Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

DEPARTMENT OF EDUCATION

10 DIVISION OF CITY SCHOOLS QUEZON CITY


NOVALICHES HIGH SCHOOL
SUBJECT FILIPINO
DEVELOPMENT TEAM
Author Zenaida P. Galo
Content Evaluator Helen G. Bulan
Language Evaluator Helen G. Bulan
Format Evaluator Ana Rose P. Nebran / Marilyn P. Nicolas
ICT Coordinator Janlee Mark F. Mabunga
GOVERNMENT PROPERTY NOT FOR SALE

Name of Student: _______________________________________ Date Received: __________


Section: _______________________________________ Date Accomplished: __________
Name of Teacher: _______________________________________ Score: __________

UNANG MARKAHAN
ARALIN 1.2 SANAYSAY: Greece
Panitikan: Ang ALEGORYA ng Yungib (Mula sa Allegory of the Cave ni Plato)
Wika: Mga Ekspresyon sa Pagpapahayag sa Konsepto ng Pananaw
LEARNING ACTIVITY SHEETS

I. PANIMULA :
Sa araling ito ay magpapatuloy ang iyong pag-aaral sa isang bagong aralin tungkol sa sanaysay.Mababasa ninyo ang
ilang opinyon ng isang kilalang tao na kagaya ni Plato. Ikaw kaya ay sasang-ayon o sasalungat sa kanya?
Ano kaya ang ating ekspresyon na maaaring gamitin kung tayo ay magpapakita ng ating pananaw o konsepto? Ihanda
ang iyong sarili sa isang mapaghamong aralin sa linggong ito.

II. MGA LAYUNIN :


Inaasahang pagkatapos ng isang linggong pag-aaral ay makakamit mo ang mga sumusunod na layunin:
A. Naipapaliwanag ang pangunahing paksa at pantulong na mga ideya sa napakinggang impormasyon sa radyo o iba
pang anyo ng media.
B. Nabibigyang reaksyon ang mga kaisipan o ideya sa tinalakay na akda, ang pagiging makatotohanan/ di -
makatotohanan ng mga pangyayari sa sanaysay.
C. Natutukoy ang mga salitang magkakapareho o magkakaugnay ang kahulugan.
D. Natatalakay, naitatala ang mga impormasyon tungkol sa isang nabasa o napanood na nagpapakita ng isa sa mga
napapanahong isyung pandaigdig.
E. Nagagamit ang angkop na mga pahayag sa pagbibigay ng sariling pananaw.

Bago ka magpatuloy ay sagutin mo muna ang Paunang Pagsubok.

III. PAUNANG PAGSUBOK


Panuto : Piliin at isulat sa nakalaang patlang ang titik ng tamang sagot.
_____ 1. Ito ay isang uri ng akdang nasa anyong tuluyan na naglalahad ng sariling pananaw ng sumulat.
A. sanaysay C. tula
B. awit D. nobela
_____ 2. Ang sanaysay na “Alegorya ng Yungib” ay sanaysay ukol sa daalawang taong nag-uusap, ang marunong na si
Socrates at ang kapatid ni Plato na si_______.
A. Victor Hugo C. Glaucon
B. Guy de Maupasant D. Apuleius
_____ 3. Ang kalagayan ng mga taong bilanggo sa loob ng yungib ay-_______.
A. Ang mga kamay ay nakakadena C. paa lamang ang nakakadena
B. Nakakadena ang buong katawan D. ang mga binti at leeg ay nakakadena
_____ 4. Ayon kay Plato,ang tinutukoy na mga tao sa yungib ay ang sangkatauhan. Aling ekspresyon ang ginamit sa
pagpapahayag ng pananaw?
A. ayon sa C. batay sa
B. ayon kay D. sang-ayon sa
_____ 5. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at habambuhay sa kahabag-habag
na kalagayan. Aling ekspresyon ang ginamit sa pagpapahayag ng pananaw?
A. ayon sa C. batay sa
B. ayon kay D. sa palagay ko

IV. BALIK-ARAL
Sa nakaraang aralin ay tinalakay natin ang tungkol sa mitolohiya. Naalala mo pa ba ang mga diyos at diyosa? Subukan
mo nga uling sagutin ang mga sumususunod na tanong.

F10W2p.1
Panuto : Isulat sa patlang ang tinutukoy sa mga pahayag.

