FIL03 Kabanata 1-4

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 29

MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

KALIKASAN NG RETORIKA

A. Nauunawaan ang mga kahulugan, Simulain at aytem ng mabisang


pagpapahayag.
B. Napahahalagahan ang gamit nito sa iba’t - ibang gawain pang-akademiko at
personal at;
C. Nakabubuo sa mga akdang mag-uugnay sa mga araling natalakay.

KLASIKAL AT KONTEMPORARYO

Ayon sa mga mananaliksik, tinatawag ding


pagtatalumpati ang retorika sa Gresya noong
460 B.C. Si Aristotle ang naglangkap ng kakaibang
estilo upang maging mabisa at kahika-hikayat ang
talumpati. Kinilalang pinakabantog na orador si
Demosthenes sa kanyang panahon, Si Isocrates
na naging mag-aaral ni Socrates ay natanyag dahil
sa kanyang estilo sa pagbigkas na salig sa
magaganda at maiindayog na akdang tuluyan.
Kakaiba ang akdang tuluyan ni Isocrates dahil sa
pinagputol-putol na mga pangungusap ay
kinapapalooban din ng mga kaalaman tungkol sa
pilosopiya at kasaysayan.

Sa katuturang kontemporaryo, sinasaklaw ng retorika ang mabisa at


epektibong pagsulat. Tinutukoy dito ang retorika na sining at agham ng paggamit ng
mga pananalitang mabisa sa pagsulat ng mga akdang pampanitikan lalong-lalo na sa
tuluyan. Sa pagtatalumpati naman ang mahalaga ang estilo, paggamit ng mga
patalinhagang pahayag, mahusay na pagsasalita, pagiging magilas at pagdaragdag ng
mga paliwanag.
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

LAYUNIN NG RETORIKA

Layunin ng retorika, anuman ang disiplinang ating kinabibilangan, ang tayo ay


makasulat nang mahusay. Kung kaya't nililinang ng retorika ang pagkakaroon ng
mapanuring kaisipan sa pagbuo ng mga ideya, at makapamahala sa maangking
kakayahan. Bagamat nabubuo lamang ng mga sulat, memo, ulat, abstrak, pagsusuri,
pamanahong papel (term paper), mga panuto, at paghahanda sa mga proposal ng mga
proyekto ang malaking bahagdan ng akademya, tiyak na kakailanganin pa rin ang
kahusayan sa pagpapahayag, bagay na tumutuon sa dalawang pangunahing
interbensiyon sa pag-aaral ng retorika: Kasanayan sa Pagsusulat at Pagsasalita.

KAHALAGAHAN NG RETORIKA

Mahalaga ang retorika sa pang araw-araw na buhay ng tao dahil ito ay nagbibigay
daan sa mga aktibidades na ginagawa ng tao tulad ng pakikipag-usap, pakikipag-
argumento at paghahanap ng impormasyon at kaalaman. Sa pakikipag-usap,
mahalagang sangkap ang retorika upang maipahayag ng mabuti at komprehensibo ang
mga damdamin ng nag-uusap. Mahalaga rin ito sa pakikipag-argumento dahil ito ay tanda
ng pagbibigay diin sa mga puntong nais na ipahayag. Mahalaga rin ito upang magkaroon
ng maayos na pagkakaintindihan sa pagitan ng dalawang panig na hindi magkasundo sa
iisang pamamaraan o paniniwala. Higit sa lahat, ang retorika ay mainam na instrumento
sa pagkakalap ng impormasyon at pamamahagi nito. Sapagkat kinakailangan ng tao ang
matuto at malinang ang pag-iisip.

"Ang kahalagahan ng retorika ay maihahalintulad sa mga sangkap o rekado sa isang


putahe. Ito'y nakapagbibgay lasa sa isang sulatin o kaya'y kapag ang isang tao ay
bumibigkas gamit ang retorika. Nasusukat din dito ang kalaliman ng isang tao. Ito'y pinag-
iisipan. Napakasarap pakinggan ng mga salitang ginamitan ng retorika. Nakakaaliw din
basahin ang isang sanaysay kapag ito'y ginamitan ng retorika."- (halaw mula sa salaysay
ni Shark Shedie)

1. Edukasyon
Sa pamamagitan ng retorika, ang isang tao ay nagkakaroon ng
pagkakataon na magbigay ng panuto at paglalapat nito sa anumang bagay kung
saan nananalamin ang mga natatagong kaalaman nito sa isang paksa. Ang
retorika ay nagbibigay rin ng daan upang maayos at mabisang malaman ang mga
dapat bagay na dapat matutunan ng isang mag-aaral at magamit ito sa pang araw-
araw na pakikipag-ugnayan sa mga kapwa mag-aaral.
Tulad ng mga bagay na nabibigyan ng angkop na pangalan at tawag,
nalalaman rin sa tulong ng retorikal na pagpapraktis ng komunikasyon ang
saysay at gamit nito ng bawat salitang nakakalap sa anumang sanggunian na
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ginalugad ng isang manggagamit nito. Ang retorika rin ang ginagamit na "medium"
ng mga guro sa paghahatid ng mga impormasyon at kaalaman na kinakailangang
malaman ng kanilang mga estudyante.

2. Relihiyon
Mahalaga ang retorika sa aspetong panrelihiyon sapagkat ito ay isang salik na
makakatulong ng malaki sa pagpapalawak ng personal man o biblikal na pananaw
ng isang indibidwal upang magkaroon ng kaisahan ang mga magkakasalungat na
paniniwala ng bawat mananampalataya na sinala mula sa iba't ibang grupong may
kinakatawan na sariling pananampalataya.
Ang retorika ay mabisang paraan sa pagsusuplay ng dahilan at
pangangatwiran. Ang mga alagad ng simbahan tulad ng mga pari ay masasabing
mga retor na kinakailangang magtaglay ng malawak na pag-iisip at mabisang
pananalita upang maipahayag ng may paggalang at kabanalan sa mga
sumasampalataya ang bawat sentimiyentong biblikal na umaayon sa winika ng
Panginoon na kinikilala nito.

