa rin ito sa opisina.

Nalaman niya na nakabalik na rin si Bella sa Maynila habang nanatili si Kai sa


Taiwan dahil suspended ito ng isang buwan. Hindi rin naman nakaligtas sa kanya na
masaya ang kaibigan niya dahil opisyal ng magka-relasyon na ito at si Kai.

Sa ngayon, kailangan nilang bumalik ni Cally sa Maynila dahil masyadong nag-aalala


ang opisyal ng Dark Lords sa kanilang dalawa. Sapat na ang sampung araw na hindi
sila nasisilayan para mag-alala ang mga ito lalo at hindi pa nakakalayo ang araw
kung kailan dinukot si Cally.

Nang araw na iyon, magkasama sila ni Cally na nagpunta sa MGM office. Nagpumilit na
sumama si Prin sa asawa niya.

"Hindi mo talaga matitiis na hindi makita ang pogi mong asawa." Tudyo nito.

"Hmp! Sigurado na mas hindi mo matiis na hindi ako makita,” sabi niya dito.

Magkahawak-kamay sila na naglakad patungong elevator. Hindi maiwasan na mapalingon


sa kanila ang mga empleyado na nasa lobby. Agaw-pansin din naman kasi ang dalawang
naggagandahang nilalang na naglalakad at magkahawak-kamay.

Normal naman sa opisina ng MGM na may mga gwapo at magagandang celebrity sa


paligid. Pero hindi pa rin maiwasan na mapalingon ang lahat sa awra na binibigay ni
Cally.

"Bagay silang dalawa ni President,” sabi ng isang receptionist sa kasama nito.

"Haaay…" nakapangalumbaba at tila nangangarap pa ang kasama nito na nakatingin sa


papalayong si Prin at Cally.

Napapailing ang kasama nito at hindi niya masisisi na mangarap ng gising ang babae
dahil kahit celebrities ng MGM ay pinapangarap si Cally.

Sa loob ng President's office, hindi akalain ni Prin na mabo-bore din siya dahil
halos nasa meeting ang asawa niya. Bilib na bilib siya kay Cally dahil nagagawa
nito na i-manage ng maayos ang oras sa trabaho pati sa kanya sa bahay.

Pagsapit ng hapon, nagpaalam siya kay Cally na makikipagkita kay Bella dahil sa
sobrang kabagutan. Naisipan nila na magtsismisan sa isang coffee shop malapit sa
condo unit nito.
Nagyakapan ang dalawa nang magtagpo na para bang ilang taon na hindi nagkita.
Ganoon ka-gaan ang loob ni Prin kay Bella kahit pa ilang buwan pa lang sila na
magkakilala.

"So, how are you my sweet little angel?" Sinimulan niya agad na tudyuin ito matapos
na makuha ang order nilang frappe.

"Ayos naman kami ng aking O-ppa." Nakangiti na sagot nito. Halata na nag-blooming
lalo ang kaibigan niya. Halata ni Prin na masaya ang naging bakasyon nito sa bansa
ni Kai.

"I really can tell. Sobra ang pang-iinggit ng isang iyon sa akin lalo na ng ipakita
sa lahat ng followers niya ang picture niyo sa sunflower field. Dinaig niyo pa ang
love team na Tangning at Mo Ting. Mala-prenup ang mga larawan niyo doon.” parang
nagagalit na sabi niya dito.

Namula naman ang pisngi ni Bella.

Hindi na binalita ni Prin na na-ospital siya dahil sa kapusukan dahil siguradong


nakakahiya sa virgin niyang kaibigan. Sigurado na hindi nito maiintindihan ang
nangyari at baka matakot din ito kay Kai. Normal sa ugali ng isang babae na gumana
ang maimahinasyon na pag-iisip kung sakali na madinig nito ang nangyari sa kanya na
kapwa-babae sa Greenland.

Namula ang mukha ni Prin nang maalala ang nangyari sa kanya lalo at banned siya na
makita ang little monster ni Cally.

"*sigh* wala akong problema kay Kai, ang tanging problema ay si mudra,” sabi nito
habang iniikot ng straw ang inumin.

"Mommy mo?" Tanong ni Prin.

"No. His mom.” bigla itong nalungkot.

"Oh!" Natutop niya ang bibig sa nadinig. Bigla niyang naalala na chinese nga pala
ang Mommy ni Kai.

"Because she wants someone na ka-level ng pamilya nila. I saw the girl and she's
really pretty. She looked like a chinese princess." Bigla itong nalungkot lalo at
ilang araw na nitong hindi nakikita ang nobyo. Hindi maiwasan na ma-praning ni
Bella lalo at naiwan ang nobyo niya na kasama ang magandang chinese.

"Don't mind his parents dahil ang may 'last say' sa pamilya nila ay ang kanyang
Yeye o si Master Chen..."

"... I knew Leader Kai for a couple of years and I can tell that he's really in
love with you. Do you think he is just a simple Second Young master of his family?"

"Second Young Master?!" Napatayo bigla si Bella dahil sa gulat.

Napakamot sa pisngi si Prin. "Ahmm, You went there. Hindi mo ba napansin na kulang
na lang igawad sa kanya ang titulo na 'Prinsipe ng Taiwan'?"

Iling ng iling si Bella. "Then, let me tell you a secret my friend. That guy, your
boyfriend, is one of the super-rich in his country. As in, super rich!"

NANLAKI ang mata ni Bella sa sinabi ni Prin. Alam niya na mayaman si Kai dahil sa
laki ng bahay nito pero hindi niya naisip na mayaman na mayaman ang nobyo.
Bukod sa mamahalin nitong kotse ay wala na siyang napansin. His condo unit is owned
by Cally. Ang mga damit na sinusuot ni Kai ay simple. Bukod sa mamahalin na relo na
suot-suot nito ay wala na siyang makita pa na magsasabi na super yaman ni Kai.

Biglang pumasok sa isip niya ang mga ganap sa kanila ni Kai sa Taiwan. Kaya pala
ganoon na lang katindi ang respeto na binibigay ng mga tao sa lalaki kahit saan
sila magpunta.

"My friend, don't tell me you didn't notice?"

Napakamot sa ulo si Bella. "hindi masyado e, most of his conversations are


chinese."

Napatango-tango si Prin. Hindi niya masisisi ang kaibigan dahil hindi marunong ang
mga tao doon sa salitang Ingles.

"You guys are alone in Zhong She garden, don't tell me na hindi mo napansin na
pinasara niya ang lugar? Even in other places na pinuntahan niyo ay napansin ko na
parang dadalawa lang kayo at malakas ang kutob ko na pinasara ng lolo mo ang lahat
ng iyon masolo niyo lang."

Syempre napansin ni Bella, pero ang sagot ni Kai sa kanya ay baka nasa ibang lugar
nagsimpuntahan ang ibang mga turista.

Si Prin naman ay naiinis, ayaw niya nang pag-usapan pa si Kai dahil nakakadagdag
lang sa sama ng loob niya kung paano ito nagkaraoon ng masarap ng bakasyon. Tapos
siya ay dinala sa ospital. It's unfair!

Marami pa silang napagkwentuhan nang may humintong nakamotor sa tapat ng coffee


shop. Pumasok ang driver sa loob at tila may hinahanap. Naging alerto si Prin kung
ano ang gagawin nito. Lumapit ang lalaki sa gwardiya at kinausap ito.

Hanggang sa mapansin niya ang isang makapal na bouquet ng pink na rosas ang nasa
likuran nito.

"Si Miss Bella po?" sigaw nito mula sa pintuan matapos pumayag ng guard.

Nagtaas ang kilay ni Prin. Lumipat ang tingin niya sa kaibigan. Lumingon naman si
Bella sa lalaking may bitbit na bulaklak.

"Here!" ang sabi ni Bella.

Lumapit sa table nila ang lalaki. "pa-receive po ako Mam." ang sabi.

Binasa muna ni Bella ang maliit na note saka lumitaw ang abot tenga na ngiti sa
mukha nito. Inabot at pinirmahan ang dala na papel ng lalaki. Kung masaya si Bella,
nakasimangot si Prin dahil mas maliwanag pa sa sikat ng araw na galing ang bulaklak
na iyon kay Kai!

"Seriously, how did he find out that you are here in a coffee shop? Is he a
stalker?"

"No. he's a fan!" at saka inamoy-amoy ang bulaklak.

Prin "...."

"I told him na kasama kita dito sa coffee shop.”.


Nangigigil na hinalo ni Prin ang iniinom niyang Frappuccino. Kahit wala si Kai ay
pinakita pa rin nito ang sweetness sa kanya ng harap-harapan. Paano siyang
matutuwa?

Samantalang, ni isang tangkay na dahon ay wala pa siyang natanggap mula kay Cally.
Halatang kilig na kilig si Bella at parang maiihi na hindi maintindihan habang
kinukunan ng larawan ang pink ng rosas.

Nang masiyahan sa mga picture, pumili ito ng isa at nilagay sa social media account
nito.

[BeautyBella: Do you know how much happiness I feel when I suddenly get these
flowers. Thank you so much love!]

Tumunog agad ang cellphone ni Prin at nakita niya ang post ni Bella. Mas dumagdag
pa sa inis niya na makita na may sagot agad si Kai. He re-posted her picture at ang
tanging laman ay kissing, heart at angel emoji.

May sagot agad mula sa mga followers ni Bella.

[wala na may nanalo na!]

[Ate Angel, ’yung buhok mo nasa Taiwan na] ang sabi, na sa tingin ni Bella ay ang
freshman na nangulit sa kanya.

Napalo ni Prin ang mesa "You guys! Seriously, I'm angry! Kahit ang mga langgam ay
maiinis na lumapit sa inyong dalawa ni Kai dahil hindi kaya ang level ng tamis
ninyo.” nagagalit na sabi niya kay Bella. Humalukipkip siya at inirapan ang
kaibigan.

Ilang milyang dagat at isla ang layo ng mga ito sa isa't isa pero nagpakain pa rin
ng sampung lata ng sweetness sa mga single. Hindi lang sa single, kun'di pati na
rin sa tulad niya na may kasamang bato ng iceberg sa bahay.

Tawa lang ng tawa si Bella habang pulang pula sa galit si Prin. Ilang saglit lang,
nag-ring ang cellphone niya at nakalagay sa screen na si Cally ang tumatawag.

Nangigigil na pinindot niya iyon at sinagot.

"Hello Honey --"

"You'd better think of something sweeter than Kai or else you'll be a single dog
sooner. Hmp!" saka niya ibinaba ang tawag niya dito.

Si Cally sa kabilang linya "...."

Grabe ang halakhak ni Bella sa tapat na marinig kung paano niya pinagalitan si
Cally. "Oh my god, I will be dead soon. kawawa naman ang loves ko kapag namatay ako
agad."

"Mabuti pa umuwi na tayo, dahil bago ka pa mamatay, uunahin ko si Leader Kai."

Tawa lang ng tawa si Bella hindi nila napapansin na dalawang lalaki ang nagmamasid
sa kanila sa loob ng coffee shop at nag-aabang lang ng tamang tiyempo para
sunggaban sila.
HUMUGOT ng malalim na hangin si Prin at naiinis na hinarap muli si Bella.

"I-unfollow ko na kayo ni Kai dahil naiinis ako sa inyo,” nakapameywang na sabi


niya dito saka ito inirapan. Tawa ng tawa si Bella.

Naiinis lang si Prin dahil harap-harapan kung ipakita ni Kai na sinuko na talaga
nito ang Blade Tower ng Dark Guards sa kaibigan niya.

Paglabas ng coffee shop, Kumalma rin naman siya nang maisip na nakakita ng masayang
lovelife ang dalawa sa katauhan ng isa't isa. At masaya siya para sa mga ito. Ilang
saglit lang, lumabas ang dalawang lalaki at tig-isa silang nilapitan.

Unang nahatak ng isang lalaki si Bella dahil mas malapit ito sa pintuan na gawa sa
salamin at tinutukan ng patalim sa leeg ang dalaga.

"Huwag kayong kikilos, kung ayaw niyong may masaktan!" banta nito. Lumapit ang
kasama nitong lalaki sa kanya. Agad niyang tinapakan ang paa nito at siniko ang
mataghiyawat na ilong nito.

"Ahhh!" Nasapo nito ang ilong sa sobrang sakit.

Hinila niya ang kwelyuhan nito saka malakas na sinuntok ang lalaki. Tumilapon ito
sa sahig. Biglang sumigaw si Bella na hawak ng isa pang lalaki.

"Ahhh!!" takot na tili nito.

"Punyeta ka! Huwag kang maingay! Bubutasan ko ang leeg mo!" pananakot nito habang
nakatutok pa rin ang isang matulis na balisong sa leeg ni Bella.

Nangangatog at matinding kumapit si Bella sa bitbit na bulaklak. Lumabas na ang


gwardya ng coffee shop dahil naka-agaw sila ng atensyon.

"Bitiwan mo siya!" sabi nito sa mayhawak kay Bella. Hindi ito pinansin ng lalaki.

"Ikaw! Ikaw ang kailangan namin!" sabi nito kay Prin. Napalunok si Prin. 'Sino na
naman ang may pakana nito?'

Nagkikiskis na ang ngipin ni Prin sa sobrang pagkagalit. Kailangan niyang


masigurado ang kaligtasan ni Bella. Kapag nasa kamay na siya ng mga ito ay saka na
lang siya lalaban. Ang mahalaga, maligtas ang kaibigan niya na halatang natatakot
na at matinde ang kapit sa bouquet ng pink na bulaklak.

"Bitawan mo siya! sasama ako sa iyo pero bitawan mo ang kaibigan ko!" sigaw niya
dito. Napangisi ito. Sinenyasan nito ang isa pang lalaki na ginulpi niya na lumapit
sa kanya.

"Kusang loob akong sasama, basta ibigay mo sa gwardiya ang kaibigan ko!" matigas na
sabi ni Prin. Sabay na binitawan nito si Bela sa paglapit sa kanya ng isang lalaki.
Kasabay din ng paghinto ng maroon na Toyota innova (Van) sa tapat.

Kinuha agad ng guard si Bella at pinrotektahan. Hindi na nakakilos pa si Prin dahil


tinakpan ng lalaki ang ilong at bibig niya ng mahigpit. Naamoy agad niya ang gamot
at mabilis na bumalot sa pagkatao niya ang pagkahilo hanggang sa unti-unting
lumiliit at lumalabo ang paningin niya. Parang lantang gulay na ipinasok si Prin ng
lalaki sa loob ng Van.

"Prin!" nag-aalala si Bella na naiwan. nagsimula na siyang umiyak. Hinabol niya pa


ang van pero pinigilan siya ng guard.
"Ma'am, irereport na natin ito sa pulis,” sabi ng guard at agad na nag-radyo.

Nangangatog naman ang mga daliri ni Bella na kinuha ang cellphone sa loob ng sling
bag, nagpipindot ang dalaga sa screen at tinawagan si Kai. Hindi man lang lumipas
ang ilang ring at sinagot agad iyon ng binata.

"Hello, My Angel!" masayang bati nito.

"Kai… Si Prin…" halos hindi niya mabigkas dahil sa sobrang takot, kaba at pag-iyak.
Nakaramdam agad si Kai na may hindi magandang nangyari kay Prin.

"Anong nangyari?!" tanong nito.

Pinilit ni Bella na i-kwento sa nobyo ang nangyari. "Hu hu hu… she asked the guy to
let me go. Then, tinakpan ang bibig at ilong niya. Maya-maya nawalan na siya ng
malay."

"F*ck!" mura nito sa kabilang linya.

"I'll call Shi Cally. Diyan ka lang sa coffee shop. Ipasusundo kita, okay."

"O-okay…"

MATAPOS lang ang tawag kay Bella, tumawag agad si Kai kay Cally.

"Mukhang nag-eenjoy ka sa bakasyon mo.” bungad ni Cally. Tiningnan niya ang account
nito ilang minuto lang dahil nagsimula na naman na magreklamo si Prin sa kanya. At
sigurado siyang si Kai ang dahilan at ang Angel nito.

Pero nabigla siya sa sinagot ni Kai.

"Shi, may dumukot kay Prin.” ang naging sagot nito. Kumunot ang noo ni Cally,
binitiwan niya ang hawak na dokumento at agad na tumalim ang tingin.

"Kasama niya si Bella sa coffee shop at para bitiwan daw ng lalaki si Bella,
nakipagpalit si Prin sa grupo. May pinaamoy na droga sa asawa mo kaya nabitbit siya
ng walang nagawa." mahabang paliwanag nito.

HALATA ang galit sa mata ni Cally. Masyadong malakas ang loob ng kung sinong
mastermind ang may gawa sa pagdukot ng asawa niya.

"Come here as soon as possible!" utos niya kay Kai sa kabilang linya. Kailangan na
makauwi ni Kai, hindi para bantayan si Prin kun’di para bantayan ng mabuti ang
angel nito.

"Shi, hindi pa tapos ang parusa ko." seryoso na sabi ni Kai sa kabilang linya.
Sampung araw pa lang ang natatapos niya sa isang buwan na suspensyon niya.

"Ako ang haharap sa matatanda para sabihin ang dahilan at magpaliwanag kung bakit
ko binabawi ang parusa." Bumagsak ang balikat ni Kai at nag-aalala ito sa kabilang
linya.

"Pero Shi…" isang kasalanan sa Dark Lords ang gagawin ni Cally na bawiin ang parusa
sa kanya. Isang kasalanan iyon at alam niya na tanging sa kanya pa lang nito iyon
gagawin.

Posible na ibalik kay Cally ang suspension na ginawad nito sa kanya ng ilang buwan
kung sakaling babawiin nito ang parusa ng biglaan. Mawawalan ito ng panandaliang
kapangyarihan sa Dark Guard o posibleng sa buong samahan ng Dark Lords at hindi
iyon kakayanin ng konsensiya ni Kai. Lalo at si Bella ang isa sa mga rason kung
bakit nakuha ng kung sino si Prin.

"Shi, please, don't.” humugot ng malalim na paghinga si Kai bago nagpatuloy.

"Ako, ako ang bibitaw bilang Dark Guard,” sabi nito sa kabilang linya. Kung gaano
ka-tigas ang ulo ni Cally, ganoon din si Kai. Matapos mabigkas ni Kai ang bagay na
'yon ay pinutol na nito agad ang tawag.

Kumilos agad si Cally matapos makausap si Kai. Pinindot niya ang emergency button
para papasukin si Xander. Ilang saglit lang, nasa harapan na niya ang binata.

"Call everyone to find Prin! May dumukot sa asawa ko. Magsimula kayo na mag-
imbestiga sa coffee shop malapit sa Blue City Condo Tower!"

UNTI-UNTING iminulat ni Prin ang mga mata. May hilo pa siyang nararamdaman pero
pinagana niya ang iba pa niyang senses sa paligid.

"Boss, malapit na ba kayo?" Narinig niyang sabi. Huminto ito saglit na halatang
nakikipag-usap ito sa telepono.

"Huh? May biglaan kayong lakad ng kaibigan niyo? Nandito na ang babae na inutos
niyong kunin namin."

"Huh talaga?! Wow! Thank you, Boss!" Masayang ibinalita nito sa pito pang kasama
ang sinabi ng kausap o ang mastermind. Apat sa lalaki ay nakaupo sa apat na sulok
ng mesa at naglalaro ng tong-its. Ang dalawa dito ay ang nagmanman sa kanila ni
Bella sa coffee shop.

"Sabi ni Boss, pwede daw nating tikman si baby girl!" Masayang sabi.

Naghiyawan ang lahat. Ang dalawa na matyagang naghihintay ay nilawayan pa ng dila


ang sariling mga labi at tila sabik na sabik na matikman si Prin.

Umismid si Prin ng palihim at unti-unti rin na bumabalik sa normal ang diwa niya.
Nakatali ang magkabilang kamay niya na sinimulan niyang paluwagin ng lihim. Pero
hindi naman dahilan iyon para hindi niya malabanan ang walong lalaki.

Hinawakan siya ng isang lalaki sa braso at hinila mula sa papag papuntang gitna
para mas makakilos ang lahat.

Doon lang niya napansin na nasa loob sila ng isang abandonadong factory. Halos puro
agiw at alikabok ang kisame, semento ang sahig, may hagdan sa isang gilid na gawa
sa bato, maluwag ang paligid at isang papag na gawa sa kahoy na may nakapatong na
na-flat na karton sa ibabaw, kung saan siya inakay ng lalaki.

Bukod pa sa kwadradong mesa at mga monoblock na upuan na ginamit ng apat na


kidnappers. Humilera sa harapan niya ang apat na lalaki.

"Hoy! Ikaw! Walo kami na titikim sa iyo kaya ihanda mo na ang katawan mo para sa
amin!" Ang sabi ng lalaki na may kausap sa kabilang linya.
Ngumiti si Prin na parang anghel. "Walang thrill kung walo lang kayo. Wala na bang
iba?" Sabi niya ng may paglalambing sa boses.

"Mukhang sanay na sanay ka na ha.” ngumisi ang isa na takam na takam sa kanya.

"Wait ha! Iinat lang ako. Walo kayo at nag-iisa akong babae. Siguradong exciting
ang gagawin natin at masasarapan kayo sa akin." Matapos niyang sabihin iyon ay nag-
inat-inat si Prin.

Pinagalaw niya ang lahat ng kalamnan niya sa katawan. Leeg, binti, braso, balakang
at kung anu anong parte na magagamit niya para maturuan ng leksyon ang walong
lalaki. Habang ginagawa iyon ay tuluyan na ring nagbalik sa normal ang diwa at
paningin ni Prin.

"Ayan… perfect!" Nakangiti siya ng sweet.

"Ikaw kuya na nasuntok ko kanina... gusto kong mag-sorry,” sabi niya na naglakad
patungo dito.

Pinag-aaralan niya ang mga lalaki. Ang napansin niya ay dalawa dito ay may bitbit
na kalibre kwarenta'y-singko na nakasuksok sa pantalon, nasa mesa ang gamit na
baril ng dalawa pa na mukhang iniwan nang naglaro ang mga ito ng tong-it. Habang
patalim ang armas ng tatlo pa na nasa bulsa rin ng mga ito.

Unti-unti na niyang natatanggal ang tali sa magkabilang kamay. Ngumiti si Prin.

"Shall we start?" Sabi niya sa lalaki na mataghiyawat ang ilong.

"EHH, I think I'll start with the two of you,” turo niya sa dalawang lalaki na may
nakasukbit na baril sa pantalon.

Nagreklamo agad ang lalaking mataghiyawat ang ilong. "huh? Ayaw mo na sa akin?
Akala ko ba nanghihingi ka ng sorry."

"Yap. I'm sorry, kasi ang gusto ko ay malapad ang katawan na katulad nila kuya,”
sabi niya na parang batang inosente. Kumurap-kurap pa siya para lalong maakit sa
kanya ang mga lalaki. Nagliwanag naman ang mukha ng dalawang tinuro niya.

"Hindi mo ba nadinig iyon? Kami ang mauuna sa pila!"

Kapwa malapad ang katawan ng mga ito, nagpuputukan pa nga ang muscles ng dalawang
lalaki. Lumapit sa kanya ang dalawa na maganda ang pagkakangisi. Nag-iisip na ng
masayang gagawin nilang tatlo.

"Kuya, ako ang pipikit o kayo ang pipikit?" halong mapang-aakit at may pagka-
inosente ang awra ni Prin na gustong-gusto ng walong lalaki.

"Ay! Mas maganda kung kayo ang pipikit. Para mas ma-enjoy niyo ang sensasyon,” sabi
niya bago pa sumagot ang mga ito.

"Eto na... nakapikit na…" sabi ng isa na nasasabik sa gagawin. Mula sa pagkakangisi
ay napalitan ng matamis na ngiti ang labi nito. Umaandar na ang imahinasyon nito sa
gagawin niya habang nakapikit. Sino ba naman ang ayaw na mauna sa isang bata at
magandang babae?
Kinupkop niya ang ma-dry na pisngi nito at hinaplos-haplos iyon, ganoon din ang
ginawa niya isa pa para hindi mapansin na lumuwag na ang tali niya sa kamay. Sa
loob-loob ni Prin ay nandidiri na siya at minumura sa isip ang mga lalaki.

"Ready na ba kayong dalawa?" matamis na tanong niya. Panay ang tango ng dalawang
lalaki habang nakapikit pa ang mga ito.

"Okay… one. Two. Three!" pagkasabi n'on ay sabay na binunot niya ang baril ng
dalawang lalaki na nakasuksok sa pantalon nito. Pinukpok niya gamit ang baril sa
sentido ang lalaking nasa kanan at sinipa ang nasa kaliwa papunta sa ibang kasama
nito.

"Nalintikan na!" reaksyon ng isa.

Kumilos agad ang anim. Tumakbo papunta sa kanya ang isa na hawak-hawak ang balisong
nito -- Ang lalaking nang-hostage kay Bella.

Bago pa ito makalapit, hinagis niya sa ere ang isang baril, hinila niya mula sa
likuran ang braso ng isa na susunggab sana sa kanya sa likuran at sinipa patungo
dito.

Sakto na nag-land sa kamay niya ang baril na hinagis niya sa ere. Nagkatinginan ang
mga lalaki.

"Wahhhh!!" galit na nagkasundo sa tinginan ang walong lalaki na sabay-sabay na


susunggab sa kanya. Lalapitan sana nila si Prin nang paputukin niya sa kisame ng
sabay ang hawak na baril.

"Walang kikilos!" singhal niya. Dumagundong sa buong gusali ang boses ni Prin.
Dahilan para sabay-sabay na napatigil ang walong lalaki.

Napalitan ng tila nag-aapoy ang mga mata ni Prin mula sa inosenteng nilalang na
kausap nilang ilang saglit lang ang nakalipas. Sinong mag-aakala na ang nag-iisang
babaeng payat at nakabestida ng kulay pink ay kayang-kaya magpatigil sa kanilang
walo?

Lihim na umatras ang isa para lapitan ang baril na naiwan nito sa mesa. Nagulat na
lang ito ng barilin ni Prin ang binti nito ng walang sabi-sabi o kahit paalala man
lang.

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito saka napaluhod.

"Nagpaalala na ko na walang kikilos!" para patunayan ni Prin na hindi siya


nagbibiro, binaril niya ang nag-iisang lata ng sardinas na nasa ibabaw ng mesa.
Tumilapon ang lata at tumama ito sa pader. Nagsipagtalsikan ang sauce sa pader at
sa sahig kung saan ito napunta.

Nanghilakbot ang walong lalaki nang makita ang ginawa niya. Kailangan kasi ng
matinding sanay para magawa ang tulad ng ginawa ni Prin. Nasaan na ang maamong
babae kanina? Ang tanong ng bawat isa sa sarili. Napalunok na lang ang mga ito at
hindi makahanap kahit isang kataga.

"Sinong nag-utos nito?" tanong niya. Matalim ang tingin na pinupukol niya sa walo.

Walang sumasagot kahit isa sa kanila at tila napipi ang mga ito.

Ang lalaking malaki ang katawan ay hindi matanggap na bukod sa nakuha ni Prin ang
baril mula dito ay nagawa pa siyang masipa patungo sa mga kasama. Sa liit ng braso
at binti ng babaeng nasa harapan at tila mukhang inosente ay hindi niya akalain na
kayang-kaya ng babae ang bigat ng katawan niya. Nang una pa nga ay inisip niya na
hindi lalagpas kahit sa limang porsyento ng lakas ang kailangan niya kay Prin.

"Sagot!" Sigaw niya. Parang sinapian ng anak ng demonyo ang tingin ng walong lalaki
kay Prin.

"Nag-iinit na ang ulo ko sa inyo!" dagdag niya pa.

"A-ang nag-utos s-samin ay si L-Luna V-villanueva." uutal-utal na sagot ng isa.

Sumeryoso ang mukha ni Prin nang marinig ang pangalan ng babae. Napupuno na siya sa
babaeng iyon. Mukhang hindi talaga ito titigil hangga't walang nangyayaring masama
sa kanya. Hindi ligtas ang mga tao sa paligid at mga nakakasama niya hanggang hindi
tumitigil ang babae.

Ang pinagtataka lang ni Prin, akala niya ay nadala na ang babae sa danyos na
hiningi ni Cally dito. Nakapagbayad na ang pamilya ni Mayor sa MGM limang araw ang
nakalipas kahit nasa ibang bansa pa sila ni Cally.

"Maglalaro tayong siyam dito. Ikaw!" tinuro niya ang lalaki na may kausap sa
telepono na sa palagay niya ay si Luna.

"Tumawag ka ng Pizza Delivery dahil nagugutom ako!".

"Y-yes po."

"Huwag na huwag kang magkakamali na kumilos ng masama kung hindi... Alam mo na ang
gagawin ko sa iyo!" pananakot niya dito.

"Y-yes! Hindi ako magkakamali.” takot na takot na sagot nito.

Naisip ni Prin na paglaruan ang walong kidnappers niya. Akala ba ng mga ito ay
simple lang na imbitahan siya sa ganoong klase ng lugar. Hmp! Sisiguraduhin niya na
matuturuan niya ang mga ito ng leksyon.

Tumawag ng pizza delivery ang lalaki tulad ng nais ni Prin. Umupo siya sa tapat ng
kwadradong mesa saka dumekwatro.

"Magsiupo kayo d'yan sa harap at magbigay kayo ng jokes sa akin. Simula ngayong
oras ay tatawagin niyo akong 'Master'" utos niya. Parang mga batang estudyante na
biglang bumait ang walong lalaki. Humilera ng upo ang mga ito sahig. Ang isa na
binaril niya sa binti ay hindi na kinakaya ang sakit dahilan para mangasul na ang
labi nito. Halos wala na ring dugo na lumabas sa binti nito

"M-master, hindi na kaya ng katawan ko. P-pwede na ba akong lumabas para matanggal
lang ang bala?" nakikiusap na sabi nito kay Prin.

Nagtaas ang kilay niya "Hindi Pwede! Maghanap ka dito ng gagamot ng sugat mo. Pero
bago ang lahat mag-joke ka muna!" utos niya habang iniikot-ikot sa mga daliri ang
baril na hawak.

"S-sige mag-j-joke na po ako…" sabi nito na halos takasan na ng kulay. Gustuhin man
ni Prin na maawa dito ay hindi niya magawa dahil sigurado siya na sanay ang mga ito
na gumawa ng masama. At hindi naman siya anak ni Saint Mary para maawa sa mga may
atraso sa kanya.

"H-heto na ang Joke ko… M-may tatlong lalake ang tumalon sa tubig, I-ilan ang
nabasa ang buhok?" halatang nahihirapan na ito.
"Kayo ang sumagot,” utos niya sa mga kasama nito.

"Ilan?!" sabay-sabay na tanong.

"W-wala! Kalbo kasi silang lahat e."

"Ha ha ha!" Nagsipagtawanan ang mga kasama nito.

Nanatiling seryoso ang mukha ni Prin. Ang totoo, naaliw siya sa Joke pero hindi
niya pinahalata dahil gusto niyang makipaglaro sa mga kidnappers niya. Lalaruin
niya ang walong lalaki hanggang sa ito na lang ang susuko at hindi na papangarapin
pa na makita ang kahit katiting na anino niya.

Natahimik naman ang mga 'hostage' niya nang mapansin na wala siyang reaksyon. Isang
malakas na lagabog na lang ang narinig nila dahil hinimatay na ang lalaking binaril
niya sa binti.

"Sino ang gustong gumamot sa kanya?" tanong ni Prin. Nagkatinginan ang pitong
lalaki at nagturuan.

"Mayroon kayong patalim di ba? Kapag ako ang gumawa niyan, sigurado na hindi niyo
magugustuhan. Dahil gagamitin ko ang balisong para ilabas ang lahat ng laman ng
binti niya bago ko kunin ang bala. Tapos isasalpak ko na lang pabalik. Gagamitin ko
ang stapeler pantahi. Ano?"

Napalunok ang mga lalaki dahil sa narinig. Na-iimagine na kasi nila ang sinabi ni
Prin.

"A-ako na lang po ang gagawa,” sabi ng lalaking mataghiyawat ang ilong.

"Papayagan lang kita kung magbibigay ka ng joke.” nakataas ang kilay na sabi ni
Prin dito.

"Ah. ahm… B-bakit gising magdamag ang mga bampira?" tanong nito.

"Bakit?" tanong ng iba.

"Dahil nag-aaral sila para sa kanilang Blood Test. Ha ha ha.”

Pinukulan lang ni Prin ang lalaki ng masama dahil sa korni na Joke nito. "Sige na!
Doon kayo sa papag na dalawa."

Sinimangutan niya ang anim pang lalaki. "Next Joke!"

Naglakas loob na ang isa sa anim. "Ano ang mangyayari kapag nahulog ang pulang
sumbrero sa asul na dagat?"

"Anoooo?" tanong ng mga kasama.

"E'di mababasa ang sumbrero." sagot.

"Ha ha ha!!!" nagtawanan ang mga kasama nito na parang mga bata sa Goin' Bulilit.
Seryoso lang si Prin at kunwari ay kumunot ang noo.

Nahalata ng isa kaya binatukan nito ang kasama. "Gago ka! Ang korni ng Joke mo!"

"A-ako na lang, Master ang sunod na magbibigay.”

"ah… ano ang tawag sa anak ng taong grasa?"


"Anooo?"

"Eh di, Baby Oil!"

Humagalpak ng tawa ang lahat. Naaaliw si Prin pero hindi niya nagugustuhan na nag-
eenjoy ang mga ito. Nagpaputok siya ng bala muli sa kisame dahilan para matapos ang
tawanan. Napalitan ng seryoso ang mukha ng mga ito at tumuwid ng pagkakaupo at
halos takasan na ng kulay.

"Gag* ka talaga, hindi natutuwa si Master!"

"M-Master, Parang awa niyo na… W-Wala na po kaming maisip,” sabi ng isa.

INIKUTAN ni Prin ng mata ang lalaking nagsabi na wala ng maisip na joke ang mga
ito.

Maya-maya, dumating ang nagdeliver ng pizza. Halata ang pagtataka sa mukha nito
lalo at sa abandonadong lugar ito nagdeliver ng pizza. Hindi maiwasan na mag-isip
ito ng masama sa mga lalaking nakaupo at mga mukhang hindi gagawa ng mabuti.

Hanggang sa dumapo ang mga mata nito kay Prin. Tila dinala ito sa alapaap nang
ngitian niya ng pagkatamis-tamis, saka inabutan ng isang libo at limang daan. "Keep
the change. Bye bye!"

"B-boy, please, huwag mo kaming iwan!" sigaw ng isa.

"Tulungan mo ka.. mi." biglang umatras ang dila nito sa mga huling kataga.
Tinitigan ito ni Prin ng masama saka ibinalik ang tingin sa delivery boy.

Nginitian muli ni Prin ang binata "Wala na akong kailangan. Bye bye!" kumaway pa
siya dito.

Sumunod naman sa kanya ang delivery boy na umalis ng lugar at parang nangangarap na
inaalala ang mukha ni Prin. Pakiramdam kasi nito ay nakakita ito ng anghel sa
katauhan niya.

Sinarado niyang muli ang malaking yero na umaaktong pintuan o gate ng gusali.

"Hihingi ka pa ng tulong ha?!" nakapameywang na sabi niya sa lalaking halos


magmakaawa sa delivery boy.

"Ha! Iniisip mo yata na nagbibiro ako e!"

Napaatras ito "M-master, p-patawarin mo ako! Hindi na po ako uulit!" sabi nito sa
kanya na halata ang pagsisisi.

"Dapat lang! dahil pasasabugin ko ang ulo mo sa susunod kapag umulit ka pa!"
singhal niya. Parang napipi naman ito dahil sa sinabi niya.

Umupo siya sa silya, pinatong ang box ng pizza sa mesa at saka binuksan iyon.
Nilanghap pa ni Prin ang amoy nito at parang natatakam na kinagat. Naglaway naman
ang mga lalaki dahil sa ginawa niyang pang-iinggit.

Pinanonood lang siya ng mga ito habang ninanamnam niya ang pagkagat. Halos tumulo
na ang laway ng iba sa kanila habang pinapanood si Prin na masarap na kumakain.

"Nabo-boring ako!" parinig niya.

"Ahhh… Master, parang awa niyo na… Naubusan na kami ng Joke. K-kanta na lang po
ako."

"Siguraduhin mong maganda ang boses mo. Kung hindi, lalagyan ko ng bala ang
lalamunan mo,” sabi niya sabay kagat ng pizza. Matalim pa rin ang tingin na
binibigay niya dito.

Napalunok ito at saka nagsimulang kumanta ng "Ipagpatawad mo.” By VST and Company.
Pinilit ng lalaki na lamigan at gandahan ang boses dahil natatakot ito sa banta ni
Prin.

Nakasimangot siya habang pinakikinggan ito. Maganda naman talaga ang boses ng
lalaki na sadyang hindi niya lang gusto.

"Oooohh, minahal kita agad…"

"Whoooo!!! More more!!!" nagsipalakpakan ang mga kasama nito matapos na kumanta ang
lalaki.

"Tahimik! Hindi ako nag-enjoy!" singhal at reklamo niya.

Nagkatinginan ang mga lalaki. Hindi na alam ng mga ito kung paano siya susuyuin.
Gusto nang sumuko ng apat na lalaki at magsisi.

"Ikaw! Tawagan mo si Luna at papuntahin mo dito. Gusto kong makita kung paano niya
ako pasasayahin.” matalim na sabi niya sa lalaking kausap ng babae sa cellphone.

HINDI naman mapakali si Cally na nakaupo lang sa back seat ng sasakyan at


naghihintay ng magandang balita mula sa mga taong nasa paligid niya.

Inabot na kasi ng mag-lilimang oras at wala pang nagbibigay ng magandang balita sa


kanya kung ano na ang nangyari sa asawa niyang si Prin. Nasa tapat sila ng coffee
shop kung saan huling dinukot si Prin.

Hindi siya mapa-kalma at halata na hindi siya maistorbo ni Zuki o ni Xander.

Nakatingin lang siya sa bintana at parang may nakikita sa kawalan. Napanood niya sa
video ang naganap doon sa tapat ng Coffee shop na parang lantang gulay na binitbit
si Prin ng dalawang lalaki papasok sa maroon na van. Kaya hindi maiwasan na mag-
isip siya ng masama.

Walang mabasa sa mukha ni Cally na alam ng mga kakilala niya na mas nakakatakot sa
pagkatao niya. Walang kuma-kausap sa kanya dahil wala siyang gusto na marinig na
sagot o salita sa kahit na kanino kung hindi magandang balita.

Ilang saglit lang, kinatok ni Zuki ang bintana at saka niya pinindot ang buton para
bumaba ang salamin.

"Master, may lead na tayo. Nakita na ang van sa kalapit na probinsiya. Ang isa pang
clue, lumabas sa imbestigasyon na mga tao ni Mr Sy na isang drug lord dito sa lugar
ang dumukot kay Prin,” paliwanag nito.

"Zuki!" isang malaki at malamig na boses ang narinig nilang tumawag dito mula sa
likuran. Lumingon si Zuki, at nakita naman ni Cally mula sa rearview mirror kung
sino ang tumawag dito. Si Rob Matsui, Ang Daddy ni Prin.

BINUKSAN ni Cally ang pintuan at lumabas ng sasakyan upang salubungin ang Daddy ni
Prin.

"Umuwi ako sa villa. Nang ipahanap kita ay sinabihan ako na nandito nga raw kayo ni
Cally at hinahanap niyo ang anak ko na si Prin." Bungad ni Rob ng makalapit sa
kanila ni Zuki.

"Boss pasensya na, masyado kasing low profile ang anak mo kaya marami tuloy ang
nagtatangka sa buhay niya nang hindi alam ang totoong background niya,” paliwanag
ni Zuki. Tahimik lang si Cally. Nilingon siya nito at tinapik sa braso

"Huwag kang mag-alala, may tiwala ako kay Prin na hindi basta-basta masasaktan ng
kung sino lang ang anak ko,” sabi nito.

Sa unang pagkakataon ay nagsalita si Cally.

"Uncle Rob, I'm just worried about her. Did you see the video? Binitbit lang siya
na parang lantang gulay." Halata sa boses niya na tense talaga siya sa pagdukot kay
Prin.

"Go to her. Nasabi na sa'kin na nasa abandonadong warehouse siya sa kalapit na


probinsiya,” sabi nito bago tila nag-apoy ang mata dahil sa sobrang galit.

"Zuki, go with Cally. Ako ang haharap kay Mr. Sy dahil mukhang kailangan ko siyang
paalalahanan." Halata sa boses ang pagbabanta ni Rob.

"Who's going with you boss?" Usisa ni Zuki.

"His Dad." Simpleng sagot nito na tinuro si Cally saka sila tinalikuran.

Hindi alam ni Cally kung ano ang plano ng mga magulang nila at ayaw na muna niyang
intindihin ang bagay na iyon dahil mas nananaig ang nais niya na makita si Prin.

Bumalik naman sa sasakyan si Cally. "You heard him. Let's go and get my wife!" Sabi
niya kay Xander at sa Chauffeur na parehas na tahimik sa unahan ng sasakyan.

Dalawang van naman ang sumunod sa kanila patungong abandonadong warehouse.

HALATANG gutom na ang walong kidnappers ni Prin.

"M-master, kung gusto mong umuwi, ihahatid ka pa namin." Hindi na napigilan ng isa
na sabihin kay Prin.

Uhaw na uhaw at gutom na gutom na kasi sila. Talaga namang suko na sila dahil anim
na oras na silang hawak-hawak ng nag-iisang babae na naka-bestida na kulay pink na
walang kain at inom. Ito ang umubos ng isang box ng pizza na pina-order nito. Hindi
man lang sila tinirhan kahit iisang slice ng pizza.

Nagpa-order pa sa 'Grab Delivery' ng milk tea mula sa paborito nitong bubble tea
house at isang supot ng marshmallow mula sa 7-eleven. Kaya sa huli, ang nag-iisang
babae ang busog sa kanila at lahat sila ay gutom na.

Kung anu-ano pa ang pinagawa nito sa kanila. Nag-dance contest sila at


nagbugtungan. Sa ngayon ay inuutusan sila nito na mag-story telling ng pag-ibig ni
Christopher de Leon at Vilma Santos.

"Tang-ina!" Hindi na napigilan na magmura ng isa.

"Sino ang nagmura?!" Singhal ni Prin.

"...Narinig niyo ang sinabi ko, makakaalis ang kung sinong may pinakamagandang
kwento sa inyo. Kaya hala, Sige na! tuloy mo ang kwento! Walang aalis hangga't
hindi dumadating ang boss niyo dito!"

Naiinis na ang lalaki at nanggigigil na tinungo siya. Plano na nitong saktan si


Prin at hindi na talaga ito natutuwa. Tila sinapian na rin ng masamang espiritu ang
lalaki.

"ahhh!!!"

Tumakbo ito ng nakaamba ang kamay na may hawak na patalim. "Wrahh!!!"

Nagulat na lang ang lahat ng barilin ni Prin ang hawak nitong patalim.

Napatigil ang lalaki at napasinghap naman ang iba pa. Nagsugat lang ng kaunti ang
kamay nito na pinatamaan ni Prin ng bala. Tuluyang binitawan ang balisong na
tumilapon sa kung saan dahil sa bigla nito. Kung gaano kabilis na sinapian ang
lalaki, ganoon din kabilis itong tinakasan ng kulay.

Napalunok ang lalaki samantalang ngumisi si Prin. "Sinabi ko na, hindi uso sa’kin
ang pagbibiro."

Napaatras ang lalaki at humalo sa iba pang mga kasama nito.

"gago ka kasi!" Bulong dito ng kasama pero may diin.

"Ako ang magk-kwento sa inyo ng buhay ni Vilma at Christopher De Leon dahil mga
walang kwenta ang kwento niyo!"

"May magkasintahan na ang pangalan ay Vilma at Benny. Hindi sinasadya na mabuntis


si Vilma ng nobyo na si Benny. Kaya lang, namatay sa aksidente ng motor si Benny.
Dito na pumasok ang role ni Christopher. Dahil he is secretly in love with Vilma,
inako niya na pakasalan si Vilma. Kaya lang sa buhay-mag-asawa laging may
kontrabida, katulad na lang ni Luna!" Kwento niya na sumegway ng hugot.

"Anyway, balik tayo sa kwento... Sa buhay mag-asawa laging may kontrabida, at iyon
ang kinakapatid ni Christopher na si Maya. Maya seduces him hanggang sa
magkaproblema ang relasyon nilang mag-asawa…"

"...Ang walang hiya! Sumama sa Maya niya papuntang Europe! Ayon nagkandaleche-leche
na ang buhay ni Vilma at naghiwalay sila. The end!"

Nagulat na lang si Prin na mukhang nadala sa kwento ang mga kidnappers niya at
literal na nagsisipag-iyakan.

"Hindi man lang ba sila nagkita after eight years?" Hindi napigilan na itanong ng
isa.

"Ano to? Kwento ng 'My First Love is a Problem Boy?' Nagkita after eight years?
Tigil-tigilan niyo ako!" Sabi niya hanggang sa mag-ring ang cellphone ng lalaki na
kausap ni Luna at hindi nga siya nagkamali na ang babae ang tumatawag.

SINAGOT ng lalaki na kausap ni Luna sa grupo ang tawag nito. "H-hello!"

"On the way na ako. Madami pa kasi akong ginawa kaya ako natagalan. Ilang kilometro
na lang ang layo ko. Gusto ko na pagdating ko ay good news ang balita mo sa’kin!
Bye!"

Nakatingin lang kay Prin ang kausap ni Luna. "M-malapit na daw po siya…"

Nagtaas lang ang kilay ni Prin.

"M-master… wala ka ba talagang paaalisin sa'min dito?" Tanong nito.

"Wala." Simple ang sagot ni Prin.

Parang binagsakan naman ng langit at lupa ang pakiramdam ng mga kidnappers nang
madinig ng mga ito ang sagot niya. Suko na sila! Ayaw na talaga nila na manatili pa
doon ng kasama si Prin.

Ang totoo, napapagod na rin si Prin kahit pa natulog siya sa opisina ni Cally nang
tanghali habang nasa meeting ang asawa niya, pero nais niya nang tapusin ang kung
ano man ang pangit na ugnayan nila ni Luna.

Huminga ng malalim si Prin. "Sige, pumili kayo kung sino ang gusto niyong palabasin
dito o kaya mag-jack en poy kayo kung sino ang gusto niyong pauwiin na."

Nagliwanag ng sabay-sabay ang mukha ng kidnappers. Natuwa sila ng labis sa sinabi


ni Prin at nagsimula nang pag-usapan kung sino ang lalabas sa kanila sa lugar na
iyon.

Sa labas, isang sasakyan ang huminto sa mismong tapat ng gusali. Isang nabubulok at
luma ang itsura ng warehouse sa labas. Kinakalawang na ang mga yero nito at halos
gawin ng basurahan ang paligid ng gusali.

Dating hideout ng grupo ni Mr Sy ang gusali na iyon at doon ginagawa ang mga droga
na pinapakalat ng grupo nito sa iba't-ibang lugar sa bansa.

Naunang huminto ang sasakyan ni Luna sa tapat ng abandonadong lugar. Nakatigil ang
mga sasakyan sa di-kalayuan ang grupo ni Cally nang mapansin nila ang babae.

"Master, may humintong kotse, isang babae ang napansin namin na sakay.” pagbibigay-
alam ni Zuki.

"Get her!" Utos ni Cally. Malakas ang kutob niya na si Luna na naman ang tinutukoy
nito.

Nag-lipstick muna ng pula si Luna bago niya naisipan na tuluyang bumaba ng


sasakyan. Pakanta-kanta pa siya na papasok na sana nang biglang harangin ng isang
lalaki. Hinawakan siya nito sa braso ng mahigpit.

"Sino ka?" Nabigla na tanong ni Luna. Hindi naman siya sinagot ng lalaki na tao ni
Zuki.

"Boss Zuki, hawak ko na siya,” sabi nito habang hawak ang isang earpiece na
nakakabit sa tenga nito. Hinila siya nito papalayo ng kaunti.

"Bitiwan mo ko!" Sigaw ni Luna dito at nagsimula siyang mataranta. Hindi naman
nagtagal at nagsipaglapitan sa kanila ang grupo ni Cally.

Halata na hindi mapalagay ang anyo ni Luna nang bumaba ng sasakyan si Cally para
harapin ang babae. Tulad ng dati lumakad ito papalapit sa kanila nang hindi
nagmamadali dahil gusto nitong magbigay ng kakaibang impresyon.

Napalunok si Luna nang basta siya ihagis sa harap ni Cally. Una niyang nakita ang
makintab na sapatos nito hanggang sa iangat niya ng paunti-unti ang paningin. Halos
tingalain niya na ang mukha ng lalaki na walang makita na kahit anong emosyon.

Nagsimulang kabahan si Luna. Kumakabog ang dibdib niya habang nasa harap si Cally.
Umupo si Cally para pantayan ang mukha niya at hinawakan sa baba ng mahigpit ang
babaeng gustong-gusto niyang saktan simula pa noon.

"Hindi ko akalain na buhay ka pa. Good news! Dahil sigurado na iisipin mo na hindi
mo ako nakilala sa buong buhay mo." Mahina pero matigas at may pagbabanta ang
pagkakabigkas ni Cally sa nais niyang sabihin.

Pailalim kung tingnan siya ni Cally. Halata na nag-aapoy sa galit ang mata nito
habang hawak ang baba niya ng mahigpit. Halos hindi na niya maramdaman ang baba
niya sa sobrang higpit ng pagkakahawak nito.

"C-Cally.." usal ni Luna na nakangiwi. Hindi siya makakilos ng maayos.

"You don't deserve to call my name on a first name basis!" Singhal nito sa kanya
bago ibinalik kay Zuki ang atensyon.

"Call Mayor Villanueva!" Utos ni Cally.

"Hindi ko alam kung ano ang ginawa mo sa asawa ko. Well… Congratulations! Dahil
sinagad mo ng sobra ang pisi ko sisiguraduhin ko na wala ng Mayor Villanueva."
Titig na titig ito sa kanya.

"P-please…" ang tanging lumabas sa bibig ni Luna.

Ilang saglit lang napansin nila na bumukas ang yero na pintuan ng warehouse.

"Kids, on your post!" Alerto na utos ni Zuki sa sampung kasama habang papabukas ang
yero.

Agad na umalerto ang mga tao ni Zuki at inabangan ang paglabas ng kung sino. Ilang
saglit lang, lumabas ang isang kidnapper ni Prin at sinunggaban agad ito ng grupo
ni Zuki. Hinawakan sa likod ang magkabilang kamay.

"Nasaan si Miss Prin?!" Tanong dito ng tao ni Zuki.

"N-nasa loob… kanina pa namin siya gustong paalisin pero tinotorture niya kami ng
ilang oras." Naiiyak na kwento nito.

"Ginutom niya kami, Pinakanta, pinagawa ng kwento at kung ano pa.”

Zuki and his kids "...."

"D-dalhin niyo na lang po ako! kahit saan pa po basta malayo lang sa kanya!" Parang
baliw na hiling nito hanggang sa dumapo ang paningin nito kay Luna.

"Boss, kanina ka pa niya hinihintay kaya ayaw niyang paalisin ang mga kasama ko.”
tila nanghihingi ito ng saklolo kay Luna. Hindi maintindihan ni Luna ang mga sinabi
ng kidnappers niya.
Nakahinga naman ng maluwag si Cally matapos marinig ang kwento ng lalaki. Parang
nagkaroon bigla ng liwanag ang buhay niya matapos marinig sa lalaki ang nangyari.

"Buksan ng tuluyan ang pinto!" Utos ni Cally sa mga kasama at hinila niya si Luna
papasok.

NAKATAYO pa sa ibabaw ng mesa si Prin habang nakahilera ng upo ang pito sa harapan
niya.

Spelling Bee ang trip ni Prin sa mga oras na iyon. Iyon ang bago niyang pakulo
matapos niyang palabasin ang isang kidnapper. Hindi pa sila nagsisimula nang
bumukas ang malaking pintuan na yero at nagsipasukan ang grupo ni Zuki.

Napalingon silang lahat nang marinig ang pagbukas nito. Tila nakakita ng liwanag
ang pitong kidnapper nang makita na may susundo na sa babaeng naka-pink na bestida.
Bigla silang nagpasalamat.

Huling pumasok si Cally na hila-hila sa braso si Luna. Napalunok si Prin. Sa


sobrang enjoy, nakalimutan niya na may asawa siyang naghihintay. Bigla niyang
nabitiwan ang baril na hawak.

"H-husbie, kinidnap nila ako! I'm so scared…" sabi niya saka tumalon mula sa mesa.

Kidnappers "...."

Zuki and friends "...."

Halata naman na nakahinga ng maluwag si Cally. Hinagis niya si Luna sa kamay ni


Zuki saka nagmadaling lumapit kay Prin. Niyakap niya ang asawa ng mahigpit.

"You, naughty child! Hindi mo ba alam na masyado akong nag-alala dahil ilang oras
kang nawala?"

Humigpit ang yakap ni Prin sa bewang ni Cally.

Biglang nilingon ni Cally ang mga kidnappers ni Prin at pinukulan ito ng


nakakatakot na tingin. Pinalapit niya ang lalaking bumitbit kay Prin para ipasok
ang asawa sa van. Ang lalaking mataghiyawat ang ilong.

"M-master, napag-utusan lang po ako…"

"Hinawakan mo sa kung saan ang asawa ko. Putulin ang kamay ng taong 'to!" utos ni
Cally.

Prin "..."

Lumapit ang tao ni Zuki na bitbit ang katana matapos marinig ang utos ni Cally.
Nanlaki ang mga mata ni Prin, ang lalaking mataghiyawat ang ilong at lahat ng
kidnappers. Kahit si Luna sa isang gilid ay tinamaan ng takot.

"No! No! No! Husbie, no need! Hindi na kailangan na putulin pa ang kamay niya.”
Hindi naman dahil sa binitbit lang siya ng lalaki ay tama ng putulin ang kamay
nito, 'di ba?
Napatigil ang tao ni Zuki sa paglapit. Sa sobrang takot ng lalaking mataghiyawat
ang ilong, lumuhod ito malapit kay Cally.

"M-master! Patawarin niyo na po ako! H-hinding hindi na po ako uulit! Magtatanda na


ako basta huwag niyo lang pong tanggalin ang mga kamay ko! Magro-rosaryo ako
magdadasal o magpepenetensya ako ng bakal sa likod. H-huwag niyo pong putulin ang
mga kamay ko parang awa niyo na po…" halos sambahin na nito si Cally sa paghingi ng
tawad.

"Honey, Okay na ako. No need to do this, okay?" hinaplos niya ang pisngi ni Cally
na parang nagpapaamo ng mabagsik na leopard.

Napansin naman niya na nagbago ng kaunti ang emosyon ni Cally mula sa mga mata
nito. Binaba nito ang mukha at hindi napigilan na sakupin ang labi niya.

Wala nang pakialam si Prin kung maraming tao sa paligid. She missed his kisses
kahit pa ilang oras lang silang hindi nagkita. She felt safe and secure in his warm
embrace. Kahit pa alam niyang makipaglaban at protektahan ang sarili, iba ang
pakiramdam kapag nasa paligid si Cally. Parang nililipad ng hangin ang tapang niya
at bumabalik siya sa disi nuwebe anyos na babae.

Tuluyan na bumagsak ang invisible na pader sa paligid ni Cally matapos siya nitong
mahalikan.

"Ehem! Master!" Tumikhim at hindi na napigilan ni Zuki. Sumenyas si Cally para


ilapit nito si Luna.

Tinulak lang nito si Luna paharap sa kanya. Nagbago bigla ang awra ni Prin. Matalim
ang titig niya sa babae at hindi niya napigilan na sampalin ito ng malakas sa
kanang pisngi.

"Y-you?! You hit me!" gaganti rin sana ito pero sinapak ni Prin ang babae sa
kaliwa.

Parang natanggal ang kaluluwa ni Luna matapos siyang saktan ni Prin. Nawala ang
balanse nito at napaupo sa sahig. Sinapo nito ang pisngi. Nilapitan ni Prin ang
babae at pailalim na tiningnan.

"Kulang pa ang pananakit na iyan!" Sabi niya dito.

"Alam mo Luna, hindi ko maintindihan kung ano ang naging atraso ko sa iyo. Wala
akong natatandaan na may ginawa akong mali sa iyo. I only came to your school as a
simple student."

"Dahil ikaw ang may kasalanan kung bakit ako nasadlak sa kinaroroonan ko ngayon! I
really hate you! Wala na akong maiharap na mukha sa eskwelahan dahil isang
sinungaling na ang tingin sa akin ng lahat ng estudyante! And now, I even use my
body just to pay five hundred million?!"

Sinampal muli ito ni Prin. Parang nabingi na ito sa sobrang lakas ng pagkaka-sampal
niya.

"You know what? You are so pathetic! Sinisisi mo sa akin ang lahat, gayong ikaw
naman ang may kasalanan?"

MASAMA ang loob niya sa babae. Nagkataon lang na marunong siyang makipaglaban kaya
walang masamang nangyari sa kanya. Pero paano kung isa lang siyang simpleng babae?
Malamang na sa ibang direksyon nagpunta ang tadhana niya. Sigurado na naganap ang
panggagahasa sa kanya ng walong lalaki.

O kaya naman, noon pa ay may ginawa na sa kanyang hindi maganda si Marvin, baka
sinira na nito ang mukha niya, na-bully siya ng masyado sa school dahil sa mga utos
ni Luna at kung ano pa kung hindi niya kayang labanan ang sarili.

Paano kung ibang klaseng Prin ang kaharap nito? Isang mahina at simpleng babae.

"Let me tell you this one last time dahil sinagad mo ng sobra ang pasensya ko. I,
Prin Matsui is not just a simple student who came to your school!"

"I am a friend, a daughter, a Dark Guard who can protect my husband, a person
who'll be the Head Mistress of my Dad's People in the future…"

"Hindi ibig sabihin na porque hindi kita pinapansin ay ganoon na lang ako kadali
kung kayanin mo. Hindi ibig sabihin na dahil isang simpleng babae lang ang nakita
mo na pumasok sa school, isang langgam lang siya na madaling tirisin."

"What's your point Luna?" tanong niya dito.

"I'm a Mayor's daughter!"

"So what? Your father became a Mayor because of the people. Meaning, mas mataas pa
sa'yo ang nagbebenta ng isda sa palengke.”

Nanlaki ang mata ni Luna. "No! I will not accept that!"

"Ninais mo pang pangarapin ang Husbie ko. Too bad! He will never find you
pretty..." nahihibang ba ito si Luna? Siya nga ay inabot ng ilang taon bago
nagbunga ang paghihirap niya. Gusto niyang pagtawanan ang babae.

"...You even used your body para nga kami mabayaran, maihahalintulad ka na sa
pokpok sa kanto. Hindi ka ba nandidiri?"

Nanlaki ang mata ni Luna at hindi matanggap ang sinabi ni Prin. Nagsimula nang
mangilid ang luha niya.

Umismid lang si Prin. Nasa ganoong posisyon sila nang lumapit ang isang tao ni Zuki
mula sa labas.

"Master, natapos nang imbestigahan ng Commision on Audit ang mga pinadala nating
ebidensya. Naglabas na sila ng panukala na dakpin si Mayor ngayong gabi.”
pagbibigay-alam nito.

Narinig ni Luna ang sinabi nito at kinabahan siya. Bigla siyang hindi napakali.

Tinaasan ni Prin ng kilay si Luna. "See? Without people's money and status, you are
nothing, Luna."

"I don't want to see your face ever again, dahil hindi na suntok lang ang aabutin
mo sa akin kapag nagkita tayong muli!" huling banta niya dito.

Matapos iyon, lumapit na siya kay Cally at hinila na ito palabas ng abandonadong
warehouse.

"Husbie, a-alis na tayo…" bulong niya dito.


Napansin ni Cally na biglang pinagpapawisan ng malamig si Prin. Kinabahan siya.

"What… happened?" Kagat-kagat ni Prin ang labi at parang kinikilig na hindi


maintindihan.

"Na-naiihi na ko… kanina ko pa pinipigil ang ihi ko… Malapit na lumabas." nakangiwi
na bulong ni Prin.

Cally "...."

Matapos nito na magbigay ng mahabang litanya at sabihin ang nais kay Luna na parang
reyna, bigla nitong sasabihin na naiihi na ito. Nais man niya na matawa, mas nanaig
sa kanya na tulungan ang asawa.

Ilang oras na nagpigil si Prin na maghanap ng palikuran. Uminom pa siya ng milk tea
at kumain ng pizza at binantayan niyang mabuti ang walong lalaki kaya nag-set siya
sa utak na hindi siya hahanap ng palikuran.

Pero tao pa rin siya at may sariling isip ang kidney niya kaya hindi niya na
napigilan matapos ang ilang oras. Nataranta pati si Cally.

"Walang susunod! Bawal tumingin ang lahat!" utos niya sa lahat ng naroon.

Kinuha niya lang ang malaking kumot na nasa likod ng Maybach niya, wet wipes at
isang hand sanitizer. Sinamahan niya ang asawa niya sa isang madamong bahagi sa
lugar. Tinulungan niya na takpan si Prin gamit ang kumot. Hindi naman nagtagal at
narinig niya ang pag-wiwi nito.

Unti-unting nakahinga ng maluwag si Prin habang naglalabas ng sama ng loob.

"Oh my gosh! That was heaven!" sabi ni Prin nang matapos.

"Don't say those words in front of your husband.” makahulugan na sabi nito. Tinapon
ni Cally ang kumot at pinunasan ng wet wipes ang kamay niya. Napangiti si Prin
habang ginagawa nito ang bagay na iyon sa kamay niya. Tapos, nilagyan pa nito ng
sanitizer ang kamay niya.

"Madumi ang kamay ko."

"It's okay.”

'What a perfect husband?'

Matapos ang lahat ay kinutusan siya nito.

"Aw!" nasapo niya agad ang bumbunan.

'Hindi pala siya perfect husband.' agad niyang bawi.

"Parusa ko iyan sa iyo, dahil masyado kang pasaway. Hindi mo man lang ako naisip na
tawagan para maisip ko man lang na okay ka.”

"Sorry Husbie, I lost my bag." lumingkis siya sa batok nito at inangat ang mga paa
paikot sa bewang ng asawa niya.

"Buhatin mo na ang iyong baby panda, let's go home!"


BUMABA si Cloud Han, ang daddy ni Cally sa isang itim na Maserati Ghibli M157
kasabay ni Rob Matsui na pasahero niya sa tapat ng isang Casino Hotel kung saan
nag-o-operate ang Black Dragon.

Isang ginintuang gusali iyon na may apat na palapag at sinasakop ang walong ektarya
ng lugar. May walong daan ang kabuuan ng guest rooms at suites. Ang casino naman ay
matatagpuan sa B Wing ng eleganteng gusali. Nabalitaan nila na nasa loob ng Casino
na iyon si Mr Sy.

Matikas ang tindig nilang parehas na pumasok sa loob ng hotel. Binati sila ng
guwardiya sa bungad dahil nakikilala sila nito.

"Master Cloud… Boss Rob…"

"Bring us to Mr. Sy.” ang utos ni Rob.

Tinawag nito ang hotel manager at ito ang nagpa-anyayang maghatid sa kanila. Apat
na lalaking naka-itim at ang manager ang nag-escort sa kanila para ihatid sila sa
matandang intsik.

Agaw-pansin silang dalawa lalo at hindi maiwasan na magtanong ng iba kung bakit
kusang loob pa silang sinamahan ng manager.

Parehas na seryoso na halos walang bahid ng emosyon ang mga mukha nila at halata na
wala silang pakialam sa mararamdaman ng kung sino man habang naglalakad.

Umakyat sila gamit ang elevator at lumapag iyon sa pinakamataas na bahagi. Naglakad
sa pulang carpet ng may pagmamadali patungong B wing.

Sa VIP Suite…

Nangangamoy usok mula sa yosi at tabako ang buong paligid ng kwarto. Isang Business
Tycoon at dalawang Mayor ng probinsiya na pare-parehong malalaki ang tiyan ang
kalaban ni Mr. Sy. Nakapalibot ang apat sa bilog na mesa na naglalaro ng cards.

Maganda pa ang pagkakangisi ng intsik nang bumukas ang pintuan ng VIP room kung
saan sila naglalaro. Sabay-sabay na napalingon ang apat sa pintuan dahil mahigpit
ang bilin nila na bawal ang istorbo.

Unang bumungad ang manager sa kanila.

"I apologize for this intrusion, gentlemen, but Mr. Rob Matsui wants to talk to Mr.
Sy,” sabi nito. Matapos na sabihin ang pakay ay magkasunod na pumasok si Rob at
Cloud.

Nagliwanag ang mukha ng mga manlalaro lalo nang makita si Cloud Han na kasama si
Rob. Hindi nagpatumpik-tumpik ang mga lalaking malalaki ang tiyan na sunggaban ang
oras na makita ang dalawa.

"Master Cloud, what a beautiful night! Gustong-gusto talaga kitang makita noon pa
man para pag-usapan ang business. Ahh. Ito po ang card ko, baka gusto niyo pong
mag-invest.”

"Master Cloud, 'eto, heto po ang akin, maaari ka rin na magpunta sa probinsiya ko
kung gusto mo na magpalipas ng oras."

"Master Cloud--"
Pinutol na ito ng Manager ang tatlong lalaki.

"I'm sorry gentlemen. But they are not here for business. May you please excuse
us?" binuksan nito ng malaki ang pintuan at sumenyas na maaari na silang
magsipaglabasan.

Walang nagawa ang tatlo pang kalaban ni Mr Sy kun'di ang sumunod. Naiwan sa kwarto
ang intsik pati na ang tatlo pang bodyguard na kasama nito

Malapad naman ang pagkakangiti ni Mr. Sy na makita si Rob nang harapan. Bonus pa na
kasama nito ang matalik na kaibigan na si Master Cloud.

"Boss Rob, mukhang pinagpapala ako ngayon na makita ka. Sit.. Sit.."

"Hindi kami magtatagal." matigas na sagot mula kay Rob pero umupo sila ni Cloud sa
magkatabing silya.

"Gusto ko lang balaan si Mr. Sy dahil mukhang masyado siyang nag-eenjoy sa labas ng
kulungan." makahulugan na sabi.

Kumunot ang noo ng matandang intsik. "A-ano ang ibig mong sabihin?"

"My daughter… Your men dared to touch my daughter! Inutusan lang naman ng kabit mo
ang mga tao mo na dukutin ang anak ko. At alam ko na hindi iyon lingid kay Mr Sy. I
think... that is your biggest problem right now." matigas na sabi ni Rob.

Napangiwi ang intsik. May hinala na ito na si Luna ang tinutukoy ni Rob.

Sinalubong nito ang mga mata niyang nag-aapoy. Malaki-laki na ang nagastos nito sa
babae na si Luna. Isa pa, hindi lingid sa kanya ang plano nito na dukutin ang babae
kaya halos ayaw nitong magpatalo sa banta ni Rob.

"Binabantaan mo ba ako Rob Matsui? Hindi ka ba natatakot na dadalawa lang kayo ni


Master Cloud ang basta na lang sumugod dito? I have my men here. Mayroon silang mga
armas at maaari na hindi na kayo makalabas ng buhay dito sa kwarto."

Tumawa ng malakas si Rob.

"Mr Sy, akala ko ay drug lord ang trabaho mo, I never thought na Joker ka na rin
pala ngayon. How many men do you have? Fifty? A hundred? At sa palagay mo ba ay
matitinag ako ng tatlong pipitsugin na 'to kahit may armas pa silang dala?"
tiningnan pa ni Rob isa isa ang tatlong lalaki na parang nanghahamak.

Sa talim lang ng titig ni Rob sa tatlo ay halata ng kinabahan ang mga ito. Hindi
lingid sa kaalaman nila na isang legend ang nasa harapan nila ng mga oras na iyon.

"Did you forget who I am?" tanong ni Rob kay Mr Sy.

Walang nagawa ang tatlo nang senyasan ni Mr Sy. Itinutok nito ang mga armas kay
Cloud at Rob.

Napapailing si Rob. "Oh! mukhang seryoso si My Sy?" sabi ni Rob na iiling-iling.

"Too bad… because you didn't see what I see." makahulugan na sabi.

Noon lang napansin ng apat na may mga pulang ilaw na nakatutok sa noo ng mga ito.
Isang laser na nagmumula sa mga armas sa itaas na bahagi ng pader. Naririnig lang
nila na may armas ang casino VIP rooms sa hotel na iyon at hindi nila akalain na
totoo.

Aakalain ng kung sino man na makakakita na isa lang iyong CCTV sa loob ng kwarto
kaya binalewala nila.

"Mr Sy, did you forget who is the Master of Black Dragon who operates this hotel?
My mom's friend and one of the Yakuza leaders. I don't give a f*ck to anyone who
underestimated me. You dared to touch my daughter and that's it."

Sumenyas lang si Rob at isa isang tinamaan ang noo ang tatlong lalaki. Isang maliit
na butas lang ang kumitil sa mga buhay ng mga ito.

Nanghilakbot sa takot si Mr Sy.

Tumayo si Rob at tinitigan ng diretso sa mata ang intsik. "I want you to get out of
this country! Bring your business outside the Philippines because we don't need you
here. Hindi naman siguro sisirain ni Mr Sy ang nais ko, tama?"

Halata na pinagpawisan ang intsik. "Y-yes. Tonight! Tonight! Babalik ako sa China
tonight!"

"Good! Have a good night's sleep!" saka sila lumabas ni Cloud ng kwarto.

NAGDADALAWANG-ISIP si Kai kung babalik sa Pilipinas nang hindi pa tapos ang isang
buwan na parusa na ginawad sa kanya ni Cally.

Sa buong buhay niya ay ngayon lang siya magdedesisyon ng sobrang lalim at hindi
niya alam ang gagawin.

Nag-aalala siya sa kaligtasan ni Bella pero hindi kaya ng konsensya niya na


parusahan si Cally dahil babawiin nito ang parusa niya.

Hindi rin naman maaari na magpadalos-dalos na mag-quit siya bilang Dark Guard. He
spent half of his life as a Dark Guard. Para siyang mababaliw na nagkulong sa
kwarto.

Kinuha niya ang cellphone at bumungad sa kanya ang wallpaper na picture ni Bella.
She's very pretty in that photo. She asked him to took most of her pictures nang
magbakasyon ito doon. During those times he believed that taking pictures was part
of a boyfriend's duty.

Kaya naman kusang loob siya na kinuhanan ang babae kahit saan pa sila namasyal.
Matiyaga siyang kinunan ito ng larawan kahit saan nito gustong magpakuha. Hindi pa
nga niya alam ang gagawin ng una but he secretly googled how to take a professional
picture using a smart phone nang magpaalam ito na magpupunta sa palikuran.

Ang pinakapaborito niya sa lahat ay ang larawan nito sa rainbow village.

Her smile was like a ray of sunshine or a colorful rainbow, kaya hindi siya
nakatiis na nakawin ang larawan nito sa cellphone. He touched his phone screen na
para bang pisngi ni Bella ang hawak niya. Para siyang nababaliw na napapangiti ng
mag-isa.

Nitong mga nakaraan, nag-aaral siya kung paano ilalagay ng maayos ang clip na gawa
sa jade sa mahabang buhok ng isang babae. Because he bought something for her
habang naboboring siya sa bahay na iyon.
May gagawin pa ba siyang iba bukod sa maglibot-libot? Kaysa naman pilitin siyang
makasama ang Lingling na iyon na hindi niya alam kung saan nanggaling. Pinipilit
siya ng Mommy niya na samahan ang anak ng kaibigan nito na hindi niya sinunod kahit
isang beses.

Binuksan niya na lang ang application ng Twit Twit.

Inisa-isa ang lahat ng moments nila ni Bella. Simula sa unang post niya na picture
nang manood sila ng sine at nang panahon na ginawa niya ang account na iyon.

Hanggang sa mga post niya nang mga panahon na nagsisimula na siyang tawagin itong
'My Angel'.

At ang mga huling larawan na na-share niya nang imbitahan niya si Bella doon sa
Taiwan. He looked at their pictures kissing in a middle of sunflowers field.

She was so cute wearing a floral dress na pinatungan ng maong na jacket. Her
blooming and small face is blended with those flowers.

"Aughhhh!" He couldn't take it anymore!

Honestly, his main problem right now is his relationship with her. Hindi niya alam
kung paano hahatiin ang sarili bilang Dark Guard, bilang nobyo nito at bilang taga-
pagmana ni Master Chen.

Alam ni Kai na may oras siya kay Bella sa ngayon dahil nagkataon na sabay ang duty
niya na bantayan si Prin bilang Dark Guard. Pero paano kung ang susunod na misyon
niya ay pumunta sa UK para magsanay at kung ano pa?

They will soon be having in a long-distance relationship. Tatanggapin ba ni Bella


ang duties niya sa buhay?

Kahit ang kasamahan niya na si Joen ay nasaktan ng labis dahil pinagtaksilan ito ng
girlfriend nito. hindi kinaya ng babae na halos nasa Japan lang si Joen at nagt-
training.

Nasuntok ni Kai ang unan niya. Ayaw niyang mauwi sila ni Bella sa gano’n. Punyetang
pag-ibig iyan!

Gusto niyang maghanap ng susuntukin sa mukha dahil parang dumadami yata ang
problema niya na hindi niya naiisip kapag kasama ang kanyang Angel. Napakislot na
lang siya nang mag-ring ang cellphone na hawak. His Angel is calling.

Tumikhim muna si Kai. "Hello, My Angel! Kamusta? Nakausap ko na ang tao ni Cally sa
Maynila. Natagpuan na nila si Prin at papunta na sila doon para iligtas siya."

Halata na nakahinga ng maluwag si Bella. "Okay lang ba talaga si Prin?"

"Kaya nga huwag ka ng mag-alala. Hindi mo kasalanan kung bakit siya nakuha ng mga
lalaking iyon, okay?" Tumingin siya sa relo. May ilang oras na rin nang dukutin si
Prin.

"gabi na ah, bakit hindi ka pa matulog? Saka mahal ang tawag sa ibang bansa di ba?"

"Ehh… na.. nami-miss na kasi kita e,” sabi nito sa kabilang linya. Parang dinala sa
langit ang buong pagkatao ni Kai nang madinig iyon sa dalaga. Nakalimutan niya
tuloy na malalim nga pala ang iniisip niya.

"Hmm… I miss you too.” 'kung alam mo lang Bella na hindi nga ako makapaghintay na
makita ka.' Pero hindi niya masabi sa babae na nagkakaproblema nga siya sa mga oras
na iyon dahil kailangan niyang mag-focus at mag-isip ng mabubuti kung ano ang
tamang desisyon.

"Bella… ngayon na malayo tayo, are you still willing to wait for me?"

"Why not? W-wala ka na bang planong bumalik? Are you... breaking up with me?"
Nahalata niya na nataranta ito sa kabilang linya.

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin. what I mean, are you still willing to wait for
me? Paano kung inabot ako ng taon bago mo ako makita?"

"At least makikita pa rin kita. Panghahawakan ko kung sasabihin mo sa'kin na


babalik ka." Napangiti si Kai.

"Huwag kang mag-alala because I will find ways na parang 'Bangko de Oro' to see you
kahit buwan buwan pa, dahil hindi ko kakayanin na hindi ka makita."

"Ahmm… wait lang!"

Akala ni Bella ay na-mute niya ang tawag. Bigla na lang siyang tumili sa kabilang
linya dahil sa sobrang kilig. Kumunot ang noo ni Kai at napatayo bigla. Muntik na
siyang mag-alala pero nakabalik naman agad ang nobya niya sa linya

"Ehem! Nice to hear kung ganoon,” sabi lang nito sa kabilang linya.

They are both smiling na parang tanga sa magkabilang bahagi ng mundo.

PINAHATID ni Cally ang mga kidnappers ni Prin sa pulisya tutal naman ay mas nais ng
mga ito na makulong kaysa i-torture ni Prin.

Si Luna naman ay pinahatid nila sa bahay ng mga ito. Mas gugustuhin na ni Cally na
nasa labas ang babae para mas maranasan nito ang hirap kaysa kung nasa loob lang
ito ng kulungan. Para mas maliwanagan rin ang babaeng kinain ng masamang espiritu
na wala itong maipagmamalaki sa kahit na kanino kung walang Mayor Villanueva.

Nasa sasakyan na sila para makauwi nang makaramdam si Prin ng pagod. Pinikit niya
ang mata saglit

"By the way Honey, your Dad is here." pagbibigay-alam ni Cally.

Nagising ang diwa ni Prin sa narinig. "My Dad?!"

"Yes, kaya kailangan muna nating dumaan sa bahay niyo dahil siguradong nag-aalala
sa'yo ang Daddy mo." nagtataka rin si Cally kung bakit biglang nagpunta ng Maynila
ang Daddy ni Prin. May hinala na siya na may bago itong misyon.

"Sleep for the meantime, mamaya na kita parurusahan."

"Bakit ako may parusa? Muntik na nga ako magahasa, may parusa pa ko?"

"Muntik... magahasa?"

"Ahhh.. ehh…" hindi alam ni Prin kung paano magpapaliwanag sa naganap ng hapon na
iyon. Napa-kamot na lang siya sa pisngi.
Nakakunot ang noo ni Cally at naghihintay ng sasabihin niya.

"W-wala namang nangyari sa akin. Luna asked them to rape me. But you see, I am very
much okay, walang masamang nangyari sa akin dahil I tortured them instead." tapos
napakagat-labi siya habang nakatingin kay Cally. Baka mag-init na naman kasi ang
ulo nito.

Alam ni Prin na naturuan niya ng leksyon ang mga kidnappers at nag-iwan talaga siya
ng kakaibang impresyon sa mga ito. Iyon nga lang, ayaw pa rin niya na mag-isip si
Cally ng masama na may ginawa sa kanyang kabastusan ang walong lalaki.

"Still, may parusa ka pa din, masyado mo akong pinag-alala at hindi ko akalain na


nag-eenjoy ka pala na ma-kidnap. Why did you exchanged yourself to Bella? By the
way, I asked Kai to go back para masiguro na ligtas ka."

Kumunot ang noo ni Prin. "H-hindi ka ba mapapahamak? Paano kung ibalik nila sa'yo
ang parusa?" tanong ni Prin.

"Okay lang, as long as you are safe. Two heads are better than one." pinaglaruan pa
ni Cally ang buhok niya. Inikot-ikot ang mahaba niyang buhok sa daliri nito. Sa
pananaw ni Cally, isang babae pa rin si Prin na kailangan ng seguridad.

Parusahan man siya ng matatanda ay ayos lang basta masiguro na ligtas si Prin at
ang kaibigan nito dahil alam niyang mahalaga ang babae sa asawa niya.

Pinatong ni Cally ang isang maliit na unan sa ibabaw ng hita niya at tinapik-tapik
iyon. "Come here. Alam ko na napagod ka ng sobra sa paglalaro mo kanina."

Sumunod naman si Prin at baluktot na humiga siya sa likod ng sasakyan. Ipinatong


niya ang ulo sa ibabaw ng binti ni Cally na may kwadradong unan. Nakaramdam talaga
siya ng pagod, lalo nang makita ang asawa niya na biglang dumating para sunduin
siya. Parang bula na bigla na lang naglaho ang lahat ng enerhiya niya.

Nang masiguro na maayos ang pagkakahiga ni Prin, pinatong ni Cally ang jacket niya
dito. Then, he combed her hair using his fingers kaya nakatulog ito agad. She
looked like a little kitten sa ganoong ayos.

Isang pusakal na masyadong nakipaglaro sa mga daga. Tsk! Hindi napigilan ni Cally
na halikan sa noo si Prin habang tinititigan niya ang payapa nitong ayos.

NAKIPAGKASUNDO lang si Mr. Sy kay Rob na aalis siya nang gabing iyon pero wala sa
plano niya ang talagang lumabas ng bansa.

Malaki na ang nagastos niya at kailangan niya iyong bawiin sa pagbenta ng droga.
Tumawag siya sa kung kani-kanino para manghingi ng tulong. Tulad nga ng sabi ni
Rob, may daan-daan siyang tauhan para protektahan siya. kaya bakit siya susunod
dito? Isa pa, marami pa rin siyang koneksyon sa bansa.

Tinawagan niya ang Police Major sa kalapit na probinsya upang hingan ng tulong.
Alam niya na hindi siya nito tatanggihan dahil malaki-laki na rin ang kinita nito
sa kanya.

"Hello Mr. Sy.”

"I need protection. Kailangan ko ng dagdag na tao para lumawak pa ang 'business'."
diretsona sinabi niya agad ang pakay.
"Walang problema, magkano naman ang ibibigay mo sa aking porsyento?"

"Twenty percent.”

Napa-palatak ito sa kabilang linya. "Mr Sy, kasasabi mo lang na kailangan mo ng


proteksyon, mukhang maliit yata ang twenty."

Napapikit si Mr Sy at nanggagalaiti na tinaas sa trenta ang share nito.

"Very good. Rest assured na ibabahagi ko ang tao ko sa iyo. Susunduin ka ng tao ko
sa gasulinahan sa pinakabungad na baranggay dito sa probinsya."

"Salamat kung ganon.” halatang may inis pa rin na sagot ng intsik.

Ngiting-tagumpay naman ang kausap sa kabilang linya. Milyon na ang kinikita niya
dahil sa matandang intsik at ayos lang dahil wala namang maghihinala sa kanya sa
mga kasama.

TULOG pa rin si Prin nang makarating sila sa Matsui Villa at walang plano si Cally
na gisingin ang asawa niya kaya wala siyang nagawa kun'di ang buhatin ito papasok
sa Villa.

Wala namang magkusang loob na tulungan siya dahil si Prin ang buhat niya at hindi
kung ano o sino lang. Ayaw nilang maputulan ng kamay dahil kahit dantay lang mula
sa iba ay hindi nagugustuhan ng master nila.

Natagpuan niya ang daddy niya sa hood ng sasakyan nito na naninigarilyo bago siya
tuluyang makapasok

'Hmmm something is wrong…' hindi kasi maninigarilyo ang daddy niya kung hindi ito
stress at kung walang matinding problema.

"Dad… may problema ba?"

Seryoso lang na tumingin sa kanya ang daddy niya saka kay Prin "Ipasok mo muna si
Prin, we will talk later.”

Kumunot ang noo ni Cally.

Gayunpaman, sumunod pa din siya dito. Habang naglalakad papasok ng Villa, malalim
ang iniisip niya kung ano ang problema nito. Inilapag niya muna si Prin sa sofa at
tinakpan niya muli ito ng jacket. Ang Jacket niya na halos sumakop na sa katawan
nito.

Hindi siya mapalagay kaya lumabas siya agad para hanapin ang Daddy niya.

"What's the problem?" tanong niya nang makalapit dito.

"Your mom…" malungkot na simula nito.

Kinakabahan si Cally sa susunod na sasabihin nito lalo at tungkol sa mommy niya ang
usapan.

"...looks so much younger than me."

Cally "..."
Gusto niyang mabilaukan sa problema nito. So, that is his problem? Because his
Mommy looks so much younger?

"Iisipin ng iba that she is your elder sister. A-and she is now closed with Apolo
because they are working with--"

"Dad! Stop! Seriously, I thought it was the end of the world." He doesn't know how
to comfort his dad. Hindi niya kasi alam na may insecurities din pala na tinatago
ang isang Cloud Han.

Humugot ng malalim na hangin si Cally.

"Dad, I am very positive that Mommy has never loved anyone aside from you kahit pa
magmukhang teenager lang siya. And, bakit biglang nasali si Apolo sa picture?"
nakakunot-noong tanong ni Cally.

Si Apolo ang lalaki na nagmahal sa Mommy niya noon. He even kidnapped his mom for a
couple of months. Hindi masasabi ni Cally kung mabuti o masama ang lalaki dahil
nagawa pa rin siyang iligtas ni Apolo ng sanggol pa lamang siya.

"They are working on a project. Apolo donated millions para magtayo ng isang small
city wherein there is a school, hospital, businesses and other things na gagawin
para sa mahihirap. A happy livelihood projects. You know how much your Mommy loves
these things and she will soon spend most of her time in this project." halatang
hindi ito mapakali.

"Dad, sa dami ng pagseselosan mo, hindi ko inaasahan na darating ang araw na


magseselos ka kay Apolo. Ikaw na nga ang nagsabi na mahal ni Mommy ang mga ganitong
klase ng gawain but that doesn't mean she will soon be in love with Apolo..."

"Listen, kahit naman mukhang trenta lang si Mommy, hindi ka rin naman magpapatalo
dahil mukha kang mas bata ng sampung taon sa talagang edad mo. And even if you do,
you have four kids, have a beautiful wife, you are working so hard for your family.
Ano pa ba ng hahanapin ni Mommy sa iba?"

"At saka, bakit ka nga pala nandito? Does your wife need your embrace right now?"
usisa niya dahil lagpas hating gabi na ang oras.

"Your uncle Rob asked for me. We have a meeting."

"So, nami-miss mo lang si Mommy kaya ka nag-eemote? You, oldies need a honeymoon,”
sabi ni Cally na iiling-iling at nagpasyang bumalik na sa loob ng bahay.

Naaliw naman si Cloud na pinagalitan siya ng anak niya. Hindi niya rin maintindihan
kung saan nanggagaling ang insecurities niya. Maybe it's a sign of aging.

Sumunod na lang siya sa anak papasok sa Villa.

Nang makapasok si Cally sa loob, nakita niya na magkatabi at magkayakap din si Prin
at ang Daddy nito kung saan niya hiniga ang asawa.

"Tara sa general hall." aya ni Rob nang makita sila ni Cloud na pumasok.

Nakakunot ang noo ni Cally na nagkaroon sila ng biglaang meeting na bibihirang


mangyari.

Sa General Hall kasi ay sound proof, hindi sila maririnig ng mga taong hindi dapat
kasali sa usapan. Naroon na si Zuki na hindi sumama para ihatid ang kidnappers ni
Prin at ang isa pang tao ni Rob na si Cobra.

Sinabi agad ni Rob ang pakay.

"Senator Cruz asked me to investigate a gang in the south. A South Caracass Gang."

Tumingin ito kay Cally at Cloud. "May Tip na nagbebenta sila ng droga sa opisina
niyo. Sa MGM office building."

Kahit si Prin ay nagulat sa balita ng Daddy niya.

SA LOOB ng General hall sa loob ng Matsui Villa, nakahanda ang japanese table na
pang animan para sa meeting na iyon. Sakto para sa kanilang anim. Magkatabi si Prin
at Cally katapat nila si Zuki at Cobra. Nasa magkabilaang gilid si Cloud at Rob.

Napakunot ang noo ni Cally nang marinig na may nagbebenta ng droga sa opisina nila.
Hindi niya akalain na may maglalakas ng loob na gumawa ng kalokohan sa ilalim ng
pamamalakad nilang mag-ama.

"Kaya ko kayo pinatawag, their main target is the artists under MGM dahil sila ang
mapera,” paliwanag ni Rob.

"Habang hindi pa talamak ang umiikot sa opisina niyo, kailangan na nating alamin at
hugutin ang kung sino man ang 'tulak'."

Hindi na nagulat si Cally kung ang target ay artists ng MGM.

"Pero Dad, kahit na sabihin pa natin na mapera ang mga artist ng MGM, hindi ako
makapaniwala na may maglalakas ng loob na magbenta ng droga sa opisina." Hindi na
nakatiis na sabi ni Prin.

"Ako din, ang masaklap pa, ginagawa nila ang transaksyon sa White Devil kaya
tinanggap ko agad ang misyon nang malaman ko iyon.” matalim ang mga tingin ni Rob
dahil sa pagkairita.

Nakadagdag sa gulat ni Cally ang bagay na iyon.

Kilala ang White Devil bilang mamahalin na bar. Executives, celebrities ang mga
umiinom sa lugar. May mga VIPs na gumagawa ng kalokohan lalo na sa pribadong kwarto
pero bawal ang kahit anong klase ng drugs.

"I can locate the culprit in MGM, pero hindi ako makakasiguro na malolocate ko ang
taong iyon sa mas mabilis na paraan,” sabi ni Cally na halatang malalim ang pag-
iisip.

"Sa tingin ko, isang baguhan ang may sala at ang taong hinahanap natin. Isang
trainee o new hired na manager, o kaya naman ay recruit mula sa ibang kumpanya."

Malalim ang pag-uusap nila sa buong dalawang oras kung ano ang gagawin. At hindi
matanggap ni Prin ang kinatapusan ng meeting na iyon.

NAKASIMANGOT si Prin habang nagba-browse sa kanyang laptop. Nakadapa siya sa ibabaw


ng kama at patuloy na nags-search kung paano gagampanan ang bago niyang misyon.
"Honey, bukas na iyan. hindi ka ba napapagod?" Tanong ni Cally.

"Hmp! You don't love anymore." Tuloy lang siya sa pag-browse.

"Bakit mo naman nasabi? I am the most brilliant and doting husband all over the
world." Nakadagdag sa pagka-inis ni Prin ang malapad na pagkakangiti ng asawa niya.

"Doting my ass! May doting husband ba na ilalagay sa alanganin ang wife niya? Why
did you suggest it?" Naiinis si Prin kapag naaalala niya ang suhestyon ni Cally
para makilala kung sino ang 'tulak' ng pinagbabawal na pills o drugs sa opisina.

"Because I am brilliant! You are not alone anyway; Kai is together with you. Lusot
pa kami parehas sa parusa dahil isang misyon ang gagawin niya. Don't you like him
to be here?"

Inikutan niya ito ng mata

"I don’t! I don't like it dahil kapag mas malapit siya, mas lumilinaw ang mata ko
na nagkaroon ako na bato na asawa. Isang lata ng asukal kung magpalitan ng
sweetness ang taong iyon at ang Angel niya. Kahit tubuhan ay hindi mananalo sa
kasweetan nila. And you think na natutuwa ako na nanonood sa kanila lalo na kung
may ganyan akong asawa. Hmp!" Tinuro niya pa si Cally. Inirapan niya ito.

Natatawa si Cally ng lihim. Para parusahan si Prin sa pag-aalala na ginawa nito sa


kanya. Naging suhestyon niya na magtrainee si Prin bilang dancer sa MGM. Kasama si
Kai.

He is looking forward to see her dance moves na ikinagagalit nito dahil hindi pa
naranasan ni Prin ang sumayaw, ang kumanta o kahit na ano.

Pumayag si Rob at ang Daddy niya kaya walang nagawa si Prin. Wala namang ibang
pwede na magpanggap na 'spy' kun’di silang dalawa lang ni Kai bilang parehas silang
may face value.

Na-inform na niya si Kai pero napamura lang ito sa kabilang linya. Alam niyang
tulad ni Prin ay kinasusuklaman siya nito sa ngayon.

"Honey… why don't you practice right now and let's see how good your dancing skills
are." Pang-aasar pa nito.

Tiningnan ni Prin ng masama si Cally.

"Oh! That look!" napapalakpak pa ito ng isang beses.

"...I know you really wants to do it, but sorry hindi pa tapos ang isang buwan kaya
hindi pa pwede." Dagdag na pang-iinis ni Cally.

Prin "...."

"You know what? You better be ready na maaga kang mab-byudo dahil mamamatay ang
misis mo ng maaga dahil sa high blood sa iyo!" Nanggigil sa inis si Prin kaya
niligpit niya na ang laptop at tinalikuran niya na ito ng higa.

Niyakap siya ni Cally sa likuran ng natatawa ng lihim.

"I'm sorry na, Honey. I just wanted to tease you a little bit. I believe you can do
it kaya iyon ang naisip ko."
Natutuwa nga si Cally dahil alam niyang seryoso si Prin sa mga misyon nito tulad na
lang ng bagay na iyon. Ayaw nito ang task na iyon pero nagsimula na itong
magresearch.

KAUSAP ni Bella ang Mommy niya sa telepono isang gabi nang makarinig siya ng katok
sa pintuan.

"Mom, have to go… I miss you so much!"

"Are you sure Honey, that you are doing good kahit mag-isa ka lang?" tanong nito.

"Yes, Mommy. By the way, I-I have a boyfriend and he is a Taiwanese."

Napangiti lang ang Mommy niya sa kabilang linya. "The guy named Kai?"

"H-how did you know?"

"You are my daughter, maaari ba naman na wala akong alam? I am stalking your
account… Inaabangan ko nga kung ilang linggo lang kayo e.” halatang nanunudyo ang
tono ng boses ng Mommy niya.

"Mommy!" namumula ang pisngi niya sa tudyo nito.

Tumawa lang ang ginang sa kabilang linya.

"Have to go Ma.” paalam niya dito dahil baka kung saan pa mapunta ang usapan.

Umulit ang katok kaya pinutol niya na ng tuluyan ang tawag. Lumapit siya sa pintuan
para silipin kung sino ang bisita niya. Wala siyang makita sa peep hole kaya medyo
kinabahan si Bella.

Binuksan niya lang ng maliit ang pintuan saka sumilip. Dalawang tao ang nasa
harapan ng unit niya na hindi niya inaasahan na makita doon. Ang asawa ng Daddy
niya at ang anak nito na si Maya. Matalim ang tingin ng ginang na nakatitig sa
kanya.

Dating modelo ang ginang kaya napanatili nito ang pagiging glamorosa, may
balingkinitan na katawan at halatang alaga ang kutis.

Nabigla si Bella na makita ang dalawa doon dahil alam niyang sikreto ang tirahan
niya sa pamilya ng Daddy niya. Binuksan niya ng mas malaki ang pintuan at hindi
pinahalata na nabigla siya sa mga ito.

"He-hello po." magalang na bati niya.

"Leave this place!" diretsong sabi at hindi na nagpatumpik-tumpik pa sa kung ano


ang kailangan nito sa kanya.

Nanlaki ang mata ni Bella dahil sa sinabi nito. "Huh? D-dito po ako nakatira."

Tinaasan siya nito ng kilay.

"As far as I know, this place is owned by my husband." nanghahamak ang tingin nito
sa kanya, si Maya ay tahimik lang sa tabi nito.

"Get out!" akmang papasok na ito sa loob.


"No! Please, I am begging you… wala akong malilipatan." pigil niya dito. Nagsimula
nang mataranta si Bella. Nasa abroad ang Mommy niya at iniwan siya nito doon sa
pangangalaga ng Daddy niya kaya wala siyang ibang matutuluyan kun’di ang condo unit
lang na iyon.

Tinulak siya ng ginang dahilan para matumba siya at mapaupo sa sahig. "Get out!
Tatawag ako ng guard para paalisin ka dito. This is owned by my husband and
basically mine! Hindi ka welcome dito."

Nagsimulang mangilid ang luha ni Bella. Natatakot naman si Maya na makialam sa


gilid. She wanted to help Bella but she was afraid. Hindi nalalayo ang edad nito sa
kanya. Nauna lang siya ng ilang buwan na ipanganak sa dalaga

Pailalim siyang tiningnan ng ginang. "Lumuhod ka sa harap ko saka ako magde-decide


kung papayagan kita na manatili dito o hindi."

Nakakuyom ang kamao ni Bella, kagat-kagat ang labi at hilam sa luha. Pag dating sa
babae ay alam niyang wala siyang laban.

"Do it!" singhal nito.

"No, she will not!" sigaw ng isang malaki at halatang galit na boses.

Malalaki ang hakbang ni Kai na lumapit at pinilit siyang itayo. May dalang isang
malaking bag ang binata na halatang kauuwi lang nito mula ibang bansa. Nagulat si
Bella na makita ito doon. Halos ayaw niyang ipakita ang mukha sa binata dahil
nasaksihan siya nito sa pangit na sitwasyon.

Mas lalong hindi nagpapigil ang luha niya.

"Sino ka para makialam sa problema namin? Hindi mo ba ako nakikilala?"

"Wala akong plano na kilalanin ka. Ha! No wonder na pinagtaksilan ka ng asawa mo.
Look at you, mukhang alaga sa lypo, mas makapal pa ang foundation mo sa mga
gumagamit ng chin chun su. Tumabingi na ang ilong mo na halatang niretoke." pang-
iinis ni Kai.

"Y-you!You two, Get out of my house!" galit na galit ito kay Kai. halos mamula na
ang mukha nito sa sobrang galit dahil inisa-isa ni Kai ang mga katangian ng ginang.

"Misis, huwag masyadong mainit ang ulo." pang-aasar ni Kai.

Halatang hindi nito nagustuhan na tawagin itong 'Misis'. Si Maya ay parang na-
starstruck kay Kai.

"Get oooout!" sigaw nito sa kanila.

"Sure, pero sisiguraduhin ko na babawiin namin ang unit na iyan,” sabi ni Kai sa
ginang.

Umismid ito. "Ha!Isang boytoy na tulad mo pa ang magsasalita sa akin ng ganyan.


Bella, hindi ko akalain na mga ganito ang tipo mo. mukhang taga-iskwater!"

Napangisi si Kai "I'm not bluffing, sisiguraduhin ko na mapupunta kay Bella ang
unit na iyan. And I will make sure na ikaw ang luluhod sa susunod.”

Nabigla na lang si Kai nang tumayo si Bella at tumakbo palayo. Tumiim ang bagang
niya na sumunod dito. Pagliko ni Kai sa mga pasilyo patungong elevator, nakita niya
na kapapasok lang ng elevator ni Bella.
Nakahinga siya ng maluwag nang makita sa itaas na bahagi ng elevator kung nasaan
ang numero, na paakyat ang nobya niya sa floor kung nasaan ang swimming pool.

SUMUNOD si Kai sa floor kung nasaan ang Amenities. Natagpuan niya si Bella sa isang
pool bed nakaupo. Naka ankle-crossed sit si Bella at nakapatong ang mga braso sa
tuhod. Nakatingin lang ito sa galaw ng tubig sa swimming pool habang lumuluha.

Parang tinatarak naman ang dibdib niya na makita ang babae sa ganoong ayos.
Nilapitan niya ito at tinabihan.

"Hey…"

Naririnig niya ang mga paghikbi nito. Hindi naman alam ni Kai kung ano ang
sasabihin. Hinagod niya na lang ang likuran ng nobya niya.

"Do you want me to call your Dad?"

Matigas na umiling lang ito saka yumukyok. Patuloy lang sa paghagod si Kai sa
likuran ni Bella.

"Huwag ka nang umiyak." Gusto niyang manuntok ngayon na nakikita niya na hilam sa
luha ang girlfriend niya.

"Nakakahiya, nalaman mo pa tuloy na wala akong kwenta, wala na akong titirhan… Saan
na ko pupulutin?" patuloy lang sa pag-iyak si Bella.

"Huwag na huwag mong sasabihin na wala kang kwenta. Kung wala kang matitirhan,
pahihiramin kita ng kumot at sabay tayo na matutulog sa kalye. Kung walang pupulot
sa iyo, e'di sasamahan kita para sabay tayong pupulutin. Pwede tayong magpaampon
kay Cally.” pagbibiro nito kay Bella.

Lalo namang lumakas ang pag-iyak ng dalaga. "I'm sorry, I'm not good at joking."

"I'm a mistress' child and alone…" reklamo nito sa buhay.

"My Angel, It's not your fault if you became a mistress' child. At least, you are a
good child."

"I don't have a home now… I don't have a family." kagat-kagat nito ang labi at
nasabi tuloy isa-isa ang problema.

Pinaharap niya si Bella at pinunasan ang luha nito sa pisngi.

"Don't worry, I will work hard for you. So, you can buy a bigger home someday. You
can buy 5 condo units, one Villa surrounded with pink and white roses. What else do
you want?"

Nakatitig lang si Bella kay Kai habang nakakupkop ang mukha niya sa malapad na
kamay nito. Pinupunasan nito ng magkabilang hinlalaki ang luha niya sa magkabilang
pisngi. Napakagat-labi siya dahil sa sinabi nito. Para kasing nagmumula sa puso ang
mga kwento nito. It's sounds like it was his dream and not hers.

He was the sweetest boyfriend indeed. Alam ni Kai kung paano pagagaanin ang loob
niya.
"Don't say that you don't have a family because you have me." Nakatitig ito sa
kanya, sinusuri ng mabuti ang mga mata na para bang nananalamin ito doon. Nang sa
palagay ng binata ay sapat na siya na titigan si Bella na sandaling tumigil sa
pagluha, binigyan niya ito ng magaan na halik sa labi.

Maya-maya, may kinuha si Kai sa malaking bag na bitbit nito. May kinuhang isang
supot ng dark chocolate.

"Pasalubong ko to sa'yo e hindi ko akalain na kailangan mo'ng kainin agad."


binuksan ng binata ang supot ng dark chocolate kisses, kumuha ito ng isang piraso
saka nito pinakain sa kanya.

"I wanted to see kung gaano katotoo na sasaya ang tao kapag kumain ng Dark
chocolate.” dagdag pa nito.

Tahimik lang si Bella na sinunod si Kai. Sa palagay niya ay nakatulong ang binata
sa nararamdaman niya. Paano na lang kung wala si Kai?

"Okay ka na?" tanong nito matapos ang mahabang katahimikan. Mga tatlong piraso ng
dark chocolate kisses ang pinakain nito sa kanya.

"Hmmm."

"Good!" nasisiyahan na sabi nito. Nagulat na lang siya ng binitbit siya nito at
akmang tatalon sila sa swimming pool.

"No! No! No! Ahhh!" Tili ni Bella. Napakapit siya sa leeg nito ng mahigpit saka
napapikit. Bumalot agad ang lamig sa katawan niya dahil sa malamig na tubig ng
pool.

Todo ang kapit niya sa leeg at bewang ni Kai dahil maliit lang siya para sa five
feet na taas ng pool. Hindi abot ng paa niya ang sahig at hindi siya marunong
lumangoy.

Gayunpaman, she felt safe dahil buhat siya ng binata.

"Remember my words, kung may mga bagay na hindi mo kayang gawin, tuturuan kita para
gawin ang bagay na iyon. Kung may bagay na suko ka na, I will always be here para
magpa-alala na kaya mo ang lahat." Nakangiting sabi ni Kai.

Hindi niya akalain na magagamit niya ang pagiging leader niya bilang Dark Guard sa
relasyon nila ni Bella. All he could do right now is to motivate her.

Basa silang parehas nang makabalik sa palapag kung nasaan ang mga unit nila. Nakita
ni Bella na nasa labas na ang mga gamit niya. Nalungkot siya sa sitwasyon.

Malungkot siyang lumapit sa mga gamit. Pwede siyang magrenta ng apartment at


maghanap ng part-time job. Tulad nga ng sabi sa kanya ni Kai, naniniwala ito na
kaya niya ang problema na iyon. Naging pakunswelo na lang niya sa sarili ang isipin
na mas maraming tao ang may mas mabigat na problema kaysa sa kanya.

"Don't worry, my Angel. Promise ko sa iyo na babalik ka sa kwartong iyan, bukas,”


sabi ni Kai. Saka siya nito tinulungan na ipasok muna ang mga gamit sa unit nito.

PINATULOY muna ni Kai si Bella sa tirahan niya dahil alam niya na mababawi ni Bella
ang condo unit nito at kusang loob na ibibigay ng madrasta nito sa kanila ang susi.
May inutusan na siyang Dark Guard para imbestigahan ang may edad na babae kahit
nasa Japan pa ang mga ito. Nakisuyo din siya kay Cally na hiramin ang tauhan ni
Zuki na si Hawk, kaya nagsisimula na rin itong maghanap ng pwede niyang ipang-
blackmail sa madrasta ni Bella.

"You can stay in this room. I'll sleep on the couch outside,” sabi ni Kai.

"Y-you can stay here; I will be the one to sleep outside. Your couch is shorter
than you. And. And uncomfortable,” sabi ni Bella. Nahihiya naman siya na siya na
nga itong nang-abala, ipapagamit pa sa kanya ang kwarto nito.

"It's okay. Ngayong gabi lang naman."

"T-tabi na lang tayong dalawa,” sabi ni Bella na hindi-makatingin sa binata.


Napalunok naman si Kai. Is she inviting him? Iwinaksi niya sa isip ang bagay na
iyon dahil parehas pa silang bata at kapwa estudyante.

"Wala ka namang gagawin sa'kin… di ba?" halos hindi makatingin ang dalaga at tila
inosente ang tanong nito. Namula ang pisngi ni Kai. Hindi niya maipapangako, pero
sinagot niya ito ng "Wala.”

"Then, let's sleep together here." umusog si Bella sa gilid. Walang nagawa si Kai
kung hindi ang tabihan ito. Pinatay niya ang ilaw na nakadagdag sa tensyon sa loob
ng kwarto.

"Bakit ka nga pala napauwi bigla?" usisa ni Bella para mawala ang tensyon nila ng
binata.

Sumimangot si Kai nang maalala na kailangan niyang maging trainee sa MGM. Pero
mabuti na rin at tinanggap niya ang hamon ni Cally dahil naabutan niya si Bella na
inaapi ito ng madrasta nito.

"May trabaho kami ni Prin." sagot ni Kai

"Pwede akong sumama?"

Kai "..."

Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag kay Bella na hindi normal ang trabaho nila
ng kaibigan nito. Pero naisip niya na kailangan rin ni Bella ng trabaho at
magandang pagkakataon na isama nila ni Prin ang dalaga.

"I'll ask Cally." simpleng sagot ni Kai.

KINABUKASAN nagkita-kita si Bella, Kai at Prin sa opisina ng MGM.

Nagtaka si Prin kung bakit kasama ng binata si Bella.

"Hello My Friend! I need a job kaya nagtanong ako kay Kai kung pwede rin akong mag-
audition." nakangiting sabi ni Bella na mas maganda pa sa bukang liwayway.

Nakangiti lang din ang binata sa tabi ni Bella. Alam ni Prin na masaya lang ang
'ugok' dahil kasama nito ang Angel nito, pero alam niyang sa loob-loob ni Kai ay
nagrereklamo talaga ito dahil kailangan nila na mag-audition ng pagsayaw o
pagkanta.
Dadaan sila sa normal na proseso ng pag-o-audition para hindi sila paghinalaan. Si
Yolly Zamora na isang Trainer at Manager ng mga trainees ang kausap ni Cally.

Alam ni Yolly na spy si Prin at Kai. At asawa ni Cally ang babae kaya kailangan
niyang magdoble ingat at alagaan ito ng mabuti. Unang beses niya na makita si Cally
ay hindi niya akalain na bata pa ito. Gayunpaman, hindi rin lingid sa kanila na
masyadong alaga ng Presidente si Prin lalo at nabigyan siya ng warning ni Xander.

Nabigla pa nga siya nang malaman na may nagbebenta ng droga sa MGM Management.

Bente singko ang lahat na mag-o-audition na gaganapin sa isang theater na


matatagpuan sa gitnang bahagi ng MGM Buildings. Panghuli silang tatlo sa magp-
perform.

Isang Japanese piece ang sasayawin at kakantahin ni Prin na may title na 'Black
Angel'.

Si Bella ay kakanta ng Titibo-tibo. Anak siya ng isang celebrity kaya marunong at


sanay siya sa ganoon. Samantalang si Kai ay sasayaw ng Always ni Cher. Wala siyang
maisip na performance kun'di ang sayawin iyon.

Nasa isip ni Kai at Prin na hindi naman nila kailangan talaga na galingan dahil
makakapasok pa rin naman sila bilang bagong trainees. Naghanda pa rin sila ng mga
nakalipas na araw kahit nang nasa Taiwan pa si Kai dahil hindi rin naman kaya ng
sikmura nila na basta na lang makapasok.

Kinakabahan si Prin dahil iyon ang unang beses na magp-perform siya sa stage.

Napansin nila na may mga lumabas ng theater na luhaan at halatang hindi nakapasa.
May mga pasado rin naman.

Agaw-pansin silang tatlo nila Kai at Bella dahil hindi sila nagp-practice at tamang
nagmamasid lang. Hindi katulad ng mga kasama nila na todo pa rin ang practice kahit
naghihintay sa hallway.

Ang dalawang magjowa na kasama ni Prin ay tila ginawang dating place ang audition
at nagmukha pa siyang third-wheel ng mga ito.

Sa wakas ay dumating na ang oras nilang tatlo. Naunang tinawag si Kai sa loob para
mag-perform.

"By the way, my friend. What is exactly going on?" usisa ni Bella. Nasa isip ng
dalaga na hindi basta mag-o-audition si Kai at Prin bilang bagong trainee sa MGM.

ALAM ni Prin na hindi magku-kwento si Kai sa dalaga kahit nobya pa nito si Bella
tungkol sa misyon nila bilang trainee. Wala rin naman siyang plano na magkuwento sa
kaibigan pero mas mabuti na siguro na magsabi siya dito kahit kaunti.

Titig na titig si Bella sa kanya kaya hindi niya nagawang magsinungaling sa babae.
Humugot muna ng malalim na hininga si Prin bago nagpatuloy.

"Alam ko na kahit papaano ay may naiintindihan ka sa nangyayari. I know that you


noticed that we knew martial arts. Honestly, we are more skilled than martial
artists."
Hindi na nagulat si Bella doon. Sa ilang beses kasi na kasama niya sa Prin, muntik
na siyang mapahamak pero madalas na nililigtas siya nito.

"We trained hard in the past. Para kaming sinulid na papasok sa butas ng karayom.
And… Cally is not just a boyfriend. He is my husband.” pagbibigay-alam niya dito.

Doon nanlaki ang mata ni Bella at napatayo pa ito. "Whaaat!?"

Hinila niya ulit ang dalaga paupo at sinabihan na huwag maingay. "Shhh… Hey, huwag
kang maingay, it's a secret."

"H-how come I didn't know?" ang akala ni Bella ay magka-live in lang si Prin at
Cally kaya madalas na magkasama ang dalawa. Kaya lahat din ng meron ang lalaki ay
naibabahagi nito sa kaibigan niya. Hindi niya akalain na mas malalim pa pala ang
samahan ng dalawa at sa edad nitong disin nuwebe ay magpapakasal na si Prin si
Cally.

Saka wala talagang balita na na may asawa na si Cally kahit sa MGM office bilang
naroon nagtatrabaho ang Daddy niya.

"Sorry my friend, ayoko lang kasi na iba ang isipin mo sa akin noon kaya ang
pakilala ko ay mag-nobyo lang kami ni Cally. Alam mo naman ang Philippine culture,
kapag nalaman na nag-asawa ako ng bata pa, they will mock me. They would think I
will get pregnant or soon be pregnant." mahabang paliwanag ni Prin.

"But don't you have any plans to get pregnant?" tanong ni Bella.

Napakamot sa ilong si Prin at namula ang pisngi. "We talked about it and…yes, hindi
muna kami mag-b-baby dahil nag-aaral pa ko." simpleng sagot ni Prin. Sa loob-loob
niya ay hindi talaga simple ang dahilan.

Napag-usapan nila ni Cally na hindi magandang ideya na magkaanak sila nito sa


kasalukuyan. Malalagay sa alanganin ang anak nila kaya nagkasundo sila na saka na
magkakaroon ng baby kapag nasiguro na nila ang kaligtasan nila.

Hindi pa lumilipas ang taon nang dukutin ang asawa niya at alam nila na nagmamatyag
lang ang taong iyon sa kanila.

Sasagot pa sana si Prin nang tawagin ang pangalan ni Bella na susunod na magp-
perform.

"Good luck!" sabi niya dito.

Sa loob ng theater, natuwa ang mga auditioner sa ginawa ni Kai. Ginamit niya ang
martial arts skills niya para magawa ng maayos ang performance.

"We can train you para mag-model.”

"Yes, tingin ko ay okay na i-train ka namin para maging modelo." ito ang mga
komento sa kanya. Ayos na iyon, ang mahalaga makapasa siya bilang trainee.

Sumunod si Bella sa stage. Nanghiram siya ng gitara para magawa ng maayos ang
performance niya. Inisip niya na kailangan niya ng trabaho kaya kailangan niyang
galingan.

Sa personality pasado si Bella sa auditioner.

Si Kai sa kabilang banda ay nanatili sa theatre. Nanatili siya para manood sa


ibabang bahagi ng stage dahil natagpuan niya si Cally na nagsosolong nakaupo doon.
Hindi siya nagawang palabasin dahil si Cally ang kasama niya. Seryoso siya na
pinakikinggan ang bawat salita at tono ni Bella kahit ang kilos ng kamay ng dalaga
habang tumutugtog ito ay hindi niya pinalampas.

He fell in love deeper sa babaeng ito. Sa palagay niya, nadadagdagan ang pagkagusto
niya sa dalaga araw-araw. Bella's speaking voice is sweet and her singing voice is
much sweeter. Para siyang highschool na kinikilig at namumula habang nanonood.

Pagkatapos ni Bella, halatang kinakabahan siya na naghihintay ng sagot mula sa


audioner kung pasado ba siya o hindi. Matapos ang ilang sandali at sabihin sa kanya
ang mga dapat niyang gawin, gusto niyang tumalon sa saya nang sabihin na pasado
siya.

Kai is also happy na nakapasa ang nobya niya.

"Tsk! Your Angel is surprising." puna ni Cally.

"Of course, because she is my Angel." mayabang na sabi niya kay Cally.

Ilang saglit lang nakita na nila na naglalakad si Prin sa stage. Pansin ni Kai na
kinakabahan din si Cally para sa asawa nito.

Humugot ng malalim na hininga si Prin bago niya narinig ang tugtog saka siya
nagsimulang magperform.

Wala namang kaso kahit Japanese song pa ang gagawin niya dahil ang mahalaga
makatapos siya ng audition.

Lihim na natatawa si Cally habang pinapanood niya ang Honey niya na sumayaw at
kumanta.

SUMAGLIT si Cally sa MGM theatre dahil gusto niyang panoorin si Prin kung paano ito
sumayaw. Sa mga nakalipas na araw, nagp-praktis ang asawa niya sa Matsui VIlla at
todo tanggi ito na makita niya kung paano ito sumayaw. O kung paano ito magpraktis.

Prin performed like a living anime on the stage. She's so cute in everyone's eyes.
Natatawa naman ng lihim si Cally dahil na-enganyo niya ang asawa niya na magsuot ng
Card Captor Sakura costume na nababagay sa kanta nito.

Tulad ng inaasahan, pasado si Prin. Si Yolly ang mag-a-arrange ng schedule nila sa


mga darating at kailangan nilang alamin ang identity ng taong hinahanap nila sa mas
mabilis na paraan.

Nakasimangot naman si Prin na humiwalay sa dalawang magkasintahan para puntahan si


Cally sa opisina nito. Bukod sa ayaw niya ng kausapin pa ang dalawa dahil
nagmumukha lang siyang 'extra' sa harapan ng mga ito, gusto niyang pagalitan si
Cally dahil sa pinagawa nito sa kanya.

Pagdating niya sa floor, sinalubong siya ni Cally na nakasuot ng itim na loose


pants at active shirt. Kumunot ang noo ni Prin nang makita ang ayos nito.

"Where are you going?" tanong niya dito.

Hindi sumagot si Cally. Sa halip, inakbayan lang siya nito kahit nakasuot pa siya
ng costume na Card Captor Sakura patungo sa kung elevator.

Magkaiba sila ng awra ni Cally habang nasa tapat ng elevator. Si Cally mukhang
magliligtas ng Prinsesa samantalang siya, mukhang maghahanap ng spirit cards.

Nakakunot ang noo na sumunod siya sa asawa hanggang sa makaakyat sila sa pinakataas
na palapag kung saan naroon ang Helipad. Wala naman siyang makitang helicopter
bukod sa mga gear na kung anu-ano na nasa lapag. Alas sais na ng hapon ang oras
kaya nagsisimula nang lumamig lalo at nasa itaas na bahagi sila ng building.

Nililipad pa ng hangin ang palda ni Prin dahil sa lakas ng hangin.

Hindi nagsalita si Cally at basta na lang siya sinuotan ng gear at safety belt sa
tiyan saka ni-lock iyon ng mahigpit.

Ginalaw-galaw ni Cally ang belt na nakakabit sa katawan niya para masiguro kung
safe iyon. Saka siya sinuotan ng gloves sa kamay at pinapalitan ang suot niyang
sapatos.

"Husbie, ano ang gagawin natin?" may ideya na si Prin sa gagawin nila pero hindi
niya pa rin naiwasan na mag-tanong.

"Lilipad." Kinabit ni Cally ng mabilis ang hook ng belt na nakakabit sa katawan


nito sa hook na parte ng helipad tatlong metro ang layo sa pinaka dulo na bahagi ng
gusali saka ito tumakbo at basta na lang tumalon.

Hindi na siya nagulat sa ginawa ni Cally. Ginaya niya ang ginawa nito, kinabit din
niya ang safety belt sa hook saka sumunod. Hinintay siya ni Cally dalawang palapag
mula sa pinakatutok kung saan sila nanggaling.

"This is my reward dahil nagawa mo ng maayos ang trabaho mo."

Literal silang nasa gilid ng MGM Building at natutuwa si Prin sa gagawin nila ni
Cally. They watch the sunset habang nakasabit sa gilid ng building. Mahigpit ang
pagkakahawak nila parehas sa tali at sa lock

Hinintay nila na lumubog ang araw saka siya hinapit nito.

"Honey, you are the cutest among my artist and the cutest who climbed a wall so
far.” biro nito dahil nakasuot pa siya ng costume, hindi normal na suot kung magw-
wall climbing.

"Syempre, I have to support my husband.”

Biglang sumeryoso ang asawa niya.

"Saksi ang city of Manila, I want you to know that I, Cally Han, will never love
any other girl aside from my wife."

Saka nito sinakop ang labi niya.

Ang pangarap ni Prin na mahalikan ni Cally habang nagw-wall climbing ay natupad


habang nasa paligid nila ang magandang tanawin. Unti-unting lumulubog ang araw sa
gilid.

Para siyang nalasing sa halik ng asawa niya, dahilan para muntik nang mabitawan ni
Prin ang tali na hawak para manatili sila sa pwesto. Mabuti na lang at nakahawak
ito sa bewang niya.

"Naniniwala na ko na 'Safety first bago kissing'" sabi nito sa kanya.

"Gano’n, mabuti nga at kissing lang at hindi magsex sa gilid ng building.”


"idiot! Who will do that?"

Tumawa lang si Prin sa naisip niyang kalokohan. Tumitig siya kay Cally matapos ang
ilang sandali.

"I love you so much, Husbie,” bulong niya kay Cally.

Hinalikan pa siya nito sa huling pagkakataon.

"Okay, let's end this. paunahan!" sabi nito saka sila parang mga langgam na
nagtagisan pababa ng building.

KUMAKAIN si Kai at Bella ng hapunan sa isang seafood restaurant na malapit sa Blue


City Condo Tower nang isang tao ang nakita niya na papalapit sa kanila. Ang
madrasta ni Bella.

Kinakabahan siya, samantalang kalmado naman si Kai. Lihim na inangat nito ang labi.
Iniisip niya na baka ipahiya na naman siya ng ginang doon na alam niyang imposible
rin na gawin nito dahil kilala ang babae bilang asawa ni Martin Hernandez, ang
Daddy ni Bella.

Hindi nito basta-basta sisirain ang imahe sa publiko. Huminto ang ginang sa harapan
ng magkasintahan. Hindi ito nagsalita at basta inilapag ang susi ng condo sa mesa,
sa tapat ni Bella.

Halata ang pagtataka sa mukha niya kung bakit biglang sinauli nito ang susi sa
kanya.

Hindi ito nagsalita at basta na lang sila tinalikuran.

"Excuse me? Wala ka bang sasabihin?" habol ng binata sa ginang.

Si Bella naman ay walang maintindihan sa nagaganap. "Babe, huwag mo na siyang


pansinin,” bulong niya.

Saglit na natuwa si Kai dahil unang beses siyang tinawag ni Bella ng 'Babe' and he
is happy. Pero mas inuna niyang intindihin ang ginang.

Lumingon ang ginang sa kanilang dalawa. Nakangisi ng todo si Kai, wala namang
maintindihan si Bella. Sumandal si Kai sa silya kung saan siya nakaupo at
naghihintay sa sunod na gagawin ng ginang.

"Hindi ka pa nagso-sorry sa girlfriend ko.” hindi na nakatiis na sabi ng binata.

Nakakuyom ang magkabilang kamao ng ginang na lumapit kay Bella. Napausog naman ang
dalaga dahil baka may gawin ito sa kanya.

"S-sorry…" mahinang sabi nito at halatang labas sa ilong.

Bella "...."

"Okay na ba?! I have to go! Nabalik ko na ang susi, siguro naman ay okay na."
Mataray na sabi nito kay Kai.
Labis-labis ang pagtataka ni Bella kung ano ang ginawa ni Kai para mapaamo nito ang
ginang. Ano ang nangyari at ibigay nito pabalik ang susi ng condo sa kanya?

"Hindi pa ko tapos. I don't want to see you kahit na sa ground floor lang ng Blue
City... You can go now!" Saka ito inismiran ni Kai.

Halata ni Bella na nagtitimpi ng galit ang madrasta niya.

"I will not promise na huli na natin itong pagkikita. Hihintayin ko ang araw na
maghihiwalay kayo, saka kita babalikan.” banta pa nito kay Bella.

"Well, goodluck na lang sa paghihintay mo, dahil kinakain na ng uod ang katawan mo,
hindi pa kami naghihiwalay! Umalis ka na lang." Nabubwisit lang si Kai na makita
ang babae sa harapan niya.

Hindi naman ito ang magulang ni Bella kaya bakit niya igagalang ang babae? Ang
lakas pa ng loob nito na isumpa ang relasyon nila ng Angel niya.

Gamit ang mga koneksyon, napag-alaman niya na may nilalanding binata ang ginang.
Nasa edad trenta pataas ang boyfriend nito sa ngayon. Sakto pa na nakakuha sila ng
mga picture ng mga pagpasok ng ginang sa motel na kasama ang lalaki nito. Lahat ng
ebidensya ay nakuha ni Kai sa loob lamang ng magdamag.

Kaya tulad ng pangako ni Kai kay Bella, sa araw na iyon ay babalik ito sa tirahan
nito.

*****

(Pag-alala ni Kai sa naganap)

Nang umaga na iyon, tinawagan niya ang ginang habang natutulog pa si Bella.

"Ibalik mo ang susi sa girlfriend ko, ako ang lalaki na tinawag mong taga-
iskwater." Pakilala ni Kai sa ginang. Nagulat ito dahil nalaman niya ang numero ng
personal nitong telepono.

"At bakit ko gagawin?" Tila nais nitong makipagmatigasan sa kanya.

"Simple lang... because I know your secrets. You have a boyfriend recently at
sigurado ako na hindi mo magugustuhan kapag lumabas ang balita na ito, tama?"

"You are just bluffing! I don't want to talk to you!" Hindi siya nito pinaniwalaan.
Maingat ang ginang sa mga paglabas-labas nila ng boyfriend nito kaya bakit siya
agad maniniwala. Isa pa, may magagawa ba ang isang taga-iskwater sa kanya?

Balewala na binabaan nito ng telepono si Kai.

Kaya ang ginawa ng binata, inutusan niya ang tao ni Zuki at nagpahatid siya ng hard
copies ng mga kalokohan nito sa manager ng babae. Naka-atensyon pa rin naman ang
brown envelope sa ginang na may lamang mga pictures at palitan nito ng mensahe sa
lalaki nito.

Mas may trill nga lang kung ang makakatanggap ng envelope ay ang manager nito. Para
maisip nito na hindi siya nagbibiro at seryoso siya na bawiin ang bahay na dapat ay
kay Bella.

Nang hapon, matapos ang audition nila, hindi na nagulat si Kai nang makatanggap ng
tawag sa babae at sinabi niya ang gusto niya dito.
"I want you to give that condo unit to Bella as a gift. I will pay the donation tax
pero gusto ko na mapunta na ng tuluyan ang condo unit na iyon sa girlfriend ko."

"Nahihibang ka ba?!" Galit ito sa kabilang linya.

Umismid si Kai. "Hindi ako nahihibang. Sa ating dalawa ikaw ang nahihibang. I can
buy Bella a bigger condo unit kahit ngayon, but I want that place for her.” sa
pananaw ni Kai, karapatan ni Bella ang kung ano mang bagay ang ibinigay dito ng
Daddy nito. Kaya binabawi niya lang kung ano ang pag-aari ng girlfriend niya.

"You? Will buy her a bigger condo? Huwag mo nga akong patawanin.” panghahamak nito.
Naniniwala kasi ang ginang na walang lalaki na may sinasabi sa buhay ang
magkakagusto kay Bella. Katulad lang si Bella ng Mommy niya.

"Oh! So, you really thought that I'm a boytoy?"

"Bakit? Hindi ba?"

"I respect your decision but try to search my name. Google has it. Anyway, meet us
at a seafood restaurant near Blue City Tower at ibalik mo ng personal ang susi sa
girlfriend ko. Bye!"

Bilang modelo at asawa ng aktor, may reputasyon na pinahahalagahan ang babae, kaya
nanggigigil ito na pumayag sa gusto ni Kai.

KAPWA nagtatagisan si Prin at Cally sa pagbaba sa gilid ng MGM building nang


mapansin niya ang asawa na biglang huminto sa tapat ng 15th floor. Hinila siya nito
at pinigil. Sinenyasan siya na huwag maingay. Saka pinakinggan ang dalawa na nag-
uusap sa ladies comfort room.

"Sigurado ka ba na enjoy ito?" narinig nilang tanong ng isang babae.

"Of course! Marami na ang bumili sa akin. Mas masarap kapag dalawa kayo ng
boyfriend mo ang iinom nito. Sigurado na mas masarap ang sex niyo mamayang gabi."
Hindi nakaligtas sa mag-asawa ang pinag-uusapan ng dalawang babae, sigurado na
tungkol ito sa droga. Nagkatinginan sila ni Cally.

"Sige, I will send my payment to your bank account. Thanks! Siguraduhin mo lang na
hindi ito lalabas sa publiko dahil isa akong public figure,” sabi ng babae na sa
tingin ni Prin ay celebrity doon.

"Thanks!"

Narinig nilang bumukas ang pintuan at may pumasok na mga babae. "Hey Pia! Kanina pa
kita hinihintay dito lang pala kita makikita."

"Coming!" matapos iyon ay puro tsismisan na ang narinig ni Prin at Cally. Maingat
silang nagmadali pababa para walang makapansin sa kanila. Sa garden ng building
sila nakababa ni Cally saka pinindot ang pin ng mga safety belt. Sabay na umangat
paakyat ang mga tali na sumuporta sa kanila pabalik sa hook na nakakabit sa
helipad.

Swerte na may nakuha silang impormasyon sa ginawa nilang trip ng asawa niya. Kinuha
ni Cally ang cellphone nito na nasa bulsa nang masiguro na walang tao sa paligid.
"May bagong lead kaming nakuha ni Prin, Isang babae ang hinahanap natin. Isang
baguhan na trainees o manager o empleyado natin sa legal department. Pakihanap na
rin kung sino ang may pangalan na Pia sa MGM Corp,” sabi nito sa kausap na sa
tingin ni Prin ay si Xander.

"Okay." huling narinig niya na sinabi nito.

Hinawakan siya sa kamay ng asawa saka parang walang nangyari na naglakad sa garden.
Iniwasan nilang pag-usapan ang nadinig dahil nasa publiko silang lugar.

Alam ni Prin ang nasa isip ni Cally, ang floor kung saan nila nadinig ang pag-uusap
ay Legal department. Doon ginaganap ang contract ng mga trainees na may natanggap
na trabaho o artist. Posible na ang Pia na nadinig nila ang tulak, maaari rin naman
na ito ang bagong customer. Hindi pa rin malinaw pero lumiit ang mga tao na maaari
nilang paghinalaan.

Sa sasakyan, May tinawagan si Cally. " Please look at the CCTV Womens room, 15th
floor, Building A, 1815 today,” sabi nito sa kausap saka binaba. Napapalakpak si
Prin sa nadinig.

"Oh my gosh Husbie! You are so brilliant!" puri niya dito.

Nilingon siya ni Cally. "I'm always brilliant, why?"

"Dahil naisip mo na makikita natin ang taong hinahanap natin thru CCTV." puri ni
Prin.

"Honey, seriously, I thought you knew what I was thinking earlier. Of course, we
are in MGM office. Lahat ay may camera pwera na lang sa Comfort rooms kaya posible
na doon ginagawa ang transaksyon… The good news is, malapit na nating makilala ang
taong hinahanap natin,” sabi ni Cally.

"Anyway, nag-enjoy ka ba?" nilapit nito ang katawan niya palapit dito.

"Yes." nakangiti niyang sagot.

"Good. Here's your extra gift.” kinuha ni Cally ang laptop at hinanap ang pinadala
ni Xander na kopya ng audition ni Prin. Nanlaki ang mata ni Prin nang makita ang
thumbnail na halatang kinuha nang magperform siya ilang oras ang nakalipas.

"Oh… please don't watch it.” nahihiya niyang sabi.

"No honey, you are so cute in your performance." panunudyo ni Cally.

Inagaw niya ang laptop nito. "No!"

"Honey, wala ka na rin namang itatagong mukha sa akin dahil napanood kita ng
personal kanina."

Lalong nanlaki ang japanese eyes ni Prin. "Y-you watched me?"

"Of course! Palalagpasin ko ba naman ang ginawa ng honey ko. Si Kai nga ay ginamit
ang posisyon ko para panoorin ang angel niya."

Hiyang hiya si Prin. "Ohh.. " nahihiya na tinakpan niya ang mukha ng dalawang
kamay.

"Don't worry Honey, I will make sure na mapapanood ito ng mga anak natin sa future
para malaman nila na may cute silang Mommy na nagtangka na sumayaw at kumanta sa
MGM theatre." dagdag pa nito.

Pinalo niya sa dibdib ang asawa. Naiinis siyia lalo at mukhang saglit na lang
silang mag-iimbestiga. Nagsimula nang magmaneho si Cally at lumalim ang pag-iisip
niya. Alam niya na kahit ma-solve ang isyu ng droga sa MGM, kailangan nilang
pagtuunan ng pansin kung sino ang leader ng South Caracass Gang tulad ng pangako si
Rob sa senador. Bigla niyang naisip si Mr Sy.

"Call your Dad,” utos niya kay Prin.

Nagtataka man ay sinunod siya nito. Nilagay niya sa speaker ang tawag. Matapos lang
ang ilang ring, kumonekta ang tawag sa kabilang linya.

"Uncle Rob." simula ni Cally. Mas sanay siya na tawagin itong Uncle Rob kaysa
Daddy. Medyo ilang siya na tawagin na Daddy si Rob.

"Do you think may kinalaman si Mr Sy sa South Caracass Gang?"

"Hndi ako sigurado. Ang sigurado ako ay -- Hindi umalis ng bansa si Mr Sy.”

NAGTUNGO si Prin, Kai at Bella sa Training Hall kung saan gaganapin ang meeting.
Ipapakilala sila sa mga naunang nakapasok na trainees. Sinusundan nila si Ms Yolly
Zamora hanggang makarating sa training hall.

Naroon na ang limang bagong trainees, dalawang manager at ang tatlo pa na nakapasa
rin sa audition tulad nila. Sa bente singko na nag-audition, anim lang sila ang
nakapasok. Hindi alam ng anim kung anu-ano ang mga ginawa nila noong audition bukod
kay Kai dahil napanood nito ang performance ni Prin at Bella.

Titig na titig kay Kai ang mga babae na trainees at hindi na nabigla si Prin. Sorry
na lang dahil kasama ng binata ang 'Angel' nito. Si Bella ay masaya na papasukin
niya ang mundo ng Daddy niya.

Sinimulan na ipakilala ang lahat. Pinakikinggan naman ng mabuti ni Prin ang lahat
habang nagsasalita ang bawat isa para masino niya ang taong narinig sa ladies
comfort room, lalo na sa naunang trainees sa kanila dahil isa sa mga ito ang
suspek, pero hindi niya nakilala ang boses kahit isa sa limang naunang trainees.

Posible na nakadagdag ang echo sa CR ng araw na iyon o kaya naman ay dahil halos
pabulong lang na nagsalita ang taong hinahanap niya. Hanggang sa madinig niya ang
boses ng isang manager, si Ms Cristy Evangelista at ang kasabay nila na nag-
audition, si Andy Perez.

Sigurado si Prin na narinig niya ang boses ng dalawang babae sa restroom. Ginamit
niya ang daliri para senyasahn si Kai na nasa tabi, nakuha nito agad ang signal.
Kalmado lang silang dalawa na pinuna ang parehas na babae.

"So, I hope everyone will work hard,” sabi pa ni Ms Cristy. Iniwan sila nito at ni
Ms Yolly para daw magkakilanlan ang lahat. Matapos makaalis ng dalawang manager,
lumabas agad ang sungay ng dalawa sa naunang trainees.

"Kayong mga bago, huwag ninyong isipin na porque nakapasok kayo ay may chance nang
mauna kayo na makakuha ng trabaho sa 'min. Ilang buwan na kami dito at iilan pa
lang ang trabaho na nakukuha namin." Nakilala niya si Susan Yu na nagsalita.

Nakataas lang ang kilay ng kasama nito. Hindi naman ito pinansin ni Prin at hinarap
si Kai at Bella. Hindi siya nagpunta sa training hall para maghanap ng kaibigan
kaya hindi niya pinansin ang reklamo ng babae.

Sigurado si Prin na kung walang Bella silang kasama, iritable ang hitsura ni Kai sa
mga oras na iyon. Kaya hindi na siya nagtaka na kalmado ang lalaki at very
supportive boyfriend sa kaibigan niya.

"Alam mo Leader MB5, nakakatakot ka na ngayon. Totoo nga na nagbabago ang lahat sa
pag-ibig.” pagbibiro niya dito.

"Pwede kong i-suggest kay Ms Yolly na gawin kayong Love Team. Bagay e!"

"Sorry na lang dahil pang pribado lang ang relasyon namin. Bakit kailangan pa namin
maging love team sa MGM, ‘e Love team kami in real life?" sagot sa kanya ni Kai.
Namumula lang ang pisngi ni Bella sa tabi nito.

"Hay grabe… makata ka na rin ngayon!"

"Power of Love…" sagot ni Bella. Panay ang ngisi nila nang lapitan sila ng dalawang
babae.

"Hey, Kayo!" nakahalukipkip pa ito at nakataas ang kilay ni Susan.

"Magpraktis na tayo, bawal ang tatamad-tamad,” sabi nito.

Tiningnan lang ni Prin ang babae dahil wala siyang plano na magpraktis. Ang role
niya doon ay alamin kung sino ang 'tulak' kaya bakit siya mag-e-effort na sumayaw
at kumanta. Isa pa, she's a boss kaya gagawin niya ang gusto niya.

"Bawal magligawan dito,” sabi pa ng kasama ni Susan.

"Hindi na kami magpapraktis dahil mas gusto niyo naman na makakuha ng trabaho kaysa
sa amin. Kaya nga mas maganda kung galingan niyo at huwag niyo na kaming intindihin
pa,” sabi ni Prin dito.

Si Bella at Kai ay tamang nakikinig.

"I'm not talking to you!" sagot kay Prin.

Inikutan na lang ni Prin ng mata ang babae. Naiintindihan niya na kung bakit wala
pang kontrata na nakukuha ang dalawang babae. Parehas kasing walang ginawa kun'di
ang silipin ang ginagawa ng kapwa trainees.

"Mabuti pa Leader Kai, ilibre mo kami ng Ramen ni Bella,” sabi niya sa lalaki. Alam
niyang maraming pera si Kai kaya kinapalan niya na ang mukha na magpalibre.

"Ayoko." sagot nito.

"What? Daming pera, ayaw manlibre."

"Mas mabuti pa nga, Babe. Gusto kong kumain.” aya dito ni Bella.

"Okay!"

Prin "..."

Isang aya lang mula sa nobya nito ay payag na, samantalang siya madami pang
diskusyon. Sumunod na lang siya sa dalawa para lumabas.

"Hey! Where are you going?" puna ni Susan.


"Kakain dahil nagutom kami sa ngawa mo.” sagot ni Kai dahilan para mapahiya ang
babae.

"Alam mo Leader, mabuti at hindi natin kasama si Bella sa training ng Dark Guards.
Kung hindi, baka nagbubuhay prinsesa siya habang kaming lahat ay pinarurusahan mo.”
puna niya habang papunta sa Ramen House na nasa ibaba lang ng MGM Building.

"She doesn't need to be a Dark Guard because I am here para iligtas siya."

Gusto ng sumuka ng dugo ni Prin sa narinig. Nasaan na ang striktong Kai? na ayaw ng
pabebe, pero naging pabebe na ngayon? Habang umoorder, sabay silang nakatanggap ng
mensahe mula kay Cally.

[Meeting at Matsui Villa, 4PM]

MAAGA silang nagpaalam kay Ms. Yolly para makauwi dahil kailangan pa nilang um-
attend ng meeting sa Matsui Villa. Sinigurado muna ni Kai na naihatid nila si Bella
bago sila tumuloy sa Matsui Villa.

Hindi nila maaring iwan si Bella sa training hall lalo at hinahanap pa nila ang
taong 'tulak'.

Pagdating ni Prin at Kai sa general hall kung saan gaganapin ang meeting nila ay
naroon na si Cally, Xander, Cobra at Zuki. Naroon din si Rob na pare-parehas na
naka-indian sit sa bawat gilid ng Japanese table.

Tinabihan ni Prin ang asawa na hawak ang laptop nito na nakakabit sa isang
projector. Si Kai sa isang gilid.

"Let's start!" Simula ni Rob. Saka diniliman ng kaunti ang kwarto.

"Okay, kaya ko kayo pinatawag nang biglaan para mas mabilis na ma-identify ng bawat
isa ang taong hinahanap natin," si Cally.

"Nang nakaraang araw, narinig namin ni Prin ang isang transaksyon sa ladies comfort
room. Pinahanap ko kay Xander ang CCTV sa hallway na malapit sa lugar para ma-
identify ng mas malinaw ang mga taong nasa loob ng comfort room ng mga oras na
iyon."

Pinindot nito ang laptop at pinapanood sa kanila ang kuha sa parehas na oras kung
kailan nila narinig ni Cally ang transaksyon. Una nilang napansin ang isang babae
na halatang celebrity na pumasok ng CR. Sa tingin ni Prin, ito ang buyer.

Maya-maya nakita nila na magkasunod na pumasok si Ms. Cristy, ang bagong manager at
Andy Perez, ang bagong trainee sa loob at sabay din na lumabas kahit hindi pa
lumilipas ang isang minuto.

Naguluhan si Prin. Ilang minuto bago nila nakita na may tatlo pang babae na
nagsipasukan sa loob na pare-parehas celebrity. Lumabas ang dalawa sa mga ito.
Tapos pumasok muli si Ms. Cristy. Lumipas ang isang minuto bago nila nakita ang
grupo ng mga babae na pumasok muli sa comfort room.

Bago nila nakita ang naunang celebrity na lumabas kasabay ng dalawa sa mga babaeng
bagong pasok. Lumalim ang nasa isip ni Prin dahil wala siyang makuhang lead.
"The bad news is, walang nagngangalang Pia sa mga nakita natin na pumasok ng CR.
Good news, is tatlo sa kanila ang iimbestigahan natin." Pagbibigay-alam ni Cally.

"Husbie, may sasabihin pala ako..." Tininganan niya ang bawat isa.

"...Sigurado ako na narinig ko ang boses ni Ms. Cristy at Andy sa comfort room nang
araw na iyon. Hindi lang ako sigurado kung sino sa kanila… at parehas ko silang
nakita na pumasok sa loob ng comfort room.”

Tumango si Cally. "Ang suspek natin…" pinakita niya ang larawan ng tatlong babae at
kasama si Ms. Cristy.

Ang unang larawan ay ang naunang celebrity (Celebrity A) na pumasok sa loob ng CR.
Pangalawa si Ms Cristy at pangatlo ang isa pang Celebrity (Celebrity B) na kasabay
na pumasok ng dalawa pang kapwa celebrity rin.

"Tatlo sila ang tao sa CR nang marinig natin ang transaksyon," sabi ni Cally.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Tatlo sila?"

Hindi maiwasan na magtaka si Prin lalo at iniisip niya na hindi makikipag-


negosasyon ang kahit na sino nang mayroong witness.

"Yes. And we can't identify kung sino ang buyer o tulak,” paliwanag ni Cally.

Sunod na pinanood nito sa kanila ang CCTV naman sa White Devil. Nang gabi rin na
iyon ay kapwa nasa lugar ang tatlong babae at pare-parehas na may date ang mga ito.

"Ngayon, I am certain na isa sa kanila ang hinahanap natin."

Lumalim ang nasa isip ni Prin. "Husbie, I want to see that comfort room. because I
think there is something wrong. Dalawang tao lang ang nadinig natin. How come na
tatlo ang naiwan?"

"Dahil nadinig natin ang nag-uusap malapit sa bintana at posible na nasa dulong
bahagi ng cubicle naroon ang isa pa."

"Pwedeng si Celebrity A ang talagang hinahanap natin dahil siya ang pinaka-nagtagal
sa CR. Pwede rin naman na si Ms Cristy at Celebrity B."

"I think the 'Pia' we are looking is the celebrity A," sa unang pagkakataon ay
nagsalita si Kai.

"I think so too. Dahil siya ang pinaka-nagtagal sa CR at base narin sa narinig
ninyo ni Prin, matagal na siyang hinahanap ng kung sino man na bagong pasok," ani
Rob.

"Kung nagkataon na nadinig niya lang ang usapan, sigurado na nasa alanganin ang
lagay niya," si Zuki.

"Kai and Prin, manmanan niyong mabuti si Ms Cristy sa opisina. Zuki, ikaw ang
bahala kay Celebrity A. Cobra, ikaw ang totoka kay Celebrity B,” utos ni Rob.

"By the way, may balita ba kay Mr. Sy?" Tanong ni Cally.

"Ang balita ay nasa south siya ngayon at may posibilidad na siya ang leader ng
South Caracass, may posibilidad din na partner siya ng talagang leader nito,"
pagbibigay-alam ni Zuki.
HABANG pauwi, hindi maiwasan ni Prin na isiping mabuti kung sino ang taong
hinahanap nila. Seryoso siya na pinagtutugma ang narinig nila ni Cally sa napanood
nila na lumabas-masok sa loob ng Ladies comfort room. Kinuha niya ang laptop at
sinimulan na i-play muli at pinag-aralan ng paulit-ulit ang kuha sa CCTV.

Nilingon naman siya ni Cally sa tabi dahil sa pananahimik niya. "Honey, okay ka
lang ba? Ilang linggo na lang at tapos na ang bakasyon niyo sa school. We have to
know the person's identity as soon as possible."

Nilingon niya si Cally. Halata na seryoso rin siyang makita ang taong hinahanap
nila. "Husbie, I am sure na isa si Ms. Cathy sa narinig ko na boses sa comfort
room."

"Kaya nga galingan mo ang pagsayaw at pagkanta para makuha mo agad ang sagot."

Tiningnan niya ito ng masama. "Hmp! Sigurado na pinagtripan mo lang kami ni Kai
pero alam mo naman talaga na hindi na namin kailangan na mag-audition 'di ba? Gusto
mo lang talaga na parusahan kami parehas.” saka niya ito inirapan.

"Wow Honey, I am happy for you!" sabi nito sa kanya.

"Bakit?" takang tanong niya dito.

"Dahil tumatalino ka na. You are getting brilliant day by day."

Prin "..."

Ang galing ng asawa niya 'di ba? Tama bang tudyuin siya kahit sa oras na iyon.
Sakto naman na huminto ang sasakyan sa tapat ng bahay nila. Tinitigan niya ito ng
masama. Hanggang sa mga oras na iyon ay inaasar pa rin siya nito at tinutudyo siya
sa kakayanan ng utak niya.

"Honey, don't give me that look. Iisipin ko na gusto-gusto mo nang makita ang
little monster ko kaya palagi kang nakasimangot o galit."

"Y-y-you?!"

Nakangisi lang ang asawa niya at tila natutuwa pa ito lalo sa mga reaksyon niya.
"Yes Honey? It's not my fault. Nakalimutan mo na ba ang sabi ng doktor na one-month
kang suspended at wala pang one-month ang lumipas nang maospital ka."

Parang siya pa ang sinisisi nito sa nangyari. Sasagot pa sana si Prin nang mag-ring
ang telepono ni Cally. Si Zuki ang tumatawag sa asawa niya.

"Yes?" sagot ni Cally na nakaspeaker

"Shi, may problema. 'Yung pinababantayan mo sa aking celebrity... namatay." Nanlaki


ang mata ni Prin sa narinig. Nagkatinginan sila ni Cally.

"What happened?" usisa ni Cally.

"Overdosed sa drugs," sagot nito sa kabilang linya.

"Please investigate kung ano ang nangyari," huling sabi ni Cally saka ibinaba ang
tawag. Sunod na tinawagan niya si Xander.
"Master?" sagot nito sa kabilang linya.

"Celebrity A died due to drug overdose. Please call her manager and confirm kung
ano ang nangyari," utos ni Cally.

Halatang nagulat din ang binata sa kabilang linya. Lumaki ang problema nila lalo at
under ng MGM management si Celebrity A na pinasusundan nila kay Zuki.

"It means, she was the buyer we are looking," nakapangalumbaba na usal ni Prin.

"Hindi pa tayo sigurado. Posible na kusa siyang pinatay dahil naroon siya sa
lugar." Ilang saglit pa tumawag din si Cobra. Kinakabahan silang parehas dahil
mukhang hindi rin maganda ang balita na sasabihin nito.

"Master, papunta ng airport si Celebrity B," sabi nito sa kabilang linya. Napakuyom
ng kamao si Cally. Mukhang dumating ang problema nila hindi pa man lumalalim ang
imbestigasyon..

"Pigilin mo siya, bring her sa opisina kung kinakailangan. I think we don't have a
choice now kung hindi ang usisain sila ni Ms. Cathy. Call Zuki and tell him to
bring Ms. Cathy sa MGM office."

"Master... iyan pa nga ang rason kung bakit ako napatawag,” sabi nito.

Kinakabahan si Prin at Cally sa sasabihin ni Cobra dahil mukhang hindi maganda ang
balita nito. "Namatay din sa overdose si Ms. Cathy."

Lalong nanlaki ang mata ni Prin. 'Shit! What is happening?'

Bakit isa-isang namatay ang suspect nila, hindi man lang lumipas ang isang araw.
Pinakalma ni Cally ang sarili. "Get Celebrity B. tell her na pinapatawag ko siya sa
opisina ko." Walang nagawa si Prin at Cally kung hindi ang bumalik sa opisina.

KINAKABAHAN si Celebrity B, o tawagin natin sa pangalang Jopay. Kadarating niya


lang sa paliparan kahit dis-oras ng gabi. Nagsuot siya ng shades para hindi
makilala.

Bago siya lumabas ng sasakyan ay isang malakas na ring ang nagpakabog sa dibdib
niya.

Isang kilalang numero ang tumatawag.

"T-they are dead," bungad niya dito.

"W-what about me?" kinakabahan niyang sabi sa kausap.

"Mangibang bansa ka na muna. Nasa Airport ka na ba?" sagot nito sa kabilang linya.

"Yes… pero --" hindi na niya naituloy pa ang sasabihin dahil pinutol na nito ang
tawag. Kumakabog ang dibdib niya sa kaba.

Siguradong sira ang career niya dahil sa nangyari. Kumuha muna siya ng yosi na
nakapatong sa ibabaw, saka iyon sinindihan. Para siyang maiiyak na hindi
maintindihan. Stressed ang lahat ng parte ng katawan niya dahil sa nangyari.
Binuksan niya ang bag at nakita niya pa doon ang dalawang piraso ng drug pills.
Halos maiyak siya na nagkaroon siya ng problema dahil dito.

Nang dahil sa droga at pagmamahal ay sinira niya ang career niya na inalagaan sa
loob ng maraming taon.

Habang kumakabog ang dibdib, isang katok sa bintana ang bumulabog sa kanya na halos
lumundag ang puso niya dahil sa bigla. Hindi niya kilala ang lalaki na kumakatok sa
bintana.

Nakasombrero ito kaya hindi niya namumukhaan. Seryoso ang mukha nito. Inulit nito
ang katok kaya napilitan siyang buksan.

Binuksan niya ang bintana pero nanlaki ang mata niya nang maglabas ito ng patalim
at akmang ip-pwersa patungo sa kanya.

"Ahhh!!!" tili ni Jopay.

Noon niya lang napagtanto na hindi dumeretso sa kanya ang patalim dahil isang kamay
ang pumigil dito. Isang lalaking mahaba ang buhok na hanggang balikat ang pumigil
sa kamay ng naka-cap na lalaki.

Kumakabog ang dibdib na lumipat si Jopay sa passenger seat para lumayo.

Pinilipit ng lalaking long hair ang braso ng naka-cap dahilan para mabitawan nito
ang patalim.

"Ahh!" hiyaw nito.

Matapos iyon ay gumanti ito ng suntok sa long hair. Gumilid ng kaunti ang mukha
nito dahil sa pagkakasuntok at natigilan saglit.

"hmm... mukhang matapang ka. I like it!" ngumisi ito. matapos nito iyong sabihin ay
tila sinapian ng demonyo ang lalaking long hair. Gumanti ito ng suntok sa mukha sa
una.

Hindi rin naman nagpatalo ang lalaking naka-cap, tumira ito ng ilang sipa na
sinangga ni Long hair. Kinakabahan si Jopay, gusto niyang lumabas ng sasakyan pero
mas kinakabahan siya na masaktan ng dalawang lalaki.

Kapwa hinihingal ang dalawang lalaki matapos ang palitan ng tira. Dumura pa ng
kaunting dugo ang naka-cap sa isang gilid.

Dalawang metro ang layo ng mga ito at kapwa kumukuha ng lakas.

"Sino ka? Masyado kang pakialamero!" angil ng naka-cap.

"Hmmm… pasensya ka na, pero hindi mo siya pwedeng patayin dahil hindi pa siya
nakakausap ng master ko," sagot ni Long hair o ni Cobra. Nag-aapoy ang mga mata ng
dalawang lalaki para sa isa't isa.

"Wrahhh!" tila galit na sumugod ng sipa ang naka-cap. Sinangga naman ni Cobra ang
bawat tira nito. Saka ginantihan din ng sipa sa mukha. Tumilapon ito sa lapag kung
saan naroon ang patalim.

Tumayo muli ang lalaki nang hawak-hawak na nito ang patalim at sumugod para
saksakin si Long Hair o Cobra. Nadaplisan nito sa braso ang lalaki. Sa gigil ni
Cobra, hindi na niya pinatagal pa ang pagkakataon, hinuli niya ang kamay nito at
binali gamit ang tuhod.
"Ahhhhh!!" hiyaw nito.

Buong pwersa siyang humugot ng lakas para tirahin sa leeg ang naka-cap dahilan para
makatulog ito.

Matapos masigurado na hindi ito magigising sa loob ng ilang oras, binitbit at basta
pinasok ni Cobra ang lalaking naka-cap sa likod ng sasakyan ni Jopay.

"Mag-drive ka," utos niya sa babae.

Nangangatog naman si Jopay na sumunod sa kanya saka niya tinawagan si Cally.

"Shi Cally, may gustong pumatay kay Jopay sa airport, hawak ko ang suspek."

Ilang saglit na natahimik ito sa kabilang linya.

"Okay, let's change the meeting place. Bring him to Matsui Villa,” utos ni Cally
bago nito binaba ang tawag.

"S-shi Cally?" tanong ng babae habang nagd-drive. Hindi ito pinansin ni Cobra. Mas
minabuti niya na bantayan ang lalaking nawalan ng malay.

TAKOT na takot si Jopay na dinala sa general hall kasama ng lalaking gustong


pumatay sa kanya. Mas dumoble ang kabog ng dibdib niya.

Hindi siya makatakas dahil secured ang lugar na pinagdalhan sa kanya.

"N-nasaan ako?" tanong niya kay Cobra.

"Master Cally wants to talk to you."

Nanlaki ang mata ng dalaga. Dumoble ang kaba niya lalo't narinig niya ang pangalan
ng Presidente.

"K-kuya, ano ang gagawin sa akin ni Master Cally?" natatakot niyang tanong.

"Hindi halimaw si Master Cally para katakutan mo ng ganyan. Unless… may ginawa kang
kalokohan sa opisina."

Umangat ang labi ng babae at nangatog.

Ilang saglit pa, bumukas ang pintuan at pumasok si Cally, kasunod si Prin, Kai,
Zuki at Rob.

UNANG beses na makita ni Jopay si Cally. Napakagat siya sa labi, wala siyang ideya
sa kung ano ang talagang itsura ng Presidente pero ramdam niya na ang lalaking
malakas ang dating na nauuna sa pagkilos ang Master Cally nila. Isa pa, may hawig
ito sa chairman.

Kinakabahan siya na yumuko. "M-m-master..." uutal-utal na bati niya.

Seryoso lang ang mukha ni Cally at wala siyang makitang emosyon sa lalaki.
Binuhusan ni Zuki ng tubig ang lalaking naka-cap sa mukha dahilan para magising
ito. Bumalikwas ito ng bangon. Pilit man na tumayo ang lalaki tinapakan na ito ni
Rob sa dibdib saka tiningnan ng pailalim.

"Who are you?" tanong ni Rob sa lalaki.

Umangil agad ito.

"I won't tell you," saka ngumisi.

Hindi na nagdalawang isip si Rob na tapakan sa mukha ang lalaki ng may pag-gigil.

"Ahhhhh!!!" Sumigaw ang lalaki dahil sa sobrang sakit ng ginawa ni Rob. Umangil ito
ng paungol. Abot-abot ang takot ni Jopay sa gilid dahil sa nasaksihan. Nagsimula na
itong umiyak. Binaba ni Rob ang sariling katawan para pantayan ang mukha ng
lalaking naka-sumbrero. Nag-aapoy ang mata nito na tila kayang patayin ang lalaki
ano mang oras.

"Inuulit ko, Sino ka?"

Nagkikiskis ang mga ngipin ng lalaki dahil sa sobrang galit kay Rob.

Umismid si Rob. "The truth is, hindi ko naman kailangan na hingin ang sagot mula sa
iyo. Kaya kong alamin kung sino ka sa mas mabilis na paraan pero mukhang mag-eenjoy
ako na paglaruan ka muna," sabi nito sa nakakademonyong boses.

Napalunok ang lalaki. Pero halata na hindi pa rin ito magsasalita.

"Ikaw!" binalingan nito si Jopay.

"Hu-huwag niyo po akong saktan," nakikiusap na sabi ng babae.

"Dad, Calm down, kami na ang bahala ni Cally sa kanya." Hinawakan ni Prin ang daddy
niya at pinakalma. Nakahalukipkip lang ito na nag-indian sit sa pinakasulok.

"You!" tawag ni Cally dahilan para mapatuwid ng tayo ang babae.

"I want to know kung kailan ka pa nagsimulang magbenta ng droga sa opisina."


seryoso na sabi ni Cally sa babae. Bilang lingon kay Cally ang lahat. Hindi nila
inasahan iyon. Nanlalaki ang mata ni Prin sa narinig. Ang taong ito ang suspek
nila?

"M-m-master…" usal nito at napakagat-labi.

"Magsalita ka. Mapapatay ka na ng kasabwat mo ay hindi mo pa alam," mahinahon lang


na sabi nito. Kita sa mukha ni Jopay ang labis na pagkabahala.

"A-ano po ang ibig niyong sabihin?" sinubukan niyang magkaila dahil mas nananaig
ang takot ni Jopay na mawala ang trabaho niya. Doon na umismid si Cally sa unang
pagkakataon. Si Prin ay kunot ang noo dahil kahit anong galaw ng utak niya ay hindi
niya akalain na ang babae ang hinahanap nila. Si Kai at Zuki ay kapwa seryoso at
tamang nakikinig lang.

"I will tell you what happened that night on the 15th Floor, MGM Building A,"
simula ni Cally.

Nanlaki naman ang mata ng dalaga, napalingon sa gawi nila ang lalaking naka-cap.

"Celebrity A went to that comfort room to wait for you and Cristy. Nagtagal siya
doon ng ilang minuto para magpanggap na nagm-makeup o kung ano pa man. When Cristy
came in, she doesn't expect na kasunod niya si Andy Perez… Kaya hindi muna sila
nakapagsimula ng transaction."

"... Matapos ang ilang minuto naghanap ng tyansa si Cristy para makabalik ng
comfort room. Tama?"

"...Then you came in before Cristy. Your drug transaction started." Hilam na sa
luha si Jopay matapos marinig kay Cally ang lahat. Si Prin ay nagulat sa mga sinabi
ng asawa.

'How come he knew?' binawi niya rin agad sa isip dahil muntik niya nang makalimutan
na matalino nga pala ang asawa niya.

"M-m-master…" usal ng dalaga. Ang inalagaan niyang reputasyon sa loob ng ilang taon
ay siguradong matatapos sa oras na iyon.

"Jopay, It's better for you to speak dahil sigurado ako na ang taong pinagtatakpan
mo ang siyang gustong pumatay sa iyo," dagdag ni Cally. Halos hindi makapaniwala si
Jopay sa nadinig.

"Hmp! Mas mabuti pa na unahin na natin ang lalaking ito para magtanda siya at
sabihin sa atin ang lahat," singit ni Rob. Tumayo pa ito at pinatunog ang mga buto
sa kamay.

Natakot si Jopay pati ang lalaking naka-cap. "Uunahin natin ang mukha mo!" sabi
nito.

"Si Police Major Jaime Guzman! S-sya po," umiiyak na biglang sabi ni Jopay.

TILA nakahinga ng maluwag si Jopay matapos masabi ang pangalan.

"Gaga ka! Sa palagay mo ba ay kaya kang proteksyunan ng mga ito kay Police Major?!"
sigaw ng lalaking naka-cap. Iyak ng iyak ang dalaga.

"Pero bakit gusto niya akong ipapatay, siya ba ang nag-utos sa iyo?" hindi
makapaniwala si Jopay.

Hindi ito sumagot kaya napapikit siya. "I love him so much, so why?" dagdag nito na
umiiyak.

"Gaga! Akala mo naman ay ikaw lang ang babae niya--" hindi na nakapagpigil si Rob
na sinuntok sa mukha ang lalaki. Naiingayan na kasi siya dito.

Umangil ang lalaki at nanggagalaiti pero sinuntok muli ito ni Rob ng isa pang
beses. Agad namang nagtipa si Cally sa cellphone ng lihim at pinadala kay Mat-mat
na pinsan niya.

[Please send me everything about Police Major Jaime Guzman]

"M-master, paano niyo pong nalaman na nagbebenta ako ng droga sa opisina?"


Tiningnan muna ni Cally ang babae bago nagpatuloy.

"Nang unang beses na magsalita ka kanina at sabihin mong huwag kang sasaktan,"
simpleng sagot ni Cally. Natahimik si Jopay.

"Nang araw na iyon isang salita lang ang narinig ko mula sa iyo at iyon ang
'Thanks!’ Tatlo kayo ang talagang nasa comfort room, si Cristy ang kasama mo na
nagbebenta. Halos lahat ng pang-aalok ay nanggaling sa kanya para kay Celebrity A.
at tingin ko, ikaw lang ang naghahanap ng prospect buyer."

"...At sigurado ako na ikaw si Pia."

Iyak lang ng iyak si Jopay dahil tama ang lahat ng sinabi ni Cally. Si Prin ay
talagang nagulat sa mga nadinig. Nang dahil sa 'thanks!', nakilala na agad ito ni
Cally? Isang salita lang iyon at nasino agad nito si Jopay? Gusto niyang magreklamo
bigla kay Lord kung bakit kulang ang skills at talino na pinaambon sa kanya.

"Ngayon, gusto kong malaman kung paanong nakapag-overdose ng drug si Celebrity A at


saka si Cristy," ito ang tanong ni Cally na hindi niya maintindihan.

"Dahil nakita ni Celebrity A na sinundo ako ni Police Major sa set kung saan kami
nagkasama nang nagdaang araw. Nagsimula siyang i-blackmail ako."

"And she knew or rather assumed na galing ang mga droga na binebenta namin kay
Police Major. Binigyan ko siya ng tatlong gamot na libre at sinabihan na mas
maganda kung sabay sabay niya iyon na iinumin."

"Si Ms Cristy naman ay may nagawang mali ng araw na iyon, dahilan para ipapatay
siya ni Jaime. Hindi po ako sigurado kung ano po iyon…" halos hindi makatingin ang
dalaga sa kanila pero iniisa-isa nito sa isip ang lahat ng naganap.

"...Si Ms Cristy ang talagang nakakakilala kay Jaime, matagal na siyang tauhan ng
nobyo ko. Nang makilala ko si Ms Cristy sa isang event, sinimulan niya akong
usisain. Pinakilala niya ako kay Police Major o mas tamang sabihin na binugaw niya
ako, Master." patuloy na umaagos ang luha ni Jopay.

Nang dahil sa pagmamahal sa lalaki, nasilaw siya at pumayag na maging kasangkapan


nito. Si Cristy ang talagang nagbebenta, at siya ang naghahanap ng buyer. Nakagat
niya ang labi para pigilin ang luha. Huli na para magsisi na nagkamali siya ng
taong pinagkatiwalaan.

Doon na nag-init ang ulo ni Prin. "binugaw ka?!" Tumango ang babae.

"Does it happen always sa MGM artists?" tanong ni Prin. Bilang babae, nababahala
siya. Natatakot si Jopay na tumingin kay Cally bilang presidente ito ng opisina
nila saka tumango.

"Especially to trainees."

"Fu*k that monster!!" hindi napigilan ni Kai ang magmura.

Lalo na at may plano si Bella na magtraining sa MGM. Paano niya ngayon pipigilan
ang dalaga na huwag na nitong ituloy ang plano na kumanta o magtrain sa MGM? Gusto
niyang manuntok o manggulpi ng tao.

"Nang ma-inlove po ako sa kanya, tingin ko, naging daan po iyon para utusan niya na
rin ako na maghanap ng bibili ng droga." pinunasan ni Jopay ang mga luha niya.

"wrahhhh!!!!"

Nagulat na lang sila ng biglang sumigaw ang lalaking naka-cap at mabilis na


tutunguhin ang pwesto ni Jopay, para patayin ang babae. Mabilis ang mga naging
pagkilos ng apat pang lalaki. Si Kai bilang malapit sa katana ay hinila iyon at
mataas na tinalon ang lalaki.
Diretso sa bumbunan ng ulo nito ang matalim at mahabang espada pababa sa katawan
nito. Nanggigil si Kai na pinilit na ipasok ang lahat ng metal na iyon sa loob ng
katawan ng lalaki. Unti-unting kumakalat ang dugo sa cap na suot nito.

Para itong barbeque meat na tinutusok sa mahabang bamboo stick. Nanghilakbot si


Jopay sa takot. Halos lumuwa na ang mga mata niya dahil sa nasaksihan lalo na ng
unti-unting malaglag ang katawan ng lalaki sa sahig.

Nanlalaki ang mga mata nito na hinimatay.

Nangigigil si Kai sa narinig na binubugaw ang mga artists ng MGM at napagbalingan


niya ng galit ang lalaki.

"It's his fault!" angil pa ni Kai.

Si Prin sa kabilang gilid ay napapailing, kapag kasama nito si Bella ay tila


sinasapian talaga ito, dahil ang inakto ni Kai nang mga oras na iyon ang totoong
ugali ng binata.

HINDI mapakali si Prin, she is cracking her brains sa kung paano at kung ano ang
mga naganap ng gabi na iyon. Nakaupo lang siya sa ibabaw ng kama, nakapatong ang
mga braso sa magkatabing tuhod. Habang si Cally ay nasa loob ng shower room.

Nasa custody ng Daddy niya at Senator Cruz si Jopay, para sigurado sila na walang
mangyaring masama dito. Lumabas si Cally ng shower room at una nitong napuna ang
malalim na pag-iisip ni Prin.

"Honey, what is it?" tanong ni Cally habang pinupunasan ng twalya ang buhok.

"Come here." Pinagpag ni Prin ang ibabaw ng dulong bahagi ng kama. Pinaupo niya si
Cally doon. Kinuha niya ang hawak na twalya nito saka niya sinimulan na punasan ang
basang buhok nito.

"Honey, I just felt bad for MGM Artists," sabi ni Prin.

"Why?"

"Na binubugaw sila ng Manager and specially they are doing those things sa
trainees. Dahil mas uhaw sa trabaho ang trainees mas malaki ang chance na pumayag
kung sakali man na ipagamit ang mga katawan nila sa kung kanino man,” sabi niya
habang parang anak na batang lalaki si Cally na pinupunasan ang dark brown nitong
buhok.

"To be honest, hindi na namin nat-track ang bagay na iyan sa MGM. Though, my Family
is very strict 'pag dating sa ganyan simula pa ng panahon ng lolo ko. And you know
my Mom is very advocate in humanity, even her teaching sa schools are free."

"My Dad and I are very much busy with MGM and honestly even if we worked hard 24
hours a day, it will not be able to satisfy all the problems we encounter day by
day." Tumango lang si Prin. Naiintindihan niya ang ibig nitong sabihin dahil ganoon
din naman ang Mommy niya na isang business woman.

"Hindi lingid sa kaalaman namin na may nagaganap na ganyan but it's out of our
control. Lalo na kung ang may gusto naman ay ang artist like Jopay, she fell in
love with the man. So, labas ang MGM doon."

"What about Bella? for sure she will decide to stay," Nag-aalala niyang tanong kay
Cally.

"Bella, is safe. Sa palagay mo ba, hahayaan ni Kai na mapahamak ang Angel niya?
And, she will be safe under Ms. Yolly's hands."

Tumango-tango si Prin saka ibinalik na dito ang towel. Hinawakan ni Cally ang kamay
niya. "Sit here," turo nito sa binti.

Umupo si Prin paharap sa asawa niya saka ipinatong ang magkabilang braso sa balikat
nito. Pinaglalaruan naman ni Cally ang buhok ni Prin habang haplos nito ang pisngi
niya sa kabilang palad.

Napansin na ni Prin na paboritong gawin ni Cally sa kanya ang iikot ang buhok niya
sa mga daliri nito. Ilang saglit lang, hinila nito ang leeg niya para halikan siya
sa labi.

"Honey, do you have a dream?" Tanong ni Cally sa pabulong na paraan.

Bigla siyang napaisip sa tanong nito. She looked at his eyes. Noon, ang tanging
pangarap niya lang ay makasama si Cally pagdating ng araw. She trained so hard for
a couple of years, so she could marry this man someday.

Naniniwala kasi siya noon na deserve ni Cally ang magaling na babae, 'yong babaeng
pwede nitong isama sa kahit saang laban. Matapang at hindi mahinang babae. Nang
maikasal na siya kay Cally, nag-upgrade ang mga kagustuhan niya. "Yes, to be with
you every day is one of my dreams," sagot niya dito.

"Very good! Because we have the same dreams." Hinalikan siya ni Cally sa labi. A
kind of kiss that can melt someone's world. Hawak pa nito ng mahigpit ang baba niya
na para bang ayaw siya nitong pakawalan. Mabibigat ang paghinga nila pagkatapos. He
suddenly grabbed both of her breast after. She saw hunger in his eyes.

"Hus...bie… we can't..." halos hindi na lumabas sa bibig niya. Naisip niya na


parehas na ang anyo ni Cally nang panahon na naospital siya sa mga segundo na iyon.
At hindi na maaari na magbalik na naman siya sa ospital.

"I promise to be gentle this time. Practice makes perfect," Sabi nito na ikinapula
ng mukha ni Prin. Saka tinanggal ang humaharang na iyon sa dibdib niya. Hindi
tinatanggal ni Cally ang pagkakatitig kay Prin kahit isang segundo.

"I love you so much, my wife and I can't bare to lose you even a second.”

HINDI nailabas ng grupo ng opisina ni Cally na namatay si Celebrity A nang dahil sa


overdose ng droga. At ganoon din kay Ms. Cathy Evangelista, na namatay ito dahil sa
parehas na rason.

Hindi makakaganda sa imahe ng opisina kung sasabihin nila ang totoo. Ganoon din sa
lahat ng celebrity ng MGM at kailangan nilang proteksyunan ang lahat. Si Assistant
Xander at Assistant Drake ang nagtulong para ilabas ang balita. Nagtrabaho din ang
dalawa para ilabas sa loob mismo ng opisina na lahat ay required na kumuha ng drug
test na gaganapin din sa opisina.

Ang grupo naman ni Rob ang umasikaso ng hiding place ng grupo ni Police Major Jaime
sa tulong ni Jopay. Habang abala ang lahat, nasa higaan pa si Prin at si Cally.
Isang haplos sa pisngi ang gumising kay Prin. Unti-unti siyang nagmulat ng mata at
isang warm undertone skin ang bumungad sa kanya.

"Hmmm," ungol ni Prin.

"Honey, kailangan na nating gumising. Kailangan nila tayo sa opisina."

"Hmmm… I can't Husbie... Napagod na ko maghapon kahapon. Then you used all of your
strength last night, I'm not going," reklamo niya in a raspy morning voice.

Hindi pa sapat ang ilang oras na tulog niya dahil naubos talaga ang lakas niya nang
nagdaang araw sa pabalik-balik na byahe papuntang MGM, sa Matsui Villa, sa bahay at
sa ensayong ginawa nila ni Cally nang nagdaang gabi.

"okay, I'll give you an extra hour to use my chest for resting."

Hindi niya na inintindi pa na sumagot.

Hinayaan naman ni Cally na magpahinga muna si Prin. Habang nakapikit pa ito na


nakadapa sa dibdib niya, he looks at his wife habang pinapagapang ang hibla ng
buhok nito sa pagitan ng mga daliri niya.

What he said to her last night is true. He couldn't bear to lose even a single
strand of her hair.

Noon, ang alam lang niya ay ang misyon niya sa buhay. Sinunod niya ang gusto ng
pamilya niya. Noon pa man, alam niya na ang purpose niya ay mamuno pagdating ng
araw. Pamunuan ang pitong pamilya para maging mapayapa ang mundo.

He knew from the start that they are not simple and he was doing all of these
things because he loves his parents so much. He accepted the challenge in order to
save his family.

Tinanggap niya ang hamon na inayawan ng Daddy niya noon. Pero simula nang maging
asawa niya si Prin, isang pangarap ang talagang sumibol sa pagkatao niya.

And that was to be with this girl every single day. He is looking forward to having
a peaceful life someday with Prin. Tumingin siya sa labas ng bintana.

'Gon Peter…' naalala niya ang lalaki. Ligtas lang silang lahat kung sakali na
mawawala sa larawan ang lalaki. Biglang nagbeep ang cellphone niya at mula kay Mat-
mat ang mensahe.

[The person you asked me to investigate is dangerous. He is the South Caracass Gang
Leader. Not only he sells drugs thru Mr. Sy, he is also engaged with human
trafficking and arms smuggling. I sent all the information in your email. Uncle Rob
must stop this guy]

NAGISING si Prin dahil sa ring ng cellphone niya sa gilid ng kama. Noon niya lang
napansin na mag-isa na lang siya sa kwarto and its five in the afternoon. Posible
na pinabayaan siya ni Cally na magbawi ng lakas. Nakita niya ang pangalan ni Bella
na tumatawag.

"Yes, my friend," naghihikab na bungad niya dito.

"Prin, where is Kai?" halata na hindi ito mapalagay. At halata rin na pabulong lang
magsalita ito sa kabilang linya.
Kumunot ang noo ni Prin. "I don't know, maybe he was in the office together with
Cally."

"Prin, help me… hindi ako makakonekta kay Kai. I was invited by Maya para mag-
unwind, she brought me to her friend's house but I saw them knocking out my sister.
I-I hid in the restroom and ahhhhhhh!!!!" tumili ito ng pagkalakas lakas na halos
masira na ang tenga niya. Nagising ng tuluyan si Prin.

"Bella!!!!!" sigaw niya sa telepono.

Nanlalaki ang mata ni Prin. Anong nangyayari? Maya-maya pa, narinig niya na may
kumakaluskos sa kabilang linya at may kumuha ng telepono ng kaibigan niya. Mga
paghinga mula sa isang lalaki ang nadidinig niya. Hindi na niya napigilan na
murahin ito.

"G*go ka kung sino ka man!!! I want to see your face right now! Kapag sinaktan mo
ang kaibigan ko, I will definitely put an ex mark on your face. Dudukutin ko ang
mata mo at ipapakain ko sa kasama mo."

"Hmm… let's see. Too bad, because I already have her. Ba bye!"

HINDI na nagpatumpik-tumpik pa si Prin na ayusin ang sarili at tawagan si Cally


matapos matanggap ang tawag ni Bella.

"Husbie, are you with Kai?" Tanong sa asawa.

"Yes, we are in general hall a while ago. kalalabas lang namin," sagot nito.

Ang tinutukoy ni Cally ay ang general hall na nasa Matsui villa at alam ni Prin na
naka-block ang kahit anong tawag o signal sa loob ng kwarto para sa security nang
kung ano man ang mapag-usapan sa loob.

Lumabas siya ng kwarto ng naka-black leather pants at isang itim na blusa,


nakapusod ang mahaba niyang buhok habang kausap si Cally sa kabilang linya.
Kailangan niyang magmadali kaya double time siya sa pagkilos.

"Husbie, please put me on speaker," utos niya dito.

Hinanap niya ang susi ng motor ni Cally sa drawer kung saan nakalagay ang mga
susian ng sasakyan at ng bahay. Huminga siya ng malalim bago nagpatuloy sa
sasabihin.

"Someone got Bella. She called me five minutes ago. Please ask someone to locate
her phone."

"What?!" Si Kai ang nadinig niya sa kabilang linya.

"Kai, she called you pero hindi daw siya maka-konekta. She called me instead. She
was with Maya at may dinalaw daw na kaibigan. Then, these friends knocking down her
sister bago niya ako nakausap. Nagtago siya sa CR nang nakausap ko siya."

"Shi*t! I'll ask MB002 to track her phone's location. Magkita tayo as soon as
possible,"sagot nito sa kabilang linya.

Sakto na nakita ni Prin ang susi ng motor ni Cally. Agad silang gumawa ng aksyon
para ma-trace ang huling tawag ni Bella kay Prin. Hindi naglagay ng GPS si Kai sa
cellphone ng dalaga para magkaroon ito ng privacy kaya gumamit sila ng ibang
paraan.

Matapos ang sampung minuto, sumagot sa kanila si Tom mula sa Japan at binigay ang
eksaktong address kung saan nagmula ang lokasyon ni Bella gamit ang phone details
ni Prin. Lihim silang kumonekta sa satellite para ma-hack ang tawag.

Nagmadali si Prin na makapunta sa lugar gamit ang itim na BMW S1000 na motor ni
Cally. Nagdala siya ng dalawang patalim, maliit na baril para makasiguro sa
kaligtasan niya. Hindi nila alam kung sino ang kalaban.

[Be careful Honey, we are still working with South Caracass issue] mensahe ni Cally
sa kanya.

Sa loob lang ng sampung minuto ay huminto siya sa tapat ng isang apartment.


Magkasunod sila ni Kai na nakarating sa lugar na naka-motor din ng oras na iyon.
Namukhaan niya na kay Cobra ang motor na ginamit nito. Kilala niya si Cobra na
hindi basta-basta magpapahiram ng sasakyan, kaya hindi niya alam kung ano ang
ginawa ni Kai para mahiram nito iyon. Posible na may pinalitan ang lalaki o kaya
naman ay ninenok nito ang motor.

Halatang nagmadali rin ang binata para makarating sa lugar para iligtas si Bella.
Nasa anim na talampakan ang kulay krema na gate ng apartment, two-storey house iyon
at may nadidinig silang malakas na tugtog ng rock sa ikalawang palapag.

"Alamin niyo kung sino ang may-ari nitong bahay. Saka kung sino ang kasalukuyang
nakatira," utos ni Kai sa telepono na sa tingin ni Prin ay si Tom.

Sabay na sumampa si Prin at Kai sa pader saka tumalon papasok sa loob. Parehas
silang maingat sa pagkilos lalo at hindi nila alam kung ilan ang tao sa loob ng
bahay sa kasalukuyan. Hindi nila alam kung sino ang kalaban.

Sinenyasan siya ni Kai na aakyatin nito ang pader papuntang second floor. Nagbigay
lang si Prin ng 'okay-sign'. Si Prin naman ay nanatili sa main door. Sinilip muna
niya ang bintana na katabi ng pintuan. Madilim sa loob ng bahay pero naaaninag pa
rin ang loob.

Nang mapansin na wala siyang makita kahit anino na kumikilos sa loob, dahan-dahan
niyang binuksan ang pintuan. Magulo ang mga gamit na halatang nagkaroon ng komosyon
sa lugar. Naalala niya ang sinabi ni Bella na pinatulog ang kapatid nitong si Maya.

Sa tingin ni Prin ay nanlaban ang babae kaya makalat doon.

May nakita siyang apat na baso sa mesita. Hinala niya na dalawang tao ang kasama ni
Bella at Maya. Tatlo sa baso ang may bahid ng lipstick. Naisip niya na babae ang
isa pang kasama ng mga ito.

Saka siya tumuloy sa CR kung saan niya nakausap ang dalaga at sinimulan na
inspeksyunin ang lugar.

SI KAI sa kabilang banda ay nakaakyat ng tahimik sa terrace ng ikalawang palapag.


Sinilip niya ang bintana at may nakita siyang babae at lalaking nagse-sex sa loob.
Hindi na siya nagpatumpik-tumpik pa na sinipa ang pintuan ng malakas habang
nahihibang ang dalawa sa loob.

Halatang nabigla ang mga ito nang makita siya. Dinampot ng lalaki ang baril nito na
naka patong sa gilid na drawer. Pero bago pa siya nito paputukan ay hinagis ni Kai
ang isang 'shuriken' sa braso ng lalaki. Isang Japanese blade o ninja blade na
hugis star na may limang matutulis at matalim na bagay ang nakaikot. Nabitawan agad
nito ang baril na hawak.

"Ahh!!" Hiyaw nito.

Kinuha naman ng babae na kasama nito ang flower base na nasa ibabaw din ng maliit
na cabinet at akmang ihahagis kay Kai. Halatang hindi ito bihasa at basta na lang
dinampot kung ano ang natipuhan nito.

"I dare you to throw that, I will throw you outside.” banta niya sa babae na tinuro
pa ang terrace. Kinuha na lang nito ang baril at nangangatog na tinutok sa kanya.

"H-huwag kang lalapit.”

Noon napansin ni Kai na suot nito ang binigay niyang jade na hairpin kay Bella.
Uminit agad ang ulo niya. How dare this girl na suotin ang bagay na binigay niya
kay Bella?

"Hmm… too bad you messed with my girl." Nanlilisik ang mata ni Kai na nakatitig sa
babae.

"H-huwag ka sabing lalapit!" Banta nito at saka nakapikit siyang pinaputukan.

"Oops! You missed!"

Hinagis naman ng lalaki ang shuriken pabalik kay Kai na nakatayo sa gilid ng kama
at natuwa ito nang makita na umikot iyon hanggang sa dumikit ang dulong patalim sa
braso niya.

Ngumisi si Kai saka naglabas ng apat pa na shuriken mula sa tagong bulsa at sabay-
sabay na hinagis sa lalaki. Dumikit ang tatlo doon sa dibdib nito at sa hubad na
'alaga' nito ang isa.

"Ahhh!!!!" Hiyaw nito. Nanlalaki ang mata nito habang tinitingnan ang nagdudugo
nitong alaga.

Nangulay pula na ang kama mula sa kawawa nitong junior at sa iba't-ibang parte ng
nasugatan na dibdib. Dahil sa lakas ng hagis ni Kai, bumaon ng mas malalim ang
shuriken at hindi agad ito nakabawi ng lakas.

Saka nanggigigil na hinugot ni Kai ang shuriken sa braso niya at sinuksok pabalik
sa bulsa. Walang pakialam si Kai sa nagsugat niyang braso. Mas nanaig sa kanya na
hanapin at makita si Bella.

"Young lady, where is Maya and Bella?" Tanong niya sa babaeng nakahubad ang
katawan. Wala siyang pakialam kahit wala pa itong saplot sa katawan at sa totoo
lang ay hindi siya nagagandahan dito. Kahit isang porsyento ay walang wala ito sa
angel niya.

Nakagat nito ang labi nang madinig ang dalawang tao na hinahanap niya.

"I-I don't know them! You are trespassing!" Sabi na halatang natatakot kay Kai saka
siya pinaputukan ng limang beses.

Nailagan ni Kai ang mga bala na tinira nito hanggang sa makalapit siya dito at
masakal niya ang babae. Inipit niya ang kamay nito dahilan para mabitawan nito ang
baril na hawak saka nagkakakawag.
Inangat niya ang katawan nito habang mahigpit na hawak ang leeg. Umangat ang paa ng
babae mula sa sahig at hinawakan ng dalawang kamay nito ang kamay ni Kai na nasa
leeg ng babae.

"Sa-sak..lolo…" halos namamaos na ang babae at malapit nang mangasul ang kulay.
Hinila niya ang hairpin na gawa sa jade sa dry na buhok nito.

Pinilit ng lalaki na makabangon para makaganti kay Kai. Napansin niya iyon kaya
sinipa niya ito pabalik sa kama, saka walang awang hinagis ang katawan ng babae
dito. Tumunog ang mga nabaling buto mula sa katawan ng dalawa.

Inuubo ang babae at pinilit na lumanghap ng hangin dahil sa ginawa niya dito.

"Nagagawa mo pang magsinungaling, matapos mo itong nakawin!" tukoy niya sa jade


hairpin. Nag-aapoy ang mata ni Kai at anumang oras ay mapapatay niya talaga ang
babaeng nasa harapan.

"Don't you know it was personally created for her? I was the one who designed this!
Kahit ang buhay mo ay hindi kayang bayaran ang hairpin na 'to,” sabi niya sa babae.
Bakas ang takot sa mukha nito.

Dinampot ni Kai ang baril na nasa lapag saka itinutok sa dalawa.

"Where is Bella?!" Galit na angil niya.

"Kai!" Tawag ng bagong pasok na si Prin saka tumalikod.

Ayaw niyang makakita ng ibang monster bukod sa monster ni Cally at napansin niya na
hubo't-hubad ang dalawa sa ibabaw ng kama.

"Where the hell is Bella?!" Galit na galit si Kai na parang sinapian ng masamang
espirito at alam ni Prin na hindi makakabuti kung tuluyan nito ang dalawa.

"Calm down Kai... ask them to cover at least.”

Ginawa naman ng dalawa. Nagtakip ang mga ito ng kumot. Matapos ang sandali, hinila
ni Prin ang babae. "You! You are the friend who invited them, right?"

"Hu-huwag niyo po akong sasaktan..." nakikiusap ito habang nakatingin sa nanlilisik


na mata ni Kai.

"Who is the other guy who get them?" tanong ni Prin dahil sigurado siya na wala
dito ang lalaking nakausap niya sa telepono. Bago pa makasagot ang babae,
pinaulanan ng bala ang kwarto kung saan sila naroon mula sa labas.

"Shit!" Hinila siya ni Kai para dumapa saka mabilis na gumilid.

Nakita nila na parang mina-massacre ang dalawa sa ibabaw ng kama mula sa mga bala
galing sa labas. Nang makabawi si Kai, nilapitan at saka sinilip niya ang bintana.
Napansin niya ang pagkinang ng isang bagay sa ibabaw ng bubong sa katapat na bahay.
Sigurado siya na salamin iyon ng isang armas.

Mula sa pinakagilid ng bintana, pinatamaan niya ng bala ang kung sino man na nasa
bubong na iyon. Pinatamaan ni Kai ang kung sino man na nasa bubong ang nagpapaputok
gamit ang baril ng lalaking nasa ibabaw ng kama.

Halatang natamaan niya sa braso ang kung sino man na iyon. Yumuko ito para magtago
saglit. Nagpaputok siya ng maraming beses hanggang sa maubusan siya ng bala.
"Sh*t!" Nangigigil na hinagis niya ang armas sa kung saan.

Nakita niya na tumayo ang lalaking nakaputi na overall suit nang mapansin nito na
wala na siyang magagamit na armas. Puting leather pants at shirt na puti rin. May
maliit na marka o simbolo na pula sa kanang dibdib. Ngumisi lang ito na para bang
nakikita siya nito sa loob. Wala itong pakialam kahit pa may daplis ito sa braso.

Lumabas si Kai sa terrace at nagkatitigan silang dalawa ng lalaking nakaputi.

Maya-maya pa, nagbigay ito ng 'salute' sign habang nakaangat ang gilid ng labi.
Sumunod si Prin sa terasa at buong-lakas na hinagis ang kanyang patalim sa lalaki.
Dumaplis ang patalim sa pisngi nito ng bahagya pero nahawakan ng lalaki ang handle.

Nanlaki ang mata ni Prin. 'Who the hell is this guy?!'

Tapos ay kumaway ito sa kanila ng pamamaalam ng nakakaloko. Saka tumalon bitbit ang
armalite na ginamit sa kanila mula sa bubong pababa. Ilang saglit pa, nakita nila
na sakay na ito ng motor kasama ang isa pang naka-puti rin palayo sa lugar.
Nasuntok na lang ni Kai ang bato ng terrace.

"Kai, who the hell are they?" Kunot ang noo na tanong ni Prin.

"I don't know but we have to find Bella as soon as possible." Nakakuyom ang kamao
ni Kai na bumalik sa loob ng kwarto.

Halatang nanggigigil pa rin ang binata at hindi mapalagay.

Parang na-chop ang mga katawan ng dalawang nilalang sa ibabaw ng kama. Literal na
taong nabutasan ang dalawa mula sa mga bala na pinaulanan ng lalaking nakaputi.
Nakadilat pa ang mata ng babae na halos lumuwa na iyon at halatang takot talaga ito
nang binawian ng buhay. Umiikot na rin sa buong kwarto ang malansang amoy ng dugo
mula sa dalawa.

Sanay na sila sa mga ganoong eksana kaya wala man lang kakaibang reaksyon sa kanila
ni Kai.

"Let's bring kung ano ang mga kailangan na pwede nating magamit,” sabi ni Kai.

"I saw this sa CR sa ibaba." Nilabas sa bulsa at inabot ni Prin ang basag na
cellphone ni Bella sa binata. May Hello Kitty kasi iyon na bling kaya alam ni Prin
na gamit iyon ng kaibigan niya.

Lalong kumuyom ang palad ni Kai saka nilagay ang cellphone sa bulsa nito.

Tinapik ni Prin ang balikat ni Kai. "We will find her soon don't worry."

Nalungkot si Prin at halata na galit din siya sa nangyari. Hindi nila alam kung
sino ang kalaban pero sa galing ng lalaking nakaputi, may hinala siya na
nagpaparamdam sa kanila si Gon Peter. Ang grupo nito lang ang tanging may kakayahan
na pantayan ang skills ng Dark Guards.

Kinuha nila ang laptop, cellphone, kopya ng cctv sa bahay at sa katapat na bahay.
Kinuha nila ang lahat ng bagay na maaaring magamit saka sabay na bumalik sa Matsui
Villa.

Halos mag-aalas nuwebe ng gabi na silang nakarating sa tahanan ng Matsui.


SA ISANG sasakyang pandagat na nakatigil ilang metro mula sa dalampasigan…

Isang helicopter ang lumapit dito at tumalon mula doon ang isang lalaking naka-
white suit. Sa loob ng cabin, isang lalaking may ginintuang buhok at nakaroba ng
pula ang umiinom ng raki, isang uri ng alak na kilala sa Albania ang nakalagay sa
isang clear na baso. Nakaupo lang ito sa isang malambot na couch na pinapatungan ng
tiger wool rug. Habang hinihimas-himas ng isang kamay ang alagang leopard sa tabi.
Lumapit dito ang naka-puting suit na nanggaling mula sa helicopter.

"Master, South Caracass got Kai's girlfriend." pagbibigay-alam nito.

"Hmm."

"We saw Kai and Prin, sigurado na iisipin nila na tayo ang kumuha sa babae."

Matagal na natahimik ang Master nito na halatang nag-iisip ng mabuti sa susunod na


hakbang.

"Yes, but please... get that girl for me. Mukhang importante ang babaeng ito kay
Kai at Prin,” sabi bago lumagok ng alak.

"...Do you have news about his shogun?" Tanong nito bago nagsalin muli ng alak sa
gamit na baso. And tinutukoy nito ay si Lorenz.

"Yes. He was still in UK for training dahil malapit na ang labanan ng Dark Guards
para sa posisyon. Tingin ko, gusto ni Lorenz na manatili ang posisyon sa kanya."

Umismid ang lalaking may ginintuang buhok. "Get that Shogun for me! dahil siya ang
kanang kamay at matalik na kaibigan ni Cally." ang sabi bago lumagok ulit ng raki.

DUMIRETSO si Prin at Kai sa computer room ng Matsui Villa. Pinagamot agad ang
nasugatan na braso ni Kai sa isang maid. Walang gustong kumausap sa binata dahil
halata nila na hindi maganda ang mood nito.

Habang si Cobra naman ay busy sa computer nito na may dalawang monitor. Kausap nito
si Mat-Mat at Tom sa headset na pare-parehas computer codes ang pinag-uusapan. Ang
tatlo ang nakatoka sa lahat ng gamit na nakuha ni Prin at Kai sa apartment kung
saan dinukot si Bella. Pati na rin ang issue sa South Caracass Gang.

Nasa meeting si Cally, ang Daddy nito na si Cloud Han at ang Daddy niya kay Senator
Cruz. Nagpapunta ng sampung Dark Guard si Rob mula sa Japan dahil kailangan nila ng
back-up. Malalim ang iniisip ni Prin, iniisip niya ang mga naganap sa apartment.
Hindi niya maiwasan na itanong sa sarili kung sino ang dalawang nakaputi na nakita
nila sa apartment ng gabi na iyon.

Si Kai naman sa kabilang banda ay nanghingi ng papel saka pen para iguhit ang
simbolo na nakita niya sa dibdib ng lalaking naka-white suit kahit pa ginagamot ang
braso niya.

"Base dito sa phone messages ni Bella, inimbitahan siya ni Maya na lumabas. How
come na napunta sila sa bahay na 'yun?" takang tanong ni Cobra habang kausap nito
si Mat-Mat.

Napalingon si Prin dito. "Kung mag-a-unwind ang magkapatid, sigurado na pupunta


sila sa mall para mamasyal, manood ng sine, kumain sa labas. Hindi para dumalaw sa
taong hindi naman kilala ng isa," komento ni Prin.

Lumapit siya sa computer ni Cobra para kausapin si Mat-Mat sa kabilang linya.


Pinalitan niya ang gamit ni Cobra mula headset to speaker para marinig niya ang
sasabihin ng binata sa kabilang linya.

"Matty, can you get all Maya's phone call and text history?" nasanay siya na
tawagin itong Matty kahit Matthew ang totoo nitong pangalan. Ang totoo, walang
ideya si Prin kung ano ang hitsura ng binata dahil hindi naman ito nagpapakita.
Isang larawan lang nito ang hindi sinasadya na lumabas sa computer ay siguradong
deleted agad.

"I'm on it kanina pa!" alam ni Prin na hindi ganoon kadali na makuha ang
impormasyon lalo at wala ang telepono nito sa kanila.

Hindi nila natagpuan sa apartment ang cellphone nito o kahit anong gamit. Umaasa
lang sila sa numero ng kapatid ni Bella at saka sisimulan na i-hack sa Mobile
company na gamit ang sim card number ng dalaga. Ilang minuto pa, may nakuha agad
itong impormasyon. "Got it!"

"Okay, base sa phone history, sa social media account ni Maya, this girl is her
classmate and they are working on a project," pagbibigay-alam nito.

"How did you know she was her classmate?" takang tanong ni Tom sa kabilang ibayo.

"I got her Phone data.”

"Wow! You got her data? As in, All of it? just using her phone number?" nanlalaki
ang mata ni Cobra na sunud-sunod na tanong sa binata.

"Is it surprising? I will never be a number one hacker in the world, kung simpleng
phone data ay hindi ko makukuha," mayabang na sabi.

"Base dito sa palitan nila ng mensahe, pinapunta niya saglit si Maya sa bahay dahil
may ibibigay na paperwork. And I guess, her intention was to kidnap Maya. Isang
malaking regalo na lang na nasama si Bella,” paliwanag ni Mat-mat.

"Yes, and her boyfriend was the mastermind. He will receive a 100 thousand kada
babae," pag-sang-ayon ni Cobra.

"Nanggigigil na nga akong malaman kung sino ang may pasimuno e." si Mat-mat.
Napaisip si Prin

"Do you think it's South Caracass?" tanong ni Prin habang nakatingin kay Cobra. Sa
palagay niya ang lalaking namatay sa apartment ang tinutukoy nito na tumatanggap ng
100 thousand.

"Guys! Guys! I found Bella!" biglang sigaw ni Tom sa speaker. Napalingon si Kai at
tinungo ang pwesto nila nang marinig nito ang pangalan ng babae.

Agad na nag-share si Tom sa computer nila kung ano ang nakikita nito sa sariling
monitor. Isang kuha ng CCTV mula sa malayong lugar ang pinapanood nila. Medyo
malabo ang kuha dahil malayo ang CCTV camera, pero base sa anyo, si Bella, Maya at
iba pang mga babae ang bitbit ng mga lalaking hindi mapagkakatiwalaan paakyat ng
Yate.

"Let me handle that!" sabi ni Mat-mat at agad nitong ninakaw ang files ni Tom para
palakihan at palinawan ang kuha sa CCTV.
Kita nila sa mas malinaw na kuha na sinasakay si Bella at Maya sa isang yate. Base
sa hitsura ng lalaking may bitbit sa kaibigan niya, hinala ni Prin na ito ang
lalaking nakausap niya sa telepono ni Bella. Si Kai sa tabi ay gustong gusto nang
manapak.

"Where the hell is that?" tanong ng binata.

"Port B! Marina Bay," sagot ni Tom.

"Okay, get that yacht's name!" utos ng binata kay Tom.

Doon nagsipasukan si Cally, Rob kasama si Zuki papasok sa computer room. Eksakto na
napansin ni Cally ang monitor.

"Pause the video," utos nito. Lumapit ito sa kanila. Nakakunot ang noo ni Prin.
"Matty, pause the video."

Sinunod naman nito. "Rewind for 10 seconds." Sinunod muli nito saka nag-play muli.

"Stop!"

Mukha ng isang lalaki at babae ang na-capture ng screen. Nagkatinginan si Rob at


Cally. "It's her! Hitomi together with the Police Major!"

LUMIPAS man ang panahon, hindi nagbabago ang tingin ni Rob sa nagka-edad na si
Hitomi. Umismid siya, hindi niya akalain na buhay pa pala ang babae at nananatili
rin na buhay ang business nito na pagbebenta ng babae. Sa panahon na ito, gusto
niya nang markahan ang babae. Kahit pa nananatili ang ganda nito na hindi halata sa
tunay nitong edad. Sa tingin niya, si Hitomi ang partner ni Police Major sa Human
Trafficking habang si Mr. Sy sa droga.

"We have to get that case," turo ni Rob sa bitbit ni Major Jaime na nakikita nila
sa screen.

"By the way, where are the others?" tanong ni Rob kay Tom.

"Are you talking about us?" tanong ng isang matinis na boses mula sa pintuan.
Sabay-sabay na napalingon ang lahat ng nasa computer room sa pintuan. Nagliwanag
ang mukha ni Prin nang makita ang grupo nila Ana at siyam pa na kasama nitong Dark
Guards.

NAGTATAGO ang grupo ng Dark Guards sa mga hilera ng nakaparadang truck sa port.
Binabantayan nila ang yate kung saan naroon si Bella. Naghihintay lang sila ng
signal gamit ang earpiece at maliit na camera.

Patuloy ang pagparada ng sasakyan sa port at kung sinu-sino ang lumalabas mula
roon. Mga kilalang opisyal, businessman at kung sinu-sino pa. Hinihintay nila ang
signal mula sa Heneral ng pulisya saka sa signal ni Kai.

Matagal na rin palang minamanmanan ng Heneral si Major Jaime dahil kakaiba ang
lifestyle nito. Kapwa Police Major ang nagre-report sa Heneral. At sa gabi na iyon
ay tatapusin na nila ang laban ng droga at ilegal na gawain ni Major Jaime.

Si Cobra ang naka-assign sa computer na nasa loob ng van na nakaparada sa di


kalayuan. Kausap niya si Mat-mat sa kabilang linya. Ang dalawa ang naka-assign sa
CCTV, locks at mapa ng malaking yate sa loob. Naghihintay si Prin, Cally at Kai sa
sasakyan ng asawa niya dahil kailangan ipasok ni Mat-mat ang pangalan nila sa
listahan ng RSVP para makapasok sila sa yate ng walang problema.

"Okay, your name Prin is Mia Khalifa and is now in their RSVP list,” sabi ni Mat-
mat sa telepono na naka-speaker sa sasakyan ni Cally.

Si Kai na umiinom ng tubig mula sa bote ay napabuga nang wala sa oras. Si Cally sa
tabi ay lihim na natawa. Kunot-noo si Prin at walang naintindihan.

"Hey, why are you laughing?" tanong niya kay Cally.

"Nothing!" saka hindi napigilan na humalakhak ni Kai. Halos magluha na ito


kakatawa.

"Okay, Cally you are Johnny Sins!" sabi nito.

Cally "...." ganoon ba kabilis ang karma?

"and you Kai is…"

"Ryan Driller.”

Kai "...."

"You are ready to go. Your face and name is now in their RSVP list.” dagdag pa ni
Mat-mat.

"Fu*k you! Pasalamat ka wala ka dito sa Pinas!" galit na singhal dito ni Kai.

"Dami reklamo… lapit na sa bouncer at sabihin niyo lang ang pangalan niyo. Hindi na
importante ang pangalan na pinili ko, ang mahalaga ay maligtas mo ang iyong Angel,"
sagot nito sa speaker. Napapikit si Kai para kalmahin ang sarili. Gusto niyang
bugbugin ang hacker na ito na walang mukha nang harap-harapan. Si Prin ay clueless
kung ano ang mga pangalan na binigay ni Mat-mat.

Ilang minuto pa, huminto ang sasakyan ni Cally sa tapat ng mga gwardia na nakaabang
sa bisita paakyat sa malaking sasakyang pandagat. Lumabas si Cally, Prin at Kai
mula doon. Kapwa naka-tuxedo si Kai at Cally habang nakapulang gown na may mahabang
slit si Prin. Para silang mga anak ng diyos na nilabas mula sa sasakyan.

