Ang Pinagmulan NG Pilipinas at Mga Sinaunang Kabihasnan (Week 2-3)

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 41

5th

Grade
Araling Panlipunan 5
Ang Pagbuo ng Pilipinas Bilang Nasyon

Ang Pinagmulan ng Pilipinas at


Mga Sinaunang Kabihasnan
Layunin ng Aralin
Matapos ang aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
1. Naipaliliwanag ang pinagmulan ng Pilipinas batay
sa teorya (Plate Tectonic Theory), mito, at
relihiyon.
2. Natatalakay ang pinagmulan ng unang pangkat ng
tao sa Pilipinas batay sa teorya (Austronesyano),
mito (Luzon, Visayas, Mindanao), at relihiyon.
Mga Teorya ng
Pinagmulan ng
Lahing Pilipino
02
Alamin natin!
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino

• Ilang pag-aaral na rin ang isinagawa


upang ipaliwanag ang ating nakaraan
bilang mga Pilipino. Gamit ang
makabagong pananaliksik at teknolohiya,
marami sa ating mga antropologo
(anthropologist) at arkeologo
(archaeologist) ang pumupunta pa sa
iba't ibang panig ng Pilipinas upang pag-
aralan ang mga labi at kagamitan ng mga
sinaunang tao.
• Ang anthropology ay pag-aaral ng tao at ang
kanyang pagbabagong biolohikal (ebolusyon,
pisikal na katangian) at kultural (pamumuhay,
pakiksalamuha so lipunan. tradisyon, at iba pa).

• Samantalang ang archaeology naman ay pag-


aaral sa mga sinaunang tao at ang kanyang
kultura sa pamamagitan ng pagsusuri sa
kanilang naiwang materyal na kagamitan
(fossils o labi, artifacts, monumento, at iba pa.)

• Sa tulong ng mga pag-aaral na ito, mas lalo


nating nauunawaan at napahahalagahan ang
pinagmulan ng ating lahi.
Wave Migration Theory

• Isa sa mga teoryang sumikat noon ay ang


Migration Theory ni Propesor Henry Otley
Beyer ang antropologo na nagsabing ang
mga sinaunang Pilipino raw ay bunga ng
maraming migration o pandarayuhan ng
mga tao mula sa ibang lugar sa Asya na
pumunta sa ating kapuluan. Ayon sa kanya,
may tatlong yugto ng migrasyon o
pandarayuhan na nangyari – mga Negrito,
Indones, at Malay.
Migration Theory
• Tuluyan din itong napawalang-saysay dahil
sa kawalang-diin sa pagbabago ng mga
kultura ng mga nagdaang panahon. Ang
kultura ay tumutukoy sa kalinangan o
natutuhang gawi sa pang-araw-araw na
pamumuhay nating mga tao. Kasama rito
ang paraan ng pamumuhay na masasalamin
natin sa mga gawain, pananalita,
pananamit tradisyon, paniniwala, sining at
iba pa. Dahil dito, maraming mananaliksik
ang. Nagsimulang balikan at pag-aralan pa
ang ating nakaraan.
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino
● Pinanniwalaang mahigit sa 250, 000 taon na ang
nakararaan nang unang manirahan ang mga tao sa
Pilipinas. Batay ito sa mga labi at kasangkapang
gawa sa bato na nahukay sa Lambak ng Cagayan.
Tinatayang mahigit sa 100 kuweba at rock shelter
(tirahang bato) na pawang mahahalaga sa
archaeology ang matatagpuan sa Cagayan. Ilang
artifacts din ang nahukay sa ibang bahagi ng
bansa, tulad ng Rizal at Novaliches na
nagpapatotoo sa mga sinaunang tao sa Pilipinas.
Ang mga artifact ay mga kagamitan at materyal na
kalinangan ng mga sinaunang tao na sumasalamin
sa kanilang pamumuhay noon.
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino

● Ang mga kasangkapang ito ay


matatagpuan sa paninirahan ng mga
Homo Erectus sa Lambak ng Cagayan.
● Ang Homo Erectus ay isang species ng
sinaunang tao na nabuhay noong
Pleistocene, sa pagitan ng 2 milyong taon
hanggang 100,000 taon na ang
nakalipas.
● Nahukay ang mga labi nito sa iba't ibang
bahagi ng mundo, tulad ng Beijing, China
at Java, Indonesia.
HOMO SAPIENS
HOMO HABILIS