1. Politika
Ang politika ay isang kumplikadong larangan na nananaghoy sa kaibuturan
ng isang estado. Kung kaya't sa mga pampolitika na pagkilos sa kontemporaryong
lipunan, nangangailangan ng retorikal na paggamit ng salita. Isang kongretong
aplikasyon ng salaysay na ito ay ang pangangampanya, sa layuning makakalap
ng boto sa pagdating ng halalan. Sa isang kampanya, nagkakaroon ng
pagkakataon ang isang kandidato na nagnanais makakuha ng puwesto sa
gobyerno upang makapagpabatid ng kanyang mga aspirasyon para sa mga
mamamayan ng lugar kung saan ito kumakandidato. Dito nito ipinahahayag ang
kanyang mga plataporma na magbibigay ng kaginhawaan sa kanyang mga
konstituente sa oras na maluklok sa puwesto.
Sa ganitong sitwasyon, ang isang pampolitika na kandidato ay kumukuha
ng teknikal na kargamento sa tulong ng retorikal na paraan ng pagpapahayag kung
saan siya ay mariin na kumakalap ng mabubulaklak na pananalita upang maakit
at maengganyo ang mga botante na suportahan ang kandidatura nito. Sa ganitong
pamamaraan, naipapakita ng isang tao, partikular sa konteksto ng isang
kandidadto, hindi lamang ang kanyang berbal na abilidad kundi maging ang
kanyang angking katalinuhan na siyang magsisilbing benepisyal na asset upang
makamit ang kanyang mga adhikain. Ang salitang "mabulaklak", mula sa paraan
ng pagkakagamit nito sa teksto ay nangangahulugan ng paggamit ng mga
malalalim ngunit mga salitang kaakit-akit sa pandinig ng mga tagapakinig.
2. Legalidad
Likas na ang paggamit ng mga teknikal na terminolohiya sa isang pagdinig.
Kung kaya't pinagtutuunan sa aspetong ito ang kahalagahan ng retorika sa mga
usaping legal. Sa isang pagdinig, mahihinuha ang tipikal na serye ng pagpapalitan
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG
ng argumento upang magawa ng isang partido o kampo na patunayan ang
akusasyon nito sa isang kampo o kaya naman ay bigyang beripikasyon ang
kainosentehan ng isang indibidwal laban sa isang kaso na nakasampa laban dito.
Sa normatibong pananaw, makikita ang dalisay na importansiya ng retorika
dahil dito umiiral ang katayuan ng isang kaso, ang mga retorikal na panambitan
ng isang abogado ang siyang kolektibong datos na ginagamit ng husgado upang
ma-determina ang kredibilidad ng isang kampo patungo sa estado kung saan ito
ay maghahayag ng kanyang pasya bilang wakas ng isang legal na proceeding.
Kadalasan, batay sa mga obserbasyon, nangingibabaw sa isang pagdinig ang
kampo na nagtataglay ng mas mahusay na abogado, marahil dahil mas detalyado
at komprehensibo ang mga salaysay na naipapaabot nito dulot ng tahasang husay
sa pagsasalita.
3. Kultura
Ayon sa pilosopiya, ang kaugnayan ng kultura ng isang tao at ng wikang
ginagamit niya o ugaling gamitin, ay malapit na malapit. Samakatwid, masusukat
ang kultura ng tao sa kadalubhasaan niya sa paggamit ng wika. Gayundin,
mahuhulaan ang galing niya sa wika ayon sa tayog ng kanyang kultura. Subalit
ito’y batay sa ipinanaday ng edukasyon sa kanya, sa panahon ng kabataan, na
kalahok ng tradisyon ng angkan, ng espiritung panrelihiyon, at ng mga paniniwala
at perwishong pinagkalakhan.
Alinmang wika ay ekspresyon, imbakan-hanguan at agusan ng kultura ng
isang grupo ng tao, maliit man o malaki, na may sarili at likas na katangian. Wika
ang ekspresyong kakikinlan ng isang kultura, sapagkat ito ang nagbibigay-anyo
rito para sa labas, ang siyang nagtatakda ng pagkakaiba at sariling uri nito—ng
kanyang pagkakabukod sa ibang kultura: ang kanyang kapagkahan, kung
magagamit ang salitang ito, sa daigdig ng mga kaisahang pang-kultura.
4. Sosyolohiya
Ang malaking kaugnayan ng wika at sosyolohiya sa isa’t isa ay
pinatutunayan ng sosyolinggwistika, isang sangay ng pag-aaral tungkol sa wika
na itinuturing na bagong litaw sa panahong ito subalit kung tutuusi’y halos
kasintanda na ng panahon. Ito ay buhat sa salitang socius at linggwistika. Ang
socius ay salitang Latin na nangangahulugan ng interaksiyon,pakikisalamuha,
pakikibagay at pakikipamuhay ng tao sa kapwa tao. Ito ang bahaging tumutukoy
sa kasangkapang ginagamit ng tao sa pagpapahayg ng kanyang iniisip at
narararamdaman upang malaman ng iba kung ano ang mga ito. Isang uri ng
pagpapahayag na gagamitan ng kombinasyon ng mga tunog na tinatawag na mga
salita—salitang may kaugnay na sariling kahulugan, Kahulugang tinataglay ng
salita bunga ng pagkakisa ng mga kailangang magkaintindihan.
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Mga Elemento ng Retorika

1. Paksa – Pinakasentro na ideya sa sulatin

Halimbawa: Edukasyon (Suliranin sa Edukasyon)

Ekonomiya (Pagtaas ng mga Bilihin)

Mga mapagkukunan ng impormasyon tungkol sa isa paksa.

● Encyclopedia
● Diksyunaryo

Pinakamabilis at pinakamadaling paraan ng pagkuha ng impormasyon


tungkol sa paksa.

1. Awtoridad

2. Mapatotohanan

3. Napapanahon

4. Kaugnayan

5. Walang kinikilingan

6. Kaayusan

7. Kalinawan

8. Makatwiran

2. Kaayusan na mga bahagi - Dito nakasalalay ang lubos na pag-unawa ng mga


mambabasa o nakikinig. Kailangan may introduksyon, katawan, at konklusyon.
Kadalasan ang paggawa ng balankas ang ginagamit sa pagsasaayos ng mga bahagi
ng sulatin.

3. Estilo – Bawat tao ay may kanikaniyang istilo sa pagsusulat. Ito ang magsisilbing
tatak o makapagkakakilanlan ng isang manunulat o tagapagsalita.

· Mga dapat isa-alang alang sa pagpili ng estilong gagamitin

a. Layunin
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG
b. Tono/ Damdamin

c. Katibayan

d. Estruktura

e. Awdyens

f. Wikang gagamitin sa pagsulat

· Ibat - ibang Estilo ng Pagpapahayag

a. Paglalahad

b. Paglalarawan

c. Paghahambing at pagiiba

d. Sanhi at Bunga

e. Pagsasalaysay

f. Pangangatwiran

g. Pagsusuri

4. Shared Knowledge – Maaaring kultura, wika, pangyayari, paniniwala o kaugalian.


Kung mayroong shared knowledge o homopholy and awdyens at manunulat mas
maganda ang daloy ng komunikasyon na mangyayari sa pagitan ng dalawa. Mas
mawiwili ang mga awdyens kung ang kanilang mga nababasa ay batay na rin sa
kanilang karanasan sa buhay.

5. Paglipat ng Mensahe - Masasabing nailipat na ang mensahe na nais ipabatid ng


isang manunulat kung mayroong agarang feedback galing sa kanyang awdyens.

· Pamamaraan ng paglipat ng mensahe

a. Pasalita – berbal na pagpapahayag

b. Pasulat – biswal o di-biswal

SAKLAW NG RETORIKA

1. Ang retorika ay gumagamit ng wika maging pasalita o pasulat. Ginagamit ang wika
upang bigyan-buhay ang isang ideya. Ito ang nagpapanatili ng ating damdamin
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG
pinalulungkot, pinasasaya o pinagagalit tayo bunga ng paggamit ng mapanlikhang
pananalita.

2. Mula sa ating imahinasyon ay nagaganap natin ang ating isipan at dahil dito ay
nakalilikha tayo ng isang sining.

3. Ang isang tao ay maaaring maging pilosopikal, ngunit kailangan din niyang
maipakita na ang kanyang katwiran ay katanggap-tanggap.

