Learning Plan - Fil 4 - Pang-Uri

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 2

SANTIAGO CULTURAL INSTITUTE

LEARNING PLAN
FILIPINO 4
November 14, 2023
1:00 pm-2:00 pm

I. PAKSA: PANG-URI

II. MGA LAYUNIN:


ang mga mag-aaral ay inaasahang:
a. Nakikilala ang pang-uring naglalarawan sa tao, hayop, lugar, bagay o pangyayari;
b. Nakikilala ang mga pang-uri at mga salitang tinuturingan nito sa pangungusap; at
c. Nagagamit nang wasto ang pang-uri sa paglalarawan ng tao, lugar, bagay at pangyayari
sa sarili o sa ibang tao.

III. MGA SANGGUNIAN: Pinagyamang Pluma 4, pahina 126-129.

IV. PAMAMARAAN

MGA HAKBANG MGA GAWAIN


• Ang mga mag-aaral ay magkakaroon ng isang
PANLINANG NA GAWAIN maikling laro, ang “Charades”. Ito ay magiging
• PAGGANYAK pangkatang gawain. Ang bawat pangkat ay
kailangangang mamili ng miyembro na siyang
magsasakilos ng ng mabubunot na salita. Paramihan
ang bawat pangkat sa paghula sa loob ng naibigay na
oras ng guro. Ang pangkat na may pinakamaraming
nasagot nang tama ang siyang mananalo.
• Ipatukoy sa mga mag-aaral ang mga salitang kanilang
hinulaan.
• Mula doon ay maipapakilala ng guro ang aralin sa araw
PANIMULA na iyon.
• Hikayatin ang mga mag-aaral na magbigay ng
halimbawa ng pang-uri sa pamamagitan ng paggamit
nito sa pangungusap.

• Tatalakayin sa klase ang pang-uri.


PAGLALAHAD/PAGTALAKAY • Gamitin bilang halimbawa ang mga pangungusap na
nabuo ng mga mag-aaral.
• Isa-isang ipatukoy sa mga ito ang mga salitang
tinuturingan ng pang-uri sa pangungusap.

Gawain:
• Papuntahin ang mga mag-aaral sa kanilang pangkat.
PAGLALAPAT/PAGLALAHAT Paramihan ang bawat pangkat ng pagsusulat ng mga
pang-uri mula sa naibigay na oras.
• Papuntahin ang mga mag-aaral sa harapan upang
ibahagi at basahin ang kanilang nasulat.
• Iwawasto ng guro ang kanilang kasagutan.

Values Integration: Paggamit ng wastong gramatika.

Takdang aralin: Basahin ang tungkol sa karaniwan at di-karaniwang Pandiwa sa pahina 81-82
sa aklat.

Ipinasa ni:

STEPHANNY J. LOPEZ
Subject-Teacher

Ipinasa kay:

ENGR. JAIME I. GO, MAED


Principal

You might also like