______1. Diyos ng propesiya, liwanag at araw.


______ 2. Tawag sa pagkain ng mga diyos at diyosa.
______ 3. Kapatid ni Jupiter, panginoon ng impiyerno.
______ 4. Ang anak ni Venus at diyos ng pagmamahal.
______ 5. Ang tumulong upang tuluyang makapagpakasal si Cupid at Psyche.

V. TUKLASIN
Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran at bagong karanasan. Handa ka na bang tumuklas ng bagong kaalaman?
Ang pananaw mo kaya ay magiging pananaw din ng iba. Sa pagtuklas mo ng mga bagong pananaw nakikilala mo rin kaya ang
pangunahing kaisipan sa pantulong na kisipan o detalye.

PANSININ:

Ang talata ay binubuo ng isa o lipon ng mga pangungusap na magkaugnay. Ito ay binubuo rin ng Pangunahing Paksa (PP)
at mga Pantulong na Detalye / Kaisipan (PD).

Pangunahing Paksa (main idea) - ito ang sentro o pangunahing tema sa talata. Kadalasan ay makikita sa unang
pangungusap (imply) at huling pangungusap (konklusyon).

Pantulong na Detalye / Kaisipan (supporting details / information) - ito naman ang mga mahahalagang kaisipan o mga
susing pangungusap na may kaugnayan sa paksang pangungusap.

Halimbawa:

Ginagawa ni nanay araw-araw ang pagluluto ng pagkain. Hinuhugasan niya muna ang mga mga gulay at hinihimay isa- isa
ang mga ito.Tinitiyak niyang handa na ang lahat ng sangkap na gagamitin bago siya magluto.

Pansinin na ang may salungguhit sa talata ang pangunahing kaisipan samantalang ang iba pang pahayag ang mga
pantulong na detalye..Handa ka na bang sagutin ang unang gawain?

GAWAIN 1: Kilalanin ang PANGUNAHING kaisipan sa PANTULONG na detalye.

Isulat ang PP kung pangunahing paksa at PI kung pantulong na ideya ang mga sumusunod na pahayag.
____1. May tatlong bilanggo na mula pagkasilang ay nakatira sa yungib.
____2. Ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena, kaya hindi sila makagalaw.
____3.Ang nakikita lamang nila ay ang nasa harap nila dahil hinahadlangan ng mga kadena ang pagbaling ng kanilang mga
ulo.
____4. Sa kanilang likuran, ay may apoy na nagliliyab.
____5.At mayroon silang mga nakikitang mga imahe. Mga taong dumaraan sa pagitan ng mga pader.
____6. May dala-dala silang mga sisidlan, rebulto at pigurin ng mga hayop.
____7.At lumaya ang isa sa mga bilanggo.Ito”y tumayo at ibinaling ang kanyang leeg sa liwanag.
____8. Makakaranas siya ng matinding sakit, magdurusa sa liwanag at hindi niya makikita ang tototong bagay.
____9. Sasakit ang kanyang mga mata at muling bababaling ng tingin sa likod upang muli ay makita ang dating aninong
kanyang nakikita.
____10.Subalit kung mahihirati ang kanyang mga mata sa liwanag , makikita niya ang realidad.
Binabati kita, at nasagutan mo ang unang gawain. Bago mo mabasa ang nakahandang teksto para sa linggong ito, nais
kong ihanda mo ang iyong sarili para sa mga Pokus na Tanong. Ito ang mga tanong na kailangang mong pag-isipan habang
nagbabasa at nagsasagot ng mga gawain at pagsasanay.

B. POKUS NA TANONG

1. Paano makatutulong ang sanaysay sa pagkakaroon ng kaalaman sa kultura, kaugalian at pamumuhay upang
makabuo ng sariling pananaw?
2. Nakatutulong ba ang paggamit ng ekspresyon sa pagpapahayg ng pananw at pagpapahiwatig ng pagbabago o
pag-iiba ng paksa? Pangatwiranan.

VI- LINANGIN:

Bago mo tuluyang basahin ang sanaysay sagutin muna ang mga sumusunod na talasalitaan.

