Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Carl Jasper: Magandang gabi po sa ating lahat.

Bago magsimula ang aming patrol ay nais kong


ipakilala sa inyo ang mga gaganap.

Taga bilang ng 1,2,3 / Production staff: Yhuri and Atom


Mambabalot: Cane
Naghahanap ng balot/ Makakakita kay mambabalot: CJ
Customer 1: JM
Customer 2: Kale
Customer 3: Gapi
Holdaper: Jace and John Co
Concern citizen na tatawag ng pulis: Jade
Director: Aice

Carl Jasper: May isag grupo ng mga kalalakihan na pangarap nila ang maging artista at
mapabilang sa isang malaking pelikuka kung kaya’t sila ay nag audition upang maging sikat na
artista.
Director: Ipakita niyo sa akin kung gaano kayo kagaling, dahil ang gagawin nating pelikula ay
gusto kong maging kilala sa buong mundo. Production staff, tayo’y magsimula na.
Yhuri and Atom: Lights, Camera, Action! (Bang of kaldero)

(no energy and not much emotion)


CJ: Nagugutom na ako, parang gusto ko kumain ng balot. Nasan na ba si kuya mambabalot?
Hayyyy!!! Ahy baka nagpunta siya doon.
Cane: Balot! Balot! Balot kayo diyan, bili kayo ng balot ko. Masarap na, maraming mahihigop
na sabaw at seedless pa. 20 pesos lang bili na kayo ng balot, balot, balot!!!
JM: Heyya! Beshhyy!! Waz you binebenta?
Cane: Balot po!
JM: How much itez?
Cane: 20 pesos po.
JM: OMG! Nakaka shokot naman yang tag prize ng premature duck mo! Sa ibang nag sesell, 15
lang! Hmmmpptt! Why so high the presyo? Dun na nga lang akes bibili. Sayo nalang yang 20
pesos na premature duck mo. Babushh!
Cane: Edi wow! Babusshh!
Baloott!!!! Balot!
Kale: Kuya balot ba yan?
Cane: Malamang, yun nga sinisigaw ko diba?
Kale: Magkano po sa balot?
Cane: 20 pesos isa.
Kale: Eh magkano po yung penoy niyo?
Cane: 19 pesos po.
Kale: Eh magkano pag basag na balot yung binigay mo?
Cane: 15 po
Kale: Ah mas mura, Sige kuya pagbasagan mo ako ng 3 na balot para mas mura.
Cane: Huh??!! Ewan ko sayo! Sa iba ka nalang bumili ng balot, wala pa akong benta
pinipilosopo mo na ako!
Balot!! Balot! Kayo diyan, 20 pesos lang, masarap na, madaming sabaw at seedless pa!
Balot! Balot!
(Nabangga ni Gapi si Kale at nahulog at nabasag ang ibang balot)
Gapi: Ano ba yan bakit ka kasi paharang harang sa daan, alam mo na ngang naglalakad ako.
Cane: Wow, kuya, ikaw nan gang nakabangga at nakatapon ng mga paninda ko ikaw pa ang may
ganang magalit. Dapat mo ngang bayaran ito eh.
Gapi: Wow! Eh bakit ka kasi paharang harang diyan, baka mamaya ikaw lang ang bumangga sa
akin at modus ka lang para may benta ka lang agad at bayaran kita. Ang daming ganyang
nanloloko ngayon sa mundo, lalo na sa mga katulad mo, MODUS!! (Naglakad paalis)
Cane: Hayy kung minamalas ka nga naman! Wala pang benta ay nabasag pa ang ilan! Ibenta ko
na nga lang itong natira. Balot!! Balot! Kayo diyan, 20 pesos lang, masarap na, madaming sabaw
at seedless pa! Balot! Balot!
Jace: Holdap to! Akin na yang pera mo!
Cane: Wala pa akong nabebenta, wala akong ibibigay.
John Co: Anong walang benta eh ang konti na nga lang niyang balot mo, ibigay mo sa amin yang
pera mo kung ayaw mo masaktan at mamatay.
Cane: Edi saktan niyo ako! GO!
*John Co and Jace sinaktan si Kale hanggang sa matumba.
Cane: Araayyyy ko po!!!! Patayyyy!!!
*Nakita ni CJ si Kale na nakahandusay sa daan.
CJ: Halah! Si balot, namatay! Balot! Gising Balot! Gising! Halah kailangan kong tumawag ng
pulis.
Kuya kuya, si Balot namatay, tumawag ka nga ng ambulansya at pulis wala akong load eh.
Jade: Halah! Si Balot namatay? Tatawag na akong pulis.
Hello! Si balot, namatay! Si balot namatay! Kailangan namin ng ambulansya.
CJ and Jade: Halah! Balot! Gising Balot! Gising Balot!
Director Aice: Ano ba yan, walang emosyon! Nawalan na nga ng benta kaya dapat galit ka balot!
Production staff go!
Yhuri and Atom: Galit daw! In 3, 2, 1 ! Lights, Camera Action!
*SAME LINES NA GALIT.
Director Aice: ayyy wait wait! Bakit masyado naman kayong galit at ang bibilis niyo magsalita,
pwede bang paki bagalan ninyo. Ulitin!
Production Staff: Bagalan ang salita, Lights Camera, Action!
*SAME LINES NA SLOW MO.
Director Aice: Ano yun? Masyadong mabagal, boring! Gawin niyong masaya para entertaining!
Production Staff: Gawin daw na masaya! Lights Camera, Action!
*SAME LINES NA COMEDY.
Director Aice: Masyadong high energy! Ano ba yan! Naholdap ka at pwede kang mamatay tapos
di ka natakot? Ulitin!
*SAME LINES NA HORROR.
Director Aice: Ewan ko sa inyo!!! Pero dahil pinakitaan niyo ako ng iba’t ibang emosyon, pasok
na kayo sa audition at gagawa na tayo ng pelikula!
ALL Cast: Yeyyy!!!! Thank you direk!!!
Carl Jasper: At doon na nga nagsimula ag showbiz career at pag abot ng pangarap ng mga
binatilyong nais maging sikat na artista.
ENDING BOW!

You might also like