Kasaysayang Module 2 WIKA With QUIZ

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Heograpiyang Pantao: WIKA

Ano ang ibig sabihin ng heograpiyang pantao? Ang heograpiyang pantao ay ang pag-aaral sa distribusyon ng mga tao, ang kanilang
katangiang kultural, at mga gawain sa ibabaw ng mundo. Napakahalaga na pag-aralan ito dahil nakikilala at natutugunan ang
pangangailangan at suliranin ng tao sa aspekto ng wika, lahi, relihiyon at pangkatetniko na siyang tumataguyod sa kaunlaran ng
sibilisasyon o ang nagiging sanhi ng pagkasira nito.
Sa aralin na ito ay pagtutuonan natin ng pansin ang tungkol sa wika. Ang wika ay itinuturing bilang kaluluwa ng isang kultura.
Nagbibigay ito ng pagkakakilanlan o identidad sa mga taong kabilang sa isang pangkat. Ang mga Antropologo ay naniniwala na ang
wika ng kauna-unahang tao sa daigdig ay katulad ng sa mga hayop. Ngunit dahil sa likas na talino ng tao ay napaunlad niya ang
kanyang sarili.
Ayon sa Ethnologue.com, mayroong 7,117 buhay na wika sa daigdig. Nakapaloob ang mga wikang ito sa tinatawag na language
family o mga wikang magkakaugnay at may iisang pinag-ugatan. Naitala noong 2019 ang tinatayang 142 language family sa buong
daigdig. Ang mga pamilyang ito ay nagsanga-sanga sa iba pang wikang ginagamit sa iba’t-ibang bahagi ng mundo.

Dalawang URI ng WIKA


1. TONAL
Isang uri ng wika kung saan ang kahulugan ng salita at pangungusap ay nagbabago batay sa tono ng pagbigkas nito. Halimbawa,
ang salitang langgam ay may iba’t-ibang stress. Kung ang langgam ay isasalin sa English ng wikang Cebuano ay bird. Ang
pagsasalin naman sa Filipino (na nuon ay tinatawag na tagalog) sa English ay ant.
2. NON-TONAL/STRESS
Ang pagbabago ng tono ng salita at pangungusap ay hindi nagpapabago sa kahulugan ng salita at pangungusap nito. magkaiba
man ang tono ng pagbigkas gayunpaman, kalimitang hindi nagbabago ang kahulugan nito.
Mga Katangian at Kahalagahan ng Wika
• Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito. Ito ay nagbabago kasabay ng panahon at pandaigdig na pagbabago.
Halimbawa: Sa wikang Cebuano, may mga slang na sadyang nalikha upang makiayon sa uso ng makabagong henerasyon katulad
ng pakals, laysho, char, echus at iba pa.
• Ang wika ay may sariling kakayahan na kung saan hindi mahahanap sa ibang wika ang mga katangian ng isang pang wika.
• Malaki ang kaugnayan ng wika at kultura ng isang bansa. Ang sining, panitikan, karunungan, kaugalian, kinagawian at paniniwala
ng mga mamamayan ang bumubuo ng kultura. Kung kaya’t ang pangkat ng mga taong may angking kultura ay lumilinang ng isang
wikang naaangkop sa kanilang mga pangangailangan sa buhay.
• Ang wika ay pinaniniwalaang susi sa pagkakaisa ng iba’t-ibang grupo sa isang bansa.

Talahanayan 1.1 - Mga Pangunahing Pamilya ng Wika sa Daigdig


Ang mga sumusunod na datos ay nanggaling sa isang website na nagngangalang Ethnologue kung saan ang bilang ay sinasabing
araw-araw na ini-update.

Iilan sa mga Bansang Bilang ng mga Taong


Pamilya ng Wika Buhay na Wika
Gumagamit Gumagamit
Algeria, Bahrain, Saudi
Afro-Asiatic 366 499 million
Arabia, Turkey
Brunei, Cambodia, Malaysia,
Austronesian 1,227 326 million
Indonesia, Philippines
Italy, Russia, Germany,
Indo-European 477 3.26 million
France, Greece
Angola, African Republic,
Niger-Congo 1,526 550 million
Somalia
Sino-Tibetan China, India, Thailand 455 1.4 billion
Talahanayan 1.2 – Most Spoken Languages (2023)

Bilang ng mga Taong


Wika Pamilya ng Wika Nauugnay Sa Ibang Wika
Gumagamit
English Indo-European 1.452 billion
Mandarin Chinese Sino-Tibetan Tibetan, Burmese 1.119 billion
Hindi Indo-European Nepali, Punjabi 602 million
Spanish Indo-European Portuguese, Italian 559 million
Standard Arabic Afro-Arabic 274 million

Ano ang iyong napansin? Sa iyong pag-unawa, may kaugnayan kaya ang wika sa kultura, relihiyon at pangkat-etniko ng isang
bansa? Mapapansin sa mga datos na nasa talahanayan na ang mga bansang kabilang sa magkaparehong pamilya ng wika ay
may pagkakatulad sa kultural at pisikal na katangian ng mga taong naninirahan. Talaga namang ang wika ay kaluluwa ng isang
kultura. Ayon sa EGIDS measurement tool, 41% na mga wika endangered o nanganganib mamatay dahil mahirap at hindi
ipinagpatuloy ng sumunod na henerasyon. 51.23 % sa kabuuang porsyento naman ng wika ang sinasabing stable dahil ito ay
patuloy na ginagamit at pinag-aaralan. Habang 8.06 % ang sinasabing institutional languages sapagkat ang mga nasabing
wika ay ginagamit ng isang pamahalaan, paaralan, mass media, at naging second language ng ibang bansa.
Alam mo ba?
Ang Cebuano o Binisaya ay isa sa mga pangunahing wika ng Pilipinas na kabilang sa pamilyang Austronesian. Ginagamit ito sa
eastern Cebu, Eastern Negros, Bohol, at ilang parte ng Mindanao. Nasa 20 milyong tao ang gumagamit nito sa buong Pilipinas.

Sagutan ang sumusunod sa inyong ACTIVITY NOTEBOOK.

ACTIVITY 2: Heograpiyang Pantao: WIKA


1. Ibigay ang kahulugan ng WIKA.
2-3: Ano-ano ang dalawang uri ng WIKA?
4. (TRUE/FALSE): Isa sa mga katangian ng wika ay ang pagiging dinamiko nito.
5. (TRUE/FALSE): Ang wika ay pinaniniwalaang hindi susi sa pagkakaisa ng iba’t-ibang grupo sa isang bansa.
6. Tinatawag ang wika na _______________kung ito ay nanganganib mamatay dahil mahirap at hindi ipinagpatuloy ng
sumusunod na henerasyon.
7. Ilang posyento ang sinasabing stable na wika?
8. Ito ang klase ng wikang ginagamit ng isang pamahalaan, paaralan, mass media, at naging second language ng ibang bansa.
9-11. Magbigay ng tatlong bansang gumagamit ng Pamilyang Wika ng Austronesian.
12-15. Magbigay ng tatlong bansang gumagamit ng Pamilyang Wika ng Sino-Tibetan.
16. Ilang tao sa mundo ang gumagamit ng wikang English?
17. Ilang tao sa mundo ang gumagamit ng wikang Spanish?
18. Ilang tao sa mundo ang gumagamit ng wikang Mandarin Chinese?
19. ___________ ay ang pag-aaral sa distribusyon ng mga tao, ang kanilang katangiang kultural, at mga gawain sa ibabaw ng
mundo.
20. Anong wika ang ginagamit ng mga taga eastern Cebu, Eastern Negros at Bohol?

You might also like