Hindi mawala ang titig ng mga gwardiya kay Prin. "name niyo po Ma’am?"

Nakaliyad ang dibdib na sinabi niya ang pangalan sa lalaking nasa tapat ng scanner
at may bitbit na ipad.

"Mia Khalifa!" taas noo na sabi niya dito.

Guard "...."

Tumikhim muna ito bago hinanap ang pangalan niya sa listahan. "Kayo sir?"

"J-jhonny Sins and Ryan Driller!" pabigla ang pagkakasabi ni Kai dahil malapit niya
nang ibaon ang sarili sa lupa.

Guard "...."

Matapos silang ma-scan mula ulo hanggang paa, pinatuloy silang tatlo sa loob. Saka
nila binuksan ang aparato na nakakabit sa tenga at iba pa.

"We are inside!" sabi ni Prin sa maliit na bolitas na nakakabit sa tenga nila. Saka
niya narinig ang malakas na halakhak ni Ana at ng iba pa.

"Oh my god! I love this Matthew so much! I saw your domineering look, I am going to
die sa pagtawa," paliwanag ni Ana.

"Why?" tanong niya.

"Don't tell her," utos agad ni Cally kaya natahimik ang lahat. May makaka-suway ba
sa kanilang shi? Kumunot ang noo ni Prin.

"Are they celebrities?" hindi niya napigilan na itanong.

"Yes!" sabay-sabay na sagot ng mga ito.

"Guys, I am warning you, we are here for a mission," banta ni Kai kaya natahimik na
ang lahat. Saka tumuloy ang tatlo sa ballroom na nasa ikalawang palapag ng yate
kung saan gaganapin ang 'laro' nila sa gabing iyon.

NANG makapasok sila Prin sa loob ng ballroom ng yate kung saan gaganapin ang event,
nagsimula silang pag-aralan ang lugar. May mga babaeng nasa loob ng bawat cage na
animo ay mga hayop na nakakulong. Ang suot ng mga ito ay tanging underwear at
halatang lutang ang mga ito na hinala nila ay naka-droga.

Naniningkit ang mata ni Prin habang iniikot ang paningin sa paligid. Napaka-walang
hiya ng taong gagawa nito. Sanay na siya na makakita ng namatay na tao. O kahit ang
makapatay ng tao. Kahit ang nabubulok na laman ng tao ay sanay siya, pero hindi ang
mga katawan ng mga inosenteng babae na nakakulong at tila walang magawa at walang
alam sa nangyayari sa paligid.

May mga babaeng nagsasayaw ng slo-motion at naka tiger print underwear lang din sa
iba't-ibang bahagi ng ballroom. May mga leather choker sa leeg na may chains na
nakakabit sa pole. Sumibol ang poot sa dibdib ni Prin para sa babaeng si Hitomi.

May stage at runway sa gitnang bahagi na hinala nila ay rarampa doon ang mga babae.
Rarampa lang ang mga babae doon na may numero at huhulaan ng parokyano ang numero
na sa palagay nila ay ang babaeng natipuhan.

Kapag may nakauna ng makapili, doon magsisimula ang bid. Parang bibili ng
mysterious box na hindi alam kung sinong babae ang nabili nila sa gabi na iyon. Ang
maisip na isa si Bella sa mga ito ay hindi masikmura ni Prin.

Nagsimula silang maghiwa-hiwalay nila Kai at Cally para mas pag-aralan pa ang
lugar.

"I am fu*king hating this!" narinig niyang angil ni Kai sa earpiece.

"Calm down, leader MB5," sabi niya dito.

Alam nila na nate-tense na ang leader nila sa nangyayari. Gumagana masyado ang
imahinasyon nito lalo at kitang-kita nila kung ano ang nangyayari sa paligid. Alam
ni Prin na mas dumoble ang pag-aalala nito kay Bella.
Samantala, sa ilalim ng dagat, nag-scuba dive si Zuki at tatlo pang kasama nito
hanggang sa makalapit sa likurang bahagi ng malaking yate.

Gamit ang isang pana, tumusok ang dulong bahagi na may claw sa gilid ng deck area
ng yate. Nakakabit sa claw na ito ang mahabang tali saka sila nagsimulang magsi-
akyatan.

Ang Dark Guards na nagtatago sa bubong ng truck ay naghihintay ng signal mula kay
Kai. Sa loob ng 15 minutes darating ang apat na helicopter ng kapulisan para
hulihin ang mga taong nasa loob ng ballroom.

Ang trabaho ni Mat-mat ay i-lock ang ballroom para walang makalabas. Pero kailangan
niya ang tulong ng isang Dark Guard na mahanap kung nasaan ang lock.

"We are in!" narinig nilang sabi ni Zuki. Lahat ng armas na kakailanganin nila ay
nasa bag na hawak nito. Sa loob ng ballroom, nanatili si Prin na umiikot sa
paligid. Ilang saglit pa, dumilim ang ilaw at tanging liwanag lang mula sa stage
ang makikita.

"Magsisimula na ang show," sabi niya at alerto pa rin sa nangyayari sa paligid.

"I saw Hitomi, Major and Mr. Sy now. 10 o'clock, 11 meters sa pwesto mo Prin,"
narinig niyang sabi ni Kai.

Palihim niyang sinilip ang mga taong binangit ni Kai. Madilim sa bahagi ng mga ito.
May mga armadong lalaki sa paligid ni Major Jaime at may dalawang babae rin na
kasama si Hitomi. Nagtatawanan pa ang mga ito.

"This old lady made me sick!" narinig niyang sabi ni Rob.

"Dad? You are here?" nagulat si Prin kung bakit kasama nila si Rob.

"Nasaan ba ako dapat? I have to finish this old hag tonight! And I have to meet her
in person in able to do that. I want to p**e seeing her pointy nose na parang
mangkukulam," sagot nito.

Napapailing na lang siya. Sa pagkakaintindi niya magseseventy na si Miss Hitomi, na


inaanak ng lola niya. She doesn't look like a senior, pero halata na mahina na ang
babae kaya may palagay siya na body guard nito ang dalawa pang babae na iyon na
mukhang bihasa rin sa laban.

Ilang saglit pa, nagsimula na ang show.

Isang nakakaengganyong tugtog ang pumailanlang sa buong ballroom.

"Guys, the show is starting. get ready!" Narinig niyang sabi ni Kai para sa mga
kasama nilang Dark Guard.

Si Cally sa kabilang banda ay lihim nang kinita ang grupo ni Zuki para makuha ang
mga gamit na dala nito. Saka tumuloy ang grupo sa ibabang bahagi ng yate. Kailangan
nilang makuha ang lahat ng ebidensya ng drugs. Si Cally ay mas pinili na bumalik sa
ballroom.

Sa ballroom, nagsimulang lumakad ang mga babae na naka-underwear may humihila sa


mga ito na nakasuot ng maid uniform. Walang masabi si Prin dahil talagang magaganda
ang mga babaeng naglalakad nang wala sa sarili sa stage.

Naghihiyawan ang mga kalalakihan at parang hayok na hayok sa laman. Kahit si Hitomi
sa gilid ay pumapalakpak pa. Nasa ikalimang babae pa lang ang naglalakad nang
magbigay ng signal si Kai.

"Guys, pasok na kayo!" Utos ni Kai.

SA LABAS ay lihim na nakalapit ang grupo ni Ana at siyam pang kasama matapos
marinig ang signal ni Kai. Isang sipa sa mukha ang binigay nila sa unang guard na
malaki ang katawan. Napansin ng kasama nito na nasa likod ang nangyari kaya
nagbigay ito agad ng alerto sa grupo ni Major Jaime.

"Red Alert! Red Alert!" Matapos nito iyong sabihin sa radyo ay isang saksak sa leeg
ang binigay dito ng kasama ni Ana saka itinulak ito sa dagat. Ang ibang Dark Guards
ay tumuloy na sa pagpasok patungong ballroom. Pinaulanan sila ng bala na nagmumula
sa itaas habang tumatakbo papasok.

"Akong bahala sa ugok na 'to!" Sabi ng isang kasama nila.

Gamit ang dalawang matutulis na patalim, inakyat nito ang pader hanggang sa
makaakyat sa palapag kung saan nagpapaputok ang lalaki. Gumulong-gulong ito habang
pinapuputukan, sa gigil ng Dark Guard ay nagbato na ito ng shuriken sa lalaki.

Nakuha ng grupo ni Major Jaime ang signal na may nakapasok na mga hindi kilala,
napansin ni Prin na bigla itong tumayo matapos mabulungan nang bagong lapit na
lalaki.

Eksakto naman na naglalakad si Bella sa stage. Nakakuyom ang kamao ni Kai habang
tinitingnan niya lang ang nobya na nangingitim ang mata, tulala at naka-underwear
habang hawak sa kamay ng isang maliit na maid. Hindi niya masikmura na naghihiyawan
ang mga kalalakihan sa paligid na makita ang walang awa niyang girlfriend.

Hindi na kinaya ni Kai ang emosyon niya nang makarating ito sa dulong bahagi ng
stage, kaya agad siyang sumampa doon and he covered her body with his coat.
Nagsipaglingunan ang grupo ni Major Jaime dito at pinaputukan si Kai.

"Leader!" Sigaw ni Prin saka siya napansin ng ibang kalaban. Gumulong si Kai nang
yakap si Bella paibaba ng stage para mailagan ang putok. Nagsipaghiyawan at
nagkagulo naman ang mga tao sa ballroom matapos may magpaputok ng bala.

"Naloko na! Guys faster!" Sabi ni Prin bago niya sinipa sa mukha ang lalaking
lumapit sa kanya.

Napansin siya ng grupo ni Major at Hitomi kaya pinaulanan din siya ng bala. Bago pa
siya matuluyan ay ubod ng lakas na itinaas niya ang mesa kung saan siya naroon para
gumilid ang bagay na iyon at maipananggalang sa katawan niya.

Nagsipagbasagan ang base, wine baso at kung ano pang nakapatong doon. Wala pa man
ding armas na hawak si Prin. Napansin niya ang tinidor na nalaglag mula sa mesa
kaya dinampot niya iyon. Dahan-dahan na lumapit sa kanya ang lalaking may baril, at
babarilin na sana siya nito nang makalapit si Cally at gilitan sa leeg ang lalaki.

"Oh my gosh Husbie, thank you!"

Nakuha niya ang baril nito saka sabay silang sumugod patungo sa pwesto ni Hitomi.
Nakita nila na patakas na si Hitomi, Major at Mr. Sy papunta sa pintuan na nasa
likuran.

Nakita nilang sumunod si Rob sa mga ito. Samantalang hinarangan silang dalawa ng
mga bodyguard ng grupo ni Major Jaime. Nagpalitan ng paputok sa pagitan nila Cally
at Prin laban sa bodyguards.

"Cobra anong balita sa lock?" Tanong ni Cally.

"Wala pa shi!" Naiinip na rin ito na nananatili sa sasakyan kaya nangigigil na ito
na lumabas ng van bitbit ang laptop. Sa tingin ni Cobra ay kailangan niya nang
magkusa na hanapin ang lock at main switch ng yate. Tumakbo na rin ito papasok ng
yate.

Si Kai at Bella sa kabilang banda ay palabas na sana nang harangin ng dalawang


lalaki na akala niya ay waiters. Kapwa may hawak na patalim ang mga ito kaya
nilapag niya si Bella na nananatiling tulala sa isang gilid. Galit si Kai at
talagang nagdidilim ang paningin niya.

"Come here!" Sabi niya sa dalawa.

"Ahhh!!!" Saka sabay na sumugod kay Kai ang dalawa.

Hinuli niya ang braso ng isa habang sinipa ang isa pa. Nagkikiskis ang mga ngipin
niya na pinag-untog ang dalawa kinuha niya ang mga hawak nitong patalim at sabay na
tinusok ang mata ng dalawang lalaki. Binaon niya ang patalim na iyon hanggang sa
hindi na makita ang hugis ng mata ng mga ito. Tapos napansin niya na inaakay ng
maid na nakatoka kay Bella ang nobya niya para itakas sa paningin niya.

Isang lalaki pa ang sasalubong sa kanya na agad niyang sinuntok ang mukha saka
hinagis. Tinakbo niya ang babaeng maid hanggang sa maharangan niya ito.

"Saan mo siya dadalhin?" Matalim ang tingin ni Kai na tanong sa maid. Natatakot na
nabitawan nito si Bella. Sinakal niya ang maliit na maid gamit ang isang malaking
palad na may panggigigil hanggang sa lumawit na lang ang dila nito at marinig na
lang na nabali na ang leeg ng babae dahil sa tindi ng pagkakasakal ni Kai.

Sa oras na iyon, galit talaga si Kai at parang walang kahit na ano pa man ang
makakapagpagaan ng kalooban niya. Kung maaari lang na pasabugin niya ang buong
sasakyang pandagat na iyon ay ginawa niya.

Binuhat niya si Bella para ilayo na sa lugar.

"Find her sister," utos ni Kai sa mga kasama.

NAGHIWA-HIWALAY ang mga Dark Guards nang makarating sa palapag kung nasaan ang
ballroom.

"You, MB35, South Door 1. MB16, South Door 2. GW0025, east Door 3…" at binanggit ng
isa pang leader kung saan poposisyon ang iba pang Dark guard.

Nabanggit na ni Cobra ang bawat pintuan ng yate habang nasa ibabaw sila ng truck.

"Huwag nating hayaan na may makalabas ng Ballroom kahit sino bukod kay Leader Kai,
Okay!" pagkasabi nito ay nagsipagtakbuhan na ang lahat kung saan sila poposisyon.

Gayunpaman, may mga parokyano nang nakalabas mula sa loob at hindi na nila ito
napigilan. Nagkakagulo ang mga ito dahil sa gulong naganap sa loob. Iba-iba ang mga
taong lumabas mula sa loob. May naka-underwear, naka-formal suit at gown. Hinayaan
na lang nila dahil wala naman sa mga ito ang pakay nila sa gabing iyon kung hindi
ang tatlong mastermind ng sindikato.

Samantala, si Major Jaime ay nanggigigil. Naghiwa-hiwalay silang tatlo nila Hitomi


dahil kailangan niyang makuha ang case sa cabin niya kung saan naroon ang lahat ng
natitirang drug pills na hindi pa naipapamahagi sa mga tulak.

Sa ilalim o sa basement ng yate, parehas ang pakay ng grupo ni Zuki kaya iniisa-isa
nila bawat cabin. 35 rooms ang lahat ng nasa basement at dahil mapa lang ng yate
ang nakuha nila mula kay Cobra, kailangan nilang isa-isahin ang lahat ng kwarto.

Sa Ballroom hall naman, magkatalikuran si Prin at Cally dahil naubusan na sila ng


bala at ganoon din ang limang tao ni Major Jaime na nakapalibot sa kanila at pare-
parehas na patalim ang hawak.

"Honey, 'yung slit ng gown mo ay sobrang sira na," puna ni Cally sa likuran.

Hindi alam ni Prin ang isasagot, nagagawa pa nitong pansinin ang kasuotan niya. May
suot naman siyang maiksing cycling na itim na kita na dahil umabot na sa bewang ang
slit ng gown niya. Masakit na rin ang paa ni Prin dahil sa takong na suot.

Kapwa maaangas ang lima at ilang saglit lang ay sabay-sabay na nagsisuguran ang mga
ito sa kanila.

"Wrahhhh!" angil ng mga ito.

Winasiwas ng isa ang patalim na hawak kay Cally, hinuli naman nito ang kamay na may
patalim saka binali ang braso gamit ang tuhod. Tinulak niya ito sa dalawa pang
kasama na pasugod din sa kanya. Nang makabawi ang tatlo, sabay-sabay na sumugod
muli ito sa kanya.

Si Prin sa likuran ay pinatid ang isang lalaki, nang mapahiga ay tinapakan niya ito
sa dibdib tapos diretso siya na sumampa sa balikat ng isa pang kasama nito at
niyakap ng mahigpit ang ulo nito na parang bola. Nagkakawag ang lalaki at pilit
siyang pinatatamaan ng patalim. Nadaplisan siya nito sa binti kaya nagkaroon ng 2
inches na guhit ang binti niya.

"yahhh!!" she growls.

Pinilit niyang pigilan ang kamay nito gamit ang isang kamay habang iniipit ng mga
binti niya at isa pang braso ang leeg nito. Hinawakan niya ng mahigpit ang kamay
nito patungo sa tenga ng lalaki. Nagtatagisan sila ng lakas

Nang makabawi ang isa pang lalaki, tumayo ito at tumungo sa kanila. Ubod-lakas
niyang sinipa ito para matumba muli ito.

Pinilit na yumuko ng lalaki para mahulog si Prin sa balikat nito. Umikot siya sa
ibabaw ng lalaking iyon paharap saka ito sinuntok sa panga para mawala ito sa
balanse. Narinig niya na nabasag ang ilang ngipin nito kaya nagdugo ang bibig ng
lalaki. Saka siya gumulong pabaliktad.

Sumugod naman sa likuran niya ang isa pa at niyakap ang leeg niya. Naaamoy niya ang
mabahong hininga nito na halos masuka na siya sa amoy.

"Kinalimutan mo pa ang mag-toothbrush. Yahh!!"

Nanggigigil na hinablot niya ang balikat nito para i-one sided back throw .
Nakadagdag sa inis niya ang pulang sapatos na may takong kaya hinubad niya iyon at
pinukpok sa ulo ng napahigang lalaki. Nawalan na ito ng malay pagkatapos.
Hinihingal na si Prin na hinarap ang isa pa, may nadampot siya patalim sa lapag
kaya kinuha niya iyon. Nag-aapoy na ang mata niya at gusto niya nang tapusin ang
laban para mahabol ang demonyitang si Hitomi.

Ipinilig niya pa ang ulo sa kanan at kaliwa saka umabante patungo sa isa pang
lalaki. Inilagan niya ang patalim na hawak nito saka niya tinusok ng patalim ang
leeg ng lalaki. Sumirit agad ang dugo mula sa leeg nito.

Nakita niya si Cally na tapos na rin ito sa tatlo pang lalaki. Hinagis niya ang
nag-iisa pang sapatos sa sa kung saan saka sila lumabas ni Cally sa pintuan kung
saan din lumabas ang tatlong 'big time'.

Naghiwalay sila ni Cally nang makalabas sa ballroom. Sa pagtakbo ni Prin nakita


niya ang Daddy niya sa hallway na nakabantay kay Hitomi. Nasa kabilang bahagi si
Kai habang bitbit si Bella para ma-corner ang babae. Parehas na nanlilisik ang mata
ni Rob at Kai habang nakangiti nang may pagka-demonyita si Hitomi.

"Hmm. ha ha ha!" parang demonyita talaga na tumawa ang gurang na babae.

"Wala ka nang malulusutan, kaya ba tumatawa ka na lang?" sarkastikong tanong ni Kai


dito.

"Tsk tsk! No, no, no Second Young Master. I am just happy to see you rescuing your
girlfriend," nakangiting sagot nito. Alam ni Prin na may pagka-lunatic ang babaeng
nasa harapan nila at alam niya na may tinatagong patalim ito sa binti o kung saan
man.

"So, you knew she was my girl and you still dared to touch her?" matalim ang tingin
ni Kai dito.

"Ayoko sana e, but Miss Su-wei asked me to sell her tonight," pagbibigay-alam nito.
Nakatingin pa sa naka-manicure na mga kuko si Hitomi na parang walang pakialam
kahit mamatay ito doon.

Natigilan si Kai nang malaman na may kinalaman ang Mommy niya sa nangyari na iyon
kay Bella.

NATIGILAN si Kai sa nadinig. Humigpit ang kapit niya kay Bella na nanatiling
tulala. Sa dinami-rami ng taong pinagkakatiwalaan niya, hindi niya akalain na
magagawa iyon sa kanya ng Mommy niya.

Naramdaman ni Prin na may tao sa likuran kaya hinila niya ang fire extinguisher na
nakasabit sa pader. Pinaputukan sila ng dalawang babae na nakita niya na bodyguard
ni Hitomi.

Naging daan naman iyon kay Hitomi para makakuha ng tiyansa na makalusot kay Kai na
natigilan. Dumaan pa ang babae sa kanya nang nakangisi.

"Ako na ang bahala sa kanya," sabi ni Rob saka sumunod kay Hitomi.

Tumango lang si Kai pero sumunod siya kay Rob para mailabas din si Bella sa lugar.

Nangigigil si Prin na lumapit sa dalawang babae ginamit niya ang fire extinguisher
para masalag ang mga bala na pinapaputok nito sa kanya. Nabutas na ang lagyanan ng
bitbit niya kaya may lumalabas ng malamig na puting hangin (nitrogen) doon. Nang
makalapit sa mga ito ay sinampal niya sa mukha ng isa ang lagyanan kaya tumabingi
ang mukha ng isang babae. Saka niya tinalon ang isa pa at pinigilan ang kamay nito
na may hawak na armas. Mabilis niya itong tinulak sa pader.

Hawak-hawak niya ang kamay nito na pilit na itinututok sa kanya ang baril na hawak
at pinipigil naman ng braso niya ang dibdib ng mukhang sanggano na babae.
Nagpaputok ito at tumama iyon sa kisame. Ilang beses pa itong nagpaputok ng baril
at kapwa sila nangigigil sa isa't-isa. Binigyan niya ito ng headbutt sa noo.

Bumangon naman ang isa pang babae at hinimas ang tumabinging panga saka muling
sumugod. Naramdaman niya iyon sa likuran kaya pilit niyang itinutok ang hawak na
baril ng pinipigilan niyang babae dito.

*bang!* tinamaan sa noo ang bagong tayong babae.

"Tapusin na natin ito!" angil sa sabi niya.

"wrahhhh!!!"

Siniko niya sa mata ang babae saka niya hinampas ang ulo nito sa kabilang pader at
nangigigil na tinulak pasulong ang mukha nito sa pader. Saka niya hinampas muli ang
ulo nito sa kabila pang pader. Nawalan ng malay ang babae.

Hinihingal si Prin pagkatapos. Dinampot niya ang baril nito saka tumakbo siyang
muli pasunod kay Rob.

Si Cally sa kabilang banda ay walang kahirap-hirap na nahuli si Mr. Sy.

Si Kai naman ay bitbit si Bella na palabas na ng yate. May mga kasabay siyang
ordinaryo na nagsisipagtakbuhan palabas pero hindi na niya pinansin pa ang mga ito.
Ang nasa isip ni Kai ay ilayo ang nobya niya sa lugar.

Wala siyang pakialam kung masuspinde siyang muli dahil iniwan niya ang misyon.

"I'm going guys, ihahatid ko na si Bella," sabi niya. Bago pa niya marinig ang
reklamo ng mga kasama, tinanggal niya na ang ear piece at hinagis iyon sa dagat.

Halo-halo ang nararamdaman ni Kai sa mga oras na iyon habang naglalakad sa madilim
na bahagi ng port na bitbit si Bella. Sama ng loob, pagkainis, awa at pagkamuhi ang
nararamdaman niya.

Malapit na siya sa motor na gamit nang madinig niya sa unang pagkakataon si Bella.

"Kai…" mahina at namamaos na tawag nito.

Huminto siya saglit ay nilapag si Bella sa semento. "Yes , My Angel?"

Nakita niya na nagluha ang mata nito. "I'm... thirsty..."

Nakaramdam siya ng awa sa nobya.

"Hahanap ako ng tubig for you. Saglit lang ha." Inikot niya ang paningin. Naalala
niya na may tubig ang van na gamit ni Cobra, kaya bitbit si Bella ay dinala niya
ito doon. Laking pasalamat niya at hindi na-lock ni Cobra ang van.

Pag-aari iyon ni Rob na konektado sa computer ni Mat-mat. Nasabi na sa kanya ni


Prin na may mga armas ang sasakyan na iyon.

Dahan-dahan niyang inupo si Bella sa likurang bahagi ng sasakyan saka naghanap ng


tubig sa loob ng van.
"Here," tinapat niya sa bibig nito ang tubig pero hindi nito mainom ng maayos.

Wala siyang choice kun’di inumin ang tubig saka isalin sa bibig nito iyon. Napansin
niya na nakakabawi na ng lakas ang dalaga at hindi na tulad ng una na tulala lang
ito na parang hindi siya nakikita.

"Matamis ang tubig..." komento nito.

Hindi napigilan ni Kai na halikan ang nobya niya sa mas malalim na paraan.

Hindi niya alam kung ano ang pinakain sa kanya ng babaeng ito at kaya niyang iwan
ang misyon ano mang oras na hindi niya pa nagawa sa ilang taon niya bilang Dark
Guard. Bella is like a beautiful potion who brings happiness inside his heart.

Ilang buwan pa lang sila na magkasama pero alam niya sa sarili niya na wala nang
ibang Bella pa na dadating sa buhay niya. Kaya niyang iwan ang posisyon niya bilang
Leader ng Dark Guard o kahit ang tagapagmana ni Master Chen para sa babae.

HAPLOS ni Kai ang pisngi ng kanyang Angel. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam
niya nang mahalikan niya ito.

"I'll stay here… go and help them to save my sister… She was in cabin 3 with the
other girls," hiling ni Bella.

Nagdadalawang-isip si Kai sa hiling nito dahil pansin niya na nanghihina pa si


Bella.

"A-are you sure?" tanong niya.

"Hmmm."

Kinuha niya ang earphone na nakasabit sa unahang bahagi ng sasakyan kung ano ang
gamit ni Cobra nang kausap nito si Mat-mat. Nagbabakasakali na baka nasa linya pa
ang manyak na hacker.

"Mat?" tawag niya. Laking pasasalamat niya nang sumagot ito.

"Yes, Ryan Driller? Mukhang na-save mo na ang iyong Angel. Inggit ako sa sweetness
niyong dalawa," komento nito.

Mukhang nadinig nito ang pinag-usapan nila ni Bella dahil naka-on pa ang koneksyon
ng sasakyan sa computer nito.

"I almost thought na may aksyon din kayong gagawin sa Van e." dagdag pa nito.

'What a pervert hacker?!'

"Mabuti pa sabihin mo sa akin kung saan banda ‘yung cabin 3. Saka, nasaan ang armas
dito sa van?"

"Wow! Mukhang mas matalino ka kay Cobra. Pahanap na rin ng main switch ng yate
habang papunta ka sa cabin 3. Anyway, itulak mo lang gamit 'yung kanang kisame
diyan sa itaas ng pintuan kung saan kayo pumasok ng Angel mo."

Tinanggal ni Kai ang headset, saka sinunod ang payo ni Mat-mat. May naka-ukit naman
na salitang 'PUSH' kaya hindi siya nahirapan.

*klink*

Bumukas ang gilid na parte ng sasakyan, ang ibabang bahagi ng bintana matapos
niyang itulak ang tinuro nito sa kanya at lumitaw ang ibat-ibang uri ng armas.

May M-16, katana, baril at kung ano pa. Nilagay niyang muli ang earphone sa tenga.

"May armas ka dito at hindi mo man lang sinabi sa'min?" tanong niya kay Mat-mat.

"Wala namang nag-request e, ikaw pa lang. O siya, pili ka lang ng isa ha. Kay uncle
Rob iyan.”

"Sure, anyway, nasaan ang camera dito sa van?" habang tinatanong ito ay nakita niya
ang bilog na bagay na parang mata ng stuffed toy, naka-gitna iyon sa aircon ng
sasakyan at tutok na tutok kay Bella.

"Why?" tanong nito.

Inayos niya ang coat na nakatakip kay Bella.

"Dahil ayokong bosohan mo ang Angel ko. Akala mo ba ay hindi ko alam na may kopya
ka ng mga larawan ni Prin nang mag-laro kami ng beach volleyball?"

Bago pa ito makatanggi ay kumuha na siya ng electrical tape na nakakalat sa ibabaw


ng sasakyan at tinakpan ang sa palagay niya ay ang camera.

"Ano ba iyan, ang boring!" reklamo nito agad kaya alam niya na tama ang hinala
niya.

Gustong magtaas ng kilay ni Kai sa manyak na si Mat-mat. "babalik na ko sa loob.”

"Ok. Ingat! Pasalubong ko ha."

"Gagu!"

Tumawa lang ito sa kabilang linya. Napapailing si Kai sa pinsan na ito ni Cally.
Hindi lingid sa kanya na mas mayaman pa sa kanilang lahat ang lalaki. Kaya nitong
kumita ng milyon sa isang oras lang.

Binalingan niya si Bella.

"See you later, My Angel," saka niya ito hinalikan sa noo.

SI ROB sa kabilang banda ay hinagisan ni Hitomi ng maliit na bomba.

"Ha ha ha!" tumawa ito ng nakakaloko pagkatapos.

"F*ck!" mabilis na gumalaw ang utak niya at tinungo niya ang pinakamalapit na
pintuan bago muling sinara iyon. Eksakto naman na sumabog ang bomba.

Hindi naman ganoon kalakas ang pagsabog pero dumagundong pa rin sa labas ng
pintuan. Nangigigil na siya sa gurang na babaeng ito.

Sinipa niya ang pintuan dahil nasira ang knob nito na bahagyang uminit at hinabol
muli ang babae.
Pagdating sa dulo ay nakita niya na nakabantay ang isang Dark Guard sa pintuan. May
mga pasahero na gustong lumabas pero mahigpit ito.

"Hindi dumaan dito si Hitomi?" Takang tanong niya dahil mukhang walang komosyon na
naganap doon.

Nakakunot ang noo nito na sumagot. "Master, kanina pa ko nandito. Wala po akong
nakitang Hitomi."

Nangigigil si Rob. Saan napunta ang gurang na iyon?

Isang Dark Guard na si GW35 ang narinig nila sa earpiece.

"Master, nakita ko si Hitomi lumabas sa secret door. sinusundan ko siya papuntang


North ahhh!!!--" matapos iyon ay isang sabog ang nadinig nila.

Nag-aapoy na ang mata ni Rob at gusto niya nang ekisan ang pagmumukha ng babae.

"Palabasin mo ako!" hindi niya na hinintay pa ang sagot nito. Binuksan niya ang
pintuan at tinungo ang lugar na sinabi ni GW35 na lugar.

Nakita na lang niya na nasa lapag na ang Dark Guard na si GW35 hawak ang isang
isang maliit na pintuan na gawa sa bakal na galing sa eksaktong butas na nasa
gilid. Nagkalukot-lukot na ang bakal nito na sa tingin ni Rob ay hinagisan ni
Hitomi ng Bomba. Mabuti at nasalag ng dalaga. Gayunpaman, may kakaunting sunog pa
rin ang balat nito gawa ng pagsabog.

Ilang saglit pa, umingay sa bandang likuran at nakita niya na sakay na si Hitomi ng
isang isang speed boat.

"Shit!" mura niya. Tinakbo niya ang likuran kung saan normal na nakaparada ang mga
jet ski para mas mabilis na mahabol ang babae. Patungo na siya doon nang makita
niya si Prin at Cally na sakay ng jet ski at habol ang gurang na babae.

"Dark Guards, this is an order! Walang paaalisin sa lugar!" sabi niya sa ear piece.

KINULONG ni Cally si Mr Sy sa isa sa mga cage kung ano ang ginamit ng mga ito para
ikulong ang mga babae. Pinabantay niya ang intsik sa isang Dark Guard kasama ng iba
pang nawalan ng malay na kalaban.

Nagkita si Prin at Cally sa hallway at sumimangot agad ang asawa niya nang makita
nito ang suot niyang kaunti na lang ay mahuhubo na lang iyon ng kusa. Hinubad nito
ang buong kasuotan at lumitaw sa mata ni Prin ang itim na Dark Guard suit. Sinuot
sa kanya ang itim na polo na hinubad nito..

"How come, I don't have a suit?" reklamo ni Prin. nabigla kasi siya na may suot
itong Dark suit.

"Because you are Mia Khalifa and you should be wearing a red gown.”

"Who is that anyway?" usisa niya dito.

"A P0rn star."

Prin "...."
Nanlalaki ang mata ni Prin, kaya pala ganoon na lang ang tawa ng mga kasama niya
nang buong tapang niyang sabihin sa gwardiya ang pangalan niya at saka kung gaano
ka-grabe tumawa si Kai. Kapag nakita niya ang Mat-mat na ito sa personal ay
isasampal niya talaga dito ang keyboard na gamit nito.

Habang binubutones ni Cally ang polo sa katawan niya ay nakarinig sila ng pagsabog.
Nagkatinginan silang dalawa at saka tumakbo palabas ng pasilyo. Isang palapag mula
sa kinatatayuan ay nakita nila si Hitomi na pasakay ng isang speed boat. Hindi na
sila nag-aksaya pa ng panahon, pinaputukan ito ni Prin pero agad itong nakailag.

"This old biatch!" ngayon ay naiintindihan na rin niya kung bakit asar and Daddy
niya sa babae. Sabay sila na tumalon ni Cally pababa para mahabol ito, saka tumakbo
pagawi sa pwesto ng babae.

"Ha ha ha!" tawa lang ito ng tawa. Hanggang sa makita nila na umandar na ang gamit
na speedboat palayo.

Nakakita sila ng jet ski sa tabi at hindi na nag-aksaya ng oras na magkasunod na


sumakay doon at hinabol si Hitomi. Si Cally ang nagmamaneho habang nakasakay si
Prin sa likuran.

Naging problema nila ang dilim ng paligid. At umaasa lang sa kakaunting liwanag na
nagmumula sa half-moon. Binatuhan sila nito ng bomba. Para makaiwas, umikot ang
sinasakyan nilang Jet ski sa ere. Kumapit ng mabuti si Prin sa leeg ni Cally para
hindi mahulog.

Bumalik naman sa pwesto ang sinasakyan at patuloy na umandar para sundan si Hitomi.
Hindi niya hahayaan na makatakas sa paningin niya ang walang hiyang babae. Nang
makalapit dito ay hinagisan niya ng patalim ang babae. Nakaiwas ito pero hindi ang
speedboat na gamit dahilan para mabutas iyon.

"Sh*t!" Nangigigil si Hitomi na naghagis muli ng bomba at umiwas muli sila ni


Cally.

Pero hindi nito nakita ang pasalubong dito na isa pang jet ski na sakay si Rob.
Tumalon si Rob mula sa sasakyang pandagat patungo sa speedboat kung nasaan si
Hitomi.

"I am so waiting for this," nakangisi na sabi ni Rob. Hindi na niya hinintay pa ang
sagot mula rito na binali ang leeg saka sinaksak sa dibdib ang babae.

Ilang saglit lang umingay na ang buong paligid mula sa limang helicopter na tulong
mula sa Heneral. May mga ilaw o spotlight na nanggagaling mula sa mga ito at
nakatutok sa kabuuan ng yate. Ilang saglit lang bumaba ang Heneral gamit ang lubid
mula sa isang helicopter.

"General, Nakatakas si Hitomi pero nasa loob si Mr. Sy at ang nagtatago na si Major
Jaime," pagbibigay-alam ng isang dark Guard.

Tumango ito. "I want to see that bastard! Let's go!" Utos nito sa iba pang kasama
para inspeksyunin ang lugar at makuha ang mga ebidensya.

MATAPOS hubarin ang tuxedo, lumitaw ang itim na suit ni Kai bilang Dark Guard saka
siya nagpaalam kay Bella.

May tatlong metro na ang nalalakad ni Kai palayo sa sasakyan bitbit ang mahabang
katana when he felt something wasn't right. Huminto siya at nakiramdam. Nang
maramdaman na may pasulong sa kanya na kung anong bagay ay umikot siya at hinampas
ang katanang hawak para pigilin ang pwersa mula sa kung kanino..

*klink* tunog ng dalawang nagkiskis na metal. He pushed his sword against his
enemy.

"Ha! What a small world, I see you again!" sabi niya sa lalaking naka-white suit na
may pulang marka sa dibdib na nakita nila ni Prin nang hapon na dinukot si Bella.

[Feibulous: WARNING! sobra sobra, sobrang marahas content.]

NABIGLA si Kai na makita ang lalaking nakaputi. Ngayong mas malapit ang lalaki, mas
kita niya sa malapitan ang kabuuan nito. Sa tingin ni Kai ay hindi nalalayo sa edad
niya ang edad nito. Halos parehas lang din sila ng bulto ng katawan.

Mestizo ang lalaki na may gray na mata, samantalang halata ang pagiging asyano ni
Kai. Nginisian siya nito saka umabante para ihampas sa kanya ang hawak na espada sa
tagiliran niya na sinalag ni Kai gamit din ang mahabang japanese sword.

*klink* matapos isalag, inikot niya iyon para siya naman ang maka-hampas ng gamit
na espada.

"I like you!" sabi nito saka muling umabante para tirahin siya muli.

"Sorry, but I don't like you! Haahhh!" umabante rin si Kai pasulong. Nagpalitan
sila ng hampas gamit ang matalim at mahabang katana kaya madidinig ang pagkalansing
ng dalawang armas.

"Interesting!" nagsisimula nang mapagod ang lalaki.

Natutuwa siya na patas ang laban sa pagitan nila nito. Sa loob ng maraming taon si
Lorenz at Cally lang ang nakapag-pa-excited sa mga kalamnan niya bago ang taong
ito.

"I'm not interested!" Sinipa niya ito sa mukha saka hinampas muli ang katana. Hindi
man nailagan ng lalaking nakaputi ang sipa niya, nailagan nito ang katana na
hinampas niya mula sa itaas saka siya sinipa sa dibdib dahilan para mapaatras si
Kai.

Pinigil niya ang sapatos sa sahig para hindi siya mawala sa balanse. Sumakit ng
bahagya ang dibdib niya. Aminado siya na magaling ang kalaban niya na ito.

"I'm sorry, I am on a mission." nakangisi na sabi nito saka umabante muli para
masugatan siya.

"I know you are Gon's idiot follower,” sabi niya bago ito sinuntok sa mukha. umikot
para makakuha ng tyansa na maipasok ang lalaki sa pagitan niya at ng espada. Buong
pag-gigil na hinihila niya ang patalim para masugatan ito. Bago iyon, binigyan siya
ng headbutt sa likod. Kaya siya napaatras.

"He wishes to have Cally's position."

Napangisi lang si Kai "In his Dreams!"

Matapos muli ang palitan ng hampas ng espada, nahuli niya ang brown na buhok nito
at isinampal ang mukha nito sa hood ng kalapit na sasakyan. Siniko siya nito sa
dibdib pagkatapos kaya napaatras siya.

Limang metro ang layo nila sa isa't isa at kapwa hinihingal. Ilang saglit lang,
parehas na nag-aapoy ang mga mata nila at sabay na umabante.

"Hahhhh!!!" galit na hiyaw nilang parehas at sabay lang na dumeretso na halos hindi
makita kung ano ang kinilos nilang dalawa kung hindi titingnan sa malapitan.

Nagpalitan sila ng pwesto at doon lamang lumitaw ang sugat sa kanilang dalawa.
Nasugatan siya nito sa braso at ang lalaking nakaputi sa tagiliran. Halata ang
guhit sa braso ng itim na suot ni Kai. Namumula iyon at kita ang guhit sa balat
niya na nagsugat.

Gan'on din ang lalaki. May hiwa din ang tagiliran nito at mas kita ang pagkalat ng
dugo dahil nakaputi ito. Alam ni Kai na nasugatan niya ng mas malaki ang lalaki,
hindi lang nito pinahahalata.

"He he!" ngumisi ito sa kanya. Noon lang niya napansin na nasa likuran nito ang van
kung saan naroon si Bella.

Nagsimulang kabahan si Kai at hindi nga siya nagkamali dahil gamit ang espada,
sinira nito ang pintuan. Mabilis na tinakbo ni Kai ang pwesto, ngunit huli na.
Matapos mabuksan iyon, mabilis na hinila ng lalaki mula doon si Bella.

"No!" sigaw niya. Halata sa mukha ni Kai ang pagkabahala.

"Subukan mong lumapit!" banta nito kaya napatigil si Kai. Nakakuyom ang mga kamao
niya at hindi alam ang gagawin.

Napaluhod ang nobya niya na nanghihina sa lapag. Nanlalaki ang mata ni Kai at
nanggagalaiti sa galit. Hindi niya kaya ang nakikita.

Hawak nito ng mahigpit ang buhok ni Bella habang naka-diin sa leeg nito ang espada.
Nanlalaki ang mata ni Kai at hindi niya nagugustuhan ang nangyayari. Nagsimulang
bumalot ang lamig sa pagkatao niya. Kaunting kaunti na lang, at babawian na ito ng
buhay sa talim ng espada na hawak ng lalaki.

"Leave her alone!!!" galit na angil niya dito. Halos madurog na ang ngipin niya sa
sobrang galit.

"Tsk tsk! too bad, Leader Kai! You fell in love sa mahinang babae."

"Gag* ka! Huwag mo siyang sasaktan!" sigaw niya dito.

Si Bella ay nakatingin lang sa kanya at wala man lang maramdaman na takot na lalong
nakadagdag sa pagkabahala ni Kai. Pero may namuo pa ring luha mula sa mata nito.
Ngumiti sa kanya si Bella na lalong nagpalungkot sa kalooban niya.

Alam niyang nanghihina pa ang nobya niya kaya para itong manikang de-susi na
nananatiling nakaluhod. Nangingitim pa rin ang magandang mata ni Bella.

Inangat nito ang kamay at hindi niya kinaya ang mga sumunod na nangyari.

SHE looked at Kai's beautiful face. In her life, this guy brings out the best in
her. He always makes her feel pretty. She sang on a stage beautifully, having
thoughts of him. Bawat stoke ng kamay niya sa gitara at bawat kataga na inawit niya
ay nilalaan niya sa lalaki.

Sa palagay ba ni Kai ay hindi niya alam na lihim itong nanonood? During that
audition day, ramdam niya ang presensya ni Kai sa paligid.

Before she was drugged, sinabi sa kanya ng babaeng may mapulang lipstick, na boss
ng lahat ng maid, na Mommy ng nobyo niya ang dahilan kung bakit siya napunta sa
gano’ng sitwasyon. Masyado daw kasi niyang inakit ang anak nito.

Strange but she doesn't feel any sourness in her heart kahit nang painumin siya ng
droga nang labag sa kalooban niya. Her days together with Kai are beautiful. Sa
unang pagkakataon, she fell in love with the right man. Her life with him was short
but beautiful. How can she blame him or his mother for whatever bad things happened
to her?

Kahit sa magulang niya ay hindi niya naramdaman ang pag-alaga na binigay nito sa
kanya. She felt like she was the lost princess who finally found her prince.

Kinikilig siya kapag kasama ang binata. Kapag binibigyan siya ng bulaklak tuwing
umaga. Tuwing bibigyan siya ng matamis na halik sa labi. Tuwing kukuhaan siya ng
larawan ng simple at patago, tapos ipo-post nito sa social media.

She felt proud knowing that she was his first love. Okay lang kahit hindi ang
binata ang una niyang nobyo, she found her true love anyway.

Her every moment with Kai was really beautiful. She likes it whenever he calls her
his Angel.

His Angel… She will always be his Angel.

She smiled sweetly looking at him at lihim siyang nagpaalam. She reached out her
hand as if he was near.

"Mahal na mahal kita, Kai…" narinig niyang sabi nito.

Kai looks at Bella's innocent eyes na nanatiling kumikinang dahil sa liwanag ng


buwan kahit ilang agwat pa ang layo niya dito. Namumutla at magaspang ang labi
dahil sa droga na pinainom kay Bella. She smiled at him na lalong nagpasikip ng
damdamin niya.

"Wow! Ang sweet! But you know what my mission tonight?" nakangisi na tanong nito.
Tila isang halimaw sa mata niya ang pagkakangiti nito

"To. kill. her!" sabi saka mabilis na ginilitan sa leeg si Bella gamit ang espada.

"No!!!!!!!!!!" Nanlaki ang mata ni Kai at nanginig ang lahat ng kalamnan niya sa
nasaksihan. Tila parang electrical current ang lamig sa katawan niya na mabilis na
dumaloy mula paa paakyat sa ulo. Parang lumobo ang ulo niya sa nasaksihan. Nag-apoy
ang mata na nilapitan niya ang lalaki.

"Haaahhh!!!!" para siyang sinapian na mabilis na hinampas ito ng katana. Binalewala


ni Kai ang sugat sa braso. Pasulong ang ginawa niyang pagtira. Sinasalag lang nito
iyon hanggang sa ma-corner niya ito sa container truck. Nakatulong siguro sa
panghihina nito ang sugat nito sa tagiliran.

Nanlilisik ang mga mata at parang sumapi sa kanya ang masamang espirito na sinuntok
niya ito ng ubod lakas.

Ginulpit niya ito at binuhos ang lahat ng galit sa lalaki.


"Hahhhhhh!!!!" gigil na hiyaw niya saka mabilis na naihampas ang matalim na katana
sa leeg ng lalaki.

Parang slo-motion na humiwalay ang ulo nito mula sa katawan. Tumilapon ang ulo ng
nakaputing lalaki at unti-unting nalaglag ang naiwan na katawan sa lupa.

Mabibigat ang paghinga at parang biglang nanghina ang pakiramdam ni Kai matapos
iyon.

Nabitawan niya ang madugong katana na hawak. Pinihit niya ang katawan at dahan-
dahan na nilapitan si Bella. Nakagat niya ang ibabang labi dalawang hakbang ang
layo sa babae saka siya yumukod para harapin ito.

"Ahhhh!" hindi niya alam kung paano ito hahawakan. Nananatili ang ngiti sa labi ni
Bella. Sa unang pagkakataon hindi napigilan ni Kai ang humagulgol at sobrang
naninikip ang dibdib niya na makita ang babae sa ganong ayos.

"Bella…" mahinang tawag niya sa babae. Napapikit at kagat ang labi na lumuluha si
Kai.

"Ahh…" nasuntok niya pa ang simento.

Kung hinayaan niya ba na mauhaw si Bella at iuwi sa bahay, mananatili ba sa bisig


niya ang dalaga? Kung hindi niya iniwan si Bella sa sasakyan kahit saglit lang,
mananatili bang buhay ito nang nakangiti sa kanya?

"ahhhh!" nangigigil na hiyaw niya dahil sa sama ng loob. Isang malakas na paghinga
ang nilabas niya. Sinimulan niyang haplusin ang buhok nito.

His Angel is gone. Labis-labis na kalungkutan ang nararamdaman niya sa oras na


iyon. Para siyang batang iniwan ng magulang sa oras na iyon. Naninikip ang dibdib
niya sa sama ng loob.

'Put*ng in*ng buhay naman ito!' napapamura na lang siya sa sarili.

He looked at her peaceful and pretty face. Nangangatog ang labi na hindi niya alam
ang gagawin sa unang pagkakataon. Mariing napapikit si Kai habang baha ng luha ang
pisngi. Sobrang sakit sa dibdib.

"Hah... Hah..." huminga siya ng malalim ng ilang beses dahil sa sobrang sikip ng
dibdib parang hindi na siya makahinga. Sinong matutuwa na mamatay ang babaeng mahal
mo sa harapan mo mismo? Hindi akalain ni Kai na iyon na ang huli.

Niyakap niya ang duguan na katawan nito. Wala na siyang pakialam kung magmukha
siyang tanga sa ganoong ayos. Nakipagbiruan pa siya kay Mat-mat bago niya ito iwan.

Kung alam niya lang sana…

Nasa ganoong ayos siya nang dumating si Prin.

"Oh my god!" napasinghap ito nang makita ang katawan na pugot ang ulo pati ang
paghagulgol ni Kai na nasa gilid ng sasakyan.

PALABAS na si Kai ng sasakyan, he kissed Bella on her forehead. Strange, but he


doesn't want to go out at iwan ang dalaga na mag-isa.

*buzz buzz*

Nakita niyang nagb-bling ang isang berdeng ilaw sa unahan at nagv-vibrate.

Nakakunot ang noo na kinuha niya ang headphone dahil mukhang may gustong sabihin sa
kanya si Mat-mat.

"Mat?"

"Kai, do not go! I saw something will happen when you get out of that car!"

"What do you mean?" Narinig ni Kai na nag-lock ng kusa ang buong sasakyan.

"May infrared ang sasakyan ni Uncle Rob. Someone is near, I saw red heat in a night
vision cam sa labas na nagmumula sa katawan ng tao. This is definitely Gon's
follower. And, I-I saw Bella ended her life tonight… when you get out of that car.”

Kinilabutan si Kai sa nadinig.

"What do you mean?!" napasigaw siya ng wala sa oras.

"Just trust me, the best thing you have to do right now is to drive that car away
in that area!" utos nito sa mataas na boses.

Mabilis na sinunod ni Kai ang utos ni Mat-mat. Bigla siyang na-tense sa sinabi nito
lalo na nang sabihin na namatay si Bella doon.

Nakita niya sa view sa dagat na may mga helicopter nang nakapalibot sa malaking
yate mukhang wala nang lusot ang grupo ni Major Jaime.

"whew! Cobra, got the main switch finally! I can now watch Major idiot,” sabi nito
sa kabilang linya.

"What do you mean by Bella got killed tonight?" hindi maiwasan na usisa niya.

Noon napansin ni Kai na may sumusunod sa kanyang nakamotor at nakaputing suit.

"May panget sa likuran na sumusunod,” sabi niya saka mas mabilis na pinaandar ang
sasakyan. Namumukhaan niya na ang lalaki sa likod ang nagpaulan ng maraming bala ng
nagdaang araw.

"That is the person who killed your Angel.” komento nito.

"She will not idiot! How come you knew about this?" gustong mag-init ng ulo ni Kai
at bugbugin si Mat-mat sa mga pinagsasasabi nito.

"I dreamed about your Angel and you wouldn't understand technology. You knew that
the car you are driving is not that simple right?"

"You dreamed about my Angel?! You pervert!" galit na singhal niya dito. Sinong
nobyo ang matutuwa na napapanaginipan ng kung sino ang nobya niya?

"Parehas kayo ni Cally! Kung maka possess wagas! It's not my fault okay! Anyway,
kumaliwa ka sa susunod na kanto,” utos nito.

"Why?" tanong niya pero sinunod niya ito.


Bago pa makaliko ang sasakyan, naramdaman na lang niya na may nilabas na pwersa ang
likurang bahagi ng sasakyan na tila maliit na missile patungo sa lalaking nakaputi.

"Wow! Your car is amazing!" puna niya.

"Mabuti pa dumeretso ka na lang. I am serious, you have to end this guy's life or
else you will never see your Angel tomorrow. His mission tonight is to kill Bella,”
sabi nito.

Naningkit ang mata niya sa nadinig. Sinilip niya si Bella na nakaupo ng maayos sa
back seat at mapayapang natutulog. Walang makitang emosyon sa awra ni Kai pero
hindi pa rin talaga nawawala ang galit at sama ng loob niya sa Mommy niya.

Matapos lang talaga ang misyon nila ngayong gabi ay dadalhin niya si Bella sa bahay
at ipamumukha niya sa ina na hindi siya natatakot na itakwil ng buong angkan para
sa nobya.

Narinig niyang may inuutos ito kay Cobra sa kabilang linya.

"Ang tindi mo t'song! Napakamulti-tasking mo ha! Ilan ba ang kamay mo? Walo?"

"Hmp! Tapos wala namang binabayad sa'kin si Cally kahit piso. Sayang 'yung kuryente
ko, internet saka talino.”

Kai "...." wow!

*bang bang*

Umingay ang likuran ng sasakyan dahil pinaputukan sila ng lalaking nakaputi ng


maraming beses. Bullet proof naman ang sasakyan kaya wala siyang problema.

"Turn right!" utos ni Mat-mat. Sinunod naman ni Kai.

Nakita na lang niya na may nilabas na maraming armas ang sasakyan sa likuran. At
parang armalite na pinaputukan ang lalaki sa likod.

"Wow! How much is this car? I like it!" sabi niya.

"150 Million.”

Nanlaki ang mata niya sa nadinig.

"Wow! para imaneho ang sasakyan na sobrang mahal parang mamamatay na ako bukas."

"Idiot! Hindi ikaw ang mamamatay kun'di si Bella kapag hindi mo naturuan ng leksyon
ang ugok sa likuran mo. I saw how you cried so hard holding your little angel in my
dreams."

Nagtaas ang kilay niya sa nadinig "Kung pwede, sa susunod, 'wag mo na kami isama sa
panaginip mo. Ang creepy mo kasi!"

Naiwasan ng lalaking nakaputi ang mga bala at mabilis itong nagpaandar para
masabayan ang van. Kapwa sila mabilis na nagmamaneho.

*bang bang* pinaputukan siya na nasa driver seat. Nabasag ang salamin ng bintana at
yumuko lang si Kai.

Patuloy lang silang nagmamaneho ng mabilis.


"Now, stop the car!" sabi nito sa kabilang linya na agad na sinunod ni Kai pero
mabilis siyang lumundag sa likuran para yakapin si Bella dahil sobrang lakas ng
pwersa ng pagkakahinto niya. Sigurado siya na titilapon ang dalaga.

Nabigla naman ang lalaking nakaputi at hindi nito napansin ang umaandar na tren sa
unahan. Sumemplang ang lalaki na sakay ng motor nito sa umaandar na tren, dahilan
para tumilapon ito at masugatan. Halos masira ng ang suot nitong puting damit.

Nakita na lang ni Kai na halos hindi na makatayo ang lalaki na nasa unahan ng van
kung saan sila nandoon.

Nanlilisik ang mata nito na nakatingin sa gawi nila. Ganoon din naman si Kai habang
nakatingin dito. Hanggang sa nakita na lang niya na iika-ika itong umalis.

BUMALIK ang lalaking naka-white suit sa yate kung saan naroon ang lalaking may
ginintuang buhok. Iika-ika itong naglakad patungo sa cabin ng master niya.

"Master, I failed tonight!"

Isang suntok sa pisngi ang ibinigay dito ng lalaking may ginintuang buhok. "Let's
go back to UK."

"I want to personally see Lorenz " sabi nito.

PAGOD na pagod ang lahat matapos ang gabi na iyon. Namatay si Hitomi dahil binali
ni Rob ang leeg ng babae. Makakahinga na rin ito ng maluwag na wala nang iikot pa
na droga sa MGM o kahit na sa White Devil.

Nang gabi na iyon matapos ang lahat, dumeretso ang Daddy ni Prin sa Australia para
puntahan ang Mommy niya.

Nang makauwi sa bahay, doon lang nakaramdam ng pagod si Prin. Matapos niyang
makapag-shower, tinawag siya ni Cally para gamutin ang pasa at mga sugat niya sa
katawan.

Halata ang disgusto sa mukha nito nang makita ang mga marka ng patalim sa binti
niya at pasa sa braso.

"Sa susunod, hindi ka na sasama sa misyon,” sabi nito habang ginagamot ang mga
sugat niya.

Napapangiwi naman si Prin. Sa ilang taon at sa dami ng beses na nakipagdigmaan siya


kung kani-kanino, laging ang mga sugat o marka ang hindi niya gusto kaya nga pinag-
aralan niya ang mga halamang gamot na pwedeng gamitin katulad sa panahon na iyon.
Ramdam niya ang hapdi na naiwan ng mga daplis ng patalim sa katawan.

"Kung pinasuot niyo lang sana ako ng Dark suit e'di sana wala akong masyadong galos
ngayon!"

Hindi sumagot si Cally. Bigla na lang siyang napangiwi habang pinapahiran nito ng
speacial ointment ang pasa niya. Espesyal na ginawa ang ointment na iyon sa Japan
para sa lahat ng Dark Guard.

"Kamusta ang kapatid ni Bella?" naisip niyang itanong matapos ang mahabang
katahimikan.
Napakislot si Prin dahil pinahiran ni Cally ng gamot ang guhit na sugat binti niya
gawa ng patalim. "Okay naman siya, pinahatid na siya kay Cobra sa bahay."

"Ano nga pala ang mangyayari kay Kai? Bukod sa hindi siya sumunod sa tamang oras
kung kailan susugod kanina, iniwan din niya ang post bilang leader."

"I understand him." komento ni Cally.

"Though, kailangan talaga siyang parusahan bilang Dark Guard dahil may mga sinuway
siya sa sinumpaan natin, I understand him kung bakit niya ginawa iyon,” sabi ni
Cally.

"He loves Bella so much.” komento ni Prin. Bumalik sa ala-ala ni Prin ang eksena
noong nakita nito ang kaibigan niya na hila-hila ng isang maid para ipakita sa
parokyano. She saw hatred in his eyes looking at Bella and the crowd at tiim ang
bagang na inakyat nito ang nobya sa stage para protektahan.

"If I am Bella, will you do the same thing?"

"Of course.” mabilis na sagot ni Cally.

"You guys knew how to protect your woman.” komento ni Prin. Noon niya lang napansin
na tapos na si Cally.

"Bukas wala na ito,” sabi niya.

Tinabi ni Cally ang medicine kit sa isang drawer. Nakapag-report na sa kanya si


Mat-mat at Kai na kumikilos na naman ang grupo ni Gon. Nagpadala na siya ng mensahe
kay Madam Lira para maparusahan ang lalaki.

Sa ngayon ay hindi niya alam kung sino sa Dark Lords ang posible na magtaksil sa
pamilya niya na tulad ng mga Peters. Paglingon niya sa kama, mahinang humihilik na
si Prin.

(Present Time)

Nagbalik sa ala-ala ni Cally ang mga huling araw nila ni Prin ilang taon ang
nakalipas bago ito nawala.

Nakatitig lang siya sa mukha ng asawa na sobrang putla. Bahagya na rin na nangitim
ang asawa niya dahil sa nangyari at pansin niya na nag-dry na din ng kaunti ang
balat nito. She looks older than the last time. Tila nagbalik din ang tibok ng puso
niya habang nakatitig sa babae.

"Did you call my in-laws?" ang una niyang naisip na itanong kay Madam Lira.
Siguradong tutungo kaagad doon ang mga biyenan niya kapag nalaman nito.

Hindi niya alam kung lalapitan niya ba ang dating asawa at yayakapin. He felt a
familiar and strange feelings. He really can't describe. He doesn't know what to
say.

He wanted to hold her and at the same time he was scared. He was hurt seeing her
like that. Ilang saglit lang, nagmulat ang mata ng asawa niya. Kumabog ng sobra ang
dibdib niya nang kumilos ito.

"C-Cally?" natigilan ito nang makita siya at kinagat ang labi dahil pinipigilan
nito ang umiyak.

Hindi na napigilan ni Cally na yakapin ang babae. "Hush…"

Hinayaan niya lang na lumuha si Prin habang sinasabi ang mga katagang "I'm sorry…".

He is hurt.

Lumipas ang ilang oras na tahimik silang dalawa bago naglakas ng loob si Cally na
magtanong kay Prin.

"Honey… tell me, why... are you pregnant?" lakas loob na tanong niya habang
nakatingin sa bilog na bilog na tiyan ni Prin.

BUHAT ni Kai si Bella na sumakay ng elevator paakyat sa palapag kung saan naroon
ang condo unit nilang dalawa. Awang-awa siya sa nobya. Alam niya na napagod na ang
nobya niya matapos ang dalawang araw nito na walang pahinga.

Pumasok sa isip niya ang lalaking nakaputi. Kapag naglaban sila, hindi niya
bibigyan ng pagkakataon ang taong iyon na manatiling huminga kahit isang segundo.

Binuksan niya ang pintuan ng unit nito saka maingat na nilapag sa couch si Bella.
Hindi pa rin kumakalma ang sama ng loob niya sa mga nangyari.

"Gusto kong maligo…" hiling ni Bella.

Hindi nagsalita si Kai at nagkusa siya na pasukin ang shower room ng tahanan ni
Bella.

Unang beses niya na makapasok doon. May mga shower gel, shampoo, sabon at kung anu-
anong gamit sa pagligo ang nasa isang kabinet. May salamin sa isang gilid. May
citronella na scented candle na nakapatong sa lavatory. Nilagyan niya ng tubig ang
bath tub at sinukat ang tamang init nito. Sinindihan niya ang scented candle.

"Kaya mo na bang tumayo?"

Tumango si Bella saka tumayo. "Babe, gusto ko ng Ramen.”

Noon lang napagtanto ni Kai na hindi pa nga pala kumakain ang dalaga. "Take a
shower, ibibili kita sa labas. Ahm.. sigurado ka ba na kaya mo nang kumilos mag-
isa?"

Tumango si Bella. Hinalikan niya sa noo ang nobya saka ito inakay na magpunta sa
bath tub. Namumula ang pisngi ni Kai na tinulungan si Bella na tanggalin ang coat
na pinasuot niya sa dalaga kaya lumitaw ang katawan nito na naka-underwear.
Napalunok siya.

"I-I'm going." paalam niya kay Bella. Nilagay ni Kai ang bluetooth na headset sa
tenga nito.

He then connected the lines between their phones. "Talk to me okay. Bawal matulog
sa tub."

Saka siya nagpaalam dito para hanapan ng ramen ang Angel niya. Dis-oras na ng gabi
kaya nahirapan siyang maghanap ng bukas na Japanese house. Para siyang naghahanap
ng pagkain ng buntis niyang misis. Nag-uusap sila sa telepono habang nagmamaneho
siya para maghanap ng pagkain ng nobya.

"Nahirapan ka ba na maghanap ng pagkain?" tanong nito sa kabilang linya.

"Hmmm…"

"Ibili mo na lang ako ng instant ramen noodles sa 7-eleven." hiling ni Bella. Ayaw
naman niya na mahirapan si Kai lalo at alam niyang dis-oras na ng gabi.

"Okay,” sabi ni Kai. dumaan siya sa palengke at bumili ng prutas. Hindi kasi
maganda na mag-instant noodles lang ang nobya niya. Patuloy lang sila na nag-usap
para hindi mainip ang nobya niya sa bahay nito.

Kung anu-ano lang ang mga pinag-usapan nila sa linya. She asked kung maaliwalas ba
ang ulap. He described it to her.

She asked kung maluwag ang daan. She sang at kung anu-ano pa. Matiyaga siyang
nakikinig sa dalaga hanggang sa makarating siya sa tirahan nito. Siguro kung
malalaman ng mga trainees ng Dark Guards ang mga ginawa niya para kay Bella ay baka
mawala ang respeto sa kanya ng mga ito.

Kilala siya bilang seryoso at mahigpit sa mga trainees kahit sa grupo nila Prin.
Pero kaya niyang magpaalipin sa iisang babae.

Madami na ang nagtataas ng kilay sa relasyon niya sa dalaga. Unang una na nga ang
nanay niya pero wala siyang pakialam. For the longest time, ngayon lang niya
naranasan ang kakaibang saya. Bigla niyang napatunayan na tao rin siya at tumitibok
ang puso niya sa isang babae.

Makagraduate lang talaga sila ni Bella ay baka ayain niya na agad ito na
magpakasal. Hindi niya alam kung ano talaga ang pinakain nito sa kanya. O baka
naman nilawayan siya nito ng lihim.

Nakapagpalit na ng pajama si Bella nang makabalik siya doon. Pinagluto niya pa ito
ng noodles. Nakapangalumbaba na pinagmasdan ang dalaga habang kumakain ito sa harap
ng mesa. Nagsimulang ma-conscious ang dalaga.

"Why?" takang tanong nito.

"Nothing... Gusto kong mag-sorry dahil hindi ko nasagot ang tawag mo nang nakaraan.
Saka, sa ginawa sa iyo ng Mommy ko,” malungkot na sabi niya. Halata ang pagsisisi
sa tono ng boses ni Kai.

Marami siyang gusto na ihingi ng tawad sa babae. Natahimik si Bella. Ang totoo
masama ang loob niya sa Mommy ni Kai pero ano ang magagawa niya? Alam niya na gusto
lang nito na protektahan ang anak.

Matagal silang natahimik hanggang sa putulin iyon ni Bella. "Kai… gusto ko sanang
mag-train bilang Dark Guard."

Napakunot ang noo ni Kai sa bagong hiling ni Bella.

NABIGLA si Kai sa bagong hiling na 'yon ni Bella na gusto rin nito na mag-training
sa Dark Guards.

"My Angel, Dark Guards' training is not that simple." Bakas ang pag-aalala sa mukha
ni Kai nang banggitin ng dalaga ang tungkol sa bagay na iyon.

Kakaunti lang ang alam ni Bella sa trabaho nila ni Prin. At alam ni Kai na taliwas
ito sa totoong pangarap ng nobya niya. Isa pa, pinagbabawal ang magkarelasyon sa
Dark Guards. Lalo na't magiging leader siya ni Bella.

"I can teach you kung paano lumaban if you want. Being a Dark Guard is not that
simple. We trained five years bago kami mapunta sa kung nasaan kami ngayon."

Napayuko at natahimik si Bella. Ayaw naman talaga niya na maging Dark Guard. Ayaw
niya lang na kailangan pa siyang iligtas ng kaibigan na si Prin o ng nobyo na si
Kai.

"I can train you kung paano lumaban."

Inangat ni Bella ang paningin kay Kai. Sa palagay niya ay magandang option na
magtrain siya kay Kai. Dagdag bonding pa nilang magkasintahan ang kung ano man na
training ang ibibigay nito sa kanya.

"That's what I want.” nakangiting sagot ni Bella.

"Whew!" Nakahinga ng maluwag sa wakas si Kai. Tinulungan niya na magligpit si Bella


ng pinagkainan nito saka niya hinatid ang dalaga sa tulugan.

"I love you, Kai,” sabi ng dalaga matapos nitong makahiga sa kama.

Hinalikan ni Kai sa noo ang nobya bilang sagot.

"Okay lang ba kung magpasama muna ako sa'yo dito?" Tanong nito.

Makakatanggi ba siya sa kanyang Angel kung gusto rin naman niya na makasama pa ito
ng matagal? Lalo na't nag-aalala talaga siya sa nobya.

"But, hindi pa ako nakapag-shower.” katwiran ni Kai. Sa loob ng ilang oras na


pakikipaglaban sa yate pati sa lalaking nakaputi, madungis ang pakiramdam niya.

"It's okay. I just wanted to... hold your arms.”

Nag-aatubili siya na tabihan ito. Sinunod niya rin ang gusto nito sa huli. Hinubad
niya ang polo na suot saka niya ito tinabihan.

Mabilis naman na nakatulog ang dalaga dahil sa sobrang pagod habang nakasiksik sa
braso niya. Hinaplos ni Kai ang pisngi ni Bella habang nakatitig sa maamong mukha
nito.

'My Angel, I will train you like a Dark Guard.'

Hindi naman sa minamaliit niya ang kakayahan ni Bella pero hindi biro ang pagiging
Dark Guard. Kalahati sa mga kasabayan nila na trainees limang taon ang nakaraan ay
nagsipag-atrasan o hindi na nagpatuloy pa sa training.

At alam ni Kai na hindi makakaganda sa relasyon nila ni Bella kung gugustuhin nito
na pumasok sa organisasyon.

INABOT na ng tanghali bago bumangon si Prin sa higaan.

Unang hinanap ng mata niya si Cally. Noon niya lang napansin ang note nito sa
katabing cabinet na aasikasuhin nito ang issue ni Major Jaime. Naawa siya kay Cally
dahil sa dami ng kailangan nitong asikasuhin kaya naisip niya na oras na para
ipagluto ang asawa niya.

Una niyang naisip na ayain si Bella. Gustuhin man niyang isama si Ana dahil na-miss
niya rin ang kaibigan, alam niyang hindi ito makakatulong sa kanya sa pagluluto at
kasama rin ni Cally ang kaibigan sa meeting nito sa heneral.

Ilang oras lang, nasa harapan na sila ng supermarket na malapit lang sa bahay ni
Cally.

"Are you sure about this?" Tanong ni Bella sa kanya. Nagdududa ang dalaga kung kaya
ni Prin na magluto. Tumango lang si Prin kahit pati siya ay duda sa sarili.

"Sige I will help you. Ano ba ang plano mong lutuin?"

"Chicken breast fillet saka kahit anong pasta.” sagot ni Prin.

"Sige! I'll help you dahil niligtas mo ako kahapon." Sagot ni Bella.

"I love you friend! Pero sa sangkap mo lang ako tulungan ako na bahala sa iba pa."
Pagsapit ng gabi...

Nataranta si Cally nang makita na umuusok ang bahay niya sa kanang bahagi kung saan
naroon ang kusina. Halos mangulay itim na ang usok. Natataranta ang lahat ng
kasambahay at hindi alam ang gagawin.

"Anong nangyayari?" Tanong niya pagka-park ng sasakyan. Nasa isip niya kung
nasusunog na ba ang bahay niya.

"Master, si Miss Prin kasi ayaw kaming papasukin sa kusina. May hawak siyang
butcher knife at hindi daw siya magdadalawang-isip na tagain ang sino man na
papasok sa loob."

Cally "...."

Hindi na niya pinagpatuloy pa ang pakikinig dito at tinakbo ang kusina kahit pa
nakasuot siya ng pormal na polo at neck tie. Nag-alala siya na baka may nangyaring
masama kay Prin.

Kinuha niya agad ang fire distinguisher at ginamit sa buong kusina hanggang sa
lumitaw sa paningin niya ang asawa.

*cough cough* pag-ubo nito.

Namumula na ang pisngi nito gawa ng init ng apoy at usok. Inikot ni Cally ang
paningin. Makalat ang buong lugar. May mga nakakalat na spaghetti noodles sa sahig,
mga hiwa ng gulay, iba't-ibang klase ng kutsilyo at mga kasangkapan na gamit sa
kusina kung saan-saang parte. Umitim pa ang isang parte ng pader kung saan naroon
ang kalan.

Sinilip niya ang nasa wok at nakita doon ang kulay itim na isang piraso ng karne.
Katabi nito ang kaldero na may lamang dumikit na noodles ng spaghetti na halos
umitim na din.

May hinala na siya na sinubukan ng asawa niya na magluto. "Honey, what are you
trying to do? Bakit walang tubig itong noodles mo?"

Kumunot ang noo ni Prin na inuubo pa rin. "*cough* Nilalagyan ba ng tubig ang
noodles 'pag lulutuin?"

Cally "..."

PARANG bata si Prin na pinagagalitan ng asawa niya kaya nakanguso siya at hindi
makatingin dito.

"Iyong karne mo na iisang piraso, nasa malaking wok? tapos 'yung noodles, nasa
kaldero nga pero pinilit mo talagang lutuin nang walang tubig? Hindi ka man lang ba
nagbasa ng recipe?" nakahalukipkip na tanong ni Cally.

"Bakit ako magbabasa ng recipe sa pagluto lang ng noodles?" kinuha ni Prin ang
supot.

"...Look! It says, cook for 10 minutes!" sabi niya habang turo-turo ang nakalagay
na numero sa harapan ng supot.

"Yes. sampung minuto na lulutuin... sa tubig! Baka pati ang sinaing, hindi mo rin
alam na nilalagyan ng tubig?"

"Huh? Nilalagyan din ng tubig ang pagluto ng kanin?"

Cally "..."

Umirap si Prin "It's not my fault! Kasalanan iyon ng mga nagluluto. Kasalanan ko ba
kung wala namang tubig 'yung noodles kapag hinanda na sa akin 'yung pasta? At ‘yung
kanin? They are normally dry. Ang alam ko na may tubig ay ang ramen! O kaya
sinigang," katwiran niya.

Cally "..."

Hindi naman alam ni Cally kung ano ang isasagot niya sa personal na katwiran ni
Prin.

"With your knowledge, hindi na talaga ako magtataka kung iyan ang mga napupuna mo."

Kumalma naman si Cally matapos ang ilang sandali dahil alam niya na sinubukan
talaga ni Prin na magluto para sa kanya. "Honey, tingin ko mas papayagan pa kita na
sumama sa misyon, kaysa ang sunugin mo ang buong bahay natin.”

Doon napakagat ng labi si Prin. Medyo guilty siya dahil nasira niya ang kusina ng
bahay nila. Hindi niya mahiwa nang maayos ang carrots at patatas. Isang basket na
yata ng patatas at carrots ang nababalatan niya nang mapansin na umuusok ang
nilulutong chicken saka ang kaldero na may noodles. Sa sobrang taranta ni Prin,
nilundag niya ang kalan, nasagi niya ang mga kagamitan kaya kumalat ang mga iyon.

Imbes na patayin pa ang apoy ay nalakasan niya pa ang pihitan nito. Dumoble ang
pagkataranta niya kaya kinuha niya ang kung ano man na liquid na makita. Nadampot
ng makikinis niyang kamay ang whitewine sa gilid na lalong nagpaliyab sa niluluto
niya.

Hindi niya alam ang gagawin. Binuksan niya ang lahat ng kabinet at naghanap ng
maaring lunas sa disaster na ginawa niya. Binuhos niya ang asin, harina at kung ano
pa hanggang sa wala na siyang makita sa kapal ng usok. Iyon ang nabungaran ni
Cally.
Inakbayan siya nito saka inayang lumabas ng kusina. Pinalapit nito ang dalawang
kasambahay.

"Huwag niyo nang hahayaan na pumasok ng kusina ang Miss niyo, okay," utos nito at
napansin niya na nakahinga ng maluwag ang mga kasama nila sa bahay na para bang
diyos ang tingin ng mga ito kay Cally para makaya nito na pagbawalan siya doon.

Hindi niya maiwasan na makaramdam ng hiya sa mga kasama lalo at tinakot niya ang
mga ito.

SA KENT Mansion sa UK...

Bitbit ang laylayan ng mahabang gown na suot ay patungo sa malaking pintuan si


Madam Lira. Nakatanggap siya ng isang imbitasyon mula sa dating kaibigan kung saan
siya patungo sa mga oras na iyon. Isang doktor na magsasaya ng ika-animnapung
kaarawan nito.

Sa araw na iyon, naisip niyang isama ang anak na si MC na kasalukuyang nakatira sa


Kent Mansion. Ngunit may kailangan din itong asikasuhin sa parehas na petsa kaya si
Lorenz ang napili niya na isama.

Nasa 70s na ang edad ng ginang kaya kita na ang gray na buhok niya. Bahagya na rin
na kumulubot ang balat at nakakaramdam na rin siya ng mga sakit-sakit sa katawan.

Sa loob ng ilang taon, matapos na bawian ng buhay ang ama na si Master Kent ay siya
na ang namahala sa buong organisasyon na naging daan para magkaroon ng mga taksil
sa Dark Lords. Hindi gusto ng ilan na siya ang mamuno sa kasalukuyan kaya hinahanda
niya si Cally.

Huminto ang isang black limousine sa harapan ni Madam Lira at lumabas si Lorenz sa
driver seat. Nakasuot ng itim na tuxedo ang binata sa unang pagkakataon dahil
required ang lahat ng bisita sa pagdidiwang ang magbihis ng pormal.

"Mama Lira!" bati nito saka nagmano sa madam.

Napangiti ang ginang. Matuturing niyang isa sa mga apo ang batang si Lorenz. Kahit
ang buong pamilya niya ay pamilya na rin ang turing dito. Madalas nga lang na
napapansin niya na lumalayo ang loob nito dahil sa hiya sa kanila.

Pasikreto nito na sinusuportahan ang bunsong kapatid na nasa Pilipinas. Hindi alam
ng kapatid nito na may Lorenz na sumusuporta sa pag-aaral nito. Kilala ni Lorenz
ang dalaga, pero hindi ng kapatid ng binata.

At hindi iyon lingid sa kanya. Madalas niya kasing kamustahin sa binata ang kapatid
nito na si Andrea.

Sinakay siya nito sa loob ng sasakyan.

"Bakit ikaw ang nagmaneho?" usisa ng madam. Gusto niya kasi na maka-kwentuhan ang
binata.

"Gusto ko kayong pagsilbihan Mama Lira habang nandito pa 'ko," simpleng sagot nito.
Wala na siyang nagawa nang isakay siya nito sa likurang bahagi ng sasakyan kaya
hinayaan niya na lang na ito ang magmaneho.

Makalipas ang ilang minuto, huminto ang limousine sa tapat ng Wellesley Knights
Bridge, isang magarang hotel. Binuksan ni Lorenz ang lock para iabot ang susi sa
valet. Ngunit hindi niya inasahan ang mga sumunod na nangyari.
Nang makababa ay laking gulat niya na makitang may humablot kay Madam Lira sa
likurang bahagi sa loob ng sasakyan kasabay ng pag-unlock niya nito. Nakasuot ng
puting suit na katulad ng deskripsyon ni Kai sa kanya sa telepono ang lalaking
humila kay Madam Lira.

Tumiim ang bagang niya na mabilis na lalapitan sana ito.

"Subukan mong lumapit!" ang sabi habang nakatutok ang isang calibre 45 sa sentido
ni Madam Lira. Walang nagawa si Lorenz kun'di ang magmura.

Nakadagdag sa pagkabigla niya ang paglitaw mula sa kung saan-saang parte ng lugar
ang sampu pang mga lalaki na nakaputi. Pasikreto na binuksan niya ang GPS ng suot-
suot na relo na nakalaan sa isang Shogun.

Mabilis na umalerto ang signal sa computer Room ng Dark Guards sa Matsui Villa sa
Japan.

Matalim ang tingin ni Lorenz sa lalaking naka-puti na may hawak na armas.


Siguradong hindi niya mapapatawad ang sarili niya kapag may nangyaring masama kay
Madam Lira.

Naghahanap siya ng tiyempo para makuha ang patalim sa sikretong bulsa ng suot na
pantalon.

"Bitiwan mo si Mama Lira!" galit na sigaw niya dito.

Ngumisi ang lalaki "Shogun, ikaw ang kailangan namin, hindi naman talaga si Madam
Lira!"

Nakuyom ni Lorenz ang kamao.

"Lorenz, I am old. Do not trust this guy!" matapang na sabi ng ginang.

Paano pakikinggan ni Lorenz ang hiling ng taong kumupkop sa kanya? Lalong nanlisik
ang paningin niya sa lalaki. "Bitiwan mo si Mama Lira!" sigaw niya. Nagsisi si
Lorenz kung bakit hindi niya pinasama ang bodyguards ng ginang.

Madalas na may kasamang bodyguard si Madam Lira bilang Mistress ng Dark Lords. Nang
araw na iyon ay naisip niya na personal itong bantayan. Dahil malakas ang loob niya
na walang mangyayari dito sa poder niya.

"Lorenz, I know why they wanted you. Aside from Cally and Rob, you knew all the
secrets behind the organization. Don't mind me, I am old!" paliwanag ng ginang.

Alam ni Madam na hindi siya basta-basta gagalawin ni Gon lalo at malaki ang utang
na loob nito sa kanya. Sa araw na iyon, alam niyang si Lorenz talaga ang pakay
nito.

Hindi maipaliwanag ang anyo ni Lorenz. Alam niya ang sinasabi ni Madam Lira, pero
hindi niya kaya na makita ito na hawak ng kung sino at may nakatutok na armas sa
sentido na kaunting kalabit lang sa gatilyo ay mawawalan na ito ng buhay.

Sinampal ng lalaking nakaputi si Madam Lira gamit ang armas para ipakita sa kanya
na kayang saktan ng mga ito ang ginang.

Tumilapon ang ginang sa kasamahan nito na naka-white suit. Dahil may edad na ang
ginang, normal na marupok na ang mga buto nito. sa kaunting kilos, ay litaw agad
ang galos nito sa balat
Nagdugo agad ang labi ng ginang at gumulo ang naka-french bun nitong buhok.

"Haahh!!" Umangil si Lorenz sa nasaksihan at mabilis na nalapitan ang lalaki.


Pinaputukan siya nito pero mabilis niyang nahuli ang kamay nito na may armas.
Tinuhod niya ang braso ng lalaki dahilan para mabitawan nito ang hawak na armas.
Saka mabilis na nakuha ang nakatagong patalim para sasaksakin ito sa leeg na agad
naman nitong napigil. Dumaplis ang patalim at tumama iyon sa balikat ng lalaki.

"Ahhhh!" hiyaw nito. Diniin pa ni Lorenz ang patalim at inikot na para bang
magpipihit ng turnilyo. Halata ang galit sa awra niya dahil sa ginawa nito.

*Clap clap clap* Lumitaw sa paningin ni Lorenz si Gon Peter. Nagbigay ito ng senyas
at ilang baril ang tinutok ng White guards sa may-edad na babae.

"We will kill Madam Lira kapag hindi ka sumama sa amin," banta ni Gon.

"Gon, don't do this..." hiling ni Madam Lira kahit nanghihina. Bitbit ang ginang ng
dalawang White Guards at sa hindi maipaliwanag na dahilan, sumikip ang dibdib niya
dahil sa sama ng loob sa batang si Gon. Napahawak ito ng mahigpit sa dibdib at
hinabol ang hininga.

Napapikit si Gon para hindi makita ang awra ng ginang. Kailangan niyang iwaksi ang
nararamdaman na awa sa matanda sa mga oras na iyon.

Nakita ni Lorenz ang nangyari kaya nawala siya sa pokus. Sinipa siya ng lalaking
sinaksak niya sa balikat kaya tumilapon siya. Gumulong ang katawan ni Lorenz saka
dahan-dahan na tumayo. Nakatingin siya sa may edad na babae na anumang oras ay
parang babawian ng buhay. Hinahabol nito ang hininga dahil sa sikip ng dibdib.

"Sige, sasama ako... But please, please bring Mama Lira to the hospital!"

"Deal!" sabi ni Gon.

Matapos makipag-deal kay Gon ay ginulpi si Lorenz ng tatlong nakaputi na suit.


Pinagsisipa siya sa tiyan, sinuntok sa mukha. Tumagal ng ilang minuto bago niya
narinig na inutusan ni Gon ang mga tao nito na ihatid ang ginang sa ospital.

Saka siya nawalan ng malay.

MATAPOS pindutin ni Lorenz ang signal at GPS ng relo niya. Agad na kumonekta iyon
sa main computer ng Dark Guard na si Tom.

Nang makuha ni Tom ang signal, nagpadala siya agad ng mensahe kay Cobra na nasa
Pilipinas at sa iba pang Dark Guards na kasalukuyang nagsasanay sa UK para hanapin
ang Shogun.

ILANG araw na lang ay magsisimula na ang klase kaya naisipan na dalhin ni Kai si
Bella sa isang farm house.

Tulad ng inaasahan, suspended na naman siya bilang Dark Guard at si MB10 ang
gaganap munang leader sa loob ng ilang buwan kaya nakapagbakasyon siya na kasama si
Bella.
Siguro kung nasuspinde siya at walang Bella na nag-eexist sa mundo niya, malamang
ay galit na galit siya sa nangyari. Ilan sa mga kasamahan niya ay nagtataka na kung
ano ang nangyayari sa kanya at nawawala na siya sa prinsipyo niya bilang Leader at
Dark Guard.

Nagagalit na rin sa kanya si Lorenz at napapatanong kung anong meron kay Bella para
iwan niya ang lahat para sa babae. Hindi rin alam ni Kai at wala siyang pakialam na
isipin pa o ianalisa pa ang bagay-bagay.

Kung mayroon man na nakakaintindi sa ginawa niya, 'yon ay si Cally. Tahimik lang
ang Master nila at walang reaksyon sa ginawa niya pero ramdam niya na naunawaan
siya nito. May palagay siya na gagawin nito ang parehas na ginawa niya kung malagay
din sa alanganin si Prin.

Nakabawi na ng lakas si Bella matapos ang ilang araw. Gamit ang motor ay nagbyahe
sila mula sa Blue City kung saan sila nakatira ni Kai hanggang sa farm house na
matatagpuan sa kalapit na probinsiya.

Maingat magmaneho ang nobyo niya at parang ninanamnam nito na nakayakap siya sa
likuran nito. Madilim na rin sa farm house nang makarating sila doon.

Isang bungalow house iyon na kakaiba ang disenyo. Bato ang pinakahaligi na
pinatungan ng malalaking kawayan. Ang bubungan ay may solar battery na siyang
sumusuporta sa kuryente ng kabahayan.

May maliit na kusina, isang kwarto na hindi niya pa nakikita at sa pinaka-main area
ay may mga silya na gawa sa matibay na kahoy.

"B-bakit nga pala gabi ang naisip mo na magpunta tayo dito?" Kinakabahan na tanong
ni Bella habang pinapakain siya ni Kai ng hapunan. Puro gulay iyon na tanim doon sa
farm kung saan sila naroon.

Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya lalo at dadalawa lang sila ni Kai sa
romantic house na iyon. Nakapag-out-of-town naman na siya kasama ang huling nobyo
na si Josh at saka si Kai pero madalas na sa ibang tulugan sila nagpapahinga.

Kung tutuusin, ilang beses na rin niya na nakatabi ang nobyo na si Kai sa pagtulog,
pero iba ang kaba niya sa oras na iyon.

"Because it's beautiful. I'll show you later." nakangiti na sagot nito.

"O-okay."

Matapos nilang maghapunan, may inasikaso si Kai sa labas ng bahay. Nagpanggap naman
si Bella na nagb-browse sa cellphone. Medyo mahina ang signal kaya nahihirapan siya
at natatagalan sa bilis ng internet.

Nang magbalik si Kai, napalunok si Bella lalo na nang inakay siya nito na pumasok
sa loob ng kwarto.

Handa na ba siya na ibigay ang sarili sa nobyo?

'Wait lang!!!' Masyado siyang advance mag-isip.

Isang Queen size na kama nga lang ang laman ng kwarto. At kulay puti pa iyon kaya
lalo siyang kinabahan.

"Close your eyes,” utos ni Kai. Walang nagawa si Bella kun’di ang sundin ang
binata. Kumakabog ang dibdib niya lalo nang ihiga siya nito sa kama. Kinakabahan ba
siya o excited?!

"Now, open your eyes..."

Dahan-dahan na iminulat ni Bella ang mata niya at tumambad sa kanya ang mga bituin
sa langit. Napasinghap at natutop niya ang bibig sa nakikitang ganda ng kalangitan.

"Oh my gosh!"

"It's beautiful, right?"

Tumango si Bella. Pinatay pala ni Kai ang mga ilaw sa labas kaya ito sumaglit sa
labas ng bahay.

Ang bubong sa kwarto ay gawa sa espesyal na salamin na halos hindi na makita kaya
kitang kita niya ang mga bituin sa kalangitan. Ang saya ni Bella kaya nayakap niya
si Kai nang wala sa oras.

"Thank you, babe!" Masaya niyang sabi.

Ilang minuto niyang tinitigan ang pagkinang ng mga bituin habang nakahiga sa
malambot na kama. Hindi niya napapansin na nakatitig na pala sa kanya ang binata sa
tabi. Paglingon ni Bella ay nasalubong niya ang mata nito.

Matapos ang ilang sandali ng pagtitig sa isa't-isa, nilapit ni Kai ang mukha sa
kanya para halikan siya sa labi.

Naaadik na si Kai sa labi ni Bella.

Ang alam niya ay hindi nakakasawa ang labi ng nobya. Hanggang sa lumalim ang halik
niya dito. Hindi niya namamalayan na nakapatong na siya sa ibabaw ni Bella.

Gumagapang ang kamay ni Kai simula pisngi, sa leeg pababa sa dibdib. Parang sumapi
sa kanya ang masamang espirito at nawala na naman siya sa prinsipyo niya bilang
nobyo ni Bella.

He wanted all of her. Bumaba pati ang paghalik niya mula sa labi hanggang sa leeg.

"Ohh…" narinig niyang ungol ng nobya na lalong nakapagpa-demonyo sa pagkatao ni


Kai.

Isang malakas na ring ng cellphone mula sa bulsa na may kasamang vibrate ang
nagpatigil sa kanila. Bigla siyang napaupo at nangigigil na kinuha ang cellphone.
Si Bella sa tabi ay pulang pula ang pisngi at halos hindi makatingin sa kanya.

Naging seryoso si Kai nang mabasa ang pangalan ni Cally sa telepono.

"Shi!" Bungad niya.

Sinabi agad ni Cally ang pakay "MB5, we have to go to the UK! Kinuha nila ang
shogun at naospital si Mama Lira. We'll be doing a rescue mission!"

HINDI nag-aksaya ng oras ang grupo ni Cally nang makuha ang signal na nadakip ang
Shogun. Buong pamilya ng Han ay napapunta ng wala sa oras sa UK.
Nauna si Christen para matingnan at magbantay sa kasalukuyan kay Madam Lira.
Kasalukuyan na nag-aaral ang dalaga ng medisina sa Paris at dahil nasa kalapit na
bansa lang din ang dalaga, nauna ito ng halos buong araw kila Cally.

Nang buksan ni Cloud Han ang pintuan ng kwarto ni Madam Lira, kasunod ang buong
pamilya, natagpuan niya ang Mommy niya na nakahiga sa malapad at malambot na kama.

Nasa loob si Christen para review-hin ang gamot at findings ng Madam. Nakasuot ito
ng pinaghalong kulay na itim at puting bestida.

"Dad, Ma!" bati ni Christen. Mabilis itong naglakad patungo sa magulang.

"How is your Mama Lira?" tanong ni Cloud.

"She's okay, nagkaroon lang paninikip ng dibdib dahil sa nangyari. She was
emotionally hurt.” malungkot na sagot ni Christen. Noon niya napansin si Cally pati
ang iba pa nilang pinsan.

"Cally!" nagyakap sila na magkapatid. Napansin din ni Christen si Prin na halata sa


mukha ang pagkabahala.

Dahil close ang pamilya nila, magkakilala sila simula pa pagkabata pero hindi sila
ganoon ka-close na dalawa dahil iba ang trip ni Prin, sa trip niya.

Isang Dark Guard si Prin, samantalang mas malalim mag-isip si Christen. Pero
pamilya pa rin ang turing nila sa isa't isa.

"Prin!" bati ng dalaga.

Ngumiti si Prin kay Christen. Mas matanda sa kanya ng dalawang taon ang dalaga.

"How are you?" Tanong ni Prin.

"I'm good! Thank you!" sagot nito. Gustuhin man nila na magbiruan ay hindi
makabubuti sa mood ng kwarto. Gusto sanang biruin ni Christen si Prin tungkol sa
kuya niya, pero seryoso ang lahat na nag-aalala kay Madam Lira.

TATLONG daan na miyembro ng Dark Guards ang nagtipon-tipon sa Kent Mansion sa UK.
Makalipas ang ilang taon, nagkita-kita ang Gray at Black Guards.

Sa malaking lupain ng Residente ng Kent, habang naghihintay ng utos, nagawa munang


makipagkamustahan ng lahat.

Nasa hall ang lahat ng leader…

Nakaupo ang lahat ng leader sa harapan ng isang kwadradong table. Isang mahabang
table 'yon na may twenty seats. Siyaman ang upuan ng magkabilang panig at tig-isa
sa magkabilang dulo.

Nakaupo si Prin sa gilid ni Cally, na nakaupo sa pinakadulong bahagi bilang Master


ng lahat. Kasama rin sa meeting si Ana at Joen.

Dahil suspendido si Kai, hindi siya ang tatayong leader ng Black guards na
magbibigay ng huling salita. Pero pinayagan siya na dumalo para magbigay ng payo at
strategy.
Hindi nga lang niya matanggap na nasa dulong bahagi siya nakaupo malayo kila Cally.
Pakiramdam niya tuloy ay isa siyang salingpusa sa klase. Wala si Bella sa paligid
kaya balik sa normal ang mood ni Kai na mainitin ang ulo.

Nakuha nila ang signal kung saan dinala si Lorenz bago tuluyang nawala iyon. Ayon
sa mapa, sa dagat nawala ang signal ng Shogun pero dahil iisa ang kalapit na isla,
hinala nila na naroon ang shogun sa oras na iyon.

"Sa tingin ko, nasuri nila ang relo kaya tinapon nila sa dagat.” hinala ng isa.

"Shi, kailangan na masiguro natin na naroon nga sa isla ang Shogun,” sabi ng isang
leader sa nakapangalumbabang si Cally.

Malalim ang iniisip niya. Hindi niya hahayaan na may mangyaring masama sa kaibigan,
ganoon din ang iba pang kasama.

Ilang saglit lang, bumukas ang mabigat na pintuan na gawa sa makapal na kahoy.
Agaw-pansin ang pag-ingit nito kaya sabay-sabay na napalingon ang lahat sa
direksyon ng pintuan.

Isang lalaking nakasuot ng maluwag na trousers na akala mo ay pajama, masikip na T-


shirt at alpombra ang suot na tsinelas ang niluwa ng pintuan.

Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan at dalawang pulgada ang taas,
parang kinahig ng manok ang buhok nito sa kapal, maganda ang pangangatawan kahit na
hindi ma-muscle na tulad ng Dark Guards, magandang lalaki na makalaglag shorts at
may mata na kulay… asul?

May bitbit pang isang mataas na baso ng tumbler ng kape ang lalaking bagong pasok
at laptop na Predator 21 X ang tatak sa kabilang kamay. Isang 21 inches na
pinakamalaking laptop na nakita nila sa buong buhay nila.

Napakunot ang noo ni Prin dahil tila naligaw ito ng kwarto na pinasukan. Parang
matutulog ang lalaking bagong pasok na basta umupo sa dulong bahagi na silya,
katapat ng pwesto ni Cally at gilid ni Kai.

Nakakunot ang lahat sa bagong pasok na binata dahil pare-parehas ang tingin ng mga
ito na naliligaw doon ang lalaking bagong pasok bukod kay Cally.

"Hey! Asan na ang usapan? Hindi niyo man lang ako nagawang hintayin?" reklamo nito.

"Ahmm… Sino ka?" Takang tanong Prin.

"Who are you?" mainit ang ulo ni Kai. Akala ba ng lalaking bagong pasok ay
nakikipagbiruan sila o makikipaglaro.

"Hey Mia Khalifa, nah-hurt ako sa tanong mo ha! You too Ryan Driller, matapos ko
kayong iligtas ng Angel mo! Hmp!" sabi nito bago humigop ng kape.

"Matty?!"

"Mat-mat?!"

Nanlalaki ang mata ng lahat ng tao sa meeting bukod kay Cally.


HINDI akalain ni Prin na pupuntahan sila nang personal ni Mat-mat para sagipin si
Lorenz. At mas lalong hindi siya makapaniwala sa hitsura nito.

Kung si Cally ay kamag-anak ng iceberg dahil sa sobrang seryoso, si Mat-mat ay cool


at nabigla siya na mukhang madali itong makagaanan ng loob. Taliwas sa normal na
ugali ng isang computer geek.

"Bakit parang gulat na gulat kayo?" Tanong ni Mat-mat na inikot ang paningin sa
lahat.

"Gag*! Ikaw ba naman ang walang mukha, kahit sa webcam ay hindi ka nagpapakita.
Tapos isang araw ay papasok ka na lang dito sa meeting na parang makikitulog lang
sa kapitbahay." Reklamo ni Kai habang nakahalukipkip.

"Nag-iingat lang ako sa mga kalaban. Kapag nabenta niyo nga ang larawan ko ay
siguradong milyunaryo na kayo. O siya! dahil nakita niyo na ang kagwapuhan ko, saan
na tayo?"

"We need to find Lorenz' location," si Cally.

"K!"

Binuksan lang nito ang malaki at mukhang mabigat na laptop. Mabilis na nagtipa sa
computer. Nakataas ang kilay ni Kai na sinusuri ang binata. Mukhang nahalata naman
nito na amazed siya sa itsura nito.

"Kai, may problema ka ba sa 'kin?" Tanong nito habang mabilis na nagtitipa sa


keyboard at saglit na tumingin sa kanya.

"Wala naman, ang kapal kasi ng buhok mo, pwede nang tirhan ng inakay sa kapal!
Tapos, interesado rin akong malaman kung bakit kulay blue ang mata mo."

"Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng tulong," pagsusumbong nito.

"MB5, you are under suspension. You are not allowed to say anything," utos ni Cally
para matapos na.

Ngumiti ng malapad si Mat-mat na halos magpasingkit na sa mata nito para kay Kai.
Saka pinisil ang pisngi ng huli.

"Your Angel is amazing! I can give you a secret video cam na pwede mong ilagay
pasikreto sa CR ng bahay niya. At pwede mo siyang bosohan tuwing gagamitin niya
'yon," pang-iinis nito kay Kai.

Alam ni Mat-mat na gustuhin man ni Kai na gulpihin siya doon ay mapapagalitan ito
lalo ni Cally at ng iba pang tao doon kaya naisipan niyang asarin ang binata.

Tulad ng inaasahan, hindi makapag-react si Kai at makapaglabas ng kahit na anong


salita dahil na-warning-an na siya ni Cally. Tama bang sabihin na bosohan niya si
Bella? Isang titig na masama lang ang naibigay niya sa lalaki.

"Mat..." seryoso si Cally na nagbanta na rin. Naiinip na kasi siya. Hindi tama na
magtagal sila sa meeting na iyon dahil nag-iinisan ang dalawa sa kabilang dulo ng
Mesa.

"'Eto na, 'eto na! May gigil pa." Pagkasabi nito ay hinarap sa kanila ang computer.
Pinindot lang nito ang space bar at lumitaw ang isang porn video sa monitor. Dahil
normal na malakas ang speaker ng laptop ni Mat-mat nawindang ang lahat sa pinakita
niya.
"Ahhh! ahhh! yeah! Oh my god! Oh my god!" Hiyaw ng isang mukhang arabong babae na
may malaking dudu na nakikipagkemehan sa maputi at kalbong lalaki na malaki ang
katawan.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat na pinindot ang pause at tinulak ang monitor ng laptop
para magsara iyon.

Pulang-pula ang mukha ng karamihan sa kwarto. Kahit si Prin ay napanganga sa


pinakita ng binata, at bahagyang namula ang pisngi.

"Cally! Don't tell me that is Mia Khalifa?!" Baling niya sa asawa. Pabulong pero
may diin ang pagtatanong niya.

"Yes, with Johnny Sins," simpleng sagot ni Ana na narinig ang pagtatanong niya.
Nakangisi ang kaibigan niya at tila nang-aasar.

"Ehem!" Tumikhim si Mat-mat at nagpipindot muli sa laptop.

"Seriously! You are so pervert!" Hindi na napigilan ni Kai na pagalitan na naman


ang lalaki.

Bumaling muli si Mat-mat sa binata. "I am just giving you tips okay?! Para may
matutunan kayo ni Angel mo."

Bumaling si Kai kay Cally at sa iba pa. "Shi, pwede ko bang saktan ang taong 'to
kahit isang beses lang?" Hindi niya na napigilan.

"'No ba 'yan, Init ulo ng baby ko! 'Eto na!" Saka nito pinakita ang nasa monitor.

Isang satellite video ang nakikita nila sa monitor. Isang land area na makikita ang
bubungan ng nag-iisang bahay.

"Dito kayo pupunta," naging seryoso ito bigla.

"Paano mo nalaman na nand'yan si Shogun?" Tanong ng Leader ng Gray Guards.

"Because of this..." pagkasabi ay may pinakita na kuha ng video mula CCTV si Mat-
mat.

Kita nila ang nakataling katawan ni Lorenz na halos hindi na makalakad na pinapasok
sa loob ng isang madilim na pasilyo.

NAGING seryoso si Mat-mat para mas malinaw na maipaliwanag ang mga nadiskubre niya.
Gusto niya lang asarin si Kai pero seryoso pa rin ang usapan sa pagligtas kay
Lorenz.

"This is definitely Gon's home right now. Huling nasagap ang GPS ng relo ni Lorenz
ilang kilometro ang layo sa bahay na ito kaya one hundred and five percent sure ako
na nandito siya," paliwanag ni Mat-mat habang nakatingin kay Cally.

"Do you have a blueprint or a Map ng bahay niya? O kahit kung ano ang anyo ng bahay
na iyan sa loob?" sa isip ni Cally, kailangan nilang isipin nang mabuti kung paano
ilalabas sa bahay na iyon si Lorenz nang hindi mapapahamak ang kahit na sino sa
Dark Guards.
Biglang sumimangot si Mat-mat "Sa totoo lang, sa ilang taon ko na pagiging hacker,
sad to say ay hindi ko alam. If there is someone who knew the design of that house,
that would be Mr. Peters na lolo niya at ang architect ng bahay. There is nothing
in any computers na na-run ko simula kahapon. I guess, hard copy lang ang blueprint
at nasa safe iyon ng mga Peters."

Humigop muna ito ng kape.

"But I'll show you something interesting," sabi ng binata.

Hinarap muli nito sa sarili ang computer. Nahihirapan ito dahil nasa likod ito
nakaupo habang pinapakita kila Cally ang monitor. Walang projector na pwedeng
magamit kaya nahihirapan siya. Nilingon niya si Kai.

"Kai Jang, alis ka muna sa pwesto mo, para d'yan ako," utos nito.

Nagtaas ang kilay ni Kai "Bakit?!"

"Para hindi mahirap sa pagtipa saka magpakita ng detalye. 'Wag ka na umangal, para
matapos na ang meeting."

"Pwede naman sa kanya ah. Bakit sa 'kin?" Turo ni Kai sa katapat na silya.

"Hindi kami close! At least, ikaw, may mga pinagdaanan na tayo sa buhay. I-she-
share ko sa iyo mamaya ang lahat ng porn sites na alam ko para mapag-aralan mo kung
paano magpaligaya ng iyong angel."

"Gagu!" Nangigigil na tumayo si Kai para manahimik na lang ang binata. Alam niya na
pinagtitripan siya nito dahil nga suspended siya.

"Ayan, palit tayo ng pwesto." Ngising-ngisi si Mat-mat.

Pinaupo nito si Kai sa silya na nasa kabilang dulo sa pwesto ni Cally. Ang
problema, walang makita si Kai kahit katiting na parte ng screen. Matalim ang
tingin na pinukol niya kay Mat-mat. Kung nakakamatay lang siguro ang mga titig niya
sa binata, malamang na na-chop na parang pork cubes ang katawan nito.

Nagpatuloy si Mat-mat "Fortunately, I saw this list dahil na-hack ko ang main
computer sa bahay na ito."

Matapos nitong magpipindot, nag-run ang kulay itim na screen na may mga sulat na
kulay berde na parang 'matrix'. "Here is the list ng lahat ng trainees ng White
Guards."

Nabigla ang lahat ng tao sa kwarto. "You mean, may binuo rin silang trainees para
labanan ang Dark Guards?" nanlalaki ng mata na tanong ni Prin. Naisip niya na
seryoso talaga si Gon na labanan si Cally.

"Yes!" tumango ang binata.

"Since when?" tanong ng isa.

"Three years sila nagsimula. Five years ago, nang binuo ang samahan niyo ng lihim
sa Japan, na eventually ay hindi rin naging lihim dahil may mga nagback-out na
trainees, hindi tayo sigurado na mananatiling sikreto ang lahat…"

"...Kahit pa sabihin na may pinirmahan silang kontrata na lahat ng nangyari sa


Matsui Mansion ay hindi dapat makalabas sa kahit na anong organisasyon o kahit na
kanino, may nakalusot pa rin."

Malalim ang iniisip ni Cally. Totoo ang sinasabi ni Mat-mat. Walang sino mansa mga
trainees noon na hindi nagpatuloy ang maglalakas ng loob na ilabas sa iba ang mga
ginawa nila sa Matsui Mansion sa Japan. Lalo't alam ng mga ito kung gaano kalakas
ang samahan na binuo nila. Buhay ang kapalit kapag nagsalita kaya siguradong
malakas ang loob ng taong ito.

Nagpatuloy sa paliwanag si Mat-mat.

"Nagtataka ako nuong una, until I saw this first person in the list." nagtipa muli
si Mat-mat sa keyboard at lumitaw sa mas malaki na letra ang pangalan.

'Levan Hung'

Nanlaki ang mata ni Prin at iba pang kasabay nila na trainees noon na kasama ni
Levan. Si Cally naman ay napakuyom ng kamao.

"Ang hula ko ay siya ang kusang humanap kay Gon at three years ago lang sila
nagkita. Nang panahon ng training, limang taon ang nakaraan, bago siya pinalayas ni
Uncle Rob sa Matsui Villa, nagsimula na siyang mangalap ng mga impormasyon."

Halatang nagalit ang karamihan ng Dark Guards na nasa loob ng hall lalo at
karamihan sa kanila ay nakasabay si Levan sa training. Pero hindi si Cally dahil
alam niya na nakagawa si Levan ng paraan para pagbintangan siya noon.

Naisip niya na ilang beses na talagang nakapasok si Levan sa loob ng bahay nila
Prin sa Matsui Mansion para maghanap ng kung ano na maaari nitong magamit.

"How many white guards does he have?" Gustong malaman ni Cally

"Three hundred."

KAKAIBA ang isla na pag-aari ng mga Peters. Isang malaking mansion ang nasa
pinakagitna ng lupain na napapaligiran ng mga damo kaya kitang-kita ang pagkaberde
ng paligid. May tower malapit sa cliff sa likurang bahagi.

May highest point na 32 meters ang taas kung saan may bangin sa bandang likuran.
May 0.63 kilometers length at 0.91 kilometers width ang buong isla. Malakas ang
hampas ng tubig ng dagat sa mataas na bato kung saan naroon ang bangin. Sa bungad
nakaparada ang puting yate ni Gon Peter.

Ilang kilometro ang layo ng grupo ni Cally sa isla at pinag-aaralan ng mabuti kung
paano papasukin ang lugar. Nanghingi na siya ng tulong kay Aiden Park para
makahiram ng limang skyjet na pag-aari ng pamilya nito.

Kabilang ang pamilya nito sa Dark Lords kaya hindi na ito nagdalawang isip na
ibigay ang gusto niya.

Sinusuri ni Mat-mat ang mga video na nakalap niya. Sa malaking lupain na iyon din
nagsasanay ang lahat ng White guards. Napansin niya mula sa mga videos na iyon na
halos parehas ang training na grupo ni Cally sa grupo ni Gon.

Kung mayroon mang pagkakaiba sa dalawang grupo, disiplinado ang grupo ni Cally,
samantalang parang walang sinasanto ang grupo ni Gon. Halatang pinilit lang ni Gon
na makabuo ng White Guards. Base sa listahan na nakuha niya, karamihan sa White
Guards ay mga goons, holdaper, mamatay tao at kung ano pa.

Malayo sa ugali ng Dark Guards. Kung mayroon mang mananalo sa araw na iyon,
sigurado si Mat-mat na grupo ni Cally dahil mas hasa ang Dark Guards sa mga ito.
Pero ayaw niyang magsalita ng tapos.

Inikot-ikot niya sa screen ang anyo ng isla. Nasa ganoong ayos siya nang makita
niya na pumasok sa kwarto si Kai.

"Kai Jang, come here." Tawag ni Mat-mat sa binata.

"Kung ikaw si Gon, and having this kind of property, saan parte ng kamanyakan mo
itatago ang shogun?"

Inikutan ni Kai ng mata si Mat-mat pero sinunod niya ang nais nito. Inikot-ikot
niya ang isla sa screen. Zoom in, zoom out.

"I would definitely hide him in an underground chamber na posibleng nasa ilalim ng
bahay na 'to."

Nagkatinginan silang dalawa. Napapitik si Mat-mat saka nila tinawag si Cally at iba
pa.

MULA sa bangka isang kilometro ang layo sa isla ni Gon Peters, anim na Dark Guards
ang lihim na tumalon mula doon at nag-scuba dive para masuri ang pinaka-ilalim na
bahagi ng isla. Gumamit sila ng 'diver propulsion vehicle' para mapabilis ang
paglangoy nila sa ilalim ng tubig.

Isa si Kai sa grupo para pamunuan ang lima pang kasama. At tulad ng inaasahan,
natagpuan nila ang bilog na butas na isang metro ang laki at may bakal na gate na
humaharang papasok sa loob.

May nakakabit na maliit na camera sa bawat isa at konektado iyon sa computer ni


Mat-mat na maiiwan na magtrabaho sa bangka na ilang kilometro ang layo para gabayan
ang lahat ng Dark guards.

"Get in!" utos sa kanila ni MB10 na nanonood sa computer ni Mat-mat. Matapos ang
utos nito, naglabas and isang Dark Guard ng oxyacetylene torch para tunawin ang
bakal na gate.

"Tingin ko, para sa gustong tumakas talaga ang lagusan na iyan." komento ni Mat-
mat.

Ilang saglit lang natunaw ang gate na bakal at sunud-sunod na lumangoy papasok sa
loob ang anim na Dark Guard hanggang sa makaahon ang mga ito sa pinaka-sahig ng
mansion sa loob.

"We are in!" sabi ni Kai.

"Okay, very good! Hanapin mo ang main computer ng panget na bahay ni Gon,” sabi ni
Mat-mat sa kanya. Kailangan niyang makuha ang kopya ng lahat ng CCTV sa bahay na
iyon.

"As you can see it's super dark here."

Madilim ang buong paligid at halos wala silang maaninag. Gumamit sila ng night
vision glasses para makita ang paligid. Hinubad nila ang diving suit at nagpalit ng
Dark Suit.

"I can still see it. I can change the cam into night vision," mayabang na sabi ni
Mat-mat.

Hindi na ito pinansin ni Kai. Naglakad na silang grupo papasok para mahanap ang
shogun.

MATAPOS makapasok nila Kai, sa loob ng sampung minuto ay susugurin nila ang isla.
Kinakabahan si Cally, masama ang nararamdaman niya sa misyon na ito.

"Husbie, are you okay?" tanong ni Prin. Parehas silang nakasuot ng Dark suit at
naghihintay ng oras.. Hinawakan ni Prin ang kamay ng asawa niya.

"Everything will be okay. Okay?" nakangiting sabi. Tumango si Cally saka sumandal
sa balikat ni Prin.

Hinaplos naman ni Prin ang dark brown na buhok ng asawa niya. Wala na dapat silang
plano na sumama sa misyon na iyon, pero hindi mapakali ang kalooban niya. Kailangan
niyang harapin si Gon at iligtas si Lorenz. Mahalaga ang role ni Lorenz bilang
shogun sa papel ni Cally. Bukod sa personal na guard niya si Lorenz, pamilya ang
turing niya dito.

Inangat ni Cally ang mukha niya para mas matitigan ng maayos si Prin. "Huwag ka
masyadong maglilikot mamaya, okay? Nitong mga nakaraan, sunud-sunod ang naging
misyon natin."

"Don't worry, I'll stay by your side,” sagot ni Prin saka siya kusang nagbigay ng
halik sa labi ng asawa niya.

"You should be, dahil hindi ko hahayaan na makalayo kahit isang hibla lang ng buhok
mo sa akin."

NAGLAKAD sa isang pasilyo ang anim na Dark Guards. Ilang saglit pa, pinigil ni Kai
ang mga kasama niya at tinuro niya ang puti at mahabang CCTV camera.

"Mat, may CCTV," bulong niya kay Mat-mat sa ear piece.

"Get the camera's card, then put it in the reader I gave you." sagot nito.

Sinenyasan ni Kai ang isang kasama na kunin ang sinasabi ng binata sa kabilang
linya. Ilang saglit lang nakuha nito ang memory card at sinuksok sa reader na
tinutukoy din nito. Agad na nag-transmit iyon sa computer ng binata saka mabilis na
kinopya ang lugar at posisyon nito pati ang larawan na kuha nito.

Ilang saglit lang may lumabas na manipis na larawan sa machine na hawak ni Kai.

"Put it on the camera lense," sabi nito na agad na sinunod ng kasama niya.

Ilang kamera pa ang nadaanan ng grupo ni Kai na patuloy na ganoon ang gawa nila
hanggang sa makarinig sila ng ungol.

Sinenyasan ni Kai ang mga kasama para walang mag-ingay at patuloy lang na makinig.
Ilang saglit lang, narinig nilang nagmula ang tunog ng isang latigo na humampas sa
katawan ng tao.

"Ahhhh!!!" saka ito nangigigil na umangil. Narinig nila na si Lorenz ang tao na
iyon.

"He he... Tell us the secrets of the Dark Guards and we need the names of your
people," sabi ng isang lalaki.

"Shogun..." bakas ang pag-aalala sa mukha ng mga kasama ni Kai. Kahit siya ay
napahigpit ang hawak sa bitbit niyang katana.

Pinakinggan muna nilang mabuti kung ilan ang posibleng makalaban nila sa loob.

Sa parehas na oras, sakay ng skyjet, lumipad isa-isa ang mga ito patungo sa isla.
Malayo pa ang agwat ng sasakyan mula dito, pinaulanan na sila ng bala na nagmumula
sa puting tower.

Agad na lumihis ang skyjet. Napakapit si Prin kay Cally dahil sa biglaang paglihis
at halos pag-ikot nito.

"Shi, I'm sorry." paghingi ng paumanhin ng piloto. Sampu silang sakay ng sasakyan
na iyon na halos mawindang dahil umikot ang skyjet sa ere.

"What the f*ck! Talagang pinaghandaan niya ang pagdating mo ha. May pa-welcome
party si Mayor Gon!" komento ni Mat-mat.

"For sure it was made with a computer sensor. I don't think someone will hit at us
nang gano’n kabilis. Mabuti pa, hanapin mo ang main switch ng armas ng tower na
'yon," utos ni Cally.

"I'm on it, alright!" hindi pa sinasabi ni Cally ay kumikilos na talaga si Mat-mat.

Mabilis ang pagkilos na hinanap nito nang IP address at computer address ng tower.

Bumalik ang sinasakyan nila Cally patungo muli sa isla. Pinaulanan sila ng bala ng
tower. Tatlong maliit na missile din ang nilabas ng skyjet at pinuntirya ang
pinakauluhan ng tower kung saan naroon ang armas nito.

**Boom!**

Bumagsak ang mga bato ng haligi nito at unti-unting nalalaglag.

"No need na pala my help. Hmp!" reklamo ni Mat-mat.

"Anyway, Aiden's skyjet is surely amazing! I want one for me!"

"Ano naman ang gagawin mo sa skyjet?"

"Mahal ng mga babae ang bigtime na lalaki! Okay? I want Mia Khalifa. The real Mia
Khalifa in bed. at sa isang sky jet ko siya 'kakaririn' at literal na dadalhin ko
siya sa langit." nangangarap na sabi nito.

"Does she have herpes or infection?" sabad ni Prin. Normal na mag-isip siya ng
masama sa mga porn stars tama?

"Masyado ka madumi mag-isip, Miss Prin."

Hindi na ito pinakinggan pa ni Cally at Prin. Bigla itong naging seryoso at


nagbigay ng impormasyon sa lahat. "They've got the shogun!"
"Good! It's time for the showtime!"

Unti-unting bumukas ang pintuan ng skyjet. Doon lang nila napansin na ilang White
Guards na ang naghihintay sa kanila. Sa palagay nila, nagbigay signal sa mga ito
ang pagsabog ng tower.

Pinagbababaril sila ng mga ito. Mabilis ang galaw ng kamay at espada na sinalag
lang ng isang Dark Guards ang mga bala.

Kasabay ng pagpapaulan sa mga ito ng bala ng iba pang skyjet na sunud-sunod na


tumungo sa isla.

"They want war! We will give it to them!" galit na sabi ni Ana na nag-iinit nang
makipaglaban na nakaupo sa kabilang skyjet.

Naunang nagsipagtalunan ang walo pang kasama ng mag-asawa bago sila magkahawak na
tumalon ilang metro lang ang layo mula sa berdeng damuhan.

Isang mahabang katana ang sinalubong nila sa mga nakaputing suit.

Sa oras na iyon, literal na parang digmaan ang nangyari sa pagitan ng dalawang


grupo.

MATAPOS makinig sa pag-ungol at paghiyaw ni Lorenz, hindi na kinaya ng anim na Dark


Guards ang mga nangyayari. Tuluyan nilang pinasok ang maluwag at malaking kwarto.

"Hhaaaaahhhh!!!!" galit na hiyaw nila at agad na naghagis ng shuriken ang isa sa


mga kasama ni Kai. Tatlong white guards ang kasalukuyang nagpaparusa kay Lorenz.

Natagpuan nila sa kwartong iyon ang Shogun na nakaluhod na tanging pantalon ang
suot na halos magkapunit-punit na gawa ng latigo na hinahampas sa buong katawan
nito.

Dahil wala itong pang-itaas, puro pasa ang torso nito. Naghahalo ang natuklap na
balat at ang mangasul-ngasul na pasa ng binata. May chains ang magkabilang kamay na
nakakabit sa magkabilang bahagi ng pader. At tanging puting ilaw ang nakatutok sa
ulo ni Lorenz. Kaya bukod sa shogun madilim na ang buong paligid.

Ngunit hindi ito naging hadlang para hindi nila makita ang tatlong lalaki dahil
Nakasuot sila ng night vision glasses. Napalingon sa kanila ang tatlong lalaki,
matapos maghagis ng shuriken ang isang Dark Guard at agad silang hinarap ng mga
ito.

Tumama man ang shuriken, parang binalewala lang ng mga ito at hinampas ng isa sa
gawi nila ang hawak nitong latigo. Agad iyong nahiwa ng kasama ni Kai ng matalas
nitong japanese sword.

Ngumisi ang isa nang makita si Kai dahil mukhang nakilala siya nito. Ito ang
lalaking nakita niya na lumusob sa kanila ni Bella. Umakto ito na handa itong
makipaglaban sa kanya.

"I like your pretty girlfriend, leader Kai," simula nito.

"Sorry, But she doesn't like ugly people like you. Haaah!" Saka hinampas ni Kai ang
katanang hawak sa lalaki na napag-alaman niyang 'Thunder' ang pangalan. Nahihibang
ba ito na idamay pa ang nobya niya sa usapan? Nasalag naman nito gamit din ang
espada ng lalaki.

"Eeh, mukhang malakas ka," puri ni Kai.

Ngumisi ito saka gumanti ng pagtira sa kanya. Maririnig ang pagkalansing ng


dalawang armas. Nang magkaroon ng pagkakataon, sinipa niya ito sa dibdib.

"Haaah!!" galit na galit na hiyaw ni Kai at Thunder para sa isa't isa. Matalim ang
tingin na pinupukol ni Kai at ganoon din ang lalaki. Nagkaroon muli siya ng
pagkakataon na suntukin ito sa mukha. Gumilid ang halos buong katawan nito at
binigyan naman siya ng sipa dahilan para mapaatras siya.

**Screetch!** tunog mula sa pag-ingay ng sapatos niya.

Kung naglalaban si Kai at ang lalaki, kasalukuyan nang tinatanggal ng limang kasama
niya ang chain ni Lorenz dahil walang kahirap-hirap nilang natalo ang dalawang
kasama ni Thunder. Nang ma-corner siya nito, binigyan niya ito ng headbutt saka
hinampas muli ng katana.

Nagawa siya nitong patirin dahilan para mapahiga siya. Nang sasaksakin na siya nito
ay agad siyang gumulong paikot palayo sa espada nito saka ito binato ng natagpuang
silya. Hindi niya napapansin na napapalayo na pala sila sa pwesto ng mga kasama
niya.

Okay lang dahil ang personal goal niya sa araw na iyon ay talunin ang lalaking nasa
harapan. Sinabi na sa kanya ni Mat-mat na kailangan niyang tapusin ang taong ito.

"Haaaah!!!" hiyaw nito dahil sa galit saka siya sinugod. Nagkikiskis na halos ang
mga ngipin nila parehas dahil sa namuong galit sa isa't isa.

*huff* *huff*

Makalipas ang ilang saglit, kapwa sila pawis na pawis at mabibigat ang mga
paghinga. Noon niya lang din napansin na nakalabas na sila ng mansion. Dahil
tanghaling tapat sila sumugod sa islang iyon, mas kita ang mga nabasag na haligi na
gawa sa bato ng mansion ni Gon.

Nag-aapoy at may mga pag-usok sa kung saan-saang parte ng lugar, at parang


binungkal na lupa mula sa pagtira ng skyjet sa islang iyon. Natatanaw ng mata niya
ang mag-asawang Cally at Prin sa malayong parte na sabay na lumalaban sa ilang
White Guards. Bamalik ang baling ni Kai kay Thunder, limang metro ang agwat niya sa
lalaking malapad ang pagkakangisi.

"I will sure to r@pe your girlfriend kapag natapos ang laban na 'to. Then,
gigilitan ko siya sa leeg gamit ng espadang ito," sabi nito na tinukoy pa ang
sariling armas.

Lalong nag-apoy ang mata ni Kai sa sinabi ni Thunder. Having the thoughts of this
guy na magdikit sa balat ng nobya niya ay nakakapagpanginig na ng laman. His Angel
is pure. No one will dare to mess around her under his care. Para siyang sinapian
sa mga oras na iyon.

"Haahhh!!!" hiyaw niya saka niya ito sinugod.

Mabilis ang mga pagkilos na nagpalitan sila ng pwesto ng lalaki. Halos hindi na
makita ang ginawa nilang galaw para matalo ang isa't-isa.
Saka niya hinarap muli ito. Nagkaroon ng diretsong guhit si Kai sa braso gawa ng
nasugatan siya ng armas nito.

"Alam mo ba kung saan ka nagkamali?"

"...Nagawa mong isipin ang nobya ko," matalim niyang sabi.

"Hahaha!" para itong nababaliw na tumatawa. Hindi nito napapansin na may dugo ng
lumalabas sa leeg nito at sa bibig. Hanggang sa bumagsak na lang ang lalaki dahil
binawian na ito ng buhay.

"Ohhh my god! Nakakatakot ka pala Kai Jang maisip lang ng iba ang Angel mo,"
narinig niyang sabi ni Mat-mat sa earpiece.

Mukhang nasaksihan nito ang lahat dahil sa camera na nakakabit sa butones ng dark
suit niya.

DALAWA sa mga kasama ni Kai ang nakapunta sa main computer room ng mansion ni Gon
habang nilalabas ng iba pang kasama ang shogun. Naging madugo ang pinagdaanan ng
dalawang Dark Guards dahil may mga nakasalubong silang kalaban habang hinahanap ang
kwarto. Inutusan sila ni Mat-mat na ilagay ang isang USB sa computer na nakita nito
sa screen.

Nakakuyom ang kamao ni Gon na nakatingin sa labas ng kanyang french window. Matalim
ang tingin nito na pinagmamasdan si Cally at Prin na sabay na nilalabanan ang mga
tauhan niya na mga walang kwenta. Parang mga manikang nawalan ng buhay ang mga
white guards niya na nagsama-sama sa iisang tabi. Mayroon din sa iba pang bahagi na
nakadagdag sa pagkainis niya. Kailangan niyang makabuo ng mas malakas na white
guards sa susunod.

Hindi niya akalain na ganito kalakas ang asawa ni Cally na unang beses niyang
makita nang araw na iyon. She's a warrior princess indeed katulad ng nababalitaan
niya. Nakaramdam siya ng kakaiba habang nakatingin sa katauhan ni Prin. Para bang
nasabik siya habang pinagmamasdan ang bawat kilos at galaw nito.

"Master, let's go! Masyadong malakas talaga ang grupo ni Cally," paalala ni Levan
Hung. Limang white guard ang kasalukuyan na kasama ni Gon sa kwarto at pinipilit ng
mga ito na umalis na siya.

Sa palagay ni Levan. Hindi pa ngayon ang tamang oras para harapin niya ang mga
dating kasama. Kailangan niya pang magsanay. Habang si Levan ay may pangako,
mayroon din si Gon. 'Cally, we will see each other in the future.' pangako ni Gon
sa sarili.

Samantala, matapos matalo ni Kai si Thunder. Bigla siyang nakaramdam ng pagod.

"That's amazing MB5!" narinig ni Kai na puri ni Lorenz na nakasandal sa balikat ng


isang Dark Guard na kalalabas lang din mula sa loob ng mansion. Noon lang nila
napansin na may mga natuyong dugo na sa balat nito. Naghahalo ang pangangasul at
pagkapula sa ilalim ng mata ni Lorenz.

"Bring shogun sa sky jet," utos ni Kai saka tinungo ang pwesto ni Prin at Cally na
kasalukuyang nakikipaglaban sa mga White Guards. Kailangan nilang protektahan si
Cally.

Magkatalikuran si Cally at Prin at kapwa hinihingal na sa dami ng white guards na


nilabanan nila. Sixty Dark Guards lang ang lumusob sa isla na iyon dahil kampante
sila na maliligtas nila ang shogun. Ilan na rin sa mga kasama nila ang nasugatan na
pero patuloy pa rin na lumalaban.

"Haaah!!!" galit na hiyaw ni Prin saka niya inikot ang hawak na katana para labanan
ang anim na white guards nang sabay-sabay.

She lowers her body saka mabilis na sinugatan ang mga binti ng mga ito. Si Cally
naman ay patuloy lang din sa paggalaw ng japanese sword na hawak laban sa iba pa.
Hindi napapansin ni Prin na lumalapit na siyang masyado sa pinakagilid ng isla.

"Tumatakas si Gon," narinig nilang sabi ni Mat-mat sa nakakabit na ear piece.

"Where is he?" tanong ni Cally. Kailangan nilang mahuli ang lalaki bago nito ulitin
ang nangyayari.

"Nakalabas na siya ng mansion, mukhang may dinaanan siyang secret passage dahil
bigla na lang siyang lumitaw sa kung saan kasama ang lima pang white guards.
Patungo na sila sa yate na nasa bungad," sagot ni Mat-mat sa kabilang linya.

Nagkatinginan si Cally at Kai saka sabay na tatakbuhin na ang kabilang bahagi ng


isla. Noon lang napansin ni Cally na wala sa likuran niya si Prin at patuloy na
nakikipaglaban sa isa pang white guard.

Nakaramdam na ng pagod si Prin. ilang white guards na ba ang natatalo niya? Hindi
niya na mabilang. Nagkaroon ng tyansa ang kalaban niya dahilan para masipa siya sa
tiyan ng tuluyan. Parang nagslow-mo sa paningin ni Cally ang nangyari na palabas ng
lupain si Prin. Nabitawan niya ang hawak na katana dahil sa sobrang tensyon.

"Prin!!!" sigaw niya saka mabilis na tinakbo ang direksyon nito. Sabay-sabay na
napalingon sa gawi niya ang lahat ng Dark Guard na nasa paligid kahit si Kai.
Nagdilim ang paningin ni Cally na nalapitan ang White guard na tumulak sa asawa
niya.

"Haaah!!!" he growls. Sinuntok niya ito sa mukha saka hinawakan ang leeg nito at
agad niyang binali iyon.

Nasilip niya na nakakapit pa ang kamay ni Prin sa isang nakausling bato. Mabilis
niyang inikot ang paningin. Nakita ni Cally ang tali na ginamit ng ibang Dark
Guards para makababa sa isla at agad niyang hinagis iyon sa asawa.

NAKARAMDAM ng ngalay ang braso ni Cally at ganoon din si Prin dahil sa dami ng
nakalaban nila.

Nakadagdag pa sa pressure ang biglaang pagbali ni Cally sa leeg ng White Guard na


tumulak sa asawa niya. At dahil sa pagmamadali at pagkakabigla sa pwersang ginamit
niya dito, bahagyang napilayan ang balikat niya.

Nang makita ni Cally si Prin na nahulog sa matarik na bangin, parang nilipad ng


hangin ang lahat ng talino na mayroon siya at hindi na siya makapag-isip pa ng
maayos. Nanlamig ang buong pagkatao niya.

Mabuti at may natagpuan siya na makapal na lubid na ginamit ng ilang Dark Guards
mula sa Sky Jet pababa sa isla. Hinagis niya iyon kay Prin saka dumapa.

Nakalitaw ang katawan ni Cally mula ulo hanggang kili-kili sa matarik na bangin.
Kita niya ang paghihirap ni Prin habang mahigpit na nakahawak sa nakausling bato.
May anim na metro ang layo nito mula sa kinaroroonan niya. Kita niya mula sa pwesto
ang handle ng nahulog na katana ng asawa sa batuhan sa ibaba na patuloy na
humahampas sa pader.

Humahampas ang malalaking alon sa pinakapader ng bangin. Hindi sigurado si Cally


kung mananatiling buo ang katawan ni Prin kung sakaling natuluyan ang asawa niya na
mahulog doon. Nagsimula siyang kabahan.

"Honey, I know you can do it. Hold it please…" bakas na sa mukha niya ang pag-
aalala. Maisip lang na mahulog ang asawa niya sa batuhan na iyon ay hindi niya
kaya. Inikot ng mahigpit ni Cally sa braso at kamay niya ang dulong bahagi ng
makapal na lubid.

Agad na nilipat ni Prin ang pagkakahawak niya mula sa nag-iisang bato na naka-usli
sa pader sa lubid. Napapapikit na ng mariin si Prin dahil pakiramdam niya ay naubos
ng sobra ang lakas niya sa pakikipaglaban.

Bumigat ang pakiramdam ng braso ni Cally pero gumaan ng kaunti ang pag-aalala niya
dahil kaunti na lang hawak-kamay niya na si Prin. Unti-unti niyang hinila ang lubid
para umangat ang asawa.

Paliko na si Kai nang mapansin niya ang katawan ni Cally na nasa dulong bahagi na
ng bangin. Napasuntok na lang siya sa hangin. Nagdadalawang-isip siya kung susunod
kay Gon Peter na ayon kay Mat-mat ay pasakay na ng bangka.

Pero mahalaga din ang buhay ng Shi nila.

"Dark Guards! Please help Shi Cally!!!" hindi niya napigilan na mag-utos kahit pa
suspended siya.

Dalawang Dark Guards lang ang kasalukuyan na nakabantay sa gilid ni Cally na


patuloy na lumalaban sa walong White Guards. Nang mapansin ng ibang White Guards
ang lagay ni Cally na nasa gilid ng bangin, tumakbo palapit ang karamihan sa mga
ito sa kinaroroonan niya.

Ang misyon ng mga ito ay si Cally naman talaga. Nagpaulan ng bala ang Sky Jet sa
lugar ng white guards na nasa paligid. Saka naglabas ng granada ang Dark Guard na
sakay nito sa likuran.

**Boom** napatalon na lang ang karamihan sa White guards dahil sa pagsabog.

Tinakbo ni Kai ang pwesto ni Gon na may kasamang dalawa na nakaputing suit. Hindi
niya masyadong maaninag ang mukha nito dahil nakatalikod ito sa gawi niya patakbo.

Nakasuot ito ng puting formal suit na tumatakbo palayo sa mansion, na sakto sa


deskripsyon ng pagkatao ni Gon kaya hinabol ito ni Kai.

Pinaputukan ang tatlong lalaki na patungo sa yate ng mga bala mula sa Sky Jet.
Ilang saglit lang, kita ng mga mata ni Kai na sabay-sabay na kumalat ang dugo sa
mga puting kasuotan ng tatlong lalaki saka bumagsak.

Tinakbo niya ang mga ito. Hinarap niya ang katawan ng lalaking nakaputing formal
suit at may ginintuang buhok.

"F*ck!!!! This is not Gon Peter!" napamura si Kai. Nalaglag ng kusa ang wig nito.

"Sh*t!" sabay silang napamura ni Mat-mat na nanonood sa screen.


Biglang naalala ni Kai ang lagusan kung saan sila pumasok. Gusto niyang mapamura
nang maisip iyon.

"Pervert Mat! Please check kung dumaan ang galunggong sa secret passage sa ilalim
ng dagat." Sinunod naman ni Mat-mat. Ilang saglit lang itong nagtingin sa computer.

"Sh*t nasalisihan nila tayo!" hindi akalain ni Mat-mat na malulusutan siya ni Gon
kahit nakabantay siya sa camera ng mismong mansyon nito. Nangigigil si Kai. Sakto
pa na naiwan nila ang diver propulsion vehicle sa lagusan.

"Dark Guards, we need help! Dito sa lugar ni Shi Cally," biglang sigaw ni Ana.

Napabalik si Kai nang nangagalaiti at wala sa oras sa lugar kung saan niya iniwan
ang mag-asawa.

Nakita na lang niya na nagpupumilit si Cally na labanan ang tatlong Dark Guards na
pumipigil dito kabilang si Ana at panay ang hiyaw nito.

"Ahhhh!!! Huwag niyo kong pigilan! Ahhh!!!" panay ang hiyaw nito at halata nang
umiiyak.

Kita ni Kai ang sugat sa braso ni Cally. Napakuyom na lang ng kamao si Kai lalo na
nang makita na pinagsusuntok nito ang mga kasamang Dark Guard saka ito tumalon sa
bangin.

DAHAN-DAHAN na inangat ni Cally ang katawan ng asawa niya na mahigpit ang


pagkakahawak sa lubid.

"Hindi ko na kaya Cally," nagsisimula nang magluha ang pisngi ni Prin habang
nakahawak ang kamay sa makapal na lubid.

She looked at her husband's face na kasalukuyang natataranta. She knew na sobra na
rin itong nahihirapan. Ayaw niyang sumuko pero kaunting-kaunti na lang at bibigay
na ang kamay at katawan niya.

Humigpit ang tali na nakaikot sa braso at sumasakit na ang kamay ni Cally na


nakadagdag sa pressure kaya hindi niya mai-angat ang katawan ni Prin nang mas
mabilis.

"Honey, honey, Please... Please... Hold on." hiling nito habang ginagamit ang buong
lakas para maiangat siya papunta doon sa itaas.

Prin looked at Cally's face. She was a Dark Guard and has promised that she will
protect this man as long as she's alive. At sa oras na iyon siya ang nililigtas
nito mula sa kapahamakan na halos hindi siya nito maiangat.

She knew he felt something bad either. Kung maayos ang pakiramdam nito, naiangat na
siya doon ng mabilis.

"Hindi ko na kaya, Husbie…" she cried.

Humampas ang malakas na hangin sa gawi niya at halos umikot siya sa ere.

"Ahhh!" napapikit si Prin. Dumausdos siya ng kaunti sa lubid.

Dumaan siya sa mga pagsasanay at isa ang bagay na iyon sa mga pagsubok na
napagdaanan niya. Pero hindi katulad nito na halos walang makapitan ang mga paa at
halos putik ang pader ng bangin.

"Ahh!!!" narinig niyang hiyaw ni Cally.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Prin dahil nakita ng dalawang mata niya na sinaksak
ng patalim si Cally sa balikat kung saan nakaikot ang mga lubid. Ilang saglit lang,
pinipilit na nito na itulak si Cally kasunod niya. Lalong dumaloy ang luha sa mga
mata ni Prin.

She can't let this guy to kill her husband. She's not just a wife but also a Dark
Guard. At isa sa mga sinumpaan niya ay ang gabayan ang kanyang prinsipe. Paano niya
gagawin iyon kung sa oras na iyon ay wala siyang magawa? Nakadagdag pa nga siya sa
bigat ni Cally.

She started to reminisce. There is no way she will let Cally die together with her.

Hinarap ni Cally ang nakaputing suit at sinipa ito.

Nakita ng isang Dark Guard ang ginawa nito kay Cally at agad na nilapitan iyon at
isang matalas na katana ang sumalubong sa uluhan nito. Bumagsak ito sa lupa. Halos
naubos na nila ang halos tatlong daan ng White Guards sa paligid.

Naramdaman na lang ni Cally na gumaan ang lubid na hawak niya. Nang umikot muli
siya, wala na ang asawa niya na ilang segundo lang ay mahigpit pang nakakapit doon.

Natigilan si Cally. Mabilis na dumaloy ang lamig sa katawan niya.

"Prin!!!!" hiyaw niya.

"Shi!" hinila siya ng dalawang Dark Guard palayo sa bangin.

"Bitiwan niyo ko! Nahulog si Prin!" saka pinilit na lumapit pabalik sa bangin.

May hinala na ang mga Dark Guards na nahulog si Prin. Pero hindi nila hahayaan na
magpakamatay si Cally kasunod ng asawa nito. Sayang ang pinaghirapan nila ng ilang
taon.

Mauuwi sa wala ang prinsipyo ng lahat ng Dark Guards at hindi nila alam kung paano
haharapin si Madam Lira kapag may nangyaring masama sa apo nito. Ang goal ng lahat
ng Dark Guards ay protektahan ang Shi regardless kung ano pa ang rason.

"Bitiwan niyo ko!" nagsimula nang lumuha si Cally. Dalawang guards at si Ana ang
kasalukuyan at malakas na pumipigil sa kanya.

"Parang awa niyo na! bitiwan niyo ko!" pakiusap niya. Nagsisimula ng sumikip ang
dibdib ni Cally. Alam niya na hindi siya hahayaan ng mga ito na makalapit sa dating
lugar. Pero paano na si Prin? Paano na ang asawa niya?

"haaah!" hiyaw niya dahil sa sobrang galit.

Napapikit siya ng mariin habang lumuluha. Ilang oras lang ang nakalipas ay sinabi
niya dito na hindi niya kakayanin kahit isang hibla ng buhok nito ang mawala.
Bumalik sa alaala niya ang anyo ng bangin sa baba at hindi niya nasisigurado kung
buhay pa si Prin sa lakas ng hampas ng alon doon.

Naninikip ang dibdib ni Cally na maisip na namatay ang asawa niya dahil napabayaan
niya ito ng ilang segundo lang.

"Haaah!!!" Napahiyaw siya sa sama ng loob.


Wala na siyang pakialam kung hindi niya manahin ang Dark Lords but he wanted Prin
right at that moment.

"Bitiwan niyo ako… Pakiusap…" sabi niya sa pagitan ng mga paghagulgol.

Sa lakas ni MB10 at isa pang Dark Guard, hindi na siya makakilos. Idagdag pa na
nawalan talaga siya ng lakas.

Pati ang mga ito ay nagluluha na rin sa nakikitang ayos niya. Sa unang pagkakataon,
parang nilipad ng hangin ang pader na nakaharang sa pagkatao ng master nila.

Nanghingi na ng tulong si Ana na lumuluha sa mga kasamang dark guard sa earpiece.

"Hahhhh!! Bitiwan niyo ko! Prin…" basang-basa na ang mukha ni Cally ng luha dahil
sa sama ng loob.

Kung sana ay hindi na sila sumama sa misyon na iyon.

Kung sana ay hindi niya hinayaan na makalayo dito kahit isang segundo lang.

Kung sana…

"Haaahhhh!!!" wala na siyang nagawa kun’di ang saktan si MB10 at isa pang Dark
Guard saka mabilis na tumalon sa bangin.

PARANG nawala sa sarili si Cally nang humampas ang ulo niya sa tubig mula sa itaas
ng bangin matapos niyang tumalon. Matinding kumirot ang ulo niya saka mabilis na
hinahampas ng alon patungo sa pader. Para siyang parte ng tubig-dagat na
gumugulong-gulong sa tubig.

Mas mataas na ang tubig kumpara nang oras na lumangoy sila Kai sa ilalim ng islang
iyon. Mas mapayapa din ang tubig-dagat nang oras na pinasok nila Kai ang isla.

Sumisid siya ngunit hindi siya makalangoy ng maayos dahil sa nasugatang braso.
Idagdag pa na kumikirot ng sobra ang ulo niya.

Mabilis siyang nag-isip. He wanted to see his wife. Naghahalo ang luha niya sa
tubig alat. Umangat siya para kumuha ng hangin saka sumisid muli. His goal is to
find Prin.

Nakikipaglaban ang hampas ng alon sa katawan niya na sobra nang nanghihina.

Sa lawak ng karagatan na iyon para siyang maghahanap ng karayom sa dayami. Hanggang


sa sabay silang dinala ng katana ni Prin pahampas muli sa pader. Dahil sa
pagkakahampas ng alon sa kanya at panghihina ay nawalan siya ng malay.

Nagising si Cally na naroon na siya sa kwarto niya sa Kent Mansion. Bumalikwas siya
ng bangon at nakita niya ang Mommy niya at si Christen sa magkabilang gilid.

Hawak ni Ginny ang kamay niya at sinusuri naman ni Christen ang dextrose at gamot
na nilagay nito doon. Bahagyang kumirot ang braso niya na may benda gawa ng sugat
mula sa patalim. Idagdag pa na bigla siyang bumalikwas ng bangon.

"Ma, where is Prin?" kinakabahan niyang tanong.


Napansin niya na nagluha ang mata nito.

"How long… I've been staying here?"

"F-five days."

Hindi na kinaya ni Cally na ilabas ang luha dito. Naninikip ang dibdib niya tuwing
maaalala ang nangyari nang araw na iyon.

"Haaah!" napahiyaw na lang siya sa sobrang sakit sa dibdib. Nangangatog ang buong
pagkatao niya.

"Honey, I'm sorry we-we can't find her," sabi nito saka siya niyakap ng mahigpit.

Si Christen sa tabi ay nalungkot at nakagat ang labi upang pigilin na sumabay sa


pag-iyak. Unang beses niya na makita na nagkaganoon ang kuya niya. Hindi ito nahiya
na ipakita na tao rin ito at nasasaktan. Marunong din magmahal.

Ginamit ng Dark Guards ang yate ni Gon para mabilis na makaikot sa likurang bahagi
ng isla at doon nga nila natagpuan ang kuya niya na inaanod ng tubig-dagat.

"I want to find her…" hiling ni Cally habang lumuluha. Si Madam Lira na bagong
pasok ay naawa kay Cally na humahagulgol sa bisig ni Ginny.

Biglang pumasok sa isip niya ang parehas na sitwasyon nang halos bawian ng buhay si
Ginny noong bente anyos lang din ang anak niya. Sa parehas na paraan umiyak ang apo
niyang si Cally.

She knew Cally loves Prin so much. Nilapitan niya ito at umupo sa dulong bahagi ng
kama. Kung may pagkakaiba man, si Ginny ay nasa harapan niya ngayon samantalang si
Prin… Tila isang sumpa ang bagay na iyon sa pamilya nila.

"Ma… I want to see Prin… Please.” parang bata ito na humihiling ng laruan at
nasasaktan sila na makita si Cally na halos wala nang itirang luha sa mata nito.

"I want to see her..." paulit-ulit nilang nadinig na sabi nito.

"Honey, Rob is searching sa buong karagatan for a couple of days… y-you stay here
para magpagaling."

Napapikit ng mariin si Cally. "But I want my wife…"

"Haah… Haah.” dalawang beses siyang huminga ng malalim sa pagitan ng pag-iyak.


Parang pinupukpok ng bato ang dibdib niya.

Matapos ang ilang sandali biglang nangulit na naman si Cally.

"I want to go! I want to go with Uncle Rob!" tumayo na si Cally at aktong lalabas
na ng pintuan.

"No Honey! You will stay here!" Nagalit na pati si Ginny.

Maisip niya lang na nagawa ni Cally na sundan si Prin na tumalon sa matarik na


bangin ay hindi niya kinakaya. Sa lagay ng anak niya sa oras na iyon, hindi niya
alam kung ano pa ang kaya nitong gawin.

Nagpumilit si Cally na layuan ang Mommy niya hanggang sa maramdaman na lang na


tinurukan siya ng pampakalma ni Christen.
ILANG linggo ang lumipas, hindi na niya nakita pa si Prin. He came back sa isla na
kasama si Kai at Lorenz na masama ang loob sa sarili.

Mas maayos na siya mag-isip sa ngayon kumpara ng mga nakaraang araw. Kaya napilit
niya ang dalawa na ihatid siya doon bitbit ang isang kumpol ng pulang rosas.

Lihim na lumuha si Cally habang nakatingin sa karagatan sa tuktok ng parehas na


pwesto ng bangin kung saan nahulog si Prin. Hindi man lang siya nabigyan ng
pagkakataon na bigyan ng bulaklak ang asawa niya.

Binigyan niya ito noon ng tatlong pirasong bulaklak mula sa base sa villa niya para
lang pang-suporta sa pagtatapat niya.

Nainggit pa ito kay Bella na halos araw-araw ay nakakatanggap ng bulaklak mula kay
Kai.

'Honey… I will never forget the first kiss I gave you in Matsui Mansion, you look
so cute five years ago…'

'I will never forget your fragrant, smells like cherry blossom…'

'I will never forget your "Kiss my @ss!" Even though I know you are always waiting
for my kisses...'

'I can't imagine that the word L.O.V.E. will hit me at the age of 23 because the
girl named Prin deserve to be called my first ever love'

'You will always be my Baby Panda and no one will replace you inside my heart'

'Do you hear… My Baby Panda?'

'Do you hear my heart?'

Malungkot ang dalawang binata sa likuran habang pinagmamasdan ang pag-galaw ng


balikat ng master nila dahil sa pag-iyak saka nito hinagis ang isang kumpol ng
rosas sa bangin.

UNTI-UNTING nagmulat ng mata si Prin dahil tila hinihila ang pagkatao niya ng
liwanag na nagmumula sa katabing bintana. Bigla siyang napasinghap at bumalikwas ng
bangon. Noon lang niya napansin na hindi pamilyar ang lugar kung saan siya naroon.

Inikot niya ang paningin sa paligid. 'N-nasaan ako?'

May kakaunting liwanag na sumisingit sa iba't-ibang parte ng paligid na nagmumula


sa labas. May bilog na bintana sa tabi niya at asul na karagatan ang natatanaw niya
sa labas. Gawa sa matibay na kahoy ang buong paligid ng kwarto, may swing pa na
nakasabit sa kisame.

**Cough* Maagiw ang buong kwarto dahilan para maubo siya. Sinuri niya ang sarili.
Isang puting bestida ang suot-suot niya. Nasaan ang Dark Suit?

Ramdam niya ang alon dahil tila dinadala siya ng sahig paangat at pabalik muli.
Nakaramdam ng hilo si Prin. Biglang bumalik sa kanya ang huling ala-ala. Matapos
niyang mahulog sa bangin, hinila siya ng dagat patungo sa kung saan. Pinilit niya
na paganahin ang utak para hindi malunod.

Nagpagulong-gulong ang katawan niya sa ilalim ng dagat hanggang sa makalanghap muli


siya ng hangin. Pero ilang saglit lang at kinain muli siya ng tubig dagat.

Pinilit ni Prin na lumangoy, ngunit masyado na siyang nanghihina. Nagsimula siyang


magdasal para sa sariling kaligtasan hanggang sa hilahin na naman siya ng dagat.
Ramdam niya na kinakain siya ng isang current at dinadala sa kung saan. Hanggang sa
unti-unting magdilim ang paningin niya.

"Gising ka na pala." Naputol ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari nang bumungad sa


paningin niya ang mukha ng isang babae.

Sa palagay ni Prin halos hindi nalalayo ang edad nito sa kanya. Makinis ang mukha
nito, may kayumangging kulay, itim at alon-alon ang buhok na abot hanggang balikat.
Nakasuot ito ng saya at puting blusa.

Para niyang nakita ang live action na anyo ni Esmeralda ng Hunchback of Notre-Dame.
Sa palagay niya, pag-aari ng babaeng nasa harapan ang damit na suot niya sa oras na
iyon.

"Na-nasaan ako?" tanong ni Prin sa babae.

"Hello! I'm Cassandra. Natagpuan ka namin sa karagatan isang linggo na. Nandito ka
ngayon sa barko ni Captain Yeo."

Lumalim ang isip Prin. Kung isang linggo na siyang nasa poder ng iba, kamusta kaya
ang asawa niyang si Cally? Nalungkot siya nang maalala si Cally. Narinig niya pa
ang pagsigaw nito bago siya tuluyang kinain ng dagat. Nasa malalim na pag-iisip si
Prin nang isang lalaki ang pumasok sa kwarto.

Sa tingin ni Prin ay nasa edad trenta ang lalaki. Mestiso, mapula ang buhok na
umaabot sa batok nito, hindi nakaligtas sa kanya ang naghahalong lungkot at talim
ng mga mata nito at diretso sa kanya ang paningin nito. May medium built na
pangangatawan.

Kung si Cassandra ay maihahalintulad kay Esmeralda, parang Live action naman ni


John Smith ng Pocahontas ang lalaki. Yumukod si Cassandra sa lalaki. "Captain."
Tumikhim si Prin saka nagsimulang magpakilala.

"Hello, I am Prin Matsui," pakilala niya sa dalawang nilalang na nasa harapan.

"Nagpapasalamat ako ng marami sa pagtulong niyo sa akin. Pero, hindi ako maaaring
manatili dito." pagbibigay-alam niya na may halong kaba. Hindi alam ni Prin pero
masama ang nararamdaman niya sa lalaki.

Tumaas ang kilay nito. "Ikaw ang magpaliwanag sa bagong miyembro," sabi ng lalaki
kay Cassandra saka ito tumalikod at lumabas.

Natigilan si Prin, lalo na nang marinig niya ang salitang 'bagong miyembro'. Siya
ba ang tinutukoy nito?

"A-anong ibig niyang sabihin?" tanong ni Prin sa babae.

"Pasensya ka na pero… hindi ka na maaaring umalis sa barkong ito,” malungkot na


sabi ni Cassandra. Nanlaki ang mata niya.

"A-anong ibig mong sabihin?!" tumaas ang boses ni Prin.


"Hindi na makakaalis ang kahit na sino pang naging miyembro ng barkong ito."

"But I am not part of this!" galit na sabi niya. Hindi niya na pinakinggan pa si
Cassandra at dumeretso sa pintuan kung saan lumabas ang lalaki. Hinabol siya nito.

Isang pasilyo ang natagpuan niya matapos buksan ang pintuan at pinilit na hinanap
ang daan palabas hanggang sa makaakyat siya sa deck. Nagsipaglingunan ang grupo ng
lalaki sa gawi niya. Noon lang napansin ni Prin na napapalibutan ang bangkang
sinasakyan niya ng asul na tubig-dagat.

"I ALREADY told you, hindi ka na makakaalis dito," narinig niyang sabi ni
Cassandra.

"But I have my own life. May asawa ako na naghihintay sa akin," nag-aalala na sabi
ni Prin.

Bahagya itong natigilan "I'm sorry, but you can't. Hindi ka na basta-basta
makakaalis dito." Napatiim-bagang si Prin. Kahit naman kasi gustuhin niyang umalis
ay hindi rin siya basta-basta makakaalis dahil puro tubig lang ang paligid ng buong
barko. Paano naman siya makakaalis doon?

PANAY ang pag-galaw ng balikat ni Bella dahil sa mga hikbi na nakaupo sa couch sa
loob ng unit nito. Nang araw na iyon lang nito napag-alaman na kinain ng dagat si
Prin. Nasa tabi nito ang nobyo na si Kai.

"My Angel, huwag ka nang umiyak," pakiusap ni Kai.

Kaunting-kaunti na lang, iiyak na rin pati siya. Mahigit isang buwan pa naman
silang hindi nagkita at namiss niya na masyado ang nobya niya. Nilihim niya dito
ang nangyari kay Prin dahil ayaw niyang malungkot ng mag-isa si Bella.

Hindi niya akalain na hindi pa tapos ang parusa niya sa UK nang makita si Cally na
kaunting-kaunti na lang ay susunod na sa asawa nito. Kinailangan nilang bantayan ng
Shogun si Cally na tila kinain ng kabilang buhay. Buong pamilya nito, ang Dark
Guards at iba pang na malalapit na kaibigan ay masyadong nag-alala sa Master nila.

Ilang linggo na nagkulong si Cally sa Kent Mansion na halos mapagkamalan na itong


anak ni Dracula dahil ayaw nitong lumabas sa loob ng sobrang dilim na kwarto nito.
Naiintindihan naman niya si Cally dahil siya man ang malagay sa lugar nito ay baka
abutin pa ng taon bago siya maka-move on.

"What will happen to Cally?" tanong ni Bella habang umiiyak.

Lalong nalungkot si Kai. "Unfortunately, ayaw niya munang bumalik sa Pilipinas. His
goal right now is to find Gon Peter. And… it's not good for him to stay here."
Natahimik si Bella. Totoo na hindi magandang manatili si Cally sa Pilipinas at
naiintindihan niya ito. His life together with Prin is beautiful.

"Mabuti pa ay magpunta tayo sa amusement park," aya ni Kai habang pinupunasan ang
luha ng mga mata ni Bella.

Hindi naman niya pwedeng sabihin na -- 'tama na, my Angel okay lang ‘yan' dahil
alam niya na hindi naman talaga okay na namatay si Prin. All he can do is to give
Bella the happiness he knew para saglit na makalimutan nito ang kalungkutan na
nawalan ito ng kaibigan.

Hindi na nag-atubili pa si Kai nang pumayag ang nobya niya na magpunta sila ng
Amusement Park. Ang totoo, unang beses ni Kai na magpunta ng amusement park kaya
hindi niya alam ang gagawin.

Napatanga siya dahil kailangan pala ng ticket para makapasok. Pinaupo niya si Bella
sa maliit na mesa saka matiyagang pumila sa ticketing booth para bumili ng dalawang
ticket.

Nang makuha ang ticket, hawak-kamay na pinasok nila ang loob ng park. Hindi naman
ganoon karami ang tao pero napansin niya na karamihan sa mga tao sa paligid ay
magkakarelasyon na tulad nila ni Bella. Napakamot sa ulo si Kai dahil pansin niya
na malungkot pa rin ang nobya niya at tahimik sa tabi.

May nakita siya na mga skill games at arcade. Unang napansin niya ang 'Break a
plate' kung saan kailangan basagin ang plato. Kaya doon niya unang inaya si Bella
para mailabas na rin nito ang sama ng loob. Kumuha siya ng anim na set na may tig-
ta-tatlong bola kada set.

"Come here, my Angel.” tawag niya sa nobya. Inabot ni Kai ang maliit na bola kay
Bella. Tiningnan naman ni Bella ang hawak na matigas na bola saka sa mga hilera ng
mga plato sa pader.

"Ilabas mo ang lahat ng sama ng loob mo sa mga plato na iyan, okay?" sabi ni Kai.
Tumango naman ang dalaga. Huminga siya ng malalim saka hinagis ang isang bola. Wala
siyang natamaan.

"Ubusin mo ang lahat ng bola. Gusto ko 'yung galit ka talaga," malakas na sabi ng
binata para maging determinado si Bella.

"Okay, 'yung mas galit!" Sabi niya na nagsisimula nang mag-init sa mga puting plato
na nakahilera.

"Haaah!" Hiyaw niya saka binato ang hawak na bola. Nabasag ang isang plato.

"Yung mas galit pa!" utos ni Kai.

Parang robot naman siya na sinunod ito. "Walang hiya ka Prin! Akala ko pa naman
sisters tayo! Hah!" Saka niya binuhos ang lahat ng lakas sa bola.

Kai "..."

Kumuha siya ng isa pang bola. "Sino na ang makakasama ko sa pag-shopping?!"

"Sino na ang bubungisngis na kasama ako saka mangungulit?!"

"Sino na magsasabi sa akin na kahit langgam ay lalayuan ako dahil sa sobrang sweet
namin ni Kai?!"

Kai "..."

"Salbahe ka! Hindi ka man lang nagtext bago ka nang-iwan!"

"Wala man lang goodbye!"

Kada litanya ni Bella ay naghahagis ito ng bola na lahat ay nakatama sa kada plato
para mabasag. Tumatahip ang dibdib niya ng maubos ang lahat ng bola na hawak.
Nakatulong kahit papaano ang activities nila na iyon ni Kai sa nararamdaman niya.

"ARE YOU okay now?" tanong ni Kai kay Bella.

"Hmmm." halata pa ang inis sa mukha ng nobya niya. Para bang simula sa pagiging
malungkot ay napalitan iyon ng pagka-inis.

Napangiti ng simple si Kai. He wanted to be the perfect boyfriend for his Angel.
Gusto niyang makasama si Bella sa saya nito, sa lungkot at sa kung ano man ang
nararamdaman nito. He wanted every detail of her.

May nadaanan pa silang kung anu-anong games at lahat iyon ay sinubukan nila.
Magshoot ng bola, barilin ng bulitas ang maliliit na figure ng laruan na nakahilera
sa pader at kung anu-ano pa.

Nang mapagod, doon lang napagtanto ng magkasintahan na madami silang napanalunan na


malalaking stuffed toy para kay Bella at lahat iyon ay bitbit ni Kai na nasa loob
ng malaking supot.

Hawak niya sa isang kamay si Bela at hawak ng isang kamay ang malaking supot na
ipinatong niya sa likuran. Para siyang si Santa Claus na may dalang laruan. Okay
lang na magmukhang tanga ang mahalaga ay ginagawa niya ang bagay na iyon para kay
Bella.

Malaki ang inggit ng halos lahat ng makasalubong nila na magkasintahan kay Bella.
Lalo na ang mga kababaihan. Naririnig na lang niya ang mga galit ng mga ito sa mga
nobyo nito.

"Bakit siya madaming dalang stuffed toy?" tanong ng isang babae sa nobyo nito.

"Ow! Ang pogi na nga ng boyfriend niya, magaling pa makakuha ng stuffed toy. Hala!
Galingan mo rin maglaro at bigyan mo ko ng stuffed toy! 'Yung pikachu na malaki."

"Ate Angel? Ate Angel! Woah! ‘Yung buhok mo makakasira na ng relasyon sa haba."

Kumunot ang noo ni Bela nang makilala ang freshman ng school nila.

"Ikaw na naman? Nandito ka na naman?"

"Kung si Kai ang tagabuhat ng stuffed toys mo, ako ang tagabuhat ng buhok mo na
malapit nang maapakan ng--"

"Layas!" putol at pananakot dito ni Kai.

"Hmp! Sungit!"

Si Kai lang ang may karapatan sa lahat ng bagay tungkol kay Bella kahit pa ang
magbitbit ng buhok nito na abot hanggang EDSA.

MAY ilang araw na si Prin na nasa laot lang. Ilang araw na wala siyang makita
kun’di puro tubig-dagat.

Dahil nasa poder siya ng bangkang iyon, kailangan niyang tumulong sa paglilinis o
sa iba pang gawain. Hindi siya sanay sa gawaing bahay dahil namuhay siya na parang
prinsesa kahit nang mga panahon na nakatira pa siya sa Matsui Mansion. Hindi nga ba
at muntik pa niyang masunog ang bahay ni Cally sa simpleng pagluluto lang?

Kinailangan pa niyang magpaturo kay Cassandra. Silang dalawa lang ang tanging babae
na alam niyang nasa barkong iyon. Si Captain Yeo ay hindi na niya nakita pa simula
nang unang pagtatagpo nila dahil madalas lang daw itong nasa kwarto nito.

Hindi alam ni Prin kung ano ang ginagawa ng mga kalalakihan, ngunit madalas na may
sinasakyan ang mga ito na mas maliit na bangka para umalis at bumabalik doon sa
barko makalipas ang ilang oras.

Nang araw na iyon halos parehas sila ni Cassandra ng kasuotan. Nakasaya at blusa.

"Cassy, tell me how long you've been here?" usisa niya habang hinuhugasan ang mga
plato.

Nalungkot ito. "Three years," sagot nito.

"... Nakuha rin nila ako sa dagat," dagdag pa nito.

"Hindi ka na umuwi pa sa inyo?"

Tinitigan siya nito sa mata at malungkot na nagpahayag. "I already told you, you
can't escape.”

Nagsimulang kabahan si Prin. "Bakit nga pala hindi na makakaalis pa sa lugar na


ito? H-hindi ba dumadaong ang barko sa land area?" tanong niya.

"Dumadaong, pero sigurado na hindi mo gugustuhin na makaalis."

Tumalim ang tingin ni Prin. "Anong ibig mong sabihin?"

"Prin, you've been marked as his own," tukoy nito kay Captain Yeo.

Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito kaya pinagpag niya ang basang kamay at
pinuntahan ang kwarto ng Captain Yeo na iyon.

"Prin!" tawag ni Cassandra sa kanya na nag-aalala.

"I want to see that Yeo idiot!" sabi niya.

Inisa-isa niya ang mga nadaanan na kwarto. Nanggigigil siya. Kung pwede na bawian
niya ng buhay ang lalaki ay gagawin niya.

Binuksan niya ang isang pintuan at natagpuan ang lalaki sa harapan ng isang mesa.
May bilog na bintana at kita ang karagatan sa labas. May mga nakasalansan na kung
anu-anong maliliit na bote sa gilid. May malambot na kama sa kabilang banda, na may
natutulog na babae.

Kumunot ang noo ni Prin, sa ilang araw niya doon hindi niya akalain na may iba pang
babae bukod sa kanila ni Cassandra. Nilingon sila ni Captain Yeo at matalim ang
tingin nito na hinarap ang nanlilisik niyang mata.

"C-Captain, I'm sorry…" sabi ni Cassandra na nasa likuran niya.

"I want an explanation!" galit na sabi niya. Sumalubong ang kilay nito.

"Bakit hindi ako pwede umalis dito? I am not yours!" galit na sabi niya na kahit
ang babaeng natutulog nang nakabalot lang ng kumot ay nagising. Sumilay ang mala-
demonyong ngiti nito sa paningin ni Prin.
"I'm sorry but you are now mine! Lahat ng bagay na matipuhan ko sa dagat ay akin.
And you have been marked as my own."

'Marked?'

"W-what do you mean?"

Tumingin ito ng pailalim. "You have a bomb in your head, Miss Prin Matsui. See
this?" pinakita nito sa kanya ang isang metal na kasinglaki ng Tuseran capsule.

"This one is a bomb. And one of this, is now in your head. If you tried to escape,
hindi ako magdadalawang isip na patayin ka."

Tila isang bomba ang mga sinabi nito na parang sumabog sa kanya.

APAT na taon makalipas nang sabihin sa kanya na may bombang na-inject sa ulo niya,
nanatili si Prin sa poder ni Captain Yeo.

Nakakatawa pang isipin na naging bahagi siya ng buhay nito. She is twenty-three and
doing their job. Gustuhin man niyang tumakas ay hindi niya magawa. Ang trabaho ng
mga ito ay magnakaw ng literal sa mga nakakasalubong na sasakyang pandagat para may
maipangtustos sa araw-araw.

Hindi nakaligtas sa kanya ang ibang kasama na sumabog ang ulo dahil kay Captain
Yeo. Parang bilog na pakwan ang mga ulo ng mga ito na pinukpok sa batuhan na
nagkapira-piraso dahil sa capsule bomb.

Mainitin ang ulo ng kapitan ng barko na iyon. Kaunting kibot lang ng mga kasama
niya na hindi nito nagustuhan ay may kaakibat na agad na parusa.

Hindi naman siya pwedeng magpadalos-dalos na tumakas. Gustuhin man niya na tumakas
ay mas pipiliin na niyang mabuhay. At least, may pag-asa pa sila na magkita muli ni
Cally kahit matagal. Kailangan niyang makuha ang remote ng bomba na ipinasok sa
bandang itaas ng batok niya.

Alam ni Prin na naroon lang iyon sa kwarto ng kapitan. Pero sa dami ng tao na
nilagyan nito ng bomb capsule sa ulo, hindi niya alam kung paano ma-identify kung
nasaan ang kanya.

Huminga ng malalim si Prin.

Ilang kilometro na lang ay dadaong na sila sa Puerto del Carmen para mamili ng
pagkain, tubig, gamot at iba pa na maaaring gamitin sa karagatan. Isang isla na
matatagpuan sa Lanzarote, Spain.

May mga nakadaong na iba't ibang klase ng sasakyang pantubig. Karamihan ay bangkang
kulay puti na gamit ng mga taga-baryo sa panghuli ng isda.

May bahayan sa paligid na halos puti rin ang kulay ng pintura. Maririnig ang mga
huni ng puting tagak sa paligid.

Tila sinasayaw ng hangin ang buhok ni Prin na lampas balikat na lang. Pinaputol
niya ang dating haba ng buhok para saglit na makalimutan si Cally. Nasanay na rin
siya sa suot na saya at blusa na tulad ni Cassandra. Sa loob ng ilang taon, hindi
na niya nagawa pang humalakhak. Ano na nga ba ang pakiramdam ng tumatawa?

Nakatayo siya sa gilid habang nakapatong ang mga kamay at matiyagang naghihintay sa
pagdaong nila. Gusto niyang padalhan ng mensahe si Cally nang pasikreto pero alam
niya na hindi rin basta-basta. Siguradong may nagbabantay sa kanila ni Cassandra.

'Cally, wait for me. I will make sure to return by your side.' Isip-isip niya.
Bahagyang nagluha ang mata ni Prin nang maalala ang asawa.

Kahit pa abutin siya ng ilang taon, panghahawakan niya ang pangako nito.

Sa loob din ng apat na taon, naging mailap siya kay Captain Yeo. Halos ayaw niyang
makita ang kapitan at mukhang umiiwas din naman ito sa kanya. Kahit pa nalaman nito
na may kakaiba siyang talento sa unang buwan pa lang niya doon, nang minsan na may
mang-hipo sa kanya na kasamang lalaki sa barko.

Nasa edad trenta na ang manyak na iyon pataas, na hinawakan siya sa puwitan. Hindi
nagdalawang-isip si Prin na ginamitan ng dahas ang lalaki. Gamit ang kutsilyo na
kasalukuyang ginagamit niya pang-tanggal ng lumot sa mga gilid-gilid na kahoy,
diretso niya iyon na tinusok sa kamay nito.

Nagalit ito sa kanya. Sasampalin na dapat siya nito gamit ang isa pang kamay pero
hindi siya nagdalawang-isip na sipain ito. Napaatras ang lalaki.

"You bitch!" galit na sabi sa kanya.

Hindi na siya nagdalawang-isip pa na mabilis na ginilitan ang leeg nito. Kitang-


kita ni Captain Yeo ang mga naganap habang naroon ito sa itaas na bahagi ng deck.
Walang salita o ano mang emosyon na makikita dito habang nakatingin sa kanya.

Nag-aapoy ang mata na sinalubong niya ang paningin nito saka niya tinulak sa dagat
ang lalaki na nawalan ng buhay. Galit si Prin ng mga panahon na iyon at talaga
namang wala siyang sinasanto. Gusto niyang ipakita sa kapitan na hindi siya
simpleng babae.

Sa loob din ng ilang taon, naranasan niya na ang lahat ng klase ng sakuna sa dagat.
Naranasan niya na ang ilang beses na halos lamunin sila ng dagat dahil sa sobrang
lakas ng bagyo habang nandoon sila sa pacific ocean.

Ilang saglit lang, naputol ang pag-ala-ala niya dahil huminto na ang barkong
sinasakyan. Naging busy na ang lahat.

"Tara na Prin!" aya ni Cassandra.

Tumango lang si Prin saka ngumiti ng simple. Sumakay sila sa bangka na pang-
dalawahan at nagsimulang mag-sagwan palapit sa dalampasigan.

Napalingon siya sa isang gawi dahil tila may naghihiyawan.

"Say 'yes'! Say 'yes'!" narinig niyang sabi ng nagkukumpulan at masasayang lokal ng
lugar.

'Hmmm.. mukhang may nagpo-propose'

MAKALIPAS ang apat na taon, isang sikat na singer at aktres na si Bella. Gamit lang
ang matamis na boses at gitara, nagustuhan siya ng mga tao.

Ganoon yata talaga, nasa dugo niya ang maging celebrity na namana niya sa Daddy
niya.

Sa loob rin ng mga taon na iyon, nasanay na siya na bigla na lang aalis ng bansa si
Kai at bigla na lang din itong susulpot sa harapan niya. Hindi na rin naman lihim
sa kanya ang trabaho ng nobyo. Ipinaliwanag nito ng maayos sa kanya ang buhay nito
bilang Dark Guard matapos mamatay si Prin.

They have a long-distance relationship pero ayos lang, ang mahalaga ay nagkikita
silang dalawa.

RAMDAM ni Kai ang pagod mula sa mahabang biyahe. Sa loob ng isang buwan, panay ang
ikot nila sa kung saan-saang bansa. Nagtungo sila sa India, sa UK, sa Japan at sa
China para gabayan si Cally sa mga transaksyon nito.

Literal na naging guards ni Cally silang dalawa ni Lorenz.

Simula ng mamatay si Prin, nagsimula na rin na pag-aralan nito ang lahat ng tungkol
sa Dark Lords kaya panay ang punta nila sa kung saan-saang bansa para i-meet ang
mahahalagang tao.

Matapos nga ang isang buwan ay nanghingi siya ng pahinga kay Lorenz. Gusto niyang
isorpresa ang nobya na si Bella.

Nang makalabas si Kai ng airport, nakita niya agad si Hunter na naghihintay sa


tapat ng kotse. Disiotso anyos na binata at bagong Dark Guard pero mahusay at
matalino kaya napili niya ito na siyang maging gwardiya ni Bella ng palihim.

"Leader MB5, okay na 'yung order mo. Si Shogun ang kumausap kay Miss Penelope na
pagandahin pa iyon. Nasabihan na rin ako na pwede mo nang kunin ang order mo
ngayong gabi sa Fleur de Lys.” pagbibigay-alam nito.

"Okay, kamusta naman si Bella?" tanong niya habang inaayos ang malaking dalang bag
sa likuran ng sasakyan.

"Okay naman siya L-leader," sabi at uutal-utal.

Nilingon niya ito saka pinilit na titigan sa mata. Hindi normal ni Hunter ang
magpauta-utal na halatang may tinatago ito sa kanya.

Dahil sadyang matalino si Hunter, nakuha nito sa mga mata niya ang pagbabanta.

"*sigh* fine… M-may bubuyog ulit si Bella," tukoy nito sa bagong umaaligid sa nobya
niya.

Sumama agad ang mukha niya. "Sino na namang bubuyog iyan?" nakaramdam siya ng inis
sa kung sino man na iyon na uma-aligid sa Angel niya.

"Her love teams"

"Love team?!" nanlaki ang mata ni Kai.

Uminit na ang ulo ni Kai. Paanong nagkaroon ng ibang ka-love team ang Angel niya?
Hindi naman niya ito pinakikialaman sa desisyon nito sa trabaho. Iyon nga lang,
nakaramdam siya ng selos na malaman na may ibang ka-love team si Bella at may plano
pa na manligaw dito.

"Where is she?"

"She's at MGM now," sagot nito.


"Let's go to MGM. I want to surprise her," sabi niya saka sumakay na sa passenger
seat habang si Hunter ang magmamaneho.

Habang daan, hindi siya mapakali, gusto niyang manggulpi. Pumikit na lang siya saka
kinalma ang sarili.

Nang makarating sa building ng MGM, Dumeretso agad sila ni Hunter sa kwartong


nakalaan kay Bella.

Mahigpit ang MGM sa seguridad pero espesyal ang IDs nila ni Hunter kaya malaya
silang makakaikot at makakapasok ano mang oras sa opisina ng pamilya ni Cally. Nang
nasa tapat na siya ng pintuan ng dressing room ng nobya, kinuha niya ang cellphone
saka niya ito tinawagan.

"Hello Babe," sagot nito sa telepono makalipas lang ang ilang ring.

"Open your door. I'm here."

Napasinghap si Bella sa telepono at ilang segundo lang bumukas ang pintuan nito.

"Oh my god!" tinalon nito si Kai para mayakap.

Nakaramdam naman ng init si Kai parang umabot ang yakap nito hanggang puso niya.
Tinunaw ng yakap ng nobya niya ang init ng ulo niya ilang minuto ang nakaraan.

"I'm surprised. Come in," masiglang sabi nito.

Pinagmasdan ni Kai si Bella. Malaki ang pinagbago nito sa loob ng apat na taon. Mas
nag-mature saka mas gumanda, kaya mas lumalim din ang pagmamahal niya sa babae.

"Gusto ko munang malaman kung bakit ka nagkaroon ng ka-love team," nagtatampo ang
tono ng nobyo ni Bella.

"Ka-love team?" kahit si Bella ay nagtaka.

"Ahhm, leader I am going!" biglang paalam ni Hunter. Ngunit bago pa ito makatakas
ay hinila niya na ang kwelyo ng suot nito.

Itinaas nito ang dalawang kamay "Sorry! Sorry, leader, gusto ka lang i-prank ni
Mat-mat. Napag-utusan lang ako na nakisali si Shogun at ang Shi." pagdadahilan
nito.

Naglabas ng mabigat na hangin si Kai saka ito binitawan. Napaglaruan talaga siya ng
manyak na si Mat-mat at nagawa pa nitong gamitin ang tao niya. Nakahinga naman siya
ng maluwag.

"Sabihin mo kay Mat, gugulpihin ko talaga siya sa weekend."

"Weekend?" sabad ni Bella.

"Yes. We are going to Spain.”

KINAKABAHAN si Kai habang katabi si Bella sa eroplano. Patungo sila ng Puerto del
Carmen, Spain kasama si Cally, Lorenz at ang kaibigan ng Shi nila na si Bea, isang
computer game designer.
May business transaction si Cally at si Bea sa napakagandang isla na iyon. At
inimbitahan sila na magbakasyon doon ng Presidente ng bansa. Pero may goal si Kai
bukod sa magbakasyon doon kaya siya kinakabahan. Napag-alaman niya na maganda ang
lugar kaya naisip niya na doon ipagpatuloy ang pagpropose niya kay Bella.

Nagpagawa pa siya ng engagement ring kay Miss Penelope na malapit na kamag-anak ng


Shi nila na isang jewelry designer, painter, pianist at kung anu-ano pa. Ang babae
ang masasabi na high-end na raketera. Depende sa trip nito kung ano ang gusto
nitong gawin sa buhay.

Nilingon niya ang mga kasama. Una na nga si Bea, may masamang karanasan ang babae
dahil napagkamalan itong nobya ng Master Cally nila. Dahilan para dukutin ito ni
Gon Peter at may isang taon pa lang na nakaka-move on. Kasalukuyang may ginagawang
proyekto ang babae na mas ginusto na mapag-isa sa kabilang isle.

Ang Master nila ay nasa unahang seat ni Bea na busy rin sa laptop nito, katabi nito
si Lorenz na natutulog. Sa loob ng apat na taon, literal na naging bantay ito ni
Cally. Kung nasaan si Cally ay naroon din si Lorenz.

Nilingon niya si Bella sa tabi na nanonood ng koreanovela na may pamagat na


Weightlifting Fairy. May nakakabit na headset sa tenga ng nobya niya at tutok na
tutok sa screen ang mga mata. Ayos lang dito na kahit mamaga na ang mata sa
kakabasa ng subtitles.

Maya-maya, kinukurut-kurot na siya nito dahil kinikilig ito kay Kim Bukjoo na hindi
naman kagandahan at Jung Jun-hyung. Okay lang kay Kai kahit sipain pa siya ng
kanyang Angel palabas ng eroplano ang mahalaga ay masundan niya ang lahat ng
ekspresyon na mayroon ito. Gayunpaman, naaaliw siya dahil naaalala niya rin sa
palabas ang college life nila ni Bella.

Ilang oras lang, nasa loob na sila ng Hotel suite. Sa gabing iyon ang meeting ni
Cally at Bea. Kinabukasan naman ang plano nila na mag-ikot-ikot sa lugar.

KINABUKASAN, mas ninais ni Cally na magswimming sa beach kasama si Lorenz. Si Miss


Bea naman ay mas ginusto na manatili sa hotel. Si Kai at Bella ay mahaba-haba ang
plano sa araw na iyon. Nang umaga ay sumama sila kay Cally at Lorenz na maglakad-
lakad sa dagat.

Magkahawak-kamay lang sila na dahan-dahan na naglalakad sa dalampasigan at


ninanamnam ang araw na iyon na magkasama sila.

Hindi nila napapansin na napapalayo na sila ng lakad hanggang sa makarating sila sa


parte ng isla kung saan naroon ang mga bangkang pangisda.

Ilang lakad pa ang ginawa nila nang makakita ng isang salu-salo. Parang pista. May
tumutugtog na mga musikero na nakacostume pa at may malalaking intrumento, may
kainan at nagsasayawan.

Napangiti si Bella na makita ang masasayang tao sa pagtitipon.

"Come!" Nabigla sila ng ayain sila ng isa sa mga ito na naaaliw kay Bella. Isang
may-edad na babae na mataba at nakasuot pa ito ng bulaklakin.

"I-Is it okay if we gate crash?" nag-aalaang tanong ni Kai.

Tumawa ito. "We love gatecrashing. Come in! You can enjoy the party. The more, the
merrier!"

Normal na maaliw si Bella at Kai sa ganoong pagtitipon kaya naengganyo sila na


lapitan ang grupo. Isa pa, halos naging busy sila sa mga personal na trabaho sa
loob ng ilang taon kaya napili nilang makisaya. Sa dami ng tao sa paligid, parang
buong baranggay na yata ang mga tao doon.

Halos wala silang makita na malungkot ni isa. May masayang nagk-kwentuhan sa isang
gilid. Nagsasayawan, may kumakain sa isang parte.

Nakisali sila sa mga sumasayaw na nagbuo ng parang snake line na susundan mo ang
gagawin ng nasa harapan. She was really happy, parang nawala ang pagod niya sa
trabaho ng mga nagdaang araw. Literal na tawa ng tawa si Bella dahil ang comedy na
ng ginagawa ng nasa unahan niya pero sige lang siya. Iaangat ang kamay, iipitin ng
kili-kili ang isang palad, kekembot at kung ano pa.

Pinagmamasdan ni Kai ang kakaibang saya na iyon ni Bella. Whenever she is happy, he
is also happy. Pakiramdam niya ay kaya ng ngiti ng nobya niya na makagawa ng world
peace.

Nagpalakpakan ang mga tao nang matapos ang sayaw. Bigla niyang hinarap si Bella at
hindi niya napigilan na bigyan ito ng matamis na halik sa labi sa gitna ng maraming
tao na iyon.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid. Saglit silang tumigil at namula ng sobra
ang pisngi ni Bella. Kahit ang mga tumutugtog ng instrumento ay napapalakpak sa
kanila.

"Wow! Such a nice couple. You are so sweet." kinikilig na sabi ng babaeng nag-aya
sa kanila. Nilagyan pa siya nito ng bulaklak sa ibabaw ng tenga niya.

HINAWI ni Kai ang ilang hibla ng buhok ni Bella na matamis ang ngiti sa labi na
umaabot sa kumikinang nitong mga mata. She is wearing a long white summer dress na
nababagay talaga dito.

He is just wearing a simple white shirt at makulay na shorts.

May plano si Kai na sa gabi pa magpropose kay Bella, nagpa-reserve pa siya sa


mamahaling restaurant pero ang saya ng nobya niya sa oras na iyon ay walang kapalit
na halaga. Her smile at that moment is the sweetest smile of her.

"My Angel, I wanted to tell you since the first day I met you that you are the most
beautiful girl I have ever met."

Lalong namula ang pisngi ni Bella. Tinapik niya sa braso si Kai. "nakakahiya sa
kanila. Ano ka ba..?"

Nilingon niya pa ang mga tao sa paligid.

"oh! what a lovely couple." mula sa mga tawanan, napalitan ng kilig ang
nararamdaman ng mga tao sa paligid.

"You are the most perfect woman I've met and I love everything about you. When you
Smile, when you're sad, when you are happy. I don't want to miss a single
expression of your face."
Hinalikan ng binata ang kamay ni Bella.

"Ohhh…" naging seryoso naman ang lahat nang marinig ang sinabi na iyon ni Kai.

"I wanted to tell you that all the joy and happiness in my heart is because of
you…"

Nagsimula namang mangilid ang luha niya sa mata.

"...You are my whole entire universe. You taught me how to love which is the most
amazing feeling that I couldn't ever imagine."

Tuluyan ng napaluha si Bella sa mga sinabi na iyon ni Kai na tumagos ng sobra sa


damdamin niya. She felt the same with Kai.

"Don't you know that I plan to marry you since the first day of our relationship?"
he said, everything he felt for her ng walang script o kung ano pa man. What he
said is those things he really felt for his Angel.

"Having the thought…"

Napatigil na lang ang lahat nang lumuhod sa harapan ni Bella si Kai. Nanlaki naman
ang mata ng dalaga at inikot ang paningin sa paligid saka ibinalik ang tingin sa
binata. Naglabas ito ng isang maliit na box mula sa bulsa.

Natutop ni Bella ang bibig sa ginawa nito. Binuksan naman ng binata ang box na iyon
at lumitaw ang 1 karat of diamond ring sa harapan niya

"My Angel… will you marry me?"

Hindi nakapagsalita ang dalaga at talagang na-mental block siya. Hindi niya kasi
inaasahan ang gagawin nito. Pero naluha talaga siya sa mga pinahayag ni Kai.

"Say 'Yes!', say 'Yes!'" hiyaw ng mga tao sa paligid.

"Of course, Yes!" naiiyak na sagot niya habang panay ang tango sa binata.

Naghiyawan naman ang mga tao sa paligid.

"Whew!" parang nakahinga ng maluwag si Kai saka mabilis na sinuot ang singsing sa
nobya niya. Mahirap na, baka magbago pa kasi ang sagot nito.

Ganoon pala ang pakiramdam ng magp-propose. Kahit pala alam mo na mahal niyo ang
isa't-isa, may kaba pa ring nararamdaman dahil baka matulad siya doon sa mga
napapanood niya sa youtube na 'Marriage Proposal Gone wrong!'

"I'm sorry guys for troubling you, she's happy in your place, so I should make my
move in order to get my 'Yes'," paghingi ng paumanhin ni Kai.

Nagtawanan naman ang iba sa mga ito saka nagbalik na naman sa sayawan. Para bang
commercial ang ginawa ni Kai at binigyan lang sila ng moment ni Bella.

Habang masayang nagsasayawan ang lahat, nanatili naman si Bella at Kai sa slow
motion na sayaw sa gitna. Naka-angkla ang mga braso niya sa balikat ni Kai habang
nakaikot sa bewang niya ang mga braso nito.

"I love you so much, My Angel!"


"I love you too, Kai Jeon Jang!"

They shared the kiss after.

TUMULOY si Prin at Cassandra sa market area ng isla. Isang kalsada iyon na iba-iba
ang tinda kada pwesto.

"Dito ako sa kabilang gawi, magkita na lang tayo muli dito after 30 mins," sabi ni
Prin sa dalaga.

"Sige, sa prutas at gulay ka. Ako na bibili ng tinapay, gamot, asukal saka sa iba
pa na nasa listahan," sabi nito. Tumango lang si Prin.

Sa loob ng ilang taon, hindi niya akalain na matututo siya na mamalengke sa poder
ni Captain Yeo. Marunong na rin siyang pumili ng fresh na prutas at gulay saka
marunong na rin siya magluto.

Kung mayroon siyang ipinagpapasalamat, iyon na nga ang mga natutunan niya sa barko
dahil kailangan niya iyon na pag-aralan.

Matapos makapamili ng prutas, gulay napadaan siya sa isang coffee shop. Namimiss
niya na ang dating buhay pero wala siyang magawa. Ngumiti ng mapait si Prin.

Napansin niya ang babae na nasa tapat ng mesang nasa labas ng shop. Nakaputing
blusa ito na hanggang siko at slacks. Hindi siya makapaniwala na may naka casual
suit sa isla na iyon.

Patuloy lang ito sa pagtipa sa laptop na gamit. Sa tingin niya ay hindi nalalayo
ang agwat ng edad nila, may palagay siyang nasa bente tres o hanggang bente kwatro
anyos ang edad nito na tulad niya. Nilapag ng waiter ang kape na order nito sa
mesa. Dahil busy ito sa hawak na laptop, dinampot ng waiter ang wallet nito na nasa
mesa saka ibinulsa.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Hey!!!"

Sabay na napalingon ang waiter at ang babae sa kanya.

"Kinuha mo ang wallet niya! Ilabas mo!" singhal niya sa waiter.

Biglang nilipat ng babae ang atensyon mula sa ginagawa nito sa laptop patungo sa
mesa kung saan nakapatong ang wallet nito. Wala na nga roon ang wallet nito at
tanging tasa ng kape na lang ang nandoon.

Sumama naman ang tingin ng waiter sa kanya saka ibinalik ang wallet ng babae.

Tinaasan lang ito ng kilay ni Prin.

"Oh my! Thank you so much! Kun'di, hindi ko na alam paano ako makakabalik sa hotel
dahil nandito ang cellphone, pera at card-key ko sa hotels,” sabi nito. Nginitian
ito ng simple ni Prin.

"Ahm.. Gusto mo ng meryenda, ililibre kita sige na kapalit man lang ng tulong na
ginawa mo sa akin."

Nag-aatubili si Prin, pero hinila siya ng mga mata nito na maganda ngunit halata
ang lungkot sa pinaka-loob. Umupo siya sa tapat nitong silya.

In-orderan siya nito sa parehas na waiter kung sino ang kumuha ng wallet nito.
Umorder lang si Prin ng Cinnamon roll saka kape.

"wala kang plano na isumbong siya?" tanong ni Prin.

"No need.” simpleng sagot nito.

Pinagmasdan siya nito "...Pwedeng malaman kung tagasaan ka? Taga Pilipinas ako,"
simula nito.

"ahhh kaya pala mukha kang Pilipina. Japanese ako, but my Mom is a pinay too,”
malungkot na sabi ni Prin namimiss niya na rin kasi ang magulang niya.

"Ahh, kaya pala! you look like my old character because you're a japanese. I'm a
cosplay artist," sabi nito.

Tumango lang si Prin bilang sagot.

Nagdadalawang-isip si Prin kung makikihiram siya ng laptop sa babae para sikretong


magpadala ng mensahe kay Cally. Ngunit paglingon niya pa lang para tingnan ang
paligid, nakita niya agad ang kasama sa barko sa 'di kalayuan. Napakuyom na lang
siya ng palad ng lihim.

"Oh shoot! Miss, I'm sorry, uuna na ako. May kaibigan kasi ako na naghihintay sa
akin. I hope you don't mind," paalam niya na lang dito.

"Oh sure! No problem!"

Ngumiti ng simple si Prin saka tuluyan ng naglakad paalis.

Mga apat na metro na yata ang nalalakad niya nang sumigaw ito. "By the way, I'm
Bea!"

"Okay!" sabi niya na lang at hindi na nagpakilala pa. Tuluyan na siyang naglakad ng
mabilis para balikan si Cassandra.

Samantala, nakatitig lang si Bea sa babaeng umalis na si Prin. Gusto niyang isipin
na ito ang dating asawa ni Cally dahil may hawig ito kay 'Twilight Mary', ngunit
malayo ang personalidad nito sa deskripsyon ng mga nakalap niya.

Nakasaya at simpleng blusa ang babae. May mga dala pang prutas at gulay. Malayo sa
Prin na mga narinig niya na matapang, a warrior princess just like Twilight Mary.

Isa pa, ayaw niyang banggitin ang dating asawa ng kaibigan dito dahil sigurado na
masasaktan lang si Cally.

Tinatanaw niya ang babae hanggang sa lumiko na ito matapos ang ika-anim na stall
mula sa coffee shop na iyon, saka niya nakita si Cally na lumabas sa isang tindahan
na nasa ika-apat na pwesto.

Simpleng T-shirt at short ang suot nito. Tipikal na suot ng magbabakasyon na nasa
isla. Malayo sa normal na madalas nitong suot na naka coat and tie. Patungo na si
Cally sa direksyon ng lumikong babae nang tawagin niya ito.

"Hey, Cally!" sigaw niya.

Lumingon ito sa kanya. Napansin niya na may dalang paper bag si Cally. Seryoso lang
ito na pinuntahan ang pwesto niya.

"Nandito ka pala Bea."

"Yes, naboboring na ko sa Hotel kaya naisip ko na magliwaliw. By the way, umupo ka


dyan sa tapat at ikaw na umubos ng meryenda na in-order ko. Hindi naman nagalaw
iyan ng babae na tumulong sa akin." saka niya ikinuwento ang mga nangyari.

Tumango lang si Cally saka umupo sa silya kung saan umupo ang babae, saka sinimulan
na kainin ang cinnamon roll.

Ngumiti ng mapait si Cally habang tinitikman ang cinnamon roll na iyon. Kung
matitikman lang ni Prin ang cinnamon roll na kinakain niya, siguradong matutuwa
ito.

NAGTANONG-TANONG si Cassandra sa mga lokal kung nasaan ang trading shop sa isla na
iyon. Bukod kasi sa may bibilhin siya doon sa isla, trabaho niya rin na ibenta ang
mga mahahalagang gamit na ninakaw nila sa paglalakbay.

Isang diamond ring ang ibebenta niya at ang matagal ng itinatago ng kapitan na gold
plated dog tag ni Prin kaya humiwalay siya dito.

Nakita niya ang shop na nasa corner na bahagi ng kalsada na tulad ng itinuro sa
kanya. Binuksan niya ang pintuan na may puting salamin at agad na umingay ang chime
nito.

Inikot niya ang paningin. Masyado ng sumikip ang kwarto dahil sa dami ng mga
nakastock na kung anu-ano. May armour ng samurai sa gilid, pigurin na kung anu-ano,
may porcelain tea set, painting, grandfather clock. Para itong antique shop sa
unang tingin.

Nakita niya ang matabang babae na may rollers sa buhok at may hinihithit na manipis
na sigarilyo doon sa kahera kaya nilapitan niya ito.

"Hello, magbebenta po ako," sinabi niya agad ang pakay.

"Hmm, patingin."

Nilabas niya ang diamond engagement ring at ang gold plated tag necklace ni Prin.

'PM-GW8' ang nakaukit dito.

Unang sinuri ng matabang babae ang diamond ring. Gamit ang magnifying equipment
para makita kung tunay ang dyamante o peke, may ilang minuto rin nito na sinuri
iyon.

"800 US Dollars ito," sabi ng babae. Sunod nitong sinuri ang gold plated necklace
ni Prin

Tumunog ang chime. Kaya napalingon si Cassandra sa bagong pasok. Isang lalaki na
may matikas na pangangatawan ang bagong pasok. Nakasuot lang ito ng itim na Tshirt,
shorts at tsinelas. Katulad niya ay alun-alon ang itim na buhok nito. Matalim kung
tumingin at para bang hindi man lang marunong ngumiti ang lalaki.

Nagkatitigan silang dalawa nito, namula ang pisngi ni Cassandra kaya binawi niya
rin agad ang tingin at nilipat sa matabang babae.

"This one is a 24 karat gold at personal na dog tag. Hindi ko alam kung magkano ito
sa ngayon. Balik ka na lang ulit mamayang alas kwatro ng hapon para dito. Kailangan
ko pa kasi na i-check sa market kung magkano ang maari naming kitain dito." inabot
nito ang gold plated na dog tag kay Cassandra saka ang 800 US dollars kapalit ng
engagement ring.

"Sige po," saka niya ito nginitian.

Nabigla na lang siya ng hinablot ng lalaking bagong pasok ang dog tag na nasa kamay
niya.

"Hey!" singhal niya sa binata na nanlalaki ang mata.

"Where did you get this?!" galit na sabi.

Napalunok si Cassandra. "Hey! That's mine!"

"This one is definitely not yours," nilabas nito ang nakatagong dog tag na
nakapaloob sa suot nitong Tshirt.

Nanlaki ang mata ni Cassandra nang ipakita nito ang suot nitong dog tag na katulad
ng kay Prin. Ang pagkakaiba lang ay 'LOR-MB2' ang nakaukit sa dog tag nito.

Pinilit ni Cassandra na kalmahin ang sarili.

"Mister, If you want this necklace, ikaw ang bumili," sabi niya.

Bahagyang nagtaas ng kilay ang binata. Nilapit nito ang sarili sa kanya dahilan
para mapaatras siya. May kung ano ang lalaking nasa harap para makaramdam siya ng
kakaiba. Hanggang sa ma-korner siya nito sa dulo.

"I'll pay you 20 thousand US dollar for this dog tag necklace. But you have to tell
me kung saan mo ito nakuha."

"N-napulot ko sa dalampasigan!" sagot niya.

Hindi alam ni Cassandra kung ano ang relasyon ng lalaking ito kay Prin pero hindi
niya maaaring sabihin sa lalaki ang tungkol sa kaibigan.

Hinablot ni Cassandra ang tag. "I'm going!" sabi niya. Saka ito iniwasan.

"Wait!" pigil nito.

Nagmadali na si Cassandra na makalabas ng Trading Shop na iyon. Mabilis siyang


nagtago sa katabing bakery para hindi makita ng lalaki.

Inis na inis naman si Lorenz pagkalabas ng shop dahil tila magic na nawala ang
babae. Napasuntok na lang siya sa hangin.

Pinapangako niya na tuturuan niya ng leksyon ang babae na iyon sa susunod na


magkikita sila.

Kahit ang tag man lang sana ni Prin ay nakuha niya. Narinig niya ang sinabi ng
matabang babae na pinababalik ito ng alas kwatro ng hapon. Sisiguraduhin niya na
kikitain niya muli ang babae.
TAHIMIK si Cassandra nang makabalik sa pwesto kung saan sila magkikita ni Prin.
Nakabili na siya ng mga nakatoka sa kanya sa listahan. Nagdadalawang-isip siya kung
sasabihin niya ba sa kaibigan na may nakita siya na posibleng kakilala nito noon.

Pero, mas ninais niya na ilihim na lang lalo at sinundo sila ni Casper. Tapat ang
binata kay Captain Yeo at ayaw niyang ikapahamak pa nila ang sasabihin kay Prin.

"Naka-order na ako ng mga prutas at gulay, ihahatid daw nila sa barko mamayang
hapon.," saad ni Prin.

Tumango lang si Cassandra saka tipid na ngumiti.

Sumakay sila sa bangka na pang-dalawahan saka nag-sagwan papunta sa barko na nasa


malalim na bahagi ng dagat. Malalim ang nasa isip ni Cassandra habang nakatingin sa
seryosong si Prin na nagsasagwan. Hindi niya alam ang tamang gagawin, ayaw din
naman niya na mapahamak ang kaibigan kung sakali na gumawa ito ng ikapapahamak
nito.

Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng Barko. Dumeretso si Cassandra sa cabin ng
kapitan para mag-report.

"Captain Yeo, nabenta ko ang engagement ring sa halagang 800 US dollars, pero ang
dog tag ay kailangan ko pang ibalik sa kanila mamayang hapon para ma-compute kung
magkano nila bibilhin."

"Sige. Bumalik ka. Mabigat ang gold plated dog tag na iyon. Kung bibilhin nila sa
halagang one thousand dollars, ibenta mo kaagad."

"Mamayang hapon din ang dating ng mga na-order nating supplies."

Tumango lang ito at halatang nagdadalawang-isip sa sasabihin.

"May kailangan pa po kayo?"

Kumuha ito ng alak na nasa ibabaw ng mesa at nagsalin sa baso. "Kamusta si Prin
Matsui?" Saka nito nilagok ang alak.

"Ayos naman siya kapitan, sa tingin ko ay nasanay na siya sa loob ng apat na taon
dito kaya mas kalmado na siya ngayon," sagot ni Cassandra.

"'Nga pala, bukas ng gabi papasukin natin ang Grand Vellas Rivera Maya Hotel, doon
nagtungo si Casper kanina para magmanman. Tatlong business tycoon ang kasalukuyan
na naka-check in doon. At sila ang target niyo bukas," sabi nito.

Napalingon siya sa pintuan nang may kumatok. Isang seksing babae ang niluwa ng
pintuan kaya nagpaalam na siya sa kapitan.

Kada papalaot sila ay may babae rin itong nakakalampungan at sanay na sila doon.
Malaki magbigay ng bayad ang kapitan kaya ang mga babae na mismo ang lumalapit
dito.

EKSAKTONG alas kwatro ng hapon, nasa harapan ng pintuan si Cassandra kung saan
ibebenta niya ang gold plated na dog tag.
Kabubukas pa lamang niya ng pintuan ay nais na niyang umatras dahil naroon ang
lalaking na-meet niya nang umaga rin na iyon. Hinila siya nito sa bewang saka
muling sinara ang pintuan. Nanlaki ang mata niya sa ginawa nito. Sobrang lapit ng
katawan nito sa kanya.

Tinaas naman ni Lorenz ang gilid ng labi nito ng nakakaloko. Hinila ang pouch na
hawak ni Cassandra saka nito tinanggal ang braso na nakapalupot sa bewang ng dalaga
dahilan para bumagsak ito sa sahig.

"Ouch!" Diretsong salampak kasi sa sahig ang buong katawan ng dalaga dahil na off-
balance siya. Pakiramdam niya ay sumakit ang balakang niya.

Binuksan ni Lorenz ang pouch na bitbit nito at kinuha mula roon ang gold plated dog
tag ni Prin at basta na lang binitawan sa harap ni Cassandra ang pouch. Bumagsak
iyon sa dalawang kamay ng dalaga.

"I am going to buy this for 2 thousand dollars," sabi ng binata.

Tumayo si Cassandra saka pinagpag ang saya na suot. Nakaramdam siya ng inis sa
lalaki. Ang utos sa kanya ng kapitan ay maaari niyang ibenta iyon sa halagang one
thousand dollars, kung bibilhin ni Lorenz ng mas mataas, e di mas maganda.

Tinapat niya ang kamay sa harapan ng binata. "Payment?" nakataas ang kilay na sabi
niya dito.

Tumitig sa kanya ang binata dahilan para kabahan siya. "Sige. But tell me your
name."

Natigilan si Cassandra. Ayaw niyang sabihin ang pangalan niya sa lalaki pero tila
inaarok siya ng mga mata nito. "Sandra.”.

Tahimik lang ito na pinagmamasdan ang mukha niya. Inabot sa kanya ang bayad.
Binilang ni Cassandra iyon.

Nang makumpirma na sakto ang bayad nito, ipinasok niya ang pera sa loob ng blusa at
sinuksok sa bra na suot. Nakalimutan niya na nasa harapan pa rin pala niya si
Lorenz. Kaya parang may kung ano na dinudukot siya sa boobs sa paningin nito.

"A-anong tinitingin-tingin mo? Inggit ka ba? Dahil wala kang bra?!"

Sumimangot lalo ang mukha nito dahil sa sinabi niya. Saka lumapit muli sa kanya.

"Hmmm mukhang sinusubukan mo talaga ako. Hindi pa nga kita natuturuan ng leksyon,
may tirada ka agad."

Napaatras muli ang dalaga hanggang sa makorner siya nito sa parehas na pwesto nang
umaga na iyon. Napalunok si Cassandra.

Iniisa-isa ni Lorenz ang bawat parte ng mukha ng babaeng nasa harapan. "Choose kung
ano ang ibibigay ko sa ‘yong parusa."

Tumunog ang chime kaya napalingon dito ang binata. Agad na nakakuha ng tyansa ang
dalaga.

"Heto na lang!" Hinalikan niya sa pisngi ang binata saka lumusot at mabilis na
tumakbo palabas. Nakasalubong niya ang bagong pasok na may kakaibang awra at may
dark brown na buhok. Nagsalubong ang mata nila nito pero tuluy-tuloy lang siya na
lumabas para makatakas.
"SHI!" Bati ni Lorenz sa kapapasok lang na si Cally. Nanghinayang ang binata na
hindi niya masusundan ang babaeng may pangalan na Sandra dahil dumating ang Master
niya. Nasabi niya dito na nakita niya ang dog tag ni Prin doon sa trade shop na
iyon at kukunin niya sa hapon, pero hindi niya akalain na susundan talaga siya nito
dahil tungkol kay Prin ang usapan.

Inabot niya ang dog tag ni Prin dito. Bumalot agad ang kalungkutan sa mukha ni
Cally. Humugot si Lorenz ng malalim na hininga at tinapik sa balikat ang kaibigan.

