Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Unang Markahang Pagsusulit sa Araling Panlipunan

I. Basahin at suriing mabuti ang mga tanong sa ibaba. Isulat ang titik ng tamang sagot sa
iyong sagutang papel.

1. Ang mga isyung ito ay nagaganap sa kasalukuyan at may malinaw na epekto sa lipunan.

A. Isyung Pangkapaligiran B. Kontemporaryong Isyu C. Isyung Pangkalakalan D. Isyung


Pangkalusuagan

2. Saang isyu nabibilang ang samahang pandaigdigan na binubuo ng iba’t ibang kinatawan mula sa
pambansang organisasyon para sa pandaigdigang katahimikan at pagkakaisa?

A. Isyung Pangkalakalan B. Isyung Pangkalusugan C. Isyung Panlipunan D. Isyung Pangkapaligiran

3. Alin sa sumusunod ang hindi kasanayan na dapat taglayin sa pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

A. Natutukoy ang katotohanan at opinyon. B. Huwag ilahad ang kabutihan at di-kabutihan ng isang
bagay. C. Pagkilala sa sanggunian. D. Pagbuo ng opinyon at ugnayan.

4. Ang isang isyu ay maaaring pag-aralan sa pamamagitan ng pagsusuri ng ilang bahagi nito, alin sa
sumusunod ang kabilang dito? I. uri II. sanggunian III. kahalagahan IV. epekto

A. I B. II C. I, II, III, IV D. II, III

5. Alin sa sumusunod ang kahalagahan ng pag-aaral ng kontemporaryong isyu?

I. Nagiging mulat sa katotohanan. II. Nahahasa ang kritikal na pag-iisip. III. Napalalawak ang
kaalaman. IV. Napauunlad ang kakayahan sa pagbasa at pag-unawa.

A. I B. I, II C. I, II, III D. I, II, III, IV

6. Ito ang pinakamalaking uri ng itinatapong basura ayon sa ulat ng National Solid Waste
Management Status Report noong 2015.

A. biodegradable C. solid waste B. nuclear waste D. electronic waste

7. Alin sa sumusunod ang dahilan ng pagkakaroon ng suliranin sa solid waste sa Pilipinas?

A. Kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura B. Ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng


mga tao C. Kawalan ng hanapbuhay ng mga tao D. Hindi maayos na pamamahala ng mga pinuno

8. Ang sumusunod ay masamang epekto ng solid waste maliban sa______

A. Nagiging sanhi ng pagbaha B. Nagpapalala sa paglaganap ng sakit gaya ng dengue at cholera C.


Nakadadagdag sa suliranin sa polusyon ang pagsusunog sa mga ito D. Nadaragdagan ang bilang ng
mga waste pickers na kumikita sa mga ito

9. Ito ay ang Non-Government Organization na nagsusulong sa karapatan ng mga Pilpino sa balanse


at malusog na kapaligiran.

A. Greenpeace C. Bantay Kalikasan B. Mother Earth Foundation D. Clean and Green Foundation

10. Anong batas ang lumikha sa mga Material Recovery Facility (MRF) sa bansa?

A. Republic Act 9003 C. Republic Act 2649 B. Republic Act 115 D. Republic Act 9072

11. Saan nanggagaling ang malaking bahagdan ng itinatapong basura sa Pilipinas?


A. tahanan C. paaralan B. palengke D. pabrika

12. Ang sumusunod ay dahilan ng deforestation sa Pilipinas maliban sa ________

A. Fuel wood harvesting C. Illegal logging B. Illegal mining D. Global warming

13. Ang Pilipinas ay nakararanas ng matinding suliranin sa solid waste dahil sa ______.

A. kawalan ng hanapbuhay ng mga tao B. kawalan ng disiplina sa pagtatapon ng basura C. hindi


maayos na pamamahala ng mga pinuno D. ang pagdami ng produktong kinukonsumo ng mga tao

14. Ang Pilipinas ay apektado sa nagaganap na climate change. Alin sa sumusunod ang epekto nito sa
ating bansa?

A. Pagtaas sa insidente ng dengue B. Pagliit ng produksiyon ng pagkain C. Malalakas na


bagyo na nagdudulot ng pagbaha at landslides D. lahat ng nabanggit

15. Alin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung hindi malulutas ang mga suliraning
pangkapaligiran na kinakaharap sa kasalukuyan?

