Screen Test

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

SCREEN TEST: ROMEO & JULIET

Ikalawang Tagpo: Ball Scene

ROMEO: Kung lapastangan ng kamay kong hindi marapat,


Ang iyong dambanang banal, ang parusang ilalapat;
Ang mga labi kong dalawa’y namumulang mamamakay
Ay handang hagurin ng halik ang ginaspang ng aking kamay.

JULIET: Mabait na mamamakay, ikaw ay nagkakasala


Sa kamay mong mabuting kilos ang nakikita;
Mga santo’y may kamay na hinihipo ng may-pakay;
At ang pagdadaop-palad ay parang halikang banal.

ROMEO: Kung gayon, santa ko,bayaang gawin ng labi ang gawain na pangkamay!
Sila ay dumadalangin upang ang paniniwala ay hindi mamatay.
(Hahalikan ni Romeo si Juliet.)

JULIET: Kung gayon ay nasa aking labi ang salang sa iyo ay nakuha.

ROMEO: Salang buhat sa labi ko?


O salang malambing na iyong binanggit,
Ang sala ko ay muling ibalik
(Hahalikan niyang muli si Juliet.)

JULIET: Parang pinag-aralan mo ang paghalik.

NARS: Senyorita, nais kang makausap ng iyong ina.

Ikatlong Tagpo: Balcony Scene

JULIET: O Romeo, Romeo!


Itanggi ang iyong ama’t ang pangala’y itakwil mo!
O kung hindi, isumpa mong ako’y iniibig,
At hindi na ako magiging Capulet

JULIET: Pangalan mo lamang ang masasabi na kaaway ko,


Ikaw ay ikaw rin kung hindi ka man Montague.
Ano ang Montague? Hindi kamay, hindi paa,
Ni braso, mukha, o anumang bahagi pa ng katawang tao.
O, magpalit ka na ng pangalan!

ROMEO: Susundin ko ang wika mong binitiwan.


Tawagin mo akong mahal at pamuli kong bibinyagan;
Buhat ngayon hindi na ako magiging Romeo.
JULIET: Sino ka bang nagkukubli sa gabing madilim,
Na nakatuklas sa aking lihim?

ROMEO: Sa pangalan, Hindi ko malaman kung paano ipakikilala yaring katauhan.


Ang ngalan ko, santang mahal, ay kinasusuyaan ko
Pagka’t yao’y isang kaaway mo.
Kung nasusulat ‘yon ay pupunitin ko.

JULIET: Hindi ka ba si Romeo, at isang Montague?

ROMEO: Hindi ang kahit alin, kung kamumuhian mo rin.


JULIET: Paano ka naparito at saan ka nanggaling? Ang pader dito ay napakataas.
Mahirap akyatin.

ROMEO: Nilundag ko yaong pader sa pakpak ng pagmamahal;


Pagkat ang pag-ibig ay di mapipigil ni’yong batong humahadlang.
Ginagawa ng pag-ibig ang bawat kaya niyang gawin.

JULIET: ‘Pag nakita nila ay papatayin ka.

ROMEO: Tamisan mo lang ang titig,


Ay ligtas na ako sa kanilang pagkagalit.

JULIET: Mawala na ang buong mundo, huwag ka na lamang makita rito.

Ikalabing-isang Tagpo: Death Scene

ROMEO: O mahal ko! O asawa ko!


Ang kamatayang humigop ng pukyutan ng iyong hininga
Sa takot na ganito nga, ako’y titigil sa iyong piling,
Dito, dito na ako tatahan
Kasama ng mga uod na iyong utusan.
O dito ko gaganapin ang pamamahingang walang hanggan
Mga mata; katapusang yakap, mga kamay; hayo na’t tatakan
Mga labi ng makatarungang halik, sa pintuan ng hininga
Ang kasunduan namin ni kamatayang walang hanggan!
Halika na, aking tagaakay na mapait at hindi mainam
(Iinumin ang lason.)

(Pagkalipas ng itinakdang oras ay muling nagising mula sa hiram na kamatayang sinapit ni


Juliet.)