"I am going to say this as your friend, and not as your Shogun. I can't say 'okay
lang iyan', but you have to move on, Cally," sabi nito.

Tumango lang si Cally saka sinuot ang kwintas.

"Bukas ng gabi tayo susunduin sa Grand Vellas Rivera Maya hotel pabalik ng
Maynila," pagbibigay-alam ni Cally.

Tumango lang ang Shogun, binayaran niya ang babaeng nasa kahera saka sila lumabas.

DAHIL huling gabi na ng grupo ni Cally sa isla, nagkayayaan ang grupo nila na mag-
inuman para iselebra ang proposal ni Kai kay Bella.

"Bella, are you sure na pumayag na magpakasal dito kay MB5?" Usisa ni Lorenz. Sa
tagal ng panahon na magkakasama sila, madalas nilang asarin si Kai sa relasyon nito
kay Bella.

"Hey Shogun! Hindi ko pa nakakalimutan 'yung prank na ginawa niyo sa’kin ha!
dinamay niyo pa si Hunter! Tapos ayan ka na naman!" Banta ni Kai.

Hinawakan naman ng dalaga sa braso ang nobyo niya. "Babe, kalma ka lang. Hindi
naman ikaw 'yung tinatanong. Anyway, I am very much sure," sweet na sagot ni Bella.

Parang nabilaukan naman si Lorenz sa sagot nito habang umiinom ng whiskey. Hindi
niya akalain na pakakainin siya ng isang lata ng asukal sa sagot nito.

Nilagok ni Cally ang alak na laman ng baso niya. Hindi niya na namamalayan na
napaparami na siya ng inom. Masyado niya ng namimiss si Prin. He is missing her
sweet scent of cherry blossoms. Her hugs and kisses. Simula nang mawala ang kanyang
baby panda, tila nawala na rin ang habit niya tuwing malalasing. Mas gusto niya na
lang matulog at hindi ang tumakbo para maghanap ng tao na matagal ng nawala sa
piling niya.

Katulad ng oras na iyon, kaya nagawa niyang uminom ay para makatulog saglit sa
kwarto bago sila sunduin ng helicopter papunta sa airport ng Lanzarote. Nakadagdag
sa lungkot niya ang dog tag na nagbalik sa kanya. Kaya hindi talaga siya nakatulog
ng nagdaang gabi.

"Shi, huwag ka masyadong uminom. susunduin pa nila tayo mamayang alas dyes."

"Nandiyan ka naman e," sagot ni Cally.

Lorenz "..." 'okay fine! As a shogun, it's my responsibility to help you.'


"Guys, mauuna na akong bumalik sa suite. Aayusin ko pa ang mga gamit ko." Paalam ni
Bea.

"Sasabay na 'ko," habol ni Cally.

"Ako din! Alangan namang iwan niyo ako sa dalawang ito na pati langgam matatakot na
lapitan sila. Tss!" reklamo ni Lorenz habang turo ang magkasintahan na kasalukuyang
magkayakap. Naiiling na sumunod ito kay Cally.

Binuksan ni Lorenz ang pintuan niya na suite 349W, pero nagtaas ang kilay niya nang
makita na nakaikot ang numero sa pintuan dahilan para mapalitan iyon ng 346W.

'Mukhang may nagpa-prank sa’kin. Hmp! Childish!' Saka ito pumasok.

Samantala, pagpasok ni Cally sa suite niya, bumalot agad ang kalungkutan sa


pagkatao niya. Hinubad niya ang dog tag ni Prin na nakasabit sa leeg niya at
hinimas ang mga pangalan na nakaukit doon.

He wanted to cry. It's as if there is no cure in the pain in his heart. The
memories of her on that cliff keeps on haunting him. Maayos niyang nilapag sa
tokador na nasa tapat ng kama ang dog tag saka humiga sa malambot na kama para
saglit na magpahinga.

Hindi alam ni Cally kung ilang minuto na siyang nakakatulog nang maramdaman na
lumundo ang kama sa tabi. Nanuot agad ang pamilyar na amoy nito sa ilong niya. The
sweet smell of cherry blossoms. Dahan-dahan siyang nagdilat ng mata at tumambad sa
paningin niya ang mukha ng babaeng matagal niya ng hinahanap.

Sinalubong niya ang titig nito. Ang pangarap niyang dalawin ni Prin kahit sa
panaginip ay tila natupad.

"My baby panda…" usal niya saka hinaplos ang mukha nito. Doon niya lang napansin na
lumuha ang pisngi nito.

"I miss you so much, Cally," bulong na sagot nito saka patuloy na lumuha.

Kinupkop niya ang buong pisngi ni Prin at hindi niya napigilan na halikan ang
dating asawa. He missed her so much. Parang water drum na pinupuno ng tubig ang
dibdib niya dahil sa halik nito. Pinuno ng pagmamahal ang puso niya na matagal ng
nangulila dito. Hindi niya alam kung gaano katagal na natapos ang mga halik. Kapwa
naubusan sila ng hangin. Matapos ang sandali, nagtiyaga siya na niyakap ito saka
pumikit.

Isang ring ng cellphone na nakapatong sa bedside table ang gumising kay Cally.
Inikot niya ang mata sa paligid at nakumpirma na mag-isa lang siya doon sa kwarto.

Dinalaw siya ni Prin sa panaginip. Ngumiti siya ng mapait. Kinuha niya ang
cellphone at sinagot iyon.

"Shi, nandito na ang sundo natin," sabi ni Lorenz sa kabilang linya.

ALAS nuwebe ng gabi…

Tatlo na may tig-dalawang miyembro ang naka-assign na pasukin ang kwarto ng tatlong
business tycoon na kasalukuyang naka-bakasyon sa Grand Vellas Rivera Maya hotel sa
grupo ni Captain Yeo. Nakuha nila ang mga suite number mula kay Casper.

Si Prin at Cassandra ang magkasama na papasok sa isang suite na nasa west wing.
Nasa ikatlong palapag matatagpuan ang suite na papasukin nilang dalawa. Ang
dalawang grupo pa ay sa east wing tumungo. Kapwa sila nakasuot ng summer dress para
kunwari ay bisita sila doon sa hotel. Gamit ang general card key na bigay ni
Casper, malaya nilang mapapasok ang kwarto na puntirya nila. Hanggang sa makaakyat
silang dalawa ni Cassandra sa third floor west wing.

"Naguguluhan ako. Ang sabi ni Casper, 346W. Bakit dalawa ang pintuan na may 346W?"
tanong ni Cassandra.

"Hindi ko din alam. Mabuti pa, maghiwalay tayo. D'yan ka sa kabila, dito ako.
Magkita na lang tayo sa pine trees sa beach area mamaya," mahinahon na sagot ni
Prin. Sumenyas ng okay-sign si Cassandra saka sila sabay na pumasok sa magkaibang
pintuan.

ITINAPAT ni Cassandra ang card key sa maliit na card reader box sa pinto, mahinang
tumunog ang electronic lock nito. Binuksan niya ang pintuan at dahan-dahan na
sinara muli iyon.

Madilim ang kapaligiran kaya kinailangan niyang gumamit ng maliit na flashlight.


Parang ballpen ang hitsura nito na may pindutan ngunit LED light na puti ang dulong
bahagi.

Dahan-dahan na tinungo niya ang mga drawer para isa-isahin at makita kung may
mahalagang bagay doon na pwede niyang kunin. Isang drawer pa lang ang nabubuksan
niya nang may magsalita sa likuran niya.

"Sino ka at ano ang kailangan mo?" bumalot ang kilabot sa pagkatao niya dahil sa
laki ng boses ng lalaki.

'Sh*t! Nahuli ako!' Mabilis na tinakbo ni Cassandra ang pintuan palabas ngunit
nahawakan na nito ang braso niya. Tinulak siya pader na katabi ng pintuan, inangat
nito ang mga kamay niya para lalong hindi siya makakilos saka hinarap.

Pinagsisipa ng dalaga ang lalaki ngunit nakakaiwas ito. Ilang saglit lang nakilala
siya nito.

"Sandra?" kinuha ng isang kamay nito ang flashlight na hawak niya saka nito
itinutok sa kanya ang ilaw nito. Hindi pa rin makakilos ang mga kamay niya na
nakataas kahit iisang kamay lang nito ang pumipigil sa kanya.

Nasilaw ang mata ni Sandra dahil sa diretsong liwanag mula sa ballpen na iyon kaya
ginilid niya ang pisngi at pinikit ang mga mata.

"Hmmm… 'di ko akalain na maglalakas ka ng loob ng pasukin ang kwarto ko."

"N-nagkamali ako ng pinasok na kwarto," katwiran ni Cassandra.

Patuloy lang sa pagsipa si Cassandra dahil hawak pa ng lalaki ang magkabila niyang
kamay. Para pigilin siya, dinikit nito ang buong katawan sa kanya.

Dumoble ang kaba ni Cassandra dahil sa ginawa nito. Nanunuot sa ilong niya ang amoy
ng binata. Hindi na makakilos kahit ang mga binti niya dahil iniipit nito iyon.

May kung ano ang babaeng si Cassandra sa pagkatao ni Lorenz kaya hindi niya
napigilan na hapitin ito sa bewang. Tinitigan niya ito sa mata. May bahagyang ilaw
na nagmumula sa labas ng bintana kaya malaya niyang nakikita ang mukha ng dalaga sa
malapitan.

Halata naman na natataranta na si Cassandra. Kaya nagsimula na naman siya na


makawala sa kamay ni Lorenz.

"May utang ka pa sa’kin," sagot ni Lorenz.

"W-wala akong utang sa iyo!" ginamit lahat ng dalaga ang lakas niya para tuhurin
ito sa maselang parte ng katawan.

Tila itlog ng ibon na nagcrack ang pakiramdam ni Lorenz. Sa tagal niya ng pagiging
Shogun, ngayon lang niya naranasan na may naglakas ng loob na sipain siya sa
ganoong paraan dahil hindi niya rin napaghandaan ang tira nito.

Nasapo ni Lorenz ang hinaharap. Kinabahan naman ang dalaga, nakawala siya sa mga
bisig nito kaya nagmamadali siya na binuksan ang pintuan. Ngunit bago pa siya
makalabas, hinila na siya muli ng binata sa bewang at tinulak sa kama.

Mabilis na pumaibabaw ang malaking katawan nito sa kanya. "S-saklolo--" naputol ang
sigaw ng dalaga.

Naputol ang pagsigaw niya dahil sinakop nito ang labi niya. Nanlaki ang mga mata ni
Cassandra. Marahas ang paraan ng paghalik nito kaya nagkakakawag siya sa una.
Hanggang sa pareho silang dinadala sa langit.

She smells like a ocean breeze na nakakalango sa pagkatao ni Lorenz. Tipikal na


mukhang probinsiyana na nakadagdag sa kung ano ang meron ito para umakto siya ng
ganoon.

Sa sobrang pagkalasing sa halik ng binata hindi namamalayan ng dalaga na nakayakap


na siya ng mahigpit sa leeg ni Lorenz. Napasinghap na lang siya ng maramdaman na
nasa loob na ng blusa niya ang isang palad nito at pinisil ang dibdib niya.

Agad niyang tinulak ang binata. Parang nahimasmasan din naman ito na tumayo sa
kama. Agad na umupo si Cassandra sa dulong bahagi ng kama saka nagpaalam.

"I-I'm going!"

"Wait! Wala ka pang nabibitbit na mahalagang bagay sa kwarto ko."

Cassandra "..."

Mabilis na kinuha ni Lorenz ang wallet niya at inabutan ang dalaga ng one thousand
dollars. Sa lahat naman ng nanakawan, parang siya pa ‘yung kusang-loob na nagbigay
ng pera. Mabilis na kinuha ni Cassandra ang pera nito para may mabibitbit siya sa
pagbalik sa barko ni Captain Yeo at mabilis na lumabas ng kwarto.

MAINGAT at dahan-dahan na binuksan ni Prin ang pintuan ng kwarto na naka-assign sa


kanya 346W. Halos walang marinig kahit katiting na kaluskos sa pagkilos niya.

May kakaunting liwanag sa kwartong iyon na nagmumula sa dim na kulay puting LED
lights sa ilalim na bahagi at gilid ng kama.

Pinakiramdaman niya ang paligid. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, tila pamilyar sa


kanya ang presensya ng kung sino man na nasa loob ng kwarto.
Una niyang tinungo ang isang drawer at nabigla siya sa nakita. Pin ng MGM ang
bumungad sa mga mata niya. Kinuha niya iyon. Pamilyar sa kanya ang MGM pin dahil
madalas siyang magsuot ng ganoon sa kwelyo ni Cally.

Marami naman ang may pin sa opisina ng MGM lalo na kung parte ka ng executive team,
pero nagsimulang kabahan si Prin.

Isang bagay ang kumikinang sa bandang tokador kaya maingat niyang sinara muli ang
drawer at nilapitan niya ang bagay na kumikinang. Maayos na nakapatong ang isang
gold dog tag necklace sa ibabaw nito. Nanlalaki ang mata niya at hindi makapaniwala
na makakita muli ng dog tag ng isang Dark Guard.

Ngunit nagsimulang lumuha ang mata niya lalo na nang mabasa ang nakaukit doon.

'PM-GW8', her dog tag.

Naaalala ni Prin na suot niya ang dog tag na iyon nang makipaglaban siya sa isla ni
Gon Peter. Paanong napunta iyon doon? Dumoble ang kaba niya na nilingon ang bulto
na natutulog sa kama.

'Cally is that you?'

Parang waterfall na dumaloy ang luha sa pisngi niya dahil unti-unting bumabalik ang
sakit sa kanya.

Mga ilang minuto siyang nanatili sa kinatatayuan dahil halos ayaw niyang lapitan
ang bulto na nasa ibabaw ng kama. Natatakot siya na harapin ito kung sakali man na
si Cally talaga ang tao doon. Ilang saglit pa, hindi siya nakuntento na nakatayo
lang sa malayo kaya nilapitan niya ang kama.

Dumoble ang agos ng luha sa mata niya nang masilayan ang natutulog ng nakatagilid
na si Cally. Bakas ang kalungkutan sa mukha nito. Bakante ang kalahating bahagi ng
kama na para bang hinihintay siya nito na sakupin iyon. Parang nakikinita niya ang
larawan nito na iyon, na ganoon ang ayos ni Cally gabi-gabi.

Parang pinipiga ang dibdib ni Prin na makita si Cally na nangungulila sa kanya sa


loob ng ilang taon pero wala siyang magawa. Hindi siya makabalik sa bisig nito.
Humihikbi ng tahimik si Prin at bakas sa kanya ang paghihirap. Humiga siya sa kama
para mas mapagmasdan ang mukha nito sa malapitan kahit sa saglit lang na oras.

Ilang saglit lang, dahan-dahan na dumilat ang mata ni Cally at sinalubong nito ang
mata niya na nakatitig dito. There is a sadness in his eyes na parang tumatarak sa
dibdib ni Prin.

"My baby panda…" sabi nito at hinawakan ang basa niyang pisngi. Hindi napigilan ni
Prin ang pag-iyak dito.

"I miss you so much Cally…" kumawala ang lahat ng sama ng loob niya sa dibdib at
hindi niya napigilan na ilabas ang lahat ng luha niya. Bakit naman sa dami ng
isusumpa, silang dalawa pa?

Ang saya-saya ng pagsasama nila noon, na sa isang pitik lang kapwa na sila
nasasaktan.

'His baby panda.' ramdam niya ang pangungulila nito sa kanya base sa paraan ng
haplos nito. Tila tumatagos sa dibdib niya ang sakit ng nararamdaman nito. Parang
pinipiga ang puso ni Prin na sa loob ng mahabang panahon ay inaalala pa rin siya ni
Cally.
Kinupkop ni Cally ang magkabila niyang pisngi saka nito sinakop ang labi niya.
Naaamoy ni Prin ang matapang na alak sa bibig nito. Hindi niya alam kung gaano
katagal na ninamnam niyang muli ang halik nito makalipas ng ilang taon.

She couldn't control herself to open her mouth because of yearning. Her tongue felt
his movement until she felt numb. It's not rough but rather sweet. Parang pinuno ng
halik na iyon ang apat na taon na pangungulila nila sa isa't-isa. He missed her so
much and she felt the same way.

Habol ang hininga na niyakap siya ng mahigpit ni Cally. Saka ito muling pumikit.

Tinitigan ni Prin ang nakapikit na mukha ni Cally. Nasasaktan siya sa ganitong awra
ng asawa niya. Gusto niyang manatili sa bisig nito pero mas masasaktan ito kung
babawiin din agad ang buhay niya. Nasa paligid lang ang mga kasama niya at mas
kailangan niyang tanggalin ang bomb capsule sa ulo niya bago siya magdesisyon para
sa sarili.

Sa kakaunting saglit na iyon ay gusto na niyang magpasalamat. Nagpapasalamat siya


na pinagtagpo sila kahit saglit. Nagluluha ang mata ni Prin na dahan-dahang umalis
sa bisig nito. Saglit na tinitigan muli ang mukha ni Cally.

'Saglit na lang Cally, I will do my best para makaalis sa sitwasyon na nakasadlakan


ko.'

Kinuha niya ang pen at notepad at nagsulat doon.

[Please look for 'Maria Celeste 1' - Your Baby Panda]

Saka niya nilagay ang notepad ng hotel katabi ng cellphone nito. Mas maganda na
maabisuhan niya si Cally at ito ang maghanap sa kanya, katulong ang Dark Lords
kaysa magdesisyon siya basta.

Dahan-dahan na lumabas si Prin ng kwarto.

NAGISING si Cally dahil sa malakas na ring ng cellphone. Kinapa-kapa niya ang


bedside table hanggang sa mahulog ang notepad at balllpen sa kabilang bahagi nito
at mahawakan ng kamay ang cellphone.

Hindi niya na pinag-aksayahan pa na kunin ang bagay na nahulog dahil pag-aari naman
iyon ng hotel. Saka niya sinagot ang tawag ni Lorenz.

"Shi, nandito na 'yung sundo natin, ikaw na lang ang hinihintay namin," pagbibigay-
alam nito.

"Sige pababa na ko. Nakaayos naman na ang gamit ko," sabi ni Cally.

Hindi na rin niya pinag-aksayahan pa na buksan ang ilaw.

Dinampot niya ang dog tag ni Prin, ang mahalagang gamit sa isang drawer. Binitbit
ang luggage na maayos na naghihintay sa gilid saka binuksan ang pintuan. Nilingon
niya pa ng isang beses ang medyo may kadiliman na kwarto bago tuluyang lumabas at
isara ang pintuan.

PAGSARA ng pintuan ng kwarto kung saan naroon si Cally, hindi napigilan ni Prin na
humagulgol. Naabutan siya ni Cassandra na kalalabas lang din ng kwarto ni Lorenz.
Halata ang pagtataka sa mukha nito saka siya hinila na paalis ng lugar dahil baka
may makakita pa sa kanila tulad ng security.

Para siyang robot na sumusunod lang sa kaibigan habang basa ang pisngi ng luha.

Hanggang sa dalhin siya nito sa mga pine trees malapit sa dalampasigan. May
naririnig silang paparating na helicopter ilang metro ang layo sa kanila.

"Tell me, what happened?" tanong nito sa kanya.

"Sandra, I saw my husband. Siya ang nakatakda nating nakawan,” paliwanag niya
habang umiiyak. Natutop ni Cassandra ang bibig at hindi makapaniwala.

"I want to stay with him. Ayoko ng bumalik sa barko. I want to stay with him.”
hiling niya. Nilabas niya ang lahat ng luha sa kaibigan. Niyakap lang siya ni
Cassandra. Hindi na rin siya nakapag-isip ng maayos dahil nakita niya muli si
Cally.

Tama ang hula ni Cassandra na kilala ni Prin ang lalaki na bumili ng dog tag sa
kanya na hindi niya alam ang pangalan. Halos mamolestiya na siya ng binatang iyon
pero hindi man lang niya nakuha ang pangalan nito.

Dahil nasa iisang pasilyo lang ito. Malamang na kasama nga nito ang asawa ni Prin.

"I want to stay Sandra, okay lang kahit na mamatay na ako, at least nakasama ko sa
huling sandali ang mahal ko. I want to go!" humahagulgol na sabi. Naawa naman si
Cassandra sa kanya.

"Prin, even if you wanted to go, even if you wanted to die. How about your husband?
How about your family? Ganyan din ang gusto kong gawin noon pa, Prin. Gusto kong
makauwi. Pero kailangan nating paganahin ang isip kaysa ang puso sa ngayon. Katulad
mo naniniwala rin ako na magkikita kayo ng asawa mo," paliwanag ni Sandra.

Saka siya yumakap dito. Nasa ganoong posisyon siya nang makita si Bella at Kai na
magkahawak-kamay na naglalakad at tinutungo ang helicopter. Natigilan siya. Kasama
pala ang dalawa sa bakasyon na iyon.

Ilang saglit pa, nakita niya ang babae sa coffee shop nang nagdaang araw na sumakay
din sa parehas na helicopter. Kasunod si Lorenz na may kausap sa telepono. Huminto
pa ito saka nagtuloy sa lakad.

Naglakad siya patungo sa mga ito, kahit masilayan niya lang ang mga kaibigan sa mas
malapit.

Ilang saglit pa, nangilid na naman ang luha niya nang makita si Cally na naglalakad
na patungo na rin sa helicopter.

"Cally…" hindi na kinakaya ni Prin na tumakbo patungo sa mga ito.

"Cally!!!" tumatakbo siya patungo dito hanggang sa maramdaman ang matigas na


katawan ang humila sa kanya para magtago sa kumpol ng mga halaman at tinakpan ang
bibig niya.

Pinilit niya pang manlaban kahit halos wala nang makita ang mga mata niya dahil sa
luha.

"Prin Matsui! Don't you dare try my patience!" narinig niyang pagbabanta ni Captain
Yeo.
Doon siya natahimik. Patuloy lang ang daloy ng luha niya habang hawak nito ang
bibig niya. Naninikip ang dibdib ni Prin. She wants to go home for crying out loud!

Hanggang sa narinig na lang niya na palipad na ang helicopter. Nang malayu-layo na


ang sasakyan-panghimpapawid, doon lang siya binitiwan ng kapitan.

"Hahhh!" naglabas si Prin ng isang malakas na hangin na kanina pa bumabara sa


dibdib niya.

Sinipa niya ang kapitan na sinalag naman nito. "You're a monster!"

Saka niya sinuntok sa mukha ang kapitan. "A beast!"

"I am not yours!!! I want to go home!" sabi niya sa pagitan ng mga pagluha.

Sinipa niya ito. Hindi naman nanlalaban ang kapitan at parang nakaramdam pa nga ng
awa sa kanya. Akmang pupukpukin niya ng malaking bato na nadampot niya sa buhangin
ang kapitan nang pigilan siya ni Casper.

"Sige ituloy mo iyan, Prin Matsui. Kung ayaw mong mapahamak si Cassandra."

Natigilan siya nang makita na hawak nito si Cassandra at may patalim sa leeg nito
na ano mang oras ay sasaktan nito ang kaibigan niya.

Binitiwan na lang niya ang bato at saka humagulgol. Sa mga oras na iyon hawak
talaga siya sa leeg ng lalaki at wala siyang magawang paraan.

"Patayin mo na siya kapitan, nangigigil na ako d'yan!"

"Shut up!" singhal nito.

"Bring her back sa barko," utos nito.

Walang nagawa si Casper kun’di ang bitawan si Cassandra at bitbitin si Prin pasakay
sa bangka.

(AFTER TWO YEARS)

Kasalukuyang nasa Incheon, Korea ang barko ni Captain Yeo. One of the largest
seaports sa bansa. May plano na naman ang grupo ng kapitan sa araw na iyon at iyon
ay ang pasukin ang 'Queen Marina cruise' na natatanaw niya sa hindi kalayuan.

Isang eleganteng barko na dumaong nang nagdaang gabi sa port. Dalawang taon ang
nakalipas nang magkita sila ni Cally. Matapos siyang ibalik sa barko ni Captain
Yeo, iniwasan muli siya nito.

"Magpasalamat ka nga at hindi uminit ang ulo sa'yo ng kapitan. Kung hindi, baka
kanina ka pa namatay!" singhal sa kanya noon ni Casper kahit baha ng luha ang mata
niya.

Nakiusap siya ng paulit-ulit sa kapitan na pakawalan na siya at pauwiin na siya.


Pero nakatingin lang sa kanya ang lalaki na may halong kalungkutan ang mga mata at
walang emosyon ang kabuuan ng awra nito. Matapos iyon ay iniwasan na siya nito.
Huminga ng malalim si Prin para iwaksi ang pagbabalik-tanaw niya sa nangyari sa
Spain. Hindi maiwasan ni Cassandra na mapatanong din kung bakit parang iba ang
paraan ng kapitan 'pag dating kay Prin. Kahit siya ay nagtataka kung bakit ganoon
ang turing nito sa kanya.

Sa tigas ng ulo na mayroon siya, isang malaking palaisipan kung bakit hanggang sa
mga oras na iyon ay buhay pa siya.

Nakita nila kung gaano karahas ang lalaki sa mga tao nito. Gumamit pa ito ng latigo
para lang parusahan ang ibang kasama niya. Ilang bagong miyembro rin ang 'na-
recruit' nito sa dagat

Sa loob ng anim na taon na pamamalagi niya sa barkong iyon, ni dulo ng daliri niya
ay hindi ginalaw ni Captain Yeo. Pero tuwing makikiusap siya na paalisin na siya
doon ay hindi ito pumapayag.

"Prin, ready ka na ba?" putol ni Cassandra na tumabi sa kanya.

"Yes."

Kapwa sila nakasuot ng ball gown, at sa loob ng magarbong kasuotan ay naka-blusang


itim at black leather na pantalon ang suot nila para malaya nilang magagawa ang
pag-ikot sa cruise na iyon. Isang dilaw na off-shoulder na gown ang suot niya na
halos katulad ng suot ni Belle ng 'Beauty and the Beast'. Pula ang suot ni
Cassandra.

Inabot nito sa kanya ang maskara at nanatiling hawak nito ang kopya ng imbitasyon
na galing kay Casper. Kailangan na may akitin sila sa mga guest ng cruise na iyon,
patutulugin nila ito saka papapasukin ang grupo ni Casper sa kwarto kung nasaan
sila. Saka sisimulan ang pagnanakaw.

Bumaba silang dalawa ni Cassandra ng barko saka sumakay sa dilaw na kotse na


naghihintay sa tapat, hanggang sa ihatid silang dalawa sa entrance ng cruise.
Inabot ni Cassandra ang imbitasyon sa lalaking nag-aabang ng guest.

"Your mask ma'am," sabi nito sa kanila.

"Oh!" kinuha ni Prin ang maskara saka iyon sinuot, ganoon din si Cassandra.

"The wedding party will start soon. Natapos na ang seremonyas kaninang hapon,"
dagdag pa nito.

"...You can now go to our main hall for the party." Ngumiti lang silang dalawa dito
bilang sagot.

"Wedding?" ulit na tanong niya kay Cassandra nang makalayo sila. Hindi niya alam na
isang kasal pala iyon. Ang buong akala ni Prin ay Masquerade party lang.

"Yes a Hernandes… hhmm... Jang something…" nakatingala pa ito sa kisame na parang


inaalala ang mga nakasulat sa hawak nitong card.

"...Hindi mo nga pala nakita 'yung invitation." saad ni Cassandra.

Natigil sa paglakad si Prin. "Hernandez... Jang?" nanlalaki ang mata niya. Tumango
ito.

"Sandra, I... I can't do this. They are my friends," sabi ni Prin na nagsimulang
mataranta.
"What?!" hindi makapaniwala ang dalaga.

"The newlyweds, they are my friends," sabi niya dito at nagsimulang lumuha ang mata
niya sa likod ng maskarang suot. Hindi tama na gumawa siya ng kalokohan doon sa
kasal ng mga kaibigan niya. Taliwas na iyon sa gusto niya. Mas gugustuhin pa niya
na patayin na lang ni Captain Yeo kaysa sirain ang kasal ng mga ito.

Pabalik na si Prin sa kung saan siya pumasok ng sinalubong siya ng mga taong
pamilyar sa kanya.

"Bisita ba kayo nila Bella at Kai? Nagsisimula na ang party kaya tara na," aya sa
kanya ni Ana na naka-midnight blue na gown kasama nito si Mat-mat na tulad ng dati
ay may kakaibang presensya.

Natahimik si Prin at Cassandra. Hawak ang tig-isang braso nila ni Ana kaya
nagpatianod na lang sila hanggang sa makarating sa ballroom ng cruise.

"Enjoy the party," sabi nito saka sila iniwan ni Cassandra sa isang mesa.

SA LOOB ng dalawang taon, sumama ang loob niya kay Cally. Hindi maiwasan na
mapatanong siya kung hinanap ba talaga siya nito noon.

Nag-iwan siya ng note pero parang hindi man lang nito nakita. Did he check it? She
put it on the right spot, kung saan madali nitong makikita iyon dahil naroon ang
cellphone nito.

Sigurado siya na kung sakali na nakita iyon ni Cally, hahanapin siya nito agad. At
hindi iyon aabot sa dalawang taon.

Nagbuga na lang siya ng hangin saka kinalma ang sarili. Tumuloy na lang si Prin at
Cassandra sa loob ng ballroom kung saan sila inakay ni Ana at pinagmasdan ang kasal
ng kaibigan niya na si Kai at Bella.

Halos mabalutan ng puting bulaklak ang kabuuan ng hall. Maraming bilog na mesa na
may gold na runner at bulaklak sa ibabaw. Kumuha agad siya ng alak sa waiter na
napadaan para mapakalma siya.

Natutuwa siya para sa dalawang kaibigan na sa dulo ay nauwi rin sa pag-aasawa ang
mga ito. Kasalukuyang nagsasayaw si Bella at Kai sa gitna ng dance floor. Their
first dance as husband and wife.

Pinagmasdan ni Prin ang kaibigan na si Bella. Mas nag-blooming ito at sumeksi,


hindi na rin mukhang pabebe, kaiba sa bente anyos na Bella noon. Base sa hubog ng
katawan nito, sigurado na nag-t-train ito ng pisikal kasama ni Kai. Nakasuot ito ng
puting ball gown na nababalutan ng lace. Her smile is her best make-up that day.
Sigurado na mas mai-in-love pa ang leader Kai niya dito.

She missed her so much katulad ng pagkamiss niya sa pamilya niya. Kahit kaunti lang
ang napagsamahan nila noon, itinuturing niyang best buddy si Bella.

Ilang saglit pa, natapos ang sayaw ng mga ito sa isang halik. Tila walang pakialam
ang dalawa sa mga bisita at parang sila lang ang nasa paligid. Normal lang naman
iyon bilang ang mga ito naman talaga ang center of attraction sa araw na iyon.

Napangiti si Prin ng mapait. May dumaan ulit na waiter na nagbibigay ng alak.


Kinuha niya ang dalawang baso at magkasunod na nilagok iyon na may lamang tequila.
"Ahhh…" napangiwi pa siya matapos inumin ang magkasunod na baso.

"Hey! Baka naman malasing ka agad." Nag-aalalang sabi ni Cassandra sa tabi.

"I'm fine,” sabi niya lang dito.

"Casper and the others are the waiters, mag-ingat ka okay."

Napatiim-bagang si Prin sa narinig. Nilingon niya si Casper na nakasuot na uniform


ng waiter na nasa isang sulok kaya naniwala siya kay Cassandra. "Now, may I ask all
the ladies and gentlemen to come on the dance floor," tawag ng MC.

Magsisimula na ang sayaw ng Masquerade Ball Waltz. Inakay siya ni Bella sa gitna.
Oras na kasi iyon para maghanap sila ng biktima. Pero wala na doon ang pakay niya.
Naroon si Prin para makiisa sa kasal na iyon bilang kaibigan at hindi para maghanap
ng biktima.

Pumorma ng malaking bilog ang palitan ng babae at lalaki na may bilang na tig-
disiotso sa maluwag na dance floor. Nagsimulang tumunog ang pinagsamang violin at
piano. Nagsimula ang sayaw sa bow ng mga lalaki sa mga kababaihan, sumunod ang mga
babae. Matapos iyon, nilapit nila ang katawan sa kapareha. Ipinatong ang isang
kamay sa balikat ng lalaking kapareha at kahawak ang kamay nito ng pa-sideways.
Nakahawak naman sa bewang ang mga kalalakihan sa kaparehang babae.

Matapos ang signal ng violin, nagsimulang umikot ng pa-counterclockwise ang


magpapareha. Matapos ang mga bilang ng pag-ikot, ang kaparehang lalaki ay iikot sa
susunod na babae. Magb-bow muli sa bagong kapareha at iikot muli ng sayaw.

Nagpaulit-ulit iyon, hanggang sa magtama ang mata nila ng lalaking pinangulilaan


niya ng ilang taon. Umikot sila ng umikot. Hindi gumawa ng aksyon si Prin kahit
kasayaw pa si Cally. Nanatiling tikom ang bibig niya kahit pa pakiramdam niya ay
hinaplos nito ang puso niya habang kasayaw ito.

Ninais na lang ni Prin na namnamin ang pakikipagsayaw dito. Matapos ang mga bilang
hindi ito umalis sa pwesto bilang kapareha niya kaya nagsimula siyang kabahan.

Tinulak ni Cally ang kapareha na dapat ng babaeng kahawig ng labi ng dati niyang
asawa. He chose to stay to dance with this girl. Hindi naman siya nahirapan dahil
karamihan ng binatang nagsasayaw ay Dark Guards. Hindi niya alam, basta ang alam ni
Cally lahat ng may hawig kay Prin ay okay sa kanya.

"May I know your name?" tanong ni Cally.

Hindi sumagot si Prin. Hindi niya kasi alam kung ano ang magiging reaksyon sa
tanong nito. Kumakabog ang dibdib niya kaya nagpanggap na lang siyang deaf sa harap
nito. "You don't know how to talk?"

Hindi pa rin sumagot si Prin. Nagpaiikot-ikot lang sila sa pagsayaw hanggang sa


matapos ang tugtog.

Agad na hinila ni Cassandra si Prin para magtungo sa deck area. "Captain Yeo is
there… as a guest."

Nakuyom na lang ni Prin ang palad niya sa narinig.


HINDI kinakaya ni Prin ang mga nangyayari kaya nagpahangin na muna siya sa deck
kasama si Cassandra.

Nahihirapan siyang harapin muli si Cally. Madaming pumapasok sa isip niya. Sa loob
ng maraming taon, did he miss her?

"Hhaaaaaahhhh!!!!" sigaw niya sa dagat para lang mailabas ang sama ng loob.

Bakas ang kalungkutan sa mukha ni Prin. She wants to go back but she can't.
Bahagyang kumirot ang batok niya kung saan naroon ang maliit na capsule bomb kaya
hinipo niya iyon. Nakakapa niya pa ng bahagya ang capsule.

"Mas mabuti pang magsimula na tayong mag-ikot," payo ni Cassandra. Para maiwaksi
ang sakit na nararamdaman, tumango siya at pinili na sumunod kay Cassandra na
bumalik sa hall. Humiwalay sa kanya ang kaibigan at nagsimula ng mag-ikot sa mga
kwarto doon.

Sa hall, 'pag pasok ni Prin, kumuha agad siya ng dalawang shots ng alak sa waiter
na nadaanan niya sa bungad. Saka nilagok ang isang shot.

Nakita niya si Captain Yeo sa gilid na may kausap na lalaki. Hindi niya kilala.
Parehas na hindi nakamaskara ang mga ito. Nilingon nito ang gawi niya.

Sinalubong niya ang tingin nito saka ito inismiran. Hindi niya alam kung ano ang
relasyon nito sa bisita ni Kai o Bella. Pero nasusuklam talaga siya dito. Akalain
mo na may kakilala pala ito doon pero wala itong pakialam na utusan sila na
maghanap ng importanteng gamit sa cruise na iyon.

Kung wala lang siguro siyang maskara, kita nito kung gaano katalim ang tingin niya
dito. Nag-iwas ito ng tingin saka niya diretsong ininom ang alak na hawak at
pabagsak na nilapag ang shot glass sa mesa.

Nakita niya si Cally sa isang table na tahimik at mag-isang umiinom. Lalapitan niya
ba ito? Sasabihin na 'Cally, ako ito si Prin'. Pagkatapos ay dumanak ng dugo sa
kasal na ‘yon ni Bella at Kai? Ngumiti siya ng mapait at lihim lang na pinagmasdan
ang asawa niya kahit sa malayo.

Sa loob ng mahigit isang dekada, nagagawa pa rin nito na patibukin ang puso niya.
May presensya pa rin si Cally na hindi niya maintindihan na kayang pabagsakin ang
mundo kung gugustuhin lang nito. Ilang saglit pa, unti-unting nakaramdam ng hilo si
Prin sa ilang shots ng alak na nainom niya.

Para mahimasmasan, lumabas siya ng ballroom hall saka nagsimulang maghanap ng


kwarto. Nakasalubong niya si Bella sa daan at napangiti siya. Dahil sa nainom
bahagya siyang nawala sa katinuan at namamaos na ang boses niya.

"Congratulations!" nakangiting sabi niya dito.

"Oh thank you! Are you one of the Dark Guards?" tanong nito.

"Yes! I'm GW8," nakangiting sabi niya.

Dahil wala namang naiintindihan si Bella sa mga code names, hindi nito inintindi
ang code niya. Basta ang alam ni Bella, isa siyang Dark Guard.

"Oh I see. Enjoy the party!" saka ito may pinasukan na kwarto. She really miss her.
Pinihit niya ang knob ng isang kwarto at nagpasalamat siya na bukas iyon saka niya
isinara ang pintuan.
KINAKABAHAN si Bella pagbukas niya ng pintuan ng suite sa cruise na iyon. After a
couple of years, dadanak ng dugo sa kwartong iyon. Hindi sa paraan ng Dark Guards,
kun’di sa paraan ni Kai Jeon Jang. Namula ang pisngi ni Bella dahil lumilipad ang
isip niya.

Sa loob ng anim na taon, masasabi niya na ilang beses nang kamuntikan na sumuko ang
bataan ng Pilipinas sa bansang Taiwan dahil madalas silang magsama sa iisang
kwarto. Nakakatawa lang na tuwing may magaganap sa kanila, kung sinu-sino ang
tumatawag dito na para bang ayaw ng panginoon na may mangyari sa kanila. Nananatili
rin na sagrado ang paniniwala ni Kai sa kasal kaya lalo siyang napamahal dito.

He said he will wait until their wedding night. Mas masarap kapag mas matagal kang
naghintay. Parang sa pagkain, mas matagal lutuin, mas masarap.

Sa tingin ni Bella, si Kai ang pinakaperpektong nobyo na asawa niya na ngayon para
sa kanya. Habang tumatagal mas sweet. Kaya habang tumatagal, mas lumalalim ang
pagmamahal nila sa isa't-isa.

Pagkapasok sa kwarto, nagsalubong agad ang mata nila ni Kai na nakasuot ng roba.
Dahan-dahan na lumapit ito sa kanya. Sa tingin niya ito na nga ang time na naluto
na ng chef ang pagkain na matagal isinalang sa apoy.

"You are so beautiful, My Angel?" bulong ni Kai ng makalapit sa kanya.

Hinawi nito ang buhok ni Bella saka gumapang ang palad nito pababa sa leeg niya
hanggang sa likuran kung saan naroon ang zipper ng gown. He slowly pulling down the
zipper. Napalunok si Bella.

She started to tremble because of excitement. Bahagyang nakaawang ang labi niya
dahil sa paghihintay. He leaned and kiss his Angel. Napapikit na lang si Bella para
simulang namnamin ang unang gabi nila ni Kai.

At first, he was slow in his kisses, walang pagmamadali. Naramdaman na lang niya na
bumuka na ng todo ang zipper kaya ramdam na ang haplos nito sa likuran niya. He
pushes down her gown mula sa shoulder strap to free her breast.

Saglit na iniwan ni Kai ang labi ni Bella kaya bahagyang umawang iyon. He looks at
her beautiful body hanggang sa tuluyan ng nalaglag ang buong gown na suot niya.

Maingat niyang nilapag si Bella. He kissed her trembling lips habang naglalandas
ang palad niya sa lahat ng parte ng katawan nito. His lips is following the
movement of his hands. May mahinang ungol na kumawala sa labi ni Bella.

"I want to feel you my Angel..." he said in a hoarse voice hanggang sa maramdaman
na lang niya ang biglaang pag-iisa nila.

"Ahhhh!" Napakapit na lang siya kay Kai dahil sa biglaan ng pagkilos nito. Her eyes
closed then suddenly open, staring up at him with real helplessness.

"I'm sorry…" nag-aalala na sabi nito. Hinaplos nito ang puson niya. Kasisimula pa
lang, pero parang hinihingal na siya. Ilang saglit lang, nagsimulang kumilos si Kai
para dalhin siya sa langit.
NAKARAMDAM ng hilo si Prin dahil sa nainom kaya hinanap niya ang restroom ng kwarto
at doon sumuka. Dahil ginamit niya ang restroom, tuluyan niya nang tinanggal ang
suot na black pants. Iritable lang din sa pakiramdam, saka siya lumabas.

Madilim ang kwarto na pinasukan ni Prin. Inikot niya ang paningin sa buong paligid
dahil nasa bandang ilalim ng cruise ang kwartong iyon. Kita ang dagat sa labas ng
bilog na bintana. Tinanggal ni Prin ang maskara, nilapag sa cabinet na nadaanan
niya ang bagay na iyon at tinungo ang bilog na bintana.

Kita niya ang kinang ng tubig dahil sa ilaw sa gilid ng cruise sa malapit, may mga
isdang naglalanguyan. Ngunit madilim ang malayong parte ng karagatan mula sa kanya.
Hinawakan niya ang bilog na salamin ng bintana at nagsimulang mag-doodle doon.

Naaalala ni Prin ang malungkot na awra ni Cally habang mag-isang umiinom sa hall.
Gusto niya nang makasama muli ang asawa niya. Araw-araw siyang humihiling at umaasa
na darating ang araw na babalik din siya sa piling nito. Ngumiti siya ng mapait.

Napakislot na lang siya nang may yumakap sa kanya mula sa likuran. Isang pamilyar
na yakap kaya hindi niya nagawang umiwas. Sa halip, nanlaki pa ang mata niya.
Pinatong nito ang ulo sa balikat niya.

"I miss you so much, my baby panda," parang wala sa sarili na sabi nito. Saka niya
naramdaman na namasa ang balikat niya mula sa luha nito.

'Is he crying?' Dahil halos walang hangin sa pagitan nila, naaamoy niya ang
matapang na alak mula kay Cally.

"I miss you too, Cally…" saka mahinang humikbi. Nakilala ba siya ni Cally?

Gumilid ito sa kanya. Nagrereflect pa sa kalahating pisngi niya ang galaw ng dagat
mula sa labas. Halata na namumungay ang mata ni Cally at pilit na inaalala ang
bahaging iyon ng mukha niya.

"Are you an Angel?" tanong nito. He brushed away the tears on her face na nakikita
nito mula sa kakaunting liwanag. Hinaplos din ni Prin ang pisngi ni Cally. At pilit
na inaalala ang bawat parte ng mukha nito.

Sa loob ng matagal na panahon, mas nag-mature ang asawa niya. Mas lumaki na ang
katawan ni Cally, mas tumapang ang awra na susukuan ng lahat. Hindi na 'yung dating
Cally na mukhang totoy. Sa awra nito ngayon, kaya nitong pabagsakin ang lahat ng
masasama sa mundo.

"In heaven, are you eating well? you look skinny.” kinakausap siya nito na para
bang hindi siya talaga nito nakikita.

"You are so cute back then, that's why I call you my Baby Panda." Bahagyang humikbi
si Prin.

"You are beautiful, always beautiful inside my heart."

"I have a secret for a couple of years, I remember my wife 'everyday'" parang bata
pa na bumulong. Kinuha ni Cally ang kamay niya at tinapat sa dibdib nito.

"See? Do you hear? My heart is always longing for Prin Matsui."

Hindi kinaya ni Prin ang damdamin niya kaya siya ang kusang tumingkayad para abutin
ang labi ni Cally. Hindi makapaniwala si Cally na dinalaw muli ng panaginip ni
Prin. He is happy to have her in his dreams na parang totoo.
He responded to her kisses na naging mapusok. How long does he ask to have her
taste again? Halos maipit na ang leeg ni Prin dahil sa higpit ng hawak ni Cally.
Parang ayaw siya nitong bitawan.

Unti-unti nitong sinira ang makapal na tela ng palda ng suot niyang gown hanggang
sa numipis iyon to reached out her legs. Saka siya nito binitbit hanggang sa kama.

Umupo si Cally sa gilid na bahagi ng kama, ipinatong siya nito sa ibabaw nito saka
matamis na nag-iiwan ng marka sa leeg niya. He pushed down her off-shoulder to free
her breast saka nito iyon sinakop. May kumawala na mahinang ungol sa bibig ni Prin.
Ilang saglit pa, tinitigan siya nito sa mata.

"Prin Matsui, I want you…" sabi nito saka sila umikot at hiniga siya nito. Sakto
lang hanggang sa pwitan niya ang sumasakop sa malambot na kama. All of her legs are
outside.

He easily rolling up her underwear. He doesn't care about the yellow gown anymore.
Pumaibabaw ito sa kanya saka sila umikot muli sa kama. She unzipped his fly and
took out his hard thing. Umikot silang muli. He sucked her full mouth na parang
wala nang bukas. While he spread her legs to enter. Napasinghap na lang si Prin
kahit pa sakop nito ang labi niya.

Ilang saglit pa, they enjoyed the night together as if they took an ecstasy pill.
Her moans sound like a music score in his ears. Ilang saglit pa, kapwa sila
nakapikit at kinakain ng dilim ang mga mata nila. Yakap siya ni Cally mula sa
likuran.

"Prin Matsui, I miss you so much. Please come back…" narinig niyang bulong nito
bago siya kinain ng dilim.

PAGMULAT ni Prin ng mata kinabukasan, nasa loob na siya ng kwarto niya sa barko ni
Captain Yeo, wearing the yellow gown na suot niya nang nagdaang gabi.

Hindi tuloy alam ni Prin kung totoo ang naganap sa pagitan nila ni Cally.

PUMASOK si Cassandra sa isa sa mga pintuan ng suite. Nagsimula siyang ikutin ang
mata sa buong kwarto.

Binuksan niya ang drawer at sakto na may nakita siyang wallet doon. Iniisa-isa niya
na ang laman na pera ng wallet, nang pukawin siya ng isang gold dog tag. Napangisi
si Cassandra. Hindi pa nga niya naitatabi ang mga gamit na nakuha nang may
magsalita sa likuran niya.

"Who the hell are you?!"

Nanlaki ang mata ni Cassandra nang makita ang isang mahabang espada ang nasa gilid
niya. Napalunok siya.

"Turn around and show me your face!" utos nito.

Dahan-dahan na umikot si Cassandra hanggang sa magtagpo ang mata nila ni Lorenz.


Bigla niyang nabitawan ang lahat ng gamit na dapat ay kukunin niya. Nag-isip siya
ng paraan para makaiwas at makatakas sa espada ng binata kaya umikot siya at
sumampa sa kama.

"P-please spare my life," nakikiusap na sabi niya.

"No! Who are you?" kalmado na tanong ng binata.

Pumihit sa kanan si Cassandra, ganoon din si Lorenz. Pumihit sa kaliwa ang dalaga
at sumunod muli ang binata. Para silang nagpa-patinterong dalawa. At nais nang
matawa ng binata dahil na-amazed siya sa kilos at galaw nito. Halata kasi na hindi
naman ito natatakot sa kanya. Bumaba si Cassandra ng kama at tumakbo patungo sa
pintuan ngunit nahuli ni Lorenz ang bewang niya at ibinalibag siya sa kama. Hinagis
ng binata ang katana sa isang sulok

"Ahhh!!!!"

Nahawakan ng dalaga ang isang unan at binato iyon kay Lorenz.

"Lu-lumayo ka sa akin!" Nasalo lang ni Lorenz ang unan na binato niya sa binata.

Dumampot muli ng unan si Cassandra at binato sa lalaki, hinahagis lamang ni Lorenz


pabalik ang unan na binabato niya dito sa kama. Parang recycle ang mga unan na
paikot-ikot sa kanilang dalawa hanggang sa mapagod na ang dalaga.

Nang hindi na makuntento si Lorenz, nagawa nitong hawakan siya sa balikat at itulak
sa kama, saka tinanggal ang maskara na tumatakip sa kalahati ng mukha niya.

"S-sandra?" gulat na usal nito.

Natahimik si Cassandra. Ayaw niya kasi na makita siya sa aktwal ni Lorenz na


nagnanakaw. May nararamdaman kasi siyang hiya dito. Umupo ang binata sa isang parte
ng kama katabi ni Cassandra.

"Why are you here? Matagal kitang hinanap. Bumalik ako ng ilang beses sa Spain para
hanapin ka, hindi ko akalain na sa Korea pa tayo magkikita." Nagulat ang dalaga sa
sinabi nito. Hindi niya rin kasi akalain na babalikan siya doon ng binata.

"Bakit mo ko pinuntahan? Do you… like me?" diretsahang tanong ni Cassandra.

Napakamot si Lorenz sa batok. "Kung sasabihin ko ba sa iyo na 'oo', sasama ka ba sa


akin?" Natigilan si Cassandra sa sinabi nito. Hindi niya akalain na ang isang
binata na katulad ni Lorenz ay magkakagusto sa kanya.

She was 27 at amoy-dagat. Kulang na lang mapagkamalan siyang pinaghalong Ariel at


Pocahontas ng Disney. Kaya sa paanong paraan ito nagkagusto sa kanya? Ngumiti siya
ng mapait.

"But… you can't fall in love with me…" sabi ni Cassandra.

"Why?"

"I'm not an ordinary girl. And… I'm a traitor," mapait na sinabi ni Cassandra. Alam
niya na kaibigan ito nito si Prin. Pero hindi siya makapagsalita. Matutulungan ba
sila nito? Napakislot na lang siya ng hawakan ni Lorenz ang pisngi niya.

"Maybe that's the reason why I like you. Because you are not an ordinary girl."
Saka nito sinakop ang labi niya.

Hindi malaman ni Cassandra kung ano ang meron sa binata para tuluyang na mag-
blackout ang isipan niya kapag hinahalikan siya nito tulad nung una.
Tuwing kaharap niya kasi ang lalaki ay dinadala ang isipan niya sa kalawakan.

Hindi rin malaman ni Lorenz kung ano ang mayroon sa dalaga para mapraning siya ng
tuluyan. Nagawa niya pang pumunta sa Puerto del Carmen ng limang beses sa loob ng
dalawang taon para lang hanapin ang dalaga. Naramdaman na lang ni Cassandra na
kinagat nito ang dibdib niya.

"What kind of poison are you?" bulong nito habang naglalandas ang mga palad.

"...A viper?" saka nito kinagat ang leeg niya.

"... A cyanide?"

"... A poison ivy?" naramdaman na lang niya na unti-unting inaangat ni Lorenz ang
palda niya.

"A poison who knew Prin Matsui!" nabigla niyang sabi. Parang binuhusan ng malamig
si Lorenz at umupo.

"Y-you know Prin Matsui?" nanlalaki ang mata na tanong ng binata. Inayos ni
Cassandra ang damit at umupo ng maayos. Hindi siya makatingin kay Lorenz.

"I-promise mo na hindi ka gagawa ng padalos-dalos na desisyon. I will tell you


everything..."

"I will start in a bomb. Prin and I have a small bomb in our head, small as a
medicine capsule..."

"CAPTAIN, mukhang nagkakagusto si Prin sa prinsipe?" pagbabalita ni Casper kay


Captain Yeo. Nasa deck sila ng mga oras na iyon.

Nakatingin sa dagat ang kapitan habang malalim ang iniisip. Inaalala niya ang
nangyari ilang oras ang nakalipas, kung paano umismid si Prin kahit nasa likod pa
ito ng maskara.

Napakuyom ng palad ang kapitan. "Nasaan siya ngayon? Saka si Cassandra?"

"Sa tingin ko nasa suite sila sa bandang ibaba."

Hindi sumagot ang kapitan. Ininom lang nito ang alak na bitbit at inabot kay Casper
ang walang laman na baso. Agad na tinungo nito ang palapag kung nasaan ang suites
ng cruise na iyon.

Sumusunod lang si Casper sa kapitan at pinagmamasdan ang bulto nito habang


naglalakad. May kung ano si Prin Matsui para masira na naman ang pananaw nito sa
buhay. Namatay sa dagat ang asawa nitong buntis, labinlimang taon ang nakalipas na
nakilala nila sa Japan. Disiotso-anyos si Captain Yeo nang mga panahon na iyon at
katorse lamang si Casper. Naging makulay ang buhay ng kapitan ng mga panahon na
nabubuhay ang asawa nito.

Hanggang sa bawiin ang buhay nito kasama ng anak ng kapitan, bumalik sila sa
pagpatay at pakikipaglaban sa dagat. Ngunit nitong mga huling taon napapansin niya
na iba ang pakikitungo nito kay Prin Matsui.
Casper noticed that he always looks at the girl kahit sa malayo. Iba sa pakikitungo
nito sa dating asawa, ngunit iba rin sa pakikitungo nito sa kanilang mga kasama
nito sa barko. Isang malaking palaisipan kay Casper ang attitude nito sa babae.

"Saan banda ng kwarto ng prinsipe?" tanong ni Captain Yeo nang makarating sila sa
palapag at pasilyo, kung saan naroon ang mamahaling kwarto ng cruise na iyon.

"Kapitan, paano kung mahuli nila tayo? Hindi isang ordinaryo si Cally Han," nag-
aalala na sabi ni Casper.

"Wala akong pakialam!" singhal nito.

Napayuko na lang si Casper.

Una nilang tinungo ang dulong bahagi ng pasilyo. Tatlong magkakatabi na kwarto ang
pinag-iisipan nila kung saan nandoon ang kwarto ni Cally.

"Open it!" utos nito kay Casper.

Tiim-bagang na binuksan ng binata ang pintuan na tinuro nito. Hindi nga sila
nagkamali na makita doon ang babae. Bumungad kaagad sa kanila ang nakahiga na
katawan ni Prin ng nakatagilid at natutulog. Nakayakap dito si Cally mula sa
likuran.

"Hanapin mo si Cassandra. Kunin mo ang lahat ng gamit ni Prin at itapon mo sa dagat


ang lahat ng ebidensya dito," bulong ng kapitan.

"Masusunod," ang sagot nito.

Tinanggal niya sa pagkakayakap si Prin mula sa mga bisig ni Cally na halatang lango
sa alak saka lumabas ng kwarto na bitbit ang babae at ibinalik sa Maria Celeste 1.

Ilang saglit pa, dumating si Cassandra na hawak sa braso ni Casper pabalik sa


barko. Paglabas kasi ng dalaga ng kwarto, natigilan siya na makita agad si Casper.

Isang sampal ang binigay dito ng kapitan kaya nasapo nito ang namulang pisngi.
Halos namanhid na ang pisngi ni Cassandra dahil sa sampal na iyon.

Kung anu-ano ang pumasok sa isip ni Cassandra. Nalaman na ba nito na nagsabi siya
kay Lorenz? At kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya.

"Sinabi ko sa'yo na bantayan mong mabuti si Prin Matsui!" galit na sabi.

"...Patatawarin kita ngayon pero hindi na sa susunod," ang sabi lang nito saka
inutos sa mga kasama na ihanda ang pag-alis nila sa lugar nang gabi rin na iyon.

Nang magising si Prin sa kwarto ng Maria Celeste 1, walang Cally siyang makita sa
paligid, sa halip karagatan ang bumungad sa kanya.

UNANG ginawa ni Lorenz nang malaman niya ang tungkol kay Prin mula kay Cassandra ay
nanghingi siya ng payo kay Madam Lira na kasalukuyang nasa UK. Tinawagan niya ito
gamit ang telepono sa cruise.

"Mama Lira, buhay si Prin pero hawak siya sa leeg ng mga Pirata," iyon ang binungad
niya sa may-edad na babae. Kinuwento ni Lorenz sa matanda ang lahat ng sinabi sa
kanya ni Cassandra.
"They have this bullet bomb na kapag gumawa sila ng hindi naaayon sa kagustuhan ng
kapitan ng barko, posibleng katapusan na nila. Iyon daw ang rason kung bakit hindi
sila makaalis sa poder ng kapitan. For a couple of years, they are sailing around
the world."

"Did you tell Cally?" nag-aalalang tanong ng matanda sa kabilang linya.

"Ang totoo, isa sa mga dahilan kung bakit ako tumawag sa inyo ay dahil ayokong
sabihin kay Cally, Mama Lira. Hindi ko alam kung ano ang pwede niyang gawin. Baka
ikapahamak pa ni Prin ang pagkilos ng Shi."

"That's right! Do not tell this to anyone. I'll seek help with the Park family to
get Prin." Napatango si Lorenz . Tulad ng inaasahan ililihim nila ang tungkol sa
asawa ng Shi.

"Ask Matthew instead. Mas mabilis natin makikita si Prin kung tutulungan niya
tayo."

NANG magmulat ng mata si Cally, unang hinanap ng mga mata niya ang mukha ni Prin na
tumatak sa isipan niya nang nagdaang gabi. Nilapat niya ang buong likuran sa kama.

Nasapo niya ang kumikirot na sentido. Saka parang wala sa sarili na tumitig sa
kisame. Isa-isang pumapasok sa isipan niya ang mga imahe na naganap. Prin in a
yellow dress, she said she missed him so much... She is crying...

He begged her to come back… Tumayo si Cally at tumuloy sa restroom para maghilamos.

Paglabas ay pumukaw sa kanya ang maskara na nasa ibabaw ng cabinet. Dinampot niya
iyon. Natatandaan niya na pagmamay-ari iyon ng babaeng nakasayaw niya nang nagdaang
araw.

'Damn!'

Lumabas siya para katukin sa katabing kwarto si Lorenz bitbit ang maskara. Walang
tao sa loob kaya naisip niyang si Kai ang sunod na hanapin. Kinatok niya ang
pintuan ng kwarto ng mga ito.

Nagbukas ang cabin suite nito at bumungad si Kai na nakaroba at naghihikab. Doon
niya lang naalala na nasa honeymoon stage nga pala ito at ang bagong kasal na si
Bella.

"I'm sorry kung naistorbo kita. I forgot na nasa honeymoon ka nga pala."

Kumunot ang noo ni Kai. "May kailangan ka ba Shi?"

"Yes. Can you ask someone kung sino ang may-ari nitong maskara?"

"Hi Cally!" nilitaw ni Bella ang ulo niya sa gilid ng katawan ni Kai. Nakaroba din
tulad ng asawa nito.

"I'm sorry Bella, kung naistorbo ko kayong dalawa." seryoso ang mukha na sabi niya.
Sa loob ng ilang taon nakalimutan niya na yata ang ngumiti.

Lumipat ang tingin ni Bella sa hawak niyang maskara at kumunot ang noo nito.
"hmmm... I saw it from the girl last night."
"Y-you saw her?"

"Yes. she said she was a dark guard."

Napapikit si Cally at lalong sumakit ang ulo niya.

"Bakit Shi?" napansin ni Kai na lalong sumama kasi ang mukha ni Cally.

"Kai, I know that you are in a honeymoon, but can you look this girl for me bilang
leader ng Black Guards?"

"M-may ginawa ba sa’yo ang Dark guard na 'to?" hindi naiwasan na itanong ni Kai.

"Yes, I... I had a one-night-stand with this girl.”

Kai and Bella "..."

Nanlaki ang mata ng bagong mag-asawa at nagsimulang mataranta si Kai. "O-okay, Shi.
hahanapin ko na kung sino ang Dark Guard na ito. Agad-agad! See you sa restaurant
sa taas,” sabi ni Kai saka sinara ang pintuan at hinarap si Bella.

"My Angel, This is urgent. Alam mo na hindi basta-basta ang posisyon ni Cally.
Hindi ko alam kung sino ang Dark Guard na ito na lumapastangan sa katawan ng Shi
but this is definitely not good." Hindi alam ni Kai kung ano ang nasa isip ng Dark
Guard na may ari ng maskara.

"Yes! that is definitely not acceptable! How come he forgot about my friend, Prin!"
humalukipkip si Bella at saka ngumuso.

"When you see that GW8, parusahan mo ng mabuti! Ang lakas ng loob na akitin si
Cally," naiinis na sabi nito.

Nanlalaki ang mata ni Kai nang madinig ang mga sinabi niya. "W-what did you say?"

"What? na --Ang lakas ng loob na akitin si Cally?"

"No.”

"Parusahan mo ng mabuti..."

Parang mababaliw si Kai. "No. Y-you mean the girl is GW8?"

Tumango si Bella.

"Oh my god!" natulala si Kai at napaupo sa kama. Parang ayaw niya na lang umalis sa
kwarto na iyon dahil parang masisiraan siya ng ulo kapag lumabas siya. Kinuha ni
Kai ang cellphone at tinawagan si Lorenz.

"Sh-shogun! I need your help," bungad niya dito.

"I am busy with Mat-mat.”

"This is urgent, Shogun!"

"F*ck, ano ba iyon? Ipapasa kita dito kay Mat kung tungkol sa pag-giling ang
concern mo." Halatang iritable na rin at na-te-tense na rin ito sa kabilang linya
na pinasa ang telepono sa cool na cool lang na si Mat-mat.
"Hi Kai Jang. Ano ba tong emergency mo? Don't tell me na naging nata de coco na ang
laman ni Taguro kaya kailangan mo ng tulong?" nakangisi na sabi nito sa kabilang
linya.

"Gagu! Pakyu ka! Huwag na huwag kang magpapakita sa 'kin!" angil niya dito.

Kahit pa sanay na siya na inaasar nito. Gusto niya itong bugbugin sa oras na iyon.
Sino ba ang matutuwa na naging nata de coco na ang swimmers niya sa tagal na na
stock sa loob ng mahabang panahon?

Tumawa naman ito sa kabilang linya.

"H'wag ka na magalit baby," sabi nito sa kabilang linya.

Si Bella naman ay walang naiintindihan sa mga aksyon ng asawa niya kaya pumasok na
lang muna siya sa CR para magbihis.

NANG mapansin ni Kai na pumasok si Bella ng restroom, sinabi niya ang pakay niya.
Ayaw naman niya na masaktan si Bella sa pag-alala kay Prin tapos ay fake news lang
pala.

"This is not about me, okay? This is about Prin. Bella saw her last night,"
paliwanag niya dito.

Hinablot ni Lorenz ang telepono mula sa kamay ni Mat-mat nang marinig niya ang
sinabi ni Kai.

"Come here! Nandito kami sa restaurant. Much better kung iwan mo muna si Bella,"
payo ni Lorenz.

Nagtataka man, sinunod ni Kai ang inutos ng Shogun sa kanya at umakyat nga siya sa
floor kung nasaan ang restaurant nang kasama si Bella. Pinakain niya ang asawa sa
isang table at nanghingi siya ng pasensya dito dahil hindi niya ito masasamahan.

"My Angel, as you can see, this matter is important. I'll be back, okay. I'll
promise na magbabakasyon tayo at lalayuan natin sila sa susunod," saka niya ito
hinalikan sa pisngi.

Tumango lang si Bella, ang totoo mas gusto nga niya na mag-stay sa cabin dahil
masakit ang lahat ng parte ng katawan niya. Namula ang pisngi nito nang maalala ang
mga naganap sa kanila ni Kai.

Dumeretso naman si Kai sa mesa kung saan naroon ang dalawa. Nakapwesto ito sa
pinakasulok ng restaurant at tila seryoso ang pinag-uusapan. Hinarap siya ni Lorenz
at Mat-mat.

Ngising-ngisi si Mat-mat kay Kai na akala mo ay may alam ito na hindi niya alam.
Pero base sa pagkakangiti nito, alam niya na tungkol iyon sa kanyang first night.

Gustong-gusto niya ng ingud-ngud ang pagmumukha nito na ang kulay naman ng mata
ngayon ay green. Malabo na kasi ang mata nito dahil sa tatlong malalaki na monitor
na gamit sa bahay kaya naka-contact lense palagi.

Hinarap naman siya ni Lorenz.


"First of all, it's true. Prin is alive. But you have to keep this a secret kahit
kay Bella," bulong ng shogun.

"...Kahit kay Shi," malungkot na sabi. Sa ilang taon na nagsama sila ni Cally,
ngayon pa lang siya maglilihim.

"Come here!" magkakatabi nilang pinanood ang CCTV sa cruise ship na iyon kung saan
nakita si Prin gamit ang high-tech na laptop ng manyak na si Mat-mat.

Nakuha ni Lorenz ang description kay Cassandra kung ano ang anyo ni Prin. At
tanging si Prin lang ang nakasuot ng dilaw na gown kaya mabilis nilang na-identify
ang babae kahit may maskara.

"This is her mask," bulong ni Kai.

Nakita nila na nag-usap pa si Prin at Bella sa pasilyo bago ito pumasok sa cabin ni
Cally hanggang sa sumunod na pumasok ang asawa nito. May isang oras pa ang lumipas
kaya pinindot ni Mat-mat ang 'fast forward button' bago nila nakita na pumasok ang
dalawang lalaki na malalaking tao rin sa loob ng parehas na cabin.

Ilang saglit pa, bitbit na ng isa na may mapulang buhok si Prin na lumabas ng
kwarto ng Shi nila. Tutok na tutok silang tatlo sa pinapanood na halos magpalitan
sila ng mukha.

"Anong meron diyan?" narinig nila, kaya sabay-sabay silang nag-angat ng ulo.
Nanlaki ang mata nila pare-parehas ng makita si Cally na nasa tapat na mesa.

Kumunot naman ang noo ni Cally dahil sa pare-parehas na reaksyon ng mga ito na
parang nakakita ng multo.

"W-wala!" agad na tangi ni Kai.

Mabilis na kumilos ang mga kamay ni Mat-mat sa pagpindot sa keyboard ng laptop niya
kasabay ng pagtaas ng kilay ni Cally.

Napalunok pare-parehas ang tatlong lalaki.

Mabilis na kinuha ni Cally ang laptop mula sa mahigpit na pagkakahawak ni Mat-mat.

Black screen ang nakikita niya sa monitor bukod sa 'Play-sign' ng video na nasa
gitnang bahagi. Sino ba sa kanilang tatlo ang maglalakas ng loob na kunin ang
laptop mula sa kamay ng Master nila?

"P-please Shi, don't play," sabi ni Kai na halos maihi na sa kaba.

Lalong na-curious si Cally sa sinabi nito kaya pinindot niya ang spacebar para mag-
play ang video.

"Ahhh! Ahhh!! Oh yeah! You are f*cking so good!" At may panggigil pa na mga hiyaw
ng isang babae.

Isang porn video ang bumungad kay Cally na may malakas na sounds kaya nakaagaw sila
ng pansin sa ibang kumakain doon sa restaurant. Halos lahat ay nakanganga sa gawi
ni Cally.

Agad niyang pinindot ang pause at parang gusto niyang maglaho sa lugar. Binalik
niya agad ang laptop kay Mat-mat na nakangiti ng abot tenga dahil hindi sila nito
nahuli.
"We are just showing Kai Jang how to 'move' with his Angel and giving him tips for
the right position."

Kai "..."

HINDI na pinansin ni Cally ang tatlo at hinarap si Lorenz. "I am going back to
Manila. But please find the girl I was with last night. Ayokong magkaroon ng
problema 'pag dating ng araw."

"Last night? D-do you know who's the girl?" Natigilan si Lorenz at hindi nawawala
ang kaba niya habang nakatingin kay Cally.

Umiling si Cally. "I was drunk... Anyway, I am going back today. I'll give you
three days para sumunod sa akin sa Maynila. Mat, please help Lorenz. And Kai, I'll
give you a month off para makapag-bakasyon kayo ni Bella."

Matapos sabihin ang lahat, iniwan niya na ang grupo para umalis ng bansa at bumalik
sa Maynila para tumulong sa opisina.

Ang sumunod na ginawa ni Lorenz ay hanapin ang barko na may pangalan na 'Maria
Celeste 1'.

MATAPOS ang ilang linggo, hinila ni Prin si Cassandra sa kusina isang araw.
Kasalukuyan silang nasa Mediterranean Sea.

"Sandra, tapatin mo ako. Paano ako nakabalik dito sa barko nang gabi ng masquerade?
I thought it was a dream na nakasama ko ang asawa ko ng gabi na iyon. But
everything was real. I have hickeys all over my body and I don't have underwear on
me," tanong niya sa kaibigan.

She still remembers his last message 'Prin Matsui, I miss you so much, please come
back.'

What about Cally? Does he remember her that night? Mitsa na ba iyon para hanapin
siya nito? Lumingon muna sa paligid si Cassandra bago niya hinarap si Prin at
dinala sa sulok. "Prin, binantaan na ako ni Captain Yeo na huling chance na ang
araw na iyon na binigay niya sa akin. Kung magkakamali pa ako, papatayin na niya
ako ng tuluyan."

Sa tingin ni Cassandra, si Prin din ang dahilan kung bakit siya nananatiling buhay.
Dahil sigurado na kasusuklaman lalo ng kaibigan niya ang kapitan.

Tila umikot ang paningin ni Prin at hinalukay ang sikmura niya. Maalon pa ang
karagatan at ang galaw ng barko na nakadagdag sa sama ng pakiramdam niya. Tinungo
niya ang palikuran na nasa tabi saka sumuka. Butil-butil na pawis ang isa-isang
nagsipaglabasan sa noo niya at nakaramdam siya ng lamig.

"Are you okay?" nag-aalalang tanong ni Cassandra. Inupo siya nito sa silya saka
pinaypayan gamit ang cardboard na nadampot lang nito sa kung saan.

Sinandal ni Prin ang buong leeg niya sa headrest ng silya na gawa sa kahoy habang
pinapaypayan ni Cassandra.
"That's why I am asking you Sandra, because... I'm pregnant.” nahihilo na sabi
niya.

Nanlaki ang mata nito.

"You are pregnant?!" tanong mula sa malaki ang boses na nagmumula sa lalaking nasa
pintuan. Sabay nilang nilingon si Casper.

Malaki ang katawan nito. May anim na talampakan siguro ito at matapang ang dating
ng anyo ng mukha. Hindi pa niya nakita na ngumiti ito kahit isang beses. Kung
tutuusin, naaalala niya ang daddy niya na si Rob Matsui sa lalaki.

"Yes, I'm pregnant. How about it?" sarkastikong tanong niya dito. Hinila siya nito.
Nagpatianod lang si Prin sa kung saan man siya dadalhin nito pero hindi niya
hahayaan na saktan sila nito ng anak niya.

"Ca-casper, please... Bitiwan mo si Prin," nag-aalala na hiling ni Cassandra at


sumunod sa kanila.

Dinala siya nito sa opisina ng kapitan na nasa pinakataas na palapag ng Barko.


Tinulak lang siya nito sa sahig. Dahil nahihilo pa si Prin, dumausdos siya sa sahig
na gawa sa kahoy.

"Anong nangyayari dito?" takang tanong ni Captain Yeo. Matalim ang tingin na
pinukol nito kay Casper saka nilipat kay Prin. Si Cassandra ay nag-aalala sa
likuran dahil hindi niya alam kung ano ang susunod na magaganap.

"Kapitan, buntis si Prin Matsui!" pagbibigay-alam ni Casper na sinabi agad ang


pakay.

Nagtagis ang bagang ng kapitan. "Dalhin si Cassandra sa judgement plank!" matigas


na utos nito. Bumalot ang takot sa mukha ni Cassandra. Hinawakan ito ng mahigpit sa
braso ni Casper. Saka nagsimulang hilahin patungo sa Judgement plank.

Tumingin ng masama sa kanya ang kapitan at parang sinasabi na sisihin niya ang
sarili niya sa magaganap sa kaibigan bago ito sumunod kay Casper at Cassandra.

Nagalit si Prin na sumunod din sa mga ito. Narinig niya ang bell na hudyat na may
itutulak ang mga kasama sa judgement plank kaya lalong nag-apoy ang mata niya sa
galit.

Naabutan niya si Cassandra na lumuluha na pinaakyat ng judgement plank. Isang tabla


iyon sa likod na bahagi ng barko. Tinawag iyon na judgement plank dahil kusang
tatalon ang kung sino man na may sala sa dagat.

Pinalilibutan ito ng mga kasama habang nakatutok dito ang espada, patalim at kung
ano pa para kusang tumalon ang babae sa dagat.

Sinuntok niya ang isang lalaki na nasa gilid na may hawak ng espada na nakatutok
kay Cassandra. Kinuha niya ang espada nito saka walang awang hiniwa ito sa tiyan.
Sa bilis ng kilos ni Prin, nabigla na lang ang iba pa nang biglang bumagsak ang
taong iyon sa gilid.

SIYAM na metro ang layo ng Judgment plank mula sa pinaka-ibabaw ng dagat.

Sumampa siya sa dulong bahagi ng barko na nasa unahang bahagi ni Cassandra na


nakatuntong sa Judgement plank, upang protektahan ang kaibigan. Dahil tumuntong
siya sa mas mataas na bahagi, kita niya ang lahat ng mga kasama sa barko na iyon.
Diretso niyang tinitigan sa mata si Captain Yeo na nasa likuran ng mga lalaking may
hawak na patalim na nakatutok sa kanya

"Hindi si Cassandra ang may kasalanan kaya bakit siya ang huhusgahan niyo?!" galit
na tanong niya.

"Hmp! Kung ganoon, mas gugustuhin mo ba na mapahamak ang anak mo kaysa kay
Cassandra?" nakaismid na tanong ni Casper. Natigilan si Prin. Muntik niya nang
makalimutan ang tungkol doon. Nakatutok pa man din ang mga patalim ng mga ito sa
kanya.

"Kung ganoon, sisiguraduhin ko muna na maubos kayong lahat bago ang anak ko," saad
ni Prin at ipinorma ang hawak na espada paharap sa mga ito.

"Casper!" tawag mula kay Captain Yeo na nasa likuran. Binigyang daan ang kapitan ng
mga kasama nito. Naglakad ang kapitan hanggang sa harapan ni Prin, isang metro ang
layo mula sa kanya. Pailalim niya itong tiningnan.

"Hindi ka ba natatakot na pwede kang mamatay ano mang oras dahil nasa akin ang
buhay niyong mag-ina. Look around you. Wala ka ngang makita na kahit na ano sa
paligid bukod sa karagatan."

Ngumisi si Prin. "That's right! Kaya nga hindi ko maintindihan kung bakit hanggang
ngayon ay hinahayaan mo akong mabuhay. I want to get out of this hell!"

Mas dumoble ang pag-aalala ni Prin dahil nagdadalang-tao siya at ayaw niyang
mabuhay ang anak niya sa impyernong lugar na iyon. Kaya hangga't maaari ay nais
niya nang makaalis sa barko na iyon.

"Do you think it's simple to get out of this place? Lahat ay may kapalit Prin
Matsui," sabi sa kanya ng kapitan.

"Kung pera ang kapalit, I can give you money. Do you want billions? I can ask my
Dad to give you billions. My dad owns hundreds of White Devil bars around the
world. It's easy for me to get monnies."

Napakuyom ang kamao nito. "But I don't like money." Tumingin ito sa tiyan niya.
"Hahayaan kita na umalis, pero iiwan mo sa 'kin ang anak mo. How's that?"

Natigilan si Prin at mas tumalim ang paningin niya dito. "I'd rather die then!"

Natahimik si Captain Yeo.

"Fine!" may dinukot itong remote sa bulsa. Nagsimulang kabahan si Prin.

"Are you sure you want to die?" tanong nito.

"You are beast!" sa halip ay singhal niya dito.

"3..." nagsimulang bumilang ang kapitan habang inaaral ang kilos at galaw niya.

Nagsimula na rin siyang magdasal.

"2…"

"Stop it!" sigaw ni Cassandra na umiiyak na sa likuran.

"It's my fault! You want me to die, right? Then fine! Kill me!" nagluluha na ang
mata nito.

"Walang kasalanan si Cassandra! Ano ang kailangan mo kapalit ng mga buhay namin.”
tanong ni Prin sa Kapitan. Tumitig lang ito sa kanya.

"Just stay…" ang tanging sagot nito.

Umikot ito at hinarap ang mga kasama. "Everyone! Walang mamamatay ngayon!" matigas
na utos nito. Napanganga na lang ang lahat dahil sa sinabi ng kapitan. Kahit si
Casper ay nangagalaiti sa pagkainis dahil tulad ng inaasahan pinagbigyan na naman
ng kapitan si Prin Matsui.

Tuluy-tuloy lang na naglakad ang kapitan at hindi na nagawa pang lumingon sa


kanila. Kinuha niya ang kamay ng kaibigan at hinila ito mula sa judgement plank
saka niyakap ng mahigpit.

SA PAREHAS na oras…

Katatapos lang ni Bella sa interview, alas onse ng gabi. Isang night talk show 'yun
na ine-ere ng live sa TV. Sa interview pa lang ay pinilit na niya na magpaka-
kalmado kahit pa iba ang nararamdaman niya.

"Bella, here are your schedules.” Inabot ni Ms. Yolly ang tablet nito kay Bella
para ipakita ang schedule niya sa loob ng isang buwan.

"Ms. Yolly, I can't really understand. Sobrang nahihilo po ako." nanghihinang sabi
niya. Nagsimula nang lamigin si Bella at kakaiba ang sama ng pakiramdam niya.
Magdadalawang buwan pa lang siyang kasal kay Kai na madalas pa rin na nasa ibang
lugar pero pinipilit nito na makauwi sa bahay nila para lang makita siya at
makasama.

"Ms Yolly, pakitawagan po si Hunter--" hindi pa niya natatapos ang sasabihin nang
mawalan siya ng malay.

"Bella --" ang huling nadinig niya.

Nagising si Bella na naroon na siya sa hospital bed at unang nasilayan si Kai na


hawak ang kanang kamay niya.

"Kai…" tawag niya dito.

"My Angel…" ginamit nito ang isang kamay para haplusin ang pisngi niya.

"...I'm sorry kung hindi kita naalagaan ng mabuti. Masyado kasi kaming busy ng
Shogun. Napagod ka tuloy masyado sa trabaho dahil madalas akong wala sa bahay."
Hinalikan nito ang kamay niya.

"Ako ang magso-sorry, nag-alala ka tuloy ng sobra sa akin,” malungkot na sabi ni


Bella. Nilapit ni Kai ang labi nito sa kanya. Isang katok ang nagpahiwalay sa labi
nila ng asawa at bumungad si Christen na doktor sa ospital na iyon. Pagmamay-ari
nito ang hospital kung saan naroon si Bella.

"MB5, seriously! Akala ko ba ay busy ka sa ibang bansa?"

"Christen, alam ko na naiingit ka lang sa lovelife ko. Palibhasa, hindi ka


pinapansin ni Doc Mikko na kuya ko."
"Sige mang-asar ka pa! Hindi ko sasabihin na may little angel ang Angel mo," banta
nito.

KASALUKUYANG nasa North Sea ang barko ni Captain Yeo. Patungo na naman sila papunta
sa kung saan.

Dahil malamig ang klima sa lugar, nanatili si Prin malapit sa chimney na nasa loob
ng kwarto niya. Tanging fleece lang ang ibinalot niya sa katawan para makaramdam ng
init kahit papaano.

Sa mga nakalipas na taon may isang beses na silang nagpunta doon sa parte ng dagat
na iyon, pero iba ang pakiramdam ni Prin lalo at nagdadalang tao siya. Walong buwan
na ang tiyan ni Prin at ano mang oras ay manganganak na siya.

Nilapitan siya ng kapitan nang hindi niya namamalayan. May inaabot itong jacket sa
kanya. Tiningnan lang ni Prin iyon at hindi niya inabot ang bagay na iyon.
Nananatili na malamig ang pakikitungo niya dito sa loob ng mahabang panahon.

"Kunin mo na ito para sa anak mo. Sa loob ng ilang buwan, manganganak ka na. Ayaw
mo naman siguro na magdusa ang anak mo sa lamig dito," sabi nito na hindi binabawi
ang jacket.

"Kung concern ka talaga sa akin. Mas mabuti pa na hayaan mo na lang ako na makaalis
dito sa impyerno na ito," malamig na sabi niya.

Binalot ng kapitan ang jacket sa kanya sa ayaw at gusto niya. Tiningnan lang ni
Prin ng masama ang lalaki. Hindi niya na pinag-aksayahan pa na tanggalin iyon dahil
tinulungan ng jacket nito ang lamig na nararamdaman niya. Tumabi ito sa kanya sa
harapan ng chimney.

"Gusto ko nang umuwi! Naghihintay sa akin ang asawa ko," sabi niya dito.

Simula ng gumising siya sa barko na iyon hanggang sa mga oras na iyon, madalas
niyang hilingin dito na gusto niyang umuwi. Naging ordinaryo na nga yata ang hiling
niya na umalis na sa lugar na iyon.

"Pero hindi ganun kadali… Sa loob ng ilang taon, nasanay ka na dito sa barko. Ni
minsan ba ay hindi mo ninais na manatili?"

Tumawa ng malakas si Prin saka tiningnan ang kapitan na para bang malaking biro ang
sinabi nito. O kaya naman ay parang isang dumi ito sa paningin niya.

"Tsk! Alam mo kapitan, joke ba yang sinabi mo? Halos araw-araw kong isinusuka ang
lugar na ito. Araw-araw akong humihiling na sana ay makaalis na ko dito. Lalo pa
ngayon, ayokong manganak dito sa pesteng barko mo."

Halata na nasaktan ito sa sinabi niya.

"Kung ganoon bakit si Mayu ay pumayag sa akin noon na manatili dito?"

Nagtaas ang kilay ni Prin. "Kung sino man si Mayu, we are different!"

"She's my wife," malungkot na sabi nito. Hindi na ito sinagot ni Prin.

"...Nasa Greece kami ng kinain siya ng dagat sa beach. She was also 8 months
pregnant at that time," malungkot na sabi nito.

"...Ano ang pwede kong gawin para gustuhin mo na manatili dito?" Lumingon ito sa
gawi niya.

"Wala. Dahil hindi dito ang buhay ko. I am married," sagot niya.

"If you're married, bakit nagawa mo pang akitin ang prinsipe? Ginawa mo ba iyon
para matulungan ka niya na makaalis sa poder ko? Lalo na ngayon na ipinagbubuntis
mo ang anak niya."

Nagtaas ang kilay ni Prin. Kung ganoon alam nito ang tungkol kay Cally.

Sasagot pa sana si Prin nang may madinig silang ingay. Isang malaki at
nakabibinging ingay. Sigurado na may barko na tumabi sa kanila at pinahihinto sila.

Tumutunog din ang bell ng Maria Celeste 1 na ibig sabihin ay tinutugis ang barko na
iyon. Kinabahan si Prin para sa lagay ng anak niya.

Umakyat ang kapitan sa main deck. Sumunod si Prin. Pagdating sa main deck,
nakapalibot ang mga kasama niya. Halos lahat yata sila ay naroon para makiusisa.
Nakatingala ang lahat sa itaas kung saan nandoon ang main deck. Pinahinto ang Mari
Celeste 1 ng doble na laki na barko.

May maririnig pa ring bell sa paligid.

"We are here for Prin Matsui." Pumailanlang mula sa tatlong malaking speaker na
nakakabit sa barko na iyon. Kinabahan si Prin. Napalingon ang lahat ng kasama niya
sa kanya dahil narinig ng mga ito ang pangalan niya. Kahit si Captain Yeo ay
nilingon siya.

"Talk to me first as a captain of this ship!" matigas na sigaw ni Captain Yeo.

Ilang saglit pa, isang lalaki na may cleancut na buhok ang sumilip sa kanila.
Nakasuot ito ng puting polo na pinapatungan ng windbreaker na itim. Mukhang purong
korean.

Sigurado si Prin na hindi niya pa nakita ang tao na iyon. Kaya bakit siya nito
kailangan?

"I'm going to talk to you then," sabi nito.

MAY inilabas na puting hagdan na gawa sa bakal ang malaking barko para mapababa ang
koreanong lalaki. Pinagmasdan ni Prin ang pagkatao nito at nasisigurado siya na
isang Dark Lords ang lalaki, kaya nabuhayan siya ng pag-asa. May awra kasi ang
pagkatao nito na halatang pinamumunuan nito ang isa sa pitong pamilya.

Mukhang hinanap siya ni Cally.

"Do you know him?" tanong ni Cassandra kay Prin.

Hindi niya malingon si Cassandra dahil tutok ang paningin niya sa lalaki na may
taas na anim na talampakan at isang pulgada. Kamukha ng lalaki si Lee Joon-gi.
Tingin ni Prin ay nasa trenta mahigit na rin ang edad nito. Kaya nga unang napansin
niya na koreano ito.
"I'm here to talk to you!" matapang na saad nito kay Captain Yeo.

"Doon tayo sa opisina ko.” ang sinagot ng kapitan at tumalikod na naglakad paakyat
sa mataas na deck kung saan naroon ang opisina nito.

Napansin ng koreano ang bilog na bilog na tiyan ni Prin, hindi ito nagtanong at
basta na lang sumunod sa kapitan patungo sa maliit na opisina nito.

"Kaanu-ano ka ni Prin Matsui?" diretsong tanong ni Captain Yeo matapos maisara ang
pintuan.

"Both of us are living in the same organization. I'm Aiden Park, a Dark Lord
member."

Natahimik naman ang kapitan. Halatang may alam ito sa organisasyon na binanggit
niya. Tinungo nito ang alak sa gilid at nagsalin sa baso.

"Kung hindi ako nagkakamali, may plano kang kunin mula sa akin si Prin Matsui."

"Yes.” simpleng sagot ni Aiden.

Inabot ng kapitan ang isang baso ng alak kay Aiden at ang isang baso ay diretsong
ininom ng kapitan. "Paano kung hindi ko siya ibigay sa'yo?"

Doon napangisi si Aiden. "Hindi ako matatakot na palubugin ang barko na ito sa
dagat anumang oras."

Natahimik ang kapitan, tapos ay tinanaw nito ang bintana sa labas. "Paano mo
nalaman na nasa akin si Prin Matsui?"

"Nasa Denmark ako para kunin ang parte ng tax mula sa hari nang makita ng mga tao
ko na naparoon si Prin Matsui," ang idinahilan ni Aiden. Hindi niya maaaring
sabihin na si Cassandra ang nagbigay sa kanila ng impormasyon tungkol sa bagay na
iyon.

"Ngunit nasa akin nakasalalay ang buhay ni Prin Matsui at ng anak niya."

Napangisi si Aiden. "At nasa akin naman nakasalalay ang buhay ng barko mo. You know
what I mean..."

"Buntis si Prin at anumang oras ay manganganak siya. Hindi maganda na manganak siya
sa karagatan. Babayaran ko sa halip ang buhay niya. Handa ako na ibigay ang barko
na nasa tabi kapalit ni Prin Matsui."

Lumingon kay Aiden ang kapitan. Hindi niya kailangan ng barko na ipapalit sa Maria
Celeste 1 dahil lahat ng ala-ala ng yumaong asawa ay nasa barko na 'yun.

"Isang bilyon," sa halip ay sabi ng Kapitan kay Aiden.

"...Isang bilyon at anumang oras ay maaari mo na siyang makuha." Nagsalin muli ito
ng alak sa baso saka diretsong ininom. Bumalot ang kalungkutan sa mukha ng kapitan.

Walong buwan din na buntis noon ang asawa niya na si Mayu ng bawiin ito sa kanya.
Ngayon, walong buwan din na buntis si Prin at babawiin din ito sa kanya. Nasanay na
siya na hanggang tingin lang mula sa malayo ang kaya niyang gawin kay Prin dahil
kinasusuklaman siya nito.

"You like her," biglaang puna ni Aiden.


Inangat lang ni Captain Yeo ang paningin sa koreanong si Aiden Park. "Pero sinusuka
niya ako, kaya nga maaari mo na siyang kunin."

Napangiti lang si Aiden bilang sagot. Madami siyang nabalitaan tungkol sa relasyon
ni Cally at ng babae kaya kahit sino ay isusuka talaga nito. Malalim ang
pagmamahalan ng mag-asawa ayon sa mga nakalap niyang impormasyon.

May kinuhang telepono mula sa bulsa si Aidan Park at agad na nagbigay ng


instruction sa kausap upang dalhin ang isang bilyon doon sa barko.

"Ang babaeng kasama ni Prin, nais ko rin siyang makuha.” pagbibigay-alam ni Aiden.

"Hindi na maaari si Cassandra," matigas na sabi ng kapitan.

Tinitimbang naman ni Aiden kung ipipilit niya na kunin si Cassandra mula sa kamay
nito. Malaking puntos na kung tutuusin na mabawi niya si Prin mula sa kamay nito
para sa transaksyon na iyon.

Ngunit malaking tulong din ang babaeng si Cassandra kung bakit nila mababawi si
Prin Matsui. At wala sa bokabularyo ng Dark Lord na magkaroon ng utang.

"Paano kung ipilit ni Prin na isama si Cassandra?" nagawa na lang niyang idahilan.

Natahimik ang kapitan. Sigurado kasi na ipipilit nga nito na isama si Cassandra.

Ilang saglit lang, nakarinig naman sila ng matinis na tunog. Napangiti si Aiden.

"Nandiyan na ang pera kaya maaari ko nang bawiin si Prin Matsui."

MADALAS mapansin ni Cally na may ibang pinagkakaabalahan ang Shogun at madalas din
nitong kausap si Mat-mat ng palihim. At hindi maiwasan na magtaka siya.

"Uncle Brent, can you hack Matthew's laptop?" tanong niya dito isang araw kahit pa
alam niyang nasa ibang bansa ito kasama ang asawa nitong si Kiana.

"Of course, I can do that, but it will take time. Sigurado na makikita at mahuhuli
niya ako kapag hindi ako nag-ingat. Mas mabuti pa na lasingin mo siya para magawa
ko iyon." nakangisi na sabi nito sa kabilang linya.

Kaya isang araw ay inaya niya ang pinsan na si Mat-mat para uminom sa White Devil.

Kalmado lang si Cally habang nilalasing ito. "Gusto kong malaman kung hanggang
ngayon ba ay hindi niyo pa rin natatagpuan ang babae na pumasok sa cabin ko apat na
buwan ang nakaraan?" tanong ni Cally dito. Isa pa ang bagay na iyon sa ipinagtataka
niya.

Wala ni isa kay Lorenz, Kai o Mat-mat ang makapagbigay sa kanya ng pangalan ng
taong iyon.

"'Wag mo nang intindihin iyon pinsan. Hindi ka ba nag-enjoy kaya mo siya hinahanap?
Sa lahat ng nakaranas ng one-night-stand, ikaw 'yung naghahanap sa partner niya?"
napapailing na tanong nito. Halatang may tama na ito ng alak.

Tinungo nito ang dance floor ilang saglit lang at parang baliw na nagsayaw ito sa
gitna. Kapag nakita nito ang mga pinaggagawa nito doon, siguradong isusumpa siya
nito kinabukasan.

Gayunpaman, naabisuhan niya agad si Brent na maaaring na nitong pasukin ang laptop
ni Mat-mat. Napapailing na lang si Cally habang pinapanood ang pinsan niya na sadya
niyang nilasing para sa maliit na impormasyon.

Para itong si Mr, Bean na sumayaw sa gitna ng dance floor kaya baka sa susunod ay
hindi na siya makahingi pa ng tulong mula dito.

"Cally?" Napalingon siya sa tumawag sa kanya at nakita si Donna na dating Dark


Guard trainee na kasabay nila ni Lorenz sa first batch.

Kasali ang dalaga sa umalis sa training noon dahil hindi nagustuhan ng magulang
nito na napalayo ang dalaga.

"How are you?" masayang bati nito at niyakap pa siya.

"Ayos lang naman." walang ngiti na sagot niya.

"I heard what happened to Prin, oh I'm sorry! Me and my bad mouth.” paghingi agad
nito ng paumanhin.

Tumango lang siya dito, hindi ngumiti. Ilang saglit pa, nag-ring ang cellphone niya
dahil tumatawag si Brent.

"Donna, pinsan ko 'yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya
kung okay lang," sabi ni Cally dito habang turo si Mat-mat.

Nagtaas ang kilay ni Donna nang makita si Mat-mat sa gitna ng dance floor. Gusto
niya sanang umangal pero dahil matagal na silang magkaibigan ni Cally napa-oo na
lang siya dito.

"Uncle," sagot ni Cally nang makalabas.

"Hindi ko alam kung matutuwa ka sa sasabihin ko, pero siguro mas maganda na umuwi
ka ngayon sa apartment mo. I will send you the email and will give you the
information that you were asking. But please do not act like you used to be. Much
better if you act like you know nothing, like 'Jon Snow'," mahabang paliwanag nito.

Sinunod ni Cally ang payo ng tiyuhin niya, umuwi siya sa apartment na nabili niya
ilang buwan pa lang ang nakaraan at unang hinarap ang computer.

Nabili niya ang apartment na iyon dahil mas gusto niyang mapag-isa.

Nagsimula siyang kabahan sa kung ano man na ipinadala sa kanya ni Brent. Kumakabog
ang dibdib niya na tinungo ang computer niya sa bahay.

Binasa niya ang files na pinadala ni Brent sa kanya na lahat ay tungkol kay Prin.
Nanlalaki ang mata niya habang binabasa iyon. Wala siyang tinira kahit isang letra
sa pagbabasa.

May larawan pa si Prin sa files, ang babaeng naka-dilaw na gown. Lahat ng


impormasyon ay naroon. Kahit ang mga taong involve sa plano kung paano ililigtas si
Prin ay nasa files.

Kung saan huling nakita si Prin sa loob ng apat na buwan, ang tungkol sa capsule
bomb, kay cassandra at kung ano ang naging buhay ng asawa niya sa loob ng anim na
taon.
Nasaktan si Cally sa hirap na pinagdaanan ni Prin.

Hindi niya masisisi ang Mama Lira niya kung mas pinili nito na ilihim sa kanya ang
pinagdadaanan ni Prin dahil katulad sa oras na iyon, gusto niyang hanapin ang barko
at pasabugin iyon.

Kaya sa loob ng ilang buwan, katulad ng paglilihim sa kanya ng Shogun at Madam


Lira, inilihim niya rin na may alam siya sa nangyayari at lihim din na kumilos para
matagpuan si Prin.

Halos magkasunuran lang sila ng grupo ni Aiden na nakakakuha ng impormasyon tungkol


kay Prin. Kung may hindi lang sila alam sa totoong lagay ni Prin. Iyon ay ang
pagdadalang-tao ng asawa niya sa loob ng ilang buwan.

UNANG beses na magkita si Prin at Aiden kaya hindi niya akalain na ang binata ang
madalas niyang madinig kay Cally noon.

Malapit lang ang North Sea sa UK kaya mas pinili ni Aiden na dalhin si Prin sa
poder ni Madam Lira.

Tulad ng inasahan, hindi pumayag si Prin na iwan si Cassandra sa Maria Celeste 1,


kaya walang nagawa ang kapitan kun’di ibigay silang parehas kay Aiden.

Sinakay sila sa Skyjet ni Aiden na naghatid ng pera sa barko ni Captain Yeo para
mabilis na maiuwi si Prin. Walang problema kahit malaki ang binayad niya sa
kapitan. Mas halaga pa rin na maligtas ang asawa at anak ni Master Cally. May
kapalit naman ang lahat ng pera na binayad niya dito.

Una na nga, ang tiwala mula sa Kent Family.

Nakaramdam ng kakaibang emosyon si Prin nang makasakay sa Skyjet na iyon. Sa unang


pagkakataon, ramdam niya na malaya na siya.

"Aiden, how did you know na nandoon ako sa barko? Paano mo nalaman na nasa Maria
Celeste 1 ako?" usisa niya habang hinihintay na makarating sa tahanan ng mga Kent.

Lumingon ito kay Cassandra. "She tipped the Shogun.”

"Y-you've met the Shogun?" gulat na tanong ni Prin kay Cassandra.

"His name is Shogun?" tanong din ni Cassandra.

Sa loob kasi ng ilang taon hindi niya alam ang pangalan ng lalaki na kaibigan ni
Prin. Hindi niya sinabi kay Prin na nakausap niya ang kaibigan nito na hanapin sila
dahil masyadong delikado sa barko. Dahil bawat kilos nila ni Prin ay binabantayan
ni Casper.

"No. His name is Lorenz. It's a long story why we called him shogun," paliwanag
niya. Tumango-tango ito.

'Lorenz pala ang pangalan ng lalaking iyon.' Nakakatawa na nagpahalik na siya dito
at nagawa na nito na panggigilan ang katawan niya ngunit ng oras lang na iyon niya
nalaman ang pangalan nito.
Kakaiba ang nararamdaman ni Prin ngayon na nakaalis na siya sa dagat. Hindi na niya
mararamdaman ang maalon, maalat na simoy ng hangin.

Ilang oras lang, lumapag ang skyjet sa malawak na bakuran ng Kent Mansion. Pinatong
ni Aiden ang isang makapal na fleece kay Prin nang sabihin ng piloto na nasa
destinasyon na sila.

"Masyadong malamig ang klima dito kaya ipatong mo lang ito para hindi lamigin ang
anak mo," biro nito.

Unti-unting bumukas ang pintuan sa likuran ng skyjet. Unti-unting rin na lumilitaw


sa paningin niya ang mansyon ng mga Kent. Una ang itaas na bahagi ng gusali. Unang
nasilayan niya sa kinatatayuan ang kwarto ni Cally sa mansyon.

Agad na nagtubig ang mata ni Prin habang bumababa ang pintuan ng skyjet. Dito sa
bahay na ito niya huling nakasama si Cally bago sila sumugod sa isla ng Peter
Family pitong taon ang nakaraan.

Sa bakuran na iyon din madalas na magsanay ang Gray Guards. Isang may edad na babae
na nakapulang bestida ang naglalakad patungo sa lugar nila. May nakapatong na shawl
na kulay puti sa balikat nito.

Lalong hindi napigilan ni Prin ang luha nang makilala si Madam Lira. Ilang taon na
ang madam pero nagawa pa rin nito na hanapin siya. Halata rin sa may edad na babae
na umiiyak ito. Mabilis siyang naglakad upang lapitan si Madam Lira at yakapin ito.

"Mama Lira…"

"Mama Lira…" paulit-ulit ang tawag niya sa pangalan ng Madam habang umiiyak. Malaki
ang role nito para matulungan siya at dadalhin niya iyon habang buhay.

"Shh…" yakap-yakap siya nito habang hinahaplos ang buhok niya. Nagpasalamat ito kay
Aiden bago tuluyang umalis ang binata.

Pinasok siya nito sa loob ng mansyon dahil tulad ng sabi ni Aiden, malamig ang
klima. Binigyan sila ng inumin ni Cassandra. Nang masiguro ang lagay niya, nag-utos
si Madam Lira sa kasama na tawagan si Cally at Lorenz na papuntahin doon sa UK ang
dalawa.

Tumawag din ng doctor si Madam Lira para i-check ang lagay ni Prin at ng anak nito.

"I never thought, you'll get pregnant kahit magkahiwalay kayo ni Cally nang
mahabang panahon," sabi ni Madam Lira habang haplos nito ang tiyan niya.

"That night, nasa plano ko na po na huwag nang umalis sa tabi ni Cally, pero kinuha
pa rin ako ng kapitan ng walang takot kahit sa kwarto ng asawa ko." Halata na galit
talaga siya sa kapitan.

Umaabot ang pagkamuhi niya sa mata niya para kay Captain Yeo.

"Hindi pa namin nasabi kay Cally na ilang taon kang nasa dagat. Ang totoo, nabigla
ako na makitang buntis ka," nakangiti na sabi ni Madam Lira.

Naalala nga ni Prin na parang nananaginip ang lalaki. Tila kinakausap siya nito na
parang dumalaw lang sa panaginip nito.

Lumapit ang isang maid sa kanila kaya saglit silang natigil sa kwentuhan. "Madam,
nandiyan na po ang doktor."
Lumangitngit agad ang makapal na kahoy ng pintuan at dinig din ang yabag ng sapatos
nito.

"Madam Lira," bati ng doktor.

"Please check my grand-daughter and her child," utos lang nito sa doktor.

MATAPOS masiguro ng doktor na maayos ang lagay ni Prin. Nagsabi na ito na babalik
muli para suriin muli ang baby niya.

Pinaghandaan siya ng tubig na maligamgam ni Madam Lira sa isang kwarto sa loob ng


mansyon. Sa loob ng mahabang panahon, ngayon lang ulit makakaranas ng masarap na
ligo si Prin.

Normal naman ang paglilinis ng katawan sa barko ni Captain Yeo, pero iba pa rin ang
ambience kapag naligo ka sa shower room ng sariling bahay. Napangiti siya ng
mapait. Sa totoo lang kasi, hindi niya alam kung ano ang tamang eksplanasyon sa
nararamdaman niya.

She felt a mixed emotion.

Sa loob ng mahabang panahon, tila estranghero sa kanya ang mga bagay na nakikita sa
oras na iyon. Matapos ang ilang taon, gagamit muli siya ng mamahaling shampoo,
shower gel, maligamgam na tubig na nakalagay sa bathtub. Nakalimutan niya na kung
ano ang pakiramdam na maranasan na gumamit ng mga iyon.

Habang nakaupo sa bathtub, hindi niya napapansin na nagluluha na pala ang mata
niya. Tuluy-tuloy ang agos ng luha niya. Humahalo na nga ang luha niya sa tubig ng
tub. Matapos linisin ang sarili, tumingin siya sa salamin na nasa loob din ng
shower room na iyon bago niya suutin ang roba.

Hindi na siya 'yung dating Prin na disi nuwebe anyos kung kailan huli siyang
tumuntong doon sa mansyon. A Gleeful, melodious, loving and affectionate nineteen-
years-old girl Prin noon.

What she saw in a mirror is a girl na nalipasan ng panahon. Hanggang balikat na


lang ang buhok niya na nag-dry na dahil sa hangin at araw sa barko, na dati ay
hanggang bewang at shiny. Ang balat niya na bahagyang nangitim at bahagyang nagdry,
hindi na tulad noon na makinis at maputi.

Nangangalumata na rin ang ilalim ng mata niya. Nakaramdam tuloy siya ng takot na
harapin si Cally. Will he accept her?

Kinuha niya ang roba at sinuot iyon. Isang paperbag na may laman na maternity dress
ang nasa ibabaw ng kama.

Hindi napigilan ni Prin na humagulgol habang pinaandar at hinahaplos ang tela ng


damit. Sa loob kasi ng mahabang panahon, nagtyaga siya na suot lang ang saya at
simpleng blusa kasabay ni Cassandra.

Naging estranghero tuloy kay Prin ang mga bagay sa loob ng kwarto. Iyak lang siya
ng iyak habang haplos-haplos ang tela na iyon hanggang sa magdilim na lang ang
paningin niya.

Isang maid sa mansyon ang nakakita kay Prin na walang malay sa sahig dahil
lilinisin sana nito ang shower room sa kwarto. Nataranta ang babae at sinabi agad
kay Madam Lira ang nangyari sa kanya.
DAHAN-DAHAN na nagmulat ng mata si Prin. Unang nasilayan niya ang mukha ni Cally.

'Panaginip ba ito?'

Nakatayo lang ito sa pinaka gilid ng kama habang nakatingin sa kanya.

"C-Cally?" Sa wakas ay nakita niya na muli ito ng harapan.

Kinagat ni Prin ang labi niya dahil parang gustong kumawala ng mga luha niya sa
mata sa muli nilang pagkikita. Gayunpaman, hindi rin niya napigilan.

Ilang taon siyang nagkimkim, ilang taon siyang humiling na makabalik. Ilang taon
siyang nagtiis. Nagpasalamat siya dahil binigyan siya ng panginoon ng pagkakataon
na makasama ito ng dalawang beses sa nakalipas. Una sa Spain, pangalawa sa Korea.

Lahat ng detalye sa loob ng dalawang magkaibang panahon na iyon ay isinapuso niya


talaga.

Tumabi sa kanya si Cally sa gilid ng kama. Niyakap siya nito. Iyak lang ng iyak si
Prin.

"Hush…" pinatatahimik siya nito.

Sinandal ni Prin ang ulo niya sa balikat ng asawa. Ilang beses niya ba na hiniling
na muli niyang mayakap si Cally.

"I'm sorry Cally, I'm sorry…" sa loob kasi ng ilang taon hindi niya nagawang
makauwi. Kinain siya ng takot kay Captain Yeo.

"Hush…" nasasaktan si Cally na makita si Prin sa ganong lagay. Hinalikan niya sa


noo ang asawa at pilit na pinatahan.

Kinalma ni Prin ang sarili. May dextrose pa ang braso niya at alam niya na
makakasama iyon sa lagay nilang mag-ina. Sigurado na naging down din ang pakiramdam
niya kaya ganoon ang lagay niya -- may dextrose at sigurado na nawalan din siya ng
malay.

"Honey, tell me… Why are you pregnant?" tanong ni Cally matapos ang mahabang
katahimikan habang nakatingin sa bilog na tiyan ni Prin.

Walang nakapagbigay sa kanya ng impormasyon na nagdadalang-tao ang asawa niya kaya


nagulat siya na makitang malaki ang tiyan nito.

Ngumiti ng mapait si Prin. "He's our child. Feel it.”

Dahan-dahan na nilapat ni Cally ang kamay niya sa tiyan ni Prin. Pumikit siya para
mas maramdaman ang bata sa loob.

Hindi niya naiwasan na maiyak sa harap ni Prin habang haplos ang bilog na tiyan
nito.

Nagbalik kasi sa kanya ang lahat ng nabasa niya na pinagdaanan ni Prin.

Gaano kalalim ang sugat nito sa loob ng ilang taon? Hindi niya pa akalain na
nagbunga ang isang gabi na iyon na huli nilang pagkikita. Ano ang dinanas ni Prin
sa barko habang nagdadalang tao?
Nakasama niya na ito ng minsan pero binawi rin agad. He cried having the thought of
these things.

Nilapit niya ang sarili kay Prin at hinawakan ang pisngi nito.

"I'm sorry Honey… kung mas inigihan ko pa sana ang paghahanap sa iyo."

Titig na titig siya sa mata ni Prin na parehas pa rin tulad ng dati. Hinalikan niya
sa noo ang asawa.

"Nangangako ako na ipaghihiganti ko kayo ng anak natin." He kissed her lips, her
eyes and every part of her face habang hawak ni Cally ang panga niya.

"By the way, I still have the capsule bomb in my head." pagbibigay-alam ni Prin.

"Yes, Christen and Mat will help us." Niyakap niya muli ang asawa.

"I'm glad that you are back, my baby panda..."

He granted her lips the sweetest kiss which he longed for so many years. He knew
that Prin Matsui was now in his arms.

Ngunit hindi niya akalain na napakapait ng tadhana at may plano muli itong
paghiwalayin sila makalipas lang ang isang taon...

[FEIBULOUS : SPG Content, I will not recommend this chapter sa youngsters. Skip
muna kayo mga bebe]

NASABI na kay Lorenz na nakasama si Cassandra sa pagbawi kay Prin. Masaya siya na
matapos ang ilang buwan ay makikita na muli niya ito. Para siyang nagkaroon ng
crush sa unang pagkakataon. Hindi pala crush dahil may gusto siyang gawin sa babae
na parang lason sa pagkatao niya. Pinangigigilan niya talaga ang babae na parang
droga at gustong-gusto na niyang tapusin ang pananabik niya dito.

Matapos maihatid si Cally sa kuwarto kung saan naroon si Prin, hinanap niya agad si
Cassandra na nasa ibang kuwarto.

"Nasaan ang kasama ni Prin?" tanong niya sa maid.

"Shogun, 'yung kuwarto po na iyon." Itinuro nito ang kaliwang kuwarto na nasa
dulong bahagi ng pasilyo.

"Okay," saka siya naglakad patungo sa kuwarto na iyon.

He is excited. Dapat ay mas ma-excite siya dahil nakauwi na si Prin na isa siya sa
mga dahilan kung bakit ito nawala sa mahabang panahon, pero hindi niya mapigilan na
makita si Cassandra. Kinatok niya ang pintuan nito.

Matapos ang ilang saglit, bumukas ang pintuan at bumungad sa kanya si Cassandra.
May nakapalupot na towel sa ulo nito at nakaroba. Napalunok si Lorenz. Nabigla
naman ang dalaga.
Hindi niya napigilan na yakapin at halikan ang babae na akala mo ay isa siyang
asawang lalaki na matagal na hindi nakita ang misis niya. Hawak niya sa panga si
Cassandra at ang isang kamay nakaikot sa bewang nito na bahagya pang pumipisil sa
katawan ng dalaga.

He missed her kahit pa saglit lang sila na nagkakilala noon. Matapos ang ilang
palitan ng kagat sa labi, bumitiw ang labi niya saglit sa babae na nakaawang ang
bibig. Halatang nabigla ito sa ginawa niya. Ramdam pa nila ang init ng hininga
dahil sa ilang sentimetro lang na layo.

"Can I come in?" tanong ni Lorenz kay Cassandra.

Namula ang pisngi ni Cassandra. Hindi na hinintay ni Lorenz ang sagot ng dalaga at
tuluyan niyang tinulak ito papasok, saka tinulak ng paa pasara ang pintuan. Wala ng
atrasan ito, it's now or never. Kaya hinubad niya agad ang itim na Tshirt na suot.

Hindi niya alam kung ano ang mayroon sa babae, basta nakalalango ito na parang
droga. Bumagsak ang towel sa buhok ng dalaga.

Sabay silang bumagsak sa kama. Walang normal na kamustahan. Baka kasi may masabi
siya na ika-offend nito. Sa ganitong paraan niya gustong kamustahin si Cassandra at
mukhang okay naman sa babae, kaya bakit siya magpipigil?

Inangat ni Lorenz saglit ang mukha niya matapos niyang magsawa sa labi nito. "How
are you?"

Pinagapang niya ang kamay mula sa leeg, sa dibdib hanggang sa tali ng roba nito na
bahagyang nagulo habang tinatanong.

Nakaawang ang labi ni Cassandra at hindi makapagsalita dahil baka mapaungol siya
kasabay ng pagsagot.

"G-good…" parang nahihirapan na sabi. Napapikit siya dahil ramdam niya ang init ng
palad ni Lorenz na gumagapang sa tiyan niya matapos nitong buksan ang roba.

Hindi niya alam kung bakit hindi niya mapigilan ang lalaki kahit ng ibuka nito ang
roba ng tuluyan.

"H-how are you?" balik na tanong ni Cassandra.

Nanginginig ang kalamnan niya dahil gumagapang ang kamay ng lalaki paakyat sa
dibdib niya. Kakaiba ang sensasyon na binibigay ng binata sa kanya ng mga oras na
iyon na parang gusto niyang uminom ng tubig.

Napalunok si Cassandra. Yakap-yakap siya ay gumilid silang dalawa ng higa.


Magkatapat na nakatagilid.

"I'm good…" sagot din ng binata saka nito pinisil ang dibdib niya. Malaki ang
dibdib ni Cassandra, 36c, kaya mas nanggigil ang binata sa pagpisil doon. Habang
ang isang kamay ay humahaplos sa likod ni Cassandra.

Napasinghap si Cassandra kasabay ng pagsabunot sa buhok nito. She wanted more kaya
hawak niya ng mahigpit ang ulo ni Lorenz na pumapapak sa dibdib niya. Siguro dahil
ang binata pa lang ang unang nagparanas sa kanya ng kakaibang sensasyon na iyon sa
loob ng bente siyete na nabubuhay siya sa mundo kaya hindi niya ito mapigilan.

Kakaibang saya ang pinararanas sa kanya ni Lorenz sa oras na iyon, tila ecstacy
sila ng bawat isa. Inangat nito ang binti niya gamit ang tuhod habang patuloy lang
ito sa paghalik sa matayog niyang dibdib at leeg. May mahihinang ungol na kumawala
sa kanya dahil sa saya na binibigay ng binata. She can't explain.

"Ahhhh!" Nanlaki na lang ang mata ni Cassandra ng ipasok nito ang daliri sa
p********e niya.

He plays her labia. Napakapit ng mahigpit ang dalaga sa balikat nito habang
ginagawa nito iyon. Gustong magmura ng dalaga.

"Yeah, I miss you too…" sagot ng binata. Mabuti na lang at kumaibigan siya kay Mat-
mat na maraming bala ng Xrated film. So, matapos pag-aralan iyon, nasa application
and experiment na siya ngayon. Pinaghandaan niya talaga ang muli nilang pagkikita
ng babae,

Nakaangat ang labi ni Cassandra, she likes what he is doing. Parang kinikiliti ang
ibabang bahagi ng katawan niya. Para siyang maiihi na ewan.

"You are so ready…" bulong ni Lorenz. Saglit itong tumayo at tinuntong lang ng
isang tuhod ang kama. Tinanggal nito sa magkabilang braso niya ang roba.

Napalunok si Cassandra. Langong lango na siya sa ginawa ng binata at saglit siyang


nadismaya ng tumayo ito saglit. Pumikit si Cassandra at naghintay. Napakagat siya
ng labi dahil tila may likido na patuloy na lumalabas sa p********e niya.

"Did you miss me too?" tanong ni Lorenz

"Y-yes.”

Narinig niya ang tunog ng bakal ng sinturon nito. Napakagat labi siya. Hindi pa nga
pormal na nagpakilala sa kanya ang binata. Gayunpaman, she is waiting for him. She
really wanted him.

"Obviously," sagot nito saka bumaba ang katawan sa kanya. Mas ramdam na ni
Cassandra ang init sa loob ng kuwarto. He spread her legs using his right knee.

He played her again using his hard thing na mas nakakabaliw. Nakakapigil ng
hininga.

"Ohhhh my god!" Kumawala sa bibig ni Cassandra habang nakatitig sa mata ni Lorenz


dahil sa ibang sensasyon na iyon. Napangisi naman ang binata saka siya binigyan ng
halik.

"My poison Ivy, you are so ready." Saka dahan-dahan na ipinasok ang sandata sa
loob.

Nakagat ni Cassandra ang ibabang labi. Never in her wild imaginations na sasabak
siya ng gano.’n sa lalaking hindi niya pa lubusan na nakikilala.

Matapang ang awra ni Lorenz dahilan siguro para ma-possess ang buong pagkatao niya
dito. Nagpatianod siya sa galaw ng lalaki. Kagat pa nito ang ibabang labi na
halatang nangigigil sa kanya.

"Hah.. haah…" napapasinghap si Sandra sa kilos nito. She spread her legs para buong
tanggapin ang lalaki. Parang ayaw niyang bumitaw. Ipinatong pa nga niya ang
dalawang hita sa likod nito habang dinadama ang katawan ng binata.

Huling naranasan ni Lorenz ang kakaibang saya na tulad nito ay kapag makukuha niya
ang Shogun position. Sa lahat ng gyera na sinabak niya, sa lahat ng panalo na
nakuha niya, may kakaibang saya na dinudulot sa kanya ang mga bagay na iyon.
Kakaibang excitement ang nararamdaman niya sa oras na iyon habang nakikipag-niig
kay Cassandra. It was like he is under her spell. Nakakadagdag pa sa excitement
niya ang marinig ang kakaibang tunog mula sa balat nila tuwing kikilos siya. Parang
pumapalakpak ang mga balat nila at kino-congrats silang dalawa. Ewan ni Lorenz,
basta nangigigil siya sa babae at gusto niyang ibaon ang sarili sa buong p********e
nito. He wanted to dominate her inner core.

Gumilid siya sa likod nito. Kinuha niya ang kamay ni Sandra and he let her feel him
mula sa likuran. "How was it?"

"I-it's sticky… long and hard," halos hindi masabi ng dalaga. Kinukulang kasi siya
sa hangin. She wanted more.

"Hmm… It's your fault…" bulong ni Lorenz.

Wala pa siyang tulog kung tutuusin at may jetlag pa siya mula sa byahe sa Maynila.
Basta tuwing makikita si Cassandra, he wanted to do this to her. Kahit oras-oras.

"Sandra, are you ready to have all of it?" Hindi na hinintay ni Lorenz ang sagot
nito. Mula sa likuran, pinilit niyang mag-iwan ng marka sa leeg nito saka sinakop
muli ang labi habang nakakapit sa leeg.

"Ahhhh! my god!" Natutop ng dalaga ang bibig habang nanlalaki ang mata. Ramdam niya
ang buong p*********i nito sa loob, katulad ng sabi nito. It's twitching and
getting bigger inside na mas nakakabaliw.

Unang araw niya pa lang sa bahay na iyon at heto siya, Lorenz dominated her at
gusto niyang magpaalipin. Gusto niya ang kakaibang ginagawa nito. He banged her
nang mas malalim. At mas malalim, mas masaya. Walang nagawa si Cassandra kundi
magpaalipin sa lalaki nang hindi niya alam kung ilang beses at kung gaano katagal.

MASAMA ang loob ni Cally dahil namaltrato ang asawa niya sa loob ng maraming taon.
Handa siya na libutin ang buong mundo para hanapin muli ang Maria Celeste 1 para sa
asawa na si Prin.

"Let me hear your story, Honey." Nakaupo sa silya na nasa tabi ng kama si Cally
habang nakahiga at sakop ni Prin ang buong kama. He wanted to see her face kaya mas
pinili niya na maupo sa silya.

Gusto niyang magsawa sa mukha ni Prin kaya ang dalawang braso niya lang ang
nakasandal sa kutson.

Nakahiga si Prin sa malambot na kama. Gusto niyang maiyak. Sa loob ng ilang taon,
ngayon lang siya ulit nakahiga sa gano’n kalambot na kama. Parang hindi nga siya
sanay.

"Sigurado ka ba na hindi ka masasaktan?" paninigurado ni Prin.

Hindi maipapangako ni Cally but he wanted every detail kung ano ang nangyari kay
Prin sa loob ng maraming taon.

Sinusuklay ni Cally ang buhok ni Prin. Ang paborito niyang gawin noon, ang iikot
ang buhok nito sa daliri niya. Namiss niya ang bagay na iyon. Ikinuwento ni Prin
ang lahat ng nangyari.

"Anyway, how did you get my dog tag?"


"Binenta ni Cassandra kay Lorenz noong nasa Puerto del Carmen kami."

Natahimik si Prin. "I saw you that time in a hotel suite. Nag-iwan ako ng notes na
hanapin mo ako. You never saw it?"

Kumunot ang noo ni Cally. Hindi niya kasi talaga nakita ang notes nito.

"That night I was hiding in the pine trees. Gusto ko nang sumunod sa inyo. I told
myself, 'bahala na! if this is my last chance so be it'." Nagsimula muling kumislap
ang mata ni Prin dahil sa luha. "Pero wala akong magawa."

"Oh Honey, I'm sorry." Hinalikan nito ang kamay niya. She.’s right. Sigurado na
masasaktan talaga siya.

"...tell me good things that happened to you," sabi na lang ni Cally.

"I know how to cook."

Biglang napakislot si Prin. Gumalaw kasi ang tiyan niya bago pa siya magsimulang
magkwento.

"Feel it," nakangiti niyang sabi kay Cally.

Nilapit ni Cally ang kamay sa tiyan ni Prin. Parang gusto niyang maluha sa sobrang
saya. Kahit pinaglayo silang pamilya, isang milagro pa rin na pinagsama-sama sila
sa huli.

KINAILANGAN ni Cally na dadalhin si Prin sa Maynila para ipa-check kay Christen.


His sister has a big hospital located in Manila.

Ang kapatid niya bilang surgeon at OB-gynecologist lang ang kilala niya na
makakatulong sa kanila sa oras na iyon. Idagdag na rin ang tulong mula sa Mommy
niya, kay Mat-mat at sa iba pa. Kaya sabay-sabay silang umuwi kasama si Lorenz at
Cassandra.

Sa airport pa lang ay nagluluha na ang mata ni Prin nang makita niya ang magulang
na matiyagang naghihintay sa pagdating niya.

"Mom... Daddy…" Hindi na napigilan ang humagulgol at niyakap ang magulang niya.

"My baby…" mahinang bulong ng mommy niya habang humihikbi.

Nakakuyom naman ang kamao ni Rob Matsui. He is angry. Galit talaga siya sa kung ano
ang nangyari sa anak niyang si Prin. He ruled the world, but he didn't do anything
to save his princess sa loob ng ilang taon.

Nabigla talaga silang mag-asawa nang mabalitaan na nasa UK si Cally para sundin ang
anak nila ni Ingrid. Hinaplos ni Ingrid ang pisngi ni Prin habang lumuluha. Her
baby. Her child was just 19 nang huling araw na magkita sila. She looks older and
matured now.

Halos ikamatay niya pitong taon ang nakaraan nang malaman niya na nahulog sa bangin
ang anak at parang nilamon ng dagat matapos makipaglaban sa grupo ni Gon Peter.
Muntikan pa nga na madamay ang relasyon nilang mag-asawa dahil matindi ang pagtutol
niya noon na maging Dark Guard ang anak niyang si Prin.
Malaki talaga ang gulat niya lalo na nang makita ang malaki at bilog na tiyan nito.

"Darling… My Baby..." mahihinang usal ni Ingrid habang yakap si Prin.

"Mommy… Daddy..." sabay silang humihikbi habang mahigpit ang yakap sa isa’t isa.

"Dont cry, Honey. Makakasama sa baby mo, ilang araw ka nang umiiyak," paalala ni
Cally sa asawa niya.

Dumiretso sila sa ospital para ipa-check kay Christen ang anak nila ni Cally. Nasa
ospital ang halos buong pamilya ni Cally para salubungin siya. Masaya si Prin na
makita muli ang buong pamilya ng asawa. Si Crayon at Crayola ay parehas ng dalaga
at binata.

She remembered clearly kung paano nilampaso ng dalawa ang kaeskwela na si Sean
noon, napangiti si Prin nang maalala ang bagay na iyon.

Pinagpahinga muna siya sa isang kuwarto sa ospital. Kuwarto daw 'yun na nakalaan
talaga para kay Cally. Malaki ang kuwarto, may king size bed, ref, mga aparato na
gamit sa ospital, malaking TV tatlong malalaking sofa para sa bisita. At malaking
restroom.

Ayaw siyang iwan ng Mommy niya kaya tinabihan siya nito habang nakaupo sa kama para
kamustahin ang lagay niya. Niyakap niya lang ito sa bewang habang haplos nito ang
umikli niyang buhok.

Akala ni Prin ay naka-move on na siya sa sakit. Mas masakit pala kapag nayakap mong
muli ang magulang mo matapos ang mahabang panahon. Masakit na masaya. Iniwan muna
ni Cally si Prin sa kamay ng mommy nito.

Sabay na tinungo ni Cally at Rob ang katabing kuwarto. Isang conference room iyon
kung saan naghihintay si Ginny, si Christen, si Lorenz, Cassandra, si Mat-mat, si
Doc Mikko na isa ring surgeon na kuya ni Kai at si Kai Jang. Hindi pa nakikita ni
Prin si Mat-mat at Kai dahil inuna munang kausapin ni Cally ang dalawa kasabay ng
iba pa.

Umupo si Cally sa pinakadulong bahagi ng mahabang table kung saan magkakatabi na


nakaupo ang mga kasama sa magkabilang gilid.

"I gathered everyone because I need your help," malungkot na sabi ni Cally.

"...May maliit na bomb si Cassandra at Prin na halos kasinlaki ng medicine capsule


sa itaas na bahagi ng batok nila. And I don't know kung paano natin iyon
tatanggalin. Ang sabi ni Aiden, basta may 100 kilometers na layo mula sa detonator
ay walang mangyayari sa kanila. But having the thoughts of the bomb in Prin's
head…" hindi na maituloy ni Cally ang sasabihin at napakuyom na lang ng kamao.

"I am willing to be your guinea pig for this project," saad ni Cassandra. Lihim na
pinisil ni Lorenz ang kamay ng dalaga sa ilalim ng mesa.

"You guys helped me para makaalis sa poder ni Captain Yeo. It's not nice if I don't
return the favor," paliwanag ng dalaga. Hindi sikreto kay Cassandra na nagbayad ng
isang bilyon ang grupo ni Cally para sabay silang makuha ni Prin sa barko. Aiden
paid gold bars, notes, cold cash para makuha sila ni Prin.

"I agree. Prin is pregnant and it's not good if we do surgery sa kanya ngayon. You
have to endure this, Cally," malungkot na sabi ni Christen sa kuya niya.
"Honey, we will do our best for Prin, okay?" nakangiti na sabi ni Ginny kay Cally
habang parehas na hawak nito ang kamay niya.

Sa meeting na iyon, nabuo ang isang plano kung paano ililigtas si Cassandra at Prin
mula sa bomba.

…..

MOUNT JIUHUA, ANHUI CHINA

Isang templo ang tinayo ni Gon Peter sa bundok ng Mount Jiuhua walong taon ang
nakalipas matapos niyang tumakas sa laban ng Dark Lords.

Mataas ang bundok na iyon at malamig ang klima. Sapat lang para mamuhay sa lugar na
iyon ang Panibagong batch ng White guards na nagt-train din sa loob ng mahabang
panahon. Tatlong properties ang mayroon siya sa China at lahat ng iyon ay
matatagpuan sa tuktok ng bundok.

Maswerte si Cally na hindi siya handa walong taon ang nakalipas kaya ito nagwagi sa
laban. Tatlong daang miyembro ng White Guards ang namatay nang panahon na iyon sa
kamay ng iilang miyembro lang ng Dark Guards.

Siguro masasabi na nagtagumpay na rin siya dahil namatay ang asawa ni Cally na si
Prin Matsui.

Ang pinaka-hide out niya sa lahat ay ang Jade Dragon Snowy Mountain dahil matarik
ang lugar. May snow at alam niya na hindi siya basta-basta matutunton ni Cally.
Hinahatid lang siya at ang iba pang kasama ng SkyJet sa bundok kaya niya nagagawa
na tumira doon.

Kamuntikan na siyang mahuli ni Cally isang taon mahigit ang nakaraan dahil kay
Beauty Magpayo. Mabuti na lang at wala siya sa lugar nang sumugod ang grupo ni
Cally noon. Sa ngayon ay patuloy siya sa pagkalap ng balita sa pamilya ng Kent.

Isang pasilyo ang nilakaran niya na may pulang pintura. Saka pumasok sa isang
maliit na kuwarto na nasa pinakadulong bahagi.

Sinindihan niya ng insenso ang tapat ng jar kung saan naroon ang abo ng Mommy niya
at Lolo niya na si John Peter. Nakalagay sa magkaibang urn sa isang altar na nasa
loob din ng templo.

Nangako siya sa mga ninuno na kukunin niya ang position bilang Headmaster sa mga
Kent pagdating ng araw. Sabay na binuo ng Lolo niya at ni Master Kent ang Dark
Lords. Pero hindi niya akalain na huhusgahan ang Mommy niya sa Sky Cell dahilan
para manahimik ang pamilya niya sa loob ng ilang taon.

Ang Sky Cell ay tila isang tower na pag-aari ng mga Jackson na nasa Ireland. Doon
hinuhusgahan ang kung sino man ang may kasalanan sa Dark Lords. Literal na Sky Cell
ang lugar dahil nakakulong sa loob ng kwadradong rehas ang may sala na nakasabit sa
makapal na bakal.

Maihahalintulad sa ibon na nakakulong ang kung sino man na nasa loob ng Sky Cell.
Pagbobotohan ng pitong pamilya kung nararapat ka pang bigyan ng pagkakataon o hindi
na. Kung hindi na bibigyan pa ng pagkakataon, puputulin lang ang bakal na
sumusuporta sa rehas. At sabay na babagsak sa ibaba na may taas na fifty meters ang
kung sino man na mahusgahan. Siguradong durog ang katawan ng kung sino man ang
hinatulan.

Isang kasalanan ang ginawa ng Mommy niya na apo ni John Peter. Nakipagkasundo ito
kay Ember Richards na matalik na kaibigan ng Mommy niya para saktan ang Mommy ni
Cally na si Ginny Lopez dahilan para sabay na mahusgahan ito at si Ember.

Limang taon lang siya noon at walang alam sa nangyayari. Kaya’t sinabihan siya ni
John Peter na bawiin ang Dark Lords sa mga Kent to rule the world. Noon pa man ay
alam niya na isang sikretong organisasyon ang Dark Lords na nakikipag-ugnayan sa
kung sinu-sinong pinuno ng kung anu-anong bansa.

The Headmaster could earn Millions of dollars every day na lalong nakapagpa-excite
sa kanya kahit nakaupo lang ito sa kuwarto. He can also earn respect from all over
the world. And he promised to fight the position habang wala pang blessing kay
Cally ang lima pang pamilya. Nabuo ang pagkamuhi niya sa mga Kent habang lumalaki
siya, bukod kay Madam Lira.

Natatandaan niya na madalas siyang ipatawag ni Madam Lira simula pa lang bata siya.
Pinapakain siya nito ng mga niluto nitong tinapay. May regalo rin siyang
natatanggap tuwing birthday niya, pasko at kung ano pang mahalagang okasyon.

Hindi siya nagdalawang-isip na baka pinaplastik lang siya nito dahil mabait si
Madam Lira. Ilan ang inampon nito at pinatuloy sa Mansyon ng mga Kent. Isa pa,
pinaramdam nito sa kanya ang pagmamahal ng isang magulang.

Natatandaan niya pa nang ma-bully siya sa eskwelahan, nilabanan niya ng suntok ang
kaklase niya na iyon. Si Madam Lira ang nagpunta sa eskwelahan niya at nagalit sa
school para ipagtangol siya.

Tinapos niya ang pagbabalik-tanaw at nagbigay galang siya sa Urns na nasa harapan.
Ipinagdasal ang Mommy niya at si John Peter.

'Pag labas niya sa maliit na kuwarto, naghihintay sa kanya si Levan.

Nagpatuloy lang siya sa paglakad patungo sa isang kuwarto habang kausap ito. "Anong
balita?"

"Nagbalik si Prin Matsui," sagot ni Levan.

Napatigil sa paglakad si Gon at hinarap ito. "Anong ibig mong sabihin?"

"Master, buhay si Prin and she.’s back with a child."

MATAPOS ang meeting ni Cally sa lahat, nanatiling nakaupo si Mat-mat sa harapan ng


laptop niya at masama ang tingin kay Lorenz.

"Nagpunta ka lang ng UK, may lovelife ka na pagbalik?" tanong nito sa binata na


para bang may ginawa itong kasalanan sa kanya.

Namula ang mukha ni Cassandra at bahagyang yumuko.

"Miss Sandra, tell me. Masarap ba siya?" tanong nito. Gustong makasigurado ni Mat-
mat kung ano ang meron ang Shogun at bakit nauna pa itong magkapuntos kaysa sa
kanya.

Cassandra "..."

Kinutusan ito agad ni Kai. "Gagu! Pwede bang minsan kalma ka din sa pagtatanong.
kung makapagtanong ka, akala mo close na kayo agad!"

"Bakit? Wala naman akong masamang sinabi ah. Tinanong ko lang kung masarap si
Shogun. Gusto ko lang malaman kung na-apply na ba niya ang mga tinuro ko sa kanya.
Hehe, tingin ko naiinggit ka lang dahil hindi ko tinanong si Bella kung masarap ka
din," sabi habang sapo nito ang nasaktan na bumbunan.

Kung tutuusin mahina lang ang pagkakakutos ni Kai pero masakit pa rin para kay Mat-
mat. Sino ba ang masasarapan na makutusan ng leader ng Black Guard? Pero
nagpasalamat na rin siya dahil hindi si Lorenz ang gumawa n'on dahil baka tumabi
siya kay Prin sa hospital bed nito.

"Lakas mong makapagtanong, samantalang hindi ka nga makapuntos kay Donna," balik ni
Lorenz.

Matapos na sabihin 'yon ay inakay na nito si Cassandra palabas ng kuwarto. Pero


huminto ang dalaga sa harap ni Mat-mat.

"Sa tanong mo, ang sagot ko ay 'Yes'. Masarap si Lorenz. Thanks!" sabi nito na
walang bahid ng pagka-kimi.

Mat and Kai "...."

Sa pananaw ni Sandra, wala naman siyang dapat na itago. Hindi naman siya nabastusan
kay Mat-mat at naging honest lang siya sa sagot niya.

Napangisi lang si Lorenz bago tuluyang umalis nang nakaakbay sa dalaga.

Sa iilang pagkakataon, hindi nakapag-react si Mat-mat at namula ang pisngi niya.

Napapailing si Cally na papalabas pa lang ng pintuan. "Alam mo pinsan, kung hindi


ka lang magaling sa computer iisipin ko na anak ka ni Uncle Lloyd," sabi nito bago
tuluyang lumabas.

Nilingon naman ni Mat-mat si Kai.

"Kai Jang. Tell me, may problema ba sa akin? Bakit si Shogun nauna pa yata ang
bakbakan kaysa sa ligawan? Samantalang ako, ‘yung girlfriend ko ni dulo ng daliri
hindi ko mahawakan," sabi nito nang nakanguso.

"Haay ewan ko sa iyo. Tingin ko nagkaroon na ng computer virus ang utak mo kaya ka
ganyan. Kapapanood mo yan ng porn kaya napollute na masyado ang utak mo."

"Excuse me! Top one hacker ako noh!"

"Hehe. hindi ako naniniwala dahil nalusutan ka ni Sir Brent," nakangisi na saad ni
Kai. nasabi na sa kanila ni Cally nang nagdaang araw na alam nito ang mga
pinaggagawa nila sa nakalipas na buwan, at nakuha nito ang parehas na files sa
tulong ng Daddy ni Mat-mat.

Napapailing na lang si Kai bago iniwan ang manyak niyang kaibigan para dalawin si
Prin sa kabilang kuwarto.

Naiwan si Mat-mat sa loob na kuwarto at nag-isip ng malalim. Hindi niya kasi


akalain na siya pa ang mapag-iiwanan sa kanilang lahat.

Sinarado niya ang computer, saka lihim na napangiti. Kinuha niya ang telepono at
tinawagan ang nobya niya na si Donna. Matapos ang dalawang ring sinagot din naman
nito agad.
"Hello, Donna dear! Nasaan ka ngayon?"

"Anong problema mo?" angil agad nito sa kabilang linya.

"Ang sungit agad. Aayain lang kita mag-dinner."

"Matty, kung may pinaplano ka sa akin mamayang gabi, lalasunin kita agad! Papunta
ka pa lang pabalik na ako! Nakalimutan mo yata nag-train ako bilang Dark Guard. I
can read your mind!"

'Well, I am praying na sana hindi mo mabasa ang nasa isipan ko dahil puno na siya
ng kamanyakan.' isip ni Mat-mat.

"Donna My love, hindi ka ba naaawa sa akin? Si Shogun may nobya na, pero nauna pa
yata ang bakbakan bago sila magpakilala sa isa’t isa. Imagine this, three days ago
he is still single. Walang paramdam na pagbalik may girlfriend na!"

"Matty, may problema ka ba sa akin?!" angil nito.

"Donna my dear, wala akong problema sa iyo. I love you to the moon and back, pero
utang na loob naman sana hinahayaan mo rin ako na maka score dahil kawawang kawawa
na ang alaga ko. Si Prin nagbalik at may kasama pang anak. Hindi ko alam kung paano
sila nakalusot ni Cally sa pagkakawalay nila ng seven years!"

"Si Shogun, nagbalik at may nobya na! Si Kai, hmm I don't want to talk about him
dahil baka pati ikaw mainggit!"

Umiikot ang mata ni Donna sa kabilang linya at napapailing.

Sino ba naman ang papayag sa trip ng nobyo niya, kung ang gusto nito ay 'yung
sumisigaw habang nakikipag-kemehan? Yung tipong rinig daw ng kapitbahay na may
ginagawa kayo.

Unang araw pa lang nila na mag-nobyo binigay na nito ang terms and conditions
particular sa sex. Nawirduhan siya ng una, kaya binigay niya rin ang Terms and
Conditions niya -- 'Bawal ang Sex!'

Wala itong nagawa kundi ang sumunod sa terms niya.

SAAN at paano nga ba nagsimula ang lovelife ni Mat-mat?

Batong-bato na si Donna kaya naisipan niyang magpunta sa White Devil. Pa’no ba


naman kasi, ilang taon na siyang pinipilit ng magulang niya na magpakasal. Bente
nuwebe anyos na kasi siya at wala pa siyang boyfriend! Nagkaroon naman siya ng mga
karelasyon sa nakalipas at ang huli ay nangyari, six years ago!

Nitong mga nakaraang taon ay hindi siya makahanap ng lovelife dahil busy siya sa
trabaho. Matapos kasi niyang umalis bilang trainee ng Dark Guards, pinagpatuloy
niya ang pag-aaral ng business kasabay ng pag-aaral niya ng stock trading na
trabaho ng Daddy niya.

Dahil sa pagkainis sa magulang sa pagreto ng mga ito sa kung sinu-sino, nagpunta


siya ng White Devil para aliwin ang sarili.

Nakita niya si Cally pagpasok niya pa lang sa bungad ng bar. Matagal na silang
magkaibigan na nagsimula pa ng high school. Kakamustahin sana niya si Lorenz dito
pero agad na itong nag-excuse sa kanya na sasagutin ang tawag sa telepono.

"Donna, pinsan ko 'yung sumasayaw na iyon sa dance floor, paki-tingnan muna siya
kung okay lang," paalam ni Cally tapos ay mabilis na nawala sa harapan niya.
Kumunot ang noo niya nang makilala ang lalaking tinuro nito na sumasayaw sa dance
floor.

Hindi niya kilala ang lalaki, pero dahil kilala niya si Anthony na isa pang pinsan
ni Cally, sigurado siya na si Mat-mat ang sumasayaw na iyon na isa pang pinsan
nito.

Umorder na lang siya ng ladies drinks sa bartender. Nilingon niya muli ang lalaki
na nasa dance floor at nawawala na ito doon. "Hmmm.. nas'an na 'yon?"

She extended her neck para iikot ang paningin sa dance floor. Base sa awra ng
lalaking may weird na buhok, sigurado siya na nakainom 'yon.

Tumayo siya para hanapin sana ang ang pinsan ni Cally nang maramdaman na may
sumusuri sa katawan niya na nasa gilid. Nakapangalumbaba pa ito na sinusuportahan
ng isang braso. Nilingon niya ito at bahagyang nagtaas ang kilay niya.

Sinundan ni Donna ang mata nito kung saan nakatingin. At nag-land ang mata niya sa
dibdib niya.

Bigla niya tuloy hinarang ang parehas na braso para i-cross sa dibdib niya at
bahagyang ginilid ang katawan para itago iyon sa paningin nito.

Dahil sa kilos niyang iyon, inangat nito ang tingin sa mukha niya.

"I'm not done yet. Sinusukat ko pa," reklamo nito. Nanlaki ang mata ni Donna. Hindi
na siya nag-isip pa, diretso niyang sinuntok ang mukha nito.

"Awww!" hiyaw nito at hinawakan ang ilong na parang nabasag.

"Bastos!" sigaw niya dito. Nakaagaw sila ng atensyon ng ibang customer.

"Sorry na kung nabastusan ka sa akin. Tinitingnan ko lang kung swak siya sa palad
ko," ang sabi habang hinihilot-hilot ang ilong.

Lalong nanlaki ang mata ni Donna kaya bibigyan niya sana muli ng uppercut ang
binata pero naitulak siya ng lalaking biglang umupo sa pwesto ni Cally ilang minuto
ang nakalipas, kaya dumausdos siya ng yakap kay Mat-mat.

"See? Sabi ko na e. Gusto mo din,” malapad ang ngiti na sabi nito. Ang problema ni
Donna nag-land nga ang kamay niya sa katawan nito. Pero nagland din ang parehas na
palad nito sa magkabila niyang dibdib. Napakislot pa siya dahil bahagya nitong
pinisil ang parehas niyang dibdib.

"And I'm happy dahil hindi ko akalain na sukat ang palad ko sa kanila--" bago pa
nito matapos ang sasabihin binigyan muli ni Donna ng suntok sa mukha si Mat-mat.
Saka ito nilayuan at tuluyan na siyang umalis ng White Devil.

Galit na galit si Donna na umuwi ng bahay. Gusto pa naman sana niyang magsaya kaya
siya nagpunta sa White Devil pero hindi niya akalain na mababastos siya ng ganoon.
Bahagya pang namula ang pisngi niya nang maisip na pinisil ng lalaking iyon ang
dibdib niya.
SUMUNOD na nagkita sila ay sa Shareholders meeting ng MGM, ilang linggo lang
matapos ang una nilang pagkikita. Shareholder ang Daddy ni Donna sa opisina ng MGM
at ipinasa nito sa kanya ang 5%.

Nakapila siya sa Starbucks na nasa ibaba ng building para bumili ng kape nang
maramdaman na may sumisinghot sa batok niya. Nakaupo ang Daddy niya sa isa sa
pinakamalapit na table sa kahera at naghihintay.

Bigla ang pagharap niya sa kung sino man na manyak na nasa likod. Nagliwanag ang
mukha ni Mat-mat nang makita at makilala siya. "Wow! Ikaw pala iyan! Kaya pala
pamilyar."

Sisinghalan sana niya ito pero nakita niya na nakakunot ang noo ng Daddy niya na
nakatingin kay Mat-mat.

"Nandyan ang Daddy ko kaya kung pwede, lumayo-layo ka sa akin," matigas na sabi
niya dito kahit pa nakangiti siya. Pero sa loob-loob ni Donna ay gusto niyang
pasabugin ang bungo ng lalaki.

Inikot nito ang paningin sa paligid. Bago tinagpo ang mata ng Daddy ni Donna na
nasa malapit lang. "Mr Montenegro? Oh! Hi Sir, Kayo pala iyan!"

"Hello Matthew. Matagal tayong hindi nagkita! ‘Yung Mobile Legends na tinuro mo sa
akin masayang laruin!" nakangiti pa na sagot ng Daddy ni Donna.

'Mobile Legends?' hindi akalain ni Donna na ang lalaking nasa harap ang nagturo ng
bagay na 'yon sa daddy niya.

"By the way, you know my daughter? Single din yan! Kaya kung may plano kang
manligaw., Kahit live-in payag ako."

Donna "..."

MANLILIGAW pa lang pero makikipag-live-in agad ang eksena? Ganito ba talaga kapag
nagkakaedad na? Pinamimigay na ng magulang?

Natuwa si Mat-mat sa sinabi ng may-edad na lalaki "Talaga po?"

Humalukipkip si Donna. "Bago ka matuwa sinasabi ko agad sa iyo na hindi ako


pumapayag na magpaligaw sa’yo." Saka tinalikuran ang binata at umorder ng pagkain
sa kahera.

Mas natuwa naman si Mat-mat sa pagsusuplada ni Donna. Sabi nga nila kapag mas
suplada ang babae, mas may thrill sa mga kalalakihan. Mas masungit, mas
challenging!

O baka naman sa pananaw lang 'yon ni Mat-mat. Pero ano nga ba ang nagpa-excite kay
Mat-mat kapag makikita niya ang dalaga?

Walang iba kundi ang pisikal na anyo nito. Ang malaking mata ni Donna na sinamahan
ng makapal na kilay. Ang pantay at maputing ngipin at manipis na labi na masarap
panoorin kapag ngingiti. Ang kurba ng katawan na susukuan ng mga kalalakihan. Ang
bilog na hita ng dalaga na tuwing makikita niya ay gusto niyang pisilin.

At ang pinaka-mahalaga sa lahat, ang dibdib ng babae na sakto sa buong palad niya.
Swak na swak! Nasukat niya na iyon kaya alam niya.

Para siyang nananaginip ng gising habang nakatingin sa likod nito at umu-order.


Tiningnan pa siya ng dalaga sa huling pagkakataon saka siya inirapan.

Napangisi si Mat-mat sa dalaga. Dahil binigyan siya ng basbas ni Mr. Montenegro,


gagamitin niya iyon bilang Ace card o kahit Joker card pa.

Ang sumunod na pagkikita nila ay sa bahay na ni Donna nang umuwi siya mula sa
opisina.

"Donna, si Matthew nandito para dalawin ka," masayang bungad sa kanya ng Mommy
niya.

Nahilot na lang ni Donna ang noo at sentido niya. Halata kasi na binubugaw na siya
ng magulang. Hindi siya interesado sa binata kaya hindi niya ito pinansin nang
mapadaan siya sa sala ng bahay, inirapan pa nga niya ito. Saka siya nanatili sa
kuwarto ng magdamag.

Sumunod na araw ay parehas na eksena, naroon ulit si Mat-mat at kausap ang Daddy
niya sa kung anong bagay. Hanggang sa umabot iyon ng isang linggo.

Hindi niya na kinaya matapos ang isang linggo na nakikita doon araw-araw si Mat-mat
kaya hinila niya ito sa isang gilid.

"Ano itong pinaplano mo?" Tanong niya sa binata. Nginisian muna siya nito.

Habang tumatagal kasi, mas nag-eenjoy ang binata na makita siya araw-araw na
naiinis. "Hindi ba obvious na nanliligaw ako katulad ng sabi ng Daddy mo?"

Napaatras si Donna. At pinagmasdan ang lalaki. Sinusuri kung nagsasabi ito ng


totoo.

"Uuyy nai-inlove na siya…" pang-aasar nito.

Pinalo niya ito sa dibdib. "Go home!"

"Alam mo, Donna Dear, alam ko na kung bakit hanggang ngayon ay single ka pa rin.”
puna ni Mat-mat.

Sumimangot si Donna. Sabihin lang talaga ng lalaki na 'kasi masungit ka’ ay


siguradong palalayasin niya ito sa loob ng bahay nila. Pero taliwas iyon sa sinagot
nito. Nilapit nito ang bibig sa tenga niya saka bumulong.

"Kasi, you are waiting for me." Nanindig ang balahibo niya dahil sa init ng hininga
nito.

Napaatras siya lalo at namula ang pisngi sa sinabi nito kaya itinulak niya ang
binata at hindi makatingin dito na tumakas.

Hanggang umabot ang pagdalaw-dalaw nito sa loob ng isang buwan. Nasanay na siya na
parang normal na lang ang lalaki doon sa bahay nila. Nasanay na rin siya na inaasar
nito at nasanay na rin ito na makatikim ng irap mula sa kanya.

Kaya naman ng dumating ang isang araw na hindi niya natagpuan ang lalaki sa bahay
ay nagulat siya. Nakakunot ang noo na hinahanap ang presensya ng binata. Hindi niya
pa alam kung paano magtatanong sa magulang kung nasaan ito.

"W-where is Matty?" lakas-loob na tanong niya sa Daddy niya. Isang nakakalokong


ngiti ang sinagot nito.

Namula ang pisngi niya. "Hmp! Mabuti at wala siya dito! Nakakainis kasi ang kilos
ng isang iyon! Kulang na lang ituring niyo ng anak talaga."

Lalong lumapad ang pagkangisii ng Daddy niya.

"W-what I mean, it's okay if he is not around," pagsisinungaling niya saka tumuloy
sa kuwarto.

Pero sa kuwarto ay napuno siya ng lumbay. Akala pa naman kasi niya ay manliligaw
talaga ang binata sa kanya at magt-tyaga, pero isang buwan lang pala ang kaya
nitong itagal.

Humiga siya sa kama saka tumitig sa kisame.

…...

LUMIPAS ang isang linggo na hindi niya nakita si Mat-mat. Gustuhin man niya na
magtanong sa magulang niya na halatang may alam ay hindi niya magawa.

"Anak, hindi mo pa nauubos ang pagkain mo, parang dalawang subo lang ata 'yung
kinain mo e," puna ng Mommy niya.

"E kasi nami-miss niya si Matthew!" ang Daddy niya ang sumagot.

Hindi niya na lang pinansin pa ang mga ito. Ang totoo nami-miss niya na nga ang
binata tulad ng sabi ng Daddy niya. At gustong-gusto na niyang tawagan at magtanong
kay Cally o Lorenz kung anong ganap kay Mat-mat, pero hindi kaya ng old-maid na
pride niya ang bagay na iyon.

…..

ILANG araw pa ang lumipas at tuluyan na niyang hindi nakita si Mat-mat. Gusto niya
tuloy sakalin ang lalaki kung sakali na magkikita silang muli. 'Paasa!'

Kinailangan ni Donna na magpunta sa kasal ng pinsan niya. Ang problema, kasal din
iyon ng ex-boyfriend niya.

Yes, That's right! Kasal iyon ng pinsan at ng ex niya.

Magkasabay na naglalakad si Donna at ang magulang niya papasok sa loob ng wedding


hall. Maganda ang bulwagan. May malaking screen pa sa gitna na patuloy na nagp-play
ang mga larawan ng pre-nup ng ikakasal. Flowers everywhere at may pumapailanlang na
mellow and jazz instrumental music. Ilang minuto pa bago magsisimula ang kasal kaya
nilapitan muna nila ang mga kamag-anak.

Sa totoo lang, ayaw na ayaw ni Donna na magpunta sa kasal na iyon. 'Yun nga lang,
ayaw niya rin na masabihan na hindi pa siya nakakamove-on sa ex-boyfriend niya.

Saka alam niyo na, kung sino ang wala siya rin ang madalas na pulutan sa kwentuhan.
At ayaw niyang mangyari sa kanya na maging topic sa tsismis ng pamilya sa araw na
iyon.

Tulad ng inaasahan, napuna na agad siya ng Tita Connie niya na nanay ng bride. At
kapatid ng Mommy niya.
"Don, you are here!" Bati nito.

"Hello po.” nakangiting bati niya. Binati rin nito ang magulang niya.

"Nasaan ang asawa mo?" puntirya agad nito.

Nakangiti pa ang tiyahin niya na akala mo ay wala lang dito ang tanong, kahit pa
alam naman ng lahat ng kamag-anak niya na dalaga pa siya.

'sabi na eh, oo na, siya na ang old-maid!’ Pinilit niyang ngumiti sa may-edad na
babae.

"Haay naku Connie, malapit na rin naman na ikasal 'yang anak ko. kaya.’ wag mo nang
pinagt-tripan pa," sabad ng Mommy niya.

"Talaga?" Gulat na tanong nito at halatang hindi naniniwala.

"Oo naman, gwapo mayaman at saka matalino," pagyayabang ng Mommy niya.

"Kukuha lang po ako ng drinks," paalam niya para malayuan ito at makaiwas.

Agad siyang tumalikod at nagpunta sa wine bar. Nagrequest siya ng red wine. Na-
stress siya bigla. Ngunit hindi niya akalain na may kasunod na pasabog pa pala.

"Donna?" nilingon niya ang tumawag at lumitaw sa kanya ang pinsan niyang si Mayet.
Kapatid ng bride.

"Hi!" bati niya dito. Pinilit niyang ngumiti.

"Nandito ka pala. Hindi ko akalain na pupunta ka ha. May plano ka bang agawin ang
groom kaya ka naparito? Hindi ka pa nakaka-move-on?" nakahalukipkip pa ito na
halatang gusto gumawa ng away.

Tumawa siya. "Alam mo Dear, mukhang kayo itong hindi pa nakakamove on, e. Six years
na kaming hiwalay ni Adan. Ikakasal na nga siya sa ate mo 'di ba? I remember
clearly, sobrang taka nga ako na paano siyang napunta sa ate mo, samantalang… ikaw
'yung nahuli ko na kasama niya sa kuwarto," napangisi siya.

Napalunok ito. Naging daan iyon para tumakas si Donna. Sakto naman na naiabot na
ang request niyang red wine.

Agad niyang nilagok iyon at mabigat na ibinagsak sa isang table na nadaanan.

Nagpunta muna siya sa comfort room at doon nagre-touch. Ilang saglit lang, may
pumasok na grupo ng mga babae na halatang kasali sa entourage.

"Eeh, is this Donna?" nilingon niya ito at nakilala si Mildred, Maid of honor at
bestfriend ng pinsan niya na bride.

Hindi maganda ang relasyon niya sa babae kaya hindi niya ito pinansin at nagplano
na lang na lumabas. Sinundan siya nito na hindi niya inasahan. "Hey, I'm not done
with you! Why are you here?"

"Because I'm invited. Thanks!" saka ito nilayuan.

Lalong dumagdag ang problema niya dahil natagpuan niya si Adan, ang ex niya sa
pasilyo na nagyoyosi.

Reunion ba ngayon kaya 'yung mga kinaaayawan niya patuloy na lumilitaw sa harap
niya? Nilingon siya nito.

"Hello Don!" nakangisi ito sa kanya.

"Congratulations Groom!" sabi niya lang pero patuloy siya sa lakad. Hinawakan siya
nito sa braso nang mapadaan siya doon.

"Bitiwan mo ako!" matigas na sabi niya dito.

"Com'on, hindi mo ba ako namimiss?" tanong nito habang nakangisi.

"Adan!" sigaw mula sa dulong bahagi ng pasilyo. And bride. Kasunod nito si Mildred.

Agad siyang binitiwan ni Ex-boyfriend.

"Hello Love!” kakamot-kamot na sabi.

Lumingon sa kanya ang pinsan niya saka humalukipkip. "Bakit kayo nagsosolo dito?!
Don't tell me Donna na may plano kang akitin ang mapapangasawa ko?" galit na sabi.

Nagtaas ang kilay niya saka umismid. "Hmp! Sorry na lang, pero hindi ako nag-
gwapuhan sa mapapangasawa mo. I have a fiance now, mayaman, mabango, pogi at higit
sa lahat hindi babaero?" makahulugan na sabi niya.

Nagalit agad ito. "At sino naman yan ha?" tanong ng pinsan niya.

"Ako!" narinig nilang sigaw mula sa dulong pasilyo. Kumabog agad ang dibdib ni
Donna ng makita si Mat-mat na naka-tuxedo na papalapit.

LUMAPIT si Mat-mat sa kanila at inakbayan siya nito. "Ako 'yung boyfriend niya na
mayaman, pogi, mabango dahil araw-araw na naliligo at higit sa lahat hindi
babaero," nakangisi na sabi ni Mat-mat. Tiningnan pa nito ang lalaki mula ulo
hanggang paa at binigyang diin talaga ang 'araw-araw na naliligo.’.

Bahagyang natigilan ang dalawang babae nang makalapit si Mat-mat sa kanya. Napansin
ni Donna na mukha na ngang naligo ang binata dahil clean cut na ang buhok nito at
hindi na tulad nang mga nagdaang linggo na parang titirhan ng inakay, kaya saglit
din siyang natigilan.

"Who are you?" usisa ni Wendy na pinsan niya habang nakakunot ang noo.

Dahil nandoon na si Mat-mat para magpanggap na boyfriend niya, ginatungan niya na


lang ito at hinayaan na akbayan siya. Tutal naman ay tinutulungan siya nito sa
kasinungalingan niya.

"Boyfriend ko nga 'di ba?" sabi niya.

"Bakit hindi ko nabalitaan na may boyfriend ka?" nakataas ang kilay na tanong ni
Mildred.

Napangiti siya, mukhang sinusubaybayan talaga ng mga ito ang lovelife niya.

"Donna my love, bakit hindi mo naman ako kinukwento sa kanila? Nagtatampo na ako.
Pa-kiss muna ako para mawala ang tampo ko," kunwari ay nagtatampo talaga ito.
Hinalikan siya nito sa pisngi. Lihim na siniko niya ang tagiliran nito.
"Kung boyfriend ka talaga niya, p'wes sasabihin ko na sa iyo agad na inaakit niya
ang groom awhile ago!" naiinis na sabi ng pinsan niya. Gusto pa yata nito na sirain
ang relasyon niya kay Mat-mat kung sakali na totoo na nobyo niya ito. Napangiti
lang si Donna.

"Donna my Love, na-h-hurt na ako. Bakit ka nang-aakit ng iba? Samantalang mas pogi
ako ng sampung paligo. Pakiss ulit!" hinalikan siya ulit nito sa pisngi. Kinurot
niya ito sa tagiliran. Mukha kasing china-tsansingan na siya ng binata. Bahagya
itong napakislot.

"Anong nagustuhan mo kay Donna? May-edad na siya. Ako kuya 26 lang at ready to
mingle." nakangiti ng matamis si Mildred kay Mat-mat.

Nagtaas ang kilay niya. Kumunot naman ang noo ng binata. "Sorry na lang Dear, pero
isa lang ang nasa puso ko at si Donna my Love lang iyon. Pakiss ulit." Bago pa siya
makapag-react ay hinalikan muli siya nito sa pisngi.

"Magsisimula na ang kasal namin kaya itago mo yang girlfriend mo. Halika na!" ang
sabi ni Wendy sabay singhal nito kay Adan.

"Tara na rin My Love, namiss kita kaya pakiss ulit." Hinagkan siya muli nito sa
pisngi. Masama na ang tingin na pinupukol niya dito. Nakakarami na kasi ito ng
tsansing sa kanya.

"Matty, gusto mong sipain na kita," bulong niya dito na nangigigil. Matapos nito
mawala ng ilang araw, babalik na lang at hahalik-halikan siya na parang walang
nangyari?

Lumingon muli sa kanila si Mildred. Ngumiti siya ng matamis kay Mat-mat.

"I miss you too darling." Pinisil niya ng todo ang pisngi nito. Bahagyang napapikit
pa ang binata dahil sa sakit ng pagkakapisil niya.

"Talaga namiss mo ko? I'm so tats! Pakiss ulit." Bago pa siya maka-alma, hinalikan
na siya nito muli sa pisngi. Umirap sa kanila ang babae saka mabilis na sumunod sa
bride at groom.

Nakaakbay lang si Mat-mat sa kanya sa buong kasal. Hinayaan niya lang ito dahil
tulad ng bride at groom, nasa kanya ang atensyon ng mga kamag-anak. Iyon nga lang
panay ang halik nito sa pisngi niya kada kibot. Natutuwa naman ang magulang niya
dahil may improvement daw sa kanila ng binata.

Ano nga ba ang nararamdaman ni Donna? Ang totoo, natutuwa siya na nakaakbay ito sa
kanya. She felt secured habang nasa bisig ng binata.

Papasimula pa lang ang seremonyas ng may sumigaw mula sa pintuan. Napalingon silang
lahat.

"Itigil ang kasal!!!" sigaw ng isang buntis na sa palagay niya ay nasa siyam na
buwan na ang tiyan.

"Adan, hayop ka! Bakit ka nagpapakasal dito? Hala, uwi!" sigaw nito habang
nakapameywang.

Nagtaas ang kilay ni Donna. Medyo namumukhaan niya ang babae. Ang sabi sa kanya ng
damuho niyang ex, kapatid nito ang babae.

"L-love, why are you here?" nanlalaki ang mata na tanong ni Adan.
'love?'

"Anong ibig sabihin nito, Adan?" tanong ni Wendy sa lalaki.

"Boyfriend ko siya! Hayop kang lalaki ka! Matapos mo akong buntisin, magpapakasal
ka dito!" Galit na sabi ng babae.

Nagkagulo na ang kasal hanggang sa sumakit ang tiyan ng babae. Pinagpapalo ni Wendy
si Adan habang nasa unahan.

"Walang hiya ka Adan, buntis din ako ng dalawang buwan, hayop ka! Mommy!!!" iyak ng
iyak si Wendy.

"Adan, hayop ka! Ahh! Manganganak na ko!!!" naghihisterikal na rin ang buntis.
Hindi naman malaman ng groom kung sino ang uunahin.

"Hala! Manganganak na 'yung babae!" sigaw ng isa. At napalingon sila sa babaeng


bagong pasok.

Napapailing si Donna, naging comedy kasi ang kasal na iyon.

"Haaay, alam mo Donna My Love, kapag kinasal tayo, sigurado ako na walang ganyan."

Nilingon niya ito kasabay ng halik sana nito sa pisngi niya. Kaya ang nangyari nag-
land ang labi nito sa labi niya.

Natulala si Donna dahil nahalikan siya ulit ng lalaki after six years.

"Ayan Matthew, pwede na kayong mag-live in!" nakangiting sabi ng Daddy niya.

Donna "...."

…..

NABIBIGLA talaga siya sa magulang niya na handa ang mga ito na ibugaw siya kay Mat-
mat.

Sa mga nireto sa kanya ng mga ito, mas pursigido ang magulang niya na ireto siya sa
binata. At hindi niya akalain na talagang tutuparin ng mga ito na maglive-in sila
kahit na hindi pa talagang sila ng binata.

*****

NAPAPANGITI si Donna habang nananaginip.

Nakasuot daw siya ng pulang cape at may bitbit na basket. Hindi pa siya nakakapunta
sa destinasyon kung saan naroon ang may sakit niyang lola nang nakasalubong niya na
daw ang big bad wolf. Yumakap siya agad sa wolf at pinangigilan.

Gumanti ang wolf kaya kinagat daw siya nito sa leeg. Saka nito kinagat-kagat ang
labi niya. Masyado siyang nasiyahan kaya gumanti rin siya ng yakap at halik.

*****

Halos mamaga na ang labi ni Donna bago niya nararamdaman na parang totoo ang halik
na iyon.
"Uhmm…" napasinghap siya. Unti-unting nagmulat ang mata niya at agad na nanlaki
iyon dahil totoo talaga na may tao sa kuwarto at kayakap din niya ito.

"Ahh! Sino ka?" tanong niya sa kung sino man na lalaki ang nasa tabi.

"Are you sure na hindi mo ako kilala? It hurts.” narinig niya ang boses ni Mat-mat.

"M-mat? W-wait, bakit ka nandito sa kuwarto ko?" binuksan niya ang ilaw at
natagpuan ang lalaki na nakatagilid at sinusuportahan ng isang braso nito ang ulo
nito paharap sa kanya. Napaatras siya sa dulong bahagi ng kama.

"Hello, Donna My Love," bati nito.

"Why are you here?"

"Dito na 'ko pinatitira ng parents mo. Particular sa kuwarto na ito," nakangisi na


sabi.

"...Kaya nga halika na! Kiss mo na ako ulit, Baby.” hinila siya nito.

"Wait laaang!" inipit niya ang ilong nito.

"Yan tayo e, ikaw d'yan ang nagkukusa na humalik kanina, ngayon ayaw na? Porque ba
nilapirot mo ang buo kong katawan kanina?"

"Lapirutin mong mukha mo. Tulog ako okay?"

Ngumisi ito. "At least laman ako ng panaginip mo," tudyo nito.

Inikutan niya ito ng mata. Umupo si Donna sa kama at nag-indian sit.

"Alam mo Matty, nag-aalala ako dahil baka napipilitan ka lang sa gusto ng magulang
ko." paliwanag niya.

Hindi nga niya akalain na naroon na ito sa kuwarto niya sa mga oras na iyon at
hindi niya alam kung hanggang saan ang kayang gawin ng mga magulang niya. Isa pa,
iniisip din ni Donna na baka sumusunod lang ito sa trip ng magulang niya.

"First of all, gusto talaga kita, okay? Pangalawa, ang ganda ng leopard print na
underwear mo. I like it so much, it's bigger than a pussycat," sabi nito habang
turo ang panty niya.

Ibinaba ni Donna ang paningin niya. At dahil naka-indian sit siya, nakabuka ang
ibabang bahagi ng one piece na pantulog niya kaya diretso sa paningin nito ang legs
at ang leopard print. Binato niya ito ng unan sa pinagsasabi nito. At pinilit na
takpan ng kumot ang sarili.

"Alam mo, Donna My Love, alam kong gusto mo ako. Parehas tayo na nagkaka-edad na.
Gusto mo 'ko at gusto rin kita, kaya bagay tayong dalawa."

Namula ang pisngi ni Donna sa sinabi nito dahil may katwiran naman talaga ang
binata, takot lang talaga siya na pumasok sa relasyon.

"Alam mo ba 'yung kwento ng 'ako ay may lobo.’ sa matured world?" umupo ito sa
harap niya at nag-indian sit din.

Kumunot ang noo ni Donna. Nagsimula na kumanta at magpaliwanag si Mat-mat.


"Ako ay may lobo… In actual sense, it was actually referring sa condom."

"lumipad sa langit…" inakto ni Mat-mat ang dalawang kamay niya bilang babae at
lalaki na nagjujug-dyugan.

"hindi ko na nakita, pumutok na pala… it only means both of them got their climax
but sadly, nabutas 'yung condom."

"Sayang ang pera ko pambili ng lobo… same meaning, sayang 'yung pera na pinambili
ng condom."

"Kung sa pagkain sana nabusog pa ako,” pagtatapos nito.

"Ano naman ibig sabihin n'on?" takang tanong ni Donna.

"You don't get it? It means…" hinawakan nito ang kamay niya.

"dahil nabutas ‘yung condom, nagkaanak sila! kaya lang, naibili niya na ng condom
'yung imbes na sa pagkain, para sa pagbuhay sana ng pamilya niya."

Tinaasan ni Donna ng kilay si Mat-mat at pinameywangan. "Seriously! Anong konek


n'on sa atin?"

"Ibig sabihin, hindi ako gagamit ng condom. Kaya tara na!"

Donna "...."

Sa palagay niya ay pinaglaruan lang siya at dinala sa kwento ng binata para maka-
score sa kanya.

"TIGIL-TIGILAN mo ko Matty!" agad niyang binitaw ang kamay niya sa pagkakahawak


nito. Saka ito inirapan.

Napangiti naman ng lihim ang binata.

"But honestly, I really wanted to say sorry, Donna dear," seryoso at nakangiti na
sabi ni Mat-mat. Hindi sanay si Donna na biglang seryoso ang binata sa sasabihin
nito.

"Why?"

"Because... I went abroad for a couple of days nang hindi man lang ako
nakapagpaalam. Biglaan kasi iyon," paliwanag nito. Nabalitaan kasi nila na nasa
Europe ang grupo ni Captain Yeo at ang bangkang 'Maria Celeste 1' kaya kinailangan
niyang sumama kay Kai papunta sa ibang bansa.

Naging seryoso din si Donna. Ang totoo na-miss niya ang binata at hindi talaga siya
nasanay na hindi ito naaabutan sa bahay matapos nitong magpaikot-ikot sa bahay nila
ng halos buong buwan.

"And I came here because I really miss you. I wanted to thank you for letting me
miss you." nakangiti na sabi ni Mat-mat. Namula naman ang pisngi ni Donna. That was
sweet.

"I know you miss me too," confident na sabi at nakangisi pa.


"Kaya nga Donna My dear, are you willing to be my girlfriend?" diretsahang tanong
nito saka sabay na hinalikan ang kamay niya. .

"But…" tinitigan niya sa mata ang binata. Takot si Donna na magmahal muli ngunit
handa naman siyang subukan. Ramdam din naman niya na Matthew is a good guy.
Mayaman, Pogi, mabango at hindi babaero.

Ngunit may kinakatakutan si Donna. Isang bagay sa nakalipas niya ang pilit niyang
itinanggi noon at kinakalimutan ngayon.

"I-I'm not a virgin anymore, Matty," malungkot at nahihiya na sabi ni Donna.

"Hmm? So what?" Humiga muli sa kama ang binata at ginawang unan ang parehas na
braso nito.

"Hindi rin naman ako virgin. Open-minded ako at hindi naman ako makikipag-relasyon
sa’yo to simply have sex with you. I grew up in New York at na-devirginized ako at
the age of thirteen. I did it a hundred times with different girls. I can't even
remember how many," nakakunot ang noo na paliwanag nito.

Natigilan naman siya sa mga sinabi nito. Nag-aalala lang pala siya sa wala.

"I know na isa talaga sa goal ko ang maka-siping ka, pero hindi naman iyon lang ang
dahilan," diretsahan na sabi nito.

Donna "..."

"Come here." tawag nito sa kanya.

Sumunod naman si Donna, dumapa siya at yumakap sa dibdib ng binata. "I will ask you
one more time. Are you willing to be my girlfriend?"

"Hmm… Sige. I am willing to be your girlfriend from now on. A-alagaan mo akong
mabuti ha."

"Wow! talaga?" masayang tanong nito.

Tumango siya habang may matipid at nahihiyang ngiti.

"Yehey! Pakiss na 'ko sa girlfriend ko," sabi nito at agad na lang na sinakop ang
labi niya. Ninamnam lang ng dalaga ang labi ni Mat-mat habang yakap siya nito ng
mahigpit.

"Patayin mo na 'yung ilaw please,” sabi ng binata kay Donna matapos ang ilang
saglit. Nakangisi pa ito sa kanya. Saka niya naramdaman na pinisil nito ang binti
niya.

Tinapik niya ang braso nito. "Matty, kung may pinaplano ka, 'wag mo nang ituloy."

"Paano mo nalaman na may pina-plano ako? Donna My love, Mahaba pa ang gabi kaya
kailangan natin na makarami."

"No, I want to sleep. Or else, get out!"

"Hah? Ang sungit na naman. Sige na nga, dahil first day ng relasyon natin,
pagbibigyan kita. Kahit hawak nalang sa boobs, satisfied na 'ko," sabi nito

Donna "..."
Inikutan niya ito ng mata. "Ewan ko sa 'yo! Basta kapag may ginawa ka sa 'kin na
kabastusan, palalabasin kita agad."

Pagkasabi ay pinatay ni Donna ang ilaw at hinayaan si Mat-mat na yakapin siya sa


magdamag.

…...

(KASALUKUYAN)

Napapangiti si Mat-mat nang maalala ang nakalipas habang nagmamaneho. Plano niyang
sunduin ang nobya niya sa opisina nito.

Dumaan pa muna siya ng flower shop para bumili ng kumpol ng bulaklak.

Sabi nga nila kailangan daanin sa santong paspasan kung hindi madala sa santong
dasalan. Pero ang plano niya ay daanin sa pa-sweet si Donna. Hindi niya alam kung
may lahing amasona si Donna noong past life nito at siya ang alipin nito na
nakakulong sa kulungan na gawa sa kahoy.

Pasipol-sipol pa siya hanggang sa makarating sa building ng opisina nito.

Kumunot ang noo niya nang makita ang girlfriend niya na kausap si Adan na hindi
niya akalain na buhay pa pala sa entrance ng building.

Bibihira na mag-init ang ulo niya pero nag-init talaga ang ulo niya ng oras na
iyon, lalo at nakita niyang hinawakan nito sa braso ang girlfriend niya ng mahigpit
at inilapit ang katawan sa sarili.

Halata kay Donna na nagpipigil ito ng galit.

"Donna!" sabay na napalingon sa kanya ang dalawa. Nang makalapit, hinila niya si
Donna papalapit sa kanya na nakasalubong ang kilay at hinarap ang lalaki.

Umismid ang lalaki kay Mat-mat. "Hmp! Akala mo kung sinong tagapaglistas. Gusto ko
lang sabihin sa iyo na hindi na malinis 'yang girlfriend m--!"

Bago pa nito matapos ang sasabihin ay isang malakas na suntok ang pinatikim ni Mat-
mat kay Adan. Tumilapon ito sa sahig at nakakuha naman sila ng atensyon sa iba pang
napapadaan at sa guwardiya.

"You don't have a right na sabihin na hindi malinis ang girlfriend ko, dahil sa
inyong dalawa, ikaw ang mukhang hindi naliligo!"

Ngumisi lang si Adan habang minamasahe ang pisngi. Hinawakan niya sa kamay ang
nobya niya at saka sinakay sa sasakyan.

…..

TAHIMIK lang si Mat-mat at Donna sa buong byahe hanggang sa makarating sa bahay


nila Donna. Hininto ni Mat-mat ang kotse sa tapat ng bahay ng nobya niya.

"Anong ginawa sa iyo ng kumag na iyon?" nag-aalala na tanong ni Mat-mat.

Hindi sumagot si Donna at sa halip ay yumakap ito sa binata.

"Matty, may nakaraan ako na hindi maganda. I don't know the person who got my first
experience. I'm drunk at that time and I really don't know what happened." Biglang
lumuha si Donna.

Iyon na siguro ang pinakapanget na naranasan ni Donna sa buong buhay niya. Her
first and only experience na isa sa naging dahilan kung bakit siya tumigil sa
pakikipagrelasyon sa loob ng ilang taon.

She broke up with Adan that time dahil nahuli niya ito na kalampungan ang pinsan
niya. Para makatakas sa pangungulit ni Adan, she went to Paris para mag-enjoy na
nauwi sa kalasingan. Hindi niya masyadong matandaan ang mukha ng lalaki bukod sa
cross na may tatlong pulang rosas na tattoo nito sa upper right back ng lalaki.

Sa lahat, iyon ang tumatak sa isip niya dahil kakaiba ang tattoo nito. Basta
nagpatianod siya sa gustong mangyari ng lalaking iyon. Nang magising siya, mag-isa
na lang siya sa kuwarto.

Umuwi siya ng Pilipinas ng araw din na iyon at pinilit na kinalimutan ang kagagahan
niya.

Ngunit hindi niya akalain na sugat iyon sa pagkatao niya ngayon.

Nakaramdam ng pagkainis si Mat-mat para sa ex-boyfriend ng nobya niya. Ginantihan


niya ng yakap ang nobya at hinayaan nito na ilabas ang sama ng loob. Hinaplos na
lang niya ang buhok ng dalaga.

"Love, kung hindi maganda ang nakaraan natin, hindi natin dapat tine-treasure. We
can learn from it, but never keep it… I met you as you, as my Donna my love… and I
have to accept whatever past you had before."

"...Humans are not perfect, lahat ay may pagkakamali. Ang mahalaga ay nagtanda tayo
ng aral. Kahit ako ay may mga pagkakamaling nagawa sa nakalipas, kaya sino ako para
husgahan ang nakaraan mo?"

Gumaan kahit papaano ang nararamdaman ni Donna. Matthew is sweet, may pagkamanyak
lang talaga.

"Kaya nga Donna, my dear. Hayaan mo na ako na maka-score sa’yo."

Pinalo niya ito sa dibdib saka ito nilayuan. "Ang manyak mo talaga!"

"Ha ha ha! at least, sa iyo lang ako ganito. 'Wag ka na malungkot ha. Ayokong
nalulungkot 'yung maganda mong mata." Hinila siya nito muli at kinupkop ang
magkabila niyang pisngi para halikan siya sa pisngi, sa ilong, sa mata at sa labi.

"I love you Matthew…" nakatitig siya sa mata ng binata na kulay gray naman ngayon.

Ngumiti si Mat-mat. "Mahal din kita, Donna my love.”

…..

ISANG buwan pa ang lumipas…

Naging abala si Christen sa ospital dahil sa sunud-sunod na procedure na ginawa


niya sa buong isang buwan.

Sinuri nilang mabuti si Prin pati ang pamangkin niya na nasa tiyan pa nito.

Sinimulan din ang pag-aaral nila kay Cassandra kung paano tatanggalin ang capsule
bomb sa ulo nito katulong si Doc Mikko. There are things that they need to consider
bago nila isagawa ang pagtanggal sa bomba ng tuluyan kaya pansamantalang
pinagpaliban muna nila ang operasyon.

…..

SA ISANG pasilyo ng ospital, nagtipon-tipon ang mga malalapit na kamag-anak ng


Hans. Naroon din si Kai pati na si Master Chen na lolo nito. Naroon din ang Mommy
ni Bella na umuwi pa mula sa abroad.

Parehas na tense si Kai at Cally.

Ramdam ni Cally na pinagpapawisan ang kamay niya. Hindi niya alam kung uupo ba
siya, tatayo, maglalakad sa kaliwa at kanan, sasandal sa pader at parang
binabarahan ang dibdib niya.

Katulad ng mga inaakto niya, ganoon din si Kai sa tabi. Parang nagpapalitan o may
sinusundan na step ang dalawa.

"Seriously, you guys! Can you please calm down! Para kayong matatae na ewan!"
reklamo ni Mat-mat.

Bago pa makapagdahilan si Cally, tinawag siya ni Christen sa loob ng Delivery Room.

"Cally! Come here!" sigaw nito.

Nilakasan ni Cally ang loob bago pumasok sa loob ng delivery room kung nasaan ang
asawa niya. Huminga siya ng malalim bago niya binuksan ang pintuan.

Kita ang hirap sa mukha ni Prin at pawis na pawis kahit malayo pa siya dito. Nakita
niya na ang baby na inaasikaso at nililinis ng nurse. Lalo siyang na-tense nang
makita ang sitwasyon.

Nilapitan niya ang asawa niya na bakas pa ang hirap sa mukha. Umupo si Cally sa
tabi nito at hinalikan ang kamay. He felt something strange inside his heart. Tila
may humahaplos sa kaibuturan ng dibdib niya.

Para siyang maiiyak.

"Congratulations, Honey! You did a great job."

Parang nababaliw si Prin na naiiyak at natatawa habang hawak ng parehas na kamay ni


Cally ang kamay niya. She.’s happy.

"Congratulations Cally -aalala na tanong ni Mat-mat. Prin! Here he is. A cute baby
boy," nakangiti na inabot ni Christen ang maliit na sanggol kay Prin.

May namuong luha sa mata ni Cally habang yakap ang mag-ina niya.

"Husbie, He.’s cute… he looks like you," nagluluha na saad ni Prin.

Tumango si Cally. Hindi niya akalain na makakagawa pa sila ng milagro ni Prin


matapos ang lahat ng paghihirap nila.

"Honey, let's give him a name. What do you want to call him?" tanong ni Cally.

"Prince Khalid," mabilis na sagot ni Prin.

Napangiti si Cally. Halatang ayaw mag-isip ng malalim ng asawa niya.

Ngayon na may Prince Khalid na sa buhay nilang dalawa, mas pagbubutihan niya na
planuhin ang buhay nilang pamilya.

MAS mataas ang tensyon ni Kai dahil nahihirapan si Bella na manganak, ilang oras na
itong nag-la-labor at ayon sa Mommy ng Angel niya ay may mga ganoong scenario
talaga na hirap ang babae sa paglabas sa baby nito.

Nangingiti naman si Mat-mat sa tabi habang pinanonood siya na hindi mapakali.

"Kai Jang, gusto mo ng yosi?" tanong ni Mat-mat sa kanya.

Masama ang timpla ni Kai kaya naman masama rin ang tingin na pinukol niya kay Mat-
mat.

"Manyak Mat, alam mong bawal ang yosi sa Dark Guards, gusto mong sakalin ako ng
shogun? tapos mag-aaya ka dyan na magyosi," angas agad ni Kai.

"Nahihilo na kasi ako sa iyo, baby. Kanina ka pa paikot-ikot. Kaunti na lang at


iisipin kong si Sisa ka talaga at hinahanap ang anak na si Crispin at si Basilio."

Siningkitan ni Kai ang mata para sa binata. "Palibhasa, hindi mo alam kung ano ang
pakiramdam bilang isang asawa ng may nanganganak na buntis."

"Why naman, baby?"

"Sa first base pa nga lang hindi ka makapuntos, sa pagpapaanak pa kaya?" ganti ni
Kai.

Natameme naman si Mat-mat sa ganti nito sa kanya kaya napasimangot din siya.

Hmp! Kaunti na lang at malapit na siyang maka-first base! Ayaw niya lang ng
namimilit ng babae at ayaw din naman niya na lokohin ang girlfriend niya para lang
makapagrelease ng load.

"Mabuti pa, halika dito at panoorin mo itong video para alam mo kung ano ang naf-
feel ni Bella habang nanganganak."

Ayaw sana ni Kai na sundin si Mat-mat, pero pampalipas oras na rin na manood nga
siya ng video sa palaging bitbit na laptop nito.

Inabot sa kanya ni Mat-mat ang laptop at bumungad sa kanya ang black screen na may
play sign sa gitnang bahagi.

"Utang na loob, hindi porno 'to ha!" angil agad ni Kai.

Naroon sa lugar ang Mommy ni Bella pati ang Yeye niya kaya hindi maganda na marinig
ng mga ito na may pinanonood silang porn sa isang tabi habang nanganganak ang asawa
niya.

Napangisi si Mat-mat. "Let's check muna. Pero sure na hindi yan porn. Anyway, use
this headset kung hindi ka talaga satisfied sa sagot ko." Inabot nito ang Bluetooth
na headset na nakakonekta sa laptop nito.

Sinimulang panoorin ni Kai ang palabas.

Kitang-kita sa video na pinagpapawisan ang isang babae habang nakatutok dito ang
ilaw at kamera. Nakakapit ito sa magkabilang gilid. Ilang saglit lang umire ang
babae sa video.

"eeehhh grrr!!" Napapikit ito habang umiire.

"kaunting push pa misis! Kahit murahin mo ang asawa mo, basta mailabas mo lang ang
baby." utos ng sa tingin ni Kai ay doktora ng babae.

"Ahhhh!!!!" matapos sumigaw, mabilis na nag-inhale at exhale ng paulit ulit.

"Ahhh!!! Tang-ina mo Tonyo! Walang hiya ka! Huwag mo na akong mabuntis-buntis na


hayop ka! Ahhhhh!!!!" sigaw muli nito. Tapos nag-inhale exhale muli.

Parang gusto nang tapusin ni Kai ang video habang pinanonood ang babae na
nanganganak pero malaking parte sa curiousity niya na gusto pang panoorin iyon. He
wanted to know what is happening with his Angel inside a delivery room.

"Ahhhh!!!" ire muli ng babae.

Hindi nito alam kung saan kakapit para kumuha lang ng lakas. Ilang saglit pa,
nakikita na ng doktora ang baby na lumalabas, ayon dito.

"Ayan, ayan misis, malapit na! nakikita ko na ang ulo ng anak mo."

Si Kai habang nanonood ay napapangiwi, mariin na nagkikiskis ang ngipin at parang


ramdam niya ang hirap ng panganganak ng babae. Kada hagap nito ng hangin ay parang
napapa-inhale exhale na rin siya.

Ilang saglit lang, tinapat ang video sa pwerta nito. Kita ang bilog na kung ano.
Kinilabutan si Kai habang nanonood.

"Ahhh!!!" narinig niyang sigaw ng babae. Tapos ay unti-unting lumalabas ang baby.
Nahihirapan na rin pati si Kai na huminga. Hanggang sa mabilis na lumabas ang baby
mula sa pwerta ng babae.

"Ahhhh!" sigaw ni Kai habang nanlalaki ang mata. Nakaramdam talaga siya ng takot na
makita ang baby na lumabas mula sa katawan ng babae.

Napalingon sa kanya ang lahat ng kasama nila sa pasilyo. Sa sobrang takot ni Kai,
bigla siyang hinimatay.

…..

NAGKAROON ng malay si Kai matapos ang ilang minuto.

Bigla siyang bangon "Ahhh!" sigaw niya.

Puro katanungan naman ang nasa isip ng mga tao sa paligid kung ano ang nangyari sa
kanya. Si Mat-mat sa gilid ay ngingiti-ngiti ng nakakaloko. Hawak na nito ang
laptop nito na ginamit niya ilang minuto ang lumipas.

"Matthew!!!!!!" gigil na tawag niya sa pangalan nito. Lalapitan niya na sana para
suntukin ito dahil sa ginawa nito sa kanya nang sabihin ng nurse na nasa recovery
room na ang asawa niya.

"ligtas na sila sir, pwede po kayong pumasok para silipin ang misis niyo."

Naalala ni Kai ang video at hindi alam kung paanong gagawin.


"Pasok ka na Baby, ano pang hinihintay mo?" nakangiti ng nakakaloko na sabi ni Mat-
mat.

"Pakyu ka talaga, kapag kinailangan mo ang tulong ko. Huwag mong asahan na
tutulungan kita!" galit na sabi niya saka sumunod sa nurse para silipin ang asawa
niya.

Natakot talaga siya na mapanood ang video ng sinisilang na sanggol. He imagined


everything. Kaya di niya masisisi si Bella kung mahirapan sa paglabas ng baby nila.

Natagpuan niya si Bella na bakas pa ang hirap sa magandang mukha nito. Natutulog pa
ito sa isang malambot na kama at ayaw niya itong istorbuhin. Parang hinaplos nito
ang galit niya ilang saglit lang.

Haaay, wala talagang makakapagaan ng kalooban niya kundi ang asawa na si Bella
kahit sa paanong paraan. Hinaplos niya ang pisngi ng asawa niya bago kinuha ang
kamay na malapit sa kanya at hinawakan iyon.

Nasa ganoong posisyon lang siya sa loob ng mahabang minuto. Nakatitig kay Bella
babang hawak ang kamay nito.

Wala siyang pakialam sa iba pa at ine-enjoy ang sarili na titigan ang natutulog na
mukha ng asawa. Talagang pinilit nito na manganak ng normal kahit nahihirapan kaya
napangiti siya. Minsan pasaway din talaga ang asawa niya pero natutuwa siya na
madalas sumusunod ito sa mga payo niya.

Mukhang napansin naman sa paligid na ayaw ni Kai na magpa-istorbo kaya ang Mommy ni
Bella ang kinausap ng hotel staff para sa mga detalye.

'My Angel, let me love you even more.’ hinalikan niya ang kamay nito bilang
pasasalamat na rin na hinayaan siya nito na mahalin niya ng labusan.

…...

LUMIPAS ang ilang oras bago nagkamalay si Bella. Mukha ni Kai ang unang bumungad sa
kanya.

"Hello, my Angel," nakangiti na tawag nito sa kanya, saka nito hinalikan ang kamay
niya.

"Where.’s my baby?" tanong niya agad.

"Magtatampo na 'ko niyan. Hindi na ako ang unang hinahanap mo, kundi si baby na,"
pagbibiro ni Kai.

"Masakit pa 'yung katawan ko, 'wag mo muna akong patawanin.” Natawa ng mahina si
Bella.

"How are you? Nahirapan ka ba? Minura mo ba ako habang humuhugot ka ng lakas para
ilabas ang anak natin?" sunud-sunod na tanong ni Kai.

Tumawa na naman muli si Bella. "bakit mo alam?"

Napangiti si Kai. May sense din naman pala kahit papaano ang pinanood sa kanya ni
Mat-mat.

"Alam mo bang ngayon din nanganak si Prin? Ilang oras lang siya nauna sa iyo? Kahit
sa panganganak besties kayong dalawa," puna ni Kai.
"I'm happy for them, send my congratulations to Prin and Cally."

"Nah, Huwag mo na silang intindihin."

Lumapit ang nurse na bitbit ang anak nilang babae inabot nito kay Bella ang anak
niya. Nagluha naman kaagad ang mata ni Bella nang makita ang baby niya.

"she.’s pretty…" naluluhang sabi.

"Just like her mom..." Hinaplos ni Kai ang maliit na kamay ng anak niya.

"Baby, 'wag mong aagawin sa’kin si Mommy ha."

"Hey! you are so bad." Natatawa si Bella sa unang pabungad ni Kai sa anak nila.

"I just wanted to educate her." Inilapit ni Kai ang sarili sa noo ni Bella at
hinalikan iyon hinalikan din nito ang maliit na kamay ng baby.

Natatawa naman si Bella. He knew her well matapos ang ilang taon na pinagsamahan
nila.

"I'm happy, I never thought na gagawa ako ng masayang pamilya noon. Thank you so
much, My Angel!"

Nakangiti ng masaya si Bella habang titig na titig sa mukha ng mabait niyang


anghel. Her Angel. Kung Angel siya ni Kai, this baby is her Angel.

"Ano pong ipapangalan niyo Mam sa anak niyo?" tanong ng nurse na bagong lapit
habang hawak ang form.

"Angel.” Sagot ni Bella.

Kumunot ang noo ni Kai. "Bakit iyon ang gusto mong ipangalan sa anak natin?"

"Because she.’s an angel," sagot ni Bella.

Sumimangot si Kai. Tawag niya kay Bella ang 'Angel' kaya di niya alam kung payag
siya na angel din ang pangalan ng baby nila.

"I want to call her Camilla sana," sabi ni Kai.

Nag-isip si Bella.

"Camilla…" ulit niya sa pangalan tapos ay sinuri munang mabuti ang mukha ng sanggol
niya kung bagay ang pangalan na Camilla dito. Biglang umiyak ang anak niya.

"Aww… She doesn't like your Camilla. Let's stick to Angel, babe."

Sumimangot si Kai at gustong titigan ng masama ang anak niya. Masama na ang kutob
niya sa batang ito. Tingin niya ay aagawin nito talaga ang atensyon ng asawa niya
lalo na at unang pagsubok pa lang ay taliwas na ito sa nais niya.

Gayunpaman, pumayag na lang siya na Angel ang name ng baby nila.

"My Angel…" tawag ni Kai. tumahimik ang baby.

"See? She likes 'Angel'."

"Sige na nga, Angel na, My Angel…" biglang sumeryoso si Kai at may namuong luha sa
mata niya.

"Thank you Bella, for giving me family. Pinapangako ko na mas pagbubutihan ko pa na


magtrabaho."

"No, thank you Kai for giving me family."

…..

ISANG taon ang lumipas… What happened in a year for all of them?

Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni


Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni
Prin.

ISANG TAON PA ANG LUMIPAS…

Cassandra is missing. Donna broke up with Matthew. Napost-phoned ang paghahanap ni


Cally sa Maria Celeste 1 dahil hindi pa natatanggal ang capsule bomb sa ulo ni
Prin.

…..

NAKATINGIN sa labas ng bintana si Prin at malalim ang iniisip niya. She wanted to
know where is Cassandra.

Bitbit ang anak niyang si Khalid na pinagmamasdan ang tanawin sa labas. Kita pa ang
mailaw na Eiffel Tower dahil gabi ang oras. Kasalukuyan silang nasa Paris ng buong
pamilya niya para hanapin si Cassandra.

Sampung buwan nang nawawala ang kaibigan niya matapos nitong tumakas sa ospital.
Parang mailap na hayop si Cassandra na nawawala sa lugar tuwing abot-kamay nila.

Hindi sila makahingi ng tulong kay Mat-mat dahil nagbalik sa Amerika ang pinsan ni
Cally at nag-aral ng law sa Harvard. Unusual para sa katulad ng binata.
Nakipaghiwalay si Donna dito at wala siyang ideya kung bakit. Ayaw magkwento ni
Mat-mat at kahit ang asawa niya.

Sa loob ng isang taon, halo-halong emosyon ang mga naganap sa grupo ni Cally.

"Honey, what are you thinking?" lumapit sa kanya si Cally at niyakap siya mula sa
likuran. Khalid looked at his father then he expanded his arms to reach him.

Napangiti si Cally kaya hinarap niya si Prin para kunin dito ang anak nila. Sa loob
ng isang taon, parang hindi normal ang anak nila ni Prin. Umiiyak ang anak nila sa
bibihirang pagkakataon lang. Mas madalas seryoso.

Naisipan na nila na ipacheck si Khalid kay Christen, pero normal naman daw ang anak
nila. 'yun nga lang kailangan nilang ipasuri muli si Khalid kapag tumuntong ng
dalawang taon mahigit.

Nakangiti pa si Cally na nilalaro-laro ang anak niya nang sabihin ni Prin ang halos
ayaw niyang marinig mula dito.

"Husbie, let's do the procedure," mahinang sabi ni Prin.


Natahimik saglit si Cally at umupo siya sa pinakadulong bahagi ng kama. Naghikab
ang anak niyang si Khalid kaya inayos niya ito ng higa habang nasa mga bisig niya.

Ayaw niya. Ayaw niyang mangyari kay Prin ang nangyari kay Cassandra. At ayaw niya
na maulit din sa kanya ang nangyari sa Daddy niya ilang taon ang nakalipas.

Ilang taon din ba siya maghihintay? 5 years, katulad ng pagkalimot ng Mommy niya
noon sa Daddy niya na si Cloud Han?

Karamihan sa naganap sa magulang niya ay tila sumpa na umuulit sa kanya at suko na


siya. Gusto niya nang tapusin ang bagay na iyon.

Lumuhod si Prin sa harapan ni Cally.

"Husbie, I am sure that I will never forget you. Nagbigay ng assurance sa 'kin si
Christen, si Doc Mikko at si Matty na mas mataas ang improvement sa proseso ngayon.
Sigurado na hindi mauulit sa akin ang nangyari kay Sandra. What happened to Sandra
will never happened to me. Kaya husbie, please trust me.”

Naiinip na kasi si Prin. She wanted to find Captain Yeo and his ship. At hindi siya
makagawa ng aksyon hangga.’t nasa ulo niya pa ang bomba.

May kumatok sa pintuan ng kuwarto nila kaya saglit na tumayo muna si Prin at
binuksan ang pintuan ng kuwarto na inuupahan nila sa Cour des Vosges Hotel.
Bumungad sa kanya si Kai at Lorenz.

"Hi Prin, pwede ba namin kayong istorbohin?" tanong ni Kai.

"Sige." Ngumiti ng pilit si Prin sa dalawang kaibigan bago tuluyan na binuksan ang
pintuan. Sakto lang ang pasok ng dalawa dahil may namumuong tensyon sa pagitan nila
ni Cally bago kumatok ang mga ito.

Nilakihan ni Prin ang pintuan para makapasok si Kai at Lorenz.

Nakakunot ang noo ni Cally nang makita ang dalawa. Nagbilin kasi siya na hindi
pwede na magreport sa kanya ang kahit na sino kapag naroon na siya sa loob ng
kuwarto ng pamilya niya.

"Shi, pasensya na sa istorbo. Nakita na namin si Cassandra." Si Kai ang nag-inform


dahil iba ng pakiramdam ni Lorenz.

Tahimik si Lorenz at seryoso lang na nakikinig.

Nakita nila si Cassandra na nagseserve ng beer sa Pop-in bar. Tulad ng dati tahimik
ang babae at simpleng sagot lang ang binibigay nito sa mga customers. Abala ito at
halatang ayaw magpa-istorbo.

Ngunit hindi makalapit si Lorenz sa dalaga dahil natatakot siya na baka lumayo muli
ito sa kanya dahil hindi siya nito matandaan.

Dalawang buwan matapos ipanganak si Angel at Khalid, inasikaso nila ang procedure
para sa pagtanggal sa capsule bomb sa ulo ni Cassandra.

Ayos ang lahat kahit ang pagtanggal sa bomba.

Isa lang ang problema, hindi sila matandaan ni Cassandra. Sampung taon sa memorya
nito ang nawala at pilit na umalis sa poder nila para hanapin ang sariling pamilya.
…..

NAGPAHATID si Cally at Prin sa chauffeur sa bar kung saan nakita si Donna. Iniwan
nilang mag-asawa kay Ana at sa mag-asawang Kai at Bella ang anak nilang si Khalid.

Bukod sa gusto niya talagang makita ang kaibigan, kailangan nila si Cassandra para
ma-test ang kaibigan niya. Kailangan nilang masigurado na walang problema sa
procedure na gagawin sa kanya.

Ayon kay Doc Mikko na kuya ni Kai at kasama ni Christen sa project na iyon, short
term memory loss lang ang posibleng mangyari kay Sandra. Iyon nga lang, hindi nila
alam kung kailan babalik ang ala-ala nito.

Ayaw lang talaga ni Cally na sumugal hangga.’t hindi ayos ang lahat.

Huminto ang sinasakyan sa tapat ng isang bar. Umaambon ng mga oras na iyon kaya
binuksan muna ni Cally ang payong na kulay itim bago nito pinalabas si Prin para
hindi mabasa ang asawa.

Kita ang iba’t ibang kulay ng ilaw sa labas pa lang ng bar. Berde ang kulay ng
haligi at pula ang pintuan. May sign ng 'Pop in Bar' sa itaas na bahagi na gawa sa
ilaw na kulay pink at dilaw. Naririnig ang banda na tumutugtog sa loob. May mga
nagyoyosi sa labas at napalingon sa kanila ni Cally.

Nagbigay sila ng ibang impresyon sa mga ito kaya halatang kumunot ang noo ng isa.
Sa relo pa lang na suot ni Cally, alam na ng isa na hindi sila simpleng tao lang.

Alam nila na maraming loko na nagkalat sa lugar na iyon, pero hindi naman sila
basta-basta mapapahamak na mag-asawa lalo at ilang buwan nang nagt-train muli si
Prin bilang Dark Guard kahit ayaw pa ng Mommy niya.

Magkasunod sila na umakyat ng makitid na hagdan ni Cally. Bumungad kay Cally at


Prin ang maingay at nagkakasiyahan na tao. Kulay pula rin ang pintura sa loob,
makalumang bar ang tema nito hindi tulad ng White Devil.

Dumeretso sila sa bar area at umorder ng beer. "2 bottles of beer please," hiling
ni Cally sa salitang french.

Inikot ni Prin ang mata niya sa paligid para mahanap si Cassandra. May naghahalikan
sa katabing mesa, may sumasayaw sa isang parte, may nagtatawanan.

"You bitch!" narinig nilang singhal ng isang customer.

Dumausdos ang isang babae na naka-miniskirt na maong at dilaw na blusa sa sahig.


Nakatalikod ang mga ito sa pwesto nila ni Cally. Umagaw ang mga ito ng atensyon
kaya napalingon sa mga ito ang mag-asawa.

Sinampal ng lalaki na malaki ang katawan ang babae kaya ito tumilapon. May bigote
at balbas ito, may panyo pa sa ulo na kulay pula at blondie ang buhok na akala mo
ay si Hulk Hogan. Napakunot ang noo ni Prin dahil sa komosyon.

"How dare you!" angil nito.

Nasinagan ng kakaunting ilaw ang babae at namukhaan niya si Cassandra. Noon niya
lang napansin ang pulang apron na suot nito. Hindi nakatiis si Prin na nilapitan
ang dalawa.

Sasaktan muli sana ng lalaki si Cassandra nang pinigil ni Lorenz ang kamay nito.
Kumunot ang noo niya na makita rin doon si Lorenz.

Hindi niya kasi akalain na susunod ito sa kanila ni Cally.

Nagsalubong agad ang kilay ng lalaki na malaki ang katawan para kay Lorenz at
halatang nagalit ito. Lumapit si Prin at tinayo si Cassandra sa pagkakasalampak.

"Who are you?!" singhal nito kay Lorenz.

Hindi ito pinansin ng binata at nilapitan nito si Cassandra. Sinalubong ng binata


ang pagkakatitig ng dalaga na may bahid ng hinanakit.

Hinawakan ng lalaki si Lorenz sa balikat. "You bastard!"

Hinawakan din ni Lorenz sa pulsuhan ang lalaki at inipit ang braso nito.

"hey, I don't want to create trouble here. Can you please f**k off?!"

Umangil ang lalaki saka binawi nito ang kamay sa balikat ng binata at masama ang
tingin na pinukol nito dito. He scoffed saka tumalikod at bumalik sa upuan habang
hinihilot ang braso.