HOMO ERECTUS
Mga Teorya ng Pinagmulan ng Lahing Pilipino

• Ayon sa mga archaeologist, tuwid nang


maglakad ang Homo Erectus at may
kaalaman na din sa paggamit ng mga
kasangkapan. Siya rin ang pinaniniwalaang
unang taong nabuhay sa pamamagitan ng
pangangaso at pangangalap (hunting-
gathering) sa kapaligiran.
Taong Tabon ng Palawan
• Sa yungib ng Tabon, Palawan unang
natagpuan ang pinakamatandang labi ng
sinaunang tao sa Pilipinas noong 1962. ayo
sa mga eksperto, nasa pagitan ng 8,500
hanggag 50,000 taong nakalipas ang
unang paninirahan ng mga tao sa mga
yungib ng Tabon.
• Sa pangunguna ni Dr. Robert Fox, nahukay
ang isa pang species ng sinaunang tao na
tinawag na Homo Sapiens (taong nagiisip)
at pinangalanan itong Taong Tabon.
Taong Tabon ng Palawan

• Marami pang natagpuang labi at


kagamitan sa mga yungib ng
Palawan. May mga flaked stone tool,
libingang palayok, Palakol (adze), at
palamuting gawa sa jade at beads na
nahukay sa yungib ng Guri at
Duyong. Sa yungib naman ng
Manunggul, nahukay ang kilakang
palayok na Manunggul Jar).
Taong Callao ng Cagayan

● Noong 2007, ilang kagamitan at labi ng isa


pang sinaunang Pilipino ang natagpuan sa
mga yungib ng Callao, Cagayan.
Pinangalanan itong Taong Calao ng grupo ng
mga archaeologit na pinamunuan ni Dr.
Armand Mijares. Isa rin itong patunay ng
paninrahan ng mga sinaunang tao sa ating
bansa. Mahigit na 67,000 taon na ang
nakararaan batay sa resulta ng carbon
dating.
Angono Petroglyphs
● Ayon sa mga archaeologist ng Unibersidad ng
Pilipinas at National Museum, Homo Sapiens din
ang species ng taong Callao, batay sa mga buto sa
paa na natagpuan sa yungib.

● Isang gawang-sining din ang natuklasan sa


probinsya ng Rizal noong 1965. Ito ay tinawag na
Angono Petroglyphs. Ito ay 127 ukit sa bato na
nagpapakita ng mga hugis ng tao at hayop.
Marami rin ang hindi mabasang disenyo o ukit ang
ipinakikita nito. Itinuturing itong isa sa
pinakamatandang halimbawa ng rock engravings
ng mga sinaunang tao sa Asya.
Ang Mga Austronesian

• Noong Panahong Neolitiko, nangyari


ang malawakang migrasyon ng mga
sinaunang tao lalo na sa Timog-
Silangang Asya at kalapit na rehiyon
mula 9000 hanggang 4000 BCE.
Tinatawag na Austronesians ang lahing
lingguwistiko na ito na pinaniniwalaang
nagdala ng magkakapamilyang wika sa
maraming bahagi ng Timog-Silangang
Asya, kabilang na ang maraming wika sa
Pilipinas.
Ang Mga Austronesian
• Maraming mananaliksik tulad nina Peter
Bellwood at Wilhelm Solheim ang nagpatunay
sa migrasyon ng mga Austronesian, batay na rin
sa mga labi at artifact na natagpuan sa
maraming bahagi ng Asya. Ayon kay Bellwood,
ang posibleng rutang ginawa ng mga
Ausironesian ay mula sa Timog Tsina at dumaan
sa Taiwan, pababa sa Pilpinas hanggang sa
narating ang malalayong lugar sa Karagatang
Pasipiko (tulad ng Melanesia at Polynesia) at sa
Karagatang Indian (tulad ng isla ng Madagascar)
gamit ang mga sasakyang pandagat na
tinatawag na balangay.
Ang Mga Austronesian

• Ngunit ayon naman kay Solheim sa


kanyang Island Origin Hypothesis,
nagsimula ang paglalakbay ng mga
Austronesian mula sa bahaging
Indonesia at Mindanao, paakyat sa
kapuluan ng Pilipinas at patungong
Taiwan.
Ang Mga Austronesian

