Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Mala- Masusing Banghay Aralin

sa Araling Panlipunan 2

I. LAYUNIN
Sa loob ng 50 – minuto ang bawat mag- aaral ay kinakailangang:

● Matutukoy ang iba't - ibang komunidad;

● Maibibigay ang kahulugan ng komunidad; at

● Maitatala ang mga bumubuo ng isang komunidad.

II. PAKSANG ARALIN

Paksa: Naipapaliwanag ang konsepto ng komunindad.


Sanggunian: Araling Panlipunan 2, Kagamitan ng mag-aaral, Gloria M. Cruz,
Charity A. Capunitan, Emelita C. Dela Rosa, Leo F. Arrobang at Lerma V. Janda.
pahina 5-12
Kagamitan: Visual Aid, Larawan, at Video Presentation.
Values Intergration: Makapagpapahayag ng kahalagahan ng kinabibilangang
komunindad.

III. PAMAMARAAN

A. Paghahanda

1. Panalangin
2. Pagbati
3. Food for thought
4. Drill
- Ang mga mag- aaral ay kakantahin nang masigla at indayog ang
kantang “Mini Miss u”.

5. Balik Aral
● Ano ang na pag-aralan natin kahapon?

B. Pagganyak
Ang guro ay pipili ng 5 estudyante at magsasagot sa pisara. Kukulayan
nila ang larawan ng komunidad na nakadikit sa pisara.
C. Presentasyon

- Ang komunidad ay binubuo ng pangkat ng mga tao na


naninirahan sa isang pook na magkatulad ang kapaligiran at pisikal
na kalagayan. Ito ay binubuo ng paaralan, pamilihan, samabahan,
pook libangan, sentrong pangkalusugan at mga panahanan. Ito ay
maaaring matagpuan sa kapatagan, kabundukan, tabing dagat,
talampas, industriyal at lungsod.

Mga halimbawa ng lugar sa komunidad:

- Sa paaralan nag-aaral ang mga bata. Dito natututong sumulat,


magbasa, magbilang, makipag kaibigan, at matuto sa mga
kagandahang asal.

- Sa palaruan at parke maaaring


mamasyal o maglaro ang nga bata o
bawat pamilya sa komunidad.
- Sa simbahan pumupunta ang mga tao upang magdasal at makinig
sa mga aral ng diyos.

- Sa

palengke o pamilihan namimili ng mga pangangailangan natin sa pang


araw - araw tulad ng pagkain.

- Sa
ospital
dinadala
ang mga
pasyente
na may
sakit. Dito nagpapasuri at nagpapagamot sa Doctor, upang gumaling
ang may mga sakit.

- Sa
istasyon
ng pulis
puounta
o
magsusumbong kapag tayo ay hihingi ng tulong o may mga taong
nagbabalak ng masama.

- Sa
istasyon
ng
bumbero
pupunta
o hihingi
ng tulong tuwing may sunog.

D. Paglalahat

● Ano ang kahulugan ng komunidad?

● Ano - ano ang nakikita sa isang komunidad?


● Ano - ano ang bumubuo sa isang komunidad?

● Saan maaaring matagpuan ang isang komunidad?

● Bakit kailangan natin kilalanin ang mga lugar sa komunidad?

E. Paglalapat
a. Find my partner, i'm lost!

● Ang guro ay mayroong mystery box na naglalaman ng mga larawan.


● Ang bawat mag-aaral ay kukuha ng isang larawan sa mystery box.
● Ang mag-aaral ay tutukuyin kung ano ang nasa larawan at ilalagay ito sa angkop na lugar
sa komunidad na nakadikit sa pisara.
● Ang mga bata na makakapaglagay ng tama sa naangkop na larawan ay mabibigyan ng
premyo.
IV. PAGTATAYA
A. Panuto: Punan ang concept web. Isulat sa mga biluhaba ang mga nawawalang titik upang
mabuo ang tamang sagot tungkol sa mga bumubuo ng komunidad.

p_m_l_a

_ am _ li _ an

P _ ar _ l _ n

KOMUNIDAD

s _ mb _ h _ n
p_g_m_t_n

B. Panuto: Pagtambalin ang Hanay A at Hanay B

• Hanay A • Hanay B

1. Ospital A. nagsisilbing palaruan at pasyalan.

2. Paaralan B. sentro ng pananampalataya


3. Simbahan C. sentro ng pangkalusugan
4. Pamilihan D. nag-aaral
5. Palaruan E. sentrong kalakal
V. TAKDANG – ARALIN
Panuto: Iguhit sa papel ang bumubuo sa iyong komunidad. Kulayan.

You might also like