Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Magandang Gabi!

Mga ka barangay Acacia


Ako po si KEVIN CRUZ para sa KAGAWAD
Alam ko po marami sa atin ay busy , nagtratrabaho , nag aaral, nag aalaga ng pamilya kaya
simplehan lang po natin ang pagpapaliwanag ng aking PLATAPORMA.
Lagi lang nating tatandaan Ang aking pangalan. KEVIN (K - E- V- I- N )

K Para sa Kabataan. Bilang na-atasan sa INFRA, ng ating Team Zonio, uunahin natin Ang
kaligtasan ng kabataan, at ng ating mga kabarangay
 ATING palalagyan ng mga CCTV at ilaw sa bawat iskinita at kalsada ng ACACIA para
bente kwatro oras namin kayong mababantayan.
 BILANG isang magulang din, Kaligtasan ng ating mga anak Ang parating uunahin.
 Hindi na kayo matatakot mag lakad sa ating mga sidewalk, kahit pa gabi na dahil alam
natin na silay ligtas.

E- para sa ating mga Taga Excess lot. Nung kami Po ay nag iikot sa acacia, Nakita ko ang lagay
ng mga taga excess lot kayat TUTULUNGAN. Po natin Sila sa paraang ng pag sasaayos ng mga
Daanan, kanilang drainage, ilaw at iba pang mga projects sa INFRA para sa kanilang kaligtasan
at kaayusan.

V- voice of the people. AKO Po Ang inyong magiging boses sa barangay. Kapag tayo ay naging
kagawad tutulungan ko kayong maiparating sa ating KAPITAN ZONIO ang inyong mga
suggestions at hinain.

I- para sa Improvement ng buong Acacia. Aayusin natin ang covered court para Hindi na nag
babaha para ito sa ating kabataan at magamit ng mga Taga excess lot kapag mayroon sakuna.
Hindi Yung Court pa Ang unang binabaha. Ito po dapat ay kanila ring maging silungan sa
panahon ng pangangailangan. Gusto ko rin pong ipunto na Ang pag ba-basketball o ano mang
mga sports ng kabataan ay hindi lang basta pag aaksaya ng oras dahil ito ay isang paraan para
maiwasan din ng kabataan ang masamang bisyo kasama parin dapat ang gabay ng kanilang mga
magulang.

N - para sa Nutrisyon, isang beses kada linggo magkaroon Po Tayo ng feeding program sa
buong Acacia.

Ngunit, Hindi Tayo titigil lang sa feeding program , KUNDI mag lilikha din Tayo ng mga
programa para sa kanilang mga magulang pang-hanap-buhay.

KAYAT maraming salamat Po sa inyong pakikinig MULI


Ako si KEVIN CRUZ PARA KAGAWAD AT wag po nating kakalimutan na
NASA BOTO MO ANG TUNAY NA PAGBABAGO

You might also like