JULIET: Ano ito? Lason, nakita ko, ang sanhi ng kaniyang pagkamatay.
O, inubos niya at walang nalabi kahit kapatak man lamang upang tumulong sa akin?
Hahagkan ko iyong labi baka sakaling may lason pang natira kahit konti
Upang ang gamot na halik ay lumagot sa buhay kong sawi.
Oh, mabuting balaraw!
Ang puso ko ang bayaan mo; tumimo ka riya’t bayaang ako’y mamatay
(Sasaksakin ni Juliet ang kaniyang sarili.)
SCREEN TEST: BENVOLIO, MERCUTIO, TYBALT

TYBALT: Ito sa tinig ay marahil isang Montague.


Bakit naparito ang aliping itong mukha’y di mapinta?
Upang kutyain lamang ang ating pagsasaya?
Sa ngalan ng lipi at dangal ng aking angkan,
Ang patayin siya’y hindi masasabing kasalanan.

Tybalt: MERCUTIO!!!!

Mercutio: Ang abnormal na Hari ng mga pusa.

Tybalt: Nasaan si Romeo ng mga Montague?

Benvolio: ano ba ang tunay na nais mo kay Romeo?

Tybalt: Nais kong makausap ang isa sainyo ngayon.

Mercutio: Halika’t mag-usap tayo gamit ang ating mga armas.

Tybalt: Alam mo kung gaano ako kahusay,Mercutio.

Mercutio: Wala akong pake,Tybalt


(Pasok Romeo)

Tybalt: Makikiraan Ginoo,andito na ang hinihintay ko.

Mercutio: Naduduwag ka ba Tybalt hara--

Romeo: Benvolio! Ano ang nangyayare dito?

Tybalt: Romeo! Walang sinuman ang dumudura sa ngalan ng mga Capulet at basta bastang nakakatakas
na lamang.

Romeo: Tybalt,hindi ko alam ang pinagsasabi mo.

Tybalt: HANGAL! Hindi mo ako mapapakalma kaya’t harapin mo ako ngayon at lumaban!

Mercutio: ISANG KAHIYA HIYANG PARAAN NG PAGATRAS,ROMEO. Tybalt,bunutin mo ang iyong


espada at ako ang harapin mo.
(laban lahat)

Benvolio: Mga ginoo,magsitigil kayo!

Romeo: Tybalt, umatras ka! Mercutio, tumigil ka!

Benvolio: Tumigil kayo mga ginoo!


(lalapit si Romeo kay Mercutio upang,pigilan ngunit masasaksak si Mercutio. Aatras ang mga Capulet)

Romeo: TYBALT!!!! O, Mercutio! Mabuti kong kaibigan, gumising ka!

Benvolio: Wala na, patay na siya Romeo. Ang kanyang kaluluwa ay umakyat na.
Romeo: Maghintay ka dito Benvolio. Gawin mo ang dapat mong gawin. Magtutoos kami ni Tybalt.

Benvolio: Romeo! Wag mong gawin yan!

Romeo: Tybalt!!

Tybalt: Ano Romeo? Pinipigilan ka ba ng kaduwagan mo?


(laban ang dalawa. Papasok si Benvolio)

Benvolio: Pinsan!
(Tuloy ang laban hanggang mapatay si Tybalt)

Benvolio: Romeo,HINDI!
(Lalapit ang mga tao)

Benvolio: Romeo, tumakas ka na! Ginalit niyo ang mga panginoon. Napaslang mo si Tybalt.

Benvolio: Wag ka nang tumanga diyan at umalis ka na! Ipapapatay ka ng prinsipe kapag nakita ka nila.

SCREEN TEST: LORD CAPULET

Lord Capulet: Magandang gabi mga Ginoo at Ginang. Maraming Salamat at pinaunlakan niyo ang
paanyaya kong dumalo sa pagtitipong ito. Akuhin niyong parang inyo ang tahanan ko at sasainyo ang mga
tagapaglingkod ng Capulet. Mahalaga ang pagtitipong ito dahil ngayong gabi ay nais kong ipaalam sainyo
ang nalalapit na pagiisang dibdib ng aking nagiisang anak at ni Konde Paris at ngayon din,nasa tahanan
natin si Ginoong Crisostomo Ibarra. Mga musikero,saliwan niyo ng tugtog ang pag indak ng mga panauhin.
Tamasahin niyo ang gabi!

You might also like