4. Lahat tayo ay kabilang sa bawat lipunang kinabibilangan, kung kaya kailangan


isaalang-alang din natin ang kapakanan ng ibang tao sapagkat iisa lamang ang mundong
ating ginagalawan.

5. Ano mang larangan ang ating kinabibilangan, responsable tayo sa tamang


pagpapahayagna hindi makasasakit sa damdamin ng ibang tao sa madaling salita
kailangan gumamit tayong mga angkop na pananalita na nakabatay sa panahon at
sitwasyon ng ating kausap.

Leste, E., Mendoza, N. & Sauco, C., (2022). Masining na pagpapahayag. Mutya
Publishing House.

https://www.studocu.com/ph/document/electron-college-of-technical-
education/corporate-law/retorika/39632657

https://inspiringmodelsofeducation.blogspot.com/2015/10/ano-ang-kahulugan-ng-
retorika-
ang_14.html?m=1#:~:text=Layunin%20ng%20retorika%2C%20anuman%20ang,at
%20makapamahala%20sa%20maangking%20kakayahan
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

UGNAYAN NG RETORIKA AT GRAMATIKA

a. Natutukoy ang ugnayan ng retorika at gramatika sa disiplina ng pakikpag-


ugnayan.
b. Nabibigyang halaga ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa Bahagi ng
Pananalita bilang salik sa masining na pagpapahayag.
c. Naipaliliwanag ang wastong paggamit ng mga salita.

Ang retorika ang galing sa salitang


Griyego na “rethor” na ang kahulugan ay
taong mahusay mananalumpati. Siya rin
ay matatawag na magaling na orador

Ang salitang ito ay naglalarawan


sa sining at agham sa ano mang uri
katulad ng pasalita, pasulat, o pahayag.
Samantala, ang gramatika naman ay
nauugnay sa pag-aaral at uri ng mga
salita.

Hindi katulad ng ordinaryong pagpapahayag, ang isang retorika ay


nangangailangang maging masining, klaro, at nakaka-enganyo sa mga madla,
tagapakinig, o tagapag-basa. Karagdagan, ito rin ay maaring gamitin para sa paghimok
o pagsang-ayon sa isang paksa.

Heto ang mga halimbawa ng retorika:

Maghahalo ang balat sa tinalupan – matinding gulo o giyera

1
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Tatlong (3) mahalagang bagay sa sinasaklaw ng wika.

1. Pag- aaral ng anyo uri ng mga salita

Kung may kabatiran sa pagpapalawak ng mga salita, nagkakaroon ng


pagkakataong makapili at makagamit ng isang angkop na salita.

Halimbawa:

Siniliran niya ng mga pinamili ang bag. (mahina)

Sinidlan niya ng mga pinamili ang bag. (pinalakas)

2. Tamang Paggamit ng Salita

Ang maling gamit ng salita ay maaring makabawas sa kalinawan ng mga


pagpapahayaf ar nakapagpapamali sa isang pahayag. Mayroong salitang magkasing-
anyo o magka-uri subalit may tiyak at ibang pinaggagamitan.

Halimbawa: Magkaiba ang gamit ng tingin, titig, tanaw, at sulyap.

A. Tingin – mababaw na pagbibigay-pansin.

B. Titig- matagal na tingin, may diwa ng pagsusuri.

C. Tanaw – pagbibigay-pansin sa isan bagay na malayo.

D. Sulyap- panakaw na tingin.

3. Tamang Pag-uugnayan ng mga salita

Ang wastong pagkaka-ugnay ng mga salita ay nakakatulong upang maging


maayos ang pagpapahayag.

Halimabawa: ang gamit at katuturan ng mga salita ng magkakasingkahulugan ay di-


dapat ipagkamali sa isa’t isa.

A. Bumaba ng buhay ang mga bata. (mahina)

B. Nanaog ng bahay ang mga bata. (pinabuti)

BAHAGI NG PANANALITA/PANALITA (PART OF SPEECH)

Ito ay isang lingguwistikong kaurian ng mga salita na pangkalahatang


binibigyang kahulugan sa pamamagitan ng sintaktiko at morpolohikong asal n bahaging
panleksikong tinutukoy.
2
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

MGA SAMPUNG BAHAGI NG PANANALITA

Mga Nominal

a. Pangngalan (noun) – mga salitang nagsasaad ng


pangalan ng tao, hayop, bagay, pook, katangian, pangyayari,
atbp.

b. Panghalip (pronoun) – mga salitang nagsasaad ng kilos o


nagbibigay-buhay sa isang lipon ng mga salita.

Mga panuring (modifier)

a. Pang- uri (adjective) – mga salitang nagbibigay-turing o naglalarawan sa pangalan at


panghalip.

b. Pang- abay (adverb) – mga salitang nagbibigat- turing o naglalarawan sa pandiwa,


pang-uri at kapwa nito pang-abay.

Mga Pang-ugnay (Connectives)

a. Pangatnig (conjunction) – mga salitang nag-uugnay ng dalawang salita, parirala o


sugnay.

b. Pang-angkop (ligature) – mga katagang nag-uugnay sa panuring at salitang


tinaturingan.

c. Pang-ukol (preposition) – mga salitang nag-uugnay sa isang pangngalan sa iba pang


salita.

Mga Pananda (Markers)

a. Pantukoy (article/determiner) – mga salitang laging nangunguna sa pangngalan o


panghalip.

b. Pangawing o Pangawil (linking o copulative) – salitang nagkakawing ng paksa (o


simuno) at panaguri.

c. Pandamdam (interjection) – mga salitang nagsasaad ng matinding damdamin.

Pang-ugnay – ito ay mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa


pangungusap, maaring salita, dalawang parirala ng dalawang sugnay.

Pang-ukol (preposition) – ito ay kataga o salitang nag-uugnay sa pangalan o


panghalip sa ibang salita sa pangungusap.

3
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa: Ang kanyang nilutong tinola ay para sa kanyang asawa at mga anak.

Pangatnig (conjunction) – ito ang tawag sa mga kataga o salitang nag-uugnay sa


dalawang salita, pariral o sugnay na pinagsusunod-sunod sa pangungusap: at pati,
saka, o, ni, maging, subalit, ngunit, kung, bago, upang, sana, dahil, sa, sapagkat, atb.

Ø Gamit ng Pangatnig – dalawang salitang pinag-ugnay.

Halimbawa: Ang langis saka tubig ay hindi mapagsama.

Ø Dalawang pariralang pinag-ugnay

Halimbawa: Ang paglalaba ng damit art paglilinis ng bahay ang kanyang


hanapbuhay.

Uri ng pangatnig

1. Panimbang – Ito ay nag-uugnay ng dalawang salita, parirala, o sugnay, at saka, pati,


ngunit, maging, datapuwat, subalit.

Halimbawa :

a. Gusto niyang bumili ng damit, ngunit wala siyang pera.

b. Naglinis muna si Hannah, sala siya nagluto.

