Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

mata niyang galling sa pagkapikit kaya't

WALANG PANGINOON nanlabo pa't walang ilaw ay dahan-dahang


ni Deogracias Rosario sinisiputan ng ningas, saka manlilisik at mag-
aapoy.

Hindi rin siya sumasagot. Hindi rin siya


nagsasalita. Subali't sa kanyang sarili, sa
Nang makita ni Marcos sa kanilang lumang kanyang dibdib, sa kanyang kaluluwa ay may
orasan na ang mahabang hintuturo ay malapit pangungusap, may nagsasalita.
nang sumapit sa ika-12 samantalang nakapako
na sa ika-8 ang maikling daliri, hindi niya "Dahil din sa kanila, lalung-lalo na kay Anita,
malaman kung saan siya magtutungo. Isiniksik ayaw kong marinig ang malungkot na tunog ng
niya ang kanyang ulo kahi't saan. Saka ang batingaw," ang sinasabi ni Marcos sa sarili.
dalawa niyang hintuturo ay ipinapasak sa mga Kinagat niya ang kanyang labi hanggang sa
butas ng kanyang tainga. Ayaw niyang marinig dumugo upang huwag ipahalata sa ina ang
ang animas. Ayaw niyang mapakinggan ang pagkuyom ng kanyang damdamin.
malungkot na palo ng bakal sa malaking
Akala ng ina'y nahuhulaan niya kung ano ang
kampanang tanso sa kampanaryo ng simbahan
nasa loob ni Marcos. Sa wari ng matanda ay
sa kanilang bayan. Gayon man, kahi't saan siya
nababasa niya sa mga mata ng anak ang lihim
magsiksik, kahi't saan siya magtago, kahi't na
ng puso nito. Naiisip niyang kaya nalulungkot si
anong gawin niyang pagpapasak sa kanyang
Marcos ay sapagka't hindi pa natatagalang
tainga ay lalong nanunuot sa kanyang pandinig
namatay si Anita. Ang magandang anak ni Don
ang malungkot na tinig ng batingaw.
Teong, mayamang may-ari ng lupa nilang
"Tapos na ba?" Tapos... ang sunud-sunod binubuwisan. Nalalaman ng ina ni Marcos na
namang itinutugon ng kanyang ina na lahat ng pagsisikap nito sa bukid, lahat ng pag-
paniwalang-paniwala hindi nga niya naririnig iimpok na ginagawa upang maging isang
ang malungkot na animas. ulirang anakpawis ay ukol kay Anita. At siya'y
namatay! Naramdaman din ng ina ni Marcos
"Ngunit, Marcos…" ang baling uli ng kung gaano kakirot ngang maging malungkutin
matandang babae sa anak. "Bakit ayaw mong ang kanyang anak. Ito ay kanyang ibig libangin.
marinig ang oras na ukol sa kaluluwa? Iya'y Ito ay nais niyang aliwin. Kung maaari sana'y
nagpapagunita sa mga tao na dapat mag-ukol mabunutan niya ng tinik na subyang sa dibdib
ng dalangin sa ikaluluwalhati ng mga ang kanyang anak.
kaluluwang nasa kabilang buhay. Una-una'y
ang iyong ama, ikalawa'y ang kapatid mong "Lumakad ka na Marcos, sa kubo nina Bastian.
panganay, ikatlo'y ang kapatid mong bunso, Tila may belasyon sila, o, baka kailanganin ang
saka… saka si Anita." Ang huling pangalan ay mabuting mang-aawit at manunugtog ng
binigkas na marahan at madalang ng gitara," ang sabi ng ina. "Walang pagsalang
matandang babae. masasayahan ka roon."

