Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sabi nga ng isang senador, “Hindi po kailangan ng komplikadong

plataporma na puro porma lang ang nangyayari at drama lang sa


media pero pag nanalo na ay nalimot na”.

Ang mga proyektong


1. Kaayusan at katahimikan
2. Kalusugan ng mga kabarangay
3. Pagawain at infrastura
4. Pakalinga sa mga senior at kabataan
5. Para sa edukasyon
6. Agrikultura at kalikasan
Ang inyong lingkod ay tutulong sa mga nasabing plataporma ng
aking mga kasamang kagawad.
Simulan po nating sa anyo ng ating barangay, hangang ngayon,
mula ng alisin ng DILG ang lumagpas na canopy ng ating barangay
hall. Ay hanggang ngayon ay wala pa din aksyon nawawala po ang
pangalang ng ating barangay hall na mag papakilala sa mga taong
dadaan sa proper ng ating barangay.
Pangalawa ang mga panghakot ng basura na hindi natin alam kung
kailan talaga ang hakot ng basura. Kung sakaling nasira, dapat
may pasabi sa mga kabarangay na huwag muna ilabas ang mga
basura para hindi nagiging sanhi ng di pag kakaunawaan ng mag
kakapitbahay.
Pangatlo,ang basic services na dapat nakukuha sa ating mga
sangay ng barangay lalo na ang pag bibigay ng mga maintenance
medicine sa mga matatanda. Ang pag papagamit ng mga basic
equipment gaya ng nebulizer at pang BP na madalas dinadaing ng
mga kabarangay.
Pang apat, ang pag sasa ayos ng mga kanal. Hindi po sapat ang
pag lilinis… lalo pa at wala naman dadaluyan ng tama ang
katubigan na dumaloy sa mga kanal.
Ilan lamang po ito sa mga kinakaharap sa kasalukuyan ng ating
barangay. Hindi po ito paninira ito lamang po ay pag lalahad ng
mga kasalukuyang sitwasyon ng ating barangay. Nawa ay ating
pakaisipin na sa sampung taon sana ito po ay nagawan ng
kaparaanan.
Kung mayron pa po kayong hinaing ukol sa inyong sitio maari po
natin itong pag usapan upang masolusyonan. Kailangan lang
magtiwala kayo sa amin para amin pong masimulan ang pag
babago. Kayo po ang basehan ng aming magiging gawa. Wag na
po tayo maniwala sa sampung taong pagkakataon na hangang
ngayon ay pinapangakong muli.
DEREK ASEJO po ang DEREKtang tutugon sa inyo.

You might also like