Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION V – BICOL
SCHOOLS DIVISION OF CATANDUANES
CATANDUANES NATIONAL HIGH SCHOOL
Virac, Catanduanes

PROJECT PROPOSAL

I. Summary Information

Project Title : TARALAROTA: Maglaro para lumakas ang katawan,


kaisipan at pakikipagkapwa sa kapwa atleta.

Proponents : Renz Ivan S. Ogalesco


Consultants : Amelia R. Eusebio

Participants : Mga atleta ng cnhs

Cooperating Personnel : Mapeh Teachers and Coaches

Prescriptive Period of
Implementation : December 2-4 , 2023
Venue : Catanduanes National High School Auditorium
Estimated Project Cost : 5,000
Source of Funds : SPONSORS

II. Rationale

Mahalaga ang inilalaang espasyo ng mga paaralan upang mapaunlad ang kalidad ng mga atleta sa
kanilang mga sports na nilalaro. Sa pamamagitan din nito ay mas lumalalim ang pag-unawa ng mga mag-
aaral sa kahalagahan ng regular na ehersisyo at sports sa kanilang kalusugan at kabutihan.

Sa proyektong ito, ilulunsad ng mga coaches o mga mapeh teachers ang TARALAROTA:
“Maglaro para lumakas ang katawan, kaisipan at pakikipagkapwa sa kapwa atleta”. Nakaangkla ito sa
salitang TARALAROTA na nangangahulugang tara at mag laro tayo. Ang programang ito ay isang uri ng
workshops at coaching clinics ng bawat atleta. Itatalakay dito ang mga paksa ng kahalagahan ng
pagkakahilig ng isang bata sa sports.

II. Project Description

TARALAROTA: “Maglaro para lumakas ang katawan, kaisipan at pakikipagkapwa sa kapwa


atleta”, ay isang workshops para sa mga atleta ng cnhs. Tatlong araw itong gaganapin kung saan ang mga
speakers ay magbabahagi ng kahalagahan ng sports at pagiging disiplinado. Ang ikatlong araw ay ilalaan
para sa paglalaro ng mga atleta ng sport na kanilang kinahihiligan.

III. Objectives
Narito ang mga layon ng TARALAROTA: “Maglaro para lumakas ang katawan, kaisipan at
pakikipagkapwa sa kapwa atleta”

(1) Magkakaroon ng mas malalim na pag-unawa ang mga mag-aaral sa kahalagahan ng


regular na ehersisyo at sports sa kanilang kalusugan at kabutihan;
(2) Magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na maipakita ang kanilang galing
at talento sa iba’t ibang disiplina ng sports;
(3) Magkakaroon ng mas malawak na kaalaman at pag-unlad sa kanilang personal na
kakayahan at kakayanan sa sports;

IV. Action Plan

ACTION PLAN
SALALAYAN: Talakayan sa mga Isyung Panlipunan at Kasaysayan sa Pagtuturo
(School-Based Learning Action Cell sa Filipino at Araling Panlipunan)
Hunyo 9-10, 2022

MAIN ACTIVITIES TIMEFRAME PERSONS INVOLVED

1. Pagbubuo ng proposa at , Pagpili ng mga LAST WEEK OF


Proponent
Tagapagsalita at Tagapagpakitang-Turo NOVEMBER 2023
2. Pagbi-brain storm sa pagtalakay sa mga
LAST WEEK OF
paksa, Pagpapadala ng mga liham sa Proponent
NOVEMBER 2023
dadalo.
LAST WEEK OF
3. Pagsasapinal ng Programa, Proponent
NOVEMBER 2023
4. TARALAROTA: Maglaro para
lumakas ang katawan, Mga ATLETA NG CNHS, COACHES AT
DECEMBER 2-4 2023
kaisipan at pakikipagkapwa MAPEH TEACHERS
sa kapwa atleta.

V. Line-Item Budget
Narito ang mga aytem na popondohan para sa ikapagtatagumpay ng proyekto.

Particulars Amount
I. Pondo sa Pagpi-print 500
Kabilang dito ang tarp-papel para sa backdrop, mga sertipiko para
sa mga tagapagsalita, komitiba, at kalahok, programa, hand-out at
iba pang katulad.
Pagkain ng volunteers 2000
Kgamitan para sa sports activities 2500
subtotal 5000
grandtotal 5000

VII. Project Monitoring and Evaluation

Ang mga consultant ang magsisilbing tagapagmasid at tagapagtasa (evaluate) ng pagpapatupad


ng programa at gawaing nakatala sa action plan. Magsusumite ng mga accomplishment report sa
pagtatapos ng gawain na may kalakip na dokumentasyon na nakasunod sa itinakdang panahon.
Prepared:

Rens Ivan S. Ogalesco

Mapeh Teachers

Approved:
AMELIA R. ESUEBIO
School Principal III

You might also like