Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

Introduksyon

Lahat ng tao ay may gustong puntahan na lugar kung saan sila’y komportable, maligaya at
mapayapa ang pag iisip. Mga lugar na na di mo akalain may makikilala kang babago sa buhay
mo, yung tipong mapapa lugar ka ng di oras.

Katawan

Noong Mayo ng ika-5 2016, nagtungo kami sa aming probinsya sa leyte upang ipagdiwang ang
aking kaarawan. Ito ang aking pinakaunang punta sa aming probinsya kaya di pa ako gaanong
pamilyar sa lenguahe, kamag anak, at lalong lalo na sa ambyans ng lugar sa kadahilanang
laking manila ako.

Unang pangyayari

Pagdating namin sa aming bahay sa probinsya sinalubong kami ng aking lolo at lola pati narin
ang aking mga pinsan na ngayon ko lang nasilayan, syempre napaka awkward pa ng
pangyayari dahil nga hindi ko sila kilala pero unti unti naman kaming nagkakamabutihan at
naging magkaibigan naren, pag ka hapon ng araw na iyon ay pinasyal nila ako sa lugar, sa
kanilang palenge, simbahan, sa park etc. tuwang tuwa ako non dahil napaka payak ng
pamumuhay ng mga tao doon, ang simoy ng hangin ay napaka sariwa.

Pangalawang pangyayari

Kinabukasan dahil ito ay ang aking kaarawan nagtungo ang buong pamilya namin sa dagat at
doon ipinagdiwang ang aking ika 12 anyos, naalala ko pa noon na hindi gaanong kalakas ang
agos ng dagat kayat nag water activity kami mag pipinsan, ang saya sayo ko sa araw na yon.

Pangatlong pangyayari

Ika 30 ng mayo kinakailangan na naming umuwi sa manila, nag pumilit ako sa aking mga
magulang na huwag muna kaming umuwi dahil gusto ko na munang manatili sa probinsya
namin para makasama ko ang aking mga pinsan dahil simula bata palang ako wala akong
nakilala na kalaro sa amin, “Loner” kung tawagin, ngunit hindi pumayag sila mama at sinabihan
nalang ako na babalik naman ulit kami sa christmas kayat sumige narin ako, nagpaalam ako sa
aking mga pinsan, lolo at lola, at saka narin sa mga iba pang batang kalaro ko sa aking pag
stay sa probinsya

Konklusyon

Naging masaya ang aking experience sa pagpunta sa aming probinsya, nakakilala ako ng mga
taong ngayo’y tumatatak na sa aking puso’t isipan, natutunan ko rin ang leksyon na dapat mag
explore tayo hanggat kaya pa natin kailangan natin ng mga taong may magandang maidudulot
sa ating buhay, at maging masaya. “Spend time with your close ones and there you’ll find
true and genuine love and happiness”

You might also like