Tampok Na Lathalain ESP

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Tampok na Lathalain

Dahil ngayon ay Setyembre 14 ipinagdiriwang ang Pagtatampok sa Banal na Krus,atin ngayong


talakayin ang pasilip sa kasaysayan ng isa sa mga Barrio o Nayon ng Malolos na hindi masyadong
napapansin dahil ang lokasyon ay tago at looban.Isang Barrio na namimintuho rin sa Banal na Krus
bilang patronato,ang ANILAO
Ang Anilao ay barrio sa Malolos sa bahaging timog-kanluran,nalilirigan ng barrios ng
Canalate,Caingin,Bulihan,Kapitangan at Santo Rosario (Paombong).
Ang Barriong ito ay naliligiran ng Esteros o Sapa kaya kadalasan ito ay nakakaranas din ng pagbaha
bunga ng hightide,gaya ng iba pang nayon sa Malolos na nakalokasyon sa pinag-sanga-sangang Ilog.
Ang unang naghasik ng pananampalataya sa barriong ito ay ang Simbahan ng Malolos na hindi
kalayuan kung babagtasin ang Ilog ng Malolos (Tampoy River) at diretkang katatagpuan sa di
kalayuan ang isang Ermita malapit sa pampang ng Ilog.Isang Ermita na nasa ilalim ng patronato ang
Santa Cruz.Ang sobrang pagiging malapit sa ilog ng nasabing bisita ay isang palatandaan na ito ay
nasa orihinal na lokasyon pa tulad ng Ermita ng Liang.
QUIAPIN,KEAFIN,ANILAO
Sa katalogo ng mga binyagan ng Simabahan ng Malolos,ang Anilao ay unang tinawag aylt naisulat sa
pangalang "Quiapin". Isa pang datos mula sa isang librong pang ala-ala ng Pistang Bayan 1980 ang
nayon ay tinatawag naman sa Keafin na nanggaling daw sa pinagsamang pangalan ng mag-asawang
Serafin at Clara na nalunod sa Ilog at panahon ng Amerikano ng matatag.Ang ganitong salaysay na
mula sa nasabing souvenir book ay hindi sinusuportahan ng primaryang batis. Samantala sa nakasulat
na datos sa panahon ng Kastila ay hindi Keafin ang pagkakalimbag kundi Quiapin,pangalang tunog
intsik gaya ng Quia-po at Quing-gua ngunit ang salitang ito ay hindi mahanap ang kahulugan o
etimolohiya.
Ang Barrio ng Quapin ay unang sumilay sa Catalogo de Bautismo ng Malolos noong Hunyo 1734 at
noong 1859 inilipat ang pamamahala sa Bayan ng Barasoain at mula noon ang dating Quiapin ay
tinawag na Anilao na matatagpuan naman sa Catalogo ng Simbahan ng Barasoain simula ng ito ay
mahiwalay sa Malolos at magkaroon ng sariling Libro de Bautismo noong 1859.
Sinaliksik ng
The Malolos Heritage Town

You might also like