Akala ni Prin ay gagawa ng away ang lalaki dahil hindi magdadalawang isip ang
shogun nila na saktan ito.

"Okay ka lang?" tanong ni Lorenz sa dalaga.

Tumango si Cassandra. "W-why are you guys here?" tanong nito na mailap ang tingin.

Pinagmamasdan ni Prin ang dalaga ng matagal ganoon din si Lorenz. Mailap ang tingin
nito na halatang umiiwas.

Nagulat na lang siya nang hawakan ng binata ang kaibigan niya sa kamay at mabilis
ang mga lakad na inakay ito paalis sa lugar na iyon.

Naiwan si Prin na nakatingin lang sa dalawa na papaalis. Base sa reaksyon ni


Cassandra, sa tingin niya ay nagbalik na rin ang memorya nito.

[Feibulous : SPG Content]

HINILA ni Lorenz si Cassandra sa isang motel na malapit sa Pop in Bar.

Pagkasara pa lang ng pintuan, tinulak niya ang dalaga sa pader at agad na sinakop
ang labi nito. Tinutulak siya nito nang una at pilit na kumakalas sa pagkakayakap
niya. Ngunit ilang saglit lang, gumanti rin ito ng halik.

"Sandra…" mahinang tawag niya sa pangalan ng babae bago nag-iwan ng maliliit na


halik sa leeg nito. Naglandas ang kamay ni Lorenz sa binti ng dalaga para mai-angat
ang palda nito.

Humigpit ang kapit ng dalaga sa leeg niya at narinig ang mahinang ungol mula dito.
Inangat saglit ng binata ang mukha niya upang titigan sa mata ang dalaga.
Cassandra.’s eyes are full of loneliness. Nakikita niya sa mata ng babae.

"I'll punish you for making me crazy," sabi niya dito.

Narinig na lang ni Sandra ang pagbukas ng bakal ng sinturon ni Lorenz at naramdaman


na lang niya ang kamay ng binata na pumasok sa loob ng underwear niya, saka nito
nilaro ang kanyang p********e. Napasinghap siya sa ginawa nito. She really missed
him.

"Lorenz…" bahagyang umawang ang labi niya dahil sa ginawa ng binata. Inikot siya
nito paharap sa pader.

"You made me crazy." namamaos na bulong ni Lorenz. Pinalo siya nito sa puwitan at
kinagat ang tenga, saka niya na lang naramdaman ang pagpasok nito sa p********e
niya mula sa likuran.

"Ahhh..." Napapikit siya ng madiin. Dikit na dikit ang mukha ni Cassandra sa pader
at napasinghap.

"God knows how much I missed you," sabi nito na parang nagmamadali. inangat pa ng
binata ang isang binti niya para mas malaya na makagalaw.

Base sa kilos ng binata, halata na pinarurusahan siya nito. Si Lorenz lang talaga
ang malayang nakakagawa ng ganito sa kanya. Ang patuloy na mawala ang lahat ng diwa
niya at dalhin siya sa alapaap.

Kailan nga ba huling ginawa ng binata ang ganito? Mag-iisang taon na.

"Hahhh…" mahinang kumawala sa bibig ng dalaga. Hindi alam ni Cassandra kung pa.’no
kukuha ng suporta sa pader.

Matapos ang ilang sandali, dinala siya nito sa harap ng kama at tinulak doon.

Katulad ng mga nakaraan, iba pa rin ang epekto ng dalaga kay Lorenz. Tila isang
ecstacy pill na nakakawala ng katinuan. He kissed her lips harder at may panggigil
na hinawakan ang dibdib nito. Hindi na siya nag-aksaya pa na tanggalin ang kasuotan
nila dahil hindi naman sila magtatagal.

"My poison Ivy, do you know how much I care for you?" narinig ni Cassandra na
tanong ng binata.

Alam niya, alam ni Cassandra na importante siya dito. Hindi siya nito susundan sa
iba’t ibang lugar kung wala lang siya para dito.

Gumanti ng yakap at halik si Cassandra kay Lorenz. Halos mamaga na ang labi nila
pareho. Inikot siya ng binata paharap sa kama. Ilang saglit lang nang muli niyang
maramdaman ang p*********i nito.

She held the bedsheet to get some support at nakagat ang labi para pigilin ang
ungol.

Hindi niya alam kung gaano katagal bago nila narating nang sabay ang ligaya.

Parang naupos na kandila na bigla na lang humiga ang binata sa tabi saka siya nito
hinarap. Hinahabol nito ang paghinga at hinila siya payakap.

"Mahal kita, Sandra," usal ng binata kasabay ng paghaplos ng pisngi ng dalaga.


Masyado talaga siyang nasaktan nang bigla siya nitong iwan. Mahal niya si Cassandra
at masyado siyang nag-alala dito nang bigla na lang itong maglaho na parang bula at
walang bakas na iniwan sa Maynila.

May namuong luha sa mata ng dalaga. Unang beses na may lalaki na handang sumunod sa
kanya kahit saan pa siya magpunta.

"I'm sorry, Lorenz. Gusto kong mag-sorry sa nagawa ko." Patuloy itong umiyak. At
niyakap ang sarili sa dibdib ng binata.

"Hush…" sinuklay nito ang buhok niya.

"Did you find your family?" tanong ni Lorenz.

"No. Because they are already dead," malungkot na sagot nito.

"... They are dead more than 10 years ago. Ang huling natandaan ko ay 'yung bago pa
lumubog ang barko na sinasakyan namin kaya akala ko ay buhay pa sila. Nito lang
nakabalik ang ala-ala ko."

"...Sa cruise ship na lumubog namatay ang pamilya ko Lorenz at ako na lang ang
survivor sa amin. Doon ako natagpuan ni Captain Yeo." mahabang paliwanag ni
Cassandra.

Natahimik si Lorenz.

Narinig niya na kay Doc Mikko ang tungkol doon. Isang masamang pangyayari ang pilit
na kinalimutan ni Cassandra kaya ito nawalan ng ala-ala. At babalik lang ang lahat
kapag natanggap na ng isang tao ang tungkol sa bagay na kinatatakutan nito.

"Sandra, maybe we are meant for each other. You don't have a family at ganoon din
ako. We love each other and I am a hundred percent sure that I want to spend my
lifetime with you."

"I want to take care of you, Sandra…"

…..

SABAY na bumaba si Prin at Cally sa makitid na hagdan ng Pop in Bar.

"Husbie, do you think she remembers everything now?" tanong ni Prin.

"I don't know. Maybe," simpleng sagot ni Cally.

'Paglabas ng main door ng Pop in para makaalis na sa lugar, humarang sa kanilang


dalawa ang grupo ng apat na kalalakihan. Napansin nila na ang mga ito ang grupo na
nagmamatyag sa kanila simula pa lang ng pumasok sila sa lugar.

"Hey, you two! Give me your money, your gold necklace and your watch," sabi ng nasa
pinakagitna na sa tingin nila ay ang lider. Nakahalukipkip pa ito at halatang
nananakot.

Tama ang hinala ni Cally na napansin nga nito ang relo niya at ang kwintas ni Prin
na parehas ginintuan.
Kumunot ang noo ni Cally at Prin saka nagkatinginan bago ibinalik ang tingin sa
lalaki.

"Pa.’no kung ayaw namin?" nakakunot ang noo na sagot ni Cally.

Ngumisi ang isa at agad na hinawakan ang braso ni Cally para pilit na kunin ang
relo niya sa kamay.

Binawi ni Cally ang braso niya na hawak nito saka niya diretsong sinuntok sa mukha
ang lalaki na pilit na kumukuha ng relo niya. Gumanti rin ito ng suntok ngunit
nailagan ni Cally saka niya sinipa sa panga ang lalaki at tumilapon iyon.

Sumeryoso ang lalaking nasa gitna at tumalim ang tingin nito.

"Get the girl!" utos nito sa dalawa pang kasama.

Bago pa mahawakan ng dalawa ang magkabilang braso ni Prin, sinipa niya mula sa baba
ang isa sa mga ito kaya tumilapon ang lalaki. Naglabas naman ng baril ang isa at
tinutukan siya nito.

Sinipa ni Cally ang kamay nito na may hawak na armas kaya tumilapon iyon at nasalo
ni Prin ang baril nito. Sinuntok pa ni Cally sa mukha ang lalaki at sinipa paatras
para samahan nito ang kasama na tatayo pa sana muli. Nagkauntugan ang dalawa.

Napangisi si Prin.

"Give me your money," sabi niya sa lalaki na namumuno at tinutok ang baril na hawak
dito.

Kumunot naman ang noo ni Cally. Kailan pa naging holdaper ang asawa niya?

Ngumisi rin ang lalaki at kinuha ang armas na na nagtatago sa likuran ng pantalon
nito. Pero bago pa nito matutok ang baril sa kanya ay pinaputukan na ni Prin ang
kamay nito na may armas kaya nito nabitawan iyon.

"Sh*t!" nangigigil na hinawakan nito ang kamay na nasugatan mula sa bala. Lalapit
pa sana ito sa kanya para saktan siya pero tinutok niya sa noo nito ang baril na
hawak.

"Hindi na ako magtatangkang gumawa ng masamang kilos, kung ako sa iyo," pananakot
niya dito. Napalunok ang lalaki at hindi makapaniwala sa kanilang mag-asawa.

"He he. Kayong apat, akala niyo siguro ay mayaman kami. Give me all your money!
Husbie, pagsamasamahin silang apat sa isang tabi." utos ni Prin.

Tinulak ni Cally ang apat sa isang tabi. "Honey, male-late na tayo ng uwi." Paala
niya kay Prin kahit pa sumusunod siya sa trip ng asawa niya.

"Yes, Miss. Male-late kayo ng uwi," gatong ng isa.

"It's okay Husbie. Kasalanan nila ito.” Sagot ni Prin habang hindi tinatanggal ang
baril na hawak sa apat na holdaper.

"Give me your money!" ulit niya.

"We don't have money! Kaya nga namin kayo hino-holdap!" sabi ng lider habang
nakangiwi dahil sa nasugatan na kamay.

Umikot ang mata ni Prin. "Kapkapan sila, Husbie."


Walang nagawa si Cally kundi ang sumunod kay Prin pinatayo niya ang isa at
kinapkapan. May nakuha siyang 500 euro sa bulsa nito.

"Tangina! Paano ka nagkaroon ng 500?" galit na tanong ng isa sa mga kasama nito.

"Oo nga sabi mo kanina wala kang pera!"

"'wag maingay! Next!" utos ni Prin kay Cally. Napapailing si Cally na kinapkapan
ang sumunod na lalaki. May nakuha na 300 euro sa bulsa nito saka mga barya-barya.

"Gago ka ah! Aangal-angal ka, may pera ka rin pala?" tanong ng naunang lalaki.

"Hehe. Mukhang masaya ito. Sabi niyo kanina kaya kayo nangho-holdap dahil wala
kayong pera. Kayong dalawa! Ilabas niyo na ang mga pera niyo bago pa uminit ang ulo
ko," sabi ni Prin sa lider at sa isa pang kasama.

"Ayoko!" sagot ng lider. Binaril ni Prin ang pader na nasa likuran nito. Kaunting-
kaunti na lang ay tatama na iyon sa ulo ng lider. Natakot ang tatlo pang kasama.

"Hindi ako nagbibiro," sabi ni Prin.

Nangigigil na nilabas ng lider ang wallet nito. May nakita na two-thousand-euro sa


wallet ng lalaki. Napamura ang tatlo pang kasama.

"Malaking pera to ah! Sabi mo, wala kang pera! Mukhang naloko mo kami doon sa isang
babae kanina. Gulpihin iyan!" utos ng isa na pinagugulpi ang lider nila. Nagkagulo
ang apat. Nagmurahan at nagsuntukan.

Pinabayaan na lang ni Prin at Cally ang apat. Kinuha ang pera ng mga ito saka
umalis ng lugar.

NANG makabalik sa hotel si Cally at Prin, wala pa doon si Cassandra at Lorenz.

Pero natagpuan nila sa Lobby ang bagong dating na si Doc Mikko at Christen.
Dumating din si Donna na inimbitahan ni Prin para sa kaarawan ng anak niya ngunit
umuna na sa suite na nakalaan dito.

Ayaw nito ng una pero pinilit niya para iselebra ang birthday ni Khalid at Angel.

Plano ng dalawang doktor na pilitin si Cally na tanggalin na ang capsule bomb sa


ulo ni Prin. At dahil naroon sila sa Paris kung saan nag-aral ang dalawa, mas
malaki ang tyansa nila dahil katulong ng mga ito ang iba pang magagaling na doktor
sa eskwelahan.

"Cally, since you are all here, we decided to follow you," simula ni Christen sa
kuya niya bago humalik sa pisngi nito.

"Sigurado ka na hindi ka narito para makipagdate?" tanong ni Cally.

Namula ang mukha nito. "Shut up!"

"Nauna pang magkaroon ng boyfriend sa iyo si Crayola," tudyo nito.

Kumunot ang noo ni Doc Mikko "Ehh, Sino ang nagsabi? We are dating for four years.
During that time, dalagita pa ang bunso niyo."

Nagkatinginan si Cally at Prin. Hindi nila iyon alam at mukhang walang nakahalata
na nagde-date ang dalawang doktor.

"You mean, tuluyan ko nang magiging brother-in-law si Kai Jang?" Napalingon sila sa
bagong paparating na si Mat-mat.

"Oh! Pati ikaw nandito?" gulat na tanong ni Prin sa binata.

"Hindi masaya ang party kung wala ako," sagot nito habang hila ang bagahe papalapit
sa kanila.

Umikot ang mata ni Prin "Mabuti pa, magpapa-reserve ako ng kuwarto sa restaurant.
See you all in an hour para mas malinaw. Husbie, sabihan mo na lang si Lorenz"

…..

SA HOTEL suite ni Donna.

Inimbitahan siya ni Prin na magpunta sa Paris kahit ayaw niya nu'ng una.

Ayaw niya na kasing balikan pa ang nakaraan -- ang kanyang first night na hindi
niya akalain na si Mat-mat din pala.

Napangiti siya ng mapait habang pinagmamasdan ang nagliliwanag na Eiffel Tower.

Masyado siyang nasaktan na parang napaglaruan siya ng binata. Masyado rin na naging
sarado ang isip niya para pakinggan ang paliwanag nito hanggang sa magsawa na lang
si Mat-mat na magpaliwanag pa sa kanya at bumalik ito sa Amerika.

Pakiramdam ni Donna, niligawan lang siya ni Mat-mat dahil nakuha nito ang virginity
niya noon. He always listen to her tuwing iku-kwento niya ang pangit na nakaraan
niya na iyon na parang balewala lang dito, iyon pala… ito ang lalaki sa kwento.

Natatawa ba ito sa kanya dahil para siyang tanga na kwento ng kwento sa nakaraan?
Samantalang, ito lang din ang lalaki sa kwento niya?

She remembers clearly the last day they seperated. She went to his home para kusang
ibigay ang sarili niya dito. She was ready and he has waited long enough for her.

She brought a six inches round red velvet cake and a red wine to celebrate their
love.

Matapos niyang mag-doorbell, binuksan nito ang pinto ng naka-towel lang. Katatapos
lang din kasi nito maligo.

"Hello, Donna, My love. Why are you here?" takang tanong nito dahil alas nuwebe na
ng gabi.

Napalunok si Donna dahil unang beses niya na makita ang katawan ni Mat-mat ng
nakahubo ang pang-itaas. Tumutulo pa ng bahagya ang basang buhok nito sa dibdib, sa
balikat at pababa.

Namumula ang mukha ni Donna na lumingon sa magkabilang side dahil baka may makakita
ditong kapitbahay. "Hey! Bakit ka nagbubukas ng pintuan ng naka-towel lang?"

"Nah! Kahit pagnasaan nila ang katawan ko, this body is exclusive for you."
nakangisi at tudyo na sagot nito.
Pinalo niya ito sa dibdib at agad niya ring binawi dahil nakahubo pa ang binata.

"Come in!" ang sabi nito saka tumalikod. Nakangiti pa si Donna hanggang sa unti-
unting mawala iyon. Lumitaw sa kanya ang tattoo ni Mat-mat na malinaw na malinaw sa
ala-ala niya dahil tumalikod ito sa gawi niya.

Nabagsak niya ang cake at ang redwine.

Nagsipagtalsikan ang bubog at alak sa binti ni Donna pero hindi niya iyon pinansin.
Nakakunot ang noo na napalingon sa kanya si Mat-mat.

"Are you… okay?"

Tulala na napatingin si Donna sa mukha ni Mat-mat at unti-unti ring lumilinaw ang


mukha ng lalaki sa nakaraan niya.

"You… It's you…"

Nakakunot ang noo na lumapit sa kanya si Mat-mat. "What's wrong?"

Napaatras si Donna. "Matty, are you happy na paglaruan ang damdamin ko?" napakuyom
siya ng palad saka napaluha.

"It's you… May 3, six years ago. Romantik Grand Hotel."

"My Love… What are you talking about?" tanong ni Mat-mat.

"Don't call me 'My Love!', I trusted you Mat!" singhal ni Donna sa binata saka
tumakbo paalis kahit pa may mga tibo ang binti niya mula sa nabasag na bote ng
wine.

Humugot ng hangin si Donna matapos makabalik sa kasalukuyan. Pinunasan niya ang


luha na tumulo sa mga mata niya.

Kailangan niyang harapin ang nakaraan para tuluyan na makapag move-on.

…..

PAGKALIPAS ng isang oras, katulad ng usapan ay nagkita-kita sila sa restaurant na


pinareserba ni Prin sa hotel.

Magkasabay sila na bumaba ni Cally na bitbit ang anak niya.

Naroon na si Cassandra at Lorenz na magkahawak-kamay at matiyagang naghihintay sa


kanila.

Tumayo si Cassandra para yakapin ang kaibigan. Napaluha si Prin dahil naka-alala na
ang kaibigan niya at masaya siya doon.

"I miss you my friend, I'm really sorry…" sabi nito habang mahigpit ang yakap nila
sa isa’t isa.

"Kailan pa nakabalik ang alaala mo?" usisa niya dito.

"Nang nakaraang buwan lang." Ngumiti ito ng mapait. Tumango-tango si Prin at inikot
ang paningin sa buong kuwarto.
"I'm happy,” sabi niya dito. Mahaba-haba ang pag-uusapan nila ng kaibigan kasabay
ng dalawang doctor na nasa loob ng kuwarto.

Naroon na sa kuwarto si Christen at si Doc Mikko pati na rin si Donna na tahimik na


umiinom ng red wine sa isang tabi.

Isang buong bilog na table 'yun na nasa loob ng kuwarto na sampuan. Lumapit siya
kay Donna para kumustahin naman ito. Hindi niya alam kung gaano nito kaayaw o
kagusto na makita si Mat-mat. Pero hindi niya kasi alam na pupunta ang binata at
ang dalawang doktor para pilitin ang asawa niya.

"Donna…" Tinabihan niya ito. Lumingon ang dalaga saka ngumiti ng simple.

Hindi alam ni Prin kung paano sisimulan na sabihin na naroon din sa lugar na iyon
ang ex-boyfriend nito.

"Ahh eh…" napakamot siya sa ulo.

"Are you going to tell me that Matthew is here?" sabi nito.

Kagat-labi na tumango si Prin. "Yes. I don't know--"

"Hello guys!" masayang bati ni Mat-mat na bagong pasok. Kasunod nito ang mag-
asawang Kai at Bella.

Sabay silang napalingon sa pintuan. Napansin ni Prin na biglang natahimik din ang
binata matapos magtagpo ng mata nito at ni Donna.

"I'm really sorry, Donna." Paghingi niya muli ng paumanhin kahit pa hindi niya alam
kung ano ang talagang history ng dalawa.

Tumayo na siya para tabihan si Cally. Magkakatabi ang magkakapareha na si Cally at


Prin, Kai at Bella, Lorenz at Cassandra, Christen at Doc Mikko kaya walang nagawa
si Donna na itabi Kay Mat-mat dahil nasa isang bilog na mesa lang silang lahat.

Dahil kumpleto na ng lahat, sinimulan ni Christen magpaliwanag.

"Narito kami ni Doc Mikko hindi lang para makiisa sa birthday ng pamangkin ko na si
Khalid at Angel, kundi para pilitin na rin si Cally na isagawa ang operasyon kay
Prin."

"... ngayon na narito na si Sandra, gusto ko sanang hilingin kung pwede ka namin na
ma-test for x-ray and for other laboratories," sabi nito kay Cassandra.

"I'm willing." diretsong sagot ni Cassandra.

Wala namang mawawala sa kanya kung dadaan siya ng test. Hindi niya masisisi ang
lahat kung mag-alala ang mga ito kay Prin, lalo na at ilang taon na nawala ang
kaibigan niya sa pamilya nito.

Isa pa, malaki ang pasasalamat niya sa lahat dahil ligtas na siya sa bomba.

"that's good and thank you," nakangiting sabi ni Christen.

Pinaliwanag ni Doc Mikko at Christen ang mga gagawin katulong si Mat-mat sa


imbensyon ng mga ito na related sa medisina.

Tumahimik ang lahat na parang may dumaan na anghel sa kuwarto matapos ang paliwanag
ni Christen. Naserve na rin ang pagkain sa table kaya sinimulan na ng lahat ang
mag-dinner.

Guilty si Prin habang tinitignan si Donna at Mat-mat sa kabilang bahagi. Hindi niya
kasi alam na pupunta ang iba para sundan sila doon.

Hinawakan ng asawa niya ang kamay niya at pinisil iyon. It's as if he is telling
her everything is okay kaya tumango siya dito.

Walang makagawa ng pagbibiro sa harapan ng pagkain para kay Mat-mat at Donna dahil
kilala ng lahat ang dalaga bilang seryosong tao at hindi ito magdadalawang isip na
magwalk-out doon.

"By the way, Magpapakasal kami ni Sandra dito kaya maiiwan kami.” pagbibigay-alam
ni Lorenz.

Nagsipaglingunan ang lahat sa dalawa.

"Wow! Congrats!" nagpalakpakan ang lahat.

"Hindi ka naman nagmamadali niyan, Shogun?" tanong ni Prin. Parang nagkita lang
muli ang dalawa nang araw na iyon at gusto na nito na magpakasal kaya nabigla
talaga siya.

Ngumiti lang ito ng simple kaya wala silang nagawa kundi i-congrats ang dalawa.

Ilang saglit pa, nagsimulang magkwentuhan si Prin at Bella tungkol sa mga traits ng
anak nila. Ganoon din naman ang iba pa sa ibang topic.

Mabilis na inubos ni Donna ang pagkain niya kaya nagpaalam na siya na uuna na sa
lahat para magpahinga sa kuwarto niya.

"Uuna na ko sa inyong lahat," sabi lang saka mabilis na tumayo at hindi na


naghintay pa ng sagot mula sa kanila.

Halos hindi siya makahinga at hindi makakilos sa tabi ni Mat-mat na parang


nakikiramdam sa kanya kaya siya nagpaalam. Parang naninikip ang dibdib niya kaya
umalis na lang siya sa hapag.

Mabilis ang mga hakbang na lumabas siya ng reserved room na iyon saka nilakad ang
papuntang elevator.

Habang nag-aabang sa tapat ng elevator, naramdaman na lang niya na tumabi sa kanya


si Mat-mat.

NAG-AABANG si Donna sa elevator nang tabihan siya ni Mat-mat. Hindi na lang niya
pinansin ang binata dahil baka aakyat rin ito sa kuwarto nito. Humakbang lang siya
pagilid para makalayo dito ng ilang dipa.

Nang bumukas ang elevator, naunang tumuloy si Donna sa loob saka pumuwesto sa
pinaka-gilid sa kanan, malapit sa pindutan. Pinindot niya ang numero ng 4th floor
kung saan siya bababa.

Pumasok din ang binata at sumiksik sa kanya. Tiningnan niya ito ng masama.
"Pipindot lang…" katwiran nito sa kanya.

Tinaasan niya ito ng kilay.

"Meron d'on sa gilid," turo niya sa left side ng elevator. Saka ito inirapan.

'Pindutin ko ilong mo e,’ isip-isip niya.

Hindi na lang niya ito pinansin saka umatras ng bahagya para bigyan ito ng space.
Napansin niya na wala namang pinindot ang binata pero hindi na lang niya ito
pinansin. Mukha namang iniinis lang siya nito.

Kinuha na lang niya ang cellphone para hindi siya ma-OP, saka tinapat iyon sa tenga
niya para kunwari ay may tatawagan. Kaysa bwisitin siya ni Mat-mat.

"Hey, see you later… Sure… Yes, I'm here…" mga saad niya dahil nate-tense siya sa
loob ng elevator lalo at dadalawa lang sila ni Mat-mat na sakay nito.

Nakita niya sa itaas na bahagi ng elevator na naroon na siya sa palapag kung saan
siya bababa. Humakbang siya palabas nang bumukas iyon. Sumunod ang binata na
lumabas din sa elevator.

Nabigla na lang siya nang mag-ring ang telepono habang nasa tenga niya pa. Naihagis
niya tuloy ng wala sa oras ang telepono na hawak dahil sa bigla. Pulang-pula ang
mukha niya dahil sa kahihiyan. Nahalata tuloy ng binata na wala naman talaga siyang
kausap sa kabilang linya.

Dinampot ni Mat-mat ang cellphone niya na bumagsak sa harapan nito saka inabot sa
kanya. Ngumisi si Mat-mat nang makita na tumatawag ang magulang niya.

"Thanks!" sabi ni Donna pero bago niya mahawakan ang telepono, binawi iyon ni Mat-
mat pataas.

"Kiss muna," sabi nito.

Tiningnan niya ito ng masama. Tinapat niya lang ang kamay sa harap nito. Patuloy
lang na nagri-ring ang cellphone niya.

"Akin na.” seryosong sabi niya.

"No. Kiss muna."

"Matty, hindi ako nakikipagbiruan,” naiinis na sabi niya dito.

"Masungit ka pa rin tulad ng dati."

Tinaasan niya ito ng kilay. "Give my phone back!" pilit niya. Wala siyang panahon
na makipagplastikan o makipagkwentuhan dito.

Nagulat na lang siya nang sagutin nito ang cellphone niya. "Hello Daddy," masiglang
bati pa nito.

Parang gusto niyang sumuka ng dugo nang marinig ang pagbati nito.

"This is Matthew, kasama ko po si Donna dear dito sa Paris."

"Matthew, Give my phone back!" tumalon siya para abutin ang telepono niya pero
hinapit siya nito.
Kumabog ang dibdib ni Donna pero nakabawi siya agad kaya tinuhod niya ito sa
maselang bahagi ng katawan. Nakalimutan ba nito na nagtraining siya noon bilang
Dark Guard? at hindi siya mahinang babae kahit pa hanggang balikat lang ang taas
niya sa binata.

"Ouch!" hiyaw nito.

"Butinga sa’yo! Sinabi ko nang hindi ako nakikipagbiruan!"

"Daddy, sinasaktan ako ng anak niyo," reklamo nito habang namimilipit sa sakit at
hawak ang cellphone niya sa kabilang kamay na nananatiling nakadikit sa tenga nito.

Dahil napayuko ito, hinablot niya ang cellphone niya at patuloy na naglakad patungo
sa suite niya habang kausap ang Daddy niya sa kabilang linya.

"Hello Dad," sagot niya.

"Hello honey, nagkabalikan na kayo ni Matthew?" masiglang tanong nito sa kabilang


linya.

"No Dad. Kung ano man po ang sinabi niya sa iyo, huwag mong pansinin, nasisiraan
lang iyon ng ulo. Narito ako sa Paris dahil inimbitahan ako ni Prin at Cally," sabi
niya dito.

"Huh? Bakit naman? Anak, bumalik ka na sa kanya. Kawawa naman kayo ni Matthew."
Halatang nalungkot ito sa kabilang linya.

"Dad…" hinilot niya ang noo niya. Sa kanilang dalawa ni Matthew, siya ang kawawa at
hindi ang binata. Nagtataka lang siya kung bakit botong-boto dito ang mga magulang
niya.

Inagaw ng Mommy niya ang telepono.

"I know you still love him!" sabi nito sa kabilang linya. Natahimik si Donna. Hindi
na importante kung mahal niya pa ito, ang mahalaga kung may tiwala pa ba siya dito.

Napabuntong-hininga na lang siya. Nakarating na siya sa tapat ng kuwarto niya kaya


tinapat niya ang card key sa sensor.

"Mom, magpapahinga na ako. Ingat kayo ni Daddy," sabi niya dito.

"Honey..." tawag nito sa kanya.

"...I just hope na kausapin mo si Matthew , hingin mo kung ano man ang paliwanag
niya. Nalulungkot ako para sa inyong dalawa... Nakausap ko siya anim na buwan ang
nakaraan at humingi siya ng tawad samin ng Daddy mo bago siya magpunta sa Amerika.
Walang kasalanan si Matthew kaya ako na ang nakikiusap sa iyo, sana makinig ka
habang nandyan ka sa Paris at kasama siya."

Hindi niya alam ang isasagot sa magulang kaya tuluyan na siyang nagpaalam sa mga
ito.

Nagulat na lang siya nang bigla siyang bitbitin ni Mat-mat sa balikat nito.

"Hey! Matthew put me down!" singhal niya sa binata. Sinuntok niya ito sa likuran.
Hindi siya nito pinansin at patuloy lang na naglakad patungo sa kung saan.

…..
PINAGMAMASDAN ni Mat-mat si Donna hanggang sa huminto ang babae sa tapat ng suite
nito.

Hindi niya alam kung ano ang sinabi ng magulang nito dito pero may ideya siya na
tungkol iyon sa relasyon nila ng babae dahil kita niya ang hinanakit sa mukha ni
Donna nang tumigil ito sa tapat ng pintuan.

Kaya naman nagdesisyon na siya na tapusin na ang kung anumang pangit na impresyon
nito sa kanya. Hindi naman siya nagmamalinis pero wala rin naman siyang alam sa
nangyari dahil pilit niya iyon na kinalimutan.

Aminado si Mat-mat na marami siyang kalokohan na nagawa noon. Pero simula nang
mangyari ang gabi na 'yon, ang araw na binanggit ni Donna nang makipaghiwalay ito
sa kanya ay medyo nagtino siya.

May sinalihan siyang assembly sa Paris anim na taon ang nakaraan at may ginawang
masama sa kanya ang mahigpit niyang kalaban sa computer program. Si Coffee, Isang
babae na hawak ng isang sindikato sa lugar.

She drugged him para ibenta sa publiko ang masama niyang gawain at para matalo na
rin nito sa bidding competition. Akala niya noon ay ang babae ang nakasiping niya
ng araw na binanggit ni Donna sa kanya. Isa pa, malabo na ang mata niya ng mga
panahon na iyon kaya wala siyang masyadong maaninag.

He reviewed the Hotel videos, May 3rd, Grand Romantik Hotel Paris nang maghiwalay
sila ng babae at doon niya lang napagtanto na siya ang lalaki sa kwento nito. Gusto
niyang magpasalamat and at the same time ay mag-sorry pero masyado niya na itong
nasaktan at wala siyang magawa para maibalik ang tiwala nito sa kanya.

Umiwas sa kanya ang dalaga at halatang kinasusuklaman siya nito, at hindi niya ito
masisisi. Totoo at tapat ang pag-ibig niya sa babae at masyado siyang naging
kampante.

Kaya bago pa magbago ang isip niya at makatakas na naman sa kanya si Donna, binuhat
niya na ito para ipasok sa loob ng kuwarto niya na nasa parehas na floor ng hotel.

"Matthew!!!" sigaw ni Donna. Alam niya na kapag buo na ang pangalan na tinatawag
nito sa kanya, ibig sabihin ay galit na talaga ito sa kanya. Pinagsusuntok siya
nito sa likuran.

Dinala niya si Donna hanggang sa suite na nireserba niya. Binuksan niya ang
pintuan, dumeretso sa kuwarto at hinagis sa kama ang dalaga.

"You will listen to me now!" sabi ng binata.

"No! I don't! I dont want to talk to you." Tumayo si Donna mula sa kama para umalis
ng kuwarto na 'yon ngunit humarang na si Mat-mat sa pintuan.

"You will listen to me, woman! Kung hindi, hahawakan ko ang boobs mo.”

Nagkuyom ang palad ni Donna at gusto niyang suntukin ang ex niya "Kahit kailan,
bastos ka pa din! I want to get out of here! Move!"

Hindi siya pinansin ni Mat-mat. Sa halip, humarang ito sa pintuan at humalukipkip.


Naiinis na tinungo ni Donna ang Terrace at sinilip kung maaari siyang makaalis
doon. Ngunit masyadong malayo ang terrace ng kabilang kuwarto. Hindi naman siya
tanga para tumalon sa napakataas na terrace patungo sa kabilang terrace. Sinilip
niya ang ibaba at napansin niya na nasa tapat ng kuwarto nito ang swimming pool.
Pero hindi din naman siya nababaliw para tumalon sa pool mula sa ika-apat na
palapag. Wala siyang choice kundi harapin ang binata na nanatili sa pintuan.

Ngumisi si Mat-mat nang mapansin nito na pabalik siya ng kuwarto.

"Alis!" singhal niya dito.

"No way, My dear. I have waited for months and it's long enough. You will listen to
my explanation now."

"I don't care about your explanation. Move!"

Lumapit sa kanya ang binata kaya nagsimula siyang kabahan. Napalunok si Donna.

"Huwag ka nang pakipot Donna, My love," sabi nito habang humahakbang.

"Donna, your love, your face! Huwag kang lalapit!" binato niya ito ng unan. Sinalo
lang iyon ng binata saka binalik nang maayos sa kama.

Natagpuan niya ang laptop nito sa ibabaw ng bedside table kaya dinampot niya iyon
at mabilis na tinungo ang terasa.

"Sige ihahagis ko 'to dito!" pananakot niya. Alam niya kung gaano ka-importante ang
laptop nito dito. At hindi nga siya nagkamali dahil halatang nataranta ang binata
lalo na ng ilabas niya iyon sa 'safe zone.’.

"Donna, I'm warning you!" nakakuyom ang palad ni Mat-mat at natatakot ito sa
kahihinatnan ng laptop nito.

"Alis!" pilit ni Donna.

"I just needed to talk to you. Masama ba iyon?" hiling nito.

"At tulad ng sinabi ko, ayoko!"

Lumapit si Mat-mat para pigilin siya, ngunit huli na! Binitiwan niya na ng tuluyan
ang laptop nito at diretsong bumagsak iyon sa swimming pool na nasa ibaba.

"Noooo!" sigaw nito na nanlalaki ang mata. Agad itong sumilip sa terasa at pinanood
na lang ang laptop nito na unti-unting lumulubog sa tubig.

Natakot din naman si Donna matapos niyang mahulog ang laptop nito na kahit siya ay
nanlaki ang mga mata. Nabigla lang din talaga siya nang lumapit ito at plano niya
lang itong takutin.

Salubong ang kilay na hinarap siya ni Mat-mat. Halatang galit ito. Natakot siya
dito kaya tinakbo niya ang pintuan para tumakas.

"Donna! Don't you dare try to escape!"

MABILIS na nabuksan ni Donna ang pintuan ng kuwarto at dali-dali siyang lumabas sa


mismong suite ni Mat-mat.

Hindi alam ni Mat-mat kung kukunin ang laptop niya o susundan si Donna. Nanggigigil
at mabilis na nasundan niya ang dalaga sa harap ng suite nito. Nanlaki na lang ang
mata ni Donna dahil nang makapasok sa kuwarto niya ay nakasunod sa kanya si Mat-
mat. Isasara na lang sana niya ang pinto nang pigilan siya nito.

Nagtutulakan silang dalawa sa pintuan, siya ang nasa loob at si Mat-mat ang nasa
labas.

"Open the door, woman!" sigaw nito mula sa labas habang pilit na tinutulak ang
pinto. Ilang dipa lang ang siwang at tuluyan na iyon na masasarado. Medyo nag-
aalala si Mat-mat na ipuwersa ang pinto dahil baka tumilapon ang dalaga kahit pa
alam niyang malakas din naman si Donna.

"No! I won't!" sagot ni Donna. Ano siya nababaliw? Lalo at alam niyang galit si
Mat-mat sa kabilang bahagi ng pintuan.

"Donna! Bibilangan kita! ako na ang nagsasabi na kapag hindi mo kusang binuksan ang
pintuan, you're dead!" sabi nito.

"What's the difference?" tanong niya. Alam niyang patay pa rin naman siya lalo at
hinulog niya sa pool ang pinakamamahal nitong laptop.

"Get your laptop and go away! Ahhh--!" Sumalampak ang puwitan niya sa carpet dahil
pwersahan na binuksan ng binata ang pinto.

Tuluyan nang nakapasok si Mat-mat sa kuwarto saka nito sinara ang pintuan. Salubong
ang kilay ng binata na nakatingin sa kanya na nanlalaki ang mata.

Parang bata na mabilis na gumapang si Donna papasok ng bedroom para makatakas kay
Mat-mat. Hinawakan siya nito sa bewang para hulihin siya.

"Ahh!" tili niya. Sinipa niya ito sa tuhod kaya siya nito nabitawan saka siya
sumuot sa ilalim ng mesa.

"Shit!" he hissed. Nanggigigil na hinilot ni Mat-mat ang tuhod.

"You are so dead, Donna!"

Gumapang uli si Donna patungo sa pintuan ng kuwarto at doon siya nahuli ng binata.
Niyakap ni Mat-mat ang bewang niya para pigilin siya.

Napaupo ang binata sa carpet at hinila siya nito kaya napakandong siya sa
nakasalampak na binata. Mabilis siya nitong ikinulong sa loob ng dalawang braso
nito.

"Let go of me!" Nagkakawag siya ngunit masyado nang malakas si Mat-mat kaya kahit
anong tanggal niya sa braso nito na nakalingkis sa kanya ay hindi siya makaalis.

Parang nilipad naman ng hangin ang lahat ng galit ni Mat-mat nang mayakap niya ang
dating nobya. God knows how much he missed her. Namimiss niya ang amoy nito na
nanunuot sa ilong niya ng mga oras na iyon.

"Stop… Please… I miss you…" narinig niyang bulong ng binata.

Doon napatigil si Donna. Tila kumirot ang isang parte ng dibdib niya sa sinabi
nito. Hinihingal at napapagod na rin siya na kumawala pa sa bisig nito. Humigpit
lalo ang yakap ng binata sa bewang niya mula sa likuran.

"Hindi mo ba kukunin ang laptop mo? A-and I.. I want to be alone."


"Donna, I just wanted to talk to you… Can't you see that you are more important?
You never listen to me even once at ayoko nang maghintay ng ilang buwan muli to
tell you what really happened, to explain my side. Sayang ang oras at araw. This is
making me crazy! You are making me crazy!" pinatong nito ang ulo sa balikat niya.

Napabuntong hininga na lang si Donna dahil may katwiran din naman ang binata.

"...I have never toyed your feelings. We are not getting any younger, why would I
do that?"

"...I just wanted you to know that I am also a victim... During that time, a french
girl named Coffee drugged me. Sinira niya ang reputasyon ko sa industriya when she
released a video of me having sex… with you."

Nanlaki ang mata ni Donna. Napasinghap siya.

"What???! A-am I part of the porn sites now? Did someone watched it? Oh my god!"
Ngayon alam niya na kung bakit sinabihan siya ng ex niya na hindi siya malinis. Did
he watched it?

"All the videos are deleted bukod sa laptop ko na nahulog sa pool. They are gone,
kahit saang phone or computers pa… three days after that night, I deleted all the
evidence but it was too late. A day after that night, natapos ang bidding and I was
late."

"...I am really sorry because I was an asshole. I thought the girl that I had sex
framed me and thought it was Coffee..."

"...I chose to forget everything and never thought it would affect our
relationship. I'm really sorry, Donna."

Natahimik si Donna. She knew Coffee. Kinaibigan siya ng babae nang araw na iyon at
nakipag-kwentuhan pa sa kanya. Hindi niya akalain na isang patibong at palabas lang
pala ang lahat.

Mataas din ang tyansa na nilagyan din nito ng droga ang inumin niya.

"Mat, why did you leave me, then? Bakit ka nagpunta sa Amerika nang hindi
nagpaliwanag?" tanong niya sa binata.

"Dahil hindi mo rin naman ako binigyan ng pagkakataon na magpaliwanag. Saka sobrang
na-guilty ako." malungkot na paliwanag ni Mat-mat.

"Mat…"

"Hmm?"

"'Yung totoo? 'Yung kamay mo kanina pa nasa boobs ko!" saka niya tinapik ang kamay
nito.

"Oops… Sorry, I never thought na boobs 'yon." nakangisi na sagot nito.

Donna "..."

…..

HINAWAKAN ni Mat-mat ang pisngi ni Donna.

He missed her so much. Kahit ang hawakan lang ang pisngi nito ay namiss niya.
Dinikit niya ang noo sa noo nito habang nakatitig sa mga mata ng dalaga. It was one
of the things he misses the most, because he can see himself na parang nananalamin,
na para bang sinasabi ng mga matang iyon na wala itong nakikita kun'di ang sarili
niya.

"I'm sorry, My Love for hurting you. Please forgive me," bulong ni Mat-mat bago
niya hinila ang leeg ni Donna para halikan ito sa labi.

Napaluha si Donna habang sakop ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya maitatanggi na
namiss niya ng sobra ang binata. May kasalanan din siya sa nangyari.

Ang masama ay sinisi niya ang lahat ng iyon sa binata.

Nagpapasalamat siya na kahit pinaglayo sila ng ilang buwan at naging sarado ang
isip niya sa mga bagay-bagay, nananatili pa rin siya sa puso nito. No questions
asked.

Ganoon yata talaga kapag mahal niyo ang isa’t isa, para bang may tali pa rin na
nag-uugnay sa inyong dalawa kahit na ilang araw o taon pa ang lumipas.

Parang si Prin at Cally, ilang taon na naghiwalay ang dalawa pero nananatili ang
tiwala ng mga ito sa isa’t isa. When she came back, Cally never questioned Prin if
Prince Khalid is his. He knew deep inside his heart because he loves her and
trusted her so much.

Wala kahit isa na pumapagitna sa dalawang taong nagmamahalan because their heart
belongs to one person and no one else.

Ang pagkakaiba lang nila kay Prin at Cally, hindi siya nagtiwala kay Mat-mat.

Halos panggigilan ni Mat-mat ang labi niya. Hindi niya alam kung gaano katagal
nilang binawi ang ilang buwan na naghiwalay silang dalawa.

"My Love… kailan ako makaka-score sa 'yo?" tanong nito habang habol ang hininga.

Kinutusan niya ito dahil sa pagkainis kahit pa parang na-vaccuum ng lalaki ang
lahat ng paghinga niya.

"Matty, gusto mong maka-score ng maraming sapak? Malapit na ngang lumawlaw 'yung
boobs ko dahil pinangigigilan mo palagi."

Bigla nitong inangat ang kamay "Mukhang may kleptomaniac na ang kamay ko,"
paghuhugas-kamay nito.

"Tado! Maniac ka lang talaga hindi kleptomaniac, nagdadahilan ka pa!"

Tumawa ng malakas si Mat-mat.

"Oh my gosh! I'm so glad that you are really back!" natatawa na sabi nito saka siya
nito niyakap ng mahigpit.

"Namiss lang kita sobra.” Saka siya nito pinaulanan ng halik sa mukha.

Napakapit na lang si Donna sa leeg ni Mat-mat dahil bigla siya nitong binuhat para
dalhin sa loob ng kuwarto niya. Nilapag siya nito sa kama ng maayos at maingat na
hinubad ang itim niyang sandals isa-isa.

"Patabi ako. Mahaba-haba ang binyahe natin pareho. Saka, makabawi man lang ako sa
nasira kong laptop." Parehas silang galing sa mahabang byahe. Si Donna, mula pa sa
Maynila at si Mat-mat na galing pa sa Amerika.

"Paano nga pala 'yung laptop mo? Wala ka bang plano na kunin sa baba?" tanong ni
Donna sa binata.

"It can replace. What I need right now is someone to cuddle with. Pinayagan naman
ako ng magulang mo na tabihan ka kaya wala akong problema," sabi nito saka hinubad
ang sapatos at tumabi sa kanya.

Namula ang mukha ni Donna na tumalikod sa binata. Ang totoo, nahihiya siya dito.
Mahaba-haba rin ang panahon na sinayang niya sa pagitan nila ni Mat-mat.

Naramdaman na lang niya na yumakap sa kanya ang binata mula sa likuran at dinikit
nito ang ilong sa leeg niya.

"I miss you, my love..." bulong nito bago siya hinalikan sa pisngi.

May ngiti sa labi si Donna na hinila ng antok. Sa palagay niya, masyado rin talaga
siyang napagod sa pakikipaghabulan niya dito.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal na nakatulog. Nasilaw na lang siya sa
liwanag mula sa labas ng mahabang bintana.

Napasinghap na lang siya nang maramdaman na may kumagat sa dibdib. "Matthew! Ahh!"

Napasabunot na lang siya sa binata at napaliyad dahil sa ginawa nito.

Pinapapak nito ang dibdib niya.

"'Yung totoo? Naiinggit ka ba sa dibdib ko?" kinutusan niya si Mat-mat dahil sa


kalokohan nito. Hindi pa nga siya nagt-to-tooth brush at pinagsasamantalahan na
siya ng binata.

"Donna, My Love alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Maliliit na Gagamba.’ sa adult


world?" tanong ni Mat-mat sa kanya.

Kumunot ang noo ni Donna.

[Feibulous : SPG Content]

NAGISING si Donna na nakataas hanggang itaas ng dibdib ang blusa niya pati na rin
ang strapless bra niya para malaya si Mat-mat na ma-explore ang pareho niyang
dibdib.

"Donna My Love, alam mo ba ang ibig sabihin ng 'Maliliit na gagamba.’ sa adult


world?" tanong nito.

"Matty kung kamanyakan 'yang kwento mo, huwag mo nang ituloy!" nagagalit na sabi
niya dito. Naalala niya kasi kwento nito na adult version ng 'Ako ay may Lobo.’ at
talaga namang napagtripan siya nito.

Pumantay ang mukha nito sa kanya. Pero nakahawak ang parehas nitong palad sa
magkabilang dibdib niya.

"Of course not! Sinong nagsabi na kabastusan ang sasabihin ko? Ang totoo, kwento
nating dalawa iyon. Dumating ang panahon na inulan tayong dalawa. Pero may-araw pa
rin para sa atin. Kaya sa dulo, magiging masaya tayo," paliwanag ni Mat-mat.

Nakahinga ng maluwag si Donna. Napasinghap siya nang bumaba muli ang mukha ni Mat-
mat para dilaan at halikan ang matayog niyang burol.

"Ahh.." napakagat siya ng labi kasabay ng pagsabunot niya dito. Ilang saglit pa
bago nito inangat ang ulo.

Tila nililipad sa kalawakan ang katinuan ni Donna. Inangat muli ni Mat-mat ang
mukha nito.

"My Love, alam mo 'yung tula ng asong mataba?" He asked bago siya binigyan ng smack
sa labi.

Hindi na makasagot si Donna. Para bang nauhaw siya bigla sa ginawa nito.

"I want you to remember that poem. Because… you will soon meet your pet..."
hinalikan nito ang kamay niya.

Sumuot ang magkabilang kamay ni Mat-mat sa likuran niya para kalasin ang pagkaka-
lock ng bra niya saka tuluyan na tinanggal ang lahat ng pang-itaas niya.

Napangiti ang binata matapos niyang makita na wala ng pang-itaas si Donna. Tulad ng
inaasahan, mas maganda pa ang katawan ng nobya niya kaysa sa mga gumaganap na
aktres sa mga R18 videos o ng mga p0rn stars.

"My Love, look at me." Utos ni Mat-mat. Nakaluhod siya sa magkabilang gilid ni
Donna.

Sinunod naman ni Donna ang inutos nito. Tila nag-magnet ang mga paningin nila sa
isa’t isa. Hinawakan ni Mat-mat ang kamay niya para dalhin at ipadama ang alaga
nito.

Napalunok si Donna. Tanging makapal na pantalon lang ang pumapagitna sa kamay niya
at sa bagay na iyon. Hindi niya alam but she felt excited matapos na mahawakan
iyon.

"...You may recite the poem now.”

Namumula ang pisngi ni Donna. Ano nga ba ang kwento ng tulang iyon? Hindi kasi siya
makapag-isip ng maayos. Basta ang natatandaan niya lang ay may aso na makinis ang
mukha.

Hinubad ni Mat-mat ang t-shirt na suot nito tapos ay sinunod ang pantalon at brief.
Hindi tinanggal ni Donna ang kahit isang segundo na nakatingin siya sa binata dahil
parang nag-lock ang paningin nila sa isa’t isa.

Lumitaw sa mata niya ang 'asong mataba, buntot ay mahaba, makinis ang mukha.’.
bigla tuloy niyang na-memorize ang tula matapos niyang makita iyon. Lalong namula
ang pisngi ni Donna.

Tumabi sa kanya ang binata sa bakanteng space ng kama, saka siya hinila para
pumaibabaw sa binata.

Sinakop ni Mat-mat ang labi niya habang nakaikot sa bewang niya ang isang braso
nito.

"Ahhh!" Napahiyaw siya sa ginawa nito.


Naglandas kasi ang isang kamay nito para pumasok iyon sa loob ng underwear niya.
Nakasuot lang kasi siya ng palda na de-garter kaya malaya nito na magagawa ang
gugustuhin nito sa kanya. He played her thing mula sa likuran.

Napakislot siya habang nakatingin sa binata at parang nauuhaw na napanganga sa


ginawa nito.

Looking at her, Matthew felt satisfied. Sulit ang experience at paghihintay niya sa
dalaga sa loob ng ilang buwan. He then kissed her breast while doing something good
down there, as if he is exploring the seven wonders of the universe.

"Haa.. hah.." napahalinghing tuloy si Donna ng wala sa oras at napakapit ng


mahigpit sa balikat ni Mat-mat na nakahiga. Punyemas! Hindi niya akalain na aakto
siya ng ganoon.

Ganoon yata talaga kapag nagkabati matapos ang matagal niyong pagkakahiwalay,
nauuwi sa kama ang lahat to 'communicate all the unfinished issues'.

Parang naging hoolahoop na ang palda niya na nalukot at nakaikot ang lahat sa
bewang niya.

"Easy my dear." Saka siya nito hinalikan muli sa labi. Nilihis lang ni Mat-mat ang
suot na underwear ni Donna to enter.

"Ahhh!" Napapikit ng mariin si Donna saka napakapit sa binata.

"Welcome back, My love..." saka nito pinisil ang magkabilang puwitan niya.

Hindi alam ni Donna kung paano kikilos dahil siya ang nakaibabaw sa binata. Ngunit
nagulat na lang siya nang kusa itong kumilos. She just stayed at the right spot
where he can kissed both of her breast while thrusting.

Napapikit si Donna sa doble-dobleng sensasyon na binibigay sa kanya ng binata.


Parang ayaw niya nang tapusin ang mga sandali na iyon.

….

NAKAKUNOT ang noo ni Kai nang makita sa restaurant ng hotel si Donna at si Mat-mat
na magkahawak-kamay. Naroon sila ng pamilya niya para mag-tanghalian. Hawak niya pa
si Angel sa mga bisig habang pinadedede ng gatas.

He never thought that he would carry his little angel in a public place like that
and be a good family man. Kaya niya talagang gawin ang lahat for Bella.

His life was flawless among all of them. Sa kanilang apat, siya ang masasabi na
hindi ganoon kasalimuot ang history. Si Prin hanggang ngayon ay hindi pa ligtas sa
capsule bomb. Si Shogun at Mat-mat, ay ngayon lang nakabawi sa mga mahal nito.

Bukod sa hindi pa rin natatanggap ng Mommy niya si Bella at si Angel dahil babae
ang naging panganay niya, masasabi na ayos ang lahat ng nangyayari sa kanya.

Sa chinese culture kasi, importante sa pamilya ang kalalakihan dahil sila ang
magmamana ng kung ano man na nagawa ng ninuno nila. Lalo at nalihis sila ng landas
ng kuya niya sa business world. Ang kuya niya ay nag-doktor, siya bilang Dark Guard
Leader.

But he doesn't care at all. He loves his family so much. He can do anything for his
Bella and Angel. Having two Angels in his home was so nice. Iba sa pakiramdam ang
saya. Dati, katana o armas ang hawak-hawak niya araw-araw. Samantalang ngayon,
isang little angel ang maingat na pinupunasan niya ng pisngi tuwing iinom ng gatas
o kaya naman pupunasan ang puwit tuwing pupupu ito.

Binalik niya ang tingin sa dalawang 'dating magkasintahan' na sa tingin niya ay


nagkabalikan na.

Parehas na nakasuot ng casual attire ang dalawa at mukhang may planong mamasyal o
mag-date. Parehas naka-maong, simpleng blusa at polo shirt saka parehas na naka
snickers ng puti na akala mo ay naka-couple shoes.

"Whew! Ang bilis mo tsong! kagabi lang galit-galit kayo, ngayon holding hands while
walking na? Mukhang may naganap na hindi namin alam ah.” tudyo ni Kai kahit pa
seryoso ang mukha niya.

Namula naman ang pisngi ni Donna at napayuko.

"Donna, you're blooming!" puna ni Bella na bagong balik sa table dahil kumuha ng
pagkain sa buffet.

Lalong namula ang pisngi ni Donna. Siguro dahil masarap ang tulog niya ng nagdaang
gabi.

Saka hindi rin niya alam kung gaano katotoo ang kasabihan na kapag nadiligan ang
bulaklak, mas blooming.

Sinilip na lang muna niya ang anak ng dalawa para makaiwas sa panunudyo ng mga ito.

"Oh! She.’s so cute… Bella, you look like her," puna ni Donna kay Angel na anak ng
dalawa. Tahimik lang ito na umiinom ng gatas mula sa bote, panay ang galaw ng bibig
nito at lalamunan at nakatitig sa kanya.

Napangiti si Bella. Her Angel looks like a real Angel. Maputi, chubby cheeks na
mamula-mula, round eyes, kissable lips at may curly black hair.

"Kaya nga suko ang bataan ng Black Guards dahil sa batang iyan. Imagine Kai Jang
tuwing uuwi ng bahay at may sasalubong na cute na Mommy at Angel sa kanya. Double
whammy sa cuteness kaya nililipad ang lahat ng init ng ulo niya tuwing uuwi sa
bahay..."

"...Kulang na lang, ayain ng buong Dark Guard si Bella at Angel sa Camp para walang
problema ang mga trainees."

Napapangiti lang si Bella. Si Kai ay walang pakialam sa tudyo ni Mat-mat. Sanay na


sila sa isa’t isa.

"By the way, where is Shogun?" tanong ni Mat-mat. Sumeryoso naman si Kai.

"Umalis silang lahat, hindi mo ba nabasa 'yung email ni Shi kagabi? Ngayong araw
nila i-te-test si Sandra sa ospital. Kailangan i-check kung ayos lang 'yung skull
at ang lahat ng head organs ni Sandra matapos ang operasyon na ginawa sa kanya
noon." Paliwanag ni Kai.

Tumango si Mat-mat. "Hindi ko na nabasa. Nahulog kasi sa pool 'yung laptop ko. I
don't have a phone here."

"Huh?! Himala! At ayos lang sa 'yo na nahulog ang laptop mo sa pool?!" Hindi
makapaniwala si Kai. Alam kasi nila kung gaano ka-importante ang laptop ng binata
dito.
Nilingon ni Mat-mat si Donna na napayuko sa tabi.

"Mayroon naman akong Donna My Love, kaya ayos lang." Ngumiti ito ng abot-tenga.

Nakakaintindi naman si Kai sa ibig nitong sabihin kaya napailing na lang din ito.

Totoo nga na ang Paris ang tinaguriang City of Love. Si Lorenz ay natagpuan si
Cassandra. Itong si Pervert Mat ay hindi nila inaasahan na patatawarin ni Donna
nang gan'un kabilis.

"Alis na kami, bibili ako ng bagong laptop. Sigurado naman na hindi pa ko kailangan
ni Christen." Tumingin sa relo si Mat-mat.

"Balik kayo mamaya nang 'maaga.’ ha. Mag-ce-celebrate pa tayo ng birthday."

"Ngayon na ba 'yon?"

"Yes," nakangiti na sagot ni Bella.

SABAY-SABAY na nagpunta sa ospital ang anim kasama si Khalid kung saan nag-aral si
Christen at Doc Mikko. Magkakasama si Cassandra, Lorenz, Prin, Cally at ang
dalawang doktor.

Sinabihan na sila ni Christen na hindi pa naman sila kailangan, pero gusto ni Cally
na makita ang procedure. Gusto nito na makasiguro na walang magiging problema.

Pagdating pa lang sa ospital, pinakilala sila sa isang doktor na magsasagawa ng


pagsusuri kay Cassandra. Dating guro ni Doc Mikko at Christen ang amerikanong
doktor na professor doon sa ospital.

Pinapasok si Cassandra sa loob in laboratory room. Hindi sila pwede sa loob lalo at
kasama nila si Khalid. Nagpaalam si Lorenz na sasaglit sa isang coffee shop. Alam
nila na stress na rin ito sa mangyayari. Kahit pa wala na ang capsule bomb kay
Cassandra, iba pa rin kapag napatunayan na nila na tuluyan nang ligtas ang kaibigan
niya.

Goal ni Prin na makaganti kay Captain Yeo kahit saang bahagi pa naroon ang Maria
Celeste 1, kaya atat na siya na matanggal ang maliit na bomba.

"Husbie, kailan magaganap ang labanan ng Shogun?" tanong ni Prin habang nakatingin
sa papalayong si Lorenz. Na-postponed kasi ang labanan ng mga Shogun na dapat ay
naganap ng nakaraang taon. Pumayag ang lahat ng lider ng Dark Guards pati ang Daddy
niya na si Rob dahil sa naganap sa kanila nang nakaraang taon.

Naghihintay sila sa labas ng pasilyo ng laboratory room. Kalong-kalong niya si


Khalid na tahimik na nakaupo sa ibabaw ng hita niya.

Naglalaro lang ng pulang elastic band si Khalid. Iniikot-ikot at hinihila lang nito
iyon at kuntento na ito sa ganoon. Natutuwa siya na hindi ito masyadong
nangungulit. Minsan parang si Cally rin na nakasalubong ang kilay kapag
nagmamaktol.

"Baka sa susunod na buwan maganap," sagot ni Cally sa tanong niya.


"Cally?" Napalingon silang dalawa ng asawa niya sa tumawag dito. Dalawang tao ang
nakita ni Prin na papalapit sa kanila.

Namumukhaan niya ang babae, ang creator ng Legendy Witch na si Bea Magpayo at
kaibigan ng asawa niya. Nakilala niya rin ang babae sa Spain noon.

May kasama itong lalaki na matangkad din at gwapo, na nakaakbay dito na sa tingin
niya ay si Makisig, ang asawa nito. Naririnig niya lang ang pangalan ng dalawa
dahil kinasal ang mga ito sa tahanan nila sa Matsui Villa sa Japan, dalawang taon
ang nakaraan.

Tumayo silang dalawa ni Cally. Nginitian niya si Bea.

"Hi!"

"Is that your baby Khalid?" puna nito. Tumango lang si Prin.

"By the way, what are you guys doing here?" tanong ni Bea. Seryoso naman na
nakatingin sa kanila ang lalaki na kasama nito. Siniko ni Bea ang lalaki at nasapo
nito ang tiyan.

"Ouch! Miss Beauty!" Hiyaw nito.

Nakakunot ang noo ni Cally sa dalawang bagong dating. "What a small world, sa dami
ng lugar, dito sa Paris pa tayo magkikita-kita?"

"My Mom is here." simpleng sagot ni Makisig.

Biglang sumeryoso si Cally at naging interesado. Napatuwid ito ng tayo "Your Mom?
Where is she?"

"May kinausap na doktor. Dinala namin ang anak namin dito na si Kyros. Kababalik
lang nila. Buhay ang parehas na anak ko Cally," halos maluha-luha na kwento ni Bea.

Lalong naging interesado ang asawa niya sa kwento ni Bea.

"My son. We thought he died 6 years ago. But no, My Mom did everything she could do
to return Kyros. That's why we are here para ipa-tsek si Kyros. Dependent pa kasi
ang anak namin sa mga gamot dahil iyon ang bumuhay sa kanya sa loob ng mahabang
panahon." Paliwanag ni Maki.

"I need to talk to your Mom!" biglang sabi ni Cally. Ang alam nila ay namatay na si
Madam Winona, the Queen of Medicine. The doctor who killed Virus123.

Nabuhayan ng loob si Cally nang malaman na naroon din ang ginang sa lugar, buhay at
nagpapatuloy sa medisina.

Nagkatinginan ang dalawa. Kahit si Prin ay naguluhan sa inaakto ni Cally. Nagtataka


siya kung bakit gusto nito na makita ang Mommy ni Makisig. Hinarap siya ng asawa at
hinawakan ang magkabila niyang kamay kahit pa bitbit niya si Khalid.

"Honey, I believe she is the only one who can help us."

Nakakunot naman ang noo ng mag-asawa. "May problema din kayo?"

"Someone created a capsule bomb, and this guy injected a piece in Prin's head.
Maki, if your Mom saved your child for six years using her skills, I think she can
help us to get the bomb nang hindi dadaan sa opera ang asawa ko."
Ilang saglit lang, nagbukas ang pintuan ng laboratory room kung saan pinasok si
Cassandra.

Lumabas si Christen. "Maki?"

"Hi Christen!" Nakangiti ng matamis at kumaway si Maki sa babae.

Umirap lang ang babae saka tumalikod sa kanila pagawi sa kabilang bahagi ng
pasilyo.

Maki and Bea "..."

Naguluhan si Prin at Bea. "Husbie, may issue ba 'yung kapatid mo kay Maki?" Bulong
niya kay Cally.

"Yes… he is her first love but unfortunately he has been engaged with Bea since
they were teens."

Prin "..."

….

SUMAMA si Prin at Cally kay Bea at Makisig para kitain si Madam Winona. Tuloy pa
ang pagsusuri ng grupo ni Doc Mikko kay Cassandra, kasama nito si Lorenz.

Nagpaalam naman sila kay Christen at pumayag ito sa desisyon nila. Mas mapapabilis
ang pagligtas kay Prin kung magtutulong-tulong silang lahat at kung tutulong sa
kanila ang Queen of Medicine.

May pinasukan silang isang opisina na ayon kay Maki ay opisina ng Mommy nito.
Malaki at elegante ang buong kuwarto. Kulay pink ang pintura, kaiba sa mga
ordinaryong opisina na makikita sa isang ospital. May malapad na office table sa
gitna na may nakapatong na computer. At may dalawang malambot na sofa. May mga
paintings din na nakasabit sa gilid na gawa ni Ms Shey, malayong kamag-anak ni
Cally at kaibigan ng magulang nila. May white board din sa isang parte ng pader.

Natagpuan nila sa kuwarto na iyon si Tristan, isa sa kambal na anak ni Bea at Maki,
kasama ang Yaya nito na naglalaro gamit ang isang mahabang cellphone. Nang pumasok
sila sa kuwarto na iyon ay titig na titig ang bata kay Prin na nagpa-conscious sa
kanya.

Saglit na nagpaalam si Makisig para sunduin ang Mommy nito. "Hintayin niyo na muna
ako dito. Mag-uutos ako ng bibili ng meryenda natin."

Tumango lang si Cally sa lalaki.

Parehas na kinakabahan si Prin at Cally dahil hindi nila alam kung ano ang maaaring
sabihin ng Madam sa sitwasyon niya.

Matiyaga silang naghihintay ni Cally sa isang couch. Si Khalid ay panay ang ikot ng
mata na para bang sinusuri nito ang buong kuwarto.

"I'm so glad to meet you Prin," nakangiti na sabi ni Bea na nasa tabi.

"...I'm sure Mom will help you," dagdag nito.

"Sana nga," Tipid na sagot niya.


"When I met you in Spain I never thought you are Cally's wife. I'm sorry," paghingi
nito ng paumanhin. Nalulungkot talaga si Bea lalo na ng malaman niya noon kung
bakit siya pinadadalhan ng bulaklak ng kaibigan na si Cally.

"No problem. Maybe hindi pa talaga iyon ang panahon para magkita kami. Ang totoo
kahit magkita kami nang mga panahon na iyon, hindi rin naman makakatulong sa amin
because of the bomb." paliwanag ni Prin.

Ngumiti si Bea. Lumapit sa kanila si Tristan.

"Hello, are you the living Twilight Mary? pwede ba ko magpa-authograph?" Tanong
nito.

Nakakunot ang noo ni Prin. Tumawa ng malakas si Bea saka pinisil ang pisngi ng anak
niya. "Honey, she.’s not Twilight Mary.”

Napangiti si Prin. Titig na titig naman si Khalid kay Tristan.

"Sure."

Piniktyuran siya ni Tristan tapos may kinalikot ito sa cellphone at pinapirma sa


kanya iyon.

"Thank you Miss Prin." Saka ito bumalik sa pwesto kung saan nila ito nakita.

Napapailing na lang si Bea.

Ilang saglit lang, bumalik si Makisig na kasunod ang isang may edad na babae na sa
tingin niya ay ang Mommy nito na si Madam Winona.

"Prince.” nakangiti na bati nito kay Cally.

Sabay silang napatayo para magbigay-galang sa may edad na babae. "Madam Win."

"May kailangan daw kayo sa akin?" tanong nito. Umupo ang may-edad na babae sa couch
na nasa tapat. Pinaliwanag ni Cally ang mga nangyari at kung bakit nila ito
kailangan. Mula sa maliit na bomba, kung ano ang naging epekto kay Cassandra nang
operahan nila ito at lahat ng pwede nilang ipaintindi sa ginang.

Seryoso itong nakinig sa lahat.

"If I'm not mistaken, the creator of that bomb is a Japanese girl named Mayu, a
terrorist."

Nagkatinginan sila ni Cally tapos ay seryosong nag-isip si Prin. Narinig niya na


ang pangalan na iyon at inisip niyang mabuti kung saan nga ba niya 'yon nadinig.
'Mayu...'

"The Japanese Government is still looking for her because she created a bigger bomb
recently. Kasinglaki ng powerbank na kayang pasabugin ang isang maliit na isla."

Nanlaki bigla ang mata ni Prin. Naalala na kasi niya na ang pangalan na 'yon ang
nabanggit sa kanya ni Captain Yeo na pangalan ng asawa nito.

"Wait Madam Win! Are you saying… she.’s still alive?" nanlalaki ang mata na tanong
ni Prin.

"She.’s always alive and hiding in different places like the forest near Mt Fuji,
an island in the Philippines and somewhere else," sagot nito. Nakakunot ang noo
nito sa naging reaksyon niya.

"Why Honey?" tanong ni Cally. Nilingon niya ang asawa sa tabi.

"She.’s Captain Yeo.’ s wife. You can confirm with Sandra. Ang alam namin, namatay
siya sa dagat decades ago. And she.’s eight months pregnant during that time."

Naging seryoso si Cally, hindi niya akalain na mas malalim pa ang imbestigasyon na
makakalap nila ngayon na nakita nila si Madam Winona.

"I don't think she has a child. You can ask your Dad, Rob Matsui about a terrorist
group Hantataiga (Hunter-Tiger) they are not allowed to marry, lalo na ang
magkaroon ng anak," sagot ng Madam.

Naging seryoso si Prin. Si Mayu ba talaga na asawa ni Captain Yeo ang babae na
pinaghahanap ng Japanese Government? Kung bawal mag-asawa at magkaanak ang miyembro
ng Hantataiga, paanong nangyari na buntis ang babae at nawala sa dagat?

"I can help you to remove the capsule bomb but I also need your Mom's help sa
kondisyon ni Kyros," sabi ni Madam Winona.

"...Ginny is the only person who can help me. I remember 30 years ago, hindi
magtatagumpay ang case study ko kung hindi niya sinimulan ang paggawa din ng gamot
sa Virus123. I just copied and followed her formula, may dinagdag lang ako to
finalize the medicine."

Ang Virus123 ay hindi literal na virus o epidemya, isang gamot iyon na tinuturok sa
biktima para patayin ang utak nito. Sa loob ng 30 days, tutuyan na mamamatay ang
biktima. Ang Mommy ni Cally ang kauna-unahang survivor ng gamot na iyon. Dahil
tulad ng sinabi ni Madam Winona, gumawa ito ng paraan para gamutin nito ang sarili.

Matapos ang pag-uusap nila, dumeretso sila sa laboratory dahil natapos na rin ang
pagsusuri kay Cassandra. Si Christen at Doc Mikko ang nag-explain sa doktora.
Tuwang-tuwa ang dalawa na makita ng personal si Madam Winona sa magkaibang
reaksyon.

Halata ang pagka-excited sa mukha ni Christen, samantalang seryoso lang si Doc


Mikko na nakangiti na bihira nitong gawin.

Nakahinga ng maluwag si Cassandra at Lorenz nang sabihin na ayos ang lahat ng


resulta ni Cassandra. Kaya napagkasunduan na si Prin naman ang susunod na dadaan sa
pagsusuri, kasama na si Madam Winona.

"See you in two days Prin, be ready sa resulta," sabi ni Madam Winona bago sila
nagpaalam dito.

…..

INIMBITAHAN nila si Bea at Maki pati na rin ang kambal nito na makisaya sa party ng
anak nila ngunit naka-plano na ang mga ito na bumalik ng Pilipinas. Ilang araw na
daw kasi ang mga ito sa bakasyon at may trabaho pa na naiwan sa Maynila.

Nag-iwan lang ng 'goodluck' sa kanya ang mag-asawa para sa tuluyan niyang


paggaling.
Marami pa silang plano na gawin sa lugar. Pagkatapos sa Paris ay tutuloy sila sa UK
para sa labanan ng Shogun.

Habang daan, hindi mawala sa isip ni Prin ang mga napag-usapan nila kasama si Madam
Lira. Nagkaroon ng liwanag na magamot siya ngunit may lumitaw na mas malaking
problema, si Mayu.

Hindi siya makapaniwala na isang terorista ang babae. Malayong-malayo sa larawan na


binuo niya dito na isang mahinhin at simpleng babae. Nag-alala siya bigla sa kung
ano ang kaya nitong gawin.

Kasalukuyan silang nasa itim na rented car sa hotel. Kalong-kalong ni Cally ang
anak niya na natutulog.

"What are you thinking, honey?" puna nito.

Humugot ng malalim na hangin si Prin saka niyakap ang asawa niya sa tabi.

"Husbie, masyado akong nabigla sa pagkatao ni Mayu, ang asawa ni Captain Yeo. Kung
pagbabasehan ko ang kwento ni Madam Winona saka ang mga bagay na narinig ko sa
kwento ni Captain Yeo, ni Cassandra at ni Casper, masyadong nakakalito."

Kumunot lang ang noo ni Cally. "As expected, hindi mo nage-gets. Why keeps on
bothering yourself for these things, pwede mo naman itanong sa akin para less
stress?" tudyo nito.

Pinalo niya ito sa braso. Natawa ng simple si Cally. "C’mon, I just don't like
seeing you na kumukunot ang noo, nakanguso and super serious."

"Shut up…" naiinis na sabi niya dito. Aminado naman talaga siya na lamang ng ilang
braincells ang utak ng asawa niya kaysa sa kanya. Baka nga wala pa sa one-fourth ng
braincells ni Cally ang kanya.

"I'll explain to you later, Honey. 'Wag na mainit ang ulo mo." Hinalikan siya nito
sa pisngi. "birthday ng anak natin kaya let's celebrate na muna. Kailangan ko rin
na makausap muna ang Daddy mo."

"Isa pa nga yan sa iniisip ko. Bakit hindi alam ni Daddy ang tungkol sa capsule
bomb kung alam niya ang tungkol sa Hantataiga Terrorist?"

"I dont know. Malalaman natin kapag nakausap natin siya. We will need Aiden and
Matthew's help para ma-trace ang lugar ni Captain Yeo," sagot ni Cally.

Ang huling balita niya noon ay nasa China sea ang Maria Celeste 1. Pero pinatigil
niya ang paghahanap sa barko nang tumakas sa kanila si Cassandra sampung buwan ang
nakaraan. Nakaramdam kasi ng takot si Cally.

Naputol sila sa usapan nang huminto ang sinasakyan sa harapan ng hotel kung saan
sila tumutuloy.

Lumabas sila ng sasakyan para tumungo sa kuwarto ni Kai at Bella. Alas sais na ng
gabi ayon sa local time. Sakto lang sa oras ng selebrasyon nila ng birthday ng
dalawang bata.

Nang makarating sila sa tapat ng kuwarto ng mga Jang, hinarap muna siya ni Cally.

"Honey, whatever the result is, nangangako ako na hindi ka na aalis sa tabi ko,"
sabi nito. Ngumiti si Prin ng malapad.
"Of course I promise. Wala nang second Captain Yeo," sagot niya bago tumingkayad
para halikan sa labi si Cally kahit pa pumapagitna sa kanila si Khalid na natutulog
sa dibdib ng asawa niya.

Ilang saglit pa bago tuluyan na naghiwalay ang labi nila dahil kay Mat-mat.

"Wow, ano 'to? May kissing booth ba dito?"

Biglang humiwalay si Prin sa asawa niya. Hindi nila napansin na nakabukas na pala
ang pintuan at bumungad sa kanila ang nakangising si Mat-mat na nagbukas ng pinto.

"Sus, inggit ka lang!" komento ni Prin.

"Excuse me, hindi ako inggit noh! Nakapuntos na nga ako sa aking My Donna, My
Love," nakangisi na sabi.

Nagtaas ang kilay ni Prin. Hindi niya akalain na gano’n kabilis umaksyon si Mat-
mat.

"Bakit parang ayaw mo maniwala?"

"I think nananaginip ka lang," tudyo niya.

"My Donna, My love, come here.” tawag nito sa babae na nakaupo sa couch at
nagbobomba ng pink na balloon. Inangat lang nito ang mukha para tingnan si Mat-mat
tapos ay binalik din agad ang atensyon sa balloon.

"Ha ha ha! See, I told you nananaginip ka lang," pang-aasar niya dito.

Pinukulan siya ng masamang tingin ni Mat-mat.

…..

MATAPOS ang selebrasyon ng birthday ng anak niya, parang gustong maiyak ni Prin
dahil kahit papaano ay kasama niya ang mga kaibigan niya sa oras na 'yon. Dapat ay
kasama nila si Ana pero nagpaalam na ang babae nang nagdaang araw na uuna na sa UK
para mag-ensayo.

May namuong luha sa mga mata niya habang pinanood ang mga kaibigan dahil sa sobrang
saya.

Si Kai ay sinusuklay ang buhok ni Bella na nakaupo sa isang silya. This guy dotes
on his wife so much. Pwede niyang bigyan ng best husband award ang lalaki. Kalong-
kalong ng kaibigan niya ang anak na si Angel na natutulog sa bisig nito.

Si Mat at Donna ay nasa terasa. Pinanonood ang nagliliwanag na Eiffel Tower.


Nakayakap ang binata sa balikat ng nobya nito mula sa likuran. Ilang saglit lang,
napansin niya na sinuntok ng babae ang braso ng binata tapos nagtatawa si Mat.
Napailing siya sa dalawa.

Si Cassandra at Lorenz ay parang may sariling mundo na nagsusubuan ng cake sa isang


gilid. Nakangiti ng matamis ang dalawa sa isa’t isa. Halata na parang nabunutan ng
tinik ang mga ito, ngayon na nalaman na nila na ligtas na ang dalaga.

Si Doc Mikko at Christen ay kapwa nag-iinisan. Parang aso.’t pusa ang dalawa sa
table na nagbabangayan.
"What is it, honey?" puna ni Cally. Karga nito si Khalid na natutulog sa dibdib
nito.

Niyakap niya ang baywang ng asawa kaya parang kayakap na rin niya ang anak na si
Khalid at si Cally. "I'm just happy. I hope na sana ganito tayo lagi."

Masaya talaga si Prin na nakabalik sa piling ng asawa niya bago siya manganak. Kaya
sa araw na iyon, ay sineselebra din niya ang sarili bilang naging mabuting nanay ni
Khalid, bilang isang ganap na babae at bilang asawa ni Cally.

Hinaplos nito ang buhok niya.

"Congratulations Honey! It's your day too," ang sabi bago siya nito hinalikan sa
labi.

Maya-maya, nagpatawag ng pulong si Cally. Nagpaalam na ang dalawang doktor dahil


may aasikasuhin pa daw ang mga ito sa ospital kung saan sila galing. Nagpaalam din
si Donna na babalik na sa kuwarto dahil alam nito na confidential ang pag-uusapan
ng lahat. Si Bella naman ay pumasok muna sa bedroom para bantayan ang dalawang
bata. Hiniling nilang sumama si Sandra sa meeting kahit pa nagtataka ito kung bakit
ito kailangan doon.

Nasa isang couch si Kai, Mat-mat, Lorenz at Sandra. Si Prin at Cally ang magkatabi
sa isang couch na nasa tapat ng mga ito.

"What is it?" tanong ni Shogun.

"It's because we have a bigger problem.” simpleng sagot ni Prin. Naguluhan man ang
tatlong lalaki ay naghintay sila sa mga susunod na paliwanag ng Shi Cally nila.

Iniisip naman ng lahat na tungkol iyon kay Captain Yeo at sa barko nito dahil
kasama si Cassandra sa usapan.

Para simulan ang imbestigasyon, tinawagan muna nila si Rob na kasalukuyang nasa
Japan. Ilang ring lang, sumagot agad ang lalaki sa kabilang linya. Halatang
kagigising lang nito. Kasalukuyan na madaling araw sa Japan.

"Dad," simula ni Prin.

"Yes sweetie?"

"We need to talk to you and this is important." Si Cally ang sumagot. Nakikinig
lang ang tatlong lalaki at si Sandra sa kabilang couch.

"What is it?"

"Uncle Rob, Do you know Mayu of Hantataiga? Or the Hantataiga terrorist?"

"I know Hantataiga. Ang pagkakaalam ko, ang huling lead ay natatago ang grupo na
iyon sa Mount Tsurugi. Knowing how dangerous the mountain is, walang magtangtaka na
magpunta sa lugar. Why?"

"Is it true na bawal mag-asawa or magka-anak ang miyembro ng Hantataiga?" Si Prin


ang nagtanong.

"Yes, dahil naniniwala ang lider na hindi makakatulong ang pag-aasawa nila lalo na
ang pagkakaanak. He believes everyone belongs to him. I've heard na bente lang ang
lahat ng miyembro na ito but they are all dangerous. They are creating a bomb na
hindi alam kung kailan ilalabas, that's why the government is still looking for
this group. especially now that they created a bomb na kayang magpasabog ng isang
maliit na isla."

"...Ang pagkakaalam ko, nagsimula ang grupo na ito thirty years ago mula sa lider
na hindi pa nakikilala ng kahit na Japanese government. May galit sa mundo ang tao
na ito na dumadakip ng mga batang may husay sa computer or any skills na
makakatulong sa lunatic na lider. Tapos lahat ay nagkasundo-sundo na maghiganti or
whatsoever. I really don't know."

"Pervet Mat, yari ka ikaw na ang hanap niya.” bulong ni Kai sa katabi. Pinukulan
ito ng nakamamatay na tingin ni Mat-mat.

"Dad, iyan ang pinagtataka ko. Because Mayu, Captain Yeo.’s wife, is a member of
Hantataiga. She was the one who created a capsule bomb. The capsule bomb in my
head," paliwanag ni Prin.

Nanlaki ang mata ng mga tao sa kuwarto. Kahit si Rob sa kabilang linya ay hindi
inasahan ang bagay na iyon.

"Yeah, I know the girl named Mayu, she is the first person na nahuli sa grupo ng
Hantataiga pero nakatakas din ang babae less than 20 years ago... I guess nang
tumalon ito sa dagat, then no one found her. Ang akala ng lahat ay namatay na siya
but everyone was surprised when she created a bomb recently na binenta niya sa
North Korea. I don't know that she is Captain Yeo.’s wife."

Sila naman ang nagulat. "How did you know she sold a bomb recently? And… to North
Korea?!" Gulat na gulat talaga si Prin.

"Sweetie, I'm a spy, remember?"

Pinagtugma-tugma ni Cally ang timeline and he guess na ginamit lang ng babae ang
kapitan ng mga panahon na nagkakilala ito para makatakas.

PINAGDUGTONG-DUGTONG ni Cally ang timeline na nagkita si Captain Yeo at si Mayu na


asawa nito.

"Sandra, pwedeng malaman kung ilang taon nang nawawala si Mayu sa dagat nang
magkakilala kayo ni Captain Yeo?"

"Ang pagkakalam ko ay more than five years. Pero sa pagkakaalam ko rin ay hindi
siya basta natagpuan lang sa dagat ng kapitan. Nagkakilala sila sa isang beach,"
sagot nito.

"...He was just eighteen nang mga panahon na iyon at sa tingin ko ay ganoon din si
Mayu. Sabi ng mga tauhan ni Kapitan, they love each other. So I'm … confused," sabi
nito sa mahinang boses

"Is she really... Pregnant? And how come she is alive? Kung pakikinggan ang kwento
ni Madam Winona at ng Daddy ko, parang nagpanggap lang siya na nawala sa dagat
noon," tanong ni Prin.

"I guess, hindi talaga siya buntis. If she can create a bomb, she can also create a
fake belly," sabi ni Mat-mat.
Napalingon ang lahat kay Mat-mat.

"What? Did I say something wrong? Mabuti at wala dito si Donna." sumeryoso ito
bigla. Humugot muna ng hangin bago nagpatuloy.

"Listen, I have this ex-girlfriend na nagpanggap na buntis when I was in college.


She came to my house with a big belly and saying the child was mine. Ako itong si
gago, paniwalang-paniwala. A day after that day, I saw her again sa supermarket.
Only to find out that it was just a prank. She bought a fake belly in Amazon. 199
dollars.” kwento nito na halatang naiinis. Sumimangot pa ito nang maalala ang mga
panahon na iyon.

"Hmm kasi naman malandi ka rin! Hindi na 'ko magtataka kung may lalapit ulit sa’yo
at sasabihin na buntis siya. Or may anak ka na. Yari ka talaga sa iyong 'My Donna,
My love," pang-aalaska ni Kai.

"Kai Jang may problema ka ba sa akin? Cally, mukhang ayaw ng Dark Guards ng
tulong."

Ngunit hindi pinapansin ni Cally ang mga asaran ng mga ito. Nakapangalumbaba siya
para mag-isip ng mabuti. Curious siya kay Mayu. "Hmm.. this is interesting."

Bigla naman na nanlaki ang mata ni Lorenz.

"Shi, we have to do something! don't you find it strange? Bakit niya iniwan kay
Captain Yeo ang mga capsule bomb? She is a terrorist kaya bakit niya iiwan basta
ang mga bomba kung walang dahilan? Isa lang ang naiisip kong sagot at 'yon ay ang
pag-sail ng Maria Celeste 1 sa iba’t ibang lugar sa mundo," paliwanag ni Lorenz.

"Yeah, sa loob ng mahabang panahon na nakasama ko si Kapitan, may mga tinanim siya
na capsule bomb na hindi naman talaga namin sinama sa barko. Like those girls from
brothel house. O kaya 'yung ibang ninakawan niya ng personal. Basta uminit ang ulo
niya o kaya naman ay trip niya, in-inject niya ng capsule bomb," paliwanag naman ni
Cassandra.

Isa ang dalaga sa mga pinagkatiwalaan ng kapitan kaya mas marami siyang alam sa
nangyayari kumpara kay Prin.

Napalunok naman si Cally sa mga nadinig. Bigla siyang nakaramdam ng kaba at


nilingon niya si Prin.

"Guys, this is bad. Listen! Lorenz and Kai, you are in-charge to locate Maria
Celeste 1. Mat, please find Mayu as soon as possible..."

"...And Honey, we have to expedite the procedure. Kailangan natin makausap si


Christen at si Doc Mikko saka si Madam Winona."

"W-why?" naguguluhan na tanong ni Prin.

"Because this Mayu girl might have a plan to control all the detonators soon. Ang
kailangan natin hilingin sa ngayon ay huwag munang magkita si Captain Yeo at si
Mayu," paliwanag ni Lorenz.

Seryoso lang na nag-isip si Cally, hindi siya nagkamali sa pagpili sa shogun niya
dahil parehas sila ng nasa isip nito. Kung sakali na magpakita muli si Mayu sa
Kapitan at makuha muli nito ang lahat ng detonators na nasa pangangalaga ni Captain
Yeo, tila isang party ang magaganap kapag sabay-sabay na pinasabog ang lahat ng
capsule bomb.
Nanuot ang lamig sa buo niyang pagkatao sa naisip.

"Ibig sabihin, hindi totoo na one hundred meters ang layo sa detonator ang ligtas?"
tanong ni Kai.

"Yes! kundi wala talagang ligtas! As long as you still have the bomb!" nagkuyom ang
kamao ni Prin sa nadinig.

"The good thing is, pinag-aralan namin ni Christen ang capsule bomb. I have records
mula sa nakuha kay Cassandra," si Mat-mat.

"Hindi ba nabasa 'yung laptop mo?" tanong ni Kai.

"Anong akala mo wala akong back-up?"

"So, ibig sabihin ba niyan, ‘yung mga porn movies mo may back up din?" nakangisi na
tanong ni Kai.

"Bakit ka interesado? Gusto mong makinood?" ganti nito.

Kai "..."

Napapailing na lang si Prin. Ayos na rin na mag-asaran ang dalawa sa seryosong


usapan na 'yon dahil kahit papaano ay pinagagaan ng mga ito ang sitwasyon.

Gayunpaman, kinabahan pa rin siya sa mga susunod na mangyayari. Hiling niya na sana
ay matanggal na ang minsan na kumikirot na maliit na bagay na iyon sa ulo niya.

…..

SA SUITE nila ni Cally. Nagrequest si Prin ng gatas sa hotel at inabot niya sa


asawa, alam niyang tense na ang asawa niya sa nangyayari.

Gusto niya tuloy balikan 'yung nakaraan na wala silang problemang dalawa. Nasa
Pilipinas at naghahanap lang ng adventure. Nang mga panahon na nasa kanila ang
lahat ng pabor.

Nasa loob ng kuwarto si Khalid at natutulog.

"Husbie…" matapos na maiabot ang gatas dito ay tinabihan niya ito.

Kinuha ni Cally ang kamay niya at dinala iyon sa bibig nito para mahalikan.

"Everything will be alright," pakunswelo niya dito. Alam niyang mabigat ang mga
napag-usapan nila sa suite nila Bella at alam niyang bumigat lalo ang pakiramdam ni
Cally.

"Hindi ko lang matanggap ang mga nagaganap. Kapag may nangyaring masama sa iyo,
sigurado na hindi ko mapapatawad ang sarili ko." ramdam niya ang sakit sa dibdib ni
Cally habang sinasabi ang lahat ng iyon.

Sinayang din kasi ni Cally ang ilang buwan na dapat ay ligtas na si Prin. Hindi
niya maiwasan na mag-alala lalo at ilang taon silang nagkawalay ni Prin at ayaw na
niyang maulit pa iyon.

"Everything will be fine, Husbie.”


…..

NANGANGATOG sa lamig ang mga tao sa barko ng Maria Celeste 1. Kasalukuyan silang
nasa Sea of Okhotsk na nasa area of responsibility ng Russia.

Nagsisipaglalaglagan ang puting snow sa barko kaya para silang pinulbusan ng


kalangitan. Negative 3 ang kasalukuyang temperatura sa lugar.

*ting ting ting* tunog ng bell na ibig sabihin ay malapit na silang umalis sa port
para tumungo naman sa Sapporo, Japan.

Sa kuwarto ni Captain Yeo ay nagrereport si Casper. Ngunit wala dito ang atensyon
ng kapitan. Kasalukuyan itong naglalaro ng stress ball at tumutunog-tunog ang bagay
na iyon habang nagsasalita ang huli. Naiisip nito si Prin Matsui na ilang buwan na
nanatili sa isipan niya.

"Kapitan?" tawag ng binata kay Captain Yeo.

Inangat ni Captain Yeo ang paningin. "May sinabi ka?"

Bago pa makapagsalita si Casper ay isang malalakas na katok ang narinig niya mula
sa pintuan. Uminit agad ang ulo ni Captain Yeo dahil nasira ang napakaganda niyang
mood dahil sa katok.

"Tuloy!" si Casper ang sumagot.

Bumukas agad ang pintuan at pumasok ang isang tauhan ng barko.

"K-Kapitan! May nangyari. K-kailangan niyong lumabas! B-bago umalis ang barko, m-
may nangyari," utal-utal na sabi ng bagong pasok.

"Hindi mo ba maayos ang sasabihin mo?! Parang hindi ka mapakali!" galit na singhal
ni Casper dito.

Huminga muna ng malalim si Captain Yeo bago tumayo at tinungo ang pintuan para
lumabas. Uminit ang ulo niya at kailangan na siguraduhin nito na importante talaga
ang dahilan kung bakit siya nito inistorbo.

Maririnig ang mabibigat na yabag niya sa pasilyo na gawa sa makapal at matibay na


kahoy. Sumunod si Casper at ang lalaking bagong pasok para magtungo sa deck.

Nakatingin ang lahat sa Kapitan na nagpa-conscious sa kanya ngunit hindi niya


pinahalata. Siya ang hari sa barko na iyon kaya bakit siya mahihiya. Tumalim ang
paningin niya sa naisip.

Isa-isang humabi ang mga tao na nasa deck at lumitaw sa kanya ang nakaluhod na
babae. Tumatakip ang itim at mahabang buhok sa mukha nito. Nakasuot ito ng boots
makapal na palda at Jacket. May mga puting snow pa sa balikat at sa buhok nito na
patuloy na nalalaglag.

Kumunot ang noo niya. Ang huling babae kasi sa barko ay si Prin at Cassandra.

"Report!" sigaw niya sa taong naka-assign sa deck.

"Kapitan, nakita namin siya na nagtatago sa isang crate. Hindi namin alam kung
gaano na siya katagal doon," sagot nito.

Malayu-layo na rin ang pampang dahil pumalaot na sila. Maliit na sa paningin niya
ang isla kung saan sila galing.
"Iangat mo ang ulo mo!" sigaw niya sa babae.

Inangat nga nito ang paningin sa kanya ng dahan-dahan at sinalubong nito ang mata
niya. Halatang natatakot ito. Nanlaki ang mga mata ni Casper nang masino ang babae.

"M-Mayu?" tawag ng kapitan sa pangalan ng babae.

Dumaloy ang luha sa mga mata ng babae nang magtagpo ang mata nila nito. Mabilis ang
mga hakbang na nilapitan ng Kapitan si Mayu. Tinayo niya ito at saka niyakap.

Napapikit ito ng maramdam muli ang yakap ng dating asawa saka lumuha. "Yeo…"

Nagpatuloy ito sa pagluha habang usal-usal ang pangalan ni Captain Yeo. Uminit ang
kaibuturan ng damdamin ng kapitan kahit pa kapwa sila nilalamig sa malamig na
klima. Patuloy ang pagbagsak ng maliliit na niyebe mula sa kalangitan.

Nakikinood lang ang mga tao sa barko sa dalawang nilalang na nagyakapan. Hindi sila
makapaniwala sa ibang awra na iyon ni Captain Yeo. Malambot at mukhang napaamong
leon.

"Makinig! Magdala kayo ng mainit na gatas sa kuwarto ng kapitan!" sigaw ni Casper


sa mga tao.

Hinaplos ng kapitan ang mukha ng dati niyang asawa at tinitigan ang mga mata nito
na para bang nananaginip lang siya sa nangyayari at nakikita.

Inisa-isa niya ang parte ng mukha ni Mayu. Halata na nagkaedad na ito ngunit hindi
pa rin nag-iiba ang pagkakakilala ng damdamin niya dito. Kahawig nito sa Maria
Ozawa mula sa hugis ng mata, sa pisngi at sa labi.

"My love…" bulong niya dito saka ito hinalikan sa labi.

TUMAYO mula sa malambot na kama si Mayu. Binalot niya ang katawan ng puting kumot
at tinungo ang bilog na bintana sa cabin ni Captain Yeo. Karagatan ang bumungad sa
paningin niya.

Tila walang buhay ang mata niya na maihahalintulad sa manikang de-susi. Walang
kinang, walang buhay katulad ng pagkatao niya.

Nilingon niya ang dati niyang asawa na natutulog sa kama. Sa loob ng mga panahon na
nawala siya sa tabi nito ay hindi nakaligtas sa kanya ang mga ginawa ng lalaki kaya
nagkaroon siya ng poot sa puso niya para dito lalo na nang mabalitaan niya na
nagkagusto ito kay Prin Matsui.

Tinanong niya ang lalaki tungkol doon at hindi ito nagdalawang-isip na umamin sa
kanya ilang oras ang nakaraan.

Labing pitong taon ang nakaraan nang mahalin niya ang lalaking ito. Ramdam niya na
noong mga panahon na iyon ay nagkaroon ng say-say ang buhay niya. Naramdaman niyang
malaya siya at tao rin siya. Ngunit hindi niya akalain na ang lalaki rin ang sisira
sa pagkatao niya.

Ayos na sana ang lahat dahil nakatakas siya sa poder ng lider nila na si Hiro Ikuta
hanggang sa makita siya nito sa Greece. Bumalot ang kilabot sa buo niyang pagkatao
nang magtagpo muli ang mata nila ng matanda. Ang tatay niya.

Gustuhin man niya o hindi, dumadaloy sa ugat niya ang dugo ng mga mapanlinlang na
tao. Akala niya noon ay iniwan siya ng Mama niya na isa pang lider ng sindikato,
kaya nagawa niyang magrebelde at magalit sa mundo pero napag-alaman niya noong
disisyete anyos siya na ninakaw siya ni Hiro Ikuta sa babae at pinaintindi sa kanya
ang panget ng buhay para gamitin ang husay at talino niya.

Nang malaman niya ang katotohanan, nagalit siya sa tatay niya na gustong paghariin
ang mundo. Para bang isang masokista ang may-edad na lalaki tuwing makakakita ng
mga taong nasasaktan o mga taong naghihirap.

Nagkataon na nakilala niya si Captain Yeo nang mga panahon na iyon kaya nabuo ang
plano niya na tumakas sa samahan at sumama dito.

Hanggang sa ma-trace siya ng matanda. Hindi naman nakapagtataka lalo at marami


itong tauhan na magagaling sa larangan ng teknolohiya.

"I told you honey that you belonged to me. Sinuway mo ang pinaka-golden rule.
Mukhang hindi klaro ang usapan natin noon. Mukhang hindi ka natatakot sa akin,"
sabi nito sa kanya. Matalim ang titig nito na parang kutsilyo na tumatarak sa
pagkatao niya.

"Hindi mo rin naman sinunod ang pangako mo sa akin na hahanapin mo ang nanay ko!"
sagot niya dito.

"Your Mom is a slut! She doesn't want you. Do you know where she is? 'Ayun at
nakikipaglampungan sa kung kani-kanino. Ahh... yeah! Hindi mo nga pala alam,"
parang nang-iinis na sabi.

"Listen Honey, makikinig ka sa utos ko. You will follow my lead or I will kill your
man using the bomb you created.” nakangisi ang may edad na lalaki noon na parang
sinapian ng demonyo. Nakatingin pa ito sa barko ng Maria Celeste 1 na nakatigil sa
dagat habang sinasabi ang saloobin nito.

Nakaramdam siya ng takot dahil alam niya na hindi ito nagbibiro.

"Ano sa palagay mo ang mararamdaman ng lalaking iniibig mo kung sakaling malaman


niya na isang terorista ang babaeng minahal niya at hindi totoong nagdadalang-tao?"

Tumiim ang bagang ni Mayu at tila patalim ang mga tingin na ipinukol sa lalaking
kinamumuhian niya.

"Mayu, you don't have any ovaries now dahil pinatanggal mo 'yon apat na taon ang
nakaraan. Alam mo na walang lalaki na gugustuhin ang manatili sa babaeng hindi sila
kayang bigyan ng kahit isang supling..." tapos tumingin ito sa tiyan niya.

"...Kaya mo nga nagawa na magpanggap na nagdadalang-tao hindi ba?" ngumisi ito.

Napayuko si Mayu noon dahil sapul na sapul nito ang mga ginawa niya. Isang halimaw
talaga ang tingin niya dito. Kaya nang mga panahon na iyon, nag-produce siya ng
dalawang libong syringe ng capsule bomb at iniwan niya sa dating asawa, tulad ng
utos sa kanya ni Hiro Ikuta.

Nitong mga nakaraang taon, hindi niya akalain na masaya pala ang trip ng tatay
niya, ang makarinig ng mga taong umiiyak at humihingi ng tulong. Ang makakita ng
minamasaker na mga pamilya. Parang isang kasiyahan sa pagkatao niya na makita ang
mga sumasabog na ulo dahil sa capsule bomb na gawa niya.
Isang nakakalokong ngiti ang lumitaw sa labi niya. Kaya nagbalik siya sa barko na
iyon para maghiganti.

Narinig niya na naubos na ni Captain Yeo ang lahat ng syringe na may lamang capsule
bomb at oras na para sa final stage.

"Mayu?"

Naging seryoso siya muli na ibinalik ang pag-amo ng mga mata saka nilingon ang
dating asawa dahil tinawag nito ang pangalan niya.

…..

Makalipas nga ang dalawang araw, pinaliwanag kay Prin at Cally ang mga gagawin sa
kanya ni Madam Winona.

"To be honest, dadaan ka pa rin sa normal na operasyon kung nagmamadali ka talaga,


Prin. As much as I wanted to help you at my earliest convenience, I need at least a
month para pag-aralan ang tungkol sa capsule bomb," paliwanag ni Madam Winona.

Nakasuot ito ng puting lab gown. She was also curious with the capsule bomb. At
nabigla siya na it's not an ordinary bomb na may mga wires, uranium or black powder
and detonator, but created with a different mixture of chemicals in a small capsule
made in a special metal. Ang metal na iyon ang nagkokontrol sa detonator na hawak
ni Captain Yeo.

Naniniwala si Madam Winona na may talento sa siyensya at teknolohiya si Mayu.


Sayang lang at ginamit nito sa kasamaan.

Tahimik si Cally na nakikinig. May katwiran si Madam Winona. Kailan lang nila
nakita ang may-edad na babae at normal lang na pag-aralan muna nito ang lahat. Ite-
test pa nito ang kung anumang gamot na mabuo nito bago i-apply sa asawa niya. And
it will take a lot of time and effort.

"Don't worry Cally, I will help Christen and Doc Mikko para sa operasyon. Hindi ko
iiwan ang asawa mo," nakangiting sabi nito.

Hinawakan ni Prin ang kamay ni Cally na nasa tabi niya to give him assurance na
ayos lang ang lahat.

"Cally, huwag kang mag-alala. Mas advanced at mas maingat kami sa procedure ngayon.
Nakita naman sa X-ray na hindi malalim ang capsule bomb kay Prin kumpara sa bomb na
nakuha namin kay Sandra." paliwanag ni Christen.

"If that is the case, magbigay na kayo ng petsa kung kailan gagawin ang procedure.
Let's do it as soon as possible."

Nakahinga ng maluwag si Prin, Christen at Doc Mikko. Napangiti naman ng matamis si


Madam Winona. Kahit kailan ay lagi siyang sinosorpresa ng prinsipe pero hindi
maikakaila na mahal nito si Prin Matsui.

Pinasok si Prin sa loob ng kuwarto kung saan naroon ang scanner para masuri naman
ang heartbeat niya at ang iba pang parte ng katawan niya dahil maselan na bahagi ng
katawan ng tao ang ooperahan nila Doc Mikko.

Hindi naman malaking operasyon ang magaganap kundi maliit na hiwa lang sa batok ni
Prin, tapos ipapasok ang maliit ng camera na may wire na kasinlaki ng sinulid na
na-produce naman ni Mat-mat sa loob ng ilang buwan. Saka kukunin ang capsule bomb
palabas sa hiniwang parte sa batok.

Kayang tapusin ni Doc Mikko ang procedure sa loob ng 30 minutes lalo na ngayon na
kasama nila si Madam Winona.

Umupo muna si Cally sa isang bench para maghintay. Nagpaalam siya sa Daddy niya na
hindi na muna niya maaasikaso ang trabaho sa opisina at naintindihan naman nito.
Mabuti na lang at maaasahan ang mga bunso niyang kapatid kahit madalas na nagtatalo
sa mga bagay-bagay.

Dalawang buwan na bakasyon ang hiningi niya sa pamilya niya at pumayag naman ang
mga ito.

Ilang minuto pa lang naipasok si Prin sa loob ng malaking kuwarto nang mabilis na
tumatakbo patungo sa gawi niya si Lorenz na kasunod si Kai, Mat-mat at Cassandra.

Kinabahan siya agad dahil sigurado na hindi maganda ang balita ng tatlong lalaki at
Cassandra sa kanya.

"Where is GW8, Shi?!" tanong ni Kai.

"Nasa loob." simpleng sagot niya. "Anong… Balita?"

Nagkatinginan muna si Lorenz at Kai. "We have bad news," simula ni Lorenz.

Sumeryoso agad si Cally para makinig.

"Captain Yeo and Mayu met in Russia two days ago! Kung kailan tayo nag-party,"
pagbibigay-alam ni Mat-mat.

Napapikit si Cally.

"And… one hour ago, may sumabog ng capsule bomb sa isang Indonesian… five minutes
after that, sa isang Turkish… after five minutes--" hindi na maituloy ni Mat-mat
ang sasabihin. Kada limang minuto kasi ang napansin nila na may sumasabog sa iba’t
ibang parte ng mundo.

Binuksan na lang nito ang bitbit na laptop at pinanood kay Cally nang sabay-sabay
ang mga video sa magkakaibang bansa na nakalap nito.

Napapikit si Cally saka siya kinabahan.

"Shi Cally, I am 100 percent sure that it's because of the capsule bomb. That girl
is a girl from a brothel house in Bali. Ahhh!" tinuro ni Cassandra ang babae sa
video bago ito napaatras at napasigaw.

Binawi nito ang daliri sa bigla dahil sumabog na lang ang ulo ng babae sa video.
Parang pakwan na nadurog ang hitsura ng pinanood nila at sunud-sunod iyon.

Biglang nakaramdam ng kaba si Cally. Wala na siyang nagawa kundi buksan ang pintuan
kung saan pinasok si Prin.

Nagsipaglingunan sa kanya si Christen, Doc Mikko at Madam Winona na busy sa


pagsusuri sa asawa niya.

Kasalukuyan na pinasok ang kalahati ng katawan ni Prin sa loob ng bilog na scanner.


Tanging binti lang nito ang nakikita niya.
Si Madam Winona at Doc Mikko ang nagmomonitor sa isang maliit na computer para
suriin ang nakikita sa loob ng katawan ni Prin.

Nakakunot ang noo ni Christen sa biglaang pagpasok na iyon ng kuya niya na kasunod
si Mat-mat.

"Christen, Mikko, do the procedure now!" utos ni Cally na nakapagpa-taranta bigla


sa dalawang doktor.

"WHAT do you mean now?" tanong ni Christen.

"Remove the bomb now!" sabi ni Cally.

Napasinghap si Christen at nakuha agad nila ang ibig sabihin ng kuya niya.

Dali-dali nilang nilabas si Prin mula sa scanner. Si Doc Mikko ay mabilis na


pinaayos ang mga kagamitan na gagamitin sa pagtanggal ng capsule bomb. Si Christen
naman ay nangangatog ang kamay na inaasikaso ang camera at iba pa. Si Madam Winona
ay kalmado na patuloy sa pag-review ng capsule bomb sa maliit na computer.

Inagaw ni Mat-mat ang ginagawa ni Christen at ito na ang nagkabit ng maliit na


camera sa aparato.

"Tenten, calm down…" sabi niya sa pinsan niya.

Tumango lang ang dalaga. Hindi lang makapaniwala si Christen sa nagaganap. Ayaw na
niyang maulit na bumalik ang kuya niya sa dati na parang walang buhay.

"What is happening?" tanong ni Prin kay Cally nang masilayan niya ito. Narinig niya
ang malakas na pag-utos ng asawa niya sa kapatid nito.

Hindi sumagot si Cally. Sa halip, lumapit ito sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.
Kapwa sila kinakabahan sa magaganap.

Maihahalintulad na sa time bomb ang nagaganap sa kanila. Ang pagkakaiba nga lang,
hindi nila alam ang oras kung kailan sasabog ang capsule bomb na nasa ulo ni Prin
na nakadagdag sa tensyon. Mahalaga ang bawat segundo sa mga oras na iyon.

"Prin, let's start!" tawag ni Doc Mikko matapos lang ang ilang sandali. Mabilis
kasi nitong naayos ang mga kakailanganin. Nagpasalamat na lang sila na handa sila
sa kuwarto na iyon at mayroon silang kagamitan. Nagsimula na kasi sila na
magprepara nang nagdaang araw pa.

Pinahiga nila si Prin sa isang metal na higaan. Huminga muna ng malalim si Christen
bago siya nagturok ng pampamanhid sa likuran ni Prin.

Matapos iyon, pinadapa nila ng maayos si Prin. Nakaharap ang mukha nito sa bilog na
butas ng higaan at tanging sahig lang ang nakikita nito. Pumikit muna ang sister-
in-law niya hanggang sa nakatulog ito.

"Cally, mabuti pa sigurong lumabas ka na muna," payo ni Christen. Sa palagay niya,


makakadagdag lang sa pressure nila si Cally.

Mabigat ang mga hakbang ni Cally na tinungo ang pintuan para lumabas ng kuwarto.
Nilingon na muna niya ang asawa bago tuluyang lumabas. Sumunod si Mat-mat sa
paglabas ng kuwarto at tanging naiwan muli sa loob si Christen, Doc Mikko at Madam
Winona kasama ni Prin.

…..

SA LABAS ng pasilyo, hindi mapakali si Cally. Doble ang kaba at tensyon niya
kumpara noong manganak ang asawa niya.

Si Lorenz at Kai ay hindi makapagsalita dahil alam nila na dadagdag lang sila sa
tensyon. Matapos kasing sumabog ang twenty capsule bombs mula sa kung saan-saan,
tigda-dalawang bomba na ang sumasabog kada-limang minuto. Doble kumpara sa una.

Hiling lang nila na sana ay huwag munang sumabog ang kay Prin.

Nabigla sila nang naging tig-lilima ang bomba na sumasabog mula sa kung saan
pagkalipas ulit ng limang minuto. Nabahala na ang mga tao sa kung saan-saang parte
ng mundo.

'Putsang ina!' gustong magmura ni Lorenz. Napalingon tuloy siya sa pintuan. Kahit
si Kai ay ramdam ang tensyon at panlalamig sa pagbabantay nila ng Shogun.

Lumipas pa ang limang minuto, kahit ayaw niya ay nakahinga sila ng maluwag dahil
limang biktima ulit ang sumabog at ligtas pa si Prin. Para silang mga tanga na
nagbabantay ng time bomb na walang ideya sa kung ano ang eksaktong oras kung kailan
sasabog ang bomba na nasa malapit lang.

Si Cally ay walang alam at ayaw niyang alamin ang pinagkakaabalahan ng dalawang


Dark Guards habang busy ang mga ito sa laptop ni Mat-mat.

Nagbibilang si Lorenz ng oras sa isip niya.

'3… 2...1…'

Biglang nakarinig sila ng pagsabog mula sa loob ng kuwarto.

"Ahhhh!!!" napatili si Cassandra.

"No!!!" nanlamig agad ang buong katawan ni Cally.

Namatay ang fluorescent light ng sunud-sunod sa pasilyo at biglang nag-blink iyon.


Napasuntok si Cally sa kinauupuan at mabilis na pumasok sa loob ng kuwarto kasunod
ang tatlong lalaki.

Nanlalaki ang mata nila sa nasaksihan sa loob ng kuwarto. Madilim at nagb-blink ang
natitirang isang ilaw. Parang nabasag ang mga ilaw sa maliit na computer
monitoring. Kalahati ng monitor ang itim at kalahati ang may screen.

Basa ang buong paligid dahil sa water sprinkler na patuloy na nagpapaulan. May nag-
aapoy na mga aparato sa isang gilid at may dumadaloy na dugo sa tubig. Kinakabahan
si Cally, sinilip niya ang higaan na metal at wala siyang nakitang Prin doon kung
saan niya ito huling nakita. Parang gusto niyang manghina.

Nilakasan niya ang loob na maging positibo sa mga nakikita.

"Christen! Prin!" sigaw ni Cally na halos hindi niya mailabas.

Inuulanan sila ng water sprinkler pero wala silang pakialam. Para na silang
pinaliliguan pero patuloy nilang hinahanap sa dilim ang apat na nilalang na naiwan
doon.
*cough cough* "I'm here!" maliit na boses mula kay Christen na nagtatago sa likod
ng isang kabinet.

"Si.. si Madam Winona! Please help her and.. Mikko."

Nilapitan ni Lorenz si Madam Winona sa isang parte na bahagyang nasugatan dahil


yakap ito ni Doc MIkko na duguan ang likuran. Para maprotektahan ang may-edad na
babae, sinanggalang nito ang sarili.

"Where is Prin?" kinakabahan na tanong ni Cally sa kapatid niya.

"She.’s here," sagot ni Christen. Nakahinga ng maluwag si Cally matapos niyang


makita ang asawa na nakabaluktot ng higa at may medical patch ang batok na
natutulog. Kasama ito ng kapatid niya na nagtatago sa likod ng kabinet.

Tila nabunutan ng tinik si Cally nang matagpuan ang asawa niya na ligtas. Basang-
basa lang ito dahil sa tubig mula sa water sprinkler.

Binuhat niya si Prin at inutusan ang lahat na lumipat ng ibang kuwarto. Lumipat
sila sa isang hospital ward na malapit.

Pagdating sa kuwarto na may apat na hospital bed, hiniga niya sa isang kama si
Prin.

Si Doc Mikko ay nanghihina na nakakapit kay Lorenz at Kai para dalhin ito sa
kuwarto. Halos buong likuran nito ang nagsusugat. Sirang-sira ang likuran ng puting
lab gown nito. Pinadapa nila sa isang kama ang doktor.

Si Madam Winona naman ay nagsusugat ang braso pero nagpasalamat sila na ligtas ang
ginang dahil hindi nila alam kung paano magpapaliwanag sa lahat kung sakaling may
masamang nangyari dito. Si Mat-mat ang umalalay sa ginang para madala ito sa
kuwarto.

Nanghingi ng tulong si Christen sa isa pang doktor na kaibigan nito para ipagamot
ang sugat ni Madam Winona. Ito naman ang umasikaso sa sugatan na nobyo nito.

Binalot niya lang ng kumot si Prin dahil basang-basa ang katawan nito. Matapos ma-
secure ang lagay nito, para siyang nauupos na kandila na biglang napaupo sa sahig
sa paahan ng kama. Saka huminga ng malalim.

Tahimik ang lahat at ayaw maglabas ng kahit isang kataga.

"Tssss!" nagkikiskis ang ngipin ni Doc Mikko sa mga gamot na pinapahid ni Christen.
Napapakapit ito sa kama ng mahigpit.

"Ten, sobrang hapdi!" reklamo nito.

"Are you even a doctor! Natural mahapdi talaga pero alam mo na kailangan natin
linisin para sa bacteria baka magbakbak at maging anak ka ng bacteria!" nagagalit
na sita nito na akala mo ay hindi rin doctor ang kausap.

Lapnos ang buong likuran ni Doc Mikko at parang nahihirapan si Kai na makita ito sa
ganoong ayos.

Hindi nila alam kung gaano katagal na tahimik ang buong kuwarto bago naisipan ni
Cally na magtanong.

"Gusto kong malaman ang buong detalye." Normal lang na alamin pa din niya kung
paano naligtas ang apat sa loob. Kita nila kung ano ang hitsura ng kuwarto at isang
himala talaga na naligtas ang mga ito.

Hindi niya rin akalain na sobra ang pagsabog ng isang maliit na bomba.

Uminom muna ng tubig si Christen bago nagsimulang magpaliwanag.

"Natahi na namin ang maliit na sugat sa batok ni Prin matapos naming tanggalin ang
bomba nang mapansin ni Madam Winona, isang minuto bago ang pagsabog, na nag-iba ang
kulay ng capsule. Mula sa titanium, unti-unting nagiging kulay-lumot iyon."

"At doon ko napansin na ilang saglit na lang ay sasabog na ang maliit na bomba kaya
inutusan ko agad si Christen na itago si Prin sa likod ng medical cabinet. Nahuli
nga lang kami ni Doc Mikko na tunawin ang capsule bomb sa chemikal na binuo ko
kanina," paliwanag naman ni Madam Winona.

"Bakit malakas yata ang pagsabog?" si Cassandra ang nagtanong. Hindi niya akalain
na ganoon kalakas ang pagsabog ng capsule bomb. Iba sa mga nasaksihan niya na
sumasabog sa ulo ng isang tao.

"Dahil sa hangin. Nasa loob kasi ng ulo ng tao ang mga nasaksihan mo kaya hindi
ganoon kalakas ang pagsabog. Basically, malakas din iyon, nagkataon lang na kulob
kaya hindi halata. Samantalang, nailabas namin ang bomba kay Prin kaya mas malaking
space ang apektado.

Tumango na lang si Cassandra kahit hindi niya naiintindihan.

Umungol bigla si Prin sa higaan. "hmmm…"

Nagsipag-lingunan ang lahat ng tao sa kuwarto, sa kama kung saan nakahiga si Prin.
Tumayo agad si Cally para lapitan ang asawa niya. Dahan-dahan itong nagmulat ng
mata.

Matagal silang nagtitigan na para bang unang beses nilang magkita.

"S-sino ka..?" tanong nito sa kanya.

Natigilan si Cally. Parang nanghina ang dibdib niya sa nadinig. Kahit ang mga tao
sa kuwarto ay natigilan nang marinig ang tanong ni Prin.

Naulit ba ang nangyari kay Cassandra? Tatakas din ba ito tulad ni Cassandra? Kung
anu-ano ang pumapasok sa isip ni Cally.

Biglang napangiti si Prin.

"Jowk lang… Ang serious n'yo kasi," nanghihina na sabi nito saka dahan-dahan na
umupo.

Cally and friends "...."

Nakahinga ng maluwag si Cally at tinulungan siya sa pag-upo. Bukod sa nilalamig ang


buo niyang katawan dahil sa basang kasuotan, wala na siyang iba pang nararamdaman.

Guminhawa pa nga ang pakiramdam niya dahil para siyang nabunutan ng tinik sa
lalamunan.

"Prin Matsui, gusto mong sipain kita!" naiinis na sabi Mat-mat. Pinakaba sila
nitong malditang babae na 'to.
"Husbie, si Matty inaaway ako," sumbong niya sa asawa saka yumakap sa bewang nito
at ipinilig ang ulo sa dibdib.

Pinukulan siya nito ng nakamamatay na tingin.

Si Cassandra, Lorenz at Kai ay lihim na natatawa na nakaupo sa isang couch. Si


Christen at Doc Mikko ay busy na nagtatalo rin sa isang bed. Nangingiti naman si
Madam Winona habang nakikinig at ginagamot din ang nasugatan nitong braso.

"Nagugutom ako, Husbie. Gusto ko ng chicken joy.”

"Matty, bili ka ng chicken joy," utos ni Cally.

"Pusang gala! Dito sa Paris, Chicken Joy?" Saan naman siya hahanap ng chicken joy
sa Paris? Gusto niya talagang isumpa ang asawa ng pinsan niya. Matapos nila itong
iligtas, ang lakas pa ng loob na magmaganda!

"Husbie, nagrereklamo si Matty..." pang-iinis ni Prin.

Umakto ang binata na gusto siya nitong sakalin saka tumalikod para lumabas ng
kuwarto at sumunod sa utos.

"Ingat Matty!" nakangisi na paalam niya dito.

Pinisil ni Cally ang ilong niya.

"Aww!"

"Salbahe ka. Alam mo na ngang iyon ang kinakatakot ko sa lahat, ang galing mo pang
magpanggap."

Napangiti si Prin. "I'm sorry. Thank you, Husbie. Bakit nga pala ako basa? Saka
bakit ibang kuwarto yata ito."

"Huh? Hindi mo ba natatandaan? Anong pinalitan na kuwarto ang sinasabi mo? Narito
na tayo kahapon pa." ganti ni Cally sa asawa niya at kita niya na halatang
nataranta si Prin.

DAHIL maliit lang naman ang naging sugat ni Prin sa batok niya, mabilis lang din
ang inaasahan na paggaling niya. Kaya bumalik din sila sa hotel nang araw na iyon.
Sobra silang nagpasalamat kay Madam Winona dahil malaki ang tulong na ginawa nito.

Gayunpaman, kung ayos ang lagay ni Prin, sobrang nabahala naman ang ibang lugar sa
mundo.

Napag-alaman ni Lorenz at Kai na matapos ang tig-lilimang bomba kung saan


napabilang ang bomba ni Prin, naging tig-iisang daan iyon. Nakita nila sa mga
balita mula sa kung saan-saang bansa ang mga pagsabog, ang kaguluhan, ang pag-iyak
ng mga mamamayan at ang paghingi ng mga ito ng tulong.

"Where is Captain Yeo and his wife now?" tanong ni Cally sa dalawa.

"Pina-trace ko na kay MB10. Ang huling balita ay nasa Sapporo, Japan ang mag-
asawa," sagot ni Lorenz.
"Pinaghahanap na si Mayu ng Japanese embassy dahil sa gulo na ginawa niya.
Nanghingi na rin sila ng tulong kay Master Rob pero pinag-iisipan pa ni Master kung
tatanggapin niya ang trabaho," sabi naman ni Kai.

"Okay! Sa ngayon, mas mabuti pa na bumalik na muna tayo sa hotel. Good job,
everyone!" sabi ni Cally.

…..

ASAR na asar si Mat-mat dahil matapos niyang maghanap sa city ng chicken joy,
iniwan siya ng mga walang hiya at wala man lang kahit isa ang nakaalala na magsabi
sa kanya na dumeretso na lang siya sa hotel.

Nakasimangot siya na kinatok ang pintuan ng kuwarto ng mag-asawang Cally at Prin at


binuksan iyon ng huli na bitbit si Khalid.

"Hello, Matty," nakangiti ito ng matamis na binati siya.

Inabot niya dito ang isang bucket ng chicken joy

"Prinsesa, Sa susunod, pwedeng mahalin n’yo naman ako? Wala na ngang bayad ang
kapogian ko, inaalipin n’yo pa ako." Gusto niyang itulak ang babae sa tuktok ng
Eiffel Tower, kaya lang… may Khalid na nakatingin sa kanya. Dilat ang maliit at
bilog na mata nito na para bang nakikita siya ng tatay nito.

Prin "?" nagtaas ang kilay nito at hindi nito inintindi ang mga reklamo niya.

"I'm so kawawa talaga," ang tangi niyang nasabi.

"Awww… Khalid, smile to your uncle Matty.” utos nito sa anak nito. Pero nabigla
siya nang sumunod ito sa nanay nito.

Unang beses niyang makita na ngumiti ang batang ito kaya naman natuwa siya ng
sobra.

"Oh my gosh! You are so cuteeee..." excited na sabi niya dito na parang nilipad ng
hangin ang kanina ay pagka-asar niya. Hindi niya alam na inaakay na siya ng mag-
nanay sa isang patibong.

Napangisi ng lihim si Prin.

"Thanks! Pasok ka muna! May inaasikaso pa si Cally kasama ang Shogun, masakit pa
ang ulo ko kaya mag-bonding muna kayo ng anak ko," sabi nito bago ipinasa sa kanya
ang bata.

Naniniwala naman si Mat-mat sa sinabi nito dahil ilang oras pa lang natanggal ang
bomba sa ulo nito at sigurado na may epekto pa ang mga gamot na tinurok dito.

Para siyang sinapian ng kung ano na sumunod dito. Matapos na maipasa ni Prin si
Khalid sa kanya, pumasok ito sa loob ng bedroom kaya silang dalawa ni Khalid ang
naiwan.

Natuwa naman si Prin dahil makakatulog siya ng ilang oras nang hindi mag-aalala sa
anak niya. May Matty na tagapagligtas para maging Yaya nito.

Nag-usap na sila ni Cally na hindi sila kukuha ng magbabantay kay Khalid hangga.’t
hindi tumutuntong ang anak niya sa limang taon kaya sa ngayon kung sinu-sino ang
nag-aalaga dito.
Sa kabilang banda naman, Inupo ni Mat-mat ang pamangkin niya sa mesa. At kung anu-
ano ang ginawa niya dito.

May nakuha siyang electrical nylon cable at nilagay niya sa magkabilang kulot na
buhok ni Khalid kaya para itong naka-pigtails. Gamit niya ang mga wire na 'yun sa
mga kable ng computer, charger at kung ano pa. Mabuti na lang at lagi siyang handa.

Tapos ginamit niya ang cellphone niya para mag-groupie sila ng bata tapos pinadala
niya kay Donna.

[Matthew :My Love, let's make a baby!] walang paliguy-ligoy na mensahe niya dito.

Naaaliw siya sa bago niyang misyon na bantayan ang prinsipe ng malditang si Prin.
Habang nagtitipa, gumagapang na si Khalid para lumayo sa kanya. Nahuli naman niya
ang katawan nito na malapit na sa dulong bahagi ng mesa.

"Oops Baby, that was bad." binalik niya ito sa dating pwesto, sa tapat ng pwesto
niya.

Tinatanggal nito ang nylon wire sa buhok at seryoso na nakatingin sa kanya pero
walang ideya si Mat-mat sa gustong mangyari ng bata. Para siyang naglalaro ng live
na Babysitter Mania. Isang role playing na Game App.

"Khalid, let's sing 'Ako ay may Lobo.’, " sabi niya dito.

Bago pa siya magsimulang kumanta, tumunog ang cellphone niya at tumatawag si Donna
gamit ang video.

"Matty, ‘yung totoo, ginagamit mo pa talaga si Khalid sa kamanyakan mo?" bungad


nito sa kabilang linya.

"My Love, of course not. isn't he cute? Sigurado na 'pag nagka-anak tayo, mas cute
pa kay Khalid. Kaya sige na baby, gumawa na tayo ng baby," natutuwa niyang saad.

Umikot ang mata ni Donna sa kabilang linya.

"Khalid, kill him for me!" utos nito sa bata.

Nagulat na lang si Mat-mat nang biglang kinagat ng baby ang kamay niya.

"Ahhh!!" Napatili siya sa gulat. Matapos ang ilang saglit, nag-marka ang ngipin
nito sa kamay niya.

Satisfied naman ang nobya niya sa kabilang linya. "Good Job Honey! Iki-kiss ka ni
Tita mamaya. Bye bye!"

…..

PUMASOK si Cally sa suite nila ni Prin na hinihilot ni Mat-mat ang kamay nito at
nakangiwi. Nakaupo sa mesa ang anak niya at inosenteng nakatingin sa pinsan niya.

"Bad baby!" Halos maiyak ito na hindi niya maintindihan kung bakit.

Kumunot ang noo niya nang makita ang buhok ni Khalid na naka-pigtails gamit ang
cable nylon wires.

"What's the situation here?" tanong niya sa dalawa.


Sabay silang nagulat ni Mat-mat nang umiyak si Khalid.

"Wahhhhh!!! Wahhhhh!!!"

"No. No. No, baby. I'm sorry na." Halatang nataranta ang pinsan niya sa inakto ng
anak niya. Gumapang patungo sa kanya ang baby hanggang sa dulong bahagi ng mesa
saka inangat ang kamay patungo sa kanya para magpa-karga.

Nakaramdam siya ng awa dito saka ito binuhat. "Anong ginawa mo?" tanong niya kay
Mat-mat.

"Excuse me, siya nga itong kinagat ako eh. Look o." pinakita nito ang kamay na may
marka ng ngipin at doon niya lang naintindihan ang lahat.

Patuloy na umiyak si Khalid na bihira nitong gawin.

"Hush baby… Eh, bakit may wire sa buhok si Khalid?"

"Natutuwa lang ako sa kanya, okay? Anyway, dahil nandito ka na, got to go!
Ipapacheck ko ‘yung kamay ko, baka may rabies," reklamo nito saka nagmadaling
tinungo ang pintuan palabas dahil baka kung ano pa ang isagot ni Cally.

"Saglit lang… I just want you to know that your girlfriend is here. I saw her in
the cafè downstairs."

Kumunot ang noo ni Mat-mat. Kakatapos lang kasi ng usapan nila ni Donna at alam
niyang wala ito sa galaan.

"Caroline," simpleng sagot ni Cally.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nadinig. Hindi niya akalain na susundan siya ng
babae doon.

"A-are you sure it's Caroline?" paninigurado niya.

"Check it kung ayaw mong maniwala pero kapag nalaman ni Donna ang tungkol sa
kanya…" Ngumisi muna si Cally para mai-ganti ang anak niya. "...You're dead!"

Nagmadaling lumabas ng kuwarto si Mat-mat. Hindi naman niya nobya si Caroline na


tulad ng sabi ni Cally pero may nakaraan sila nito. Ang babae ang huling nobya niya
bago si Donna. Nakipaghiwalay na siya sa babae noon pa, nagkita nga lang sila ulit
nito sa school kung saan siya nag-aaral kamakailan at pilit na sumusunod-sunod sa
kanya na parang stalker.

Tinawagan niya si Donna habang tinutungo ang elevator. "My love, tapos na ko sa
babysitting, dumating na ang tatay ng devil. Nasaan ka?"

May tina-trabaho kasi ang nobya niya sa laptop nito. Dahil stock investor ang
pamilya ni Donna, madalas na magbantay ang dalaga ng galaw ng currency exchange.
Ang maganda lang sa trabaho ni Donna, nagagawa pa rin nito na magpunta sa iba’t
ibang lugar basta may internet.

"Nasa kuwarto ko, katatapos ko lang trabahuhin ang pinagawa sa 'kin ni Dad,” sabi
nito sa kabilang linya na hinihilot-hilot ang sumasakit na ulo.

Nakarating na siya sa elevator at pinindot ang 'up' dahil nasa 3rd floor ang suite
ng mag-asawang Prin at Cally, at nasa 4th floor ang sa kanila ni Donna.
"Love, can you buy me some milk?" hiling nito.

Nalungkot naman siya para dito kaya pinindot niya naman ang 'down' para sundin ito.
"Sure. Anong klaseng milk? Skimmed? Non-fat? Gatas ng kalabaw? O gatas ng ina?"

Umikot na naman ang mata ni Donna sa kabilang linya. Sa usapan nila ng nobyo niya,
hindi talaga mawawala ang kalokohan nito.

Bumukas ang elevator at bumungad sa kanya si Caroline na paakyat . Nagliwanag ang


mukha nito nang makita siya.

"Matthew!" masayang bati nito.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat nang makita ang babae. Totoo ang sinabi ni Cally sa
kanya na naroon nga ito sa hotel para sundan siya. Dala-dala pa nito ang isang
handbag at luggage na para bang mag-stay ito doon ng ilang araw.

"Ahmm, Who.’s that?" Tanong ni Donna sa kabilang linya dahil hindi nakaligtas sa
pandinig nito ang pagtawag ng isang babae sa nobyo nito.

"A stalker," sagot ni Mat-mat.

"I've been looking for you. I'm happy to see you,” masayang sabi ni Caroline na
pinipilit na pindutin ang 'open' button ng elevator para makausap ang binata at
hindi iyon magsara.

"I'm not happy, alright!" Sagot niya dito. Nahati na ang atensyon niya kay Donna at
sa babae.

Hindi siya nito pinansin. "Where is your suite? Tatabi na lang ako sa iyo para
tipid sa gastos," sabi pa nito na nakangisi.

Nakaramdam ng inis si Mat-mat. Lalo na at iyon din ang kinatwiran niya kay Donna
para makitulog siya sa kuwarto nito.

"Matthew! I am warning you! Who is with you?!" Galit na si Donna sa kabilang linya.

Gusto na niyang saktan ang babaeng nasa harap dahil pinapahamak siya nito sa nobya
niya.

"My Love, huwag mo nang pansinin. I told you, she.’s a stalker."

Kumunot naman ang noo ni Caroline nang marinig ang sinabi ni Mat-mat. "I'm not a
stalker! I'm his girlfriend!"

Nanggigigil na lang si Mat-mat na pinindot ang 'end' button sa cellphone.

NAIINIS na tiningnan ni Mat-mat si Caroline. "Bakit ka ba nagpunta dito? Are you


following me?" iritable na tanong niya sa babae. Ayaw niyang mag-feeling gwapo pero
alam naman niya ang sagot na sinundan talaga siya nito sa lugar.

"Yes. May masama ba doon?" nakangisi na sagot nito.

"Listen, hindi na katulad noon ang status ko ngayon. I'm engaged with my
girlfriend."
"I don't believe you. Nagawa mo ngang p*****n ng cellphone ang girlfriend mo para
makausap ako eh," katwiran naman nito.

"Bahala ka kung ayaw mong maniwala," naiinis na sabi niya dito. Hindi niya alam
kung ano ang pina-plano ng babae na parang may sayad sa utak.

Hindi naman niya pinapansin ang mga trip nito noong mga nakaraan dahil wala pang
Donna na bumabalik sa kanya pero iba na ang sitwasyon ngayon.

Bumukas ang katabing elevator kaya iniwasan niya na ang babae at sumakay siya doon
para bilhan ng gatas ang nobya niya. Hindi nawawala ang pagkainis niya lalo at
iilang araw pa lang silang nagkabati ni Donna.

Knowing his girlfriend, mukhang babalik siya sa square one.

Bumili siya ng steamed milk at cake sa isang cafe na nasa loob ng hotel tulad ng
hiling nito.

Parang ang malas niya talaga sa araw na iyon. Inutusan siya ni Prin na umikot sa
buong siyudad para lang hanapin ang gusto nitong pagkain. Nakagat siya ni Khalid at
parang siya pa ang may kasalanan kung tingnan siya ng masama ng tatay nito.

Dumating ang stalker niyang ex-girlfriend at dahil dito, alam niyang galit sa kanya
ang nobya niya sa oras na iyon. At lahat ng mga iyon ay nangyari sa loob ng isang
araw.! Ang saklap talaga lalo na ngayon na ramdam niya na ang pagod.

At may sasaklap pa ba sa background music na pumapailanlang sa loob cafe na 'Bad


Day' ni Daniel Powter?

"Hello Mat!" napalingon siya sa bumati sa kanya at nakita niya si Cassandra at


Lorenz na magkahaway-kamay habang inaabangan niya ang inorder niya para sa nobya.

Lalo siyang napasimangot na makitang sweet ang mga ito. Akalain mong humabol pa ang
dalawa para dagdagan ang malas niya. Pinararamdam ng dalawang ito sa kanya na para
bang 'araw ng mga puso.’ nang mga oras na iyon.

"'Yung totoo? Bakit sa inyong dalawa parang laging valentines day?" naiinis na saad
niya.

"We are just enjoying, bakit ba parang naglilihi ka na naman?" puna ni Lorenz.

"Malamang galit sa kanya si Donna." Sapul naman ang hula ni Cassandra sa totoong
naganap kaya napasimangot siya sa narinig.

"Steamed milk and red velvet cake for Chupa...chups?" nakakunot ang noo ng barista
habang binabasa ang pangalan na binigay niya.

Mabuti na lang at tinawag na siya para sa inorder niya at malalayuan niya ang
dalawa na parang ayaw maghiwalay.

"Aakyat na 'ko. Shogun, hihilingin ko talaga na sana ay hindi ka na masarap bukas,"


bitter na sabi niya dito ngunit hindi siya nito inintindi.

"Bye Mr Chupa chups!" pang-iinis ni Lorenz.

Nakasimangot na umalis siya ng kapehan.

Nang makaakyat sa 4th floor ng hotel, kinatok niya ang suite ni Donna. Binuksan
naman nito ang pintuan.

"My love, binilhan kita ng --"

Bago pa niya matapos ang sasabihin, tinulak nito palabas ang luggage niya. Kinuha
ang supot ng pagkain at inabot sa kanya ang bag niya na may mahahalagang gamit.

Matapos iyon, binagsakan siya nito ng pintuan. Huli na nang ma-realize niya na
outside-de-kulambo siya sa gabi na iyon. Ang ganda ng ending ng kamalasan niya
talaga.

Kinatok niya ang pinto para kausapin ito. "My love! My Love! Napapagod na ko wala
akong matutulugan."

Ilang ulit niya pang tinawag si Donna. Hindi siya pwedeng umalis doon dahil
sigurado na mas magagalit ito sa kanya. Hindi tuloy niya alam kung saan siya
lulugar. Kung mananatili siya doon at kakatukin ang pintuan nito, siguradong
magagalit ito. Kung aalis siya ay magagalit din ito.

Napabuntong-hininga na lang siya.

"My Love, wala naman akong kasalanan. Buksan mo na 'yung pintuan, malamig dito sa
labas," pagpapaawa na lang niya.

Dahil sa ingay niya, bumukas ang pintuan ng kabilang kuwarto. Sumandal si Caroline
sa door frame at humalukipkip na ngumisi sa kanya.

"Wala ka bang matutulugan? Pwede ka dito sa kuwarto ko.” nang-iinis na sabi nito.

Hindi niya ito pinansin at patuloy na kinatok ang pinto. Lumapit sa kanya si
Caroline at hinawakan ang luggage niya.

"Listen Matthew, ikaw na nagsabi na malamig dito kaya doon ka na lang sa suite ko."

Bumukas bigla ang pintuan at bumungad si Donna na nag-aapoy ang mata.

"Matthew, I am warning you. Who is this girl?" nangigigil na tanong ni Donna habang
masama ang tingin nito kay Caroline.

"Hello, I'm Carol, his girlfriend.” Nilahad pa nito ang kamay sa nobya niya na
tinitigan lang ng huli bago ibinalik muli sa mukha nito ang tingin.

He grabbed the chance na tabihan si Donna paharap sa babae. "she.’s an ex! Not a
girlfriend."

Hindi naman sumagot si Caroline at tanging nakangiti lang.

Gumanti ng ngiting-plastik si Donna sa babae.

"Mayroon lang kami na hindi pagkakaunawaan ni Matty ko dahil hindi niya


naipaliwanag sa 'kin ng maayos ang History ni King Henry na manyak at babaero!"
binigyan diin nito ang 'manyak at babaero.’.

Matty "..."

"Matutulog na kami," sabi ni Donna bago kinuha ang lahat ng gamit ni Mat-mat saka
sinaraduhan ng pintuan ang babae.

"Huwag na mainit ang ulo mo. Upo ka dito, kahit pagod na ko mamasahihin kita."
Hinila niya ang nobya sa isang couch at hinilot ang ulo nito. Kailangan niyang
galingan dahil ayaw niyang mabadtrip sa kanya si Donna.

"Love…" natuwa naman siya nang tinawag siya nito matapos niyang hilot-hilutin ang
sentido nito.

"...I'm sorry.” Pagpapasensya mula dito na ikinagulat ni Mat-mat. Pinatabi siya


nito sa upuan saka niyakap ang dibdib niya.

"Sorry kung masyado akong masungit..."

"Sorry kung hindi ako naging perfect girlfriend..."

"Sorry sa sinayang ko na sampung buwan para maging masaya lang tayo." Ito talaga
ang dahilan ni Donna kung bakit niya pinapasok si Mat-mat. Nagkamali na siya noon
nang sinubok ng tadhana ang tiwala niya dito at ayaw na niyang maulit muli iyon.

Napangiti naman si Mat, mukhang sulit ang lahat ng kamalasan na nangyari sa kanya
sa araw na iyon.

"My Dearest Donna, will you marry me?"

Nagulat din ang babae sa tanong niya. "But you don't have a ring."

"Syempre, gusto ko munang marinig ang sagot mo bago ako bumili ng singsing. Paano
kung nag-'no.’ ka? eh, di sayang ang pera ko.”

Donna "..."

…..

MATAPOS lumabas ni Mat-mat sa suite ni Cally at Prin, pinatahan ni Cally sa pag-


iyak ang anak niya. Hindi niya alam kung na-guilty ba ito sa ginawa nito kaya ito
biglang umiyak o kaya naman nagpa-awa sa kanya dahil pinagagalitan ito ni Mat-mat.

"Hush baby, don't mind your Uncle Idiot. But, what you did is bad as well. Huwag ka
na ulit mangangagat basta-basta, okay?"

Dinala niya ito sa couch at saka tinanggal ang cable nylon wires na nakatali sa
buhok nito. Parang nagkaroon ng kaginhawaan si Khalid matapos niyang matanggal ang
bagay na iyon.

Naaaliw pa siya na makitang may naiwang luha sa bilog na mata nito. This little guy
is just like him. He looks like him.

Sabi nila kapag kamukha daw ng tatay ang baby, walang ibang iniisip ang nanay nito
kundi 'yung tatay ng bata habang pinagbubuntis ito. He was away during Prin's
pregnancy kaya naman he did everything to give her happiness ngayon na may Khalid
sila.

Dinodoble niya ang kasiyahan na maaari niyang ibigay kay Prin dahil malayo sila sa
isa’t isa sa loob ng mahabang panahon at lahat ng sakripisyo ay si Prin ang
nagdala.

She sacrificed for him.

Nakatingin sa kanya si Khalid na para bang hinihintay nito kung ano ang susunod
niyang gagawin.
Pinunasan niya ang mga luha nito sa mata.

"We should be happy. Your Mommy is safe," sabi niya dito na akala mo ay
nakakaintindi na ito sa nangyayari.

Gumapang ito papunta sa dibdib niya saka siya humiga sa couch kaya nakadapa na ang
ayos nito sa dibdib niya.

"Baby, in the future you will be the next Shi Cally but I want you to enjoy life. A
man who loves his Mom so much and his dearest wife."

"... at huwag mong hahayaan na may umapi sa Mommy mo." Napangiti siya sa nasabi. He
remembers the exact same message his Dad told him when he was six. Ngayon niya lang
naintindihan ng tuluyan ang ibig nitong sabihin.

Inangat ni Khalid ang ulo nito para titigan siya. Naaaliw siya na para bang
naiintindihan nito ang sinabi niya saka nito ibinalik ang pagkakasandal muli sa
dibdib niya.

Nagpapasalamat talaga si Cally na ligtas si Prin sa mga naganap. Nakakapagod at


nakakakaba ang mga nangyari sa araw na iyon pero sa huli, ligtas si Prin.

Hindi niya alam kung ano ang buhay na haharapin nila ni Khalid kung sakaling
kukunin si Prin sa kanila. Iwinaksi niya rin sa isip ang mga bagay na iyon dahil
ayaw niyang isipin ang 'bakit at kung paano.’.

Gustuhin man niya na ganito lang sana ang buhay nilang pamilya na tahimik at masaya
lang, may mga problema pa silang kinakaharap. Marami pa silang kalaban.

Si Gon Peter ay nagtatago lang sa dilim at hindi niya alam ang plano nito. Sigurado
siya na kung sakaling babalik ito, sisiguraduhin na nito na pantayan ang lakas
niya.

Nandiyan din ang mag-asawang Mayu at Captain Yeo. Hindi niya alam kung ano ang
plano ng babae at kung ano ang background nito pero pina-imbestigahan niya sa
Shogun ang dahilan nito kung bakit nito ginusto na pasabugin ang mga capsule bomb.

Ano ang nag-trigger dito para gawin iyon?

Nagkausap sila ni Rob at may plano ito na tanggapin ang trabaho na hanapin si Mayu
sa Japan. May plano rin naman kasi siya na hanapin si Captain Yeo. 'Two birds in
one stone.’ ang trabaho na iyon kaya sang-ayon siya sa gusto nito.

Patatapusin lang nila ang komosyon na ginawa ng teroristang si Mayu sa mundo bago
nila ito harapin.

Habang iniisip ang mga bagay na iyon, hinahaplos niya sa buhok ang anak na si
Khalid. Nakatulog silang mag-ama sa ganoong ayos.

Nagising si Prin nang wala siyang katabi sa kama. Sinilip niya ang relo at nakita
niya na alas dose na ng madaling araw. Pupungas-pungas siyang bumangon para hanapin
ang mag-ama niya.

Ang huling natatandaan niya ay pinabantayan niya ang anak kay Mat-mat dahil sobrang
sama ng pakiramdam niya dahil sa mga gamot na tinurok ni Christen sa kanya.

Natagpuan niya ang dalawa na payapang natutulog sa couch. Nilapitan niya si Cally
dahil alam niyang hindi ito komportable sa higa nito.
"Husbie…" tawag niya dito.

Umungol muna ito bago nagmulat ng mata.

"Pasok ka sa loob. Malamig dito saka hindi kayo komportable dito sa higaan." Kinuha
niya ang natutulog na si Khalid mula sa pagkakadapa nito sa asawa niya.

"Come here."

Bumangon si Cally at umayos ng upo saka siya nito pinaupo sa binti nito.

"Hindi ka ba nabibigatan kay Khalid?" tanong nito.

"Hmmm… mabigat pero okay lang." Pinagmasdan niya ang anak sa bisig na payapang
natutulog.

Niyakap siya ng asawa niya ng mahigpit saka siya hinalikan sa pisngi. "Thank you
Honey for being an amazing woman."

HALOS sabay-sabay at sunud-sunod na nagsipagbabaan sa restaurant ang grupo ni Cally


para mag-almusal.

Nasa isang bilog na table lang silang lahat tulad ng mga nakaraan para sabay-sabay
na mag-almusal at mag-bonding kasama ang mga kaibigan nila.

"May plano nga pala kami ni My Loves na umuwi sa Pilipinas ngayong araw. Kung may
kailangan ka sa 'kin, email mo na lang ako. Tapos na rin naman ang trabaho namin
dito," sabi ni Mat-mat kay Cally.

"Sa Pilipinas ang punta mo? Hindi ka babalik sa US?" pagtataka ni Christen na nasa
tabi lang din nito.

"Nah. May plano na akong hingin ang kamay ni Donna sa magulang niya," pagyayabang
nito.

"Wow Congratulations Donna!" bati muli sa kung kani-kanino sa kanila.

"Salamat!" ang tanging naging sagot nito. Kilala si Donna sa mga tipid nitong
sagot. Hindi rin masyadong nakiki-halubilo sa lahat ang dalaga.

"Sigurado ka Donna?" tanong mula kay Kai.

Pinukulan ni Mat-mat ng masamang tingin ang asawa ni Bella. "Kai Jang, may problema
ka ba sa akin?"

"Wala naman, naninigurado lang," nakangisi na sagot nito.

Tulad ng dati hindi pinansin ni Cally ang asaran ng dalawa, sanay na sila sa mga
ito. "May plano kami na pumunta sa Japan para i-meet si Uncle Rob at ang Mommy ni
Prin," sabi ni Cally.

Alam ng lahat na parte sa meeting na 'yon ang usapan sa Hantataiga at kay Captain
Yeo.
"I'll stay here. Ngayon ang kasal namin ni Sandra sa mairie." pagbibigay-alam naman
ni Lorenz.

Halatang nabigla ang lahat sa sinabi nito bukod kay Cally. Gusto ni Lorenz na
gamitin ang pagkakataon na maikasal muna sila ni Cassandra bago siya sumabak muli
sa laban.

"Y-y-you! Bakit naunahan mo pa ako?!" nanlalaki ang mata ni Mat-mat.

"Anong problema d'on? Nauna akong magpropose kay Sandra," sagot ng Shogun.

"Matty, bago ka magreklamo pwedeng bigyan mo muna ng singsing si Donna," puna naman
ni Prin.

"Wala ka pa ngang binibigay na singsing sa kaibigan namin, nagrereklamo ka pa?"

"Eh ikaw ba?" ganti ni Mat-mat kay Lorenz.

Inangat lang ni Lorenz ang kamay ng nobya nito para ipakita na may engagement ring
ang dalaga.

Nag-ikot sila ni Sandra sa city nang nagdaang araw para bumili ng wedding ring na
gagamitin sa araw na iyon at nagkataon na nagustuhan na rin niya ang engagement
ring sa isang stall habang nagpaalam ang dalaga na pupunta sa palikuran. He gave it
to her last night as a surprise when they make love.

Hindi nakasagot si Mat-mat sa atake na 'yon kaya nanahimik na lang ito. Somehow, he
is guilty na wala pa siyang binibigay kay Donna.

He is just lucky na hindi rin naman gano’n ka-big deal ang bagay na iyon sa nobya
niya.

Si Cassandra sa isang banda ay nakiki-nood lang kaya hindi makapagsalita. Kahit


weird sa pakiramdam, she felt hot inside. Lumilipad ang isip niya dahil sa mga
nakalipas na araw.

Masyadong nakakabigla ang mga pangyayari na sa loob ng wala pang isang linggo nang
muli silang magkita ay magpapakasal na sila ni Lorenz.

He loves her and she loves him, that's it!

Napakagat-labi siya nang maisip na Lorenz always make sure to give her pleasure. He
experimented with things in bed and she liked it so much.

Kumakain siya ng bacon, cheese at hotdog na nasa pinggan pero wala doon ang isip
niya kun'di sa mga ginagawa nila ng shogun gabi-gabi.

It's inappropriate to think wild things sa harap ng pagkain but she does. She was
looking forward to their first night as husband and wife kahit hindi pa sila
kinakasal ng binata.

Napapalunok tuloy siya habang paisa-isang pumapasok sa maduming isipan niya ang mga
larawan ng mga nagaganap sa kanila ng binata.

"Sandra…" he kissed her harder. Nawawala ang katinuan niya sa paraan ng paghalik sa
kanya ni Lorenz.

He licked her breast giving her thousand pleasures na hindi niya nakukuha sa ibang
bagay. "Hah…" she moaned.
He sucked it while played her entrance. Napapaliyad siya sa ginawa nito. "Sandra…"

"Sandra? Sandra?" tinapik-tapik siya ng binata na nasa tabi. Bigla siyang nagbalik
sa reyalidad. Napalingon siya bigla dito.

"A-are you okay?" tanong ni Lorenz sa kanya.

Napakislot si Cassandra at nag-init ang pisngi niya. "I… yes."

Doon niya lang napansin na hindi pa niya nauubos ang pagkain niya sa plato. Kinuha
niya ang pineapple juice na nasa harap at tinungga iyon para mahimasmasan ang init
niya sa katawan.

Hinipo ni Lorenz ang noo niya.

"You are hot. May sakit ka? May masakit sa iyo?" tanong nito na halatang nag-
aalala.

Pwede niya bang sabihin na iba ang rason kung bakit siya mainit? Mainit siya dahil
nag-iinit ang pakiramdam niya.

"Iaakyat ko muna si Cassandra. Mukhang may sakit ang nobya ko," paalam ng binata sa
iba.

"O-okay lang ako, Shogun," sabi ng dalaga.

Ayaw naman niya na mangyari na aalis sila doon dahil lang sa may kakaiba siyang
pakiramdam at alam niya sa sarili na hindi iyon dahil sa sakit.

"Magpapahatid na lang ako ng pagkain sa kuwarto. Magpahinga ka na muna." pilit ni


Lorenz. Walang nagawa si Cassandra kundi ang sumunod sa binata.

…..Sinipat ni Christen si Cassandra nang mapadaan ito sa tabi niya at napangisi ang
batang doktora, tapos may binulong ito kay Lorenz. Na-conscious naman ang dalaga sa
inakto nito.

Hindi naman siguro nito alam ang tunay niyang nararamdaman, tama? Pero doon siya
nagkamali dahil iba si Christen.

She.’s a surgeon, an OB-gyne at kung anu-ano pa ang inaral nito na para bang
naboboring ito sa buhay.

Inakay siya ni Lorenz doon sa ikatlong palapag kung saan naroon ang kuwarto ng
binata, malapit sa suite ni Cally at Prin.

Napangisi naman ng lihim si Lorenz habang nasa loob ng elevator dahil sa binulong
sa kanya ni Christen.

"Your wife is hot but not because of a fever. You know what I mean right?"

Nakipag-apir na lang siya dito ng lihim.

Paghihintayin niya ang dalaga hanggang sa makasal sila sa mairie (city hall or
mayor's office in Paris). He felt proud with himself. Hindi niya akalain na hindi
lang siya sa labanan wild, kundi pati sa pakikipag-relasyon, sa pakikipag-niig.

Mabuti naman at nag-iiwan siya ng ibang impresyon sa babae na parang droga din sa
pagkatao niya.
Kung pwede lang na ibaon niya ang sarili sa dalaga 24 hours, 7 days a week.

Ilang saglit lang, nasa loob na sila ng suite niya.

Pinaupo niya si Cassandra sa mahabang couch. Kumuha siya ng malamig na tubig sa


fridge at inabot dito para inumin nito. Nakatitig ang dalaga sa kanya na para bang
may nais ito sa kanya na hindi nito masabi, kaya naisip niya na pagtripan ito ng
kaunti.

'Tell me you want me, Sandra.’ nasa isip ng Shogun.

"Kailangan mong ubusin ito," sabi niya sa dalaga nang iabot niya ang malamig na
tubig dito. Nakita niya ang paglunok nito bago nito ininom iyon.

Naghubad ng puting shirt si Lorenz. "Magsh-shower lang ako, sweetheart. May tatlong
oras pa tayo para makapunta sa Mairie."

Hindi sumagot si Cassandra, dinagdagan kasi ng binata ang init na nararamdaman niya
nang makita niyang nagtanggal ito ng pang-itaas. Pinipigil niya ang paghininga
dahil baka may tumulong laway sa kanya.

Lalong nilipad ang kaisipan niya at pumasok sa isip ang pakiramdam na mahawakan ang
hubad na katawan na iyon ng binata. Sinusundan niya ito ng tingin hanggang sa
pumasok ito sa loob ng palikuran para maligo.

Parang doon lang nakahagap ng hangin si Cassandra.

Napabuntong-hininga si Cassandra. She wanted to follow him. Having the thought,


they had never done wild things inside a shower room.

Kung saan-saan muli lumilipad ang isip ni Cassandra. She undressed herself. Hindi
pa niya natatanggal ang lahat ng kasuotan nang lumabas si Shogun na tanging twalya
lang ang nagtatakip sa katawan nito.

Sa parte naman ni Cassandra, naka-underwear lang siya kaya napalunok din si Lorenz,
pero tinanggal nito sa isipan ang hubad niyang katawan.

Namula ang pisngi niya dahil nahuli siya nito na naghuhubad.

"What are you doing?" Nakakunot ang noo ng binata.

"I… I…" nahihirapan siyang magpaliwanag. Pwede niya bang sabihin na plano niyang
sumunod sa shower room?

"Sweetheart, you have a fever tapos gusto mo pang malamigan?" Inakbayan siya nito
at dinala sa nag-iisang kuwarto. Nag-iinit ang balat niya sa pagdikit nila ng
binata at mas lalong umiinit ang pakiramdam ni Cassandra.

Pinaupo siya ni Lorenz saka siya binigyan muli ng tubig.

"Uminom ka pa ng tubig para bumaba ang temperatura mo," sabi ng binata na halos
hindi niya naintindihan dahil nakatingin siya sa towel na suot nito. She wanted to
grab the chance na naroon ito sa harapan niya.

Inangat niya ang kamay para hilahin sana ang towel na iyon pero naunahan siya ng
binata na lumayo sa kanya para bumalik sa shower room.

Sobra-sobra ang panghihinayang ni Cassandra nang mawala muli ito sa paningin niya.
Ano ba ang nakain niya at ganoon siya sa umagang iyon? She.’s horny.

Tumayo siya at tuluyan na hinubad ang lahat ng kasuotan. Kailangan niyang akitin si
Lorenz. Tinungo niya ang closet at naghanap ng super sexy na lingerie para hindi
ito makatanggi. Isang lacey red and black underwear ang nakita niyang suotin

Parang silang tanga na dalawa sa kuwarto na naglalaro ng apoy-apoy-an.

Kapwa nila gustong akitin ang isa’t isa pero hindi alam kung sino ang unang
bibigay.

Matapos niyang magbihis bumalik siya sa pagkakahiga sa kama na parang alay ng mga
kulto sa santu-santuhan.

NANG lumabas si Lorenz ng palikuran matapos niyang makaligo, napansin niya ang
dalaga na nakakumot ito na tinatakpan ang buong katawan. Nakabaluktok ang dalaga ng
higa at pinagpapawisan.

Kumunot ang noo ni Lorenz kaiba iyon sa naiisip niyang bubungaran sa kuwarto.
"Sandra?"

Nagdilat ito ng mata. Hinipo niya ang dalaga sa noo at doon niya napansin na iba na
ang mood nito ngayon. Pinagpapawisan ng malamig ang nobya niya. Tinanggal niya ang
kumot na tumatakip sa katawan nito saka siya napalunok.

Nakabaluktot at nakahawak si Cassandra sa puson nito at halata na may iniinda ang


nobya niya. Pinilit niyang ilayo ang mata niya sa dalaga pero hindi rin niya
maiwasan na mapatingin dito. Napalunok na lang siya sa ayos nito.

"M-may problema ba?" tanong niya.

"Shogun, may dysmenorrhea ako… Pwede mo ba akong ibili ng gamot… saka ng pads or
tampons?" tanong nito.

dysmenorrhea? Pads? Tampons? Doon niya lang napagtanto na may buwanang-dalaw ang
dalaga. Gusto niyang maasar dahil bigla siyang pinaasa nito.

Naghihintay pa naman siya sa kung ano ang gagawin nito para akitin siya. Naakit
naman siya ng dalaga dahil nagawa nito na magpalit ng sexy na damit. Mukhang sa
kanilang dalawa, siya ang asar-talo.

Masasakal niya talaga si Christen sa pagbibiro nito sa kanya.

Pinilit niya na maging kalmado. Lumabas muna siya sa main area ng suite at saka
niya tinawagan si Christen.

"Yes, Shogun?" nakangisi pa ang dalaga sa kabilang linya.

"Tenten, are you done with your life recently? Anong pinagsasasabi mo d'yan na
horny si Sandra? She has a monthly period!" gusto niyang kutusan ang doktora sa
pagpapaasa sa kanya.

Natatandaan niya ang pambubully ng babae sa kanya noong mga bata pa sila. Kahit sa
kambal na kapatid nito ay bully ito, bukod kay Cally na kuya nito ay wala yatang
hindi nakaligtas dito.

"Shogun, I'm an OB-Gyne okay? Baka kasi sinobrahan mo ang performance kaya siya
ganyan. Basically, horny talaga ang mga nasa first day ng period. It's not my
fault, okay? It's Sandra.’s fault for being horny and you can't do anything about
it because she has a period! Unless… you want to beat the red light," nakangisi na
sabi nito sa kabilang linya.

Lorenz "...."

Napasabunot ang binata. He knew kung saan papunta ang usapan na iyon at
magmamalinis talaga ng kamay ang babae kung sakaling may kasunod na problema.

Hindi naman siya sobrang manyak para sundin ang payo nito na mag 'beating the red
light'.

"I need medicine because of dysmenorrhea saka tampons or napkin.” nasabi na lang
niya dito.

Matagal bago ito sumagot. "Shogun, anong akala mo sa.’kin, drugstore?"

Lorenz "...."

"Maghanap ka na lang sa labas. Try mo siyang painumin ng ginger tea na may cinnamon
at brown sugar. Magrequest ka na rin ng hot compress para ilagay sa puson niya. It
will help her… Sa tampons, subukan mong maghanap sa mga drugstores na malapit kung
sakaling wala ang hotel. Bye!" hindi man lang siya nito hinayaan na magsalita.

Nangigigil na tiningnan lang niya ang cellphone niya. Halos gusto niyang ibato iyon
sa sobrang pagkainis. Mababaliw siya sa mga payo niyo. Bilib talaga siya kay Doc
Mikko na nagawa nito na samahan ang dalaga sa loob ng mahigit isang dekada.

Tumawag na lang muna siya sa hotel at sinabi ang request niya. Ginger tea saka
cinnamon at brown sugar. Saka nagrequest siya ng hot compress. Sinubukan na rin
niya na magrequest ng napkin kahit namumula ang mukha niya.

Sa parte na iyon, tingin niya ay hindi siya napagtripan ni Christen. Seryoso naman
ang dalaga kapag sakit na ang pag-uusapan. Mabuti na lang din at handa ang hotel sa
kahit na anong request ng mga guests nito.

Nagbihis lang siya saka kumuha ng pajama para isuot kay Cassandra.

Bahagyang nanghihina ang pakiramdam ng dalaga. "Sandra, magbihis ka na muna."

Tumango lang ang dalaga. Saka niya ito binihisan. Sakto naman na dumating ang mga
hiling niya mula sa hotel. Ayos naman ang dala nito bukod sa isang bagay. Hindi
feminine napkin ang dala ng hotel staff kundi table napkin.

Napahipo siya sa noo. Unang beses niya na mag-alaga ng babaeng may buwanang-dalaw
at hindi niya alam ang gagawin. Hindi niya alam kung paano ipapaliwanag na ang
kailangan niya ay ang ginagamit ng mga babae.

"Ahh… Do you have tampons?" nasabi niya rin sa wakas matapos huminga ng malalim.
Pulang-pula ang mukha niya.

Tumango naman ito.

Ngayon niya lang napatunayan na weird pala talaga sa pakiramdam na manghingi o mag-
request ng gamit ng mga babae. Lalo na ang ginagamit ng mga ito sa monthly period.
Dinala niya na lang ang tea at table napkin sa nobya niya. "Sweetheart, drink
this.”

Ininom nito ang tsaa. Saka niya pinahiga ulit. Siya na ang naglagay ng hot compress
sa puson nito. May ilang oras pa ba bago ang kasal nila? Napalingon siya sa relo.

Hinawakan ni Cassandra ang kamay niya saka nito dinala sa pisngi.

"Thank you, Shogun.”

……

NAKAABOT naman sa itinakdang oras sa mairie si Cassandra at Lorenz. Matapos kasi na


uminom ng gamot at ng tsaa ng dalaga, guminhawa ng kaunti ang pakiramdam niya.

Nakasuot lang siya ng simpleng bestida. Nagpulbo lang at lipstick. Simple lang ang
make-up dahil hindi naman talaga siya sanay na magsuot ng magagarang kasuotan.

Si Lorenz ay simple lang din ang suot sa araw na iyon. Madalas na itim na shirt o
gamit sa training ang kasuotan nito pero pinili pa rin nito na magsuot ng itim na
longsleeve na polo para sa araw ng kasal nito.

"May the blessings of life, the joy of love, the peace of truth, and the wisdom and
strength of Spirit, be your constant companion, now and always, as husband and
wife. You may seal this union with a kiss..." ang mga binigkas ng Mayor para maging
opisyal na mag-asawa na si Lorenz at Cassandra.

Naluha ng bahagya si Cassandra. Hindi niya akalain na sa loob lang ng maikling


panahon ay matutuloy ang pagkikita nila ni Lorenz sa pag-aasawa. Isang lalaki na
mamahalin siya ng totoo.

Halos isang linggo pa lang silang nagkita pero heto sila at kasama na ang isa’t isa
na haharapin ang kinabukasan.

Kung anuman ang nararamdaman ni Cassandra, gan'on din si Lorenz. Parehas sila na
wala ng pamilya kaya natagpuan nila ang saya sa bawat isa. Nilapit ng shogun ang
mukha niya sa misis niya at siniil ito ng halik sa labi.

Kasama nila sa lugar bilang witness si Prin, Cally, Kai at Bella na bitbit ang mga
anak nito.

Nakaplano ang apat na umuwi sa gabi rin na iyon. Si Prin at Cally, patungo sa Japan
para kitain si Rob Matsui. Si Kai at Bella ay nakaplano na umuwi sa bahay ng
pamilya ng lalaki sa Korea.

Hindi na dumalo ang magkasintahan na Donna at Mat-mat dahil nakatakda ang dalawa na
magpunta ng Pilipinas. Sa tingin nila ay umiwas lang si Mat-mat sa tudyo ng grupo
nila.

Ang dalawang doktor naman ay nanatili sa ospital dahil hindi pa magaling si Doc
Mikko.

Naluha rin si Prin sa kasal na iyon dahil malapit sa puso niya si Cassandra. Kasama
niya ang babae sa loob ng mahabang panahon. Si Cassandra ang tinuring niyang
pamilya nang mga panahon na malayo siya sa asawang si Cally.

Nang magkaroon ng tyansa, niyakap ng mahigpit ni Prin ang kaibigan at nagbigay ng


bati dito.
"Congratulations Dear!"

"Salamat, Prin!"

"Mamimiss kita. Magsisimula na ako na magtrain sa business ng Daddy at Mommy ko


kaya mananatili ako sa Maynila sa mga susunod na taon. Ikaw, what is your plan?"
tanong niya sa kaibigan.

Sa loob ng mahabang panahon, kapwa sila natengga sa buhay, napag-iwanan ng panahon


kaya sabay din sila na bumabangon.

"May plano na mag-train si Shogun sa Kent mansion sa UK kaya sasama ako sa kanya
doon pagkatapos ng issue kay Captain Yeo. Sa ngayon ay plano ko na kumuha ng online
courses para i-master ang business course na natapos ko noon."

"That's great! Pwede ka rin na magtrain sa White Devil na nasa London kung gusto
mo," suhestyon ni Prin.

"Wow, talaga?"

Tumango si Prin. "sabihan mo lang ako."

"Honey, tama na ang tsikahan. Masama na ang tingin ng shogun sa iyo," tawag sa
kanya ni Cally. Nilingon niya lang ito saglit bago binalik kay Cassandra ang
atensyon.

"Aalis na kami Sandra." Paalam niya sa kaibigan.

Nagtuloy silang lahat sa kaunting salu-salo na hinanda ni Cally para sa Shogun niya
bago sila tuluyan na umalis ng lugar para bumalik sa Japan ng asawang si Prin.

…..

SA TAHANAN ni Gon Peter na nasa tuktok ng bundok…

Pinanonood niya ang video ng mga pagsabog sa kung saan-saang parte ng mundo sa
malaking TV. Halos sakupin ng TV na iyon ang isang parte ng pader. Hawak niya ang
remote control nito na pumipili pa sa kung anong pagsabog ang gusto niyang
panoorin.

Tila masokista ang lalaking may ginintuang buhok habang pinanonood ang mga clips
mula sa kung saan-saang site. Matalim ang mga mata na iniisa-isa niya ang palabas.

Nakakadagdag pa sa katuwaan niya ang maganda at malakas na tunog ng pagsabog dahil


sa Dolby sounds ng mga speaker na nakaikot sa paligid.

Habang nanonood, inistorbo siya ng malalakas na katok sa pintuan.

"Master.” tawag mula sa labas.

"Tuloy," sabi niya dito habang patuloy na pinanonood ang mga video.

Binuksan ni Levan ang pintuan saka nito hinarap si Gon Peter. "Master, Pinaghahanap
ng awtoridad si Mayu ng Hantataiga na siyang may gawa ng mga pagsabog," pagbibigay-
alam nito.

Saglit na natahimik si Gon para mag-isip. "Anong balita kay Prin Matsui?" tanong
niya.
"Walang balita, pero sa tingin ko, hindi nakaligtas ang babaeng iyon sa pagsabog."
Normal lang na maisip ni Levan ang bagay na iyon dahil may balita siya na ayaw
ipatanggal ni Cally ang bomba sa babae dahil sa nangyari kay Cassandra na tumakas
ng ospital.

Nagsalubong ang kilay ni Gon. Hindi niya alam kung ligtas si Prin sa capsule bomb
na na-inject dito pero naniniwala rin siya na hindi basta-basta mamamatay ang
babae.

Sa kabila ng lahat, umaasa siya na sana ay ligtas ito. Nakita niya kung paano
lumaban si Prin Matsui at alam niya na hindi ito basta maghihintay lang ng
katapusan nito.

"Gusto kong makausap si Captain Yeo at ang asawa niya," utos niya kay Levan.

"Masusunod."

BAGO umalis sa Paris, nagrequest na si Mat-mat ng singsing sa pinsan niyang si Baba


o mas kilala sa pangalang Penelope sa publiko, isang high-end na raketera. Isang
jewelry designer, painter, gym instructor, pianist, teacher, vlogger /blogger at
kung anu-ano pa ang trabaho nito. Sa babae rin galing ang engagement ring ni Bella.

Nakakaloko lang na parang hindi siya sineseryoso ng pamilya niya.

Ganito ang mga komento ng pamilya niya nang sabihin niya sa mga ito na magpunta sa
bahay nila Donna para mamanhikan:

"Sigurado si Donna na pakasalan ka?" komento mula sa Daddy niya.

"Honey, huwag kang magbiro. Nagd-drugs ka na ba ngayon kaya nagh-hallucinate ka


na?" komento mula sa Mommy niya.

Alam kasi sa kanila na naghiwalay sila ng dalaga. Naglasing pa nga siya noon sa New
York at hinamon ng suntukan ang Statue of Liberty. Dahil sa kalasingan, napagtripan
siya ng mga lokong kabataan kaya sa kulungan ang bagsak niya.

Matapos iyon, nagpatuloy na muna siya mag-aral. Kaya hindi niya masisisi ang Mommy
niya na mag-isip ng masama.

Ang kapatid naman niya na teenager na babae ang siyang nag-congrats sa kanya. Ayos
na sana, kaya lang, nasa kikitain nito ang nasa isip nito at wala sa pagpapakasal
niya.

"Congratulations Kuya! Magkano ang ibibigay na dowry ni Ate Donna sa akin?"

Nagmana talaga sila ng kapatid niya sa magulang niya. Mabuti na lang at


sinusuportahan siya ng ate Baba niya. Ibibigay nito sa kanya ang engagement ring na
dinisenyo nito nang nakaraang buwan lang, kapalit ng trabaho. Ang hanapin ang
matindi nitong basher sa online.

2 karats ng diamond ring kapalit ng napakadaling gawain na hanapin ang basher nito
sa vlog.

….
NAGPARA ng taxi si Donna at Mat-mat sa Airport pauwi sa bahay ng dalaga. Hindi pa
alam sa bahay nila na nagkaayos na sila ni Mat-mat dahil gusto niyang sorpresahin
ang mga magulang niya na mas excited pa na ibugaw siya sa binata.

Ilang buwan na naghihintay ang mga ito na magkaayos sila at sigurado na mas
matutuwa ang mga ito kapag nalaman na may plano silang magpakasal.

Bahagya siyang kinakabahan. Hindi kasi niya alam kung paano ipapaliwanag na
nagkaayos na sila ng binata.

Ilang oras pa, huminto ang sinasakyan nila sa harap ng bahay nila Donna.

Masasabi na malaki kumita ang pamilya nila pero nananatiling normal ang pamumuhay
nilang tatlo. Kalahati sa kinikita ng magulang ni Donna ay napupunta sa charity.

Simula pa lang bata ay nakagawian na nila ang ganoong gawain.

Naunang bumaba si Mat-mat ng taxi para kunin ang mga bagahe nila ng nobya niya
habang si Donna ang nag-doorbell sa bahay.

Ilang saglit lang, nagbukas ang gate ng bahay nila Donna at nanlaki ang mata niya
nang makilala ang taong nagbukas nito.

"Mamang? Mamang!!! Ahhh!!!" napatili siya nang makilala ang lola niya. Nanay ng
Mommy niya na probinsiyana.

"Ay Donna! Ikaw pala iyan iha, akala ko kung sinong maganda." Ngumiti ito ng
pagkalapad-lapad. Nasa otsenta anyos na ang matanda. Kaunting-kaunti na lang ay
matatanggal na ang pustiso nito sa sobrang pagkakangiti.

Limang taon din kasi silang hindi nagkita ng matandang babae kaya siguro hindi siya
nito nakilala agad. Nagmano siya rito saka niyakap niya ito ng mahigpit.

"Kailan ka pa dito, Mamang?" usisa niya at tumuloy na sa pagpasok. Bigla niyang


nakalimutan na may kasama siyang Mat-mat pauwi doon sa bahay dahil sa excited siya
na nakita niyang muli ang matanda.

Dahan-dahan lang ang paglakad ni Donna dahil may walking stick na hawak ang lola
niya at hindi nito kaya maglakad ng mabilis kaya nakaalalay pa siya dito sa
pagpasok.

Nakakunot ang noo ni Mat-mat na sumunod habang hila-hila ang lahat ng bagahe.
Tumutunog ang gulong ng luggage na bitbit ng binata sa sahig habang papasok sa
bahay.

"Aba.’y noong isang araw pa. Wala ka nga raw dito sa bahay sabi ng Mommy mo. Ano ba
'yon? Ka-ingay!" nilingon nito ang binata sa likod.

Sinundan rin ni Donna ng lingon ang binata.

"Aba.’y may pumasok sa bahay!" usal ng lola niya

"Ahh… Mamang, hindi po siya ibang tao. nobyo ko po yan, si Matthew." pakilala ni
Donna.

"Mateo?"

Dahil sa pangalan na binanggit niya, napasilip sa bintana ang Daddy ni Donna.


"Huh? Matthew! Ikaw ba yan, anak?! Honey, si Matthew nga, narito sa bahay!"

Habang papalabas ang magulang ni Donna. Naniningkit ang mata ng lola ni Donna na
sinisino ang binata mula ulo hanggang paa.

Sa hindi malaman na dahilan ni Mat-mat, napalunok siya sa paraan ng tingin nito sa


kanya. Para bang dumadaan siya sa scanner at tinitingnan kung may depekto ba siya.

Maliit lang ang lola ni Donna na nasa apat na talampakan at walong pulgada,
nakasuot ito ng saya at blusa na may pulang balabal.

Lumapit ang magulang ni Donna sa kanila na tuwang tuwa.

"Matthew, ikaw nga yan iho!" tuwang tuwa ang Daddy niya na makita muli ang binata.

"Hello po.”

"nagkabalikan na nga kayo? Totoo?" paninigurado ng Mommy niya.

"Opo." Napakamot sa ulo si Mat-mat

"Ang totoo po… hihingin ko po sa inyo ang kamay ni Donna.” biglang nakaramdam ng
hiya ang binata.

Namula naman ang pisngi ni Donna.

"Wow! Syempre payag kami na makasal kayo, kailan ba yan? Bukas na?"

"Hindi ako papayag!" napalingon silang lahat sa maliit at matandang babae.

"Donna, huwag kang magpapakasal kay Marco nang hindi yan dumadaan sa tamang
proseso."

"Ahhh.. Sino po si Marco?" tanong ni Mat-mat.

Pinalo siya nito agad sa binti ng bitbit nitong walking stick. "Aba.’y damuho ka!
Sino pa ba? E, di ikaw!"

Napangiwi na lang si Mat-mat sa biglang pag-atake na iyon ng matanda.

"Ma, ayaw mo pang magpakasal ang apo mo e, trenta mahigit na yan si Donna," komento
mula sa mommy niya.

Parang gusto ni Donna na maglaho ng banggitin nito ang edad niya. Kailangan pa bang
linawin at ulit-ulitin na lagpas na siya sa kalendaryo? Naramdaman na naman niya
ang pambubugaw nito sa kanya kay Mat-mat.

Napapailing na lang si Donna dahil sanay naman na siya sa mga ito.

"Ano bang sinasabi mo r'yan?! Gusto ko siyempre na magpakasal ang apo ko. 'Yon e
kung karapat-dapat itong si Mario."

Mat-mat "...."

Tiningala ng matanda si Mat-mat. Napalunok na naman siya sa paraan ng pagsuri nito


sa kanya na para bang may laser ang mga mata nito na naniningkit pa at parang
hinahanapan siya nito ng bacteria sa katawan.
"Bibigyan kita ng tatlong pagsubok. Kung matatalo mo ako, papayag ako na makasal sa
iyo si Donna.”

Mat-mat "...."

"Ahhh… mamang, nagbibiro lang po kayo di po ba?" paninigurado ni Donna na nakangiwi

"Hindi.”

Naisip ni Mat-mat na may edad na ang matandang babae. Siguro naman ay madali na
lang na matalo ito sa kanya.

"Papayag po ako," sabi niya.

"Mabuti naman! Bukas ng alas sais ng umaga ang simula ng laban natin,” sabi nito
saka siya inirapan at tinungo ang pintuan papasok sa loob ng bahay.

Naaliw ng bahagya si Mat-mat dahil bibigyan pa siya ng tatlong pagsubok ng


matandang babae para lang maikasal sa apo nito. Kung may problema siguro siya, 'yon
ay ang paggising sa umaga dahil sanay ang katawan niya na inaabot ng madaling araw
sa computer.

Hinarap siya ng nobya niya nang mawala sa paningin nila ang lola nito.

"Love, Ako na ang nagsasabi sa iyo. Mahirap magbigay ng pagsubok ang lola ko,"
paalala ni Donna.

Hinaplos niya ito sa buhok. Natutuwa siya na concern ito sa kanya. "My Love, kahit
gaano pa 'yan kahirap, haharapin at kakayanin ko yan para sa iyo."

Halatang kinilig ang dalaga sa sinabi niya kaya napangiti ito ng simple. Natutuwa
naman ang magulang nito habang pinanonood sila na maglambingan.

"Matthew, mabuti naman at nagkaliwanagan na kayo. Naku, I'm happy lalo at may
kasama na ko ulit maglaro ng Mobile Legends," mula sa Daddy ni Donna.

"Na-miss ko rin po kayo," sabi niya.

Totoo at bukal sa puso ni Mat-mat ang bagay na iyon. Simula nang tanggapin siya ng
mga ito ilang buwan ang nakaraan, tinanggap na rin niya na maging magulang ang
parents ni Donna, lalo at nasa Amerika ang pamilya niya.

"Aba.’y kabagal niyong magsipasukan!" sigaw mula sa lola ni Donna na halatang


naiinip.

Binilisan nila ang lakad para sundan ito sa pagpasok ng bahay. Pagdating sa
pintuan, hinarang nito si Mat-mat. Hinarang nito gamit ang walking stick sa pintuan
matapos makapasok ng dalaga at ng magulang nito.

"Aba.’y saan ka pupunta?" tanong nito sa kanya.

"S-sa loob po."

"At bakit? Pumayag na ba ako na makasal ka kay Donna ko?"

"Ma, hayaan mo na si Matthew na matulog dito. Nagli-live in na sila ni Donna."


nakangisi pa na sabi ng Daddy ng dalaga.

"Ano?! Pumayag kayo na makipag-live si Donna kay Mateo?" gulat na sabi nito.
Mat-mat "..."

"M-matthew po ang pangalan ko, Lola," pagtatama niya.

Pinalo muli siya nito ng bitbit nitong walking stick na napakabilis. Hindi man lang
niya nagawang makailag.

Napangiwi si Mat-mat saka hinimas ang binti niya. Kung hindi lang ito pamilya ni
Donna at kung hindi lang ito matanda ay nakutusan niya na talaga ito simula pa
kanina.

Pero determinado si Mat-mat na pagsilbihan ang matandang babae dahil pamilya ito ng
nobya niya, kaya magtitiis siya.

"Hindi kita papayagan na matulog sa kuwarto ng apo ko hangga.’t hindi mo


napagtatagumpayan ang tatlong pagsubok," sabi nito.

"E, a-ano po ba ang unang pagsubok, l-lola? Tanong niya.

Ngumisi ito. "shooting range!"

Mat-mat "..."

"Ha ha ha… Nagbibiro lang po kayo, di po ba?" natawa siya sa trip nito.

Pinalo muli siya nito ng walking stick. "Aba.’y damuho kang bata ka! Mukha ba 'kong
nagbibiro sa paningin mo? Hindi pa ba ako seryoso sa paningin mo?"

"Mamang, kalma lang po kayo." Hinimas ni Donna ang likuran ng lola niya para
kumalma ito saka hinarap ang binata.

"Mat, alam mo kung bakit ako pumasok bilang Dark Guard' di ba? Lola ko ang may
gusto n'on."

Alam ni Mat-mat ang tungkol sa bagay na iyon.

"...P-parehas na nasa militar ang magulang ng Mommy ko," bulong ng dalaga sa nobyo
niya.

Ang bagay na iyon ang hindi niya alam. Nanlaki ang mata ni Mat-mat sa nalaman.

"Love…" huminga siya ng malalim saka hinawakan ang dalawa nitong kamay.

"...please PRAY for me," halos maiyak niyang sabi.

MAS PINILI ni Mat-mat na mag check-in sa hotel dahil pakiramdam niya ay hindi rin
siya makakatulog sa bahay ng nobya niya. Pakiramdam niya ay nakamasid sa kanya ang
mata ng matandang babae at parang babangungutin siya kapag maiisip ang hawak nitong
walking stick.

Wala na ang apartment na nabili niya nang nagdaang taon dahil binenta niya iyon
matapos silang maghiwalay ni Donna. Hindi rin naman kasi niya akalain na babalik
siya ng Pilipinas kaya sa isang hotel siya tumuloy.
Plano niya na bumili ng mas malaking bahay na kakasya sa kanilang dalawa ni Donna
at sa mga future babies nila. Para siyang tanga na napapangiti kahit mag-isa.

Nilapat niya lang ang katawan sa higaan at hinila ng antok dahil sa pagod.

May dalawang oras lang yata nang magising siya dahil parang may kulang sa higaan
niya. Namimiss niya ang yakap ng kanyang My Loves. Nagdadalawang isip siya kung
tatawagan niya ito.

Naisip niya na tawagan na lang si Kai na hindi niya alam kung nasaan na sa mga oras
na iyon.

Matapos lang ang ilang ring, sinagot nito agad ang tawag.

"Yes, Manyak Mat?" bungad nito.

"Kai Jang, kailangan ko ng tulong. May laban kami ng shooting range ng lola ni
Donna bukas," bungad ni Mat-mat.

"Shooting range? At ng lola ni Donna?" naguluhan ito sa sinabi niya.

"Yes. Akala ko kasi mapapabilis ang kasal namin ni Donna, My loves. Akalain mong
dumating 'yung asungot niyang mamang at bibigyan ako ng tatlong pagsubok. Ang unang
pagsubok, kailangan ko daw siyang talunin sa shooting range!" mga hinaing niya.

Bumuntong-hininga si Kai sa kabilang linya. "Manyak Mat, tingin ko binabawi ng


tadhana ang mga kalokohan na ginawa mo noon. Masyado ka kasing mapusok at kung
saan-saan sumusuot kaya ngayon tuloy pinarurusahan ka. Lagot ka," pananakot pa
nito.

Nakaramdam siya ng inis dito.

"Pwede bang bigyan mo na lang ako ng payo? Ito talaga ang rason ng pagtawag ko,
Okay?"

Tumawa na lang sa kabilang linya si Kai. "Fine! Unang payo, huwag kang kakabahan sa
paghawak ng armas. Pangalawa, isipin mo na puso ng mga taong nasa paligid ni Donna
ang bulls eye, and you are aiming to get it. Pangatlo, kailangan mong magpahinga ng
mabuti dahil maayos na kaisipan ang key para makakuha ng mataas na puntos. Kaya nga
mas makabubuti sa iyo kung matutulog ka na, para maayos ka mag-isip. Hindi 'yung
puro kamanyakan ang nasa utak mo."

"Excuse me, hindi na ako manyak noh!"

"Talaga?" paninigurado nito.

"hmmm… Kaunti na lang…"

"Gagu! O siya, umiiyak na 'yung anak ko," paalam ni Kai.

"Ha? Ikaw ang nag-aalaga ng baby n'yo? Nasaan si Bella?" pagtataka ni Mat-mat.

"Hayun, kasama si Prin at Sandra. Girl bonding daw para i-celebrate ang kasal ng
shogun. Kaya malamang na si Shi din ang House husband sa kanila. Nakansela ang pag-
alis namin dito at bukas na lang kasi aalis."

Siguro kung noon niya kausap si Kai, baka nagtaas ang kilay niya sa sinabi nito na
ang mga ito ang nagbabantay sa kani-kanilang mga anak. Sino ba ang makakapag-isip
na magbabantay ng isang taon na baby si Kai at Cally?
Pero sa ngayon, naiintindihan ni Mat-mat ang respeto ng dalawang lalaki sa mga asa-
asawa nito. Bigla tuloy niyang namiss ang nobya niyang si Donna.

May nag-doorbell sa pinto kaya kumunot ang noo niya. "O, siya. Paalam na," sabi
niya sa kaibigan.

Matapos maibaba ang tawag, tinungo niya ang pinto at nabigla siya na makita si
Donna.

Gumaan ang pakiramdam niya na makita ito lalo na at naiisip niya pa lang ang dalaga
ilang segundo lang bago matapos ang pag-uusap nila ni Kai.

May dala itong paperbag at inaabot sa kanya.

"Hello, Love. Pinapunta ako ng palihim ni Mommy para dalhan ka ng dinner," sabi
nito.

Hinablot niya ang dalaga sa loob ng kuwarto at niyakap ito. "I miss you, My Loves.
Nalulungkot talaga ako. Mabuti at dinalaw mo ako dito."

Hindi pa nga siya nakakabawi sa sampung buwan na paghihiwalay nila nito. Kasi naman
si Lola, malakas maka-nega sa relasyon.

Ang totoo, hindi rin mapalagay si Donna sa bahay. Nasanay na siya na katabi si Mat-
mat sa pagtulog sa loob ng ilang araw. Kaya pumayag kaagad siya na sundan ito sa
hotel na iyon. Mabuti na lang at sinabi nito kung nasaan ito at kung saang kuwarto
ito tumutuloy.

Umupo lang sila sa mahabang couch. Nasa unahan niya ang dalaga na parang kayakap
ang isang teddy bear. Pinatong niya ang baba sa balikat ng dalaga. Sana ganito lang
sila palagi. Wala nang iwanan na magaganap.

"Ayoko nang kumain. Matulog na lang tayo para maaga ako bukas sa meeting place ng
lola mo."

Napangiti ang dalaga sa nadinig. Mukhang sineseryoso nito ang hamon ng lola niya.
"Thank you sa pag-unawa sa lola ko, Matty."

"...pero sana ‘yung kamay mo wala sa boobs ko."

"Huh? Boobs ba iyon? Sorry, na-carried away lang ako.”

…..

KINABUKASAN ng umaga, maagang dumating si Mat-mat sa usapan nila ng lola ni Donna.

Maganda ang mood niya sa araw na iyon dahil naka-score siya sa kanyang My Love.
Madaling araw na nang umalis ito sa hotel niya at hindi na nagpahatid sa kanya
dahil may dala naman itong kotse. Para silang teenager na tumatakas sa mahigpit na
lola ng nobya niya.

Nagkape pa muna siya bago inisip ang mga payo ng kaibigan na si Kai at Ana.

"Hello, pwedeng makiupo?" isang seksing babae ang pumutol sa nililipad niyang
kaisipan.

Hapit na hapit ang kasuotan nito na tube dress na itim at halos lumuwa na ang
dibdib na parang si Betty boop. Nakadagdag pa ang liit ng bewang nito at mabilog na
balakang. Ang kaso, parang natatangahan siya sa babae. Hindi ba at nasa shooting
range sila. Tama bang magsuot ito ng ganoon sa lugar na iyon?

Sinubukan pa rin naman niya ang magpakaginoo dito.

"Pwede naman," sagot niya.

Natuwa ito saka umupo sa katabing silya. Nilapit pa nito ang silya sa kanya na
akala mo ay close sila nito. Medyo naasar si Mat-mat sa babae kaya tumayo siya para
layuan ito.

Halatang nabigla ito sa inakto niya na para bang may nakakahawa itong sakit. "S-
saan ka pupunta?"

Nagtaas ang kilay ni Mat-mat. Iniisip niya kung baliw ba ang babae para tanungin
siya nito na akala mo ay close sila.

"Nagtanong ka lang naman kung pwede ka makiupo. Pumayag naman ako. Kailangan ko rin
ba sabihin sa iyo kung saan ako pupunta?"

Natameme ito sa sagot niya at halatang napahiya ito. Nagpunta na lang si Mat-mat sa
isang gilid saka ginawa ang trabaho na inuutos ni Cally sa kanya. Ang i-locate ang
mag-asawang Captain Yeo at Mayu.

Ilang saglit pa, dumating ang matanda kasunod ang nobya niya.

Pinalitan ni Donna ng saya ang pagkaasar niya ilang minuto ang nakaraan. Para itong
diwata sa paningin ni Mat-mat. Kaya naman sulit ang pagsubok na ibibigay sa kanya
ng matandang babae para dito. Hindi akalain ni Mat-mat na tuluyan nang sinakop ni
Donna ang pagkatao niya. Ang kanyang My Loves.

Bagay dito ang suot nitong blusa at ripped jeans. Nakakabata sa hitsura nito. Gusto
sana niyang yakapin at siilin ng halik ang dalaga kaya lang may asungot itong
kasama.

Ibinaba niya ang paningin saka niya napansin na pinagmamasdan din siya ng lola
nito. Katulad ng nagdaang araw, parang scanner ang mga mata nito na sinusuri siyang
mabuti. Kinabahan siya bigla.

"Alvaro, gusto kong malaman mo na pasado ka sa unang pagsubok." Seryosong sabi


nito.

Nanlaki ang mata ni Mat-mat. Nasanay na siya sa pagtawag nito sa kanya ng kung anu-
anong pangalan pero… ano daw? Pasado siya sa unang pagsubok? Samantalang, hindi pa
nga sila nagsisimula.

Sumilay ang ngiti sa labi ng nobya niya.

"Pero hindi pa ho tayo nagsisimula."

"Kanina pa nagsimula. Ang babaeng iyon ang una mong pagsubok," saad nito.

Nilingon ni Mat-mat ang seksing babae. 'Yon na iyon? Inaasahan ba nito na papatulan
niya ang babae? Seksi lang siguro ang babae pero wala siyang maramdaman na kahit
ano dito. Iba pa rin ang kanyang 'My Loves'.

"Salamat iho sa pagtulong." Nakangiti ang lola ni Donna sa seksing babae.

'iho?'
"Wala pong anuman, kapitana. Salamat po sa tulong n’yo kay Pudra. Bye pogi!"
kinindatan pa siya nito bago tuluyang umalis. Kumekendeng pa ang balakang nito
habang papalayo.

Napaatras si Mat-mat sa ginawa nito. Hinila niya si Donna sa isang sulok.

"My loves, don't tell me... lalaki 'yon?" bulong niya dito.

"Yes. transgender iyon.” Nakangisi na sagot mula sa nobya niya. Nanlaki naman ang
mata niya sa nalaman. Hindi siya makapaniwala dahil mukha talagang babae ang taong
iyon. Ang galing ng teknolohiya sa pagbago ng katawan nito.

Niyakap siya nito sa baywang. "I'm happy for you, My loves! Congratulations!"

Sumimangot ang matandang babae nang mapansin nito ang sweetness nilang dalawa ng
nobya niya. "O siya Andrew, maglaban na tayo!"

Sinundan nila ito ng lakad patungo sa firing area. Nagsuot ito ng salamin na sakop
ang kalahati ng mukha saka ng headphone sa tenga. Saka dinampot ang baril na
gagamitin.

"Kung sino ang makakuha ng mataas na puntos, siya ang panalo. Bibigyan kita ng
tatlong putok. Naiintindihan mo?" tanong nito.

"Ahh, Lola, pwede po bang malaman kung ano ang koneksyon nito sa pag-aasawa namin
ni Donna?" Hindi maintindihan ni Mat-mat kung bakit kailangan niyang mag-firing o
kung bakit kailangan niyang makipaglaban dito.

"Aba.’y damuho ka talaga! Hindi mo alam? Titingnan ko kung gaano ka kagaling


pumutok," sabi nito saka tinutok sa alaga niya ang baril na hawak nito.

Napahawak tuloy siya kay Junjun at gumilid para itago iyon sa matanda.

"Lola magaling pumutok si Junjun ko kaya hindi na natin kailangan pa dito,"


mayabang niyang sabi.

Pinaputukan siya nito ng bala sa paahan pero hindi naman siya nito pinatamaan.

"Ahhh!!!!" parang nag-tinikling si Mat-mat sa pagtalon-talon dahil sa kaba sa


matanda.

"HUWAG na po mainit ang ulo niyo. Nagjojowk lang po ako," nakanguso na sabi ni Mat-
mat matapos magpa-sikat ng lola ni Donna.

Sa galing nito magpasikat, pwedeng sumali ang matanda sa 'showtime.’ na talent ang
paghawak ng baril.

"ikaw, Leo! Ako ba ay pinagtitripan mo, ha?" nakaamba ang walking stick nito sa
kabilang kamay sa kanya.

Humarang si Donna para ipanangalang ang sarili sa nobyo niya. "Mamang, kalma lang
po kayo, lalo po kayong madadagdagan ng wrinkles," saad ni Donna.

Umirap lang ang matanda. "O siya, tayo.’y magsimula na!" saad nito saka tinungo ang
firing range.

Muli ay dahan-dahan lang ang lakad nito hanggang sa makarating sa firing lane.

Ang lane na iyon ay nahahati sa walong booth para may sariling area ang bawat
shooters. Ang bawat booth ay may partisyon para maiwasan ang aksidente at makasakit
sa kapwa shooters. Tumatalsik kasi ang naiiwan sa bala.

Ilang metro ang layo sa firing booth, makikita ang target na may mga bilog. Bawat
bilog ay may puntos na nakasulat. 10 points ang pinakamataas at 1 ang pinakamababa.
Zero kapag lagpas sa pinaka-bilog.

"Rodolfo, halika.’t magsimula na tayo."

Tiningnan muna ni Mat-mat ang lola ni Donna saka nagreklamo.

"Lola, naiintindihan ko po kung tawagin n’yo akong, Mateo, Marco, Andrew, Mario,
Leo pero anlayo na po ng Rodolfo sa pangalan ko."

"Aba.’y damuho ka talagang bata ka!" bigla na naman siyang pinalo nito sa binti
nang sobrang bilis.

"Lola, nandadaya na po kayo. Gusto n’yo po ba akong lumpuhin para hindi ako
makapuntos kahit isa?" nakangiwi na reklamo niya.

"Aba.’y talaga namang suwail ka, ano?" nakaamba na naman ang walking stick nito sa
kanya.

Sumimangot si Mat-mat. Simula nang nagdaang araw ay nakakarami na sa kanya ang


matanda at wala siyang magawa sa pang-aapi nito sa kanya.

"Mamang, sige na magsimula na po kayo," pigil ni Donna bago hinarap si Mat-mat.

"Love, pasensya ka na sa lola ko ha."

Umirap muna sa kanya ang matanda. Irap na tulad ng kay Donna. Like Donna, like
granny.

Tsk tsk, ngayon ay alam niya na kung saan nagmana ang nobya niya.

Pumuwesto ito sa isang firing booth. Saka tumira.

*bang* Walang tinamaan.

Kumunot ang noo ni Mat-mat.

Tumira muli ito...

*bang* wala muling tinamaan.

Gusto nang magduda ni Mat-mat kung talaga bang mahusay ang matandang babae sa
pamamaril.

Ikatlong putok…

*bang* wala muling tinamaan.

Lumapit ang target sa lugar ng matanda saka ni-review ang mga puntos nito.
"Aba.’y bakit wala akong nakuha kahit isang puntos?!" galit na reklamo nito.

"Eh Kapitana, malabo na po kasi ang mata ninyo kaya naintindihan namin kung hindi
na kayo ganun kagaling," sabi ng isang manonood.

"Aba.’y oo nga ano, tingin ko.’y sa kaka-laro ko ito ng Counter strike at Dota kaya
rumupok na ako.”

Mat-mat "..."

"Nakuuu… namimiss ko na rin ang maglaro ng 'plants versus zombeh'" sabi nito na
para bang nakalimutan na naroon sila para maglaban.

"Lola, ako na po ang titira." Baka kasi nakalimutan nito kung bakit sila nandoon.

"Aba.’y huwag na dahil halata naman na talo na ako! Gusto mo bang ipamukha sa akin
na hindi na ako magaling ha," nagagalit na sabi nito.

"Lola, huwag na po kayong magalit. Tuturuan ko na lang po kayo mag-counterstrike at


Dota," sabi niya dito. Nag-aalala rin si Mat-mat sa pabigla-bigla nitong galit sa
kanya. Ang hirap pa naman na baka magkasakit ito sa puso dahil sa highblood sa
kanya.

"Aba.’y, bakit? marunong ka ba maglaro?"

"Oo naman po. Isa po akong Game Master. Gusto n’yo po dalhin ko pa kayo sa Japan at
doon po tayo maglaro. Marami po doon."

Bumilog ang mata nito. "talaga? Kaya mo akong dalhin sa Japan? Bakit, mayaman ka ba
iho?"

Naaaliw naman si Mat-mat sa biglaan na naman nitong pagbabago.

"Oo naman po kaya ko po kayong ipagtayo ng mansyon kahit bukas."

Nanlaki na naman ang mata nito. Sinuri muli siya nito. "Net worth mo per year?"

"200 million po… US dollars."

Nanlaki ang mata ng matanda.

"Savings?"

Binulong niya dito kung magkano na ang ipon niya at napanganga ito.

Sumingkit muli ang mata nito "Properties?"

"Mayroon po akong skyjet, armoured van na parehas nasa 400 million."

"...US Dollars. Pero wala pa po akong bahay, gusto ko po kasi ay kastilyo.”


pagyayabang niya dito.

Sinuklay niya pa ng mga daliri ang buhok niyang nagsisimula na naman na kumapal.

Napapangiti naman ang mga taong nanonood sa kanila dahil napapansin ng mga ito ang
pang-aapi sa kanya ng matanda na para bang nahipan ng hangin.

"Eh sino po ba siya, kapitana?" tanong ng isang manonood.


"are ba? e si Matthew, asawa yan ng apo ko."

Mat-mat "..."

"Love, promise… hindi mukhang pera ang lola ko.” nakangiwi na sabi ni Donna.

…..

MADILIM ang paligid kahit alas kwatro pa lang ng hapon. Normal kasi na sunset sa
bansa ang alas kwatro ng hapon kapag gano’ng panahon sa bansang iyon.

Kasalukuyang malamig ang klima sa Japan nang makarating ang mag-asawang Prin at
Cally dahil winter sa lugar. Nagsimula na rin ang pag-ambon ng niyebe sa buong
siyudad kaya bahagya ring namumuti ang kapaligiran.

Binalot ni Cally ng jacket ang anak niya 'pag labas pa lang nila sa eroplano.
Tanging buong mukha lang nito ang nakalitaw sa nakabalot na tela.

Panay ang ikot ng paningin ni Khalid sa paligid. Parang sinusuri nito ang lugar
kung nasaan sila.

Matapos maglakad sa napakahabang pasilyo palabas ng departure area, sinalubong sila


ng tatlong Dark Guards. Si Joen, si Tom at bagong trainee na Bob ang pangalan,
mahusay sa taktikal ang lalaki. Inabutan agad sila ng mga ito ng winter jacket.

"GW8, namiss ka namin. Hu hu." Palapit si Joen kay Prin para yakapin siya nang
pigilin ni Cally ang kwelyo ng suot nitong Dark suit.

Napangiti si Prin sa inakto ng asawa niya at natuwa rin siya na makakita muli ng
Dark suit. Ilang taon na siyang hindi nakakapagsuot ng damit na tulad niyon at sa
palagay niya ay magsusuot na muli siya ng Dark suit sa nalalapit na panahon.

"Kamusta na kayo?" tanong ni Prin sa lalaki. Matagal-tagal din siyang hindi


nakadalaw sa mansyon nila doon.

"Ayos lang kami. Kailan ka nga pala babalik sa training?" tanong ni Joen.

Nilingon na muna niya si Khalid na nakatingin sa kanila na akala mo ay


naiintindihan nito ang pinag-uusapan nila bago niya sinagot ang tanong ni Joen.

"Busy pa kasi ako sa anak ko eh," sagot niya.

Nalungkot bigla si Joen nang ilipat ang paningin kay Khalid. Naalala niya ang anak
niya. Binatilyo na ang anak niya sa mga panahon na iyon na pilit na tinago sa kanya
ng dati niyang nobya. Tuluyan na silang naghiwalay ng girlfriend niya noon, ang
babaeng dahilan kung bakit siya naroon bilang Dark Guard.

Labis noon ang pagkamuhi niya sa babae, pero naka-move-on na siya ngayon dahil
naisip niya na hindi naman siya magiging masaya sa kasalukuyan kung hindi siya
nanatili doon.

"Wow! Shi, ang pogi ni Master Khalid!" puna naman ni Tom sa baby.

"Siyempre naman! Mana iyan sa Mommy niya!" pagbibida niya.

Pinaglipat-lipat nito ang tingin sa baby at sa kanya.


"Weh? Parang kay Shi naman e," komento ni Joen.

Inirapan lang ni Prin ang lalaki. Aminado naman siya na nakuha ni Khalid ang halos
lahat sa asawa niya.

"Huwag ka na malungkot, Honey. May namana pa rin naman sa iyo si Khalid?" sabad ng
asawa niya.

"Tulad ng?" excited na tanong niya. Kumikinang pa ang mga mata niya na hinihintay
ang sagot mula dito. Sino bang magulang ang ayaw makarinig na may namana sa kanya
ang anak niya. Unless, it's a bad trait.

"Tulad ng... malikot matulog."

Tiningnan niya ito ng masama. Nagtawanan naman ang tatlong lalaki.

"Ha ha o.’ siya! Tara na sa mansyon. Naghihintay si Master Rob," saad muli ni Joen.

Nagsimula silang maglakad patungo sa dalang sasakyan ng mga ito.

Ilang metro ang layo ng departure hanggang sa parking lot kaya mahaba-haba ang
lalakarin nila.

Pinagmamasdan ni Prin ang bansa kung saan siya lumaki mula sa haligi na gawa sa
salamin habang naglalakad. Nagsimula siyang magmuni-muni at tila ninanamnam ang
kagandahan ng lugar.

"Ano ang balita ngayon sa mag-asawang Captain Yeo at Mayu?" usisa ni Cally .

Sumeryoso bigla ang tatlong lalaki. Nagsimulang magpaliwanag si Joen bilang siya
ang mataas ang ranggo sa kanilang tatlo.

"Shi, ang totoo. May ilang bomba muli ang sinimulan ng Hantataiga na pasabugin
simula kahapon at talagang nasa Red level na ang utos ng Presidente…"

"May natanggap din kaming sulat mula kay Mayu habang nasa ere pa kayo."

Tumingin muna ang lalaki kay Prin bago nagpatuloy. "Hinahamon niya si Prin at si
Master Rob."