• Dala ng mga Austronesian ang kahusayan sa


paggawa ng sasakyang pandagat at sistema
sa agriultura tulad ng pagtatanim ng palay at
pag-aalaga ng mga hayop. Lumaganap ang
kulturang Austronesian at nagsimulang
manirahan sa mga dalampasigan, ilog, at
baybayin ng ating bansa. Dahil sa kulturang
Austronesian, maraming pagkakahawig ang
ating kultura sa gawi at pamumuhay ng ating
mga kalapit na bansa sa Timog-Silangang
Asya.
Ang Mga Austronesian

• Isang anthropologist naman mula sa


Unibersidad ng Pilipinas ang lalong nagpatoto
sa kultura ng mga sinaunang Pilipino sa
pamamagitan ng mga nahukay na fossil.
Pinabulaanan ni Propesor Felipe Landa
Jocano ang naunang teorya na ang lahing
Pilipino ay nagmula sa mga Malay. Ayon kay
Jocano, ang mahabang proseso ng ebolusyon
at paglalakbay na nagsimula 19 milyong taon
na ang nakalipas, ang nagbigay-daan sa pag-
usbong ng maraming lahi sa Asya.
• Bagama’t may pagkakahawig sa kultura ang
mga taga-Timog-Silangang Asya dahil na rin sa
pinanggalingang kultura ng mga ito,
magkakaiba pa rin ang pagyabong ng mga
kabihasnan sa iba’t ibang bahagi ng ating
rehiyon. Samakatwid, may kaniya-kaniya at
pantay-pantay pa ring likas na kultura ang mga
bansa sa rehiyon. Patunay ang mga labi na
natagpuan sa ilang bahagi ng ating bansa sa
rehiyon. Patunay ang mga labi na natagpuan sa
ilang bahagi ng aing bansa, kabilang na ang mga
Nakita sa Borneo, New Guinea, at Australia sa
pag-aaral ni Prof. Jocano.
Ang “Kalinga Toolmakers”

• Noong Mayo 2018, nalathala sa Nature


Internotional Journal of Science ang isang
pananaliksik na naisagawa sa Rizal,
Kalinga. Natagpuan ng mga arekeologo
ang limampu't pitong (57) kagamitang
bato na may na may kaugnayan sa mga labi
ng Rhinoceros Philippinensis. Sa pagsusuri
ng mga eksperto, 13 sa mahigit 400 buto
na natagpuan ang kinakitaan ng pagkatay
gamit ang mga nasabing stone tools.
Ang “Kalinga Toolmakers”

• Bukod pa sa labi ng rhinoceros,


natagpuan din ang mga buto ng
stegodon, Philippine browndeer,
pagong, at bayawak. Ang mga
kagamitang bato ay ilan lamang sa
mga katibayan na maaaring
magpatunay sa mga sinaunang tao sa
Pilipinas. Lahat ng mga artifacts na ito
ay tinatayang may edad na 631,990
hanggang 777,000 taon na nakalilipas
o nangyari noong Pleistocene Period.
Ang “Kalinga Toolmakers”

• Dahil sa mga ebidensiyang ito. Magiging


mas maaga pa ang ating pagtataya ng mga
rekord ng mga sinaunang tao sa Pilipinas.
Matatandaan na ang taong Callao ng
Cagayan (67,000 BCE) ang sinasabing
pinakamaagang ebidensiya ng paninirahan
ng mga sinaunang tao sa Pilipinas. Ngunit
dahill sa mga natagpuang hiniwang buto sa
Kalinga, mapatotohanan natin ang mas
maagang paninirahan ng mga sinaunang tao
sa kapuluan.
Ang Mga Austronesian

• Sa ngayon, wala pa rng tiyak na kasagutan


ang maaaring magpatunay sa kung paano
nakarating ang mga nasabing sinaunang tao
sa ating kapuluan. Pinagpapalagay ng mga
eksperto na maaaring nakarating sila mula
sa Borneo patungong Palawan, o kaya'y
mula Tsina patungong Taiwan sa hilaga,
noong panahon na mababa pa ang lahat ng
karagatan.
• Maaaring maraming teorya ang ating
ginagamit upang lubos na maintindihan
ang mga panahong nakalipas, ngunit iisa
pa rin ang pinatutunayan nitong lahat –
bahagi tayo ng isang mahaba at
matandang kasaysayan ng mundo na
dapat nating ipagmalaki bilang mga
Pilipino.
Maraming Salamat!
Hanggang sa muli!

CREDITS: This presentation template was


created by Slidesgo, including icons by Flaticon,
and infographics & images by Freepik

Please keep this slide for attribution

You might also like