Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Iskrip ng Komentong Panradyo tungkol sa Pagmahal

ng mga bilihin

Announcer (Ayra): Magandang araw sa iyong lahat! nandito ang tambalang


ating papakinggan tungkol sa mga napapanahong balita ngayon na sina Erich
Romano at Elrose Rivera, at atin nang pakinggan ang sasabihin nila.
Erich: Magandang-magandang hapon sa inyong lahat! Ako po si Erich Romano
heto naman po ang aking partner.
Elrose: Magandang hapon sa inyo! Ako naman po si Elrose Rivera.
Erich: So... partner anong ganap ngayon?
Elrose: Naku! partner ang daming ganap ngayon. At isa na rito ang palaging
napapag-usapan ng mga mamimili tungkol sa pagmahal o pagtaas presyo ng
mga bilihin sa palengke.
Erich: Oo, nga partner! madalas yan pag-usapan ng mga taong mamimili.
Elrose: Balita ko nga na tumaas nanaman ang mga bilihin ngayon dahil sa
inflation.
Erich: Sigurado akong mahihirapan o magagalit nanaman ang mga taong
mamimili lalo na ang mga mahihirap.
Elrose: Oo nga!, eh noong nakaraan nga ay namalengke kami ni mama at may
napagtanungan kami na ang sibuyas daw ay 400 pesos na ang isang kilo.
Erich: Napakamahal na talaga ng sibuyas ngayon. Eh noon nga mahigit 100
pesos o 200 pesos lang ang isang kilo nyan.
Elrose: Tama ka dyan partner!, pati na rin nga ang ibang mga bilihin ay tumaas
na rin, kagaya ng itlog, talong, mga delatang pagkain, at iba pa at tumaas na rin.
Announcer (Ayra): Napakamahal na talaga ang mga bilihin ngayon, kaya
naman kailangan natin nang matalinong pagdedesisyon sa pagbili ng mga
produkto, at saka kailangan talaga nating magtipid.
Erich: Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), ang inflation rate ay naging
8.7% nitong January 2023, na mas mataas pa noong December 2022 na 8.1%
kaya hindi lang bilihin ang tumaas pati rin ang bayad sa upa, tubig, kuryente,
gasolina at iba pa.
Elrose: Ngunit sabi naman ni Pangulong Fendinand Marcos Jr., na inaasahan na
bababa na ang inflation rate dahil umano sa pagbaba naman ng presyo ng mga
produktong petrolyo at mga agricultural product.
Erich: Oo nga, kaya sana nga bumaba na talaga ang mga bilihin at gastusin.
Elrose: Tama ka diyan!, at upang hindi narin mahirapan ang mga tao sa mga
gastusin.
Erich: At yun na nga po!, Ako po ay si Erich
Elrose: At ako po Elrose
Ayra: At ako naman si Ayra, ang inyong announcer.
All (Erich, Elrose, Ayra): Maraming salamat po sa inyong lahat sa pakikinig
saamin!

You might also like