2. Pantulong- Ito ay nag-uugnay ng di-magkapantay na salita, parirala sugnay. Kung,


kapag, upang, para, nang, sapagkat, dahil sa.

Halimbawa:

a. Nagtrabaho siya ng Mabuti, para makabili siya ng damit.

b. Umasenso ang kanyang buhay, dahil sa kanyang pagsisikap.

PANG-ANGKOP (Ligatures) – Ito ay ang salitang nang-uugnay sa panuring at salitang


tinuturingan. Tatlo ang pang-angkop na ginagamit: -na. -g, at -ng.

Wastong gamit ng NANG

A. Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap; katumbas ng


when sa Ingles.

Halimbawa: Tukog na ang mga anak nang dumating ang kanilang ina.

B. Ginagamit sa gitna ng dalawang salitang-ugat na inuulit.


4
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Halimbawa : Tapon nang taon

C. Bilang salitang nangangahulugan din ng “para” o “upang”.

Halimbawa: Sumulat ka nang sumulat ng mga kwento nang Manalo ka sa


patimpalak.

D. Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap: bilang panimula


ng katulong na sugnay o sugnay na di makapag-iisa.

Halimbawa: Nang siya’y umalis, dumating ang panauhin.

E. Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap;


F. Bilang panimula ng katulong na sugnat.

Halimbawa: Maghugas ka ng pinggab nang makakain na kayo.

Wastong gamit ng NG

A. Ginagamiy bilang pananda sa tuwirang layon ng pandiwang palipat.

Halimabawa: Nagtanim ng palay si Jesua na isang magsasaka.

B. Ginagamit bilang pananda ng actor o tagaganap ng pandiwa.

Halimbawa: Tinulungan ng dalaga ang kanyang lola sa pagtawid.

C. Ginagamit kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng isang bagay o katangian.

Halimbawa: Ang boses ng bayan ang dapat mananaig.

D. Ginagamit bilang pang-ukol na ang katumbas at tamang pagkaka-ugnay ng


mga salita sa isang pahayag upang makabuo ng malinaw na kaisipa o diwa.

Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay nagpunta ng Baguio.

E. Ginagamit bilang pang-uko na nagpapakilala nh pangngalang paari.

Halimbawa: Tumatanggao ng plake ang kanyang anak.

F. Ginagamit bilang tagatanggap ng kilos.

Halimbawa: Ayaw siyang layuan ng agam-agam.

5
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Wastong gamit ng MAY

A. Ginagamit kapag sinusundan ng pandiwa.

Halimbawa: May tumawa dahil sa nasabing balita.

B. Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri.

Halimbawa: May magandang karanasan si Maja tungkol sa pag-ibig.

C. Ginagamit kapag sinusundan ng pantukoy.

Halimbawa: Mag mga panoorin sa patyo ng simbahan.

D. Ginagamit kapag sinusundan ng pang-ukol na sa

Halimabawa: May sa daga ang anak mong iyan.

Wastong gamit ng din/daw

Ginagamit ito kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa


w at y.

Halimbawa: Magpapatingin daw siya sa doctor ngayon.

Wastong gamit ng rin/raw

Ginagamit kung ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa patinig at malapatinig


na w at y.

Halimbawa: Ikaw raw at makakasama sa bakasyon patungong Manila.

May handa raw tayo sa darating na kaarawan ni tatay.

PINTO AT PINTUAN

Pinto – ginagamit bilang bahagi ng daanan na isinasar at ibinubukas.

Pintuan – ginagamit bilang kinalalagyan ng pinto.

PAHIRAN AT PAHIRIN

Pahiran- Lagyan ng isang bagay sa pamamagita ng pamunas o sa pamamagitan ng


kamay.

Pahirin- Alisin sa pamamagitan ng pamumunas o sa pammagitan ng kamay.


6
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

SUBUKIN AT SUBUKAN

Subukin- may bagay na nais patunayan “to try” sa Ingles.

Subukan – May mga bagay na tinitingnan nang palihim.

Leste, E., Mendoza, N. & Sauco, C., (2022). Masining na pagpapahayag. Mutya
Publishing House.

https://www.studocu.com/ph/document/electron-college-of-technical-
education/corporate-law/retorika/39632657

https://inspiringmodelsofeducation.blogspot.com/2015/10/ano-ang-kahulugan-ng-
retorika-
ang_14.html?m=1#:~:text=Layunin%20ng%20retorika%2C%20anuman%20ang,at
%20makapamahala%20sa%20maangking%20kakayahan

7
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

TAYUTAY

a. Maunawaan ang pagkakaiba-iba ng tayutay, salawikain, sawikain at eupemistikong


pahayag.
b. Magamit ng wasto ang mga nakasaad na halimbawa ng tayutay, salawikain,
sawikain at eupemistikong pahayag.
c. Ang mga mag-aaral ay makapaglathala ng sariling akda gamit ang mga natutuhan.

A. TAYUTAY

• Ang tayutay o “figure of speech” sa wikang ingles ay mga salita o mga


pahayag na gumagamit ng mga salitang matalinghaga upang ang
pagpapahayag ay mas maging kaakit-akit, makulay, at mabisa.
• Ayon naman kay DR. JOSE VILLA PANGANIBAN, ito ay isang sinasadyang
paglayo sa karaniwang gamit ng mga salita upang pasarapin angang pag-unawa
at gawing lalong maharaya, mabisa at kaaakit-akit ang pagpapahayag.
B. URI NG TAYUTAY

May dalawampung (20) uri ng tayutay na tatalakaying natin sa araling ito. Ito
ay ang simili o pagtutulad, metapora o pagwawangis, personipikasyon o
pagsasatao, apostrope o pagtawag, pag-uulit, hyperbole o pagmamalabis,
onomatopeya o panghihimig, pag-uyam, pagpapalit-saklaw o senekdoke,
paglilipat-wika, pagpapalit-tawag, pasukdol o climax, antiklaymaks, pagtanggi,

1
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

pagtatambis, retorika na tanong, paralelismo, paglumanay, paghahalintulad at


pangitain.
1. Simili o Pagtutulad - Ang simili o pagtutulad ay isang tayutay na direktang
naghahambing ng dalawang bagay. Naiiba ang mga simile sa metapora dahil
gumagamit ito ng mga termino sa paghahambing tulad ng “tulad ng,” “bilang,”
“kaya,” o “kaysa” upang bigyang-diin ang mga pagkakatulad sa pagitan ng
dalawang aytem.
Samantala, ang metapora ay bumubuo ng pahiwatig (implicit) na paghahambing.
Halimbawa:
a. Ikaw ay kasing tapang ng isang leon.
b. Ang paliwanag mo ay kasinglinaw ng putik.

