Professional Documents
Culture Documents
Filipino 10 Q2 Module 5 Final
Filipino 10 Q2 Module 5 Final
Filipino 10 Q2 Module 5 Final
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsusuri sa Nobela Batay sa Pananaw/
Teoryang Pampanitikan na Realismo
“Ang Matanda at Ang Dagat”
Sub-Aralin: Elemento ng Nobela
Filipino – Ikasampung Baitang
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 5: Pagusuri sa Nobela Batay sa Pananaw/Teoryang
Pampanitikan na Realismo
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito
ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa
modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.
Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Pagsusuri sa Nobela Batay sa
Pananaw/Teoryang
Pampanitikan na Realismo
“ANG MATANDA AT ANG DAGAT”
Sub-Aralin: Elemento ng Nobela
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
ii
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad
din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
iii
Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o
pupunan ang patlang ng pangungusap o
talata upang maproseso kung anong
natutuhan mo mula sa aralin.
iv
ALAMIN
MGA KASANAYANG
PAMPAGKATUTO
2. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga
elemento nito (F10PB-IIf-78)
1
PANIMULA
MGA LAYUNIN
2
SUBUKIN
PANIMULANG
PAGTATAYA
3
7. Sa isang malawak na espasyo ng Katedral nagkita-kita ang mamamayan
upang magsaya para sa “Pagdiriwang ng Kahangalan” na isinasagawa sa
loob ng isang araw taon-taon. Anong elemento ng nobela ang lantad sa
pahayag?
A. tagpuan B. pananalita C. tauhan D. tema
10. “Maingat na maingat niyang binuhat ang kamay dahil nagpupuyos sa sakit
ang mga ito.” Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan na
_______.
A. nawawala ang sakit C. kumikirot sa sakit
B. naghihilom D. matinding sakit
11. “Inihanda niya ang salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan
niya ang paglapit ng pating.” Ang salitang may salungguhit ay
nangangahulugan na _______.
A. patalim C. maso
B. ubid D. sibat
12. “Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at hinambalos ito.” Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugan na _______.
A. paraan ng pangingisda
B. paraan ng pag-ehersisyo
C. paraan ng pag-abot na nakaunat ang braso at inilalapit ang katawan
paharap
D. paraan ng pag-abot na nakaunat ang leeg at inilalapit ang katawan pagilid
4
14. Malalaki at malalakas na hampas ng alon ang kinakalaban ng mga
mangingisda sa laot. Anong tunggalian ang lantad sa pahayag?
A. tao vs tao C. tao vs kalikasan
B. tao vs sarili D. tao vs lipunan
Binabati kita!
Nagawa mong sagutan ang
Panimulang Pagtataya nang buong husay at
talino.
Ngayon ay ihanda ang iyong sarili at
magsisimula ka na sa paggalugad ng
panibagong kaalaman.
TUKLASIN
GAWAIN 1
5
SURIIN
PAGSUSURI
PAGYAMANIN
PAGLALAHAD
Teoryang Pampanitikan
Narito ang ilan sa mga teoryang pampanitikan ayon kay Dantes, (2013):
a. Teoryang Romantisismo – layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang
paraan ng tao o sumasagisag sa tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa
kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita rin sa akda na gagawin at
gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang ang kanyang pag-
ibig sa tao o bayang napupusuan.
b. Teoryang Realismo – layunin nito ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan
ng may-akda sa kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa
6
totoong buhay ngunit hindi tuwirang totoo sapagkat isinaalang-alang ng may-
akda ang kasiningan at pagkaepektibo ng kanyang sinulat.
c. Teoryang Eksistensyalismo – layunin ng teoryang ito ay ipakita na may kalayaan
ang tao na pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro
ng kanyang pananatili sa mundo
d. Teoryang Humanismo – layunin nito ay ipakita na may kalayaan ang tao na
pumili o magdesisyon para sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang
pananatili sa mundo (human existence).
e. Teoryang Markismo/Marxismo – layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o
sumasagisag sa tao ay may sariling kakayahan na umangat buhat sa
pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at suliraning panlipunan at
pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa kalugmukan sa akda ay
nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.
https://www.slideshare.net/rafaeladantes/mga-teoryang-pampanitikan
Bago mo gawin ang pagbabasa, alamin mo muna ang mga mahihirap na salita
mula sa akda at bigyan ito ng kahulugan.