Nagtaka si Cally kasabay ng pagtalim ng mata niya. Sinasabi na nga ba niya at si


Prin talaga ang isa sa mga rason ng babae kung bakit bigla itong bumalik kay
Captain Yeo para bawiin ang mga detonator.

Noong una ay wala siyang pruweba kaya nga nagpatuloy siya na ipahanap sa Shogun ang
mag-asawa.

Ayaw niyang Ibaba o magpa-petiks sa seguridad ng grupo niya. Lalo at hindi niya
alam ang dahilan nito.

"Talagang binangit niya ang pangalan ko?" Nagtataka naman si Prin. Wala siyang
natatandaan na atraso sa babae.

Tumango si Joen.

"Bakit?"

"Because Captain fallen in love with you." Si Cally ang sumagot sa tanong niya.
Nanlaki ang mata ni Prin at kinilabutan siya sa bagay na iyon. Alam niya na gusto
siyang panatilihin ng lalaki sa barko noon pero hindi sumagi sa isip niya na
magkakagusto sa kanya ang kapitan.

"E, bakit kasali si Daddy?"

"My guess is… she is Hitomi's child," seryosong sagot muli ni Cally.

NASA malalim na pag-iisip si Prin at hindi siya makapaniwala sa mga posibleng hula
ni Cally. Halos magsasampung taon na nang mamatay si Hitomi.

Matagal na itong kakilala ng Daddy niya kaya paano nangyari na nakalusot sa


kaalaman nito na nagkaroon ito ng anak na katulad ni Mayu?

Tahimik sila sa loob ng itim na van at tila walang gustong magsalita. Binabaybay
nila ang daan patungong Matsui Mansion mula sa airport.

Si Bob ang nagmamaneho. Katabi nito sa passenger seat si Joen na nagrereport sa


Shogun gamit ang espesyal na radyo. Kailangan nitong ipagbigay-alam na maayos na
nasundo ng grupo niya ang mag-asawang Prin at Cally.

Si Tom ay hawak ang laptop nito at patuloy na tahimik na nagtatrabaho. Sa gitnang


bahagi ito ng van nakaupo. Sa likuran ang mag-asawa kalong ang anak nilang
nakikimasid sa daan at sa paligid nila.

Unang beses nito makita ang tatlong Dark Guard.

"Ma.. Uhma.." ungol ng anak niyang si Khalid.

"Woah! Husbie, tinawag niya ako!" bigla siyang natuwa dahil sa narinig. Nakita niya
na napangiti rin si Cally sa kinauupuan nito habang bitbit si Khalid.

"Kiss your Mommy, baby." Nakanguso na si Prin para halikan ang anak niya nang
makarinig sila ng pagsabog sa katabing sasakyan. Halos dalawang metro lang ang layo
sa kanila.

Biglang binawi ni Prin ang nguso niya at saka napasigaw.

*Boom!!!!*

Sa sobrang lakas ng pagsabog, nagsipagbasagan ang mga salamin ng bintana at kung


ano pang babasagin sa kotse at nagsipagtalsikan sa mga kalapit na sasakyan.

Parang slow-motion na umikot at lumipad sa ere ang kotseng sumabog. Iba-iba naman
ang reaksyon nilang lima sa loob pwera kay Khalid na tahimik lang.

"Ahhh!!!" agad na yumuko siya at yumakap sa anak niya para itago ito at hindi
masaktan.

"Shit!" napamura naman si Bob na nagmamaneho. Mabilis na iniwasan nito ang kotseng
sumabog

Sabay na napalingon si Joen at Tom sa katabing sasakyan at kapwa nanlaki ang mata
nang umikot nga iyon at halos masagi nito ang sasakyan nila kung hindi lang
magaling sa pagmaneho si Bob.
Agad naman na kinulob ni Cally ang isang kamay kay Prin at halos ipasok niya ang
katawan nito sa Jacket na suot .

Gumewang ang sasakyan nila para malayuan ang kotseng sumabog. Ginamit ni Bob ang
lahat ng talento niya sa pagmamaneho para maiwasan ito.

Bumagsak ang kotse ng pataob sa gilid ng kalsada, matapos nilang makalusot dito.
Nagsisalpukan ang mga kasunod na sasakyan, ang kasunod at kasunod pa dahil sabigla
rin ng pangyayari.

Kitang kita ang pag-apoy ng sumabog na sasakyan na nasa likuran na nila.

*wee-eow* *wee-eow* nagsipagtunugan ang mga alarm ng mga sasakyan na sumalpok dito.

"Kailangan nating bilisan!" utos ni Cally kay Bob. Hindi sila maaaring manatili sa
kalye kung ganoon na sobrang mapanganib sa daan.

"Copy, Shi!" sagot mula dito. Binilisan nito ang pagmaneho.

Ilang saglit pa, may sumabog muling kotse na nasa unahan naman ng sasakyan nila.

*screech!!!!*

"Ahhhh!!!" napasigaw muli si Prin.

Biglang pinigil ni Bob ang kotse na minamaneho para hindi sila bumangga sa mga
sasakyan na nasa bungad dahil bigla rin ang pagtigil ng mga ito.

Sa sobrang bigla ng pagtigil ng sasakyan nila, nabitawan ni Tom ang laptop niya at
tumilapon iyon patungong hood. Mabilis niyang hinawakan ang screen para hindi ito
makasakit ng kahit na sino sa kanila.

Ngunit hindi ang radyo na hawak ni Joen, dahil sa bigla nito tumilapon rin iyon at
tumama sa ulo niya.

"Pusang ina!" napamura na ito ng tuluyan.

Tumatahip ang dibdib nila dahil sa magkasunod na pagsabog.

"Ayos lang kayo?" tanong ni Bob na nilingon ang mga kasama sa likuran.

Sinuri ni Cally ang mag-ina niya at nakahinga siya ng maluwag na makitang ayos lang
ang mga ito.

"Ayos lang kami, Kailangan natin magmadali. Maghanap ka ng pwede nating daanan
papuntang mansyon," utos ni Cally dito.

Hindi sumagot si Bob. Sa halip, sinunod nito ang utos ng Master niya.

"MB53, call Shogun tell him na kailangan niyang tapusin ang honeymoon niya sa
lalong madaling panahon. Call MB5, Tell them to come over at the soonest!"

"Tom, same with you. Tell uncle Rob na kailangan natin simulan agad ang meeting."
Nag-uutos pa lang si Cally nang may sumabog na naman na sasakyan nadi-kalayuan.

Hindi na nakatili si Prin dahil siguro inaasahan na niya ang bagay na iyon. Ngunit
sabay-sabay silang natigilan.
"Fu*k! What is happening?" usal na mura ni Bob. Pinagmamasdan niya ang paligid na
para silang napagitnaan ng giyera.

Pare-parehas ang bilis ng tibok ng puso nila dahil sa sobrang kaba at halos walang
makapagsalita sa kanila para magbigay ng komento.

…..

HINDI makalusot ang sasakyan nila na kasalukuyang naipit sa mga sasakyan sa


kalsada. Ilang saglit pa, may sumabog na naman na kotse na nasa hindi kalayuan.

Nakaparada lang iyon na isa sa mga naipit din na sasakyan kaya mas malaki ang
impact dahil nadamay ang mga nasa tabi nito.

Sa halos sunud-sunod na pagsabog ng mga sasakyan, parang na-immune na ang mga


senses nila na naghihintay kung may kasunod pa ba.

*sccchhhht* *sccchhhht*

Pinipindot-pindot ni Joen ang radyo na hawak para makakonekta sa mga tauhan na nasa
Matsui Mansion. Gusto niyang malaman kung ano ang nangyayari. Gusto niya ring
ipagbigay-alam na hindi sila ligtas sa kinaroroonan nila.

"Dark Guards! Is there any Dark Guards out there?" tanong niya habang nakakuyom ang
kamao. Halata sa mukha ni Joen ang kaba at ang pagkainis sa nangyayari.

*scccht schhht*

"Dark Guards?!"

Habang busy si Joen sa pagtawag sa espesyal na radyo, pinagmamasdan ni Prin ang


paligid.

Nagtatalo ang apoy mula sa mga sasakyan sa kung saan-saang parte at ang puting
snow. Maingay ang paligid dahil sa sabay-sabay na tunog ng alarm ng kotse.

Sanay sila sa laban pero hindi sa ganoong klase ng eksena na parang dinaanan ng
giyera ang dating tahimik at mapayapang lugar.

Anong nangyari sa bansa niya? paano nangyari na nakalusot sa gobyerno ang mga
pagsabog na iyon?

Ilang saglit pa isang sasakyan muli ang sumabog.

*Booom!!!!*

Nanlaki na ang mata ni Prin dahil mas kita niya ang pagsiklab ng apoy mula sa loob
ng kotse at ang pagtilapon nito sa ere.

Sa sunud-sunod na pagsabog, tila inuubos ang mga sasakyan na nasa kalsada.


Natigilan muli silang lima na sakay ng itim na van.

"f**k!" napamura na naman si Bob. Bilang driver ng sasakyan, nag-aalala siya sa


kaligtasan ng mga pasahero niya. Bilang Dark Guards, espesyal ang mga tao na sakay
ng van na iyon, kaya nakaramdam siya ng kaunting stress.

Patuloy pa rin sa pagtawag sa radyo si Joen kahit pa para siyang tanga na wala
naman kinakausap. Bahagya ng namamaos ang boses niya sa pagtawag sa kabilang linya.
Naisip niya kung ang dahilan ba kaya hindi siya makakonekta ay dahil sa pagtilapon
at pagbagsak ng radyo na iyon sa ulo niya.

Sa kabilang banda, si Tom ay patuloy na naghahanap ng posibleng balita sa internet.

"There is no signal…" komento nito.

Tumiim ang bagang ni Cally. Hindi niya akalain na kapahamakan pa ang dulot ng pag-
uwi ng pamilya niya sa bansang iyon. Nilingon niya ang paligid.

May mga nagsisipag-iyakan na, may lumabas ng sasakyan para maki-usyoso, may
natatakot. Halos lahat ng negatibong emosyon ay nasa mga tao sa paligid. Pinansin
niya ang mga sasakyan hanggang sa may sumabog na naman muli.

Nilingon niya si Prin at Khalid na matindi ang kapit at yakap sa asawa niya. Parang
iniiwasan nito ang umiyak kahit pa halatang natatakot din ito.

"We need to get out!" biglang utos ni Cally sa lahat.

Natigilan naman ang apat na tao pa ng sasakyan.

"But Shi…" Hindi rin naman alam ni Joen kung ligtas ba sila kung lalabas sila ng
van. May snow sa paligid na patuloy na nalalaglag. Siguradong lalamigin sila ng
sobra sa kalye.

"We don't know, we might be the next victim. Halos lahat ng sasakyan dito ay galing
ng airport. Sigurado ako na may signal jammer din dito sa paligid na sobrang lakas
na kahit ang radyo ng Dark Guards ay nadamay para hindi tayo makakonekta sa
mansyon."

"...Isa pa, napansin ko na pulos itim ang mga sasakyan na sumabog. kaya guys… we
need to get out.”

"We have to get out, now! This is an order!" sabi niya na sinimulan na rin na
buksan ang pintuan sa gilid ng sasakyan.

Nagsipagsunuran ang apat pang nilalang sa kanilang Master. Binalot agad sila ng
lamig matapos makahakbang papalabas ng van ang bawat isa.

"Double your jackets!" utos muli ni Cally.

Nilabas agad ng tatlong Dark Guards ang mga extra winter jackets na nasa isang box.
Kinuha naman ni Cally ang makapal na fleece na nasa luggage at binalot iyon sa
asawa niya.

Halata na rin na nilalamig ang anak niyang si Khalid dahil bahagyang namumula na
ang pisngi nito.

"Use our compass!"

"S-saan ang daan natin Shi Cally?" tanong ni Bob dahil magulo ang paligid. Hindi
naman siguro naiisip ng Master nila na dadaan sa mga sumabog na kotse, tama?

Isang kotse muli ang sumabog.

Binibilang ni Bob ang bawat pagsabog at sa tingin niya ay kada dalawang minuto
nangyayari ang pagsabog ng kada sasakyan.
Tinuro ni Cally ang masukal na nasa gilid ng sasakyan nila. Matataas ang mga puno
pero halos nalanta na ang mga dahon nito dahil nagsimula na ang taglamig.

Kinuha ni Cally ang anak niya mula sa bisig ni Prin para mas mapapadali sila sa
pagtakbo.

"Kailangan lang natin makalayo dito hanggang sa magkaroon tayo ng signal saka tayo
magpapasundo. Guys, kailangan nating bilisan dahil mas mapanganib ang lagay natin
dito sa kalye."

Tumango lang ang lahat saka sunud-sunod silang tumakbo papasok sa masukal na lugar.

Bente metro pa lang ang layo nila sa sasakyan kung saan sila galing nang sumabog
ang van na iyon.

SABAY-SABAY silang napalingon sa sasakyan at sabay-sabay din nanghilakbot sa


nakita.

Sumabog ang van na gamit nila

"Oh my gosh!" usal ni Prin. Napakapit siya bigla sa braso ni Cally.

Kahit ang tatlong Dark Guards ay sadyang kinabahan at napaisip kung paano na lang
kung nanatili sila doon sa van na sumabog?

Parang iniligtas pa sila ng Master nila.

"Let's go!" Utos ni Cally sa mga kasama saka nito sinimulan ang pagtakbo papalayo
sa kalye. Tama ng hinala niya na may plano si Mayu na pasabugin ang mga itim na
sasakyan.

Naka-linya sila na sumunod sa pagtakbo kay Cally.

HINDI nila alam kung gaano na sila katagal na tumatakbo. Ramdam na ni Cally ang
pagod lalo na at bitbit niya ang isang taong gulang na anak.

Sa gitna ng ma-yelong lugar, pare-parehas na nagbubutil ang pawis nila at kapwa


sila hinihingal. Hindi nila nakalkula kung gaano na kalayo ang natakbo nila dahil
pare-parehas na sinakop ng pagsabog ang mga kaisipan nila.

Binagalan ni Cally ang pagtakbo hanggang sa maging lakad na lang ang ginagawa niya.
Bilang siya ang nasa unahan o nasa bungad, nakasunod lang sa kanya ang apat pang
Dark Guards.

Parang nagtatalo ang mga paghinga nilang lima na kapwa mabibigat at halatang pagod
na.

Alam ni Prin na pare-parehas na silang napapagod sa mahabang pagtakbo. Nagkaroon


sila ng tyansa na punahin ang lugar kung saan sila naroroon.

Hindi na nags-snow sa lugar na kinaroroonan nila ngunit halata na mas malakas ang
naging pagniyebe sa lugar na iyon kumpara sa dinaanan nila mula sa airport. Mas
makapal ang yelo at halos wala na silang makita kundi kaputian ng kapaligiran,
kahit pa madilim na dahil gabi na nang mga oras na iyon.

Nagsisimula na rin nilang maramdaman ang lamig dahil mas mabagal na ang pagkilos
nila.

Hindi nakaligtas sa paningin ni Bob ang maliit na kubo na nasa hindi kalayuan.

"Shi, may maliit na tahanan, 3 o.’clock," sabi nito.

Napalingon si Cally sa tinuro nito. Siguro ay mayroong 50 meters ang layo ng maliit
na kubo na iyon mula sa kinatatayuan nila. Dahil wala naman ibang bahay sa paligid,
kapansin-pansin ang maliit na tahanan na iyon.

Saglit siyang nag-isip kung safe ba na manatili sila roon o mas safe kung
magpatuloy sila sa paglakad.

"Husbie, huminto na muna tayo," usal ni Prin. Kapwa na sila pagod at kailangan
nilang mainitan. Kailangan nilang magpahinga kahit saglit.

Saglit na tumigil sa pag-isip si Cally at pinagmasdan ang asawa at ang anak niya.
Uminit ang damdamin niya na kahit sa ganoong panahon na nanganganib sila, ay kasama
niya ang pamilya at nananatili sila sa bisig ng bawat isa.

Nagulat na lang si Prin nang bigla siyang hinalikan ng asawa niya sa labi habang
nasa gitna ng nerbyos.

Napanganga na lang ang tatlong lalaki at pare-parehas na umiwas ng tingin sa mag-


asawa. Hindi nila inaasahan na may pasabog din ang dalawa.

Hindi sila makapag komento na nagawa pa ng mga ito na maghalikan sa oras na iyon na
namomroblema sila.

"Let's stop at that bungalow," pagpayag ni Cally habang nananatili ang mga mata sa
asawang si Prin.

Naunang lumakad ang tatlong Dark Guards patungo sa maliit na tahanan para suriin
iyon.

"Uhmm.." ungol mula kay Khalid nakatingin ito sa magulang nito.

Nginitian ito ni Prin. "Are you okay, baby?"

"Uhmm.." ungol muli na para bang naiintindihan nito ang sinasabi niya. Hinawakan
niya ang pisngi nito na bahagyang nilalamig na. Nakabalot naman ang buong katawan
nito ng makapal na jacket at tanging mukha lang ang nakalitaw kaya sigurado siya na
ayos lang ang lagay nito

"Aki'na muna siya," saad ni Prin. Alam niya na nakadagdag ang anak niya sa pagod ng
asawa.

Inabot ni Cally ang anak niya kay Prin saka siya nito hinalikan sa noo. "Thank you,
Honey!"

Nilakad nila ng sabay ang tahanan. Nakaakbay pa si Cally sa asawa niya. Lumapit sa
kanila si Joen.

"Walang tao Shi. Secured din ang lugar. Nagsimula nang magpa-apoy si Bob sa loob,"
saad ni Joen.
"May signal ka ng nasagap?"

"Wala pa din. Tingin ko nasira ko ang radyo," kakamot-kamot na sabi nito.

Tumango lang si Cally. Sigurado na nabahala ang gobyerno sa mga oras na iyon kaya
saglit na pinutol din ng mga ito ang koneksyon.

"Bukas ng umaga kailangan nating umalis hanggang sa makahanap tayo ng tulong sa


base."

Hindi sila pwedeng manatili sa lugar lalo at kailangan nila ng tubig at pagkain.

…..

HINDIi nakaligtas ang balita ng mga pagsabog sa daan patungo at palabas ng airport
sa Matsui Mansion. Nabalitaan din nila na walang signal at ilan na ang mga namatay.

Nagkakagulo sila sa general hall at hindi nila alam ang gagawin. Restricted kasi
ang lugar sa ngayon at walang makapagsabi ng totoong lagay ng lugar.

Alas diyes ng gabi ang kasalukuyang lokal na oras.

Nagpatawag si Rob ng biglaang meeting dahil ilang oras na ang nakalipas ngunit wala
pa ang mag-asawang Prin at Cally pati na ang tatlong Dark Guards na sumundo rito.

Nahahati sa malaking screen ng TV ang Shogun, si Kai, ang mag-asawang Ginny at


Cloud Han pati na ang iba pang opisyal ng Dark Lords. Kasalukuyang nanghihina si
Madam Lira kaya wala ito sa meeting. Nasa iba’t ibang parte ng lugar ang lahat at
tanging video call lang ang komunikasyon nila.

"Where are they?" nag-aalalang tanong ni Ginny na Mommy ni Cally.

"Ang huling balita mula kay MB53 ay nasundo ang pamilya ng Shi sa airport. Matapos
iyon, wala na kaming balitang natanggap." Ang Shogun ang sumagot.

Malalim na nag-iisip si Rob. Pinipilit niya na maging positibo. Isang taon pa lang
na nakabalik ang anak niya at ayaw niyang mag-isip o makatanggap ng masamang
balita.

Ayaw naman niya na magpadala ng Dark Guards sa lugar para lang makibalita kung ano
ang eksaktong lagay ngayon sa pamilya niya. Masyadong mapanganib. Hindi nila alam
kung hanggang kailan natatapos ang pagsabog o kung tapos na ba.

"Walang komunikasyon ngayon sa lugar pero nagdeclare ng war ang Hantataiga sa


gobyerno kaya dalawang araw nang nagaganap ang pagsabog ng bomba kung saan-saan.
Mayu also send me a personal mail. Hinahamon niya ako."

"The government wanted to hold the news kaya wala pang nakakaalam kung ano ang
totoong lagay ngayon sa lugar," tukoy niya sa daan kung saan sumasabog ng paisa-isa
ang mga sasakyan.

Kita ang pagtutop ni Ginny sa bibig nito sa video na halatang may pinanonood ito na
hindi nila alam.

"Oh my god! C-cloud Han…" usal nito. Humigpit ang kapit nito sa braso ni Cloud.
Bakas ang takot at pag-aalala sa Mommy ni Cally.

"What is it Ginny?" tanong niya.


"The situation is not good. Open your international news TV." si Cloud ang sumagot
para sa kanya dahil hindi na makapagsalita ang asawa nito at nanatiling nakatulala.

Pinindot niya lang ang laptop na nasa gilid ng mesa tulad ng suhestyon ng kaibigan
niya. Hindi naman siya nahirapan na hanapin ang video dahil nagtrending bigla ang
balita ng pagsabog. Gusto niyang manuntok habang pinapanood ang video. Kuha iyon
mula sa drone.

Pare-parehas silang tahimik habang sabay-sabay na pinanonood ang kasalukuyang lagay


ng kalye kung saan posibleng dumaan ang van ni Cally.

Hindi maganda ang ayos ng daan galing ng airport. Parang dinaanan ng giyera ang
lugar.

Dahil gabi na, mas kita ang pag-apoy ng mga sasakyan kung saan-saang bahagi. Halos
hindi na makita ang pagniyebe dahil sa kapal ng usok sa paligid. May mga sasakyan
na tumaob, mga nabasag na salamin. Mga taong nagsisipag-iyakan at humihingi ng
tulong. Mga taong duguan mga naputol na parte ng katawan.

Sa pangkalahatan, hindi maganda ang sitwasyon sa lugar.

Natahimik sila hanggang sa mag-react muli si Ginny.

"Rob… Don't tell me they are using a black car?" sabi nito.

Saglit siyang natigilan at pinilit na sagutin ang tanong nito sa mahinang boses.
"Yes…"

"Oh my god! Cloud, I want to go there! Please let's go there." Naging malikot si
Ginny sa lugar nito.

"Ginny Lopez, calm down," sabi dito ng kaibigan niya. Niyakap muna nito ang asawa
nito para pakalmahin.

"What is it Ginny?" tanong niya.

Anong kinalaman ng itim na kotse sa biglaan nitong pagbago. Alam ng lahat na


matalino ang babae at sigurado na may nakita ito sa video na ito lang ang
nakapansin. Kinakabahan siya sa maaari nitong isagot.

Huminga muna ito ng malalim para pakalmahin nito ang sarili bago sumagot. "All
black cars have bomb in it. And I think, lahat ng itim na kotse mula sa airport."

May pinakita ito sa screen na shot ng itim na kotse na basag ang salamin at
nakataob. "Do you guys see this black cars? I am one hundred percent sure na ito
ang isa sa mga kotseng may dalang bomba.”

May pinakita muli ito na mga kotse sa screen na puro itim ang kulay at bilang spy,
nasisigurado rin si Rob na ang mga tinuro nga ni Ginny ang mga kotseng dahilan ng
mga pagsabog.

Iniisa-isa pa nito ang lahat na mas nakakadagdag sa pagkadepress nito.

"Stop!" napatayo si Rob sa sunod na pinakita nitong sasakyan sa screen.

Kahit si Kai at Shogun ay natigilan sa van na nasa screen. Paano nilang hindi
makikilala ang sasakyan ng Dark Guards.
BAHID ang pag-aalala sa dalawang pinuno ng Dark Guards sa nakitang kasalukuyan na
hitsura ng sasakyan. Basag ang salamin ng van nila at patuloy na umaapoy ang loob
nito. Natanggal pa ang isang pintuan mula sa katawan ng van. May naaaninag silang
mga bulto o katawan ng tao sa loob na nakadagdag sa tensyon nila na mga nasa
meeting.

Tumiim ang bagang ni Rob sa nakita. Kapag nakita niya ang Mayu na iyon ay
sisiguraduhin niya na isusunod niya ito sa mukhang aswang na nanay nito na si
Hitomi.

Hindi naman bobo si Ginny para hindi nito makuha ang mga reaksyon nila na mga nasa
video.

"Where are they Cloud Han?" nagsimula nang umiyak ang Mommy ni Cally sa kabilang
bahagi ng mundo.

Kahit si Cloud ay hindi alam ang gagawin sa mga oras na iyon. Normal na reaksyon ng
asawa niya ang mag-alala sa anak nila at sa pamilya nito. Ang tanging magagawa niya
ay magpakatatag.

"I want to go there please…" hiling muli nito.

"Ginny, masyadong mapanganib sa bansa nila ngayon. It's not safe. Kahit pa gustuhin
natin magpunta lahat sa Japan para masigurado ang lagay nila, hindi rin binibigay
sa atin ng pagkakataon ngayon. All we can do is to wait for the good news," sabi ni
Cloud Han sa asawa nito.

"But I can't stay here hangga.’t hindi maayos ang lagay ni Cally."

Natahimik na lang silang lahat at hindi nakasagot sa nais nito.

"What are we going to do ngayon na nawawala si Master Cally?" Nabahala naman ang
mga lider ng Dark Lords.

"I still believe na nakaligtas sila. Ako na mismo ang pupunta sa area para masiguro
kung ano ang nangyari. Maganda o hindi ang balita ko, sisimulan na natin ang
pagtugis sa luka-lukang si Mayu sa pagbalik ko. At gusto kong hingin ang
kooperasyon ng lahat. I need 100 Dark Guards at 100 na personal na tauhan ko para
pabagsa’kin ang Maria Celeste 1 at si Mayu."

"...Aiden, I hope na ayos na rin ang sasakyan-pandagat na kakailanganin natin,"


mahabang salaysay ni Rob.

Ngumisi ang binata sa lugar nito. Sinimulan niya nang magpagawa ng armoured na
barko nang nakaraang taon pa at sisiguraduhin nila na durog ang Maria Celeste 1 sa
laban.

"That's all for today,” sabi ni Cloud bilang pinuno sa meeting. "Mag-iingat ka Rob
Matsui.”

Tumango lang si Rob.

…..

SA LUGAR nila Cally…


Bahagyang nahirapan sa pagsindi ng apoy si Bob sa fireplace na naroon sa maliit na
bahay na nakita nila sa gitna ng masukal na lugar. Naghanap pa siya ng kahoy na
maaaring gamitin.

Sa masukal na paligid naghanap siya ng kahoy at kinailangan pang patuyuin iyon


gamit ang pulang torch ng Dark Guards.

Mabuti na lang at lagi siyang handa na parang boys scout. Kaya ilang minuto lang
ang tinagal niya bago nagliyab ang chimney.

Si Joen at Tom ay kasalukuyang inaayos ang radyo nila para makakonekta sa base.
Binabantayan din ng huli ang signal.

Si Cally ay mas pinili na suriin muli ang paligid ng bungalow. Tiwala naman siya sa
kakayahan ng Dark Guards pero iba pa rin kung susuriin niya ng personal ang paligid
nito.

Nakaupo si Prin at Khalid sa isang sulok para padedehin ang anak niya. Tanging
fleece lang ang gamit niya para takpan ang maselan na bahagi ng katawan habang
pinaiinom ito ng gatas.

Mabuti na nga lang at may kaunti pang gatas na nap-produce ang katawan niya para
dito dahil nasanay din sa breastfeed ang anak niya.

Napangiti siya habang haplos-haplos ang pisngi nito. Sa gitna ng hindi magandang
lagay nila, nagagawa pa rin siya nitong pangitiin.

"Baby, mommy is sorry. pagod ka na ba? Kailangan natin magpahinga dahil maaga tayo
bukas." nakatitig lang ito sa kanya kahit pa panay ang galaw ng lalamunan at nguso
nito.

She is proud of herself na makapag-produce ng isang Khalid.

Maya-maya, bumitaw ito sa pag-inom ng gatas at yumakap sa dibdib niya.

Nagsimula na mag-hymn si Prin para makatulog ang anak niya. Ilang saglit pa, pati
siya ay nakatulog din dahil sa pagod.

….

NAKITA naman ni Cally na maayos ang lagay nila sa maliit na tahanan na iyon.

Nakakuyom ang kamao niya habang nakatingala sa itim na kalangitan. Talaga namang
hindi pa umaayon ang panahon sa lagay nila sa kasalukuyan.

Sa sobrang lamig ng lugar, may lumalabas ng usok sa bibig niya habang humihinga.
Bahagya na rin na nagd-dry ang labi niya.

Bilang nakatakdang lider, nakasalalay sa balikat niya ang kaligtasan ng lahat,


hindi lang ng pamilya niya kundi ang buong samahan. Hindi niya hahayaan na
magtagumpay si Gon Peter sa plano nito. Nagtatago sa dilim ang lalaki at parang
terorista rin kung umasta. Kaya kailangan nilang maligtas sa pagsubok na iyon.

Kailangan niyang labanan si Mayu sa kalokohan na ginawa nito. Sigurado siya na


nakarating na rin sa mansyon ang pagka wala nila at sigurado rin siya na hahanapin
sila nito.

Pumasok siya sa loob ng maliit na tahanan matapos masiguro na ligtas sila doon.
Nakaramdam na rin siya ng lamig.
Sa loob ng maliit na tahanan, tanging ang liwanag lang mula sa fireplace ang
nagbibigay ng ilaw. Gayunpaman, hindi siya nahirapan na makita ang asawa at anak
niya sa isang sulok.

Nang makita ang mag-ina niya na nakabalot ng makapal na fleece sa isang gilid,
nakaramdam ng init sa dibdib si Cally.

His wife and his child are the best gift that he received sa loob ng mga panahon na
nabubuhay siya. Prin was just enough, but he is blessed to have Khalid as an extra
gift from above.

Nilapitan niya ang dalawa saka binuhat si Prin na bitbit ang anak nila malapit sa
apoy para hindi ito lamigin.

"Ayos lang kayo?" tanong niya sa tatlong Dark Guards na pare-parehas na tahimik at
parang ayaw gumawa ng ingay.

Tumango lang ang tatlo.

"Magpahinga muna ang lahat," utos niya sa mga ito.

"Shi, ang daya mo may kayakap ka e, kaya mas maiinitan ka. Tapos hindi lang isa,
dalawa pa," komento ni Joen.

"Magyakapan din kayong tatlo, problema ba iyon?" sagot niya.

Nilingon nito si Bob. Umamba agad ito ng kamao.

"Subukan mo lang," pananakot nito kay Joen. Nakanguso naman si Joen na inayos na
lang ang makapal nitong jacket para ibalot sa katawan nito.

Naaaliw tuloy si Cally. Nagawa pa na mag-commercial ni Joen sa gitna ng hindi nila


magandang lagay.

"Shi, matanong ko lang. Pa.’no mo nga pala nalaman na itim na sasakyan at puro
galing sa airport ang mga may bomba?" tanong muli ni Joen.

Curious naman ang dalawa pang kasama nito na tumingin din sa kanya at naghihintay
ng sagot.

"'Yung unang sasakyan na sumabog, kasabay natin iyon mula sa airport. 'Yung mga
sumunod pa, napansin ko na may mga bagahe na nagsiliparan dahil sa pagsabog. Sa
kung bakit itim ang target nila… dahil majority ng mga sasakyan sa bansa ang dark
colors. Bibihira dito ang makukulay na kulay ng kotse bukod sa mga gamit sa car
racing."

"Ang hindi ko lang alam ay kung paano nakalusot sa inyo ang bomba na nasa sasakyan
natin." Lihim niyang pinagagalitan ang mga ito.

Sabay-sabay naman na napakamot sa ulo ang tatlong Dark Guards.

"Sorry Shi, masyado kaming naging kampante," si Joen ang sumagot bilang siya ang
mas mataas ang rank sa kanilang tatlo.

"Hindi na dapat mangyari ito sa susunod. Paano pala kung ang sasakyan natin ang
unang sumabog," paalala ni Cally.

Hindi nakasagot ang tatlo dahil guilty sila sa bagay na iyon.


"O sya, magsitulugan na ang lahat dahil maaga pa tayo bukas." huling sinabi niya
bago tumabi sa asawa.’t anak para bumawi ng lakas.

….

NAGHIHILIK pa si Joen nang may dumikit na malamig na bagay sa ilong niya.

"uhggmm…" ungol niya tapos ay tinanggal ang bagay na iyon sa ilong niya habang
nakapikit tapos kinamot niya pa ang ilong niya dahil bahagyang nangati.

Hindi pa nga yata lumalagpas ng dalawang segundo nang bumalik ang malamig na bagay
na iyon sa ilong niya.

Sa inis niya ay bigla niyang minulat ang mata para makita kung ano ang bagay na
iyon. Malabo pa ang naaaninag niya sa simula hanggang sa luminaw ang mga paningin
niya.

Nanlaki ang mata niya dahil isang mahabang armas ang nakatutok sa kanya na hawak ng
isang matandang lalaki.

Nakasumbrero ito na gawa sa dayami, punit-punit na ang mga gilid dahil sa kalumaan.
Nakasuot ito ng bubble jacket na itim. Medyo may katabaan, makapal at namumuti na
ang kilay katulad ng balbas nito.

Agad niyang kinalabit ng malakas ang balikat ng katabi na si Bob.

"Ano ba, Putsang gala naman o!" nagalit na sabi nito pero natahimik din agad nang
makita ang lalaki na may hawak ng mahabang armas.

Hinanap ni Bob ang bag niya at nakaramdam agad siya ng inis nang wala na sa tabi
niya ang bag niya na naglalaman ng maaari nilang gamitin laban sa matanda at
nakasukbit na iyon sa balikat nito.

Sila ang mas malapit sa pintuan ni Joen kaya siguro sila ang unang pinuntirya nito.

Pilit niyang hinawakan ang mahabang armas paangat saka sinipa ng ubod lakas ang
matanda sa binti nito para ma-off-balance ito at maagaw niya ang armas. Ang
problema, nanatili itong nakatayo na parang hindi man lang iniinda ang malakas na
tira niya.

Lalong lumaki ang mga mata nila ni Joen. Ngumiti ang matanda ng pagkatamis-tamis na
para bang natuwa ito sa reaksyon nila.

"Shiii… Gising!" hindi alam ni Joen kung malakas ba ang pagkakatawag niya sa master
nila o mahina.

NAGISING naman agad si Cally matapos tawagin ng dalawang Dark Guards. Agad siyang
bumangon at nabungaran niya ang matanda na may hawak na armas na nakatutok kay Joen
at Bob.

Mabilis siyang tumayo at kumilos para protektahan at harangan ang mag-ina niya mula
sa matanda.

"Sino kayo at ano ang ginagawa n’yo sa bahay ko?" tanong ng matanda.
Kung ganoon, may nakatira nga sa bahay na iyon na nasa gitna ng masukal na lugar.
Napansin naman ni Cally ang bagay na iyon dahil nananatili na malinis ang maliit na
tahanan. Walang bahid ng alikabok ang bahay na iyon na ibig sabihin ay may nakatira
doon.

Ngunit kinapalan niya na ang mukha niya na gamitin iyon ng kahit isang gabi dahil
mas kailangan nila na magpahinga. Plano niya na magbayad na lang ng halaga kapalit
ng pag-stay nila.

Nagising si Prin dahil sa mga kaluskos. Agad na bumungad sa kanya ang matanda na
may hawak na armas at nakatutok ito sa mga kasama niya. Bumahid agad sa kanya ang
kaba at mabilis na niyakap ang anak niyang si Khalid.

"Uwahhhhh!" Bigla ang pag-iyak ni Khalid dahil bigla itong nagising sa mga ingay
nila.

Kumunot ang noo ng matanda nang makarinig ng iyak ng sanggol at lumapit kay Cally
habang nakatutok sa kanya ang hawak nitong armas.

"Huwag kang lalapit!" Sigaw ni Joen. Sinipa nito ang binti ng matanda na
nananatiling nakatayo ng paulit -ulit. Nakaramdam ng pagka-inis si Joen dahil
parang bale wala dito ang tira niya.

Inilagan ng matanda ang huling sipa ni Joen at para manahimik na ito sa pagbigay ng
atake, sinipa rin ito sa dibdib ng matandang lalaki. Agad na tumilapon si Joen sa
pader.

Tom ang Bob "..."

"Fuc*k! Who is this man?" bulong ni Bob sa sarili.

Sa loob ng ilang taon ni Joen bilang Dark Guard, hindi naman ito mahusay na tulad
ni Kai at Lorenz pero hindi rin naman ito mahina.

Nananatiling nakatitig si Cally sa matandang lalaki at sinisino ito. Sa palagay


niya ay nakita niya na ang matandang ito sa larawan o kung sa kung saan, hindi niya
lang matandaan. Kaya nga hindi rin siya nakaramdam ng takot dito kahit pa may hawak
itong armas na nakatutok sa kanya.

Lumapit pa ang matanda hanggang sa makita nito si Prin at Khalid na bahagyang


nagtatago sa likuran ni Cally.

"Matsui..." usal ng matanda at bigla na lang nitong binaba ang armas na hawak.

Nagulat silang lahat bukod kay Cally sa pagbanggit nito kay Prin. Natatandaan na
niya kung sino ang matandang lalaki na nasa harapan nila.

Nagkatinginan naman si Tom, Joen at Bob.

"You are Prin, are you?" paninigurado pa nito.

Nakakunot naman ang noo ni Prin dahil nakilala siya nito. Samantalang, sigurado
siya na hindi niya pa nakita ang matanda sa buong buhay niya.

"Ahh, I don't think I know you po."

"He is Master Higo," si Cally ang sumagot saka siya tumayo para mag-vow sa matanda.
"He is Uncle Rob's master. Master, kamusta po?" Si Cally muli.

Nanlaki ang mga mata ng iba pa sa nalaman. Master ni Master Rob?

Naisip ni Bob na kaya pala parang wala man lang itong reaksyon sa mga pagtira nila
ay dahil mas mataas pa ang ranggo at experience nito sa master nila. Tila sila
isang maliit na kuting sa harapan ng malaking tigre.

Totoo ang kasabihan na wala sa edad ang lakas kundi nasa personalidad ng tao.

Hindi porke mas bata sila ay mas malakas na sila dito na sa palagay niya ay nasa 70
mahigit na ang edad. O baka nga nasa otsenta pa. Pero isang palaisipan din na nasa
harapan nila ito dahil ang pagkakaalam nilang lahat ay namatay na si Master Higo.

"Ano ang ginagawa n’yo dito sa bahay ko?" tanong muli ng matanda.

"Master, pasensya na po sa abala at sa pagtigil namin saglit dito sa bahay niyo.


Kinailangan namin ng tirahan nang nagdaang gabi at naglakas ang loob namin na
manatili saglit rito sa tahanan niyo. Gusto ko pong humingi ng pasensya at
patawad," mahabang saad ni Cally.

Mukhang tuluyan naman na kumalma ang matanda at sinisino rin si Cally. A simple and
gentleman gesture coming from a young man. Wala itong maramdaman na panganib mula
sa pagkatao ni Cally.

"Kasama kayo sa mga biktima ng mga pagsabog? Tama?" tanong nito.

Tumango si Cally.

"Hindi maganda ang sitwasyon sa main road ngayon. They blocked the road sa pagpunta
at paglabas at tanging rescuers lang ang maaaring pumasok. Ang masama may
nananabotahe sa rescuers para lihim na patayin ang mga survivor."

Nagkatinginan silang lahat. Nagkuyom ang palad ni Cally. Kung ganoon ay may
nagpapanggap na rescuers sa Hantataiga. May plano ang teroristang ito na ubusin ang
lahat ng tao sa daan na iyon, kahit ang mga nakaligtas.

"Kaya mabuti at naisip niyong umalis doon dahil halos 90 percent ng nagbbyahe ang
namatay. Ang mga natitira ay sugatan. Hindi rin magandang ideya na magbalik kayo
doon."

Nag-isip ng malalim si Cally sa kung ano ang susunod niyang hakbang. Hindi sila
maaari na manatili sa bahay na iyon. Hindi rin sila maaaring bumalik at ipusta ang
kaligtasan ng anak niya.

Ano ang susunod niyang hakbang?

…..

NANANATILI ang lamig sa buong kapaligiran. Wala na ang pagniyebe pero nag-iwan ito
ng yelo sa paligid. Madaling araw na ang kasalukuyang lokal na oras. Mas madilim,
mas ramdam ang lamig.

Tulad ng pangako ni Rob, personal niyang pinuntahan ang lugar kung saan naroon ang
mga pagsabog, pero hinarang sila ng awtoridad.

Kasama niya ang limang guards ng Matsui Villa na nasa 'A Team'. Hindi siya nagsama
ng Dark Guards dahil tulad ng sabi niya, ayaw niyang ipusta ang mga kaligtasan
nito.
Mas maraming experience ang grupo ng A team at hindi rin mangingimi ang mga ito na
pumatay kung kinakailangan.

May mga tape na kulay dilaw at itim na may mga nakasulat para ipangharang sa kung
sino man ang gustong pumasok. May mga nakasulat na KEEP OUT.

Limang kilometro ang layo nila sa mga sumabog na sasakyan at walang


pinahihintulutan na makapasok sa loob.

Gayunpaman, dahil isang diretsong kalsada lang iyon, kita pa rin mula sa
kinatatayuan niya ang pag-usok at kakaunting pag-apoy. Kaiba sa larawan ng nasa
likuran niya na nananatiling mapayapa.

Para bang hinaharangan ng mga tape na iyon ang isang epidemya at pinipigil ang
pagkalat nito.

"I'm Rob Matsui," pagpapakilala niya sa security.

Pinakita niya ang isang papel na naglalaman ng sulat mula sa kinauukulan na


binibigyan siya ng laya na imbestigahan ang mga pagsabog at tugisin ang Hantataiga.

Nagtawag ito ng isa pang tao na magpapatunay kung valid ba ang hawak niyang papel.
Nananatili naman na alerto ang iba pang guards na nagbabantay sa linya. Kinilala
naman siya ng lalaking tinawag saka sinauli sa kanya ang papel at sumenyas sa mga
kasama.

Nakahinga ng maluwag si Rob.

"What is the situation out there?" usisa niya sa lalaki na sa palagay niya ay ang
kapitan ng grupo.

"Kasabay ng pagpasok ng rescuers ang sasakyan ng Hantataiga na nagpanggap na


miyembro namin. Lihim sila na nananabotahe sa pagligtas ng mga survivors," sagot
naman nito.

Kumuyom lalo ang kamao ni Rob. Sa oras na iyon, nasa panganib ang buhay ng pamilya
niya at kailangan nilang magmadali. Wala siyang ideya sa totoong lagay ni Prin at
Cally.

"Halos, walang natirang buhay sa mga survivors pero pinipilit pa rin ng grupo na
maligtas ang karamihan," paliwanag nito

"We will help. Nasa loob ang pamilya ko kaya hahanapin ko kung sino man ang
nananabotahe na iyan," matalim niyang sabi.

Inaral muna nito ang sensiredad sa salita niya bago siya nito pinayagan na pumasok
sa likod ng mga black and yellow tape. Sinenyasan nito ang mga kasama bago kumilos
ang mga ito na inangat ng paisa-sa ang mga tape.

"A team, let's go!" sigaw ni Rob saka sinimulan na tumakbo patungo sa magulong
lugar.

Determinado siya na mahuli ang kung sino man na nagtatago na iyon sa likod ng
maskara. Sigurado siya na wala sa lugar si Mayu dahil natutulog pa ito sa bisig ng
mahal nitong si Captain Yeo.

Sabay-sabay ang grupo niya na tumatakbo at halos hindi makaramdam ng pagod.


Matapos ang ilang minuto sa pagtakbo, narating din nila ang pinakadulo ng sasakyan.
Tulad ng inaasahan, parang dinaanan ng giyera ang lugar.

Mas masama ang lagay ng lugar sa kasalukuyan kumpara sa video na napanood niya.
Hinarap ni Rob ang mga kasama.

"Team, magsimula na tayong maghiwa-hiwalay, kapag natagpuan n’yo ang sasakyan ng


Dark Guards o kung may napansin kayong kahina-hinala, alertuhan n’yo ako agad.
Don't let your guards down. Hindi natin alam kung sino ang kalaban," utos ni Rob sa
limang kasama.

"Yes, Boss Rob!" saka sila parang mga langgam na naghiwa-hiwalay.

Sinimulan ni Rob na imbestigahan ang isang tumaob na sasakyan sa pinakabungad. Isa


sa goal niya ay malaman kung ano ang klase ng bomba ang ginamit ng hantataiga at
kung paano nakalusot ang mga ito.

Sa video ay wala siyang napansin na device o kung anong klase ng bagay sa mga
naaral niya ang tunay na bomba. Kaya sigurado si Rob na maliit na bagay lang iyon.
At paano ito nakalusot sa seguridad sa airport?

Sa loob ng sasakyan, nananatili pa ng bahagya ang kamay ng driver na nakahawak sa


manibela ngunit naputol na hanggang braso. Wala na ang katawan nito. May mga bahid
ng natuyong dugo sa warak na silya. Siguro kung normal na tao ay baka nasuka na sa
sitwasyon.

Umalis siya doon sa kotse nang sa palagay niya ay wala siyang makita na maaari
niyang magamit para imbestigahan. Mukhang matunaw na ng tuluyan ang kung anuman na
bomba ang ginamit ng Hantataiga.

"Boss, may napansin akong binata na nag-iikot," narinig niya sa earpiece.

"200 meters mula sa bungad."

"I'm going!" sabi niya sa kausap saka maingat na tinakbo ang lugar na sinabi nito.

[Feibulous: warning! karahasan content]

TINUNGO ni Rob ang lugar na sinabi ng tauhan niya.

Nang malapit na siya sa lugar na binigay nito, nagtago na muna siya sa likod ng mga
sasakyan. Nakarinig siya ng mga kaluskos saka niya sinilip kung saan nagmumula ang
ingay.

Nakita niya ang isang binatilyo na may kinakalkal sa bag na siyang tinutukoy ng
kasama niya. Nakasuot ito ng jacket na halatang hindi nito pag-aari dahil mas
malaki iyon kumpara sa katawan nito. Nakaharap ito sa gawi niya kaya kita niya ang
anyo nito. Ngunit hindi siya nito napapansin dahil busy ito sa pagkalkal sa bag.

Sa tingin niya, nasa edad dose or trese lang ang edad nito. Pansin niya na payat at
mukhang malnourished ang katawan nito kahit pa nakasuot ito ng makapal na jacket.

Napansin niya ang kasama niya sa likuran nito na nagtatago rin sa isa sa mga
sasakyan. Alerto rin at naghihintay sa gagawin ng binatilyo.
"Boy!" May tumawag sa binatilyo at sigurado siya na hindi niya tauhan ito. Sabay
sila ng kasama niya na hinanap ang nagmamay-ari ng boses.

"Be Alert," bulong niya sa earpiece na nakakabit sa tenga niya para sa mga kasama.
Parang bluetooth headset iyon na gamit nila para sa koneksyon.

Sinilip muli ni Rob ang binatilyo at nakatingala na ito para tingnan ang kung sino
man na tumawag dito. Hindi niya nakikita ang lalaking bagong dating dahil nagtatago
ito sa kabilang bahagi ng sasakyan kung saan din siya nagtatago.

"Nag-iisa ka?"

Nakita niya na tumango ang binatilyo.

"Gusto mong sumama sa akin?" tanong muli ng hindi kilalang tao.

Hindi sumagot ang binatilyo, hindi rin ito tumango. Walang maramdaman si Rob na
kapahamakan mula sa binatilyo ngunit hindi sa taong nasa kabilang bahagi ng
sasakyan.

"Halika…" tila isang ahas ang nagsasalita sa pandinig niya at nag-aaya ng manok na
kakainin.

Nakita niya na napaatras ang binatilyo at bakas ang takot sa mukha nito. Nakita
niya rin ang matigas na pag-iling nito ng paulit-ulit. Ilang saglit pa, lumitaw sa
paningin ni Rob ang patalim at pulsuhan na may marka ngunit hindi ang mukha ng
lalaki.

"Be ready," bulong muli niya para sa kasama. Inaabangan niya ang susunod na kilos
ng lalaking bagong dating.

Hindi naman nagtagal at lumitaw ang bulto ng isang lalaki na nakajacket ng gray.
Nakatupi ang sleeve nito hanggang sa siko. Hindi niya nakikita ang mukha nito dahil
natatakpan ng hood na jacket. Nakasuot ng nangitim na dating kulay puting snickers.

Mabilis itong lumapit sa binatilyo at akmang sasaksa’kin ito.

"Hahhhh!!!" sumigaw ang binatilyo dahil sa sobrang takot. Nagsimula na rin na


lumabas ang luha nito.

Mabilis ang pagkilos ni Rob na nilapitan ang dalawa saka sinipa ang lalaking may
hawak na patalim patagilig. natumba naman ang lalaki at napadapa sa isang sasakyan.
Mabilis ito na tumakbo papalayo sa kanya. Hindi nakita ni Rob ang mukha nito.

"Team, habulin niyo! Nakajacket ng gray. Medium built," sabi niya sa mga kasama.

Natatakot na niyakap ng binatilyo ang sarili nito at tumingin kay Rob habang
umiiyak. Nilingon niya lang ito saglit at nagkatitigan sila nito. Saka siya
nagbigay ng utos habang hinahabol ang lalaking nakajacket ng gray.

"A1, pakibantayan ang binatilyo," utos niya. Dahil isa itong survivor, hindi niya
ito hahayaan na mamatay.

Sigurado si Rob na isang terorista ang nakajacket na gray at gusto nitong patayin
ang binatilyo.

Nakita naman niya na lumapit ang lalaki na may code na A1 sa binatilyo nang
lumingon siya. Pinagpatuloy niya ang pagtakbo para habulin ang lalaki. Lumiko ito,
kumanan at sumuot sa kung saan-saan sa mga nagsitauban na sasakyan.
Patuloy lang sa paghabol si Rob hanggang sa nawala na lang ito sa paningin niya.
Nanggigigil sa inis si Rob dahil nawala na parang bula ang lalaking naka-jacket ng
gray.

"Putang--" Hindi niya matuluy-tuloy ang pagmumura niya.

Nasuntok na lang niya ang isang sasakyan. Kung pwede lang na makisali siya sa
pagpapasabog sa buong lugar na iyon masiguro lang na mapunta sa impiyerno ang
miyembro ng Hantataiga na nakita niya.

"Boss, nakita ko na ang grupo ng rescuers. 500 meters mula sa bungad,” sabi ng
isang kasama niya.

"A1, dalhin mo ang binatilyo doon," utos muli ni Rob habang patuloy na
pinakikiramdaman ang paligid.

Nakasisiguro siya na nasa paligid pa ang lalaki na naka-jacket ng gray. Kapag


nakita niya ito, hindi talaga siya magdadalawang isip na saksa’kin ito sa leeg.

….

NAKIKIRAMDAM si Rob sa paligid saka kumilos para hanapin ang taong nakajacket ng
kulay gray.

Kahit pa sabihin na madilim pa ang paligid at madaling araw pa lang, sigurado si


Rob sa tamang kulay ng suot nito. Gray.

Naiinis siya dahil abot-kamay niya na ang lalaki, nawala pa. Kapag nakita niya
talaga ito ay pasensyahan na lang.

May narinig siyang kaluskos sa likod ng dalawang sasakyan kaya naging alerto siya.
Nag-a-apoy pa ang bandang likuran ng isa dito.

Dahan-dahan siyang kumilos na tinungo ang likod ng nakatagilid na van at kinuha ang
baril niya sa bulsa. Bigla ang pag-ikot niya at nagkagulatan sila ng isang lalaki
na nakajacket ng maong. Nakaluhod ito at parang may sinisilip sa bintana sa loob ng
van na nakataob.

"T-tulungan mo ako… Rescuer ka din po ba? 'y-yung anak ko po nasa loob ng van,"
natataranta na sabi nito sa kanya

Sinilip ng bahagya ni Rob ang loob ng van at ang tinuturo nito. "Be a man, get your
child, sige na," sabi niya dito saka tinapik ito sa balikat.

Halos maiyak ang lalaki na pinasok ang van para kunin ang apat na taong gulang na
bata. Sinuksok naman muli ni Rob ang baril niya sa bulsa.

"P-patay na siya," saka ito umiyak.

Naglabas ng kaha ng sigarilyo si Rob mula sa isang bulsa at sinindihan ang isa
dito. Nakita naman niya ang lalaki na inilabas ang bata mula sa loob ng van kahit
wala na itong buhay.

"Gusto mo?" alok niya dito bago humithit ng sigarilyo.

"Okay lang po ba?" humihikbi pa na tanong nito.


"Oo naman. heto." Inabutan niya ito ng isang stick na sinindihan na muna niya saka
inabot dito.

"Saan nga pala kayo galing ng pamilya mo?" tanong niya.

"Sa… Hokaiddo.”

"Ah…" iyon lang ang huling tanong ni Rob at sabay na silang natahimik. Hinintay
niya lang na maubos ang parehas na sigarilyo. Ang hinihithit ng lalaki at ang hawak
niya.

"Gusto mo pa?" alok niya muli.

"A-ayoko na po. Salamat po," sabi nito at nag-vow pa

"Sige." Tinapik ito ni Rob sa balikat. "ingat!"

Tumango lang ang lalaki.

Paalis na ang lalaki at katatalikod lang nang sipain ni Rob ang binti nito.
Napahiga ang lalaki sa semento at saka niya pinaibabawan ang katawan ng lalaki.
Mabilis na kinuha ang patalim sa nakatagong bulsa at isinaksak ang dulong bahagi
nito sa leeg ng lalaki. Sakto lang para hindi pa ito bawian ng buhay.

Nanlalaki ang mata ng lalaki na hinawakan ng magkabilang kamay nito ang kamay ni
Rob na may hawak na patalim. Nagpupumilit na pumiglas sa pagkakadiin niya sa
katawan nito.

"Hehe… Gulat ka noh?" nakangisi na tanong ni Rob at tila may pang-iinis sa tono.

"Akala mo ba ay ligtas ka sa akin?" parang nakakademonyong dagdag na tanong niya


dito.

Nagsisimula na ang pagdaloy ng dugo sa bibig nito.

"ughhh…" ungol nito.

"I'll tell you kung saan ka nagkamali para sa susunod na buhay ay hindi mo na
ulitin ang katangahan mo."

"Una, nalaman ko na huwad ka nang tanungin mo ako kung rescuer din ba ako. That is
dumbest question na narinig ko mula sa isang survivor! Nakakagago!"

Kung survivor kasi ito at nakakita na ng naunang Rescue team, hindi na ito
magdadalawang-isip na manghingi ng tulong doon at hindi na ito aabot pa sa kanya.
Lalo na sa panahon na iyon na kahit maliit na tulong ay tatanggapin ng kahit sinong
survivor.

"Pangalawa, how come na wala ka mang lang bahid ng kahit anong galos? Samantalang,
halos hindi na nga makilala ang bata at ang driver." diniinan niya ng kaunti ang
patalim habang nagpapaliwanag.

"Pangatlo…" ngumisi muna si Rob bago nagpatuloy. "masyadong masikip ang suot mong
maong na jacket." hinawakan pa ng isa niyang kamay ang jacket na suot nito.

"Pang-apat, I saw the marks in your wrist nang inabot ko sa iyo ang yosi.”

"panglima, hindi magsusuot ng maong na jacket ang taga-Hokkaido dahil may snow
ngayon doon, bobo!" saka niya tuluyan na nilaliman ang patalim.

Bumilis ang pagpupumiglas nito hanggang sa lumuwag ang pagkakahawak nito sa kamay
niya. Saka niya hinila ang patalim mula sa leeg nito at tumayo.

Tulad ng pangako ni Rob, kapag nahuli niya ang jacket na naka-gray ay hindi siya
magdadalawang-isip na saksa’kin ito sa leeg with his favorite weapon of all time.

"Gagawa ka na lang ng dahilan hindi mo pa ginalingan! Tsk!" singhal niya sa bangkay


nito.

Sa palagay ni Rob, ang may ari ng jacket na suot nito ay ang driver ng sasakyan
kung saan naroon ang bata na nakasuot lang ng simpleng damit at kumot. Malakas ang
palagay niya na galing ang mga ito ng Okinawa kung saan summer ngayon. Hindi
inasahan ng mga ito na nagsimula na ang winter sa siyudad kung saan sila naroon
kaya binalutan na lang ang bata ng kumot para hindi ito lamigin.

KINUHANAN ni Rob ng picture ang marka nito sa braso pati ang mukha ng lalaki gamit
ang camera ng bitbit niyang cellphone. Kahit pa parang gripo na dumadaloy sa leeg
nito ang dugo, wala siyang pakialam.

"One Hantataiga down," sabi niya sa mga kasamang A team.

Hinanap niya ang suot nitong jacket na gray sa paligid at hindi naman siya
nahirapan na makita iyon sa loob din mismo ng sasakyan kung saan niya nakita ang
lalaki.

Kinalkal niya ang mga bulsa ng gray na jacket para masuri kung may magagamit siya
sa pag-iimbestiga. Limang e-cards na kalalabas lang sa market ang nakita niya sa
bulsa nito at mga resibo. Ang e-card (like BEEP CARDS we use in trains) na iyon ay
maaari na ipambayad sa transporation, pambayad ng gasolina, pambayad sa mga vendo
machines sa buong siyudad at kung ano pa.

Kinuha niya ang mga iyon at nilagay sa isa sa mga bulsa niya .

Tumakbo siya muli paabante patungo sa grupo ng mga rescuers nang bigla siyang
mapahinto. Naisip niya na maaari rin na ipambayad iyon sa parking. Sa parking lot
ng Airport!

Agad niyang binuksan ang flashlight na nakasuksok sa isa sa mga bulsa ng suot
niyang pantalon at sinuri ang isang e-card. Kung titingnan, para lang itong
ordinaryong card na may magnetic stripe at parang ATM.

Kinuha niya ang patalim at hiniwa sa gitna ang isa sa mga e-card. Dahan-dahan
niyang binuksan iyon at hindi nga siya nagkamali sa hinala. May laman ito na maliit
na chips na kasing nipis ng papel at kasing laki ng SD card sa gitnang bahagi ng e-
card.

Kinuha niya ang apat pa at pinagsasaksak sa gitnang bahagi para masira ang chips na
laman nito. Hinagis niya ang mga iyon sa isang sasakyan na bahagya na lang na nag-
aapoy at hinintay na matunaw ang mga e-cards para makasiguro na hindi ito na
sasabog pa.

Habang naghihintay, nag-isip pa siya ng mabuti. Hindi niya alam kung ilan pa ang
Hantataiga na nasa paligid. Kung mag-isa lang ba ang lalaking napatay niya o may
kasama pa ito. Pero sigurado siya na kasabwat nito ang kung sino man na nagbabantay
sa parking sa airport.

May palagay si Rob na ang device na ginagamit sa exit para basahin ang e-card ang
siyang nag-trigger para salain ang mga itim na sasakyan sa iba pa.

Kinuha niya ang radyo ng Dark Guard sa bulsa ng jacket niya at binuksan iyon "Dark
Guards, this is Rob Matsui."

*sccchtt* *scccchhht*

"Yes, Master!" hindi naman nagtagal na may sumagot mula sa base..

"Please investigate kung sino man ang tao na nagbabantay sa pagpasok at paglabas sa
parking lot ng airport. May palagay ako na terorista ang mga iyon."

"And call Matthew to come here in the city as soon as possible," utos niya.
Kailangan niya si Mat-mat para ipasuri ang chips na nasa kamay niya.

*sccchtt* *scccchhht*

"Master, ang totoo narito na po si Mat-mat, si Ms. Ginny at si Master Cloud sa


Mansion," sabi sa kabilang linya.

Kumunot ang noo niya sa nadinig.

Paanong nakapunta sa Matsui Mansion ang mga ito nang hindi dumaan sa airport? At sa
gan'on kabilis? Parang ilang oras pa lang silang nag-usap sa video call at naroon
na ang mag-asawa?

Napapailing na lang siya. Hindi talaga matitiis ng kaibigan niya ang asawa nito.
Alam niya kung paano mag-alala si Ginny sa kahit na sinong anak nito at hindi
talaga ito matatahimik sa Pilipinas at maghihintay lang ng balita hanggang hindi
nakikita si Cally.

Napabuntong hininga na lang siya.

"Pare, this is Cloud," narinig niya muli habang nagmumuni-muni. "What is the
situation out there?"

"*sigh* Hinahanap pa namin ang sasakyan ng Dark Guards pero may ipapadala ako sa
base para masuri ni Matthew. Isang chips na sa tingin ko ay ang mismong bomba.”

"Our wives want to go. What can I do?"

Gusto niyang matawa bigla sa tono nito. Iyon pala ang dahilan nito. Malamang ay
nap-pressure na ang kaibigan niya sa pangungulit ng dalawang babae.

Napakamot si Rob sa ulo niya. Sa totoo lang ay nahirapan siya na kausapin si Ingrid
bago siya umalis ng mansyon. Pinangakuan na lang niya ito na hahanapin niya si
Prin.

"Boss, nakita ko na ang sasakyan ng Dark Guards. Wala dito sila Master Cally at
Miss Prin o kahit na sino sa tatlong Dark Guards,” sabi ng isa sa A team.

Nakahinga ng maluwag si Rob. "Sige papunta na ko."

Matapos sagutin ang isa sa A team, binalingan niya muli ang radyo para magbigay ng
balita kay Cloud Han.
"Wala sila sa sumabog na van. Ikaw na ang bahala diyan. Bye!" mabilis siyang
nagpaalam para tunguhin ang sasakyan ng Dark Guards.

Sigurado rin kasi siya na ang dalawang babae na ang susunod na mangungulit sa
kanya. Kung hindi si Ingrid na asawa niya, ay si Ginny Lopez. Kaya mas mabuti pang
patayin na lang niya ng radyo para hindi siya madamay sa pressure ng kaibigan.

…..

NANGANGATOG sa takot si Mat-mat habang nasa Matsui Mansion. Biglaan siyang


pinatawag ni Cloud Han dahil kinailangan nito ang skyjet niya para mabilis na
makapunta sa Matsui Villa.

Ang problema, nakatitig sa kanya si Bantay at hindi siya makakilos dahil sa takot
sa mabagsik na leopard na ilang dipa lang ang layo sa kanya.

"Uncle Cloud! Pauwiin n’yo na ako!" sa mga oras na iyon ay dapat namamanhikan na
siya sa bahay nila Donna na biglang pina-cancel ng Tita Ginny niya.

Yung totoo? Kailan siya makakasal sa kanyang My loves?

…..

PINUNTAHAN ni Rob ang lugar na tinuro ng mga kasama niya kung saan naroon ang
sasakyan ng Dark Guards. Nagsisimula nang kumalat ang liwanag sa paligid.

Wala naman siyang maramdaman na may nangyari sa anak niyang si Prin at sa asawa
nitong si Cally kaya mas nakahinga siya ng maluwag.

Inutusan ni Rob ang isa sa A team na dalhin ang chip at e-card sa Matsui Mansion
habang naroon si Mat-mat.

Matapos iyon, sinuri niya ang laman ng tumagilid na sasakyan para makakuha ng
dagdag na ebidensya.

Hindi niya nakita ang bag na madalas na bitbit ni Bob. Wala rin kahit bakas ng
laptop ni Tom kaya nakasisiguro siya na nakatunog ang mga ito sa magaganap bago
sumabog ang sasakyan.

Kinuha niya ang radyo sa bulsa ng suot na jacket.

"Dark Guards, I want to talk to your Master Cloud or Ginny," sabi niya.

*scccht* *schhht*

"I'm here!" sagot agad ni Ginny na hindi man lang tumagal ang isang minuto. Halata
na naghihintay talaga ito ng balita.

"They are not here. Nakaalis sila bago sumabog ang van ng Dark Guards," balita niya
dito. Halata rin naman na nakahinga ng maluwag ang babae.

*scccht* *sccchhhht*

"Sigurado na nakatunog sila na ang puntirya ng terorista ay ang itim na sasakyan,"


sabi nito.

Tumango-tango si Rob. Kung nakuha nito na ang mga itim na sasakyan ang puntirya ng
Hantataiga, siguradong hindi rin iyon makaliligtas kay Cally.
"Ang problema, hindi ko alam kung saan sila nagpunta," sabi niya habang iniikot ang
paningin.

"Sigurado na palayo sila sa main road," sagot muli nito.

"Ginny, mayelo at masukal ang paligid dito at hindi ako sigurado kung nakahingi
sila ng tulong. Bitbit pa nila si Khalid."

"I can find ways Rob,” sabi lang nito saka niya narinig na pinatay nito ang radyo.
Bahid pa rin dito ang pag-aalala.

"Where are you, Prin?" bulong niya sa sarili habang nakatingin sa radyo na hawak.

….

SA BAHAY ni Master Higo…

Pinakain sila ng matanda at pinainom ng tubig. Kaya nakabawi sila ng lakas. Malaki
ang pagpapasalamat ni Cally sa matanda at nagawa sila nitong tulungan. Hindi siya
nag-alok ng halaga kahit alam niyang may kapalit ang pagtigil nila sa bahay nito.
Pero alam din niya na hindi iyon nababayaran ng salapi kaya nga hindi na siya nag-
alok pa.

Hahayaan niya na lang na kailanganin naman nito ang tulong niya sa susunod.

Tumayo si Cally at nagbigay ng galang sa matanda.

"Master, maraming salamat sa tulong niyo," sabi ni Cally.

Sinilip nito si Khalid na tahimik na nakatingin din sa matanda. Napangiti ito kahit
nananatiling seryoso ang mukha ni Khalid. "Matalino ang anak mo," komento ng
matanda.

Napakamot si Prin sa ulo "Ahh… nasa lahi po."

"Honey, naniniwala ako na matalino ka talaga kaya totoo ang sinabi mo," makahulugan
na tudyo ni Cally. Hinaplos pa nito ang buhok ng Prin.

Isang nakamamatay na irap ang ginanti ni Prin sa asawa niya.

Naaaliw naman si Master Higo sa inakto ng mag-asawa sa harap niya. "Ano ang plano
n’yo ngayon?"

"May makukuhaan po ba kaming signal para sa internet?" Si Tom ang nagtanong.

Wala na kasing pag-Asa pa ang radyo kaya naman ang internet o signal na lang ang
kailangan nila.

"Sa Norte sigurado na may signal. Pero gusto ko nang magpaalala na mas malamig doon
at may mga puting lobo sa paligid," sagot nito

Hindi naman nakaramdam ng takot ang kahit isa sa kanila nang nakarinig ng Lobo.

Lihim na natuwa si Master Higo. Rob Matsui is not just his good student. He was
also a good master and a leader. At ang mga batang ito ang bunga at magpapatunay sa
bagay na naiisip niya.

Tumayo si Cally habang nasa malalim na pag-iisip ang matanda.


"Salamat Master! Pagpasensyahan n’yo po sana ang abala namin. Kailangan na po namin
umalis."

Tumango ito. "Mag-iingat kayo," ang huling saad nito.

Isa-isa naman na nagsipaglabasan ang mag-asawa na bitbit si Khalid at ang tatlong


Dark Guards.

…..

HINDI napigilan si Ginny na umalis ng Matsui Mansion na kasama si Cloud Han.


Nakasakay sila sa van at naghihintay sa malayo mula sa itim at dilaw na harang.

"Ginny Lopez, are you sure about this?"

"I'm sure!"

Magkahawak-kamay silang lumabas at binuksan ang pintuan sa likuran ng sasakyan.


Bumungad sa kanila ang ulo ni Bantay.

Hinaplos ni Ginny ang pisngi ng alaga nilang leopard. "Bantay, I want you to find
your Master Cally. Ibalik mo siya sa akin," sabi lang niya dito.

Hindi nagtagal ay tumalon ito at tinungo ang masukal na lugar na nasa gilid ng
kalye. Lumingon pa muna ito sa mag-asawang Ginny at Cloud Han bago tuluyan na
nawala sa paningin nila para hanapin ang mag-asawang Prin at Cally.

Naniniwala si Ginny na nasa loob ng maputing gubat na iyon ang anak niya at ang
pamilya nito.

HABANG papalayo ang grupo ni Cally patungong norte na tulad ng mungkahi ni Master
Higo, mas nararamdaman nila ang lamig ng paligid. Mas madilim din ang lugar na iyon
dahil mas mataas ang mga puno na halos takpan na ang liwanag.

Nauuna sa paglakad si Bob, nakasunod ang mag-asawa, bitbit ni Cally ang isang taong
gulang na anak at nasa likod ang dalawa pang Dark Guards. Malayu-layo rin ang
nalakad nila nang kumirot naman bigla ang ulo ni Prin.

Maihahalintulad sa isang bato na ipinukol sa likuran na parte ng ulo niya ang


sakit. Bigla ang pagkapit niya sa braso ni Cally at napatigil siya sa paglakad.

"Are you okay?" nag-aalala na tanong ni Cally kay Prin.

Hindi niya napigilan na hawakan ang ulo na kumirot. "Kumirot lang bigla ang ulo
ko."

Lalo naman nag-alala si Cally dahil wala pang isang linggo nang tanggalin ang bomba
sa ulo ni Prin. Mabilis niyang hinila ang makapal na balabal na naka-ikot sa leeg
niya at dinagdag iyon sa ulo ni Prin para proteksyunan ang asawa sa lamig.

"Okay lang ako, Husbie. Ikaw naman ang lalamigin.” ginamit na ni Cally ang jacket
niya para ibalot sa katawan ng anak nila at iisa na lang ang suot nito. Samantalang
tig-dadalawa sila nila Joen.
"I'm okay. Nakalimutan ko na may sugat ka pa at sigurado ako na lamig ang dahilan
kung bakit biglang sumakit ang ulo mo."

Bahagya na rin na namumula ang ilong niya at nagsisimula na siyang sipunin.

"Wala pa rin ba tayong signal?" tanong ni Joen kay Tom.

"Titingnan ko.” nagtabi ang dalawa para makita kung may signal na silang nasagap.

Binuksan ni Tom ang laptop niya. Saglit niyang pinatay iyon para hindi maubos ang
baterya nito. "Yes! May signal na!" natutuwang saad ng dalawa.

"Ahh.. guys…" si Bob.

Napalingon silang lahat dito at kita nila na nataranta ang binata at napa-atras ng
lakad.

Napatuwid ang tayo ni Joen at Tom nang makita ang dahilan. Limang puting lobo kasi
ang dahan-dahan at magkakasabay na lumalapit sa kanila mula sa kung saan-saan.

*Grrr…* rinig nila ang mga pag-angil ng mga ito. Nanlilisik ang mga mata at
nagkikiskis pa ang mga matatalas na ngipin. Para silang mga putahe sa paningin ng
mga lobo at nagkataon pa na lima rin sila kung hindi kasama si Khalid.

"Oh.. my gosh.." usal ni Prin. Natakot siya para sa kaligtasan ng anak.

"Shit!" napamura si Cally at inabot ang anak nila kay Prin saka siya tinakpan para
protektahan laban sa mga puting lobo.

Nilabas ng tatlong Dark Guards ang mga nakatagong patalim sa mga bulsa ng mga ito.
Inaasahan naman nila ang mga Lobo na iyon dahil nagbanta sa kanila si Master Higo.
Kaya naghanda rin sila pero hindi nila inaasahan na limang lobo ang nakatakdang
humarap sa kanila sa araw na iyon.

Mabilis na naghagis si Bob ng extra nitong patalim kay Cally.

Maingat na nilapag ni Tom ang laptop niya. Iyon lang ang tangi nilang pag-asa para
masundo sila doon kaya hindi dapat masira ang bagay na iyon. Mabilis naman na
nasalo ni Cally ang patalim.

Patuloy na nagagalit ang Lobo hanggang sa sinunggaban sila nito isa-isa.

Tinalon ng isa si Cally at agad niyang sinaksak ang isang mata nito.

"Ahh! Husbie!!!" napasigaw si Prin dahil sa takot para sa asawa niya. Nakaramdam
siya ng bahagyang pagkainis dahil hindi siya makatulong sa mga kasama pero hindi
niya rin naman ipupusta si Khalid.

Hawak ni Cally ng mahigpit ang leeg ng lobo para hindi siya nito makagat saka niya
hinugot ang patalim. Umungol ito dahil sa sakit ng pagkakasaksak niya sa mata nito.

Inipit niya ang katawan nito para hindi rin ito makakilos. Tulad niya ganoon din
ang ginawa ng iba pang Dark Guards.

Nagpumilit na kumawala ang lobo mula sa pagkakaipit ni Cally sa katawan nito.


Gumulong silang dalawa dahil aminado siya na malakas din ang mabagsik na hayop.
Sinugatan niya ang binti nito kaya lalo itong nagalit.

Kinakabahan naman si Prin at hindi alam kung paano ang gagawin dahil bitbit niya si
Khalid. Hindi naman niya ipupusta ang kaligtasan ng anak para saglit na ilapag ito
para lang labanan ang lobo na parang gutom na gutom at takam na takam sa kanila ng
anak niya.

Umaangil ang lobo na papalapit kay Prin. Niyakap naman niya ng mahigpit ang anak at
gagawin niya ang lahat para ma-protektahan ito.

Kasabay naman ng mga pangyayari ang pagkakahawak ni Bob sa mga pangil ng lobo na
sumunggab sa kanya.

"Hahhhh!!" nagagalit din na angil niya. Sinaksak niya ito sa leeg. Akmang
sasakmalin din siya nito nang hawakan niya ang magkabilang nguso nito para pigilan
ito sa pagkagat sa balikat niya.

Binuhos ni Bob ang lahat ng lakas niya para ibinuka ang panga nito.

"Haah!!!" hiyaw niya habang unti-unting napupunit ang bibig ng lobo. Tumutulo na
ang dugo sa katawan niya pero wala siyang pakialam. Tinulak niya ito matapos
mawalan ng buhay.

Hinihingal siya matapos ang mga pangyayari. "Punyemas ka!" Sinipa pa ang lobo dahil
sa pagkainis. Umikot lang iyon at nabahiran naman ng pulang dugo nito ang ma-yelong
sahig.

Sa lugar naman ni Cally. Matapos niyang saksa’kin ang isang mata ng lobo at sugatan
ito sa binti, nagalit ito kaya sinugatan niya ang isa pang binti nito saka niya ito
tinulak.

Umungol ang lobo at nawala ang galit sa isang mata na nakipagtitigan muna sa kanya.
Bakas ang sugat at pagkabulag sa sinaksak niyang mata nito saka ito tumalikod at
tumakbo papalayo.

Doon lang napansin ni Cally na napalayo siya sa mag-ina niya. Nakaramdam siya ng
takot nang makita ang isang lobo na papalapit kay Prin.

"Prin!!!!" sigaw niya.

Wala naman magawa si Prin na umaatras ng dahan-dahan habang yakap ng mahigpit si


Khalid kasabay ng pagsunod sa kanya ng isang lobo.

Tumalon ito para sakmalin siya.

"Ahhhh!!!"

"Prin!!!!"

At napapikit na lang siya sa takot habang yakap ng mahigpit ang anak na si Khalid.

Napaupo siya at tila naghihintay sa kung ano ang susunod na mangyayari. Pinilit
niyang itago ang anak niya mula dito.

…..

BUMALOT ang takot at kaba sa dibdib ni Cally. Gano.’n din kay Prin nang makita ang
lobo na takam na takam sa kanila ni Khalid. Bahagya siyang napapaatras para lumayo
dito.

Parang nainip naman ang lobo kaya bigla silang tinalon nito.
"Ahhh!!!" napasigaw siya at napapikit hanggang sa niligtas siya ng isang malaking
bulto.

Ilang dipa na lang ang layo ng puting lobo kay Prin at Khalid nang talunin din ito
ni Bantay at kagatin sa leeg ang mabangis na hayop.

*awrrr*

Gumulong ang dalawang hayop sa nagyelong sahig palayo sa mag-ina. Saka muling
nagmulat ng mata si Prin dahil walang nangyari sa kanila ni Khalid. Nakahinga naman
ng maluwag si Cally at tumakbo patungo sa asawa at anak.

"Are you okay?" tanong ni Cally.

"Yeah we are safe! Si Bantay ba iyon?" Sabay nilang nilingon ang nag-aaway na
leopard at puting lobo.

Sigurado si Cally na si Bantay iyon base sa prints sa katawan nito. Napatanong siya
kung ano ang ginagawa nito doon.

Kung titingnan mas malaki si Bantay sa puting lobo. Nasa three feet ang lobo na mas
malaki sa karaniwan na lahi nito, samantalang nasa five feet si Bantay. Pero alam
ni Cally na matapang ang parehas na hayop at wala sa laki nasusukat ang laban.

Gumanti ng kalmot ang lobo kay Bantay kaya napaatras ito. Matalim ang mga mata at
umaangil ang parehas na hayop.

Sa lugar naman ni Tom at Joen…

Matapos mapatay ni Bob ang lobo na sumugod sa kanya, tinulungan niya si Tom na
nakikipaglaban sa lobo. Sinuntok ni Tom ng ubod-lakas ang lobo at dumeretso ito sa
kamay ni Bob na may hawak na patalim. Ginilitan ito sa leeg ng binata kaya nawalan
ng buhay ang mabangis na hayop.

"Ayos ka lang?" tanong ni Bob. Hinihingal naman na tumango si Tom. Hinanap agad
nito ang laptop para makapagpadala ng mensahe sa base.

Nakita naman nito ang laptop na maayos niyang pinatong sa isang malaking bato.

*Ahooooo*

Umungol ang lobo na kalaban ni Bantay dahilan para mawala ang atensyon ng lobo na
kasalukuyang tinutulak ni Joen para hindi siya makagat nito. Lumayo ito sa kanya at
sumama sa lobo na kalaban ni Bantay. Nakahinga naman ng maluwag ang binata.

*Grrrr…* Umangil si Bantay kasabay ng panlilisik ng mata. Parang tunog ng motor ang
mga pag-angil nito.

Kasabay naman niya na nagagalit din ang dalawang puting lobo. Parang nagagalit na
aso naman ang mga pag-angil ng mga ito.

Umikot ang tatlong hayop ng pabilog at naghihintay kung sino ang unang kikilos.
Pare-parehas na nakaangil.

"Husbie, tulungan mo si Bantay," nag-aalala na sabi ni Prin.

"I trust him, don't worry."

Ilang saglit pa, sabay na tumalon ang dalawang lobo sa alaga nila. Mabilis na
tinulak ni bantay ang isa dahilan para tumilapon ang katawan nito sa isang malaking
puno. Sinakmal naman muli ng leopard ang isa pa at parang nagagalit na winasiwas
ang katawan nito habang kagat-kagat ang leeg.

Umungol muna ang lobo hanggang sa makita na maraming dugo na ang dumaloy sa leeg
nito. Saka nito hinagis ang katawan ng lobo na wala ng buhay. Dinura pa nito ang
mga dugo sa bibig.

Umangil muli si Bantay para sa natitirang lobo. Umungol lang ito saglit nang makita
ang mga kasama na pare-parehas na walang buhay sa sahig saka tumakbo paalis.

Parang minasaker ang lugar dahil naghahalo ang puti at pula dahil sa snow at sa
dugo ng apat na lobo.

Bantay hiss and growl na parang mainit pa ang ulo hanggang sa nilapitan ni Cally at
hinaplos ang balahibo nito.

"What are you doing here boy?"

Parang bulang naglaho ang galit nito nang makilala ang kamay na humaplos dito.
Nilundag nito si Cally at dinilaan, wala na ang talim sa mga mata. "Good job!" sabi
niya dito habang pinipisil ang magkabilang pisngi.

"Uhmma…" ungol ni Khalid habang nagpalipat-lipat ang tingin sa lugar nila Cally
pati sa kanya. Naisip ni Prin na baka akala ng anak niya ay kinakain ng hayop ang
Daddy nito. Naaaliw naman si Prin sa bagong pinakita na iyon ng anak niya.

"Great job everyone!" puri ni Cally sa lahat.

Kasalukuyan naman na nakakonekta na si Tom sa base at mukha ni Mat-mat ang bumungad


sa kanila ni Bob.

"Hey! Mga punyemas kayo buhay pala kayo!" bungad nito sa kanila.

"Natural, inaabangan mo bang mamatay kami?" Si Tom ang sumagot dito.

Nilapitan ni Cally ang dalawa para siya na mismo ang kumausap sa pinsan niya.
"Anong nangyari? bakit nauna ka pa sa amin sa Matsui mansion?"

"At kailangan mo pa talagang itanong sa akin iyan matapos akong tawagan ni Tita
Ginny ng madaling araw para hanapin kayo? Hindi na ko nakasal kay Donna."

Hindi niya pinansin ang huling mensahe ni Mat-mat. Ngayon ay nakuha na ni Cally ang
sagot kung bakit naroon din si Bantay. Malamang ay pinahanap siya ng Mommy niya
dito. Biglang nakaramdam ng init si Cally sa mayelong lugar na iyon nang maisip ang
Mommy niya.

"Nangangarap kang makasal kay Donna samantalang wala ka pa ngang singsing na


binibigay sa kanya." Si Joen ang sumagot.

"Excuse me! Mahal ako ng ate Baba ko kaya meron akong singsing sa kanya!"

"Mamaya ka na magreklamo at magdaldal. We need help. Pasabihan sila na narito kami


sa bandang norte ng masukal na gubat. Sisindihan namin ang red torch ng Dark Guard
kapag narinig namin ang ingay ng Skyjet. Come and fetch us!"

Magrereklamo pa sana ito pero pinatay na ni Cally ang koneksyon para wala na itong
magawa pa.
SA MATSUI MANSION.

Maayos na nakabalik ang mag-asawang Prin at Cally kasama ang anak nila at ang tatlo
pang Dark Guards.

Tulad ng usapan, sinundo sila ni Mat-mat gamit ang skyjet nito sa kagubatan.
Matapos sindihan ang natitira nilang red torch, mabilis na nakita ng grupo nito ang
pulang usok. Saka bumaba mula sa skyjet gamit ang mahaba at makapal na lubid.

Sumakit na naman ang ulo ni Prin pero binalewala niya na iyon para hindi rin mag-
alala sa kanya si Cally. Kamuntikan pa siyang mahulog sa hagdan papaakyat na gawa
sa mga kahoy na nakakonekta rin sa lubid dahil sa biglaang pagkahilo.

Pinilit niyang ipakita na maayos ang lagay niya sa lahat hanggang sa makarating
sila sa Mansion.

…..

ISANG mahigpit na yakap ang sumalubong kay Prin mula sa Mommy niya.

Wala pa ang magulang ni Cally dahil kasalukuyan na nagbbyahe pauwi doon. Hinintay
pa ng mga ito si Bantay na makabalik kung saan din nila ito pinakawalan. Nasabihan
na ang mga ito simula pa lang nang makausap nila si Mat-mat sa malamig na kagubatan
na maayos ang lagay nila.

Kasalukuyan na hindi pa tapos ang trabaho ng Daddy niya na si Rob dahil


iniimbestigahan pa nito ang mga pagsabog.

"Oh Honey, nag-alala talaga ako sa iyo," bungad ng Mommy niya habang yakap siya
nito.

"I'm sorry, Mom," sagot niya.

Mas tumindi ang kirot ng ulo niya kaya pasimple siyang nagpaalam kay Cally na
sasama muna sa Mommy niya sa kuwarto.

"Mom, can you help me clean Khalid?"

"Sure." Kinarga nito ang anak niya at sabay sila nito na tinungo ang kuwarto niya
sa mansyon.

Napansin ni Prin na walang pinagbago ang kuwarto niya. Napuna niya iyon kahit pa
masakit ang ulo niya at may nararamdaman na pagkahilo.

Magkatabi silang umuupo sa kama. Saka siya yumakap sa bewang ng Mommy niya.
Gumapang naman si Khalid papunta sa dibdib ni Prin. Parang baby panda rin ang anak
niya na ayaw humiwalay sa magulang nito.

"I love you Mom," buong pagmamahal na sabi ni Prin sa Mommy niya.

"Uhmmma…" Napangiti siya na marinig na naman ang tawag nito.

Pumikit siya saglit at parang switch iyon na naging hudyat para makatulog siya.

Sa general hall naman ng Matsui Mansion… Hindi naman nagawa ni Cally na magpahinga
dahil sinimulan niyang trabahuhin ang electronic chips na pinadala ni Rob na nasa
loob ng e-card.

Katulad ng pag-analisa ni Rob ang mga nakuha niyang sagot. Ginamit ng Hantataiga
ang mga bagong e-cards na iyon para ipamudmod sa mga mamamayan.

Ang reader sa exit ng airport ang sumala sa itim na sasakyan sa iba pa. Hindi na
nila nahuli pa ang babaeng nakatoka sa 'exit' ng car parking sa airport. May
tumatakip din sa bibig nito na itim na facial mask kaya hindi nila ito makilala.

Sa 'search' ni Mat-mat gamit ang computer, limang babae ang lumitaw sa screen gamit
ang mata nito, ang height, ang buhok at ang pagkilos ng kahera sa exit.

At nabigla sila na kasama ang anak ni Apolo na miyembro ng Dark Lords na bente dos
lang ang edad at si Prin na lumitaw dahil ka-mata ng mga ito ang babaeng suspek at
kasing taas din.

Hindi naman napansin iyon ni Cally nang dumaan sila noon para magbayad dahil nasa
likuran sila ni Prin.

"Come to think of it, napansin ko na parehas sila ng mata ni GW8," komento ni Joen.

"Hindi naman siguro magiging suspek ang asawa ko dahil lang sa ka-mata niya 'yung
kahera, tama?"

"Don't worry, may apat pa naman tayong iimbestigahan," sagot ni Mat-mat.

Sa ganoong bagay, bilib si Cally sa pinsan niya dahil mabilis at maasahan ang
trabaho nito. Mas malalim pa nilang pinag-aaralan ang bomba at ang babae nang
dumating ang magulang ni Cally kasama si Bantay.

Halatang nakahinga ng maluwag ang dalawa nang makita na ayos lang siya. Bukod sa
kakaunting galos na nakuha niya sa pakikipaglaban sa puting lobo, wala nang
natamong sugat o kung ano pa man si Cally.

….

MARIA celeste 1...

Isang sasakyan ang huminto malapit sa dalampasigan.

Isang babae ang nakagapos at may telang nakatali sa bibig papaikot sa batok ang
hawak ng kasama nitong lalaki na nakasumbrero papaakyat sa deck ng Maria Celeste 1.

Kasalukuyan na nasa kalapit na isla ang barko at nakatigil dahil pinaghahanap ang
mga ito ng kinauukulan. Kasalukuyang madilim ang paligid na nakadagdag sa
pakiramdam ng babae na parang pinagsakluban ito ng langit at lupa.

Tinulak ang babae ng kasama nitong lalaki sa harapan ni Mayu.

"Tsk tsk!" napapalatak agad si Mayu. Tila nag-eenjoy ito na makita na nahihirapan
ang kung sino. Tinanggal nito ang telang nakatali sa bibig ng babaeng bagong
dating.

Dinuraan agad nito si Mayu.

"Ha ha ha!" Tumawa lang ang babaeng terorista ng nakakademonya at saka sinampal ang
babae ng ubod lakas na halos matanggal na ang pandinig nito. Hindi na nag-abala pa
si Mayu na pahirin ang pisngi na nabahiran ng laway ng huli.
"Nasaan ang Mama ko! Tapos na ang pinagawa mo sa akin! Nagawa ko naman ng maayos
ang trabaho! Sumabog na ang lahat ng itim na sasakyan dahil nasala ko sila ng
mabuti kaya ibalik mo sa akin ang Mama ko!"

"Tsk tsk! But I always broke the rule my Dear Yuna!"

"...I already killed your Mom." Tinapos ni Mayu ang pag-uusap nila ng babae na
tuwang-tuwa sa ginawa nito. Naiwan naman na tulala ang babaeng may pangalan na
Yuna.

LUMIPAS ang dalawang linggo na natahimik ang bansa matapos ang mga pagsabog. Ngunit
hindi ibig sabihin na tahimik ang mundo nila Cally.

Minamanmanan nila ang kilos ng Hantataiga kasabay ng pagprepara nila sa kasal ni


Mat-mat. Hindi nakaligtas sa kanila ang balita na nasa bandang South ang barko na
Maria Celeste 1.

Gayunpaman, hindi nila alam ang eksaktong lugar o isla kung nasaan ito kaya ang
grupo ni Rob ang nakatoka para hanapin ang barko ni Captain Yeo.

HINDI naman maiiwasan na sumama ang loob ni Donna. Normal naman sa mga babae na
mapraning.

Napurnada kasi ang pagpunta ng pamilya ni Mat-mat sa bahay nila. Ang masama wala
pang binibigay sa kanya ang binata kahit engagement ring, at inabot na iyon ng
ilang linggo.

Nakadagdag pa ang ilang linggo na hindi niya ito makausap ng matino dahil busy ang
nobyo niya sa issue ng Hantataiga. Ang pumapasok tuloy sa malikot niyang kaisipan
ay pinagt-tripan lang siya ni Mat-mat.

Sinubukan siyang tawagan nito isang gabi.

"Hello My Love. I'm home!" masayang bungad nito sa kanya sa telepono.

May ilang araw din niya na hindi nakita ang binata. Mabuti at nakabalik na ito ng
Maynila.

"Mabuti naman at nagawa mo pa akong tawagan. Kilala mo pa ba ako, Matty?"

"Donna My Love, I'm sorry na. Kinailangan kasi ako ng pamilya ko." Kakamot-kamot
ito sa kabilang linya. Hindi nito masabi na umaatake na naman ang pagkamanang niya
kaya nagsisimula na naman siya na magsuplada.

"I don't want to talk to you anymore, Matty.” singhal niya saka ito binabaan ng
telepono.

Bigla naman siyang naiyak matapos niya itong babaan ng telepono. "Hu hu, you stupid
pervert!"

Pinunasan na lang niya ang mga luha. Naiinis tuloy siya sa sarili. Hindi niya
maintindihan kung bakit mabilis na sumama ang loob niya sa mga bagay-bagay at
nagse-self pity na rin siya. Wala na ang Donna noon na mataray, suplada at walang
pakialam.

Kasalukuyan na nasa hapag siya para maghapunan at walang gana nang bumaba ang
Mamang niya. Hindi pa ito nakakabalik sa probinsiya. Nagsimula itong maghiwa ng
prutas para gawin juice.

Hindi niya alam kung bakit punung-puno siya ng kalungkutan nang mga oras na iyon.

Siguro dahil namiss niya ng sobra si Mat-mat. Ilang saglit pa, humikbi si Donna.
Nilingon tuloy siya ng matandang babae.

"Aba.’y Donna? Anong nangyayari? Bakit ka umiiyak, apo?"

Pinunasan niya ang luha. "Wala po. Napuwing lang," pagdadahilan niya.

"Napuwing ba ika mo? Hindi ba yan dahil kay Mateo?"

"Hindi po Mamang." Kapag nalaman nito na pinaiyak siya ng nobyo niya ay sigurado na
magagalit na naman ito sa binata. Kaya naman mas pinili niyang magsinungaling.

"May sakit ka ba anak? Halika nga dine.” kinawayan pa siya nito. Bilang mas
nakababata, siya ang lumapit sa matanda at umupo siya sa katapat nitong silya.

Hinipo nito ang noo niya.

"Aba! Mainit ka apo." Ibinaba nito ang palad at sinalat-salat naman ang leeg niya.

"Aba.’y! Umamin ka nga Donna. Ikaw ba ay buntis?!"

Napaawang ang labi niya sa bigla. Bigla niyang naisip na hindi pa siya dinadatnan
ni Tita Flo. Naisip rin niya ang mga pagbabago sa mood niya nitong mga nakaraan.
Mabilis uminit ang ulo niya at malulungkutin. Pero wala siyang ganang kumain.

Nakagawa nga ba siya ng 'Made in France.’ na baby?

Biglang nakaramdam ng saya si Donna. Nasa isip niya na kasi na baka mahirapan siya
na mag buntis dahil may edad na siya. At hindi niya talaga inaasahan na ganun
kabilis siya na mabubuntis.

"Aba.’y buntis ka nga!" sinusuri nito ang pulsuhan niya.

"Sino ang ama ng apo ko sa tuhod, si Marco ba?! Kaya ka ba umiiyak ay dahil ayaw
kang panagutan ng damuhong lalaki na iyon?" biglang nagalit ang lola niya tulad ng
inaasahan.

"Hi-hindi po ako buntis." Mas pinili niyang magsinungaling kahit pa hindi siya
sigurado sa bagay na iyon. Ngunit alam din niya na tama ang hinala ng matandang
babae.

"Huwag ka ng magdahilan pa! May plano ba si Rodrigo na pakasalan ka?"

Donna "..."

"Sino po si Rodrigo?" sabad ng bagong dating.

Bigla silang napalingon ng matandang babae sa pintuan ng kusina at nabigla siya na


makita si Mat-mat na may bitbit na kumpol ng sunflowers.
"Aba.’y Damuho kang bata ka! Sino pa ba, kundi ikaw?" nagagalit ang lola ni Donna
dito.

"Si Matthew po siya Mamang. Okay lang po ba kung kakausapin ko si Matty?" hiling ni
Donna sa matanda. Mukhang kailangan niyang sabihin sa binata na malakas ang
pakiramdam niya na nagdadalang-tao siya.

"Dine lang ako at igagawa kita ng juice. Ano ba ang gusto mo, Iha?" bigla na naman
ang pagbabago ng lola niya.

Naisip ni Donna ang mga prutas na hiniwa nito. Kung totoo na buntis siya, kailangan
niya ng prutas at gulay.

"Pashake na lang po ako kung ano po ang iinumin ninyo, Mamang."

"O siya, sige," sagot nito saka nito inirapan si Mat-mat. Nagpunta ito sa likuran
nila para gawing juice ang mga prutas.

Inabot ni Matthew ang bulaklak sa kanya saka nagsimula na maglitanya.

"Donna…"

*brrrrrrrrr* *brrrrrrrr* (Kasabay ng mga litanya ni Mat-mat ang tunog ng juicer.)

Hindi naintindihan ni Donna ang mga sinabi nito pero biglang naglabas ng singsing
ang binata at sinuot iyon sa palasingsingan niya.

Saglit na pinatay ng lola ni Donna ang juicer at sinalin sa baso.

"Oh Love. I'm so happy!" halos maiyak na sabi ng dalaga.

Sabi nga your action speaks louder than words. Hindi man niya narinig ang mga
sinabi nito, Ipinakita naman nito sa kanya kung ano man ang sasabihin nito.

Nagsalin muli ng prutas ang lola ni Donna.

"I'm happy Love, because…"

*brrrrrrrr* *brrrrrrrrrr*

Kasabay din ng pag-amin ni Donna na buntis siya ang paggalaw ng juicer sa likod.

Naniningkit ang mata ni Mat-mat habang binabasa ang labi ng nobya niya.

Huminto ang juicer.

"Ano iyon ulit, Love?" nakakunot ang noo ni Mat-mat.

"Sabi ko…"

*brrrrrrrr* *brrrrrrr*

Sa ikalawang pagkakataon, walang narinig si Mat-mat at puro ingay ng juicer blade


ang naririnig niya. Nilingon na nito ang matanda sa likod.

Huminto muli ang juicer. Natahimik si Mat-mat dahil sa pagkainis.

Iba naman ang naging dating nito kay Donna. Iniisip ng dalaga na ayaw ni Mat-mat ng
baby kaya ito nakasimangot.
Biglang umiyak ang dalaga.

Mat-mat "..."

Bigla rin ang pag-ikot ng matanda dahil sa biglaang pag-iyak ni Donna at


naniningkit ang mata na biglang pinalo nito ng sandok na kahoy ang binata.

"Aba.’y Damuho ka! Bakit mo pinaiiyak ang apo ko?!"

Napangiwi si Mat-mat dahil sa biglaan na naman na pag-atake ng matanda.

Sa totoo lang, wala siyang naintindihan sa lahat ng nangyayari.

….

Hilot-hilot ni Mat-mat ang braso niya dahil sa biglaang pag-atake ng lola ni Donna.
Wala na nga siyang naintindihan sa sinabi nito mas lalo pa na wala siyang
naintindihan dahil sa biglaan nitong pag-iyak.

"Donna My Love, bakit ka nga ba umiiyak?" tanong ni Mat-mat. Hinawakan niya pa ang
pisngi ng dalaga. Kumuha siya ng tissue na nasa ibabaw ng mesa at pinunasan ang
luha nito.

"Aba.’y damuho ka talagang bata ka! Malamang umiiyak ang apo ko dahil binuntis mo!"

Kumunot ang noo ni Mat-mat. Nagliwanag din naman ang mukha niya sa nadinig matapos
magsinked-in sa utak niya ang sinabi ng matanda.

"Talaga? You are pregnant?!" halata naman ang saya sa mukha ng binata dahil sa
nadinig.

"As I've said, I'm… not sure." Ilang linggo pa lang kasi nang may maganap sa kanila
ni Mat-mat. Masyadong mabilis kung sasabihin ni Donna na sigurado siya at baka
madismaya lang ang nobyo kung 'hindi' pala.

"Hindi ko nadinig. Wala akong nadinig kahit isa," katwiran ni Mat-mat.

"Aba.’y ako na ang nagsasabi na buntis ang apo ko! Kaya hala, huwag na huwag kang
tatakas sa obligasyon!" nagagalit na sabi ng matandang babae.

Biglang niyakap ni Mat-mat ang matandang babae. "Of course not! Bakit naman ako
tatakas? Oh Lola! I'm so happy."

Masayang isipin na nakabuo siya agad ng baby matapos nilang magkabalikan ng dalaga.
And it was really a blessing. Sobrang sarap sa pakiramdam.

"O siya, ito ang juice niyong dalawa." Inabutan sila ng matandang babae ng tig-
isang baso ng fresh juice na ginawa nito.

"Ako.’y maglilinis muna sa labas. Ikaw Matthew, mabuti pa na alagaan mo ang apo ko.
Iuwi mo na muna si Donna dahil kailangan niya ng kasama. At huwag mo siyang
papagurin. Ako ay masaya para sa inyong dalawa," sabi nito saka umalis.

Natuwa naman si Mat-mat dahil bukod sa tama ang pagkakasabi nito sa pangalan niya
ay hinandaan pa siya nito ng fruit juice.

Abot hanggang tenga yata ang pagkakangiti ng binata dahil nakabuo siya agad ng
baby.
"Why are you grinning like a pervert?" puna ng dalaga.

"I'm always pervert.” hinawakan ng binata ang tiyan ng dalaga. "Kaya pala mainit
lagi ang ulo ng My Loves ko, may something."

Namula naman ang pisngi ng dalaga.

Pinaubos ni Mat-mat ang juice kay Donna saka niya nilabas ang cellphone. Oras na
para bumawi siya.

Tinawagan niya si Kai Jang na kasalukuyan na nasa Japan at tinatrabaho ang issue ng
Hantataiga. Sigurado rin siya na kasama nito ang Shogun.

"Hello, Kai Jang!" bungad niya.

"Anong problema?" sagot nito. Alam ng mga ito na umuwi siya saglit para makita si
Donna na mainit na ang ulo sa Dark Guards.

"Wala namang problema, sasabihin ko lang na off ko na for life sa Dark Guards,
magbabantay na ako ng anak."

Saglit na natahimik ito.

"Nakabuntis ka?"

"True.”

"Ha?! Yari ka kay Donna! Masyado ka kasing malikot. Naku lagot ka talaga kapag
nalaman niya iyan."

Mat-mat "..."

Sumimangot si Mat-mat, ganoon na ba siya kamanyak sa paningin ng mga tao sa paligid


niya para mapagkamalan na iba pa ang nabuntis niya?

"Labas na ako diyan, Bye!"

*toot toot toot*

"Excuse me, si My loves ang nanay!" sigaw niya sa cellphone kahit putol na ang
linya.

Natatawa naman si Donna sa tabi.

"Tama na yan, Love. Let's go home.”

Binaba naman ng binata ang cellphone niya. Saka tinitigan sa mata ang nobya. Gumaan
ang pakiramdam ni Mat-mat habang nakatingin sa mga mata ng dalaga. He likes her
eyes so much.

Sabi nila, una daw na tinitingnan ng mga kalalakihan ang mata sa isang babae.
Aminado siya na hindi iyon ang unang requirement niya pero nagustuhan niya ang
bagay na iyon nang makita niya ang sarili sa mga mata nito na parang nananalamin.
It was like there is no one in her eyes but him.

"I promise that I will do my best, Donna." saka niya binigyan ng smack ang dalaga
sa labi.
"Pwede mo bang ulitin 'yung proposal mo kanina?" suhestiyon ng dalaga. Wala kasi
itong naintindihan.

"oh! Sure! Ehem! Donna My Love…"

*shwiiiiii* *shwiiiii* (tunog ng vaccuum sa labas ng kusina)

Wala muling naintindihan si Donna. Ilang saglit pa, lumalakas ang tunog dahil
papalapit sa kanila ang vaccuum.

Natapos ang litanya ni Mat-mat kasabay ng pag-click ng switch ng motor ng vaccuum.

"Aba.’y nariyan pa pala kayo," puna ng matandang babae.

Humugot ng malalim na hangin si Mat-mat.

"Lola, gusto n’yo po ba magpunta sa Mars?" tanong ng binata.

Gusto niyang lumayo ang matanda at dalhin ito sa ibang planeta.

MATAPOS lang ang ilang linggo nakuha ni Rob ang eksaktong lokasyon ng barko ni
Captain Yeo.

Nasa loob sila ng general hall ng Matsui Mansion para pag-usapan kung paano nila
susugurin ang barko ng kapitan. Inalis muna ni Cally sa grupo si Mat-mat para
masimulan nito ang pag-aasikaso sa kasal nito at ni Donna lalo at nabalitaan nila
na buntis ang kaibigan nila na nobya nito.

"Everything should be according to plan. Gustong-gusto ko nang wasa’kin ang mukha


ng Mayu na 'to." Nagpatunog pa ng kamao si Rob Matsui na halatang nangigigil sa
mukha ng babae.

Walang pumapasok sa isip ni Prin dahil masama ang pakiramdam niya. Napansin siya ni
Kai na nasa katapat na mesa niya.

"GW8, are you okay?"

Inangat niya ang paningin sa lalaki. Umawang ang labi ni Prin at napalingon din
siya sa iba pang kasama at napansin na nakatingin din ang mga ito sa kanya.

"Ahh… I'm good," sabi niya.

Napukaw nila ang atensyon ni Cally na kasalukuyan na nasa pinaka-bungad para


magpaliwanag ng mga gagawin. Dahil nasa dulong bahagi si Prin at nasa bungad si
Cally, hindi nito mapapansin ang nararamdaman niya kung hindi lang napuna ni Kai.

Nag-aalala na nilapitan siya nito. Hinipo nito ang noo niya.

"No, you are not. You are hot… Uncle Rob and Shogun, please continue the meeting.
MB5, report them to me," utos niya sa Shogun at Kai saka siya nito binuhat palabas
ng general hall.

Dinala siya nito sa kuwarto niya doon sa mansyon. Kasalukuyan na naroon din si
Khalid at kasama ng isang maid. Nagd-doodle sa isang papel gamit ang crayola sa
ibabaw ng kama ang anak niya.
"Ako na ang bahala kay Khalid. Tumawag ka ng doktor," utos ni Cally sa babae.

"Yes, Shi," ang sabi tapos ay tumalikod at lumabas na ito ng kuwarto. Nilapag siya
nito at inihiga sa malambot na kama.

"Are you okay, Honey?" tanong ni Cally. Mukhang nakuha din nila ang atensyon ng
bata kaya gumapang ito patungo sa tagiliran ni Prin.

"Uhmma…" nagpalipat-lipat ang tingin nito sa kanilang mag-asawa.

"I'm okay, baka napagod lang ako." Hindi maamin ni Prin na dumadalas ang pagsakit
ng ulo niya. Madalas din na nakakaramdam siya ng hilo.

"Baby, go to your Daddy. Baka mahawaan ka ng sakit ni Mommy." kinawayan pa ni Cally


ang bata para lumapit ito dito.

"Uhmma…" taliwas sa gustong mangyari ng asawa niya ay sumiksik ang bata ng higa sa
gilid ni Prin, saka siya nito niyakap. Parang ayaw nitong humiwalay sa kanya.

Nangingiti naman si Prin sa ginawa ng anak niya.

"You are being unfair, Honey," reklamo ni Cally.

Aminado naman siya na sa loob ng bente kwatro oras, mas madalas talaga na kasama ni
Prin si Khalid bilang ginampanan nito ng mabuti ang pagiging ina. Madalas na nagb-
breast feed si Prin o kaya ay kalaro si Khalid.

Nagpatuloy ng training ng Dark Guard si Prin kahit naroon sila sa Pilipinas.


Training lang ang naging bonding nilang mag-asawa.

"I'm not. Husbie, can I ask you to stay?" hiling niya. Alam niya na mahalaga ang
usapan sa General Hall pero gusto niya pang makasama muna kahit saglit ang asawa at
anak niya sa oras na iyon.

Hindi naman nag-atubili si Cally na pagbigyan ang hiling niya. Hinubad nito ang
sapatos at tumabi ito ng higa sa kanilang mag-nanay. Niyakap siya nito kaya parang
kayakap na rin nito si Khalid na napapagitnaan nilang dalawa.

Pumikit silang dalawa para damahin ang isa’t isa.

"Honey, what did you do in the past nine years?" usisa ni Prin. Sa loob ng isang
taon ay hindi niya nagawang tanungin si Cally dahil ayaw niyang pag-usapan ang kung
anuman na mga pangit na naranasan niya.

Pinilit ni Prin na kalimutan ang mga iyon dahil masyadong masakit.

"Business. A lot of business deals. I made hundreds of business deals per month,"
sagot nito.

"How many times did you cry?"

Tiningnan muna siya nito kahit nakapikit pa si Prin at saka hinawakan ang pisngi
niya.

"Every day, my heart is aching so much hanggang sa dumating ang mga oras na parang
namanhid na lang ako at hindi ko na maramdaman pa ang sakit."

"Me too," sagot ni Prin.


Pinatong ni Cally ang anak niya sa dibdib para mas malapit siya sa katawan ni Prin
at para hindi rin ito maipit.

"I don't want you to end up being bullied again, Honey. I just want you to know
that I value your life more than mine. So, can you promise me to take care of
yourself, for my sake?"

"Uhmma…" ungol ni Khalid. Hinawakan ni Prin ang kamay ng anak niya saka iyon
hinalikan. Para kasing parehas ang nais ng dalawa.

"Mommy will always love you."

"We love you more Honey." Saka sila sabay-sabay na pumikit.

….

ISANG sinag ng araw mula sa labas ang gumising kay Prin.

Unang hinanap ng mga mata niya si Khalid nasanay na kasi siya na nasa tabi niya
lang ang bata tuwing gigising. Madalas na nauuna itong magising sa kanya at madalas
din na naglalaro lang ito ng kung anu-ano sa ibabaw ng kama. Wala ito sa kuwarto
kaya naisip niya na baka kasama ni Cally.

Matapos niyang bumangon ay nag-inat-inat muna siya ng katawan dahil pakiramdam niya
ay sumasakit ng sobra ang likuran niya, ang batok at ang leeg niya. Matapos
makatulog ni Prin, bumuti rin naman ang lagay niya. Bukod sa parang nangalay ang
mga katawan niya ay wala na siyang maramdaman na iba pa.

Lumabas siya ng kuwarto at hinanap ang mag-ama niya. Napansin niya na tahimik ang
mansyon kumpara sa mga nagdaang araw. Parang nakakabingi ang katahimikan ng
kapaligiran. Hindi niya naririnig ang normal na ingay sa labas kapag ganoong oras.
Oras kasi ng training at nakapagtataka na wala siyang nadidinig na mga paghampas,
paghiyaw at kung anong mga kaluskos ng pagsasanay.

Naisip niya na magpunta sa camp ng Dark Guards baka sakaling dumalaw doon ang asawa
niya.

Nakapagtatakang hindi nakikita ng mga mata niya ang Shogun, si Kai at ang iba pa na
may matataas na posisyon at tanging mga trainees lang ang naiwan.

May nakita siyang isang Trainee kaya hindi niya napigilan na magtanong dito.

"Where is your Shogun or leader MB5?" tanong niya dito.

"Miss Prin, umalis sila papunta ng Ship ni Master Aiden."

Kumunot ang noo ni Prin. "What do you mean?"

"Nakatakda na umalis ang barko ngayong gabi at nagsama si Master Rob ng mga lider
ng Dark Guards," sagot naman nito.

Natigilan siya. Hindi maiwasan na masaktan ni Prin sa nadinig. Bakit wala man lang
nagsabi sa kanya ng plano?

Nakatakda ang grupo na umalis ng gabi sa araw na iyon pero wala siyang alam?
Nakaplano na pala ang alis ng barko ni Aiden patungong South pero walang nagsabi sa
kanya ni isa? Wala pala siyang malalaman kung hindi siya mausisa sa paligid.
Sigurado na hindi siya isasama sa misyon ngayong gabi kaya walang nagsabi sa kanya.
Bumalik siya ng mansyon at hinanap si Cally o ang Daddy niya. Hindi naman siya
nabigo na makita si Cally.

"Cally!" tawag niya sa asawa.

Nasa pasilyo ito at kasalukuyang may kausap na dalawang tauhan sa mansyon para
magbigay ng mga utos. Inangat nito ang paningin sa kanya saka tinapos ang usapan
nito sa isang maid at sa head ng guard.

Mabilis siyang nilapitan nito.

"Cally, bakit hindi ako kasama sa misyon?" galit na bungad niya dito.

Napatigil ito sa paglakad at tinitigan siya nito. "Because, I want you to stay."

"But this is also my battle! I will face Captain Yeo for what he has done at gusto
mo na manahimik ako dito sa mansyon for doing nothing?" Naninikip ang dibdib ni
Prin maisip lang ang mga paghihirap niya sa loob ng ilang taon.

Nag-training pa naman siya sa loob ng isang taon para harapin muli ang lalaki.

"As much as possible, I want to take revenge. Gusto ko na pakainin ng bomba si


Captain Yeo sa ginawa niya sa iyo. But Prin, I admit that I am afraid. I'm afraid,
alright!" Bakas ang takot sa mukha ng asawa niya nang bigkasin nito ang mga iyon

"Pero hindi sapat na matakot tayo, Cally. Haharapin ko si Captain Yeo para
pagbayarin siya sa ginawa niya samin ni Sandra."

"Everyone can do it for us. Pwede akong maghire ng ilan pang Dark Guards to take
revenge. God knows that I want you to take your revenge, but what about Khalid,
Prin? What about me kung sakali na maulit ang nangyari noon? Pumasok man lang ba sa
isip mo na masasaktan ako kung may mangyaring masama sa iyo?"

"But nothing will happen. I'm a Dark Guard! I'm okay. I'm 100 percent fine!"

"You are not fine, Prin! Napapadalas ang sakit mo recently. Akala mo ba ay hindi ko
alam? And do you have an idea how long did you sleep?"

Doon kumunot ang noo ni Prin.

"Three days! You are being unconscious for three f*****g days!"

Natigilan si Prin sa nadinig. Noon niya lang naisip na kaya pala masakit ang
katawan niya ay dahil matagal siyang natulog.

"I want you to stay here and that's final. Ako ang magbibigay ng regalo kay Captain
Yeo.” sagot ni Cally saka siya nito iniwasan.

Naiwan si Prin na masama ang loob.

Sa unang pagkakataon sa tagal ng pinagsamahan nila, noon lang sila nagkaroon ng


hindi pagkakasunduan ni Cally.

SA SAMA ng loob ni Prin, nagsimula na lang siya na tumakbo sa palibot ng mansyon.


Gusto niyang patunayan kay Cally na malakas siya at kaya niya.

Gusto niya ring intindihin si Cally pero nananaig ang sama ng loob niya sa
sitwasyon. Hindi niya maintindihan ang nais nito.

Did he forget she was a Dark Guard and this was actually her battle? Bakit bigla
siyang natanggal sa listahan ng lalaban?

*huff huff*

Hindi alam ni Prin kung gaano na siya katagal na tumatakbo sa palibot ng Matsui
Mansion at kung ilang kilometro na iyon. Nakapokus kasi ang utak niya sa sama ng
loob sa asawa.

Sa mga oras na iyon ay hindi niya alam kung nakaalis na ang asawa niya papuntang
barko ni Aiden.

She wanted to cry. Hindi man lang nito nagawa na ipaintindi muna sa kanya ang
nangyayari bago ito magdesisyon.

Kinuha ni Prin ang katana na pag-aari ni Rob Matsui sa kuwarto ng magulang niya.
Ibubuhos niya na lang ang galit at oras sa training. Nagpalit siya ng Dark Guard
suit.

Tulad ng mga nakasanayan niya, mas gusto niya na mag-training sa labas ng mansyon
kung katana ang pag-uusapan.

Tulad din ng nakagawian, sinimulan niya ang pagsasanay sa pakikiramdam sa paligid.


Pumikit siya at dinama ang hangin, ang ulap, ang kakaunting sinag ng araw, ang
lamig ng snow at mga halaman.

"Hahhhhh!!!" saka niya sinimulan na iwasiwas ang japanese sword sa hangin na akala
mo ay isa iyong kalaban.

Makalipas ang hindi niya alam kung gaano katagal, nagbutil-butil na ang pawis ni
Prin. Nagsisimula na rin siyang makaramdam ng pagod at nagsisimula na rin na
sumakit muli ng ulo niya.

Huminto siya saglit. Tinusok niya ang dulong patalim ng espada sa sahig. Hawak niya
ito ng mahigpit na para bang kumukuha muli siya doon ng lakas. Habang mabibigat ang
mga paghinga niya.

Aminin o hindi ni Prin, nakaramdam siya ng panghihina.

Matapos ang ilang minuto, nakarinig siya ng kaluskos sa kumpol ng mga halaman sa
isang parte kaya bigla siyang napatigil. Nakiramdam si Prin kung may tao doon.
Kakaunti lang ang tao sa mansyon sa kasalukuyan at hindi siya magtataka kung may
spy sa paligid para manmanan sila.

"Sino yan?!" malakas na tanong niya.

Dahil may hawak siyang katana, mas malakas ang loob niya na lapitan ito.

Dahan-dahan siyang lumapit patungo sa kumpol ng mga halaman saka iyon hinawi.

Isang babaeng sugatan ang bumungad kay Prin. Nakasuot pa ito ng puting destida na
bahagyang namantsahan ng dugo at puro putik.

"Tu-tulungan mo ako…" nanghihina na sabi nito.


Nilingon ni Prin ang paligid. Wala siyang makita na kasama nito pero hindi ibig
sabihin ay buo ang tiwala niya sa babae.

Nasa burol at tagong lugar ang Matsui Mansion. Hindi iyon daanan ng sasakyan at
hindi basta-basta ang daan patungo sa kanila. Intensyon na tinutungo ang mansyon
nila kaya paanong nangyari na may naligaw na babae sa labas ng tahanan nila?

Paanong nakarating doon ang babae?

Tinutok niya dito ang armas. "Sino ka?"

Halatang natakot ito kay Prin.

Noon lang din niya napansin na parehas sila ng hugis ng mata ng babae.
Mapagkakamalan na nakababatang kapatid niya ito sa unang tingin kaya saglit siyang
natigilan.

"Hindi ako masamang tao… Isa akong Byrne..."

Binawi ni Prin ang armas sa nadinig. Isa sa pitong pamilya ng Dark Lords ang Byrne
na pamilya ni Apolo. Ang nagpapalakad ng mga libu-libong hotel sa buong mundo.

Halos hindi na makapagsalita ang babae. "I want… water.”

Naging hudyat iyon para akayin ni Prin ang babae. Pinatong niya ang braso nito sa
balikat niya saka sila pumasok sa mansyon.

Normal na harangin ng Matsui Guards ang babae kahit pa akay ito ni Prin ganoon
kahigpit ang lugar na iyon.

"Joo (Miss), sino siya?" tanong ng isa. Hinarang ng mga ito ang braso sa kanila.

"Sagot ko siya. Isa siyang Byrne," sagot ni Prin.

"...Tulungan n’yo ko na ipasok siya sa mansyon at tumawag kayo ng doktor.”

Sinunod naman siya ng mga ito ngunit hindi sa main building ng mansyon, kundi sa
wing kung saan nakatira ang mga maid at guards.

Pinansin ni Prin ang galos ng babae habang bitbit ito ng isang guard.

Namumula ang dalawang pulsuhan nito na ibig sabihin ay ilang araw nang nakagapos
ang babae. May mga marka rin ng pasa sa binti at pasa sa pisngi.

Gayunpaman nasa iisang tanong ang isip ni Prin. Paano napunta ang babae doon?

….

BINIGYAN nila ng tubig ang babae. Gustong-gusto nang tanungin ni Prin kung sino at
ano ang pangalan nito. Kaya lang, mukhang hindi nito kaya na magsalita o
magpaliwanag.

Mas minabuti niya na hayaan na magpahinga ang babae sa isang kuwarto sa Maid's
quarter. Plano niya na bigyan ito ng kahit dalawang oras para makabawi ng lakas.

Lumabas muna si Prin ng kuwarto at sinimulan na hanapin ang anak niya.

Ang huling sinabi sa kanya ay kasama ng Mommy niya si Khalid kaya naisipan niyang
tawagan ang Mommy niya.

Hindi naman nagtagal nang sinagot nito ang tawag.

"Hey, Honey!" sagot nito sa kabilang linya.

"Ma, where are you and Khalid?"

"Lumabas kami kasama si Ana. Kawawa naman si Khalid at madalas na environment sa


Dark Guards ang araw-araw na nakakasalamuha niya. Honey, I tried before na maging
normal ang buhay mo at ayokong tumulad ka sa panget mong Daddy, but you still ends
up being a Dark Guard. I hope na mag-iba ang direksyon ng buhay ng anak mo."

Kumunot ang noo niya sa nadinig. Gusto niyang matawa sa pagkakasabi nito ng 'panget
na Daddy'.

"Nag-away ba kayo ni Daddy kaya ka nag-unwind at naisip mo na isama ang anak


ko?"usisa niya dito.

"May iba pa ba? Wala nang ginawa ang Dad mo kundi hanapin si Mayu. Mas maganda ba
sa akin si Mayu para hanapin niya?"

Prin "..."

Hindi niya alam kung saan nakuha ng Mommy niya ang ideya na nagagandahan ang daddy
niya kay Mayu kaya nito hinahanap ang huli.

Sa kabilang banda, nagpapasalamat siya sa Mommy niya na nailabas nito si Khalid.

Sa sobrang pagka-busy niya sa mga problema, nakalimutan niya na normal na bata si


Khalid. Kailangan nito ng kalaro, magpunta sa playground, makinig ng children song
at kung ano pa.

"Mommy, thank you so much!"

Napangiti naman ng simple ang mommy niya sa kabilang linya.

"I love you, Mommy."

"I love you too, Honey."

Matapos maibaba ang cellphone. Nag-aatubili siya kung sunod na tatawagan si Cally.
Nasaan na kaya sa kasalukuyan ang asawa niya?

Napabuntong hininga siya at mas minabuti na bigyan ito ng oras. Nagbalik na lang
siya sa kuwarto ng babae na may apelyidong Byrnes. Gusto niyang malaman kung ano
ang dahilan ng pagpunta nito sa Matsui Mansion at kung bakit parang dumanas ng
hirap ang babae sa mga nakalipas na araw.

….

LUMIPAS ang dalawang oras, eksakto na nagising ang babae.

Dahan-dahan na minulat nito ang mga mata at mukha ni Prin ang sumalubong dito.

Hindi na niya pinalampas pa ang tanong na kanina pa niya pinipigilan. "Sino ka at


paano ka napunta dito?"

"I'm Yuna. I'm Apolo.’s daughter," sagot naman nito. Maayos na ang pagkakasagot
nito kaya alam ni Prin na nakabawi na ito ng lakas.

"...Ako ang babae na kahera sa airport nang nakaraang buwan." Mahinang sabi nito na
para bang nahihiya ito na aminin ang bagay na iyon.

Naging alerto si Prin sa narinig. Baka kasi nagpapasok siya ng isang kalaban sa
tahanan nila. Alam niya na may pamilya si Apolo pero hindi niya alam na bata pa
pala ang anak nito. At hindi niya rin maintindihan kung paano nadawit ang babae sa
bombing.

Naramdaman naman ito ang tensyon na ibinigay niya dito.

"Anak ako sa labas ni Apolo at hindi ako masamang tao. Nagkataon na dinukot ako ng
isang young master ng Peter." Nagluluha na paliwanag nito.

"Anong ibig mong sabihin?" Natigilan si Prin. Si Gon ba ang tinutukoy nito?

Nagsimula na magbalik-tanaw si Yuna.

Dinukot siya ni Gon Peter nang magtungo sila sa Singapore ng Nanay niya para
magbakasyon. Dinukot siya ni Gon para iregalo kay Mayu nang hilingin nito sa babae
na gusto nitong makausap.

Sinabi ni Yuna ang mga alam niya kay Prin.

"Hindi ko na alam ang eksakto pang dahilan pero nagkita sila noong nakaraang buwan
kasama ako at ang Mama ko."

Kumuyom ang dalawang palad niya sa nadinig. She knew exactly why, because Yuna
looks like her. Parehas din sila nito ng taas. Pwede siyang masama bilang suspect
na nagtanim ng bomba sa mga sasakyan. At ginawa nitong pain ang babaeng nasa harap
para makipagtulungan sa demonyitang si Mayu.

"Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na
iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga
pagbomba." Tinitigan siya nito sa mata.

"...dahil may taksil sa Dark Guards.”

Natigilan si Prin sa nadinig.

PINAGMASDAN ni Prin ang babaeng nasa harapan niya. Parehas sila ng mata ng babae na
hugis diyamante. Kumikinang. Makinis at maputi ang balat nito na nabahiran na ng
mga pasa.

Mahaba ang kulay brown na buhok nito na umaabot hanggang bewang. Halatang mas bata
rin ito sa kanya ng ilang taon.

"Tumakas ako patungo dito para humingi ng tulong and to warn you... nang araw na
iyon, alam ni Master Gon na uuwi kayo dito sa bansa kaya nangyari ang mga pagbomba
dahil may taksil sa Dark Guards."

Natigilan si Prin sa narinig.

Paanong nagkaroon ng taksil sa kanila? Siguradong hindi makakalusot ang bagay na


iyon sa Daddy niya o kay Cally.

"Sino ang taksil sa Dark Guards?" matalim na tanong niya dito. Hinawakan niya pa sa
magkabilang balikat ang babae at inalog-alog ito

"S-Si Kai Jang," mahinang sagot nito.

Mas lalong naguluhan si Prin. Nagtaas ang kilay niya sa nadinig. At binitawan niya
ito bigla.

Pwede nitong sabihin ang kahit na sino sa Dark Guards, pero hindi siya naniniwala
na si Kai o kahit si Lorenz.

Mataas ang respeto ng dalawang lalaki kay Cally. Tatalikuran sila ng buong Dark
Guards ngunit hindi ang dalawang lalaki. Kahit pa maging berde ang langit, maging
puti ang uwak o maging itim ang tagak.

Bigla siyang nagduda sa babae.

"M-may pinaplano sila sa buong Dark Guards at kay Cally sa laban sa East China sea
kung saan magaganap ang laban ni Mayu at ng Dark Guards..."

"...Plano ni Master Gon na lihim na makisali sa laban ng dalawang grupo at


gagamitin niya ang binili niyang bomba kay Mayu sa laban na iyon. May plano si Gon
Peter na patayin si Cally sa laban," mahabang paliwanag ng babae.

Sa sinabi nito, hindi na gumana pa ang utak ni Prin. Tumatak na lang sa isip niya
na may plano si Gon Peter na magtago sa dilim at patayin si Cally.

Nagkaroon din siya ng paniwala na may alam ang babae dahil alam nito ang
nakatakdang laban ni Cally at ng Maria Celeste 1. Ibig sabihin -- may taksil talaga
sa grupo nila.

Ngunit sino? Si Kai ba?

Isang parte ng dibdib niya ay hindi naniniwala na si Kai ang taksil. Sigurado na
ginamit lang ng kung sino ang pangalan ni Kai Jang.

"H-how did you know all about this?"

Natahimik ang babae. "Because I was the one na inutusan ni Gon Peter para ilagay
ang bomba sa barko nang harapin ko si Mayu tungkol sa pagkamatay ng nanay ko."

"Intensyon ni Gon na gamitin na pain ang barko ng Maria Celeste 1 para ubusin ang
Dark Guards sa nalalapit na laban."

Natigilan si Prin. Hindi niya hahayaan na mamatay ang mga kasama niya doon lalong
lalo na si Cally at ang Daddy niya.

Lalong napatunayan ni Prin ang sinabi nito na may taksil sa grupo. Sigurado si Prin
na ang taong ito ang naglabas ng balita sa Daddy niya at kay Cally kung nasaan ang
Maria Celeste 1 to lured them. Para sila mismo ang lumapit sa bomba.

At nasisigurado rin ni Prin na isa sa mga lider na araw araw nilang kasama sa
meeting ang taong iyon. Gusto niyang manuntok sa mga pag-analisa niya.

"But I don't think it's Kai Jang. Last month, he was in Korea with my friend. How
did you know he is Kai Jang?"
Nag-isip ang babae. "He just told me and I saw his name on his dog tag."

Matagal ng nawawala ang tag ni Kai. Hindi iyon lihim sa kanya dahil si Bella pa nga
ang nanghingi ng tulong sa kanya kung paano iyon papalitan.

Naisip niya na baka ninakaw ng taong 'taksil' ang tag noon pa man para isisi sa
lalaki ang kasalanan nito. Ngunit sino? Sa dami ng kasama ni Kai araw-araw,
mahihirapan siya na malaman kung sino. Kailangan niyang tanggalin ang maskara ng
taong ito na nagtatago sa mukha ng kaibigan niya.

"Get up! Hihingi ako ng tulong kay Apolo kapalit mo," sabi niya dito.

"You'd better call Snake. I don't want to talk to my Dad," sabi nito.

May lungkot sa mga mata nito habang tumatanggi nang sabihin niya na tatawagan niya
si Apolo.

"Yuna, you must n't lie to me. You know that I am not an ordinary person." banta
niya sa babae.

"you must bring me to that place. Kung saan mo nilagay ang bomba. So everything
will be according to my plan. Got it?"

Ang unang gagawin ni Prin matapos ang pag-uusap nila ni Yuna ay tawagan si Mat-mat
na hindi kasama sa misyon sa pagsunod kay Captain Yeo. Kailangan niya rin na
ipahanap sa pinsan ni Cally kung sino ang taksil sa grupo.

Isa pa, gusto niyang makuha sa lalaki ang eksaktong lokasyon kung nasaan ang grupo
ng asawa niya. Sigurado si Prin na kahit hindi kasama si Mat-mat, malaki ang tyansa
na may alam ito.

…..

TINAWAGAN ni Prin ang cellphone ni Cally para magbigay dito ng warning na may
taksil sa Dark Guard.

"The customer you are trying to reach isn't accepting calls at this time.” isang
mensahe mula sa operator. Sinubukan niyang tawagan si Kai at ang Shogun ngunit
parehas na mensahe ang nakuha niya.

Hindi niya alam kung blacklisted ba siya pansamantala sa mga telepono ng mga ito
para hindi niya ito makausap.

Nanggigigil si Prin na ibinalik na lang ang telepono niya sa bulsa bago hinarap
muli si Yuna.

"I will call your Dad. Remember that he will receive a punishment kung sakali na
nagsisinungaling ka sa akin," banta niya dito.

"I'm not lying," mariin naman na sabi nito.

Ilang segundo na tinitigan ni Prin ang babae bago niya ito sinabihan na ayusin ang
sarili dahil aalis sila kung sakali na makahingi siya ng tulong.

Tinawagan niya si Mat-mat para magpasundo dito. Hindi naman siya nabigo na makausap
ang lalaki matapos lang ang ilang 'ring'.

"Ano 'yon mahal na prinsesa?" tanong nito sa kabilang linya.


"I need your help. Alam kong alam mo kung saan patungo sila Cally. You should bring
me there."

Naging seryoso naman si Mat-mat. "Alam ng asawa mo na posible na tawagan mo ako


kaya nasabihan niya na ako ahead of time. Huwag na huwag daw kitang dadalhin sa
Maria Celeste 1."

"Matty, I promise that I will kill myself here kung hindi mo ako dadalhin doon."
pagbabanta niya. Gusto nang maiyak ni Prin. Pakiramdam niya ay isa siyang kriminal
na hinatulan ng pagkakakulong sa bahay na iyon. Hindi niya magawa ang gusto niya at
sobrang limited ng resources niya.

Halatang kinabahan naman ang lalaki sa kabilang linya.

"Prin, Cally is just concern about you. You've been missing for a couple of years
because of your last mission. I understand him kung ayaw niya na maulit ang
nangyari noon."

"But you have to bring me there Matty. How can you all do this to me? It's a ploy!
Maria celeste 1 is a ploy na ginawa ni Gon Peter. Ah, ano pa ba? Ahh yeah. Someone
in the Dark Guard is behind all of this!"

Halata naman na natigilan si Mat-mat sa kabilang linya. "What do you mean?"

"May traydor sa Dark Guards, Matty…" Kinuwento ni Prin ang lahat sa lalaki. Simula
sa nang makita niya si Yuna sa tapat ng mansion at kung ano ang mga sinabi nito.

"I want you to find who is this traitor. But please, tulungan mo rin ako na
makapunta doon. I wanted to help Cally."

Rinig niya ang pagbuntong-hininga si Mat-mat sa kabilang linya. "I'm sorry Prin.
Hahanapin ko ang kung sino man ang traydor na iyan sa Dark Guards. Aabisuhan ko si
Cally at sasabihin ko na may bomba sa barko para makapag-ingat sila pero hindi kita
matutulungan sa gusto mo na dalhin doon. Si Christen na mismo ang nagkumpirma na
hindi ka pa magaling.”

"Fine! You don't want to help me. I'll find my ways."

"Aughhh!"

Matapos makausap si Mat-mat ay hindi napigilan ni Prin na umiyak. Napahagulgol siya


sa nangyayari. Bakit ang saklap naman yata sa kanya ng pagkakataon ngayon?

Gusto niyang intindihin si Cally sa nais nito. Pero paano naman siya? Naiintindihan
ba nito na mamamatay siya sa bahay na iyon kung maghihintay lang siya at walang
ginagawa? Mamamatay siya sa suspense at pag-aalala sa mga kasama lalo na kay Cally.

Gustong niyang sumigaw sa sobrang sama ng loob.

Maya-maya, pinilit ni Prin na ayusin ang sarili. Hindi siya maaari na magpatalo sa
emosyon niya kaya tinungo niya ang General Hall sa mansyon para maghanap ng
ebidensya na magagamit niya at makakapagturo sa kanya kung saan papunta sila Cally.

Hindi naman siya nabigo na makuha ang eksaktong lugar.

30.3953° N, 125.9152° E -- Ito ang nakalagay sa white board at nasisiguro ni Prin


na iyon ang lugar kung saan niya matatagpuan ang Maria Celeste 1.

Sunod na ginawa ni Prin ay magpadala ng email kay Apolo. Sinabi niya sa lalaki na
kasama niya ang anak nito na si Yuna. Para ipaalam na rin sa lalaki na kung sakali
na niloloko sila ng anak nito ay sigurado na si Apolo ang mananagot.

Kumirot ng sobra ang ulo ni Prin na parang may nakabarang bato sa ugat niya.

Umupo muna siya para kalmahin ang sarili. Nang makabawi, tinungo ni Prin ang
chamber ng mga armas bitbit pa rin ang katana ngunit hinarang siya ng isang guard.

"Joo, ano pong gagawin niyo?" napansin nito ang Dark suit niya kaya may ideya na
ito na may plano siya na umalis ng mansyon.

"I am getting a weapon.”

"I'm sorry Joo, mahigpit ang utos ng Shi na hindi ka pwedeng umalis." mariin na
tanggi nito.

Tumiim ang bagang ni Prin sa nadinig. Tinapat niya sa leeg ang hawak na katana.

"Let me in, or I will kill myself,” matigas na sabi niya.

HALATA na kinabahan ang guard na nagbabantay sa chamber ng mga armas sa banta ni


Prin. Hindi muna ito tuminag sa banta niya at nanlalaban din ang mga mata nito kay
Prin.

Naghahamon ang mata at halatang seryoso si Prin sa nais niya sa mga oras na iyon
hanggang sa makita nito ang pagtulo ng dugo sa leeg niya.

Alam nito kung gaano katalas ang katana ni Master Rob na nagmula pa sa Edo Period.

Pikit-mata at nakuyom na lang nito ang palad na umusog sa gilid at hinayaan siya
nito na pumasok sa loob.

Kumuha siya ng apat na patalim, dalawang baril at kung anu-ano pa na magagamit niya
sa laban.

Walang nagawa ang guard ng chamber na iyon kundi ang humingi ng tulong sa head ng
Matsui guards.

Matapos mailagay sa bag ang mga kailangan niya. Tinungo niya ang sariling kuwarto
saka nagpalit ng damit. Kumuha siya ng extra at inilagay sa bag na bitbit niya.

Kinalma ni Prin ang sarili at inisip ng mabuti ang gagawin. Umupo muna siya saglit
sa isang silya dahil nakaramdam siya ng hilo. Tama ba ang plano niya? Tama ba itong
ginagawa niya?

Sinubukan niyang tawagan si Cally ngunit tulad ng una, isang operator ang sumagot.

Bigla niyang naisip si Ana na kasama ngayon ng Mommy niya at ni Khalid. Tinawagan
na muna niya ang kaibigan habang bumabawi ng lakas.

"GW8?" sagot nito sa kabilang linya.

"Ana, hindi ko alam ang gagawin ko," sabi niya dito.

Bahagyang natahimik sa kabilang linya. "Bakit?"


"Kailangan kong iligtas si Cally at ang iba pang kasama natin sa Maria Celeste 1."

"Ano ang… ibig mong sabihin?"

"There is a bomb in Maria Celeste 1 at may plano si Gon Peter na pasabugin iyon sa
laban.”

Muling natahimik ang babae sa kabilang linya.

"I'll go with you," sabi nito matapos makapag-isip sa kabilang linya.

"but…"

"Gusto kong sumama sa iyo, Prin," dagdag pa nito.

Nag-isip si Prin, kung tutuusin malaking tulong si Ana sa kanya kaya pumayag siya
sa gusto nito.

"I can find a boat that we can use. Let's meet at the city's port." Mungkahi nito.

Pumayag si Prin at nagpasalamat na rin siya dahil mapapabilis ang aksyon niya dahil
sa pagtulong ni Ana.

Matapos nilang magkasundo sa eksaktong lokasyon kung saan magkikita, iniwan niya
ang cellphone doon at sinundo niya si Yuna sa kuwarto kung nasaan ito.

"Joo…" Bahid ang pag-aalala sa mukha ng isang maid na nagbabantay dito. Hindi pa
rin kasi nila nakakausap si Rob o si Cally.

Hindi naman ito pinansin ni Prin.

Nagmamadali siya na hinila si Yuna mula sa pagkakahiga sa kama na halatang hindi pa


nakakabawi mula sa mahaba nitong paglalakbay para makaalis na sila doon. Inabot
niya ang bestida niya dito dahil suot pa rin nito ang marumi nitong bestida na may
mga mantsa ng dugo at putik.

Nang masiguro na ayos na ang lahat. Tinungo nila ang parking kung saan nakaparada
ang mga sasakyan ng Daddy niya at Dark Guards.

Napili niya ang big bike na pag-aari ni Rob Matsui.

Pinasakay niya sa likod si Yuna saka iyon pinaandar.

Pagdating sa gate, sinubukan ng guards na harangin si Prin na sakay ng motor.

"Joo, tigil!" naka-formation ang mga ito na hawak ang katana sa gate.

Hindi talaga siya lulubayan ng mga ito kaya inatras ni Prin ang motor para kumuha
ng pwersa.

*brroom brroom*

"Kumapit kang mabuti sa akin," utos niya kay Yuna na ginawa naman ng huli.

"Joo, parang awa mo na, mahigpit ang utos ng Master na manatili ka dito!" sigaw ng
head ng guards.

"Ha! Stop calling me your 'Joo.’ then!" siya ang anak ni Rob Matsui. Apo ng isang
Matsui at nagmamay-ari sa bahay na iyon for God sake!

*broom broom*

Saka buong pwersa at mabilis na pinaandar ni Prin ang motor.

"Open the gate!" tiim ang bagang na sigaw ng head ng guards. Hindi nito itataya ang
kaligtasan ng mga guard dahil kilala nila si Prin. Sa pwersa na binigay ng Joo
nila, sigurado ito na may plano ang babae na italon sa kanila ang motor at banggain
ang gate. Kaya mas pinili na nito ang bagay na walang mapapahamak sa kahit na sino.

Tulad ng inaasahan binanga ni Prin ang gate matapos nilang magsitaboy sa gitna.

Dahil nabuksan na iyon ng bahagya, hindi naman siya nasaktan o kahit si Yuna na
mahigpit ang kapit sa kanya nang banggain niya iyon.

Walang nagawa ang lahat ng guards kundi ang subukan muli na tawagan ang Master nila
at ipaalam ang pag-alis ni Prin sa mansyon.

…..

SA PORT...

Matyaga na naghihintay sa kanya si Ana sa isang yate na gagamitin nila sa pag-alis.

Nakatalikod ito sa gawi nila at nakapamulsa na naghihintay.

Inakay niya si Yuna palapit dito dahil kilala niya ang babae kahit nakatalikod.

Nang humarap ito, dalawang metro ang layo nila, humigpit ang kapit ni Yuna sa braso
niya.

"P-prin…" usal nito

"Hello, medyo matagal na akong naghihintay dito," malamig na sabi ni Ana sa kanila.

"P-prin, siya ‘yung sinasabi ko sa’yo. Siya si Kai Jang, ang traydor sa Dark
Guards," natatakot na pagbibigay-alam ni Yuna.

….

MATAPOS makausap ni Mat-mat si Prin. Bumigat ang pakiramdam niya. Hinilot niya ang
sentido dahil parang sumakit ang ulo niya sa pag-uusap nila ng asawa ni Cally.

"Do you have a problem, Love?" tanong ni Donna na niyakap siya sa likuran.

"Tumawag si Prin. May taksil daw sa Dark Guard at ang tinuturo ng witness ay si Kai
Jang."

Nagtaas ang kilay ni Donna.

"That's impossible," sagot nito.

Tumango-tango si Mat-mat. Tulad ni Prin at Donna, hindi rin siya naniniwala na si


Kai ang taksil sa grupo. Nagawa nga nitong iwan ang business ng pamilya dahil
masyadong loyal ang kaibigan niya bilang pinuno ng Black Guards.

Kahit saang angulo niya tingnan malabo na si Kai ang taksil sa grupo.
Mabilis siyang nagtrabaho para hanapin ang tao na ito. Kung pagbabasehan ang mga
sinabi ni Prin, ang taong hinahanap nila ay kasama nila madalas sa meeting. Alam
ang araw ng uwi ni Cally at Prin mula sa UK at ang taong naglabas ng lokasyon kung
saan naroon ang Maria Celeste 1.

"If I were you, check Ana," sabi ni Donna na nasa tabi niya.

Nilingon ni Mat-mat ang nobya niya sa tabi na kanina pa pala siya pinanonood sa
trabaho.

"Why Ana?" Hindi makapaniwala si Mat-mat dahil close din siya sa babae.

"Aside from Lorenz and Leader Kai, siya ang isa pa na malapit sa mag-asawang Cally
and Prin. At isa pa, malapit din siya sa iyo. Are you sure na hindi mo niligawan si
Ana?" parang nag-aakusa ang paraan ng pagtatanong nito sa kanya.

Biglang napangisi si Mat-mat. Hindi niya aaminin kay Donna na alam niyang may gusto
sa kanya ang Dark Guard na babae pero hindi niya lang iyon pinapansin dahil wala
naman siyang nararamdaman dito at pinilit na balewalain ang kung anumang na
pagkagusto nito sa kanya.

O mas tamang sabihin na nagpanggap siyang walang alam o nararamdaman. Hindi naman
manhid si Mat-mat para hindi iyon mapansin.

"Halika nga dito buntis," pinaupo niya saglit si Donna sa binti niya at pinisil ang
ilong nito.

"Ang cute-cute mo magselos pero gusto kong sabihin sa iyo na wala kang dapat na
ipagselos kay Ana dahil wala kaming nakaraan. At gusto kitang purihin sa mga napuna
mo, My Love. Totoo nga ang tsismis na mas matalino ang mga buntis lalo na kapag
nagseselos."

Inirapan naman siya nito.

Matapos niyang sabihin iyon, sinimulan niya na imbestigahan si Ana, katulad ng payo
ni Donna.

Kung tutuusin, swak si Ana sa deskripsyon ni Prin sa tawag nito, hindi niya lang
mapaghinalaan ang babae dahil matalik itong kaibigan ni Prin.

Sa una, wala siyang makita na kahina-hinala sa babae sa pag-iimbestiga niya


hanggang sa makita niya na hindi naman pala ito tumuloy sa UK mula sa Paris kung
saan nila ito kasama nang nakaraang buwan.

Mabilis siyang nag-run ng mga code para mahanap ang eksaktong lugar kung saan
nagpunta ang babae at hindi siya nabigo. Tumuloy si Ana sa Singapore.

Napasuntok si Mat-mat sa mesa.

Ang kwento ni Prin, sa bansang iyon kinidnap ang anak ni Apolo, parehas ng oras
kung kailan ito naroon. At kung iisipin niyang mabuti, pwedeng-pwede na magpakilala
si Ana bilang Kai Jang dahil ang pangalan na "Kai.” ay gamit ng parehas na babae o
lalaki.

Mabilis niyang tinawagan si Cally. Hindi naman siya nabigo na makausap ito.

"Cally, tumawag sa akin si Prin."

"Tumawag din sa akin ang mga tao sa mansyon at umalis daw si Prin ng bahay na may
kasamang babae. What is happening?" nag-aalala na sabi ng pinsan niya.

"That is Apolo.’s daughter. Prin asked for my help but I rejected her. She asked
for your location. At dalhin ko daw siya diyan dahil isang ploy ang Maria Celeste
1. There is a bomb in Captain Yeo.’s ship at si Gon Peter ang mastermind."

Natahimik si Cally sa kabilang linya. "Kung ganoon gagamitin ko ang bomba na iyon
para pabagsa’kin ang Maria Celeste 1 habang hinahanap si Gon Peter!" matatalim ang
salita nito.

"And… Ana is the traitor," naiinis si Mat-mat sa pagkakabanggit ng pangalan ni Ana.


May pinagsamahan din kasi sila ng babae.

Kinabahan si Cally sa kabilang linya.

"Mat, kasama ngayon ni Ana ang anak ko at ang Mommy ni Prin." halata na nataranta
si Cally sa kabilang linya.

Saglit na natigilan si Mat-mat.

"*sigh* Tatawagan ko si Ana. Wala naman siguro siyang gagawin sa anak mo," mungkahi
ni Mat-mat.

"Balitaan mo na lang ako. At gusto ko rin malaman kung nasaan ngayon si Prin.
Please locate her phone or her Dark Suit's GPS."

"I will," saad ni Mat-mat saka niya binaba ang cellphone.

Mukha ni Donna na nakatakas ang kilay ang sumalubong sa kanya. Mukhang matalas ang
utak ng nobya niya at alam nito na gagamit siya ng pogi-power kay Ana para bumigay
ang babae.

"My love, huwag ka nang malungkot, papangit ang anak natin. Kailangan kong
magtrabaho para sa ekonomiya."

"Akala ko ba hindi ka binabayaran ni Cally?"

"Meron na ngayon, may Hazzard Pay na extra pa, plus Christmas bonus."

HUMINTO ang motor na minamaneho ni Prin sa tapat ng isang yate sa city's port tulad
ng usapan nila ni Ana.

Dumadampi ang hangin mula sa dagat sa pisngi niya at nililipad nito ang mahaba
niyang buhok. Matapos ang mahigit isang taon, nakaamoy na naman siya ng tubig-alat.

Hindi naman siya nabigo na makita si Ana na nakatalikod paharap sa yate kaya agad
niya itong nilapitan kasunod si Yuna.

Ilang dipa lang ang layo nila ni Yuna dito nang humarap sa kanila si Ana.

"Kanina ko pa kayo hinihintay," malamig na sabi nito sa kanila.

Humigpit ang kapit sa kanya ng kasama niyang si Yuna nang makilala ng babae.

"P-prin siya si Kai Jang, ang taksil sa Dark Guards," natatakot na sabi nito sa
kanya.

Natigilan si Prin sa nadinig. Sinuri niya ang mensahe ng kasamang si Yuna at ayaw
tanggapin ng utak niya ang sinabi nito.

"I-imposible. Baka nagkakamali ka lang."

Hindi akalain ni Prin na magpapanggap si Ana bilang Kai Jang.

Mas ikinabigla niya nang umismid si Ana. "Tsk tsk! Kahit kailan talaga Prin,
tatanga-tanga ka. Gusto ko tuloy magduda kung karapat-dapat kang maging asawa ni
Shi Cally."

Naging seryoso si Prin matapos niyang marinig ang sinabi nito. Hindi siya
makapaniwala na sasabihan siya ng ganoon ng kaibigan niya sa loob ng mahabang
panahon. Ang babaeng sinamahan siya simula pa noon. Ang matalik niyang kaibigan.

"Ayos na sana ang lahat e, kaya lang…" Nanlilisik ang mga mata nito na tumingin kay
Yuna.

"Hindi ko akalain na makakatakas si Yuna. Dapat talaga pinatay na kita," sabi nito
na may halong pananakot.

Nagtago sa likuran niya si Yuna.

Nabibigla si Prin sa mga pinagsasasabi ng kaibigan niyang si Ana. Parang ibang


nilalang ang nasa harapan niya kaya unti-unting nags-sinked in sa utak niya ang
lahat.

Sa totoo lang, hindi niya alam kung ano ang pinaghuhugutan nito. Nakasama niya si
Ana simula pa lang fourteen siya, bukod na lang sa mga panahon na nasa poder siya
ni Captain Yeo ay wala siyang naiisip na dahilan nito para magtaksil sa kanila.

Nag-isip siya ng mabuti habang nakatitig sa kaibigan na hindi niya makilala sa oras
na iyon. Kasama ni Kai madalas ang babae simula pa noon kaya hindi na rin
nakapagtataka na makuha nito ang gold na dogtag ni MB5.

Isa rin si Ana sa grupo na naghahanap sa Maria Celeste 1 at hindi na mahirap sa


babae na magbigay ng lugar kung nasaan ang barko.

Naisip niya si Cally at ang lahat ng mga kasamahan niya na Dark Guard na babagsak
sa kamay ni Ana.

Ilang saglit pa, humugot ito ng baril sa bulsa at ganoon din kabilis si Prin na
humugot ng armas. Parehas sila ni Ana na may hawak ang parehas nilang kamay na
nakatutok sa isa’t isa.

Si Yuna sa tabi ay kinabahan at nasapo ang dibdib sa sobrang takot.

Napansin ni Prin ang isang lalaki sa yate na may hawak na armas at pinaputukan niya
iyon sa ulo, nahulog ito sa yate. Kasabay ng lalaking nasa likuran, pinaputukan
niya rin ito dahil kahina-hinala ang kinikilos nito.

Ngumisi si Ana at pumalakpak. "I know kung gaano ka kagaling sa paghawak ng baril
pero sasama ka pa rin sa akin. Give me those guns," sabi nito na nagbigay ng utos
sa kanya.

"I'm not an idiot. Why would I do that?"


"Dahil hawak ko ang anak mo at ang Mommy mo. Sapat na dahilan na ba iyon?"

Napapikit si Prin. Pikit-mata na inabot niya ang dalawang baril dito.

"perfect!" sabi nito saka sinuksok ang mga iyon sa bulsa.

Inutusan nito ang isa pang lalaki sa likuran na talian sila ni Yuna.

"Ana, we are friends, bakit mo ito ginawa?" malungkot na tanong niya.

"Dahil gusto ko ng kapangyarihan. Nangako sa.’kin si Gon Peter na magiging leader


ako ng White Guards kung sakali na mapupunta sa kanya ng posisyon ni Cally," sabi
nito habang nakangisi.

"Pero alam mo na hindi siya mapagkakatiwalaan!"

"At kanino ako magtitiwala kay Kai Jang? Na sa loob ng ilang taon walang ginawa
kundi utus-utusan ako? Nakakapagod na Prin. I want money, power at lahat ng iyon ay
pinangako sa akin ni Gon Peter.”

"But you are my friend! Kung gusto mo pala na maging lider tulad ni Kai, bakit
hindi mo siya talunin sa Battle of Dark guards na ginaganap kada dalawang taon? You
know the rule! Alam mo ang dahilan kung bakit nasa posisyon na iyon si Kai sa loob
ng ilang taon."

….

LALONG sumama ang mukha ni Ana sa sinabi ni Prin. Alam ni Ana ang bagay na iyon.
Kada dalawang taon nagaganap ang battle of Dark Guards kung saan magiging pinuno
ang mananalo.

Kung nais niya na maging leader ng Gray Guards o Black guards o kahit ang Shogun.
Kailangan niya na talunin ang tatlong lalaki na kasalukuyan na pinuno ngayon.

Sinimulan na itali si Prin at Yuna ng kasamang lalaki ni Ana. Kinuha nito ang bag
ni Prin na may mga gamit at armas at sinukbit iyon sa likuran.

"Ana, don't do this. I love you as one of my dearest friends," nakikiusap na sabi
ni Prin sa kaibigan.

Hindi siya nito pinansin. Pinasok sila ni Yuna sa yate at parehas na pinasok sa
isang kuwarto doon.

"Saan mo dinala si Khalid at ang Mommy ko?" tanong muli ni Prin sa kaibigan.

Hindi siya nito sinagot. Nagsimulang lumuha si Prin. Hindi niya kakayanin kung
sakali na may mangyari sa anak niya at sa Mommy niya. Ang pinakamasakit sa lahat,
hindi niya inaasahan na si Ana ang gagawa nito sa kanya.

"You will soon meet your husband kaya huwag ka nang umiyak," sabi ng kaibigan niya.

Namumula ang mata ni Prin at hindi alam ang gagawin. Gusto niyang lumaban pero nag-
aalala siya kung saan nito dinala si Khalid.

"Ana… nakikiusap ako sa 'yo. Don't do this..,” sabi niya habang umiiyak. Nagsimula
muling sumakit ang ulo ni Prin kaya bahagya siyang napangiwi.

Hindi sumagot si Ana at sinara ang pintuan matapos silang papasukin sa loob ng
kuwarto. May isang maliit na kama ang maliit na kuwartong iyon.
Umupo si Prin sa kama at niyakap ang sarili.

Tila bumalot ang dilim kay Prin matapos siyang iwan ni Ana sa loob. Ayaw niya ng
ganoong pakiramdam at wala siyang nagawa kundi ang lumuha.

Niyakap siya ni Yuna. "I'm sorry Prin. Hindi kita matulungan at wala akong magawa.
Ilang araw na akong mahina."

Hinayaan naman ni Prin na yakapin siya nito. Naisip niya na maswerte pa rin siya
dahil naroon si Yuna at may balikat siyang naiiyakan. Napahagulgol siya sa
nangyayari. Ano ang mangyayari sa kanila ni Cally? Nasaan ang anak niya?

Halo-halo ang emosyon niya hanggang sa unti-unting nagdidilim ang paningin niya at
nawalan siya ng malay.

Samantala, nag-utos na si Ana na paandarin ang yate. Si Gon Peter ang may ari ng
yate na iyon at alam niyang nasa paligid lang ang lalaki.

Hindi niya rin naman inasahan na kunin nito ang serbisyo niya sa katauhan ni Levan
Hung. Mukhang minamanmanan siya nito kahit noon pa kaya nagawa nito na suhulan siya
sa terms na nais niya.

Kasalukuyan siyang nasa deck at bahagyang namula ang mata niya ng maisip si Prin.
She knew that Prin is one of her dearest friends. Kasama niya sa halos kalahati ng
buhay niya.

May mga bagay siyang nakamit dahil sa pagiging malapit nila ni Prin at talagang
nasaktan siya ng sobra ng mahulog ito sa bangin noon. Pero iba na ang kaso ngayon.
She wanted more.

Nakaupo siya sa isang silya at sinasariwa ang mga ala-ala nila ni Prin at ng mga
kasamang Dark Guards habang dumadampi sa kanya ang malamig na hangin sa dagat.
Ininda niya ang lamig at hinayaan iyon na manuot sa katauhan niya.

Gusto niyang isipin na mali ang ginawa niya pero iyon ang pangarap niya noon pa
man.

Ilang saglit pa, tumunog ang cellphone niya sa bulsa at nakita na si Mat-mat ang
tumatawag.

Humugot siya ng malalim na hininga saka sinagot ang tawag nito.

Nanghihinayang siya sa pinagsamahan nila ni Mat-mat. Hindi niya ikakaila na malalim


ang pagkakagusto niya sa lalaki at pinangarap niya sa loob ng ilang taon na maging
asawa ito.

Idagdag pa na mayaman si Mat-mat. Para sa isang katulad niya na nabuhay sa isang


mahirap na pamilya, sino ang hindi maghahangad na magkaroon ng mayaman na asawa?
Inaasahan niya noon na makukuha niya ang puso ni Mat-mat pero na-inlove ito sa
bwisit na si Donna.

"Yes?" sagot niya dito sa cellphone.

"Ana, where did you bring Prin?" bungad nito sa kanya.

Agad na tumalim ang mata niya sa nadinig. Sigurado siya na nakuha na ng lalaki na
siya ang taksil sa grupo. Alam niyang ganoon kagaling si Mat-mat.
"Hell." Simpleng sagot niya dito.

"Don't do this. Where did you bring Khalid and Untie Ingrid?" tanong muli nito

Napangiti siya ng simple. Wala siyang gagawin sa dalawa. Natutuwa siya kay Khalid
at mabait sa kanya sa loob ng maraming taon ang Mommy ni Prin. Tinuring siyang anak
ng babae lalo na ng mga panahon na nawawala ang anak nito.

Tinakot niya lang si Prin at ginamit ang dalawa para kusa itong sumama sa kanya at
hindi na dumanak pa ang dugo sa pagitan nila ng kaibigan.

"Dont worry Mat, I will never do anything bad with Khalid and Untie Ingrid.
Sigurado na nakabalik na sila sa mansyon. You can check sa Head Guard if you want,"
sabi niya sa lalaki.

Halata naman na nakahinga ito ng maluwag sa kabilang linya.

"Saan mo dadalhin si Prin?"

"Sa Maria Celeste 1."

KASALUKUYANG naghahapunan si Captain Yeo at ang asawang si Mayu sa dining hall ng


Maria Celeste 1 nang abalahin sila ng mabibigat na yabag.

Mainit ang ulo ng kapitan na nilingon ang pintuan. Nakita nila na papalapit si
Casper sa kanila.

"Anong kailangan mo?!" sigaw niya dito.

"Narito muli si Kai Jang. May regalo siya sa iyo at sigurado na matutuwa kayo ni
Mayu," pagbibigay-alam nito.

Matalim ang mga mata ng kapitan at tila sinusuri ang kanyang kanang-kamay kung
nagsasabi ba ito ng totoo.

"Siguraduhin mo na ikatutuwa ko talaga iyan," banta ng kapitan. Pinunasan nito ang


bibig ng table napkin saka sumunod kay Casper patungo sa deck.

Nakataas ang kilay ni Mayu na sumunod sa kanyang asawa.

Iniisip niya kung ano na namang klaseng regalo ang matatanggap nila ngayon. Ilang
saglit pa, sumilay ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang bagong regalo ni Ana o
ang nagpakilala sa kanila na Kai Jang.

Kasalukuyan na wala pa ring malay si Prin. Nabigla si Captain Yeo nang muling
makita ang babae na nakahiga sa bench na gawa sa kahoy at kasalukuyang natutulog
katabi ng lumuluhang si Yuna.

"Gisingin n’yo siya!" utos ni Mayu sa mga kasama.

Hindi na nag-atubiling nagsalok si Casper ng isang timbang tubig sa dagat at agad


na binuhos iyon sa mukha ni Prin.

Lumakas naman ang pag-iyak ni Yuna. Parang nalunod naman si Prin sa tubig-alat at
napasinghap.
"Hah!" *cough* *cough*

Basang-basa ang mukha ni Prin at bahagya niya pang nalasahan ang alat.

Hindi pa niya napansin kung saan siya nandoon nang una hanggang sa makita niya ang
mga kasamang pirata noon. Nakakuyom ang kamay na dahan-dahan niyang nilingon ang
mag-asawang Captain Yeo at Mayu.

Bahagya pang nananakit ang katawan niya at ang ulo niya sa mga oras na iyon.
Natanong niya ang sarili kung nawalan na naman ba siya ng malay.

Napapadalas ang mga oras na nawawalan siya ng malay at hindi niya maiwasan na
maisip kung may sakit ba siya.

Wala naman siyang makitang emosyon kay Captain Yeo habang nakatitig sa kanya.
Matapos ang isang taon, heto na naman siya sa barko na pitong taon niyang sinuka
pati na ang pagmumukha ng lalaki.

"Ha ha ha! That was the funniest reaction I had seen in my life tsk tsk!" Sabi ni
Mayu na may halong pang-iinis sa kanya.

Matalim ang tingin na ipinukol ni Prin sa babae. Hindi siya nahirapan na kilalanin
si Mayu dahil tulad ng mga naririnig niya, parang nababaliw na ito at swak ang
babae sa deskripsyon ng lahat.

Nilingon niya sa kabilang side ang kaibigan na si Ana. Mula sa pagmamahal na


nararamdaman niya dito ay napalitan na iyon ng galit at pagkasuklam.

Totoo nga ang kasabihan na mag-ingat minsan sa matalik na kaibigan dahil sila pa
‘yung madalas na manuklaw sa 'yo na parang ahas. Sa mga oras na iyon ay hindi niya
na talaga kilala ang babae.

Napansin niya rin na umiiyak si Yuna sa tabi niya dahil sa sobrang takot. "Stop
crying…" sabi niya dito.

Pinilit ni Prin na tumayo kahit may hilo siyang nararamdaman. "Ano ang kailangan
n’yo sa akin?" tanong niya para sa lahat.

Tahimik si Ana at hindi makatingin sa kanya. Pinilit na iwaksi siya sa isipan nito.

"Isang daang milyon," sabi ni Ana sa mag-asawa. Hinihiling ni Ana na bayaran siya
ng isang daang milyon kapalit ni Prin.

Ngumisi lang si Mayu kay Ana. "I never expect that Prin Matsui could be so worthy.”
makahulugan na sabi nito at halos pailalim na tiningnan si Prin.

"Hmm… kung ganoon, bakit kayo nanghingi ng isang bilyon kapalit niya nang nakaraang
taon?" makahulugan na sagot ni Ana sa babaeng terorista bago sumilay ang ngisi sa
labi.

Tulad niya, alam niyang pera lang din naman ang hanap ng mag-asawa. Pare-parehas
lang sila.

"You!" nanggigigil na saad ni Mayu kay Ana.

"I'll pay!" Sabad ni Captain Yeo sa dalawang babae. Sinenyasan nito si Casper.
Ilang saglit pa ay may dalang gold bar si Casper at inabot kay Ana.
Malapad naman ang pagkakangiti ng huli. Sino bang hindi matutuwa sa isang daang
milyon?

"Ana…" tawag ni Prin sa kaibigan matapos nitong tumalikod.

"...sana ay hindi mo ito pagsisihan. Hindi lilipas ang bente kwatro oras at alam
kong babawian ka ng mga kasama ko," banta ni Prin.

Sasabihin niya sana ang "mga kasama natin." Pero naisip niya na simula ng dinala
siya doon ng kaibigan at maisip na ibalik siya sa kamay ni Captain Yeo ay tuluyan
na nitong pinutol ang kung ano man na ugnayan nilang dalawa pati sa mga kasama.

Hindi na sumagot pa si Ana. Para makaiwas, mabilis itong naglakad pabalik sa yate
na dala at gamit nito para ihatid siya doon.

Hinarap siya ni Mayu nang mawala si Ana sa paningin niya.

"Dalhin siya sa judgement plank!" utos nito. Halata na gustong-gusto na siyang


tirisin ng babae at halos ayaw nang palipasin pa ang oras na patayin siya.

"No! Dalhin siya sa kulungan!" utos ni Captain Yeo.

Tumiim ang bagang ni Mayu at nakipaglabanan ng titig kay Captain Yeo. Matalim ang
paningin ng babae habang ang kapitan ay naguguluhan.

Ngayon na nakabalik muli si Prin sa poder ng Maria Celeste 1, tila nabagabag niya
ang tahimik na naman na mundo ng lalaki. Ngayon na parehas na nasa iisang lugar si
Prin at Mayu, hindi na maramdaman ng kapitan ang malalim na pagmamahal nito kay
Mayu.

"Fine! May bukas pa, mas maganda nga iyon para mas kita ko ang pagkain sa kanya ng
mga pating.” Si Mayu rin ang nag-give up sa mag-asawa ngunit halata na hindi ito
nasisiyahan sa desisyon nito

Mabilis naman na hinila ni Casper si Prin papasok sa loob ng barko.

…..

GALIT si Cally habang papalapit ang barko na may pangalang Princess Ghost Ship sa
Maria Celeste 1. Ang sasakyang pandagat na iyon ng Dark Guards ay niregalo ni Aiden
Park sa grupo.

Halos lahat yata ng galit niya ay maibubuhos niya ngayong gabi. Ginawa niya ang
lahat para mailigtas si Prin pero sadyang matigas ang ulo ng asawa niya.

He wants to cursed everyone for what is happening. Pati tuloy siya ay nagduda na
kung tama ba na iniwan niya ang asawa niya sa Matsui Mansion.

Salubong ang mga kilay niya habang nakatitig sa apat na monitor na may tig-70
inches ang sukat na pinagtabi-tabi. Titig na titig siya sa dalawang berdeng
kumukurap-kurap. Iyon ang tanda ng Maria Celeste 1 at ng barko nila. Ang ibang
sasakyan ay naka-marka ng kulay dilaw para hindi sila malito sa kung anong sasakyan
ang hahabulin nila.

Sa loob ng ilang kilometro, makakamit niya na ang paghihiganti na inaasam niya sa


loob ng ilang taon na pagtitimpi niya.

Mukhang naipon ng mag-asawang Mayu at Captain Yeo ang galit niya at sobrang nasagad
pa ngayong araw dahil hawak ni Ana ang asawa niya -- Ang traydor sa grupo.
Nakatakda si Lorenz na maging bantay ni Cally sa misyon na iyon kaya naman naroon
lang siya sa tabi ni Cally at walang planong iwan ang master nila.

Alam ni Lorenz na iba ang mood ni Cally sa mga oras na iyon. Kinakabahan siya sa
mga akto ni Cally na parang bulkan na sasabog anumang oras.

Halos bumaba ang temperatura sa loob ng monitoring room kung saan binabantayan nila
ang galaw ng kalaban dahil sa init ng ulo ni Cally. Ramdam ng mga tao sa kuwarto
ang pressure.

Matalim at titig na titig ang master nila sa monitor na nasa loob ng monitoring
room ng barko.

Ilang saglit pa, pinutol ni Tom ang atensyon niya sa monitor ng sumigaw ito.

"Shi Cally, nakita ko na si Gon Peter! Nakasakay siya sa isang cruise ship na
malapit sa east west, ilang kilometro ang layo sa Maria Celeste 1. Ang
nakapagtataka nasa paligid lang din ang yate niya," pagbibigay-alam nito.

"Bakit nasa cruise ship siya kung nasa paligid lang ang yate?" tanong ni Lorenz at
tinungo nito si Tom na nasa isang table para silipin ang screen ng laptop nito.

Tulad ng sabi ni Tom, na-capture si Gon Peter sa CCTV ng cruise ship at naganap
lang iyon bente minutos ang nakaraan. Kasama nito si Levan Hung kaya sigurado sila
na ang lalaki talaga iyon.

Hindi nagsalita o nagkomento si Cally sa nadinig pero sigurado siya na ang rason ay
para linlangin sila dahil gusto nito na makita na lulubog sila kasabay ng Maria
Celeste 1.

Ha! Sigurado na mas malilinlang ang kawawang si Gon Peter sa plano niya. May plano
siya na lagyan na ng ekis ang mukha nito sa gabi na iyon. Ilang tao na ang mga
naghirap dahil sa lalaki.

Kahit ang kaibigan niya na si Bea na walang kamalay-malay ay dumanas sa lupit nito.
Ang Shogun, ang pagkawala ni Prin sa loob ng ilang taon at marami pa.

And this time is a payback time.

"Magsihanda ang lahat!" sigaw ni Lorenz sa mic kung saan nakakonektado ang bagay na
iyon sa lahat ng bluetooth headset ng Dark Guards.

Tinawag nito ang atensyon ni Kai.

"MB5, nasa cruise ship si Gon Peter. Maghanda ka na," pagbibigay-alam ni Lorenz kay
Kai na kasalukuyan na nasa deck at hawak ang binoculars para suriin ang cruise
ship.

"copy," sagot ni Kai.

[Feibulous: Warning! Marahas content]

NAKAUPO si Ana sa tanning bed ng yate at tinititigan ang mga kislap ng bituin.
Madilim ang paligid at tanging alon lang ang nadidinig niya.
Ilang minuto pa lang nang iwan niya ang kaibigan na si Prin sa kamay ng mag-asawang
Mayu at Captain Yeo. Hindi niya maramdaman ang pagka-guilty o kaya naman ay ang
kasiyahan sa isang daang milyon na makuluha niya.

Inaliw niya na lang ang sarili sa panonood ng nagkikislapan na bituin.

Nabigla na lang siya nang may tumutok sa kanyang liwanag. Mula sa dilim ay
kailangan pa niyang mag-adjust sa sobrang liwanag na ilaw na nagmumula sa kung
saan.

Tinakpan niya ang mukha ng braso dahil nasilaw talaga siya at hinayaan na kilalanin
ang nagmamay-ari ng maliwanag na ilaw.

Buong yate yata ay tinutukan ng bagay na ito ng liwanag.

Habang nakatakip ng kamay ang mukha niya at pinakikiramdaman ang nagmamay-ari ng


maliwanag na ilaw, lumagabog na lang ang nasa gilid niya at nanlaki ang mga mata
nang makita na nagilitan na ng leeg ang dalawang kasama niyang tauhan ni Gon Peter.

Nakarinig din siya ng putok ng baril mula sa manibela ng yate na 'yon.

'Anong nangyari?'

Nang makabawi ang mata niya sa sobrang liwanag, doon niya lang nakita ang
napakalaking barko sa tabi na hindi niya alam kung saan nanggaling.

Nanlaki ang mata ni Ana.

Para itong multo na bigla na lang sumulpot sa tabi ng yate kung saan siya naroon.
Mas ikinabigla niya ang pagtalon ni Lorenz mula sa deck ng malaking barko na iyon.

Sigurado na naroon ito para bawian siya dahil alam na nito ang ginawa niya mula kay
Mat-mat.

Alam niyang hindi niya kaya si Lorenz pero hindi naman siya papayag na basta
magpatalo rito. Naghanap siya ng pwedeng pagtaguan.

Ginilid niya ang tanning bed at nagtago doon mula kay Lorenz, saka hinagisan ang
lalaki ng patalim.

"Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon Ana?" mayabang na sabi ni Lorenz na


sinalo lang ang patalim na hinagis dito ng babae.

….

ANG naging estratehiya ni Cally ay patayin ang lahat ng ilaw ng Princess Ghost
ship. Tulad ng pangalan nito, para itong multo na hindi nakikita at tanging mga
ilaw sa loob lang ng barko ang maliwanag ngunit madilim ang kabuuan nito sa labas.

Bukod sa pulang signal nito na umiilaw sa tuktok ng barko ay wala nang iba pang
liwanag ang ibinibigay nito sa iba pa.

Isang trick para hindi sila makita ni Gon o ni Captain Yeo habang pasulong sila sa
sasakyan nito.

Bumagal ang pagsulong ng barko nila habang papalapit sa yate ni Gon.

Tumayo si Cally mula sa kinauupuan nang makita na ilang kilometro na lang at


makakasalubong na nila ang yate na pag-aari ni Gon Peter.

Nilapitan siya ni Rob at tinapik nito ang balikat niya. Sa mga oras na iyon lang
yata nagbago ang mood niya habang nakatingin sa mata ng ikalawa niyang ama.

Ngumiti siya ng simple.

"I trust you, Cally," sabi nito.

Tumango lang siya pagkatapos ay lumabas ng monitoring room.

Nakasunod naman si Lorenz at isa pang Dark Guard kay Cally. Hinayaan nila si Rob na
magmando at magtrabaho sa monitoring room.

May ideya si Cally na naroon si Ana dahil nasa cruise ship si Gon Peter ngunit
hindi siya sigurado kung naroon din sa yate si Prin.

Sakto lang ang liwanag sa hallway habang naglalakad siya hanggang sa buksan niya
ang pintuan papalabas sa deck at sinalubong sila ng dilim ng gabi kasabay ng lamig
ng hangin.

Sinalubong sila ni Joen at ng dalawa pang Dark Guard.

Pinatungan siya ng itim na coat ng isa sa mga ito at tinungo ang pinakadulong
bahagi ng deck kung saan mas kita niya kung paano dudurugin ang yate ni Gon Peter.

"Be ready!" utos ni Lorenz.

Matalim ang mga mata ni Cally habang nakatingin sa papalapit na yate.

Ilang saglit pa, hindi niya napigilan na umismid nang makita si Ana na nakahiga sa
tanning bed at tila ninanamnam ang hangin ng dagat.

Tinaas ni Lorenz ang kamay biglang signal.

Hinanda ng Dark Guard na kasama nila ang riffle nito at tinutok iyon sa kapitan ng
yate.

Si Joen at ang dalawa pang kasama nito ay nakaposisyon na para tumalon sa yate mula
sa deck.

Nang tumabi ang barko nila sa yate kung saan naroon si Ana ay nagbigay ng signal si
Lorenz.

"Go!"

Sabay-sabay na kumilos ang lahat kasabay ng pagbukas ng sampung spotlight ng


Princess Ghost Ship at lahat ay nakatutok sa yate.

Tumalon mula sa barko ang tatlong Dark Guard kung saan kabilang si Joen.

Parang hangin na kumilos ang mga kasama niya sa sobrang bilis. Nilabas ang mga
patalim at ginilitan agad sa leeg ang dalawang lalaki na kasama ni Ana na nag-
iikot-ikot.

Parang kandila na naupos na biglang bumagsak ang mga ito sa sahig.

Matapos sumirit ng dugo sa leeg ng mga ito, pinasok pa nila ang loob ng yate para
hanapin si Prin. Hahayaan nila si Ana sa Shogun para ang lalaki ang magparusa dito
tulad ng nakasanayan ng mga Dark Guards.

Nakita nila na tinakpan ni Ana ang mukha nito dahil sa sobrang silaw sa sampung
maliliwanag na spotlight na nakatutok dito.

Sumenyas si Cally na naging hudyat para tumalon si Lorenz mula sa deck. Halatang
nagulat ang babae na makita siya doon kaya nagtago ito sa likod puting tanning bed.

Napangisi si Lorenz. Bumalot sa katauhan niya ang pagiging Leader at tuturuan niya
talaga ng leksyon ang babae. Kung tutuusin, nasaktan din siya na nagtraydor ang
madalas nilang kasama at tinuring na kaibigan.

Lalo pang lumapad ang pagkakangisi niya nang hagisan siya ni Ana ng patalim ng Dark
Guards.

Sinalo lang ni Lorenz ang patalim na iyon ng kamay niya kahit pa bahagya siyang
nasugatan. Talagang sinusubukan siya ng babaeng ito.

"Ha! Gusto mo na ba akong maliitin ngayon, Ana!" Hindi na niya nagawang tawagin ito
sa code nitong GW10 dahil hindi na nito deserved ang code ng Dark Guards.

*bang bang*

Pinaputukan siya nito ng baril. Gamit ang isang katana na nasa likuran niya,
mabilis niyang hinugot ang bagay na iyon para magawa niyang salagin ang mga bala.

Naglabas siya ng tatlong shuriken at hinagis dito, nailagan din naman nito ang
bagay na iyon.

"Hah!!!!!" Hiyaw ni Ana saka tinalon ang Shogun na hawak ang patalim para saksa’kin
siya sa leeg.

Mabilis na kumilos naman si Lorenz na tumalon din para harapin ang babae at
winasiwas ang espada na hawak dito. Nangigigil na pinutol niya ang kamay ng babae
na may hawak na patalim.

"Ahhhh!!!" Hiyaw ni Ana.

Nang makalapag ang mga paa ni Lorenz sa sahig, walang mabasa sa emosyon niya na
pinunasan ang mga bahid ng dugo ng espada kahit nakatalikod pa sa babae.

"Ahhhhhh!!!" Nagkikiskis ang mga ngipin ng dalaga dahil sa magkahalong sakit at


galit sa pagkakaputol ng kamay nito.

Sino bang Dark Guard ang gugustuhin na mawalan ng kamay? Sa propesyon na mayroon
sila, masasabi na buhay nila ang mga binti at mga kamay.

Mabilis na binalik ni Lorenz ang katana sa case nito na nakasabit sa likuran niya,
matapos na mabilis na malinisan ang bagay na iyon.

Halos maiyak si Ana habang nakatitig sa nagdudugo niyang pulsuhan.

Katulad ng banta ni Prin, wala pang bente kwatro oras ay sigurado na babawian siya
ni Cally
[Feibulous: Warning! Marahas content. Not suitable for minor]

PAILALIM na tiningnan ni Lorenz si Ana.

Namimilipit sa sakit ang babae habang hawak nito ang braso na naputulan. Hindi na
nga nito mahanap ang kamay na natanggal at naisip na baka tumalsik iyon sa dagat.

"I can't believe of all people na ikaw pa ang lilitaw na taksil sa grupo. Where is
Prin?" tanong ng Shogun sa babae.

Hindi ito sumagot pero bumalot ang takot sa mukha nito.

Mas dumoble ang takot sa mukha ni Ana nang makita si Cally na papalapit sa kanya
matapos din nitong tumalon mula sa malaking barko. Wala siyang mabasang emosyon sa
tinuring niyang Shi sa loob ng mahabang panahon at alam niya na mas nakakatakot ito
kapag ganoon ang anyo nito.

Kasabay ni Cally na lumabas din ng deck si Joen msa loob ng yate.

"Shogun, wala dito si GW8," pagbibigay-alam nito.

Mas tumalim ang mga mata ni Cally sa nadinig. Umupo siya sa tanning bed na ginamit
ng babae ilang minuto ang nakaraan saka inutusan ang mga kasama niya.

"Baliin isa-isa ang mga daliri niya sa kabilang kamay!" malamig na utos ni Cally.

He will slowly torture Ana at hindi niya tatapusin ang paghihirap nito sa araw na
iyon. Ito na yata ang pinakamalupit na parusa na mararanasan ng isang Dark Guard sa
mga kamay niya.

Nanlaki ang mata ng babae sa utos ni Cally at dumoble ang takot niya lalo na nang
humakbang papalapit ang apat na Dark Guards sa kanya kabilang ang Shogun.

Sinubukan nitong lumayo at tumakas ngunit nahuli na ng Shugon ang balikat ng babae.

Bahagyang nakangisi si Lorenz.

Si Joen ay pikit-mata sa gagawin. Gusto niyang maawa sa babae dahil may malalim na
pinagsamahan sila nito. Tinuring niya rin na kapatid si Ana. Pero nabuhay sila na
hindi dapat makaramdam ng awa lalo na kung ang pagbabasehan ay utos mula sa master
nila.

Alam ni Ana ang sinumpaan nito at hindi dapat makaramdam ng ganid ang isang Dark
Guard. Hindi nga ba at ito ang unang karakter na pinaintindi sa kanila noong
trainees pa lang sila? Ito ang naging dahilan noon kung bakit pinaalis sa training
si Levan Hung. Kaya hindi niya maintindihan ang babae.

Sa loob ng mahabang panahon, lahat sila ay namuhay sa paniniwala na lahat ay


nakukuha sa abilidad.

Hinawakan ni Joen at dalawa pang kasama nila ang magkabilang braso at binti ni Ana
para pigilin.

Nagsimulang lumuha ang babae lalo na nang hawakan ng Shogun ang isang daliri niya
para baliin.

"Sayang naman kung isa ng braso mo lang ang hindi gumagana kaya lahatin na natin,"
nakakalokong sabi dito ng Shogun
"Sh-shogun, please spare my life… I did wrong! I know I did something wrong! Please
stop! Ahhhh!!!!" napapikit na lang ito dahil sa sakit na ginawa ng Shogun. Idagdag
pa na patuloy sa pagtulo ng dugo ang kabila nitong braso.

Narinig na lang ang pag-crack ng buto niya sa kamay. Lumapit si Cally sa grupo.

"Where is Prin?" tanong ni Cally sa babae sa katamtaman na boses.

"sh-sh-shi…. P-please stop… I gave her to Captain Yeo… I-I did wrong… Please stop
Shogun…" umiiyak na pakiusap nito.

Sumenyas lang si Cally na ituloy ang pagbali sa ikalawang daliri ni Ana.

"Haaaahhhh!!!" narinig na naman ang paghiyaw ng babae. Halos mahilo na ito sa


estado nito. Nagsisimula nang mamutla ang babae sa dami ng dugong nawala dito. Pati
sa matinding sakit matapos mabali ang mga daliri niya.

Hinayaan siyang malugmok ng mga kasama sa sahig na parang lantang gulay.

Huminga ng malalim si Cally nag-iisip siya ng susunod na hakbang.

Biglang nag-ring ang cellphone niya na nasa bulsa. Nakita niya na si Mat-mat ang
tumatawag kaya sinagot niya iyon.

"Cally, Si Prin kailangan mong magdali. We only have 30 minutes para makaalis siya
sa barko ng Maria Celeste 1," sabi nito.

Nilingon niya ang lugar ng barko na binanggit nito. Maliit iyon sa paningin niya
pero ok na iyon dahil mas malapit na siya sa lugar kaysa wala siyang nasisilayan.

"Gon activated the bomb. Hawak na ni Kai si Levan pero tumalon sa dagat si Gon
Peter matapos nitong i-activate ang bomba." nakakuyom ang kamao na nilapitan niya
ang babae na parang wala ng buhay

"Saan naroon ang bomba?" tanong ni Cally kay Ana.

"Sa... kitchen..." nanghihinang sagot nito.

"Remember my face, Ana. Kapag may nangyari na hindi ko nagustuhan sa asawa ko,
kahit sa impyerno ay susundan kita..."

"Everyone! To Captain Yeo.’s ship!" sigaw ni Cally.

…..

Matapos matanggap ni Kai ang utos na puntahan ang cruise ship na nasa paligid lang
din. Kasama ang lima pang Dark Guards ay tumuloy sila patungo sa mamahalin na barko
na iyon.

Sumakay sila ng helicopter na nakaparada lang doon sa malawak na deck ng Princess


Ghost ship.

Habang nasa himpapawid, nanghingi sila ng pahintulot sa kapitan ng cruise na magla-


land sila sa ibabaw ng deck nito.

Pinayagan naman sila nito nang makilala nito ang may-ari ng helicopter. Sinalubong
pa sila ng kapitan sa deck nang makalapag sila sa cruise ship.

"I'm Kai Jang," pagpapakilala niya dito.


"I know you are the Second Young Master or Leader Kai. I am Doc Mikko.’s friend."

"Oh! Good to hear. Hinahanap namin si Gon Peter, kung matutulungan mo kami ay mas
maganda."

Seryoso lang ang kapitan na yumuko sa kanya. "Patawarin mo ko Leader Kai, I don't
want to offend anyone. I can let you search the whole ship but I can't say where
exactly is Gon Peter."

Naiintindihan naman ni Kai ang ibig nitong sabihin. Malaking bagay na ang pagpayag
nito na maghanap sila sa cruise nito. Alam naman nila ang eksaktong kuwarto ni Gon
Peter kaya siguradong hindi na siya mahihirapan kahit hindi pa sabihin sa kanya
kung nasaan ang lalaki.

"Walang problema." sinenyasan niya ang mga kasama para tumuloy sila sa loob ng
malaking cruise. Nasa ika-apat na palapag ang grupo ni Gon kaya doon sila tutungo
mula sa deck.

"Tom, where is Gon idiot?" tanong niya sa kasama gamit ang radyo na koneksyon nila
sa Princess Ghost ship.

"Nasa kuwarto pa din dahil nakikita ko si Levan na nagbabantay sa labas." sagot


nito.

Hinarap niya ang limang kasama. Tinuro niya ang tatlo sa mga ito. "Doon kayo sa
east-fire exit. Kayong dalawa sumunod kayo sa akin. Sa 4th floor tayo magkita-
kita."

Tumango lang ang mga ito saka tinungo ang lugar na mga nakatoka dito.

Sabay-sabay silang nagsipagtakbuhan patungo sa floor kung saan naroon si Gon Peter.
Sigurado si Kai na minamanmanan nito ang barko ng Maria Celeste 1 kaya nananatili
ito sa kuwarto nito.

"Kai, lumabas si Gon ng kuwarto!" narinig niyang sabi ni Tom sa radyo.

"...Hindi ko alam kung saan siya patungo pero binitbit niya na ang personal niyang
gamit," dagdag nito.

Nataranta naman si Kai sa sinabi nito kaya napabilis siya ng hakbang sa mga baitang
ng hagdanan.

"Faster guys!" sigaw niya sa mga kasama sa bluetooth earpiece na koneksyon niya sa
mga Dark Guard sa cruise ship na iyon.

Hindi niya hahayaan na makaalis ang kumag na si Gon Peter sa paningin niya ngayong
gabi.

Sakto naman ang paglabas nila sa fire exit sa ika-apat na palapag. Naglalakad si
Gon at Levan na may kasamang limang guard din nito sa pinakagitna ng hallway.

Halatang nagulat ang mga ito sa biglaan nilang pagsulpot sa hallway.

Sumilay ang pagkakangisi ni Kai sa mga labi at agad na tinakbo ang grupo ni Gon.
Nagpaputok ng baril ang mga ito sa kanila habang umaatras patungo sa elevator.

"Mauna ka na Master!" sigaw ni Levan.


Agad naman na tumalikod si Gon Peter patungo sa elevator na ilang metro lang ang
layo mula dito na bitbit ang mga personal nitong gamit, kasunod ang dalawa pang
Guard nito.

Umismid lang si Kai habang sinasalag ang mga bala gamit ang isang katana na bitbit
niya. Naisip niya na kung si Cally iyon ay siguradong hindi ito basta tatalikod na
lang para iwan ang kahit na sinong Dark Guards para lang iligtas ang sarili nito.

Ibang-iba dito kay Gon Peter na parang umuurong ang buntot sa takot nang makita
siya.

Hinugot ni Kai ang radyo niya para bigyan ng signal si Tom. "Patayin mo ang
elevator ng cruise."

Matapos iyon ay nagpatuloy sa pagtakbo si Kai, ganoon din naman ang dalawa pang
kasama niya patungo sa mga taong kailangan nila. Hindi niya hahayaan na makaligtas
sa paningin niya si Gon Peter, ito ang misyon niya sa gabing iyon.

"Hahhhh!!" hinugot ni Levan ang espada nito para harapin si Kai. Gano’n din ang
dalawa pang kasama nito saka sila sabay-sabay na hinarap.

Si Kai laban kay Levan Hung at ganoon din ang dalawa pa nilang kasama

Winasiwas nito ang espada para patamaan si Kai at ganoon din naman siya sa lalaki.
Nagkaroon pa siya ng pagkakataon na suntukin ito sa mukha.

Napansin niya si Gon na naiinip na sa elevator, humugot ito ng baril at pinaputukan


sila nito habang tinutungo ang east-fire exit.

NAGPALITAN si Kai at Levan ng espada. Parang walang gusto na magpatalo sa kanila.


Aminado si Kai na malakas talaga si Levan base sa mga sagot nito sa tira niya.

"Excited na 'kong patayin ka!" sabi nito sa kanya.

"Kung ganoon, goodluck!" saka niya inabante pa ang katana patungo sa leeg nito.
Nakaiwas si Levan.

Tinuhod naman nito si Kai sa binti dahilan para mapaatras siya saka nito hinampas
din ang espada na hawak.

Nang magkaroon ng tsansa, nangigigil na hinila niya ang buhok ni Levan saka inuntog
iyon sa pader.

Habang ginagawa iyon, napansin niya sa gilid ng mata niya na naiinip na si Gon
Peter sa paghintay sa elevator at pinaputukan sila nito ng hawak nitong beretta
(isang uri ng baril). Mukhang nagtagumpay si Tom na hindi magamit ang elevator

Sinalag niya ang katawan ni Levan sa mga bala kaya tumama sa balikat nito ang isa.

*bang bang* kita ang pagkabukas ng puting kasuotan nito sa balikat.

"Tsch!!!" Levan hissed. Lalo na.’t kita ang pulang dugo na dumaloy sa puting
kasuotan nito.

"Don't wear white next time. It's ugly!" pang-aasar ni Kai sa lalaki.
Natalo rin naman ng dalawang Dark Guard ang mga kalaban nito na tauhan ni Gon Peter
at kasalukuyan ng nakabulagta sa sahig na halatang wala ng buhay.

Napansin ni Kai na tinungo ni Gon ang east-fire exit kaya pinasa niya si Levan sa
dalawa.

"Bantayan n’yo ang isang ito. Dalhin n’yo siya sa deck. Susundan ko si Gon."

"Copy Leader MB5!" sagot ng dalawa.

Tinitigan lang ni Kai ng pailalim si Levan saka sinundan si Gon Peter na nakalabas
na sa kabilang fire exit.

Mabilis ang mga hakbang na sinundan niya ang lalaki. Sinalubong ang grupo ni Gon ng
tatlong Dark Guards na kasalukuyang nasa east-fire exit.

Nagkikiskis ng mga ngipin na nagpaputok muli si Gon ng beretta na nakatutok sa mga


kasama niya.

*bang bang*

"Mga bwisit kayong dark guards kayo!"

Hinagisan naman ito ng shuriken ng kasama niya ngunit ginamit ni Gon ang dala
nitong gamit para salagin ang star na may matutulis at matalim na bakal.

Matapos iyon ay sinipa nito ang isang Dark Guard ng ubod lakas. Ang dalawang kasama
nito ay kasalukuyan din na nakikipaglaban sa kapwa niya Dark Guard.

Tumilapon sa pader ang Dark Guard na iyon dahilan para makalusot si Gon papa-akyat.

"Ako na ang bahala, MB12. Tapusin n’yo ang dalawang iyan!" utos niya dito.

Mabilis ang pag-akyat nila ni Gon sa deck ng cruise na halatang naghahabulan.


Pinaputukan muli siya nito ng bala sa ibaba dahil siya ang humahabol dito. Gumilid
naman si Kai para hindi siya matamaan.

Hanggang sa makalabas sila sa deck. Parang inaalon-alon din ang ginintuang buhok
nito dahil sa hangin ng dagat.

Matalim ang pagkakatitig ni Kai kay Gon.

"Lumayo ka!" nilabas nito ang isang maliit na bagay na kasing laki ng maliit
cellphone at itinaas iyon at akmang pipindutin.

"Ito ang remote ng bomba na nasa Maria Celeste 1."

Naglakad ito paatras sa pinakadulo ng deck. Sumusulong naman si Kai palapit kay Gon
habang nakahanda ang katana niya para saktan ito anumang oras.

Napipikon na siya sa lalaki gusto na niyang pugutin ang ulo nito at ipakain sa
pating.

"I must admit Leader MB5 that you did great." Tumawa ito ng malakas.

"But what would you do if I did something to your little kitten?"

Lalong sumama ang mukha ni Kai. This guy dares to do something with his girls? In
your dreams.

Ha! Mukhang ayaw na talaga nitong mabuhay. Wala siyang pakialam kahit sumali pa
siya sa war ng pamilya Kent at Peters pero wala ni isa ang magtatangka na gumawa ng
masama kay Bella o Angel.

"Hah!!!" galit na tinalon ni Kai si Gon at parang slo-motion na pinutol niya ang
kamay nito na nakataas at nakahawak sa remote.

Hinampas niya ang katana pakaliwa, saka at dahan-dahan na nilipad ang kamay nito na
hawak ang remote patungo sa sahig.

"Shiiit! f**k you Kai Jang! This is not the last day I will see you! You better
help Prin in Captain Yeo.’s ship! You have 30 minutes." galit na sabi nito saka
tumalon sa dagat.

"F*ck!" pinilit pa niyang habulin ang lalaki ngunit nawala na ito sa paningin niya.
Nangigigil na nasuntok na lang niya ang bakal na sumusuporta sa deck

Nilapitan niya ang kamay nito na hawak ang tila isang remote. Nabigla si Kai nang
makita ang mga nakasulat doon. Nagc-countdown na ang mga numero nito.

Tulad ng banta ni Gon, mayroon silang 30 minutes para iligtas si Prin na


kasalukuyan na nasa barko ni Captain Yeo.

Kinuha niya ang radyo "Tom, call Shi! Kailangan natin bawiin si GW8 sa loob ng 30
minutes!"

…..

NASA loob ng isang kulungan ng Maria Celeste 1 si Prin at Yuna. Wala kahit isang
gamit ang makikita sa loob ng kuwarto kaya parehas silang nakasalampak lang sa
sahig.

Tahimik na lumuluha si Yuna sa tabi. Kasalukuyan namang nanghihina si Prin.

"Can you tell me about yourself, Yuna?" tanong niya dito. Naisip niya kasi na
iligaw ang malungkot nitong anyo. Tutal naman ay hindi niya pa lubusang nakikilala
ang babae kaya naisip niyang kausapin ito.

Halata ni Prin na na-trauma talaga ito sa mga nangyari sa nakalipas na araw.

Tumingin ito sa kisame at tila nagbalik-tanaw sa buhay nito. "I never had a good
life in the past," simula nito.

"... My Dad never loved my Mommy, but my Mom loved him since the first time they
met."

Natahimik si Prin. Everyone in the family knew that Apolo loves Ginny Lopez, her
mother-in-law. Nagawa pa nga ni Apolo na dukutin ang Mommy ni Cally noong kabataan
ng mga ito. At alam niya na hindi rin ito kaila kay Yuna.

Vocal kasi ang lalaki sa nararamdaman nito at hindi nahihiya na ipakita ang pag-
ibig nito kay Ginny Lopez kahit pa sa harapan ng Daddy ni Cally na si Cloud Han.

"Walang pinakasalan ang Daddy mo sa dalawang babaeng nabuntis niya?" tanong niya
dito. Alam din naman kasi ni Prin na may dalawang babae si Apolo.

"None. Ang totoo, nangailangan lang siya ng descendants but unfortunately parehas
kaming babae ni Mari." Sumama ang mukha nito nang banggitin ang pangalan ng
kapatid.

"...My sister and her mom are both witches. We lived together in one villa na nasa
India. Hati dapat ang lahat sa aming dalawa sa loob ng villa na iyon pero inaangkin
nilang mag-nanay ang para sa amin ng Mommy ko. My life is like a modern Cinderella
with a step-sister and an evil step-mother."

"Paano mo nalaman ang mansyon ng Matsui? Saka paano ka nakatakas kay Ana?" naisip
niyang itanong dito.

"She kept me in a van for a couple of days na naroon lang sa area… nang magkaroon
ng tsansa, tumakas ako sa isa sa mga guard na kasama niya. Sa loob ng ilang araw
hindi nila ako pinakain o pinainom ng tubig." Nagsimula na naman na lumuha ito.

"w-where is your Mom?" Naisip niyang ibahin ang usapan, ngunit lalong sumama ang
loob nito at mas dumami pa ang daloy ng luha sa mga mata.

"My mom died last month nang panahon ng pagsabog. Mayu Killed her."

Parang kumirot ang dibdib ni Prin sa sinabi nito. Kahit nanghihina, nilapitan niya
ang babae at niyakap ito. Naisip niya ang Mommy niya. Kung ang Mommy niya ang
nalagay sa alanganin sigurado si Prin na hindi na lilipasan ng araw si Mayu.

Naisip niya na napakasama talaga ng babaeng iyon.

"Don't worry, you still have your Dad." Naipaalam niya na sa grupo ni Apolo na
sunduin si Yuna. Hindi niya lang alam kung nasaan na ang grupo nito.

Biglang pumasok sa isip niya si Cally, ang anak niyang si Khalid at ang magulang
niya. Parang may patalim na tumatarak sa dibdib niya matapos maisip na iiwanan niya
na naman muli ang mga ito.

"Yuna, kung sakaling mamatay ako dito, pwede mo bang ipangako sa akin na babantayan
mo ang baby boy ko?"

Halatang nabigla ito sa sinabi niya "Bakit?"

Natahimik si Prin. "Nothing… Do you have a boyfriend?"

"Yes, he is from Smith Family… unfortunately, his family doesn't like me dahil anak
ako sa labas."

Kilala ni Prin ang pamilya ng Smith. Isa ang pamilya nito sa pitong pamilya ng Dark
Lords. Nasa UK lang din nakabase ang pamilya nito pero hindi masyadong active sa
organisasyon. Casino naman ang forte ng pamilya ng Smith.

"How's your relationship with him?"

Bago pa ito sumagot ay nagkakagulo na ang mga tao sa barko ni Captain Yeo.
nakarinig sila ng mga papalapit na yabag

"Tumayo kayo diyan!" utos sa kanila ni Casper. Nakasunod dito si Mayu na matatalim
ang tingin na pinupukol kay Prin.

"Buksan ang gate!" utos ng babae dito.

Nanginginig sa takot si Yuna habang nakayakap sa kanya. Matapos mabuksan ang gate
na bakal, hinila ng mga ito ang dalaga mula sa kanya at pinasa kay Mayu.
Hinawakan siya ni Casper para ilabas sa kulungan. Sinimulan siya nitong hilahin
habang naglalakad sila sa pasilyo. May mga naririnig siyang mga hiyaw sa deck.

Naisip niya na baka nandiyan na ang asawa niya dahil nakatakda naman talaga na
harapin nito ang barko na iyon. Pinilit niyang hugutin ang lahat ng natitirang
lakas, hinugot ni Prin ang patalim mula sa kamay ni Casper at sinaksak ang lalaki
sa leeg.

Tinalon naman niya ang isa pang kasama nito at binali ang leeg nito.

Nabigla si Mayu sa bilis ng pagkilos ni Prin. Tinutukan nito si Yuna ng patalim sa


leeg. "Don't you dare, Prin Matsui."

Naglakad ito paatras at hinihila si Yuna habang nakatutok dito ang patalim.
Nanlilisik ang mata ni Prin habang nakatingin sa babae lalo na at nakikita niya na
lumuluha si Yuna. Natagpuan niya ang bago niyang kaibigan sa katauhan ng babae
kahit pa mas bata ito sa kanya ng ilang taon.

Naghahanap siya ng tyansa para bawian ang luka-lukang si Mayu hanggang sa


makarating sila sa deck.

Tumawa lang si Mayu. "Do you know where is Captain Yeo? I killed him." Nakangisi pa
ito na parang proud sa ginawa nito.

"...And It's all your fault!" Namumula ang mga mata nito na nakatingin sa kanya.

"You are crazy!" sigaw ni Prin sa babae.

"Ha! I'm always crazy!" Sinaksak nito sa kaliwang dibdib si Yuna, malapit sa
collarbone.

"No!" sigaw ni Prin.

SINISIMULAN ni Mat-mat at Tom na pigilin ang bilang ng bomba kasama ni Rob Matsui.

Kung wala sana si Prin sa Maria Celeste 1 ay ayos lang sa kanila. Pero naroon ang
anak niya at hindi niya hahayaan na maging abo ito at mapabilang sa impyernong
barko na iyon kaya lahat ng paraan ay gagawin nila.

Si Tom at Rob ang actual na sumusuri sa pisikal na detonator habang si Mat-mat


naman ang nakatoka sa koneksyon nito sa bomba na nasa barko.

Sigurado si Mat-mat na nakakonekta ang parang tila cellphone na detonator sa linya


ng telepono at iyon ang sinisimulan niyang i-hack. Ganoon din naman ang nasa isip
ni Rob

Binuksan na nila ang case nito at sinusuri ang mga wires. Halos sampung minuto na
nilang iniimbestigahan ang bagay na iyon, wala pa silang nakukuhang resulta.

Pinutol na nila ang halos kalahati sa mga wire at may mga tinanggal na rin katulad
ng antenna nito pero patuloy pa rin iyon sa pagbilang ng countdown.

"Uncle Rob, we only have 10 minutes," sabi ni Mat-mat sa kabilang linya.


"kailangan natin magmadali kung ganoon... Mat, I trust you."

Mabilis ang kilos ng mga daliri ni Mat-mat sa kabilang ibayo ng mundo para putulin
ang koneksyon ng detonator sa bomba

…..

SAMANTALA, sa barko ni Captain Yeo…

Napuno ng galit ang buong anyo ni Prin nang saksa’kin sa dibdib ang bago niyang
kaibigan na si Yuna. Sobra na ang panghihina niya dahil naibuhos niya na ang lahat
ng lakas sa dalawang lalaki, ilang minuto ang nakaraan. Kaya hindi niya alam kung
paano babawian si Mayu.

Nasa paligid ng deck ang mga ilang kasama niyang Dark Guards at nakikipaglaban sa
mga pirata na tauhan ni Captain Yeo.

"You know why I killed my husband? Because of you! Since nilason mo ang utak niya,
I put poison in his wine and told everyone here that you did it," nakangisi na saad
nito.

Habang napopoot siya na nakatingin kay Mayu, tatlong bomba ang pinasabog ng
Princess Ghost ship sa barko ni Captain Yeo.

Gumewang-gewang ang barko nito matapos sumabog ang pinaka-bungad ng deck, ang
gitnang bahagi at likuran, at nagkapira-piraso sa maliliit na kahoy. Nagsimula na
rin ang pag-apoy sa iba’t ibang panig ng barko.

Dahil sa malakas na pag-galaw ng barko, tumilapon si Prin sa nakatambak na mga


crates ng kahoy at dumausdos siya sa sahig.