F10W2p.2
Panuto. Isulat sa patlang sa ibaba ang dalawang salitang magkasingkahulugan o magkaugnay sa loob ng pangungusap.
1.May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan ng kuweba.
________________________________________

2. Nasisilayan mo rin ba ang mga taong dumaraan sa pagitan ng mga dingding na may dala-dalang mga pigurin at larawan ng
mga hayop? Naipakita mo sa akin ang kakaiba nilang imahe.
_________________________________________
3.Kailangang mahirati ang kanyang paningin sa dakong itaas ng mundo, masanay sa liwanag upang makita niya ang mga
anino.
_________________________________________

4. Ang kaliluhan at kataksilan ay humahanap ng ningning upang hindi mapagmalas ng mga matang tumatanghal ang kanilang
kapangitan.
_________________________________________
5. Ang bubog kung tinatamaan ng nag-aapoy na sikat ng araw ay nagniningning at kumikislap ngunit sumusugat sa kamay ng
nagaganyak na dumampot.

_________________________________________
Nais kitang palakpakan at nasagot mo ang talasalitaan. Kaya mo na kayang gumawa ng limang pangungusap na may
dalawang salitang magkaugnay. Gawin ito sa loob ng kahon. Salungguhitan ang dalawang salitang magkasingkahulugan.

1.
2.
3.
4.
5.

B. Pagbasa ng TEKSTO:

ANG ALEGORYA NG YUNGIB ni: Plato

(Isinalin sa Filipino ni Willita A. Enrijo)

At ngayon, sinasabi ko na hayaan mong ipakita ko ang isang anyo na dapat mabatid o hindi mabatid tungkol sa ating
kalikasan: Pagmasdan! May mga taong naninirahan sa yungib na may lagusan patungo sa liwanag na umaabot sa kabuuan nito.
Sila’y naroroon mula pagkabata, at ang kanilang mga binti at leeg ay nakakadena kung kaya’t hindi sila makagalaw, hadlang ito
sa pagkilos pati ng kanilang mga ulo . Sa di kalayuan, sa taas at likod nila ay may apoy na nagliliyab, sa pagitan ng apoy at mga
bilanggo may daang papataas. Kung ang paningin mo ay dadako sa mababang pader nito, maihahalintulad ito sa isang tabing na
pinagtatanghalan ng mga puppet.

Nasilayan ko.

At nasilayan mo rin ba ang mga taong dumadaan sa pagitan ng mga dingding na may dala- dalang mga monumento at
larawan ng mga hayop na likha sa kahoy at bato? Ang iba sa kanila ay nagsasalita, ang iba ay tahimik. Naipakita mo sa akin ang
kakaiba nilang imahe. Sila nga ay kakaibang mga bilanggo.

Katulad natin, ang tugon ko, na ang tangi nilang nakikita ay pawang sarili nilang mga anino?

Totoo, ang sabi niya, paano nila makikita ang ano man kung hindi sila pinahihintulutang gumalaw maging ang kanilang
mga ulo? At may mga bagay na dapat lamang dalhin sa paraang dapat lamang makita ng mga anino? Oo, sabi niya. At kung
nakaya nilang hindi sumang-ayon sa isa’t isa, hindi ba nila ipinalalagay na sila ay tumutukoy ng kung ano pa man para sa kanila?

Tunay nga.

At sa higit pang pagpapalagay na ang mga bilanggo ay may alingawngaw mula sa ibang dako, hindi ba nila natitiyak na
baka guniguni lamang ito ng isang dumaan at may ipinagpapalagay tungkol sa pinagmumulan ng tinig?

Walang tanong-tanong, ang tugon.


F10W2p.3
Sa kanila, ang sabi ko, ang katotohanan ay walang kahulugan kundi ang anino ng mga imahe. Iyan ang tiyak. Ngayon,
balikan muli natin kung ano ang likas na magaganap kung sakaling ang mga bilanggo ay maging malaya at di maaabuso sa
kanilang pagkakamali. Sa una, kung ang isa sa kanila ay mapalalaya at biglang tumayo, lumingon, lumakad at tumingin patungo
sa liwanag. Magdurusa sa sobrang sakit. Ito mismo ang magpapalungkot sa kaniya. Gayundin hindi niya makikita ang dati niyang
kalagayan sapagkat ang tanging nakikita niya ay mga anino lamang. Pagkatapos isaisip, tinuran ng isa na ang kaniyang nakita
noong una ay guniguni lamang, ngunit ngayon, siya ay papalapit na sa pagkatao. Nakikita niya, mayroon na siyang maliwanag
na pananaw- ano ang magiging tugon niya?

