Akademikong Pagsulat 1 Unang Kwarter

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Akademikong Pagsulat

► PANIMULANG PAGTATAYA

Sagutin ang mga sumusunod na katanungan: Bilugan lamang ang titik ng


tamang sagot.
1. Ito ay artilkulasyon ng mga ideya, konsepto, paniniwala, at nararamdaman
sa paraang nakalimbag,
A. Pakikinig
B. Pagbabasa
C. Pagsasalaysay
D. Pagsusulat
2. Anyo ng pagsulat na nagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at
bunga, at pagbibigay ng mga halimbawa.

A Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatuwiran

3. Anyo ng pagsulat na nakapokus sa pagkakasunod-sunod ng daloy ng


mga pangyayaring aktuwal na naganap.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysay
D. Pangangatuwiran
4. Anyo ng pagsulat na nagpapahayag ng katwiran o opinyon o
argumentong pumapanig o sumasalungat sa isyung nakahain sa
manunulat.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pangangatuwiran

5. Anyo ng Pagsusulat na nagsasaad ng obserbasyon, uri, kondisyon,


palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar,
o pangyayari.
A. Paglalahad
B. Paglalarawan
C. Pagsasalaysa
D. Pangangatuwiran
6. Matapat ang isang mananaliksik na nagsusulat ng impormasyon sa
notecard hinggil sa mga impormasyon na kaniyang nakuha sa mga aklat.

7. Sistematiko ang isang mananaliksik na nagbabanggit hinggil sa limitasyon


ng kaniyang ginagawang pag-aaral.

8. Maparaan ang isang mananaliksik na hindi gumagamit ng mga datos na


kuwestiyonable.
9. Ginagamit ang akademikong pagsulat sa pagbabalita sa mga pangyayari
hinggil sa mga paboritong artista sa telebisyon.

10.Mahalaga ang naidudulot ng akademikong pagsulat, partikular sa pag-


uulat ng mga pananaliksik na ginawa ng iba’t ibang iskolar hinggil sa iba’t
ibang disiplina.
1. Magtala ng 5 sulating nalikha
-Alin sa mga ito ang pinakamadali,
ang katamtaman at ang pinakamahirap?
2. Ano ano ang mga dahilan ng pagsusulat ng isang awtor?
3.Ano ang akademikong pagsulat?
4. Ano-anong sulatin ang maituturing na pang-akademiko? Alin dito ang naranasan
mo sa pagsusulat? Mahirap ba o madali? Bakit?
► Dahilan ng Pagsusulat ng Tao
1. libangan- sapagkat sa pamamagitan nito ay naibabahagi nila sa
iba ang kanilang mga ideya at mga kaisipan sa paraang kawili-wili o kasiya-
siya para sa kanila.
2. matugunan ang pangangailangan sa pag-aaral bilang bahagi ng
pagtatamo ng kasanayan at matugunan ang mga pangangailangang propesyonal
3. masusukat ang kahandaan at kagalingan ng mga mag-aaral sa iba’t ibang
disiplina.
4. Sa pagsasalita at pagsulat, nagbabahagi ang isang tao ng kanyang mga
kaisipan at nalalaman tungkol sa isang paksa sa pamamagitan ng kanyang sinabi
at isinulat.
5. Nagsusulat ang tao upang matugunan ang mga personal na pangangailangan.
6. Nagsusulat ang tao hindi lamang upang magpahayag ng saloobin at bumuo ng
magpatatag ng mga ugnayan, bagkus ay upang mapabuti ang sarili.
7. matugunan ang mga akademiko at propesyonal na pangangailangan.
Pananaw tungkol sa Pagsulat

Badayos-
ang kakayahan sa pagsulat nang mabisa ay isang bagay na totoong mailap para sa
nakararami sa atin maging ito’y pagsulat sa unang wika o pangalawang wika man

Keller –
ang pagsulat isang biyaya, isang pangangailangan at isang kaligayahan ng
nagsasagawa nito
► Donald Murray- Writing is rewriting, a good writer is wasteful, he saws and
shapes and cuts away, discarding wood...The writer cannot build a good
strong piece of writing unless he has gathered an abundance of fine raw
materials”
► Peck at Buckingham -ang pagsulat ay ekstensyon ng karanasang natamo ng
isang tao mula sa kanyang pakikinig, pagsasalita at pagbabasa”.
Ano ang akademikong pagsulat?

-isang intelektuwal na pagsulat na nag-aangat sa antas ng kaalaman ng mga


mambabasa.
*Hindi opsiyon ang akademikong panulat para sa mga akademikong manunulat o
propesyonal. Ito ay isang pangangailangan.

*Ang mahusay na manunulat ng akademikong teksto ay may mapanuring pag-iisip,


may kakayahang mangalap ng impormasyon o datos, mag-organisa ng mga ideya,
mag-isip ng lohikal, magpahalaga sa orihinalidad at inobasyon, at magsuri at
gumawa ng sintesis.
Mga Halimbawa ng Akademikong Sulatin
► abstrak
► bionote
► panukalang proyekto
► talumpati
► sintesis
► replektibong sanaysay
► katitikan ng pulong
► posisyong papel
► agenda
► photo essay
lakbay sanaysay o travel essay o travelouge
Sagutin

► 1. Pagnilayan
► 2. Dugtungan
► 3. Tuklas Dunong
► 4. Suring-lapat- isang talata na may 5-7 pangungusap
► 5. Tayahin

You might also like