Lalong nakaramdam ng hilo si Prin at nagsimula na ring kumirot muli ang ulo niya.
Ngunit hindi nakaligtas sa kanya na makita na bumaba mula sa malaking barko si
Cally.

She looked at him habang sapo ang ulo. Tulad ng dati para itong prinsipe na bumaba
mula sa langit at naglakad patungo sa kanya.

Bahid ang pag-aalala kay Cally na makita si Prin na hindi maayos ang lagay.
Namumutla ang labi ng asawa niya. Nagsisimulang mangitim ang mga mata. Wala na sa
ayos at gulo-gulo na ang mahaba nitong buhok.

What happened to her? Naisip niya.

Tumakbo si Cally patungo kay Prin ngunit naunahan siya ni Mayu. Limang metro na
lang ang layo niya, di pa siya nakaabot.

Hinila nito si Prin mula sa pagkakasalampak at tinutukan ng patalim sa leeg na may


bahid ng dugo dahil sa saksak na ginawa nito kay Yuna.

Tumalim ang tingin ni Cally dito at kumuyom ang mga kamay niya.

"Bitiwan mo ang asawa ko," madiin na utos ni Cally sa normal na taas ng boses.

"Ha ha ha… tsk tsk! Pati ba ako ay inuutusan na rin ni Master Cally?" nakangisi na
tanong ng babae.

Nakatitig naman si Prin sa asawa niya. Nasa lalaki lang ang buong atensyon niya at
wala na sa iba pa. Wala siyang pakialam kay Mayu o sa iba pa.
Nginitian ni Prin ang asawa niya. She wanted to give her best for Cally because he
deserves it but she guess na hanggang dito na lang ang kaya niya. Deep inside her
heart ay alam ni Prin na iyon na talaga ang huli.

Kumirot ang dibdib ni Prin ng sobra.

Gusto niyang manghingi ng tawad dito dahil isang taon lang sila muling nagkasama.
Hindi naman ito nabigo sa pagpaparamdam muli nito sa kanya ng pagmamahal.

Mabilis na kumalat ang apoy sa paligid. Mula sa dilim ng gabi kitang-kita ang
pagkapula ng apoy pati na ang maliliit na alipato, gawa ng kahoy.

Gumitna pa ang apoy sa pagitan nila ni Cally na para bang pati tadhana ay nakikiisa
na paghiwalayin sila.

Mas kita ni Prin ang sinag ng liwanag ng apoy sa pisngi ng asawa niya.

Lumapit si Lorenz at tumabi kay Cally na nakaporma ang hawak nitong espada. "Shi…
We only have two minutes," bulong ni Lorenz.

Nabasa ni Prin ang galaw ng labi ng Shogun kahit pa hindi niya ito nadinig.

Napapikit si Cally sa nadinig. Tinitigan niya si Prin, nagsimulang mamasa ng mga


mata niya at manikip ang dibdib niya habang nakatitig sa mga mata nito kahit sa
ilang metrong distansya.

Bakit pakiramdam niya ay mauulit sa kanila ni Prin ang nangyari noon? Katulad lang
ba o mas malala pa noon? The look in her eyes is telling him na huwag na itong
iligtas pa. Nagbabadya na ng pamamaalam. Naninikip ang dibdib ni Cally. Tila
hinihipnotismo siya ng asawa na huwag na itong iligtas pa.

"Ai. Shi.te.ru. yo…" galaw ng labi ni Prin. Hindi naman nahirapan si Cally na
mabasa iyon kaya hindi niya napigilan ang luha. Palapit na siya kahit pa ang
suungin ang malalaking apoy sa pagitan nila nang biglang magsalita si Mayu.

"Ha! Ang boring niyong dalawa! Mabuti pa ay tapusin na natin ito!" sinaksak si Prin
sa dibdib ni Mayu tulad ng ginawa nito kay Yuna.

"Noooo!!!" sigaw ni Cally.

Ibinuhos naman ni Prin ang lahat ng lakas niya para gilitan sa leeg ang babae ng
hawak niyang patalim. Nagtuluy-tuloy ang daloy ng dugo ni Mayu hanggang sa bumagsak
ito.

"Prin!!!" sigaw ni Cally. Hindi niya alam kung paano susuungin ang malalaking apoy.

"Hah!!!" Nakikita niya pa ang mukha ng asawa sa kakaunting siwang ng mainit na apoy
na nakangiti sa kanya na lalong tumatarak sa dibdib ni Cally.

"Shogun… please get my wife…" pakiusap ni Cally sa pagitan ng mga pagluha.

Tumango si Lorenz.

Plano na nitong tumalon sana sa kabilang panig nang umingit ang barko ng Maria
Celeste 1 at gumewang iyon.

Ilang saglit pa, isang maliit na pagsabog ang naganap sa barko ni Captain Yeo at
nahati sa dalawa ang barko nito.
Sa halip na tumalon si Lorenz sa kabilang panig, hinila niya si Cally palayo sa
apoy at sa sumabog.

BINUKSAN ni Cally ang pintuan ng kuwarto ng asawa niya. He welcomed by a pair of


small eyes. Khalid sat in the middle of the soft bed. Doodling on a single white
sheet using his favorite crayon. Lumabas ang tagabantay nito nang makita siya.

"Hey buddy."

Nakasuot siya ng 'mofuku'. Isang black traditional japanese clothing na sinusuot sa


lamay. Ikalawang araw ng lamay ni Prin at sinabi niya na ngayong gabi ay dadalhin
na niya sa Pilipinas ang asawa niya at doon niya ito ililibing.

Sumang-ayon naman ang Uncle Rob niya at Tita Ingrid niya.

Sa muling pagkakataon, hindi niya alam kung paano haharapin ang mag-asawa.

Umupo siya sa dulong bahagi ng kama ng kuwarto ni Prin sa Matsui mansion. Gumapang
naman si Khalid patungo sa kanya. Inupo niya ito sa binti niya at tinitigan siya
nito sa mata.

"Uhmma…" ungol nito.

Nagsimula na namang magsipaglaglagan ng luha ni Cally. Pati ang anak nila ay


nasanay na hanapin ang asawa niya.

Ngayon pa lang ay hindi na niya alam kung paano sasagutin ang tanong ni Khalid.
Paano pa sa mga susunod na buwan at taon?

Halos ayaw niyang harapin ang bangkay ni Prin na naging yelo na sa lamig at nasunog
ang halos kalahati ng katawan. Tanging mga mata lang nito ang natira sa maganda
nitong mukha.

He will no longer receive his beautiful smile every morning. He will no longer
touch her face whenever he wants to. He will no longer kiss her sweet and kissable
lips. He will no longer…

Hindi napigilan ni Cally ang humagulgol. Humiga siya sa kama para damhin kahit man
lang ang naiwan na amoy ng asawa niya sa loob ng kuwarto nito.

He knew it! na iiwan siya ni Prin sa misyon ngayon. Daig pa ang sampung patalim na
sabay sabay na tumarak sa dibdib niya ang sobrang sakit na bumabalot sa katauhan
niya.

'Why are you so unfair?'

"Uhmmma…" Nagsimula na rin na umiyak ang anak niya na para bang naramdaman nito na
wala na ang mommy nito.

Dumapa si Khalid sa dibdib niya at parang nakiisa sa pagluluksa ni Cally. Pati ang
anak niya ay hindi na rin napigilan ang pag-iyak. Sabay sila na nagluluksa sa
pagkawala ng asawa niya.

"Uhmmma…" he cried together with him.


"Don't worry buddy, you still have me… you have me…" niyakap ni Cally ng mahigpit
ang anak saka hinagod ang likuran nito at pinilit niya na magpakatatag para man
lang dito.

Kailangan niyang magpalakas at magpatuloy sa agos ng buhay dahil may Khalid pa


siyang kasama. He needed to be strong for his baby.

Ipinapangako ni Cally na sa mga susunod na araw ay hindi na siya iiyak. Iyon na ang
huli.

…..

DALAWANG buwan pa ang lumipas…

Dahan-dahan na nagmulat ang isang babae na nakahiga sa isang hospital bed. Kung
anu-anong mga kable ang nakakabit sa katawan nito.

Sa una, malabo pa ang lahat ng naaaninag niya sa paligid. Halos wala siyang
masilayan.

Nanunuyo ang lalamunan niya na pumikit muli para bigyan ang sarili ng oras ang
paningin niya.

"Tu...big…" mahinang usal niya.

Si Felix na kasalukuyang may ginagawa sa laptop ay napatayo nang madinig ang babae.
Iniwan nito ang laptop sa maliit na mesa na naroon din sa loob ng hospital.

"Babe!"

Napalingon kahit si Apolo na kasalukuyang nagbabasa ng diyaryo. Napatayo rin ang


may-edad na lalaki para lapitan ang anak niya.

"Tu...big…" Tila galing sa hukay ang tono ng boses nito.

Pinindot ni Apolo ang buton para humingi ng tulong sa nurse o doktor. Ilang saglit
pa ay dumating ang doktor kasunod ang tatlong nurse. Binigyan ang babae ng
kakaunting tubig.

"I want... more…" sabi ng babae matapos inumin ang tubig na nasa maliit na paper
cup.

"I'm sorry Master Apolo. Kailangan munang mag-adjust ng katawan niya bago siya
muling uminom ng tubig. Hintayin natin ang thirty minutes bago siya ulit
makakainom.”

Tumango si Apolo.

"How are you Yuna?" tanong ni Apolo sa anak.

"How are you, babe?" Si Felix.

"S-sino kayo?" tanong ng babae sa mga ito.

Tumingin si Apolo sa doktor. Mabilis naman na kumilos ang doktor para suriin muli
ang dalaga.

May mga tinanong sa kanya na mga kung anu-ano katulad ng mga masakit sa katawan at
kung ano pa. Sinagot naman niya ng tapat ang lahat. Wala siyang kilala sa lahat.
Ang totoo, kahit ang sarili niya ay hindi niya kilala.

"My amnesia ang anak n’yo Master Apolo. I think it's because of what happened to
her. Nagkaroon ng phobia ang Miss sa mga nangyari." Paliwanag ng doktor.

"Yuna…" Hinawakan ng binata ang kamay niya.

"...I am Felix, your boyfriend for two years. Don't you remember me?" tanong nito.

Sinimulan niyang suriin ang mukha ng lalaki. He has gray eyes, dark haired na
maalon-alon at katamtaman haba, makapal na kilay, matangos ang ilong at katamtamang
nipis ng labi. Matangkad ang lalaki na nasa anim na talampakan mahigit.

Hindi niya makapa sa dibdib niya ang sinasabi nito na nobyo niya ito. Why does her
heart feels like it belongs to someone else?

Umiling siya. Doon niya lang napansin na parang mabigat ang ulo niya kaya hindi
niya napigilan na hawakan ang mukha.

May mga nakapa siyang mga benda. Dinama niya iyon. Nagsimula ang pag-aalala sa
kanya. Panget ba siya kaya nakabalot ang mukha niya?

"W-what happened to me?" tanong niya sa mga tao sa paligid. Nagsimulang kumirot ang
ulo niya at tila may naririnig siyang matinis na ingay.

Nataranta ang dalaga pati na ang lahat. Nagsimula siyang mag-hysteria kaya walang
nagawa ang mga doktor kundi ang turukan siya ng pampakalma.

PAGKALIPAS NG TATLONG TAON…

"The President is back," pagbibigay-alam ng receptionist ng isang MGM Building


Tower 2 habang hawak ng parehas na kamay nito ang telepono sa desk. Kausap nito si
Assistant Xander sa telepono.

"Okay." Ang tanging sagot ni Xander saka nito ibinaba ang telepono. Pinihit nito
ang katawan saka hinarap ang batang apat na taong gulang na nakaupo sa itim,
malapad at malambot na sofa.

"Khalid, the meeting was over. Your Dad is here," sabi nito sa batang may apat na
taong gulang.

Tumingin lang si Khalid kay Assistant Drake saka nito binalik ang tingin sa
nilalaro nito na 'Legendary Witch' game App sa isang eight inches na tablet.

His Mom really looks like Twilight Mary, that's why he likes to play this Game App.
Kaarawan niya sa araw na iyon at nakatakda silang magpunta sa paborito niyang
lugar, ang 'bahay' ng Mommy niya.

Ilang saglit pa, bumukas ang elevator sa opisina ng Presidente at iniluwa nito ang
Daddy niya, si Cally na nakasunod ang tatlong sekretarya.

"Master," bungad dito ni Xander.

Dumeretso lang si Cally ng lakad patungo sa batang may apat na taong gulang na
nakaupo sa malapad na sofa. Naiwan ang tatlong sekretarya malapit sa pintuan.

"Are you ready?"

Nanatili na tahimik si Khalid. Kilala naman siya bilang bata na kakaunti lang ang
mga salita. Ayaw niya ng maraming daldal na katulad ni Angel..

"Your Angel is here," tudyo ni Cally. Bahagyang namula naman ang pisngi ng batang
lalaki sa nadinig.

Sa Taiwan nakatira ang pamilya ni Kai pero taon-taon ay nasanay na sila na mag-
celebrate ng kaarawan ng dalawang bata ng sabay, kaya madalas na nagpupunta ang mga
ito sa Maynila.

Hindi lang si Kai at Bella ang nakakasama nila taon-taon, kahit ang mag-asawang
Lorenz at Cassandra na wala pa ring anak hanggang sa ngayon at si Mat-mat at Donna
na may anak na triplets na dalawang taong gulang, tatlong lalaki na makukulit.

Inangat ni Khalid ang paningin sa Daddy niya.

"To Mom," simpleng hiling niya para maiba ang usapan. Ang ibig niyang sabihin doon
ay 'magpunta na sila sa bahay ng Mommy niya'. Everyone in the family is smart and
he is not an exemption.

Tumahimik si Cally. Tila may bumara na bagay sa lalamunan niya nang maalala si
Prin. Ilang saglit din siyang natahimik.

"May I have a glass of water please?" baling niya kay Xander. Agad naman itong
tumungo sa water dispenser at saka kumuha ng tubig. Matapos inumin ni Cally ang
tubig, hinarap niya muli ang anak.

"Let's go!" Pinilit niyang ngumiti dito.

Inabot nito ang tablet na hawak kay Xander saka pumayag na magpaakay kay Cally.
Tinungo nila ang elevator saka sila sumakay sa naghihintay na sasakyan na
nakaparada sa tapat ng MGM Building.

"To Prin," simpleng utos ni Cally sa chauffeur habang nasa likod sila nakaupo ng
anak niya.

Ilang saglit pa, huminto ang sasakyan sa isang maliit na tahanan. Isang 8 square
meter lang iyon. Gawa sa semento na hanggang bewang ang haligi nito at mga
nakapagitan na bakal kada isang dipa na may mga disenyo mula sa semento hanggang
kisame.

Mga halaman ang mga nakapalupot sa mga nakapagitan na bakal na halos kumontra ang
mga pulang rosas na patuloy na namumukadkad. Pinababantayan madalas ni Cally ang
mga iyon at patuloy na inaalagaan.

Bumakas ang lungkot sa mukha ni Cally matapos niyang bumaba ng kotse. Sumikip bigla
ang dibdib niya at hindi siya muli makahinga. Kung tutuusin, ayaw niya na
nagpupunta doon pero kailangan niyang pagbigyan ang anak niya sa araw na iyon
bilang kaarawan nito.

Hinayaan niya na umupo ang anak niya sa semento saka ito hinayaan na maglaro at
magsketch ng kung ano sa drawing book gamit lang ang mga colored pen na dala nito.

Dahil hindi halos makahinga si Cally, lumabas muna siya saglit sa gate, sakto lang
na natatanaw niya pa ang anak sa loob at naglabas ng isang piraso ng sigarilyo.
Patuloy kasi na hindi siya makahinga sa loob. Nangako siya noon na hindi na iiyak
para sa anak nila ni Prin, pero may magagawa ba siya kung patuloy din na naninikip
ang dibdib niya tuwing maaalala ang huling araw na ngumiti ito sa kanya sa pagitan
ng nagliliyab na apoy?

Matapos ang tatlumpung minuto, pinilit na ni Cally na ayain ang anak niya na umalis
na sa lugar na iyon.

"Khalid, let's go!"

Tumango lang ito.

"Bye bye Mommy!," saad ng anak niya sa isang kwadradong bato habang kumakaway.

May marble na kwadrado ang nakadikit sa semento at nakaukit ang 'PRIN MATSUI-HAN'.

……

PALIBHASA ay nanggaling ang mag-ama sa Prin's garden kung saan nakahimlay ang
katawan ni Prin, pakiramdam ni Cally, may bumara na matigas na bagay sa lalamunan
niya.

His gaze is cold remembering the past that keeps haunting him.

Ang parehas na mga larawan kung saan napabayaan niya si Prin na mahulog sa bangin
at nang makita ng dalawang mata niya ang pagkakasaksak ni Mayu sa dibdib nito.

Nakikiramdam naman si Khalid sa tabi ng Daddy nito na para bang naiintindihan nito
ang saloobin ni Cally.

Ilang saglit lang, nasa tapat na sila ng White Castle, ang tahanan ng mag-ama na
niregalo ni Rob Matsui.

Literal na puti ang anyo nito mula sa labas pero magara ang mga kagamitan sa loob
ng tahanan.

Hindi iyon tipikal na kastilyo na tulad ng pangalan nito. Isang villa lamang iyon
na may 700 square meters na kabuuan ng floor area. Nasa 2,000 square meters naman
ang kabuuan ng lupain nito. Ang kalahati ng lupain ay nahahati pa sa isang
playground na may swimming pool, tree house at garden.

Hindi lingid sa mga katabing bahay o sa labas ng White Castle na hindi simple ang
tahanan na iyon. May isang daang guards ang nagbabantay sa buong villa para
protektahan ang mag-ama at CCTVs sa kahit saang parte ng bahay.

Simula ng mamatay si Prin, doon na nanirahan ang mag-amang Cally at Khalid.

Bumaba ang dalawa mula sa itim na kotse.

"Nandito na sila?" tanong ni Cally sa isang kasambahay na sumalubong sa kanila. Ang


tukoy niya ay ang pamilya, si Mat-mat, si Lorenz, Kai at ang mga asawa ng mga ito.

"Opo, Shi," sagot naman ng napagtanungan niya.

Pagbukas pa lang ng pintuan ay natagpuan na nila ang grupo na sa palagay niya ay


may ilang minuto na rin na naghihintay sa kanila ni Khalid.

Nakapalibot sa isang tea table ang mga babae. Si Bella, si Cassandra, si Donna na
kasama ang magkapatid na Crayola at ang buntis na si Christen.

Nasa couch naman ang mga lalaki at may sariling topic ang mga ito habang umiinom ng
wine.

"Khalid!" matinis at masaya na bati ni Angel nang makita ang pagpasok ng mag-ama.
Tumakbo ito patungo kay Khalid.

Umikot ang mata ng batang lalaki bilang sagot.

"Happy Birthday! I ordered a cake for you. For sure it was delivered." pangungulit
ni Angel. Kinuha nito ang kamay ni Khalid at hinila para tumakbo patungo sa kusina.
"Faster Khalid!"

Napapailing na lang si Khai habang nakatingin sa malikot na anak niya.

"You have to guard your baby girl," narinig niyang tudyo ni Mat-mat.

Pinukulan niya ito ng masamang tingin.

"Pakyu! Apat na taon pa lang ang anak ko at ano naman ang ggwardiyahan ko sa kanya?
Wala! Dahil mukhang hindi rin interesado sa kanya si Khalid." Napapailing na lang
si Kai.

"Kung ako sa iyo, galingan mo na lang ang pagbantay sa triplets mo," dagdag pa
habang tinuro ang tatlong batang lalaki na kung saan-saan sumuot.

Nasa ilalim ng coffee table ang isa at kinakagat ang isang paahan nito. Ang isa ay
tumatakbo pasunod kay Angel at Khalid. Ang isa ay nakakunot ang noo na pinapuputok
isa-isa ang bubble wrap na kandong ni Donna.

"it shows kung gaano ka kalikot nang mga panahon na ginawa n'yo ni Donna ang mga
batang iyan," napapailing si Kai.

Mat-mat "..."

Ang pangalan ng mga anak ni Mat-mat ay Popoy, Moymoy at Kukoy na pinili ng lola ni
Donna at pare-parehas pa na malilikot. Wala siyang nagawa kahit gusto niyang
palitan ang pangalan ng mga ito dahil nagustuhan ng asawa niya ang bininyag na mga
pangalan ng matanda.

Ayaw niyang aminin na sa kanya nagmana ang kalikutan ng triplets niya. Baka sa lola
ni Donna, pwede pa!

Sa kabilang banda naman, may inggit na naramdaman si Lorenz habang nakatingin sa


mga bata na magugulo sa paligid. Wala pa kasi silang anak ni Cassandra. Tatlong
taon na silang mag-asawa nito pero hindi pa sila nabiyayaan na magkaroon kahit
isang supling lang.

Ang paliwanag naman ni Christen, normal lang ang mga ganoong cases na katulad nila
ni Cassandra. Ang iba nga daw ay inaabot pa ng ten years bago tuluyan na makabuo ng
baby.

Nilapitan niya na lang si Cally na tinungo ang wine bar. Alam nila na nagtungo ang
mag-ama sa Prin's garden kaya tahimik na naman ito at malamig sa paligid.

"How are you, Shi?" he asked.

Tahimik lang si Cally na nagsalin ng alak sa isang maliit na baso. Saka nito
tinungga ang lahat ng laman ng baso nito. Base sa ekspresyon ng master at kaibigan
niya, sigurado na nabagabag na naman ito ng memorya ni Prin.

Bubuka pa sana ang bibig ni Lorenz nang marinig nila sa kusina si Khalid na
umiiyak.

"Mommy!!! Mommy!!! Don't go!!"

Nakakunot ang noo nila na tumungo sa kusina.

MAY dalawang buwan na yata si Yuna na nananatili sa Pilipinas.

Her Dad insisted na manatili siya doon para i-manage ang business nito na nasa
Maynila. Si Mari, her step-sister ay pinadala nito sa Malaysia. Ayos lang, dahil
ayaw niyang makita kahit kapiranggot na anino lang nito. Sa totoo lang, hindi
maganda ang relasyon nila nito.

Tuwing magkikita sila ay inis ito sa kanya at natutuwa naman siya na iniinis ito.

Matapos na magising siya sa ospital noon, pinaliwanag sa kanya ni Apolo kung sino
siya at kung ano ang mga ginagawa niya sa araw-araw.

Ayon dito, her Mom died sa parehas na panahon noong maaksidente siya sa barko. A
terrorist named Mayu killed her Mom and kidnapped her. Mabuti na nga lang daw at
ipinaalam ng isang Prin Matsui na ligtas siya.

Base sa mga napag-alaman niya, maihahalintulad siya sa isang pekeng prinsesa noon
na hindi pa siya nagkaka-amnesia.

Wala siyang ginawa noon kun'di ang mangibang bansa at hindi man lang niya na-
practice ang tinapos niya sa kolehiyo na Hotel and Restaunt Management. Tila wala
siyang goal sa buhay noon kun'di ang maging nobya lang ni Felix.

May nobyo siya na Felix Smith ang pangalan na matapos niyang magising noon sa
ospital, umalis din naman agad ang lalaki at nagpunta sa UK para sa meeting daw
nito.

Hiniwalayan niya rin naman ang lalaki nang nakaraang taon dahil hindi niya makapa
sa dibdib na gusto niya talaga ito.

Pumayag naman agad si Felix. Dahilan nito? Because she doesn't have her old face
anymore. And according to him, she is no longer the same old Yuna, his sweetest and
ignorant girlfriend!

Panay ang reklamo nito sa kanya dahil hindi na siya ang submissive nitong
girlfriend noon. Palagi nitong inuungot na may maganap sa kanila, na inayawan niya
nang sobra.

If the old Yuna wanted him, it doesn't mean that her new self has to agree with it.

She even kicked him nang pilitin siya nito, and that's it! sinabi niya na gusto
niya nang makipaghiwalay. Tila natapakan niya ang pride ng lalaki na isa sa mga
dahilan kung bakit pumayag ito na makipaghiwalay.

She doesn't want her old self na mahina, api-apihan at sunud-sunuran kay Felix.
Nasunog ang malaking parte ng mukha ni Yuna, tatlong taon ang nakaraan. Kaya naman
matapos niyang magising noon sa ospital, nanatili pa siya ng isang taon sa ospital
sa Korea para lang dumaan sa plastic surgery.

At sa totoo lang, sa loob ng dalawang taon na pakikipagrelasyon niya kay Felix,


nagkikita lang sila nito tuwing maisipan lang ng binata. At nang nakaraang buwan
nga ay napag-alaman niya na engaged na ito kay Mari, na kapatid niya kay Apolo.

Matapos niyang umalis ng ospital, nagsimula na siyang pag-aralan ang business ng


pamilya. Ayaw niyang maging ignoranteng Yuna na nananahimik lang sa bahay. Magtsaa
tuwing hapon, magdilig ng halaman sa garden, magbasa ng mga libro at kung ano pa na
gawain ng isang perfect lady. Perfect housewife for Felix.

Isang Yuna na parang palamunin at umaasa lang sa allowance na bigay ni Apolo. Medyo
nakaramdam pa siya ng inis at hindi makapaniwala na gano'n siya noon, isang
palamunin.

Kaya naman pinilit niya na magbago sa loob ng dalawang taon matapos niya na
makalabas ng ospital sa Korea.

Nang nakaraang taon, lihim sa Daddy niya ay binuo niya ang Night Sparrow. Biglaan
lang din ang pagkakabuo niya nito.

Isang babae na Coffee ang nakita niya na kamuntikan nang ma-rape sa Hotel na mina-
manage nila sa France.

Someone put drugs in her drinks and she happen to see her staff na may nilagay sa
inumin ng babae. Pagkatapos n'on, her instinct told her na subaybayan ang inumin
hanggang sa matagpuan niya na binitbit ng apat na kalalakihan si Coffee.

She fired her staff matapos niyang tulungan si Coffee sa apat na lalaki. At simula
noon, naging kaibigan niya ang babae.

Kinalaunan, napag-alaman niya na nasa isang sindikato ito noon at nabuwag ang grupo
nito nang mamatay ang Boss nito.

Tinulungan niya si Coffee na samahan ito sa mga transaksyon kasama ang dalawa pang
kasama na si Mikey, isang doktor at David isang international spy hanggang sa
ideklara na lang ng mga ito na siya na ang bagong boss.

Hindi niya alam but she enjoyed their company kaysa sa manatili sa hotel at ayusin
ang mga kakailanganin doon.

…..

LUMALAGUTOK ang heels ni Yuna sa makinis na tiles habang tinutungo ang VIP lounge.
Ayon sa staff, gusto siyang kausapin ni Apolo na Daddy niya.

Natagpuan niya ito na nakaupo sa isang couch na umiinom ng tsaa. Tulad pa rin noon
ay nakaputi ng suit ang daddy niya. Nasa kabilang couch naman si Mari at si Felix
na hindi niya man lang binati.

"Hello, sister Yuna," bati ng babae. Hindi niya ito sinagot dahil wala siya sa mood
na patulan ang plastik nitong anyo na pinaglihi sa tabo na ginagamit sa banyo.

"Dad," sa halip ay bati niya kay Apolo.

"Hey Sister Yuna, Felix and I are here to get your acknowledgement for our
wedding," sabi nito sa maamong mukha na akala mo ay wala itong gagawing masama.

Hindi pa rin sumagot si Yuna. Why does she need to acknowledge their wedding
anyway?

"Dad…" tila maiiyak na usal ni Mari nang walang makuhang sagot mula sa kanya. Para
bang sinasabi ng bruhilda na hindi niya pa rin matanggap na naghiwalay sila ni
Felix.

'The nerve! '

Nakatitig naman si Felix sa kanya. May 13 months din kasi na hindi sila nagkita
nito. Pero hindi niya tinapunan kahit isang sulyap man lang ang dalawa na para bang
wala siyang nakikita doon kun'di si Apolo lang.

"Yuna, your sister insist na personal kaming magpunta dito para lang imbitahan ka
sa kasal. Why are you giving us an arrogant face?" Halatang dismayado si Felix.

Bigla niya itong nilingon.

"Oh, I never thought you were here guys." Kunwari ay nagulat siya. Tila ba sinasabi
niya na kahit pa nasa harapan ang dalawa ay wala siyang paki-alam at parang hangin
lang ang mga ito sa paligid niya na hindi niya nakikita.

"You…" Halata nang nabu-bwisit si Felix sa attitude niya.

Kung gaano ito kainis kay Yuna, simple naman na natutuwa si Mari sa tabi nito na
hindi nito pinahahalata.

"Come on Sister Yuna, pagpasensyahan mo na si Felix. Huwag kang magalit sa kanya.


ako ang nakiusap na magpunta kami dito. We are sorry kung biglaan ang pagpapakasal
namin. It's because… I'm pregnant," nahihiya na saad nito na akala mo ay malaking
pagkakamali na pumatol ito kay Felix at sumapi dito si Maria Clara.

Wala ng choice si Yuna kun'di ang magsalita. Ayaw niya kasing isipin ng dalawa na
bitter siya.

"To be honest Dad, kung gugustuhin ni Mari at ng Young Master ng Smith ang
magpakasal, I don't think I need to agree or disagree. It's a decision between the
couple, not mine." Gusto niyang ipakita sa mga ito na hindi siya interesado at wala
siyang plano na kausapin ang dalawa.

"If that would be all, uuna na po ako. Marami pa akong kailangan na asikasuhin dito
sa hotel."

"How was your day, honey?" tanong ni Apolo.

"I'm good."

Tumango ito. "good to hear. Anyway, isa sa mga dahilan kung bakit kita pinatawag at
pinapunta dito ay para makisuyo sana ako sa iyo na magdala ng cake sa White Castle.
Bring a two layer cake as our gift for Ginny's grandchild," paliwanag ni Apolo.

Kumunot ang noo ni Yuna. Hindi kaila sa pamilya kung sino si Ginny. His only love.
Too bad because she is married. Kahit nga isang sulyap ay hindi nito maibigay sa
Daddy niya.

"Daddy, bakit kailangan mo pang magbigay ng Cake sa apo ni Ginny?" tila hindi
natutuwa na tanong ni Mari.
Pinukulan ito ng matalim na sulyap ni Apolo. "That is not your concern!"

Parang napipi naman si Mari sa biglaan na iyon na reaksyon ni Apolo. She knew that
Ginny Lopez is his bottomline. Imbes na sumagot pa at magtanong ay mas pinili
nitong manahimik para makaiwas sa gulo.

Sa isip naman ni Yuna, kung apo ni Ginny Lopez ang pagdadalhan niya ng cake. Ibig
sabihin ay anak ito ni Prin Matsui, ang babaeng nagligtas sa kanya. Kaya naman
buong puso niyang tatanggapin ang utos ni Apolo.

"Kung wala na po kayong kailangan, Aalis na po ako," paalam niya.

Hindi na niya hinintay pa ang sagot ng kahit isa sa tatlo at agad na tumalikod.

"W-wait!" Si Mari. Pinigil ito ni Felix.

"I'll talk to her, excuse me." Tumayo na rin ang binata para sundan si Yuna.

Nanggagalaiti naman sa pagkainis si Mari na hindi pinahalata sa mga kasama. Gusto


niyang saktan ang kapatid habang pinagmamasdan si Felix na sumunod dito.

She knows that Felix like those submissive girls, kaya naman pinilit niyang umakto
bilang isang mahinhin at masunuring babae dito.

Siya mismo ang pumunta-punta sa Casino na mina-manage nito para lang akitin ang
binata sa loob ng ilang buwan. She did everything to get him at hindi na siya
papayag pa na bumalik pa ang lalaki kay Yuna. kaya nga sinabi niya dito na buntis
siya para pakasalan siya nito.

Wala rin naman siyang naging problema sa nanay ni Felix dahil noon pa man ay gusto
na siya nito na malaking puntos sa pakikipagrelasyon niya sa binata.

'Yuna just wait and see kahit ang buong hotel na ito ay mapupunta rin sa akin.'

PINAGMAMASDAN ni Felix si Yuna simula pa lang nang dumating ito sa VIP lounge. She
has a character now. Ibang-iba na talaga sa Yuna noon.

Her height and her eyes are still the same. Bukod sa boses nito na bahagyang
tuminis, nagbago ang ilong nito, ang nipis ng labi at ang buong personalidad ng ex-
girlfriend niya dahil dumaan ang dalaga sa plastic surgery.

He admits na mas gumanda si Yuna ngayon dahil siguro hindi na rin ito ang mahinhin
na Yuna na baliw na baliw sa kanya noon. He admits na isa ng matinik na rosas na
ang dalaga, hindi na ang simpleng gumamela lang noon.

Masyado nitong natapakan ang pride niya nang nakaraang taon nang makipaghiwalay ito
sa kanya.

Hindi niya pa tanggap sa sarili noon na nagbago na ang dalaga. Pero sa totoo lang
ay mas gusto niya ang Yuna ngayon kumpara noon. Lumala lang ang lahat dahil
nabuntis niya ang kapatid nitong si Mari.

Akala niya ay makikita niya ang panghihinayang sa mga mata nito kaya pumayag siya
sa suhestyon ni Mari na magpunta doon sa Maynila para hingin ang pagpayag nito sa
pagpapakasal nila. Sa halip, kabaligtaran sa inaasahan, tila wala itong pakialam.

Parang binalewala nito ang ilang taon nila na magkasintahan.

…..

"YUNA!" tawag sa kanya ng binata.

Umakto si Yuna na hindi nadinig ang binata.

Halos umusok naman ang ulo ni Felix dahil sa galit at init ng ulo. Talagang hindi
na nahihiya ang dalaga na ipahiya siya.

"Yuna!" tawag muli nito.

Napilitan na si Yuna na harapin ang lalaki kaysa makaistorbo pa sila ng ibang guest
ng hotel. Umikot ang mata niya na hinarap ito.

"Master Felix, may I remind you that this is a hotel? Nakakaistorbo ka sa mga guest
namin."

"Yuna, you sure have the guts now," malamig na saad ng binata.

"Well, thank you."

Saglit na tinitigan siya nito na kinabwisit niya.

"Kung wala ka ng kailangan, I have to go. You heard my Dad. I'll bring cake sa
bahay ni Master Cally," sabi niya dito.

"Oh! Looks like you wanted to climb a bigger tree now."

Nakaramdam siya ng pagkabwisit sa pangungutya nito pero hindi niya pinahalata. Sa


halip, nilagay niya ang hintuturo sa ilalim ng labi.

"Oh Yeah, I think you are right! I heard he's a widower. It's not bad if I seduced
him, right?" Saka ito inirapan at tinalikuran muli.

"I will forgive you kung sakaling babalik ka sa akin. Tatapusin ko ang kung ano man
na usapan namin ni Mari at hindi itutuloy ang kasal."

'Ano daw?' Siya ang hihingi ng patawad dito? What an assh0le! Hinarap niya ulit
ito.

"Master Felix, I think nahalo na rin ng mga baraha sa Casino ang kaisipan mo. Kung
gusto mo talaga na magkaroon tayo ng koneksyon sa isa't-isa, you'd better marry my
sister. In that way, we will became brothers. don't you think?" Inismiran niya ang
binata saka siya tuluyan na umalis.

Naiwan naman si Felix na nakakuyom ang kamao sa pagka-inis. Sobrang nagbago na


talaga ang Yuna na ito, as if someone is living in her body.

Tumalikod si Felix na bwisit na bwisit. Habang daan, nakasalubong niya si Mari.

"Felix, forgive my sister, sigurado na nasaktan lang siya na nabuntis mo ako," sabi
nito sa malumanay na paraan. Parang pinaaalala pa nito na may tagapagmana siya sa
sinapupunan nito. Hahawakan sana siya nito sa braso nang iiwas iyon ni Felix.

"Don't touch me!" Singhal ng binata at nagpatuloy siya sa paglakad para magpunta sa
hotel suite.

Nabigla naman si Mari sa inakto nito saka nilingon sa kabilang panig ng hallway si
Yuna na naglalakad. Bumilog ang kamao ni Mari at napuno ng pait ang mata habang
nakatingin sa walang pakialam na si Yuna.

…..

ISANG malaking villa ang bumungad kay Yuna. Nagpahatid siya sa isang chauffeur ng
hotel patungo sa White Castle kung saan nakatira ang grandchild ni Ginny Lopez.

Sa gate ay hinarang sila ng guard na nakaitim. Pinakita niya ang espesyal na ID ng


Byrnes na pinahiram ni Apolo para makapasok siya doon.

"Hello, I'm Apolo's daughter, from Romantik Grand Hotel. We have a cake for Master
Khalid," sabi niya sa gwardiya.

Kinuha nito ang ID na dala niya saka iyon in-scan sa isang aparato. Nang makumpirma
na isa siyang Byrne, binalik sa kanya ang ID.

"You can bring the cake at the kitchen," sabi ng gwardiya na tinuro pa ang lugar
kung saan sila magpa-park.

"Okay, salamat!" Matapos iyon, pinapasok nito ang puti nilang sasakyan sa loob.
Huminto ang kotse nila sa gilid ng malaking Villa kung saan malapit ang kusina.

"Wait for me," utos niya sa chauffeur.

"Hindi mo ba kailangan ang tulong ko Miss Yuna?"

"No. Ako na ang bahala."

Nang makalabas siya, isang itim na limousine ang nakita niya na pumasok sa gate.
Saka niya nakita na bumaba mula roon ang master nila na si Cally. Kasunod ang isang
batang lalaki.

Sa malayo, kapwa may yelong nakapalibot sa dalawang nilalang.

Napapailing na lang siya na nilabas ang iniingatan na cake mula sa passenger seat
ng puting kotse.

….

BITBIT ang isang box ng 2-layer cake ay tinungo ni Yuna ang likod na pintuan kung
saan matatagpuan ang daan patungo sa kusina.

Isang maid ang nakasalubong niya. "Hello, pwedeng magtanong kung saan ito pwedeng
ilapag?"

Saglit itong natigilan sa kanya. Tila nagandahan sa kanya ang babae.

Nakasuot kasi si Yuna ng isang simpleng sky blue na bestida na abot hanggang tuhod.
Kita ang buong braso niya. Nakapatong sa wavy niyang buhok ang headband na kulay
asul din at tanging light pink na lipstick lang ang kolorete niya sa mukha, kaya
kitang kita ang sobrang kinis niyang balat.

Sa isipan ng maid ay isa siyang anghel na hinulog mula sa langit.

"Miss?" tawag niya dito dahil para itong robot na naubusan ng baterya kaya
napatulala.

"Ay sori po, iyan po ba 'yung cake na in-order ni Miss Angel?" tanong nito.

"ah, Hindi po, regalo po ito ni Master Apolo para kay Master Khalid," nakangiti
niyang sagot.

Lalo namang na-starstruck si Ate.

"Ay, dito n'yo na lang po ilagay Miss." Tinuro nito ang mahabang mesa na nasa
katabing kwarto.

Tumango si Yuna. Napansin niya na busy ang mga tao sa kusina dahil mukhang
naghahanda ang mga kasambahay. Sa tingin niya ay may mga bisita sa bahay na iyon
dahil napuna na rin niya ang maraming sasakyan sa labas ng bahay.

Nilabas niya ang cake na kulay sky blue din mula sa kahon at napansin na bahagyang
nasira ang ibang parte nito.

'Tsk tsk!' mabuti na lang at may dala siyang extra na icing na nasa loob ng isang
supot at sinimulan niya na magpipe.

Habang naglalagay ng icing, hindi napapansin ni Yuna na may dalawang mata na


nakatitig sa kanya na pumasok sa loob ng hapag. May batang humila-hila ng laylayan
ng bestida niya kaya nalipat dito ang paningin niya.

"Hello, is that the cake I ordered?" isang batang babae ang nasa tapat niya.

Kulot ang mahabang itim na buhok nito, maputi ang balat. Namumula at matataba ang
pisngi. Nababagay pa dito ang ilong nito na katamtaman ang tangos. Sakto ang nipis
na mga labi. Nakasuot ito ng bulaklakin na bestida na nababagay sa maganda nitong
mukha. Parang hinubog ang batang ito na maging anghel sa katawan ng tao.

Nginitian ni Yuna ang batang babae nang makabawi siya. Ayaw niya kasi itong ipahiya
at sabihin na regalo nila iyon para kay Khalid.

"Pwede ako lagay ng icing?" tanong nito sa bulol na paraan dahil nakita nito ang
ginagawa niya.

"Sure. Halika!" binuhat niya ito at pinatong sa isang silya para mas maangatan nito
ang cake na nasa ibabaw ng table.

"Come, Khalid!" tawag nito sa batang lalaki. Pero nabigla si Yuna na lumapit ito at
mas pinili nito na kumapit sa isang binti niya at inangat ang ulo para makita siya
nang mas malapitan. Hinayaan niya na lang ito

Tinuruan niya ang batang babae kung paano maglagay ng icing. Seryosong-seryoso
naman ito sa naglagay ng icing sa cake.

Ngunit hindi niya napigilan na matawa dahil nasira na ng tuluyan ang cake na bitbit
dahil sa mga icing na nilagay ng batang babae.

"Yehey! That was fun Khalid! Come come! Put an icing." Bumaba ito ng silya at panay
ang talon.

Binuhat niya rin si Khalid na tahimik at tinuruan ito na maglagay ng icing sa cake.

Ayos lang naman kay Yuna na nasira ang cake dahil mukhang nag-enjoy naman ang mga
bata sa cake na bitbit niya.
Nang maubos ang laman sa pipe na dala niya, naisip niya na magpaalam sa dalawa.

"O pa'no, Untie must go. Happy Birthday!" sabi niya sa dalawa.

Pero nagulat siya na kumapit muli si Khalid sa binti niya.

"No, Mommy, don't go." Panay ang iling nito.

Kumunot ang noo ni Yuna. Lumuhod siya para pantayan ang mukha ni Khalid.

"May work pa kasi si Untie Yuna," paliwanag niya dito.

Noon niya lang napagmasdan ang kabuuan ni Master Khalid. Brown ang kulay ng buhok
nito. Malusog na bata dahil siksik ang laman nito braso at binti, bukod sa mas
matangkad ito sa normal na edad. He looks like Cally, she thought.

Masyado nga lang formal ang kasuotan nito na nakaitim na suit na parang hindi nito
kaarawan. Nanunuot pa ang amoy ng rosas sa ilong niya na nagmumula dito. Sa tingin
niya ay may dinaanan ang mag-ama bago umuwi doon sa White Castle.

Nag-iisip siya kung paano magpapaalam nang sumilip sa pintuan ang chauffeur.

"Miss Yuna, ready na po ba kayong bumalik sa hotel. May susunduin pa kasi akong
guest sa airport," saad ng chauffeur na kasama niya.

"ah, Yes. Bye kids. Again, Happy birthday!" tinungo na ni Yuna ang pintuan
papalabas.

"Ahh!! No no, Mommy!!! Mommy!!! Don't go!" Nagsimula na itong umiyak.

Nahabol siya nito sa pintuan at kumapit sa binti niya. Nagkaproblema na si Yuna


kung paano aalis nang walang iiyak na bata.

Si Angel ay clueless nang una kung bakit kumapit si Khalid sa isang binti ni Yuna.
Ang ginawa nito ay nakigaya kay Khalid dahil akala nito ay naglalaro sila.

Nakikapit din ito sa kabilang binti niya. "Yes, yes, don’t go, don't go," hiling ni
Angel.

Yuna "..."

Nadagdagan tuloy ang problema niya kung paano aalis.

"Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan. Napatuwid ng tayo si Yuna nang
salubungin ang mata ni Cally.

Pakiramdam niya ay may ninakaw siya doon kaya ayaw siyang paalisin ng dalawang
bata.

HINDI lingid sa kaalaman ni Yuna na namatay na ang Mommy ni Khalid na si Prin


Matsui at ang balita sa kanya ng Daddy niya ay kasama niya ang babae noon.

Bahagya siyang nakaramdam ng pagka-guilty at awa kay Khalid lalo na nang makita
niya ang bilog na mata nito na namasa dahil sa luha.
'Uhmmaaa.' tila umaalingawngaw sa pandinig ni Yuna ang iyak ng isang sanggol habang
kapit na kapit sa binti niya ang batang lalaki.

Bahagya siyang natigilan.

"Miss Yuna?" tawag muli ng chauffeur na mukhang naiinip na.

"Ahh…" hindi niya alam ang gagawin at napakamot na lang siya sa ulo. Nakadagdag pa
sa pressure niya ang pagpigil din sa kabilang binti niya ng batang babae.

"Don't go… don't go." Nakigaya si Angel kay Khalid.

'Lord, please tell me, ano ang nangyayari?'

Kulang na lang ng dalawa pang bata sa magkabila niyang braso at mapagkakamalan na


silang Voltes 5 na mabubuo para maging isang robot!

"Anong kaguluhan ito?" tanong mula sa pintuan.

Malamig ang boses nito na katamtaman lang sa pandinig niya. Hindi naman galit
ngunit may dating at halatang may awtoridad ang paraan nito ng pagtatanong.

Napatuwid si Yuna ng tayo nang salubungin ang mata ni Cally. Kasama nito si Lorenz.
Bahagya rin na napayuko ang chauffeur na kasama niya na nasa pintuan papalabas para
galangin si Cally.

Ang totoo, nahihiya siyang harapin ang mga ito dahil ang sabi sa kanya ay kasama
niya sa barko na nasunog noon si Prin Matsui. Kahit hindi siya ang nasa lagay ng
mga ito, sigurado na masakit ang mawalan ng asawa o magulang.

Kaya naman bahagya siyang nalungkot habang nakakapit sa binti niya si Khalid.

"M-Master Cally, sorry po. Naghatid lang ako ng cake mula sa Romantik Grand Hotel,"
kinakabahan niyang sabi.

Kumunot ang noo nito at tiningnan ang cake na nasa mesa at ang dalawang bata na
kapit na kapit sa binti niya.

"Wa-wala po akong ninakaw!" biglang sabi ni Yuna.

Sa dami kasi ng gwardiya at sa higpit ng seguridad sa White Castle, baka kasi may
ginto doon at baka isipin na may binulsa siyang gamit kaya siya pinipigilan ng
dalawang bata.

Cally "..."

"U-uuna na po ako!" nagsimula na siyang maglakad ngunit mabigat ang una niyang
hakbang dahil sa dalawang bata na ayaw siyang paalisin.

"P-pwede n'yo po ba akong tulungan?" Nakikiusap ang mata ni Yuna na nakatingin sa


dalawang lalaki.

Ilang saglit pa, sumilip sa pintuan si Kai. Nakakunot din ang noo nito nang makita
siya.

Hindi maiwasan na kabahan si Yuna. Bilang isang Byrnes, hindi kaila sa kanya ang
identity ng mga taong nasa bungad ng kusina kaya napalunok siya.
"Angel, what are you doing? Come here. Come to Daddy." tawag dito ni Kai na masama
ang tingin kay Yuna dahil baka iniisip nito na nam-bu-bully siya ng mga bata.

"Daddy, we are playing 'Please don't go'," sagot nito.

Yuna "..."

Cally "..."

Kai "..."

Lorenz "..."

Chauffeur "..."

"Pa-pasensya na po kayo kung naistorbo ko ang party. Nagdala lang po ako ng cake."
napangiwi siya nang makita ang anyo ng cake. "I… I have to go."

"Mommy… No, please don't go."

"Mommy, don't go," panggaya ni Angel dito na halatang clueless ito sa nangyayari.

'Dear, hindi tayo naglalaro ng bahay-bahayan.'

Napansin ni Yuna ang disgusto sa anyo ni Kai at halatang hindi nito nagustuhan ang
sinabi ng anak.

"Khalid, Angel, Come here," tawag ni Cally sa dalawang bata. Bumitaw naman si Angel
dahil takot ito sa daddy ni Khalid at tumungo sa daddy nito pero nanatili si Khalid
sa binti niya.

Malamig ang mga tingin na pinupukol ni Cally sa kanya kaya lalo siyang kinabahan.

'My dearest baby, your Dad will kill me, please spare my life'

"No… Mommy, please stay," saad ni Khalid na tuluyan nang umiyak.

Napansin ni Yuna na tumalim ang mga mata ni Cally at halatang hindi ito natutuwa sa
nangyayari.

"I…"

"Hindi ko na uulitin pa ang sinabi ko Khalid. Come here!" malamig na utos.


Napangiwi siya dahil mukhang nagalit ang devil. Hindi naman siya pwedeng makialam
dahil ito ang tatay at siya ay tagahatid ng cake.

Napakamot si Yuna at napangiwi siya na makita ang luhaang pisngi ni Khalid. Bahagya
na nga rin na namasa ang laylayan ng bestida niya. Hinawakan niya ang kamay nito
saka siya lumuhod para harapin ang batang lalaki.

"Ahh look baby, may work kasi si Untie Yuna saka si Uncle chauffeur," turo niya sa
lalaking nasa bungad. Kinuha niya ang wallet na nasa sling bag at may kinuha na
business card doon.

"Ganito na lang. You can call me anytime dito sa number na ito." Sa isip ni Yuna,
sigurado na hindi na ito mag-aaksaya pa na tawagan siya kaya ayos lang kahit na
ibigay niya dito ang telepono niya sa opisina.

Basa pa rin ang pisngi nito pero bumitaw na ito sa kanya at inabot ang tarheta.
Hindi niya napigilan na kunin ang panyo sa bag at punasan ang basang mata ni
Khalid.

"Happy Birthday!" Saka nya ito hinalikan sa pisngi.

Mukhang nakuntento naman ito at lumapit sa Daddy nito.

"Ahh Master Cally, patawarin n'yo po ako sa biglaan kong pagpunta. Pasensya na rin
sa cake na napaglaruan namin kanina. Uuna na po ako." hindi na niya hinintay pa ang
sagot nito at dali-dali na siyang lumabas ng kusina.

Pakiramdam niya kasi ay kakainin siya ng dragon kapag nanatili pa siya doon.

….

MATAPOS makaalis ni Yuna, tumitig si Khalid sa mata ng daddy niya.

Para namang nabasag na bloke ng yelo ang tinayo ni Cally sa paligid nito nang
makita ang nagsusumamo na mga mata ng anak. Hinaplos niya ang buhok nito na para
bang isa itong maliit na tuta.

"She is not your mom," saad ni Cally.

"I want my phone," sa halip ay sagot nito at parang hindi pinansin ang sinabi niya.

Inabot na lang niya dito ang cellphone mula sa bulsa kaysa mag-away pa silang
dalawa.

Napansin ni Cally ang nakasulat sa calling card na hawak ng anak.

'YUNA HIROSE - General Manager, Romantik Grand Hotel, PH'

Kumunot ang noo ni Cally sa nabasa.

Another japanese girl.

Napansin niya na hindi nakuntento ang anak niya sa pagtipa sa keyboard para i-save
ang number ng babae. Kinuhanan pa nito ng picture ang calling card at itinago ng
mabuti sa bulsa ang tarheta na akala mo ay may katumbas na ginto ang simpleng papel
na iyon.

"Shi, have you seen her eyes? why--" pinutol niya ang kung ano man na komento ni
Lorenz.

"I know…" alam ni Cally dahil ang unang napansin niya kay Yuna ay ang pagkakatulad
ng mata nito sa mata ng asawa niya.

Kaya naman hindi niya masisisi ang anak kung tawagin nitong 'Mommy' si Yuna.

Ilang saglit pa, may pinasok muli na isa pang cake ang isang kasambahay sa hapag.

"Miss Angel, here's your cake."

"Oh, oh! That's my cake." Agad itong bumaba sa pagkakabuhat ni Kai at excited na
lumapit sa cake nito.

Sumampa muli ito sa silya at ilang saglit pa inikot-ikot nito ang box at parang may
hinahanap doon. Ngunit tanging apat na kandila lang ang nakikita nito na naka-
scotch tape sa ibabaw ng kahon.
"Where is my shuh… shuh…?" tanong nito sa babaeng nagpasok ng cake na akala mo ay
may kinuha ito sa box bago nito ipasok iyon. Ginalaw nito ang kamay at umakto na
parang nagp-pipe ng icing.

Nakakunot naman ang noo ng babae. Tumingin ito sa gawi ni Kai.

"Daddy, where is my shuh... Shuh..?" malungkot na tanong nito.

"Bakit cake khalid weron gano'n?"

Nagsalubong ang kilay nito "Daddy, call the Untie earlier. Order a cake for me too.
I want my shuh… shuh…" pangungulit nito.

Napakamot si Kai sa ulo. Biglang naging palaisipan tuloy sa kanila ang sinasabi ng
anak niya na 'shuh... shuh'. Ginalaw niya pa ang kamay na katulad ng kinilos ni
Angel. Para bang isa iyong crossword puzzle na mahirap sagutan.

"It's an icing pipe." si Cally ang hulog ng langit na sumagot sa tanong niya.

Kai "..."

…..

NAKAHINGA nang maluwag si Yuna nang makabalik sa kotse. Para siyang aatakihin sa
puso sa loob ng bahay ni Cally dahil sa sobrang kaba.

Nang masiguro na wala silang naiwan at maaari na silang umalis, inutusan niya ang
chauffeur na bumalik na sila sa Hotel.

"Tara na kuya."

Nagbalik lang sa normal ang tibok ng dibdib niya nang mapansin na malayu-layo na
sila sa White Castle. Normal naman na kabahan siya lalo at marami siyang naririnig
tungkol kay Cally. They say he is ruthless. Even the two guys she saw earlier are
ruthless.

Kaya nga hindi siya nagpakilala dito ng maayos. Dahil baka kapag nalaman ng mga ito
na siya ay si Yuna Byrnes, baka hindi na siya makaalis ng White Castle. Baka utusan
siya ni Cally na ibalik sa lupa ang asawa nito .

Ayos nang isipin nito na isa lang siyang General Manager ng hotel.

Hindi rin naman alam sa hotel ni Apolo ang totoo niyang pagkatao. Isa sa mga
kondisyon na binigay niya dito bago siya nagpunta sa Maynila ay gagamitin niya ang
apelyido ng mommy niya at walang makakaalam na anak siya nito.

Sa France kasi kung saan nanatili si Yuna ng dalawang taon, wala siya masyadong
maituring na kaibigan dahil masyadong aloof sa kanya ang mga tao doon nang malaman
na anak siya ni Apolo. Their master.

Mabuti na nga lang at nakilala niya si Coffee, Mikey at David.

Kaya nang ilipat siya sa Maynila para mamahala naman doon, tanging Yuna lang ang
pakilala niya sa mga staff doon.

Hindi naman mahirap magpanggap na hindi siya anak ni Apolo, mas lamang kasi sa anyo
ng daddy niya ang caucasian look. Samantalang mas lamang sa kanya ang pagiging
haponesa.
Hindi naman nagtagal at huminto ang puting kotse sa entrada ng hotel. "Ako na lang
ang bababa. Pwede mo nang sunduin ang guest sa airport. Salamat ulit Kuya."

"Salamat din Miss Yuna, ang bait n'yo po talaga. Naku, kung wala lang gerlpren ang
anak ko ay inireto ko na sa inyo."

Yuna "..."

Ngumiti na lang siya ng pilit. "Kayo talaga, lalabas na ako."

Pumasok na lang siya sa loob ng hotel. Inayos niya ang mga napapansin niya sa lobby
sa lounge sa Pool area at sa iba pang parte ng hotel. Inayos niya ang isang may
kataasang base dahil bahagyang lumilis iyon sa mesa. Inutusan ang isang hotel staff
na i-vaccuum ang carpet na bahagyang nadungisan. Pinalinis ang tiles at kung ano
pa.

"Hello my dearest. how are you?" sabi ng isang tinig na kilalang-kilala niya habang
busy siya sa trabaho.

"COFFEE!" nagliwanag ang mukha ni Yuna nang makita ang dalaga na kasama si Mikey at
David.

May bitbit na tig-iisang luggage ang tatlo. Malapad ang pagkakangiti ni Mikey at
Coffee, samantalang malalim ang tingin sa kanya ni David.

Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang dalaga saka mahigpit na niyakap. "What are
you guys doing here?"

"Haay naku ang driver n'yo ha, ang tagal dumating sa airport," sa halip ay reklamo
nito.

Sa hula ni Yuna, ang tatlo ang sinundo ng chauffeur na kasama niya kanina.

"Ha ha, sorry. Ako ang rason kung bakit na-late si Mang Tonyo kanina. Medyo
natagalan kami sa paghatid ng cake."

"Infairness sa iyo ateng. Para kang virgin sa ayos mo. dalagang-dalaga, oh! Mabuti
pa, ihatid mo na kami sa suite. Mamaya na tayo mag-kwentuhan," sabi sa kanya ni
Coffee at inabot sa kanya ang bagahe na dala nito para siya ang maghila n'on.

Confidential ang pag-uusapan nila at hindi pwedeng pag-usapan sa lobby o sa kung


saan lang basta na parte ng hotel.

Sa presidential suite ang na-book na kwarto ng mga ito kung saan may tatlong rin na
kwarto, kusina at sala na nasa pinakamataas na palapag ng hotel na iyon. Nasa
ibabang bahagi lang ng suite na iyon ang tinutuluyan niya.

Habang nasa elevator, pinagmasdan ni Yuna ang anyo nilang apat sa salamin.
Mapapaisip talaga at mapapatanong ang ibang tao kung paano silang nagsama-sama.

Isang french na babae si Coffee. Bente syete anyos, maganda at sexy. Blonde at
lagpas-balikat ang buhok nito. Mas matangkad sa kanya ng ilang pulgada. Kung wala
lang itong tattoo sa braso, pwedeng-pwede na isali sa beauty contest. Hapit na
hapit ang suot nito sa oras na iyon kaya mas kita ang hubog ng katawan nito.
Computer technician ang babae sa umaga, bampira sa gabi dahil mapaghanap ito ng
literal ng biktima nitong lalaki.

Si Mikey naman ay Mexican - American. Kwarenta anyos. Isang kilalang surgeon. He


has blonde hair, six feet and two inches height. Maganda ang pangangatawan. May
itim na square frame na salamin sa mata ang lalaki na nababagay sa berdeng mata
nito. His everyday attire is business suit, bibihira lang na mag-polo ng simple ang
doktor.

Workaholic sa umaga, Otaku sa gabi kaya nga hanggang sa mga panahon na iyon ay
binata pa ito.

Si David naman ay isang Singaporean. Treinta anyos. Matangkad din ang lalaki na
hindi nalalayo kay Mikey. Maganda ang pangangatawan dahil na rin sa activities nito
sa araw-araw. Itim at bagsak ang buhok nito na sakto lang ang haba para sa mga
kalalakihan.

Isang tagapagmana ng business tycoon si David pero mas pinili nito na maging
international spy.

"Okay, ang totoo, namimiss ka lang ni David kaya kami narito." tudyo ni Coffee
habang binubuksan ang pintuan ng suite ng mga ito. Nilabas nito ang card at
itinapat sa sensor. Ilang saglit pa, nasa loob na sila ng malaking kwarto.

Alam ni Yuna na may pagtingin sa kanya ang kasamang si David na pinilit niya na
huwag pansinin. "Ewan ko sa 'yo!"

Nang makapasok sa loob, inikot agad ni Coffee ang buong suite. Tumungo si Mikey sa
wine bar at nagsalin ng alak sa isang kopita.

Tinungo naman ni David ang lugar kung saan naroon ang malinaw na glass window at
hinawi ang isang bahagi ng kurtina para pagmasdan ang buong siyudad. Kasalukuyan na
alas singko na ng hapon kaya bahagya nang kulay orange ang paligid sa labas.

Bahagyang kumalat ang liwanag sa kwarto nila na nagmumula sa liwanag ng papalubog


na araw..

Umupo naman si Yuna sa malapad na couch na nasa visitor's area ng suite.

"Saan dito ang master's bedroom?" tanong sa kanya ni Coffee.

Nginuso niya ang isang kwarto.

"Akin na ang kwarto na 'to ha," sabi nito sa dalawang lalaki saka hinila ang bagahe
nito patungo doon. Napapailing naman siya habang pinagmamasdan ito.

"So, My dear Yuna, napag-desisyunan mo na ba na maging purong prinsesa kaya nag-


stay ka dito sa Maynila?" usisa ni David na tumabi sa kanya.

Inikutan niya ito ng mata. "Kung sasabihin ko ba sa iyo na ang dahilan ay para
akitin si Master Cally Han, maniniwala ka?" tanong niya dito.

Bigla itong naibuga ang iniinom na wine.

"*cough cough* Huwag kang basta-basta nagbibiro."

"Mabuti naman at alam mong biro lang iyon! Anyway, ano ba ang dahilan kung bakit
kayo narito?"
"Bukod sa nami-miss ka namin, may business kami dito. Someone needs my consultation
and basically needs surgery. Coffee has a business deal with Makisig's VGC and that
guy…" Tinuro nito si David na nakasandal sa pader sa tabi ng glass window.

"...is spying on you."

Yuna "..."

"He he. And I know, mas gugustuhin mo na makasama kami kaysa sa kapatid mong chaka
doll." sabad ni Coffee na sumilip mula sa pintuan ng master's bedroom ng naka-bra
lang sa pang-itaas.

"Hey! Magbihis ka nga!" pinagalitan agad ito ni Mikey.

"What?" tila ba wala itong pakialam kahit pa maghubad ito sa harapan nila.

"Bakit kaya hindi mo gayahin si Yuna habang nandito ka sa Pilipinas?"

"Duh! wala sa bokabularyo ko ang magpaka-hinhin." Nagsuot ito ng isang sandong itim
habang nasa pintuan. "May gusto na nga akong biktima habang narito ako."

"Who?"

"Since I am going to meet Makisig, why not him di ba? I'm excited to see his mala-
halimaw na 'ano' niya." Tila nagliliwanag ang mata nito habang nagk-kwento.

"And how did you know?"

"I hacked his office's videocam before. Eating some ice cream. Too bad, he traced
it and deleted it! wahahaha!"

Yuna "..."

….

SAMPUNG minuto bago mag-alas otso ng gabi, naghihintay na si Yuna sa lobby para
kitain ang mga kaibigan niya. Maganda na sana ang gabi niya kung hindi lang
sumulpot sa harapan niya si Mari na kasama si Felix.

Naka-angkla ang isang braso nito sa braso ni Felix na nakapamulsa.

"Hey sister Yuna, nakapag-dinner ka na ba? Sumabay ka na sa amin ni Felix."

Kunwari ay walang napansin si Yuna sa paligid at nagpatuloy sa pagbasa ng magazine.

"Ganyan ba kayo mag-welcome ng guest n'yo dito?" Halatang hindi nagustuhan ni Felix
ang attitude niya.

Medyo napalakas ang boses nito dahilan para magsipaglingunan ang mga tao sa gawi
nila.

Hindi maiwasan na makaramdam ng pagkainis si Yuna sa dalawang nilalang na parang


bangaw sa paligid niya.

Hinarap na lang niya ang dalawa kaysa lumala pa ang sitwasyon. Sa ugali na mayroon
si Felix at Mari, hindi malayo na maka-istorbo sila ng iba pang guest.

At alam niya na hindi makabubuti sa sitwasyon niya at siya ang lalabas na masama
kung sakali na mag-escalate ang sitwasyon kay Apolo.

"Oh, nand'yan pala kayo, Is there anything you need Master Felix? Nakapag-dinner na
ba kayo?" pang-iinis niya.

He is gritting his teeth at nagpipigil. Lihim naman na umismid si Mari.

"Haay… Sobra-sobra na nanghihinayang talaga ako na hindi ko kayo makakasabay kumain


ngayong gabi. I'm sorry brother-in-law and sister Mari, may kasabay na kasi ako na
kakain ng dinner sa labas. so, I guess hindi ko kayo masasabayan."

"Anyway, you can put the bill on my tab. My treat," pang-iinis niya.

"Sister Yuna, we are just inviting you to dinner. It's been a long time na nakasama
ka namin ni Felix. Please don't be mad at huwag mo kaming ipahiya," saad ni Mari.

Ngumiti si Yuna kahit ayaw niyang patulan ang pakikipagplastikan nito sa kanya.

Matalim ang mga tingin na pinupukol ni Felix sa kanya. Agad din naman na umismid
ito.

"Walang problema, marami pa rin namang panahon para makasabay ka namin sa dinner.
Mari and I are decided to stay here for two months."

Hindi maiwasan na manlaki ng mata ni Yuna sa nadinig. 'What??? Two months?!' ibig
sabihin ay pagtyatyagaan niya ang mga bangaw na ito sa loob ng dalawang buwan?

"Mari is pregnant at pinagbawalan siya ng doktor na magbyahe muna. Magb-bedrest


muna siya sa loob ng dalawang buwan dito sa hotel. Posible rin na baka dito na kami
ikasal," paliwanag ng lalaki.

"Sinabi ko nga kay Felix na ayos lang ako, pero sobrang nag-aalala talaga siya sa
akin kaya we decided to stay here in two months." mahinhin na sabi ni Mari pero
alam ni Yuna na may laman ang mga sinabi nito.

Nasa isip siguro ng kapatid niya na magseselos siya at may plano ito na inisin siya
sa loob ng dalawang buwan.

Well, inis nga si Yuna dahil ayaw niyang makita ang kaplastikan nito at kayabangan
ni Felix.

Hindi niya masisisi si Mari kung isipin nito na nasasaktan siya na makita na
magkasama ang dalawa. Ayon na rin kasi sa mga nakalap niya, patay na patay siya
dati sa lalaki.

And they have been together since her college days.

Maybe there is something wrong with her brain in the past. O kaya naman ay nabagok
ang ulo niya at natauhan lang siya para magbalik ang normal niyang pag-iisip.

May sasabihin pa sana siya dito nang putulin ang pag-uusap nila ng Assistant nito.

"Master, your table is ready," sabi nito.

"Yuna, my offer is still valid." makahulugan na sabi ni Felix sa kanya.

Nginisian niya lang ito. "Don't forget the receipt."

Nakakapalan lang talaga siya sa mukha ng lalaki na landiin siya habang naroon ang
bago nitong nobya na kapatid niya.

Mayabang lang talaga!

"Lalamig ang pagkain na hinanda ng hotel para sa inyo Master Felix. Sayang naman at
baka hindi sanay sa bahaw na kanin ang young master ng Smith. You'd better be at
the restaurant soon," paalala niya muli.

Sa huling pagkakataon ay iniwanan siya ni Felix ng pang-iismid saka nagtungo ang


mga ito sa restaurant. Nagbato pa ng lihim at nakamamatay na tingin si Mari sa gawi
niya bago umalis ang mga ito.

Sakto naman na alas otso na ng gabi. Nakita niya sa di kalayuan ang tatlo na
lumabas ng elevator.

Tumayo siya para salubungin ang mga ito. Isang ngiti ang make-up niya sa gabi na
iyon. Ngiti na nagagawa niya lang kapag nasa paligid ang mga kaibigan. Ewan niya
pero natutuwa talaga siya sa company ng tatlo.

"You know what dear Yuna, as much as I wanted to be with you tonight. I have a
date," sabi ni Coffee nang makalapit.

"Me too. So, iiwan ka namin kay David." Si Mikey.

Nakaramdam naman ng pagkailang si Yuna. Sasabihin na sana niya na sa ibang araw na


lang sila mag-dinner nang may sumigaw mula sa pintuan.

"Mommy!!!"

Nanlaki ang mata ni Yuna nang makita si Khalid na tumatakbo patungo sa gawi niya.

Coffee, David and Mikey "..."

"IS THERE anything you want for your birthday, baby?" tanong ni Ginny kay Khalid
habang nasa hapag sila para maghapunan.

Nakayuko lang kasi ang batang lalaki at halatang malungkot ito sa araw ng kaarawan
nito.

Nakauwi na ang mga bisita nito ng hapon at nagkataon na inabot sila ng gabi dahil
may pinuntahan pa silang meeting na mag-asawa. Idagdag pa na biglang umulan sa
siyudad.

Inangat nito ang paningin kay Ginny at nagsusumamo ang mga mata.

"I want my Mommy," malungkot na sabi.

Kumunot ang noo niya at tumingin sa gawi ni Cally. Alam niya na ayaw ng anak na
nagpupunta sa Prin's Garden, pero espesyal ang araw na iyon kay Khalid.

"Hindi kayo nagpunta sa Prin's Garden?"

"We went there pero hindi si Prin ang tinutukoy niya kung hindi 'yung babaeng
nagdala ng cake," sagot ni Cally na nagpatuloy lang sa pagkain.
Nilingon niya tuloy ang paningin sa asul na cake na nasa isang bahagi ng mesa.

Bumaba ng silya si Khalid at tumungo sa lugar niya. Hinawakan nito ang suot niyang
bestida saka sinalubong ang mga mata niya.

"Mommy Ginny, I want to see my Mommy every day. That's what I want for my
birthday."

Hinaplos na lang niya ang buhok nito. Para sa hiling nito, desidido si Khalid na
magsalita ng mahaba at kumpleto, masunod lang ito.

"But I don't know where to find her."

Nilabas nito sa bulsa ang isang tarheta at inabot sa kanya "Here. She works here."

Kumunot ang noo niya nang makita ang mga nakasulat sa maliit na card. "She works at
Romantik Grand Hotel?!"

"Oh, if that's the case, it's easy. We can go to Apolo's hotel to meet her."

"You are not going," kontra ni Cloud.

Sumimangot siya at hinarap ang asawa "Why not?"

"Dahil sabi ko," sagot nito.

"Why are you so petty? It's Khalid's birthday. I also want to see this girl. Malay
mo maging mommy niya sa future si Miss..." binasa muli niya ang nakasulat na
pangalan sa card "...Yuna Hirose. Yuna?"

"Ginny Lopez, subukan mo lang na magpunta sa hotel ni Apolo at ipadadala kita sa


Pacific Ocean."

Bumuntong-hininga si Cally. Alam niya ang ibig sabihin ng Daddy niya at hindi naman
makahalata ang mommy niya sa nais ng asawa nito.

"Sige na Mom ako na lang ang magdadala kay Khalid. Umuwi na lang kayo ni Daddy
dahil baka abutan pa kayo ng baha." Tumingin siya sa gawi ng anak. "But you have to
finish your meal."

Dali-dali ito na bumalik ito sa pwesto nito at mabilis na inubos ang pagkain.
Napapatanong na lang sila kung gaano nito kagusto na makita si Yuna.

…..

HABANG kausap ni Yuna ang mga kaibigan, isang sigaw ang nadinig niya mula sa
entrada ng hotel.

"Mommy!!!"

Nilingon niya ang entrance at nanlaki ang mata nang makita si Khalid na tumatakbo
patungo sa kanya hanggang sa yumakap ito sa binti niya.

"Mommy, I miss you," sabi nito.

Kapwa naman nakakunot ang noo ni Coffee at Mikey. "You have a child?!" sabay na
tanong ng dalawa.

Nananatili naman na seryoso si David. Napakamot na lang sa ulo si Yuna at hindi


alam ang isasagot. Ayaw niya kasing ipahiya si Khalid sa mga kasama.

Napalingon ang mga ito sa entrance at nakita na papalapit din si Cally sa gawi
nila.

"Oh my goodness! U-uuna na kami! Bye bye!" paalam ni Coffee saka mabilis na hinila
si Mikey papalabas. Halos itago nito ang mukha mula sa bagong pasok.

"S-sige, bukas na lang," bulong niya na hindi niya alam kung umabot sa pandinig ng
dalaga.

Kinakabahan naman si Yuna na hinarap ang mag-ama. Pero nabigla siya na nananatili
si David sa tabi. Sinesenyasan niya ito na umalis pero mukhang wala itong balak na
sundin ang mga senyas niya. Pilit na ngumiti si Yuna.

Napansin niya na malalim ang tingin ni Cally sa mga kaibigan niya na umalis kaya
napalunok siya.

"W-what are you guys doing here?" tanong niya kay Cally para magbalik ang pokus
nito sa kanya.

Hindi naman siya nabigo at nilingon siya nito.

"Mommy, I miss you," sabi ni Khalid na nakayakap sa mga binti niya. Nakatingala ang
mala-anghel na mukha nito sa kanya. Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa
sinabi nito.

"Yuna, are we going? Magdi-dinner pa tayo," biglang sabi ni David na nasa tabi.
Malamig ang tingin na pinupukol nito kay Cally.

"Ahhh!" Nahati bigla ang atensyon niya sa tatlong lalaki.

"Mommy, hindi pa ako nagdi-dinner," sabi ni Khalid.

Kumunot ang noo ni Cally sa nadinig. Hindi niya akalain na magagawa ng anak na
magsinungaling para lang makasama si Yuna.

Nalungkot naman si Yuna sa narinig. "Aw! David, I'm sorry... I'll ask someone to
send a meal to your room."

Saglit na natahimik ang lalaki at nag-isip. "No need. I'll go somewhere," ang sabi
nito. Malalim ang tingin nito sa bata saka tinungo ang daan papalabas.

Mas lalo naman nailang si Yuna dahil naiwan siya doon. "Ma-master Cally, what do
you want to eat?"

"Sasamahan ka namin na kumain kung ano ang gusto mo," sagot nito.

Tumango na lang siya. Pagdating sa restaurant ay puno ang lahat ng table.

Nagkaproblema tuloy si Yuna kung saan sila kakain.

….

"MISS Yuna, I'm sorry. May assembly kasi na gaganapin bukas kaya puno ng guest ang
hotel. Marami pa tayong guest dahil sa biglang pagbuhos ng ulan. Kaya mas marami
din ang mas pinili na dito na lang kumain," paliwanag ng hotel staff sa kanya.

Kinuha niya ang cellphone at nag-check ng sitwasyon sa labas. Wala namang bagyo at
sobrang biglaan lang ng pag-ulan.

"Mommy, let me stay in your room. I'm afraid sa thunder," narinig niyang sabi ni
Khalid na nananatili na nakayakap sa isang binti niya.

"Oh! Me too!" Bigla tuloy niya itong niyakap. Mahirap kasi ang sitwasyon nila na
takot sa kulog at kidlat lalo na kung mag-isa lang sa kwarto.

"Naku Miss Yuna, hindi ko alam na may anak na po pala kayo. Kamukha po niya ang
asawa n'yo," turo nito kay Cally.

Napalunok si Yuna.

"Please send food to my suite," utos niya sa babae para matahimik na ito. Hindi
naman tumanggi ang lalaki o nagkumpirma.

Matapos magbigay ng utos, doon lang niya napagtanto na kasama niya nga pala ang
tatay, hindi lang ang baby. Bigla tuloy siyang napangiwi na hinarap si Cally.

"Ahh... Ma-master, sorry. A-ayos lang ba na sa suite ko na lang… tayo maghapunan?"


tanong niya sa lalaki na wala pa ring emosyon.

Nakatitig lang ito sa kanya kaya lalo siyang na-conscious.

Nakagat tuloy niya ang labi ng bahagya. Baka kasi isipin nito na inaaya niya ang
mga ito sa kwarto niya.

"My Daddy said a 'big YES'"

Cally "..."

Pinilit niya ang ngumiti kaya nagmukha tuloy siyang plastik sa dalawa. "Kung gan'on
let's go he he."

Naglakad muli sila patungo sa elevator. Hawak niya ng mahigpit ang kamay ni Khalid.
Panay ang lingon niya dito kung ayos lang ito. Mukhang hindi naman nito inaalis ang
paningin sa kanya.

Naaaliw na lang siya na halatang gusto talaga siya nito. And she likes Khalid too
kahit na unang araw pa lang nila na magkita.

Pinatuloy niya ang dalawa sa suite niya. "Tuloy kayo."

Dahil palagi namang may naglilinis na maid sa kwarto niya, kampante siya na malinis
ang buong kwarto.

"Upo muna kayo habang hinihintay ang pagkain natin," nakangiti niyang sabi.

Nananatili naman si Cally na tahimik kaya nakaramdam ng pagkailang si Yuna. Ganoon


pa man, mabilis ang kabog ng dibdib niya. Umupo ito sa mahabang couch na nasa
visitor's area at inikot nito ang paningin sa buong kwarto.

Tumabi siya ng upo dito dahil nag-iisa lang ang couch na iyon sa suite niya.
Napapagitnaan nila ang bata.

May isang kwarto ang suite ni Yuna, isang kitchen at table na pang-apatan. Ang
Visitor's area kung saan sila naroon at malaking restroom.

"You stay here?" usisa ni Cally.


"Ah, Yes. It's part of my privilege as the General Manager of this hotel."

"I see difference sa pag-manage mo ng hotel," sabi nito.

"Is it good?" tanong niya.

Hindi ito sumagot sa halip ay tumingin sa bintana ng kwarto niya na malaki ang
pagkakahawi ng kurtina. Kitang-kita ni Yuna ang pagkidlat at pagkulog sa labas.

Napapakislot siya habang nakikita ang mga pagliwanag at yanig ng kalangitan. Hindi
maiwasan na lapitan niya ang bintanang salamin at isara ng mabuti ang kurtina.

"Sorry Master Cally. Takot kasi ako sa kidlat kahit… hindi ko naririnig."

"Mommy, I'm afraid. Is it okay if I sleep here?" hiling ni Khalid.

Tumingin siya sa gawi ni Cally at hindi niya alam ang isasagot. Unang beses kasi na
may bisita siya sa kwarto. Magtatanong na sana siya dito nang tumunog ang doorbell.

"I think, that's our food," agad siyang tumayo at tinungo ang pintuan.

Ngumiti lang siya sa staff at hinayaan ito na ipasok ang mga pagkain. Tinulungan
niya ito na ilagay sa mesa ang mga iyon.

Pinagmamasdan ng lihim ni Cally si Yuna. Ano nga ba ang rason ng pananahimik niya?

It's because of her voice. Kulang na lang ay pumikit siya at pakinggan ng mabuti
ang babae. Mapagkakamalan niya na nasa paligid lang si Prin.

The air fragrance in her room is likable. The sweet smell of Sakura filled his
senses. Even the designs in her room are good.

Naputol lang sa pag-iisip si Cally nang ayain siya ni Yuna na kumain. "Boys, let's
eat."

Sumunod si Cally. "I just want coffee."

"Mommy, I want milk," sabi naman ni Khalid.

Ngumiti lang si Yuna saka nagsalin ng tubig sa water heater para magpakulo.

"All I have is 3-in-one coffee. Okay lang ba sa iyo?"

"No problem."

Naubusan na si Yuna ng sasabihin kaya parang may dumaan na anghel sa paligid nila
at dumaan ang mahabang katahimikan sa kanilang tatlo hanggang sa iabot niya ang
kape at gatas na hiniling ng mag-tatay.

Nagpatuloy naman sa pagkain si Yuna dahil nagugutom na rin siya. Sobrang ilang na
ilang lang talaga siya kay Cally.

"By the way, I will try my best na ihanap kayo ng kwarto." malakas kasi ang ulan at
nabalitaan niya na nagbaha na rin sa kalsada. Alam niya na walang tyansa na makauwi
ang mga ito sa White Castle.

Nabalitaan niya pa na puno ang hotel sa araw na iyon dahil sa assembly. Hindi alam
ni Yuna kung saan patutuluyin ang dalawa.
"No Mommy, I will stay here. My Dad too," malungkot na sabi ni Khalid.

Nanlaki ang mata ni Yuna. "I…"

"I'll sleep on your couch." Nagulat siya na pumayag si Cally. Tumingin pa ito sa
mahabang couch na naroon sa main area niya.

Napalunok si Yuna. 'O dear, uwi na kayo please!'

Natatakot kasi siya. Natatakot siya na baka hindi niya mapigilan at akitin niya ang
Master of all Masters sa gabi na iyon!

SHE ordered a new set of pajamas and casual wear for Cally and his kid at a hotel.

Inutusan niya ang sekretarya niya na si Mildred na dalhin sa kwarto niya ang mga
kailangan nito para sa gabi na iyon. Nagtataka man ang babae, sumunod pa rin ito sa
kanya. May shops naman sa hotel kaya hindi siya nagkaproblema para sa mga susuutin
ni Khalid at ni Master Cally.

Inabot niya lang ng mga iyon sa pintuan at hindi naman ito nakiusisa kung mayroon
siyang bisita.

Natutuwa siya habang pinaliliguan si Khalid. Hindi na dapat niya iyon gagawin pero
nagpumilit ito na paliguan niya. Just how much does he miss his Mommy?

Sa totoo lang masaya si Yuna sa presensya ni Khalid. Masaya rin siya sa kaibigan
nito na batang babae. She never like kids but she likes Khalid and that little girl
named Angel.

"Ah… M-master, you can take a shower and wash up. I ordered a set of pajamas," sabi
ni Yuna sa lalaki matapos niyang paliguan ang anak nito.

Natagpuan niya ito na nasa parehas na pwesto na tinayuan ni David at nakatingin din
sa labas. Ang pagkakaiba nga lang ay maulan sa siyudad nang oras na iyon.

"Yuna, how much is your monthly salary?" Nabigla siya nang sa halip ay itanong
nito.

Hindi masagot ni Yuna ang biglaan na tanong na iyon ni Cally dahil hindi naman siya
simpleng empleyado lang sa hotel.

She is Apolo's child and eventually everything in that hotel will become hers.
Whatever time she spent there is basically training, but of course her dad is
providing something for her.

"I'll double your salary if you accept my job offer. Even triple."

Napalunok si Yuna.

'Oh no! don't tell me my job is to become your mistress?!'

She heard na walang babae na makalapit dito dahil sa sobrang mailap ng lalaki at
sigurado si Yuna na kulang sa sex life si Cally.
'Grabe ka girl, ang harsh mo kay Master. Malay mo mayroon, pero di mo lang alam.'

Pinasadahan ni Yuna ang lalaki na lumapit sa lugar nila mula ulo hanggang paa.

Lumilipad ang utak niya at nag-iisip na ng kung anu-ano nang muling magsalita ito.

"I just want you to be my son's… Nanny."

Yuna "..."

Parang may itim na uwak na dumaan sa paligid niya.

'Asang-asa day?'

"Huwag mo munang sagutin. I'll give you a week para pag-isipan. And… You are
drooling," sabi nito bago kinuha ang damit na nasa tabi niya at tumuloy sa pagpasok
sa loob ng restroom.

Pinahid ni Yuna ang likod ng kamay niya sa namasang labi. Gaano niya kaya katagal
na tinitigan ang lalaki?

'Oh my goodness, nakakahiya.'

….

HABANG malakas ang ulan sa labas, gising na gising si Yuna na nakahiga sa malapad
na kama habang yakap-yakap ng dalawang braso niya si Khalid.

May ngiti pa sa labi ang bata habang nakasiksik sa dibdib niya na natutulog. It's
as if he belonged to that place.

Nanunuot pa sa ilong niya ang amoy nito na baby powder.

She can tell that Khalid likes her so much.

Nagawa pa nitong suungin ang malakas na ulan makita lang siya. This little guy is
living like a little prince. Handa rin magbayad ang daddy nito ng malaking halaga
para lang siya ang magbantay sa anak nito dahil sa gusto siya ni Khalid.

Siguro kung tatanggapin niya ang offer ni Cally, siya na ang may pinaka-malaking
sweldo na tsimay sa ibabaw ng mundo.

She kissed Khalid's forehead.

Nakaramdam ng pagkauhaw si Yuna kaya dahan-dahan siyang bumaba mula sa kama para
hindi magising si Khalid.

Tinungo niya ang fridge para uminom ng tubig. Tanging dim na bedside lamp lang ang
nagbibigay liwanag sa buong suite niya.

Nilingon muli niya ang couch kung saan nakahiga si Cally na nakahalukipkip. Hindi
niya mapigilan na lapitan ito. Nakatingkayad ang mga paa na naglakad patungo sa
nakahigang si Cally.

Iniiwasan niya na gumawa ng ingay.

Dahan-dahan na lumapit siya hanggang sa makalapit siya sa lalaki. Umupo siya sa


harap ng sofa kung saan mapagmamasdan niya ng mabuti ang mukha nito.
Para siyang si Toshio Saeki ng 'The grudge japanese movie' na yakap ang mga binti
at pinagmamasdan ang mukha ni Cally.

Mas malapitan niyang mapag-aaralan ang mukha nito sa posisyon niya na iyon.

Pinasadahan niya ang paningin sa bawat parte ng mukha nito. Nakuntento na siya sa
kakaunting liwanag na binibigay ng bedside lamp.

Saka siya napalunok nang tumigil ang paningin niya sa labi ng lalaki. Para bang may
nagrarambulan na mga daga sa dibdib niya.

'Oh sige na nga! crush na nga kita, Master!'

Can anyone blame her? She thought, no one is more perfect than this guy.

"Are you done watching?"

Natumba si Yuna sa pagkakabigla nang magsalita ang lalaki. Gumulong siya sa carpet
na parang si Spider man.

"Ehem! ehem! I thought I saw a cockroach underneath," katwiran niya.

Namumula ang mukha na mabilis na gumapang siya pabalik ng kwarto.

'Sheeeet!' yung ilong ko baka tumabingi!'

Doble-doble ang kahihiyan niya kapag nangyari iyon. Kahit pa nga dalawang taon na
nang huli siyang magparetoke, nasabihan pa rin siya na huwag magkikilos basta-
basta.

Matapos naman ang maraming taon, sumilay muli ang ngiti sa labi ni Cally. This Yuna
girl is really something…

….

KINABUKASAN, mas maganda na ang panahon sa siyudad. May kakaunting hamog na lang na
iniwan sa paligid ang malakas na pag-ulan nang nagdaang gabi.

Nagpasalamat si Yuna dahil hindi napahamak ang ilong niya sa paggulong niya sa
carpet. Kung hindi ay talagang nakakahiya dahil baka naka-face mask siya sa mga
oras na iyon hanggang sa makabalik sa Korea para ipaayos muli iyon.

Hindi tuloy siya nakatulog ng maayos. Unang beses din kasi na may bisita siya sa
kwarto.

"Mommy, when will I see you again?" tanong ni Khalid.

Kapit na kapit ito sa kamay niya at tila naghihintay ng magandang sagot bago siya
nito bitawan.

"This…" Napakamot siya sa pisngi at hindi alam ang isasagot.

Hindi naman kasi siya ang masusunod kung nais niyang makita si Khalid dahil
mahigpit ang seguridad nito. Sigurado na hindi rin naman hahayaan ni Cally na
maiwan sa kanya ang anak nito ng walang kasama at walang maayos na security.

Kasalukuyan nilang inaabangan ang chauffeur ng mag-ama sa lobby.


"Can I see you everyday?" pangungulit ni Khalid.

"Yuna…" tawag ni Cally.

Nilipat niya ang paningin dito. Namula na naman ang mukha niya dahil nagbalik sa
ala-ala niya ang nangyari ng nagdaang gabi.

"Since you are still thinking, I have a better proposal… kung ayos lang, we will
invite you to dinner tonight and let's talk about it."

Saglit na nag-isip si Yuna.

Ang totoo, hindi niya masabi kay Cally na malabo na iwanan niya ang trabaho niya sa
hotel kahit magkano pa ang ibayad nito sa kanya para alagaan si Khalid.

She is Apolo's heir. Her job as his daughter is also important. Iyon ang unang
dahilan kung bakit siya sinilang sa mundong iyon, to become an heir.

Sa loob ng dalawang taon ay pinag-aralan niya ang business ng pamilya para hindi
maging kawawa na tulad ng mga narinig niya na naranasan niya dati.

Though she can't find any dark feelings inside her heart against those people na
tumapak sa kanya noon, she has to play her role as Yuna Byrnes.

Even her Mom died dahil parehas silang mahina kaya kailangan niyang ayusin ang
trabaho niya ngayon.

"Mommy, I want to see you tonight." Nakikiusap ang mga mata ni Khalid at may bahid
ng lungkot ang hiling.

Hindi napigilan ni Yuna na yakapin ang batang lalaki.

Huminga siya ng malalim. Hindi niya kayang tiisin kapag si Khalid na ang humihiling
sa kanya.

"Sure. I'll go to your place," sabi niya habang haplos ang pisngi nito. Then, she
placed a sweet kiss on his cheeks.

Sakto naman na dumating na ang sasakyan ng mga ito sa harap nila kaya satisfied na
sumakay si Khalid sa likurang bahagi ng kotse nito. Sumenyas lang sa kanya si Cally
na aalis na ang mga ito bago tuluyang sumakay.

Pabalik na sana siya sa suite niya para magpatuloy ng pahinga nang makasalubong si
Mari. Maganda na sana ang umaga niya kung hindi lang niya nakita sa umaga na iyon
ang demonyita.

"Who is that man? Ang bilis mo naman yata mang-landi ng iba?" pagpaparinig nito
nang mapadaan siya sa tabi nito.

Ayaw patulan ni Yuna ang babae kaya dumeretso lang siya ng lakad patungo sa
elevator.

Si Mari naman ay nahiwagaan kung sino ang lalaking pinaalis ni Yuna. Hindi nito
nakita si Khalid at tanging likuran lang ni Cally ang bahagyang nakita nito.

Napangiti naman siya ng nakakaloko. Soon, she will tell Felix na may inuuwing
lalaki si Yuna sa hotel. Para tuluyan na mabwisit ang lalaki sa kapatid niya. At sa
loob ng dalawang buwan niya doon, sisiguraduhin niya na hindi maayos ang mundo ni
Yuna.

…..

NANG sumapit ang gabi, nagpunta si Yuna sa White Castle, katulad ng pangako niya
kay Khalid.

Hindi na siya nagpahatid at siya ang kusang nagmaneho patungo doon. Mukhang na-
alertuhan naman ang security ng lugar kaya hindi na ganoon kahigpit sa kanya ang
guards kumpara ng nagdaang araw.

Kalalabas niya pa lang ng kotse, tumatakbo na si Khalid papalabas mula sa loob ng


bahay.

"Mommy!!!"

Mabilis na tumakbo ito at yumakap sa binti niya.

Nakita niya na may palabas din mula sa loob ng villa. Si Lorenz at isang babae na
hindi niya kilala kaya sumeryoso siya at tinanguan ang mga ito. Nakaangkla ang
kamay ng babae sa lalaki.

"We are going Khalid. See you soon," paalam ng babae.

Napatigil ito saglit nang mapadaan sa gilid niya at saglit siyang tinitigan.

"Did we met before?" tanong ng babae sa kanya.

"I-I don't know. Dalawang buwan pa lang ako dito sa Maynila. Maybe you checked-in
sa Romantik Grand Hotel and we met there before. Or maybe you saw me yesterday."

Hindi malabo na nagkita na sila nito lalo at naghatid siya doon ng cake ng
nagdaang-araw.

"Honey, let's go. Malapit na ang oras ng boarding time natin, baka ma-late tayo,"
aya dito ni Lorenz.

Tulad nang nagdaang araw, malamig pa rin ang trato nito sa kanya. Parang may bloke
rin ng yelo na nakapaligid dito katulad ng iba pang kasama ni Cally. Pero pansin ni
Yuna na malambot ito sa babaeng kasama.

Khalid waved goodbye nang walang sinasabi.

"Okay, see you next month." Saglit pa na tinapunan siya ng babae ng tingin bago
nagpatuloy sa pagsakay ng kotse.

SUMUNOD si Yuna kay Khalid sa pagpasok sa bahay ng mga ito.

"I will call my Dad." Nakangiti ito na nagpaalam saka nagpunta sa kung saan.

Unang beses niya na makapasok sa Living room ng White Castle kaya medyo kinakabahan
siya. Maluwag ang kabuuan ng living room. May malapad na hagdan pa patungo sa
itaas. Pansin niya na magara ang mga kagamitan sa buong kabahayan hindi lang ang
kusina kung saan siya tumungo nang nagdaang araw.
Isang larawan ang pumukaw kay Yuna habang iniikot ang mata sa paligid.

Nakapatong sa isang magandang cabinet ang larawan ni Khalid at ng Mommy nito na si


Prin Matsui. Hindi niya napigilan na lapitan iyon at damputin ang frame nito para
mas matitigan ng mabuti ang larawan.

Ewan niya kung bakit, pero parang pinipiga ang dibdib ni Yuna habang nakatingin sa
larawan ng mag-ina.

May mga tinig siyang nadidinig habang pinagmamasdan ang magandang mukha ni Prin
Matsui. Nag-eecho sa pandinig niya ang iba't-ibang tinig habang nakatitig sa
larawan nito.

'Yuna, don't lie to me. you know that I am not an ordinary person'

'Stop calling me your Joo!'

'My sister and her Mom are both witches.'

'My life is like a modern Cinderella with an evil step-sister and evil step-
mother.'

'Prinnn!!!!'

Isang boses ang pumukaw at nagbalik sa kanya sa reyalidad. "The dinner is ready."

Dumausdos ang frame sa mga kamay niya, mabuti na lang at mabilis din siyang
nakakilos at hindi iyon tuluyan na nahulog sa sahig. Natatarantang ibinalik niya
iyon sa kung saan ito nakapwesto.

Nakakunot ang noo ni Cally at lumamig ang paningin nito nang makita na hawak niya
ang larawan ng asawa nito.

"Mommy, why are you crying?" nag-aalala na tanong ni Khalid.

Hindi alam ni Yuna na napaluha siya habang hawak ang larawan ng Mommy nito.
Pinunasan niya ang mga mata niya saka humugot ng hangin para pakalmahin ang sarili.

"The dinner is ready," malamig na ulit ni Cally.

Hindi naman mapalagay si Yuna habang nakatingin sa mag-ama na naghihintay sa kanya


sa pintuan patungo sa kusina.

"Ma-master Cally… Khalid…" tawag niya sa pangalan ng dalawa. Nagpatuloy sa agos ang
luha niya dahil sa biglaang sakit ng dibdib niya. She has to face this sooner or
later kaya mas makabubuti pa na harapin niya na ngayon ang dalawa kaysa lumalim pa
ang samahan nila ni Khalid.

Khalid is a nice kid and she can't help to feel sad for him for losing his Mom at
his young age. Kahit gaano karaming haplos ang gawin niya dito, hindi iyon
mapapalitan ng haplos ng tunay nitong Mommy.

"Master… I think I shouldn't be here… your wife was with me nang mga huling araw sa
barko.. I am Yuna Byrnes and Apolo's child… n-nanghingi ako ng tulong sa kanya
noon… I.. I'm sorry, I am really, really sorry… she she..."

"Stop it!" Dumagundong halos ang sigaw ni Cally sa buong living room dahilan para
matakot si Yuna. Halos lumuwa ang dibdib niya papalabas sa sobrang takot dito.
Mahigpit na nakakuyom ang kamao nito.

"I'm sorry Khalid… I am not worthy to be called your Mommy," sabi niya saka mabilis
na tinungo ang pintuan papalabas.

"No… Mommy no!" habol ni Khalid sa kanya.

Hinawakan ito sa braso ni Cally para pigilin. "She is not your Mommy."

Binuhat ni Cally ang anak kahit gaano pa katindi ang pagpupumiglas nito sa
pagkakahawak niya sa buong bewang nito.

"No… Mommy! Mommy!!!" Nagsimula na rin na umiyak ang anak niya while reaching out
his hand sa gawi ni Yuna na papalabas.

Pinilit naman ni Yuna na huwag pansinin ang mga pag-iyak ni Khalid sa loob ng
living room. Mabilis siyang sumakay ng kotse at mabilis na pinaandar iyon papalabas
ng gate ng White Castle.

Uminit na ang ulo ni Cally dahil sa emosyon na hindi niya alam kung saan
nanggagaling. He was really hurt. Tila binuksan ni Yuna ang naghilom niyang sugat.

Bakit si Yuna, buhay? Bakit si Prin ang kinain ng apoy kasabay ng barko? At marami
pa siyang 'bakit' na katanungan.

Marahas na inakyat niya ang anak sa itaas patungo sa kwarto nito. "You will stay
here."

Basang-basa ang mukha nito dahil sa pag-iyak at hinarap ang pagbabanta ng mata
niya. Binabantaan niya ito sa tingin na huwag susunod kay Yuna. Sumalampak ito sa
sahig.

Ilang hakbang pa lang nalalayo si Cally mula sa kwarto ng anak niya nang makarinig
ng mga pagbasag.

Tuluyan nang nag-tantrum ang anak niya at hinagis ang lahat ng babasagin na nasa
kwarto nito. Picture frame, vase, mga kotse-kotsehan na maayos na nakasalansan sa
isang parte ng pader, pati ang 40 inches na TV ay hindi natakot na hinila nito ang
mahabang wire ng saksakan, dahilan para mahulog ito sa kung saan ito nakapatong.

Hindi pa nakuntento na sinipa nito iyon at tila nanghahamon na sinalubong ang mata
ni Cally na nasa tapat ng pintuan. .

"Don't try my patience Khalid!"

Nagpipigil ng galit si Cally pero nagulat na lang siya ng sinaraduhan siya nito ng
pintuan.

Mga kasambahay na simpleng nakiki-tsismis "..."

….

MASAMA ang loob ni Yuna na bumalik sa hotel. Mabigat ang dibdib niya habang
inaalala ang pagtawag sa kanya ni Khalid habang umiiyak.

Mabuti na lang at nasa Maynila ang mga kaibigan niya. Kaya naman agad niyang
tinawagan si Coffee matapos niyang mag-park ng kotse.

"Hello, Dear!" Tapos ay nakarinig siya ng pag-ubo nito sa kabilang linya.


"Where are you guys? At bakit parang inuubo ka?" usisa niya dito.

Agad din naman niyang naisip na baka nag-aadjust ang katawan nito sa siyudad dahil
nagmula pa ang babae sa malamig na bansa.

"Tamang-tama ang tawag mo, because your Dad might call you soon *cough*," sabi nito
nang may bahid ng pagbabanta. Then, she sneezed.

Pero base rin sa tono nito, hindi nito masyadong binibigyan ng pansin ang kung ano
man na rason kung bakit siya ipapatawag ni Apolo.

"Okay, I'm here sa lobby. See you in a minute," sabi niya saka nagpaalam na dito.

Kailangan niyang i-divert ang atensyon mula kay Khalid na patuloy na umaalingawngaw
sa tenga niya ang pagtawag nito ng 'Mommy'.

Nakasalubong niya muli si Mari at Felix sa elevator. Palabas ang dalawa at siya
naman ay papasok.

"Hi sister, Yuna!" bati ng babae.

Inikutan niya lang ng mata ang mga ito saka nagpatuloy sa pagsakay sa elevator.
Bakit naman kasi kung kailan bad mood siya saka niya makikita ang mukha ng mga ito?
Para bang nananadya ang tadhana na lalo siyang bwisitin.

Bad mood pa naman siya dahil tinakot siya ng first-ever crush niya. Well, sa loob
ng tatlong taon ito pa lang ang masasabing naging cruah niya.

'Hmp! Di na kita crush!' sabi niya habang nasa imahe ng isip niya ang seryosong
mukha ni Cally.

Lihim naman na napangiti si Mari na tila may alam ito na hindi alam ng iba.

Dumeretso si Yuna sa pinaka-mataas na palapag para puntahan ang Presidential suite


kung saan naroon ang tatlo niyang kaibigan.

She used her master key card saka tuloy-tuloy na pumasok sa suite ng mga ito.
Natagpuan niya si David at Coffee na magkatabi sa isang couch at parehas na
nanonood ng movie sa TV. Balot na balot ng comforter si Coffee at namumula ang
mukha.

"Where is Mikey?"

"May surgery," simpleng sagot ng babae. Then, she coughs again.

Nagsalin siya ng wine sa kopita at dinala sa single couch na nasa gilid ng dalawa

"So, wala kang biktima kaya ka narito?" tanong niya kay Coffee

Umikot ang mata nito dahil sa inis saka pinatay ang TV. Nagsalubong ang kilay nito
saka nagsimulang magreklamo.

"Wala! I tried to seduce Makisig, I even wear my sexiest tube dress when I met him
earlier, tinodo ko pa ang pag-push up sa cleavage ko to get his attention. You know
what he did? He asked me -- 'Naiinitan ka dito sa Maynila?'" nagboses lalaki pa
ito.

"...guess what he did next?" she paused for a moment. At umubo muli tapos ay kumuha
ng tissue para pigain ang sipon nito.

"Nilagay ang aircon sa 8 degrees! I didn't even bring a jacket or something to


cover my delicate sexy body in a red lace-tube dress… *sneeze* and that is the
reason why I have the flu now."

Tawa ng tawa si Yuna. Base sa kwento nito, mukhang may ideya si Makisig na inaakit
na ito kaya para magtigil si Coffee ay nilagay nito sa malamig ang aircon na parang
nasa winter ang panahon. Para palayasin na rin ang kaibigan niya nang hindi ito
mapapahiya.

"Sana man lang kasi nag-research ka about him bago ka sumabak sa giyera. He and his
wife knew each other since they were teens and he never got involved with other
girls."

"Malay ko ba! Ang alam ko lang noong teenager ako. Nag-aral na ko ng kama sutra.
*cough*"

"Why don't you seduce David instead?" saka niya dinala ang wine sa bibig..

Nagkatinginan ang dalawa sa narinig. Nagtaas lang ang kilay ni David samantalang
inubo naman si Coffee.

"Nah! Forget it! hindi 'yan takot sa labanan pero ayaw niyan sa babaeng mas palaban
sa kama kaysa sa kanya."

Napangisi si Yuna "And... how did you know?" nakataas ang kilay na usisa niya dito.

Umubo ito ng sobra-sobra.

"Because... I have an ex same as David, okay?! Anyway, balik tayo sa concern ko… Sa
tingin ko, babalik ka sa France the soonest." Pag-iiba nito sa topic na hinayaan na
lang ni Yuna.

Kumunot ang noo niya. "Why?"

"Dahil nagreklamo ang isang french doon. And she is attacking you personally."
Kinuha nito ang laptop na nasa mesita at may mga pinabasa sa kanya.

Isang guest na babae na naglalaro sa 35 to 40 ang edad ang nagrereklamo sa Romantik


Grand Hotel sa Paris pero patungo sa kanya ang atake. Isang blogger, kaya malaya
nito na nasabi ang mga nais at reklamo nito sa personal site nito.

Ang dating manager daw ng hotel na iyon (which is si Yuna) ay nahuli nito na babae
ng asawa nito at iba-iba pa daw ang lalaki na nagpupunta sa hotel na halos maging
brothel house na iyon.

She looked at the guy's photo at hindi maiwasan na mapangiwi siya. The most
surprising is that this guy said sorry to his wife na parang pinatotoo nito ng
hindi direktahan ang bintang sa kanya.

Nakaapekto ang bintang nito kay Yuna sa hotel branch na nasa ibang bansa at
sigurado na makakaapekto rin iyon sa Stock market ng kumpanya nila.

Ilang saglit pa nga, tumatawag na si Apolo sa cellphone niya. "Dad…"

"I'm here at your office," sabi nito.

"Okay. papunta na ako diyan."


Hinarap niya si Coffee. "I know na may pang-atake ka na sa French girl na ito kaya
bakit pa ako pupunta sa France? Why don't we enjoy the days on Phuket island
instead?"

"I like your idea!" nakangiting sabi nito. Saka bumahing.

"Grrr! I hate this Makisig!"

HINDI tulad ng inaasahan ni Yuna, iba ang rason kung bakit siya pinuntahan ni Apolo
sa opisina niya.

"I heard you spent a night with someone."

Napakamot sa ulo si Yuna. Alam niya na maraming mata at staff sa paligid ng hotel
na maaari siyang pagtsismisan.

Nagulat lang siya na mas nauna nitong pag-usapan ang tungol sa bisita niya nang
nagdaang gabi kumpara sa issue sa Paris.

"Dad…" hindi niya alam kung ano ang isasagot.

Tinatapik-tapik nito ang mga daliri sa mesa.

"hindi kita susuwayin kung may nagugustuhan kang lalaki. I just hope na hindi ito
makasira sa performance mo… Mari is now pregnant at ayoko naman na sumunod ka agad
sa pagbubuntis niya."

Alam ni Yuna na nag-aalala lang ito sa kahihinatnan nilang dalawa ni Mari at ng


hotel.

"Wala kang dapat ipag-alala sa akin. I don't have a secret lover or a boytoy or a
boyfriend or something. No plans of getting pregnant sa kung kani-kanino. Nagkataon
lang na malakas ang ulan nang nagdaang gabi and my friends need shelter."

Pumasok tuloy sa isip niya muli ang mag-ama. Hindi naman na kailangan pang
banggitin kay Apolo na nagpunta siya sa tahanan ng mga ito at ginalit niya ng todo
ang Master ng Dark Lords.

Ang hindi alam ni Yuna, pina-delete ni Cally ang lahat ng traces na nagpunta ang
mag-tatay sa hotel na iyon kaya wala ring makuha na impormasyon si Apolo. Their
safety is important. At ayaw nito na mapahamak ang isang inosenteng si Yuna nang
dahil lang sa kagustuhan ni Khalid na tumungo sa hotel.

Susubukan naman sana ni Apolo na alamin sa bibig mismo ni Yuna kung sino ang bisita
nito. Pero mukhang hindi naman na kailangan.

Gayunpaman, hindi ibig sabihin na kampante ang kalooban niya sa kung sino man ang
kaibigan na sinasabi ni Yuna.

"About the issue in Paris..." pag-iiba ni Apolo sa usapan.

"Rest assured that I am doing something on that issue."

Tumango lang ito saka siya tinitigan sa mata ng ilang saglit.


"*cough* By the way, it's been so long at gusto ko sana mag-unwind o magpahinga
muna sa trabaho. I'm going to Phuket for a couple of days," paalam niya dito.

Saglit na natahimik si Apolo pero sinabi rin naman na ayos lang saka ito nagpaalam.

…..

NANG makarating kay Mari ang balita na magbabakasyon si Yuna, mas lalong sumilay
ang ngiti sa labi nito.

Sino ba naman kasi ang mas pipiliin na mag-unwind at magbakasyon sa isang isla at
magsuot ng swimsuit sa panahon na iyon na may kinakaharap na problema ang hotel
nila?

Kinaumagahan, umalis din naman ang grupo ni Yuna patungong Thailand.

Tapos na ang transaksyon ni Coffee, tapos na rin ang surgery ni Mikey sa isang
batang babae na may sakit sa puso kaya pumayag ang mga ito sa nais niya na
magbakasyon kahit tatlong araw.

Sa loob ng tatlong araw, sinabotahe ni Coffee ang blog site ng French girl na
nagrereklamo kay Yuna at pinaulanan iyon ng sex videos na halos maging porn sites
na iyon. Napalitan iyon ng mga videos ng pakikipagtalik nito kung kani-kanino.

Sa sobrang galit ng asawa nito, ginulpi nito ang babae na nagdala dito sa ospital,
dahilan naman para hulihin ito ng pulis.

Dahil sa issue ng mag-asawa nagkaroon tuloy ng katanungan kung nagsasabi ng totoo


ang mga ito.

Then, Yuna created her first ever social media account. Simple lang ang sinulat
niya.

[The truth is rarely pure and never simple] Sinamahan niya pa iyon ng isang larawan
niya na nakasummer dress at naglalakad sa beach.

Marami naman agad ang pumuri kay Yuna sa pagtrato nito sa sitwasyon. And iba pa nga
ay nagtatanong kung saang lugar siya nandoon.

Alam niya na may nagpapaikot sa sitwasyon niya at malakas ang kutob niya na si Mari
ang instigator ng mag-asawa. Ayon kasi kay Coffee, hindi na masyadong kumikita ang
blog site ng babae na tungkol sa Travels nito dahil naubusan na ito ng funds.

Pasasaan ba at ilalabas niya rin ang tunay nitong anyo sa likod ng itim nitong
maskara.

She is holding her biggest card against her idiot sister at ilalabas niya ang bagay
na iyon kung sakali na inubos nito ng tuluyan ang pasensya niya.

….

SHE IS enjoying the sunset and the beautiful scenery nang nagmamadaling lumapit sa
kanya si Coffee. Nakabikini pa ang babae na tumabi sa kanya.

"Yuna, may relasyon ba kayo ni Master Cally?" magaling na ito mula sa ubo at sipon
na nakuha nito sa Pilipinas

Kumunot ang noo ni Yuna. At binaba ang shades niya na halos tumatakip na sa
kalahati ng mukha niya. "You knew very well na wala."

"Then, what is the meaning of this?"

Isa sa hot comment sa kauna-unahan niyang post sa kanyang account ay nakasulat ang
mga salitang:

[Yuna, please come back - Cally]

Hindi nito personal na account ang ginamit pero wala siyang ibang Cally na kilala
kung hindi si Cally na 'Master of all Masters'

At hindi rin naman siya nito pababalikin sa Maynila kung walang nangyari sa anak
nito.

"Oh my gosh, kailangan kong bumalik sa Maynila," nag-aalala niyang sabi.

Nakaplano namang tapusin ng grupo ang bakasyon sa araw na iyon at magbalik sa bansa
kung saan galing ang mga ito, mauuna nga lang siya ng alis.

Hindi maiwasan ni Yuna na mag-alala habang inaayos ang mga gamit niya. What
happened to Khalid para kusang loob ang tatay nito na pabalikin siya?

Sa kabilang banda, hindi niya rin maiwasan na kiligin sa mensahe nito.

….

MABILIS na nagtungo si Yuna sa airport para makahanap ng ticket kung saan mabilis
siyang makakabalik sa Maynila.

Pero mas nabigla siya na may personal siyang sundo sa airport mula kay Cally.

Tatlong lalaki na parang miyembro ng men-in-black ang nag-escort sa kanya papuntang


private plane kung saan naghihintay ang 'Master of all Masters'.

Natagpuan niya si Cally na nakaupo sa isang kompartableng couch na nasa loob.


Nakatingin ito sa labas ng bintana at mukhang may dinadanas na malaking problema.
Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa katauhan nito ang malakas na appeal na susukuan
ng kababaihan.

"Ehem!"

Pinilit ni Yuna na pakalmahin ang sarili baka kasi manghingi siya ng autograph sa
lalaki. Nilapitan niya ito.

"Anong nangyari? " tanong niya.

"Khalid is at the hospital now. Hindi siya kumakain simula pa kahapon."

"What?! Y-you…" dinuro ni Yuna si Cally.

"What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo?
Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap
magluto ang cook n'yo!" nagagalit at sunud-sunod ang reklamo niya dito habang
pinameywangan pa ang lalaki.

Cally "...."

Para siyang sinapian ng misis na nagagalit sa asawa nito. Wala namang emosyon na
binigay sa kanya ang lalaki at nagpatuloy sa pananahimik.

Matapos niya itong pagalitan, parang nakabalik naman sa reality si Yuna. Hindi niya
alam kung saan niya hinugot ang lakas ng loob niya na pagalitan ang 'Master of all
Masters'.

Natatakot na ba siyang mabuhay?

Gusto ba niyang ihagis siya nito sa dagat at ipakain sa pating?

Umupo na lang si Yuna sa couch na nasa kabilang isle. Wala naman siyang narinig pa
sa lalaki at mas pinili na lang nito na matulog. Hindi naman na ninais pa ni Yuna
na istobuhin pa si Cally dahil mukhang ilang araw na itong walang pahinga.

Mas pinili na lang niya na magpahinga din dahil mahaba-haba rin ang byahe nila.
Halos hindi nga niya namalayan na nakatulog siya ng limang oras at ginising na lang
siya nito nang maka-landing ang eroplano. Pagdating ng Maynila, lumipat lang sila
ng helicopter para mas mabilis silang makakarating sa ospital na pag-aari ng mga
Hans.

Pagdating sa ospital, dinala siya ni Cally sa isang kwarto at natagpuan niya si


Khalid na nakahiga sa isang kama. Ang nakapukaw sa atensyon niya ay ang galos ng
bata sa binti.

Naniningkit ang mga mata na hinarap niya si Cally.

"What did you do, Cally?" naiinis na tanong niya sa lalaki. Habang tumatagal ay mas
tumatapang na ang apog niya na pagalitan ang lalaki.

Hindi niya na ito tinatawag na 'Master'. Nagpapasalamat na nga lang siya dahil
hindi naman ito umaalma, kung hindi ay talagang 'Yari' siya at baka ipadala siya
nito sa Iran para pigilin ang giyera laban sa Amerika.

Parang napahiya naman si Yuna nang makabawi, lalo at may mga tao pala sa loob ng
kwarto. Nasa loob ng kwarto na iyon ang mag-asawang Ginny at Cloud Han kaya biglang
umurong ang dila niya.

"So-sorry po," pagpapaumanhin niya sa mga tao doon. "Ano ba ang nangyari talaga?"
maayos nang tanong niya.

"For two days, binasag niya ang mga gamit sa White Castle, kaya hindi naiwasan na
masugatan siya," paliwanag ni Cally. Nanlaki naman ang mga mata ni Yuna sa nadinig.

"Dahil akala niya ay wala siyang mapapala sa pagbasag lang ng gamit sa bahay, he
came up with another plan, ang huwag kumain. It's more than 24 hours at wala siyang
ginugusto kahit tubig. He just wants to see you."

Parang hinaplos naman ang dibdib ni Yuna sa nadinig. Ilang saglit pa, nagdilat ito
ng mata at unang nakita si Yuna. Agad na lumuha ang mata nito saka umupo at yumakap
sa kanya.

Hindi ito nagsalita at tahimik na lumuluha. "Baby, don't cry… I will stay with you,
okay."

Tumango ito.

"Your dad told me, hindi ka kumakain simula kahapon. That is bad for your health.
What do you want to eat?"
"Anything you cook."

"Okay, lulutuan kita ng pagkain everyday. For now, inumin mo muna 'yung gatas mo."
Mabilis naman na nakarating sa mga kamay ni Yuna ang baso ng gatas para ipinainom
kay Khalid. Matapos iyon pinakain niya muna ng biskwit para hindi mabigla ang tiyan
nito.

Habang ginagawa niya iyon, pinag-aaralan naman siya ni Ginny saka bumulong sa asawa
nito.

"Honey, let's talk outside."

Tahimik na lumabas ang mag-asawa. Akala ni Cloud ay sa malapit lang sila pupunta ng
asawa niya ngunit nabigla siya nang dinala siya nito sa parking at sumakay ng kotse
si Ginny.

"You drive," utos ni Ginny.

"Saan naman tayo pupunta?"

"Sa Romantik Grand Hotel," sagot ni Ginny. Kinakagat-kagat nito ang kuko habang
nakaupo sa unahang bahagi ng kotse nilang mag-asawa. Wala siyang ideya pero mukhang
seryoso ang kailangan nito kay Apolo. Kilala niya na ang asawa niya at alam niyang
na-stress ito bigla.

Tinawagan niya muna si Drake para abisuhan si Apolo na patungo sila doon para
kitain ito. Sigurado naman siya na nauunahin silang harapin ni Apolo kahit ano pa
ang ginagawa nito sa kasalukuyan.

Samantala, sa parehas na oras, sumimple si Cally na lumabas sa hallway at tinawagan


niya ang pinsan na si Mat-mat.

"Please investigate what Yuna Byrnes did in the past three years."

(Three days backtracking)

MARIRINIG ang mga pagbasag ng kung ano sa loob ng White Castle.

"Ano ang nangyayari?" tanong ni Xander sa asawa nito na si Xia na siyang nag-
aasikaso sa kasalukuyan ng mga kailangan sa White Castle.

"Inubos ni Master Khalid ang lahat ng plato at baso sa kusina." nakangiwing


paliwanag ng asawa niya. Sinilip niya ang kotse kung saan nakaupo si Cally na
nagtatrabaho sa laptop nito.

"S-shi…?"

"Let him, kung gusto niyang ubusin ang lahat ng gamit sa bahay, bahala na siya.
Just make sure that he is safe," utos nito kay Xia.

"Yes, Shi."

Napangiwi na lang si Xander. May ideya siya kung gaano kamahal ang mga kagamitan sa
white castle, at hinahayaan lang ng Shi nila na ilabas ang sama ng loob ng anak
nito sa pamamagitan ng pag-ubos ng kagamitan ng bahay nito?
Sumenyas na lang si Xander sa asawa nito na ito na ang bahala sa nagtatantrum na si
Khalid, saka siya sumakay sa itim na kotse at inutusan ang chauffeur na magpatuloy
na sa pagmaneho patungong opisina.

Kinabukasan hindi akalain ni Cally na mas malaki ang problema niya kay Khalid.
Habang nasa dinner meeting, tinawagan siya ni Xia para ipaalam na nasugatan ng
bubog ang binti ng anak niya at hindi kumain ng kahit ano sa maghapon at nanghihina
na ito sa kwarto.

Marahas na kinamot niya ang kilay at tinapos ang meeting niya sa araw na iyon.
Inutusan niya si Xia na dalhin ang anak niya sa ospital na pag-aari ni Christen.

"Go and find Yuna," utos niya kay Xander saka dumeretso sa ospital. Alam niya na
ito lang ang magiging hero niya sa sitwasyon ng anak.

Eksakto naman na naroon na sa ospital si Khalid at tsine-tsek ng doktor nang


dumating siya

Matamlay na ito at wala na sa mood magbasag ng kung anu-ano pero ang una nitong
ginawa nang makita siya ay hanapin si Yuna. "I want my mommy."

"So, kaya ka ba hindi kumakain dahil gusto mong sumunod sa mommy mo sa hukay?"

Sinalubong nito ang mata niya at tila naiinis. Of course he knew that he is looking
for Yuna.

"What?" panghahamon niya rin dito.

Binawi nito ang tingin. Hindi na ito sumagot, sa halip ay nagtago sa puting kumot.

"Is that your new method to kill yourself?"

Umikot ito sa ibabaw ng kama na halatang naiinis na ito sa kanya. Pinilit nila na
pakainin ang anak niya o painumin ng gamot pero ayaw nito na tanggapin ang lahat ng
ibigay nila dito na halos mag-init na ang ulo ni Cally.

Ilang araw na siyang hindi makatulog dahil lihim niyang binabantayan ang kilos ng
anak niya at talagang nakaramdam na siya ng pagod.

Nag-report naman agad sa kanya si Xander tungkol kay Yuna at nabalitaan niya na
nagpunta ang babae sa Phuket. Pinakita pa sa kanya ni Xander ang larawan nito sa
isla.

"Shi, tatlong araw kasi ang nakaraan, nagkaproblema si Ms Yuna sa branch sa Paris."

Pinagmasdan niya ang larawan ni Yuna.

Parang diwata si Yuna na sinilang sa isla na iyon habang nakasuot ng floral na


bestida na abot hanggang sakong, nililipad pa ang buhok nito na nakikiisa sa
hangin, at wala man lang sa anyo nito na stress o kung ano pa man sa problemang
kinasasangkutan nito.

Then he commented, 'please come back - Cally'

Xander "..." 'Shi, that's my account'

Alam ni Cally na may ideya si Yuna na si Khalid ang dahilan kaya siya nagkomento sa
account nito. Pero hindi si Xander. Iba ang tumatakbo sa isipan ng assistant niya.
"Do something for her sa issue niya sa Paris," utos ni Cally saka tinawagan ang
piloto niya para maghanda sa pagsundo nila kay Yuna.

…..

"SHI, we have Ms Yuna now," pagbibigay-alam ng tauhan ni Cally sa radyo na nasa


gilid ng eroplano. Nakampante naman ang kalooban niya nang marinig na kasama na ng
grupo niya ang babae saka niya pinatay ang radyo.

Ilang minuto pa nga at nasa harap niya na si Yuna. Tila ito hinatid ng mga anghel
sa harapan niya at hindi niya pinahalata na saglit siyang natigilan.

'You idiot! What are you thinking?!' pinagagalitan niya ang sarili dahil lumilipad
na ang isip niya kung saan-saan.

Syempre walang ideya si Yuna sa kung ano ang mga iniisip ni Cally. Seryoso at
walang makitang emosyon sa kanya kahit pa nang ipaalam niya dito na na-ospital si
Khalid.

"What kind of father are you?! Bakit hindi mo binabantayan ang pagkain ng anak mo?
Are you super busy para hindi bantayan si Khalid? O kaya naman baka hindi masarap
magluto ang cook n'yo!" nagagalit na sabi nito.

Habang nagagalit ito ay tinitigan niyang mabuti si Yuna. Her actions, gestures and
even the way she talks was like Prin. para nitong pinipitik ang dibdib niya habang
nagagalit. Lumalim ang pag-iisip ni Cally.

Ang huling beses na naramdaman niya ang ganoon ay sa asawa niya rin na si Prin.
Pakiramdam niya ng mga oras na iyon ay pinagagalitan siya ni Prin.

Natahimik naman ito matapos nito magbigay ng litanyang napakahaba. Tapos umupo sa
kabilang couch at natulog.

Sa loob ng mahabang oras ng byahe, nakatingin lang siya sa gawi ni Yuna. Para
siyang rapist na pinanonood ang biktima niya sa mahabang oras na iyon.

….

HE CONTINUES to analyze Yuna habang natutulog ito sa kabilang couch. Even her
sleeping posture is like Prin Matsui's sleeping posture.

Hindi niya rin maramdaman ang panganib sa babae. Hindi niya napigilan na lapitan si
Yuna at huminto sa tapat nito para titigan ang buong mukha nito na nakapikit.

She has a pointy nose, nice chin, clear skin na halos wala ng makitang pores sa
balat nito. A lips like cherry.

He can tell that Yuna underwent plastic surgery sa malapitan. Hindi niya iyon
napansin ng una.

"Master..." naputol siya ng attendant dahil pauupuin sana siya nito dahil sa galaw
ng hangin o air turbulence. Sinenyasan niya ito na umalis sa harapan niya. Nagbalik
naman ang babae sa kabilang kwarto

Ilang saglit pa, biglang gumalaw ang eroplano patagilid. Natumba si Cally sa pwesto
ni Yuna.

Agad naman niyang nahawakan ang arm rest ng couch para sa suporta. Pinilit niya na
huwag masagi o maipit si Yuna na nanatiling malalim ang pagkakatulog.

Doon niya lang nakita na nagbigay pala ng seatbelt warning ang piloto niya.

Gumalaw muli ang eroplano. He never thought na babagsak ang mukha niya sa leeg ni
Yuna. Kahit pa hindi nakikita ni Cally ang sarili, alam niya na namula ang mukha
niya dahil sa intimate position nilang dalawa.

Hindi niya tuloy napigilan ang sarili na amoyin ang leeg nito. She smells like
cherry blossoms in an early spring time.

"Master, are you okay?" tanong ng piloto sa radyo.

"I'm good!" sigaw niya dahil sa pagkainis. Mabuti na nga lang at nananatili na
tulog si Yuna.

Hindi niya akalain na tulog mantika din ang babae. O kaya naman napagod ito sa
pagswimming sa dagat

Nanatili si Cally sa posisyon niyang iyon. He is enjoying her scent. Hindi niya
alam kung gaano katagal pa niya na pinagmasdan at inaral ang babae sa malapitan.

Tapos, sumunod ang kanina pa niya tanong sa mahabang oras na pagkakatitig niya
dito.

'Are you Prin Matsui?' while looking at her.

He is not certain about her but he followed his instinct. He can't help but to
place a kiss on her lips.

Ang mas lalong kinabigla ni Cally ay nang gumanti ito ng halik sa kanya sa iilang
pagkilos lang ng labi nito. Then she stopped and continue her sleeping. It's like
she forgot everything but her body and heart will always remember.

Isang luha ang namuo sa mata ni Cally.

Bumalik siya sa couch kung saan siya talaga nakaupo at tumingin na lang sa bintana.

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. Kailangan niyang


pakalmahin ang sarili at ayaw niyang gumawa ng aksyon na ikapapahamak na naman ng
pamilya niya. Ayaw niyang umasa but the truth was right before his eyes?

Does Cally need to investigate? Hindi na kailangan, because he knew, he knew his
heart very well.

'What did you do in the past three years, Prin Matsui?'

=====

Tumungo si Ginny sa Romantik Grand Hotel pero hindi nila nakausap si Apolo.

Ayon sa anak nito na kausap nila, nagtungo si Apolo sa Paris ng hapon lang na iyon.

"Ginny Lopez, malapit na 'ko magselos." reklamo ni Cloud pero pabulong lang na
sakto lang na si Ginny ang makakarinig.

"Can we please go home?" iritable pero pabulong lang na dagdag niya.

Hindi naman siya pinansin ni Ginny at nagpatuloy sa pag-usisa kay Mari.


"May kailangan ba kayo Master Cloud, Miss Ginny?" tanong ng dalaga.

"Can I ask you something about your sister?" tanong ni Ginny.

Iba naman ang naglalaro sa utak ni Mari. Kilala ng pamilya niya si Master Cloud at
lalo na si Ginny Lopez.

If there is something good na nais ng dalawa na ibigay kay Yuna, hindi niya syempre
ikatutuwa ang bagay na iyon. At pagkakataon na rin niya para ipakilala ng mabuti
ang sarili. Noon pa nais ng mommy niya na sana ay mapalapit siya sa mga Hans.

Kaya naman she create stupid things para sirain ang imahe ni Yuna sa dalawa.

"Haay, Miss Ginny. Walang ginawa ang kapatid kong iyon kun'di ang maglakwatsa.
Nagawa pa ng Daddy ko na magpunta sa Paris to cover her mistakes. At alam n'yo po
ba kung nasaan siya habang inaayos ng daddy ko ang gusot na ginawa niya? She is
enjoying life in Phuket island!"

"...Samantalang ako itong buntis, pero ako ang naiwan dito sa hotel para i-manage
ito ng maayos."

Ngumiti lang si Ginny saka nagpaalam. "Take care of your baby. Uuna na kami."

"Salamat Miss Ginny, please visit this hotel everyday. We can chat everyday… like
sisters." nakangiti pa na sabi ni Mari na parang nakababatang kapatid na humihiling
sa ate nito.

Ngumiti si Ginny. "Okay, we have to go. Bye!" hindi nito diretsahan na dinecline
ang paanyaya ng babae.

Bago makalabas ang mag-asawa…

"Does this lady know na ayoko na nagpupunta ka dito sa hotel ni Apolo?"

Mari "...."

"YUNA BYRNES?" ulit na tanong ni Mat-mat.

"Apolo's child."

Saka lang naintindihan ni Mat-mat ang ibig na sabihin ni Cally. "Ano ang eksaktong
detalye na gusto mong malaman? Popoy, Moymoy not that wire!" bigla na lang nitong
sigaw.

Ramdam ni Cally na kasalukuyan na kasama nito ang tatlong anak pero sinagot niya
ang tanong nito sa kanya.

"Kung paano siya nakaligtas sa barko."

"Cally, I thought naka move on ka na sa nangyari na 'yon. Hindi ba at ang grupo mo


mismo ang sumisid at kumuha ng bangkay ni Prin sa dagat."

"Pero hindi ko alam kung paano nakuha ni Apolo si Yuna." Biglang nakaramdam ng
panunuyo ng lalamunan si Cally.
"Natatandaan mo ba na ako mismo ang tinawagan ni Prin nang araw na iyon because you
never answered her call? She told me that she will call Apolo para ibalik si Yuna.
So basically at the same time ng laban, Apolo is on his way to get his princess."

"...Tapos, ang pagkakaalam ko, nakita si Yuna ng kapitan ng cruise na nasa malapit
ng pinangyarihan na lumulutang sa dagat. Maybe she escaped mula sa nasusunog na
Maria Celeste 1"

"...The cruise's captain and Apolo are friends. Syempre, normal na nakilala niya si
Yuna, and the first thing he did is to call Apolo para ipaalam dito na nakuha ng
cruise niya si Yuna."

"...Hindi mo ito concern dati, bakit biglang naging issue ito sa iyo ngayon?" usisa
ni Mat-mat matapos magpaliwanag.

"Just do your task," saka niya pinutol ang tawag niya dito.

Si Mat-mat naman sa kabilang linya ay dissaster ang ayos. Gusto na niyang umiyak
dahil ang hirap mag-alaga ng anak na kapwa makukulit.

Wala silang makuhang tagapag-alaga dahil sumusuko ang lahat ng Yaya sa mga anak
niya. Tatlong araw hanggang isang linggo lang ang tinatagal ng mga iyon at
nagpapaalam na sa kanilang mag-asawa na uuwi na lang sa probinsiya.

He never understand before pero ngayon na ilang araw nang naiiwan sa kanya ang
triplets, kahit siya ay suko na! But what can he do? He loves his Donna and his
children.

Kasalukuyan pa naman na nagpaalam si Donna para dalawin ang magulang nito kaya
naiwan siyang mag-isa sa tatlong bata.

Hindi maiwasan na mapatanong siya kung bakit ba naman kasi tatlong Matty baby ang
naipunla niya ng sabay-sabay sa bahay-bata ni Donna.

Nagsimula siyang magtrabaho kahit na pakalat-kalat ang tatlo niyang anak sa


paligid. Matagal-tagal na rin siyang nagtatrabaho at marami-rami na rin siyang
nakalap na impormasyon nang lumapit ang isa niyang anak.

"Dada, pupuh."

He sigh saka niya ito binitbit para dalhin sa palikuran at linisin. Pagbalik niya,
nakita niya na nasa harapan ng laptop niya ang isang anak

"Muymoy, Noooooo!!!!"

Sa bigla nito, may pinindot ito sa laptop niya at mabilis na nag-run ang porsyento
sa screen. Hindi man lang inabot ng limang segundo at nag 100% agad ang bar.

[FORMAT COMPLETED]

Pagkatapos ay itim na screen na lang ang lumitaw sa mata niya..

"No! No! No!" nasabunot niya ang makapal na buhok at hindi alam ang gagawin.

Parang clueless naman ang anak na nasa harapan niya at tila walang ginawang mali.
Tiningnan niya ang buong kwarto at parang gusto niyang maiyak dahil parang dinaanan
ng bagyo ang buong opisina niya sa bahay.
…..

MATAPOS kausapin ni Cally ang pinsan niya, lumabas na muna siya para bumili ng
pagkain. Alam niya na hindi kumain si Yuna sa buong byahe nila at ganoon din naman
ang anak niya kaya personal siyang bumili ng pagkain.

Hindi na niya sinubukan pang abalahin si Xander o ang iba pa.

Pagbalik niya ng kwarto, parehas na nakahiga sa iisang kama ang dalawa. Natagpuan
niya si Khalid na nakadapa sa dibdib ni Yuna. Hinahaplos naman ng babae ang buhok
ng anak niya habang yakap ng isang braso nito ang buong likuran ni Khalid.

Saglit muna niyang pinakinggan ang usapan ng mga ito sa pintuan.

"Baby, do you like me that much para mag-away kayo ng daddy mo?" mahina lang na
tanong nito habang nakapikit. Para bang ninanamnam nito ang pagyakap sa anak niya.

"Yes."

"Don't do this again, okay? Your mommy will be hurt."

Wala siyang narinig na sagot mula kay Khalid. "Mommy, can you move in with me sa
White Castle?"

Natahimik saglit si Yuna at nag-isip. Ang desisyon na iyon ay wala sa kanilang


dalawa ni Khalid kun'di na kay Cally.

"Yes, you can move in with us," boses mula sa pintuan. Nanlaki ang mata ni Yuna
nang makita si Cally na pumasok sa kwarto.

Bigla siyang umupo. "M-master..."

Nagpatuloy lang ito. "I need someone to take care of Khalid. As you can see, ikaw
lang ang pwede kong pagkatiwalaan. You can do your duty at your hotel during the
day and you can spend time with your kid during night time."

'My kid?' naisip niya na mukhang pati ang Daddy ay nakikisali na rin sa trip ng
anak nito.

"Mommy, my Dad agreed. Please move in with us," gatong ng baby. Sinalubong ni Yuna
ang mata nito na nakikiusap.

"Okay." nakangiti niyang sagot saka niya hinalikan sa pisngi si Khalid. Hindi alam
ni Yuna kung kailan pa nagsimula na gusto niyang sundin ang lahat ng nais nito.

"You forgot something," narinig niyang sabi ng tatay.

Nakakunot ang noo ni Yuna na sinalubong niya ang mata ni Cally. .

"For accepting you in White Castle, You should kiss the Dad not just the kid."

Nanlaki ang mata ni Yuna. 'what???' tama ba ang narinig niya na pinapayagan siya ng
first ever crush niya na humalik dito?

*cough cough cough*

Todo-todo na inubo si Yuna sa sinabi ni Cally. Hindi niya akalain na sobrang


prangka nito. Masyado naman yatang nagiging seryoso ang lalaki sa pagganap just to
satisfy his kid.
*kruuug* Tumunog bigla ang tiyan niya na lalong kinapula ng pisngi niya.

"I-I'm starving," sabi niya. Ang huling kain niya kasi ay sa ibang bansa pa.

"Bumili ako ng pagkain." ang sabi nito saka nilagay ang mga binili nito sa lamesa
na nasa loob ng kwarto. "Let's eat."

Binuhat ni Cally ang anak niya at inupo sa isang silya ng kwadradong mesa. Tumabi
naman si Yuna dito at umupo naman siya sa tapat ng babae para mas mapag-aralan niya
pa ito.

Napansin niya na magana na sa pagkain ang anak at naubos nito ang isang buong meal
na inorder niya.

Nilagyan muli ni Yuna ng pagkain ang plato nito. "Kumain ka pa."

Hindi sumagot si Khalid sa halip nagpatuloy sa pagkain.

"Come on, tell your Dad now," utos ni Yuna sa bata.

Yumuko naman si Khalid at hindi makatingin kay Cally dahil nahihiya. "Daddy, I'm
sorry."

Bahagyang napangiti si Cally. Hinaplos lang ang buhok ng anak na nagpatuloy sa


pagkain matapos nitong manghingi ng sorry.

Ilang araw pa lang si Yuna sa buhay nila pero nagtuturo na ito ng maganda sa anak
niya. He's happy having this thought.

Habang kumakain, naiilang naman si Yuna dahil nakatitig sa kanya si Cally. Hindi
naman maiwasan na mapraning siya.

'Sheeet baka nakahalata na siya na peke yung mukha ko'

Kahit pa sabihin na open na ang mga tao sa plastic surgery, iba pa rin kapag
natural. Kaya lang, ano ang magagawa niya? Kung nauna lang sana niyang nakita ang
larawan ni Prin Matsui, sana ay pinagaya niya na ang mukha nito.

"Iuuwi ko na siya sa bahay ngayon. Come with us," putol ni Cally sa lumilipad
niyang kaisipan.

"Ngayon na?" ulit ni Yuna.

'Ang bilis naman yata?'

Pero naisip niya si Khalid na nakatingin sa gawi niya at naghihintay ng sagot. Alam
ni Yuna na gusto nito na makarinig ng magandang sagot mula sa kanya.

'Ay hayaan mo na nga! Ayaw mo ba n'on makakaboso ka kay Master?' tanong niya sa
sarili.

Kaya walang nagawa si Yuna kung hindi ang sumama sa mag-ama.

Alas-dos na ng madaling araw nang makarating sila sa White Castle. Palibhasa,


nakatulog siya ng mahaba sa eroplano, hindi siya makaramdam ng antok.

Isang kwarto ang ipinahanda ni Cally para sa kanya pagdating nila sa villa. Katabi
lang ng kwarto ng anak nito.
"I hope you don't mind kung ilapit ko ang kwarto mo kay Khalid."

"No problem." choosy pa ba siya? E, siya na nga itong nakikitira?

"Ah… Master," tawag niya dito. Nilingon naman siya nito habang buhat nito ang
natutulog na si Khalid.

"Kung maaari, huwag mo sanang ipaalam sa Daddy ko na tumutuloy ako dito. I can tell
him na bumili ako ng apartment or condo somewhere, and decided to be an independent
woman."

Tumango lang ito saka inakyat ng hagdan ang anak.

Iniikot ni Yuna ang mata niya sa paligid. Pansin niya na nagbago ang karamihan sa
kagamitan ng malawak nitong living room sa loob lang ng ilang araw na wala siya
doon.

Napaisip tuloy siya kung gaano karaming gamit ang sinira ni Khalid.

"Iaakyat ko na po ang gamit n'yo Miss Yuna, nakahanda na ang kwarto na pinaayos ni
Shi Cally. Ako po pala si Xia," magalang na sabi nang lumapit sa kanyang babae na
naglalaro sa thirties.

Sa tingin niya, base sa suot nitong suit, ang babae ang head sa responsibilidad sa
bahay na iyon.

Hindi niya rin alam kung kailan pa niya natutunan na mag-analyze ng tao at alam ni
Yuna na marunong sa pakikipaglaban ang babae dahil sa kamay nito.

This girl is acting like a simple and modest girl but she can feel her thorns. And
it's normal sa buhay ng mag-ama.

Agad din naman siyang tumanggi. "Ako na lang, nakakahiya e."

Pero hindi nito sinunod ang nais niya at binuhat na lang ang maleta niya papaakyat
sa ikalawang palapag. Sumunod na lang si Yuna sa babae.

Alam naman niya kung gaano kaistrikto sa pagsunod ang mga katulad nito.

Pumasok sila sa isang kwarto.

"Salamat, Xia!" nakangiti niyang sabi. Yumukod lang ito saka umalis.

Iniikot naman niya ang paningin sa loob ng kwarto. Nagustuhan niya ang interior
design nito.

Pansin ni Yuna na magara talaga ang mga kagamitan sa bahay ni Cally. Sobrang laki
pa ng kwarto kahit ang simpleng guest room na iyon. Isang king size bed pa ang
higaan. Kahit magtumbling siya sa pagtulog, siguradong hindi siya mahuhulog.

Pinuntahan niya ang shower at mas lalo siyang nabigla dahil halos isang studio
apartment na ang laki nito.

'Did Xia sent me to the Master's bedroom?'

Pansin niya kasi, napakalaki naman yata ng kwarto na iyon para sa kanya na
makikitira lang.
Malalaki ang hakbang na tinungo niya ang pintuan. Halos lumipad ang kaluluwa niya
sa gulat nang makita si Cally sa labas na papasok din sa kwarto.

"I... I'm sorry, I think nagkamali si Xia sa pinagdalhan sa 'kin na kwarto,"


pagpapasensiya niya dito.

"She has never failed."

Napakamot siya sa ulo saka niya tinanong dito ang kanina pa bumabagabag sa kalooban
niya. "ito ba ang… Master's bedroom?"

"Yes."

'M-MASTER’S Bedroom?'

Nakaramdam ng pagkailang si Yuna lalo at ilang dipa lang ang layo sa kanya ng
Master sa bedroom na iyon.

"Ehem!"

Pumasok sa isip niya kung ano ang nais nito. Gusto ba ni Cally na magtabi sila sa
king size bed na nandoon? Kasabay niya ba na makiki-tumbling ang lalaki sa malapad
na king size bed? Magkakainan ba sila ng strawberries sa ibabaw ng kama?

Kung anu-ano pa ang pumasok sa isip niya na ikinapula ng magkabila niyang pisngi.
Ang mas ikinabigla ni Yuna, mukhang nababasa nito ang nasa isip niya.

"Don't think too much. No one is using this room," narinig niyang sagot ni Cally.

Yuna "..."

Tinuro nito ang pintuan na nasa tapat ng kwarto ng Master's. "I am using that room
simula ng lumipat kami dito."

Nakahinga siya ng maluwag pero hindi niya naiwasan na maki-usisa. "Bakit pala hindi
ikaw ang gumagamit nito?"

Natahimik ito saglit at tinitigan siya ng mabuti sa mata.

"What's the use of using the biggest room if I don't have a wife to share it with
me?" May kalakip na kalungkutan ang mga salita nito na dumaloy sa dibdib niya.

"I'm just checking on you. Feel free to use anything in this villa and you can ask
anything in my staff."

"Sige salamat. magpahinga ka na rin," nakangiting sabi ni Yuna.

Inaabangan niya na umalis ito sa harapan niya dahil hindi naman tama na isara na
lang niya ang pintuan habang naroon pa ito.

Nanlaki na lang ang mata ni Yuna nang ibaba nito ang mukha at dampian siya ng halik
sa pisngi. "Good night."

Matapos nitong sabihin iyon ay tumalikod na ito at pumasok sa kwartong sinasabi


nito na ginagamit nito. Sinara niya ang pinto matapos nitong mawala sa paningin
niya at napahawak siya sa pisngi na dinampian nito ng halik.

"O. M. G.! ahhhhhhhh!!!" ‘Yung tipo na sumisigaw ka pero ikaw lang ang nakakarinig
ng dahil sa kilig. Ganoon ang ayos ni Yuna sa oras na iyon.

Ikaw ba naman ang bigyan ng halik ng crush mo 'di ba? Bigla tuloy siyang
nanghinayang na hindi niya kasama sa kwarto ang lalaki. Chance na sana niya na
makaboso.

Sa kabilang kwarto, napangiti ng simple si Cally. Ayaw niyang biglain si Prin kahit
pa Yuna ang katauhan nito ngayon, it will reveal anything sooner.

Ilang saglit lang, nagri-ring ang telepono niya. Agad niyang sinagot ang tawag lalo
na at Mommy niya ang caller.

"Mom?"

"Honey, kamusta na si Khalid?" tanong nito sa kabilang linya.

"Nakauwi na kami dito sa bahay. Nakiusap ako kay Yuna na kung maaari na samahan
niya si Khalid."

"She's with you?"

"Yes. Pero nakiusap siya na huwag sabihin kay Apolo."

"Honey…"

"Yes Mom?"

Matagal na natahimik si Ginny sa kabilang linya. "Pabalik na kami ng Daddy mo sa


Kent Mansion sa susunod na araw." Ang tinutukoy nito ay ang mansion ng pamilya sa
UK.

"Mag-ingat kayo ni Dad kung ganoon."

Simula kasi ng mamatay si Madam Lira dalawang taon ang nakaraan, lumipat ang
magulang niya sa Kent Mansion para gwardiyahan ang posisyon ng pamilya sa Dark
Lords. Tinanggap ng Daddy niya ang hamon na ito ang mamuno sa samahan bilang anak
ni Madam Lira.

Maraming nabago ang Daddy niya sa organisasyon. Mas mapayapa na at wala ng


politikahan, hindi tulad noong panahon ni Madam Lira. But everyone knew that Ginny
Lopez is the person behind his Dad's back.

Dumaan sa ritwal at mga pagsubok ang Mommy niya kahit noon pa, kaya mas napanatag
ang kalooban ng pitong pamilya.

Kaya naman binitawan niya rin si Lorenz para gabayan ang magulang niya at lumipat
ito kasama si Cassandra sa UK.

"Honey?"

"Yes Mom?" matagal na natahimik ito sa kabilang linya.

"No-nothing. Ibababa ko na ang tawag."

"Okay, I love you Mom! good night!" Saka niya narinig ang pagputol nito sa linya.
Ramdam ni Cally na may gustong sabihin sa kanya ang Mommy niya at may pakiramdam
din siya na tungkol ito kay Yuna dahil nawala na lang ang mga ito sa ospital
matapos dumating ni Yuna.

Matapos niyang kausapin ito, tinungo niya ang drawer at kinuha ang dog tag ni Prin
Matsui. He can't wait na ibalik ang bagay na iyon sa kanyang Baby Panda. Pero
gagawin niya lang ang bagay na iyon kung sakali na tuluyan na talaga itong magbalik
sa kanya.

…..

KINABUKASAN, maagang nakatanggap ng tawag si Cally mula kay Mat-mat. Kasalukuyan


siyang nagkakape habang pinanonood si Yuna at Khalid na masarap na kumakain at
panaka-nakang nagpapalitan ng mga salita.

Nakatulong pa sa maganda niyang view ang orange na sikat ng umagang araw sa labas
ng bintana.

Naririnig niya pa na pinauubos ni Yuna ang mga pagkain ng anak niya sa plato nito.
Saglit siyang nag-excuse saka lumayo ng kaunti. Sapat lang sa lugar na mananatili
ang pagsilay niya sa 'magandang tanawin'.

"Yes?," sagot niya sa tawag ni Mat-mat.

"Heto na mahal na Prinsipe ang mga pinahahanap mo sa akin," sarkastiko nitong sabi.

Nakinig ng mabuti si Cally. "Three years ago, pumasok siya sa kumbento para
magmadre kaya lang na-realize niya yata na hindi siya para doon at lumabas matapos
manatili ng isang taon. Two years ago, nagsimula siya na hawakan ang business ni
Apolo. Walang boyfriend na na-report, sampu ang manliligaw pero walang sinagot
kahit isa."

Kumunot ang noo ni Cally.

"Pumasok sa kumbento para mag-madre?" nilingon niya si Yuna na kasalukuyang umiinom


ng kape.

"Are you sure about this?" paninigurado niya kay Mat-mat

"Of course…Hindi!"

"...Sinira ng mga anak ko ang super laptop ko, kaya someone have the audacity to
sabotage my investigation. Someone is hacking my files. And guess who it is?"

Hinantay niya ang sasabihin nito.

"Coffee, the french girl!"

….

"HINDI ko pa makalimutan ang ginawa ng babaeng ito samin ni Donna. But I wonder
kung ano ang relasyon ni Coffee kay Yuna."

Sa mga oras na iyon, ang gusto lang malaman ni Cally ay kung ano ang mga ginawa ni
Yuna sa tatlong taon.

It's easy for him to get a DNA test but it's not easy to get Yuna's history in the
past three years.
Isa pa, natatakot siyang malaman ang totoo, hindi pa siya handa kung ang babae
talaga si Prin. Ang pinanghahawakan niya lang sa ngayon ay ang damdamin niya. He
wanted to take it slow. Gusto niyang sabayan ang asawa niya sa hinaharap nito.

"Just continue to investigate," ang huling sinabi niya kay Mat-mat bago bumalik sa
mesa para harapin ang babae.

"Pwede kang sumabay sa amin sa pagpunta mo sa hotel," sabi niya dito.

"Kung ganoon, pasensya na sa abala," pagpayag nito.

Walang dalang sasakyan si Yuna kaya mabilis siyang napapayag ni Cally. Naiwan kasi
ang kotse niya sa hotel.

Ang totoo, wala rin siyang plano na magtrabaho sa araw na iyon kun'di matulog lang
sa suite niya doon.

Hindi kasi siya pinatulog ng simpleng halik nito ng nagdaang gabi.

…...

NANG makabalik si Yuna sa hotel, dumeretso siya agad sa suite niya. Papikit na siya
nang tawagan siya ni Coffee. Nanatili kasi ang babae sa Phuket at ngayong araw pa
lang nito plano na magbalik sa France.

"My dear, kamusta?" tanong nito.

"I'm good. Masakit lang ang ulo ko dahil hindi pa ako nakatulog kagabi. Buong byahe
kasi pauwi ng Maynila kahapon ay tulog ako."

"...Salamat nga pala sa kung ano man ang nilagay mo sa file ko," sabi niya dito.

"Yep. sinunod ko lang kung ano yung mga sinabi mo sa akin. By the way, where did
you get those ideas? Why did you choose na magpunta sa kumbento? walang boyfriend?
Madaming manliligaw? Etchetera? Until now hindi ako maka move on sa mga pinalagay
mo sa akin."

Natawa si Yuna pero hindi niya sinabi dito ang dahilan kahit pa simple lang ang
rason niya.

Cally is his first ever crush at pinaiimbestigahan siya nito. Hindi naman siya nag-
isip ng masama dahil madalas niyang makakasama ang anak nito. Normal na alamin nito
ang pagkatao niya.

At normal din na hindi niya gugustuhin na makarating dito na may ex-boyfriend


siyang scumbag na tumuhog sa kanilang magkapatid. Ayaw niya rin syempre na ipaalam
na patay na patay siya kay Felix noon at nakaraang taon lang sila nito naghiwalay.

Lalong-lalo nang ayaw niyang makarating dito na nagparetoke siya ng mukha. Anong
iisipin ng lalaki sa bagay na iyon?

"It's because it's exciting," simple niyang sagot kay Coffee.

"Oo nga pala, may sumabutahe sa sasakyan ng Daddy ni David, kaya doon siya umuwi sa
Singapore kanina,:" pagbibigay-alam nito.

"No problem, wala naman tayong trabaho recently, kaya ayos lang."

Matapos niyang makausap si Coffee nagpaalam na rin siya dito.


…..

TULAD ng plano, sa White Castle siya uuwi kinahapunan. She is missing Khalid
already.

Pumapasok na sa imahe niya ang pogi at seryoso nitong mukha. Ang mga pagkunot ng
noo. *cough* Hindi pala si Khalid kun'di ang tatay ang nasa isip niya.

Kaya naman matapos niya lang magbigay ng instruction sa sekretarya niya, lumabas na
siya para tumungo sa parking.

Nakita siya ni Mari na papuntang parking at sumakay ng kotse. Curious ito kung saan
siya pupunta. Nagtaas ang kilay nito at mabilis na sumakay din ng kotse at sumunod
sa kanya.

Napansin naman ni Yuna ang sasakyan ni Mari kaya mabilis niyang pinaandar ang
sasakyan. Hindi niya ipapaalam sa babae ang iterenary niya sa araw-araw. At lalong
hindi nito malalaman kung saan siya tumutuloy.

Bahala itong mabaliw sa kaiisip kung saan siya nagpupunta.

Lumiko ang sasakyan niya pakanan, pakaliwa, at niligaw niya ang babae. Nang hindi
niya na nasisilayan ang sasakyan nito, doon niya tinungo ang daan papuntang White
Castle.

Inis na inis naman si Mari dahil hindi niya nasundan si Yuna. Tinawagan niya si
Felix para magpasundo at magreklamo dito.

Hindi niya alam ang mga pasikut-sikot sa siyudad, kaya nangigigil siya lalo kay
Yuna.

"Felix, niligaw ako ni Yuna… I'm just trying to know kung saan siya papunta dahil
nag-aalala ako sa kanya," agad niyang reklamo sa lalaki.

"Mari, can you please stop calling me when I'm in a meeting?" iritableng sabi nito.

"... And why do you care kung saan siya nagpupunta? Napunta na rin ba ang utak mo
sa ipinagbubuntis mo kaya hindi ka nakapag-isip ng maayos? Nakalimutan mo ba na
buntis ka?"

"What can I do? Hindi ko alam kung nasaan ako," naiiyak na sabi niya dito.

"Wait for me then!" iritable na sabi nito.

Lalong na-stress si Mari. Kasalanan itong lahat ni Yuna! Nagalit tuloy si Felix sa
kanya!

Kailangan niya tuloy gumawa ng paraan para bawiin ang init ng ulo nito.

MAY isang linggo na si Yuna sa White Castle.

Kasalukuyan na inaaral ni Yuna ang financial statement ng Romantic Grand Hotel sa


buwan na iyon. Halos parehas lang sa kinita nila ng nakaraang buwan.
Nakaupo siya ng komportable sa couch at tanging ipad ang hawak niya para reviewhin
ang report na pinasa sa kanya.

She is expecting more profit dahil sa mga pag-ulan-ulan nitong mga nakaraang
linggo. Idagdag pa ang mga conference na mga naganap sa hotel. She noticed that
something is missing sa report na hawak niya kaya nagpadala siya ng email kay
Mildred para sa iba pang report na kailangan.

Si Khalid naman ay nagd-drawing sa canvass sa maliit na mesa na nasa tapat niya. He


is still doodling, mas enhanced nga lang ang skills kumpara noon.

Bumukas ang pintuan at sabay silang nag-angat ng mukha ni Khalid at nakita na


papalapit sa kanila si Cally. Umupo lang ito saglit sa katabing isahan na sofa.

"Yuna, would you like to go with me to the Vienna Hotel this saturday weekend? I
was invited in a business conference. It will also help you dahil marami kang
makikilala na opisyal and businessman sa event na iyon. Pwede mo rin i-promote ang
Romantik Grand Hotel." aya ni Cally.

Ang totoo, gusto ni Yuna. It's not because of their hotel but because of Cally.

For her, it was as if he was asking her to be his date. She can hold his arms,
enjoying their wine and so much more, Tatanggihan niya ba ang lalaki sa aya nito?
Of course not!

Ang hotel na sinasabi ni Cally ay nasa kalapit na city. Mga dalawang oras na byahe
mula sa White Castle.

Nagpabebe muna siya saglit kahit pa nga she is looking forward na sumama sa lalaki.

"Hmmm.. hindi ba makakabastos iyon sa Vienna? I am actually a rival."

"Iwan ako?" Putol ni Khalid sa usapan ng dalawa. Halata na agad ang pag-aalala
dito.

Napakamot sa pisngi si Yuna. Sa sobrang excited niya, nakalimutan niya na may


Khalid pa pala siyang kailangan na intindihin. Nasanay na kasi ang bata na kasama
siya sa gabi.

"How about you can go with me to a hotel. We can be together during daytime. Is
that okay?"

Tahimik si Khalid at nag-iisip. Tulad ni Cally, walang makita sa emosyon nito kaya
hindi niya alam kung natutuwa ba ito sa plano niya.

In Khalid's thought, as much as possible, he wanted all of her time. He wants the
day time and the night time. Aside from that, his Mommy will be busy kung nasa
hotel sila at hindi rin naman sila nito makakapagbonding sa maghapon.

Napangiti naman ng simple sa Cally, hindi man derektahan na pumayag si Yuna. Parang
sinabi na rin na plano nito na sumama sa kanya dahil plano nito na suyuin si Khalid
sa maghapon sa sabado.

"You can sneak on what I am doing in my office, isn't it great?" Dagdag ni Yuna.

"But I want to see my Daddy too," dahilan naman nito.

"Pwede kayong sumama sa akin sa opisina sa maghapon," sabad ni Cally.


Si Yuna naman ang napa-isip, bakit ang swerte niya sa araw na iyon? Makakaboso siya
sa lalaki hindi lang sa gabi kun'di pati sa maghapon.

…..

DUMATING ang sabado.

Nakapaghanda siya ng chiffon gown na susuotin ng mga nakaraang araw. Ayaw naman
niyang ipahiya ang lalaki sa mga kakilala nito kung isang simpleng gown lang ang
suot niya.

Ayos pa ang pakiramdam ni Yuna na pumasok sa MGM building hanggang sa makapasok


siya sa mismong opisina ni Cally. Maliwanag ang kabuuan ng buong kwarto dahil na
rin sa liwanag na nagmumula sa labas ng clear na salamin na halos pader na ng
opisina ni Cally.

May coffee-colored couch na malapad at pang isahan na nasa tapat ng isang maliit na
mesa. May piano sa tabi ng indoor plants na nasa isang gilid.

Sumalampak agad si Khalid sa carpet na pula at nilabas nito ang gamit mula sa bag
para ipagpatuloy ang pag-drawing nito.

"Here is my office. You can sit there," turo ni Cally sa couch saka ito tumungo sa
personal space nito.

Naka elevated ang malapad na mesa nito na nasa dulong bahagi ng kwarto. His office
is simple.

Nanuyo ang lalamunan ni Yuna habang pinagmamasdan ang buong kwarto ng opisina ni
Cally, nagkaroon ng pamilyar na pakiramdam si Yuna simula nang pumasok siya doon.
Looking at the small table kung saan nagd-drawing si Khalid, isang larawan ang
pumasok sa isip niya while looking at him. It was a different table before.

She saw the image of Prin Matsui studying on the table.

Even the couch was black and not a coffee color. Nilingon niya ang isang pader and
believes that there was a painting hanging in there. Not a wall clock.

Pinagpawisan ng malamig si Yuna. Hanggang sa nagkahalo-halo na ang mga imahe sa


paningin niya kasabay ng isang matinis na ingay ang naririnig niya.

Nagulat na lang si Cally nang bumagsak si Yuna at nawalan ng malay.

….

LOOKING at Cally, parang mas masakit pa na makita ang mga pagtulo ng luha nito.

Ang malalaking apoy ay pumapagitna sa kanilang dalawa ngunit hindi nakaligtas sa


kanya ang tahimik na pagluha ni Cally na mas tumatarak sa dibdib niya.

All she saw was pain. Nothing else but pain.

She cried having the thought na hanggang doon na lang siya.

They only have two minutes. Tears flowing down on her cheeks.

She is just looking at him dahil naubos na ang lahat ng lakas na mayroon siya. Ang
kaya niya lang sa mga oras na iyon ay ang pagmasdan ang mukha ni Cally.
She is starting na bawiin ang lakas. Kaunti na lang kasi ang natitira sa lakas
niya. At walang panghihinayang sa dibdib niya kahit ubusin niya ang lahat ng iyon
sa pagtitig kay Cally sa pagitan ng maiinit na apoy.

Umingit ang barko simbolo na nasira na ang iba't ibang parte nito dahil sa sunog at
sa bomba.

Gumewang ang barko ng Maria Celeste 1 dahil sa mga bomba na pinasabog ng Princess
Ghost ship. At nahati iyon sa dalawa.

Dahilan para dumausdos si Prin sa pader na gawa sa kahoy na may malalaking sunog.

"ahhhh…" halos hindi na niya maisigaw dahil wala na siyang natitirang lakas. Pero
pinilit niyang paganahin ang utak niya. At nagbibilang ng minuto.

Literal na pakiramdam niya ay kinakain siya ng apoy.

She saw Yuna sa sahig sa di-kalayuan na dumausdos din ang katawan. Ilang minuto na
itong hindi kumikilos kaya alam niya na wala na itong buhay.

Mabilis na humapdi ang buong mukha ni Prin. Pinilit niyang gumapang papalabas ng
pader na iyon na nasusunog.

Ang sumunod na naramdaman ni Prin ay ang lamig ng tubig dagat.

'Prin, you can do it!' sabi niya sa sarili.

Pinilit niyang indahin ang hapdi ng pisngi at sakit ng ulo. May naririnig pa siyang
matinis na ingay.

'You are a Dark Guard! Do it for your baby! Do it for Khalid,' sabi niya sa sarili.

Binigay niya ang lahat ng natitira pang lakas para makalayo. Lumangoy siya papalayo
sa Maria Celeste 1 dahil alam niya na anumang oras ay sasabog na iyon.

She can't see the Princess Ghost ship. She knew na nagtatago sa dilim ang malaking
barko ni Cally na halos camouflage na iyon. At wala rin ang barko sa direksyon
niya.

May fifty meters pa lang yata na nakakalayo si Prin nang tuluyan na sumabog ang
Maria Celeste 1. At nagsimula iyon sa ilalim ng tubig. Pero hindi katulad ng
inaasahan na sobrang lakas.

Mukhang nakagawa ng paraan ang mga kasama niya.

Gayunpaman, nagkaroon pa rin ng pressure ang pagsabog sa ilalim ng tubig.

Naramdaman na lang niya na hinampas siya nito papalayo hanggang sa hindi na niya
maramdaman ang lahat ng parte ng katawan niya. Tuluyan ng naubos ang isip at lakas
niya but she could feel the cold water na halos magpayelo sa mga laman niya.

Siguro ganito ang pakiramdam ng namatay.

Black out lahat.

Nagpatianood na lang siya sa dagat at kung saan siya gustong dalhin ng panginoon.

"Mommy…"
"Mommy…"

Mga pag-iyak ni Khalid ang nagpabalikwas ng bangon kay Yuna.

Napaupo siya bigla at inaral ang lugar kung saan siya nandoon. She was in a white
hospital bed. Puting-puti ang pintura at tanging paintings lang ang nagpapakulay sa
kwarto.

The room is somehow familiar. Ito ang parehas na kwarto kung saan dinala si Khalid
ng nakaraang linggo.

Saka niya ito nilingon at nakita na sumasampa sa kama.

"Mommy…" nagputoy ito sa pag-iyak.

"Khalid!" agad niya itong niyakap. She cried hard habang yakap ito ng mahigpit.

Kapwa sila umiiyak. Kapwa takot ang dahilan sa magkaiba nga lang na rason.

"Mommy, are you okay now? Do you feel anything bad? Khalid was sorry, I wasn't able
to carry you here in the hospital."

It's because he is small, hindi niya kayang buhatin ang Mommy niya.

Pinaiwan pa ni Cally si Khalid sa opisina at pinahatid kay Xander na iuwi ng White


Castle para dalhin ang katawan ni Yuna na nawalan ng malay sa ospital.

Kinulit lang nito si Xia para dalhin ito doon sa ospital habang wala ang Daddy
nito.

Lalong lumakas ang pag-iyak ni Yuna kasabay ng pagtawa. Hindi niya alam kung
natatawa siya o naiiyak dahil sa sinabi nito. Para siyang nababaliw.

"Daddy is bad! He doesn't allow me to be here," reklamo nito sa pagitan ng pagluha.

Pinupog niya ito ng halik sa buong mukha.

"Don't worry, we will teach him a lesson." Hindi na naman niya napigilan na umiyak
habang nakatitig sa mata nito.

Bumukas ang pintuan at nakita niya si Xia saka si Xander na pumasok.

"Where is your Master?" tanong niya dito.

Nakakunot naman ang noo ni Xander.

"Miss Yuna nagpunta na po sa conference, may isang oras na po siyang nakaalis. Nang
masiguro ng doktor na ayos ang lagay n'yo, doon lang siya napanatag saka umalis
papuntang Vienna Hotel."

Tingnan mo ang lalaking iyon, iniwan na lang siya basta dito. Hindi ba nito alam na
masama mag-iwan ng ka-date?!

Napansin niya ang invitation sa medicine cabinet na mukhang naiwan nito.

His face is an invitation already kaya hindi nito kailangan ang bagay na iyon. Tsk!

Hinarap niya si Khalid at pinunasan ang basang pisngi nito.


"Baby, stay with Xia in White Castle, okay? susunduin ni Mommy si Daddy para paluin
sa puwet."

SHE handed her black invitation card sa lalaking naka-suit ng itim at nag-aabang sa
main entrance ng event hall. Saka niya sinimulang hanapin si Cally.

Nagkaroon pa sila ng mahabang seremonyas ni Khalid para lang sumama ito kay Xia.
Mahabang biyahe ang papunta doon mula sa White castle at hindi niya gugustuhin na
mapagod ang anak niya.

Nakapukaw si Prin ng ibang bisita. She looked dreamy in her midnight blue silk
chiffon evening gown na tinernuhan niya ng diamond necklace. Over these three days
ay pinaghandaan niya ang damit na iyon bilang si Yuna para hindi mapahiya si Cally
sa pagdala sa kanya sa event na iyon.

Halos puro tungkol sa business ang naririnig niyang usapan sa paligid.

Inabutan siya ng wine ng napadaan na waiter. Kinuha ni Prin ang bagay na iyon para
magkaroon siya ng lakas ng loob na harapin si Cally.

Madaming tao sa lugar at nahirapan siyang hanapin ang asawa niya.

Hinarap niya ang isang waiter. Pasimpleng inabutan niya ito ng pera.

"Sir, have you seen Master Cally? He is the president of MGM. I will be glad na
dagdagan pa iyan kung sakaling ipapaalam mo sa akin kung nasaan siya."

Simple rin naman na tinanggap nito iyon. "Marami po kasi ang nangungulit kay Master
na mga business partners para ireto ang mga anak nilang babae. Hindi ko po alam
kung nasaan siya ngayon pero magtatanong-tanong po ako,"bulong nito.

"Salamat." sa sobrang tense ni Prin, naubos tuloy niya ang lahat ng wine na laman
ng kopita saka niya ibinalik dito. Mabuti at maganda ang ibinalita nito sa kanya
kun'di ay makakatikim ng suntok sa kanya ang asawa niya.

"Where do Cally go kapag ganitong nab-bwisit siya?" bulong ni Prin.

"Yuna?" May kumalabit sa kanya. Bigla ang paglingon niya sa nagsalita at nakita
niya si David.

"David?" Nasorpresa siya na makikita ang lalaki sa event na iyon.

Iba ang ayos nito. He is wearing a gray business suit na hindi normal sa suot nito
tuwing kasama niya.

"What are you doing here?" sabay nilang tanong sa isa't-isa. Hinayaan niya naman na
ito ang maunang sumagot.

"Naaksidente ang Daddy ko last week kaya heto, I have no choice kun'di ang magpunta
dito sa event. May hinahanap ka?"

Napansin na kasi siya nito pagpasok pa lang niya sa main entrance.

"Ah yeah." Bigla niyang naalala si Cally.


"Ah Yes, catch you later. May kailangan akong puntahan." Mabilis na siyang umiwas
dito at nag-excuse sa makapal na grupo ng tao. Tinawag pa siya nito pero hindi na
niya pinansin dahil alam na niya kung saan posibleng nagpunta si Cally.

Mabibilis ang mga hakbang at nagtanong-tanong siya sa mga waiter kung saan makikita
ang garden ng hotel.

Tinuro naman sa kanya kung saan.

"May fireworks kayo?" tanong niya sa isang hotel staff. She wants to celebrate that
day with fireworks.

"Meron po, Mam."

"Okay! Sabi ng organizer, in 10 minutes paputukin n'yo daw lahat," saka niya ito
inabutan ng pera at nagmadaling tumungo sa garden.

Huminga siya ng malalim at nakaramdam ng tense. Humigpit ang hawak niya sa silver
pouch na tanging bitbit.

Wala siyang nakitang tao sa garden sa unang tingin. Humakbang pa siya para iikot
ang paningin sa kabuuan nito.

Napayuko siya at nag-isip muli kung saan pa maaring magpunta si Cally.

"What are you thinking?" Nabigla siya nang magsalita ito at lumabas sa malalaking
halaman. Nasapo niya ang dibdib dahil sa gulat.

"You are so bad! Para akong aatakihin sa puso dahil sa gulat sa iyo."

Nakatingin lang ito sa kanya. Mukhang nagtago pa yata ito nang makarinig ng
kaluskos.

Nilapitan niya ito saka sinuntok ng mahina sa dibdib. "That is for Khalid! Bakit
hinahayaan mong maging pasaway ang anak natin?" Simula ng reklamo niya dito.

Sinuntok niya muli ito ng isa pa "And that is for me! Alam mo bang masama ang nang-
iiwan ng kadate?" sabi niya dito.

Sinuntok niya ito ng isa pa "And that is for me again!"

"And this and this!" Hinayaan lang siya nito na suntuk-suntukin niya ito sa dibdib.

Hinuli nito ang kamay niya. Then, he locked her in his embrace na halos wala ng
space na pumapagitan sa kanilang dalawa.

"I miss you so much," bulong nito.

Napaiyak si Prin. "Kailan mo pa alam?"

"Airplane."

Inisip niya kung saan ang airplane na sinasabi nito. At pumasok sa isip niya ang
byahe nila mula sa Phuket hanggang Maynila.

Kaya ba nito pinahiram ang Master's bedroom sa kanya? Kaya ba every night ay
nabibigla na lang siya tuwing dadampian nito ng halik ang pisngi niya para sa
goodnight kiss? Kaya ba he let his guard down whenever she is around.
It's been hard for Cally na hindi siya kulitin at sinarili nitong mag-isa ang
sitwasyon sa loob ng ilang araw.

"Do you like the new me?"

Inangat niya ang mukha at sinalubong ang mata nito, para siyang pusa na naghihintay
ng sagot mula sa Master nito.

Hindi na ito sumagot sa halip ay sinakop nito ang labi niya. Isang pulang fireworks
ang pumutok sa langit na sinundan ng marami pa na para bang nakikiisa sa damdamin
nila.

*****

Hotel staff sa kasama nito, "gago ka boy! Hindi kasal ang event ngayon lagot ka kay
boss!"

….

MARAHAS na hinalikan ni Cally si Prin habang hawak ang panga niya matapos siya
nitong itulak sa pader.

They ended up in a hotel room sa hotel kung saan sila naroon.

Hindi pa nga nila nabubuksan ang ilaw at dilim ang bumabalot sa buong kwarto.

Basta matapos nilang gamitin ang card key sa pintuan na dapat ay nilalagay sa
maliit na box para magkaroon ng ilaw ang buong kwarto ay tinulak na siya nito sa
pader.

"Honey, made-deform na 'yung mukha ko," reklamo niya sa pagitan ng paghabol ng


paghinga.

"It's your punishment!"

Just as she was about to move away from him para hanapin ang card key na hindi niya
alam kung saan napunta, his arm suddenly embrace her waist and pulled her back.

He sealed her lips again.

Sobrang tahimik ng kwarto at tanging palitan lang ng mga halik at paghinga nila ang
maririnig.

Under the complete darkness, he carried her and brought her on the bed. Naramdaman
na lang niya ang paglapat ng likod niya sa malambot na kama.

"Honey, we need to open the aircon at least," pakiusap niya dito.

Walang nagawa si Cally kun'di ang hanapin ang card key na nahulog sa kung saan.
Nakita rin naman niya agad ang bagay na iyon at hinanap ang box para mag-on ang
kuryente sa buong kwarto.

The room suddenly filled with warm light. At doon lang napagmasdan ni Prin ang
buong suite.

He tossed his long blazer sa kung saan. Saka sinimulan na tanggalin ang butones ng
polo nito.

Lumitaw sa paningin niya ang maganda nitong katawan. Napalunok si Prin dahil sa
init. Umepekto na rin yata ang wine sa kanya.

"H-honey, w-we need to go home. mag-isa lang si Khalid sa White Castle. Sa-saka
mainit dito hindi tulad doon," sabi niya dito at tumayo mula sa kama.

Tinitigan siya ni Cally, is she trying to escape the situation? In her dreams!

He pushed her again on the white king size bed as he started to kiss her neck. His
hot breath and touches are causing her entire body to tremble.

So passionate.

Ilang saglit pa naramdaman na lang niya ang lamig ng kwarto dahil nahubad na nito
ang gown na suot niya.

"Mainit pa?" he sarcastically asked in a hoarse voice.

Hindi nakasagot si Prin dahil parang dinala na sa kalawakan ang lahat ng natitira
niyang katinuan.

He kissed her passionately. He pressed himself against her body to feel the burning
heat through his pants.

Naramdaman na lang niya ang pag-ikot nila sa kama. "I will let you off and see your
kid once you satisfy me. Come on, start your performance now."

Humiga ito sa kama at naghihintay sa gagawin niya.

Siguro kung ang sitwasyon ay hindi pa siya nadadarang, baka nakipagmatigasan siya
dito.

She pushed down his pants and placed small sweet kisses on his bare chest.

While on heat, bigla na lang pumailanlang ang ring na nagmumula sa cellphone ni


Prin na nasa loob ng silver pouch.

"Don't mind whoever it is."

"Sasagutin ko." Hindi na niya hinintay pa ang sagot ni Cally at kinuha ang silver
pouch para ilabas mula doon ang cellphone niya.

Nasa isip kasi niya na baka tumatawag si Khalid o kung sino man na may importanteng
kailangan.

She saw the caller was David.

Halatang nakita ni Cally iyon at hindi ito natutuwa. Kasabay ng pagsagot niya sa
tawag ang pagtulak sa kanya ni Cally pabalik sa kama.

"Yes, David?" tanong niya. She felt hot palms on her naked chest pababa sa tatsulok
na panty. He tossed it in a second.

"Itatanong ko lang kung nakabalik ka na. Pwede kang sumabay sa akin pabalik ng
Romantik Grand Hotel."

"No need. May kasama na ako," simpleng sagot niya dito.

Saglit na natahimik ito. "Okay, did you enjoy your vacation last week?"
"Ahhh!" natutop na lang niya ang bibig dahil sa kahihiyan matapos lumabas ang ungol
sa bibig niya.

Cally suddenly flicking her bean.

"*cough* yes," sagot niya kay David.

"Are you… okay?" tanong nito nito sa kabilang linya.

"Yap… so uhmm… G-goood. Good. Yes, yes, yes, I-I'm good. Good!" He is currently
kissing the bean.

Hindi niya alam kung para ba iyon sa tanong ni David o para sa mainit na sensasyon
na nararanasan ng katawan niya. Halos lumiyad na ang buong katawan niya at hindi
alam kung saan niya ilalagay ang mga binti.

Napapikit siya at hindi na maintindihan na mayroon siyang kausap sa kabilang linya.

"I see. Mukha nga… Did Coffee tell you my current situation?"

Pinipigilan niyang magsalita dahil baka kung ano ulit ang lumabas sa bibig niya.

"Yuna?"

"Ohhh!!! Yeah… yes… Yes! I.. I have to go. Bye!" Hinagis niya ang cellphone niya sa
kung saan.

Then, a slow moan escaped her lips.

Hinarap siya ni Cally. "I don't mind giving you punishments kung sakali na may
istorbo."

Sinakop muli nito ang labi niya. Then, without hesitation, he roughly entered her.

NAGISING si Prin nang masakit ang buong katawan. May naaamoy siyang kape. Kaya
parang wala pa sa sarili na minulat niya ang mata niya at hinanap si Cally.

Natagpuan naman niya ito na nagkakape sa harap ng coffee table. Naka-roba at


nagbabasa ng diyaryo. Nakabukas ang kurtina sa pwesto nito kaya dumadampi sa
kalahati ng katawan nito ang sinag ng araw na nagmumula sa labas.

This man told her that he would release her once he was satisfied.

But to her surprise, hindi niya alam kung anong oras na itong natapos sa
panggigilan ang katawan niya. Gusto pa naman sana niya na makauwi agad ng maaga
para makita ang kanyang baby panda.

But this man is devil enough para ubusin ang lakas niya.

Nakita siya nito na umupo kaya iniwan na muna nito ang dyaryo sa tabi at nilapitan
siya. Binuhat ni Cally ang hubad niyang katawan saka siya nito dinala sa bathtub
para paliguan.

She is enjoying this new gesture from him. Nakatitig lang siya sa seryosong mukha
ni Cally habang seryoso rin na nililinis ang lahat ng parte ng katawan niya.
Matapos siya nitong banlawan, kinuskos nito ng mabuti ang buhok niya ng tuwalya
saka siya sinuotan siya ng roba.

Then, he carried her again and placed her on his lap sa kung saan ito nakaupo.
Looking straight in her eyes, he asked. "Is there anything you want?"

Sinilip niya ang mga pagkain sa mesa. May mga tinapay, butter at kape.

"Hmm... I want my baby panda," diretsong sagot niya dito.

"Kumain ka muna. I asked someone to send us a new set of clothes."

Tumango lang siya saka kumuha ng isang slice ng tinapay at naglagay ng butter.

He placed his head on her shoulder wanting all her nice scent to fill him. Habang
yakap nito ang buong bewang niya.

Sinimulan niyang usisain ito sa kung paanong nakaligtas sa kaalaman nito na ibang
katawan ang nakuha nito and not her. Sa isip ni Prin, hindi ganito magtrabaho ang
mga kasama niya lalo na si Cally.

She can't believe na hinayaan na lang nila na tanggapin na siya ang babaeng nakuha
ng mga ito.

"Honey, what really happened that year? How did Yuna come into your hands?"

Tinitigan muli siya nito sa mata at hinaplos nito iyon.

"It's because she is wearing your dress and aside from that, nasunog ang halos
buong mukha niya. What remains are her forehead and eyes. So it's easy to tell
myself that it's Prin Matsui… during that time, I don't care about Yuna or anybody
else."

"During that night, behind those fires, I never cared about what you were wearing,
or if Yuna was there, or if Captain Yeo was dead. you know? They gave me a body the
same as you, there is also a stab on her chest and that's it."

"Bakit hindi ka nagpacheck ng DNA?" tanong niya dito bago siya sumubo ng pagkain.

"Because it will hurt me more. I thought all the answers were there," sagot naman
nito. Tumango-tango si Prin.

She was satisfied with his answer.

"Honey, I think it will be better kung tayong dalawa na muna ang nakakaalam na ako
si Prin," sabi niya dito.

Hindi ito sumagot pero base sa reaksyon ni Cally, halatang depende sa rason niya
kung papayag ito o hindi.

"It's because... I think Apolo knew that I am not the real Yuna Byrnes." Katwiran
niya dito saka ito sinubuan ng tinapay na nilagyan niya ng butter. Cally may think
that she was dead but not Apolo as Yuna is his daughter.

Bilang anak nito, imposible na hindi nito makilala ang tunay na Yuna kahit pa
sabihin na nawala ang ala-ala niya. Maybe he thought na siya si Yuna sa simula but
not during those two years na nagsimula na siyang magtrabaho sa Romantic Grand
hotel.
Kumunot ang noo ni Cally "Why?"

"He found me as his best descendant."

Normal na mag-isip ng ganun si Prin lalo na at mahinang babae si Yuna base na rin
sa mga naririnig niya. Nakasama niya rin ito ng minsan kaya masasabi na tama ang
mga balitang iyon.

Isa pa, may problema si Prin sa Financial Statement nitong mga nakaraang araw sa
hotel branch na pinamumunuan niya. Hindi makakaganda sa imahe niya kung sakaling
bigla siyang lilitaw bilang si Prin.

Some may doubt her and worst pagbintangan siya na ginamit ang anak ni Apolo.

"Are you the best descendant?" pang-iinis nito.

Pinalo niya ito sa dibdib. "Hindi ka ba nagandahan sa pamamalakad ko sa Romantik


Grand? You told me you see a difference."

"I see differences in the carpet, dining and other things," pang-iinis muli nito.
Parang sinabi na rin na pinalitan lang niya ang mga gamit sa hotel ni Apolo.

Inirapan niya ito.

"Yes, I'll follow whatever plans you have but make sure to spend more time with
your baby panda."

"No problem." Bukal sa loob na gagawin niya ang huling sinabi nito. "Oh Husbie! I
miss you so much!"

….

"Husbie, What are your activities today?" It was sunday morning and she is
expecting that he will be staying with her at White Castle.

"What are your plans?" sa halip ay balik-tanong nito.

"I am thinking of cooking something for my baby panda. What about a cake?" nilingon
niya ito na nagmamaneho.

"...I missed two of his birthdays," malungkot na sabi niya.

"You know how to bake?" He asked, sounded surprised. Inirapan niya lang ito.

"Of course I know! My skills have improved a lot okay, a lot!" Binigyang-diin niya
pa na marami na siyang alam ngayon. Hindi na siya ang dating Prin Matsui.

Halatang duda si Cally, sampung taon mahigit man ang lumipas pero naaalala niya pa
rin hanggang sa mga oras na iyon na muntik nang sunugin ni Prin ang kusina ng bahay
nila dati.

"... Cassandra taught me how to cook and I was Maria Celeste's cook for seven
years… I've been a hotel manager for two years and of course knew how to manage our
kitchen."

Tila may tumarak na patalim sa dibdib ni Cally nang marinig ang sinabi niya. He
stopped the car and pulled her to give her a passionate kiss.

Looking in her eyes, he wanted to say he is sorry.


Sa loob ng labing isang taon, mas matagal pa silang nagkalayo kaysa magkasama. Kaya
naman nangangako siya na gagawin niya ang lahat para bawiin ang lahat ng iyon.

He promised that he will be with her every day.

"May I ask your forgiveness? I promise you that there is no third time," sabi ni
Cally.

"Bakit ka naman manghihingi ng patawad? hindi mo naman kasalanan." Part of it was


her fault. Ano ang magagawa niya? she has been raised as a warrior princess, a Dark
Guard.

"But it's my duty as your man."

Nagagalak ang dibdib niya na marinig mula dito ang mga bagay na sinabi nito. Siya
na ang kusang yumakap sa asawa niya saka ito hinalikan.

Her heart was filled with sweetness. Gusto niyang bumawi at patunayan pa sa lahat
na karapat-dapat siya kay Cally.

Isang katok mula sa bintana ng sasakyan ang gumambala sa kanila kaya naputol ang
halikan na hindi nila alam kung gaano katagal.

Binuksan ni Cally ang bintana at sinalubong ang mata ng traffic enforcer.

"Sir, illegal parking kayo dito. You are causing traffic kulang na lang ay may
gawin na kayo dito sa kotse."

"Sorry officer, it's because my wife says she's pregnant. I got excited,"
pagpapaumanhin ni Cally.

"Who- who is pregnant?" alma niya agad.

"Honey, nakalimutan mo na ba na buntis ka? Uuna na po kami..." pinisil nito nang


sobra ang pisngi niya nang paandarin nito ang sasakyan.

"No no... not my face!" reklamo niya.

Saka sumilip agad sa salamin, baka kung ano ang nangyari sa mukha niya at matakot
ang anak niya na magmukha siyang kuko.

…..

SA UMAGA, matapos nilang umalis ni Cally ng hotel, namili sila ng mga gagamitin sa
baking. Gusto niyang bigyan ng cake si Khalid sa dalawang birthday nito na hindi
siya nakasama. She was lucky enough na sakto ang araw na nagkita sila nito sa araw
ng kaarawan nito ngayong taon.

Pinag-aaralan naman siya ng lihim ni Cally habang kumukuha ng mga kakailanganin sa


supermarket.

Her skills have improved a lot simula ng 19 years old siya but her actions and
gestures are still the same. She can now manage a hotel and investigate things with
her own skills.

Maybe her visual is different now but she was still the same Prin Matsui, his
greatest love.
Nang sumapit ang hapon, nagbonding sila ni Khalid sa baking habang nanatili naman
si Cally sa opisina nito para magtrabaho. Ang anak niya ang nagsukat ng harina,
nagbati ng itlog at kung ano pa na madadaling gawin.

She wanted to spend more of her time with her family. Marami-rami siyang babawiin
sa pamilya sa ilang taon na nawalay siya sa mga ito.

Dalawang chiffon cake ang nilabas nila mula sa oven. Pinalamig lang nila iyon
saglit habang gumawa ng icing.

"Now baby, we will put icing. Let's make a Panda cake okay. A mommy panda and a
baby panda," mungkahi niya dito. Isang itim at puti na kulay ng icing ang nasa
harapan nila.

"Wow! That's cool!"

Halos matatapos na sila sa pagbuo ng cake nang bumaba si Cally. Nakakunot ang noo
nito habang nakatingin sa cake nila.

"Uhm… What are you trying to do?" alam ni Prin na para sa kanya ang tanong nito.

"Daddy, we are making a panda cake," masayang sagot ni Khalid.

Nakahawak si Cally sa baba at pinagmamasdan ang mga cake na gawa nila. "Mukhang
Panda yung cake ni Khalid. However..."

Nagbabanta ang mata ni Prin sa susunod na sasabihin ng asawa niya.

"Mukhang aswang 'yung cake ng mommy mo," diretsahan na sabi nito na hindi man lang
siya binigyan ng kahihiyan.

Prin "..."

"Honey, I thought your skills have improved a lot. Don't tell me aswang ang kumuha
sa iyo kaya ka inspired."

"Shut up!"

IT WAS Monday morning.

Napagdesisyunan nila na isasama niya si Khalid sa hotel. Of course, her kid is


extremely happy about the thought.

She can spend more time with her baby. Sinama niya ito sa opisina niya at pinaupo
sa couch na para sa mga personal niyang bisita. Nilabas muli nito ang drawing book
saka nagsimulang magdrawing.

Napapangiti siya habang pinagmamasdan ito na nagkukulay. Three years ago, it was
his favorite thing to do. Hanggang ngayon ay paborito pa rin nito ang colored pens.

Nang pumasok si Mildred, nabigla ito na makakita ng bata sa loob ng opisina ni


Prin. Sa isip nito, nang nakaraang linggo nautusan ito na magdala ng damit sa suite
ni Miss Yuna na sa tingin nito ay para sa batang tahimik na gumuguhit sa couch.

"Who is this kid?" interesadong tanong ni Mildred bago pinatong ang ilang folder ng
hotel records sa table ni Prin.

"I'm his son," si Khalid ang sumagot na bahagyang nag-angat ng ulo.

Nanlaki ang mata nito. "M-may anak na po kayo, Miss Yuna?"

"Anak siya ni Master Cally," simpleng sagot niya na nagtitimpla ng kape. Hindi niya
ito sinagot ng direktahan dahil may usapan sila ni Cally na ililihim na muna niya
ang tungkol sa totoo niyang pagkatao.

"Master Cally? As in MGM?!" Gulat na gulat ito. Inisip naman nito na normal na
magkaibigan sila ni Cally dahil magkalapit ang mga pamilya nila.

Tumango siya.

"Wow! Miss Yuna, his son is actually here. Wala siyang picture sa high society
dahil pinagbabawal ng MGM. ehhh!!! his son is actually here," paulit-ulit na bulong
nito pero kinikilig at gustong sumigaw.

"You like him?" curious siya sa inaakto ng sekretarya niya. Humigop siya ng kape.

Lalo naman itong naging excited sa tanong niya. "Oh!!! Miss Yuna, I like him so
much! Do you know Miss Yuna that I even joined a secret group na mga nagmamahal kay
Master Cally?"

*cough cough cough* Inubo siya at bahagyang napaso sa kape na tinimpla.

"But unfortunately, he will not love you or your group," narinig nilang sabad ni
Khalid.

Agad na napangiwi si Mildred

'what a savage little guy,' sa isip naman ni Prin.

"Of course we are not. We are just fans of your Daddy... And we understand that he
belongs to someone else." bigla naman itong nalungkot.

Napangiti si Prin. She knew Cally very well kahit na ilang taon pa siya na mawala,
hindi siya nito malilimutan.

'Of course, because he belonged to me,' mayabang na naiisip niya. Nagpatuloy naman
si Mildred.

"He is dating MGM's best celebrity, Millie Brown," bulong pa nito sa kanya na akala
mo ay nakikitsismis.

Si Prin naman ay nabuga ang iniinom niyang kape. Mabuti na lang at naroon siya sa
gilid kung saan naroon ang kape at wala siya sa mesa niya kung saan naman naroon
ang mga dokumento na kailangan.

"Okay lang kayo Miss Yuna?"

"Who- who is Millie Brown?" usisa niya habang pinupunasan niya ang sarili ng kape.

"His rumored girlfriend," si Khalid muli ang sumagot na para bang balewala lang
dito ang tsismis.

'He has a rumoured girlfriend? Why didn't I know about this?!' at alam ito ng anak
nila. Sumimangot siya sa nalaman. Well hindi naman niya masisisi ang sarili, dahil
wala naman siyang pakialam kay Cally noon.

"Can I have a photo with you?" tanong ni Mildred kay Khalid.

"Uhmmm," nag-isip muna ito. Nakangiti naman si Mildred at nag-eexpect ng magandang


sagot mula kay Khalid.

"No! It's because you hurt my Mommy's feelings. Bye!"

Mildred "..."

Nagbalik muli ito sa pag-drawing at parang lamok na lang si Mildred na nasa paligid
nito. Sumimangot si Mildred. Kinuha nito ang cellphone mula sa bulsa at itinapat
iyon sa lugar ni Khalid.

"Don't try to capture even a single strand of my hair." narinig nilang banta ng
bata kahit seryoso na namimili ng kulay sa mga colored pens na nasa ibabaw ng
table.

He is just a kid pero alam nito ang mga nagaganap sa paligid. He knew how to
protect himself from strangers.

Nanlaki ang mata ni Mildred dahil nakaramdam siya ng kilabot sa pananalita ng bata
kahit apat na taong gulang pa lang. Syempre hindi siya magtatangka na sundin ang
nais niya na makakuha ng larawan.

Sigurado na hindi siya makakalabas ng buhay sa hotel na iyon kapag pinilit niya ang
gusto.

Hindi napigilan ni Prin na matawa. Sa iilang araw na nakasama niya ang anak,
masasabi niya talaga na nagmana ito kay Cloud Han, idagdag pa ang ugali ng Daddy
niya na si Rob Matsui at ang pinaka-savage sa lahat, ang asawa niya.

Bigla tuloy niyang na-miss ang Daddy niya at ang Mommy niya.

Walang nagawa si Mildred kung hindi ang magpaalam na nakangiwi. "Sige na Miss Yuna
ako na muna ang mag-i-inspect sa labas."

"Don't tell anyone that I am here, okay?" huling banta ng anak niya dito.

….

INIIMBESTIGAHAN ni Prin ang lahat ng dokumento na binigay sa kanya ni Mildred.

Hiningi niya ang system records at nagbabalanse naman sa kung ano ang nasa final
statement.

Iyon nga lang, hindi palagay ang loob niya dahil hindi siya naniniwala na hanggang
doon lang iyon. She is living in the hotel for the last two months at hindi
nagsisinungaling ang mga mata niya, she is expecting more sales.

Records are easy to tampered by someone, at ito ang pinanghahawakan ni Prin.

Maybe this person thinks she is an idiot or walang alam kaya nagawa nito na subukan
siya dahil bago lang siya doon.

Kinuha niya ang desk calendar at nagbasa ng news online. Pinagbasehan niya rin ang
mga petsa kung kailan sa pagkakatanda niya ay marami silang guest sa hotel.
Tulad na lang ng kaarawan ni Khalid. Puno ang lahat ng kwarto sa araw na iyon dahil
sa assembly na ginanap sa hotel nila. Idagdag pa na umulan at bumaha kaya puno pati
na ang restaurants.

Pero base sa records, normal lang ang sales nila tulad ng mga nakaraang buwan.

Pwede naman siyang mag-imbestiga ng mas malalim, iyon nga lang kakailanganin niya
mismo ang mga resibo para mag-audit at masyadong mauubos ang oras niya doon.

She wants an answer as soon as possible.

Eksakto naman na nakatanggap siya ng tawag kay Coffee para ibalita lang nito sa
kanya na ayos na ang issue niya sa Paris Branch.

Nagpapasalamat naman siya dito dahil hindi naman niya ito sinuswelduhan at tanging
pagkakaibigan lang ang bayad nila sa isa't isa.

"Coffee Dear, can I ask you a favor?" tanong niya dito sa kabilang linya.

"Sure! what is it?" mabilis na sagot nito.

"Looks like there is something wrong with my Accounting Branch Manager. She gave me
a report which I do not believe. My expected sales are not like this and even the
expenses have been doubled," paliwanag niya.

"Hmmm.. Maybe you gave a discount in accomodation Apps?" nagbigay ito ng isang
rason ng mga posibleng dahilan kung bakit mababa ang sales nila.

"Still, I need answers. What I need to know is kung may nadagdag ba sa bank account
niya or something," ito lang naman ang posibleng dahilan.

"Okay, Got it! Catch you later!" Nagpaalam na ito sa kanya at alam niyang anumang
oras ay tatawagan muli siya nito.

Ayaw niyang mapraning at lalong ayaw niya na ituro sa kanya ang isyu pag dating sa
huli.

Maganda na ang handa at nakakasiguro siya na malaki ang tulong na mabibigay nito sa
kanya. Saka niya kakausapin ang Accounting Manager kung sakaling may makita itong
kahina hinala.

Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan. "Tuloy."

Bumakas iyon at bumungad si David. Inaasahan niya na nakauwi na ito sa Singapore


kaya nagulat siya saglit.

"Oh, Hi David!"

Pumasok ito sa loob para harapin siya. "Aayain sana kitang kumain ng meryenda,"
sabi nito.

Ngunit bago pa siya maka-oo o hindi, inangat ni Khalid ang ulo at diretsahang
sinagot ang paanyaya ng lalaki.

"She's not available. Thanks!" saka binalik ang atensyon sa ginagawa.

Prin "..."

Kumunot ang noo ni David at sinisino si Khalid. Nakilala din naman nito agad si
Khalid na ito ang batang tumawag sa kanya ng Mommy nang araw ng birthday ng anak
niya.

"Oh! Sorry, may bisita ka pala."

"I'm not just a visitor, I'm her son," sabi habang patuloy sa pag-guhit na para
bang ayaw na nitong tapunan ng tingin si David kahit isang sulyap.

David "..."

Napakamot sa ulo si David.

Sinabihan siya ni Coffee na maglakas ng loob at huwag to-torpe-torpe kaya


sinisimulan niya na ang kausapin si Yuna ng mas mahaba, hindi katulad noon na
simple lang sila nito mag-usap.

Nagkataon naman na kinailangan niyang magpunta sa Maynila para um-attend ng


Business assembly.

"Okay, some other time then," sabi ni David.

"Oh, by the way, we have this secret camera right? Can you install two cameras here
in my office?" tanong niya.

"Sure. Let's schedule it tomorrow," nakangiting sabi nito. Matapos iyon, may kinuha
itong kahon sa bulsa at inabot sa kanya.

Kumunot ang noo ni Prin saka iyon kinuha at binuksan. Isang sapphire-white gold
bracelet . Binalik niya ang paningin kay David.

"David, this is too much. I won't accept this."

He felt bad in a second dahil pakiramdam nito ay nabasted agad, pero nakabawi rin
naman agad matapos maisip na gano'n talaga siya. "Don't think too much, it's a gift
from the three of us para sa tulong mo sa 'min sa loob ng isang taon."

"B-but… I can't accept gifts."

Ngumiti naman ito. "Kung nahihiya ka talaga, maybe palitan mo na lang ng iba sa
susunod," sabi nito.

"I…" hindi niya tuloy alam ang sasabihin. It's a nice sapphire bracelet. Mga asul
na maliliit na bato na nakadisenyo sa white gold bracelet.

Nagpaalam ito agad para hindi na niya maibalik pa ang bracelet dito.

Ang mas nakakatawa, titig na titig ang anak niya sa kanya na para bang may ginawa
siyang kasalanan. Napalunok siya habang sinalubong ang mata nito.

"A-are you Daddy's spy?"

"Yes." tapat na sagot ng anak niya.

Prin "..."

Ngayon ay alam niya na kung bakit kusang-loob na pinasama ni Cally sa kanya si


Khalid.

"But don't worry, I love Mommy more. Your secret is safe with me."
Prin "..."

"BABY, is there any food you'd like to eat?" tanong niya kay Khalid habang
naglalakad sa hallway ng hotel.

Matapos umalis ni David, naisip niya na kailangan na rin nilang umuwi ni Khalid
para hindi sila gabihin.

"Anything you cook, Mommy," sabi nito.

Naisip niya na mabuti pa ang anak niya at na-aapreciate ang mga gawa niya, hindi
tulad ng Daddy nito na tahasang laitin ang gawa niya pero naubos naman nito mag-isa
ang Aswang cake niya nang nagdaang araw.

Nakasalubong nila si Mildred sa hallway.

Nakangiti ito ng pilit habang iniiwasan na tumingin kay Khalid. Nakatikim kasi ito
ng bagsik mula sa batang Han at iniiwasan na nitong makatikim muli ng kahit na
anong banta sa bata.

He looked adorable and cute, pero alam niya sa sarili na hindi isang simpleng bata
si Khalid base na lang sa pananalita nito. He is smart.

"Uuna na kami. Tawagan mo ako kung sakaling may problema," paalam ni Prin sa babae.

"Ingat po, Miss Yuna."

"Thank you. Baby, please give untie Mildred a goodbye kiss," utos niya sa anak para
makabawi man lang sa ginawa ng anak niya dito.

Saka ayaw niya na magkaroon si Mildred ng impresyon na hindi natuturuan ng


magandang asal ang anak niya.

Nagliwanag ang mata ni Mildred. Kapag nalaman ng mga kagrupo niya na nahalikan siya
sa pisngi ng anak ni Master Cally, siguradong maraming maiingit sa kanya.

Walang expression si Khalid pero sumunod ito sa kanya. Hangga't maaari ayaw nito na
humahalik sa kung kanino lang, lalo na sa hindi kilala.

He thought after that 'I need to brush my teeth ten times tonight'

"Miss Yuna, gusto mo bang sumali sa group namin? It was actually fun saka malapit
lang dito. Ang leader namin ay may-ari ng ice cream house na puntahan ng mga fan
girls. Pero nakapokus kami kay Master Cally bilang siya ang humuhulma sa lahat ng
artist na pangarap ng iba. Kaya naman marami kaming fans niya..." kinikilig na sabi
nito.

"...Huwag kang mag-alala, hindi kita pipilitin kung sakali na ayaw mo. Pwede kong
sabihin na dinala lang kita doon para kumain ng ice cream."

Nag-isip naman si Prin. Ang totoo, nacurious din siya kung ano ang mayroon sa grupo
nito na fans ng asawa niya. Isa pa, posible na may masagap siyang tsismis doon kung
ano ang mga ginawa ni Cally sa loob ng tatlong taon.
"Sure. Let's go tomorrow."

…..

SUNOD na nakasalubong nila si Mari sa hallway. Sa totoo lang, hangga't maaari, ayaw
niyang nakikita ang pagmumukha nito at gusto na niyang pabalikin ang babae sa kung
saan ito galing.

Hindi niya alam kung bakit pakalat-kalat ito doon.

Iyon nga lang, wala rin naman siyang karapatan na sitahin ito lalo na at hindi
naman siya tunay na anak ni Apolo. Sa kanilang dalawa, ito ang nagmamay-ari sa
hotel na iyon at siya ay tanging manager lang doon.

Humalukipkip ito saka siya tinanong. "Where are you staying?"

Bigla niyang naalala na sinundan siya nito ng nakaraang linggo.

"It's none of your business," simpleng sagot niya habang hawak ng kanang kamay si
Khalid at hawak ang bag niya sa kabila. Nagpatuloy sila sa lakad.

Tinapunan lang ng tingin ni Khalid si Mari and he could feel that his Mommy doesn't
like this girl. Makulit naman na sumunod ang babae sa kanila.

"Sa weekend ang uwi ni Dad, nakapag-usap na sila ng magulang ni Felix about the
wedding. Please be sure na makakapunta ka sa kasal namin ni Felix," sabi nito, saka
nito napansin si Khalid.

"Are you someone's mistress now?" tanong nito sa kanya.

Hindi niya ito pinansin dahil ayaw niyang magkaroon siya ng pangit na impresyon sa
anak kapag nakipagtalo siya dito.

Umismid naman si Mari. "Yuna, I underestimated you. Akala ko noon ay mahinhin ka at


hindi makabasag ng pinggan. Who would have thought that you could bring someone
else's child here? Nagmukha ka tuloy losyang."

Huminto si Khalid sa paglakad saka hinarap ang babae. "My Dad is not just
somebody."

Kumunot ang noo ni Mari. Nagtaas ito ng kilay habang patuloy na nakahalukipkip ang
magkabilang braso. "If he isn't just somebody. Who is he?"

She is expecting na makakuha ng sagot dahil apat na taon lang ang bata. Pero
nabigla siya sa sinabi nito.

"What rights do you have? You can't even compare to my Mommy's secretary because
you are brainless," matalim na sabi.

Nanlaki ang mata ni Mari.

"Your nose is too pointy that someone may think you are idolizing Pinocchio..."

"Your body shape was like a jigsaw puzzle piece, your right boob is bigger than the
other that someone may think you are feeding 11 babies a powdered milk. Even that
girl..." tinuro nito ang naglilinis ng bintana, "is prettier than you."

"Pfff--" pinipigilan niya ang matawa dahil sa sinabi ng anak niya.


Nanlaki ang mata ni Mari. Halos mamula ang mukha dahil sa pagkakapahiya at galit
lalo na at nasa hallway sila kung saan maraming dumadaan na guest.

Ang iba nga na nakarinig ay hindi na napigilan ang pagtawa.

Isang batang lalaki ang nagpahiya sa kanya at hindi niya matanggap 'yon.
Nagpapadyak si Mari sa galit.

Inakay na ni Prin ang anak niya palabas.