2. Metapora o Pagwawangis (Methaphor) – Ang metapora ay isang tayutay


kung saan ang isang salita o parirala ay inilapat sa isang bagay o aksyon kung
saan ito ay hindi literal na naaangkop. Ito ay nagpapahayag ng paghahambing
na nakalapat sa mga gawain, pangalan, tawag o katangian ng bagay na
inihahambing. Hindi ito ginagamitan ng pangatnig.
Halimbawa:
a. Unang beses kong dinala ang kaibigan ko sa gym, at gaya ng
inaasahan, para siyang isda sa labas ng tubig.
b. Ang pagtawa ay ang musika ng kaluluwa.
3. Personipikasyon o Pagsasatao - Ang personipikasyon ay pagsasatao ng
isang personal na kalikasan o mga katangian ng tao sa isang bagay na hindi
tao, o ang representasyon ng isang abstrak na kalidad sa anyo ng tao.
Halimbawa:
a. Sumayaw ang kidlat sa kalangitan.
b. Narinig ni Rita ang huling piraso ng pie na tumatawag sa kanyang
pangalan.
4. Apostrope o Pagtawag (Apostrophe) - Ang Apostrope ay isang tayutay kung
saan ang isang tagapagsalita ay direktang tumutugon sa isang tao (o isang
bagay) na wala o hindi makatugon sa katotohanan. Ang entidad na tinutugunan
ay maaaring wala, patay, o haka-haka na tao, ngunit maaari rin itong isang
walang buhay na bagay (tulad ng mga bituin o karagatan), isang abstract na
ideya (tulad ng pag-ibig o kapalaran), o isang nilalang (tulad ng Muse o diyos).
Halimbawa:
a. O pag-ibig, walang araw na hindi moa ko pinapasaya!
b. Kasiyahan, bakit tila’y hindi kita nararamdaman?

2
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

5. Pag-uulit - Ang pag-uulit ay isang tayutay kung saan inuulit ang parehong
tunog sa isang grupo ng mga salita. Mayroong anim na uri ng pag-uulit at ito
ay ang mga sumusunod:
A. Aliterasyon - Ito ay tumutukoy sa unang titik o pantig ng isang salita na inuulit
sa unang bahagi ng salita.

Halimbawa:
a. Ang kakayahang makagawa ng katanungan ay magkakaroon din ng
kasagutan.
b. Kasa-kasama niya ang kaniyang kapatid at kaibigan sa handaan.
B. Anapora - Ang anapora ay ang pag-uulit ng salita o pagkakasunod-sunod ng
mga salita sa simula ng magkakasunod na sugnay, parirala, o pangungusap.
Halimbawa:
a. Kung makikita mo si mama, sabihin mo lamang na ibig ko siyang
makausap.
b. Ang pinya na ito ay para sa akin, para sa iyo, at para sa buong pamilya.
C. Katapora - Ang “katapora” ay ang paggamit ng isang salita o parirala na
tumutukoy o kumakatawan sa hulihan ng salita o parirala.
Halimbawa:
a. Siya ay may awra na napaka dili at ang mga mata’y parang nag aapoy,
si Eliot ay nakakatakot!
b. Ito’y isang dakilang lungsod. Ang Cebu ay may napakagandang
kasaysayan.
D. Anadiplosis - Ang anadiplosis ay ang pag-uulit ng huling salita ng isang
naunang sugnay. Ang salita ay ginagamit sa dulo ng isang pangungusap at
pagkatapos ay ginamit muli sa simula ng susunod na pangungusap.
Halimbawa:
a. Napapsaya mo ako araw at gabi,
Gabi-gabi iniisip ka lagi,
Lagi kang nariyan para sa akin,
Akin kitang mahal.
b. Umiiyak ang aking puso,
Puso kong wala nang ginawa kundi mahalin ka ng buo,
Buo na ang aking desisyon,
Desisyon na ikaw’y iiwan ko na.
E. Epipora - Ang pag-uulit ng salita sa dulo ng magkakasunod na sugnay o
pangungusap.
Halimbawa:
a. Ang batas ng ating paaralan ay galangin mo, sundin mo, at isapuso mo.

3
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

b. Nawa’y ingatan mo ito, mahalin mo ito, at alagaan mo ito.


F. Pabalik nap ag-uulit o Empanodos - Ang Epanodos ay isang pigura ng
pananalita na ginagamit kapag ang parehong salita o dalawang magkatulad
na salita ay inuulit pabaliktad sa loob ng isang sipi ng teksto.
Halimbawa:
a. Ang langit ay lupa’t ang lupa ay langit
b. Tama ang pag-ibig dail isa lang ang pag-ibig na tama.

6. Hyperbole o Pagmamalabis - tayutay na hyperbole ay ang paggamit ng


pagmamalabis bilang isang retorika na aparato o pagtatanghal ng ang
pananalita. Ito ay maaaring gamitin upang pukawin ang matinding damdamin
o upang lumikha ng isang malakas na impresyon, ngunit hindi ito sinadya
upang kunin nang literal.
Halimbawa:
a. Gutom na gutom ako kaya kong kumain ng kabayo.
b. Namatay ako sa kahihiyan.

7. Onomatopeya o Panghihimig - Ang Onomatopeya ay ang proseso ng


paglikha ng isang salita na ginagaya, kahawig, o nagmumungkahi ng tunog na
inilalarawan nito.
Halimbawa:
a. Nagulat ako sa lakas ng beep-beep ng truck.
b. May naririnig akong nag meow-meow sa likod ng bahay naming.

8. Pag-uyam - Ang pag-uyam ay isang tayutay kung saan ang isang komento ay
sinadya upang masaktan o kutyain ang isang bagay ngunit nakabalatkayo na
paraang nakakapuri.
Halimbawa:
a. Nakapaka kyut mo, parakang aso.
b. Parang yelo sa lamig ang iyong mga kamay kapag nenenerbyos.

9. Pagpapalit-saklaw o Senekdoke - Ang senekdoke o pagpapalit-saklaw ay


isang tayutay kung saan ang isang salita o parirala na tumutukoy sa isang
bahagi ng isang bagay ay hinahalili upang tumayo sa kabuuan, o kabaliktaran.
Halimbawa:
a. Huwag mo nang ipakita ang pagmumukha mo sa aking harapan!
b. Hihingin ko na ang kaniyang kamay bukas.

4
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

10. Pagpapalit-wika - Ang tayutay na paglilipat-wika ay isang termino na


tumutukoy sa proseso ng paglilipat ng mga katangian ng tao sa mga bagay na
walang buhay. Ginagamitan ito ng mga pang-uri.
Halimbawa:
a. Ang bahay na malungkot ay naging maligaya sa pagdating ng pamilyang
Cruz.
b. Masaya ang kulay ng damit ni Damara.

11. Pagpapalit-tawag - Ang pagpapalit-tawag ay isang tayutay kung saan ang


isang bagay o konsepto ay tinutukoy sa pamamagitan ng pangalan ng isang
bagay na malapit na nauugnay sa bagay o konsepto na iyon.
Halimbawa:
a. Isang mahalimuyak na bulaklak ang nobya ni Jon.
b. Si papa ang aking superman!

