Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 54

Panalangin Pagkatapos Kumain

Salamat po, O Diyos na makapangyarihan, sa lahat


ng biyayang ipinagkaloob Mo sa amin, sa pamamagitan
ni Kristong aming Panginoon. AMEN.
Batas ng Pananampalataya

O aking Diyos, matatag akong naniniwala na ikaw ang Diyos sa


tatlong banal na persona, Ama, Anak at Espiritu Santo. Naniniwala ako na
ang Iyong banal na Anak ay naging tao at namatay para sa aming mga
kasalanan, at darating siya upang hatulan ang mga buhay at mga patay.
Naniniwala ako sa mga ito at sa lahat ng mga katotohanang itinuturo ng
banal na Simbahang Katolika dahil isiniwalat mo sa kanila kung sino ang
hindi kayang linlangin o malilang. Amen.
O aking Diyos, umaasa sa Iyong walang
katapusang kabutihan at mga pangako, ako ay
Batas ng umaasang makakuha ng kapatawaran sa aking mga
Pag-asa kasalanan sa tulong ng Iyong biyaya, at buhay na
walang hanggan, sa pamamagitan ng mga grasya ni
Hesukristo, aking Panginoon at Manunubos. Amen
Etika
- Naitala ang unang paggamit ng salitang ETIKA noong
ika-14 na siglo syon sa diksiyonaryong Mirriam Webster
(2014).
- Nagsimula sa Middle English na ETHIK mula sa
Griyegong ETHIKE na galing naman sa katagang
ETHIKO.
- Ang lahat ng ito ay tumutukoy sa nakaugaliang
pamamaraan ng PAMUMUHAY at
PAKIKIPAGKAPWA- TAO.
Etika
- Ayon sa FREE DICTIONARY ang ETIKA ay
tumutukoy sa pamantayan ng pagkilos at pag-uugali
batay sa mga katanggap-tanggap na ideya sa kung ano
ang TAMA o MALI.
Etika
- Sa larangan ng PILOSOPIYA ang ETIKA ay
itinuturing na isang sangay na pag-aaral na nakapokus sa
grupo ng mga prinsipyo at paniniwala sa kung ano ang
mabuti at nararapat.
Etika
- Ang pagiging ETIKAL sa PANANALIKSIK ay
tumutukoy sa pagsunod sa pamantayang may
pagpapahalaga sa katapatan, kabutihan at
pagpapanguna sa kapakanan ng kapwa.
Nagpapakita ng mga etikal na isyu sa iba’t ibang bahagi ng
proseso ng pananaliksik. May mga mahahalagang
prinsipyo sa etikal na pananaliksik (ayon sa American
Psychological ssociation ( 2003) at Center for Social Research
Methods ( 2006) na maaaring gabay ng mga nagsisimulang
mananaliksik sa anumang larangan.

NARITO ANG ILAN SA MGA PRINSIPYO:


Marami nang naunang nakagawa/ nakapag-isip
/nag-aral tungkol sa paksang nais mong unawain at
pagyamanin. Nang dahil dito mahalaga ang
pagbanggit at pagkilala sa iba pang mga
mananaliksik at iskolar na naging tuntunan at
pundasyong ng iyong pananaliksik.
Hindi dapat pinipilit ang sinumang kalahok o
respondent sa pagbibigay ng impormasyon o
anumang partisipasyon sa pananaliksik. Bago
magsimula kailanangang maging malinaw sa mga
tagasagot ang kabuuang layunin at halaga ng
kanilang partoisipasyon at buong loob ang kanilang
pakikilahok
Kinakailangang ipaunawa sa mga kalahok na ang
anomang galing sa kanilang mga impormasyon ay
gagamitin lamang sa kapakinabangan ng pananaliksik.
Dapat ding ikubli ng mananaliksik ang pagkakakilanlan
ng tagasagot lalo na kung ang paksa ay sensitibo. Kung
kinakailangan sa colloquium o publikasyon ang resulta
ng pananaliksik ay dapat ipagpaalam ay hingin ang
permiso ng tagasagot na siyang pinagmulan ng datos.
Mahalagang ipaalam sa mga tagasagot ang sistematikong
pagsusuri ng mananaliksik sa kinalabasan ng pag-aaral,
madalas kasi nararamdaman ng mga tagasagot na
ginagamit lamang sila at pagkatapos ay parang balewala
na sila. Dapat ibahagi sa kanila ang resulta ng ginawang
pag-aaral nang sa gaon ay maramdaman nila ang
pagiging bahagi nila sa pag-aaral na iyon.
• Batas Republika Blg. 8293 ( INTELLECTUAL PROPERTY
CODE) nakapaloob ang tinatawag nating PLAGIARISMO