"Baby, next time don't talk to that girl. Okay?" saka siya bumunghalit ng tawa. "Oh
my God! I can't..." pinunasan niya na ang mga namuong luha sa sobrang pagtawa.

Powdered milk coming from a girl's boob is hilarious.

Nasabihan lang siya ng losyang ni Mari pero andami nitong nakuhang panlalait mula
sa anak niya.

….

NANG makauwi ang mag-ina, napansin ni Prin na nakasimangot pa rin ang anak niya na
sa palagay niya ay si Mari ang dahilan.

She understands na hindi nito gusto ang nangyari kanina na nilait-lait siya ng
babae. She finds him cute and adorable habang magkasalubong ang mga kilay nito.

"Baby, huwag mo ng isipin ang panget na babaeng iyon," saka siya tumawa. "Kids
should be happy. I will cook something delicious. Don't be angry anymore."

"I don't like brainless people…" reklamo nito

Lalong humagalpak ng tawa si Prin.

"Oh my gosh!" coming from a four-year-old kid na sabihan na bobo si Mari ay hindi
niya mapigilan na matawa.

Nakabawi rin naman ito habang naghahanda sila ng dinner. Pinigil siya ni Xia na
magluto sa kusina pero nagpumilit siya.

"Don't worry, hindi ko susunugin ang bahay ni Master Cally," natatawa na sabi niya
dito.

Ang tanging nagawa nito ay makiramdam na lang. Hindi alam ng mga ito na siya si
Prin Matsui kaya naman naiintindihan niya ang concern ng mga kasama sa bahay.

Ang tanging alam ng mga ito ay malambot sa kanya ang magtatay.

Kahit pa alam din ng mga ito na magkasama sila ni Cally sa Master's bedroom. No one
dared to ask about their relationship.

Dumating si Cally eksaktong tapos na siya magluto. "What are you doing?"

"Cooking menudo, chicken fillet, saka chop suey."

Sinuri nito ang mga pagkain.

"See? See I told you, I can cook now."

"Yep, I can agree that we will be having a nice dinner. Kaya lang…"
Nagbabanta muli ang mata ni Prin.

"Akala ko sinigang na kulay pula ang menudo mo."

Inamba niya dito ang sandok na hawak.

"I hate you! Go upstairs and change your clothes!" Kasalukuyan pa kasi na naka
formal suit ang asawa niya.

Sumunod naman ito sa kanya, pero ilang saglit lang bumalik ito at may hawak na
nakapanlaki sa mga mata niya.

"What is this? I saw it in your bag." Hawak nito ang blue sapphire white gold na
binigay ni David.

Hindi niya akalain na nasa bag niya iyon.

Ang pagkakaalam niya ay iniwan niya iyon sa mesa. Pero posible na napagkamalan
niyang lagyanan ng ballpen ang box ng bracelet kaya na-ishoot niya rin sa bag
habang kausap si Cally para ipaalam dito na pauwi na sila ng anak nito.

Napalunok si Prin.

Napatanong siya sa sarili. Bakit pakiramdam niya ay nahuli siya ng asawa na


nangangaliwa, samantalang wala naman siyang ginawa.

"I-it's a bracelet."

"Yes, I can see that this is a bracelet. But why are you having an expensive
bracelet with a note 'You are the most beautiful girl I have ever met'?"

Kumunot ang noo ni Prin at lumapit sa asawa niya para silipin ang hawak nitong
bracelet. Hindi niya iyon napansin na may nakaukit doon nang iabot iyon sa kanya ni
David.

"Daddy, I protected Mommy from bad guys. no one dared to ask her out!" paghuhugas-
kamay ng anak niya.

"So, who is the person who gave this?" tanong nito sa anak.

"uhmm…" tumingin ito kay Prin saka sa Daddy nito na nagbabanta. "A girl."

Inubo siya nang matindi. Siguro guilty siya kaya parang sumakit ang lalamunan niya
lalo at nagsinungaling ang anak niya para sa kanya.

"Yeah right?! I believe you." kumbaga sa bulkan ay umuusok na ang ulo nito. hinarap
nito si Prin.

"You even know how to teach our kid to lie."

"Of-of course not! I don't care about the bracelet, alright! I am planning na
isauli rin iyan bukas, nabitbit ko lang," katwiran naman niya.

"So, who is the guy who gave you a special edition, 3 million worth bracelet?"
binigyang diin pa nito na tatlong milyon ang bagay na iyon.

Nanlaki ang mata niya. "Ganun iyan kamahal?"


"Please speak the human language."

"Hindi ba iyon human language?"

Halatang umiinit na ang ulo nito. "Fine! don't say his name as if I don't have
ways."

Yumuko siya "David."

Halatang hindi nito ikinatuwa ang pangalan na sinabi niya saka tinawag si Xia. "I
am giving this to you but don't wear it whenever I'm around."

Nanlaki ang mata nito. "Shi, I won't accept this!" sabi ni Xia.

"See? That is the right expression of not accepting gifts." leksyon nito.

Napangiwi si Prin.

Lumabas ito at dinala ang bracelet. Hindi niya akalain na para itong sumabog na
bulkan, malaman lang na nakatanggap siya ng regalo.

Wala siyang kasalanan okay!

"Mommy, it's your fault! You can't keep secrets," paghuhugas muli nito ng kamay.

Prin "..."

HINANAP ni Prin ang asawa niya at natagpuan niya ito na inutusan si Xander na i-
donate sa kung saan ang sapphire white gold bracelet at ipinangalan si David Young
bilang donor.

'He knows David's full name?'

Hinawakan niya ito sa braso saka hinarap. Napangiwi siya na makitang masama pa rin
ang loob nito. His gaze was still dark and gloomy.

"Husbie, look, huwag mo na itong pansinin. This bracelet issue is not that
important. I never had a relationship with David. Plano ko naman talaga na isauli
bukas ang bracelet tutal naman ay maglalagay siya ng secret camera sa opisina ko,"
paliwanag niya.

Nilingon siya nito bigla.

"He what?" lalong nagsalubong ang kilay nito.

'Oh no! Me and my big mouth.'

"*cough* I need safety at the office and to protect my files and documents, I need
a secret camera na hindi makikita ng kung sino. We have this small camera that we
can put inside a figurine or --"

Napangiwi si Prin na makita na lalong nagdidilim ang awra nito. "Ha!You asked him
instead of me?"

Napakamot siya sa ulo. Gusto niya ng manghingi ng tulong sa Avengers kung paano
paliliwanagan ang asawa niya.

Hindi naman niya akalain na magiging isyu ang bagay na ito.

Sa mga nakalipas, magkakasama sila na nagtatrabaho ng grupo niya. At ang pakiusap


kay David na maglagay ng secret camera sa opisina niya ay normal at simpleng
pakiusap lang na nakagawian niya sa loob ng isang taon, at wala naman siyang
nakikita na masama doon, noon.

Surely enough, she forgot Cally's feelings.

Pero ang inaakto na iyon ng asawa niya ay para bang may kasalanan siya at
makikipagtagpo siya sa kabit ng palihim kinabukasan.

"Husbie…" she doesn't know what to say naubusan na siya ng sasabihin dito. She
hugged his waist instead.

"I'm sorry. Let's discuss this later. Let's eat please… I cooked a nice dinner for
you and for my Baby Panda. For sure you don't like to waste my effort, right?"

Sinalubong ni Cally ang mata ni Prin. Nagdikit lang ang balat nila, niyakap lang
siya nito at agad na nawala ang pagkainis na nararamdaman niya. This girl knew how
to seduce him.

He couldn't help himself to kiss her right there. Saka inilapit ang labi sa tenga
ni Prin.

"Try other things to coax me. It will depend on your performance tonight. I will
evaluate you and will forget the issue if you are good."

Sinuntok niya ito sa dibdib.

Mukhang effective naman ang naging paraan niya para paamuhin ang hari ng mga
leopard kaya nahila niya ito pabalik sa kusina.

Pagkaupo, tumingin ito kay Khalid na nananatiling nakaupo sa katapat na mesa at


naghihintay para kumain.

"You kid, who told you to lie?" tanong ni Cally sa anak. Kailangan niyang leksyunan
ang anak na mali ang ginawa nito. A girl? Does this kid think he is an idiot?

Sinalubong naman nito ang mata ng Daddy nito. Bakas ang pagka-guilty sa mata nito
pero hindi nito sinagot ang tanong ni Cally. The kid wouldn't dare na ilagay sa
alanganin ang sarili o si Prin. Sa halip...

"Mommy, you want to know more about Millie Brown, right?" nakaangat ang mukha nito
kay Prin na papaupo pa lang.

Cally "..."

Biglang naalala ni Prin ang pangalan ng babae. Siya naman ngayon ang nakatingin ng
masama sa asawa niya. "Yeah, who is that Millie Brown?"

"Well, she is a beautiful girl, looks like Barbie," gatong muli ni Khalid.

"You find her beautiful?' tanong ni Prin sa anak. Hindi niya akalain na
magagandahan ang anak niya sa ibang babae. He even finds the girl looking like a
barbie.
Tinimbang nito ang sasabihin. He doesn't want his Mommy to be upset.

"Uhmm. Don't worry Mommy, starting this day, I don't find her attractive anymore.
Looks like Annabelle, the chaka doll."

Prin "..."

This little guy knew how to talk.

Biglang lumipat ang mapanghusga niyang tingin kay Cally. Sinandukan nito ng pagkain
ang anak.

"Don't look at me like that. She is just my artist. I have never even met that
Milie Brown before, so don't question me anymore."

"It's..." simula ni Khalid na pinutol ng Daddy nito.

"Let's eat! The two of you are grounded! Khalid hindi ka na sasama kay Mommy sa
office, you are not a good spy."

Tumahimik lang si Khalid, pinagpatuloy ang pagkain at tila hindi ginawang seryoso
ang banta ng Daddy nito.

Kampante naman si Prin sa sagot ng asawa niya.

He said na hindi niya pa nakita ang babae na may pangalang Millie Brown and she
trusted that words. Pero hindi pa rin maiwasan na mailang siya lalo at nabalita ang
babae na iyon na nakikipag-date sa asawa niya.

…..

KATATAPOS lang niyang patulugin si Khalid sa kwarto nito nang tawagan siya ni
Coffee. Lumabas muna siya ng kwarto saka ito sinagot.

Tulad ng inaasahan, mabilis magtrabaho ang babae.

"Hello Dear!"

"Yuna, I can't find any suspicious credits on your Accounting Manager's bank
account… You know what I found?"

Naghintay siya ng sasabihin nito.

"You suddenly have a Swizz bank account with a current balance of 40 million!
Walang labis, walang kulang."

Nabigla talaga siya sa sinabi nito at nanlaki ang mata niya.

"What?!" bulalas niya. Eksakto pa na kabubukas niya lang ng pintuan ng Master's


bedroom.

Tumingin naman sa kanya si Cally nang nakakunot ang noo.

"Thanks friend! Mukhang may kumikilos talaga para sirain ang pangalan ko." at wala
siyang ibang naiisip kun'di si Mari!

Mapatunayan lang niya na ito ang nasa likod ng mga bagay na iyon, hindi lang
powdered milk ang gagawin niya sa boobs nito, baka gawin niyang Ensure Gold at
ibenta sa mga matatandang lalaki na sesenta pataas ang edad.
Nagkataon kasi ang dating nito sa pagmamanipula ng records sa financial statement
ng hotel. Nagpasalamat lang siya diti at nagpaalam.

"Honey, kailangan maikabit ngayong gabi ang spy camera sa opisina ko," sabi niya sa
asawa.

Kailangan niyang maghanda. Kanina lang niya nareview ang mga files at ayaw niya na
may mawala sa mga iyon o kaya naman ay mapalitan.

"Huwag kang mag-alala. I've already asked someone," sagot nito

Kumunot ang noo niya. 'Ganoon kabilis?'

Ganoon ba talaga nito kagusto na huwag magtagpo ang landas nila ni David?

"What? Don't tell me you want to meet your little suitor?" nagbabanta na naman ang
pagtapon ng suka nito sa paligid.

"I'm fine with it! I am just missing those days when we were working together."
Bigla na lang siyang sumeryoso.

Bigla siyang nakaramdam ng lungkot sa pag-alala ng nakaraan. Hindi na nga niya


matandaan kung ilang beses naitanong sa tadhana. Bakit malupit ito sa kanilang mag-
asawa?

She looked outside para itago ang nararamdaman niya at ayaw salubungin ang mata ni
Cally.

"If I add up all those years that I'm not around, the total would be 10 years…
Having the thought, it really breaks my heart." Hindi niya napigilan na maluha.

Bakit ang saklap ng tadhana sa kanila? She was lost for seven years, reunited for a
year and has been lost again for another three years.

Naaalala niya pa noon ang 'Uhmma' ni Khalid, kung saan huli niya itong nakasama.
Who whould have thought na ngayong nakabalik muli siya ay parang mas matalino pa sa
kanya ang anak niya?

He knew a lot of things now. He can paint or play the piano. Samantalang noon ay
pag doodle lang sa papel ang alam nito.

Somehow, she’s happy for her kid, but at the same time it was sad and painful,
because she was not there…

Wala siya ng mga panahon na natutunan ng anak niya ang mga bagay na iyon.

Tumayo si Cally at niyakap siya ng mahigpit. He felt her sadness kahit pa itago
niya dito ang mukha niya.

Hinayaan lang siya nito na umiyak. Kailangan niyang ilabas ang bagay na 'yon para
maka move on. Namasa ang polo na suot ni Cally mula sa mga luha niya pero hindi
siya nito pinigilan. He wants to share her sadness.

"Honey, let's move on. I know you missed three of his years. Your baby panda is
still a baby. There are so many things to enjoy. There are more things he can learn
from you..."

"kaya niyang magpinta ngayon, pero hindi siya marunong sa fencing o sa boxing. Kaya
niyang magpatugtog ng piano, pero hindi niya pa kayang gumawa ng aswang cake na
hindi mo aakalain na masarap."

Bigla siyang natawa sa biro nito. Pinalo niya ito sa dibdib. "ehhh!"

"See? There are so many things he could learn from you. So, don't be sad just
because you are missing his three years. Pwede mong bawiin ang lahat ng taon na
nawala sa iyo."

"I promised na hindi na mauulit ang mga nangyari na ito sa atin. This is our time
now. No one will stop your special time with your baby panda. You can enjoy him
kahit saan mo pa siya gustong dalhin."

Gumaan naman ang pakiramdam niya sa mga sinabi nito.

Her husband was right. She can raise Khalid her way and no one will stop her.
Ngayon ay alam niya na kung bakit nito pinapasama sa kanya ang anak.

"Honey, thank you for raising my kid. I know it was also hard for you as a single
parent," sabi niya dito.

"It's because I love his Mommy so much."

Hinalikan siya nito sa labi hanggang sa mawala na ng tuluyan ang lumbay niya.

"Husbie, sa palagay mo ba panahon nang sabihin natin kay Khalid na ako talaga ang
totoo niyang Mommy, si Prin Matsui?"

Bigla tuloy itong tumingin sa kanya. "Honey, are you joking? He knew alright! He.
Knew."

"But how did he know?" Ayaw na siyang intindihin pa ni Cally.

He doesn't know what to do with his wife's intelligence. Lumipas man ang araw at
taon ay si Prin Matsui pa rin ito na kaya niyang i-bully.

"Because he is my son and a smart kid. For us, questions and answers are not
necessarily needed."

Prin "..."

Posible na noong una ay hindi alam ng anak nila at gusto lang talaga nito ang
katauhan ni Prin na si Yuna. But calling him 'Husbie'? calling her 'Honey'? being
together on the same bed in the same room? Kailangan pa bang i-explain sa anak niya
na ito si Prin Matsui?

KINABUKASAN, pinagbawalan pa rin si Prin at Khalid ng asawa niya na magpunta sa


hotel. Grounded sila ng anak niya.

Mukhang plano pa yata ng asawa niya na pauwiin muna sa Singapore si David bago siya
nito payagan na makapunta sa hotel.

Sinabi na lang niya kay David na busy siya sa araw na iyon. Nakakahiya man ay
sinabi pa rin niya dito na hindi na niya kailangan ang secret camera dahil nakagawa
na siya ng paraan.
Nang nagdaang gabi ay sinamahan siya ni Cally na magpunta sa hotel para ayusin ang
opisina niya. And they put an alarm kung sakali man na may maglalakas ng loob na
pumasok doon.

Sa umaga ay nag-jogging silang dalawa ni Khalid. It was Khalid's first time to jog
and it was also been three years nang huli niya iyong gawin, kaya naman kapwa sila
nito na mabilis na napagod.

Sa maghapon ay magkasama lang sila ni Khalid sa bahay, nanonood lang ito ng kung
anu-ano sa tablet nito habang siya ay nagbabasa ng libro tungkol sa business.

Nakausap niya si Apolo sa telepono at nasabi na rin sa kanya na magpunta sa


engagement party ni Felix at Mari. Inalam nito kung ano ang nararamdaman niya kay
Felix, and she said 'nothing'.

Mabuti na nga lang at hindi siya pumayag na makipagtalik dito noon, dahil kung
hindi, she was dead for sure! Nalaman nga lang ng asawa niya na nakatanggap siya ng
regalo mula kay David ay sobra na ang pagseselos nito.

Paano pa kung palaman nito na hinawakan siya kahit sa kamay lang ni Felix? She was
really dead!

….

"MOMMY, you have a date with your Secretary today," paalala nito sa kanya nang
sumapit ang hapon. Pati ang bagay na iyon ay alam nito?

Tama ang hinala niya na marunong ito makiramdam at alam nito ang nangyayari sa
paligid.

Pinag-iisipan niya pa kung isasama si Khalid sa lugar since Ice cream House naman
iyon. Iyon nga lang, ayaw niyang mapahamak ang anak sa kamay ng mga fan girls.

"Gusto mong sumama sa akin?"

Nagliwanag ang mata nito. Napangiti siya. Tulad ng inaasahan, gusto talaga nito na
sumama at ayaw na malayo sa kanya.

"I told Daddy that I will protect you from bad guys," katwiran nito. Natawa siya sa
katwiran nito, idinamay pa talaga ang asawa niya.

"Alright, you can come. But don't tell them that you are Master Cally's son okay?"
paalala niya.

Tumango lang ito at ngumiti ng pagkatamis-tamis. "I am Mommy's son."

Natawa siya sa sinagot nito.

Bigla niyang naisip, kung sakali na maghihiwalay sila ni Cally, siguradong hindi na
ito mag-aatubili na sasama sa kanya. Wala naman siyang plano na makipaghiwalay kay
Cally, iyon nga lang naaaliw siya sa anak niya.

"Baby, kung maghihiwalay kami ng Daddy mo, Kanino ka sasama?" she was curious kaya
tinanong niya ito.

"Kay DADDY," mabilis na sagot nito.

Prin "..."
"*cough cough*" Nangati ang lalamunan niya dahil ang yabang pa man din niya sa
naiisip na siya ang pipiliin nito.

"I will follow him so I could easily get revenge for you and will scold him every
day," katwiran nito.

"Oh! You are a sweet talker." Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi ng
anak. Niyakap niya ito at hinalikan si pisngi.

"Is there any girl you like to be your girlfriend? Kapag nanligaw ka, sigurado na
sasagutin ka nila agad dahil ang sweet-sweet mo magsalita."

Namula ang pisngi nito. "No one. I'm only four and I only want mommy. If Daddy
heard you, you will be scalded to death."

Niyakap niya na lang ng sobrang ang anak niya sa sobrang pangigigil.

…..

KINATAGPO nila si Mildred. Naroon na daw ito sa ice cream house na tinutukoy nito.
Binigay lang nito ang address sa kanila ni Khalid.

Nasabihan niya na rin ito na 'wag sasabihin ang tungkol sa anak niya. Dahil kapag
may nangyari dito, kahit matagal na siyang hindi nakakalaban, ay baka sunugin na
lang niya ang ice cream house. Sapat na nga na pinapayagan niya ang mga ito na
pagpantasyahan si Cally.

Pero hindi akalain ni Prin na may ganoong klase ng ice cream house. Parang naging
tambayan na ng mga kababaihan o fans club ang lugar na iyon.

The room was filled with photos of celebrities. Pinagsama-samang ibang shades ng
pink ang kulay ng buong kwarto na para bang hindi galit sa pink ang Ice cream house
na iyon.

At ang pinaka-nakakaaliw sa lahat, nasa tatlong malalaking frame ang larawan ng


asawa niya na nakasabit sa isang pader, sa kabilang pader naman ang ibang mukha ng
mga celebrities.

'Haay, kahit dito ay possessive pa rin ang asawa ko.'

Pinainom niya si Khalid ng Strawberry milkshake. Nakikiramdam lang ito. Sa oras na


iyon ay puno ang lugar. Pinag-uusapan ng mga ito ang mga bagong shows at kung ano
pa ng mga paboritong artista.

"Miss Yuna. pasok lang ako saglit." Itinuro nito ang kusina.

Iniikot niya lang ang mata sa buong lugar. Lumapit siya sa isang poster ni Cally na
malapit sa cashier. Hindi niya kasi alam kung peke iyon o tunay. Paanong nagkaroon
ng pictures ang asawa niya at nasa isang poster?

"Ahhh, oh my god! Millie Brown shows in her social media. Nakatanggap siya ng
flower mula kay Master Cally." Bigla ang lingon ni Prin sa fan girl na kinikilig
habang nakatingin sa cellphone nito.

Naningkit ang mga mata ni Prin sa narinig, hinablot niya ng wala sa sarili ang
poster na sinusuri at hinati iyon sa kalahati. *schrrrt*

'You are Dead Cally Han!'


Sabay-sabay na lumingon sa kanya ang lahat ng babaeng nandoon at halatang galit din
sa kanya dahil hinati niya sa dalawa ang poster ng idolo ng mga ito.

SHE ripped the poster into two.

Ang nakakatawa, sabay-sabay at nanlalaki ang mata ng mga fans ng asawa niya na
napalingon sa kanya dahil nakarinig ang mga ito ng napunit na poster.

"Ahhh!!!" lumapit kay Prin ang isang babae ng nagagalit. Hinablot nito mula sa
kamay niya ang poster na nahati sa dalawa.

"Sinira mo ang mukha ni Master Cally!!!" galit na sabi sa kanya ng isang fan girl
at nagpapadyak.

Prin "..."

"Alam mo ba na special edition ito? Sampu lang kami ang meron nito sa buong mundo!"

Prin "..."

"Pfft!" hindi niya maiwasan na matawa sa sinabi nito. 'Kahit 100 pa kayo, nasa akin
ang pinaka-special edition at nag-iisang tunay, okay?'

May lumapit na isa pang babae. "Oh my gosh, his charming nose! nawala na!" parang
maiiyak na sabi.

"I can't see his dazzling eyes anymore," gatong ng isa pa.

"His kissable lips are no longer here, wala na akong mapapangarap na halikan."

Prin "..."

Hindi niya alam kung ano ang magiging reaksyon sa babaeng fan girls ni Cally.

"Kailangan mong maparusahan!" sabi ng isa. sumenyas ito sa mga kasama. Mabilis na
hinawakan siya ng apat na babae sa braso at kamay. Dalawa sa binti.

Dahil harmless naman at inaabangan niya ang gagawin ng mga ito, hinayaan niya na
lang kung ano ang sunod na gagawin nito o parusa sa kanya.

Naglalaro sa bente hanggang twenty-five ang mga babae doon. At dahil mukhang bente
dos lang si Prin dahil sa retoke niya sa mukha, madali siyang nakahalo sa grupo.

Saka sa paniniwala niya, wala doon ang tunay niyang kalaban kung hindi ang Millie
Brown na binanggit nito kanina. When she learned about the girl before, wala siyang
ginawang effort na alamin pa kung ano ang hitsura ng babae dahil balewala naman ito
sa kanya.

Why does she make an effort sa taong balewala naman sa asawa niya? When he said na
hindi niya pa nakikita ang babae, she trusted him wholeheartedly at parang pinadaan
lang ang isyu sa tenga niya.

But this day is different. Her husband needs to explain!

What the hell about those flowers? E, siya nga ay wala pang natanggap kahit isang
bulaklak sa loob ng mahabang panahon!
Lumapit si Khalid sa puwesto nila sa bungad. He expanded his arms to protect his
Mommy from these girls. Humarap ito sa mga babae.

"Hey! Don't touch my Mommy!" singhal nito sa mga babae

"Baby, don't worry, they are harmless," sabi niya sa anak. Ayaw naman niya na
mapahamak ang anak niya mula sa mga babae.

"He is your Kid?" naniningkit ang mata na tanong muli ng isa. Nakasuot ito ng
makulay at magandang bestida. Her skirt is flowy at naka pigtails ang buhok sa
magkabilaan na mukhang fan ng Kpop idol.

Noon lang napansin ni Prin na mga nakaayos ang mga fan girls na ito. They dressed
up like Lolitas. Kahit si Mildred ay iba ang awra.

'Pabebe girls' ang tamang terms.

"Girls!" sumenyas muli ang naka-pigtails sa mga kasama na sa tingin niya ay ang
pinuno ng grupo. Hinawakan din ng apat na babae ang anak niya.

'Oh my god! Naloko na!'

Dinala si Khalid sa isang table, katapat ni Prin. Nagpupumiglas ang anak niya na
hawak din ng apat na babae.

"Don't touch me! Don't touch my Mommy!" pero balewala sa mga ito ang pagpupumiglas
ni Khalid.

"Girls, Attack!"

Kiniliti sila ng mga babae. Mabilis na nakiliti naman ang magnanay sa mga maseselan
na bahagi ng katawan nila. Sa tiyan, sa leeg, sa tagiliran.

"Wahahahaha!" So, ito pala ang parusa.

But seeing her kid na tawa ng tawa sa ibabaw ng table gave her a different feeling.
He is laughing so hard.

Napalabas na rin tuloy si Melody mula sa kusina nang malaman na may 'pinarurusahan'
at inalam ang nangyayari. Lalo na nang makita sila ni Khalid na kinikiliti.

"Stop! Stop! I can't breathe anymore! Ha ha ha." nagluluha na ang mga mata ni
Khalid sa sobrang pagkatawa. Bahagya nang nalilis ang damit ni Khalid. Natanggal na
rin ang isang butones ng Jumper na suot nito.

Naaawa naman si Mildred sa kanilang dalawa dahil sumusuko na ang mga parte ng
katawan nila sa pagkiliti ng mga ito.

"Girls, stop it!" pigil ni Mildred ngunit hindi ito pinansin ng mga kasama. Nag-
aalala ito kay Khalid.

"Girls, girls, stop it! He- he is Master Cally's kid!" sigaw ni Mildred na parang
nag-echo sa mga tenga ng mga babae. Natutop naman ni Mildred bigla ang bibig dahil
sa kadaldalan.

Maingat na binitiwan ng mga babae si Khalid sa ibabaw ng mesa. Saka ito pinagmasdan
ng mabuti.
"Oh my god! kamukha mo nga si Master Cally! Ahhh!!!"

Nagtakip ng tenga ang anak niya dahil sa tili ng mga babae.

Prin "..."

Biglang lumingon sa kanya ang mga babae.

"You! You kidnapped Master Cally's baby!" bintang sa kanya ng mga babae.

Prin "..."

Wala siyang nagawa kun'di ang kumawala sa kamay ng mga babaeng may hawak sa kanya
at binitbit ang anak niya saka tumakbo palabas ng shop.

'Cally Han! You are so Dead!'

KUMATOK si Xander sa opisina ni Cally.

Nitong mga nakaraang araw, maayos ang mood ng Master nila dahil kay Miss Yuna.
Everyone in White Castle knows that they have a special relationship. But no one
dared to ask them personally.

He also knew that Miss Yuna replaced Miss Prin in his Master's heart.

He even secretly helping Miss Yuna sa pag-imbestiga ng Financial Statement ng hotel


ni Apolo.

Pumasok siya sa loob matapos siyang payagan ni Cally na tumuloy. Nilapag niya sa
mesa ang mga kailangan na trabaho sa opisina. Saka inisa-isa dito ang lahat ng
report, para alam ni Cally kung ano ang gagawin sa mga papel na nasa harap nito.

"Shi, I've also heard na ginamit na naman ni Millie Brown ang pangalan ninyo..."

"She posted a bouquet of flowers and said, 'Thanks My Love for your support'. Kahit
wala 'yung pangalan n'yo, the people and fans assumed it came from your end..."

"Narinig ko rin na nakatanggap siya ng trabaho sa isang bagong Drama series because
if you. She even said it's because of your help."

Tila balewala naman kay Xander ang sinabi niya dahil noon pa man ay ginagamit na ng
grupo ng babae ang pangalan ni Cally para maka-attract ng fans.

Her group has been audacious to use his Master's name since two years ago.

Because of her good performance, nabigyan siya ng mga trabaho ng kumpanya. But her
image was not totally good during that time.

At naglakas loob ang babae na gamitin ang pangalan ng Master nila dahil na rin sa
estado nito sa buhay. Isang businessman din ang magulang ni Millie Brown na
nakabase sa America.

May mga tsismis na kumalat noon na kaya maraming trabaho si Millie Brown because of
Cally's support.
Hanggang sa nabalita na nga na nagde-date ang babae at si Cally.

Wala namang ginawa ang Master niya as if he doesn't care about it. But who would
have thought that this time was different?

Bigla ang angat ng ulo ni Cally sa narinig.

"Do something about it. Talk to her Manager, tell them na nakakasuka na ang gamitin
ang pangalan ko."

"Yes, Master."

Ginawa naman agad ni Xander ang utos sa kanya. Alam ni Xander na ang utos na iyon
ni Cally ay kailangan niyang tapusin sa mas mabilis na panahon.

Tinawagan niya agad ang Manager ni Millie Brown para sabihin na kailangan niya
itong kausapin at siya na mismo ang kusang nagpunta sa opisina nito.

Habang daan, napansin siya ng ibang staff.

Bibihira kasi si Xander na magpunta ng Building C kung saan naroon ang Opisina ng
mga Managers at training hall ng mga celebrity na nasa ilalim ng MGM.

Nakakunot-noo at hindi maiwasan na mapatanong ang mga staff kung ano ang ginagawa
ni Assistant Xander doon lalo na ng kumatok ito sa opisina ng Manager ni Millie
Brown. Everyone knew that Xander represents Cally.

"Nakalimutan n'yo ba? It's just normal na puntahan ni Assistant Xander ang opisina
ng girlfriend ng Master niya. Duh?" sabi ng isa.

"But how come Millie never went to Building A?"

"Bakit sila magtityaga dito na magkita e, ang daming lugar sa labas?" Katwiran ng
isa.

…..

NAPADPAD ang mag-ina sa isang Mall, matapos manggaling sa isang Ice Cream House ng
mga fan girls. Puno ng lumbay ang pakiramdam ni Prin kaya sinama niya sa isang
amusement center ang anak niya na naroon sa loob ng mall.

Grounded silang dalawa pero malakas ang loob nila na maglakwatsa at maglaro pa sa
isang amusement center!

100 coins ang binili nilang magnanay at gusto niyang ilabas ang galit sa paglaro ng
games. Ang bilang ng coins ay may katumbas ng isang laro.

Sa isang shooting ball niya unang napili na ilabas ang sama ng loob.

"Stay there and see how good your Mommy is playing this game."

Masunurin naman ito na tumango saka tumayo sa tabi niya para manood.

Panay ang shoot niya ng bola. Sa una ay hindi pa siya nakakapag-adjust hanggang sa
sunud-sunod na ang nashoo-shoot niya na bola. Sampung coins ang nilagay niya kaya
matagal-tagal din siyang naglaro.

Nang matapos siya...


"Waaahhh!!!" Nawawala si Khalid sa tabi!

"Oh my gosh!" Napasabunot sa ulo si Prin at nagsimulang na rin siyang kabahan. Kung
bakit ba naman kasi na nauna pa siyang maglaro sa apat na taong gulang na anak?!

Natatarantang hinanap niya sa loob ng amusement center na iyon si Khalid. Kapag


nawala ang anak niya, siya ang lagot kay Cally!

Napansin niya na may nagkakagulo na grupo sa lugar ng mga arcade video games.
Naisip niya na baka naroon si Khalid.

Tumingkayad siya at inangat ang ulo sa grupo ng mga teenagers. Sumilip siya sa
paahan at nakita ang sapatos ni Khalid na nasa pinakabungad.

Sumiksik siya para mag-excuse sa mga nanonood at nagkakagulo hanggang sa natagpuan


niya ang anak na naglalaro at pinagkakaguluhan.

Naglalaro ng Tekken si Khalid at isang teenager na lalaki ang kalaban ng anak niya.

Kaya pala maraming tao na nakakumpol sa paligid ay dahil nakipagpustahan ang anak
niya sa kalaban nito. Eksaktong paglapit niya dito ay K.O ang kalaban ni Khalid.

Galit na natapik nito ang mga keys. Hinarap ni Khalid ang kalaban nito saka
inilahad ang kamay. "Where is your bet?"

"There is no bet!"

"You are madaya! My mommy knew Judo, Kung fu and Jiu Jitsu. Do you really want to
fight?" Tinuro siya nito.

Prin "..."

'Bakit bigla akong nasali?'

Pinagmasdan naman siya ng teenager. Taas-noo na tinitigan niya rin ito na parang
nanghahamon. Dahil dinamay na siya anak niya, wala na siyang choice kun'di ang
makisali.

Napansin naman nito na mukhang hindi nagsisinungaling si Khalid. Kaya galit na


nilabas nito ang two thousand mula sa wallet saka binigay sa anak niya at umalis.

Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid ng makuha ang pera nito.

"You kid! Bakit ka nakikipagpustahan? Where did you learn it?" Nakapameywang na
tanong niya dito.

Matagal na natahimik ito at nag-iisip ng isasagot.

"Are you sure you want to tell Daddy that you brought me here to play video games
and you almost lost your kid because you are shooting balls?"

"That's too bad, Mommy."

.....

GUSTO tuloy ni Prin na magreklamo kay Cally kung bakit hindi siya nabiyayaan ng
talino, o kaya naman ay kung bakit matalino ang anak nila.

Hindi siya maka-alma dahil nakakagawa ng idadahilan ang anak niya.


"What if you lose? wala ka namang pera," sabi niya dito

"Don't you have money?" titig na titig ito sa kanya.

Prin "..."

Ibig sabihin siya ang maglalabas ng dalawang libo kung sakali na matalo ito sa
pustahan?

"Furthermore, I won the bet. So, your money is safe."

She was speechless.

"Anyway, this money is for you. I will give you more when I grow up." Inabot nito
sa kanya ang napanalunan nitong 2 thousand.

Parang hinaplos naman ang dibdib niya sa sinabi nito. "Basta sa susunod, hindi na
galing sa pustahan, okay?"

Tumango ito.

"Let's go." Inaya niya na lang si Khalid na umuwi na sa bahay. Gabi na rin kasi at
sigurado na nakauwi na ang asawa niya sa White Castle.

…..

NANG dumating sila sa White Castle, tulad ng inaasahan, salubong ang kilay ng asawa
niya na nakatingin sa kanilang dalawa ni Khalid.

Alas nueve na kasi ng gabi.

"Hindi ko ba sinabi kaninang umaga na dito lang kayong dalawa sa bahay? What time
is it? 9 in the evening. Where did you go?" Halatang nagagalit ito sa sunud-sunod
na tanong.

Sinalubong niya ang mata nito.

"Mabuti nga at umalis kami ng anak mo dahil nabalitaan ko ang tungkol kay Millie
Brown. You'd better explain about your relationship with that girl." nakahalukipkip
at naghahamon na sabi niya dito.

"Bakit kailangan kong mag-explain? I already told you about her. I never even met
her." Sumasakit na ang ulo ni Cally.

"Basta, you need to explain. How come you have a rumored girlfriend?"

"Yes Daddy, you must explain!" gatong ni Khalid.

Cally "..."

"See? Even my Baby Panda agreed with me… Let's go baby!" inirapan niya si Cally
saka tuluy-tuloy na pumasok sa loob ng bahay. Nakasunod si Khalid sa kanya.

Naiwan naman ng sumasakit ang ulo ni Cally. Paano niya matuturuan ng leksyon ang
anak niya kung pati ang nanay ay kailangan din na turuan ng leksyon?

Tumuloy ang magnanay sa shower area para hilamusan si Khalid dahil madungis din ito
na tulad ni Prin.
Hindi maiwasan na malungkot siya habang kinukuskos ang katawan nito. Hindi pa rin
kasi kampante ang loob niya.

Nabigla siya ng dumampi ang basang kamay nito sa pisngi niya. "Mommy, don't be sad.
I will be sad too... Today is wonderful. I enjoyed it with you."

Doon sumilay ang ngiti sa labi ni Prin. Maghapon silang magkasama ng anak. At tulad
nito ay nag-enjoy din siya sa maghapon nila.

Marami silang nagawang masaya sa maghapon. Their bonding time sa araw na iyon ay
kakaiba. Sabay pa silang nabigyan ng kakaibang parusa ng fan girls.

Bakit nga ba niya isasapuso ang mga negatibo sa araw na iyon?

"Tomorrow let's go shopping. Ibibili kita ng damit."

"But we are grounded. Don't tell me we will climb the wall," malungkot na sagot
nito.

May katwiran naman din ang anak niya sigurado na hihigpitan na sila ng gwardiya
bukas.

"Don't care about your grumpy and ugly Daddy. Hmp! We will go wherever we want.
Saka sa mall malapit sa MGM tayo pupunta."

Gusto niyang bilhan ng damit si Khalid. Si Xia ang gumagawa nito noon dahil busy
ang asawa niya. At gusto niyang gawin ang bagay na iyon sa anak niya ngayon.

Parehas silang nakakain ng dinner sa mall kung saan sila galing kaya pinainom niya
na lang ng gatas si Khalid saka ito pinatulog.

Nakaramdam din naman siya ng antok pero mas pinili pa rin niya na magbalik sa
kwarto nila ni Cally para linisin ang katawan.

Nakasalubong niya naman ito na lumabas ng kwarto nila. Hindi na salubong ang kilay
nito pero tulad ng dati ay wala itong ekspresyon na nakatingin sa kanya.

Pinilit niya itong iwasan ngunit hinarangan siya nito. Umiwas muli siya ngunit
humarang muli si Cally. Para silang nagpapatintero sa hallway.

Hanggang sa nakakuha siya ng tyempo at nakalusot siya para makapasok sa loob ng


Master's bedroom.

Nahuli naman nito ang kamay niya sa loob bago siya pumasok sa shower area, saka
siya ikinulong sa pader. Hinawakan nito ang baba niya saka siya tinitigan ng
malalim.

"Why do you have an attitude?" tanong nito.

"I don't want to talk to you," bulong niya habang iniiwas ang paningin.

Humugot ito ng malalim na hangin saka sinakop ang labi niya. He kissed her gently.

Lumapat lang ang labi niya dito at nakalimutan na niya ang lahat na para bang
sinakop na nito ang buo niyang pagkatao.

"Honey, I don't know how to explain because I don't think I should explain. But I
want you to know that Xander does something about it. Huwag ka ng magselos."
"I'm not jealous!" alma niya.

"Yeah right, I understand that you are not jealous. Nakikita ko lang sa mga mata mo
na gusto mo akong hatiin sa dalawa. And you have plans to kick me out of the bed.
Yes, you are really not jealous."

….

FINE! she was jealous. What can she do about it?

Satisfied naman si Prin sa sagot ng asawa niya. Naniniwala siya na may ginawa ng
aksyon si Xander.

"Where did you bring your baby?" tanong nito.

"Sa fans club ni Master Cally," bulong niya at hindi makatingin dito.

Kumunot ang noo nito. "Fans club ko? Kailan pa nangyari na nagkaroon ako ng fans
club?"

"I think simula pa noong teenager ka."

Naalala niya kasi na nakilala na ito ni Bella noon pa man.

Kilala na si Cally noon pa man bilang apo ni Master Han. Idagdag pa na apo rin ito
ni Master Kent. Kaya posible rin na noon pa man ay may mga umiidolo na dito.

His photos were in business magazines since he started to join the MGM group.

"How many followers do you have on your social media account?" usisa niya.

"I don't know," why would he care?

Si Prin na ang kusang kumuha ng cellphone nito sa ibabaw ng bedside table saka niya
hinanap ang App kung nasaan ang social media account nito. Hinarap niya muli dito
ang cellphone ng makita ang profile nito.

"See? you have 5 million followers. Don't tell me you don't know na fans mo ang
majority dito?"

Tinapunan lang nito ng tingin ang hawak niyang cellphone bago ibinalik ang paningin
sa mukha niya.

"Why would I care about my social media account? And why would I care about my
fans?"

Bigla niyang naalala na siya nga pala ang gumawa ng account na iyon ni Cally noon
para lang magkaroon sila ng mas malalim na communication.

Nag-isip si Prin ng isasagot. Totoo naman ang sinabi nito. Sa dami ng ginagawa ni
Cally sa maghapon at sa araw-araw, hindi na nito iintindihin pa ang bagay na iyon.

Nakakaaliw lang na isipin na pati ang paghinga yata ni Cally ay malaking bagay na
sa mga fan girls. But her husband doesn't care about it. Naalala niya bigla ang
poster na nasira niya sa Ice Cream House. The way the girls acted when she ripped
the poster is something funny na para bang napakahalaga ng bagay na iyon sa mga
ito.
"Alam mo Husbie, kapag pina-subasta natin ang mga gamit mo, we will earn millions.
Your ordinary scarf can be sold for 10 thousand and more."

Cally look at his wife na parang nagbibilang na ng kikitain nito sa kanya. He saw
dollar signs on her eyes.

Pinitik siya ni Cally sa noo. "You are almost looking forward sa kikitain mo sa
akin. I never saw a woman who sold her husband to his followers. Even Bella didn't
do that. Ginugutom ba kita?"

Bigla niyang naalala si Kai. Hinanap niya ang account nito gamit ang account ni
Cally.

"Whoa! Kai has 3 million followers, but 1 following?!" at syempre alam niya na si
Bella pa din ang nag-iisang tao na iyon.

Bella is a celebrity. Natural lang na makilala rin sa publiko ang asawa nito na si
Kai.

"Leader MB5 is amazing! Mabuti na lang you have at least 20 in your circle."

Sasagot at magrereklamo pa sana si Cally nang mag-ring ang cellphone ni Prin.


Nakita niya na si Mildred ang tumatawag.

"Sasagutin ko lang," sabi niya kay Cally.

Hinila siya nito para maupo sa ibabaw ng kama saka siya niyakap mula sa likuran
habang kausap si Mildred. Pinatong nito ang ulo sa balikat niya habang hinihintay
na matapos ang tawag.

"Yes Mildred?" tanong ni Prin

"Kamusta Miss Yuna, nakabalik na ba kayo ni Master Khalid?"

"Yes. Salamat sa pag-aalala. Hindi ko pa alam kung kailan ako papasok," sagot niya
dito.

Hindi muna nito binaba ang tawag at parang may gusto pang sabihin.

"May kailangan ka pa?" tanong niya.

"ahmm, Miss Yuna, dahil close naman kayo ni Master Cally, pwede mo ba akong hingan
ng autograph sa kanya?"

Prin "..."

Hindi niya alam kung ano ang isasagot dito. Somehow, naaliw siya sa sinabi nito.

Nabigla siya nang inagaw ni Cally ang cellphone mula sa kamay niya dahil narinig
nito ang sinabi ng babae.

"Sorry, I don't give autographs. Please don't tell others we talked through this
phone. Thanks!" sabi nito saka pinatay ang cellphone at hinagis iyon sa ibabaw ng
kama.

Prin "..."

Ngayon ay alam niya na dito talaga nagmana ang anak nila. He rejected her smoothly
at nagawa pang magpasalamat.
"Storbo…" He then started to kiss her neck.

"Hey, T-that's my secretary! Just give me at least one autograph for her."

"Fine, if you made me happy tonight. Kusang loob ko pa na ibibigay sa kanya ang 10
thousand worth of scarf na sinasabi mo."

'Bakit biglang ako ang naging pain?'

Nag-ring muli ang cellphone ni Prin. Ngunit si David na ang tumatawag sa kanya.
Parang nilamig si Prin dahil halatang hindi natutuwa si Cally na nasa tabi.

Nagbabanta ang mata nito.

"Subukan mo lang na sagutin and I'll bring you to Arctic Ocean."

Agad na umiling siya. "I wouldn't dare…"

*****

Sa lugar ni Mildred, hinimatay ang babae dahil narinig nito ang boses ni Cally.

SA UMAGA, tulad ng nakagawian ni Prin at Khalid, tumakbo sila sa paligid ng White


Castle.

Makalipas lang ang pagtakbo niya nang nagdaang araw, mabilis kaagad na nag-adjust
ang katawan niya.

Nang dumating ang hapon, inaya niya si Khalid na magpunta ng mall tulad ng plano
nila. Ang mall na malapit sa MGM ang napili nilang puntahan para kung sakali na
mapagod ang anak niya ay madali silang makakapagpahinga sa loob ng opisina ni
Cally.

Isang clothing store para sa mga bata ang napili niyang puntahan, dahil pag-aari
iyon ni Penelope o ang Ate Baba nila.

Binilhan niya ng damit si Khalid sa kung ano ang nababagay dito.

Then she saw a Panda onesie. It looked good on her baby.

"Baby come here." tawag niya kay Khalid. Sumunod naman ito sa kanya. Pinatong niya
dito ang onesie na iyon para isukat at sa tingin niya ay kasya sa anak niya ang
damit na hawak.

"Ang cute! Tamang-tama, last stock na po iyan, Mam." narinig niyang sabi ng Sales
Lady.

"Thank you! Sige, kukunin ko na ito. pakibalot na ang lahat," sabi niya dito.

Inabot niya din dito ang basket kung saan naroon ang lahat ng pinamili niya para
bayaran. Gagamitin niya ang sariling credit card mula sa allowance na nakukuha niya
sa pagtrabaho sa hotel ni Apolo.

Hindi pa nakakaalis ang Sales Lady nang may manghablot sa panda onsie mula sa
basket na mga babayaran niya.

Kumunot ang noo ni Prin.

"Wala na pa lang stock, kaya ako na ang kukuha nito, may pupuntahan akong birthday
and this one is her wish, a Panda onesie," mayabang na sabi.

Pinagmasdan ni Prin ang babae.

Matangkad ito at payat. May awra na kakaiba, a sense of a strong personality.


Nakashades pa ito kahit nasa loob ng mall kaya naman may ideya si Prin na celebrity
ang babae.

Hindi naman imposible na may celebrity sa lugar dahil malapit lang iyon sa MGM.

"I'm sorry Miss, pero nauna ako na makuha ang onesie." magalang na sabi niya dito.

Nagtanggal ito ng dark shades na suot nito. "Hindi mo ba ako kilala?"

"Hindi." mabilis na sagot niya.

Babae "..."

'May attitude ang lola mo. Sorry girl, but hindi iyan uubra sa akin.'

Halatang hindi nito nagustuhan ang sinabi niya.

"I'm a celebrity, A top MGM Celebrity! How come you don't know me?" proud pa din
ito.

Nagtaas ang kilay ni Prin. "Anong kinalaman ng pagiging artist mo sa Panda ko? Oh
My! don't tell me, you need a costume?" Natutop niya pa ang bibig para maasar ito
lalo sa kanya.

"Pft!" pinipigilan ng Sales Lady ang matawa sa sinabi ni Prin.

"You…"

"I will pay for that onesie and the others. Thanks!" Bigla ang pagbago niya ng mood
at ngumiti siya sa Sales lady.

Halata naman ang pag-aalala ng Sales Lady dahil na rin sa babaeng kaharap ni Prin.

"Kung ayaw mong i-fire kita ngayon, sa akin mo ibibigay! Isang tawag ko lang sa
itaas, sigurado na hindi na kita makikita bukas dito!" nawala na sa poise ar galit
na ang babae sa Sales Lady.

Nginitian ni Prin ang Sales Lady at pinilit na magpakalma.

"Just do your job. I was the first customer who got this onesie. You will
definitely give this to me, right?"

Halatang nag-iinit na ang ulo ng babae. Pinilit nitong ngumiti kahit nangigigil na.

"Remember that I. am. Master Cally's girlfriend. You will definitely give this to
me! Or else he will fire you!" nagagalit nang sabi ng babae na nakapagpalingon sa
kanya dito.

"M-miss Millie. Please ginagawa ko lang po ang trabaho ko." tumingin ito kay Prin
at halatang nanghihingi ng saklolo.

Kumunot ang noo niya at pinag-aralan mabuti ang babae.

Palibhasa hindi pa rin niya sinisilip kahit sa social media ang mukha ng babae,
hindi niya alam ang mukha ng Millie Brown na nadidinig niya kay Mildred, as if she
doesn't care about her.

'So this one is the Millie Brown'

Tumawa si Prin ng malakas na parang nababaliw. Nakakuha na rin sila ng atensyon sa


mga paligid dahil isang celebrity si Millie Brown.

"What a coincidence Because I'm his girlfriend too!"

Sabay-sabay na napaatras ang leeg ng mga nanonood kahit ang Sales Lady na parang
hindi naniniwala sa kanya.

"Wehhh?"

Millie looked at her at tinimbang ang sinabi niya. Alam nito sa sarili na hindi
naman talaga ito nagsasabi ng totoo at nagsisinungaling lang. Pero nakakuha na sila
ng atesyon at wala na itong nagawa pa kun'di ang makipaglabanan sa kanya ng
titigan.

Dumating ang Manager ni Millie Brown at lihim na pinagalitan ang babae dahil naka-
attract na sila ng iba pang napapadaan. Madami na ngang tao sa labas ng store dahil
naroon si Millie.

Hinarap siya ng Manager.

"Miss, you don't want the sales lady to get fired right?" ito ang naisip na last
resort ng Manager.

"Bakit siya mawawalan ng trabaho e, hindi ko naman nanakawin ang Panda onesie?"
Umupo si Prin sa couch katabi ni Khalid na hindi nakikialam sa oras na iyon.

He treats that as a battle of his Mommy versus the Mistress.

Nilingon ni Prin ang babae.

"Let's make a bet, Shall we? I can bring Xander here anytime soon," malamig na sabi
niya dito.

She doesn't want Cally to see this girl. He said he never even met her. Kaya naman
bakit niya bibigyan ng pag-asa ang babae na makita ang kahit kuko lang ng asawa
niya?

This is war! You want my Cally and even my Panda onesie? In your dreams!

"Mommy, bet for five thousand," bulong ng anak niya.

Tinimbang ni Millie ang mga sinabi ni Prin pero marami na ang tao na nakikiusisa.
Ang iba nga ay nagvi-video na sa kanila.

"Labanan yata ito ng Misis saka ng Mistress."

"Oh, I heard they are talking about Master Cally, sabi nung babaeng may kasamang
bata, siya talaga 'yung totoong girlfriend."
"Mommy, can I also bet with them?" tinuro ni Khalid ang mga tao sa paligid.

"Baby that is bad, they are outsiders. We will get Money from the girl."

"I've been with Cally for 2 Years!" naiinis nang sabi ng babae kaya naputol sila sa
pagkukulitan ng anak niya.

"Really?" umismid lang si Prin.

"Then let's make a bet. If you lose, babawiin mo ang lahat ng sinabi mo na may
relasyon kayo ni Master Cally. You will say sorry to the Sales Lady and…"

"give five thousand to my baby as a 'Stress compensation', dahil na-stress sa iyo


ang anak ko." At the end napasunod siya ni Khalid sa pustahan.

Millie "..."

"Mommy, I think you should ask for more because she looks rich and we will
definitely win." bulong muli ni Khalid.

Hinarap muli niya ang babae "*Ehem*, my Baby said he wants fifty thousand as a
stress compensation."

"Where the hell is the 'stress compensation' coming from?" takang tanong ng babae.

"It doesn't matter. If you are confident, you'll agree with it. Just let us know
kung wala kang pambayad. Kapag nagback-out ka, everyone will think na
nagsisinungaling ka," pananakot niya dito.

"And maybe, it's because you are really not Master Cally's girlfriend."

"Of-of course not! I'm his only girlfriend! I will pay a hundred!" Ngunit bakas na
sa mukha ni Millie ang pag-aalala.

Na-warning-an na kasi sila ni Xander na hindi magdadalawang-isip na tanggalin siya


sa kumpanya kung sakali na magsabi pa siya ng kasinungalingan.

Anyway, she will also earn millions for terminating her contract. Iyon nga lang
mawawalan din ng tiwala sa kanya ang publiko pati na ang iba pang ahensya.

Tahimik naman ang Sales Lady at hindi alam ang gagawin.

Nilingon ni Prin ang Manager ni Millie saka nakipaglabanan dito ng titig.

"We will call Assistant Xander to come here if we wanted to." hamon ng Manager. Sa
isip nito, busy si Xander sa opisina at walang panahon na magpunta sa mall na iyon.
So, they are safe.

Tinawagan nito si Xander na naka-speaker pa at pinapupunta nito ang lalaki sa shop


ni Baba. Wala naman silang narinig na kumpirmasyon kay Xander.

Little did she know, Khalid already sent a message to Xander that they were in
trouble sa store ng Tita Baba niya.

"See? that was Xander! You'd better prepare compensation for defaming Millie
Brown," sabi nito.

"Sure! I am willing to pay five million kung nagsasabi ka ng totoo." Bakit siya
matatakot na maglabas ng pera?

Dalawang minuto pa lang ang lumilipas, tanaw na nila si Xander na papasok sa


apparel na iyon, may kasama itong tatlong body guard ng Grupo ni Cally. Kinabahan
ang Manager lalo at malamig ang mga mata nito na tumingin sa kanya..

Ngumiti naman si Millie dahil nasa isip ng babae na wala namang gagawin si Xander
doon kun'di makiusap sa Sales Lady na dito ibibigay ang onesie.

"Xander, you are here."

Pero hindi siya nito tinapunan ng tingin. "Miss Yuna, Master Khalid."

Nanlaki ang mata ng Manager pati si Millie Brown lalo na nang marinig ang pangalan
ni Khalid.

They looked at the kid na naka-short, shirt ng dilaw at sumbrero. Noon lang nila
napansin na kamukha ito ni Cally.

Kasalukuyang nakatingin muna ni Prin sa cellphone para ma-stalk ang profile ni


Millie Brown at kung anu-ano ang mga pinagsasasabi nito sa account nito. Ayaw nang
tapunan pa ng tingin ang dalawa.

"Xander, can you please fire your Manager for me?" mayabang niyang sabi.

Tumango lang ito.

"Assistant Xander…" Nakikiusap ang mata ng Manager. Saka tumingin kay Prin na
walang pakialam sa paligid. Hindi niya akalain na nagsasabi ito ng totoo.

"You are fired!" Nag-echo ang boses nito sa buong store at walang kagatol-gatol na
sinabi ang nais.

Tumayo si Prin mula sa couch saka nilapitan si Millie. "Tsk tsk! Too bad, you can
use all the people in the world, but you dared to use my husband's name," bulong
niya sa tenga nito. Tinapik niya sa balikat ang babae na tinakasan na ng kulay.

"See you in court."

Saka niya nilapitan ang kahera at ang Sales Lady at ngumiti ng matamis. "Pakibalot
na ang lahat. Here's my payment."

Lumapit naman si Khalid kay Millie.

"Now, where is my Hundred thousand?" Inilahad nito ang kamay sa babae.

Wala itong nagawa kun'di maglabas ng cashcard mula sa bag at inabot iyon kay
Khalid.

"Here. Password is 1234" saka nagbalik ng shades at nagmadaling lumabas ng store.


Halos hindi alam kung paano itatago ang mukha.

Palihim na nag-apir ang mag-nanay.

"Mommy, do you know that I have the same Panda onesie in my closet?"

Prin "..."

"And I can also ask Tita Baba to give me another one even if the item was out of
stock."

Prin "..."

"Bakit hindi mo sinabi kanina, hinayaan mo pa ko na makipag-agawan sa damit?"

"Why would I? I won't be having a hundred thousand if I did that."

BUSY si Cally sa opisina nang bumukas ang pintuan at iniluwa ang asawa at anak
niya.

Nag-angat siya nang ulo dahil kung buksan ng dalawa ang pintuan akala mo ay may
hahamunin sa loob ng opisina niya.

But their mood was rather than good.

"Hello Husbie!"

"Hello Daddy!"

Binitiwan lang nito ang mga paperbag na bitbit sa gilid.

Tumigil muna siya sa trabaho saka tiningnan ang dalawa. He knew what happened in
Baba's shop at pinapunta agad si Xander doon para ayusin ang problema ng dalawa.

Sa mood ng asawa niya, mukhang winalis nito ang babae kahit hindi na kailangan ng
tulong niya. Mukhang hindi na rin ito inis sa kanya ngayon.

"How are you?" tanong niya dito. Tumayo siya saka nilapitan ang mag-ina niya.

"He he… your baby panda earned a hundred thousand in less than one hour. Is he
cool?"

"I earned millions in one hour. What is surprising?"

Tinapik siya nito sa balikat "But my Baby Panda is just four! Of course his Mommy
is happy!"

Kumunot ang noo ni Cally hinila niya ang masayang babae para iupo ito sa binti niya
sa sofa na naroon.

"Come here, baby." Kinandong niya rin si Khalid sa binti. They look like a happy
family.

"Did you settle it?" tanong ni Cally na ang tukoy ay tungkol sa isyu ni Millie
Brown.

"Not yet!" mariin na tanggi ni Prin. "Baby, how much do you want to earn next
time?"

"hmmm… A million." simpleng sagot ni Khalid.

Cally "..."

"Mommy, will definitely give it to you!" mayabang na saad ni Prin.


Sumasakit ang ulo ni Cally sa usapan ng mag-ina niya. Hindi niya alam kung paanong
nagkaroon ng pera ang dalawa sa loob ng isang oras. Kung paano rin mag-usap ang
dalawa ay para bang may kukubrahin na pera sa sugalan.

"How did you get a hundred thousand?" Usisa ni Cally.

"Of course, I get it from her! Na-stress ang baby ko sa kanya kaya she paid a
hundred thousand as compensation," sagot ni Prin.

He was speechless. He just thought, anyway, she can do whatever she wants to do.

"We are so tired. Are you done?" Usisa ni Prin.

"Yes, let's go home." Napapailing na lang si Cally.

…..

KINABUKASAN, naglalaro sila ni Khalid ng 'A Millionaires Game'. Inaya nila si Xia
para mas exciting.

"Mommy, I find this game boring. We should be playing with real money," reklamo ni
Khalid. Kung tunay na pera ang hawak nila, hindi ba at mas exciting ang laro.

Tiningnan niya ang play money sa harap. Five hundred na lang ang pera niya at
kakaunting properties na nasa board game. Her son has a lot as if he owned the
game.

"If I did that, I might end up selling all my real properties just to pay you or
maybe selling your Dad to get more money. A lot of girls want to bed him, for sure
we will earn millions in just one night." seryosong sabi niya.

"Oh? then, we have a back-up plan if ever MGM declares bankruptcy."

Xia "..."

"Yep! At least we have a plan, right? Hindi tayo titira sa kalye."

Xia "..."

Nasa isip ni Xia, anyway, it's impossible Shi Cally will go bankrupt.

Seryoso si Prin na naghagis ng dice nang mag-ring ang cellphone niya, tumawag sa
kanya si Apolo.

"Yes Dad." Nasanay lang siya na iyon ang tawag niya dito. But deep inside her
heart, she is missing Rob Matsui so much. And her Mommy too.

"Come here in the office." Pinapupunta siya nito sa hotel.

'Hmmm… Mukhang another battle na naman ito'

Sinama niya si Khalid sa hotel. Nilagyan niya ng mask na may disenyong pikachu ang
bibig nito para hindi makilala ni Apolo.

"Baby, this is for your protection okay. Mommy will have another battle against bad
people," paliwanag ni Prin.

Pumasok siya sa loob ng opisina ni Apolo. Natagpuan niya doon ang Accounting
Manager niya.

Napansin din nito si Khalid. "Who is that kid?"

"My friend's kid. Don't worry. He will just sit here." Pinaupo niya si Khalid ng
komportable sa nag-iisang couch na nasa bungad bago lumapit kay Apolo para harapin
ito.

Sinalubong niya ang mata ng Accounting Manager.

"Tungkol ba ito sa nawawalang 40 million?"

Kita ni Prin ang paglunok ng babae. Hindi niya binabawi ang pagtitig sa mata nito.

Napangisi siya nang unang magbawi ito ng tingin.

SERYOSONG tumingin sa kanya si Apolo. "Tell me about it."

Pinilit ng Manager na ibalik ang tindig nito kahit pa kinakabahan ito sa paraan ng
pagkakangiti at tingin ni Prin. There was a hidden meaning of her smile.

"... Because it's true that the hotel's mother bank account has been missing 40
million."

"ow?" makahulugan pa rin niyang sabi.

"The Financial Statement was in your hands, I gave it to you along with the other
documents," sabi ng Manager.

"Yeah! I agree," sagot ni Prin.

She looked at the manager deeper. She sent a warning through her eyes.

She is still giving her a chance na magsabi ng totoo pero mukhang kinain na ng kung
ano ang Manager dahil napaghandaan na nito ng mabuti ang lahat ng sasabihin.

"Of-of course! And the money was in your hands," sabi nito.

"You better explain clearly," sabi ni Prin.

"Master, tatlo lang tayo ni Miss Yuna ang approver sa online banking natin. But the
money transfer I made needs a final approval from either of you. I noticed that
there was a money transfer made to her personal account instead of a mother bank
account ng Romantik Grand Hotel."

Pinakinggan ni Prin ang sinabi ng babae. Sa nilahad nito, sinasabi nito na


imposible na magtransfer ito ng pera ng walang approval nila ni Apolo. Pero pwede
si Prin o kaya naman ay si Apolo.

"...Our hotel needs more funds at kapag nalaman ito ng Board of Directors, sigurado
na kayo po ang malalagay sa alanganin." paliwanag nito kay Apolo.

"Really? Then, can you show the transfer made from our bank?" hamon ni Prin.

"Of course." May pinindot ito sa laptop.

Pinakita nito ang listahan ng apat na 'debit' ng bank account ng branch na mina-
manage ni Prin sa loob ng dalawang buwan.
"This is the money transfer made." turo nito sa mga numerong nasa screen. Apat na
tig-sampung milyon ang nasa listahan.

Lumitaw sa harapan ni Apolo ang mga numero. Eksaktong 40 million ang nakikita niya
sa screen at ang lahat ng iyon ay mga banking online transfer sa isang swiss
account.

"Yuna, what is the meaning of this? How come you have a swiss account?" tanong ni
Apolo. Nakaramdam siya ng pagkadismaya.

"Dad, are you sure it was my account? You are only seeing a bank number and how
much is the account transferred. Go to personal account details and we will know."
Nananatili si Prin sa kinatatayuan malayo sa laptop.

"Of course, we can do that." Pinindot ng Manager ang isang transaction at lumitaw
ang lahat ng detalye kasama na ang bank account number, bank name at amount kung
saan ito ipinadala.

Ngunit nabigla ito sa pangalan na nakalagay doon. Hindi nito inaasahan na her name
was clearly written on it.

Nanlaki ang mata ng manager at hinawakan ng mabuti ang laptop. "This... it's
impossible Master Apolo!"

Sinubukan nito ang ibang bank transaction at tulad ng una, pangalan nito ang
nakalagay doon.

"Ma-master, this is impossible, the account name should be Miss Yuna Byrnes!"

"Ma'm, you should be better clear about it. My name was not on it. It was clearly
your name," sabi niya dito.

"How about we call the Swiss bank to confirm?" mungkahi ni Prin.

"Yes. Yes, Master, we can do that." Agad nilang tinawagan ang Swiss bank.

Si Apolo ang kumausap dahil malaki ang personal na account balance nito sa nasabing
bangko, idagdag pa ang Romantik Grand Hotel sa bangko na iyon. Binigay ni Apolo ang
mga detalye sa bangko nang naka speaker.

"I wasn't just sure about the account name. As your number one depositor, you can
tell me the name, right?"

"Of course, Master!" what is that small account for Master Apolo, right? saka nito
sinabi ang pangalan ng Manager.

Madilim ang mukha ni Apolo na nagpasalamat dito saka hinarap ang Manager. Hindi
niya akalain na magagawa pa nitong idamay si Yuna.

"Yuna! Call the police!"

"This, this is an impossible Master! I-I personally created this account for Miss
Yuna!" Huli na nang maisip nito ang sinabi.

"Ma-master, I…" natutop nito ang bibig saka lumuhod sa harapan ni Apolo.

Madilim na ang mukha ni Apolo dahil sa mga nangyari.

"Tsk Tsk! You clearly created this account para mawalan ng tiwala sa’kin ang Master
Apolo, is that what you mean?"

Nakausap niya na si Coffee tungkol sa bank account na iyon nang una pa lang.

Dahil sinabi nito na sa kanya nakapangalan ang swiss accout na iyon, she instructed
her na palitan ang pangalan nito at isunod sa pangalan ng Accounting Manager.

Nahirapan si Coffee na matrace at ma-hack ang banking system dahil kailangan ng


skills at maselan na trabaho sa pagpasok sa system para hindi siya mahuli. But
still, Coffee did it after a day.

"Master, please I was just instructed by Miss Mari. tinakot niya lang po ako kaya
ko ito nagawa."

Pero hindi na naniniwala si Apolo. "After implicating Yuna, you now want Mari? How
nice of you!"

Afterall, it's just normal for Apolo to protect his children.

Lumabas na si Apolo at ayaw nang makita o makausap pa ang babae na baha ng luha ang
mata. Ilang saglit pa, naroon na ang police para damputin ang babae.

Naawa na lang si Prin dito dahil nagpauto ito kay Mari.

"Baby, you see how good your Mommy is?"

"Yes. Mommy, is the best! But the money is sayang!"

…..

BAGO tuluyang lumabas si Prin at Khalid ng hotel, pinatawag muli siya ni Apolo.

Dahil sa palagay niya ay importante o seryoso ang sasabihin nito, iniwan niya muna
si Khalid kay Mildred. "Baby, stay with Untie Mildred, okay? I have some work to
do," sabi niya dito.

Tumungo si Prin sa opisina ni Apolo, nabigla siya na makita doon si David na


nakaupo at seryosong kausap ang tatay-tatayan niya.

"David?"

Tumayo ito nang makita siya. "Oh! Hi Yuna."

"What are you doing here?"

"Oh! May business concern lang ako kay Master Apolo. Nagpapagaling pa ang Daddy ko,
so heto at ako muna ang nakipag-usap sa Daddy mo."

"It's good that you knew each other," puna ni Apolo.

"Yeah."

Nagpaalam din naman si David dahil naramdaman nito na importante ang pag-uusapan
nilang dalawa.

"How do you find David?" Kumunot ang noo ni Prin sa tanong na iyon ni Apolo.

"He is a nice guy; I have known him for a couple of months." hindi niya na
nilawakan pa ang pag-explain dito.
"Yeah. I can see that he was different around you. He was known for being tyrant
and silent. Anyway, how did you know about the 40 million?"

"Oh! It's because I am working on it for a couple of days. I noticed that the
financial statements are unusual. Nag-audit na ko simula pa ng nakaraang linggo."

"At ang totoo, alam ko ang tungkol dito. Inaabangan ko lang kung kailan niya
sasabihin o ilalabas ito sa iyo. Nilaliman ko pa ang imbestigasyon and found out
that she was spending too much sa casino."

Natahimik si Apolo at nag-isip.

"It's good that you know how to protect yourself. By the way, did you… meet Ginny?"

Napalunok si Prin. "Yes."

"Panay ang tawag niya sa akin simula nang magkita kayo." Pagkatapos nitong sabihin
iyon, natahimik muli si Apolo.

His looks are sad and as if drowning by something. She knew that Apolo is hiding
something kaya nga ayaw niyang ipaalam muna dito ang tungkol sa pagkatao niya.

"That will be all Yuna." sinabi na lang nito pagkalipas ng matagal nitong
pananahimik.

…..

SA PWESTO naman ni Mildred at Khalid…

Nang lumabas si Prin, nagtanong agad si Khalid kung saan pupunta ang Mommy nito.

"Where do you think Mommy will go?"

"To Master Apolo." ngumiti ng simple si Mildred.

Inikot ni Khalid ang paningin sa buong opisina ni Mildred. Nagbalik naman muli sa
trabaho ang dalaga.

"Untie Mildred, Do you think Mommy doesn't love me anymore?" tanong nito maya-maya.

"Aw, why do you think so?" parang nahabag naman si Mildred sa batang si Khalid
dahil iniisip nito na hindi na ito mahal ni Yuna.

"Hmm. It's because she left me alone with you," seryosong sagot.

Mildred "..."

'Is it bad to be with me?'

"Anyway, it's better to have you than the girl named Mari. She is brainless to the
point that Zombies don't like to eat her brain."

Mildred "..."

Hindi niya alam kung masaya ba siya sa part na iyon dahil kung pagtatabihin ba sila
ni Mari, siya ang uunahing kainin ng Zombies dahil mas mukha siyang matalino sa
babae?
"*cough* do-do you like milk yogurt, or a cake perhaps?" Every kid loves sweets and
desserts, right? She thought.

"Sure. Ampalaya cake without bitterness. Do you have that?

Mildred "..."

"The cake has a high quantity of sugar and it becomes a mixture of fat and
calories. You may have a bigger chance of having diabetes by eating cakes. On the
other hand, Ampalaya has a certain insulin-like protein called polypeptide P that
mimics the action of insulin and lowers blood sugar levels in diabetic patients.
Can also help you get rid of acne, blemishes and skin infections and gives you a
healthy and glowing skin."

"So, wouldn't it be nice to eat an Ampalaya cake, so everything would be balanced?"

Mildred "..."

Ngumiti siya ng pilit. Sa totoo lang, wala siyang naintindihan! Kinuha niya na lang
ang cellphone niya sa drawer at hinanap ang mga game app niya doon.

'Plants versus Zombies' din ang pinakita niyang laro sa bata.

"Try to play this game for the meantime while waiting for your Mommy." binigay ni
Mildred ang cellphone niya kay Khalid.

"Sure! But... Do you know that there are so many disadvantages of playing games?"

Mildred "..."

"Like, lack of other hobbies and poor academic performance... Gaming addiction can
slow down brain growth… It can also affect eyesight that results in Insomnia… and
the worst is, Behavioral and mental changes."

"If something bad happened to me, my Dad will never forgive you. It's better to
find my Mommy."

'Miss Yuna! Come back!'

Sa palagay ni Mildred ay mauubusan na siya ng dugo sa batang nakaupo sa tapat na


akala mo ay harmless.

Natuwa na lang siya nang sa wakas ay dumating si Miss Yuna.

PALABAS na si Prin at Khalid ng hotel nang pigilin naman sila ni David. Naghihintay
sa entrance ng hotel ang lalaki kaya imposible na hindi sila nito magkita.

"Yuna," bungad nito.

"Oh, Hi David!"

Nakakunot ang noo ni Khalid na nakatingin sa lalaki. "Siguro naman papayagan mo na


akong makasabay kayo na magmeryenda."

"My Mommy is still not available. Thank you!" sabad ni Khalid.


Ngunit hindi na ito pinansin pa ni David. Mukhang handa rin sa labanan na iyon ang
lalaki.

"I don't have a family nor close friend here," sabi nito na naging hudyat naman
para sumang-ayon si Prin.

"Alright!"

Matalim ang tingin na pinukol ni Khalid sa lalaki then the kid looked at her as if
questioning her 'who is this guy?'

"It's just a meal, baby," katwiran niya sa anak.

Hindi na nag-react pa si Khalid. Gustuhin man magreklamo kung bakit wala itong
kaibigan o kamag-anak sa lugar na iyon, wala itong magawa dahil si Prin pa rin
naman ang masusunod.

But he secretly texted his Dad nang makarating sila sa Italian restaurant na
malapit sa Romantic Grand Hotel

[Mommy is meeting her Boytoy looks like Antman!!!]

Nakakunot ang noo ni Cally nang mabasa niya iyon habang nasa meeting.

[The man is now happily chatting with Mommy. You'd better come and rescue your
wife!]

[She even bring her baby while secretly dating] Sunud-sunod na text ng anak niya.

Cally gestured to pause the meeting saka pinalapit niya si Xander na nakikinig sa
dulong bahagi ng kwarto.

Nitong mga nakaraan ay pinasusubaybayan niya ang mag-ina niya ng lihim para hindi
mapahamak ang mga ito.

Walang ensayo ang asawa niya sa loob ng tatlong taon at nananatili lang ito sa loob
ng hotel kaya naman mas minabuti niya na pabantayan muna ang asawa niya sa ngayon.

Lalo na ngayon na panay ang lakwatsa ng mag-ina.

"Where is Yuna?" tanong niya kay Xander.

"According to the guards, Master, nasa isang Italian restaurant sila sa ngayon para
samahan si David Young na magmeryenda."

Agad na kinuha ni Cally jacket niya at iniwan ang trabaho.

"Meeting adjourned," ang sabi saka mabilis na lumabas ng conference room. Naiwan na
nagtataka ang mga tao sa kwarto. Just like that and he disappeared.

"Wh-what happened?" tanong kay Xander ng isang Team Manager.

"I won't say anything," sagot lang ni Xander.

…..

UMIINOM lang ng milkshake si Khalid sa tabi ni Yuna at inaabangan ang pagdating ng


Daddy nito.
'Why is he so bagal? Does he want his wife to be snatched by this Antman?'

Kasalukuyan kasing nakamaroon na body fit si David. His hair is flowy.

Khalid looks cute in his yellow Pikachu shirt. Tumingin si David sa batang kasama
ni Yuna na sa palagay niya ay wala namang maiintindihan sa sasabihin niya sa babae.

Sa simula ay pinag-usapan muna nila kung kamusta si David sa pagbabalik nito sa


pamilya nito sa Singapore. Kung ano ang mga ginawa nito doon sa siyudad sa loob ng
ilang araw hanggang sa magtapat ito sa kanya.

"Yuna... I asked your Dad if I can court you." David said.

Prin "..."

Sabay na nag-angat ng paningin ang magnanay kay David. Nakatitig ito sa kanya as if
he was hypnotized by her beauty.

Napaubo si Prin ng sunud-sunod. Khalid passed his water.

"Yuna, I'm serious. I have never been in love with anyone before."

Lumunok muna ito bago nagpatuloy.

"I know your relationship with Felix in the past and have been single for a year
now. Kaya naglalakas loob ako na magtapat."

Napanganga si Prin sa sinabi nito. Si Khalid naman ay hindi maganda ang anyo. Does
he also know that she was with Cally recently?

Sa isipan naman ni Khalid. His Daddy needs a beating and this Antman needs to be
kicked out of the country far away from his Mommy. Just then, his Daddy came.

"Looks like David Young has not been busy recently," boses ni Cally.

Tumalim ang tingin nito kay Cally. "Yuna, is my friend. Of course, I have all the
time for her even if I'm busy."

Lalong sumama ang mukha ni Cally sa narinig. "I heard that David Young is good at
battle… let's do a match, do you agree?"

"Of course!" mabilis na pagsang-ayon ng lalaki.

Tumayo rin si David mula sa kinauupuan saka hinarap ang naniningkit na mata ni
Cally. Wala ni isa man sa dalawang lalaki na gustong magbaba ng paningin.

Hindi naman alam ni Prin ang gagawin dahil tila nag-aapoy ang mata ng dalawang
lalaki na nakikipagtagisan ng titigan sa isa't isa.

"Mommy --"

"No Honey, we don't have to bet this time. This is serious."

nag-aalala niyang sabi habang nakatingin sa dalawang lalaki na ayaw magbaba ng


tingin.

"Mommy you are overthinking; I will not let you bet with Antman while I'm betting
with my Dad. I just want to say, let them do it!"
….

"DAVID… you don't have to agree with it."

Hinawakan niya sa braso ang lalaki pero agad din naman niya iyong binawi dahil
mabilis na lumipat ang paningin ng asawa niya sa kamay niya na humawak sa braso
nito.

Sa paraan ng pagtingin kasi ng asawa niya sa parte na iyon, parang puputulin nito
ang kamay niya dahil dumampi iyon sa balat ni David.

Hindi maiwasan na mag-alala siya dahil she knew David. He is one of the best spies
in the world.

Alam niya rin naman na hindi magpapatalo ang asawa niya sa labanan. But this battle
is insane, she doesn't want to hurt any of the two men.

Kaya naman ngayon pa lang ay kailangan na niyang himukin ang dalawa na itigil ang
plano nito.

"Just let me know when and the place." hamon ni David.

"Sure! This weekend. My assistant will let you know the place."

Napangiwi si Prin. "David, you don't have to agree. I'm with Cally. Maybe you don't
know but I'm in a relationship with Cally now." paliwanag niya sa lalaki.

Pero nananatiling seryoso ang dalawang lalaki.

"He has a kid. You knew this guy just recently. Hindi ko hahayaan na maging
pampalipas oras ka lang ni Master Cally." sarkastikong sabi

Prin "..."

'I knew him alright! And this kid is also mine!'

Hindi niya alam kung paano magpapaliwanag. Matapos nitong sabihin iyon, tumalikod
na ito kaya lalo siyang nawalan ng pagkakataon na magpaliwanag dito.

Matapos nitong makalabas sa restaurant na iyon, binalingan siya ng asawa niya.

Napangiwi si Prin dahil nananatili pa ring malamig ang anyo nito. It's as if she
was meeting a lover.

"How did you know that we are here?" usisa ni Prin.

"Why? Are you planning to hide this from me? Your baby texted me." malamig na sagot
nito.

"He knew how to write?!" and text? Ilang bagay pa ba ang hindi niya alam na kayang
gawin ni Khalid.

Akala niya ay naglalaro lang sa tablet nito ang anak niya habang nakikipagkwentuhan
siya kay David.

"He already knew how to read at the age of two. He knew how to read piano keys at
the age of three. It's not surprising at all that he texted me."

Pero hindi iyon ang pinoproblema ni Prin.

Ang tanong niya ay kung ano ang mga sinabi ng anak niya kay Cally.

"Baby, ano ang mga na-text mo kay Daddy?" kinuha niya ang tablet nito at binasa ang
mga mensahe na pinadala nito sa asawa niya.

Nag-iisip ng isasagot si Khalid habang napapangiwi si Prin na binabasa ang mga


mensahe.

"Daddy said, he will give me five thousand per message."

Prin "..."

"Where did you get all these ideas that I'm secretly dating with my baby?"

"and... Come and rescue your wife?" nabibigla si Prin sa mga sinabi ng anak niya sa
text. Does her son think this way about her?

"I just choose randomly on the internet. I just googled them, copied and pasted
them. If I texted Daddy more, I will earn more than 5 thousand. You see, in just a
couple of minutes, I earned 15 thousand."

Napangiwi si Prin.

"But... But I don't like money at all!" katwiran nito.

Prin "..."

'Yeah, right! You are just selling me just now. '

Napayuko si Khalid. Somehow, he felt guilty.

"I just don't want Mommy to be snatched by Antman that looks like Gremblin,"
mahinang sabi nito.

"Don't worry, Mommy won't be snatched away by anyone." Tila nakampante naman ito sa
sagot niya.

"Husbie..." Hinawakan niya sa braso ang asawa.

"Let's go home," sabi nito saka tumayo na at umuna na sa paglabas. Nagbayad lang
siya ng kinain nila saka sumunod kay Cally sa kotse nito.

Pagdating nila sa White Castle, pinagpatuloy niya ang pagsunod kay Cally hanggang
sa makarating sila sa kwarto.

"Husbie…" umurong ang kung anuman na nais niyang sabihin dito nang makita na
seryoso si Cally na lumingon sa kanya.

Hinila siya nito palapit sa bisig at marahas siyang hinalikan sa labi. Gusto niyang
magreklamo pero hindi siya makawala sa bisig nito. Halata na gusto siya nitong
parusahan. He kissed her hard until she couldn't breathe.

Ilang saglit din naman at naging magaan ang halik ni Cally pati ang pagkakayakap
nito sa kanya.
"I don't know what to do with you," bulong nito maya-maya. He kissed her head.

"Husbie, please don't continue the battle," pakiusap niya pa rin dito. Hindi niya
alam kung saan aabutin ang dalawa kung sakali.

Naramdaman niya na bumigat ang kamay nito sa balikat niya na halatang hindi nito
nagustuhan ang sinabi niya.

"Honey, it's too late to tell me that. Sa palagay mo, anong iisipin ni Antman kung
bigla akong magba-back out? It's a good match between two men."

'Antman?'

"And you… you will stay here tomorrow with your baby. You are grounded. Saka
darating ang tutors ni Khalid."

"Tutors?"

"Yes. His tutors come here every week. 'Yung isa tinuturuan si Khalid ng piano at
'yung isa naman, tinuturuan siya sa aralin."

"He is studying?!"

"Yes, once a week," sagot nito.

Sa isip ni Prin, masyadong bata pa ang anak niya para mag-aral. Mas gusto niya sana
kung naglalaro lang ito sa bahay o sa playground. Ayaw niyang madaliin ang anak
niya sa galaw ng buhay. Kids should spend their time playing outside. Because once
he reached his 20s, matutulad ito sa asawa niya na maraming responsibilidad.

Kaya naman dapat ay nagsasaya lang ito sa edad nito na apat na taon. Ayos lang ang
pag-aral nito ng piano because he is enjoying at the same time.

"Is he too young for that?" tanong niya kay Cally.

"Honey, ayoko rin siyang pag-aralin kaya nga isang beses lang sa isang linggo kung
pumunta dito ang tutors niya, but Mommy insisted, dahil si Khalid ang
pinakamatalino saming lahat. I can say na mas matalino pa sa iyo ang anak mo."

"Get lost!"

SA UMAGA, nasanay na sila ng anak niya na mag-exercise. Napansin din naman niya na
mukhang parehas na nakapag-adjust ang katawan nila ng anak sa activities sa umaga
dahil mas malayo na ang natatakbo nila.

"Honey, do you like to swim?" tanong niya.

Saglit na nag-isip ito "But I don't know how to swim."

Napangisi si Prin. "How about I teach you?"

"But I'm lazy and shy," nakayuko na sabi. Halatang nahihiya ito na magsuot ng
trunks.

Ngumiti si Prin. Kahit papaano ay nakikilala niya ng paunti-unti si Khalid. "Eh,


come here."

Pinupog niya ng halik sa pisngi ang anak.

"Sa susunod, huwag ka na basta-basta magpapadala ng kung anu-anong mensahe sa Daddy


mo ha. Those on the internet are not a good influence. See? Your Dad and Antman
almost kill each other. Where did you learn to bet and sell things?"

"I don't know," nahihiya na sabi.

"...It all started when I sold Uncle Matty's laptop two months ago for five hundred
thousand. But in the end, he still bought it."

Prin "..."

"How did you do that?" she was really amazed na nabenta ni Khalid kay Mat-mat ang
sarili nitong laptop sa hindi maliit na halaga.

Kinuwento ni Khalid na nasira ng triplets ang laptop dahil nahulog sa swimming pool
na naroon sa White Castle ang laptop nito.

Sa pagkabadtrip ni Mat-mat, binigay na lang kay Khalid para paglaruan.

Matapos ipagawa ni Khalid ang laptop ng Uncle Matty nito, he found secrets and
obviously Matty's secrets.

He told Donna he found his Uncle's secrets inside the laptop.

Sa takot ni Mat-mat na malaman ng asawa nito ang mga X files na nasa loob ng laptop
nito, binili nito sa halagang 50 thousand ang laptop.

But Donna raised the price to 100 thousand. Tapos, tinaasan din ni Mat-mat sa
dalawang daan, tinaasan din ni Donna sa 300 thousand. Ang nagwagi nga sa huli ay si
Mat-mat din sa halagang five hundred thousand.

He paid his own laptop for 500 thousand that day.

Speechless si Prin matapos i-kwento ng anak niya ang sitwasyon. Kahit siya sa hotel
ni Apolo na nagpakapagod ng isang buwan ay hindi sumuweldo ng limang daang libo.

"You see Mommy? I didn't do so much work but in two months I earned a million."

'Lodiiiiiii!'

Kung sa loob ng dalawang buwan ay may milyon na ito. Binibilang ni Prin ang
kikitain nito matapos ang isang taon. Paano pa kapag inabot na ng teenager ang anak
niya?

Baka malagay pa sa 'The Richest Man in the World' ng Guinness ang anak niya.

…...

DUMATING ang instructor ni Khalid sa piano matapos niya lang hilamusan ang anak
nang umaga na iyon.

Isang maganda at seksing babae ang dumating sa White Castle. Maganda rin ang tindig
nito.

Nakakunot ang noo ni Prin nang makita ang babae. Hindi niya rin kasi akalain na
bata pa ang pianist na nagtuturo kay Khalid.

Ang binigay na impormasyon sa kanya ni Cally ay gold medalist sa International


Competition ang babae. Ilang taon na rin daw itong nagsasanay sa piano at si Khalid
ang una nitong tinuturuan.

Kaya naman ang babae ang napili nito na magturo kay Khalid. But she wasn't expected
that the girl was young. Sa tingin ni Prin ay naglalaro sa mid-twenties ang babae.

Hinila ni Khalid ang braso ng babae para lumapit sa kanya.

"Come Teacher, I will introduce you to my Mommy."

Kumunot ang noo nito nang marinig ang 'Mommy' word mula kay Khalid.

Pinasadahan muna siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa nang makalapit.
Nakaramdam naman agad ng pagkaasiwa si Prin sa ginawa nito. She sensed something
about the girl.

Ngumiti rin naman agad ang babae at tinago ang emosyon.

"Hello, I'm Teacher Bei," pakilala nito sa kanya.

Tumango lang si Prin. "So, you are his teacher."

"Yes," sagot nito.

"Okay!"

Binalingan niya agad si Khalid. "I'll see you Baby kapag tapos ka na. Sa office ni
Daddy lang si Mommy," sabi ni Prin .

May tatapusin pa rin naman siyang trabaho na naiwan mula sa hotel. Pinadala niya na
lang ang lahat kay Mildred sa emails.

Pinagmasdan pa siya ng babae na papaakyat ng hagdan. Being a Dark Guard for so many
years, she sensed something about her gaze pero nanatili si Prin na papaakyat at
hindi na tinapunan pa ng tingin ang babae.

Then she thought, the teacher may be one of Cally's fans.

He has millions of fans and she will just ignore the teacher as one of those fan
girl na wala rin namang magagawa dahil nasa kanya ang bertud ng asawa niya.

…..

ISANG magandang babae si Miss Bei, kung tutuusin may hawig ito kay Gal Gadot.
Mukhang aral din ang babae at saka matalino sa isip ni Prin. Normal naman sa mga
pianist ang ganoong pagkilos para mas makaenganyo ng fans.

Matapos iyon, tinanggal niya na sa isipan pa ang babae.

Naging maayos pa rin ang pagturo ng guro kay Khalid. Naririnig sa buong kabahayan
ang tunog ng pagtugtog nito ng piano.

Prin was proud. Narelax pa nga siya kung tutuusin sa pagtatrabaho habang
pinakikinggan ang pagtugtog ni Khalid. It was as if the person who plays the piano
is not a four-year-old kid.

Buong oras na nakangiti si Prin sa opisina ni Cally.

Sa piano room… Tumikhim si Teacher Bei matapos ang oras ng pag-ensayo nila ni
Khalid. "You are good."

"Really?" tanong nito.

"Yes. Do you want to compete?"

May parating kasi na international contest. Pwedeng irehistro si Khalid at sabay


silang sisikat kung sakali na magwagi ito.

Nagliwanag ang mukha ni Khalid at nag-isip saglit. "Hmmm. I'll ask my Mommy."

Simula nang dumating si Prin sa bahay na iyon, tinatanong ni Khalid ang Mommy niya
sa lahat ng bagay.

"I will ask Mommy if I'm good and would be able to join the contest."

Pinilit na ngumiti ng babae. Parang nawalan ng saysay ang tanong na iyon ni Miss
Bei sa bata dahil depende pa rin sa kung ano ang magiging desisyon ng Mommy nito.
Kung mag-decide si Miss Yuna na hindi sasali si Khalid, iyon ang masusunod.

Saglit na umasim ang mukha ng guro. 'Who is this Miss Yuna?'

"Since when did she come here?"

Nagbilang naman sa isip si Khalid. "I think for a week."

She came here just a week ago and everything was under her control?

Hindi matanggap ng guro na may matatagpuan siyang bigla na babae doon matapos
niyang maglaan ng oras kay Khalid. Everyone in the society knew that Master Cally
was single for a couple of years.

Maraming babae ang gusto na maging Mrs Cally Han and she was not an exemption.

She tried to befriend with his kid at baka sakaling mapalapit ang loob niya sa
bata. Narinig niya sa iba na kung sakali na mapalapit ang loob niya kay Khalid,
there is also a bigger chance na mapalapit siya sa tatay nito.

For a couple of months na pagpunta-punta niya doon ay wala siyang nababalitaan na


may napupusuan si Master Cally because he was still in love with his wife.

Paanong nangyari na pagdating niya doon ay may bubungad sa kanyang babae na


dumating lang doon isang linggo lang ang nakalipas?

Kailangan niyang ipagtanong-tanong ang pagkatao ng nanay-nanayan ni Khalid at baka


makakita siya ng posibleng gamitin laban dito.

Pinutol ang mga isipin niya ni Xia.

"Miss Bei, naghanda ako ng meryenda para sa inyo." Nilapag nito sa maliit na mesa
na naroon sa loob ng kwarto ang tray na bitbit. May laman na sandwich, tea at juice
ang tray.

Umupo sila ni Khalid sa magkabilang silya sa tapat ng coffee table. Tapos napansin
niya na nag-aatubiling kainin ni Khalid ang sandwich nito.

"I'll bring mine to my Mommy," narinig niyang sabi ni Khalid. Hindi na ito
nanghingi ng kumpirmasyon o sagot mula sa kanila ni Xia. Nilagay muli ang pagkain
nito sa tray at binitbit iyon palabas ng kwarto.

Naiwan si Xia at Miss Bei sa piano room. Naghanap siya ng tiyansa para usisain ang
babae tungkol kay Miss Yuna nang hindi ito makakahalata.

Pinag-usapan nila ng huli ang tungkol sa pagpiano ni Khalid. Pinuri siya nito dahil
sa magandang pagturo niya sa Master nito. Tumikhim si Bei matapos ang maraming pag-
uusap.

"Miss Xia, maitanong ko lang po. Kailan pa dito si Miss…"

"Si Miss Yuna po ba?"

"Yes."

"Nakaraang linggo lang," nakangiting sagot nito. It looks like she was also having
a nice relationship with Miss Xia.

"Her relationship with Khalid looks nice," sabi niya dito.

"Yes, even her relationship with Shi Cally was surprisingly nice."

"Kailan pa sila magkakilala?" dahil wala namang ma-sense na kung ano si Xia,
sinagot nito ang tanong.

"On master Khalid's birthday. Since then, he called Miss Yuna his Mommy.
Natatandaan n'yo pa po ba na kinansela ni Shi Cally ang klase n'yo nang nakaraang
linggo? Sinira kasi ni Master Khalid ang lahat ng gamit dito because he wants to
see Miss Yuna pero ayaw ni Shi Cally."

"Pero matapos ang lahat, nasunod pa rin ang Master Khalid. Since then, she came to
this house hanggang sa nagkamabutihan sila ni Shi."

"Is it a whirlwind romance?" usisa muli ni Bei

Natutop ni Xia ang bibig. "Oh my! Miss Bei, Sorry! Hindi dapat ako nagsalita ng
madami. I'm sorry but that's all I can say. Please don't tell this to outsiders."

Bumahid ang pag-aalala sa mukha nito. Palibhasa ay magaan na ang loob ni Xia sa
teacher ni Khalid, para lang siyang nakikipagkwentuhan sa isang kaibigan. Pero alam
ni Xia na mali pa rin ang ginawa o sinabi sa teacher ni Khalid.

Bumigat ang hawak ng guro sa tasa.

'One week and she got everything?' Hindi niya alam kung anong gayuma ang ginawa ng
Yuna na iyon sa mag-ama pero hindi siya naniniwala na matapos lang ang isang linggo
na pagkakakilala ay ayos na ang pagsasama nito.

She can now even stay in Cally's office in White Castle.

Pinilit niyang magpakalma at huwag ipakita ang pagkainis kay Yuna. Then, she asked
her Dad if he could investigate more about Yuna Byrnes.
DUMATING ang weekend...

Sa araw na iyon ang laban ni David at Cally pero kinailangan ni Prin na pumasok sa
hotel, may mga pipirmahan siya na kung anu-anong dokumento dahil ilang araw na
siyang lumiliban.

As usual, kasama niya ang kanyang baby panda. Sa palagay niya ay hindi na sila
mapaghihiwalay pa ng anak niya.

Para itong duckling na sunod ng sunod sa nanay nito. Mawala lang siya ng saglit sa
paningin nito ay hinahanap na siya nito.

Still, he was still her baby.

"Hindi ka ba naboboring, baby?" tanong niya habang pumipirma sa mga dokumento na


nasa harap.

Nakaupo sa katapat na couch si Khalid at nanonood ng kung ano sa ipad nito.

"No, I'm fine. I like being with Mommy," sabi habang nakatutok ang mata sa ipad na
hawak.

"Don't worry, patapos na rin si Mommy."

Ilang saglit pa, biglang bumukas ang pintuan at iniluwa si Mari. Halata sa mukha
nito na hindi ito nakatulog at stress sa kung anong dahilan.

"Yuna! How dare you?!" nagagalit na bungad nito.

Nagtaas ang kilay niya. 'Ano na namang problema nito?'

"You?! Are you the one who told Felix that I'm not pregnant?!"

Prin "..."

"You are the one, right?!"

Sumasakit ang ulo niya sa pagdating nito at ayaw niyang patulan ang babae. Hinilot
niya ang sentido. Wala siyang pakialam kung buntis ito o hindi. She doesn't even
care about their relationship or if they are getting married.

"You are so shameless, Yuna! Gusto mo siguro na magkabalikan kayo ni Felix kaya mo
ko siniraan sa kanya!"

"Mari, I don't care about your Felix! Can you please get out?"

"Felix will soon be a Master of Smith Family kaya gusto mo siyang angkinin, aminin
mo na, Yuna!"

Hindi niya alam kung saan hinugot ng babae ang dahilan nito na iyon.

"So, that's why you are still blainless!" sabad ng anak niya.

Lumingon dito si Mari at napaatras nang makita si Khalid, ang batang nagpahiya sa
babae ilang araw ang nakalipas.

"They say, hormones like estrogen, progesterone, and others most likely drive the
changes in the brain structure of the pregnant lady. That's why they became
smarter… but it looks like you are still brainless. Maybe that's the reason why
this 'Felix the cat' guy, found out that you were just pretending."

"Don't take it against my Mommy, she doesn't care about your Felix the Cat. She
only cared about me. Ask yourself instead for being brainless," galit na sabi ng
anak niya sa babae.

"If I am a zombie, I won't eat your brain because there is nothing in it!"

Parang magdudugo ang ilong ni Prin sa mga paliwanag ni Khalid.

What hormones?

What progesterone? Estrogen?

She doesn't even know about these things.

"Ughhh!!!!" Nagpapadyak ang babae dahil sa sobrang galit. Hindi pa nga ito
nakakabawi sa pagpapahiya ni Khalid. And now he said she is brainless?

Mabilis na lumapit ito kay Khalid at hinawakan sa magkabilang braso ang anak niya.

Napatayo si Prin sa kinauupuan at agad na nilapitan si Khalid.

"I'm not brainless! It's Yuna's fault!" Niyugyog nito ang katawan ng baby panda
niya.

"Mari! Stop!" Tinanggal niya ang kamay nito sa braso ni Khalid.

Kinuha niya ang anak at napansin na bumakat ang kamay at nagalusan mula sa kuko ng
babae ang braso ni Khalid. Nag-init ang ulo ni Prin dahil nagalusan ang anak niya
mula sa kamay ng babae.

"You witch!" Galit na singhal niya.

Nabigla rin ito pero huli na dahil sinuntok niya ng diretso at ubod-lakas sa mukha
si Mari. Agad na nawalan ito ng malay.

K.O.!

"Grrrr. This witch!" usal niya habang nag-aalala kay Khalid.

Namula ang kamay niya dahil ilang taon na siyang walang praktis sa labanan.
Pinagpag niya ang kamay dahil nasaktan din talaga siya.

Gusto niya pang sipain ang babae palabas ng kwarto na iyon para matauhan ito habang
nasa sahig ito.

Pinatawag niya si Felix kay Mildred saka nagpadala ng first aid kit.

Akala naman ni Felix ay kung ano ang kailangan sa kanya ni Yuna kaya mabilis itong
nagpunta sa opisina ng babae.

Ilang saglit pa, naroon na ang lalaki at may bitbit na rin na gamot ang sekretarya
niya.

"Get your girlfriend out here! I'm not involved in whatever issues you may have!"
galit na sita niya kay Felix.
"Tsk!" Umasim ang mukha nito at halatang hindi nito nagustuhan na makita doon si
Mari.

"I'm going back to the UK. Ask your Dad to help her because I'm not tolerating this
Mari girl!" Sabi nito saka lumabas muli ng opisina niya at hinayaan ang babae.

"Are you okay, Baby?" nag-aalala na tanong niya sa anak.

"Mommy, we should ask for money from Felix the Cat. He should pay my medical
bills."

'After Antman, Felix the Cat.'

Mukhang ayos naman ang anak niya dahil nakakita ito ng dollar sign sa katauhan ni
Felix.

"What is your nickname for your Daddy?" she curiously asked.

"Snow white. He has these seven families representing the dwarfs."

Prin "..."

…..

INALAM ni Prin kung saan gaganapin ang laban ni Cally at David. Pero ayaw sabihin
sa kanya ni Xander. Mahigpit daw na utos ni Shi Cally na hindi siya pwede sa Arena.

Alas kwatro ng hapon ang nakatakdang oras ng laban ng dalawa. Trenta minutos na
lang at magsisimula na ang laban ng mga ito. Malamang na parehas na nasa lugar na
ang dalawang lalaki at naghihintay na lang din ng oras.

Ayaw man niyang patulan ang dalawang lalaki sa kabaliwan ng mga ito, hindi maiwasan
na mag-alala pa rin siya.

"This is insane!" nag-aalalang usal niya.

Panay ang ikot at lakad niya sa opisina. Wala na si Mari doon dahil pinabitit niya
na sa gwardiya palabas.

"Mommy, I want to wiwi," saad ni Khalid. Kaya naman naputol saglit ang pag-aalala
niya sa dalawang lalaki.

"Okay, come."

Dinala niya sa Restroom ng mga kalalakihan si Khalid. Sinubukan niya na minsan na


pagamitin dito ang CR ng mga babae dahil bata pa naman ito at hindi papansinin sa
ladies’ room, pero ayaw ng anak niya.

He said he never went to the ladies’ room because Dad always accompanied him in the
past.

Hinintay ni Prin sa labas ng restroom ang anak niya, naririnig naman niya ang
pagflush at kung ano pa sa loob. Sumandal muna siya sa pader.

Habang malalim ang iniisip, napansin niya si Felix na papalapit pero iniisip niya
na papunta lang ng restroom ang lalaki kaya hindi niya ito pinansin. Iniwas niya na
lang ang paningin dahil ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.
Pero nabigla na lang siya nang may yumakap sa kanya at takpan ang bibig niya ng
panyo. Mabilis na nawalan siya ng malay at parang lantang gulay na nahulog sa bisig
ni Felix.

"Sorry Yuna, but I'll bring you with me."

…..

NAGHINTAY si Khalid sa labas ng restroom, naisip niya na baka nagwiwi din ang Mommy
niya sa loob ng ladies’ room. Pero 10 minutes na siya doon sa labas at hindi pa
lumalabas ang Mommy niya mula sa loob.

Wala siyang nagawa kun'di ang pumasok sa loob ng CR ng mga babae. But to his
surprise, no one was there.

Nagpunta siya sa opisina ng Mommy niya na malapit lang din naman sa restrooms.

But his Mommy also wasn't there. Alam niya na hindi siya iiwanan doon na mag-isa ng
Mommy niya kaya nagsimula siyang kabahan. Sunod na tinungo niya ang opisina ni
Mildred sa katabing kwarto. Natense pa ang babae nang makita siya.

"Untie Mildred, where is my Mommy?"

Kumunot ang noo nito. "She is with you, ‘di ba?"

"I know, I'm not an idiot but can't you see I am looking for her?"

"Okay, okay, sit there for the meantime while waiting for your Mommy." tinuro nito
ang silya sa tapat na nakalaan para sa bisita.

Nag-aalangan man, sumunod si Khalid. "Please look for my Mommy."

Dahil nasanay naman na ang sekretarya ni Prin na ganoon si Khalid, palaging


hinahanap ang Mommy nito at para bang ayaw nito na malayo kahit saglit lang, hindi
niya masyadong binigyan ng atensyon ang problema ni Khalid.

Nasa isip ni Mildred na baka pinatawag ni Apolo o kaya naman ay may tsinek lang sa
hotel.

Tumingin si Khalid sa relo. 30 minutes na ang nakalipas at wala pa ang Mommy niya.

"Untie Mildred, you better find my Mommy or else I will think she has been
kidnapped."

Napangiwi ang babae. "Okay, okay, I will look for her."

Umalis ito saglit, ilang minuto pa ang nagtagal bago ito bumalik muli.

"Khalid, did your Mommy leave you? Did she tell you, your Daddy will pick you up
here?" hindi rin kasi makita ni Mari si Yuna at nalaman niya mula sa isang utility
personnel na nakita nito na nakaupo sa passenger seat ang Manager nila.

"That's nonsense!" Hindi siya iiwan doon ng Mommy niya, he is a hundred percent
sure.

He sent a message to his Daddy. [Daddy, Mommy is missing!]

Pero wala siyang makuhang sagot o kahit notification man lang na nabasa nito ang
message niya.
Bumaba si Khalid ng silya at nilapitan ang landline ni Mildred. Tinawagan niya ang
opisina ng Daddy niya. Walang sumasagot.

'Oh noh!' His Dad is in a battle with Antman.

Sunod na tinawagan niya si Xander. Operator muna ang sumagot hanggang isang lalaki
ang marinig niya sa kabilang linya, si York, ang sekretarya ni Cally.

"York, I want to talk to Xander."

Pinagmamasdan lang siya ni Mildred.

"He was with your Daddy," sagot nito.

"Then call Xander! Tell him my Mommy is missing!"

SABAY na dumating si David at Cally sa isang arena. Si Xander ang lahat ng nag-
asikaso ng bagay na iyon.

Isang Mixed Martial Arts ang napagkasunduan ng dalawang lalaki.

Isang napakalaking Arena iyon pero sikreto ang laban nilang dalawa sa publiko. May
cage ring sa gitna.

Tanging si Xander, Medics, mga batikan sa laban na iyon at ang mga


pinagkakatiwalaan na tao ang nasa paligid, bukod pa sa organizers para patas ang
laban.

Sinuri muna ang katawan nilang dalawa.

Kahit papaano ay ayaw ni Xander na may mapahamak sa laban na iyon. Lalo nang ayaw
niya na mapahamak ang Shi Cally nila.

Gustuhin man niyang pigilin ang Master nila ay wala siyang nagawa. Si Miss Yuna nga
ay walang magawa, siya pa ba na di-hamak na Assistant lang sa opisina.

Nagtataka naman si David kung bakit wala si Yuna sa lugar. Inikot niya ang paningin
nang makapanhik sa ring, ngunit hindi niya nakita ang kaibigan.

"Where is Yuna?" tanong niya nang magharap sila ni Cally sa gitna ng ring.

"I don't want her to see you wearing a small piece of clothing. Kaya hindi ko
pinaalam sa kanya kung saan ang laban," sagot ni Cally.

Mixed Martial Arts ang laban nila at tanging boxers lang ang suot. He will never
allow Prin to see another man's body. Even a single sweat on David's body.

Baka hugutin niya pa ang mata ng asawa niya kung masilayan lang nito ang katawan ng
katunggali.

Tumiim naman ang bagang ni David. Ganito na ba kalapit ang dalawa sa isa't-isa?
Pinilit ni David na magpakalma sa narinig.

Saka nagbigay ng kakaibang ngiti.


"Talaga ba? Baka naman ayaw mo lang na makita ka ni Yuna na duguan at talunan ka
ngayong hapon?" sabi habang iniinat ang katawan.

"Ikaw ang bahalang mag-isip," sagot ni Cally. Parehas silang nag-stretch ng


katawan.

Pumasok na ang referee sa gitna ng ring dahil eksaktong alas kwatro na ng hapon.
Sinabi nito ang mga bawal.

Agad na humarang ang pader ng dalawang lalaki at mabilis na tumalim ang mata sa
isa't-isa. Hindi iyon basta laban lang, alam nila sa isa't-isa ang ibig sabihin ng
laban na iyon.

Kailangan ipakita ni Cally sa David na ito na hindi siya isang simpleng businessman
lang. He can protect his wife. At gusto niyang magbalik ang lalaki sa kung saan ito
galing at huwag ng guluhin pa ang asawa niya!

Nakakasira ng araw at nakakasira sa mata niya ang mukha ni David.

Aminado si Cally na insecure siya sa bagay na nakasama ito ni Prin sa loob ng


dalawang taon. Sa panahon na wala siya sa tabi nito.

Sumenyas ang referee para sa pagsisimula ng laban.

Agad na naghanap ng tyansa ang parehas na partido. Ilang saglit pa, nagpakawala ng
sipa si David na sinangga ni Cally. Saka nagpakawala ng sipa din para dito na
sinangga rin nito.

Hanggang sa nag-ipitan na sila ng mga binti sa gitnang bahagi ng ring.

Ramdam nila ang lakas ng katunggali at bawat pagsuntok sa katawan, pero hindi
iniinda ng dalawa.

Kumuha sila ng atensyon lalo na sa mga expert na nanonood. Pakiramdam nila ay mas
magaling pa ang dalawa sa mga lumalaban ng MMA. Bilib ang mga nanonood dahil kapwa
ayaw magpatalo ng dalawang lalaki sa isa't-isa at parehas determinado sa laban.

"Wow! I never thought Master Cally would be this good at fighting," sabi ng isa.
Dahil kilala nito si Cally bilang presidente lang ng MGM.

"totoo, kahit si Sir David."

"Well, he is a spy afterall."

Hanggang sa nasuntok ni David si Cally sa panga. Ganoon din naman si Cally dito.

Pumito ang referee pero tila hindi na nadidinig ng dalawang lalaki. Parehas na nasa
iisa ang atensyon.

Ang talunin ang isa't-isa!

Hindi naman mapaghiwalay ng referee ang dalawa dahil pati ito ay natakot nang
lumapit sa dalawang naglalaban.

Sampung minuto na ang laban at kapwa, parehas ayaw magpatalo. Kung ano ang nagawa
ni Cally, may kasunod na banat agad si David.

Samantala, tutok na tutok si Xander sa panonood ng laban. Hindi niya kasi hahayaan
na may mangyaring masama sa parehas na lalaki. Ito ang utos ni Cally.

Kung sakaling may mangyari sa Master niya, siya rin naman itong malalagay sa
alanganin.

Lumapit ang isang tauhan ng arena kay Xander.

"Assistant Xander, tumatawag si York sa cellphone n'yo pero hindi n'yo daw po
sinasagot," pagbibigay alam nito.

Hindi na niya kasi iintindihin pa na sumagot sa cellphone.

Tumango siya saka tumayo. Nilingon niya pa ang dalawa sa cage ring na parang manok
na panabong na naglalaban at alerto sa isa't-isa.

Nang makarating sa pasilyo. Sinagot niya ang tawag ni York.

"Alam mong hindi ako pwedeng istorbohin ngayon na nasa laban si Master Cally."
Pinagagalitan niya ito.

"Pero Assistant, importante ito."

"Siguraduhin mo na importante talaga ang sasabihin mo. Kung hindi ay ipadadala kita
kay Master sa Africa para samahan ang mga giraffe sa wild."

"Nawawala si Miss Yuna!" biglang sabi

'Shet! Importante nga!'

…..

NA-TENSE si Xander sa narinig mula kay York.

"Nasigurado mo na ba kung totoo ito?" usisa niya dito na kinakabahan.

"Assistant Xander, si Master Khalid mismo ang tumawag sakin. Base sa boses niya
hindi siya nagsisinungaling. Mahigit 40 minutes nang hindi bumabalik sa opisina
niya si Miss Yuna… Nakausap ko mismo ang sekretarya ni Miss Yuna at may nakakita na
empleyado ng hotel na nakasakay daw sa si Miss Yuna sa kotse. Hindi naman siguro
walang puso si Miss Yuna para iwanan si Master Khalid sa hotel ni Apolo at basta na
lang umalis."

Kinabahan si Xander, naisip niya pa nga nang una na baka nagpapanggap lang si Miss
Yuna na nawawala para pigilin ang laban ni Shi Cally.

Pero hindi pwedeng ipagsawalang bahala ang bagay na ito kung sakaling may nangyari
talaga sa babae.

Isa ang pagkakataon na iyon sa mga bagay na hindi alam ni Xander ang gagawin.

Tsk!

"Magpadala ka ng tao para puntahan si Master Khalid." ang huling mensahe niya kay
York

Mabilis ang mga hakbang na tinungo niya ang ring.

Kapwa pawis na pawis ang dalawa sa Ring. Kita na ang pasa, galos at bahid ng dugo
sa katawan ng dalawang lalaki. Pumutok na ang labi ni Cally pero ganoon din si
David.

Mabilis din naman siyang nakalapit sa cage ring.

"Master! This is an emergency!" sigaw ni Xander sa butas ng cage ring.

Hindi siya pinapansin ng dalawa.

"Miss Yuna is missing!" sigaw niya.

Parang tumigil ang mundo ng dalawang lalaki na nag-iipitan ng leeg sa gitna ng ring
at sabay na lumingon kay Xander.

Halos gumapang ang dalawa at na sabay din na lumapit sa kanya sa gilid.

"Anong nangyari?" sabay din na tanong nito.

Umaangat at bumababa ang dibdib ng dalawa dahil sa paghingal. Tumatagaktak ang


pawis pero pinili pa rin na harapin si Xander.

Napalunok si Xander. Kapag may nasabi siya na hindi maganda, baka gulpihin siya ng
dalawang ito na mas dumoble ang pag-apoy sa mga mata.

"Ask the team to look for her," naging pasya ni Cally.

"Where is Khalid?" Hindi rin hinintay pa ni Cally ang sagot. Matalim na nilingon
niya si David saka lumabas ng ring para mas maintindihan kung ano ang nangyari.

"I will also ask my team to look for her," sabi ni David na sumunod sa paglabas.

Kahit ano pa ang mangyari, they have to stop this fight. Saka na nila pag-uusapan
kung kailan nila iyon itutuloy.

Hindi alam ng mga nanonood kung ano ang nangyayari dahil natutuwa pa sila sa laban
ng dalawa nang bigla na lang tumigil ang mga ito.

"Assistant Xander, anong nangyari?" hindi makapaniwala na tanong ng isa sa


organizer.

"May emergency na nangyari sa pamilya ni Shi Cally kaya tigil muna ang laban." Saka
sumunod sa Master nito.

Nanghinayang man ang mga manonood, wala silang magagawa.

Tinungo ni Cally ang locker saka kinuha ang mga gamit at mabilis na nagbihis.

Nagkasulyapan pa sila ni David bago tuluyan na lumabas ng arena.

Sa sasakyan, binasa ni Cally ang mga mensahe ni Khalid. Ilang beses nitong sinabi
na 'Mommy is Missing'.

Tinawagan niya si Mat-mat. "I need your help. Please look at Romantik Grand Hotel's
CCTV and find the person who abducted Yuna."

Kumunot ang noo ni Mat-mat.

Sa ngayon, ang pinsan pa lang ang pinagkakatiwalaan ni Cally kung si Yuna o Prin
ang usapan.
"Sige, sabihan kita agad kung may mapansin akong kahina-hinala."

…..

SA LUGAR ni Khalid. He is still waiting for his Dad to come.

"Untie Mildred, do you think Dory is the one who got my mom? Or is it Felix the
Cat?"

"Dory? Felix the Cat?" takang tanong ni Mildred.

"Oh! It's my nickname for brainless Mari and the man named Felix."

"Why Dory?"

"it's as simple as it is, because she is Brainless like Dory in Finding Nemo."

Napangiwi na lang si Mildred. Ayaw niyang alamin kung ano ang tawag nito sa kanya
at baka hindi niya magustuhan.

"Do you want to see my Dad?" tanong ni Khalid sa dalaga.

Panay ang tango naman nito. Nakatanggap na si Khalid ng mensahe na on the way na
ang Daddy niya at anumang oras ay kakatok ito.

"Pay me five thousand then I'll let you see him."

Mabilis na naglabas ng pera ang babae at inabot kay Khalid.

Ilang saglit lang, may kumatok sa pintuan ng opisina ni Mildred. Binuksan niya iyon
at natulala siya nang makita si Master Cally.

"Yo-your Dad is here," sabi nito ng namumula ang mukha.

Lumapit si Khalid sa Daddy niya at yumakap sa binti.

"Daddy, Mommy is missing!" sabi nito na parang pusa.

"Get your things, let's go," utos kay Khalid.

Nananatili pa rin si Mildred na natulala dahil nakita niya ng personal ang idol
niya.

"Salamat sa pag-alaga kay Khalid. Kailangan na naming umalis." saka ngumiti ng


bahagya.

Hindi na hinintay pa ang sagot ng dalaga at mabilis na humakbang papalayo habang


karga si Khalid.

Pakiramdam ni Mildred ay sulit ang 5 thousand na binayad niya dahil nakausap,


nagpasalamat at ngumiti pa sa kanya si Master Cally.

PINATULOG ni Felix si Yuna kahit nang isakay niya ito sa Private plane na pag-aari
ng pamilya.
"Master, are you sure about bringing Miss Yuna?" nag-aalalang tanong ng assistant
niya.

"Yes."

"But Master, I was told that David Young is pursuing his love for her. Nagpaalam na
rin daw po si Sir David kay Master Apolo na hinihingi nito ang kamay ng Miss
Byrnes. And what about Master Apolo?"

"I don't care about that David! Yuna was mine before and mine now! About Master
Apolo, I will explain everything to him..."

"...Let's go back to the UK!"

Masyado na siyang napraning sa paghintay sa Maynila at naghanap ng tiyempo para


ibalik si Yuna sa kung nasaan dapat ito.

Ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa niya ay hayaan ang babae na makipaghiwalay


sa kanya nang nakaraang taon. Tapos ay nagpabola siya kay Mari.

Hiniga niya si Yuna sa single bed na nasa private plane ng Smith. Hinaplos niya ang
pisngi ng babae, ang balikat.

They were happy before and he will make sure to continue the happiness with her.

Kinuha niya ang kamay nito at hinalikan iyon saka nagbigay ng utos na bumalik na
sila sa Casino Main Branch.

Hindi man sang-ayon ang assistant ni Felix. Wala siyang magawa kun'di ang sumunod.
Masyado lang siyang nag-aalala sa background ni David Young at kay Master Apolo.

He himself doesn't dare to offend this David Young. Hindi niya alam kung ano ang
kahihinatnan ng Smith Family ng dahil sa isang Yuna.

…..

NANG makabalik sa sasakyan, hindi alam ni Cally kung ano ang susunod na instruction
niya sa chauffeur. Hindi niya alam kung saan ang susunod nilang destinasyon.

Hanggang sa tumawag sa kanya si Mat-mat…

"Bad news," bungad nito.

"Why?" tanong naman ni Cally.

"I can't see anything in their CCTV files mukhang may sumabotahe agad. But I used
all my knowledge to calculate the time na nawala siya sa hotel base sa sinabi ng
anak mo sa CCTV sa kalye. The person we are looking for is Felix Smith."

Humigpit ang hawak ni Cally sa cellphone.

Alam niya na si Felix ang ex-boyfriend ni Yuna noon at ayon sa mga nakuha nilang
impormasyon ni Mat-mat, nakaraang taon lang nakipaghiwalay dito ang asawa niya.

Matty doesn't know, but Cally knew his wife. She ended her relationship with this
Felix because she is not Yuna in the first place.

There are no special feelings that she felt for this guy.
"Yuna was brought by Felix to the airport."

"To the airport!" utos niya sa chauffeur. Tumango lang ito sa salamin.

Kailangan niyang mahabol si Prin at bawiin sa kamay ni Felix or else makakaya


niyang sunugin ang buong casino na pag-aari ng pamilya nito na nasa UK.

"Cally, about this… hindi ba masyado ka ng sobra dito kay Yuna? Bakit hindi mo na
lang siya hayaan?" alam ni Mat-mat na nobody will replace Prin. At sa tingin niya
ay pinagbibigyan lang ng pinsan si Khalid.

"...She was Felix's lover in the first place," dagdag pa ni Mat-mat.

"No, you are wrong! She was Prin in the first place and I am getting my wife kahit
saan pa siya dalhin." malamig na sabi ni Cally.

Sa kabilang linya, nabasa ng kape na iniinom ni Mat-mat ang laptop niya.

"Pusang gala! Nabasa tuloy ang laptop ko!" saka umubo dahil nabilaukan.

"Are you sure about this?" tanong ng makabawi. Hindi makapaniwala si Mat-mat sa
nalaman.

'How come she became Prin?'

"Yes. Ikaw mismo ang nagsabi sa akin na nagparetoke ng mukha si Yuna matapos makuha
ni Apolo dahil nasunog ang mukha ng asawa ko sa Maria Celeste and so was Yuna."

"Remember Sandra lost her memories before. I thought nakaligtas si Prin sa parte na
iyon, but no. She lost her memories. And it's because no families were around her
for three years, nabuhay siya bilang Yuna."

"Recently lang siya nakabalik dahil na rin madalas niya kaming kasama. Ayoko lang
siyang ma-pressure kaya hinayaan ko siya na samahan muna ang anak namin." Nilingon
niya ang anak na seryosong nakatingin sa kanya at nakikinig.

"Hindi pa namin sinasabi sa pamilya ang tungkol dito dahil sa tingin namin ay may
alam si Apolo. Pero hindi pa kami sigurado kaya napagkasunduan namin na ilihim
muna."

Natahimik si Mat-mat sa kabilang linya. It's not because of anything else but the
way Cally explained everything, he felt his cousin's sadness.

Tumingin siya muli sa laptop at napasinghap.

"We have a problem! Paalis na sa paliparan si Felix!" sabi ni Mat-mat.

Tila sumakit ang ulo ni Cally sa nadinig. Kapag nakaalis na ang eroplano nito wala
silang choice kun'di ang sundan ito sa UK.

"I want to see you at the airport in 30 minutes," utos niya kay Mat-mat saka
tinapos ang tawag.

Yumakap naman si Khalid sa bewang ng Daddy niya.

"Daddy, where is my Mommy?" parang ducking na hinahanap ang nanay niya. "I want my
Mommy..."

"We will get her at Felix's Casino."


Bigla itong nag-angat ng mukha at sumeryoso. Para bang hinipan ng hangin ang awra
nito na hinahanap ang Mommy nito. "Casino?!"

"Yes! But kids are not allowed to go there. You will be staying at Kent Mansion."

Sumimangot agad ito. "Eh… That's unfair! I want to rescue my Mommy!"

"oh really? How much did you earn from that lady a while ago?" akala ba ng anak
niya ay makakaligtas sa kanya ang hawak nitong pera nang dumating siya sa hotel?

"Five thousand." honest na sagot.

"I should've asked her to give me ten thousand, but I gave her a discount for
taking good care of me."

Cally "..."

….

PAGDATING ni Cally sa airport, kaaalis lang ng eroplano ni Felix.

"Please ask someone kung saan patungo ang eroplano na iyon," utos ni Cally kay
Xander habang nakatingin sa eroplanong kalilipad lang.

"Pakiayos na rin ang lahat." dagdag niya.

Naintindihan naman ni Xander ang ibig niyang sabihin. They will follow kung saan
papunta ang eroplano ni Master Felix.

"Yes, Shi!" saka ito umalis. Si Xander na ang nagpahanda ng mga kakailanganin ng
mag-ama para makaalis at makasunod kay Felix para bawiin si Miss Yuna.

Tinawagan naman ni Cally si Anthony, Crayon at Crayola para ang mga ito muna ang
maiiwan sa opisina dahil kailangan niyang magpunta sa ibang lugar. Sinabi niya na
isang linggo silang mawawala ni Khalid.

Alam ni Cally na nasa ibang bagay nakafocus ang dalawang kapatid niya pero alam din
ng mga ito na hindi hihingi ng tulong ang kuya nila kung hindi importante.

Matapos iyon, pinaalam niya rin sa Mommy niya na kung sakaling patungo sa UK si
Felix, kailangan nilang mabawi si Yuna.

"Mommy, you know what I mean right?" hindi na niya kailangan pang magpaliwanag sa
Mommy niya, because he knew that she noticed something about his wife's identity.

"Yes, ilang beses na nga rin akong tumatawag kay Apolo but he refused to accept my
calls."

Habang tumatagal lumalakas ang hinala nila na may alam si Apolo.

"Ikaw na muna ang bahala, Ma," ang huling sabi niya.

Kung hindi ibabalik ni Felix si Yuna sa pamilya Kent, hindi makakaligtas ang
pamilya nito sa parusa na gagawin niya.

Madilim ang paningin ni Cally habang nakatingin sa labas ng floor-to-ceiling window


ng airport.
Kung nagawa ni Felix na makuha ang asawa niya, ibig sabihin lang ay hindi nakalaban
si Prin sa lalaki.

They need to practice again. Kailangan nilang magsanay na mag-asawa para hindi
maulit ang ganito. Nasa malalim siyang pag-iisip nang yumakap si Khalid sa isang
hita niya.

"Daddy, I want my Mommy," malungkot na sabi ng anak niya.

Hindi niya napansin na nakalapit na pala ito. Nakatingala ang mukha nito para
salubungin ang mata niya.

"We will get her soon, don't worry." Hinaplos niya ang buhok nito. Pansin ni Cally
na hindi na tulad ng dati ang anak niya. Madaldal na ngayon ang anak kumpara noon
na tahimik lang itong nagmamasid at kakaunti ang mga salita.

His mood was also improved.

Khalid used to hate talking with people. A simple word is enough for him to
exchange conversation.

"That Felix the cat! I will beat him! Daddy you must beat him!" bulalas ng anak
niya akala mo ay kaya talagang gulpihin si Felix. Nakalukot pa ang noo nito at
parang hindi natutuwa sa ginawa ni Felix.

"In the future, beat everyone who bullies your Mommy," sagot ni Cally.

"Yes, I protected Mommy from that Mari girl who looks like a swordfish."

Cally "..."

Nagagawa na rin nito na manglait ng tao. Kinarga niya ito para umupo saglit.

"Daddy, you have bruises on your face. Did you win over Antman?" puna nito.

Ilang saglit lang, nakita nila na papalapit sa kanila si David. Nakita niya na may
dalang malaking bag ang lalaki.

"You are also here," sabi nito sa walang emosyon pero titig na titig sa kanya ang
lalaki.

"Yes."

"See you then!" ang sabi ni David saka nagpatuloy ng lakad.

Alam ni Cally na may kakayahan si David at hindi malabo na nalaman na nito kung
nasaan ang asawa niya.

Mukhang maghaharap na naman sila ng lalaki sa pagbawi kay Prin mula sa kamay ni
Felix.

…..

NAGISING si Prin na masakit ang ulo at nakahiga sa isang malapad na kama.

Hinipo niya ang kumikirot na sentido at pilit na inaalala ang huling mga nangyari
sa kanya.

Saka niya naalala si Khalid!


Bumalikwas siya ng bangon. Kahit may nararamdaman pang pagkahilo, inikot niya ang
paningin sa silid. Isang eleganteng kwarto ang lugar kung saan siya naroon.

Sigurado siya na hindi ito kwarto sa Romantic Grand Hotel na mina-manage niya sa
Pilipinas.

Bumangon siya at tinungo ang pintuan. Hindi niya mapihit ang doorknob nito.
Nasuntok na lang niya ang pinto.

Ang natatandaan niya, si Felix ang huling nakita niya na lumapit sa kanya bago
tuluyan na nagdilim ang paningin niya.

Tinungo niya ang bintana at doon napansin ang lugar. May mga sasakyan sa kalsada,
may mga katabing gusali. Ang pumansin sa kanya ay ang uri ng mga dilaw na taxi.
Walang ganito sa Pilipinas!

Kahit ang mga taong naglalakad ay nakasuot ng makakapal na damit. Sigurado na


dinala siya sa ibang bansa.

Kumuyom ang palad niya habang nakasandal sa salamin.

Ilang saglit lang, bumukas ang pinto. "At last you're awake Yuna!"

"Anong kalokohan ito Felix?"

"Isn't it obvious? You are mine now."

Ngumisi lang siya sa sinabi nito. "Hindi ako kailan man naging sa 'yo, Felix."

NANUNUOT ang lamig ng kwarto sa pagkatao ni Prin.

"Hindi ka na makakaalis pa dito Yuna," sabi ni Felix na nakangisi.

Malamig ang tingin ni Yuna dito.

"Sorry to disappoint you, Felix. In three hours, makakalabas ako dito sa kung saan
mo man ako dinala. You should send me back to Kent Mansion bago mo pa ibaon sa lupa
ang mukha ng pangalan ng pamilya mo." sa UK nakabase ang pamilya ni Felix at hindi
malabo na sa UK din siya nito dinala.

Ilang milya lang ang layo sa Kent Mansion at naniniwala siya na mababawi siya ni
Cally anumang oras.

Humakbang ito para lumapit sa kanya.

"'Wag kang lumapit Felix. I am warning you!" sigaw niya dito.

Pero nagpatuloy ito dahilan para ibinato niya dito ang paperweight na nadampot sa
gilid ng cabinet.

Mabilis na tumama iyon sa balikat nito.

"Tsss! Yuna! You witch!"


"And you are a bastard! Send me back to Kent Mansion now!"

Nagkikiskis ang mga ngipin nito sa sobrang galit sa kanya.

"Sorry but I won't do it!" ang sabi saka umalis.

Paglabas ni Felix, binulungan siya ng isang bantay para sabihin na pinapatawag agad
siya ng Daddy niya.

"Bantayan mabuti si Yuna," utos niya sa mga bantay.

Tumungo siya sa isang kwarto at natagpuan ang magulang niya na seryoso at malalim
ang iniisip.

"Honey, what did you do? Why did you provoke the Kent Family?" sabi agad ng Mommy
niya.

"I'm not, binawi ko lang si Yuna mula sa Pilipinas?" iniisip ni Felix baka
nagsumbong si Apolo.

"But I heard, siya ang nagbabantay kay Master Khalid. The kid likes her and he
calls Yuna, Mommy."

Biglang naisip ni Felix ang batang kasama ni Yuna. 'So, it turns out it was Master
Khalid.'

"Dad, Yuna was my girlfriend. Naliligaw lang siya ngayon. For sure, babalik ang
pagmamahal niya sa akin ngayon na narito na siya."

Patay na patay sa kanya si Yuna noon at kaya niyang ibalik ang bagay na iyon
ngayon, kaya nga naisip niyang dakpin ang dalaga.

Isang malalakas na katok ang narinig nila mula sa pintuan kaya sabay-sabay
napalingon ang pamilya ni Felix.

"Master, we have a problem. Dark Guards are here. We tried to stop them, but Shogun
Lorenz and Shi Cally were also here."

Halos hindi maipinta ang mukha ng daddy ni Felix na humarap sa kanya. "You! Ayusin
mo ang kalokohan na ginawa mo na ito!" sabi nito na nagagalit.

Halos hinihingal na sa galit ang Daddy ni Felix.

…...

SUMUOT si Khalid sa isang bag ng Dark Guards at hindi siya napansin na naisama siya
sa misyon na iyon.

Ayaw siyang payagan ng Daddy niya dahil delikado ang gagawin ng grupo nito sa araw
na iyon.

He wanted to see his Mommy. He wanted to save his Mommy from Felix the cat.

Naramdaman niya na binuhat ang bag at dinala sa sasakyan. Ilang saglit lang,
naramdaman niya na umandar ang sasakyan.

Ganoon kabilis kumilos ang Dark Guards, walang hintayan, dahil they know what to do
as if they are coming from the same womb.
Ilang beses niya pa na pinakiramdaman ang paligid kung wala ng ibang tao bago niya
naisip na lumabas ng malaking duffel bag.

Doon niya napansin na puro armas ang nasa loob ng bag, kaya pala hindi niya gusto
ang amoy. Inikot niya ang paningin sa gusali.

He wants to know where his Mommy is. Then he saw Antman and his team. Sinundan niya
ng tingin ang grupo ni David na pumasok sa kabilang building.

Iniikot niya ang buong gusali hanggang sa may madinig siyang nabasag na salamin.
Tumakbo siya para tunguhin iyon.

Una niyang nakita ang mga basag na salamin sa sahig. Tumakbo siya sa view na sapat
para maiangat ang paningin at makita kung ano ang magaganap.

Nakita niya ang Mommy niya sa ika-anim na palapag. Nakahawak ito sa gilid at nag-
iisip kung paano bababa.

Binasag ni Prin ang salamin.

"Mommy!" sigaw ni Khalid.

Nililipad pa ang palda ni Prin dahil sa lakas at lamig ng hangin. Yumuko si Prin at
nakita ang anak niya.

"Baby, it's dangerous! Go inside!" nag-aalala na sabi ni Prin.

Ngunit hindi nila nakita ni Khalid ang malaking piraso ng salamin na naiwan mula sa
floor-to-ceiling windows na iyon na pabagsak sa anak ni Prin. Nanlaki ang mata ni
Prin at hindi alam kung paano ang gagawin.

"Khalid!" sigaw niya at napasinghap.

….

NAGMAMADALI ang kilos ng lahat ng Dark Guard na pinili ni Lorenz para pumunta sa
Monte-Carlo, ang casino na pag-aari ng pamilya ni Felix.

Hindi naman ganoon karami ang kasama nila. 25 Dark guards lang ang lahat, idagdag
pa si Shogun at si Cally.

"We asked his family to hand her over here," ang tanging nasabi ng Mommy niya
habang naglalakad siya palabas. Ang tukoy nito ay ang pamilya Smith.

Sinubukan ni Cloud at Ginny na pakiusapan ang pamilya ni Felix na ibalik si Yuna


pagkalapag pa lang nito ng eroplano sa bansa, ngunit masyadong matigas ang ulo ni
Felix kaya nadala pa rin ang babae sa balwarte ng mga ito.

Determinado si Cally na makuha ang asawa niya sa araw na iyon. Hindi rin siya
naniniwala kay Felix na ibibigay nito agad ang asawa niya kaya nagdesisyon na siya
na gumawa ng aksyon.

"Thanks Ma, pero hindi mapapalagay ang loob ko na manatili lang dito nang walang
ginagawa. Masyado nang mahaba ang oras na nabyahe namin. I can't wait to see my
wife."

Hinalikan ni Cally sa pisngi ang Mommy niya nang makarating sila sa malaking
pintuan. "Ikaw na muna ang bahala kay Khalid."
Hindi na siya naghintay ng sagot at malalaki ang hakbang na tinungo ni Cally ang
isang sasakyan na naghihintay.

Nagmamaktol man ang anak niyang si Khalid, hindi niya ito maaaring isama sa lakad
nila na iyon.

Delikado ang gagawin nila na iyon dahil hindi rin naman simpleng tao si Felix.

Sa isang burol matatagpuan sa Bristol ang Kent Mansion at nasa Stratford City banda
ang Monte-Carlo kaya mahaba-haba ang biyahe nila.

Tatlong oras ang aabutin bago makarating sa Monte-Carlo ang grupo ni Cally.

"Shi, magpahinga ka na muna," payo ni Lorenz.

Tumango lang si Cally. Galing siya sa mahabang biyahe mula pa Maynila at hindi pa
rin napapalagay ang loob niya hangga't hindi nakikita ng mga mata niya si Prin.

Nakakuyom ang kamay at hindi palagay ang anyo niya habang nakapikit.

…..

UNANG bumaba si Lorenz sa sasakyan matapos makapagpark ng sasakyan nila sa harapan


ng Monte-Carlo.

Hinarang sila ng guard ng gusali.

"I am here to see Master Smith," pagbibigay-alam ni Lorenz.

Ngumisi lang ito. "Who are you? Master Smith is currently having his tea with his
family. No one is allowed to disturbed him," sarkastikong sagot ng guwardiya.

"Really, then tell your Master, Shogun Lorenz is here!"

Pinasadahan siya ng tingin ng gwardiya mula ulo hanggang paa at ibanalik ang
paningin muli sa gwapo niyang mukha.

Isang lalaki ang nagmamadaling lumapit sa gawi nila, ang Assistant ni Master Smith.
Nasa edad singkwenta na ito at matagal nang naninilbihan sa pamilya, kaya may
kaunting kaalaman ito sa mga taong bumisita.

"Sho-shogun, what can we do for you?" binalingan nito ang guwardiya at pinagalitan.
"You! you don't know who this person is?"

Bahid sa mukha ni Lorenz ang disgusto. Lumabas si Cally mula sa sasakyan saka
lumapit sa grupo. Kinabahan ang assistant nang makita siya.

"Shi Cally…"

Hindi sumagot si Cally. Sa halip, dumeretso ng lakad sa pagpasok sa loob ng gusali.

Tinapunan lang ni Lorenz ng matalim na tingin ang mga guwardiya at assistant saka
sumunod kay Cally sa pagpasok sa loob.

Sumunod din ang mga kasamang Dark Guard sa dalawa sa pagpasok sa loob ng gusali.
Sinubukan pa silang pigilin ng security pero hindi na nag-isip pa na binali ng
isang Dark Guard ang braso ng security na nagtangkang pumigil sa kanila.

"Stop!" pigil ng Assistant.


Hindi niya alam ang kahihinatnan ng casino kapag naubos ang gwardiya nila dahil
sinubukan na pigilan ang mga Dark Guards.

"Are you guys crazy! Ha-hayaan n'yo silang pumasok!" utos ng Assistant.

Si Cally naman ay nakakita ng pwesto kung saan siya uupo sa malaking bulwagan.
Kasalukuyan na sarado pa ang Monte-Carlo sa publiko sa oras na iyon na
ipinagpasalamat ng Assistant ni Master Smith. Pero anumang oras ay magbubukas din
iyon at hinihiling ng Assistant na sana ay tapos na ang problema na iyon kung
sakali man na dumating ang oras ng opening hours.

The assistant knew what to do.

"I.. I will call Master Smith right away," ang sabi saka ito at mabilis na nawala
sa paningin nila.

Pumikit si Cally para sandaling pahingahin ang isip. Maya-maya pa, nag-ring ang
telepono niya at nakita niya ang pangalan ng Mommy niya na tumatawag.

Sinagot niya agad ang tawag. "Yes, Ma?"

"Honey, Khalid is not here! Kanina ko pa siya pinahanap sa mga tao dito, hindi
namin siya makita. Sa tingin ko ay sumuot ang anak mo para makasama sa sasakyan
ninyo."

Nagsimulang sumakit ang sentido ni Cally. Nagbigay siya ng utos kay Lorenz na ito
na muna ang bahala. Gawin nila ang dapat gawin kung sakaling hindi ibibigay sa
kanila si Yuna.

Tumango lang si Lorenz at alam nito ang kahulugan sa sinabi ni Cally.

Lumabas si Cally para hanapin ang makulit niyang anak. Nakarinig siya ng nabasag na
salamin mula sa itaas ng gusali na iyon at mabilis siyang tumakbo.

Malakas ang kutob niya na si Prin ang may gawa ng bagay na iyon.

"Mommy!" narinig niyang sigaw ng anak. Parang nakakita pa ito ng anghel na


nakatingala.

'Ang lokong batang ito!' Delikado ang lugar dahil sa mga nabasag na salamin sa
sahig. Kapag may nangyari dito, siya ang mananagot sa asawa niya.

Napansin niya ang isang basag na salamin na anumang oras ay mahuhulog.

'Shit!' mabilis niyang tinakbo ang anak.

"Khalid!!!"

Mabilis na naprotektahan niya ang anak. Tinakpan niya ang ulo at buong katawan nito
gamit ang makapal na trench coat na suot at sabay na gumulong sila palayo sa
nahulog na salamin.

NAKALIGTAS man sila sa salamin, nasugatan naman ang katawan ni Cally sa mga bubog
na nakakalat sa kalsada. Napakagat ng labi si Khalid nang makita ang mga bubog sa
katawan ng Daddy niya.

Nakahinga naman ng maluwag si Cally na makitang walang galos na nakuha ang anak
niya sa mga bubog ng salamin.

"Daddy, you have so much blood… hu hu… I'm sorry." hindi nito alam kung paano
tatanggalin ang bubog sa katawan niya.

"Don't touch it. Palalayasin ako ng Mommy mo sa bahay kapag may nangyari sa 'yo na
masama."

"Gusto mo ba iyon?"

"No." Umiling ito. "but don't worry, I'll send you food everyday."

Cally "..."

Kinabahan si Prin nang makita ang anak niya na kamuntikan ng mapahamak. Hindi niya
mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama dito. Mabuti na lang at sakto
ang dating ng asawa niya.

Nakikita niya mula sa kinatatayuan, sa ikaanim na palapag, na may bahid ng dugo sa


suot nito at mas madami sa asawa niya.

Grabe ang kaba ng dibdib ni Prin. Kahit pa mukhang ayos naman ang lagay ni Khalid,
hindi pa rin mapalagay ang loob niya.

Sa unang pagkakataon, nakaramdam ng takot si Prin.

'This Felix! I will deal with him sooner'

Narinig niya ang kalansing ng susi sa likod ng pintuan. Mukhang may ideya na ang
grupo ni Felix na may ginawa siya sa loob ng kwarto.

Mabilis na nagtago siya sa likod ng pintuan para hindi siya makita kung sakaling
pumasok ang sinuman na nagbubukas ng pinto.

Tulad ng inaasahan, pumasok ang gwardiya ng hotel at nakita nito ang bukas na bukas
na pader dahil binasag ni Prin ang buong salamin na umaaktong pader ng kwarto na
iyon.

Pumapasok ang lamig ng hangin sa buong kwarto. Bahagya pang nililipad ang kurtina
na nilagay niya sa gilid.

"Master, something happened here. Mukhang nakatakas si Miss Yuna!" sabi nito sa
radyo.

"You idiot! Kung kailangan mong sundan. Sumunod ka!"

Malalaki ang hakbang na tinungo nito ang gilid. Si Prin naman ay dahan-dahan na
sumunod dito. Halos hindi siya huminga para hindi siya nito mapansin.

Nang makarating sila sa dulo, sinipa niya ito sa bukas na gilid na iyon,

"Ahhh!" parang papel ito na nilipad ng nahulog pababa.

Nakita na lang niya na bumagsak ito sa mga bubog sa ibaba.

Sa tapat na building…
"Yuna!" sigaw ni David.

Nakita niya ang lalaki sa mas mataas na floor. Kung si Prin ay nasa ika-anim na
palapag. Nasa ika-syam na palapag ang lalaki. Bukas din ang buong salamin sa lugar
nito.

"Wow Boss David, hinagis niya lang ng gano'n 'yung lalaki sa baba." tukoy nito sa
lalaking nawalan ng malay na hinulog ni Prin.

"David, give me a gun!" sigaw niya dito.

Nakatitig si David sa mata ni Prin. Ang plano ng lalaki ay tumalon mula doon sa 9th
Floor patungo doon sa 6th Floor at alam ni Prin ang plano nito kaya nito nagawang
buksan ng maluwag ang salaminsa kabilang building.

But she will not let this man na i-torture ang utak ng asawa niya na nasa ibaba.
She felt Cally's gazes na para bang isa siyang voodoo doll na tinutusok ng karayom.

Knowing Cally, magagawa nitong hiramin ang pagkatao ni Spiderman, maakyat lang ang
pader at huwag lang makalapit sa kanya si David.

Walang nagawa si David kun'di ihagis sa lugar niya ang baril nito.

"Thank you!" sigaw niya.

Dinampot niya ang paperweight na binato niya sa lalaki saka siya lumabas ng kwarto.

'This Felix!' she cursed. Pinainit na talaga nito ang ulo niya.

"Daddy, I will help Mommy." nag-aalala na sabi ng anak niya na nakita ang mga
naganap.

Hinaplos niya lang ang buhok nito. "Just stay here."

"But... but what about Mommy?"

"She will be fine."

…..

SA LUGAR ni Prin. Naglalakad siya sa hallway nang makasalubong niya si Felix.

Palapit din ito sa kanya.

Nang malaman nito mula sa gwardiya na nakatakas siya, naghintay ito sa lugar na
maaari siyang makita at tulad ng inaasahan makikita siya nito sa hallway na palabas
sa gusali na iyon.

"Yuna! I told you, hindi ka makakaalis dito nang hindi ko pinapayagan!" galit na
sabi nito.

Nag-aapoy ang mata niya na lumapit dito.

"I. Am. Not. Yuna!!!" Hinampas niya dito ang paperweight na bitbit.

Nakatulog ang lalaki sa pagkakahampas niya sa ulo nito.

"Gigil mo si ako!" sigaw niya sa walang malay na si Felix.


Hingal na hingal siya dahil parang napagod na siya na basagin ang salamin ng kwarto
na pinanggalingan niya.

Ilang saglit pa, narinig niyang tumunog ang elevator na nasa gilid. Naging alerto
siya dahil baka mga guwardiya na naman ng Monte-Carlo ang bumungad sa kanya.

Nabitawan ni Prin ang hawak na paperweight nang tuluyan na makita ang taong lumabas
dito.

At nagsimulang magsipaglaglagan ng luha niya sa mata.

"Daddy…"

….

HINDI napigilan ni Prin na umiyak nang makita ang buong bulto ni Rob Matsui na
lumabas mula sa elevator.

Ngunit nabigla siya nang nilampasan siya nito.

"Daddy!" Hinawakan niya ito sa braso para pigilin.

Nakakunot ang noo nito "sino ka?"

"ehhh… Daddy naman e," nagmamaktol na saad niya.

"Woah, kaboses mo ang anak ko!"

"Daddy naman e… Siyempre ako to! Si Prin ako!" nagpapadyak na saad niya.

Pinagmasdan siya nito ng mabuti. Nilapit nito ang paningin para mas masilayan siya.

"weh?!"

"ehhh… nagparetoke lang ako." Biglang umatras ang luha na namuo sa mata niya dahil
sa kakornihan nito.

"Totoo nga ang sabi ni Ginny, nag-iba ang mukha ng anak ko."

"...Si Prin ka talaga, hindi ka nagsisinungaling?" tanong nito na may bahid ng


pagdududa.

"Gusto mo bang sabihin ko kung ano ang sikreto mo kay Mommy Ginny?"

Tinakpan nito ang bibig niya "H'wag kang maingay… Sige, naniniwala na ako na anak
kita."

Yumakap si Prin sa baywang nito. Abot-tenga ang ngiti niya.

"I miss you, Daddy."

Naniniwala naman si Rob. Simula pa lang nang makita niya ang bagong katauhan ng
anak na ginulpi si Felix gamit ang paperweight na nabitawan nito.

Gusto lang niya na pagtripan ito ng kaunti. Gusto rin niya na pigilin ang galit na
nararamdaman kaya mas minabuti na biruin niya ito.
Prin looked at her Dad. She missed him so much, tulad ng pagka-miss niya sa mommy
niya. Gusto niya na makita ang dalawa simula pa nang nakaraang linggo pero
sinabihan siya ni Cally na nandito nga daw sa bansa ang magulang niya.

Nabigla na lang siya nang pisilin nito ang ilong niya ng mariin.

"Dad! Ilong ko iyan, kapag tumabingi o kapag tumangos ng sobra, hindi na ako
magugustuhan ng apo mo."

Hindi nito pinansin ang reklamo niya, sa halip ay pinisil nito pati ang pisngi
niya.

"Hindi lang ako makapaniwala na nag-iba 'yung mukha ng anak ko."

Hindi siya natutuwa na biglang nag-iba ang anyo ng anak niya. Sinong magulang ang
matutuwa sa ganoon? Pero nasabihan na siya na nasunog ang mukha ni Prin kaya bigla
itong nagpalit ng katauhan.

Kung may ipinagpapasalamat man siya, iyon ay ang mga mata nito na naiwan bilang
simbolo na ito si Prin Matsui. Sa kanya nito nakuha ang mga matang iyon, kaya
paanong hindi niya iyon ipagpapasalamat?

Nagkaedad na rin naman si Rob. Kung tutuusin, nabibilang na ito sa senior citizens.
Pero halata na malakas pa ang Daddy niya.

"I was told, you have a baby."

"Yes, your sister is one year old now."

"How come nakabuo pa kayo ni Mommy?" nakahalukipkip na tanong niya dito.

"'Wag mong maliitin ang kakayahan namin ng Mommy mo."

"Nagwoworry lang ako, kapag maaga kayong kinuha ni Mommy at nasa college pa ang
kapatid ko, wala akong choice kun'di ang pag-aralin siya."

Rob "..."

"Ikaw nga ang anak ko! Ganyan na ganyan mag-isip ang Prin ko."

Lumipat ang tingin niya kay Felix.

"Bring this Felix the cat!" utos niya sa Daddy niya.

'Felix the cat?'

Kumunot ang noo nito pero hindi nagtanong. Binuhat ni Rob si Felix at hindi man
lang nahirapan ni pinatong sa balikat.

Sa ground floor, nakita sila ni Master Smith. Napansin nito si Felix na buhat ni
Rob.

"Rob, what is the meaning of this?" tanong nito.

Huminto saglit si Rob para harapin si Master Smith.

"Your son made a huge mistake, Master Smith. Nagpadala na ng mensahe ang mag-
asawang Ginny at Cloud sa kanya at pinigil na siya simula pa lang airport na i-
surrender si Yuna sa Kent Mansion. You know the rules!" malamig na sabi ni Rob.

Napakuyom na lang ang kamao ni Master Smith sa narinig.

"Your son dared to touch my daughter and you know my temper, if he messes with me,
I always make sure that he will pay the price doubled." saka nagpatuloy sa paglakad
si Rob papalabas ng gusali.

Napapikit naman si Master Smith. "What exactly are you going to do? Para handa ang
pamilya ko."

"Khalid will deal with him for abducting his Mommy. Kapag natamaan siya ng bala,
it's no one's fault."

Wala ni isang pumigil sa guards ng Monte-Carlo nang makita na bitbit ni Rob si


Felix.

Pumila ang lahat ng Dark Guard para protektahan ang mag-ama na papalabas.

Naghihintay na sa sasakyan nito si Cally na tinanggal ang mga bubog na kumapit sa


katawan at si Khalid.

Si Felix ay wala pa ring malay na nasa isa sa mga van ng Dark Guards.

Sinuri ni Prin kung may galos si Khalid sa katawan at nakahinga lang siya ng
maluwag nang masiguro na ayos ito.

"You little Kid, bakit ka sumunod kay Daddy dito?" nakapamewang na sabi ni Prin sa
anak.

"I just want to save you…" nakayukong sagot nito.

"Let's go home, Honey." Si Cally. Humahapdi na ang mga sugat nito sa katawan.

"Gusto mo bang magpadala sa hospital?" nag-aalala na tanong niya dito.

"Sa Kent Mansion na lang."

"Okay! We have to deal with that Felix! Ready your gun Baby! We have to play with
Felix the Cat."

PAGDATING sa Kent Mansion, doon lang napansin ni Prin na malala ang sugat ng asawa
niya at sobrang dami ng nasugatan na bubog sa katawan nito.

Cally covered his whole body on Khalid's little body. Kahit ang trench coat na suot
nito ay ginamit sa anak nila huwag lang itong masugatan kaya ang katawan nito ang
napuruhan.

Hindi alam ni Prin kung ano ang gagawin niya kay Felix kung tuluyan na bumagsak ang
malaking salamin na iyon kay Khalid. Kung tuluyan din na bumagsak ang salamin at
tumama sa kahit anong parte ng katawan ng asawa niya sa pagligtas kay Khalid ay
hindi rin maganda ang kahihinatnan.

Kita rin niya ang pasa nito sa pisngi at bahagyang pagputok ng labi kapag sinuri ng
mabuti ang mukha nito sa malapitan.
"Husbie…" Hindi alam ni Prin kung ano ang sasabihin dahil ginawa lang din naman ni
Cally ang dapat para iligtas ang anak nila.

"Baby, look what you've done. Your Daddy is injured." bakas ang pag-aalala sa mukha
niya.

"Mommy, it's not my fault… it was your fault," paghuhugas-kamay nito.

Prin "..." 'Ba-bakit ako?'

Kung tutuusin, siya nga ang may malaking responsibilidad sa nangyari dahil sinira
niya ang salamin ng kwarto na iyon.

Pinameywangan niya ito. "Why did you follow Dad? How are you going to save me?"

"I'm going to pay a ransom."

Prin "..."

"Husbie, it's your fault!" nagagalit na sabi niya kay Cally.

"Bakit?"

"Why did I have a super genius son? Na halos matuyuan na ko ng dugo?"

"Don't blame your kid. Sisihin mo ang sarili mo dahil masyado kang makulit at iyon
talaga ang namana ng anak natin," sabi ni Cally saka ito napangiwi dahil sa sugat.

"Mommy, don't be sad. I know that having an 85 IQ is really bad. Don't take it
against your husband."

Prin "..."

Pumasok ang doktor sa kwarto kaya naputol ang pagtuturuan ng pamilya. Isang british
na lalaki na naglalaro sa edad kwarenta. Balbas sarado pa ito at nakapolo lang ng
light blue at may bitbit na duffel bag.

Ginamot nito ang sugat ni Cally sa katawan. May mga naiwan pa na bubog na natanggal
nito. Nasasaktan siya na makita ang mga hiwa sa katawan ng asawa niya. Alam niya na
malakas si Cally at ilang bala at espada na ang nailagan nito pero sa sobrang dami
ng sugat nito, alam niya na mahapdi ang lahat ng iyon.

Pinalabas na muna niya ang anak para hindi ito matakot habang ginagamot ang Daddy
nito.

"Tsss..." Napangiwi ang asawa niya habang nililinis ng mabuti ng doktor ang sugat
nito malapit sa balikat. Iyon ang pinakamalalim at malaki na sugat ng asawa niya.
Nagtagal ang paggamot ng doktor sa parte na iyon.

"Shi, it's better if you rest for the meantime. At least a week." payo nito kay
Cally.

Tumango lang si Cally bilang pagsang-ayon. "Thank you!"

Hinatid ni Prin ang doktor sa gate nang marinig niya na humihiyaw si Felix sa likod
ng bahay. Hindi naman nagtanong ang doktor dahil alam nito ang mga nagaganap sa
bahay na iyon ng Kent Mansion.
Tinungo niya ang likod-bahay kung saan madalas na nagpa-praktis ang Dark Guards.

Kita niya si Felix na tanging pantalon lang ang suot at walang pang-itaas. Halatang
nilalamig na ito dahil sa klima. Nakatali ito sa puno sa hindi kalayuan.

Seryoso ang lahat ng Dark Guards na nanonood at hindi ngumingiti. Alam ng mga ito
na hindi kasi iyon biro.

"Yuna! Help me! Mali ang ginawa ko, sorry na… ibalik mo na ako sa Monte-Carlo!"
hiyaw nito nang makita siya.

Hindi niya pa nage-gets ng una ang mga sinasabi nito hanggang sa makita niya na
katabi ni Rob ang anak niya na pumipili ng armas sa mesa. Seryoso ang anak niya sa
pagpili ng armas na gagamitin nito.

"Dad, what are you... doing?"

Wala itong plano na turuan ang anak niya sa firing, tama? Nasabi niya na lalaruin
nila si Felix. Pero hindi niya inaasahan na si Khalid ang gagawa non.

Her son is only four!

Kahit pa parehas sila nito na nabuhay na may armas sa paligid, apat na taon lang
ang anak niya! Natuto naman siya na humawak ng baril ng 16 siya, natuto siya na
humawak ng katana ng 14 siya. There is a big difference.

"I like this bigger one," sabi ni Khalid na inangat ang mukha para salubungin ang
paningin ni Rob. isang rifle ang tinuturo nito.

"Daddy…" nag-aalala niyang usal.

Ayaw naman niya na mangyari na makapatay ang anak niya sa edad na apat. Napapangiwi
siya sa naisip.

Pumwesto si Khalid sa harap ni Felix. 15 meters ang layo. Pinilit nito na bitbitin
ang mabigat na armas na iyon. May lumapit na Dark Guard sa lalaki at naglagay ng
apple sa uluhan nito.

"Advice ko sa 'yo na huwag kang malikot Master Felix," bulong ng Dark Guard saka
lumayo.

"Daddy…" kinakabahan na usal naman ni Prin. Napahawak siya ng mahigpit sa braso ni


Rob.

"Yuna… Please help me… Master Khalid, I'm begging you," nakikiusap na sabi ni
Felix. Wala namang tumatawa sa Dark Guards at kapwa naghihintay ng sunod na
mangyayari.

"How much do you think your life is? I'll consider not pulling the trigger if you
pay me," sabi ni Khalid.

Prin "..."

…..

NASA isip ni Felix na nagbibiro lang si Khalid kaya hindi niya ito masyadong
binigyan ng atensyon.
Nilagyan ni Prin ng takip sa tenga ang anak niya para hindi maapektuhan ang
pandinig ni Khalid sa pagpapaputok ng rifle.

"Baby, are you sure about this?" napapangiwi na lang siya habang nakatingin sa anak
na determinado.

"Let me deal with him instead."

"Mommy, I am making business. Go back inside. Shu.. shu... Do wash the dishes or
the laundry or cook something for me." Binubugaw pa siya nito na umalis na akala mo
ay maglalaro lang ito ng tumbang preso.

Prin "..."

"Daddy…" tawag niya kay Rob. Gusto niyang makiusap na pigilin ang apo nito.
Kinakabahan siya na baka masugatan ang anak niya ng rifle na hawak nito.

Seryoso naman si Rob habang pinanonood si Khalid. Alam ni Prin na hindi niya ito
mapipilit na pigilan ang anak niya.

Kung gaano kaseryoso si Rob, ganoon din ang mga Dark Guards na nasa paligid. Sa
sobrang kaba ni Prin, parang mauuna pa siya kay Felix.

Nakaramdam siya lalo ng pagkainis. Kung hindi lang sana nito inubos ang pasensya ng
pamilya niya, wala sana sila sa ganitong sitwasyon. Kapag naiisip niya ang ginawa
nito, gusto niya itong bugbugin gamit ang paperweight.

"I'm not joking," sabi muli ni Khalid kay Felix.

"How much do you think your life is?" tanong nito

"Fi-fifty thousand!," sagot ni Felix sa anak niya.

Nasa isip ni Felix na malaking pera na iyon at sapat na iyon para sa apat na taong
gulang.

*Bang!*

Nagpaputok ng isang bala si Khalid. Tumama ito sa ibabang bahagi ng puno. Parang
nagtinikling naman si Felix sa pwesto nito.

"Ahhhhh!!!" hiyaw nito.

Malapit nang magduda si Prin kung lalaki ba talaga itong si Felix. Pero napangiwi
siya dahil baka sa susunod, iba na ang tamaan ng anak niya.

"I'm not joking, I sold a laptop for five hundred thousand. How come you are paying
me fifty for your life?"

"...How much?" kalmadong tanong muli nito.

"F-five hundred thousand!" sigaw ni Felix. Siguro naman sapat na ang itulad niya
ang halaga sa nabentang laptop.

*Bang!*

"Ahhhh!" hiyaw nito. Pero nanlaki ang mata ni Felix nang may mahulog na ibon mula
sa puno.
"Next time, I will aim at your birdie."

"Pfft!" hindi niya alam kung paano tatawa sa sinabi ng anak niya. Pero bilib siya
na may nahulog na ibon. Hindi niya alam kung may sarili itong kakayahan o naka-
tsamba lang sa ibon na iyon.

"Yuna!!! Please stop Master Khalid! Sorry. I will send you back in Manila." halos
maiyak nang mga saad ni Felix.

Pero hindi ito pinansin ni Khalid. "How much?"

"Five million!"

Nanlaki ang mata ni Prin. Five million? In a couple of minutes? This kid is really
something!

Pero hindi pa rin natutuwa si Khalid.

"Master Felix the Cat, are you telling me your worth is only five million? How
about I kill your birdie and pay your medical expenses instead?"

Kinilabutan si Felix sa narinig, hindi alam kung paano itatago ang sariling ibon.

"How much?"

Nag-isip ng mabuti si Felix. This kid is not an ordinary kid. Having the fact that
he was Cloud Han and Rob Matsui's grandchild, he knew in his heart na hindi simple
si Khalid.

Even his gaze is not simple. Natatanaw niya mula sa kinatatayuan ang paraan ng
paghawak nito ng armas.

"I... I will give you 10% shares of my Monte-Carlo. How's that?"

Nilingon ni Khalid si Rob.

"Daddy Rob, how much is my earning monthly for having 10% shares in his casino?"
inosenteng tanong ni Khalid.

"A hundred million," sagot ni Rob.

Kung tutuusin ang pamilya Smith ang may pinakamalaking kita sa buong Dark Lords.
Kaya rin siguro malakas ang loob ni Felix na lumabag na dakpin si Prin.
Nagkakalkula naman sa isip niya si Khalid.

'A hundred Million per month?!'

"Mommy, he could earn a hundred million per month. Why did you break-up with him?
He is super rich!"

Prin "..."

Hinarap nito si Felix.

"How can I have them?" paninigurado ni Khalid.

"There is a contract called 'Transfer of shares', I'll sign the agreement.


Tatawagan ko ang assistant ko para mailipat sa iyo ang 10% na shares mula sa akin.
Are you happy? Please let me go..." kaunti na lang ay hihimatayin na ito sa puno.

"Okay!" saka binalik ni Khalid ang rifle na hawak kay Rob Matsui.

Lumapit ang anak niya sa pwesto ni Felix at hinawakan ang kamay nito na nakatali sa
puno na para bang may na-close na deal.

"Congratulations! It's a deal then!"

'Wow! Lodiiii!'

[Feibulous: this chapter includes some inappropriate content and may cause
discomfort to some readers; NO MINOR is allowed.]

GULAT na gulat si Prin sa mga kakayahan ng anak niya. Para lang siyang nanood ng
'DEAL OR NO DEAL?' kanina.

Abot-tenga naman ang pagkakangiti ni Khalid na pabalik sa pwesto nila. Kung sa


normal na tao siguro, iisipin na may nabili lang ito na gustong-gusto nito na
laruan kaya ito masaya.

"Daddy Rob, thank you!" tumalon ito para yumakap sa Daddy niya na nakaupo.

Ngumiti ang Daddy niya at hinaplos ang buhok nito. Kita ni Prin ang pagningning sa
mata ng Daddy niya. Nakikita niya lang ang ganoong klase ng mata nito kapag
naglalambing siya dito noon.

Ibang-iba kapag nagagalit ito. Ibang-iba rin whenever he dotes his kid.

Kinalabit niya si Khalid. "Hey! That's my Daddy! Chupi!Hanapin mo Daddy mo!" sabi
niya dito na akala mo ay inaagaw nito ang Daddy niya.

Hindi siya nito pinansin at sa halip ay nagpakarga ito sa kanya.

"Mommy, did you see me how I hit the bird?" puno ng kasiyahan na tanong nito sa
kanya. Nagbalik na naman ang anyo nito sa 'baby-panda mode'. Nakita niya na
binalutan na ng makapal na kumot si Felix sa di-kalayuan dahil sobrang nilalamig na
ang katawan nito.

"Yes, but what you did is wrong. Hindi ka naman ginutom ng Daddy mo habang wala ako
kaya ka ganyan, tama?" sabi niya dito.

Ayaw naman ni Prin na lumaki ang anak niya na yumaman dahil nangingikil ng salapi
sa iba. At para bang ginugutom nila ito ni Cally kaya ito gano'n.

"Halika, pumasok na tayo sa loob. Malamig dito."

Tumayo si Rob mula sa kinauupuan nito at hinawi ang buhok ni Prin . "Go to my place
tonight. Your Mommy wants to see you."

Saka siya hinalikan sa noo. Tumango si Prin.

"I'm going too. I want to see Baby Priya and Mommy Ingrid," saad ni Khalid.

"Daddy, I'm really curious. How come you are able to have another baby?"
Nasa singkwenta na ang Mommy niya. Kahit pa sabihin na may kakayahan pa ang dalawa
na magconceive ng baby, hindi pa rin niya maisip na magbubuntis ang Mommy niya sa
edad na singkwenta. Isa pa, nasa lahi ng pamilya nila na iisa lang talaga ang anak.
Paanong nagkaroon siya ng kapatid na isang taong gulang?

Pinitik siya nito sa noo kung saan siya nito hinalikan. "You think too much! You
know that your sister-in-law is a doctor. Technically, we conceived our baby in
another woman's body."

"Oh!" no wonder.

"See you tonight," sabi nito saka lumakad papaalis.

Noon niya lang napansin na may nakatitig sa gawi niya, Si Shogun Lorenz.

Huminga siya ng malalim saka binaba muna si Khalid mula sa pagkakakarga niya dito.
Ibinuka niya ang dalawang braso para salubungin ito ng yakap. Nabigla naman ang
lalaki.

"Hey! Hey! My wife is here. Baka isipin niya na nambababae ako, lalo na at iba ang
itsura mo." reklamo nito habang yakap-yakap niya.

Hindi niya ito pinansin. Ang alam lang niya ay namiss niya ang mga kaibigan niya.
Kahit si Kai at Bella, si Matty at Donna at ang asawa nitong si Cassandra.

"Yes, yes, where is my Cassandra dear?"

Noon niya lang napansin ang papalapit na babae na nakasalubong ang kilay patungo sa
kanila, ang kaibigan niyang si Cassandra.

Mas kuminis at pumusyaw ang balat nito, nagkalaman ng kaunti ang katawan at mas
gumanda.

"Oh Sandra, I miss you." Ito naman ang sunod na niyakap niya.

Saglit itong natigilan dahil nakaramdam pa naman ito ng selos nang makita ang
pagyakap niya kay Lorenz. Nagtataka ang mga mata ni Cassandra na nakatingin sa
kanya tapos nilipat sa mukha ni Khalid at kay Lorenz.

"Wh-who is she?"

"Prin Matsui, at your service," nakangiti niyang saad.

Nanlaki ang mata nito. "P-prin Matsui?"

Tumango-tango siya habang nakangiti. Hindi naman ito makapaniwala at naiintindihan


niya ang pagdududa nito. Naiintindihan niya na maisip nito na namatay na siya
tatlong taon ang nakaraan.

"I heard that you are managing White Devil's bar here in the UK branch."

Tumango ito pero hindi pa rin nakaka-move on sa bago niyang anyo. Napansin ni Prin
na nilalamig na ang anak niya sa hamog kaya nagpaalam na muna siya sa mag-asawa.

Niyakap ni Lorenz ang asawa niya na nakatingin sa mag-ina na magkahawak ng kamay.


"Hindi ka ba nilalamig?" tanong niya dito.

Kita ni Lorenz ang inggit sa mata ng asawa niya habang nakatingin sa batang si
Khalid. He knew that she was jealous because until now, wala pa silang anak.

"Honey, if you want, we can have the same procedure na tulad na ginawa ni Master
Rob at Miss Ingrid."

Namuo ang luha sa mata ni Cassandra. Matigas ang ulo niya sa parte na iyon. Ayaw
niya na ibang babae ang magdala ng anak nila ni Lorenz. At least si Miss Ingrid ay
naranasan na magsilang ng anak.

But, what about her?

"Let's try another position. Maybe it can help," bulong ni Lorenz sa tenga niya.

Palo lang sa dibdib ang sinagot ni Cassandra sa lalaki.

"But I'm not joking, Honey," bulong muli ni Lorenz sa tenga ni Cassandra.

Hinarap niya ang buong mukha ni Cassandra saka buong pagmamahal na hinaplos ang
pisngi nito. Kung tutuusin, ayos lang kay Lorenz kahit na hindi siya magkaroon ng
anak. Kung hindi sila bibiyayaan ni Cassandra ng baby, he will accept it no matter
what.

It's not as if he will love another woman para lang magkaroon ng susunod na Lorenz.

Dalawang taon ang nakaraan nang sabihan siya ni Christen nang palihim na may bara
sa fallopian tube ang asawa niya. Dahilan para mahirapan ito na magbuntis.

May chance pero mahirap unless they will do the IVF procedure.

Sinabihan niya si Christen na ilihim na muna ang tungkol dito dahil ayaw niyang
mawalan ng pag-asa si Cassandra tungkol sa pagbubuntis.

Dahil alam niya ang insecurities nito.

Matty and Donna are having three children na mas nahuli na magpakasal kaysa sa
kanila ng ilang buwan. Si Christen na kinasal nang nakaraang taon lang ay buntis
din sa ngayon. Kahit si Master Rob na sesenta anyos ay nagkaroon pa rin ng anak.

So, he understands his wife's insecurities. Sa parte niya, ang mahalaga ay masaya
naman siya sa process ng paggawa ng baby kaya ayos lang.

"Let's go home."

Sa ibaba ng burol na iyon nakatira ang mag-asawa. May 30 minutes na biyahe at halos
malapit lang din ang apartment nito sa mag-asawang Rob Matsui at Miss Ingrid.

May dalang sasakyan si Cassandra kaya si Lorenz ang pasahero sa gabi na iyon.

Nasa gitna sila ng byahe nang biglang huminto ang sasakyan. Doon niya lang napansin
na naubos na ang gas.

"Oh Honey, I'm sorry," nahihiya na saad ni Sandra. Hindi pa siya sanay na magdrive
ng sasakyan kaya hindi niya iyon namonitor. Mula Kent Mansion hanggang apartment pa
lang ang nabibyahe niya.

Si Lorenz ang madalas na nagbbyahe kung sa malayo ang lakad nila o kaya naman ay
may inuutusan itong Dark Guard.

"No worries, sweetheart. Tatawag ako ng Dark Guard to help us."


Tumawag si Lorenz at nagpahatid ng gasolina sa lugar nila.

Masukal ang daan at madilim ang kapaligiran sa lugar nila sa kasalukuyan. Tanging
headlight lang mula sa sasakyan ang nagbibigay ilaw sa mag-asawa. Nasa burol pa
sila na pag-aari ng Kent Family kaya tiwala si Lorenz na walang mangyayari sa
kanila doon.

Tahimik sila na naghintay sa loob ng sasakyan.

Naisip ni Sandra na magcheck muna ng emails sa cellphone niya habang naghihintay.

Habang busy siya sa cellphone, her husband is also busy unbuttoning her blouse.

"Ho-honey, what are you doing?" takang tanong niya dito.

"Ginagawang makabuluhan ang paghihintay natin." kinuha nito ang cellphone ni Sandra
at hinagis iyon basta sa likuran ng kotse.

Sandra "..."

Gusto niyang tumutol ngunit nasakop na nito ang labi niya. Paano kung dumating ang
Dark Guard na inutusan nito?

"I am serious, baby." Then, he placed kisses on her chest.

Doon niya lang napansin na tuluyan nang nakabukas ang blusa niya. Hawak ng
magkabilang kamay nito ang dibdib niya at parang nangigigil ito doon. Parang
gustong lamunin.

A loud moan escaped her mouth. Tinakpan niya ang bibig. Ngumisi naman ang lalaki
matapos niyang humiyaw dahil kinagat nito ang dibdib niya.

Titig na titig si Lorenz na sinalubong ang mata ni Cassandra. "Be ready because we
will be doing 10 different positions."

Sandra "..."

Cassandra felt as if she was about to melt from those hot eyes.

Soon enough, she gave in. Tinanggal niya sa pagkakasinturon ang pantalon ni Lorenz.

It's not their first time doing it in the car but the thoughts of doing it while
waiting for someone makes her more excited.

Malaking tao si Lorenz, pero hindi nito napigilan ang sitwasyon. He placed her in
the back seat.

"You have to count, Honey."

Hindi alam ni Cassandra kung saan ipapatong ang mga binti niya para kumasya silang
dalawa sa sasakyan na iyon

He trusts himself inside her habang sinasakop nila ang buong likuran ng kotse.
Nauuntog na ng bahagya ang uluhan niya sa pintuan sa backseat whenever he moves
forward.

All of her focus was on the man on top of her.


Tahimik ang buong lugar at tanging ungol mula sa loob ng sasakyan ang maririnig.

Kapwa na sila pinagpapawisan.

"Honey, I'm… coming," bulong ni Lorenz. Bumilis ang pagkilos nito.

Tumutulo na sa leeg niya ang pawis nito but she doesn't care.

"Oh my god…" napasinghap siya sa ligaya hanggang sa may ulo na sumilip sa bintana.

"Ahhhh!!! Oh my God!!!!"

'Yung pakiramdam na nahuli ka sa akto. Hindi niya alam kung paano magtatago.

Bigla niyang tinulak si Lorenz ng ubod lakas at naghanap ng ipantatakip sa sarili.


Fortunately, may nakaready siyang kumot sa likuran ng sasakyan. Para magamit kung
sakaling antukin habang nasa biyahe.

"Ahhh… shit!" nauntog pa si Lorenz sa bubungan at hindi niya alam kung ano ang
nangyari hanggang sa makita ang dalawang Dark Guards na namumula ang mukha sa labas
ng sasakyan at nahuli sila nito.

Napapangiwi siya dahil malapit na siyang labasan, napurnada pa. Sumakit ang buong
katawan niya. Sumakit ang ulo niya, kasu-kasuan at sumakit ng sobra ang puson niya.

He is gritting his teeth.

Kahit si Cassandra ay gustong maghukay ng lupa sa masukal na bahagi na iyon at


ibaon ang sarili.

Baka hindi na siya magpakita sa kahit na kaninong Dark Guard.

NANGGIGIGIL si Lorenz na sinuot ang pantalon at sinecure ang pagkakabalot ni


Cassandra sa kumot bago siya lumabas ng kotse.

Wala siyang suot na pang-itaas kaya nanuot agad ang lamig sa katawan ni Lorenz na
nakadagdag sa sama ng pakiramdam niya.

Pulang-pula naman ang mukha ng dalawang Dark Guards at halos hindi makatingin sa
kanya. Parehas na nakayuko at ayaw salubungin ang mata ni Lorenz dahil sa hiya.

Kapwa nasa bente anyos lang ang dalawang ito na iilang taon pa lang sa organisasyon
nila.

"MB1003 at MB0010, did you see my wife's body?" paninigurado niya.

Hindi magkakamali na sumagot ang dalawa ng 'oo' kaya panay ang iling ng dalawa.
Kita nila na nagkikiskis na ang ngipin ng Shogun kaya nakaramdam sila ng takot. Ang
totoo, nabigla rin sila na makita ang mag-asawa na gagawa ng ganoong akto sa burol
pababa ng Kent Mansion.

Nasa ibaba lang ng burol na iyon ang tahanan ng mag-asawa kaya paanong nangyari na
hindi nakatiis ang mga ito at magtalik sa loob ng sasakyan?

Napansin na nila ang pag-alog ng kotse nito pero pinagpatuloy nila ang paglapit
dahil naisip nila na baka nagtatalo ang mag-asawa o kaya naman ay kung ano na ang
nangyari.

They saw the actual scenario of a Rated SPG!

Hindi naman talaga nila nakita ang katawan ni Miss Sandra dahil halos sinakop ng
malaking katawan ng Shogun ang katawan ng asawa nito.

Pero para silang babangungutin dahil hindi maalis sa isip nila ang maumbok na puwet
ng Shogun at ang mga nagagalit na kalamnan nito habang kumikilos.

Nananatili naman na masakit ang puson ni Lorenz at hindi alam kung ano ang gagawin.
Ayaw niyang isipin ng dalawang Dark Guard na ito na ang pagpigil sa rurok ng
kaligayahan lang ang tumalo sa pagkatao niya.

But his desire for his little wife was still there at nagagalit pa rin ang pagkatao
niya sa ibaba. Gritting his teeth, he said...

"Both of you, do 150 push ups!" ang tangi niyang nasabi para parusahan ang mga ito.
Unang beses na magparusa ni Lorenz ng dahil lang sa pansariling interes.

Gustuhin man na magreklamo ng dalawa, wala silang nagawa kun'di ang sabihin na
"Yes, Shogun!" But deep inside, both of them are thinking 'Bakit kami ang may
kasalanan?'

Hindi naman nila akalain na mag-aala 'Rose and Jack' ang mag-asawa at magtatalik sa
loob ng kotse ng mga ito. Sabay na nagbilang habang nagpu-push-up ang dalawang Dark
Guard.

Doon lang napansin ni Lorenz ang motor na ginamit ng mga ito. Hindi man lang nila
narinig ang pagdating nito sa lugar. Si Lorenz na ang nagsalin ng gasolina habang
nagpupush ups ang dalawang Dark guard niya.

"Balik na sa Mansyon!" sabi niya sa dalawa hindi pa man natatapos ang count. Saka
siya sumakay ng kotse at nagkusang nagmaneho. Natagpuan niya ang asawa na halos
itago na ang sarili sa kumot nito na nananatili sa likod ng kotse.

"Ahhh, wala na akong mukha na maihaharap sa mga kasama mo," hiyang-hiya na sabi ni
Cassandra.

"I'm sorry, Honey," saad ni Lorenz na nahihirapan.

Mabuti na lang at hindi nakilala ni Sandra ang dalawang Dark Guard na nakahuli sa
kanila at baka lalo itong mahiya.

Sumama muli ang pakiramdam ni Lorenz habang iniisip na kakaunti na nga lang na
pagbayo ay napurnada pa. Nagagalit na ang alaga niya at talagang nahihirapan na
siya at hindi alam kung anong klaseng remedyo ang gagawin.

Mabilis na nag-drive si Lorenz pauwi sa apartment nila na nasa Vaughan Metropolitan


Centre. Inubos niya ang ilang taon na kinita niya sa pagiging Shogun para mabili
ang bahay na iyon at ialay sa asawang si Cassandra.

Binuhat niya si Sandra na tanging kumot lang ang nakatakip sa katawan nito saka
pumasok sa loob.

He placed her on the carpet beside the fireplace.

"I'm not done yet, sweetheart." Kailangan niyang ilabas ang napurnadang init kung
hindi ay baka masiraan siya ng ulo.

"Ikaw ang may kasalanan nito," paninisi ni Cassandra.

"Yep. It's my fault for being naughty. But please… let us continue, okay?"
paglalambing niya. He kissed her forehead.

"There is no way we will do it again inside the car." Baka sa susunod ay iba na ang
makahuli sa kanilang dalawa. Baka police patrol na! Marami pa naman ang umiikot na
ganito sa lugar nila.

"Yap," ang tanging nasagot ni Lorenz.

At least dito sa apartment nila ay walang istorbo. They can use the whole place ng
walang problema.

It's a long night for both of them. Hindi na nga mabilang ni Cassandra kung ilang
beses na may naganap sa kanila ng asawa niya. Tuwing makakatapos sila ng round ay
magkkwentuhan lang sila ng mga naganap sa kanila sa labas ng bahay sa maghapon at
kung anu-ano, tapos ipagpapatuloy nila ang laban.

He said they'll do it in 10 different positions, pero hindi rin natupad. She likes
the feeling of having Lorenz inside her body.

They did it on the carpet beside the fireplace, on the couch, on the kitchen table
and somewhere else before he carried her to their room. Then placed her on the bed.

She used his arms as a pillow while holding his other hand. She was really
exhausted. Marks on her body shows that they had the whole night.

…..

ILANG oras pa lang na natutulog ang mag-asawang Lorenz at Sandra nang may mag-
doorbell sa tahanan nila.

She caressed her husband's body to feel some heat. Malamig kasi ang klima sa bansa
at masarap matulog lalo na kung katabi ang asawa.

Parang hindi niya gugustuhin na may istorbo sa kanila.

"Are you expecting someone?" tanong ni Sandra sa asawa niya.

Wala naman siya masyadong kilala sa lugar at tanging mga kasamahan lang sa trabaho
ang mga malalapit na kaibigan. Pero hindi siya pupuntahan ng mga ito sa bahay ng
walang pasabi.

Sa kabilang banda, may mga Dark Guards na bigla na lang nagpupunta doon para
sunduin ang asawa niya.

"Let's have some rest for the whole day."

Humihiling na siya kahit hindi pa nakikita kung sino ang bisita na para bang
sigurado siya na may gagawin ito na trabaho sa maghapon sa Kent Mansion.

"Yes, I promise to stay with you today… continue your sleep. Ako na ang magche-
check kung sino ang bisita," sagot ni Lorenz. Hinalikan niya lang sa noo ang asawa
saka bumangon sa higaan.
Umungol lang si Sandra at nagpatuloy sa pagtulog.

Nagsuot lang ng mahabang roba si Lorenz at inayos muna ang pagkakabalot ng kumot sa
katawan ni Sandra. Saka siya bumaba para harapin ang kung sino man na bisita.

Nakakunot ang noo niya nang buksan ang pintuan.

Isang payat at may-edad na lalaki ang bumungad sa kanya. He has white skin.
Namumuti na ang buhok nito at may katapangan din ang awra. Hindi siya sigurado kung
isang amerikano ang lalaki o european.

"Good Morning! May I ask if Miss Sandra is here?" tanong nito.

"Yes." simpleng sagot niya. Sigurado si Lorenz na hindi niya pa nakita ang lalaki
sa ilang taon na pagiging mag-asawa nila ni Sandra.

"I'm sorry for my sudden visit. I am butler Richard. Inside the car is my Boss,
Duchess Camila," sabi nito.

Wala namang naiintindihan si Lorenz sa mga sinabi nito. Tinapunan lang niya ng
tingin ang makintab at makinis na sasakyan na Rolls-Royce.

"She is Miss Sandra's mother," sabi nito.

Nagulat si Lorenz sa nadinig. Doon niya lang naalala ang pangalan na binanggit
nito. Camila... Pangalan nga iyon ng nanay ni Cassandra, pero hindi ang pangalan
nito ang nakatawag ng pansin sa kanya kung hindi ang titolo nito.

'Duchess Camila?'

Bumukas ang pintuan ng kotse at lumabas ang isang babae mula sa back seat.
Glamorosa ito at masasabi ni Lorenz na mamahalin ang bestida na suot nito. Hindi
siya sigurado sa edad nito dahil mukhang matanda lang ito sa kanya ng iilang taon.
Pero malaki ang pagkakahawig nito sa asawa niya.

"Are you my daughter's husband?" walang emosyon na paninigurado nito.

"Yes." Napalunok si Lorenz. Alam mo 'yung pakiramdam na hinarap mo ang magulang ng


asawa mo sa unang pagkakataon tapos ay nakaroba ka lang? Puyat pa siya at wala man
lang hilamos.

Pinag-aralan siya nito mula ulo hanggang paa. Bumilis ang tibok ng dibdib ni Lorenz
dahil sa kaba. Kung anu-ano ang pumapasok sa isip niya dahil wala siyang makita na
emosyon sa babae. Lalo pa siyang naasiwa sa ginawa nito na para siyang manok na
sinusuri para ipanabong.

"P-please come in," ang tangi niyang nasabi.

Pinatuloy niya ang babae sa loob. Seryoso na inikot nito ang buong kabahayan nila.

'Shit!'

Bigla niyang naalala na matapos nilang libutin ang buong bahay ni Sandra sa buong
magdamag, wala na silang oras na ayusin pa ang tahanan at pagod na natulog na lang
sa kwarto. Mabilis na tinungo ni Lorenz ang sofa at inayos mga throw pillow sa
ibabaw. Pinagpag ng maayos ang kutson saka lihim na ibinulsa ang mga kalat sa suot
na roba
Seryoso na sumunod ito sa kanya sa pagpasok sa bahay. Nananatili naman na nakatayo
ang butler na kasama nito malapit sa pintuan.

"Ehem! Ma'am, please take a seat. Would you like coffee or hot chocolate?" tanong
ni Lorenz.

Alas nueve pa lang kasi ng umaga at naisip niya na normal na gustuhin ng tao ang
kape sa umaga o kaya naman ay tsokolate.

Tumango ang nanay ni Sandra.

Nagpakulo ng tubig si Lorenz sa water heater. Sinilip niya ang mga lagyanan nila ng
kape saka niya nalaman na wala na pala silang stock ng kape o chocolate. Gusto
niyang kutusan ang sarili.

Naisip niya na tsaa na lang ang ipainom sa mga bisita. Ilang saglit pa nga at
bitbit niya ang isang tea pot at dalawang malinis na tasa mula sa kusina.

Napuna niya na sinusuri nito ang mga gamit niya sa bahay. Nagpapasalamat na lang si
Lorenz na hindi mumurahin ang mga gamit nila ni Sandra sa apartment na iyon.

"I'm sorry kung ito lang po ang maihahanda ko. Na-naubusan na kasi kami ng kape,"
nahihiya na saad ni Lorenz.

Nananatiling malamig ang awra nito at wala siyang mabasa sa mukha ng nanay ni
Cassandra.

"Tea is fine. I want to see my daughter," narinig niyang sabi ng may-edad na babae.

"Yes. ma-maiwan ko lang po kayo saglit." Saka siya umakyat ng bahay para gisingin
ang asawa niya.

NAKARAMDAM ng insecurities si Lorenz habang nakatingin kay Sandra na natutulog.


Dumadampi pa sa pisngi nito ang liwanag ng araw mula sa bintana. Para itong buhay
na painting sa paningin niya.

He doesn't know her identity at all. Hindi niya akalain na anak ng isang may
sinasabi sa buhay ang asawa niya. Ang alam niya ay ulila si Cassandra.

When he saw her wearing a simple blouse and a long skirt years ago in Spain, he
thought she was a commoner.

'Duchess…' nakuyom ni Lorenz and palad.

Nang lumayo ito at nagpunta ng America at Europe para hanapin ang pamilya nito
tatlong taon ang nakaraan, ang sinabi sa kanya ni Sandra ay nawalan na ito ng pag-
asa pa na hanapin ang pamilya dahil ito lang ang survivor kasama ang buong pamilya
sa malaking cruise na lumubog.

Ang sinabi nito ay nalunod na kasabay ng malaking barko na iyon ang buong pamilya
nito. At nagkataon na nakita ito ni Captain Yeo na inaanod sa dagat kaya ito
nakaligtas.

Kaya hindi na rin nagtangka pa si Lorenz na tulungan ang asawa niya na hanapin ang
pamilya nito. They thought they were all dead at ang asawa na lang niya ang
natitirang survivor.

He promised that he would give her a family. He was her family.

Sa loob ng mahabang panahon, nakaramdam muli ng insecurities si Lorenz. Ang huli ay


nang kunin siya ni Cally sa kalsada at tanggapin siya bilang apo ni Madam Lira.

He was a Master and he was just a commoner. Kung mayroon man siyang
ipinagpasalamat, itinuring siyang apo ni Madam Lira. When she died, her properties
were equally divided to all of her grandchildren.

He gets the same amount whatever Cally gets.

Gayunpaman, nagmula pa rin siya sa lansangan.

Having these thoughts, there was a big difference between him and Sandra's life
status.

Tila naramdaman naman ni Sandra na may nakatitig sa kanya kaya iminulat niya ang
mata. She smiled beautifully like a flower when she saw Lorenz.

"Come…" Sandra said in a morning voice. Inangat niya ang braso para madali niyang
mayakap si Lorenz kapag lumapit ito.

Agad na napawi ang kung ano man na pangit na iniisip ni Lorenz ng mga ngiting iyon.

Lumapit si Lorenz sa asawa niya, sumampa sa kama at agad na pumaibabaw dito. Sandra
embraced him. He kissed her lips as a response.

"Bad breath pa ko," reklamo ni Sandra. Dinikit niya ang ilong sa leeg ni Lorenz.

"Honey, I know you want to do it again but we have visitors," tudyo nito

Nakapikit pa si Sandra at ninanamnam ang amoy ng asawa niya. "Hmm.. I want to sleep
more."

"But your Mom is here..."

Biglang dilat ang mga mata ni Cassandra. "Mom?" saka niya sinalubong ang mata ni
Lorenz. Halata ang seryoso sa mata nito.

"...Are you sure?"

Tumango lang si Lorenz.

Dahil sa narinig, walang choice si Cassandra kung hindi ang silipin kung sino ang
bisita nila sa baba. Nagmamadali na sinuot niya ang pantulog saka pinatungan iyon
ng roba.

Bumaba si Cassandra. kasunod si Lorenz.

Nanlaki ang mata niya nang makilala ang glamorosang babae na eleganteng nakaupo sa
mahabang sofa nila sa ibaba.

"Ma!" malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito.

Napatayo ito at agad na nagluha. "Sandra, Honey..."

Humagulgol ito at ganoon din naman si Sandra. Nananatili na seryoso ang butler na
kasama ng ginang at si Lorenz na nanonood lang sa dalawa.

Disiotso anyos lang si Sandra nang huli niyang makita ang Mama niya at talaga naman
na malaki ang ipinagbago nito. She looks different now, kahit pa mahigit isang
dekada silang nawalay ng ginang.

"How did you find me? Where is Dad? Where is Gregor?" hanap ni Cassandra sa tatay
at kapatid niya nang makabawi.

"I can't find them… it only means that they were dead," sagot nito.

"I thought, you too are dead. I went to our home in Mexico three years ago, there
was no one there. Isang malaking mall ang nakatayo sa dati nating bahay."

"I sold it," sabi nito. "I want to forget my past that's why I sold it!" Bumakas
ang hapdi sa mukha nito.

Naiintindihan naman ni Sandra, kahit siya man ang malagay sa lugar ng Mama niya,
ibebenta niya rin ang bahay nila. Sa bahay na iyon siya nabuo at ang kapatid niya
na si Gregor. Kaya naiintindihan niya na mas ginusto nito na kalimutan ang sakit
nang mawala ang buong pamilya nito -- tulad ng ginawa niya.

Mas ginusto niya na mag-isa at bumuo ng bagong bukas.

"I went back to my family," sabi nito na ikinagulat ni Cassandra.

May sinasabi ang pamilya ng Mama niya na nainlove sa isang simpleng nurse, ang Papa
niya. Hindi iyon tinanggap ng magulang nito hanggang sa sumama nga ito sa Papa niya
sa Mexico para magtago.

Ngunit hindi akalain ni Sandra na babalik ito sa pamilya nito na nakabase sa


Sweden.

"How come you are alive? How did you find me?"

…..

ISANG malaking tanong kay Cassandra kung paano ito nakaligtas. Kung tutuusin
nakalimutan na nga niya ang mga naganap sa barko, nang gabing lamunin iyon ng
dagat.

Basta ang alam niya, malalaki at malakas ang hampas ng alon sa sinasakyan nila.
Nakita niya sa labas ng bilog na bintana ang kulog at kidlat.

Naririnig nilang magkapatid na nagtatalo ang magulang niya sa kabilang kwarto.


Habang tahimik sila ni Gregor sa kwarto na nagpapanggap na walang naririnig. Hindi
na nga niya matandaan ang rason kung bakit sila nasa cruise.

Nagulat na lang siya nang lumabas ang Mama niya at nagagalit ang Papa niya.
Nasuntok nito ang pader.

Soon, her Dad asked her to follow her Mom.

Lumabas siya para sundin ang Papa niya. Ilang saglit pa, nagkakagulo na ang mga tao
na sakay nito. May mga natutumba ng mga kagamitan sa loob, hanggang sa makarating
siya sa deck.
Matapos iyon, malakas na gumewang na lang ang barko at isang bagay ang tumama sa
ulo ni Sandra.

Nang magising siya, mukha ni Captain Yeo ang bumungad sa kanya.

Sinagot naman ng ginang ang tanong niya.

"Someone saved me... I was saved by Richard's son." Tumingin ito sa lalaking nasa
pintuan.

Nilingon ni Sandra ang Butler na nasa pintuan. Hindi niya alam kung natatandaan
niya ito.

"Ilang taon ko na kayong pinapahanap… for a couple of years, wala akong nakuhang
sagot kaya naman naisip ko na baka nilamon na kayo ng dagat."

"Until a friend came… Your Dad's friend who is working in a hospital, where you do
your quarterly check-up to have a baby… Pinuntahan niya ako sa Sweden, para ibenta
sa akin ang impormasyon na kinaroroonan mo."

Sa loob ng ilang taon, may pabuya na binigay ang Mama ni Cassandra para lang
mahanap ang pamilya nito. Ngunit ilang taon siyang nasa barko ng Maria Celeste 1
kaya hindi rin siya nito nakita.

Naubusan na lang ito ng pag-asa lalo na at ilang taon na ang lumipas.

Hanggang isang araw, inilahad ng taong iyon ang lahat ng impormasyon tungkol sa
kanya. Kahit ang pag-aasawa niya kay Lorenz

Nagbakasakali lang ito na makahingi ng malaking pera sa ginang kapalit ng


impormasyon ni Cassandra.

"I'm happy now that I see you again." Hinaplos nito ang pisngi ni Cassandra. May
luha na muling nahulog sa mata nito.

Isang halik sa palad nito ang sinagot ni Sandra.

"Oh, by the way." Pinalapit niya si Lorenz. "He is my husband, Lorenz"


pagpapakilala niya habang nakangiti.

Tumango lang ang ginang at halos saglit lang na tiningnan si Lorenz. Ngunit agad na
sinabi ang pakay sa pagpunta nito.

"Honey, now that I see you again... Come home with me. I really miss you.
Ipapakilala kita bilang anak ko sa pamilya. Hindi ka na maghihirap sa mga susunod
na araw pa kapag tumira ka kasama ko sa Sweden."

Natigilan si Sandra. Ganoon din si Lorenz na halos kumuyom ang kamao nito. Nagbalik
muli ang insecurities nito sa katawan lalo at ramdam nito na hindi ito gusto ng
ginang.

Ngumiti rin naman si Sandra matapos makabawi at makapag-isip ng isasagot.

"But I'm married, Ma, and I'm happy with my life now. And… this is my home now."

Halatang hindi ito natuwa sa sagot niya. Lumamig muli ang mga mata nito at wala na
namang emosyon na makita.

"How can you be happy with this small home? O bilang manager ng White Devil?" sabi
nito na halos kutyain ang bahay na iyon. Hindi na nga nito binanggit ang trabaho ng
asawa niya na para bang hindi ito kasali.

Doon hindi natuwa si Sandra. Lalo na at kalahati ng buhay niya ay nasa laot siya at
halos mangamoy isda. Isang simpleng Cassandra lamang siya sa kalahati ng buhay
niya.

Mas malaya pa ang mga taong-grasa kaysa sa kanya.

Mas mayaman pa ang mga taong may natitirang isang daan sa wallet kaysa sa kanya.

Kaya magrereklamo pa ba siya sa apartment na iyon na binigay ni Lorenz sa kanya?

Buong-buhay nito na pagiging Dark Guard ang simbolo ng tahanan na iyon na para bang
inaalay nito sa kanya ang buhay nito.

At hindi iyon basta maliit na tahanan para sa kanilang dalawa ni Lorenz. Tatlo ang
kwarto ng apartment na iyon at hindi rin iyon basta apartment. Kapitbahay nila ni
Lorenz ang iilang celebrity sa bansa na iyon.

Siguro sa mama niya ay simpleng bahay lang o apartment iyon. Pero kay Sandra,
pinaghirapan iyon ng asawa niya.

"I'm sorry Ma." Lumapit siya kay Lorenz na tahimik at ayaw makigulo sa usapan ng
mag-ina. Hinawakan niya ito sa braso.

"Wala akong pakialam sa dugo na mayroon ako." pinisil niya ang kamay ni Lorenz.

Matapos iyon ay sinalubong niya ang mata ng asawa.

"I don't care if I'm a Princess of a big castle from far, far away. All I care
about is I am now the Queen of this small apartment. I am Lorenz's Queen."

KAHIT masama ang loob ng nanay ni Cassandra, wala itong nagawa kung hindi ang
imbitahan silang mag-asawa na magdinner sa gabing iyon bago ito bumalik sa Sweden.

Nalaman nila na may bago ng asawa ang ginang. Isang prinsipe sa bansa na iyon. Ang
lalaki rin na dapat na pakakasalan nito kung hindi nito nakilala ang Papa niya.
Wala itong anak at tanging si Sandra na lang ang descendant nito.

Nakiusap din ang Mama niya na dalawin nila ito sa kaarawan nito para makasama siya
na gaganapin sa susunod na buwan

"Hindi ba magagalit sa akin ang Mama mo?" usisa ni Lorenz.

Nanatili sila sa pintuan ng apartment para pagmasdan ang pag-alis ng makintab at


makinis na kotse. Hindi mapakali si Lorenz dahil halata sa inakto ng ginang na ayaw
nito sa kanya.

Niyakap ni Sandra sa bewang ang asawa niya. "She won't. This is my choice."

Sinalubong ni Lorenz ang mata ng asawa niya. Parang kiniliti ang dibdib niya sa
sinabi nito. Hindi niya maipaliwanag ang saya nang marinig mula sa bibig nito na
ito ang reyna sa tahanan na iyon. She will be forever his queen.
Gayunpaman, hindi pa rin mapalagay si Lorenz.

Ibinaba niya ang mukha dahil hindi niya napigilan na halikan ito doon sa pintuan.

He was really addicted to her. Her scent, her presence and all of her. He scooped
his wife and brought her to their bedroom.

"Let's continue to sleep," bulong ni Sandra. Hindi pa sila tuluyan na


nakakapagpahinga.

"You don't look excited at all after meeting your Mom," puna ni Lorenz matapos siya
nito na mailapag sa kama.

"I don't know. I miss her, I miss my family but I don't like political arrangements
in her family. Hindi pa ko nakapunta sa bahay ng mga ninuno ko sa Sweden. They are
more private than other royal families."

Hinawi ni Lorenz ang buhok ng asawa niya.

Simula nang makilala niya si Sandra, nagsimula rin ang pagkabaliw niya sa babae.
Ginusto niya ang buong pagkatao nito. Hindi niya kakayanin na malayo si Sandra.

"Your Mom looks like she is a pure Swedish. How come you look different?"

Namumula ng kaunti ang kulay ni Sandra, samantalang parang hindi man lang nasinagan
ng araw ang balat ng nanay nito. Ang tanging naging basehan ni Lorenz para masabi
na mag-nanay ang dalawa ay ang pagkakahawig din ni Sandra sa nanay nito.

"My dad is a mexican."

Tumango si Lorenz. Hindi niya napigilan na mag-iwan ng halik sa pisngi ng asawa


niya.

"What about your family Lorenz?"

Napatigil sa pagkilos si Lorenz. "My sister is now married to a bastard. Parang


tinapon lang niya sa kung saan ang pagpapaaral ko sa kanya noon."

Noon ay walang-sawa si Lorenz na tulungan ang kapatid niya dahil mayroon siyang
magandang buhay. Sa una ay nabalitaan niya na maayos ang takbo ng buhay nito. Gusto
nito na makapagtapos ng pag-aaral hanggang sa hindi na ito pumapasok at winawaldas
ang pera na pinadadala niya dito para lang sa personal nitong luho.

Wala namang malalim na pagmamahal si Lorenz sa pamilya niya kaya pinagpasawalang


bahala niya ang bagay na iyon.

Ngayon, ang buhay niya ay sa Sandra.

He kissed her gently. Saka ito niyakap para ipagpatuloy ang pagtulog.

Papikit na siya nang mag-ring ang telepono niya na nasa ibabaw. Pangalan ni Mat-mat
ang nakalagay sa screen.

"Yes, King Matthew?"

"Hinahanap kita dito sa base pero nag-file ka daw ng dayoff, kaya ako tumawag sa
cellphone mo," sabi nito sa kabilang linya. Nasa Kent Mansion din kasi ang lalaki
na kasama ni Cally na dumating sa bansa.
"I'm still sleeping…"

"ehhh… Mukhang mahaba ang gabi ninyo ni Sandra. Hehe… " tudyo nito.

Hinilot niya ang sentido "Ano ba ang rason ng pagtawag mo?"

"Nothing important. I just want to confirm the rumors na nakita kayo ni Sandra ng
dalawang Dark Guard ng nagdaang gabi na may ginagawa sa kalye. Ahihi."

Mas lalong sumakit ang sentido ni Lorenz. Mukhang nakitaan din siya ng mali ng
dalawang Dark Guards kaya na-excite ang mga ito na magkwento sa iba.

'Ang dalawang iyon!'

"Nice Shogun! Mukhang hindi sayang ang mga tinuturo ko sa iyo."

"Gago! Anong tinuturo? Lahat iyon ay self-study!"

Tumawa naman ito sa kabilang linya. "Ituturo ko sa iyo kung paano magkaanak, gusto
mo?"

Tahimik lang na naghintay si Lorenz ng susunod na sasabihin nito.

"Simple lang, huwag kang bibili ng Lobo! Sabi nga sa kantang 'Ako ay may Lobo',
sayang ang pera, kaya huwag kang bibili ng lobo."

"Gago! Ibalot kita sa lobo kapag nakita kita e. Kung wala kang gagawin, sasabihin
ko kay Donna na wala ka namang ginagawa dito para pauwiin ka at mag-alaga ng
tatlong itlog mo sa Maynila."

"Bye Shogun!" halata na natakot ito sa banta niya kaya nagpaalam na.

….

SA KENT Mansion.

Tatlong araw pa lang si Prin at Cally nang isang bisita ang hindi nila inaasahan na
dadalaw doon, si Apolo.

Hinarap ni Ginny at Cloud Han si Apolo sa main hall ng Kent Mansion kung saan
ginaganap din ang hatol o ang meeting ng mga elders ng Dark Lords. Isang malaking
hall iyon. Sa gitna ay may makapal at mahabang mesa na gawa sa kahoy.

"Why did you come here?" malamig na tanong ni Ginny. She doesn't want to see Apolo
at all. Nakaupo sila ni Cloud sa dulong bahagi ng mesa.

Si Apolo naman sa kabilang dulo.

Pinagbigyan na niya ang lalaki ng maraming beses. Matatanda na sila pero hindi pa
rin nagbabago si Apolo. He was still cunning at makasarili.

"Nasabi na sa 'kin ni Felix that Yuna is here," sagot ni Apolo na halos hindi
makatingin sa mag-asawa.

Naniningkit ang mga mata ni Ginny.

"Sa ilang beses, sa ilang linggo na mga pagtawag ko sa 'yo ay halos ayaw mo akong
harapin. Tapos, bigla ka na lang na susulpot dito?"
"I came here to see Yuna."

