Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Hezekiah B.

Sabanga
ABM-12-Rockefeller

Activity 1

1. Lagom ng akademikong sulatin.


Ang sulatin na aking ginawa ay ang posisyong papel. Pinag uusapan rito ang titulong
“Ati-atihan 2023 in Amidst of Pandemic”, at ayon sa aking paninindigan, ako ay sang ayon na
maipatupad ito. Sang-ayon ako dahil nakakadulot ito ng kasiyahan sa mga tao. Nagpapabilis rin
ito ng ekonomiya ng isang lugar. Nakakatulong sa pagpapamalas ng talento at galing ng mga tao.
Nagpapatibay ng samahan ng mga tao. At nagpepreserba ng ating kinagisnang kultura at
tradisyon. Kaya base sa mga isinulat kong mga pagpapanig, ako ay lubos na sang-ayon sa
pagpatupad sa Ati-atihan 2023 kahit na pandemic.

2. Paliwanag kung para kaninong tao o organisasyon ito isinulat.


Isinulat ito upang ipasa kay Ma’am Nicole Joy Tapican, na syang nagtuturo sa subject na
EAPP (English for Academic Purposes Program) nung ako ay grade 11 pa lamang.

3. Repleksiyon sa karanasan sa pagsulat ng partikular na akademikong sulatin.


Sa pagsulat niyon, akin munang inisip kung bakit ngaba ako sang ayon agad pagkakita pa
lamang ng titulo na aming bibigyan ng posisyon. Marahil ay kinagigisnan ko na talaga magsaya
pag sumasapit ang Ati-Atihan sa Aklan tuwing buwan ng Enero. Akin ring pinag tibay ang mga
puntos kung bakit ako sang ayon roon, gaya na lamang na nakakapagbigay ito ng saya sa akin, at
pati na rin sa marami. Isa na rin doon ang pagkaroon ng pagkakataon ang mga tao na maipamalas
ang kanilang angking galing o talento sa ligiran ng sining at musika. At pag eendorse ng mga
produkto na nakakapagpataas ng ekonomiya ng isang lugar. Nang maisulat ko na ang mga
puntos na iyon, ni-check ko pa kung sakto naba ang aking pagkaayos. Saka ko ito ipinasa kay
ma’am Nicole.
Hezekiah B. Sabanga
ABM-12-Rockefeller

Activity 1
Ang pananaliksik na ito ay hinggil sa dinamiko ng komunikasyon sa pagitan ng Gabriela Youth
Southern Tagalog (GYST) at mga mamamayan ng Los Baños, Laguna. Ang mga ispesipikong
layunin ng pananaliksik ay matukoy kung paano nakikipag-ugnayan ang mga miyembro ng
Gabriela Youth Southern Tagalog sa mga mamamayan ng Los Baños, Laguna; mailarawan kung
paano tumatakbo ang komunikasasyon sa loob ng Gabriela Youth Southern Tagalog; at makilala
ang mga balakid sa pagpapahayag ng pangangailangan at pananaw ng Gabriela Youth Southern
Tagalog sa mamamayan ng Los Baños, Laguna sa konteksto ng pagiging babae. Upang makamit
ang layunin ng pag-aaral, ginamit ang kwalitatibong pag-aaral mula sa deskriptibong
pananaliksik at isinagawa ito sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) gamit ang
malayuning pagpili (purposive sampling) sa mga kalahok. Ang ginamit na istrumento sa
pangangalap ng datos ay ang lipon ng mga katanungan para sa pangkatang talakayan na
ikinonsulta sa tatlong eksperto. Ang tematikong pag-susuri (Thematic Analysis) na mahusay sa
pagsusuri ng mga datos na batay sa isang istraktura ay itinalaga ng mga mananaliksik. Ayon sa
resulta ng pag-aaral, natuklasan na ang dinamiko ng komunikasyon sa pagitan ng GYST at
mamamayan ng Los Banos, Laguna ay may kahinaan at hindi sapat, ayon sa batayan ng teorya at
komunikasyon. Ang kasanayan ng mga kalahok sa paghatid at pagtanggap sa komunikasyon ay
hindi sapat upang madaling mabuo ang mga impormasyon. Ayon sa prinsipyo ng pag-aaral na
ito, ang komunikasyon ay daan sa pagbibigay lakas na naging mahirap maabot para sa GYST
dahil ang pagtutulungan ng mga teorya at komunikasyon ay nababalewala dahil sa halos
mababang pagkaunawa ng mga kalahok na mamamayan, at ito ay lubos na nakakaapekto sa
dinamiko ng komunikasyon ng bawat isa at ng GYST.

You might also like