Si Marcos ay hindi kumibo. Samantalang "Si Inang naman," ang naibulalas na lamang ni
pinapangaralan siya ng kanyang ina, ang mga Marcos. Iyan lamang ang kanyang nasasabi
nang malakas. Sa kanyang sarili'y naidugtong tubo, o kaya'y maging anuman sa mga gulay na
niya na hindi masusukat ng kanyang ina kung tanim nila sa bakuran.
gaano ang pait para sa kanya ang pagkamatay
Subali't nang bata pa ang kanyang ama ay may
ni Anita, palibhasa'y lingid sa kaalaman ng
matanda ang tunay na nangyari sa pagkamatay nagsukat ng lupa sa sinsabing kanila.
nito. Palibhasa'y wala silang maibabayad sa
manananggol, ang pamahalaan ay nagkulang
Kung nalalaman lamang ni Inang ang lahat, ang ng malasakit sa kanilang karalitaan upang
nasasabi niya uli sa kanyang sarili samantalang tangkilikin ang kanilang katwiran at karapatan.
minamasdan niya ang isang ulilang bituin sa Sa wakas ay napilit silang mamuwisan nang di
may tapat ng libingan ng kanilang bayan, na nila makuhang umalis doon.
ipinapalagay niyang kaluluwa ni Anita, "disi'y
hindi ako itataboy sa kasayahan." Noong bata pa si Marcos, ang bayad nila'y
isang salapi lamang isang taon sa bawat
Pinag-uusapan pa lamang ng mag-ina nang ektarya ng lupang kanilang sinasaka. Subalit
umagang yaon ang malaki nilang kapalaran nagtatagal, unti-unti na silang nababaon sa
sapagka't mabuti ang lagay ng tanim nilang pagkakautang sa maylupa dahil sa mga
palay nang isang utusan sa bahay-pamahalaan kasunduang ipinapasok sa pana-panahon,
ang dumating taglay ang utos ng hukumang ..:namespace prefix = st1 ns = "urn:schemas-
sila'y pinaaalis sa kanilang lupang kinatatayuan. microsoft-com:office:smarttags" />gaya ng
Sinasamsam ni Don Teong na ama ni Anita ang takipan at talinduwa.
lahat ng lupa nilang sinasaka.
Kaya namatay ang ama ni Marcos ay dahil sa
"Inang, matalim ba ang itak ko?" ang unang malaking sama ng loob kay Don Teong. Ang
naitanong ng anak sa ina matapos kapatid niya'y namatay din sa paglilingkod sa
matunghayan ang utos ng hukuman. bahay nito, at higit sa lahat, nalaman niyang
kaya namatay si Anita ay sapagka't natutop ng
"Anak ko!" ang palahaw na pananangis ng ama nakipagtagpo minsan sa kanya sa loob ng
matandang babae, sabay lapit sa leeg ng anak. halamanan, isang gabing maliwanag ang
"Bakit ka mag-iisip nang gayon, sa tayo na buwan.
lamang dalawa ang nabubuhay sa daigdig?"
Saka ngayo'y paalisin naman sila sa kanilang
Ang tinig ng matanda ay nakapagpalubag ng bahay at lupang binubuwisan?
kalooban ng binata. Gayon man, sa harap ng
bagong pithaya ng may-ari ng lupang kanilang Si Anita ay lihim na naging kasintahan ni
binubuwisan, ay isa-isang nagbabalik sa alaala Marcos, mahigit nang isang taon noon. Sapul
niya ang malungkot na kasaysayan ng kanilang nang dumating si Anita sa kanilang bayan
lupang sinasaka. buhat sa pag-aaral sa isang kolehiyo ng mga
madre sa Maynila, si Marcos ay nagsimpan na
Ang sabi'y talagang sa kanunu-nunuan ng ng malaking pag-ibig sa kanya. Alam ni Marcos
kanyang ama ang naturang lupa. Walang sino ang kanyang kalagayan na halos ay lumaki sa
mang sumisingil sa kanila ng buwis at walang
ibabaw ng kalabaw at sa pagtikin sa kanilang
sinumang nakikialam sa anumang maging damo sa ilog.
bunga ng kanilang mga tanim, maging mais o
Si Marcos ay natapos lamang ng katesismo sa ilalim kaya't pumaibabaw sila, at sa tulong ng
iskuwelahan na silong ng kumbento sa pagkampay ng kanyang kamay at pagsikad ng
kanilang bayan at natutong sumulat sa pisara dalawa niyang paa ay nakasapit sila sa
ng malaking numero. Nguni't gayon man, pampang.
nagsikap siyang idilat ang kanyang mga mata
sa liwanag ng kabihasnan at pagkaunlad. "Marcos, matagal na naman kitang iniibig," ang
Katutubo kay Marcos ang hilig sa pagkatuto pagtatapat ni Anita sa binata, makaraan ang
