Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa kasaysayan ng sibilisasyon at kultura ng tao, ang mga tuklas o imbento ang siyang nagdudulotng

malaking pagbabago dito. Teknolohiya ang kaagapay na disiplina ng pangyayarıng ito upang praktikal
namaisakatuparan ang mga tuklas ng tao at pangunahıng nakıkinabang ang komunikasyon. Ginugugol ng
taoang malakıng bahagi ng kanyang pag-iisip kung paanong mapadadali ang kaniyang
pakikipagtalastasan sakapuwa sa kabila ng maraming limitasyong dulot ng iba't ibang sitwasyon.

Ang mga pangyayari sa tinatawag natelecommunication revolution ay nagdulot ng malaking


impaksa teknolohiya ng komunikasyon mula nang maipakilala ang telgraph noong dekada 40 ng siglo 19.
Kaagapaynito ang pagsulong ngMorse Code noong 1844 (Search Unified Communication). Ang mga
tuklas na ito angnagbunsod sa iba't ibang modipikasyon at pagbabago sa teknolohiya ng komunikasyon.
Taong 1960 nangmagkaroon ngtelecommunication satellite na isang balloon. Naging sunod-sunod na ang
lalo pang pag-unladng teknolohiya hanggang sa makapaglagay ng unang satellite sa kalawakan, ang
Telstar, na naging dahilanupang maging posible ang komunikasyon ng tao sa bawat panig ng mundo
(Harasim, 1993:5)

Pinakabagong bunga ng teknolohiya ang internet . Ayon sa mga pag-aaral ng UCLA (University
ofCalifornia, Los Angeles)Internet Report , kinakatawan ng internet ang pinakamakabuluhang hakbang
ngpagsulong ng teknolohiya sa henerasyong ito (Cole, et al., 2000). Bagama't hindi pa gaanong naglalaon
angtuklas na ito ng tao, naging mabilis at dinamiko ang mga pagbabagong nagaganap dito sa pagtugon
samasalimuot at masiglang pangangailangan ng tao sa pang-araw-araw na buhay. Ang teknolohiyang ito
aylumaganap at lumago sa isang kamangha-manghang bilis (Maciuba, 2002:13).

Lumiit ang mundo ngayon dahil sa internet (Caro, 2007). Naging bahagi na ito ng buhay ng
maramingtao sa sosyal, intelektuwal, ekonomiko, at propesyonal na aspekto ng buhay. Ang internet ay
isangkomunidad, isang sosyo-teknikal na sistema ng komunidad na ang mga miyembro ay pinag-uugnay
ngteknolohiya (Walls, 1993:155). Isa itong di-pisikal na lugar kung saan nagkakaroon ng ugnayam ang
mga taosa iba't iba at kakaibang paraan. Isa itong global na midyum ng komunikasyon. Ang internet ay
komunikasyonkahit saan, kahit anong oras (Harasim, 1993:22), isang kahanga-hangang tuklas ng tao

Ang mundo ng internet ay hindi masusukat sa pisikal na laki o lawak nito. Walang masasabing
layo,lapad, lawak o lalim man upang matukoy ang hanggahan ng kayang marating nito. Nangangahulugan
lamangna bawat indibidwal ay may malaking puwang na maaaring kalagyan sa mundo ng internet at
magamit angidinudulot nito sa buhay ng sangkatauhan. Nagsimula nang lumaganap ang internet sa
komunıkasyon ngmga Pilipino at isang bagay ang posibleng mangyari, ang maimpluwensiyahan nito ang
wika ng bansa.

Sa madalas na paggamit ng internet, hindi nalalayong mabago ang pang-araw- araw na takbo
ngpamumuhay at maging ang paraan ng pakikipagkapuwa-tao ng isang indıbidwal. Dahil sa
impluwensiya nginternet, nagkakaroon ng bahid ng pagbabago ang anyo at gamit ng wika sa
komunikasyongonline. Sabi nga,"Computer- mediated Communication (CMC) has been found to exhibit
certain characteristics typical of written communication, certain characteristics typical of spoken
communication, and other characteristics unique tothe computer medium" (Shetzer at Warschauer,
2000:173). Ito ang inalam at sinuri ng kasalukuyang pag-aaral. Naging pangunahing suliranin ng pag-aaral
ang "eFil" (terminong ipinangalan ng mananaliksik upangtumukoy sa elektronikong rehistro ng wikang
Filipino) sa ilang piling anyo ng“komnet" (terminong binuo ngmananaliksik mula sa pariralang
komunikasyong pang-internet bilang katumbas ng online communication).Sinikap alamin ang uri,
kalikasan, estruktura o kabuuang katangian ng wikang Filipino sa ilangkomunikasyong umiral sa internet
sa kasalukuyan.
Mga Barayti at Baryasyong Antropolohikal: Pagsilip sa mga Hibla’t Habi ng Wika,
Kultura at Lipunan

You might also like