Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Gawain Blg.

1
1. Para sa akin, ang mensaheng inilalarawan ng guhit o cartoon ay tungkol sa kung paano
itrato ng mga makapangyarihan ang mga trabahador higi't lalo sa larangan ng
agrikultura. Ito rin ay sumisimbolo ng pang-aalipin sa sarili nating lupain, at kung sino pa
ang siyang hindi naghihirap sa ilalim ng araw ay siya pa ang higit na nakikinabang sa
pagod ng iba. Tulad na lamang sa kung ano ang nangyari sa ating kasaysayan noong
pagsakop ng mga Kastila sa atin, ang mga Pilipino noon ay naging alipin sa sariling
lupang sinilangan.

2. Ang mga mayayaman sa litrato ay tila gahaman sa pagkolekta ng salapi mula sa tunay
na naghirap nito. Ito rin ang itinuturing na isa sa mga primaryang problema ng mga
magsasaka, ang problema sa lupa. Sa ilalim ng ganitong sistema, patuloy na kinokontrol
ng iilang panginoong may lupa ang lupang sakahan ng ating mga magsasaka.

3. Ang guhit ay nagpapakita ng pagkakaiba ng work-life balance ng Amerikano at Pilipino.


Kapansin-pansin ang nakasulat na kita o sweldo at pagkakaiba ng bigat ng trabaho. Sa
ating bansa, batid ng mga manggagawa ang hirap ng pagtatrabaho sa ating ekonomiya,
marami ang mga isyu na hindi masolusyunan. Kung kaya naman ang ating bansa ay isa
sa may pinakamaraming OFW o mga pinipili na lamang magtrabaho sa ibang bansa
sapagkat naniniwala sila na roon ay mas may katarungan ang pagpapa sweldo kumpara
sa pagtatrabaho sa sariling bayan na kahit anong pagsisikap ay hindi pa rin nagbabago
ang buhay dahil na rin sa hindi patas na pagpapasuweldo at dagdag pa ang gastusin
para sa pangangailangan.

4. Ito ay nagpapakita ng pagiging sunod-sunuran ng Pilipinas sa mga Amerikano. Sa kabila


ng pagturing bilang companion o kakampi tayo pa rin ay nasakop ng mga Amerikano.
Napaniwala nila ang mga Pilipino na ang layunin nila ay matulungan ang bansa para
maging malaya mula sa Espanya, ngunit sa panahon na iyon ay nagsisimula nang
magpalawak ng kolonya ang Amerika.

Gawain Blg. 2
1. Bakit lubhang inaayawan ng mga Pilipino si Leonard Wood?
- Matalino man ang pamamaraan ng pamumuno ni Leonard Wood ay hindi pa rin natuwa
ang mga Pilipino noon sa kaniya. Higi't lalo ang pagkadismaya ng ibang mga may
tungkulin sapagkat si Wood ay ipinagtanggol si Conley–siya ay pinuno ng vice squad ng
puwersa ng pulisya sa Manila na inaakusahan na tumatanggap ng pera mula sa mga
pasimuno o malaking tao sa sugal. Sa kabila ng akusasyon na ito ay pinawalang-sala ng
korte si Conley. Hindi pinagkalooban ni Wood ang administrasyon na magsiyasat at
patunayan ang kaso ni Conley ngunit sa halip na ito ay pagbitawin sa posisyon ay
binigyan niya pa rin ng tungkulin at posisyon ito. Sa madali at tuwid na salita, koneksyon
at pribilehiyo ang nangingibabaw sa relasyon ng dalawang magka-lahi kung kaya ang
mga Pilipino ay labis ang pagkadismaya sa pang aabuso sa kapangyarihan nila.

2. Ano ang pangunahing layunin ng nasabing primaryang batis?


- Ang primaryang batis na inihayag ay naglalaman o nag-uulat ng kasaysayan sa Pilipinas
sa panahon na Amerika naman ang na sa ating bansa. Nagbigay ito ng mga detalye sa
kung paano nagsimulang dumating ang mga Amerikano sa bansa. Inihayag din ang mga
tao na malaki ang naging papel at kontribusyon sa ating kasaysayan, naging mabuti
man o hindi. Gaya nalamang ni Leonard Wood, Ray Conley, Manuel Quezon, Jose Abad
Santos , Jorge Bacobo at ilan pang mga nabanggit. Isinaad din dito ang mga nagawa ng
mga nabanggit na personalidad , ilang katiwalian sa pamahalaan, kamalian sa
pamumuno at marami pa. Bukod dito , naisama rin ang panahong tumulong ang
Amerika sa bansa sa pagpapatalsik sa Espanya at kung paanong unti-unting
nagkalamat ang relasyon ng dalawang bansa at tila nga naging katulad ng Amerika ang
Espanya sa paraang sinakop at pinagsamantalahan ang kababawan ng mga Pilipino.
3. Sa papaanong paraan nagkaroon ng pagkakaisa ang mga Pilipino noong panahon ng mga
Amerikano?
- Sa maraming paraan at bagay naipakita ng mga Pilipino ang pagkakaisa at kawilihing
tunay na matamasa ang kalayaan sa panahon ng Amerika. Gaya na nga lamang nang
hindi pagtigil ni Manuel Quezon kasama ang ilan pa na mapatunayang nagkasala si
Conley at mali si Wood, kagustuhang matutuhan at maging isang kakayahan ang
kakayanan sa pamumuno ng Amerika at iba pa. Hindi masusukat sa kung ilang ulit o
beses nagkaisa ang mga Pilipino upang masabing tunay silang nagkaisa para sa
bayan, dahil sapat nang kumilos sila kahit hindi tiyak ang resulta para lamang sa
pag-asang baka lumayang tunay ang bayan.