Paglinang ng Talasalitaan
Hanapin sa loob ng bangka ang kahulugan ng mga salitang may salungguhit sa
loob ng pangungusap.
likurang bahagi ng
isang sasakyang
pandagat
isang uri ng pating na
may malalaki at
matatalas na ngipin
mahibla
sibat
patalim kumuha
Sailboat Flag Transparent, https://www.google.com.ph/search?q=sailboat+clipart
1. Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko.
7
2. Ni wala siyang makitang isa mang ibon. Dalawang oras na siyang naglalayag,
nagpapahinga sa popa.
3. Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta.
4. Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa pinagkagatan
ng pating.
5. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito mahilatsa
at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke.
Mga Gawain
Gawain 1
Bumuo ng sariling pangungusap gamit ang mga salita na binigyan ng
kahulugan sa talasalitaan.
1. Dentuso
____________________________________________________________
2. Popa
______________________________________________________________
3. Lanseta
______________________________________________________________
4. Pumilas
______________________________________________________________
5. Mahilatsa
______________________________________________________________
8
Gawain 2
saloobin o Pakikipag-
paniniwala sapalaran
kilos o gawi
Santiago
3. Anong klaseng mga pagsubok ang kinakaharap niya at paano niya ito
hinaharap? (Sumulat ng isang pakikipagsapalaran.)
_______________________________________________________________
9
ISAISIP
ISAGAWA
10
PAGLALAPAT
BALANGKAS
I. Panimula
Uri ng panitikan:
Bansang pinagmulan:
Pagkilala sa may-akda:
Layunin ng may-akda:
V. Buod ng akda
_________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
11
Mahusay at Iilan lamang ang
nakapupukaw ng Kompleto ang mga mga
NILALAMAN interes sa mababasa. impormasyong impormasyon
inilalahad. ibinigay.
Mahusay ang Maayos ang Hindi malinaw
pagkakasunod- pagkakasunod- ang mga
ORGANISAS- sunod ng mga sunod ang mga detalyeng
YON detalyeng inilahad. pangyayari. inilahad.
Mahusay at malinis Malinis ang Marumi at
ang pagkasulat. pagkasulat. nakikitaan ng
KALINISAN pagmamadali
KARAGDAGANG
GAWAIN
PAGPAPAYAMAN
REFLEKSIYON
12
Suliranin/
Solusyon
Pagsubok
1. ___________________ 1. ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________
2. ___________________
___________________ 2. ___________________
___________________ ___________________
___________________ ___________________
___________________
TAYAHIN
PANGWAKAS NA
PAGTATAYA
I. PANUTO: Basahing mabuti ang mga sumusunod na mga katanungan. Piliin at
isulat ang titik nang tamang sagot sa kuwaderno.
2. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa puluhan ng isang sagwan.” Ang
salitang may salungguhit ay nangangahulugang ___________?
A. espada B. lubid C. patalim D. sibat
3. Ito ang nagbibigay-daan upang mas lalo pang maging kapana-panabik ang
mga pangyayari sa nobela. Dito ipinapakita ang pakikipagsapalaran o
pakikipagbuno ng pangunahing tauhan laban sa mga problemang
kinakaharap. Anong bahagi ng banghay ito?
A. tagpuan B. pananaw C. tunggalian D. tema
13
4. Ang mga akda na nakasulat sa ibaba ay pawang mga halimbawa ng nobela.
Alin dito ang halimbawa ng mitolohiya?
A. Ang Dagat at Ang Matanda C. Noli Me Tangere
B. Cupid at Psyche D. Kuba ng Notre Dame
“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang isang
tao pero hindi siya magagapi.” “Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-
loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong
salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero
mas matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas
armado lang ako.”
6. “Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang
isang tao pero hindi siya magagapi.” Ipinapakita sa pahayag na _______.