O kaya’y, maaari mong isipin na ang kaniyang guro ay nagtuturo ng mga bagay na dapat niya lamang kilalanin. Hindi ba
siya nagugulumihanan? Hindi kaya siya mahumaling na ang anino na kaniyang nakita noong una ay mas tunay kaysa mga bagay
na nakikita niya sa kasalukuyan?

Malayong katotohanan.

At kung siya ay napilitang tumingin nang diretso sa liwanag, wala ba siyang nararamdamang sakit upang siya’y magkubli
sa nakikitang bagay? Kaniya bang aakalain na siya ay nasa katotohanang mas maliwanag kaysa mga bagay na nakikita sa
kasalukuyan?

Totoo, ang sabi niya.

At kung ipinalalagay pang muli na siya ay atubiling hinila pataas sa matarik at bako-bakong daan hanggang sapilitan
siyang makarating sa harap mismo ng araw, hindi ba siya mahihirapan at magagalit? Kapag nilapitan niya ang liwanag, ang
kaniyang mga mata ay maaaring masilaw at hindi niya magagawang makita ang mga bagay-bagay sa kasalukuyan - ang
katotohanan.

Hindi muna sa kasalukuyan, sabi niya.

Kailangang mahirati ang kaniyang paningin sa dakong itaas ng mundo. At makita niya nang maliwanag ang mga anino,
kasunod ay ang repleksiyon ng tao at iba pang bagay sa tubig, at ang mismong mga bagay. Pagkatapos, tititig siya sa liwanag ng
buwan at mga bituin, at sa maningning na kalangitan; at kaniyang makikita ang ulap at mga bituin sa gabi nang mas maningning
kaysa liwanag ng araw na hatid ng umaga.

Tiyak.

Higit sa lahat, magkakaroon siya ng kakayahang makita ang araw, hindi lamang ang repleksiyon niya sa tubig kundi
makikita niya ang sarili sa kinaroroonan, at hindi sa iba pa man, at siya ay makapagninilay-nilay kung sino siya.

Tiyak.

At siya ay makararating sa pagtatalo na siya mismo ay naglaan ng panahon. At ang gumagabay sa lahat ng ito ay yaong
nakikita sa mundo, na naging dahilan upang siya at ang kaniyang kapwa ay masanay sa pagtitig.

Maliwanag, sabi niya, una niyang makikita ang liwanag pagkatapos ang dahilan tungkol sa kaniyang sarili. At kung
maalala niya ang dating tahanan, at ang karunungan sa yungib pati ang mga kapuwa bilanggo, hindi ba niya maipalalagay na
mapaliligaya niya ang sarili sa pagbabago at kaawaan na lamang sila?

Tiyak at tumpak.

At kung sila ay nasanay na sa pagtanggap ng mga karangalan sa kung sino sa kanila ang mabilis na makapuna sa
pagdaan ng mga anino at makapagsabi kung sino ang nakaranas niyon dati? Kung sinuman ang makapagpapasiya nang
mahusay para sa kinabukasan, sa iyo bang palagay sino ang makapag-iingat sa tinatawag na dangal at kaluwalhatian? O kaya’y
kainggitan ba ang may taglay nito? Hindi ba niya babanggitin ang tinuran ni Homer.

“Mas mabuting maging mahirap na alipin ng dukhang panginoon.” At matututuhang tiisin ang mga bagay kaysa isaisip
ang kanilang ginagawa at mamuhay katulad ng kanilang gawi?

Oo, ang sabi niya. Sa palagay ko ay pipiliin niyang magtiis kaysa aliwin ang mga huwad na akala at mabuhay sa kahabag-
habag na kalagayan.

Para makatiyak, sabi niya.

At kung mayroon mang paligsahan, at kailangan niyang makipagtagisan sa pagsukat sa mga anino kasama ang mga
bilanggo na kailanman ay di nakalaya mula sa yungib. Sa sandaling ang paningin ay nananatiling mahina, at bago ito maging
matatag (may dapat isaalang – alang sa panahon na kakailanganin upang makamit ang bagong kalagayan ng paningin) hindi ba
siya katawa-tawa? Sasabihin ng tao sa kaniya na ang pagpunta at pagdating niya nang wala ang mga paningin ay mas mabuti
na hindi na lamang isaisip ang pag-unlad. At kung sinuman ang sumubok na palayain ang iba at gabayan patungo sa liwanag;
hayaang hulihin ang nagkasala at dalhin nila sa kamatayan.

Walang tanong, ang sabi niya.


