Professional Documents
Culture Documents
Buod
Buod
Gamet
Grade-12 St. Anthony the Abbot
Nakita ni Fe ang kaniyang sarili sa kaniyang guro na si Mabuti. Pareho silang may
suliranin. Gayun nga lang ay mas mabigat o komplikado ang problema ni Mabuti dahil ang
kaniyang guro ay nasa totoong mukha na ng buhay.
Mula noon, mas lumaki ang paghanga ni Fe kay Mabuti at ang bawat pagtuturo nito
sa kanila ay isang magandang pahina ng kaniyang buhay estudyante…
Madalas ikuwento ni Mabuti ang tungkol sa kaniyang kaisa-isang anak na nais niyang
bigyan ng magandang buhay lalo na’t nais niyang matulad ito sa kaniyang ama na isang
manggagamot.
Ngunit matapos mamatay ang ama ng kaniyang anak, at hindi maiburol sa kaniyang
mismong bahay, doon niya napagtanto at nalaman ang katotohanang hindi si Mabuti ang
unang asawa ng manggagamot na iyon. Pangalawa lang siya at nauunawaan niya ang
sitwasyong ito. Kaya naman, napag-isipan niya na lamang na umiyak sa silid-aralan.