A. Masasanay ang mga tao sa maruming kapaligiran B. Maraming aalis sa Pilipinas dahil sa sobrang
polusyon C. Patuloy na daranas ang ating bansa ng matitinding kalamidad D. Lahat ng nabanggit

16. Alin sa sumusunod ang pangunahing dahilan kung bakit ang dating kagubatan ay nagiging
plantasyon, subdibisyon, o sentrong komersyo?

A. Paglipat ng pook tirahan B. Illegal na pagtotroso C. Pagdami ng populasyon D. Illegal na


pagmimina

17. Ang illegal logging ay isa sa mga dahilan ng mga suliraning pangkapaligirang dinaranas ng
Pilipinas ngayon. Alin sa sumusunod ang bunga nito?

A. pagbaha b. pagkawala ng tirahan ng mga hayop c. pagguho ng lupa D. lahat ng nabanggit

18. Ang sumusunod ay mga suliraning pangkapaligirang nararanasan sa Pilipinas maliban sa


_____________.

A. solid waste C. climate change B. ilegal na droga D. pagkasira ng mga likas na


yaman

19. Ipinatupad ang Republic Act 9003 upang magkaroon ng legal na batayan sa iba’t-ibang desisyon
at proseso ng pamamahala ng solid waste sa bansa. Ito ay kilala bilang

A. Ecological Garbage Management Act of 2010 B. Ecological Solid Waste Management Act of 2000
C. Ecological Garbage Management Act of 2000 D. Ecological Solid Waste Management Act of 2010

20. Nananatili ang suliranin sa solid waste sa kabila ng mga programa sa pagtatapon ng basura. Isang
napakalaking hamon sa pagpapatupad ng batas ay ang

A. kawalan ng suporta ng mga namamahala B. paglilinis ng mga kalat ng buong pamayanan C.


pagbabago ng pag-uugali ng mga Pilipino D. paghahanap ng lupang pagtatapunan ng basura

21. Alin sa sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng top-down approach sa pagbuo ng Disaster
Risk Reduction and Management (DRRM) Plan?

A. Lahat ng desisyon ay nagmumula sa nakatataas na kinauukulan.


B. Nag-aantay ng tulong ang mga lider ng barangay galing sa nakatataas na kinauukulan

C. Pinangunahan ng mga mamamayan ang pagtukoy, pag-aanalisa sa mga maaaring maging epekto
ng bagyong paparating.

D. Lahat ng mga may kaugnayan sa hazard, kalamidad, at pangangailangan ng pamayanan ay


nabibigyang pansin.

E. Nagtulong-tulong ang mga tao sa isang lugar upang linisin ang mga kanal bilang paghahanda sa
paparating na bagyo.

22. Tumutukoy sa kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad. A.
Disaster C. Resilience B. Vulnerability D. Hazard

23. Isa itong uri ng hazard o panganib na dulot ng kalikasan A. Natural Hazard C. Anthropogenic
Hazard B. Social Hazard D. Physical Hazard

24. Isang uri ng hazard na bunga ng mga gawain ng tao. A. Natural Hazard C. Anthropogenic
Hazard B. Social Hazard D. Physical Hazard

25. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao, kapaligiran, at mga
gawaing pang-ekonomiya.

