Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Sa aming maikling dula-dulaan, aming isasalaysay kung paanong Sumiklab ang digmaang Pilipino-Amerikano.

Napaniwala ng mga Amerikano si Aguinaldo na ang tanging layunin ng mga amerikano sa Pilipinas ay tulungan silang
makalaya mula sa mga Espanyol. Tinanggap nila ang tulong ng mga Amerikano.

Scene: 1

(Amerikano) George Dewey: Friend, We are here to help you. We want you to be a free country once more.

Heneral Emilio Aguinaldo: Thank you. We will fight with our lives for our beloved Philippines.

(Shake hands)

Dahil sa malalakas na armas, unti unting natatalo ng Pilipino at Amerikanong Sundalo ang mga Espanyol. Kayat noong ika
12 ng Hunyo 1898, ipinahayag na ni Hen. Emilio Aguinaldo ang kasarinlan ng Pilipinas.

Scene 2:

Hen. Emilio Aguinaldo: Ngayong ika 12 ng Hunyo, taong 1898, pormal kung ipinahahayag na ang Pilipinas ay isa ng…
Malayang Bansa!!!

Lahat: Sabay sabay sisigaw habang iwinawagaway ang bandila: Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang Pilipinas!

Subalit ang Kalayaan na kanilang tinatamasa ay isang bangungot lamang pala. Matapos ang 333 taong pananakop ng
mga Espanyol sa mga Pilipino, ang Pilipinas ay muling napasailalim sa kapangyarihan ng isa pang imperyalistang bansa-
ang Estados Unidos.

Ang Amerika at Espanya pala ay nagkaroon ng tinatawag na Mock Battle o kunwaring labanan. Noong Agosto 13, 1898,
pinasabog ng mga Amerikano ang pinagkukublihan ng mga Espanyol, Nagkaroon ng sandaling putukan at iwinagayway
ng mga Espanyol ang puting bandila tanda ng kanilang pagsuko, at noon ay bumagsak sa kamay ng mga Amerikano ang
Maynila.

Nabunyag ang totoong layunin ng mga Amerikano sa Pilipinas ng lumitaw ang Kasunduan sa Paris noong Disyembre 10,
1898. Ang pagpupulong na ito ay dinaluhan ni Felipe Agoncillo, subalit hindi man lang siya pinayagang makapagsalita.
Tanging ang Espanya at Amerika lamang ang nag-uusap at ditto lumabas ang isang mapait na katotohanan. Ang Amerika
ay magbabayad ng halagang 20milyong dolyar sa Espanya, kapalit ng lahat ng naipagawa ng Espanya sa Pilipinas at 10
taong pakikipagkalakalan.

Scene 3:

Espanya: Malinaw ang kasunduan, magkukunwari lang na kami ay susuko, pero lahat ito ay may kapalit, kumpadre.

Amerika: 10milyong dolyar, kapalit ng lahat ng naipagawa nyo sa Pilipinas.

Espanya: Hindi maaari, napakababa niyan. 20 milyong dolyares!

Amerika: call. Ok. Pero ang Cuba at Puerto Rico ay mapapasailalim din sa aming pamamalakad. At 10 taon na
pangangalakal sa Pilipinas. Walang kokontra. Ayaw ko ng magulo.

Espanya: Bravo! Ihanda ang kasunduan! Kailangan itong mapagtibay.

Narrator: Walang nagawa si Filipe Agoncillo. Inisahan lang sila ng Amerika. Muling sumiklab ang Digmaang Pilipino
Amerikano ng barilin ng sundalong amerikano ang dalawang Pilipino na hindi sumunod sa kanilang mga utos.

Scene 4:

Sundalong Amerikano: Idiot! Come over here!

2 Pilipino: (Lilingon at tititig ng matagal sa mga sundalong amerikano, pero deadmahin lang. lalakad na uli)

Sundalong Amerkano. (Sisipatin ng Baril ang 2 Pinoy. ) Bang! Bang!

Sabay tutumba ang dalwang pinoy.

Galit nag alit na susugod ang mga Pilipino para lumaban ng barilan.

Narrator: At ditto nagsimula ang digmaang Pilipino amerikano. Marami ang nagbuwis ng buhay upang makamit natin
ang Kalayaan. Nawa pahalagahan natin ang tinatamasa nating Kalayaan ngayon.

Hindi basta basta ang pinagdaanan ni Heneral Emilio Aguinaldo, Heneral Antonio Luna, Heneral Gregorio Del Pilar,
Heneral Miguel Malvar, Macario Sakay, Apolinario Mabini, Trinidad Tecson, Melchora Aquino, at marami pang iba.

Hanggang ditto na lamng po, at sana ay may natutunan kayo sa aming duladulaan.

You might also like