• AYON SA PURDUE UNIVERSITY ONLINE WRITING


LAB ( 2014) ang PLAGIARISMO ay ang tahasang
paggamit at pangongopya ng mga salita at/o ideya nang
walang kaukulang pagbanggit o pagkilala sa pinagmulan
nito.
✓Pag-aangkin sa gawa, produkto o ideya ng iba
✓Hindi paglalagay ng maayos na panipi sa mga
siniping pahayag
✓Pagbibigay g maling impormasyon sa pinagmulan
ng siniping pahayag
✓Pagpapalit ng mga salita sa katulad ng wika o kaya
ay pagsasalin ng teksto ngunit pangongopya sa ideya
nang walang sapat na pagkilala
✓Pangongopya ng napakaraming ideya at pananalita
sa isang pinagkuna na halos bumuo na sa iyong
produkto, tukuyin mo man o hindi ang pinagmulan
nito
- sistematikong kalipunan ng mga metodo o pamamaraan
at proseso ngimbestigasyon na ginamit sa pangngalap ng
datos sa isang pananaliksik.
- Nagmula ito sa LATIN na METHODUS na
nangangahulugang patakaran o alituntunin at LOGIA
na nangangahulugang larangan ng pag-aaral.
- organisadong larangan ng pag-aaral ng mga
pamamaraan at tuntunin na ginagamit sa pagtuklas ng
bagong kaalaman.
- tumutukoy sa pamamaraan sa
pagtuklas
- kalipunan at pagkakaayos ng mga kaalaman hinggil
sa mga hakbang-hakbang tulad ng pangangalap ng
datos, pagsusuri,paglalarawan ng lunan ng
pananliksik at populasyon o ang tagasagot at plano
sa presentasyon ng datos.
• pangkalahatang estratehiya na pinipili ng mananaliksik
upang pagsama-samahin ang lahat ng bahagi at proseso ng
pananaliksik sa maayos at lohikal na paraan,
• detalyadong balangkas kung paano isasagawa ng
imbestigasyon( kung sa paanong paraan mangangalap ng
datos ang mananliksik, ano at paano gagamitin ang
napiling instrumento at ang pamamaraan kung paano
suriin nag datos.
- tumutukoy sa sitematiko at empirikal na
imbestigasyon ng iba’t ibang paksa at
penomenang panlipunan sa pamamagitan ng
matematikal , estadistikal at mga teknik na
gumagamit ng kompyutasyon.
- Ito ay kadalasang tiyak, mapanglahat at
deskriptibo ang konklusyon.
•Sensus sa populasyon
•Antas ng kawalan ng trabaho
•Dami ng naghihirap at paggastos ng mga
mamamayan sa ibang bansa
- kinapapalooban ng mga uri ng pagsisiyasat na
ang layunin ay malalimang unawain ang pag-
uugali ng tao. Hindi ito nagbibigay ng
mapanlahat na konklusyon bagkus ang layunin
lamang ay magpaliwanag at magbigay ng insyal
na pagkaunawa tungo sa pagbuo ng desisyon.
- Layunin ang mapakita ang malinaw at
detalyadong karansan ng tao
- Madalas gamitin ang pakikisalamuhang
obserbasyon (participatory observation) o ang
pakikipagpanayam.
Ginagamitan ng payak na
tanong (questionnaire) na
hinahayaang sagutan ng mga
kalahok. Madalas itong
ginagamit sa mga deskriptibong
pananaliksik na karaniwang
nangangailanagn ng malakihang
bilang ng tagasagot.
Pagkuha ng impormasyon sa
kalahok na may awtoridad o di
kaya ay may personal na
pagkaunawa sa paksa ng
pananaliksik, naglalayong
kumuha ng malalim at malawak
na imporamasyon mula sa taong
kakapanayamin
a. Nakabalangkas na pakikipanayam
(Structured Interview)