F10W2p.4
Ito ang kabuuan ng alegorya, ang sabi ko; maaari mong dagdagan mahal kong Glaucon ang mga dating katuwiran. Ang
bilangguan ay mundo ng paningin, ang ilaw ng apoy ay ang araw. Hindi mo ako mamamali kung ipakakahulugan mo na ang
paglalakbay papataas ay maging pag-ahon ng kaluluwa patungo sa intelektuwal na mundo batay sa mahina kong paniniwala.
Aking ipinahahayag, ito ay batid ng Diyos maging tama man o mali. Ngunit tunay man o huwad, ang aking opinyon sa mundo ng
karunungan ay ito, ang ideya ng kabutihan ay nananatili sa huli at matatagpuan lamang nang may pagpupunyagi; at kapag ito’y
natagpuan, ang lahat ng bagay na maganda at tama sa daigdig at ang pangunahing pinagmumulan ng dahilan at katotohanan ay
yaong sinumang may kapangyarihang kumilos nang may katuwiran sa publiko o pribadong buhay. Samakatuwid kailangan na
ang kaniyang mga mata ay may matibay na tuon para sa mga bagay na ito.

Sumasang-ayon ako, sabi niya, hanggat may kakayahan akong maunawaan ka.

At ang sabi ko, huwag kang magtaka sa iba na may magandang pananaw na ayaw man lang magbahagi para sa
kapakanan ng tao; para sa kanilang kaluluwa sa itaas ng mundo ay madali lamang kung saan sila’y naghahangad na manirahan;
magiging likas ang kanilang paghahangad, kung ang ating alegorya ay mapagkakatiwalaan.

Oo, tunay na likas.

At mayroon bang bagay na nakapagtataka sa mga taong nakadaan mula sa banal na pagninilay-nilay patungo sa
makasalanan nilang kalagayan o gumawa ng labag sa kagandahang-asal? Samantala, habang ang kaniyang mga mata ay
kumukurap bago siya mahirati sa kadiliman, siya ay mapipilitang lumaban sa korte o sa ibang lugar, tungkol sa anino ng imahe
ng katarungan at magpupunyaging maunawaan nang ganap ang katarungan.

Anuman, ngunit kamangha-mangha ang kaniyang tugon.

Sinuman ang may wastong pag-iisip ay mababatid na ang pagkalito ng mga paningin ay dalawang uri o nanggaling sa
dalawang dahilan, maaaring mula sa paglabas ng liwanag o patungo sa liwanag. Kapag nakita niya na sinuman na may pananaw
na magulo at mahina ay masasabing hindi pa handang humalakhak. Una niyang itatanong kung ang kaluluwa ba ng tao ay
maghahatid nang maliwanag na buhay? O kaya’y maglalapit mula kadiliman patungo sa araw na labis na nakasisilaw? At kaniyang
bibilangin ang maligayang kalagayan niya, at siya ay maaawa sa iba, o kung nasa isipan man niyang pagtawanan ang kaluluwa
na nanggaling mula ilalim patungo sa liwanag, mayroon pang mga dahilan bukod dito kaysa mga halakhak na bumati sa kaniya
at bumalik mula sa itaas ng liwanag patungo sa yungib.Iyan, ang sabi niya na dapat itangi.

C. Pang-unawa sa Binasa:

1. Ibigay ang paksa ng sanaysay__________________________________________.


2. Ilarawan ang kalagayan ng mga bilanggo________________________________.
3. Magbigay ng mga nagkakasalungatang ideya o kaisipan sa sanaysay.Magbigay ng tatlong ideya.
a. ________________________________________________________________________
Kasalungat_______________________________________________________________
b. _______________________________________________________________________
Kasalungat ______________________________________________________________
c. _______________________________________________________________________
Kasalungat______________________________________________________________.

Nahamon ba ng mga natapos mo ng gawain ang iyong kakayahan? Ano ang iyong napuna sa pagbibigay mo ng iba’t
ibang ideya?

PANITIKAN: TANDAAN
Matapos mong malaman ang mahahalagang impormayon tungkol sa sanaysay, narito naman ang mga angkop na
pahayag upang magbigay ng sariling opinyon
Sa pagbibigay ng sariling opinyon narito ang talaan ng mga pahayag maari mong gamitin.