sapagaka't sa pag-anib niya sa mga samahang may ilang buwan buhat nang siya'y mailigtas.
pambayan ay natuklasan niyang walang Tatlumpung araw ang taning sa mag-ina upang
mabuting paaralan kundi ang pahayagan. lisanin ang lupang gayong ang sabi ay ari ng
Walang aklat, walang pahayagan at lingguhan kanilang ninuno at binubuwisan na nila at
sa sariling wika na hindi binabasa ni Marcos, sinasamsam pa ngayon. At saka silang mag-ina
kahi't manghiram lamang kung wala na siyang ay itinataboy. Sino ang hindi magdadalang-
ibili. Nagbasa rin siya ng nobela at ibang akdang poot sa gayong kabuktutan.
natutuhan niya sa wikang Tagalog o kaya'y
salinwikang nito. Dahil sa kanyang ina, natutong magtiim si
Marcos ng kanyang mga bagang. Kinagat niya
Lalo na nang magsimpan siya ng pag-ibig kay ang kanyang mga labi upang huwag mabulalas
Anita, wala siyang inaalagata sa kanyang buhay ang kanyang galit. Kinuyom niya ang kanyang
kundi ang baling araw ay maging karapat-dapat mga kamay hanggang matimo sa palad niya
sa mga kamay ng anak ni Don Teong na may-ari ang kanyang mga kuko.
ng lupa nilang sinasaka. Isa pa'y bukod sa
naniniwala siya sa kasabihan, "Ang lahat ng Isang takipsilim nang marinig niya sa
tao, kahi't hindi magkakakulay ay sadyang kampanaryo ng kanilang simbahan ang
magkakapantay," tinatanggap din niya ang malungkot na agunyas. Una muna ang
palasak ng kawikaang "Ang katapat ng langit malaking kampana saka sumunod ang maliit.
ay pusalian." Dahil diyan kaya kahi't bahagya ay Bang! Teng! Bang! Teng! Babae ang nalagutan
hindi siya nag-atubili ng pagsisimpan ng pag- ng hinihinga. Maliit naman ang kanilang bayan
ibig kay Anita. upang malihim pa kung sino ang binawian ng
buhay. Wala siyang nalalaman na may sakit
At naiibig naman siya ng anak ni Don Teong. kundi si Anita. Dahil sa pagkatutop sa kanila
Bakit hindi siya maiibig? Minsan si Anita ay isang gabi, ang dalaga ay sinaktang mabuti ng
namangka sa kanilang ilog, gumiwang ang ayon sa nagbalita kay Marcos ay mata lamang
bangka at nahulog sa tubig. Si Marcos noon ay ang walang latay.
nasa lamo at lihim niyang sinusundan ang
bakas sa tubig ni Anita. Nang makita niya ang Buhat noon ay nagkasakit na si Anita. Araw-
malaking sakuna ay lumundag siya sa ilog ata sa araw ay tumatanggap si Marcos ng balita. At
pamamagitan ng langoy na hampas-tikin ay nang tangkain niyang dumalaw minsan ay
inabot niya si Anita na kumakamot sa ilalim ng hinarang siya ni Don Teong na may hawak na
ilog. Matapos niyang kalawitin ng kaliwa rebolber. Susuong din sana si Marcos, subalit
niyang bisiig sa may baba ang dalaga ay bigla nagdalawang-loob siya. Maaaring maging
niyang isinikdaw ang dalawa niyang paa sa dahilan iyon ng bigla pang pagkamatay ng
kanyang iniibig, bukod sa magiging subyang sa upang ang palay nila'y magbungang mabuti?
kanyang ina kung siya ay mawawala. Saka ngayo'y pakikinabangan at matutungo
lamang sa ibang kamay.
Ang huling dagok na ito sa kanya ni Don Teong
ay isinaman na lamang niya sa talaan ng Napapalatak si Marcos sa ibabaw ng kanyang
pagmamalupit sa kanya ng mayamang may-ari kalabaw. Ibig mang pagdiliman ang isip kung
ng lupa nilang binubuwisan, pag-agaw ng lupa nagugunita ang utos ng hukuman, ang alaala
sa kanila. At saka noo'y pagtatangka pa sa naman ng kanyang ina'y walang iniwan sa
kanyang buhay. Pinakahuli nga ang bahagharing sumusugpo sa nagbabalang unos.
pagkamatay nang tuluyan ni Anita, na ayon sa Dadalawa na lamang sila sa daigdig at ayaw
balita niya'y nalagutan ng hiningang siya ang niyang pabayaan ang kanyang ina; ipinangako
tinatawag. Saka nitong huli ay pagpapaalis sa niyang hahandugan ng kaligayahan ang
kanilang lupang kinagisnan at pinagyaman sa nalalabing buhay nito, bago malagutan ng
tulo ng kanilang pawis na mag-anak. hininga ang kanyang ama.