- Ito ay eksakto o tiyak ang pagtatanong gaya
ng mga nasa talatanungan, ang kaibahan
lamang ay pasalita ang pamamaraan nito.
b. Bahagyang Nakabalangkas
(Semi- Structured Interview)
- Ito ay ginagamitan lamang ng mga gabay na
tanong upang maging maayos at masistema
ang panayam ngunit hindi strikto.
c. Walang Esktruktura
(Unstructured Interview)
- Layuning galugarin ang nararamdaman ng
kalahok tungkol sa paksa ng panayam.
Impormal ang paraan ng pagtatanong sa mga
ganitong uri ng panayam.
Pagkalap ng impormasyon na susuporta
at magpapatibay sa mga datos sa
pamamagitan ng analitikal na pagbasa sa
mga nasusulat na komunikasyon at mga
dokumento upang malutas ang mga
suliranin Sekondaryang pamamaraan sa
pagsusuri ng mga kaugnay na literatura o
pangunahing pinagmulan ng
pananaliksik.
Ang mga uri ng dokumento na maaaring
pagmulan ng pagsusuri ay ang mga:
• Pampublikong tala
• Iba’t ibang uri ng medya
• Biyograpiya
• Katitikan ng mga pulong o tala ng pangyayari
sa isang komprekensya o kongreso at iba pa
• Nakabalangkas na obserbasyon— Pagmamasid ng
mananaliksik sa mga kalahok na pokus ng pag-aaral
habang sistematikong itinatala ang kanilang
pagkilos, interalsyon at pag-uugali sa pamamagitan
ng gabay ng obserbasyon
• Pakikisalamuhang Obserbasyon- pag-aaral ng
kilos, pag-uugali at interaksiyon ng mga kalahok sa
isang likas na kapaligiran (pakapakapa,
pakikisalamuha at pakikipagpalagayang loob)
Sa bahaging ito nakasaad ang mga batayang
impormasyon tungkol sa mga kalahok ng
pananaliksik. Kabilang dito kung sino, tagasaan
o kung anong institusyon may kaugnay ang
kalahok. Ang mga batayang impormasyong ito
ay propesyon, edad at kasarian depende sa
pangangailangan.
•Ilalahad ang uri ng kasangkapan o instrumentong
gagamitin upang maisagawa ang pamamaraan ng
pananaliksik.
•Nakabatay sa disenyo at pamamaraan ang
instrumento. Binubuo ang instrumento bago ang
aktuwal na pangangalap ng datos. Nagiging bahagi
ng apendiks ang mismong talatanungan, checklist,o
anomang gabay.
Nilalaman ng bahaging ito ang hakbang-hakbang na
plano at proseso sa pagkuha ng datos. Maaaring
gumawa ang mananaliksik ng dayagram upang
maipakita ang mga hakbang sa pangangalap ng datos
o kaya ay ilahad na lamang ang mga ito.
•Kung KWANTITATIBO ang pananaliksik—
nakapaloob sa bahaging ito ang iba’t ibang
estadistikal na pamamaraan para sa
kompyutasyon at pagsusuri ng datos.
• Kung KWALITATIBO ang pananaliksik - madalas
tinutukoy rito kung paanong isinasaayos at bubuuin ang
mga kategorya o maliliit na paksa na magpapaliwanag sa
mga datos na nakalap.
• Ilalagay sa bahaging ito ang kung paano gagawing
sistematiko ang presentasyon ng datos para sa mas
madaling interpretasyon at pagsusuri.
Panuto: Iugnay ang EU # 2 sa: Ang
mabisang pananaliksik ay nararapat na
kakitaan ng pagiging matapat at pagsunod sa
proseso.
EU #2: Ano-anong mahahalagang aspeto sa
buhay mag-aaral mo ang kinakailanagn ng
mga proseso at pagiging matapat? Bakit?
Magbigay ng isa.

You might also like