Professional Documents
Culture Documents
Ang Komunikasyon
Ang Komunikasyon
Katinig – b, c, d f g h, j, k, l, m, n, ñ, ng. p, q, r, s, t, v, w, x, y, z
Patinig- a, e, i, o, u
Mga hiram na letra – c. f, j, n, q, v, x, z
Mga Ponemang Suprasegmental
1.Diin – Tumutukoy sa lakas ng bigkas sa isang
pantig ng salitang binibigkas. Maaaring gamitin
sa pagkillala ng pantig na may diin ang
malaking titik.
BU:hay = kapalaran ng tao
bu:HAY = humihinga pa
2. Tono/Intonasyon – tumutukoy sa pagtaas at
pagbaba ng tono. Naiiba-iba ang tono o pagtaas at
pagbaba ng tinig sa wikang Filipino batay sa iba’t
ibang layunin at damdamin ng nagsasalita.
Ikaw nga! (nagulat)
Ikang nga! (pagalit)
Ikaw pala. (ordinaryong pagbati)
Ikaw pala. (walang interes na pagbati)
3. Haba – ito ay ang pagbigkas nang
mahaba sa patinig ng bawat patinig.
Maaaring gumamit ng simbolong tuldok
(.) para sa pagkilala ng haba.
Bu.kas = susunod na araw
Bukas = hindi sarado
Hinto at Antala – ito ay ang matagal o saglit na
paghinto sa isang pagsasalita.
Juan Carlo Jose ang pangalan niya.//
Juan/ Carlo Jose ang pangalan niya.//
Juan Carlo/ Jose ang tawag sa kanya.//
ARTIKULASYON
– paraan upang ilarawan kung paano
binibigkas ang mga ponema ng isang
wika.
– tumutukoy sa paano binubuo ng
nagsasalita ang mga tunog.
Punto ng Artikulasyon Paraan ng
Artikulasyon
1. Panlabi – ang ibabang labi ay dumidiit sa labing itaas. /p,b,m/
2. Pangngipin – ang dulo ng dila ay dumidiit sa loob ng mga ngiping
itaas. /t,d,n/
3. Panggilagid – ang ibabaw ng dulo ng dila ay lumalapit o dumidiit sa
punong gilagid. /s,l,r/
4. Pangngalangala o Velar – ang ibabaw ng puno ng dila ay dumidiit sa
velum o malambot na bahagi ng ngalangala, /k,g/
5. Glottal – ang mga babagtingang ay nagdidiit o naglalapit at
hinaharang o inaabala ang presyon ng papalabas na hininga upang
lumikha ng paimpit o pasutsot na tunog.
Paraan ng Artikulasyon
Pailong (Nasal) - m, n
Pabibig (Oral)- b, t, I
B. Morpolohiya/Palabuuan
pagbubuo ng mga salita at pag-aaral ng
mga morpema sa isang wika
*Morpema – pinakamaliit na yunit ng
salita na nagtataglay ng kahulugan.
Mga Uri ng Morpema
1.Morpemang pangleksikal (content words) – ito
ay mga salitang may tiyak na kahulugan.
Halimbawa: bata (pangngalan), masaya (pang-
uri), tumalon (pandiwa), kamakalawa (pang-
abay)
1.Morpemang pangkayarian (function words) –
walang tiyak na kahulugan
Halimbawa: ang, ng, ay, lang, naman
Mga Anyo ng Morpema
1.Panlapi – mga morpemang ikinakabit sa salitang-ugat,
itinuturing din itong di-malayang morpema.
*ang panlapi ay maaaring nasa unahan (unlapi), gitna
(gitlapi), hulihan (hulapi), magkabilang dulo ng salita
(kabilaan), o nasa unahan, gitna at hulihan ng salita
(laguhan).
Halimbawa: masaya (unlapi), gumana (gitlapi), gandahan
(hulapi), kasamaan (kabilaan) ipinagsumigawan (laguhan)
2. salitang-ugat – payak ang anyo ng salita,
walang anumang panlapi ng ginamit, itinuturing
na malayang morpema.