Ngunit si Marcos, isang manggagawang hubog Dahil nga sa kanyang ina, kaya naisip niya ang
sa palihan ng bagong panahon, lumaki ang kabutihan kung sila'y magsasarili: "Tutungo sa
puso sa mga pagtitiis. Naging maluwag nga ang hilaga at kukuha ng homestad. Kakasundo ng
kanyang dibdib sa pagtanggap ng pang-aapi ng mga bagong magsasaka; paris ni Don Teong,
may-lupa. Hanggang noong bago mamatay si kailangang magkaroon din ako ng
Anita, akala niya'y maaari pa siyang makalunok gayak paris niya."
ng bagong pag-upasala ng itinuturing niyang
panginoon. Datapwat nang tanggapin niya ang Kabalintunaan man ang sinabi ng anak ay hindi
utos ng hukuman na pinaalis sila roon, talagang na nag-usisa ang ina palibhasa'y nababatid
niyang sa dibdib ng binata ay may isang
nagdilim ang kanyang isip. Noon pa'y naisip na
niyang gawing batas ang kanyang kamay, halimaw na natutulog na hindi dapat gambalain
yamang hindi na niya matatamo ang upang huwag magising. Wala siyang nalalaman
katarungan sa hukuman ng mga tao. kundi tuwing takipsilim, kung nakaligpit na ang
mga tao sa nayon ang buong kagayakan ay
"Huminahon ka anak ko," ang sabi ng kanyang isinusuot ng kanyang anak saka lumalabas sa
ina. "Hindi natutulog ang Bathala sa mga bukid. May dalawang linggong gayon nang
maliliit. Magtiis tayo." gayon ang ginagawa, hanggang isang araw ay
tawagan siya ng pansin ng matanda.
Hindi niya itinuloy ang paghanap sa kanyang
itak na matalas. Pagkakain niya ng agahan, "Marcos," sabi ng matanda. "Dalawang lingo
nilibang niya ang kanyang ina saka lumabas sa na lamang ang natitira sa ating taning ay hindi
bukid. Gaya rin ng dati'y sinakyan niya ang mo ginagawa ang pakikipagtuos kay Don
kanyang kalabaw na lalong mahal niya sa lahat Teong… kung may magiging sukli man lamang
sa limang alaga niya. Lumabas siya sa bukid at tayo sa ating ani ngayon?"
hinampas niya ng tanaw ang karagatan ng
"Huwag ka pong mabahala, Inang," sabi ng
namumulang ginto. Pagdaramdam at
panghihinayang ang ngumatngat sa kanyang mabait na anak. "Nalaglag po ang dahon sa
puso. Gaanong pagod ang kanyang pinuhunan kanyang kapanahunan."
Talinghaga na naman ang sinabi ni Marcos. Ang totoo, ang naturang kalabaw ni Marcos ay
Gayon man may nagunita siyang isang bagay na nakapugal sa hanggahan ng lupang sarili ni Don
ibig niyang malaman sa anak. Teong. Kung takipsilim ay isinusuot na lahat ni
Marcos ang pulinas, ang gora, at ang suwiter,
"Bakit hindi mo iniuwi ang kalabaw sa saka dala ang latigong katulad ng pamalo ni
bakuran?" Tinutukoy niya ang kalabaw na Don Teong. Pagdating niya sa pook na
mahal na mahal sa lahat ni Marcos. kinapupugalan ay saka aasbaran ng palo ang
Maaaring magpakahinahon si Marcos, subali't kalabaw hanggang sa ito'y umuungol na ang
ang huling kapasiyahan ni Don Teong ay alingawngaw ay abot hanggang sa kalagitnaan
namukaw ng lahat ng kanyang pagtitimpi. ng bayan. Kung dumating siya'y dinaratnan
Ayaw niyang gumamit ng dahas, subalit… niya ang kanyang inang matuwid ang
pagkakaluhod sa harap ng isang maitim na