A. SANAYSAY- ay isang sulating na kung saan ito’y kadalasang naglalaman ng mga


pananaw, kuro-kuro, o opinyon ng isang awtor . Maipapahayag ng may- akda ang kanyang damdamin sa mga
mambabasa, Ito rin ay isang uri ng pakikipag-komunikasyon na ang layunin nito ay maipabatid ang kanyang saloobin sa
isang paksa o isyu. Ang Ingles na salin nito ay essay. May dalawang uri ng sanaysay:
▪ Pormal – ang uri nito ay may mga seryosong mga paksa na nagtataglay ng masusing pananaliksik ng taong
sumulat. Ito ay kadalasang nagbibigay ng impormasyon ukol sa isang paksang di-karaniwan. Pili ang mga salitang
ginagamit.
▪ Di-Pormal – Tumatalakay naman nito sa mga paksang karaniwan, personal, at pang araw-araw na kasiya-siya o
mapang-aliw para sa mga mambabasa. Minsan ay binigyang diin ng mga ordinaryong bagay. Maaring pagbibigay
karanasan ng may-akda sa isang pangyayari kung saan maipakita niya ang kanyang personalidad na parang
nakikipag-usap siya sa isang kaibigan.

F10W2p.5
Mga Bahagi
1. Simula / Panimula – Ito ang pinakamahalagang bahagi dahil dito ang inaasahan malalaman kung ano ang paksa. Mabisang
mahikayat ang mambabasa na ipagpatuloy ang kanyang binabasang sulatin. Dapat makuha ng akda ang atensyon at damdamin ng
mambabasa.
2. Gitna / Katawan – Dito naman sa bahaging ito mababasa ang mga mahalagang puntos o idea ukol sa paksang pinili at sinulat ng
may-akda. Dito rin natin malalaman ang buong puntos dahil ipinapaliwanag ng maayos at mabuti ang paksang pinag-uusapan o
binibigyang pansin.
3. Wakas – Sa bahaging ito isinasara at pagbibigay buod ng paksa. Dito rin naghahamon ang may- akda sa mga isip at damdamin ng
mga mambabasa na maisakatuparan ang kanyang layunin sa pagsulat.

ELEMENTO NG SANAYSAY:
1 Tema at Nilalaman - tumutukoy sa kung anuman ang nilalaman ng sanaysay ay itinuturing na paksa dahil sa layunin sa pagkakasulat
nito at kaisipang ibinahagi
2. Anyo at Istruktura - maayos na pagkakasunud-sunod ng ideya o pangyayari
3. Kaisipan - mga ideyang nabanggit na kaugnay o panlinaw sa tema
4. Wika at Istilo - mabuting gumamit ng simple, natural at matapat na mga pahayag
5. Larawan ng Buhay - masining na paglalahad na gumagamit ng sariling himig ang may akda
6. Damdamin - naihahayag ang damdamin nang may kaangkupan at kawastuhan sa paraang may kalawakan at kaganapan
7. Himig - naipapahiwatig ang kulay o kalikasan ng damdamin

GRAMATIKA: TANDAAN…..
Angkop na mga Pahayag sa Pagbibigay ng Sariling Opinyon o Pananaw.

. Ang masasabi ko ay.. . Sa ganang akin


. Ang pagkakaalam ko ay.. . Buong igting kong sinusuportahan ang ..
. Ang paniniwala ko ay.. . Kumbinsido akong..
. Kung ako ang tatanungin.. . Lubos kong pinaniniwalaan..
. Para sa akin.. . Labis akong naninindigan na ..
. Sa aking palagay.. . Sa tingin ko ..
. Sa tingin ko ay.. . Sa aking pananaw..
. Mahusay ang sinasabi mo at ako man ay.. . Hindi ako sumasangayon sa sinasabi mo dahil..
. Sa pakiwari ko ay

COVID-19 sa Pinas, Tumataas

Umaabot sa kabuuang 30,052 na kaso ang naitala ng Department of Health (DOH)


nitong Hulyo21. Naitala ang bilang ng gumaling sa 7893 samantalang 1169 naman ang pumanaw.
Bunga ito ng pagbubukas ng ilang establisemyemto sa bansa at unti -unting pagbabalik ng pampublikong sasakyan
sa bansa.
Kailangan nating paunti- unting magbukas ng negosyo upang kahit papaano ay makabangon kahit paano ang
ekonomiya ng bansa, paliwanag ni Harry Roque, tagapagsalita ng Pangulo.
Naging maayos ang pagbabalik probinsya ng ilang kababayan nating tinatawag nilang locally stranded individual
(LSI) sa ibat ibang lalawigan ng bansa. Ilang Local Goverment unit (LGU) ang umaapela sa gobyerno dahil pagdating sa
kanilang probinsya nay nagpopositibo ang ilan sa mga ito.
Pinag-aaralan ng IATF ( Inter Agency Task Force) na muling pumasada ang mga dyip bunga ng kakulangan ng
transportasyon sa bansa.
Kasabay ng tagubilin sa mamamayan na manatili sa bahay kung walang mahalagang gagawin sa labas.
ni: Zenaida Galo
Hunyo 22, 2020