Halimbawa: sariwa, ganda, hangin,
5. Paglilipat-diin
Halimbawa: panday+an= pandayan
luto +in = lutuin
Kayarian ng Salita
1.Payak – hal. Saya, sama
2.Reduplikasyon o Inuulit
Hal. Sinu-sino, ilan-ilan (Ganap)
Iisa, kabi-kabila (Parsyal)
Magaling – galing (kumbinasyong Ganap at Parsyal)
3. Maylapi – hal. Masaya, umasa, kalakasan
4. Tambalan – hal. Taong-bundok, panhik-panaog (tambalang di-
ganap), hampaslupa, basag-ulo (tambalang ganap)
And salitang ipagsumigawan ay may
panlaping?
A.Kabilaan
B.gitlapi
C.Hulapi
D.laguhan
Ang salitang ugat sa “ SINALIKSIK_____.
A.Saksihan
B.saliksik
C.Sinaksi
D.salik
Ang salitang payak o salitang –ugat ay:
A.Walang panlapi
B.may gitlapi
C.May hulapi
D.kabilaan
Ang Pangangalan
Mga Uri ng Pangngalan
1.Ayon sa uring Pansemantika
Pantangi – Jose Dela Cruzl, Purefoods, Edsa Revolution
Pambalana – guro, prutas, gobyerno
2. Ayon sa Konsepto
Tahas – mga bagay na nakikita, naaamoy, nahahawakan at naririnig
tulad ng gusali, awit
Basal – tumutukoy sa mga nagay na abstrak tulad ng wika, kabutihan,
pangarap
Palansak – buwig, tangkas
Kaukulan ng Pangngalan
Palagyo - kung ang pangngalan ay tumatayong simuno ng
pangungusap.
Hal. Ang mag-aaral ay mahusay.
Paari – kung ang pangngalan ay nagpapakita ng pagmamay-
ari.
Hal. Ang bahay ni Gng. Cruz ay maganda at maaliwalas.
Palayon - kung ang pangngalan ay layon ng pandiwa.
Hal. Si Sarah ay kumanta para sa mga panauhin.
Ang Panghalip
Panao – ako tayo kami
Pamatlig – hayun
Patulad - ganito, ganoon
Panaklaw - madla, alinman
Pananong - ano, sino
Pamanggit – daw, raw
Panauhan
UNA - sangkot ang sarili tulad ng ako, kami,
namin
IKALAWA- tumutukoy sa kausap/kinakausap
tulad ng ikaw, kayo, ninyo
IKATLO – tumutukoy sa pinag-uusapan, ang sila,
kanila, nila ay ilan sa mga halimbawa
*Kailanan – isahan, dalawahan at maramihan
*Kaukulan
Palagyo – Sila ay dadalo sa pagpupulong. (tumatayong
simuno ang panghalip)
Paari – Ang ari-arian nila ay ubod ng dami. (ang panghalip ay
nagpapahiwatig ng pagmamay-ari)
Palayon – Ang perang ito ay inipon para sa kanya. (ang
panghalip ang layon ng pandiwa)
Ang Pang-abay
ito ay naglalarawan sa isang
pandiwa, pang-uri at kapwa pang-
abay.
"Ang atletang Pilipino ay lubhang masigasig", ang
"lubhang" ay isang
A. pang-abay
B. pangngalan
C. pandiwa
D. pang-uri
MGA URI
Pamanahon – kahapon, bukas
Panlunan – Bumili ka ng tinapay kina Aling Tinay (ang sa, kay, kina ay
palatandaan)
Pamaraan – lumakad nang paluhod (naglalarawan kung paano
ginawa ang kilos)
Panang-ayon – tunay, talaga
Pananggi – wala, hindi
Pang-agam-baka, tila
Panggaano – Sampung kilometro ang nilakad ni Rodel. Nagtagal ng
limang oras ang ulan.