A. Hazard C. Disaster B. Risk D. Resilience

26. Kapag matatag ang mga tao sa epekto na dulot ng kalamidad, ano ang maaaring maiwasan?

A. Pinsala sa buhay at ari-arian C. Pagtaas ng bilihin

B. Pagbagsak ng ekonomiya D. Pagdami ng basura

27. Tumutukoy sa iba’t ibang gawaing hinulma upang mapanatili ang kaayusan sa panahon ng
sakuna, kalamidad, at panganib. A. Hazard Assessment C. Capacity management B. Disaster
management D. Disaster

28. Bakit mahalagang mabatid ng mga mamamayan na hindi sila ligtas sa mga sakuna at kalamidad?

A. Upang mas marami silang tulong na matatanggap sa pamahalaan at pribadong sektor.

B. Upang mapabilang sila sa listahan ng mga maaaring maging biktima.

C. Upang makapaghanda at maiwasan ang maraming pinsala sa buhay, ariarian, at sa kalikasan.

D. Upang maitala na sila ay kabilang sa mga mahihirap na mamamayan.

29. Alin sa sumusunod na pahayag ang tumutukoy sa ng isang maayos na lipunan?

A. Lahat ng mamamayan ay nakapag-aral. B. Sagana sa likas na yaman ang ating bansa. C. Maayos
ang ugnayan ng buong pamilya. D. Bawat mamamayan at institusyon sa lipunan ay ginagampanan
nang maayos ang kani-kaniyang responsibilidad.

30. Ang maitim na usok na ibinubuga ng mga pabrika at mga sasakyan ay halimbawa ng A. Natural
Hazard C. Structural Risky
II. Suriin ang bawat pahayag. Isulat sa iyong sagutang papel ang T kung ito ay tama at M kung ito
naman ay mali.

31. Ayon sa Philippine National Red Cross (2016), nagmungkahing magkaroon ng lifetime kit bago pa
may dumating na kalamidad gaya ng pagbaha.

32. Sa panahon ng kalamidad “Ligtas ang may alam”.

33. Alamin ang mga emergency numbers ng lokal na tanggapan ng pamataysunog, pulis, pagamutan
at mga kawani ng barangay pagkatapos ng kalamidad.

34. Mag-imbak ng pagkain o inuming tubig para sa posibleng kalamidad.

35 Magpanic-buying kung may paparating na kalamidad.

36. Magplano ng gagawin kapag may parating na kalamidad.

37. Huwag ipaalam sa mga kinauukulan ang mga nasirang kawad ng koryente at tubo ng tubig.

38 Magsagawa o lumahok sa regular na earthquake drill, emergency drill, fire drill at iba
pa bilang paghahanda sa kalamidad.

39. Ang paghahanda sa kalamidad ay tungkulin lamang ng pamahalaan.

40.Ang mga taong naninirahan sa may paanan ng bulkan ay maaaring malagay sa peligro sa
pagputok nito.

III. Punan ng tamang sagot ang sumusunod na pangungusap. Ibigay ang hinihingi ng sumusunod na
pahayag.

_________ 41. Kakayahan ng pamayanan na harapin ang mga epekto na dulot ng kalamidad.

_________ 42. Tumutukoy sa tao, lugar, at impraestruktura na may mataas na posibilidad na


maapektuhan ng mga hazard.

________ 43. Ito ay isang hazard na bunga ng mga gawain ng tao.

_________ 44. Tumutukoy sa mga pangyayari na nagdudulot ng panganib at pinsala sa tao,


kapaligiran, at mga gawaing pang-ekonomiya.

_________ 45. Mga banta na maaaring dulot ng kalikasan o ng gawa ng tao.

_________ 46. Tumutukoy sa mga hazard na dulot ng kalikasan.

_________ 47. Mga pinsala sa tao, ari-arian, at buhay dulot ng pagtama ng isang kalamidad.

_________ 48. Isang dinamikong proseso na sumasakop sa pamamahala ng pagpaplano, pag-


oorganisa, pagtukoy ng mga kasapi, pamumuno, at pagkontrol.

_________ 49. Sa approach na ito, lahat ng gawain mula sa pagpaplano na dapat gawin hanggang
sa pagtugon sa panahon ng kalamidad ay iniaasa sa mas nakatataas na tanggapan o ahensya ng
pamahalaan.

_________ 50. Isa sa mga katangian ng approach na ito ay ang malawak na partisipasyon ng mga
mamamayan sa komprehensibong pagpaplano at mga gawain sa pagbuo ng desisyon.

You might also like