A. hindi dapat magpatalo sa hamon ng buhay.
B. kung may dilim may liwanag ding masisilayan.
C. may pagsubok mang dumating, matatag pa rin itong kahaharapin.
D. nilikha tayo ng Diyos para lumaban at hindi para masaktan lamang.
“Ang naroon lamang ay ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking
mata at ang lumalagutok, umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang
kinalalagyan ng utak ang napuruhan ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay
na salapang na ubos-kayang ipinukol ng kaniyang kamay na nanlalagkit sa
dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at
lubos na hangaring maminsala.”
14
10. “Inulos niya ito nang walang pag-asa”. Ano ang kahulugan ng salitang may
salungguhit?
A. sinaksak B. kinagat C. tinapik D. hinampas
11. “Inulos niya ito nang walang pag-asa pero may katatagan ng pasiya at lubos
na hangaring maminsala.” Anong mahalagang kaisipan ang masasalamin sa
pahayag?
A. kapag wala ng pag-asa sumuko na lang sa pakikibaka
B. ngumiti pa rin kahit na may problemang kinakaharap sa buhay
C. Diyos na ang bahala sa mga taong panay ang naninira sa’yo o sa kapwa.
D. lumaban sa kahit na anong dagok ng buhay dahil habang may buhay may
pag-asa
14. Batay sa nobelang nabasa, ang mga pahayag sa ibaba ay mga pahayag na
nagpapakita ng pangyayari ng reyalidad sa buhay maliban sa isa.
A. Naririnig ng matanda ang ingay ng balat ng pating.
B. Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag.
C. Lumangoy ang pating patungo sa direksiyon ng bangka at ng isda nang
maamoy ang dugo.
D. Naisip ng matanda na kasalanan ang patayin ang isda ngunit siya’y isang
mangingisda na maraming umaasa.
15
16
Panimulang Pagtataya
1. b 6. c 11. b
2. c 7. a 12. d
3. b 8. a 13. c
4. d 9. a 14. a
5. b 10. d 15. a
Paglinang ng Talasalitaan
1. dentuso – Isang uri ng pating na may malalaki at matatalas na ngipin
2. popa – likurang bahagi ng isang sasakyang pandagat
3. lanseta – patalim
4. pumilas – kumuha
5. mahilatsa – mahibla
Paglalapat
Pagsusuri: Ang pamantayan ang gagamitin sa pagbibigay ng marka/puntos.
Pangwakas na Pagtataya
I. Isulat ang titik ng tamang sagot.
1. B 6. C 11. D
2. C 7. B 12. C
3. A 8. B 13. C
4. C 9. D 14. A
5. B 10. C 15. C
SUSI SA PAGWAWASTO
MGA SANGGUNIAN
Cawas, Rodrigo, Eltanal, Venicar P., Lastimosa, Mary Lovilin I., Villasan, Marilyn M.,
Oville, Gernade G., Dagangan, Alma M., Piñero, Aida T., Dumagpi, Lanie O.,
Fabila, Shem Don C., Pinadaling Paraan ng Pagtuturo gn Filipino 10 Sanayang
Aklat, Dumaguete City, Negros Oriental Division. 2017
Vilma c. Ambat et. Al., “Panitikang Pangaigdig: Filipino 10, Modyul para sa Mag-aaral”
Vibal Group Inc., 2015
Dantes, Rafaela. Mga teoryang pampanitikan. Published on Jan 20, 2013. Accessed
June 22, 2020
https://www.slideshare.net/rafaeladantes/mga-teoryang-pampanitikan
edrawsoft. Main Idea and Details Template – Edraw. Accessed June 22, 2020
https://www.edrawsoft.com/template-tree-main-idea-details.php
17
MARYNELL G. MAQUILING. Siya ay kasalukuyang
nagtuturo sa Jimalalud NHS at tagapayo ng
BALINTATAW ang pahayagan ng nasabing paaralan.
Miyembro ng NOSPAA at auditor ng 1st Congressional
District ng nabanggit na samahan. Natamo ang 39
yunits/CAR ng Master of Arts in Education in Filipino sa
Central Philippines State University, San Carlos
Campus. Pinalad siyang mapabilang at naatasang
sumalat ng Grade 7 Sanayang Aklat.