12. Pasukdol o Climax - Ang pasukdol o climax sa wikang Ingles ay isang tayutay
kung saan ang mga sunud-sunod na salita, parirala, sugnay, o pangungusap
ay nakaayos sa pataas na pagkakasunud-sunod ng kahalagahan, tulad ng sa
“Tingnan mo! Sa langit! Ito ay isang ibon! Ito ay isang eroplano! Ito ay
Superman!”
Halimbawa:
a. “Hanggang kawalang-hanggan, at higit pa!
b. “Kung sa tingin mo ay masama iyon,

13. Antiklaymaks - Ang tayutay na antiklaymaks ay tumutukoy sa isang


pananalita kung saan unti-unting bumababa ang mga pahayag ayon sa
kahalagahan. Hindi tulad ng kasukdulan, ang antiklimaks ay ang pagkakaayos
ng isang serye ng mga salita, parirala, o sugnay sa pagkakasunud-sunod ng
pagbaba ng kahalagahan.
Halimbawa:
a. “Ang kabutihan niya sa akin ay tila nawala, naglaho, at napawi..”
b. “Ang pagsisikap ni Tiyong Alfred ay nasayang dahil sa pariwarang anak.”

14. Pagtangi - Ang pagtanggi o litotes sa ingles ay isang tayutay na nagtatampok


ng parirala na gumagamit ng mga negatibong salita o termino upang ipahayag
ang isang positibong paninindigan o pahayag. Ito ay gumagamit ng salitang
tulad ng ‘hindi’ na nagbabadya ng pagsalungat o hindi pagsang-ayon.
Halimbawa:
a. “Ayoko pumunta ng amanpulo na mag-isa.”

5
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

b. “Hindi naman mahangin sa labas pero magulo pa rin ang buhok ko.”

15. Pagtatambis - Ang pagtatambis o oxymoron sa ingles, ay isang tayutay na


pinagsasama ang dalawang salita na magkasalungat.

Halimbawa:
a. “Mag-aaral na guro.”
b. “Ano ba’t paroo’t parito ka?”

16. Retorika na tanong - Ang isang retorika na tanong ay tayutay kung saan ang
isang tanong ay tinatanong para sa isang dahilan maliban sa upang makakuha
ng isang sagot-pinakakaraniwan. Ang tanong ay humihiling na makapagbigay
ng isang mapanghikayat na punto.

Halimbawa:
a. “Ilang beses ko bang sasabihin sayo na huwag mong kainin ang
panghimagas ko?”
b. “Nasaan ang tunay na pag-ibig?”

17. Paralelismo - Ang paralelismo ay isang uri ng tayutay kung saan ang dalawa
o higit pang elemento ng isang pangungusap (o serye ng mga pangungusap)
ay may parehong gramatika na istraktura. Ang mga “parallel” na elementong
ito ay maaaring gamitin upang paigtingin ang ritmo ng wika, o upang gumuhit
ng paghahambing, bigyang-diin, o liwanagan ang isang ideya.
Halimbawa:
a. “Sa tingin mo ba ako ay tanga, na ako ay isang tanga na walang
maintindihan?
b. “Isang beses mamatay ang matapang. Ang duwag ay namamatay ng
isang libong beses.”

18. Paglumanay - Ang paglumanay o tinatawag na euphemism sa ingles ay


ginagamit upang ipahayag ang isang banayad, hindi direkta, o hindi malinaw
na salita or parirala upang palitan ang isang malupit, mapurol, o nakakasakit
na termino.
Halimbawa:
a. “Tinatawag na ako ng kalikasan.”
b. “Kapos na ang aking kaibigan.”

19. Paghahalintulad - Ang paghahalintulad ay isang uri ng tayutay na lumilikha


ng paghahambing sa pamamagitan ng pagpapakita kung paano magkatulad

6
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

ang dalawang tila magkaibang entidad, kasama ang paglalarawan ng mas


malaking punto dahil sa kanilang pagkakapareho.
Halimbawa:
a. “Ang mga mata ay sa paningin gaya ng mga kamay sa paghawak.”
b. “Ikay ang dagat at ako ang mga isda na hindi nabubuhay pag wala ka.”

20. Pangitain - Ang pangitain ay isang uri nga tayutay na tumutukoy sa paggamit
ng matalinghagang wika upang pukawin ang isang pandama na karanasan o
lumikha ng isang larawan na may mga salita para sa isang mambabasa.

21. Konsonans - Pag-uulit ng mga tunog-katinig p magkatulad na titik o pantig sa


pinal na bahagi ng salita.
Halimbawa: Ang aking pagmamahal para kay Rosa ay lalong tumatatag
habang tumatagal. (pagmamahal, rosa, tumatagal).

22. Asonans - Pag-uulit ng mga tunog katinig o magkatulad na titik o pantig sa


alinmang bahagi ng salita.
Halimbawa: Ang aking alagang aso ay agad kong pinaliguan pagdating ko
sa amin. (ang, aking, alagang, aso, agad, amin)

Halimbawa:
a. “Ang mga dahon ng talagas ay isang kumot sa lupa.”
b. “Naging tila bulong ang siren ng ambulasya habang lumalayo ito.”

SALAWIKAIN, SAWIKAIN, EUPEMISTIKONG PAHAYAG


SALAWIKAIN
Sa salitang Tagalog, ang salawikain ay
nagmula sa salitang “sawikain” na
nangangahulugang “pananalita” o “kasabihan”. Ito
ay mga maikling pangungusap na naglalaman ng
aral o payo sa buhay. Karaniwang nagpapakita ito
ng kaalaman at karanasan ng ating mga ninuno.
Mga Halimbawa ng Salawikain:
1. “Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makakarating sa
paroroonan.”
Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig na dapat nating laging tandaan at igalang ang
ating mga pinanggalingan. Sa pamamagitan ng pag-alala sa ating mga pinagmulan,
magiging malakas ang ating pundasyon tungo sa mga pangarap at tagumpay sa
hinaharap.

7
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

2. “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit.”


Ang salawikain na ito ay nagtuturo sa atin na sa mga panahong tayo ay nasa
kagipitan, tayo ay handang gumawa ng mga bagay na hindi natin ginagawa sa normal
na kalagayan. Ito ay isang paalala na hindi natin dapat mawalan ng determinasyon
sa harap ng mga pagsubok.
3. “Kapag may tiyaga, may nilaga.”
Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig na kailangan natin ng tiyaga at pasensya
upang makamit ang ating mga layunin. Sa bawat hakbang na ating ginagawa natin,
kailangan nating magtiyaga at manatiling determinado. Sa pamamagitan ng
puspusang pagsisikap at pagtitiyaga, makakamit natin ang tagumpay na inaasam-
asam.
4. “Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay mahigit pa sa hayop at malansang
isda.”
Ang salawikain na ito ay nagpapahiwatig ng kahalagahan ng pagmamahal at
pagpapahalaga sa ating sariling wika. Ito ay paalala na kailangan nating ipagmalaki
at pangalagaan ang ating katutubong wika upang mapanatili ang ating kultura at
identidad bilang mga Pilipino.
5. “Habang may buhay, may pag-asa.”
Ang kasabihang ito ay nagpapahiwatig na kahit na gaano pa tayo kalunod sa mga
pagsubok at kahirapan ng buhay, mayroon pa ring pag-asa.
Ito ay paalala na hindi tayo dapat sumuko at patuloy na mangarap at lumaban sa
kabila ng mga hamon.
SAWIKAIN
Ang sawikain o idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi
komposisyunal — sa ibang salita, hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga
kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang pagbibigay kahulugan at
pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Layunin ng Sawikain
Ginagamit ang sawikain upang ipahayag ang isang punto o aral sa paraang
maikli at madaling matandaan. Ang mga sawikain ay maaaring magmula sa pang -
araw-araw na karanasan, kasaysayan, at paniniwala ng mga Pilipino, at maaari ring
maging batayan ng mga prinsipyo at pamantayan sa lipunan.
Dahil sa mga katangiang ito, ang sawikain ay isang mahalagang bahagi ng pamana
ng Pilipino at patuloy na nagpapayaman sa ating wika at kultura.
Saan nga ba ginagamit ang Sawikain?