Gawain blg.1

Matapos mong mabasa ang balita tungkol sa nararanasang pandemya ng buong mundo. Handa ka na bang talakayin
ang ilang nakapaloob na isyu sa bansa at sa daigdig.? Gumamit ng mga angkop na pahayag sa pagbibigay opinyon at pananaw
at salungguhitan ito.

1. Sang-ayon ka ba sa isang malawakang mass testing?Ano ang kabutihang dulot nito?


_________________________________________________________
________________________________________________________.
2.Paano nakaapekto sa ekonomiya ng bansa at ng buong mundo ang covid-19. Sa iyong palagay ano ang epekto rin
nito sa iyo at sa iyong pamilya.?
____________________________________________________________________
_____________________________________________________________
3.Maraming masamang epekto ang pandemya sa tao, bansa at sa mundo. Subalit bilang isang mag-aaral ano ang
positibo mong pananaw ukol dito. Ano ang personal mong natutuhan sa nararanasang pandemya?
______________________________________________________________________________________________________
__________________________________________________________________________________.

F10W2p.6
4. Sang-ayon ka ba sa ginagawang paraan sa paglutas ng pamahalaan at ng Department of Health(DOH) tungkol sa
Covid-19? Bilang kabataan ano ang puwedeng maging ambag mo sa paglutas na suliranin?
___________________________________________________________________________________

5. Bilang isang mag-aaral, ano ang naging epekto nito sa iyo? Sang-ayon ka bang walang face to face na klase
hanggang walang bakuna? Maaring tanungin ang iyong magulang ukol sa kanilang opinyon.
______________________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________.
Pagsasanay BLG.2. REAKSYON ko, PANININDIGAN ko!

PANUTO: Basahin ang mga sumusunod na pahayag, Isulat ang M kung makatotohanan at DM kung sa iyong pananaw
ay di- makatotohanan. Kapag DM ang sagot, magbigay ng paliwanag.

_______1. Kung walang bakuna , hindi matatapos ang problema sa covid-19.


_______2. Sa NCR, ay pinaniniwalaang, may pinakamaraming dinapuan ng sakit ng Covid-19.
_______3. Kapag may pera ka, protektado ka ng pera mo sa sakit.
_______4. Maayos ang ginagawang paglutas ng gobyerno at ng LGU sa suliranin kinakaharap ng bansa tungkol sa pandemya.
_______ 5. Higit na malaki ang dagok sa pamumuhay ng mga nasa lungsod kaysa mga nasa lalawigan ng pandemya,
_______6. Bawat isa ay may tungkuling ginagampanan para sa kalutasan ng suliraning ito.
_______7. May pagkatuto ang bawat mag-aaral kahit walang bukas na paaralan.
_______8. Lockdown ang solusyon sa problema ng Covid-19.
_______9. Walang positibong hatid ang covid -19 sa bawat tao.
______10. Palakasin ang resistensya ng katawan,upang malabanan ang anumang uri ng sakit.

VII- PAGNILAYAN AT UNAWAIN:

Matapos mong masagot ang mga ilang pagsasanay handa ka na bang sagutin ang ating Pokus na tanong? Balikan
ang Pokus na tanong na matatagpuan sa pahina 3 ng modyul na ito.

A.____________________________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________

B.____________________________________________________________________________________________________
________________________________________________________________

VIII. ILIPAT :
Sa kasalukuyan ay dumadaan ang ating bansa maging ang buong mundo sa matinding krisis dulot ng COVID 19
Pandemic. Sikapin mong makabuo ng sanaysay na may paksang .AKO, sa PANAHON ng PANDEMYA. Gumamit ng mga
pahayag na nagpapakita ng iyong pananaw.
Sikapin mong maisaalang-alang ang mga sumusunod na pamantayan. 5 ANG PINAKAMATAAS AT 1 ANG PINAKAMABABA
SA PAG-MAMARKA.