Ang Pang-Uri
ito ay naglalarawan sa isang
PANGGALAN at PANGHALIP
Mga Uri
*Panlarawan - mabango, maganda
*Pantangi – Wikang Filipino, Lechong Cebu
*Pamilang
Patakaran – isa, dalawa, tatlo
Pamahagi – kalahati, limang porsyento
Pahalaga – walong libo, tatlong piso
Panunuran – una, ikalawa, ikatlo Palansak-idalawahan, sampuan
Patakda - dadalawa, lilima
*Di-tiyak – kaunti, marami
Ang Pandiwa
Ito ay nagsasaad ng kilos o galaw
Aspekto ng Pandiwa
Perpektibo/ Naganap – nagbasa, naligo
Imperpektibo/Nagaganap – kumakain,
naglalaba
Kontemplatibo/Magaganap – umalis,
naglinis
Pokus ng Pandiwa
Pokus Aktor/Tagaganap ang pandiwa ay nasa pokus aktor kung ang simuno
ang siyang gumagawa ng kilos ng pandiwa sa pangungusap.
Halimbawa: Nagluto si Nene ng adobo.
Pokus Instrumental/Gamit - ang simuno ang ginamit upang maganap ang kilos
ng pandiwa.
Halimbawa: pinampunas ni Anita ang malinis na panyo sa kanyang mata.
Gamit ng Ng
Ginagamit bilang pananda sa mga tuwirang layon ng pandiwang
palipat. Halimbawa: Nagwalis ng bakuran si Chedeng.
Ginagamit bilang pananda ng aktor o tagaganap ng pandiwa.
Halimbawa: Inalalayan ng binata ang dalaga.
Ginagamit ang panandang ng kapag nagsasaad ng pagmamay-ari ng
isang bagay o katangian.
Halimbawa: Ang boses ng dalagita ay nakakabighani.
Gamit ng Nang
• Ginagamit bilang pangatnig sa mga hugnayang pangungusap:
katumbas ng "when" sa Ingles.
Haimbawa: Nagluluto pa ako nang dumating ang mga
bisita.
Ginagamit sa mga salitang inuulit.
Halimbawa: kain nang kain
Ginagamit sa pagitan ng pandiwa at pang-uri.
Halimbawa: Nag-aral nang mabuti ang batang iyan kaya naging
Valedictorian.
Ang May at Mayroon
Gamit ng May
Ginagamit kapag sinusundan ng pangngalan.
Halimbawa May tao sa likod ng bahay.
Ginagamit kapag sinusundan ng Pandiwa
Halimbawa. May nararamdaman ako para sa kanya.
Ginagamit kapag sinusundan ng pang-uri
Halimbawa: May maganda siyang plano
Ginagamit kapag sinusundan ng panghalip na Panao sa
kaukulang paari Halimbawa: Ang mga mag-aaral ay may kani-
kanilang presentasyon.
Gamit ng Mayroon
Ginagamit ang mayroon kapag may napapasingit na kataga
tulad ng po, pa din at Rin sa salitang sinusundan nito.
Halimbawa: Mayroon po akong nakikitang pag-asa na
malalampasan natin ito.
Ginagamit bilang panagot sa tanong
Halimbawa: May pasok ka ba? Mayroon.
Ginagamit din kung nangangahulugan ng pagka-maykaya o
mayaman. Halimbawa: Ang pamlyang Buena ay mayroon sa
kanilang probinsya.
Ang Daw/Din at Raw/Rin
Gamit ng Daw/Din
Ginagamit ang din at daw kung ang salitang
sinusundan ay nagtatapos sa katinig maliban sa w
at y.
Halimbawa: Hilig daw niyang sumayaw at
kumanta.
Gamit ng Raw/Rin
Ginagamit ang rin at raw kung ang sinusundang
salita ay nagtatapos sa patinig at Sa malapatinig na
w at y.
Halimbawa: Sanay raw siya sa mga gawaing bahay.
Masama rin sa kalusugan ang labis na
pagpapagod.
Ang Sina at Sila
Ang sina ay panandang pangkayarian sa isang
pangalan.
Halimbawa. Sina Ryan at Jonas ay magkababayan.