Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

DEMOGRAPHICS:

Barangay 176, Bagong Silang, Caloocan City holds 261,729 residents as of 2022
census whereas 70% of the population relies on public transportation.

HEADLINE:
MATARIK BRIDGE PANSAMANTALANG ONE-WAY MUNA

LEAD:
Caloocan, Pilipinas - Sa ganap na ika-18 ng Setyembre 2023 ay pansamantala
munang magiging one-way ang Matarik Bridge na nagsisilbing pangunahing daanan ng
mga komyuter sa Bagong Silang at ilang mga karatig na lugar nito upang magbigay
daan sa pagsasaayos at pagpapatibay ng naturang tulay.

BODY:

Ang tulay ng Matarik ay nagkokonekta sa pagitan ng Barangay ng Bagong


Silang at Camarin na siyang tumutugon patungo sa main road ng Quezon City at
Maynila kaya't asahan na ang mas mabigat at mas mahabang trapiko sa mga susunod
na buwan dahil sa isinasagawang pagsasaayos ng DPWH at Barangay Bagong Silang
sa naturang tulay.

"Bagamat magdudulot ng abala sa motorista ang pagsasaayos ng DPWH sa


tulay na ito na may katandaan na rin, pagkatapos naman ng konstruksyon ay higit ang
pakinabang na maidudulot nito sa ating barangay dahil magiging apat na lane na ito at
itataas ng metro ang tulay mula sa orihinal nitong elevation upang mabawasan ang
sobrang matarik na slope nito." ani ni Kapitan Joel Bacolod sa kanyang Facebook post
patungkol sa proyekto.

Sa ngayon ang mga maaari lamang na makadaan sa tulay ay ang mga


komyuter na manggagaling sa Camarin papasok ng Bagong Silang samantalang ang
Barugo Rd. na muna ang magsislbing alternatibong daan para sa mga papalabas ng
Bagong Silang.
CONCLUSION:

"Ang ruta at abisong pantrapikong ito ay maaaring baguhin ng DPWH ano


mang oras kung kinakailangan depende sa progreso ng konstruksyon, sa pakikipag-
ugnayan sa Pamahalaang Lungsod at sa Barangay." pagpapatuloy ni Kap.

Pagbabantay sa daloy ng trapiko at mahabang pasensya ang inaasahan mula sa mga


komyuter.

You might also like