4. Sa kasalukuyang panahon, ano ang maaari mong gawain upang punahin ang mga maling
ginagawa ng mga namumuno?
- Sa mura kong edad ay batid ko na maraming hindi papansin o magpapahalaga sa aking
pagbibigay katotohan sa maling pamahahala kung sakali ko mang gawin. Sa kabila nito,
sapat na sigurong gamitin kong paraan ang sosyal medya upang punahin ang mali sa
gobyerno at sa mga namumuno. Sa tulong nito, batid kong sa saglit kong pagtipa (type)
at pag-post ay maraming tao ang makakabasa o makakapansin ng aking hinaing o
paglalantad ng katotohanan. Bunga nito, makasisiguro ako na may iilan ang maniniwala
at maninindigang gawin din ang kapamaraanan ko ng pagpuna sa maling sistema ng
mga politiko , na baka sakaling magpatuwid sa balikong gawi ng mga na sa pwesto.

Gawain Blg. 3
1. Ano ang kaligirang konteksto ng isinambit ang talumpati?
- Ang konteksto ng talumpating ibinahagi ni Cory Aquino ay kinapapalooban ng bawat
pangyayari sa kanilang buhay bago at matapos mapaslang ang kanyang asawang si
Ninoy. Ito rin ay naglalaman ng pasasalamat at pag-asa para sa bansang matagal na
nakakulong sa sa sariling bayan dulot ng pamamahala ng mga diktador. Inilahad niya rin
ang mga problema at mga utang ng bansa, at maging ang pananaw nito sa
pagkapanalo. Siya ang kauna-unahang babaeng pangulo ng bansa at ang nag patalsik
sa halos dalawang dekadang pamumuno ni Marcos, kung kaya naman ang talumpating
ito ay nagbigay liwanag muli sa sambayanang Pilipino na magkaisa muli.
2. Panoorin ang mismong talumpati sa Youtube. Ilarawan ang eksena. Anu-ano ang mga
naging reaksyon ng mga nakakarinig ng talumpati?
- Hindi maipinta ang reaksyon ng iba ngunit bakas naman sa karamihan ang malugod na
pagbati para sa pagkapanalo ni Cory Aquino bago maasam ang nasabing titulo. Marami
rin ang namangha sa talumpating ibinahagi nito na maging ang House Speaker Tip
O'Neill ay pinuri ito bilang isa sa mga mahusay na talumpating kaniyang narinig sa loob
ng 34 taon. Sa pagtatapos ng talumpati, ay nakatanggap si Cory Aquino ng masigabong
palakpakan upang ipagbunyi ang pagkakaisa ng bansa na may adhikaing mabigyan ng
proteksyon ang buhay ng bawat mamamayan ng bansa at ang pagkakaroon ng
demokrasya at kalayaan.

3. Paano nakaapekto sa iyo ang nasabing talumpati bilang isang taganood/tagabasa? Anu—
ano kaya ang mga mapupulot na aral dito na maaaring maisabuhay din sa kasalukuyang
panahon?
- Para sa akin, batid ko na uhaw ang mga tao noon sa kalayaan at demokrasya kung
kaya ang rebolusyon na kanilang ginawa ay isang malaking bahagi sa kasaysayan at
kung ano ang mayroon tayo ngayon. Hindi lamang si Cory Aquino ang kapuri-puri sa
naging laban na iyon, kundi higi't lalo ang naging hirap ng bawat Pilipinong nagbuwis ng
buhay, pawis, at dugo upang ipaglaban ang nararapat. Maraming aral ang maaaring
mapulot sa pangyayaring iyon ngunit ang nangingibabaw para sa akin, ay ang halaga ng
pagbibigay importansya sa boses ng bayan, at pag tindig sa kung ano ang nararapat at
tama. Kapag tanaw na ang dumi ng paligid–kung tunay na may pakialam, kikilos at
lilinisin ang mga basurang hindi dapat nakalatag sa kung saan.

4. Anu-ano ang mga linya ng talumpati na ikaw ay sumang-ayon? Anu-ano naman ang mga
linyang hindi ka sang-ayon? Ilista ang mga nasabing linya o bahagi ng talumpati na sinasang-
ayunan o hindi.
- "Still, we fought for honor, and if honor, we shall pay." ang linyang tumatak at
sinasang-ayunan ko sa naging talumpati. Ito ay nagpapahiwatig na ang rebolusyon na
ginawa ng mga Pilipinong tumindig ay hindi sayang at kahanga-hanga rin na ang
pagtanggap nito sa responsibilidad na pangalagaan at mabigyan ng kalayaan ang
bansa. Alam natin na sa panahon na iyon sa ating bansa, ang mga babae ay minamaliit
lamang, kung kaya sa posisyon ni Cory ay marami rin ang hindi sang-ayon sapagkat
may kanya kanyang kinikilingan ang mga tao. Sa talumpati na ito ay naipakita niya ang
pagbabago ng bansa, mula sa dictatorship ay nakamit ang democratic government.
Malaki man ang naging pagkakaiba ng sinundan niyang pangulo ay naiparamdam niya
sa bansa ang kaligtasan, at kung paano ituring ng mapagmahal na ina ang kanyang
mga anak.

You might also like