Tula Tungkol Sa DEPRESYON

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

DEPRESYON

Hindi na saya ang katumbas Ng mga ngiti.

Madalas nitong ibig Sabihin ay pagkukunwari.

Hindi na ito tungkol sa kung Anong gagawin natin

sa bawat oras sa kung paano natin palilipasin

ang magdamag dahil sinanay na rin Naman

Tayo Ng mga bagabag sa dibdib.

Sa mga gabing mag-isa, nasanay na tayong ngumiti

Ng may Luha. Hindi na tayo katulad Ng dati na

tamang matutulog lang kapag sasapit ang Gabi.

Ngayon, puro kadiliman, dating kinukwento natin

Kay nanay Ang mga problimang pinagdadaanan,

Ngayon puro nalang sa mga basang unan, Dating

henihele Tayo Ng mga melodiya Ng Mundo, Ngayon

puro kalungkutan Ang takbo Ng isip ko.

Tayo pa rin Naman Ang mga batang sabik kapag

aalis. Ngunit hindi na katulad Ng dati dahil kung

Ang pananatili ay katumbas Ng mahaba - habang pagkukunwari,

sino nga ba Ang gustong manatili.

You might also like