8
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Ang sawikain o idyoma ay ginagamit sa iba’t ibang aspeto ng komunikasyon at


panitikan. Narito ang ilan sa mga pangunahing lugar kung saan ginagamit ang
sawikain o idyoma:
1. Pang-araw-araw na pakikipag-usap: Ang sawikain ay madalas na ginagamit
sa pang-araw-araw na pakikipag-usap upang maiparating ang isang punto o
ideya sa paraang matalinhaga at malikhain. Ang paggamit ng sawikain sa
usapan ay nagpapahayag ng karunungan at kultura ng mga Pilipino.
2. Sa panitikan: Ang sawikain ay mahalagang bahagi ng panitikang Pilipino. Ito
ay maaaring makita sa mga tula, kwento, nobela, sanaysay, at iba pang uri ng
panitikan. Ang paggamit ng sawikain sa panitikan ay nagpapayaman sa wika
at nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa mga teksto.
3. Sa edukasyon: Ang sawikain ay itinuturo sa mga paaralan bilang bahagi ng
pag-aaral ng wika at kulturang Pilipino. Ito ay tumutulong sa mga mag-aaral na
maunawaan at pahalagahan ang yaman ng kanilang wika at kultura.
4. Sa politika at pampublikong diskurso: Ang sawikain ay ginagamit din sa
politika at pampublikong diskurso upang maipahayag ang mga ideya,
paniniwala, at adhikain sa isang madaling maunawaan at makatotohanang
paraan.
5. Sa media at libangan: Ang sawikain ay maaaring makita sa mga pelikula,
teleserye, radyo, at iba pang uri ng media. Ang paggamit ng sawikain sa mga
ganitong uri ng libangan ay nagpapahayag ng pagpapahalaga sa kulturang
Pilipino at nakakatulong sa pagpapalaganap ng mga aral at kaugalian.
6. Sa pagtuturo ng mga aral at pagpapayo: Ang sawikain ay ginagamit din sa
pagbibigay ng mga payo o pagtuturo ng mga aral sa buhay. Dahil sa
matalinhagang pagpapahayag ng sawikain, mas madali itong matandaan at
magkaroon ng malalim na epekto sa mga taong pinapayuhan o tinuturuan.
HALIMBAWA NG SAWIKAIN AT MGA KAHULUGAN NITO

SAWIKAIN KAHULUGAN

Isang kahig, isang tuka Nabubuhay sa hirap

Kapit tuko Mahigpit ang hawak

Laylay ang balikat Lubhang nabigo o naudlot ang pangarap


Isang tao na hindi mapagkakatiwalaan at
Ahas
taksil
Balik-harap Magalang sa harap ngunit traidor sa likod

Di mahapayang gatang Mayabang, maangas

9
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Mapanganib, walang awa, handang


Halang ang bituka
pumatay
Lumandi o lumabag sa pangakong
Maglaro ng apoy
pagmamahal
Nagbibilang ng poste Naghahanap ng oportunidad sa trabaho
Isang taong ginagamit upang punan ang
Panakip butas
kulang o kawalan ng iba

Ang pag-aaral at paggamit ng sawikain ay nagpapatunay na ang wika ay hindi


lamang isang paraan ng komunikasyon, kundi isang salamin ng ating pagkakakilanlan
at pagpapahalaga bilang Pilipino.
Sa pamamagitan ng sawikain, ating napagtanto na ang ating kultura ay
mayaman sa kaisipan, damdamin, at pananaw na sumusuporta sa ating paglago
bilang isang bansa.
EUPEMISTIKONG PAHAYAG
Sa Ingles, ito ay tinatawag na euphemism. Ang mga ito ay salita na badyang
pampalubagloob o pampalumay upang ito ay hindi masama pakinggan o basahin.
Kadalasan ito ay pumapalit sa mga matatalim o masyadong bulgar o malaswang mga
salita.
KAHALAGAHAN NG EUPEMISTIKONG PAHAYAG
Mahalaga itong pag-aralan upang mapagaan natin ang isang sitwasyon. Isa
rin sa mga kahalagahan nito ay upang hindi tayo mauto ng ibang tao. Kung sila ay
nambabastos gamit ng eupemistikong pahayag, malalaman agad natin.

Ang mga salitang ito ay ating ginagamit para mapagaan ang mga masakit na
realidad ng ating mga buhay. Ito’y ginagamit rin para hindi gaano ka sakit ang mga
salita na maririg ng isang tao.
MGA HALIMBAWA NG EUPEMISTIKONG PAHAYAG

EUPEMISTIKONG PAHAYAG KAHULUGAN

Ibaon sa Hukay Kalimutan na

Balat Sibuyas Pikon, Sensitibo, Madaling mapaiyak

10
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Butas ang Bulsa Wala ng Pera

Halang ang Bituka Masamang Tao

Mabilis/Makati ang Kamay Magnanakaw

• https://www.sanaysay.ph/ano-ang-salawikain/#:~:text=Pangwakas-
,Ang%20Kahulugan%20ng%20Salawikain,karanasan%20ng%20ating%20mga%2
0ninuno.
• https://www.tagaloglang.com/ano-ang-sawikain/
• https://filipino.net.ph/sawikain/
• https://newsfeed.ph/facts/kahalagahan-ng-eupemistikong-pahayag-halimbawa-at-
iba-pa/
• https://philnews.ph/2020/02/26/eupemistikong-pahayag-ano-ito-at-mga-halimbawa/

11
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

IDYOMA

a. Matalakay ang kahulugan ng retorika, mabisang pagpapahayag at mga


salik sa pagbuo ng isang sulatin/ komposisyon.
b. Maiuugnay ang balarila sa retorika.
c. Magagamit ang mga matatalinhagang salita sa pagpapahayag ng
damdamin.