Nagunita niya ang sinabi ni Rizal. "Walang Santo Kristo sa kanilang silid na naiilawan ng
mang-aalipin kung walang magpapaalipin." isang malaking kandila.
Napailing siya sa harap ng gayong masaklap na
katotohanan. Patung-patong na ang "Salamat, anak ko, at dumating ka," ang
ginagawang pamamaslang sa kanya ni Don sasabihin na lamang ng matanda. "Akala ko'y
Teong – takalang dapat nang kalusin. Nagunita napahamak ka na."
rin ni Marcos ang marami pang ibang kasama,
Si Don Teong ay may ugaling maglibot tuwing
katulad din niya, na sa kamay ng mayamang si hapon sa paligid-ligid ng kanyang lupa. Ang
Don Teong ay walang iniwan sa mga leeg na ipinanganganib ng ina ni Marcos ay baka
manok na unti-unting sinasakal hanggang magkasalubong ito at ang kanilang panginoon,
makitil ang hininga sa hangad na mahamig na ay hindi makapagpigil ang isa't isa. Nalalaman
lahat ang kayamanang gayong minana sa
din ng matandang babae na laging may dalang
kanilang mga ninuno ay iba ngayon ang may-ari rebolber sa baywang ang mayamang asendero
at nagbubuwis pa. buhat nang magkaroon ng alitan dahil sa lupa,
"Kailangang maputol ang kalupitang ito!" Ang kaya lagi niyang inaalaala ang pag-alis-alis ni
tila pagsumpa sa harap ng katalagahang Marcos.
ginawa ni Marcos.
Subalit isang hapon, samantalang payapang
"Bakit ka bumili ng pulinas, gora, suwiter, at inihahanda ng mag-ina ang kanilang pag-alis,
latigo, anak ko?" ang tanong ng matanda kay walang iniwan sa putok ng bulkan ang balitang
Marcos, isang araw na dumating siyang pagod kumalat sa bayan na si Don Teong ay namatay
na pagod sa naturang dala-dalahan. sa pagkasuwag ng kalabaw. Sinabi ng mga
nakakita na pagkakita pa lamang ng kalabaw
"Inihahanda ko po iyon sa pagiging panginoon kay Don Teong ay tila may sinumpang galit
natin, paris ni Don Teong," ang nakatawang sapagka't bigla na lamang sinibad ang matanda
sagot ng anak. "Kung tayo po'y nakaalis na rito, at nasapol ang kalamnan ng sikmura ng matulis
tayo'y magiging malaya," ang tila wala sa loob na sungay ng hayop. Pagkasikwat sa katawan
na tugon ng anak. ng asendero ay tumilapon pa sa itaas at
paglagpak ay sinalo naman ng kabilang sungay.
Ang katawan ni Don Teong ay halos lasug-lasog Si Marcos ay nakatingin din sa orasan nang
nang iuwi sa bayan, wasak ang suwiter sa gabing yaon. Tatlong minuto na lamang ang
katawan at saka ang pulinas. Kumilos agad ang kulang sa ika-8 ng gabi. Hindi siya
maykapangyarihan upang gumawa ng gumagalaw, hindi siya nababahala.
kailangan pagsisiyasat subali't ang lahat ng
matuwid ay nawalan ng halaga sa hindi Tumugtog ang animas. Hindi na gaya ng dating
kumikilos na ayos ng kalabaw na animo'y wala ayaw niyang marinig ito. Sa halip na idalangin,
sa loob ang ginawa niyang napakalaking ang kaluluwa ng mga namatay, ang naisip
niya'y ang matapang niyang kalabaw.
pagkakasala.

Nang malamang kay Marcos ang kalabaw, "Mapalad na hayop na walang panginoon,"
bawat isa'y nagkatinginan. Hindi nila malaman ang kanyang naibulong.
kung papaanong ang poot ni Marcos kay Don
Teong ay nagtungo sa alaga niyang hayop.

You might also like