5 4 3 2 1
A. May mabisang pamagat = 5%
B. May mahusay na panimula, gitna at wakas=15%
C. Nakatuon lamang sa tema/paksa =20%
D. Paggamit ng ekspresyon sa pagbibigay opinyon=10 %5%

Interpretasyon
Napakahusay 15-20
Mahusay 10-14
Katamtamang husay 6-9
Kailangan pa ng pagsasanay 1-5

Ako, sa Panahon ng Pandemya

F10W2p.7
Binabati kita at natapos mo ang iyong mga takdang gawain . Sana ang mga natutuhan mo rito ay magamit mo sa pang-
araw-araw mong buhay at magamit mo ang mga kasanayang iyong natamo sa mga susunod pang mga aralin. Mabuhay ka!

PANGKALAHATANG PAGSUSULIT: A. Panuto. Isulat ang letra ng tamang sagot:

1. Ayon kay Alejandro Abadilla, ito ay salaysay ng isang sanay.


A.talata C. talumpati
B. sanaysay D. salaysay
2. Ito ang pinag-uusapan tema o diwa sa loob ng isang talata.
A. pantulong na detalye B pangunahing kaisipan
C. mensahe D.pangungusap
3. Uri ng sanaysay na nagangailangan ng pananaliksik at pili ang mga salitang ginagamit.
A. pormal C. di- pormal
B. Malaya D.di-malaya
4. Pinakamalapit na akdang may pagkakatulad sa sanaysay.
A. editorial C.lathalain
B. pitak D.talumpati
5. Kapag binibigkas na ang isang sanaysay sa harap ng manonood ito ay nagiging ________.
A. talumpati C. debate
B. argumento D. balagtasan
6. Ang sanaysay na Alegorya ng yungib ay halimbawa ng isang sanaysay na
A. pormal C. di-pormal
B. malaya D. di-malaya
7.Ito ay sanaysay galing sa bansang
A.Egypt C. Syria
B.France D. Greece
8.Ang mensahe ng sanaysay na Alegorya ng Yungib ay__________.
A. Ang buhay ay pagtakas sa katotohanan.
B. Ang buhay ay puno ng pakikipagsapalaran at pagbabago.
C. Ang buhay ay pagtanggap sa hamon ng pagbabago.
D. Ang pagbabago ay dapat tanggapin kahit masakit.
9.Ilang persona ang nagpapalitang kuro sa sanaysay?
A. 4 C.3
B. 2 D. walang tauhan/persona
10. Kung ikaw ay magpapahayag ng iyong sariling pananaw at opinyon , ano ang angkop na gamitin?
A. ayon sa C. ayon kay
B.. dahil sa D. sa palagay ko
B. Katangian ng Sanaysay: Lagyan ng (/) kung ito ang akmang katangian ng sanaysay at (x) kung hindi.
______11. Namimili ng paksa ang sanaysay.
______12. Layuning ng sanaysay na magpakilos at mapaniwala ang kanyang mambabasa.
_____ 13. May pagkakasunod-sunod ang mga pangyayari
______14. Ang opinyon ay laging dapat positibo.
______15. Kahit sino ay puwedeng sumulat ng isang sanaysay.

Bago mo tuluyang bitawan ang modyul na ito mahalagang lagumin mo ang kaalamang natutuhan sa pamamagitan
ng isang repleksyon. Narito ang ilang gabay na tanong.
IX. REPLEKSYON NG MAG-AARAL ( Gumamit ng hiwalay na sagutang papel)
A. Talakayin mo sa loob ng 3 hanggang 5 pangungusap ang aral na natutuhan mula sa sanayay.
B. Paano ka matutulugan na mga ekspresyon sa pagbibigay pananaw sa paglalagay ng comment sa social media at sa
pagtanggap sa mga isyung kinakaharap ng bansa?
C. Sa pandemyang kinakaharap natin ngayon, gaano ba kahalaga ang opinyon ng mga mamamayan, o ng isang kabataang
kagaya mo?

MGA SANGGUNIAN
Urgelles, Roderic P. et.al. 2015 .Filipino 10. Modyul Para sa Mag-aaral.Pasig City. Vibal Group Inc.
Castro, Cecile M.et.al. 2016. Ang Pitak : Bolyum1 . Quezon City. ERC.

F10W2p.8

You might also like