"You already knew that she is not that real Yuna!" galit na natapik ni Ginny ang
mesa.

Kumuyom ang kamay ni Apolo.

Hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Ginny na sinabi ang nais. She doesn't like


bullshits at sa mga mabubulaklak na salita. Hangga't maaari gusto niya na sabihin
agad ang nais para matapos na ang usapan.

"Apolo, why did you hide Prin? She is my family. Why did you hide her?"

Huminga ng malalim si Apolo saka nagsimulang magpaliwanag. Sa palagay niya, wala na


siyang choice kung hindi ang sabihin ang totoo.

"Hindi ko rin ito alam nang una. Sunog ang mukha niya nang mailigtas namin siya
mula sa dagat. Hindi ko pa alam nang una na hindi talaga siya ang anak ko. I
groomed her. Tinuruan ko siya sa business. Luckily, I saw something in her.
Hanggang sa magduda ako nang makita ko sa malapitan ang mga mata niya," malungkot
na saad ni Apolo.

"I knew it!" bulong ni Ginny.

Si Cloud naman ay naguguluhan pero tahimik na nakikinig sa laban ng asawa niya dito
kay Apolo.

"Yuna has brown eyes na nakuha niya sa Mommy niya, while Prin has black." patuloy
nito.

"Ginny, you know that there is no one in my family who is capable of handling my
family's business. I don't have time… I have cancer."

Nabigla si Ginny, si Cloud naman ay walang pakialam.

"I came here to personally see her. Still, I was able to save her three years ago.
Siguro naman ay hindi mo ipagkakait sa akin ang bagay na iyon." pakiusap ni Apolo.

"I'm here." pumasok si Prin kasunod si Khalid na seryoso sa malaking hall.

Sinarado muli niya ang pintuan na gawa sa kahoy kaya umingit iyon.

Natahimik si Apolo.

Tumayo lang si Prin malapit sa bintana, malayo sa parehas na panig. Si Khalid ay


nagtungo kay Cloud Han dahil parehas silang walang pakialam sa nagaganap. Umupo ito
sa kandungan ni Cloud.

"Mama Ginny, Ninong Cloud… matagal ko nang napatawad si Apolo. I also wanted to
know kung ano ang rason niya para itago ako. Pero alam ko po na wala siyang
intensyon na ipahamak ako… I was saved three years ago and helped me."

"Nang birthday ni Khalid, he asked me to send a birthday cake for my son. Kung may
intensyon siya na itago ako, hindi niya ako hahayaan na manatili sa Maynila kung
saan naroon si Cally at Khalid."

"Hindi niya ko hahayaan na manatili kung nasaan ang pamilya ko. Marami man ang taon
na nawala sa akin na makasama kayong lahat. Ayos lang. I'm still came back."
Tumingin siya sa labas ng bintana at nakita ang mga Dark Guards na nagsasanay.

"Sa tingin ko, mas masasaktan si Cally na makita ako na nahihirapan three years
ago. Sa akin mapupunta ang focus niya and my kid would be alone. Kaya naman
pinapatawad ko na si Apolo."

Nagkaroon ng mahabang katahimikan.

"Thank you, Prin Matsui..." si Apolo rin ang unang nagsalita.

Kinuha nito ang kwadradong bag na dala at binuksan iyon. May inilabas itong mga
papeles mula sa loob.

"I came here to give you half of my properties," seryosong saad ni Apolo.

Natahimik si Prin. Nanlaki ang mata ni Khalid.

"But Apolo, what about your family?" nakabawi si Ginny at siya ang mas nag-aalala.
Hindi kaila sa kanya na may isa pa itong anak, si Mari.

Maliit lang ang pamilya ni Apolo dahil nag-iisang anak lang ito na mas lalong pang
naging kumplikado dahil hindi ito nag-asawa.

"Don't worry about them. This is mine… I have all the rights kung kanino ko
ibibigay. Ilang buwan na lang ang itatagal ko kaya desidido na ako na ibigay kay
Prin ang kalahati ng yaman ko."

Iniwan nito ang lahat ng dokumento sa ibabaw ng mesa.

"I will give my Apolo Island to you Ginny," sabi nito saka tuluyan na lumabas.

Nagtaas ang kilay ni Cloud sa huling sinabi nito. Doon unang nagkakilala ang asawa
niya saka ang lalaki, kaya paano siyang matutuwa?

"Mommy, don't you like these properties?" nagulat na lang si Prin na hawak na ng
anak niya ang mga dokumento. "You can give this to me instead," sabi nito na
nakangisi.

Prin "..."

SA LOOB ng ilang araw, nag-training si Prin kasama ang mga Dark Guards sa Kent
Mansion.

Dahil ang Gray Guards ang nakabase sa lugar, sa shooting siya nagsanay. Kasabay
niya si Khalid na nagsanay pati sa martial arts.

Hindi nakaligtas sa kanila na nagpunta ang nanay ni Sandra sa bansa na may magulong
background.

Isang Princess ang nanay nito na nag-asawa ng isang commoner. Kaya pinawalang bisa
ang estado nito sa buhay. Nagbalik ito sa pamilya. Ngunit kapalit ng pagbabalik
nito ay kinailangan ng mama ni Sandra na pakasalan ang kung sino mang prinsipe na
ireto dito ng pamilya.

Naguguluhan si Prin at tanging 'Goodluck!' na lang ang nasabi niya kay Shogun. Mas
magulo pa kasi ang buhay ni Sandra sa kwento ng Dark Lords.

Ilang araw pa ang lumipas, natapos ang isang linggo na bakasyon nila.

"Baby, what is your plan for today?" tanong ni Prin kay Khalid habang pinapakain
niya ito ng cereals isang umaga.

"This morning, I like to run outside. In the afternoon, I like to go to the ice
cream house that we went to with your secretary," sabi nito.

Kumunot ang noo ni Prin nang maisip ang ice cream house ng mga fan girls. "Are you
sure?"

Tumango ito.

"I like their french fries and smoothie," mabait na saad nito sa kanya.

Naisip ni Prin na makulay kasi ang tindahan na iyon at normal na magustuhan ng mga
bata. There were shades of pink everywhere. May isang parte pa na pwedeng maglaro
ng sudoku, crossword puzzle at kung ano pa na masayang laruin na hindi ginagamitan
ng technology.

Kaya lang… Hindi niya makalimutan ang mga trip nito. Kakaiba pa ang paraan ng
pagpaparusa nito sa kanila. At mas lalong kakaiba kung paano purihan ng mga ito ang
asawa niya.

Hindi ba't parang ang weird na makiisa siya doon?

"Okay! after 30 minutes, we will run," nakangiti niyang sabi.

Pansin ni Prin na mas matigas ang muscle ng anak niya ngayon kumpara noon dahil na
rin kasabay niya ito na nag-eensayo.

"Baby, mas maganda na ang katawan mo ngayon," sabi niya habang pinipisil-pisil ang
braso ni Khalid.

"Really? Then, I have to thank Mommy for taking good care of me," nakangiti na sabi
nito.

Tuwang-tuwa si Prin sa anak niya. She is proud of herself for having a son like
Khalid. Super sweet at super cute.

At super yaman!

Hindi niya napigilan na halikan ito ng paulit-ulit sa mukha.

Naisip ni Prin na sa park na nasa malapit sila tumakbo ni Khalid. 10 minutes lang
na drive mula sa white castle ang park na napili niya.

Matapos ang ilang laps ng pagtakbo, inaya niya si Khalid na magpahinga muna sa
isang bench bago sila sumakay sa kotse pabalik.

Sinilip na muna niya ang cellphone na nakalagay sa belt bag at nakita ang mensahe
mula kay Mildred. Pumapayag ito na samahan sila sa ice cream house ng grupo nito.

Samantala, habang nakaupo si Khalid, nakita niya ang isang bata na naglalaro sa
walong taon na pinalo ang isang asong kalye.

Umungol ang aso.


Nakita ni Khalid na busy ang Mommy niya sa cellphone kaya bumaba siya saglit sa
bench. Nilapitan ni Khalid ang bata at ang kawawang aso.

"What are you doing?" nakakunot ang noo ni Khalid. Nakita niya na may namuong luha
sa mata ng kawawang aso. He can tell na nasasaktan ito sa ginawa ng batang lalaki.
The dog was helpless.

"No one owns him. Huwag kang makialam."

Pinagpatuloy lang ng bata ang ginagawa. Pinalo nito ng kawayan ang kawawang aso.

"I said stop!" Kumuyom ang kamao ni Khalid.

"What? What?" naghahamon na tanong nito sa kanya. Pailalim kung tingnan nito si
Khalid.

"Go home with your Mommy. Can't you see that you are smaller than me," mayabang na
sabi.

Ngumisi ito kay Khalid saka umakto na ihahampas muli ang kawayan sa aso. Hindi
napigilan ni Khalid na sinipa ang kawayan na hawak nito. Mabilis siyang natuto sa
pagsasanay kasama ng Mommy niya sa Kent Mansion.

Nabali ang kawayan at tumilapon iyon pataas.

Nakaramdam ng takot ang bata dahil nabali ang kawayan at agad na umiyak. Malakas
kasi ang loob nito na mambully dahil may kawayan na hawak panghampas at nasa
paligid din ang magulang nito.

Khalid felt annoyed seeing the kid suddenly cry. After threatening him, he cried?

Lumapit sa kanila ang tatay nito na nasa paligid lang. Malaki ang katawan nito.
Pwedeng ihalintulad sa mga wrestlers na malaki ang katawan, maliit ang tooot…

"Hey, You kid, what did you do to my son?" Tila naghahamon din na hinarap si
Khalid.

Si Khalid naman ay kalmado at nagtaas pa ng bahagya ang kilay. Wala naman siyang
ginawa sa bata kaya bakit siya ang hinaharap nito? His heart is aching seeing the
dog na hindi makatayo.

Having his Mommy near him, walang mangyayari sa kanyang masama or else this guy is
looking for his death.

Humalukipkip si Khalid.

"Seriously? A brainless son and a brainless Dad that looks like Undertaker."

"Who's Undertaker?"

Inisa-isa ni Khalid ang napupuna niya sa lalaki.

"Your hair looks like an overcooked spaghetti, your eyes pupping like a wine cork.
And you have boobs. A man with boobs?"

Halatang nagalit ito dahil sa mga pintas ni Khalid kaya nagkikiskis ang mga ngipin
na lumapit ito sa kanya.
"You are looking for a beating!"

…..

KATATAPOS lang ni Prin na magpadala ng mensahe kay Mildred nang mapansin na wala
ang anak niya sa tabi.

'Waahhh! Saan na naman nagpunta ang batang iyon?' nagpa-panic na siya dahil baka
may huthutan na naman ang anak niya.

Inikot niya ang paningin at agad naman niyang nakita si Khalid sa hindi kalayuan na
may kausap na malaking mama.

Nagtaas ang kilay ni Prin lalo na at pansin niya mula sa pwesto na umasim ang mukha
ng malaking mama at halatang nagalit sa anak niya. Agad na lumapit siya dahil baka
kung ano ang gawin nito kay Khalid.

Tulad ng inaasahan, humakbang ito papalapit kay Khalid na halatang galit.

Dadamputin na lang sana nito sa magkabilang braso ang anak niya nang maunahan ito
ni Prin. Mabilis niyang nakarga si Khalid at itinago sa likuran.

"What are you trying to do?!" tanong niya sa lalaki.

Nakakunot ang noo ni Prin at malamig ang mga mata. Ano ang plano na gawin ng
lalaking ito sa baby panda niya?

"Are you his Mom? He did something to my son," sabi nito. Tinuro nito ang anak na
umiiyak sa tabi.

Tiningnan ni Prin ang anak na tinuro nito. Obvious na mas malaki ang anak nito. Isa
pa, hindi siya naniniwala na may ginawa si Khalid sa batang ito nang walang
dahilan.

Humalukipkip siya "Halata naman na mas malaki ang anak mo sa baby ko. Anong
sinasabi mo d'yan na pinaiyak ng anak ko ang anak mo?"

"Wala akong pakialam! You see, he is crying! You made my kid cry kaya kailangan
magbayad ng anak mo!"

"Hey you! The man with Big boobs with a hair like overcooked spaghetti! At mukhang
hindi pa naliligo! Dadaan ka muna sa akin bago maglandas ang maitim mong kamay sa
Baby ko!" matapang na saad niya dito.

Mas lalong nagdilim ang paningin ng lalaki lalo na at parehas na panglalait ang
nakuha niya sa nanay at sa batang lalaki.

"Hindi ka din talaga natatakot ha! Hindi mo ba ako kilala?!" mas lumaki ang boses
nito na halatang nag-iinit na ang ulo nito sa kanya.

"Bakit? Ikaw ba si Undertaker?" tanong ni Prin.

Lalaki "..."

Kumuha na sila ng atensyon sa iba pang mga nagliliw-aliw sa park.

"Miss, mag-sorry ka na lang. Siga yan dito," sabi sa kanya ng isang lalaki na nasa
paligid.
"Oo nga marami nang ginulpi yan dito sa park," sabi pa ng isang ale na may kasamang
sanggol.

"Anak iyan ni Konsehal at lider ng 'Pengepera gang' ang taong iyan, si Boy Kot."

Umikot lang ang mata ni Prin sa nadinig. 'Pengepera?' Kung mayroon man na karapat-
dapat na maging lider ng pengepera, malamang si Khalid iyon!

Ang lalaking ito ay nababagay sa 'Noodle hair gang'.

"Don't blame me kung sa ospital ka mauuwi ngayong araw." Umismid ito. Saka lumapit
sa kanya.

Hahablutin pa lang sana nito si Prin nang isang malakas na uppercut ang binigay
niya sa lalaki.

Napaatras ito ng ilang hakbang dahil sa suntok ni Prin at mas lalong umasim ang
mukha nito dahil sa ginawa niya. Hinawakan nito ang pisngi na sumakit.

"Talagang malakas ang loob mo ha!" singhal ng lalaki.

Nag-alala ang mga nasa paligid para kay Prin. Tumawag na ng tulong ang isa.

Humapdi naman ang kamao ni Prin matapos niya itong suntukin.

"Tss!" she hissed.

Kung nasuntok siguro niya ito noong malakas pa ang katawan niya, malamang ay K.O na
ang lalaki. Kaya lang ilang araw pa lang siya na nagsasanay.

Ang importante sa ngayon ay hindi niya hahayaan na dumapo ang kamay nito sa mukha
niya dahil baka lumipad na lang ang ilong niya sa kung saan. Baka tumabingi ang
pisngi niya at hindi na bumalik pa sa normal. Mas malaking problema iyon kapag
nagkataon.

Sumugod ang lalaki at hinawakan siya sa braso. Sasampalin sana siya nito sa pisngi
ngunit nakailag si Prin. Inikot niya ang kamay para makawala sa pagkakahawak nito.
Mabilis na nakapunta siya sa likuran ng lalaki at ubod-lakas na itinulak niya ito
sa sahig.

Hindi naman siya nabigo na napadapa ito sa damuhan. Pinaibabawan niya ito. Dahil
masakit pa ang kamao niya naisip niya na sabunutan na lang ito. Hinawakan niya ang
overcooked na buhok nito at sinabunutan ang lalaki.

"Ang galing-galing mo na pagplanuhan ng masama ang anak ko, Mukha kang linta na
naiwan sa singit ng buwaya! panget!"

"Ahhhh!" hiyaw ng lalaki.

Para siyang wrestler na ginugulpi si undertaker.

Nasa ganoong akto siya nang may dumating na dalawang pulis. Sakto kasi na may
nagro-rondang pulis sa paligid.

Pinaghiwalay sila nito.

"Ikaw na naman Boy Kot!" parang hindi makapaniwala na saad ng pulis. Halatang
kilala na nito ang lalaki.
"Boss, Boss, look, ginulpi niya ako!" reklamo ni Boy Kot sa pulis. Tinuturo pa nito
ang pisngi na may pasa.

Tahimik naman si Prin at hindi interesado sa reklamo nito.

"Nakita n'yo naman ang ginawa niya di ba? Ginulpi niya ako."

Unang beses na marinig ng mga pulis na may gumulpi sa lalaki, at isang payat na
babae na may kasamang kyut na bata ang gagawa nito. Sumasakit ang ulo ng dalawang
pulis kaya wala silang pagpipilian kung hindi ang parehas na dalhin si Prin at si
Boy Kot sa istasyon kasama ng dalawang bata.

"Bring my Dog! The guy beat him," hiling ni Khalid sa mamang pulis.

Wala namang nagawa ang pulis lalo na at mukhang anghel si Khalid na parang maiiyak
kapag iniwan ang askal nito.

Dinala sa presinto si Prin, si Khalid, and aso at ang magtatay para magbigay ng
detalye.

"Baby, we have to look pitiful para paalisin nila tayo agad," utos niya sa anak.

Ilang minuto pa lang na mabait na nakaupo ang mag-nanay, katabi ang isang askal
nang dumating si Cally na madilim ang paningin.

Nanlaki ang mata ni Prin at hindi alam kung saan magtatago. "Baby, let's pray."

"Mommy, let's hide..."

NABIGLA si Cally nang sabihin ni Xander na nasa presinto ang asawa at anak niya.
Kaya tinapos niya agad ang trabaho at nagmadali siya na makarating ng presinto.

Malamig ang mga mata niya na sumalubong kay Prin at Khalid. Hindi alam ng asawa
niya kung saang butas magtatago.

Siya ang nakipag-usap sa pulis na humuli kay Prin para alamin ang problema. Pumasok
siya sa loob ng opisina na ang kalahati ay salamin. Sakto lang na natatanaw niya pa
ang asawa at anak na parehas nakatingin sa kanya at kinakabahan.

"Master Cally, hindi ko akalain na anak n'yo po pala yung bata at asawa n'yo 'yung
babae. Sabi kasi ng anak n'yo, ginugulpi ng anak ni Boy Kot ang aso niya kaya niya
ito pinigilan. Hindi ko lang po akalain na isang askal ang alaga n'yong aso," sabi
ng kausap niyang pulis.

Sa isip ng pulis, kahit bangungutin siya, hindi niya akalain na isang askal ang
aalagaan ng isang tagapagmana ng MGM.

Nilingon ni Cally ang kawawang aso na nasa tabi ni Khalid. Hinahaplos naman ng anak
niya ang balahibo nito. Hindi niya na nagawang itama pa at sabihin na hindi kanila
ang aso na iyon.

Kailangan lang niyang bilisan ang pag-ayos sa problema dahil sa tingin niya ay
nanghihina na ang aso.

"Ang problema po ngayon Master, si Boy Kot, nagrereklamo dahil ginulpi daw ng misis
n'yo." Tinuro ng pulis ang lalaki na nakaupo at katatapos lang hingan ng detalye.
Katabi naman nito ang anak.

"Oo! Kailangan n'yo 'kong bayaran!" Napatayo ito.

"Nilait ako ako ng anak mo, sinuntok ako saka sinabunutan ng misis mo," reklamo
nito.

Napangiwi siya sa nadinig. Nag-init ang ulo niya dahiI sa isang rason, siguradong
namamaga ang kamay ng asawa niya sa ngayon.

"Saan dumapo ang kamay ng misis ko sa 'yo?" malamig na tanong niya sa lalaki.

Tinuro nito ang pisngi. Bahagya nang namamaga ang pisngi nito

"Dito, yung ngipin ko sa loob nagcrack na nga, saka sinabunutan pa ko kaya masakit
ang anit ko!" Inisa-isa nito ang reklamo.

Tumingin si Cally sa pulis. "Tapyasin ang pisngi ng lalaking iyan na sinuntok ng


asawa ko, saka kalbuhin ang buhok."

Pulis "..."

Boy Kot "..."

Saglit na lumamig ang paligid.

"Kung walang gagawa, ako na ang magkukusa. Ibibigay ko ang medical fees na
hinihingi mo pagkatapos."

Kinabahan ang lalaki. Napansin nito na hindi simple si Cally.

Mabilis na lumuhod ang lalaki sa harap ni Cally. "M-master, nagbibiro lang po ako…
Hi-hindi na po ako magrereklamo!"

Cally felt annoyed. Matapos siyang hamunin bigla na lang itong luluhod? Nasaktan
ang kamay ng misis niya tapos hahamunin pa siya nito?

"It's settled then."

Kumatok si Khalid sa pintuan bago lumabas ang Daddy niya, saka pumasok sa loob ng
opisina.

"Daddy, we need to bring my Dog to a vet," malungkot na sabi nito.

'Kailan pa sila nagkaroon ng aso?'

Sunod na ginawa ni Khalid ay lumapit sa lalaki. Kinalabit ito na nananatiling


nakaluhod. "Hey Mister, on behalf of your kid, you have to pay for my Dog's vet
expense."

Cally "..."

"I assumed he had internal bleeding and bone fractures. You must pay 30 thousand,"
seryoso na saad ni Khalid.

Nanlaki ang mata ng lalaki, pati na ang bata na anak n'yo ay agad natakot.

Sa isip ni Boy Kot, Paanong nangyari na nabaligtad ang sitwasyon? Siya itong
nakaisip na manghihingi ng pera dahil mukhang mayaman ang mag-ina, paanong nangyari
na siya na ngayon ang maglalabas ng pera? At para sa askal?

"200 lang ang bentahan ng aso mo. Bakit ako magbabayad ng 30 thousand?" nanlalaki
ang mata nito.

"Daddy… Mr. Police… " He looks so sad and pitiful.

Sinabi ng Mommy niya na kailangan mukha silang kawawa kaya kailangan niyang
galingan.

Naawa ang pulis sa awra ng mukha ni Khalid na parang maiiyak.

"Hoy! Boy Kot! Bigay mo na yung 30 thousand!" ang pulis mismo ang nag-utos dito.

"Ha!!!! Boss, askal lang yun. Papalitan ko na lang! 200 lang bentahan no'n samin.
Minsan nga binibigay lang ng kapitbahay iyon. Bakit ako magbibigay ng 30 thousand?
Ano ba iyong aso mo pomeranian?!"

"Mr. Police… my dog will soon die..." namula ang mata ni Khalid at may namuong
luha. Anumang oras ay iiyak na.

"Boy Kot!!!!!" sigaw ng pulis dito.

"Heto na! Put--"

"Huwag kang magmura dito! May mga bata!" galit na singhal ng pulis.

"Asong gala naman talaga!" ang tanging naging mura nito.

Nilabas nito ang wallet, saka binigay kay Khalid ang 30, 000 cash!

Halos mangiyak ang lalaki na 30 pesos na lang ang natira sa wallet nito.

…..

MATAPOS makakuha ng pera ni Khalid lumabas siya saka nilapitan ang aso. "Mommy,
hold my money."

Inabot nito kay Prin ang isang bungkos ng lilibuhin.

"Huwaaaw! Paano ka nagkaroon ng pera? Limang minuto ka lang nawala, pagbalik mo may
pera ka agad? I love you na Baby! Mas mahal na kita sa Daddy mo."

Cally "..."

"That's what you called making business," mayabang na sagot ng anak niya.

Nagtaas ang kilay ni Cally sa usapan ng asawa at anak niya, na akala ng mga ito ay
wala siya sa paligid. "Kayong dalawa. Hindi pa kayo lusot dito sa ginawa n'yo."

Napalunok si Prin.

Binuhat ni Cally ang aso na sobrang baho saka isinakay sa sasakyan. Dinala muna
nila sa vet clinic ang aso para mapasuri.

Kinuwento ni Khalid ang mga nakita niya na naganap sa aso sa doktor. Habang
namumula ang pisngi ng assistant nito na sinusulat sa papel ang mga instruction ng
veterinarian.
Pinasok sa loob ang aso para suriin habang naghihintay sila sa labas. Tanging
salamin lang ang nakapagitan sa kanila at sa loob kung saan ito sinusuri.

Binantayan ni Khalid ang aso sa pagitan ng mga salamin. Gusto niyang silipin kung
ano ang ginagawa ng doktor. Para bang ayaw niyang mawalay ang mata sa loob.

"Give me your hand," utos naman ni Cally kay Prin habang nakaupo sa sofa na nandoon
sa labas.

Ngunit sa halip na ibigay kay Cally. Itinago niya sa likod ang kamay.

"No. No, Husbie. M-my hands are fine."

Humalukipkip si Cally sa harapan niya at saka siya nito tiningnan. Napalunok siya
lalo na at nagbabanta ang mata nito. "Hindi mo ba ibibigay?"

Napilitan na ilabas ni Prin ang dalawang kamay. Iniwas niya ang paningin dito para
hindi niya makita ang pag-asim ng mukha nito. Sinuri naman iyon ni Cally.

"Tss." Umasim nga ang mukha nito nang makita ang kaunting galos at pamumula ng
kamay ni Prin.

"Miss, pahingi naman ng gamot sa sugat, yung pang-aso," hiling ni Cally sa


assistant na babae ng doktor.

Namumula ang pisngi nito na tumango saka nagtungo sa kabinet.

Agad naman na binawi ni Prin ang kamay "Ba-ba-bakit pang-aso? A-ano ang akala mo sa
akin Shih Tzu?"

"Hindi! Isa kang Rottweiler na sobrang tapang sa pakikipag-away. Look at your


hands!" Halata ang disgusto kay Cally.

Napangiwi na lang si Prin at hindi naka-alma.

May dalang betadine, ointment at bulak ang assistant at inabot iyon kay Cally. Puna
ni Prin na nakadenggoy na naman ang pagmumukha ng asawa niya sa vet clinic na iyon.

Nilinis ni Cally ang kamay ni Prin. Mas lalong umaasim ang mukha nito habang
tumatagal ang pagpahid nito ng ointment sa kamay niya.

Nakaramdam naman ng inggit ang assistant habang inaasikaso siya ni Cally.

"Husbie, isang beses lang naman 'yung suntok na ginawa ko. Sa-saka pinagtanggol ko
lang ang anak natin… Hindi ko naman hahayaan na saktan niya ang anak natin. At
saka, nung masakit na ang kamay ko, sinabunutan ko na lang siya." mahaba niyang
katwiran.

Lalong napangiwi si Cally saka siya nito tiningnan. Pinitik nito ang namumula
niyang kamao.

"Aw!"

"At talaga namang kailangan mo pang ipagmalaki ang ginawa mo?"

"Sasaktan niya kasi ako Husbie kaya bago niya gawin iyon, inunahan ko na siya."

"Ang punto ko dito, bakit parang hindi kayo mapirmi sa bahay ni Khalid? Panay ang
lakwatsa n'yo tapos laging may gulo na nakasunod sa inyo. Isang buwan na kayong
grounded at sa bahay lang kayong dalawa simula ngayon. Parang may balat sa puwit
ang isa sa inyo."

"For sure it's not me," sabad ni Khalid.

"Hey, you kid! Don't you love me anymore? Why are you conniving with your Daddy?"
nakapamewang na tanong niya dito.

Lumapit ito saka yumakap agad sa kanya. "Of course not! I love my Mommy the most!"

"Sigurado ka na ba na gusto mong iuwi ang askal?" tanong ni Cally sa anak nila.

Tumango lang ito.

Napangiwi si Cally. Mula sa leopard na alaga nila noon, ang pumalit ngayon ay isang
askal? Nalungkot siya nang maisip si Bantay. Inabot din nang ilang taon bago ito
nanghina at namatay.

Sa ngayon, isang cub ang bagong dating na kalahi ni Bantay ang inaalagaan ng Daddy
niya na nasa basement ng Kent Mansion.

Ngumiti si Cally. Kung isang aso ang gusto ng anak niya ay wala na siyang magagawa
pa. Hindi niya lang akalain na magkakainteres si Khalid sa isang askal. Mula kay
Boi-boi na isang Akita dog na nagkakahalaga ng isang daang libo na alaga ng
pamilya, ang napusuan ng anak niya ay isang Askal na napulot lang sa kalye.

"What name are you giving him?" tanong ni Cally.

"Spaghetti," mungkahi ni Prin. dahil si Spaghetti man ang nagbigay sa kanila sa aso
na iyon.

"Askal." si Cally.

"O kaya 'LuckyMe'!" si Prin muli dahil noodles talaga ang tingin nya sa buhok ng
lalaki.

"'Asomo' o kaya 'Azoko' dahil aso natin siya."

"Billionaire," huling desisyon ni Khalid.

Prin "..."

Cally "..."

Sigurado siya na ang aso na iyon ang pinakamayaman na askal sa buong Pilipinas!

IIWAN nila sa vet clinic si Billionaire. Kailangan kasing gamutin ang bahagyang
nabali na buto nito sa binti. Tulad din ng sinabi ni Khalid, may internal bleeding
ang aso at kailangan na bantayan ng doktor.

Medyo natatawa pa ang vet nang malaman na 'Billionaire' ang pangalan ng askal ng
pamilya.

Thirty thousand ang unang singil sa kanila at agad na inabot ni Khalid ang nakuha
nitong pera mula kay Boy Kot sa doktor. Ang susunod na bill sa kanila ay depende sa
kung ano pa ang maging resulta ng paggaling ni Billionaire. At sinabi rin nito na
tatlong libo ang pagstay ng aso sa vet clinic.

"Doctor, I will pay any amount just do your everything to save him," sabi nito na
akala mo ay matured ang nagsabi na ikinagulat ng doktor.

"Don't worry, your parents will sure pay." Hinaplos pa nito sa buhok si Khalid.

"Nope, I was the one who will pay. Send the bill to my home in White Castle. The
address was written in the form."

Vet "..."

Si Prin at Cally ay kalma lang at hindi na nabigla pa sa sinabi ng anak nila.

Sa isip ni Prin, nawala na siya ng tatlong taon pero mas malaki pa ang kinita ng
anak niya sa tatlong buwan kaysa sa mga sinuweldo niya sa Romantik Grand Hotel.

Nakakunot ang noo ng doktor pero tumango na lang dahil ayaw nito na magpahiya ng
bata.

May naiisip na nga kung tutuusin si Khalid kung paano magkakaroon ng pera. Matapos
niyang kumita ng malaking pera sa loob lang ng ilang buwan, ngayon pa ba siya
hihingi ng pera sa magulang niya?

May ideya na nga siya kung saan magkakaroon ng pera. Magsisimula iyon sa araw na
iyon. Sunod ay sasali siya sa piano competition!

Ayon kay Teacher Bei, one hundred thousand ang kikitain niya sa competition ng
Junior 1, kung saan sumpu pababa ang edad na pwedeng sumali.

Unang beses niyang mag-eeffort, nang hindi gagamit ng talent niya sa pakikipag-
negosasyon. Ang gagamitin niya ay ang talento niya mismo para kay Billionaire.

Sa isang restaurant sila nagpunta para mananghalian na sobrang late na dahil ang
daming nangyari sa kanila sa araw na iyon. Sinabi kaagad ni Khalid ang nais niya sa
magulang.

"Mommy, Daddy, I want to compete in a piano competition," sabi ni Khalid habang


hinihintay ang pagkain.

"Wow talaga, Baby!" Natuwa si Prin. Gusto niyang makita ang anak na makipag-compete
sa piano.

"Yes. Teacher Bei told me that she will send my video to Gurwitz International and
they will decide if I'm accepted or not… The competition will take place after two
weeks in… Germany."

Titingnan lang ng mga lider at composer ang galaw ng kamay ni Khalid mula sa video.
Tapos kapag nagustuhan siya, isasali siya sa kumpetisyon.

Pumalakpak si Prin. Mapapanood na niya ang anak, makakatakas pa siya saglit sa mata
ng asawa niya. Mabuti na lang at hindi ito nakahalata. Ilang saglit lang, dumating
ang pagkain.

Tahimik silang kumain. Si Khalid naman ay may hawak na tablet at sa tingin ni Prin
ay naglalaro.
"Mommy let's go to the ice cream house for desserts," hiling ni Khalid matapos
nilang mag lunch na sobrang late na.

Naalala ni Prin na may usapan nga pala sila ni Mildred na kikitain niya ito.

"I will tell Mildred," sabi niya. Day off naman ni Mildred sa araw na iyon kaya
libre ang babae sa maghapon.

"I told you, you two are grounded." Sabad ni Cally. Kung mag-usap kasi ang magnanay
ay parang balewala dito ang parusa niya.

"Why don't you join us instead?" tanong ni Khalid na parang nakikiusap ang mata.

"Yeah, Husbie. Maganda doon saka masarap ang smoothie nila," sabi niya sa asawa
nang bigla niyang maisip na lugar nga pala iyon ng fan girls. Napangiwi siya.

"Baby yeah, w-we are grounded," sabi niya sa anak.

Binaba ni Cally ang table napkin matapos punasan ang bibig. "Okay lang, samahan ko
na lang kayo. Mamayang alas sais ako ulit aalis for meeting. May oras pa ko na
samahan kayo."

Napangiwi si Prin. Bakit ba kasi mabilis niyang nakalimutan ang tungkol doon?
Hinihiling niya na sana ay walang fan girls sa lugar.

Pero masyadong na-underestimate ni Prin si Khalid. Hindi niya alam na binebenta na


pala sila ng anak niya kay Mildred.

Habang nanananghalian, kausap nito si Mildred sa tablet nito at sinabi na on the


way na ang Daddy niya. Katulad ng presyo niya kay Mildred, every fangirl should pay
five thousand meeting his Dad. Additional ten thousand if they want a selfie and
signature.

But he told her that they have to make sure that no one will harass his Dad or else
his Mommy will be angry, at hindi na sila bati kapag nagalit si Mommy.

Lumipat nga sila ng ice cream house. Kinakabahan si Prin sa bungad pa lang dahil
baka poreber na siyang grounded kapag nalaman ng asawa niya na nagawa niya pa na
makipag-mingle sa fans nito.

…..

KINAKABAHAN si Prin na binuksan ang pintuan. Tumunog agad ang chime nito.

Abot-tenga naman ang ngiti ni Khalid.

Nagliwanag ang mukha ng fangirls nang makita ang idolo nila na si Cally nang
pumasok sa loob ng lugar.

Inikot ni Cally ang paningin sa paligid. Hindi na siya nagtaka nang makita ang anyo
ng Ice cream house na iyon. Puro larawan ng kung sinu-sinong celebrity under MGM
ang mga nakita niya na maayos ang pagkakasabit sa pader.

Napansin niya na halos lahat ng mesa ay okupado at may nakaupo, bukod sa nag-iisang
mesa na available kung saan parang inilaan talaga para sa pamilya niya.

Malapad ang pagkakangiti nang mga tao at halos lahat ay kababaihan. Bahagya siyang
na-conscious dahil kakaiba tumingin sa kanya ang mga ito.
Lahat ay sa direksyon niya nakatingin at tila ba nagniningning ang mata na nakakita
ng artista.

Pinilig ni Cally ang ulo para maiwasan niya ang mga naiisip. Umupo sila sa harap ng
bakanteng mesa.

"Hello Miss Yuna." bati ni Mildred na lumapit sa mesa nila. Kumindat ito kay
Khalid.

Parang mabubulunan si Prin sa sarili niyang laway. Sobra ang kaba niya. Ang una
niyang napansin ay wala ang malalaking larawan ni Cally na nakasabit sa pader.
Napakiusapan niya si Mildred bago magtungo doon kung pwedeng tanggalin agad ang mga
bagay na iyon.

Sunod ay ang pananahimik ng fangirls.

Kung mayroon mang kalmado sa mga nagaganap, si Khalid lang iyon.

"Honey, why do I sense something wrong in this place?" tanong ni Cally.

"Ahh… baka kasi pakiramdam mo dalawa lang kayo ni Khalid ang lalaki kaya ganyan ang
pakiramdam mo. He he," dahilan ni Prin.

"Okay."

May lumapit na babae na umaabot hanggang sa mata ang mga ngiti. "Hello po Master
Cally, a-ano pong order n'yo?"

"Tatlong Banana split," sabi ni Cally.

Ngunit nilabas nito ang cellphone mula sa bulsa ng pink na apron na suot nito.

"P-pwede po bang magpapicture?" hindi nito napigilan na tanong kay Cally.

Nakakunot ang noo ni Cally. Si Prin naman ay hindi alam ang gagawin.

"Idol na idol ko po kasi kayo," sabi nito.

Nakaramdam ng inis ang mga babaeng nasa paligid dahil hindi nila akalain na mauuna
ang waitress sa pagpapapicture kay Master Cally.

Pumayag si Cally na magpapicture kasama ang kahera, tapos pinapirmahan iyon sa


kanya sa edit function ng picture.

"Last na po itong request, huwag po kayong mag-alala libre po ang kakainin n'yo
dito," sabi nito. Pumayag naman si Cally na pirmahan iyon. Tanging "Cally." ang
sinulat niya.

Ngumisi si Khalid. Hindi pa nag-iinit ang puwet niya sa silya, may ten thousand na
siya agad. Inabot ng waitress sa kanya ang 10 thousand.

Nanlaki ang mata ni Prin. "Wow! Magic! May pera ka agad, baby?" gulat na gulat na
tanong niya.

Ilang saglit pa, na-iserve ang ice cream sa mesa nila. Halos mabilaukan si Prin sa
pagkain dahil sa kaba. Pakiramdam niya ay may mali sa mga fangirls.

Pero hindi niya akalain na mauunang mabilaukan si Cally dahil sa tamis ng chocolate
na toppings at sa lamig ng ice cream.
*cough cough*

Nag-alala ang lahat at halos sabay-sabay na lumingon sa gawi nila.

Tumayo ang mga nasa malapit. Hindi pa man lumilipas ang limang segundo. May
nagserve ng tubig kay Cally. Limang baso ng tubig ang biglang nasa harapan niya.

"Okay lang po ba kayo Master?" sabay-sabay na tanong ng limang babae na inaabutan


siya ng tubig.

Napakunot na lang ang noo ni Cally. Pero may malaki siyang tanong sa isip.

"H-heto po ang tubig. Inumin n'yo po," sabi ng isa.

"Heto na lang po Master, mas masarap ito galing pa sa La Mesa Dam ang tubig na
ito."

"Heto po.."

"Heto na lang po…"

Sumasakit ang ulo ni Cally sa limang babae kaya tumayo siya at lumapit sa kahera.

"Pahingi ng tubig," hiling niya sa babaeng waitress, nagsalin ito ng tubig sa baso
mula sa water dispenser at inabot kay Cally.

"Heto po, Master."

Ngunit bago pa makaupo muli si Cally, may mga nagsipasukan na mga babae. Mga nasa
bente siguro ang mga babae na pumasok.

"Ahhhh!!!!!" tili ng mga ito. Inikutan ng mga ito si Cally.

"Naloko na!" usal ni Prin.

Nagsimulang kabahan si Khalid.

"Hey! Hey! Bakit kayo nandito? wala kayong pambayad, kaya doon kayo sa labas!
Tsupi!" sabi ng lider ng fangirls na nakapamewang sa mga babaeng bagong pasok.

Hindi naman ito pinansin ng mga babae at panay ang tili.

Kumunot ang noo ni Cally at tumingin sa mag-ina niya.

"Pambayad?" ulit ni Cally. Lumipat ang tingin sa mag-ina niya.

Natakot si Khalid kaya tinuro niya ang Mommy niya pero walang lumabas na salita sa
bibig. Nanlaki ang mata ni Prin matapos siyang ituro ng anak tapos panay naman ang
iling.

"The two of you, anong kalokohan ito?"

"Ahhhh!!! Master, magpapapicture kami!!" Tumili ang mga bagong pasok. Hinawakan
nito si Cally sa isang braso.

"Kami muna!!!! Kami ang may pambayad, kaya kami muna!" sabi ng lider at hinawakan
si Cally sa braso para hilahin.
"No Kami!"

"Kami!"

Nadagdagan ang mga kamay na may hawak kay Cally kaya hindi niya maigalaw ang
sariling katawan. Sa tagal niya na pagiging Shi ng Dark Guards, ngayon lang
nangyari sa kanya na halos benteng katao ang nagtulong-tulong para lang pigilin
siya.

May hindi nakapagpigil at niyakap siya. Ginamit ni Cally ang lahat ng lakas para
makaiwas. Sumampa siya sa mesa ng cash register

"Prin!!!" nagdidilim ang paningin niya na nakitingin sa mag-ina.

"Stop!!!" natahimik ang buong lugar "A-anong kalokohan ito?!"

Naghawak-kamay ang mag-ina. "Baby… lagot tayo!"

NATAHIMIK ang mga fangirls.

"Anong kalokohan ito?" tanong ni Cally sa mag-nanay.

"Kayo, sino kayo?" tanong ni Cally sa mga babae.

"Mga fans mo kami!" sabay-sabay na sagot ng mga babae.

Nagdilim ang anyo ni Cally. Nakita niya na nagtago sa ilalim ng mesa ang dalawa.
Kumikirot ang sentido niya sa panibagong gulo na kinasangkutan ng mga ito. Hindi pa
nga lumilipas ang araw, may panibagong kalokohan agad na hinarap ang asawa at anak
niya.

Mukhang ayaw na talaga ng dalawa na lumabas ng bahay.

"Sorry, pero uuwi na ko!" singhal ni Cally sa mga babae.

"Prin at Khalid! Uwi!" malakas na utos niya.

Napalingon sa gawi ng mag-ina ang mga babae. "Galit si Master Cally sa dalawang
iyon, hawakan sila at iharap kay Master!" sabi ng lider.

Prin "..."

Khalid "..."

Mabilis na hinawakan si Khalid at Prin ng mga babae. Katulad ng porma ng mag-nanay


nang huli silang nagpunta sa lugar.

Hindi naman alam ni Cally kung paano bababa mula sa ibabaw. Baka bigla siyang
yakapin ng mga babaeng ito na parang nababaliw.

Nag-iinit ang ulo niya sa asawa at anak. Nanghingi na siya ng tulong kay Xander na
sunduin silang mag-anak sa lugar. Gusto niyang sakalin isa-isa, ang mga babaeng
ito.

Pinagpapawisan na siya dahil sa dami ng tao sa loob ng ice cream house. Halos wala
ng space at mapuno na ang tao sa loob. Halos magpalitan na sila ng amoy ng mga
babae.

Dahil pakiramdam niya ay nasasakal siya, niluwagan at tinanggal niya ang kurbata na
nasa leeg.

"Ahhhhh!!!!" Tumili ang mga babae.

Halos marindi ang tenga nilang tatlo sa tili ng mga babae. Nagtanggal pa lang ng
kurbata si Cally, nawindang na ang mundo ng mga ito.

"Sinong may pasimuno nito?" hindi makapaniwalang tanong ni Cally

Nanlaki ang mata ni Khalid at tinuro nito si Prin. "I-it's Mommy!"

Prin "..."

'Bakit ako?' kapag nagkaroon ka naman talaga ng anak na ilalaglag ka sa sitwasyon.

Dahil sa anyo ng anak, may palagay na si Cally na binenta siya ng anak sa mga
babaeng ito.

"Really?"

Nakagat na lang ni Khalid ang ibabang labi.

"Parusahan ang dalawang iyan!" utos ng lider.

Natakot naman si Cally dahil baka kung ano ang gawin sa mag-ina niya. Nagulat na
lang siya nang parehas na tumatawa ang dalawa at parang kiti-kiti na hindi mapakali
ang mga katawan.

Kiniliti ng todo ang mag-nanay ng mga babae.

Cally "..."

"I won't give you a discount! Ha ha ha!" sabi ni Khalid habang tumatawa. Hindi ito
pinanansin ng mga babae. Patuloy lang sa pagtawa ang dalawa dahil patuloy din ang
parusa ng mga babae.

Huminga ng malalim si Cally para tanggalin ang inis na kanina pa nasa dibdib niya.

"Stop!!!!" sigaw niya. Umalingawngaw ang boses niya sa buong lugar. Natahimik naman
ang lahat.

"Ladies, we have to go. Ako ang magpaparusa sa dalawang iyan." Bumaba si Cally at
akmang manununtok kapag may nangulit pa na babae.

"No! They haven't paid yet!" sigaw ni Khalid.

Cally "..."

Pero wala ding nangyari dahil saglit lang na kumalma ang mga babae at nagkagulo
muli sa loob ng ice cream house.

"Ahhh, Master Cally, papicture."

"Master Cally, ako muna!"


"Master!"

Kung kaninong mga kamay ang humablot sa damit ni Cally at halos mawarak na ang suot
niya.

Sobra nang nag-iinit ang ulo niya sa mga nagaganap.

Nasisiko na si Prin. Hanggang sa hindi siya nakailag sa siko ng matabang babae.


Nasapo niya ang ilong at napaatras.

Nanlaki ang mata niya ng makapa na wala na ang pinakamamahal niyang ilong. Nag flat
na ang ilong na ilang milyon niyang ginastusan.

"Ahhhhh!!!! Yung ilong ko, hindi na diretcho!!!!"

Kumuha siya ng puting table napkin sa ibabaw ng mesa at tinakpan ang kawawa niyang
ilong. Sa dami ng tao sa loob at kasi-siksik sa kanya, ilang beses na nasagi ang
ilong niya at ang huli nga ay nasiko siya.

'Lord, ano pong kasalanan ko ngayong araw?' hindi niya maiwasan na itanong.

"Hide me baby!" kinuha niya ang anak.

Hindi naman nagtagal at dumating si Assistant Xander na may kasamang mga body guard
para iligtas sila sa loob.

Sa sasakyan, panay ang iyak ni Prin habang sinisilip sa salamin ang kawawa niyang
ilong na mas pango pa sa pango. At bahagyang tumabingi pa pakanan. Hindi niya alam
kung mag-s-side ways ba siya para dumeretso ang ilong o iaangat ang mukha.

"Hu hu hu… Lalayas na ko sa bahay!!!! Babalik na ko sa Korea para ipagawa ang ilong
ko!"

"In your dreams! Dahil sa White Castle ka lang at walang aalis ng tatlong buwan!"
halatang galit si Cally.

"You Kid! Luluhod ka sa munggo pag-uwi!"

Nakayuko lang ang anak niya at halatang guilty.

Hindi alam ni Prin kung paano reremedyuhan ang ilong niya sa loob ng tatlong buwan.
Wala siyang nagawa kundi ang ipagpray ang ilong niya na nasira.

…..

NAKASUOT lang ng face mask si Prin sa loob ng bahay. Ayaw niyang humarap sa kahit
na kanino.

"Hu hu hu… you don't care about me anymore. I want to go to Korea! Can't you see
this is an emergency?" tanong niya sa asawa niya habang awang-awa sa sarili..

Si Khalid naman ay unang beses din na tinuruan ng leksyon ng Daddy niya. Tinotoo ni
Cally ang parusa sa anak na lumuhod sa munggo pag-uwi ng bahay.

Nakayuko lang ito habang binabantayan ni Cally. Nakahalukipkip lang ang asawa niya
sa single sofa at bahagyang pumikit para tanggalin ang pagkainis.

Parang langaw pa si Prin sa patuloy na pangungulit at pag-iyak.


"Husbie, I need to go to the hospital. Mukha akong si Barney na walang ilong. Hu hu
hu."

"In. your. dreams… Hindi ka aalis dito sa bahay kasama ni Khalid dahil iyan ang
parusa ko sa iyo. Magtyaga ka sa ilong mo na patungong North-West sa loob ng
tatlong buwan."

Nagpapadyak si Prin sa nadinig. Naaawa naman si Khalid sa Mommy niya. If he didn't


insist na tumungo sila sa Ice Cream house, hindi iiyak ang Mommy niya at magluluksa
sa ilong nito na nasira.

Anyway, he earned 300,000 na nasa kamay ni Mildred. Kaya bahagya siyang masaya.

"Husbie..." patuloy si Prin sa pakiusap.

"Don't worry Mommy, I will give you a nose tomorrow," sabi ni Khalid habang
pinipilit na hindi ipahalata na masakit na ang tuhod nito.

"Hu hu hu… Nagagawa mo na din na paluhurin ang anak ko sa munggo. Kawawa naman ang
baby Panda ko."

Napangiwi si Cally. "Blame yourself kung bakit naparusahan ang anak mo," kalmado na
sagot niya dito.

30 minutes lang ang plano ni Cally na paluhurin ang anak niya sa munggo para
magtanda ito. Kapag umulit pa ito, dadagdagan niya ng minuto sa susunod.

Matapos ang 30 minutes, tumayo si Cally mula sa kinauupuan. Naghanda siya para sa
susunod niyang meeting.

Binuhat ni Prin ang anak at pinagpag ang mga dumikit na munggo sa namumula nitong
tuhod. "Baby, are you okay?"

Tumango lang si Khalid.

Si Prin naman ay namumula na ang mata niya sa kaiiyak. Mas matindi pa ang parusa ni
Cally na ito kaysa sa mga parusa na ginawa nito sa kanya noon dahil kailangan
niyang pagtiyagaan ang mukha niya na parang si Barney na walang ilong sa loob ng
tatlong buwan.

Pinunasan naman ni Khalid ang luha niya.

"Mommy don't worry, I'll do my best to make a remedy for your nose."

Nakuha nito ang interest niya. "How can you do that?"

"Let's create a papier mache."

Prin "..."

Lalong naiyak si Prin sa narinig. Mas gugustuhin na niya na mag-mask kaysa papier
mache ang ipalit sa ilong niya. Paano niya iyon ididikit sa mukha niya. I-g-glue?
Akala ba ng anak niya ay gawa sa papel ang mukha niya?

Lumakas ang pag-iyak ni Prin.

"Don't worry Baby. Igaganti kita kay Dadd," sabi niya sa anak habang patuloy na
minamasahe ang tuhod nito na namumula.
.....

GABI na nang makauwi si Cally. Kailangan niya rin na makipag-socialize kaya inabot
siya ng alas onse ng gabi.

Ang unang napansin niya ay wala si Prin sa Master bedroom kaya tinungo niya ang
kwarto ni Khalid. Tulad ng inaasahan, magkayakap na natutulog ang dalawa.

Sumilay ang ngiti niya sa labi nang makita ang anyo ng asawa niya na mahimbing na
natutulog kahit pa halata ang pamumula ng mata nito sa sobrang pag-iyak.

Tulad ng reklamo nito, tuluyan nang na-flat ang ilong nito at may bahagyang umbok
na nakagilid. Para itong manika na napaglaruan ng sobra at tinapyasan ng ilong.

Binuhat niya ang asawa mula sa kama ni Khalid, saka ipinasok sa Master bedroom at
inihiga sa malapad na kama.

Uminom ng tubig sa pitsel na nasa mesa. Naglinis lang siya ng katawan bago sumampa
sa kama at tinabihan ang asawa niya sa pagtulog.

Kinabukasan... Nang magising si Cally, tulog pa rin si Prin sa tabi. Sinilip niya
ang relo sa bedside table. Alas otso na ng umaga. Mukhang nasobrahan siya ng tulog.
Halos hindi niya naramdaman ang buong magdamag.

Ang ganda pa ng tulog niya na nakabuo siya ng walong oras. Ngunit mas nabigla siya
na tulog pa rin ang misis niya sa tabi.

Mukhang masyadong nagdamdam ito sa kinahinatnan ng mukha nito.

Bumaba si Cally sa kama at nagtungo sa C.R. Bahagya pa siyang inaantok. Unang


tinungo niya ang labatory para maghilamos.

Ngunit bago sumayad ang tubig sa pisngi niya... "Ahhhhhhh!!!!!!"

Nanghilakbot ang mukha niya sa salamin nang makita ang kilay niya na mas makorte pa
sa kilay ni Miss Minchin.

Inilapit niya ng todo ang mukha sa salamin.

Anong nangyari? Nawala ang makapal niyang kilay at nagmukha siyang bading sa itsura
niya.

Paanong nangyari na nawala ang makapal niyang kilay sa buong magdamag?

(Nangyari nang nagdaang gabi)

MATAPOS masiguro ni Prin na ininom ng asawa niya ang tubig na may pampatulog,
sinimulan niya ang plano.

Pinitik-pitik na muna niya ang matangos nitong ilong para makasiguro na nakatulog
na ito ng tuluyan at hindi aalma sa gagawin niya.

Totoo nga na kahit gaano pa kagaling ang isang tao, babagsak lang din sa kamay ng
asawa nito.
Nagbukas ang pinto at pumasok si Khalid. Kapwa sila hindi tulog at nagpapanggap
lang nang dumating ang asawa niya.

"Mommy, what are you planning to do?" tanong ni Khalid.

"What do you think?" nakangisi na saad niya.

Lumapit si Khalid sa Daddy nito at pinagmasdan nitong mabuti. Kaiba ang awra ng
Daddy niya sa normal nito na madalas ay seryoso o salubong ang kilay.

"Hmmm… We can cut his shiny hair, but... what if he gets angry with us?"

"Don't worry baby… leave everything to me."

Inambaan pa ni Prin ang asawa niya na parang manununtok bago tinungo ang cabinet.
Pinagpipilian niya kung tyane o razor na pang kilay ang gagamitin niya dito.

Binigay niya ang tiyane kay Khalid. "Go, pluck his eyebrows," sabi niya dito.

"Mommy, what if he wakes up?" nag-aalalang tanong ni Khalid. Sigurado na sasapian


ni 'The Hulk' ang Daddy niya kapag may ginawa sila dito na hindi maganda.

"Don't worry baby. He won't."

"Okay!" Kinuha ni Khalid ang inabot ni Prin na tyane, saka binunot isa-isa ang
kilay ni Cally.

Kada bunot nito, napapangiwi si Cally pero hindi nagigising. Nakakatuwa pa na


maganda ang pagkakaayos ng kilay na gawa ni Khalid. Halata ang pamumula ng balat ni
Cally na binunutan ng buhok.

Dahil sa pag-aalala, pinahiran ni Khalid ang namula na balat nito ng aloe vera
cream.

"Mommy, I'm tired," sabi ng anak niya matapos na ahitan ang isang kilay. Malamang
nag-aalala talaga ito na mapagalitan.

"Now it's my turn." Malakas ang loob niya na ituloy ang plano.

Gamit ang pang-ahit. Kinurbahan niya ang kilay ni Cally hanggang sa maging katulad
ng kilay nito ang kilay ni Miss Minchin. Bumunghalit siya ng tawa matapos na makita
ang anyo ni Cally na sarap na sarap sa pagtulog.

"Oh no! Mommy! For sure Daddy will be angry!" natatakot na saad ng anak niya.

"Don't worry baby, if he gets angry. It's easy to hide. Moreover, It's better than
having a disfigured nose." turo niya sa ilong.

Sa panahon ngayon, marami ng remedyo sa kilay. Gusto niya lang na gantihan ang
asawa niya dahil ayaw siya nitong payagan na umalis.

Inahitan niya rin ang kilay na unang inayos ni Khalid hanggang sa magpantay na
iyon.

Ngumisi siya pagkatapos.

.....

Kinabukasan…
Nakatingin si Cally sa salamin. "F*ck! What happened to my eyebrows?"

Parang maiiyak siya sa anyo ng hitsura niya. Daig niya pa ang kilay ni Bella Flores
sa taas. Lumabas siya ng restroom at bumalik sa kwarto at nakita ang asawa niya na
natutulog pa rin hanggang sa mga oras na iyon.

Wala siyang ibang naiisip na maglalakas ng loob na gumawa ng ganito sa kanya kung
hindi ang asawa lang din.

Masyado nang lumalakas ang loob ng babaeng ito sa pag-gawa ng kalokohan.

"Prin Matsui!!!! wake up!" gising niya dito. Sa lakas ng sigaw niya imposible na
hindi ito magising.

Umungol lang ito ng bahagya. Nagpipigil si Cally ng galit kahit pa gusto niyang
sipain palabas ang asawa niya.

"Prin Matsui, what did you do to my eyebrows?!"

Doon dumilat si Prin. Unang bumungad sa kanya ang kilay ni Cally. Dahil nakakunot
ang noo nito, nag-iba ang korte ng kilay nito. Pinipigil niyang tumawa dahil
sigurado na mas magagalit ito sa kanya.

"Husbie, what happened to your eyebrow?" pagmamaang-maangan niya.

"Yeah right, akala mo ba maniniwala ako sa iyo na hindi ikaw ang may gawa nito?"

"Whaaat? I'm sleeping, ginising mo nga ako e."

"Prin Matsui!"

Napatuwid ng upo si Prin. Parang kutsilyo ang mga mata ni Cally na nakatingin sa
kanya at sinusuri kung nagsasabi siya ng totoo. Sigurado na hindi talaga ito
maniniwala na hindi siya ang may gawa nito.

Nakipaglabanan siya ng titig kay Cally. "You are not going to Korea, never! Never
as long as I'm alive!" kalmado ngunit malamig na sabi.

Napalunok si Prin. 'Naku… nayari na!'

"Gusto mo ba talagang gumanti? Let's wait and see!" banta muli nito.

Nanlaki ang mata ni Prin sa narinig. Nagsimula na siyang kabahan at nag-isip ng


pwedeng idahilan dito.

"No. no. no! Husbie, I-I just don't want you to go outside White Castle. W-we are
family, W-we have to stick together in this house kaya ko iyan nagawa. Kung
grounded ako, grounded ka rin!"

Cally "..."

Anong klaseng katwiran iyon? Lalong lumamig ang mata ni Cally.

"Get up! Time to have breakfast. Tanghali na at gutom na ang anak mo."

Maya-maya pa nga ay nasa hapag ang tatlo para kumain ng agahan. Walang maglakas ng
loob sa mga kasambahay na tumawa kaya mas pinili ng mga ito na iwan ang tatlo sa
dining area.
Malalim ang tingin ni Khalid sa magulang niya. Halos ayaw niyang kumain dahil
nawalan na siya ng gana.

Ang Mommy niya kasi ay parang kamag-anak ni Fiona at nababagay naman ang step-
mother ni Snow White sa anyo ng Daddy niya sa sobrang nipis ng kilay nito.

And this is his biggest problem... Paano niya na pagkakakitaan ang daddy niya sa
susunod?!

…..

HINDI naman nagtagal at maayos na ang kilay ni Cally.

Sa unang araw, nagpatawag si Cally ng stylist na magreremedyo ng kilay nito kaya


naman lalong nakaramdam ng pagkainis si Prin. Sa panahon ngayon, madali na lang
remedyuhan ang kilay. Pwedeng 3D tattoo o kaya naman ay lalagyan ng pinaghalu-
halong oil para bumilis ang pagtubo ng buhok nito.

"Master, here's the ointment. You can put this on your brows generously." May
inabot na ointment ang stylist na nagmula pa sa MGM

Tumango lang si Cally.

Si Prin naman ay pilit na umiwas sa asawa niya sa bahay. Hindi siya nananatili sa
isang kwarto kapag nandoon ang asawa niya. Ayaw niyang makita ang pagmumukha nito.

Tuwing nandoon si Cally sa bahay, nagtatago siya na mag-isa sa isa pang kwarto para
doon magtrabaho. Siya pa rin naman ang manager ng hotel ni Apolo.

Lahat ng kailangan niya ay pinaaayos niya kay Mildred na pinapadala nito sa email.
At pinapadala naman niya ang report niya kay Apolo. Mabuti na nga lang at pinayagan
siya nito na mag-'work from home' nang hilingin niya dito na mananatili na muna
siya sa bahay para samahan ang anak niya.

Talagang tinotoo ni Cally na hindi siya aalis ng bahay na iyon.

Halos ayaw niyang tingnan sa salamin ang sarili niya. Matapos niyang lait-laitin si
Undertaker, ang bilis ng karma sa kanya.

Isang linggo na ang lumipas at talagang hindi siya pinalabas ni Cally ng White
Castle. Sinubukan niya na ang lumabas ng bahay, pero hindi talaga siya pinaalis ng
mga gwardiya. Kaya mas lalo siyang nakaramdam ng pagkainis kay Cally.

Isang linggo mahigit na siyang nagtityaga sa ilong niya. Samantalang ito, isang
araw lang nanatili sa bahay nila at nakabalik na sa opisina nito kinabukasan.

Nakauwi na rin si Billionaire sa bahay nila kaya mas busy ang anak niya. Tinuturuan
ni Khalid ang aso nito ng mga tamang habits sa bahay na iyon.

Hirap sa paglakad ang aso dahil nabali ang buto nito sa isang binti. Pero hindi
nakahadlang iyon para magustuhan pa rin ito ni Khalid. Nagpagawa pa nga ng malaking
doghouse ang anak niya sa bakuran ng white castle para sa aso.

Isang sako ng dog food pa ang binili nito, mga kagamitan ng aso at ang pinaka-
nabigla siya sa lahat-- may ginintuang dog tag ang askal.

His dog tag was made of 18 karat gold with the word 'Billionaire'.
'Iba din!'

.....

HABANG nag-iisa sa terasa, naghanap siya ng pwedeng bilhin sa online store dahil
iyon lang ang paraan para makapagshopping o makapag-grocery siya ng mga kailangan
niya sa araw-araw.

Isang bagay ang pumukaw sa atensyon niya. May nakita siyang isang bagay sa online
store na agad niyang nilagay sa 'cart'. A hair coloring shampoo. A sinister smile
shown on her face.

Umorder siya ng kulay blue green na pangkulay.

Hindi niya tatantanan si Cally hangga't hindi siya nito pinaaalis papuntang ibang
bansa para ipaayos ang ilong niya.

.....

Isang umaga, tulad ng dati, naghanda si Cally para sa pagpasok sa opisina.

Ilang araw na siyang hindi kinakausap ni Prin dahil nagdadamdam pa din ito sa
nasira nitong ilong.

"I'm full. Billionaire, let's go outside," tawag ni Khalid sa aso nito. Dalawa lang
sila ang kumain ng agahan dahil nagtatago ang asawa niya.

"Did you see your Mommy this morning?" tanong niya sa anak.

"Daddy, I thought she's your wife. Why are you asking me? I am starting to have a
headache because of the two of you."

"Billionaire, my parents are so childish…" bulong pa nito habang napapailing.


Sinabayan ito ng aso papalabas ng dining area.

Huminga ng malalim si Cally saka tinungo ang kwarto na dati niyang ginagamit para
puntahan ang asawa niya. Kinatok niya ito.

Hindi pa rin ito sumasagot mula sa loob. "Honey, let's talk."

Kinuha niya ang susi sa bulsa para buksan sana ang nakalock na door knob. Pero agad
din na nagbago ang isip niya.

Sa gabi na lang niya ito kakausapin.

Naghanda na lang siya papunta ng opisina. Tinungo niya ang shower room para maligo.
Ginamit niya ang shampoo na madalas niyang ginagamit at pinabula iyon sa buhok
niya.

Nag-sabon siya ng katawan bago siya nagbanlaw. Ngunit nagulat siya sa kulay ng
tubig na dumadaloy sa katawan niya.

Kulay berde. Sinuri niyang mabuti ang katawan. Wala siyang makita na kakaiba kaya
nagtungo siya sa salamin na malapit sa labatory.

Nanghilakbot ang mukha niya nang makita ang anyo.

Wala na ang dark brown na kulay ng buhok at napalitan iyon ng kulay blue green.
"Prinnnnn Matsuuuuuuiiiiiii!!!!"

Ginagalit talaga siya ng babaeng ito. Para siyang maiiyak dahil unang beses na
nakulayan ng buhok niya.

Bumalik siya ng shower at pinilit na binanlawan ang sarili. Para siyang mababaliw
habang nakikita ang kulay ng tubig sa sahig.

"PRIN MATSUI, get out of the room now!" galit na sigaw ni Cally mula sa labas ng
kwarto ng dating tinutuluyan.

Natatakot naman ang mga kasambahay sa sigaw ng Master nila na nasa ikalawang
palapag na umaabot hanggang gate yata ng villa.

"Naku, anong gagawin natin. Mukhang galit si Master kay Miss Prin?"

"Mukhang ginalit siya ni Madam."

"Miss Xia, ano pong gagawin natin?"

Nakatingin ang lahat kay Xia na hindi rin alam ang gagawin. Pumasok si Khalid sa
loob ng bahay dahil rinig niya hanggang sa labas ang sigaw ng Daddy niya.

Nakakunot ang noo ni Khalid. Nakakita naman ng pag-asa ang mga kasama nila sa bahay
nang makita itong pumasok.

"Master Khalid, go and help your Mom. Your Daddy is very angry," hiling ni Xia.
Walang magtatangka sa kanila na umakyat at silipin ang nangyayari doon.

Tumingala si Khalid sa itaas ng hagdan. Napaisip siya kung ano na naman ang
problema ng magulang niya. Wala rin siyang nagawa kung hindi ang umakyat at silipin
ang sitwasyon.

"Billionaire, sit! You'll stay here," sabi niya sa aso. Sumunod naman ang aso na
umupo sa tabi ng hagdanan.

Nang makaakyat, ang unang pumukaw sa atensyon ni Khalid ay ang kulay ng buhok ng
Daddy niya. Nakakunot ang noo na lumapit sa dito.

"I never expected that you liked Joker," saad ni Khalid. Make up na lang ang kulang
ay pwede na itong gumanap bilang si Joker.

Madilim ang mata na lumingon si Cally sa anak saka binalik muli ang atensyon sa
saradong pinto.

Hindi niya rin magamit ang susi dahil may chain lock sa loob. Kaya kahit nabuksan
niya ang door knob, hindi niya rin tuluyan na mabuksan ang pintuan dahil sa chains
na nakakabit sa magkabilang kahoy.

"Prin Matsui, open the door or else you will never see Khalid anymore!" banta niya.

Mukhang natakot naman ang asawa niya sa narinig. Narinig niya ang mga papalapit na
yabag. Ilang segundo lang ay narinig niya ang chains na tinanggal ni Prin sa
pagkaka-lock.
Mabilis na nagbalik si Prin sa ibabaw ng kama at saka nagtago sa ilalim ng makapal
na comforter.

Hindi pinapasok ni Cally ang anak niya sa loob ng kwarto. Sa halip, sinarado niya
ang pintuan at ni-lock iyon.

Parang balewala naman kay Khalid kung ano ang ginagawa ng magulang niya sa loob ng
kwarto. Bumaba na lang siya ulit mula sa ikalawang palapag at inaya muli si
Billionaire na lumabas ng bahay.

His parents are really annoying! And childish!

Sa loob ng kwarto…

Matapos gumawa ni Prin ng kalokohan, bigla siyang nakaramdam ng takot. Hinila ni


Cally ang comforter. Pilit din na hinawakan ni Prin ang makapal na kumot na iyon
para hindi siya makita ng asawa niya. Nakipagtagisan siya ng lakas dito sa hilahan
ng comforter.

Matapos ang mahabang hilahan, nakuha rin ni Cally ang buong kumot.

Ang problema, sumama si Prin sa tela palabas ng kama, kaya gumulong siya sa sahig.
Tumama ang mukha niya sa paahan ng tokador.

*blag!*

"Aw!!!" Isang malakas na hiyaw ang lumabas sa kanya. Nag-alala agad si Cally.
Ngunit mas pinili na tumayo muna.

Nakahalukipkip si Cally na nakatayo habang nakaupo sa sahig at nakayuko si Prin.


Ngunit nabigla siya na bumakat ang paahan ng cabinet sa pisngi ng asawa nang iangat
nito ang mukha sa kanya.

Saglit silang natigilan at sabay na natawa nang makita ang anyo ng isa't-isa.

Natawa si Prin sa buhok ni Cally na parang kamag-anak ni Joker. Unang beses niya na
makita ang buhok ni Cally na may ibang kulay bukod sa normal na kulay nito na dark
brown.

Natawa naman si Cally sa hitsura ni Prin. Bukod sa namimilog nitong ilong na parang
kamatis, pati ang isang bahagi ng pisngi nito ay nasira na din.

Halos mahiga si Prin sa sahig dahil sa sobrang pagtawa.

"Sige tumawa ka. Look at yourself in the mirror."

Na-curious siya sa narinig kaya agad na tumayo si Prin at tumingin sa salamin.


Nanghilakbot siya sa nakitang anyo ng mukha niya.

"Oh noh! Wahhhh!" Bumahid ang pag-aalala niya, ngunit nabigla si Cally nang bigla
na lang siyang umiyak.

Mula sa paghalakhak dahil sa bagong anyo ni Cally. Napalitan iyon ng luha dahil ang
pangit-pangit na ng mukha niya at wala siyang magawa. Para siyang nababaliw.

Isang mabigat na hangin ang inilabas ni Cally sa bibig. Niyakap niya ito sa bewang
at inaya na umupo sa ibabaw ng kama. Patuloy sa pag-iyak si Prin. Parang bata na
nawalan ng pag-asa ang anyo nito.
Hindi na matanggap ni Prin na nasira ang ilong niya, pero hindi niya akalain na
sobra ang magiging epekto sa kanya na pati ang pisngi niya ay nasira na din. Para
siyang si Mr. Potato na nasobrahan sa pagkasira ng hugis ang mukha niya.

Hinawakan ni Cally ang mukha ng asawa niya.

"Don't look at me. I'm so ugly!" Halos takpan niya ng dalawang kamay ang mukha,
huwag lang makita ni Cally ang bago niyang anyo.

"Honey, don't cry anymore." Humigpit ang yakap ni Cally sa bewang ng asawa niya.

He finds her funny.

In reality, she was really ugly and he understands her feelings right now. But he
also finds her cute acting this way, dahil pangit na pangit talaga ito sa sarili.
Hindi niya na tuloy mailabas ang galit niya ngayon dahil inunahan na siya nito ng
iyak.

This girl!

Nagtago si Prin sa dibdib ng asawa niya habang umiiyak.

"I don't want to see the world anymore, it's better to hide forever and die in this
room," reklamo ni Prin habang umiiyak.

"I'll find the best doctors on the planet who can help you. Don't cry anymore."
Siya rin ang unang bumigay sa labanan nila nito. He doesn't want to see her crying.

Sometimes, women are so unfair. Kapag ang babae ang umiyak, nakakaawa. pero kapag
ang lalaki ang umiyak, mukhang guilty!

…..

GUMAWA ng paraan si Cally para ipaayos ang mukha ng asawa niya.

Hindi niya rin talaga matitiis na malungkot ang misis niya sa nangyayari dito. Kaya
matapos ang dalawa pang araw, nagtungo ang mag-anak sa Korea.

Hindi pa nagawa ni Cally na ibalik ang kulay ng buhok nito sa dati nitong kulay na
dark brown dahil mas inayos niya ang problema ni Prin.

Apat na magagaling na surgeons ang nirekomenda ng kapatid niya na si Christen na


kasalukuyang anim na buwang buntis.

"Master Cally, your wife will be staying here for at least 2 to 5 months," sabi ng
isa sa apat na doktor matapos na masuri ang lahat kay Prin.

Namumula pa rin ang mata ni Prin kahit lumipas na ang ilang araw dahil masama
talaga ang loob niya.

Bumaling ang doktor kay Prin matapos nitong ipaliwanag kay Cally ang lahat ng
gagawin na procedure sa kanya. "You have to rest for three days before the
procedure. Be physically and psychologically ready for the procedure."

Malungkot pa rin si Prin pero sinagot niya ito ng "I will."

Matapos na lumabas ng apat na doktor sa kwarto, lumapit si Khalid kay Prin.

"Mommy, how are you?" Halata na nag-aalala ito sa kanya dahil ilang araw na siyang
hindi mapalagay at umiiyak.

"I'm sad," sagot niya dito.

Sumampa naman ito sa hospital bed at yumakap sa kanya. "Don't be sad. I will be
staying here with you."

"Don't you have a piano competition this weekend?" tanong niya habang seryoso ang
tingin dito.

Nakapasa ang video ni Khalid para lumaban sa actual competition para sa Junior
level. Tumango ang anak niya.

Nalungkot naman si Prin dahil hindi niya ito masasamahan sa una nitong laban. Sa
halip, si Miss Bei ang kasama nito.

"But I decided to stay here with you," narinig ni Prin mula sa bibig ni Khalid.

"...I will join again in the future. I want to stay with Mommy this time."

"Oh! Baby, thank you!" Humigpit ang yakap niya sa anak habang pinukulan ng matalim
na tingin ang asawa niya na nasa isang panig ng kwarto

Kung tutuusin, sumali lang naman si Khalid dahil sa pera na mapapanalunan niya.
Pero ngayon na kailangan ng Mommy niya ng suporta, mas pinili niya na manatili
kasama ito.

He will stay where his Mommy is staying.

"Are you still angry?" tanong ni Cally. Hindi sumagot si Prin pero nananatili na
matalim ang tingin niya dito.

"Hindi pa rin ba lumilipas ang sama ng loob mo sa akin kahit na halos magmukha na
akong clown sa harap mo?" amused na tanong ni Cally.

Doon umiwas ng tingin si Prin. Hanggang sa mga oras kasi na iyon ay blue green ang
buhok ng asawa niya.

Sobrang magaling ang pang-kulay na nabili niya. Tulad ng sabi sa ads, matapos lang
ang dalawang minuto, kakapit na ang kulay sa buhok ng gagamit nito.

Mas pormal ang kulay na dark brown na buhok kay Cally, pero ayos din naman ang
berde na kulay sa buhok dito dahil nagmukha itong Kpop idol. Iyon nga lang, mas
madalas na business partners ang kausap nito at hindi siya sigurado kung ano ang
resulta ng transaksyon nito sa kulay blue green na buhok.

Nakadagdag pa sa pagka-guilty niya ang kilay ng asawa na bahagya nang kumakapal sa


mga oras na iyon.

"I'm sorry," bulong ni Prin.

"At least you know your mistakes," nakangiti nang sabi ni Cally bago lumapit sa
mag-ina niya.

Nakisampa siya sa hospital bed para yakapin ang mag-ina niya.

"Hindi ka ba napapangitan sa akin?" tanong ni Prin.

"Napapangitan," honest na sagot mula kay Cally.


Sinuntok niya ito sa dibdib.

"Why is it my fault kung napapangitan ako sa 'yo? Kahit ikaw nga ay pangit na
pangit sa sarili mo," sabi ni Cally sa asawa. Hindi pa ba obvious na ilang araw na
itong umiiyak sa pisngi nito na parang humulma sa paahan ng tokador.

"Are you still not done with your bantering? You are making my headache worse."
puna ni Khalid habang hinihilot ang sentido.

Tumayo si Cally at hinawakan sa dalawang paa ang anak niya at itinaas ito sa ere.
Nabigla si Prin na parang nakasabit ang anak niya patiwarik.

Ang lahat ng nangyari sa kanilang mag-asawa ay kasalanan ng batang ito, tapos ang
lakas pa ng loob na magreklamo na sumasakit ang ulo nito sa kanilang dalawa?

Sa palagay ni Cally, hindi pa niya natuturuan ng tamang leksyon si Khalid.

"In reality, all of this mess happened because of you," sabi ni Cally sa anak na
nasa ere. Halatang natakot naman ito sa ginawa ni Cally at hindi alam kung saan
kakapit.

Nakabuka ang kamay nito at naghahanap ng makakapitan.

"Oh oh! Daddy! Daddy, I'm wrong! Please put me down!"

NAGTUNGO si Lorenz at Cassandra sa UK. Nagkaroon sila ng problema ngunit kailangan


niyang iwan ang asawa sa poder ni Duchess Camila at sumabay sa pag-alis ng mag-
asawang Han pabalik sa UK.

Pinagbawalan si Sandra na umalis ng bansa para ingatan ang pinagbubuntis nito.

Lumipas naman ang isang linggo at pinilit ni Khalid na magpakabait para makita niya
ang Mommy niya.

Tulad ng pangako ni Ginny, Hinatid siya nito sa Korea at dumeretso sila sa


recuperating area.

Kasalukuyan na may bisita si Prin sa kwarto nito. Sa labas pa lang ay rinig na ni


Khalid ang pagtawa ng Mommy niya.

Tiningala niya si Ginny na hawak ang kamay niya para sana magtanong.

Kumatok sila sa pintuan at saka iyon binuksan. Bumungad sa kanila ang pamilya ni
Kai na kasalukuyan na bisita ni Prin.

Nakaupo si Prin sa isang kama. Tinitirintas nito ang buhok ni Angel kaya nakaramdam
si Khalid ng selos.

"Mommy!" Saka siya tumakbo patungo dito.

"Khalid!" nagliwanag din ang mukha ni Angel nang makita siya.

Hindi niya ito pinansin at sumampa lang siya sa kama para yakapin sa leeg si Prin.
Bahagyang nanibago si Khalid sa mukha ng Mommy niya sa personal. Ibinalik na kasi
ang original nitong mukha. Pinindot-pindot niya ang pisngi ng Mommy niya.

Nang huli kasi na magpunta si Khalid doon ay may telang puti pa ang nakabalot sa
mukha ni Prin.

"I miss you Mommy!"

"Aw! I miss you too baby!" saad ni Prin habang patuloy na tinitirintas si Angel.
Tiningnan niya ng masama si Angel na nakatalikod bago nagpatuloy.

"Mommy, I earned 10 million last week!" pagyayabang ni Khalid.

Prin "..."

Sakto naman na natapos na si Prin sa pagtirintas.

"Wow! You earned millions in just a week? Makasama nga sa 'yo minsan para magkaroon
ng balato." si Bella.

"Huwag mo nang pangarapin na sumama sa kanya dahil baka hindi mo namamalayan na


ikaw pala ang biktima."

Bella "..."

…..

MAY ilang minuto rin na nanatili si Bella at Angel sa kwarto. Marami silang
napagkwentuhan dahil marami silang ibinalita sa isa't-isa.

Halos mapuno ng tawanan ang kwarto ni Prin.

Binalita rin ni Ginny na buntis si Sandra at kailangan itong iwan ni Lorenz sa


Sweden dahil kailangan nitong bumalik sa UK para gabayan ang Dark Guards.

Hinarap ni Prin ang anak niya matapos makipag-kwentuhan. May ilang linggo rin
niyang hindi nakita si Khalid.

Hinaplos niya ang buhok nito. Habang tumatagal mas lalong nagiging kamukha ni
Khalid ang daddy nito, kakaunti lang ang nakuha nito sa kanya.

"You will be staying at Tita Bella's home tonight. Come back tomorrow, Okay?"
paliwanag niya dito. Si Ginny ay mas pinili na magpunta sa eskwelahan kung saan ito
nagtuturo dati para makipagkamustahan din sa isang Professor doon.

Halatang hindi nagustuhan ng anak niya ang nais niya. Bahagyang nalungkot si
Khalid. He came all the way from UK. Normal na hindi niya magustuhan na kailangan
na naman niya na mahiwalay kay Prin.

"Mommy, when are we going back home?"

Hindi rin alam ni Prin ang isasagot. Kung tutuusin gusto na nga rin niyang umuwi sa
Pilipinas at magbalik sa trabaho. Madami siyang natambak na trabaho, idagdag pa na
pati ang White Devil ay kailangan niya na rin simulan na aralin ang mga pasikot-
sikot at kalakaran sa business ng Daddy niya.

"Next month," sabi niya kahit pa nga dalawang buwan pa dapat siya sa recuperating
room na iyon.
"Kaya kailangan natin na magpakabait para payagan tayo ni Daddy."

Tumango na lang si Khalid.

"I'll be back tomorrow. I love you, Mommy," paalam nito. Hinalikan niya lang ito sa
pisngi.

"I love you, Baby."

Sumunod ito kay Bella at Angel na lumabas ng kwarto.

Naiwan si Prin na mag-isa na naman sa kwarto. Bumalot na naman ang pagkaboring niya
ngayong nag-iisa siya sa loob ng kwarto na iyon.

Tumayo muna siya at tumingin sa labas ng clear na bintana. Kasalukuyan na umaambon


sa siyudad ng Seoul, Korea. Matagal din niyang inaliw ang sarili. She thought kung
nakauwi na ba si Bella, Khalid at Angel sa bahay ni Kai Jang.

Unti-unti nang dumidilim ang kalangitan at napapalitan iyon ng liwanag ng city


lights.

Matapos ang mahabang sandali, pumasok siya sa shower para linisin ang katawan. May
ilang minuto rin siyang nagtagal sa loob saka siya nagpalit ng pajama para
makapaghanda sa pagtulog.

Nang lumabas siya, hindi niya inaasahan na makita ang isang nilalang na nasa tabi
ng bintana kung saan siya nakatayo kanina.

"Oh, my goodness!" Halatang nabigla siya sa pagsulpot ni Cally. Nasapo niya ang
dibdib sa pagkagulat sa biglaang pagsulpot nito. Hindi man lang kasi nagbigay ng
abiso si Cally sa kanya.

Nakatayo ito sa pinakasulok na kwarto katabi ng bintana. Nakahawi pa ang kurtina at


nakatingin ito sa labas.

Nagrereflect sa mukha nito ang iba't-ibang kulay ng city lights mula sa labas.
Nilingon siya nito.

"I'm sorry, Honey. Nabigla ba kita?" he asked indifferently.

Lalapitan niya na sana ito pero matapos ang dalawang hakbang, she stopped.
Something was off about him that she wasn't sure of. Ang nasa harap niya ay
siguradong mukha at ka-boses ni Cally, pero iba ang awra ng kasalukuyang Cally.

She picked up her phone na nasa ibabaw ng kama na para bang normal lang at pinilit
na magpakalma.

"Hihingi lang ako ng gamot sa pharmacy. Sumakit kasi ang ulo ko. Dito ka na muna,
okay?" sabi niya dito na pilit ngumiti.

Tumango ito. Then, she opened the door.

No one was around on her floor outside. Nagsimula na siyang kabahan.

She turned her phone to 'Silent Mode'. Saka pinindot ang elevator. Sa gilid ng mata
niya ay may mga napansin siya na mas nagpatibay ng kutob niya.

The person in her room is definitely not Cally! Who is that man?
'Think Prin, Think!'

Nakakuyom ang mga kamay niya na pumasok ng elevator.

Bumaba siya ng ground floor. Ilang lalaki ang nakakalat sa lobby na nakasuot ng
damit na pang-nurse, doctor at kung ano pa but she knew that these people were not
hospital staff. Sabay-sabay na lumingon sa elevator ang lahat na para bang alerto
ang mga ito.

"Get her!" sigaw ng isa.

Agad na pinindot ni Prin ang 'close button'. Gumilid siya at hindi nga siya
nagkamali na pinaputukan ng ilang beses ang elevator. Ilang ulit niyang
pinagpipindot iyon hanggang sa magsara.

Halos hindi siya makahinga. Matapos iyon hindi na nakapag-isip na pumindot ng kung
anong floor.

Tumunog ang bell ng elevator tanda nang nakarating na siya sa destinasyon na


palapag. Lumabas siya sa loob nito matapos na bumukas iyon. Agad siyang tumakbo at
tinungo ang hagdan para magtungo sa floor ng garden area.

Habang tumatakbo, nagsisimula na rin na tawagan niya ang personal na numero ni


Cally. Sa oras na ito ang tunay na Cally ang nais niyang makausap dahil sigurado na
hindi tunay ang Cally na nasa kwarto niya.

TUMATAKBO si Prin pababa ng hagdan habang nakadikit sa tenga niya ang telepono.

Matapos ang ilang ring, narinig niya ang boses ni Cally sa kabilang linya.

"Miss me?" masayang bungad nito.

"Husbie, where are you?" bulong na tanong niya para hindi siya marinig.

Lumingon siya sa kaliwa at kanan ng pasilyo. Nang mapansin niya na clear ang area,
tinakbo niya ang daan patungong garden. Nasa ika-apat na palapag ang garden at
madali na lang siyang makakababa at makakatakas kung saka-sakali.

She'll find ways to escape in this building.

"I'm here at the airport, we have a news na narito daw si Gon Peter. He swindling
people para magkapera at ang recent na biktima niya ay kamag-anak nila Kai."

Natigilan at napalunok si Prin. Then, she thought that the person in her room must
probably be Gon Peter. Pinilit niya na sabihin dito ang nagaganap kahit pa parang
nahirapan siyang huminga.

"H-husbie, he-he is here. Hawak niya ang buong... building kung nasaan ako."
Hinihingal na pagkakasabi niya dito.

Natigilan din sa paglakad si Cally. "What?!" Halos mabunggo si Mat-mat sa likod ni


Cally.

"Please make... sure Bella and the kids are safe… Khalid was here this afternoon
and I asked Bella to take care of him; and... Mommy Ginny. She went to meet… an
old… friend. Th-they all came here before he showed up." Tumataas at bumababa ang
dibdib niya sa pinaghalong kaba at paghingal.

Hanggang sa wala na siyang marinig at naputol ang linya. "Husbie? Husbie?"


Sinilip niya ang cellphone at nakita na walang signal ang cellphone niya.

"Shit!" Napamura na lang siya sa inis. Mukhang gumamit ng signal blocking ang grupo
ni Gon para hindi siya makatawag.

Plano pa naman niyang sabihin na mukha ng asawa niya ang kasalukuyan na mukha ng
kalaban.

Mabuti na lang at kahit papaano ay nakausap niya pa si Cally. Sinuksok niya ang
cellphone sa bulsa ng manipis na pajama. Napadaan siya sa nurse station at naghanap
ng pwedeng magamit. Wala siyang armas na hawak at hindi niya alam kung ilan ang
kalaban.

She open the fridge na lagyanan ng mga gamot at may nakita siyang limang syringe ng
anesthesia.

She put all of them in her pocket. Saka dinampot ang isang surgical scissor. Isang
gunting iyon na matulis.

Matapos na masiguro na sapat na iyon para maprotektahan ang sarili o maka-agaw ng


armas, tinungo niya ang garden.

Ngunit nagkaroon ng bagong problema sa Prin nang makita ang hinihinala niya na
isang kalaban na nagbabantay sa garden.

Pinagtibay nito ang hinala niya na nasa possession na ni Gon Peter ang buong
recuperation building na iyon.

Where are the other patients and the doctors?

Dahan-dahan na lumapit si Prin sa lalaki habang mahigpit na hawak niya ang gunting.
Mas bumalot ang lamig sa binti niya dahil basa ang sahig. Idagdag pa ang mga patak
ng ambon. Umaambon kasi sa siyudad sa oras na iyon. Pumapatak na rin ang ambon sa
ulo niya.

Nilingon siya nito ngunit isang surgical scissor ang sumalubong dito. Agad niya
itong sinaksak sa leeg bago pa ito makagawa ng signal para sa iba.

Bumulagta ang lalaki sa sahig.

Hindi niya kaya ang lamig sa oras na iyon. Ang suot niya ay isang manipis na pajama
lang na hindi kaya ang malamig na klima sa lugar.

"Whooo... whoooo..." Halos sumipol siya at mangatog sa lamig. Dinampot niya ang
armas ng lalaking tinakasan ng buhay saka tinungo ang gilid ng gusali.

Matapos silipin ang gilid, nagtago muli siya. Eksakto na inangat ng isang lalaking
bantay mula sa ibaba ang itaas ng gusali kung saan naroon ang garden. Hindi siya
nito napansin.

Sinubukan niya sa ibang pader, Nadismaya rin naman siya agad dahil bawat paligid ng
gusali na iyon ay may nagbabantay.

Wala siyang nagawa kung hindi ang pumasok muli sa loob saka niya naisip na mas
magandang magtago sa loob ng Pharmacy na nasa 3rd floor.

Nang mapadaan siya muli sa nurse station, binuksan niya ang cabinet at nagpasalamat
siya na may nakita siyang patient's gown sa loob nito.
Kinuha niya iyon. Ngunit bago pa siya makaalis, nakarinig siya ng mga yabag.

"She went here!" narinig niyang sabi ng kung sino mula sa dulong pasilyo.

Bahagya muna siyang nagtago sa ilalim at likod ng istasyon. Sigurado na nakita siya
mula sa CCTV ng mga ito. At this moment, how she wished she could send a message to
someone para tulungan siya.

…..

NAKATINGIN si Gon sa labas ng bintana ng kwarto ni Prin Matsui. Nagpaalam sa kanya


ang asawa ni Cally na hihingi ng gamot sa pharmacy.

He let her go outside so she could see the current situation of the building.

Ilang taon siyang naghintay na makaganti sa pamilya ni Cally at hindi niya


inaasahan na muli na naman na darating ang araw na iyon ngayon.

It's been almost two decades.

Kulang-kulang dalawampung taon na ang nakaraan nang magsimula siyang paghigantihan


ang pamilya ni Cally. Ilang beses siyang nabigo pero hangga't nabubuhay siya sa
mundong ito, hindi niya ito titigilan.

Hindi niya makakalimutan ang ginawa nito sa kanya.

Sa loob ng tatlong taon nang huli silang magharap, parang binura nito ang apelyido
niya. Siya na tanging natitira sa pamilya ng Peter ay parang sinira ang huling
bilin ng Lolo niya na sa kanya mapupunta ang Dark Lords balang araw.

Paano niya pa pamumunuan ang Dark Lords kung tinapos ni Cally ang pangarap niya
nang tuluyan nitong tanggalin ang Peter Family sa pitong pamilya na bumubuo sa Dark
Lords.

Matapos iyon, Cally gave all of his assets to charities around the world. Daig pa
niya ang mahirap na daga na walang masandalan dahil nawala ng parang bula ang yaman
ng Peter Family.

Kaya habang tumatagal, mas nananaig sa puso niya ang paghihiganti.

Tatlong taon ang nakaraan, nakaligtas siya sa karagatan dahil may tracking device
na nakakabit sa kanya kaya mabilis siyang natagpuan ng mga kasama.

Ilang oras siya sa dagat na palutang-lutang na halos ikamatay niya. Luckily, he


escaped again from hell.

Laking tuwa niya pa nang mabalitaan na hindi nakaligtas si Prin Matsui sa barko ni
Captain Yeo. All of his efforts are worth it. Seeing Cally struggling life without
Prin Matsui is the best time of his life. Unfortunately, she came back again.

Kaya naman ngayon, his plan is to r@pe his beautiful wife and kill her including
their child.

Ilang minuto siyang nagmuni-muni sa tapat ng bintana bago niya naisip na lumabas ng
kwarto. Isang lalaki ang sumalubong sa kanya na nakasuot ng nurse uniform.
"Master, all of the doctors, nurses and patients are already gathered in one room.
Bantay-sarado na rin sila ng limang tauhan natin," paliwanag nito habang naglalakad
sila patungong elevator.

"Where is she?" tukoy niya kay Prin Matsui.

"Sa lobby siya huling nakita pero agad din na umakyat ng 6th floor. Sa ngayon,
hinahanap siya ng mga tao sa CCTV kung saan siya nagpunta mula sa 6th floor."

"Remember that Prin Matsui is not a simple girl. You should put more people to
capture her." paalala ni Gon sa lalaki bago tuluyan na sumakay sa loob ng elevator.

.....

SA LUGAR ni Khalid...

Nakasakay ang tatlo sa isang taxi na napara nila sa tapat ng recuperating area kung
saan nagpapahinga ang mga pasyente matapos ang surgery. Si Bella ay nasa tabi ng
driver, si Khalid at Angel ay nakaupo sa likuran.

Pinaglalaruan ni Khalid ang isang syringe na nasa loob ng bulsa niya habang
nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan. Nakuha niya ang bagay na iyon sa
cabinet ng kwarto ni Prin. Isang 0.5 ml lang iyon na laki ng syringe na ginagamit
for antibiotic and supplement in her skin.

Nag-iisip pa siya kung saan niya iyon gagamitin. Hindi pa naman gamit iyon at
nakasupot pa nga.

"Brother, Khalid. I am going to start schooling next month," pagyayabang ni Angel.

"Oh? good for you. I'll teach you how to read, tonight."

Nagningning ang mata ni Angel. "Wow! Really?"

Hindi na sumagot si Khalid. Napansin niya na malikot ang mata ng driver kaya
pinakiramdaman niya ang paligid. Saka niya napansin na may dalawang sasakyan na
sumusunod sa kanila sa likuran.

Sa unahan naman ng taxi, napansin ni Bella na parang iba ang daan pauwi sa bahay
nila.

"Ahjussi, looks like we are in a different way," paalala ni Bella.

"Oh!, I'm sorry Lady. it's dark and I didn't notice. I'll turn left after we pass
the crossing there," sagot nito.

"Tita Bella, do you know how to drive?" tanong niya kay Bella na katabi ng driver.

"A little," sagot ni Bella.

"Okay!" Then, he secretly open the syringe mula sa supot.

Nang mag-stop ang sasakyan dahil kasalukuyang red light ang stop light, tinapat
niya sa leeg ng driver ang syringe na nakuha niya. Nabigla ang driver Kay Khalid.

"Sir, I don't know who you are but this syringe has a poisonous liquid. The
poisonous liquid is a super chemical called Sodium Hypochlorite plus a thousand
viruses and bacteria that can kill you in a second. Get out in this car if you
don't want to die!" sabi niya dito sa seryosong mukha
Dumilim ang mukha ng driver.

"You are all going to die today!" matigas na sabi ng driver. At hinawi ang kamay ni
Khalid.

Bahagya namang natigilan si Bella. Tumilapon si Khalid sa upuan sa likuran ngunit


pinilit niya na huwag masagi si Angel ng syringe. Kahit pa nga wala namang laman
iyon, delikado pa rin ang bagay na hawak niya dahil may needle iyon.

Sabay naman na nagalit ang mag-nanay sa ginawa ng driver kay Khalid.

"You dare to hit my brother Khalid!" pinagpapalo ni Angel ang driver ng hawak
nitong barbie doll. Si Bella naman ay pinagpapalo rin ng bag ang driver.

Hindi alam ng driver kung paano itatago ang sarili mula sa bata at nanay nito.

Nakabawi naman si Khalid at tinusok niya sa leeg ng driver ang walang laman na
syringe.

"Ahhh!" Nanlaki ang mata nito at humiyaw ang lalaki. Natakot na baka nga may virus
na ito sa katawan.

"Oh no! your eyes are popping out!" pananakot ni Khalid sa driver.

Bago pa nito ma-tsek ang sarili sa salamin, sinipa na ito ni Bella palabas ng
sasakyan saka umupo sa driver seat.

"Oh my god…" Kinabahan si Bella dahil hindi pa siya tuluyan na marunong magpaandar
ng kotse. Eksakto naman na nagberde na ang Stop light sa crossing.

"Baby, call your Daddy!" utos nito kay Angel.

"Someone is following us. You can do it Tita Be--." bago pa matapos ni Khalid ang
sasabihin. Pinaharurot na ni Bella ang sasakyan na halos umabante sila ni Angel sa
likuran.

MABILIS na pinaharurot ni Bella ang sasakyan na halos lumipad na ang kaluluwa nila
ni Angel.

"Tita Bella, your gas is too much!" nagagalit na sita ni Khalid.

Baka makaligtas nga sila sa mga sumusunod na sasakyan, hindi naman sila nakaligtas
kay kamatayan.

Nagmenor naman si Bella kahit pa nga kinakabahan siya. Binigay niya ang buong
atensyon sa kalsada. Inisip ni Bella ang dalawang bata sa likuran kaya nilakasan
nito ang loob sa pagmamaneho.

Angel calls his Dad's personal phone.

She put it on speaker matapos sagutin ni Kai.

"Daddy, someone is following us," bungad nito.


"Where are you guys?" katatanggap lang din nito ng mensahe ni Cally na hawak ng
grupo ni Gon ang buong building kung saan nandoon si Prin.

"Babe, we are in Seongam-ro road. I... I am driving!" sigaw ni Bella.

"I'm on my way! Don't be afraid," sagot nito sa kabilang linya.

Naririnig nila ang tunog ng motor sa lugar nito kaya may ideya na si Khalid na
nakasakay ito sa motor.

"Uncle Kai. Who are these guys?" tanong ni Khalid. Napansin niya na sumusunod pa
rin ang dalawang sasakyan sa likuran.

"It's better for you to know nothing. Your Daddy came here, he was at the airport,"
sagot ni Kai.

Natahimik si Khalid. Lumalim ang iniisip niya hanggang sa kapwa sila napunta ni
Angel sa kaliwa dahil biglang lumiko si Bella.

"Gayang-daero na kami!" sigaw ni Bella.

"I am now on the same road. Where are you heading?" saad ni Khai.

"heading home." Si Bella ang sumagot.

"heading south," sabad ni Khalid.

"Okay. Got it!"

Ilang saglit pa, binunggo sila ng sasakyan sa likuran. Nagyakapan sila ni Angel sa
upuan sa sobrang takot. Napapapikit sila mula sa pressure kada magdidikit ang
dalawang sasakyan.

Nasa kanan naman ang isa pang sasakyan at pinahihinto si Bella.

"Put more gas, Tita Bella," hiling ni Khalid para mas bumilis pa ang sasakyan.

Sinunod naman siya nito. Hinabol din sila ng parehas n sasakyan. Binunggo naman
sila kanan.

"Oh! Oh!" mas kinakabahan pa si Bella kaysa sa dalawang bata dahil nasa kanya ang
pressure ng pagmamaneho at determinado siya na maligtas sila sa oras na iyon.

"Babe, faster!" sigaw ni Bella para marinig siya ni Kai sa telepono.

"Almost there!" sagot nito

Ilang saglit pa may naririnig na putok ng baril ang tatlo mula sa likuran.

Nagsimula nang umiyak si Angel dahil sa takot. Sobra ang kapit nito kay Khalid.

"I'm afraid, Brother Khalid." namamasa na ang mata nito na nagkaroon na ng luha.

Her big eyes sparkled like a warm night.

"Don't be afraid, that's your Daddy." hinagod ni Khalid sa likod ni Angel.

Kinuha niya ang isang gadget sa bulsa. Isang recorder na gamit niya sa pagp-piano.
Nilagay niya ang dalawang ear piece sa tenga ni Angel saka pinatugtog ang musika.
"It's me who plays the music. Just listen to this, okay?"

Tumango lang si Angel.

Naririnig ni Khalid ang mga pagbasag ng salamin at mga paghiyaw pero pinakalma niya
ang sarili.

Matapos ang mahabang labanan sa pagitan ni Kai at ng mga tao mula sa dalawang
sasakyan, kumalma naman si Bella.

Agad na nagmenor si Bella sa pagmamaneho hanggang sa mag-break ito ng sasakyan.

Lumabas ito mula sa driver's seat at mabilis na yumakap kay Kai.

"Oh Babe, I was afraid." Halos takasan ng kulay si Bella sa takot.

"Good Job!" puri ni Kai sa asawa niya sa pag-drive nito. He tapped her head.

"I don't have a choice," nakanguso na sagot ni Bella.

"Okay, let's go home. Are you kids alright?" silip ni Kai sa dalawang bata mula sa
bukas na pintuan.

"Yes. We are good," sagot ni Khalid.

"Okay, ako na ang magd-drive."

"How about your motorcycle?" tanong ni Bella na agad na gumilid patungong


passenger's seat.

"Papakuha ko na lang kay Mino." tukoy nito sa assistant nito.

Bumalik naman sa isipan ni Khalid kung ano ang mga nagaganap.

Bakit biglaan na may humahabol sa kanila at bakit bigla ang pagdating ng Daddy niya
sa bansang iyon?

……

SAMANTALA sa lugar ni Cally…

He is sitting in the back seat of a car na patungo sa recuperating area. Halos


hindi siya makahinga sa pag-aalala sa asawa at sa anak niya; idagdag pa na hindi
rin niya alam kung nasaan ang Mommy niya.

Ilang beses niyang tinawagan si Ginny ngunit hindi niya ito makontak. He is just
hoping na ayos lang ang Mommy niya sa mga oras na iyon.

Nakahinga siya ng bahagya nang mabalitaan mula kay Kai na ayos ang anak niya at ang
mag-nanay nito.

Gayunpaman, hindi pa rin nawawala ang bigat ng kalooban niya nang maisip na mag-isa
ang asawa niya sa ospital. Pinahanap niya kay Mat-mat ngayon na nakaupo sa tabi ang
Mommy niya.

Limang Dark Guard lang ang kasama niya sa kasalukuyan saka si Mat-mat dahil
kailangan niya ang talent nito sa paghanap kay Gon. Idagdag na rin si Kai na plano
lang na ihatid ang grupo ni Bella sa tahanan nito.
Hindi niya sigurado kung gaano karami ang kalaban nila. How he wished na malapit
lang ang kampo ng Dark Guards.

Isang tawag sa telepono niya ang agad na gumambala sa kanya. Hindi rehistrado sa
telepono niya ang mga nakasulat na mga numero sa screen.

Pinindot niya ang answer button dahil baka si Prin muli iyon pero nagulat siya na
ang karibal niya sa asawa ang nasa kabilang linya.

"Where are you? Bakit antagal mo yatang dumating?" nabosesan niya si David.

Matagal bago nakabawi si Cally.

"Don't tell me na nasa party ka na agad?" usisa niya.

Narinig niya ang bahagyang pagtawa nito.

"Yeah, we came here nang malaman namin na nandito si Yuna, este your wife Prin.
Plano lang namin na dalawin siya but to our surprise, napansin namin na may
nagaganap sa loob."

Naipaliwanag na sa grupo nito ang sitwasyon ni Prin kaya naintindihan agad ng


tatlo.

Kahit pa nga dismayado ang tatlo na biglang sangkot si Prin sa grupo ng Dark Lords,
walang magawa ang mga ito kung hindi tanggapin ang katotohanan. Kahit papaano ay
tunay ang pagkakaibigan na binahagi ni Prin sa grupo bilang si Yuna.

Both of them are in a different organization.

Ibang organisasyon ang humahawak sa grupo ni David, Mikey at Coffee pero malaki ang
tulong na naibigay sa kanila ni Yuna noong ito pa ang katauhan ni Prin.

Dadalawin lang sana nila ang kaibigan ngunit naramdaman ni Mikey na may mali sa
recuperation area. Bilang doctor, alam nito ang mga nagaganap sa ospital. Kaya
nagtungo muna sila sa mismong hospital at nagmanman.

Hindi nga sila nagkamali na may nagaganap nang makita nila mula sa CCTV na
pinagsasama-sama ang lahat ng pasyente at hospital staff sa iisang kwarto.

"What is the current situation?" tanong ni Cally.

Magpapasalamat talaga siya kay David at sa grupo nito kapag natulungan siya na
mailigtas si Prin. Parang may bato muli na nakadagan sa dibdib niya sa mga oras na
iyon.

Dalawang beses nang nawala sa kanya ang asawa niya at ayaw niya nang mangyari muli
ang mga iyon. He is praying to all gods in the universe to help him save his wife.

Nasa katabing building ang grupo ni David. Sa mismong ospital kung saan ginaganap
ang surgery.

Naroon siya sa tuktok at pinag-aaralan ang sitwasyon sa kabilang building na


pinaliligiran ng mga armadong tao kahit pa nga nakasuot ang mga ito ng hospital
staff ng recuperation area.

Si Coffee ay nasa isang sulok na table ng Coffee shop na nasa tapat din ng ospital
para doon magbigay ng instructions at payo.
"Well, Coffee hacked the CCTVs at ninakaw namin ang buong visibility ng lahat ng
camera. The enemies won't see your wife anymore. We saw Yuna este Prin going out to
the garden but unfortunately there are too many guards outside."

"Okay, salamat… David… I will give you help or anything you want in the future, but
please help me save my wife."

Ngumisi si David sa mga narinig. Never in his wildest dreams na ibaba ng isang
Master Cally Han ang sarili nito at makikiusap sa isang tulad niya. Kapag
nabalitaan ito ng lahat baka sumuka pa ng dugo ang kahit ang hari ng Britanya.

"What if I want your wife?" hamon ni David.

Doon tumalim ang mata ni Cally. "Anything, except my family."

"Then, I'll think it over. Bibihira mag-offer ang isang Master Cally. Kailangan
kong pag-isipan ng mabuti at gamitin ng maayos ang hihingin ko," sagot nito na para
bang sigurado ito na maliligtas nito sa Prin.

"See you soon," paalam lang ni David kay Cally bago pinutol ang tawag.

NANG masiguro ni David na walang tao sa isang parte na iyon ng building, isang
arrow ang tinira niya sa pader gamit ang bow.

Mabilis na tumusok ang arrow sa itaas na bahagi ng pader. May mahabang lubid na
nakakabit dito.

Hinila iyon ni David para siguraduhin na kaya siya nitong dalhin sa ere. Umatras
siya ng ilang mga hakbang hanggang sa makuha niya ang tamang layo para makabwelo sa
pagtakbo.

Ilang saglit pa ay mabilis siyang tumakbo hanggang sa tumalon siya sa kabilang


gusali.

Hawak ng mahigpit ang lubid, nilakad niya ang gilid ng pader na parang ninja.
Nagkaroon din ng problema si David dahil kasalukuyang basa ang pader gawa ng pag-
ambon.

"F*ck!" Muntik pa niyang mabitawan ang lubid. Mabuti na lang at mabilis na kumilos
ang isang kamay niya. Sa taas ng kinaroroonan niya sa mga oras na iyon, hindi niya
alam kung may buhay pa siya kung sakali na mahulog siya sa ibaba.

Agad siyang bumwelo paabante patungong garden. Mas binilisan niya ang lakad dahil
baka hindi na rin siya kayanin ng arrow hanggang sa makarating siya sa bungad ng
garden.

Matapos masiguro na wala ring tao sa lugar, mabilis na tumalon si David sa loob ng
railings.

May pinindot lang siyang isang bagay at agad na hinila ng arrow ang mahabang lubid
para umikot dito at hindi mapansin ng kalaban ang pagpasok niya.

Sakto naman na may lumiko nga para icheck ang pader na iyon.
Natagpuan niya ang isang lalaki na walang malay na nakadapa. May saksak ito sa leeg
na alam niyang si Prin ang may gawa. Umaagos ang dugo nito sa sahig na bahagyang
basa.

'Not bad.' he's impressed. Hindi niya inaasahan na maliligtas ni Prin ang sarili.

Binuksan niya ang monitor para makausap si Coffee kasabay ng paglakad patungong
pintuan papasok sa loob ng gusali.

"What is the situation inside?" usisa niya kay Coffee.

"Nasa fourth floor siya ngayon, nagtatago sa likod ng nurse station. Parehas lang
ng floor ng garden. Turn left, then 'yung nasa kanto, 'yun ang nurse station.
Hinahanap siya ng mga asungot. Kailangan mong bilisan."

"Okay, got it!"

.....

KINAKABAHAN si Prin, may armas naman siya ngunit ayaw niyang magpabigla-bigla sa
pagkilos.

Mahigpit niyang hawak ang baril na nakuha para kung sakali na mahuli siya ng
kalaban. Ayaw niya sanang gamitin ang bagay na iyon dahil magbibigay iyon ng signal
sa iba pa.

Kailangan niyang magtiwala kay Cally na aabutan siya nito doon.

Ilang saglit pa nakikita niya sa ilalim ang mga anino ng katauhan ng mga kalaban.

"Did you check the rooms? Where is she?"

"What do you mean you can't see anything in the CCTV?!" galit na sabi nito sa
kausap sa kabilang linya.

"You bast--"

Nakarinig siya ng mga pagkaluskos. Ilang saglit pa may narinig siyang pag-crack ng
mga buto.

Tapos, tila bumagsak na katawan.

'What the hell is happening?'

Kinakabahan si Prin. Hindi pa siya ganoon kagaling sa pakikipaglaban. Idagdag pa na


nasa ospital siya ng isang buwan mahigit kaya parang na-stuck ang mga muscle niya.
Hindi na siya kasing bilis na tulad ng dati.

Halos wala siyang narinig na paghiyaw na indikasyon na may naglaban sa malapit.


Kaya hindi maiwasan na mapa-isip siya kung gaano kagaling ang dumating.

Sigurado na hindi si Cally iyon dahil ilang minuto pa lang ang nakalipas nang
makausap niya ang asawa niya at nasa airport pa ito.

May isang oras bago makarating sa ospital na iyon ang asawa niya kahit magmadali pa
ito mula sa airport.

Alerto si Prin na pinakikiramdaman ang paligid. May narinig siyang mga yabag ng
sapatos. Mahigpit niyang hinawakan ang armas at handang gamitin iyon kung
kailangan.

Hanggang sa lumitaw sa paningin niya ang salarin.

"Hah!" hiyaw niya.

Tinutukan niya ito ng baril ngunit nakilala niya si David.

Nakataas ang kilay nito nang makita siya na parang bata na nakaupo sa pinakasulok
ng divider ng nurse station.

"Oh my gosh, David!" nakahinga ng maluwag si Prin matapos makilala ang lalaki.

Hawak ang dibdib na halatang kabado siya. Lumabas sila ng station. Hawak ni Prin
ang gown na nakuha niya sa kabinet.

Binigyan siya nito ng monitor sa tenga at kinabit nito ang pin sa likuran na bahagi
ng kwelyo ng damit niya.

"Hello friend!" narinig niya si Coffee sa kabilang linya.

"Coffee?"

"Yes, say 'Hi' to your camera," saad nito na ang tukoy ay ang bilog na CCTV na nasa
uluhan nila. Sumunod si Prin na kumaway.

"Dear, can you send a message to my husband? Can you ask him how's my Khalid?
Walang signal dito sa loob ng building." tanong ni Prin kay Coffee.

Umasim ang mukha ni Coffee. There was no way na kontakin niya si Cally. Kung
mayroon siyang kinatatakutan malamang ang Kent Family na iyon. Ibig sabihin lang ay
wala siyang choice kung hindi ang makipagpalitan ng mensahe kay Matthew na isa sa
mga kinabubwisitan niya.

…..

HINDI na nakatiis si Cally at nagpapalit siya ng motor sa isang lalaki na nakasabay


nila sa highway.

Binusinahan ito ng isang Dark Guard na nasa driver seat ng ilang ulit. Kaya huminto
sila sa gilid.

"I'll give you this car, in exchange for your motorcycle," sabi ni Cally sa korean.
Tinuro niya ang kotse na gamit nila.

"Master!" pagtutol ng isang Dark Guard. Hindi nila hahayaan na si Cally ang mag-isa
na sumugod sa kalaban.

Isang BMW ang kotse ni Cally. Syempre, pumayag ang lalaki. Agad nitong hinagis ang
susi sa kanya.

"I need to be faster. Mas mauuna ako ng ilang minuto kung ito ang gagamitin ko."
Hindi niya kaya na maghihintay lang sa sasakyan at mag-iisip lang kung kailan
makakarating sa lugar ng asawa niya.

Mabilis na sumakay at pinatakbo ni Cally ang motor.

Walang nagawa ang mga Dark Guards.


" We will give it to you once we are in a city."

Matalim ang mata niya habang nasa kalsada. He can't wait to kill this Gon Peter
para mas mapanatag ang loob niya na ligtas silang pamilya.

.....

SAMANTALA sa lugar ni Prin…

Hawak ang patient's gown, sinabi niya na magpapalit siya ng damit sa isang kwarto
na nasa malapit dahil nilalamig na siya sa suot na basang pajama na naambunan.

Manipis pa rin naman ang damit na ipapalit niya pero kahit papaano ay hindi naman
iyon basa. Nilagay niya sa bulsa na suot ang mga nakuha niya sa nurse station na
limang anesthesia. Hawak niya ang surgical scissor at baril sa kabilang kamay.

Si David naman sa labas ng kwarto ay alerto na nagbabantay. Nagulat siya nang


makita si Cally na nandoon na sa lugar.

Seryoso ito na papalapit sa kanya. Mabibilis ang mga hakbang nito at halatang
nagmamadali.

He is wearing a black polo and long slacks. His dark brown hair is waving while he
walks toward David.

"Hey! Mabuti naman at dumating ka na! Paano ka nakapasok? Did they see you?" usisa
ni David kay Cally.

Hindi ito sumagot hanggang sa makalapit sa kanya. Sa halip, pinukpok siya nito ng
armas sa ulo ng napakalakas.

Agad na lumabo ang mata ni David. "F*ck…"

Sumenyas si Gon sa mga kasama na nagtatago para bitbitin si David ng mga ito.

May narinig na kalabog si Prin sa likod ng pintuan matapos niyang masinop ang mga
gagamitin.

Dinikit na muna niya ang tenga sa likod ng pintuan para marinig kung ano ang
nagaganap sa labas bago niya napagdesisyunan na buksan iyon.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan palabas. Nagulat na lang siya nang paglabas
niya ay wala si David.

Nakakunot ang noo ni Prin.

Pagsara niya ng pintuan, nanlaki ang mata niya nang makita si Gon Peter na nasa
katauhan ng mukha ng asawa niya na nagtatago sa likuran ng pintuang kahoy.

"Miss me?" tanong nito.

Agad na inangat ni Prin ang baril na hawak dito pero naunahan na siya ni Gon. Nasa
noo na niya ang malamig at dulong bahagi ng baril na hawak nito.

"Put your gun down, Miss Matsui or you will be dead!"

Nanggagalaiti na hinagis ni Prin ang parehas na hawak niya. Ngumisi ito na hinila
siya patungong elevator.
"You will be enjoying my show. Don't worry!" saad nito.

Maybe he looks like Cally and uses Cally's voice but the aura and the feeling she
felt for the original Cally is different.

Dinala siya ni Gon sa lobby. Madilim ang buong ospital kahit ang lobby.

Sa normal na gabi, madilim talaga ang recuperating area na iyon dahil madalas na
nagpapahinga na ang mga pasyente at para makatipid na rin sa kuryente, kaya dim
light lang ang tanging gamit na ilaw.

Ilang kalalakihan ang nasa paligid at nakangisi ang naabutan nila. Tila ba nag-
aabang kung ano ang gagawin sa kanya ni Gon.

Tinulak siya nito sa sahig. Dumausdos si Prin saka nag-aapoy ang mata na nakatingin
kay Gon.

Nakita niya si David na walang malay at nakatali sa isang sulok. Sigurado na kaya
mabilis na natalo ito dahil naisip nito na si Cally ang lalaking nasa harap niya.

Lumapit si Gon sa kanya. Lumuhod ito, pinigilan ang dalawang binti niya at pinisil
ng mariin ang baba niya.

"Do you know that I am always curious kung ano ang pakiramdam ni Cally tuwing
makakasiping ka?"

Matalim ang tingin niya dito pero hindi maiwasan na nilamig si Prin sa narinig mula
kay Gon. The thoughts of Gon Peter touching her body is beyond her imaginations.
Kahit ang bangungutin ay hindi niya maiisip na mangyayari.

Ngumisi ito na tila isang demonyo. Saka binitawan ang baba niya ng marahas.

"Why are you so silent? Go on Prin Matsui, looking at your husband's face. I am
waiting. Seduce me now or else I will be the one who will force you."

Nadagdagan ang lamig sa katawan ni Prin. Naghahalo ang tapang at takot sa


kaibuturan ng puso niya para sa lalaking nasa harapan.

She knew behind his message.

Sa lobby na iyon sa harap ng mga lalaki sa paligid, plano siyang harasin ni Gon
Peter.

Hindi niya hahayaan na magtagumpay ito.

'Think Prin, think'

NAKITA ni Coffee ang lahat ng nagaganap sa loob ng hospital at hindi na siya


nagdalawang-isip na magpadala ng mensahe kay Matthew.

[Coffee: Hello, Old Hag!]

Isang black na kwadrado ang lumitaw sa laptop ni Mat-mat. Nagtaas ang kilay niya
nang makita ang mensahe mula sa witch na babae.
[Matthew: Hehe, end of the world na ba? Bakit bigla kang lumitaw ?]

[Coffee: If not for Prin. Hinding-hindi kita tatawagan, ungas! Anyway, I reach out
to you because of Prin. She's now in the hands of a person who looked like her
husband, Master Cally]

Nabigla si Mat-mat sa nalaman.

"We have to be faster!" utos niya sa Dark Guards na nagmamaneho saka nginitian ang
koreanong katabi at hinihintay na ibigay nila ang kotse dito.

.....

TUMAWA nang malakas si Prin. Halos mag-echo ang tawa niya sa malaking space ng
lobby ng building.

"You know what Gon Peter, I am always curious kung bakit gigil na gigil ka na
maagaw ang posisyon ni Cally. Samantalang, kahit sa kalingkingan ng kuko ng asawa
ko hindi ka aabot."

Nagdilim ang paningin nito sa kanya. Sinampal siya nito ng ubod lakas na halos
magpabingi sa kanya.

Ngumiwi si Prin. Hindi pa ganoon ka galing ang bago niyang opera pero kailangan
niyang kumuha ng oras dahil kailangan na maabutan siya ni Cally.

Tumawa muli si Prin. "Gon Peter, nakakatawa ka na nga lang kung saan ka humuhugot
ng kapal ng mukha. Isang kanang-kamay lang lolo mo ni Master Kent but you wanted to
get the whole Dark Lords? Hindi ba't nakakatawa na gabi na pero nangangarap ka pa
rin ng gising. How pathetic!"

"Shut up!" Naniningkit ang mata nito pero hindi nagpapigil si Prin. Pinisil ni Gon
ang magkabila niyang panga habang nagkikiskis ang mga ngipin nito.

Ngayon niya naintindihan kung bakit mabilis siyang nakilala ng asawa niya noong si
Yuna pa siya. Hindi mahalaga ang anyo kundi ang personalidad ng isang tao.

Mabilis siyang nakilala ni Cally noon kahit iba pa ang hitsura niya at ganoon din
naman siya kay Gon nang una niya itong makita sa kwarto.

"Sa tingin ko, inggit ang namana mo sa lolo mo. Malaki ang inggit ng lolo mo kay
Master Kent na ipinamana niya sa iyo dahil malaki rin ang inggit mo kay Cally. He
he... Nagawa mo pa ngang hiramin ang mukha ng asawa ko," pang-iinis ni Prin dito.

Sinira nito ang suot na pang-itaas ni Prin. napunit ang itaas na bahagi ng hospital
gown na suot niya kaya lumitaw ang maputi at makinis na dibdib niya sa paningin
nito.

She tried to cover her body using her arms.

Ginamit ni Prin ang buong lakas niya para makawala sa pagkakapigil ni Gon sa mga
binti niya.

Nang makawala ang isang binti niya agad niya itong sinipa paangat. Nawala sa
balanse si Gon at agad na nakawala si Prin mula sa bigat ng katawan nito. Mabilis
na gumapang siya palayo dito. Alam niya na wala siyang laban kay Gon lalo na at
hindi pa siya tuluyang nakakapagpraktis sa pakikipaglaban.

Sa oras na iyon, mas gugustuhin na niyang mamatay kaysa mahawakan nito.


Nagdilim agad ang mga mata nito. Tumatahip ang dibdib nito pataas at pababa dahil
sa bilis ng paghinga at sa galit sa kanya.

He grabbed her hair.

"Ahhh!" hiyaw ni Prin.

Pakiramdam niya ay matatanggal ang ilang hibla ng buhok niya sa anit sa sobrang
paghila ni Gon sa buhok niya.

Bigla niyang naalala na nasa bulsa niya pa ang mga syringe dahil hindi naman nito
nagawang kapkapan pa siya. Dahil kita naman na manipis lang ang suot niyang damit.
Sakto naman na kasya lang sa bulsa niya ang mga iyon at hindi kalakihan. 1ml lang
ang size ng limang anesthesia.

Mula sa likuran, hinila siya nito at nilapit nito ang bibig sa tenga niya. "Are you
like this on Cally's bed ha? Tsk tsk! I am starting to pity him."

Mabilis na natanggal ni Prin ang takip ng isang syringe na may anesthesia. Umikot
siya paharap kay Gon at malalim niyang tinurok sa braso nito ang bagay na iyon.
Mabilis niyang pinindot ang syringe para mabilis din maubos ang gamot sa buong
katawan nito.

"You forgot that I am not an ordinary girl!"

"F*ck!" mura nito. Saka niya ito tuluyan na sinipa.

Ilang saglit pa, narinig nila ang mga putok ng bala at pagbasag ng salamin. Halos
yakapin ni Prin ang sarili. Nagising din si David at agad na sinandal ang ulo na
sumakit sa pader.

Matapos maubos ang mga tao na nakatayo malapit sa pintuan pati na ang pagbasag ng
malalaking salamin, isang motor ang pumasok sa loob ng lobby.

Isang nakakangilong tunog ang narinig mula sa impact ng gulong laban sa makinis na
marmol. Huminto ang motor at agad na tumalon si Cally mula rito.

Mabilis na hinubad nito ang itim na coat at ipinatong sa nakabilog na katawan ni


Prin.

"Are you okay, Honey?"

"Yes, I'm fine!"

Nilingon nila ang lugar ni Gon na kasalukuyan na nawala sa pwesto nito.

"I have to finish this battle," saad ni Cally.

"I'm going with you!"

"No Honey. Stay here! Tumabingi na naman ang mukha mo." Mabilis na umalis si Cally.

"Ha?" nag-panic bigla si Prin. nawala na sa isip niya na sundan si Cally at mas
concern niya na ang anyo niya sa oras na iyon. Baka naghugis-mais na ang mukha niya
dahil sa sampal na ginawa ni Gon Peter. Siya mismo ang tatapos sa buhay nito kapag
pumangit siya.

…..
MADILIM ang pasilyo sa palapag na iyon ng Second floor kung saan nagtungo si Gon.
20 rooms ang kabuuan ng bawat palapag ng gusali na iyon.

"Turn left," narinig ni Cally na sabi ni Mat-mat sa monitor niya.

Mula sa laptop ni Coffee, tuluyan na kinuha ni Mat-mat ang buong files ng CCTVs sa
recuperation building na iyon. Galit na galit ang babae sa kanya nang biglang mag
black na lang ang screen ng laptop nito at tanging 'thank you' ang nakasulat sa
screen.

Nagpasalamat si Mat-mat na nagawa ni Coffee na magpadala sa kanya ng mensahe at


nakuha niya ang IP address na gamit ng babae kahit na peke pa ang address na
ginamit nito.

Bilib na bilib tuloy si Mat-mat sa sarili niya dahil ilang taon na ang lumipas at
hindi pa rin siya nito matatalo sa larangan ng technology.

"By the way, I just want you to know that he looks like you."

"What do you mean?" bulong ni Cally at bahagyang nagtaas ang kilay sa narinig.

"Ginaya ni Gon ang mukha mo. I'm not sure kung ano ang nasa isip ng mokong na ito.
Feeling ko idol ka niya talaga e."

Hindi pinansin ni Cally ang biro na iyon ng pinsan niya. Mas alerto kasi siya sa
paligid, hanggang sa makita niya ang isang anino. Pinaputukan siya nito ng ilang
bala. Agad siyang gumilid sa pader.

Saka niya ito ginantihan ng putok.

Nagpalitan ng putok ang dalawang lalaki hanggang sa maubusan ng bala si Gon. Inis
na hinagis nito basta ang baril na hawak. Hindi kasi nito magamit ng maayos ang
braso na nangalay.

Nangangalay na ang braso nito gawa ng anesthesia na tinurok dito ni Prin.


Nakaramdam na rin ito ng kaunting hilo kaya mas nanggigigil ito kay Prin Matsui.

Umakyat ito ng hagdan hanggang sa ika-apat na palapag kung nasaan ang garden ngunit
napansin nito na nagbabantay na doon si Kai Jang.

Nangigigil ito na hindi tinuloy ang paglabas at naghanap ng iba pang maaaring daan.
Kahit pa mukha ni Cally ang anyo niya. Sigurado na hindi niya ito malilinlang.

Napansin naman ni Cally na nawala muli ang bulto ni Gon sa tinataguan na nasa
ikalawang palapag.

"Where is Gon?" usisa niya kay Mat-mat sa monitor.

"You know what Shi, malapit na akong malito sa inyong dalawa. Iangat mo nga ang
kamay mo at mag-Gwiyomi ka para mas makilala ko kung sino ang tunay na Cally. Nasa
Korea naman tayo e." medyo naguguluhan na si Mat-mat sa dalawang Cally na parehas
naka-itim.

Hindi nito maaninag ang pagkakaiba sa kasuotan ng Cally na nakasama nito sa


maghapon.

Tiningala ni Cally ang bilog na camera sa itaas ng uluhan niya at nagbabanta ang
mata niya na nakatingin doon na para bang tumatagos ang matalim na mata niya sa
screen ng laptop ni Mat-mat.

"Ayun o! I know where you are now. He he… Huwag ka nang magalit, baby… Umakyat ka
na sa 4th floor, naroon ang target," narinig niyang sabi nito. Mukhang nadala niya
sa matalim na tingin ang pinsan niya.

"Nandito na kami sa building," dagdag ni Mat-mat.

"Good. guard all the possible exit. You know what to do. MB5, where are you?"

"Garden. Kanina pa ko dito," narinig niyang sagot ni Kai. Inakyat lang nito ang
pader hanggang sa makasampa ng garden area.

Doon sa lugar na iyon naisip ni Kai na salubungin si Gon. Hindi pa siya


mamomroblema na bantayan ang mga nagaganap kahit sa ibaba ng gusali na iyon. Halos
naubos na nila ang tao ni Gon at tanging ito na lang ang natitira.

Narescue na rin nila ang mga doktor at pasyente na tinago ni Gon sa isang kwarto.

Sa lugar naman ni Cally sa ika-apat na palapag, may narinig siyang kaluskos mula sa
isang kwarto.

Dahan-dahan na nilakad niya ang pintuan nito.

Nakaalerto siya na binuksan ng dahan-dahan ang pinto at tanging nililipad na


kurtina ang natagpuan niya na bahagyang sumasagi sa isang figurine.

Pinasok niya ang kwarto at sinuri. Sigurado siya na may iba pa siyang narinig.
Pinakiramdaman niya ang paligid.

Isang anino ang hahampas sana sa kanya ngunit mabilis na naging alerto si Cally.
Agad siyang yumuko. Tumama ang silya na gawa sa kahoy na inihampas nito sa kabinet.
Nagsipagtalsikan ang mga bubog ng nabasag na figurine.

Papuputukan na sana ito ni Cally ng bala ngunit wala nang lumabas sa armas na hawak
niya. Naging daan naman iyon kay Gon para sipain siya nito at mabilis na nakalabas
ng kwarto.

Napasalampak ng upo si Cally sa sahig. Mabilis siyang nakabawi at hinabol si Gon na


lumabas ng kwarto na iyon.

ASAR na asar si Prin. Matapos siyang lokohin ng asawa niya na naghugis-mais na ang
mukha niya, nagtungo siya sa ladies’ room na naroon sa unang palapag.

Nagkaroon ng isang linyang sugat sa pisngi niya na bahagyang nasa ilalim ng mata
niya. Bukod doon ay wala na siyang nakikitang iba pa. Mukhang nagawa siya nitong
lokohin para huwag sumunod sa paghabol nito kay Gon.

Inayos niya ang pagkakasuot sa coat ni Cally bago siya lumabas ng ladies’ room.

Tinanggal niya sa pagkakatali nito si David.

"Are you alright?" tanong niya dito.

"Yes."
"Susundan ko si Cally. Stay here."

Tatayo na sana si Prin nang pigilan siya ni David sa braso. "Prin, the enemy looks
like Master Cally. Are you sure? Baka mapahamak ka."

"Don't worry. I know who my husband is between the two people." paninigurado niya
dito.

"Please help my team outside. Gulpihin mo lang ang kung sino ang trip mo." Saka
siya tuluyan na tumayo at tinungo ang hagdan para sundan si Cally.

.....

SA PWESTO naman ni Cally...

Nakita ni Gon na paakyat si Prin sa hagdan kaya napatiimbagang na lang ito dahil
hindi rin ito makakababa para makatakas. Nag-aatubili ito at nag-iisip kung saan pa
pwedeng lumabas. Hanggang sa maramdaman na lang nito na sinipa ni Cally mula sa
likuran.

Dumausdos sa sahig si Gon at agad na nakabawi. Pumorma na handa itong lumaban.

Kapwa matalim ang tingin ng dalawang lalaki sa isa't-isa.

Napopoot si Gon kay Cally. Puno ng paghihiganti ang mga mata niya dahil hindi niya
makakalimutan na namatay ang Mommy niya dahil sa magulang ni Cally.

Simula bata pa lang, pinaintindi na sa kanya ng lolo niya na kailangan niyang


makaganti. Its true that his grandfather wants the whole Dark Lords na isa sa mga
minana niya dito. He also wanted to ask kung ano ang mayroon sa pamilya ni Cally.
Kung bakit masaya ang pamilya ni Cally, samantalang siya ay namuhay nang malungkot
at mag-isa.

Kung nag-aapoy ang mata ni Gon, ganoon din si Cally. Ilan ang mga taong namatay sa
kamay ni Gon? Ilan sa mga malalapit niyang kaibigan ang napahamak dahil ginawan
nito ng masama? Kahit si Prin ay dalawang beses na nawala sa kanya dahil sa taong
ito kaya naman gusto na niyang tapusin ang laban nila sa oras na iyon.

"Haaaah!!!" sabay na humiyaw ang dalawa saka nagpalitan ng suntok at sipa.

Dahil may anesthesia ang braso ni Gon, nahirapan siya na ikilos ang isang braso na
namanhid. Mas madalas na binti ang ginagamit niya para labanan si Cally. Pinipilit
niya lang din na gisingin ang sarili at nilalabanan ang gamot.

"Sisiguraduhin ko na pagsisisihan mo na ginaya mo ang pagmumukha ko," saad ni Cally


bago niya sinuntok sa mukha nito si Gon.

"Hah! As if I wanted you face!" Sinipa naman siya nito at tumilapon si Cally. Doon
lang niya napansin na nasa garden na sila.

"MB5, help me get him!"

Tumingin si Kai sa kaliwa at kanan. Kapwa naka-itim ang dalawa. Magkasing-taas din
ang mga ito. Gusto niyang mag-mura. Parehas din ang awra ng dalawa na tila naging
super saiyan. Nag-aapoy ang awra ng mga ito.

"Putang *!" hindi niya alam kung sino sa dalawa ang tunay na Cally.
Hanggang sa nagsimula muli ang sagupaan ng dalawa.

"Pusang gala! Pervert Matthew! Help! Ano ang suot ni Shi?" nahihirapan na tanong ni
Kai habang naglalaban ang dalawa.

"Naka-itim"

"Pakyu! Parehas silang nakaitim!"

"May disenyo ng stripes na gray ang suot ni Shi Cally," sagot muli nito.

Parang masisiraan si Kai sa mga description ni Mat-mat sa kabilang linya. Patuloy


na sinusuri niya kung paano kumilos ang dalawa.

"Kung sino sa palagay mo 'yung mas nakakatakot. Malamang si Cally iyon."

"E, kung ikaw ang takutin ko diyan! Isumbong kita kay Donna na may nakaraan kayo ni
Coffee!"

Mat-mat "..."

"Don't you dare! Kapag ginawa mo iyon, ilalabas ko sa internet ang video n'yo ni
Bella."

Kai "..."

"A-anong video pinagsasasabi mo diyan?!" gusto niyang kutusan si Mat-mat hanggang


sa bumaon ito sa lupa.

"He he... Secret."

"Ayoko nang kausapin ka!" singhal niya.

"What? May nakaraan si Matthew at si Ms Coffee?" narinig nila na usisa ng isang


Dark Guard.

"Saka si MB5, may video? Sex video ba iyan Sir Matthew?" tanong ng isa pa.
Nakalimutan nila na sa monitor sila nag-uusap at naririnig sila ng lahat na kasama
sa misyon na iyon.

"Tigil! Kapag hindi kayo tumigil, walang makakapag-asawa sa inyo! Habang buhay
kayong manunumpa sa Dark Guards!hanggang sa magkaapo na ko kay Angel, mananatili
kayo sa Dark Guards!" nagagalit na sita ni Kai.

Mukhang epektib naman ang ginawa niya.

Nagpasalamat na nga lang siya nang makita ang bulto ni Prin na papalapit sa kanila.
Siguro naman ay makikilala nito ang asawa nito.

Nakita ni Prin ang sitwasyon na parehas na duguan ang labi ng dalawang lalaki. May
mga pasa na rin sa pisngi ng mga ito. Pinaputok niya sa kalangitan ang hawak na
baril saka tinutok iyon sa dalawang lalaki.

Mabilis naman na naghiwalay ang mga ito. Kapwa matalim ang tingin sa isa't-isa at
parehas din na magaan ang mata pagdating sa kanya.

"Shit!" naniningkit ang mga mata ni Prin at tinitimbang niya sa damdamin kung sino
sa dalawa si Cally.
Sa oras na iyon, mas pinili ni Gon na baguhin ang awra at gamitin ang personalidad
ni Cally para linlangin si Kai. Nagtagumpay siya na naguluhan ito. Kaya hindi
malabong mangyari na maguluhan din si Prin.

Magaan na tiningnan niya si Prin sa mata.

"Honey, kill him," utos niya kay Prin. Ang saya siguro kung mamamatay ang taong
kinamumuhian niya sa kamay ng asawa nito.

Pero nabigla na lang si Gon na pinaputukan siya nito sa dibdib. Napatingin na lang
siya sa dibdib niya na tila nabutas. Nginisian siya ni Prin.

"Too bad. You said something wrong. My husband never asked me to kill someone. I do
it personally," saad ni Prin habang nakatutok ang baril nito sa ulo ni Gon Peter.

…..

MAS LUMAMIG pa ang panahon dahil bumalik muli ang pag-ambon. Bahagya nang nanlalabo
ang paligid dahil sa ulap na hamog na umiikot sa siyudad.

Mas hinigpitan ni Prin ang coat na suot niya dahil bigla siyang nilamig. Hindi na
niya binigyan ng panahon si Gon at mas nanaig sa kanya na mainitan ang sarili.

Mamamatay na lang si Gon, matalim pa rin ang mga mata nito na nakatingin sa
kanilang mag-asawa.

"Bago ka bawian ng buhay. I have a surprise for you," sabi ni Cally habang pailalim
na tiningnan si Gon na nakasandal sa haligi ng halaman.

"You are not a Peter. Wala kang dugo kahit katiting na Peter."

Napalingon si Prin kay Cally. Si Kai naman ay kalmado lang at parang alam na nito
ang tungkol sa bagay na iyon o kaya naman ay wala itong pakialam sa personal na
buhay ni Gon.

Nanlaki naman ang mata ni Gon.

"Nagsi..sinungaling ka..." tila nahihirapan na ito na magsalita.

"Why would I do that? Anong mapapala ko sa pagsisinungaling ko sa iyo? Hindi man


lang ba pumasok ang katanungan sa isip mo kung bakit iba ang anyo ng Mommy mo kaysa
sa'yo? You have golden hair. Your Mommy, even your grandfather has brown hair. Your
eyes are brown while they have green."

Bumahid ang kakaibang ekspresyon sa anyo ni Gon Peter.

"Isn't it... because of my.. father?"

Umismid si Cally. "Then, I will tell you right now. No one in Peter's family has
golden hair. Your so-called 'Daddy' doesn't even exist."

"Ninakaw ka ng Mommy mo sa first love niya noon. You thought she loved you, but she
treated you like an animal since when you were still a baby."

"She hated you to the core dahil anak ka ng lalaking minahal niya ng sobra sa
babaeng pinakasalan nito."

"And that is the real reason why she was sentenced to death by Dark Lords… she
killed your biological parents and do child abuse. My Mama Lira fought for you.
These are the things I've learned before my Mama Lira died."

Matapos iyon, nalungkot si Cally nang malala niya ang maamong mukha ni Madam Lira.

Tumawa si Gon ng nakakaloko. Parang nabaliw na ito sa mga nalaman. Buong buhay nito
ay nabuhay ito sa kasinungalingan.

Biglang pumasok ang mga imahe kay Gon. Mga imahe kung kailan dinadalaw siya ni
Madam Lira sa eskwelahan niya noong nasa elementary pa siya. Tuwing bibigyan siya
nito ng regalo tuwing pasko. Samantalang ang lolo niya, nagagawa siyang saktan
tuwing magkakamali siya noon.

He doesn't even have good memories with his Mommy. Ang tanga niya na naniwala siya
sa isang tulad ni Grandfather Peter.

"Haaaaa!!!!!!!" huling hiyaw ni Gon dahil sa sobrang sakit sa mga nalaman. Totoo
nga ang sinabi ni Prin Matsui, masyadong mataas ang pangarap niya para hamunin si
Cally. Samantalang hindi man lang siya papantay sa kakayahan nito.

His wife can protect herself. His kid is a genius. Even his Dark Guards are a group
of excellent people.

Ngumiti ng mapait si Gon hanggang sa bawian na lang ito ng buhay.

SA LUGAR ni Ginny…

Naramdaman niya na hindi mapakali ang batang assistant ni Professor Kim na kausap
niya. She sensed something wasn't right. Bahagya niyang sinilip ang cellphone na
dala at nakita na walang signal sa lugar.

Hanggang sa handaan siya nito ng tsaa. Dinala niya sa labi ang labi ng tasa ng tsaa
ngunit hindi iyon tuluyan na ininom. Saglit niyang inamoy ang tsaa na binigay nito
bago binaba ngunit nananatiling hawak ang tasa.

"May I know your age?" tanong ni Ginny habang hawak ang maliit na tasa.

"M-Mrs. Han?"

Tinitigan ito sa mata ni Ginny. "I can see that you are still young. How and when
did I offend you? Why did you put something in my tea?" hindi na siya nagpaliguy-
ligoy pa.

Halos takasan ito ng kulay pero pinili pa rin na magkaila. "M-Mrs. Han. I don't
know what you are talking about."

Matagal na nakatingin lang si Ginny sa babae, nais niya sanang bigyan pa ito ng
huling pagkakataon. "Are you sure?"

"Yes." nakayuko na saad nito. Kita niya na namamanhid ang labi ng babae. Huminga
siya ng malalim.

"If that's the case, drink this for me."

Inaabot niya ang tea cup dito ngunit hindi nito iyon kinuha.

"I… I'm not thirsty," katwiran naman nito.

Mabilis na binuhos ni Ginny ang laman ng tasa sa isang fern plants (Isang uri ito
ng indoor plant) na nasa tabi ng couch kung saan siya nakaupo.
"Don't!" awat pa nito ngunit huli na dahil natapon na ni Ginny ang kakaunting tsaa
sa halaman. Mabilis na nagkulay brown ang mga dahon na nasayaran ng tsaa.

Tumalim ang mata ni Ginny saka niya nilingon ang babae.

"M-Mrs. Han, I-I'm sorry..." sabi nito na biglang lumuhod sa harapan niya. Kagat
nito ang ibabang labi.

"I gave you a chance kanina na hindi mo sineryoso. How are you going to explain
that?" tanong ni Ginny.

"I'm... sorry, Mrs. Han."

"Professor Kim. Is he dead?"

Tumango ito.

"My… my mother has been abducted by someone. I don't have a choice but to follow
him. That's why I invited you to this home." nagsimula nang umiyak ang assistant.

"Him?"

"I don't know his name," sabi nito.

Tumayo na si Ginny na bitbit ang mga gamit. "Just pretend I never came to this
place. You are a fool."

Saka siya lumabas ng tahanan na iyon.

Ang tahanan na iyon ay pag-aari talaga ni Professor Kim na kasama niya sa trabaho
noon. Hindi niya alam kung kailan ito namatay pero marami namang paraan para
madalaw niya kung nasaan ang Urn ng katawan nito para magbigay ng paggalang at
respeto.

…..

MAAYOS na naligtas ang mga pasyente, hospital staff, doctors at nurses na kinulong
ng tauhan ni Gon sa isang kwarto.

Matapos ang mahabang imbestigasyon sa kinauukulan, ibinalik ang mga pasyente sa


kwarto ng mga ito. Ibinalik din si Prin sa kwarto niya.

Pinasuri siya agad ni Cally sa isang doktor kung ayos ang lagay niya.

Tinurukan lang ng kung anu-anong gamot ang pisngi niya bago siya sinabihan na huwag
mag-alala. Mas advance ang technology sa kasalukuyan kumpara tatlong taon ang
nakaraan.

Saka lang nakahinga ng maluwag si Prin nang makaalis ang doktor. Ni-lock ni Cally
ang pinto.

"Wala na bang papasok?" Naisip ni Prin na baka may kumatok na nurse o doktor sa
kwarto.

Hindi na sumagot si Cally. Walang magtatangka na kumatok sa kwarto na iyon hanggang


nandoon siya sa loob. Sa halip, isa-isang tinanggal ni Cally ang butones ng suot
niyang black coat.

Lumitaw sa paningin nito ang nasirang hospital gown dahil sinira iyon ni Gon.
Sumama ang mood ng asawa niya.

"Ano ang mga ginawa niya sa iyo?" tanong ni Cally. Binuhat siya nito at dinala sa
palikuran para linisin.

Napalunok si Prin. Hindi niya nanaisin na sumagot ng hindi maganda o hindi nito
nais na madinig. Kahit ang plano ni Gon na pagsamantalahan siya ay wala siyang
plano na i-share dito.

"Husbie, I'm fine. Don't worry he never touched me."

"He never touched you but you have a wound on your chin," sabi nito na lumipat ang
tingin sa ginamot na maliit na sugat sa ilalim ng mata niya.

Napakamot siya sa ulo. "I'm still fine."

Hindi na ito sumagot pa.

"Where is my baby?" usisa niya para maiba at para ma-divert na rin ang atensyon ni
Cally.

"He's with the Jang family."

Naisip ni Prin na mabuti na lang at wala sa gusali ang anak niya nang oras na
umatake si Gon.

"Hmm… What about your Mom?" tanong niya na ang tukoy ay si Ginny.

"Sinundo na siya ni Matthew at naihatid na rin sa isang hotel."

Mas gumaan naman ang pakiramdam ni Prin. Seryoso na nilinis nito ang katawan niya.

"Kinabahan ka ba na baka hindi mo na naman ako makita?" Tuwing magpaparamdam kasi


sa kanila si Gon Peter naghihiwalay silang dalawa.

Inangat ni Cally ang paningin para salubungin ang mata niya. Locking his fingers
between her hair, he pulled her neck to kiss her.

"I miss you." narinig niyang bulong ni Cally. She can tell na tila may natanggal na
bara sa dibdib ng asawa niya.

Looking at Prin Matsui, maraming bagay ang pumasok sa isip ni Cally. This is the
face of the real Prin Matsui, his wife. Ngayon niya napagtanto na marami siyang
bubunuin na oras to spend time with her.

He kissed her lips again. Isang bagay na hindi niya pagsasawaan.

"I miss you too," sagot ni Prin. Mas lumalim naman ang halik ni Cally dahil sa
nadinig.

Ilang saglit pa, tinapos din ni Cally ang paglinis sa katawan niya. Wala na rin
maitanong si Prin at kampante na ang kalooban niya.

Wala nang Gon ang gugulo sa pamilya nila.

"Husbie, I want to go back home. Sa susunod na buwan, magsisimula na ang school


year. Gusto ko sanang ipasok si Khalid," hiling ni Prin habang sinusuotan siya nito
ng bagong pajama.

"I don't know kung gugustuhin niya na pumasok sa school," katwiran ng asawa niya.

Naisip na rin ni Prin ang tungkol sa bagay na iyon kaya naman nag-iisip siya kung
ano ang pwedeng ipang-suhol kay Khalid. "Kailangan natin na ipasok siya para
magkaroon siya ng friends."

Sinuklay ni Cally ang buhok niya. "Okay… I'll look for a nice school na pwede
niyang pasukan."

Ngumiti si Prin. "Perhaps, we can ask Bella na ipasok na rin si Angel sa school
para may kasama si Khalid."

Hindi na sumagot pa si Cally.

Maayos na humiga si Prin sa hospital bed.

"Come here…" umusog siya sa kama at tinapik ang free space.

"I need to change. Marumi rin ang katawan ko."

"Okay, I'll wait for you."

Kumuha lang ng susuotin si Cally mula sa cabinet at pumasok sa shower room.

Maraming pumapasok sa isip ni Cally habang nasa ilalim ng malamig na tubig.

Tulad na lang ng, mabuti at nakarating siya sa tamang oras. Kung nahuli siya ng
dating, hindi niya alam kung ano na naman ang nangyari sa asawa niya.

Matapos makaligo at makapagbihis, lumabas si Cally sa palikuran at natagpuan si


Prin na mahinang naghihilik sa hospital bed nito.

Halatang napagod ito sa laban na ginawa nito. Inayos niya ang higa ng asawa sa
gitnang bahagi ng hospital bed. Ayaw niyang guluhin ang maayos na pagtulog nito sa
teritoryo nito kaya hinayaan na lang muna ni Cally na pagkasyahin ang sarili sa
couch na nasa loob din ng kwarto.

Pero nabigla siya nang maalimpungatan ng dis-oras pa ng madaling araw, na


nakasiksik sa kanya si Prin sa couch.

He smiled. He pulled her closer to his embrace. Kahit pa nga gustuhin niya na
magpahinga ang asawa niya sa kama nito, her scent has already filled him, not
wanting to be separate from her.

LUMIPAS ang isa pang buwan. Sa White Castle.

Sa loob ng ilang araw, bibihira na magkita si Cally at Prin sa bahay nila. Busy
kasi si Cally sa trabaho niya sa opisina dahil sa ilang buwan na pagsama niya kay
Prin sa Korea.

Halos hindi na nagkikita ang mag-asawa dahil abala rin si Prin sa hotel. Apolo
started to transfer his shares to Prin. Maaga siyang nakakatulog dahil sa pagod at
wala pa si Cally sa bahay tuwing uuwi siya.

Si Apolo na kasi mismo ang nagt-train sa kanya at hindi tulad noon na sarili niya
lang istratehiya sa pagpapatakbo ng business nito.

'Pag bumabangon naman siya ay nakaalis na rin ng bahay si Cally.

Nakakatanggap na lang siya ng mensahe mula dito. O kaya naman ay nagtatawagan


silang dalawa pero saglit lang dahil madalas na nasa meeting ito.

May dalawang linggo na rin ito na gano'n kaya naman namimiss na rin talaga niya ang
asawa niya.

Naaalimpungatan din naman siya sa gabi at nararamdaman na nakayakap ito sa bewang


niya. Iyon nga lang ay halos nawalan sila ng kumunikasyon dahil sa sobrang
pagkaabala nila sa kanya-kanya nilang trabaho.

Umaga. Panay halo lang siya sa kape na nasa harap. Tulala siya habang ginagawa
iyon. Inangat ni Khalid ang mukha nito at hinarap si Prin dahil naririndi na ito sa
tunog ng kutsara na tumatama sa tasa.

Mukhang nakahalata rin ito na wala siya sa mood.

"Mommy, are you okay?"

Tumigil sa paghalo ng kape si Prin.

"Baby, do you want to go to the MGM office?" tanong niya kay Khalid.

Saglit itong nag-isip. "ayaw."

"Why?"

"I will not earn anything in Daddy's office." suplado na sagot nito. Madalas kasi
na pagalitan ito ng Daddy nito kapag nawawala sa paningin nila.

Prin "..."

"Gusto mo pang kumita? Hindi ka pa ba mayaman sa dami ng mga kinita mo nitong mga
nakaraan?"

"Mommy, that's what you call 'being ready about your future'," katwiran nito.

Nagkibit-balikat siya saka hinigop ang kape. Ang mahalaga ay nag-eenjoy ito sa
ginagawa nito araw-araw. Isa pa, wala namang natatapakan na ibang tao ang anak
niya. Bukod kay Felix nang dukutin siya nito.

"Okay. You stay here. Magpractice ka na lang ng Piano para makahabol ka sa susunod
na competition o kaya naman alagaan mo si Billionaire."

Pansin ni Prin na bahagyang nabawasan ang pagka-clingy ng anak niya simula nang
dumating ang askal sa bahay.

Matapos mag-almusal, tinungo rin naman agad ni Prin ang closet at naghanda ng
kasuotan. Nagpadala na lang siya ng mensahe kay Mildred na magpapahinga siya sa
araw na iyon at tawagan siya kung sakali na may kailangan ito sa kanya.

Isang dress na abot tuhod ang napili niya. Natatawa na lang siya kapag naaalala
niya na noong kabataan niya ay halos ayaw niya ng dress.
Kahit ang Yukata na pinasusuot sa kanya ni Ginang Matsui, ang Lola niya, ay ayaw
niyang suutin.

But now she always wanted to look pretty for her husband Cally.

Binabad niya ang sarili sa rose bubble bath para kumapit ang amoy nito sa katawan
niya at matanggal ang mga dead skin niya sa katawan. Kung tutuusin ay hindi na rin
kasi siya bata. Kailangan niyang maglagay sa katawan ng napakaraming moisturizers.

Matapos ang isang oras, nagbanlaw siya ng katawan saka hinanda ang sarili. Plano
niyang sorpresahin si Cally at ayain na mananghalian kaya hindi siya nag-abiso na
tutungo siya ng MGM kahit kay Xander.

She put a simple make up on her face. Dalawang wisik ng perfume at inayos ang buhok
niya sa half bun bago lumabas ng kwarto para pumunta sa opisina ng MGM. Nagpaalam
siya kay Khalid na kasalukuyan ay nagpapakain ng aso nito.

Maya-maya pa ay nasa opisina ng MGM na si Prin. Bahagya pa siyang natraffic sa


kalsada kaya medyo na-late na siya ng dating sa opisina nito.

May ilang buwan na rin nang huli siyang dumalaw doon kaya bahagya siyang nanibago.

Tinungo niya ang elevator at diretso siya sa floor kung saan naroon ang opisina ni
Cally.

Wala ang mga sekretarya ng asawa niya sa labas ng opisina nito kaya naisip niya na
baka nasa meeting pa rin si Cally. May naririnig kasi siyang nagsasalita sa isang
kwarto.

Isang salamin ang haligi n'yon na may blurred shade ang gitnang parte kaya hindi
rin siya nakikita mula sa loob. Sinilip niya ang oras sa relo at nakita na mag-a-
alas dose na ng tanghali.

Hindi niya alam kung gaano pa katagal ang meeting ni Cally.

Tinungo na muna niya ang opisina ng asawa niya gamit ang badge ng ID niya at agad
na bumukas iyon. Mahigpit kasi ang security sa opisina at piling tao lang ang
nakakapasok sa mismong opisina ng asawa niya. Nagpasalamat na nga lang siya at
hindi siya restricted doon.

May nakita siyang isang maliit na kahon sa ibabaw ng mesa nito. Nakakunot ang noo
na kinuha niya iyon bubuksan na sana niya ang bagay na iyon ngunit narinig niya na
lumabas na ang mga tao sa conference na nasa kabilang kwarto.

Ibinaba muli niya ang kahon sa mesa at hinintay si Cally na pumasok sa kwarto para
sorpresahin ito.

…..

INABANGAN ni Prin ang asawa niyang si Cally na pumasok sa loob ng opisina nito.
Nakahanda na ang napakatamis niyang ngiti ngunit lumipas na ang ilang minuto ay
hindi pa rin pumapasok ang asawa niya sa loob.

Pinakiramdaman niya ang mga kilos sa pagitan ng pintuan. Wala na siyang naririnig
na kahit na anong kaluskos.

Sa kainipan, binuksan niya na ang pintuan at saka lumabas. Tulad ng inaasahan, wala
na ang maingay na mga tao na nanggaling sa loob ng conference.
Kunot ang noo na sinilip niya ang conference room sa katabing kwarto at natagpuan
si Xander na nag-iisa.

May inaayos ito na kung ano. Nananatili ito na nagtitipa sa laptop.

Nagulat ito na makita na naroon siya sa opisina. "M-Miss Prin?" mabilis na sinara
nito ang laptop nito.

"Nasaan si Cally?"

"Naku Miss Prin. B-bakit kayo nandito?" Hindi nito nasagot ang tanong niya at
mabilis na inayos ang mga gamit sa table.

Sinara nito ang laptop. Tinanggal ang mga kable nito at mahigpit na hinawakan iyon.

"Bakit? Nasaan ba ako dapat?" tanong niya.

Mukhang nahimasmasan si Xander. Pinakalma nito ang sarili.

"Sorry, hindi po iyon ang ibig kong sabihin. Bakit hindi n'yo po sinabi na pupunta
po kayo dito?"

"Gusto kong sopresahin si Cally. Kanina pa nga ako sa opisina niya. Where is my
husband?"

"Ah.. e..." kumamot ito sa ulo.

Humalukipkip siya at nilapitan si Xander. Nakita niya na napalunok ito. Naniningkit


ang mata na sinuri niya ang assistant ni Cally.

"Are you hiding something?" tanong niya dito nang makalapit.

"No no, Miss Prin. Nasa meeting po kasi siya. Ta-tatawagan ko na po si Shi Cally."
Dinampot nito ang cellphone na nakalapag sa mahabang mesa at biglang nag-excuse na
lalabas.

Halata ang pagdududa sa mukha ni Prin. Pero sigurado na naroon lang ang asawa niya
sa gusali dahil naroon pa si Xander sa lugar. Bumalik na muna siya sa opisina nito.

Hinawi niya ang blinds dahil madilim sa opisina ni Cally at para magkaroon ito ng
liwanag mula sa labas.

Agad na kumalat ang liwanag sa pwesto ng kwarto kung saan niya hinawi ang blinds.
Nakagagaan sa pakiramdam ang katanghaliang tapat sa labas ng gusali.

Habang pinagmamasdan ang kapaligiran. Nag-beep ang message alarm tone ng cellphone
niya. Galing kay Cally ang mensahe.

[I'm still in a meeting. Wait for me for 20 minutes.]

Umupo muna si Prin ng pahalang sa malapad at malambot na couch sa kwarto saka


nagbasa-basa sa social media.

Kinamusta niya si Bella. She asked kung saan mag-aaral si Angel.

[I think she'll stay here. Mapapalayo kami kay Kai kapag umuwi kami sa Pilipinas.]

[Okay.]
Akala niya ay mapipilit niya ang matalik na kaibigan na ipasok si Angel sa school
ni Khalid sa susunod na buwan. But she understands if they wanted to stay in Korea.

Wala kasi siyang maisip na paraan para mapilit si Khalid na pumasok sa school.
Masyadong advance ang utak ni Khalid at ayaw niya ng mga batang pasaway.

Ilang saglit pa ay hinila siya ng antok.

.....

MATAPOS ang bente minutos sa huling meeting ni Cally, nagtungo siya agad sa opisina
para kamustahin si Prin.

Nabigla talaga siya nang malaman na nasa opisina ito.

Sigurado na hindi ito napakali dahil dalawang linggo rin sila na hindi
nagkakwentuhan ng personal.

Matapos buksan ang pintuan, bumungad agad sa mga mata niya ang nakakasilaw na
liwanag mula sa labas. Katanghalian kasi ang oras at tirik ang araw.

Bahagya niyang sinara muli ang blinds, sakto lang na hindi madilim at hindi rin
masyadong maliwanag.

Napansin niya ang maliit na box sa ibabaw ng table. Napamura siya sa isip.

He forgot about it. He has been clumsy. He asked himself if Prin saw it.

Kinuha niya iyon saka itinago sa loob ng drawer.

Mula sa kinatatayuan, kitang-kita niya ang payapang mukha ni Prin. Tila ito isang
anghel na ibinaba mula sa langit.

He could tell that she spent some time for herself before coming to that office.

Gumaan ang pakiramdam niya na makita muli ang misis niya. God knows how much he
missed her. Kung hindi lang naipon ang trabaho niya, malamang na araw-araw sila na
nakakapamasyal.

Nilapitan niya ito. Hinubad niya ang itim at makintab niyang sapatos saka ito
tinabihan ng higa. Siniksik niya ang sarili sa makipot na couch. Kasya naman silang
dalawa, iyon nga lang kailangan na dikit na dikit sila sa isa't-isa.

Sobrang sarap sa ilong ng amoy ni Prin ngayon. She smells like a creamy milk with a
scent of pink roses.

Ibinaba niya ang pang-amoy sa leeg ni Prin. He can't help but to lick her neck.
Matapos iyon, nag-iwan siya ng mumunting mga halik sa leeg nito.

Nang mag-angat siya ng tingin, bahagya siyang nabigla na nagising ito dahil sa
ginawa niya.

"I miss you, Husbie." kusang humalik si Prin sa labi ni Cally.

She sucked his lips allowing her tongue to enter. He couldn't help but to lift her
dress and squeezed her butt.

"I can tell." mayabang na sagot ni Cally.


Umikot si Prin at pumaibabaw sa kanya.

"Won't you miss me?" tanong ni Prin habang nag-iiwan ng mumunting halik sa gilid ng
labi niya.

"Do I have a choice?"

"Yes, yes, you don't have a choice." tapos ay naramdaman ni Prin na bahagya nang
kumulo ang tiyan niya. "I'm hungry."

"Then, I am allowing you to eat me."

She was hesitant but she honestly wants it. "we are here in the office," katwiran
niya.

"It doesn't matter, you can eat me anywhere. Be my mistress now, go on." Inunan ni
Cally ang mga braso niya allowing Prin to do anything to him.

KASABAY ng init sa katanghalian ang init sa isang opisina ng MGM.

Kagat ni Prin ang labi at hindi alam ang gagawin. She's starving and yet she wanted
to stay in the room.

Inaaya siya ni Cally na para bang pagsisisihan niya kung sakali na palilipasin niya
ang chance na iyon. It's been weeks the last time they've been doing this and she
misses him so badly.

She bent down to continue the kissing session, enjoying his sweet taste. Ginawaran
niya ng isang matamis na halik si Cally. Hindi marahas kundi nanunukso.

Ilang saglit pa at lumalim din ang halik nila sa isa't-isa. She sucked all of his
mouth, both of his lips and tongue. Her kisses started to move down to his neck
while unbuttoning his light blue polo.

"Smell so good." She left red marks on his shoulder.

The atmosphere in the room seemed to become steamier.

Cally couldn't help but to place his hand on her face. His hand gently tracing her
cheek, nose, eyes and every part of it. Remembering all of it.

Naghiwalay sila para sumagap ng hangin. She looked straight in his eyes. He looked
back at her darkly and deeply.

"I love you Ms. Prin Matsui," saad ni Cally habang haplos ang pisngi niya.

"I love you the most..."

Naging dahilan iyon para ipagpatuloy niya ang ginagawa. Forget about eating. She
thought.

The air surrounding them had seemingly heated up by a few more degrees.

Naramdaman na lang niya ang bestida niya na itinaas ni Cally at mabilis na hinubad
iyon. Placing sweet little kisses on her chest. This for some reason made Prin
excited too.

Umikot silang dalawa sa sofa. Her delicate body in her lacy underwear is right
before his eyes.

Gumapang ang kamay ni Prin sa dibdib ni Cally patungo sa likuran na tila nag-iiwan
ng apoy sa balat nito while kissing his shoulder. He moaned.

Humigpit ang yakap ni Cally sa bewang ni Prin.

Iikot pa sana muli sila para bigyan si Prin ng chance na gawin muli ang nais nito
nang pumasok si Xander. Sumisipol pa ito hanggang sa mapasigaw nang masilayan ang
ginagawa nila.

"Ahhh!"

Sabay silang napalingon dito at halos maglayo dahil sa gulat.

"Ahhhh!!!" Mabilis na niyakap muli ni Prin si Cally para takpan ang sarili dahil
napansin niya na naka underwear lang siya.

"F*ck!" mura ni Cally.

Tinakpan ni Xander ng laptop ang mukha nito. "S-shi, I-I didn't see anything. P-
promise. Hope to die!"

Gusto nitong maglaho ora mismo dahil isang pagsasala ang nakita ng mga mata nito.

Kinuha ni Cally ang isang throw pillow at hinagis iyon kay Xander. "Get out, remove
your access in this room from now on!"

Mabilis na tumakbo palabas si Xander ng opisina. He wouldn't dare na ikalat sa iba


pa na nahuli niya ang dalawa. Maybe Cally wouldn't mind but he will be dead kapag
nalaman iyon ni Prin.

Nasa isip nito na hindi nito inaasahan na gagawa ng kalokohan ang mag-asawa sa
opisina. Hindi iyon ugali ng Shi nila. Kahit si Prin ay hindi niya lubos maisip na
magiging mapusok.

He is wondering if she came to this office to seduce his master.

Parang binuhusan naman ng malamig na tubig ang dalawang naiwan sa kwarto.

Tumayo si Cally para kumuha ng wet wipes sa ibabaw ng mesa niya sa loob ng kwarto.
Sabay kasi silang pinagpawisan.

Hiyang-hiya si Prin. Pulang-pula ang mukha niya at hindi niya alam kung paano
itatago. Dumapa siya para itago ang namumulang mukha sa kutson ng couch kung saan
naganap ang kanyang pagsasala. "Oh my gosh!"

Bumalik si Cally sa pwesto ni Prin saka umupo. Pinunasan niya ang mga namuong pawis
sa binti nito.

"Don't worry Honey, he didn't see anything. He wouldn't dare to see anything." He
is gritting his teeth while looking at her butt. Hindi niya napigilan na tampalin
ang puwitan ng misis niya.

"Aw!" reklamo ni Prin.


"Let's continue. C'mon." Hinila niya ito para umupo.

"Nah. I'm no longer in the mood." Parang lantang-gulay na humiga muli si Prin.

"Honey…" Kumamot siya sa ulo. Ang mga mata ay nagsusumamo.

Parang matatawa si Prin sa anyo ni Cally. Mukha kasi itong bata na ayaw bigyan ng
kendi.

"I will serve you tonight. But right now, I really wanted to eat." Natatawa niyang
sabi habang haplos ang buhok ni Cally.

Nag-isip si Cally. "Okay, please wear Yukata tonight."

Kumunot ang noo ni Prin. "Why?"

"It's easy to take off?" Sagot ni Cally habang sinusuot muli nito sa kanya ang
bestida niya.

Prin "..."

Napapailing na lang siya sa katwiran nito.

"Sigurado ka ba na makakauwi ka nang maaga? Bakit nga pala parang ang busy mo
ngayon?" Parang dumoble kasi ang pagka-busy ng asawa niya.

"My most important honey will be waiting for me; I don't have the guts na hindi
umuwi nang maaga." Sinuot naman ni Cally ang flat shoes niya sa paa.

"On to your next question, it's because next weekend, we are going to Sweden. It's
Ate Baba's royal wedding."

Bumilog na lang ang labi ni Prin. Kaya pala busy masyado ang asawa niya, marami
itong kailangan na asikasuhin.

….

"WOW Mommy you look so pretty!" puri ni Khalid kay Prin. Sumampa ito sa kama. Saka
kumandong sa kanya para mas masilayan pa ang mukha niya.

She's wearing a simple pink yukata. Nakakabata sa hitsura niya ang kulay nito.
Inayos niya ang buhok sa isang messy bun na nilagyan ng isang malaking bulaklak na
hair accessories.

Mas ramdam niya ang pagiging haponesa sa suot. Bakya na lang ang kulang.

"Really?" She kissed Khalid on his cheek.

Panay ang tango nito bilang sagot.

It was 7 at night. usapan nila ni Cally na uuwi ito ng maaga kaya naman hinintay
niya talaga ito wearing her Yukata. Katatapos niya lang mag-ayos. Ayon dito ay
susunduin siya nito at pupunta sila sa kung saan.

"Do you have a date with Dad?" usisa ni Khalid.

Isang simpleng ngiti ang isinagot niya dito. "Yes. How did you know?"
"Because you look pretty and I like your scent. Hmmm. Can I go with you?" Inamoy-
amoy pa siya nito.

Prin "..."

Sabi na nga ba niya. Kaya lang siya nito pinupuri ay dahil may plano ito na sumama
sa kanila ni Cally.

"No. It's Mommy and Daddy's date today." Kailangan niya itong pigilan dahil kakaiba
ang date nila ni Cally sa gabi na iyon. Her husband is planning something that kids
are not allowed to see.

"Eh… but I like to be with you. Earlier, you stayed with him at the office. It's my
turn now." Pagmamaktol ni Khalid.

Binuhat niya ang anak at dinala sa kwarto nito. Sanay na siya sa ganitong ugali ni
Khalid. He is sweeter, smarter and clingy.

Plano niya na patulugin na muna si Khalid para hindi na ito mangulit pa kaya naman
dinala niya ito sa kwarto nito. Sumandal siya sa kama ni Khalid habang nakadapa
naman ito sa dibdib niya.

"Next month, you will start your schooling. Gusto ko na magpakabait ka. At school,
you will learn new things and you will get more friends. Bawal maging bully okay?"
Sabi niya habang hinahagod ang likuran at buhok nito.

"What will you pay me if I do good at school?" tanong nito sa mahinang boses. Sa
palagay ni Prin ay inaantok na rin talaga ang anak niya.

Pero nais niyang matawa dahil hanggang sa mga oras na iyon ay iniisip pa rin nito
kung paano kikita ng salapi.

"A date with you and a thousand kisses. How's that?"

"Hmm… sounds like a nice plan," halos hindi na niya madinig na sabi nito.

Napangiti siya. Mukhang nakatulog na kasi ang anak niya. Naghintay muna siya ng
ilan pang saglit para masiguro na nakatulog na talaga ito at hindi na mangungulit
pa.

Alas siyete y medya na ng gabi at wala pa ang asawa niya. Naisipan niya na bumalik
na muna sa loob ng kwarto. Nagpadala siya ng mensahe kay Xander para tanungin ito
kung nasaan na si Cally.

Hindi sumasagot ang lalaki.

Ilang saglit pa at nag-ring ang cellphone niya. Naisip niya na baka si Cally ang
tumatawag kaya mabilis niyang dinampot ang bagay na iyon na nasa ibabaw ng tokador.

Pero kumunot ang noo niya nang makita ang pangalan ni Mildred sa caller ID.

"Hello."

"M-miss Prin?"

"Yes. May kailangan ka?" tanong niya dito.

"E… ano e." ramdam niya na nag-aatubili ito na sabihin sa kanya ang kailangan.
"May nangyari ba sa hotel?" usisa niya.

Huminga ito ng malalim bago nagpatuloy. "Si… si Master Cally. Nakita ko na may
kasamang babae na kumuha ng kwarto dito sa Romantik Grand Hotel. Maganda, sexy;
hubog na hubog ang katawan, Miss Prin."

Kumunot ang noo ni Prin then she smiled

"Hehe... I don't think it's Cally," tanggi niya habang umiiling.

"Miss Prin, 'di ba idol ko si Master Cally kaya hindi ako pwedeng magkamali. Siya
talaga iyon! Naku Ms. Prin, may babae na 'yung asawa n'yo! Naku naku naku!" sabi
nito na tunog tsismosang kapitbahay.

"Alam n'yo po ba na 'yung kwarto na pinuntahan nila, sampung libo na pulang rosas
'yung inorder ng babae sa hotel kanina. Biglaan po. Mabilis na inayos ng florist
natin 'yung kwarto. Paano na Miss Prin kung magpropose 'yung babae kay Master
Cally? Hala! Tapos hiwalayan ka niya! Naku..."

Nagsisimula nang uminit ang ulo ni Prin. Pero pinilit niya na magpakalma kahit pa
nadurog na niya ang notepad na nasa ibabaw ng tokador niya sa kwarto at nabali na
niya sa dalawa ang ballpen.

"Mildred, it's not Cally," malumanay na saad niya. She breathed in and breathed
out.

"Miss Prin, mabuti pa na magpunta ka dito sa hotel, ngayon na! para malaman mo na
nagsasabi ako ng totoo! May babae si Master Cally."

Binabaan niya na ito ng telepono sa pagkainis saka tinawagan si Xander para itanong
kung nasaan sa kasalukuyan ang asawa niya.

Alam niya kasi na hindi magsisinungaling si Mildred at sigurado rin siya na nakita
talaga nito si Cally lalo at 100% na fan ito ng asawa niya.

Unang beses din na hindi sinasagot ni Xander ang telepono kaya naman nagsisimula na
siyang magduda. Ilang beses niyang tinawagan si Xander at hindi talaga ito
sumasagot.

Hindi niya makausap si Xander sa telepono kaya naman nagdesisyon na siya na


magpunta sa hotel para makita kung ano ang nangyayari.

HINDI mapakali si Prin kaya naman naisip niya na magpunta sa Romantik Grand hotel.

Kung ano-ano ang tumatakbo sa isip niya lalo na't ilang linggo nang hindi niya
makausap o makakwentuhan man lang si Cally. She is wondering kung magagawa nga ng
asawa niya na mambabae sa loob ng dalawang linggo kaya madalas na wala ito sa
bahay.

Kahit naman kasi noon na marami itong trabaho ay nakakauwi pa rin ito ng maaga.
Kahit pa sunud-sunod ang meeting nito ay nakakasama niya pa rin ang lalaki sa
hapunan.

Malakas ang pakiramdam niya na hindi siya kayang lokohin ni Cally. Gusto niya lang
masiguro kung tama ang sinasabi ni Mildred.
Bigla niyang naisip ang reaksyon ni Xander nang makita siya nito nang tanghali ng
araw na iyon. Parang nakakita ito ng multo nang makita siya at agad na sinara nito
ang laptop.

What is wrong with him? What is in his laptop?

Mabilis niyang pinaharurot ang sports car na ginagamit niya para maabutan si
Mildred sa hotel.

Matatampal niya talaga ang babae kapag mali ito ng binigay na impormasyon sa kanya.

.....

"MASTER, what can I do? Si Ms. Prin kanina pa tumatawag," nag-aalala na tanong ni
Xander na kababalik lang sa hotel dahil ito na ang nag-asikaso ng iba pang
kailangan ni Cally sa opisina.

"Tell her that I'm still in a meeting," sagot ni Cally. Sinilip niya ang oras sa
kanyang silver wristwatch. Maaga pa naman ang oras.

Hindi pa naman siguro naiinip ang asawa niya sa bahay.

Gusto niyang makita kung ayos ang kwarto na pinaayusan niya sa stylist ng ate Baba
niya. Bata pa ang babae na naglalaro sa edad na bente.

He wanted Prin to remember this night wearing her traditional japanese dress kaya
naman sinabihan niya ito na magsuot ng yukata.

Nais niyang ayain na magpakasal muli ang asawa niya. He wanted this night to be
perfect. In his thought, he never asked Prin to marry him in the past. They got
married because their parents wanted them to.

Ang totoo ay biglaan din ang naging desisyon niya na ito. Nais pa sana niya na sa
susunod na weekend pa ang plano niya na proposal kay Prin ngunit hindi niya akalain
na biglaan din na magpapakasal ang Ate Baba niya na nakatakda din sa susunod na
weekend. Kaya naman mas inagahan niya ang preparation.

Ito ang dahilan kung bakit ginagabi siya ng uwi. He is designing everything for his
wife with the help of Baba's assistant and Xander.

He is planning hard for everything; her gown, the venue, kahit ang singsing at mga
bisita ay personal niyang inasikaso.

Natawagan niya na ang lahat ng kaibigan nila at naroon na ang mga ito sa garden sa
loob ng Romantik Grand Hotel.

Nagkataon din na dumating ang pamilya ni Kai nang umaga kaya naman dali-dali siyang
nagdesisyon na ilipat ang nakatakdang araw, sa araw na iyon. Mabuti na nga lang at
walang nasabi si Bella sa asawa niya. Lahat ng kaibigan nila ay naroon bukod kay
Baba na naghahanda rin sa kasal nito sa Sweden.

He told everyone na ilihim kay Prin ang bagay na ito at nagpasalamat siya na
hanggang sa mga oras na iyon ay wala pang alam ang asawa niya.

Kahit ang maghinala ay hindi nito nagawa.

Kahit pa nga muntik na nitong mabisto ang lahat nang biglaan itong dumating sa
opisina niya ng tanghali. Mabuti na lang at agad na tumakas si Xander.
Nais niyang masuri muna ang lahat bago ayain ang asawa niya na magpunta sa hotel.

Kasama ang stylist ni Baba, una niyang pinuntahan ang garden. It was perfect.
Nababalot ang paligid ng mga cherry blossoms.

Sunod na ginawa nila ay nagtungo sa hotel suite na nasa pinakamataas na palapag.

He is smiling while checking on everything. Bahagyang dim ang ilaw dahil tanging
electronic scented candles ang nasa paligid at napupuno ng mga pulang rosas ang
kwarto.

It was a perfect night.

"Master Cally, these were everything na request n'yo po sa akin," paliwanag ng


stylist na nakangiti habang umiikot sila sa loob ng suite. Kasalukuyan silang nasa
living room na puno ng pulang rosas.

Nagulat na lang sila nang may pumasok na lalaki sa loob ng suite. Dali-dali itong
lumapit sa kanila. Naka business suit ito, halos kasing tangkad niya ang lalaki.
Hindi nalalayo ang edad nito sa assistant ng ate baba niya.

"Babe, who is this man?" tanong nito sa assistant ni Baba habang turo siya nito.
Nakakunot ang noo na nilingon niya ang babae para simpleng tanungin kung sinong
herodes ito.

"Babe, what are you doing here? Ms. Penelope asked me to assist Master Cally!"
nakangiwi na sagot nito sa lalaki.

"He's my client now! What the hell are you doing here?" parang maiiyak ang babae.

Huminga nang malalim si Cally. Jealous perverts are everywhere.

"Doon muna ako sa kwarto," paalam niya sa dalawa saka tinungo ang loob ng bedroom
para suriin din ang kwarto kung saan naroon ang big surprise niya sa asawa.

….

THE sky was clear. The crescent moon is dreamy. The stars were like the sea of the
night sky.

It was actually a sweet night pero hindi maiwasan ni Prin ang kabahan.

What would she do if Cally is having an affair with another woman? Ngayon pa lang
ay maiiyak na siya kapag nangyari iyon.

Mabilis na naiparada ni Prin ang dilaw na sports car sa parking lot kung saan siya
madalas nagpa-park kapag dala niya ang parehas na kotse.

Masisipa niya si Mildred kapag mali ito ng impormasyon na binigay sa kanya.

Sinuri na muna niya ang sarili sa rearview mirror ng kotse. Naglagay siya ng pulang
lipstick. Yung nagbabaga sa pagkapula na para bang naghahanda siya ng laban. Inayos
niya ang buhok na bahagyang nagulo nang niyakap niya si Khalid sa kwarto nito.

Bahagya niyang hinawi ang bangs niya at inayos ang mga hairpins sa buhok. Maayos
din niyang nilagay sa tamang pwesto ang malaking hair accessory na bumagay sa pink
niyang kasuotan.
Matapos masiguro na ayos ang itsura niya, nagmamadali siya na pumasok sa loob ng
hotel.

She was pretty wearing her Yukata. The pink cherry blossoms on her dress were
beautiful. Bumabagay sa maganda niyang mukha.

Tumutunog ang bakya niya sa bawat paghakbang patungo sa opisina ni Mildred.

Napansin niya na may kasiyahan sa garden na natatanaw niya mula sa entrance bago
siya tuluyan na pumasok sa loob. Halos bukas ang lahat ng ilaw sa gawi nito at
nasisilayan niya nang bahagya ang kulay pink na cherry blossoms.

Hindi niya akalain na may event sa hotel sa araw na iyon. Bahagya siyang nakaramdam
ng inggit. Nang ikasal kasi sila ni Cally ay nagpirmahan lang sila ng kontrata and
boom, they are married!

Mabilis na tinungo niya ang opisina ni Mildred habang patuloy na tinatawagan si


Xander. Hindi pa rin sumasagot ng lalaki.

Nakaramdam na siya nang pagkainis.

Unang pagkakataon kasi na hindi ito sumagot sa mga tawag at mensahe niya. Binuksan
niya ang pintuan ng opisina ni Mildred at natagpuan ang babae na nakikipagchat sa
kung kanino sa online.

"Anong room number?" bungad niya dito matapos buksan ang pintuan.

"Miss Prin? Wow! You're pretty!" nabigla ito sa pagdating niya. Agad itong tumayo
para suriin siya sa malapitan.

"Wow!" bulalas muli nito.

"Wala ako sa mood makipagbolahan. Kapag mali ka ng impormasyon na binigay sa 'kin,


masisipa talaga kita palabas ng hotel." banta niya dito habang nakapameywang.

"No, Miss Prin! Heto ang master key!" Kinuha nito sa bulsa ang isang card at inabot
nito iyon sa kanya; ang master card sa hotel na iyon.

"Susuportahan kita para sabunutan ang mistress ni Master Cally. Hindi ba niya alam
na bawal nakawin si Master?! Pa'no ko pa makikita muli si Master Cally araw-araw
kapag naghiwalay kayo? kaya, No! Kailangan nating putulin ang kalokohan niya ngayon
pa lang!" halata na determinado ang sekretarya niya at siguradong-sigurado ito.

"Hey! Walang naging kabit ang asawa ko sa tagal ng relasyon namin, Okay? I will
check on it para masipa kita agad! And to prove you wrong. Hmp!" Inirapan niya ito.

Hinawakan siya nito sa mga balikat. "Sasamahan kita, Miss Prin! Sasamahan kita na
sabunutan ang babae!" sabi nito.

Para maabutan kung ano man ang dapat na abutan, hawak ang master card key, tinungo
nila ang pinakamataas na palapag ng hotel na iyon.

Si Mildred naman ay kinuha ang walis-tambo sa nadaanan nilang facility area na para
bang handa rin ito sa laban.

Bahagya siyang kinakabahan habang sakay ng elevator.

Nag-inhale exhale siya para kalmahin ang sarili.


Natagpuan nila si Xander na nag-aabang sa hallway malapit sa pintuan ng unit na
tinuro ni Mildred. Naroon daw si Cally. Dumoble ang kaba ni Prin.

Nakatingin si Xander sa cellphone nito at parang hindi mapakali. Hinila na muna


niya si Mildred sa gilid ng pader na may malalaking halaman para hindi sila
mapansin ng assistant ni Cally.

Bahagya niya itong sinilip at sinenyasan si Mildred na huwag gagawa ng ingay.


Tinapat nito sa bibig ang hintuturo saka tumango.

Tinawagan niya ang cellphone ni Xander habang sinisilip ang reaksyon nito.

Nagulat ang lalaki nang tumunog muli iyon. Halos mabitawan nito ang cellphone
ngunit mabilis na nakabawi at saka sinagot ang tawag niya.

"Where is Cally?" bungad niya dito.

"M-Miss Prin!"

"Nasaan ang asawa ko?"

"Na-nasa business meeting pa kami Miss Prin."

Nagkaroon ng hindi magandang impresyon si Prin sa sagot nito kaya naman mainit ang
ulo na lumabas siya sa pinagtataguan at malalaki ang hakbang na nilapitan niya ang
lalaki.

"Where is my husband?" ulit niya sa harapan nito.

"Ahhh!!!" mabilis na tinakasan ng kulay si Xander nang makita siya. "Miss Prin
bakit kayo nandito?"

"Mildred!" sinenyasan niya ang sekretarya niya at nilabas nito ang walis-tambo mula
sa likuran at itinapat iyon kay Xander.

Binuksan niya ang katabing kwarto gamit ang master card key at tinulak papasok doon
si Xander.

"Bantayan mo ang taksil!" utos niya kay Mildred

"Isa kang taksil!" saad ni Mildred kay Xander at tinapat dito ang walis-tambo.

"Miss Prin, this is wrong! Napag-utusan lang ako ni Shi!" reklamo ni Xander na
parang maiiyak.

Hindi niya na ito pinansin at sinara ang kwarto kung saan ito nandoon. Bahala si
Mildred dito. Mainit ang ulo na tinungo niya ang katabing kwarto.

Parang sumapi na sa kanya si Medusa dahil sa sobrang init ng ulo niya.

HUMUGOT ng malalim na hangin si Prin para pakalmahin ang sarili.

Hindi pa man ay bahagya nang tumutulo ang luha niya. Bahagya siyang nagduda dahil
nagsinungaling sa kanya si Xander.
Iniisip niya rin kung sa loob ng ilang linggo ay madalas na kasama ni Cally ang
kung sino man na kasama nito.

Binuksan ni Prin ang hotel suite kung saan daw naroon si Cally gamit ang Master
card key.

Dahan-dahan niyang binuksan ang pintuan saka pumasok. Isang metrong pasilyo kasi
ang bungad ng suite.

Amoy citronella ang kabuuan ng kwarto na agad na nanuot sa ilong niya. Bahagyang
dim ang ilaw at gumagalaw pa ang tila apoy ng mga electronic scented candle.

Tulad ng description ni Mildred, puno ang kabuuan ng kwarto ng mga pulang bulaklak.

It was super romantic.

Parang tinarak ang dibdib niya nang makita ang bulto ng isang babae na maganda,
sexy at halatang mas bata sa kanya ng ilang taon. Mukhang naglalaro lang ito sa
bente anyos.

Kahit pa nga dim ang ilaw, hindi iyon nakaligtas sa kanya.

Nakayakap nang mahigpit sa bewang nito ang bulto ng lalaki na sa tingin niya ay si
Cally na nakagilid patalikod sa kanya. Nakasandal ang ulo nito sa balikat ng babae
at tila sila nagsasayaw.

Hindi na nakapag-isip ng maayos si Prin. Mabilis niya itong nilapitan sa pagitan ng


mga luha at sinipa ang bayag nito mula sa likuran.

"Aw!" Tila tinakasan ng kulay ang lalaki at namilipit sa sakit. Kumapit ito lalo sa
katawan ng babae.

"Walang hiya ka! Matapos ang lahat ng ginawa ko sa iyo, kaya mo pa akong lokohin."
Nanlalabo na ang mga mata niya dahil sa mga luha.

Naninikip ang dibdib niya dahil sa sakit. In her thought, matapos ang lahat ng
pinagdaanan nila ng asawa niya ay nakaya pa rin nito na lokohin siya.

Panay ang iyak niya. Hinablot niya ang lalaki sa kwelyuhan nito at sinuntok ito
nang ubod-lakas. Tumilapon ito sa pader na puno ng mga rosas.

Mabilis na nagkalat ang mga rosas sa sahig. Nilapitan muli niya ang lalaki at
binigyan ng upper cut. Saka tinuhod muli ang maselan na parte ng katawan nito.

"Dapat dinudurog na ang bayag mo para hindi ka na makapanloko pa!" Patuloy siya sa
pagngawa.

Nakapagtataka na hindi man lang siya nito mapigilan. Siguro guilty ito sa ginawa
nito.

"Ahhh!!!" Napasigaw ang babae habang ginugulpi ni Prin ang lalaki.

Panay ang iyak ni Prin na hinablot ang TV sa gilid at binasag iyon sa ulo ng
lalaki.

Hindi na siya makapag-isip ng maayos.

"Aughhh..." ang tangi na lang na naiusal ng lalaki na napadapa at halos hindi na


makatayo. Napadapa ito at namilipit sa sobrang sakit ng buong katawan nito.
Nagdudugo na rin ang mukha nito dahil sa gulpi ni Prin.

Basa ng mga luha ang mukha niya at hindi na naka-move on pa.

"Who the hell are you?" galit na tanong ng babae kay Prin. Lumapit ang babae sa
lalaki na namimilipit sa sakit ang katawan.

"Honey, are you okay?" nag-aalala nitong tanong

"Aughhh… honey…" tila tunog-alien na ang boses ng lalaki dahil sa gulpi na inabot
nito kay Prin.

Gusto niyang matawa 'honey?' Akalain mong Honey rin ang tawag ng kumag na ito sa
babae.

Bakit? Para ba hindi na ito nalilito?

"How dare you?! Sabihin mo sa akin kung kailan mo pa ako niloloko? Porke ba
retokada na ko, hindi na tunay ang lahat sa akin, nagagawa mo na ang manloko?"

"I tried my best naman na ibalik ang dati kong mukha ah… I paid millions para lang
ibalik ang mukha ko. Para lang hindi na ako mukhang lola ni Spongebob..." Nang
bigla niyang maisip na si Cally nga pala ang nagbayad ng doktor niya, lalo siyang
naiyak.

"Hindi nga pala ako ang nagbayad..." bigla niyang naiusal na parang bata. Lalo
niyang hindi napigilan ang luha.

Kung saan-saan lumilipad ang isip niya habang panay ang ngawa niya sa loob ng may
kadiliman na kwarto. Pakiramdam niya bigla ay walang Prin Matsui kung wala ang
asawa niya.

"You told me you love me wholeheartedly. Why are you doing this to me? Pa'no na si
Khalid? Paano na ang anak natin? Paano na ang pamilya natin?" mga katanungan niya
dito.

Naghahalo na ang sipon niya at mga luha sa pisngi. Dinampot niya ang box ng tisyu
sa ibabaw ng mesa saka suminghot ng napakadami.

"What the hell are you talking about?!" galit na ang babae.

Hinarap niya ito.

"Ikaw! Ginagamit mo ang mukha mo sa lalaking may-asawa! I hate mistresses like


you!"

Nag-init ang ulo ni Prin kaya malalaki ang hakbang na nilapitan niya ito. Plano
niyang gulpihin ang babae para hindi na ito makapang goyo pa ng lalaking may asawa.

Sasampalin niya na sana ito nang bigla siyang hilahin ng kung sino at yakapin.
"Honey, stop! what are you doing?"

Tila siya nahimasmasan nang madinig ang tinig ng asawa niya. Lalong lumakas ang
pag-iyak niya. Biglang bumukas ang pinto.

"Miss Prin!!!" Nagmamadali na pumasok si Mildred. Nakangiwi ito nang makita ang
ayos ng kwarto.

"I'm… wrong…" Kagat nito ang labi matapos ikutin ang paningin sa buong kwarto.
Kasunod nito si Khalid na hinatid ni Xia, at si Xander.

Nagkalat ang liwanag sa kabuuan ng kwarto matapos buksan ni Xander ang ilaw.
Napangiwi na lang ito matapos makita ang buong kwarto.

Naghahalo na ang duguan na lalaki sa mga pulang rosas sa sahig.

Nabigla din si Prin kahit pa panay ang singhot niya nang makita nang mas malinaw
ang lalaki na ginulpi niya.

"Wh-who are you?" Nanlalaki ang mata na tanong niya dito saka niya nilipat ang
paningin kay Cally na nakayakap sa kanya.

"Mildred, what did you do?" Nang-aakusa ang tingin ni Khalid sa babae.

"Tsk tsk! You must hide somewhere in the desert." Napapailing na dagdag nito at
halatang nananakot.

Nayari na! Lagot na! Gustong magtago bigla ng sekretarya ni Prin at pagkasyahin ang
sarili sa loob ng ref.

LALONG naiyak si Prin matapos makita ang kabuuan ng kwarto.

The red flowers are everywhere. Nagkalat ang mga pulang rosas sa sahig matapos
niyang ihagis sa pader ang lalaki kung saan maayos na nakakabit ang mga iyon.
Nasira na rin niya nang tuluyan ang 70 inches television ng kwarto. May mga nasagi
rin na figurine na nagkalat sa sahig.

Halos hindi na rin makatayo ang lalaki na ginulpi niya na parang tinakasan ng buhay
sa sahig.

"Bring him to the hospital," utos ni Cally kay Mildred at Xander habang yakap si
Prin. In his thought, kasalanan rin naman nito kung bakit ito nagulpi ng asawa niya
dahil bigla itong pumasok sa kwarto na iyon nang walang pahintulot.

"Why are you here? Saka sino sila?" tanong ni Prin kay Cally sa pagitan ng mga pag-
iyak.

"She's Ate Baba's Assistant. I asked her help to plan this all. I told you na
susunduin kita sa bahay. Bakit sinira mo ang surprise ko sa iyo?" Halata ang
disgusto sa mukha nito.

Lalo siyang naiyak. "I thought you were having a mistress. Tapos si Xander,
nagsinungaling pa siya."

Cally "..."

Xander "..." 'napag-utusan lang ako! Bakit parang ako pa ang may kasalanan?'

"M-Master Cally, I'm sorry… Hindi ko po kasi alam na sa inyo po pala nakareserba
ang kwarto na ito. It was reserved after a girl's name." Kagat ang labi na katwiran
ni Mildred.

Nakaramdam ng inis si Cally sa babae. Pinalabas niya na ang lahat ng tao sa kwarto
bukod sa kanila na Prin na maiiwan. Nang-aakusa naman ang tingin ni Khalid sa
babae.

"You ruined the mood," bintang nito sa babae habang papalabas.


"Master Khalid, what am I going to do?" Parang maiiyak na tanong nito.

"As much as I wanted to ask for money to help you, it was my parents' big day, I
won't help you, hmp!" Inirapan nito ang babae saka sumunod kay Xia.

"Master Khalid, I'll pay! H-how about twenty thousand?"

"No go! You hurt my Mommy's feelings." Napapailing na lang si Khalid. Inaya na ito
ni Xia na tumungo sa katabing kwarto para bihisan.

Kahit naman mukha itong pera, ayaw nito na nasasaktan ang Mommy nito.

Kakamot-kamot naman ang ulo ng babae na sumunod na lang kay Xander at sa dalawang
magkasintahan. Hawak pa rin nito ang walis-tambo na parang wala sa sarili.

Samantala, sa kwarto kung saan naiwan ang mag asawang si Prin at Cally. Panay ang
iyak ni Prin habang yakap ang asawa niya.

"Stop crying," utos ni Cally kay Prin. Gustuhin mang mainis ni Cally sa kanya,
hindi nito magawa. Sa kabilang banda, natatawa ito sa ginawa niya.

"Naiiyak lang ako dahil may surprise ka pala sa akin at sinira ko na. Hu hu hu.
What is it exactly?"

"Haaay. Sa totoo lang, ako nga itong dapat na maiyak. I want you to be pretty
tonight pero mukha kang si Dora the explorer na naligaw dito."

Lalong lumakas ang iyak ni Prin. Sinuri naman ni Cally ang kamay niya. Naningkit
ang mata nito nang makita ang galos sa kamay niya dahil ginupi niya ng todo ang
lalaki.

"Honey, stop crying… narinig ko ang mga hinaing mo kanina. At sa totoo lang
natatawa ako na hindi ko alam. I will not have a mistress in any lifetime.
Especially now, I don't have the guts na mambabae," sabi ni Cally. Matapos niya
makita ang kinahinatnan ng lalaki, magtatangka pa ba siya na mangaliwa? He wouldn't
dare.

"Really?"

"Hm.. really." Ginawaran niya ito ng halik sa labi.

Hinawi ni Cally ang bangs ni Prin. He ran his fingers on her neck and collarbone.

"I like your looks on your Yukata kahit nasira na," nakangiti na puri ni Cally.

Bahagya nang nalilis ang suot ni Prin kaya naman sinimulan muli ni Cally na ayusin
ang kasuotan niya.

Hinayaan siya nito na tumayo sa gitna ng kwarto. Tinanggal nito isa-isa ang parte
sa suot niyang yukata; ang obi, na sumusuporta sa tiyan, ang obijime, ang kimono.
Hinayaan lang nito na itira ang haneri, o yung pang loob.

Saka siya sinimulan na suotan muli ni Cally.

Seryoso ito na ibinalik isa-isa ang mga bagay na tinanggal nito. Inaayos nito ang
kasuotan niya na para bang isa siyang japanese doll na binibihisan ng owner nito.
Nawala na ang mga pag-iyak ni Prin at seryoso na pinanonood si Cally sa ginagawa
nito.
How come there is a man like Cally who is perfect in everything?

"I'm not good at expressing words, so I hope you listen," saad ni Cally.

Matapos masiguro na ayos na ang suot niya, sunod na inayos nito ang buhok niya.
Gamit ang mga daliri, sinuklay ni Cally ang buhok ni Prin.

"Nothing or no one will ever change the way I feel for you... not in this
lifetime."

"You are my Prin Matsui, the only one I have ever loved..."

"Destiny, fate and opportunity may have separated us, but today we are still
together. I had never lost hope that we would be together in the past."

"I've enjoyed my every day because of you, Honey. Thank you for making my life
worthy." Hinaplos ni Cally ang pisngi ni Prin.

Sinalubong nila ang mata ng bawat isa. She saw love, respect and peace in his eyes.

"You are my most precious Prin Matsui… my most precious gem, Prin Matsui."

Nagsimula muling lumuha ang mga mata ni Prin. This time, it's because she was
happy. They are tears of joy.

Nilapat ni Cally ang labi sa mga mata niya. Matapos iyon ay sinakop nito ang labi
niya.

Pinasadahan ni Cally ang palad pababa sa katawan ni Prin hanggang sa lumuhod ito sa
harapan niya. Ilang saglit pa ay nilabas nito ang namumukhaan niyang maliit na box.
Nakita niya iyon sa opisina nito.

She saw a three-karat diamond ring. Dinala ni Cally sa labi ang kamay niya na may
galos para halikan.

"My most precious wife Prin Matsui, will you re-marry me?"

She cried hard saka tumango. Sinong mag-aakala na maiisip ni Cally na magpakasal
muli sa kanya? Isinuot nito ang singsing sa daliri niya.

Biglang naisip ni Cally na hindi naman pala ganoon kaimportante ang lugar kung saan
siya magp-propose sa asawa niya. Ang mahalaga ay ang mensahe na nais niyang
iparating.

"Ang pangit ko tuloy habang nagp-propose ka. Hu hu hu." Reklamo ni Prin.

"Oh my gosh Honey, yung ilong mo tumabingi ulit!" Tutop ni Cally ang bibig at
nanlalaki ang mga mata.

Lalong lumakas ang iyak ni Prin.

"I'm just kidding."

Prin "..."
PUMASOK si Prin at Cally sa loob ng bedroom sa parehas na suite.

Namangha siya nang makita ang hilera ng mga kasuotan sa loob ng kwarto. May isang
A-line, off-shoulder na puting gown. Simple lang din na tulad ng pagkatao niya.
Isang white tulle lacey gown iyon na dinidisenyuhan ng mga mga hugis talulot ng
sakura na kulay puti din. Katabi nito ang isang puting tuxedo.

Ang sumunod ay isang white Japanese wedding kimono o uchikake. Katabi rin ang isang
kimono na para sa groom. A traditional Japanese wedding dress.

Ang ikatlo ay nais matawa ni Prin. Their Dark Guard suit na pinatungan lang ng itim
na trenchcoat ang damit ni Cally at nilagyan ng leather na saya ang damit niya para
maging palda ang ilalim. Nakasuot din sa leeg ang mga dog tag nilang dalawa sa
parehas na body stand.

Natutop niya ang bibig matapos masuri ang lahat.

Inangat niya ang paningin kay Cally. "Y-you."

"Yes, Honey. Our renewal of marriage will happen today."

Hindi niya napigilan na lumuha. "Why?"

Halo-halo ang emosyon na nararamdaman niya sa oras na iyon. She was happy,
overwhelmed and thankful.

"Dahil bayad na ang venue," pamimilosopo ni Cally. Pinalo niya ito ng marahan sa
dibdib.

Hindi niya akalain na kahit araw-araw na siyang nasa loob ng hotel ay nakaligtas pa
rin sa kanya ang tungkol sa sarili niyang kasal. Posible na si Apolo ang nag-
asikaso ng lahat kaya nakaligtas sa kanya ang tungkol dito.

Bigla niyang naalala ang pagkakaayos sa Garden. Hindi niya rin akalain na ang
kinaiinggitan niyang pagkakaayos sa hotel na iyon ay para pala sa kanya.

Hindi niya tuloy mapigilan ang pagdaloy ng mga luha niya sa mata.

"Honey, gusto mo bang panget ka sa kasal natin? Stop crying."

"Nasorpresa lang ako sobra. Masyado mong napaghandaan ang lahat. I don't even have
any idea na kasal ko pala ngayon."

Pinunasan ni Cally ang luha niya mula sa box ng tissue na hindi na niya binitawan.
Hinalikan nito ang mga mata niya. Sunod ay ang labi. He kissed her while removing
her clothes. Tinanggal muli nito isa-isa ang bawat parte ng suot niyang yukata.

"Ayoko na ngang magpakasal," komento ni Cally. Panay kasi ang iyak niya.

"Ee.." Pinalo niya ulit ito sa dibdib. Natatawa na lang ito sa kanya.

"What would you like to wear?" Pinapili siya nito sa tatlong kasuotan na naroon sa
kwarto matapos mahubad ang Yukata niya.

"The white gown."

Hinayaan siya nito na nakatayo sa gitna. Hinubad ni Cally ang request niya mula sa
body stand. Matapos nito mahubad ang gown, pinasuot nito sa kanya ang bagay na
iyon.

"Bakit ikaw ang nagsusuot sa akin? Ayaw mo bang masorpresa na makita ako na naka-
gown sa labas."

"Nah! I don't like someone seeing you naked. Kahit babae pa. Saka, noon pa man,
gusto ko nang makita kung ano ang ayos mo kapag nakasuot ka ng wedding gown,"
katwiran ni Cally habang inaangat ang zipper ng gown sa katawan niya.

"I want to be the first person to see you in your wedding gown. Not someone else,"
saka nito inikot ang katawan niya paharap dito.

"Gorgeous," komento nito matapos makita ang kabuuan niya.

"What about Khalid? Kahit siya ang makasama ko, ayaw mo?"

"Hm. Kahit si Khalid," sagot nito.

Pinaupo siya nito sa couch. Sunod na inayos ni Cally ang buhok niya. Tinanggal lang
nito ang malaking bulaklak na nakakabit sa buhok niya at pinalitan iyon ng mga kung
anong hair accessories.

Nasa ganoong ayos sila nang makarinig sila ng mga katok sa pintuan. "Come in."

Dahan-dahan na bumukas iyon at lumitaw ang ulo ni Khalid. Mabilis ito na tumakbo
papalapit sa kanila nang makita ang ayos niya.

"Whoah! Mommy! You are beautiful!" puri nito nang makalapit. Halata ang admiration
sa mga mata nito.

"Really?"

Panay ang tango nito bilang sagot.

"Hey, labas ka muna. Bawal ka dito," suway ni Cally sa anak nila.

Hindi naman ito pinansin ni Khalid at patuloy na sinusuri siya nito. Napalitan ng
pagtawa ang kanina ay pag-iyak ni Prin. Kung paano kasi siya tingnan ng asawa niya
ay ganoon din si Khalid.

Kinandong niya si Khalid kahit nakasuot siya ng puting gown. "I love you, Mommy."

"I love you too, Baby."

Binuhat din sila ng asawa niya mula sa sofa at kinandong sila parehas. Kapwa sila
niyakap nito.

"I love you, Honey." Saka siya hinalikan sa pisngi.

"I love you too, Husbie."

"I love you the most, Mommy."

"Hm. What about me?" tanong ni Cally sa anak nila.

"For four years, I have always loved Snow White."

Nakakunot ang noo ni Cally. Humalakhak naman si Prin dahil hindi nakuha ng asawa
niya ang isinagot ng anak nila. Hindi niya napigilan na halikan ito sa pisngi.
"Daddy as your kid, I just wanted you to know that I don't like another baby pandas
in our home," komento ni Khalid. Lalong natawa si Prin.

Sa ngayon, ay hindi din niya gusto na magkaroon ng panibagong baby panda dahil nais
niyang bawiin ang mga nawala niyang oras kay Khalid. She wants to spend more time
with Khalid.

Maybe after four years, she's ready.

The room was filled with love, laughter, joy and peace.

Nang oras na iyon ay parang ayaw nang lumabas pa ni Prin sa kwarto dahil sa
kakaibang bonding ng pamilya niya. Hugging by her husband and her son is something
she couldn't ignore.

Sa wakas, masasabi niya na buo na ang Panda Family.

You might also like