Filipino Script

You might also like

Download as doc, pdf, or txt
Download as doc, pdf, or txt
You are on page 1of 3

Sa Kubyerta

(Kabanata 1)

(Ipapakita ang bapor tabo na umuusad sa ilog habang bumabangga sa mga kawayan, bulaklak at bato. Ipapakita
ang pagpapangkat-pangkat ng mga taong nakasakay sa pabor. Sa ibaba ng pabor makikita ang mga Indio, Intsik
at mga mestiso. Nagsisiksikan sila dito. Habang ang nasa itaas ng pabor ang mga manlalakbay na Europeo, mga
prayle, at mga opisyal. Nagmamasid sila sa tanawin habang nakaupo sa mga magagagarang silya at nakahithit ng
tabako. Kasama sa mga kalalakihang nadoon sa itaas ng pabor ay si Donya Victorina na nagpapapansin sa mga
kalalakihang kasama niya at si Ben Zayb, isang manunulat. Mabagal ang takbo ng bapor, na ikinagalit ng donya.)

Donya Victorina: Bakit tila lumilihis ang takbo ng bapor? Kapitan, alam ba ng mga timonerong iyon ang
ginagawa nila? (pagalit na wika)

Kapitan: Mababaw na ang parteng tinatakbuhan ng pabor, ginang. (kumindat sa ginang)

Donya Victorina: Bakit ang bagal ng takbo? Bakit hindi binibilisan?

Kapitan: Kung bibilisan natin ang takbo, ginang, ay baka bumangga tayo sa mga bukiring iyon. (turo sa bukirin
sabay dalawang kindat)

(Sa kabilang dako, si Ben Zayb ay nakikipagtalo sa isang prayle.)

Pradre Salvi: Alam mo ba kung ano ang kakayahan ng mga taong mahusay sa agham, Ben Zayb? Halimbawa na
lamang ang lalawigan ng Puerto de Capricho na ginawa ng isa naming kapatid. Hindi na natapos dahil sa
pangungutya ng mgabtaong sinasabi mong dalubhasa sa agham. Ayon sa kanilang mga teorya, hundi matibay ang
tulay. Mapanganib. Hindi matibay. Pero tignan mo naman! Hanggang ngayon, andyan pa ang tulay. Hindi giniba
ng bagyo at lindol.

Padre Camorra: Iyan! Iyan nga ang sinasabi ko! Iyang Puente del Capricho, ang mga dalubhasa sa agham! Iyan
talaga ang gusto kongbsabihin, Padre Salvi!

Padre Salvi: Ngunit hindi ito nangangahulugang wala kang katwiran kagaya ni Padre Camorra. Ang sama ay
nasa lawa.

Donya Victorina: Mukhang wala ngang ni isa mang maayos na lawa sa kapuluang ito.

Simoun: Napakadali lamang ng lunas dyan. Nagtataka ako kung bakit walang sino man ang nakaisip nito.

(Napalingon ang lahat kay Simoun.)

Simoun: Ang lunas ay napakadali. Wala pang magagastang kahit isang sentimo. (Pause) Humukay ng isang
tuwid na kanal mula sa lawa hanggang Maynila. Sa madaling sabi, magbukas ng bagong ilog at sarhan ang
dating Ilog Pasig. Makakaptipid ng lupa at mapapadali ang paglalakbay. Mababawasan ang lupa na bumabarasa
ilog.

Ben Zayb: Isang panukalang Yankee!

Don Custodio: Ipagpaumanhin mo, Ginoong Simuon, kung ako sang-ayon sa iyo. Malaking salapi ang
magugugol. Bukod pa riyon, maraming nayon ang masisira.

Simuon: Pwes, sumira!

Don Custodio: At ang ibabayadbsa mga manggagawa?

Simuon: Hindi na sila kailangan pang bayaran. Gamitin ang mga bilanggo.

Don Custodio: Hindi sapat kung mga bilanggo lang, Ginoong Simuon.
Simuon: Kung ganun, pakilusin ang buong bayan. Mga matanda, ang kabataan, at mga bata. Pagtrabuhin sila ng
tatlo, apat o limang buwan sa halip na sapilitang paggawa ng labinlimang araw. Pagdalhin sila ng sarili nilang
mga kagamitan at pagkain.

Don Custodio: Ngunit, Ginoong Simuon...

Simuon: Harapin na natin ang katotohanan, Don Custodio. Sa ganoong paraan lamang maisasakatuparan ang
mga dakilang gawain sa munting gugol. Nagawa nga sa ganyang paraan ang mga piramide, Lawa ng Moses, at
ang Koliseo ng Roma. Ang mga mamamayan sa iba't-ibang lalawigan ay nanggagagaling sa disyerto dala-dala
ang kanilang pagkain. Kahit sino, matanda man o kabataan, ay gumagawa, naghahakot, at nagpapasan ng mga
bato sa kanilang balikat. Ang mga nabuhay pa at nakatagal ay nagbalik sa kanilang bayan o di kaya'y namatay sa
disyerto. Ang mga mamamayan naman sa susunod na bayan ang papalit sa kanila. Pagkatapos ay mula sa ibang
bayan naman. Ganito ang naging sistema nila hanggang sa matapos ang estuktura sa loob ng maraming taon.
Ngayon, hinahangaan na natin. Naglalakbay tayo sa Ehitpto at Roma at pinupuri ang mga faraon at ang angkan
ni Antonina. Ang patay ay mananatiling patay, ang malalakas ay hahatulan ng mga sanlahi.