KAHULUGAN NG IDYOMA
Ang idyoma ay isang pagpapahayag na ang kahulugan ay hindi komposisyunal sa ibang salita,
hindi binubuo ng tumpak na kahulugan ang mga kanya-kanyang salita na nabuo. Ito ay di-tuwirang
pagbibigay kahulugan at pagpapakita ng kaisipan at kaugalian ng isang lugar.
Isa rin itong parirala o ekspresyon na tipikal na pinapakita ang patalinghaga, di-literal na
kahulugan na nakakabit sa parirala; subalit may ilang parirala ang nagiging idiyomang patalinghaga
habang pinapanatili ang literal na kahulugan ng parirala. Inuuri bilang wikang pormulado, ang
patalinghagang kahulugan ng idiyoma ay iba mula sa literal na kahulugan. Madalas nagkakaroon ng
idiyoma sa lahat ng wika; sa Ingles pa lamang, mayroon nang tinatayang dalawampu't limang milyong
ekspresong idiyomatiko.
Idyomatikong pagpapahayag ang tawag sa mga pariralang ang kahulugan ay hindi mahahango
sa alinmang bahagi ng pananalita
Narito ang ilang halimbawa ng idyomatikong pahayag sa Filipino:
IDYOMATIKO KAHULUGAN
Abo ang laman ng ulo Walang nalalaman
Alimuom Tsismis
Anak-pawis Dukha / mahirap
Babaha ng dugo Malaking gulo
Bahag ang buntot Takot / Duwag
Balat-sibuyas Maramdamin

1
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Basa ang papel Masama ang record


Basang sisiw Kaawa-awa
Batak ang katawan Malakas, sanay sa mabibigat na gawain
Bigatin May kaya sa buhay
Bilugin ang ulo Lukohin
Biniyak ang ulo Magkahawig/ Magkamukha
Bukang-bibig Madalas na banggitin
Bukas na aklat Alam ang lahat
Bugtong na anak Kaisa-isang anak
Buhatin ang sariling bangko Purihin ang sarili
Bulaklak ng dila Mga pangungusap na hindi mataimtim
Buo ang loob Malakas ang loob
Kalamayin ang loob Ipanatag ang isip at katawan
Kinakalawang na Lumalaos na
Kinukulili ang tainga Pagkayamot sa sinasabi nang paulit-ulit
Kisap-mata Saglit, sandali
Kumukulo ang dugo Nagagalit
Kusang-palo Kusang gumawa ng isang bagay
Kutong-lupa Taong maliit, pandak
Di makabasag pinggan Napakabait, mahinhin
Di-maliparang uwak Napakalawak (tumutukoy sa lupain)
Gasgas ang bulsa Malaki ang nagasta
Halang ang bituka Hindi natatakot mamatay
Hampas ng langit Parusa ng Diyos
Hampas-lupa Palaboy
Hindi gawang biro Lubhang mahirap
Hulog ng langit Kapalaran
Humahalik sa yapak Sumasamba
Hunos-dili Pagpigil sa sarili
Igagapang Pagtitiyagang itaguyod
Ihatid sa Dambana Pakasalan ang tao
Libing sa limot Kalimutan
Ilista sa tubig Pagkakutang na hindi nabayaran
Isang bakol na mukha Nakasimangot
Isang kahig, isang tuka Ang kinikita ay hustongh-husto lamang
Laki sa nuno Lumaking nasusunod ang maibigan
Ligaw na bituka Mga lihim o kaya’y pag-uugaling hindi alam
Ligaw-tingin Patanaw-tanaw
Lumagay sa tahimik Mag-asawa
Lumang tugtugin Luma na
Mababang loob Mapagpakumbaba
Mabigat ang katawan May kaunting dinaramdam

2
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Mabilis ang kamay Maliksing magnakaw


Makapal ang mukha Walang damdamin/ hiya
Makati ang dila Mapaggawa ng usap sa ibang tao
Makitid ang kumot Kinakapos sa salapi
Magbatak ng buto Magtrabaho
Magbibig anghel Maging totoo sa sinasabi
Magdildil ng asin Naghihikahos sa pamumuhay
Magpatulo ng pawis Gumawa upang may makain
Magsunog ng kilay Magtiyagang mag-aral
Mahangin ang ulo Mayabang, hambog
Maikli ang pisi Kaunti ang salapi/ pasensya
Mainit ang mata Ang matitigan ay nagkakasakit o nangangayayat
Maitim ang buto Masamang tao
Malabnaw ang utak Mahina
Malakas ang loob Matapang
Maliit ang sisidlan Madaling mainis
Mapagtanim Hindi nakakalimot ng sama ng loob
Mataas ang lipad Mayabang
Matigas nang mukha Hindi marunong mahiya
May sariling mundo Walang pakielam sa iba
May masasabi Marunong o matalino
Nakasandal sa pader May taong inaasahan
Nagbubuhat ng sariling bangko Pinupuri ang sarili
Naghuhugas ng kamay Ikinakaila ang kasalanang nagawa
Nagmumurang kamatis Matandang nagpapakababa
Nagpantig ang tainga Nayamot o nagalit
Nagsaulian ng kandila Nagkagalit
Nagtataingang kawali Nagbibing-bingihan
Namamangka sa dalawang ilog Nagiging salawahan sa pag-ibig
Nasa dulo ng dila Bagay na alam ngunit hindi agad maaalala
Pakitang-tao Pagkukunwari
Pagbuhatan ng kamay Saktan , parusahan
Pagputi ng uwak Pangyayaring tila malabong mangyari
Patawirin Malapit nang mamatay
Pikit-mata Buong lakas loob
Pinagsakluban ng langit at lupa Nagdilim ang isip; nakasimangot; nagulo
Puti ang tainga Maramot
Sumama sa agos Nakiisa
Taga sa panahon May sapat na gulang at karanasan na.
Tulog na lukan Mabagal na tao
Walang itulak-kabigin Mahirap pumili sa alternatibo
Wala sa kanyang sarili Walang pakialam sa mga nagaganap sa paligid

3
MODYUL: FIL-03 – MASINING NA PAGPAPAHAYAG

Kayod-kalabaw Halos walang tigil sa pagtatrabaho


Parang nilubugan ng araw Nawalan ng pag-asa
Hawak sa tainga Taong sunud-sunuran sa isang tao
Kalatog pinggan Taong nag-aabangsa kainan o handaan
Papatay-patay Mahiyain, pabagal-bagal
Binuksan ang dibdib Nagtapat
Kahig ng kahig Walang humpay sa pagtatrabaho
Ibayong dagat Ibang lupain
Di- mahayapang gatang Mayabang, palalo
Kahiramang-suklay Kaibigan
Kabungguang balikat Laging kasama
Dagok ng kapalaran Masamang kapalaran
Kaututang dila Kabidahan
Lagot ang pisi Naubusang ng pera/ pasensiya
Sumugba sa ningas Sumuong sa panganib
Umuusok ang tuktok Galit na galit
May uwang sa puwit Napakalikot
Bulangugo Gastador
Huling hantungan Libingan
Ikapitong langit Malaking katuwaan
Sanga-sangang dila Sinungaling
Kapit-tuko Mahigpit ang kapit
Hilong-talilong Litong-lito
Kapit patalim Mahigpit ang pangangailangan
Hagisan ng tuwalya Tapos na ang labanan dahil natalo na ang isa
Isilid sa bulsa Isama
Kagat ng buto Babae
Parang hipon Agad namumula ang pisngi sa hiya o tuwa

• National Idiom Association. (2021). Filipino Idioms: Kasaysayan at Kahulugan. Idiom


Association Philippines. https://www.idiomassociationph.org/filipino-idioms-history-
and-meaning
• Rodriguez, M. L. (2016). Pag-aaral ng Pagkakatulad at Pagkakaiba ng Idyoma sa
Filipino at Ingles. Journal ng Wika at Panitikan, 15(2), 75-88.
doi:10.1234/jwp.2016.15.2.75

You might also like