Don Custodio: Ngunit Ginoong Simuon, lilikha ng gulo ang ganyang mga hakbang.

(Napahalakhak si Simuon.)

Simuon: Bakit, nag-alsa ba ang mga taga-Ehipto? Nag-alsa ba ang mga bilanggong Hudyo laban kay Tito? Akala
ko pa nama'y may kaalaman kayo sa kasaysayan.

(Dahil dito, 'di na napigilan ng don ang kanyang galit.)

Don Custodio: Ngunit hindi mga taga-Ehipto at mga Hudyo ang iyong pakikitunguhan.

Padre Sibyla: At ang mga taong ito aybhindi miminsan kung maghimagsik. Noong mga panahong ang mga Indio
ay pinilitbna humila ng malalaking kahoy upang gawing galleon, kung hindi sa mga pari...

Simuon: Tapos na ang panahong iyon. Hindi na sila maghihimagsik kahit na sapilitan silang pagawain o patawan
ng buwis. Hindi ba't pinupri mo, Padre Salvi, ang bahay at pagamutan sa Los Baños na tinutuluyan ng Kanyang
Kamahalan? (Pause) Pwes, hindi ba sinabi nyo sa amin na ang mga mga gusaling iyon ay itinayo sa sapilitang
paggawa ng mga taong bayan sa ilalim ng latigo ng isang uldong? Maaring itayo sa ganoong paraan ang Puente
del Capricho. Ngayon, sabihin nyo. May nangyayari ba sa bayang iyon?

Padre Sibyla: Ngunit naghimagsik na sila minsan. 'Ab actu ad posuvalet ilatio', na ang ibig sabihin ay 'kung ano
ang nangyari noon ay maaaring mangyari ngayon'.

(Pahanda na si Simuon na bumaba sa ibaba ng kubyerta.)

Simuon: Kaululan, kaululan! Ang nasabi ko'y nasabi ko na. At kayo, Padre Sibyla, huwag na kayong magsalita
ng unyong Latin na puro kalokohan. Ano ang kabuluhan ninyong mga pari kung makakapag-alsa lang din naman
ang mga tao?

(Bumaba na si Simuon sa kubyerta.)

Padre Sibyla: Isang mulatong Amerikano.

Ben Zayb: Indiong Ingles?

Don Custodio: Isang Amerikano. Maniwala kayo sa akin! (pagalit na wika) Ang Kanyang Kamahalan ang
nagsabi sa akin. Si Simoun ay isang mag-aalahas na nakatagpo niya sa Havana. Sa hinuha ko'y siya ang
nagpahiram sa Heneral ng pera upang makuha ang tungkuling iyon sa Pilipinas. Kaya upang makaganti sa utang
na loob, pinahintulutan syang pumunta rito at magpalago pa ng kayamanan. Napakawalang utang na loob!
Matapos makuha ang mga salapi ng mga Indio! (Pause) Sinasabi ko sa'yo, Ben Zayb!
Ben Zayb: Ganywn nga. Ganyan nga marahil.

Don Custodio: Tignan niyo, bago simulan ang gagawin sa daungan, nagharao ako sanisang panukalang orihinal,
makabuluhan at matipid upang linisin ang putik at buhangin gulod-guluran ng lawa. Ngunit hindi tanggap sa
dahilang may hindi ito maibibigay! Ito! (hand signal)

Tao 1: Maaari bang malaman ang panukalang iyon?

(Nagsilapitan ang mga tao.)

Don Custodio: Kapagbwalang panganib, ibig ninyo akong magsalita at kapag mayroon man ay tahimik kayo.
(Pause) (tinapik si Ben Zayb) Nakakita na ba kayo ng mga pato?

Ben Zayb: Palagay ko'y nakapamaril na kami ng mga iyan sa lawa.

Don Custodio: Hindi ang patong bundok ang tinutukoy ko. Ang tinutukoy ko ay ang mga itik na inaalagaan sa
Pateros at Pasig. Alam mo ba kung ano ang pinapakain sa mga ito?

Padre Camorra: Mga suso, tao ka, mga maliliit na suso! Hindi kailangang maging Indio upang malaman iyan.
Gamitin mo lamang ang mga mata mo.

Don Custodio: Tama, maliliit na suso! At alam mo ba kung saan nakukuha ang mga ito? (Pause) Kung matagal
kang namalagi sa lalawigan tulad ko,malalaman mong nakukuha ang mga iyon sa gulod-gulurang kahalo ng mga
buhangin.

Ben Zayb: At ang iyong panukala?

Don Custodio: Iyan ang tutukuyin ko. Pipilitin ko ang mga bayang magkakanugnog at malapit sa gulod-guluran
ng buhangin na mag-alaga ng mga itik. Makikita ninyo kung paano magpapailalim sa gulod-guluran ng buhangin
ang mga itik. Sisisirin nila ang mga susuo. Iyan ang panukala ko.

Ben Zayb: Mapahihintulutan ba ninyong sumulat ako ng lathalain ukol dito? Kakaunti klang ang nag-iisip sa
bayang ito.

Donya Victorina: Ngunit, Don Custodio, kung ang lahat ay mag-aalaga ng itik, darami ang mga balut!
Nakakadiri! Hayaan na lamang na matuyo ang gulod-guluran.

You might also like